diff --git "a/data/paragraph-level_34auth.csv" "b/data/paragraph-level_34auth.csv" new file mode 100644--- /dev/null +++ "b/data/paragraph-level_34auth.csv" @@ -0,0 +1,4967 @@ +author,sentence,Aurelio Tolentino,Jose N. Sevilla,Mariano Sequera,Jose Maria Rivera,Juan Serrano,Engracio L. Valmonte,Andrés Pascual,Fr. José Rodriguez,Joaquín Tuason,José Morante,Patricio Mariano,Apolinario Mabini,Balbino B. Nanong,M. Lucio y Bustamante,Pura Medrano,Honorio López,José Rizal,Cleto R. Ignacio,Pascual de Leon,Pilar J. Lazaro Hipolito,G. B. Francisco,Angel De los Reyes,José R. Francia,Hermenegildo Cruz,Fausta Cortes,graf Leo Tolstoy,Modesto de Castro,Francisco Balagtas,Sofronio G. Calderón,Juan Lauro Arsciwals,Rosauro Almario,Juliana Martinez,S. A. D. Tissot,Ismael A. Amado +Aurelio Tolentino,"kabinataang bagong sumisibol, itong abang lagda sa iyo'patunkol. pakatandaan mo itong mga hatol na dangal at buhay ng lahat ng dunong. ang pagpipitaga'pakikipagkapua ay siyang sagisag ng pagka dakila; kapag sa sinuman ito ay nawala, iyan ay di dapat, humarap sa madla. di sukat ang ganda, di sukat ang yaman, di sukat ang dunong at lahat ng inam; kapag ang sagisag na aking tinuran ay siyang nawala, ang lahat ay kulang. ang pagkamabait, ang pagka mahinhin, ang pagka matapat at anyong butihin ay siyang palamuting sa tuina'dadalhin, ang iyong ugali upang magluningning. sapul pa ng ikaw ay batang maliit may tungkulin ka ng lubhang mahihigpit, gaya ng huag bigyan ng munting ligalig ang kawawang inang sa iyo'ninibig. ikaw ay lumaki at lumaki naman ang iyong tungkuling akin ng tinuran: ng una'ang iyong mundo ay kandungan ng inang malugod, ngayon ay ang bayan. pipintuhuin mo'panuyuang kusa ang iyong magulang na mapag aruga, sila'pangalawa ni poong bathala na dapat igalang sa balat, ng lupa.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"may mahal pa kaya sa hiningang tangan? ang iyong hininga sa kanila'utang. ang pinagpalaki sa iyo'paghirang, puyat, pawis, hirap at sampu ng buhay. ang kahima'sila ay nangahihimbing, kapag naingit ka sila'gumigising; kinandong kandong ka at inaliw aliw at pinalayawan ng saganang lambing. sa gayong kalaking utang na tinangap mo nga sa kanila'anong ibabayad? alayan man sila ng lahat ng lingap, kulang at sa utang mo nga'di pa sukat. salamat na lamang at di maniningil, ang puhunan nila'di ibig bawiin; sakali ma'sila ay alalahanin ng kahit bahagya'malaki ng turing. pagkagising mo na ay agad ng hagkan ang pisngi ng ina'ang sa amang kamay, kasabay ng bating malugod na inay! sa ama'gayon din, ang bati ay tatay! kung matutulug na saka uulitin ang halik at bating paalam ng lambing; nguni'sa tui tui na ito'bago gawin, ang kailangan nila muna'siyasatin. kung sakaling ikaw ay mapangusapan, sa ano mang bagay kaya'parusahan, ay ipag saya mo'darating ang araw na matutunayang iyo'pagmamahal.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang mga inali, at ang mga mama, at ang ina ama,ini ina kaya, at ang mga nuno, at ang matatanda ay kailagang lubos na pintuhuin nga. at ang mga iyong lahat na kapatid ay pakamahalin ng boong pag ibig; sa mga alila ay huag magmasungit pagka'sila'kapua, dukha lamang tikis. sa lahat ng tao'lubos magpitagan, ng upanding ikaw naman ay igalang; sakaling sa iyo sino ma'magkulang, kahabagan siya'pagdaka'talikdan. ang maestro'siyang pangalawang ama, ang maestra nama'pangalawang ina, kaya dapat nganing pintuhuin sila at mahaling lubos ng boong pagsinta. binalankas lamang, kung baga sa bahay, ang iyong ugali ng iyong magulang; nguni'ang maestro'siyang nagbibigay ng dakilang gangda'mga kasankapan. dahil sa kanila ay maihaharap ang iyong ugali sa sino mang pantas, sa pagka'sa dunong ay hindi nga salat, sa lusok na asal nama'hindi hubad. at katunkulan mong lubos na mahigpit sa iyong pag aaral ang pagsusumakit; ang lahat ng turo nila'isa isip, sa lahat ng hatol nila ay manalig.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"nangunguna sila'ang dala ay ilaw sa landas ng iyong madilim na buhay; tanang hakbang nila ay malapit sundan, ng upanding ikaw ay huag maligaw. pagbabangon mo na'agad maghilamos, magpunas ng kamay at saka magmumog, maglinis ng ngipin, maghusay ng buhok, damit na pangbahay pagdaka'isuot. pagkatapos nito ay agad ganapin ang datihang iyong katunkulang gawin, at maminsan minsa'ang kuko'putulin at saka maligong magkubli sa tingin. ang babayi'dapat ayusin ang bahay, linisin ang sahig sampong kasankapan; sa kani kaniyang dako ay ilagay ang lalong maliit na ari arian. bahay na maayos ay parang salamin ng nagawing buhay sa pagka mahinhin; bahay na magulo'nagpasabing tambing ng ugaling salat sa turong magaling. kailangang harapi'siyasating lahat ang sa pamamahay gawang nararapat, at huag sayangin ang kabit nang oras, magagawa ngayo'huag ipagpabukas. mga kasankapang iyong magagamit, kung saan kinuha ay isawling saglit; huag pabayaang masira'mawaglit, pinuhunan dian ay maraming pawis.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan, ang walis, pamunas, lamesa'upuan, tanang kasankapang kaliit liitan may kani kaniyang dapat na kalagyan. makita mo'kahit iisang karayom na kakalat kalat kaya natapon, pulutin mo agad at ilagay doon sa kung saan dapat, sa lalagyang ukol. karayum ay mura'walang kasaysayan, nguni'hindi ito ang siyang kahulugan: karayum na wala sa dapat kalagyan ay nagbabalitang musmos ang may bahay. ang damit na iyong dapat na isuot ay huag ang masagwa'huag ang dukhang lubos ang tipon ng ganda'inam na tibubos na sa katamtamang sa kulay ay ayos. kailangang sumunod sa ugaling moda, nguni'huag lumampas ng di tawanan ka, at huag kang magsuot ng hindi mo kaya: ang mahal ay pangit sa dukhang talaga. paka ingatan mo ang iyong pananamit. ng huag madungisan at ng di mapunit; mainam ang luma, kung buo,malinis, kay sa bagong wasak may duming bahid.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"marikit ang murang hiyas kay sa mahal, kung ang gumagamit ay dukha ngang tunay; ang dukhang magsuot ng aring maringal kahit man binili, parang hiram lamang. kahit na sa bahay ay dapat magsuot ng damit na puting talagang pangloob, at huag mong gayahan ang asal na buktot sa gawing malinaw. hubu'hubad halos! limutin ang cotso, at magbotitos ka, ang paa mo'binti upang huag makita: babaying may puri di dapat magtinda ng dapat itago sa alin mang mata. botitos ay mura, bukod sa mainam, at talagang dapat sa mahinhing asal; cotso'sapatilya ay napakamahal, sa may hiyang paa talagang di bagay. di mo masasabing mahal na tibubos, sapagka,matibay kung gawang tagalog: ang tatlo mang cotso'masisirang sunod bago makawasak ng isang botitos. at gayon din naman ang medias ay mura, nguni at mahal ma'dapat bumili ka: iyan nga ang tabing, sa mata ng iba, ng binting ma'dangal at ma'puring paa.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"maging sa bahay ma'maging sa lansangan ay huag mong limutin ang panyong alampay: alampay ay siyang tabing na tangulan ng dibdib mu'batok sa mata ng bayan. kalsonsilyong puti na hahangang tuhod ay dapat gamiting damit na pangloob, ang puri mo'upang di sumabog sabog sa mga hagdana'lilipatang bakod. ang tapis ay huag mong limutin kailan man, sa bihis tagalog sadyang kasangkapan: ang baro at saya kahit mura lamang ay ako ng tapis, kung ma'sadyang inam. huag kang maniwalang nagbuhat ang tapis sa kakastilaang dito ay sumapit: mga nuno natin ng tapi'gumamit, tapis ay nangaling sa taping binangit. paka ingatan mo ang gawang magbihis, ang sama at buti'dian masisilip; diyan nahahayag ang tinagong bait, diyan nababasa ang gawi at hilig. sa lahat ng mga pakikipanayam ang nagsasalita'mabuting pakingan, sapagka at lubhang kapangit pangitan ang di pumapasing sa kasalitaan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ikaw ay papakli, kung dapat sumagot, ng magandang bigkas, salitang malambot: ang banlang sabihin ay kuruing lubos, baka may mapaltik sa mga kaumpok. huag magbulaan sa alin mang bagay, palatuntunan mo'ang katotohanan; ngunit sa taya mo'kung may tatamaan, mabuti pa nganing huag ka ng magsaysay. huag mong sasabatin ang nagsasalita paka ilagan mo ang gawang manumpa, at kung tatawa ka'huag lakasang lubha ang tawang malakas ay sa taong dusta. kung ma'nagsasabi ng salitang buhay, batid mo man kahi'ay dapat pakingan, at huag mong sabihing alam ku na iyan ito ay malaking lubhang kapintasan. magpakailan pa man ay huag kang sumabat ng wikang mali ka sabi mo'di tapat sakali mang mali ang ating kausap, kailangang sagutin ng lubhang banayad. ang pakli'ganito naging iba lamang, ng hindi pu kayo ang siyang nagsaysay ng gayon, ay di ko paniniwalaan sapagka'. saka ka naman mangatwiran.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kung ang katalo mo ay ayaw duminig sa sinasabi mong tunay na matwid, at sumasagot pang bagkus nagagalit, hayaan mo siya', huag ka ng umimik. datapua,sakaling ang makausap mo ay sadyang mabait, talagang may tuto, at sa iyo'sabihing ipatawad ninyo itong ipapakling abang palagay ko. ito,sagutin mo ng boong pitagan, ng boong pag giliw, gaya ng tuturan ituluy pu ninyo'kikilanling utang ang pag akay ninyo sa aking kamalian. at magpakailan man ay huag mong sabihing ang sabi ko'hindi ninyo napaglining . kung di ang ganito malabu marahil ang sinalaysay ko: aking uulitin . kung saka sakaling purihin ka naman, ay huag mong sagutin ng wikang mahalay, na gaya ng pakling iyan po'tuya lamang, iyan po'isang biro'kasinungalingan . ganito ang iyong mga sasabihin iyon po'karangalang di sukat sa akin; ngunit dahil diya,aking pipiliting ang pagkamumus ko'papaging dapatin .",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang bagay na lihim ay huag mong ihayag, at sa kata kata ikaw ay umilag, at huag mong purihin ang iyong kausap, at huag mong libakin ang di mo kaharap. piliin ang oras sa mga pagdalaw, at di ang sa gawing pagkaing agahan, di ang sa tanghali, di ang sa hapunan, di ang sa pagtulog at gawang kailangan. mga karaniwang dalaw ay sa pista, sa araw ng lingo kung walang gambala, at ang oras namang pinaka maganda ay kung ang hapunan ay naidaos na. ang dalaw na mga bigay loob lamang ay dapat humiksi, ang gayo,kailagan, at pagpilitan mo ang huag magpaliban ng lubhang maluat at iyong bayaran. sa alin mang pinto bago ka pumasok ay huag magmadali'marahang tumugtog; ang dinadalaw mo'sakaling nanaog, ikaw ay magsabi ng ganitong ayos. wala pu ba naman silang dinaramdam pagsagot ng wala salamat na lamang utang na loob po'ipagbigay alam na kanila itong ninais kong dalaw . at tuloy kami po'ipag maka ano. sa kanilang dangal .",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"nguni'kung sa iyo sabihin ang gayon, ang isasagut mo'aking tutuparin ang utus pu ninyo . sa gayo'agad ng ikaw ay magpaalam, isa mong tarheta'huag na di mag iwan; baliin ang isang sulok na alin man utang na loob po, ito ay iiwan . sakaling marami ang mga panauhin, yukuan mo sila'pagdakay batiin magandang gabi po ang iyong sabihin, saka ang may bahay ay lapitang tambing. pagdakay iabot ang kanan mong kamay, at ang kamay niya'upang mahawakan, anu po ang atin? ang inyong may bahay at mga kasama anu po ang lagay mabuti po naman at walang may sakit, at kayu pu naman? ang sagot ay kahit sa alin mang oras ay handa pong tikis na mapag utusan sa kayang maliit . kung may kasama kang di kilalang tao ng iyong kausap, agad iharap mo, sila po'kaibigan: ikadadangal ko ang sila'iharap ngayon po sa inyo .",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"at ang iniharap naman ay sasagot bagong tagasuyong napahihinuhod at sumasa inyong balang ipag utos salamat po'kami ay gayon ding lubos kung may kaibigan ka sa mga dadatnan, ang iyong kasama'iharap din naman; datapua'huag mong gagawin kailan man, ang di mo kilala'agad kakamayan. lalo at marami ay lubha ngang pangit na sa bawa'isa ikaw ay lumapit; yukuan mo lamang sila ng marikit saka mo batiin ng boong pag ibig. ang kasankapan mo'sakaling batiin, ialay mo agad ng wikang magiliw. walang kasaysayan, palibhasa'akin, ngunit ang akin po'lubos na inyo rin . ang iyong kausap kung hindi mo alila ay ipauna mo sa pagsasalita: kayo po at ako at di mawiwika ang ako po'kayo pagka'hindi tama. at kung marami nga ay gayon din naman, ikaw din ang siyang kahuli hulihan. ganito: kayo po, si mameng, si ninay, si pepe at ako ang napagtanungan . ang mga pamagat ay huag mong sambitin lalo na kung pangit at masamang dingin, na gaya nga nito: si daniel na duling, si titay na bungi, si kulas na tikling .",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"mga halintulad ay paka ilagan kung nakadudusta aku po'nawalan; halimbawa ngayon kayo ang nagnakaw. ang gayong salita'kasama samaan. sa mga palalo ay huag kang gumaya, walang bukang bibig kung di ang kanila: ako po'ganito ako po ay iba ang gayon salita'pangit na talaga. kung ang kausap mo sinu man kaya ay namaling hindi talagang sinadya, pagtakpan mo'parang hindi nahalata ng upanding siya ay huag mapahiya. pakikipagtalo ay iyong ilagan; nguni at sakaling mahirap iwasan, ay salaysayin mo ang iyong katwiran ng sabing malambot at katotohanan. kung paupuin ka ay iyong piliin ang huling upuan: ngunit kung sakaling ang lusok na dako sa iyo'ihain, ay huag kang magtuloy kung di ka pilitin. kung isang babayi ang siyang dadatal lahat ng dadatna'dapat magtindigan; sagutin ang bating kaniyang binitiwan, lusok na upuan sa kanya'ialay. ngunit kung lalaki ang siyang darating, ay lalaki lamang ang tatayong tambing; ang mga babayi'nangaka upu ring sasagot sa bati ng wikang magiliw.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"dapat na maunang mag alay ng kamay ang nakatataas sa pagkakamayan; sa mga batian ay gayon din naman, di sukat mauna ang natataasan. kaya ang babayi'siyang nararapat mag alay ng kamay sa makakau sap sapagka'saan mang mga paghaharap, ang babayi'siya ang nakatataas. gayon man ay dito'nakagawian na ang mga lalaki'siyang nangunguna. babayi'lalaki kung kakamayan ka, kamay mo'madaling ibigay pagdaka. ingatan mong ikaw ay huag magdaan sa gitna ng kahit alin mang harapan; nguni at sakaling lubos na kailangan, hingin ang kanilang kapahintulutan. at huag kang humukut na gaya ng iba na ang kanang kamay ay iniu una: tuid ang katawan maari pu bagang ako ay magdaan magtuluy pu sila . at sakaling ikaw nama'may gagawing sandali sa labas, ay iyong sabihin ng boong pitagan ipagpaumanhin pu nila'sandaling sila'lilisanin . sa pagpapa alam ay iyong magagamit ang mga sinabing pag upo'pagtindig; at kung ikaw naman ang siyang aalis, sila ay yukuan ng anyong marikit.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kami pu,paalam sa kanilang lahat, mag utus pu sila sa lahat ng oras . magandang gabi po . kamayan mo agad ang mga may bahay, gayari ang saad. ang amin pung dampa ay inyo ring tunay na sa gayong daan at gayon ang bilang. hinihintay naming kami'parangalang palagi ng inyong malugod na dalaw . sagot ng may bahay naman ay ganito: inyo na pung alam itong bahay ninyo, ninanais naming kayo,pumarito, upang sa tui tui na,masuyuan kayo . nasabing may bahay kung sadyang may nais makipagkilala sa iyo ng mahigpit, katunkulan niyang dalawin kang tikis sa loob ng tatlong araw di lalabis. at sakaling siya sa iyo'dadalaw, ikaw sa kaniya ay magkakautang; tadhana'sa loob ng wawalong araw siya'dalawin mo'itoy karampatan. kung uubuhin ka babahin kaya, gayon sa pagdahak saka sa paglura, ay dapat lumingon sa dakong kabila, ang iyong kailangan upanding magawa. kublihan pagdaka ng panyo ang bibig, upanding ang dumi ay huag tumilansik: ang mukha mot labi'pahirang malinis, at kailan may huag kan lumura sa sahig.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"sa lahat ng pulong ay lubos na bawal ang pagsasalita ng mga mahalay, gayon din ang bulok na kadumal dumal ay huag mong sabihin at paka ingatan. at huag kang mag higab, at huag mag antok at huag kang mag unat, at huag mag kamot, at huag kang mainip at lumingos lingos, ito'lubhang pangit at lisya sa ayos. ang anu mang tangan ng iyong kaharap, na gaya ng paypay, sakaling malaglag, pulutin pagdaka'isauli mo agad, iabot ang tatangnan, sa dulo ang hawak. ang alin mang pintong iyong dadaanan, kung datnan mong bukas, bukas mo ring iwan, at kung nakasima, isima mo naman, ito'siyang turo ng dakilang asal. ang kahit sinu man sa mga kalikom sa alin mang pinto, ay makasalubong, dagli mong yukuan at saka umurong, at iyong sabihing sila po'magtuloy . ngunit kung sakaling umurong din siya at pipilitin kang ikaw ang mauna, kung hindi rin lamang natataasan ka, pasalamatan mo at magtuloy ka na.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang kahit man sino ang sa iyo'dumalaw ay iyong ihatid hangang sa hagdanan: sakaling madilim ay iyong tanglawan hangang na sa loob siya ng bakuran. ang iyong kaibiga'kung magkakasakit, ay manaka nakang dalawin mong saglit; at kung datnan siya ng mga ligalig, gayon di'dalawin, aliwin sa hapis. sa araw ng binyag kapanganakan ng iyong matalik na mga kaibigan, sila'batian mo ng masayang liham, mahiksi ang sukat, nguni at malaman. at gayon din naman sa pag aasawa, sa panganganak na lubhang ginhawa, at sa lahat na ngang dapat ipag saya, sila ay padalhan ng liham pagdaka. kung patutungo ka sa alin mang bayan, lalo'sa malayo'lubos na kailangan, bago ka umalis muna'magpaalam sa kaibigan mo'iyong katunkulan. nguni at kung ikaw naman ay dumating, katungkulan nilang ikaw ay dalawin, sapagka'kailangang kanilang sabihing sila'nagsasaya'umuwi kang magaling.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kung mapithaya ka sa alin mang piging, huag kang magpauna sa ibang panauhin; ngunit huag ka namang mahuling dumating: isipin mong ikaw ay doon hihintin. sa mesang pagkain kung tumatawag nga, hayaang mauna ang mga dakila; at gayon din naman huag kang magkusang maunang tumikim sa alin mang handa. huag kang magmadali'ang subo'huag lakhan ang ulam ay huag mong amuyan hipan; ang mga kubiertos ay paka ingatan, upang huag kumatog na lubha sa pingan. huag mong titigan ang alin mang hain, at gayon din naman kasalong panauhin paka ingatan mo'huag sasambitin ang bagay na baka nakaririmarim. ang iyong mga siko ay huag mong isampa magpakailan pa man sa kakanang mesa, kahit anong ulam ay huag humingi ka, huag namang pintasan ang kahit alin pa. kung di mu man ibig ang dulot na hain, kahit kakaunti ay kumuha ka rin; magpakailan pa man ay huag mong sabihing ang ganyan pong ulam di ko kinakain .",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang pagsasalita, kung puno ang bibig, ay bawal na lubos sa dakilang bait, at gayon din naman ang sadyang pag gamit ng dalawang panga sa pagkai'pangit. huag mong paapawin ang baso copa ng tubig alak at kahit anu pa; bagu ka uminom pahiran mu muna ang iyong mga labi ng laang servilyeta. kung maka inom na ay gayon din naman ang mga labi mo'pahirang agapan; at huag kang umihip wari alinsangan, ang gayo,bawal nga sa dakilang asal. at kung alayan ka ng iyong kasalo ng alak kaya maging kahit ano, sa di mu man kanin ay tatangapin mo at pasalamatan ang alay sa iyo. at kung may dadatal na ibang panauhin, lalot kakilala'anyayahang tambing. huwag kang sumubo at siya,iyong hinting makapasok muna at kayo,lisanin. kung kayo'magtipon upanding mag aliw, ikaw ay magsaya, ngunit magmahinhin. pinaka matanda ay papamiliin ng larong mainam na inyong gagawin. sa alin mang laro ay huag kang magdaya at huag ka rin namang mag ingay na lubha. kung may alanganin dapat pahatul nga sa hindi kalarung mga matatanda.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"at kung may dumating na iyong kaibigan, sinu man kaya, lalu at marangal, ang ukol sa iyo sa kaniya'ialay ibig pu ba ninyong makipag aliwan sakali at ikaw ay siyang manalo, sino man ang kulang ay huag singilin mo, at huag mong sabihing magbayad po kayo pahiwatig lamang ang kulang ay sino isang nananalo'di dapat umalis, kung di may malaking dahilang mahigpit; nguni at ang talo ay makatitindig at huag magpakita ng kaunting galit. kung nananalo ka ay huag kang magdiwang kung natatalo ka'huag magngitngit naman, sa laro'madalas mahalatang tunay ang walang magaling na pinag aralan. babayi'di sukat lumakad sa daan ng walang kasama at pangit na tignan. ngunit sa lalaki ay hindi kailangang mapag isa kahit saan mang galaan. sa alin mang dako na ukol sa madla ikaw ay magbihis ng hindi masagwa; nguni at huag naman ang napakadukha, kaya marumi, kung dili may sira.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"at kung babayi ka, huag mong pakapalan mukha mo ng pulbos, pagka'di mainam: manipis na pahid marikit na tingnan, ang kinang ng balat huag na di maparam. may iinam kaya sa kulay ng balat nating kayumangi'makinis, maligat? pintor at poeta'iyan ang pangarap sapagka'nandiyan ang buhay ng dilag. paka ilagan mo ang satsat at daldal, gayon din ay huag kang magdunung dunungan; nguni at huag namang parang piping tunay pagka'ito'tanda ng pagka walang muang. kung may kasama kang dapat na dangalin ikaw ay lumagay sa kaliwang piling, at kung sa banketa'gumilid kang tambing sa dako ng bakod siya'padaanin. kung masalubungan ang isang babayi sa mga banketa na aking sinabi ay dapat gumilid ang isang lalaki bumabang saglit, ang gayon ay puri. maging kahit sino ang iyong masundan, kung ibig mong siya'iyong malampasan, ikaw ay bumaba gumilid lamang, sa dako ng bakod ay huag kang magdaan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kung ang kasama mo ay may makausap na wari ay lihim lumayo kang agad, upang huag sabihing nakikitalastas ka nga sa usapang di dapat mahayag. kung kayo ay tatlo sa mga galaan ay igitna ninyo ang itinatanghal, nguni at kung kayo'magka isang dangal, magka kulay damit sa tabi ay bagay. at gayon din naman ang magkasintaas, sa dalawang tabi sila nararapat, ang isang mababa kaya matankad ay siyang igitna, ang gayon ay sukat. kailangan ngang lubos na iyong isabay sa mga kasama ang iyong paghakbang kung kayo'titigil, ang iyong katawan at ulo'itayo ng anyong mainam. kung sa mga pinto ikaw ay papasok, hakbangan landas na sadyang makipot, kung may kasama kang dapat na ilusok, paunahin siya'ikaw ay sumunod. sa mga karuage at mga, kalesa kung kayo'nasakay ay huag kang mauna; sa piling na kanan paupuin siya, sa dakong kaliwa doon lumagay ka. nguni at kung kiles ang inyong sasakyan lalut apat kayo'huli ka rin naman; sila'paupuin sa dakong unahan, sa tabi ng pinto doon ka lumagay.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"paghintu na ninyo at kayo'bababa, ikaw ay maunang umibis na kusa. kung siya'babayi kaya matanda, agad mong abutin alalayang lubha. babayin tumitindig sa kaniyang upuan at anyong aalis, may paroroonan, ang iyong pagsuyo pagdaka,ialay: ikadadangal kong kayo po'samahan . ito'kagawian sa asal dakila, maging sa dulaan, maging sa pag gala, maging sa pagkain kung uupu na nga, sumaliw sa piano tumugtug kaya. pagka'sa babayi'pagdusta ngang tunay ng isang lalaki kung hindi samahan; kaya,ang babayi'nararapat namang lalaki'huag hiyain at pasalamatan. at kung hindi gayo'mapipintasan ka, mangmang na babayi, walang munting sigla, para kang babayin bundok na talaga, sa ugaling bayan ay di pa bihasa. huag mong gagayahan ang mga pintasin ang balang makita'agad susukatin: gumagawa nito'iyong mga haling na hindi nag aral ng pagka mahinhin. kung paparoon ka sa mga sayawan, sa mga teatro'mga kapisanan, pakatandaan mong iyong katunkulan ang lalong mabining pagkamatimtiman.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"sa alin mang bagay na sadyang di pangit ay huag mong hiyain ang sino man kahit; magbigay loob ka, na di mo man ibig, upang purihin ka ng mga mabait. alin mang religion ay huag mong tawanan mga dasal nila ay pagpitaganan. ang mga ugali sa alin mang bayan gayon din ay dapat na iyong igalang. ang sa protestanteng ginagawang kulto, at ang kay mahoma, at ang kay confucio, at ang sa iglesia filipinang bago ay iyong igalang, sampu ng romano. ang ugaling moro, ang ugaling insik, ang sa amerikano, ang sa mga ingles, kastila,aleman, ang sa taga bukid at kahit alin pa,igalang mong tikis. ang iyong religion ay kahit alin man at ang iyong ugali,dalisaying tunay: hayaan ang iba,huag ipagputakang lahat ay masama,ang iyo'mainam. sa harap ng iba ay huag kang magbihis, magputol ng kuko, maghilod, mag ahit, huag kang magpabahin, magpunas, magwalis at ang magpaputok ng daliri,pangit.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"bawal na totoo sa dakilang asal sa harap ng iba'makipagbulungan; nguni at lalu pang kasama samaan ang nakikibasa sa bukas na liham. at gayon din naman ay masamang lubos ang sa sumusulat kusang panonood; ang sa nag uusap naman ay manubok ay pangit na lubha at asal na buktot, sa harap ng iba ay huag kang bumahin ng napakalakas, sapagka'pangit din. ang labi mut kuko ay huag mong kagatin, ang mga paa mo'huag pakinigin. huag mong gagayahin ang asal mababa ng sa bawa'bigkas, isang panunumpa ang mga mahalay salitang salaula na gaya ng kulog!. ay kahiya hiya. magmatimtiman ka sa mga harapan, ang masayang mukha'lubos na kailangan ikaw ay ngumiti ng maminsan minsan at kung matawa ka ay huag mong lakasan. kung nakatayu ka'may kakaharipin, ay huag kang sumandal sa pinto dingding; ang mga kamay mo'huag may butingtingin, ang dalawang paa'itayong butihin.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kung naka upu ka'ang iyong mga hita ay huag pagpatungin sapagka'pangit nga at huag mu rin namang paunating lubha ang iyong mga paa sa may dakong gitna. sa usapang di mo lubos nalilining, ay huag kang sumisid ng lubhang malalim: ikaw ay pumakli, kung bagat may dahil; ang bawat bigkas mo'timbanging magaling. ang kahima,sino,huag mong pagmamasdang parang sinisiyasat: ang gayon ay bawal; nguni,titingnan mong sandali kung minsan, ng di parang iyong pinagmamalakhan. pintasan ang mga birong matutulis, nguni at kailangan ang huag kang magalit: kung di magsitigil, ay huag kang dumingig, humanap ng ibang iyong makaniig. ang ganda ng iba,huag mong kaingitan, at gayon din naman ang sa ibang yaman; subali kung siya kay sa iyo,mainam, ay ipagtapat mong mainam siyang tunay. ang na ito ay akma sa lahat ng marangal na ugali sa sanglibutan. dalaw na bigay loob ay ang unang pagdalaw sa isang nagaanyayang dalawin sa kaniyang pamamahay.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang salitang ipagmaka ano ay siyang katuturan sa tagalog na dalisay ng maling salitang cumusta na nangaling sa wikang kastilang como esta ang kahulugan ng bali ng tarheta sa alinmang apat na sulok ay dalaw. hindi ang pagyukung pangit na anaki ay natatakot nahihiya, kung di yaong magandang kilos na bahagyang hutok ng baiwang, kaunting pagbaba ng ulo at masayang mukha. ang salitang ay nagagamit ng kahit, iisa'walang kasama, at siyang palaging kagamitan ng mga maririkit managalog, gaya rin ng salitang na ginagamit at ipinapalit sa salitang . sa katunayan nga ay marikit pakingan ang kay sa. marikit pakingan ang magtuloy po dine sa kay sa magtuloy pu dini sa. kung hindi pa nalalaman ng pinagpapa alaman ang pangalan ng nagpapa alam, ay kailangan sabihin. miguel bantog at esther dalisay. mga piling kaibigan. tangapin pu nila ang masigabong tua na ambag niaring loob sa ikaliligaya hangang buhay nang kani lang malugod na pagiisang puso.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,ninanais ku po ng taimtim sa calooban na abuluyan sila ng langit ng saganang biaya. feliza ilawdagat octubre. jacob pinkian. piling katoto: hinatdan kita ng masayang paonlak dahil sa paglusok mo sa iyong pinapasukan. ninanais kong ikaw ay dumakila sa ikadadangal nitong ating lupang tinubuan. sumasa iyo. abdon sinagaraw octubre. concepcion panghalina mahal na ginoo: uma anib pu ako ng tunay na pagdamay sa kahapisang inilagak sa inyo ng kamatayang sumamsam ng mahalagang buhay ng inyong nasirang kapatid. sumalangit nawa siya! mag utos pu sila. alberto maningas octubre. ninay na giliw: binabati kita ng boong tua dahil sa araw ng iyong kapanganakan. uma anib ako sa iyong malugod na kasayahan at ninanais ko ng taos sa puso na lumawig nawa ang iyong buhay sa gitna ng lalong maligayang kapalaran: tangapin mo ang aking masintahing halik. ang iyong iday. octubre.,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"mahal na ginoo: ikinadadangal ku po ang aking pag anib sa inyong malugod na kasayahan, dahil sa malubay na pagsupling ng inyong giliw na asawa. ninanais kong ang bagong supling ay lumago, mamulaklak at magbunga sa ikagiginhawa ng bayan. na sa pagpipitagan, leonardo tagabundok.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ilang ilang niao'buwan ng diciembre at ang malamig na simoy ay umaanyaya sa tanang na sumangap ng maligayang sandaling iniaalay ng kaparangan, at baga man dito sa ati'di kaugalian ang magaksaya ng panahon sa paglilibang, ay ilan kong mga kaibigan ang nakipagyari sa akin na kami'maglakbay sa kagubatan ng mindoro, upang doo'magparaan ng maligayang panahon sa panga ngaso. hindi naglipat araw at guinanap namin ang pinagkasunduan at karakaraka'ang aming mga aso'naka amoy ng lunga marahil ng usa kaya'unahan kaming sumunod sa tungo ng kanilang mga tahulan. sa pagtugaygay na iyao'natiwalag ako sa aking mga kasama at sumandaling humimpil sa lilim ng isang mayabong na kahoy na di ko alumana kung ano ang kanyang pangalan, baga mang labis akong napapataka na sa gayong ilang ay masamyo ko ang di maisaysay na bango na lubhang laganap sa kagubatan na pinaiibayuhan ang bango ng sa tanang sampaga.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nakaraan ang isang malaking bahagui ng araw at ang pagkainip ay sumagui sa akin, sa di pagkaringig ng anomang hudyat na aming pinagkasunduan, at di ko naman malaman kung saan sila napatungo, kung sukatin ko naman ng malas ang napakalawak na gubat na namamagitan sa akin at sa kabayanan, ay lubha akong nalulula sa di matapos tapos na mga dawag, na sumasatitig. ang panglulumo ay naghari sa aking damdaming di sanay sa gayong mga ilang at nawalan ako ng kayang lumayo pa'tuntunin ang landas, sa panganganib na sa pagsasapalaran ko'makasalubong ng mababangis na tamaraw. ano pa'ang pangangamba'lumaganap sa aking kalagayan at sa kadahilanang ito'inihanda ko ang taglay na baril, upang ipagsangalang kung ito'kakailanganin, subli'lalong lumala ang aking pangingilabot, nang mausisa kong wala ang mga punglong taglay at nahulog sa aming pagtatakbuhan, ng di ko man lamag naalumana.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"gumiyaguis na nga sa akin ang lubhang malaking pangangamba at ng tumama ang aking mga titig sa nangungulimlim na pananglaw sa sandaidig, ay napagsiya kong nangungubli nang nagmamadali sa likod ng isang matarik na bundok sa kalunuran. ang pag aalinlangan ay namalagui pang sumandali sa pagayong anyo na nakapangingilabot na banta ng pagkalungi at lubhang binabagabag ang di ko hirating kalooban sa gayong kasindak sindak na kalagayan, nang sa di kawasa'nakamalas ako ng isang matanda, na nagbubuhat sa kalaliman ng isang masukal na yungib na makubli'mamataan ko sa kasukalan ng gubat. sa pag aantay na ito sa inaasahang tagapagtangol marahil sa kapanganibang kong kinalalagyang, ay sumagui naman sa aking ala ala ang mga singaw lupang lagui kong naringig sa matatandang alamat na ibinadha tuwi na, ng nangamatay ko nang mga nuno.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"baga mang ang pagkatakot ay labis na nagpapasakit, ay pinapaghari korin sa sarili ang mayamang aral ng na pinagsikapan ng aking mga magulang na siya kong palaguing panangnan sa ano mang kapanganyayang haharap at ang pakatiwala kong ito'siyang bumubuhay ng aking loob. sa aking mahabang pananalangin ay dumating din ang inaantabayanan nang hindi man lamang ako nainip at pagkalapit niya sa aking kinalalagyan, ay naulinig ko pa ang ganitong pag aawit: oh hiwagang lagui sa mga pangarap aliwan ng laguim na nagpapahirap ikaw nga ang siyang wagas kong pag asa, na magkakandili sa luoy kong puso na pinakaapi at tuwi tuwi na'inayop ng dusa; at siyang hantungan ng mga paghamak ang nilungoy lungoy ng aba kong palad. ikaw din ang kusang lubos sumiphayo sa niluhog luhog ng aba kong puso; at dina na awang mag gawad maglagda ng hatol na imbi na siyang papatay sa abang kumasi'walang kasalanan kahit na ano man, kundi ang sa iyo'lubos na isuyo ang iyong nalamang hindi man kinuro.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kung ang mga laguim at pagkahilahil siyang magdudulot sa iyo ng saya iyo ng sabihin at aking gagawin ang ano mang ibig na ipababata kahit ikaputi ng aking hininga. pagkaraan ng kanyang pagaawit ay tumanong. ano, anak ko ang naghatid sa iyo dito sa ilang na pook? kagalang galang na matanda ang aking tugon ang maling akalang aksayahin ang panahon sa paglilibang at ligaliguin ang nangatatahimik na hayop sa kanilang himpilan. ikaw baga'nag iisa? sa ngayon po; pagka'ako'napatiwalag sa aking mga kasamang hindi ko malaman kung saan nangapasuot. lubhang malayo ang iyong kinapatunguhan. ano pong pook ito? ang usisa ko sa kausap. ito ang lupalop na pinamagatang ilang ilang ang tugon sa akin. ilang ilang!. ano po ang kahulugan niyaon?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"iyao'isang buhay, sumandaling nagkuro ang aking kausap at saka ipinatuloy yamang hindi ka rin makababalik sa kabayanan, samantalang hindi umuumaga, ay pakingan mong sumandali ang isasalaysay, kasabay nang anyayang magparaan kami ng mapanglaw na gabi sa kanyang kublihan. nagkakaakbay kaming lumusong at hinawi ang nangangapal na talahiban, samantalang ang sisikdo sikdo kong puso ay nagbabalita sa akin ng isang bagay na mahalaga. sarisaring gunita ang sumaisip, balintulot yaring loob; ngunit hindi ko magawa ang umurong pagkapalibhasa'lalong ma panganib ang matulog sa parang. pagkalipas ng paglusong namin sa madilim na yungib na kinamataan ko sa matanda, ay sinapit ang kanyang tahanan, doo'guinanap ang kanyang pangakong ibuhay at ang binanguit na alamat ng ilang ilang ay sinimulan na. nalaman mo anak ko: magbuhat nang ako'gawaran ng sumpa ng makapangyarihan, ay hindi na ako nagkapalad na makaulinig ng tinig tao.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"laguing guimiguiyaguis sa akin ang bigat ng kahatulang iyaon sa nagawang kasalanan, sa hindi rin iba'tunay kong anak na pinag isipan kong gahisin, nguni'ang gayong napakahamak na gawa'pinagdurusahan ko ngayon ng isang napakahirap na parusa, gaya ng tinitiis kong pagkawalang kamatayan, pamamalaguing mabuhay sa ganitong ligalig. paano po ang nangyari? ang pahanga kong tanong. ako'isang binata noon ang tugon ng aking kausap na lubhang mawilihing paglibangan ang tanang binibini, at lagui kong minamatwid kangino man na hindi ano mang kapanagutan sa mga ipinasyang mabuhay kayo at dumami . ang auking mga guinawa. sa di kawasa'nagkaroon ako ng isang anak na napakagandang babayi at sa pag aakala kong iligtas sa mga hibo ng mundo, kung siya'magkaisip, gayon din sakawikaang, baka pagbayad ay dinala ko nga rito sa masukal na ilang, magbuhat pa sa pagkasangol at ng huwag ng makilala ang katauhan at maiwasan naman ang laguing pagkapahamak na sinasapit ng mga walang malay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang pangangalaga sa kanya'ikinatiwala ko sa isang matandang babaying pipi, upang huag niyang makilala ang mga hiwaga sa buhay, ang lihim ng tao, gayon din ang kanyang pinangalingan. sa tuwi tuwi na'dinadalhan ko ng ikabubuhay; nguni'hindi ako na pakikita, upang huag magkapanahong ako'usisain ng ano man. sa di kawasay nang maglalabing tatlong taon sa gayong pagkakatago ay tinamaan ako ng kanyang mga titig at pumanaw sa akin ang damdaming ama. nabihag ang mawilihin kong hilig na mangibig kangino man, na makapag aalay sa akin ng pampawi ng lagui kong uhaw na hangad, at ito ang nag wagui sa aking puso. hindi na ako lumusong sa kabayanan; ang kanyang kagandahan ay bumihag sa akin, at lubhang sumasal ang paghahangad kong putihin ang impok niyang ganda na hindi ko nakita sa boong pinagdaanan sa buhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"lumipas ang ilang sandali ng alinlangang itaguyod ang napakahamak kong hinangad at naghari din sa akin ang dating iminamatwid na, tayo'galing sa magkakapatid mag aama, at magkakamag anak at pinapaghari ko ang kanyang pagkahangal na di ipinahihiwatig ang katotohanan ng aming pagkamag ama. siya naman, pagkapalibhasa'hindi nagkapalad makaulinig ng tingig ng kanyang kapwa, ay lubhang na aliw sa aking mga pangungusap, lalo na ng maulinig ang matamis na inaawit ng kanyang ina na napaukit sa aking budhi at siya namang lagui kong inuulit, ay ginawaran ako ng mahinhing lambing inilingay ang kanyang ulo sa aking balikat at lalong naghapdi ang sugat ng aking puso at sumasal ang aking masamang hangad. ano pong awit iyaon? iyaon pu bagang naulinig ko kangina. oo; yaon nga at inulit ang magandang kundiman. pagkatapos ay ipinatuloy ang pagbubuhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"dumating ang mapanganib na sandali at gumiyaguis na nag ulol sa akin ang hibo ni satanas, at inakala ko nang ganapin ang marugis na isinabudhi, datapwa'nang isasagawa ko na, ay di naman nagkaroon ng bahagya man lamang na pagsalansang ang aking anak, pagkapalibhasa'di natatahong iyao'sawi sa mga kautusan. inanyayahan kong sumama sa lihim ng kahoy na ating pinangalingan, na siya kong napiling maguing saksi ng kapaslangan kong kakamtin; anyayang hindi sinalansang kahit bahagya at malugod pinaunlakan; nguni'di pinahintulutan ng pagkakataon na maganap, ang aking aasalin at isang malakas na buhawi'binakli ang marupok na kahoy, na niyaong una, ay di man lamang nagagamit sa ano mang kailangan ng tao at siyang humadlang na nagbigay wakas sa aking kaawa awang anak. kapwa kami napatigalgal sa sumandalin iyaon at ipinatuloy ng matanda ang nauntol na ibinubuhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nang maganap ang malupit na hatol ng pagkakataon akin nang isinaysay pagdaka'lumabas ang isang sugo ng makapangyarihan at bumigkas ng ganito: di mo matutuklas ang kamatayan at mabubuhay kang tagapag alaga ng kahoy na iyang humadlang sa iyong karumaldumal na aasalin. lumipas ang ilang panahon at nang aking datnan ang kahoy na yaon ay labis akona napahanga sa pagkakamalas na hitik na hitik ng mababangong sampaga at isang hibik ang mamutawi sa akin:. na naguing saksi ng aking pagkalungi kailan mo ako patatawarin? muling lumabas ang isag sugo at ibinadha ang ganito: kung kailan, may mapatungo ritong isang tao na mapagsalaysayan mo ng guinanap na sala ay asahan mong pinatawad ka na ng diyos at biglang nawala ang angel na aking kausap at ang binanguit na taong iyaon na aking pagkukumpisalan ay ikao at dili iba marahil na sugo ring nang maykapal, upang pahintulutan niyang ako'umakyat sa kaloalhatian ng langit.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pagkaraan ng mga salaysay na ito'nawala ang aking kausap at nang aking pinaghahanap, ako'nagsising. ako pala'nangangarap lamang. ang hitso isang ugaling hanga ngayon ay taglay ng mga tagarito sa atin ang ipanalubong sa mga panauhin ang ngataing hitso . ang lahat ng bagay ay maaaring malimutan; datapwa'ang alay na ito na pinagkagawian na lalonglalo na sa mga lalawigan ay tunay na hindi nakakalingantan, at naguiguing catungkulan na halos, ang maghanda, at gumamit na man, lubha pa'kung ang mag aalay ay isang binibini. dahil sa bagay na ito'pinag ukulan ko tuloy ng isang pagkakaabala ang pagtunton kung bakit natuklas ang tatlong bagay na pinaglahok at pinamagatang hitso . bakit ang ikmo, bunga at apog ay nagawang pagsamasamahin, at nagagamit na pang alay sa mga panauhin?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ito ang hindi abutin ng aking pag hahaka at siya namang pinagpumilitang, kahit banaag ay matuklas ang sanhi, at sa matiyagang katatanong sa mga palanganga, ay nahalaw ko ang ibubuhay ngayon; nguni'totoo kaya ang sinalita sa akin? sa ano ma'tahoin natin. isang hapon sa nais kong sumagap ng malamig na simoy na nakaaanya sa mga naaalinsanganan, ay nilisan kong sumandali ang lubhang maraming gawain at tinungong sumandali ang kalapit na nayon ng pasay, na siyang nababalitang may malalawak na ikmuhan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"dalawang bagay ang nais kong maganap sa isang kilos, at ito nga'ang makasagap ng malamig na simoy at mapanood naman ang maayos napagkakatanim ng halamang ikmo, na, halos maituturing ayon sa kabalitaan, na ang bayang iyaon ay siyang sinisibulan ng pinakabuting ikmo na pinagkakabalahan kong alamin; ngun'di lamang iyaon ang napala ng aking paglilibang at hindi ko man kinukusa ay nakaulinig ako ng isang nakalalaguim na pag aawit na nagbubuhat sa isang masukal na bulaos na nakakalungan ng makapal na gubat ng ikmo. tumiguil akong sandali at pinalad namang masapol buhat sa simula ang talaytay ng kundimang ganito ang hanay; malasin guiliw ko ang daloy ng tubig na nagki kinangan sa galaw ng batis, malasin ang bula sa pamimilansik at iyong itulad sa iyong paglingap, at kung yaon nga ang siyang kawangis dagling kamataya'akin masasapit. gayon din masdan mong napa iitaas ang maputing asong naglalakbay ulap, siya'panganorin iisa sa malas; yaon ba'kawangis ng iyong pag ibig?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kung tunay na gayon, akin ng talastas na ang pag ibig mo'madaling mangupas. ang paro'parito ng simoy ng hangin, nakapagdudulot ng lamig at aliw datapwa'kung gayon ang iyong pag guiliw, ay lubos katulad ng isang pag hamak at wala na akong hihintay hintaying matapat sumintang hantungan ng daing. lubos akong nasiyahan sa kataong iyaon, at ng matapos ang mapanglaw na pag aawit ay pinapaglakbay ko ang isipan sa kalawakan ng mga hiwaga, hinahalaw doon sa tanang malikmata, ang isang kagandahang mapag uukulan ng matimyas na tingig na aking napakingan. pagkalipas ng ilang sandali, ay sumatitig ko na naman ang nagdidilim na ikmuhan at nanariwang muli ang sanhing ikinapatungo ko roon, ang dati ring nais na matalos ang pinagbuhatan ng paggamit at pakikinabang sa isang halamang sakdal hangalay, na gaya ng ikmo sa di kawasa ay lumapit sa akin at malugod na bumati ang isang matanda, na tila tunay na kakilala kasabay ng malugod na anyayang magtuloy sa kalooban ng kanilang bakuran.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nang unang bugso, ay sumagui sa aking loob ang isang malaking alinlangan; nguni'dagling napawi at nanagumpay ang mapiling amuki na ako'magtuloy. pagdating namin sa loob ng halamanan ay dinatnang nakaluklok sa isang papag papagan ang isang binibining napakahinhin ang anyo, na marahil ay siyang pinangalingan ng mapanglaw na pag aawit na aking kinahangaan. matalaghay ang kabuuan ng kanyang maamong mukha; malamlam ang titig kayumanguing kaligatan ang kulay, mahayap ang ilong at nakabibihag ang maramot na ngiting nanasnaw sa kanyang guinumamelang labi. isang sulyap na panakaw at pagdaka'binawi ang biglang tumudla sa aking puso at ng mga sandaling yaon ay kanyang binihag. tumalilis na biglang tinungo ang halamanan pagkakita sa akin at pagkua'pumitas ng ilang dahong ikmo. di naglao'bumalik sa aming kinaroroonan, muling lumuklok at mabihasang pinagpilas ang mga dahong taglay at pinirot na guinawang hitso.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"di ko sinawaang panoorin ang mahayap na mga daliri at tunay kong kinahangaan, ang kainamang tumangap ng panauhin, na, baga mang di lubhang kilala, ay pinagkaabalahang kawangis ng isang lalong matalik na kaibigan; sa biglang sabi ang kaugaliang mag alay ng hitso ay kanyang tinupad; nguni'hindi ako marunong ngumanga; at sa nais kong mapaunlakan ang kanyang pagkaka ala ala, ay kumuha ako ng kanyang malugod na iniaalay, kasabay ng isang maguiliw na usisa sa matanda na kung bakit natuklas, na ang bunga, iyaong mapakla at walang saysay na bungang kahoy na di nagtamo ng ano mang pamagat, at ang ikmo na lubhang mahanglay, ay kung mapalahok sa nakapapasong apog ay napag ayaw, at ayon sa naguing hilig na kinaguisnan ay siyang naguing panalubong panauhin. nang una, ay inakala kong ang pag uusisa ay naaksaya at di ko batid na ang itutugon sa akin ay lubhang mapakinabang at mandi'mapaniniwalaang iyaon nga marahil ang pinagbuhatan ng viciong ngumanga.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"isang ganap na kasaysayan ang kaniyang sinalita na uulitin ko ngayon ayon sa nalabi sa aking ala ala: anya'nang mga unang dako, na ang pagnganga ay hindi pa kilala; ang halamang ikmo ay lubhang gumugubat, at sampuong nangaglaboy na hayop sa kaparangan, ay hindi magtamong pakinabang sa halamang tinutukoy. bakit kaya siya pinasibol kung walang kapakinabangan? maraming pagsusumikap ang guinawa, upang huag ng muling sumibol, datapua'isang halamang hindi maagad ng maglilinang pagkapalibhasa'walang pakinabang at isang himutok na inulit ng mga nahuhuli ang sa kanya'iguinawad ng mga nauna sa atin. halamang walang pakinabang, kailan ma'di mamamatay at ang himutok na tinukoy ay naguing sumpang iniukol ng mga nahuhuli sa ano mang bagay na walang maidulot na kapakinabangan. isa pang halamang lubhang nanghahaguay na may masagananang bunga, ang hindi rin pakinabangan at siya namang pinag uukyabitan ng halamang ikmo .",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa kasaganaan ng bunga ng halamang ito na, walang mapaggamitan, ay hindi pinagkalooban ng ano mang pangalang pagkakakilanlan, gaya ng sa ibang bungang kahoy, yamang hindi rin lamang siya nagagamit, at nangasyahan na ang nanga una sa atin na pamagatan siya ng pangalang: bunga .",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang lahat ng nakilalang halamang bumubunga at nag dudulot sa mga tao ng ano mang pakinabang, ay nagtamo ng pangalawang pangalang pinakasaguisag na pagkakakilanlan; datapwa'ang halamang bunga ay siyang napakatangi na hindi nagtamo ng biyaya mabinyagan, at ang kanyang puno ay pinamagatan na lamang ng bunga lubhang maraming salin saling kaugalian ang yumaon ang idinugtong ng matanda ang mga bagong sibul na batbat ng katalinuhan, ay di nangasiyahang siya'panoorin na lamang at gamiting palamuti sa mga kaparangan, hindi nayag na siya'hindi magamit, at lahat ng sikap ay guinugol upang maangkapan ng ikapakikinabang sa kaniya; nguni'ang kanyang tingtinging puno ay hindi maagpang sa ano mang paggamitan dahil sa napakarupok, datapwa'isang kataon, (yamang nginanganlan kataon ang mga bagay na nangyayari ng hindi kinukusa, baga mang ang lahat ng bagay ay nakatakda, na talagang mangyayari) ay isang tanghali umano na ang isang taong hindi pa nakasasapit sa mga lupalop na yaon at hindi pa nakakikilala sa dalawang halamang ating ibinubuhay (ang ikmo at bunga, ay sinumpong ng pagkadayukdok at walang malamang sulingan ng katutuklasan ng ipagpapatid gutom.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tinamaan ng kanyang malas ang puno ng halamang hitik na hitik ng mapupulang anaki'hinog na bunga, at sa paniwalang makapagdudulot sa kanyang kagutuman ng malinamnam na pagkain, ay dagling pumitas at linasa ang pinakalaman; subali'tangi sa isang matigas at mapaklang nakapaglalaway, ay wala siyang nalasap; bagama'binayaan na sa kanyang bibig yamang lubhang nanunuyo ang kanyang lalamunan at iyao'nakapananariwa. sa malaking kagutuman ng abang napaligaw na yaon ng landasin, ay lumabnot ng ilang dahon ng ikmo na nagsusumawang lumingkis sa puno ng bunga nginata rin at ninamnam ang mahanglay na dahon ng ikmo nguni'hindi tangapin ng kanyang sikmara at ang laway niya ay lubhang kumakatay; subali'ang hindi kinukusang pagkakahalo ng ikmo sa bunga ay nagkatalo at ang pakla at ang hanglay ay nakaayaw at nalasap niya ang isang panglibang na ngataing nakapagpapasariwa ng lalamunan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa di kawasa ay dumating siya sa isang bahay at sa masidhing hangad na makakain kahit na ano, ay tinikman ang isang bagay na maputing nasa isang munting pasu pasuan sa ibabaw ng bintana; ang maputing kanyang tinikman, ay apog na ipinanguguhit ng may bahay sa mga panakot ng halaman. hindi niya sinasadya ang pagkakahalo halo ng tatlong bagay na hindi kilala; ngunit wari'pinagtiyap itinuro sa kanya ng pangangailangan ang isang ngataing panglibang sa gutom. tinaglay niya hangang bayan ang tatlong bagay na kanyang natuklas at ipinagparangalan sa mga dinatnan. aanhin mo iyan? ang usisa ng kanyang mga kasama sa bahay. ang tugon kung nalalaman ninyo ang kapakinabangan ng tatlong ito kung magkahalo at ipinakitang muli ang ikmo, bunga at apog ay walang salang di ninyo pakamamahalin. anong pakinabang ang maidudulot ng tatlong bagay na iyan? bilang tugon ay naglahok at inialay na pinatikman sa mga kasangbahay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"labis daw na napahanga ang mga dinulutan sa pagkakalasap ng isang mabisang pampasariwa ng lalamunan, at buhat na noo'pinasimulan na ang pagpapatikim sa bawa'dumating na kasambahay, hangang sa naguing kaugaliang ipanalubong sa panauhin ang hitso . ang salitang paglahukin ay itinutumbas nila sa salitang pahitso at hanga ngayon ang mga panday ng pilak ay tinataglay pa, ang salitang pahitso sa paglalahok ng guinto. sa pamamag itan ng salinsaling kaugalian ay binawas na ang salitang sa hitso yamang yaon ay pangdugtong pangungusap nga lamang. pagkatapos ng malawig na salaysay ng matanda ay tinikman ko kapagdaka ang inaalay sa akin ng binibini at doon ko napagsiya na tunay ngang nakalilibang at nakapananariwa ng lalamunan, at kung mahirati na sa pagngata niyaon ay naipampapawi na raw ng uhaw at gutom, ang pinagpalang hitso . sa lahat ng iyaon, at sa panganga nib kong ako'kayamutan ay napaalam na, at nangakong muling babalik.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"samantalang binabagtas ko ang ikmuhan ay muli kong naulinig ang mapanglaw na pag aawit na bumihag sa aking puso. sino kaya ang pinag uukulan niya ng mga panambitang iyaon? siya kaya'may katipang tumatakuil sa mga ipinangako? ito ang bumabagabag sa aking sarili nang papauwi na sa bahay at siyang umaanyayang muli siyang sadyain; nguni'lubos na nagpasakit ang mabisang panibugho sa kanyang pinag uukulan at siyang sanhi ng di ko na muling idinalaw. sabay kong natuklas ang pag ibig at ang. hinihiling sa aking kasayaha'tulain . saan man ibaling yaring pag iisip nakikita'luha at mga pasakit kahit sa sariling buhay na tahimik gayon din sa bayang pinakaiibig ay walang lumual sa kudyaping tingig liban na sa lungkot at mga ligalig. sa bayan ang malas kung aking itanaw ang nangakikita'pawang kapanglawan, magkabi kabila'ang pag iiringan na inihahasik ng buhing makamkam at nangagnanais tanghali'igalang kahit na mahamak ang sariling bayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa kabila noon ay bilang pamana na kanilang alay sa bayan at ina, ay ang pang aapi at pag alimura; ang gayo'kung aking mapag ala ala tinis ng kudyapi ay ngangapa ngapa at ayaw magbigay ng lugod at saya. at paghamak lamang, pagsumpa'pag ayop daing ng hinagpis ang itinitibok nalilimot tuloy ang ugaling bantog na mahinhi'wagas ng lahing tagalog, dahil sa iilang asal na sumalot ng sariling yaman hindi man inimpok. ano kaya ngayon ang aking gagawin sa iyong napitang ako'paawitin guinaganap ko man ng boong pag guiliw ay ang lumuluwal na tinis ay daing at hindi pumulas ang mithi mong hiling. kasayaha'nanaw sa aking damdamin. pagtamanan mo na ang taghoy ng puso kahit napipigta sa luhang tumulo, pagka'ang ligaya ay hindi makurong kusang magwawagui sa madlang siphayo, na nangingibabaw sa puring nag laho, sa puring salantang, lugami at hapo. nakasunod kaya sa hingi mo'pita ang anak na busong sabik sa ligaya?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi man nasiyahan sapagka'di kaya ang daliting ngayon ang iyong ligaya ay lubos tangapin ng boong pag sinta: larawan ng dusa. ang tubo ang mga alamat kung minsan ay tunay na salat sa katotohanan; datapuwa'lubhang kailangang buhayin ang mga salinsaling balita yamang ang karamihan ng ating pinaniniwalaan ay badha niyaon, at ng mga pangyayari; kaya'ang sasalaysayin ngayon ay tunay na hindi ko na malaman kung saan ko naringig kung sa aling kasaysayan ko nabasa bagamang sariwang sariwa sa aking ala ala ang pagkakapangyayari.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"katanghalian daw noon ng buan ng marzo, mainit na lubha ang daloy ng mga sinag ng araw, kaya'ang kaalinsanganan, ay di magpatiwasay sa madla, lalong lalo na doon sa mga pangkating pinag uusig ng mga batas, doon sa nangabubuhay sa pamamag itan ng pawis ng iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at masukal na yungib sa kaparangan; doon sa lupalop na pangublihan man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na langit ang tanang kabuhungan kanilang lagui nang ikinaaaliw. sa panig ng sansinukob na pinangyarihan ng buhay na ito, ay wala niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa mga kabundukan, na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'manganlong, doo'wala nga, iyaong malalabay na sanga ng nangag lalakihang punong kahoy na naggagawad sa madla ng malalamig na lilim kung katanghalian, at tangi sa ilang halamang gumugubat na kawangki ng palasan ay wala ng iba pang sumisibol.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang halamang ito'mabulo ang pinakakatawan matatalim at nakasusugat ang kanyang mga dahon, at walang munti mang maituturing na pakinabang sa kanya; ang sino mang mapasagui, ay dumadanas ng isang di magpatahimik na kakatihan kawangki ng tinatawag nating. umano'sa mga kadawagang iyaon nangungubli ang mga may malalaking sagutin sa pamahalaan, pagka'doo'hindi nakasasapit ang lalong masigasig na kagawad.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"apat kataong nagkaisa ng ugali, at nangasawing mamuhay sa pamamag itan ng panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nangag sambulat sa mga landasin; ang mainit na simoy ng katanghalian ay tumutupok sa kanilang mga noo at nagparamdam ng malaking kauhawan; datapwa'ang kanugnog na yaon ng mga lupalop na di sinasapit ng may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan ng tubig; doo'walang mga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya'ang pagngangalit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw ng pakikiayon, yamang wala namang ibang magawa. sa di kawasa'nakasalubong sila ng isang matandang lalaki na sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katangian at mandi'umaanyayang siya'pakagalangin, datapwa'ang sibul na marungis na budhing taglay ng apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at inakalang paglibangang uruyin ang kagalang galang na matanda. ang isa sa kanila ay siyang unang umaglahi.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"matandang hukluban, saan ka paro roon sa ganitong kainitan? ang pang unang tanong. ang dugo nito ang ating inumin ang saad ng pangalawa kasabay nang bunot ng itak sa sukbitan na biglang iniyamba. antabayanan muna nating siya'tumugon, bago ganapin ang nais ang salo ng pangatlo. magsalita ka ang pakli ng pang apat. aking hinahanap anang matanda ang panig na aking tinutuklasan ng pampawing uhaw. sa tuwing hapon ang dugtong kung sumasapit ang ikatlong oras ay pinagkakalooban ako ng makapangyarihan na makasimsim ng pampawing uhaw. at saan ka naman kukuha ng maiinom sa kadawagang ito, na kinaigahan ng tubig at kinaitan ng kanyang balong? tingnan natin at tila ito ang makapag aalay ng ating kailangang di matuklas ang anas ng isa sa kanyang kasama. kung ang pagkakatiwala sa kanya'ating ilalagay ay matitira tayo sa isang kabiguan ang paangil na tugon. narito anang matanda ang lagui kong iniinom kung dumarating ang oras na aking sinambit. dito'walang batisan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi ko kailangan ang makikinang na daloy ng batis, upang ipamawi ng kauhawan; sa aki'sukat ang mga halamang inyong namamalas, pagka'sa kanya'nananamnam ko ang matamis at masaganang katas, sa mga oras na ang sumakop sa tanan, ay nagsabing 'sa kanyang pitong wika, bago naglakbay sa kalowalhatian ng langit at tinalikdan ang pagkatao. tila ito'may nais magpalaganap dito ng mga katakata niyaong mga mapagsampalataya ng kung ano anong kadayaan. ang taong ito'tila tayo ang pag lalaruan ang sabad ng isa. may orasan ba kayong taglay ang malumanay na usisa ng matandang inaaglahi. ang orasan namin ay anyo ng araw na lumiliglig sa boong tinakpan. ano na kayang bahagui ang ating kinalalagyan? tayo'nasa ikatatlo na ng tanghali; yaong oras na inaantabayanan mo upang numamnam ng pinakananais naming pampawing uhaw. hayo ipakita mo sa amin ang pagsipsip ng katas ng halamang iyong sinambit at kapagkayao'aglahi lamang ay kaawa awa ang iyong sasapitin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pagkaringig ng bihigkas na ito ng nagtatapangtapangan tulisan ay lumuhod pagdaka ang matanda at idinaing sa lumikha ang kanyang kalagayan; at pagkaraos ng pananalangin ay nagtuluyan bumakli ng mga halamanang naroon at pinangos na sinipsip ang katas. pagkakita nito ng mga tulisan ay nangagsitulad sa matanda at nakipangos naman; datapwa'ang kanilang nalangap, ay ang di masaysay na hanglay at sa kadahilanang ito'inasod ng palo ang kagalanggalang na matanda hangang sa nalugmok sa mga nagkabalibaling sanga ng halaman. sa gayong kahabag habag na anyo'nagturing: oh mga kulang palad!",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"darating ang panahon na inyong pagsisisihan ang inasal na kaimbihan; pagka'sa inyong panunumbalik sa puok na ito sakaling kayo'magkapalad na tanglawan ng pananampalataya sa ating mananakop, ay inyong mapagkikitang ang bawa'tilamsik ng mga dugo ko ay sisibulan ng ganyan ding halaman; subali'ang bawa'dito'tumubo, ay magdudulot sa katauhan ng isang malinamnam at matamis na katas, na siyang katutuklasan ng tanan, ng isang mabisang pampawing uhaw, pampatid gutom at sangkap sa ano mang kakailanganin ng katauhan, pinaslang ninyo ang isang nahilig sa pagninilay ng mahalagang ng ating nawa'siya ninyong laguing pakinabangan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nakaraan ang isang munting bahagui ng panahon, ang pagkakataon ay naguing tagapamag itan upang ang apat na buhong ay muling mapabalik sa kanilang pinagdausan ng huling kalupitan at nang magunita nila ang mga huling binikas ng napanganyayang matandang kanilang inumog, ay dumanas sila ng isang pagnanais na alamin kung tunay nga ang kaniyang mga huling panambitan, at di nalaunan, ay su matitig nila ang mayayabong na halamang nagsisupling na pawang malulusog, matataba at lubhang mayabong, at silang lahat ay di nakapiguil ng gayong bigkas: tumubo!. naganap ang kanyang huling tagubilin. at sabay na nangagsibakli ng naturang halaman at kanilang pinangos. isang malinamnam at matamis na katas ang kanilang nalasap, at paulit ulit na binigkas na matamis ang tubo na siyang kaipala'sumapit sa ating kapanahunan at ang salitang iyaon na niyaong una'pinalalawig upang ang maguing kahulugan ay supling ngayo'bigla na kung bigkasin at nakikilala sa pangalang tubo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"bilang pasasalamat ay isang mataos na dalangin ang kanilang pinailanlang sa kalawakan ng hiwaga at isang matamis na pag aawit ang kanilang naulinig na ganito ang badha: ano kaya yaong tinamaang malas na nangingibabaw sa tanang liwanag nagtaboy na bigla'humawi sa ulap na pinaglagusan ng ningning at sinag at umaanyayang lubusang magalak yaring abang pusong sinupil ng hirap? siya kaya yaong maningning na ilaw na pumapatnugot sa sangkatauhan, pananglaw sa gabi ng nadidiliman at sa may pighati'pang aliw na tunay badhang taga turo ng iisang daan sa mga alagad na nangaliligaw? oh kulang na kulang yaring pangungusap upang patunayan nakikitang sinag, ayo'nagniningning, anaki'busilak sa ibabaw niyaong bunton buntong ulap, ayo'bawa'anyo ay isang pagliyag ang isinasaboy sa puso ng lahat. siya yaong pusong kamahal mahalan na ngayon ay ating kinahahangaan siya ang dinusta at pinakapaslang ng sibat ng sala ng sangkatauhan, siya ri'di iba ang kaguinhawahan at tunay na aliw ng may kalumbayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"dagli silang nagtindig at pinaghanap ang pinagbubuhatan ng gayong kawiliwiling pag aawit, at nang kanilang makita'lubos napahanga pagka'dili iba kundi ang kaawaawang matandang kanilang pinaslang na biglang nawala sa kasukalan ng gubat. ito nga kaya ang sanhing pinagbuhatan ng halamang tubo?. sa laguing pinagalayan ng mga katha ko .) sa galaw ng tubig; gayon din sa himig na pabalik balik sa lalim, at batong pinag saglit saglit, doo'namamasid ng abang pag big ang kagandahan mo sa linaw ng batis. ang itim mong buhok lugay na nag sabog sa maputing batok, ay siyang anag ag sa batisa'ilog sa dakong pag lubog ng araw sa laot kung makaliglig na sa boong sinukod. at sa pangangarap ng sariling hagap, aking namamalas ang iyong larawang sipian ng. ampunan ng lahat na mga bulaklak na niyuyurakan sa mga paglakad. sa palad na aba kung guinugunita ang pagdaralita ay namamalas kong ikaw ay may awang iniaapula sa agos ng luha ng lunos kong buhay at pusong mahina.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang abang ibinudhi'hindi namalagui, dagling binagabag, at ang pag mumuni'kumalag sa tali, at itiniwali ang aba kong palad na inilugami. biglang nasiwalat dini sa hinagap at ipinamalas ang iyong larawang may hinampong ingat na nagtutulak sa aba kong palad at sa lantang pusong napapawakawak. mga talababa: hayop pa sakdal bangis na pagkaamoy sa tao'sinisila; ito'kawangki ng kalabaw baga man may kaliitan, at kailan may hindi napaaamo. tulang binikas ng magandang binibining natalia buencamino sa veladang idinaos sa, niyong ika ng diciembre ng taong. palatuntunan. ilang ilang, tudling,. ang hitso, tudling,. himig nang pighati, tudling,. ang tubo, tudling,. pangarap, tudling,. mga nobelang sinulat ng kumatha nito mapagpuyat . pag ibig ng isang general . (unang bahagui). mapagkandili. (pangalawang bahagui)",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"sa inang filipinas. sa tanang supling mong tunay cong capatid na sa iyo'nag alay ng bunga ng isip ibig cong pumisan, cutad man ang bait, at maguing dangal co sa buhay na quipquip. ng upang sacaling mangiba mang bayan na hindi sarili,, tungtungan co lamang, ina co'! marinig mauica ng ibang aco ay sa iyo marunong magmahal. caya nga,, ang unang sumupling sa bait na hinog na bunga sa tangcay ng saquit alay co sa iyo at pag asa'labis na ito'sacsi rin ng aquing pag ibig. yayamang dugo co, catauan at buhay, talagang iyo na, oh! ina cong bayan! bulaclac ng isip ay ibig co namang ilangcap sa aquing sa iyo'pagdamay. sa bagay na ito'cung aco'sumapit sa pooc na ari ng dalita,, hapis, itong alaala', papaui sa saquit sanhi rin sa iyo oh! bayan cong ibig. hanganang co ito,, aquing ipapaling ang tangang cong pluma sa ibig lumining nitong pinag ugnay ng bait na angquin yamang talastas ng sa iyo ang dahil.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"manang isang hapong dinalao ang buhay niyaong magcaumpoc na lungcot at lumbay, sa isang uupan aco', nagulaylay at pinaguauari itong calagayan. ualang ano ano', sumilang sa isip yaong paglilibang sa jarding mariquit caya nga,, sa lagay aco ay tumindig hinanap ang simoy ng hanging malamig. at aquing tinungo na cusang hinanap ang pooc na tunay ng tanang bulaclac pagdating co roo', pinili co agad ang lalong mariquit, at aquing pinitas. nguni at nalooy, nalagas na tunay nalanta ngang cusa,, bango ay naparam, napaui ang ganda, lumipas ang culay, caya,, ang puso co ay muling nalumbay. at saca inisip cung ano ang dahil bulaclac na tangan nalungcot naman din, puso co'tumiboc ng tiboc mahinhin at uari', pinucao ang aquing panimdim. pinag ugnay ugnay yaring paquiramdam saca binalangcas sa isip ang bagay, niyaong co natanto,, nabatid na tunay, ang lungcot na yao', dahil din sa bayan.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"dito co nabatid cung saan nagbuhat, cung saan sumupling ang lumbay ng lahat, pagca,, natanto co ang fraileng dulingas ay binubusabos inang filipinas. at tuloy dinalao itong ala ala niyaong ualang ngalan na aquing naquita asal na mahalay guinaua ng cura sa isang mag inang ipinahamac niya. ang nangyaring ito'siyang isusulit at gauing libangan ng tanang capatid siya cong na isip itauag sa gayong namasda,, nabatid. puno nang salita. cailan mang panahon ang casamaan cung umiral ma'sa sandali lamang aco. may isang mag inang taga ibang bayan, aquing nalimutan cung ano ang ngalan; ang mag inang ito', mahirap ang buhay, baquit ulila na sa dapat magmahal. may loob sa dios ang babayeng anac may impoc na puri baga ma,, mahirap maganda ang asal, matamis mangusap sino mang tumingi'malulugod agad. ang caniyang ina,lubha ring mabait di saquim sa pilac, totoong malinis, sa arao at gabi'ualang ini isip cung hindi ang gutom canilang mapatid.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"sa isang paraang mabuti,, mahusay, at hindi naghangad ng anomang yaman, cung di yaong anac malinis matanao sa harap ng mundo,, hangang calangitan. dapua,, niyaon nga'may isang dumating sa canilang bayan isang fraileng saquim; at doo'nagcura nangaral na tambing ng utos ng dios na dapat ganapin. diua ay dinalao ng gauang pagsinta ang puso at loob ng nasabing cura, caya,, monaguillo', tinauag pagdaca,, agad pinahanap ng isang dalaga. aniya', libutin ang loob ng bayan at iyong sabihin sa mga magulang na may mga anac na dalagang tunay na sa arao arao', pasa sa simbahan. at huag lilimuting sila ay sasaglit matapos magsimba sa convento', manhic at ito', bilin co siyang isusulit sapagca,, utos nga: ng dios sa langit. itong monaguillo', agad ng sumagot: na caniyang tutupdin sa among na utos, caya nga,, nalis na at cusang naglibot at sa bahay bahay ay manhic manaog. palibhasa ngani ay utos ng cura.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"lahat ng magulang tumupad pagdaca at sa arao arao ay nangagsisimba,, anac na dalaga', canilang casama. pangagaling pa nga doon sa simbahan sa convento nama'mangagtutuluyan: sasalubong dito ang among sa bayan at magpapahalic sa lahat ng camay. dumating ang arao sa gayon ng gayon, dalauang mag ina', piniguil ng among aniya': mag antay at may itatanong sa iniyong dalaua', tila nauucol. ng mapag iuan na niyaong caramihan dalauang mag inang piniguil na tunay ang pag uusisa dito na minulan ng guinoong curang may asal halimao. aniya': ano ba iniyong paghahanap, saan quinucuha cailangang lahat? ang sagot ng ina: ang aquin pong anac tahiing damit sa bahay natangap. ang tugon ng cura: anac mo', maganda ang bagay sa caniya', tauaguing maestra aco ang bahala ilalacad siya,, huag ng manahi magpacailan pa. ang ina', sumagot, sa ganitong turing; salamat po among sa iyong pagtingin, cahimanauari icao po', gantihin ng dios sa langit sa gauang magaling.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"madali,, salita dumating ang arao ualang ano ano', tumangap ng dalao, ng isang sacristan mag inang tinuran sila', tinatauag ng among sa bayan. ang mag inang ito', umayo,, sumama sa doroong tauong alila ng cura, ualang guni guni, ualang ala ala cung di ang pangacong maguiguing maestra . ng sila', dumating sa harap ng among at nacahalic na sa camay ng ungoy ang uica ng cura': tinangap co ngayon ang nombramiento na aquing nilayon. caya nga at icao uica sa dalaga magbuhat na ngayo', tunay ng maestra, dito sa bayan mo, at iiuan mo na yaong pananahi na ualang halaga. tandaan mo lamang itong aquing bilin na sa arao arao huag lilimutin, ang lahat ng bata ay iyong dadalhin dito sa convento,, iharap sa aquin. sagot ng maestra'aquing tatandaan ang tanang bilin po ng among sa bayan, pagcasabi nito, sila', nagpaalam ang toua ng ina', ualang macapantay. sa pagca,, di alam ang nasa sa loob ng curang sinambit na nagmamaayos, ang acala niya'ang gayon ay taos sa puso at dibdib ng lilo'balaquiot.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"magbuhat na niyaon, sa gabi at arao maguinoong cura'laguing dumadalao, sa mag inang ito'ang dinadahilan ay, ang pangangaral ng mabuting asal. nguni at datapua'manang isang hapon ualang ano ano'nagsulit ang among aniya,: tingnan mo, sa ina ang tucoy, ang ninanasa co at dinguin mo ngayon. malaqui ang aquing dalang pagmamahal sa anac mong iyan at magandang asal, caya'yamang cayo'ulila ng tunay sa aquin ay cayo,mabuting pumisan. talastas mo namang maigui ang capit ng sino mang tauong sa cura'sumanib gayon din sa pilac ualang isusulit at sino mang frayle'sagana at sicsic. hindi ca daramdam ng ano mang hirap igagalang ca pa ng capua mong lahat, balana'pupuga'sa iyo'tatauag macapangyarihan, papel ay malapad . ang tugon ng ina': pangit pong malasin sa mata ng lahat cung ito'asalin, caya po'iurong ang nais na linsil ualang masasapit ano mang marating. mabuti pa po ngang tauaguing mahirap, marumi ang damit, sa dangal ay salat, huag ng maturan na aco'may anac babaye ng cura. dios co ay huag!",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"sumagot ang cura sa ganitong sulit, aniya': babaye, icao ay mag isip, dapat acalain na cung aquing ibig, ni ang gobernador di maiaalis. pag nagcataon pa'aco'aayunan balang sabihin co'mangyayaring tunay, caya'isipin mo itong isinaysay, bucas macalaua'huag pagsisihan. tugon ng babaye: icao po'bahala balang ibiguin mo'mangyayaring paua; sa ninanasa po'ualang magagaua pagca'sinungaling ang balat ng lupa. malaqui mang lubha ang capangyarihan nino mang frayleng magcura sa bayan, ualang masasapit, cung pagpipilitang ilapat sa aquin ang pangit na asal. itong sinabi co'itanim sa isip at pagtitibayin buhay ma'maamis, di co acalaing mag asal bulisic, ang isang ministro ng dios sa langit! nang ito'marinig ng curang causap sa pagcaupo nga'tumindig caagad, at saca uinicang: tandaan mong lahat, darating ang arao siyang pagbabayad! tuloy ng nanaog ng ualang paalam ang sucab na tauong may asal halimao, magbuhat na niyaon sa gabi at arao ualang iniisip cung di cahayupan .",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"caya'sa convento ng siya'dumating yaong monaguillo'tinauag na tambing aniya': susundin, itong ibibilin, gagauin mo agad, huag lilimutin. na mamayang gabi'sunuguin ang bahay dalauang mag inang quilala mo naman: bahay ng maestra sagot ng sacristan oo, ang uinica ng cura sa bayan. aquin pong susundin ang mahal na utos, pagsunod na ito'mapait sa loob, pagca'yaring puso'uari'natatacot sa sising darating ng tunay na dios. ang sagot ng cura: huag ca ngang balio ibig mo pa yata'manguna sa aquin, narito ang at tangapin, huag cang maingay at aco ay sundin. tinangap ang pilac ng saquim sa yaman nag ualang bahala sa lahat ng bagay, caya'ang guinaua'naghanda ng tunay tanang gagamiting panunog ng bahay. at pagcagabi nga lubha ng tahimic, tinungo ang daan at cusang lumapit sa tinitirahang bahay na maliit dalauang mag ina na cahapis hapis. saca sinusuhan ang apat na suloc, ano pa'sa apoy sila ay mabalot, ang batang babaye'sa laqui ng tacot taas ng bintana'nilucso'nilusob.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"naiuan ang inang natupoc sa apoy matandang babayeng napag isa doon, caya nga'ang anac hindi napatuloy pag layo'pag alis, piguil ng panaghoy. sa sama ng loob siya'napahimpil sa tabi ng isang malapit na dinding, ng calapit bahay, na hindi dinating ng ningas ng apoy, dahil ng hilahil. sa lagay na ito'bigla siyang guinilic ng dalauang tauong di niya nabatid, at siya'dinala at cusang piniit doon sa conventong tirahan ng ganid. sumunod na arao, ano ang gagauin! siya'naroon na dapat ng silain, gayong cahirapang, palad ay alipin ng capua palad, na ualang cahambing. ang hunhang na cura'siya'nilapitan sa paghihimutoc siya'niligauan, ang aspid na loob hindi na gumalang sa luha ng batang ulila ng tunay! aniya': masdan mo sinapit dinating ng calagayan mong aayao sa aquin, pag di pa pumayag sa aquing pag guilio mapapahamac ca di aco titiguil. ang sagot ng bata: aco ma'mamatay, ay hindi papayag sa masamang daan; ang tugon ng cura: iyong pag isipan, sa cuartong ito'quita'babalican.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"magbuhat na niyaon ang cahapis hapis na inaalipin ng madlang hinagpis, sa arao at gabi'nataas sa langit caniyang panaghoy na sanhi ng saquit. caya'ng magbalic ang curang ulupong ang ulilang bata'hindi nahinahon; agad ng guinamit ang ganitong tanong: inisip mo na ba? sumagot ang bata: icao po'mahabag sa abang lagay cong busabos ng hirap, caya nga'dinguin mo itong paquiusap sa aquing confesor aco ay haharap. confesor na ito'isa ngang clerigo may tunay na loob at mabuting tauo, ito ang marapat tauaguing ministro ng dios sa langit lubhang masaclolo. ang tugon ng cura sa gayong pamanhic: hindi mangyayari cahit mo ipilit, at hangang hindi ca na sagot sa sulit sagot na paayong aquing ninanais. sa sama ng loob ng batang na iyac tumugon ng uicang lubhang mabanayad; oo na po among mamaya tutupad caya'magbalic po at aco'papayag. sa bagay na ito'ang curang bulisic sumagot ng: oo'pagdaca'nalis; guinaua ng bata'tumaanang pilit na di namalayan nino mang casanib.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"pagdaca'tinungo at cusang hinanap caniyang confesor na may puring hauac, pagcaquita niya'agad ng tumauag, may luha sa mata'siya'napalingap. ang sagot sa caniya: huag ng magbalic sa coventong yaon ng curang bulisic, aco ang bahalang sa lahat umusig at mananagot pa sa caniyang nais. caya nga'nangyari'sabihin sa aquin ng aquing matanto'siya ay usiguin; cung gayon po'tingnan, ang sa batang turing aquing dinaanan ngayo'sasalitin. aco po'ulila sa guilio na ama at nalabing toua co'pag lingap ni ina, aming pagcabuhay tumangap toui na ng tahiing damit mahal man mura. nguni'isang arao cami'pinatauag ng curaug hindi na natutong mahabag, at tuloy sinabing iuan co ay dapat yaong pananahing aquing paghahanap. acala ni ina'mabuti ang nais, ng curang sinabing, sa ami'nagsulit, na aco'gagaouing maestra sa pilit caya'ang salamat siyang ipinalit. dumating ang arao ng capangacuan ng cura sa aquing titulong sinaysay, caya po'nangyaring nagmaestrang tunay dito po sa guilio at nilac hang bayan.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"nguni'isang hapon ang cura ay nanhic sa amin pong bahay pagdalao ang nais, ualang ano ano cay ina'nagsulit ng lubhang mahalay tungcol sa pag ibig. sumagot si inang ano mang sapitin hindi siya papayag sa bagay na turing, sa lagay na ito'ang lilo at soail, umalis na bigla'anaquin ay haling. pagcagabi nga po'sinunog ang bahay niyaong monaguillo na caniyang utusan, doon po'si ina dios co'namatay! natupoc sa apoy na dulot ng hunghang. sa bagay pong ito', aco', naninimdim at sa isang suloc aco', napahimpil, ualang ano ano', lumapit sa aquin dalauang lalaquing may suot na itim. at aco', dinala sa conventong tunay ipinasoc tuloy sa cuartong nalaan, at ng naroon na pinto ay sinarhan at aco'piniit ng ualang dahilan. pagca umaga po'lumapit sa aquin ang curang doroon, nagsulit na tambing, aniya,: tignan mo, sinapit dinating ng lilong ina mong palalong magturing. sa paghihinagpis aco'niligauan ang luha ng puso,di man iguinalang. pag ligao na yao'inululang tunay saca nilangcapan ng balang mahalay.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"caya po,, sagot co siya ay magbalic at aco'papayag sa ninasang lihis, saca nga ng siya, doon ay umalis aco namang ito'nagtanan ngang pilit. caya po narito iyong saclolohan sa ngalan ng dios, huag pabayaan: sa lagay cong ito'maaua pong tunay at yaong justicia ang hingi co lamang. ang sagot nga nitong caniyang confesor justicia, justicia, sa iyo'aampon, caya'omoui ca, aco'paroroon, cung hanapin ca pa ng curang ulupong. paroon sa bahay ng iyong magulang tiahin lelang caya pininsan, saca tumahimic sa sariling lagay aco ang bahala sa lahat ng bagay. nang ito'matanto ng batang causap ligalig na loob tumahimic agad, at tuloy omoui na cusang hinanap ang bahay ng aleng labing camag anac. nguni'hindi pa lumilipas halos ang arao na yaon, balita'sumabog siya'hinahanap ng curang may poot dahil sa nag asal ng uala sa, ayos. caya nga'sa bahay ng aleng tinuran ay doon inabot ng cura'sacristan, ang batang babayeng ulila sa layao, capos sa ligaya at sa toua'uhao.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"nang siya'maquita ng curang bulisic pagdaca'uinicang; oh babaying ganid! acala mo yata aco'palulupig sa isang paris mong lico ang matouid. capag hindi ca pa sumama sa aquin asahan mo na nga na may sasapitin ang lagay mong iyan na calaguimlaguim, marahil hindi mo maubos tayahin. hangang nagsusulit ang curang halimao, ang batang babaye'nag utos na tunay ng palihim pa nga confesor tauagan sa caniyang bahay siya'saclolohan. caya nga'nag abot ang dalauang ito sa bahay ng bata, cura at clerigo, dito na minulan yaong pagtatalo tungcol sa gagauin ng tunay na tauo. ang uica ng cura, sa bata ang tingin icao ay sumamang madali sa aquin, dito na tumugon clerigong mahinhin aniya'turan mo cung ano ang dahil. siya'nagtaanan sa aquin convento nilibac ang utos santo sacrificio caya nga at ngayon aco'naparito upang parusahan sa dahil na ito. sagot ng clerigo'icao ay tumahan huag cang humanap ng lilong dahilan, cung caya ang bata sa iyo'nagtanan dahil sa ang ibig puri ay ingatan.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"sapagca'icao nga'di dapat tauaguing ministro ng dios, lubhang maauain, dahil sa asal mo'totoong napuing sa hatol ng langit na ualang cahambing. sinisira mo nga bilin ng canones nilalabag mo pa sampuo pa ng leyes hindi mo ba tantong doo'nacatitic na baual sa clero ang asal bulisic? hindi mo ba alam ang dapat asalin ng sino mang fraile, anomang marating? di ba sa breviario may tunay na bilin sa clero'ang linis, ang dapat gamitin? cung ito'alam mo baquit mo hinamac ang mahal na bilin ng leyes na lahat, sanhi sa nais mo na nasa ng oslac? hayop ang sa iyo'dapat na itauag. tumugon ang curang may impoc na galit tiguil sinungaling, icao ang bulisic marunong sa lahat, pati pa ng langit ibig pang maabot ng haling na isip. sumagot sa gayon, doroong clerigo ng uicang mamaya magquiquita tayo, tutungo sa juez at isusumbong co ang causa criminal na iniimpoc mo.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"alam cong icao nga'di ibang tunay siyang nagpasunog sa caniyang bahay, doon nga rin naman tupoc na namatay ang ina ng batang ualang casalanan. pagcauica nito'umalis na agad yaong juzgado ang siyang hinanap, sa bagay na ito'ang cura'nasindac caya'natiguilan sa sandaling oras. mapamayamaya dumating ang juez clerigo'casama'sa bahay pumanhic, dito nga inabot ang curang bulisic na hinihimuyot ang bata sa lihis. pagpasoc ng juez doon sa pintuan pagdaca'nagsulit sa cura sa bayan, aniya'sumama sa aquin nga icao sa ngalan ng ley bilango cang tunay. ang tugon ng cura di cana nanganib na aco'bilango sa aqui'isulit, di mo ba tantong ang gayon ay lihis aco'cahalili ng dios sa langit. hindi baga alam may capangyarihan ang sino mang fraileng magcura sa bayan, na gobierno'leyes dapat na gumalang ang gayon ay hatol ng sangcalangitan? sumagot ang juez ng sagot matigas aniya'itiguil ang bibig mo oslac, acala mo yata aco'nagugulat sa isang paris mong, catulad ay ahas.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"papa man sa roma'pipiiting co rin cung siya'suminsay sa leyes na bilin, pagtupad na ito ay utos sa aquin ng langit at lupa; oh! tauong haling! icao po'magsulit sabi sa clerigo ang tanang nangyari'ng matalastas co, clerigo'tumugon ang batang narito ang lalong mabuting magsabi sa iyo. dito na minulan ng batang babaye ang lahat ng bagay, at tanang nangyari, sa bagay na ito'ang cura'nagsabi na yao'di tunay lilong pamarali. at ang sinabi pang parang idinugtong iyan ay bunga nga ng isip na pusong, naritong clerigo na may nilalayong mahalay sa bata. oh asal ulupong! clerigo'sumagot sa ganitong turing oh fraileng halimao, tauong sinungaling! cung ano ang puti ng habitong angquin sa dugo mo naman ay siyang ca itim. nahiga ca na ba'humilig na cusa sa piling na ualang caparis na sama? di na ba naumid ang lilo mong dila sa halay ng sulit na ualang camuc ha? ngayon ba'sala mo'mapaparusahan ang ibig mo naman aco ay idamay? sa sama mong quilic, pati ng catouiran ibig mong bulaguin. mahalay na asal!",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"cung dito'manaog ang tunay na dios at cusang masilip ang asal mong hayop, sa iyo'icacapit, sa laqui ng poot bagsic ng parusang ualang maca ayos. sa bagay na ito'ang doroong juez sa curang may sala ay cusang lumapit, at saca nag uica ng ganitong sulit dumating ang oras, maghari ang matouid. sa hiya ng cura ay nagpacamatay sa oras na yaong hindi namalayan, nino mang doroon cundi napaquingan ang putoc ng isang revolver na taglay. caya'ng maquitang siya ay patay na clerigo'lumapit sa batang dalaga, aniya'masdan mo'tunay natupad na justicia ng dios, totoong justicia . at saca iniutos, ang patay ilibing ang juez naman nga'umoui ng tambing, at saca ang causa'tinapos naman din ng tama sa utos ng matouid na bilin. clerigo'umoui at bata'iniuan sa guitna ng isang toua, at casayahan, dahil sa natapos panganib na taglay ng caniyang puring iningat ingatan. ito ang nangyari, nabasang capatid ititiguil co na'bahalang mag isip, cung ang fraile'dapat tauaguing mabait tauong uala na ni puso ni dibdib.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"masdan mo rin naman, cung dapat quilanling ministro ng dios fraileng sinungaling, cung ito ay lihis bahalang touirin ng lalong marunong may bait na angquin. ang bunga ng cutad na isip cong taglay bungang namuco nga sa ualang capantay, na pagmamasaquit sa bayang linac han bayang mapagtiis tanang cahirapan. at sa catunayan nitong hinanaquit di aco titiguil amomang masapit, hindi magsasauang maningil na tiquis sa mga umapi sa bayan cong ibig. fraile at castila, maputi'maitim hangang mangyayari'aquing sisisihin, at hindi tutugot anomang marating ang puri ni ina'aquing hahabulin. fraileng ualang puso, ni habag munti man fraileng camag anac ng lilong si satan, fraileng mananagot sa isang hucuman ng tunay na dios; justiciang marangal . caya nga'di sucat, itong sinasabi sa tula cong ito, na unang bahagui: nasaan ang dios! carugtong na huli nitong sinulat co na sama ng fraile .",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Mariano Sequera,"at cung sacali nga'susulat na muli tungcol din sa fraileng pilipit na budhi, hindi rin titiguil, cahi ma'mamuhi, sa aquin ang papa, cardenal at hari . at icao nabasang capatid na irog guilio cong camuc ha'casanib na loob, huag lamang baguhin sacali ma'capos ang tulang mahirap na sa iyo'handog. sucat na sa icao magpuno'bahala sa balang mamasid na mali cong catha, at tuloy gamitan ng isang salitang lumabac sa sulat, umayon sa nasa . manga casamahan nito: nasaan ang dios! si emilio at si maria. ang hatol nang langit, (comediang tagalog). marami pang ipalilimbag na pauang maririquit at paqui quinabangang basahin.",0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"aywan kung sino ang nagsabing: ang pilipino ay di marunong tumangkilik sa kalakal ng kalahi sa sino man, ay di sasalang siya'kaayaw ng bayang tagalog, sapagka'ayon sa mga pangyayari ay napagkitang tsang lubus na kasinungalingan ang gayong kasabihan. nagsisipangusap na katibayan ang masasaligan ng ganitong paniwala at isa na rito'ang sto. cristo, blg. maynila, almacen ng cemento, lierro galv, alambre, petroleo, araro at ibp. na, totoong malusog, at ang kalusugang ito'di utang sa kanino man kungdi sa pag amakabayan ng kanyang mga mananangkilik at sa mga iya'walang nabibilang na isa mang taga ibang lupa. isang batas ng kalikasan na ang langis ay hanapin ang kaawa langis at ang tubig ay sa kapwa tubig. jose maria rivera. maynila, limbagang daang santiago de vera blg bagtasan ng moriones at morga, . ..dalawang lilo tamis at pakla. bagong magdalena. hiyaw ng diwa.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sa babasa mangbabasang guiliw: bago siyasatin ang pinakalaman ng aklat na ito, ay pagkaabalahang tunghayan sandali ang mga pang unang titik, na siyang maghahatid sa inyong tunghayan ng mga larawan ng maykatha at ng kaniyang katha. kung sino si jose maria rivera? anak sa bayan ng tundo, halaman na naging punlaan ng mga zorrila, joseng sisiw. at mga iba pang laki sa alo ng tula; si jose maria rivera ay isang kaluluwang busog sa mga pangarap. batang bata pa siya ng mabilang sa hanay ng mga mamamahayag: lalabing pitong taon. hindi nalaunan at ang manunulat ay naging masikap na kampon ni minerva pagkatapos, na mapabilang sa mga manghihimagsik. panulat at baril, sa kamay niya, ay iisang bagay: panananggol ng buti, panggiba ng sama. sa gulang na dalawangpuong taon, ang manghihimagsik, ay tumahak na naman ng bagong landasin: nanulat ng dulang tagalog. at mangdudula na at manghihimagsik at mamahayag, ay inibig pa ring kumita ng lalong dangal.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"kaya'pinilit pang makapag bachiller en artes perito mercantil at licenciado en derecho . makatas na likha ng talinong ito ang: tatlong personahe ang lumilikha ng mga pangyayari: ernesto, binata; armando at magdalena, mag asawa. si ernesto ay isang bantog, dakila, at matalinong makata at mangdudula kaluluwa ng kadakilaan, pusong bakal. magdalena pusong babae mahina, yuko at tiklop ang tuhod sa mahiwagang kapangyarihan ng puso. don armando mayamang mangangalakal, punong ganid, pusong nadadarang sa kinang ng pilak, at sumasagot lamang sa pangangailangan ng ginto. ang pagkamuhi ni magdalena sa kaniyang asawa, at paghanga nito sa bantog na makata at mangdudulang si ernesto, ay siyang nagbulid sa kaniya sa makamandag na kamay ng mahiwagang kapangyarihan ng puso.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ipinahiwatig niya at ipinakilala kay ernesto ang kanyang pag ibig, bagay na tinanggap ni ernesto ng boong galak at pagdiriwang na tulad sa usok na pumapaitaas at kusang napaparam sa himpapawid isang panagimpan; pagka'ng si ernesto ay sumapit sa kaniyang tahanan, at muling suriin sa kaniyang isip ang mga nangyari, ay isang malakas na hindi.! ang narinig niyang ipinaghihiyawan ng boong lakas ng kaniyang conciencia ginamit ni ernesto ang kaniyang pagkapusong bakal, kinuha ang panitik at inakda ang dulang dulang naglalarawan ng buhay nila ni magdalena. sa araw ng unang pagtatanhal ng bantog na dula, ay inaniyayahan ang mag asawang armando at loleng. di natapus ang dula, at si loleng ay niyapos ng takot, siya'nanglamig, nangalisag ang kaniyang buhok, nangatal ang kaniyang katawan, at sandaling pinanawan ng pagkatao. sinakal ng takot ang kaluluwa ni loleng sa harap ng gayong pagkakasala.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"matapus ang gayong pangyayari, ay nagsadya si ernesto sa bahay ng kaibigan niyang mag asawa, at nagpaliwanag ng bagay na nag udyok sa kaniya ng pagakda ng gayong dula; si loleng ay nagsisi, si armando ay pinatawad siya, at si ernesto ay nakatupad sa hiyaw ng kaniyang conciencia . salaysaying pinaglalarawanan ng isang dariong dalisay umibig, ng isang angela na bago namatay ay binigkas muna ang pangalang dario. !, pangalan ng sinta na sa kaniyang puso, ay hindi nakatkat, ni ng matuling panahon, ni ng matagal na pagkakalayo; at isang amalia, inang sa hirap ng anak ay nakalimot sa kaniyang sarili upang wala ng mithiin kundi ang ililigaya noon. ang lahat ng mga naunang talata ay siyang laman ng aklat ng kaibigang pepe maria rivera, aklat na dahil sa kaniyang mainam at kalugodlugod na pangyayari, ay ina asahan kong babasahin ng tanang mahiligin sa mabubuting babasahin.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sa kahulihulihan, na aalaala ko ngayon ang isang pangyayari ng kaibigang rivera, ng kasalukuyang kami ay nagtatapos ng pag aaral sa liceo de manila, na, samantalang kaming lahat ay nag aaral ng paggawa ng composicion at pagdingig sa aming profesor (ang namatay na. juan basa), ang kaibigang rivera naman ay walang pinagkakaabalahan kundi ang pagsulat ng mga tula at tuluyang ilinalathala sa pahayagang la patria . perfecto del rosario. tundo, disiyembre ng taong. langit na maulap umaga. ang araw ay maliwanag na sumisikat, at tinatanglawan ang lahat ng pinagharian ng gabi; ang langit ay walang mga panganorin na nakadudungis sa kulay niyang azul; ang mga sampagang nangag tikum ang dahon matapos na matangap ng kanyang talulod ang bango sa isang mahiwagang gabi, ay paraparang ilinalahad at pinahahalimuyak ang bango niyang na impok ng sakdal lwat.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"armando, matapos na makapagbihis at makakain ng agahan, ay dagling tumungo sa sabitan ng sumbalilo at matapos kunin ang kailangan ay nagsabi sa isang babayeng nakaupo pa sa kakanan, ng: hangang mamaya, magdalena. hintay ka muna armando at maaga pang lubha anang babaye na may halong lambing. namamali ka nang pagsasabi ng gayon. alamin mo magdalena na ang tatlo nating vapor ay mangagsisialis sa umagang ito, at marami sa mga kinakailangan ay wala pa. bawa'saglit na ikabalam ko, bawa'isang minuto ay libo libong piso ang mawawala sa atin at ito'di marapat na mangyari. mahal pa sa iyo ang oficina kay sa akin, iniibig mo pa ang negocio mo kay sa akin. at di mo dapat ipagtaka, pagka'ang kualta ay kailangan at ng di natin abutin ang paghihikahos. at noon din ay nanaog si. armando at sumakay sa kanyang carruaje. samantala, ang naiwan niya ay mangiak ngiak halos kaya'sa bibig ay pinapamumulas ang mga salitang: gaya din ng mga araw na nagdaan.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"inibig ko siya sa pagsasapantahang, sa kaniyang puso ay walang ibang sasambahin kundi ako lamang, nguni'ako pala ay nagkamali: sa puso pala niya ay may tangi pang nasusulat ng higit sa ngalan ko saan matatagpuan ang isang pusong makapagdudulot sa aking mga pinipithaya? matapos na sabihin ito, ay biglang tumindig sa kinakanang lamesa at pumasok sa kanyang silid. armando bago ipatuloy ang pagsasalaysay ng mga bagay na nangyari, sandali kong tuturan sa mga nanasa, kung sino si. armando at si magdalena. si dn. armando ay isang ginoong pagka husto na ng isip ay kinamatayan ng kaniyang mga magulang na naiwanan ng di kakaunting mana . palibhasa'siya'mauilihin sa pangangalakal, ay itinuloy ang bahay kalakalan ng kaniyang ama. kaiguihan ang taas at pangangatawan, at ang gulang ay sasakay na marahil sa. si magdalena naman, ay dili iba kundi ang asawa ni. armando; siya ay magandang lubha at masasabi ngang sa bayan ng. ay walang mangunguna.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sa taglay na puso na uhaw at kailan man ay di masasapatan ang mga kahilingan, ay walang ninanasa kun di ang samyuin ang pag ibig. datapwa'sa isang pagkakataon ang napangasaua ay may pagka mahilig sa pangangalakal at di na halos naaalaala ang kabiak ng kanyang puso, bagay itong ipinagdadalamhating labis! ang gulang niya'na. isang umaga na bilang pangatlo na nang mga nangyaring pagpapaalam ni dn. armando kay magdalena, ay may kumatog sa pintuan ng tahanang iyon na ng patignan sa isang alagad ay nakitang iyon pala'si ernesto del rio. palibhasa'ang tumawag ay ipinalalagay ni. armando na matalik niyang kaibigan, kaya'naaaring kahit anong oras ay nakaparoroon. binuksan na nga ang pintuan na daan at makaraan ang ilang sandali ay tuluyang umakiat ang binatang ernesto. mamalas ng dumating ang ayos ni magdalena, ay nagturing na: magdalena, bakit at sa pagmumukha mo'nalalarawan ang hapis? bakit ang sungit ng yamot ay lumululan sa iyong puso?",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"tinitigan sumandali ng kinakausap ang katatapos na tumanong, bago sinundan ng isang buntong hiningang sumasaksing mabigat na lubha ang pagbabakang nangyayari sa kanyang puso, at pagkatapos ay nagsabing: ernesto, tunay ang iyong sinabi, pagka'. ang sambot ng kausap. ako'di ini ibig ng aking asawa. bulaan ang sapantaha mong iyan, magdalena, pagka'ang di umibig sa iyo, ay walang puso, at si armando ay pinatunayang, lalaki siyang marunong umibig pagka'hinirang ka niyang maguing asawa na pipintuhuin. nagkakamali ka ernesto, pagka'sa puso ni armando ay di ako ang sinasamba kundi. may iba pa siyang iniibig? oo, mayroon. maaari ko kayang makilala? bakit hindi turan mo, magdalena. ang kualta, ang ginto. hindi nakakibo sa gayon si ernesto, at ang pagkatao'waring lumayo sa kaniya, ng saglit. di ba totoo ernesto na kung sa iyo mangyayari ang gayon, kung ikaw ay magkaka asawa ng isang marunong umibig, ay gagantihin mo naman ng pag ibig din? ang dugtong ni magdalena.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"gayon nga ang aking gagawin, gayon ang maaasahan sa akin, datapwa'. tanto mo marahil na ako mandin ang tanging linikha ni bathala upang pahirapan na lamang. ah, magdalena, ang patuloy na sabi ni ernesto, kung ako ang palaring magkaroon ng isang tulad mo na magiging kabiak ng puso, kung ako ang magkakaroon ng pag ibig ng isang magdalena, marahil, ang aking mga tula ay lalong pupurihin, at kaiingitan ng mga may maruruming puso. ernesto, ako man ay gayon din. ako ay nagsapantahang si armando ay mapapalitan ng kapua pag ibig ang aking puso, datapua ako ay nagkamali: ikaw at di pala siya ang makapagdudulot sa akin ng gayon. magdalena, magdalena, ikaw man ay aking ini ibig, ang sulit ni ernesto. salamat ernesto ito ang unang pagsa mapalad ko. pag aalinlangan sakbibi ng isang pagkatwa, ay linisan ni ernesto del rio, ng makatang laging tinatakhan ng tanan ang mga ilinalathala sa mga pahayagan, ang marikit na tahanan ni.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"datapwa', nang siya'na sa bahay na, at anyong susulat, ay isang pag aalinlangan ang pumaibabaw sa kaniyang isip, pag aalinlangang pumutol sa nais niyang yariin ang tulang ipinangako sa pahayagang ang ilaw. umulik ulik ang kaniyang pag iisip na tulad ng dahon ng kahoy na linalagas ng masidhing hihip ng hangin at pinagwiwindang windang bago pasapitin sa lupa, bagay itong ibinitiw ng panulat at pagsapupo ng dalawang kamay sa kaniyang ulo na wari ay di makayang dalhin ng dalawang balikat. at ang gayo', waring siyang ina antay lamang ng pinagbubuhatan na pag iisip niyang hinahangaan, pagka'bahagya pa lamang na nakararaan ang isang saglit, ay pinagharian na siya ni morfeo. pangarap mga ilang sandali ang nakaraan ng ang pangarap ay nakuhang magambala ang katahimikang dulot ni morfeo. nangarap nga si ernesto ng mga sumusunod: umano, si dn. armando ay nabalitaan ang paglililo sa kaniya ni magdalena at ernesto, na siyang nagiging sanhi ng panunubok ng tinurang.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"armando, panunubok na pinagkasanhian ng pagkakatutop sa kanilang dalawa, na ang naguing wakas ay ang pagpatay ni armando kay magdalena . ang pabulalas niyang turing, na siya tuloy ikina untol ng pagtulog. datapwa'bahagya pa lamang nakapagpapahinga, ay siya namang pagdapo uli ng isang panaguinip na gayari: nang matapos mapatay ni. armando ang kaniyang taksil na asawa, ay siya naman ang hinarap at pinagsabihan nang: ernesto, ang ginawa mong iyan sa akin ay walang ibang ngalan kundi kataksilan. linabag mo ang aking mga paglingap sa iyo, ang isinunod ni. armando, at dahil sa bagay na ito, ikaw ay tumatag. patawarin mo ako! ang paluhod na samo ni ernesto. hindi kita mapatatawad. sa guinawa mong iyan ay labis na sana kitang mapatay, datapwa'di ko magagawa ang gayon. isa sa atin ay labis sa lupa at. hindi ako makalalaban sa iyo.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"kung gayon, ito ang marapat sa iyo, at noon din ay iniakma sa kanya ang isang revolvers, datapwa, ng dumating na dito ang panaguinip ay siya niyang pagkagising na pupungas pungas, at ang mga naunang salitang pumulas sa kanyang bibig ay ang: huag, huag mong kitlin ang aking hininga. datapwa'ng masiyahan na siyang di pala kaharap si. armando at ang nangyaring yaon ay panaginip lamang, dinapuan siya ng isang kalungkutang na ikinalugmok tuloy sa isang panig ng tahanan. sumandaling napalagak sa gayong anyo si ernesto, at pagkatapos ay nagturing na: hindi, hindi nga nararapat na ako'mangibig at sangayunan ang sa aki'idinudulot ni magdalena. di ko dapat gantihin ng pagsusukab ang mabuting palagay na akin ni armando. si magdalena'nagkasala, at kinakailangang ang gayon ay pagsisihan niya. at noon din ay kumuha siya ng papel at sinimulan ang pagsulat ng isang dula. ilang araw na ang yumaon.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sa lahat ng tanyag na kinakabitan ng mga cartel ng teatro, ay walang nakikita kundi ang nagpuputiang papel na kinalilimbangan ng mga titik na pula na ang nasasabi'ang sumusunod: dulaang makata unang pagtatanghal ng dulang tatlong yugto, ng kilalang makatang ernesto del rio at pinamagatang daluhan! panoorin ang mainam na dulang ito! hapon ng lingo noon. sa magandang langit ay walang isa man lamang ulap na nakatatabing baga nakadudungis. si ernesto, ay tinungo ang bahay ni. armando, na ng mamasdan sa mukha ng dumating ay biglang nagsabi na: ernesto, anong saya mo ngayon. oo nga, pagka'. nguni', hindi, hindi ko tuturan hangang di mo ipangako sa akin na ako'di hihiyain. ang tugon ni ernesto. di mo ako hiihiyain? kung gayon, mamayang gabi, ay itatanghal sa tanghalang makata ang isang bago kong dula na ang pamagat ay. bagong dula mo na naman? oo, at iya'ika limangpuo'lima na: wala kang pagod na tao! paparoon ka? kung gayon ay naito ang palco presidencial.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ibig kong ikao ang mangulo sa aking palabas. napaka labis naman yata iyan. kulang pa ang sabihin mo sa isang gaya mong bagong mecenas. salamat sa papuri mong iyan, ernesto, at inaasahan ko na, ngayon pa, ang tagumpay mo mamaya. tunay, at sa dulang iyan ay inaasahan kong lalong lalaki ang aking ngalan sa malawak na laranganan ng panunulat. gayon din ang haka ko. siya, hangang ika isama mo ang iyong asawa. hwag kang mabahala. at noon din ay nagkamayan sila, at pagkatapos ay yumaon na si ernesto. armando naman ay ibinalita kaagad kay magdalena ang anyayaya ni ernesto, at noon din ay sinimulan ang paglalabas ng damit niyang gagamitin sa dulaan. sa tabi ng bangin. ika walo'kalahati ng gabi.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ang madlang tao ay nangagtayo sa tapat ng dulaang makata na wari ay nangag aantay inaabangan ang pagpasok ng mga binibining dadalo sa dulaan ng gabing iyon, nang maringig ang pangalawang tugtog ng isang maliit na batingaw ay dagling nangag sipasok sa dulaan, na noo'punu na ng mga magsisipanood, samantalang ang mga mahihirap na di makaupo sa isang butaka, ay nanga sa entrada general. ang mga binatang mawilihin sa mga binibining may magagandang ayos ay payak na nakapako ang paningin sa asawa ni. armando, na nang gabing iyon ay lalo pang gumanda sanhi sa mga suot niya. ika siyam na ganap ng gabi, nang ang pangatlong campanada ay nadingig ng lahat ng dumalo sa dulaan na sinundan pagkatapos ng pag aangat ng telon de boca. sinimulan ang unang yugto at gayon din ang pangalawa sa di magkamayaw na palakpak ng nanganonood at ng matapos ang pangalawang yugto, ay hindi nagpatantan ang mga iyon kundi makita ang makatang ernesto del rio, na kung tunay mang kilala na nila, ay ibig na purihing muli.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"nang uliting iangat ang telon de boca at simulan na ang tercer acto ay lalo pa ding nagtamo ng maraming palakpak at muling hiniling ang autor noon. datapwa'ng dumating na sa escenang mahuhuli ni. martin (protogonista ng dula) ang asawa niya sa piling ng kaibigang matalik na ito'siyang argumento ng dulang iyon, si magdalenang asawa ni. armando, ng makita ang balaraw na tangan sa kamay ng actor at itatarak sa nagpapapel na asawa, ay sumigaw ng: ang dramang iyan,. at noon din ay hinimatay. sa gayon ay nagkagulo sa dulaan, at pagdaka si. armando ay linisan ang inuupan at inaowi sa kanilang bahay si magdalena, na lubhang di ma alaman ang nangyaring iyon. di din naman lubha nang nagluat at matapos ang pagtatanghal ng drama, si ernesto, ay kaagad na tumungo sa bahay ni. armando na ng kaniyang datnan ay mabuti ng lubha si magdalena. pagtatapat. kaibigang ernesto, ang salubong sa kaniya ni. armando ng siya'makita.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ang dula mo'mainam, dinaramdam ko lamang na hindi nakita ang lahat dahil sa paghihimatay ni magdalena. dinaramdam ko din, ang tugon ni ernesto, datapwa'kinakailangan mong matanto ang isang lihim na napapaloob sa katha kong hinahangaan mo. tantoin mo kaibigan ang patuloy ni ernesto na sanhi sa kalamigan mo sa pag ibig, ang paningin ng iyong asawa ay ipinako sa akin. gayon pala! tampalasan, ang tinurang bigla ni. armando at dadaluhungin na sana si magdalena, datapwa'napigilang agad ni ernesto at pinagsabihan ng: maghintay ka muna, at saka itinuloy ang pagsusulit ng; datapwa'sapagka'tanto ko na kung iyon ay aking bayaan ay lalabagin ko ang ating pagkakaibigan, ay ginawa ko ang dramang itinanghal ng gabing ito ng upang makapagbalik loob ang asawa mong namali sa daan ng katahimikan. at di ka namali, ernesto. ang tugon ni magdalenang ka agad na lumuhod sa harap ni. armando na umi iyak, ako'iyong patawarin. magdalena, pagtindig, at kita'pinatatawad ang sulit ni.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"at ikaw ernesto, ang ginawa mong ito'pinatunayan ang iyong mabuti at tapat na pakikisama, hinahandugan kita ng walang hangang pasasalamat, at makaaasa ka sa kapalagayang matalik na kaibigan. buhat ngayon, ikaw ay aking kapatid. at ang tatlong iyong sa pamamaguitan ng isang mahigpit na yakap ay napagisa ang mga damdamin at puso. kasaysayan ng isang halik sa matalik na kaibigang marcos de los santos, lumikha ng tugtuguing los literatos tondenos . ang bowan na ng mga nakaraang araw ay waring ikinakait ang kaniyang magandang kulay, ng gabing iyon ay maliwanag at bahid mang dungis ay wala. ang mga bitwin na tila alitaptap, ay tuluyang nangawala sa himpapawid dahil sa liwanag ng buwan. hanging mahinhin at mabanayad ang sa alanganin ay pumapaguitna na nakikisunod at sumasaliw sa gayong kagandahan.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ang dagat man na sa tuina'nagbalang gunawin ang sangkapuluan at guhuin ang mga nagtatayugang tahanan na wari bagang hinahamon ang kapangyarihan ni bathala, ay mapanatag na lubha ng gabing iyon: sa kaniya'wala man kahit munting bulalas ng gahasang alon. lahat ay tiwasay at tahimik. samantalang ganap ang katahimikan, sa isang malaking bayang nasasakop ng maynila at sa tapat ng isang tindahang tagalog, nangakaupo ang maraming binata at ilang matatanda. sapagka'kaugalian na ng lahing lakandula na ang mga binata'dalaga ay mangagliliwaliw sa liwag ng bowan ang karamihan ng binata na nag upo sa tapat ng tindahang nabanguit ay nangagyayaang maglakad sa liwanag ng bowan. yumaon ang mga iyon at doon ay walang nangalabi kung hindi ang isang binata at ang lahat ng mga matanda. sa di kawasa'nangagusapan ang mga matatanda ng natutungkol sa pagtugtog ng violin.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"dine sa atin ang sabi ng isa doon na wawalungpuin ang gulang, ay may sumipot na isang violinistang hanga ngayon ay hinahangaan ng tanang makariringig sa kaniya. ah, si dario: siya nga; tunay ang tinuran mo, ang sabi naman ng isa pa din sa nangaroroon. datapwa'sa aking wari, ang kabuhayan ng taong iyan ay nababalot ng isang malaking hiwaga, anang na unang nagsalita. ang tanong ng isa doon. ang mapiling usisa ng isa pa rin. mangyari, si dario na ngayon ay magkakaroon na marahil ng taon, waring di nakikilala ang gawang umibig. at bakit po, tio? ang magalang na tanong ng binatang sapul ng simulan ng mga matatanda ang usapan, ang boong pakinig niya'doon na lamang ilinagak. gayon ang sabi ko, pagka'nakapanggigilalas ang sinapit niyang gulang na taon ay bagong tao pa, at.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"nguni'ang kaniyang iduduktong ay nawala, sa pagkakataong noon din ay dumating sa tindahang pinaglilipunan nang isang matandang kaiguihan ang taas, sunod sa moda ang suot na damit at kahit sa mukha niya nagsisimula na ang pangungulubot nang balat, ay di pa din yumayaon ang mga badha nang kaniyang kapanahunan: isa sa mga magandang lalake. bitbit niya sa kaliwang kamay ang isang kaha ng violin. magandang gabi po sa inyong lahat! saan ka ba nangalin? ang tanong ng isa'isa sa nangaroroon, sa dumating. diyan lamang mga kaibigan sa bahay ng isa kong pamanking lalaki na ikinasal kanginang umaga. ang pamankin mo'napagkikilalang hindi mawilihin sa pagkabagong tawo na tulad mo anang matandang naunang nagsalita. tunay nga ang tinuran ninyo ani dario; datapwa'kung aking inabot ang gulang na ito sa pagkabagongtawo, ay dahil lamang sa isang malaking hiwagang hanga ngayon ay bumabalot sa aking kabuhayan. ang pamaang na tanong ng nangaroroon. at alin ang hiwagang iyan? ang tanong ng isa naman.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"di baga maaring aming maalaman? ang salo ng isang matanda pa din. kung hindi kayo mangaiinip ay aking isasalaysay sa inyo. sa gayon, ang lahat ay nagsipag igue ng upo; nangagunahan ang bawa'isa na mapalapit sa magsasalaysay ng kaniyang kabuhayan. ang may ari ng tindahan pati, sa gayong nangyari ay nahawa na at nang matapos mabigyan ng isang luklukan si dario, ay dalidaling isinara ang kaniyang tindahan, ng upang hwag magambala ang gayong salaysayin. sumandaling tinutop ni dario ang noo ng kaniyang kamay at pagkatapos ay sinimulan na ang pagtuturing ng gayari: di na kaila sa inyo na ang aking kabataan ay isa sa mga inahele ng kapighatian apat na, taon pa lamang ang aking gulang ng ang sinisinta kong ina ay tinawag ni bathala sa kaniyang sinapupunan. ang aking ama na tapat magmahal, ng makilalang ang aking hilig ay sa pagtugtog ng violin, ay pinaturuan ako sa isang bantog na guro.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sa pag aarimuhanan ng aking ama, ako na ang pinatutungo sa bahay ng aking guro, nguni', di naman naglipat buwan at ang ama ko ang sumunod na nalunod sa ilog estigia. simula na noon ay nadanas ko ang hirap ng maulila, hirap na di nakuhang maalis, ng mga paing paunlak ng karamihan, na sanhi sa kahusayan kong tumugtog ng violin, ang bawa na ay nagsisiwalat. isang araw ng lingo, dalawa sa aking pinakamatalik na kaibigan, matapos kaming makasimba, ay niyaya ako sa bahay ng isang mayaman, na ng araw na iyon ay ipinagpipista ang kaarawan ng kapanganakan sa kaniyang anak. marami ng panauhin ang inabot namin doon, at sa tanan, ay ipinakikilala ako ng aking dalawang kaibigan, tangi nga lamang sa pinipista na di namin inabot doon at sinundo ang kanyang mga kalapit loob. datapwa'hindi ko natanto at kung bakit simula sa mga unang sandali pa lamang ng aking pagdatal sa bahay na iyon, ang aking pag iisip ay umulik ulik na, at ang puso ko ay nanibago sa pagtibok.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sa gayong anyo, ay napaupo ako sa isang luklukan, at halos di pa man nagluluwat, ay siya namang pagdating ng pinipista, na matapos mabiguiang upuan ang kanyang mga kakilala ay tinungo ang dalawa kong kaibigan at pinagsabihang: asa ko'hindi kayo magsisidalo, ah. at sinabayan ng isang ngiti. mali ang sapantaha mo, ang tugon ni carlos. siya nga, kaya'pinasasalamatan ko ang gayon. angela, ang sabi ng kaibigan kong andres ipinakikilala ko sa iyo ang aming kaibigang dario reyes, binatang compositor at balitang violinista, at sinabayan ng pagtuturo sa akin. naragdagang lalo ang aking dinamdam, at sa gayon ay wala akong nasabi ng abutin ang kanyang kamay kung hindi: aling angela, pag utusan mo po. ikinagagalak ko po ang pagkakilala sa bantog na violinista, ang tugon niya sa akin na sinabayan nang isang titig na kinapapalooban ng boong kabuhayan at pag giliw.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"matapos ang pananghalian, at sa mga sandaling nangagpapahinga ang mga masambahin kay terspcicore, ang tanang panauhin ay nangagkaisa ng paghingi nila na tugtugin ko ang isa sa aking maririkit na tugtuguin. noon naman ay kasalukuyang ang tanang mawilihin sa musica ay walang tinutugtog kung hindi ang kayayari ko pa lamang na ang pamagat ay agonias, at sa pagnanasa ko ngang makasunod sa pinipita sa akin ng tanan, ay hiniram ko ang violin ng isang orquesta at kaagad ngang tinugtog ang agonias na sinaliwan naman sa piano ni angela. di pa man halos natatapos ang aking pagtugtog, ng pumulas sa bibig ng lahat ang salitang: magaling! isa'isa ay yumakap sa akin at ako naman sa kanila, kahit na sa mga labi ay namumutawi ang ngiti, sa aking puso naman ay isang kalumbayan ang kaagad na pumaloob.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sumandaling tumiguil si dario na waring nahahapo, at pagkatapos na ininom ang isang vasong tubig na kaniyang hiningi, ay itinuloy ang pagsaysay: ganap na isang lingo ang nakaraan, buhat ng pistahin si angela. isang hapon na magtatakip silim na, ay napadaan ako sa tagiliran ng hardin ni angela. akay palibhasa ng pagnanasang mailuhog sa kaniya ang aking pag ibig na buhat pa ng mga unang sandaling magkatamang mata ay namahay na sa puso, ay sinamantala ko ang kaniyang pamumupol ng sampaguita, at karakarakang binati siya: sumagot naman sa akin ng malumanay at inanyayahan akong pumasok; anyayang kaagad kong tinupad, at mga ilang sandali kong ilinuhog sa kanya ang aking pakay. palibhasa'talaga na nga yata ng diyos na ako'palarin, si angela ay tinangap ang aking pagluhog at binitawan sa akin ang mahiwaga, matamis at mahalaga niyang oo . kaylan man ay di ko malilimot ang mga sandaling iyon na ikinaginhawa ko!",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sa di kawasa, ng akoy'nagpaalam na kay angela, at sagutin na niya ng: hangang sa jueves irog ko siyang paglapit sa amin ng ina ng guiliw ko at nanglilisik ang matang nagturing na: angela, hindi ka na narimarim na tawaging irog mo ang dayupay na iyan? sa gayong pag alipusta sa aking kahirapan, sa dibdib kong mapag bata, ay waring naringig ang piping hiyaw ng aking puso na anya': ipagsangalang mo ang iyong karalitaan! at dahil sa bagay na ito'itinaas ko ang aking ulong nakayuko at nagsabi nang: da. amalia, magpakarahan po naman ng pag alipusta sa aking karalitaan. sasagot ka pa; ang tugon niya sa akin, naito ang marapat sa iyo, at noon din nga ay ipinalo sa akin ng walang patumanga ang isang palasan na kaniyang tinutungkod. sa gayong nangyari, niyakap ni angela ang kaniyang inang kasabay ng pagsasabi sa akin ng: dario, yumaon ka na . sinunod kong dagli ang sabing iyon ni angela.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"kinamakalawahan, nang pangyayaring iyon, ay tinangap ko ang isang liham ni angela na gayari ang nasasabi: irog kong dario: buhat ng mangyari ang pananampalasan sa iyo ni ina, ako'nahiga na at di tinitigilan ng lagnat. hindi lamang ikaw ang nagdurusa, irog ko; ako man ay sakbibi din ng kapanglawan, ako man ay ginigiyagis ng lungkot. kung ako'kapu in ng palad at maputi ang aking hininga, ay makaaasa kang sa mga huling tibok ng aking puso, ang mga huling salitang pupulas sa aking bibig, ay ang ngalan mo, pagka'ang pag ibig ko sa iyo ay walang makakatulad at malawak pa kay sa dagat at himpapawid. huwag mo ngang lilimutin ang iyong iyo lamang na si, angeling. di masayod na lungkot ang sumaakin ng ang gayon ay matanto at palibhasa'simula ng gawin sa akin ni da. amalia ang pag hiya, binuo ko na sa loob ang pangingibang bayan. kinabukasan, at bago pa lamang ipinakikita ni febo ang mga unang anag ag niya, ay iniwan ko na ang bayang ito at tinungo ko ang pangasinan.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"isang hapon na kasalukuyang ang mga ibong naglalagalag ay tinungong muli ang kanilang pinag iwang mga pugad; hapong hustong ikapitong araw ng pagsapit ko doon, walang ano ano'lumapit sa akin ang alila ko at sinabing may mga tawong humahanap sa akin; iniutos ko sa kaniyang patuluyin ang mga iyon, nguni'nang mangagsipasok na ang mga bagong dating ay isang malaking kamanghaan ang umabot sa akin. nalalaman ninyo kung bakit? pagka'ang isa sa mga iyon ay ang ina ni angela na nang makita ako, ay nagturing na kasabay ang iyak at yakap sa akin; dario, patawarin mo ako sa pagkakalait sa iyo: iligtas mo ang aking mahal na angela. nang maringig ko ang kanyang sinabi ay itinanong ko ang sanhi ng kaniyang, mga sinabi at noon din nga ay isinalaysay ni da. amalia at ng pinsan niyang luisa na mula ng hapong ako'kaniyang linait, si angela ay nagkasakit na at ng ikatlong araw ay sinabi na ng medico na ang tanging kagamutan ng sakit ni angela ay na sa kaniyang minamahal.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sa gayon nga ay isinamo sa akin ni da. amalia na huwag na di ako sumama sa kanila, at dahil sa mapili nilang pag anyaya ay sumang ayon na ako. samandaling huminto si dario na waring ina ala ala ang tanang pangyayari na isinasaysay niya. lumipas ang ilang saglit at, pagkatapos na silang nangagkakaharap ay uminom sa dulot na matamis at tubig nang may tinda, ay ipinatuloy ni dario ang kaniyang pagsasalaysay. kinabukasan, at dahil na wala na nga akong iba pang nasa kundi ang mamalas ang aking iniibig na angela, matapos na makakain ng agahan, ay lumulan na nga kami sa tren. dalawang oras at kalahati ang itinagal namin sa paglalakbay, at pagkatapos ay dumating na kami sa bahay ng guiliw kong angela. nang ako'anyong tutungo na nga sa silid ng aking sinta na kasama si da. amalia, ay sinalubong kami ng manggagamot, na nang matantong ako ang dario, ay kaagad akong pinagsabihan, ng: kayo pala!. si angela'walang patid ng tawag sa inyo.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"hindi ako nakatugon ng kaputok man lamang, kaya'ang mangagamot nang mamasdan ang gayon ay nagturing na: kayo, tanging kayo ang marahil ay makabubuti kay angela. nguni'nang kaming tatlo ay anyo nangang papasok, ay siya naman naming pagkadingig ng hiyaw na; dario! dagli na nga kaming tumuloy sa kinalalagian ni angela ng nadingig ang gayon at kaagad kong tinabanan sa kamay kasabay ng pagsasabi nang: angela, angela! ang biglang sigaw niya ng makita ako. asa ko'hindi na kita makakausap; asa ko'mamamatay ako ng hindi ka man lamang makakaabot sabi, nguni'napagkikilalang diningig ng dios ang aking hiling,. mamamatay ako ngayon ng tahimik. angela, bakit mga kaisipang sakdal papanglaw ang pinapamumulas sa iyong mga labi? ang sabi ko sa kaniya. ah, pagka'tanto ko na lumalapit na ang aking kamatayan. ang bata mong iyan? ah, hindi, hindi ka pa mamatay.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"tinitigan akong sumandali ng boong guiliw ni angela, at pagkatapos ay nagturing na: dinaramdam ko ngang lisanin ka at lalo ko pang daramdamin kung magunitang ako'dagli mong malilimot, sakaling tumugpa na sa bayang payapa, nguni'ano ang aking magagawa? wala na kundi sumang ayon sa pasya ng may likha sa ating lahat. tumiguil sumandali, at pagkatapos na wari bagang ang kaunti niyang lakas ay nakuhang natipong lahat, umubong maka tatlo, at pagkatapos na matabanan ang kamay ko ng sakdal higpit, ay nagturing na: dario, ipangako mo sa akin na, sakaling ako'mamatay na, ay hindi ka mag aasawa kundi sa babayeng higuit pa sa akin. hindi lamang iyan, angela, hindi lamang iyan, kundi, sakaling ako'lisanin mo, ay hindi na ako mag aasawa, ang tugon ko sa kaniya. tupdin mo kaya ang gayon? hindi mo kaya pagsisihan? isinusumpa mo?",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"nang maitugon ko ang gayon, ay ikinawit sa aking liig ang kaniyang mga bisig na sakdal papayat na, at pagkatapos ay hinagkan ako ng minsan, isang halik na hanga ngayo'nararamdaman ko pa. ang ina ni angela, na nakikita ang gayon, ay hindi umimik kaputok man. isang sandali lamang ang yumaon at pagkatapos, ay binawian na ang guiliw kong angela ng buhay ni bathala. at, iyan pala ang sanhi ng di mo pag aasawa? ang turing ng isa sa mga kausap. oo, iyan ang sanhi ng kung bakit hanga ngayo'bagong tao pa ako. at noon din ay nag paalam na si dario sa tanang mga kausap, samantalang sa batingaw naman ng sambahan ng ay naringig ang sampung tunog. aklatang bayan . aklat mananayaw ni ros. almario duwag ni. changco sa tabi ng bangin ni. legaspi daang anloague, dating lemery blg. bago pumahik ng tulay ng hulo.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"sa amang ualang pinagmulan, sa anac niyang bugtong, sa espiritu santong mangaalio, iisang dios at tatlong personas. sa camahal mahalan at cataas taasang misterio nang trinidad na casantosanto san nagcucusang nonoui, cun baga sa cusa, itong novenas nang mapantas na doctor at ama nang santa iglesia na si san agusting na ama cong liniliyag, sapagca cun sa dios ama inahihinguil ang capangyarihan, sa anac ang carunungan at sa espiritu santo ang sinta; ang sinta, carunungan at capangyarihan, ay siyang sinag na ipinagbibigay liuanag sa sangdaigdigan nang arao nang santa iglesiang si san agustin. ang pinagcacaquilalanan nang calachan nang caniyang capangyariha,, cabagsican, ay ang pagca inamin nang santa iglesia ang lahat niyang aral tungcol sa gracia, tuloy siyang pinasasampalatayanan sa sangcacristianohan.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"hayag naman ang caniyang carunungan at ang baquit siya,, aguila nang manga doctor, ay lungmipad pa naman siyang nagpacataas taas, na nangyari niyang siniyasat at inonaua ang cataastaasan at calihim lihimang misterio nang santisima trinidad, nang mangyaring malipol ang lahat nang manga camaliang linalang nang manga erejes laban dito sa misteriong ito. nguni saan di? palibhasa,, naquinabang siya sa dios ama nang capangyarihan, sa caniyang bugtong na anac nang caniyang carunungan, at ang dios espiritu santo nama,, nagcaloob at naghulog sa caniyang puso nang caniyang sinta; si san agusting din ang nagbigay pagcatotoo nito; na ganito nga ang marahil niyang uiniuica sa panginoon dios: cun ga icao aniya, panginoon co ay si agustino, at ga ang dios na ay aco, iiuang co ang pagca dios co, at ibibigay co sa iyo,, nang icao ang maguing dios co .",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"si, sapagca palad co aya, cun aco,, maguing dapat magcamit nang gagaduplis man lamang na quidlat nang gayong sinta, na icapaglathala nang pananampalataya, maningas na pangayupapang pagcauili at maliyag na pagbunyi dito sa casanto santosan at caningasningas na trinidad. sa iyo nga, aba trinidad santisima! iniaalay at inihahayin nang totoong pananaguisuyu,, pagpapacababa at tunay na pangangayupapa niring loob co itong novenas, na baga man munti sa tingin, ay ang tungo,, calaquilaquihan.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"cahimanauari ang manga loob nang manga tauo, ay manga sulong at magsipanibulos na pagdongdongang pangadying, nang macamtan nila ang lubhang maalam at macapanyarihang ampon at saclolo nang maningas na puso ni san agustin na pinaglaosan nang tunod, sampon nang manga cabanalan at graciang hinihingi dito sa novenas na ito; siya cong nasa,, pita, siya co rin namang iniamo among idinaraing, idinadalangin at hihingi sa dios ama na macapangyarihang tunay, sa dios anac na carunungang lubos, at sa espiritu santong apoy na sintang tibobos, iisang dios na totoo, na nabubuhay at naghahari magparating man saan.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"cacailan mang panahon at cacailan mang arao, ay sucat mul an at gauin itong novenas, ayon sa pagcauili pagcasalat nang isa,, isa; nguni ang lalong tapat, ay cun mul an sa icadalauang puong arao nang bouang agosto, at nang masadha,, matapos sa icamaycatlong ualo; arao nga na ipinagpifiesta sa caniya nang santa iglesia; at cun dili caya, ay sucat mul an sa icamaycatlong pitong arao nang bouang abril; at nang matapos sa icalimang arao nang mayo, arao nga nang catacatacang pagbabalic niyang loob sa dios. sa arao nang camumul an ay magcocomulgar, at sa boong siyam na arao, ay magpapacapilit magingat sa anomang pagcacasala nang marapat sa ating panginoong dios ang caniyang hinihingi.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"arao arao ay darasalin ang unang panalangin at aacalain sa loob at gunamgunamin, na siya,, humarap sa casanto santosan trinidad; at saca isusunod ang icalaua na natatala sa ibaba sa balang isa,, isang arao, at cun matapos ay mangadyi nang tatlong ama namin at tatlong aba guinoong maria puri at dangal sa santisima trinidad na sininta nang totoong pagniningas nang puso ni san agusting ama natin, at saca isa pang ama namin at aba guinoong maria puri at bunyi sa maliyag na alab at ningas nang caniyang dibdib. saca naman isusunod na babasahin ang manga touang dalit na nasa cauacasan nito .,, . cun macapagmula nang mag ang tanda nang santa cruz at macapag panginoon cong jesucristo, ay babasahin itong panalanging masusunod at oolitin din sa arao arao .",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"sa harapan mong camahal mahalan, panginoong macapangyayari sa lahat, iisa sa pagca dios at tatlo sa pagca personas; ay ipinagpapatirapa co yaring caabaan co at ang hiling co,, nasa, ay ang balang nang panimdimin, gaui,, uicain co dito sa pagnonovenas na ito,, paraparang maoui,, mahinguil sa pagpupuri,, pagdarangal sa iyo. at sapagca naquiquilala co,, natatalastas ang pagcababa, pagcamura,, pagcaualang halaga nang manga gaua co, ang tica co,, nasa ay ipaquisama,, ilangcap sa manga ualang hangang carapatan at pasiong camahal mahalan nang aquing pang inoong jesucristo, at nang mahugasan nang caniyang mahal na dugo ang aquing caloloua, luminis at mauala ang dilang libag nang casalanan at manga pitang masasama.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"inilalangcap co nama,, pinipintacasi ang manga carampatan nang calingas lingas na virgeng si guinoong santa maria, at nang calahat lahatang angeles at santos; at ang bucod cong pinipintacasi ay ang ama cong liniliyag na si san agustin, at ang ampon niya,, saclolo ang ninanasa co,, hinahangad dito sa pagnonovenas na ito. at yayamang icao, santo,, ama cong minamahal, ay naguing arao na nagpaunaua at nagpaliuanag sa boong sang mundo nang calalim lalimang misterio nang santisima trinidad doon sa labing limang guinaua mong libro; at ang puso mo,, naguing carurucan nang trinidad na casanto santosan, ayon sa ipinapahayag nang angel cay san sigisberto, ay saan di aamini,, ipagcacaloob ang anomang iyong dalanginin.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"caya nga yata idalangin mo aco sa panginoong dios nang tauad sa acquing manga casalanan, manga arao at tulong na ipagpepenitencia co,, ipagdurusa nang tapat sa manga calilohang co; at ang bucod co pang hinihingi dito sa pagnonovenas na ito; at ang idinaraing co pang isa sa iyo, ama cong iguinagalang, ay ang yayang icao noong nabubuhay pa dini sa ibabao nang lupa, ay naguing tagapagtangol at tagapagsangalang sa pananampalataya, at ang caniya pang santa iglesia, ay ipinagbilin at ipinagcatiuala sa iyo nang caniya ring esposo na si jesucristo, ay ipatuloy mo rin ngayong na sa langit ca na ang dati mong ampon, at pagpilitan mong hingin sa panginoong dios na palataguin at palaguiin sa boong sangmundo ang totoong pananampalataya, ang magcasundong totoo ang lahat na manga haring cristiano, at ang matuto pa silang magutos at magpasunod sa sangcacristianohan nang dilang ipagpupuri,, ipagdarangal sa panginoong dios na nabubuhay at naghahari sa langit magparating man saan.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"dios at panginoon cong macapangyayari sa lahat, na sa carunungan mong ualang hangan ay pinapaguing liuanag mo ang cariliman, noong baliquin mo ang ualang casinglalim na bait at loob nang aquing amang si san agustin, at pinapaguing ilao mo nang pananampalataya, at arao na maliuanag nang santa iglesia, na magsasaysay at magpaunaua sa boong sangmundo nang manga misterio mong mataas, at parang diamante cun mutyang mahal, ay liniloc mo,, pinalambot nang manga luha nang ina cong si santa monica, at pinili,, hinirang na magcalat at magpahayag nang iyong casanto santosang ngalan, ay aco,, nagaamo amo sa iyo, dios co, na pacundangan sa caniyang manga carapatan, ay aco,, pagcalooban mo nang liuanag na icatuto cong malis at lumayo sa casalanan, at icagagaling nang dila cong gagauin; at pacundangan naman sa pagal niya,, pagod sa pagsasangalang sa pananampalataya, ay pagcatibayin mo ang aquing loob, sampon nang manga loob nang lahat na manga capoua co tauo sa totoong pananampalataya.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"at sa iyo naman, ama cong liniliyag, ang hinihingi co, ay pacundangan sa catacataca mong pagbabalic loob sa panginoon dios, ay idalangin mo aco sa caniya nitong aquing idinaraing; at ang hinihingi co pa naman dito sa pagnonovenas na ito, ay inaasahan co ring cacamtan, pacundangan sa ampon at manga carapatan mo, nang marangal at mabantog ang caalaman nang dios sa aquing magparating man saan. ang apat na ama namin at aba guinoong maria, ayon sa sinasabi sa manga bilin . aba liniliyag cong amang si san agustin!",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"yayang nagningas ang iyong puso na parang arao, na hindi napupugnao, at hiualay man sa catauan, ay nagbibigay pagcatotoo at ipinaquiquita nang moli,, moling paglulucso ang alab at ningas nang sinta sa dios, na namahay sa iyong dibdib, at icao rin ang nagpahayag at nagcompisal nang pagca icao ay nasugatan nang palasong sinta; aco,, nagaamo amo sa iyo, ama cong mahal, na alang alang dito sa camahal mahalang alab, ay dalanginin mo sa panginoon dios, ang aco,, siga,, sunoguin nang quidlat nang sinta sa caniya, at nang cun masangag at luminis ang aquing dibdib, ang dios na lamang ang ouia,, patunguhan nang dilang pita,, nasa nang loob co; at gayon din namang aco,, nagaamo amo sa iyo na idalangin mo rin sa caniya itong aquing hinihingi sa pagnonovenas na ito, cun macacaayon at mararapat sa panininta sa dios, at nang cun matularan co ang malinis mong sinta dito sa buhay na ito, ay maguing dapat acong masama at maramay sa iyong magningas niyong sintang mapalad na inaasahan nang aquing caloloua, na hindi matatapos magparating man saan.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"ang apat na ama namin at aba guinoong maria . aba panginoon at dios na mapagcalinga! na nagcaloob sa aquing amang si san agustin nang maningning at masinag na carunungan, palibhasa,, arao nang santa iglesia, na nacapagpapanao nang dilim nang manga eregias, naguing maestro nang manga doctores, paraluman nang manga cristiano, at nang sila,, matuto,, houag masinsay sa daan nang pananampalataya; at naguing patnugot, na cahalimbaua niyong columnang alapaap at apoy na natnugot sa manga campon mong bayan sa una, at itinuturo sila sa lupang pangaco mo sa canila, at nacasisira sa manga matitigas na loob na dumurouahagui,, ongmuusig sa canila. ay ang idinaraing co sa iyo, panginoo,, dios co, ay ang pacundangan sa pagpipilit niyang magpaliuanag nang loob nang manga tauong nagcacamali,, nasisinsay, ay pagcalooban mo aco nang liuanag na icaalinsunod co sa mahal mong calooban, at icalalayo co,, icaiilag sa cariliman nang manga camalia,, casamaan.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"at icao naman salomon nang manga cristiano, calarahin mo aco sa panginoon dios, at caniyang ipagcaloob sa aquin, at tuloy pa namang pacamtan sa aquin itong aquing hinihingi sa iyo dito sa pagnonovenas na ito, at nang cun paratihin cang purihin nang aquing caloloua, ay tumouid ang manga hacbang nang aquing buhay, hangan di sumapit at mahanganan sa caguinhauahang ualang hangan. aba cabababaang loob na jesus!",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"na baquit icao ay maningas at maliuanag pa sa arao, ay tiquis cang nagpacaonti, at ipinaglingid mo ang ningning at sinag nang iyong carununga,, camahalan sa alapaap na marupoc nang aming catauohan, at nagcaloob ca sa aquing amang san agustin nang malacas na loob na ipinagpaualang, halaga,, ihinamac nang dilang puri at dangal dito sa ibabao nang lupa; at tulad sa iyo, at nagdamit nang mababa at murang damit ermitano, binago,, binalic ang manga dati niyang camalian, at isinulat na ipinahayag sa boong sangmundo ang caniyang manga casalanan nang totoong caguilaguilalas na capacumbabaan nang loob, na di pinangahasang tularan nang sino man.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"diyata, dios at panginoong co, aco,, nagaamo amo sa iyo,, dumaraing na iyong casihan, sidla,, hulugan ang aquing caloloua nang totoong capacumbabaan, at nang maiubos cong icompisal ang lahat na manga casalana,, camalian co, at nang paualang halaga,, hamaquin ang dilang capurihan dito sa buhay na ito, at houag acong may ibang pagnasa,, pitahin, cundi ang hamaqui,, ayopin dahilan sa pagcaibig sa iyo. at sa iyo naman, santo,, pantas na doctor, dumaraying din aco na idalangin mo aco sa panginoong dios nitong capacumbabaang loob, sampon nang hinihingi co sa iyo dito sa pagnonovenas na ito, at nang cun mahouaran co ang cababaan mong loob, ang dios na nagpaparangal at nagpapala sa mababang loob, ay pagpalain niya acong papagcamtin nang corona sa caloualhatian sa langit. aba malubay at catiis tiisang jesus!",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"na nagcaloob sa ama cong san agustin, nang maningas na nasa,, ibig sa cagalingan nang manga caloloua; na parang arao na masicat, ay dili isamang lumamlam at nagcolimlim ang caniyang ningning at sinag sa pagpapaliuanag sa manga tauo nang caniyang pangangaral; at nagdalita na ualang saua nang madlang saquit at, carouahaguinan sa manga eregeng nagbubudhi sa caniya nang camatayan; at bagcus sa malaqui niyang pagnanasang maguing martir, ay dili nga isa man nanghinauang magtiis, at ang dinorongdong niyang uiniuica, ay ganito: panginoong co, aniya, pagcalooban mo aco nang icapagtiis, at dagdagan mo pa,, ololan ang saquit at hirap. caya nga panginoong co, pacundangan sa di masaysay niyang pagtitiis, ay pagcalooban mo aco nang icapagtitiis co nang hirap, at hologan mo aco nang maningas na nasang maghirap dahilan sa pananamlataya.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"at yamang iniadya mo ang caibigibigan mong doctor sa maraming panganib, nang maguing calasag nang sangcacristianohan, aco,, nagaamo amo sa iyo, na ipagadya mo naman aco sa casalanan at sa tanang caauay co, naquiquita ma,, di man naquiquita. at sa iyo naman, ama cong iniibig na san agustin, ay dumaraing aco na idalangin mo aco nito rin sa panginoon dios, sampon nang hinihingi co dito sa pagnonovenas cong ito, at nang tulad sa iyong dalita ay matiis co,, maralita, bayad at dusa sa manga casalanan co, ang tanang cahirapan dini sa buhay na malait, hangan di macasapit sa tiuasay na doongan sa langit. aba dios at panginoong co!",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"na pinagpala mo ang caloloua nang ama cong san agustin, sa pinacalangit nang iyong santa iglesia, at pinarating mo sa cataas taasang pagninilay, na ga nauaualang loob at natitilihan sa manga cababalaghan mong misterio, at nagcamit pang nanood dini sa buhay na yari nang trinidad na casanto santosan, at naguing dapat numamnam nang dugong camahal mahalan sa taguiliran nang aming panginoong jesucristo, at nang calinalinamnamang gatas nang casanto santosang virgen maria, at pinagitanan nilang mag ina na uala siyang matotohang lingonin nang malaquing pagcatoua, at ungmalab na sungmilacbo ang apoy nang caniyang sinta cay jesus at cay maria: ay paningasin mo naman, panginoon co, ang dibdib co sa pagcauili cay jesus at sa caniyang casanto santosang ina. at sa iyo nainan, arao na maalab, aco,, ungmaamo amo, na pacundangan sa catouaan mong quinamtan dito sa manga caloob sa iyong ito, ay idalangin mo aco sa panginoon dios nang graciang hiningi co dito sa novenas na ito, at idalangin mo pa naman aco nang caliuanagan nang loob, na icatututo cong magnilay nang manga camahalan niya,, caloob, at nang cun maboong manatili ang aquing loob dito sa pagninilay na ito, ay houag acong may hanapi,, hangarin, cundi ang igaganti cong catampatan, at nang purihin ang caniyang camahalan magpasaualang hangan.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"dios na totoo,, maestro nang tanang sarisaring cabanalan, na inilagay mo,, inihalal dini sa ibabao nang lupa ang aquing amang san agustin, dili nang pamahayan nang lahat na manga cabanalan lamang, cun di nang alaga,, diliguin (at parang totoong arao) ay palagoin pa naman niya ang manga cabanalan sa halamanan nang santa iglesia, at magacay siya,, manogot sa pitong puo,, limang religion, na umaalinsunod sa liuanag nang caniyang casanto santosang regla at aral nang totoong pagpapacaruc ha, pamimintuho at pag iingat sa cahalayan; ang idinaraing co sa iyo, panginoong co, ay ang itanim mo sa caloloua co ang lahat nang cabanalan, at nang cun aco,, maguing duc hang totoo sa loob, at mapagingatang co ang dilang cahalayan, at masunod co ang manga utos mo, ay maguing dapat pamahayan ang puso co nang santisima trinidad.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"at sa iyo, casanto santosang patriarca, dumaraing naman aco, at dumadalangin na aco,, anaquin mo, di man aco dapat, at ipagcaloob mo sa aquin ang hinihingi co dito sa novenas na ito, sampon nang icao rin ang parating maguing panogot, paraluman at maestro co, at nang sa tulong nang iyong liuanag tontonin nang caloloua co, na houag ding masinsay, ang itinuro mong daang cabulusan sa langit. aba panginoon at mananacop sa amin!",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"na nagbigay cang pasunod sa ama cong san agustin, nang tularan niya ang maningas mong pagcaibig sa manga caloloua, at caya inibig niyang minahiguit ang mamatay siya, houag lamang niyang maquitang hinahamac ang manga tantong dapat igalang na manga casangcapan sa simbahan, at houag mapanood nang maibiguin niyang mata ang libuti,, pag itanan nang caganiran nang manga ereges ang manga obejas niyang caual, at pinagcalooban mo rin siyang maglingid nang caniyang liuanag, at mamatay nang magpanibagong mabuhay sa lalong mabuting langit, at pinagpala mo siya sa caloualhatian nang langit, at isiniping mo sa manga apostoles, ayon sa napahayag sa isang mahal at santong obispo, at doo,, nagbibigay siyang dilag sa ibang manga santos, ayon sa naquita ni santa gertrudis: ay pagcalooban mo naman aco, panginoong co, nang totoong pagcaibig sa manga capoua co tauo, at ipagcaloob mo namang manatili sa tunay at totoong pananampalataya, at sa boong pagsunod sa santa iglesiang ina namin, itong caharian at ang sangcacristianohang bayan.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"at icao naman, mahal cong amang san agustin, yayang ang uica ni santa gertrudis, ay naquita ca niyang dumaralangin sa casanto santosang trinidad, na papagningasi,, paalabin nang totoong sinta sa dios ang manga puso nang manga tauong mauilihin sa iyo; aco,, nagaamo amo sa iyo nang totoong capacumbabaan, na pacamtan mo sa aquin yaon alab na yaon, sampon nitong hinihingi co sa iyo dito sa novenas na ito, at nang parang pagniningas nang puso mo, ay magningas naman ang puso co sa harapan nang santisima trinidad magparating man saan. aba casanto santosang doctor, arao ca nang sangcacristianohan!",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"dili lamang sa aral mo, liuanag at ningas, cun di sa manga tulong mo,, saclolo, na ipinagcacalinga mo sa manga mauiuilihin sa iyo, at pinagcacalooban mo sila nang buhay at cagalingan sa caloloua,, catauan, at iniingatan mo,, ini aadya ang puri at ari nang balang nang napaaua at napasasacolo sa iyo, at ngayong mamatay ca na, ay ipinararati mo rin ang iyong calinga, caya nga yaong iyong tubig na bumubucal sa pinagbaonan sa iyo, ay nacapagbibigay mata sa manga bulag, lacas sa manga mahihina, caaliua,, cagalingan sa balang nang macainom noon, at doon naman sa toledong bayan, ay napatanghal ca,, napaquitang nugao nang balang, at iniaboy mong inilulunod sa ilog; aco,, dungmaraing sa iyo, na gamotin mo ang aquing manga saquit at pagalingin mo ang aquing caloloua, at iadya mo itong boong caharian sa manga dinaralitang casaquitan, sa manga lindol, manga pagcacagutom, at sa iba pang manga sarisaring cahirapan, tuloy ipagcaloob mo naman sa aquin ang hinihingi co sa iyo dito sa novenas na ito, yayang sa boo cong loob ay nauiuili aco sa iyo.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"at icao naman, dios at panginoong co, tatlo sapagca personas at sapagca dios ay iisa, na tantong cang dapat tac han, dili sa iyong manga camahalan lamang cundi sa manga cababalaghan pa namang gaua nang iyong manga santos, ipagcaloob mo rin sa aquin ang hinihingi co dito sa pagnonovenas na ito, maguing pagpapahayag mo baga nang iyong aua,, caalaman, maguing pagpapaquita mo naman nang iyong pagcaibig sa casanto santosan mong doctor, at nang cun amponin aco nang gayong camahal na pintacasi,, maestro, ay mapanoto ang caloloua co sa tiuasay na raan nang iyong mahal na aral, at sa pagpanao dito sa buhay na malait, ay maguing dapat casihan nang iyong mahal na gracia, nang panoorin at paquinabangan ca sa caloualhatian sa langit magpasaualang hangan. aba balon nang carunungan! maestro nang teologia, ilao nang manga manga ngaral, doctor nang manga doctor haligui nang santa iglesia, calasag nang pananampalatayang cristiano, tabac sa manga croges.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"aba agusting bulaclac nang manga matatalas na bait, at tauong inaralan nang dios! na cun ihalimbaua ca sa manga santos, icao ay casanto santosan, at cun sa manga marurunong, carunungdunungan ca.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"pacundangan doon sa graciang matibay at mapilit na ipinagcaloob sa iyo nang panginoong dios, na tungmaos at nanaimtim sa puso mo na pinacalinislinis, at pinaui ang dilang caibigang lupang quinauiuilihan mo, at pinaliuanag ang iyong bait na pinaalis at pinapanao ang manga camaliang iquinalalabo, at minulat ang iyong manga mata nang mapanood mo,, malasmasin yaong camahal mahalang liuanag, at nang pagpacatulinan mong haboli,, alinsunurin ang cabangohan nang manga bagay sa langit: aco,, nagaamo amo sa iyo, ama co, at dungmaralangin na igauad mo sa aquin ang iyong camay, nang aco,, macaahon dito sa manga casamaang quinabalonan co, at macapagbalic loob na totoo sa dios co, at macapagsisi,, macapagdusa nang tapat sa manga casalanan co. pacundangan doon sa catamisan at biyayang calinalinamnaman na ipinamuti at ipinayaman nang panginoong dios sa iyong caloloua, at pinagcalooban nang madlang catouaan, at guinilio nang maraming pagdalao niya sa iyong loob, na ga naaaninag at naquiquiniquita sa manga gaua mo: aco,, nagaamo amo sa iyo, ama cong casanto santosan, na idalangin mo aco sa panginoong dios nang graciang icauiuili,, icalalambot nang puso co,, icatututo cong manalangin, at icaaalam co pa,, icaquiquilala, na cun sino aco at cun sino siya, at ang pagca dapat paualang halaga ang lahat nang balang na, liban sa dios.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"pacundangan sa catacatacang pagcahusay, pagcacaayo,, pagcariquitdiquit nang tanang manga cabanalan na ipinamuti sa iyo nang panginoong dios, at alang alang doon sa mahal na banaag na inihulog nang panginoong dios sa iyong caloloua, at nang ihalal cang maestro,, ama sa gayong caraming religion sa caniyang santa iglesia, aco,, dungmaraing sa iyo, mapalad na santo cong ama, na idalangin mo aco sa ating panginoong dios nang graciang icatutupad at icaaalinsunod co sa manga ipinagpasunod mo, ihingi mo naman ang manga mahal na religion na pinagpupunuan mo, na ang sinusunod baga,, pinipintuho nila,, ang regla mong quinatha, sampon nang iba pang calahat lahatan, ay paraparang maquinabang din sila nang manga biyaya,, graciang ipinagcaloob sa iyo nang panginoong dios, at nang maisulat mo yaong regla.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"alang alang doon sa carunungan mong lalong lalo sa carunungang tauo, na ipinag paliuanag nang panginoong dios sa iyong calalim lalimang bait, at binungcal ang manga cayamanan sa santong sulat, at ipinaunaua ang manga lihim at matataas na misterio nang santong pananampalataya natin, sampon nang manga lalong malalalim at marilim sa mahal na teologia, at nang sa iyo parang bucal na namamarating malinao at malalim ay magmulang umagos at umanod ang manga ilog nang totoo,, tiuasay na aral sa langit na idirilig at ipagpapalago sa manga halaman nang santa iglesia. aco,, nagaamo amo sa iyo mabunying doctor, na nacaliuanag sa boong sangmundo, na idalangin mo aco sa panginoon dios na pagcalooban aco nang loob na mababa at mauilihin sa aral na itinuro mo,, itinuro nang ina nati,, maestrang santa iglesia, apostolica, romana.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"at yayang inihalal ca nang panginoong dios na haligui at catibayan nang santa iglesia, at tabac nang manga ereges na dito mo mamacailang pinaquipaglabanan, at sa toui touina,, dinaig pinapangayupapa pinasuco mo sila. tingni, santong ama, at cun gaano ang paghihirap at pagcacasaquit ngayon nito ring santa iglesia, at ang daming halimao sa infierno na dumurouahagui at gumugubat sa caniya, ay magpatirapa ca sa camahal mahalang harapan nang casanto santosang trinidad, at pagaamo amoin mong daingan, na ipagsangalang at iadya ang caniyang manga campon na ovejas dini sa manga ganid na halimao, ituro,, ipanuto sa catouid touiran at cabulusang daan nang aral nang santo evangelio, nang dumating na maloualhati diyan sa caguinha guinhauaha,, lubhang mapalad na buhay, na iyong quinadoroona,, pinaquiquinabangan. sa sinta,, serafing tunay querubing sa carunungan. agusting amang marangal ilao nami,, paraluman .",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"pananaghoy ualang humpay niyong pusong nahahambal nang ina mo nang mamasdan, casiraan mong nacamtan, pagamin mo,, pagtataman sa lihis at maling aral. agusting amang marangal ilao nami,, paraluman . bautismo,, nang iyong camtan himnong te deum minulan ni ambrosiong pantas paham sumagot ca,, nagsaliuan cayo hangang nauacasan, lupa,, langit ay nagdiuang. agusting amang marangal ilao nami,, paraluman . dios ay nang paglingcoran nagtumago ca sa ilang, doong mo agad linalang religiong cagalang galang, nagangquin nang iyong ngalan na sa mundo,, cabantogan. agusting amang marangal ilao nami,, paraluman . pitong puo at cun ilan na manga religiong banal tinangap nila,, quinamtan quinatha mong reglang mahal, at ang siya,, tantong hagdan sa sinta nang pusong tanan. agusting amang marangal ilao nami,, paraluman . si cristo,, sa pobre nagay naguica nang mahinauan: agustinong amang paham icao ang hirang co,, halal, sa iglesia co,, pagbinlan itangol mo,, isangalang.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"agusting amang marangal ilao nami,, paraluman . isa pang caloob naman ni cristo,, nang virgeng tunay bibig mo,, pinaraloyan gatas nang inang maalam, gayon din nang dugo naman ni jesus sa taguiliran. agusting amang marangal ilao nami,, paraluman . bagay ring cababalaghan cun te deum magsaliuan, uicang sanctus cun maturan, puso mo,, naglulucsohan sa quinadoroonang cristal, bigay puri sa mayacapal. agusting amang marangal ilao nami,, paraluman . aguilang matang malinao sa manga doctor cang arao, dilag mo,, nacaca campan sa iglesiang cabilugan, at ang sa dios na aral maliuanag mong sinaysay. agusting amang marangal ilao nami,, paraluman . tabac nang dios cang hirang sa sangeregeng caauay, sinapol mong inihapay aral nilang bagay bagay, at sa touing paglalaban icao rin ang may tagumpay. agusting amang marangal ilao nami,, paraluman . dios iyong dalanginan sintahin naming matibay. agusting amang marangal ilao nami,, paraluman .",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"casanto santosang patriarca amang san agustin, landas nang matotouid na asal at tagapag unaua nang dilang cautusan, ilao nang manga doctores, at salamin nang aming buhay: maguing pintacasi naua naming maalam sa harapan nang dios. ipanalangin mo cami, maloualhating amang san agustin. at nang cami maguing dapat magcamit nang manga pangaco ni jesucristo. panginoon naming dios: yamang pinaghimalaan mong panibago ang iyong santa iglesia niyong nalilimpoc na papairi,, apoy na nangunguna sa caparangan sa manga taga israel, nang pagpapahayag mo sa mabunying amang san agustin nang lalong calalim lalimang misterio nang carunungan mong ualang hanga, at nang pagpapa alab sa puso niya nang ningas nang mahal mong sinta, ay magdalita ca, at ipagcaloob mo na ituro cami niya nang pagtauid naming maloualhati sa manga tucso at capanganiban nitong maralitang mundo, at tuloy aming camtan ang pangaco mo sa aming bayan nang dilang toua na ualang hangan. alang alang cay jesucristong panginoon namim.",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Juan Serrano,"senor doctor. fr. pedro da la ma. trinidad, arzobispo dito sa sangcapoloan, ay nagcaloob nang apat na puong arao na indulgencia sa touing arao arao sa balang macacanta ma,, magdasal man caya nitong dalit sa mabunying amang san agustin; at gayon din naman nagcaloob nang apat na puong arao rin na indulgencia sa balang magnovenas nito .",0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino," kung dapat mang busugin ang ay lalo na ang at ang . ang nobelang ay napakasarap na pagkain ng damdamin at ng pag iisip. kung ibig ninyong bumili ng iba'ibang yaring damit nobelang maring at iba pa ay pumarito kayo sa mercado yanco int. tabora, maynila. ang aklat na ito ay aring tunay ng tatlong magkakapatid na tolentino (anak) at wala sino pa mang makapagpapalimbag nito kung wala silang lubos na kapahintulutan. ang tagapangasiwa, . sa inyo, mga kapatid kong bulaklak ng pilipinas, sinag ng buhay, sibol ng lambing at pagibig, hiwaga ng saganang bait at banal na pagtitiis, mga babaying dangal ng kalinisan sa sangkatauhan, sa inyo ko ipinatutungkol itong walang kabuluhang aklat. maliit na lubha, palibhasa'talagang maliit yaring pag iisip. gayon pa man, kung inyong nanamnamin ang pinagdaanang buhay ni maring si maring na diwa nitong kasaysayan, ay inaasahan kong kayo'may kaunting kabutihang pakikinabangan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"sa munting aklat na handog ko, ay inyong makikitang maliwanag, na ang isang babaying marangal at may malakas na kalooban, ay kahalintulad ng araw: sa kabila ng mga makakapal na dilim at maraming bagyo ng ligalig at kahirapan, ay sumisikat na maluningning, ligid ng puri, ligid ng biyaya, ligid ng lualhating di mahulilip. ang taong walang ibang binubusog kungdi tanging ang sikmura lamang, ay hindi nabubuhay: tumutubo lamang parang damo. upang magpakatao ay kailangang busugin din ang puso at ang utak, sa pamamagitan ng pagbasa sa mga mabubuting aklat. aurelio tolentino. . napitas ang bulaklak noong taong. ay nanirahan sa nayon ng., sakop ng maynila ang mag asawang pedro at julia. maralita ang kanilang pamumuhay palibhasa'walang ibang paghahanap kungdi ang mamalakaya sa mga ilog at sa look ng maynila. sila ay may bugtong na anak, uliran ng bait, si maria na tinagurian ng maring.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kung kaaya aya man ang ganda ng kalooban ni maring, ay lalo pa naman kaaya aya ang ganda ng kaniyang anyo, anyo ng bagong bumubukang kampuput, at lalong lalo pa yaong mukha niyang anaki'mukhang angel, mukhang pinagkalooban ng langit ng lubhang mapanghalinang dikit na bihirang ipagkaloob sa taong kinapal. ang kaniyang mapupungay na mata ay anaki'salamin ng pag ibig, anaki'sibol ng lambing, anaki'larawan ng bait. at dahil nga sa gayon, ay pinag ingatan yatang talaga ng palad, kaya'pinalamutihan sa dakong noo ng masinsin, nguni'makitid na kilay na hubog tari, at binakuran ng mayabong at malantik na pilikmata, akala marahil ng maykapal ay upang huwag manganib sa puwing man lamang yaong mga matang kaniyang pinagpalang talaga.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang kaniyang mga ngiti ay ngiting langit: naghahandog sa kaharap ng lugod na di mahulilip at walang hanggang tamis ng maamong kalooban, lalo'talagang maririkit yaong kaniyang mga maliliit at masinsing ngiping kinaiinggitan ng tunay na garing, at sinalitan ng isang ngiping gintong ipinasadya ng kaniyang ama, upang malubos mandin ang ganda noong napakatamis na bibig. kung lugay ang kaniyang mayabong na buhok, ay uma abot hangang sakong, malinis, maitim at makinang na anaki'sarampuli ng mga lakhang dalaga sa unang panahon. si maring ay kayumangging maligat na namumula mula, at ang kaniyang pangangatawan ay katatagan sa taas at sa bilog. ang kaniyang mga kilos ay mabining pawa, mahinhin at kalugod lugod sa lahat ng bagay. may isang binata, bagong taong basal na nagngangalang gonsalo. ito ay maralita ring gaya nila maring, palibhasa'gaya rin nilang walang ibang paghahanap kungdi pamamalakaya sa mga ilog at dagat.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"si gonsalo ay may mga tatlong taon ng nananhik ng ligaw kay maring, nguni'hindi pinansin nito ang kaniyang matapat na pagsuyo, at kadalasang isagot sa kaniya ay ang kaniyang nais na makasuyo muna sa kaniyang mga magulang. gayon pa man ay hindi tumatamlay ang pag ibig ni gonsalo, at sa tuwing sabado, gaya rin ng dati, ay siya'nananhik ng ligaw. isang gabi ay nanhik din ng ligaw kay maring si. eduardo sanchez, bagong taong may mga dalawang puo'limang taong gulang, makisig at bantog sa bait, sa dunong at sa yaman. mga ilang buan pa lamang ang kaniyang panunuyo kay maring ay sila'nagkaibigan. nahahalata ni gonsalo ang gayon, kaya siya ay naglubay ng pagdalaw kay maring. nguni'palibhasa'taimtim ang kaniyang pagsinta, ay along nauuhaw ang kaniyang puso, ngayon hindi nakikita ang hantungan ng kaniyang mga nais. isang sabado si gonsalo ay muli na namang nanhik ng ligaw kay maring. maring, ang kaniyang samong anaki'hibik. may mga tatlong taon nang ikaw ay aking dinadalanginan, saka ngayon.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"hindi naituloy ang kaniyang malumbay na samo, at pagdaka'biglang namalibis yaong nabubungad na luhang kanina pa gumigilid sa kaniyang mga pilik mata. nai inis ang kaniyang puso. baga ma'siya'hindi sinisinta ni maring, ay nahabag din ang kaniyang kalooban sa kaawaawang binata. ipagpaumanhin mo na sana sa akin ang hindi ko paglingap sa iyong pag ibig, ang tugon ni maring. ako'hindi na maaring suminta sa iyo. bakit?, ang tanong ni gonsalo. sapagka'ako'may sinisinta na, ang pakli ni maring. oo nga, ang sagot ni gonsalo. eduardo sanchez. siya'mayaman at marunong, nguni'ako'dukha at mangmang. hindi naman sa gayon, ang amo ni maring. pantay pantay sa aking balak ang lahat ng tao. nguni'ano kaya ang gagawin, kung talagang hindi isinagi ng palad sa puso ko ang sa iyo'umibig? kita'magmahalan na lamang na parang tunay na mag kapatid. hindi mangyayari, ani gonsalo. bakit?, ang tanong ni maring. ewan, ang tugon ni gonsalo, nguni'ikamamatay ko yata ang aking pagkabigo sa iyo.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"maluwat na di nakaimik ang dalawa. si maring ay nakayuko at kaniyang ginuguniguni si eduardong minumutya ng kaniyang puso; si gonsalo ay nakayuku rin, at ginuguniguni naman niya ang kaniyang nabigong pagsuyo kay maring. itinalaghay ni gonsalo ang kaniyang ulo at pinagmasdan ang kaniyang kaharap. maring, aniya. ito'kahuli hulihan ko nang pagpanhik dito. nguni'isinusumpa ko, na kung hindi rin lamang ikaw ang magiging poon ng aking abang kapalaran, ay hindi na ako mag aasawa kailang pa man, at paka asahan mo, na baga ma'ako'malayo sa iyo, ay ikaw at ikaw din ang dadalanginan ko habang buhay. si gonsalo ay nagpaalam, at samantalang siya'nananaog doon sa hagdanang tatlong taong pinapanhik niya tuwing sabado, ay matuling namamalisbis sa kaniyang pisngi ang luha ng kaniyang nabigong pag ibig. kaawa awa naman ang buntong hininga ni maring.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"sapul noon ay hindi na nga nanhik ng ligaw si gonsalo kay maring; nguni'gabi gabi ay nagdadaan siya sa tapat ng kanilang bahay, kungdi tatayo tayo sa malayo, at kapag natanawan niya si maring ay saka pa lamang uuwi ng bahay. siya'parang nauulol mandin. isang gabi ay dumalaw si. eduardo kay maring at pinagkasunduan nilang ipagtapat sa mga magulang ang kanilang pagsisintahan, at tuloy isamo ang kanilang kapahintulutan sa kanilang pag iisang puso sa harapan ng dambana ng maykapal. noon ding gabing yaon ay pinakiharapan ng mag asawang matanda si . ipagpapaumanhin po nila, ang simula nito, ang aking kapangahasan sa pag harap sa inyo at pagtatapat ng aking nais. ano yaon?, ang tanong ng matandang pedro.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"marahil po, ang sagot ni eduardo, huwag ko mang sabihin ay batid na ninyo ang aking pagsuyo kay maring, na kung ilan ng buwan ngayong aming inaalagaan at binabakuran ng malinis na pagmamahalan; at dahil sa gayon, ay hindi namin ikinahihiyang ipakiharap, maging sa maykapal, maging sa inyo po, at maging sa lahat ng tao. ako po ay ulila sa ama'sa ina. kapatid ko ma'kamaganak ay wala ng natitira isa man kaya ako'sabik na magkaroon ng magulang na sukat suyuan habang buhay. kung ito pong kaliitan ay inyong maging dapatin, at tangaping maging parang tunay na anak na kaisang puso ni maring, ay pakaasahan po ninyong wala ng mapalad na lalaking gaya ko sa sang sinukuban . tinawag ni matandang pedro si maring. eduardo, aniya, at sinabing kayo raw ay nagkakasintahan. tunay nga baga? si maring ay hindi nakasagot: siya'dinaig ng alang alang at kahihiyang sa matanda. sumagot ka, ang ulit ng ama tunay nga bang kayo'nagkakasintahan? linakasan ni maring ang kaniyang kalooban.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"tunay nga po, ang kaniyang nahihiyang sagot. isinamo niya, ang dugtong ng matanda, ang aming kapahintulutan sa inyong pag iisang puso. ano ang balak mo sa gayong? kayo po ang masusunod, ang tugon ni maring. kung kami lamang ang masusunod, ang dugtong ng matanda, ay ibig naming ikaw ay makitang dalaga habang buhay sa aming piling, upang huwag kang mawalay ng kahit sandali sa aming mga mata. gayon pa man ay nababatid naming ang pakikipag isang puso ay katutubong talaga ng tao, gaya ng aming pag iisang puso ng iyong ina, at dahil dito, ay hindi maaring ipagkait sa inyo ang aming kapahintulutan. sabihin pa kaya ang tuwa ng nagkakasintahang maring at eduardo? para na nilang nakikitang nabubuksan ang pintuan ng langit sa panahong sasapitin. naganap ang tatlong sunod sunod na tawag sa simbahan. samangtalang inihahanda ang lahat ng bagay na kailangan sa pagkakasal ni maring kay. eduardo ay parang linalason naman ang puso ni gonsalo.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"dalawang araw bago sumapit ang takdang araw sa kasal, ay dinalhan ni. eduardo si maring ng mga hiyas na pawang tinampukan ng mga batong brilyante at isang kabihisang damit na sadyang ipinasukat kay maring. kinagabihan, samangtalang sinisiyasat ang lahat na gagamitin sa malaking piging na ihahanda, si maring ay biglang nawala. kinayag ni gonsalo ang dalawa niyang kaibigang matapat, inabangan nila si maring at pagpanaog nito ay kanilang biglang inagaw at dinala sa bundok ng. mateo sa lalawigang rizal. sabihin pa kaya ang tangis ng kaawa awang maring? noong nakikita na niyang nagliliwayway ang araw ng kaniyang buhay, ay biglang lumubog at ang humalili ay dilim na tila wari walang katapusan. sa loob ng unang buwang pakikisama ni maring kay gonsalo sa bundok, ay wala siyang ibang binabalak kungdi ang paghihiganti. pinakataimtim niya sa kalooban ang nasang patayin ang lalaking kumaladkad sa kaniya sa burak ng kapangayayaan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"isang gabi, si gonsalo ay naidlip na nakahilig sa kandungan ni maring. nasulyapan nito ang isang sundang na malapit sa kaniya, biglang dinampot at anyong tatarakan sa dibdib ang natutulog, nguni'nangatal ang kaniyang bisig, gaya ng pangangatal ng kaniyang puso at kaluluwa. dius ko!, ang kaniyang buntong hininga. masama nga sana si gonsalo, nguni'sa lagay na ito ay siya'akin ng asawa. siya'nagmuni muni. hindi mangyayari, aniyang sarili. ang lalaking ito ay hindi ko sininta kailan pa man; ako'kaniyang inagaw at pinaslang. ang taksil ay dapat ding pagtaksilan. muling itinaas ang kamay at muling akmang tarakan ng sundang ang dibdib ni gonsalo. nguni'gaya rin ng una, nanginig ang kaniyang kamay at hindi naituloy. si maring ay may malakas na loob sa paggawa ng magaling, nguni'napakahina kung sa gawang kapaslangan. muling ibinaba ang kaniyang kamay. ano kaya ang aking gagawin? ang tanong niya sa sarili.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kung ako man ay umuwi sa amin ngayon, ay may magsasabi kayang hindi pa nalugso yaong wagas na puring katutubo ng aking pagkatao? tunay nga at nalalaman kong ako'hindi sumisinta kay gonsalo, nguni'nalalaman ko rin namang siya'sumisinta ng taimtim sa akin. naglalabanang mahigpit sa kaniyang balak ang lunos kay gonsalo at ang nais na maipaghiganti ang kaniyang puring nagiba. ang puri ng tao, aniya sa huli, ay katimbang ng buhay. at yayamang inilugso niya ang aking puri, ay kailangang ilugso ko rin naman ang kaniyang buhay. muling itinaas ang kaniyang kamay, hawak ang sundang, pinag ubos ang lakas ng kaniyang loob at anyo na namang tarakan si gonsalo sa dibdib. nguni'katakataka. hindi sundang ang lumagpak kay gonsalo, kungdi matuling luhang namalisbis sa mga mata ni maring at pumatak sa kaliwang pisngi ng nakakatulog. si gonsalo ay nagising.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"nakita niya ang sundang na naka akma sa tapat ng kaniyang dibdib, nguni'hindi tuminag kaunti man, at bagkos pang ngumiti at nagsalita ng ganito: maring, ituloy mo ang sundang. ikaw ay aking pinagtaksilan, kaya kailangang ikaw ay maghiganti. ituloy mo ang sundang. kailangan nga, ang sagot ni maring, nguni'ewan kung bakit, makaitlo ko ng iakma ang sundang at hindi ko naituloy: nanginginig ang aking kamay. nanginginig ang iyong kamay sapagka'kamay ng anghel; ang pakli ni gonsalo; datapuwa'ang kamay ko ay kamay ng buhong: makita mo kung hindi magtuloy. siya'maliksing naupo, inagaw ang sundang kay maring, saka anyong isasaksak sa kaniyang sariling dibdib. !, ani maring, saka hinagkan. yaon ay siyang kauna unahang halik ni maring kay gonsalo. maring, ani gonsalo, inagaw kitang hindi ko sinadya. ako'binulag na lubos ng masidhing pagsinta ko sa iyo. nguni'ngayong ako'pagsaulan ng dating kalooban at pag iisip, ay pinagsisisihan kong mataimtim ang kapaslangang ginawa ko sa iyo.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kaya nga, at dahil sa ako'sumumpang mahigpit sa sarili, magbuhat pa man noong unang araw na ikaw ay aking sintahin, na papatayin ko ang sino mang sa iyo'tumaksil: at yayamang dili iba'kungdi ako na rin nga ang sa iyo'pumaslang, kaya kailangang patayin ko ang aking sariling katawan, upang sa gayon ay matupad ang aking mahigpit na sumpa. muling iniakmang isaksak sa kaniyang dibdib ang sundang, nguni'muli rin siyang niyakap ni maring at tumangis. ngayon pa bagang nailugso mo na ang aking puri, saka mo ako lilisanin? ang kaniyang hibik. si gonsalo ay tumangis din. noon gabing yaon ay hindi sila nakatulog. magdamag na humihingi ng kapatawaran si gonsalo sa kapaslangang kaniyang ginawa. palibhasa'si maring ay may banal na kalooban kaya pinatawad ang sa kaniya'nagtaksil. sa kaluwatan ng kanilang pagsasama ay unti unting nagkaroon ng pagmamahal si maring kay gonsalo. lumipas ang limang taon. si maring ay nagkaroon ng dalawang anak.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"isang araw si gonsalo ay umuwi ng bayan, at siya'nagbili ng kahoy at yantok. nabalitaan niyang nangamatay na ang ama'ina ni maring. sabihin pa kaya ang tangis nito ng kanyang maalaman ang malumbay na balita? gayon pa man, at sapagka'sila'wala ng sukat pangilagan sa bayan, sila'nagbalik sa nayong. na kanilang pinanggalingan, at sila'namuhay na tahimik sa bahay na naiwan ng mga nasirang magulang ni maring. simula ng kahirapan si gonsalo ay kinayag ng isa niyang kaibigan, upang sila raw ay mamili ng kabayo sa pulong mindanaw. alinsunod sa balita ay mura doon ang kabayo at malaking lubha ang kanilang tutubuin. ang sagot ni gonsalo ay hindi siya maka aalis, sapagka'wala siyang salaping iiwan sa kaniyang asawa'mga anak, nguni'siya'binigyan ng limang piso, at pinangakuan pa siyang sa kanilang pagbabalik, mga ilang araw lamang ay siya'bibigyan pang muli, at di kailangang hintayin pang mabili ang kanilang kabayong kalakal. si gonsalo ay natuwa ng di gayon lamang.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang limang pisong kaniyang tinanggap ay ibinigay kay maring ng walang bawas kaunti man. kinabukasan, pagkatapos niyang hinagkan ang kaniyang dalawang anak, ay niyakap si maring, nanaog at sumakay sa isang daong. si maring ay tumangis pagtalikod ni gonsalo: siya'kinabahan sa pag alis nito. si gonsalo ay nadaya. ang daong na kaniyang sinakyan ay hindi napatungo sa mindanaw, kungdi sa hongkong, saka nagtuloy sa hawaii. may mga dalawang buwan pa lamang ang pag alis ni gonsalo, ay naipagbili na'naisanglang lahat ni maring ang kaniyang damit, at wala ng natitira kungdi ang kaniyang suot sa katawan at ang isang kabihisang nakababad sa batya. araw araw ay siya'nakapangalumbaba sa durungawan, at kaniyang hinihintay si gonsalo, nguni'ito ay hindi dumarating, at wala man lamang balitang tinatanggap hinggil sa kanya. bawa'maghapong lumipas ang damdam ni maring, ay maluat pa kay sa isang taong pagtitiis.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang anak na panganay ni maring ay may pag iisip na'kaya ng alagaan ang kaniyang kapatid na bunso. isang gabi, si maring ay napatungo sa bahay ng isang matandang babaing dati niyang kakilala, at ipinakiusap niyang siya'ihanap ng bahay na mananahian. noon din ay siya'ipinagsama ng matanda sa isang bahay na malaki. silang dalawa'pumasok sa silid. doon ay may dinatnan silang isang lalaking kastila at balbasan. ang lalaking ito ay kinausap ng lihim ng matanda, at pagkatapos ay nagpaalam; doon ay iniwan si maring. si maring ay pinagmasdan ng kastila. ang kinakailangan ko, ay hindi mananahi, kungdi asawa. si maring ay nanginig at namutla ng galit. hindi niya akalaing siya'makatagpo ng gayong pagkadulingas. ang hinahanap ko po, ang matigas niyang tugon; ay hindi asawa, kundi tahi. mahirap ang tahi, ang pakli ng kastila; dapuwa'mayaman ang asawa: narito ang salapi. saka anyong iniabot kay maring ang isang bilot na salaping papel.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"si maring ay parang tinampal sa mukha, at siya'napahiya sa kaniya ring sarili. gayon pa man ay kanyang tiniis yaong mahapding libak, inirapan ang kastila, biglang tinalikdan at anyong lisanin. nguni'bago nakalakad ng dalawang hakbang, ay siya'hinabol ng kastila; at hinawakan sa kaliwang kamay. si maring ay maliksing pumihit, hinarap ang kastila, ubos lakas na tinampal sa mukha, saka sumigaw ng malakas. polisya!, aniya. ang kastila'nagtaanan. sa bahay na yaon ay walang tao isa man. yao'isang bahay na talagang pinagpupungalan pinagkukulungan ng mga babaying sawing palad. sa maynila ay marami ang gayong bahay, at bihira ang babaing napapanhik doon na di nasisilaw sa kislap ng pilak at ginto. isa mang polisya ay walang dumalo sa sigaw ni maring. karamihan ng polisya ay talagang gayon: parang nakikipaglaro ng piko piko. samantalang sila'pumipiko sa inyong palad ay sila'makikita mo, nguni'pagkatapos ay hindi na; sila'lumulubog na parang bula. si maring ay umuwi sa kaniyang bahay.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"dinatnan niyang umi iyak ng gutom ang kaniyang mga anak. siya'nanghingi ng kanin sa mga kapit bahay at nang siya'mabigyan ng kaunting tutong, ay ito'siyang kaniyang ipinakain sa mga bata. si maring ay hindi kumain ng hapunan, hindi dahil sa siya'ayaw, kungdi dahil sa talagang walang makain. kinabukasan, at bago sumikat ang araw, ay siya'naglakad at humanap ng labahin. siya'umuwing may sunong na maraming damit na marumi, at salaping kulang lamang ng kaunti sa dalawang piso, salaping hiningi niya, upang may maibili ng sabon at almirol. siya'bumili ng pananghalian, at pagkatapos niyang kumain saka naglaba. ika apat na araw ay natapos ang damit at kaniyang inihatid. ang isa sa kaniyang mga ipinaglalaba ay lalaking balo, may mataas na katungkulan at may malaking sahod na salapi. aniya kay maring. si maring ay kinabahan, tiningnan ang marangal na ginoo, saka yumuko. hindi bagay sa iyo ang maglaba, ang dugtong ng dakilang lalaki, bagay lamang sa iyo ang maging poon.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"dito ka na tumira sa bahay, at ikaw ay aking popoonin. ang isang maralitang gaya ko ang sagot ni maring, ay di dapat maging poon. hindi, hindi ka maralita; ang sabat ng ginoo, ikaw ay mayaman, sapagka'ang lahat kong ari, ay parang ari mo ring tunay. pinasasalamatan ko po ang inyong magandang kalooban, ang pakli ni maring, datapuwa'hindi ko matatanggap. ibigay na lamang ninyo sa akin ang kaupahang sukat sa linabhan kong damit. ito po ay siyang tunay kong pag aari, sapagka'ito'isang bungang tunay ng aking pawis. siya'inabutan ng limang pisong salaping papel. ako po'walang isusukli, ani maring. iyo ng lahat iyan, ang sagot ng ginoo. wala po akong tatanggapin, ang tutol ni maring, kungdi lamang ang tatlong salaping kulang sa aking pinagpaguran. siya'binigyan ng tatlong salapi. si maring ay umalis at hindi na tumanggap ng labahin sa bahay na yaon. siya'nagtuloy sa isa pa niyang ipinaglaba at naghatid din ng damit. pinangusapan siya nito ng matatamis na salitang ukol sa pag ibig.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ako po'naparito, ani maring, upang maghatid ng damit, at di upang makipagsintahan. ang kausap ay napahiya, binayarang kay maring ang inihatid na damit, at gaya rin ng una, ay hindi na tumanggap ng labahin. kinabukasan ay siya'nasok na mananahi sa isang sastreria. sumapit ang sabado, at ng kaniyang sinasahod ang kaniyang pinagpaguran, ay siya'pinangusapan ng may ari. maring, aniya, kung ibig mo sana ay huwag ka ng manahi ng damit na ginagawa dito sa sastreria . ang tanong ni maring. naninibugho ang puso ko, anang may ari, kung nakikita kong hinahawakan ng maririkit mong kamay ang damit ng iba. ang ibig ko sana, ay damit kong sarili ang iyong hipuin. mapalad ang lalaking lingapin mo! ako po'naparito, ang tugon ni maring, upang maghanap buhay, at di upang makipagligawan. si maring ay umuwi at hindi na muling pumasok pa sa nasabing sastreria. siya'pumasok namang tagapagbili sa isang tindahan ng chinelas na ari ng isang insik.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ikatlong araw ng kaniyang pangangasiwa ay siya'tinawag nito, hinawakan sa kamay at ilinagay sa kaniyang palad ang mga ilang salaping papel. ang tanong ni maring. iyan ay salapi, ang sagot ng insik. at bakit mo ibinibigay sa akin? ang ulit ni maring. inihahandog kong talaga sa iyo, anang insik, at mamayang gabi ay dadalaw ako sa inyong bahay. ah!, ang bulas ni maring. ibig mong bilhin ang aking kahirapan? nagkamali ka. ang buhay mo at sampu pa ng iyong boong angkan ay hindi magkakasiyang ibayad sa aking kadalitaan. isinauli ni maring ang salaping papel, at hiningi lamang ang nararapat sa tatlong araw na kaniyang pangangasiwa sa tindahan, at saka umuwi. masama ang maganda, aniya sa sarili. mabuti pa ang pangit. at sapol pa noon si maring ay hindi na nagkotso, hindi na nagsinelas, hindi na nagbakya, at hindi na inayos ang kaniyang bihis. unti unti ay naubos ang kaniyang kinitang salapi.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"nang siya'wala ng sukat na maipakain sa kaniyang mga anak, ay ipinagbili naman, kahit mura, ang kaniyang mga tapayan, kalan, palayok, pingan at iba pang kasangkapan. ang pinagbilhan ay pinuhunan sa pagtitinda ng mais. akala niya'kung magtubo, ay muling makabibili ng kasangkapan. nagtinda nga siya ng mais sa tapat na kaniyang bahay, nguni'siya'dinakip ng pulis, dahil daw sa siya'walang licencia. kinabukasan ay siya'nahatulang magmulta ng limang piso. sapat na sapat lamang na ibinayad sa multang ito ang lahat na pinagbilhan niya ng mga tapayan, palayok, kalan, pingan at iba pang kasangkapan. ngayon ay wala na siyang maipagbiling ano man, at wala rin siyang kaunti mang salapi. ang kaniyang mga anak ay nag iiyakan at humihingi ng pagkain. nangaglalambitin sa kaniyang liig at nagsisidaing ng gutom. kulang lamang ay di maulol si maring. sinasabunutan ang kaniyang buhok.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ibig niyang tumangis, nguni'napakalaki ang pagtitiis, kaya walang tumulo kapatak mang luha, at malalagot mandin ang kaniyang hininga. biglang napasigaw sa malaking tuwa. naalaala niya ang kaniyang ngiping ginto, yaong ngiping pinakadakilang palamuti ng kaniyang marikit na bibig. binunot niya ang nasabing ngipin sa kaniyang gilagid at naipagbili ng dalawang piso. ibinili ng pagkain ang kaniyang mga anak, at ang natira ay ipinamili ng isdang sariwa sa bangkusay, at ipinagbili sa divisoria. lubhang mabili ang kaniyang tindang isda at hindi niya halos malaman ang kaniyang harapin sa maraming tumatawad. nabiling lahat ang kaniyang isda. anong laki ng tuwa ni maring! akala niya'malaki ang kaniyang naging tubo kaya'naisipan niyang ibili ng damit ang kaniyang mga anak. ang suot nila sa katawan ay gutay gutay na at wala siyang maihalili.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"dinampot sa lupa ang kaniyang bilao, siya'tumindig, at samantalang dinudukot sa kaniyang lukbutan (bulsa) ang kaniyang pinagbilhan ay aniyang nagsasalitang sarili: ibibili ko ng kakanin ang aking mga anak at ngayon pa lamang sila makatitikim ng. siya'biglang namutla. nanginig ang kaniyang boong katawan at nanglumo. siya'napalupagi sa lupa. nagdilim ang kaniyang tingin at malalagot mandin ang hininga. pagdukot sa kaniyang lukbutan ng kaniyang kamay, ito ay lumusot sa kabila. wala siyang nasalat kahit isa mang belis. ang kaniyang lukbutan ay ginupit at pinutol ng mga mangdurukot. ang malaking tuwa ni maring ay biglang napalitan ng lalong malaking hapis. ang kaniyang pangarap na buhay ay biglang napalitan ng masidhing hapis. siya'susuray suray na umuwi ng bahay, namamalisbis ang kaniyang matipid na luha, at kulang lamang ay di mawasak ang kaniyang dibdib. pusong matibay kapapanhik pa lamang ni maring sa kaniyang bahay, ay dumating si . eduardo sanchez.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"sa kabila ng mahigit sa apat na taong lumipas, ay nagkitang muli ang dating nagkakasintahan, ang dalawang pusong biglang pinagwalay ng saliwang palad noon pa namang malapit ng magkabuluhan sa haba ng buhay. sa unang pagpipinkian ng dalawang tingin, anaki ay nagbalik na lahat ng panahong lumipas; anaki ay muling nanariwa yaong nasangal na pagmamahalan. eduardo ay kinabahan, dahil sa kaniyang pagsinta kay maring. kinabahan din si maring, dahil naman sa kaniyang pagmamahal kay gonsalong ama ng kaniyang mga anak. maluwat na hindi nakaimik ang dalawa. pagkamasid ni. eduardo doon sa halos gibang dampang walang ano mang kasangkapan, pagkamasid niya kay maring at sa mga batang may gutay gutay na damit, kulang lamang ay di mawasak ang kaniyang puso sa malaking habag. kaninong mga anak ito? ang kaniyang tanong. mga anak ko, ang sagot ni maring. parang linason ang pag iisip ni.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kaniyang napagnilaynilay, na kung hindi inagaw ang kaniyang kasintahan, ay siya'may dalawa na sanang anak na gaya rin noong dalawang batang kaniyang pinagmamasdan. maluwat na namang kapuwa hindi nakaimik ang dalawa. eduardo ay kung nandoon lamang sana si gonsalo, ay sampu man ang kaniyang buhay ay kulang pang ibayad sa kapaslangang kaniyang ginawa. pag agaw niya kay maring, ay parang inagaw sa kaniyang puso ang lahat ng tuwa sa sangsinukuban. maring, ani. eduardo, nalimutan mo na baga ang kanitang pagsisintahan? si maring ay hindi nakasagot: siya'nahahabag sa napakalumbay na anyo ni. eduardo: ang tingig nito ay lubhang kalunos lunos; basag na anaki tingig ng pusong tumatangis. ikaw, maring, ang dugtong ni. eduardo, ay hindi mo tinupad ang iyong pangako sa akin, at nag asawa ka kay gonsalo; datapuwa'ako, ako ay tumupad sa aking pangako sa iyo, at ang katunayan ay ako'bagong tao hangga ngayon.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"hindi ako nakatupad, ang pakli ni maring, hindi dahil sa kusang pagtalikod sa iyo, kungdi dahil sa kusang paghabol ko sa aking puring nalugso. si gonsalo ay taksil, ani. eduardo, nguni'ikaw ay banal. ikaw ay hindi mangyaring suminta kay gonsalo, sapagka'ang kabanalan ay hindi dapat suminta sa kataksilan. ang kataksilan, ang tugon ni maring, kung hinggil sa pag ibig, ay mangyayaring hugasan ng kapatawaran ng pinagtaksilan. dahil dito, sakali mang si gonsalo ay nagtaksil laban sa aking puri, ay siya'malinis na ngayon, sapagka'siya'pinatawad ko ng lubos. at papaano ang kanitang pagsisintahan? ang malumbay na tanong ni. paglabanan mo, ang sagot ni maring, gaya ng aking paglaban hangga ngayon. akalain mong kapag ako'nabuwal sa putik, ay mapuputikan din sampu ng aking mga anak. ikaw ay dinaya ni gonsalo, ang dugtong ni. siya'hindi napatungo sa mindanaw, kungdi sa hawaii. si maring ay biglang namutla. ngayon niya napagnilay nilay ang dahilan ng maluwat na di pag uwi ng kaniyang asawa.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"siya'babalik din dito, ang kaniyang sagot. hindi mo na siya makikita kailan pa man, ang tutol ni . eduardo, sapagka'matunog ang balitang siya ay nag asawa na doon. hindi nakakibo si maring. biglang sumagi sa kaniyang puso ang masidhing kamandag ng panibugho. datapuwa'palibhasa'siya'may katutubong lakas, kaya agad niyang dinaig ang gayong udyok, at pagdaka'sumagot ng banayad: ako'hindi naniniwala, aniya. maniwala ka'marami ang nagbabalita ng gayon, ang ulit ni . hindi mo na makikitang muli si gonsalo. papaanong hindi ko siya makikita, ang tugon ni maring, sa talagang siya'nakikita ko nga sa lahat ng sandali? si gonsalo ay hindi nakakanlong kailan pa man sa mga mata ng aking pag iisip. ang buntong hininga ni. anong katigas ng iyong puso! walang pinag ibhan sa batong hindi mapayanig ng malumbay kong himutok! ikaw ay minahal kong mahigpit pa kay sa aking sariling buhay; nguni'ikaw ay pinagtaksilan at kinaladkad sa burak ni gonsalo. sino sa aming dalawa ang iyong minamabuti?",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ako'minahal mong mahigpit pa kay sa iyong sariling buhay, at ikaw ay minahal ko ring mahigpit pa kay sa aking pagkatao, nguni'kita'hindi magkaisang palad. tunay din naman ang wika mong ako'pinagtaksilan ni gonsalo, nguni'siya naman ay naging kabiyak ng aking kaluluwa'katawan, at dahil dito ay katungkulan kong damayan siya sa lahat ng bagay. ang ama ng aking mga anak ay mamahalin ko hanggang sa libingan. anong kalupit mo, maring! ikaw ay sininta kong taimtim, mahigit kay sa lahat ng pagsinta sa silong ng langit. ang pagkapanganyaya mo kay gonsalo ay tinanangisan ko ng walang lubay, gabi'araw sa lahat ng sandali. lumubog na si maring ang aking himutok sa tuwi tuwi na. lumubog na ang araw ng aking pag iisip, ang sula ng aking buhay, ako'linisan at hindi na babalik, kaya dapat na siyang limutin. samantalang pinagpipilitan kong katkatin sa aking guniguni ang iyong ala ala, ang iyong larawan naman ay lalo pang nalilimbag sa kaubud uburan ng aking kaluluwa.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"sapol pa noong gabing ikaw ay agawin ng mga buhong ay hindi na ako nakakain at hindi na ako nakatulog. inakala kong natapos na ang mundo sa akin. sa boong buhay ko ay walang ibang tumitibok kundi pawang kamatayan. tunay nga sana at sa kabila ng kamatayan ay may namamanaag na walang katapusang ligaya sa langit, nguni',. nguni'ligayang luksa, kasayahang mapanglaw, langit na malungkot, sapagka'ikaw maring, ay wala ka doon. anhin ko ang langit, kung ikaw ay narito sa lupa? at sapol pa noon ay ako'lumakad na walang tinutunguhan, ako'nagngingitngit na walang kinagagalitan; ako'tumatawa ng walang kinatutuwaan; ako'nagsasalita ng walang kinakausap. saka biglang lumabo ang aking pag iisip. ewan kung ano ang nangyari, nguni',. nguni'naparam sa akin ang boong linalang. lumipas ang kung ilang taon. nanag uli sa akin ang nawala kong pag iisip. pinagmasdan ko ang aking kinalalagyan, at. nalalaman mo ba kung saan ako nandoon? sa san lazaro! bakit?, ang biglang tanong ni maring. nagkasakit ka baga?",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"hindi ako nagkasakit, ang sagot ni. sabay tumalon ang luhang kangina pa gumigilid sa kanilang mga pilikmata. ako'kakaiba, maring, sa lahat ng tao, ang basag na tingig ni . kung kailan ako'ulol, ay noon ako matino; at kung kailan ako matino, ay noon ako ulol. bakit naman?, ang malumbay na tanong ni maring. dingin mo, ang tugon ni. noong ako'ulol at nakakulong sa san lazaro, ay ako'tahimik at ako'nakakakain, ako'nakakatulog ng mahimbing at ako pa raw ay masaya. nguni'ngayong ako'matino na, ay ako'balisa, lagalag na walang pinatutunguhan hindi ako makatulog, at wala akong kinakain kungdi ang mapait kong luha, mabisang pait na nagsusumiksik hangang sa kaubud uburan ng puso kong naghihingalo. at sapol pa noong ako'tumino, ikaw ay hinanap kong walang lubay sa mga gubat at parang. nabalitaan ko ngang ikaw ay nagbalik dito at iniwan ka ni gonsalo.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"at ngayong kita'nakikitang may wasak na damit ngayong maputla ka'naparam na ang dating luningning ng iyong hiwagang karikitan, ngayong ikaw ay may dalawa ng anak, ngayong nalugso na ang iyong dalisay na puri, ngayong ayaw ka ng batiin at kinaiinipan ng magdarayang buhay, ay ngayong pa kita lalong sinisinta, ngayon pa kita lalong dinadalanginan. maring, nalalaman mo kung kaya gayon? dahil sa ang sinisinta ko sa iyo ay hindi ang abang katawan, kungdi ang kalooban mong wagas pa kay sa sinag ng araw, ang kaluluwa mong kaluluwang virgen. maring, maring, mahabag ka na sa akin. kapag hindi ka lumingap sa aking mga daing, ay pagka asahan mong ako'mamamatay sa madaling panahon, kungdi kaya ako'mauulol na muli. si maring ay hindi sumagot ng kahit iisang bigkas. samantalang naririnig ang mga hibik ni. eduardo ay parang naiinis ang kanyang hininga. ano ang iyong kasagutan? hindi mangyayari, ang matatag na tugon ni maring. hindi raw mangyayari!, ang dugtong ni.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"huwag ka ng mahabag sa akin: mahabag ka na lamang sa iyong mga anak at sa iyong sariling buhay. damit man ninyo ay wala.! maring, ibig mo na bagang kayo'mangamatay ng gutom? masakit nga sana ang mamatay ng gutom, ang pakli ni maring, nguni'lalo pang masakit ang mamuhay sa kasamaan. ako'hindi mangyayaring suminta sa iyo. maluwat na di nakakibo si. eduardo, at pagkatapos nagnilay nilay ay nagsalita ng ganito: maring, ikaw ay ibibilang kong parang tunay na kapatid, nguni'iligtas mo ang buhay ninyong mag iina. ako'may inihahandang bahay na talagang titirahan ninyo: malaki at may maraming kasangkapan. sa tabi nito ay may isang mahabang bahay na may sampung pintong sadyang paupahan. ang malaking bahay na aking binangit, at gayon din ang may sampung pintuan ay inyong lahat, ari ninyong sarili, upang kayo'may ipamuhay. salamat, ang sagot ni maring, nguni'hindi ko matatangap. hindi mo matatangap at bakit?, ang nangigilalas na tanong ni . ako'hindi dadalaw sa inyo kailan pa man; hindi.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"nalalaman kong ako'hindi mo ibig makita at ikaw ay hindi ko bibigyan ng kahit munting sama ng loob. nalalaman mo baga maring kung bakit ipinagkakaloob ko sa inyo ang aking dalawang bahay? sa pagka'ako'ulila sa ama'sa ina, walang kapatid, walang kamaganak, walang kaibigang tapat. dahil dito ay hindi ko ibig na ang aking mga ari arian ay masayang bukas makalawang ako'mamatay muli kayang maulol. sabay na napatangis ang dalawa. eduardo ay may kahambal hambal na tunog na anaki hibik ng naghihingalo. tatanggapin mo?, ang nabubulunan niyang tanong. hindi, ang matatag na sagot ni maring. hindi nga sana masama, ang tugon ni maring, kung tanggapin ko naman ang iyong handog; nguni', ano kaya ang wiwikain ng madla? nalalaman ng lahat ng tao na kita'nagkasintahan, at kung tatanggapin ko ang iyong bahay, ay may magsasabi kayang ako'hindi mo. sabihin nila ang ibig sabihin, ani. kung ikaw ay walang ginagawang masama ay. hindi gayon, ang sabat ni maring.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"hindi kailangang libakin man ang talagang gumagawa, ng masama. nguni'kung ang hindi gumagawa ng masama ay siyang libakin, dahil sa siya'nagbigay ng daan, upang siya'. hindi mangyayari. eduardo, hindi mangyayari! si eduardo ay tumindig. hindi niya malaman kung dapat niyang kagalitan, sintahin igalang ang babaying yaon; nguni'ibig manding masira ang kaniyang pagiisip. huling tanong aniya, tatanggapin mo hindi? hindi, ang matatag na sagot ni maring. ang sagot na ito ay nakasabay ng sigaw ng mga bata. inang, anila, nagugutom na kami. pagkaringig ni. eduardo sa daing ng mga bata ay siya'nangatal sa malaking lunos. binuksan ang kaniyang cartera, kumuha ng sampung salaping papel na tigdalawang puong piso bawa'isa, at kaniyang inilagay sa ibabaw ng hapag ng dambana. pagkakita ni maring sa salapi, ay siya'kinabahan, nangdidilat ang kaniyang mga mata, at tila wari ibig niyang damputin.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"nanglamig ang kaniyang boong katawan, parang umakiat sa kanyang ulo ang lahat niyang dugo, at tila mandin masisira ang kaniyang pag iisip. at hindi nga malayong magkagayon, sapagka'si maring ay maluwat nang hindi nakakakita ng gayong karaming salapi. dalawang daang piso. hindi man lamang niya napangarap ang gayong kayamanan, saka ngayon ngayon ay tinatanaw niya sa ibabaw ng kaniyang dambana, at ipinagkaloob pa sa kaniya. gayon pa man, palibhasa'si maring ay may katutubong hinhin, ay nanaig ang kaniyang gawing bait; saka nagsalita ng banayad. anong salapi iyan?, ang kaniyang tanong. iyan ay handog ko sa mga bata, ang sagot ni. salamat, ani maring, nguni'hindi ko matatanggap. inang!, ang halos nakapanabay na sigaw ng mga bata. kami ay nagugutom. ang hibik ng mga paslit ay tumagos hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa ni maring. hindi mo tatangapin?, ang ulit ni. !, ang sabat ng mga bata. kami ay nagugutom!!! hindi ko tatanggapin, ang matatag na sagot ni maring.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kinuha niya ang salapi sa dambana, hinawakan ang kamay ni. eduardo, saka inilagay ang salapi sa kaniyang palad. kapag tinangap ko ang iyong salapi, aniya, ay hindi mangyayaring hindi ko rin tangapin ang iyong pag ibig. eduardo sinabi mong kami ay iyong minamahal. kung gayon ay dapat kang mahabag sa akin, dapat kang mahabag sa aking mga anak, at huwag mong ipilit ang iyong salapi. ibig mo na bagang ang aking mga anak ay tawaging anak ng. !, ang piping sigaw ni. eduardo at biglang umalis na anaki'ulol. inang malingap ang mga bata'nag iiyakan at humihingi ng pagkain. si maring ay nanghiram ng gunting sa isang kapit bahay at pinutol ang kaniyang mayabong na buhok saka binalot ng papel. pagdaka'pinanyuan ang ulo at nanaog. baka po may nais kayong bumili ng buhok?, aniya sa isang taong nasalubung sa daan. tingnan natin, ang sagot ng kausap. matapos makita nito ang buhok, ay pinagmasdang mabuti si maring, at ng makita ang kaniyang maralitang anyo at pananamit, ay siya'pinangdilatan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"saan mo ninakaw ang buhok na iyan? hindi ko po ninakaw, ang sagot ni maring. hindi mo ninakaw?, ang ulit ng kaniang kausap. at saan ka kumuha ng ganiyan kagandang buhok? ang mga mayayaman ay siya lamang nagkakaroon ng buhok na ganiyan karikit, at ikaw ay hindi ka mayaman. kung ayaw po ninyong bilhin ay huwag, ani maring. hindi ko naman ipinamimilit. at siya'umalis. nagkataon ay may nagdadaang pulis sa pook na yaon. ito ay kinalabit ng kausap ni maring. nakikita ba ninyo ang babaing yaon?, aniya. opo, ang sagot ng pulis. habulin ninyo, at iyan ay magnanakaw, anang nagsumbong. kagabi, ang isa kong kapit bahay ay ninakawan ng maraming hiyas. ang gayon ay alam na ninyo marahil, sapagka'ipinagbigay alam na sa pamunuan ng pulis. kasamang nawala ng mga nasabing hiyas ang isang mayabong na buhok na talagang gagawing postiso ng may ari. ang buhok na sinabi ko ay dala at ipinagbibili ng babaying yaon. siya nga ba?, ang biglang tanong ng pulis, saka matuling hinabol si maring.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"oy, ang tawag sa kaniya. ano iyang dala mong nakabalot? buhok po, ang sagot ni maring. tingnan ko, anang pulis. ibinigay ni maring ang buhok. binuksan ng pulis ang balutan, at pagkakita sa buhok, ay muling binalot at isinilid sa kaniyang lukbutan. sumama ka sa akin, ang utos kay maring. si maring ay parang napaakyat sa langit inakala niyang bibilhin ng pulis ang kaniyang buhok. bibilhin po ba ninyo?, ang kaniyang masayang tanong. oo, bibilhin ko, ang tuya ng pulis. halina at sumama ka sa akin. mahaba pong buhok iyan at mayabong, bukod sa malinis at makinang, ani maring samantalang sila'lumalakad. sila'nagtuloy sa cuartel ng pulis sa tundo. bakit po dinala ninyo ako dito?, ang tanong ni maring. huwag kang kumibo, ang kagulat gulat na bulas ng pulis saka itinulak si maring sa bilanguan, at isinima ang pinto. si maring tumangis ng di gayon lamang. naala ala niya ang mga batang iniwang gutom.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"siya'parang ulol sa loob ng bilanguan: tumatadyak sa sahig, kinakalampag ang pinto, saka sumigaw ng ubos lakas. ako'ilabas ninyo dito, anang aba. wala akong ginagawang kasalanan. bakit at ako'ibinilanggo ninyo? binuksan ng sargento ang pinto, at pagkakita sa kagandahan ni maring, ay kaniyang linapitan. kay ganda mo!, ang kanyang biro. di kasi ako'ibinilanggo ninyo dahil sa ako'maganda?, ani maring. pagbabayaran ninyo sa akin ito: ako'magsasakdal sa mga pinuno. anaki'tinampal ang sargento sa pangahas na banta ni maring. doon sa bilibid ka magsakdal. anong bilibid?, ang nagngingitngit na tanong ni maring. ano bagang kasalanan ang nagawa ko? siya'tinitigan ng sargento. kay gandang magnanakaw nito!, aniya, saka biglang isinima ang pinto. ang salitang magnanakaw ay narinig ni maring, nguni'hindi niya natausan ang kahulugan. ako kaya ang pinanganlang magnanakaw?, ang tanong sa kaniyang sarili. hindi: ako'nagkariringan lamang. at sino sa sangdaigdigan ang makapagsasabing ako'magnanakaw?",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"muling kinalampag ang pinto. capitan!, ang kaniyang ubos lakas na sigaw. muling binuksan ng sargento ang pinto ng bilangguan, may dalang yantok na pamalo, pumasok at hinampas sa mukha si maring. huwag kang maingay!, ang kaniyang kakilakilabot na bulas. nagputok ang tinamaan ng dulo ng mabangis na yantok. sinugod ni maring ang sargento at pinan gigilang kinagat sa kamay. bumaon ang kaniyang mga ngipin sa kamay na kinagat, tumalsik ang dugo, nawaray ang laman, kaya'nakabitiw ang mga nagngangalit na ngipin, nguni'bigla niyang binaltak at inagaw ang malupit na yantok, at ubos lakas na inihampas sa mukha ng sargento. tumama sa mata nito ang dulo ng yantok, at nagputok ang balintataw ng kaniyang mata. pumasok sa bilangguan ang mga kawal, hinawakan si maring at saka ginapos. naulol, naulol, anilang lahat. dumating ang capitan. huwag po kayong lumapit, anang mga kawal, sapagka'siya'naulol. sila po ang naulol, ani maring sa capitan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"tingnan po ninyo, ginoong capitan, ako'ibinilango nila, pinapagputok nila ang aking mukha, at ako'ginapos pa nila, sa ako'walang ginagawang kasalanan. ang capitan ay pumasok sa kaniyang tangapan. alisan ninyo ng gapos ang babaying iyan at iharap sa akin, ang kaniyang utos. ipinag utos ng isang kabo sa mga kawal na alisan ng gapos si maring at ilabas sa bilanguan. ang mga inutusan ay naghihiliang tumupad sa utos. sila'natatakot na baka sila'bunuin ng ulol . ang kabo, baga ma'malaki rin ang pangamba, sa takot sa capitan ay siya na ang tumupad sa utos. dahan dahan niyang binuksan ang pinto, sumilip muna, tinanaw ang kinatatakutang ulol at pagkakitang ito ay tumatangis na mag isa, nakalupagi sa sahig, ay biglang sinugod at hinawakan sa kamay, at inalisan ng gapos. paglabas sa bilanguan ni maring, ay inirapan ang mga kawal na kaniyang nadaanan. ang mga ito ay nagsipangatal ng takot. kay tatapang na mga kawal! ani maring. siya'iniharap sa capitan. sino ang humuli sa babaying ito?",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang usisa ng capitan. ako po, ang sagot ng isang kawal na kaharap. ano ang kaniyang kasalanan?, ang ulit ng capitan. siya po ang nagnakaw kagabi ng mga hiyas at buhok sa bahay ni .consuelo jimenez. ang buhok po ay lumitaw na, at kaniyang ipinagbibili: narito po. at ibinigay ng kawal ang buhok sa capitan. saan mo kinuha ang buhok na ito? ang tanong ng capitan kay maring. ang buhok pong iyan ay akin, ang sagot ni maring. oo nga at iyo, ang ulit ng capitan; nguni', saan mo kinuha? sa ulo ko po, ang tugon ni maring. saka inialis ang kaniyang panyo sa ulo. biglang namangha ang lahat na kaharap. maliwanag ang katunayang ang buhok ay hindi nga nakaw. ang kulay at putol nito ay kaisa at kaakma ng may mga isang dangkal na naiwan sa ulo ni maring. tiningnan ng matang nanglilisik ng capitan ang kawal na dumakip kay maring, at isinauli sa kaawa awang babayi ang kaniyang buhok. sino ang pumutol ng iyong buhok?, ang tanong ng capitan kay maring. ako po, ang sagot nito.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"bakit mo pinutol?, ang ulit ng capitan. ipinagbibili ko po, ang tugon ni maring: ako'walang sukat na maipakain sa aking mga anak. umuwi ka na at ipagbili mo, anang capitan. at papaano po itong mukha kong nagputok?, ang tanong ni maring. ikaw ay nakaganti na, ang sagot ng capitan, sapagka'binulag mo naman ang sa iyo'pumalo. hindi po kailangang ang siya'mabulag man, ang tutol ni maring, sapagka'ako'kaniyang tinampalasan, nguni'pinapagputok niya ang aking mukha, gayong ako'walang munti mang kasalanan. tunay nga, ang pakli ng capitan, at dahil dian ay asahan mong mapaparusahang lahat ang mga lumapastangan sa iyo. si maring ay nagpa alam, muling pinanyuan ang kaniyang ulo, matuling lumabas sa kuartel at napatungo sa dako ng simbahan. siya'lumapit sa isang tindahang bayan. baka po ibig ninyong bumili ng buhok? tingnan po natin, ang sagot nito. ibinigay ni maring ang buhok. nagdumami ang mga nanonood na tao. karikit na buhok!, anang isa.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"at mahaba, ang salo ng isa pa. mainam nga sana, ang katlo ng may tindahan, nguni'buhok ng patay. iyan po'buhok ng buhay, ang tutol ni maring. buhok nga ng patay, anang isang babaying nandoon. at sino ang buhay na puputol ng ganiyan kagandang buhok? ibig na sanang sabihin ni maring na iyon ay kaniyang buhok, nguni'doon ay maraming tao, at ikinahihiya niyang ipakita ang kaniyang ulong gapas. siya'umalis at humanap ng ibang tindahan nguni'gaya rin ng una, ay siya'pinagkulumutan ng maraming tao, at sinabi nilang iyon daw ay buhok ng patay. hindi nila makayang paniwalaan na ang isang babaying buhay ay magputol ng gayong karikit na buhok. umalis na naman si maring, datapuwa'biglang sumagi sa kaniyang bait ang nagugutom na iniwang anak sa bahay, kaya'agad nagbalik sa tindahang pinangalingan. gaya rin kangina, ay nagdumami ang mga tao. hindi po buhok ng patay ang aking ipinagbibili, aniya ito po ay buhok ng buhay, at ang katunayan ay narito. inalis ni maring ang panyo sa kaniyang ulo.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"naghalakhakan ng tawa ang mga taong nandoon pagkakita nila sa ulong gapas ni maring. inakala nilang ito ay ulol. palibhasa'nakikita nilang si maring ay na sa malaking kagipitan, kaya binabaratan ang halaga ng kaniyang buhok. talagang gayon sa buhay na ito: kung sino na nga ang nalulunod, ay siyang lalong pinagdidiinan. sa dalawang puong piso man ay mura pa ang buhok ni maring, nguni'natawaran lamang ng dalawang piso. ng makita niyang ayaw ng sumulong ang tawad, ay ibinigay na niya sa nasabing halagang dalawang piso. siya'bumili ng tinapay at mantequilla, halos tumatakbong umuwi ng bahay at kanyang pinakain ang mga batang gutom. ang capitan ng pulis ay tumupad sa kaniyang pangako. ikatlong araw ay nangatiwalag sa kanilang tungkulin, ang kawal na dumakip kay maring at ang nabulag na sargentong nagpaputok ng kanyang mukha. may balitang ang sargentong ito, ng wala ng makain, ay namuhay sa mga gubat at nanulisan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"isang lingo pa lamang ang lumipas, si maring ay wala na namang maibili ng pagkain. ang kaniyang mga anak ay nagiiyakan ng gutom. wala nang mahirap kalabaning gaya ng mga bata. hindi nila nalalaman ang kahirapan, at walang taong may matigas na loob na makalalaban sa kanilang daing. ang kalaban ni maring ay dalawang batang lalaking kalikut likutan. si maring ay nakalaban sa isang mabangis na sargento; at kasalukuyang lumalaban sa salot ng kahirapan, nguni'siya'hindi mandin makalaban sa hibik ng dalawang batang humihingi ng pagkain. sa likot ng mga bata, ay kinuha ang santo cristo sa dambana at pinagbali bali nila. dinatnan ni maring na kagat ng bunso ang isang paa ng nasabing santo cristo. bakit sinira ninyo ang santo cristo?, ang tanong ni maring sa mga bata. ako'nagugutom, ang sagot ng matabil na bunso, kaya kinakain ko ang kaniyang paa. si maring ay parang tinarakan sa puso.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kinuha niya ang bali baling santo cristo, pinulot sa sahig ang mga paa at kamay na natanggal, iginapos sa cruz at muling ipinako. sa lagay na iyon ni maring ay kahalintulad ng mga judiong nagpako kay cristo; ang kahigitan lamang ni maring, bukod sa ipinako niya ang kaniyang cristo, ay binilibiran pa ng gapos na kawad sa cruz, buhat sa paa at sa kamay hangang liig. si maring ay nanaog, dala ang kaniyang santo cristo, at ipinagbibili sa mga bahay bahay. ngayon naman ay siya'tulad kay judas. ang kaibhan lamang ay ang pagbibili nito kay cristo sa halagang tatlong puong salapi; datapuwa'ang cristo ni maring ay mura at ipinagbibili lamang sa halagang isang salapi . at sa halaga mang ito ay wala pang makabili, sapagka'ang cristo ni maring ay cristong nagkapilay pilay, cristong nagkabali bali ang mga kamay, paa, baiwang at liig. si maring ay napatungo sa divisoria at doon niya ilinako ang kaniyang santo cristo.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"siya'nasagasaan ng isang nagtutumuling may pasang batulang, tumapon ang santo cristo sa bato at gumulong sa putik. pinaliguan ni maring sa grifo ang kaniyang santo cristo, at pagkatapos, ay nakita niyang tapias ang ilong, bungi ang labi at bulag ang mata. caawa awang santo cristo! sa lahat ng santo cristo sa sanglibutan ay malaki ang pinagdaanang hirap ng santo cristo ni maring. siya'may natanawang isang kamatis na sirang nakatapon sa pangsol (canal) sa tabi ng kabiak na tinapay. maliksi niyang dinampot kapuwa, tinakpan ng mangas ng baro ang kaniyang bibig, saka minsang isinubo ang kamatis. siya'nahihilo na ng gutom. anyo na namang isubo ang tinapay, nguni'biglang natigilan, iniurong ang kaniyang kamay sa bibig at isinilid ang tinapay sa lukbutan. naalala niya ang kaniyang mga anak, at ang tinapay ay itinira sa kanila. nadaanan niya ang matong ng layak.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"matuling linapitan ni maring, dinampot ang isang sirang bayabas na doo'kaniyang nakitang nakatapon; nguni'siya'biglang itinulak ng isang sanitario, inagaw nito ang bayabas sa kamay ng kaawa awang babayi, muling itinapon sa matong, at siya pa'pinagbantaang dadalhin sa kuartel. si maring ay tumangis, hindi dahil sa siya'nasaktan, kundi dahil sa bayabas na hawak na niya'sinambilat pa sa kaniyang kamay. inagaw sa akin ang bayabas, aniya sa sarili, at ibinigay lamang sa matong ng layak. mahal pa kay sa akin ang matong na iyan! mawiwika marahil ng ginoong bumabasa na si maring ay hindi dapat dumanas ng gayong kalaking hirap, sapagka'dito sa filipinas ay marami ang madudulugan at mahihingan ng pagkain, damit at iba pa. nguni'ano kaya ang magagawa natin, kung si maring ay siyang aayaw manghinging talaga? si maring ay dala na.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"at bukod sa kasamaan ng kapwa tao na kaniyang dinanas, na walang ibang adhika kundi ang siya'paglaruan, ay siya'may katutubong mataas na loob, maramdaming dangal at matibay na pananalig sa lakas niyang sarili sa laot ng kahirapan. ang mga taong gaya ni maring ay maaaring mangamatay ng gutom, nguni'hindi maaaring kailan pa man ang sila'sumuko sa magdarayang biro ng buhay. si maring ay nagtuloy sa sadsaran (muelle) at doon naman inilalako ang kaniyang santo cristo. makapal ang taong umahon, galing sa isang sasakyang bagong dating. si maring ay sumalubong. bilhin na po ninyo itong santo cristo, aniyang sumisigaw. siya'biglang niyakap ng isang lalaking payat, maputla at susuray suray. maring!, anang lalaki. siya'liningon ni maring, at. !, ang kaniyang matalim na sigaw, at biglang hinimatay. si maring ay madaling isinakay ni gonsalo sa isang calesa at saka siya inuwi ng bahay. ng mahimasmasan si maring ay na sa kandungan siya ng kaniyang asawa sa kanilang bahay.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"asawang mairugin si gonsalo ay nangaling sa hawaii. malubha ang sakit, at walang dalang salapi kundi ang lilimang pisong napag arimuhanan niyang inawas unti unti sa kaniyang pamumuhay doon, sa loob ng mahigit sa isang taong di kawasang pagod. siya'naka uwi dito, sapagka'ang isa niyang kaibigang magdaragat ay siya'lihim na pinapasok sa sasakyan, ng ito'malapit ng tumulak. si gonsalo ay bumaon sa bunton ng uling na bato at ng sila'malayo na sa hawaii at saka pa lamang umahon sa kaniyang libingan. ng siya'makita ng capitan sa sasakyan ay siya'nakagalitan ng di gayon lamang, nguni'wala ng mangyari at siya'nakasakay na, lalo'hindi naman mangyaring patalunin siya sa dagat, at lalong hindi mangyari ang dahil lamang sa kaniya ay ibalik pa sa hawaii ang sasakyan. dahil dito, ay nagtuloy ng paglalayag at si gonsalo ay kasama.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"pagdating sa hongkong ay siya'pinalunsad, nguni', gaya rin ng una, sa pamamagitan ng isa niyang kaibigan ay siya'lihim na nakapasok sa isang sasakyan at siya'nagtago sa kinalalagyan ng mga baka, at doo'hindi siya lumabas hanggang di sumadsad dito sa maynila. kaya baga ma'anong hirap, si gonsalo ay nag pumilit umuwi dito, ay dahil nararamdaman niyang malalagot ang kaniyang hininga sa malaking hirap na naranasan sa hawaii, ay ninais niyang makita muna, kahit sandali bago siya mamatay ang kaniyang sinisintang maring at pinakamamahal na dalawang anak. sa makatuwid, ang dalawang batang alaga ni maring ay nadagdagan pa ng isang may malubhang sakit. si maring ay pumasok na alila sa isang babaying americanang naninirahan sa ermita. pinagkasunduan nilang si maring ay tatangap ng walong pisong bayad sa bawa'buan, nguni'siya'darating ng ika ng umaga sa bahay ng kaniyang panginoon at sa ika ng gabi saka lamang siya uuwi ng bahay.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang anak na panganay ni maring ay mahigit na sa limang taong gulang, at ito ay siyang sumisiyasat sa kaniyang ama at sa kaniyang kapatid na bunso. sa pagkapa alila ni maring ay doon nakita ang kaniyang saganang kasipagan. madaling araw pa'nagbabangon na'sinisiyasat ang asawang may sakit, ang dalawang anak, at ang boong pamamahay na iiwan sa habang maghapon. pagkatapos ay siya'matuling susugod sa ermita. nagbubukang liwayway kung siya'dumating sa bahay ng kaniyang panginoon. pagdaka'sisiyasatin na niya ang pagkaing agahan. ang mga cubiertos, pingan, vaso, serbilyeta at iba pang gamit sa pagkain ay pawang maayos at malinis na lahat.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"bago magising ang kaniyang panginoon ay siya'nagbabantay na sa tabi ng pinto ng kaniyang silid, pagtawag sa kaniya, saka pa siya papasok, ihahanda ang kaniyang hilamusan, hihiluran niya sa likod at sa bisig, huhugasan ang kaniyang mga binti at paa, susuotan niya ng medias, pakikintabin ang kanyang mga botitos, saka isusuot sa paa ng kaniyang dakilang poon, tutulungan pa niyang magbihis at magsuklay ng buhok, pagpapalain ang nalukot na hihigan. paglabas ng kaniyang panginoon, at samantalang ito ay kumakain, si maring ay nakatayo sa kaniyang harapan, upang sa kahit ano man lamang munting kailangan ay siya'maliksing makapangasiwa. pagkatapos nito saka pa lamang siya kakain sa tira ng kaniyang panginoon, malalaki ang subo hindi dahil sa siya'gutom, kungdi dahil sa siya'nagmamadali, at ibig niyang agad magawa ang lahat ng bagay na dapat niyang siyasatin. bago pa lamang nakaiinom ng tubig ay kaniya ng hawak ang walis at linilinis ang buong bahay.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"bago manaog ang kaniyang panginoon ay siya'binibigyan ng pisong maipamili ng pananghalian at hapunan. pag alis ng kaniyang panginoon ay kukuskusin na ng basahang may pitroleo ang sahig ng bahay, pagkatapos saka niya bubulihin ng basahang tuyo, matuling gumagapang upang madaling kumintab na anaki'salamin. sa gayong kalaking bahay nabubuli ni maring sa loob ng sandali. doon ay walang ibang alila kungdi si maring. pagkatapos at saka lilinisin at aayusin ang lahat ng kasangkapan. isa isang inilalagay sa kani kaniyang dapat kalagyan. didiligin pa ang maraming halaman ng kaniyang panginoon. kung matapos ito ay saka pa siya mamimili ng pagkain. sisiw, ibon, isda, karne ano man kayang pagkaing masarap at mura, huwag na di magkasiya lamang ang dala niyang piso.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"pagdating ng kaniyang panginoon ay susuyuan niya sa pagkain, at pagkatapos ay kaniyang susundan sa silid, aalisin ang kaniyang botitos sa paa at ang kaniyang bihis sa katawan, saka pa siya kakaing nagmamadali upang muling makapasok sa silid at mapaypayan ang kaniyang panginoon. kung ito ay nakakatulog na, at saka pa liligpitin ang kinanan, at pagkatapos ay kukunin naman ang may kasiraang damit at susulsihan. sa ika ng hapon ay magigising ang kaniyang panginoon, at gaya rin kaninang umaga, ay tutulungan niyang magbibihis, magsuklay ng buhok, at susuotan pa ng butitos at hindi hinihiwalayan hangang di manaog at pumasok sa kaniyang pangasiwaan. pag alis nito, ay bubulihin na naman ni maring ang sahig, hangang hapon, saka pa sisiyasatin ang pagkaing hapunan. si maring ay siya pa ang utusan sa lahat ng dako. at ang lalo pang pagod ni maring ay kung magsidating ang mga panauhin ng kaniyang panginoon.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"siya ang tanging utusan sa pagkuha ng sari saring alak, pulutan, matamis, kung saan saang almacen, at kung sila'lango na, ay palagi pa siyang namumura. ang lahat ng ito ay pinagtitiisan ni maring, alangalang sa kaniyang asawang nakaratay sa banig at sa kaniyang dalawang anak na mumunti. ang kaniyang panginoon ay isang babaying americanang hindi pangit at hindi naman maganda: kainaman lamang, datapuwa'maayos magbihis at bantog sa kalinisan ng kaniyang puri. gayon pa man ay madalas makita ni maring, na siya'nakikipagsarilinan sa silid sa kung sino sinong mga lalaking dalaw na kaniyang kaibigan. doon sila nag iinuman ng alak, doon ang malakas na halakhakan ng tawa, mamaya'biglang tahimik, mamaya'bigla na namang kaingayan tawanan. nguni'ang lahat ng ito'walang ano mang masama: talagang ang gayong kaugalian ay karaniwan daw sa lahi ng kaniyang panginoon. isang gabi, ito ay nagkaroon ng panauhin. isang lalaking anaki'supling ng mga higante sa taas at laki ng pangangatawan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang kaniyang mukha'kasingpula ng kamatis na hinog. anim ng botelyang cerveza ang kaniyang nainom, bukod pa ang dalawang botelyang wisking kasalit. pagtugtog ng ika ng gabi sa relos, si maring ay nagpaalam sa kanyang panginoon, nguni'ang panauhin ay siyang sumagot. huwag ka munang umalis, aniya, sapagka'wala kaming mautusan dito. hindi po mangyayari, ang sagot ni maring. bakit hindi?, ang tanong ng panauhin. sapagka'ang asawa ko po ay nakaratay sa banig, ang tugon ni maring, bukod sa ako'may dalawang anak na maliliit na naghihintay sa akin ngayon sa bahay. lalo nang hindi mangyayari ang kami ay iwan mo ngayon, ang ulit ng panauhin. ikaw ay aming kailangan sa boong magdamag. hindi po mangyayari, ang tutol ni maring. ako po'paalam na. si maring ay anyong aalis, nguni'siya'hinawakan sa kamay ng panauhin. ang panginoon ni maring ay humahalakhak ng tawa. ako po'bitiwan ninyo, ani maring sa panauhin.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"huwag kang umalis, sapagka'ikaw ay aming kailangan, ang pilit nito, saka kinaladkad si maring at ipinasok sa silid. si maring ay lumaban. siya'niyakap ng panauhin at biglang inihampas sa sahig. si maring ay nabuwal; at sa pagkabigla ay nagputok ang kaniyang ulo sa dakong likuran. sa gayong kalagayan ay siya'kinababaw noong taong malaki: siya'ibig gawan ng mahalay, nguni'sa sandaling yaon ay naala ala ni maring ang kaniyang lanseta sa lukbutan, madaling dinukot, lihim na binuksan at biglang tinarakan sa dibdib yaong lalaking namimilit. ito ay napasigaw ng malakas. mamamatay ako!, aniya at binitiwan si maring. naglawa sa sahig ang dugo. dumalo ang panginoon ni maring at siya'anyong hahawakan, nguni'si maring, kaisang liksi ng kidlat, ay lumukso at nagtaanan. sa kaniyang pagmamadali ay siya'nahulog sa hagdanan, nguni'hindi tumigil kaunti man. paglagpak niya sa lupa, ay maliksing tumindig at tumakbo. siya'nakatagpo ng isang calesang walang laman. tinawag niya at sinakyan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"sa tundo, aniya sa cochero. ang kabayo ay matuling tumakbo. ng ang calesa'papaakyat na sa tulay ng espanya, ay nasagasaan ng isang trambia. ang calesa ay tumapon at nagiba, ang cochero ay nasugatan sa mukha, nguni'si maring ay hindi naano. pagdaka'lumapit sa kanila ang isang amerikanong pulis, at sila'dinaluhan ng maraming tao. napagmasdan ng pulis ang damit ni maring, tigmak ng dugo. yao'dugo noong malaking americanong kaniyang tinarakan sa bahay ng kaniyang panginoon. nasugatan ka ba?, ang tanong ng pulis kay maring. opo, ang sagot nito. tingnan ko ang iyong sugat, anang pulis. si maring ay nanginig ng takot, sapagka'siya'hindi nasugatan. saan nandon ang iyong sugat? ang ulit ng pulis. narito po sa loob, ang sagot ni maring. ipakita mo, anang pulis. hindi po maaaring ipakita ko, ang tugon ni maring, sapagka'narini sa loob. malubha baga ang sugat mo at ganiyan na karami ang dugo sa iyong damit? ang usisa ng pulis. malubha nga po kung kaya ako'tigmak ng dugo, ang tugon ni maring.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kung gayon, anang pulis, ay sumama ka sa akin sa hospital. si maring ay lalo pang nanginig ng takot. inakala niya na kung siya'sasama sa hospital, at doo'makitang siya'walang sugat ay sapilitang uusisain kung bakit tigmak ng dugo ang kaniyang damit, at dahil dito ay walang salang di nila malalamang siya ang tumarak sa dibdib noong amerikanong iniwan niyang naghihingalo marahil sa bahay ng kaniyang panginoon. ang pulis ay lumapit sa isang telefonong na sa malapit na haligi sa daan, at siya'humingi ng isang carro ambulante . ang sandaling yaon ay sinamantala ni maring at siya'matuling nagtaanang umakyat sa tulay ng espanya. siya'hinabol ng pulis at siya'anyong abutan sa kalagitnaan ng tulay. pagkakita ni maring na siya'dadaklutin na lamang ng pulis, ay maliksing sumampa sa gabay ng tulay at lumukso sa ilog. ang americanong pulis ay lumukso rin at siya'hinabol sa tubig.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"sa mga sandaling yaon ay bumabaha ang ilog pasig, kaya'ang mabilis na agos na sinasagabalan ng tulay ng espanya ay dumaragundong at namimilipit sa pagpupumilit malampasan yaong makakapal na haligi ng nasabing tulay. palibhasa'kinagisnan ni maring ang pamamalakaya, kaya'siya'malakas lumangoy. ang pulis ay linulon ng isang malaking uli uli at nalunod. datapuwa'si maring ay lumaban sa dumaragundong na tubig, at sa kalalangoy, at sa kasisisid, ay siya'nakarating na walang nakamalay sa kaniya sa sadsarang may hagdanang batong malapit sa tapat ng bahay ni yangko. siya'umahon at matuling lumakad. namimili ng madaanang madilim, upang siya'makubli sa liwanag ng mga ilaw sa lansangan. siya'nakarating sa kanilang bahay, nangangapos ang hininga sa pagod. ako'nakamatay ng tao, aniya kay gonsalo. bakit?, ang gulat nito. ako'pinagnasaang gawan ng mahalay ng isang amerikano, ang dugtong ni maring, kaya'siya'aking tinarakan ng lanseta sa dibdib. si maring ay madaling nagbihis.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"noon ding gabing iyon, si maring ay humanap ng banka sa pampang ng ilog at kaniyang inakay ang malubhang asawa at maliliit na dalawang anak. sino pa mang makakita sa anyo ni maring ay sapilitang mahahabag. sunong ang nakabigkis na banig, unan at tampipi ng damit, akay ng kaliwang kamay ang anak na bungso, kapit sa kaniyang saya sa dakong likuran ang anak na panganay, at si gonsalong halos hindi makagulapay ay nakasimbaba sa kaniyang balikat na kanan. ang sariling bangkang dinatnan nila sa pampang ng ilog ay tigib ng lulang talabang may balat. gayon pa man, ito'kanilang sinakyan, sapagka'doo'wala ng ibang bangka. doo'may iisang lalaking pinakiusapan ni maring upang sila'ihatid sa nayong baluarte, sakop ng bulakan. sa di masaway na galaw ng mga bata lalo na'ang bangka ay tigib ng talabang may balat, ito ay tumaob, noon pa namang siya'malapit ng sumadsad. gayon na lamang ang sama ng palad. hindi malaman ni maring kung sino ang unang sagipin sa kaniyang mga anak at asawa.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"palibhasa'siya'may buhay na kaisipan sa mga biglang panganib, ay agad niyang sinagip ang anak na bungso; ang panganay ay sinagip naman ng bangkero. si gonsalo ay lumubog na parang bato. pagkakita ni maring na si gonsalo ay wala, ay iniabot sa nasabing bangkero ang anak na bunso at pagdaka'sumisid. kinapa sa ilalim ng tubig ang kaniyang asawa, at ng kaniyang matuklasan ay niyakap, at biglang sumikad sa lupa, kaya'silang dalawa'lumitaw. ilangoy ninyo at ihahon sa pampang ang dalawang bata, ang sigaw niya sa mananagwan. halos hindi pa man natatapos ang kaniyang huling salita, ay muling lumubog na naman ang mag asawa, sapagka'si gonsalo ay nanguyapit sa liig ni maring. hindi makatulong kay maring ang mananagwan sapagka'dala nito ang dalawang bata at siya naman ay halos lumubog. dahil dito, ay pinag ubos ng mananagwan ang kaniyang lakas, at bahagya ng makagulapay ng siya'makaarok sa dako ng pampang. siya'madaling umahon, binitiwan sa lupa ang dalawang paslit at muling lumusong sa tubig.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"siya'sumisid sa kinalubugan ni maring at ni gonsalo. nakapa niyang nagkakayakapan ang dalawa sa ilalim. si maring ay hindi na mangyaring lumitaw pa, sapagka'mahina na ang kaniyang katawan, at hindi niya makayang dalhin ang nangunguyapit sa kaniyang liig. hinawakan si gonsalo ng mananagwan. ito'biglang sumikad sa lupa, kaya silang tatlo'lumitaw. si maring ay nakahinga. pinag ubos nito ang kaniyang lakas, at silang dalawa ng mananagwan ay pinagtulungang ilinangoy si gonsalo hanggang sa pampang. sila'umahon. si gonsalo ay hindi humihinga. doon ay may isang dampang tirahan ng isang matandang bantay palaisdaan. sila'nanuluyan sa matanda. si gonsalo ay binihisan, kinumutan at nagsiga sa silong ng bahay upang siya'mainitan, kaya'di nalaonan ay nanaguli ang kaniyang hininga. tinugis ng lisyang palad hindi lubhang malayo sa dampang tinuluyan nila maring ay may isang malaking palaisdaan, ari ng bantog na mayamang si capitang juan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"si maring ay natangap na bantay sa palaisdaang yaon, kaya'sila'madaling lumipat sa kaniyang dampa. isang hapon, nagtatakip silim na, si maring ay sumasalap ng hipon, upang sila'may ulamin sa hapunan. dumating si capitang juan sa palaisdaan at lumapit kay maring. maring, aniya, labis mo ng nahahalata marahil ang maluwat ng mataimtim kong nais sa iyong kariktan. at yayamang ako'mayaman, ay ibig kong ikaw ay yumaman din naman. hindi po mangyayari ang inyong nais, ang sagot ni maring, batid po ninyong ako'may asawa. paka asahan mong walang makakaalam na sino pa man, ani capitang juan. mayroon po, ang tugon ni maring: ang maykapal at ako. ako'nahihiya sa maykapal at sa aking dangal na sarili. akalain mong si gonsalo ay may sakit, ang ulit ni capitang juan. kapag siya'namatay ay walang lilingap sa iyo at sa iyong mga anak. ako po naman ay may sariling lakas, ang pakli ni maring. kapag hindi nangyari ang aking nais, ang banta ni capitang juan, ay aalisin ko sa iyo ang palaisdaan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ari po ninyo ang palaisdaan, ang tahimik na sagot ni maring, at magagawa ninyo ang balang ibigin. kay tigas naman ng loob mo!, ang malambing na samo ni capitang juan at anyong yayakapin si maring. si maring ay umurong ng dalawang hakbang. capitang juan, ang nakangiting pakli ni maring: marahan at huwag po kayong mangahas. may mga babaying maamo pa kay sa inakay na kalapati, kung sila'hindi linalapastangan; nguni'kapag hindi iginalang ang kanilang karapatan, ay marurunong din namang manuka at mangamot na masahol pa kay sa lawin. si capitang juan ay napahiya, kasabay ng malaking galit na biglang sumilakbo sa kaniyang puso at utak. yaong bantog na capitang juan na hindi na halos mabilang ang mga babaying kaniyang nabihag; yaong capitang juan na may himalang titig na sa tuwi tuwi na'sinusukuan ng mga dalaga'babaying may asawang natitisuran sa paglakad ng kaniyang maligayang buhay, ay naroroon ngayon at pinangdidilatan at hinahamunan ng isang maralitang bantay palaisdaan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"napakataas ng iyong pangungusap!, ani capitang juan. sa katwiran po lamang, ang sagot ni maring. ano bagang katwiran ang isinasatsat mo?, ang bulas ni capitang juan. magpasalamat ka'ikaw ay napiling naisin ng aking pita. panunghan mo ang iyong kaliitan, at tingalain mo ang aking kalakhan, saka ka magsabi kung. oh bulag na matanda!, ang sabat ni maring. paslang na mayaman! ang kaluluwa mo'kasing dumi ng salaula mong kalooban. hindi ka pa nasiyahan sa pamumutawi sa iyong mga labi ng mga salitang mahalay, laban sa marangal na ugali, at ngayon ay nag anyo ka pang lumapit sa akin, upang lapastanganin mo ang aking pagka babayi. akalain mong ikaw, sa gitna ng iyong masagwang kayamanan, ay maliit ka pa kay sa hanip nguni'ako, sa laot ng aking marangal na kadalitaan, ay kasinglaki ako ng kalinisan, ng karapatan at ng katwiran. at ang katunayan ay narito. dinukot ni maring sa kaniyang lukbutan ang isang lanseta, at dagling binuksan. ang talim nito ay kumislap.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"lumapit ka ngayon, ang dugtong ni maring. si capitang juan ay nangatal ng takot. ang katutubong tapang ng kaniyang puso at utak ay dagling bumaba sa kaniyang talampakan, at sa katunayan ay siya'mabilis na lumayas. ng siya'malayo na, at inakala niyang siya'hindi na aabutan ni maring, sakali mang siya'habulin, ay sumigaw ng malakas: iwan ninyo ang dampa ngayon din, aniya. si maring ay umuwi. dinatnan niyang nagkakaumpok ang tatlong mag aama. si gonsalo ay lumalakas lakas na nguni'hindi pa makalakad. gonsalo, ani maring, tayo'pinaaalis dito ni capitang juan ngayon din. bakit daw?, ang malumbay na tanong ni gonsalo. ewan nga, ang sagot ni maring. ipinagkaila ni maring ang dahilan, ala ala niya'baka lalong sumama ang loob ng kaniyang kaawa awang asawa. maluwat na di nakaimik ang dalawa. ngayong pinagmamasdan ni maring ang kaniyang dalawang paslit na anak at ang asawang may sakit, yaong puso niyang kasingtigas ng bakal ay naging marupok, at anaki'sasabog sa mariing hampas ng lisyang palad.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"at papaano tayo ngayon?, ang kahambal hambal na tanong ni gonsalo. tayo ay umalis dito ngayon, ang lalong kahabag habag na sagot ni maring. ang dalawang bata ay nangakatanga sa pakikinig sa salitaan. tila wari ibig nilang mataosan ang kahulugan ng usapan ng kanilang ama'ina; nguni'ang kanilang malalagong utak, ang kanilang maliliit na puso, ay wala pang kayang lumasap ng lasong handog sa kanila ng lahat ng bagay na nangyayari. at saan tayo titira ngayon?, ang lubhang malungkot na tanong ni gonsalo. si maring ay ngumiti, ngiting pilit, ngiting malumbay pa kay sa tangis, ngiting mapait pa kay sa apdo. malapad ang lupang matitirahan, aniya, at maaliwalas ang langit na masisilungan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang lahat ng parang, gubat at bundok ay pawang nangaghahandog ng kamote, gabe, mga ubod, sari saring bungang kahoy, bukod pa ang maraming tikling at iba'ibang ibon at hayop; gayon din naman ang mga sapa, ilog at dagat, ay pawang nangaghahandog ng walang katapusang biyaya, gaya ng mga suso, kabibi, palaka at laksa laksang isdang hindi sukat maubos ng tao sa habang panahon. tunay na nga, ang pakli ni gonsalo, nguni'ako ay may sakit at. kaawa awa ka naman, maring! saka siya biglang napatangis. bakit?, ang masintahing tanong ni maring. kaawa awa ka naman, sapagka'ako'hindi makatulong sa iyo kaunti man, ang himutok ni gonsalo. tatay, anang matabil na bungso, ako ay tutulong sa inang ko. ako man, ang dagling dugtong ng panganay. ang malakas na sigaw ni gonsalo, saka niyakap na mahigpit ang dalawang anak. ako'mag aararo at magtatanim ng palay, ang ulit ng panganay. ako'mamamalakaya at ipagbibili namin ng inang sa bayan, ang dugtong ng di mapakaling bungso. !, ang matalim na sigaw ni maring.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"anong kaliliit ng aking mga anak!!! saka minsang niyakap ang tatlong mag aama. kakila kilabot na larawan! may mga larawang hindi mangyayaring dalubhasain ng lalong pantas na panulat. ang larawan nila maring, gonsalo at dalawang anak ay isa sa mga binangit. ang mag asawang maring at gonsalo ay sabay na tumangis. ang malalagong utak at maliliit na puso ng dalawang paslit ay nangahawa mandin sa hinagpis ng kanilang ama'ina, at sila'tinablan ng mapait na luhang dumadagisdis at pumapatak sa kanilang ulo, kaya sila ay nagsi tangis din. ang mag asawa at ang kanilang mga anak ay ayon at nagkakayakap at nagsisitangis na walang lubay. sila'parang binigkis ng lalong masaklap na kamatayan. ang silong ng bahay ay nabasa sa kadadagisdis ng kanilang luha. kaawa awang maring! ang sinumpaan man ng mga katalunan ay hanggan doon na lamang ang hirap.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"karamihan sa babayi ay nangapapala dahil sa kanilang kagandahan; nguni'si maring, sapol pa man sa una, sapol pa noong siya'agawin ni gonsalo, ay siya'tinugis na ng mababangis na ligalig, dahil lamang sa kaniyang hiwagang dilag. iwan natin ang kabanatang ito, sapagka'napakalumbay. ganting pala ng pagtitiis inakay na naman ni maring ang kaniyang dalawang anak at asawang may sakit. si gonsalo ay nabinat. sila'naparoon sa dampa noong matandang kaniang tinuluyan noong unang sila'dumating sa pook na iyon, at ipinamanhik ni maring sa kaniya na sila'ihatid ng bangka sa obando. ipinagtapat ni maring ang naging dahilan ng kanilang pag alis. ang matanda ay nahabag at pumayag sa pamanhik. hinakot ni maring ang kanilang banig, unan at tampipi ng damit, inilulan sa bangka, sila'sumakay at napatungo sa obando, sa dakong taliptip. ang bangka ay sumadsad at sila'napasalamat sa matandang sa kanila'naghatid. hindi pa nalaonan ang kanilang paglakad, ay sila'may isang kubong dinatnan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"nagpataupo si maring, nguni'walang sumagot. siya'sumilip sa linib at ng makitang walang tao, ay ipinanhik ang kaniyang asawa'mga anak. ang kubong yaon ay parang inihanda kila maring. nagkaroon sila ng bahay na di pinagkagugulan ng salapi at pagod. lamang ay napakaliit at wasak pa. yao'kubong maluwat ng iniwan ng may ari. gayon pa man, si maring ay natuwa ng di mamagkano, at napasalamat sa maykapal. siya'naglatag ng banig, at pinatulog ang mga bata. palibhasa'hapo si gonsalo, kaya di nalaonan at nakatulog din. hating gabi at maliwanag ang buan. pagkakita ni maring na nakakatulog na ang kaniyang asawa at mga anak, ay siya'marahang nanaog at napatungo sa isang palaisdaang hindi lubhang malayo doon. tahak ni maring ang pasikot sikot ng pook na yaon, sapagka'noong buhay pa ang kaniyang nasirang ama ay sila'madalas na mamili ng isda doon. siya'napatungo sa bahay na tirahan ng bantay sa palaisdaan. bagama'hating gabi ay nakita niyang maliwanag sa loob ng bahay. siya'napataupo.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"dumungaw ang isang matanda at siya'pinapagtuloy. pagdaka'nakilala niya ang matanda sapagka'ito ay kaibigan ng kaniyang nasirang ama at ngayo'siyang may ari ng palaisdaan. ipinamanhik ni maring na siya'pahintulutan mangdukot ng alimango sa mga lunggang nangasa pilapil ng palaisdaan. ang may ari ay pumayag. sabihin pa kaya ang tua ni maring? may mga dalawang oras pa lamang siya sa palaisdaan, ay mahigit na sa apat na puo ang alimangong kaniyang nahuli. sa katapusan ay nasipit ng isang sakag ang kaniyang hintuturo. nabutas ang kuko at nadurog ang dulo ng kaniyang daliri. ang dugo'walang lubay na tumutulo sa kaniyang sugat; nguni'siya'masaya, sapagka'may dalang apat na puo'walong matataba at malalaking alimango. pagdating ng bahay ay tinalian ang kaniyang sugat, ginising si gonsalo at nagpaalam na umuwi ng bayan, upang ipagbili ang alimangong kaniyang nahuli. siya'nag iwan ng apat upang sila'may ulamin. nagbubukang liwayway na ng si maring ay umalis.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ng siya'umuwi ay may dalang bigas, petroleo, ilawan, palayok, suklob, sandok, banga at asin. namaga ang kaniyang hintuturong may sugat at hindi na mangyaring siya'makapangdukot ng alimango. kinagabihan ay siya'nananglaw ng kanduro. kay tuwa ni maring! sasandali pa siyang nananglaw ay dalawang puo'anim na ang kaniyang nahuling ibon. nguni'sa kabila ng kaniyang tuwa, ay siya'nasubyang ng isang bubog na bumaon sa kaniyang talampakan ng kulang lamang sa isang dali ang lalim. tinalian ng panyo ang kaniyang sugat at umuwing titingkod tingkod. kinaumagahan, at pagkatapos naipagbili ang kaniyang mga nahuling ibon, baga man at masakit na lubha ang kaniyang paa, ay siya'bumili ng tubig na inumin, sinasalok niya ng banga sa mga bangka, at ipinagbibili sa bayan. ikaapat na balik, ay siya'natisod sa isang bato, naparapa at nabasag ang kaniyang banga. si maring ay umuwi ng bahay na gumigilid ang luha sa kaniyang mga pilikmata. naala ala niya ang kanilang bahay na iniwan sa nayon ng.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"siya'naparoon at ang bahay ay ipinagbili ng dalawang puo'limang piso. si maring ay magaling tumugtog ng alpa at lalo pang magaling manalindaw (magkanta). dahil dito ay siya'bumili ng isang alpa, umuwi ng bayan at siya'nanapat sa mga bahay na malalaki. may mga tatlong oras pa lamang na siya'nananapat, ay mahigit na sa piso ang kaniyang kinita. siya'masaya na sanang umuuwi, nguni'siya'nasagasaan ng isang mabilis na kalesa, nagulungan ang kaniyang alpa at nagkadurugdurog, saka nagputok ang kaniyang mukha sa pagkapasubasob. siya'tumangis na naman, hindi dahil sa siya'nasaktan, kungdi dahil sa pagkalansag ng kaniyang alpa. kinabukasan siya'bumili ng isang taga at pisi. gumawa siya ng isang baliwasan, at kinagabihan ay siya'napatungo sa ilog at namitmit. maliwanag ang buwan. noong gabing yaon lamang sinama si maring, at hating gabi na ay wala pang nahuhuling isa mang isda. kaginsa ginsa'lumapit kay maring ang isang lalaking may saluksok na revolver at sundang sa baywang.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang lalaking ito ay bulag ang isang mata, nguni'yaong isa niyang matang natitira ay katimbang mahigit pa kay sa dalawa, sapagka'lubhang malaki, matalas, madilat at halos nag aalab. pagkakita ni maring sa lalaking ito ay biglang nagulat at nanghilakbot. gayon pa man ay tinatagan ang kaniyang loob, binawi ang kaniyang dating lakas sa mga panganib at hindi nagpakita ng kaunti mang takot. nakikilala mo ako? ang tanong ng lalaki. oo, ang sagot ni maring. ikaw ang sargentong nagpaputok ng mukha ko sa kuartel ng pulis sa tundo. at ikaw naman, ang pakli ng lalaki, ang nagpaputok ng balintataw ng kanan kong mata. narito ang katunayan. itinuro ang bulag niyang mata. at yayamang ikaw ang siyang bumulag sa akin, ang dugtong ng lalaki, yayamang ako'natiwalag sa aking katungkulan dahil sa iyo, at yayamang kitang dalawa ay pinagtagpo ngayon ng mabuting kapalaran ay kailangang sumama ka sa akin, upang ako'damayan mo sa buhay at kamatayan. hindi mangyayari, ang matatag na sagot ni maring.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"bakit hindi mangyayari?, ang bulas ng lalaki. ang balang ibigin ko ay sapilitang mangyayari nga, sa mabuti at sa masama mang salitaan. inakala ni maring na labanan na naman ang kaniyang haharapin. iginayak niya ang loob at hinawakang mahigpit ang puno ng kaniyang baliwasan. si maring ay talagang matatag sa panganib. sumama ka sa akin, anang lalaki, kasabay ang paghawak sa kaliwang kamay ni maring. nguni'si maring, kasing liksi ng kidlat, ay biglang sinaksak sa mukha ang lalaki ng puno ng kaniyang baliwasan. napalaran niyang tinamaan ang matang hindi bulag, ito ay pumutok, lumabas sa dating kinalalagyan, kasabay ng bumulwak na dugo. sa makatuwid si maring ang siyang pinalad na bumulag sa kanang mata ng dulingas na sargento, at ngayon ay siya pa ring pinalad na bumulag sa kaniyang kaliwang matang natitira. ang lalaking may iisang bulag na mata, ngayon ay naging bulag ng lubos.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"binunot nito ang kaniyang rebolber, nguni'pinagubos ni maring ang kaniyang lakas, biglang binaltak ang kaniyang kamay na hawak ng lalaki, saka lumayo. ito'bumaril, nguni'hindi niya tinamaan si maring, sapagka'ang bumaril ay bulag. siya'muling binaril, nguni'ang punglo ay lalo pang napalayo sa binabaril. si maring ay nakapulot ng isang pidpid na kahoy, dahan dahang lumapit sa dakong tagiliran ng lalaki, saka pinalo ng ubos lakas sa kamay na may hawak ng rebolber: ito ay tumapon at pinulot ni maring. ang bulag ay pipihit pihit at hindi matutuhan ang tunguhan. siya'lalong nagalit, walang magawang paghihiganti. binunot ang kaniyang sundang at ngangapa ngapa sa hangin. muling pinalo ni maring sa kamay, at ang sundang ay umilandang sa malayo. pinulot din ni maring ang nasabing sundang. ang taksil na sarhentong nawalan ng mata, ngayon ay nawalan pa ring lubos ng sandata. ibig niyang magtaanan, nguni'hindi niya nakikita ang kaniyang tutunguhan. nagkataong nagdadaan doon ang mga kostabulario.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"pagkarinig nila sa dalawang putok ng rebolber, ay nangagtumulin at lumapit sa naglalabanan. si maring ay sumalubong sa pamunuan at talagang ibibigay sana sa kaniya ang rebolber at ang sundang, nguni'pagkakita sa mukha nito, ay biglang nahintakutan at anyong tatakas. ang pamunuang ito ay dili iba kungdi yaong malaking amerikanong tinarakan ng lanseta sa bahay ng kaniyang panginoong amerikana sa ermita. pagkakita ng pamunuang amerikano na si maring ay may anyong tumakas, ay hinawakan agad sa kamay. saan ka paparoon?, aniya. saka hinarap ang kaniyang mga kasamang kawal. dakpin ninyo ang lalaking iyan, aniya, sabay turo sa bulag. ang mga kawal ay nagsitupad sa utos. patawarin po ninyo ako, ang samo ni maring sa pamunuan. ikaw nga baga, ang tanong ng pamunuan, ang sumugat sa akin noong isang gabi, sa bahay ng isang americana sa ermita? ako nga po!, ang kahambal hambal na sagot ni maring. kung gayon ay huwag kang mag alaala, anang pamunuan. ikaw ay walang kasalanan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ipinagtangol mo lamang ang iyong dalisay na puri. ako ang siyang may kasalanan. noong gabing yaon ay ako'nalango at ikaw ay pinagnasaan kong lapastanganin. ibigay mo sa akin ang iyong kapatawaran. ang aking sugat ay maluwat ng gumaling. ngayon ay sabihin mong lahat sa akin ang nangyari dito. ang takot ni maring ay biglang napalitan ng pagkakatiwala doon sa americanong, sa akala niya'maluwat ng patay, at ngayon ay kumikilala ng kasalanang nagawa, bagama'nasugatan. sinalaysay ni maring ang pakikipaglaban niya sa bulag, magbuhat sa puno hanggang dulo. dumukot ang pamunuan ng isang kandila sa kaniyang lukbutan at tinanglawan ang mukha ng bulag. pinahiran niya ang dugong namamalisbis sa kaniyang mukha, pinagmasdang mabuti, saka tumango tango. dumukot pa rin sa kaniyang lukbutan ng isang larawan, saka iniyagapay sa mukha ng bulag. ito nga, aniya, at wala ng iba. isinama ang bulag, at gayon din si maring, sa kuartel heneral ng mga kostabulario. dahil dito, si maring ay muling kinabahan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang kaniyang pagkakatiwala sa americano ay muling napalitan ng takot, gulat at hapis. inasahan niyang siya'mabibilanggo, lalu na'ang kaniyang sinugatang americano ay pamunuan pa naman. katakataka! kinabukasan ng umaga, si maring ay umuwi sa kaniyang kubo. masaya pa kay sa pasko. siya'may dalang salaping papel na halagang dalawang libong piso. nangdidilat ang mga mata ni gonsalo pagkakita sa gayong karaming salapi. nangatal ang buo niyang katawan. saan nangaling ang salaping ito?, ang kaniyang tanong. kagabing ako'namitmit, ang tugon ni maring, ay hindi ako nakahuli ng kahit isang munting isda. ang nahuli ko ay isang bantog na tulisan. ang gilalas ni gonsalo. oo, ang sagot ni maring, isang bantog na tulisan. nalalaman mo kung sino? dili iba kungdi yaong kakilakilabot na tulisang nagpapamagat na bulag. ang biglang tanong ni gonsalo. ang bantog na bulag na kilabot nitong buong lalawigan, ang ulit ni maring.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"ang tulisang ito ay dili iba kungdi ang sargentong nagpaputok ng mukha ko sa kuartel ng pulis sa tundo, ng ikaw ay na sa hawaii pa. dahil sa ginawa niyang kapaslangan sa akin ay siya'natiwalag sa kaniyang katungkulan, at ng naghirap na ang kaniyang buhay ay siya'nanulisan, at sapol pa noon ay ipinagbayad na siya ng pamahalaan ng dalawang libong piso sa sino mang makadakip makapagturo ng kaniyang kinaroroonan. ang salaping ito ay ganting palang bigay ng pamahalaan sa akin, sapagka'ako ang nakadakip sa nasabing bantog na tulisan. sinalaysay ni maring ang lahat ng bagay na nangyari sa kaniya, tungkol sa pamunuang americanong kaniyang sinugatan. si gonsalo ay nabinat sa malaking tuwa. iniuwi ni maring sa maynila ang kaniyang mga anak at si gonsalong kaniyang asawa, tuloy ipinagamot ito sa lalong magagaling na mga doctor. marami ang kaniyang iginugol na salapi, nguni'si gonsalo ay hindi gumaling, at di naluwatan ay namatay. pagkatapos ng pagluluksa ni maring, ay kaniyang nabalitaan na si .",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"eduardo ay nakukulong sa san lazaro, sapagka'siya'naulol magbuhat niyaong gabing kanyang makausap. si maring ay dumalaw sa san lazaro, at pagkakita sa kaniya ni . eduardo, ito'lumukso at si maring ay niyakap. salamat sa iyo, maring! anang ulol. ang dating nagkakasintahan ay sabay na tumangis. sapol pa noon ay gumaling si. eduardo sa pagkasira ng kaniyang katalinuhan, at silang dalawa ni maring ay napakasal. natipon ang kayamanan ni. mahigit sa limang pung libong piso, pati ng kaniyang dalawang malalaking bahay. sila'hindi nagkaroon ng anak, nguni'kinilala ni. eduardo ang dalawang anak ni maring, na parang tunay din niyang anak. sila'namuhay na mahabang panahon sa laot ng saganang kayamanan at dangal. ang panganay na anak ni maring ay nag aral sa pag aabogado at ang bungso ay sa pag dodoctor sa pangagamot. ang lahat na kahirapan at pagtitiis ni maring ay napalitan ng di mamagkanong biyaya at kaligayahan, hanggang sa oras ng kaniyang kamatayan.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kung ang mga nobelang tagalog na sinulat ni aurelio tolentino ay siyang kinasasaligan ng lalong maririkit na kasaysayan at buhay ng ating lahi, ay bakit di basahin at namnamin sa madaling panahon? at wala ng napakamura, nguni'napakamahalagang gaya ng mga nasabing aklat. sa pamamagitan ng mga ilang sentimo lamang, ay kakamtan ninyo at lalasapin ang mga masasarap na bunga ng walang kapagurang pagpupuyat ng gumawa, at ng kaniyang mga matiyagang pakikibaka sa larangan ng mithing kalayaan, at ng kaniyang mga matiising pagod dili dili sa makasiam niyang pagkabilanggong laban sa mga pamahalaang kastila at amerikano, dahil sa kaniyang pagtatanggol sa mga katwiran at karapatan ng bayan. narito ang mga nasabing aklat: kasulatang ginto may sampung maririkit na kabanata: sangdugo. bagong araw. tatlong bituin. ang haring maliwat. malagablab na pag ibig. si nunong sinukuan, ang kaniyang mga tikbalang at mga tianak. labanan sa gubat. ang bangis ng panibugho. kakilakilabot na lihim.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"kahapon ngayon at bukas may pitong mahalagang kabanata: talimhagang paalam. ang libingan ni lakhang bayan. watawat ng kalayaan. ang mag inang bihag. pangakong mahigpit. maligayang kababalaghan. natupad ang tipan. may dalawang puo'anim na kabanata. kung sino si buhay. ang unang halik. si dining at si daluyong. dalawang halimaw. handa sa labanan. lumala ang ligalig. ang kapaslangan sa harap ng kabaitan. ang sulat ni dining. naglalamay na lahat. ang sundang na basa ng dugo. ang sigaw ng kasalanan. simula ng litis. tinubos ni marcial si buhay. tinubos ni buhay si marcial. saksing pipi. ang talas ng hukuman. ang paglagpak ni daluyong. ang kasinungalingan. ang katotohanan. ang buhok ni ester unang bahagi may sampuong makasaysayang kabanata: kidlat sa loob ng isang bahay. bagyo sa loob ng isang puso. simula ng kapaslangan. namitak ang pag ibig. ang tabil ni gloria. dinaig ng munting pipit ang lawing hari ng bangis. kahapon, ngayon at bukas. hapunan at talumpati.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,"abogadong palaka, kupidong manok, haring alipin, ulupong na makabayan. dinagit ng lawin. ikalawang bahagi gumagalaw ang lupong. ang babaying lalaki. mabisang kamandag. ang halik ng bangkay. lagaring ginto. si juana at ang kaniyang kalapati. limang libong piso ang isang buhok. ang pagsisi ni dimas. ang himutok ni ester. bagong judit. ikatlong bahagi may sampung makasaysayang kabanata. singsing na katumbas buhay. ang sugo ng katarungan ay pumulas sa liwayway. ang dalawang bangkay ng isang buhay. hatol bitay. sa kuko ng kamatayan. muling nabuhay. sa harapan ng hukuman. ang paglagpag ni gerardo. ang sigaw ng kasalanan. ang mga may nais magkaroon ng mga nasabing aklat ay maaaring sumulat kay. hilario, mercado yanco, tabora int., san nicolas, manila,. kalakip sa loob ng sobre ang halagang kailangan, maging pilak, maging giro postal man, at maaasahang tatanggapin nila sa pagbabalik ng correo.",1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Aurelio Tolentino,hindi malalaunan ay ipalilimbag din namin ang mga nobelang na nga banggit sa likuran at marami ang humihingi sa amin.,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla," mahal kong bago kang dumudungaw sa madawag na tahakin ng maliligoy at balabalahong landasin ng buhay; para namang tiniyap na ang pag ibig ng layas ay kasalukuyang nayayari sa aking diwa; at yamang di mapipigilan ang panahon upang sandali pang umidlip ka sa pinakamaligaya at pinagpalang panahon ng kawalan ng malay ay sinikap kong makasalubong mo at makaulayaw na agad ang salisalimoot na pangyayari sa aking upang iyong mapanalaminan at matiyak na agad ang bunga niyang mga hibo at anyaya ng pita na di kakaunting luha ang pinadaloy; di kakaunting kulang palad ang ipinasulat sa mahabang talaan niyang mga kahihiyan ng kapisanang ating pinakikipamayanan, at libolibong anak na. pagdaka'ulila pagka'walang amang matunton ang sa lahat ng dako ay nangaglisaw.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tunghayan mo at pagaralang mabuti ang mga aral sa na di ko dadaliriin sa iyo kung alin at saan ang layon at tungo ng pinakabunsong bunga ng panitik ng nagmamahal mong amain; hangad ko sa gayon ang magkaroon ka ng ganap na kalayaan ng pagpili at paghalaw ng mapapakinabang na halimbawang nais mong tangkilikin. ang handog ko sa iyo'isang pagkain ng diwa; pagkaing iba'iba ang uri at lasa, lalong lalo na sa kakanyahan ng mga hugis, bikas at paguugali ng mga babai ng na tubo at mulat sa iba'ibang anyo ng kabuhayan, mga babaing may kanikaniyang likas na gawi na naghantong sa bawa'isa sa kanila, sa palad na iba'iba, na hangang libingan ay maghahatid sa kanila upang tabunang kasama ng kanilang katawan ang mga lihim na naghandog sa kanila ng maraming kapaitan, at tamis man, bakit hindi? nguni'iisang iglap sa piling ng walang pampang na kadalamhatian.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"matuto ka sanang magpakasiya sa alay kong ito sa iyo, nguni'huwag kang lalalo kailan man, at sa pagpili ng palad, na ito'na sa iyong kamay, pagka'pinagpala ka ni na binahaginan ng kaniyang kahilihiling ganda; at ni na di nagpabayang sa diwa mo'naggayak ng dakilang tanglaw ng talino, at ng mabuti mong tala na binigyan ka ng isang kalagayang di naman api; ang mga biyaya sanang iyan na kaloob sa iyo ng bathala natin kalakip ng pantas na hinuha sa handog kong ito, ay magamit mong isang mabuting paraan upang ang kaligayahan sa buhay na ito ay manatili sa iyong tahanan. kung magkagayon, ang binhi ng mabuting layon ay di nasabog sa kabatuhan, ang aking kapagalan ay di naaksaya, at mapasasalamatan ko ng boong kasiyahang loob ang sandaling ilinikha ko ng mga pangyayaring naging mapakinabang para sa iyo, libangan ng aking mga mambabasa at karagdagan sa panitikang tagalog na kasalukuyang pinayayaman. nguni'bago ko tapusin, nakikilala mo ba kung sino ang bayani ng hindi mo nasisinag?.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang kaniyang mga gawa, ay nagdaan sa mga mata mong noo'pikit pa. ang luha ng kanyang mga sinawi ay di miminsang pinahid ng mapuputi mong kamay, ang kaniyang mga sangol ay di miminsan mong iniwi, at kahit wala ka pang malay noon, ay ninasa mo nang bihisin ang mga hirap ng kanyang mga mater dolorosa . at magpatuloy ka ng pakikibaka diyan sa kaaway ng iyong damit na kung tawagin ay lalaki. huwag mong lilimuting sila'may pulot ng pangako sa bawa'pangungusap; may pang gayuma sa kanilang mga titig at may lakas at tapang upang panoorin kang kagaya ng isang sampagang luoy, na samyo at kulay man ay wala na. ang nagmamahal mong amain, . layo; layo alaalang malungkot. bayaan mong tumahimik yaring puso na tulad sa bangkay na walang karamdaman. bayaan mong yaring diwa ay malayang magyao'dito sa matitimyas na pangarapin; huwag mong balakiran ang aking mapayapang sandali, at yayamang nagugumon na rin lamang, ay bayaan mong maganap yaong kasabihan na: . oh pag ibig!",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sumpain nawa ang sandaling ikaw ay dinamdam niyaring puso, yayamang wala kang nagawa sa akin kundi ang iwanan mo ako ng isang kaligaligang di magpatahimik. kay lupit mo para sa aba kong palad! naririto ako ngayon sa pinakamaligayang bahagi ng buhay. ang mga halamanang aking tinatahak ay panay na hitik ng bulaklak; pawang mababangong samyo ang kanilang ihinahatid sa akin saan mang dako ako humimpil; pawang masasaya ang kanilang kulay; busog sa pangako ng ligaya, at animo ba'sa ganitong kalagayan ang kamatayan ay di kabati. isang balitang di pinapansin. walang katunayan. may tago palang mga tinik ang mga bulaklak. ako'dinuro, ako'sinaktan, ako'binalisa. at isang sugat na di na mababahaw mandin ang kaniyang lagak sa akin. lunas ang aking kailangan. pag ibig ang dahil ng aking pag tangis, at pag ibig din ang mainam na pandampi.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sinugatan mo ang aking puso, pinatangis mo ako at lagi nang pinabalong ang agos ng pighati; at nais mong ako'malunod at suminghapsinghap; nguni'ayokong tumangis, ayokong mamatay. magbuno tayo. at ano sa akin kung sa bisa ng aking matibay na tika ay maraming kalolwa ang maghingalo? humanda kayo. humanda kayo mga lipi ni eva; at daraan ang isang pusong walang karamdaman. panahon namang kayo ang magsiluha. ang buko bukong ito na nagsalimbayan sa hinagap ni maneng, ay ginambala ng pagtawag sa pintuan ng isang alila. kinabig ni maneng ang pintuan ng silid at sumungaw pagdaka, ang ulo ng utusan: isang binatang siksik ang katawan, maigsi ang liig, pungok at bilugan ang mga bisig, na tinutulutang mabilad ng mga mangas na maigsi ng kaniyang kamisetang halang halang ang guhit at itiman ang kulay. pagsungaw niya sa silid ni maneng ay inabot pa niya roon na nakasuot panghiga ang kaniyang panginoon. isang baro at salawal na magkabagay na kung tawagin ng mga bandiala ay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sangayon sa kintab at lambot na ipinamalas sa tuwing kikilos si maneng, ay mapagkikilalang yao'yaring sadya sa bombay at pawang sutlang pili ang ginamit at di man lamang sinalitan ng sinulid na bulak, gaya ng karaniwang nabibili sa mga naglalako, sa mga tindahan ng hapon. sa isang palalo at mayamang hihigang asana ay nakalatag pa at kuyamos ang isang manipis na kumot bilang pambawas ng init na dadanasin kungdi sasapnan noon, ang isang makapal na colchon na kulay sikulate at nasasabugan ng madidilat na bulaklak; ang mga unan ay naghambalang sa hihigan at isang hapag na mabilog ang kinapapatungang walang ayos ng bihisang kaipala'ginamit ng gabing yumaon. noo'umaga at boong sipag na nagmadali ng pagsikat ang araw, tanda ng mabuting panahon. ano ang ibig mo gorio? ang tanong ni maneng sa kaniyang utusan. iniabot po sa akin ni mang selmo ang liham na ito at pagkaramdam ko raw pong kayo'gising na, ay ibigay ko sa inyo agad. dalhin mo rito.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si gorio ay yumaon pagkabigay ng sulat, tandang siya'di maaaring makapaglaon doon sangayon sa kaugalian. agad pinilas ang sobre. gayari ang kaniyang nabasa: maneng sa marilao tayo manananghali. nauna na kami ni yoyong. si nati at si mameng ay kasama ng nanay. malaong di nakaimik si maneng, na parang sinambilat ng isang karamdamang nakalilito ng diwa, niyang karamdamang sumisikdo sa ating puso kung ang kaba ay nagbabalita sa atin ng isang pangyayaring parang nakikinikinita. tiniklop ang sulat at isiningit sa isang aklat na nasa ibabaw ng hapag, binatak ang kahon noon at hinalungkat sa isang imbakan ng mga larawan, ang larawan ni nati. malaon sa gayon anyo na parang binabakas sa larawan ang dilag ng kapatid ni selmo, nang sa di kawasa ay parang ginising siya ng isang bagong munakala. minalas ang larawan, at binitiwan pagkatapos sa ibabaw ng aklat, na pinagipitan ng tinanggap na kalatas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"naghilamos, nagbihis ng isang mambisang abuhin, pinigta ng pabango ang kaniyang barong pangloob, at isinukbit ang isang munting revolver na may puluhang nakar sa isang makisig na suksukan ng kaniyang pamigkis na katad. nang siya'lumabas sa kaniyang silid ay magalang siyang sinalubong ni biyang at aniya: nakahain na po. sa hapag na kainan na nasasapnan ng isang maputing mantel ay naka ayos ang isang mayamang almusal. ang usok ng sikulate na may taglay na bangong nagaanyayang ako'higupin mo ay namumukod sa sinag ng araw na nagtatagusan sa iba'ibang kulay na salamin ng kakanan, ano pa'animo'bahaghari na umaalon sa ibabaw ng hapag. lumikmo si maneng at nagmamadaling hinigop ang sikulate ng wala sa loob at kaipala'nasa ibang dako ang kaniyang ala ala. napaso na ako at sinabayan ng tindig na parang humihigop ng hangin upang mapawi ang init na nakapaso. si biyang ay napatanga sa takot na makagalitan. nguni'hindi man lamang siya pinagsalitaan ni maneng ng ano man.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"inabot sa sabitan ang kaniyang kodak at matapos na isakbat sa balikat ay lumulan sa isang auto na malaon nang naghihintay sa tapat ng pintuan. at sa kaniyang hinagap ay nagsasalimbayan ang malulungkot na tanawin. para niyang nakikita ang isang babaing napakaganda, kawiliwili, nguni'kakampi ni kataksilan at pinaglagot lagot ang tanikala ng pag ibig na sa kanila'naka bibigkis. sa isang dako'lalaboy laboy ang isang sangol na hiwaga ng ganda, ulilang ganap mandin; ang isang inang walang kalolowa, at amang walang puso. oh kay lungkot! nguni'paanong babalikan ang isang babaing pagkalipas ng isang panahon ng sumpaan ay nagtaksil? paanong babalikang muli ang salangapang na babai na naglaro sa kaniyang karangalan, naglustay na walang pakundangan ng kaniyang salapi at nagkait sa kaniya ng matimyas na sandaling magiwi sa kaniyang tangi at unang unang sangol? ang ala alang baka ang anak na ito ay hindi niya sarili ay nagpapasakit sa kaniya ng gayon na lamang. kulang palad na sanggol!",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang kawawang si maneng na patungo sa ligaya, ay batbat ng sakit; ito ang unang tinik na tumimo sa puso ni maneng nang siya'biruin ng pag ibig. gulong gulo si aleng tayang sa paghahanda ng babaunin sa marilao. ang mga kahon ng alak, mga bayong ng cerbeza, mga lata ng pansahog sa ulam, tangkal ng kapong manok at banlat ng litsuning bagong walay ay nakahanay nang lahat sa tabi ng pintuan at handang ilulan sa sasakyang kaipala'di na malalaunan at darating. sa kabilang tabi nama'nakahanay na rin ang dalawang malalaking tampiping yantok; nababastang gapos na gapos, para bagang ang damit na natitiklop na kaniyang iniingatan ay ibig na magpumiglas at itanghal nang agad ang kanilang dingal, gayon din ang kanilang maiinam na tabas. ang mga biik ay nagiiyakang parang mga sinumpa at animo'kanilang nakikita ang bunton ng baga na sa kanila'pagiihawan sampu ng duruan na nakahanda nang ituhog.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang mga kapong manok ay nagtutukaan, samantalang parang tanod na sa kanila'nagbabantay ng boong talino ang matangkad na na nakaupo at nakalawit ang dilang humihingal at palingas lingas. sa itaas; sa loob ng silid ng maringal na bahay nina selmo ay ibang iba ang mapapansin. si nati ay nakabalabal ng isang manipis na kimonong kulay burok at sa gilid ng mangas at liig hangang laylayan ay namumukod ang parang listong kulay kapeng giniling. mga bakas ng mabibilog niyang dibdib ang di magapi ng pamigkis niyang sutla rin na nagpapaliit na lalo ng maliit niyang bayawang na bumubukod sa malamang balakang na nagbibigay kintab sa sutlang balabal kung sapyawan at paglaruan ng simoy ng umaga na naglalagusan sa bintana. isang painitan ang kasalukuyang nagaalab at kinasasalangan ng dalawang sipit na bakal na pangkulot ng buhok. sangayon sa alab na walang liwanag ay mapagsisiyang ang gatong ay aguardiente na kaipala'yari sa alakang la copa ng masipag na industrial na si agapito zialcita.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"mag alis ka ng panyo mameng ang anyaya ni nati sa kaniyang pinsan na bihis na at nakalikmo sa isang dako ng silid. at parang utos na di matutulan ay ginampanan kaagad sanhing ikinabilad ng kaniyang mabilog na batok na animo'nagaanyayang. lumapit si mameng nang mainit init na ang mga sipit at kinulot ang maitim na buhok ni nati na noo'nakalugay. at sa ilang salang ay napaalon ang dating parang sutlang buhok upang mabigyan ng isang anyong lalong kahangahanga ang talaghay ni nati. kay ganda ni nati nang mga sandaling yaon! pinusdan ni mameng ang kaniyang pinsan ng isang pusod na napakainam, na maituturing na bagong likha, pagka'ang gayon ay di pa nakikita sa alin mang ulong babai. animo'isang magandang putong na sutlang itim na sinuksukan ng mga mariringal na pantoches at suklay na nahihiyasan ng batong nagkikinangan. si nati ay isang hiwagang ganda na malilikha lamang ng mga pangaraping diwa. animo'isang tala na nahulog buhat sa langit.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,ang kaniyang mga matang animo'dalawang duhat sa iitim ay binabalungan ng walang tilang pangako at yinuyunyungan ng malalagong kilay na tinitingala ng malalantik na pilikmata. sa kaniyang mga pisngi ay nanganganinag ang salisalimuot na ugat na iba ibang kulay sa magkabilang dako ng isang mahayap na ilong na binabagayan ng isang maliit na bibig na laging kinababakasan ng isang masayang ngiti. ang kulay ng kaniyang mga labi ay pinananaghilian ng saga na lalong nagpapaputi sa maayos na hanay ng maliliit na ngipin na manakanaka'dumudungaw kung siya'magsalita. sa kaniyang baba ay may isang maliit na puyo na tinutungkuan ng dalawang puyo rin ng kaniyang mga pisngi kung siya'tumawa. sa salaming nasa ibabaw ng hapag na kaniyang suklayan ay nasisiyahan siya sa magandang anyo na ipinakikita ng kaniyang larawan. ikaw naman mameng ang aking susuklayan ani nati na punong puno ng galak. at si mameng ay lumikmo sa dating kinauupuan ni nati.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si nati ay lalong bihasa kay sa kay mameng sa gawaing ito, at kung di lamang sila ay may mabuting kabuhayan, ay kay inam nilang maging peinadora ng isang bantog na fotografia ng kay mariano gomez halimbawa. walang salang di pinagdayo disin. pinunggos ni nati sa kaniyang mahahabang daliri ang buhok ni mameng na kulay balat ng kastanyas, binahagi sa dalawa, na ibinukod ang dakong ibabaw sa dakong ilalim at saka ipinulupot ito sa isang bahagi, samantalang sinusuksukan ng maliliit na ipit na animo'buhok din na di matamaang malas. buhat sa gitna ay isinampay sa ibabaw pagkatapos malulon na parang sutlang namamadeha at isinipit ng mga ipit ding di nakikita, tinuhog sa magkabila pagkatapos ng dalawang pantoches na aniyong kukong kabayo na pawang perlas na mabibilog at sinalo sa dakong likuran ng isang suklay na media luna na nahihiyasan din ng dalawang hanay na batong lungtian.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at nang yari na ay saka sinuro ang paligid ng pangulot hanggang sa boong kasiyahang nayari ang isang mainam na bukle . pagkatapos ng mahirap at matagal na pagsusuklayan ng magpinsan ay isinakbat ni mameng ang kaniyang alampay at hinawakan ang isang munting payong na kabagay at kakulay ng saya, baro at panyo na payak na bughaw. hinubad naman ni nati ang kaniyang balabal na kimono at sa isang iglap ay isinuot ang baro at panyo na nakahanda na. sa di kawasa'nakaringig sila ng isang angil ng auto kasabay ng tahol ng aso na nasa silong ng bahay. tumigil ang auto sa tapat ng bahay ni selmo at maliksing lumunsad si maneng. si aleng tayang ay nagmamadaling tumawag sa silid ni nati: ano ba kayo riyan? hindi pa ba kayo nakatatapos? tapos na inay. sandali na lamang ang tugon ni nati na papihitpihit na kasalukuyan sa tapat ng isang malaking salamin. nariyan na siya ang bulong ni mameng kasabay ng isang maliit na kurot kay nati.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang siya na binigkas ni mameng na parang bugtong ay nangangahulugan ng maraming bagay. si nati ay namula at hindi man lamang tumugon sa aglahi ng pinsan; wari may iniisip na mahalagang bagay na nakagugulo ng pagiisip; ang kaniyang puso ay sumasal ng sikdo hindi niya maturol kung sa galak sa isang hindi mahulaang bagay na mangyayari. si maneng sa kabilang dako ay lalo manding mabikas. ang kaniyang mga kilos ay pawang kahilihili. ang lungkot na wari'sumalubong sa kaniya pagkagising na, nang umagang yaon, ay naging parang ulap na itinaboy ng hangin. sinalubong siya ni aleng tayang ng boong lugod at si maneng nama'magalang na bumati. umupo ka maneng. sinabi na marahil sa iyo ni selmo na sila'nauna na. opo, aleng tayang; nguni'nagmamadali akong naparine upang ihandog sa inyo ang aking bwick . katakot takot na kagambalaan iyan maneng. talagang mauuna na sana kami. nakita mo na marahil na nakahanda nang lahat. dinamdam ko po sana ng gayon na lamang kungdi ko kayo inabot.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi ko patatawaring kasalanan ang hindi dagliang ihandog sa inyo ang aking bwick. si selmo naman, hindi na ako hinintay ang bale. pinauna ko na si selmo at si yoyong upang makapagayos sila agad at datnan na natin nakahanda ang lahat ng walang kabalaman. ang malas ni maneng ay pasulyap sulyap sa silid na kinaroroonan nina nati at wari bagang nananabik na makita ang hiwagang ganda na hantungan ng kaniyang mga pangarap. nahulaan mandin ni aleng tayang ang nasa ni maneng at nang mapalugdan ang inaasam niyang mamanugangin, ay tinawag pagdaka si nati. ang pintuan ng silid ay nabuksan at ang magpinsan ay sabay na lumabas gaya ng mga artista sa isang tanghalan kung sabik na sabik na ang mga nanunuod. tumindig kaagad si maneng at sinalubong ang dalawang kagandahan dumarating. iniabot ang kamay kay mameng muna baga mang ang mga mata ay nasa talaghay ni nati.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"iniabot pagkatapos dito ang kamay at ang kanilang mga mata'nagusap ng lihim bagamang ang kanilang mga labi ay bumigkas ng bating panglahat. kay gaganda ninyo ngayon. mapalad ang mga matang sa inyo'makakita. naman si maneng ani nati. napakabulaan! ang salo ni mameng. at ang magpinsan ay nagtinginan. ang bwick daw ani aleng tayang ang sanhi ng ipinarito ni maneng. at nais ko rin po namang sa inyo ay makipagkita. talagang kay buti nitong si maneng ani mameng. buti na ba iyan?. siya ko lamang kayang ihandog kaya'malakihin na ninyo. tugtugin mo nga mameng yaong tugtuging sinasanay mo kahapon, samantalang ako'naghahanda ani aling tayang. at sinabayan ng tindig. sandali lamang maneng ang habol at nagpatuloy nang paglabas. si mameng ay lumapit sa piano, pinihit na sinukat ang taas ng likmuan samantalang ilinapit lapit naman ni maneng ang kaniyang likmuan sa kay nati.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang mga daliri ni mameng ay naghabulan sa mga tecla ng piano at ginising doon na nagsikip sa boong bahay ang isang marikit na tugtugin ni lohengrin. ang kamay ni nati na nakapatong sa kamay ng likmuan ay hinawakan ni maneng at ang init noon ay parang lumaganap sa kaniyang boong katawan. kay ligaya ko nati!. bakit maneng? may nababago bang bagay?. sa pagka'ako'nasa piling mo. maniwala ka; sa piling mo'hindi ko maala ala ang kamatayan, ang luha ay isang bugtong na hindi ko makakabati sa piling mo nati. kay palad ko kung loobin ni bathalang. ang piano ay patuloy na parang sumasaliw sa dalawang inaalo ni kupido. kung ang mga sumpa mo ay tunay maneng ay makaaasa akong ang langit ay dadanasin natin sa buhay na ito. may alinlangan ka ba nati? di ka ba naniniwala?. alinlangan ay wala. turan mo nati. isang piping bulong ang sa aki'hindi magpatahimik. maaari bang malaman? doon na natin pagusapan maneng. ang tugtugin ay natapos at si aling tayang ay muling nasok. nati, mameng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi pa ba tayo lalakad ay mainit na ang araw? at ang apat na kilala natin ay nagsilulan sa auto na naghihintay sa tapat ng bahay. sa pook ng mga mangingisda sa dakong ibaba pa ng bangkusay, sa isang bahay na namumukod na sadyang ipinatayo ni maneng upang maging pugad nila ni orang ay ibang iba ang kasalukuyang namamayani. mahigit na isang taon na doo'nagsikip ang ligaya sa pagsusuyuan. di miminsang si maneng ay inantabayanan nina gorio at biyang, nguni'hanggang umaga'di dumating ng bahay; pagka'kay orang natulog, doon tumunga at nagpakalasing sa mga alo ng kabataan. si orang ay isang magandang bulaklak sa halamanan ng mga kulang palad. ang kaniyang ama ay isang mangingisdang manlalasing; ang kaniyang ina ay kakambal mandin ng apat na hari nang ipanganak kaya si orang ay sa mga bahay pangingihan lumaki. ang kanyang kabataan ay namulat sa kanilang inuman na parang isang baklad, sa mga mangingisda, na siyang karaniwang namamayan sa mga pook na yaon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang takalan ng anisado, ng ginebra at sinunog, ang pag gawa ng mga pulutan, ang panghalina sa mga mamimili na mga bandibandilaang papel na iba'ibang kulay na itinutusok sa mga suhang sungsong kung magpapasko, ay mga kasangkapan at gawaing hindi na niya ipinagtatanong. nang siya'tumatahak na sa pagdadalaga ay binigyan niya ng ibang anyo ang kaniyang tindahan. ayaw na siya ng mga manlalasing lamang ang kaniyang suki. nagbukas siya ng isang fonda tindahang ibang iba ang kahulugan ng pangalang hiniram sa mga kastila kay sa tunay na kahulugang ibinigay ng kaugalian. yao'isang tindahang munti ng talaghay ng may tinda, may isa ring munting hapag na kinahahanayan ng ilang pingang naguumapaw sa sari saring bungang kahoy, mga dalandan, dalanhita, siko, suba; mga bandeha ng sarisaring matamis, mga inumin gaya ng limonada, soda at iba pa, mga kakaning iba'ibang lasa na likha ng mga anak dukha lamang; at hindi kabati ng mga inalo sa duyan ng ligaya.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hapon pa'parang nahahalina ang mga binatang hindi litaw sa bayan; mga anak ng pag gawa, mga kampon ng bisig at mangilan ngilang aralan na nagaaksaya ng kanilang panahon. mga bigkis ng tubo ang kanilang pinagaaliwan. may nagbibiyakan, may nagsusukatan, may nagtutuksuhan, may nagtutuktukan ng itlog, may naghuhulaan ng liha ng dalanhita, ng buto ng siko at iba'iba pang libangang pinaguubusan nila ng sandali hanggang lumalim ang gabi. hindi rin naman kakaunti ang nagmimiron at lumiligaw ng ligaw mata sa magandang kay orang. ang pangalang orang ay sumapit sa pangdingig ni maneng; noon ay kasalukuyang nababantog. at si maneng ay natukso. nahalinang kilalanin ang magandang fondista . at isang hapon ay di na nabuksan ang tindahan ni orang. isang magandang bahay na ipit ang nahalile at isang auto ang tuwina'nakatigil sa tapat ng bahay: ang auto ni maneng. buhat noon ay lalo nang palaging lango ang ama ni orang. natuto ng magmonte ang kaniyang ina at ang upo sa pangingihan ay lalong nagulol.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi na umuupo sa poso poso kungdi sa peseta at piso buhat noon. nguni'ito'hindi naglaon at isang pakanang likha ng masamang nasa ang nagtanim ng panibugho sa puso ni maneng. ito'si yoyong, si yoyong na lumalangit kay orang nguni'di naman tinutumbasan. at isang araw nang hindi na yata niya matiis ang pagtatamasa sa galak ni maneng at ni orang, noon ay isinagawa ang kaniyang balak. sinulatan si orang ng matatalinghagang liham na tumutukoy ng iba'ibang panahon na parang tugon sa mga sulat ng birhen ni maneng. mga sulat na sa kahangalan ni orang ay iningatan at hindi ipinagtapat kay maneng, palibhasa'di niya tarok ang mga pangungusap na may dalawang kahulugan ni kung yao'dapat na matalastas ng kaniyang giliw. at ang mga sulat na ito'natuklas ni maneng nang si orang ay nagdaramdam at manganganak ng isang sanggol na bunga ng kanilang pag iibigan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang panibugho ay nagtagusan sa puso ni maneng agad agad at pagkabasa ng mga sulat ni yoyong ay hinatulan pagdakang taksil si orang at di man lamang diningig ang kulang palad na binagsakan ng poot. dito siya nangaling nang gabing nagdaan at dito na nagsimula ang mali niyang pagsumpa sa lipi ni eva. nguni'si orang ay walang kamalay malay sa mga ipinararatang sa kaniya, at nasa banig palibhasa ay nanatili sa paghihintay na magkausap silang muli ni maneng. samantalang ang kulang palad na si orang sa sandaling pagiging ina niya sa anak ni maneng ay binagsakan ng poot noon nang walang kadahilanan at kasalukuyang linulunod ng luha at iniinis ng dalamhati; ang ina niyang walang kalulwa ay galit at nagtutungayaw sa pagka'walang pupuhunanin. buisit na lalaki iyan anya walang araw na di mo makikitang lasing na lasing. manong pagpasiensiahan na ninyo ang himaling ng tatay. wala na siyang aliwan kungdi yaon. kung ganitong wala akong mapuhunan ay hindi ko maala ala ang magpasiencia.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ilinura ang sapa at ang habol. wala ka bang kualta diyan orang? wala akong mapupuhunan. may apat na piso pa rine nanay, nguni'wala na tayong ipamimile kung inyo pang pupuhunanin. (si orang ay nagsinungaling at di ipinagtapat na siya ay may natitipon.) bigyan mo ako kahit na dadalawang piso at kahiyahiya sa sumusundo sa akin; meron pa naman kaming concierto ngayon. mano nanay na huwag ka ng maglaro ngayon at alagaan mo na lamang itong inyong apo. oh tingnan mo nga'kay ganda ganda. tingnan mo nanay ang ilong at kay tangos tangos, walang pinagibhan sa ilong ni maneng. at siniil ng halik ang sanggol. nang mga sandaling yaon ay nasok ang matandang lalaki na hinog na hinog sa alak at parang baliw na nagsabi: ang ibig ko bang sabihin kung mayroon ay nagpapasasa at kung wala ay tumunganga. kung anoanong kaululan ang pinagsasabi nitong lasengong ito ang yamot na pakli ni aleng ninay. ibig sabihin ay malinaw ang isip.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,si simon ay parang parol na maraming langis; sa makatwid ang ibig kong sabihin ay maliwanag. maliwanag ang isip. tumahimik ka na nga'ako'hindi nakikialam sa iyo. baka paliwanagin pa kita. eh kung ayaw ka bang makialam sa akin. ang ibig kong sabihin eh. kerami mo namang ibig sabihin. kung natutulog ka ba'di mabuti. matulog; mabuti nga; nguni'ang ibig kong sabihin ay maghintay ka ng ulan kung wala ng tubig at sinabayan ng alis. ang ibig kong sabihin ay siyang palamuti ni tandang simon sa kaniyang pangungusap. ang dalawang pisong hinihingi ni aling ninay ay ibinigay ni orang at parang itinaboy ang babaing alipin ng apat na kaharian na di man napigil ng ligayang handog ng magandang apo. at si orang sa gitna ng mapait na pamamanglaw at pagmamalas sa sanggol ay tila nawawalan ng diwa at walang tigil ang pagdaloy ng mga unang luha ng puso.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kahog na kahog si selmo sa pangangasiwa ng pagyayaman ng tahanang pagpaparanan ng ilang araw na liwaliw ng kapatid niyang si nati at ng binubuko niyang maging kapalad na pinsang si mameng. ang larawan ni mameng na siyang laman ng boo niyang diwa, yaong musmos pa'naging kalarolaro niya ng takip silim ng sungka, at sintak, ngayo'parang isang dakilang tanglaw na bumabalisa at nagpapasigla sa masusi niyang karamdaman. ang grupo ng magpinsang dalaga ay iniayos niya sa ibabaw ng isang mainam na consola at sa tapat noo'ginayakan niya ng isang maringal na kalangi ang isang malaking harong bombay na boong ingat niyang pinagyaman. si yoyong sa kabilang dako ay parang isang tunay na bihasa; iniayos sa magkabilang dulo ng galeria ang dalawang munting hapag at linigid ng tatlong taburete, para bagang sa kaniyang nasa ay dumudungaw na ang tunay na dapat pairalin sa mga lipuna'ang tatluhang umpok at di ang dalawa na siyang pinagbagay ng kalikasan at salinsaling panahon at paguugali.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at sa loob loob niya ay nakatutupad siya sa isang kautusan ng moral na bagamang hindi pa naisusulat nino mang moralista ay dapat isagawa sa ating kapisanan na lubhang nagpapakasagwa sa pagsasarilinan at pagkakalayaan tuwi nang ang dalawa katao'magkaharap. ang sumagabal, ay isang mabuting gawa at isang bagong kabanalang kanyang itinuturing upang maingatan ang bini ng ating mga dalaga sa katampalasanan ng ating mga mapagsamantalang binata sa kasalukuyan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang tahanang napili nina selmo sa marilaw ay natitirik sa gitna ng isang maaliwalas na halamanan sa dakong likuran ng balneario naliligid ng ilang ilang na nagdudulot ng samyo ng kaniyang malalabay na sanga na hitik na hitik ng mababangong bulaklak, sa dako roon ay mga puno ng atis at manga na naghahandog ng malaking lilim lalo na sa katanghalian: sa dakong hilaga ay sagingan na animo'gubat na mainam paglibliban ng lalong mahiwagang lihim ng pagibig; at sa pagpasok na ng tarangkahan ay iba'ibang kiyas na san francisco at begonia, na sa kanilang masasayang kulay ng dahon ay wari bagang talagang sumupling upang maging palamuti at makaakit sa lalong pihikang panauhin; ano pa'ang pook na yaon ay bagay na bagay pagaksayahan ng panahon ng mga liping iniwi sa kasaganaan. nang maiayos na ni selmo at ni yoyong ang tahanan ay nasisiyahan kapuwa na kanilang pinanood buhat sa lupa at hanggang sa lalong tagong sulok kung sila'may nakaligtaang di napagyaman.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tila wala na tayong naligtaan ani selmo sa kanyang pinsan. wala na marahil? sampu ng mga gagamba na nangagbabahay sa mga sulok ng bintana ay nabulabog na nating lahat. ang akala ko'wala ng ibang kailangan kungdi ang magsidating na sina nati. maaga pa naman yoyong. tila lalong maigi ay iakiyat natin ang dalawang pilon ng malvarosa sa dalawang dako ng galeria . mainam nga at makapagdudulot pa ng masamyong halimuyak. at ipinatuloy ng dalawa ang mga huling pagaayos. samantalang ito'nangyayari ay sadaraan ang isang karretelang patungo sa maynila na kinalululanan nina binay. ito'isang magandang bulaklak ng bukawe, barrio ng. na patungo sa meykawayan upang dumalaw sa kanyang ama na may isang tindahan doon. siya'mulat sa paaralang bayan na likha ng bill gabaldon. sa kanyang madilaw na kasuotan ay nayaya ang malas ni yoyong na di napigil ang sabing: hoy, selmo. tingnan mo ang babaing yaon: kay ganda! at ang dalawa ay napatigil na ihinatid ng malas si binay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kasakay ng dalaga ang isang magulang nang babai at ayon sa kanilang anyo at kiyas ay angkan ng pag gawa; nguni'kabilang diyan sa mga taong marunong makibagay sa panahon, sangayon sa kaayusan ng kanilang bihis, kahit na pawang babarahin lamang at murang kayo at tapis na baliwag ang taglay na kasuotan ay bagay na bagay naman at pawang malinis. isang sayang may madidilat na guhit na dilaw at cafe na halang halang; barong madalang na dilawan din at may guhit na magkaagapay ang laylayan ng mangas, panyong malambot na sutlang baliwag na nakasampay sa balikat, ang kabuoan ay animo'isang kulliawang masaya, sa loob ng isang hamak na tangkal: ito ang bihis ng dalaga. kay inam ng bihis ni binay gayong kamumurang damit ay bagay sa kanyang siksik at bilugang katawan, balat na kayumangi at kulot na buhok. mga tagong bulaklak ng ating mga lalawigan. mga larawang nalalabi ng dalagang tagalog; mga buhay na sagisag ng kakanyahan ng ating lahi na ilinigaw ng bagong panahon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nawalay sila sa malas nina selmo nang lumiko ang karretela na kinalululanan. at ang dalawang magpinsan ay nagpatuloy pa din ng kanilang pag aayos. napakainam na tanawin ang idinudulot ng umagang yaon. ang mga taga bukid na nagluluas ng gulay na galing sa dakong kalookan, maypajo at gagalangin ay masisipag at boong tulin na ihinahabol ng panahon ang kanilang munting lako. bawa'isa sa kanila'kakikitaan ng ilang patola, pumpong ng sitaw, mumunting tangkal ng ibon, atis, at dalawa tatlong sisiw na bagong walay; puspos karangalan nilang tinutuklas ang pangagdog buhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"mayroon din naman sa kanilang nalahiran na ng pagdadaya ng malalaking tikma gaya halimbawa ng ginagawa ng ilan na namimili ng mga itlog ng manok na buhat sa sunsong na di kalugdan ng mga tagarito sa pagka'lubhang malansa, iniuuwi nila sa bukid upang buhat doon ay muli nilang iluwas sa maynila ng boong pagyayaman at ipagbile na gaya ng tunay na itlog ng manok bukid na lubhang pinaghahanap at inaabangan kung umaga ng mga may kayang kabuhayan. ang daya mandin ay talagang talamak na rine sa atin at sampu ng mga tagabukid ay nahahawa na. sino kaya ang may dala dine ng pagdaraya? ang mga insik nga kaya? hindi rin naman nagpapahuli ang maggagatas at magpapatis na may kanikaniyang talino sa pagbibile ng kanilang lako. ang maggagatas at magaalak ay magsingtulad sa dunong. ang maggagatas ay may tindang binyagan at hindi. ang binyagang gatas ay kasama na pati inumin ng mamimile. ang tubig ay nagagawa rin namang gatas! ang magaalak ay gayon din.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang magpapatis sa kabilang dako ay may dalang tatlo apat na sididlan ng patis na tangi pa sa isang galunggalungan na siyang pinakaimbakan; at kung dumating sila ng bayan at ang ninili ay nangangailangan ng patis malulos, malabon kabite kaya, ay maaasahan mo giliw na mambabasa na ang patis na gawa kahit na saang kamalig ng kapit bahay mo, ay magiging galing sa malulos, sa malabon sa kabite, salamat sa pagkabukodbukod ng sisidlan. ang hugos na parang agos ng mga anak ni pag gawa na tungo sa mga iba'ibang tikma gamlayan ay parang isang pelikula ng revista pathe na kung umaga ay masasala ng iyong paningin, ang mga trambia ay punuan at animo'talaksanan ng kahoy; kay dami ng nangagsabit na animo'panike, salamat at ang ating hunta munisipal ay nagising din at naglagda ng isang kautusan sa bagay na ito. matanda at bata, lalaki at babai ay maagang dumalo sa kanilang tuklasan ng buhay nang araw na yaon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang mga karro ng tinapay ay humihinto sa bawa'tindahan at nagrarasion ng tinapay; ang mga karihan, bibingkahan at mga tindahan ng suman at sampurado ay pawang puno ng mga suki; gayon din ang mga magpuputo bungbong ay di makaagad ng pagluluto: badha ng sipag. subali'ang lahat ng mga tanawing ito ay di na inabutan nina maneng at tangi sa mangisangisang magbabakiya na buhat sa pulo at meykawayan at ilang mga dalagindeng ng panghulong ubando na nagtatawag ng: kalamay kayo sa latik diyan, ampaw, suman, atsara'puloot. na parang nagaawit ay wala nang iba pang makikita sa pagka'mataas na ang araw. ang matandang monumento ng mga kastila sa kanal de la reina sa pagakiyat ng tulay ng pretil ay gaya ng lahat ng lipas na bagay ay linulumot at parang isang tuod na nakatayo nang walang saysay. katapat pa naman ng libingan ng tundo na nakalapat din ang pintuan at aayaw ng tumanggap ng panauhin; bangkay ma'hindi na dumadalaw doon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,naggugubat ang makapal na damo at mga kalasutse na naglalaganap ng isang samyo na nakaliliyo. ang monumentong yon marahil na labi ng yumaong panahon ng kastila ay itinayo doon upang magbantay sa mga kaloluwang nagmumulto at nagsisipanakot sa mga paniwalain. ang lipas na ring kamalig ng dating tren sa malabon na katungko ng libingan at ng monumento ay parang isang kasangkapang luma at puno ng kalawang. ang mahabang lansangan ng gagalangin na ngayo'juan luna ay tahimik na tahimik patag na patag at matangi sa nagpapapangit na mga sasabunging nangatutulos sa mga looban at sa mga pulupulutong na nagkakahig at nagbibitaw upang subukin ang kanilang mga tinali ay pawang kawiliwili ang handog na tanawin kung umaga.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"malalagong punong kahoy na nagbibigay lilim; mga sampalok at kamatsile na nagdidilim sa tataba; kawayanan sa dakong likuran ng mga bahay; mga mumunting kubo na halos dikit dikit habang nalalayo sa maynila ang nagtitimpalak ng karukhaan; para bagang ang kahirapan at pagsasalat ay di makalipat, natatakot at lumalayo sa kamaynilaan na siyang pinakamaringal sa boong kapuluan at umaapaw sa kasaganaan, salamat sa matalinong ng alkalde. nadaanan nila ang malalaking sabungan sa maypajo. yaong kalipunan kung linggo at pista ng ating mga tahur at magsasabong: punong puno ng panglaw at maliban sa maminsanminsang hunihan ng tuko at ng tilaok ng mga sasabungin ay walang ibang katangian. yaon ang malalaking baklad na pinapasukan ng boong tinipid ng ating mga manggagawa sa boong sanglingo. di iilang maganak ang pinatatangis kung natatapos ang sabong sa mga kamalig na yaon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"libolibong mga mananabong ang pangagaling doon ay pigta ng pawis, malalim ang mata, at ang bulsa'baligtad; di kakaunti sa kanila ang di pa nanananghali. mga manok na pinakaalaga alagaang taunan ay duguan at nahinainan nang bitbit sa dalawang paa at parang idinayo lamang doon upang patain at ng magawang pakang. ang simbahan ng kalookan na napinsala ng mga digmaang yumaon, ay kababakasan pa ng mga tanda ng mga punglo ng kanyon na nagbuhat sa mga kastila na rin noong una at pagkatapos ay sa mga americano na pinamamahalaang kasalukuyan noon ng imperialismo. nadaanan nila ang sangang daan at kaaya ayang palayan magkabila na parang isang malapad na balabal na lungtian na doo'ilinatag ay nagsimula na. ang sikap ng mga tagabukid na pangbuhay sa mga taga bayan. kay inam na tanawin. ang mga maya ay nalalabugaw sa hagibis ng bwick at parang inaalon ang palayan at ang alikabok ay animo'usok na nagdidilim. ang tahulan ng aso na humahabol pa kung minsan ay namamayani.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sinapit nila ang hanganan ng rizal pagkatapus na masampa nila ang tulay na matarik ng tinajeros at sandali pa'lupang bulakan na ang kanilang tinatahak. saloob na saloob ni maneng ang pagkakahawak ng manivela at ni hindi man lamang lumilingon kungdi manakanaka kung ang kurutan at tawanan ng magpinsan na parang kinikiliti na nakayayamot kay aling tayang, ay nakaaakit sa kaniya na tapunan ng sulyap na pinatatagos sa nandidilat niyang salamin. dumating sila sa meykawayan at ang monumento ni rizal na unang napansin ay inukulan ni nati ng tuligsa: tingnan mo, aniya kay mameng ang monumento ni rizal na yaon, tila isang kimpal na luad lamang. bakit ba naman pinintahan ng kulay putik. tinapunan ng titig ni mameng ang tinukoy ni nati at ang tugon: napakawalang sining ang komite na namamahala niyaon. napagkilalang malayo sa simbahan. wala kayang kabinataan sa bayang ito? malayo pa ba sa simbahan yaong halos katapat, ang salo ni aleng tayang.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"malayo po sa maynila ang ibig kong sabihin at nangagtawanan parang kiniliti. paano'kinurot na naman ni nati. napalingon si maneng at pinagmasdan ang monumento na palayo na sa kanila at di napansin ang isang karretela na kinalululanan ng dalawang babai na pasalubong sa kanila sa makipot na lansangan bago umakyat ng tulay. pinisil ang bocina ni ikong (ang chouper) na nasa siping ni maneng at umangil na parang isang malaking halimaw. ang kabayo ng karretela ay nagulat at nagalma at nang abutin ng malas ni maneng ay malapit na mabanga; at di na maiiwasan. pinatigil niyang biglang bigla ang makina; hinigit ng ubos lakas ang freno na nagngalit at nailihis din ng kaunti nguni'ang bwick. ang tilian ng mga nangakakita. ang bwick ay nabanga. salamat at hindi naman nasapol ang karretela. ang mga baras noo'nangabali, at napatid ang rienda.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang nagpapalakad ay gumulong sa lupa; ang kabayo ay nagtatakbo ding di napigilan at dala ang kapiraso ng karretela at guarnicion at ang dalawang babai ay nagkadaganan na parang dalawang balutang ihinugos. lumundag pagdaka si maneng at ang chouper. sinaklolohan nila ang dalawang babai na sa kabutihang palad, likha niyang mga himalang hindi maliwanagan kung bakit, ay hindi man lamang nangagalusan; nguni'putlang putla, parang dalawang bangkay sa laki ng sindak. walang malamang gawin si maneng sa pagsaklolo. bumaba rin si nati at si mameng na nagsidalo, samantalang ang cochero na parang sanay sa mga gayong pagkahulog, ay nagtindig, pinagpag ang alikabok sa salawal at baro, at hinabol ang kabayo na nahuli na ng mga taong bayan. hindi nalaunan at nagbalik na tumitika at dinadampian ang gasgas ng tuhod at mukha na kapuwa may dugo. dinala ni maneng pagdaka sa botika ng meykawayan at doo'tinapalan ng unang gamot na kailangan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,dinukot ang kaniyang kalupi at itinala ang pangalan noon at dalawang dadalawang poing piso ang isinakamay ng kochero kasabay ng gayaring sabi: ito'sa mga unang gugol mong kakailanganin samantalang ang karretela mo'sira. at sumulat ng mga ilang talata sa isang tarheta ng gayari: sa karroceria meykawayan: ayusin ang karretela ng may taglay nito sa loob ng lalong madaling panahon. ang gugol ay ipasingil sa akin. at iniabot sa kochero na walang kakibokibo na nasiyahan mandin sa kabutihang loob ng ginoong kaharap. hinarap ni maneng ang dalawang babaing inaaliw ni nati at ni mameng at pinagbigian ng boong kasiyahan ng loob na pagmamatwid. ihinandog ang kanyang auto upang ihatid sa paroroonan ang dalawang babai; nguni'tinangihan ng mga ito sa pagka'malapit na rin lamang ang kanilang paroroonan. binigian din ng kanyang tarheta ang mga babai na dili iba'ang nakadamit kuliyawan na napansin ni yoyong at ni selmo. kinalag ni nati ang isang alfiler na imperdible at iniabot din sa babai.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,samantalang ang auto ay sinisiyasat ni maneng. ang ala ala pong yari ani nati ay magiging tanda ng ating pagkikilala. tinangihan ito ng dalaga; nguni'sa matimyas na samo ni nati ay tinanggap din at pinasalamatan. kungdi balisa si maneng napansin marahil niya na ang lulan ng karretela ay isang babaing hindi karaniwan ang ganda at gayon din ng imperdible na iginawad ni nati na di iba'ang kanyang sanla na taglay ang kanyang pangalan. at sila'nagpatuloy na parang walang anomang nangyari hangang sila'dumating sa marilao; pagkatapos siyasatin ni maneng na muli pa ang auto ay nagsabi kay ikong: dalhin mo ang auto sa estrella auto palace at kumpunihin ang tapa lodo at lagyan ng bagong lente ang parol.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang balita ng pagkakabangaan ng bwick at karretela ay siya na lamang halos napagusapan ng maganak sa unang pagkakatipon at masasabi, na walang ibang mahalagang bagay na nangyari; nguni'ang pagkasira ng tapalodo ng bwick at ang pagkabasag ng parol ay naging dahilan ni maneng upang magpalumagak, bagay na napaayos naman sa nasa ni nati na sila'magkaniig. sa kabilang dako, si aleng tayang ay isang inang di maingat, dahil sa talagang tapat na sa kaniya, na manugangin si maneng; pangalawa'parang di siya napapansin nino man at natatakpan siya ng dingal ng anak niyang bukod sa bata ay talagang maganda, kaya'para niyang ibinubunsod sa pagaasawa. sa magdadalawang taon na pagkabao ni aleng tayang ay mapapansin nang makasalanang mata ng mga mapagmalas, na higit pa sa dalaga ang kanyang kilos, sa nasa marahil na magasawang muli; nguni'wala pang nalalabuan ng mata na sa kaniya'nagmamalas sa piling ng talaghay ni nati at ni mameng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si selmo na sa kalakhan ng pagibig kay mameng ay di makapagsalita at parang napipipi sa harap ng pinsang kasambahay, ay nasisiyahan na sa mga salitang pangmaramihan, makaharap lamang siya ni mameng, at ang damuho namang si yoyong sa nasang makasabagal ay di humihiwalay kay mameng, bunso niyang kapatid na kanyang kinakatluang palagi upang pagharian ng moral sangayon sa kanyang pagkakilala. sa pagka'sila'lilima nang hapong yaon na nasa halamanan ay hindi namayani ang magtatlo tatlo, at ang kakaniyahan ng tao na pagkamakaako ay nakatulong kay yoyong na si maneng at si nati ay magkaniig upang si orang, ang magandang fondista ay malimutan ni maneng. sa silong ng isang matabang punong manga ay nagkaniig; nagkasarilinan si nati at si maneng at nang matiyak ng binata na silang dalawa'nawawalay sa malas ng tatlong magpinsan na di magkatapos sa balita ng bangaan ng auto at karretela, ay nagnakaw si maneng ng isang halik sa nakatungong si nati.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"bakit ba naman ganiyan ang malamyos na tumbas ni nati nakayayamot ka naman. sa ako'bulag na nati, sa ang kapangyarihan ni kupido ay siya na lamang nagpapagalaw sa akin, patawarin mo ako. pasasaan ba yaon maneng kung yao'mangyayari nguni'biglaw, hindi maaring mahinog kailan man. sa iyo at sa akin ay may malaking hadlang. at bakit nati? sino ang makapipigil? alin ang itinuturing mong hadlang? at di mo ba nalalaman? ibig mo bang sa akin pang bibig mangaling? pinapamamahay mo ako sa alinlangan. ang alin daw, kay inam mong mandudula, kay inam mong magmaang maangan hindi ka nga mahuhuli; nguni'sa harap ng katotohanan. sa harap ng katotohanang ano? liwanagan mo nga. kung ako'nagkamali nati ay talastasin mong marunong akong umamin ng kasalanan. ang pagsisinungaling ay kaaway ng aking ugali at makaaasa ka, paniwalaan mo nang walang agam agam na aaminin ko sa harap mo, kung aking kasalanan at tatanggapin ko ang iyong minamarapat na parusa, kahit na ikamatay ko ang katotohanan nang sinasabi.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sinabi ito ni maneng ng boong liwanag na parang totoong totoo nga, at nang nagaalinlangan pa si nati, pagka'di umiimik, ay dinukot ang makisig na revolver at aniya: naririni nati, masdan mo. sa loob niya'mayroong limang magkakapatid na kambal. isa lamang sa kanila, ay labis upang matapos sa akin ang lahat. hawakan mo nga at gamitin kung inaakala mong kailangan. at iniaabot kay nati ang revolver. itago mo maneng, itago mo'ako'natatakot sa kasangkapang iyan. kung gayo'ipagtapat mo kung ano pa ang nakapipigil sa iyo sa anyaya kong tungain natin ang pulot at gata ng pagsusuyuan? yayamang nais mo maneng ay manainga ka: talastas mo marahil na ang ninanasa mo ay siya kong tanging karangalan sa buhay na ito at talagang talastas ng diyos, na sa iyo ko itinataan; subali'maari ka bang makapamangkang sabay sa dalawang ilog? ano ang ibig mong sabihin? ang pakli ni maneng. kaawaawa naman ako maneng, at papaano naman kaawaawa ka!.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"papaano siya ang ulit ni maneng kaawaawa ka sa pagka'hindi ako karapatdapat sa iyo marahil; sa pagka'may lalong mapalad na ibang linikha kay sa akin nati; nguni'sinong siya ang iyong tinutukoy? tumungo ang dalaga at ang daliri niya'iginuhit ang isang sa lupa. ano ang kahulugan niyan maneng? kung ganyang nagiisa ay nangangahulugang balon na pagbubuliran mo sa aking puso at pagibig na magkasamang diya'malulunod. nangangahulugan din naman ng gayari at itinundo ang kaniyang revolver sa piling ng malaking at ang kanyon ng revolver ay gumawa ng isang din nguni'maliit nga lamang. at ang patuloy: kung ang dalawang iyan ay magkahiwalay, ay kilabot ng kamatayan ang balita, nguni'kung magkasunod at sa mga labi mo mangagaling upang pikit matang tangapin ang aking luhog, yayamang si kupido, ang diyos ng pag ibig ay bulag din at di nakakikita, ay isang ligayang di maisasaysay, isang langit na walang kasing ligaya, isang kaganapan ng ating pangarap.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nguni'maneng, kung ang ong iyan ay simula ng pangalan ng isang babaing umiibig at iniibig naman? umiibig at iniibig naman! ang ulit ni maneng na nag iisip ng imamatwid. oo; umiibig at iniibig ang patibay ni nati na waring nagtagumpay bagamang sa puso ay naghahari ang pangingimbulo. eh kung mapabulaanan ko ang paratang mo nati? maaasahan mong ningas ma'susugbahan ka kahit na ipaging abo ng boo kong katawan; nguni'sa kasawian ko ay hindi paratang yaon maneng. saan ka galing at hindi kita namataan maghapon, at magdamag halos ay hindi ka natagpuan ni selmo sa iyong tahanan? saan ka naparoroon? nalito ang isip ni maneng. hindi malaman ang isasagot. nasaling ang sugat ng kanyang puso. bakit hindi ka tumugon?. paano si orang? ang bulalas ni nati. tinutop ni maneng ang labi ni nati at anya: huwag mong dungisan ang mga labi mo ng pangalan ng isang hamak. huwag mong ulitin nati at babagsak sa akin ang langit.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at yayamang nasalang mo na rin ang pinakamaantak na sugat niyaring puso ay pahintulutan mo ako na minsan pa'patunayan sa iyo na ang pagsisinungaling ay di ko kabati. at pagkapukol ni maneng ng malas sa boong paligid at napagsiyang hindi sila binabantayan nino man, ay sinimulan ang malungkot niyang pagtatapat. ang pook ng bakuran ay tahimik; ang hangin ay palaypalay na naglalampasan at pasasang humahalik sa kanilang mga noo; ang langit ay malinis at animo'isang bubong na bubog, kasalukuyang nangaguuwian ang mga ibon sa kanikanyang hapunan, at sa ulunan nila, ay palipat lipat sa sanga ng manga ang dalawang pipit na naghahabulan ng boong ligsi. nasa kolehio ka pa noon at ang kapisanan ay di pa nagkakapalad na sumilay sa iyong hiwagang ganda.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"bago magbakasiyon ang mga nagaaral ay binawian ng buhay ang pinagpipitaganan kong mahal mong ama, na sanhi ng unang pagtatama ng ating malas na ikaw ay dalaga na, nguni'ang mata mo'pigta sa luha ang puso mo'iniinis ng sakit, kaya'wala akong nasabi kungdi: ako po'nakikiramay . at ang kamay mo'iniabot mo sa akin na tandang napasasalamat, bagamang ang mga labi mo'di pinulasan ni isang salita man lamang. nakasaklit ang kamay ko sa baiwang ni selmo, na tapat at mahal ko sa tanang kababata at hinahandugan ko ng aliw. kay lupit na kaugalian na naguutos sa atin, na sa mga gayong sandali ay magliponlipon; para bagang ang pagdamay na yaon sa kadalamhatian ng mga naulila at pinapanawan ng lalong pinakamamahal sa buhay ay dapat panoorin saksihan man lamang nino mang kaibigan kakilala.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"maniwala ka nati ang patuloy na, nang mga sandaling yaon, kungdi lamang natatakot akong maparatangang isang masamang kaibigan at di tapat na kapwa bata, maniwala ka nati, na bawa'luhang nanalong sa mga mata mo, sa mga mata ni selmo at sa mga mata ng nangungulila mong ina ay umiinis sa aki'naguudyok mandin na lisan ko ang inyong malungkot na tahanan, at ako'yumaon na nga sana. kay panglaw na ala ala ng aking napupukaw! ang binibini ay tumungo at idinampi ang kanyang panyo sa mga mata upang salubungin ang mga luhang naguunahang dumungaw. talastas ko nati na ang bagay na ating pinaguusapan ay labas na labas sa ala alang itong napupukaw ko ngayon; nguni'dito ko sisimulan at nang magkaroon ng lalong dakilang uri. huwag kang tumangis. naaala ala ko pa hangang ngayon ang mga pangaral ng nasira mong ama sa aming dalawa ni selmo kung siya'dinadaanan ko upang kami ay maglibot sa madadawag na landasin ng buhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"aniya: ang babai ay isang bato balaning bumabatak sa mga lalaki; lumayo kayo sa kanila, sa layong ang bisa ng kanilang lakas ay huwag umabot sa inyo, sa pagka'kung kayo ay mabalot ng kanilang mga panghalina ay mahirap nang lubha ang sa kaniya'humiwalay . ang ama mo ang dugtong ni maneng ay isang dalubhasang talaisip, nguni'ako'isang aralang aayaw maniwala, at di dumingig sa mga aral ng guro. at pagdating sa lansangan, ay nagkabiyak bunga kami ni selmo; tumungo siya sa ibang landas at ako naman ay sa iba rin. isang sirena ang aking kinahulugan, hindi ko napansin ang kanyang mababang uri. sinilaw ako ng kanyang ganda. ipinagtatapat ko sa iyo nati na siya'maganda; at sinumpaan kong sa kaniya'magsuob ng dalisay na pag ibig. luksa kayo noon at ang laging pagdalaw ko sa inyong bahay ay napigil ang patuloy. kami ni selmo ay magkita dili, panahong ikinalaya kong magpasasa sa tagayan ng maitim kong kapalaran.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"naniwala ako gaya ng sapantaha mo, na, ako'kaniyang iniibig, kaya'nang muli ninyong buksan ang inyong mga pintuan at magkapalad akong muli ninyong makahalobilo sa inyong lipunan ay nagbaka sa aking puso ang iba'ibang damdamin. ang lalaki ay talagang salawahan at halos lahat ng babaing tamaan ng malas ay nasang bathalain. at ako'isang lalaking di naligtas sa kasalanang yaon, at ang kagandahan mo ay bumalisa sa akin ng gayon na lamang, bagamang sa harapan mo ay di ako nagsasalita; di ako nagpapahayag. naging dungo ako tuwina at pinalayulayuan kitang parang kinatatakutan. tinika kong sariling tangisan ang aking pag ibig, yayamang wala sa panahon ay naialay ko na sa iba; nguni'ang gayo'di ko napaglabanan. sumapit ang sandali na naidaing ko sa iyo ang damdamin ng puso na di mo man diningig ng lubusan, ay di mo naman itinakwil.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"naaala ala mo ito at di mo malilimutan, at sa dapat na ako'palulong ay lumayo ako ng lumayo; di miminsang nakarating sa akin ang sinasabi mong ako'malaking tao dahilan sa ako'mayaman, at ang gayon ay pinapapasok ko sa isang tainga at pinalalabas sa pangalawa, pagka'ikaw naman ay mayaman din na gaya ko. nagkausap pa tayong muli. ito'magdadalawang buwan ngayon. noong magpista sa santa cruz. naaala ala mo pa ba? at ang parungit mo'gayari: talagang malaking tao! nalalaman kong ako'binigyan mo ng isang anino na umakibat sa akin tuwina at nang malaman mo ang ibig mong malaman ay nanglamig ang pakikiharap mo sa akin, nguni'ako'patuloy din sa patumbetumbeleng na pagsuyo na kailan ma'di mo nagipit na sa iyo'magtapat. at di mo pa rin ako itinatakwil. ang binibini ay taos na taos sa loob nang pakikingig kay maneng at ito nama'nagpatuloy: lumakad ang panahon na di mapigilpigilan. ang aking lihim ay mabubunyag na.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang tanging kublihan na nasa kong panghawakan, upang makipag isang puso sa kaniya ay di malalaunan at sisilay na sa sangmaliwanag. handa na akong matali sa loob ng bahay, paalipin sa isang puso, magmahal at mahalin. at ang mapanganib na sandali ay dumating, ang kabuwanan ay sumapit, at nang ang pintuan ng bilanguan na pagiging ama ay papasukin ko na, ang aking mabuting tala ay nagising, isinakamay ko sa isang pagkakataon ang isang bungkos na sulat na di ko nabasang makalawa. ako'ginising sa isang mahimbing na tulog at napagtanto kong siya ang inaakala mong inibig ay isang taksil . binulag niya yaring mga mata. at sa pagka'si nati, ng mga sandaling yaon, na iba'ibang karamdaman ang dinadanas samantalang di natatapos ang salaysay, ay di umiimik, ay binuksan ang kalupi na dinukot sa lokbotang dakong likod ng salawal at iniabot kay nati ang mga liham na sanhi ng kanyang pagsumpa kay orang. at ang sabi: nariyan ang patotoo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"binasa ni nati ng boong bilis ang tatlong liham at pagkatapos ay tiningnan si maneng ng boong tamis. ang kanilang mga mata ay nagusap ng lihim. ngayon, ang basag ni maneng sa katahimikan. naniniwala ka na? ngayon ano ang hatol mo sa akin? di ba ako'malayang makapamintuho sa iyo ng walang kabalabalakid? may lakas ka pa bang ako'itakwil? bilang tugon ni nati ay itiningala ang kanyang mukha at nang muli pang gawaran ni maneng ng puspos pag giliw na halik, niyaong halik na di nakaw kundi lubos na kapahintulutan; at sinilo ang liig niya ng mga bisig ni nati at ang dalawang labi nila'nagdaop na malaong sandali, at ang kanilang mga puso'nagkaramdaman ng tibok. ang araw ay lumiblib sa kalunuran at ipinagkatiwala sa nagmamadaling gabi ang kanilang palad. 'ang paliguan sa marilao ay lubhang masigla, maaga pa'ang hugos ng mga autong paupahan ay nagdating dating at sangasanganakan ang nagsisiibis sa tapat ng paliguan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"iba'ibang kiyas ang handog ng tanawin; sarisaring bihis na pawang nakawiwili sa malas, at sarisaring ganda na kanikaniyang yumi at katangian ng mga dalaga ang pinagkakalipunan ng lalong mabibikas na binata sa lalawigan na tumataon sa mga gayong araw upang makipagkita sa mga taga maynila na dumadayo doon ng paliligo. ang mga dalagang pulo pulo ay parang mga tipak ng matamis na linalamgam sa karamihan ng sunod na may iba'ibang pakay. ang tanghalang yaon ng lalong mariringal na damit na pasaya ng pasaya samantalang tumataas ang araw, ay lalong dumadami, lalong sumisigla at ang pagtatalik sa lahat ng pulutong ay nakayayaya sa mga mapansinin. sa dako roon ay tuksuhan at tawanan ang nangingibabaw. sila'binubuo ng mga binatang buhat kung saan saan, at parang doon nagtiyap. may kinatawan sa kanila ng kalakal; may ng tikma; may ng gamlayan, at di rin naman iilan ang kawal ng pag gawa na sa kanila'napapahalo sa gayong pagkakatipon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"namumukod sa kanilang pulutong ang isang binatang magilas; nakasalamin, palalo ang tindig, maringal ang bihis at sa kaniya'mababasa ang kasaganaan. sa kalingkingan ay nagaalab ang isang batong animo'mata ng pusa kung tinatamaan ng liwanag; bituwin manding nahulog buhat sa langit. gaya ng dapat na sapantahain, ang binatang magilas ay si maneng na talagang tumiwalag kina nati, na nang mga sandaling yaon ay nasa loob ng paliguan. kaumpok din nila ang isang binatang lalawigan na sa anyo ay nababakas ang isang mataas ding uri; magilas din bagamang pawang puti ang kulay ng boong kasuotan, buhat sa sapin hangang sombrero. isang munting kadenang ginto ang animo'di palamuti, kundi isang gamit na lubhang kailangan ang sa kaniyang chaleko ay nakabalatay. nakataling walang pagsala sa isang orasang karaniwan at walang dingal na di man dinudukot. di gaya nang marami na upang sapantahaing ginto ang kanilang orasang plake, ay maya'maya ay sinasangunian.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"siya'si tomas; ang kawal ng panitik na buhat sa lalawigan ay sumusulat ng sarisaring kiyas na mga tudling sa lalong mga tanyag na pahayagan sa maynila. naroon siyang walang pagsala upang sumagap ng mga kasinungalingang maihahandog sa mga mambabasa, tungkol sa mga kasaysayan sa marilao. sa mga ganitong tagpuan ay walang pakikilalanan at bawa'isa ay nagsisikap na makapagpakilala sa kanyang sarili sangayon sa kaparaanang abot ng kanikaniyang kaya. si selmo ay dumating at humalo sa umpukan at aniya kay maneng: tanghali na'wala pa ang orquesta. hangang ngayo'di pa nagsisidating. nanganganib ako na baka tayo'sinugalan ng masamang sugal. pinakingan ng boong katahimikan ni maneng hangang sa natapos na parang dumidingig ng isang panalangin, at pagkatapos ay tumugon: mahal magkakahalaga ang kanilang masamang biro pagkakataon. sina mameng, di pa ba nakapaliligo? di tinugon ni maneng ang tanong ni selmo at wari'may mahalagang iniisip.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"binabalak niya kung paano ang mabuti, sakaling ang mga musiko ay di magsidating. ang bailuhan ay matatayo sa isang malaking pagkabigo. siya pa nama'naroroon. kahiyahiya. dinukot ang kanyang orasan at sumanguni. doo'natalos niyang ganap na ikasampu na ng umaga. paliparin man niya ang bwick ay gagahulin din sa pagtitipon ng tao. ang mga musiko ay kalat kalat at di natitipon sa isang tawag. si nati at si mameng ay nangagsilabas na bihis na. ang kaisipan ni maneng na nababalisa sa kagipitang kalalagyan ni selmo sa kanilang bailuhan nang araw na yaon, ay parang binihis na daglian ng dilag ng dalawang mag pinsan. sa unang baitang pa lamang ay sinalubong na si mameng at aniya: umakiyat ka ng kaonti mameng at ang iyong mata ay doon mo itingin sa dakong timog nang masapol ng liwanag ang maganda mong pilipisan. at umurong ng dalawang hakbang, upang malasin kung mainam na ang anyo; at nang masiyahan mandin ay hinarap si nati na payak na pula ang suot.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ikaw naman anang binata ng boong tamis ay hawakan mo ang kanyang kaliwang kamay na kunwari'inaalalayan mo siya ng pagbaba. dito ka sa pangalawang baitang. ang salo ni yoyong; at sinabayan ng upo sa isa sa mga baitang ng paliguan. tiningnan ng isang makabuluhang tingin ni maneng na parang nagsasabing: nakasasabagal ka naman at pinaglabanan naman ng titig ni yoyong na parang tumutugong: tinapatan pagkatapos ng kodak at sa isang pindot ay nakuha ang larawan. pinagala ni nati ang kaniyang malas sa mga lupon at nang makakita ng mga kilalang mukha ay nagsabi: inaanyayahan ko kayo ngayon sa bahay. mayroon kayong isang sandaling kasikian na aming ikaliligaya at ikararangal. isama ninyo ang mga kakilala. boong ayos ang pagkasabi, at ang lahat ng mata halos ay sa kaniya tumingin nang mga sandaling yaon. naala ala ni maneng ang mga musiko, at sandaling gumuhit sa kaniyang ala ala ang kabalisahan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nang ang magpinsan ay patungo na sa kanilang maringal na tahanan, si maneng laban sa dating ugali niya ay lumapit kay ikong at ang sabi: ngayon din ay lumipad ka sa bukawe at bumalik kang kasama mo ang komparsa roon, upang magamit sa sayawan. at dumukot ng isang mayon isang dadalawang puing piso na isinakamay ni ikong iyan ay patinga na ibibigay mo, at kung gaano pa ang kulang ay singilin, wika mo, sa akin. walang salang di mo sila aabutang nagsasanay. opo; ngayon din po. hintay ka; huwag mong kaligtaang di sabihin na magsipagbihis ng malinis na damit, hane. yaong pamista wika mo. hindi ko po malilimutan. at ang bwick ay humagibis na animo'nakikipaghabulan sa lakas ng hangin. ang magandang halamanan at malawak na bakuran ng bahay nina selmo ay nagdudulot ng isang kaaya ayang tanawin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"animo'yaong mga likha ng mga hada mga halamanan ng pangarap sa mil una noches na ang mga halaman ay namumunga ng mga granadang ginto, bagamang sa halamanang ito'pawang mga parol na papel na iba'ibang kulay lamang ang nagsabit na tagabalita dito sa ating masaganang lupain ng kasipagan ng mga hapon. kailan pa kaya tayo gagamit ng sarili nating yari! kahanga hanga at kagila gilalas ang banta ng pista. lubhang marami na, ang dalong panauhin, na buhat sa iba'ibang pook. mga lalong tanyag sa mga bayang kalapit. mga dalagang lalawigan na may kanyang sariling tatak na pagkakakilanlan, maging sa yumi, sa kilos at sa pagsasalita; may mga tingig silang nakakikiliti, may mga pangungusap silang kawiliwili, mga anyong kapintupintuho, talaghay na nanghahalina at mga ngiti at titig na tumitigatig sa mga pusong pangarapin; yumayayang umawit sa may diwang makata, at manikluhod, sumuyo at sumamba sa mga kawal ng kapanahunan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"mga binata na parang kakambal ng mga babai sa mga gayong pistahan na di rin naman nagpapabaya. sa kanilang anyo, ay mababasa ng mga mapapansinin ang tatlong kiyas na iba'iba. mayroon doong mahahabang buhok, amerikanang mahahaba rin, nguni'makipot at maigsi ang salawal na natatapos sa isang saping malapad ang dulo at tikwas. sila'ang mga yari ng bagong panahon, ang bunga ng civilizacion moderna sa kapanahunang ipinakikipamuhay natin sa mga inakay ng dakilang lawin ng mga washington. ang kanilang mga salita ay maingay, mapalalo ang anyo at magaslaw ang mga kilos na salungat na salungat sa yumi ng tagalog, nguni'mga diwang maliwanag, matang malilinaw, bagamang marami'gumagamit ng salamin, at may mga kaisipang mapapangahas. may pulutong namang binubuo ng kaugaliang yumao niyaong mulat at aral sa mga paaralang kastila at ang kanilang mga anyo kahit hindi palalo ay kagalang galang at mapipitagang makipagusap, at pihikan ang mga kilos. mga buhay na bantayog ng limang daang taong pagkaidlip.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nguni'ano mang kapangyarihan ng dalawang civilizacion na nagsumikap pumatay ng ating likas na kakanyahan, ay nababakas din ang dati nating mga kiyas maging sa mga magugulang na, na nangakabarong tagalog, sa mga binatang nadaramtan ng mga damit na pang antipolo, at sa mga dalo na gumagara sa pamamag itan ng kanilang mga kasuotang pinya, husi, at sinamay, sangayon sa pahintulot ng kanilang kalagayan at kaya. sa lahat ng ito'bakit ang mga musiko'di nagsisidating? balisa si selmo at di mapatahimik, parang dinuduro ng karayom, yao'dito at palaging sa malayo ang tingin. si maneng ay poot na poot sangayon sa ibinabadha ng kaniyang nangungunot na kilay na nagbibigay sa kaniyang mukha ng isang anyong mabalasik. si nati at si mameng at sampu ni aleng tayang ay dinadalaw ng lungkot sa malaking kahihiyang sasapitin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tumugtog ang orasan at bumilang ng labing isa; labing isang palo ng bakal na nagbigay ng taginting na nanunuod sa mga buto ni selmo, nagpapalungkot ng gayon na lamang kina nati at mameng, gayon din naman kay aling tayang, na lumapit kay selmo na nasa tabi ng tarangkahan at aniya: kundangan ka lamang ay kung bakit kumatikati pa ang balat mong sa maynila pa sumita ng orkesta sa dito naman sa marilao ay may kamada din ng musiko. si selmo ay hindi umiimik at isinungaw pang muli ang kanyang ulo sa tarangkahan. si maneng, ay hindi makausap. malayo sa karamihan. kay bilis mandin ng lakad ng orasan. si yoyong sa kabilang dako sa nasang makasabagal ay maya'maya'naghahandog ng mga hititin at cerveza sa mga binata, at bulaklak naman at vermouth sa mga babai.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang kasaganaan ng alak at iba pang kailangan ay hindi na mahuhuli sa isang lalong maringal na piging; nguni'piging na walang musiko ay piging na walang pinagibhan sa isang halamang malago nguni'walang bulaklak, bulaklak kayang napakadidilat gaya ng gumamela nguni'wala namang samyo. kung nang mga sandaling yaon, ay may humarap na tikbalang kay maneng, ipinagpalit niya disin ang kaniyang kaluluwa, huwag lamang matayo sa kahihiyan si selmo. nang mga sandaling yaon ay para silang iniinis kapuwa ng iisang kabalisahan, kapuwa nginangat ngat ang kanilang puso ng isang di makitang kaaway, at nagpapasasa sa kanilang kahinaan. tumugtog na pamuli ang orasan at ang balita'isang mataginting na tang ibig sabihi'kalahating oras na naman ang yumaon. lumapit si selmo kay maneng ng boong lungkot at hinarap naman kaagad ng linapitan na parang di man lamang nababahala. huwag kang malungkot selmo at iya'isang malaking subok sa atin. tinataya lamang kung gaano kalaki ang ating diwa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi na ako mahuhulog na muli pa sa ganitong katayuan. may pinagsulatan ba kayo ng nangangasiwa ng orkesta? at dinukot ang isang tiklop na papel ng kasunduan nila ng orkesta san juan. hindi pa nababasa ni maneng nang makitang orkesta san juan ay aniya: si kapitang kikoy ay isang taong mahal at di maaaring magpakasira. at tinunghan ang kasunduan. nang mga sandaling yaon ang magkaibigan ay parang wala sa isang malaking pista, katulad nila'ang mga patnugot ng kalakal na bumabasa ng isang babala tungkol sa mga bagay na tatanggapin sa isang sasakyang dumadaong at nasang makapamahagi agad sa mga suki, niyang mga pamunuang digma na nagmamasid ng boong ingat ng mga balak, ng labanan. talagang hindi magpapakasira si kapitang kikoy ang patunay ni maneng at ang dugtong , basahin mo at itinuro ang tanda ng oras. sayawan pag kapananghali hangang sa hating gabi. ako ang may kasalanan kung gayon; hindi ako dapat mabahala at mainip, sila'walang salang di lulan ng tren sa las doce .",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ano ang wika mo maneng? yaon ang inaasahan ko. ang angal ng bwick ay nagbalita sa kanilang si ikong ay dumarating at walo kataong manunugtog ang kasama. isang comparsa ng mga bandurrista na binubuo ng panay na binata na pawang nakabarong madalang. parang tiniyap sa isang piknik. ang mga hapag ng kainan ay pulupulutong tandang matalinong nangangasiwa ng tanghalian ay nagpapakilala ng kanyang kasanayang maghanda upang ang lahat ng panauhin ay sabay sabay kumain at wala isa mang malipasan ng gutom sa gayong kasaganaan. ito'isang mabuting aral sa ating mga piging na boong dingal na idinaraos, nguni'umasa ka nang madadayukdok pag di ka nabilang sa unang dulugan. ang mga bandurristang bokawe ay nagpamalas ng kisig sa pamamagitan ng malilinis nilang tugtugin at mga bagong likhang higing silangang pawa. dumating din kagaya ng inaantabayanan, ang mga orkesta sa kalahatian pa lamang ng pagkain.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at bago natapos ang piging ay nagtalumpatian na sa mga ganitong pagtitipon ay sinasamantala ng mga binata natin. hindi rin naman nagpabaya ang kababaihan: si bg. laurel ay nagparingig ng isang magandang tula niya na bilang paligsa sa mga tula nina ben ruben at gatmaitan na isinasalit sa bawa'talumpati. si tomas ay isang mabuting toastmaster na sa boong panahon na sila'nagsasalosalo ay di nagpabayang di ang piging na yaon ay maging isang makabagong lamayan, na ang tula, talumpati, alak, tugtugin at lapang lapang na ulam na ilinilibot ay tumapos ng kulang kulang na tatlong oras; panahong labislabis upang ang mga orkesta ay makakain, makapaglatag ng mga atril at sa isang kisap mata pagkaliban ng sandaling salitaan at pagiimis ng mga hapag ay pasimulan na ang pagsamba kay tersipcore sa malawak na halamanan. ang rigodon na siyang unang bilang ay binuo ng maraming pareha at nagkatapat na vis si mameng at si nati; kaabay nitong huli si tomas. bakit si maneng ay hindi sumayaw kay nati?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tumugtog ang isang mainam na hesitation isang rag isang fox trot mga one step at iba pang pawang nakakayag sa mga mawiwilihin sa sayaw. sa kalagitnaan ay nagkaroon ng isang extra . si mameng at si selmo ay sumayaw ng tango argentino nasiyahan sa kanilang ipinakitang kasanayan na hinangaan ng lahat. si maneng ay di nakita sa mga sumamba kay tersipcore. bakit kaya? saan kaya nagsuot?. kay nati ang kanyang tingin buhat sa isang sanga ng manga na kaniyang pinangublihan. naglisaw ang mga mapagsamantala sa liklikin ng halamanan. kaipala'nangagtatago sandasandali sa mga makasalanang malas upang doo'magdaos ng mga panandaliang kalayaan na di dapat masaksihan nino man. si nati ay nabalisa at hindi matahimik sa bagong inaanyo ni maneng, na ngayon ay parang suya na at di man lamang lumalapit sa kanyang piling. bakit kaya?. minasama kaya niya ang pagkasayaw ng rigodon kay tomas?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tunay nga at si nati ay hindi sumayaw na muli pa, nguni'bakit si maneng ay malayo, pinanawan niyaong dating masiglang pakikiharap at pagkamairugin tuwi na? sinuliyapan ni nati ang bwick at nasa sa kaniyang dating tayo na parang isang kimpal na bakal na walang buhay. animo'isang kanuno na nagpapangilabot sa kanyang katawan. hinanap niya sa lahat ng sulok at parang nagtatagong hindi niya mahuli. ang hapon ay hapo na. ang mga parol ay nagniningningan na sa mga sanga ng halaman na parang mga alitaptap na nangakadapo. ang mga ilawang gasolina na nakatirik ng layo layo sa mga baybay ng bakuran ay nakikibanga at di nanaghili sa maniningas na voltaico ng kamaynilaan. gugol na walang patumanga ang ibinadha saan mang dako. lahat ay sakbibi ng tuwa at ligaya; nguni'bakit si maneng ay hindi makisalamuha sa karamihan? patuloy ang paghanap ni nati at nang dinalaw na yata ng yamot ay lumikmo sa lilim ng puno ng manga at doo'handang tangisan magisa ang kaniyang kulang palad na kalagayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"dito nababakas niya na sa isang iglap na ligaya ay tali taling hirap ang kakambal, sa gitna ng langit langitang yaon ng tuwa ay isang malawak na dagat ng kapanglawan ang kaniyang tinatawid. dalawang mabangong kamay ang sabay na tumutop sa kaniyang mata buhat sa dakong likuran, na parang siya'pinapanghuhula. hinawakan niya ng banayad na parang kinikilala at saka nagsabi: maneng!. naku si maneng naman!. saan ka ba nagsuot? may kasalanan ka sa akin, kasalanang walang kapatapatawad. alalahanin mo. ang boong tamis na sabi ng binata. ano kaya ang ginawa ko, na isinukal ng iyong loob?. wala akong maala ala maneng!. wala akong maala ala! wala kang ma alaala?. wala nga maneng, ano ba yaon? salamat nati, talagang wala nga. bakit ba naman ganyan ka maneng!. ngayon pa namang ako'umaasang ang ligaya ko'ganap ay saka ka pa nagalit. bakit di mo sabihin kung ano yaon?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tinitigan ng binata ng ubos kayang pag irog at saka nagpatuloy: ako'talagang iyong iyo nati at talagang dahil sa iyo lamang kaya ko minamahal yaring buhay. kay tatalim ng iyong pangungusap. nguni'hindi mo ako iniibig nati. hindi kita iniibig? kung ang mga dahon ng mangang ito'maaaring magsalita, sinaksihan ako marahil ngayon at pinabulaanan ang paratang mo. huwag mo akong pahirapan maneng. at nayukayok na luhaluhaan ang mata. sinapupo ni maneng ang kaniyang giliw; pinahid ng saganang halik ang mga luha, at saka tumugon: nati anya natalastas kong wala kang kasalanan at ang kamalian mo'ang di mo pagkakilalang ganap sa akin. ano ba yang naging kasalanan ko, maneng? inaantay ko sanang ako ang kasayawin mo sa rigodon nati . oh patawarin mo ako maneng. patawarin mo ako at di na muling mangyayari ang gayon. wala na sa akin yaon nati. talagang wala, isang kabaliwan ko lamang yaon. at sa bawa'patlang ng salita'binubusog sa halik ng boong pagpapasasa ang magandang binibini.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"isang mainam na hesitation ang ipinaringig ng orkesta at buhat sa puno ng manga ay binagayan nila ng bugso bugsong halikan, ang tugtugin. siya na naman maneng, ako'hapong hapo na ang boong lamyos ni nati. isa na lamang ang tawad ni maneng isa na lamang! isa pa, nati, isa na lamang. totoong totoo na isa na lamang. maano namang siyana. ito namang si maneng. at kapuwa nalasing ang dalawang puso sa kanilang pagka lingid sa mga malas ng matang makasalanan. si maneng na talagang linikha yata upang pasakitan ng mga lipi ni eva ay may napapansing isang maliit na bagay na ipinanglalamig ng kanyang puso. bakit di ginagamit ni nati ang imperdibleng kaniyang binile upang gamitin pa naman sa marilao? hindi niya napansin na yao'ibinigay kay binay at nang kaniyang mapuna na di ginagamit ay kinabukasan na sa sayawan. tinutupok mandin siya ng nasa na alamin kung bakit di ginagamit ni nati, nguni'iginalang niya ang lihim na yaon, manatili lamang sa kanila ang katahimikan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si nati naman ay tiwalang tiwala na ang kaniyang kabiglaanang yaon ay maaaring ikagagalit ni maneng, kaya di makapangahas na yao'ipagtapat at ang imperdible sa ganang kay maneng at kay nati ay umidlip sa sinapupunan ng isang lihim na mahiwaga. at sa tuwi na silang magtatagpo ay lalong maningas ang pag ibig ni nati, lalong malambing, lalong boong tiwalang isinasa kamay ni maneng ang boong buhay. nguni'ang imperdibleng yaon ay nagiging ulap kay maneng. usisain ko na kaya kay nati? ang tanong sa sarili. ang lalaking mapagusisa ay hangal. ang lalaki ay dapat makiramdam at gumawa. ang magandang tala sa bokawe na sinasamba ng pihikang manunulat na si tomas ay inanyayahan ni sandiko na magparilag sa kaniyang miting. anyayang di tinangihan at pinairugan ng boong kaya.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at sa pagka'si sandiko ay isa riyan sa mga politiko na may sariling kakanyahan, ay maituturing na ang miting ay di sinimulan na gaya ng lahat ng miting politiko, na may mesa presidencial na pinangangasiwaan ng toastmaster at may mga leader na natatalang sunodsunod upang gumamit ng pangungusap tangi pa sa mga talumpaterong pagkakataon na humahanap ng mga pulong upang doo'ipagmarangya na sila'isang malaking imbakan ng mga iba'ibang lumang simulain na bagamang kailan ma'di naisagawa ni nang nagsalita ni nang mga nakikinyig ay may isang kahulugang kaakitakit sa maraming pandingig na lubhang nakahahalina diyan sa tinatawag na bayan, diyan sa karamihan na siyang baytang na hagdanan ng ating mga politiko upang ang kanilang mga munakala ay bigyan ng katawan kung talagang may banal namang nasa, ng pagpasasaan naman ang gayong paghahawak ng kapangyarihan sa kapakinabangang sarili at ng kaniyang mga kapanalig kung talagang politiko de profesion .",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang miting ni sandiko yamang wala pa sa tadhanang oras ay nabunsod sa uring entre familia sa tapat ng maliit, nguni'makisig na tindahan ni binay na dinaluhan ng maraming mga taga bokawe sa tapat ng plasoleta sa bayang yaon. si mendoza at si montenegro ay nagkakaharap sa tapat ng tindahan at pinaguusapan ng boong init at ingay ang mga kabulastugan ni osmena; kumatlo sa salitaan si tomas, ang pangbato ng bokawe at ang tudyuhan ay lalong uminit, at ang taong nagbumilog sa kinalilikmuan ng tatlo ay dumami ng dumami upang pagosiosohan ang mainit na matuwiranan. si sandiko ay wala pa at pagdating nito ay umugong ang: ayan na ang heneral bagay na ikinapatindig ni montenegro na naging heneral din naman, at nagtaglay pa ng kartera ng secretaria de estado sa ating di malimutang biyak na bato .",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kasama ni sandiko ang komparsa ng bokawe, at sa pagka'ang arte ay gumigising sa artista ay ipinakilala ni montenegro, sa mga taga bokawe, tanging tangi sa magandang si binay, na kung nang panahon ng digma ay ginamit niya ang talibong upang ang ating kalayaan ay matuklas, sa panahon ng kapayapaan ang kaniyang panitik at dila ay katulong sa pagpapanatili ng ating bahagyang kaginhawahang bunga ng madugo, nguni'kagalang galang na himagsikan; sa panahong ito naman ng mga mumunting paglilipon, ang kaniyang mga daliri ay lubhang bihasa at boong ligsing kumakalabit ng mga bagting ng gitarra, at siya'isang trovador ding marunong tumawag sa mga pintuang nakalapat ng mga pusong maawain at dagliang dumiringig sa mga malulungkot na kundiman na busog sa kasaysayan at tamis at may uring sariling atin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pagkatapos ng palakpakang tumbas sa kundiman ni montenegro sa kung kaninong laura ay nagtindig ang heneral gaya ng lahat ng mapagsamantala at nagpasalamat ng gayari: mga kaibigan: anya lumalaki ang aking puso kung nakikita ko ang kasiglahan ng ating mga kababayan sa sariling atin. palakpakan ang pumutol. at ang dugtong: kung ang mga osmenista ay hindi tumalikod sa ating makasaysayang sumpa sa inang bayan, ang bill jones no. sana ay nagtagumpay at saka hinarap ang makisig na si mendoza kasabay ng tapik sa balikat at anya que le parece vd. companero? hinarap pagkuwan ang ilang binatang estudiente ng paaralang ingles at anya this is the way to show our people the parasite politicians. watch them closely, my young men for the ruin is yours. si montenegro ay labas na lahat ang tinago kung makipagusap sa bayan. isa sa mga dumalo ay tumugon: simulan na po natin ang miting at marami ng tao.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at sa isang iglap ay nakapagtayo ng mesa presidencial at ang inanyayahang mag toastmaster ay ang binatang si tomas. ang mga bantog na leaders ng ay doroong lahat; sina villalon, lara, san jose, mendoza, montenegro, gil, balmori, santiago at iba'iba pang mga ginoo na pawang may maluwag at mariringal na pangungusap, at matatapang sa paglalahad ng mga tuligsa sa mga osmenista at ng kanilang mga kabalbalan . isang panauhin ang laging malayo sa karamihan at nang ang miting ay sinimulan na ay kumubli sa isang dako ng tindahan na naging pook na palamigan ng mga binayani sa pulong na yaon. ang binatang ito'si maneng, ang binatang mayaman na kasintahan ni nati. sinilaw siya ng kagandahan ni binay na nang mga sandaling yaon ay namamayani sa gitna ng lupon kadalagahang bokawe na inanyayahan ng general sandiko. si binay ay larawang buhay ng bagong babai. lumapit na banayad sa lupon ng mga babaing palamuti ng pulong at mamaang maang na nagusisa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"huwag pong ikagalit ng inyong mga kamahalan; ano pong pulong ito? pulong po ba ito ng mga osmenista? wala pong osmenista dito sa bokawe ang matapang na sagot ni binay. kung gayon po'mga federal po pala ang nagpupulong na iyan? aba hindi po; iyan po'pulong ng mga tercerista . yan po pala ang mga tupa ni sandiko. noong gobernador na nagpatanim ng mga acasia upang pangublihan ng mga aso, noong general na napakatapang, at sinundan ng isang tuyong ngiti. kahit na po walang nagawang mabuti si sandiko, ginoo gaya ng inyong sabi ang pakli ni binay ay inaanyayahan ko kayong dumaliri ng kanyang kamalian at baka mayroong kaming nalilingid na di nalalaman. ang tao po, mahal na binibini, na walang nagagawang mabuti at walang nagagawang masama ay tao na di dapat ibilang ni sa karamihan man lamang. alalahanin mo po ginoo na nang panahon ni sandiko, ang constabularia dito sa bulakan ay di kinailangan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa makatuwid, ay malayo ang bulakan sa kapanganyayaang nangyayari sa kabite ng panahon nina baker, na di miminsang isinakdal ng renacimiento at muling pagsilang sa apat na dako ng pinangagalingan ng hangin. alalahanin mo po ginoo, nang sa likod ng bayan ay pagtibayin ng kapulungan sa bagyo yaong di malilimutang bill borja, na nagbibigay bisa, at tumatangkilik sa isang kabulastugan ng ating naging gobernador general na si forbes; sino po ang tumutol ng boong tapang? alalahanin mo rin po ginoo na nang ang puhunang mangagawa sa katubusan ay aagoy agoy na at tinampalasan ng mga bata ni osmena, kung sino ang nagbangon. dito po pala sa bokawe ay may mga babaing politiko. sayang at di kayo sa amerika ipinanganak, sana'nakapagharap kayo ng kandidatura; nguni'dito sa atin, kahit na maaring kayo ay ihalal at idagdag ko pa ang aking voto ay di ako umaasang tayo'magtatagumpay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"paano ang ating pagtatagumpay sa ang mga osmenista ay nakagawa na ng mararaming bagay na mahahalaga; naipayari nila ang bill jones no. na nagbigay sa kanila ng boong kapangyarihan. nakayari na sila ng isang quezon, nakapatay sila ng isang gomez na naging kastila kahit na tunay na tagalog, at marami pa pong libolibong bagay na mahalaga para sa pilipinas, gaya halimbawa ng kasalukuyang dictadura ni buencamino, nguni'hindi nila ginawa talagang ayaw nilang gawin ang isang batas upang ang babai ay makapaghalal at mapahalal naman. itutuloy pa sana ni maneng ang pagsasalaysay; nguni'binagabag ng palakpakan ng mga tao ng miting na tumutuligsa sa pagkakahandog ng katao sa presidente wilson upang dalhin sa digmaan sa europa, kahit walang pahintulot ang kapulungan. magsalita si maneng!. magsalita si maneng!. at bumaba sina villalon at lara upang salubungin ang katungali ni binay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"isang di matapos tapos na palakpakan ang sumalubong, sa binatang napitang gumamit ng kanyang dilang ginto: laki ng pagkahanga ni binay. maneng ang ulit sa sarile ni binay na parang may isang malungkot na ala alang napupukaw. ang ginoong yaon ay di miminsan kong nakita; ang gayong tingig ay hindi bago sa aking pangdingig. saan ko nakilala ang taong yaon? ang talumpati ni maneng ay nagsimula sa kagitingan ng mga babaing bokawe, niyang mga babaing nakalimot sa manang ugali na: ang bahay at simbahan lamang ang dapat marating mga babaing dapat uliranin ng lahat, sa pagka'ang kanilang mga dila ay di natatalian, ang kanilang galawan sa pagtatangol ng karapatan ng kanilang anak ay lubhang malawak na maaasahan ng lubhang mapakinabang na bunga. ang puso ni binay ay sumisikdo ng sikdong nagbabalita ng isang bagong bagay na dadanasin sa buhay. si maneng sa piling ni tomas na kaniyang kasintahan ay isang malaking tao sa lahat ng anyo ng buhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"lalong mainam ang tindig, lalong mabikas, mataas ang uri at paham mandin sangayon sa mga bigkas niyang animo'matamis at pigta sa pulot; nguni'namumulupot na parang ulango sa mga taong kaniyang tinutuligsa. nang ang miting ay natapos ay wala nang naging bulaklak ng usapan sa lahat ng dako kungdi ang talumpati ni maneng. at si tomas nang malapit sa umpukan nila binay ay nagsabing: napakadalawa ang talim ng mga pangungusap ng palalong yaon tinutukoy niya si maneng. ang kanyang ipinahayag ay nasasalig sa mga simulaing matitibay ang tugon ni binay. alin ang simulaing matitibay na tinukoy mo? ang kanyang ipinahayag na sa politika ay di dapat tuligsain ang mga tao kundi ang kanilang mga pananalig at batayan na itinitimpalak ng kanilang mga hayag na gawa na di maililihim. yang paraang yan ay totoong napakalawak; kung baga sa mandidigma ang ganyan ay naghahanda ng uurungan, hindi niya tinitiyak ang tagumpay na sarili, kungdi ang tagumpay ng kalaban.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi ko napansin kung saan mo hinagilap ang hinuha mong iyan. ang napansin ko at di ako namamali ay ang sinabi ni maneng na: si osmena, ay lalaki ng malaking malaki kung siya nating papananagutin at siyang dadaganan ng sagutin na dapat lamang panagutan ng bayang nasionalista. ang aking isinasakdal sa iyo bayang bokawe anya ay ang kalaswaang inaasal ng mga nasionalista ngayong sila'maakiyat sa kapangyarihan; masdan ninyo ang kanilang mga gawa gaya ng gawa ng isang lapian at di gaya ng gawa ng iisang tao. sa kanilang pagka nasionalista ay sinikangan nila ang mga manghahalal sa maynila na nasionalista rin dahilan lamang sa aayaw doon ng lukban at ang lukban na ipinipilit na kanilang ihandog ay talaga yatang matamis sa mga nasionalistang pinagpala, kaya si lukban din ang kanilang pilit na binibihisan hangang sa ngayo'magkaroon na ng tawag na veto na kung mabibigla ka'masasabi mong veto veto .",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ginang, ang pakutiyang tawag ni tomas buhat pa po kailan kayo naging abogada ng inyong defendidong si maneng? kay haba po ng inyong natandaan sa kaniyang talumpati na nagpapakilalang siya lamang ninyong pinagukulan ng boo ninyong pagiisip. at buhat kailan po naman, ginoo, kayo nagkaroon ng kapangyarihan sa mga kaisipan ng inyong kapuwa? talagang ang salapi nga nama'malakas at makapangyarihan. ay ano ba ang ibig mong sabihin noon tomas? na si maneng ay mayaman. kung mayaman ay ano? ang tudyuhan ng dalawang dating magkasintahan ay umasim ng umasim hangang sa sina montenegro, mendoza, sandiko at iba pa ay dumating. huling huling sumungaw si maneng na parang hindi kasali sa talaan ng mga leader baga man siya'isang bantog na mananalumpati. si binay sa nasang lalong pasakitang loob si tomas ay umumpok sa kinalalagyang dako ni maneng at di naglaon at silang dalawa na lamang ang nagusap.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"natanto ko po kay angko mahal na binibini, na ako'may malaking utang sa inyo, at ang gayong bagay ay ihinihingi ko sa inyong pahintulot na mabayaran ko ng isang dalaw sa inyong tahanan bukas ng hapon ang sabi ni maneng ng boong pitagan. may utang kayo sa akin ang sabi ninyo at idinugtong pang ang maysabi sa inyo ng gayon ay si angko? sino pong angko at anong utang ang inyong sinasabi? isang bagay pong hindi mapaguusapan ng sangdalian kaya ako humihingi sa inyo ng pahintulot at kung kailangan pa'magsasabi din ako sa inyong mga magulang, lalong lalo na sa inyong ama, kahit hindi ko pa nakikilala upang malaman ninyong ang nasa ko'tapat. sayang po'si tatang ay wala po rine at palagi sa meykawayan, kung naririne po disi'nagkaroon ako ng karangalang ipakilala sa inyo. siya po'may malayang pananalig na gaya ko rin. sa meykawayan! ang ulit ni maneng meykawayan! oh malaking suliranin ang handog sa akin ng bayang yaon. sa meykawayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"talaga pong sa mga binata ang lahat halos ng bayan ay may suliranin. marahil po'may celia kayo roon? celia po at sa meykawayan?. opo may matuwid kayo. doon ako nakakita ng unang hiwagang mahigit pa kay celia, ng taga panginay na si kiko, ngunit ako'isang hangal, hindi ako makata, ang umawit ay isang sining na di ko kilala at ang celiang nakita ko ay parang kinain ng laho; nawalang animo'ulap na itinaboy ng hangin, nguni'walang pinagibhan sa pangarap na muli akong pinalad na sa kaniya'sumilay. maaari po bang makilala ginoo? marami po akong kakilala sa meykawayan na mababayani nating kung kailangan ang tulong. bakit po hinde? makikilala po ninyo bukas kung pahintulot ninyong ako'makaparine. sa lahat ng ito ay parang nasa isang hurno na nabalisa mandin si tomas. si binay ay napakaganda sa malas ni maneng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang kanyang malalamang dibdib, na nasisinag sa maninipis na barong madadalang, ang bilugan niyang katawan at mabilog ding bisig, ang kulot niyang buhok, ang kaniyang kiring lalawigan at malayang kaugalian, mainam na pakikiharap; ang lahat ng yaon ay tulong tulong na sumilo kay maneng na nang mga sandaling yaon ay bihag na bihag na ng talaghay ni binay. ang patalim na kuko ng panibugho gayon din ang matatalas na pangil noon ay kasalukuyang humihimay sa puso ni tomas. at ang isang ginintuang pangarap na busog sa pangako ay nagpasiglang lalo kay binay. nang ang mga panauhin ay yumaon nang lahat ay mapitagang lumapit si tomas at anya: binay ang imperdible mong kaloob sa akin ay maaasahan mong igagawa ko ng isang malungkot na kasaysayan. yao'di ko kaloob sa iyo; dapat mong malaman na di ko maipagkakaloob kangino man ang kaloob lamang sa akin, kaya'kung mangyayari, utang na loob, na aking kikilanlin sa iyo ay mangyaring isauli lamang sa akin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sinasabi ko na nga bang may kahulugan ang mapiling hingi mo. hindi mo kaloob sa akin ang inaasahan kong isang sanla? sa sanla man at sa hindi; ang isang bagay na galing sa iyo ay pahintulutan mong aking mahalin pa. mahalin!. oo, binay mahalin ang iyong imperdible. yao'hindi akin inuulit ko sa iyo at ipinaala ala ko rin na yaon ay hiniram mo lamang sa akin. isauli mo sana, hane tomas. binabawi mo ba? kung gayon ang ibig mong ipalagay ay maaari. nakapangungupinyo ka naman. tila ka may ipinagmamalaki binay. kahit na wala. at kung mayroon ma'ano? talagang ang kiyas nga naman ng pilak. ang tanikalang ginto ay kay daling ipanali. labis na yata iyan. kulang pa binay; kulang pa. ang boong galit na animo'baliw na sagot ng binata: kulang pa lahat yaon. at kung magagawa kong luran sa mukha, sa harap mo, ang hamak na si maneng, kungdi lamang ang gayon ay isang kaimbihan, nakita mo sanang ginawa ko.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"labis na yan, murahing patalikod ang isang tao ay nalalaman mong di ko pahihintulutan, kaya yumaon ka na. yumaon ka na tomas. ang imperdible ay di na masasauli sa iyo kahit saan tayo dumating. ang letra noo'at at animo'nati ang may bigay sa iyo noon. hindi ko mapaniwalaan. malaman mong yao'isang hiwaga para sa akin. isang suliraning balot ng lihim at ngayon lamang nagliliwanag. ang imperdibleng yao'ipapalpal ko sa kaniyang mukha nang malaman niya kung gaano kahirap tumangis ang puso. hindi mo gagawin ang gayon tomas. wala siyang kinalaman sa imperdible. gagawin ko alang alang sa aking karangalan. huwag, hindi dapat. saka mo makikita, binay; saka mo makikita. at yumaong gaya ng isang frances na di man nagpaalam. gaya ng pinagkasunduan ni maneng at ni binay, kinabukasan ay kapuwa sila nagsihanda sa isang pagtatalastasan gaya ng dalawang bihasang magsamantala sa buhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kung ang mga mandidigma sa ganitong tagpuan ay nag uubos ng boong talino, sandata at mga paraan sa ikapagtatamo ng tagumpay, si maneng at si binay sa ganang kanila ay may mga pambulaga na nakahanda bawa'isa sa kanilang hinahandaang kabaka na nasang mahuli ng buhay. ang katakot takot at libolibong paraan na naisagawa na ni maneng sa kung ilan nang kulang palad na napasusuko ng kanyang panghikayat ay di niya nasang gamitin sa tala ng bokawe, na pagka'ang kalolwa nito ay ibang iba kay sa kanyang mga sinawi. si binay ay baga man talagang pusong babai ay may isang malayang bait na gumagalaw sa isang malawak na galawan, na kinakailangang pagaralan niyang lahat upang makalatan ng balahong katitisuran.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"inaakala rin naman niya na ang pagpapahayag ay dapat niyang papanimulain sa tungalian yamang si binay mandin ay nakatatagpo ng ligaya sa ganitong aksayahan ng panahon ng mayaman at mahirap man, at tanging pinakikinabangan lamang niyaong mga pantas at talaisip na nakakukuha ng mapapakinabang na bagay sa mga lalong walang saysay na pangyayari. hindi nakuha ni binay ang matulog ng tanghali; at si maneng ay hindi man lamang nakakain ng boong kapayapaan. kapuwa binabalisa ng nasa ang dalawang pusong ito na hindi pa man halos nagkakawatasan ay nagtitibukan na at nagkaramdamang ang isa at isa'nagkakailanganan. may isang kasabihang tagalog na aniya': huwag palapit (sa apoy) at madadarang, huwag palayo at magiginaw at ang bisa ng salawikaing ito ay siyang sa kanila, sa gayong mga sandali, ay namayani. ang pinakamainam na damit ni binay ay isinuot maaga pa, nagtuhog ng masinsing masinsin ng mga tikom na kampupot at ipinulupot sa kaniyang liig. kay inam na panghalina ng napili ni binay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang mabangong samyo. sa kabilang dako naman si maneng na sawang sawa na sa mariringal na bihis ay nagsuot na lamang ng isang kasuotang sutlang puti na siya niyang pangkaraniwan, nguni'sa kaniyang supersix sumakay upang huwag namang masuya ang matang laging nakakikita sa kaniyang bwick na talagang panglakbay bayan. napakalaki ang sasakiyang yaon sa iisang tao. pangyayaring nagpatinkad na minsan pa na ang kaniyang pananagana ay labis na labis at lutang na lutang siya sa kaligayahan ng mga iniwi ng biyaya. at ganap na ikaapat ng hapon ay nagkaniig na ang dalawang tinipon sa bokawe ng kapangyarihan ni kupido. sinasabi ninyo ani binay na kayo'may utang sa akin. hindi ko ito nalilimutan, at sa pagka'hindi ako makatatanggap ng bayad sa isang pautang na di ko talastas, kung mamarapatin ninyo ay mangyaring ipaliwanag upang magkawatasan tayo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tunay mahal na binibini anang binata tunay na ako'may utang sa inyo at utang na napakalaki, at kailan ma'di ko mapatatawad ang kapabayaan ko na yao'di ko pa nababayaran, hanga ngayon. noo'ihinandog ko sa iyo ang boo kong kaya, at tinugon ninyo ako ng boong tamis na sa iba ng kataon . naala ala pa po kaya ninyo? tunay pong hindi. ibig ba ninyo akong tulungan upang alalahanin? naparon kayo noon sa meykawayan. ang damit ninyo'payak na dilaw at ang kasama ninyo'di ko kilala; lulan kayo ng isang karretela at ang inyong kotsero ay si angko. noo'nabanga kami ng isang auto na kamuntik na kaming patain. opo naala ala ko na. ang auto po ay akin at ako ang nagpapalakad. ako ang may kasalanan binay hindi na pinupo ni maneng napakahangal ako noon. ang bait ko'pumanaw sa aking katawan at ang gayong kapanganyayaan ay naging bunga ng aking kapaubayaan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ninais kong tuntunin ang iyong tahanan, ang meykawayan ay naliglig ko, nguni'sino ma'walang nakapapaghatid sa akin sa kaganapan ng aking nasa, pagkapalibhasa'ngalan man lamang ay wala akong natandaan kundi ang kay angko lamang at ito'dahilan sa itinala ko sa aking memo . datapuwa'isang kataon na hindi ko sinasadiya ay napasuot ako sa pulong nina general sandiko at nang di ko sinasadya ay natagpuan ko ang aking pakay. narito nga ako sa harap mo binay at handang tumupad ng aking handog na paglilinkod. minamarapat mo baga? at kung magalit ang inyong celia na taga meykawayan? ang biro ni binay. hindi magagalit ang aking celia, binay, sa pagka'siya'kilala mo rin. dala ko rine ang kaniyang larawan. ibig mo bang makita? tignan ko nga; saan ba naroon? dinukot ni maneng ang kaniyang kartera at pagkatapus makalingap sa boong paligid ay boong pitagang nagsabi: binay!. ang larawang ito'malaon kong iniingatan sa aking diwa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa aking dilidili'di mawawalay at ngayon ko pa lamang naipahayag kaya'pahintulutan mo akong hingan kita ng isang pangako. tinutulutan mo baga? pangakong ano? na ako'tutulungan mong lumuhog upang ang aking pitang banal ay huwag mawakawak. kung kilala ko'inyong maaasahan. at di mo papayagang ako'siphayuin? yao'kahit hindi ko kilala ay katungkulan kong ipagsangalang ang sinisiphayo. at iniabot ni maneng ang isang kahitang balat na agad binuksan ni binay. doo'may isang salaming talihaba na nakakalupkupan ng isang gintong lantay na gilid. ang mukha ni binay ay sumungaw pagdaka. mukhang natina ng pula sa kabiglaanan; nguni'buhay palibhasa ang dugo ay tumugon ng boong kapayapaan. maneng aniya ako'napaglalangan mo. nguni'gaya ng isang tapat na mangako ay tutupad ako kung sa aking itatanong ay tumbasan mo ng pagtatapat din. ano yaon aking giliw? ilan nang babai ang dumungaw sa salaming iyan, magbuhat ng ingatan mo? tanging ikaw binay. ni hindi mo na inisip ang isinagot mo sa akin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"papanong iisipin ko pa'siyang totoo. papano ko mapapaniwalaan. inaakala mo bang ako'napakabulaan? ipalagay natin na di ikaw ang may sabi at inaakala kong nagsisinungaling. kung ang recibo ng platero na gumawa niyan ay makikita mo, disin maniniwala ka, na kangina ko lamang kinuha iyan at inantabayanan ko pa bago ako naparine; nguni'. ang recibo ay di ko ipakikita sa iyo upang huwag mong malaman ang halaga. nguni'ibig ko sana'walang ibang mukhang babaing dumungaw sa salaming yan maneng, lalong lalo na yaong magagandang lulan ng auto nang kami'mabangga. oh, yao'huwag mong pagkasalanan. sila'para kong mga kapatid. naniniwala ako maneng at di na natin muli pang paguusapan yaon; datapuwa'paano ako makapapaniwalang wala nang babaing dudungaw sa salaming iyan. ipangako mo man lamang. hindi kailangan ang pangako; ang salamin ay iiwan ko sa iyo bilang sangla ng aking patunay. di nakaimik ang binibini sa biglang tugong yaon ni maneng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang salaming yaon ay isang mayamang hiyas, gintong lantay na pinakintab ng pait, ilang talsik na diamante ang sa mga palamuting bulaklak ay nangasaubod. hindi niya nasang hingin at siya'napahanga ng ialay sa kaniya. ya'ipinagawa kong para sa iyo binay. kung di mo tatangapin ay daramdamin ko at aakalaing isang pagsiphayo. hindi ko maaaring di tangapin ang isang alaalang galing sa iyo maneng; at mamahalin ko sa pagka'galing sa iyo. at ang dalawa gaya ng lahat ng alagad ni kupido ay malaong nagusap ng panay na kahibangan lamang. at bago umalis si maneng ay hinubad ni binay ang tuhog na kampupot at ilinagay sa leeg ng binatang mapalad, at aniya: mamahalin mo ang bulaklak na yan at ingatang maging laging sariwa, hane? siyang papatnubay sa aking mabuting tala. sayang at ang bulaklak ay dagling maluluoy! ang habol ni maneng sa sarili nang siya'nasa ibaba na. kailan ma'si maneng ay may isang himaling ay hindi natatahimik samantalang di napalulugdan ang pita.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at nang mga sandaling ito'binubuko niya kung ano ang mabuting paraan upang ang magandang taga bokawe ay pagtamasahan yayamang ang pakikiayon ay ipinagkatiwala na rin lamang sa kaniyang himok. yaong ugaling halaghag na kinahihimalingan niya ay hindi magpatahimik. nakalikmo sa isang likmuang tikwasin at nakapatong sa kaliwang tuhod ang kanang paa at ang isang pahayagan ay hinahanapan mandin ng balita; nguni'ang kaniyang ala ala ay naglalayag na kasalukuyan sa lawak at ligoy ng mga pakana na kaniyang binubuko upang ipagtagumpay ang nasa niyang ang dilag ni binay ay pagsamantalahang pupulin, kahit na sa kabila noo'magugol ang gaano man. katapat ng kaniyang likmuan ang isang sopa na kinahihiligan ng isang kaibigang may malaya ring gawi na bilang sinasangunian niya sa binabalak na balahong pagbubuliran kay binay. paano po kaya ang mabuting paraan sa babaing yaon, kabisang terio?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si kabisang terio ay isang matandang pusakal na sa gulang na apat na puong taon ay may tatlong puong anak na pawang panganay. isang bihasa sa sining na mandaya; kaya'siyang ipinatawag ni maneng upang hingan ng hatol. napasagot na ba ninyo ng: oo? anang matanda. yaon po'de cahon . wala pa po akong babaing linigawan na sumagot sa akin ng ayaw. eh bakit hindi ninyo hingan ng isang tagpuan?. tatanggi po kaya kung ito'inyong hingin? hiningan ko na po at di rin naman tumangi, nguni'. para pala naman kayong di lalaki. di yata'tumangap na ng anyaya ninyo sa tagpuan ay di pa ninyo naitirik ang watawat ng tagumpay? hindi ko magagawa, kabisang terio ang gumawa ng ano man nang walang lubos na pahintulot. ang hinihintay ko'boong puso at walang tutol na ihandog sa akin ang saro ng ligaya. eh ano ang tugon niya ng inyong hingin sa huli ninyong tagpuan? isang talinhaga, kabisang terio. opo isang talinhagang makatuwiran.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"na kung maipakikita ko raw pong sariwa ang tuhog na bulaklak na kaniyang sanla sa akin ay makaaasa akong kamatayan ma'kanyang tatahakin sa aking kahilingan. ay ano po ang isinagot ninyo? ang pagwawalang kibo po. yaon po'bugtong, mang maneng, baka hindi ninyo naturingan. hindi po ba ang ibig sabihin noo'pakasalan ko siya? yaon na nga ang kauuwian noon sa pagka'yaon lamang ang tunay at matibay na tanda na ang pag ibig, na sa bagay pa ito'ang bulaklak, ay di malalanta. yan ang nakababahala sa akin, kabisang terio. hindi ako matahimik kung hindi ko siya kakamtan at ipalalagay kong napaka hangal ako. inumangan na po ba ninyo ng salapi? hindi masisilo ng salapi kabisang terio. napakaingat sa karangalan na hindi mapapantayan ng anomang yamang mahahaka. iisa ang daan mang maneng. opo, dayain. sundin ninyong lahat ang nasa, lunurin ninyo sa pakitang loob at gawin ninyong maging kailangan niya kayo sa buhay. napagkikilalang hindi ninyo nakikilala ang kaluluwa ng babaing yaon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"siya'lubhang mainit na umibig; sabik marahil makipagkita; nguni'batong buhay mandin na di dumaramdam ang kanyang puso. iisa ang kanyang pangungusap, at laging mapalalo na laging umuuwi sa gayari; hindi ako natatakot sa sasabihin ng sino man; nguni'iniingatan ko ang ako'masisi ng sariling budhi . sa pag ibig kabisang terio, si binay, ay isang matatag. kung ako lamang ay handa nang matali, disin ay napabilango na ako sa kanyang piling. isipin ninyong mabuti mang maneng. isipin po ninyong mabuti'ang magasawa'di biro . nang mga sandaling ito'nasok si gorio at dalawang sulat ang isinakamay ni maneng. ginapak ni maneng ang sobre at ang unang sulat ay nagsasabi ng gayari: maneng: ano ang nangyayari sa iyo at ang mag ina mo ay hindi mo na naala ala. kung makailan akong magpabilin upang ipasundo ka, nguni'minsan ma'hindi nagkapalad ang inutusan ko na ikaw ay matagpuan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"alin sa dalawa ako'pinagtatapatan ako'di sinunod; kaya nangyaring ako'sumulat sa iyo kahit na kabilin bilinan mong huwag akong susulat ano mang mangyari. papaanhin mo naman kung ang init ng iyong pagyupyop ay ikinakait mo na mandin. alalahanin mo sana na ang luha ang lagi kong kasalo salo sa pagkain, kasiping ko sa pagtulog at kaulayaw naming mag ina sa araw at gabi. buhat nang ang bata ay sumilang sa maliwanag ay kinatakutan mo manding makita at di na ako nagkapalad na kita'masilayan pang muli. ano ba ang ipinagtatampo mo aking maneng? nalalaman kong ang nanay ay totoong napakabigat sa loob mo, nguni'minsan ma'di ka nagpahalata sa akin. ang tatay nama'isa pa. oo, sila'napakalabis; nguni'maitatapon ko kaya sila? parine ka sana maneng kahit na sasandali. yupyupan mo si nene, na naghihintay ng iyong init at makikita mong ang ligayang maging ama ay napakasarap. siya lamang ang umaaliw sa akin tuwina.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang kaniyang maliliit na mga kamay ay palagi ng nakaangat at parang humihingi ng halik at ang bango niya'hindi lumilipas at hindi ka sasawa na makipaglaro sa sinungaling na sangol natin. huwag mong akalain na dahil sa dalawang buwan na ang lumipas, kaya kita pinaparirini, ay dahilan lamang sa kailangan ko ang kuwalta; hindi. ang kaonti kong natitipid na napapautang sa mga magiisda, sa tubo lamang ay nakapagtatago pa ako ng kaonti. umiyak na si nene. adios maneng. paparini ka, hane? sinabayan ng punit ang sulat pagkabasa at nagkiskis ng fosforo at ipinalamon sa apoy. ani kabisang terio. kung padadala kayo sa suyo niyang linikhang mahaba ang buhok na kung tawagi'babai, ay mahuhulog kayo sa balong malalim at lulumutin ang ulo ninyo roon. bakit napakainam po bang maglamyos? ang akala ninyo'totoo ang sinasabi; nguni'alalahanin ninyong sa tunay na katotohanan, ay kayo'mapapadual. naku talagang ayoko nang makipagtalo riyan sa babai.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa babalutin kayo sa katamisan ng pananalita at luha hangang kayo'maalipin; at pinunit ang sobre ng pangalawang liham. ito ang nababasa: maneng niyaring buhay: kay sarap ng magmahalan at magkasamang mangarap ng gising kapuwa at sa lahat ng dako ay tulain ang sumasatitig. hayon masdan mo. sa dako roo'animo ahas na pilak na gumagapang ang mumunting ilog na umaahon sa mga bukirin upang hagkan ang talampakan ng mga lalong tagong halaman. kay inam, ano, hindi ba? at ang halamang maawain ay linalaglagan siya ng mga hinog na bulaklak na kanyang yinayakap at itinatakas hangang sila'kapuwa may buhay. kay inam na halimbawa na panalaminan ng nangagsisiibig. nguni'ano yaong aking nakikita. kay inam na paroparong paligid ligid at padapo dapo sa mga bukang bulaklak na sinisimsiman nila ng samyo at tamis. gayon kaya ang pag ibig? salawahan kung gayon. at maneng, ako pala'nanaginip: ako raw ay may isang halamang bumunga ng isang kay gandang bunga, ninasa kong tikman, nguni'. oh kay askad.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"animo ba'tinipon ng kanyang ganda ang askad. namunga uli at nang manibalang na ay tinikman kong pamuli, at asim naman ang namayani. kay ganda; nguni'kay asimasim. at hinintay ko uling bumunga. iginalang ko ang kabiglawan, nang manibalang na'pinagyaman ko at iningatan hangang mahinog. kay tamis marahil. kay sarap kaipala! kay linamnam! kailan mo ba nasang ating pagsaluhan? oh tignan ninyo kabisang terio ang sulat na iyan. kay talas ng matang magwari at kay bihasang mag tahi tahi ng mga halimbawa. at binasa ni kabisang terio ng basang panalangin, animo ba'may sakit na malubha si maneng, na nakikinyig ng taimtim sa puso. animo ba'nasasarapan din si kabisang terio. at di nga ba si maneng ay may sakit at sakit na walang lunas kungdi ang tagumpay ng pita? ilang lingo ang nakaraan at si binay at si maneng kahit lihim na lihim ay nagisang puso sa harap ng isang pastor protestante, sa kapilyang nasa avenida rizal.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pinagkasunduan nilang manatiling samantala sa dati nilang kalagayan, huwag ipagmakaingay na parang walang ano mang nababago: tatak ng bagong panahon. 'dinalaw ni maneng ang makisig at bantog na casa de modas at doo'kanyang pinanonood ang dalawang suot turko na animo'babala ng omar . dalawang kasuotang babai na payak na sutlang kulay ginto ang isa, at ang isa'kulay perlas; at kapuwa may guhit na pula at bughaw. salawal at baro na pawang maluang at napupungos ng hugos hugos sa laylayan upang matapos sa isang sandallas babuchang turko, na itim na nahihiyasan ng bulaklak na gintong lantay mandin. ang talukbong ay payak na puti na sa nipis at lambot ay nagtutulot na mabakas at masinag ang magandang mukha ng kukulubungan; nguni'sa sinsin noo'di mangyayaring maaninaw. tanging ang mata, ang handang makipagtitigan at siyang tulad sa dalawang durungawang kababasahan ng puso at kalulwa ng nakabalatkayo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa dako roon ay isang pierrot na payak na puti ang linulutangan ng malalaking bitones na itim, at itim ding apat na dali ang lapad ang sa laylayan ng baro at salawal ay bilang palamuti. ang tatlong balatkayong ito'ipinagawa ni maneng upang magamit nila sa dakilang sayawan ng mga balatkayo. sa lahat ng dako ng maynila, ang biro ay siyang namamayani, animo ba'ang lahat ng tao ay nakalimot na sandali sa dakilang asal at ang araw ay mataas pa halos, ang mga confetti ay nagliliparan na, at nagdadapuan sa mga maiitim na buhok ng magagandang dalagang naglalakad, at ang mga serpentina ay kasalukuyang naninilo, datapuwa'silong marupok, kasing dupok marahil ng isang panandaliang bulong ng pita. iisang iglap. nagkapantay pantay manding lahat ang mga tao sa loob ng isang maskarang nakatawa kung minsan nakangiwi kayang animo'kumagat ng isang bungang kahoy na maasim.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa dako roon ay pulutong ng mga lungtian dimonyong animo'tumakas kay mandagaran; isang pulutong namang demonyo rin nguni'mapupula naman ang animo'mga kawal ni fausto na nakatakas mandin sa bayan ni pluton; at mga dimonyo pa rin na payak na itim buhat sa sungay hangang buntot. talaga yatang ang taong natutuwa ay mahilig sa mga kawal ni pedro botero. ang kamatayan ay di nila gunita. ang mga pierrot na sarisaring kulay, mga domino, mga suot principe at iba'ibang libolibong likha, buhat sa lalong maringal hangang sa kamuramurahan, ang siya lamang halos laman ng lansangan. kay raming colombina na nakapangingiki. sa dakong timog ay doon natatayo ang palalo at maringal, na bayan ni momo. nakaharap sa bagong luneta na nagtaboy ng dagat sa dako pa roon. panggagaling ni maneng sa casa de modas ay nagtuloy kila selmo at doo'ihinatid ang dalawang kasuotang babai na boong kasiyahang tatangapin nang kaniyang mga pinaguukulan. gaya nang dapat ng malaman, ang isa noo'kay mameng at ang isa'kay nati.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tayo'maglinawan ani maneng ya'dalawang balatkayong wala akong malamang itulak kabigin. ibig kong malaman kung alin diyan sa dalawa ang gagamitin mo nati. hale mamili ka na. alin ba maneng ang ibig mong aking gamitin? nalaman mo na nati na ang mainam sa iyo ay siya kong ibig. tangi sa kapuwa mainam ang dalawang iyan. nalalaman mo rin naman na kung alin ang mapili mo ay siya kong mamainamin. alin ba ang ibig mo maneng na aking gamitin? hindi ba mainam nati itong kulay perlas? yan nga, yan din ang aking napipili. talagang iisa yata ang ating diwa. siya mong isuot, hane?. eh ikaw ba ano ba ang iyong karamtan? ako'isang pierrot na maputi. nguni'ang kasuotang ito'maraming kamukha. eh ano ang ating palatandaan? ang singsing kong panganan na dati mong kilala. ang auto ay ipadadala ko rine mamayang las cuatro, gamitin ninyo sa paglilibot at sa ciudad na tayo magkita. lubhang malaki ang kaharian ni momo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"siya nga; nguni'buhat sa ikapito hangang ikasiyam ng gabi ay sa boong paligid ng gusali ni meralco tayo maghihintayan. bakit hindi ka pa ba sumabay sa amin? marami akong lulutasing gamlay, ngayon, at di ko maipagpapaliban. nang matapos ang biling ito ni maneng ay yumaon ng parang hinahabol. paano'may tiyap siya kay binay, na doon manananghali sa araw na yaon. nang si mameng ay nasok ay nadatnan si nati na nagsusukat ng balat kayo at gaanong pagkahanga ang kaniyang dinanas ng makita niyang si nati sa kulay perlas ay lubhang kaakit akit. halika, mameng, isukat mo nga yang balat kayo mo. at isinukat ni mameng ang kaniyang karamtan na di rin napahuhuli sa dingal at ganda sa karamtan ni nati. talagang pihikang mamili yaong si maneng, ano nati. tignan mo at kay gaan sa katawan, maluwang at di nakaiinis. talagang may pihikan siyang gawi mameng. ito'kaniyang katangian. nguni'mameng, hindi ba ang mga araw na ito'araw ng biro . kung gayon ay bibiruin ko si maneng. ano bang biro ang naisip mo?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang ibig niya'ito ang aking isuot at doon na raw magkita sa ciudad. ang iniisip ko'gayari. ang balat kayong ito na pinili niya para sa akin ay siya mong isuot at yang balat kayo na para sa iyo ay siya kong gagamitin. ano ang sabi mo mameng? magpapalit tayo kung gayon? oo, magpapalit tayo, at walang salang di ikaw ang lalapitan na iisiping ako. baka magalit nati? hindi; pagkatapus ay sasabihin kong nagustuhan ko ang iyong damit at siya kong ginamit. eh ano ba ang kanyang balat kayo? pierrot, nguni'sa singsing makikilalang agad. hindi mo ba natatandaan ang kanyang singsing? iyan ang kanyang ipakikita paglapit. eh ano ang aking gagawin nati? huwag kang pakikilala at tignan mo lamang kung ano ang kanyang gagawin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kung natatalos ni nati ang magiging wakas ng komediang yaon na kanyang naisip na hangang sa isang birong kaibigan lamang sa kanyang akala, nguni'maaring maging daan ng isang di inaantabayanang gusot kagampanan ng mga lihim na tadhanang di talastas ng tao, disin ay di niya isinagawa. ang kanilang komparsa ay binubuo ng maraming babai na pawang nasa kapanahunan at payak na mga kapit bahay si nati at si maneng ay siyang namumukod sa inam ng balatkayo na nagtitimpalak ng kapangyarihan ng salapi., sa lilim ng lihim na kasal ni maneng at ni binay ay nagtatamasa sa likod ng malas ng madla ng masarap at napakaligayang alo ng pagsusuyuan. ang kanilang mga gawi ay bubo sa bagong kaugalian at ang ganito'pinagpasasaan nila ng boong pagtatamasa, bagamang ang lalaki'isang don juan din sa kaniyang tahanan; at ang babai, ay ang dati ring mayuming dalagang tagalog sa halamanan ng kanilang anak.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kapuwa sila bihasang maninining na di mawawalan ng malilikhang pakana upang magtagpuan, bagay na di nila sana kailangan, danga'ang kanilang himaling, ay ang paglalangan ang lahat, nguni'simula sa kanilang sarili. anong ligaya ng kanilang sandasandaling pangangarap! ang buhay ay ginagawa nilang isang laruan, at laruang mapanganib. isa'isa sa kanila'parang tunay na may laya baga mang ang tanikala ng pagiisang puso, sa kanila ay nakabigkis. sa lahat ng ito'ang kulang palad na si tomas ay humahanap ng isang kataon upang si maneng, ay matagpuang muli pa, bagay na di pa yata tulot ng tadhana, sapagka'ngayon pa namang araw araw ay na pasa sa bokawe, ay ngayon pa niya hindi makita; paano'hindi na gaya ng dati na humahayag, kungdi ang auto ay laguing tumitigil sa labas ng bayan at doon na niya natatagpuan tuwina, ang magandang si binay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"doon nila sinisimulan ang malayang pagsagap ng hangin kung saan saan dako at maituturing na wala silang naging sariling pugad sa pagsasaliw ng awit ng puso, at tulad sa mga ibon na kung saan tawagin ng pita ay doon idinadaos ang kanilang mga kalayaan. sampu nang sa kanila ay magpahiram ng tahanan ay ibinububulid nila sa pagkakasala. ito'isang bagong paraan ng pulot at gata na maituturing na napakaligaya sa ganang kay maneng at kay binay, sa pagka'tuwina'parang bagong tagpo, tuwina'pinaniningas ang kanilang nasa ng kasabikan, at animo'nakaw lamang ang lamyusan nilang pinagtatamasahan. talaga yatang ang nakaw sa pagtagay sa saro ni kupido, ay napakasarap. tumutungo na ang araw nang si maneng ay bumalik sa maynila at nang si binay naman ay umuwi sa bokawe na parang may ginawa lamang na anomang kailangan sa kalapit na bayan na pinananahanan ng kaniyang ama. linipad ni maneng ang maynila.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nagbago ng damit pagkatapos na makapagalis ng alikabok sa katawan, binalumbon ang pierrot at pamuling lumakad, pagkasiyasat na ang supersix ay wala na roon at ipinadala na ni gorio kina selmo sangayon sa kanyang utos. sumagi sa kanyang nasa na sa la campana magminindal gayong sa sarili ay iniwang nakahain ang lalong masasarap na pamatay gutom na ihinahanda ni biyang. ang bahay ni maneng ay parang isang babel gayong sila'lilima halos. di sila nagkawatasan kailan man gayong doo'di dumadalaw ang pagtatalo. araw araw halos ay banquete para kina gorio, sa pagka'maigagamot ang araw na doon ikinakain ni maneng; nguni'di naman nagbibigay ng bilin kailan man na di darating at di naman pumapansin ng gugol kumain man siya hindi sa bahay. ang kanyang katiwala ay ubos kay gorio na nakakikilala sa kanya ng ganap, kaya'naglilingkod naman ng higit pa sa isang aliping binili.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"dumating si maneng na parang hayok na hayok sa gutom sa minandalang la campana at pagkatapos na maituro sa utusan ang mga bilang ng menu na kanyang napili ay tinunghayan ang isang linguhan na nasa ibabaw ng lamensang bubog na minandalan. di pa man halos natutunghan ang linguhan ay para siyang dinagukang bigla at tinamaan ng malas ang hambog na si tomas na nasa kabilang dako at parang ipinagmamalaki sa kanyang korbata ang imperdible na nakikilala na natin. napakalaki ang imperdibleng yaon upang gamitin sa korbata; nguni'kinusa yaon ni tomas sa nasang pasakitang loob si maneng kung makatagpo sa paniwalang yaon ay sanla ni maneng kay binay na kasintahan niyang tumalikod sa salitaan. kung may matuwid si tomas wala ay bayaan natin, sa pagka'ang mga akay ng panibugho may matuwid wala man ay walang ibang nagagawa kungdi kapanganiban. pinagmalas malas ni maneng ang binata na nagpapalamig na kasalukuyan sa tulong ng isang copang sorbetes.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sinusukat niya buhat sa paa hangang ulo, na animo ba'ibig na tirisin nang walang tanong tanong at sa pagka'yao'ibinabawal ng dakilang asal ay nagtindig na gahasa na nangapalingon ang mga nagmiminandal na kasabay nila, linapitan si tomas at boong kabanayaran, nguni'punong puno ng kutiya na tinanong: ginoo. kung di po isusukal ng inyong loob ay maaari po bang sabihin sa akin kung saan galing ang imperdibleng yan ng inyong korbata? si tomas ay sumandal. minasdan pamula sa ulo hangang sa paa si maneng na nang mga sandaling yaon ay baliti na ng poot, at saka tumugon: ginoo; tinatanong ninyo ako ng isang tanong na nakatatawa; at nang huwag naman kayong magmukhang api ay malaman ninyo, na sa isang daang libong bagay na di ninyo dapat malaman ito ay isa. hindi ninyo dapat na malimutan na kapag saya ang napagitna sa mga salawal ay pangit na totoong ibuyangyang. ninanais kong malaman ginoo ani maneng ng boong galit at kung hindi ako bibigyang liwanag na ikasisiyang loob ko ay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at ang kamay ay ipinakitang higpit na higpit. tumindig si tomas na handang magtatangol, nguni'ang kamay ni maneng ay bumagsak na bigla sa mukha ni tomas. lamensa, tao at kasangkapan ay nangagsigulong sa lupa kasabay ng tilihan ng mga babai, at tindigan ng mga lalaki, na handang aawat. namagitan ang mga suki ng la campana at ang dalawa'di na nagabot na muli pa; nguni'ang dugo sa mukha ni tomas ay nagdadanak. nagbigay paliwanag sa may ari ng la campana si maneng at pagkatapos na nakapagbigay ng pangungusap na babayaran niya ang kapinsalaang nangyari ay lumulang pamuli sa kanyang auto at iniwan si tomas sa gitna ng gulo. nang dumating ang mga pulis na tagapagpapatili ng kapayapaan si maneng ay malayo na. wala nang makatugon kung saan siya napatungo. nagpatuloy si maneng sa luneta upang magparaan ng oras yamang maaga pa rin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang araw ay kasalukuyang lumiliblib na sa mga bundukin ng bataan at ang kaniyang mga huling sinag ay naglalagak sa langit ng mga bakas na pula na parang anag ag ng isang malaking sunog. ang mga balatkayo sa kabi kabila ay nangagtatawanan, nangagsasayawan, at ang kanilang mga boses na iniimpit upang huwag mangakilala ay nagpaparingig ng isang tinig na nakapamumuhi. ang mga confetti ay parang gamogamong nagliliparan ng boong saya at ang isang angaw na ilaw na napipiit sa loob ng kaharian ni momo ay nagsisikip at nasasaklaw niya sampu ng papawirin na sa kanya'tumutunghay at nanunuod mandin ng kahangalang ginawa ng mga tao na hibang na hibang sa malaking kasayahan. ang mga kuwitis na pagputok ay animo'bituing nadurog ay naglalaganap sa sapot na itim ng gabi ng mga sarisaring kulay na animo'lumulutang sa dagat ng hangin na na sa papawirin. ang mga pananglaw ay nagsalisalimbay sa apat na sulok ng kaharian ni momo, at ang kanilang liwanag ay gumagapi sa angaw angaw na ilaw na nagpaparingalan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang taong parang hinahalo ay parang agos na sinasakmal ng malalaking pintuan ng ciudad, na boong maynila ma'makapagsasayaw marahil sa loob ng maaliwalas niyang mga lansangan. ang mga takilla ay punuan at bawa'isa ay nagsusumiksik na makapaghulog doon ng kanyang buwis kay momo, upang makapasok; kung ganito ang sigasig ng tao upang mamili ng bono ng kalayaan, sampuong alemania man marahil ay napuksa na sa pesepesetang sa kanila ay tatabon. ang mga tramvia ay parang prusision na di makalakad halos, ang mga auto at karromata ay nagsisikip sa boong hinabahaba ng bagong bayan at taong lubhang makapal na halo halo, may balat kayo at wala man, ang animo'alon ng isang sinisigwang dagat. parang hinahalina si maneng ng gayong kasiglahan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nang bagot na si maneng sa loob ng auto ng panonood ay humandang siya naman ang panoorin at nagkubling sandali sa isang lansangang madilim at ang kanyang katawang may kasuotang buo ay isinuot na pamuli pa sa kanyang taglay na pierrot at ang gorra at antifas ay isinuot pagdaka. pinatigil ang auto sa salikop ng san luis at daang bago at saka ipinagbilen kay ikong na maghintay doon hangang siya'bumalik. at lumusong nang napatangay sa agos ng tao na naguumugong sa loob at labas ng ciudad. ang biruan sa loob ng ciudad ay nasa kanyang kainitan. ang babaing walang balat kayo at naparoon upang manood ng kasayahan ay siyang nagiging panoorin ng madla kung pagdumugan ng isang kawang balat kayo at bombarheohin ng kanilang confetti na pambati. lubhang maraming tao, ang magsaya lamang ay di marunong, at sa ganitong kataon nakikilala ang mga taong may uring mahal.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang pulutong na unang tinamaan ng malas ni maneng ay pulutong ng mga taong hamak, na, sa loob ng balatkayo nila ay nanganganinag ang isang kaugalian at asal na binatbat ng kasamaan. ang mga babai ay boong kalapastanganan nilang binibiro ng birong malalaswa, at kung may lalaking magtangol ay kanilang tinatampalasan at ang gayon ay sinasamantala upang ang lokbotan ay linisin. lupon daw yaon umano ng mga apaches . nagmamadali si maneng na lumayo sa kawang yaon na nakaririmarim, at lumibot sa ibang dako ng ciudad upang humanap ng ibang panoorin na makasisiya ng loob. at talagang napakasarap na maglibang na parang isang ulol sa gitna ng kanyang mga kasamahan sa loob ng isang ampunang ganoong kalaki. kilala niyang halos ang mga mukhang hindi natatakpan ng maskara antifas man lamang, samantalang siya'nakalalapit sa siping ng lalong matalik na kaibigan ng di man lamang siya napapansin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"magdadalawang oras ang nakaraan nang di man lamang siya nainip, at nang sumagi sa kanyang ala ala ang lumapit sa gusali ng meralco ay malapit nang tugtugin ang ikapito ng gabi. napaurong siya nang mapagmalas na ang mga kawan ng mga apaches ay naroon pa rin at umuugong na parang mga sinumpa at ang hinaharap ay isang pulutong ng mga balatkayong may mariringal na karamtan. malayo pa siya'napansin na niya ang kulay perlas na damit ni nati na napatiwalag sa mga kasama na siyang hinaharap ng pulutong ng mga masasamang kaugaliang tao. halos kinapos siya ng panahon sa paglapit sa inaakala niyang si nati na pagkakita sa kanya ay isinaklit kaagad ang bulak niyang kamay sa bisig na kanyang ihinandog. at itinulak sila ng agos ng tao na ilinayo nang ilinayo sa liwanag na kinalalagyan ng palalong gusali ng mga ilaw.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at ang kanyang kamay ay isinaklit sa bayawang ng balat kayo na di pa nagsasalita hangang noon, upang pagtamasahan marahil ang handog ng pagkakataon na pawang pangpapasariwa sa kanyang pita na pinaglalabanan ng gayon na lamang. at sila'lumabas sa pintuan ng ciudad sa dakong timog na walang lubhang maraming tao, di gaya nang nakaharap sa kalunuran. at sa di na yata mapaglabanan ni maneng ay ilinilis ang talukbong ng balatkayo at boong bilis na ibinunto sa magandang mukha ang busog sa suyong halik. ano naman iyang ginagawa mo? ani mameng na dili iba'ang nagsuot ng balatkayo ni nati. si maneng ay natigilang sandali at di nakaimik, nguni'gaya niyang mga lalaking walang sawa sa mga handog na di inaantabayanan ng pagkakataon ay boong tapang na tumugon. huwag kang magtaka mameng, at kung hindi ko ipinahalata sa iyo noon pang araw ang bukong ito ng puso, ay dahilan sa walang pagkakataon na gaya nito. kalupitan na yang ginagawa mo sa akin. hindi mameng; hindi, maniwala ka.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at kung ang ikasampung bahagi man lamang ng mga lihim na tadhana sa tao ay iyong makikilala kaipala'di mo pagtatakhan. at isinakay pagdaka sa auto at sa laki ng pagkahanga ni ikong ay napahatid sa bahay si maneng. ito lamang ang babai na dadalhin ng aking panginoon sa sariling tahanan anang chaufeur, samantalang ang auto ay parang limbas na lumalayo sa kaharian ng tawanan, at si maneng at si mameng ay naglalatang kapuwa sa pagkakapagisang yaon na lingid sa mga malas ng tao. hindi mo nalalaman mameng ang isang malaking bagay na nangyari. kay lungkot gunitain. ano yaon maneng? na si nati ay di tapat sa akin. ang babai ay babai kailan man at isang katahimikang kakilakilabot ang naghari. si nati ay di tapat sa akin ang patuloy at linoob ni bathala na kita'magkaniig upang sa iyo ko maihinga ang sama niyaring loob. ano ang nangyari? dapat ko bang malaman?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang imperdible na ihinandog ko sa kanya'kanyang winalang kabuluhan; hindi niya minahal at pinalibhasa dahil marahil sa yaon ay galing sa akin. naala ala ni mameng na ang imperdible ay iginawad kay binay nang mabangga ng auto ang karretelang kinalululanan noon; nguni'di man umimik. talagang ako'sawi sa pag ibig mameng. kailan kaya ako makatatagpo ng isang magtatapat sa akin. si nati ay tapat sa iyo maneng. nalalaman ng dios. si mameng ay nanliliit, hindi makakibo man lamang. at sa piling ng binatang yaon ay waring natatakot at nababalisa. ang puso niya'tumitibok ng pangamba. ang imperdible ko ay nasa kamay ng ibang lalaki, nguni'pinagbayaran niya ng mahal ang paggamit ng di sarili. sinukat niya ang mga baldosa sa la campana at kumain siya ng lupa, sa pamamagitan ng isang suntok na di ko napigilan. ano ang wika mo maneng? na ang imperdible ko ay nakita ko kay tomas, yaong manunulat na kinasayaw ni nati ng rigodon sa marilaw. hindi; hindi magkakagayon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nalalaman ko kung kangino niya iginawad ang imperdible. kangino mameng? sa babaing nabangga ng ating auto ang salo ni mameng naaala ala mo pa ba? hindi mawatasang gaano ni maneng ang pabulaan ng babai. lalong nagdilim ang liwanag na kanyang natataho. ang auto ay sumapit sa kanyang bahay. si orang sa kabilang dako na di man lamang tumatangap ng kasagutan ng kanyang mga pabilin at liham kay maneng ay nagbihis ng tapang at lakas ng loob ina. binihisan ang kanyang mutyang sangol at nagpaumat umat na nagbabantay sa tapat ng bahay ni maneng. at nang makitang may tumigil na auto, ang pintuan ay nabuksan at nakiyat ang dalawang balatkayo ay para siyang dinagukan. wala na siyang agam na di si maneng ay may ibang kalaguyo kung kaya siya pinababayaan. at lalong sumasal ang nasa niyang makipagkita upang kanyang tapunan kahit na iisang irap, sa harap ng sangol niyang anak, na bunga ng sinumpang sandali, na siya'parahuyo sa binatang walang kaloluwa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si gorio ay sumalubong kay orang at anya: mahal na ginang: patawarin po ninyo ako na huwag ko kayong papasukin; bilin po ng aking panginoon na huwag kong papasukin kahit sino. ang biling yaon ay hindi kakapit sa ina ng kanyang anak. at sa pilitan at pakiusapan, upang huwag mabulahaw ang dalawang pusong kaipala'naglalasing na kasalukuyan, ay pinahintulutan din si orang na makapasok, nguni'mapayapang naghintay ng kanyang oras, na ikapagkikita kay maneng. at sa gitna ng maringal na bahay ni maneng na punong puno ng mga palamuti at hiyas ay dalawang puso ang kasalukuyang nabibilanggo: si mameng na bago pa lamang tumutungga sa saro ng buhay at si orang na nakakilala na ng mapait na bunga ng gayong ginintuang pangarap na panandalian. naku maneng!. ang ginawa mong ito sa akin. paano ako ngayon? ano ang iyong inaala ala mameng? natatakot ka bang tumangis sa piling ko? natatakot ako maneng sa nahahandang bukas sa aking palad. sa piling ko mameng ay walang sawi. maniwala ka.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ano ang mukhang ipakikita ko kay nati? si nati ay isang babaing malihim mameng, at sa kanyang mga himala ay ipinatibong niya ako sa isang kahalay halay na katayuan. ano ang sabi mo, maneng? na si nati ay di tapat na umibig. oh wala pa akong natatagpuang tapat na umibig hangang ngayon. may patunay ka ba noon maneng? bakit wala? at hinalungkat ang retrato at doo'ipinalpal kay mameng ang kanilang dalawang larawan na sa isang pagkakataon ay nakapisan si tomas. eh ano ang ibig mong sabihin niyan maneng? nakikita mo ang lalaking yaon? oo nakikita ko, nguni'hindi ko nakikilala. hindi mo nakikilala ang nakasayaw ni nati ng rigodon sa marilao? oo, si tomas ang kanina'kamuntik ko ng binunutan ng dila. sa pagka'ang imperdibleng sadyang ipinagawa ko upang gamitin ni nati sa marilao ay ipinagkaloob sa kanya, at ano ang malay ko kung ano ang kasama noon nang kanyang ipagkaloob. oh, iyan ang di ko matutulutang paniwalaan mo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang imperdible ni nati ay nakita ng dalawa kong mata ng ibigay sa kulang palad na babaing nabanga natin ng auto. sinabi ko na ito sa iyo kangina pa; si nati ay hindi taksil. oh mameng anong pagkabutibuti mong pinsan at sinilsil na muli ng halik si mameng. walang salang di ang huling halik na yaon ay patungkol kay nati. at sinabayan ng tindig at parang inaanyayahan ang babai na magbihis na at muling ihatid sa pinangalingan. ang larawan ni binay na pumipiling kay orang sa pagkataksil ay nakikinikinita mandin. hindi na ako makauuwi pa maneng. at tinutop ni maneng ng dalawang palad ang ulo na puputok mandin. anong laking gusot ang nakabanta sa kanyang palad. si maneng, ay napapasuot sa isang lansangang walang labasan; hindi na ako uuwi ani mameng. paano ang mabuting gawin? tumakas kaya? ipagtabuyan ang dalaga ay hindi magagawa nino mang may kalolwa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"isang babaing dinaya sa bulong ng isang pangakong pinaniwalaan, pinagpasasaang sinaid ang samyo at bini, at ngayon, maari kayang itapon na tulad sa isang bagay na lipas? si maneng ay salawahan at di nasisiyahan kailan man; subali'isang lalaking hindi nakagagawa ng gayong pag api baga mang laging naniniwala at napadadala sa mga sapantahang mali, at lubhang paniwalain lalo na'kung ang panibugho ang masasalang. sa kanya'walang ibang matuwid tangi sa ipinapalpal sa kanya ng kaniyang sapantaha sa alin mang sapiyaw na mapansin. at lalo na sa babai, ang kaniyang na mga bulaan at mapaglalang at kailan ma'di magtatapat, ay siyang laging nagpapadalamhati sa kanyang puso. sa ganitong kalagayan ay lumikmo sa piling ni mameng at aniya: anong samang masdan mameng na ikaw ay madungawan dini ng lahat ng makasalanang mata at ang bulong bulungan ay iukol sa iyo sa pagalipusta. talastas mong ang gayo'di ko matutulutan. paanong ikaw ay mapahihintulutan kong matira dine? at itinataboy mo ako maneng?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ngayong natapos mong simsimin ang kalataklatakan ng iwi kong dangal sa pagkababai ngayong ang aking bini ay nasaid mo nang lahat at napagpasasaan ay tulad sa isang hamak na laruan mo akong itatapon? nasaan maneng ang iyong puso? nasaan ang iyong kalolwa? lingapin mo ang aking kahinaan at huwag gamitan ng lupit. pagkasabi nito ni mameng ay itinago ang mukha sa dalawang palad at tulad sa isang magdalenang pinadaloy ang di mapigilang unang luha ng puso. si mameng ay isang babaing napakarupok. sinapupo ni maneng na parang hinahatdang ginhawa na sinuklay ng kanyang mga daliri ang buhok na napalugay at parang nasisiyahang ibinulong ang gayaring lalang: mameng. talagang sa malalaking pangyayari na sa buhay ng tao ay sumasapit, ang luha ay madalas na manguna, upang ibalitang sa kabila'namimitak ang maligayang araw ng ligaya. aasahan mo mameng ang katotohanang yaon, na sisikapin kong maging isang pangyayari.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"oo mameng, asahan mo; at ang pangako sa ganang akin ay utang na kinasasanlaan ng karangalan ko at di mangyayaring di ko pagbayaran sukdang ang buhay ko'kailanganin. maneng ang malabis na pangako ay hindi kailangan kung ang mabuting nasa ay siyang papamamayanihin. ang aking pangako mameng ay itaga mo sa bato, at si maneng ay mawawala at di mo na makikitang muli pa kung magkukulang sa kanyang pangungusap. salamat maneng at pinaniniwalaan kong ang kahinaan ko'di mo sasamantalahin upang maapi. oh kailan ma'di ko magagawa ang gayon. ang mga luhang ito na iyong pinapahid nang napakasarap mong halik ay di na muling dudungaw, kung ikaw ay di magbabago sa iyong masuyong anyo. hindi na dadaloy kung dahil sa akin. asahan mo mameng na di ako magbabago. ngayon, ano ang ibig mong aking gawin?. utusan mo maneng ang giliw mo at susundin kang pikit mata, kahit na sa hukay ay lulusong ako nang boong kasayahan kung yaon ang linoloob mo. si maneng ay natigilan sa lakas ng diwa ni mameng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi niya akalaing sa pag ibig, si mameng ay may isang pusong napakalaki at isang kaloluang napakatibay, kung laki ng puso at tibay ng kalolwa matatawag ang paubayang tumugon sa tawag ng pita. ang kangikangina'inaari niyang isang ngayon ay lumalaki sa kanyang malas at karapat dapat manding sambahin. ang unang talsik ng pamimintuho ay naglalatang sa kanyang puso at di niya maapula ang paglalagablab. tutupukin manding ang boo niyang katawan ng bagong karamdamang yaon na ngayon pa lamang dinadanas. magpapatuloy yatang pamayanihan siya ng kagitingan ni mameng. si mameng sa harap ng pagwawari ni maneng ay isang babaing uliran ng kapuwa babai. isang babaing marunong paalipin ng ganapan sa udyok ng budhi at walang agam agam na lulusong sa lalong malalim na bangin ng siphayo kung yaon ang linoloob ng kanyang pinagkatiwalaan ng kanyang dilag. siya'isang bulag na mangingibig.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa pagwawaring ito'napagulantang na bigla si maneng nang sa di kawasa ay nakaringig ng tangis ng isang sangol sa loob ng kanyang bahay. ano yaon maneng? ang tanong ng dalaga na animo'ginising sa isang mahimbing na pagkakatulog. ano yaong nariringig ko? aywan, aalamin ko. diyan ka munang sandali. huwag kang lalabas hane? at si maneng ay lumabas sa silid. at sa diwa ni mameng ay gumuhong lahat ang mga pangaraping binubuko. di yata'sa bahay ni maneng ay may isang sangol? sino ang batang yaon, at sino ang kanyang ina, at bakit naroroon? si maneng ay boong kapalaluan at poot na lumapit sa panauhin na di iba'si orang. orang aniya bakit ka naririto? si mameng ay lumapit sa dako ng silid na kinaulinigan niya ng iyak ng sangol at pinakingang lahat na walang naaksaya ng salitaan. oo, maneng anang babai magtataka ka na ako'maparini, nguni'ang pusong ina ay hindi lumilingon sa sasabihin ng mga tao. naparito ako nang maidalaw ko sa iyo ang iyong anak yayamang di ka na nagkaloob na dumalaw sa amin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ikinagagalit mo ba ang gayon? at di mo nahahalatang kaya ako hindi napaparoon ay nahayag na sa akin ang iyong lihim na ikinukubli sa aking kaalaman? ang taka ni orang. oo, ang lihim mong pakikipagsuyuan kay yoyong. kay yoyong?. yao'kabulaanan. si yoyong ay di ko sinisinta. oo si yoyong na isang kaibigang di marunong tumupad ng kanyang tungkulin. si yoyong na pinagkatiwalaan kong makatalastas ng ating pagsusuyuan. doon ka nasungabang. ang aking kapatid ang pinaguusapan ani mameng sa sarili at kanyang inaalipusta. oh iyan ay di ko dapat tulutan. at handang lalabas, nguni'mabubunyag ang isang pagkakataong parang tiniyap; na si yoyong ang umagaw ng dilag ng kasuyo ni maneng, at siya, si mameng na kapatid ni yoyong ay siya namang umugaw ng katahimikan ng kasuyo ni orang. kay lungkot na tungkulin ang ginagampanan nilang magkapatid sa dulang yaon ng buhay. ang kaniyang kapatid ay siyang lumustay sa kalolua ng kanyang maneng at siya nama'siyang sanhi ngayon ng mga pagtangis ni orang.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"oh, iyan ay isang paratang na walang patunay, maneng. maghunos dili ka. at kulang pang patunay ang mga sulat na iniingatan mong higit sa isang mayamang kiyas. bakit mo ilinilihim sa akin ang mga sulat ni yoyong? namutla si orang pagkabangit ng sulat. yao'di niya akalaing natuklas ni maneng. tunay nga na ang mga sulat ni yoyong ay iningatan niya, nguni'si yoyong ay walang maipakikitang sulat na sa kanya galing. pagkaraan ng isang saglit ay tumugon. ang mga sulat ni yoyong, maneng ay hindi patunay ng aking sa iyo'pagkukulang. isinusumpa ko sa harap ng sanggol natin na ako'tapat sa iyong pag ibig, at kung naging kahinaan ko man ang paglilihim sa iyo ng mga sulat ni yoyong ay dahilan sa pinagiingatan kong huwag kang dalawin ng sukal ng loob. talastas ito ng langit, maneng, na ako'hindi nagkukulang sa pagtatapat sa iyong pag ibig. di ka nagkulang ng pagtatapat, pagkatapos magkaroon ng lihim sa akin? orang ang kasalanan mong ginawa ay walang patawad.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"humihiyaw sa langit at humihingi ng parusa. hinahamon kita maneng na makapagharap sa akin ng isa man lamang sulat ko kay yoyong; kung ito'magawa mo bagay na di mangyayari ay igawad mo ang parusang minamarapat mo sa akin. hindi kailangan yaon orang. si yoyong ay maaaring pinagbilinan mong sunuging lahat ang mga sulat mo sa kanya lalo na nang matalastas mong ang mga sulat niya ay natutop kong lahat; at sa pagka'siya'ninibig ay sinunod ka niya marahil sa iyong samo. ano nga ang kailangan na bungkalin ko pa ang baho na iyong ilinilihim? maneng, tapatin mo na sa akin na ako'iyo ng pinagsawaan. na, diyan sa loob ay may isang babai na higit sa akin at aapihin mo rin kung siya'pagsawaang gaya ko. nguni'talastasin mong kawawa naman ang ating sangol. lingapin mo sana siya. siya'dugo ng iyong mga dugo; buto ng iyong mga buto at hinog na bunga ng ating suyuan. lingapin mo si nene at humagulgol ng iyak. namamali ka orang. kaming lalaki ay hindi nagaanak, sa pagka'yao'di itinulot sa amin ni bathala.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang anak nga ay iyo; wala akong alinlangan noon ang aglahi. at itinatakwil mo si nene? siya'iyong tunay. may lakas kang magtakwil sa sangol na itong buhay mong larawan? ipinaglihi mo marahil siya sa akin. oh lubos na yan. maaari mo akong dustain, maaaring ang sumpa ay ibabaw mo sa akin kung naging kasalanan ko ang malabis kong pagiingat na ikaw ay dalawin ng masamang sandali, nguni'dustain mo ang walang malay nating sangol, ito'isang kalupitang di ko matutulutan. ikaw ay isang amang walang kalolwa. nang wala ng maraming salitaan, ay mabuti pa orang na umuwi ka na at bayaan mo akong tumahimik. hindi dapat pagtalunan ang bagay na yan. oo, babayaan kitang tumahimik sa piling ng iyong bagong bathala na naririyan at saksi ng ating salitaan ngayon; talastasin niya na siya'babai din at magiging ina rin siyang paris ko at kung ang palad ko'kaniyang sapitin ay siya at ako'magkakasama din sa dagat ng walang pangpang ng pagtangis ng puso. sulong na orang napakahaba ng sermong yan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,nalalaman mo nang sa iyo at sa akin ay pitong matatarik na bundok ang namamagitan. hindi ka na nga dapat pang lumapit sa akin gaya ng ako'di magkakamaling lalapit sa iyo. at tayo'kapuwa patawarin ng panginoon. at tinawag si gorio pagkatapus at aniya: gorio. ihatid mo ang babaing ito sa pintuan. at sinabayan ng tindig ng boong kapalaluan at tinalikuran ang kulang palad na babai. ihinatid ng malas hangang pintuan at anong laking pagkamangha ng makitang ang na kanyang ihinandog kila nati ay tumigil at si selmo at yoyong ay nanagsilunsad. napaurong si orang nang masalubong ang nangagsidating na baga mang nangakabalatkayo ay walang antifas at bilad na ipinakikilala ang kanilang mga mukha. si yoyong na lalong mukhang hangal nang mga sandaling yaon si nati na animo'larawang lilok na nagbabadha ng at si selmo na sa gayong mapanganib na pangyayari ay tahimik na tahimik na animo'walang anomang malaking bagay na nangyayari ay sunodsunod na lumunsad.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si mameng sa kabilang dako ay gulilat na sumaklit sa leeg ni maneng na noo'nasok sa silid. mameng ang anas ang sigwa ay dumarating. nalalaman ko nang lahat maneng. nalalaman kong ang puso mo'linuray ng babaing yaon na kinatulong ni yoyong na kapatid ko sa paghukay sa libingan ng iyong puso. ang kanilang kamalian, sa malinaw na sabi, ang kasalanan ng kapatid ko sa dulang ito ng buhay ay binayaran ko na ng labis at labis. yaon mameng ay naligtasan na natin. si orang ay yumaon na tumatangis at nagugunita marahil ang kaniyang pagkakamali na ako'kanyang paglaruan; nguni'siya rin ang hangal sa kanyang sarili; ang kanyang palad ang kanyang pinaglaruan at siya rin ang humukay ng libingan ng kanyang pag asa. nguni'si anselmo, si nati at si yoyong ay narito na at tayo ang pakay at ang dugtong ayoko nang ako'kanilang abutan. wala akong mukhang ipakikiharap sa kanila kung aking mababasa sa kanilang anyo na sila'may hinala sa natin. ay paano ang mabuti? ang tanong ng dalaga.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"lumabas kang agad at ikaw ang bahalang magtangol ng karangalan natin. sabihin mo ang lahat mong naringig kay orang at sabihin mo ring ako'yumaon upang sila'paghanapin. magsinungaling ka kung kailangan. gamitin mo ang lahat ng paraan upang maligtas ang ating puri. at si mameng ay lumabas pagdaka, samantalang si maneng ay nagkubli sa isang sulok na kanyang mapagtataguan; sulok na malapit sa kabahayan at nagtutulot na kanyang maringig ang lahat ng paguusapan. ang sulok na kinalagyan ni mameng. nagpalit sila ng papel; ngayo'siyang makikingig ng paguusapan. sina selmo at nati ay nakiyat samantalang ang ugaw na si yoyong ay sumunod kay orang sa nasa marahil na gumanti sa kapanganibang kinatatayuan ni mameng at kahit na sa sapantaha man lamang ay pagkasanlan siyang kasintahan nga ni orang. aling orang ang bati ni yoyong pahintulutan ninyong kayo'maihatid at nang maipagtangol ko kayo sa aglahi ng mga balat kayo. salamat po. hindi ko po kailangan ang inyong pangangalaga.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"bakit naman aling orang. nakayayamot naman ang taong ito ang asik ni orang sinabi ko nang hindi ko kailangan ang inyong pangangalaga eh. lason ba ako sa inyo, aling orang. ngayon pa naman na ang paninibugho ni maneng ay nagtatagumpay na ng ganap. huwag nga kayong maulit. kagisagisa ninyo'. at pinukol ng irap. ngayon pa namang handang handa na akong maging ama ng iyong sanggol. aling orang, kung ipahihintulot mo po lamang ay asahan mo pong aking aariing akin ang sangol na iyan. sinabi ko na mang yoyong na huwag kayong makabuisit eh. para naman kayong aso na susunod sunod sa akin. manong lumayo kayo at tinulinan ang lakad na parang hinahabol. si yoyong ay nagmadali ring sumusunod; nguni'napansin yata niyang napakapangit ang kanyang papel na tinutupad kaya'nagbalik na pumisan sa kanyang mga kasamahan na nagsituloy sa bahay ni maneng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"walang kapangit pangitang tanawin gaya ng inasal ni yoyong na susunodsunod sa isang babai na sa kanya'naririmarim at binayaan sa kapanganiban ang kapatid niyang gaya ng isang sisiw na dinagit ng limbas. inabutan niyang nangagkakaumpok doon ang nangagsidating at ang dinatnan, at samantalang parang inaantabayanan nila si maneng ay nangaguusapan ng malakas at pangkaramihan. eh ano ang nangyari sa inyo mameng ang tanong ni nati. ang mga apache na gumulo sa atin ay kasalukuyang namamayani at ako gaya ng dapat ninyong sapantahain ay napalayo nang napalayo at ninanasa ko mang masagasa ang kapal ng tao ay di nagawa nang aking kahinaan at sa takot namang malamog sa nagaalimpuyong kapal ng tao. walang ano ano ay isang pierrot ang lumapit sa akin. ipinakita ang kanyang singsing, ihinandog sa akin ang kaniyang bisig at ibinulong sa akin ang gayari: araw natin nati. hindi ko nawatasan ang kahulugan noon. ako'kanyang isinama ang patuloy ni mameng sumakay kami sa auto at; naku!",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang aking puso'sumisikde ibig ko nang pakilala, nguni'umaali pa rin sa akin ang bisa ng pagbibiro. at sumapit kami dini na hindi pa niya ako nakikilala. si maneng naman ang dugtong pa rin ay isang lalaking may dangal, pagdating namin ay dahan dahan niyang inalis ang aking kulubong at nang makilalang ako ang kanyang inakalang si nati ay napaurong at anya': ikaw ba mameng. at di ako nakapigil ng pagtawa, nguni'siya ay walang malamang gawin. wari sinalakay siya ng kahihiyan at sumamo sa akin ng gayari: mameng!. patawarin mo ako. isang kamalian itong dinaramdam ko ng labis, nguni'paano kaya ang mabuting gawin? at nang palulugdan na niya ang hatol kong kayo'hanapin ay sa darating ang isang babai. isang ina na kandong ang kanyang sangol at itinututol ang kanyang katuwiran. nguni'ang inang ito'isang sa pag ibig at oh! yoyong ikaw ang katulong niyang lumuray sa puso ni maneng. si yoyong ay nagwalang bahala. oo, mameng nalalaman ko na ang buhay na iyan ani nati huwag mo nang buklatin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang mga sulat ni yoyong ay nasa akin at iniingatan ko, sa pagka'siyang patunay sa akin ni maneng na siya'walang anomang katungkulang dapat gampanan kay orang. ang ulit ni selmo na parang gumuhit sa kanyang gunita ang larawan ng magandang fondista . eh paano ang dugtong ni selmo hihintayin ba natin si maneng? noo'sapapasok ang isang tao na sa kanyang anyo, ang kapangahasan ay makabakas. siya'isang kagawad na lihim. ang bagong dating ay tumanong. si mang maneng po ay saan naroroon? bakit po ginoo? siya rin po naming inaantabayanan. wala pong ano man, may isang tao po silang ipinahatid kangina sa pagamutan at dahil dito'kailangang humarap sila sa kagawaran namin, upang managot sa harap ng hukuman sa kasalanang maltrato de obra . bakit po kaya? ani selmo bakit po kaya? dahil po sa politica marahil na kanilang pinagtalunan ng boong init. pagdating po'sasabihin namin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"inaasahan ko pong ako'hindi nila itatayo sa kahihiyan; ang bilin po sa akin ay dakipin ko sila; nguni'inaasahan kong ito'di kailangan at bukas ay haharap sila at ang kanilang tagapagtangol upang lutasin ang usap na ito, na sa palagay ko'multa lamang ang kailangan. mabuti na lamang kung magkakagayon. at ang panauhin ay yumaon pagkatapos magpaalam nang boong galang. at ang magpipinsan ay yumaon na rin; nguni'nagbilin kay gorio na paparonin si maneng pagdating na pagdating pagkaumaga kung umuwi nang malalim na ang gabi. si nati samantala ay hindi naniniwala sa kuwento na boong kabihasahang ipinahayag sa kanila ni mameng. ang pusong ninibig ay panibughuin at ang panibugho ay dumadagang kasalukuyan kay nati. ako ang may sala anya sa sarili kung hindi ko naisipan ang masama at mapanganib na biro na ang saplot ko'siyang isuot ni mameng, disin di nangyari ang kung ano man ang nangyari.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at boong magdamag halos na naguusisaan ang magpinsan, nguni'si mameng ay lubhang maingat na di tinulutang mahalata ni nati na siya'nahulog sa kamay ni maneng, bagkus pinatitingkad niya ang katayuan ni orang na lubhang kawawa bagaman naniniwala siyang yaon ay salarin . nguni'sa kabila noon, kay mameng ay naglaho mandin ang liwanag. ang mga pangako ni maneng ay parang nakikinita niyang sa tubig lamang napaguhit. hindi naman tumpak na ang kaligayahan ay agawin niya kay nati. natatayo siya sa isang kalagayang alanganin, at, walang wala nang nalalabi sa kanya kungdi ang bakas ng yumaong pagkasungabang. magdamag na papihit pihit si maneng sa kanyang malambot na hihigan; ginugunita ang magusot na suliranin ng buhay na likha ng pagkakataon. ang kanyang maling sapantaha kay nati na inakala niyang siyang naggawad ng imperdible ay bumabalisa ng gayon na lamang; at sa isang kapusukan na hindi niya pinagtatakhan, si tomas ay nasa pagamutan ngayon at siya ang dahil.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pagkakataon din ang naghatid sa kanya upang si mameng ay samyoing di kinukusa, at ang palad na di pa nasisiyahan mandin ay iliniwanag pa sa kanya ang magusot na kasaysayan ng imperdible na nang magkalupit lupit ay ang babaing ngayo'asawa na niya bagaman lihim na lihim ay siyang di tapat sa kanyang pag ibig at pangalang kanyang ikinatiwala. mga pakana ito ng magusot niyang palad na naghahatid sa kanya sa pook ng lagim, bagamang siya'kasalukuyang lumulutang sa mga alo ng kapanahunan. parang isang mahabang pelikula na humaharap sa kanya nang gabing yaon ang kapalaran ng mga birhen niya, na may iba'ibang anyo at kiyas. si orang at si binay na kakampi ng kataksilan sa kanyang mga malas ay nasa kabilang dako. tumatangis ang una na nakayupyop sa kanyang sanggol. si binay ang pangalawa ay nagagalak na ipinagwawagi ang kasulatan ng kanilang pagiisang puso.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa kabilang dako ay si nati na natutupok sa panibugho dahil sa pangyayaring di inaantabayanan nang gabing yaon, at ang kulang palad na si mameng ay walang ibang panimbulan sa lawak ng pagkasawi kungdi ang tangisan ng lihim na lihim ang kanyang pagkapariwara. wala siya nang kaligayahang makahayag man lamang at makapagsabing ang makata ko ay si maneng . nagsisikip sa ulo ni maneng ang kaniyang kapalaran na napakagusot at anya sa sarili: kung si orang ay naging isang babaing tapat, sana'natipid ang pagdaloy ng maraming luha; sana'kakaunting puso ang tumangis at kaipala'di ako ang sanhi. at pinilit na hinanap si morfeo, nguni'ang diyos na yaon ng pag idlip ay mailap sa kanya at magdamag siyang pinagtampuhan. si nati ay balisang balisa rin, ibig niyang makita si maneng. ibig niyang mabasa sa anyo noon ang bakas ng mga nangyari ng gabi ng mga .",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ibig niyang maringig na muli pa ang bulong na: sa kabila ng hinala na ang imperdible ay ibinigay niya kay tomas, yaong binatang pagkakilala na niya ay panay nang sigalot ang dulot sa kanilang kalagayan. at si nati ay nagtindig at sumulat kay maneng ng gayari: maneng niyaring buhay: magdamag akong di pinatulog ng pangyayaring nagdaan. talaga nga yatang sa pagkakamali nagbubuhat ang ikinasasawi ng tao. nagkamali ako ng pagkagawad ng imperdible na ala ala mo sa akin, sa babaing nasawi na ating nabangga noong paroon tayo sa marilao, kamaliang naghatid sa iyo sa isang panibughong lihim hangga sa mabulalas at isang kulang palad ang natampalasan. ito'natanto ko kay mameng. nagkamali akong muli nang pakikipagpalit ng balatkayo sa aking pinsan, at kamaliang naghatid sa akin sa nalalaman mo na di ko ikaidlip sandali man. parini kang agad maneng ko at pabulaanan mo ang aking mga sapantaha. kawawa naman si mameng na hindi ko pa pinaniwalaan kahit na ano ang sabihin sa akin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kung bakit bumigat na biglang bigla ang loob ko sa kanya, gayong kung siya ay napanganyaya man ay walang ibang may kasalanan kung di ako. parine ka maneng sa lalong madaling panahon at hanguin mo ako sa lawak na ito ng kapighatian. at ako'may ibabalita sa iyo na isang malaking bagay na iyong ikagagalak. hindi ko maipagkatiwala sa liham ang lihim na ito. ibig kong basahin sa iyong mga mata ang dudungaw na ligaya kung ang balitang ito'iyong tanggapin. hulaan mo maneng kung anong mabuting balita yaon, at sa unang pagkikita natin ay siya mo agad sabihin sa akin, hane? pipilitin kong huwag mahalata ni mameng na ako'nagaalinlangan sa kanyang kalinisan at kung nais mong mailigtas siya sa maling sapantahang ito ay parine kang agad at pabulaanan mo nang mawala sa aking gunita ang makasalanang paratang na tumutupok sa aking kalolua. tanggapin mo ang talagang iyo lamang na ala ala ng iyong at pagkaumaga'dalidaling dumalo si maneng sa tahanan nina selmo, pagkatangap ng liham.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si mameng ang tinamaang unang una ng kaniyang malas, ang mukha ay namamarak at mandi'magdamag na naglamay. kawawang si mameng na hindi man lamang maisilay ang titig sa makisig na binata. sino ang makapagsasabi na ang binatang yaon ay siya na lamang laman ng diwa ng apat na dalagang bayani ng ating kasaysayan? at sino ang di maniwala sa mga lalang ng panibugho sangayon sa iba'ibang anyo na dinadanas ni maneng? kung nababasa lamang natin sa mga pangyayari ang mga bunga ng maling hinala, kaipala'iniwasan natin na huwag tayong maging parang isang kasangkapan na iyinayari ng tadhana ng kapangyayaan ng mga walang malay na madalas na maging sawi. disin ay naiwasan nating ang maraming kalunos lunos na pangyayari na pawang utang sa mabilis nating hatol. di naglipat sandali at dumating si nati at ang dalawang puso'nagkaniig: ako'binalisa ng iyong sulat nati, at narito ako upang hugasan agad agad ang marurumi at makasalanang sapantaha mo laban sa kulang palad na si mameng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"siya ay isang matimtimang babai, tapat na pinsan at taga pagtanggol mo tuwina. nalalaman mo bang may kasalanan ka sa akin? si maneng nang mga sandaling yaon ay guro ng kabulaanan. ang imperdibleng gawad ko sa iyo ay hindi mo minahal dahilan lamang sa galing sa akin. maneng, huwag mong sabihin yaon. ang imperdible ay ipinagkaloob ko sa babaing kamuntik mo nang mapatay. at bagaman ako'nabigla nang pagkakaloob ng isang bagay na ala ala mo, ay inaasahan kong yaon ay di mo dapat na ikagalit. kung hindi ipinaliwanag sa akin ni mameng, disin ay sinumpa na kita. at talagang iliniligtas din tayo ni bathala; at kung nagkataong ikaw ang aking natagpuan nang mga sandaling yaon na si tomas ay pinagulong gulong ko sa palamigang la campana kaipala'nalagot ang tanikala ng ating pagiibigan; nguni'nakatagpo ka ng isang tagapagtanggol: si mameng. salamat na lamang maneng at naniwala ka, disin ay naging sawi ako kung napadala ka sa iyong maling sapantaha.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"maala ala ko maneng, nahulaan mo ba ang aking ibabalita sa iyo? ano yaon nati, tunay na hindi ko mahulaan. ano kaya yaon? ilapit mo ang tainga mo at aking ibubulong. si maneng ay parang binusan ng tubig sa balitang tinanggap. oo, ang dugtong ni nati at kinakailangang lutasin mo kung kailan natin pagiisahin ang ating puso nang huwag mabunyag ang lihim. kailan tayo pakakasal? kung isang lintik ang bumagsak sa harapan ni maneng ay di marahil nabahala ng gayon na lamang; ngunit. at kailangang pakasalan si nati, upang maikubli ang lihim na yaong nagtitimpalak ng kanyang kasalanan. si selmo ay mahal ni maneng at di ibig dulutan ng anomang sama ng loob, dangan at ang puso niya'napakarupok sa harap niyang bathalang may laman at may buto, at may mga ngiti at titig na naghahatid sa lalaki hanggang sa kahamakhamakang kalagayan. paano ang kasal nila ni binay? yaong inaakala niyang taksil na asawa, at lilo sa pagibig ay siyang may ganap na karapatan sa kanyang palad.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang mga batas ay napakalupit sa ganitong mga kasalanan, kaya'di siya nakasagot kay nati, at anya pagkaraan ng ilang saglit: bahala na. at napaalam na parang may humahabol. nagmamadaling yumao. at ang bulong sa sarili: bakit walang batas na nagsasauli sa dating kalagayan ng lalaki kung ito'pinagtataksilan ng asawa? sukat na ba ang ipagbunyagan na siya'isang sungayan sa pamamagitan ng pagbibilanggong ilang taon na hindi naman lumalalo sa kahatulan lamang ng hukuman na takda ng mga batas pagka'kinakalag naman pagdaka ng gobernador general sa pamamagitan ng pagpapatawad? nang sulatin ang nobelang ito ay hindi pa pinagtitibay ang bill de devorcio . nang panahon ni harrison, ang ay ipinagdurusa lamang na mga ilang buwan. linisan si nati sa isang alanganing katayuan. ang puso niya'nanggigipuspos at sisinghapsinghap sa dagat ng sakit. bakit hindi man lamang siya tinugon ni maneng? bakit yumaong sakbibi ng lungkot? bakit di linutas ang kanyang kahilingan?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ngayon pa namang ibinalita niyang ang bunga ng kaniyang kasalanan ay tumitibok na at nagtitimpalak, at di na malalaunan ay sisilang. gaanong kalunos lunos na sandali ang bumibigti sa puso niyaong kulang palad na bihag ng malupit na pag ibig ni maneng! may mga tao na likhang talaga mandin upang maging sanhi ng kapahamakan ng kanyang kapuwa at sa ganitong pangyayari palibhasa'nagiging kasangkapan siya ng tadhana upang sawiin ang may maiitim na palad ay di naman niya matuklas ang katahimikan. sa mga ganitong likha ay kabilang ang kasuyo ni nati, ang sanhi ng mga luha ng kulang palad na si orang, ang kasawian ng dapat maging mapalad na si mameng, at ano ang malay natin kung siya ring maging dahil ng mga maiitim na sandali ng masayang si binay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nagkulong si nati sa kanyang silid nang huwag mahalata ng kanyang mga kasambahay ang kasalukuyang pagbabakang nagwawasak ng kanyang puso, nagpapalumo sa kanyang kalolwa at gumugutay sa lahat ng ginintuang pag asa na kinalaro laro tuwina ng kanyang diwa. at nang siya'nagiisa na at wala ng kinatatakutang malas na makapapanuod ng kaniyang pang gigipuspos ay binigyang laya ang dalamhati sa pamamagitan ng luhang naguunahan sa kanyang mga mata, mga unang luha ng kalolwang naghihingalong kasalukuyan dahil sa dagok ng sakuna na lalang ng isang kapangyarihang lumilikha ng mga kapinsalaan ng palad. anang ibang talaisip ang luha daw ay siyang buntuhan ng dalamhating umiinis sa atin kung ang puso ay nalulunod na sa kadalamhatian, kaya'ang luha'siyang dagliang dumadaloy kung ang ating katawan at kalolwa ay inuunos na ng sakuna.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at ang kulang palad na si nati na pinahihirapang kasalukuyan ng pagaalanganin ni maneng ay nangungunyapit na kasalukuyan sa maiinit na bagting ng tanikala na dulot sa kanya at isinilo ng anangki niyang nakapangingilabot. si maneng namang yumaon na ay tulad sa isang sasakyang walang ugit; susuling suling na hindi matukoy kung ano ang dapat na gawin. may mga taong mahihina at agad sumusuko sa mga bayo ng dusa at kung magkabihira'walang ibang pinagbubuntuhan kundi ang kabiglaanan, dagliang hatol ang dagliang pagbibigay sa mga udyok ng pita. sa diwa ni maneng ay nagsulpot sulpot ang mga ala ala niyaong mga sawi na nagpapatiwakal dahil sa pag ibig. sa lahat ng yaon ay walang mapili si maneng na dapat niyang uliranin. nasusuklam siya sa palad nang mga nagpapatiwakal na kanyang binabawan ng tawag na duwag at nangagsisitalikod sa katungkulang banal ng tao na makibaka sa buhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at boong tapang na tinungo ang kanyang tahanan at nagkulong din sa kanyang silid at yao'ditong di mapakali, na sinusukat ng kanyang banayad na hakbang ang maaliwalas niyang pahingahan. paano ang mabuti kong gawin? ani maneng sa kaniyang sarili. pakasal na muli kay nati pagkatapos ng kasal kay binay, ay ganap na pagpapatiwakal din sa kapisanang ito na aking pinakikipamayanan. kami'may mga batas na napakalulupit sa ganitong paglabag. bakit ba'di pa ako sa mga bayang tumatangkilik ng poligamia sumilang? disin ay di ako naghihirap ng paglutas ngayon nitong magusot na suliranin ng aking buhay. at napatigil na sumandali; lumikmo sa kanyang maringal na likmuan at pinagwawari ang dapat na gawin. mayamaya, ay napatampal sa hita at aniya: lutas na ang suliranin kung papayag ang pastor na nagkasal sa amin ni binay. ano ang mawawala sa kanya kung ang talaan ng aming pagkakasal ay mawala halimbawa? ang salapi ay isang mainam na panilaw. atuhan natin sa paraang ito.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"limang puong libong bagay ang kay daling lutasin, nguni'ang tao ay napakahangal na sa isa lamang dito, ay natutulig na, at di magkatuto ng paglutas. at nagmadaling nagbihis. sinidlan ng maraming salaping papel ang kanyang kalupi at nagsilid sa dalawang sobre ng tiglilimang daang piso na handang pansuhol sa pastor ng iglesia metodista na kanyang handang upatan. at nanaog na daglian, nguni'nasalubong siya nang cartero na nagabot sa kanya ng isang sulat. lumulan sa kanyang auto na laging nakahanda at doon na binasa ang liham pagkatapos maipagbilin kay ikong na paroon sa bahay ng pastor, sa avenida rizal. gayari ang nasasabi sa liham: maneng ko: parine kang agad at nang maaga tayong makabalik at ang tatang ay darating daw ngayong hapon. kung pahintulot mo ay ihayag na natin sa kanya ang lihim nating pagiisang puso.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"siya ay isang taong marunong maghunos dili at kung kanyang makita na huli na ang kanyang tutol ay maaasahan nating ang kaniyang pakikiayon sa atin, bagamang hindi na yaon kailangan. mabuti na rin ang walang pinangingilagan at inaala ala. ano ang sabi mo maneng? ako'uhaw na uhaw sa iyong masuyong alo na inaasahan kong di mo ipagkakait sa iyong tapat at tuwina'mairuging asawa. sinabayan ng punit ang liham, pinaggutay gutay at ipinalipad sa hanging humahagunot sa matulin niyang sasakyan. at ang sabi sa sarili: tapat na asawa!. kung ang lahat ng tapat ay gaya niya, ay baligtad na ang daigdig. wala ng taksil; wala nang maituturing pang pagkakanulo sa puring dapat na ingatan at mahalin tuwina. tapat na asawa!!. at ang bali hindi ako pahahalata. makikipagkita ako kay binay at kung siya'madaya ko yamang ako'dinaya din lamang niya, ay walang salang di magiging mapalad ako sa piling ni nati.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,samantalang ito'nangyayari si nati naman sa gitna ng gayong dagok ng kapighatian ay waring walang ikakaya at ang kaniyang pihikang katawan ay linulupig ng dalamhati. ang ulo niya'parang iginigiba sa paniwalang siya'pinaglalaruan ni maneng at di siya marahil nasang pagtapatan. ang paniwalang si mameng ang siyang pinaguubusan niya ng suyo at sanhi ng gayong alinlangan ay uutas mandin sa kanyang buhay. at ngayon pa namang ang kanyang kalagayan ay napapanganib. ang lagnat ay katulong din namang sa kanya'gumagahasa at mahina palibhasa ang loob at mairugin tuwinang magbasa niyang mga balitang nagpatiwakal dahil sa pag ibig ay nagwawaging kasalukuyan sa kanyang diwa ang nasa na magkitil ng sariling buhay.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at gaya ng ibang hibang na sumusulat muna bago pugtuin ang hininga ay hinawakan ang panitik at ang inaakala niyang ay itinitik: ang di mo pagtugon sa aking ilinatag na suliranin sa iyo na di mo linutas; ang katayuan kong talastas mo na ang iba'ibang pangyayari na alam mo na rin, na siyang nagudyok sa iyo ng pagbabalintulot. ang lahat ng ito ay tulong tulong na humahatol sa akin na dapat na akong magpahinga . kung ang sulat na ito ay sumaiyong kamay, kaipala'ang kaluluwa ko'kaharap na ni bathala upang kanyang litisin. yayaon ako maneng na taglay ko ang maningas na pag ibig sa iyo na ipinunla mo sa aking puso. ay di na tunay na malaking kahihiyan natin. iligtas ka ng panginoon sa anomang kapanglawan at sa libingan ko'ilagay mo lamang ang gayari: isang kulang palad na ayaw maging ina ng isang anak na walang amang tatawagin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si mameng ay parang tinutupok sa anyo ng kanyang pinsan na pagkaumaga na'di man lamang siya kinakausap, at sa hinala na baka may ipinahahayag na si maneng na sanhi ng gayong pagwawalang imik ni nati, ay di siya mapalagay. waring siya'napapaso. sapagka'si nati ay nagkulong sa kanyang silid ay ginahis din si mameng ng ugaling babai na tumaho magnais na tumaho ng lihim ng iba, kaya'sinilip niya sa butas ng susian ng pintuan kung ano ang nangyayari sa loob ng silid. at ang kanyang nakita ay ang pagsulat ni nati ng kanyang liham. nakita ni mameng na binabasa ni nati ang kanyang sulat at pagkatapos ay nakita niyang may binubuksang isang kahita at doo'kumuha ng isang pastillas na pikit matang isinamual. sa kahita ay ang mapulang bungo ang napapansin. at naramdaman yata sa lasong isinamwal na kasama noon ang kamatayan ay napahindusay na agad na ang dalawang kamay ay napabitin na parang pinanawan ng lakas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"napahiyaw si mameng ng ubos lakas at ang tanang kasambahay ay nagkagulong dumalo sa silid ni nati. kay lungkot na tanawing nagbabalitang ang bahay na yaon ng katahimikan ay may isang panauhing kakilakilabot: si kamatayan. dumalo si anselmo at si mameng na sinaklulohan ang hibang na si nati na sa pagkagulat ay bumagsak sa hihigang walang diwa at hawak sa kamay ang tagasiwalat ng lihim na kanyang huling liham. binasa ni anselmo ang liham na nagbubunyag ng pagtatapat ni nati at nang kakilakilabot na gagawin na ginanap na at nang ito'natalastas ay isinalokbotan ang kalatas nang huwag matalastas nino man. ipinagbilin ni selmo kay mameng na huwag hihiwalayan si nati ano mang mangyari, samantalang hindi siya dumarating at tinungo ang tahanan ni maneng na sanhi ng lahat ng yaon pagkatapos na matawag si dr. upang dumalo nang daglian sa kanilang tahanan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at dinatnan ng doctor na pinagaagaw si nati, at sa bibig na bumubula ay dinudukot ni mameng ang lason na nadurog na at animo'gabok na mapula na kanyang hinuhugasang palagi kung sa kanyang kamay na idinudukot sa bibig ni nati ay pumigta ang sublimado corrosivo na nagdadanak sa laway ng nagpatiwakal. pinainom ng pangpasuka ni dr. at sa panahon, ay pinalabas sa kanya ring pinasukan si kamatayan na piniging ni nati upang siya'ilipad na sa bayang payapa. si aling tayang ay walang malamang gawin at gahol na gahol na pinatawag si yoyong ng pare. dumating si maneng sa bahay ng pastor at doo'humingi siya ng pahintulot na sila'magkaniig lamang. at siya'pinahintulutan at malugod na tinanggap. ako'naparine mahal na pastor ani maneng upang makipagtalastasan sa inyo ng isang bagay na bagamang maselang ay kailangang lutasin agad. ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, ginoo? ang tugon ng pastor. ako po ba'inyo pang naaala ala? patawarin po ninyo ako kung ako'may mahinang pananda. kayo po ba ay sino?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"lalo pong mabuti na huwag na ninyo akong makilala. at dinukot ang isang sobre na kinalululanan ng dalawang puo at limang mayon at isinakamay ng pastor. mabuti mahal na pastor ang magkatalastasang agad. at talastasan daw pong pagbasa ay sinigang manding may lasa anang salawikain ang tugon ng pastor samantalang binubuklat ang mga dadalawampuing piso na sadyang ihinanda ni maneng upang bulagin ang pastor at magamit niyang kagaya ng isang kasangkapan sa kapakinabangang sarili. pagkatapos na mabilang ng pastor ng boong ingat ay inalis ang salamin sa mata na nakasasagabal mandin kung wala siyang ginagawa at aniya: limang daang piso!. opo, limang daang piso, na inyong tunay at dumakot pang pamuli at iniabot sa pastor ang isa pang sobre. at binilang pang pamuli ng pastor ang bungkos ng salapi: isang libong piso po ang kabuoan. may matuwid kayo at iyan ay ipinadadala sa inyo ng isang kaibigan ko, bilang kapalit sa isang bagay na hihilingin naman.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ano po yaon at binitiwan ng pastor ang salapi na pinatawan ng isang pabigat upang huwag manambulat at humingi ng kalayaan kung pahiramin ng hangin ng kaniyang pakpak. may isang ginoo po na ikinasal ninyo ng lihim dini sa isang binibining taga lalawigan. ang kasulatan po ng kasal na yaon ay nasang mawalan ng bisa punitin ninyo kaya nang wala ng matunton; at katumbas po noon ang salaping yan na bilang papala sa inyo. at ang dugtong pa ni maneng: at maaasahan po ninyo ang bulag na pagkakalinga sa inyo ng isang makapangyarihang kaibigan na magagamit ninyo sa panahong kailanganin. mahirap pong totoo ang nasa ninyong bilhin, ginoo, at di ko po kayang gampanan; kaya'likumin mo pong muli ang salaping yan na hindi makakatumbas ng nasa ng inyong kaibigan na aking gawin. at isang libo pa po na idaragdag ko mahal na pastor upang mahango kayo sa pagaalanganin. isipisipin mo po ng banayad. huwag na kayong mabahala ginoo anang pastor ng buong katiwasayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at aayaw ninyong tanggapin ang handog kong ito? itago mo po at marahil ay kakailanganin ninyo sa mga araw na haharapin sa ibang bagay na lalong mahalaga. labis po sa akin ang salaping yan, at di yan ang lalong dapat panghinayangan. ang kalinga ng isang kaibigang makapangyarihan ay di madaling makita sa buhay na ito. tunay po ginoo; nguni'lalo pong mahirap na hanapin ang isang payapang budhi. at kayo po ba'natatakot sa ano man? yaon po'isang himaling lamang at di sa nasang makaligalig kangino man. huwag nga kayong magala ala na ang hukuman ay makikialam sa bagay na ito. hindi po ako nababahala sa mga hukuman, hindi rin ako natitigatig sa kalupitan ng mga batas na kung minsan ay naiinis din sa tambak ng salapi. tunay ang inyong sinabi at kung kayo'mapapanganyaya, ay marami tayong salaping magugugol. maaasahan ninyo ang aking tulong at yamang di naman tayo maaapi ng sino man, ang payapang budhi ay saka na.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"salamat po ginoo sa inyong walang pangingiming pagwawaldas ng sariling kayamanan na walang salang labis na labis sa mga gugulin ninyong karaniwan, nguni'. lalong mabuti ang inyong gugulin sa ano mang pakikinabangan ng tao at di sa ikapapahamak. ang kinatatakutan ko po ang dugtong pa ay ang tutol ng sariling budhi, ang pananalig na sarili, at ang malabis kong paniniwala na ang diyos ay di mapaglalalangan. sa kanya'walang nalilihim. ang diyos mahal na pastor ay hindi nakikialam sa mga tao. patawarin kayo ng dakilang manunubos, ginoo. hindi ko po matutulutang lumawig ang ganyang panunungayaw sa bahay na ito na kanyang liniliwanagan ng masaganang biyaya. kung gayon po'. hindi natapos ang sasabihin at ang kamay ng pastor ay iniabot sa kanya pagkatapos na masamsam ang salapi at sa kanya ay maisauli. yumaon si maneng na ngitngit na ngitngit at di na nagpatuloy sa bokawe gaya ng kanyang tangka. pinihit ang auto at umuwi sa bahay na taglay sa kaloluwa ang isang malaking ligalig.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"dumating siya nang boong pagkahanga nang madatnan niya roon si anselmo at ang kanyang abogado na nagkakaniig at siya ang pakay. limang puong piso po lamang ang multa na kinawian ng basagulo ninyo kahapon mang maneng anang abogado, sa dumating na binata, at isinasauli ang kalabisan ng salaping kanyang ipinagkatiwala sa kanyang taga pagtanggol. itago ninyo sa inyo kaibigan, at saka na ninyo liwanagin sa akin sa ibang panahon. iya'di dapat makabalisa sa inyo. dahil lamang dito kung kaya ako naparini; tangi sa roon upang kayo nama'matahimik at handugan ko ng maligayang bati. itinawag na lamang sana ninyo sa telefono sana'hindi na kayo nagabala. ang bagay na yan ay inaasahan kong talagang sa gayon mauuwi, lalo na'sa ilalim ng inyong pantas na pamamatnugot. wala ka pong sukat alalahanin. nalalaman ninyong ako'laan sa inyong utos kailan man. siya po, upang kayo nama'magkapanahon sa inyong mga ibang kailangan ay yayaon na ako.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at ang abogado ay umalis pagkatapos na makamayan ang dalawang magkaibigan. hindi ka umiimik selmo, ano ang nangyari? walang malaking bagay maneng. nasa kong pumanatag ka at magusap tayong sumandali. ang ulo ni maneng ay nalito. inakala niyang baka natalastas ni selmo ang kanilang kasalanan ni mameng at dahil dito'natigilan at di makaimik halos. tumahimik ka maneng at walang malaking bagay. ano kaya ang maipaglilingkod ko sa iyo selmo? bakit kaya sa mukha mo'nababakas ko ang lumbay? at si maneng ay naupong balisang balisa. natatakot siya sa hiyaw ng sariling kasalanan. maneng ani selmo kagabi ay nasalubong ko dine ang magandang fondista at buhat kagabi ay napapansin kong balisa si nati. kangina ay nanggaling ka sa bahay at tayo'hindi man nagkausap dahilan sa agad kang umalis. pagkaalis mo'nagulo na ang ulo ni nati. bakit kaya? ibig mo bang liwanagin sa akin, maneng? wala akong maala alang ikabagabag niya, selmo. si orang ay isang babaing kilala mo at kilalang lalo ni nati.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi ko matalastas kung ito ang sanhi ng kaniyang kalungkutan. noong kamakailan ay iliniwanag ko na kay nati ang katayuan namin ni orang. ang mga sulat ni yoyong ay natuklas ko at ang mga sulat na ito ay nagsasalitang mag isa. ito'nasa sa kanyang lahat. huwag nating pagusapan iyan maneng, at may iba tayong bagay na dapat lutasin. binanggit ko lamang si orang sa kadahilanang baka ikaw ay may mahigpit na katayuan sa kanya ay nang huwag naman siyang maapi. narito maneng, basahin mo ang sulat ni nati at saka mo ako tugunin kung ano ang dapat nating gawin. binasa ni maneng nangangatal ang liham ni nati at pagkatapos ay nagsabi: selmo tayo na at di ko mapapayagang ang isang anghel ng kabaitan ay tumangis; lalo na kung dahil sa akin. at ang magkaibigan ay sabay na nanaog at tinungo ang tahanan ni selmo. kapuwa hindi umiimik na tinahak ang lansangan at dumating silang napapahanga sa kanilang dinatnan. ang doctor na na sa bulwagan ay kausap ni aling tayang at ni mameng. tahimik na tahimik.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,halos anasan ang salitaan. isang pari ang nasa loob ng silid at nakayupyop kay nati; isang sakristan ang nakaluhod na nananalangin at dalawang kandila ang nagniningas sa dambana. kay lungkot na sandali! maya maya ay tumugtog ang kililing ng sakristan na nagbabalitang ang katawang mahal ni jesus ay itinatanyag at ang lahat ay nagluhuran at ang pakikinabang ay ginanap ni nati ng boong pitagan. natalastas ni maneng kay dr. ang nangyari at paglabas ng pari ay binalak nila ang isang dagliang kasal kung nabibingit sa kamatayan. ito ay isang mabisang biyaya anang pare. at si maneng sa gayong katayuan ay parang isang tupa na maamong maamo na sumusunod saan man dalhin; kahit na sa dambana na sa kanya'pagsusunugan.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sandali pa ang nakaraan at si nati ay asawang tunay na ni maneng, pagkatapos ng basbas ng pare. gumuhit sa diwa ni maneng pagkatapos ng basbas ng pare at kakilakilabot na wakas na nakahanda sa kanyang palad sa pagkapakasal na yaong muli; hindi kaila sa kanya na pinaguusig at pinarurusahan ng boong lupit ang lumabag sa kautusang yaon; nguni'sa harap ng mga pangyayari, sa kanyang alang alang kay selmo na kanyang pinagkulangan sa tungkuling dapat taglayin ng isang kaibigang tapat, at sa pag asa niyang si nati ay walang salang di niya ipagluluksa sa lalong madaling panahon, siya ay napanibulos na lumusong sa balon ng kapanganiban. nguni'ang palad niya gaya ng sa lahat ng halaghag ay talagang linikha mandin upang huwag tumahimik; at si nati laban sa pag asa nang lahat, na mamamatay na walang sala, ay gumaling pagkakasal niya kay maneng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at ang lahat ng pangyayari na dapat ikatuwa ni maneng ay lumilikha sa kanya ng lalong kakilakilabot na sandali, para niyang nakikita na sa kabila ng kaniyang pagkadupilas na yaon ay nabuksan ang mga pintuan ng bilibid upang siya'bigyan ng puwang na makapasok, at ang nakapangingilabot na damit bilanggo na halang sa katawan ang guhit, sa lahat ng dako ay siya mandin niyang namamalas. siya'kinilabutan. nguni'isang kaisipan ang kanyang naaala ala at anya sa sarili: kung tayo'mamamatay din lamang bukas ano'di samantalahin ang araw ngayon? at sinikap niyang limutin ang lahat. ang tag init ay nagmamadaling sumasapit pagkaraan ng karnabal. ang alinsangan, lalo na dito sa maynila ay gumagambala sa tanan. wari lalong mainit ang araw, sampu ng simoy ng hangin ay wari sinasala sa isang malaking silab: at ang gayari sa lahat ng may mariwasang kabuhayan ay parang nagtataboy upang lumayo sa matao at maingay na kamaynilaan at humanap ng mga pook na may malamig na singaw.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa mga piling ng bundok at mga batis. ang bagyo ay siyang dayuhan ng mga kagawad ng pamahalaan, niyang mga pinagpalang mabuhay at magliwaliw sa pamamagitan ng salaping bayan, at ang marilao, silang, sibul, los banos at antipulo ay nagpapangagaw sa ganitong panahon upang kanilang maging panauhin ang nangagsisilayo sa pangulong bayan kung tag init. si nati ay magiliw na lumapit kay maneng at aniya: napapansin ko maneng na palagi kang matamlay; bakit kaya? hindi ko maalaman nati kung bakit; sa katotohana'hindi ko nararamdamang ako'namamanglaw. marahil ang lagim na bumalot sa aking kaluluwa nang tanggapin ko kay selmo ang huli mong sulat sa pagkadalaga, ay siyang hangga ngayon ay sumusukob sa akin. ah maneng, yaon ay lumipat na sa mga pangyayaring yumaon. huwag mo nang ikabalisa ang isa kong kabiglaanan ay yao'bunga ng pagpanaw sa akin ng pag asa. subali'ngayon, ngayong sariling sarili natin ang buhay at walang sagwil na ano man, ang langit ng ating palad ay dapat ng magliwanag, hindi ba?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"yaon ang dapat na mangyari nati, at ang puso ko'tigib na tigib sa ligaya, aywan nga lamang kung bakit ang tingin mo'malungkot ako. ang pusong ninibig maneng ay di madadaya, nararamdaman kong ikaw ay malungkot at kahit na sabihin mong hindi, sa nakikita ko ako maniniwala; ang mga mata mong dating maningning ngayo'lumamlam ang kiyas mong dating masigla ngayo'waring hapo at nanlolomo, sa iyong mga masasayang pangungusap na dinudungawan mandin ng masasaya mong diwa, ngayo'napalitan ng isang pananahimik na kakilakilabot. ipagtapat mo sa akin maneng kung ano ang sanhi at nang kita'madamayan. wala nati, maniwala kang wala at pinilit na pinadungaw sa kanyang mga labi ang isang ngiting pilit na pilit at binusog sa halik ang mairuging asawa. aywan maneng kung bakit at sa aking puso'kumakaba ang isang ala alang nakalulunos. hindi ba katungkulan ng isang babai ang magtapat sa kanyang pinipintuhong asawa? oo, nati, sa asawa ay walang dapat na ipaglihim.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"yan din ang paniwala ko kaya'ako'hindi matahimik. at bakit nati, may ilinilihim ka ba sa akin? maneng ani nati ng boong tamis nahulaan mo maneng ang iwi niyaring puso, gaya nang lahat na mapagmahal na asawa ay nabasa mo sa aking anyo ang isang pagiingat ng karamdamang di maipagtapat, nguni'yao'nagbubuhat sa malabis na pagmamahal ko sa iyo maneng. hindi ko nais na dahilan sa aking mga kamusmusan ay dalawin ang puso mo ng bakas man lamang ng dalamhati; at di mo pa man ako asawa ay pinagingatan ko nang gayon na lamang ang huwag makapagdulot sa iyo ng anomang isusukal ng loob at yaon ang dahilan ng kung bakit ninasa kong taglayin sa libingan ang kakilakilabot na maling sapantaha na ayaw humiwalay sa akin; nguni'hinango ako sa libingan ng kabutihan mo maneng, ng katapatang loob mong umibig, ng karangalan mo sa pagkalalaki na bihirang taglayin ng iba; at dahil dito'nagkaroon ako sa iyo ng isang kautangang dapat kong gampanan tuwina at ito'ang lubusang pagtatapat.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,hindi ba ikaw ang suhay ng aking kahinaan? may matuwid ka nati at ang lahat ng mabuting asawa ay di dapat na magkaroon ng lihim niya na di matatalos ng kanyang kasi sa kanyang kusang loob na pagtatapat. eh kung ang lihim maneng ay makapagkukulimlim ng katahimikan at kapayapaang naghahari? ang lalaki nati ay dapat tuwinang magtaglay ng isang pusong napakalaki at isang diwang matibay upang magkatulong na ibalikat sa ano mang anyo ng unos sa buhay na makagagambala ng kasalukuyang ligaya. pinalakas mo ang aking kalooban maneng at ang lihim ko na kaipala'siyang tanging sagwil ng ating katahimikan ay pakinggan mo ngayon at kusang loob kong ipagtatapat. ano yaon aking giliw? turan mong agad at sabik na sabik akong magbigay lunas kung ang lihim na yaon ay umiinis nang iyong puso. nalalaman mo maneng.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"magmula ng huling gabi ng karnabal na sa kamusmusan ko'naisip kong kita'biruin sa pamamagitan ng pagpapalit ng balatkayo namin ni mameng; ang araw sa akin magbuhat noon ay nagbawas ng liwanag; ang mga bituwin ay nawalan ng kanilang ningning, at sampu mandin ng mga bulaklak ay nawalan ng samyo at naghubad ng kanilang mariringal na damit. at parang hindi pa nasisiyahan ang maitim kong palad ay inalis sa mga labi mo ang ngiti, kung ako'iyong kausap; pinawi sa mga kilos mo ang sigla, at ang lalong kalunos lunos, ay ang dapat na magtapat tuwina sa akin, ang dapat kong paglagakan ng katiwala, damdam ko ba'siyang mahigpit kong kabasangal. ito ang sanhi ng kung bakit ninasa ko ang pumayapa. tulutan kayong magkaroon ng laya at huwag ako ang maging hadlang ng ligaya. tulutan kaming maging malaya? sino ang tinutukoy mo nati? huwag kang magagalit maneng, hane?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at isinilo ang kanyang mga bisig sa liig ng asawa at sa gitna ng malamyos na titig, ng matitimyas na halik at boong pusong pagpaparamdam ng kanyang tapat na pagsuyo ay ilinapit ang kanyang mga labi sa taynga ni maneng at ibinulong ang isang pangalan. si maneng ay nanglamig. ang lihim nila ni mameng ay natatalos ni nati, nguni'hindi tumpak na yaon ay patotohanan, kaya'ngumiti ng isang ngiting napakatamis at anya: nati!. huwag mong papamahayin sa loob mo ang maling hinala. kawawa naman ang pinsan mo. inaakala mo bang ako'pakabababababa hanggang sa gayong kalagayan? hindi ba nati at panibulos at pikit mata kong linusong ang pagbabagong kalagayan, maitindig lamang ang kapurihan mong malulugso kung mahayag; at mabigyan naman ng marangal na pangalan ang magiging bunga ng ating pag ibig?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"oo, maneng, ang lahat ng iyan ay tunay; nguni'nang huwag mapatlangan ang ating ligaya, tayo ay lumayo rito, malayong malayo; at nang huwag nilang mahalata, ay pasa sibul tayo na parang nagpaparaan lamang ng taginit, nguni'buhat doon ay alamin mo na'ayusin ang mga kailangan sa isang paglalakbay at paglilibot sa boong daigdigan upang malimutan natin ang mga bakas kapanglawan na dulot sa atin ng tadhana sa lilim ng sariling langit. ibig mo ba maneng? si maneng ay nabunsod at nakakita ng lunas sa kanyang mapanganib na katayuan. natuklas din niya ang paglayo kay mameng na sa pagkakataon ay naging bihag ng kanyang walang pitagang pita, gayon din ang pag ilag sa mga malulupit na bala ng mga batas na maghahatid sa kanya doon sa bayan ng lagim, sa libingan ng mga buhay na tao. at sila'yumaon upang gampanan ang pinagkasunduan sa sibol, liwaliwan kung tag init ng mga mariwasang tao. si tomas ay nagbuko ng isang walang maliw na higanti kay maneng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"una ay dahilan sa ang kaniyang mutyang si binay ay inagaw sa kanya, at ang inaasam niyang dilag noon, ay napariwara; pangalawa'dahil sa pagkakatampalasan sa kanya ni maneng isang hapon sa minandalang la campana . at buhat na noon ay naging anino siya ni maneng at ang pangangamoy ay higit sa isang masigasig na tiktik ng mga kagawad na lihim. natalos na ang pastor sa malaking sambahan sa daang avenida rizal, ay sinusuhulan ng halagang dalawang libong piso at pagkaalis ni maneng ay sinulatan yaon ng isang walang lagda na anya': natatalos nang lahat na ang salapi ay makapangyarihan, nguni'ang balaraw ng mapaghiganti ay di magiging mabilis gaya ng malilikha ng panitik na ang mga batas ay pagalawin upang ang mga lumalabag ay ibukod sa karamihan. at nang tanggapin ng pastor ang liham na ito ay itinuloy sa basket at anya sa sarili: kailangan ko kaya ang ganitong mga paala ala upang gampanan ko ang aking katungkulan? patawarin kami ng panginoon .",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"natatalos ni tomas ang lihim na kasal ni maneng sa magandang taga bokawe, bagay na sanhi ng kanyang di na idinalaw na muli kay binay. subali'ang gayaring lihim na kanyang hinahawakan ay iniingatan niyang tulad sa isang mainam na sandatang pamuksa. at nang kanyang matalos na si nati ay pinanumpaang muli pa ng salawahang kanyang naging kabasangal ay gumawa ng isang tudling sa mga pahayagan na gayari: gaya nang ang bulong ay mahigit sa hiyaw ay sumapit sa aming kaalaman na ang makisig na binata at mayamang mangangalakal na si . manuel san juan, ay nanumpa ng isang di magmamaliw na pag ibig sa matalino, marilag at napakagandang bulaklak ng ating kapisanan na si bb. natividad lopez. ang gayo'ginanap nang nabibingit sa kamatayan ang babai. ang pulot at gata na napataon sa tag init ay idaraos ng dalawa sa pinagdadayong bukal sa sibul, gayon din ng pagpapalakas ng galing sa sakit na ginang. ang aming maligayang bati sa mga kaibigang nasabi.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa biglang tingin ang balitang ito ay waring walang pangalawang hangad, nguni'sa mapapansin ng aking giliw na mambabasa sa dalaw na ginawa ni tomas sa masayang si binay ay mapagtatanto ang laki ng saklaw ng gayong balita. binay ani tomas naparito ako upang isauli sa iyo itong imperdible na ninanasa mong sa iyo'aking isauli, sapagka'di lihim sa akin ang sa lahat hanggang ngayon ay lihim pa na ikaw ay ginang na ni san juan. ngumiti si binay sa pagtanggap ng balitang yaon sa dating kasintahan, at boong kakirihang sumagot: at di mo man ako hinahandugan ng isang maligayang bati, gayong talastas mo pala ang di pa natatalos ng marami?. at tinitigan si tomas ng isang titig na kagaya ng kanyang panghalinang ginagamit tuwina na, kung nais niyang siluin ang alin mang puso. si binay ay may isang ugaling ibang iba sa ibang mga kababai. hangad niya ang magtamasa sa buhay, pagaliwan ang lahat ng makikisig na binata, nguni'kailan man ay di siya napabibihag upang siya'labilabian pagkaraan noon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ligaya niyang itinuturing ang marami siyang mangingibig lalo na'kung ang mga ito'nangagbabangay. at ang lahat ay nababahaginan niya ng pangako at ngiti. ang kaniyang nabalitaang pagaaway ni tomas at ni maneng ay inaakala niyang siyang sanhi ng kung bakit ang kaniyang dating mairuging asawa ay di dumalo sa kanyang tiyap na hiling. nagagalak siya ng gayon na lamang, sapagka'inaakala niyang si maneng ay nalulunod sa panibugho. kung nalalaman yata niyang si maneng ay nasusuklam sa kanya at tumatalikod na tahasan, kaipala'nagbago ang kanyang kasalukuyang galak. at hinarap si tomas at anya: hindi ka na tumugon. nagtatampo ka ba sa inyong dating kapuwa bata? hindi binay, nguni'ang magpakunwari ay hindi ko ugali at yaon ang sanhi nang hindi ko maibati sa iyo ng maligaya, sa pagka'sa katotohanan ay wala akong ibang hangad kundi ang kayo'maging sawi. at may hinanakit ka sa akin kung gayon? wala binay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nguni'pakinggan mo ang aking ibabalita sa iyo: noong ikaw ay tumakwil sa aking pagsuyo ay wala na akong nasabi sa sarili kundi ang ikaw ay isang salawahan, nguni'nang matalastas kong ikaw ay lihim na nakipagisang puso at sa isang binatang haligi ng yaman, ay nasabi ko sa sarili na: may matuwid si binay, tumpak ang siya'mamili ng makabibili ng ligaya . at ano nga ba ang maihahandog sa iyo ng isang kawal ng panitik kundi pawang panagimpan lamang. kita'iniibig ng boong puso. ipinagtatapat ko sa iyo. datapuwa'ang panahon ay lumakad sa hindi niya mapipigil na pagtanda, at. ako sa hindi mo nahuhulaan kung bakit niya ako ihinatid dito sa iyong harapan. sinabi mong upang isauli ang imperdible hindi ba? oo; nguni'ang pangalawang hangad, yaon ang iyong turingan. pangalawang hangad? at may iba ka bang nasa tangi sa tumupad ng dapat mong gawin? yan ngang dapat kong gawin ang pinatuturingan ko sa iyo? ang iyong ginampanan; ang isauli ang isang bagay na hiniram lamang.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"yaon ay nagampanan na; nguni'ano pa ang dapat kong gawin? ah, huwag kang magnasa ng anomang masamang nasa sa akin at kay maneng ang biro ni binay hindi ba tomas? hinaplos ni tomas ang kaniyang buhok na naglalaguan at saka tumugon. huwag magnasa ng anomang masamang nasa sa inyong magasawa? oo, tomas, yaon nga. kung gayon ay hindi ko magagampanan ang inaakala mong dapat kong gampanan. bakit, labag ba ang gayon sa dakilang asal? oh, hindi binay, hindi, nguni'paano maihahatid sa iyo ang mabuting balita na ikagaganap ko ng aking kautangan, sa pagka'kita'iniibig pa hanggang ngayon, kung ang balitang ito'malalaban naman sa kanya? iniibig mo ako hanggang ngayon? salamat tomas, salamat, nguni'hindi mo ba talastas na ako'isang may asawang tao, na di makaiibig pa, ng pag ibig na iba ang hugis kay sa sa kahilingan lamang ng mabuting gawi? nguni'ang pagka mayasawa mo binay ay ibang iba. natatalastas ko tomas, na kami ay may ibang himaling.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"na sa ganang amin ni maneng ang pagmamahalan ay dapat pagingatan na huwag makasuya, ang ganitong himaling marahil ay di mo minamainam at itinuturing mong ibang iba ako sa lahat ng babai, nguni'; anong ligaya ng manabik! hindi binay, lahat ng paraan ay di ko pinapansin, at wala akong ibang tinitiyak kungdi ang wakasin. at banta ko'hangad ninyo sa ganyang paraan ang lalong maging matimyas ang mga sandali, lalong maging maringal sa ganang iyo ang bihis ng mga bulaklak, lalong maging masaya ang mga gabi at ang langit ay maging tuwi na'maaliwalas, hindi ba? oh, may matuwid ka tomas. nguni'binay ang palad ay sumalungat sa iyo. ang anangki ay napakalupit na nagguho ng iyong mga pangarapin. ano ang sabi mo tomas? basahin mo ang balitang ito ng mga pahayagan. binasa ni binay. tomas ang pahayagan ay napakasinungaling. hindi magagawa ni maneng na siya'magasawang muli. si maneng ay hindi hangal. hindi nga, nguni'may kasabihang: . ano ang ibig mong sabihin?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"na ang mapanganib niyang libangan ay nagbunga na. at kung ayaw kang maniwala sa pahayagan at animo'sinungaling, ay maniwala ka sa katotohanan na siya'nagasawang pamuli sa si nati. liniwanagan ni tomas ang salitang maganda upang mangimbulo si binay. kapag ang balitang yan tomas ay kabulaanan ay nalaman mo nang ako'walang pakundangan. mananagot ka tomas mananagot ka. alamin mo at saka mo hatulan kung ako'tapat sa iyo. at kung matalastas mo na ang katotohanan, ay humihingi ka ng isang sipi patunay ng kasal na yaon at saka mo makikita kung si tomas ay tapat sa iyo. nagalimpuyo sa diwa ni binay ang di maisaysay na poot at anya kay tomas: bukas ay parini ka at nang tayo'magkaniig. alipin mo ako sa iyong ikaliligaya binay. hangang bukas. anang babai. hangang bukas. at ang dalawang pusong nagkakalayo ay pinaglapit ng iisang hangad na dili iba'si maneng ay pahigantihan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"samantalang ang mga maya ay nagaawit sa sibul animo'wala ng kamatayan ang bagong kasal na nagpapasasa sa pulot at gata ng kapanahunan. si tomas ay naglalamay sa ikapanganganyaya ni maneng at walang pinatawad na pangyayaring di sinamantala. si binay naman na nginangatngat na kasalukuyan ng panibugho ay nagmadaling lumuas sa maynila upang alamin ang katotohanan. palibhasa ay totoo ang balita ni tomas ay di siya nahirapan na magkaroon ng isang sipi ng pagiisang puso ni nati at ni maneng. kasulatang kanyang iningatan na parang isang sandata upang ipalpal kay maneng at ito'gawing isang kasangkapang hamak na pakikilusin ng kanyang diwa. iniwang sandali ni maneng sa kanyang biyanang babai ang mutya niyang si nati at sa pagka'talastas na kung ano ang sanhi ng pagyao ni maneng na dili iba'ang paghahanda ng kanilang paglalakbay na binabalak, ay di man tinutulan muntik man.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pagdaan ni maneng sa bokawe ay napataong nakadungaw ang masayang si binay, kaya'lumunsad si maneng na parang doon talaga ang kanyang pakay. naganyong mabalasik si maneng na animo'larawan ng lupit, samantalang si binay naman ay parang sabik na sabik at walang anomang nangyayari na sumalubong sa asawang dumarating. kay inam nilang magpakunwari. maneng ani binay anong laon nang di mo idinalaw sa akin. bakit nga kaya'tila nagtatampo sa akin ang tanging giliw ko? dapat mong mahulaan ang saad ni maneng ng boong saklap. dapat kong mahulaan ang ano maneng? ako'ginugulo ng iyong anyo. tinanggap mo ba ang liham kong kita'inaantabayanan? oo, binay, at talagang tinikis kong hindi dumalo upang yumaon sa akin ang masamang sandali. masamang sandali? ano ang dahilan aking maneng? oo, ang dahilan maneng. linawin mo nga sa akin?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"naaala ala mo ba ang kalagimlagim na sandali nang ang auto ko at ang sasakiyan mo'nagkabangga, ay iginawad sa iyo ng aking mga kasakay ang isang imperdible oo, nguni'kasintahan ang sabihin mo at hindi kasakay. kahit na gayon. ang imperdible ay saan naroroon? at ipinababawi ba? pinagsisihan ba ang pagkakagawad noon sa akin. dapat niyang malamang yao'hindi ko hiningi. hindi nga, nguni'ibig ko lamang makita ang imperdibleng yaon. nakatago at aking minamahal, sapagka'sa kaniya galing. nakatago at iyong minamahal? oo maneng at nagtataka ka? si binay ay nagagalak sa panibugho ni maneng. ang imperdibleng yaon na gawad niya ay minamahal ko pagka'yao'kaloob mo sa kanya at sa paggagawad niya sa akin ay parang naging paraan na ikaw ay nahilig sa aking pagmamahal, hindi ba maneng? at ilinapit ang kanyang katawan kay maneng na animo'naglalambing. lumayo si maneng at pinagmalas ng isang malas na punong puno ng kutiya si binay, at saka nagpatuloy. kay inam mong magpakunwari.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sinabi mo ng boong katiwasayang ang imperdible ay iniingatan mo. ito'isang kabulaanan; sapagka'ang imperdible ay nasa isang lalaki na pumupugay ng aking karangalan kung ako'nakatalikod, nasa isang duwag na magnanakaw ng dangal. dahan dahan; ang isang lalaking marangal ay hindi parang isang hampaslupa na nagtutungayaw sa likod ng tinutungayaw. tangi sa roon ay hinahamon kita na di mo mapatutunayan ang mga paratang mo; samantalang ang aking sa iyo'ipinararatang ay patutunayan kong lahat. nasan ang imperdible ipakita mo sa akin at nang mabunyag ang kabulaanan mo. ako'hindi nalulungkot kung ikaw ma'nagbago ng suyo. makaaasa kang di kita titigatigin; nguni'ang di ko matutulutan ay ang ako ang maging tagabayad ng mga sirang kasangkapan. ikaw ang bulaan maneng at nagtindig at nangangatal na kinuha ang imperdible na isinauli ni tomas. narito anya kilalanin mo ang sangla mo kay nati na kanyang pinalibhasa at pinawalang halaga.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"minamahal ko sana, sapagka'ang pangalan mo'naririyan; nguni'palabintangin ka at inialis mo sa akin ang kita'pagpitaganan. naririyan ang iyong imperdible at ihinagis sa kandungan ng binata. nagulat si maneng sa di inaantabayanang nangyari at sa dapat na siya'magalit ay siya ngayon ang di makaimik sa harap ng katotohanang kanyang nakikita. aling imperdible ang kanyang nakita kay tomas? ito rin, itong ito; nguni'bakit na sa kay binay? samantalang ito'nagsalimbay sa kanyang hinagap, si binay ay nagpatuloy: nalalaman kong gaya ng lahat ng bulag na asawa ikaw ay lubhang panibughuin, salamat maneng sa tandang ito ng pagiingat mo ng karangalan, mainam yaon kahit na ako'ipinalagay mong isang maawain nguni'ang dito'natatago, ang nalalaman mo, ang iyong tangka na aking nahulaan, ay ang makipagkagalit ka sa akin sa gayong paraan; nguni'maneng, maghunos dili ka. alalahanin mong ikaw at ako ay iisa sa harap ng dios.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"alalahanin mo na maaari nating paglalangan ang iba, nguni'tayong nakatatalastas ng ating ginawa, tayo'di natin madadaya. at lumapit, na pamuli kay maneng. ngayon maneng, ang imperdibleng yan na hinahanap mo ay may matuwid kang mainis nga sa panibugho, nguni'di sa akin, kungdi sa iyong nati, na di natutong magmahal sa iyong alaala. aking nati!. ang pakunwari ni maneng. at inakbayan ng kanyang bisig si binay na hinigpit sa kanyang dibdib, upang mapaamo marahil. ani maneng, maaari bang ang ibang babai ay aking mahalin samantalang ang panunumpa ko ay sa iyo iginawad? at ang babai, babai palibhasa ay napalamuyot sa mga alo ni maneng at ang kangina'nagkakagalit mandin, ngayo'pamuling nagsilusong sa dagat ng ligaya. at sinamantala ni binay ang ganoong kahinaan ng puso ni maneng, na linasing na mabuti sa suyo at lamyos at nang makaraan ang ilang sandali ang lalaki ay nangusap: binay aniya patawarin mo ako sa aking kabiglaanan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang imperdible ay tanggapin mo at di ako sino upang bumawi ng isang bagay na di sa akin galing. itatago ko at tatanggapin ng boong puso bagamang umaapaw sa akin ang poot sa pinanggalingan niyan, sa babaing nagnanasang umagaw ng aking ligaya; nguni'sa kasawian niya maneng ay nasa piling kata at ako'iyong minamahal, ano hindi ba maneng? nang boong puso binay, ng boong kaluluwa. ayaw ko nang mawalay pa sa iyo maneng. ang tukso ay lumiligid sa akin at ang panganib ay lumiligid sa iyong ibig kang iwalay sa aking piling. bakit binay? ipinatatalastas ko sa iyo maneng na ni isang sandali ay di na ako makapagiisa. natatakot ako sa mga katotohanang umaagaw sa aking katahimikan. ano yaon binay, ipagtapat mo sa akin at aking lulunasan pagdaka. sa ikaw ay nasa ibang piling maneng, at gaya ng asawang mairugin ako'nananaghili. na ako'nasa ibang piling ngayong ako'naririto at iyong iyong magisa? oo, maneng ikaw ay nagkamali, nguni'pinatatawad kita. di na ako hihiwalay sa iyo isang saglit man.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ano binay ang ipinagkamali ko? napakasal ka kay nati. pabulaanan mo sa akin maneng ang katotohanang iyan, at alang alang sa salita mo'paniniwalaan kita. oh, hindi, hindi; kailan ma'hindi ko magagawa ang gayon ang animo'baliw na tugon ni maneng. pabulaanan mo maneng ang pahayagang iyan na nagbabalita ng isang paninirang puri at iniabot ang pahayagan. pagusigin mo kung sino ang naglathala. yan ay kabulaanan ng mga manunulat. pag uusigin ko. oo, kabulaanan nga; at hayan pa ang isang pakana ng mga kaaway mo at iniabot ang kasulatan ng kasal nila ni nati. kung ang lupa ay mabuka at linamon si maneng, kaipala'minabuti niya kay sa nangyaring yaon. malaong di umiimik at napalagmak sa panlolomo. ang pawis niya sa noo ay butil butil na sumisibol. si binay ay agad lumapit at anya: maneng, huwag kang malumbay. ano sa akin kung siya'isang hangal na sumugba sa ningas? ang karangalan ay akin at ang kapintasan ay nasa kanya sa kanya babagsak ang pula.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"makalilibo ka mang ibigin ng ibang babai ay di ko pinipigil ang iyong laya. ibahin mo ako maneng, nguni'sapagka'ako'asawa mo, ay dapat na ang gabi ay ibigay mo sa akin, sapagka'yaon ay akin. salamat binay, kay laki ng iyong puso. at ang dalawang magasawa ay magkasamang lumuwas sa maynila pagkatapos na makuhang lahat ang mga ari arian ni binay. napatayo si maneng sa isang katayuang mapanganib, nguni'ano ang magagawa sa yaon ay likha ng mga pangyayaring di maiiwasan? dumating na maluwalhati si maneng at si binay sa tahanan ng lalaki. si gorio ay hangang hanga kung bakit at kakakasal lamang ng kanyang panginoon, ay iba na namang babai ang kasama at sa sarili pang tahanan iniuwi. makikita mo biyang ani gorio makikita mo at basagulo na naman ang taglay ng mang maneng. siya nga gorio; sa tuwing ang ating panginoon ay magdadala ng babai dito sa bahay ay kawil kawil na gulo ang dumarating. nakita mo noong karnabal?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"oo, at lalong kataka taka ay iba ang dinala, iba ang naanakang naghahabol at iba ang naging asawa. at ngayon ay iba na naman ang dala rito. ano kaya ang magiging buntot ng dalaginding na ito? hintayin natin at makikita mo'komedya na naman itong walang pagsala. hindi pa natatapos ang salitaan at bago pa lamang halos nagiinit ang pagkaupo ng dalawang magkalaguyo sa isang maringal na sofa ay satatawag sa bahay ang isang lalaking anyong buhat sa lalawigan na may kasamang dalawang kagawad na lihim at isang sa bikas ay abogado mandin. sinalubong ni gorio at nang mapagtanto na ang pakay ay ang kanyang panginoon, ay ipinagkaila at sinabing wala roon sapagka'kinakabahan siya mandin; nguni'tinangaan siya ng kagawad ng kanyang revolver at anya: maiwan ka rine at kami ang aakiyat upang mapagalaman natin kung wala nga.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kumalat sa boong katawan ni gorio ang isang kahambal hambal na kagitlahanan at pagkasilip ni biyang sa nangyayari ay nasabi sa sarili ang gayari: sinasabi ko na'ang basagulo ay di malayo, at nagdudumaling tumawag sa silid ng kanyang panginoon. mang maneng po. mang maneng. marami pong tao sa lupa at si gorio ay dinadakip mandin. may mga revolver pang hawak. napaigtad si maneng at boong galit na lumabas at sinalubong ang dumarating: ano ang kalapastangang ginagawa ninyo sa aking tahanan mga ginoo, gorio bakit? ewan po mang maneng, kayo po ang kanilang hinahanap. kung ako ang inyong pakay mga ginoo ay mangagsituloy kayo at huwag gagamit ng anomang kagahasaan. huwag kayong biglabigla sa aking mga alila at ako'handang makipagtuos kangino man. at ang mga panauhing di kilala ay nangagsipanhik na lahat sa bahay tangi sa isang di napakilala at naiwan sa lupa; siya'si tomas na siyang may pakana ng lahat. ano ang aking maipaglilingkod sa inyo, mga ginoo upang magkalutas tayo agad.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sino po ang ikinararangal kong kausapin? ako po ginoo, upang tayo'magkadalian, gaya ng inyong sinabi, ay siyang ama ng babaing inyong itinakas buhat sa bokawe. nalalaman na ninyo? ako ang ama ni binay. saan siya naroon? marami pong salamat ang tahimik na tugon ni maneng. at ano po ang aking maipaglilingkod? ipagpaumanhin ninyo ang di ko pakikiharap, sapagka'tunay na hindi ko kayo nakikilala at dumungaw sa silid at tumawag. anya parini ka'narito raw ang tatang. natigilan ang panauhin sa katiwasayan ni maneng na di man nababahala. hinarap silang muli ni maneng at anya: ipagpatawad po ninyo sa amin ang kabiglaanan ng pagluwas; nguni'inaakala ko pong hindi ninyo sukat ikabalisa, sapagka'si binay ay nasa sarili niyang tahanan. ako ang kanya pong asawa. at si binay ay lumuhod sa ama, at anya: ang anak mo tatang ay hindi tumakas upang pairugan lamang ang maling pita ng katawan. ang anak mo po'sumama sa kanyang asawa, bagay na di mo po dapat na pagtakhan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ito'tumpak at kinakalinga ng mga batas. at kayo ba'kasal na binay? bakit di na ninyo ipinatalastas sa akin? may ilang buwan na po tatang; nguni'sa mga ganitong pagkakamali na ang puso ay siyang namamahala sa tao, ang agarang hatol ng iba ay nawawalan ng saysay sa harap ng katotohanan, kaya ama, patawarin mo ang aming kamalian at igawad mo sa mga nabiglaanang anak mo ang inyong pala. kami ay nasa biyaya ng poon. si tandang atong (ang ama ni binay) ay natigilan. ang dalawang kagawad na lihim ay naglipatan ng tingin at inakalang sila'kalabisan na roon at madaling napaalam. pagkaalis ng mga secreta ay sinalubong ni tomas at tinanong: ano ang nangyari mga kaibigan? ang rapto na siya naming sapantaha ay gumuho at ang galit na ama gaya ng maaasahan ay gumuhong lahat din sa pakikiayon sa manugan na mayaman, mabikas at ang diwa'busog sa tanglaw ng talino.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"oh namamali kayo ng sapantaha, ang ginoong yaon na inakala ninyong isang matalino ay isang hangal na hindi marunong magpapanatili ng kaligayahan na ikinatiwala ng palad sa kanyang kapamahalaan. hindi ko makita ang inyong sinasabi? kahit ninyo ipikit ang inyong mga mata upang huwag makita, kahit ninyo takpan ang inyong mga tainga upang huwag maringig, ang dapat na mangyari ay mangyayari at gaya nang ako'inyong kausap ngayon ay magiging panauhin sa pook ng mga salarin ang palalong mayaman na inyong sinasapantahang batbat ng liwanag ng katalinuhan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi ko malaman kung bakit at sa isang tao na may marangal na gawi, bagamang palalo; may dakilang asal at mapitagan hanggang sa lalong mapanganib na katayuan na, ang lalong malakas na diwa ay nadudupilas at nababalisa; at sa isang taong tahimik na sa gitna ng sigwa sa buhay ay di nababalino at di nakalilimot sa mga aral ng dakilang asal, kahit na magipit ng isang kagipitang likha mandin ng kanyang kapangahasan; hindi ko malaman kung bakit at sa isang tao na gaya noon ay nagbubuko ang iba ng masasamang nasa. hindi ko malaman kung bakit dapat na mapabilang sa mga salarin. ako po ang tanungin mo at ako ang makaaalam kung bakit ang salo ng kasama. turan mo nga po ani tomas. sapagka'isang hapon na di ninyo dapat na malimutan ay ipinasukat sa inyo ng taong yaon (tinutukoy si maneng) ang makintab na baldosa ng la campana . at ang dalawang tiktik ay nagtinginan na wari naala ala ang isang pangyayaring nakabalisa kay tomas. hindi dahil doon mga ginoo, hindi dahil sa ako'kanyang tinampalasan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"dahil sa inaakala ko na ang batas ay may sariling bisa sa harap ng mayaman at dukha man. ano ang ibig ninyong sabihin? na si maneng, ang asawa ng taga bokawe, ang mayaman, matalino, makisig na lalaking tahimik na tahimik ay nasa sa lilim ng kapamahalaan ng mga hukuman, pagka'siya'lumabag sa mga batas na nagpapanatili ng kapayapaan ng ating kapisanan. at nang huwag kayong magalinlangan ay alamin ninyo na si maneng ay makalawang pakasal at ang ganitong paglabag ay pinarurusahan ng boong higpit. ah, yan po'hindi sa amin nauukol ginoo. wala po kaming karapatang magusig. kami ay mga galamay lamang na ginagamit upang mapapanatili ang kapayapaan at ang mga batas ay igalang at pairalin. at ang tatlo'naghiwalay. at si tomas ay tumungo sa pasulatan upang yumari ng isang tudling na mahayap na magpapasakit ng gayon na lamang kay maneng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pagkatapos na masiyasat ni mang donato na ama ni binay ang patunay ng kanilang pagiisang palad at makapagmalas na pawang kasaganaan ang ibinabadha sa lahat ng sulok ng tahanan ni maneng ay nasisiyahang nagwika: pagpalain kayo ng panginoon, mga anak ko, at nawa'manatili kayo sa kaligayahan. at binigkis sa yakap ang dalawang anak na pinagpapala. yumaon pagkalipas ng isang sandali, na di binigyang sagwil bahagya man ang inaakala niyang mga nananabik na bagong magasawa, sa pulot at gata ng bagong kalagayan. nguni'sa katotohanan si maneng ay lalong dinalaw ng balisa. ang lihim na lihim na kasal niya kay binay ay bunyag na ngayon. paano kaya siya sa harap ng kapisanan, paano ang gagawin niyang pakikiharap sa maganak ni selmo at higit sa lahat ng ito ay paano ang gagawin niya upang ang kanyang mahal na si nati ay manatili sa katahimikan. hinagkan si binay ng boong tamis, at napaalam na sandali upang lutasin ang kanyang mga nabibiting suliranin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at parang nakahinga si maneng nang siya'hagkan ng malamig na simoy at nagiisang malayo kay binay, malayo kay nati, naaawa kay mameng at sumusumpa kay orang. ang buntong hininga ni maneng at binilisan ang takbo ng auto na pinalilipad halos. binagtas ang mga lansangan; wala siyang anomang napapansin. sa kanyang diwa'nagsisikip ang isang mahigpit na suliranin ng kanyang buhay at sa gayong pagwawari ay parang hiyaw na tuwi na sa kanyang pangdingig, parang kidlat na gumuguhit sa kanyang pantanaw ang gayari: ang araw ngayon ay iyo bukas ay di mo malaman kung para sa kangino. at sa kanyang puso'kumalat ang isang karamdamang nakaaaliw sa kanyang diwa at nagbalak ng isang balak sa sarili: kung ang sasakyan ko'ibinubuno ng alon, ipinaghahampasan ng sigwa, at pinapaslang ng walang pitagan kong maitim na tala; kung natatalastas kong ang kaya ng tao ay lubhang maliit, ang diwa ay nagkakait ng tanglaw at ang puso'tumitibok ng pangamba, ano ang aking magagawa?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at nagbago ang hantungan ng diwa at pinasiyahang bumili ng isang bagong tahanan na mapagpugaran ni binay. hindi dapat na sinomang babai, kasakdalang kanya mang sinasamba halos, kahit na si nati pa, na sukdulan ng kanyang pitagan, ay tulutan na ang kanyang tahanan ay dalawin. damdam ba niya'ang babai ay laging nagdadala sa kanyang tahanan ng ligalig, kaya'panibulos na nagtatag ng panibagong tahanan na laan sa kanyang taga bukawe. at salapi palibhasa ang namahala ay karakarakang nakapagtayo ng isang munting langit sa manga avenue sa santa mesa, at sa dambana ng tahanang yaon ang pintakasi ay si binay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pagkatapos na mailipat sa bagong tahanan ang taga bukawe, ang tunay niyang asawa sa harap ng mga batas, ang babaing masaya na laging masunurin sa kay maneng sa lahat ng hibo ng kalupaan, ay lumiham kay nati ng isang lalang, upang maitago ang kanyang magusot na pamumuhay: gayari ang nasa liham ni maneng: nati ko; aking nati: hindi ako tumelegrama pagdating dito pagka'iniilagan ko na matalastas ng nanay ang ating binabalak na paglalakbay. linulutas kong kasalukuyan ang mga kinakailangan upang huwag tayong dalawin ng gipit sa paglalayag sa paglilibot sa boong daigdig, upang doo'tuklasin ang ligaya na ikinakait sa atin sa sariling lupa; at sa silong ng ibang langit, doon marahil tayo tutunghan ng buwang lalong maliwanag, ng mga bituwin na lalong maniningning, at ang pagtatamasa ay di ikakait sa atin ng ating malupit na tadhana.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"umaasa ako nati, na doo'di tayo gagambalain ng mga ala alang mapanglaw ng aking kahapon, at palibhasa ay wala tayo doong kakilala man lamang, ang pagmamahal ko'mauubos sa iyo at ikaw naman sa akin ay maguubos ng iyong ganap na pagmamahal. napakasaklap ng patlang na ito ng ating kasalukuyan. ang pagkawalay ko sa iyo'lubhang napakalungkot sa akin at ang aking mga sandali dini sa maynila ay nagiging malalawig at kalunos lunos. dini ay wala ang mga hunihan ng mga ibon, ang matuling lagaslas ng tubig sa mga batisan, ang lagitikan ng mga siit kung ginagahasa ng hangin at ang kahanga hangang katahimikan pagdungaw ng gabi upang tayo ay malayang tulutan na makapagbubo ng samyo nang lalong banal na pagiibigan. dito ay pawang ingay ang namamayani. mga kaaway na dibdib ang sa kahilingan ng mabuting gawi ay yinayakap. mga tampalasang kamay na may dungis pa ng balaraw na handang papaglagusin sa ating puso ang kinakamayan ng boong higpit.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"mga ngiting pilit at pinagaralan, at ang pagkukunwari'siyang pangkasalukuyan. isang walang katapusang balatkayo na di ko matatalima. nguni'ang lahat ng ito'tulong tulong na nagtataboy sa atin upang tahakin ang malalawak na dagat at sa ibang lupa, humanap ng ibang simoy, ibang kaugalian at doo'itayo ang mga muog ng ating gusali ng ligaya na matibay na matibay. kung di ko pipigilin ang panitik ko nati, kung ikaw ang aking kinakaulayaw, ay maging papel man yata ang malawak na langit at maging tinta ang kalawakan ng dagat ay di mandin matatapos ang sa iyo'ibig kong ibalita. nguni'huwag nating aksayahin ang panahon, ang kislap daw ng ngiti ay sasandali lamang na dumudungaw sa mga labi samantalang ang bakas ng kapanglawan ay di yumayao karakaraka sa ating anyo. maghintay ka nga at ang ating mabubuting sandali ay namimitak na. ang laging iyo,.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"busog sa kasayahang binasa ni nati ang liham ni maneng, at binubusog sa halik, samantalang binabasang paulit ulit at sinisinag doon ang kaluluwang matimtiman at pusong mairugin ng giliw niyang si maneng. noon, malayo man siya kay maneng, ay nararamdaman niya na nasa kanyang piling mandin sa lahat ng sandali at binabalot siya ng walang maliw na ala ala. ang pangungulilang saglit ay di naghari sa kanyang karamdaman, nguni'ang luha ng galak ay nagsusumungaw sa kanyang mata. maya maya'isang liham na naman ang dumating. ang puso niya'sumikdong muli pa. talagang si maneng anya ay napakamairugin at binuksan ng boong ingat ang sobre: anang liham: ginang: huwag mo pong pagtakhan ang kapangahasang ito; nguni'ang isang tapat na kakilala ay di dapat maghalukipkip at di dalidaling sumaklolo kung ang isang iginagalang ng boong pagmamahal ay nababalaan ng isang sakuna.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,ang kalakip pong pilas ng pahayagan ay siya nang magtatapat sa inyo ng di ko masabi; sapagka'ako'natitigilan sa bangis ng katotohanan. sinong tomas ito ani nati at ugaling babai palibhasa na hangad na mataho ang tanang bagay kahit na lasong pangpatay ang taglay noon ay binasa ang pilas ng pahayagang kalakip ng sulat. kumakalat ang balita na ang kagawaran ng tagausig (fiscalia) ay nababalinong kasalukuyan sa isang maingay na usapin na nasa kanyang kamay ngayon. umano'ang tanyag na mangangalakal na si. manuel san juan na nakipagisang puso kay bb. natividad lopez ay nagsisikap na kasalukuyan upang iliblib sa pamagitan ng paglalagalag sa ibang lupain ang una niyang kasal na sinumpaan sa isang magandang taga bokawe na nagngangalang severina francisco. ang mga kagawad ay di umiidlip at may mga kautusan nang ilinagda upang sagwilan ang nagnanasang maglaro sa mga batas na umiiral.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang mga sumusunod na kasulatan ay siyang mga patunay na ang nasabing ginoo, na nasiraan mandin ng bait sa mga panghalinang dilag ng dalawang babai, ay nakagawa ng isang kalapastanganan. ang isang kasal, gaya ng makita sa siping ilinathala namin ay idinaos ng biglaan at ginanap ng isang pastor protestante at ang pangalawa ay sa bahay ng binibining huling pinakasalan na ganap ng cura sa mataong bayan tundo, nang ang nasabing babai ay nabibingit sa kamatayan. nagulo ang ulo ni nati, ang diwa niya ay nalito, ang puso niya ay linunod ng pighati at ang hininga ay sandaling pumanaw. at nang siya'pagsaulan ng bait ay ang mairuging ina, si balong tayang ang siyang sa kanya'tanging sumaklolo. maneng ang hibik ni nati maneng, saan naroon si maneng? tawagin si maneng nanay. at si aling tayang ay agad nagpadala ng isang telegrama sa maynila. gayari ang nasasaad: anselmo lopez, tundo, maynila,. parine kang agad at ibalita kay maneng na si nati ay malubha.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at si maneng ay nababalisa sa piling ng magandang taga bokawe. ang mongolia ay tutulak sa ating lunsod patungo sa hilaga at nakahanda nang lahat ang kailangan nina maneng upang tumakas sa mga batas na walang awang kaaway sa sariling lupa. ang mga pahayagan ay di nababasa ni maneng palibhasa'gulong gulo ang kanyang diwa at litonglito ang pagiisip sa magusot na suliraning sarili. inakala niya na si binay ay langong lango sa pag ibig na kanyang ipinagbudyakan. inakala niyang sa kanyang pakikisamang ilang araw at sa walang patumangang pagyayaman sa kanilang langitlangitan sa santa mesa, ay tahimik na ang butihin niya at masayang birhen; at tahimik na nga; at lubos ang pakikiayon sa buhay na yaong sariling sarili; di man lamang natitigatig kahit sasandali; at di mandin kinakabahan na siya'lalayasan ng giliw. datapua'si maneng ay dinadalaw ng isang alaalang nakababalino.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"siya'yayaon at kaipala'di na muling babalik pa; magagawa kaya niyang lumayo ng malayong malayo nang di man lamang makausap si mameng? si mameng na bulag na lumusong sa libingang kanyang hinukay; si mameng na sakbibi ng panglaw dahil sa kanya; si mameng na di man niya iniibig ng tapat, pagka'di na magagawa ang gayon, nguni'pinipintuho naman ng kanyang kalolua, sinasamba ng kanyang diwa, at nais niyang magawaran ng isang pahimakas; nais niyang pagpaalaman; at kahit hindi? hangad din naman niyang bilang baon sa paglalayag at paglalagalag na parang isang samuel belibet ay taglain niya ang isang huling alaala, isang patibay na muli pa ng sanla na kanyang pinuti niyaong karnabal na nagdaan. at ang bahay ni selmo ay dinayo pagdaka; hindi siya marahil paghihinalaan nino man, magkaniig man sila ni mameng, sapagka'talastas ng lahat doon na siya'asawa ni nati. doo'wala marahil na makasalanang malas na maghihinala man lamang sa kanya ng sanhi ng kanyang pakay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at napataong si selmo ay kaalis pa lamang sa bisa ng telegrama . umalis, na, ang tagubilin kay mameng ay gayari: kung si maneng ay mapaparini, ay sabihin mong hintin ako at anya sa sarili kawawa naman, hindi niya dapat na malaman agad ang sakunang nangyayari sa kanyang asawa. si yoyong ay nasa kanyang gamlayan. pinalad si maneng na datnan si mameng na halos nagiisa at tangi sa isang matandang ali at mga utusan ay walang ibang tao sa bahay. parang tiniyap sa pagkakasala. at ang dalawang puso'nagtibukang pamuli. mameng ani maneng pagkaraan ng isang saglit ang palad natin ay linikha mandin upang magdusa, ako sa kasalukuyan ay nasa langit mandin, sapagka'ako'nasa piling mo, nguni'bakit ba'ang ligaya ay saglit lamang dumungaw sa aking puso? napakaramot!.?.! di ka na naawa sa akin! muli mo na naman akong inapi at napakarupok naman yaring puso na sa luhog mo'hindi makapaglaban. kay itim ng aking kapalaran. hindi na ako dapat na mabuhay pa sa kalagayang ito. bakit pa kaya ako linalang?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"talaga kayang may mga kalolwang linikha upang magdusa? bakit kaya tayo ginayakan pa ng tigisang puso kung talagang titibok lamang upang tumangis? kung nalalaman mo lamang na sa gitna ng mga suliranin ko sa buhay ay naroroon ka'hinding hindi napapawi sa aking ala ala, kung nalalaman mo lamang na kahit ako'tabunan sa isang mapanglaw na libingan ay saglit pa akong dudungaw upang ang pangalan mo'tawagin; kung nalalaman mo lamang at mabubuklat ang lalong kalihimlihiman niyaring puso, disin ay nabasa mo, na ang iyong pangalan ay na sa dambana niyaring diwa. kay tamis ng iyong mga pangungusap, kay inam ng mga sumpa mo at pangako, anong bango ng kamanyang na isinusuob mo sa akin. oo, maneng, kailangan ko ang lahat ng yan. ulitin mo pang minsan, upang mawala sa aking malas ang bibitayan kong linikha ng walang awa mong pagibig at ang mga luha'naguunahan sa kanyang mga mata, at ang mukha'isinusubsob na itinatago sa balikat ni maneng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"anong ligaya ng tinatamasa ni maneng ng mga sandaling yaon, at anong saklap ng tangis ni mameng. samantalang ang auto ni selmo ay humahagibis na lulan si nati na nakasandal kay aling tayang, ay lumalapit; lumalapit sa pinagdadausan ni maneng ng huling piging ng kanyang puso. si mameng dala ng kanyang mahinang puso ay nagpatiwakal na muli at muli pa sa kandungan ng kanyang kasi. ang auto ay dumating nang kasalukuyang ang huling halik ay iginagawad ni maneng sa animo'sagang mga labi ni mameng. ang kanilang puso'nagkadaop nang sumungaw si nati na nakaakbay kay selmo at sa mairuging ina. at ang kidlat ng sumpa ay gumuhit sa malas ni nati, ang kanyang mata ay nawalan ng liwanag, at parang hangal na napahiyaw: maneng!!. kikitlin mo ang aking buhay!. at napalagmak na walang hininga. napa si aleng tayang, at si selmo ay nakalimot na sandali sa kanyang pagmamahal kay maneng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ninasang sugurin, inisin sa isang mariing sakal, alsan ng buhay, sa biglang sabi; nguni'nanlomo sa kaamuan ni maneng na anya'at payukong hinintay ang ano mang mangyayari. handang aalis na sana, nguni'ang mga kagawad ng pamahalaan ay dumungaw at si maneng ay dinakip. nagtagumpay ang paglalamay ni tomas sa palad ni maneng. pinagsaulan si nati pagkaraan ng ilang sandali. ang lahat ng nangyari ay parang bunga lamang ng isang pagkahibang sa mataas na lagnat, at ang unang hinanap ng malas ay si maneng. nguni'ang unang nakita ay si mameng, si mameng na luhaluhaan at gaya ng isang magdalena ay nananambitan sa pinagtaksilan niyang pinsan at inagawan ng ligaya. siya'nagsisisi. ako'isang hamak na ginayakan ng isang pusong mahina at isang kalolwang napakaliit. ako na dapat magsikap ng kapayapaan mo, sapagka'ikaw ay laging mairugin sa ulila mong pinsan, ako ang nagkanulo at umagaw sa iyong ligaya. dinggin mo akong sandali, dinggin mong saglit ang aking samo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ako'isang kulang palad sa lahat ng anyo ng kabuhayan. ako'isang nahatulang tumangis magpakailan man dahil sa aking pagkasungabang. walang bukas na nakahanda sa akin kundi pawang kutiya at siphayo. lalayo ako ng malayong malayo upang ako'huwag mo nang makitang muli pa nati. ang kasalanang nagawa ko ay sinusumpa ng kaugalian, pinarurusahan ng mga batas, at di pinatatawad ng mga walang awang mapagaliw sa dusa ng kanyang kapwa. ang patawad mo ang patuloy ang tanging hinihingi kong baon, at ang aking karumihan ay lilinisin ko ng maputing damit ng nurse . pinatatawad mo ba ako nati? si nati ay walang nawatasan mandin. si maneng saan naroroon? ang animo'baliw na sagot ni nati si maneng!. hanapin si maneng. ipinagsuplong siya ng kaniyang unang asawa. ako'kanyang dinaya; nguni'siya ay aking minamahal; ayukong siya'madakip. inyong patakasin. inyong itago at huwag payagang ilibing ng buhay na parang isang salarin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang lagnat ni nati ay napakataas at di man sinasadiya ay humihilig kay mameng at yinakap ng ubos higpit. kilala mo si maneng na lubhang matamis magmahal. ito ay iyong talastas. huwag mong ipagkaila. tayo'inulila sa dagat ng walang pampang na dalamhati. iyong patakasin. si mameng ay patuloy ng pagtangis at paghingi ng tawad kay nati; si aling tayang ay walang malay gawin upang hatdang ginhawa ang anak na naratay; nguni'si selmo ang kaibigang tapat ni maneng bago naging bayaw, ang lihim na mangingibig ni mameng ay parang nauupos na kandila sa gayong panonood ng dagandagang sakit. nagbihis pagdaka. inalam ang sigalot ng bayaw at kaibigan, handang maglagay ng lagak, nguni'nalugsong lahat ang mabuti niyang nasa. nais ni maneng ang malibing ng buhay; pagdusahan ang nagawa niyang kamalian sa loob ng mapanglaw na bilangguang handa ng kapisanan sa mga salarin. ani selmo nang siya'makausap: maneng!. maaaring palawigin ang usap, na isa, dalawa tatlong taon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"maaaring mamuhay ka ng tahimik at malaya. at sa panahong ito'masisikap natin ang patawad . maaaring ayusin ang gusot na iyong kinapasukan. ang boong tigas na tugon ni maneng bayaan mo akong maglinis sa tiising nakataan sa akin. hindi ako maaaring tumahimik sa gitna ng sigalot na aking napasukan sa masamang sandali. ang huling tawa raw ay siyang lalong masarap. kung may buhay pa ay maaari pa ring lumigaya. gayon nga, samantalang ang kalagim lagim na pamamayani ng lungkot ay naghahari sa kanilang tahanan at sa bawa'isa nilang puso, ay boong tapang na yinayakap ang kasawian. hiningi sa tagausig na huwag nang palawigin ang usap; hiniling ng boong pagsamo na iharap na siya sa hukuman at ano mang lupit ng parusa ay kanyang tinatanggap ng boong puso yayamang siya ay may sala.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at ang mga kaibigan ay nangaguunahang maghandog ng samantalang lagak upang ang hatol ay mapaglabanan, gayon din ang mga tulong upang mabawasan ang pasiya ng hukumang siya ay mabilanggong 'ay mabago, nguni'walang ibang isinasagot si maneng kundi: salamat mga kaibigan, hindi ko na kailangan ang lumawig pa kahit sandali pa ang laya na sa aki'bumibigti at nakasasabagal. tinatawag ako sa bayan ng mga salarin at panibulos ang aking paniniwala na yaon ang aking bayan . basahin ang karugtong nito. masarap na luto na tumutugon sa kaugalian at kapanahunan. malinis, mababa ang halaga at mabuting pagkain. madlang awa tailor de ildefonso madlangawa confeccion esmerada de trajes para caballeros ninos. azcarraga tondo, manila. amor studio | sa araw at gabi may tagaayos ng buhok na walang bayad. juan luna, tondo, manila. tel. || || || mayroon kaming sukursal || || sa baliwag, bulakan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"|| || || || sa mga nakatapos ng pagaaral na mababalam || || dahilan sa di pa nayayari ng kanilang || || mananahi, ang toga kami ay may nahahanda || || at buong pusong ihinahandog sa kanila, sa || || lahat ng sandali. || || || || may mga retocador kami at fotografo na mga || || sanay sa lalong maselang na gawaing ukol sa || || aming hanap buhay. || || || || bago sana magpakuha sa mga taga ibang || || lupain ay sa mga kalahi na muna ibigay ang || || tangkilik. || || || || isasauli namin ang bayad sakaling ang aming || || mga larawan ay mapintasan. pahina wala nang simula ng bagong talata bago ang pakasal na muli kay nati . pahina binago mula sa (inaakala niyang. pahina mameng binago mula sa maneng (napahiyaw si mameng). pahina umiimik binago mula sa umiiimik (hindi ka umiimik). pahina di ko binago mula sa diko (di ko mapapayagang). pahina nguni'binago mula sa guni'(nguni'sa harap ng mga pangyayari). pahina maneng binago mula sa manen (higanti kay maneng).",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,pahina mangimbulo binago mula sa manngimbulo (mangimbulo si binay). pahina ako'binago mula sa ako'(ako'ginugulo ng); tinanggal ang simula ng bagong talata at ang gatlang bago ng tinanggap mo ba ang liham . pahina siya nga binago mula sa siyanga (siya nga gorio). pahina napakilala binago mula sa napakikila (isang di napakilala); ipagpaumanhin binago mula sa ipagpaumanhin (ipagpaumanhin ninyo ang); silid binago mula sa salid (at dumungaw sa silid). pahina walang binago mula sa walag (walang maliw na ala ala); karamdaman binago mula sa karamadaman (sa kanyang karamdaman). pahina hangad binago mula sa hangad (hangad din naman niyang); binago mula sa makakapal na titik ang samuel belibet (parang isang samuel belibet at telegrama (sa bisa ng telegrama. pahina animo'binago mula sa animoy (animo'sagang mga labi); binago mula sa makakapal na titik ang auto (ang auto ay dumating).,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pahina binago mula sa makakapal na titik ang patawad (masisikap natin ang patawad ); tinanggal ang naulit na linyang gayon nga, samantalang ang kalagimlagim na pamama. narito ang bahagi ng kabanata sa orihinal na duplikado ng bahagi ng kabanata, na may bahagya lamang na pagkakaiba: at ang kulang palad na si nati na pinahihirapang kasalukuyan ng pagaalanganin ni maneng ay nangunguyapit na kasalukuyan sa maiinit na bagting ng tanikala na dulot sa kanya at isinilo ng anangki niyang nakapangingilabot. si maneng namang yumaon na ay tulad sa isang sasakyang walang ugit; susuling suling na hindi matukoy kung ano ang dapat na gawin. may mga taong mahihina at agad sumusuko sa mga bayo ng dusa at kung magkabihira'walang ibang pinagbubuntuhan kundi ang kabiglaanan na masamang gawi ang dagling pagbibigay sa mga udyok ng pita. sa diwa ni maneng ay nagsulpot sulpot ang mga ala ala, niyaong mga sawi na nagpapatiwakal dahil sa pag ibig.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa lahat nang yaon ay walang mapili si maneng na dapat niyang uliranin. nasusuklam siya sa palad nang mga nagpapatiwakal, na kanyang binababawan ng tawag na duwag at nangagsisitalikod sa katungkulang banal ng tao na makibaka sa buhay. at boong tapang na tinungo ang kanyang tahanan at nagkulong din sa kanyang silid, at yao'ditong di mapakali na sinusukat ng kanyang banayad na hakbang ang maaliwalas niyang pahingahan. paano ang mabuti kong gawin? ani maneng sa kaniyang sarili. pakasal na muli kay nati pagkatapos na pakasal kay binay ay ganap na pagpapatiwakal din sa kapisanang ito na aking pinakikipamayanan. dito'may mga batas na napakalulupit sa ganitong paglabag. bakit ba'di pa ako sa mga bayang tumatangkilik ng poligamia sumilang? disin ay di ako naghihirap ng paglutas ngayon nitong magusot na suliranin ng aking buhay. at napatigil na sumandali, lumikmo sa kanyang maringal na likmuan at pinagwawari ang dapat na gawin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"mayamaya ay napatampal sa hita at aniya: lutas na ang suliranin kung papayag ang pastor na nagkasal sa amin ni binay. ano ang mawawala sa kanya kung ang talaan ng aming pagkakasal ay mawala halimbawa? ang salapi ay isang mainam na panilaw. atuhan natin sa paraang ito. limang puong libong bagay ang kay daling lutasin, nguni'ang tao ay napakahangal na sa isa lamang dito, ay natutulig na, at di magkatuto ng paglutas. at nagmadaling nagbihis. sinidlan ng maraming salaping papel ang kanyang kalupi at nagsilid sa dalawang sobre ng tiglilimang daang piso na handang pansuhol sa pastor ng iglesia metodista na kanyang handang upatan. at nanaog na daglian, nguni'nasalubong niya ang cartero na nagabot sa kanya ng isang sulat. lumulan sa kanyang auto na laging nakahanda at doon na binasa ang liham pagkatapos maipagbilin kay ikong na pumatungo sa bahay ng pastor, sa avenida rizal.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"gayari ang nasasabi sa liham: maneng ko: parine kang agad at nang maaga tayong makabalik at ang tatang ay darating daw ngayong hapon. kung pahintulot mo ay ihayag na natin sa kanya ang lihim nating pagiisang puso. siya ay isang taong marunong maghunos dili at kung kanyang makita na huli na ang kaniyang tutol ay maaasahan nating ang kaniyang pakikiayon sa atin, baga mang hindi na yaon kailangan. mabuti na rin ang walang pinangingilagan at inaala ala. ano ang sabi mo maneng? ako'uhaw na uhaw sa iyong masuyong alo na inaasahan kong di mo ipagkakait sa iyong tapat at tuwina'mairuging asawa. sinabayan ng punit ang liham, pinaggutay gutay at ipinalipad sa hanging sumasalubong sa lumilipad niyang sasakyan. at ang sabi sa sarili: tapat na asawa!. kung ang lahat ng tapat ay gaya niya, ay baligtad na ang daig dig. wala nang taksil; wala nang maituturing pang pagkakanulo sa puring dapat na ingatan at mahalin tuwina. tapat na asawa!. at ang bali hindi ako pahahalata.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"makikipagkita ako kay binay at kung siya'madaya ko yamang ako'dinaya din lamang niya, ay walang salang di magiging mapalad ako sa piling ni nati. samantalang ito'nangyayari si nati naman sa gitna ng gayong dagok ng kapighatian ay waring walang ikakaya at ang kaniyang pihikang katawan ay linulupig ng dalamhati. ang ulo niya'parang iginigiba sa paniniwalang siya'pinaglalaruan ni maneng at di siya marahil nasang pagtapatan. ang paniwalang si mameng ang siyang pinaguubusan ng suyo at sanhi ng gayong alinlangan ay uutas mandin sa kanyang buhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"bahay ni artemio. pagbubukas ng tabing ay mamamalas ang kagayakan ng isang loob ng bahay ng mahirap. makikitang si artemio ay nakahiga sa isang papag na may tali ng isang panyo ang kanyang ulo. ang ayos ni artemio ay parang may dinaramdam na sakit. sa kabilang panig ng bahay, na mangyayaring maging sa batalan, ay makikita si esperanza na naglalaba pag angat ng tabing at pagkaraan ng isang sandali, ay titindig sa kanyang pagkakaupo si esperanza. hapon, at ang ilang anag ag ng araw na matuling tinutungo ang kanyang kanlungan, ay pumapasok sa isang bintana ng kababayan. si esperanza, pagkatapos, si artemio esp. (mula sa labas.) kaawaawa ang aking si artemio!. tatlong araw na ngayong hindi makakain!. lagi nang isa* mo'may malalim na iniisip!. may sakit kaya? art. (mula sa kanyang hihigan. uubo, at pagkatapos ay magtuturing.) lahat na po ng hirap ay ibagsak na sa akin, nguni'ipagkaloob mo po lamang na magpatuloy sa pagbuti ang puso at kalooban ng aking si esperanza!. (hihintong sumandali.)",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"di po kailangan na batahin ko ang lahat ng pahirap matubos ko lamang siya. esp. (papasok.) bakit, aking artemio, may sakit ka bang dinaramdam? art. wala, aking mahal na asawa. esp. (kulang nang paniwala.) nagkakaila ka sa akin. art. (pangiti.) maniwala ka aking esperanza sa katatapos na isinagot. esp. huwag mong ipilit artemio ang pagkakaila ng iyong dinaramdam sa katawan. talos ko, aking mahal na artemio na tatlong araw na ngayong hindi ko man halos makakain. alin ang sanhi ng gayon?. (pasumala) marahil ay hindi ko nararapat na malaman, at dahil dito'hindi naman ako nagpupumilit na manawa ang gayon. art. huwag, huwag kang magturing ng ganyan. esperanza pagka'ang sarili mo ang siya ring sinusugatan: tunay ngang may kaunti akong dinaramdam, nguni'wala namang gaanong kabigatan. esp. kung gayon, ay hayo, turan mo sana sa akin ang iyong damdamin. art. tunay ngang may mga tatatlong araw na ngayon na laging sumisikip ang aking dibdib. esp. gayon pala, ay bakit hindi mo nasabi sa akin?",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"art. mangyari, ay walang kabigatan. esp. marahil nga'tunay ang iyong sapantaha, nguni'kailangan din yata na ikaw ay makita ng mga gamot. ngayon din ay tatawag ako ng isang manggagamot at ng makilala ang sanhi ng iyong dinaramdam. (anyong aalis. sasansalain ni artemio.) art. bayaan mo na, at ito'walang anoman. esp. hindi, hindi ko matitiis na makikita kang may karamdaman at hindi ikita ng lunas ang gayon. art. kung mapili ka sa iyong nasa, ay bayaan mo ng ako ang siyang tumungo roon. arimuhanan din ang mabawas sa dalawang piso na ating ibabayad sa mangagamot, kung siya pa ang paririto. esp. huwag na, at baka ka pa abutan sa iyong pagtungo doon. art. hindi, huwag kang mag ala ala. sa awa ni bathala, ang dati kong lakas ay hindi pa din nagbabawa, ni hindi humihiwalay sa akin. (aalisin ang nakataling panyo sa kaniyang ulo. huhusain ang kaniyang buhok, at pagkatapos ay kukunin ang kaniyang sombrero at bago umalis ay magtuturing ng:) hangang mamaya!",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"esp. hanggang mamaya aking artemio, at kaiingat ka sana sa iyong katawan. (aalis si artemio.) si esperanza ay nagiisa esp. (luluhod sa harap ng isang kristo. malumbay) bathala!. ipagkaloob mo po sanang ang sakit na dinaramdam ng aking artemio ay huwag maging mabigat. ipagkaloob mo po diyos ko, na ang manggagamot na titingin sa kaniyang damdamin, ay matuklas ang gamot ng kanyang karamdaman!. para mo na pong habag sa akin!. at, kung ang ikagagaling po niya'ang aking buhay, naito po, at maluwag kong inihahandog sa inyo ang aking puso. mula sa labas. esp. (sa sarili). (tatayo sa kanyang pagkakaluhod tutunguhin ang tarangkahan at bubuksan). lalabas si ramon. siya din at si ramon ram. esperanza!. anong saya at nakita kitang uli. (anyong yayakapin). esp. (pasansala kay ramon at waring galit). dahandahan! huwag ka po magasal ng papaganiyan. ram. (mamasdan ng pakutya at pagkatapos ay hahalukipkip.) esperanza, nagpakikilalang tila mabuti ang natagpuan mong ka agulo, pagka'tila.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"nalimutan mo na tuloy ako. esp. (galit) ginoo, huwag mo pong lapastanganin ang isang katulad kong na sasa loob ng kaniyang sariling pamamahay. ram. (palabag) pinupuno mo pa ako ngayon? kilalanin mo akong mabuti. ako ang isa sa mga giniliw mo sa salon, sa bahay sayawan!. hindi ka na ba sumasayaw ngayon? esp. alang alang sa diyos, huwag ninyong bigyan ng kauntulan ang isang babae na nanunumbalik sa kaniyang kabutihan. ram. (pakutya) nagiisip ka ng bumuti? loka ka nga yata. ang lalong kabutihan mong magagawa, ay ang sumama ka sa akin. talastasin ninyo na ang esperanzang ibinulid ninyo sa kasamaan, ay hindi na siya ang kausap sa mga sandaling ito. ram. (patuya). loka ka nga palang tao. dapat mong talastasin na ang isang babayeng na gumon na sa lusak, at ang kapurihan ay nawalan na ng tunay na halaga, ay hindi na mangyayari pang bumuti. (anyong yayakaping muli.) esp. (galit) huwag ka pong mangahas ng ganyan, ginoo, kung di mo ibig na kayo'samain.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ram. sasangayon ako sa iyong hinihiling kailan man at sasama ka sa akin. esp. (boong puso.) sukat na ang pagulit ng ganyang pananalita. tahas kong sinabi sa inyo na hindi ako makapapayag sa inyong hiling. ram. (pakutya, pagkatapos na tignang mabuti ang ayos ng bahay.) malasin mo esperanza ang bahay na ito, na halos ay magiba na lamang. (pahikayat) sumama ka sa akin, at kita ay pagkakalooban ng isang marikit na bahay. di katulad nito. sumama ka sa akin. (patabanan niya sa kamay si esperanza at pipiliting sumama sa kanya.) esp. (galit na galit). ako'inyong bitawan. ram. (pabatok) sumama ka sa akin!. esp. (matatabanan ang isang luklukan, at siyang ihahampas kay ramon. ito'tatakbo sa loob.) inibig mo ang ganyan, ikaw ang bahala. (huhusain ang kanyang damit at buhok na magusot.) buhat sa loob: magandang hapon po! esp. magandang hapon po naman! lalabas si rafael. si esperanza at rafael raf. (pagkakita kay esperanza). ano, esperanza, kumusta ka? esp. (magalak) ikaw pala, rafael.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"mabuti sa awa ni bathala. raf. si artemio, saan naroon? wala ba siya rito? esp. wala, tumungo siya sa bahay ng isang mangagamot at ikinuhang sangguni ang kaniyang karamdamang tinataglay. mabigat baga? esp. hindi, ayon sa sabi niya sa akin, nguni'sa palagay ko ay hindi nararapat na palampasin. ako na sana ang tatawag sa mangagamot, nguni'hindi siya pumayag, dahil sa malaki pa raw ang aming ibabayad. raf. matagal kaya siya? esp. hindi naman marahil. matagal ka rin hindi nakaka ala ala sa amin. raf. tunay nga, pagka'tumungo ako sa lalawigang pangasinan at pinakialaman ko roon ang isang lupain. ngayon, ay kararating ko pa lamang. ipinalalagay ko esperanza, ngayon sa ayos ng inyong tahanan, na dumadanas kayo ng di kakaunting hirap at paghihikahos, at dahil sa gayon, ay tangapin mo ito. (ibibigay ang isang bilot na papel moneda.) esp. (tututulan ang ibinibigay sa kaniya) payagan mo sana rafael, na huwag kong tangapin ang inyong ibinibigay sa amin.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"gayon man, ay asahan mong pinasasalamatan namin ng marami. raf. (pasamo) kunin mo sana, esperanza, at iya'huwag mong ipalagay sa bilang limos ko baga sa iyo, kundi, parang isang abuloy ko sa inyo ni artemio. esp. kahit na, hindi ko sana ibig tangapin ang gayon alang alang lamang sa iyong mga pangangatuwiran ay paiirugan kita, nguni'hindi ba ang lalong mabuti ay kay artemio mo na ibigay kung siya ay dumating? raf. oo, tunay ang iyong sinabi. lalabas sina salustiano at delfin. sila rin at sina salustiano at delfin sal. (papasok) magandang hapon po! esp. magandang hapon po naman. magtuloy po sila. (ang dalawa ay papasok. si rafael, pagkakita kay delfin ay magalak na yayakapin ito.) del. (kay rafael) kaibigang rafael!. raf. (pataka) anong hiwaga ito? (ap) ano'pati ng mga umalipusta kay artemio sa kanyang pagaasawa kay esperanza, ay nagsitungo ngayon dito? esp. (kay rafael) tunay ang iyong katatapos na sinabi, rafael. (sa dalawang bagong pasok).",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"kangino pong santo utang namin ang inyong pagkakaparito? sal. sa kangino man po sa mga santo, ay wala, nguni', sa isang balitang tinanggap kagabi sa bahay ng ama ni artemio na umano'may sakit daw. tunay nga po ba? (kay esperanza.) esp. tunay nga po, nguni'wala namang anomang kabigatan, na di gaya mandin ng gumalang balita. del. nguni'saan po naroroon si artemio? nasaan po ang aming giliw na kaibigan? raf. (galit, nguni'nagpipigil. kaibigan nila? at, hindi nga ba'kayo ang mga nagsipagpuno ng pagkutya kay artemio, na ngayon ay tinatawag na mahal na kaibigan, ng gabing humihingi siya ng tawad sa kaniyang ama? sa palagay kaya ninyo, ay mabuti ang gayon kagagawan? ang dal. (kay raf. pakumbaba) namamali ka, kaibigan; hindi kami ang nagsimula ng gayon? ang dal. hindi namin alam. bayaan mo na sila. sila'pinatatawad namin. del. nguni', saan nga po ba naroroon si artemio? raf. bakit anong pilit ng inyong pagtatanong sa kaniya? del. pagka', mayroon kaming ibabalitang isang bagay.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sal. tunay nga po, ibabalita namin sa kaniya na siya ay. (lalabas si artemio, na may tali'na dalawang sisiglan ng gamot.) sila din at si artemio esp. (sasalubungin). salamat, dumating ka! kangina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo. raf. (yayakapin) mahal na kaibigan!. art. (yayakapin din). kaibigang rafael!. sal. kaibigang artemio. (anyong yayakapin). art. (pataka). aba, naririto pala kayo!. ano kaya ang sanhi? del. ipagtataka mo nga marahil, nguni'kapag natanto mo ang sanhi ng gayon, ay hindi malayong iyong ikatutuwa. sal. tunay, ang sinabi ni delfin. naparito kami upang ibalita sa iyo, na kumalat ang balitang ikaw ay may sakit na malubha. art. (pangiti). malubha ang aking sakit? nabalita ang gayon? del. sa lahat ng mga pahayagan dito. art. sa mga pahayagan? (kulang ng paniwala.) huwag sana ninyo akong biruin ng ganyan. sal. hindi biro, kaibigan. art. sa makatwid pala ay tu. del. oo, tunay, maniwala ka sa aming ibinalita sa iyo.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"art. hindi kaya iyan, ay katulad ng inyong ginawa sa akin na pagkatapos na udyukan upang tumungo sa bahay ng aking mga magulang ng doo'ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan, na pagkatapos ay kayo pa ang siyang umalipusta sa akin? hindi kaya ito ay isa na namang kabuluhang ibig ninyong idulot sa akin? del. (papakumbaba). maniwala ka sa aming hindi. sal. at ang balitang ibibigay namin sa iyo, ay kagabi lamang namin tinangap. at, nalalaman mo ba kung saang bahay namin tinanggap? art. (boong pagnanasa). esp. at raf. siya nga, kangino? del. sa bahay ng iyong papa. (alinlangan) ah!. hindi ko mapaniniwalaan! del. ayaw kang maniwala? siya, mga ilang saglit na lamang, at makikita mo din kung ang balita namin ay biro lamang. sal. at, lalong hindi ninyo mapaniniwalaan marahil kung aking sabihin na, tanggapin ng mag asawa ni. luis ang balitang tinuran na, ay kapuwa nangapaiyak, at si. luis ay nagturing na amalia, tunguhin natin siya. art. (kulang paniniwala. waring galit).",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"salustiano, delfin, hangga ngayon ay ipinalalagay ko pa kayong kaibigan, nguni'utang na loob kong kikilanlin sa inyo na huwag na akong biruin. huwag na ninyong ulitin kapuwa ang pagbabalita ng hindi tunay. ang aking ama ay hindi makapagpapatawad sa akin, talos ko ang kanyang ugali. at talos ko din naman na kanya nang ipahihiwatig sa mga lalong kapalagayang loob na ako'kaniyang isinusumpa. at wala akong mahihintay na mana sa kaniya. del. maniwala ka at siya ay paparito. sal. tunay, gayon ang kanilang sinabi sa akin. art. paparito? (galit) sukat na ng inyong pagkutya! sal. huwag kang magalit. sa katunayan, ang mama mo ay itinanong pa tuloy sa inyong papa kung ikaw ay pinatatawad na niya sa iyong pagkakamali. art. (kulang ng paniniwala). at ano ang isinagot? sal. na ikaw ay pinatatawad niya, at muling kinikilalang anak, alalaong baga'parang walang nangyari sa inyo. (makariringig ng mga yabag ng kabayong wari ay katitigil lamang sa tapat ng bahay ni artemio.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"dudungaw si rafael at pagkatapos ay sasabihing sakdal tuwa.) raf. artemio, naririto ang iyong mga magulang! (lalabas na nagdudumali sina. luis at.amalia.) luis at.amalia. (yayakapin) artemio!. anak kong mahal! (yayakapin) anak ko! patawarin ninyo kamil!. pinatatawid kana namin!. (makikita si esperanza pa pakatingin lamang sa kanila na waring takot at tatawagin.) esperanza halika!. esp. (lalapit ng patakot) patawarin mo na po kami!. (ititindig at yayakapin si esperanza.) pagtindig, esperanza, at ikaw ay pinatatawad namin!. ako, oo, ako ang siyang lalo mo pang dapat patawarin dahil sa pagapi kong ginawa sa iyo. sila rin at si mateo. (mula sa pintuan) se puede? patuloy po kayo!. ginoong notario. art. (ap) ano ang ibig sabihin nito? naparito po ako upang ipagbigay alam sa inyo ang huling habilin at pasya ng isang amain ng inyong asawa. (kay artemio) art. (pataka) ng aking pong asawa? (ang lahat ng mga panauhin ay mapataka. lalo na si esperanza.)",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"isang amain nila (ituturo si esperanza) na siyang lalong mayaman sa misamis na nagngangalang pedro abelario, na kamamatay pa lamang sa bayang ito ay inihalal niyang tunay na magmamana sa lahat ng kaniyang pag aari. art. (kulang pa din ng paniwala) tunay nga po ba? at sa katotohanan, ay, naririto po ang testamento, at sampu ng lahat ng kayamanan. (bubuksan ang kanyang tangang kartera, at ibibigay ang testamento, mga dokumento at mga salapi.) art. (boong galak) esperanza, mama, papa. (pataka) ano ang nangyayari? art. (matuwa). si esperanza ay heredera ng lahat ng mga kayamanan ng isang amain niya na kamamatay lamang. at talos ninyo kung magkano? limang pung libo. tunay nga ba? art. oo, at naito, inyong malasin!. (ipakikita ang testamento.) mayaman pala si esperanza!. esp. ganiyan nga ang patunay, mga ginoo ng notario, nguni'huwag ninyong ipalagay na ang gayon ay magpapabago sa aking paguugali.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ang yaman sa biglaang sabi, ay hindi ko kailangan, kundi, ang kapatawaran lamang ng mga nagagalit sa akin. nasa ko po ang mahirap! mabuting puso!. esp. (kay artemio) artemio, ang kayamanan kong nagbuhat sa aking mamang kamamatay pa lamang, ay ipinagpapaubaya ko as iyo. nais ko lamang sanang ang dalawang hati, ay ipagpagawa ng isang paaralan para sa mga anak ng mahihirap; at, isang bahay ampunan para sa mga laging sinasahol ng palad; para sa mga anak ng kahirapan. tinutulutan mo ba ang gayon? art. (magalak) nang boong puso!. (sa lahat ng kanyang panauhin) mga kaibigan!. tumubo rin ang aking inihasik na mga pangaral!. (tatabanan sa isang bisig si esperanza). naito ang ninasa kong tubusin: (boong puso). kahapon, siya'makasalanan, at ngayon ay tunay ng malinis. siya ang aking esperanza; ang pag asa kong naging katunayan!. dapat matanto ng lahat na hindi ang bawa'nalublob sa burak ng kasamaan, ay hindi na bubuti! naito si esperanza na siyang tunay na saksi!.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"larawang tunay ng mga nagbabagong buhay!. (lahat ng mga panauhin, ay mapapamaang: ang manggagawa ni. luis, ay yayakapin ang dalawa ni artemio at esperanza samantalang, ang mga kaibigan naman nito ay magagalak na tatabanan si artemio sa kamay. ang sa gayon ay unti unting malalaglag.)",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte," kahi'saang tumatahip na lupa ako maparoo'hintayin mo ang sulat ko, bago ka lumiham sa akin. ang hindi pagkakaroon ng katuparan ng ganyang pangakong iniwan ni teang kay tirso ay di sasalang lumilikha na ng kabalisahan sa kalooban ng makatang ito, pagkatapos na magdaang sunodsunod ang ilang araw sa gitna ng kanyang mainip na paghihintay. nang gabing marinig niya ang ganyang mahigpit na pangako sa bibig ng kanyang kasi, ay di niya inakalang pakatatagal na ng gayon ng hindi siya tatanggap ng sulat, palibhasa, kung totoong sa nueba esiha lamang ang uwi, ay di naman kalayuang gaano ang nasabing lalawigan upang mabilangan ng maraming araw ang lakad ng koreo hanggang maynila. nguni'ngayong panay na wala po ang isinasagot sa kanya ng tagadalang sulat kailan pa ma'ito'kanyang abatan sa pagdating at pagtanungan ng bagay na inaantabayanan, ayawayaw man niyang maghinala ay hindi rin siya makalaban sa sarisaring bintang na naguumukilkil sa kanyang ulo.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kung minsan ay malarawan sa kanyang panimdim ang di bagong pangyayari na pagkakapariwara ng matimyas na pagasa ng isang lalaking paris niya na mapalayo sa kinaroroonan ng kanyang giliw. ang dalaga at ang binata, bago magtalikod sa isang pahimakas na paguulayaw, ay nagsusumpaang sinoman sa kanila ay di magmamaliw, mananatili kapwa sa kawagasan at pagtatapat hanggang sa huling tibok ng puso. ang lalaki ay maiiwang buongbuo ang pagasa sa pangako ng babae: magtataman sa pagaaral, lilimutin ang pagbubulagsak, magbabawas ng nilibotlibot at pagaaksaya ng panahon, sa paguupanding pagdating ng tipanan, pagkatapos ng pagaaral ay lalo siyang magiging karapatdapat sa mata'pagmamahal ng kanyang liyag. datapwa'ang babae, na kapatid ng kahinaang loob at hinlog ng pagkasalawahan, ay madaling nagmamaliw, lumilimot sa pangako at kumikita ng bagong ligaya sa lilim ng pakikipagsuyuan sa iba.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"oh, gaanong pagasa ng lalaki ang nalibing sa laot ng kapariwaraan, sanhi sa ganyang pagkakabilanin ng di iilang babae!. at, si teang at si tirso ay naging isang dalaga ri'isang binatang nagsumpaan na walang maglililo ni magmamaliw bago naghiwalay. tulad sa karaniwang nangyayari, si tirso ay naiwan ding walang tanging kasama sa tanang sandali kundi ang walang pasubaling pananalig sa kadalisayan ng budhi at matibay na panghahawak sa kadakilaan ng pangungusap ni teang. nasaan ang katuparan ng pangakong iniwan sa kanya ng babaeng ito? bakit walang sulat? siya kaya, si tirso, ay magiging isa rin diyan sa mga lalaking nawalatan ng dibdib at nalurayan ng puso sa ulos ng balaraw na walang pangigiming itinatarak ng babae? at si teang kaya naman ay isa pa ring babaeng katulad ng di iilang kabaro niya na humahalakhak lamang sa harap ng bangkay ng mga pusong kanilang pinaglalaruan?. hindi naman magkakagayon marahil.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang nawiwika ng naninimdim na makata, kung dumarating sa dakong ito ang kanyang pagninilaynilay. at ang pinakatubig na pangpatay sa siklab ng masusungit na hinala, ay ang ganitong kanya ring nawiwika: kaipala'hindi lamang siya magkapanahon sa higpit ng pangangalaga ng kanyang ina. kung nababanggit namang ganito ang ina ni teang, ay kasunod nang agad na magugunita ang ibinalitang pagayaw sa kanya ng matandang; iyon dahil sa kanyang pagkamason. ang kanyang pagkamason ay bikig na humahalang sa lalamunan ng naturang matandang nabubulagan ng pananampalataya'nahihibuan ng mga tagapangalaga ng kadiliman, kaya'kailan man ay hindi nga yata makatutuloy na maluwag sa loob ang kanyang malinis na pakay. at dito siya untiunting nahihila ng pagaakalang marahil ang babaeng pinagsisimpanan niya ng lahat ay nagbabago na nga ng loob at tumataliwakas sa kanilang salitaan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"subali'ang salitaan naman nila ay di na isang salitaan lamang na maaari pang talimuwangin kung ibig: yao'isa nang sumpang hindi mababawi, isang pagkakabuhol ng palad na di na muling makakalag. diyata'ang kapangyarihan ng magulang ay makapanghihinaig pa'makawawalang halaga sa sinumpaan ni teang na pakikiisang palad sa kanya? dito ay di na maitugon ni tirso ang hindi ikapangyayari ng ganyang hinuha. nalalaman niyang sa salitaang kinasasangkutan ng isang magulang at isang asawa, ang una ang dapat pahalagaha'kilalanin, kasakdalang itong huli ay maduhagi at mapawakawak. isang kawikaang kagalanggalang ang nagsasabing sampu mang asawa ay makikita kung mawala, datapwa'hindi ang isang magulang. nakilala ni tirso si teang na isang anak na may likas na pagkamagalangin sa kalooba'pasya ng magulang saka nagtataglay pa ng isang pananampalatayang di kuno'nasusumang sa ganang kanya.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"maliwanag pa kayang hinagapin, sa gayong paghihintay na walang napapala kundi pagkabigo, na ang pagkakaibang iyan ng kanilang pananampalataya, na siyang nasasabing sanhi ng pagayaw ng ina, ay siya rin namang maging dahil ng di pagdating ng sulat na pinakahihintay? singkad na isang linggo ang nagdaang kay tirso ay walang iniiwan kundi ang mga bakas ng kalumbayang halos ikasaid ng kanyang paniniwala sa kabanalan ng kaluluwa ng babaeng pinaguukulan niya ng boong pagirog. samantala, ang nangyaring pagkakabawi sa kolehio kay teang, saka ang hindi pagkaganap ng pangako ni tirsong paglalathala sa pahayagan ng larawan ng marilag na babaeng iyan na nagtagumpay sa timpalak ay hindi sa nabanggit na makata lamang nakababahala kundi gayon din sa mga manunulat sa pahayagang pinagtagumpayan, saka sa di iilang kaibigang tumangkilik sa natukoy na kandidata.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa tanggapan ng mga tagapangasiwa ng karnabal sa luneta ay nangahahanay na ng boong ayos ang nagpapangagaw sa gandang mga larawan ng mga kandidatang nangagsipagwagi sa timpalak ng isa'isang pahayagan, bukod tanging hindi mahangaan ng balanang nagsasadya roon ang larawan nga ni teang. nang araw na iyon, tanghali ng ika ng disyembre. huling araw ng nanghihimakas na taong at samantalang si tirso'walang kibong nakapangalumbaba sa isa sa mga bukas na durungawan ng kanyang tahanan, ay natanaw niyang papalapit ang ilang lalaking malayolayo pa'nagtaastaas na ng kamay at humuhudyat sa kanya. at kanyang nakilala na ang mga dumarating ay ilang kaibigang kawal ng panulat, ilang kasamahan sa larangan ng panitikang tagalog. panhik kayo, mga kasama! isinalubong ni tirso sa nagsisirating. may aginaldo bang nakahanda? agad itinanong buhat sa lupa ng isang singliit ni paguia. kahi'wala ay mayroon din. pangiting naitugon ng maybahay na makata. huwag kang magbiro'sadyang totohanan itong lakad namin!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"anang isa namang singlaki ni sochong. at noon di'sabaysabay ang nagsirating na umakyat sa hagdanan. matulin namang sinalubong ni tirso. ang mga manunulat, na kung sabihin ng iba'mga hibang, ulol, sinungaling, nguni'ang totoo'nakapagguguho ng kahakaharian at nakapagbabangon ng sangbasangbayanan wika nga ng isang guro, kung magkasamasama'magpalagayan ay talo pa iyang tunay na magkapatid na ipinanganak ng iisang ina. sa kanila, ay wala niyang pagtutumpik. bawa'salitang gamiti'kataga ng katapatang loob, bigkas ng kaisang damdamin, pahayag ng panibulos na pagtitiwala. kaya'sa paguusap nilang yaon ay pawang ngiti ng saya at sigla ng pagbibiro ang naghari sa lahat. silveira, ang pagkapanhik ng lahat ay sinabi ng nakasalaming kamukha ni tirso, bagong taon bukas, at sukat nang mahulaan mo ang bagay na aming ipinagsadya ngayon dito. ano ang aginaldo namin? bukas pa pala naman ang bagong taon, eh, ngayon pa'aginaldo na ang inyong itinatanong! ipinakling natatawa ng tinukoy.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"higit sa panghihingi ng aginaldo, ang ipinarito nami'isang paniningil, isinambot naman ng isang singtaba ni kando. magbayad ang may utang! isinusog pa ng malakas tatawang kaboses ni sauro. sa ako'walang utang na dapat pagbayaran! ang tugon ng makata. nasaan ang larawan ng ating reyna dorotea? ang tanong pang tila nanunumbat ng mataba. ang nasambit na lamang ni tirso. ang katlo ng isa pa. oh!. ang habol pa rin ng isa. isinusog naman ng iba. at ang malakas na tawana'nagsumikip sa loob ng bahay. nahan ang pangako mong larawan? ang halos panabay pang iniusisa ng mga panauhin paghulaw ng tawanan. biglang nagtago ang mga badha ng ngiting nagsipanungaw sa mga labi ng makata. at nakapagpanumbalik ng lungkot sa diwa niya ang gayong binanggit at ipinagkatawanan pa ng kanyang mga kaharap. oh, kung natatalos lamang ng langkay na yaon ng mga palabiro ang bagay na nagpapaulap sa kanyang gunamgunam!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"mga kasama, ang itinugon ni tirsong walang kangitingiti, tila sa bagay na iya'talagang masisira ako, nguni'. hindi ako ang maysala. magpapakasira, saka maghihinaw!. talagang sinungaling na makata! saka maramot! palibhasa'hindi ninyo nalalaman ang nangyayari! ang tanging naipakli ni tirso. at talaga bang may nangyayari na? ha ha ha ha! wala; anhin mang timbangin ni tirso ay hindi makagigitaw at lulunurin lamang sa biro ang anomang paliwanag na ipahiwatig niya sa harap ng kawang yaon ng mga may kato sa katawan. mahanga'magsawalang kibo na lamang.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nasa sandaling iyon ng pagkatila hinahalong binusa ang mga panauhin ng makata, na, mayroong bumubuklat sa mga dahong sariwa ng kanyang kalupi, kaluping kinatitipunan ng sarisaring hiyas at kayamanan ng tulang tagalog, mayroong naghahamon ng ahedres, domino at dama, saka mayroon pang nagaagawan sa paghanap ng larawan ni teang sa makapal na album na inabutang nasa ibabaw ng sulatan nang walang anoano'nakarinig sila ng mga kaluskus ng isang sasakyang biglang tumigil sa tapat ng bahay. datapwa'nakita nilang ang tinurang sasakya'muling lumalakad at papalayo na, na kinalululanan ng isang babaeng nagtatago ng mukha'ayaw manding pakilala. ang naging tanungan ng isa'isa, ah, marahil siya ang ating reyna dorotea! at noon din ay may narinig naman silang kumakatok na tao sa pinto sa lupa. at nang kanilang dunghali'natunghan ang isang babaeng anyong alila na may bitbit sa kamay na isang magandang buslo ng mga bulaklak.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang mukha ng babaeng iyon ay dating kilala ni tirso, kaya'oras na makita'dagli siyang nanaog na sumalubong. ang mga pilyong panauhin naman ay di na nakapaghintay: nagpanakbuhan pang nangagsipanaog din, sa paglulunggating agad na matalos ang ibig; sabihin ng gayong biyayang balot ng hiwaga. nguni'ang babaeng nagabot ay di na nila nakita. at maliksing umalis oras na maisakamay ni tirso ang isang liham na nasa munting sobre, saka ang buslong yaon ng bulaklak na pinagkaguluhan ng mga katoto ng naturang makata. makatang mapalad! ang bulalas ng lahat, pagkamalas sa gayong handog na kapagkaraka'sinapantaha nang padala ng magandang si teang. at sa boong kapalagayang loob at malaking pananabik na tila may lakip pang lihim na pananaghili, ay pinakasiyasat ang boong kayarian ng bagay na yaong likhang di sasala ng mga kahangahangang kamay ng isang tunay na alagad ng arte. pagkagandaganda! ang wika na namang namutawi sa bibig ng tanan singganda ng puso ng babaeng nagbigay!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at si tirso, na pinaghaharian ng ilang lihim na paghahaka, ay di makahuma. talagang maganda nga'kalugodlugod ang handog na iyon! isang munting pangnan na yari sa panay na bulaklak, mga saglitsaglit na bulaklak ng mga sariwa'nagbabanguhang bioleta, pitimini, klabel, tsampaka, kampupot, ilangilang, rosas de pasion, alehandria, kamuning at kung anoano pang hiyas ng mga halamanan sa singgalong; na binagayan ng mangilanngilang dahon ng papwa, malba rosa, at mga baging ng kadena de amor; na walang tanging laman kundi isang kalapating singputi ng gatas, na sa kanyang makinis na tuka'taglay ang isang munting tarhetang may ginintuang titik. ang tarhetang ito'pinagsambilatan ng mga kaibigan ni tirso, palibhasa ay hinuhulaang dito nahahabilin ang boong hiwaga ng handog na yaon. at sa isang daan ng mata'ganito ang nabasa ng lahat: sa karangalan ng makatang kapatid ng mga salamisim kay tirso silveira: alangalang sa kadakilaan ng bagong taon.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kalakip ang pusong nagtatangi ni gayon na lamang ang pagkakaingay ng di magkamayaw na mga kaibigan ni tirso sa harap ng handog na yaong nakapananaghili. mula sa silong hanggang sa bahay, ang panunukso'siya na lamang inaatupag. sadyang kung sa taas ng kapalara'wala tayong ikaaabot kay silveira! ang wika ng pandak. tatawagin pa ba namang mapagwaging makata, kung hindi talagang karapatdapat sa ganyang palayaw! ang agaw naman ng tila higante sa taas at laki. mabuhay ang mapalad! mabuhay ang mapagwagi! ang katlo pa ng nakasalamin. ang isisigaw ko, kapag ako'hindi ipinakilala ni silveira sa masintahing iyan na si elsa balboa, isinabad pa rin ng malakas tatawa. di mo ba nakikilala ang elsang iyan? ang halos magkatiyap na tanong sa nagsalita ng kanyang mga kasamahan. atrasado ka rin pala! idinugtong pa. sino nga ba ang babaeng ito? walang iba kundi ang mestisang kaluluwa at buhay ng mga sayawan dito'ng alinmang malalaking piging at pagtatao!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang mestisang nakita kong minsan sa lamayan ng aklatang bayan balu ku na ketang misterio subali'ang mga patilanduya'hindi humangga sa pagkabatid na si elsa balboa ang nagukol ng magandang handog na iyon kay tirso silveira. lalong nagdulot ng malaking alingasngas na hindi matimpi ang pagkatalos na ang pagkamakata ni tirso ay naglalayag pala sa dalawang bangka, naliligo sa dalawang batis. kahapo'isang dorotea iris daw ang ipinakitunggaling kandidata sa isang pahayagan; ngayo'isang kaakitakit na mestisa naman ang may kalapati'bulaklak na iniaalay. katangian ng makatang labis na nakatawag sa pananaghili ng mga lalaking may malilikot ding isip! at si tirso, na di naninibago sa gayong kilos at palagay ng taga kamanunulat niya, ay gumamit noon ng lubos na paglilihim.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at sa tulong ng kanyang maayos na pakikiagpang sa mga kaharap, ay nagawa niyang ibaling sa iba'ibang bagay ang kanilang salitaan, hanggang sa nang lisanin siya ng mga pilyong yaong kung sa kilos lamang hahatula'mawiwikang hindi makagagawa ng anoman, ay di na napagukulan ng kahi'isang kataga, ang sinoman kay teang at sa mestisang kay elsa. pagkapanaog ng mga panauhi'saka lamang inilabas na binasa ni tirso ang kalatas na ibinigay na lihim sa kanya ng alila ng kaibigang mestisa. at ganito ang natunghayan: ibig mo bang makatanggap ng ilang balitang mahalaga ukol sa iyong kasaysayan? kung gayon, ay hinihintay kitang magpapaunlak na makisalo sa akin mamayang gabi, yamang gabi rin lamang ito ng mga pagpupuyat, at sa pagsasalo nati'saka ko ibabalita sa iyo ang ilang bagay na totoong kanaisnais na iyong matalastas hangga'may panahon.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"pagkakai'magpapasyal pa tayo sa escolta, at manonood sandali ng sayawan sa plaza moraga, bago pagkatapos ay dadalo tayo sa pandakan sa isang di karaniwang piging na ipinagaanyaya ng isang tagaroong matalik na kaibigan ng aking kapatid. kapag hindi ka dumating, ay ituring mong nabigo na naman ang isa sa mga ninanasa nitong kapatid mong walang itinatangi sa ubod ng kanyang puso kundi isa. naghihintay,. habol tanggapin mo sa maydala nito ang isang maralitang handog. isang kibit lamang ng balikat ang ginawa ni tirso pagkatalos sa laman ng sulat, saka pangiting nasabi ang ganitong mga kataga: may katuwiran na nga kaya akong magturing sa sarili na mapalad na, dahil sa ganitong buhay na tinatawid ko?.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kung may hilig sa pagsusuri sa taglay na kahulugan ng bawa'bagay na nangyayari ang makasusubaybay sa lakad ng katangitanging buhay ni elsa, ay sukat nang mapaghalata ang isang katotohanan na bawa'gawi, kilos at pangugusap ng matalinong mestisa ay dili ang hindi nasasalig sa alinman sa mga sadya niyang layon at lihim na hangarin. kaya, kung isasagunita ang pangyayaring ikinatuwa niya ng gayon na lamang ang balitang galing sa malaking kababalaghang ipinaghimala ng martir na si pari casio sa bahay ni donya basilia ay kaagad matatanggap na isa mga talagang dapat niyang gawin ang kanyang ginawang pagaanyaya kay tirso na siyang makaabay niya sa pagdalo sa pandakan upang makipaglamay sa isang malaking piging at isang magdamagang sayawang ipasasalubong sa manigong pasok ng pumipintong bagong taon.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"minarapat nga ng mestisa na ang makatang sa palagay niya'nagbabagong loob sa kanya ay siya niyang makasama sa pagsasadya sa pandakan, upang sa gayon ay magkaroon siya ng pagkakataon na mailipat sa kabatiran ng tinukoy na makata ang balitang kanyang natanggap tungkol sa nangyari sa san lazaro. at, binubuko pa lamang sa isip ang ganitong balak ay malunodlunod na ang puso sa di masayod na kagalakan. para na niyang natatanaw, kahi'malayolayo pa, ang mabuting magiging wakas ng kanyang mga gagawin. inaasahan kong hindi ipagwawalang bahala ni tirso ang aking sulat, ang naibulong sa sarili sa gitna ng kanyang pagmumuni. kapag nabigo pa naman ako sa pagkakataong ito'talaga na lamang na sa kasawian ako nauukol.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nalalaman niya na sa gabing yaon na kanyang ipinagaanyaya ang isang pagsasalo, ang kapatid niya'hipag ay hindi daratnan ni tirso sa bahay, sapagka'ayon sa gayakang pinagkasunduan, hapon pa ng araw na iyo'magpapauna na sa pandakan ang magasawa upang dalhin ang ilang bagay na iaalay sa maypiging. kung si elsa ay maiiwan, ay sapagka'gayon ang kanyang pinakikunang hilingin sa kapatid at hipag, at di umano'ayaw siyang tantanang hindi isabay sa pagparoon ng ilang binibining masdaraan sa kanyang bahay sa gabing iyon. at ang gayo'kanyang binalangkas, upang madulutan nga ng kasiyahan ang mga mithi ng kanyang kaluluwang lihi at isinilang sa biyaya ng kaligayaha'tamis ng buhay.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"hangga'hindi niya nakukuhang masarili ang paghahari sa puso'kalooban ng makatang kinahihibangang labis ng kanyang boong pagkababae, at hangga'nagugunita niyang may isang mulalang taga lalawigan na kinabubulagan ng mga paningi'tila nagkakapangalan sa pitak ng dibdib ng nabanggit na makata, sa pakiramdam ng mestisa ay palusong na yata sa libingan ang tungo ng kanyang kabuhayang di pa gaanong nagnanawnaw ng ligaya sa pakikihalubilo sa daigdigang ito. at yamang nalalaman niyang gayon, ay kautangan na naman niya ang gumawa ng tanang marapat gawin, upang maiwasan ang bumabalang kapariwaraan.at ang tao ay nalikha na may isip na kasama ang narinig niya sa isang tula ni tirso. at ang isip na iya'nakay elsa: kinakailangang gamitin niya sa lahat ng bagay at sa lahat ng pagkakataon.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nararamdaman niyang ang kanyang puso ay tinitibukan ng walang kasingdubdob na pagibig sa makatang si tirso; nahahabilin naman sa isip niya ang paglikha ng tanang kaparaanang kailangan upang masunduan ang ikapagtatagumpay ng pagibig na iyan. ang tunay na katamisang idinudulot ng pagibig ay di maaaring sayurin ng kahi'sino, samantalang ang puso ay ipinasisikil sa makipot na galawang gawa ng pagpapakunwari, ng pagbabalobalo at ng kung sabihi'pakikibagay sa lakad ng kaugalian. ang hinhin, yumi, kahihiyaan. ano ang mga katagang ito kundi mga patibong lamang na nililikha ng kapisanan upang mapagkasanhian ng pagkaduhagi ng mga kaloobang madaling malamuyot at ng mga damdaming walang tatag sa pakikilaban sa habagat ng buhay? ang tunay na tamis ng buhay ay wala sa parating pagpapakunwari, sa pagimpit na palagi sa mga dalisay na itinitibok ng damdamin.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"namamali iyang mga nagpapalagay na kabanalan ng isang babae ang tuwina'kikimikimi, hindi makapagpahayag ng kanyang isinasaloob, ilas na parati sa bahagyang silay ng mata ng kapwa. ang nararapat ikakimi, ang nababagay ikahiya, ay wala kundi ang anomang baga'at gawang nangangahulugan ng pagkakasala. nguni'pagkakasala baga ang pagsunod sa malalayang pitlag ng pusong dumaramdam ng paggiliw? ang pagkakasala, ay ang pagsuway sa iniaatas ng pusong iyan. nararapat nang mawakasan ang mga paghihirap kong ito! ang nanggigitil na nawika, matapos paglimilimiin ang ganyang hakahakang sarilingsarili ng kanyang pagkamestisa. at, nang sumapit ang gabing idarating ni tirso sa kanyang bahay, si elsa ay kinahalataan kaagad ng mga alila ng isang kabalisahang hindi mailingid. sa loob ng bahay ay lumabas masok siyang kung minsa'sasayawsayaw at kung minsan nama'huhunihuni ng alinman sa mga kundimang kanyang nakakagiliwan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"mayamaya'siyang lalapitan ang bukas na pianong parang nagyayaya, at sandaling titipa ang maliliksing daliring tila mga kandila, samantalang ang mga mata'ipapakong walang kurap halos sa papel ng tugtuging lahad ang mga dahon. ang inaagpangan niya ng gayong pagtugtog ay isang fox trot na naglalarawan ng sarili niyang haka. kung ang mga ibon at maging halaman ay nagkakalaya sa pagiibigan, ang isang mestisa'dapat ding magnawnaw ng mga biyaya ng katalagahan. ang mestisa'may pagirog na kaparis ng balana, at anak din ni bathalang tumanggap ng isang mana; mana'dapat na gamitin ng ayon sa pinipita ng likas na pagkatao at sariling kaluluwa. sa harap ng batas ng pagkakalikha. babae'lalaki ay pantaypantay nga; kung gayon, mestisa, di dapat lumuha sa piling ng ibang kapwa mo diwata.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kapagkuwa'siya namang haharapin ang malaki'malinaw na salamin, at dito'waring ipagtatanong kung ano pa kayang ayos ang marapat niyang gawin sa kanyang maganda nang pusod, kung ilan pang daan ng espongha ang marapat niyang gamitin upang mawalan ng balantan ang pulbos ng kanyang mukha; at kung alin pa kayang kasuutan ang sukat niyang ipalamuti sa kanyang baling kinitang pangangatawan upang maging kahalihalinang lalo ang kanyang anyo na ipasasalubong sa makatang kinahuhumalingan ng kanyang pagibig. nahagisan ng tingin ni elsa ang isang alilang babae na patagong sumisilip sa pinto ng kusina na wari'nangingimbulo sa kanyang pagbikas, at kanyang tinanong: maganda na ba ako? wala na pong maipipintas ang lalong pihikang makamamasid, ang may lakip na ngiting itinugon ng alila. kung ikaw ba'lalaki ay mahahalina ka na sa akin? patay na lamang po ang hindi tablan ng pagkahalina! at ikinasiya ng mestisa ang mga patunay na narinig sa alilang yaong babae ring paris niya.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"subali'gayon man, upang huwag yatang maging angap ang kanyang mga kilos, at nang mawalan na ng sukat makasaksi sa kanyang pagbibigay panahon sa pagpapakaliklik sa pangangarap ng gising sa laot ng mga hiwaga ng pusong inaalihan ng bulag at walang habas na pagsinta, ang ginawa'inutusan ang dalawang alilang tanging kasama noon sa bahay, na bumili ng kahi'anong bungang kahoy na maaaring magulasina, gaya ng siko, mansanas anoman. kung dito po sa malapit sa ati'walang mabibili niyan, ipinasubaling tugon ng mga inuutusan. kahi'doon sa palengke'sumaglit na kayo; at magtagaltagal ma'makapaghihintay na ako. at nawala noon din sa harap ni elsa ang kanyang mababait na alagad. nang mapanaog ang mga alila ay wala na siyang sukat pangilagan sa loob ng bahay. binuksan ni elsa ang isang lagpas taong aparador na sikip na sikip sa kanyang mahahalagang kasuutan. kumuha ng isang sayang sutla; isinunod ang isang may burdang baro; saka ang panyong nauukol na pangalampay. inilaglag sa sahig ang nasa katawan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at iyon ang inihalili. lumingon sa likod. at nagparaandaan sa harap ng isang malaking salamin, at binikasang maigi ang kanyang anyo. bawa'lupi ng panyo'iniayos na mabuti; bawa'lukot ng baro ay maingat na pinantay: at ang mahabang buntot ng saya ay boong husay na binitbit ng kamay na kaliwa. ayaw niya niyon! hindi iyon ang dapat niyang ipasalubong kay tirso. kung kapagkaraka'gayak na siya, mawiwika nitong talagang sinadya niya ang gayong pagbibihis. naglabas na naman ng iba: ang isa sa kanyang pinakamagagarang pangbahay ang napiling kunin. at gaya ng una, ay isaisang inilaglag ang kasuutang nasa katawan. nguni'hindi rin tumama sa kanyang loob ang damit na huling pinili, kaya'di na naman ipinagpatuloy ang pagsusuot. alin nga kaya ang kanyang marapat gamitin? narinig niyang tinugtog ng isang orasang nakasabit sa dingding ang ikapito ng gabi; at napadungaw siyang saglit sa bintana, gawa ng pagkainip, wari sa paghihintay sa kanyang tinipanang makata.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"wala pa, ang nasabi, marahil ay mahahatinggabihan ng dating ni tirso, yamang ang mga tao'nalalaang magpuyat ngayon dahil sa pagsalubong sa bumubungad na bagong taon. at pagalis sa durungawan ay napataas ang kanyang tingin sa mukha ng salaming kaharap. at kanyang nakitang sa boong hugis ng katawan niya ay walang nalalabing tagapagkubli ng kahihiyaan liban sa isang manipis at maputing damit pangloob na mula sa dibdib na nakaluwa ay nagtatapos ang luwang sa may kalamnan ng binting yari mandin sa lalikan. subali, dahil sa kanyang pagiisa, hindi inalumana ang kanyang pagaanyo, at nagyao'dito pa sa bulwagang binibigkas ang ganito: sinungaling iyang tubig, kapag hindi napilitang maginalon at sumulak, kung may apoy na nadarang; ang isda ay mailap nga'di mahuli sa baklaran nguni'dagling nabibinwit, pag may paing nakaumang. bulaan ang paroparong di maaakit sa bulaklak.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"pag ang ganda'kulay nito ay may tamis na kalangkap; gamogamo'hamak lamang, pag ang ilaw'walang ningas, datapwa'kung may sindi na'bayani ring matatawag. may halamang gabigabi'tikom nga ang mga dahon. parang taong natutulog na nahapo sa maghapon; nguni'tao'halaman ma'nagigising, nagbabangon. pag ang araw'may sikat nang sa lahat na ay pagukol. katiyap ng panghuling alingawngaw ng tulang itong bininigkas sa sarili ay naulinigan ng mestisa ang ilang sunodsunod na yabag ng mga paang mandi'pumapanhik sa hagdan. siya noo'nabubungad sa pintong paharap sa hagdanan, at sa isang pihit ng tingi'hindi mangyayaring di niya mapagsino ang pumapanhik na iyon. at nakilala nga: ang makatang hinihintay na darating. sa pagsasagupa ng kanilang mga mata, dalaw at dadalawi'kapwa napatdahan ng dila'tila nangapatulos sa kanikanyang kinatatayuan. inibig ni elsa na tumakbong magtago magtungo sa may sisidlan ng damit, datapwa'ang kanyang mga paa'hindi naiangat sa pagkakayapak sa ibabaw ng tabla.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"si tirso nama'nagtangkang manaog na walang paalam upang makaiwas sa gayong napakatuksong pagkakataon. subali'walang anoano'tinanggap ng kanyang mga taynga ang ganitong malambing na tawag ng birheng iyon na wari'naghihimala sa harap niya: magtuloy ka, tirso! at ang lalaki'napalingon sa kabila. at ang babae, sa gayong pagkakimi, ay madaling nakahalata. kaya'sa nakakikiliting kilos ay itinanong ng boong lamyos: may hinihintay ka bang kasama? at si tirso, sa narinig, ay parang dumamdam ng hiya. muling inilantad ang mukha sa harap ng himalang iyon ng karilagan, nguni'noon di'waring nangasilaw ang kanyang mga mata. kaya'ang mga ito ay mabanayad na kinublihan ng isang palad, bagay na siya namang ikinatanong ni elsa ng isang paaglahing turing: at ikaw ba ay napuwing? at ang makata ay wala nang nagawa kundi sumuko at pabihag na buongbuo sa diwatang iyong naghahatid sa puso niya ng di mailarawang mga tibukin.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sinaksihan ng mga namamalikmatang balintataw ni tirso ang banaybanay na pagangat at pagdipa ng dalawang bisig ni elsa, na, nang mga unang sandali'nagmistulang lawin na dadagit ng sisiw, datapwa'kaginsaginsa ay nagsalangaylangayang mandi'lumalangoy sa gitna ng alapaap. nagiisa ka yata. pautal halos na namitiw sa mga labi ng lalaki, pagkalipas ng saglit na walang imikan. at kung nagiisa man? isinambot ng mestisang sinundan ng isang hakbang na papalapit sa kausap. nahahalayan ka bang makiharap sa akin ng sarilihan'? idinugtong pang punongpuno ng lambing. tanging naitugong lipos ng pagkakimi ng makatang pinaghaharian ng kabaklahan. mabilis na gaya ng isang nakasisilaw na kidlat, ay kagyat na nagdaan sa papawirin ng alaala ni tirso ang larawang mistula ng kanyang kabiyak ng dibdib na hindi niya matulusan kung saan naroroon. ang naibulong na lamang sa sarili.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"datapwa, ang paglalatang ng budhi ng mestisa ay patuloy na walang untoluntol, sumusulak na tubig na nahahandang mamayani sa kanyang maaaring lakumin. halika sa loob, tirso, kung hindi ka talagang nahahalayang makiharap sa akin sa ganitong ayos, anya. masok ka, at may mga kalugodlugod na balita akong iuulat sa iyo. pagkarinig sa gayong binigkas ng dalaga, isang pagkahalinang hindi mapaglabanan ang kaagad naramdaman ng makata sa kaibuturan ng kanyang sumisikdong puso. kaya'pigil halos ang paghingang sumunod sa nais ng magandang si elsa. dalawang mesedorang magkaagapay na anaki'tinatanuran ng isang nakapatungong salamin ang napili nilang pagtigisahan. at pagkahilig sa tinurang likmuan ay si elsa ang unang nagbukas ng pananalita. pinapagtataka mo akong lubha sa mga kilos na iyong ipinamamalas sa akin! natatalastas kong ikaw ay makata, isang lalaking anak sa tulaan at marahil ay magpapakatapos sa mga tulain.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"datapwa, sa di iilang pangyayari'napagkilala kong ikaw ay isa pa pala riyan sa mga kawal ng pagpapakunwari. gayon man, ay pakikibagayan din kita. na ikinahihiya mo ang ganito kong ayos na iyong nataunan sa iyong pagdating? magdadamit ako, kung gayon. pagkawika nito, ang mestisa ay maliksing tumindig; tinungo ang magarang aparador at nuha ng isang maringal na kasuutan, yaong kakulay ng apoy na nakadadarang at nakapapaso hanggang sa puso. pagkapagbihis ay muling pumiling sa kinahihiligan ng lalaki. oh, gaanong pagkasilaw ang nangyari noon sa mga balintataw ng makata! di ba tayo pasasa pandakan? ang mayamaya'naitanong ni tirso, nang mamasdan niyang si elsa'parang naghihintay sa kanya ng anomang sasabihin. oo nga, isinagot ng mestisa, nguni'mamayang maghahatinggabi, pagkatapos na tayo ay makapagpasyal sa escolta at makapanood sandali ng sayawan sa plaza moraga. kung gayon, ay tayo na.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"bago tayo lumakad ay ibig ko munang mangako ka: hindi mo na kaya ako lilisaning walang paalam na gaya ng iyong ginawa noong tayo'nakaautong magtungo sa luneta? hindi naikubli ni tirso ang isang ngiting may lihim na kahulugan, bago nakapakli. ibig kong ibalita sa iyo, elsa, anya, na sa mga sandaling ito marahil ay pinasisimulan na ang taunang sayawan ng club filipino at gaya ng pagkaalam mo, ako ay kaanib sa klub na iyan. gayon ma'wala ako sa sayawang iyon at ngayo'nasa piling mo, alangalang sa isa mong hiling na samahan kita sa pandakan. sa pangyayaring ito, ay dapat nang mahulaan mo na kahi'abutin tayo roon ng umaga, ay nalalaan akong hindi magsasawa ni lalayo sa iyong piling. at sino ang kapareha mo? walang iba kundi ang aking mabait at butihing kaibigang nagpahatid sa akin kanina ng isang mahalagang aginaldo, ang pinakatatanging mestisa na kausap ko ngayon. ang mestisang lagi mong inihahatid sa alanganing kalagayan!. inihahatid sa alanganing kalagayan? sukat na, tirso.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"may sayawan nga pala kayo sa club filipino ang sabihin mo sa aki'kung ano'hindi ka na naganyaya. alalahanin mong may sulat ka sa akin tungkol sa sayawan sa pandakan; anyayahan kita sa klub ay sasabihin mo na lamang na talagang binibigo ko ang iyong mga lakad. tirso, tila bumabait ka na ngayon. mangyari'nagaaral sa mga turo mo. sa lihim na pitak ng dibdib ni elsa ay dumalaw noon ang ilang tilamsik ng liwayway na waring naghatid sa kanyang kaluluwa ng mga unang balita ng isang kapalarang di maglalao'mapapakanya. nang sandaling iyon ay naitanong ni elsa sa kanyang sarili kung tunay nang ang kilos na yaong namamasdan sa makata ay nagtataglay ng ibang damdamin, ibangiba, yaong di papalayong gaya ng una, kundi papalapit na'magbibigay kasiyahan sa kanyang mga lihim na pangarap. tiningnan niya si tirso ng isang tinging parang nangungusap. at ang bilang naging tugon ng makata: kay ganda mo, elsa!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kaikailan man sa boong pagkikilala nila ay di magunita ng mestisa na siya ay nakarinig na ng gayong hayagang pagpuri ng makatang si tirso, kundi nang gabing iyon. magdudulot na nga kaya ng masaganang ani ang mga pananim ni elsang inaalagaan sa pitak ng kanyang dibdib?. maalaala ko pala, ang mayamaya'narinig kay tirso, di ba'wika mo sa iyong sulat na ako'babalitaan mo ng ilang bagay na mahalaga ukol sa aking kasaysayan, kaya mo ninasang ngayo'maparito ako? oo nga, ang amin ng dalaga, nguni'nagaalaala akong baka hindi mo na naman paniwalaan. huwag lamang bang hindi ikaw ang magbabalita eh. sabihin mo na nga, elsa. mabuti'panggagaling na natin sa pandakan. anhin ko kung ayaw ka! di mo matatamo ang mahalagang balitang may kinaalaman sa babaeng kinauululan mo! at dagling nakaramdam si tirso ng malaking pananabik. may kinaalaman kay teang? itinanong na agaran. hindi ako nagbibiro, ang matatag na sambot ng mestisa. ay bakit ayaw mo pang sabihin ngayon? sinasabi ko sa iyong mamaya na.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kung gayo'tayna sa pandakan. ayoko na yatang sa pandakan tayo magtungo. ibig mo sa aming klub? mabuti, kung magkagayon. nguni'lalong mabuti kung madaluhan natin kapwa ang dalawang sayawan sa gabing ito. sa klub at saka sa pandakan pa? una muna sa club filipino saka kapag maghahatinggabi na'tumawid tayo sa pandakan. ikinatuwa ng mestisa ang mungkahi ng makata. at noon di'inilabas na ang kanyang mahahalagang hiyas, isinakatawan ang mga ito, at pagkatapos ay isinuot ang kanyang bagong sapatos na kakulay ng ginto. dumating ang mga alila na taglay ang mga ipinabili ni elsa. hinuhulaan ko na nga bang paririto ngayon si mang silveira, ang manawanawang ibinulong ng isa sa mga alila sa kanyang kasama, pagkaabot kay elsa ng kanilang mga binili. kapag naghintay ay talagang may darating. itinugon namang lihim ng pinagsabihan. at hindi naglipat sandali'nasarili na naman ng makata at ng mestisa ang loob ng kabahayan. naito ang mansanas, ang magiliw na alok ni elsa sa kanyang panauhin.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nagpabili ka pa pala niyan, ang nawika ni tirso pagkamalas sa ipinagaanyaya ng mestisa. nagpabili ako nito, tirso, at nais kong sa pamamagitan nito ay mahulaan ko ang iyong mga niloloob. sa paanong paraan? kung mamasarapin mo ang mga frutas na ito, ay ituturing kong mamasarapin mo rin ang pakikipareha sa akin ngayon; datapwa'kung mapuna kong hindi mo ito ikinasisiya, ay ipalalagay ko namang magpaunlak ka ma'napipilitan lamang. mabuting panghuhula! at sa panghuhula mong iya'walang pagsalang matutunayan mong boong kaluluwa'boong pagkataong ikagagalak ko ang pagdalo nating magkapareha sa sayawan ngayon, sapagka'kakanin ko ng boong pananabik ang. iyong mansanas. natawa si elsa. at natawa rin si tirso. makasandali ay saka nagsalita ang mestisa. natatandaan mo marahil na sa sulat ko'nasasabing magsasalo tayo sa gabing ito, anya, samantalang tinatapos sa bibig ang huling kagat ng isang mansanas na kanyang tinalupan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang pagsasalong iya'matutuloy; hindi nga lamang dito kundi sa isa sa mga hotel restaurant sa maynila, sapagka'hindi na napigil ang pagpapauna sa pandakan kanina pa ng mga kapatid ko. tayna, kung gayon, tanging naipulas sa bibig ni tirso. may kalesang naghihintay sa atin sa daan. mayroon ba? at pagkapagiwan ng ilang tagubilin sa mga alila, ang mestisa'ang makata ay magkasunod nang nanaog at nawala noon din sa dilim ng gabi. ang kalesang sinasakyan ni elsa at ni tirso na isang de primerang walang taglay na bilang sa likod at hila ng isang masipag na kastanyong ayaw manding madiktan ng pamalo sa katawan, ay sinusundan ng dalawa pang mahahagibis ding kalesa na lumiwa sa tapat ng gusali ng germinal at paakyat sa tulay ng ayala, nang masalubong ng isa pa ring kalesang kinalululanan naman ng dalawang lalaking sa wika ni cervantes naguusap. pagkalampas ng sasakyan nina tirso ay halos nagkasabay ang pagulat na turing ng dalawang lalaking kasalubong: si silveira at ang mestisa!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at kapwa hinabol ng tanaw ang kanilang nakita. at ang kanilang kutsero ay hinudyatang huminto. nakilala ba ninyong mabuti? dr. nicandro? itinanong ng nasa kanan sa kanyang kaagapay. kailan ma'hindi ako pinagdadayaan ng mga mata ko,. martinez, ang naging sagot ng nasa kaliwa. sa pagkatingin ko man ay sila rin. kung gayo'madali tayong magpihit at sila'tultulan natin. mabuti nga, at sa isang tukoy sa tagapagpalakad ng sasakya'sinabi: kutsero, vuelta . nguni'ang hayop na humihila ay tila suwail na hindi kadaglidagling nakukuha sa mga pabiglabiglang ubos. nagumurong pa muna sa mga tabi ng bakod na parang tumututol sa mga hampas na tinatanggap sa kutsero bago pumayag na bumalik ng lakad at muling tumakbo. nang makapihit ang sasakyan ni dr. nicandro at ni martinez ay di na nila mapagsiya kung alin sa tatlong kalesang nagpapatulinan ang kina tirso at elsa. gayon ma'pinilit nilang magdagdag ng bilis ang mabilis nang takbo ng kanilang kabayo, sa nais na mapalapit din sa tatlong nagpapalusutan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"palo, kaibigan! ang utos pang nagkakanggagahol ni martinez sa kutsero. buwisit na kabayo! ang payamot namang saad ni dr. nicandro na sinasabayan pa ng kamot ng ulo. pagkabagalbagal! babayaran ka namin ng doble abutan lamang natin ang isa sa tatlong kalesang iyon, sinabi pa ni martinez sa kutsero. at ang kutsero, sa panghahawak sa karangalan ng pangungusap ng mga maginoong sakay niya ay walang imik na sunod na lamang ng sunod sa bawa'sa kanya'sabihin, samantalang ang likod ng kabayo'siyang nag uumaso halos sa malimit na lagpak ng pamalo. ilan pang sandali sa paghahabulan at nakita nina martinez na iisa na lamang ang kalesang kanilang nasusundan. at nagtibay sa kanilang paniwala na iyon ang kinasasakyan nga ng makata'ng mestisa. ang iba ay nagsiliko marahil sa ibang daan at hindi na nila mabakas. habol, at malapit na tayo! ani dr. nicandro. huwag na tayong hihiwalay sa sinusundang iyan kahi'saan makarating!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"samantala, ang mga sanhing naguutos ng gayong pagtultol ng dalawang lalaking magkasama sa lakad ng sasakyan nina elsa at tirso, ay mapagkikilala sa ganito nilang salitaan: ngayon tayo dapat maniwala sa kutob ng ating loob, ang sabi ng isa kay martinez. siya nga po, dr. nicandro, ang ayon ng kapiling. at ito po'hindi na kutob lamang ng loob, kundi isang katotohanan nang itinatalampak ng mga pangyayari sa ating mga mata. ako rin ang may kasalanan, kung sa bagay, sa ganitong aking napagsapit, ang wika pa ng manggagamot habang nagkukumamot halos ang kanilang kabayo. sapagka'gayong sa club nacionalista ay may nahalata na ako ay kung ano'hindi pa nagbago ng loob sapul noon. at matagal na rin bang nahahalina kayo sa mestisang iyan? mula pa po noong una kong makita iyan at makatabi sa sine ideal . kayo naman, kailan pa naging paris kong umasaasa sa pagkakapalad sa nasabing mestisa? oh, di ko na ibig alalahanin, doktor!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sukat ang nalalaman na ninyong kapwa tayo sinawi ng ating pagasa, at wala na. sa ganang aki'wala na nga pong nalalabi kundi ang masunduan ko ngayon kung saan naroroon ang pugad na pinagpapasasaan ng aliw ng dalawang ibong iyan. kundangan naman kasi'nagpakahilam tayo sa babaeng iyan! parang ipinagtatanong pa natin kung ano ang mestisa!. nguni'kung ang babae po ay di ko pinagngingitngitan; at ang kanyang pagpapahalaga sa iba ay walang anoman sa akin na gaya rin ng pagkawalang anoman ng pagkahalina ninyo sa kanya. at di ba ninyo natatantong tayo ay wala kundi dadalawa lamang sa hanay ng di mabilang na mga lalaking paris natin na naaakit din ni elsa sa minsang pagbabati sa isang pagkakatitigan kaya? at ang kilos na iyan ni elsa ay siyang talagang kilos na sarili ng mestisa. samakatwid ay kay silveira kayo nagtatanim? paano po'pinamuhunanan ko ng magandang loob ang lalaking iyan, saka ganito ang iginanti sa akin.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ah, magkasama nga raw yata kayo sa philippine law school tangi po sa riya'nakatukatulong din niya ako sa kanyang mga lakad para sa isa pang babaeng kababayan ko pa naman. at may nililigawan pa bang iba? di po lamang nililigawan, kundi talagang nobya na. at saka ngayo'si elsa balboa naman ang kasama? iyan po ang labis kong ipinagdurugo ng puso! tunay nga palang ang poeta ay walang kabusugan, walang hindi pinipintuho, walang hindi inaawitan ng kanilang mga tulain. paano ka nga ba sa mga taong iyan! pasasaan ba'hindi ako makagaganti! pagsapit dito ng salitaan ng dalawa, ay namalas nilang ang sinusunda'ayaw hiwalayang sasakyan ay biglang nagtigil sa isa sa mga tagong lansangan sa sampalok. aha, at dito pala! ang sabi ni martinez, kasabay ng pigil sa balikat ng kutsero. nalalaman na natin ngayon! ang susog naman ni dr. nicandro. kutsero, huwag tayong pakalapit at baka makita nila.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nguni'ang kabayong nagngingitngit mandi'hindi napigil ng nagpapalakad kung hindi nang halos ay mabunggo na lamang ng kanilang kalesa ang kalesang sinasapantaha nilang kinaroroonan ni tirso at ni elsa. sa gayo'kapwa walang maalamang gawin sa pangungubli, dahil sa malaking pagaalaalang sila'makikita ng makata at ng mestisa, kung ang mga ito'magsiibis sa sasakyan. datapwa'wala nang magagawa; nagkasubuan na. maghintay na lamang sa pagibis ng dalawa. ang dilim ng gabi ay maaari na marahil na maglingid sa kanila sa mga mata ni tirso at ni elsa. nang mga sandaling hinihintay nina martinez at dr. nicandro ang panunod na pagpanaog sa sasakyan ng mestisa'ng makata, ay siyang paglunsad sa malapit sa kanila ng isang malaki'mabigat na katawan ng isang lalaking ang kulay ng mukha ay nakikipangagaw sa dilim ng gabi. isang matabang negro! ang naibulong na punongpuno ng mangha ng kutsero sa dalawa niyang sakay. ang hindi naman magkantututong sambot ng dalawa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at noon di'namasdan nilang sila'nilapita'kinikilala ng tinurang negro . at pagkalapit sa kanila'tumanong: what are you doin, here, hombre? por que sigue conmigo ang kutsero, sa kabiglaana'pagaakalang siya ang tinatanong, ay halos mautal sa pagsagot ng: no gat, sinyor, no gat; mi bueno hombre. salamat sa ganitong nakatatawang tugon ng kutserong nahintakutan nga yata sa itim at laki ng tinukoy na amerikano, si martinez at si dr. nicandro ay kapwa malamig ang loob na humingi ng nauukol na paumanhin matapos na ipaliwanag ang kanilang pagkakamali. ang amerikano'anyong nagalinlangan pa sa mga ipinahayag ng dalawang magkasama, subali'dahil sa napaghalatang sila'mga tao ring may pinagaralan, alangalang sa kanilang malinis at sanay na paggamit ng inggles, saka sa mabuting ayos ng kanilang pananamit na di mahihintay sa mga may masasamang loob na dapat paghinalaan sa gayong pangyayari, ay nagkibit na lamang ng balikat bago tumalikod na pumanhik sa isang bahay na nakaurong sa daan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"gayon na lamang ang nangyaring tawanan ng mga naliho ng kadiliman ng gabi. at habang nililisan nila ang pook na yaon, ang pagngingitngit ng loob ay pinararaan sa matunog na halakhakan. pero wala ka bang nakitang isang babae'isang lalaki sa mga nasalubong natin sa may tapat ng germinal itinanong ni martinez sa kutserong nagtututop ng tiyan sa di mapigil na tawa. mayroon nga po. ay saan nagtungo? aywan po ba; ang boong asa ko'talagang ang nasusundan natin. at si dr. nicandro'halos hindi makapagsalita sa pagiihit ng tawa. martinez, ibig ninyong magbalik tayo sa pasay upang matiyak kung siya nga hindi ang ating nakita? ang tanong makailang saglit. hindi na po kailangan, ang tanggi ng tinukoy. at di ba kayo naniniwalang talagang siya at si silveira ang nasalubong natin? naniniwala rin, nguni'nasaan sila? ano'isang matabang negro ang nakatungo natin pahinto ng ating sasakyan? ang buwisit na negro at sumunod na naman ang pagkakaingay ng tawanan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa mungkahi ni martinez, ay minarapat ng dalawang makikisig na binatang kabilang sa, hanay ng mga nabibighani ng dilag ni elsa nguni'di nagtatamong pala, na magtuloy sa isang bar sa santa cruz upang kung mangyayari'lunurin ang malaking pagkabigong kanilang kinamtan sa loob ng ilang kopita ng alinmang inuming pumapaso sa lalamuna'dumadarang sa diwa. anopa'dahil nga sa kabiguang iyon at pagkapahiya pa sa harap ng isang amerikanong itim, ang pagkamanggagamot ni dr. nicandro ay walang nagawa kundi makiayon sa gayong mungkahi ng kasama. sinarili ni martinez at ni dr. nicandro ang isang munting mesa na nasa isang dulo ng tindahang iyon ng sarisaring alak, ng sa isipan nila'walang namumugad kundi ang larawan ni elsa at ni tirso na magkapiling ng boong laya, sa loob ng isang kalesang aywan nila kung saan nagtungo. ang dalawang binatang ito ay nagkita nang gabing iyon sa liwasang goiti.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at sapagka'nagkakilala sila sa sayawan sa club nacionalista nang isang gabing kasama ni martinez si elsa, ang ginawa ng manggagamot ay kinaulong ang lalaking ito ng ang mestisang sinabi ang tukoy ng kanyang pakikipagusap. sa pagniniig nilang iyon ay dili ang hindi sila nagkatapatan ng kanikanyang loob hinggil kay elsa, at napagkaisahan nga tuloy na sila'magsadya kapwa sa pasay, at magpasumalang maganyaya sa mestisa sa pakikigalak sa bagong taong bumubungad, si martinez na sadyang may ugaling di makapagsarili ng lihim, at si dr. nicandro na masasabi namang halos mahibanghibang na sa ngalan at larawan ng mestisa, ay kapwa hindi gumamit noon ng pagkakaila at ang tuyo at lagay ng isa ay ganap na sumakaalaman ng isa pa. anopa'sa wakas ng kanilang salitaang iyon ay lubusang napagtalastas ng isa'isa na sila ay kapwa nabibilang sa mga lalaking gayong pinagpapakitaan ng mabuting loob ni elsa ay kung ano'hindi naman magkamit ng kanilang minimithimithi.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at kapwa sila umamin, lubha pa nitong masalubong nga nilang kasarilihan ni elsa sa dilim ng gabi si tirso, na ang mga lakad ng makatang ito ay talagang malayo na ang nararating na kung pakahahabulin pa nila'dili ang hindi mangyari ang sila'uyamuyamin at ngisihan na lamang. wala na tayong nararapat gawin,. martinez, kundi ang pawiin na sa ating alaala ang mestisang iyan, ang wika ng manggagamot nang maparaan sa lalamunan ang unang tungga ng nakalalasing na inumin. kung sa ganang akin nga ay walangwala na ang lahat, iniayon naman ng pinagpayuhan. nguni'ang hindi lamang yata karakarakang mapaparam sa gunita ko ay ang di mabuting iginanti sa akin ng lalaking pinautangan ko ng magandang kalooban: si silveira. ang ginawi ng lalaking ito anhin ko mang limii'humihingi ng nababagay na kapalit, ng nauukol na paghihiganti. hintay kayo!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"biglang inihadlang ni dr. nicandro sa pangungusap ni martinez, at ang mga mata'palihim na itinudla'saka binawi sa dalawa pang lalaking nasa isang mesitang di lubhang kalayuan sa kanila, sa may tinatalikuran nati'tila nauulinigan kong ang pinaguusapa'dili iba'ang pinaguusapan din natin. ibig ba ninyong makimatyag? ang dalawa ay kapwa nanahimik at tinalasan ng taynga ang sinasabi ng nasa kanilang likuran na nang kanilang linguni'hindi naman namukhaan. at ang narinig nila: ganoon ang lalaki! nasusulit ang pagod! hindi paris mong sa pamamalakaya sa mestisang iyan ay panay na talo at walang panalo. ang sabihin mo'lalong mapalad siya kaysa akin. kung ako ang nasa katayuan ni silveira, hindi ko masabi kung saan na kami nakarating! ibig mo bang sabihi'hindi mo magagawa ang paris ng ginagawa ni silveira? ang sinasabi ko ay magagawa ko ang paris ng iyong hinahangaan sa kanya, kung ako ang nagkaroon ng kapalarang maghari sa kalooban at pagibig ni elsa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa salitaang nauukol sa babaeng mestisa, ay di na kailangan ang paghahanap paghihintay ng kapalaran. ang pagkakapalad ng isang gaya natin sa harap ng mestisa, ay di sa mestisa nanggagaling kundi sa atin din. ang mestisa ay hindi kagaya ng ating mga babaeng ibig na'ayaw pa. ang kaibang sangkap ng dugo ng isang paris ni elsa ang nagbibigay sa kanya ng kaibhan sa wagas na pilipina. kung sa bagay ay di ko natatalos ang hulo at luwasan ng mga lakad sa kanya ni silveira, nguni'gayon ma'hinuhulaan kong kung nagkapalad man ang lalaking iyan ay sapagka'natutuhan niyang tugunan ang mga lihim na hangarin ng mestisa. nalurok niyang si elsa ay may kaluluwa na laging nauuhaw sa hamog ng kabataan, na ang puso'lahad na parati sa dilig ng sarisaring aliw na idinudulot ng kamunduhan; si silveira nama'walang sinayang na pagkakataon, at ang lahat ng iyo'kanyang inihahandog ng ubos kaya. at kung kayo ng makatang iya'may pagkakaiba, ay sa dakong iyan kayo talagang nagkakalayo.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nguni'si elsa balboa ay hindi paris ng balanang mestisa. sa dinamidami ng naaamuyan kong nangingibig sa kanya, ay iisa lamang naman si silveira na nakalalamang sa akin. di siya katulad ng ibig mong ilarawan na may pusong tuwina'may pitak sa sangdaan mang pangalan. kung bagaman ay sa dahilang hangga ngayo'nagiisa pa rin si silveira na natututong bumagay sa maiinit na sulak ng dugo ni elsa. subukin mong gawin ang mga kasanayan ng makatang iyan, at makikita mong ako'hindi nagpapakalabis sa aking mga hakahaka. aywan nga ba sa mestisang iyan!. paris ngayon: ano ang napanood natin? samantalang ikaw at ang tanang paris mong tutulogtulog ang damdami'waring naglalaway sanhi sa pagkatingala sa isang manggang nakabitin sa puno, si silveira naman ay boong pagwawaging nagdaan sa harap nati'kakawit bisig ang mestisa na pumanhik sa isang hotel.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"pagkarinig nina dr. nicandro'martinez sa dakong ito ng salitaan ng dalawang lalaking hindi nakikilala, bagaman alangang asalin ng gaya nila ay kapwa sila nagtangkang makilahok sa gayong paguusap, upang kung sakasakali'kanilang matalos kung aling hotel ang binanggit na iyon. datapwa'hindi naman nangyari, palibhasa ay panunod nang nagsilabas noon din sa pintuan ng tindahan ang mga lalaking kinaringgan ng gayong salitaan. si elsa at si silveira sa hotel sa ganitong oras! ang pakagat labing nasambit ni martinez. ah, talagang ang kapalaran ay kanila na! kaya dapat na tayong magpugay sa kanila, ang wika naman ng manggagamot. nguni'kung hindi ang buwisit na negro sana'hindi nila tayo napaglihuan. at ang dalawa man naman ay nagsilabas na rin. sa nais manding ganap na malimutan ang gayong dagok ng kasaliwaan ay nagkaisang magpapauwi na kapwa ng bahay at hindi na tuloy makikibahagi sa kasayahang pinagpupuyatan sa lahat ng dako.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kinakailangang gamitin ko na ngayon ang lahat ng paraang aking magagamit sa ikapagwawagi ng aking mga adhika, ang naibulong ni elsa sa kanyang sarili samantalang pinagmamasdan niya ang masasayang kilos ni tirso nang sila ay nagsasalo ng boong lugod sa isa sa mga mesa ng hotel de francia . at may katuwiran si elsa upang magsaloob ng ganyang balak. ang damdamin at palagay na kanyang nadadama sa bawa'kilos at pangungusap ng makata nang gabing iyon, ay talagang di na kagaya ng dating may lamig ng yelo ng pagkawalang pakiramdam, kundi may init na ng apoy ng isang kaloobang pinapagaalimpuyo ng lihim na pagiimbot.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang ginawang paghawak ni tirso habang nasa kalesa sila sa kanyang dalawang maliliit na kamay na binibigyan pa ng bahabahagyang pisil na isinasaliw sa kahi'anong sabihin; ang pagpaparinig sa kanya noon ng mga halimbawang may dalawang kahulugan na kung minsa'makakiliti at kung minsa'makakalamkam; at ang malimit na paglalagay sa pinggan niya ng sarisaring ulam nitong nagsasalo na sila; saka ang mahigpit na pagtanggi'pagkakaila ni tirso nang banggitin niya'pakibalitaan si teang; ang lahat ng ito ay mga pangyayaring mahigpit sa kailangan upang siya, si elsa, ay magkapaniwalang si tirso ay dili ang hindi nga natatawag na sa di karaniwang alindog na tinataglay ng kanyang pagkamestisa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at ang paraang dapat kong gamiti'ang lunurin siya sa galak, lasingin ang puso niya sa alak ng aliw at kung mangyayari'suubin ang kaluluwa niya ng kamanyang ng ligaya, hanggang sa pumaimbuyog sa lawak ng pangangarap ang kanyang diwang kapatid ng mga salamisim, ang wika pa ni elsa, habang tanggap siya ng tanggap sa bawa'putaheng sa kanya'idulot ng makatang kapiling. sinabayan muna ng mestisa ang pagtagay ng valdepenas ni tirso bago muling ipinagpatuloy ang lihim na pagduduklay sa sarili ng ganito: ang ginawa ng pari sa hihigan ni teang na natutop ni manang magda sa tahanan ni tia basilia ay mabuting ipaghintay ko na muna ng ibang pagkakataon para ibalita sa kanya sa ayos na magalingin ko. kung iyo'ngayon ko sasabihin, anomang balatkayo'hindi makagigitaw at ang dibdib niya'papasuking walang sala ng malaking kalumbayan. kung magkagayon ay nanganganib akong maparam na nama'sukat ang ganitong kanyang mga kilos at palagay na sa masid ko'nangangako ng aking nalalapit na tagumpay.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"elsa, ang sa malambing na tinig ay itinawag sa kanya ng makatang kasalo, tawag na siyang gumambala sa kanyang pagmumunimuni. nahuhulaan mo kaya ang sukat isaloob ng mga taong nakamamalas sa ganito nating anyo?. at ang tanong na iyo'lalo pang nagparamdam ng kasiglahan ng pagasa sa mga lamad ng puso ng dalaga at siyang nagpapula ng kanyang mukha sa sandaling iyon. kaikailan man ay di siya nakaririnig ng gayong pangungusap na iniuukol sa kanya ni tirso. subali'ano ang marapat niyang itugon? hulaan mo nga, elsa, ang iniisip ngayon ng mga taong iyang nagtingintingin sa atin, ang pangiti pang saad ng makata, kasabay ang panakaw na pagpupukol ng sulyap sa mga iba pang taong nagpapasikip sa malaking hotel na iyon. ang sa di kawasa'ipinakli ng mestisa, ang aking hula ay iniisip nilang sila'nakakikita ng isang lalaki at isang babae na nagsasalo sa mesitang itong ating pinaghaharapan. mabuting panghuhula! nguni'hindi iyan ang ibig kong marinig sa iyo.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nakakikita nga sila ng isang babae'isang lalaki sa mesitang ito; nguni'ang kung ano ang kanilang ipinalalagay na sanhi ng ganitong pagsasalo ay siyang ibig kong hulaan mo. sanhi ng pagsasalo? alin pa kung hindi ang pagkain! kay pilyapilya mo! hindi ba tama ang aking hula? pagkain nga. subali'magano ang palagay nila sa atin? alalaong baga: magkapatid magkaibigan? magkaibigan magsinggiliw, magsinggiliw magkaaway? diyan ka natalo! ikaw: ano ang hula mo? itinuturing nilang tayo ay dalawang pusong iisa ang tibukin. makikita mo'iiwan kita, kapag ganyan pagkapilyopilyo mo. at kanino ka sasama? kung kanino nga, eh? sa lelang mong panot! at biglang itinungga ni tirso ang nalalabing laman ng kopang nasa harap niya. pagkatapos ay nagmukhang malungkot, saka itinanong sa mestisa: kung iiwan mo nga ako, elsa, ay kanino ka sasama? nahihibang ka ba, tirso? ano ang nangyayari sa iyo? malinaw ang aking pagiisip. datapwa'nais ko lamang na magkaroon na ng wakas ang mga pagaalinlangan ko.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sumikdo ang dibdib ni elsa. pagaalinlangang paano? kanyang itinanong. sukat na nga, tirso, iyang mga kaululan! limutin mo muna ang iyong pagkamakata. pagkamakata!. ako'bantad na sa iyo. bantad na paano? na ako'may labis nang pagkakilala na ikaw ay nagsasalitang lumilipad sa malayo ang isip. iyan ang hindinghindi mo mapatutunayan. ako ay may pinagbabatayang mga pangyayari. pangyayaring ano? itigil mo na muna iyang kaululan, sabi eh. ang isipin mo ay kung saan tayo nararapat dumalo pagkakain natin: sa pandakan na magdaan pa kaya sa inyong klub. sa klub muna namin. maging saan man ang tungo nati'dapat mong paggayakan kung ano ang imamatuwid mo, sakaling makarating sa mga taynga ni teang ang ganitong ating pakikipaglamay sa kasayahan ng gabing ito. si teang ay wala na sa akin, at ni di ko maalaman kung saan siya naroroon sa mga oras na ito. ay kapag naalaman mo kung saan siya naroroon? magkagayon ma'wala akong sukat na ikabahala. tunay na tunay! at ang mestisa ay nangiti.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at ang makata ay napatitig. sabihin mo nga, elsa, kung saan naroon si teang. ani tirso mayamaya. sabihin ko sa iyo? ang tanong ng dalaga. kahi'wala na siyang anoman sa aki'ibig ko lamang matalos ang kinadoroonan niya. talagang may pagmamalasakit! hamo'mayamaya, at kung hindi matuloy ay sa iba nang araw. nagkataon namang sa lalapit ang tagapaglingkod na may idinudulot na malamig na sorbetes, bilang pangwakas na nasasaysay sa di pangkaraniwang menu na inihandang pangbagong taon ng hotel de francia. nang sila ay manaog sa gusaling yaon, ay kasunod na nila ang kung anoanong bulungan ng mga taong mapagbigay ng kahulugan sa kahi'anong makitang kilusan ng isang babae'isang lalaki na gaya na nga ng kina tirso at elsa. masama ang lagay ng dalawang iyon! malamang na malayo ang abutin ng kanilang mga lakad. pagkakabisala'may maipagsusulit silang masarap na. bagong taon ngayon sa kanikanilang mga magulang. ang asal nga naman ng kabataan sapanahong ito!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa aba ng mga ina at ama na naninibulos ng pagtitiwala sa kabaitan ng anak! at ang mestisa'ang makata, makailang saglit pa, ay kasalamuha na sa di magkamayaw na taong naglisawlisaw mula sa plaza moraga hanggang sa pasalapang na dulo ng escolta. sa mga pook na sinabi, gaya ng ginagawa sa taon taon, nang gabing iyo'lumundo ang di mabilang na taong kung saansaang dako nagbuhat, mga taong paraparang kinababadhaan sa mukha ng kagalakang hindi masayod. sa magkabilang bangketa at hanggang sa gitna ng lansangan ay salusalubong ang mga nagbibiruan ng boong tiwala. naghihiyawang animo'mga kawal na galing sa pinagwagihang digma. may pinatutunog ng ubos lakas na mga pakakak tambol, lata anomang bagay na makatutulong sa kaingayan. naghahagisan ng confetti hanggang sa mangapuwing at mangasamid. nagsisiluan ng mahahabang serpentina . lumalakad ng papasingpasing; umaanyo ng katawatawa; nagpapahid sa mukha ng kung anoanong kulay; ngumingisi, sumisigaw, humahalaklak.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"anopa'kung ang bathalang sinasamba ng mga taga mundong ito ay siyang tunay na bathalang nakababatid ng tanang ginagawa ng kanyang mga nilikha, ay labis na sanang makapagpalubag ng kanyang poot ang gayong pagdurumog ng kamaynilaan sa walang habas na pagdiriwang bilang tanda raw ng pasasalamat sa kanya tuwing sasapit ang paghahalili ng mga taong binibilang sa kabuhayan ng mga tao. at ang bayang ito ay di na sana niya inibig na ipadalaw na lagi sa sarisaring salot at kapanganyayaang gaya ng kolera, pagsasalat sa ani at pangdadayupay ng mga dayuhan. subali, sa may napapala wala man, sa natatalos hindi ni bathala ang gayong inaasal, ang totoo'mistulang ulol nga ang lahat kapag gayong gabi na ng pagsalubong sa bagong taon. sa mga, bahaybahay ay halos mga sanggol lamang na walang isip ang natitira sa higaan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"babae'lalaki, lipas ma'nasa kapanahunan, ay dili ang hindi nagbabata ng puyat at nakakayag na magsadya sa escolta at sa pakikipaggiitan sa kapal ng tao'doon na naghihintay ng pagtugtog ng ika ng hatinggabi. pagsapit ng oras na ito, ay nagsasabaysabay namang gigimbal sa apat na panulukan ng himpapawid ang mga sipul ng mga pagawaan at sasakyang dagat; ang mga batingaw ay magsisiawit ng ubos kaya mula sa kanikanilang kinalalagyan sa mga taluktok ng simbahan, hudyat na nagbabalita sa lahat na bagong yugto na naman ng panahon ang humahandog sa buhay ng tao. at si elsa at si tirso ay nagdaan pa nga muna sa escolta na kaparis ng balana. ang buhok ng mestisa ay sinaliksik at ginusot ng mga saboy ng confetti ang mga taynga ni tirso ay nabingaw halos sa itinututok na sigaw ng mga tambuli, at sila kapwa, bagaman magkakawit ng bisig at di naglalayo bahagya man, ay nagbata ng di gagaanong pagkalukot ng damit at pagkalupiras halos ng boong katawan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"gayon man ay lalo pa silang nagalak, katulad ng madlang nakasalamuha nila. at kung hindi lamang totohanan nang wala silang daan upang masilip man lamang ang sayawang ginagawa sa binilogbilog ng liwasang moraga, disi'nalimutan na nila ang pagsasadya sa pandakan, matapos na magpalipas ng mga lima sampung tugtugin sa sayawan sa balitang klub sa avenida rizal. ibinabalita na ngang kasalukuyan ng mga sipul ng pagawaan ng yelo ng pamahalaan at ng mga sasakyang nalilimpi sa palibidlibid ng ilog pasig ang maluwalhating pagpasok ng taong nang si elsa at si tirso ay magkakawit ang mga palad na sumasakay sa isang munting bangka na, animo'maitim na kabaong na lumulutang sa ibabaw ng mahinhing agos ng ilog sa may nagtaha na ang tubig noo'nakikikulay sa kadiliman. elsa, lumigaya ka nawa sa bagong taong ito! tirso, maging mapalad ka sana sa mga pangarap mo!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"dinatnan ng dalawa ang isang lalaking may kagulangan na, na sa anyo at pagbabansag ay napagkilala nilang siyang tagapagpalakad ng tinurang sasakyan. ayon sa pahayag ng lalaking iyon, ang bangka niya ay isa sa labingdalawang bangkang sadyang inilaan ng maypiging sa pandakan upang ipaglingkod na talaga sa tanang dumating na panauhin. at ang ganyang pahayag ay pinatitibayan naman ng mga napapansin ng magkasama na mga palamuting palaspas ng niyog, maliliit na watawat at mga parol hapong walang sindi, saka tanikalang papel na nagsalabat sa lahat ng panig ng nasabing bangka. narinig ni tirso na painong itinanong ni elsa sa matanda: bakit po wala kayong ilaw? at ang naging sagot ng pinagtanungan: kanina pong maagaaga pa'mayroon, nguni'pawang nangamatay sa hihip ng hangin.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"si tirso, na nang gabing iyo'napanibaguhan ng malaki ni elsa dahil sa mga kilos at pananalitang kung tayahi'parang nagpapahayag na ang mestisang ito na lamang ang tanging naghahari sa kaibuturan ng puso niya; pagkarinig sa gayong pagbanggit ng tungkol sa ilaw ay malamyos na bumulong sa kanyang kapiling. bakit, elsa, iniino mo pa ang pakawalang ilaw? nadidimlan ka ba sa piling ko? si elsa'biglang nakaramdam ng kaba ng dibdib. ano na kaya ang ibig sabihin ng gayong pagtatanong?. sabihin mo, elsa, ang wika na namang narinig sa lalaki, natatakot ka bang makipagsarilihan sa akin sa laot ng kadiliman at sa loob ng isang bangkang paris nito na tila duyang inuugoy sa ibabaw ng tubig? at ang mestisa ay nangliliit manding sumagot ng bahagyang: hindi naman, tirso. kung hindi, ay bakit mo pa pinapansin ang kawalan ng ilaw? mangyari ay madilim. tayo, elsa, ang hindi ko malaaman kung kailan pa mangyayaring magkaisa ng iniisip at dinaramdam. at hindi ba totoong madilim? aywan nga ba sa iyo!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa ganang akin, kahi'natuturang madilim na ganyan ang gabi, kung ganitong kasama kita, kasarilihan sa laot ng katahimikan at lingid sa mata ng mga makasalanang tao, ay. kalabisan na lamang ang liwanag ng iba pang ilaw. mistulang nasusian ang bibig ni elsa. kaikailan man sa malimit na pagtitiwala niya ng kanyang pagkadalaga sa pagkalalaki ni tirso, ay noon lamang siya totohanang sinidlan ng takot sa makatang ito. kinusa niya ang pagliham kay tirso upang ito ang kanyang makasama sa pagdalo sa pandakan, pagkapalibhasa'hinahangad niyang patabangin ang loob ng nasabing makata sa pagkababae ni teang sa bisa ng ibabalita niyang himala ni pari casio na napatanghal sa bahay ng kanyang ale: at ang pagtabang ng loob ay kanyang hinahangad, upang mapapagiba niya ng hilig ang mga pangarap ng makatang iyan, matutong umunawa sa masisidhing pitlag ng kanyang puso, at kung mayayari'matuto ring magpahalaga'tumugon ng nararapat sa lihim na pita ng kanyang kaluluwa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang ganitong tunguhin ay siyang namumugad sa kanyang isipan, kung kaya'nang mapanhikan ni tirsong siya'nakasuot pangloob lamang ay hindi na siya nagkubli. ito rin ang nagatas sa kanyang matiwalang pagsalo sa makatang iyan sa hotel . at siya rin namang nagbigay sa kanya ng balak na kung maaari'lunurin na niya noon sa alak ng aliw ang boong pagkalalaki ng tinurang makata upanding magkamit na lamang ng kasiyahan ang kanyang mga hinahangad. subali'ngayong ang kanyang pain ay tila hihigitin na, at ang ibong pagkailapilap ay waring darapo na rin sa iniuumang niyang bitag, ay aywan ba niya'kung bakit siya na rin ang nagkagayong nasindakan ng loob, napatdahan ng dila at pinanglamigan ng boong katawan. higit kailan man ay noon pa lamang naniwala ang kanyang pagkamestisa na siya pala ay babae ring katulad ng manipis na kristal na napapanganib na lubha kapag nalalapit sa matigas na bakal. malayo pa po ba tayo sa pampang, mama?",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang naitanong na lamang makasandali ni elsa sa tagapagpalakad ng bangka. malayolayo pa rin po, itinugon ng matandang nakapatag ng upo sa isang dulo ng sasakyan at walang tahan ng kasasagwan. at si tirso ay may sinasabi na naman sa lalo pang paanas na salita: ikinaiinip mo na ba, elsa, itong pamamangka natin? at ang mestisa'pumakli: baka ako'pinakahihintay na ng aking kapatid. sinasabi ko na nga ba'talagang nagkakalayo tayong lagi ng pagaakala! pabuntonghininga pang saad ng makata. saka idinugtong: samantalang ang ibig mo ay agad tayong makaahon sa pampang, di ko na lamang naman anhi'huwag nang matapos ang pamamangka nating ito. tirso, di ko pala dapat paniwalaan ang sinabi mo kanina nang tayo'nasa bahay pa. alin iyon? yaong winika mong kahi'abutin tayo ng umaga sa pakikipagsayaw sa pandakan, ay natatalaga ka ring makikipagtagalan at di magsasawa. alin pang sayawan ang tinukoy mong kahi'abutin ng umaga, kung ganyang nasa pamamangka palang ganito ang iyong loob?",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nasabi ko iyon sa kahulugang saan man tayo makarating at saan man tayo maparoon ay natatalaga akong umagahin sa iyong piling. at sapagka'dito man sa bangka ay nasa piling mo rin ako, kaya baga aking pinanghihinayangan ang madaling ikatatapos ng ating pamamangkang ito. nguni'sayawan at hindi pamamangka ang ating ipinarito. sa ganang aki'iisa ang katuturan niyan, kailan pa ma'tayo rin ang magkapiling, ang magkapareha, ang magkaakbay. at kung ako'pamimiliin mo kung alin sa pagsasayaw at sa pamamangka ang aking ibig, ay masasabi ko sa iyo ng boong pagtatapat na ibig ko na ang ganitong pagsasarili natin sa ibabaw ng payapang tubig kaysa magtungo pa sa maalingasngas na sayawan. hindi na maalaman ng babae kung ano ang kanyang isasagot. ang himig ng mga katagang iyan, na bagama'marahang ibinubulong sa kanya'naririnig naman ng boong linaw hanggang sa liblib na liha ng kanyang puso, ay labis na nakababalisa sa kaluluwa niya at nagdudulot sa kanyang diwa ng di mapaglabanang pangamba.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nang ang makatang yao'anyong nagbibingibingihan sa mga silakbo ng kanyang naglalatang na damdamin, marahil ang mga katagang iyan at hindi iba ang pinananabikan niyang marinig. nguni'ngayong ang mga iya'boong lambing nang umaalingawngaw sa kanyang mga pangulinig, nanggagaling sa mga labing hirati sa pag awit ng mapapanglaw na hibik ng puso'taghoy ng kaluluwa, ngayon nga, ang pagkababae niya ay kung ano'parang tinatawag ng kapanganyayaang sukat ikabalino ng lalong matining na kalooban. nagunita ni elsa na ang lalaking yaon na kinahahabilinan noon ng boo niyang puri ay may kinabibighaniang ibang alindog: si teang. at ang tinatangka niyang paglalarawan sa babaeng ito sa harap ng naturang lalaki sa anyong sukat ipamutla ng mukha'ipangrimarim ng budhi, ay hindi pa niya nagaganap. hindi kaya isang marungis na pagiimbot lamang ang umaaling iyon kay tirso upang gumamit ng gayong mga bigkasin at kilos na lubhang nakababahala sa kanyang pagkadalaga?.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"tila ang mga napagdaranasan ay nagtuturo kay elsa na ang pagiingat kailan ma'hindi kalabisan, at ang malabis na pagtitiwala sa lalaki kung minsa'maaaring magbudlong sa babaeng gaya niya sa bangin ng pagkapariwara. ito po ba, mama, ang ilog na sinasabing pinamangkaan daw yata ni balagtas at ng kanyang selia? ang narinig na naman ni elsa na itinatanong ni tirso na nakapalingon sa matanda. hindi po, ang naging sagot, tila po ang nababanggit sa florante at laura ay ang mga ilog ng kahilom at beata. malayo po ba tayo ngayon sa mga ilog na iyon? ang usisa pa ni tirso. sa beata po ay malapit na, nguni'ang kahilom ay may kalayuan pa. at ang mestisa na naman ang kinausap na pabulong ng makata. elsa, anya, nalalaman mo ba kung bakit pinakikibalitaan ko ang mga ilog na nilakbay ng hari ng mga, makatang tagalog? ibig ko sanang ipagpalagay ngayon, kung tayo ay nasa alinman sa mga ilog na iyon, na ako ay si balagtas at. ikaw naman ang aking selia.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nguni, tirso, sa kasaysayan ng balagtas na iyan ay nasasabi bang siya ay nagkaroon ng dalawang selia? kung gayon, kahi'makata ka, ay hindi mo maipagpapalagay na ikaw ay si balagtas. dalawa ba ang elsang kinakaulayaw ko sa sandaling ito? hindi nga; datapwa'samantalang di mo napapawi ang paniwala kong ang iyong selia'si teang, ngayong magkasarilihan tayo sa gabing ito ay di ko masasangayunan ang iyong halimbawa. ang selia ko'si teang? isang paratang na salat na salat sa katotohanan! si teang ay malayo na, nagpakalayolayo upang patibayan ang wika ko sa iyo na ang pagkikilala namin ay ganap nang natapos; at sa kalaliman ng hatinggabing ito ay ikaw ang aking kaniig at siyang tanging pinaghihingahan ng lalong dalisay kong damdamin. may iba pa kayang selia ang makata sa sandaling ito, elsa, liban sa iyo? minsan pang natigilan ang mestisa. nagaagawan sa kanyang panimdim ang pagibig at pangamba.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"iniibig niya si tirso; nguni'sa dahilang di niya hinihintay na magkakaroon ng gayong pagtuturing ang makatang ito sa gabing iyon ng kanilang paglalamay, ay nangangamba naman siyang baka iyo'kung ano nang babala ng kanyang kapariwaraan. salamat na lamang at ang pagkakatigilan nilang dalawa ay ginambala ng mahinang salita ng matandang tagapagpalakad ng bangka. sadsad na po tayo. nang lingunin ni elsa'ni tirso ang dakong dulo ng bangka, ay naanag agan nilang isang dangkal na lamang halos ang layo sa lunsarang pampang. sa gayo'maluwag nang nakahinga ang dalaga. ang makata naman ay dili ang hindi nakapagbitiw ng isang malalim na buntonghininga. pandakan na po, ang saad ng matanda; at ang bahay na iyong natatanaw nating sagana sa ilaw, ay siya ninyong patutunguhan. marami pong salamat, ang nagkapanabay na sambot ng magkasama. mula sa malayo ay may makapangyarihang tinig na sumigaw: elsa? at ang tinig ay nakilala ng mestisa: sa kanyang kapatid.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"oo, ako nga, itinugong kakabakaba ang dibdib sa pagdadalang takot. at ang tumawag ay napaharap noon din sa dalawa. sino ang kasama mo? ang may katigasan pang tanong ng sumalubong. tirso, ang sagot ng dalaga. ako, ang pakilala naman ng makata. at, noon din ay samasamang lumakad ang tatlo ng ang sinoman sa kanila'hindi nagbibitiw ng kahi'isang salita. malungkot si elsa. ang mukha niyang datidati'pinaaaliwalas ng nagtatamisang ngiti na malimit mamilaylay sa kanyang mayuyuming labi, nang hapong yao'pinapangulimlim ng isang kalumbayang tinutugunan sa puso ng mapapait na tibukin. ang mga balintataw niyang may kislap ng tala ay nagmistulang alitaptap na bahagya nang makagitaw ang liwanag sa sungit ng kapighatian. at ang sanhi ng lahat ay mapagkikilala sa isinasaysay ng kalatas na itong kanyang sinusulat sa gayong pagiisa sa loob ng kanyang tahimik na silid: pasay, enero,.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"aywan kung nahulaan mo ang tunay na kahulugan ng mga kilos na ating napuna sa kapatid ko kagabing tayo'magkaakbay na umahon sa pandakan, nguni'ang totoo, ay tinanggap ko sa kanya, oras na pagkauwi namin ng bahay at pagkatalikod mo, ang di maulatang galit na kanyang ibinabaw sa akin dahil sa pagkabalam ng ating dating sa bayang sinabi. oh, gayon na lamang ang iyak ko! kung hindi pa ako nakalasap ng di gagaanong mabuting pagtingin at pagpapalayaw ng kapatid kong ito, marahil ay di ko pa pakadaramdamin ang ganitong poot niya sa akin. pagkahiraphirap nga ng ganitong napagsapit ko!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at sapagka'kung tutuusi'ikaw lamang, tirso, ang tanging pinagbuhatan ng lahat ng ito, ay itulot mong sa iyo ko rin tanging isiwalat ang binabata kong hirap, upang kung tunay na nagbubuhat sa ubod ng iyong mahabaging puso ang mga pamimigkas na iyong ipinasinaya sa akin kagabi, ay matapunan mo ako mula riyan sa iyong katiwasayan hanggang dini sa laot ng walang kahulilip na pagluha, ng iyong mapagkandiling paglingap. lingapin mo nga, tirso, ang ganitong kalagayan kong napagsapit alangalang sa iyo. alangalang sa iyo sapagka'ang pagiisa kong kasama mo nang tayo'mainip na salubungin ng kapatid ko sa lunsaran sa pandakan ay siyang pinagmulan ng lahat niyang pagkagalit sa akin. dapat kong ipagtapat, tirso, na nakagawa nga ako ng malaking pagkakasala. nang sila ng hipag ko ay bago magtungo sa bayang nasabi ay hiniling ko sa kanilang ako'iwan na at may katipanan lamang na ilang kaibigan dalaga na sa gabi na darating doon. naniwala sila.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at pinakahintay ngang darating ako sa pandakan ng ang kasama'mga babae ring paris ko. datapwa'nagdatingan daw roong sunodsunod ang madlang pananuhin at ang tanang kakilala namin, anino ko man anya'hindi nila makita at sinoman sa mga yao'walang makapagsabi kung ako'saan naroon at kung darating pa hindi na. may palagay ako na ang malimit na pagtatanong tungkol sa di ko pagsipot ng kaibigan naming naghanda ang siyang nakapagulol na lalo sa kainipan at kung anoanong sapantaha ng aking kapatid. bakit ay mahigit daw sa tatlong oras na pinamutian siya ng mata'nagtila kaning nagpakapanghal sa pagaabang sa lunsaran, nguni'ang kung bakit di ako dumarating ay hindi niya masayod liripin.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"laban sa dating lubusang pagtitiwala niya sa aking pinagaralan, ay itinanong sa akin ng kapatid ko, sa ayos na kapitapitagan at nakapangyayari, kung ano ang di sasalang sinasapantaha ng balanang nakabatid sa gayong ating ginawa, na anopa'para bang inilagay sa alinlangan ang kalinisan ng pagkababae ko buhat sa gabing iyon. tinunton at pinanghinayangan ang mga pagpapalayaw na kanyang ipina utang sa akin, at sa paniwala raw niya'labis ang aking napagaralan upang mapagtalastas ko ang pangit at kapuripuri, ang masama at mabuti. nguni'ang ginawa ko raw na iyon ay dapat lamang umanong hintin sa mga babaeng talipandas, halaghag at walang pinagpapakundanganang pangalan sa harap ng kapisanan. bakit ang isa pa ay kulang na lamang ang ako'itulak sa hagdanan upang masabing ako ay itinataboy. at halos tiyakin na sa aking ikinahahalay na ng kanyang pangalan ang pananatili ko sa lilim ng tahanang ito.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang lalong masakit nito ay ang ginawa niyang walang pigil na pagsasalita sa akin sa naririnig ng aking hipag, ng hipag kong matagaltagal na ring may hinalang lihim sa ating mga palagayan. limpaklimpak daw na kahihiyaan ang itinapon ko sa harap ng mga taong dumalo sa pandakan. ako ay ipinagtanggol na mabuti in dioni, ng mabait at mapagmahal na hipag ko: datapwa'ang pamamagitan niya'malulubay na paliwanag ay nagparang tubig lamang na nabuhos sa buslong butas. ang kagalitan nga ng kapatid ko ay di nakarinig sa mga katuwiran ng sinoman sa aming dalawang babae. sa lahat ng ito, tirso, ay lubos na lubos ang kanyang paniwala na ako ay nagpain ng puri sa iyo at. pinagsamantalahan mo naman. nang magmatuwid ako, ay sinabi pang kung talaga raw na nakapananagutan ako sa aking ginagawa ay makita niya kung paano ang gagawin kong pagbabangon sa aming pangalang inilagpak ko kagabi sa lusak ng dilang kapulaan. ngayon, tirso, ay nasa iyo ang karapatan sa pagpapasya.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kapagkarakang magkakilala tayo ay di ko na pinagalinlanganan ang busilak mong budhi at gintong kalooban. at kung tunay na nagsipamuhatan sa guwang ng iyong dibdib ang mga kataga mong ipinasinaya sa akin magmula sa bahay, pati sa kalesa, sa hotel at hanggang sa bangka. at kung hindi pagsasamantala lamang ang ginawa mong malimit na pagpisil sa mga kamay ko. ay panahon nanga ng ayong marapat kang mapukaw, mahabag at matutong humango sa akin sa kinasadlakan kong kahihiyaan. tahasang sinasabi ko na di ako maaaring mamalagi sa ganitong buhay na pinaghatdan mo sa akin. inuulit kong ikaw nga, tirso, ang sanhi at kadahilanan ng lahat na ito. kung hindi sa malaking pagtitiwala ko sa kabayanihan ng puso mo, bakit ba'di ko pa ipagtatapat, ay sa ako'sadyang kalaban ng pagpapakunwari, ay hindi sana ako bumalangkas ng kasinungalingan sa harap ng kapatid ko'hipag, at disi'di ka naman nagkaroon ng maliligayang sandali sa pangangarap ng gising sa piling ko kagabi.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kung sa bagay, ay di nga kaila sa iyo ang aking pagkamestisa. nguni'hindi maikakait ng sinoman na sa mga ugat ko'tumatakbo rin naman ang dugong pilipino. ang pagkakaroon ko ng kahi'gapatak ng dugong ito ay sapat upang angkinin ko rin ang likas na ugali ng babaeng pilipina, na kung ganitong napapangat na sa kapulaa'nagiging sanhi ng mga pangit na sabisabi, ay gumagamit ng karapatan sa paghanap ng katubusan sa kamay ng lalaking puno at dahil ng ganitong kinahinatnan. ako nga, tirso, ay binawian ngayon ng pagmamahal ng bugtong kong kapatid, at anya'ipinalalagay na ng madlang taong nagtitipon sa pandaka'nakahiging sa pangyayaring iyon, na ako raw ay isa na lamang alibughang walang puri, samantalang hindi mo inilalawit ang aking kaligtasan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"dumudulog nga sa iyo ngayon, tirso, ang abang babaeng sinundo mo sa kanyang tahanan, iyong iniangkas sa kalesa, kinasalo mo ng boong lugod sa hotel at katalamitam mo'tanging kaakbay sa pakikigiit sa kapal ng tao sa escolta, kaparepareha mo sa sayawan sa inyong klub at sa wakas ay kapilingpiling mo ng boong laya sa pamamangka sa ilog sa pandakan. ipinaghalimbawa mo kagabi na ikaw ay si balagtas at ako ang iyong selia. ipinagunita ko naman sa iyo ang ngalan ni teang, ng babaeng hinangaan mo sa simbahan datapwa'walang gayon ang ginawa mong pagpapatibay na. ako na lamang ang tanging laman ng iyong dibdib at kaaliwan ng iyong puso. at ngayong nanghahawak ako sa gayong mga winika mo, ay babayaan mo kaya ako, mabait na makatang nagsuob at gumising sa puso ko ng mga tulain sa buhay?.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa ano'paano man ang kapasyahan mo, ay ipinamamanhik ko sa iyong sagutin mo lamang ang napalawig na liham na ito, kapagkarakang mabasa mo na, upang sa ganya'mapagtalastas ko kung ako ay totohanan na ngang sawi sa mata ng kapisanan, at kung ikaw nama'sadyang may marangal na budhing tangi at ibangiba sa karamihan ng mga lalaking paris mo. di mo kaya ako hahabagin? salamat kung gayon. naghihintay ng boong lungkot, . matapos lagdaan ng nanginginig na mga kamay ng mestisa ang mahabang kalatas na ito, ay minsan pang ibinaling sa dakong puno ang kanyang mga namumugtong mata at muli pang pinaraanan ng masiyasip na pagbasa, bago nagbitiw ng isang pahimutok na buntonghiningang kinalalangkapan ng di masukatang sukal ng loob. nahahabilin sa sulat na ito ang lahat kong pagasa, ang nanghihingapos niyang wika, kapag nabigo pa ako rito ay tapos na sa akin ang lahat.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kapagkuwa'naglabas ng isang munting sobre, ito ay sinulatan, tuloy diniktan ng nauukol na selyo, at noon di'tumawag ng isang utusan upang ipahulog sa koreo ang kanyang ginawa. ang kanyang kapatid na katatapos pagsikpan ng dibdib dahil sa sasal ng poot, ay nanaog umagangumaga pa ng araw na iyon at ayon sa iniwang sabi'sa palaisdaan na niya sa malabon magpaparaan ng pananghalian. si dioni namang may likas na mababang luha na madaling dumadamay sa sinomong dinaratnan ng ligalig sa buhay, ay maghapong halos ayaw umalis sa kusina na wari bagang walang pusong maitatagal kung makarating sa kanyang mga pangulinig at mamalas ng kanyang mga paningin ang tinangistangis ng kanyang magandang hipag. mahigit sa kailangang panahon nga ang nagamit ni elsa sa pagsisiwalat ng tanang dalamhati ng kaluluwa niya sa kalatas na kanyang ipinadala kay tirso.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nguni, sa halip na kilalaning paggalang sa kalubhaan ng mga sandaling tinatawid niya ang katuturan ng di pangangahas ni dioni na gumambala sa kanyang kusang pagtatago sa silid, na siyang tanging tunay na ibig sabihin ng ginawa ng hipag niyang ito, ay ipinalagay ni elsa na marahil ay nasusuklam na nga sa kanya pati ni dioning sa una'una pa'pinakamahal na niya'itinuring na katapatang lihim na walang kasingbait. at dahil sa ganitong pagpapalagay ay lalo nang naputos ng luksa ang kanyang puso at lalo nang naganyong libingan ang tanang namamalas ng kanyang luhaluhaang mga balintataw. sa laki ng hinanakit sa kanyang hipag na sinasapantahang nagiiba ng loob sa kanya'pumapanig sa asawa, ay ipinagbiling ni elsa sa alilang pinagbigyan ng sulat na si dioni'papasukin sandali'mayroon lamang siyang sasabihing ilang bagay na lihim. at, babahagya pang nasusungaw sa ginto ang mukhang malamlam ng hipag na ipinatawag, ang mestisa ay kaagad nang humagulhol na animo'batang paslit na nilisan ng magiiwi.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at mababa rin namang sandali ang namagitan, bago nakuhang magsalita ng ganito: naku, dioni! pati ikaw naman yata!. at ang hipag ng mestisa ay natuluan pagdaka ng luha sa malaking pagkalunos. elsa, wala kang dapat ipaghinala sa akin, tanging naisambot. hindi ba'pati ikaw ay nagagalit na sa akin? ang malumbay na tanong ng dalaga. hindi, at minamahal din kitang kagaya ng dati. salamat, dioni, kung gayon. nguni'bakit kaya baga'nakaraan ang singkad na maghapong kibuin dili mo ako sa ganitong pamamahay ko sa di maulatang kapanglawan?. nahahambal lamang akong totoo sa nanyayari sa iyo. nabahambal ka, samakatwid ay di mo sinasabing ikinahihiya mo ang pananatili ko sa lilim ng bubong ng bahay na ito? hindinghindi, elsa, at ikaw'kapatid ko ring pinaguubusan ng mabuting pagtingi'lubos na pagmamahal. subali'ang kapatid ko, si kuyang, ay. galit na galit sa akin! siya lamang ang nagagalit sa iyo. at sukat ang gayong pagkagalit niya, upang ako ay huwag nang bilangan ng maraming araw sa tahanang ito.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"saan ka paroroon? aywan, dioni, at ang lalaking puno at dahil ng ganitong napagsapit ko ay akin nang sinulatan ngayon. sinulatan mo si tirso? at sa anong bagay? bagay sa nararapat niyang gawin upang ako ay mahango sa ganitong kapulaan. napamata na lamang si dioni, pagkarinig sa ganitong pahayag ng mestisa. ang mga unang kutob ng loob niya hinggil sa gayo'ganitong maaaring maging katuturan ng kilusa'palagayang malimit niyang mapuna sa hipag niya'kay tirso, ngayo'hindi kutob lamang kundi isang katotohanan nang pinatitibaya'siyang inaamin ng kanyang kausap. dahil sa gayong ginawang pagliham sa makatang hinihinala na nga niyang namamalakay sa bahay na iyon, ay maliwanag na nadama niya ang kaselanan ng mga sandaling tinatawid ng kanyang hipag, palibhasa siya man, si dioni, nang magdaan na sa mapanganib na katayuang paris niyon, ay gayon ding pagsulat kaagad ang ginawa, pagsulat na siya tuloy ikinabunsod na maaga ng kanyang pagaasawa sa kapatid ni elsa. iiwan mo na nga ba ako, kapatid ko?",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang makasandali'boong kalumbayang itinanong sa mestisa. siyang tanging marapat kong gawin upang manumbalik ang dating payapang buhay ni kuyang. elsa, kung kinikilala'minamahal mo ang iyong kaisa isang kapatid, ay hindi mo siya nararapat pakitikisan. kinagalitan ka niya, hindi sapagka'talagang ikinasusuya na ang iyong pamamalagi sa lilim ng kanyang kalinga, kundi alangalang din sa ikapapanuto ng malinis na pagkababae mo. nguni'ako ay wala nang kasingdumi sa tingin niya. hindi naman, elsa, ipinakita lamang sa iyo ang kamalian mo. at walang taong hindi nagkamali. tumagaltagal din ang salitaang iyon ng dalawang maghipag na kapwa sinasakbibi ng dalamhati ang mga puso. at hindi nagkawakas ang hinikbihikbi ng isa'isa sa kanila, kundi nang marinig nang tumatawag buhat sa hagdanan ang kapatid ni elsang asawa ni dioni. nagwalawalaang sumalubong ang asawa sa kanyang dumating na giliw, samantalang pinapananauli sa kanyang maaliwalas na mukha ang masayang anyo na di sukat kahalataan ng anoman.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"si elsa naman ay kusang nagpaiwang nagiisa sa loob ng kanyang silid, na, nang sandaling iyo'bahabahagya nang nilalaganapan ng dilim, upang kung mangyayari'mabigyan niya ng maluwag na pagkakataon ang pakikipagbulungan sa dalamhati ng kaluluwa niyang ginugutay ng bagabag. sabay na tumawag sa pinto ng hagdanan ni tirso silveira si martinez at ang tagadalang sulat na nagabot ng kalatas ni elsa. pagkatanaw ng makata sa tagadalang sulat ay nakaramdam kaagad ng biglang pagsinsin ng pintig ng puso, pagka'sinapantaha niyang yaon na kaipala ang sulat na pinakahihintay niyang magbubuhat kay teang. datapwa'ang sikdo ng dibdib ay tinugunan noon din ng isang pamumutlang bumakas na maliwanag sa kanyang mukha, kaya'nahulaang madali ni martinez ang pagkabigong tinanggap ng makata. hindi yata dumating, ang painong turing ng binatang kapapanhik. pakailang tanong ng maybahay. ang sulat na hinihintay mo, ang wika pa ni martinez. ako'walang hinihintay, lalo pang pakailang iwas ng makata.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at sino naman ang susulat sa akin sa mga araw na ito? si elsa, manapa. hindi nalalaman ni tirsong tinik na sumubyang sa dibdib ni martinez ang huli niyang winika. susulat sa kanya si elsa? talagang hindi namamali ng hinala si martinez! si martinez ay naparoong daladala sa isip ang isang lihim na tangka ng paghihiganti sa lalaking ikinalupig ng kanyang mga lakad sa mestisa, gayong pinautangan niya ng tulong ukol naman kay teang. at ang narinig niyang sinabi ni tirso ay parang paghahamon sa ikatutuloy ng kanyang tangka. subali, ang totoo, sa harap ng makatang magiliw ring naganyaya sa kanya hanggang sa silid na sulatan niyon, ay natutubigan siya mandi'hindi matutuhan kung ano'kung alin ang sasandatahin niya sa gayong balak. sa hindi niya pagimik na parang nawawalan, ay si tirso ang nagsalita. matagaltagal nang hindi mo ako binabalitaan ng tungkol sa iyong kababayan. at si martinez ay lihim na namuhi. ano pa ang kailangan sa iyo? itinanong na tuyongtuyo. anang makata.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"alangan na ba akong magpatuloy ng pakikipagkilala sa kanya? hindi sa alangan, kundi sa dalawang dahila'wala nang kailangang balitaan pa kita ng anomang natutungkol sa kanya: una, sapagka'wika mo'si elsa at hindi si teang ang hinihintay mong susulat sa iyo at ikalawa, sapagka'si teang nama'. malayo na sa mararating ng mga gunita mo. si teang ay malayo na sa mararating ng mga gunita ko? siyang totoo. martinez, ano ang ibig mong sabihin? silveira, ang ibig kong sabihi'ang paris ng iyong narinig. tinatalinghagaan mo ba ako? hindi; at ang mga sinasabi ko ay maliliwanag. kung maliliwanag ay sukat sanang mawatasan ko kaagad ang tukoy ng iyong pangungusap, nguni'ang totoo ay nalilito ako. wala akong magagawa kung ikaw ay nalilito; nguni'kung sadyang nais mo ring mabatid kung bakit sinabi kong malayo na si teang sa mararating ng mga gunita mo, ay wala akong dapat gawin kundi isa: ang ipaala ala sa iyo na siya ay wala na sa bahay ng kanyang ninang sa san lazaro. at saan naroon?",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"aywan kay pari casio! napuna ni martinez ang untiunting pagkainis ng kausap. ang ngalan ni pari casio ay nang oras na iyon na lamang niya naisip, at kung gayong tila ang natuklasan niya'magkakabisa, ay kailangan nang ipatuloy yamang nasimulan na. subali'ano kaya ang kanyang kakathain hinggil kay teang at sa binanggit niyang pari? ah, may nadampot siya! at ang kanyang isinagot: ikaw ba, silveira, ay patay na loob na di nakabalita, kahi'balita lamang, tungkol sa milagrong nangyari kina donya basilia? lalong nagibayo ang bakla ng panimdim ng makata. at itinanong: milagro kailan? nitong ilang araw na kalilipas na bago maalis sa bahay na iyon ang babaeng ipinagtatanong mo. iulat mo, martinez. iulat ay huwag na. sasabihin ko na lamang sa iyo, kung talagang wala kang naaamuyan, na marapat mong pagsisihan ang pagkakilala sa babaeng sayang at naging aking kababayan. naku, silveira, may katotohanan pala ang bulungang kumakalat sa amin bayan tungkol kay pari casio at kay teang!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"tanungin mo si manang magda, at siya ang nakatutop sa bayaning pari sa tulugang katre ng kanyang anak na dalaga! martinez, kapag hindi mo napatunayan ang iyong sinasabi'.! at biglang dinaluhong ni tirso at ginagap sa dalawang balikat ang binatang iyong naparoon yata upang umaglahi ng walang kasingsakit sa kanyang kapalaran. nguni'si martinez, na talagang inaalihan noon ng malaking paghahangad na makapaghiganti sa katotong ipinalalagay niyang umagaw ng kanyang ligaya, ay di nabalino sa gayong namamalas na kilos ng kausap, kundi bagkus nagpakatatag at parang nakatanaw ng nalalapit na pagwawagi. ikaw ang bahala, silveira! kung ayaw kang maniwala, ay mapanisan ka ng laway ng dilat ang iyong mga mata! nakaramdam si tirso ng isang malaking pagkahapo ng katawan. sa kanyang noo ay gumiti ang malalamig na butil ng pawis, samantalang ang mga litid ng dalawang paa'tila bahabahagyang tinatakasan ng lakas.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"makasandali pa, ay boong panglalambot nang ibinagsak ang katawan sa isang peresosang nasa may likuran niya. at ang iba pang ibig sanang sabihin ay ipinahayag na lamang sa pamamagitan ng ilang buhol ng buntonghiningang sakdal ng pait. nguni'hintay, ang bawi ni martinez mapamayamaya. hindi ko makita ang bagay kung bakit ipagdaramdam mo ng ganyan ang gayo'ganitong kababalaghan ni pari casio at ni teang, ay sa ngangayon pa lamang halos ay sinasabi mong si elsa ang hinihintay mong susulat sa iyo. hindi ba totoong si teang ay inibig mo sa isang saglit lamang, samantalang ang magandang mestisa'siyang talang nagniningning na lagi sa diwa mo at alaala? hindi na sumagot si tirso. di na lamang niya anhin ay matapos na ang gayong paguusap na labis niyang ipinanggigipuspos. sa bawa'dalawa tatlong sabihin ni martinez ay palad nang siya'magbitiw ng isang kataga.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"salamat na lamang at ang isa ay para namang nasiyahan na sa nangyari kay tirso, kung kaya'pagkaraan ng mga, sampung minuto sa pagbubuklat ng ilang aklat na kanyang natunghan sa sulatan, ay nagpaalam na'di umano'may lalakarin siyang bagay na mahalaga sa bahay ng isa pang kasama. pagkaalis ni martinez ay sarisaring mapapait na gunitain ang sumilid sa panimdim ng makata. ang balitang natanggap kay martinez ay lumikha ng isang malaking sugat sa guwang ng kanyang puso, sugat na walang tanging ikababahaw kundi ang alinman sa dalawang ito: pagusigin niya kahi'saan naroon ang babaeng alibugha na naglaro sa kanyang kapurihan upang papanagutin sa bigat ng salang ginawa sa kanya, yao'ilibing niya sa hukay ng limot na parang hindi niya naging kakilala kailan man.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"datapwa'maging alinman naman sa dalawang ito ay tila malayo sa ikabubunsod, palibhasa'kung magpapakapusok siyang magusig kay teang sa mga araw ding iyon ay sapilitang mababalatong ang pagtatapos ng kanyang pagaaral, at kung limutin nama'lalong hindi mangyayari pagka'buhol na walang kalag ang sinumpaan niyang higpit ng kanyang pakikiisang kapalaran sa babaeng iyon. paano ang mabuti niyang gawin? unaunang marapat niyang matiyak ay kung, hanggang saan ang taglay na katotohanan ng mga ipinahayag sa kanya ni martinez. kinakailangan niya ang patotoo ng kahi'isa man lamang saksi, kung baga sa isang usaping nililitis sa hukuman, upang mabigyan niyang halaga ang mga balitang kanyang tinanggap. at sa bagay na ito'sino ang kanyang lalapitan? sino ang makapagbibigay ng patibay na kinakailagan niya? sa katatanong ng ganito sa kanyang sarili, ay nagunita ni tirso ang mestisang si elsa, ang pamangking buo ni donya basilia.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"tunay na si elsa at si teang ay untiunting pinapaglayo ng mga hiwaga ng puso, nguni'sa dahilang ale ng una ang may ari ng bahay na sinasabing pinangyarihan ng himalang ibinalita ni martinez ay dili ang hindi kahihiwatigan ang tinukoy na mestisa ng anomang tandang sukat mapagkakilanlan kung tunay hindi ang sinasabing himala . bakit ay nagunita pa ni tirso na kaya raw siya inanyayahan ni elsang sumama sa pandakan ng gabing kalilipas, ay sa dahilang may ibig ibalita sa kanyang ilang ulat na may kinaalaman kay teang at sa kanya. isa lamang kayang biro ng mestisa ang gayong pahayag? naalaala ni tirso ang sulat na tinanggap na galing kay elsa. madali niyang dinukot sa isang kahon ng kanyang sulatan na pinagtaguan niya upang iyo'huwag nang makilala ni martinez, at pagdaka'binuksan. ah, anong kalatas na pagkahabahaba ang kanyang nabasa! anong pagkalungkotlungkot na mga katagang animo'sigaw na napaaawa ng isang inabot ng sigwa sa laot ng dagat!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sinasabi ng kalatas na yaong ang sigwa ay kay tirso nagbuhat, nababagay nga kayang ang makatang ito ang sumaklolo'sumagip kay elsa? sa larangan ng pagibig, kung may nakikilalang hiwaga ang puso ng tao, ang hiwagang umaakibat sa kapalaran ng makatang si tirso ay isa nang hindi karaniwan halos masasabing walang kapangalawa sa tanang nangyayari, at kung sakali'mayroon ay bihirangbihira. sa isang dako'ipinagtatalo ng kanyang loob ang hindi pagkatupad ng kapangakuang iniwan sa kanya ng babaeng pinagsanglaan ng walang tubos ng kanyang kaisa isang pusong namana sa magulang, saka ang mga balitang tungkol sa babaeng iya'inihatid sa kanya ng isang binatang itinuturing na kaibigan; samantalang sa kabila nama'hayan ang kalatag ng mestisang sa mula'mula pa ng kanilang pagkikilala'wala nang ipinatamasa sa kanya liban sa di karaniwang pagtatangi'tuwina'pagkahalina sa anomang kanyang ginagawa, sa lahat niyang mga tula.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"samantalang ang mga pangyayari at ang mga natatanggap na balita'nagtataboy sa kanya upang pagbuntuhan niya ng ngitngit at ikahiya sa kabatiran ng iba si teang, si elsa naman ay patuloy na nagpapasinaya sa kanya ng, mataas na pagtinging sukat lamang hintin sa isang tunay na kasuyo, sa isang tapat na kasing nananagisag ng kawagasan. sa mga sandaling yao'hindi niya maturol kung sa kaninong anak ng dios nahahabilin ang palad ni teang, at sa mga sandali ring yaon ay nasa harap naman niya ang liham ni elsang naglalahad ng walang pagtutumpik sa tanang pithaya ng pusong nauuhaw sa pagirog. at ang sulat na iyong kinakaharap niya, higit sa isang pagpapahayag ng mataas na pagtingin, ay isang tunay na paghingi'paghihintay ng kanyang magagawa, ng sukat niyang ilingap sa isang minamahal at itinatangi sa buhay. paano ang marapat niyang gawin sa pagpapabaya ni teang? at paano ang gagawin naman niya sa gayong pagbubukas ng dibdib ng mestisang nabihag ng kanyang pagkamakata? saang panig siya dadako?",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa wakas ay minarapat ni tirsong ibilang pa ng ilang araw, ng ilang panahon, ang paghihintay ng sulat ng babaeng pinagtiwalaan niya ng puri'karangalan, samantalang ang sukat itugon sa sulat ng mestisa ay siya namang pinagliming masusi ng kanyang bait at siyang nihanap ng hatol sa kahinahunan ng kanyang pagkukuro. nguni, lahat ng kanyang naisip tungkol sa isasagot kay elsa, ay di niya inibig na sulatin sa ayos ng isang kalatas na ipadadala sa tinukoy na mestisa. ang sulat ay isang katibayang kanawanawang maipapalad sa harap ng ibang tao. at ang kaselanan ng kanyang tayo dahil sa sinumpaang pakikiisang dibdib sa harap ng hukuman sa sampiro, ay nagaatas sa kanya upang magpakaingat sa ikapagkakaroon ng masasangguning katibayan ng pakikitalamitam niya sa sinomang babaeng naiiba kay teang. mabuti'makipagkita ako sa kanya, at sa harapang paguusap nami'saka ko siya tutugunin ng nararapat, ang tapos ni tirso sa kanyang magulong pagninilay.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"makailang saglit ay may tumawag kay tirso, at ipinagbigay alam na sa telepono ng botikang nasa silong ng gusaling kanyang tinitirha'mayroong naghinintay na ibig makipagusap sa kanya. nagdudumali siyang nanaog. at pagkahawak sa telepono'tinig ng babae ang kanyang narinig.? si silveira nga po itong kausap ninyo. sino po ba naman sila?. ah, ikaw pala, elsa!.? oo, natanggap ko.? kung kailan mo tatanggapin ang sagot? ang ibig ko sana ay sagutin kita ng harapan sa isang pagniniig. paiirugan mo ba ako?. kung kailan ka may panahon ay tumipan ka'ating pagusapan ang bagay na iyan.! pariyan ako sa mga araw na ito? iyan ang hindi mabuti. maipalalagay niyang tayo ay naninikis.! huwag ka sanang mabiglain. ang galit ng kapatid ay pagmamahal. kung hindi ka minamahal, ay di ka kagagalitan.? isang araw ay masok tayo kahi'sa aling sine at doon natin pagusapan.? ikaw ang bahala: pasama ka kahi'kay dioni, kung nangangamba ka nang makipagniig sa akin ng sarilihan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nalalaman ko namang paibaibang talaga ang lagay ng panahon.? wala akong ibig sabihin kundi ang pagpapaubaya sa iyo ng boong kapasiyahan. marapatin mong magsarili kita, salamat: magsama ka naman ng kahi'sinong mabutihin mo, salamat din. ako ay walang hindi kinadoroonan. kung gayo'hihintayin ko ang araw at pook na iyong itatakda. salamat, elsa.! taglayin mo ang aking alaala. bahagyang naibsan ng pabigat ang kaluluwa ni tirso sa pagkapagusap nilang iyon ng mestisang sumulat sa kanya. gayon ma'nakalipas ang singkad na maghapong hindi niya halos namamalayan, ng siya ay nanghihinamad mandi'walang alis sa pagkakatungo sa ibabaw ng kanyang sulatan. dalawang linggong mahigit ang nadaan. bagama'gayon na lamang ang pusok ng loob ni elsa nang kanyang sulatin ang liham na ipinadala kay tirso, ay nakalipas din ang gayong dami ng mga araw ng ang tipanan nilang paguusap na sarilihan sa bagay na iyon ay hindi pa nabibigyang katuparan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"paano'sa siyang pinaiiyahan ng lalaki, ay parating nagkakaroon ng salabid tuwing ipagbabalak ng araw at pook ang ikabubunsod ng gayong salitaan. sa loob ng panahong iyan na hindi rin idinarating ng sulat ni teang, kay tirso naman ay lalong nagtitibay ang paniniwalang napalungi nga ang kanyang palad sa babaeng kung bakit ba'napaghabilinan niya ng kanyang boong pagtitiwala. ang pagpapahalaga sa mga balitang tinanggap niya kay martinez ay untiunti nguni'patuloy na naguugat sa guwang ng kanyang puso, at nakatutulong ng malaki upang ang pangalan ni teang ay maging buntuhan ng kanyang kasuklama'lalong masasaklap na hinala. pati ng unang balak na paghanap pakikibalita sa kinaroroonan ng babaeng iyon ay bahabahagya nang iniwawaksi sa kanyang isip, yamang kung gayon anyang kay teang nanggaling ang paghamak sa kanilang sumpaan, magusig man siya'ibayong hirap na lamang ng loob ang kanyang mapapala.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"si tirso ay kasal sa babaeng iyon, oo, nalalaman niya; nguni'bakit pa niya hahangarin ang mapapisan sa isang talipandas na walang tunay na pagibig sa kanya? saka, ang kanilang pagkakasal ay lihim na lihim at walang sinomang nakamamalay liban sa hukom na sa kanila'nakialam. ang pagmamakaingay tungkol sa paguusig ay magiging isang tunay na pagkakalat na lamang ng kanyang sariling kahihiyaan. patawarin ang nagkakasala at ipagparaya ang nagkukulang ang aral na itinuturo ng kapisanang kanyang kinaaaniban; at malalabag na lamang sa itinuturo ng aral na iyan ang paguusig sa babaeng kusang tumaliwakas sa kadakilaan ng sumpa, ang yumurak at gumutay sa kahalagahan ng pangako. mananga'tumahimik na nga siya'kanyang pagaralang pawiin sa alaala ang pangala'larawan ng babaeng bumitay ng kanyang magandang pagasa. samantala, sa isa sa mga bulsa niya ay laging hindi nahihiwalay ang sulat ni elsa na kinalilimbagan ng isang pagibig na walang kapantay sa karubduban.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang pagibig na iyong sa kanya iniuukol ay hindi nakakikilala ng pagmamaliw. ulani'arawin man sa laot ng kanyang pagkawalang loob, na sa nagdaang mga araw ay siya niyang ipinahalata sa naturang mestisa, ay patuloy ring; taglay ang dakilang uri, ang kawagasan, na sa wari niya'sukat ang kanyang naisin upang pagtamasahan niya ng dilang lugod, ng madlang biyaya at tanang luwalhati, na sa buhay na ito'siya na lamang mahihintay ng kinapal na paris niya. sa harap ng sulat na iyong hindi gumagamit ng anomang bahid ng pagpapakunwari, ano pa ang magiging katuturan ng pagpapakabalisa ni tirso sa isang babaeng gaya ni teang kung hindi kabaliwan? magpakabaliw kung kinababaliwan ay hindi masama at lilikha pa kaipala ng paghanga sa sinapupunan ng kapisanan. datapwa'magpakabaliw sa babaeng humahalakhak at umooroy sa kanyang kasawian ay iyan na ang sukdulan ng kahalayan na hindi sukat makita sa isang paris ni tirsong paano'paano man ay may pangalan na ring nakikilala sa maraming lipunan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kaya, masakit mang walang kasingsakit, ay kailangan na ni tirso ang makiayon sa tadhana ng kanyang palad. ang tadhana ay waring nagaanyaya sa kanya sa isang dako upang sayurin niya ang kadalisayan ng pagibig ni elsa, hindi siya dapat magmalaking huwag magpakundangan sa anyayang iyan. at, habang dumarami ang mga araw na hindi idinarating ng sulat na pangako ni teang, ay patuloy namang pumapanaw kay tirso na parang kimpal ng ulap na nawawala sa katingkaran ng sikat ng araw, ang pangala'alaala ng babaeng binanggit, katiyap ng untiunting paguusbong sa pitak ng kanyang puso, tulad sa halamang busog sa alaga, ng pagkahalina sa mga pakibang loob ng malulugding mestisa. minsan, isang gabi, ay minarapat ni tirso ang gumawi sa may pook nina elsa, nguni'hindi ang tangka'manhik ng bahay kundi mula sa palibidlibid ng looban niyon ay pakimatyagan ang kalagayan ng dalagang untiunting nagpupunla ng balisa sa kanyang gunamgunam.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at gayong pakikimatyag na nga lamang ang kanyang minabuting gawin, sapagka'sa bahay na yaon ay ayaw muna niyang lumantad magmula nang may mahalata siyang sukal ng loob sa kapatid ng nasabing mestisa. si tirso ay sa may gawing baybayin ng dagat nagdaang paahon sa bulaos na patu ngo kina elsa. pinili ang lalong madidilim na palumpong, naglagos sa mga palikolikong landas, at pagkalapit sa may tinatalikuran ng silid ng mestisa, ay naghagis ng tingin sa dakong itaas at tinangkang makilala sa siwang ng sarisaring halamang gumugubat sa looban kung sinosino ang mga lalaking narinig niyang nagkakatuwa. nguni'wala siyang nakilala isa man. ang tinig ni elsa ay naulinigan din niya, subali'kung ano ang sinasabi'hindi niya mawatasan. makasandali ay kanyang narinig ang piano, pasimula ng isang one step ang tinutugtog, tugtog na noon din ay sinundan ng mahihinang sagitsitan ng mga paang nagsasalimbayan sa ibabaw ng tabla.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"datapwa'ang namalas ni tirso ay pawang mga lalaki rin ang nagsisiindak na magkakayapos sa gitna ng bulwagan, at anino man ni elsa ay di niya matanaw. inakala niyang si elsa ang nunugtog ng piano. nguni'ano bang tugtog! one step nga ang narinig niyang pinasimulan, na siyang sinundan ng pagsasayawan ng mga lalaking panauhin ni elsa, dapwa'hindi pa halos nakabubuo ng tigisang inog ang bawa'magkapareha, ay marcha funebre na ni chopin ang pagdaka'kanyang naulinigan. ang sayawan ay biglang natigil. at ang humalili'ang matunog na halakhakan ng mga lalaki. napilya na naman tayo ni elsa! ang malakas na wika ng isang nanungaw pa sa bintana pagkabalatong ng pagsasayaw. sapul pa kanina'pawang sa ganyang tugtog sa patay tinatapos ang alinmang tandang ating sayawan. at malinaw nang nawatasan ni tirso ang tinig ng maganda niyang paraluman. kayo ay hindi ko pinipilya, ang sabi.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"itinanong ko kung ano ang ibig ninyong aking tugtugin, at aninyo'ako ang bahala kung alin at kung paano ang tumutugon sa loob ko. at sa lagay ay siyang tumutugon sa loob mo ang marcha ni chopin? itinanong pa ng isa. mangyari, ang sambot ng mestisa, ay sa dinatnan ninyong patay sa akin ang dating kaligayahan ng puso; at bagaman namamalas ninyong ako'nakatawa rin, ang kaluluwa ko ay putos ng luksa'may nilulunok na apdo ng kadalamhatian. ang dating tawana'nasaksihan ni tirso na napaltan ng sandaling pananahimik. kung ang mga lalaking iyon ay walang napunang panglalamlam ng dating masayang mukha ni elsa kapagkarakang ito'makiharap sa kanila nang gabing iyon, disin ay may nagdamdam na sa ganyang mga kataga na walang kagatolgatol na kanilang narinig. nguni, ang totoo, si elsa nga ay madali nilang napanibaguhang malungkot noon at siya rin namang kaagad ibinulong ng hipag na si dioni at ipinagbilin pang huwag pagpapansinin pagka'walang anoman.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kaya, ang isinagot na lamang ng isa sa kanila': kung ganyang ikaw ay may dinaramdam na kalungkutan, ay ibig naming makiramay sa iyo, elsa. inaakala kong iya'hindi ninyo magagawa, sapagka'ang mga damdaming ito ay para lamang sa aking sarili. sarili mo ma'makapakikiramay rin kami, kung huwag na kaming magtagal na gaano sa pagkakatuwang ito rito. nguni'hindi ko sinasabi, mga kaibigan, na ikinaiinip ko itong ating matiwalang paghaharap. gayon ma'kami ang nagaakalang marapat igalang ang mga sandaling ipinakikilaban mo sa iyong mga kalumbayan. kung ayaw na kayong magsayaw ay magusapusap na lamang tayo. ano pa ang paguusapan natin ay sa hindi mo naman ipagtatapat sa amin kaipala ang sanhi ng iyong mga lungkot? hindi kayo mawawalan ng anomang sukat maikuwento sa akin. at ang mga panauhi'namalas ni tirsong may mga hawak nang sombrero at anyong nagaabot ng kamay sa mestisa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"hintay muna pala sandali, ang pigil ng dalaga, paunlakan muna, ninyo ang munting bagay na pinagaabalahan ng aking mabait na hipag. at may pinagaabalahan pa pala si aling dioni! sa wakas ay napahinuhod din ang mga panauhin. nguni'saglit nga lamang, at matapos pairugan ang ilang pamatid uhaw na magiliw na ipinaganyaya ni dioni, ay nangagpaalam na rin. si tirso, na nakasaksi sa tanang nanyari, nang umalis sa pook na iyon ay taglay sa dilidili'siyang pinaglilimi ang mga katagang narinig niyang binigkas ni elsa, tunay nga kayang patuloy kay elsa ang mga pagdadalamhating nasasabi sa kanyang sulat? si elsa kaya, hanggang sa mga araw na iyong hindi pa nagkakaroon ng katuparan ang salitaan nilang pagtatagpo sa panonood ng sine upang doon pagpasyahan ang suliraning ipinaghihintay ng magiging loobloob ng makata, ay hindi pa dinadalaw ng dating katiwasayan ng kaluluwa? naramdaman ni tirsong ikinaiinip niya ang hindi pagkakatuloy ng kanilang tipanan ng mestisa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at sa pagkainip ay iniisip niya kung saan sila lalong maluwag na magkakausap ni elsa, kung gayong tila may kahirapan ang pagkikita nila sa sine. kanyang binalak ang sa isang paliligo sa dagat, yamang arawaraw ring lamang halos ay lumulusong ang dalaga; at binalak din naman ang sa alinman sa mga bahay ng ibang kakilala sa pasay na rin, sa may di gaanong kalayuan sa pook na iyon, upang huwag maging halatain sa kapatid na pinakikitimbangan ang gagawing paguusap na lihim. datapwa'paanong ang gayo'maisasangguni niya kay elsa ay sa matagaltagal nang ito'hindi man lamang lumiliham ni tumatawag sa kanya? kung may telepono man lamang sana sa bahay nina elsa, disi'nangahas nang magpaunang tumawag si tirso. subali'sa kasamaang sukat ay wala nga, paano ang kanyang gagawin? samantala'nalalapit na untiunti ang mga araw na ipagdiriwang kay momo.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nagunita ng makata na ang siyudad nito na tinitigib ng mga halakhakang ginaganap sa likod ng mga ngiwi ng sarisaring balatkayo, ay siyang malimit pagsinayaan ng mga pusong uhaw sa ligaya, siyang kadalasang pinagtitiyapan ng mga kaluluwang malaon nang naghihintay ng isang dakilang pagkakataon, hindi pa kaya sila makapakibahagi sa mga biyayang iyang idinudulot ng karnabal sa mga nasa kapanahunang paris niya'ni elsa? sunodsunod na nagdaan sa papawirin ng alaala ng makata ang mga pangyayaring kanyang napanood sa loob ng bakod ng mga karnabal na idinaos sa ilang taong tinalikdan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"yaong isang pierrot at isang columbinang nahigingan niyang nagkaisang magtanan sa mga kasama'maliksing nakay sa isang autong aywan niya kung saan nagtungo; yaong isang dimonyong pula at isang dimonyong itim na nakipagindakan muna sa kapal ng tao sa auditorium saka pagkatapos ay magkakawit ang mga bisig na nagkubli sa dilim, nanunton sa mga pook na lingid at makasandali'matagal na nawala sa kung saang bahagi ng maluwang na siyudad na iyon; yaong isang aida at isang radames na nagpakalango muna sa malaking bar ng san miguel brewery sa loob ng siyudad at kapagkuwa'naghudyatang tila may paroroonang mahalagang bagay, bago'pagkatalingid sa mga taong sukat makapuna sa kanila'boong bilis na inihatid ng isang auto sa isa sa mga ligpit na hotel sa san sebastian, samantalang ang kanilang mga kasama'nakikipagbiruang walang hulaw sa loob ng mailaw na siyudad. ang lahat ng iyon ay mga alalahaning kumakayag sa budhi ni tirso upang siya ay magmunukala ng isang kaparaanang sukat bagang.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ikaganap ng kanilang nabibiting tipanan ni elsa. bahala na sa karnabal, kapag hindi pa natupad sa mga araw na ito, ang nawika sa sarili ni tirso, matapos sayurin ng kanyang guniguni ang nangabanggit na pangyayaring napanood niya sa siyudad ni momo. at parang babala ng mabuting kapalaran, isang umagang siya'magawi sa escolta ay nakatagpo niya ang mestisa na kasama ni dioni at ng isa pang babaeng marahil ay kamaganak, kaibigan kaya'kanyang kapit bahay.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa pagkikita nilang dalawa noon, ay masasabing mabuti na rin ang nangyari, sapagka'bagaman sasandali at panakaw pa ang pagkakausap nilang lihim at sarilihan ay napagtalastas ni tirso kay elsa; na ang bagay na ipinagtipan nilang manonood ng sine ay sa karnabal na paguusapan; na yao'maluwag nang mabubunsod kaipala, yamang ang kapatid na lalaking pinangingilagan ng dalaga ay nagtungo sa nueba esiha at malamang na hindi mabalik kundi kung makaraan na ang nabanggit na karnabal; na ang binibili nina elsa nang umagang iyon ay mga kayong gagawing balatkayo, at ang may kagustuhan niyon, bilang pinakapangaliw sa mga pangungulungkot na palagi ni elsa, ay dili iba'ang kanyang hipag na si dioni. kung ano ang sidhi ng loob mo, elsa, sa iyong sulat ay siya namang sidhi ng loob kong magkaniig tayo, paris ng ating pinagusapang minsan: datapwa'hangga ngayon ay nasa paghihintay na lamang ako. ang may himig ng panunumbat na nasabi ng makata sa pagkapagusap nilang iyon.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"panahon lamang, tirso, ang wala sa atin. ang nagpapasigla ng pagasang isinagot noon ng mestisa. gawan mo sana ng paraan na maibalita agad sa akin ang itatakda mong araw, hane, ang pasamong bilin pa ni tirso. hamo'kung hindi kita mapadalhan ng kahi'isang postal ay tatawagan kita sa telepono, matibay namang pangako ni elsa. hanggang kailan ang ipaghihintay ko? hanggang sa bago dumating ang mga araw ng karnabal. maghihintay ako, kung gayon. asahan mong gagawin ko ang lahat ng maaaring gawin. salamat, elsa. wala kang sukat ipagpasasalamat, tirso. ako ang nararapat magpasalamat sa iyo, sapagka'sa di kawasa'. nakilala na rin nga yata ng iyong puso na may isang sawing babae ritong. akin ang kasawian, elsa, at sinomang babaeng nakikilala ko ay sadyang tinatangkilik ng magandang kapalaran. aywan nga ba kung ako ang bukod na natatangi sa mga mapapalad na iyan. at minsan pang namalas ni tirso noon ang talagang pagmumukhang nahahapis ng diwatang yaong kapatid ng kasayahan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang mestisa'ang makata ay nagkatalikod noong taglay taglay sa ubod ng puso nitong huli ang mga bagong tibukin. ang dating pagpapalagay sa mestisang iyon na may tamis ng pagtatanging kapatid, nitong magpakasira si teang sa kapangakuang iniwan kay tirso, tangi sa katamisa'nalahukan pa ng init ng paglulunggating ibinubuyo ng isang pagmamahal na mahigit sa nagagawa ng pagkakapatiran. anopa'sapul nang gumitaw sa kanyang dibdib ang kutob na pinagmamaliwan na'nililimot siya ng babaeng nangako ng pagtatapat, ang nakakikiliting kilos at anyo ni elsa nang gabing mapanhikan niyang aawitawit na nagiisa sa loob ng bahay, at ang matiwalang pagsama sa kanya noon hanggang sa bangka, saka ang nilalaman ng mahabang liham na ipinadala sa kanya, ay hindi lamang mga pangyayaring laging sariwa sa alaala ni tirso kundi nagdudulot din naman sa kanyang puso ng bagong damdaming sinisibulan ng bago ring pagasa. ang buhay ng tao ay nasasalalay sa gulong ng kapalarang walang humpay na umiinog.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kung sa ganang kay tirso'napailalim siya sa pagkabighani niya kay teang, nitong nalulurok na ng boong pagpapahalaga ng kanyang kaluluwaang bawa'bugtong talinghagang iniuukol sa kanya ng magandang mestisa ay parang ibinubulong ng kanyang sarili na nalalapit na naman ang kanyang pamamaibabaw at ikatatampok sa karurukan ng tagumpay. at buhat noo'hinintay na niya arawaraw ang pagdating ng tagadalang sulat na magaabot sa kanya ng pangako ni elsa, kaya'ang pagtawag nito sa teleponong nasa silong ng gusaling kanyang tinatahanan. ang makata ay nabigo na sa paghihintay ng sulat ni teang, sa paghihintay ng postal sa pagtelepono naman ni elsa ay mabibigo pa rin kaya siya?. lubhang makapangyarihan kung magutos ang dios ng mga halakhak at pagbibiro, ang hari ng balatkayuang lunas sa mga dalamhati ng kaluluwa at puso. babago pang napaguusapan ang mga araw ng kanyang pagdiriwang, sa iba'ibang panig ng maynila ang mga tao'abalangabala na sa sarisaring paghahanda.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang mga masalapi ay nagsisipagpagawa sa kanikanilang mananahi ng mga kasuutang ikatatampok nila'ikauungos sa gayak ng iba: mga sutlang kayong pulangpula na animo'dugo, mayroon namang dilaw na nakikipangagaw sa kulay ng apoy, at may lungtian pang nagbabalita wari ng pananagana sa lahat ng bagay ng taong sa kanya'nagpapakahibang. ang mga maralita naman, sa kabilang dako, ay nagtatamad sa paggawa, ilang araw na di sisipot sa pinapasukan, nagsasangla ng isang tumbagang singsing ng isang hilakong hikaw, na tanging hiyas ng kanilang karukhaan, nangungutang ng salaping patubuan at. bumibili ng isang murang balatkayo, isang nakangising maskara, upang sa likod ng mga ito'sandaling limutin ang kanilang kahinubong pagkasahol sa buhay, at sandali ring makilahok sa mga halakhaka'panunukso sa kakilala'hindi man. ang mga dalaga ay karaniwang magsuot ng gayak columbinang kaakitakit sa bawa'makakita, at ang mga binata nama'nagdadami'pierrot na lubhang katawatawa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"bawa'pusong pinasisigla ng apoy ng kabataan, bawa'kinapal na nasa panahon pa ng kasariwaan, ay dili ang hindi naguubos ng kaya sa paghahanda ng tanang nararapat niyang gamitin sa pagsagap ng luwalhati sa sinapupunan ng dakilang karnabal. at yaong may kaluluwang hindi nagtitikim ng biyaya ng maligayang kapalaran, ay nagsisipangarap na sa mga araw na iyan ay mabibihis ang kanilang kasawian, mapapaltan ng tuwa ang kanilang mga paghihirap at sa duyan ng luwalhati'sandali silang aawit ng kasiyaha'mahahalinhan ng kabusugan ang binabata nilang uhaw. at, hindi malilihis sa katotohanan kung ang mestisa at ang makata ay ibilang sa ganyang mga may hinihintay.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"si dioni, na nagpanukala ng pagpapayari ng magagarang balatkayo na magagamit niya'ng kanyang iminamahal na hipag, ay dili ang hindi nagsaloob ng paninibago sa mga kilos nito, nang mapuna niyang tinatangihang pawa at sinasalubong ng paghingi ng paumanhin ni elsa ang lahat ng anyaya ng mga tanyag na ginoong kaibigan at dating kasamasama sa mga liwaliwan, mga anyaya para sa isang gabi sa auditorium sa panonood kaya ng coronacion ng alinman sa mga magaganda'malalaking kasayahang idaraos sa loob ng karnabal. tila nagiiba na ngayon si elsa, ang naibulong niya sa kanyang sarili, nang ang mestisa'ayaw ngang magbitiw ng anomang pangako sa mga lalaking namumuhunan ng masuyong pakiusap. bahagya ma'hindi sumagi sa isip ni dioni na ang sulat na ipinadala ni elsa kay tirso noong kararaang bagong taon ay maaaring siyang magbulos sa dalawa sa isang lihim na pagtatagpo sa loob ng siyudad na kinaliligpitan ng maraming hiwaga.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa katotohanan, nang tagpuin sila ng tinukoy na makata noong ikatlong gabi ng mga pagdiriwang sa kaharian ni momo, ay saka lamang napaguwiuwi, ni dioni ang bagay at sanhi ng mga kilos na kanyang napapanibaguhan sa kanyang hipag. naalaman ko na ngayon, elsa, kung bakit hindi mo pinaunlakan ang alinman sa mga anyaya ng iba'ibang kaibigan mo, ang manawanawang naibulong niya sa mestisa nang lapitan sila ni tirso. at si elsa na nakalurok kaagad sa ibig sabihin ni dioni, ay nagbalobalong sumagot: hindi ko sila ibig na makasama rito, iyan lamang ang sanhi ng di ko pagpayag sa kanilang anyaya. higit diyan ay mayroon pa. ikaw ang napakamapaghinala ng hindi tama. di ba totoong hindi iyan ang tunay na pinagpaparoonan mo? at ibig mong tukoyin ko? ayoko na nga ng malabis na tuksuhan! sa ako'hindi nanunukso lamang, kundi.! kinalilimutan ko na ang pagtawa, dioni. nguni'ngayon sa gabing ito ay may matuwid ka nang tumawa. at di lamang tumawa kundi marapat pang magalak, malugod at magpasalamat.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sukat na nga iyan! kundangan pati ako'ibig mo na yatang paglakuan! masaya nga ang dalawa. at ang gayong malamang nang pagkabunsod ng tipanang pagkikita nila ni tirso, ay sapat nang makapag pasigla sa diwa at katawan ni elsa. noon ay siyang gabi ng nababalitang pagpuputong sa napahalal na reyna. si tirso, panggagaling sa paaralan ay nagdudumaling nagsuot ng kanyang damit pierrot na lungtiang magulang at yari sa sutla, may malalaking botones na dilaw sa mga manggas ng baro at laylayan ng salawal, saka may nagbiting bembe sa paligid ng kanyang leeg; at hangos nang nagabang sa isang pook sa loob ng siyudad, alinsunod sa itinipan ng mestisa sa araw na sinundan. hindi naman siya gaanong nainip at dumating sa harap niya ang dalawang columbinang dilaw, tila kambal sa pagkakawangis ng tabas at kulay ng kanilang balatkayo. ang pagkakaparis na iyon ay nakapagpaulikulik kay tirso, palibhasa'hindi niya makilala kung sino roon si elsa at kung sino naman ang isang kasama.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"datapwa, pagkapuna ng mestisa sa, gayong paguulikulik ng makata ay siya ang unang humudyat na magpakilala, saka pagkatapos ay ipinakilala rin kung sino ang kanyang kasama. si dioni iyan, ang sa paimpit na tinig ay ibinulong. saka bumaling sa hipag at sinabi: si tirso ito. nagyao'dito muna ang tatlong magkakasama sa magkabikabilang panig ng siyudad na pinanaganaan ng liwanag. at nang makaubos na ng kung ilang supot ng confetti sa walang tuos na pakikipagsabuyan sa balana, ay saka lamang nagyayaang masok ng auditorium yamang malapit na rin namang dumating ang oras natatakda sa coronacion . walang hulugang karayom ang kapal ng tao sa loob ng nasabing auditorium nang magsipasok ang tatlo. kahi'saang gawi sila magbaling ng tingin ay hindi nila mapagwari kung saang bahagi roon maaaring idaos ang ibinabalitang baile de coronacion . paano tayo rito?",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang tila may yamot na tanong ni elsa sa dalawa niyang kasama, pagkamalas sa gayong sikip ng mga taong nagtuwid na lamang sa pagkakatayo at ibig mang lumipat sa, ibang pook ay tila hindi magawa. maghintayhintay muna tayong sandali, at baka mabawasbawasan ang tao'lumuwagluwag naman ng kaunti. ang salo ni tirso. halos di pala makahinga sa sikip ang taong napaparito! ang katlo naman ni dioni. at sa mungkahi ng lalaki, ay nagsipagalis na sila ng takip sa mukha, bilang pakikiugali sa karamihan doon. at samantalang nagdaraan ang panahon sa gayong pagtitiis ng di birobirong hirap, di nila napupuna ay untiunti silang napapalayo sa bungad ng pintong kanilang kinatulusan, natatangay palibhasa ng pabugsobugsong dating ng mga tao. at ilang saglit pa rin ang lumipas bago nila natiyak na sila ay napapadpad pala sa isang gilid na malapit sa dingding na tinatalikuran ng madla.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa pook na yaon, na bahagya nang inaabot ng liwanag ng kumpolkumpol na ilaw sa may panggitnang panig ng bulwagang wala yatang kasinglaki, kaginsaginsa'nalingapan ni elsa'ni tirso, samantalang si dioni'sa kaibayong gawi nakamata, ang isang babae'isang lalaking marahil ang isip ay wala sa gayong pagdiriwang kundi naglalakbay sa dako pa roon ng mga pangarap. at ang kanilang anyo'mga kilos ay siyang nagpapaakala ng ganito. ang disfraz nilang gamit ay maituturing na kabilang sa mga lalong mahal at kaakitakit, hindi nga lamang gaanong bagay sa babae na gaya ng sa lalaki.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"parang walang namamalas na tao sa kanilang palibid, ay sapupo ng isang kamay ng lalaki ang maliit na baywang ng babae, at ang isang palad nito'matiwalang nakakapit sa balikat niyon, samantalang sa bawa'bulungan ay halos nagkakadampian na ang kanilang labi at ang nakahilig na mukha ng isa ay di binabaklas sa pagkakadikit sa isa pa. ang masasayang ngiti'makahulugang mga sulyap ay di ikinukubli sa sinomang maaaring makapuna sa kanilang anyong nakatatawag ng loob, at ang mga puso ay mahihinuhang sinasakbibi noon ng kaligayahang pabihibihirang ipagbiyaya ng panahon sa tao. magasawa marahil, ang marahang inianas ng mestisa sa makata na di kinukusa'napasundan ng isang munting kurot sa bisig ng pinagsabihan. malayo ang hula mo, ang pakli ng makata, na dili ang hindi nakaramdam sa kurot na ibinigay sa kanya. ay bakit ganyan na ang asta? iya'isa lamang sa karaniwang gawin ng sinomang kinakandili ng mabuting palad. nguni'ang babae ay di papayag sa ganyan, kung hindi niya ibig ang lalaki.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"iyan ang tama: walang pagsalang ang lalaki ay siyang hantungan ng kanyang boong pagibig, kaya ganyan ang kanilang laya. mapalad na lalaki! mapagsamantala ang sabihin mo! sa ano'anoman, ay nananaghili ako sa kapalaran niya. maaari ngang managhili ka, sapagka'. hindi si teang ang kasama mo ngayon. kung siya lamang ang narito'kakawit bisig mo, kaipala ay wala kayong sukat ipanaghili sa dalawang iyan. kung siya ang aking iniibig ng boong pagkatao, oo; datapwa'ang totoo'. kailangan pa bang sabihin ko? sa di ko nakikilala! nakikilala mo kung sino ang inabayan ko sa bangka sa pandakan; nakikilala mo kung sino ang nagpadala sa akin ng mahabang sulat na nasa bulsa ko sa mga sandaling ito; nakikilala mo kung sino ang kaulaulayaw at kinakausap ko ngayon dito. ang mestisa ay pinamulahan ng mukha'hindi nakakibo. dinalaw na naman ng lugod ang puso niyang tuwina'sabik sa paggiliw ng makatang iyong tanging naghahari sa kanyang kaluluwa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"labas nang talaga sa dilang alinlangan ang pagwawagi ng kanyang mga hangarin! subali'ngayong natitiyak na ang kanyang pagwawagi, ay ngayon naman siya nauumid mandin sa naglalambingang bigkasin ng makata at sa mga kilos nitong maaaring mahalata ng iba. huwag ka nang maingay, tirso, ang saway na amang sa lalaki, hayan lamang si dioni baka naririnig na tayo. ang mga bisig nilang nagkakakawit ay siya na lamang nagpahayagan ng kanikanyang ibig sabihin sa bisa ng bahagyang pagsiko ng isa sa isa na ipinagkaunawaan nila. sa isang dako, si dioni, na di naman patay na loob sa balabalaki ng kabataan, ay talaga palang may napaghahalata na sa dalawa niyang kasama, kaya'sa simula pa ng nahigingan niyang paguusap, ay kinusa na ang di pagaalis ng mukhang paharap sa dakong malayo. hindi masama ang pagbibigay. ang bulong niyang mangitingiti sa kanyang sarili. ilang saglit na walang nagbubuka ng bibig. dioni, ang tawag mayamaya ng mestisa. baka naiinip ka na? kung hindi kayo naiinip ay hindi rin ako.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"masiglang itinugon ng tinukoy. hindi kami mangyayaring mainip, dioni, sapagka'mayroon kami rining isang nakapupukaw ng loob na panoorin, pangiti namang ikinatlo ni tirso, saka inihudyat ng nguso ang dalawing pinanonood sa gawing padako kay elsa. napatawa si dioni sa anyo ng itinuturo ng makata. dito ka nga naman sa karnabal makakikita ng sarisaring palabas! ang pakagat labing sabi sa mahinang turing. ang ayon ni tirso. at naalaman mo, dioni? nananaghili raw siya sa dalawang iyan, sapagka'hindi niya kasama ang kanyang minumutyang si. anang hipag na tinukoy. baka kung ano na iyan!. ang tanggi ng makata. nagbibiro lamang itong si elsa. nguni'hindi mo ba natatandaan, dioni, kung sino ang kasama ng maginoong ito noong minsang makita natin siya sa salon ng la perla si teang na inaanak ng tia basilia? wala pong iba! at ang lalaki ay manawanawang pumakli: magpaniwala ka, dioni, kay elsa ay kung saan ka tuloy dadalhin nito. tumatalikod ngayon ang bata!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang palabing agaw pa ng mestisang sa hipag nakatingin. ikinahihiya yata ang himala ni pari casio! hindi nalalaman ng dalawang babae na ang mga winikang iyan ni elsa'balaraw na umiwa sa damdamin ni tirso. naalaala ang mga balita ni martinez. si dioni naman, kaya napapamata, sa hipag at walang isinasagot kundi tatawatawa lamang, ang totoo'hindi pala nakauunawa sa ibig sabihin ng himalang binanggit ng mestisa. maalaala ko pala'matagaltagal nang hindi ko nababalitaan kung saan naroon ang teang na iyan, ang tanging nasabi ni dioni. saan nga ba naroon? ang di napigilang itinanong din ni tirso na nadadala yata ng pananabik. kung sino ang dapat makabatid niyan ay siyang dapat makapagsabi, ang sunggab ni elsa. ang tukoy ni tirso sa mestisa. ang batik naman ni elsa sa makata. tila narinig ko kung kanino na siya'inauwi sa probinsia, nguni'ito naman yatang si elsa ang nagsabi sa aking minsan na siya ay nasa kolehio, ang badya naman ni dioni. nasa kolehio? anang lalaki.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"noong araw, ang saklaw ng dalaga. nguni'ngayon? itinanong ng hipag. naghilian sa pagsagot ang dalawa. tuwinang mapaguusapan ang ngalan ni teang ay di matimpi ni tirso ang pananabik na gumigiyagis sa kanya. at tuwina namang may mahahalatang ganyan si elsa, ay lalong nagdaragdag ng sikap para siya ang makapangyari sa isip at damdamin ng makata. siyang paglingon sa kanila ng lalaking pinanonood na kayaposyapos ng isang babae. at nakilalang maliwanag ni elsa. ang pamanghang wika. si dr. nicandro! ang pataka ring sambot ng dalawa. at sino kaya ang babae? ang tanong ni dioni. namumukhaan ko; isang maamong kalapati sa mayamang alagaan sa san juan. ang pahayag ng lalaki. ano ang sinabi mo? isang makisig na mananayaw. ipinaliwanag ni tirso. isang doktor sa piling ng isang bailarina! mahinayang pang sambit ni dioni.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"iyan, dioni, ay di humihigit sa karaniwang makita ngayon dito sa maynila at sa mga karatig na bayan, ang baling ng makata, ang naririto ngayong ating namamalas ay isang doktor, at sa mga cabaret mga hotel at iba'ibang pook na sagapan ng aliw, dapat ninyong maalamang hindi iilan ang mga matutunog na abogado, mga matalakatak na kinatawang bayan, matataas na kagawad ng pamahalaan, mga batikang politiko, mga mayayamang mangangalakal, mga mamahayag at iba pang nabibilang sa unahang hanay ng mga pagasa'dangal ng bayan, na nagpapakalasing sa kandunga'bisig ng kung sinosinong babaeng nakapagaalinlangan ang linis ng pamumuhay. ang lalaki nga naman! kailan ma'lalaki rin! ang parinig ni elsa. gaya rin naman ng katotohanang ang babae ay babae rin kailan man, isinaklaw ni tirso. datapwa'hindi ang lahat ay may hilig sa ganyan. humigit kumulang ay parisparis na kayo, ang sabad ni dioni. mayroon din naman sa aming kalaban ng ganyang ugali. halimbawa: ako.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ay bakit nalalaman mong pagsabihing may abogado, periodista, mangangalakal at iba pang umaasal ng ganyan, kung diyan ay hindi ka kabilang? sapagka'natatagpuan sila kahi'hindi hanapin. paris ngayon; hayan ang isang manggagamot, at nakita natin sa piling ng isang mananayaw ng di tayo tumutuntong sa cabaret . hintay kayo'may iba naman akong nakikita! ang biglang hadlang ni dioni, saka patagong inihudyat ang isang babae'isang lalaki pang may kapunapuna ring palagayan sa isang panig na di lubhang malayo sa kinaroroonan nila, nakikilala ko ang lalaki: si abogado ***, nguni'ang babae'. ah, ako ang nakakikilala pati sa babae! isinaklaw ni elsa. iyan ang may asawang si aling *** na pinakapintasan nang minsan sa harap ko ni martinez. may asawa ang babae? itinanong ni tirso. mayroon, nguni'ang kasamang iya'hindi siyang nagmamay ari sa kanyang pangalan, ang paliwanag pa ng mestisa. saka ang asawa raw ng babaeng iyan, tirso, ay walang pangalawa sa kabaitan, ang susog pa ni dioni.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"balana umano ay kinapitan sa manggas ng babae at ang sinasangkalan ay ang mga, sayawang malimit niyang daluhan, samantalang siyang lalaki naman ay panatag daw na naghihilik sa kanyang bahay at di man napapanaginip ang pananagumpay ng kanyang. gaya ngayon, pangiting naitugon ng makata, narito ang natuturang kabiyak ng kanyang puso, subali'nariritong hindi sa kanyang kandungan nagpapasasa ng ligaya. walang anoano ay may tugtog ng kornetang naulinigan sa dakong hinaharap ng madla, tugtog na sinundan ng biglang pagkabalisa'pagdadagitgitan ng mga tao sa pagaakalang yaon na kaipala ang unang babala ng gagawing pagpuputong. kaginsaginsa nama'sa sisipot sa harap nina tirso ang magasawang nagpiging sa pandakan, at hangos, pagulat at nagdudumaling ginagap ng babae ang mga kamay ni elsa'ni dioni, saka ang mga ito'niyayang sumama sa kanila na humanap ng mabuting pook upang kahi'paano'masilip man lamang ang mukha ng reynang sanhi at dahil ng maraming bulungan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at palibhasa'hindi lamang sila kundi lahat ang naghahangad na makapanood ng pagpuputong, ay di sila nagkapanahong magusap ng marami, at sa mga tinginan ay nagkaalam nang susunod sila sa biglaang pagbatak kina dioni ng mga kaibigang magasawa. sapagka'hindi naman manyayaring manatili ang pagaakayan ng isa'isa, sanhi sa walang kasingsikip na taong umuho nga sa loob ng tanghalang iyon ng malaking kasayahan, hindi kinukusa ng sinoma'nagkalayolayo sila: ang magasawa ay napabukod; si elsa'si tirso ay kung saan napatungo; at si dioni ay napagisang hahanaphanap sa mga kasama. sinapantaha ni dioni na kasama ng magasawa ang makata'ang mestisa; inakala naman ng mga ito na si dioni ang kasama ng mga yaon; nguni'sa palagay ng magasawa'humiwalay nang kusa ang tatlong magkakaabay. sa gayong pagkakaligawligaw, ang dalawang nasa kasariwaan ay pinatnugutan ng mabuting pagkakataon.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kung ako lamang ang masusunod ay minamabuti ko pang maupo na lamang tayo rito at paraanin nang idaos ang pagpuputong na iyang pinagkakaguluhan ng tao, ang wika ni tirso. hindi kaya tayo hanapin ni dioni? ang tanong ni elsa. hanapin man ba, kung hindi tayo umaalis sa pook na ito, ay di lalo pang madali tayong magkikitakita. mabuti pa ngang magpahipahinga muna tayo; ngalay na ngalay na ang mga binti ko sa malaong pagkakatayo. at magkapiling na nagsilikmo ang dalawa sa pook na yaong tinatalikuran ng makapal na taong sa iisang dako nakaharap. nasa iyo nga ba ngayon ang sulat ko? itinanong makasandali ng babae. nasa akin, ang pakli ng lalaki. mabuti pa kaya'isauli mo na. kung wala rin lamang kahihinatnan, eh bakit mo pa iingatingatan. walang kahihinatnang paano? at, mayroon ba? elsa, parang ikaw pa pala ang may hinanakit sa akin, gayong kay daming araw na ipinamahay ko sa malaking pananabik sa ikapagkakaroon natin ng panahon sa paguusap ng niig na paris nito!.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nguni'ngayon ay ano ang iyong sasabihin? unanguna'ibig kong ipahayag ang malabis kong pagdaramdam dahil sa pagkapagsalita sa iyo ng kapatid mo; ikalawa'ibig ko rin namang ipayo sa iyo na ipagpaumanhin mo'iwaksi na sa loob ang lahat ng iyon, yayamang kapatid mo namang nagmamahal ang nagsalita. ano pa ba ang hinihintay mong gawin ko? salamat kung iyan na lamang ang iyong inaakalang dapat gawin!. at pagkasambit nito ay papiksing tumayo at umanyong nagtatampo. malumanay na tawag ng makata, sasandali ang pagkakataong ito na masasamantala natin; mangyayaring sa sisipot na lamang dito'sukat ang iyong hipag, maanong kung baga'ibig mo ay magusap na tayong mahinahon. ano pa ang kailangan? naipahayag mo na ang iyong loobloob. maupo ka sanang muli'may sasabihin pa ako. dili ang hindi nanumbalik na lumikmo ang dalaga. eh ano ngayon? ang tanong na tila nakapangyayari.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"elsa, dahil sa kahalagahan ng bagay na ipinaghihintay mo sa akin ng pasya, ay ibig ko sanang ipamanhik sa iyong pagusapan natin ito ng lalong mahinahon. ang nais ko ay maunawaan mo ang kalinisan ng aking budhi'kadalisayan ng. pagmamahal ko sa iyo. pagmamahal!. oo, elsa, minamahal kita; at hindi lamang minamahal, kundi itinatangi sa lahat: iniibig ng boong puso. kay buting pagibig! iniibig na pinasasakitan!. ang ginhawa mo'siya kong pinakahahangad. salamat, nguni'marahil ay. talagang hindi tayo nagkakaisa ng pagkukuro. pagaaralan ko ang iyong ikasisiyang loob. subali'ano ang maipagsusulit mong pagbibigay kasiyahan sa akin tungkol sa nilalaman ng sulat kong pinagpaguran ko pang pakahabaan? ang pagpapagunita sa iyo, tangi sa aking mga sinabi, na ang pangusap ng kapatid, gaya ng sa magulang, ay nakatataba sa puso ng pinangungusapan. maipalalagay mo na ang tanang ibig mong ipalagay; datapwa'ang sinasabi ko naman, tirso, ay mahirap nang magtagal ako sa bahay na iyon.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kung narinig mo sana ang mga salita niyang halos masasabing pagtataboy sa akin! yao'hindi pagtataboy, kundi pagpapakilala lamang sa nagawang kasalanan. kaya niya ako pinagsalitaang gayon na walang kapatupatumangga ay sa dahilang may paniwala siyang ako'paglalaruan mo lang. at kung ganyan ang nadadama ko sa iyo ay. tila hindi siya nagkakamali!. pagkawika nito'namasdan ni tirsong umanod sa pisngi ng mestisa ang ilang patak ng luhang nagpapahayag ng malaking paghihinagpis. kaunaunahang patak ng luhang nasaksihan niyang namalisbis sa mukhang iyong puspos ng sanghaya! nangilabot si tirso. elsa, inuulit ko sa iyong iniibig kita ng isang pagibig na walang katapusan. tirso, ang pagibig na iya'sayang lamang, kapag di mo natutuhang ilingap sa isang abang sawing inabot ng sigwa sa dagat ng buhay.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ako ay nasa piling mo sa lahat ng sandaling kailangan ang aking magagawa; nguni'ang nagdaan sa palad mo, elsa, ay di pa isang sigwa, kundi isa lamang bahagyang biro ng panahon sa gaya nating paharap sa pintuan ng luwalhati. huminahon ka, at hindi kita pababayaan. naito na si dioning hangos at putlangputlang di halos makapangusap. pinakaba ninyo ang dibdib ko! ang di napigilang sabi sa mga dinatnan. at sina tirso'nagtindiga'sumalubong. saan ka napatungo'nawala ka rito? ang madaling itinanong ni elsa. hindi na kami umalis dito'baka aniko'magkita tayo agad, yamang dito tayo nagkahiwalay, ang sambot naman ng lalaki. nanglalata ako! ang daing ni dioni, at napalungayngay na lamang sa balikat ng hipag. sa isang tinginang ng makata'ng mestisa, ay nagkaunawaan ang dalawang ito sa pagpapakahulugang hindi pagod anoman ang ipinagkagayon ni dioni, kundi ang pagsasapantahang baka ang sisiw na kanyang alaga ay kung saan na tinangay ng lawin. kaya'nagkangitian tuloy ng lihim.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kay dioni naman, ang nadatnan niyang bakas ng luhang umagos sa pisngi ni elsa ay naging isa pang patibay ng kanyang mga salagimsim. ang paliwanag ni tirsong hindi pagalis sa pook na iyon, ay ipinalagay lamang na isang mababaw na salamangka. gayon ma'nagpakatimpitimpi na lamang at hindi na umimik, kundi nang mapilitang imungkahi ang ganito: totoo na akong nanghihimagal; kung tayahin ko'sumasama pa ang aking katawan, hindi kaya magiging pangit sa inyo, tirso, kung magpauwi na muna tayo ng hindi pa natatapos ang kasayahang sinadya natin dito? hindi, dioni, ang panabay na sambot ng dalawa; tayna, kung ibig mo na. ikaw nga lamang ang hinihintay namin. kayo na sana ang bahalang magpaparaya sa akin, hane. wala kang sukat ipagalaala. at ilang saglit pa'tinungo na ng tatlo ang dakong pinto ng maluwang na auditorium . pagkatapos ng karnabal ay wala nang agamagam na sukat malabi kay elsa upang huwag malubos ang kanyang kaligayahan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang malaong pinangapangarap niyang pagtatagumpay sa puso ng makatang nihag na buongbuo sa kanyang pagkababae ay isa nang katotohanang itinatambad sa harap niya ng mga huling pangyayari. inniibig niya si tirso, at ang makatang ito ay umiibig sa kanya. narito ang tamis, bango, liwanag, luwalhati at buhay ng magandang si elsa! ito ang kanyang kahapon, ngayon at bukas; ang tanging sanhi ng kung bakit ninanais niya ang mabuhay pa ng malawig sa mundong ito. arawaraw, pagkamulat ng mga mata, ang unang sumisilid sa isip ni elsa ay ang pagmumunimuni kung paano'saan sila muling magkakaulayaw ni tirso, at kung anong bagay ang kailangan niyang gawi'iukol pa sa makatang iyan upang huwag magkawakas kundi bagkus magibayo pa ang katalikan ng kanilang pagmamahalan. at si elsa ay isang matiyagang tagapagalaga ng halamang iyan. dinadalaw niya orasoras ang kanyang bakuran, dinidilig ang pananim, ito'ginagambulan sa puno, hinihimas sa dahon, hinahagkan sa talulot.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at sa ikalulusog ng halamang, sinabi, pagtaastaas na ng sikat ng araw ay nagugunita na agad ng mestisa ang paglusong sa dagat na kasama ng kanyang mga piling kaibiga'kakilala. si tirso ay malimit na tinitipan niya sa gayong mga paliligo sa magandang dagat, at sa kanilang pagtatagpo roo'madalas silang nagtatamasa ng kaligayahan sa pamamangka, sa pagtatampisaw sa tubig at pagtatapak pagkatapos sa mabanlik na baybaying hinahagkang lagi ng mayamang simoy. kung linggo ng hapon, si elsa ay masigla ang katawang nagsasadya sa luneta, at doon, kaabay ng makata ng kanyang mga pa ngarap, ay nagyayao'dito sa lahat ng dako, samantalang ninanamnam ng kanyang kaluluwa ang nagpapainamang tugtugin ng banda ng konstabularia na nagiging marapat sa dilang paghanga. naroong magpabalikbalik sila sa pabilog at pasalasalabat na mga landas, magtigil at magmasidmasid sandali sa harap ng hugis pisong bantayog ni rizal, saka mauupo sa alinmang likmuang mawalan ng tao.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"naroong sila'dumako sa may dinudunghal ng manila hotel at mula sa ibabaw ng mga naglalakihang bato'talampas na saganangsagana sa pook na yao'boong lugod na pinanonood ang tila naguunahang salpok ng alon sa lahat ng pagilid, saka ang kaakitakit na kulay ng langit sa dakong kanluran sa mga sandali ng pagsibsib ng araw sa likod ng mga bundok na natatanaw sa kabila ng dagat. kung minsan nama'siya nilang tinatalunton ang daang pahabay sa dagat na patugpang pasay, at doo'malinit silang nagtitila mga ibong namamayagpag ng boong lugod at panabay na umaawit ng isang pagiirugang walang pagkupas. sa jardin botanico ay madalas din namang sila ay nagpapalipas ng mahahabang sandaling puspos ng tamis at kaluwalhatian. sa ibabaw ng damuhan at sa lilim ng malalabay na punongkahoy na nagbibigay ng kahalihalinang anyo sa pook na yaon, hindi mamakailang sila'naguulayaw ng boong payapa at ang mga puso nilang kalong ng ligaya'binibigyang panahong magkapalitan ng wagas na tibukin.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at kung mapagod na sa panonood ng hayop na walang kasingamo sa loob ng kulungang bakal gayong pagkailapilap kapag nasa kagubatan, kung mangalay na ang mga mata'magsipamitig ang mga litid sa pagmamasid sa pagsasalimbayan ng sarisaring ibong may iba'ibang kulay, sa paghahabulan ng mga dagang kosta, mga koneho, sa paguumakyat manaog sa mga nagsalabat na kahoy ng mga unggong mukhang taong pangit, sa kiniwalkiwal ng buwaya, sa pamamalupot ng sawa, sa paniningasing ng baboy damo, tamaraw at iba'iba pa; kung sila ay manghinawa na nga sa lahat ng iyan ay saka lamang nila lilisanin ang pook na yaon ng sa puso'taglay ang mga alaalang labis na makabuo ng isang gintong kabanata sa kasaysayan ng kanilang pagsisintahan. ang mga tula ng makata ay bihirang hindi naglalarawan ng alinman sa mga pook na yaong pinagtatamasahan ng aliw ng kanilang kaluluwa. bihirang hindi bumabanggit sa maliligayang sandali ng kanilang pagsisinaya sa kahilihiling kapalaran.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at walang bigong talatang di nagpapagunita sa mestisa ng nagtatamisang pangyayaring nangyari sa mabiyayang panahon ng kanilang suyuan. si elsa'si tirso ay dalawang kinapal ngang sa kabila ng maraming araw na di pagkakatugunan ng mga damdamin ay magkayapos din ang mga palad na nakapasok sa di kawasa sa isang panahong ang lahat ay tamis, layaw at pagibig. ang langit na namamalas ni elsa ay sagana sa silahis na kaakitakit, at ang papawiri'naghahandog sa diwa niya ng matatamis na guniguni. ibig niyang lumipad, pumaimbuyog sa kalawakang walang wakas, at sa kabila ng busilak ng alapaap ay kanyang ipagdiwang sa apat na panulukan ng katalagahan ang pananagumpay ng kanyang mga adhika sa puso ng makatang tanging aliw ng kanyang kaluluwa. at si tirso, ang makatang tuwina'may salamisim sa diwa, may gayuma sa mata, may pulot sa labi'may lambing sa bawa'kilos, ay natatalagang huwag lumayo kaunti man sa piling ng mestisa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ibig ding lumipad magsaibong sasalunga sa hihip ng hangin upang maawitang parati ng kanyang pagibig, masuob ng kamanyang ng paghanga'masabugan ng bulaklak ng papuri ang karilagang tangingtangi ng kanyang liyag. lamang, ay isang sagabal ang nararamdaman niya waring pumipigil sa kanyang mga bagwis, parang lubid na bumabaliti sa mga pakpak niya at siyang hindi ika panibulos ng kanyang mga lakad. si elsa ay malayang singlaya ng hangin na maaari ngang makasunod sa bawa'pithaya ng pusong sumisintang wagas. datapwa'siya, si tirso, ay may tanikala sa boong katawan, na ang pagkakagapos ay may mahigpit na buhol na di niya kayang kalagin. at ang tanikalang ito, ang gapos na itong ayaw magtulot sa kanya upang makapakiagapay sa kataasan ng lipad ng mga pangarap ng mestisa, ay dili iba'ang sumpang binitiwan niya'nilagdaan ng kanyang kamay sa harap ng hukuman sa sampiro.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang sumpang iyon ay kusa niyang inilagda noong isang gabing ang kanyang puso'inaapawan ng di masayod na pagibig sa ibang alindog: kay teang. at hindi sukat ang masabing ipinagbili ng babaeng ito sa mababang tawad ang karangalan ng kanyang pagkababae, sakaling magkaganito man upang mapawian ng bisa ang naturang sumpa. mangyayaring ang hindi pagsipot ng sulat na ipinangako ng boong higpit ni teang ay magkaroon ng kahulugang ang babaeng iya'nagtaksil na nga at kusang lumimot kay tirso; nguni'gayon man, sa harap ng batas ng katuwiran at sa ilalim ng katuwiran ng batas, ang lalaking ito ay walang kakarakarapatang bumawi ng pangulugi sa kandungan ng sinomang linikhang maiiba sa babaeng sinumpaan na niyang minsan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"mangyayaring magkatotoo na si teang ay isang hamak na manyikang tumatawa'pumipikit sa kamay ng isang mapaglarong pari, gaya ng balita ni martinez; subali'hindi mangyayaring si tirsong napalungi sa babaeng iya'maluwag nang makahahanap ng panibagong kapalaran sa sinapupunan ng ibang langit. mangyayaring maibunto kay teang ang tanang kasamaang magagawa ng isang babae; datapwa'hindi dahil diya'kalapating malaya na si tirso na makapamamayagpag na lilipat sa ibang pugad na ibig niyang patunguhan. nariyan ang balakid. iyan ang malaking sagabal, ang tanikalang gapos na ang mga kawil ay lihim na lumilingkis at bumabaon sa mga lamad ng puso ni tirso, kung kaya'ang kanyang pagsunodsunod sa mga bakas ni elsa ay pawang may katugong masaklap na dilidili sa liblib na pitak ng kanyang nasasalimuot na isipan. walang kamalaymalay si elsa sa lihim na itong sinasarili ni tirso. subali, ang kawalang malay na iya'hindi naman makaganyak sa kahinubong bait ng nabanggit na makata upang magsamantala.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kalaban si tirso ng lahat ng uri ng pagsasamantala sa kahinaa'pagtitiwala ng babae. at kung may naipupula sa kanya ang mga kapwa niya lalaki, ay wala nang iba kundi ang kalamigan ng kanyang loob at malabis na pitagan sa babae, kasakdalang ito man ang nagbubukas ng daang kanyang mapaglalagusan, ang kapunapunang pagwawalang bahala na kanyang inasal sa harap ng mapupusok na pitlag ng damdamin ng mestisa, na di na kaila sa marami, ay hindi mamakailang naging dahil ng panunudyo'paglibak sa kanya ng mga kapwa niya lalaki. sinasabing ang kanyang pag kamakata ay nasa tulaan lamang at wala sa gawa; na ang kanyang pagkalalaki ay madalas na di nabibigyang halaga sa ginagawi niyang pagpapakadungong lagi sa harap ng babae.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"madla nga ang nagpapalagay na ang pagkalalaki ng isang paris ni tirso ay dapat kilatisin ang uri sa kasanayang magsamantala sa masisimbuyong silakbo ng damdaming katutubo sa babae, at ang alinmang pagpapalampas ng mga pagkakataong nasa naaabot ng kamay ay itinuturing na isang kadunguang nararapat sa dilang paglait. datapwa, sa katotohanan, ang bagay na iyan ay tinitingnan ni tirso ng alinsunod sa kanyang kabaligtaran. alalaong baga: iyang kakutyaang ipinalalagay ng tanang may laos na ugali, ay siyang sa ganang sa makatang sinabi'karangalang nararapat ipagmalaki. ang pagpipitagan tuwina sa talosaling na kalagayan ng babae ay isang kapurihang banal ng mga lalaki. at ang kadakilaan ng isang lalaki ay dapat kilalanin sa matimping ugali at hindi sa nararahuyo sa tukso ng kababaang asal.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang babae, bagama'mataginting na tulad sa kristal, ay isang babasaging pagkarupokdupok na sapat sa lahat ng kapariwaraan; samantalang ang lalaki'bakal na mistulang kalarawan ng tibay na sapat naman sa dilang kabayanihan. nguni'para kay tirso silveira, hindi sapagka'bakal ito at kristal iyon ay kabayanihan na nitong huli ang pagdiriwang na lagi sa ibabaw ng kahinaan, karupuka'pabiglabiglang tibok ng puso ng una. ang babae ay isang bulaklak na may halimuyak na pinakahahangaan ng kanyang pagkatao, hiyas ng lahing may pitak ng pagmamahal sa guwang ng kanyang dibdib, dakilang bathalang may dambana sa kanyang lubos na paggalang. pabangong mahal na iniingatan sa gusi ng kanyang dilang pagpapahalaga, ang babae ay ikalulunos ng kanyang budhi kung magtila tubig na mabuhos sa lupa sa kagasuhan ng lalaki. ang babae ay bahagi ng katauhan, isang kailangang kapag nawala, ay wala na rin ang buhay. dito nasasalig ang paniniwala at mga kurokuro ni tirso tungkol sa kadakilaan ng babae.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"siyang tuntuning sinasagisag niya sa ibabaw ng mababang ugali ng ibang lalaking gising sa kamaliang dulot ng mundo. kaya, nang panahong si teang ang tampulan ng kanyang dilang pangarap at boong pagirog, anomang mapamihag na kilos na sa kanya'ni elsa ay hangin lamang na nagdaraan sa papawirin kanyang pagpapakundangan. kailan man ay hindi naging malamig ang apoy. walang nagmalikot na maglaro nito na hindi napaso. at ang babae, sa ibabaw ng lahat, ay apoy na may malagablab na ningas: laging nagaalimpuyo, nagngangalit at nahahandang dumarang tumupok sa sinomang sa kanya'magpain ng buhay. at si tirso, tao palibhasa, sa pakikilaguyo sa mestisang si elsa, ay nadarang ang puso, nasalab ang kaluluwa at nagalimpuyo ang damdamin, hanggang sa mawalang parang usok sa gunita niya ang larawan at pangalan ng babaeng una niyang nakilala sa sintahan. makailang ang tukso ng kamunduha'nagtirik ng kanyang bandila sa ibabaw ng marangal na budhi!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa kabilang dako, kung ano ang tunay na katuturan ng hindi pagsangayon ni tirso sa mungkahing sila'lumagay na sa panatag, ay siyang hindi nahulaan ng matalinong si elsa. mangyari'tuwinang mapaguusapan ang bagay na iyan ay kaagad nang tatawagan ng makata ang alaala ng mestisa tungkol sa kinakailangang pagpapakahinahon ng sinomang gaya nila na tumutuntong sa gayong baytang ng kabuhayan. sa mahabang lakbayin, ani tirso, ay hindi nababagay ang pusok ng loob at pagsusumugod ng lakad; kinakailangan ang tiyaga, ang pagiingat at tulong ng panahon. at ang pagaasawa ay iyang madawag at mahahabang lakbayin na di matatagpusan sa pahangos at walang tuos na pagtakbo. saka, ang pagaasawa, anya pa, ay bunga ng halamang may likas na pangakit: may bulo sa balat, masarap ang amoy, maganda ang hugis at biglaw pa'may marikit nang kulay na sapat ipaglaway ng sinomang pihikang makamamalas.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"malinamnam at nakabubusog kung suko sa gulang, dapwa'mapait na walang kasingpait at lasong nakamamatay kapag bubot na kinitil sa tangkay. tubig din namang sakdal lamig at kusang napaiinom ang pagaasawa, kapag ang binata at dalagang tutungga sa saro ay hindi gagamit ng pagpapakalabis; nguni'alak na nakalalasing, apdo'sukang nakaduduwal kapag namarusa sa sinomang kayamua'walang tuto sa paglagok. hindi natatalos ni elsang sa napagdanasan ng sarili hinahango ni tirso ang ganyang hakahaka hinggil sa suliraning kanyang iminumungkahi. di niya nalalamang nang matutuhan ng makata ang ganyang turo ay nitong mapagaralan na lamang sa pagkakarahuyo sa isang babaeng nawala at sukat matapos na siya'pahangahangain sa angking alindog. at malayong pagsalagimsiman ang makata ng kahi'anong di mabuting hinala, kung pinananayngahan ng mestisa ang nangabanggit na parirala ng kanyang talisuyo, ay ipinalalagay pang siya'nakaririnig ng tinig ng anghel na tumatawag sa kanya'nangangaral ng kabanalan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa wakas, bagaman sugat na dinaramdam ng mestisa ang nangyaring pagkapagsalita sa kanya ng kanyang kapatid dahil kay tirso, at kahima'naidadaing niyang malimit ang kinirotkirot ng sugat na ito, huwag na hindi magbitiw ng kahi'anong payo ang makatang hantungan ng kanyang dilang paghanga, ay napipipi siya'nagsasawalang imik na lamang at sukat. bagkus kinikilala pa niyang nasa matuwid at mabuti ang pagunita ni tirsong masarap ang mamalaging mahabahaba pang panahon sa pagkadalaga. ang dalaga ay bulaklak na masamyo at sariwa na laging katalamitam ng layaw at kaligayahan. nguni'kapag nagasawa, na, ibigin ma'hindi ay pinapanawan na ng bango, kinukupasan ng kulay at nalalanta sa tingin ng balana. nasain mang manatili sa pagkakatampok sa alaala at pagpapahalaga ng kapisanan, ang kapisanan ay siya nang kusang lumilimot sa kanya'ang ngalan niya ay itinuturing na lamang na isang bituing untiunting nawawala sa masayang langit. at si elsa ay hindi pa kadaglidagling makatatalikod sa kasayahan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa gitna ng kasayahan nakilala niya ang makatang nagpatibok ng tunay na pagibig sa kanyang murang puso'nihag ng kanyang tanang paghanga; nagaalaala siyang kung siya'lumayo sa kasayahang iyan ay baka lumayo na rin naman ang kapalarang hinihintay niya sa pagtatangi ng naturang makata. si elsa nga ay mamamalagi pang dalaga, hiyas na maningning na gaya ng dati'palamuting ayok sa bawa'kilusan ng kabinataan; sariwang bulaklak na naghahalimuyak ng sanghaya sa halamanan ng pagibig, na ang mga talulot ay mapangangayupapaan ng bawa'paroparong uhaw sa luwalhati. ngunit habang nagpapatuloy ang di mahahabol na takbo ng mga araw na sunodsunod na yumayao, ay untiunti namang gumigitaw sa isipan ni elsa ang nino ng alinlangang nababanghay sa mga tanong na itong iniuukol niya sa kanyang sarili: ano kaya ang tunay na niloloob ni tirso sa ganito kong katayuan?",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"bakit kaya'hindi na siya nagbabalak na ako'ilagay sa kapanatagan, kung aking inuuntag sa kanya ang bagay na ito'nililibang pa ako sa kung anoanong matatamis na pangungusap at maririkit na halimbawa? habang panahon kaya'ganito na lamang ang ibig niyang panatilihan ko? kahapo'kamakalawa, ang hindi pa pagkatapos ng kanyang pagaaral ay isa sa mga mahigpit na idinadahilan, nguni'ngayong siya'maluwalhati nang nakaraos ay ang pagsusulit naman sa corte suprema ang iginigiit. kung ako man lamang sana'nahalataan na niya ng pagkamasilawin sa titulo! kung sa akin sana'hindi pa sapat ang kanyang pagkamakata! iniimbot kaya niyang pagdayaan linlangin ako?. at, si elsa ay may labis na katuwirang mabalisa sa bahagyang kilos ni tirsong kinasisinagan ng panglilinlang pagbabagong loob.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kung nang mga araw na kay teang nabubuhos ang pagibig ng makata ay kinamalasan siya ng mga kilos na di maaakalang magawa ng karaniwang babaeng silang sa bayang ito, ngayong ang pagibig na iya'sa kanya na nagtatamo ng tamis at kaluwalhatian, higit doon ay lalo nang sukat siyang makapagisip at makapagsagawa ng mga bagay na natutungod sa ikapapanuto ng kanyang katiwasayan. ang mga, araw na lumipas ay naging mapapalad na saksi ng pagkakalagak sa sinapupunan ng mestisang iyan ng isang tatak na di makakatkat kundi ng kamatayan lamang. sa matabang linang ng kanyang pusong nabababad sa tubig ng paggiliw, ng paggiliw na dalisay at marubdob, may malusog na binhing napahasik sa lalang ng kahilihiling pagsusuyuan nila ng makata; isang binhing palibhasa'laging nadidilig ng hamog ng mayamang pagmamahal, ay patuloy na umuunlad at balang araw ay tatanghaling isa nang ganap na halamang boong pamimisagak na umaangat sa lupang kinahasikan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang halamang iyon, pagsapit ng takdang araw, ibigin ma'hindi ni elsa ay siyang magwawasiwas sa apat na panulukan ng katalagahan ng balitang nagkaroon ng ani ang pagiibigan nila ni tirso, nguni'siya rin namang lilikha ng maitim na aninong ipanghihilakbot ng babae sa harap ng balana, kapag ang makatang nagkalaya sa loob ng kanyang bakuran ay di natutong magpahalaga sa tinurang halaman. maraming balak ang nagdaan sa panimdim ni elsa tungkol sa hinaharap ng kanyang palad. ang pagasang matututuhan din malao'madali ni tirso ang pagliligtas sa kanya sa kahihiyaang kinauumangan dahil sa nararamdamang walang untol na pagunlad ng halamang sinabi, kung sa bagay ay di pa naman nawawala sa kanya, nguni'gayon ma'nakararating ang kanyang dilidili hanggang doon sa nararapat niyang gawin kung sakali'maging iba kaysa inaasahan niya ang mangyari. natunghan niyang minsan sa isang pahayagan ang balitang sa mga botika ay napansin daw ang pagkamabili ng gamot na ipinanunugpo sa pagdami ng katauhan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at hindi napaglabanan ni elsa ang pagtatanong sa alaala niya kung sinong parmaseutiko ang mapapamamanhikan niya ng bagay na iyon, sakaling kailanganin. naisip din namang idaing sa kapatid at hipag ang isang maselang karamdamang kunwa'nararamdaman niyang tumutubo sa loob ng katawan, at sa bisa ng dahilang ito ay papasok siya sa isang pagamutan at pabubusbos sa sinomang bihasang manggagamot na babayaran ng maraming salapi, upang sa gayo'magapas sa puno ang halamang ipinanganganib niya sa malaki'di masayod na kahihiyaan. subali'sa harap ng mababangis na panukalang ito ay nagsisipanghumindig ang mga balahibo ni elsa. anhin man niyang tayahi'kasalanang humihingi ng kabigatbigatang parusa ang pagsasagawa ng tinurang panukala. at siya ay hindi pa naman nalalabuang gaano upang lumusong sa bangin ng ganyang kabuktutang gawa. gayon man, ang pagkamapagpasumala niya'katutubong lakas ng loob ay siyang nakayari ng isang mabisang kaparaanang ikahuhuli niya sa nagiilap manding loob ng makata.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"hapon noon ng araw ng mierkoles, ika ng septiembre, araw na natatakdang idarating ng mabunying sugo ng bayan na galing sa lupain ng mabituing watawat. hindi kaila kina tirso'elsa ang pagdating na yaong pinaggagayakan ng maringal at karapatdapat na pagsalubong ng boong bayang galak na galak sa tagumpay na tinamo sa pagkapatibay sa bill jones . at sila ay nagkaisang manood ng gagawing mga pagdiriwang. nguni'sa dahilang ang pagpasok pa lamang sa corregidor ng sasakyang kinalululanan ng dakilang anak ng bayang ipagbubunyi ay ibabalita na raw ng sipul ng yelo, at sapagka'ayon sa mga pahayagan ay malamang na sa dakong gabi na ang pagahon ng hinihintay, ay napahinuhod si tirso sa mungkahi ni elsang pumasok muna sila sa sine ideal samantalang maagaaga pa. at nasa mga sandaling namamalikmata ang lalaki sa panonood ng gumagalaw na anino, nang yariin sa sarili ng dalaga ang kanyang gagawing pakana upang mabihis ang mga pagaalinglangan niya.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"tirso, ani elsa sa pabulong na turing, kasabay ang pagkukubli ng bibig sa likod ng kanyang pamaypay, hindi ba maganda ang pelikulang ito? oo nga, elsa, ang magiliw na sambot ng makata na humilig pa mandin ng kaunti sa dakong kinalilikmuan ng kanyang kaagapay, at tangi sa maganda ay nakapagtuturo pa sa mga nanonood. mga ganyang palabas ang talagang nasasarapan ko. iiwan pa ba natin ang pelikulang ito hangga'hindi natatapos? kung ibig mo'dito na natin antabayanan ang paghihip ng sipul ng yelo, at kung malapit nang aahon si quezon ay saka na tayo lumabas. mabuti nga yata. bakit ay masama pa, ang lagay ng panahon: ang ula'tila papalakas pa. at ang dalawa ay nagpako ng nawiwiling mga mata sa iba'ibang pangyayaring nakapagpapakaba ng loob na ipinakikita ng palabas na iyon. hindi natataho ni tirso ang lihim na kinikimkim sa diwa ng kanyang magandang liyag.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"di niya nahuhulaang nang ibig lamang noon ni elsa ay gabihin sila sa loob ng sineng iyon, upang sa paglabas ay magkaroon ng mabuting panahon ang pagsasagawa ng balak niyang taglay taglay sa isip. at samantalang pinakahihintay sa sarili ni tirso ang nababalam na sipul ng yelo, si elsa nama'nakararamdam ng kasiyahan sapagka'tila pinapatnubayan ng mabuting pagkakataon ang kanyang binabalak na gawin. at ang kasiyahang iyan ay nalangkapan pa ng di kakaunting lugod, nang marinig niya ang ganitong winika ng makata: elsa, maaari bang turan mo sa akin kung saan pa ang ibig mong magtungo tayo pagkatapos ng ating panonood ng mga parangal kay quezon? at hindi pa ba tayo magpapauwi ng bahay? pahimbabaw na itinanong ng mestisa. kung ibig mong mauwi na kaagad, ako nama'may ibang patutunguhan. pangiting pakli ng lalaki. maagamagam na tanong ng dalaga. susundan ko ang langkay ng naggagandahang mga centro escolarina na makikilahok sa mga pagdiriwang ngayong hapon. ang pabirong sagot ni tirso.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at kapag ako ay may napiling isang maganda sa lahat, ay. hindi na ako hihiwalay. kung gayo'makasusulong ka na ngayon pa; at. tataglayin mo ang aking maligayang bati. maiiwan na ako rito. baka mayroon kang katipanan. mayroon nga! hindi kailangang makilala mo. nagalaala si tirsong baka magpinid ng tindahan sa di oras ang kanyang irog. kaya'ang sinabi sa malamyos na pamimigkas: elsa, hindi mo ba nahuhulaang sa mga taga centro escolar ay wala akong mapipiling isa mang maganda? mangyari'wala na roon si teang. namamali ka; mangyari ay. wala nang iba pang babaeng may ganda'alindog na gaya ng mestisang nasa piling ko. sinungaling! siyang tunay, elsa. maano tirsong magtahan ka niyang mga kaululan mo. tingnan mo, tingnan mo ang babaeng iyang nasa pelikula: maganda, ano? iyan ang talagang maganda! pues maganda ka pang hindi hamak diyan, kapag ganyang tila ka nagtatampo sa akin.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"siyang pagkarinig sa sipul ng pagawaan ng yelo: tatlong mahahabang huni ang sunodsunod na ipinaghumiyaw sa boong kamaynilaan. nasa corregidor na, ang parang wala sa loob na nasabi ni tirso. lumabas ka na'baka maiwan ka ng mga escolarina mo, paaglahing wika ni elsa. talagang mabuti kang manunukso, hane! pangiting salo ng makata. ako'hindi nanunukso, ang tanggi ng mestisa, ipinagugunita ko lamang sa iyo ang isa mong balak na kapay naurong ay sayang. anhin ko ba kung maurong man! huwag lamang bang malayo ako sa piling ng aking pinakatatanging mutya, eh.! sumunod sa salitang ito ng lalaki ang isang kilusang kamuntik nang ipaghinala ng kahi'ano ng mga taong kalapit nila sa upuan. salamat at ang katimpian ni tirso'siya ring nakapangyari. magtanim ka ng magtanim, nang marami kang anihin. pabantang saad ng mestisa. ang halaman ko ay nakatanim na. masiglang sunggab ng makata. makikita mo, paglabas natin!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang mahina pang salo ni elsa na di nalalaman ni tirsong kahi'biro ay may kalakip na katotohanan. at ipakikita mo ba? kung gayon ay tayna. magtahan ka na nga! hindi ko na tuloy maunawaan itong pinanonood natin. pagkasabi nito'ipinahiwatig na ni elsa ang unang bahagi ng kanyang salamangka: pasadlak na isinandig ang katawan sa sandalan ng kanyang likmuan, biglang tinutop ng isang palad ang dibdib na tapat ng puso, saka nagbuntonghininga ng malalim. at ang lahat ng ito ay ginawa sa paraang sukat mapansin ng kaagapay na makata. at napansin nga. bakit, elsa? napapaano ka? may sakit ka ba? ang gulilat na mga tanong ng lalaki. hindi kumibo ang babae. baka mabuti'lumabas na tayo. ipinikit pa ni elsa ang kanyang mga mata at hindi rin kumibo. lalo nang nabakla ang loob ng makata. makasandali'saka idinaing: lumilibat ang aking puntada. nagsisikip ang paghinga ko. tayna nga kaya lumabas, elsa, maalapaap na amuki ng lalaki. nguni'walang anoman, tirso: hindi ako maaano. pabalatkayong bawi ng dalaga.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"maminsanminsan ay talagang sumusumpong sa akin ang ganitong sakit. ibig kong tapusin nating sandali ang pelikulang iyan bago tayo umalis. sa palagay mo kaya'maaari ka pang makapanood ng pagahon ni quezon? baka makasama sa iyo. at natiwasay ang kalooban ni tirso. datapwa, natapos ang pelikulang idinadahilang ibig na panoorin, ay hindi rin umaangat sa upo ang mestisa. sa gayo'parang nakaino ang makata. hindi pa kaya dumarating si quezon sa mga sandaling ito? malumanay na itinanong. marahil ay malapit na, ang naging tugong tila wala sa loob ni elsa, pagkaraan ng saglit na di paghuma. ano, di pa po ba tayo lalabas? nang lisanin ng dalawa ang sine ideal ay laganap na ang dilim sa lahat ng dako. ang mga ilaw sa daang carriedo at sa liwasang goiti ay nangakasindi na'siyang tumatanglaw sa makapal na taong sumasagasa sa kasamaan ng panahon na pawang patungo sa pook na natatakdang lulunsaran ng dakilang sugo ng bayan: sa magallanes landing .",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"si elsa ay mahinay na lumalakad ng ang kanyang isang palad ay mahigpit na nakakapit sa bisig ni tirso. nguni'kung nang gabing iyo'naging mainuhin ang makata, ay napanibaguhan sana, niya sa mukha ng mestisa ang isang lihim na sinasarili sa guwang ng kanyang dibdib. nang dumating sila sa liwasang lawton ay natanawan na nilang idinaraos na kasalukuyan ang inauguracion ng quezon gate . huli na yata tayo! mahinayang na saad ni tirso. at dumating na pala!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"mga taong walang hulugang karayom na nagsilurok sa kaputikang gawa ng matagal na ulang bumuhos nang singkad na maghapong iyon; maraming banda ng musikang nakalipana sa magkabilang panig ng daang padre burgos at paseo de magallanes; mula sa may gusali ng intendencia hanggang jardin botanico sarisaring watawat ng di mabilang na kapisanang dumalong kasama ang pinakamarami sa kanikanilang mga kasapi; mahahabang hanay ng mga guias nacionales at guerrilleros filipinos na nakatalatag sa pinagdaanan ni quezon; mga automobil, kalesa, kalesin, at iba'ibang sasakyang nalilimpi sa mga gilid ng lansangan; ang malaking langkay ng mga binibining taga centro escolar na nagalay kay quezon ng isang marikit na pangnan ng mga sariwang bulaklak na may kalapating nakasilid.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"iyan ang mga namalas ng humahangang mga mata ni tirso na sa palibidlibid ng pook na yao'siyang nagpapasikip ng gayon na lamang, at siyang nagpapakilala ng di masayod na kagalakang naghahari sa madla alangalang sa karangalan ng mabunying anak ng bayang may ipagsusulit na tagumpay sa kanyang pagbalik sa lupa niyang tinubuan. subali'bakit kaya baga'parang hindi pansin ni elsa at waring hindi ikinasisiya ang alinman sa gayong kasiglahan? inakala ni tirsong marahil ay patuloy na nakapipinsala sa kanyang magandang mestisa ang karamdamang idinaing nang sila pa'nasa sine. kaya'inalok na magpauwi na. nguni'noon di'nanigas na lamang ng walang kaabogabog at napahandusay sa mga bisig ng makata, ang sariwang katawan ng mestisang yaon na sinusundan ng nahihilam na mga mata ng di kakauunting taong nakakita sa kanila sa liwasang lawton. napapaano po ang inyong asawa? hinihimatay! paypayan natin! wiligan ng tubig sa mukha! ang mabuti, mama, ay dalhin ninyo agad sa ospital ang inyong senyora.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ambulancia samantalang paganyan ang mga sambitlaing nagpapalipatlipat sa bibig ng maraming nakasaksi sa gayong kusang ginawa ni elsa, si tirso naman, na ipinalalagay ng balanang nakamalas sa anyo ng dalawa na asawa ng mestisa, ay hindi magkantututo sa marapat gawin. at ang tinatawag ay patuloy na walang imik at nanunuwid sa pagkakahilig sa balikat niya. siyang pagharap ng isang kutserong dukha nguni'dapat uliranin ng mga kapwa niya maralita: mapitagang inihandog ang kanyang kalesang nakatigil sa isang panig ng liwasan. mama, anya kay tirso sa magiliw na pangungnusap inabot po yata ng sakuna ang inyong asawa, naririto po ang aking kalesa at ating magagamit ngayon din para sa ospital. kailangan nga pong makarating sa ospital ang inyong asawa, ipinayo naman ng maraming nagkakalipumpon sa dalawa. sumakay na kayo. at ang gayong munti nguni'dakilang handog ay boong pusong sinangayunan ng nasisindak na makata.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang matigas na katawan ng mestisa ay boong higpit nguni'maingat na niyapos ni tirso sa nakikita ng madla, saka pinagdahang isinakay sa kalesang inihandog na kusa ng nabanggit na kutsero. buongbuo sa isipan ni elsa na di na siya hihiwalay kay tirso nang gabing iyon. inaakala niyang sa gayong pagkapasubo ni tirso sa harap ng madla na umaming walang tutol sa pagpapalagay na sila'magasawa, ay hindi na naman makapangyayari pa ang paguurong sulong ng makatang ito tungkol sa ninanasang mangyari ng mestisa. nguni'sa gayong pagdadala sa kanya sa pagamutan dahil sa ginawa niyang paghihimahimatayan, ay di niya maalaman kung paano ang gagawin. sa likod ng nakatabing na tarapal, at habang patuloy na tumatakbo ang kanilang sasakyan, ay nararamdaman ni elsang maminsanminsang bumubulong sa kanyang mga pisngi ang namumuyong mga labi ni tirso, kasabay ng magiliw na pagtawag sa kanyang pangalan na kinalalarawan ng sindak at pagmamahal.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at ang gayong pagkakalaya na naman ni tirso, sa kanyang pagkadalaga, ay lalo nang nagpapatibay sa kanyang tinitikang gawin noon. si elsa ay nalilito. hindi niya maubos isipin kung marapat hindi na bago sila dumating sa pagamutan ay magmulat na siya ng mata'makipagharap kay tirso upang sabihin ng tahasan ang tunay niyang ibig na mangyari. kung, mapagtalastas naman ni tirso ang kanyang ginawa'hindi kaya, mabagot sa kanya? hindi kaya ikamuhi ang gayon niyang pangliliho, sa halip na siya'lingapi'pakiayunan? at ano ang wiwikain ng kutsero kung makilala ang kanyang salamangka? tila isang malaking escandalo na magbubunga ng maalingasngas na salitaan sa lahat ng dako ang ginawa niyang iyon, kapag nahiwatigan ng kutsero. saka, sino ang makapagsasabi kung sa pulutong ng di kakaunting taong nakasaksi sa ginawa niyang pagpapatibuwal sa mga bisig ng makata ay walang sinomang nakakikilala sa kanya?",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nasa ganitong mga pagninilaynilay ang may katutubong lakas ng loob na mestisa nang walang anoano'ang kalesang kanilang sinasakya'biglang nahagip ng dumaragunot na ambulancia ng hospital general na nanggagaling sa intramuros na tumatawid sa padre burgos at patungong avenida taft. ang kalakasan ng pagkakabangga ay gayon na lamang na sa isang pikitmata ay nawasak ang kalesa'napahagis sa lupa ang kanyang mga lulan. ang ambulancia nama'nakalayo pa muna ng may mga dalawampung dipa bago napahinto sa isang gilid ng lansangan. sa harap ng gayon di hinihintay na kasakunaa'sino ang makahuhula sa napagsapit na palad nina tirso at elsa? maliksing naba sa sasakyang nakasagasa ang isang manggagamot upang siyasatin ang mga nasawi. at di pa gaanong nalalapit sa pook na kinaroroonan ng mga labi ng nadurog na kalesa'ng mga napahamak na sakay, nang maulinigan na niya ang kalunoslunos na daing ng tinig ng babae. naku, tirso ko! tirso kooo.!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at noon di'napatambad sa mga mata ng manggagamot ang isang nakahahambal na anyo ng mga nasawi sa banggaang iyon: isang kalesang nagkadurogdurog sa dako roon, nakalugmok na kabayo sa gawi rito, at sa hinaharap niya'isang lalaki ang nakapalungayngay at naliligo sa sariling dugo na hinahaplos sa mukha ng isang babaeng tumatangis at tawag ng tawag sa ngalan ng lalaki, samantalang ang kutsero'parang napaghimalaang hindi man lamang nagkagalos sa katawan gayong napahagis sa malayo. patay nga kaya ang lalaking pinananangisan? kailangang siyasatin agad ng manggagamot. at nakitang may sugat sa ulo at walang malay tao. sa gayo'madaling tinawag ang dalawang tao ng ambulancia saka sinabi sa mestisa: ang sugat ng inyong asawa ay may kalubhaan po: kinakailangang malapatan ng lunas sa lalong maikling panahon. itinutulot baga ninyong isakay sa ambulancia para na nga ninyong awa, doktor!. pasamong tugon ng babae na di man tumutol sa pagkasabing asawa niya ang lalaking may sugat. sasama po ako.!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang dugtong pa. kayo po ba'nagtamo rin ng mga kapinsalaan? tila po hindi; nguni'ang tanang inyong magagawa ay lubos na sana sa pagliligtas sa buhay ng. opo; ako ang bahala. maliligtas po kaya? tingnan natin. sa isang hudyat na ibinigay ng manggagamot, ay binuhat pagdaka ng dalawang lalaki ang katawan ni tirsong pigta sa dugo at malambot na tila sutla. at noon di'dinala sa ambulancia na inaagapayanan ni elsa at ng manggagamot. pagkalulan ni elsa sa tinurang sasakyan ay namalas niya sa loob niyon ang isang babaeng nakakubli ang mukha na nakahigang unat na unat at di kumikilos. napaghahalatang gaya ni tirso ay wala ring malay tao. sino kaya ang babaeng ito? ang di sasalang naitanong ng mestisa sa loob man lamang niyang sarili. at napapano kaya? nang mga sandaling iyo'saka lamang may lumapit na isang pulis na tila sa malayo pa nanggaling. bakit at ano ang nangyari? ang tanong na tila ibig pang magmagaling. isang sakunang hindi kinukusa ng sinoman, madaling ipinakli ng manggagamot.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang lahat ng paliwanaga'ginanap na lamang sa pahapyaw na ulat ng manggagamot na sinabi, at pagkatapos na ibigay ang ilang tala na nahihinggil sa ambulanciang nakasagasa, ay ipinahayag sa pulis: hayan ang kutsero: siya ninyong kausapin. kami ay di makapagtatagal pa. ang kalubhaan ng lagay ng mga nasawi ay nangangailangang malunasan kaagad. at ang pulis ay nagkasiya na sa paguukol ng ilang tanong sa kutsero, samantalang ang ambulancia ay humaginit na ng takbong patungo sa hospital general . pagkaraan ng ilang saglit pa, ay napatala sa aklat ng pagamutang iyon na ang lalaking ipinasok doon, dahil sa pagkabugbog, at mga sugat ng katawan, ay si tirso silveira na asawa ng isang nagngangalang elsa balboa ni silveira. nguni, sino kaya naman ang babaeng may karamdamang nakaangkas sa ambulancia. halos wala nang tao sa pook na pinagdausan ng mga pagdiriwang nang magdaan ang trambiang kinalululanan ni elsang galing sa pagamutang pangkalahatan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa liwasang goiti ay madalang na rin ang nagsisipaghintay ng trambia, palibhasa'may kalaliman na ang gabi. gayon ma'patuloy rin kay elsa ang kanyang balak; sa bahay ng kanyang tia basilia sa san lazaro patutungo upang doon, manggising man, ay wala siyang sukat ipangilag at masasabi na niyang siya'hindi muna makauuwi sa pasay pagka'nagtanan na sila ng kanyang kairugang lalaki. ako'hindi mangyayaring makagalitan ng aking tia basilia, ang kanyang pinagpaparoonan sa gagawin, kahi'ano ang aking gawi'maipagpaparaya niya'ipagtatanggol pa ako sa harap ng aking kapatid na walang salang magagalit sa akin. at habang tumatakbo ang trambiang kinasasakyan niya, ay napaguulitulit namang sinasabi sa sarili ang ganito: paggaling ni tirso, na sapilitang mangyayari ng hindi bibilang ng maraming araw, yamang pinatutunayan ng medikong hindi naman kalubhaang gaano ang tinamong sugat, ay magiging isang katotohanan ang aming pagkakasal.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at pagkatapos ng lahat, taas na naman ang noo kong haharap sa kanila at ipakikilala ang aking nakaisang palad. kung gayo'ano pa ang kanilang masasabi? nguni'upang huwag magkaroon ng daang mapulaan ako'masisi ng sinomang makatatalos ng bagay na ito, kinakailangan papaniwalain ko siyang kasal na kami ni tirso ngayon pa. walang ulikulik ngang tumawag sa bahay ni donya basilia ang mestisang pawang kasinungalingan ang laman ng ulo nang mga sandaling iyon ng pakikipaglamay sa kasungitan ng gabi. at pagbubukas ng pinto ng kanyang ale, ito'kaagad niyang hinagkan sa kamay, tanda ng paggalang. nguni'ang maybahay ang unang nagsalita sa patakang tanong: elsa, bakit? dito ako matutulog ngayon, tia, ang marahan nguni'may lambing na sagot ng mestisa. saan ka nanggaling? ang siyasat pa ni donya basilia. tanging naipulas sa bibig ni elsa. walang ano? at sino ang iyong kasama? wala nga po. huwag mo akong patayin sa pagaalaala! at ngumiti pa si elsa sa pagbigkas ng mga salitang ito.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"wala po kayong sukat ipagalaala sa pagkaparito kong ito! halika nga sa loob at dini kita magusap. nasok ang dalawa sa isang bulwagang wala nang nakatatanglaw liban sa isang munting bughaw na bombilla na taang talaga sa pagtulog. at pagkalikmong magkaagapay sa isang sopang luma, ay muli na namang nagusisa ang matandang sa mukha ay kinababakasan ng pagkabagong gising noon. sabihin mo nga, hija anya: bakit ba hatinggabinghatinghatinggabi'naparito ka? ibig ko lamang pong dito muna makatulog. ibig mo nga, nalalaman ko; nguni'ano ang bagay ng pagsusumagi mo ng pakikitulog dito? nakagalitan ka ba ng kapatid mo, nagkaalit kayo ni dioni? maging alinman po sa riyan ay walang tama. ako ay hindi sa amin nanggaling ngayon, at. ayoko munang umuwi sa aming ilang araw, tia! bakit at ano nga ang sa iyo'nangyari? tia, hindi ba kayo nagagalit? lokang bata ito!. nagasawa ka? nalalaman ng kuyang mo? at nagtanan ka? kanino ka nagasawa? sa isa pong lalaking malaon ko nang katipan. silveira po.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"tirso silveira! ang matanda ay saglit na nagtungo ng tingin sa ibaba at nagisip. kaginsaginsa'itinanong: hindi ba iyan ang masong animo'kasintahan ni teang noong araw? saka idinukmo ang mukha sa kandungan ng ale, at sa muling pagangat ay idinugtong: di ba kayo namumuhi sa akin? bakit ako namumuhi? malumanay na ipinakli ng matanda na ang isipa'nagduduklayduklay sa balabalaki ng kabataan. nguni'linawin mo, elsa: hindi nga ba iyan ang nakagustuhan ni teang na sinasabi mo? sa palad po ng tao, tia, ay tadhana lamang ang nakapangyayari. niloloob po ng tadhanang iyan na siya ang aking maging kapalaran. si donya basilia ay natilihan at hindi na nakahuma. sumurot nang sandaling iyon sa alaala niya ang naging sanhi ng pagkaalis sa bahay na yaon ng mabait na dalagang kanyang inaanak sa binyag. at naalaala ring si elsa ang may kagagawan ng gayong nangyari. napakamakapangyarihan nga naman ang dios ng pagibig sa puso ng kabataan! ngayo'saan naroon ang asawa mo? makasandali'itinanong ng matanda.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang nagaalanganing sambot ng mestisa. saan kayo naghiwalay? sa. ospital po. doon ko nga po siya iniwan, sapagka'. sapagka'ano? nagkaroon po ng sugat. elsa, alangalang sa dios, ako'linawin mo! tia, si tirso po ay nasa pagamutan nga, sapagka'sa di namin hinihintay na sakuna, ay nagtamo siya ng ilang sugat at bugbog sa katawan. anong sakuna? hinabol ba kayo? nagkaroon ba ng away basagulo? hindi po, nguni'nang kami ay nakasakay sa isang kalesa ay biglang nasagasaan ng isang dumaragunot na ambulancia ang aming sinasakyan, at noon di'napahagis lamang kami sa malayo. susmaryosep! sumunod sa ganitong napalakas na salita ni donya basilia ay biglang nagtaas ng ulong parang nagulat ang isang matandang babaeng nasa kabila ng pinto ng silid na hinaharap ng pagkakaupo ni elsa. ang pabulalas na sigaw na narinig ng dalawang naguusap. kumare, malakas na tawag ni donya basilia sa nasa silid. ang matanda ay muling nahiga, bago tumugon. wala, kumare, nanaginip lamang pala ako.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"para ko bang nakitang ang anak ko'nilalapitan ng tatlong lalaking may sungay. panaginip nga lamang iyan; matulog na kayong muli. nang hindi na tugunin ang ganitong saad ay itinanong naman ni elsa sa kanyang ale: sino, tia, ang matandang iyon? si kumareng magda, paanas na sagot ng itinanong. si manang magda? at kailan pa po rito? kaninang tanghali lamang. at kasama rin po ang pari? si pari casio ay wala na sa. nakainisan daw ng mga tagaroon at pinagusig ng gayon na lamang hanggang sa napalipat ng ibang bayan. may tigas din naman pala ang mga taga. na di nahuhutok ng kapangyarihang simbahan! nguni'hindi ganyan ang paghahaka ni kumare, saka lalong hininaan ang pagsasalita, sa katunaya'ibinigay sa la compania de jesus si teang sa himok ng paring iyon bago napaalis sa at si teang po ba'nasa kolehio ngayon? matagal na; at siyang sadyang dadalawin ng kanyang ina, itinaon na lamang tuloy sa pagdating ni quezon ang pagluwas dito.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ay bakit naman inalis pa sa concordia gayong sa kolehio'kolehio rin pala ipapasok? mangyari, ang tika ay magmongha raw. diyata po'magmomongha si teang? siyang himok ng pari na minabuti ng ina, at kaipala'sinangayunan na rin naman ng may katawan. hanggang dito ang naging salitaan ng magale, sapagka'si donya basilia, na sinasasal na yata ng antok, ay nagtindig noon din at ipinagsamang masok sa isang silid ang pamangkin upang makatulog na. kinabukasan ay ipinagpaunang sabihin ni elsa sa kanyang tia basilia na huwag muna sanang ipamamalay kay manang magda, kung ito ay magising na, ang kanyang pagkapagasawa kay tirso. marahil paano'paano ma'nangungunti rin naman siyang maalaman ng manang na iyon na ang kanyang nakaisang palad ay dili iba'ang lalaking nangibig kay teang.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"hamo'hindi ako kikibo, ang ayon ni donya basilia, nguni'sa malaon at madali ay sapilitang mababalitaan niya ang bagay na iyan; at kung hindi sa iyo sa akin unang manggagaling ang pagbabalita sa kanya, ay lalo na siyang magkakamatuwid na maghinanakit magpalagay ng di mabuti sa nangyari. kung sa bagay ay katungkulan kong ako nga po ang magsabi, subali'ako ay nahihiya. ang pakli ni elsang bahagyang natatawa. ang mabuti'ganito: walang pagsalang yayain kitang dumalaw kay teang sa kolehio ngayong umaga; gawin mo naman, bago ka pumayag, ay anyayahan siyang sumama sa kanilang dumalaw sa ospital, at kapag naroon na'bahala na siyang mapamangha sa kanyang makikita at ikaw nama'wala nang gagawin kundi ang sumagot na lamang sa kanyang mga sasabihin. pagkasabi nito'hindi lamang ang mestisa ang natawa kundi pati na rin ni donya basilia. makasandali ay siya namang hinarap ng matanda ang pagpapahanda ng agahan, at si elsa ay naiwang nakapanungaw sa isang bintanang paharap sa halamanan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"mapamayamaya pa'sa lalabas na si manang magda. ave maria purisima ang pagdaka'ibinati sa nakapangalumbabang mestisa, narito ka pala, ineng! ang dugtong pa. opo, manang, magalang at pangiting tugon naman ng binati, kasabay ng pagpihit ng mukha sa kumausap. kayo po, kumusta naman? mabuti, elsa, sa awa'tulong ng mahal na birhen, saka nakipiling sa kinauupang bangko in elsa. nakapanood ba kayo ng mga kasayahan kagabi? naku, kay damidaming tao! at nabasa pa tuloy kami sa ulan. ang kasayahan ay gayon na nga lamang; sanggaano mang sigla, ay natatapos din. wala po naman yatang anomang bagay rito sa mundo na walang katapusan, eh. dahil nga riyan, kung kaya ako ay walang laging sinisikhay kundi yaong mga may kapakinabangan hanggang sa kabilang buhay. tingnan mo; kung kaawaan ng dios na makaraos sa pagmomongha ang aking anak, wala nang napakaligayang buhay na gaya ng tatamuhin ko marahil. si teang daw ay nasa la compania para sa ganyang layon, tunay nga po ba?",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"bah, talagang buongbuo ang loob ko sa tunguhing iyang ipinakilala sa akin ni pari casio! iyan ang pinakadakilang magagawa ng isang magulang na nagmamahal ng taos sa kanyang anak na babae! nguni'ang bagay na iya'naaalinsunod din kaipala sa hilig ng may katawan. marahil ay talagang nasa pagmomongha ang hilig ni teang. ayaw ka bang magmonghang paris niya? aywan ko po ba; marahil ay madadali ang buhay ko, kapag ako'napakulong sa beaterio at nawalay sa mga kasayahan. bata ka pa nga! ang totoo po, kung ako ang pamimiliin ng aking dapat na harapin sa buhay na ito, ay walang salang iibigin ko ang magartista, sapagka', sa ganang aki'ito lamang ang tanging daan upang malasap ng isang tao ang tunay na katamisan ng mabuhay sa balat ng lupa. ang huling saad na ito ng mestisa marahil ay narinig ng isang lalaking hangos na pumasok sa tarangkahan ng bahay na iyon, kaya'buhat pa sa may tapat ng durungawan sa lupa ay malakas nang tumawag. si elsa ay hindi sumagot.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nguni'di sasalang nakilala niya agad ang tinig na yaon, kaya biglang nagitla at pinamutlaan ng labi. ang painong tanong ng manang na di nagkaroon ng katugunan. tia basilia! ang ulit pa ng nasa lupa. at ang matandang maybahay ay dumungaw sa isang bintanang makipot ang pagkakabukas. ang nawika pagkakitang kapatid ni elsa ang dumarating, saka maliksing humudyat sa pamangking babae ng hudyat na nawatasan naman agad ng mestisa. nariyan po ba si elsa? ang nagkakanggagahol pang tanong ng nasa lupa. narini; magtuloy ka, at tumawag noon din ng isang alila at ipinagutos na buksan ang pinto sa sibi. parang dinagukan ang dibdib ni elsa at, malaong hindi nakapangusap, pagkatalos na ang dumarating ay kanyang kapatid, at sa isang may baklang titig sa ale'waring ibinulong: paano ang idadahilan ko? ilang saglit pa at nagkaharap ang magkapatid sa nasasaksihan ng dalawang matanda.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa unangunang tingin lamang ng lalaking iyong maputla'waring hindi nagtikim ng tulog sa magdamag nanagdaan, ay naibulalas nang lahat ang tanang ibig sabihin sa kapatid na ipinalalagay na nagkasala. si elsa ay lumingon na lamang at nagtapon ng isang titig na humihingi mandin ng saklolo sa ale. datapwa'si donya basilia naman ay nalilito sa pagdulang na biglaan sa isip ng sukat niyang gawing pamamagitan sa magkapatid. si manang magda, na bahagya nang napansin at napagpugayan ng lalaki, ang tanging makapagparinig sa dumating: sinusundo mo na yata siya. salamat sa winikang itong nagpapahayag ng pagkawalang malay sa lihim ng dalawa, ang maypoot ay nagtimpi at pinilit na tangayin ng isang impit na buntonghininga ang lahat niyang sukal ng kalooban. saka bumaling sa nagsalita, at sa masayang mukha'bumati: manang magda, naluwas po pala kayo ngayon. oo, at ako naman ang dumadalaw rito, yamang sinoman sa inyo'walang nagagawi sa aming matagaltagal na.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ibig naman daw ng kumare ko na magkitakita tayong minsan pa, ikinatlo ni donya basilia pagkarinig sa himig ng ganyang payapa nang paguusap, kaya ba pinigil ko na tuloy na dito na matulog si elsa kagabi. nagagalit ka ba sa kanya? ang tanong pa. hindi po, itinugong di naiwasan ng lalaki: nguni'kagabi pang hatinggabi'kamunti na akong makarating dito sa paghanap sa batang iyan. how, eh saan ba naman mapapatungo si elsa kundi rito sa kanyang tia, ang saklaw naman ni manang magda. subali'ang mestisa ay hindi nakahuma gaputok man sa sidhi ng kalituhang naghahari sa kanyang pagkababae. napasasalamat siya sa pagkakataong iyong kaharap si manang magda at sa maayos na pagkapamagitan ni donya basilia; nguni'nauubos ang kanyang talino'hindi niya matutuhan ang kanyang marapat gawin upang ang galit ay huwag makapanghinaig sa kanyang kapatid, sakaling mapagtalastas na nito ang nais niyang palitawing siya'napakasal na kunwa kay tirso nang gabing natapos.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"mabuti na lamang at ang kapatid niya ay tila hindi magtatagal at mananaog din. narinig niyang nakipagbalitaan sa manang na taga lalawigan ng ilang bagay na karaniwan na sa mga magkakakilalang malaong hindi nagkikita. at mapamayamaya pa'nagpaalam na ngang mananaog at di umano'may iba pa siyang lalakaring bagay na madalian. magagahan ka muna bago ka manaog ha, ang pigil ni donya basilia. hindi po, tia, at ako ay nakatapos na, ang tanggi ng inaanyayahan. bakit nga ba hindi mo kami saluhan muna? ang sabad pa ng manang. saka na po ako muling magbabalik. at pagkasambit nito ay matulin nang nanaog ng hindi man iniwanan ng kahi'isang kataga ang kapatid na pinaghanap sa bahay na yaon. pagkakain ng agahan, ang manang ay gumayak nang dadalaw sa anak, at si elsa'si donya basilia ay inabang sumama sa kanya. ako ang may ibig na ipaganyaya sana sa inyo, manang, ang wika ng mestisa. itinanong ng tinukoy.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kami ni tia ay may dadalawin sa ospital heneral ngayon, at ibig ko sanang sumama muna kayo sa amin saka na tayo magsamasamang tumungo sa kolehio panggagaling natin doon. sino ang dadalawing iyon? saka na ninyo makikilala. kung gayo'magbihis na tayo. pagkaganap ng salitaang ito, ang isa'isa ay nagsipagbihis nang sabik ang loob sa kanilang mga dadalawin. sa darating namang humihingal si dioni, na ang pakay ay ang mestisa ring hindi niya ikinakatulog sa boong magdamag na nagdaan. ang bati kay elsang pinagaagawan ng lungkot at tuwa. ang sabay yakap na salubong dinatnan. huwag kayong pakaingay at maririnig kayo, ang papikpik namang saway ni donya basilia, at pinapagkubli muna sa isang silid ang maghipag na naguusap samantalang nasa isa pang silid si manang magda at abalangabala sa pagbibihis. akala nami'kung napaano ka na! ang nasabi pa ng mapagalaalang hipag. patawarin sana ninyo ako, dioni!. pakumbaba pang sagot ng mestisa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nguni'dito ka pala matutulog ay maanong sinabi mo kahi'sa akin, nang hindi kami naligalig ng gayon na lamang. dioni, marahil ay kahulihulihan ko nang pagkakasala sa inyo ni kuyang ang pagkukulang kong iyan, at inaasahan kong ikaw man lamang ay hindi pa nauubusan ng magandang loob na maipagpapaumanhin sa akin. oo na nga, datapwa'. pinapagalaala mo kaming lubha. paris ngayon: hindi ko maalaman kung saan na nakarating ang kuyang mo sa kahahanap!. kapapanaog pa lamang niya. nanggaling na rito? ano ang sabi sa iyo? nakabuti ang pagkakataong narito si manang magda nang siya'dumating. nguni'gayon ma'lihim ding naihagis sa akin ang isang nanglilisik na tinging kamuntik nang tumupok sa akin. pasalamat na tayo, elsa, kung iyon na lamang. at kung gayong nagkakita na kayo ng wala namang sinabi sa iyo, ay hindi na kikibo iyon. subali'bakit nga ba dito ka nakatulog at di ka na nakauwi? hindi mo naman dating ginagawa iyan! di ko nga dating ginagawa, dioni, iyan ang totoo.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"dahil diya'mahuhulaan mo kaipala, na may bagay na nagtulak sa akin sa ginawa ko. maipagtatapat mo ba sa akin ang bagay na iyan? bakit hindi, ay sa ikaw lamang namang talaga ang katapatan ko ng aking mga lihim. at noon di'sinabi na nga ni elsa ang gaya ng kanyang mga ipinahayag kay donya basilia: na siya ay napakasal na kay tirso nang gabing nagdaan at dahil doo'hindi na muna siya uuwi sa pasay. dili ang hindi natulo ang luha ni dioni, pagkarinig ng mga pahayag ng kanyang minamahal na hipag. ayaw mo bang si tirso ang maging kapalaran ko? itinanong mayamaya ng mestisa. hindi sa ayaw, kundi. sa di oras ay nagkalayo tayo! ang lipos kapanglawang ipinakli ng hipag. dinaramdam ko, dioni, nguni'. kung dumarating nang ganito ang sukat ng tao ay sadya palang hindi maiiwasan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa wakas, nang mapagusapan ng maghipag ang mabuting paraan ng pagpapamalay sa kapatid na lalaki ni elsa ng kanyang pagkapagasawang patanan, ay pinagkaisahan nilang ang pamamanihalain sa gagawing iyon ay si donya basilia na, yamang malaki naman ang alangalang at pitagan niyon sa anomang sabihin nito. gawan mo na lamang sana ng paraang mapadalhan ako agad ng ilang kasuutan, ang ipinagbiling huli ng mestisa. hamo'ipasasaglit kong madali rito, samantalang wala sa bahay ang kuyang mo. pagkasambit nito ay lumabas si dioni'nagpaalam na kay donya basilia. sa hangad na masalisihan ang pagkawala sa bahay sa pasay ng kapatid ni elsa, at upang maparating na maluwag ang damit na kanyang hinihingi, ay minabuti na nitong huwag nang ipagsama sa hospital general ang kanyang hipag. subali, nang si dioni ay masakay na sa isang trambiang kung makahagibis ay mistulang hari sa bawa'lansangang pagdanan, ay saka nagunitang hindi pala naibalita sa kanya ng mestisa kung saan ginanap ang sinabing pagkakasal.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kaya'naibulong tuloy sa sarili: saan kaya sila ikinasal?. nang manhik sa hospital general sina elsa, manang magda at donya basilia, ay dili ang hindi nila napansin na may isang alingasngas na nangyayari sa bulwagang laan sa mga maysakit, na babae. nguni'kung ano ang sanhi ng ligamgam na iyon ay hindi na nila hinangad alamin. sapagka'samantalang nagkakaisa ng paniwala ang dalawang matanda na yao'likha lamang marahil ng sinomang may mabigat na sakit na kaipala'naghihingalo naghihirap na, bagay na di sasalang pangkaraniwan sa mga pagamutang paris niyon, ang tanging nagsisikip naman sa puso ng mestisa ay ang masidhing pananabik na makarating siya kaagad sa piling ng makatang kanyang pinakaiibig. tuloytuloy nga silang nasok sa silid na kinararatayan ng makatang si tirso, at ito ay dinatnan nilang sa malas ay payapang nahihimbing.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"napuna ni elsa na ang manang, matapos anianinawin ang mukhang bahagyang nakalitaw sa nakapabalibid na mga taling kayo sa ulo ng natutulog, ay lihim na kumalabit sa kamay ni donya basilia, at mandi'itinanong kung sino ang maysakit na iyon. si donya basilia nama'nagkibit lamang ng balikat sa halip na tumugon. hinihintayhintay niyang ang pamangking mestisa ang magpakilala kay manang magda. nguni'ang lahat ay parang gumagalang sa kahimbingang kinapapalautan ng makatang nararatay. at halos walang ibig na magbuka ng bibig. bakit kaya baga'napagmasdan nilang may ngiting gumuhit sa labing maputla ng lalaking yaon? nakagising kaya nananaginip? lumapit si elsa sa dakong ulunan, at saka tumawag: tirso. dapwa'ang lalaki ay hindi sumagot, sinong tirso iyan? ang di napigilang usisa ng manang kay donya basilia, pagkarinig sa pangalang iyon. asawa ni elsa. patutok sa tayngang pakli ng tinanong asawa? ang pamanghang ulit sa marahang turing ng matandang manang.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"diyata nga baga at nagasawa na ang inyong pamangkin? tumango na lamang si donya basilia, at sa isang hudyat ay waring sinabing mamaya na ninyo malalamang lahat . at kaginsaginsa'nakita na namang bahagyang tumawa ang makatang kalong ng pagkakahimbing, bago pagkatapos ay umungol muna at saka gumalaw ang maputlang labing tila bumubulong. hindi nga sasalang siya'nangangarap, ang wikang namitiw sa bibig ni elsa. ang buhay nga nama'isang pangangarap na walang pagsawa. anya pa. subali at anong mga pamimigkas ang narinig nila? mahiwagang tula! natulig si elsa ng gayon na lamang nang maunlinigan ang ganitong saad: teang ko, teang ko, ang biro ng palad sa ati'huwag mong ipagalapaap; naririto ako'hanggang huling sukat ng ating daratni'sumisintang tapat. at tumatangis ka?. ang luha mong iya'tipirin sinta ko'di pa kailangan, sa piling ng aking malamig na bangkay saka mo na roon guguling minsanan. ang isip mo'diwa'papanumbalikin sa pagmamahal ko'payapa tang hintin ang muling pagngiti ng buwa'bituin.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"bayaan ta munang itaboy sa dagat ng mga buhawi ang dilim ng ulap, at saka lakbayin ang lupang mapalad. panibagong tinik na biglang humalang sa lumuluwag nang paghinga ni elsa!. diyata'hanggang sa mga sandaling mabingit sa labi ng libingan ang buhay ni tirso ay si teang din ang laman ng diwa'katalatalamitam ng kanyang kaluluwa? gaanong paghihinagpis na naman ang sumambilat sa puso ng mestisang walang palad sa pagibig sa pagkarinig ng tulang yaon na ang bawa'pantig ay busog na sumisibat sa kanyang mga taynga!. at, ang paghihinagpis ay lalong nagulol nang marinig niya ang may baklang tanong ng matandang manang: elsa, sinong teang ang aking narinig na tinatawagtawag?. mahabang sandaling walang kumikibo sa loob ng silid. sa mga matang nanggigilalas ng mamang at sa nahihiyang nahahapis na mukha ng mestisa, ay nabasa ni donya basilia ang di mailarawang pangyayaring likha ng mahiwagang tulang kabibigkas ng makata.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"oh, pagkalungkotlungkot na sandali ang tinatawid noon ng mestisang kailan man yata'hindi na magtitikim ng kaluwalhatian, ng ganap at lubos na kaluwalhatian sa pagibig!. naroroon siya nang umagang iyon upang ipagparangalan sa dalawang matanda ang lalaking ayon sa una niyang pahayag ay siyang pinagtiwalaang magari ng kanyang ngala'kapurihan, datapwa'nang ang pagpapakilala'halos bubukhin na lamang sa kanyang mga labi, ay. saka niya tinanggap ang isang katunayan ng kanyang walang hanggang pagkasiphayo at pagkapawakawak ng pagkababae niya at dilang pagasa. madilim na madilim nga ang nakikita ni elsa nang mga sandaling yaon. sa kanyang ulana'waring nararamdaman niyang ang langit ay bumababa'tila danggan sa kanyang nanglalatang katawan, at sa kanyang paana'parang natutunghang nunuka ang lupa'kung baga sa ganid ay anyong siya'sisilain hanggang sa magkadurogdurog ang balangkas ng kanyang kahalihalinang alindog.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa laki ng panghihilakbot sa harap ng kanyang naguguniguni'tinangka ng mestisa ang sumigaw ng ubos lakas upang sa gayo'tumighaw ang kanyang nagsisikip na paghinga, nguni'kung tayahin niya'may bikig siya sa leeg at ang dila niya'hindi makapalag sa dami ng gapos. salamat na lamang at kaginsaginsa'nagmulat ng mata ang makatang galing sa pananaginip. nagisnan ni tirsong sa may paanan niya'dalawang matanda ang nagbubulungan, subali'di niya namamalayang sa dakong ulunan ay naroon si elsang malamlam ang mukha sa taglay na hapis. upang mapakimatyagan ang pinagbubulunga'muling pumikit ang nararatay. at noon di'kanyang naulinigan na sa may ulunan niya'nagbungtonghininga si elsa. bigla siyang pumihit at lumingap sa dakong kinaringgan ng nasabing buntonghininga. at namasdan niyang malungkot na malungkot na nakapangalumbaba ang kanyang mestisa. ang unang pumasnaw sa bibig ni tirso. kanina ka pa ba? ang dugtong na tanong. malumbay na sagot. ang iyong kasama? sina manang magda at tia basilia.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang dalawang matanda'marahang lumapit sa naguusap. sinalubong naman ng makatang nakahiga ng isang malugod at magalang na ngiti. ang may kapalagayang loob na bati ni donya basilia na parang inaaming hindi na iba sa kanya ang lalaking iyon. mabuti na po naman daw, ayon sa mediko. mabanayad na pakli ni tirso. nanaginip ka yata, ang wika pa ng matandang iyong ale ni elsa, samantalang ang mamang nama'napapatungangang hindi makaimik. nagitla si tirso sa gayong sinabi. bakit kaya'nalalaman yata ng matandang iyon ang panaginip niya? binigkas kaya niya ng malakas ang tulang maliwanag pang nalilimbag sa kanyang pangtanda? oh, baka narinig na ni elsa ang pagkakabanggit niya sa ngalan ni teang!. sa hangad na matiyak ang tunay na nangyari'hinagisan ng mapungay na sulyap ang mukha ni elsa. ah, tila nga nababanghay ang isang panibughong hindi karaniwan! hindi nga sasalang narinig ni elsa! kay samang pagkakatoon! ibig niyang aruin ang kanyang mestisa ay hindi magawa, pagka'may mga kaharap.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at hindi kaya naman napakinggan ng manang ang ngalan ni teang na nababanggit sa kanyang tula? at ano kaya ang palapalagay ng matandang ito sa tulang yaong bunga ng pangarap? paglabas mo rito ay sa aming bahay kayo magtitira. ang makasandali'narinig na naman ni tirsong sinasabi ni donya basilia. ganito ang pinagkasunduan na namin ni elsa, samantalang hindi pa kayo napapanhik sa bahay ng kanyang kapatid sa pasay. humigit kumulang ay nahulaan ng lalaki ang taglay na kahulugan ng mga salitang yaon. kaya'ni kataga ng pagayon, ni kataga ng pagtutol, ay wala siyang isinagot. ang ibig niyang mangyari, kung magagawa lamang, ay ibaling na sa iba ang kanilang paguusap. subali'nangagkatigilan silang parapara nang maulinigan nilang patuloy na lumulubha ang ligalig na nangyayari sa isang bahagi ng gusaling iyon.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang dalawang matanda ay siyang unang nakapuna sa gayong paglubha, sapagka'mula sa dungawan ng silid ni tirso sa floor no. ay natingatingala nilang marami ang taong nagkakagulo sa floor no. na nauukol sa mga babae. elsa, ang tawag ng manang sa mestisa, may pinagkakaguluhan sa ibayong kuwarto sa dakong itaas. marahil po'isang may malubhang sakit na naghihingalo na, ang tugon ng tinukoy. nakapangumpisal na lamang sana! ang padalangin pang saad ni manang magda. bakit nga kaya'nangagtatakbuhan ang mga mediko'nurse na doon ang tungo? ang tanong pa rin ni donya basilia. marahil nga po'mayroong malubha ang karamdaman, ang ayon ni tirso sa narinig kay elsa. kung gayon lamang ay bakit kay dami pang mediko ang kailangang magulo? kung ako nga marahil ang maghihingalo ay walang maliligalig na sinoman. ang may pahagkis na saad ng mestisa. maaaring magkagayon, ang sunggab ng nakaratay, kung ako ang mauunang mamatay sa iyo. elsa, kung mamamatay ba naman ako ay magagambala ka?",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kung magusap ang mga batang ito! ang himig pasaway na inihadlang ni donya basilia. nasa talaga ng dios ang asawa mo, elsa, at hindi kayo nararapat maggamitan ng ganyang pangungusap. ang mestisa ay hindi na naman umimik. ang makata lamang ang tumugon: wala po namang anoman ang pinaguusapan namin. mahiyahiyang wika na nilakipan ng isang masayang ngiti. ano nga ba ang inyong dinaramdam, at bakit baga may tali kayo sa ulo? itinanong naman ng manang. saka lamang naipaliwanag ni donya basilia sa kanyang kumare ang kanyang natatalos sa bagay na iyon. at sa ginawang paguulat ng ale ni elsa tungkol sa naging sanhi ng pagkaratay sa pagamutan ni tirso, ay napaguwiuwi ng makatang ito na ang pagkakabalita ng naturang mestisa ay talagang napakasal na sila nang gabing sinundan. siyang pagakabukas ng pinto ng silid. at isang nurse na humihingal ang biglang humarap sa kanilang tatlo.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ipagpatawad po nila ang pagkakapasok ko, ang magalang na bati sa mga dinatnan, at saka lumapit sa nakahiga'ito ay tinanong: kayo si . tirso silveira, ano po? ako nga po, malumanay na tugon ng lalaki. ano po ang kanilang sadya? ang katlo naman ni elsang nurse ang hinarap. siya nga si tirso silveira, ang aking asawa, ang pakilala pa. biglang natilihan ang tinurang nurse nang maringig ang sabi ng mestisa. sino ang tunay na asawa ng lalaking ito? ang di sasalang naibulong sa sarili sa laki ng mangha. ano nga ba ang maipaglilingkod? ang tanong pa ni elsa, samantalang nakikimatyag sa salitaan ang dalawang matanda. maikling sandali pa ang namagitan bago nakasagot ang tinukoy. ipagpatawad po nilang sabihin ko na sa kaibayong kuwarto ay isang babaeng tila nasisiraan ng bait ang naghihihiyaw at bumabanggit ng inyong pangalan, ang wikang kay tirso nakatingin. at kayo ay ipinakikiabot, tinatawag ng ubos lakas, at waring napaliligtas sa isang malaking kapahamakan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"itinutulot ba ninyong ipakuha ko kayo rito at sandaling sumaglit sa kinaroroonan ng babaeng sinabi? ano po ang pangalan? ang panabay na usisa ng dalawang magkumare. hindi ko naitanong sa kasamahan naming nagbabantay sa kanya, nguni'inaakala kong makikilala ninyo pagdating natin doon. napabangon si tirsong hindi na naghintay ng sinomang aalalay sa kanyang nanghihihang katawan. nguni'gaputok may hindi nagsasalita. sa liblib na pitak ng kanyang dibdib, hindi sasalang may sinasarili siyang isang malaking lihim. ibig mo bang pumaroon? ang tanong ni elsang tila may balisa, na rin sa gunamgunam. ibig kong lumapit sa tumatawag. nanghihingapos na sambot ng maysakit. kung gayon po'magpapakuha ako ngayon din ng inyong sasakyan, anang nurse na maliksing lumabas. halos di naglipat sandali'dumating ang sasakyang kinuha na iginugulong ng dalawang lalaki. ihihilig po kayo rito, ang wika ng masipag na nurse . huwag na po, ang tanggi ni tirso, ako'lalakad na lamang. baka kayo mapagod na totoo.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"kaya ko na ang aking katawan. at pagkasambit nito'marahan nang tumindig at umanyong lalakad. akbayan mo, elsa, ang utos ng ale. subali'ang utos na iya'tila hindi narinig ng pamangking pinagsabihan, sapagka'ang buong pagiisip nito ay ganap na nabuhos noon sa pagtatanong sa sarili kung sino nga ang babaeng iyon na ibinabalitang tumatawag sa ngalan ni tirso. sino nga ba ang babaeng yaon? ang ulit pang tanong ni donya basilia. aywan nga po ba, ang sambot ng nurse habang sila'samasamang lumalakad sa lagusang palipat sa ibang bulwagan. nguni'ang sabihanang narinig ko ay kagabi idinating ditong may kasamang isang lalaking sugatan sa loob ng isang ambulancia galing sa intramuros at itinelepono ng isang pulis. nagibayo ang sikdo ng puso ni elsa, pagkarinig sa mga pahayag ng nurse . diyata nga kaya'yaon na ang babaeng walang malaytaong nakapiling ni tirso sa loob ng ambulanciang nakasagasa ng kalesa?. isang iglap na lamang at mapagkikilala kung siya ay sino. natatakot, sumisigaw, tumatangis.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"alangang malinaw ang isip at alangang nahihibang; unat at taas ang mga kamay na tila nalulunod at tumatawag ng makasagip; mga matang halos magkanglulusot sa laki ng sindak, na parang nakakikita ng isang kapanganyayaang mahirap iwasan; mga patak ng luhang pabugsobugsong nanaloy sa humpak ng pisngi: mukhang kahabaghabag na nakikipangagaw sa kulay ng suka; samongsamong na buhok na wari'dinaanan ng matinding buhawi; katawang pumapalag na anaki'nagpupumiglas makatakas sa kamay na yumayapos. iyan ang sa biglaang paglalarawa'siyang pagaanyo ng babaeng yaon na kinabubuntahan nang umagang iyon ng dilang pagkagulumihanan sa hospital general . mga medikong manakanakang nagtatanong, mga nurses walang matutuhang gawin sa pagaaruga; maraming maysakit na nagbanguna'lumapit sa isang dulo ng bulwagang pinagbubuhatan ng alingawngaw; saka iba pang mga kawaning takangtaka sa nangyayari, ang mga pangunang saksi sa ganyang anyo at mga kilos ng tinurang maysakit na tumatawag sa ngalan ni tirso.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at ang sinasabi sa gumagaralgal at pauntolutol na tinig ay nabubuo sa ganitong mga katagang halos di maunawaan gayong maliliwanag: asawa ko! saan ka naroon? ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin sa kapahamakang ito!. sinong tirso ang inyong hinahanap? ang tanong ng isang manggagamot na kaharap doon. si tirso silveira! ang aking asawa!. nasaan ka ngayon? parito ka'lingapin mo ang aking napagsapit!. marinig ito ng isang nurse ay madali ngang nanaog na nagtungo sa silid ng makatang nasa ibang bahagi ng gusaling iyon. samantala'patuloy ang mga pagtataka, at patuloy ang mga pagsusumigaw ng abang maysakit na di nagsasabi kung siya ay sino. patawarin mo ang aking mga pagkakamali! limutin mo ang aking mga pagkukulang! oo, tirso, inaamin ko ang pagkabulag ng aking paniwala at ang pagkapatungo ko sa ligaw na landas!. minarapat kong tumalikod sa layaw ng mundo at sampu ng sumpang isinangla sa iyo ay aking hinamak, sa pagaakalang kabanalang dakila itong aking pinagsakitang marating!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang beaterio na nang una'itinuring kong isang paraiso na katatagpuan ng dilang luwalhati ng babaeng banal, ay siya palang tunay na impiyerno sa balat ng lupa, isang parusahang kinasasadlakan ng mga nahihibuan ng buktot na hatol! ang mga taong itong kung sabihin ng aking mga ninuno'matapat na alagad ng kabanalang sinugo ng dios upang maghasik sa daigdigang ito ng malusog na binhi ng dakilang asal, at di umano pa'mga tagapagakay sa mga kinapal na ninitang ginhawa, ay wala pala kundi mga kasumpasumpang kawa ng pagpapakunwari na sa tulong ng balatkayong tumpak na pananampalataya'nagiging halimaw na laging uhaw na mapagsamantala sa puri at dangal ng kahima'sinong mahulog sa kanilang inuumang na lambat!. ah, ngayon ko nakilala ang malaking pagkakamaling aking nagawa laban sa iyo, asawa ko!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"dahil sa iyong pagkakasapi sa isang kapisanang di ko nakilala, pagkasaping ayon sa paring di ko nahulaang may imbot, pala sa aking pagkababae'sukat daw upang ikaw'pangdirihan ng sinomang gaya kong may loob sa dios, minarapat ko ang sa iyo'lumimot. pinagsisihan ko ng gayon na lamang ang pagkakilala sa iyo. aking ininis sa sariling dibdib ang pagsintang tumibok na kusa sa mura kong puso. at ang kadalisayan ng aking pangako ay kusang hinamak at pinapagmaliw ng lubuslubusan.! patawad nga, tirso, ang hinihingi sa iyo nitong asawa mong nagbabalik loob!.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"at, habang hindi naglulubay ng kasasalita ang babaeng iyon na kahi'pagbawalan ay para ring di nakaririnig, sa isang hiwalay na umpok ng ilang kataong kabilang sa mga nalilimpi sa palibid ng tinurang babae, ay siya namang pinananayngahan ang ganitong pahayag ng manggagamot na umaaming siyang kasama sa ambulancia nang gabing nagdaan: dinatnan kong ang babaeng iya'walang ulirat na nakalugmok sa harap ng pulis na tumelepono rito kagabi; hindi masabi ng pulis na iyon ni ng sinoman sa ilan pa kataong nagmamalas sa kanya, kung siya ay sino at kung saan galing. pagdaka'nakita na lamang daw ng pulis na susuraysuray na sumasalubong at napasasaklolo sa kanya, nguni'pagkalapit ay bigla na lamang napahandusay. nang aking siyasati'may ilang bugbog sa katawan, na mahihinuhang gawa ng pagkakahulog mula sa alinmang mataas na lugal. ang aming ambulanciang ikinuha sa kanya ay nakasagasa naman sa raan ng isang kalesa. at sa banggaang iyo'isang lalaki ang nasawi.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"walang malaytaong ito'dinala rin namin, kasama ng isang mestisang pagdating dito ay nagpahayag na asawa niya. ipinatala ng tinurang mestisa na ang pangalan ng kanyang asawa ay tirso silveira. hayan at tirso silveira rin ang isinisigaw ng babaeng iyan! kay laking hiwaga! ang nagpalipatlipat sa isa'isang bibig. kapagkuwa'narinig na namang nagsisisigaw ang babae. narito na naman ang halimaw na ganid! narito'anyong ako'gagahasain! iligtas mo ako, tirso! siyang pagsipot sa bulwagang iyon ng lalaking pinagpatalastasa'sinundo ng nurse kasunod si elsa, si donya basilia at si manang magda. pagkairinig sa huling pagibik na iya'ang manang ang una at boong liksing nakalapit, nguni'si tirso ma'naroon na ring hawak sa bisig ni elsa. at sa loob ng isang pikitmata halos ay tambing nang dinuhapang na niyakap ng matanda ang abang maysakit. nguni'ito ay waring di nakakikilala ng tao'parang walang naririnig na anoman.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nasa mga bisig na ng matanda, ay isang sigaw pa, sigaw na ubos lakas, ang narinig ng lahat. nasaan ka, tirso? mabilis na tulad sa kidlat, ang tinawag na di pa natatanaw ng nagpapagibik ay biglang nagkawala sa, pagkakapigil ng kaakbay na mestisa at parang limbas na dumaluhong sa harap niyon, kasabay ng tawag na: teang! si teang ang maysakit. at sa tawag na ito ay waring natauha'pinagsaulan ng lakas ng katawan at linaw ng isip. at noon di'naghulagpos sa mga kamay ni manang magda at matuling lumipat sa mga bisig ng makata. halos napigil ang paghinga ng tanan sa gayong hindi akalaing mapanood. teang, ano ang nangyari sa iyo? ang patakang tanong ng manang, samantalang ipinangangamba sa sarili ang pagkabaliw ng anak, ayon sa ginawang pagyakap sa lalaking itinuturing na asawa ni elsa. bakit naparito ka? naku, bunso ko!. nagbalik na naman sa bisig ng ina ang abang si teang. patawarin ninyo ako!. at ang mga labi'nagpalitan ng halik: halik ng anak sa kamay ng ina; at halik ng ina sa noo ng anak.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"nagkasakit ka ba? oh, ang mga taong pinaghabilinan ninyo sa akin! patawarin nawa sila ni bathala sa di nila nalalamang kanilang ginagawa!. sinong mga tao? ang pabiglang sunggab ni tirso. at nilapastangan ka ba? teang ituro mo at gagawin ko ang nararapat! salamat, tirso. huminahon ka'napawi na ang sigwa. lumabas ka bang kusa sa kolehio? ang tanong na naman ng inang manghangmangha sa nangyari sa anak. opo, inang; at sa ginawi kong ito'inuulit kong, ako'inyong patawarin, yamang ito ang tanging naging kaligtasan ng anak ninyo. ah, ayokongayoko nang mag mongha! mamatay na muna ako bago muling matira ng isang saglit sa loob ng beaterio. maano nawang mabunyag na sa lahat ng mga kababayan natin ang alingasaw ng kabulukang naluluom sa loob ng mga pinid na pinto'dungawan ng mga gusaling ito! saka ibinaling sa makata: tirso, ngayon ko napagtalastas kung bakit inibig mong mapatiwalag ka sa bakuran ng papa. may labis kang katuwiran!.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"samantala, ang dinaranas na pagpupuyos ng budhi ni elsa, habang nagiging saksi siya ng lahat at lahat, ay di mailalarawan ng lalong bihasang panitik. may puso nga siyang nasasabi'di niya maalaman kung tumitibok pa nang sandaling iyon. ang mga mata niya'naroroo'nakadilat nga, subali'hindi niya maturol kung may nakikita pa. nakikinig siya sa pook na yaon, nguni'sa kanyang mga taynga'isang kawang kuliglig mandin ang nagpapanabay na tumutulig at nagpapalito sa kanyang isipan. datapwa, nang magsalita ang katabi niyang ale na si donya basilia at ibulong sa kanya sa anyong tila naninisi ang anong gusot, elsa, itong pinasok mo? napakasal ka nga ba sa lalaking iyan, ako'iyong pinaglalakuan? ay napukaw ang kanyang kaluluwa'sa kaibuturan ng dibdib niya'nagbangon ang larawan ng kapalaran niyang inaamis ni teang, pagkaamis na humihingi ng kanyang pagtatanggol, ng kanyang paghihiganti, ng kanyang tanang magagawa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"sa isang angat ng ulo ay nanglilisik na naipako niya ang kanyang mga paningin sa mapagwaging anyo ni teang sa piling ni tirso; at wala siyang makitang anomang karapatang tinataglay ng babaeng iyon upang umagaw ng kaligayahan niya. si teang ay isang babaeng kung kinasilawan man ng paghanga ni tirso ay nilimot na naman nito, at siya si elsa ang sa wakas ay pinagsanglaan ng lalong mahal na hiyas ng puso at pinaghasikan ng matimyas na punla ng isang pagibig na wagas at dalisay. ang punlang iyo'inaalagaan ni elsa na taglay ang taimtim at tunay na pagmamahal, sa pananalig na sarili niya at tanging siya lamang ang may kapangyarihang maghari sa pagibig ng naturang makata. saka ngayon sa namamalas niya'si teang ang kayapos ng mga bisig ni tirso. oh, hindi niya mababata! tirso, sukat na ang pagbibigay! ang malakas na wika sa nangangatal na tinig. gunitain mong naririni akong nagmamasid sa iyo!",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang lahat ng mata'napabaling at sukat sa nagbitiw ng mga katagang iyang kulog manding sumambulat sa pangdinig ni teang. at ang panggigilalas ay lalo nang nagulol at lumaganap sa tanang naroon. ang tingin ni elsa at titig ni teang ay nagkasagupang tulad sa dalawang sandatang nagkapingkian sa laot ng paglalamas; dapwa'laban sa katangiang likas sa isa'isa, sa pagkakapingking iyo'si elsa ang napipilan wari'siyang nagbaba ng tingin, pagkapalibhasa'may nabasa siya mandin sa mga balintataw ni teang na isang katotohanang kinasilawan niya: ang katotohanan ng pagkapariwara ng lahat niyang pagasa. nguni'kay teang, ang gayong pagyuko ni elsa ay nagpapanumbalik naman ng dati niyang pakikipagpalagayan sa mestisang ito, kaya'parang hindi dinaanan ng ulap ang maaliwalas na langit ng kanilang pagkikilala'malugod niyang tinawag ang pangalan nito. anya, at kasabay ang lapit na idinugtong: naniniwala akong kaya ka naririto'dahilan sa akin, hindi ba? isinama lamang ako ni tia.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang may lungkot na pakli ng mestisa. ang ninang ko pati ay naririto? at noon di'pinagala ang tingin sa dami ng taong nakapalibid, at hinanap si donya basilia. bahagya nang naitugon ni elsa. ang boong tuwa'pananabik na ibinati pagkakita sa hinanap, at pagdaka'tinakbong niyakap at hinagkan sa kamay, anong himala'naparito tayong lahat! walang kumibo sa mga kaharap. lahat ay nasa panonood at pagtataka. sa katotohanan, ang mga kilos ni teang nang umagang iyon ay naging kapunapuna'malayo sa dati niyang asal. marahil ay gawa ng lagnat na nadama ng inang umaapoy sa kanyang katawan. hindi hinihintay ni manang magda na ang kanyang anak na babaeng pinalaki sa mabuting turo ay mamasdan niyang yumupyop na gayon sa dibdib ng isang lalaking sa pagkabatid niya'asawa pa naman ng iba, ni elsa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"si donya basilia man nama'natitilihan din ng gayon na lamang, sa dahilang hindi niya maubos liripin sa sarili kung ano'itong lalaking sinasabing asawa ni elsa ay siya pa namang ipinagibang kilos ng mabait na babaeng kanyang inaanak sa namamalas ng mestisang iyong dapat sanang masakita'magubos ng kaya sa paguusig. at si elsa naman, sa kanyang sarili, ay lalo nang may malaking ipinagiba. kaikailan man ay hindi siya nangimi sa harap ni teang kundi nang mga sandaling yaon. samantalang si tirso, habang nagtatagal ng pagmamalas sa kaibigibig na alindog ng babaeng unang nagkapangalan sa kanyang puso, ay lalo nang napapatdahan ng dila'sa laki ng galak na lumulunod sa kaluluwa'hindi makabigkas ng isa mang kataga. subali'si teang ay patuloy sa pagpapahanga. si elsa'si donya basilia ay hinawakan sa kamay at iniagapay sa kinatatayuan ng inang si manang magda sa harap ng makata. at ang sabi pagkatapos: inang, ninang, kaibigang elsa.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"huwag kayong mamangha sa ipakikilala ko: ang lalaking pinaghabilinan ko ng aking kapalara'naririto: si tirso silveira. ang halos panabay na nasambit ng tatlo. huwag kayong magalaala: kasal na po kami. ang bigla'patiling hadlang ng mestisang mistulang pinagdaupan ng langit at lupa sa sandaling iyon. nangyari na, elsa. malumanay na tugon ni teang. ang bulalas na wika ng nasasakitang mestisa, at umanyong duduhapangin ang kanyang katungo. ang tili ng manang. malakas na tawag naman ni donya basilia. siyang pamamagitan ni tirso. anya sa mahinahong pamimigkas. nalalaman kong si teang ay para mong tunay na kapatid at dati kayong matalik na magkaibigan. nalalaman ko rin na ang kaligayahan at kapalaran ng isa sa inyo ay di lamang hindi ipagdaramdam ni ikaiinis ng isa pa, kundi bagkus ikalulugod ng walang pasubali. at kung sakasakali mang may nagkukulang sa sinoman sa inyong dalawa, ang pagkukulang na iya'ipinagpaparaya rin alangalang sa katalikan nga ng inyong pagsasama.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"elsa, hindi mo ba ikinalulugod ang kaligayahan ng kaibigan mong si teang?. boong lumbay na ipinakli ng mestisa, diyata ba'isa ka pa sa magpapainom ng lason sa akin sa tulong ng matatamis na bulaklak ng dila?. at parang di alumanang sa palibid nila'hindi kakaunting tao ang nagmamasid at nakikimatyag; ay isinusog pa sa nangangatal na, tinig: tapatin mo ako, tirso: hindi na ba ikaw ang tirsong sinanglaan ko ng lalong mahalagang hiyas ng aking puri at nagdulot sa puso ko ng pagasang balang araw ay sasayurin ko ang walang hanggang. kaluwalhatian? ang sabat ni teang na waring. nagpaalaala ng isang mahalagang tungkulin. pumayapa ka, teang, ang salo ng makata, bago pumihit na muli sa mestisa. elsa, ang mga nalilihis na hakbang ay di nararapat ipagpatuloy. kung tunay na ako'pinahahalagahan mo, ay inasahan kong iyong paiirugan ang isa kong samo: magpatawaran na tayo. magpatawaran? ibig mo bang sabihi'ipalupig ko sa babaeng, iyan ang aking dilang pagasa?. hindi, elsa; subali'.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ipinagtatapat kong taglay ni teang ang boong karapatan sa narinig mong kanyang sinabi. at nahihibang ka ba?. nahihibang ay hindi; datapwa'. kinikilala kong ang isa'isa sa atin, elsa, ay may kanikanyang pagkakasalang marapat patawarin ng pinagkasalanan. pagkakasala!. anong pagkakasala ang ibubuhat mong aking nagawa pagkatapos na tupdin ko ang tanang itinitibok ng aking puso sa pagkakilala sa iyo? at sa pagsasalita ng ganito'; naramdaman ng mestisang untiunting nagdidilim ang kanyang mga paningi'bahabahagyang nanglalabo ang kanyang pangwatas. elsa, sa dakong iyan nga may bagay na dapat tayong kilalanin: na ang pakikipagtalik sa babae, kung minsan, ay nagiging paglalaro ng apoy at sa ating pagkikilala ay sinasabi ko sa iyong ako. ay nadarang, nasalab, napaso. dahil dito'patawarin mo nga ako, at sa lahat at lahat ay pinatatawad naman kita. ganap nang naglaho ang tanang namamalas ng mga balintataw ni elsa. at sa isang pikit mata'pabiglang nagbulalas ng matunog na sigaw.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"saka nilabnot ang buhok at taas ang dalawang bisig na humarap sa madla, apoy na nakapapaso ang babae! ang babae'nakadadarang, nakatutupok!. ha ha ha ha!. tabi kayo'naito ang apoy! ha ha ha ha ha!. at ang kahabaghabag na mestisa, ay naging baliw sa isang saglit. walang paalam, pasugod, tumatakbo at hangos, sumisigaw at kumukumpas, humahalakhak at walang nakikilala, walang naririnig. ang abang si elsa ay nagmistulang bagong sisa sa dahas ng dagok ng kasaliwaang palad na kanyang kinamtan. matulingmatuling naba at lumayas sa pagamutang iyon na animo'salaring tumakas sa bilangguan, ng sa likura'nilisang ayaw mang pansinin ang di magkamayaw na tawag nina donya basilia, manang magda at ng iba pang may paglingap sa kanya. kahambalhambal na naging wakas ng sawingpalad na mestisang kung nakagawa man ng malulubhang kamalian, ay walang iba kundi yaong ibinubuyo at iniuupat ng isang pagibig na walang kapantay sa kasidhian!. maynila,.., pebrero .",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Engracio L. Valmonte,"ang fox trot na ito ay nilapatan ng tugtugin ng kilalang gurong si. leon ignacio, at sa ilalim ng pamagat na ay maaaring matagpuan sa mga aklatan at tindahan ng tugtugin. bagay na bagay sa mga sayawan.",0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual," hating gabi, madilim, ang mga dahon ng halaman ay nangakayuko, ang mga ibon ay di man lamang humuhuni, sa mga hayop mula sa kanikanilang himlayan ay walang maririnig na kahit isang putol na ungol man lamang, ang mga ka awa awang mangagawa sa paghanap ng ipagtatawid gutom sa boong maghapon ay payapang payapang nangagpapahingalay, ang mga hapo at ngalay nilang bisig sa pag gawa ay inihahanap ng panibagong lakas, lahat ay tahimik at waring ipinaghehele ng mga walang patlang at malalaking patak ng ulan, ngunit, sino yaon?. isang maitim na aninong naglalagos sa isang makipot na daan! naglalamay at sinasamantala ang gayong kalaliman ng gabi! pumasok sa isang bakuran, yumuko at sumoot sa silong na pantay balikat ng isang bahay na may pangkaraniwang laki. makaraan ang mga ilang sandali ay huminto ang ulan, nagliwanag at ang langit ay biglang nasabugan ng mga maliliit na mata ni bathala, noon mga nag anti antilaw na bituing nakamamalas ng mga lihim na gawa at pangyayari sa boong magdamag.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"di kaginsa ginsay anasan ang nadinig: sino ka?.ang tanong na mula sa itaas. sinong ikaw? ako, ang iyong minamahal. bakit ka naparito? ayaw ka bang pumarito ako? ngunit baka magising sila ay ikaw din ang inaalaala ko, di ko matitiis ang mangyayari sakaling maramdaman ka. at bakit ka nagpapakapuyat ay mayroong clase kayo bukas? huag kang malakas magsalita at baka nga sila magising, manaog ka at dito tayo sa halamanan mag ulayaw, dali na, at dito mo ipalasap ang matatamis mong pagmamahal at gagantihin ko ng mga sariwang ala ala. baka sila magising?. makaraan ang mga ilang mabayanad na yatiit ng sahig ay nabuksan ang tabing ng pinto at sa susungaw ang ating binibini; maputi at wari'isang tala na panginoon ng ibang mga bituin sa kaningningan kaya'walang kalulua ang di mamangha sa gayong kagandahan, at pagkapanaog sa isang hagdanang may limang baytang ay sinalubong na ng ating binata at nagyakap ang mag sing irog kay sarap na pagmamahalan!",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,at pagkatapos maigawad ng isa at isa ang nararapat ay nangagsiupo sa isang bancong kawayan na nasa ilalim ng isang malabay na puno ng acacia . kay tamis mong magmahal ang pauna ng binata. at hangang kailan mo ako lilimutin? ang tugon naman ng ating binibini. di na nakuhang sumagot pa ang isa at isa at mga langitngit ng sahig na muli ang narinig mula sa itaas. ang halos panabay ng dalawa. isinoot na dali dali ng ating binata ang kaniyang capote at nagkanlong sa puno ng kahoy na nasa gawing likuran ng kanilang pinagulayawan sa nasang makimatyag ng mga mangyayari. dahan dahang pumanhik ang binibini at pagkatapos ng isang tanong na: saan ka nangaling at sagot dian po lamang sa labas ay wala nang narinig na ano man at ang lahat ay nanauli sa dati kaya'ang ating binata'nagtuloy ng umuwi at naghintay na lamang ng kinaumagahan. walang dios? nakapangingilabot! sa isang bahay samahan sa nayon ng.,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"ay nangagkakatipon na ang ilang mga binata ika tatlo pa lamang ng hapon, at palibhasay wala pa sa tadhanang ika apat at sapagkat wala pa din naman sa tadhanang bilang ng mga kasapi upang ipagsimula ng isang pulong kalahatang idadaos nila, kayat wala pa sa kaayusan ang pagtitipon, gulong gulo, salitaan dito, tawanan doon, biruan dito at kalabitan sa kabila datapua'sa lahat ng mga gayong umpukan ay nanaig ang malakas na salitaan ng dalawa na nasa gawing dungawang tabing daan, kayat ang ilan sa mga nangagsisipaglakad ay nangapapatigil lalo na'kung mapalakas ang pangangatwiran nitong isa na tinututulang mahigpit ang pagkakaroon ng dios. lahat ng mga salitaan ay nangapatigil, lahat ay di umimik, liban sa isang nagsasalaysay ng kaniyang mga paniniwala. walang dios ang ulit nito sapagkat kung mayroong dios ay saan naroon ang kaniyang kapangyarihan at di igawa upang ang lahat ng tao'papagpantay pantayin sa ibabaw ng lupa?",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"saan naroon iyang dios at natitiis ang pagkakaroon ng mga may mababa at matataas na uri at kalagayan ng tao? iyang mga bagay bagay sa ibabaw ng lupa na ating nakikita ay tinututulan kong di gawa ng iisang dios, sapagkat maraming mga halaman na tumutubo sa lupa at kung walang lupa ay wala noong mga halaman samakatwid ay di dahil sa likha ng dios, kundi dahil sa mayroong lupa. alingaw ngawan ang nadinig pagkatapos ng gayong pangangatuiran at mga nangananaig na tinig ang nangariringan ng ganitong salita: walang dios?. nakapangingilabot! dahan dahan ka po ginoong kalihim ang sagot naman ng pangalawang pangulo ng samahan at ipagpatawad po ninyong sabihin ko na kayo'nabibigla lamang ng mga pangangatwiran, sapagka'ang sanlibutan ay nayari sapagkat di maikakailang mayroon isa na lumikha noon, iyang kataas taasan, iyang dios.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"maraming mga halaman nga ang tumutubo sa lupa ngunit di dahil sa lupa lamang kung kaya sila nabubuhay sapagkat may lupa man at walang hangin, init at tubig ay di rin sila mangabubuhay; at sino ang lumikha ng lahat ng ito, gayon din ang lupang inyong binanguit? iyang kataas taasang dios at kung wala nito ay walang anoman, sapagkat siya ang lumik ha ng lahat ng bagay. ito'di pangarap lamang ng mga na nanambahan sa katotohanan kungdi siyang katunayan nga. at kung walang dios na kikilalanin ang tawo ay lalong lalala ang mga katampalasanan, di mananatile ang katahimikan, palibhasa'walang kinatatakutang magpaparusa sa panahong darating. ang mga magnanakaw ay di kukuha ng ano mang di kanila kailan ma'may mga tawo na sa kanila'nagmamasid, ganiyan ang mga tawo sa ibabaw ng lupa na kailan ma', walang kinikilalang dios ay patuloy ng patuloy ang kanilang mga masasamang gawa. mag iikalima na ng hapon ang nakaputol na salita ng pangulo sa kanilang mga pag usap.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"datapuat wala pa sa takdang bilang ng mga dapat magsidalo ang sagot naman ng isang kasanguni lagpas na nga sa tadhanang oras ngunit kaypalay wala ng darating ang ulit pa iyan ang masamang hilig ng ating mga binata ngayon, isang sakit na kung di malulunasay, pagkakatandaan at isang kapintasan na naman sa ating lahi. ang mabuti'magkaroon ng kadalaan ang ating mga kasapi. tayo na ang panabayan naman ng lahat at nangag alisan. sa isang bahay na malaki na nasa kabilang daan ng kinatatayuan ng bahay samahan ay maraming tawo at buhat sa malayo'walang madidinig kundi ang mga tawanan at mga paputol putol na salitaan, lahat ay masaya at gayon na lamang ang mga pinagpala ni bathala sa kalupaan palibhasay ang mga gayon nilang pagtitipon ay nahihiyasan ng mga tuksuhan at biruan ng mga magkakasama. ang akala ko po'may pulong kayo, natapos na pu ba? ang isang tingig binibining nakapagpahinto sa kanilang mga pagkakatua.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"hindi po natuloy ah.sapagkat tangi sa lumagpas na sa tadhanang oras ay wala pa rin sa takdang bilang ng mga kasaping dapat magsidalo ang sagot naman ng ating kalihim. kindatan, kalabitan at ngitian na naman sa kabilang panig. sumagot na ang ating candidato ang pasalising naibulong nitong isa sa kaniyang katabi. at pagkaraan ng mga ilan pang sandaling pag uusap ay nangagpaalaman na ang lahat, tangi ang ating binatang di man lamang natigatig sa kaniyang pagkakaupo maliban sa isang tugong mauna na kayo.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"nangag panaugan ang lahat at naiwan si peping sa harapan ng kaniyang pinipintuho, niyaong tala sa madaling araw, niyang di man dahil sa kaniyang mga pahiyas ay sapat ng makatunaw ng isang pusong bato, yumuko ang ating binata di makabata sa mga pasaning idinudulot sa kaniya ni pag ibig, ngunit pinakapilit ding paglabanan ang lahat ng ito, itinaas ang mga mata at nagsalita: hangang kailan pu kaya titiisin ninyo ako sa pagbabata ng mga ganitong kahirapan at kulang pa pu ba ang mga katunayang naipamalas ko na? tuloy dinampot ang kamay ng kaniyang sinusuyo'ginawaran ng isang piping bulong; ipinitlag ng binibini ang kaniyang kamay ngunit na huli sa panahon. pangahas!.bakit ka malikot? ang pabiglang nasabi ng binibini na salamat at di nakapukaw sa pagkakatua naman ng mga matatandang nasa kabilang panig ng bahay at pagkasabi'nalaglag ang dalawang butil ng perlas mula sa mga mapanhalinang mata ng binibini at nagulap iyang maaliwalas na langit ng ating binata.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"parusahan pu ninyo ako, kung ako'nagkasala ang patuloy ni peping sapagka'ang mga yao'di kinusa ng aking sarile kundi ng isang pusong inudyukan ng nagpipighating damdamin. ang ating binibini'di kumikibo kaya'sinamantala ni peping ang panahon. kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'katumbas na ng nagawang kapangahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya ng inyong naghihigpit na kalooban, at palibhasay wala din lamang namang kabuluhan ito kailan mat api sa pag irog, kailan mat walang aasahang balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya', inihandog ko na upang una'ng wala ng peping na gagambala pa at ikalawa'ng wala na namang peping na nag babata pa ng mga kahirapan. halos madurog ang puso ng binibini sa ganitong mga pag mamaka amo ng binata, kayat napilitan ding itaas ang kaniyang mga matang pinapungay ng dalamhati at nagbigkas: kayo po'maka aasa na at wala ng maghahari sa aking puso kung di kayo.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"biglang nahawi ang dilim ng pag aalapaap, nawaldas ang nakalilibid na tali ng pagpipighati sa puso ng binata, natapos ang kaniyang mga kalungkutan, at sa kagahaman sa pag lasap ng ligaya'pabiglang tumugon ng: hangang kailan, aking langit? hangang libing.at di pa natatapos ay sia ng pagpasok ng isang matandang babae, iyang ali na nag alaga at nagpalaki sa ating binibini na kaniyang kinatitirhan. magandang gabi po ang unang bati ng binata sa dumating. magandang gabi po naman ang sagot naman. at pagkaraan ng ilan pang mga kumustahan at pag sasalitaan ng iba'iba pang mga bagay ay siyang pagtugtog ng walong ting ng isang orasang nakasabit sa isang haligi na nasa gawing kaliwa ng binata. nagtindig si peping at nagpaalam sa mag ali. isang tinging naglalagkit ng binibini ang ipinabaon sa binata at ito namay isang mapungay na titig at nanaog.!",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"isang makipot na landasing patungo kina delang; dito naglalacad ng totoong mabanayad ang ating peping, nakatungo iyang mapalad na binata na waring inaalaala ang mga nagdaan niang gabi sa pook na yaon. di kaginsaginsa'isang binata ang sa darating: si amado, iyang pangalawang pang ulo ng samahan, iyang nakatalo niya noong lingo ng hapon; pagdakay tinapik siya sa balikat at sinabi: bakit mabanayad ang lakad mo, saan ka paparoon? dian ang sagot naman ng tinanong. ano ba ang lagay mo kaibigan kay anchang? iniwan ka pa namin noong gabi ah. akoy nagtagumpay amado; ang kaniya raw puso ay akin at wala ng sino pa mang makapaghahari ang maligayang tugon nito. mapalad ka kung gayon hangang dito na lamang ang naisagot at siya nilang pagpasok sa bakuran ng bahay na kanilang sadya.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,napa tao po ang dalawa at sa isang sagot na magtuloy kayo ay nangag sipanhik at pagkatapos maigawad ng isa at isa ang nangararapat na pag galang ay naupo si amado sa isang luklukang yantok na kinaharap ang mga magulang ni delang at si peping nama'ang ating binibini. kanikaniyang mga pag uusap ayon sa kanikanilang mga nasa. ang dalaway pagsaglitsaglit na sinasariwa ang mga nagdaan nilang gabi sa halamanan na di naman mailakas sa pagkat nasa kabilang dako lamang ang isa namang umpukan.,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"napahinto ang salitaan ng dalawa dahil sa isang mariing hindi ng ama ng binibini at si peping na mahiligin sa mga pakikipagtalo ay nakimatyag sa mga sagot at paliwanag ng kaniyang kaibigan at pagkatapos ng mga ilan pang tugon ng matanda at mga pagpapakilala ni amado ay napilitang sumagot ang ating binata ng boong paggalang: ako poy makatutugon sa inyong mga usapan baga man di ako kasali, sapagkat ang matanda po'may mga malalakas na katwirang pinanghahawakan at ang isang katunayan po'gaya nga ng sinasabi ni. rossi sa caniyang ang pangarap na aniya': isang paglapastangan lamang sa kalayaan ng bawat isa ang pagtatag ng ating pamahalaan niyang mga batas na nagbabawal sa lalaki ng kalayaan upang mag asawa ng dalawa, tatlo kung ilan ang kaniyang ibigin. at sapagkat ang tauo po ay talagang likas sa pagkamalaya, kayat pilit ding hinahanap iyang kalayaang iyan kahit pinuputol ng mga may kapangyarihan kaya'siyang nagiging dahil ng mga kahirapang tinitiis ng isang taong dapat maging malaya.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,isang phse at tinging pairap ni delang ang natanaw ng binata na siang ikinapahinto ng kaniyang mga pangangatwiran kayat di na muli pang umimik ito palibhasay kinamuhian ng kaniyang irog ang mga gayon niang pag mamatwid. sumagot naman si amado sa mga salaysay na natapos: isang katiwaliang malaki ang mga pagmamatwid ng kaibigan kong peping sapagkat ang mga batas na yao'di upang putulan ng kalayaan ang bawat isa kungdi upang tangkilikin ang kapayapaan at pananahimik ng mga mamamayan. ang kalayaan ay di sa paggawa ng masama kungdi ng mabuti. ang moral ay nababatay sa kaugalian ng bawat lahi at sapagkat iyan ay di ugali sa ating bayan kaya iya'laban sa moral . ninanasa pa sana ng ating peping na mangatwiran nguni'natatakot naman siyang makagalitan ng kaniyang delang na nakikinig ng mga usapan nila kaya'sinasamantala ni amado ang gayong di pagimik ng kaniyang kausap.,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"isa pa, kung babayaan naman na ang bawat isa ay makapag aasawa ng dalawa, tatlo apat ay di malayo na sa pagitan niang mga babaeng iyan ay magkaroon ng mga pagkakaingitan na siang magiging dahil ng pagkakaalit alit at ito'magbubunga ng lalong mga masasaklap na pangyayari sa mga babae pa naman ng ating lahi, sa katunayan ay nakikita natin na ang isang lalaking may asawa at makaisip ng isang masamang nasa sa ibang babe dito ay nagpapasimula na ang panaghilian: ang isa'naiinip sa isa at ang isa namay napopoot sa isa. dito na lamang napahinto ang mga pagmamatwiranan sapagkat ang kaniyang mga katalo'di na umiimik. natapos ang mga ilang sandali sa gayong di pag iimikan ng isa at isa at sa di kawasang paglulungati ni peping ng pag sagot dangan nga lamang at naroon ang sa kania'mapopoot, ay maibuka na lamang sa bibig ang mga salitang: nagpapaalam na po ako sa inyong lahat dios po ang sumama ang tugon ng may bahay. akoy iwan mo na and kay amado naman: at nanaog ang ating binata.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"pagkaraan ng mga ilan pang salitaan hingil sa natapos na pag uusap ay nangag labasan ang mga magulang ng binibini upang ihanda ang hapunan nila. natira si delang at si amado so loob. kailan ka pa ba magtatangi ng isa sa mga nangagsisiparito sa inyo? ang pabirong salita ng binata naunahan ka pa ng kapatid mo. sino, si anchang? kanino daw? sa aming kalihim, kay peping isang dagok itong halos nakapag pahinto ng mga tibok ng puso ni delang. iya'hindi totoo. ayaw palang maniwala, sinabi sa akin ng totoo ng aking kaibigang peping ah.kanina lamang. walang hiya pala! ang isang talipandas na salitang nabigkas agad ng binibini. sino, si anchang?. isang buntong hiningang malalim ang naging tugon. parito na'kumain ang mula sa labas na nakaputol ng salitaan ng dalawa. nangagsilabas: si dela'tinungo ang pagkain at si amado'ang hagdanan pagkatapos ng mga pagpapa alamanan.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"isang batong mabigat ang nakapataw ngayon sa puso ng binibini, isang suliraning pinaglalahuan ng matwid ang di makaya kayang dalhin ng isang pusong mahina, niang isang pusong mararamdamin, palibhasay ngayon lamang nagtikim ng hirap, ngayon lamang nasubo sa larangan ng pagbabata, sapagkat ang mga nagdaan niang panaho'pawang aliw, pawang mga kaligayahang lalo nat sa piling ng kaniyang giliw. buhat kagabi, kagabing tangapin niya ang mga nakapagngingitngit na balita'di na sia mapalagay, di makakain,lahat ay mapait, di makatulog, kaya'lahat ng mga nangyari ng gabing nagdaan ay walang nalingid sa kaniya at bawat hihip ng hanging kaniyang masamyo ay isa isang pinaghahabilinan ng kaniyang mga panaghoy. kay saklap lasapin ng mga panahong itong idinudulot ng katalagahan ang madalas masabi sa sarile pagkatapos ng mga ilang patak na luha.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"kung minsay pinapag tatalo ang sarile hinahanapan ng lalong mga matutwid na paraan upang sia'maalis sa silo ng kapanglawan, nguni'waring isinusurot sa kanya ng isang maitim na aninong nakaguhit sa kaniyang ala ala ang mga kasaliwaang palad na kaniyang sasapitin at ang lalong mga mahahayap na pula ng marami. oh, ang larawan ng isang nilalasog ng dalamhati.! ano ang aking gagawin? ang ulit ulit na itinatanong sa sarile; at pagkatapos ng mga ilang biling sa kaniyang hihigan, ay mga patak ng luha ang nagiging tugon at sa kagaganito na lamang inumaga ang ating kaawa awang binibini. umagang umaga pa'nanaog na; nakabihis ng kaniyang pangkaraniwang soot, at di pa nakalalayo ng mga ilang hakbang, ay muling nagbalik, pumanhik at naupo sa isang likmuan na tutop ang noo at iniisip ang kaniyang mga gagawin; di kaginsa ginsa'nagkagising na ang sambahayan at ng mamulatan ng ina'tinanong sia kung bakit.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"sumasakit po lamang ang ulo ko ang isinagot at pagdaka'tumindig at nagpa alam na sasaglit muna siya kina anchang. ang sabi moy sumasakit ang ulo mo at saka maglalakad ka pa. wala na po naman eh. pagka agahan na ang ulit naman ng inang di na nahalata ang mga sagot na gawagawaan lamang ng kaniyang anak. ang binibini, taglay ng pagkamasunuring anak, ay napahinuhod ngunit wari ay isang maitim at malaking kamay ang pumipisil sa kaniyang puso, nanglalata at madalas mapahinto sa ano man niyang ginagawa. nag agahan, at ng maluat na'nag paalam na muli; ang ina na mapag palayaw at mairugin ay di makatangi pinahintulutan siya, kaya'itoy lumakad na nakatalukbong ng paniyong sutla at sapagka'di naman lubhang malayo ang bahay ng kaniyang ali ay agad na narating, walang pangiming pumanhik at nagtuloy palibhasay isang bahay na lagi niang pinaparoonan, pumasok sa loob at dinatnan ang kaniyang tia enciang na nananahi. ano po iyang ginagawa ninyo ang unang bati ng dumating.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"eh, ito bang saya tinatabi kot magagamit pa din naman eh. bakit po kayo, si anchang po saan naruroon? nariyan sa silid at mayroon yatang ginagawa; pasukin mo. nagtuloy ang ating binibini at ng nasa pintuan na'agad tiniklop ng dinatnan ang kaniyang sulat na ginagawa at sinalubong na nakangiti ang kaniyang kapatid. bakit ngayon ka lamang naparito? kahapon pa kita ina antay ang maligayang tanong ni anchang. may kailangan ka ba sa akin at napatak na naman ang luha sa pagka ala ala niya ng kaniyang nabalitaan kagabi, bakit ang isa pang nakapag padalamhating lalo sa kaniya'ang pagkamalas sa liham na dinatnan niyang sinusulat na siyang nagpasok sa kaniyang ala ala ng kung ano ano nang mga bagay. may dinaramdam ka ba? ang maamong tanong naman ng kaniyang kapatid na napaluha rin ano ba ang ibig mong inumin?",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"at umakmang lalabas, ngunit pinigilan ni delang sa nasang huag ng maalaman ng kanilang tia enciang ang kaniyang mga nasasaloob at tumugon na lamang ng: huag ka ng mabahala may na ala ala lamang akong isang kalunos lunos na mapagsasapit. nino?.ano yaon?. ano lamang yaon eh ang patampo ng salita ni anchang. iniisip ng ating binibini kung ano ang kaniyang gagawin, siya'nasa isang malawak na dagat ng nag aalinlangang di niya matarok ang magiging hanga. ipagtapat ko huag ang di niya malutas, na palaisipan sa kaniyang mga pagbabaka at namalisbis na naman ang luha sa kaniyang mga mata at nagiyakan na lamang ang magkapatid. kay pait lunukin ng mga kapighatiang ito! nagparaan ng mga ilang simbuyo ng kahirapan ang dalawa at muli na namang nag usap. ako'tutulong sa mga pinapasan mong dalamhati, ayaw ka ba ang ulit nanaman ng bunso. ninanasa na sanang magtapat ni delang ngunit pinigil siya ng malaking kahihiyan sapagkat siya'isang kapatid na matandang dapat kunang uliran sa kabutihan.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"ang mga tawag na mula sa labas ipinatatawag ka ng nanay mo kayat dalidali niyang pinapahid ang mga luha at bago pa lumabas. bakit namumugto iyang mga mata mo? bakit ka umiiyak? ang sunod sunod na tanong ng matanda pagka kita kay delang. maluat na di nakaimik ang ating binibini at pagkaraa'sinabing: nakagat po ng langam ang sulok ng mata ko. huag mong pagkukusutin; tina tawag ka daw ng nanay mo. nagpa alam ang ating binibini at tinungo ang kanilang tahanan. si anchang ay naiwan sa pag iisa, ang kaniyang silid na dati'masaya ngayon ay mapanglaw, di niya mapagkuro ang mga ibig sabihin ng kaniyang kapatid kung minsay isipin niyang ang kaniyang sarile ang sasapit sa isang kalagayang kalunos lunos gaya ng sinabi, ngunit siya rin ang kusang nagmamatuid na aniya'di ko sasapitin yaon sapagkat sino ang lalapastangan sa akin?",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"si peping ay tapat ang pagibig at sa kaniya'wala akong paniwalang mapapariwara lamang ang pag asa ko, wala akong nalalamang itinatangi siyang iba at di ko naman iniisip na siya'magtatangi pa sapagkat naniniwala ako sa kaniyang mga pangako at di naman niya sasayangin ang mga pagmamahal ko. ako ang tinatangisan ng aking kapatid?. hindi, sapagkat ano ang dapat niyang ikalungkot sa akin? ang kaniyang sarile ang iniiyakan? ewan ko, ngunit ano naman ang dapat niang ikalumbay? wala akong maala ala. mga sandali itong punong puno ng mga pagkukuro sa isip ni anchang. at si delang ano naman ang ginagawa? siya nama'nananangis sa kanilang silid di makalabas kahit tinatawag kaniyang mapag arugang ina at hangang sa siya'mahalata sa pamamanglaw. ang marahang tanong ng ina pagkamasid sa mga matang binabalungan ng luha ng kaniyang anak.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"wala po ang sagot naman na ipinakalilihim pa ring pilit ang kaniyang mga dalita palibhasay nahihiya siyang mabuksan ang mga aklat ng pag ibig na nakatago sa kaniyang puso, ngunit sa kapipilit ng ina ay nagsabing: ako po'sawing palad hangang dito na lamang ang mga naipagtapat ni delang hangang sa sapitan sila ng kinagabihan. si peping ay walang malay sa mga nangyayari, payapang payapang ginugunita ang napakasarap niyang buhay. magkapatid ang nasa kamay ko ang ulit ulit na sinasabi kay tamis ng aking kapalaran na pinag aagawan ng dalawang magagandang binibini! ang aking pag ibig ay dalawang puso ang sumasariwa, siyang nagdidilig pagdating ng oras, ano pang ligaya ng buhay ang hahanapin? ikalabing isang oras na ng gabi. mapamaya maya'nanaog, lumakad at pagkatapat sa silid ng isang bahay na malaki ay lumingon sa magkabikabilang panig at ng walang matamulawang tawo ay tumingatingala at tumawag: anchang!.anchang!.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"ang mariin niang tawag na tumaos hangang sa puso ng binibini, kaya'agad nagbalikuas ito'ipinuang ng kaunti ang durungawan. nakaramdam ng panibagong init ng katawan ang binata, lumukso ang puso sa galak sa pagkasungaw ng isang diosa ng kagandahan. ako'naririto ang ulit pa. bakit ka napaparito ng ganitong oras? baka may makakita sa iyo ay pagbintangan kang masamang tawo: umalis ka dian sa tapat ng bintana. saan ako paparoon, anchang? umuwi ka na at akoy di maka papanaog, sapagkat malalim na ang gabi. mayroon lamang akong isang mahalagang babagay na sasabihin sa iyo; natatakot ka ba? sasalubungin kita sa hagdanan. ang ibig koy ibulong at ng walang makarinig: ni ang mga halaman, ni ang mga panggabing ibon. sa ibang araw na bukas kaya pagparito mo. sa isang maliit ko kayang kahilingang ito'ipahahalata mo na ang kawalan mo ng pagmamahal sa akin? anchang, talastas mong ako'nagpakapuyat; diyata', pawawalan mo ng halaga ang aking mga pagtitiis.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"nagdalang habag ang binibini; nalunos sa mga ipinagturing ng binata kaya'malubay na tumugon. paano ang gagawin kong pagpanaog? kailan ma'iibigi'madali ang alin mang bagay. dahan dahang lumabas, ibinukas, ang nakalapat na pintuan, at palibhasa'kahoy ang sahig at hagdanan, kaya', walang kalatis siyang nakapanaog. pumasok ang ating binata sa looban at sinalubong ang kaniyang irog, nguni'sa kaniyang pagpasog ay namalas pala naman agad siya ng isang babaeng putos na putos ng itim, nakatalukbong at agad na sumunod sa binata at ng kasalukuyang sapupo ni peping ang malantik na baywang ng kaniyang anchang ay siyang pagdating ng binibini na sa dagok ng pighati sa kaligayaligayang buhay ng dalawa at sa kahapishapis niyang kapalaran ay hinawakang mahigpit ang kaniyang sundang patakbong lumapit at itinarak sa dibdib ng binata kasabay ang mga nangangatal niyang salitang: masakim!!!.masakim!!! ang sigaw ni anchang at sinapupo ang kaniyang irog.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"ang kalunos lunos na taghoy ni peping at nabual na di napigilan ni anchang. at ng makita ni delang ang kaawa awang bangkay ni peping ay napasigaw. ano itong aking nagawa?.nagsisi, nanangis, nanaghoy. peping, patawarin mo ako; akoy nagkasala sa iyo: di ko nalalaman ang aking nagawa. ay peping sino ngayon ang kikilalaning ama ng sangol na balang araw ay ilulual ko sa maliwanag? ano ang aking nagawa? sombreria internacional calle jolo no. ditoy nag bibile ng mga sambalilong gaya ng buntan, calasiaw, baliwag, sabutan at ibpa., gayon din tumatangap ng pagpapaputi at pag papaayos sa mababang halaga. ang tindahang ito'nag bibili ng guarniciones at ibat iba pa na kagamitan sa kabayo at tumatangap din ng pag papakumpuni sa mababang halaga. no. azcarraga (frente al ferro carril.) tondo manila. el vicio del mundo dali'sa daang faspia at ngayon ay sa daang morga, blg. aring tunay ng kalahi doroteo nico.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,"rumeretrato araw araw mula sa ika ng umaga hangang ika ng hapon peinadora gratis malinis, mahusay, at madaling gumawa. tumatangap ng ano mang na uukol sa fotografia. izquierdo blg. mga binata: ibig ninyong huag limutin ng inyong mga minamahal? bigian ninyo sila ng uliran pabasahin ninyo ng novelang ang pagibig ni ag. pascual upang makilala nila kung sino si sening at kung ano ang ugali ni sening sa pag ibig. ipinagbibili sa lahat ng aklatan. haya tundo. daang san jacinto blg. tumatangap ng sari saring limbagin, libruhin, mga anyaya sa kasal, binyag, esquela, at ibat iba pa. ni martin. crespo blg. quiapo at . pedro blg. sta. cruz. maynila,. tumatangap ng mga gawain sa pag aayos ng mga kaban ng salapi, maquina sa pagsulat at pananahi, mga bicicleta at nag eempayona ng mga bakal at patalim. recibe toda clase de trabajos concernientes al ramo. azcarraga (frente al teatro rizal) tondo manila. mabuting inumin para sa sikmura. ipinagbibili sa lahat ng almacen. sanga sa maynila acuna, blg.",0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Andrés Pascual,san nicolas telefono.,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"caingat nga cayo sa manga masasamang libro,, casulatan, sapagca,, dapat ninyong tantoin na may isang cautusan ang santa iglesiang ina natin na ipinagbabaual ang pagbasa nang manga masasamang libro,, casulatan, pati nang pag iingat at pagcacalat noon; at ipinag uutos pa na ang sino mang magcamayroon nang gayong libro,, ibigay agad sa manga puno nang santa iglesia, sa confesor cun sa amang cura caya; at cun sacali,, di maibibigay ay sunuguin man lamang tambing. at ang utos na ito,, mahigpit na di sapala, na cun di ninyo ganapin ay icapagcacasala ninyo nang casalanang daquila, at cun magcaminsa,, maguiguing excomulgado pa cayo dahil sa pagbasa noon. caya cun cusain ninyong basahin ang isang librong natatalastas ninyong baual nang santa iglesia ay magcacamit cayo nang casalanang daquila, at cun sa saui ninyong palad ay abutin cayo nang camatayan sa gayong calagayang ay mapapacasama cayong magpasaualang hangan.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"ang manga puno nang santa iglesia, sa macatouid, ang santo papa at ang manga poong cardenal na pinatungculan niya, sampon nang manga guinoong obispo, ay mayroon silang capangyarihan macapagbabaual nang balang mamasam in nilang librong icasasama nang manga calolouang quinacalinga nila; at caya nga catungculan naman nang baua,, sino mang cristianong sundi,, ganaping lubos ang canilang manga utos tungcol dito. ang balang minamasama,, ibinabaual nila,, tinatandaan nama,, isinasacay sa isang librong pinacalistahan nang manga librong baual at masasama.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"nguni,, palibhasa,, hindi mangyayaring mabalitaan nila,, maquita ang lahat na manga masasamang librong ipinagcacalat sa sangcacristianohan; na caya,, di naman mangyayaring matanging maipagbaual na lahat; at sa cabila nama,, cun itulot na basahin hangan di tanging ipagbaual ang manga gayong libro,, macasasamang lubha sa manga caloloua; dahil dito,, ang santa iglesia, ang manga nasabing puno baga nang santa iglesia, upang mahadlangan hangan macacayanan din lamang, ang gayong manga calaguim laguim na capahamacan, ay mayroong ibinigay sa atin nang manga utos na paraang pagcacaquilanlan nang manga libro, na, cun di pa tanging ipinagbaual, ay dapat nating parahing baual at cun sacali,, basahin ay ipagcacasala natin nang casalanang daquila, na para rin cun basahin ang tangi nang ipinagbaual.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"isusunod co ngang sasaysayin dito ang manga pangulong utos na paraang aquing sinabi, at nang mapagquilala mo, guiniguilio cong bumabasa nito, ang dapat mong asalin tungcol dito sa lubhang mahalagang bagay na icaliligtas nang caloloua mo sa capahamacang ualang hangan. ang caunaunaha,, baual ang lahat na manga libro sa santong casulatan na inihulog nang manga ereje sa uicang castila, cun sa uicang tagalog, cun sa alin mang uica; cun sacali,, cristiano man ang maghulog ay cun ualang pahintulot ang manga puno . caya nga ang lahat na manga libritong hango sa santong sulat sa bagong testamento, na ipinagcacalat na limbag sa oxfort at sa hong kong sa uicang castila at cung magcabihira,, sa tagalog, ay pauang baual sampon niyang manga evangeliong uicang castila cun tagalog caya, na iniingatan nang marami, cun isinasabit sa liig na parang anting anting, ay baual din naman.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"ang icalaua,, baual din ang manga librong sadyang nagtutucoy, nagsasalita, cun nagtuturo caya nang calibugan, cahit doo,, ualang nahahalong maling aral cun erejia caya . alinsunod dito,, baual iyang lahat na manga palasintaha,, auit at corridong paraparang mahahalay, na totoong quinauiuilihang basahing nang caramihang manga tagalog, lalaqui man at babayi man. daming ba pa nang manga nangapapanganyayang caloloua dahil dito sa manga tampalasang auit at palasintahan! cun touirin ninyong mabuti ay agad matatalastas na ang pagcapanganyaya nang di mabilang na manga bagong tauo,, dalaga,, nagmula sa pagbasa nitong manga baual na auit at palasintahan. ang icatlo,, baual naman ang manga devociones cun tauaguin, ang manga panalangin, at manga casulatang quinapapalamnan nang manga pangacong sinungaling, na di umano,, ang manga gayo,, gayon ay ualang di pangyayari .",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"caya nga,, alinsunod dito,, iyang manga panalangin at iyang manga casulatan na di umano,, nalaglag sa langit, at nasumpungang nacababao sa santo sepulcro, sa altar cayang pinagmimisahan nang santo papa at iba,, iba pang ganito na ipinalimbag sa manga panahong ito sa uicang castila ma,, sa uicang tagalog, at ipinagcacalat na mainam nang manga alagad nang demonio, ay pauang baual at ipagcacasala nang sino man ang pagdarasal at ang pagbasa noon, pati nang pagcacalat at pagiingat niyon. ang icapat ay baual din naman ang lahat na manga libro, manga munting fojas, at munti man manga casulatang nagtuturo nang panghuhula, panggagayuma, pangculam, at iba,, iba pa . ayon dito,, ipinagcacasala ang pagbasa,, pag iingat ang manga lunario cun tauaguin nang iba; at iyang lahat na manga casulatang iniingatan nang manga hangal na ualang namumuangan; na marahil cun caya iniingata,, pinaniniualaan ay di umano,, sulat yaon nang manga matatanda na manga hangal pa sa canila.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"ang icalima,, baual na lahat ang manga libro na hangan sa taon at hangan ngayo,, nilimbag lilimbaguing ualang itinuturong pangalan nang sumulat cumatha, nang nagpalimbag, nang pinaglilimbagan, pati nang panahong ipinagpalimbag; at cun sacali ma,, may itinuro ang lahat nang ito,, manga hindi totoo ang itinuturo, at paconouari lamang; sapagca,, ito,, nagpapaquilalang dapat panganibang may taglay na lico,masasamang aral na di dapat basahin nang isang cristiano . alinsunod dito,, ang lahat na manga auit at corrido, na arao arao,, ipinalilimbag na ualang pahintulot, at ualang itinuturong may catha, (na palibhasa,, iquinahihiya ang sinulat ay di ibig na maquilala) ay paraparang baual na lahat; lalong lalo na,, ang caramihan niyang manga auit ay manga punong puno nang manga camaliang di naayon sa manga aral nang santa iglesia.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"gayon din naman iyang manga libro,casulatang ipinagcacalat ngayon sa uicang castila at sa uicang tagalog na uala ring itinuturong may gaua,, may palimbag; at ang laman niyon ay pauang cabulaanang laban sa senor arzobispo at sa manga pareng religioso, na pati nang manga cagalang galang na manga madre religiosa, ay di rin quinaalang alanganan nang tampalasan nilang pluma, ay ang lahat na ganiyang manga libro,, casulatan ay baual na basahin, at ipagcacasala nang daquila ang pagbasa,, pag iingat noon, at lalong lalo na ang pagcacalat. pauang cabulaanan, uica co; sapagca,, cun mapatotohanan nila sana ang canilang manga sinasabi ay hindi nilang ipagmamacahiyang maalaman ang canilang manga pangalan; at cun totoo sana ang laman niyang manga carimarimaring sulat ay ualang sucat icatacot ang may catha man, ang lumimbag man, ang nagpapalimbag, at nagpapacalat caya, cahit sila,, ipaghabla,, isacdal sa justicia nang manga pinararatangan nila nang gayong manga casamaan.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"tunay nga pala na ang manga nagcacalat nang manga gayong sulat na anonimo (ualang pangalan) ay sucat ipaquibilang sila sa manga tauong ualang hiya! ang icaanim ay baual ang lahat na manga librong sulatin cun ipangalat, na ang taglay na laman ay manga maling caisipa,, manga aral na laban sa pinasasampalatayanan sa atin nang santa iglesia . gaya nanga baga nang librong catha nang dr. rizal na ang pangala,, noli me tangere na pinupuri,, binabasang ualang agam agam nang maraming natuturang cristiano, baga ma,, sa pagbasang ito,, nagcacamit sila nang casalanang daquila; sapagca,, ang nasabing libro,, punong puno nang manga erejia,, manga aral na laban sa ating santa religion.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"halos sa baua,, fojas at sa baua,, talata ay may mababasa roong manga sabing sinungaling, manga udyoc na capangahasan, manga nacamumuhi,, mahalay na iparingig sa manga tunay na cristiano, manga paglalapastangan sa manga cagalang galang na puno nang santa iglesia at sa caramihang cristiano, manga pagsisiphayo sa dios, manga camangmanga,, cahunghangang humihicayat sa pagcampi sa tacsil at sucab na si lutero at sa iba pang manga ereje, manga aral na lubhang lihis at manga erejiang tunay; ano pa,, hangan sa umuudyoc upang houag sampalatayanang may dios . ang lahat nang ito,, pauang mababasa diyan sa tampalasang libro, at caya baual na basahin, at ang pagbasa noo,, isang lubhang mabigat na casalanan. at ang may catha noon, ang dr. rizal baga, cun taimtim sa caniyang loob ang manga sinulat niya sa nasabing libro at hindi pa niya pinagsisisiha,, tinatalicdan, ay dapat na ariin siyang tacsil at tampalasan sa dios, ereje at excomulgado .",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"tingni, manga guiniguilio cong tagalog, tingni,, masdan itong caauaaua capoua ninyong tagalog, na pinupuri nang marami sa inyo na parang ualang capara sa carunungan; ualang dao ga sino si rizal; di umano,, capurihan dao nang lahi ninyong tagalog, na sucat ninyong ipagparangalan. at lalong catampatang sabihin, na sucat inyong ipagmamacahiya ang gayong cahabag habag na bulag na loob; sapagca,, siyang caunaunahang tagalog na cusang gumamit nang caniyang camay sa pagsulat nang manga catacot tacot na catampalasanan sa dios, sa ating santa religion cristiana, at sa manga sinasampalatayanan natin.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"bucod pa sa siya,, tampalasan, ay hangal pa naman sa madlang bagay; sapagca,, cun siyasatin ang pagcagaua nang nasabing libro,, isip ninyong hindi ang camay nang may bait na tauo, cundi ang paa nang isang mangmang ang isinulat noon; at halos sa lahat nang fojas ay mapagmamalas na ang gumaua,, hangal na hangal sa paghahanay nang masanghayang pananalita, lalong lalo na sa uicang castila; ang totoong tanging matatanghal doon ang sino man ay ang isang sucab at tacsil na pagcapoot niya sa ating santa religion at sa espana.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"ang icapito,, catapusa,, baual ang lahat na manga librong malaqui ma,, maliliit, ang manga munting calat na casulatan, ang manga diario, at balang nang sulat na ang laman ay lumalaban sa manga aral nang santa iglesia; ang tanang casulatang nagpupuri sa manga camaliang hinati,, sinala nang santo papa, gaya nang manga sinala ni pio sa caniyang casulatang padala sa sangcacristianohan, nang de diciembre de ang balang nang sulat na cumucut ya sa manga santong guinagalang nating sa manga altar, cun nagsasalita caya nang manga cabulaana,, ipinataratang sa canila nang manga gaua, manga uica,, manga acalang di ucol sa cabanalan; ang lahat nang manga librong nanunuya sa manga sacramento,, sa manga ugaling paraang na ipinag uutos nang santa iglesia sa pagmimisa, pagdarasal, at sa iba,, ibang manga gauang magaling; at sa cauacasa,, ang dilang casulatang sa conouari ma,, di conouari ay cumacampi sa manga camaliang aral na laban sa pananampalataya at sa manga mabanal na asal .",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"laban dito sa cautusang itong bigay nang santo papang si pio upang masaula ang manga cristiano sa pagbasa nang mga masasamang diario, ay hindi lamang nagcasala ang manga bumabasa nang balang na sa manga nasabing casulatan, cundi pa naman ang nangacacatulong sa pagpalimbag at sa pagcacalat, gaya baga cun limbaguin, ipagbili, bilhin, pasulat, at iba pa. ang pitong utos na ito,hangong lahat sa libro nang indice sa naturang casulatan ni pio na dapat nating talimahi,, ganapin, cun tunay nating ibig na mapacagaling. bucod pa sa rito,, cun caya gayon ang ipinag uutos nang santa iglesia sapagca,, ito,, utos din naman nang dios, na turo sa atin nang catutubo nating bait; na cahit di ipagbaual nang santa iglesia, at mauala man ang listahan nang manga librong baual na, at cahit di nagcaroon nang manga utos na paraang pagcacaquilanlan nang manga masasamang libro, ay nagtuturo sa atin ang catutubo nating bait na di dapat basahin ang manga gayong librong masasama .",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"at sa catunaya,, magsabi ca sa aquin: di caya baga mabigat na casalanang laban sa icalimang utos nang dios ang cumain cun uminum caya nang lasong icatatapus nang sariling buhay, at icamamatay nang ating catauan? ay ano di caya baga lalong mabigat na casalanan ang cumain nang lasong icatatapus nang buhay nang atin caloloua, na icamamatay baga niya dahil sa pagcauala sa caniya nang pananampalataya? diyata,, pinatotohanan co sa iyo na ualang mabisang lasong icamamatay nang ating catauan na sucat mapara sa lasong taglay nang masasamang libro; lasong sacdal nang bisa sa icasisira nang pananampalataya,, icamamatay tuloy nang ating caloloua; lason ngang camatay matay na capag nahahalata nating nasisilid sa ano mang casulatan ay catungculan nating pangilagan, at cun dili,, magcacamit tayo nang mabigat na casalanan cun ituloy nating basahin.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"caya nga ualang maimatouid ang maraming bumabasa nang manga librong limbag ma,, sulat camay, gaya nang manga cay rizal na ang itinututol nila,, di pa ipinagbaual sapagca,, cun di pa tanging ipinagbaual, ay baual na talaga, ayon sa manga cautusang sinasaysay na; at bucod pa sa rito,, capag naquiquitang may lason nang manga erejia at manga lisiyang aral ay ipinagbabaual nang catutubo nating bait, na nagpapaquilala sa ating yao,, utos nang dios. sucat na lamang na sabihin sa iyo nang confesor nang ibang mabait na sacerdote, cun nang iba pa mang tauo na nacacaalam, at cahit icao man ang macamasid na ang gayong libro,, masama, at pagdaca,, dapat mong bitiua,, ibigay sa iyong confesor cun sa iyong amang cura, at cun dili caya ipagatong mo sa apoy; sapagca,, cun pabayaan mo muna sa bahay may panganib na mabasa; at ang cusang lumalagay sa panganib ay diyan siya mapapanganyaya uica nang dios espiritu santo.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"caya nga, cristianong bumabasa nito, ay houag cang paraya sa iyong sarili, na gaya nang ibang marami na ang acala,, hindi totoong nacacapahamac ang pagbasa nang manga masasamang libro; sapagca,, hindi masama lamang, cundi casamasamaan ang quinasasapitan nang sumusuay sa manga utos na ito. ay capatid co! sinong macapagsasalaysay nang manga casiraang nangyayari sa manga caloloua dahil sa pagbasa nang manga masasamang libro? doctor sarda: na ang isang masamang librong may taglay na manga tacsil na udyoc, cun manga mahahalay ang halimbaua ay higuit ang casamaan sa mapagcanulong caibigan, higuit ang cahunghangan sa mahunghang na maestro, at lalong dapat capootan sa magdaraya,, mapaghibong tauo. ualang imic imic, at di nangadaramdaman ay unti unting binabagbag ang puso, inililigao ang lalong matalinong isip, sinisira ang lalong maayos na cabaitan, hinihila ang calooban sa manga lisiyang asal, pinupucao ang manga mahahalay na pita, pinapaniniig sa maruruming gaua at malibughaang casalanan.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"ano caya ang dahil na yaong binatang dating mabait at masunurin sa magulang ay ngayo,, naguing mapagyabang at ualang cahihiyan? cun ano,, yaong dalagang dating masayang loob at mahinhing asal ay ngayo,, laguing namamanglao at caguitla guitlang ugali? cun sino ang nagnacao sa canila nang cabaitan, nang cahinhinan, nang casayahan nang loob, sampon nang casiglahan nang canilang catauan? yaon palang tampalasang libro, yaong mahalay na auit, yaong carumal dumal na palasintahan, yaong maruruming tula, na paraparang pinatutuloy sa bahay nang ualang pag iingat na magulang! ay sa aba ninyo, manga magulang! at cayo nga ang hihingang sulit nitong manga casiraang iquinapapahamac nang di mabilang na manga masasama na di ninyo pinalalayo sa inyong bahay at sa camay at mata nang inyong manga anac!",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"sapagca,, maniuala cayo,, dili, ay uuliting cong sabihin ang sinabi co nang madalas: ay nagcacasala nang daquilang casalanan ang sino mang cristiano, na baga ma,, natatalastas niyang baual dapat man lamang ipagbaual, ay bumabasa nang manga tampalasang libro. at di lamang nagcacasala ang bumabasa nang manga librong yaon, cundi pa naman ang nag iingat, sapagca,, utos nang santa iglesia na ibigay sa manga puno, cun dili caya,, sunuguin. at nagcacasala rin nang daquila ang magpahiram sa ibang ualang pahintulot sa pagbasa nang masasamang libro. alinsunod dito sa manga sinabi co magpahangan ngayo,, marahil nasain mo, cristianong bumabasa, ang ilang malinao,, tapat na hatol, na parang pinacareglang aalinsunurin; na cun sundin mo naman ay macapangingilag ca sampon nang iyong manga casambahay, manga caibigan nama,, caquilala, sa manga daquilang panganib na laguing nasusumpungan sa pagbasa nang manga masasamang libro.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"isasaysay co nga sa iyo ang manga inaacala cong lalong quinacailangan at lalong bagay sa pagtatamo nang ninanasa nating paquinabang. capag banta mong bumili cun bumasa nang anomang libro, munti ma,, malaqui man, nang diariong may manga lamina,, uala, nang auit man, tula man, maguing limbag maguing sulat camay, ay bago mong bilhin basahin ay dapat mong usisain muna cun baual, cun dili caya; cun dapat maguing baual sapagca,, masama . ang pag uusisa nito,, nacacailangang siyasatin mo cun ang librong bibilhin babasahin ay natatamaan nang alin man sa manga pitong utos na paraang pagcacaquilanlan nang manga librong dapat na ipagbaual, na baual na talaga; at ang lalong maigui sa lahat ay magtanong ca sa confesor, cun sa cura caya, cun sa canino mang banal na sacerdote; at ang paraan na ito,, lalong magaling, sapagca,, malalayo ca sa panganib nang pagcacamali.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"dapat mong tandaang pinacalandas di dapat sinsayan ang houag bumili, at houag bumasa nang ano mang libro, auit, at casulatang uala sa unang fojas na may lubos na pahintulot ang manga. sapagca,, ang ayao humingi nang pahintulot sa manga puno ay marahil hindi cristiano, at cun ganoon sucat nang ipaquibilang sa manga baual ang quinathang libro; at cun cristiano naman, at ayao humingi nang pahintulot ay hayag siyang souail na cristiano, at masasapantahang magtuturo nang camalian. tanto cong magaling na yaong ibang libro,, di nagcacailangan nang pahintulot, at nang mailimbag; at mababasa nga cahit uala ang gayong pahintulot; datapoua,, sang ano man ang pag iingat tungcol dito,, alangan pa; sapagca,, sa casamaang nang manga panahong quinalalag yan natin ay pati sa manga librong di nagcacailangan nang pahintulot, cun magcabihira,, iguiniguiit din ang manga erejia at manga lisiyang aral: caya nga cailangan din sumigao na ualang tugot: caingat cayo sa manga masasamang libro,, casulatan!",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"napagunaua mo na marahil, na sa toui cong sinasabing cailangan ang pahintulot nang manga puno ang tinutucoy cong manga puno ay ang sa santa iglesia, ang santo papa baga at ang manga poong obispo, palibhasa,, sila na lamang ang macahahatol nang cagalingan at casamaan nang ano mang libro. cun totoong totoo,, ninanasa mong houag magcamali dito sa daquilang bagay na ito, ang lalong mabisang paraan, na nasasaclauan nang lahat na manga ibang paraang iyong mapipili, ay ito nga: na houag cang bumili, at houag bumasa nang ano mang libro, diario, auit at ano mang casulatan na di ca maquipagsanguni muna sa iyong confesor, sa iyong amang cura, cun sa ibang banal na sacerdote. at ito rin ang dapat mong ipasunod sa iyong manga nasasacupan .",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"sapagca,, doon pa sa manga librong hindi masama, at may pahintulot ang manga puno sa paglimbag, ay marami rin ang di mo nararapat basahin, sapagca,, marahil macasasama sa iyo; at caya ualang macapaghahatol sa iyo nang tapat gaya nang manga may catungculang magsaquit sa icagagaling nang iyong caloloua. sundin mo nga, guilio cong cristiano, itong manga bilin co sa iyo, at ipasunod mo naman sa iyong manga nasasacupan, at hindi ninyong icapapanganyaya ang manga masasamang casulatan. at cun sacali,, dala nang di ninyo carunungan nang dacong arao ay may pinatuloy cayo sa inyong bahay na manga librong masasama ay inyong pagsicapang hanapin, ay dalhin ninyo agad sa amang cura cun sa confesor, na ito nga ang lalong magaling; nguni,, cun di ninyo magagaua ito,, sunuguin ninyong tambing. sunuguin, sunuguing ualang aua,, hinayang sa salaping ibinili niyong manga libro, at nang houag cayo,, masunog sa infierno dahilan sa canila. ay capatid co!",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"cun tularan mo sana ang magandang halimbauang ipinaquita niyaong isang babaying nangangalacal nang libro ayon sa sinasalita ni. mach sa caniyang librong tesoro del catequista: nang malapit nang mangyari yaong balitaa,, malaquing pagcagulo doon sa caharian nang francia, ay may isang babaying nangangalacal nang libro na dinatnan nang balita, na si. borgar (beauregard) ay lubhang mariquit na magsermon, na caya nga hinahangaan siya nang lahat na taga paris. dala nang balitang ito,napasa simbahan nang nuestra senora de paris ang nasabing babayi, at gayac siyang maquiquinyig nang pangangaral nang pareng yaon; at nagcataon naman na ang manga sinasabi nang pare noong gabing yaon ay pauang nauucol sa manga masasamang libro. ang naturang babayi, baga ma,, timtima,, may puri, ay nagbibili nang manga librong laban sa ating santa religion at laban din sa magagaling na asal.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"anaqui nabulagan siya nang casaquiman sa salapi, gaya nang pagcabulag nang maraming naglalaco,, nangangalacal nang manga mahahalay na palasintahan, auit, corrido at iba,, iba pang manga masasamang casulatan at di nila inaanumana ang manga casalanang di mabilang na quinacamtan nila, at ang manga quinacamtan nang iba dahilan sa canila. nguni,, ang babaying yao,, dahil sa pangangaral nang pare ay iminulat niya ang mata nang caniyang isip, caya,, napagquilala, na ang manga tampalasang librong lumalaban sa santa religion, at umaaquit sa maruruming hilig nang catauan, ay parang bucal nang camatay matay na lasong sumisira sa caloloua,, puso nang tauo; at ang manga nagpapalimbag, nagbibili, cun tumutulong sa papaano mang paraan nang pagcacalat sa manga gayong libro ay catulad nang manga manglalason; at darating ang arao, at sila,, hihingan nang panginoong dios nang mahigpit na pagsusulit sa manga caguluha,, casalanang nangyari dahil sa canila.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"halos di nga magcasiya sa loob nang babaying yaon ang sisi sa sarili, at napag unaua na ang pangangalacal niya,, lubhang di carapat dapat sa isang calolouang may iniingatan pang cahihiyan at pagquilala sa dios; caya nga,, minabuti niyang lisanin magpacailan man ang paghahanap buhay na yaon. nang matapus ang sermon ay tinungo niya ang bahay nang pare, at nagsabi sa caniya nang ganito: aquin napagquiquilala, ama co, ang cadaquilaan nang aquing pagcacasala sa pagbibili co nang manga masasamang libro; nguni,, yayang minulan na ninyo ang paggamot sa aquing caloloua,, lubusin ninyong pagcagalingin: pumaroon po cayo sa aquing tindahan, tignan ninyo ang manga librong naroroon, at sunuguin po ninyo ang lahat na mamasamain ninyo. sang ano man ang maguing capangaluguihan co, at mauala man sa aquin ang lahat cong manga tinubo, ay mamagaanin cong lahat, houag lamang mapacasama ang aquing caloloua . borgar ang gayong magandang banta, at nangacong tutulongan siya sa pagganap nang caniyang ninanasa.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"quinabucasa,, naparoon siya, ibinucod ang manga masasamang libro,, itinuro sa babayi, na quinuha nito,, isinugbang lahat sa isang malaquing siga na caniyang inihanda. ang halaga nang manga sinunog na libro,, mahiguit dao sa sanglibo,, dalauang daang piso; at magmula noo,, pinagtiticahan niyang mahigpit na hindi na magbibili nang manga ibang libro, cundi yaon lamang macapagpapagaling sa manga caloloua. tularan naua itong magandang halimbaua nang manga sederang naglalaco nang manga bagay bagay na auit at masasamang libro! tularan mo rin nga, guiniguilio cong bumabasa, cun sacali,, sa manga nacaraang arao,, di ca nagpacaingat capara nitong babayi; at tungcol sa haharaping arao ay houag cang lumihis munti man sa manga itinuro sa iyo dito sa libritong ito.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fr. José Rodriguez,"at isinasamo co pa sa iyo na ipaquilala mo ang libritong ito sa iyong manga hinlog, manga catoto,, manga caquilala, at nang sila nama,, gumanap nang manga bilin dito: at cun magcaganoon ay mahahadlangan ang marami sa manga capahamacang dala nang masasamang libro,, casulatan. loobin naua nang catamis tamisang puso ni jesus at nang calinis linisang puso ni maria, sampon nang maloualhating poon san jose, na pagpalain nila,, gauaran nang mahal nilang bendicion itong munti cong pagod, upang mapaquinabangan nang manga caloloua, at mapatungcol na lahat sa lalong capurihan nang dios. fr. jose rodriguez religioso sa orden ni san agustin.",0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla," sa kabilang dako ng tanawin ay kakahuyan at bundukin at sa kabilang dako'bahagi ng dagat. isang bangkang lunday ang nakapugal na bay bayin. lalabas ang coro ng kabataan na boong lugad na nagaawit. (lahat) tayo na'magpaliguan dito sa dagat na tabang tubig niya'sakdal linaw anong sarap! anong inam! (lalaki) banka'atin nang ibunsod at sabayan ng pag gaod kapit kayo'mahuhulog mahirap na ang malunod. (babai) anong sarap na aliwan ng mamangka sa dagatan huwag kayong magagalaw ang bangka ay gumigiwang. (lahat) tayo na'maglusungan sa tubig na sakdal linaw hayo na'maglundagan anong sarap manimbulan! magpapasukang lahat sa loob. si rizal ay lalabas sa kabilang dako na wari'may hinahanap. rizal: ako ay iniwan. hindi na inisip, ang nagsisiluhang ina at kapatid, nagpasasang lahat sumimsim ng tamis ng pagliliwaliw. at kami'sa sakit.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"anong pagkahirap ng ganitong buhay maraming kapatid ay di maasahan, ang nangatuturing na mga panganay na dapat huwarin sa mabuting asal, sa landas ng puri'dapat na mag akay at dapat magsikap ng ikararangal, ng kanyang kaanak, ng kanyang pangalan, ay siyang nagiging masamang huwaran at dumog sa hilig na napakahalay. ang tanang pag asa ng ina kong giliw ang kabinataang dinaladalangin, siyang tatawagan, aking ituturing yaring kalagayang balot ng hilahil. nguni'hindi kaya ariing aglahi ng mga kapatid ang gayong mungkahi? (mag iisip ng boong alinlangan) sa ano'ano ma'aking luwalhati, ang agad malaman yaring pagwawari. anyong hahanapin, sa kabilang dako'lalabas ang kabinataan. kabinataan: ang buhay ng tao ay isang pangarap isang kasayahang walang makatulad ang di magtamasa ay hangal at uslak laging magtitiis, laging maghihirap. rizal: (sa sarili) ang kabinataan. (lalapitan) kayo 'siyang pakay talagang sadya kong kayo'tatawagan, sana'isasamong si ina'kawaan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"(tunog) ibig baga ninyo mga hinihirang na samahan ako'siya'saklolohan? kabinataan: kami ay may lakad; huwag abalahin at ang kasayaha'dapat tamasahin, hindi mo ba tantong ang hindi sumimsim sa kanyang tagayan ay mangmang baliw? (hihimukin) sumama ka rizal, sa ami'sumama at doon pahirin ang bakas ng dusa. rizal: (malungkot) sumama pa ako?. kabinataan: (pakutya) si ina?. (pasubali) tawagan na muna ang mga panganay: rizal: kayo'kapatid ding dapat na asahan; kabinataan: sila'siyang unang dapat na dumamay. rizal: samahan na ako. tayo na'suyuan. kabinataan: nalalaman mo nang kami ay may lakad. rizal: matitiis kayang hindi bigyang lunas ang sakit ni ina sa gitna ng hirap? kabinataan: may panahon pa rin. (aalis) rizal: kung tapos nang lahat. mapagiisa si rizal. rizal: ang aking pag asang mangakakatulong na mangag iibis ng dusa'lingatong, di man nabahala sa tapat kong lungoy, hindi man dinigig. agad nang yumaon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"masayang masayang parang walang malay, nagsasamantala ng galak sa buhay; parang mga musmos na di nalalamang ligayang sandali'agad napaparam. (mayuyukayok sa isang dako ng tanawin na waring may iniisip.) lalabas ang mga diwata na mag aawitan ng kaakit akit. si ingit at si sakim ay sa kabilang dako. anangki: mga diwata kong hirang inyong akitin si rizal; akitin mo kagandahan, ganda ang iyong ialay. kagandahan: siya'aking lalambingan. anangki: ikaw naman kasayahan pilitin mong siya'mapukaw. kasayahan: sa puso'siyang bubuhay. anangki: tulungan mo karangalan gayumahi'nang masilaw karangalan: aalayan ko ng dangal. anangki: akitin mo kayamanan ng salaping makikinang. kayamanan: sisiluin ko ng yaman. anangki: hayo na at siya'lapitan at gisinging malumanay. mga diwata: tayo na'ating gisingin halina'atin siluin alayan natin ng lambing upang siya'sumaatin. rizal, rizal, gumising na silayan kami ng mata asahan mong liligaya'malilimot ang balisa. anangki: rizal, ano'namamanglaw?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"baki'ka ba nagdaramdam? sabihin mo, iyong tura'ako'handa sa pag damay rizal: dahilan kay inang mahal na nagagapos ng lumbay. anangki: ah! yaon ang dahilan ng di mo ikatiwasay? ibig mong aking lunasan ang mga sakit sa buhay? rizal: (sa sarili) oh pusong napakarangal! (sa kausap) kayo ay pagtatapatan ang tanging pag asa, ang kabinataan, ang nangatuturing na mga panganay ang dapat lumunas, ang dapat dumamay ay na nga hihimbing, at nalilimutang sila'may ina pang dapat paglingkuran. anangki: dahil lamang doon, ikaw ay nalumbay? ayokong makitang sino may lumuha, kaya'tangapin mo ang aking kalinga. ako'si anangki. ako'si tadhana. nariyat kasama ang tanang diwata. (tatawag) kagandahan: siya, kayo'magpasasa pawiin kay rizal ang bakas ng luha iyong ipatantong ikaw ang hiwagang hinababol habol ng tanang makata. at siya'suyuin ng boong pag giliw, sa kanya'idulot ang timyas ng lambing, siya'dalhin mo sa mga tanawin ng mga pangarap. kagandahan: akin pong gagawin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"(lalapit at hahawakan si rizal) halina, halina sa bayan ng tuwa, limutin na rizal ang mga pag luha, puso ko'puso mo'mag iisang diwa at magasusumisid sa dagat biyaya . ikikitil kita ng mga bulaklak at siyang idadampi sa pusong may hirap kita'susuubin ng aking pag liyag ng sa pighati mo'siyang maging lunas, siya na ang sakit. rizal: (alinlangan) hindi ko magawang agad na sumimsim ng ala'mong tuwa; ang ina ko'siyang sumasagunita mandi'nakikitang lunod na sa luha. kagandahan: pawiin sa loob ang tanang isiping makapagdudulot ng dusa'hilahil at ngayo'panahong ating tamasahin ang galak sa buhay na sumasaatin. buklatin ang pusong iyong iyo lamang, tanging makikita'pagsintang dalisay tahas masasabing tanging tanging ikaw ang itinitibok ng puso ko'buhay. pawang tuwa'suyo, ang ipakikita ng nananabik kong puso sa pagsinta'di ka babahiran bahagya mang dusa. rizal: tunay ang sabi mo? anangki: yao'nasulat na, nang lalong maganap ang dulot kong alay ngayo'kilalanin ang isa pang abay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"(tatawag) kasayahan. lapit: siya ay alayan ng tanging samyo mong kabangubanguhan. ang mga mata mong kapilas ng langit, ay tanging kay rizal dapat mong ititig; ang masayang ngiting sa dusa'pambihis, ang mabining kilos na nakasakit ang mahinghing anyo, ang timyas ng halik, ang gandang sariwang laging nagtatalik, ang matang mapungay, ang diwang malinis, idulot kay rizal. kasayahan: ganap na ang nais! rizal: (hangang hanga) ito kaya'tunay? kasayahan: hindi panaginip. anangki: (tatawag) karangalan. siya ay iyong putungan ng nakahihiling iyong katangian: gawin mong si rizal ay laging hangaan sa boong daigdig ng lalo mang paham. ibig kong makita na siya'kapiling ng lalong bayani, ng lalong magiting, ibig kong makitang siya'pintuhuin ng tanang linalan. karangalan: ang gayo'gagawin. anangki: at kulang pa yata. (mag iisip) ah! kayamanan: ako po'utusan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"anangki: ngayon di'gampanan, yarin tagubilin, sa ikatitibay na kanyang ligayang walang katapusan; sinupin mong lahat, na ang kayamanang mahahagilap mo sa boong tinakpan, ang lahat at lahat ay iyong ialay kung kailanganin ng batang si rizal. rizal: (magalang) bago ko tangapin ang tanang biyaya'bayaang ialay ang aking paghanga. anangki: sila'alipin mo; ang mga diwata'iyong iyo lamang. hayo'magpasasa. rizal: (magalang) anangki, salamat. (sa mga diwata; boong tamis) halina kay ina oh! mga giliw kong panglunas sa dusa, tayo na'piliting siya'lumigaya, yamang ako'inyo, kayo nama'kanya. lahat: (sabay) di kami nanayag. kagandahan: ang kahi ma'sinong magnais umagaw ng biyayang iyo, iyong iyong tunay ay aming kagalit gagawing kaaway. rizal: sa makatwid, ay. lahat: iyo nang nalaman. kagandahan: na sino'sino mang sa iyo'pumiling, sino mang aagaw ng sariling amin ay sisiphayuin ng siphayong baliw. rizal: (magalang) anangki, tadhana, ako'patawarin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang tanang diwatang kaloob sa akin ay di maaaring aking tamasahin, naiyan, kunin na, muli mong bawiin. anangki: sa anong dahilan? rizal: sa malaking bagay. ako ay di akin, ako ay kay inang, ang kanyang tiisin ay akin ding tunay, ang aking ligaya'kanyangkanya lamang kaya'di maaring ang tanan mong alay ay tamasahin ko at pagpasasaan. anangki: (matimyas) ano pa ang ibig? pinawi kong lahat ang mga hirap mo ng mabisang lunas. rizal: di ko kailangan. nais ko pa'hirap kung akin sarili. aanhin ang galak na di maihandog sa ina kong liyag? anangki: (payamot) at tumatangi ka sa mga biyaya? rizal: (boong saklap) hindi maaari, di ko magagawang ako ay mag isang lumasap ng tuwa. anangki: (boong poot) ako'ginagalit. rizal: (mayumi) ikaw ang bahala. anangki: (galit) ang ngit ngit ni sakim, ang poot ni ingit ang aking higanti'siyang mag uusig asahan; asahang ano mang masapit kita'tatalian ng mga pasakit.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"(tatawag) ingit, sakim, ayan: (ituturo) siya'kilalanin siya'higantihan ng ngit ngit ng baliw sa hapis na buhay, huwag pagitawin at ipaglubugan sa tanang hilahil. sakim: (boong kasiyahan) ako ang bahala; aking nalalaman ang aking gagawin upang pasakitan. sakim: di ako tutugot na siya ay gumitaw aking pipilitin na siya'mamatay. pagbubukas ng tabing ay makikita si rizal nayuyukayok. lalabas ni filipinas na nag aawit ng isang mapanglaw na karaingan. filipinas: rizal, rizal, bunsong hirang ina mo'huag bayaan ina'iyong saklolohan sa dagat ng kahirapan. ang ina mong tumatangis nalulunod na sa sakit wala nang kayang magtiis sa lingap mo'nagnanais. rizal: (alinlangan) anong aking magagawa sa ako'mus mos pang bata. filipinas: sukat ang banal mong nasa kung iyong isasagawa. rizal: (susuyuin) ina! siya na ang pag luha handa akong kumalinga. filipinas: ay rizal ng aking buhay. sa tanang kong katiisan, hininga mandi'papanaw; mga binata'tawagan nang ikaw ay matulungan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hanapin, tawagan sila, ibalita yaring dusa nang kanilang maalalang may tumatangis na ina. at sa kanila'isulit, ang pighating tinitiis ng inang tanging ninibig sa libinga'maghahatid; kailangan ko ang tangkilik. (malulugmok) rizal: (aalalayan) ina. inang minamahal huag mo akong iiwan aanhin ko yaring buhay kung ikaw ay mamamatay? lalabas ang mga panganay na may dalang manok, baraha at bote ng alak. ang mga panganay, si rizal at si filipinas panganay. : mabuhay ang kasayahan! : mabuhay ang paglilibang! laging mabuhay! rizal: (luhog) lingapin ninyo si inang mga kapatid kong hirang ako ay inyong tulungan, kung kayo man ay may buhay ay sa kanya tanging utang. lahat: (pakutya) ohu?. mapagdunung dunungan. (sa sarili) bakit malakas ang sugal hahanapi'kapalaran. filipinas: (sa mga panganay) ay mga anak ko.kayo'nasisinsay sa dapat landasin. : (padabog) aking nalalamang kaliwa'kaliwa at kanan ang kanan. (anyong aalis) rizal: kami na'lingapin. sandaling maghintay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,": (kay rizal) at ibig mo yatang kami pa'turuan?. : kung sana'marunong kaya'mayaman disin ay agad kang pinaniwalaan. : tayo'tanghali na. : halina at iwan. rizal: (boong lungcot) at kami ni ina?. lahat: ating lisan. (sabay ng alis) si rizal at si filipinas rizal: ituro sa akin inang ginigiliw kung sino ang dapat na aking suyuin at pakaasahang kahit puhunanin ang murang buhay kong aking ihahain. filipinas: tanging bunsong nagmamahal ikaw mandin ang nahirang na sa aki'tumangkakal noong bathalang kumapal. rizal: kung magulang yaring bisig. kung ganap na yaring bait, asahan mo inang ibig na sisikapin kong pilit ang sa iyo'pagtangkilik. filipinas: napakabanal ang nasa kung iyong isasagawa ang iyong layong dakila na sa aki'pagkalinga. subalit lalong mainam ang ikaw sana'tulungan ng aking mga panganay na kapatid mo ring tunay. kailangan mong tanglawan ang isip na nadidimlan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tumawag ka kay minerva at sa kanya ay pasama tiising mawalay muna sa nalulunos na ina. siya kita na'iiwan di na ako makalaban sa dahas ng kahirapan. anyong aalis rizal: ina, inang minamahal ang bunso mo'huag lisan. filipinas: kailangan mawalay muna sa namimighating ina. (sabay alis) rizal: (anyong hahabulin) subali'.may matuwid ka, at ayaw mong ipakita sa akin ang pagdurusa at aayaw kang talaga na ang puso ko'magbata. pagsisikapan ko ano mang masapit na sa iyong mata'huag ng tumigis ang saklap ng luhang animo ay batis, pagpipilitan kong magkapatid patid ang tanikala mo ng mga pasakit papasok (tabing na lansangan) lalabas ang mga panganay panganay. : nanalo ka ba? : kung ako'nanalo. ako ay nahughog. : ako ay natalo sa masamang hilig tayo ay nabuyo. tayo na'magbago. maling mali tayo ng tinungong landas, ang lansangang yao'patungo sa hirap; maligoy matinik, mabato'madawag at pawang balahong hindi madalumat. lalabas ang kabinataan ang mga panganay at ang kabinataan kabinataan: oh!",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nasaan si rizal?. kami ay samahan panganay: siya naming pakay ang aming ginawing madumog sa sugal siyang naging sanhi ng sakit ni inang kabinataan: at kami?. kami'nagsisipagsisi panganay. : tayo na; halina'alayan ng puri ang ina'kapatid na laging duhagi. halina'lunasan ang sakit ni ina kalagin ang gapos ng pighati'dusa halina tuntunin ang himok tuwi na ng bunsong si rizal lahat: halina. halina, (papasok na lahat) (bubuksan ang tabing) sa kabilang dako'lalabas si rizal at sa kabilang dako'si minerva. rizal: minerva. minerva, ako ay tulungan ako ay akayin sa landas ng dangal. minerva: ano ang nais mo magiting na rizal? sabihin ng agad. rizal: ang iyong pagdamay ang ina kong minamahal sa pighati'mamamatay; minerva ako ay tulungan, ang hirap niya'lunasan, ang isip ko ay tanglawan ng ningning ng karunungan, nang si ina'maalayan ng bahagyang kaaliwan. minerva: ano ang aking magagawa sa ina mong lumuluha?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"rizal: tanglawan mo ng biyaya diwa kong napakahina, nang sa aki'maniwala, kapatid kong matatanda sila ay nangahihimlay sa mga gawing mahahalay; kanilang nalilimutang mahigpit na katungkulang sa ina ay tumangkakal; ang ina kong minamahal na ina rin nilang tunay sa dusa ay mamamatay. minerva sila'tanglawan ng iyong kapangyarihan. minerva: kailangan magsikap ka kung sa aki'pasasama; ang mithiin mong ligaya matatagpong walang sala. kay panahon ka paakay siyang may hawak ng buhay (tatawag) panahon. panahon: (magalang) ako po'utusan si panahon si minerva at si rizal. minerva: iyong samahan si rizal hangang sa bayan ng dangal panahon: ako ay sunudsunuran sa hari ng karunungan (kay rizal) kumapit sa akin rizal at sa akin ka aakbay; ang lakas ng kalakasan ang sa iyo'papatnubay. magtatagpotagpo ang lahat ng personaje tangi si filipinas ang mga diwata na nakahanda na sa apoteosis. ang mga panganay ay hahanga sa pagkamatas kay minerva at kay panahon. bubuksan nito ang aklat ng buhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"panahon: ibig mong tahuin ang guhit ng palad?. narito'pakingan (bubuksan ang aklat) (babasahin) laging mahahabag sa palad ng lahi na nawawakawak, sa kapabayaan ng dapat magingat na mga kapatid, hangang mapahamak buhay ang kapalit sa ikakakalag ng lubid na gapos ng inang may hirap si ingit, si sakim ay kakatulungin ng mga kaaway na mang aalipin, sila'magtatalik, buhay mo'kikitlin. ang lahat ay tungo sa hatol ng haling. ito ang palad mo na tatalimahin upang mailigtas ang ina sa lagim. kung maganap ito, ganap na ang palad ng inang alipin ng mga bagabag, sa inyong silanga'muli ng sisikat ang araw na bagong maningning ang sinag, wala na ang dusa, wala na ang hirap. sa mga kapatid, sa mga kaanak ay siyang pupukaw, siyang mag uulat ng dapat na gawin sa ikagaganap ng kanilang laya sa araw ng bukas rizal: (boong kasyahan) kung ang kulay pula'kinakailangan na siyang itina sa sikat ng araw dugo ko'ibubo, pangiti kong alay, nang ang kanyang sinag, lalo pang dumingal.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nang agad mahawi ang kapal ng dilim na sa kanyang dilag ay nakatatabing. nang agad sumilay ang kanyang luningning na nasasaputan ng pighati'lagim. tangi kong pangarap siya'maalayan ng saganang aliw habang nabubuhay nais kong makilang pawi na ang lumbay. tingala ang mukha at wala bakas man ng mga tiniis sa nasawing buhay. nais kong makitang siya ay hangaan at tawagtawaging mutya ng silangan . mabubuksang bigla ang tanawin at makikita ng lahat si filipinas at sa kanyang paana'nakahilig ang mga diwata. filipinas: ang sapot na itim ng aba kong palad, ang luha sa matang linipos ng hirap, ang gapos na sakit, ang tanang bagabag, ang mga tiisin na sumasahagap ang lahat ng ito'walang ibang lunas. tangi sa mithi kong kayo'magyayakap. at magkakasamang tumungo sa landas ng ikalalaya sa araw ng bukas. tayo na'siya'samahan samahan natin si rizal sumunod sa kanyang aral si ina'ating bihisan. kaalipina'ibagsak sukdan tayo'mapahamak salubungin ta ng galak bagong araw na sisikat.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,samantalang nag aawit ay unti unting nahuhubdan ng sapot na itim ang inang filipinas at si ingit at si sakim ay masisilaw at mahahanga. dahan dahang ibababa ang tabing.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason," pusong hindi man nalahirang libag nang sala ni adang minana nang lahat, magsaganang bucal na di na aampat pagdaloy nang aua sa balang dumulog na napalilingap. cutang sadyang tibay na nacababacod sa canino pa man palaring pacupcop, mariquit na jarding hindi mapapasoc nang lalong pangahas, sucab na caauay at may budhing hayop. oh daong ni noe, na pinagpitagan nang gahasang tubig sa mundo,, gumunao, tantong maliligtas sa capahamacan ang lumulang tauo, cahima,, busabos na macasalanan. gayon ma,, ang lalong iyong quinucupcop ang napa aauang malinis na loob, ipinanganganib ang lubhang marupoc na catauang lupa na sa ati,, laguing naquiquihamoc. caya ang samo co, pusong lubhang uagas; aco,, ang babasa,, tapunan nang lingap, na houag itulot cami,mapahamac habang nabubuhay sa balat nang lupang lipos nang bagabag. mapagpalang ina,, iyong calingain aco nang puso mong lubhang mahabaguin; houag pabayaang quita ay purihin sa mundo, at saca doon sa cabilang buhay caaua yin.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"cundi ang luhog co,, yaring pagdiriuang ngayon sa dangal mo, buti,, cariquitan, lubos na lumagui habang aco,, buhay at hangang sapitin yaong bayang puspos nang caligayahan. sa manga dalagang babasa nito. cung capanahunan nang pamumucadcad nang balabalaqui na manga bulaclac, sa mata at puso,, nagsisipag gauad nang caligayahang lubhang aliualas. di sucat masabi ang pagcacalinga nang baua,, may ari na nag aalaga,, baca cun malanta ang pananariua tambing na malagas, lumagpac sa lupa. sapagca,, cayo ang nacacatulad nang aquing binanguit na manga bulaclac, at capanahunan nang pamumucadcad nang sigla nang iyong catauang marilag. sa arao at gabi pauang caaliuan sa iyo ay halos ang pumapatnubay, ang dusang mapait bahag ya na lamang ihandog ang caniyang lilong cabangisan. ang masayang tinig nang manga musica ay iguinagauad sa inyo touina; sa bayan nayon, cayo ang ligaya anopa,, cauangis nang manga sampaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"alin mang ligaya anaqui ay culang cundi macasama ang cadalagahan, malungcot ang bahay, ualang cahusayan ito,, hindi sucat ipag alinglangan. cayo nga ang laguing hinahanap hanap nang ibig cumita nang maguiguing palad; baga ma,, cung minsa,, napapauacauac ang mapanibulos sa inyo,, lumiyag. at cayo rin naman ang guinagauaran nang labis na puri at lampas na galang, sa inyo ay madla ang nag uunahan sumunod nang baua ninyong maibigan. bagama,, marahil ang inadhica,, ang bunga nang inyong pagcapanganyaya, cahima,, di ninyo sinasapantaha,, malayong malayo uari sa gunita. at sa inyo naman aquing inihandog yaring duc hang gugol nang isip na capos, marapatin nauang tangapin nang loob ang inadhica co na icalulugod. sa oras na tila ibig mamanglao ang dibdib na gaui sa caligayahan: at nang sa pagbasa ay houag manamnam ang saclap na gauad nang capighatian. bumabasang irog, houag ipagtaca ang lagda nang aquing mabagal na pluma sa gusot na hanay acalain mo nang sa salat ay anong hahanapin baga?",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"inaasahang cong mayroon din naman na puputihin cang bunga,, paquinabang, at houag man amba sa catitisuran na macarurungis sa pusong dalisay. sa may tauang uica na parang aglahi ang magandang aral parang itinahi at sa di nangyaring buhay ay nagbinhi nang isang maayos na pag uugali. cung baga,, mabuti ang iyong matunghan dios ang purihin at pasalamatan; nguni,, cung masama nama,, cahabagan ang laqui nang aquing hindi carunungan. sa tabi nang isang malauac na dagat na pinanununghan nang bundoc at gubat, may isang lalaquing doo,, lumalacad ulol ang cauangis, ualang tinatahac. sa lagay nang anyo,, mapanglao na muc ha mapagquiquilalang may dinaralita, ang buntong hiningang hindi quinucusa nag aabot abot na uala nang tila. ang pananamit pa,, ualang munting ayos at basa nang pauis sa harap at licod, hindi anumana munti man sa loob ang init nang arao na catacot tacot.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"mariquit na buhoc gulong gulong lubha anopa,, mistulang guinusot na cusa, at namamalisbis na manacanaca sa mata ang lalong mapait na luha. anaqui ay ualang matutuhan gauin lalacad nang munti, at saca titiguil, uupo sa cahoy, papagdadaupin ang dalauang camay, labi,, cacagatin. itong tauong lipos nang dalita,, dusa,, marilag ang tindig na caaya aya, ang tabas nang muc ha,, caliga ligaya at buhay na buhay ang daluang mata. noo,, maliuanag, malago ang buhoc, mapula ang pisngi, ilong ay matangos, ang guitling nang liig ay calugod lugod, daliri,, maliit at sadyang bibilog. ang dibdib ay buo, paa ay cabagay nang ugaling laqui nang pangangatauan, malicsi ang quilos; nguni,, namamasdan na nahahalo rin ang cabanayaran. sa caniyang lagay ay mapaghuhulo na may catiisan siyang catutubo baga ma,, cung minsan ay tila susuco sa dahas nang dusang nanaca sa puso. at sa muc ha niya,, mapag uunaua nang macaquiquitang siya,, batang bata cahit nalilipos nang hindi cauasa at lubhang mabangis na pagdaralita.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sa guitna nang saquit niya,, pag iisa humahanap mandin nang macacasama, ang boong acala ay cung maihinga maiisban isban ang tindi nang dusa. di caguinsaguinsa siya,, nacarinig nang yabag nang paa sa dacong malapit, agad natilihan, at ang sumaisip, ito,, capara cong may sucal sa dibdib. mapamaya maya lamang ay naquita ang quinaugitlahang hinabol nang mata, pagdating sa harap niya ay nagbadya eliseo,, baquit, at narito ca? salamat, hortensio, catoto cong liyag at natagpuan mo acong lipos hirap, sa lagay na yari ay humahaguilap nang isang gaya mong may loob na tapat. at aquing bubucsan laman niyaring dibdib na pauang dalita,, suson susong hapis, diua ay uala nang lunas na macapit sa binilogbilog nitong sang daigdig. caya naparito,, aquing linilibang ang dusang habilin nang mama cong hirang, tila tumatangui sampong calangitan umalio sa aquing pusong nalulumbay.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"houag magca gayon, anang bagong dating, laganap ang aua nang dios sa atin: pacaasahan mong hindi magmamalio ang dating calinga sa nahihilahil. caya sabihin mo ang puno at ugat niyang dalita mong sa muc ha,, nalimbag: isinusumpa cong caramay mo, liyag, ang bagong catoto, bagama,, di dapat. at cung sacali ma,, sa sang lingo lamang pagquiquilala ta, eliseong hirang, sumapanatag ca,, iyong namamasdan ang uri nang aquing pag ibig na tunay. tahas na uica cong malayong di palac sa abang hortensio ang gauang magsucab, lalo,, sa para mong sa aqui,, nagligtas doon sa nagnasang buhay co,, mautas. yaring boong buhay alangan pa mandin ibayad sa iyong paglingap sa aquin, dahil sa tulong mo,, siyang nacapiguil sa camatayan cong biglang sasapitin. cung gayo,, halica,, tayo,, mag agapay sa lilim nang cahoy na lubhang malabay: di lamang ang dusa cundi boong buhay ang sasalitin co,, mangyaring paquingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"at ligaya co nang iyong matalastas ang buhay na yaring silo silong hirap, nang ang paglingap mo,, siyang maguing lunas na lubhang mabisa sa pusong may sugat. ang magandang asal na dapat pasimulan mula sa cabataan . sa limang capital nang perung calac han masaganang ciudad nang maraming yaman; siyang naguing palad na quinamulatan niring manga matang sa pagluha,, laan. nanariua ngayon dini sa gunita ang camusmusan cong quinandong nang toua; manga magulang co,, ang laquing adhica masunod ang aquing balang ninanasa. caya,, ang uica co,, sa buhay nang tauo, oh catotong ibig, guilio na hortensio, ay maicacapit ang ngalang paraiso sa buhay nang batang bago pa sa mundo. sapagca at ualang munting ala ala sa gutom at puyat, sa dusa,, pangamba; loob ay payapa, laguing nagsasaya sa inang candungan na nagcacalara. ang lahat nang bagay sa sang daigdigan pauang naghahandog nang caligayahan, di nagugunita yaong camatayan quiquitil nang buhay sa sang catauhan.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"balang macaquita ay nangalulugod at catuoa toua ang lahat nang quilos, pagca palibhasa,, malinis ang loob at ang cumacasi,, ang gracia nang dios. ganito ang aquing dinaanang buhay nang cabataan co cay inang namatay: oh cung mangyayari sanang pagbalican ang cauili uili,, mapalad na arao! di co na nalasap ang layao cay ama, yayamang hindi co siya naquiquilala, icalauang taon nang edad cong dala siyang pagcamatay aco,, nan ulila! nang aquing sapitin icapat na taon pangungulila co,, lalo pang nag ulol, ang masintang inang lubhang mapag ampon binauiang buhay nang dios na poon. sa pagpipighati di lubhang nalugmoc, palibhasa aco,, cabataang puspos, natuyo ang luhang sa mata,, naagos, ang ama co,, ina,, lubos na nalimot. naguing parang ama na nagcacalinga capatid na bunso nang ina cong mutya, ang pagpapalayao ay cahanga hanga sa palad cong yari na napaca aba.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ang mama cong ito,, isang bagong tauo, ang edad na dala ay dalauang puo,, pito, may loob matanda at di nagugulo sa manga dalagang paroo,, parito. pangala,, prudencio, banayad ang asal at sampo nang quilos ay hindi magaslao, mahusay mangusap naman at magalang sa cahima,, sino na macapanayam. ualang pangalauang magturo,, humatol sa nasasalatan, para co nga ngayon, dunong na umalio sa nalilingatong, sa ulila nama,, lubhang mapag ampon. sa boong maghapo,, hindi nauaualan nang quinacalinga na caabalahan, at namamahala sa naiuang yaman nang manga nuno cong caniyang magulang. pagdating nang gabi aco,, tinatauag, at tinuturuan nang gagauing dapat, caya sa puso co,, dili nacacatcat ang aral nang aquing mamang liniliyag. nang aco,, arala,, bata pang maliit nang dapat asalin nang tauong may bait: pinangungunahan aco sa pagsambit sa ngalan nang dios, lumic ha nang langit.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sa touing umaga, ay bago co lisan ang lubhang malambot na aquing hihigan, unang babatii,, pasasalamatan ang langit sa dilang biyayang quinamtan. pinag iingatan ang bata cong dibdib na houag sayaran nang sa salang dungis, at lagui na acong pinapananalig sa aua ni mariang inang matangquilic. tacot ay di gayon nang mama cong irog aco ay mahilig sa may lasong lugod, na ipinapain sa bata cong loob nang marayang mundong madaling matapos. at sa aquing puso ay ipinupunla pagsinta sa hari nang langit at lupa, gayon sa sarili, at sa tauong capoua, saca ang maganda,, loob na payapa. halay ay di gayon, nitong mama co, nang batang lagui nang naquipagtalo, palalong mangusap, anaqu,, demonio, ualang munting aua sa capoua tauo. dila,, tampalasa,, ualang pacundangan sa matandang tauo,, hindi gumagalang, ang masamang bibig binubuca lamang ay ang sinasabi,, di na aalaman. ang pagbubulaa,, pag uupasala, paninirang puri, paglibac, pagcuta at iba pang singao nang masamang dila inuulit ulit na ibinabala.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"di mamacailang sabihin sa aquin na ang catamara,, aquing susupilin, at hangang bata pa,, dapat hiratihin sa pagod at puyat ang catauan co rin. ang tauong touina,, ualang guinagaua sa boong maghapon cundi magsalita, sa nacaquiquita ay cahiyahiya, at nacamumuhi sa loob nang madla. cataua,, masagal, di paquinabangan tungcol sa gagauin na may casaysayan, paroo,, parito siyang catungculan at ang inuuncat buhay nang may buhay. ang ganitong asal ay tantong malapit sa madlang dalita, hirap at panganib, pagca palibhasa,, hindi iniisip ang huling sandaling sasapiting pilit. inaalintana,, di nahihinayang sa arao, at oras na nacararaan, sa toui touina,, tila namamanglao at ualang magaua na anoman lamang. tayong nauiuili sa pagsasalita nang bago at bago na manga balita: ano caya bagang ating mapapala sa buhay na itong dapat icacutya? dili natin tanto,, darating na pilit ang arao at oras, na tacda nang langit, na hihingan tayo nang cuentang mahigpit sa tanang guinauang buctot at matouid?",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"tayo na nga lamang ay napararaya sa hiling nang ating catauang masama; ang mama mong imbi unang una na nga: iyong patauarin dios na daquila! di pa sucat ito ay idinuructong parang pahimacas sa lahat nang hatol, icao ay bata pa,, dapat na magtipon nang magandang asal habang may panahon. at nang cung tumandai,, houag cang magsisi sa di carunungan nang bait mong imbi, at pag nagcataon masasabisabi dica tinuruan nang gauang mabuti. anopa,, sa aral nang mama cong ibig nabubucsan naman yaring pag iisip, saca unti unti nanasoc sa dibdib ang sintang dalisay sa hari nang langit. capagdating dito,, nag uica pagcouan itong si hortensiong parang napamaang: pasalamatan mo yaong calangitan, ang naguing mama mo,, dunong na umaral. sa cay eliseo namang isinagot, di co linilimot ang aua nang dios, palalaguiin co hangang sa malagot ang tangang hininga,, buhay co,, matapos. ang pinagcautangan nang buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"isa namang gabi,, aco,, quinauayan nang guilio cong mamang labis na magmahal, aniya,, dinguin mo ang ipagsasaysay cun sa natutulog ay parang pamucao. pacatandaan mo ito at iguhit sa caibuturan nang puso at dibdib, at isa sa samong utos niyong langit sa lahat nang tauo nitong sangdaigdig. icao ay bata pa niyong camatayan nang masintang ama,, inang mapalayao: houag mo rin, bunso, namang calimutan, iyong idalangin sila nang mataman. liban na sa dios bilang pangalaua dapat na suyuin ang ama at ina, igalang at sundin utos na bala na at houag bibig yan anomang balisa, ang uica ni platon, filosofong paham, ay dios sa lupa ang manga magulang, pagca,, pangalauang pinagcautangan, nang tauo sa mundo nang ingat na buhay. ang sila,, igalang tantong nararapat, suyo at pagdama,, laguing igagauad, tuloy abuluyan sa madlang bagabag, pighati,, dalita, anomang hirap.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"at ang manga anac na nagsisigalang sa canicanila na manga magulang, tantong naghahanda nang caguinhauahan dito,, saca doon sa cabilang buhay. dapoua,, ang lilo na may asal ganid sa manga magulang culang nang pag ibig, dito pa sa lupa,, lalasap na pilit nang pait nang dusa,, saclap nang hinagpis. para nang nasapit niyong si absalon nasabit ang buhoc sa puno nang cahoy at doon namatay: oh parusang ucol niyong calangitan sa may pusong gayon! ang nasapit naman niyong ualang galang na anac ni noe na pangalan ay cam, siya,, naruhagui sampong boong angcan, sa canilang muc ha sumpa,, napaquintal. caya, eliseo, cung tanto mong ibig na ang iyong buhay sa mundo,, lumauig, manga magulang mo,, mamatay man cahit sa lupa ay houag catcatin sa dibdib. yamang hindi na mangyayari naman ang paglingcuran mo sila at igalang, iyong idalangin sa poong may capal caloloua nilang sa mundo,, pumanao. ang hiyas nang isip.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"icapitong taon nang aco,, sumapit, na capanahunang pagsilang nang bait, tantong minarapat nang mama cong ibig sa isang maestro aco,, ipahatid. ang ngala,, pancracio, pangalauang mentor cung sa cabaita,, gayondin sa dunong, siyang minabuting sa aqui,, mag ampon, magturo,, umaral nang gagauing ucol. sa anyo at muc ha parang naquiquintal ang caguilio guilio na magandang asal; at sa bahay niya,, aco,, pinatahan yamang nalalapit ang caniyang bayan. minulan na niyang tiquis isinabog ang lunas na aral sa bata cong loob, at sa aquing bait ay ipinapasoc yaong carunungang camahala,, puspos. nguni,, pahintulot niya ang maglibang sa capoua co batang nagsisipag aral, at isa nga rito,, naguing caibigan mahiguit sa isang capatid na tunay. pangalan ay fidel, matalinong bait pandac na lalaqui,, mariquit ang voces, quinauiuilihan nang balang dumingig ang lubhang maayos niyang pagsusulit.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"mapusoc ang loob, lubhang salangapan ang aquing napiling unang caibigan; datapoua,, dahil sa mabuting aral ay cabaitan din ang namamag itan. puso,, bahag ya na dalauin nang sindac, anaqui ay laguing nasa sa panatag, inaalintana anomang bagabag, caya nga,, malapit sa pagcapahamac. pagca,, ualang hantong sa balang maisip at dili gunita anomang panganib, houag lamang hindi masunod ang nais; nguni,, sa hatol co,, siya,, naquiquinig. ang ugaling ito ay binagong cusa nang naturang fidel, aquing cababata mulang mapag uari niya,, maunaua na sa cotouira,, tantong nalilisiya. aquing quinasama habang nag aaral ang tapat na loob na catotong hirang; dito nalathala yaong catalasan nang isip ni fidel na quinahangaan. aming iniraos ang pagsusumaquit nang maliuanagan ang malabong bait: lacad nang bituin aming iniisip, saca ang sa arao na laguing pagliguid.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ang lahat nang bagay nating natitingnan sa balat nang lupa na may caramdaman: ang tauo,, ang hayop, at ang uala naman na para nan bato at manga halaman. gayon din nga naman yaong manga diua na ualang cataua,, espiritung paua: ang hari sa langit na di matingcala, caloloua nati,, angeles na madla. at itinuturo nang maestro namin ang ugaling dapat sa mundo,, asalin: na ang catouirang aalinsunurin; ang masamang gaui nama,, susupilin . ang tatlong daquila nating catungculan: una ay sa dios na dapat igalang, at sintahin lalo sa lahat nang bagay, itanim sa puso habang nabubuhay. at paano cayang hindi iibiguin yaong cagalingang ualang macahambing? malauac na dagat na hindi malining nang lalong mataas paham na querubin. ang caniyang sinta,, laguing nag aalab sa linic hang tauo na aliping hamac, na pinapanaog ang bugtong na anac sa caalipinan nang tayo,, maligtas.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"tungcol sa sarili pangalaua bilang nang aquing sinabing manga catungculan, pag ingatan baga,, mahalin ang buhay; nguni,, lalo pa nga yaong ualan hangan. saca ang icatlo,, pag ibig sa capoua, tulungan sa dusa, pighati,, dalita: di co na sayuri,, lalauig na lubha ang itinuturong cagalingang paua. sa oras nang aming pagpapahingalay sari saring laro,, pinag aaliuan, na may tumutula,, may nag aauitan: tignan mo ang aquing sa virgen ay alay: pag asa sa ina nang aua. icau na tacbuhan niyaring abang puso sa anomang dusa na sumisiphayo, sa lilim nang iyong ampo,, nagtatago itong alipin mo, taglay ang pagsuyo. icao ang ligaya cung aco,, malumbay, matibay na moog niring cahinaan, saclolo cong tangi sa capanganiban at sa aquing isip ay caliuanagan. icao ang tinudla nang aquing pag irog, bilang pangalaua nang anac mong jesus, pagsambit sa iyong ngala,, naghahandog, sa puso nang lalong dalisay na lugod.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"icao ang maestra nang di carunungan, mabisa cang lunas nang saquit na tanan, masaganang batis na binubucalan nang tubig nang graciang mapagbigay buhay dahilan sa iyo,, ang bayan nang hirap ay inaari co na edeng mapalad, mahina cong loob ay mapapanatag sa huling sandali na casindac sindac. dahil sa tulong mo ay madadalisay, lilinis ang pusong sa dilag mo,, alay; ang bininhing sinta,, iyong alalayan nang houag malanta magpacailan man. dahilan sa iyo,, mapapauing pilit ang ulap nang ibang sintang maligalig, lulucso ang diua, tatahip ang dibdib sa caligayahan na gauad nang langit. hangan dito, ina,, ticang pagtamanan pagpuri sa iyong manga cagalingan; di linilimot naman ang pag galang sa iyong esposong calinis linisan. ano,, nang matapos ang pagbasa nito; tila mabuti na, uica ni hortensio, na tayo,, umoui, at sa cuarto mo ay ualang diringig cundi lamang aco. cung ano ang buhay siyang camatayan .",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sa bahay nang isang laqui,, ugali, pinto,, bahag ya na nabuc san nang munti, at sa loob nito ay may natatali isang asong galgo na nacalupagui. sa lual nang bahay may isang halaman na di co masabi cung ano ang ngalan, daho,, malalapad, sanga,, malalabay at ang isang silid ay nalililiman. sa lupa,, nagcalat na lumilipana yaong tinatauag nating macahiya, ito,, tumutungo,, nangangayupapa sa capoua damo, anang manga bata. nang isang tanghali mana ay pumasoc dalauang binatang tumatacbo halos, sa pauis nang muc ha,, hingang nangangapos mapagquiquilalang malaqui ang pagod. ang dalauang ito,, di co na sabihin at quilala mo na, bumabasang guilio, ating pabayaan cung anong gagauin, salitaan nila,, pilit tatapusin. di naghantonghantong camunti man lamang nagtuloy pumanhic sa naturang bahay, at ang isang silid agad na binucsan at capagcapasoc ay muling sinarhan.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"nag upuan sila,, tica,, mag uusap sa dalauang silla na nagcacatapat, isa sa canila,, pagdaca,, nangusap: ganito ang dinguin, bumabasang liyag. ani eliseo sa catotong ibig, labing ualong taon ano,, nang sumapit, dumating ang isang sulat na pahatid niyong aquing mama, ganito ang sulit: guilio cong pamanquin, yaring caraingan ay talastasin mo at panaingahan, na cung mangyayari,, muling pagbalican ang bahay na itong iyong quinaguisnan. tanto mo na, bunso,, aco,, nag iisa ualang magcalinga baquit matanda na, icao ang pangdugtong nang tangang hininga at caligayahan nang dalauang mata. icao ang tuncod cong pangun unyapitan nang mahinang lacas niring catandaan at cung ang buhay co,, malapit nang manao sa man camay mo nasa cong mamatay. nahambal ang aquing puso sa pagbasa nang liham na lagda nang boong pagsinta, caya nga,, niyon din aquing pinasiya na ganaping agad ang caniyang pita.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"linisan co na nga iyong pag aaral at aquing tinungo, ang iniuang bayan, nang aco,, dumating sa mama cong bahay toua,, dili gayon nang aco,, mamasdan. at saca nag uica, guilio cong pamanquin, paquimat yagan mo yaring sasabihin, pagca,, panahon nang dapat mong lasapin ang pait nang dusang pamana sa atin. nang nunong si adan na pinatamaan nang sumpa nang hari nang sangcalangitan, na sa iyong pauis aniya,, capagalan doon mo cucunin ang icabubuhay . munti man ay hindi nagdamdam nang hapis yaring aquing puso sa gayong narinig, sapagca nga,, tantong ayon sa matouid ang caniyang aral na ipinagsulit. bagcus pa ngang aquing pinasalamatan ang paglingap niya sa aba cong buhay, tuloy na tinicang siya,, paglincoran hangang may hininga na iniingatan. mangyayari caya ang maghinanaquit sa hatol na lagda nang boong pag ibig, pagca,, ang mama co,, may tapat na dibdib at lubhang marunog siyang magmasaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"nagsama na caming hustong pitong boan nitong amain cong labis na magmahal; mana,, isang hapo,, nag uica pagcouan: di na malalaon yaring aquing buhay. tila di mangyaring aco,, maniuala sa bagay na yaong caniyang uinica; nguni,, niyong din cusang inihanda ang naquiquinitang pagpanao sa lupa. uala acong sucat na pagcaquitaan nang icalalagot nang hiningang tangan; malacas na lubha naman ang catauan, bagama,, ang muc ha,, uari namamanglao. hindi co napiguil pagtulo nang luha sa paglin ap niya touing magunita, dinguin mo ang caniyang matamis na uica udyoc nang malaquing pag ibig at aua. itanim sa iyong puso at panimdim itong sa mama mong huling tagubilin: sa arao at gabi,, houag lilimutin ang dios na haring lumic ha sa atin. ang pananagano sa ina nang aua ay palaguiin mo sa puso at dila, siyang pagsacdalan sa hirap, dalita habang nabubuhay sa balat nang lupa.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"at ang balang duc hang sa iyo,, dumulog ay paquitaan mo nang magandang loob, houag mahinayang masayang iabot ang macacayanang ipagcacaloob. ang sinomang tauong may magandang asal siyang catotohing itangi sa tanan; puso mo,, cung baga,, may capighatian ay maguiguing lunas at caguinhauahan. at sa balang sucab magpacailag ca, pagca,, ang casaman ay nacahahaua: iyong hihirangin ang macacasama nang di ang buhay mo ay mapalamara. cung magca utang cang loob sa sinoman ay iyong gantihin nang loob din naman: ang na sa sacuna,, agad saclolohan mayaman ma,, duc ha cahit caauay. icao na bunso co, bahalang maglining, yamang batid mo na masama,, magaling, malibing man aco,, houag lilimutin ang madla cong aral, ay pamangquing guilio! bucod dito,, dapat, yamang panahon na na icao,, humanap nang macacasama, ang ibig co sana,, maraos ca muna hangang aco,, buhay matulungan quita. anong gagauin ta,, ito na ang guhit, ito na ang hanga na taning nang langit?",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"nguni,, ang bilin co,, magpapaca bait at ang pipiliin timban in sa isip. houag cang hihirang nang lubhang butihin, cundi yaong lalong timtima,, mahinhin, pagca,, aco,, ayao ng quequendeng quendeng lason sa mata co,, nacaririmarim. hindi co rin ibig ang sumasagadsad laylayan nang saya ay puno nang lusac, anaqui,, may buntot na quinacaladcad hayop na mistula ang nacacatulad. ang hahanapin mo,, may loob sa dios, banayad mangusap at hindi mataros, ayao naman aco nang iingos ingos na sa tingnan lamang ay nacayayamot. cung baga sacali,, icao ay macasal ang pagtitiis mo ay cararagdagan sa asaua,, bayao, hipag at bianan, gayon din sa iyong boong casambahay. hangan dito aco,, pagpalain ca rin, amponin touina nang mag inang virgen, sa capayapaa,, tantong palaguiin; at houag mo namang aco,, lilimutin. pagcauica nito,, nagtindig pagcouan, umacbay sa aqui,, napasahihigan, saca nagpatauag isang paring banal at ang tanang sala,, ipinangumpisal.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"mapamayamaya,, aquing nahalata siya,, nalalagnat mainit ang muc ha; nguni,, hindi naman totoong malubha, paano bagang ito,, mamamatay caya? at ang medico mang sa caniya,, tumingin, malayong mamatay, ang uica sa aquin; uni,, unti unti naming napaglining na tunay ang sabi na ipinagturing. sino cayang tauo ang hindi mamaang sa lubhang magandang sa mundo,, pagpanao? totoo nga palang cung ano ang buhay ay siya ring hanga nama,, camatayan . at quinabucasan ay biglang naglubha cataua,, balisa,, malatang malata, hindi macaquiling sa cana,, caliua, at nagagaril na sa pagsasalita. aco,, pajesusan ang ipinagturing at sa santo cristo,, mata,, itiningin, aniya,, sa camay mo,, inihahabilin yaring caloloua nang iyong alipin . nang mauica ito,, siyang pagcalagot nang tan ang hininga nang mama cong irog, ang puso co nama,, parang pinaglabot nang lahat nang dusa nitong sang sinucob.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"nagsipagcatipon mapamayamaya ang man catotong dinatnang balita, sila,, para parang mata,, lumuluha sa panghihinayang na ualang camuc ha. ngayo,, natapos na ang lahat mong hirap, at ang humalili ualang hangang galac: aco,, iniuan mo na tiguib nang sindac sa guitna nang mundong lipos nang bagabag. langit ang gumanti sa iyong pag ibig nang ligayang hindi sucat na malirip; aco,, iniuan mo sa madlang panganib, oh pangungulila na cahapis hapis! di co na narinig cahit alingao ngao nang iyong pagtauag na lubhang malayao: aco,, iniuan mo sa capighatian, nacaisa isa,, ualang caaliuan. anopa,, sa aquin ay naguing camandag ang pagpapalayao niya at paglin ap; oh buhay na imbi at cahabag habag! saan ihahanga, langit, yaring hirap? ito,, siyang dahil nang aquing dalita na dini sa puso,, laguing umiiua: batid mo na baga, catoto, ang mula niring dalamhati at linuhaluha?",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"caya,, cung ibig mo, hirang na hortensio, ay samahan mo na ang abang catoto, upang matiuasay ang sinicdosicdo niring gulong dibdib na di magcatuto. si hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo . ito,, bagong tauo, na lalabing siyam ang bilang nang taon na linalacaran, naguing caquilala,, laguing capanayam niyong eliseo sa caulilahan. siya,, unang bugtong na ipinanganac nang inang si florang di na nagcapalad na hagca,, calungin ang angel sa dilag, caya,, sa cay fabiong ama ay nalagac. uni,, inihandog nang masintang ina nang bago malagot ang tangang hininga sa mapagcalin,, lubhang macalara, dalisay na virgeng ualang bahid sala. naiuan sa ama na caaua aua, salat sa ligaya,, sa dusa,, sagana, naualay sa ina baquit batang bata bagama,, sa bait ay lubhang matanda. dangang may capatid isang binibini dito sa mag ama ay siyang nag iui: pangala,, emilia, mahinhing babayi, matalinong isip, daig ang lalaqui.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ang caniyang edad apat na puo,, isa na di nabighani nang pag aasaua, at sa boong loob tantong pinasiya ihandog cay jesus puso,, caloloua. bagama,, marami niyong dacong arao nabihag nang ganda niya,, cariquitan; dapoua,, ang baua,, magsabi nang pacay hindi na macuhang muling ipagsaysay. sapagca,, pagdaca,, cusang tinatapat nang uicang mariing, conoua,, banayad; sa bagay na iyan ang hingi co,, tauad at dini sa puso,, lason at camandag. cung pinaliligoy ang pagsasalita nang adhicang sinta ninomang binata, agad sasagutin nang ganitong uica: linauan po ninyo at nang maunaua. saca sasabihing masasayang lamang tanang guguguling dusa,, capagalan, idinudugtong pa nang lalong tumibay: ito,, una,, huling aquing casagutan. at cung maramdamang ibig magtiyaga di na paquiquita,, magtatagong cusa, cundi macaiuas sasabihing bigla: sucat na sa iyo ang catagang uica.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ito ang nag iui dito cay hortensio, capatid nang amang pangalan ay fabio, at sa isang pinsan ipinaquinuso, ang batang ulila paglabas sa mundo. icapitong taon ang edad nang bata ay sa isang pare,, ipinacalinga mabait, marunong, at ang labi,, dila ay batis nang aral na cahanga hanga. daquila ang toua mula nang mamalas ang sa cay hortensiong loob na banayad, at ang cabaitang caguila guilalas anaqui,, sinusong casama nang gatas. lalo nang matantong lubhang mapagtiis sa pagod at puyat, sa pighati,, hapis; at cahit mayroong maramdaming dibdib ay hindi sumuco sa dahas nang saquit. baquit parang sadya na itinalaga nang langit sa madla,, sari saring dusa, quinaguisna,, lucsa,, ulila sa ina at ang caruc haa,, ualang pangalaua. sa lahat nang bagay ay capos na capos sa canin at damit, sampong sa pagtulog; sa tanang casama na sa paring lingcod ay uala isa man na nagdalang lunos.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"puso,, nalipos nang lumbay at hapis, ang luha sa mata,, laguing nagbabatis, naualay sa ama,, aling nagtangquilic: anopa at naguing hantungan nang saquit. may alagang pari sabihin ang aua, dapoua,, quinusang di nagpahalata, nang lalong mauagas ang puso at diua, luminis sa apoy nang madlang dalita. aling cabaitan ang hindi magmalio sa guitna nang gayong hirap at hilahil, nguni,, ang bayaning lubhang matiisin dusa ay hindi man lamang naidaing. capag dinadatnan anomang balisa sa langit na lamang siya umaasa, sa sariling loob ay ang uica niya maguing bayad naua sa lahat cong sala. napagtanto mo na, bumabasang liyag ang cay eliseo na causap usap, caya naquilala,, siya ang nagligtas sa lubhang daquila na pagcapahamac. sapagca,, ang isang pamangquin nang pari, valerio ang ngalan ay may panaghili, doon cay hortensio,, ang mula at sanhi dahil sa dalagang sa iba,, natangi.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sari saring bagay ipinadadala nito cay hortensio,, natatanto niya, na ualang mabisang pang aquit sa sinta gaya nang mabuting loob na paquita. puso ni hortensio,, hindi naligalig sa mapulang pisngi,, malagquit na titig, at maputing noong capilas nang langit nang isang babaying ngala,, eduvigis. oh diamanteng pusong ualang casing tigas at quinucusa na,, ayao pang pumayag! nguni,, ano caya,, tila nabaligtad ang dating ugali nang sa mundong lacad? ang bato balani ang siyang lumapit lumapit sa bacal na di co ma isip, ano caya itong hiuaga nang langit, hindi mapaghaca nang pantas na bait? isang arao ngani ay parang nagtipan itong si hortensio,, ang dalaga naman sa bahay na isa,, nagcasalitaan nang tungcol sa mundong man cahirapan. sa aming babayi, ani eduvigis ay loualhati nang pangalauang langit, ang cami tumama lalaquing mabait, marunong dumamay sa hirap at saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"at cung mayroon pa sa sang maliuanag na isang lalaqui na iyong catulad, ibang hortensiong asal na banayad maiisban isban ang tindi nang hirap. pagca,, ang hortensiong aquing capanayam, uala manding aua sa boo cong damdam, sa mauica ito mata,, itinunghay dito sa ulilang nagcacamamanghan. sa salitang ito,, biglang namutla ang buroc na pisngi nang ating binata, at ang sumaisip nang lipos dalita ang babaying yari,, labis na manuya. hindi maniuala ang mababang loob na sa lagay niya,, mayroong iirog, caya sa dalaga,, ualang isinagot cundi sucat na po ang iyong pag ayop. sa oras na ito ay siyang pagdating niyong si valeriong sa paring pamangquin, ito,, may pagsinta na laong inangquin sa cay eduvigis babaying butihin. isang bagong tauong maringal ang ticas magandang lalaqui,, marahang mangusap, manga panucala,, lubhang matataas, at ang pananamit ay nacagugulat.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sa yama,, sagana, malacas, matapang, ualang pangalaua sa binatang tanan, laguing tinatanghal sa manga lansangan sapagca,, bihirang tumira nang bahay. ang tabas nang muc ha niya ay mahauas, at saca ang puti ay lubhang matingcad; nguni,, maganda ma,, parang nalilimbag ang capalalua,, pagcabudhing sucab. ualang hindi siya pinaghimasucan, na sinalicsic ang sa ibang buhay; ang malicsing bibig hindi nangangalay sa puri nang capoua niyong paghahapay. hindi bibihira ang nangatatacot sa malicsing dilang ualang munting pagod, naguguniguning matalas pa halos sa talim nang tabac talagang panghamoc. mapusoc na loob hindi mapasucan nang hatol na dapat sa ganoong asal, tanang camag anac pauang naninimbang dito sa binatang lubhang tampalasan. masiglang cataua,, hindi nagsasaua sa ugali niyang magpagalagala; ang manga casama,, lalong nagpalala sa caniyang asal na dating masama.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"pagdating nang gabi,, hindi linilisan ang taglay touinang matulis na punal; paglilibot niya,, pinaglalamayan, saca ang pagtulog naman ay sa arao. ito,, nanibugho,, acala,, ninibig yaong si hortensio sa cay eduvigis, at sa salitaan siya ay lumapit catulad nang isang tauong ualang bait. nag uaualauala,, nang di mahalata ang lihim na galit na taglay nang diua; nguni,, sa caniyang quilos at salita ang sucal nang puso,, mapag uunaua. si hortensio naman at si eduvigis sa pagdating niya,, hindi na umimic, na siya pang lalong na ipinagn alit nang naninibughong haling sa pag ibig. dito na nag isip itong alibugha nang cay hortensiong icapanganyaya, hindi nangilabot ang sariling diua magnasang lasunin ang caaua aua. lihim na sinabi sa cay eliseo nang may budhing sucab ngala,, si valerio ang lihis na nasang udioc nang demonio pagca,, malaon nang sila,, magcatoto.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"nahambal ang puso nang pinagsabihan caya,, cay hortensio sinabi ang bagay: icao ay lalasunin niyong tampalasan at sa panibugho yata ang dahilan. dito na lumayo ang ulilang aba sa lilong valerio hayop ang camuc ha, talaga nang langit at malaquing aua,, sa cuco nang ganid di napanganyaya. nagmula na rito ang pag iibigan nang dalauang laguing magcasalitaan ang canilang puso,, pinag isang tunay parang magcapatid ang nacacabagay. hindi man ugali nitong si hortensio ang siya,, magtanim sa sinoman tauo; gayon ma,, nangilag sa nangingimbulo, at di na minarapat na gauing catoto. at si eliseo naman ay gayon din sa lilong valerio,, tantong narimarim; na hindi mangyari cahima,, pilitin ang may asal hayop na gayo,, guiliuin. ang uliran nang manga dalaga. ugali nang tauong maganda ang asal sa may dalang hapis puso,, nahahambal, caya si hortensio,, tambing napaalam sa nagcacalinga.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ganito ang saysay, houag pong magdalang cagalitan ngayon, at ang pag alis co,, hindi malalaon, aquing sasamahan ang nalilingatong na si eliseong catoto cong bugtong. pinahintulutan siya sa pagpanao, sa pagca,, mabuti ang nasa at pacay; uni,, nagdamdam din ang pari nang lumbay dahil sa daquila niyang pagmamahal. nagcasama nangang parang magcapatid itong si hortensio,, eliseong ibig; mana,, isang hapo,, canilang na isip na pa sa vintana,, mag alio nang dibdib. nagcataon naman siyang pagpapasial sa jardin nang isang dalagang timtiman, hindi sumasala yaong paglilibang capag malapit nang lumubog ang arao. sapagca at hindi nalalayong lubha, cun caya,, naquita nang manga binata, nagcaca abutang suliap sa vintana, di lamang macuha ang pagsasalita. ang tinatahanan ay calugod lugod libid nang halaman sa harap at licod; ang ibig pumitas hindi mapapagod mula sa vintana bun,, na aabot.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"nagbibigay alio sa pusong may sindac ang balabalaqui na manga bulaclac, sa dacong umaga,, cung namumucadcad ang cahalimbaua,, ang lupang mapalad. ang babaying ito,, di lubhang maganda dapoua,, mayroon sucat icapuna, masaya ang muc ha,, ang hinhin nang mata ay cagalang galang sa macacaquita. labi ay mapula sa pisngi may lunal, ang tubo nang buhoc sa noo,, mahusay, catauang butihin ay bagay na bagay sa catoua touang maliit na bayuang. ang hubog candilang caniyang daliri ay parang sinadya nang pagcayari, nguni,, ang lalong nagbigay uri, ang cabanayara,, buti nang ugali. bihirang mangusap at ang catabilan malayong malayo,, quinayayamutan; gayon ma,, cung mayroon siyang capanayam ang saya nang loob ay pinatatanao. maminsan minsan lamang namintana, ang catahimica,, siyang laguing nasa: at cung may pumanhic na manga binata ay di maitunghay ang mata sa hiya.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"lalabing anim pa hustong cabilan an nang caniyang taon na linalacaran, na cun sa bulaclac cabubuca lamang bagong calilipat sa cadalagahan. sucat cauiliha,, lubhan matatamis lahat nang caniyang manga bucang bibig, mabini ang quilos na naca aaquit sa ibang dalagang palaring tumitig. hindi mayamuti,, mababang mangusap, mapagbigay loob sa quinacaharap, minsan man ay hindi narinig pumintas cahima,, sa tauong may loob na sucab. loob ay di hilig sa pagmamariquit, magsoot nang madla,, mahalagang damit: sa catauan niya,, ualang masisilip cundi caraniuan lamang at malinis. sapagca,, di taglay ang palalong nasa nang ibang dalagang matangi sa madla, na cung magcagayo,, ang boong acala pupulot nang puri,, hindi pala,, pula. nguni,, ang ugali niyang pananamit ay cauili uili sa baua,, tumitig, yaong caayusa,, palaguing malinis larauan nang caniyang dalisay na dibdib.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"taglay na palagui ang magandang loob, cahiman at duc ha,, hindi inaayop, ang pag ibig, niya ay lubos na lubos di sa bibig lamang at sa puso,, taos. sa mag uumagang tila nag aauay ang ulap nang dilim at caliuanagan, unang tutunguhin yaong pag aalay nang cay jesucristong dugo at catauan. at sa bahay nitong lumic ha nang lahat tantong nauiuili yaong pusong uagas, ang pagsinta niya,, lalong nag aalab na cung mangyayari,, doon ay lumagac. muli,, muli niya na iniluluhog ang icagagaling nitong isang sinucob, na inihahadlang sa galit nang dios ang sa anac niyang dugong ibinuhos. saca ihahain ang cataua,, buhay sa napapalihim na anyong tinapay at bago aalis nang boong pag galang, mahinhing uui sa caniyang bahay. cung na sa bahay na,, iyong mapanood yaong paglilinis niya,, pag aayos, ay mauiuica mo sa sariling loob ito ay babaying sa iba,, nabucod. at cung maquita mo yaong casipagan niyong pananahi at paghabi naman, baca mo sabihin ito ang matapang babaying pinuri ni salomong paham.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ito,, siyang bunga nang laguing paglapit sa mahal na dulang na piguing nang langit, cung caya ang diua,, lagui nang tahimic mahinhin ang asal na caibig ibig. cabaitang ito,, napag uunaua nang na sa bintanang dalauang binata, at ang isa rito,, malaon nang lubhang nag ingat sa puso nang lihim na nasa. dili iba,, ito ay si eliseo, caya nga,, nag uica dito cay hortensio: sa dalagang iyan ano ang uica mo, iibiguin baga ang abang lagay co? napangiti muna,, mata,, itinunghay nitong tinatanong, at saca nagsaysay: panaingahan mo yaring casagutan at hatol nang isang matandang datihan. ang pagpili nang cacasamahin at ang mabuting paraan nang nangyaring macamtan . niyong dacong arao cami,, nag uusap para parang batang casiglahang lahat, may isang matandang tambing naquisabad, aquing sasabihin ang ipinahayag: manga bata, aniyang aquing guilio, ang magandang palad nasa sa atin din, sapagca,, cung ano ang punla,, pananim ay siya ring bunga namang aanihin.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ngayo,, panahon na dapat na magpunla, cayo na ngang lahat nang mabuting gaua, nang upang maputi ang catoua toua matamis na bunga sa bayang payapa. mana ay sumagot ang isa sa amin ang ituro ninyo,, cung anong magaling paraang marapat na alinsunurin tungcol sa pagpili nang cacasamahin. sagot nang matanda ay maraming bagay diyan sa pagpili na dapat tandaan, nang di lumalauig ay atin nang lisan ang hindi totoong manga cailangan. houag maniuala sa balibalita na ang caraniua,, cabulaanang paua; gayon ma,, sa lagay nang nagsasalita ang catotohana,, mapag uunaua. cung saca sacaling cayo,, may mamasdan na isang dalagang mahinhin ang asal, houag mabighani mana capagcouan hangang di mauri ang catotohanan. ang balang babaying maraming salita caraniua,, tamad ualang guinagaua, at ang mapintasin ay lalong masama sa pinipintasan siya caipala. capag nagsabi dalagang sinoman nang sarili niyang man cailangan, ay isa nang tanda nang capalaluan, malupit na ina nang casamang tanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"at cung batiin man ay ayao sumagot ay tandaan ninyong ang tono,, matayog, ang naghihicab nama,, pala antoc na ualang adhica cung hindi matulog. capag ang dalaga,, madaling pa oo ay tandang maraming lubhang catrato, ang mahinanacti,, itatan ninyo,, may lihim na sinta at malaquing gusto. at capag sa gabi,, ang ulo,, may bigquis houag maniualang tunay na may saquit, ang dahilan nito,, tantong naiinip at di dumadating ang toua nang dibdib. saca ang dalaga na taua nang taua,, ibig nang totoong macapag asaua, cung aling binata ang pinagmumura ay siya cung minsang bubugbog sa caniya. dapoua,, ang ayao na maquipanayam at cung sumagot ma,, nagmumuc hang calan, ay hindi malayo na mapagculian, sinintang sandali,, saca inayauan. ang gayong babayi ay nacacataua na tila aayao na totoong tumugpa; nguni,, cung lumao,, tumandang dalaga caraniua,, bao naguiguing asaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sapagca,, ang dapat sila,, tumahimic capag tumanda na,, sa bahay lumigpit harapin nang lubos ang santong pag ibig at ang paglilingcod sa hari nang langit. ipalagay nating maganda ang ticas, mabait, mahinhi,, ualang ipipintas; nguni,, ang dapat namang matalastas cung sa inyong hiling caya ay papayag. caya cailangang inyong maunaua ang man paraang mabubuting paua, at uala munti man na cahalong daya ganito ay dinguin nang manga binata. iyong dadagdagan ang paquitang loob, susunod na tambing sa balang iutos; paca iin atan ang iyong icapopoot at ang pagpipilita,, ang icalulugod. laguing huhulihin ang caugalian, cun baga,, may galit houag lalapitan nguni,, ang babayi,, may caugalian cahit umiibig conoua,, aayao. hindi na napiguil biglang napataua ang hinahatula,, nag uica pagdaca: datihang matanda,, lubhang dulubasa dapoua,, ang iba,, dagdag mo na tila. sagot ni hortensio,, catoto cong liyag, baquit baga icao ay nanguiguilalas?",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"tauo,, tumatanda,, dapat matalastas ang caliua,, canan nang sa mundong lacad. datapoua,, ngayon atin nang tapusin ang lahat nang bagay na dapat mong gauin, cung baga sacali,, iyo nang malining na may daan ca nang sucat pasuquin. taunin mo siyang mabuti ang loob saca mo lapitan nang galang na puspos, bago mo sabihin ang iyong pag irog ay macaitlo ca munang maghimutoc. nguni,, nauucol iyong pag ingatan ang masamang anyo,, quilos na mahalay gaya nang ugali nang hindi nag aral at ualang inimpoc na magandang asal. pag ayusin naman ang pagsasalita sa dalagang iyan,nang di ca malisiya, sapagca,, ang tauo,, sa gaua at uica mapagquiquilala ang may turo,, uala. cahit natatanto na may capintasan sinomang binatang nagnanasa naman, ay houag sabihin nang hindi mahapay ang puri nang capouang dapat pag ingatan. hindi natin tanto na cung tayo pa nga sa mata nang dios ang lalong masama; caya cailangang piguilin ang dila nang houag man ahas sa iba,, pumula.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"di dapat saysayin ang yamang sarili, sapagca,, ito ay pagmamapuri bagcus na ilihim na cung mangyayari ay ipagcaila cung baga,, masabi. dapoua,, houag acalain naman na ang iyong nasa,, agad aayunan, at macalilibong naca iibig man di caraca raca ay magpapamalay. sapagca,, totoong malaqui ang hiya cung caya aayao na magpahalata, at baca uicain nang masamang dila sila sa lalaqui,, nagcacandarapa. sa madlang paraan na sinabi co na cung baca sacali,, di mo rin macuha, aco ay mayroon na ituturo pa, cagalingan nito,, mahiguit sa una. cundi mabighani ipalagay natin sa muli,, muli mong himutoc at daing, ang maraming pagod houag nang sayangin sapagca,, ang ayao di dapat pilitin. cundi gumanito, ay matutulad ca doon sa nagtanim nang isang sampaga, ang lahat nang daho,, naquita nang lanta cung anong dahil at dinidilig pa. ani eliseo,, tila cailangan na ang ating gauin muna ay sulatan, sagot ni hortensio,, mangyayari naman sa lahat nang bagay quita,, tutulungan.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sa oras ding yao,, tambing isinulat ang cay eliseo na sa pusong ingat saca nang mayari,, cusang iguinauad sa caniyang catoto,, baca may pintas. marahang binasa nitong caibigan, baua,, isang letra ay pinagninilay, sa sobre nang sulat ay nababalatay ang ganitong uica: sa tinatangisan . magpahangan oras na tangan sa camay ang plumang lumagda nitong caraingan, iniisip co pa cung aquin nang taglay yaong catutubong limang caramdaman. sa pagca,, touinang pilitin ang dila na ipasalual ang lihim na nasa, parang tumatapon sa aquin ang diua at di co macuha ang pagsasalita. dangang nanganganib baca magtumulin tacbo niring buhay patungo sa libing, mag ulol ang unos nang madlang hilahil at sa dalamhati hininga,, maquitil. caya mabalinong daluyan nang aua itong lumuluhog na napacaaba, gutom sa ligaya,, busog sa dalita, mata ay uala nang ipatac na luha.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"at cung mangyayaring sa iyo,, igauad ang lahat nang toua sa sang maliuanag, disi,, inihandog sa mahal mong yapac calaquip ang aquing tunay na pagliyag. dapoua,, yayamang ualang maihain cundi yaring pusong tiguib nang hilahil, isinasamo cong iyong marapatin sapagca,, di baual nang langit ang daing. iyong paglubaguin matigas na loob para nang pagsaguip cung sa nalulunod, icao ay may puso,, baquit di malunos sa capoua puso na naghihimutoc? di co calauigan ang hinibic hibic yamang dili bato ang mahal mong dibdib; gayon ma,, cung lalong hirap ang icapit mangyaring sabihi,, nang aquing mabatid. ang iyong alipin na suma sa yapac . iya,, ma aari, cay hortensiong uica; nguni,, caraniua,, lampas ang salita, gayon ma,, sa sobre ipasoc mo na nga saca ipadala sa isang alila. ang pusong garing na di malamuyot. nagcataon namang doroon sa jardin ang bunying dalaga na may pusong garing, ang sariling diua parang inaalio, sa tanang bulaclac at simoy nang hangin.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"siyang pag aabot nang naturang liham sa parang linalic at maputing camay, quinuha at saca tumanong pagcouan: sino caya baga ang pinangalingan? basahin po ninyo upang matalastas, uica nang alila, cung sinong may sulat, ang pagcatingin co,, sa puso,, may sugat at ang ninanasa marahil ay lunas. agad napangiti at di napiguilan niyong catutubong bait, cahinhinan, sa malaquing hiya,, tumungo na lamang; pinunit ang sobre,, binasa pagcouan. sa calaguitnaan nang pagbasa niya sandaling tumiguil nagmasid pagdaca, at baca sacaling may nacacaquiquita, cauicaan niya,, cahiyahiya pa. mana,, nang matapos pagbasa nang sulat sa puno nang cahoy humilig na agad, na larauang bato ang nacacatulad: ganito ay dinguin manga pangungusap. mundong sinongaling, sumandaling layao, touang sa sangquisap, asong mapaparam, lumayo ca hayo,, ualang cararatnan sa aquin ang iyong camandag na alay.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"carangala,, yaman agad cumucupas, tulad sa sampagang biglang nalalagas, isinusumpa cong di ca matatangap niring aquing pusong dili pabibihag. malicmatang ganda,, balo balong diquit, magdarayang touang may paing panganib, magbago cang hanay at di mahihilig aco sa ligayang puno nang ligalig. mahabaguin langit, iyong tinutunghan acong na sa guitna nang casacunaan, mahina cong lacas iyong saclolohan nang upang matamo ang pagtatagumpay. at icao, virgeng matibay na cuta, sa baua,, dumulog na napa aaua, sa mahal mong puso,, nagtatagong cusa itong alipin mong napacacalinga. sa harap co,, licod sa caliua,, canan nagcalat ang silo nang lilong caauay, cundi mo amponi,, anong cararatnan niring catutubong aquing cahinaan. mangyayari caya namang paghatiin yaring aquing puso,, papagdalauahin, ang isa,, ibigay sa nacop sa aquin, at ang icalaua,, sa may sintang hain?",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"cayong sari saring naritong bulaclac, ang sinasacsi co nitong pangungusap, na sucdang maguho ang sang maliuanag di co dudungisan yaring pagca uagas. sucdan sa madurog magcauaray uaray ang laman at buto nang aquing catauan, cay jesus cong poon aquing iaalay ang libo mang puso,, ang libo mang buhay. cung pag uariin co,, timbangin sa isip ang lahat nang yaman nitong sandaigdig, sa dalagang buhay at ingat na linis alangang di palac na ipaquiparis. icao, camatayang aquing iniirog, baga man sa iba,, caquilaquilabot, gamitin mo hayo tabac na pang lagot pagca,, ang nasa co,, hininga,, matapos. cung gunitain ca,, iquinalulumbay nang pusong alipin nang samundong layao, nguni,, cung sa aqui,, quita,, minamahal at inaanantay ca sa gabi at arao. camatayan lamang ang nacapipinid sa aqui,, sa poong ligaya nang dibdib, icao,, siyang uacas nang dalita,, saquit, at mula nang toua na hindi malirip.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sa mauica ito,, tambing na linisan ang masayang jardin na dating aliuan, binalot nang pano ang binasang liham at saca nagtuloy pumanhic sa bahay. pagca,, binaui na sa sang maliuanag nang arao ang huli,, malamig na sinag; saca unti unti namang nacacadcad ang tabing sa gabing maitim na ulap. nang macapanhic na ang bunying dalaga umupo sa sillang malapit sa mesa, tintero,, binuhat, guinamit ang pluma, sinagot ang sulat ganito ang badya. sa may sintang handog . houag mong hanapin, sa imbi cong sulat ang maranghang tula nang manga poetas ualang talinghaga aco cung mangusap, dati cong ugali,, magsabi nang tapat. averno,, olimpio hindi maquiquita sa titic nang aquing maralitang pluma, gayon si apolo,, masayang musa sucat ang matanto ang ipagbabadya. ligaya sa mundo ang iyong pangaco igauad sa aquing tumatanging puso, dalisay na sinta,, tunay na pagsuyo nguni,, ualang daan ang iyong pagsamo.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"tahas na nica cong bilang pahimacas na di magmamalio, buhay ma,, mautas at cung uulitin ang hingi co,, tauad ito,, mabuti ring iyong matalastas. madla na sa aquin ang nagsipagsaysay nang tungcol sa sinta na gaya mo naman; nguni,, tiniyac cong anomang caratnan dili matatangap niring calooban. pagca,, malaon nang tinica nang diua na aquing lisanin ang sa mundong daya, at sa isang silid na lubhang payapa,, maglingcod sa hari nang langit at lupa. hanganan co rito,, dapat nang mabatid na ang iyong nasa,, camandag sa dibdib: pag utusan naman itong nagnanais mabilang sa tanang lingcod mo at cabig. ano,, sa mayari,, biglang isinara nang bunying dalagang ngala,, eufrasia, saca sinutsutan ang alilang isa, cusang ibinulong ang pagpapadala. anong loob caya itong nag aantay na pilit lalasap nang malaquing lumbay? mana,, sa mabasa ang may lasong liham limang buan halos na umotay otay.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sa nagpipighati,, marahang nag uica yaong si hortensio,, malaqui ang aua aco sa lagay mo,, nagtatacang lubha ang dating ugali,, tila sinisira. bayani mong loob cusang napatalo sa dahas nang sintang iquinagugulo, iyong linilimot sampong pagca tauo, anaqui,, uala nang babayi sa mundo. pag uari catoto,, dili yata dapat na ang buong puso,, lubos na pabihag, at siyang isipin sa lahat nang oras ang di nabighani sa iyong pagliyag. gayon ma,, mabuti ang iyong parunan, baca hari na ngang siya,, malunusan: isang gabi ngani pinagsadya naman pagsunod sa hatol nitong caibigan. tinangap din siya nang magandang loob bagaman sa nasa,, ayao pahinuhod, anyong sasabihin ang haing pag irog mahal na dalaga,, tambing na sumagot. banta co,, sucat na ang catagang uica sa isang gaya mong marunong maghaca; doon pa sa sulat dapat na maunaua ang aquing pag ayao, yamang di ca bata.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sa pagcacagayo,, hindi nacaquibo itong sumisinta,, parang ipinaco, mata,, itinungo, at ang quinucuro ang cahalay halay na pagcasiphayo. dalaga ay parang naacay nang habag sa cay eliseo,, tambing na nangusap: puso,, itahimic houag mabagabag: anong magagaua ay hindi mo palad? ang nangyaring yao,, parang di pinansin at sa ibang bagay cusang inahinguil yaong salitaan, at nang di mailing, malubos ang hiya at pagcahilahil. at ang uica niya,, ang tauong mahiya dapat cahabagan at caaua aua, baga ma,, di ibig ayunang ang nasa nang houag malubos ang pagdaralita. mapamayamaya,, parang natauhan ang naabang sintang tumangap nang ayao, sa caniyang puso,, nanariua naman ang hatol nang pili niyang caibigan. yaong si hortensio, ang uica sa aquin, ang talagang ayao ay houag pilitin at baca matulad aco sa nagtanim nang halamang lanta ay dinidilig din. inari lamang tunay na capatid ang di nabighani sa suyo,, pag ibig, sa sarili lamang nihang pag iisip: anong gagauin co,, di loob nang langit?",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"yayamang hindi mo aco capalaran, uica nang dalaga, quita,, tuturuan magmula na rito ay icao,, bumilang at sa icaualong bahay ca humangan. may dalahirang banayad at may mahinhing talipandas. sa bahay na yaon ay may magcapatid dalauang dalaga unahan nang diquit, aquing sasabihin nang iyong mabatid ang cani canilang ugali at hilig. ang bilang panganay ngala,, esperanza, malouag ang loob na ualang balisa, cataua,, magaan at lubhang masigla ang ano mang hirap inaalintana. sa caniya,, uala munti mang bagabag parang namamayan sa lupang mapalad, sa capoua tauo,, lubos ang pagliyag inaari niyang capatid na lahat. ang mumunting sira ay pinaraan, hindi alumana cahit masahol man, dunong na mag ingat sa capahamacan nang paraang sucat na macahahadlang. may magandang nasa, at ang panaghili ay di man sumungao sa pinto nang budhi, mababa ang loob na di caugali ang nacacatulad isang batang munti.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"cung maquita niya sino mang may hapis ang luha sa mata,, dadaloy na pilit, at di pa magcasiya sa habag ang dibdib ang tulong at lingap agad icacapit. uni,, cung sacali nama,, ang mamasdan ay ang nagtatamong toua,, capalaran, puso,, lumulucso sa caligayahan, iquinalulugod ang sa ibang dangal. sa cay esperanza,, ualang masisilip na hindi mabuti at ugaling pangit liban sa salita nang masamang bibig na ang cahinhina,, nagculang nang muntic. sapagca,, sa loob na lubhang masaya at magaang bibig sa balang maquita, ang naguiguing dahil ipula nang iba dito sa uliran nang manga dalaga. capatid na bunso ngala,, eduvigis, timtimang babayi, anaqui,, tahimic, at sa silid niya,, laguing lumiligpit anopa at parang buhay, taga langit. yaong cagaslaua,, malayong malayo, at ang cahihina,, parang catutubo, ang lahat nang quilos mabini at uasto; nguni,, hindi gayon ang lagay nang puso.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ang man salita,, hindi nasisinsay sa iguinuguhit nang magandang asal, dili maibiguin lumabas nang bahay at cung sacali ma,, tungo,, sa simbahan. caya,, sa caniyang isip, uica,, gaua ualang ipipintas, mabuting paua, sampo pa nang tanang manga binabanta nguni,, nalilihim ang nacasasama. sapagca,, ang boo niyang pagca isip ay caniya na lamang ang tanging matouid: ang sa ibang uica cung baga,, marinig cahit di masama ay minamapait. ang quilos nang iba cahit hindi mahalay ay minamasama,, quinamumuhian, ang caniyang haca ay siya na lamang babaying nabucod sa sang sinucuban. ualang puno,, mula biglang napopoot ang babaying itong cabanala,, bantog, lahat nang marinig iquinababagot, at hindi macuhang magtipid nang loob. baquit lubhang hilig sa pagtataniman ang dalagang bunyi cung sa cabaitan, ang muc hang payapa,, quilos na timtiman di taglay sa puso,, paimbabao lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sucat masuclam ang macamamalas capag nagagalit mata,, nagniningas, at uala mang quibo,, hindi nangungusap ay daig ang tanang halimao sa gubat. nguni,, ang lalong camandag sa budhi ang siya,, magcusa na unang bumati, ito,, catutubong caniyang ugali na inaari pang carangalang tangi. capag nangyayari ang nasa at ibig muc ha,, maligayang parang taga langit; nguni,, pag hindi na,, agad magngingitngit at ualang demonio acong maiparis. magandang ugali,, agad mabibiling sisingao na pilit ang casamang lihim, ang capalaloua,, pagca masumbatin at saca ang nasa na siya,, purihin. at cung sacali pa,, mayroon umayo lalong mag uulol ang malaquing labo, at ang paimbabao na hinhing palalo ay di na maquita,, cung saan nagtago. lubos sa uari co,, ang nacacabagay ay tubig sa laua cundi guinagalao, anaqui ay bubog na lubhang malinao, uni,, ang ilalim ay carumal dumal. itong magcapatid alit ang ugali, caya sa dalaua icao ay mamili, nang houag sisihin aco cung sacaling mapalisiya ca sa iyong pagpili.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ang cay eliseo na ipinagturing aco,, uala riang itulac cabiguin; ang isa,, masaya,, ang isa,, mahinhin; nguni,, ang pan anay yata ang magaling. cung gayon ang uica nitong capanayam, icao ang bahala nang upang macamtan; ang isa cong bili,, pacatatandaan sa paquiquiusap ay magpacarahan. ang catampalasanan ni neron at ang matandang mangagauay . mana,, sa matapos yaong salitaan ay si eliseo,, umoui nang bahay; agad sinalubong mula sa hagdanan nang parang capatid niyang caibigan. di agad tinanong muna ang nasapit nitong si hortensiong may ingat na bait, niyayang cumain nang macapagbihis ang parang nagdaan sa landas na guipit. nang cumacain na,, napagsalitaan yaong sa cay nerong catampalasanan; ang bagay na ito,, tiquis na binucsan nang ang nagugulong loob ay malibang. ang lilong si neron, uica ni hortensio, cung sa calupita,, pang ulo sa mundo, sampo nang asaua ay pinatay nito si burro,, seneca at si britanico.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"at inibig niyang ang sang catauohan ualang maguing ulo cundi isa lamang, nang sa minsang taga,, mapucsang paminsan ang lahat nang tauo sa sang sinucuban. tila nacucutya ang manga dila co tumauag sa gayon nang pangalang tauo, cundi isang furiang galing sa infierno, sun ay ang corona na putong sa ulo. ito,, emperador sa romang calac han, cuhila,, mabagsic, daig ang halimao, may alilang tigreng pinacamamahal, na catulad niya cung sa cabangisan. febea sa tigre ang ipinamagat nang capoua tigreng may coronang hauac, laguing guinagamit nitong lilo,, sucab sa manga cristiano nang pagpapahirap. sapagca,, si nero,, malupit na ganid na uala munti mang aua at pag ibig, cung caya ang puso ay doon nahilig sa capoua niyang hayop na mabangis. nguni,, ano caya, sagot nang causap, ang napala niya,, anong naguing uacas niyong gayong asal, puso,, nagagalac pumatay nang tauo,, laguing magpahirap.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sa palaciong bantog nang lilong si pluton caloloua niya ay doon humantong, ang hirap, dalita, pighati,, lingatong laguing linalasap nitong tauong pusong. di maca aalis magpacailan man ang can cerbero,, bantay sa pintuan ang balang pumasoc pinababayaan, nguni,, ang paglabas ay ibinabaual. ang can cerbero ay may tatlong ulo, at pauang serpiente yaong balahibo, ualang casing bangis na ang cagat nito ay nacatataos sa utac nang buto. sa tabing estigia,, doon nagtatanod, tanicalang ajas siyang nacagapos, ito ang tinalo niyong semi dios anac ni jupiter, hercules na bantog. ang sinomang tauo,, dapat quilabutan sa dalitang hindi masayod na turan, ang lalong lalo na tanang tampalasan, catulad ni neron niyong nabubuhay. ani eliseo,, may isang matanda, barbara ang alan lubhang solipica, na cay eufrasiang tunay na alila, ang muc hai,, masungit, baquit sadyang tina.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"maputi ang buhoc, madilim ang noo, matulis ang cucong parang alimango, ngipi,, sincol sincol, at cung may catalo mata,, nanlilisic, daig ang demonio. ang caniyang ulo naman ay mahaba, tainga,, piing piing na parang sinadya, muc hang mangagauay, pagca,, ualang baba quinatatacutan nang lahat nang bata. maingay ang bibig na tila pacacac, anaqui ang dila,, puno nang camandag loob ay sucaban, ualang pagtatapat, saca cung maupo ang tuhod ay yacap. sa gayong catanda ay lubhang masiba, laguing nagbubuncal siya sa cusina, nagdadahandaha,, baca mahalata nang manga casama na capoua alila. ualang quinausap na di nacaauay, ang balang maquita ay pinipintasan, damit sa cataua,, mistulang basahan at ngunguyanguyang parang camatayan. hindi co malaman cung saan nunuha nang ipagtitiis ang manga casama, lalong lalo na nga ang bunying dalaga na di nababagot sa matandang bruja.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"at canina lamang aco ay doroon ay nangunguaco at ungol nang ungol, saca nang utusang pacunin nang apoy malaonlaon din na nagmuc hang tuntong. aquing napagmasdan anyong malalapit na ang paa pala,, tila sa sulyasid, tatlo ang daliri na nagcacadiquit, aco,, napalingon at di co matiis. dahil sa ugali ay aquing nasabi ito,, siyang neron nang manga babayi, na uala isa mang guinauang mabuti, matulis ang dila na parang putacti. houag nang litisin ang matandang iyan pinalalaqui mo ang mumunting bagay, uica ni hortensio,, ang sabihin naman cung anong nasapit nang iyong pinacay. ani eliseo,, hindi ninanasa ang pag aasaua,, cusang isinumpa sa harap nang lalong mahal at daquila ang tica nang puso halos pagcabata. gayon man ay aco,, pinamili niya sa cay eduvigis at cay esperanza, sila,, magcapatid hiuaga nang ganda, at manga ulila sa ama at ina. itong si hortensio,, nangiti nang muntic at naala ala niya ang nasapit, niyong dacong arao na si eduvigis nag asal lalaqui tungcol sa pag ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"datapoua,, hindi ibig ipamalay gayong sa catoto,, sa tauong sinoman, cusang inilihim nang di madungisan puri nang dalagang nabucod sa tanan. bagcus ang sinabi iyo nang tunguhin cung sinong lalo mo na minamagaling nguni,, ang hatol co,, iyong pagliningin ang sa habang buhay ay cacasamahin. datapoua,, tayo ay magpahingalay, bucas na tapusin itong salitaan; dalauang binata,, agad nagtindigan sa cani canilang quinaluluclucan. ang pagtatagumpay nang cababaan at pagcaduhagui nang capalaluan . bahag ya na lamang ipinamamalas nang arao ang muc ha niyang maliuanag; ay nan aguising na itong magcausap, tila may gagauing hindi nalulutas. malicsing nagbihis, nanaog sa bahay, parang inaalio ang pusong may lumbay, nag uica ang isa, catoto,, pagdaha,, ibig cong matanto ang tungo nang pacay. sagot nang tinanong ang aquing pasiya ay ang piliing co ay si esperanza, at si eduvigis cung iyong macuha magbibilas tayo na ualang pagsala.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"cung sa ganang aquin, cay hortensiong uica, ang bagay na iya,, di co ninanasa, tanto mo nang lubos aco,, maralita sa isang mataas ma aalipusta. hindi nila tantong may nacaririnig na dalauang tauong lacad ay mabilis, nang malalapit na,, pagdaca,, nagsulit binabanta ninyo,, lisiya sa matouid. nahahaling yata, ani eliseo, ang ating casabay na dalauang tauo, anong mauauala sa alin ma,, sino sa mabuti,, dili ang ninanasa co? nang muling magsulit agad naquilalang isa sa canila,, si valerio pala; uica,, houag ninyong iraos ang tica sa cay eduvigis at cay esperanza. di pa natatapos ang sinabing ito,, pagdaca,, sumagot bunying si hortensio; (na parang paglibac sa sucab at lilo) cami,, sumusunod sa baua,, utos mo. agad nahalatang siya,, tinutuya caya biglang biglang namula ang muc ha, punal ay binunot patain ang nasa itong si hortensiong dating inaaba. ang casama niya,, dili macaimic, pagca,, natatantong uala sa matouid, sucab na valerio ulol ang caparis, at munti ma,, hindi nabahirang bait.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"dinaluhong na nga,, parang inudyocan nang sang infierno itong tampalasan, ang dalauang mata ay binubucalan nang gahasang apuy niyong cagalitan. abang si hortensio,, iniuaang agad, salamat sa langit siya,, nacaiuas! ; dalauang casama nama,, nagmamalas sa maguiguing hanga niyong paglalamas. sa muling pag iua,, pagdaca,, naagao sa camay nang lilo ang punal na tangan, tuloy inihaguis na pina ilandang pang di nagnanasang matay sa sinoman. nang capoua uala nang sandata,, naghamoc dalauang bayaning lumilipad halos; ang suntoc at sicad caquila quilabot, na daig pa mandin ang taga at ulos. ang init nang arao di pa dinaramdam nang pamulan nila itong paglalaban hangang sa mataas di pa nagtatahan at nang mag uauagui dili maalaman. ang lacas nang suntoc lintic ang catulad cahiman at sino,, pilit magugulat; at cung ang dugo ma,, hindi nagdaranac ay ang pauis naman ang tumatagactac.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"pagtataca,, labis nang piling catoto sa naquitang dahas nitong si hortensio, na di nagpalalo sa sino mang tauo ay cung maquihamoc parang ipo ipo. ang caniyang asal, quilos at salita, sampong pag iisip niya,, ninanasa, ualang cataasan at budhing cuhila, palibhasa,, galing sa pusong payapa. nasa ni valerio,, cumitil nang buhay, si hortensio,, hindi,, nagtatangol lamang, di caguinsa guinsa,, biglang napipilan yaong may masama,, budhing tampalasan. saca ang guinaua ay ibinaligtad, tinampal sa muc ha,, binayo nang sicad, ang boong cataua,, binugbog nang hampas; nang di mamihasa sa gauang magsucab. itong nagtagumpay na bagong bayani quinulong nang isang homerong magpuri na bucod sa lacas, catapan,, licsi,, may uagas na pusong ayao maghiganti. cung pag iisip ang tanang guinaua nitong si valerio sa ulila,, duc ha, di man camag anac tutulo ang luha at acayin din nang gauing maaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ang dalauang ito,, nang nagcacasama sa bahay nang pari na binanguit co na, gaua ni valeriong may budhing vivora ang imbing hortensio,, laguing minumura. sa balang mauala,, pinagbibintangan ang abang ulilang ualang casalanan, hindi nangingimi yaong manga camay na ang maralita,, hampasi,, sugatan. sampo nang cacaning ipinacucuha itong tampalasan sa ibang casama, caunting tinapay ang itinitira,, ang lalong masama ang pinipili pa. at ang guinagaua na parang aliuan paglibac, pagcut ya, pag api,, pag uyam dito cay hortensiong inaalalayan nang daquilang aua ninyong calangitan. tatlong taong sincad binata nang diua ang balabalaquing hirap at dalita, baquit natitiis caya nitong lupa at hindi lamunin yaong alibugha. baquit, manga langit, at di ibulusoc sa bayan nang apoy, nang doon magduop? at hangang may mundo,, ang dios ay dios yaong pagdurusa,, hindi matatapos. iyong inaampon at pinagpapala ang tanang malupit at budhing masama, sa lahat nang bagay pinapagsasaua at ang mabubuti siyang inaaba.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"oh hindi mataroc na lihim nang langit! oh dagat na ualang pangpang mang guilid! oh daquilang dios iyong nababatid ang lahat nang bagay nitong sandaigdig! sa buhay na ito,, itinutulot mo sambahi,, igalang ang sucaba,, lilo; saca sa cabila naman ibubunto ang tanang pahirap doon sa infierno. ang tapat na loob pinapag titiis sa balat nang lupa nang dalita,, saquit, saca puputungan sa bayang tahimic nang coronang ualang sucat macauangis. datapoua,, ngayo,, ipatuloy co na ang guinaua nitong marteng pan alaua, sandaling inisip ang masamang tica nang maghihiganting lilong nacabaca. cung caya nga hindi niya itinulot na macapagbangon sa pagcasubasob, ang dalauang camay binaliting bagcus, nang upang magbauas pagca asal hayop. at pinag uicaan sa pagayong anyo: iyo nang natatap, valeriong palalo, ang bungang masaclap niyang panibugho na lumilingatong na lagui sa puso. masdan mo ang iyong dangal na quinamtan, aco,, alipin mo lamang cung sa bagay?",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"nahan ang maraming iyong cayamanan sa oras na ito,, di ca matulungan? cundi ca susuco,, anomang masapit sa lagay na iya,, di ca ma aalis; itong pangungusap ano,, sa marinig ay halos magputoc cay valeriong dibdib. datapoua,, di rin munti man lumubag yaong pusong bato yata ang catulad, yayamang ayao rin biglang nagsilacad ang bagong nag uagui,, ang catotong liyag. pinabayaan nang baliti ang camay culang na maghapon sa guitna nang arao, cung caya guinaua ang ganitong bagay nitong si hortensio,, nang magbagong asal. saca ang casama nang lilong valerio ay pinagsabihan nang dalauang ito, na houag calaga,, nang upang magbago ang caniyang ugaling higuit sa demonio. siyang naguing dahil nang pagcacasaquit, pitong bouang halos naratay sa banig: ang nangyaring ito,, ano,, nang mabatid nang amaing pari ay naghinanaquit. doon sa inampon halos pagcabata, caya nga,, ang bagay ay pinag usisa, at si hortensio rin ang nagpaunaua nang dahil nang caniyang doo,, ninanasa.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"hindi co po ticang patai,, masactan ang iyong pamanquing pinacamamahal, at ang guinaua co,, nang madala lamang magbauas nang munti ang capalaluan. bucod dito,, dapat mo pong matalastas ang caniyang pita,, buhay co,, mautas, at cung sacali pang ngayon ay malacas pilit na quiquitlin hininga cong ingat. natanto co pong dapat patauarin ang balang caauay at may nasang linsil; nguni,, hindi baual nang dios sa atin na pacaingatan ang buhay na angquin. cundi co guinayo,, inaacala co na aco,, uala na,, nasa isang mundo; cayo ang magsabi, yamang alam ninyo ang asal na ganid nitong si valerio. pari,, naniuala at lalong minahal ang hindi pamangquin na may cabaitan sapagca,, minsan ma,, hindi nadungisan bibig ni hortensio nang cabulaanan. toto,, sa caniyang loob na sarili ay siya ang tangi na hamac at imbi; nguni,, ang matouid capag sinasabi hindi nangingimi na parang bayani.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"laguing uiniuicang ang catotohana,, tiquis ilaladlad sa harap ninoman; at ang puso niya,, sapagca,, dalisay ay di nagagahis niyong catacutan. dili maibiguing maquisalamuha sa man guinoo, mayama,, timaua; datapoua,, hindi iquinahihiya yaong casalatan niya,, pagcaaba. mama ni valerio,, sumapayapa na, at hindi sinisi tauong ualang sala: dito napanatag yaong magcasama pagca,, masusunod ang canilang pita. isang gabi nganing parang nabibitin ang buan sa caniyang liuanag na angquin, itong si hortensio,, ganito ang turing sa catoto niyang lubhang guiniguilio. samantalahin mo ang caliuanagan nang tanglao sa gabi,, sa madaling arao, ngayon di,, lumacad, pagca,, caraniuan malamig ang ulo nang cadalagahan. at si eliseo pagdaca,, sumunod sa mabuting hatol niyong nag uutos minulan na rito yaong paglilingcod sa cay esperanzang may ugaling ayos: mataric na bundoc ang nacacatulad, na cung salungahin ay lubhang mahirap; tatlong taon halos saca pa naagnas yaong batong pusong ualang casing tigas.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"ang bagay na ito,, sandaling ihimpil pagbalican natin ang linisang fidel, sa cay eliseo mana,, sa darating, doon sa colegio,, bagong cagagaling. isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan. dalaua,, nagyacap capoua lumuluha sa malaquing touang quinamtan nang diua, hindi magcamayao nang pag uusisa sa canicanilang palad dalita. nabalitaang co, ang uica ni fidel, na si esperanza ang casi mo,, guilio; aco cung sa bagay naliligaya rin at may landas ca nang binucsan sa aquin. sa bigcas nang sabi,, agad nahalata nitong matalino niyang casalita, caya nga,, ang tugon cung gayo,, humanda at mamayang gabi,, tayo,, magsasadya. sa sariling loob nang bagong ninibig, ay nacatagpo rin siya nang mainit; aco,, antain mo, ang ipinagsulit, ang ama,, ina co,, baca naiinip. itong sa cay fidel na manga magulang ay lubhang sagana sa lahat nang bagay, dalaua ang bunga nang pag iibigan dalaga ang isa,, bagong sumisilang.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"mana,, nang sumapit yaong tacdang oras dalauang may pacay pagdaca,, lumacad bago pang nananhic nahalatang agad na tila mabuti ang maguiguing uacas. nagcatotoo nga,, di pinaghirapan ang bunsong capatid gaya nang panganay; nguni,, si hortensio,, cung anong dahila,, dili naquisama cahiman at minsan. cung caya ganoo,, may lihim na nasa na di napapacnit sa puso at diua, loob na timtima,, ang inaadhica,, maguing cahalili ni cristo sa lupa. caya nga,, touina,, ninanais nais na maparaos na ang catotong ibig, sa pagayong buhay parang naiinip, pagca,, tinutugtog ang puso nang langit. baquit ang caniyang banayad na asal nagpapaquilalang talaga sa altar, at ang laguing nasa,, yaong capurihan nang lalong daquila sa sang sinucuban. ang sala nang tauo,, iquinahahapis, tandang maliuanag nang pagmamasaquit sa capoua niya,, tunay na pag ibig doon sa lumic ha nitong sang daigdig.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"datapoua,, ating ipatuloy muna yaong nagca isang puso sa pagsinta, na si eliseo at ni esperanza dumating ang arao pagcacasal nila. lilisaning co na ang laqui nang galac nang dalauang sintang nagca isang palad, sa piguing na yao,, inubos ang cayas, at casalamuha tanang camag anac. gayon din si fidel doroon din naman at si eduvigis siyang capanayam: uica nang lalaqui,, tayo,, naunahan houag ca na sanang mag ayaoayauan. nahahalata cong iyong iniibig aco,, ang ligaya nang puso mo,, dibdib, dangan marami ca na patumpic tumpic tingnan mo ang atin ngayo,, nasasapit. sa aglahing ito,, ang bunying dalaga alangang magalit, alangang tumaua, guinanti ang biro: pabayaan mo na at may panahon ding mararaos quita. hindi nga malao,, tatlong buan lamang ang nangahuhuli nama,, napacasal: nagsasama sila nang lubhang hinusay; uni,, may nangyari na malaquing bagay. itong magcapatid ay may caquilala na isang dalagang butihi,, maganda, ang lahat nang quilos nacaliligaya mata ay mapungay at mapanghalina.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"tila naglalambing cung siya,, mangusap, na nacalulugod sa quinacaharap, at cung lumacad pa,, tila umiindac, sampo nang pag imbay ay tama sa cumupas. hindi naman landi,, cacanyahan niya ang gayong ugali capagcabata na, ang pangalan nito ay si efigenia, at lalabing ualo ang edad na dala. dalauang magbilas sabay tinamaan nang titig na tila tunod ang cabagay, tumaos sa puso,, hindi maiuasan; nguni,, sa sinoma,, ayao ipamalay. gaon ma,, sa pagca,, di maililihim ang sinta at pilit na mahahayag din, agad nahalata,, naguiguing butihin dalauang magbilas cung ano ang dahil. lalong lalo na nga capag dumadalao ang himalang lagda niyong cagandahan, sila,, nagbibihis na nag uunahan, at sampo nang buhoc ay pinaghuhusay. agad nanibugho bunsong eduvigis asaua,, di ibig maualay sa titig, lalong lalo na cung siya,, malapit doon sa dalagang diua,, may pang aquit. hindi macatulog sa gabi at arao, balisa ang puso niya,, agam agam, ang caniyang isip parang naulapan niyong panibugho at malaquing lumbay.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"parang binabatac nang dating ugali nanglisic ang mata,, nagulo ang budhi, ibig nang isabog ang puring calapi nang caniyang puring doo,, natatali. dangan sa caniya,, biglang umalalay ang cay esperanzang loob na tiuasay: magmuli muli ca bunso, at paquingan ang pamanang hatol nang ating magulang. cung cayo, aniya,, dalauin nang hapis ay maghunos dili,, tumauag sa langit, sa sucal nang loob houag pagagahis nang di maululan ang pagcaligalig. cung sa bagay aco ay caparis mo rin sa dinadalita,, taglay na hilahil; nguni,, nararapat ay ating isipin ang paraang ucol na lalong magaling. at ang gauin natin tayo ay dumalao sa cay efigenian quinahihiligan, nang canilang pusong ngayo,, nadidimlan: mahabaguing langit sila,, liuanagan! sa gahasa,, galit di dapat daanin ang canilang puri,, puri naman natin, at cahalay halay na ito,, pagdinguin, caya,, sa malubay ang lalong magaling.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"mana ay nang gauin ang gayong paraan may puring dalaga,, agad nacamalay, magmula na noo,, pinutol pagcouan ang dating ugali na pagdadalauan. nagdamdam nang hiya naman ang magbilas nadidimlang isip tambing lumiuanag, manga bagong casal ang mata,, imulat masdan ang mabuti na paraang dapat. sa lubhang mahinhing tacbo nang panahon fidel sa asaua,, nagcamit lingatong, pagca,, nalasap din ang masidhing lason nang casamang asal na tinagong laon. tunay at cung biglang abutin nang suliap ay ang cahinhina,, cabagay nang dilag, uni,, cung litisin ang sa pusong ugat ang lihim na dungis ay mapagmamalas. ang matimping loob nang masintang fidel sa dahas nang dusa,, munti nang magmalio: gaua nang asauang pagcamasumbatin naguiguing camandag tila sa panimdim. ang caniyang puso ay pinamamahayan nang lalong mabangis na capighatian, lalo nang matantong paimbabao lamang yaong naquiquita na magandang asal.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"datapoua,, hindi nasira ang loob siya ay nanalig sa aua nang dios, at sa arao arao ay iniluluhog iyong sa asauang asal na pahayop. bagama,, ang lagui niyang naririnig ay manga salitang pauang masasaquit, na nababagot sa lalong matipid at payapang pusong marunong magtiis. bagaman aayao gumanti nang pala sa mabuting loob niya at calinga, ay minamahal di,, ang caniyang uica: ito ay palad co loob nang maygaua. bagama,, ang lagui niyang namamasid ay masamang muc hang may paquitan galit dili pinapansin at ang suma isip ito,, cung punahin mananadyang pilit. pagca,, ang babaying ugali masama, capag pinuna mo,, lalong lumalala, at cahit pamalong bacal ang ihanda hindi magbabago muc ha ma,, mapasa. at saca ang dila nang gayong babayi cung may guinagaua,, hindi natatali, ibig na maturang masipag, malicsi, anaqui cung sino yata ang pupuri. inuulit ulit na uala isa man marunong gumaua sa loob nang bahay, caya ang mabuti,, patapunan naman nang camunting puri cahit paimbabao.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"talastas ni fidel ang bagay na ito niyong pa mang unang siya,, bagong tauo, pagca,, bihasa rin sa lacad nang mundo, caya,, sa paraan lubos na natuto. hindi pinapansin ang asauang ibig capag naquitang siya,, nagagalit, bagcus pinupuri, upang tumahimic ang di nangangalay na dila at bibig. uni,, cung mamasdang mabuti ang loob agad sinasabi nang boong pag irog, catulad mo hija,, ang inahing manoc sa pinutac putac hindi napapagod. houag acalaing icao,, napupuri, ineng, cundi bagcus lalong naiimbi: mag uariuari ca,, ang lalong mabuti ay magpacababa ang isang babayi. ang bibig touinang hindi natiticom ay nacacapara na sa asong tahol, caya catitiis, pagca,, nauucol sa balat nang lupang bayan nang lingatong. ang sala nang iba,, iyong titiisin pagca,, tayong lahat nagcacamali rin: pagbata na hija,, baca acalain nang tauong hindi co icao sinusupil. masasabi sabing aco,, natatacot sa iyo,, cung baquit di ca binubugbog, caya, aquing ineng, icao ay sumunod sa manga hatol co,, banayad na himoc.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"tantoin mo, hijang, isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan; dito na nagbago sa asauang asal dahilan cay fidel mabuting umaral. ang buhay taga langit at ang pahimacas. si hortensio nama,, ating pagbalican ang catoto niya,, ano,, nang macasal, ay hindi naglao,, tambing nagpaalam, ticang tutuparin ang laon nang pacay. daquila ang lumbay niyong si eliseo sa pagpapaalam nitong si hortensio, hinadlangan sana ang pag alis nito dangan ang dahila,, malaquing totoo. sa isang convento,, pagdaca,, pumasoc pagsunod sa lihim na tauag nang dios, ualang iniisip cundi big yang lugod ang nagpacamatay dahil sa pag irog. uala na ngang dapat tayong pagsicapan cundi mamintuho habang nabubuhay, sa poong lumic ha nang sang daigdigan, gaya ni hortensiong humandog na tunay. saca iguinauad sa caniya nang langit ang capangyarihang ualang cahulilip, na di ibinigay sa tanang angeles sucat na mamaang ang pantas na isip.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"hamac na tinapay ay sa uica lamang naguiguing mistulang cay cristong catauan, tauong nasa sala ay quinacalasan, ang yaman sa langit parang na sa camay. taga pamag itan sa dios na galit, guinhaua at alio nang dalita,, saquit, sa puso nang tauo,, siyang naghahasic, nang cay jesucristong aral na matamis. tungcol sa mabait na si eufrasia, iniraos naman ang lagui nang pita, linisan ang mundo, at nagreligiosa sa mag inang virgen ito ay panata. ipinamahagui ang lahat nang yaman sa maraming duc ha at manga simbahan matandang barbara,, biniguian din naman bagaman at tila muc hang mangagauay. sa pagpasoc niya sa mahal na claustro nang bunying serafin may catauan tauo, agad nagparali ang sabi,, ganito paalam paalam magdarayang mundo. linisan quita,, di co hinahangad ang toua at layao na handog mo,, gauad, idulot sa iba,, di co matatangap, at ang aquing ibig ay dalita,, hirap.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"camataya,, dusa,, siyang ninanasa nang bunying teresa, inang daraquila, ang cay pazis nama,, sucat ang dalita at houag mamatay sa laguing pagluha. mapalad na saquit, matamis na hirap, na pinapalitan nang ligayang uagas: mapait na toua,, guinhauang camandag, na hinahalinhan nang saliuang palad. dito na lumagui ang bunying dalaga, at pinapagsaua puso sa pagsinta: ang pagod at puyat inaalintana, sampong camataya,, hindi anumana. at ang uica niya,, cung ualang dalita uala ring hihinting ligaya at toua, ang hindi nagbata sa balat nang lupa sa cabilang buhay naman ay luluha. minahal sa guinto, diamante at perlas yaong caruc haan, cilicio at hirap mahalagang damit lubos na hinamac pinili ang lalong magaspang, magalas. nacaliligaya sa isipin lamang yaong sa dalagang doo,, pamumuhay ualang ini iisip sa gabi at arao cundi ang maglingcod cay cristo,, gumalang. sa caniya,, hindi nacacagambala tungcol salitaan ualang napapala ang manga casama niya palibhasa ay pauang uliran nang tauo pala.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"datapoua,, yamang hindi matularan nang madlang dalaga ang ganitong buhay, ay tupdin na lamang ang macacayanan sa cani canilang bahay na tahanan. baca sacali cayang tinutugtog nang langit sa gayong buhay na maayos, cung hindi mangyari ang iyong pagpasoc ay cay mariang puso cayo ay pacupcop. hayo na,, pasuquin yaong pusong mahal, lubhang maauain at mapagtangcacal, doo,, ipinatag caloloua,, buhay at sampo nang liriong inyong calinisan. hanganan co rito, bumabasang guilio, icao na ang siyang bahalang maglining, ang mabuting asal ay alinsunurin; nguni,, sa masama nama,, marimarim. natatalastas mong ito ay tadhana nang dapat asalin mulang pagcabata, nang upang calugdan ay aquing tinula, sa icatataua,, pinaca sagana. tantoin mo namang dapat sa sumunod cung mapagquilala ang tugtog nang dios, at nang cung maganap mahal niyang utos sa siong mapalad magtamo nang lugod.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"madla cong sinabi ay inilalagay sa santa iglesia na capangyarihan, at isinusumpang hangang sa libingan sa caniyang aral ay hindi sisinsay. at isinasamo sa ina nang aua ang tunay na aral ay lumagui naua, sa sang capuloa,, ang toua,, payapa maghari sa puso nang toua sa lupa. bilang icaapat nang buang masaya: mapalad na mayong laan sa cay maria, at pamumulaclac nang manga sampaga ang quinathang tula,, binigyan cong hanga. ang manga bulaclac ay iniaalay sa hindi nagmana sa sala ni adan, na siyang sampagang sadyang cabanguhan sa masayang jardin niyong calangitan. sari saring rosas siyang dinadala niyong mabait na anac ni maria, at taglay sa puso ang toua,, ligaya niyong paghahandog sa canilang reina. oh mayong mapalad, buang pagdiriuang sa mahal na virgen nang capayapaan, lalaqui,, babayi, mahirap, mayaman bayang antipolo ay pinaglalacbay. hindi anumana ang hirap at pagod sa sinasalungang mataric na bundoc, hangang sa sumapit doon sa taluctoc na quinalalag yan nang ina nang dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"sa nagsisidayo,, ualang nalulumbay, cundi paraparang nagcacatouaan, pagca palibhasa,, ang naca aacay pag ibig sa ualang dungis camunti man. mula sa cainta hangang antipolo ay lumilipana ang dami nang tauo, na ang iniisip nila,, pasaclolo sa ina nang gracia nilang tinutungo, natatalastas mo na, bumabasang irog ang arao at buan na iquinatapos nang pinangugulan nang puyat at pagod na sa inang virgen ay inihahandog? dito sa daquila,, mapagpalang reina dapat na magsacdal ang tauo touina, at gayon din naman sa esposo niya, san joseng natangi sa lalaquing iba. at sa cay san roqueng hinirang nang dios na magcacalara sa nangasasalot, ay magmacaauang taimtim sa loob dito sa panahong caquilaquilabot. aquing ninanasa cung maguiguing dapat at cung bibig yan pa nang buhay at lacas, tulain ang buhay na lubhang mapalad nang daquilang santo na nagpacahirap. nang tularan natin manga cabanalan na iniuang bacas sa lupang ibabao, at sa panalangin niya ay mahambal ang puso ni jesus sa sang capuluan.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"hanganan co rito,, tayo namang lahat ay manga panuto sa tunay na landas, nang ating sapitin ang bayang mapalad pangaco nang dios sa may pusong tapat. sa lalong capurihan nang dios. lima capital nang republica nang peru, may silla arzobispal; may universidad, at iba pang establecimientos literarios; ang manga simbahan ay sagana sa manga alhajas at ornamentos. sa ciudad din namang ito ay lumitao ang cabalitaang sta. rosa de sta. maria patrona de las indias. platon, balitang filosofong taga atenas, discipulo ni pitagoras at maestro ni aristoteles. lumitao nang di pa nagcacatauan tauo ang dios anac. mentor, ngalan nang balitang ayo tagapagturo cay telemaco, anac nang haring ulises; ang pamagat na ito,, caraniuang ibinibigay sa manga maestrong marunong magturo, humatol at magcalinga sa canilang discipulo. eden, ay ang paraiso.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"itong manga tanda sa pagpili na maquiquita dito ay pauang catatauanan lamang, bagama,, cung minsa,, nagcacatotoo rin; at di dapat alinsunurin, sapagca,, maguiguing daang icapipintas at icapupula sa di dapat pintasan. itong manga paraang naririto tungcol sa pangangasaua ay isang tunay na catatauanan din, at ualang anomang cahalayan. averno ang infierno. olimpio, ang langit. apolo, dios nang poesia musica at medicina. ang manga salitang ito,, madalas na guinagamit nang manga poeta. ang asaua ni neron ay ang mabait na si octavia. si burro at seneca ay siya niyang director tagapatnubay. ang sabi sa historia ay niyong umaalinsunod si neron sa dalauang ito ay naquiquitaan siya nang cagandahan nang loob; datapoua,, nang caniyang ipapatay ay naguing tunay na halimao. si britanico ay caniyang capatid; at ang lahat nang nasabi na,, para parang ipinapatay nitong quilabot nang catampalasanan. pluton, anac ni saturno at ni ope, at dios sa infierno, anang manga poetas.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"can cerbero, isang malaquing aso na may tatlong ulo, ang pinaca balahibo ay pauang serpiente, ipinanganac nang gigante tifon at nang monstruo echidna, siyang nagbabantay sa pinto nang palacio ni pluton, pinababayaan ang nagsisipasoc at ibinabaual ang paglabas. estigia; anang manga poeta, ay isang maitim na dagat sa infierno at sa guilid nito,, nagdaraan ang manga caloloua nang nangamamatay. hercules, anac ni jupiter at ni almena, asaua ni anfitrion, siyang gumahis sa can cerbero. homero, ang lalong balitang poeta griego; autor nang dalauang poema epico ang iliada at odisea. serafin, may catauang tauo ay si. francisco dahil sa pag aalab nang caniyang puso nang pagsinta sa dios. sion, ang bundoc na canugnog nang jerusalem doon natatayo nang una ang palacio ni david; caraniuang inihahalimbaua sa langit. sa calinis linisan at lubhang mapagcalingang puso ni maria,. sa manga dalagang babasa nito,. ang magandang asal na dapat pasimulan mulang cabataan,.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Joaquín Tuason,"capitulo ang pinagcautangan nang buhay,. capitulo ang hiyas nang isip,. capitulo cung ano ang buhay siyang camatayan,. capitulo si hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo,. capitulo ang uliran nang manga dalaga,. capitulo ang pagpili nang cacasamahin at ang mabuting paraan nang mangyaring macamtan,. capitulo ang pusong garing na di malamuyot,. capitulo may dalahirang banayad at may mahinhing talipandas,. capitulo ang catampalasanan ni neron, at ang matandang mangagauay, . capitulo ang pagtatagumpay nang cababaan at pagcaduhagui nang capalaluan,. capitulo isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan,. capitulo ang buhay taga langit at ang pahimacas,.",0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"kabuoan ng isang bahay na may mainam na mga palamuti. pinto sa gitna ng kabahayan na naghahatid sa ibang mga banghay ng bahay. dalawang bintana sa siping ng pintuan. sa kanan at kaliwa, ay mga silid na hindi mangyayaring makita ng mga nanonood. pag aangat ng tabing, ay makikita si. na, nakaupo sa isang tabureteng mesedora, at bumabasa ng isang pahayagan. tib: sussssssss.! sa lahat ng araw na isinasal ng init, ay lumabis naman ang araw na ito. at, sa kalabisan, ay kaunti, na tuloy akong masagasaan ng trambya, dahil sa hilong umabot sa akin. (saglit na hihinto.) salamat na lamang, at ang nangyare sa akin ay nakita pala ng isang mahabagin, at kung hindi. marahil ay kinidlatan na ako! (hihinto) talaga na yatang ang maynilang ito, ay magiging sa mga mangangalakal na lamang! diwa'ang maynilang ito'magiging tahanan na lamang ng mga taong mapuputi, dahil na. munting kibot, ang mga makapangyarihan ay nagtatakda ng mga kautusang. halos ay makalunod na sa mga mahihirap.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"at, kung sakali namang, ang isa ay nakaririwasa; may bahay na sarile, walang patid namang utos ang ibibigay. nariyan ang kailangang papintahan umano ang bahay kaya'palagyan ng gayon ganitong mga. sussssssss.na buhay ng buhay na ito!! (hihinto ng matagal) ang araw na magamit ng patuluyan ang aeroplano ay bibile ako agad, ng upang maligtas na lamang sa mga ganyang kautusan. kung sa himpapawid na ba ako nagtitira, ay ano pang amillaramiento ang babayaran, ni bahay na papipintahan pa kaya'uupahang ventilador nguni', ipagpatuloy ko nga ang pagbasa sa pahayagang ito, at ng matalos ang mga balitang dala niya. (muling babasahin ang pahayagang tangan: babasa) sakaling sa loob ng pitong taon, ay maipakita ng bayang pilipino ang kaniyang kakayahan sa pagsasarile, ay ipagkakaloob sa kaniya ng bayang amerikano ang ganap na paglaya. salamat sa dios, at kung papalarin ang bill na ito ni mr. jones, ay makikita ko pa ang paglaya ng pilipinas! maanong totohanin na ang pangakong ito ng bayang amerika!",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"(titigil sumandali, at pagkatapos ay mapapalundag: babasahin) pangkat ng mga nakawan . pangkat ng mga nakawan? (babasahin) kagabing magiika at ng madaling araw, ay pinanhik ng mga magnanakaw, ang bahay ng tagapangasiwa ng aming pahayagan, at matapos na mabuksan ang lahat ng mga taguan ng damit, ay nanga kadala ang mga naturang magnanakaw ng mga hiyas at pagaari ng taga pamahala namin, na umaabot sa halagang tatlong libong piso. ang nakawang nabanggit, kahi'ginawa ng mga kampon ni kako sa isang daang hayag, ay hindi man lamang nabalitaan ng mga nagtatanod sa ating mga lansangan. (lalo pang gulilat) dios ko! anong salot ito na gumagala at naghahari dito? ito baga ang katunayan ng sinabi ng ilang ginoo na kabutihan ng pamamalakad? nasaan ang katiwasayang binibili ng mga mamamayang nagbabayad ng di kakaunting kuwalta sa pamamagitan ng mga contribuciones at amillaramientos mabuti na ang nangyayari! nagkakaroon ng mga nakawan, harangan at patayan ng.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"hindi man lamang natatalos ng mga pulis at secreta . (hihinto ng matagal) sinasabi ko na nga ba, at ang paglipana ngayon ng mga kabalbalang ito, ay, galing sa mga nagkalat na babasahing natutungkol kay nick carter. ang mga cineng iyan na walang ibang idinudulot sa mga nagsisipanood kundi ang mga nakawang sistema zigomar at ang halikan. wala, ito ang siyang totoo. at dahil sa bagay na ito, buhat ngayon ang mga cineng iyan, ay hindi na makikinabang sa akin, kahi'na isang kusing man lamang!. (tatawag) bruno!. at si bru: (buhat sa loob) pooooooo.!!! tib: halika. bru: (lalapit na pakimi) pagutusan po. tib: lumapit ka, torpe! bru: (lalapit ng payuko, tulad ng karaniwang gawin ng mga taga lalawigan, lalo na ang ilang tagabukid.) pagutusan po, sinor! tib: (tataban siya sa isang taynga.) torpe, halika'may sasabihin ako sa iyo. (sisipain sa kaliwang pigi) bru: naku.! malabis po pala naman kayong makapagsalita, ah. talo pa po ninyo si kabisang umeng doon sa amin na, munting kibot, ay.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"tib: (anyong sisipa uli.) naka ano, ha? bru: nakatawa po',.nagbibigay ng kuwalta! tib: (sa sarili) may hayop ang katawan nito. siya, lumapit ka, at may iuutos ako sa iyo. bru: (sa sarile.) bibigyan kaya ako ng kuwalta? turan po ng aking panginoon. tib: huwag mong lilimutin, ha? bru: (patulala) ang alin po? (sa sarili) ang isinipa kaya niya? tib: ang iuutos ko sa iyo. bru: aba, umasa po kayong hindi. (sa sarile) ang akala ko'kung ano na ang kaniyang ipa aala ala sa akin ah. akala ko', ang sipa na. tib: dingin mo. buhat ngayon, pagkatugtog na pagkatugtog sa ating orasang malaki ng ika pito at kalahati ng gabi ay. bru: naku, panginoon ko, paano po ang pagtugtog ng ating orasan, sa matagal na po siyang namamahingang kaparis ng orasan sa santa cruz? tib: (sa sarile) may katwiran. (hayag) totoo nga. kung gayon, ang gawin mo', ganito. pagtugtog ng orasan ng sambahan dito sa atin, ay ilalapat mong mabuti ang pintuan, at huwag mong bubuksan kahi'na kangino. naringig mo ba?",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"tib: nalalaman na daw nito. hale nga, tignan ko kung tunay na nalalaman mo na, ang aking inihabilin sa iyo. dale, sabihin mo: ano ang iyong gagawin mamaya, pagkatugtog ng ika pito at kalahati ng gabi? bru: (patulalang sasagot) ma.ma.ma maya pu ba? tib: oo, mamayang maka.. bru: (sa sarile) para din akong ikakasal ngayon ah! sinusulit pa ako. (hayag) mamaya pong ika pito at kalahati, ay. (waring magiisip sumandali) ay, di, bubuksan ko po ang lahat ng pintuan. tib: (patalak.) nakita mo na, ang sinalibat na ito ng isang kallang. (duduhapangin si bruno at tatadyakan.) naku, ang hayop na ito, ah, paghindi kita pinatay.! bru: mangyari po', sinabi ninyong ika pito at kalahati.. tib: eh, ano ngayon? bru: aba, ang sabi po ni nora sara sa akin, ng minsan pong itinanong ko sa kanila kung ano ang kahulugan ng.. na malimit kong makita sa mga anyaya, ay sinabi po nila sa akin na ang kahulugan daw po'. ano daw ang kahulugan? bru: eh, magbukas daw po ng pinto. tib: (sa sarile) que atrocidad!",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"(hayag) pareho na kayo sa pagka lingas ng iyong nora sara. (galit) kung ang lahat ng maglingkod sa akin ay gaya mong mga bruto, ay hindi malayong magkaroon tuloy ako ng tisis galopante. bru: (pagkaringig ni bruno sa sinabing bruto ni. tib. ay iiyak ng ubos lakas.) inaku, dios ko po, inakuuuuu! tib: aba, at bakit ganiyan na ang ngalngal mo? bru: mangyari po'. (iiyak ng lalong malakas) mangyari po'. tinawag ninyo ako ng bruto, eh, bruno po naman itong ngalan ko. (iiyak uli) tib: tinamaan ka ng. (matatawa siya, nguni'pipigilen) siya, siya, huwag mong lilimutin ang ipinagbilin ko sa iyo ha? (babatukan at pagkatapos ay aalis.) aruuuy, aruuuuy.! (lilingap sa kaniyang likuran at pagkakita na wala nang tao doon, ay magsasabi.) kung hindi ko lamang siya panginoon, ay nagkahalohalo na sana ang, balat sa tinalupan. (susubsob sa lamesa at iiyak na parang bata) (lalabas si na pagkaringig; sa pagiyak ni bruno ay magtatawa.) mar: ha.ha.ha.ha. bru: martina, bakit, ano? pagtawa mo'kangino?",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"mar: kangino? ako'may nakikilala na isang binatang tanga, na ang lahat ng makita tinatakhan, nababakla. lalong lalo kung mamalas mga babayeng magigilas, ay nagmamatang bayawak na asa mo'isang tungak. bru: hindi totoo: ang sulit na ngayon ay kasasambit. ang babaye'naninikit sa binatang makikisig. ako ay may nalalaman na mga dalagang momay, na sa boong isang araw, yao'dito sa lansangan. martina: bruno: kahit ano ang isulit kahit ano ang isulit ako'hindi makikinig, ako'hindi makikinig, sa batang walang batid, sa babaeng walang batid ang mabuti ay pagtikis. nararapat ay pagtikis. mar. (tatawa) ha.ha.ha.!! kawawa naman itong si bruno. bru: (natutuwa.) salamat, martina ko at, sa akin dinaingdaing, ay nakuha mo din ang maawa. mar: (galit) ha? baka naloloko ka na! sino ang nagsabi sa iyong ako'.? bru: sino daw, hindi ba', kasasabi mo pa lamang ngayon? mar: hooy, maglubay ka nga ng pagsasalita ng ganiyang mga kamangmangan.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"(sasabihin ito ng padabog) bru: at, hindi ba sinabi mo kangina lamang na, naaawa ka sa akin? mar: (patuya) na aawa pala ako sa iyo, ano ha? mangyari nga ba, (lalong patuya.) sa, mukhang tinampalasan ka na naman ng ating panginoon. bru: aba, martina, naloloka ka na ba? bakit ako tatampalasanin ng ating panginoon? hayop ba ako na kaparis ng iba diyan?. mar: (patuya.) at, hindi ka pala tinampalasan, ha? sabihin mo nga, bakit ba namumula ang mukha mo na para kang merikanong lasengo? bru: ah, loka, loka ka nga! di mo ba, nalalaman na ang gayon ay isang malaking saksi ng pagmamahal niya sa akin? mar: ang tampalin ka ba? bru: oo, dahil na iyan ang tinatawag ng mga kastila na tunay na karino. ikaw ba, ay tinampal na hinawakan man lamang ang mukha mo ng ating panginon? mar: (galit) hindi nga, bakit? bru: nakita mo na, di hindi ka niya minamahal, ni kinakarino? karino pala ang tawag mo sa papamulahing parang saga ang mukha mo. bakit ba naman, namimiskotso ang iyong mga labi?",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"bru: mangyare, ako'kaniyang pinanganga. mar: ah.hangal,.torpe.gago.!! (hihilatan ng mata, at pagkatapos ay aalis.) bru: hangal? gago ako nitong kay tuwid kong magsalita? hindi, ako'wala ni alin man sa mga ipinaratang sa akin ni martina. naiingit lamang siya sa aking pamumuhay. voz.: (buhat sa loob) are you going to the cinema to night? voz.: is it true, dear angeling? voz.: shall await you there. don'speak to loud; we might be heard. voz.: at the same place? go away now, papa might see you. (pagkatapos ay makariringig ng animo'naghahalikan.) bru: naku, nandagit na naman ang lawin.! diablo!.dimonyo! heto ang nagiging tubo ng magulang na bayaan matuto ang anak ng yes . buhay na buhay siyang napaglalakuan.kuuuu!! magtiwala ka nga naman sa anak na babae. panibulos na panibulos ang aking panginoon na hindi pa natatalos ng kanyang anak ang gawang umibig.ha.ha.ha.!! eh ito pala'papauwi na.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"at, ang na iibigan pa naman, ay isa diyan sa mga binata na, palaging walang sumbalilo kung magpasyal sa lansangan, tatlo apat na lupi ang laylayan ng pantalon at kung mag mericana'yaong palaging may bigkis sa likod.!! maniwala, maniwala ka nga naman sa babae.hesus!. (aalis at papasok sa kaliwa.) tagpo si lamang ang: tulad sa simoy ng hangin sa gabing batbat ng bituwin, katamisan ng pag giliw, ni luisitong aking aliw. sa puso'sa kaluluwa, naghahari ang ligaya, walang guhang di pagsinta ang pangdulot sa tuwi na. oh, ligaya ng mabuhay, oh. pagibig na taglay: ikaw lamang, tanging ikaw. ang lunas ko, kaylan pa man! halika'huwag bawiin ang payapang na sa akin, halika'ako'kalungin sa bisig mong ginigiliw. kung ang buhay ay pangarap ay nasa ko ang mangarap. sa bisig ng aking liyag na paningi'minamalas.! oo nga, wala nang buhay na gaya ng akin; punong puno sa ligaya, busog sa kasayahan. sa mga magulang ko ay wala akong na pita na hindi ipinagkaloob sa akin sa lalong madaling panahon.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"anong sarap ng buhay na gaya nitong aking taglay. bal: (buhat sa loob) angeling, angeling.! bal: (parang may hinahanap) hindi mo ba nakikita ang aking pustisong buhok? kaggi kangina ko lamang hinusay, eh, nawaglit na ngayon. at napakiramay pa mandin ang aking postisong ngipin na kalilinis ko din. ang: hindi ko po nakikita, nanay. bal: saan kaya napasaksak? hale nga, hija, tulungan mo nga ako sa paghanap. (kunwa'hahanap ng sumandali at pagkatapos ay babalikan ang kaniyang ina,) nanay, mamaya ay magpapasyal ako, ho? (palambing na sasabihen) bal: na naman? saan ka na naman paroroon? papasok ako, ha nanay? hindi ba', kagabi lamang ay nasok ka na? ang: siyanga, nanay. (lalong palambing) bal: gayon pala, bakit ibig mo na namang pumasok mamaya? ang: (tatawa ng palihim) aba, si nanay naman! hindi ba ninyo nalalaman na ngayon ay huwebes? bal: eh, ano kung huwebes? ang: eh, araw po ngayon ng kambio. bal: kambio ba ng ano ang pinagsasabi mo? ang: kambio ng programa po.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"bal: at, ano daw na naman ang palalabasin? ang: zigomar contra nick carter po. bal: magaling daw ba iyon? ang: magaling daw po, ayon sa balita ng mga pahayagan. papasok ako, ha nanay? (lalabas si na sumisigaw at waring may hinahabol na aso. tangan sa kanang kamay, ang isang postizong buhok at sa isa naman ay postisong ngipin,) tagpo sila din at si . bru: (waring hinahabol ang aso. humihingal. (lalong takot) naku, malaking basagulo ang nangyare; ang aso. ay nakakawala, at. nakamatay ng tao.!!!!! ang: (gulat) ano ang nangyare, ha, bruno? ano ang nangyare? bal: (lalo pang gulat.) ano, ano daw ang nangyare? (takot) ang atin pong aso na mariano gil ay nakakawala at. bal: bru: nakamatay po ng tao.!! bal: susmariosep!!. (manginginig sa takot) ang: tunay nga ba? bru: opo, at sa katunayan, ay naririto po ang buhok at sampu ng ngipin ng taong: napatay.susmariosep.! talagang hayop si mariano gil! naku ang ngipin ng taong napatay!",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"(ipakikita ang ngipin at buhok na postizo) bal: (tatanganan, at mapapasigaw sa takot.) naku po, dios ko.!!! (pagkatangan sa ngiping pustiso ay makikilala. galit) aba, eh ito. ang ngipin kong postiso na hinahanap ah. (galit) ang hayop na ito. (kay bruno) animal, sa lahat ng ginawa mo sa akin, ito ang. ang: bakit po, nanay? bal: eh, iyan bang hayop na iyan, linoko na naman ako. bru: (sa sarile) sa lahat daw ng ginawa ko sa kanya. (harap) kaylan ko po ba kayo linoko? (papakumbaba) bal (ipakikita ang pustiso.) at, ito, masama pa bang pagloko? bru: eh, hindi po ba buhok iyan? bal oo nga, buhok, nguni'ito'pustiso ko animal at hindi sa patay na taong gaya ng sinabi mo. (sisiyasating ang buhok.) tignan mo ang ginawa mong ito, ginusot mo. babayaran mo ngayon ito. bru: aba, hindi po ako ang sumira niyan. di po, pabayaran natin sa aso. siyanga naman, nanay. bal: (kay ang.) aayunan mo pa ang hayop na iyan. (kay bruno) babayaran mo ngayon itong aking buhok.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"bru: (sa sarile) katuwirang diablo na itong nalalaman ng aking ama. iba ang sumira, at, ako ang papagbabayarin. maniwala kanga naman sa ayos ng babae. (titigil) kay don tibursio, ay walang sandaling di pagpuri sa buhok ng kaniyang asawa ang nariringig dahil sa kalakihan umano, ito pala'.pustiso lamang.baka pa kaya, pati ang.este, pati ang mata nito'pustiso na din ah.! bal: (galit) ano ba ang ipinagbububulong mo, ha? bru: wala po, senorita, wala po akong ibinubulong ng laban sa inyo.na aala ala ko po lamang ang nangyare sa pustiso. bal: (galit na lalo) pues, hindi mangyayare. ginusot mo ang aking buhok, at babayaran mo ngayon. na kasabay nina at. ay paraparang may mga bitbit na tampipe. si ay hilahila ang isang asong payat. ang gayak ng mga ito, ay mga lipas na sa moda . si ay nakasuot ng isang chaqueta ng mga tininte sa barrio ng panahong yumao ng kastila. ang magsisiganap ng mga tungkuling ito, ay nararapat na, ang kanilang isuot na damit ay iyong nakatatawa.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ang mga bagong dating ay mga tagalog na napatirang matagal sa isang nayon ng kapampangan.) tagpo ang mga dati at ang mga bagong dating. tib: (mula sa loob) tuloy, tuloy kayo! (kay baltazara) sarang.! eto, eto ang mga kaka! nagsidating na kasama ang dalawa nilang anak na kambal, iyong madalas na isulat sa atin noong hindi pa malay na dumating dito sina dewey. bal: (sa mga bagong dating) naku.salamat sa diyos, at na ka ala ala pa kayo sa amin. tio bes: bah, taganang maluwat nang tutu ing sa aming buri na dalawin ikayu, pero dapo', tutung marayu ing sa amin, saka ame karagul ing sa kekaming gastus. lalu na ngeni, malaki ing natuyot na pale sa kekami. bru: (sa sarile) diablo.! saan kaya nagsipangaling ang mga bikas na ito? ito ata ang tinatawag na antidiluviano ah! naku, kung panahon lang ngayon ng karnabal, sinabi ko na sanang sila'mga naka balat kayo. tio bes: (sa dalawa niyang anak) oh, beteng, matia, ano, oh bakit hindi kayo sumiklaud ng gamad sa inyong bapa? nanung hihintain yu?",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"tia mar: yapin naman, obakit ekayu siklaud? diablus kong anak.! mat: (tatanganan ang kamay ni. tib.) mano po, mga bapa. (madalas na sasabihen) kamusta kayo, ali ko pu misasalunan? ikami pu mayap, lugud ing ginung dios. nukarin lapu ding anak, kumusta la naman? nuya pu karin ding kakung pinsana ala lapu? tib: naririto. (kay angeling) angeling, heto ang mga pinsan mo. mat: ah, ikayu pala! (kay angeling) kumusta ka pisan, nanu ing bili mu queti? masaya ba queti quecayu, ja? ali ba masaya, ja? (madalas) ang: (sa sarile) naku, parang kalakwerda kung magsalita ito. mat: (kay ang.) mayap wari? magpapasiyal ka baka queti bengibengi? bru: (sa sarile) tinamaan ng.! talo pa ng babaeng ito ang elektrika sa bilis kung magsalita ah. ang: (mamasdang patulala si matea na hindi sasagutin, at pagkatapos ay haharapin si. tib.) tatay, naku, napakadalas namang magsalita ng anak ng tio bestre. (si na pagkakita sa mesedora ay umupo doon, mapapasigaw ng malakas, ng ang naturang mesedora ay gumiwang.)",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"bet: (lulundag) ba, dipaning alti.! tib: (pagulat) bakit, hijo, napano ka? ano ang nangyari? tio bes: (kay beteng) oh, bakit, mepilay ba ika? bet: ali pu, balaku pu mate naku. bru: (sa sarile) sinasabi ko na nga ba kangina pa at gagawa ito ng aliwaswas eh.dagukan ko yata ah. tib.) papa ayoko nangang makipagusap sa anak ng tio bestre. napakadalas magsalita. nakabubuwisit. naku, masakit na po ang ulo ko! tib: pasiensia ka na hija, at talagang ganiyan na iyan, buhat ng ipanganak. pasusuhin pa lamang iyan eh, wala ng lagot kung umiyak. bet: (lalapit sa kanyang ama. mamasdan si angeling at magsasabi.) tatang, buriqu. bru: (sa sarile) nakita mo na, di ang hayop na ito'tinawag pa ng buriko ang kanyang ama? tib: (kay tio bestre.) bakit, ka bestre, ano ang nangyayare kay beteng? bet: (mamasdan uli si angeling: kay tio bestre.) tatang.tatang.barike.!! tib: (gulilat) aba, bakit, may sakit bang naninigas ang anak mo? tio bes: oo, atin nga. (bubuhatin nila ni.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"tiburcio si beteng at ilalagay sa kabilang mesedora: pagkalagay doon, ay gigiwang na muli at si beteng ay lulundag sa takot.) bet: (gulilat) pigbunganapu ning al.!!! tio bes: bah, bakit, nanung nangyayare sa iyo? bet: baquit gagalo ya ing sillang yan, malikiu ku. tio bes: (parang galit) beteng, huwag kang mamulang. bes: tatang, burike ing pinsan ku, angeling. tio bes: alika maingay, sabe aku ing bahala. tib: (kay tio bestre.) eh, ano ba, pinsan, ano at nakaisip kayong dumalaw dito? tio bes: mallari, ibig ko na sanang gawan natin ing pinagkayarian ta, kanita pang limang taon ngayon. tia mar: ampong, maninap nakung maninap pamanlumbe sipitograpo, uling babalita ng kabisang gusting kekami. tib: (kay baltazara) sarang, ito ang pinsan kong pinangakuang pagpakasalan sa anak niyang lalake sa ating angeling. ngayon ay ibig niyang matupad ang aking pangako, kaya'ang mabute ay, kausapin mo ang ating anak.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ipina aalaala ko sa iyo na sila'mayaman, hale na, sulsulan mo na sana ang ating angeling upang ibigin na si beteng. bal: hindi ko masasangayunan ang iyong nais. gayon man, ay pagbibigyan kita. (kay angeling) angeling, ibig daw ng tio bestre mo na ikaw ang mapangasawa ng kaniyang anak na beteng. ang: (pataka) ano ang sinabi ninyo, nanay? pakasal ako sa antipatikong iyan? bah, mabuti pa'uminom na ako ng lason. (pasamo) nanay, huwag kayong pumayag na ako'makasal kay beteng. bal: hayaan mo at ako ang bahala. ang: (kay baltazara.) nanay, pag ako'pinilit ng tatay, ay papasok na akong monha. bal: lokang bata ito, hayaan mo'ako ang bahala (kay. tib.) tibo, ayaw kay beteng ang ating anak. tib: (galit) pues, hindi mangyayare, susunod at susunod siya sa aking ibigin. no faltaba mas. ngayon pa namang nagkayari na kami ni ka bestre.hindi mangyayare!. bal: aba, hindi naman ako makakapayag na ikasal ang aking anak sa di niya nagugustuhan. mangyare na ang mangyayare!!",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"tib: (galit din) sarang, sukat na ang pagsagot! ayoko ng sasagot ka sa akin!. naringig mo ba? bal: (patuya.) bah, para ka namang kaiser ah. tio bes: (kay. tib.) nung makanyan, pinsan aasahan ko na ang iyong pangako. tib: oo, ka bestre, asahan mo na. ang: (nariringig ang paguusap ni. tib. at tio bestro: kay baltasara.) nanay, huwag ninyo akong bayaan.ipinangako ako ng tatay sa tio beatre. bal: hayaan mo sabi at ako ang bahala, eh. mat: (kay tio bestre) oh, tatang, etamu lumbe cine? (kay angeling) pinsan, tukika quekami, ja? tara na miblas. nung mipuntaka karin quekami, akit mula ding sesesen kung ayup, babi, manuk ampong. tio bes: (sa lahat) bueno, itamung lahat lumaue cine pota. tib: kayo na lamang, ka bestre. tio bes: aba, ali mallari.itamungan. itamungan lumbe tamung cine. tib: bueno, tayong lahat ay pumasok. (aparte) naipangako ko pa namang hindi na ako papasok sa cine. bru: (kay tib.) eh, ako po ba'hindi ninyo ipagsasama? ikaw ang matitira dito sa bahay.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"bru: (takot) aba, aking panginoon, natatakot po akong magisa dito. natatakot po ako.! tib: pasasamahan kita kay martina, duwag! bru: (pataka. aba.kung gayon po'.masok na kayo ngayon din. ang pagpasok po sa cine, mientras maaga, ay mabute, dahil na, baka hindi na tuloy ninyo matapos. tib: (sa kaniyang mga panauhin) eh, siya, tayo na humapong maaga at ng makapasok agad sa cine. tio bes: yaping mabute. tara na mangan. (lahat ay magsisipasok. mamasdang mabute ni beteng si angeling; pandidilatan naman nito iyon ng mata, matatakot si beteng at patakbong papasok.) pagaangat ng tabing ay makikita ang larawan ng isang kilalang lansangan sa maynila, na mangyayaring maging ang daang azcarraga alin man ibang daan. sa gitna, ay makikita ang panglabas (fachada) ng isang mainam na cine. maraming tao na magyayaot dito sa naturang daan, na ang iba'magsisipasok sa cine matapos namakakuha sa taquilla ng bilyete. sa gawing kanan ng cine, ay makikita ang isang tindahan na may babala na:.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"sa gawing kaliwa, ay makikita naman ang isang babae na nagtitinda ng mga kakanin. mag iikawalo'kalahati ng gabi. lalabas ang ng at na nagsisiawit: gabi. tayo nanga magliwaliw! anong inam! anong bute! nang cineng kawile wile. sa cine'napapanood maraming kababalaghan laging saya ang pangdulot sa madlang nasasakitan. tayo!.tayo na sa cine! tayo na nga magliwaliw! anong inam! anong bute! nang cineng kawile wile.! (pagkatapos ng pag awit, magsisigawa ng isang evolucion at saka magsisipasok sa pinto ng cine.) lalabas ang batang lalake, si at lalapit sa may tindang mga kakanin. ang at si ten: (kay peli) ano, peli, papasok ka na naman sa cine? peli: (waring kagagaling pa lamang sa pagiyak.) wala po akong pera, eh. ten: bakit hindi ka humingi sa iyong nanay? peli: humingi po ako, nguni', ang ibinigay po sa akin, ay palo. peli: mangyari po, ng ako'humihingi ay nataon naman na sila'napantoche sa panguingue, kaya po,en vez na kuwalta, ang ibinigay po sa akin ay palo at kurot.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"(lalabas sina at buhat sa kaliwa.) tagpo sila din, at sina at . mar: (kay luisito) luisito, dito ang mabuting paghihintay, ng makapangaliskis tayong mabute ng mga dalaga. lui: ikaw naman ang taong wala nang na aala ala kundi ang dalaga. at, minsan man, ay hindi ka na nagkasiya sa isang kasintahan. marahil ang puso mo'walang iniwan sa repollong china. mar: (patawa) nagsermon na naman si padre luis. nalilimutan mo lamang marahil kaibigan ang kasabihang: pues que la vida es corta, sonemos, alma, sonemos! hale nga, sabihin mo nga naman, eh bakit ikaw, hindi ka na nagsawa sa amerikanang de cinturon at sa di pagsusuot ng sumbalilo? lui: tao ka nga pala. hindi mo ba natatalos na iyan ang costumbre americana? mar: naku, maniwala kang kung ang lahat ng costumbre ang susundin natin, eh hindi malayong, bukas makalawa, ay maglagay ka na ng kumot sa ulo. lui: aba, iyan ang hindi ko magagawa. eh, kung mamoda? mar: (pagkatapos na masdan ang bata: si peli: kay luisito.)",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"luisito, masdan mo ang batang iyan. (ituturo si peli na nakaupo.) lui: sino bang bata iyan? mar: iyan ang isa sa mga dakilang amateur ng cine. walang gabi na di nanasok sa cine ang batang iyan. lui: gayon ba? mar: oo, maniwala ka. halika'ating lapitan at kausapin tuloy, samantalang hindi pa dumadating ang ating hinihintay. (lalapit silang dalawa, at kakausapin ni marcos si peli.) hooy, peli, narito ka na naman, ha? tila nawiwili ka sa panonood ng cine, ano? peli: (pakimi) kaunti po lamang. lui: bakit mo ba naiibigan ang cine? peli: mangyari po'sa cine ako inpinanganak ng aking nanay. mar: siyanga ba? peli: gayon po ang sabi ng nanay ko sa akin. buntis daw po silang kagampan, ng naisipan nilang masok sa cine. nangangahalati na daw po ang pelikulang kanilang pinanonood, ng ipinanganak nila ako. lui: saan ka inpinanganak? peli: sa cine po. lui: at, ano daw naman ang pelikulang ilinalabas ng ikaw ay ipanganak? peli: zigomar daw po. lui: (sa sarile) que barba.ridad!!!.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"mar: (sa sarile) kay liit namang zigomar nito.!!! lui: (kay peli) eh, ano naman ang inginalan ng nanay mo sa iyo? peli: pelicula, po. mar: santa barbara!. (makakaringig ng yabag at sipol ng auto: kay luisito.) luisito, tila sila na ang dumarating. hayan at sipol ng auto nina. tiburcio ang nariringig ko, ah. lui: sila nanga. salamat sa dios! tayo kumanlong. (lalabas sina. ang tatlong nauuna, ay mabute ang gayak, ang apat na huli, ay lalo pang nakatatawa ang mga suot.) mar: (kay luisito.) luisito, ay pumasok muna tayo sa magmomongo. lui: pakikita muna ako sumandali, at pagkatapos ay tumungo tayo sa mongo. (sa sarile) sinabi ko na, at papagkakagastahin ako, ah.! ipapalo'ipapalo ang kaniyang kaliskis.! tagpo sila din, at ang mga bagong dating . bet: (hilahila ang kanyang aso.) tatang, burique ing cacung pinsan. tio bes: sinabi ko na sa keka, aku ing bahala. mat: (kay angeling) pinsan, iti wari ing cine? , itang metun nanu neman ing lagyu na? ang: (wala sa loob) mongo con hielo.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"tib: (sa lahat) siya, tayo na pumasok, mientras maaga, at ng makauwi agad. tio bes: yaping mabute. (magkukunwang kukuha ng kuwalta upang ikuha ng bilyete, nguni'uunahan siya ni. tiburcio sa taquilla. si tio bestre ay lihim na tatawa. si beteng ay magaanyong bibile ng mani.) tagpo sila din at ang . pul: (pagkakita sa aso na hila hila ni beteng.) se, jombre cosa, esti aso gat licencia? (tatapikin sa balikat si beteng, na pagka kita nito, ay mangangatog sa takot.) bet: (tatakbong lalapit sa ama niya.) tatang dadakpanaku pu ning pulis. tib: (sa pulis) que es lo que quiere.? pulis: my god!. mi quiere visto este licencia esti aso. tib: (kay tio bestre) ka bestre, dala ba ninyo ang bwis ng inyong aso? tio bes: (patulala) aba, ali. bakit, pati ba ing asu magbayad ng bwis queti sa manila ngeni? tib: oo, ka bestre. dito sa maynila, ay ibinubuwis ngayon ang lahat. hangin lamang ang hindi pa. pag nagkabisala'ito man ay ipagbabayad na din. tio bes: (galit) bah, milalu na naman iyan.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"tekalanapu ning. tib.) cosa, esti aso no gat licencia? tib: no tiene. pul: (pagkaringig sa sagot ni. tiburcio, ay pagtatangkaang agawin kay beteng ang aso.) ce, jombre, entrega conmigo esti aso. bet: (hindi ibibigay) ba, aliku bisa. (galit) ing asung ini kanaku ya, bakit kuanan me? salbaje nakang tao.! anta, ika ing sinese kanine? (ituturo ang aso) tabakan daka galang. (sa ama niya) oh, tatang, bakit kakuanane nining pulis ing asu ku? tio bes: mallari alang cedula, queti pala sa maynila, pati asu mamayad ng cedula. pul: (dahil na ayaw ibigay ang aso ni beteng, ay kukunin ang kaniyang revolver.) cosa, yu no dale conmigo esti yu aso? lahat: (maghihiyawan, pagkakitang tangan ng pulis ang revolver.) beteng, ibigay mo na ang aso! ibie mune ing asu.!! pul: (tatagnan ang lubid ng aso at aagawing pilit. mabibitawan ni beteng ang aso.) ahora, si yu quiere saca esti asu otra vez, puede anda coral paga diez peso. (papasok na daladala ang aso.)",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"bet: (pagpasok ng pulis, iiyak at maglulupasay na parang isang bata.) kalulune rugu ing kakung asu. (liyak ng malakas.) sinese que pa namang mayap saka eni, quinguane ning dipaning.!! tio bes: (kay bet.) beteng, ustuna ng pag quiac. tarana lumbe cine. bet: (iiyak ng malakas pa sa una) aliku, tatang, aliku bisa; ing asu ku.! nanay, tignan nga ninyo ang naiibigan ng tatay, masahol pa sa pasusuhin ah. balt: tunay nga, iha. tib: (kay tio best) ka bestre, bakit ba naman dinala pa ni beteng ang aso niya? tio bes: bah, mallari, siya ang sumese doon; saka dela niya, bang regalo kanu queka. naku, taganang mahat sa kanya ing asung iyon. tia: mart: (kay bet.) , beteng, ustuna. (sa lahat) tarana, lumub tana qng cine. tib: (sa lahat) siya, tayo na pumasok. (lahat ay magsisipasok. matitira si angeling.) lui: (kay ang.) angeling, panahon na itong dapat nating samantalahin. ang: maghintay ka pa ng ilang saglit. lui: maghintay pa? pagka tayo umalis ngayon din, ang dulo'abutin tuloy tayo ng habol.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"lui: at, paano ang ibig mong gawin ko? ang: sinabi ko na sa iyong, maghintay ka pa ng ilang saglit, lui: lalabas ka bang uli? ang chauffeur namin ay pinagsabihan ko na. hanggang mamaya. lui: salamat.! ang: hintain mo ako sa auto. tagpo si at si mar: (kay luisito) ano, kaibigan; tila ngayon ay, sigue dagupan kana, ha? lui: wala ng kasalasala. mar: mabute. nguni', tila ang lalong magaling, ay magbihes ka muna, at baka maamuyan ni angeling. mar: (sa sarile) bakit pa daw. (hayag) hale nga, amuyan mo nga ang suot mong damit, kundi, amoy supot ng bakang australiano. sino ba ang naglalaba sa iyo? lui: makao, bakit? mar: kaya pala.! lui: puro biro ang katawan mo! (mariringig sa loob na ipalalagay na nagbubuhat sa cine, ang mga hiyaw na: sigue. ibigay mo ang lines. ibigay mo ang nueve kasunod ng palakpakan at baswitan. lalabas si tio bestre, at si beteng, itong huli ay sapupo ang kaniyang tiyan.) tio bes: bah, beteng, makanyan lamang pala ing cine. magdidilim ampong sasala.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"damongkal, makasira ya pa ng mata.! bet: yapin, tatang. atinaku maliliu. saka, masaquit ya pa ing atyan ku. tio bes: saka purus mung halikan, ampong magnanakaw. bet: yapin pu, piro, masakit ku atian, tatang. (ibubulong sa tainga ni tio bestre) tio bes: (galit) demonios.! mallari, kumain ka ng dakal na mani ampong uminom ka ng sorbetes.! salbaje nakang tau.! tara na qng lub.! (papasok silang dalawa. magkakaingay na muli sa cine. lalabas si tia martina at matea.) tagpo si at si mat: inang, inang, masakit ku buntuk. mat: siablos, makanyan mu naman pala ing cineng amanuan da. makasakit ya palang buntuk.!! mat: , inang, maliliu ku pu. tia mart: bah, ing anaku, aku man, maliliu ku. mat: ing mayapa inang, mulitana. tia mart: ba, maliari. paintunan dacatamu di tatang mu. mat: ba, milalu naku saquit buntuk. tia mart: tara, lumub tamung pasibayu. (papasok silang muli, at ulit na magsisigawan sa loob ng cine gaya ng una.) pagkatapos si at si. tib: (lalabas) talagang ako'inaalat yata.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"kung alin pa naman ang aking pinakaiilagang makita sa cine; kung alin ang minamasama ko, ay siya pang napanood ngayon. at, ang hindi ko pa malaman, ay ang sanhi ng kung bakit sa tuwing ang ilalabas sa cine ay mga pelikulang indian at cowboy hindi na nanalong minsan man ang mga indian, at kung talunin pa sila, ay palakpakang wahumpay ang ginagawa ng mga nanonood. ano ang ibig sabihin ng gayon? mart: (mula sa loob.) hayop!.demonio!. walang hiya! isusumbong kita!. (lalabas na kasunod si bruno.) tib: (pagkakita sa dalawa.) bakit, martina, ano ang nangyare bruno? bakit ninyo iniwan ang bahay? mart: (iiyak) mangyari po, iyang si brunooooo, uuuhhh!!. bru: (gagayahan si martina) mangyare po, si martina, uuuhhh. tib: (galit) demonio!.magisaisa kayo sa pagsagot. ikaw, martina ang siyang ang umuna. ano ang nangyare? mart: (paiyak na sasagot) iyan pong si bruno, pagkaalis ninyo, ay isinarang lahat ang bintana pati pintuan at.naku.!! napakahayup pong tao niyan.!! tib: (kay bruno: galit).",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"at, bakit mo naman ginawa ang gayon? (pipiralin sa taynga) bru: kaya ko po lamang ginawa iyon, ay dahil siya ninyong utos. tib: ano, utos ko? kangina po ay sinabi ninyo sai akin na, pagkatugtog ng ika at kalahati ng gabi, ay isara kong lahat ang pinto at bintana? tib: (sa sarile.) (sa dalawa) siya, umui na kayo. mart: (paiyak) at, paano po ako? bru: hayaan mo'ako, ang bahala. tib: siyanga, siya na ang bahala sa iyo. hala magsiwi na kayo. (aalis silang dalawa. tiburcio, ay papasok uli sa cine. lalabas ang isang pulis.) tagpo ang lamang pul: (dala ang isang pahayagan) esti periodico, motso, jabla robo. every days, jabla robo. every days, jabla olicem, motso nakaw, pero, mi no bisto nada jasta hora. (palakpakan sa loob ng cine, kasabay ng sigawan) sa loob: (pahiyaw)!!sigue. (palakpakan) pul: (gulilat) cosa jabla esti jombres dentro cine? (anyong papasok na tangan ang batuta.) aqui gat ladron? !my godness.! oh, this is creasy. !.mi cabeza motso loko. aqui dentro no ladron sino cine nomas.!",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"oh, mi poco tempo, bamus casa con una senorita motso rica, motso money, nomporta masque pea. and, bay and bay, mi vamus america no more polis. este motso bueno bisnes (papasok na bumabaswit ng isang rag .) (lalabas si angeling na parang lingas. sasalubungin siya ni luisito.) huling tagpo. lui: oh, angeling! ang: paglisan na'ating gawin. lui: oh, pangarap kong nalaing, natupad ka at dinating! ngayon di'atin ng lisan itong pook, at tumanan. ang: luisito kong liniliyag laan ako sa iyong hangad. lui: tayo na'ating tungain saro ng ating paggiliw. ang: ang bawa'iyong mahiling, ay aking tatalimahin. tayo na sa himpapawid na pangdulot ay pag ibig. doon, ang lahat ay tamis, aliw, ligaya at.langit! ating limutin ang hirap at lasapin ay pagliyag. tayo sa bayang pangarap at doo', walang bagabag! (yayaon silang madali, at papasok sa kanan. mariringig na dagli ang sipol ng auto . tiburcio na kasabay ang lahat, at naghihiyawan.) ten: bili na kayo ng mane. tib: angeling.!!!",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"peli: (sa lahat) sino pu ba ang hinahanap ninyo? bal: ang aming anak. nakita mo ba, among? peli: iyon po bang maganda? tib: oo, iyon nga, saan naroroon? peli: tinangay po ng lawin. (pagkaringig noon ni beteng, ay hihimatain. mapapatungangang lahat.) ang libreto ng zarzuelang may tinurang pamagat, na buhat sa panitik ng manunulat sa dalawang wika, sa kastila at tagalog na si. jose maria rivera ay nabasa ko at napanood ko pa ng ganapin ang unang tanghal sa dulaang rizal. sa tugmang ito ay ipinakilala ng kumatha na siya'maalam sumulat ng dula; ang pagkakasunod ng mga tagpo (escenas) ay napakahusay, hindi nawawala ang continuidad na kailangan sa isang obra at ang galaw at mga anyo ng mga personages ang paglalabas pumasok sa tagpo ay ayos na ayos sa tinatawag na mecenica teatral. ang caracter ng mga personage ay hindi lumabo hanggang sa matapos. ang kanyang vis comica ay kilala na ng madla.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ang pagkakalahok ng salitang kapampangan sa kanyang obra ay totoong mainam at matatawag nating lo hermanos quintero na pawang nabantog at nangagsidakila sa kanilang sistema na ang kanilang mga tugma na tunay na wikang kastila ay nilalahukan ng mga dialectos espanoles magpangayo'hinahangaan ng boong esgana ang magkapatid na quintero. pepe, magpatuloy ka sa landasing iyan ng pagpapalago ng ating dulaan; ang pagsulat ng mabubuting dula ay higit pa ng pagkamakabayan kay sa magmakisig na politico . severino reyes si jose.rivera pepe rivera, gaya ng karaniwang palayaw sa kanya ng kanyang mga kamanunulat at kaibigan, ay isang mangdudulang may sariling gabay at sariling watawat. siya ay lumalakad sa larangan ng pangdudula na masasabing hindi sumusunod sa ilaw ng iba. nagbukas siya ng landas na sarili niya, na sa kanyang pagasa'lalong malapit para sa ikapagtatamo niya ng tagumpay. at ang pagasang ito ni pepe ay hindi nabigo.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"kung ang tagumpay ng mangdudula ay nakikilala sa pagkatig sa piling niya ng lalong marami'piling nanohood, ang di gagaanong taong umuuhong lagi sa mga dulaan kailan pa ma'itatanghal ang alin man sa kanyang mga akdang mga pagkakataon, opereta at mga bingi ay maliwanag nang patotoo na ang tagumpay ay nasa kanya na. anopa'sa ganang aking pagkapisil, hindi na kailangan ni rivera ang sumulat pa ng lalong maraming katha upang maging karapatdapat siya sa luklukan ng ating mga ipinagkakapuring manga mangdudula. ang pagkamandudula ng isang tao ay dapat kilalanin hindi sa karamihan ng dulang sinulat, kundi sa uri at taglay na mga katangian ng kanyang nakatha na. at inuulit kong labis ang kanyang mga kathang nabanggit sa itaas, upang siya ay mapapiling sa unahang hanay ng ating mga maginoong guro ng dulaan. valmonte, kinatawan ng sa kalipunan ng mga samahang mananagalog.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"maynila, mayo .tao palibhasang may katutubong hilig sa pagsulat, hilig na nalalahukan ng sipag at tiyagang siyang pangunang kailangan sa mga kawal ng panitik, gaya ng pagiging kailangan ng tikin sa isang bangka, kaya'hindi katakatakang si pepe.rivera, ang karapatdapat na pangulo ng ilaw at panitik, ay maantayan natin ng lalong kisig at mga bungang hinog ng kanyang halamang itinanim sa panahon, at ngayo'malusog na nagbubunga. sa likod nga ng may mahigit na dalawampung taong ginugol ni rivera sa kanyang paghahanda sa isang kabuhayang dapat niyang kapulhan ng suson susong putong ng tagumpay, gaya ng tinamo niya ngayon sa sunod sunod halos na pagtatanghal ng kanyang mga akda, ay di katakatakang, ang lahat ng humahanga sa kanyang panitik ay kapitan siya ng karapatdapat na taguring hari ng mga mapag patawa . nariyan ang katangian ni pepe. at hindi katakataka!",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ang isang taong pinagkalooban ng maykapal ng isang loob na maluwag at isang damdaming walang iwing pagiimbot na linangkapan ng isang mukhang wari'nakangiti sa lahat ng oras, saan hindi ang kanyang paguugali'masisinag sa kanyang mga akdang sa twing itatanghal ay nagpapasakit ng maraming tiyan . jose.rivera, con su esfuerzo personal verdaderamente laudable con su talento, ha llegado una altura la que ya quisieran llegar muchos de nuestros autores dramaticos. es de la madera de dramaturgos triunfara aun mas. comenzo estrenar en el teatro rizal sus primeras producciones dramaticas que fueron del agrado del publico. las operetas austriacas vertidas por el al tagalo representadas con exito, dieronle ademas un notable prestigio como traductor, distingiendose ademas de los adocenados como autor dramatico. rivera es uno de nuestros contados aficionados escribir obras teatrales.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"como tiene mucha voluntad, sobre todo constancia esfuerzo en el trabajo, se puede esperar mejores cosechas aun de su numen creador inventivo. en sus obras, en donde se exponen al estudio, la critica la correccion, multiples cuadros de costumbres locales, se refleja ese afan de corregir cortar ciertos vicios muy nuestros, ciertas imperfecciones tambien de orden social, habida consideracion la altura de la civilizacion en que parece encontrarse el pais. su obra opereta? que tantas veces figuro con exito en los carteles en las tablas por ejemplo, es una prueba de esto que decimos. es digno de notar ademas en rivera ese estilo jocoso festivo con que estan escritas sus obras, lo que hace que esten tono con nuestro publico que gusta de humorismos chistes. doy mi mas sincero parabien al sr. jose.rivera por sus esfuerzos aplicacion que le han conducido al exito, al acometer una empresa tan arriesgada problematica como es la de escribir obras teatrales en filipinas. jose. reyes.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"de tal podemos calificar, el que en la noche del.de junio obtuvo nuestro querido colaborador. jose maria rivera estrenando en el teatro rizal, tres de sus mejores obras, tituladas: cinematografo panibugho (celos) mga pagkakataon (coincidencias), en presencia de numeroso selecto publico que acudio al coliseo avido de conocer las ultimas producciones de nuestro joven inteligente companero. en las tres obras liricas alcanzo rivera un triunfo resonante, acreditando una vez mas ser el de la madera de los comediografos modernos; que conoce palmo palmo la mecanica teatral, sobre todo, ha justificado una vez mas su genio como uno de los pocos dramaturgos filipinos que con severino reyes, patricio mariano aurelio tolentino integran son verdaderos prestigios del teatro tagalo.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"con el espiritu de imparcialidad en que siempre se inspiran nuestros juicios, podremos manifestar aqui sinceramente, que el sr. jose maria rivera, es de los contados escritores dramaticos que para dar verdadera vida sus obras, sigue el derrotero trazado por los escritores espanoles de presentar en cada obra dramatica tipos regionales. en la zarzuela cinematografo presenta rivera el tipo de unos montaraces, que faltos de sociabilidad, creyeron que manila, es tambien una montana. tanto en esta obrita como en panibugho mga pagkakataon nuestro apreciado colaborador ha conseguido triunfar en toda la linea, asi como en su precioso monologo kakilakilabot que interpreto maravillosamente el mejor actor dramatico filipino. eusebio constantino. el inspirado one step del profesor emilio. aninao el primer filipino que ostenta el titulo de profesor de armonia, titulado jose maria rivera compuesto expresamente en honor al beneficiado, gusto muchisimo al publico que al final la aplaudio.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"los artistas que tomaron parte en la representacion de las obritas del sr. rivera, cumplieron como buenos en sus respectivos papeles. la tiple juanita angeles, demostro, una vez mas dominio en las tablas la potencia de su voz. desde los primeros momentos supo cautivar al publico que le aplaudio rabiar. ildefonsa alianza, acredito ser de la madera de las buenas caracteristicas. la tiple feliza buenaventura, supo bordar con maestria su papel en cinematografo recibio tambien muchos aplausos. alfredo ratia, el gran baritono de la compania que dirije el dramaturgo. severino reyes, demostro ser dignisimo hijo del gran actor. nemesio ratia, honra del teatro contemporaneo. pepe suarez joaquin gavino, asi como tambien los sres. eusebio constantino, eusebio gabriel gregorio. lopez, contribuyeron mucho al exito alcanzado por el autor. para terminar repitimos que rivera ha triunfado en toda la linea, por lo que el publico le llamo muchas veces para aplaudirle entruendosamente.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"los muchos aplausos que tan querido companero ha recibido, une el el suyo, entusiasta sincero. parang liham na bukas. deogracias. rosario (alias) delio. taliba, maynila. kasamang delio: yamang ikaw ang nakikilala kong revistero ng sa kanyang pitak ng mga dulaan, ay minarapat kong sa iyo ibalita ang isang bagong naisip ni pepe rivera. nguni', bago iyan, ay ibig ko munang tumukoy ng ilang bagay. naalaala kong ikaw na rin ang nakapuna ukol sa ginawang recurso ng ilan sa ating mga autores sa pagtatanghal ng mga dulang tangi sa marami ng mga actores principales at secundarios ay napakarami pa rin ang mga koro na kung minsa'nakasisinok sa panlasa ng mga nanonood. napuna ko rin sa mga nakaraan mong lathala, na tumukoy ka sa mga dulang iilan ang kanyang mga pesonaje at sa pagtukoy mong ito ay nabanggit mo ang panibugho ni pepe rivera, ang dalawang hangal ni moneng ilagan, at ang ana maria ni nol binoy reyes.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ako'sumaiyo ng buong buo, sa iyong pagkukuro, na, upang makilala ang habilidad ng isang autor ay sa pagtatanghal ng isang dulang iilan ang mga taong gumagalaw, buhay ang mga tagpuan at busog sa kasariwaan ng isang diwang ibinubuhay nilalayon. sa tatlong katha ng mga beteranong mandudulang nabanggit ko na sa iyo, na kapwa ko napanood, ay masasabi ko sa iyong isang katangitangi. kung ang mga isipan ng tatlong haring iyan (tawagin na nating hari), ng ating dulaan, ay maging isipan ng marami nating mangangatha, ay hindi malayong maiaagapay na rin natin ang ating dulaan sa taas at indayog ng mga isipan at sa kasaysayan din naman ng mga mangangathang hinahangaan natin sa ibayo ng ating mga dagat. doon, sangayon sa ating mga nababasa, ay iilan sa maraming manangatha, ang natatangi hindi dahil sa kanilang katalinuhan, kundi sa mga katha nilang binubuo ng iilang personaje lamang, nguni'sa iilang yaon, ay nandoon na ang lahat.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"anopa'nakayayari ng isang buhay na kinalalarawanan ng isang pangyayaring kung iisipin lamang, ay masasabing hindi magaganap kung iilang katao ang magsasagawa. nasabi ko ang ganyang malayang kurokuro, dahil sa nasaksihan ko, oo, kasamang delio, nasaksihan ng dalawa kung mata na ang mga kinatha ng tatlo nating hari ng sariling dulaan ay hindi na maihuhuli, maging sa layon, sa isipan, sa diwa at sa kabuuan man, ng mga nakatha ng mga nabanggit ko nang mandudulang taga ibang lupa. napaguusapan na rin lamang natin ang ukol sa mga dulaan, ay maibabalita ko sa iyong ipalilimbag daw yata ni rivera ang kanyang dulang may isang yugto na pinamagatang cinematografo . ang dulang ito, ay napanood ko na sa unang pagtatanghal sa rizal sa kapakinabangan ng kumatha. pagkatapos kong mapanood, ay ako na rin sa sarili ang nagtanong: ano ang aking napanood? isang dula lamang kayang pasampay bakod oh, hindi, ang akin ding sagot.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"tal mente, ay hindi isang dula lamang, manapa'isang sinematograpong nangungusap at ang kanyang layuni'bumaka sa masasamang hilig ng ating mga tao. ang cinematografo ni rivera, ay naglalayon ng malalaking bagay na tumutukoy sa masamang hilig ng marami sa ating mga kapwa, na dahil sa malaking hilig sa bisyo, ay napapabayaan ang lahat ng gawain sa sariling tahanan. inilarawan din ng kumatha, ang kasagwaan ng ilang tanod tagapagingat ng kapayapaan at tinuligsa ang kanilang kasagwaan sa paggamit ng kanilang tungkulin. sakali'ipalilimbag nga ng kasamang rivera ang katha niyang ito, (kahimanawari'ipalimbag nga sana), ay mababasa ng madla na isa sa mga tagpo ay maguusap ang dalawang magkaibigan sa harap ng pintuan ng isang sine.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"ibabalita ng isa, na, may nalalaman siyang isang kakilalang naglihi sa isa sa mga artista ng isang pelikula at dahil doo'ginabigabi ang pagpasok sa alin mang sineng pagtanghalan sa kanyang favorito nagbuntis halos sa loob ng sine, at nanganak, oo, kasamang delio, nanganak sa loob din ng kamalig ng isang sine, bagay na masasabing isang tunay na barbaridad na hindi makikita sa ibang bayan. ang anak ng naglihi sa nasabing artista, ay naging isang pusakal na alagad ng sinematograpo hanggang sa lumaki. inilarawan din ni pepe sa kanyang dula ang ukol sa karaniwang napagkikita natin, na ang sine ang siyang ginagawang paraan sa pagtatanan ng mga anak na napakakasal ng hindi pa oras. at isa pa, ang lalong kriminal, ay ang ukol sa mga pagnanakawang parang itinuturo sa mga nanonood. ang bahaging ito, ay pinagukulan ng autor ng ilang halibas sa pamamagitan ng paglalarawan ng kasamaang ibinubunga, lalo pa ng napapanahon ang mga zigomar at mga fantomas .",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"iyan, at mga iba pang tagay na pawang sakit ng sangkatauhan ang kanyang binaka at kung tunay ngang ipalilimbag, ay inaasahan kong makatutulong ng malaki sa pagpapaliwanag at pagbaka sa inaasal maling hilig ng marami sa atin. tangi sa riyan, ay masasabi ko sa iyong ang pagpapalimbag na gagawin ni rivera sa kanyang cinematografo ay makatutulong din naman sa pagpapalaganap ng sariling wika sa una, at sa pangalawa'magkakapanahong mabasa ng mga tumatangkilik sa dulaang tagalog ang kanilang karaniwang nakikita'naririnig magbuhat sa esenario ng isang dulaan. mabasa, oo nga, mabasa, at sa gayo'mapagaralan nila'masuri ang kahalagahan ng ating mga dulaan na siyang tampok at karangalang masasabi ng lahi ni balagtas, na hindi man karapatdapat, ay kinabibilangan natin. kung hindi lamang inaakala kong pahahaba ang liham na ito, at may isang gawain akong nakahahadlang sa akin, ay tutukuyin ko sana rito ang lahat ng nalalaman ko ukol sa mga katha ni pepe rivera.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"gayon pa man, at sa maiikling salita ay tumukoy rin tayo ng pasapyaw. napanood mo ang tatlo niyang dulang panibugho mga binge at mga pagkakataon, hindi ba? ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong niloloob. sa kanyang panibugho tangi sa nakatatawang pangyayari, ay nakatutulong din sa pagbibigay liwanag sa nalalabuang isipan ng mag asawang (mga asawang babae ang tinutukoy ko rito), pagdaka'magbubudhi na lamang at sukat, at hindi na sumasangguni sa kanyang tapat na puso, kung namamali siya kung hindi, at pagdaka'patatangay sa simbuyo ng magdarayang damdamin, hindi ba tunay? ang kamaliang iyan, ay nagamot ni rivera sa pagtatanghal ng kanyang panibugho . sa kanyang mga binge ay nakuha rin namang naipakilala ang kadalubhasaan ng kanyang panitik.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"kanyang inilarawan ng ganap na ganap ang konsekuensiang laging ibinubunga ng isang hindi pagkakaunawaan, at tangi sa roo'ginulo niya muna ang isip ng nanonood, at ng lito na, ay pinaglamas niya ang salitaan, nguni', pagkatapos, ay unti unting nagliliwanag hanggang sa niwakasan ng isang pagkakataong hindi inaantay na mangyari na ipinagkapalad ng isang hindi naghahanap at hindi nananadya . ngayon kung sa dalawang obrang iyan, ay nakuha kong naipakilala sa iyo ang kadiyaskihan ng ating pepe, ay tignan naman natin ang kanyang walang kamatayang mga pagkakataon na habang tumatanda ay lalong nagiging bata at na kahahalina sa puso ng ating publiko. ano ang napuna mo sa mga pagkakataon sa obrang iyan, ay hindi pangkaraniwang talino ang pinuhunan ni rivera ng kanyang sulatin. at, sobre todo ,ay ang pagkakalagay ng pamagat. nasabi ko tuloy na kinasihan yata ng santong katutubo si pepe sa kanyang mga pagkakataon talagang natama sa mabuting oras .",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"kalabisan pang ilarawan dito ang mga kuntil butil ng obra . sukat nang sabihin ko na sa mga pagkakataon ay hindi dapat manood ang isang tao mga taong katatapos kumain lalo pa'busog, pagka'hindi malayong saktan ng tiyan kaya'maapendesitis . itatanong mo sa aking kung bakit? hindi ba'ng mapanood natin, ay kaunti ka nang pangapusan ng hininga dahil sa katatawa, bakit at si ballecer pa naman ang nag kosme? hindi ba'sinabi mo pang, ang lalong matimpiin, ang lalong pihikan, at ang lalo pa mang walang kibo kahima'banal simenarista pa siya ay tatawa, at tatawa pag napanood ang mga pagkakataon tangi sa riya'nagtuturo din naman sa isang magulang na ayaw pabayaan ang hilig ng isang anak lalo pa'sa gawang pagaasawa. dahil sa mga naipahayag kong iyan, ay inaasahan kong sa pagpapalimbag ni pepe ng lalong mapatutunayan ng madla kung tama kung hindi ang aking mga daglian pagkukuro hinggil sa kakayahan at sa habilidad ni pepe maria rivera sa gawang pagsulat. samantala'magutos.",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose Maria Rivera,"kumusta sa katotong crispin. remigio mat. kalihim ng ilaw at panitik. beneficio de los incendiados de cavite, la compania ilagan dio una funcion en el teatro zorilla en la noche del de mayo, representandose tres obras de un acto de jose maria rivera. pepe es un creador de tipos se revelo en opereta haciendo mover en escena dos tipos pueblerinos, uno del pasado, ignorante, socarron desconfiado otro del dia, aunque con reminiscencias del de antano, pero con mas desparpajo, con mas perspicacia. rivera al hacer mover en escena esos tipos, mas de ir dandolos conocer, pintando sus defectos para ser corregidos, regocija al espectador con graciosas escenas. en el escenario, este joven autor, completa la pintura haciendo hablar los munecos en su dejo estilo peculiares de la region correspondiente. en esto, el autor tuvo un exito completo, como tambien en la presentacion de otro tipo popular, un cantante que fue tambien caricaturizado de un modo acabado. bien por rivera! de mayo de",0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nagig kapitan ng artilleria ng republica filipina kasagguni ng suliranan ng wika nagig guro ng panitikag tagalog sa colegio la juventud namatnugot ng mga pahayagag buhay pilipinas, malalayag magagawa at katuwiran nagtamo ng gantig palag medalla de plata at diploma sa taghalag panama pacifico, sa lilim ng taghal ng biblioteca de filipinas kasagguni ng lupog sa patakaran at palatuntunan ng unag kapulugag balagtas,. kasapi sa ilaw at panitik isag suliranig kasalukuyan na humihigi ng isag agarag paglutas ay ag nauukol sa pagsisikap na tayo'magkaroon ng isag wikag pambansa na makabibigkis ng boog higpit sa atin sa isag pagkakawatasag ganap sa tulog ng isag sarilig wika, upag mapapanatilig lagig mainit, nagaalab at nakadadarag yaog di matigkalag mithi na pinagbubuan ng lalog mahalagag dugo at itinulo ng masasaklap na luha ng mga naulila doon sa mga bayanig naiwan sa sagupaan sa kadiliman ng gabi. ag sanhig ito rin ag pinagbuhatan ng isag kataga ng kapulog na lope.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"santos nag kasalukuyag pinagtatalunan sa kapulungang balagtas niyaog ikalawag araw ng abril ng taog isag libo siyam na raan at dalawampuo'dalawa, ag suliranin ng pagtuturo ng wikag tagalog sa mga paaralan na anya'anog aklat ag pagaaralan ng atig mga bata sa wikag tagalog? ipinagtatapat kog sa kasalukuyan, kug may mga aklat mag tagalog na nauukol sa mga balarila ng wika ay tahas na di tumutugon sa mga pagkakaunlad ng wikag tagalog dito sa daanang taog ika dalawam puo yayamag ag mga yaon ay halos tinagalog lamag sa mga aklat na gayon din ag uri na mga ibag wikag kastila ingles, nguni'di nagtataglay ng sarilig diwa at mga paraan ng wikag tagalog sa kanyag sinig na sarilig sarili.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"dahilan ag sanhig ito nag ipinagpanayam namin ng kasalukuyag patnugot ng instituto de mujeres na nagmugkahi sa akin, na bilag pagunag aklat ay lumimbag muna ng isag babasahig kawiwilihan ng mga nagaaral sa sarilig wika, nguni'sinikap kog sa pagtugon sa kanyag mungkahi ay yumari ng isag aklat na tagi sa kawiwilihang basahin ay kapupulutan naman ng mga dakilag huwaran sa kapitapitagag halimbawag ipinamana sa atin ng mga bantog na mga kababayan na sa galawan ng kanilag kalagayan, magig sa kapamayanan, sa dunog at sa kabayanihan man sa pagtataggol ng mga dakilag mithi, ay kinabakasan ng tapatag pagibig sa mutya natig pilipinas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag sa langit ng bayang pilipinas ay nipot nga sa init ng hagad na ag wikag tagalog ay magig isag wikag pagbansa, at yayamag ag napili namig batayan saligan ng aklat, ay ag kagyat maukit sa puso ng atig mga bata ag sarisarig aral na iniigatan ng mga dakilag pagyayari sa sarilig lupa ay maituturig na ag aklat na handog namin gayon ay hindi basal, bagkus isag hapyaw sa mga nasulat nag mga tudlig, bakas ng kasaysayag sa mga dakilag aklat na nauukol sa manignig na dahon ng atig kasaysayan ay nagig pahiyas, at sa kapanahunan naman, ay sa mga pagyayarig lumulutag kug minsan ay sa bugso ng kapusukan, kalupitan, kabayanihan kaya na pawang may sarilig samyo, na kug ibubukod ay tahas na pakikinabagan upag makayari tayo sa atig mga bata ng mga diwang malalaki, kaloobag matitibay, kalolwag di magigipo ng mga panuyo at hinuhod yayamag tahas na gumagalaw sa udyok na nasasalig sa pinakamaragal sa lahat ng udyok na dili iba'ng manigas na pagasag magig tapat na anak ng bayag tinubuan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ihinahandog namin sa kabataan ng lahig tagalog ag mga hapyaw, sipi, at sinop na ito sa mga panitik ng mga lalog litaw na taog amig hinugutan ng mga inaakalag karapatdapat basahin, makilala, at pagaralan ng atig mga bata sa mga unang bugso ng pagaaral, bilang paghahanda sa kanila na magigig matitibay na muog ng atig ihinahandag bayag malusog, malaya at karapatdapat sa isag bukas na malaya. at sa pagasag ag tagkilik ng mga mambabasa ay igagawad sa amin, ay lumuwal ag sa langit ng bayang pilipinas, na taglay ag lahat ng kakanyahan ng isag bagog hugis na babasahin. bilag pagalawag aklat na amig ilalathala ay di iba'ang aklat ng tagalog na malalathala sa dalawag wika, sa malinaw na sabi ay sa tagalog at ingles, na kapagaaralan ng mga lihim na iniigatan ng wika, buga ng isag matamag pagsisinop. dito ay magkatulog kami ni dr. paul rodriguez verzosa, isag dalubhasag mapagsuysoy ng mga kapakanan ng wika at lahig tagalog. at pagatlo sa taog ito ay isusunod namin ag isag.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"maikling balarila na kasisinupan ng mga alituntunin at paraan ng wika sa kanyag kakayahan, mga paglalapilapi sa tulog nag mga tipik at pagbabago ng mga diwa ng salita sa pamamagitan ng paguulit ng pantig ugat kaya sa gayon sa kahiligan ng sinig. umaasa kami na sa pamamagitan ng tagkilik ng mga paaralan at ng bayag mahiligin sa pagaaral ay sasapit tayo sa pagkakaroon ng isag batas na kakaliga sa atig mga katha na hagga gayon ay lulutaglutag sa dagat na walang pampag ng kapabayaan. kug magkakagayon ay matitiyak namig ag walag maliw na punyagi ng kapulungang balagtas na amig kinaaaniban ay di naaksat maaasahag pagaanihan ng mga saganag biyaya. jose. sevilla. si ali mudin ay isa sa mga lalog napabantog na sultan sa hulo. siya ay anak ni maula na napabilag sa mga lalog litaw na hari sa nabaggit na pulo. ag magamag ito kailan ma'hindi napasuko nag hukbog kastila ano mag sikap ng ginawa upag lupigin ag kanilag kaharian.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag humalili si ali mudin sa kanyag ama ay sinikap ng mga kastila na magtamo sa kanya ng isag kasunduan, at sapagka'si ali mudin ay maibigin sa kapayapaan ay nagpadala sa maynila ng limag sugo, niyaog enero ng upag makipagtalo sa mga mugkahig kasunduan ng mga kastila. sa mga sugog ito ay kabilag sina dadia deila, radia poot salikaya at si panduta mahomed ismalis. ang mga sugog ito ng sultan na si ali mudin ay siyag nagasiwa sa pakikipagkasundo sa mga kastila na pinagtibay niya sa hulo, at sa pinagkasunduan ay nabibilag ag mga sumusunod: . maghahari sa dalawag pagkat na nagkakasundo ag kapayapaan. ag dalawag pagkat, ag mga moro at mga kristiano ay magtululog na makipagbaka sa alin mag kaaway nilag dalawa. magkakaroon silag dalawa ng malayag pagkakalakalan. sakalig sino man sa dalawag dako ay puminsala sa kagino man sa kanila maghasik ng sigalot sa isa sa kanila, ag naminsala sanhi ng kapinsalaan ay magbabayad sa pininsala ng isag halagag hihigin ng napinsala. magpapalitan ng bihag.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si ali mudin ay nagig tunay na hari, at ag kanyag kapagyarihan ay kinilala ng mga kastila haggag sa niyaog taog ay sumira sa kasunduan ag mga kastila at si ali mudin ay nabihag at dinala sa maynila niyaog enero ng taog nabaggit. sa pagkabagsak ni ali mudin ay humalili si bantilan, isag dakilag dato ng panahog yaon. nanahanan sa maynila si ali mudin na kasama ng kanyag anak na si israel na pinahintulutan ng mga kastila na makapagaral sa paaralag san jose. sa boog panahog ipinakipamayan ni ali mudin sa pilig ng mga kristiano ay nahikayat na pabinyag at ag pagalag iginawad sa kanya ay fernando. pagkalipas ng ilag panahon, ay sinikap ng gobernador obando na si ali mudin ay mabalik sa kanyag pagka hari, at si ali mudin kasama ng ilag sasakyag puno ng kawal ay tumulak na patugo sa hulo binaka nila ag mga kuta roon haggag sa nag di na maipagtaggol ng mga moro ay kanilag napasuko at isag panibago na namag kasunduan ag linagdaan ng mga moro at ng mga kagawad ng mga kastila.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag mga sasakyan ay lumayag na patugo sa zamboanga at sa pagka'di nakasama si ali mudin sa mga kastila sa pagtulak na yaon ay sinapantaha ng mga kastila na siya ay nagtaksil, at siya, kasama ng mahigit na dalawag daag kasamahan ay dinakip at mulig ibinalik sa maynila at ibinilaggo sa fuerza de santiago. buhat noon ay pinasimulan na ng mga kastila ag walag maliw na pagbaka sa mga moro; guni'pawag walag tagumpay na masasabi na kanilag tinamo sa timog ng kapuluan. hinilig ni ali mudin sa mga kastila na ag kanyag anak na si fatima ay pahintulutag makapagbalik sa hulo, niyaog febrero ng upag magsikap sa ikapaghari ng kapayapan doon, at ag gayog kahiligan ay dinigig at pinahintulutan ng mga kastila; bilag buga ng paglalakbay na ito ni fatima ay nagtamo siya ng isag sulat buhat kay bantilan na nagsasabig si ali mudin ay pabalikin sa hulo, upag magharig muli roon at lumagda sa isag bagog kasunduan ag dalawag dakog datig magkaaway na mga moro at kastila.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag lahat ng kahiligan ni bantilan ay dingig ng mga kastila, subalit hinilig na si ali mudin ay palayain guni'mamamalagi sa maynila sa pilig ng arzobispo rojo na siyag kumuha sa kanya sa fuerza santiago at nagbigay sa kanya ng isag tahanan at mga lingkod. niyaog ag maynila ay sinalakay ng mga ingles at si ali mudin sa pilig ng limampuo katao ay lumabas at nakibakag kasama ng mga kastila sa bagog kalaban na dumadagsa at humuhugos sa kamaynilaan. ipinamalas ni ali mudin ag isag di karaniwag katapagan na katutubo ng mga moro at lubhag maramig ingles ag kanilag pinuksa baga mag ag lunsod ay napasok at napasuko. ag mga ingles ay di naglaon sa maynila at sa kanilag paglayas, sa kautusan ni simon de anda at zalazar ay pinapanumbalik si ali mudin sa hulo upag mulig lumuklok pa kanyag luklukang hari.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"gumawa ng isag linagin sa balambag ag mga ingles na kanilag linibid ng matitibay na kuta at sa di pagkawili dahilan sa ag sigaw ay di nila matagalan ay lumipat sa isag pulo na malapit sa hulo. ag ganitog pagyayari ay di minabuti ng sultan mahomed at ni israel na anak ni ali mudin, sapagka'di nila matiis na ag kanilag lupain ay ariin ng mga banyaga; at naghanap sila ng isag kataog ikapagtataboy sa mga maggagaga. at ag panahog ito ay dumatig niyaog bihagin ng mga kawal na ingles si dato tenteg, isa sa mga malalakas at pinaniniwalaag dato, at isa sa mga maiinit na araw ng marso niyaog nag makalaya na si tenteg, ay nakipagalam sa mga ibag dato na sina dakula at zamaggo isaak, kasama ng ilag kawal na sumalakay sa kinalalagyan ng mga kawal na ingles, at sa ganitog sagupaan ay nagagsitakas ag mga ingles sa mga bagkag lunday na pinaghabol ng mabibilis na sasakyag moro.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sinikap ng gobernador na ingles na makipagkasundo, guni'di tinalima ng mga moro at sila ay ipinagtabuyan at sa pagtakas ay nagaiwan nila ag kanilag mga sasakyan, mga kanyon, baril at apat na puo at apat na libong piso. namatay si ali mudin sa hulo, ng boog kasiyahag loob, sapagka'naitaboy niya ag mga manlulupig sa kanyag bayan. si ali mudin ay nagig tudlaan ng di kawasag paghaga ng kanyag mga sakop. bago nagig raha si soliman, ay nagig katulog muna sa pagagasiwa ng mga suliranin dito sa maynila, ni rahag matanda. si lakan dula na nananahanan sa tundo ay siya niyag kasama. ito ay nag kapanahunan ni rahag matanda nag taog. noon ay isag pulutog nag mga sasakyag kastila na pinamumunuan ni martin de goiti at juan de salcedo ag dumaog sa luok ng maynila. niyaog unag datig dito nina goiti ay di sila nakalunsad pagdaka. ag maynila, ay may matitibay na mga muog at sila'pinaputukan at sinagupa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nabalitaan nilang isa sa mga makapagyarihan doon ay si soliman, kaya'nagpadala sina goiti rito ng sugo na nagsasaysay na sila'di naparito upag makidigma kundi upag makipagkasundo, at ag ganito'tinugon sa pamamagitan ng sugo, na ag hari sa maynila ay nagnanasa ng makipagkaibigan sa mga kastila. pagtaggap ni goiti ng pakli ni soliman ay nasok siya at ag kanyag mga tao sa ilog ng pasig at sila'lumunsad sa isag baybay na itinakda ng hari. sinalubog sila ni rahang matanda at nakipagkamay sa kanila, pagkaliban ng ilag sandali ay dumating si raha soliman at nakipagkamay din guni'nagpasubali ng gayari: kami ay nagnanasag makipagkaibigan sa mga kastila samantalag sila'mabuti sa amin; guni'mahihirapan sila ng gaya ng hirap na tiniis na ng iba, kailan ma'nasain nilag kami'alisan ng puri. pagkaraan ng ilag araw si goiti ay nagkulag sa pagkakaibigan sa pagpapaputok ng kanilag kanyon, at si raha soliman ay napilitag magbago ng kilos.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ipinawasak nito ag mga sasakyan nina goiti at ipinapuksa ag kanyag mga kawal. napakabuti ag pagtataggol sa mga kuta at di nagawa nag mga kastila ag makapasok agad, guni'nag magasalanta ag mga tao ni soliman at maubos na ag mga punlo ay napipilan din. at nag makuha ng mga kastila ag maynila ay sinalakay ag bahay ni soliman at dito'natagpuan nila ag isag mainam na gusali, maiinam na kasagkapag sigay, mga damit na maririgal na nagkakahalaga ng may piso. hindi nagtaksil kailan man si soliman, gaya ng ipinararatag sa kanya ng mga kastila. siya'tumupad lamag sa kanyag dakilag katugkulan na makibaka sa sino mag magnanasag sumira ng kanyag kapurihag pagkahari, at yayamag ag mga kastila ay siyag nagpasimula ng pagbabaka, ay siya ay nagtaggol lamag at natalo, guni'hindi kailan man nagtaksil. ag kanyag pagibig sa sarilig lupa ay nagudyok sa kanyag makibaka at siya ay nakibaka dahil doon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kug saan makikitag ang pagguho ng kaharian ni soliman ay utag sa kagahaman ng isag lahig magaalipin; sa isag pamahalaag pinagagalaw ng lakas ng lakas at di ng lakas ng katuwiran. kawawag bayag maliliit na linulupig at ginagahasa ng malalaking bansa. ag daigdig ay patugo sa pagunlad, at buhat niyaog na gahasain ag belhika, ang malalakig bansa ay nagsasapi at ipinagtaggol ag katwiran ng maliliit na bayan. panibagog kilos sa daigdig na buga ng mayamag diwa ng dakilag wilson sa kaamerikahan. si raha lakan dula ay isa sa mga lalog bantog na namuno sa bayan ng tundo. siya ay isa sa mga kasangguni ni raha matanda, si lakan dula ay siyag pamumuan ng panahog sina legaspi ay dumaog sa atig lunsod, niyaog taog. nag sumapit si legaspi sa atig lupain at lumunsad sa tundo ay natagpuan niyag dito'naghahari ag kapayapaan, namamayani ag matatalinog mga batas, at may matitibay na muog na panaggol sa magagsisisalakay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kinikilalag hari rito si lakan dula ng mga kanugnog na lupain, at ag kaniyag nagasasakupan ay bumabayad sa kanya ng buis at lagig tapat sa kanya, magig sa kapayapaan at magig sa digma. ag mga sasakyag insik at hapon na dumaog dito ay pawag nagbabayad ng buwis kay lakan dula, bago lumunsad at magalakal sa tagarito. kinilala rin naman ni legaspi ag kapagyarihan ni lakan dula at gumawa sila ng sagusapan at pagkaran ng ilag panahon si lakan dula ay nagig kakampi ng espana. tumulog si lakan dula sa pagtatatag dito ng mga tahanan ng mga kastila at pagkaraan ng ilag panahon siya at ag kanyag mga anak ay napabinyag na lahat. ag pagalag iginawad kay lakan dula ay carlos. niyaog taog na ag lupaig ito ay salakayin ni limaog, isag insik na tulisag dagat, ag rahag ito at ag kanyag mga anak ay nakilabag kakampi ng mga kastila sa mga insik na nagsisalakay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"napaurog sina limaog ng mga kampon ng raha lakan dula at ag mga ito ay nagtatag ng kanilag kaharian sa paggasinan at doo'pinagusig sila ng hukbo ni lakan dula haggang napatayan sila ng kay ramig alagad at naitaboy sila sa labas ng mga lupaig sakop ng rahag tagalog na ito na nagpakita ng gayon na lamag tapag. si lakan dula ay nagkaroon ng tatlog anak na lalaki at siya at ag kanyag mga anak sa kapanahunan ni lavezares niyaog haggag ay patuloy silag nagig katukatulog sa pagpapalaganap ng kakristianuhan sa kagayan, kamarines, at zambales; ag kanyag apog si makapagal ay isa sa lumitaw sa tanan niyag mga kamaganak. si makapagal sa kanyag katapatan sa espana ay ginawag maestro de campo at pagkatapos noon ay nagig heneral siya sa apalit, arayat at mga kabundukan ng zambales.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag magkaalit ag mga kapampagan at mga paggasinan ay di naapula, samantalag hindi namagitan si makapagal; at nag mulig sumalakay ag mga insik sa kapanahunan ni heneral figueroa ay hinigi ag tulog ni heneral makapagal at ito ag humawi sa nagsisisalakay. sa pagkilala sa dakilag tulog ni heneral makapagal sa espana ay sila'tinimawa ng mga kastila sa ano mag bayarin sa pamahalaan at ag lahat ng kanyag kamaganakan ay gayon din. ito'namarati haggag sumapit ag taog. si raha lakan dula ay isa sa mga lalog kilalag hari sa kapanahunag yaon ng atig kasaysayan. nagig kakampi siya ng mga kastila sa pagka'naniwala siyag ag mga kastila ay magigig tapat sa kasunduan at pagako. tumulog siya sa pagsalasa sa nagsisalakay na mga nagnanasag maghari rito at sakupin ag kanyag agkan; at lagi siyag tumulog sa pagapula ng mga himagsikan, sapagka'inaakala niyag ag gayon ay nagguguho lamag ng kapayapaan ng kanyag mga sakop.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kug ag mga kastila ay hindi tumupad sa pagako at sumira sa sagusapan, ay hindi kasalanan ni lakan dula; kasalanan ng kasakiman na naaayos sa simulain ni bismark na ag maliliit ay talagag kakanin ng malalaki. samantalag hindi naghahari ag pagkakapantaypantay ng mga tao sa harap ng katuwiran at ag kawagasan ay isag kabaitag nasusulat lamag at di ginagampanan ng lahat at bawa'isa, talagag ag kapaganiban sa mga maliit na bansa ay lagig nakabala. ito ang dakilag gawain ng mga tao ng daigdigan. ito ag simulaig nasag pairalin ng dakilaig wilson nag siya'mamagitan sa nagiinapoy na digmaan sa europa. ano ag malay natin kug yaon din ag magig matibay na saligan ng ganap natig kasarinlan. lakig kapabayaan at kapabayaag lubhag pumipinsala sa atig pagkabansag linag ag pagyayarig ag atig mga dakilag tao ay nalibig sa limot at walag nagukol kahit na hapyaw man lamag na pagbabalita sa kanilag mga kabantugan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag limbagan ay isag dakilag biyaya sa katauhan, sa pagka'tunay na mabisag katulog sa paglalaganap ng mga mithig buga ng mga kislap ng diwa ng tao guni'katakataka mandin na ag kaunaunahag manlilimbag dito sa kapuluan ay hindi naka pagpapamana sa atin ng halaw man lamag ng kanyag buhay, subali'gaya ng ag mga dakilag pagyayari ay nagiiwan ng mga dakilag bakas gayon ag nagyari sa atig kababayag ito na pinaguukulan gayon nitog maigsig ulat. ag limbagan ay isag dakilag biyaya sa katauhan, biyayag mabisag katulog sa paglalaganap ng mga kahagahagag kislap ng diwa na higit sa dagidab na sumasakaalaman ng lahat at napapanatili at nagagamit at sunodsunoran sa kapakanan ng katauhan. kug ag limbagan ay isag tunay na biyaya sa katauhan, disapala ay karapatdapat na pagpugayan at handugan ng isag ganap na pagturig ag mga taog nagakatulog sa pagpapalaganap niyaon. si tomas pinpin, sa gayon sa mga kasulatag amig nasuysoy ay siyag kaunaunahag tagalog na naglaganap ng limbagan sa dakog ito ng daigdigan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kilala at nahihigigan na siya'isag tagalog at kaunaunahag manlilimbag dito sa filipinas at tagalog na may diwag linag sa itinitimpalak ng kaunaunahag aklat na librog pagaaralan ng mga tagalog ng wikag kastila subali'hindi nakikilala gaya ng malaog di nabalitaan ag kanyag pagalan, sa pagka'walag nagukol sa kanya ng isag karapat dapat na gunita. ag ganitog mga kapabayaan ay di dapat mamarati, sa pagka'lubhag pipinsala sa atig pagkabansag kasalukuyag tinatawaran at ayaw kilalanin. nguni'sino si pinpin? kailan siya ipinaganak? saang bayan siya sumibol? mga tanog na di matugon ng tiyakan at walag mga kasulatan maturol yayamag ag karamihan ng mapagsasagguniag talaan sa mga simbahan ay nalipol at na waldas ng atig mga himagsikan. hindi maaarig malimutan, hindi dapat malimutan ag mga dakilag gawa ng mga lalo pag dakilag tao na gaya ni pinpin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa kanyag aklat ay matitiyak ag kanyag sikhay na tayo'makawatas ng nagamiminuno sa atin at ng sa gayog paraan ay tahas natig makilala ag kanilag uri, karagalan at diwa dahilan itog sukat na, upag si pinpin ay makintal sa puso ng tanag pilipino at magsikap na siya'makilala at pag aaralan. umano'tubog abukay, sakop ng lalawigag bataan niyaog lalawigan pinakipamuhayam haggag sa hulig sandali ng atig dakilag balagtas; niyaog lalawigag sinibulan ng isag utak na hinagaan ng daigdig na haggag sa kamatayan ay pawag karagalan sa kanyag buhay ag idinudulot sa kanyag sarilig lupa, ng kagalag galag na arellano. sagayon sa isag aklat na kanyag sinulat, si tomas pinpin ay taog bataan, datapuwa'di maturol nag tiyakan kug alig bayan sa bataan ag kanyag kinakitaan ng unag liwanag; kapabayaan ng atig mga paganay na sanhi gayon ng kapinsalaag ito, baga mag di iilan ag nagsasabig ag kababayag ito ay tubo sa bayan ng abukay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"talagag ag mga dakilag tao ay pinagaagawan ng mga bayan, gaya halimbawa ng nagyayari sa atig balagtas, na anag mga taga udyog ay anak ito ng bayag yaon, baga mag ag mga kasulatag natunton ng masipag na manunuysoy na si. hermenegildo cruz ay tumitiyak na ag atig makata ay tubo sa paginay, sakop ng bigaa, bulakan. saan mag bayan sumilag si pinpin, ay nakasisiya na sa amin ag matiyak na siya'isag tagalog at siyag kaunaunahag manunulat na naghandog ng isag mahalagag aklat ng sinig, sa kapakinabagan ng kanyag mga kalahi. utag sa masikap na manunulat na si. manuel artigas, ag mulig pagkalimbag ng librong pag aaralan ng mga tagalog ng wikang kastila sa kanyag la primera imprenta en filipinas at doon ay mababakas ng mga mairugin sa mga kabantugan ng atig mga kababayan ag mga mahahalagag aral ng atig pinpin sa kanyag mahalaga at panganay na aklat na may gayog uri na kabantugan ng panitikag tagalog. sa kanyag pagkamanlilimbag ay natitiyak na siya ay nagig isag matapat na aralan ni pari.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"jose, at sa isag maigsig bugso ng panahog ikinatatag dito ng limbagan ay nakapaghandog agad ng mayamag buga ng kanyag diwa. niyaog na limbagin ag kanyag aklat ay nagtamo, ng malugod na papuri ni pari roque barrionuevo sa kanyag mugkahi upag bigyag pahintulot at sa ilag kataga ay kalakip itog: es mucho de estimar por ser su autor un natural tagalog. siya ag nagig patnugot ng unag limbagan dito sa pilipinas magbuhat niyaog taog gaya ng matatalunton sa arte reglas de la lengua tagala at ag ganitog tugkulin ay ginampanan niya hangag sumapit ag taog at nag lumipas ag ilag panahon ay lumipat siya sa limbagan ng mga parig hesuitas niyaog haggag.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,si tomas pinpin nga sagayon sa mga natataluntog balita ay siyag matandag kapatid ng atig mga manlilimbag na di nagaksaya ng panahon at nagig saligan ag katiyagaan haggag sa magig isag dalubhasag tagapagpanuto ng kanyag mga kapanahon gaya ng makikita sa katagag amig sisipiin dito sa kapakinabagan ng amig mga mambabasa: di baquin ang langgam ay nacararating sa cacaongin ay bahaguia ng macalacad. mahalagag aral na magagawag isag mainam na saligan upag sapitin ag alin mag matataas na indayog ng pagarapin. at itog sumusunod; ay lalo ring iquinapagpilit nang loob cong tayong lahat ay paraparag macaalam nang uicang castila ay ang caloloua nating ay nang maiquinabang sa. dios nang canyang mga auaauang marami. kug saan mapagkikitag sa kanyag banal na pananampalataya ay di niya naligtaan ag mga kalahi na di makinabag ng biyaya noon.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kug ag nagauna sa atin ay nagsikap na magpamana sa mga sumisibol ng bahagya man lamag ulat tugkol dito sana'napagaralan natin gayon ag mga dakilag halimbawa sa atig kapakinabagan. kug isag araw ay makasapit ka giliw na mambabasa sa liwasag cervantes at doon ay makita mo ag isag bantayog ay masdan mo si pinpin na nakapako ag mata sa lupa at tila may mahalagag bagay na inaaninag; inaapa niya marahil kug ag nagig buga ng limbagan sa kanyag tinubuag lupa ay nagig isag biyaya naghatid sa kapaganyayaan. nalalaman niyag ag limbagan ay isag mabilis na pakpak ng diwa upag ag buga ng kanilag mga likha ay magtawirag walag paganib sa malalawak na karagatan ng daigdigan, nalalaman niyag ag limbagan ay isag mabutig paraan upag ag lahat ng mga pagyayari ay huwag maliblib sa magagsisisibol na aapuhin, at ito ag kanyag ginawa kug kaya kahit hapyaw, ay siya'atig nababalitaan gayon. nguni'di dapat makaila sa atin ag pagyayarig ag limbagan ay isag mabisag katulog sa paninirag puri.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nariyan ag isag taog nagpagal sa kapakinabagan ng kanyag bayag tinubuan. francisco baltazar (balagtas) hindi maaarig sumulat ng ukol sa panitikag tagalog nag di babaggitin ag pagalan ng dakilag makata ng wikag tagalog, ng hari ng mga magaawit, na si francisco baltazar. ag maykatha ng florante at laura ay isa sa mga napili at namukod na higit sa isag manignig na tala at karapatdapat na mapapilig kina goethe, virgilio, dante aligieri na pinipigig ng mga diosa sa kanyag dulag, na di nadadaluhan nino man kundi ng mga tunay na diwa lamang ng mga lahi. hermenegildo. cruz ay nagukol sa kanya ng isag mahalagag aklat na katataluntunan ng kanyang mga lalog lihim na pinagdaanan at buhay. epifanio de los santos cristobal sa pagsasalin ng kanyag florante at laura sa wikag kastila ay naninop ng boog panitikag tagalog magbuhat ng haggag upang sa gitna ng masayag halamanan ng panitikag tagalog ay pagitawin siyang isag mabago at kahagahagag bulaklak noon na ag samyo ay walag pagkapawi.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa panitikag tagalog ga ay si balagtas ag dakilang taglaw at sa mga tilamsik ng kanyag liwanag ay sukat mabuo ag lalog maririkit na kathain. siya'ipinaganak niyaog ika ng abril ng taog. anak palibhasa ng mga tunay na tagalog, si. juan balagtas at juana cruz, at kumita ng unag liwanag sa mga lupaig tagalog. sa paginay, bulakan, ag sigaw dito na lumilikha ng mga tulain ay gumisig sa kanyag diwag silaganin na umawit tuwi na; guni'isang pagaawit na nagbabadha ng mga dakila at lagig kapanahog mga aral, gaya ng sabi ni. santos, na ag kanyang mga kataga sa florante ay isag ebanhelyo sa mga agkag tagalog na naninirahan sa mga tagog nayon nitog kapuluan. ag florante ay inawit, binasa, pinakiggan, at tinandaan, inulitulit na tandaan at awitin ng nagakarigig na di marunog bumasa, upang matandaan at tuwi na'taluntunin at paganihan ang kanyag mayamag diwa ng ikapapanuto at ikapagigig mapalad ng madla.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ani mariano ponce, si balagtas ay ag principe ng mga makatag tagalog, at ani dr. jose rizal, nag tukuyin ag kanyag walag kamatayag awit: ang florante ay isag katha sa wikang tagalog, nag kapanahunag ag wikag tagalog ay lumulusog at dumidigal. nagaral si balagtas gaya ng lahat ng mga tubo rito sa atin ng mga unag dako, sa cartilla, misterio, trisagio at doctrina cristiana, mga aklat na ginagamit sa mga unang bugso ng pagaaral nag kanyang kapanahunan. anak dukha palibhasa at iniwi sa duyan ng karalitaan, ay di nagawag linagin nag gaya ng kanyang hilig ag sarilig muni at napilitag ag lakas niya ay ilakog agad, at yamag walag ano mag katagiag gawain na mapagukulan sa paggagdog buhay, ay minabutig masok na alila sa isag maganak sa bayan ng tundo, malapit lamag sa kamaynilaan (atenas) na kug saan ninanasag tuklasin ag mga unag balita ng karunugan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"bukal palibhasa ang kabaitan at pagkamasunurin, biyaya na ikinapatagi tuwi na ng mga salat sa ginhawa, ay kinalugdan siya ng kanyag mga paginoon, at siya kinaligag tulad sa anak na tunay. pinapagaral siya sa paaralag san jose, at doo'kinapansinan siya ng isag sibol na katagian sa pagtula at isag di karaniwag talino na ikinamahal sa kanya ng mga guro roon. niyaog ay nanahanan siya sa pandakan, at binata siya palibhasa, ay linigalig ang kanyag puso ng himalag ganda ni. (maria asuncion rivera) isag magandag dalagag tagalog na kinabalisahan ng tanag binatag kapanahon. dayo siya palibhasa sa bayag pandakan, ay pinagimbuluhan siya ng mga binatag binihag din ng kagandahan ni maria, at ag mga kabasagal (adolfo sa kanyag awit) ay lumikha ng mga pakana na kanyag ikapapahamak hangag siya'masadlak sa dilim ng isag kakilakilabot na bilanguan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa palihag ito ng hirap, na kug saan linilikha ag mga dakilag kalolwa, ay dito binuo ag walag kamatayag florante at laura, tulad kay victor hugo ng francia na sa kadiliman ng isag bilangguan sa bruselas kinatha ag isa sa kanyag mga dakilag aklat na pinamatag napoleon, el pequeno: nag tamuhin niya ag laya ay nanahanan siyag muli sa makasaysayag bayan ng tundo, at dito ay nakilala niya ag isag babaig guro sa sinig ng pagtula, si alig mandig (agapita bernardo rivera) at ag balitan husen sisiw na lubos masasabig siya niyag unag pinagparagalanan ng kanyag kinathag awit bago limbagin. sa atas ng likas na pagnanasag tumuklas ng kaligayahan sa silog ng ibag lagit ay tinawid niya ag luok ng maynila at nanirahan siya sa balaga at nasok na tagasulat sa hukuman, at sa mga pista ng bayan sa mga napabantog siyag lubha sa kanyag mga maririkit na moro moro na siyag tagig libagan ng mga panahog yaon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"niyaog ay lumipat siya sa bayan ng udyog at dito tinamaan ng kanyag malas ag isag babaig pumukaw na muli ng kanyag puso si alig juana tiomgbeg, isag maharlikag babai na nabihag ng kanyag sinumpaan ng isag wagas, dalisay at di magmamaliw na pagibig. anag kanyag mga anak na nabubuhay pa hagga gayon na dinalaw kog sadya upag makilala, ay naririnig, nila, umano, sa kanilag tatay kug naninibugho ag kanilag nanay, na ag. sa florante ay hindi maria asuncion rivera, na lubhag pumupukaw ng kaligaligan ni alig juana, kundi maria ana ramos. kug saan mapagkikitag ag makata ni laura ay natututo rig mamagka sa dalawag ilog. si francisco balagtas, ay nagig maginoo sa bayan ng udyog, at siya'nagtaglay ng mga katugkulag juez mayor de sementera at teniente mayor. sa isag kapusukan ng loob ay ginupitan niya ng buhok ag isa niyag alilag babai, na nagig daan ng isag panibagog paguusig sa kanya at mulig idinalaw sa mapaganglaw na silid ng bilagguan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ang ibon ay kahit piitin sa isag kulugag bakal ay di napipigilag umawit, at si balagtas ay gayon, sa loob ng napipinid na bilagguan na pawag paglaw ag naghahari, pawag mukhag naglilisik, pawag luha, at kadalamhatian sa pagkakawalay sa mga kapilas ng buhay, sa gitna ng buhay na yaon, ag kanyag panitik ay di naglumo at ag kanyag la india elegante la negrita amante, ag orosman at zafira at iba pag katha, ay binuo niya roon, at lumwal sa maliwanag at nagpayaman ng panitikag tagalog. nag tamuhin niyag pamuli ag laya ay dinatnan niyag hughog na ag kanilag kabuhayan dahil sa malakig usapig hinarap ng kanyag asawa, at salamat sa kanyag mga katha at nabigyan niya ng maginhawag kabuhayan ag marami niyag anak na nagagailagan ng kanyag aruga.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"magsalita ng nanukol sa kabuhayan ng dakilag hari ng tulag tagalog ay nagagahulugag gumawa ng sapagka'walag dakilag buga ng lahat ng tanyag na panitik na hindi kumadlo sa mga dakila niyag simulain, walag kaliliklikag nayon na hindi umaawit ng kanyag florante; walag saggol na iniwi sa lilim ng lagit ng pilipinas na hindi ipinaghele ng kanyang mga magagandag tula; walag dakilag hatol na iginawad ag mga nuno sa kanilag mga apo na hindi sa simulain ni balagtas hinugot; walag anomag paalaala ng kaibigan sa kaibigan na hindi nabaggit ag mga kataga ni balagtas; ano pa'si balagtas at ag mabutig gawi ay magkapatid na tunay. kaaliwan ng nagalulunos, pambuhay sa naglulupaypay na puso, panuto ng nagasa kamalian, at dakilag guro ng lipig tagalog. tinawag siya sa sinapupunan ni bathala niyaog ika ng febrero ng taog guni'ag lunignig ng kanyag walag kahulilip na kaisipan ay tumataglaw pa hagga gayon sa atig panitikan at tataglaw haggag sa bukas ng atig lipi. sa florante: ipinadala ako sa atenas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa loob at labas ng bayan cong saui caliluha,, siang nangyayaring hari cagalinga,, bait ay nalulugami ininis sa hucay ng dusa,, pighati. ang magandang asal ay ipinupucol sa laot ng dagat ng cutia,, lingatong balang magagaling ay ibinabaon at ilinilibing ng walang cabaong. ang lilo,, masamang loob sa trono ng puri ay ilinulucloc at sa balang sucab na may asal hayop mabangong incienso ang isinusuob. caliluha,, sama, ang ulo,, nagtayo at ang cabaita,, quimi,, nacayuco santong catouira,, lugami at hapo ang luha na lamang ang pinatutulo. at ang balang bibig na binubucalan ng sabing magaling at catotohanan agad binibiac at sinisicangan ng calis ng lalong dustang camatayan. tacsil na pita sa yama,, mataas oh! hangad sa puring hanging lumilipas icao ang dahilan ng casam ang lahat niaring nasapit co na cahabaghabag. ipinahahayag ng pananamit mo taga albania ca at aco,, persiano icao ay caauay ng baya,, secta co sa lagay mo ngayo,, magcatoto tayo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"(huseng sisiw) ag pagalag ito ay bago sa mga batag pandigig, guni'sa mga mawilihin sa tulag tagalog ay isag talag napakaliwanag. siya'nagig guro ng atig balagtas sa pagtula at lahat halos ng mga binatag kanyag kapanahon ay pawag lumuhog sa kanya na itula ng mga panambitan, liham, lowa, at mga palabas dulaan na totoog hinagaan at pinapurihan ng kanyag mga kapanahon. sa kanyag kabataan ay wala siyag nadama kungdi pawag hirap, palibhasa'anak dukha. ag pintuan ng paaralan ay bahagya na niyag napasok, at matagi sa pagunahig pagaaral na ginampanan ng kanyag ali at sa isag tagig guro na nagturo sa kanya haggag ano ay walag masasabig tinuklasan niya ng dunog na naghatid sa kanya sa dalubhasag tawag na talaisip at pasimuno na sinunod na lagi ng kanyag mga kababata. umano'isag araw, nag si huseg sisiw ay bata pag wawaluhig taon lamag ay naliligo siya sa isag ilog sa may tabi ng kanilag bahay at nag mga sandalig yaon ay dalawag naghahanap ng tawiran upag pasa ibayo at si huse ag kinausap.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag mga hesuita ay hindi marunog ng tagalog at si huse sa tulog ng kanyag pagkapalabasa ay nakapakipagintidihan sa mga banyagag kausap sa sarili nilag wika. lubhag nahaga ag mga hesuita sa katalinuhan at pagkamagalag ng bata, kaya,nalibag na siya'kausapig mahaba ng sandali. noon ay sadaraan ag isag tao at sa pagka'hindi na nagakapagpatuloy ng pagtawid ag mga pare, ay inusisa na lamag kug sino ag batag kanilag nakausap, kug kagino anak at kug saan nagaaral. siya anag mga hesuita ay isag batag matanda lubhag umindayog ng pagiisip. nag si huseg sisiw ay magbinata na, ay dito na kinapansinan ng isag kainamag pananagalog, malalakig kaisipan, mga lalag ng diwa na nakagigisig ng pusog idlip kaya'halos inaakala ng mga kanayon na siya ay isag tunay na pantas na nakatatarok ng lahat ng lihim.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ito'nagbuhat sa walag maliw niyag pagbabasa ng mga kasaysayan ng biblia na natuturol niya ag mga banhay na kailaganin sa pagsasalita, na ikinapaghinala ng madla na siya'isag taog nakatatarok ng lahat ng pagbabagog dinaanan ng daigdigan buhat sa mula at mula. natuto siyag magisa sa sarilig sikap ng filosofia, canones, teologia at iba pag mga karunugan, gayon din ng latin at griego, tagi pa ng kastila na ginagamit niyag parag sarilig wika. dahilan ito nag kug bakit nag panahog yaon ay lubhag maramig parig tagalog ag sumasagguni sa kanya ng kanikanilag mga sermon na paubayag ipinababago sa kanya kug mayroon siyag hindi mainamin na nasag iwasto.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"may isag lalog himalag ginawa si huseg sisiw nag siya'anyayahan ng kura sa batagan na maglabas ng kanyag mga dula sa pista ng bayan doon, at sabihin pa ba, dinala niyag lahat ag kanyag mga sipig yari, na mga dulag buga ng kanyag walag pagal na panitik at ipinagparagalan niya sa kura na piliin ag nasag palabasin sa araw ng kapistahan, at sa masamag palad ay walag napili isa man ag kura; guni'ipinakita sa kanya ag isag kasaysayan na siyag nasag palabasin, at noon din ay binasa ni huse at boog tapag na nagsabig hindi tayo mapapahiya amog. dispiras na ng pista ng bayan nagibigay sa kanya ag sipi ng kasaysayan at ag atig si huseg sisiw, pagkabasag saglit ng kasaysayan ay tinipon ag kanyag mga comediante at isaisag inanasan ng kanikaniyag sasabihin na tila bumabasa ng isag dulag yari at nasusulat sa wikag tagalog.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kinabukasan ay nasok sa kubol si huseg sisiw at ang kanyag mga sinanay na mga comediante ay naganupad ng kanikaniyag tugkol sa dula ng boog kasiyahag loob ng lahat at tagigtagi ag kura na lubhag namangha sa himalag yaon na ipinamalas ni huseg sisiw. at di lamag ito ag katagian ni huseg sisiw. siya ay nakadidikta sa limag tagasulat kug siya'nagmamadali; gaya halimbawa ng kug may nagpapagawa sa kanya ng ano mag katibayan, paanyaya, sulat sa pagigibig at tula sa karagalan ni gayon at ni ganito. pinauupo niyag sabay ag mga tagasulat at sabay na dinidiktahan ng kanikaniya, ano pa'nakatatapos na lahat na sabay at walag panaghilian. tinawag siyag si huseg sisiw, sa pagka'siya ay mahiligig kumain ng sisiw, kailan ma'aayaw siya ng inahin tandag; magig sa mga gulayin ma'nasa niya ag lalog mura wala pa sa panahon, kug makaisip siyag kumain ng inihaw na baboy ay ag kaniyag pinipili ay ag pasusuhin pa halos.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at sa pagka'ito ag kanyag himalig lahat halos ng kanyag mga kaibigan na nagkakautag ng loob sa kanyag magpasulat, ay dinadalhan siya ng sisiw na lalog pinakamataba. at sa pamagat na huseg sisiw siya nakilala ng lahat ng kanyag mga kapanahon. si jose cruz ay tubo sa makasaysayag bayan ng tundo at anag marami ay siya ag talagag ipinaganak na makata. nilag siya sa maliwanag niyaog taog. umano'isag araw ay pinagdayo siya ng mga pantas at dalubhasa ng kanyag panahon upag makilala ag dakilag makata at guro nina balagtas, florante at ni ananias zorrilla sa dama ines nina juan at prudencio feliciano sa kanilag loco por el viento,. alejandro at don luis, atamante at manople, jason at medea at dn. gonzalo de cordoba, at kaluguyo at lagi nag sinambit ni alig manding (agapita bernardo rivera) na tanugan ng mga manunulat noon ay nagyari ag ganitog sagutan: mag huse, saan po naroon ag mga aklat ninyog saggunian? mga ginoo, ag aklatan ko po ay ag sarilig pagiisip.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"inaakala ko po na hindi kailagan ag isag mayamag aklatan kugdi nasasaulo ag mga linalaman noon. kug saan mapagkikita na si huseg sisiw ay isag dalubhasag palalo, sanhi marahil nag hindi niya ikinapagpalimbag ng kanyag mga katha. anag mga matatandag amig napagtanugan, si mag huse ay lubhag maigat sa kanyag mga sulat at kailan ma'hindi siya nasiyahan sa mga hinahangaan na ng iba na kanyag mga katha, dahilan ito ng kug bakit iilan ag kanyag corrido na nakilala at ito'ag clarita, adela at florante at teodoro at clavela. tugkol sa may mahigit na kug ilag daag comedia at dula ay nagigibabaw ag mga ito: la guerra civil de granada, hernandez at galisandra, reyna encantada casamiento por fuerza at rodrigo de vivar. si huseg sisiw ay nagig tagasuri ng mga comedia at dula na itinataghal sa teatro de tondo na ari ni. domingo celis. ag alin mag dula comedia na kanyag bigyan ng subali ay hindi natataghal doon. ag kanyag pasiya ay walag tutol at iginagalag.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ah sayang na sayang, sayang nang pagibig sayang nang sinsing cong nahulog sa tubig cung icaw din lamang ang makasasagip, mahangay hintin cong cumati ang tubig. ito umano ay kanyag tinula ng inip na inip na ng kahihintay sa isag katipan na di dumalo sa tagpuan. si huse ay lagig pidagdamutan ni kupido. at nag isag kataon ay tinugon siya ng isag dalaga na magsabi po cayo sa aquing mga magulang, ay tinugon pagdaka ng isag tula na gayari: sa aqu,, huag mo nang matuimatuiranin na may magulang cang dapat sanguniin di baquin si cristo ay nacapaghain ng langit cay dimas, di may magulang din? tatapusin namin ag ulat na ito sa pagsipi ng ilag tula ni huseg sisiw bilag alaala sa kanyag kabantugan, nag huag matulad sa bula na ginahasa ng hagin; sa bagog panandaliag linipasan ng halimuyak sa kawiliwilig tinis ng kanyag kudyapi na napapawi sa pakinig, pagkalipas ng isag saglit na pagkaaliw at pagkawili.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"oh caauaauang buhay co sa iba mula at sapol ay gumilio gilio na nguni,, magpangayon uacas man ay di pa nagcacamit tungcol pangalang guinhaua. ano,, ang ganti mong pambayad sa aquin ang aco,, umasa,, panasanasain at ilinagac mong sabing nahabilin sa langit ang aua saca co na dinguin. ang aua ng langit at aua mo naman nagcacaisa na caya cung sa bagay? banta co,, hindi ri,, sa aua mong tunay iba ang sa langit na naibibigay. ano ang ganti mo sa taglay cong hirap. sa langit na hintin ang maguiguing habag? napalungi namang palad yaring palad sa ibang suminta,, gumilio ng tapat. isa sa mga lalog paham na tao niyaog nagsasapol ag daanag taog lumipas, si pare pedro pelaez, doctor en teologia, na, paguukulan ngayon nitog sapyaw na ulat, bilag pabunyi sa kanyag kadakilaan at mga pagliligkod sa tinubuag lupa, sa abot ng galawan ng kanyag pagka pare. sa matulag lalawigan ng laguna ay dito sumilag ag marilag na si pare pedro pablo pelaez, at anak ng mga litaw na tao.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kanyag ama ay kasalukuyag alkalde mayor niyaog ika ng hunio ng taog na siya'iluwal sa maliwanag. inalo nga si pare pedro pelaez sa duyan ng kaginhawahan; guni'sa buhay na ito ng mga pagbabago ay kanyag dinanas ag lahat ng mga dapat danasin ng mga laruan ng palad at siya'naulila sa maagag panahon ng kanyag kabataan at, wala namag gaanog naiwan sa kanyag pamana, ag amag pumanaw, kaya'sa panahon ng kanyag pag aaral ay di gagaanog pagsasakit ag kanyag tinawid bago namulat ag kanyag kutad na muni sa malawak na galawan ng karunugan. maglalabig isag taon pa lamag siya ng masok sa paaralag santo tomas sa pamamagitan ng beca dahil sa karagalan ng kanyag mga magulag at ag panahon ng kanyag ipinagaral, ay siyag nagig saligan ng pamagat sa kanyag pantas at dalubhasag pare, na iginawad sa kanya sa panahon ng kanyag pamamayani sa buhay na ito ng mga dalamhati.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"boog kasyahag loob na tinamo niya ag katibayag bachiller en fiosofia, bachiller en teologia, at licenciado en teologia; kaparahunan noon ng balitag pantas na parig kastila na si. francisco ayala, di nalaunan at tinaggap ag katibayan sa pagka doctor en teologia, kataastaasag karunugag mahihintay na kamtin ng isag pare. dahil sa di niya karaniwag kapahaman ay nakasapit siya sa koro ng katedral at tinaggap siyag canonigo de gracia, guni'hindi niya naamig siya'mamalagi sa gayog parag limos na katugkulan at siya'lumaban ng paligsahan, at tinamo niya ag pamagat na canonigo magistral. siya'may mga kalilihilig mga sermon na lubhag hinagaan at kanyag ipinalimbag sa madrid niyaog sa kahiligan ng kanyag mga kasamahan na nagnanasag magigat ng kayamanag yaon ng kanyag diwa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa pagka predicador ay napabantog ng gayon na lamag si pare pelaez, at sa kanyag walag tilag pagaaral ay tinamo niya ag mga katugkulag juez apostolico, comisario subdelegado de la santa cruzada at vicario capitular en sede vacante sa siudad ng maynila. anag isag pahayag ng la patria tugkol sa pareg ito: ag mga karapatdapat na mga prelado na sina ecmo. jose segui at jose arangoren ay nagpahalata tuwi na ng pagtatagi sa kakayahag hindi karaniwan ng mga hiyas na ito ni pare pedro pelaez, at itinagi siyag pinagsaggunian tuwi na, lalog lalo na ng preladong si. arangoren at siya ag kalihim nito. yaog dakilag utak na napabantog at nagtaas ng gayon na lamag sa kanyag lipi, ay pininsala niyaog lindol ng taog nag gumuho ag katedral. namatay siyag gaya ng isag bayani sa kapanahunag ag kanyag karilagan ay sumisikat, guni'ag kanyag alaala ay lagig sariwa tuwi na sa kanyag mga kababayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at sa universidad de santo tomas bilag alaala sa kanyag kadakilaan ay ginawag pahiyas ag isa niyag malakig larawan, sa kanilag galeria de ilustres personalidades na iniigatan sa bulwagan ng nasabig paaralan, bilag taglaw marahil sa nagagsisipagaral doon. sa pilipinas ay maramig dakilag bayani at sa mga ito ay kabilag ag huwaran ng mga parig pilipino na si dr. jose apolonio burgos. niyaog ika ng febrero ng taog ay sumilang sa maliwanag ag amig pinaguukulan gayon nitog halaw na dahon ng mga dakilang pilipino. siya'anak ng teniente ng milisya na si. jose burgos at ni ginag florencia ni burgos, sa bayan ng vigan, ilokos sur. si dr. jose. burgos ay naulila sa kamusmusan, at sa marubdob na nasa ng kanyag mairugig ina na ag kanyag muni ay mamulat sa mga dakilag aral, ay sinikap ni aling florencia na ag kanyag anak ay maipadala sa maynila, at palibhasa'anak siya ng isag pamunuag hukbo, ag gayog nasa ay nagig isag pagyayari sa tulog ng mga makapagyarihan ng panahog yaon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"siya'tinaggap ng walang gugol sa paaralag san juan de letran. ag katalinuhan niyag di karaniwan ay nabunyag at sa taglaw noon ay kanyag napansin bata pa man ag mga kahidwaan ng pamamalakad sa loob ng paaralan. pangulo siya palibhasa ng tanag nagaaral na kanyag kapanahon kaya'kanyag tinutulan ag gayog di niya minabutig napansin, nguni'sa halip na dingin ag kanyag tutol, ay siya'itinawalag sa paaralan. ag unag binhi ng kaapihan ay napapunla sa kanyag puso. sa gitna ng gayog kapinsalaan ay naipagpatuloy din niya ag pagaaral sa marunog na parig si. mariano garcia haggag siya'maihandag taggapin sa paaralag madla ni sto. tomas. napatagi siya ng gayon na lamag at sa kanyag mga sikap ay napagkilalag tunay na alagad siya ng kardenal ceferino gonzales, sa karunugan ng teologia. sa paaralag ito niya tinamo ag mga katibayag pagka bachiller en filosofia, doctor en derecho canonico at doctor en teologia.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag matapos ag kanyag pag aaral sa paaralag madla ni santo tomas ay nahirag siyag magig patnugot ng paaralag san juan de letran at guro sa wikag latin, wikag ayon sa mga manunulat ng panahog yaon ay ginagamit niya nag gaya ng paggamit ng sarilig wika. nag siya'yumakap ng katugkulag pagka pare at ag kaunaunahan niyag misa ay kanyag ganapin ay napilitan niyag bitiwan ag tugkulin niya sa san juan de letran, guni'siya'ilinipat na patnugot ng mga nagaaral sa sto. tomas, tugkulig hindi niya pinagtagalan at ag hinarap ay ag kanyag pagka pare. si dr. jose. burgos ay nagig pagalawag kura sa katedral nitog maynila, nagig mahistrado at puno sa katedral, tagausig ng hukumag eklesiastiko at pagulog puno ng pagdiriwag sa paaralag madla ni sto. tomas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag taog nag ag mga parig hesuita ay palayasin dito sa pilipinas, noon, ag dako ng mindanaw ay nasa kamay ng mga rekoletano, at sa kalagitnaan ng luson, ay sa mga parig tubo rito sa kapuluan; guni'ng pabalikin sa kapuluan ag mga hesuitas niyaog taog ay siyag isinugo sa mindanaw at ag mga rekoletano ay ilinipat sa gitna ng luson na siyag nasa kapamahalaan ng mga clerigo mga parig tagarito sa atig lupain, ag ganitog panibagog pagkawala ng karapatan ng mga parig pilipino ay tinaggap ng mga ito na parag isag malakig paglait paglapastagan sa kanilag karapatan, at ag gayon ay nagig simula ng isag pagtutol na pinamatnugutan ng bantog na si dr. jose. burgos. isag kasulatan ag pinasapit sa espana na humihigi ng katarugan para sa mga parig napinsala, guni'gaya ng mga lalog dakilag gawa na di tuwi na'nagtagumpay ag kanilag kahiligan ay nalupig ng kapagyarihan ng kanilag mga katuggali, at ag gayog pagyayari ay nagig simula na ng isag pipig paghahamok ng mga parig pilipino at ng mga parig kastila.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ika ng hulyo ng taog nag sina pari burgos at jose guevarra ay nagpadala ng isag kasulatan sa kapitan heneral. carlos ma. latorre, sa mga paratag na sa kanila'ibinuhat ng mga regulares at nagmumugkahig litisin kug mayroon ga walag filibusterismo dito sa pilipinas. sa gitna ng alimpuyog ito ng paglalaban ng isa'isa, sa kabilag dako, ag mga parig tubo rito sa atin, at sa kabilag dako ay ag mga parig banyaga, ay napataon sa himagsikag kawal sa kabite niyaog pagyayarig nagamit ng mga kaaway ni dr. jose. burgos, upag ag nasabig pare at sampu ni pari mariano gomez at jacinto zamora ay makasagkot sa nasabig himagsikan. at gaya ng lahat ng pagyayari sa mga bayag nasusukuban ng kapagyarihan ng ibag bansa, ag mga pakana ay nagtagumpay; sa malinaw na sabi ag tatlog dakilag pare, ay umakyat sa bibitayan upag diligin ng kanilag dugo, upag pagalayan ng kanilag maagag pagpanaw ag kalaitlait na kamatayag dapat lamag sa mga salarin. sila'binitay niyaog ika ng pebrero ng taog.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"bago binitay si dr. jose. burgos ay nagsabi ng: ako'walag sala, at tinugon ng verdugo: amog, ako'patawarin mo at ag pagbitay kog ito sa iyo ay laban sa akig kalooban, guni'nanunupad ako ng isag utos. ag gayon ay pinaklihan ni dr. burgos ng gayari: pinatatawad kita, at nasa kog ag utos ay iyog tuparin. noon ay nagdilim ag lagit, humagunot ag kulog, ag lintik ay nagsiguhit ng boog tatalim at ag ulan ay bumuhos. ag mga taog karamiha'luksa na dumalo sa bagumbayan ay parag ipinagtabuyan ng mga elemento, at ag tatlog pari ay binitay. ag kamatayan ni dr. jose apolonio burgos ay maituturig natig: binhi ng himagsikan. at ag diwa ng kanyag ipinagtaggol na katuwiran ng mga pare ay nagtagumpay sa atig pinagpalag himagsikan niyaog taog na ag unag tagumpay na maituturig na hagga gayon ay nananatili sa ibabaw ng kasakiman ng mga banyaga ay ag pagkakilala sa karapatan ng mga pareg tubo rito sa atin na karamihan ay nagaghahawak gayon ng mga katugkulan at karagalag obispo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nagig gawi tuwi na, na ag mga parig nahatulan sa mga kalaitlait na kasalanan ay hinuhubaran ng pagka pare, at ag gayon ay hinilig sa mgl. na arzobispo ng maynila; guni'walag makitag matuwid ag nasabig arzobispo kaya'di sila hinubaran ng pagka pare sa oras ng kamatayan. si gat rizal, sa kanyag paglalathala ng pagalawag bahagi ng noli, ag kanyag filibusterismo ay ihinandog sa tatlog dakilag pare bilag pagbawi, sa mga upasalag sa kanila'iginawad: sa ganag amin ag tatlog dakilag pare ay di nagkasala kahit babahagya na dapat lapatan ng gayog kalupit na hatol; guni'sila'nagig kasagkapan ng mga pagyayari, upag ag binhi ng paghihimagsik ay payabugin ng kanilag dugo. tatapusin namin ag ulat na ito sa mga salita ni. gomez: yaog nagagsisiibig sa inag bayan ay di nagamamatay sa kanilag hihigag sarili.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa isag maliit na bayan, sa badok, ilocos norte, isag bayag halos di kilala dahil sa kaliitan, ay nagig bantog at kapuripuri dahilan sa pinalad na sibulan ng isag taog dakila, na walag alinlagan masasasabig siyag pinakadakila at bantog sa lahat ng pintor na pilipino, siya ay si juan luna. ipinaganak siya niyaog ika ng octubre ng taog isa sa mga anak ni. joaquin luna at laureana novicio, mapalad na magasawag naghandog sa inang pilipinas ng mga anak na bayani. si antonio ag dakilag heneral, si juan, ag dakilag pintor, si joaquin ag gobernador, at si jose luna, ag bantog na maggagamot. ag kanyag pagaaral ay pinasimulan sa sarilig bayan at kanyag ipinagpatuloy sa ateneo municipal, kug saan siya kinagiliwan ng gayon na lamag ng kanyag mga guro: ag unag nagturo sa kanya ng pagguhit ay si. agustin saez. dito siya nagpasimula ng pagibig sa sinig, na kanyag ikinapabantog ng gayon na lamag.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"buhat sa ateneo ay lumipat siya sa academia naval, at nag matamo niya ag mga katibayan sa pagaaral ay siya'sumakay upag ipagpatuloy ag pagsasanay ng kanyag pinagaralag pagkamandadagat. lalabig anim na taon siya noon. tinahak niya ag katimugan ng dagat china at india, dinalaw ag singapore at colombo, mga bayan at lunsod na kanyag dinalaw, na nakapukaw sa kanyag puso ng marubdob na nais na dumakila. niyaog nag siya'lalabigpitohig taon pa lamag ay tinaggap niya ag katibayag makapaghawak na ng ugit (piloto) ng sasakyan sa matataas na dagat. siya'lubhag kilala sa kanyag pagkamandaragat, guni'hindi ito ag tunay niyag hilig, at baga mag siya'hinagaan sa kanyag katugkulag yaon na ginagampanan, ay tila may bumubulog sa kanyag diwa na hindi yaon ag kanyag dapat na pamalagian. samantalag siya'naglalayag, sa luok ng maynila ay nagaral siya ng pintura, at ag kanyag nagig guro ay si. guerrero isag bantog na pintor ng kapanahunan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"iniwan niya ag pagkamandaragat at nasok siya sa academia de bellas artes sa maynila. dito niya nakilala ag tunay na pagibig sa sinig, sumigla nag sumigla ag kanyag sigasig at niyaog ay lumayag siyag patugo sa espana. pagdatig na pagdatig niya sa lupaig ito ng mga hari, ay nasok siya agad sa academia de bellas artes de san fernando, sa madrid, at yayamag di nakasisiya sa kanyag hilig ag pagtuturo doon ay bumayad siya ng isag tagig guro upag siya'turuan sa sarilig tahanan at kanyag nahirag si. alejo vera, isa sa mga lalog dakila at bantog na pintor sa espana. nagig matalik silag magkaibigan ng bago niyag guro at sila ay naglakbay sa italia niyaog doon sa pinagpasikatan nina rafael at miguel angel at doo'magkatulog silag gumawa sa dakilag bayan ng sinig. niyaog magbukas ng taghalan sa madrid, nag taog ag pagalan ni juan luna at nakapaggilalas sa mga lalog bantog na pintor na kastila at italiano.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kanyag cuadrong ag kamatayan ni cleopatra ay nagtamo ng pagalawag gantig pala at isag medallag ginto kalakip ng isag libog pisog salapig kastila. buhat noon ag tagalog ay nagkaroon ng mabutig pagalan sa daigdig ng sinig at di na ipinalagay na mga maninipi. nag lumipas ag tatlog taon, niyaog ag walag kamatayag spolarium ay lumabas sa maliwanag, at ag gawag ito ni luna ay nagtagumpay sa daigdigan ng sinig, at ag mga papuri ay nagsikip halos sa sansinukob. sa kanyag karagalan ay pinigig siya ng mga pilipinog nananahanan sa espana. lubhag maramig papuri ag kanyag tinaggap sa nagagsipanalumpati at isa rito ay ag atig dakilag bayanig dr. rizal na nagsabi ng gayari: paghawi ng tabig at makita natin ag spolarium, ay maririgig na natin, ag tagisan ng mga alipin, ng kakilakilabot na takot sa digmaan, at ag taghoy ng mga ulila. ag tanawig iyan ay siyag tunay na damdamin ng lumikha at tagabadha ng atig kasalukuyan sa atig tinubuag lupa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"oo, ag mga kuadrog ganyan ay di lamag umaliw sa atig mga mata, kundi nakikipagusap na banayad sa atig puso. lumipat siya sa paris at doo'nakipagisag puso sa isag anak ng kastila sa pilipina na pinagarapan niya ng isag kaligayahan sa buhay, at pinaghandugan ng lahat niyag tagumpay. hindi siya naglikat ng paglilinag ng kanyag sinig at niyaog ay napa sa espana siyag muli upag itaghal sa madrid ag kanyag batalla de lepanto at ag rendicion de granada na pawag nagtagumpay at nagtamo ng gantig pala sa nasabig taghalan. isag pigig na naman ng mga kalahi ag nasaksihan sa madrid na idinaos sa karagalan ni juan luna, ag dakilag pintor. si lopez jaena ay isa sa nagagtalumpati.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag katahimikan sa nagtatagumpay niyag buhay, ay hindi nasiyahan mandin at sa loob ng tahanan ay nanuluyan ag ligalig, ag kanyag katahimikan ay nahalinhan ng isag infiernog napakainit, dinarag ag kanyag puso at sa harap ng di dapat talimahig pagupasala ay nagkahalaga ng isag buhay, at buhay ng kanyag pinakamamahal pa naman: ag sa kanyag minamahal na kabyak ng puso. isag usapin ag nagig buntot ng sigalot na yaon; guni'pinawalag sala si juan luna ng hukumag humatol. nag mulig bumalik dito sa pilipinas ag atig kalahig ito ay pinaghinalaag kinaalam ng nagaghihimagsik at niyaog siya ay ipinadakip at ibinilaggo. ag mga dakilag diwa ay hindi napipiit kahi'na sa loob ng piitan, at sa gitna ng gayog kalagayan ay gumawa siya ng isag mainam na exce homo na kanyag ipinagkaloob kay pare rossell nag siya'dalawin sa bilagguan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag tamuhin niyag pamuli ag kalayaan, ay nanumbalik siyag agad sa europa, guni'ag pagibig sa sarilig lupa ay hindi magpatahimik sa kanya roon, kaya'muli siyag naglayag niyaog disyembre ng upag bumalik sa sarilig bayan at siya'nadaan sa india, sa java at sa sumatra, naglagos ng china at hapon, guni'nag siya'na sa hogkog at papauwi na sa sarili ay nagkasakit siya at nasagupa niya roon ag kamatayan. namatay si juan luna at nalibig sa ibag lupa, guni'ag mga dakilag tao saan man mamatay at saan mag dako ng daigdig malibig, ag karagalag kanilag tinuklas at ikinabantog sa daigdigan, ay hindi nakukuha ng alin mag bayag hindi nila sarili, sapagka'ito'manag hindi maaagaw ng alin mag lahi at bayan. karagalan ga ng pilipinas ag siya'magkaanak ng isag kahagahagag manininig, at kahit hindi siya nahandugan ng bahagig libigan sa sarilig lagit, ay nagliliwanag din duon ag kapitapitagag pagalan ng anak na nagpakatagi. luwalhati sa iyo, dakilag manininig!",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa lalawigan ng iloilo ay doon sumilag ag isag kalahi natig nagig isag dakilag mananalumpati, siya'si graciano lopez jaena. gaya ng lahat ng pilipino, ag kanyag unag pagaaral ay tinaggap niya sa loob ng tahanan, pagkatapos ay nagpatuloy siya sa paaralag bayan upag ag mga pagunahig pagaaral ay maganap at doon na siya kinakitaan ng kanyag sibol na katalinuhan, at baga mag hindi karaniwan noon ag pakikipagtalo sa mga guro si jaena ay hindi nasiyahan sa alin mag bahagi ng kanyag pinagaaralan, haggag hindi dinidigig ag mga paliwanag ng mga guro, at sa pagnanasag ag pagaaral ay ipagpatuloy sa ibag lupain ay lumayag siyag tugo sa espana, niyaog taog. sa silog ng lagit ng datig metropoli ay nakipagisa siya sa mga kalahig doo'dinatnan na nagakikibakag kasalukuyan sa mga kabaguhag hinihigi ng bayan natin. iisag taon pa siya sa espana, nag itatag ag kapisanag hispano filipino at siya ay nagig isag masugid na kasapi noon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kapisanag nabaggit ay naglalathala ng isag pahayagan at si graciano lopez jaena, ay isa sa tumagkilik noon. ag kanilag mga layunin ay ag ipakilala sa madla ag kasalukuyag kalagayan ng pilipinas at magagsumakit sa mga kabaguhag dapat na gawin ng pamahalaan at pagasiwaan. ag kanyag mga tudlig na pawag kinababakasan ng kanyag pagkamabutig anak ng pilipinas, ay nagapalathala sa filipinas, ante europa, el progreso, el pueblo soberano, at pagkaraan ng ilag panahon ay itinatag niya ag la solidaridad, na kanyag pinamatnugutan at siyag nagig tagapamansag ng mga kalahi natin doon. niyaog taog ay nihalinhan siya ni marcelo. del pilar sa pamamatnugot ng nasabig pahayagan. sa kanyag pagkamananalumpati, ay ipinalalagay na isa siya sa lalog pinakamabuti sa kanyag kapanahunan sa boog espana, kaya'sa lahat ng pigig tuwi na'inaanyayahan siya upag manalumpati. at sa mga gayog kataon ay hindi niya nalimutan minsan man na di samantalahin ag pagpapakilala ng mga karaigan ng kanyag bayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"niyaog sa madrid, sa pagdiriwag sa ikatatlog daan at siyam na puo'isag taon ng pagkatuklas sa america ni cristobal colon, sa talumpali ni graciano lopez jaena, tugkol sa mga iba'ibag bagay, ay sinabi niya ag gayari: hindi umiiral ag pagaalipin sa pilipinas, guni'makalilibog mahirap ag kaalipinag doo'naghahari at kaalipinag tinatagkilik ng mga batas, kaalipinan ng kalolwa, kaalipinan ng diwa, at dahil dito mga ginoo, ag amig bayan ay bayan ng baligtaran, sapagka'ag karunugan at katotohanan ay di napakikita doon. ayaw kami ng isag bayag kalahati ay malaya at kalahati ay alipin, ninanasa namin ag kalayaan sa pagsulat pamamahayag; ninanasa namin ag kalayaan sa pagagalakal; ninanasa namin ag amig kapagyarihan sa paghahalal, (sufragio) ng amig sugo sa mga kapulugan, na, kug saan namin mapasasapit ag amig mga adhikain upag digin at malaman.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa isag pigig na idinaos sa madrid sa karagalan ni juan luna, at resurreccion hidalgo, dahil sa kanilag taggumpay sa taghalan ng sinig, si jaena ay nagsabi ng gayari: pilipinas, binabati kita ng boog pitagan. ag bughaw ng dagat ay siyag birag, ag kulay ng kanyag lagit, ag pinakamarikit sa sansinukob, na nasasabugan ng maninignig na bituin, ay siya niyag magandag lambog. sino man na di pa nagkakapalad na magmalas sa kanyag mga pulo, ay di nakakita ng pinakamagandag panig ng daigdigan. sa salaysay na ito ni lopez jaena, ay mapaguunawa na ag kanyag panigin ay pawag kagandahan sa kanyag tinubuag lupa, pagmamalas na di tinataglay niyaog di tunay na tubo sa pilipinas, pagka'tagig ag pilipino lamag ag may kayag dumamdam ng kanyag mga dinaramdam. isa sa maiinam niyag talumpati, ay ag binigkas niyaog ng ipagtagumpay ni juan luna ag kanyag batalla de lepanto. ito'ulit ulit na sinabi, na kamig mga pilipino, ay di makagagawa ng ano man.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tinawag kamig mga umano, ay walag kayag gumanap ng anomag kaunlaran, kami umano ay hindi lumalaki at di umuunlad, guni'ag amig; bayan sa linakadlakad ng panahon ay nagigig isag bayag dakila. kug mababasa ninyo ag mga talumpati ni jaena, at maaaninag ninyo na wala na siyag sinikap kundi ipamalas ag kanyag pagmamahal sa tinubuag lupa at sa mga kalahi niyag marunog magmahal sa bayag tinubuan. mahigit na labiglimag taon na nanahanan si jaena, sa espana, at lahat ng kanyag sigasig sa loob ng panahog yaon ay iniukol niya sa ikauunlad ng kanyag minamahal na bayag pilipinas. niyaog ay umuwi siya sa sarilig bayan upag magilak ng magugugol doon sa ubod ng bayag paginoon ng atig bayan, sa madrid, at dahil sa nasag ito, ay nakipagkita siya kay paez, at humigi siya ng tulog.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"guni'sa kawalan, ng salapi sa kaban yaman ng samahag kanyag tinawagan ay pinagakuan siya ni paez, pagkatapos na madigig ag kanyag mga balak at siya'nanumbalik sa bayan ng mga hari, upag gumawa ng walag patlag na paggawa sa ikapagbabago ng pamamalakad dito sa kapuluan; at sa kanyag kinahimaligag yaon ay nahughog siya at namulubi, at niyaog ika ng enero ng ay tinawag siya sa sinapupunan ni bathala, sa bayag barcelona espana, na siyag kinalagakan ng kanyag mga labi. si graciano lopez jaena ay buhay sa mga puso ng bawa'pilipino at ag alaala sa kanyag mga gawa ay isag dakilag aral na karapatdapat uliranin. magig tibay ag mga talatag ito ng kanyag pagka walag kamatayan. nakikita mo ba giliw na bumabasa sa mga salapig papel na pipisuhin, ag larawan ng isag kababayan natin na sa kanyag kagitigan ay minapat ng pamahalaan na siya, ay makilala ng tanan sa paraag yaon? ag larawag yaon ay dili iba'ag kay apolinario mabini, ag kahagahagag lumpo na siyag utak ng himagsikan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ano man ag ibinuga ng himagsikag nagguho ng kapagyarihan ng mga hari dito sa atig lupain ay may kinalaman doon ag atig kababayag pinaguukulan gayon nitog maigsig ulat ng kanyag buhay. kug palarin ka pag makatagpo niyaog napabantog na patakaran ng himagsikan na niyaog ika walo ng hulio ng taog ay ipinasiya ni gen. emilio aguinaldo, na limbagin at ipagbili ng mamiseta, upag sumakaalaman ng lahat ng mamamayan. ag mahalagag kathag yaon, giliw na bumabasa, ay katas ng mayamag utak ng atig mabini. basahin mo ng boog kataimtiman sa puso at doo'mababakas mo ag kabanalan ng atig himagsikan, niyaog pinagpalag pakikipamiyapis ng iyog mga kalahi upag ihanda sa iyog pagdatig ag isag bayag karapatdapat sa iyog lipi, bayag malaya, nagsasarili at puspos ng karagalan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si apolinario mabini, ay isag anak na maipagmamalaki ng kanyag lalawigan, maipagmamalaki ng kanyag lipi, at matatawag na isag bayani ng bayag pilipinas, baga mag ag kinamulatan niyag bayan ay isag maliit na bahagi lamag ng makasaysayag lalawigag batagan. pinagpalag bayag nakapaghandog sa inag pilipinas ng isag dakilag anak, binabati kita pinagpala ka ng mabutig tala, sapagka'sa silog ng iyog lagit nakakita ng unag liwanag ag isag kawal ng sagkatauhan, si apolinario mabini. si mabini ay anak nina. inocencio at dionicia maranan at sumilag niyaog. mga taog dukha at walag karagalag maipagmamalaki kundi ag karagalag mabuhay sa tulo ng pawis. salat palibhasa sa mga kailagan sa buhay, ay hindi nagawag itagubilin sa alin mag bantog na guro ag mga unag pagaaral ni apolinario, at salamat sa tulog ng isag amain, si. juan maranan, ag kanyag muni ay namulat, at pagkatapos ng mga pagunahig mga pagaaral ay lumipat siyag handa sa lahat ng hirap, sa pagkakalinga ng isang banal na pare, si.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"valerio malabanan, na siyag humawan sa kanyag diwa ng mga tabig ng kadiliman. napamahal na lubha si mabini sa kanyag bagog guro, palibhasa ay may isag katalinuhag hindi karaniwan at kabaitag kahagahaga. natapos niya ag pagalawag bugso ng pagaaral sa kaliga ng parig natukoy na; guni'uhaw palibhasa sa mga iba'ibag lawak ng karunugan, kaya'niyaog ay lumwas sa maynila at humandog na magturo sa paaralan ni ginoog melchor very, at samantala ay nagaral naman sa san juan de letran. isag pagsusumakit na di karaniwan ag kanyag ipinamalas at ag katibayan ng pagka bachiller en artes ay tinamo niya na kasaliw ng pagtuklas ng pagagdog buhay. ninasa niyag lumipat sa universidad de sto. tomas, guni'ag kanyag kinikita sa paaralan ni. melchor very, ay hindi makasasapat sa kanyag mga kinakailagan sa gayog pagpapatuloy, kaya'sinikap niyag magligkod sa pamahalaan at nataggap siyag tagasulat haggag sa siya'nagig masugid na kasamahan ng abogadong si. numeriano adriano, bilag kawani roon na nagsasanay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag pipig kilusan ng mga api, ay lumaganap ng gayon na lamag sa walog lalawigag tagalog, ag lihim ay hindi na maigatan at unti untig nahahayag sa mga taga pamahalaan ag himagsikan ng mga anak ng bayan. sa balintawak ay napilitag ihiyaw nag wala sa panahon ng bayanig bonifacio ag mga kahiligan ng api, guni'hiyaw na kasaliw na ng talibog at pakikipamiyapis; ag banal na kilusan ay nagpanigas na lubha ng puso ni mabini, upag agarag tumugon sa tawag na bayag humihigi ng tulog sa kanyag mga anak, upag makakalag sa gapos na kaalipinan. dahil doon ay dinakip si mabini at ipinapiit haggag hunyo ng taog salamat sa kanyag pagkalumpo ay pinalaya siya sa paniniwalag hindi na siya makapagtataguyod at di mapakikisapi sa himagsikan. natapos ag unag bugso ng himagsikan sa kasunduag linagdaan sa biyak na bato.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si mabini ay nagpagalig ng kanyag karamdaman sa los banos, guni'nag ag pamahalaan ng kastila at ag sa estados unidos ay nagkakatitigan, at di nalaunan ay nagig dulaan ng digmaan ng dalawag bansa itog kapuluag pilipinas, siya'sumulat ng mga mahahalagag tudlig ukol sa mga mabubutig balak ng pakikisagkot ng mga tagalog sa dalawag nagdidigma, at ag gayog kasulatan ay sumapit sa kamay ni aguinaldo, na isag mabutig kasagguni. inanyayahan ni aguinaldo na pasa kawit si mabini, at sa pagtaggap sa anyaya ay nagsabi ng gayari: hindi ako matiwasay, sapagka'ag mga kababayan ko'walag katiwasayan. ag kanilag mga kahiligan sa pagbabago ng pamamalakad ay hindi dinigig. nagig unag kasagguni ni aguinaldo si mabini at ag unag ginawa ay ag pagpapalit sa gobierno dictatorial ng pamahalaan ng himagsikan. itinatag ni mabini ag mga pamahalaag bayan, lalawigan, hukuman at kawal; at kanyag ilinathala ag saligan ng pamahalaan ng himagsikan na ikinabantog niya ng gayon na lamag.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag itatag sa barasoain, ag kaunaunahag kapulugan himagsikan, si mabini ay siyag premier ni aguinaldo, at ag saligan ng pamahalaan, ay hindi nailagda, samantalag hindi niya nasusuri, at ito'sumapit haggag ika ng enero ng upag ag kapagyarihan ng pagulo ay huwag mabawasan at siya niyag papagibabawin gaya ng tahas niyag paniwala na yaon ay kinailagan ng kapanahunan. sa isag di pagkakaunawaan niya at ni aguinaldo sa mga panukalag dapat na isagawa ay tumiwalag siya sa pamahalaan, at ag kanyag nakahalili, ay si pedro paterno; niyao'agosto ika ng taog. baga man siya'tumiwalag kay aguinaldo, sa kanyag pagka unag kasagguni, ay di rin siya naglikat ng pagsisigasig sa ikapagtatagumpay ng mga mithiin ng bayag pilipinas. mga tudlig na pambuhay ng loob ag kanyag ilinathala sa la independencia. nabihag si mabini ng mga kawal na amerikano sa kuyapo, bagog esija, niyaog disyembre, ng taog at dinala siya sa maynila at ibinilaggo haggag setyembre ng.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"niyaog ay naglathala siya ng isag pagtuligsa sa pamahalaan ng estados unidos dito sa pilipinas, tuligsa na kanyag ihinayag sa el liberal at nagig sanhi ng mulig pagpapadakip sa kanya at pagpapatapon sa guam, kasama ng makabayag si. pablo ocampo. ag kapayapaan ay naghari bilag haggahan niyaog kakilakilabot na digmaan, at ag lahat ng tapon ay pinahintulutag makabalik sa sarili, sa pamamagitan ng pagsumpa ng pagtatapat sa pamahalaan ng estados unidos sa pilipinas, guni'si mabini ay di sumumpa, kaya'siya'naiwan sa guam na may mga anim na buwan, bago siya pinapanaw at makapaglibot, guni'di makatatahan sa pilipinas samantalag di siya sumusumpa ng pagtatapat sa estados unidos. pagkaraan ng ilag panahon nag pagmumunimuni, ay nakilala niyag lalog malaki ng kanyag maitutulog sa kanyag bayan kug siya ay bumalik, kay sa magpalaboylaboy, at niyaog pebrero ng ay linagdaan niya ag pagtatapat sa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hinandugan siya ng lalog matataas na katugkulan, guni'di niya tinaggap at ag sabi: ag akig karamdaman ay nakapipigil sa akig makagawa pa ng mga dapat kog gawin, at ako'inaanyayahan at mapipilitag mamuhay ng tahimik, upag doon igatan ag kahihiyan, hindi kahihiyan dahil sa ako'nakagawa ng isag bagay na kahiyahiya, kundi dahilan sa di ko nagampanan ng boog katumpakan ag mga kautagan ko sa akig mga kababayan at sa akig tinubuag lupa. ag kamatayan ay sumapit at binigyag hagga ag kanyag mahalagag buhay, niyaog ika ng mayo ng taog. namatay ag isag tapat na anak ng pilipinas, at gaya ng mga dakilag tao ay nagiwan ng mga dakilag bakas na ikapagaaral sa kanyag kalakhan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa karagalan ng kababayag ito ay ipinasyag ikintal sa mga pipisuhig papel ag kanyag larawan, at sa lalawigag batangas ay ibinagon ag isag bantayog sa kanyag di malilimot at walag kamatayag mga pagliligkod sa tinubuag lupa. hahaggahan namin ag muntig kasaysayag ito ng isag anak pawis, iniwi sa karukhaan at namatay na dukha rin, hindi dahil sa hindi nakatuklas ng mabutig panahon at paraan sa ikayayaman, hindi ga: kundi dahilan sa ag lahat niyag sikap, dunog at buhay ay kanyag inialay nag walag pagalawag hagad sa dambana ng inag bayan. ag decalogo ni mabini ay itog sumusunod: ibigin mo si bathala at ag iyog kapurihan nag higit sa lahat ng bagay. sambahin mo si bathala, nag ukol sa lalog minamatuwid at minamaragal ng iyog budhi. palusugin mo ag mga pilig kayamanan na ipinagkaloob sa iyo ni bathala. ibigin mo ag iyog bayan ng sunod kay bathala, sa iyog kapurihan, at higit sa iyog sarili. pagpumilitan mo ag ikagiginhawa ng iyog bayan bago ag kaginhawahan mog sarili.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pagpilitan mo ag pagsasarili ng iyog bayan. huwag mog kilalanin sa iyog bayan ag kapagyarihan nino mag tao na di mo pili at ng iyog mga kababayan. pagpilitan mo na ag iyog bayan ay magig isag republica at huwag mog tulutan kailan mag magig monarquia. ibigin mo ag kapwa nag gaya ng pagibig mo sa sarili. lagig titignan mo ag kababayan ng higit ng kaunti sa iyog kapuwa. niyaog na pasyahag ag kanyag alabok na nasa sa libigan ng mga intsik ay ilipat sa isag libigag karapatdapat sa mga bayani, ag bagkay ni. apolinario mabini ay nahukay na buo. iginalag at di tinunaw ng lupa ag banal niyag katawan; at pagtapos ng mga paragal na iginawad sa kanya ng pamahalaan at bayan na lubhag humahaga, ay ilinipat ag kanyag labi sa libigan ng mga bayanig pilipino, na kilala sa tawag na: panteon de los veteranos de la revolucion.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kug isag araw ay makaratig ka giliw na bumabasa sa libigan sa hilaga, ag panteon de los veteranos de la revolucion ay maghahandog sa iyo ng mga pagalag, pawag pinagkakautagan mo nag mga kabaguhan sa pamahalaan na tunay na pala ng kanilag mithi. sa gitna noon ay matatagpuan mo ag kinalalagakan ng labi ng dakilag lumpo na sanhi nitog maigsig ulat. idalagin mo kay bathala na ag pinamuhunanan nila ng buhay na ganap na kalayaan mo at ng atig bayan ay magig isag ganap na pagyayari. nawa'masaksihan din natin na tayo'laya na. ang walong sinag ng araw ng ating watawat. republica ay pamahalaan ng bayan at ang naghahari ay mga pili ng bayan. monarquia ay pamahalaan na ang namamahala ay iisang tao. ma. sino ag pilipinog nakasapit sa hogkog na di nakakilala kay. jose ma. basa. gaya ng mga tunay na tagalog, niyag lipig tinatakbuhan sa kanyag mga ugat ng malinis na dugo ng mga soliman, bata pa si.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"jose ma. basa ay nakapansin na ng mga katiwalian ng pagpapalakad ng nasirag pamahalaan ng mga kastila dito sa kapuluan. at nag sumapit siya sa sapat na gulag, nag ag pagwawari ay lalo nag maliwanag sa tulog ng pinagaralan ay ipinagtaggol niya ng ubos kaya sa lahat ng kataon ag mga karapatan ng mga tubo rito sa atin. ag ganito niyag mga kilos at gawi na kapansinpansin nag mga panahog yaon na ag pagibig sa bayan ay kasalanag ikinamamatay, ay nagig sanhi ng boog pagiigat sa kanya ng mga naghahawak ng ugit ng pamahalaan at di naglaon at si. jose ma. basa, kasama ni. antonio regidor, pari mariano sevilla at iba pa ay pinagdadakip at ipinatapon sa pulo ng marianas. ag kasalanag sa kanila'ipinaratag ay kinaalam daw sa himagsikag kawal na nagyari sa kabite niyaog na ikinabitay ng magigitig na parig tagalog na sina padre burgos, gomez at zamora. ag panahon ay lumipas, at sumapit sa pagyayarig ag noon ay pinaguusig ay nagig karagalan at kabayanihan. ilag buwan dig nanahanan sa guam si.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"jose ma. basa at pagkuwa'lumipat sa sakop ng ingles na bayan ng hogkog at doon na ga namuhay ng may mga tatlogpuog taon. sa bayag ito isinagawa ni. jose ma. basa ag tahasa'walag kilig na pagligap sa kanyag mga kalahi. kailan ma'nakabalita si. jose ma. basa na may pilipinog lulan ag alin mag sasakyag dadaog doon, karakaraka niyag ipinasasalubog at di tinutulutag tumuloy sa ibag bahay kug magyayari at ag kanyag tahanan, dulag at hihigan ay handa sa kanyag mga kalahi. buhat kay gat jose. rizal, graciano lopez jaena, marcelo. del pilar at haggag sa kahulihulihag grumete ng mga sasakyan, ay kanyag ginawaran ng pagkakandili sa lupaig yaon na napili niyag panahanan, kaya'lagi siyag nagig saggunian, kanlugan at takbuhan ng alin mag pilipino na nagailagan ng kanyag pagkukupkop. isag kahagahagag pagibig sa alin mag bagay na may kulay pilipino ag tinaglay ni. jose ma. basa, sa boo niyag buhay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kanyag mga dulag hapag, mga likmuan, mga palamuti sa bahay, mga kasagkapan sa pagluluto, palyok, tapayan, lumbo at mga iba pag kababakasan ng tinubuag lupa, saro, salakot, bilao, bakya, papag, ay nasa sa mabutig panig na lahat ng kanyag tahanan. tugkol buhat sa sarilig lupa ay kanyag ipinagmamalaki. kanyag ipinagpaparagalan at kailan ma'hindi ikinahiya sa mga tagaibag lupaig sa kanya'tumuloy, ag mga bagay na yari sa pilipinas. ag mga aklat ng atig mga kalahi ay iniigatan niyag higit sa ginto sa kanyag mayamag aklatan. buhat sa hogkog ay sumulat siya sa mga pahayagan sa espana at lagi niyag pinasapit doon ag tanag karaigan ng pilipinas. ma. jose basa niyaog ika ng hulyo ng na taglay sa puso ag kasiyahag loob na makatupad ng kanyag katugkulan sa tinubuag lupa at sa tanan niyag kalahi, lalog lalo na sa nagakasapit sa lupaig yaon ng mga ingles na pinakipamuhayan niyag mahigit na tatlog puog taon. isag pagyayarig kapansinpansin sa himalig ni.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"jose ma. basa na di dapat maligtan bago tapusin ag bubot na alaalag ito sa kanyag kagitigan, ay itog sumusunod: kug siya'may nakikitag kalahi roon na dahil sa kakulagan ng magugugol sa pagbalik sa sarilig lupa, at wala namag hanap buhay bagag paggagaligan ng isag kabuhayag maragal, si. jose ma. basa ay may bukas na kamay upag sumaklolo sa nasabig kalahi, matagi pa ag pabaon at kaupahan sa sasakyan haggag makabalik sa sarilig lupa. isag panahon ay may sumapit doog panirag puri sa atin, na di iba'ag mga sipi ng mga hubo at hubad na mga igorrote na ipinagagalandakan nina worcerter at mga kasamahan na yaon ag lahig nananahanan sa boog kapuluag pilipinas at siyag naghahagad ng kalayaan. sa harap ng panirag purig ito ay walag minainam si . jose ma. basa na panlaban kundi ag bilhin lahat ag mga sipig nakita, na sa mabutig palad ay hindi naman karamihan, at ag lahat ay inigatan ng boog pitagan, at ipinakita sa mga may aral na banyaga at anya: ito ag pinaggaligan ng amig lahi.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"masdan ninyo ag pinagdaanan namig pagunlad. ag sarilig wika ay minahal, lininag at ipinamana ni. jose ma. basa sa kanyag mga anak na karamiha'sa hogkog na nakakita ng unag liwanag. kay laki ng pagmamahal ni. jose ma. basa sa alin mag bagay na may kulay pilipinas. nariyan ag isag dakilag pilipino. inalo sa duyan ng kariwasaan at tunay na maginoo, sa lawak ng katuturan ng karagalag ito, magig sa sarilig bahay, at magig sa kapamayanan, kaya'lahat ng sinulat ng mga banyaga tugkol sa karagalan at katagian ng kababayag ito, ay nagbabansag ng walag patumaggag pagpaparilag sa kanya dahil sa pagwawaldas ng kanyag kayamanan, sa ikatatagpo ng mga kaibigag makakatulog, sa minana niyag katutubog ugali na mahalin at ipagtaggol ag karapatan ng bayan tinubuan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ani retana, ag prinsipeg tagalog na ito, sa kanyag mga pigig na walag katulad, ag mga kasagkapag pawag gintog lantay ay paubaya niyag ihinahandog sa mga panaohin niyag nagsasamantala ng mga gayog mga pagtitipon, upag bilag pabalutan ay mataglay ng bawa'may ibig ag kanyag mga gintog gamit. ag kanyag kagalaggalag na ama sa pagyayari, niyaog na ag kabantugan at karagalan ng tatlog pare, na pawag kababayan natin ay napasagkot at nabitay, ay naghandog ng dalawang puo'limang libong piso upag maligtas lamag sa bibitayan ag tatlog banal na pawag walag sala. nag mga panahog yaon ag libog piso ay lubhag malakig bagay, at ag handog na yaon ay sukat upag ag mga gobernador na hindi lubhag maigat sa karagalan, ay madalas mapagalaw ng salapi, guni'ag nagig buga ng gayog banal na handog ay ag sampuo ng kanyag kalayaan ay sumapaganib at mabilag siya sa mga ipinatapon sa nagig mahabag buntot ng himagsikag kawal na yaon na nagyari sa kabite niyaog.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"lulan ng sasakyag flores de maria ay ipinatapon sa marianas ag mga gg. agustin mendoza jose de guevarra, miguel laza, feliciano gomez, anacleto desiderio, vicente del rosario, toribio. del pilar, mariano sevilla, justo guazon, pedro dandan, antonio ma. regidor, joaquin pardo de tavera, mauricio de leon, jose basa enriquez, pedro carrillo, gervacio sanchez, balbino mauricio, jose basa, ramon maurente, pio basa at maximo paterno. tugkol kay. pedro paterno ay sinabi ng kaunaunahag gobernador civil dito sa pilipinas na nagig pagulo ng estados unidos na si mr. william. taft at kasalukuyan gayong pagulo ng pinakamataas na hukuman sa amerika, na: si. paterno, anya, ay isag politikog pilipino na sa akig mga nakilala ay bugtog sa lahat na hindi ko kinariggag magsabi nag ano mag masama na ukol sa iba.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag kasalukuyan siyag nabibilaggo sa makasaysayag kalle anda, loob ng maynila, at nag ag mga pulutog ng mga kawal ng himagsikag ay nagpapahirap ng gayon na lamag sa mga kawal na amerikano na naglagak na ng isag mahalagag buhay ng isa sa matatapag niya at napabantog na heneral na si mr. lawton, sa mga lawak ng san mateo, rizal, ay inakala ng heneral mccartur na gamitin ag kapagyarihan ni . pedro paterno, upag ag kapayapaan ay lubusan nag maghari, guni'ag gayog nasa ay walag sinapit, at ag mga pulutog ng naghihimagsik ay nagpatuloy ng kapupuksa sa mga kalaban ng kanyag kalayaan. paterno ay sumilag sa mayamag bayan ng santa cruz, maynila, lipig tagalog ng mga lakan, na buhat sa kaugatugatan ng kanyag lipi ay likas na mairugin sa ikagagalig ng bayag tinubuan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"isag anak nitog maynila na sumilag niyaog taog ika ng abril, ag amig pinaguukulan gayon nitog muntig halaw ng kanyag pagkatao, bilag putog sa kanyag mga punyagi na ag lipig tagalog ay malagay sa isag kalagayag karapatdapat sa kanyag pagkabansa. ag una niyag pagaaral ay sinimulan sa ateneo municipal magbuhat sa gulag na siyam na taon, at noog taog ay natapos ag kanyag pagaaral doon; lumipat siya sa paaralag madla sa salamanca at nagaral ng filosofia, teologia at leyes canonicas at kanyag tinapos sa universidad central de madrid na kanyag tinaggapan ng katibayag doctor. sa pagkamanunulat si. paterno ay napatagi rin at dahil doon ay ginawaran siya ng gran cruz de isabel la catolica isag tuson na di madalig tamuhin at nagbubukas sa may taglay noon ng gusali ng dakilag hari sa espana.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag manumbalik na muli rito sa bayag sarili, at sapagka'siya'matalik na kaibigan ng dakilag tagalog, niyaog bayanig taga kalamba, ay pinagtagkaan siyag isagkot sa mga kilusag tugo sa pagtiwalag, guni'sa mabutig sandali ay hindi nagtagumpay ag gayog nais at ag kanyag kaya ay nagkapanahog maihandog niya sa mga kapakanan ng bayan. nag ag nagiinapoy na himagsikan niyog ay kasalukuyag lumalaganap, at ag kapagyarihag tagaganap ng gobernador heneral na si. fernando primo de rivera, ay di makaapula, si. paterno ay inatasan ni heneral primo de rivera, niyaog disyembre ika ng taong na magig sugo ng pamahalaag kastila, upag makipagkasundo sa nagaghihimagsik, at ag pacto de biak na bato ay tinamo niya sa mga pamunuan ng himagsikan niyaog ika ng agosto ng taog. sa gayog buga ng kanyag sikap ay nakapagligkod siya sa dalawag kapagyarihan, sa inag espana at sa inag pilipinas. ag kasaysayan ay magtataan sa kanya ng mga ginintuag dahon tugkol sa bagay na ito.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"niyaog ika ng septiembre ng taog ag kapulugag pilipino ay nagdaos sa barasoain, bulakan, ng isag sagguniag binubuo ng siyam na puog kasanguni, pili sa lahat ng pook, magig sa karunugan at katagian. binubuo ag sanguniag yaon ng apat na puog abogado, labig anim na medico, limag farmaceutico, dalawag ingeniero, isag pare, mga magagalakal at mga tagig hugot sa mga tanyag na taog bayan; sa kapulugag yaon ay nahirag si. paterno na pagulo ng sangunian. nag ag mga kastila ay talunin ng mga amerikano sa dagat, at ng mga maghihimagsik sa katihan, sa isag di maiiwasag pagyayari, ag magkalutog na ito sa pagguguho ng kapagyarihag maka hari ay siyag nagkalaban. sa pulog na idinaos sa bagog ecija, ay nahirag, si. paterno na sugo ng pamahalaag pilipino, upag makipulog kay general otis, at doo'tamuhin ag autonomia, guni'hindi niya inabot na makapulog ag punog hukbo ng mga amerikano.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ihinalal siyag pamuli sa pagalawag lupon sa gayon dig layon, at siya ay nakaratig rito sa maynila na sinalasa ag hangahan ng kamatayan; guni'di niya ipinagtagumpay ag layunig kanyag sinadya sa mga pamunuag amerikano. umurog siya na kasama ng mga naghihimagsik haggag trinidad, benget, na kinabihagan sa kanya ng mga kaaway. buga ng walag pagal niyag panitik ag mga sumusunod: ang dating kabihasnan ng mga pilipino, ang mga tagalog sa kasaysayan ng sandaigdigan, ang mga salaysay ni pare placencia tungkol sa kapakanakan ng mga kristiyano, at mga iba pag di mabilag na mga babasahig bayan. niyaog agosto, ika ng taog ag dulaag tagalog ay dinalaw ng isa niyag mainam na opereta na pinamagatag: sandugog panaginip. ag tugtugin ng marikit na taghal na ito ay utag sa gurog si. kun saan mapagkikitag sa gitna ng kanyag mga tagumpay ay di niya nalimutan ag sarilig wika. niyaog na ipahayag ni general mc.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"artur, ag amnistia, ay sumailalim siya noon, at nagig masugid na tagapamayapa, matapos tamuhin ag kanyag kalayaan. nagig guro si. paterno sa paaralag liceo de manila at kanyag inihayag ag kanyag ang bagong ayos ng municipio sa pilipinas at ang pamahalaang bayan. paterno ay nagig sugo sa unag kapulugag bayan at nagig masugid na katulog ng atig mga mambabatas. namatay siya niyaog abril ng taog nag di man napahiwalay sa pagka guro sa kaunaunahag paaralag pilipino na nakilala sa tawag na liceo de manila. ang salaping tinamo niya sa mga kastila dahil sa kasunduang ito, ay siyang ipinamili ng sandatang ginamit sa pangalawang bugso ng himagsikan niyaong. ma. dito sa makasaysayag bayan ng maynila ay sumilag niyaog taog ag isag dakilag pilipino: si. antonio ma. regidor. ag kanyag mga unag pagaaral ay ginawa sa colegio ng san juan de letran haggag sa tinamo ag katibayag bachiller en artes.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"lumipat sa paaralag madla ni sto. tomas upag doon tapusin ag kanyag layunin sa pagaaral at doon siya nagtamo ng katibayag sa pagka doctor en derecho civil. naglayag siya at sa silog ng ibag lagit ninasag lalog sumaklaw ng mga ibag matututuhan at mapagaaralan, at sa espana, sa dati natig pagulog bansa, ay tinamo niya ag karagalan at katibayag nauukol sa derecho canonico sa universidad central, sa madrid. sa kanyag panahon ng ipinagaral ay lagi siyag napatagi sa kanyag mga kapanahan at tuwi na ay nagtamo ng lalog matataas na kabukuran at minahal siyag lagi ng kanyag mga guro. ag kanyag mga karunugag na tuklas ay pawag nagig hiyas ng kanyag tinubuag lupa, at nag siya'manumbalik dito sa minamahal na pilipinas ay nanungkulan siyag kalihim ng audiencia na katumbas ng gayo'atig mataas na hukuman.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa sangunian ng ayuntamiento ay ginanap niya ag mga tugkulag tagausig ng kagawaran ng mga paaralan ng artilleria at inginieria, at nagig kalihim ng tagig lupon ng palatuntunan ng pagtuturo sa mga tagarito sa atig lupain. ag kakayahan ng tagalog ay ilinagay niya sa mataas na kalagayan. nagig tagasiyasat at pagulo ng kagawaran ng mga paaralan, at sa panunupad niya ng maselag na tugkulig ito ay nagawa niyag buhat sa espana ay matamo ag isag pasya na magkahaluhalo ag mga nagaaral na mga anak ng mahirap at mayaman na dati ay nagkakabukod at nagpapanaghilian: isag tagumpay ng demokracia sa loob ng isag pamahalaag makahari. nag panahog gobernador heneral dito sa pilipinas si. carlos ma. la torre, na pinausig dahil sa kanyag malayag pagagasiwa, dito sa kapuluan, na nasa salugat sa datig palakad na makahari, si. antonio ma. regidor ag nagsaggalag at ag kanyag pagkamabutig anak ng pilipinas at pagka dalubhasag abogado ay pinatunayan niya sa harap ng madla.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"siya ay isag tanyag na manunulat sa wikag kastila at ingles noon pa mag panahog ag wikag ingles dito sa atig tinubuag bayan ay isag wikag palamuti lamag at di pa panlahat. ag mga kahirapan sa pagkabilaggo ay dinanas din naman niya, sapagka'siya at sina. joaquin pardo de tavera, jose ma. basa at ibp., ay pinagdadakip at ibinilaggo niyaog himagsikan sa kabite niyaog taog. pagkaraan ng ilag araw na kanilag pagkabilaggo, sila'ipinatapon sa pulo ng marianas. nanahanan siya sa guam na may ilan dig buwan na kayakap ag kahirapan ng isag tapon at tiwalag sa mga kapilas ng buhay. buhat sa guam ay nakasapit siya sa pulo ng yap sa pamamagitan ng isag sasakyag amerikano, at buhat dito, sa tulog ng isag sasakyag ingles ay nakasapit siya sa pulo ng solomon haggag sa palaos.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"buhat sa pulo ng palaos, sa pamamagitan ng lahat ng paraan ng magagawa ng isag salat sa laya ay sumapit siya sa pulo ng malakan, buhat dito ay nagtanan siya haggag sa karatig natig sakop ng ingles na lunsod ng hogkog, at pagkalipas ng isag bugso ng panahon ay lumayag siya na patugo sa pransia, doon sa bayan ng laya, at ina ng bagog kabihasnan. niyaog ay nagharap siya ng isag kahiligan sa konsul ng kastila sa paris upag gawaran siya ng indulto at ag gayo'kanyag tinamo sa mabutig palad. lumipat sa londres, sa makasaysayag bayan ng mga dakilag politiko at mga harig demokrata, nag siya'makalagan na niyaog kasigalutan ng isag pinaguusig; ng masamag tala, at sa bayag ito ay nakipagisag puso siya sa isag anak ng matimtimag irlanda. niyaog nag ag punyagig magsarili ng boog bayanag pilipinas ay nagsisikip na sa atig kapuluan, ay tumaggap siya ng anyaya nina.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"felipe agoncillo at sixto lopez, upag lumipat siya sa washigton, upag buhat doon ay sikapin ag pagtatamo ng mga kagaligag pambansa sa pilipinas; guni'isag pagkakalayo di pagkakaunawaan ng mga kaparaanan ni. agoncillo, ag nakapagudyok sa kanyag mulig bumalik sa londres at doon ay sinikap niyag makatulog sa mga nagsisilakad sa pakikipagkayari sa pransiya ng kapakanan ng palad ng atig mutyag pilipinas. nag ag atig dakilag bayani, si gat rizal ay lulan ng isag sasakyag dagat sa hogkog upag iuwi dito sa pilipinas, ay sinikap ni. antonio ma. regidor na si gat rizal ay magtamo ng laya sa pamamagitan ng habeas corpus, guni'pinawalag bisa ng mga hukom doon ag ganito niyag punyagi. nariyan ag maigsig banhay ng isag labi ng mga pininsala ng aklasag kawal niyaog. nagig tagapagtaggol tuwina ng pilipinas, ng mga mairugin sa pilipinas, at ng mga pilipino. ag kanyag palad ay nagig kayakap ng mga pagarapin ng tatlog unag pininsala ng kabagisan: ng tatlog pareg tagalog, na binitay dahil sa kilusag yaon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa kanyag kabantugan ay nahandugan niya ng pala ag atig inag pilipinas at dahil dito ay dapat tumaggap ng turig ng lahat ng kalahig sumisibol. magig saksi ag maigsig ulat na ito ng paghaga ng akig mga kapanahon sa magandag halimbawa na ilinagak sa atin ng kanyag buhay. antonio ma. regidor na nagiwan ng isag mabutig bakas bilag pamana sa kanyag tinubuag lupa. isag bantog na makamaggagawa at masigasig na mananagalog, si. calderon na sumilag sa maliwanag, sa bayan ng sta. cruz de malabon, kabite niyaog ika ng abril ng. jose at ni gg. manuela roca. calderon ng pagaaral sa ateneo de manila haggag magtamo ng katibayan bachiller en artes ay saka lumipat sa paaralag madla ni sto. tomas upag magaral ng derecho. gaya ng lahat ng masikap na magpakataas na magisa, ay kasabay ng pagaaral niyag ito ag paghahanap buhay, at siya'sumulat sa mga pahayagag la opinion at el resumen.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"siya'nakatapos ng boog nignig ng kanyag layon sa pagaaral niyaog at ag kanyag pagsasanay ay ginanap niya sa kagawaran ng nagig bantog at pinagpitaganag pagulo ng kataastaasag hukuman na si. cayetano arellano. nagsigasig din siya ng pagaaral ng ley constitucional, economia politica, historia, filosofia letras at ciencias fisicas, tagi pa sa kanyag sadyag paglalakbay sa hogkog, singapur at india, na kug saan niya pinagaralan sa sarilig lupa ag pamamahala ng mga ingles sa kanyag mga sakop na bayan. ag mga karunugag ito na kanyag pinagpakatagian ay lubos niyag nagamit sa kapakinabagan ng atig tinubuag lupa, sapagka'niyaog ay siya'nagbigay ng mugkahi kay. emilio aguinaldo, na higin nito kay almirante dewey, ag mga katibayag buhat sa congreso ng., upag makipagkayari sa isag lupon ng mga pilipino tugkol sa hinaharap ng pilipinas, at kug ag gayon ay hindi gawin ng almirante, ag nagaghihimagsik na pilipino ay di dapat tumulog sa mga amerikano, sa kanyag digmaag laban sa espana. ag panigin ni.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"calderon ay naguguna sa mga pagyayari, at para niyag nahuhulaag ag panahon ay sasapit na ag lahat ng pakikipagkasundo at nasa ni dewey, ay hindi pahahalagahan ng congreso sa washigton. ag kasaysayan ng pilipinas ay siyag labis na makapaguulat kug ag mugkahig ito ni. calderon, na hindi tinaggap ni. emilio aguinaldo, dahil sa malakig katiwala sa karagalan ng almirante dewey at ng congreso ng., ay may matuwid wala. ag mga pagyayari, ay hindi mababago at di matatalimwag ng sino man, sapagka'doo'saksi ag sambayanag nagpakasakit magtigis ng dugo sa pagtataggol ng kanyag katuwiran. nagig kinatawan sa congreso sa malolos, si. calderon, nag lalawikag paragwa, at sa kanyag pagkakinatawag ito ay kanyag yinari at ihinarap sa kapulugan ag kanyag pinaka dakilag gawa, na napabantog na patakaran ng republika pilipina, at pinagtibay pagkatapos na mapagtalunan ng mga kinatawan sa dambanag yaog ng mga batas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag maghari na ag kapayapaan ay ikinatiwala sa kanya ng pamahalaag amerikano, ag pagtatatag ng mga pamahalaag bayan at siya'sumulat ng isag palatuntunan ukol sa bagay na ito. itinatag din naman niya ag pinagpalag proteccion de la infancia ag colegio de abogados de manila at escuela de derecho na kanyag pinagturuan at pinaghandaan ng mga bagog sibol na mga abogado na makapagliligkod sa atig tinubuag lupa. gaanog biyaya ag naihandog niya sa pilipinas, sa mga natukoy na kapisanag kanyag likha! nagturo rin naman ng matematicas at historia universal sa paaralag instituto de mujeres ng mga taog nag di tumangap ng ano mag kabayaran sa kanyag mga pagpapagal, sa paniwalag ag paaralag ito ay gumaganap ng isag dakilag tugkulig maghanda ng mabubuti at may sapat na kayag mga mamamayan. sa kanyag mga sinulat na aklat na lubhag mapakinabag, ay matukoy ag... ng mga mamamayag pilipino na siyag katututuhan ng mga karapatan ng mga mamamayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kug ag kahoy ay nakikilala sa buga, gaya ng kasabihan, si ginoog felipe. calderon ay makikilala sa kanyag mga ginawag pamana sa mga nahuhuli. siya'namatay niyaog ika ng hunio ng nag hindi man natapos ag huli niyag ulat tugkol sa enciclopedia filipina. karapat dapat uliranin ag kanyag halimbawa. kug sino yaog nagsasabig ag karunugan at kariwasaan ay kaaway ng mga dukha ay nabubulaanan sa halimbawag sa kanyag sarilig kabuhayan ay ipinakita ng mrgl. na. cayetano arellano. buhat sa isag muntig bayag nakilala sa tawag na udyog, sakop ng lalawigag bataan, at nakyat sa kataastaasag likmuan ng pinakamataas na hukuman dito sa pilipinas. nakyat na di sa tagubilin at pagkakaliga ng isag pagkatig politiko gaya ng karaniwag magyari sa mga tugkulig pamahalaan, kundi sa sarilig karapatan, kakayahan at karunugan, palibhasa'isag dalubhasag karapatdapat sa alin mag lalog maselag na tugkulin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nagsisikip sa sagsinukob ag pagkilala sa kanyag maninignig na mga kurokuro sa kanyag mga hatol, magig sa pagsasarili niya sakalig ag pasya ng kanyag mga kasamahan ay di niya marapatin, magig sa kug siya'makaayon na magbigay ng sarilig ulat. si gat cayetano arellano ay isag taog may mabutig ugali, mabutig gawi at mabutig mga gawa na ipinamana sa kanyag mga kalahi sa haharapig panahon. may mabutig ugali, sapagka'sa kanyag diwag nagsisikip sa karunugan ay may siwag ag mga suliranin ng lipig tumatagis at tuwi na ay nakatagpo sa kanyag mga hatol ng isag kasiyahag loob, palibhasa ay nababatay tuwi na sa malinis na udyok ng budhi. ag mga ulila ay nakatagpo sa kanyag maawaig puso ng isag tapat na tagapagkaliga at tagasaklolo; at walag sukat na paglilimos ag ginagampanan niya nag walag sino mag nakamalay, kahit na ng tunay na sinasaklolohan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"may mabutig gawi sapagka'sa habag panahon ng kanyag ikinabuhay ay walag unag nagig himalig kundi ag tahas na paguubos kaya upag mapagaralan ag mga suliranig sanhi ng mga paghihirap ng sagkatauhan, at magawaran ng tumpak na lunas; pagaaral na walag maliw haggag sa hulig sandali ng kanyag buhay. at hindi sukat ag pagsisikap sa sarili ag kanyag hinarap, di mabilag na mga dukha, na walag kayag ipagpaaral sa kanilag mga anak, ag nakatagpo kay gat arellano, ng isag ganap na biyaya. pinaggugulan niya sa pagaaral ag lubhag maramig maasahan sa haharapin, sapagka'sa ganitog paraan niya inaakalag makapagligkod ng tahasan sa minamahal niyag tinubuag lupa. ag lahat ng kanyag inisip sa paghahandog ng ginhawa sa nagahihirapan ay kanyag isinagawag pawa, at kaypala'di iilan sa ngayon ag tumatamasa ng ginhawa at nagpapasasa sa mga kaaliwag dulot ng karunugan, na pawag utag sa pagkakawag gawa ng mrgl. na. cayetano arellano.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"isag masayag araw ng marso, ikalawa sa buwan ng taog ag pilipinas ay nagkapalad magkaroon ng isag anak na kagiliwgiliw, isag anak na nagtampok sa kanya sa isag kalagayag karapatdapat, at ito ay ag atig pinaguukulan nitog mga katagag ulat. ag mga pagunahig pagaaral ay idinaos sa sarilig tahanan at nagpatuloy sa paaralag san juan de letran at sa universidad de sto. tomas na tinaggapan nag mga katibayag sumusunod: bachiller en filosofia bachiller en teologia bachiller en derecho canonico at bachiller en derecho civil, licenciado en jurisprudencia. naghawak ng tugkulig abogado ng audiencia territorial de manila at niyaog sa mugkahi ng pagulo ng audiencia ay nahirag na hukom na may pananahanan sa gobierno politico militar de tarlac, at nag makalipas ag tatlog taon, niyaog ay nahirag na catedratico sa sto. tomas sa karunugag derecho civil at niyaog ay ginawaran ng kapagyarihag magig magistrado suplente ng audencia dito sa maynila.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nanugkulan ng pagkakasagguni ng ayuntamiento niyaog at niyaog taog ay ihinalal na kalihim paglabas ng atig pamahalaag sarili sa malolos. pagkatapos magig presidente ng servicio civil ay ihinalal na pagulog samantala ng mataas na hukuman sa lilim ng pamahalaag hukbo dito sa pilipinas, at niyaog hunyo ng taog ay nahalal na pagulog palagian ng nasabig mataas na hukuman. niyaog siya ay maglakbay sa amerika niyaog ay pinagkalooban ng di karaniwag karagalag doctor en derecho ng yale university, karagalag sa bihirag tao lamag ipinagkakaloob. nariyan ag kabuhayan ng isag manignig na tala, ba ag liwanag ay di magkasiya sa atig lupain, hinagaan ng mga banyaga at kinilalag isag pantas na katagitagi.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag maliliit na bayan, magmula pa ng mula at mula, ay nagapabantog di sa kayamanan ng kanyag mga patanim, di sa kasaganaan at kasipagan ng kanyag mga magsasaka, di sa kabantugan ng kanyag tikma, di sa mga naglalakihag mga gamlayan, pagkapalibhasa ay di ito ag nagigibabaw at ikinatatagi sa iba, kundi ag pagkakaroon ng mga anak na di karaniwan, niyag mga tao nilag sa maliliit na bayan sumisibol upag ag mga bayag nasabi ay mapabantog at hagaan ng mga bayag lalog malalaki at maginhawa. si gat cayetano arellano ay isag tapat na anak ng pilipinas, at maituturig na isag karapat dapat na kawal ng sandaigdian na kanyag pinagligkuran ng malaganap na kislap ng kanyag diwa. pagpalain nawa ni bathala ag kanyag mabutig alaala at ag kanyag mga katagian ay ipagpatuloy ng di mabilag niyag kinandili.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"huwag mog akalain giliw na mambabasa na ag sanhi ng muntig ulat na ito sa karagalan ng magandag dalagag tagalog na si bb. susana revilla ay likha ng mga karaniwag paghaga, sa mga di karaniwag gandag nakaaakit na umawit tuwi na sa pusog lalaki; hindi makalilibog hindi; sapagka'si bb. susana revilla ay kabilag diyan sa mga likhag karapatdapat lamag pintuhuin at igalag, dahil sa ag kanyag talaghay ay di katulad ng sa lubhag maramig gandag nakayayakag sa mga gawi ng kalupaan. isag kagandahan na linikha mandin upag magig huwaran ng mga babaig tagalog. ag kabinihag kayakap ng isag kabaitag likas ay nagpapatigkad ng karagalan ng kanyag lipi, at may isag di karaniwag talino, palibhasa, kaya'nagagawag ag lahat ng kanyag magig kakilala ay huwag magimbot ng ano mag haluag pagmamahal, at lahat ay magig maligaya sa kanyag pilig. pakingan natig sandali ag salaysay ni.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"camilo sala, tugkol sa kanyag katagian: sa labig dalawag taon pa lamag na gulag ay nasok na colegiala sa concordia, guni'masasaktin palibhasa ay hindi nakapagpatuloy; subali'nag sumunod na taon sa escuela municipal de manila, sa ilalim ng pamamatnugot ng mga madres de caridad nasok, at di nalaunan at kanilag nakilala ag kamahalan ng hiyas na yaog nasok sa kanilag pintuan, sapagka'nag sumunod na taon ay hinirag siyag magig pagulo ng kalipunan ng mga anak ni maria, at pagkalipas ng dalawa pag taon, si susana na lalabiganimig taon pa lamag, niyaon ay tumaggap na ng katibayag pagka maestra elemental.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ani ginag ni alvero, kasalukuyag patnugot ng paaralag instituto de mujeres: si susana ay isag likhag di karaniwan; ag kanyag paaralan niyaog taog na balakin kog magtatag ng isag paaralag babai na mapaghahandaan ng mangakakatulog ng mga lalaki sa mga suliranig bayan at pagagasiwa sa tahanan, ay kasalukuyag bukas at maramig aralag nakatira at naguuwian; guni'yaon ay kanyag ipininid upag bigyan daan ag tawag na ito ng atig bayan, at ag instituto de mujeres ay amig itinatag. kun saan mapagkikita, na kay bb. susana revilla ag kapakanag sarili ay isag walag kabuluhag bagay sa pilig ng mga kahiligan ng bayan at ng kapanahunan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tugkol sa kanyag kabuhayag tagi sa loob ng tahanan ay hindi mapagalinlaganag napapalayo sa kanyag buhay na hayag, gaya ng karaniwag magyari sa karamihan na may ugalig paglabas at may panloob; sa harap ng kapisanan at sa sarili mag tahanan, si bb. susana revilla ay hindi nagbabago; siya rin ag masayag anak ng pilipinas na sa loob at labas ng bahay, ay nakatatagpo ng ligaya sa paggawa ng mabuti; ag kabaitan niyag sibol ay hinagaan tuwi na ng lahat niyag nakapilig at nagkapalad na sa kanya'makakilala; at tugkol sa bagay na ito ay ani pari ulpiano herrero: su via privada era la de una santa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sumilag sa maliwanag si bb. susana revilla, sa mayamag bayan ng sta. cruz, maynila niyaog ika ng mga bulaklak palibhasa nag kanyag makita ag unag liwanag, ay hiniyasan ag kanyag buhay, ng mga sampaga ng kanikaniyag katagian; ag kalinisan ng kampupot ay iginayak sa kanyag kalolwa, ag kayumian ng babaan ng loob, ag alejandria ay nagdulot sa kanya ng isag kagandahag katagitagi, at ag ilag ilag ay nagbigay ng samyo sa kanya, na walag pagkapawi. siya'anak na tunay ni. ceferino at ni gg. rosenda san jose, maririwasa at mapapalad na nakapagdulot sa inag bayan ng mga anak na karapatdapat; pinagpala, sapagka'makapagmamalaki at walag ano mag ipinagimbulo sa mga ibag agkan sa harap ng kapamayanan. kapatid ni bb. susana revilla ag kamamatay pa lamag na hukom sa unag dulugan, kgl. na bartolome, revilla.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tugkol sa kanyag likas na kabaitan at sanhi ng kaligayahan ng kanyag nagakasama sa instituto de mujeres, ay pakingan natig sandali ag ilag kataga ng revista cultura social: toda suavidad en el mandar, no bien previa que alguna carga resultaba pesada para las demas, cuando la tomara en silencio para si. nag ag mga asuncionistas ay dumaog dito sa atig lunsod at magbukas ng kanilag colegio ay nagpatuloy ng pagaaral si bb. susana revilla, upag magkaroon ng katibayag maestra superior at siya'isa sa unag labig tatlog maestra na nagtamo ng gayog katibayan. niyaog taog ay nahirag siyag tagapamatnugot ng instituto de mujeres.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa panahog ito ay di kakauntig sikap ag ginawa ng mga maiggitig paaralan upag siya maialis doon, at hinandugan siya ng malalakig sahod, guni'sa harap ng naghihikahos na instituto noon, ay pinili niya ag manatili sa pilig ng kanyag minamahal na instituto na kanyag pinaghandugan ng isag pagliligkod na walag pasubali, pinaggugulan niya ng lahat ng pinakamabuti niyag panahon sa kanyag buhay, at di miminsag kinailagag ag kanyag mga hiyas ay masanla, huwag lamag mauntol ag mabutig lakad ng instituto dahil lamag sa kasalatan. may isag dakilag pagtigin at paghahaka sa kautagan si bb. susana revilla, gaya ng lahat nag may wagas na puso, at ani sor dolores velarde, nagig guro ng instituto at gayon ay madre de la caridad sa isa niyag lathala tugkol sa bagay na ito: nuestra ilorada directora tenia una idea sublime del deber.! cuantas veces la hemos sorprendido en su aposento dando clases sus alumnas desde su cama!",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"haggag sa kalubhaan na ng sakit na di na makatindig halos ay ginagampanan ag kanyag katugkulag pagtuturo. buhat pa niyaog ika ng disyembre ng ay naratay na sa banig, guni'nag buksan ag paaralan niyaog enero, ay di pa man halos makagulapay ay dumalo rin sa kanyag bulwagag pinagtuturuan. si bb. susana ay isag tunay na alipin ng kautagan. ihinatid sa pagamutag san juan de dios niyaog ika ng marso, ag lahat ng sikap ng mga maggagamot na isa rito ay si dr. miciano, ay na walag lahat ng halaga, at ag pinagpitaganan tuwi na ng kanyag mga kaibigan, ag matalinog tagapamatnugot ng instituto de mujeres, ag dalubasa, mayumi at mabait haggag sa hulig sandali ng pakikitalad sa buhay, ay binihag ng walag awag kamatayan, niyaog ika nag abril ng taog. sumalagit nawa ag butihig guro at ag kayag diwa na naghahari sa paaralag insituto de mujeres ay magig taglaw tuwi na ng kanyag mga kasamahan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"lumipat sa kabilag buhay ag isag marilag na guro na natutog maglagay sa isag mataas na kalagayan ng mabutig pagalan ng kanyag pinamatnugutan paaralan. pinagpalag instituto de mujeres, na makapagmamalakig nagkaroon ng mga diwag gaya ng kay bb. susana revilla, pinagpalag instituto de mujeres na linabasan ng mga babaig katagitagi, salamat sa banal na simulaig pananampalataya at karunugan. narian ag paaralan ng mga paaralan. sa mayamag bayan ng santa cruz, maynila ay dito nakakita ng unag liwanag, ag isag saggol na babaig tinawag na teodora, anak ni kapitag lorenzo at ni gg. brigada quintos. siya ag mapalad na babaig nakapaghandog sa inag bayan ng bayani ng mga bayani, si gat jose rizal. siya'buhat sa agkag gisig ag muni, ag kanyag nuno si. cipriano alonzo ay isa sa mga maginoo sa bayan ng binag, laguna.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nagig manunukat ng lupa at sumusulat at nagsasalita ng kastila, ingles at pranses, nagig kapitan sa bayan, isa sa matataas na katugkulag ipinagkakatiwala sa mga pilipino ng mga panahog yaon. ag mga ninuno sa ina ni teodora, ay buhat din sa mabutig agkan. manuel quintos, ag ama ng kanyag ina ay isag mabutig bata sa universidad de sto. tomas, at mabutig ama palibhasa ay nagsikap na ag kanyag anak na si brigida ay magig isag babaig may pinagaralan. kahit na ag kanilag agkan ay naninirahan sa kalamba, si alig teodora ay ipinaganak sa kamaynilaan, gaya rin ng kanyag mga kapatid. sa lahat ng ito ay matitiyak na si gg. teodora ay buhat sa mabutig agkan, siya ay sumilag sa isag anak na matalino at ag lahat ng kanyag mga kasambahay ay pawag mulat sa dakilag gawi.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag una niyag mga pagaaral ay buhat sa sarilig tahanan, at kahit na lubhag mairugin ag kanyag mga magulag ay hindi siya iminulat sa layaw, dahilag kanyag ikinagisig sa mabutig gawi at ipinagsumikap na magig isag babaig tagi, may likas na bait at may talino namag karapatdapat. hindi siya namalagi sa pag aaral siya'ipinasok sa sta. rosa sa lilim ng pamamahala ng mga madres de la caridad at doon siya namulat sa pananampalatayag binyagan at ng gawig magsimba at gumanap ng mga katugkulan ng isag mabutig tao. niyaog ay nakipagisag puso si gg. teodora alonzo kay. francisco rizal mercado, at kapuwa nagsumikap sa ikapananatili ng kapayapaan sa loob ng tahanan, gaya ng isag tunay na ulirag magasawa; at ag mga anak ay sunodsunod na nagsiratig at lalog nagig maligaya ag kanilag buhay sa pilig ng mga suplig ng dalisay nilag pagibig.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sila'nagagsiunlad sa pamumuhay at sanhi ito nag pagdami ng kanilag panauhig banyaga at kababayan man guni'napansin sa kanila ng labis ag pantaypantay na kanilag pagtaggap sa sino mag panauhin, magig pantas man at hagal, mayaman at mahirap, banyaga at kalahi man; sa kanila'di napansin ag pagtatagi kay ganito kay gayon, ng dahil sa si gayon si ganito, ay lalog dakila, mayaman marunog kaya; ag likas na kaugaliag mapagampon at mapagtagkilik ng lahig tagalog ay naghahari sa kanilag tahanan. sa pagkaina ni gg. teodora, ay nanupad siya ng gayon na lamag na kasikapan, upag ag kanyag mga saggol ay mapanuto; lubhag mairugin tuwi na at mapagalaga; lahat ng walag malay na tanog paguusisa ng kanyag mga anak ay tinutugon niyag lahat ng boog tamis at liwanag, upag masiyahan ag mga anak; guni'kailan ma'di nagig mapagpalayaw.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ginampanan niya ag tunay na tugkulin ng isag mabutig ina, na, mapagalaga sa mga saggol, mapagturo sa kabataan at tapat na kaulayaw at kaibigan ng magagsilaki na at tumuntog sa ganap na gulag. iminulat niya sa mga anak ag pagsusumikap na mag isa, at niyaog si gat. rizal ay aapatin taon pa lamag at nahihirapag bumasa ng kanyag katon ay boog tamis niyag sinabi ag gayari. paano ka kug di makapagsisikap na mag isa. maaari kayag lagi kag nakasandal kagino man? sikapin mog mag isa kag magaral at gumawag tiwalag sa iba, sa gayon ay matataya mo ag sarilig lakas at masasanay kag mag isa sa mga gawain. nagig kasayahag loob ni gg. teodora ag manood sa kanyag mga anak na bukod bukod ng paggawa, tila baga niya nakikikita sa gayon ag malakig katamisan ng isag kasarinlan sa paggawa man lamag. tuwi na'sinalita niya sa kanyag mga anak kug gabi ag mga buhay ng mga dakilag tao, ag mga buhay kayag may lulag mga dakilag aral, upag bago matulog ag mga anak ay mabaon sa pagtulog ag mabubutig hinuha.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sinikap niyag isatagalog ag mga maninignig na buhay ng kanyag nalalaman, upag maliliit pa ag mga anak ay makataho na ng mga dakilag huwaran. sinikap niyag ag mga anak ay magharap sa kanya tuwi na ng nasusulat na hinuha sa kanyag mga kasaysayag ibinubuhay kug gabi, at kanyag isinasaanyo ag mga kamalian, at sa ganitog paraan sa gulag na siyam na taon, ag anak niyag pepe, ay nagharap sa kanya ng isag dulag tagalog na kinagiliwag labis ng kapitan sa bayan ng panahog yaon. niyaog taog ay nabalo siya sa ginigiliw na asawa, at naparagdag sa kanyag pagtagis na magdadalawag taon na sa pagkakaputi ng buhay ng mahal niyag anak na si dr. rizal, ag pagkamatay ni. francisco rizal at mercado. niyaog sa pasimulag pulog ng unag kapulugag bayan, ay hinandugan si gg. teodora alonzo ng mga paragal at inalayan siya ng maramig salapi bilag tulog sa kanyag katiisan, guni'hindi niya tinaggap at pinatigkad niyag ag kanilag agkan ay hindi nagmamahal sa lupag tinubuan ng dahil lamag sa salapi.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at niyaog ika ng agosto ng taog ag banal na ina ng dakilag bayani, ay pumisan sa kanyag mga kapilas ng buhay at sumapayapa sa kaharian ni bathala. ag paglilibig sa kanya ay ginanap niyaog ika ng agosto, at ag mga matataas na kagawad ng pamahalaan ay nakipaglibig na pawa, tanda ng isag pakikidalamhatig lubusan sa kanyag pagpanaw sa bayag ito ng mga dalamhati. bilag alaala sa kanyag pagalan, ag datig daag aranque ay pinalitan ng teodora alonzo. melchora aquino (tandang sora) ag paguukulan ko gayon nitog maigsig ulat, giliw na bumabasa ay isag babaig hindi man lamag nakasapit ng mga pintuan ng paaralan, kaya'tahas na masasabig di lamag sa mga paaralan natututuhan ag pagibig sa tinubuag lupa. si alig sora ay isag likas na mapagmasakit sa alin mag bagay na ukol sa sarili. si alig sora, gaya ng tuwi na'itinawag sa kanya ng mga katipunan ay nagig isag tunay na inag takbuhan niyaog nagaghimagsik at nagtaya ng buhay sa ikalalaya natin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kanyag dulag ay lagig may hain, at ag mahigit na isag libog katipunan na naglisaw sa balintawak na naghihintay ng isag hudyat upag ag talibog ay ipakipagpigkian sa mga remigton at mauser, upag sa pamamagitan noon ay lutasin ag usapin ng atig bayag nasusukuban at inaalipin ng kapuwa bayan, ay nakatagpo kay alig sora ng isag inag mapagkupkop. sumilag si tandag sora sa balintawak niyaog taog. ag ganitog gawag kapuripuri ay pinarurusahan noon ng parusag kamatayan, kaya'lubhag kagilagilalas na ag isag hagal na gaya ni tandag sora, ay huwag sagian ng takot at bagkus nagibayo ag tapag at pagatawanan at walag pagimig winaldas ag kanyag kauntig natitipog palay sa kanyag mga bagan, gayon din ng salapig pati na sa ikapitog buhol halos ng taguan ay pawag tinunaw. ag ganitog gawa ni tandag sora ay hindi nalihim sa mga tiktik ng pamahalaag kastila, kaya'siya'ipinadakip pagdaka at sa bisa ng isag utos ni heneral polavieja niyaog siya ay ipinatapon sa monjuich.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"di man lamag iginalag ag kanyag katandaan at pagkababai. pinalad pa rin siyag makabalik digmaan at matahimik siyag namatay sa kanyag tahanan sa balintawak, kalookan, pook na nakasaksi ng lalog pinaka manignig na dahon ng atig kasaysayan. kug si gat bonifacio ay nabubuhay at makapagsasalita ng nauukol kay tandag sora, disin ay nakabasa tayo ng isag magandag halimbawa sa kanyag iuulat na disapala ay pawag papuri sa babaig ito na siyag tunay na ina ng mga katipunan. ag mga salitag kumain ka na ba kapatid at isag gitig namamalaylay sa kanyag mga labi ay tila nakikinita ko pa haggag gayon. ag mga salitag yaon ay siya niyag bati at panalubog sa walag patlag na mga katipunag sa maghapon halos at sa loob ng mahigit na dalawag buwan ay kanyag kinailagag parag mga tunay na anak. tinawag sa sinapupunan ni bathala niyaog ika ng marzo ng taog sa gulag na isag daan at pitog taon. ag kanyag bankay ay iniwi ng mga labi ng himagsikan na siyag nagasiwa sa paghahatid sa kanyag hulig tahanan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"(tinteng pulonyo) talagag kinusa namig hiyasan ag sa langit ng bayang pilipinas ng mga taog walag gasinog talino gaya ni tandag sora at ni tininteg polonio, na baga mag puklin ng sandakot na ay di nila makikilala, gayon ma'makapagmamalaki ng gayon na lamag at makapagsasabig nakapagligkod sa tinubuag lupa. si tininteg polonio ay sumilag sa isag tagog nayon na nakikilala sa tawag na kagkog, sakop ng balintawak, kalookan, niyaog at isa sa mga unag katipunan na sa tawag ni andres bonifacio ay tumugog agad ng walag ano mag pasubali. may kaunti rig kaya na nailiblib sa mahirap na pakikipamayani sa buhay, palibhasa ay tahas na mapagimpok, at ag kanyag lahat nag natitipon, bago pa si tandag sora, ay kanyag ginugol ng walag patumagga sa mga kailaganin ng mga katipunan. dahilan ito na ikinamahal sa kanya ng gayon na lamag ng supremo, na sa pagkilala sa kanyag manignig na pagliligkod ay inatasan siya ng tugkulig kapitan ng mga sandatahan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si tininteg polonio ay isag bayanig sa tapag ay walag ipagigimbulo sa iba at ag gayon ay sinikap niyag mamalagi at sanhi ng ipinagmahal sa kanya ng kanyag mga nakasama. isag pabulaag walag kabalibali na ag tunay na pagibig sa tinubuag lupa ay di sa mga linag na tao lamag namamahay, may mga likas na kabaitag talagag dinaramdam ng tao, nag di sa tulog lamag ng dunog at ito'ag likas na pagibig sa sarili at sa mga kapatid sa inag bayan. ag tawag na kapatid kug sa mga labi ni tininteg polonio pumupulas ay kababakasan ng tunay na kahulugan noon, at ag kanyag mga tao na di rin kakaunti ay pawag nagig tapat sa kanya. nag magkalupitlupit sa dakog wakas, na ag atig mga marurunog ay madala na sa kilusag yaon na kinatakutan ng marami at pinawalag saysay sa mga pahayag sa nagsisiakit, ay itiniwalag na lahat ag mga hagal sa pamiminuno at ag gayo'pinagbuhatan ng mahalagag salita ni tininteg polonio na gayari: patakbuhin ninyo ag mga kastila sa pamamagitan ng tintero at pluma.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si tininteg polonio, gaya ng mga limot na bayani ay linapastagan ng isag kamay na pagahas niyaog at ag kanyag kamatayan ay kahanay ng pagkawakawak nina rosendo simon, procopio at ciriaco bonifacio, venancio guevara at iba pa na pawag sa dilim ng gabi nagaiwan. magig pambawi ag mga talatag ito sa kanilag mga buhay na nawakawak, at hari nagag pagbuo ng atig kasaysayan ay pagukulan sila ng mga dahog karapatdapat sa kanilag walag kahulilip na pagibig sa atig inag pilipinas. anak ng makasaysayag lalawigan ng batagan, si malvar ay namulat sa kapanahunag ag pagaapi ay naghahari at ag katuwiran ng bayan ay kasalukuyag tumatagis, kaya'ag kanyag diwa ay nahikayat na maggalit ng gayon na lamag sa pamamalakad na mapaniil; at ag gayog pagpupuyos ng kalooban ay nagkaroon ng pagbubuntuhan, nag ag unag hiyaw ng laya ay pasimulan sa balintawak ng atig bayanig si gat bonifacio, niyaog agosto ng taog kilusag karakaraka niyag inaniban ng ubos kaya.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ipinamalas ni malvar sa himagsikan ag isag katagitagig pakikibaka, at sa ulunan ng isag pulutog na mga pilig taga batagan ay linusob nila ag mga himpilan ng mga kastila sa tanawan, at doo'nakilala ag kanyag isa sa malalakig pahayag at tutol sa laragan ng digmaan, na pinasimulan sa ganap na ika ng gabi at tumagal haggag ika ng umaga ng araw na kasunod, panahog ikinalipol ng tanag nagtataggol na kawal na mga kastila sa himpilag yaon; at sa katapagan niyag ipinamalas ay minarapat siyag gawig puno ng kanyag mga kasamahan. nag idaos ag pacto sa biyak na bato, niyaog disyembre ng taog buhat sa bulakan ay nanumbalik siya sa sarilig lalawigan upag pagmasdan kug ag mga dako ng nasabig kasunduan ay magaganap. hindi sumama si malvar sa lupon ng himagsikan na lumipat sa hogkog; guni'naparoon siyag kasama ag tauag kaanak at tumulog sa mga punyagi ng kanyag mga kababayan sa ikalulusog ng bayag tinubuan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag makaraan ag magiisag taon na ipinanahanan niya sa hogkog, niyaog hunyo ika ng taog ay bumalik siya sa kapuluag pilipinas, at noon na ga siya ginawag heneral, upag pagasiwaan niya ag mga kawal sa mga lalawigan ng tayabas at laguna, at sa panahon ng kanyag ipinamuno ay nagkaroon siyag lagi ng mabutig palad na magtagumpay tuwi na at makabihag ng maramig kawal ng mga kastila. siya'isag heneral na lagig pinatnubayan ng mabutig tala. niyaog pebrero, ika ng taog ag pagkakaibigan ng mga kawal ng pilipinas at ng mga kawal ng amerika ay nasira, at si heneral malvar ay naatasag magig pamunuan ng mga kawal ng maynila at laguna. ag pagsanhan at sta. cruz sa laguna ay ipinagtaggol ng magkaayaw na pagkat ni ricarte, malvar at agueda kahabagan, itog huli ay isag babaig nagpakita ng lalog malalakig kagitigan na ikinamagha ng kanyag mga nakasama. ag mga bayag binangit ay kug makailag lusubin ng mga amerikano, guni'tuwi na'napipilan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si heneral malvar ay naglamay at nagpunyagi gabi at araw upag magtipon ng tao, magsanay sa mga ito sa pakikibaka at magpa sigla ng mga kalooban, upag ag pagdidigmaan at pagtataggol ng atig katuwiran at kalayaan ay magtagumpay. sa masamag sandali niyaog marso ika ng ag presidente aguinaldo ay nahulog sa kamay ng mga kalaban, sa palanan, isabela; gayon man si heneral malvar ay nagpatuloy pa rin sa pakikibaka at sa kanyag mga nasasakupan ay nagpadala siya ng gayarig pahayag: ag atig sandata ay dapat na magpahayag na di natin ginagamit upag ipuksa sa mga kawal na amerikano, sapagka'gaya rin natin, sila ay may mga ina, asawa, kapatid at mga anak na tumatagis kug sila'magapatay. nguni'tayo'gumagamit ng sandata upag ipagtaggol ag katutubog katuwiran, katuwirag magkaroon ng sarilig pamahalaan, kalayaan at kasarinlan. sa bahagig ito ng pamahayag ni malvar ay makikilala ag kanyag pagkalinag na tao, mairugin sa tinubuag lupa at matarog na punog kawal.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa pagkilala sa malalakig sikap at mahalagag gawa ni heneral malvar, ag lupon pambansa sa hogkog, niyaog unag araw ng abril ng taog ay nagpasyag iatas sa kanya ag tugkulig pagka pagulog kawal sa pilipinas, guni'sa kanyag mga pamahayag na ilinagda ay ipinamalas niyag hindi lamag ag sikap ng mga kawal ag kanyag pinagbatayan, at ag bulag na pagsunod sa mga kautusag kawal, kundi lalo na ag tulog ng mga taog bayan na siyag lalog mabisa at mapakinabag sa mga mithiig ipinakikipaglaban. samantalag si heneral malvar ay boog tapag na nagtataggol ng atig kalayaan, ag lupon naman sa kapayapaan ay kasalukuyag naghahanda ng isag mabutig paraan upag ag digmaan ay maihatid sa isag pagkakasundog kapuripuri, at niyaog abril ng taog ay nakipanayam kay heneral malvar ag isag lupon tugkol sa bagay na ito, gunit nabigo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"napansin ni heneral cailles, ag pagkakatuwas ng atig kalagayan, ag kalakasan at kapagyarihan sa dami ng mga kadigma at dahil dito, upag maampat ag dugo na dumadaloy na walag taros ay hinigi nito kay heneral malvar na sumuko na; ag kahiligan ng kaibigan ay iginalag, guni'nagpatuloy din ng pakikidigma sa paniwalag sa gayog paraan lamag mapatutunayan ag marubdob na pagnanasa ng kasarinlan. sa kanyag kublihan sa bawag, ay kug magkailag lusubin siya ng mga amerikano, guni'tuwi na'ipinagtaggol niya ng boog tapag at kabayanihan, at tuwi na'napipilan doon ag kawal na kalaban.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"subali'ag gutom ay isag kaaway na napakalupit, at sa tulog ng pakikiusap ng lubhag maramig kaibigan, sa talagag kadahupan ng kaya na magpatuloy pa sa pakikidigma, ay nakipanayam siya kay heneral bell at bago niya ginawa ito ay gumawa muna siya ng gayarig pamahayag: patugo ako gayon upag dalawin si heneral bell, at ano man ag kalabasan ng pakikipanayam sa kanya, ay hinihigi ko sa mga kababayan, na huwag lamag akog lilimutin. tayo'pawag magkakapatid. kahit na nila ako dalhin sa estados unidos sa alin mag dako ng daigdigan, ay di ko malilimutan ag pinakaiibig kog tinubuag lupa. isinasalog ko ag sandata, sapagka'ag akig mga kaanak at mga kaibigag sumasama sa akin ay nagagkakasakit sa tinitiis na kagutuman. ag akig pitog anak at ag akig giliw na asawa ay lagig nasa pilig ko at tiniis nila ag lahat ng kahirapan. niyaog ika ng abril ng taog ay natapos ag mga panayam ni heneral malvar, at di siya ipinadala sa labas ng pilipinas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nanirahan siya sa sto. tomas, batagan, at ag pagsasaka ay siya niyag hinara sa paniwalag sa ganitog paraan lamag maitatatag ag mga kailagan ng nasirag bansa. mataliimik siyag namuhay sa bukid haggag sa napilitag lumuwas ng maynila dahilan sa sakit sa atay na kanyag dinanas, at niyaog ika ng oktubre ng ng kanyag hirap sa buhay na ito ay winakasan, upag masok sa buhay na walag haggan ng mga bayani na walag kamatayan. dinala ag kanyag bagkay sa sto. tomas at doon binigyan ng kanyag sarilig pitak na pamamahigahan ng mga labi ng isag buhay na mauuliran sa katapagan at katapatag loob sa lupag tinubuan: sumalagit nawa. si emilio jacinto, ag kanag kamay ni gat bonifacio ay sumilag sa maliwanag, niyaog sa bayan ng trozo, sakop ng maynila; anak dukha at walag karagalan kundi ag likas na pagkatao, kaya'musmos pa'nakita na sa kanyag paligid ag pagkakatuwas ng mga palad.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nagaral na mag isa sa pamamagitan ng mga magulag na nagturo sa kanyag kumilala ng mga titik at sa pamamagitan ng katipiran at pagsasakit ay napapag aral din ag batag si emilio jacinto haggag sa makasapit sa dambana ng karunungan sa universidad de sto. tomas. gaanog pagsasakit ag ginawa ng kanyag mga magulag upag ag kanyag isip ay mamulat sa malawak na tahakin ng karunungan. sa universidad ay nagig kapanahon ni emilio si. juan sumulong, isa sa nagig mataas na tao at dalubhasag nagtaglay ng lalog matataas na katugkulan sa pamahalaan. kapuwa sila palibhasa anak dukha, kaya'ag kanilag mga simulain ay nagkakatulad, at ag pagmamalas sa mga matataas na agkag kanilag nakasama sa pagaaral ay nakakiliti sa kanilag dalawa, kaya'pinasikap nilag sila'mapalayo sa kalipunan ng mga yaon, na kanilag kinasusuklaman mandin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"dahilan sa maagag hiyaw ng himagsikan na kanyag inaniban pagdaka ay di nakatapos si emilio jacinto ng kanyag pagaaral, baga mag nagiwan siya ng isag mabutig talaan ng kanyag pag aaral sa universidad de santo tomas. lagi siyag matigas at di karakarakag nagbabago sa bisa ng mga tagubilin; tuwi na'ipinagtaggol niya ng ubos kaya ag inaakala niyag katuwiran. ganito ag kanyag pamamalakad sa sarili sa boog panahog siya'nabuhay. niyaog taog si emilio jacinto at naguna sa isag lupon na itinatag ni gat bonifacio upag makipagkita sa kinalawan ng bayag hapon dito sa pilipinas, upag pasapitin sa emperador ng hapon ag isag pahayag. isa sa mga bahagi ng pahayag ay itog sumusunod: ag mga sinag ng liwanag na lumaganap sa bansag hapon ay nakaratig din dito sa pilipnas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"dapat kamig makinabag sa liwanag: nag taon dig yaon ay nagsuot insik siya upag makipagkita kay dr. rizal at yakagin itog makiisa sa kilusan sa paghihimagsik, guni'sa pagkakakilala ni doctor rizal, na nag panahog yaon ay salat na salat tayo sa paghahanda at malayo sa pananagumpay ag himagsikan, ay tinugon siyag ag gayo'hindi pa dapat. at nag simulan na ag pakikibaka buhat sa balintawak, at ag kasarinlan ng pilipinas ay ipinahayag na sa pamamagitan ng sandata, ay ginawag heneral si emilio jacinto, at ag kanyag sakop ay ag gayo'lalawigan ng rizal datig morog, ag laguna, bulakan at bagog ecija. si emilio jacinto ay siyag unag kasagguni ni bonifacio, hagga sa ito'pinatay ng isag salaggapag niyaog. sa isag tagpuan sa bayag mahayhay, laguna, sa isag malakig pulutog ng hukbog kastila, si emilio jacinto ay nasugatan, at nabihag ng mga kaaway; guni'hindi naglaon sa kamay ng mga kastila at niyaog abril ng ay binawian ng buhay ag dakilag heneral.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kanyag sagisag na isinatuntunin ng katipunan ay itog mga sumusunod: (liwanag at nignig; kalayaan; pagibig; ag pamahalaan at bayan; malig pagsampalataya; paggawa;) liwanag at ningning: ag nignig ay nakasisira ng mata samantalag ag liwanag ay tumataglaw. kalayaan: ag kalayaan ay ipinagkaloob sa lahat ng tao buhat sa pagkapaganak at siya'dapat gamitin kailan man, hindi upag puminsala sa kahit sino. ag kalayaan ay buhat sa lagit at hindi kaloob ng ano mag kapagyarihan sa ibabaw ng lupa. pagibig: sa mga karamdamag tinataglay ng tao ay walag napakadakila gaya ng pagibig. kundi sa pagibig ag mga bayan ay napawi sa ibabaw ng lupa, ag mga kapisanan ng mga tao ay natulad disin sa lagas na dahon ng kahoy na ipinagliliparan ng isag buhawi, guni'dahil sa pagibig ay malalakig bagay ag nayayari. ang pamahalaan at bayan: ag pagkasulog ng mga bayan ay nagbubuhat sa mga mamamayan at ito'isag dakilag kapagyarihan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"maling pagsampalataya: kug sino yaog nagsasabig anak ng dios, ay dapat tumulad kay kristo, maralita, mairugin at masintahin sa kawagasan. paggawa: ag paggawa ay hindi sumpa ng dios na gaya ng paniwala ng ilan. sa mga banhay na ito ng mga kaisipan, ay makikilala si emilio jacinto na isag dakilag tao, may matataas na simulain sa buhay, may matayog na pananampalataya, may paniwalag hubog sa dakilag gawi at karapatdapat na pasimuno sa alin mag kilusan. siya ay isag tunay na bayani, tilansik ng diwa ng mga wagas na tao buhat sa lagit. isag dakilag heneral na pilipino gaya ng nagig gawig pamagat sa kanya ng mga nakakilala sa kanyag di matatawarag katapagan. anak ng bayag maynila at niyaog ika ng oktubre ipinaganak ng taog . ag kanyag ama ay si.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"joaquin luna at ag kanyag ina ay si gg. laureana novicio, magasawag nagbigay sa atig bayan ng mga anak na lubhag ikinararagal: sina juan luna, ag diwag lumikha ng spollarium; joaquin luna, nagig gobernador sa la union, jose luna, bantog na maggagamot, na pawag mga kapatid ng amig pinaguukulan nitog maigsig ulat. sa ateneo de manila siya sibol, at gaya ng lahat halos na aral sa mga hesuita ay lumabas siyag isag mabutig bata. tinaggap niya ag katibayan ng pagka bachiller en artes ng taog at lumipat siya sa santo tomas, upag magaral ng farmacia, pagaaral na kanyag ipinagpatuloy sa barcelona, espanya, at doon niya tinamo ag katibayan ng pagka licenciado. nagtuloy pa rin ng pagaaral sa universidad central de madrid at doon naman niya tinaggap ag katibayag pagka doctor sa nasabig karunugan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si antonio luna ay mahilig dig umawit at ag kanyag kudyapi ay napabantog din at isa sa rito ag kanyag ihinandog sa mga nagaaral sa concordia, paaralan ng mga babai, na kanyag pinamagatag mga bituin ng akig lahi. sa kanyag pagkakamanunulat ay nagpakatagi rin siyag lubos gaya ng hagga gayon ay masusuysoy sa la solidaridad sa espanya nina marcelo. del pilar, sa lilim ng pamagat na taga ilog. naglathala siya ng isag aklat na kinalalarawanan ng pagka tiwali ng pamamalakad ng mga kastila rito sa atig lupain. nagaral din naman si antonio luna ng ingenieria quimica sa belgika at pagkatapos ay lumipat siya sa paris upag magsanay sa laboratorio ng magitig na si dr. latteux.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kanyag las impresiones ay kinamuhian ng gayon na lamag ng mga kaaway ng atig pagsasarili, sanhig ipinaghinala sa kanya na isa sa mga tagapagtaguyod ng himagsikan at niyaog buwan ng pebrero ng ay ipinadakip siya at ipinatapon sa espanya at sa carcel modelo roon ay ipinalasap sa kanya ag lalog masasaklap na araw ng isag taog malayo sa tinubuag lupa at tumatagis sa madilim na bilagguan, tulad sa isag salarin. nag siya'palayain ay lumipat siya kapagkaraka sa alemanya at nagpasimula na sa kanyag puso ag tahasag pakikialit sa mga paginoon ng atig bayan at kanyag pinagsanayag basahin ag mga katagian sa pagkamandidigma ni napoleon, at sinikap niyag matuto ng mga mabubutig paraan sa digma.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,nanumbalik siyag agad sa pilipinas nag ito'maghimagsik na ga at samantalag ag kanyag katalinuhan sa pagkamabutig mandidigma ay hindi pa niya naihahandog sa kanyag bayan ay itinatag muna ag pahayagag la independencia at ag kanyag panitik ay kinakitaan ng mga tudlig ng pambuhay na loob sa karagalan ng kilusag yaog tugo sa ganap na ikalalaya ng atig bayan.,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag ag datig magkaibigag amerikano at pilipino, na magkatulog na nagpasuko sa mga kawal ng kastila, na dito, nag mga panahog yaon ay paginoon at hari; nag ag dalawag watawat ng laya na magkasamag nanagumpay sa mga kahagahagag pagbabaka ay nagkakatitigan at mandi'di na magkawatasan; nag ag mga bayanig yaon ng kilusan nag isag bagog anyo ng kasaysayan ng atig kalahian ay pinaghaharian ng pagigimbulo at nagkakabawasan na ng pagtitiwala ag isa'at isa, ag kababayan natig si antonio luna ay napa sa kabite agad at pinaghanap ag pagulog aguinaldo upag doo'ihandog ag kanyag karunugan sa digma, at si antonio luna ay ihinalal pagdakag heneral ng mga kawal sa katihan, at pagkatapos ay inatasan siyag magig tagapatnugot ng hukbog pilipino, katagiag kanyag pinaunlakan ng kagilagilalas na pakikibaka na lubhag nagpahirap sa hukbog amerikano, magbuhat sa pamimiyapis na simula sa tulyahan na kinalibigan halos ng pinakamalakig bahagi ng atig mga kawal ng batalyog maynila, at haggag sa ilog ng kalumpit na ipinagtaggol ng atig hukbo ng isag pagtataggol na gumuhit sa atig kasaysayan ng mga tudlig na ginto sa kabayanihan at katapagan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"niyaog taog nag kasalukuyan siyag tumatahak ng lupag kapampagan sa di mapigilpigilag paglusob ng mga kaaway, nakikinita marahil ag kanyag mga hulig sandali kaya'kagyat sumulat ng kanyag hulig pati, na anya: ipinagkaloob kog lahat ag akig mga ariarian sa akig pinakaiirog na ina. sakalig ako ay mapatay sa labanag ito, ay ninanasa kog ag akig bagkay ay balutin ng isag watawat ng pilipinas at ako'ilibig sa lupa ng akig sarilig lupa na sanhi ng akig pagkakasakit. siya kog lagig mithi ag ako'mamatay ng boog kasiyahan ng akig bayan, sa pagtataggol ng kanyag lubusag kasarinlan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kagilagilalas na lubha kug pagtutularin ag dalawag hukbog naglalamas noon sa kanikaniyag kakayahan, sandata at katalinuhan sa digma, sa kabayanihan ng pagsasalasaan na animo'mga hukbog magkasukat ng lakas baga mag sa katutohanan ay hindi pa anino ng hukbog amerikano ag atig mga baguhag kawal; gayon man, sa katalinuhan ng pamamatnugot ng bayanig si heneral luna ay nagpapanatili sa atig mga kawal ng katapagan, at ubos kayag panunupad sa mga kautusag kawal na kanyag pinaiiral sa ibabaw ng mga sundalo natig pawag panandaliag tatag at di man nagakakakilala ng mga kautagan ng mga tunay na kawal ng isag tunay na hukbo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa kabagisan ng kanyag pagpapairal ng mga kautusag digma at sa nasag ag baguhan natig mga pinuno ay mapantay sa isag kalagayag hindi mananaghili sa mga kawal na sanay sa digmaan, ay nakatagpo siya ng maramig naghinanakit sa kanyag kagahasan, at isag araw na ninasa niyag makipagkita at makipanayam sa pagulog aguinaldo, na noo'na sa kabanatuan, upag magmugkahi marahil ng isag bagog paraag inaakala niyag isagawa, ay hinadlagan ng isag punlo ng sarili ring hukbo na niyaog ika ng hunyo ng taog at walag pagimig tumudla sa kanya at ag kanyag buhay ay tinampalasan. sa kanyag palad na yao'naparamay ag kanyag ayudante na si koronel francisco roman, at buhat na noon ay nawalan ng isag matalinog ulo at walag pagal na bisig ag atig hukbog pinagtamasahag itaboy ng mga kaaway hanggag sa napipilan na nag patuluyan. si antonio luna, gaya ng mga dakilag bayani, ay namatay ng wala sa panahon; guni'sa kanyag kamatayan ay naiwan niya ag aral na lubhag mapakinabag sa mga panahog hinaharap natin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kanyag kamatayan ay nagig sanhi ng lubhag maramig mga kurokuro, na ipinaghihinalag yao'likha ng kalupitan, guni'sa ano man, talagag ag mga dakilag tao ay nakatatagpo ng isag kamatayag di karaniwan, upag magig sanhi ng isag matamag paglilimi at magig batog urian ng kanyag mga kahagahagag katagian. mga kamatayag gaya ng kay luna, sa dapat na ikapauwi sa wala at magig sanhi ng isag paglimon na walag haggan, ay lalog bumubuhay sa mga diwa, nagpapatibok ng puso at gumigisig sa madla sa ikakikilala ng lubusan sa kanyag mga pagliligkod na karapatdapat. nagpupugay ako sa libigan mo, dakilag heneral, at minsan pa'uulitin dito ag lubusag paghaga sa iyog kabayanihan. musmos pa'namuhi nag lubha sa masasamag palakad ng mga kastila sa kanilag bayan; pamagkig buo palibhasa ni gat marcelo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"del pilar, ay nagpasasa rito buhat sa kamusmusan ng isag dalisay na aral ng pagibig sa bayag sarili, kaya'nag kasalukuyag ag noli ni dr. rizal, ay di mabasa ng hindi magig isag malakig kasalanan si gregorio ay isa sa mga lalog masipag na tagalaganap noon. sa ganag kay gregorio ag noli ay siyag aklat ng kaligtasan ng lahi. nag ag hiyaw ng laya ay lumaganap sa walog lalawigag tagalog, si gregorio, ay nahikayat na magsundalo at ag gayon ay isinagawa bata pa man siyag lubha, at buhay noon sa pamamagitan ng mga di karaniwag katapagag badha ng kanyag mga kilos, ay hinagdan niyag untiunti ag kabayanihan haggag sa nag lagdaan ag pacto de biak na bato ay nakaratig na siya sa tugkulig koronel. namahal siyag lubha kay aguinaldo at siya ay ipinagsama sa hogkog nag malagdaan na ag kasunduan, at sila'tumulak niyaog ika ng disyembe ng taog gaya ng natulukoy sa nasabig kasunduan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at nanatili si gregorio del pilar sa hogkog samantalag si aguinaldo ay doroon at sa parag tiniyap na pagyayari, ag mga kastila at amerikano ay nagkaroon ng sigalutan; at sanhi ng pagpapadala rito sa pilipinas ng isag hukbog dagat sa ilalim ng pamamahala ng almirante dewey. ag lupon pilipino sa hogkog ay inanyayahag manumbalik na muli at magpatuloy ng paghihimagsik. ag mga pagyayari rito ay lubhag maliwanag sa kasaysayan ng dalawag digmaan, subalit hindi kalabisag baggitin dito na si del pilar ay datig katulog ng mga amerikano sa pagbaka sa mga kastila, sa paniwalag ag mga kawal na yaon ay katulog natin sa pagtuklas ng kasarinlan. si del pilar ay nagpatuloy ng pakikibaka sa pilig ng atig mga kawal, laban sa manlulupig, baga mag talos na ag pakikibaka ay tahas na pagpapatiwakal yayamag ag kaaway ay lubhag malakas, marami at makapagyarihan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at ag hukbo natin ay napataboy ng napataboy haggag sa kaitaasan, nag di humihiwalay si del pilar sa pagtataggol sa kuartel heneral na kinalalagyan ni aguinaldo. si gregorio del pilar ag siyag nahirag na magtaggol sa pasog tilad na tagig pagdadaanan ng sino mag magnanasag lumusob sa kuartel heneral at ag kanyag limampuo'limag mga pilig kawal sa katapagan at katapatag loob, ay nagpamalas ng di karaniwag kabayanihan. sa kug anog pakana, ay natalunton ng mga amerikano ag pasog tilad, at sila ay linusob ng walag patumagga haggag sa ag lahat ng limampuo'limag kawal na doo'nagbabantay, gayon din si heneral gregorio del pilar ay pinuksag lahat nag walag pitagag kalupitan ng mga kawal na lumusob, na binubuo ng mahigit na katao na kabayuhag pawa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa lokbotan ni gregorio del pilar ay natagpuan ag isag araw araw na tala na kinababasahan ng gayari: kug isag malakig hukbo ag lulusob sa akin at sa akig mga kawal, ay mapapasuko ako; guni'lalog magigig kanaisnais sa ganag akin ag ako'mamatay sa pagtataggol sa akig pinakaiirog na inag bayan. ganito namatay ag isag matapag na sundalo na sa katiyagaan at sa walag maliw na pakikibaka ay sumapit sa tugkulig heneral sa gulag na dalawampuo'dalawag taon lamag. siya'anak ng mabulaklak na bulakan at ipinagmamalaki siya ng tanag kababayan sa kanyag walag katulad na kabayanihan. isag dakilag bayani na sa pagtataggol ng katuwiran ng bayan ay linisan ag tanag kariwasaan at kaginhawahan sa sarilig lupa at tumiwalag sa mga kapilas ng buhay upag mahikap sa silog ng ibag lagit ag ikatitimawa ng atig inag pilipinas. del pilar ay sumilag sa maliwanag niyaog ika ng agosto ng sa matikmag bayan ng bulakan. bayan ng magagandag diwatag nakayayayag umawit sa may mga hilig sa tulain. ag kanyag ama ay si.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"del pilar at ag kanyag ina ay si gg. blasa gatmaitan. talagag lahi ng mga gat ag bayani natig ito at pagkapalibhasa ay may mga kaya rin naman ag kanyag mga magulag at ag kanyag ama ay maginoo sa bayan, kaya'namulat ng tigala ag noo may matataas na indayog at maibigin sa katuwiran. pagkapagaral niya ng mga unag titik sa sarilig bahay ay nasok siya sa paaralan ng san jose at pagkatapos dito ay lumipat siya sa paaralag madla ni sto. tomas upag dito magtapos, at boog nignig niyag ipinakita ag di karaniwan niyag talino haggag sa ag katibayan ng pagka licenciado en jurisprudencia ay kanyag kamtin, noog taog. ag sigasig niya sa pagibig sa lupag sarili, na noo'lubhag sinisiil ng masamag pamamalakad, ay palagi niyag ipinakilala sa kanyag mga pamamahayag; na ag pagkahilig niya sa pagtiwalag at paglaya, ay lubos baga mag ag gayon ay talagag kasalanag pinag uusig at ikinabibitay ng panahog yaon ng kalupitan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at ag talagag maaasahag bugag hinog ng gayon gawi ay sumapit at niyaog na rin ay ipinagsakdal siya sa kasalanag filibusterismo; nag kanyag matunugan, kapagkaraka at yayamag ag kanyag ulo sa gayog kasalanan ay nagaamoy bagkay ay tumakas siyag agad at sa espanya na rin nagtugo, upag doon pasimulan ng ubos kaya ag pakikibaka sa mga kaaway ng atig pagtiwalag sa kapagyarihag kastila. asawa at dalawag anak, kaginhawahan at agkan ay linisan niyag walag balino at umasag ag kanyag hagarin ay banal sa gayog pagyao. sa espanya ay itinatag niya ag kanyag kapisanan ng solidaridad filipina sa barselona niyaog. ag kapisanag yaon ay magmimithi ng mga kabaguhan ng pamamalakad dito sa pilipinas. pinamatnugutan niya ag kapuripurig pahayagag la solidaridad na itinatag doon ni.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"graciano lopez jaena, at siya'kinatulog nina dominador gomez, fernando canon, antonio luna, jose rizal, mariano ponce at iba pag mga bayanig pilipino noon, na sa pamamagitan ng utak at panitik ay bumuwag niyaog matandag kapagyarihan ng mga hari dito sa pilipinas. ag kalakhan ng kanyag puso, katapagag maglahad ng katuwiran niyag inaakalag api, at ag katayugan ng kanyag palaisipan ay nagig sanhi ng lubusag paghaga sa kanya ng kapanalig at kaaway man sa paghihimagsik na yaon na lubhag kasakitsakit. ag salapi ng kanyag agkan ay nahughog, ag kanyag mga anak ay hindi na muli pag nakita at nagdanas ng lalog kakilakilabot na kahirapan sa silog ng ibag lagit, upag ag katuwiran ng bayan ay patuluyan at walag sagwil na maipagtaggol. sumakabilag buhay si. del pilar niyaog ika ng hunyo ng taog sa gitna ng isag karalitaag hindi madalumat.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"bilag pagkilala ng bayag pilipinas sa kanyag walag kamatayag mga gawa, ay ipinasya na ag kanyag labi ay kunin sa libigag kanyag pinagpapahigalayan ng ganap, at gayon ay nasa libigan na ng mga bayani dito sa maynila, upag ag mabutig alala noon ay magig isag mabutig halimbawa sa atig mga bagog sibol. kapuripurig halimbawa na gaya ng pamana ni marcelo. del pilar ay hindi dapat maparam sa alin mag pusog tagalog, yayamag ag lahat niyag punyagi ay iniukol lamag sa ikalalaya ng bayan at hindi sa kaginhawahag sarili. talagag ag mga tunay na bayani ay hindi naghihintay ng gantigpala sa kanyag mga gawa at sikap, at sukat na yaog kasiyahag loob na dinadanas ng taog gumagawa ng tunay na udyok ng budhi ag siya niyag nagig katulog sa mahabag panahon niyag ipinakibaka; guni'ag mga taog bihasa ay nasisiyahan namag magaral sa kanilag mga kadakilaan, sapagka'ag mga diwag gaya ng kanila ay talagag maliwanag na sulo na nagpapanuto sa mga lipig sumisipot sa isag lalog maginhawag kabuhayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"mapalad ag mga bayan na baga mag walag gaanog maipagmalaki sa kanyag likas na pagkabayan matagi sa kasikapan ng kanyag mga anak, ay sibulan ng bayani ng katauhan na nakagigimbal at nakapagguguho ng kalupitan at pagaalipig nakapipigil sa tahasag ikauunlad ng mga bayan at mga tao. at gaya ng sabi ni dr. dominador gomez, si marcelo. del pilar anya ay isag mabutig tao at sa kanyag diwa ay di nagkakapuwag ag ano mag masamag adhika, sapagka'sa kanyag puso ay nagsisikip ag wagas na pag ibig sa tinubuag lupa. niyaog ika ng marso ng taog sa silog ng masayag lagit ng baliwag, sa bayan ng magaganda at mabibinig dalaga na napabalita ng gayon na lamag, ay doon nakakita ng unag liwanag ag kababayag mariano ponce, isa sa tatlog tugko ng mithig kalayaan nitog lupaig pinaggugulan nila ng lahat ng punyagi at pagsasakit.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kabataan niya ay maagag iminulat sa pagaaral sa bayag sarili at nag makatapos siya ng mga pagunahig pagaaral ay lumipat siya sa san juan de letran hagga sa niyaog ay kanyag tinaggap ag katibayan ng pagka bachiller en artes: nagpatuloy siya ng pagaaral ng pagka maggagamot sa paaralag madla ni sto. tomas sa loob ng dalawag taon at sa universidad central de madrid niya tinapos ag nasabig karunugan, kun saan niya natamo ag katibayag pagka doctor en medicina. nagig maginhawa sana ag kanyag buhay kug ag kanyag pagka maggagamot ay iniukol niya sa sarili guni'ag gayon at hindi niya ginawa, at ag hirap at sakit na kasalukuyan ng bayan na nagagailagan ng lalog mabibisag lunas ay siyag pinagubusan ng punyagi.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si mariano ponce ay nahilig ng gayon na lamag sa paglilinag ng mga kabaguhag hinihigi ng panahog yaon at siya ay umanib sa mga kababayag nagananahanan sa madrid; upag doon ay himagsikin ag pamahalaan sa puso ng kanyag pagulog bayan, sa loob ng kapisanag kanilag bininyagag asociacion hispano filipino. si mariano ponce ag siyag nanugkulag kulag kalihim noon haggag sa sumapit ag taog taon ng malakig mga pagbabago sa kapuluag pilipinas at simula ng mga bagog tudlig ng kanyag kasaysayan sa pagkabansa. nagig tagabansag ng kapisanag hispano filipino ag la solidaridad at si ponce ag nagig tagapagasiwa noon, samantalag si graciano lopez jaena ag siyag namatnugot. ag pamagat na nanig kanyag mga tudlig.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag ag himagsikan ay mabunyag na sa atig kapuluan, sapagka'si ponce ay kilalag isag tanyag na pilipino at mahilig sa mga kabaguhag kanilag tuwi na'lininag ay dinakip siya pagdaka at ibinilaggo, guni'di siya nagtagal at pagkalipas ng dalawag araw ay pinalaya siya at ag kanyag minainam ay ag lumayog agad at lumipat na ga sa hogkog. pagdatig niya roon at ilag araw pa lamag ag kararaan, ay nagtatag sila roon ng isag lupon na ag layunin ay magsumikap ng ikapagtatagumpay ng himagsikan; si ponce ay nagig isag masugid na kagalawad noon. nag ag presidente aguinaldo ay sumapit sa hogkog dahilan sa pacto de biak na bato si ponce ay siyag nagig kalihim at ag tugkulig ito ay kanyag ginampanan haggag sa si aguinaldo ay mulig manumbalik sa pilipinas niyaog upag ipagpatuloy ag paghihimagsik. nag mga panahog yaon ay si ponce rin ag kinatawag panlabas magsikan sa pilipinas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa pagnanasag mapagaralan ag mga kanugnog na lupain ay naglayag si ponce at dinalaw ag indo china, cabodhe, canton, shanghai, at kanyag sinikap na makilala ag mga kaugalian at ag mga katagian ng nagasabig bayan. nagig kaibigan siya ng mga litaw na tao roon at ng mga tanyag na kawani ng kanikaniyag pamahalaan. at kahit siya malayo sa sarilig lupa ay hindi niya iwinalay kahit saglit man lamag ag marubdob niyag pagibig sa sarilig bayan, kaya'pagkaraan ng mahigit na dalawampuo'anim na taog pagkakawalay at pakikipamayan sa mga iba'ibag lipi at kaugaliag tao ay muli siyag umuwi sa sarili at sa kanyag pagbalik na ito ay nagig patnugot siya sa pahayagag el renacimiento at buhat sa mga tudlig ng nasabig pahayagan ay kanyag ipinagpatuloy ag kanyag nasimulan nag pagsisikap ng ikaliligaya ng kanyag iniibig na pilipinas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"niyaog ag kanyag mga kalalawigan sa bulukan bilag tumbas sa kanyag pagsasakit ay tulad pa iisag taog tinagkilik ag kanyag pagnanasag magligkod sa tinubuag lupa sa loob ng kapulugag bayan at siya'ihinalal na sugo roon upag kumatawan sa lalawigag bulakan sa gusali ng mga batas. nagig kalihim na pagkalahatan si ponce ng pagkatig nasiyonalista at kasagguni ng lupon tagaganap. si ponce ay isa sa mga nagtatag ng pahayagag el ideal, na siyag tagapamansag ng lapian niyag kinaaaniban. sa kabila ng pakikipamiyapis na mahigit na limampuog taon at pagkatapos na maipakilala ag lalog malakig pagtatapat sa mga mahahalagag simulain ng pagkamaghihimagsik, ag kaibigan at kinatukatulog ni dr. rizal at ni gat marcelo. del pilar, niyaog mayo ng taog ay namatay sa hogkog guni'ag kanyag bagkay ay itinawid dito sa pilipinas at siya'ilinibig sa libigag hilaga.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tagi sa lubhag marami niyag nasulat sa mga pahayagan ay kumatha rin naman siya ng isag aklat na pinamagatag sun yat sen, na kinapapalooban ng kasaysayan ng nagtatag ng pamahalaag republikano sa kainsikan. si ponce ay isag matalik na kaibigan ni dr. sun yat sen, niyaog dakilag insik na nagguho ng kapagyarihan ng mga hari sa kanilag lupain. kug isag araw ay mapasa baliwag kayo at makaisip magmalas ng mga katagitagig tikma ng mga tagaroon, na nagbabadha ng sipag, tiyaga at punyagi, na tuwi na'kanilag ikinatagi sa mga ibag lalawigan, ay gunamgunamin ninyog sa lupaig yaon ay doon sumilag ag isa sa tatlog tugko na kinasasaligan ng lahat ng biyayag atig tinatamasa gayon. si ponce ay tunay na kabilag sa mga kawal ng sandaigdigan. ag paguukulan natin gayon nitog ilag kataga ay anak ng makasaysayag naic, lalawigan ng kabite, niyag lalawigag nagiigat ng mga kilusag pawag tugo sa ikauunlad at ikatitimawa ng bayan natin sa kapagyarihag banyagag nakasasakop.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ipinaganak si mag pascual, gaya ng karaniwag tawag sa kanya, niyaog ika ng mayo ng taog. buan ng mga bulaklak palibhasa ag kanyag isinilag, kaya'ag kanyag diwa ay namumulaklak din naman sa saganag mga likha na pawag gayo'pinakikinabagan na ng kanyag mga kababayan. wala ng taog gaya niya marahil anag taliba niyaog ika ng pebrero ng saganagsagana sa isip ng sarisarig akala at balak. ag monumento kay rizal sa luneta, ag pagtatatag ng pagkatig independista, ag pagkakaroon ng sarilig bagko, ag pagpapadala ng mga pensionado sa america at marami pag balak diyag gayo'isa nag katotohanan, pati na nitog pagdiriwag sa ikaapat na raag taog pagkakatuklas sa pilipinas ay pawag galig sa kanyag utak. at walag kilusag nababago nag di siya kahalo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"isag katotohanag hindi matatawaran na ag lahat halos ng malalakig kilusan sa pagunlad ng pilipinas ay may kinalaman ag atig si mag pascual, magig sa mga kilusan sa kapamayanan at magig sa nauukol sa sarilig wika, lalo na sa atig pamahayagan na maituturig na si poblete ay ama nito sa paglalaganap rito sa atig lupian. ag kanyag unag tudlig na pambukas sa puso ng atig bayan ay ilinathala niya sa la oceania espanola niyaog taog nag kasalukuyan pa lamag siyag tumatahak sa gulag na taon, at sa pahayagag ito ay nagligkod siya haggag sumapit ag taog sampuog taog sinkad. buhat sa pahayagag yaon niya binuko ag pagkakaroon dito sa pilipinas ng isag pahayagag dalawag wika: kastila at tagalog at salamat sa pasisimuno ng dakilag marcelo. del pilar ay itinatag ag pahayagag diariog tagalog niyaog ika ng mayo, na kug saan nagpasimula ng paghahasik ng mga binhig mapapakinabag na baga mag di kinalugdan ng mga kastila ng panahog yaon ay nagtamo naman ng pagkakaliga ng mga kababayan natin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag diariog tagalog ay siyag tagig tagapamansag ng mga mithiin sa isag bagog pagarapig kahilihili at sa pahayagag ito ilinathala ng dakilag tagalog, si gat rizal, ag kanyag amor patrio, at dito rin naman nagagsilapi ng pagtataguyod ng dakilag adhika, ag pinakamaramig mairugin sa sarilig kalayaan, at sa dahog tagalog nito sumulat at naglaganap ng mga bagog tanawin sa atig bukas noon, na gayo'tinatamasa na, ag marilag na si pascual. nagig tagapagasiwa ng revista popular at manunulat din naman dito, na kanyag pinaglathalaan ng lalo niyag mapapakinabag na mga tudlig tugkol sa mga karaniwag karunugan na dagliag naisasagawa sa bahay, at sa katotohanan, ag pahayagag yaon ay munakala niya, kaya'ag atig plaridel ay kinatulog din naman niya rito sa paglalathala ng mga tudlig na may kinalaman sa mga babae at sa mga paaralag bayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nagig manunulat at tagapaghulog sa ibag wika ng pahayagag revista catolica de filipinas at ng patnubay ng catolico at isa rin sa nagagtatag nito at masugid na tagapaglaganap ng mga karunugan, sinig at hanap buhay. at pinapalad mandin sa anyayag yaon ng mabutig tala, kaya'sa kauntig naiimpok na salapi sa kanyag mga pahayagan ay panibago na namag minunakala ag isag malayag pahayagan na pinamagatag el resumen, sa pahayagag ito naipakilala ni poblete ag kanyag katusuhag manlinlag sa mga nakaabag na taliba ng censura, sapagka'nagawa niyag makapaghandog ng mga kalugodlugod na tudlig na tumatawag sa pintuan ng diwa ng kanyag mga kalahi, nag di man siya napansin ng mga kaaway ng atig kasarinlan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"walag alinlagag matitiyak na ag el resumen ay siyag naglagay ng matibay na saligan ng atig paghihimagsik, gaya ng pinatutunayan ng mga katagag ito na kanyag ilinathala niyog ika ng hunyo ng magaglalapi tayog nagagkakaisa sa usapig sarili at bakahin natin ag mga kabalbalan at paghihinala niyaog mga nagnanasag ag lalawigag kastilag ito ay magig kutag luma ng matandag kaugalian, at di man nila nagugunita na ag di mapigilag pagunlad, sa kanyag banayad na kilos ay nagbubukas ng landas sa lahat ng dako at ginigipo ag sino mag sa kanyag paglakad ay sumagabal. itinatag din naman niya ag el bello sexo niyaog enero ng at niyaog ika ng gayon dig buan ng ay lumuwal sa maliwanag ag isa pag pahayagag kanya rig likha na pinamagatag el hogar at nagig katulog ng balitag pliegong tagalog na nagbabansag ng lalog mahahalagag pagbaka sa atig mga kaaway.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag siya ay ipatapon sa espanya, ay nagig manunulat ng el progreso nagig katulog sa el pais at sa pahayagag pilipino roon na may pamagat na revista de ultramar na ilinathala sa kakastilaan ng kilalag bibliografo na si. manuel artigas cuerva. napakamahimala ag pagunlad ng atig bayan ng mga panahog ito na sa isag iglap lamag halos, ay nagipo ag tatlog daanag taog kaalipinan at niyaog na mulig magbalik sa lupag sarili, si mag pascual, ay naglathala ng isag bagog pahayagag pinamagatag el grito del pueblo at ag kapatid ng bayan na tumagal haggag taog at sunodsunod na itinatag ag rizal, aurora at filipinas mga ligguhag napabansag din, at pagkatapos ay ag revista cervantes. sa pagkamandudula, si mag pascual ay nagig isag tala na lubhag manignig, siya ag may akda ng dr. jose rizal el concejo de los dioses, na kanyag ipinalimbag at linagdaan ng pamagat na lopez blas hucapte (pascual.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"poblete); at sa pagtataghal ng kanyag ang pagibig sa tinubuang lupa (el amor patrio) ay sinagasa sa taghalan ng nasirag si kapitag lara ng policia dito sa maynila ag tagpo na pinagtataghalan ng atig kaakitakit at pinagpalag watawat, at hinandulog ag manignig (artista) na may hawak noon, at sinambilat na walag patumagga ag tatlog kulay na kumatawan sa atig kabansaan, at si mag pascual ay dinakip na gaya ng isag salarin dahilan sa kanyag pagibig sa tinubuag lupa na itinataghal at kinagiliwan ng madla. talagag ag magigitig ay di natatahimik at kayakap na lagi ng mga katiisan; niyaog gabig yaon ay tinahak na naglalakad ag mga lansagan dito sa maynila, na naaakibatan ng mga pulis at ihinarap siya sa taggapan ng heneral otis. kinakailagan ag isag katigasan ng loob na di karaniwan upag ag mabutig gawa ay maipatuloy nag mga panahog yaon, at si poblete ay di nabalino muntik man, lagig patuloy na animo ay walag paganib.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"hindi pa mandin naghihinawa ag diwag yaon na mapaglikha at niyaog ika ng disyembre ng taog ay pinaluwal sa maliwanag ag dia filipino na kug saan napalathala ag mga walag kamatayag buga ng panitik ng atig dakilag rizal. at di pa sukat ag lahat ng nabaggit, ay ilinathala pa rin ng kanyag mayamag diwa ag la exposicion oriental de filipinas, ag credito agricola at el oriente mga pahayagag kinalulanan ng kanyag mga walag pagal na pagwawari haggag sa ag kamatayan na di man nagugunita ay dumalaw sa kanyag tahanan upag ulilahin ag labigdalawag anak at isag banyagag aliw at kasayahan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ito'nagyari isag taghalig mainit ng pebrero, ikalimag araw ng taog sanhig ag lahat halos ng pahayagan ay parag ginimbal sa di inaantabayanag pagyayari, nagagputos ng luksa ag boog bayanag matalino at sampuo ng mga kastilag datig mga kaaway ay nagagsiluha rin gaya ng lathala ng el mercantil na anya: era un gran talento un enorme trabajador, ha hecho por su patria obra fecunda con el pensamiento con la pluma, con la voluntad con la accion. si la justicia fuese moneda corriente en el mundo esta desgracia promoveria un duelo nacional. sa lubhag maramig pahayagag kanyag linikha, itinatag at pinaglaganapan ng kanyag mga kaisipan ay maidaragdag ag mga kathag sumusunod: pagsisiyam sa nuestra senora de loreto, buhay ni san vicente de ferrer (hago sa flos sanctorum ni. rivadeneira) uliran ng kabaitan buhay ni patricio horacio, buhay ni san isidro labrador; tinagalog ag noli me tangere at filibusterismo ni dr. rizal; sinulat ag patnubay ng pagsinta.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"lucrecia triciptino at iba pag lubhag maramig matutukoy. gaya ng dapat magyari si poblete ay hindi tumakwil sa pagnanasag magsarili ag atig bayan gaya ng pinatutunayan ng lahat niyag lathala, kaya'di rin naman naligtaan ng mga kaaway natin, nag ag unag hiyaw ng laya ay saliwan na ng mga hagunot ng puglo sa balintawak, at si poblete ay kagyat ipinadakip at ilinulan sa bapor manila upag ibilaggo sa seuta, haggag sa mga unag araw ng enero ng. sa kanyag pagarawaraw na tala ay nababasa ag gayari: sa loob ng araw na amig ipinaglayag ay natatalian ako ng abot siko. pinaguukulan ga namin ng muntig ulat na ito ag ama ng pahayagan sa pilipinas, ag walag pagal na manlilikha at diwag walag sawa sa pagmumunukala ng agarag ikatutubos ng bayag tinubuan. nariyan ag isag manignig na huwaran ng mga nagsisisibol.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kug isag araw ay makasapit kayo sa libigan sa hilaga at ag bantayog kay poblete ay inyog makita, ay alalahanig ag mga labig doo'nalilibig ay ag labi ng isag tapat na anak ng tinubuag lupa. sa kanyag alabok nawa, na mulig nanunumbalik sa pinaggaligan, ay sumibol ag lalog kawiliwilig simoy na makayayakag sa inyo na siya ay uliranin tuwi na. siya ay isag mabutig ama, tapat na asawa at mabutig anak, at higit sa lahat ng ito, siya ay isag mamamayag kahilihili. iuulat namin gayon ag buhay ng isag anak pilipinas na kaipala ay siyag lalog dapat na ipagmalaki ng atig bayan sapagka'siya'buhat sa ama at inag mga kastila, at walag pinaghahawakan ag kanyag pagka pilipino kundi ag siya ay pinalad na dito sumilag niyaog ika ng hunyo ng taog sa loob ng maynila, pagulog bayan nitog kapuluan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag una niyag pagaaral ay ginanap sa ilalim ng pamamatnugot ng mga hesuitas, guni'sa ilag taon pa lamag ng pagaaral ay nagkasakit na at sa tagubilin ng mga maggagamot ay napilitag ilayag sa kabilag dagat at sa barselona na nagtapos ng mga simulaig pagaaral. niyao'magwawalog taon pa lamag ag gulag ng batag si del pan, at musmos pa ay namulat sa espanya na kug saan nakita ag mga tiwalig palagay sa mga, pilipino na kanyag kababayan, sapagka'sa pilipinas siya nakakita ng unag liwanag. kailan man ay di niya tinulutan ag sino man na siya ay tawagig kastila at lubos niyag ipinagmalaki ag bayag ito ng mga lakan at bayanig mairugin tuwi na sa alin mag bagay na makabubuti sa kanilag bayan at lipi. nagbalik sa pilipinas upag dito ganapin ag pagalawag bugso ng pagaaral at sa colegio de san juan de letran tinaggap ag katibayag bachiller en artes.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"lumipat sa paaralag madla ni santo tomas at dito nagaral ng derecho at sa ikaapat na taon pa lamag ay napilitan na namag bumalik sa espanya niyaog at sa universidad central sa madrid tinapos ag nalalabi pag pagaaralan upag tamuhin ag katibayag licenciado en jurisprudencia na ilinagda niyaog buwan ng hunyo ng taog. pagkalipas ng isag taon at kalahati, at alagalag sa kanyag kathag los efectos juridicos de la ignorancia del derecho ay tinaggap niya ag katibayag doctor. niyaog panahog yaon ay kasalukuyan siyag kalihim ng ateneo de madrid kug saan siya lagig nakipagtuggalian at nagtaggol sa ikapagtatamo ng mga kabaguhan tugo sa paglaya sa kapakinabagan ng pilipinas, di lamag sa salita kundi sa pamamagitan man naman ng mga mahahalagag tudlig sa tanag pahayagag kanyag paglathalaan ng kanyag kurokuro tugkol sa bagay na yaon na sa ganag kanya ay lubhag kailagan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tunay ga at nag mga panahog yaon, ag mga rizal natin, lopez jaena, govantes, aguirre, regidor, lorente at iba pag maririlag na mga pilipino ay nagagsisikap na rin ng ikapagtatagumpay ng atig dakilag mithi, guni'ito'di nakababawas sa kanyag pamumukod, sa pagyayarig siya ay anak ng ama at inag pawag mga kastila, kaya'ag kanyag mga palagay sa suliranin ng bayag pilipinas ay lagi nag nakababakla sa mga may hawak ng ugit ng atig pamahalaan. nanumbalik na muli sa atig sarilig lupa niyaog upag harapin ng lubusan ag pagkaabogado, at gayon din naman ng pagkamanunulat at sa oceania espanola na pinamatnugutan ng kanyag ama, ag kanyag pinaglathalaan ng mahahalaga niyag tudlig na pawag nakagimbal din sa mga pahayagag kampi sa pamahalaan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag tawagin sa sinapupunan ni bathala ag kagalaggalag niyag ama, si rafael del pan ag humalili sa pamamatnugot ng oceania espanola, at niyaog hulyo ng ay naglathala ng kug ilag tudlig na pinamagatan hay que irlo pensando na kug saan niya ipinagtaggol ag pagkakaroon natin ng mga sugo sa batasan, na nagig sanhi ng mga pasarig ng diario de manila, la voz espanola, at el comercio, mga pahayagag kalaban ng mithi, at walag tagig nakatulog sa sigasig na yaon, matagi sa el resumen ng atig kababayag si. nag ag atig dakilag bayani, si gat rizal, ay ipinatapon sa dapitan, ag tagig pahayagag di nagsuob ng kamanyag sa pamahalaan, ay ag oceania espanola na nagig sanhi ng mga igos ng tanag nagbabansag na tapat sa espanya, ng mga lalog mabibigat na paratag kay del pan na ikinasapaganib ng kanyag pagkatao, guni'boog tigas na tinaggap na lahat ag mga upasala na sa pamamagitan ng mga pahayagan ay sunodsunod na sa kanya'itinudla.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa kapanahunan dig yaon binalak ag pagtatatag ng colegio de abogados, na kinahalalan niyag pagalawag pagulo, at pagkalipas ng ilag panahon ay nahalal siyag pagulo, niyaog bantog na kalipunan. ag walag sasal niyag pagbaka sa mga malig pamalakad ng mga kastila dito sa atin, ay nakayakag ng lubhag maramig kaaway ng kanyag mithi, lalog lalo na ng kapisanan ng mga kastila rito sa atin, ano pa'lagig dinaliri si del pan at mandin ay ipinaghihintay lamag ng isag kataog ikapagbubunto sa kanya ng poot, kaya'niyaog bagog datig dito ag heneral primo de rivera, ay naglayag si del pan at tumugo sa espanya, at nakipisan doon sa mga punyagi ng atig mga arejola, ilustre, gabladon, artigas, at iba pag kababayag pawag naglalamay sa ikapagtatamo ng mga kaluwagan ng atig inag pilipinas. nag ag espanya at amerika, ay magpahayagan na ng digma, at sa espanya ay itatag ag isag lupon na pinamagatag comite filipino, siya ag napilig pagulo ng nasabig kapisanan na binubuo ng mga batikag maghihimagsik.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"niyaog ay lumipat sa hogkog upag pumisan sa comite central at di nalaunan at isinugo sa amerika, na kunsaan nagpasikat na lalo ng pagsasakit sa ikapagtatagumpay ng dakilag mithi ng bayan. nanumbalik sa pilipinas niyaog upag mabuhay ng tahimik sa panunugkulag abogado, guni'hinihigi sa kanyag mulig magsulit ng corte suprema, at ag gayo'ginampanan niya at nakakuha ng isagdaag punto, kataastaasag bilag sa pagsusulit na matatamo sa gayog pagsukat ng kakayahan. ag kanyag pagalan sa pagkaabogado ay nagsikip sa pilipinas at siya ay nagig kapisan ng bupeteg lalog bansag na nakilala sa tawag na del pan, ortigas, pischer. siya ay isa sa pinagsagguniag lagi ng pamahalaan sa pagbili ng mga lupaig praile. hindi nasiyahan nag magig siya ag sanhi ng pagkakatatag ng colegio de abogados at ninais na dagdagan pa ng isag lalog malakig likha, at kanyag sinikap na magkaroon tayo ng camara de comercio de filipinas at ag gayo,nagig isag pagyayari.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"bilag kinatawan ng lapiag union nacionalista, ay linagdaan niya niyaog ika ng marso ng ag katibayan ng pagiisa ng mga lapiag union nacionalista at ng independista upag makilala na lamag sa tawag na partido nacionalista, at ag saligan ng nasabig bagog lapian ay masasabig halos nagbuhay sa kanyag bantog na panitik. ag pagkakaisa ng mga kapisanan sa pilipinas, magig sa kalakal, kapamayanan at politika, ay siyag lagig pagarap ni del pan. bilag pagkilala sa mga katagian ni del pan ay ihinalal siya niyaog septiyembre ng upag magig kasagguni ng comite de coodificacion na pinaguguluhan ng mgl. na manuel araullo, gayo'kasalukuyag pagulo ng pinakamataas na hukuman dito sa pilipinas. sa lupon ng pagsisinop na ito ay kanyag ibinunyag ag mga lalog maselag na pagaaral tugkol sa derecho penal at nagailagan siyag maglakbay sa boog daigdig upag pagtuladtularin ag mga batas na nauukol sa bagay na yaon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kanyag mga palagay at hinuha tugkol sa derecho penal ay pinapurihan ng bantog na pagulo noon ng mataas na hukuman, ag mgl. na cayetano arellano. sa ibabaw ng lahat ng tagumpay na ito ni del pan, ay lumasap din naman ng mga lalog masasaklap na upasala ng mga maiggitin, at siya ag nagig tudlaan nag mga may likha ng paghahatig filipino de cara corazon na puminsala ng gayon na lamag sa mabutig lakad ng atig mga pagkatig politiko. nariyan ag isag tao, na baga mag sa kanyag mga ugat ay malinaw na dugog kastila ag nananalaytay, at bahid ma'walag pagkapilipino matagi sa kapalarag dito makakita ng unag liwanag, ay ubos kayag nagpunyagi, sa ikauunlad ng kanyag bayag tinubuan, sa ibabaw ng mga upasala ng mga karugo, at mga kalupain man. mga taog gaya ni del pan ay di dapat mahimbig sa limot.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"karapatdapat sa pagturig ng mga kalupain sa pilipinas na kanyag ipinagmamalaki; nitog tinubuag lupa na pinagubusan niya ng utak at sikap, upag makasapit sa isag tunay na pagkakaisa sa pagtuklas ng mga mararagal na mithi. magig pagturig ag mga talatag ito sa kanyag kapuripurig halimbawa. ag kahulihulihag bantayog na iniwan ni rafael del pan sa tinubuag lupa at ag codigo correccional na kumakaliga sa mga katuwiran ng mga kulag palad na nagdurusa. hindi maaarig sulatin ag kasaysayan ng pilipinas nag di mababaggit ag pinagpalag pagalan ng parig tagalog na ito, yayamag sapol pa ng himagsikan tugkol sa mga lupain niyaog taog ag pagalan niya ay sinambisambitla at nagig parag ugat ng sasakyag nagpapanuto sa mabutig landasin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa kanya utag ag pagkalutas ng himagsikag yaon na kanilag linagdaan ni luis parag, at ag malakig usapin ng mga parig tagalog, na kanyag ipinagtaggol ng ubos kaya at pinaggugulan ng di kakauntig salapi upag ipagtagumpay sa espanya, yayamag sa mga hukuman dito sa pilipinas nag mga panahog yaon, ag katuwiran ay isag balita lamag na di tinatamasa ng mga tubo sa sinawig lupain natin. tunay at ipinagtaggol niya at ipinagtagumpay sa pagulog bayag nakasasakop sa atin, ag usapin ng mga parig tagalog; subalit gaya ng lahat ng tagumpay ng mga bayag nasasakupan, ay nagig tagumpay na panandalian na di man lamag nasamantala, ag panunumbalik ni heneral garcia camba at ni matias vizmanos, sapagka'sa loob lamag ng isag taon at kalahati na itinigil dito sa pilipinas ni heneral camba, ay nagawa na ng mga kaaway ng clero na yaon ay palitan ni heneral ora, na may mga simulaig tiwali at di makapagtutulot na ag pagunlad ay manatili sa pilipinas.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"buhat noon magig si vizmanos at magig si pari mariano gomez, na pinaguukulan namin nitog ulat, ay nagapilitag manumbalik sa pagpapahiga muna, yayamag ag lupa ay hindi handa sa mga mithi ng bayan. buhat sa isag mariwasag agkan, si pari gomez ay kumita ng unag liwanag sa bayag sta cruz, maynila, at umano ay buhatan sa isag agkag hapon na napilitag pumanaw sa pilipinas at dito ay naiwan ag kanilag asaasawa at mga anak niyaog daanag taog sa pagka pari, si gomez ay napabantog ng gayon na lamag sa pagkamabutig magpasunod, at anag mga pinagsaggunian namin, umano ay nag siya'dakpin sa bakood at ilulan sa isag palagkin, ay ninasa ng kanyag mga kapanalig na siya ay agawin sa mga kawal, guni'napakalaki ag kanyag kapagyarihan sa kanyag mga tao, kaya'sukat ag kanyag pagkakasugaw sa sasakyan at sabihig babalik ako agad sa inyog pilig ay mapayapag nagagihimpil ag talagag magagsisiagaw sa kanya sa kuko niyaog mga ganid.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa imbakan ng mga mugkahi sa katedral, ay naiigatan pa hagga gayon ag kanyag mga bugag isip sa kanyag mga pasya, na pinakapuri ng lubhag maramig dalubhasag kapanahon at anag iba, ay sa tatlog binitay niyaog pebrero ng ay si. gomez ag pinaka paham. tugkol sa katampalasanan ng sa kanila ay pagkakabitay ag atig kahangahagag lumpo ay nagukol sa kanila ng gayarig kataga: ag bayag ito na nahimbig na daanag taog at di man lamag nagpapamalay na may buhay, at lubhag marami ag naniwalag patay na ga, ay sinugatan ng sugat na pampatay; at sa pagdamdam ng sugat na ito ay nagulagtag, nagisig, at natahog siya ay buhay pa pala ay may karamdaman. bakit siya buhay, paano nabubuhay at sa ano nabubuhay?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"mga suliranig hininog at boog kataimtimag ginunamgunam nag di natiyak na tugunin, guni'ag mga bayan ay di lumulutas ng mga suliranin nag agaran, at ag sandali ng paglutas ay sumapit, ag paghihimagsik ay sumuplig; sapagka'ag binhig kanilag dinilig ng kanilag mahalagag dugo ay nahulog sa mabutig lupa, ag marubdob na pagsamba sa kalayaan ay mulig dinamdam ng bayan natin. bilag paragal sa tatlog pareg binitay niyaog ag mga katipunan, niyaog sa kanilag pagpapakilalanan ay binabaggit ng mga taga ikalawag hanay ag gayari: gom bur za, banal na palitag salita na nagpapanigas ng puso, na nagbabansag ng mga unag pantig ng tatlog dakilag pagalan. isag bantayog ag nitog mga hulig kilusan ay itinayo sa bayan ng bakood, bilag paragal sa kanyag pagalag di nalilimot ng kanyag mga kababayan. magig diwa nawa ng bayan natig pinagsusugitan ng palad ag tilamsik ng iyog diwa oh dakilag martir ng mga usapig bayan!",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tatapusin namin ag ulat na ito sa ilag kataga ni dr. rizal sa filibusterismo na anya: ag pananampalataya sa pagtaggig kayo'dustain, ay naglagay sa aliglagan ng kabuhugag sa inyo'ibinubuhat. ag pamahalaan sa pagsisikap na ligirin ng himala ag inyog usapin, ay nagpapatunay ng ano mag kamaliag kanilag nagawa sa usapig yaon sa mapaganib na sandali, at ag boog bayanag pilipinas, sa pagtigkala sa inyog alaala at pagtawag sa inyog martir, ay tahasag di naniniwala na kayo'may bahid mag kasalanan. sinog anak ng pilipinas ag di nakakikilala kay bonifacio? si andres bonifacio ay anak ng paggawa at di pinalad na makapaglinag ng muni na gaya ng mga mapalad na iniwi sa duyan ng kariwasaan. anak dukha at sa kabataan ay naulila sa mga magulag na nagpapala kaya'maagag nakitalad sa buhay upag sa palihan ng pagagailagan ay makayari ng isag kalolwag napakalaki, isag diwag di karaniwan, at isag paghalinag katutubo na lininag at pinamaibabaw sa kanyag pagkatao.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"siya'tubo sa makasaysayag bayan ng tundo, maynila, at anak ni. santiago bonifacio at gg. catalina castro. ag unag liwanag ay nakita niya noog ika ng nobyembre ng taog. ulila palibhasa sa gulag lamag na labigapat na taon at may apat pag kapatid na nagagailagan ng kanyag pagagalaga ay napilitag ag kabuhayan ay kitain sa alin mag paraan at ag gayon ay kanyag tinuklas sa paghahanap buhay sa isag bahay kalakal, kina fressel at co., na kanyag pinaglakuan ng kanyag pagliligkod.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa kahirapag kanyag tinatawid ay lalog tumigkad sa kanya ag pagkakatuwas ng mga kalagayan ng tao, ag kaibhan ng bayag sakop at ng nakasasakop; ag kakayahan ng mga pinalad na nagagsidunog sa tulog ng salapi, at ag kaabaan ng mga sawi na di makaratig sa likmuan ni minerva sa kakulagan ng kaya na makapaglinag ng muni; at sa dapat na ikaligaw ng landas, ay lalog napanuto at magisag nagsamantala ng kanyag mga labis na panahon sa paggawa, at magisag ipinagaral; samantalag nabubuksan untiunti ag kanyag bait sa taglaw ng mga dakilag aral na natatalunton niya sa malawak na kaharian ng karunugan, ay lalo namag tumitigkad ag kanyag pagibig sa kulag palad niyag tinubuag lupa. isag sulat na sumapit sa kamay ni gat bonifacio ag sa iba'ibag bagay na sinasabi, ay natatapos sa ganito. tunay na ag bayag ito (ag pilipinas) ay apig api at supil ng isag pamunuag taga ibag lupa; guni'mahirap at mapaganib na totoo ag tayo'magakala ng isag pagbabagon; baka pa ag magyari ay lalo tayog mapahamak.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"bayaan muna natig sila ay magtamasa sa kaginhawahan. sa ibaba ng sulat na ito ay tinitikan ni gat bonifacio ng gayari: kug ag paniniil ay trono ng galak at busabos tayog tuntugag panatag kug ag tunay na ley, sinira'hinamak, iguho ang hari ang siyang marapat kug baya'balot ng sapot na itim ag buhay ay laag inisin sa libig sa tabig ng gabi', may masisinag dig liwanag ng bagog panahog daratig sa pagkamanunulat si gat bonifacio ay napabantog sa mga tudlig niyag linagdaan ng may pagaasa at agapito bagumbayan. sisipiin namin dito ag bahagi ng isag tula niya na iniigatan ng isag mapagmahal sa kanyag mga lathala. halaw sa mga tula ni gat bonifacio mayroon pa kayag pagsintag dakila lalo pag manignig at kahagahaga tagi sa pagibig sa sarilig lupa? wala na marahil. tunay na wala ga. nag mapasilag ka lupag tinubuan ag lagig nais kog pinagsasakitan ag lahat kog awit kaya'tuwa man tagig bayan ko ag pinaguukulan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"walag lalog sakit sa isag bayani na di ihahandog sa bayan kog kasi dugo ma'ligaya, dunog na pamuti kahit kamatayag ikaruruhagi. bayan ko ay siyag nagbigay ng buhay; tulad sa ina kog tagig nagyayaman, manignig na sinag tulad ng sa araw na nagpapalusog sa aba kog lagay. masawi'mamatay sigisag liwanag kug danasin ito ng dahil sa liyag kug lalog malaki ag tiisig hirap lalo pag ligaya. oh kaysarapsarap! sa tiklop ng papel na sinipian namin ng mga talatang nasaitaas ay di na mabasa ay hinalinhan namin ng malalaking titik ang. nagbasa ng mga aklat na la triste italia, historia de la revolucion francesa, ciencias politicas (karunugan sa pamamahala) derecho internacional, historia universal ni cesar cantu, at las memorias de un soldado (mga tala ng isag sundalo). may isa siyag aklatan sagana sa mabubutig aklat, guni'kinain mandin ng laho nag siya'mamatay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"si mabini at si rizal ay nagig lagi niyag kasagguni sa mga kilusag nauukol sa bayan, at sa pagkakita niyag ag liga filipina na itinatag ni gat rizal, ay lagig nabubulabog ay inakala niyag ihalili roon ag pinagpalag. na siyag bumigkis na tulad sa iisag tao sa tanag pilipino na nagbagog buhat sa pagkakahimbig upag pawiin sa kapuluan ag tatak ng kaalipinan. unag buga ng kanyag di karaniwag kislap ng diwa ay ag pagtatatag ng dakilag. (kataastaasan, kagalaggalag, katipunan) ng mga anak ng bayan. katipunag unagunag nagtanim sa puso ng mga tagarito ng isag marubdob na pagibig sa tinubuag lupa. kapisanan ng mga magiliwig anak sa inag bayan palibhasa ag nagagsisibuo ng katipunag yaon na itinatag ni andres bonifacio, ay pawag may likas na pagibig sa tinubuag lupa, isag kapatirag kahilihili; kaya'minamarapat namig sipiin ag kanyag dakilag aral upag uliranin ng atig mga hulig sibol ag simula at binhi ng mga kalayaan natig sa gayo'tinatamasa.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kabuhayag hindi ginugugol sa isag malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walag lilim kundi damog makamandag. ag gawag magalig na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagag nasag gumawa ng kagaligan, ay hindi kabaitan. ag tunay na kabanalan ay ag pagkakawaggawa; ag pagibig sa kapuwa, ay ag isukat ag bawa'kilos, gawa at pagugusap sa talagag katuwiran. maitim man at maputi ag kulay ng balat, ag lahat ng tao ay magkakapantay; magyayarig ag isa'higtan sa dunog, sa yaman, sa ganda; guni'di mahihigtan sa nagkatao. ag may mahal na kalooban ay iuuna ag puri kay sa pagpipita sa sarili; ag may hamak na kalooban ay iuuna ag pagpipita sa sarili kay sa puri. sa taog may hiya ag salita ay panunumpa. huwag mog sayagin ag panahon: ag yamag nawawala ay magyayarig magbalik; guni'ag panahog nagdaan na ay di na muli pag dadaan. ipagtaggol mo ag inaapi at kabakahin ag umaapi. ag taog matalino ay ag may pagiigat sa bawa'sasabihin, at matutog ipaglihim ag dapat na ipaglihim.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa daag matinik ng kabuhayan, ag lalaki ay siyag patnugot ng mga anak; kug ag umaakay ay patugo sa kasamaan, ag inaakay ay sa kasamaan din. ag babai ay huwag mog tignag isag libagan lamag kundi isag katuwag at karamay sa mga kahirapan nitog kabuhayan; gamitan mo ng boog pagpipitagan ag kanyag kahinaan, at alalahanin ag ina na pinagbuhatan at nagiwi sa iyog kasaggulan. ag di mo ibig gawin sa iyog asawa, anak at kapatid ay huwag mog gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba. ag kamahalan ng tao ay wala sa pagkahari, wala sa pagpapatagos ng ilog at puti ng mukha, wala sa pagkapari na kahalili (raw) ng dios, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit lakig gubat at walag nababatid kundi ag sarilig wika, yaog may magandag asal, may isag pagugusap, may dagal at puri, di umaapi, yaog marunog magdamdam at marunog lumigap sa bayag tinubuan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"lumaganap ng gayon na lamag ag mga dakilag aral ng katipunan sa lahat halos ng nasasakupan ng walog lalawigag tagalog; at kahit na nakasapit sa kaalaman ng maragal na heneral ng hukbog kastila na si don ramon blanco, palibhasa ay isag dalubhasag pamunuan na di kaayon sa kagahasaan ay di napadala sa mga bulog na paghihimagsik ng kanyag mga nasasakupan. ag unag balitag ito na boog katahimikag lumaganap sa matataas na kagawaran ng pamunuag paglahat nitog kapuluaan, ay nagyari niyaog ika ng agosto ng taog sa sumbog ng kura sa tundo na fr. mariano gil, at sapagka'di pinansin at di pinahalagahan ng maragal na si heneral blanco, ay nagkaroon ng mga lihim na kilusan at pakana na nagpasapit sa pamahalaan sa madrid ng pagagailagag magpadala rito ng isag walag paulikulik na heneral, upag mailigtas ag kapagyarihan ng espanya sa isag di maiiwasag himagsikan. at si heneral polavieja, ay kagyat dumatig upag humalili sa datig heneral don ramon blanco.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"unag binagsakan ng kalupitan ng bagog heneral ay si. pio valenzuela at aguedo del rosario at sa isag maigsig bugso ng kapusukan ng pikit matag panunupad ng kabagisag walag kahulilip, ay mahigit sa tatlog daag magitan ng pagpapadakip ng walag ano mag abogabog sa bawa'matamaan ng malas ng kanilag mga tiktik na gumagalaw sa lilim ng kapagyarihan ng mga kaaway ng atig paglaya. halos araw araw ay may binabaril na kulag palad, at kabilag sa mga ito, ag nagyari niyaog ika ng disyembre ng taog ag lalog kalakilakihag upasala sa bayag pilipinas, ag kalakilakihag kabuhugan, na sa pagalan ng espanya ay ginanap ng banyagag pamunuan dito sa kapuluan na pagpapabaril sa lalog pinaka dakilag tagalog, sa bayani ng mga bayani, na si gat jose rizal at mercado.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag himagsikan ay lumaganap nag gayon na lamag sa lahat ng pusog may bahagyag hinanakit sa pamahalaag napakabigat na at di na ibig na talimahin, at buhat sa hiyaw ng laya sa balintawak niyaog ika ng agosto ng taog haggag abril ng taog ay itinaguyod ng ama ng katipunan ag himagsikag napasimulan ng wala sa panahon sa kapusukan ng mga masasamag pamunuan ng kastila rito sa pilipinas. at lumaganap ag lakas ng mga katipunan sa lahat ng dako, subalit sa kawit, ag lakas ni aguinaldo ay kahagahaga. di kawasa ay kinilala si aguinaldo na pagulog hukbo, sanhi ng ipinagkahati ng mga katipunan sa dalawag malakig pagkat, na: aguinaldista at bonifacista.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag panahog yaon si bonifacio ay nasa kawit, guni'sa pagilag sa mga di maiiwasag pagbubugguan ng dalawag pagkat ay linisan ni bonifacio ag kawit at tutugo sana sa batangas, guni'sa limbog, isag nayog sakop ng indag, ay kanyag nasagupa ag mga kawal ni pawa, at ag inilagag pagbubuggo ay sumapit; si bonifacio ay nasugatan at ag kanyag dalawag kapatid, si ciriaco at si procopio ay nagasawig napatay. binihag si bonifacio ng kanyag mga kaaway at ihinarap sa hukumag digma na naglagda sa kanya ng hatol na kamatayan, guni'hindi isinagawa ni aguinaldo, at bagkus pinatawad, guni'itinagubilig siya'papanawin. dinuyan si bonifacio upag ihatid sa pook na kanyag pagdurusahan, guni'siya'ibinulid ng nagaguusog, sa isag bagig malalim sa marigondon, na kanyag kinalibigan ng buhay. ito'nagyari niyaog ika ng abril ng taog. kalunoslunos na wakas na itinalaga ng kalupitan sa ama ng dakilag kilusag tugo sa paglaya.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag araw na ito ay ipinagluluksa hagga gayon ng mga tunay na katipunan ag kaiggitan ay nagtagumpay, ag isag pulutog na kawal ng atig dig hukbog naghihimagsik ay nagpatunay minsan pa ng isag di na mababawig kamalian at ag buhay ni gat andres bonifacio ay linapastagan ng wala sa panahon, tinampalasan ng isag kahatulag napakalupit na tagig ag kasaysayan ag makatuturol ng tahasan kug sino ag dapat managot ng gayog nakalulunos na wakas. ani bonifacio sa kanyag mga salaysay: hindi tayo dapat matakot kangino man kundi sa kasaysayan. talagag ag isag bayag bagog umuunlad sa pagtataggol ng kanyag katuwirag naaapi ay naghahandog ng lalog dakilag buhay. sa kalupitan ni polavieja ay pinatigis ag dugo ng diwa ng himagsikan: si gat jose rizal mercado; at sa kabilisan ng isag hatol na agaran ay pinadanak ag mahalagag dugo ni gat andres bonifacio, na siyag tunay na bisig ng himagsikan natin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag si gat andres bonifacio ay isakdal sa kasalanag taksil sa tinubuag lupa ay boog lugkot na nagsabi ng ganito: taksil ako pagkatapos na kayog lahat ay akig matipon at maiparuto sa landasig ito na patugo sa isag ganap na kalayaan? taksil ako?. at ag kanyag kamatayan ay nagig pasimula ng kanyag buhay na walag haggan sa bayag pilipinas, na sa kanyag karagalan ay nagpupuri namimintuho at lubos na gumagalag; at ag isag pagkawalag kamatayan na gaya ng sa lahat ng dakilag bayani na nagpakatagi sa pagliligkod sa kanyag tinubuag lupa, ay kanyag kinamtan. isag paaralag bayan sa tayuman ag itinayo upag papurihan siyag lagi ng mga sisipot na agkan; upag doon ay pagaralan ag mga dakilag aral na isinulat niya ng kanyag malinis na dugo; upag ubos kayag pabulaanan ag paratag na taksil na ibig ibabaw sa kanya ng mga nagsiusig na mananagot sa kasaysayan ng atig bayan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"isag araw na pagilin sa loob ng isag taon, ag putog na pambawi ng kalapastaganan sa kanya, ag iginawad sa kanyag karagalan ng pamahalaag kasalukuyan. minsan santaon, ay binabawi ng bayag pilipinas ag kalaitlait na paratag na nagig halaga ng buhay ni gat bonifacio. siya'may matuwid ng kanyag sabihig: upag ipagtaggol ag usapin ng bayan ay di lamag ag lakas ng loob at tapag ag kailagan. isag malakas ag loob at matapag na pinagagalaw ng diwag di nasasalig sa katarugan at katuwiran, ay maaarig makabawi ng upasala, makapinsala, makagunaw at pumatay, guni'kaylan ma'di makapagtatatag ng isag bayag may ganap na kalayaan. niyaog agosto ika ng taog sa kalapit na bayan ng pandakan, maynila, ay sumilag sa maliwanag ag isag saggol na tinawag na jacinto zamora.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa kabataan pa ay nagpakita na ng kabaitan at pagsisigasig sa pagaaral, haggag sa nagig pare. hindi magagawa ng sino mag pilipino ag sumambit ng mga biyaya ng himagsikan, nag di makikita sa pagsuysoy ng sanhi noon ag dakilag binhi na dinilig ng sarilig dugo niyaog ng tatlog banal na parig tagalog, si pari burgos, si pari gomez at si pari zamora. ika ng pebrero ng taog ng basahin ag kalaitlait na hatol kina jose burgos, mariano gomez jacinto zamora (mga pare) at sina maximo inocencio, crisanto de los reyes, francisco saldua at enrique paraiso, na nagasakdal na maguupat at mga may kinalaman sa aklasag kawal na nagyari sa liwasan ng kabite niyaog ika ng enero ng . at ika ng pebrero ng nasabig taon ay nakyat sa bibitayan ag nagahatulan, upag pagpalain ng kanilag malilinis na buhay ag kamatayag kalaitlait. sa karagalan ng tatlog pari ay ihinandog ni rizal ag pagalawag bahagi ng noli na pinamagatag el filibusterismo.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag pagaani sa punla na ihinasik ng tatlog pare ay kasalukuyag tinatamasa ng kanilag mga kabaro sa pilipinas. niyaon, ay hindi man lamag makapamahala ng isag simbahan ag mga parig tagalog, at gayon ay hindi lamag nakapamamahala ng simbahan nagigig kura, kundi marami pa rig sumapit na sa mataas na katugkulag obispo, at ano ag malay natin kug sa hinaharap ay makapag arsobispo na rin at kardenal ag mga parig tagalog. isa sa mga walag patawad na kamaliag nagawa ng iginuhog pamahalaan ng mga kastila, ag pagkakapabitay sa marilag na si pari jacinto zamora.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"anag mga kasulatag nauukol sa bagay na ito, na may kinalaman sa aklasag kawal niyaog ag utos na pagpapadakip ay hindi sa parig itog binitay nalalagda, kundi sa isag naggagalag jose zamora, pari rin, guni'hindi ga lamag nakatulog sa hindi malilimot na kilusag ginampanan ng tatlog dakilag parig tagalog na sina burgos, gomez at zamora, at dahil sa bagay na ito ag kautusan sa pagdakip ay nabago sa pamamagitan ng mahiwagag pakana ng mga kaaway ng tatlog kawani sa lupon ng pagbabago (comite reformador) at si pari jacinto ag ipinadakip, at nag halugkatin ag kanyag sulatan ay natuklas ag isag liham na ipinadala sa kanya ni pari duran, kura sa san anton, na nagsasabi ng gayari: dakilag pagkakatipon. dumalo kayo nag walag pagkukulag. ag mga kaibigan ay pawag may taglay na maramig pulbura at puglo. ag sulat na ito ag tagig pinaghawakan, upag igawad sa kanya ag kalaitlait na hatol na bitayin.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"nag panahog yaon na ag mga konbento ay siyag pinagtitipunan ng mga manunugal kug pintakasi, ag pulbura at puglo ay nagagahulugag salapi, at ag panyayag ito kay pari zamora ng kura sa san anton ay sa isag pagtitipon ng magkakaibigan. kug si pari jacinto zamora ay di kinatulog ng pagtataggol sa usapin ng clero filipino disin di nabitay ag kababayag ito. nag panahog yaon ag pagibig sa tinubuag lupa ay daag patugo sa mga balaho at kamatayan, samantalag sa kapanahunan natin gayon, ag mga tagapagtaguyod ng gayon dig simulain ay tumatahak sa mga sampaga, sinusuob ng kamanyag na nagbabaguhan, nagsisihimlay sa malulundog hihigan at pawag awit ng papuri ag narigig. mapanuto kaya tayo sa ganitog kiyas ng kapanahunan?",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag panahon na siyag saksi ng lahat ng pagyayari, ay siyag maguulat sa araw ng bukas ng ipamamana sa atin ng walag tutog katuturan ng mga gayo'nagsisiibig at nagliligkod sa atig tinubuag lupa. may isag kasabihan dito sa atin, na: ag mga una raw tao rito sa kapuluan ay pinamamahalaan ng mga patay sa malinaw na sabi, ag mga halimbawa ng nagagsiyao, ay siyag pinapatnubay iginagalag at linalandas. subalit sa gayon, na, ag mga patay ay pinamamahalaan ng mga buhay na tao ag pagkamakabayan ay napakaginhawa, ag waldasan ay nagig isag karaniwag bagay, ag pagibig sa bayan ay ipinagtitimpalakan sa apat na sulok ng daigdig, guni'ag katotohanan ay di mababago, at ag tanikalag ginto na ibinibigti sa atig kalayaan bilag buga ng maginhawag pagibig sa bayan ay sumisibol; ag agos ng kayamanan na lumulunod sa atig kalayaan ay bumabalog, bumubukal, bumbabaha, at.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kug magkalupitlupit, bigyan man tayo ng laya, ag layag iyon marahil ay magigig isag sagabal sa atin, sa pagka'di tayo makagigitaw sa nakatabog ginto na winaldas na ng mga walag patumaggag umibig sa bayan, ng boog ginhawa. lahat ng sasabihin tugkol sa dakilag bayanig ito ay nasabi na ng mga lalog pantas at mga dalubhasag tao ng sansinukuban, pagkapalibhasa ay napatagi siya ng gayon na lamag sa lahat ng bayanig sumipot dito sa pilipinas at siya'napabilag sa mga dakilag bayani ng sagkatauhan. lahat ng paraan ay sinikap ng kanyag mga kapanahon upag siya'manatili sa puso ng madla.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa lalog mababag halagag selyo, ag kanyag larawan ay naroroon upag ag kanyag alaala ay huwag maliblib sa lalog katagutaguag nayon at kaabaabaag buhay na di makapagigat ng isag larawan niyag nakapagbibigay sigla sa mga pusog lumalamlam sa pagibig sa tinubuag lupa. si gat rizal ay pinaragalan din ng pamahalaan natin na taglayin ng salapig papel na dadalawahig piso ag kanyag larawan, upag magpalipatlipat sa mga kamay ng lahat ng naninirahan dito sa atig lupain at sa labas man, na makapagigat ng salapig yaon na nakikilala sa tawag na isag rizal. mga aklat na nasusulat halos sa lahat ng wika ag iniukol sa kanyag karagalan. isag malakig bantayog na pinaggugulan ng salapi ng atig pamahalaan ag sa gitna ng luneta ay nagpapaalala ng kanyag kagitigan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag kanyag pagalan ay kilala ng lahat ng pilipino, pinipintuho at pinararagalan sa atig kapuluan ng banyaga at kababayan man, ng bata at ng matanda, ng pantas at ng hagal; ng puhunan at ng paggawa; at sa ibag lupain ay pinauunlakan din ng lahat ng pilipino sa kanyag dakilag araw, sa araw na ag kanyag buhay ay kinitil ng kalupitan. sumilag si gat jose rizal niyaog ika ng hunyo ng taog sa bayan ng kalamba, laguna, at siya'anak ni. francisco at ni gg. teodora alonso. anak sa bayag tagalog at lipig tagalog na tunay, kaya'ag pagibig sa tinubuag lupa ay kalagkap ng kanyag pagkatao. aral sa tahanan, sa pagtuturo ng mga magulag na nagnasag magmulat ng kanyag bait sapol sa pagkamusmos, ay nagawa sa kanyag murag bait ag gulag na siyam na taon pa lamag ay makalikha na ng isag dula na kinagiliwan ng kapitan sa bayan. sa kanugnog na bayan ng binyag ay nagaral siya kay.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"justiniano aquino at cruz at sa loob lamag ng ilag buwan ay wala nag maituro sa kanya ag gurog bayan, yamag natutuhan na niyag lahat ag nalalaman noon kaya'nag hunyo, ng taon ay lumipat siya sa san juan de letran, guni'di siya nawili rito, kaya'lumipat agad sa paaralan ng mga hesuita haggag sa tinamo niya ag katibayan ng pagka bachiller en artes. lumipat siya sa universidad de sto. tomas, upag magaral ng filosofia medicina at agrimensura at yamag napansin niyag hindi mabuti ag tigin sa kanya ng mga guro doon, at sa payo ng kanyag mga kaibigan, niyaog mayo ng taog ay lumayag siyag patugo sa europa, pagkatapos niyag tamuhin ag katibayag pagka agrimensor. dumaan siya sa singapur, kanal ng sues, at sa marselya siya lumunsad, at buhat doon ay napatugo sa barselona na kinakilalanan niya sa mga kalupaig doroon.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"tumugo siya sa madrid at sa universidad central doon, ay nagpatuloy siya ng pagaaral ng medicina, literatura at filosofia; kasaliw ng pagaaral niya ng mga karunugag nabangit ay di niya napaglabanan ag hilig ng kanyag diwa sa sinig, kaya'nagaral din siya ng paglililok (escultura) at ng pagkuha ng larawan sa pamamagitan ng lapis at ng kulay na lubha niyag ikinatagi. pagkatapos niyag tamuhin ag mga katibayan sa medicina, filosofia at literatura niyaog taog ay lumipat siya sa paris na kanyag kinatagpuan sa mga kalupaig antonio at jose luna, at pardo de tavera; buhat sa fransiya ay lumipat siya sa alemanya upag makinyig ng mga bantog na panayam sa universidad de heidelberg: lumipat siya sa berlin at sa bayag ito niya tinapos ag walag kamatayag noli. si dr. jagor sa berlin na masikhay na sumuysoy ng mga kapakanan sa pilipinas ay nakatagpo sa atig rizal, ng isag mabutig kaibigan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"buhat sa berlin ay lumipat si rizal sa austria at dito niya nakaniig si prof. blumentritt; mula sa bayag ito ay napatugo siya sa italya. dito niya isinalin sa tagalog ag wilhem tell at saka umwi dito sa pilipinas. si rizal ay mawilihin sa pagaaral ng wika, at ito ag sanhi ng kanyag pagliklik sa lahat halos ng mga pagulog bayan sa europa, at nag siya'dumatig dito sa atig lupain, upag harapin ag paggagamot ay nagsasalita na siya ng halos lahat ng wikag linag sa europa at asia. noog ay ninasag mulig maglakbay sa mga ibag dako ng sansinukob at siya'dumaan sa hogkog na kanyag kinatagpuan sa dakilag tagalog doon na si ginoog jose basa; pagdaan sa hapon, upag pagaralan sa sarilig lupa ag wikag hapon, dumaan sa amerika, bago nagtuloy sa inglaterra at sa bayag ito nakaniig si. antonio ma. regidor. sa londres at sa bahay ni. regidor niya isinalin at tinuligsa ag kasaysayan ng pilipinas na sinulat ni pari morga, na lubha niyag ikinabantog sa panitikan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ika ng nobyembre ng taog nag sulatin ni profesor blumentritt ag paunag salita sa morga ni dr. rizal. sa panitikan ay may isa siyag mainam na bakas na naiiwan sa bawa'panahon. bilag pauna ng kanyag panunulat ay nasabi na namin na siyam na taon pa lamag ag kanyag gulag nag sumulat ng isag dula na noon pa ma'kinabakasan na ng di karaniwag indayog ng kanyag diwa. niyaog na magdaos ng isag timpalak ag licco artistico literario dito sa maynila na sinalihan ng lubhag maramig manunulat ay napili at nagtagumpay ag kanyag tula na may pamagat na la juventud filipina. sa kapanahunag si rizal ay nagaaral pa sa ateneo sa pagpaparagal sa mahal na birhen ay sumulat siya ng isag dula na pinamagatan niyag junto al pasig, na lubhag kinagiliwan ng nagagsipanood na pawag dalubhasa. sa timpalak na idinaos sa pagpaparagal sa ikaapat na raag taog ikinamatay ni cervantes, ay nagtagumpay ag titik ni rizal na may pamagat na el concejo de los dioses.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"sa madrid ay nagkaroon ng ibag himig ag kanyag mga sulat at dito na ga nabunyag ag tunay na pagibig sa tinubuag lupa. ag kanyag noli ay sinimulan niyag sulatin sa madrid at natapos sa austria, ag filibusterismo ay sinulat niya sa ghert olanda, noog . hulyo ika ng taog nag nagpulog sa bahay ni. doroteo ongjungco sa daag ilaya blg. tundo tugkol sa liga filipina at ika ng hulyo ng nag ipinadakip ni heneral eulogio. despujol at ipapiit sa fuerza santiago. niyaog ika ng pebrero ng ay itinatag ni dr. rizal ag liga filipina isag kapisanag pilipino na pinagukulan ni mabini ng gayarig kataga: nag makitag ag lahat ng sikap ay walag taros at salat sa kaayusan, at di nagbibigay ng katampatag wakasin, ay linikha ni rizal ag liga filipina. nag si rizal ay ipatapon sa dapitan siya'nagsaka doon at nagtayo ng paaralan sa mga tagaroon; kahit iisag iglap ay hindi siya natahimik at pawag iniukol sa kabutihan ag kanyag mga gawa. ag mga maysakit doon ay nakatagpo sa kanya ng isag walag bayad na maggamot.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"samantalag siya'naroroon ay isag amerikanog naggagalag taufer na kasama ng isag anakanakan na naggagalag josefina bracken ay dumalaw sa kanya, upag ipagamot ag mga matag hindi makakita at pinasiyahan na ng mga ibag maggagamot ng walag lunas, ag josefinag ito ay siyag nagig kapalad ni dr. rizal at nakasama niya sa buhay na yaon sa tapunan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"ag mga kahiligan ni dr. rizal upag siya ay patawarin ay hindi dinigig ng mga makapagyarihan, guni'kailan ma'di nanawi sa kanya ag pagasa, at sa gayog kalagayan ay tumaggap siya ng isag sulat ng matalik niyag kaibigag austriako na si prof. blumentritt, na kanyag hiligig sa pamahalaag siya'makaparoon sa kuba bilag maggagamot ng mga kawal na kastila doon, at ag gayog kahiligan ay pinakiggan ni heneral blanco, kaya'siya, sa paniniwalag siya'walag masamag nagawa kagino man na titigatig sa sarilig budhi, kasama ni josefina at ng kanyag pamagkig si maria luisa, ay agad napa maynila at sa kasamaag palad, nag sila'dumaog sa luok ng maynila ag sasakyag patugo sa espanya ay nakaalis na, kaya'sila ay nagapilitag maghintay ng panibagog sasakyag lalayag, na di iba'ag castilla.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at si rizal ay tumulak na ga, guni'ag himagsikag pinaguguluhan ni gat bonifacio ay nabunsod ng wala sa panahon at isag pahatid kawad na buhat kay gobernador polavieja ag tinaggap, nag ag castilla ay dumaog sa kanal ng sues, hatid kawad na naguutos na dakpin si dr. rizal, at sinalubog sa barselona ag atig kababayan upag ipiit doon. pagkaran ng ilag araw ay ilinulan siyag muli upag ihatid sa pilipinas. nag idaan sa hogkog ay sinikap ni dr. regidor na siya'palayain sa pamamagitan ng habeas corpus guni'hindi ipinagtagumpay ni. regidor, ag kanyag banal na nais na mapalaya si dr. rizal. siya'inusig dahil sa pagkakatatag ng liga filipina at pagtataguyod ng himagsikan, at hindi siya pinahintulutag makapagtanggol maliban sa siya'pinapamili sa mga pamunuag doon ay natitipon. luis taviel andrade, isag maragal na kastilag nagtaggol sa kanya ng ubos kaya, guni'hindi dinigig at hinatulan siyag barilin sa liwasan ng bagumbayan. sa pagkamanunulat ni rizal ay wala nag maitatawad.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"masasabi nag walag alinlagan, na ag kanyag panitik ag siyag lumikha ng mga kabaguhan sa kapamayanan, na kasalukuyan natig tinatamasa at siyag nagpayanig ng matibay na pamahalaan ng kastila na mahigit ng tatlog daag taog sa atin ay naghari. ag dakilag bayanig ito na pinaguukulan namin ng ulat gayon, ay siniil ng kalupitan nag di malilimutag heneral polavieja at niyaog ika ng disyembre ng taog sa lawak ng bagumbayan ay pinapagdanak ag kalinislinisag dugo ng isag banal na anak ng pilipinas. ag hagunot na halakhakan ng kanyag mga kaaway ay naririgig pa halos nag dumatig ag hatol ng tadhanag matapos ag kalupitan ng mga kastila rito sa atig lupain at niyaog mayo ng ag makapagyarihag bayag amerikano, sa likha ng mga pagyayari ay nagpadala rito ng kanyag mga sasakyag pandigma, upag sa pamamagitan ng mga puglog ibinubuga ng mga kanyon sa hukbo ng datig paginoon at hari ay mababa at mahalinhan ag watawat na ginto at dugo na sumaksi rito sa atig lupaig mapagkaliga ng mga di mahulilip nakalupitan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"at buhat noon ag mga unag banaag ng bagog araw ng pilipinas ay namitak sa silaganan ng kanyag pagasa. bilag pagwakas sa ulat na ito ay ilalakip namin dito ag hulig buga ng panitik ng bayanig tagalog na pinamagatan niya ng mi ultimo adios. paalam, sinta kog lupag tinubuan bayag sinagana ng sikat ng araw marikit na mutya ng dagat silagan edeng maligayag sa ami'pumanaw. sa iyo'handog ko ng ganap na tuwa malugkot kog buhay na lanta at aba nagig dakila man, boog pagnanasag ihahandog ko rin sa iyog paglaya. ag nagasa digmag dumog sa paglaban alay din sa iyo ag kanilag buhay hirap ay di pansin at di agam agam ag pagkaparool pagtatagumpay. bibitaya'dusag linikha ng bagis pakikibakag lubhag mapaganib walag kailagan kug ito ag nais ng bayan at madlag pinakaiibig. mamamatay ako, gayog namamalas ag bukag liwayay na nagaganinag ng minimithi kog araw na sisikat sa likod ng dilim na kagulat gulat.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"kug ag kulay pula'kinakailagan upag itina mo sa iyog liwayway dugo ko'ibubo pagiti kog alay nag iyag sinag mo ay lalog dumigal. lagi kog pagarap mulag magkaisip magpahagga gayog maganap ag bait ay mapanood kag hiyas na marikit nag dagat silagag dito'lumiligid. mata mog marikit sana'lumigaya walag bakas luha'puspos na ng sigla tigala ag noo, balisa'wala na walag bahid poot wala nag pagamba. pagarap ng buhay! marubdob kog nais, ikaw ay lumusog, hiyaw ng pagibig ng kalulwa kog gayak sa pagalis upag lumaya ka, buhay ay lumawig. kay tamis malugmok, mataghal ka lamag mamatay ng upag mabigyan kag buhay mamatay sa silog ng lagit mog mahal malibig sa lupag puspos karikitan. kug sakasakalig sa aba kog libig mayumig bulaklak ay iyog mapansig sumilag sa gitna ng damog mahinhin hagka'ag halik mo'akig tataggapin. sa noo kog hapo na doo'ninidlip sa libigag hukay na lupag malamig ay tataggapin ko ag iyog pagibig init ng pagiliw ng ninintag dibdib.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"bayaan mog ako'malasin ng buwan nag kanyag liwanag na lubhag malamlam bayaag ihatid sa akig libigan mahinahog sinat ng kanyag liwayway. bayaag humibik ag simoy ng hagin at kug may dumapo sa tanda ng libig na ano mag ibon, bayaag awitin ng hunig matimyas ag payapag aliw. bayaag ag araw na lubhag manigas ulan ay tuyuin, sigaw ay itaas magig paganuri'dalisay na ulap kalagkap ag hibik ng akig pagliyag. bayaag ag akig maagag pagpanaw itagis ng isag tapat na magmahal kug payapag hapon sa aki'magalay ng isag dalagin, ako'patugkulan. idalagin mo rin ag kinapos palad na nagamatay na, yaog nagaghirap sa tanag pasakit, at ag lumalagap namig mga ina ng luhag masaklap. iyog idalagin ag bawa'ulila ag nagapipiit na nagagdurusa, iyog idalagin sana'matubos ka sa pagkaalipig laog binabata. kug nababalot na ag mga libigan ng sapot ng gabig payak kadiliman kug wala ng tanod kundi pawag bagkay, huwag gambalain ag katahimikan.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"pakimatyagan mo ag hiwagag lihim at mapapakigan lugkot ng tagintig ng isag kudyapi, ito ay ako rin inaawitan ka ng boog paggiliw. kug ag libigan ko'limot na ng madla at wala ng kuros ni bato mag tanda sa nagaglilinag ay ipaubayag bugkali'isabog ag natimpig lupa. ag mga abo ko bago pailanlag mauwi sa wala na pinaggaligan ay makalat ulig parag kapupunan ng iyog alabok sa lupag tuntugan. sa gayo'wala nag ano man sa akig ako'limutin mo, akig lilibutin yaog himpapawid, kaparaga'hagin at ako sa iyo'magigig tagintig. bago, tigig, higig, awit na masaya liwanag at kulay na lugod ng mata, uulit ulitin sa tuwituwi na ag kataimtiman ng akig pagsamba. sintag pilipinas, lupag tinubuan sakit ng sakit ko, gayon ay pakingan ag hulig habilin: sa iyo'iiwan ag lahat ng lalog inirog sa buhay. ako ay tutugo sa bayag payapa na walag alipi'punog mapagaba doo'di nanatay ag paniniwala at ag naghahari'yaog si bathala.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"paalam na ako, magulag, kapatid, bahagi ng puso'unag nakaniig, ipagpasalamat na ako'maligid sa buhay na itog puspos ng ligalig. paalam irog kog banyagag hirag akig sinisinta, akig kasayahan. paalam sa inyo mga minamahal mamatay ay ganap na katahimikan. great filipinos . heroes filipinos . historiografia filipina la primera imprenta en filipina los sucesos de historia prehispana de filipinas . la religion del katipunan . historia de filipinas . conquista de filipinas . conferencias literarias . discursos publicos . informaciones varias . kug sino ag kumatha ng florante . florante (version castellana) proceso del dr. jose rizal emilio jacinto . lineage, life and labor of dr. rizal . biblioteca filipina the character of dr. rizal . patnubay ng bayan (articulos varios) . dia filipino . vida escritos del dr. jose rizal . builder of the nation . sun yat sen . ecos (homenaje da. susana revilla) . cultura social notas biograficas . informaciones varias .",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jose N. Sevilla,"del pilar (la vanguardia) philippine review el renacimento filipino filipinas ante europa the philippine people la solidaridad the independent la ilustracion filipina the orient cultura filipina patnubay ng bayan ecos cultura social dia filipino buhat dito ay pinasasapit namin ang pasasalamat sa mga pinagsangguniang naghandog ng mahalagang tulong na ikinayari ng:. gayon din sa balo ni poblete at sa katotong sofronio. calderon, alangalang sa mga clise na sa kanilang kagandahang loob ay ginamit namin sa aklat na ito. sa kanilang lahat ang aming boong pusong pagturing. sa aming mga mambabasa ay ihinihingi ng pagumanhin ang isang di naiwasang kapinsalaan ng pagkaligaw ng larawang na sa ika dahon, na napalitan ng iba.",0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante," manang isang gabing ako'nag liliban sa makawiwiling liwanag ng buan kaguiat nagunita ang pinag usapan dalawang dalagang nagsasalitaan. pinangahasan kong ilagda sa papel ang lugod ng puso, at anong gagauin kung di makatagal at kusang hapuin ang isip, sa gayong lawig ng baybain. bakit sa panahong ito'nararapat na ang kahit sino'magtaglay ng ingat sa gugol na pagod, at may munting linsad paasahan mo nang may kataling pintas. kaya sa tula kong mga itititik ang paunang samo, pantas na lilirip, huag paghanapan ng malasang tamis ang bubot na bunga ng unsiaming isip. kung sa pag basa mo'may mapansing hindi tama ang sabi ko'sa isip mo'mali, huag hahatulan ng sira'ang hingi sa pagtutulin mo ay magwari wari. sapagka'kung kaya gumugol ng pagal ang malampang isip kahit gumagapang, adhika ng puso'maguing munting tulay sa tawiring hirap niyaring abang buhay. at kung wala ka mang mapupulong lugod sa bunga ng aking pinuhunang pagod, ito'mabuti ring aliwan ng lungkot lalo'dinadalaw ng sama ng loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"ihahangang dito'ang boong pasiya ay nasasa iyo pantas na babasa, sa isasariwa at ikalalanta ay naroroon din ang aking pag asa. puno nang salita unang pankat sa isang baybaing libangan ng hapis na nasasakupan ng bayang ercanes nayong ma alindog na nakakaratig ng lansangang ilog sa alat na tubig. sa pook ding ito'may isang bakuran na katuatua'dami ng halaman, kaya'sa bulaklak na inia alay magtatamong lugod ang matang tatanaw. sa kalaguitnaan halamanang ito ay mayroon namang marikit na kubo handang palamigan sa buan ng mayo kun ang alinsangan ay sumisimbuyo. dito ri'di iba'may himalang dikit na isang dalagang matalinong isip, anopa'sinoman sa makamamasid ay mahahalatang may lumbay sa dibdib. manang isang dapit hapong makaraan ang dalawang tugtog sa pala orasan, dalaga'nanaog tangkang maglilibang sa magandang kubong talagang aliwan. kapagdating doo'biglang napahilig kasabay ang taghoy luhang nag babatis ay amang ama ko! ang inahihibik ano'inulila ang anak mong ibig?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"ay amang ama kong nagpala sa akin amang nag alaga ng kay inang lihim di ka na naawang iwan sa hilahil akong abang bugtong sa sintang pananim! saan magpupulo'kanginong pagtanaw pipitas ng bunga ng iyong palayaw? wala na banta ko'hangang kamatayan ang pagpapala mo'di na madudulang. at diyan sa iyong buhay na sinapit ay walang wala nang oras na tahimik at kulang ang aking luhang nagbabatis sa tindi ng dusa'bumubugsong sakit. ay amang ama ko kung magunamgunam madla mong pag irog at pagpapalayaw ay wala nang langit yaring abang buhay kundi ang malipat sa payapang bayan! hangang naririto sa bayang malungkot at yaring buhay ko'hindi nalalagot ay hindi titiguil ang luhang bubuhos sa hapdi ng aking nasasaktang loob. hahanapin ko nang matagpo ang landas na pinagdaanan ng iyong pag lipat sa kabilang mundo'aanhing magluat ay wala na akong amang lumilingap! sa mawika ito hinga'nagka buhol kaya nga'napatid ang masinsing taghoy, ay siyang pagdating namang nagkataon katotong dalaga ng na sa lingatong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"sa mamasda'dagling nilugso'dinama tinutop ang noo'dibdib ng may dusa saka tinawagan, ang wika'marcela! siyang pagka ugpong nangiling hininga. mata'idinilat at saka nagturing salamat, dalmacia, at ikao'dumating ako'nakalimot at ang mulang dahil sa buhay ng aking amang guiniguiliw. pinatay sa maling hatol ng kastila ng dahil sa sumbong ng masamang dila, ito nama'dina halos nawawala sa piling ng aking lihim na gunita. oo di ko sana dapat na damdamin kun ang kamataya'sa dios nangaling, nguni'sa kanulo ng dilang luciper aling pusong anak ang di pupugnawin? kaya wala na nga akong kahilingan sa dios kung hindi bawian ng buhay, pagka'ang malipat sa payapang bayan ay wala nang pusong marunong mag damdam. kaya nga, dalmacia, ako'nag agap guiliw na kapatid ng pag hinging tauad sapagka'di natin talastas ang oras ng kamatayan kong di na magluluat. sa mawika ito dalmacia'nalugmok nalaglag ang luha'nag buntong himutok walang katuirang nagpapahintulot na sa dalamhati buhay mo'matapos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"magwari wari ka'tingalin ng isip ang pagkalarawan ng santong matuid, na ang lumalabag sa dunong ng langit ay walang wala nang aantaing bihis. pawi ang lumbay mo at ipaubaya sa dios na ama ang boong bahala, walang mangyayari sa tahanang lupa na hindi sa dunong niya nagmumula. lisan ang pighati at alalahanin yaong huling buhay nating lilipatin dito'walang utang na maitatakuil sa dios na hindi daratnan ng singil. kung katotohanang nagbuhat sa upat buhay ng tatang mo ang pagka pahamak asahan mo selang hindi magluluat darating ang ganti,, oras na katapat. at doon sa iyong hangad na madali ang buhay mo'dahil sa laking pighati iyong pagsisiha'baka maguing sanhi ng di pagkakamit bayang luwalhati. sukat hangang dito, giliw na kapatid, di naman pag aral at pag unang bait, iyong pagpilitang iwaksi ng isip ang pighating laban sa santong matuid. walang nararapat kundi ang umayos sa kapangyarihan ng lumik hang dios sanlibo mang ama ang siyang matapos ano'daramdamin sa langit na tulot?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"pusong malulunod sa pighati'lumbay sa laglag ng payo'kusang nanimbulan, sa oras ding yao'ipinagwaksihan ang katalong sindak na kinakalaban. salamat sa iyo dalmacia kong kasi sa pagpapala mo'guinawang sakbibi at kulang ang aking dilang magpupuri sa dapat kilanling lubos mong kandili. na dahil sa iyong payo'pag aampon ligalig ng aking puso'huminahon kung di mo dinatnan, banta ko'nagtuloy yaring abang buhay sa pagkakabuhol. nguni ang hiling ko'isang kasayahan na makapapawi sumimot ng lumbay oo nga marcela'ang lahat ng iyan sa araw ng bukas ay magagampanan. nguni tulutan mo na kita'lisanin si ama'si ina'inip na sa akin at baka ano nang kanilang isipin magmula kangina ng di ko pagdating. at bukod sa rito'dapat ipagsabi sa sintang ina mo, bagay na nangyari at baka sakali na sa dakong huli ako ang patalba'buntuhan ng sisi. di ligaw na balak, dalmacia, kong mutia nguni at ako rin ang sumasangsala sapagka'ang lumbay na gumagambala ay wala na'ngayo'lubos na payapa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,kaya huag mo nang hatdan ng balisa ang dibdib ng aking minumutiyang ina at yaon ay isang makadaragdag pa sa pighating dulot ng pagkaulila. at huag mo sanang lisanin ng bigla akong bagong bagong ahon sa dalita marcela'bukas na tayo magpasasa ng balabalaking magbibigay tua. kay ama'kay ina ang gagawing sanhi na kitang dalawa'dito mananahi kaya paalam na'iwaksi ng budhi ang labag na iyong pagdadalamhati. paasahan mo nang sa araw ng bukas bilang na iisa ang tugtog ng oras magbabalik ako'nang upang magluat sa kubo ring ito kita mag uusap. maraming salamat kapatid na irog ako sana'huag makanlong sa limot kung may buhay lakas naman ay mag utos at sa makakaya'nahahandang lingkod. abo'ang kamay ko'kita'magyakapan hagkan muna kita'ako nama'hagkan maguing tandang saksi ng pagmamahalan at sa tipang oras kita'ina antay. ang pagbabalik ni dalmacia ikalawang pankat. narito na ako marcela.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"mabuting awa ng dios, walang ligamgam na anoman, itinanong sa akin na kun bakit ako naluatan kahapon, ang naguing sagot ko'nagkawili lamang kita sa pag uusap, na kun ano ang mabuting sukat isiping paghahanap buhay; sa sagot kong ito'nalaglag ang kanilang luha at ako'niyakap na pinakahigpit ng aking ina, at ang idinugtong na pangungusap naman nang aking ama ay ganito pakingan mo at aking kakantahin. oo nga, ang damdam ko'makaliligaya. oh bunsong ligaya niyaring aming dibdib bulaklak ng tua'bunga ng pag ibig iyong halamanin sa linang ng dibdib itong tagubiling aking ihahasik. unang una bunso'tibayan ang loob ng mga pag asa sa totoong dios at ang ikalawa'huag kang lilimot ng mga pagtupad sa banal na utos. at ang pagka awa sa kapua tawo huag lilimutin, dalmaciang anak ko, at yaon ang binhing pag aanihan mo sa kalilipatang huling paraiso. ang lahat ng aking mga tagubilin bunso sa dibdib mo ay papagtibain at ito ang gabay na guguyabinin hangang binibig yan ng buhay na angkin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"ikaw aming bunso'magpapakatimbang sa lakad ng mundo'panahong niniral kung sakasakali'makapag tagumpay payapa ka rito'hangang huling buhay. sa mundo'pag di ka natutong nangilag at di tinalasan ang mata ng ingat walang malay malay nayapos ka'sukat niyaong panganyayang lihim na pahamak. ang parang kapatid na pagsusuyuan bunso ko, dalmacia'pailagilagan, sapagka'ang lihim niyang kalooban ay di mo talastas ang patutunguhan. at huag ka namang magpapakaniig sa may asawa na ng pakikipanig sapagka'kung minsa'pinapagdurungis ng palabintangin ang puring malinis. sukat hangang dito, dalmacia kong guiliw tanang mahalagang aking tagubilin, sapagka'ang takda nitong buhay natin ay di natatanto oras ng pagdating. yaong ating bukid kung ako'manaw na ihanap ng tawong marunong magsaka na may sadyang bait na nakikilala nang di ka dalawing ng pagkakasala. at ang magsasaka, dalmacia'ganoon marami ang mga. liban sa di gayon; ang hahanapin mo'ang tawong marunong magmahal sa puri'may sariling hatol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"at kung may panira namang ihahatid na dinadaya ka sa ani ng bukid ay magpakunua ng malaking galit nang may kamtang tua ang may dalang inguit. sapagka'ang hangad ay iyong bawiin sa mabuti'siya ang papagsakahin, ito'asahan mo'kung ga sa patalim ay lalong matalas sa samang gagawin. hangang dito bunso'kung baga sumapit oras ng buhay ko'sa mundo'pag alis ay di kailangang iyong ipa dapit lalo'kapurihan ang nasa ng dibdib. huag na di lamang mabaon sa hukay ang kaawa awang lupa kong katawan: sa mawika ito nalaglag na naman ang luha'gayari ang huling tinuran. katiwala kami ng iyong paglipat doon kay marcela, pagka'sa hinagap kun bagay sa tibay hindi naman sukat magagaping dagli ng may lilong hangad. hangang dito sela'siyang pagkatiguil niyong sa kay amang mga tagubilin anaki sumilang ang mga bituin at naliwanagan isip kong madilim. ano baga marcela ang lasap mo sa mga tagubilin ng aking ama?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"makaliligayang mga pangungusap na dapat halamanin sa linang ng malinis na pagtupad at papamungahin ng bungang dapat iyalay ng sinomang tawo sa banal na hiling ng santong matuid: mabuting ama at nau ukol pakamahalin ng isang irog na anak; datapua'makalalansag sa dibdib nang may pag sintang anak sa giliw na ama. ah oo nga, tunay ang iyong turing, at ibinabalita ko sa iyo ngayon, na noong inilalaglag ng aking ama sa pangdingig ko ang butil ng magandang aral, ay tunay na sa balang sabi, ay nakikibagay ang patak ng matamis kong luha na ito'ibinabalong niyaong guniguni, na paano kaya kung dumating ang panahon ng aking pagkaulila. gaano kaya ang dami ng kakabakahin kong digma ng hinagpis? sa banta ko'di matatantusan at mapipilitang ilugmok sa ipagdaramdam ang magkaroon man ako ng matigas na puso at alipala'di na mangyayaring sapitin ko pa ang ako'maiwan at ligaya ko na sa oras na yaon ang ako'masama sa lupang mapalad na kalilibingan ng irog kong ama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"hangang dito marcela ang nangyari sa oras na ako'pinangangaralan; nguni'pinapansin ko sa iyo ngayon, na kun bakit magmula kanginang ako'nagsasalita, ay nakikisabay naman ang pagdaloy ng iyong mga luha sa mata? aling puso ng may pagsintang anak ang di bubugsuan ng paghihinagpis at manariwang muli ang nalalantang puno ng pighati? saan ka naroon? marcela, maghusay ka nga ng loob at maala ala ko pala'kahapon ay humihiling ka sa akin ng isang kasayahan, ngayon ay wala naman maiya alay sa iyo kundi isang maikling kundiman. tunay nga ba? salamat dalmacia kun gayon ang kinasasabikan kong kanta mong kundiman at upanding makaputol ng muling nag usbong kong kalumbayan, at kun magka gayo'asahan mo namang may kapalit akong kakantahin sa iyo. kun gayo'pakingan mong magaling. mga bulaklak ng nagtayong kahoy at ikaw amihang malamig na simoy magbalita kayo ng aking pagtaghoy sa kinalalag yan ng ihihinahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"kayong sarisaring ibong lumilipad at ang palay palay na hanging habagat ibalita ninyo ang daing ng hirap sa kinalag yan ng ipapanatag. at di maglulubay ako ng pagluhog, kahima'dalita ang awang ihulog ay di mag sasawa ako ng pagpulot at ituturing ding ligaya ng loob. halihalimbawang maguing takdang guhit ng kamatayan ko ang sa pusong nais ay ituturing ding ligaya ng dibdib lalo'mahalatang nagdadalang hapis. tapos na marcela ano baga ang dingig mo? marikit na pagkayari dalmacia ang kundiman mong iyan sino baga ang may gawa ng katha? hindi ko masabi sa iyo, sapagka'iyan ay narinig ko lamang sa isang taga. banta ko'isang pusong nakalutang sa maalong dagat ng karalitaan, na ang inahihibik ay mapasampa sa pampang ng katiwasayan. tila nga; datapua'maala ala ko pala'di baga ang wika mo kangina'pagkatapos ko ng pagkanta ay ikaw naman? may nasubukan ka na ba? wala nga, nguni'baka mo malimutan. kailan ma'kawangis ng guinto ang aking pangako, at nang makilala mo'iyong panaingahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"sisimulan ko na, kapatid na guiliw ang kantang kundimang iyong hinihiling di anhi'may dagat, na hayag ma'lihim mababaw ay hindi matarok ang lalim. sa dalang hiwaga ng nasabing dagat di man matakahin ay manguiguilalas bato'lumulutang na sakdal ng bigat at ang lumulubog ang magaang patpat. at ang mga isdang naglisaw sa tubig makaliligayang malasin ng titig balang malalaki'may tibong matulis at ang balang munti ni walang palikpik. kaya nga at walang pangambang sagpangin at hindi gunita na makahihirin, datapua'kung minsa'nabubulunan din kapag ang sisila'panabong sasamin. at sa dalampasig ng nasabing dagat sabihin ang dami ng batong nagkalat ang katakataka'kaguilaguilalas munti ma'malaki, magkakasing bigat. sa kalaguitnaan ng dagat ay gayon ang sabi, mayroong mataas na kahoy, sanga'malalabay, daho'mayamungmong na nakalililim sa dagat na yaon. sa puno ng kahoy tubig na nunukal walang kasingsarap at sakdal ng linaw at sa dakong dulo'kung anong dahila'bibihirang tamis ang mananamnaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"ihahangang dito dalmaciang kapatid ang kantang kundimang nahiling ng dibdib yao'malaon na sa tandaang isip boong kahuluga'di ko nababatid. marcela, ang iyong kinantang kundiman panahong kastila ang tinatamaan kung ngayo'hindi na, at ang umi iral balang may matuid ang ina ayunan. gayon man marcela'palalamnan ko rin dagat na mababaw ay sakdal ng lalim yaong kababawang ipinagtuturing ang asal ng tawong natatanaw natin. at ang kalalimang hindi matatarok ay ang lihim nilang nangasasa loob at ang mga batong hindi lumulubog ang sa mayayamang katuirang buktot. ang hindi pag lubog ay nakakatigan ng panuyo'suhol ang kapangyarihan kun ngayo'wala nang pusong magdaram dam at ang naghahari'santong katuiran. at ang lumulubog na magaang patpat ay ang katuiran ng tawong mahirap, hindi palutangi'dahilan sa bigat niyaong naglulubog na pabatong pilak. sinasabing isdang nag lisaw sa tubig na ang malalaki'may tibong matulis, masamang mayaman na ang ini isip sa buhay ng dukha'umapit manlupig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"isdang maliliit sa aking palagay dili iba'tayong maralitang buhay kahit may matuid, ay napipilan ng masiglang lakas niyaong kayamanan. at ang punong kahoy na sakdal ng tayog ang pamahalaang ating sinusunod sangang malalabay ang nakalulukob na kapangyarihan sa lahat ng sakop. at ang sinasabing tubig na nunukal sa puno ng kahoy ay sakdal ng linaw, ang tapat na hatol na di nasisinsay sa santong matuid ng kapangyarihan. sangang maliliit ng nasabing kahoy ay ang mga juez, kapitan at hukom na ang karaniwan ay nagsisihatol ng di karampata'dahilan sa suhol. na kapag hinatdan ng pabangong suob at ng sarisaring maligayang handog ay tulad sa bakal nana palalambot at nailalagay sa ibiguing hutok. ang matang malinaw ng santong matuid kusang binubulag dahil ng pag ibig sa pilak, at di na halos ini isip ang kahihinatnan sa huling sasapit. sinasabing batong magkakasing timbang munti sa malaki ang bigat at gaan ang tawong nilikha sa aking palagay guinoo ma'dili iisa rin lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"kailan pa kaya ang ipag babago ng asal mong sama? dalmacia'mali ka ng pag uunawa ang mundo'talagang bayan ng dalita. sa mundo'kung walang ipagpipighati ay dapat tawaguing bayan lualhati, kusang tapatin mo'kun sa aking wari mundo'parang batong kinukunang uri. ng sa dios ama bagang pagmamasid sa balang may pusong wagas at malinis sa kaniya ay laan ang payapang langit at sa pag durusa ang balang may dungis. kaya ang sinoman kung sa ganang akin siya ang bahala sa ibig puntahin dalawa ang landas, datapua'bilin huag pakaliwa'kanan ang tunguhin. lansangang kaliwa ang hindi pagsunod ng tawo sa bilin at utos ng dios nag papakahimbing sa biyaya'lugod na di dinadalaw ng gunita'takot. at ang daang kanan ang hindi paglihis sa utos ng dios na bigay kay moises ang magsipanuto doo'magkakamit niyaong lualhating walang kahulilip. dangan nga kung bakit at di magawian ng tawo sa mundo ang munta sa kanan marcela'bihira'kun magkaroon man ay di naghahangad ng dangal at yaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"pagka'mahaba nang panahon kapatid ang dito sa mundo'aking pagmamasid ay wala pang tawong hindi nag iibig ng yama'sa puri tingalin ng labis. kun ang mga sadyang kuno ay uliran na sasalaminin ng nangamamayan, ay nangag bibili ng di karampatan, niyang tindang sangkap sa pagka binyagan. hangad sa pagyaman kaya lumilihis sa totoong landas ng santong matuid ito'siyang saksing dapat kunang linis ng nangadadayang ating pag iisip. kaya marami na ang ibig bumitaw sa pagka romanong dating kinaguisnan dahil sa halata na kinakalakal ang religiong itong kalinislinisan. ay manong ang aming paumanhing hibik ng di mabalisa kaming dating kabig! magpakitang loob at huag lumihis sa katotohanang landas ng matuid. di bakit si cristo niyaong nabubuhay guinugol ang pagod hirap kamatayan sa sang mundong tawo ay inia alay ang ganap na awang di hangad sa yaman. ang ugaling yao'naha'di mangyari sa nangariritong kuno'kahalili ni cristo, ay bakit hindi bigyang saksi ng katotohanang pagkamakandili?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"hindi'ang lagui naming namamasdan ang kalakhang anyo sa nangamamayan lalo'walang limos ang dukhang namatay ni hindi na nila ibig bendicionan. sa bagay ang isang tawong ililibing bendiciona'dili yao'iisa rin at wala nang daang baguhi'sirain hatol ng justiciang tapat na maglining. at kun ang bendicion ang hagdang pagpanhik sa pinagnanasang bayang matahimik ay di sana nila dapat ipagkait yaong katungkulang ipagkakalangit. pagka'sila'mga laang mapagkupkup timbulan ng sala'ng hindi malunod, ay bakit sa dukhang walang mailimos ang bendicion nila'ipinagdadamot? dito'mababalak na ang pagkaukol sa langit ng tauo'hindi sa bendicion kun hindi sa linis ng puso naroon ang ikararapat sa dios na poon. sapagka'ang handang maligayang langit ay hindi sa libing ang ipagkakamit kung hindi sa gawa'wagas na pag ibig sa dios ang ating hagdan ng pag panhic. gawang kamangmangan ng linahi natin balabaling puri ang dakilang libing gugulin ang pilak sa walang hihinti'ang tinatasaha'bibig sa pagkain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"dalmacia'hintay nga'di na makatiis ako sa lahat mong ipinagsusulit ang lahat ng yao'ano'nababatid ay isa ka lamang tubong taga bukit? tama ang sabi mo kapatid na hirang na yao'hindi ko dapat maalaman, nguni'ito'mga dunong na palagay na higuit sa pari ang pinag aralan. ako naman ngayo'lubos ang tiwala, pagka'siya nilang mga guinagawa: ang magpakahigpit, at ang pagka awa sa kapua tawo'walang mahalata. ugaling kastila'di binibitiwan ng mga clerigong dito'nangaiwan, batang bagong anak na pabibinyagan mag rerecargo na'wala namang utang. sa bayang pulilan ang lalong masaklap sangsalapi'walo ang singil sa binyag, yao'tubig manding sa jordang nagbuhat kaya'mahalaga ang naguiguing bayad. kagagawang yao'sino sa may isip ang di susungkuin ng paghihinagpis? at mapipilitang isigaw ng hibik ang mga paghamak sa wastong matuid. dito mamumulos ang paghihinala na di naman ganong sala ang magdaya sapagka'ang mga may hawak ng tanga sa bawal ay siyang unang gumagawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"akong nagsasabi hindi protestante at sa romanista'lubos ang pagkampi, nguni'hindi kayang bathing kong mangyari na ang hindi tama'siyang manatili. paris ng ugaling guinagawa ngayon, ng maraming pari, liban sa di gayon, kung anong dahilan at pinasusuhol ang may namatayang nagpapa ataul? ito nama'hindi nagbigay gambala sa kanila'tulong lamang ng may awa alin katuiran ang nagpanukalang mag multa ang walang salang guinagawa? ang santong religion baga ang may halal ng ganoong mga palakad sa bayan? sa banta ko'hindi at ang kabanalan ay di nagnanasang mag imbot ng yaman. kung sa bagay amin namang natatatap na kayo ay walang ibang paghahanap at may ilang tawo na kinakagawad na nangagaantay ng ano pang bayad. at saka ang pari nama'may gutom din na nagkakagugol tungkol sa pagkain, dahil kaya roo'di na salang hingin ang labis na bayad sa takdang arancel? ito kaya'hindi kusang pagsalansang sa linis ng utos ninyong sinumpaan? baka sa amin lamang nababawal at sa mga pari hindi kasalanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"nguni at ang inyo namang nakikita sa bayad ng bayan ay labis labis na may dakilang libing, kasal at binyag pa may pamisa'saka sarisaring pista. ito nama'pawang pinagbabayaran ng di naman mura'sa halagang mahal, yaon sa wari ko ay labis na naman aywan sa mga may hangad sa yaman. ang lahat ng ito ay dapat damdamin ninyo'mawiwikang kulang ng pagtingin oo ang sagot ko, nguni'pagwari in na ang nangyayari ang dapat sisihin. dili baga kayo'ilinagdang pastol sa tanang alaga'makapagtataboy sa sawing kalinga ay nangagsilaboy at sa ibang sexta nasok napa ampon. at ang katuirang isinasalita ang sila ay walang aantaing pala balat kayong banal, buting pakunuwa sa bulag na wari umang na paraya. at kung kaya kayo'kurang nangatanghal na pinipintuho sa lahat ng bayan dugo', buhay hirap nami'pinuhunan saka ngayo'wala munti mang pagtanaw. bagkus pang pahirap siyang ginagawa sa buhay ng mga tawong maralita ang limos sa patay na dating mababa ngayo'tinaasa'hindi mapaghaka.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"anong dahil kaya ng sumasa isip kabuhayan nila'hindi naman guipit? yao'nau ukol sa tawong balawis at hindi sa mga salaminan bait. ang ganitong sabing pawang masasaklap di naman mangyaring mabig yan kong salag sa pagka'di lihim at natatalastas ng madla, ang inyong hindi pagtatapat. dahil dito'siyang sanhing nag aakay ng pagkabalisa sa kinamulatan, sapagka'ang landas na talagang daan ng santong matuid ay linilihisan. ano pa'kung aking pagunamgunamin sanhing nagbibigay gulo ng panimdim kung ano'sa mga ulirang susundin doon tumutubo ang. ito sa dibdib ko ang matinding bikik at dahil ng aking luhang naguiguilid kahimawari'magsipanumbalik ang nangaliligaw sa daang matuid. upanding kung tayo'magka ayos ayos sa pagkaka sundo'magka isang loob, magbangon ang ating inang nakalugmok sa nadustang buhay na kulunos lunos. at di mangyayaring itulot ng langit yaong kalayaang ninanaisnais hangang naghahari ang kuhilang isip sa atin, at saka ang ugaling inguit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,ganito ang siyang kutog niyaring loob hindi pangunguna ng dunong sa dios marcela'hingi kong bigyan mo ng sagot kun ang palagay ko'hindi naaayos. dalmacia ay tama ang iyong palagay aywang sa lalong pantas na magnilay na di itutulot yaong kalayaan sa kulang ng wasto'walang kahusayan. nguni ano bagang iyong napapansin at magulong bayan ang ipinagturing? marcela'hindi mo pala nalilining daming nag iibig punong kilalanin. pinangugugulan ng pagod at pilak ang kilanling puno'sa baya'matanyag dalmacia'di natin mabibig yang sukat ang lihim ng puso nila'hinahangad. at sakasakali na ang na sa isip nitong sumasagui sa pag uumibig ang makapagsabog ng malasang tamis niyaong maligayang bunga ng tangkilik. ang pag alis ni dalmacia paalam na mutia'lilisanin irog ang mga titig mong ligaya ng loob oo datapua'huag isalimot akong kapatid mong nahahandang linkod. kun dili kaya ay dito na kita matulog at bukas muwi ng umaga huag na'sakaling baka kumutog pa ang kung ano'ano kay ama'kay ina. adios marcela.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"dalmacia,matnubay sa iyong paglakad ang kapayapaan ako ma'gayondin, buhay mo'ingatan sa gabing pagtulog ng angel na bantay. na huag ka nawang dalawin ng init hanging nagbubunga samang panaguinip ako ma'gayondin ang taguring hibik abot ang kamay ko'magdaop ng dibdib. aalis na akong lingon ka ng tanaw titig ko dalmacia ay pumapatnubay malayong adios, adios din naman lupit ng sakuna ay magpakundangan. ang pagbabalik ni dalmacia ng kinabukasan ikatlong pankat narito na ako kita nama'antay anong buhay ninyo kagabing nagdaan? sa awa ng dios ay walang ligamgam, kanginang umaga'tumangap ng liham. na ang sinasabi tungkol sa pag ibig padala ng isang binatang matalik ng tinatahak na ng aking panitig mahambal ang dating matipid kong dibdib. na dahil sa hibik na kalaguimlaguim nitong nagsasabing kinatawan papel narito marcela at iyong basahin ikaw man banta ko ay mahahambal din. at kung gayon ay makadudurog ng pusong matigas ang haing pag luhog?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"narito marcela'sa kamay ko'abot ang makababaklang daing ng pag irog. babasahin ko na, kapatid na guiliw ang pag sintang mana sa linahi natin huag mababakla ang iyong panimdim sapagka'ang mundo'lubhang sinungaling. palasinta ng binatang si constancio poon ng pag irog huag maguing sawi ang hibik ng pusong na sa sa pighati sapagka'ang sinta'walang hinihingi kundi ang li ngap mong ilulualhati. kaya huag mo po sanang ipagkait ang lunas na awa sa aking pag ibig kung nasasadhan man ang pinto ng dibdib buksi'salubungin ng iyong tangkilik. yayamang sapagka'ang iniluluhog sa mga yapak mo'banal na pag irog, tipid ng bighani mo po'malamuyot na isakandungan ng lingap ang lingkod. papagkamting palad ang sa pusong hibik na ikaw ang maguing ligaya langit ng dustang buhay ko'magpahangang guhit ay paglingkuran kang kabiyak ng dibdib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"nang matapos nang basahin ni marcela ang padalang sulat ni constancio nakilala ko na ang sarap ng daing ng nag umanong puso sa pag guiliw, ikaw ang bahala nguni'pag isipin ang pang adyang dapat sa huling daratnin. sa lakad ng mundo'panahong niniral ang isang parista'sukat katitimbang ang lalong matatag ay nangahahapay sa dunong ng isip nilang mapanglinlang. tama ang sabi mo kapatid na liyag na tayo sa mundo'sukat kai ingat, nguni'sa wari ko'hindi masasalag kapagtalaga nang tadhana ng palad. at may matatandang nagsisipagsabi at sampo ng aklat ay namamarali, tawo sa anomang bagay na mangyari yao'katutubong taglay sa paglaki. dalmacia kung tungkol sa sinabi mo'hanapin nga natin ang pagkatotoo ng isang nangyaring di anhi'ganito na ang nagsasabi ay novelang libro. kuno ay may isang principeng masigla nagtanong sa lalong pantas bihasa ang wika'turan mo na kung sino baga tungo ng palad ko sa pagaasawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"sagot ng tinanong principeng marangal ang takda ng iyong dalang kapalaran ay babaying pangit at di dugong mahal yao'asahan mo'siyang kararatnan. ang dalagang ito'isang fondadista walang hanap buhay liban sa magtinda, anitong principe saan lugar baga ay na sa sa libis ng tulay ng quinta. kung gayon ay ating saglit na parunan ang tungo ng aking dalang kapalaran at tatayahin ko kung may karampatang masukob sa lilim ng taglay kong dangal. yaon na'sa quinta nang sila'dumating itong fondadista'itinurong lihim hindi iba'iyan, principeng butihin ang takda ng iyong kapalarang angkin. ako'aalis na'ang bahala'ikaw mag isip ng lalong kagaling galingan, nguni'ang hula ko'hindi mabibigyan ng litis, at yaon ang pangyayarihan. pinagmalas nanga'pinag isip isip ang maguiguing kasing kabiyak ng dibdib ay walang makitang ipagkakalangit, nagbuntong hininga'luha'bumalisbis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"diyata'ang dugong sa korona galing hamak na babae ang kakasamahin dustang kapalara'nang diko tangapin mag isip ng lalong nararapat gawin. nang hindi mangyari ang takda ng palad putlin ko ang ulo'yaon ang marapat; linapitan na nga'liig ay tinigpas nitong walang malay sa pagkapahamak. at ipinatapong madali sa ilog, anopa'tinanga'ng matuling agos, sa nangyaring yao'sabihin ang lunos ng nangaroroong matang nanonood. pinatay at sukat wala namang sala ang kahabag habag na abang dalaga, alin kayang luha ng makakikita ang di aakaing bumalong sa mata? di naman mangyaring mabig yan ng ganti palibhasa'isang dakilang principe, anopa'wala nang anomang nangyari kung kahima'labag sa utos ng ley. babaeng pinatay sa novelang sulit ay kusang nabuhay sa dunong ng langit at muling naugpong pinutol na liig napadpad sa ibang reino'dalampasig. kagandahang palad natagpo pagdaka ng isang lalaking namamalakaya namangha ang boong pagkatawo niya at sinapantahang diwa'taga gloria.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"wika sa sarili mahaba nang araw ang dito sa mundo'aking pagkatahan ay walang ganitong dilag kagandahan aywan kung mayroon sa langit na bayan. pagdaka'binati ng ganitong sabi: tabi sa dangal mo mahal na babae, ikaw baga'sino'anong layon dini sa ganitong oras at lalim ng gabi? huag maguing sawi ang aking panugon sa kamahalan mo mamang tumatanong, pinagmulan ko po'hindi mapagnoynoy gayon din ang aking dito'pagkatuntong. kabuhayang yari di ko mapag lirip na diwa'nagbuhat sa dunong ng langit pinagmulang baya'di po maisulit at ngayon pa lamang ako nagka isip. kaya ikaw na po ang siyang bahala na dini sa abang buhay ko'magpala; ituring na anak sa pagaanduka at kikilanlin kang amang nagkalinga. kung gayo'halina anang nakapulot nguni'namamangha ang sa tawong loob, pagdating sa bahay ay pinapagsoot ng damit na tuyo ang anak ni venus. at isinalita sa asawang hirang yaong pagkakuhang mahiwagang bagay, sabihin ang tua'di na ibig lisan ng dalawang mata yaong kagandahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"nagsasama na ngang bilang din sa anak; at magulang naman ang gawang pagtupad di ko pagaanhin dumating ang oras lihim ng lumikha'kusang mapatanyag. mag asawang hari ay sa pagpapacial sa lansangang yao'manang naparaan dilag ng napulot ano'nang matanaw ang matuling takbo ay pinapaghintay. sa carrosa ay biglang umibis at sa maralitang bahay ay pumanhik ang kapangyariha'hindi na nagamit ang puso'nabaghan sa himalang dikit. ang mahal na hari tumanong pagdaka. ito baga'anak ninyong mag asawa? sagot ng tinanong dakilang monarka iyan po'pulut ko lamang sa aplaya. na di ko mawari magpahanga ngayon, kabuhayan niya, haring panginoon, pagka'kailan mang kunang ko ng tanong; sabing talinghaga ang itinutugon. kun gayon ang sagot ng sakramajestad sa kalakhan nila'paumanhing gawad kami na ang inyong loobing mag ingat at siya ay aming paparahing anak. oo po hari ko ang panagot namin at sinong tatangui sa magandang hiling, mabigat bigat man na kung sa dadalhin ang atang mo'pilit naming papasanin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"huag lamang haring ibintang ng dibdib na parang gusto na naming siya'malis, mahal na babae tanto mo na'batid itong sa monarkang ipinamamanhik. sagot ng dalaga'may di pangyayari ang hindi pagayo'lapastangang tangui ang damdam ng puso'di na nakaganti sa anduka ninyo at pagkakandili. huag panimdimin at laking ligaya niyaring aming loob ang mapabunyi ka sa kandiling ingat ng ating monarka bakit walang anak ang mahal na reyna. magaganap na po oh sakramajestad ang hiling ng puso maraming salamat babae'kinawit ng reyna at kagyat isasa agapay ng kaniyang lakad. sumandaling hintay ang ipinagsulit sa kamay ni ama muna ay hahalik gayondin sa aking inang nagtankilik ipaalam na'kayo'ingatan ng langit! naghiwalay na ngang luha'nalalaglag nitong maiiwa'magtatamong palad ang mata ng reyna sa laki ng galak di na ibig lisan ang himalang dilag. yaon na'tinungo ang palacio real kapagdating doo'agad binihisan ng damit na piling di sangkap ang dangal ang kahalimbawa'bitwing sumilang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"sa kinabukasan hari'nagpalakad ng utos na gawing pilit ang pagtupad na ang magsabing hindi niya anak ay paakasahang buhay ang katapat. nagpatabas nanga ng damit princesa pinili ang kayong lalong mahalaga at kapagkayari'ipinasuot na walang di hahanga sa himalang ganda. nang princesa na nga siyang tinatanghal sa sakop na reyno ng nagtatangkakal, bilis ng balita ay nangagliparan sa iba'iba pang mga kaharian. sigaw ng balita'ano'naniniig ang napapanahon sa nasang pag ibig? naroon ang ganda na sukat sa titig ay magsisilayas ang lahat ng sakit. bubugtong na anak ang himalang ganda ng nagkakandiling haring magasawa nang ito'marinig ay nagsigayak na ang nangaguusig sa nasang pagsinta. may principe'duque, konde'kaballeros na ang pagsasadya'tungkol sa pag irog at gayon din namang balita'umabot sa taksil na tawong principeng pumugot. nagsadya rin naman na paris ng iba na ang tinutungo'ang nasang pagsinta dilag ng princesa'ng tamaang mata tumapon ang isip sampong kalulwa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"anopa'sinupil nabihag ang dibdib niyaong kay kupidong dahas ng pag ibig nang mag uling loob nagsakdal sa langit na panungtang palad ang magandang nais. nangag alay na nga ng sinta'paglubog ang nagsipagsadya sa nasang pag irog kung anong hiwagang kaloob ng dios ang naguing asawa'ang principeng nugot. ihahangang dito ang kinahinatnan ng abang dalagang kinitlan ng buhay ang principe baga'kung kaya nakasal ay talagang utos niyong kapalaran? ano pang liwanag iyong hahanapin sa nangyaring yaon, kapatid na guiliw, pinutlan ng liig muling nabuhay rin palibhasa'siyang kapalarang taning. tama ang sabi mong nakasal kapatid pagka'princesa nang kagandahang labis kun ang dating buhay siyang ipipilit makalilibo ma'puputlan ng liig. at may pangyayari kayang makasal pa sa lalaking buhay babaeng patay na dito'liwanagan mo nga sa dalawa sa palad at gusto'sinong nangauna?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"itong kapalaran kung pag iisipin ay parang busabus ng pag ibig natin at walang sarili siyang mararating kun ang haring gusto'siyang tumitiguil. aywan sa ibang nangyayaring bagay kung tungkol sa ating dalang kabuhayan may dukhang nanakyat sa luklukang dangal at may darakilang naaaba naman. yaong sinasabing nangapapahamak, nalunod kaya natuka ng ahas baka naroroon ang kaya ng lakas niyaong sinasabing naghaharing palad. nguni'sa kalakhan ng haring pag irog: itong kapalaran ay naninikluhod palibhasa'siya'nahahandang lingkod sa anomang bagay na ipag utos. makahahalakhak kung pagwawariin ang katuwiran mong panagot sa akin, diyata'sa dahas ng haring pag guiliw, itong kapalara'talagang alipin? huag kang palulong irog na kapatid sa dunong ng iyong namamaling isip itanda sa noo at saka sa dibdib na ang kapalaran ay hulog ng langit, di baga ang mga alay na pagluhog sa isang babae'halal ng pag irog ay bakit kung hindi bigyang pahintulot tatanga na lamang at maghihimutok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"nasaan ang dahas ng haring pag ibig na sinasabi mo guiliw kong kapatid? ang kapangyariha'bakit di magamit na ang sumasamong pagsinta'ipilit. asal ng pag ibig ang sumamosamo at sa sinisinta'maghandog ng suyo tuing mahaharap sa langit ng puso'nagpapakilala ng pamimintuho. yaon man at hindi ipagkakaloob ng palad ay sayang ang puhunang pagod, ihahangang dito kapatid na irog, may matuid ka pa bagang isagagot? tama ang tugon mo kung didingin lamang nguni'mayroon pang naninirang bagay pagka'ang pinilit na ikinakasal nulo sa kastila kang ito'panganlan. sapagka'ang dilag ng pag aasawa buhat sa kasundo ng pusong dalawa kailan ma'hindi ganap ang pagsinta walang kabuluhan yaong pagsasama. bakit nang panahong tayo'maligalig na ang pilipino'magsipanghimagsik ay daming babaeng nakasal sa pilit yaon kaya'palad na hulog ng langit? hinayang sa buhay ang sanhing pag amin takot sa maikling pamatay at baril, ngayon ang tanong ko, kapatid na guiliw yaon kaya'utos ng palad na taning?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"di kung gayon pala itong kapalaran ay walang sariling lakas na sinimpan, sapagka'kung hindi huminging tulungan ng baril ay hindi mapilit ang ayaw. at bukod sa rito kapatid na irog kun ang kapalara'sa langit na hulog di na mangyayaring daanin sa takot pagka'yao'bawal ng banal na utos. kaya'anhin ko mang tanungin ang isip nag aalanganing mayag yaring dibdib na pawawalan mong lakas ang pag ibig at ang kapalara'siyang mananaig. ang bagay na ito'sinabi ko lamang di ka pinipilit na ako'ayunan, nguni'sa sarili ng bait na simpan ikaw ang bahalang sa wasto'magtimbang. at kung matagpuan ng pantas mong isip ang kalulunduan ng hustong matuwid hinahong papayag naman yaring dibdib at tatangapin mo ang aking panalig. bakit sa kanitang pagsasamang ganap itong pagtatalo'hindi nararapat at saka himalang makita ng lakas ng lampa tang isip ang ililiwanag. itong atin ngayong pagsasalitaan ng balabalaking magunitang bagay ay para na bagang isang pagsasanay ng tumulin tulin isip tang mabagal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"oo nga marcela'yaon ang matuid hangang nabubuhay sa silong ng langit, ang tawo'piliting dumunong ang isip sa kapanahuna'nang hindi maguipit. mag aral ng mga wastong pangungusap na makakalugdan ng kinakaharap at yaon ay isang karangalang sangkap ng tao kahima'nagmula sa hamak. at ang pangungusap ay ipapanahon huwag sa bala nang salita'tutugon at ang pagnanasang panganlang marunong lalong nagbabansag niyaong pagkagungong. ang palalong anio'kilos na magaslaw sa gawa at wika'pailag ilagan sa isip na puri hindi'kapintasan ang maguiguing bunga'tubong pakinabang. ang pagmamabini'bala'kayong hinhin kung di katutubo naman ay wala ring aantaing puri'bagkus babalutin sa pula'siphayo ng dilang matabil. sampo pa ng ama'inang nag anduka'masasabisabing diwa'nagpabaya, at kung hindi gayo'di naman lalala ang lumaguing gawing may katalong pula. ihahangang dito'dapat ding mag ingat. ang tawo sa pulang nagsalasalabat kung di man maluklok sa dakilang taas ay huag mangyaring malunod sa libak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"ang lahat mong saysay dalmaciang kapatid ay dapat ilimbag sa ubod ng dibdib, nguni'ang hiling ko'huag ipagkait naganti mo na ba ang padalang titik? hindi nga marcela; ito'isang bagay na isasanguni sa pagmamahalan at ipahahayag tanang kalihiman niyaring aking dibdib mula niyaong araw. maniwala ka kapatid na guiliw ang liham na yao'mula nang tangapin salamat at di mo pala napapansin na yaring isip ko'nagpaparang haling. sa alay na sinta ni constancio'hibik nag aalangnin sana yaring dibdib, nguni'sa pasiyang hatol ng pag ibig di dapat itakuil ang sa pusong langit. kaya buhat na nga ng aking tangapin ang padalang liham, kapatid na guiliw, parang binabaka ang gulong panimdim na di matutuhan ang dapat kong gawin. ito'hindi sana dapat pamalayan sa kahit kangino at kahalayhalay na tayong babayi pala'nagdaramdam ng matinding dusa sa nagugustuhan. nguni'sa malinis na pagkakatali ng kanilang puso'nuha'ang bighani na pagtapatan ka'yaring dalamhati ng tungkol sa sinta'magkalualhati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"upanding sa iyong magagandang hatol ligalig ng aking puso'huminahon sa padalang salat cela'nagtatanong kung ano ang dapat na maguing panugon. diyan sa hiling mo guiliw na kapatid na hatulan kita ng itatahimik, walang magagawa yaring aking isip kun ang iyong puso'supil ng pag ibig. sapagka'ang dahas ng haring pag irog ay di gumagalang at di natatakot, walang katuirang ina alinsunod liban sa ang nasa lamang ang masunod. pagpayuhan ka man ng lalong matuid ang kalihiman mo'hindi rin didinig lunas na pagpulhan ng itatahimik ay ang katutubong sarili mong bait. at yaon ang siyang makapag titimbang ng lalong marapat sa kahihinatnan yayamang sapagka'dati mo rin alam ang lakad ng mundo'panahong niniral. iyong magagawa boong pag iingat kung may panimdim kang puri'mapahamak at ang kabaita'siyang naghahawak sa ikasasawi ng daratning palad. ang sinomang tawo'pagka'sinangkapan ng tatlong sandatang talagang panglaban kailan ma'ito'di mo bibitiwan ay dapat umasang ipagtatagumpay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"sapagka'kung ito'di mo isasalong sa digma ng mundong lalang ng panahon ay pakaasahan na ipagtatangol ikaw sa lahat nang sakuna'lingatong. huag maniwala ang lapok na loob na tayong linikha'may talagang signos sapagka'ang tawo'kung sumasa dios ay walang pangamba'hindi matatakot. kaya nga sa awa niyaong matankilik na nagpakaduk ha ay doon manalig na pagpinagtibay ang sariling bait walang magagawa ang lilong panganib. tungkol sa hiling mong kita'pagpayuhan sukat hangang dito ang kaya ko lamang at ang dakong huli ng kahihinatnan ay wala sa aki'ikaw ang may tangan. kaya hangang dito'asahang kalakip sa makakayanan yaring aking dibdib nguni'sa tadhana ng haring pag ibig sarilinan tayo ng mapagsasapit. salamat sa iyo kapatid na guiliw sa mga hatol mong palagay sa akin, na ang kabaitan ang papagtibain at ang pag aadya ng nakop sa atin. paalam na muna ako at aalis si ama'si ina'nang di nai inip kung walang dahila'asahang babalik sa araw ng bukas guiliw kong kapatid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"adios dalmacia'kung walang hilahil inaantay kita sa araw mong taning at ang taguri ko'huag lilimutin ang pagmamahalan magpahangang libing. ang pag babalik ni dalmacia ikaapat na pankat narito na ako kapatid na irog anong buhay ninyo kagabing pagtulog? nagdaang payapa na awa ng dios kayo nama'ano? wala ring sigalot. nguni'nang matapos kami ng agahan tumangap na muli ng padalang liham na ang hinihiling niyaong karaingan ang magandang nasa'bigyang kasagutan. narito marcela at iyong abutin itong ikalawang hatid na pagdaing dalmacia'oo nga'aking babasahin na kung anong bagay ang sa pusong hiling. ang pagbasa ni marcela sa pangalawang hibik ni constancio tungkol sa pag ibig. nunuli na naman ang aking paghibik sa mga yapak mo, poon ng pag ibig, na sa karainga'huag ipagkait ang lunas na awa sa may dusang dibdib. nguni'kung hindi mo naman maaatim ang lungoy ng puso'bawal ng pag amin ay wala nang buhay na dapat ituring at parang himbing na sa hantungang libing.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"kaya kung sakali'nagaalangan man sa hiling ng aking nagdurusang buhay mabighani ka ring iyong pagpayuhan ang sariling puso'magtaglay ng hambal. at nang sa dalita'upang makahugot ang nalulugami sa nasang pag irog ipagkatiwala sa hihinting sagot ang iguiguinhawa niyaring abang lingkod. ihahangang dito at pakahihintin ang tapat mong hatol sa alay kong daing, lakip ang kumusta'sa kayang pupulhin ay natatalagang lingkod hangang libing. sagot ni marcela. dalmaciang kapatid ang ganitong liham ay pabangong suob sa tinataghuyan, upang sa amuki ng pagsintang alay ang pinto ng iyong bighani'mabuksan. ngayon ang tanong ko kapatid na guiliw huag paglihima'magtapat sa akin tungkol kay constanciong handog na pagdaing may palad na baga siyang tatangapin? sa tanong mo cela'bakit maglilingid ang pagsasama ta'higit sa kapatid ang katotohana'siyang isusulit bagay sa binatang dulot na pag ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"nang nakararaang di pa tinatangap ang ina asam kong pahatid na sulat ay nau una na siyang nakalimbag sa lihim ng aking katauhang bihag. at nang tangapin ko ang sinugong titik walang paglulanan ng tua ang dibdib, gayon man ay aking pinatipid tipid na di nagpamalay sa tawong naghatid. anopa'ang aking ligayang tinangap sa pagdating niyaong sinugong kalatas di lubhang nalaon ay nangagsilipas at ang humalili ligalig at sindak. unang nagunita'sanhing nakahadlang ay ang pagka habag sa mga magulang lapastangang anak ang di na tumanaw sa hirap dalita nilang pinuhunan. bukod pa sa rito'nang mag isip isip alab ng gusto ko'nasubhan ng lamig dahil sa balitang aking nadidingig na ang tawong yao'lahing mababagsik. bulong ng himaton kahit may asawa sa ibang babayi ay nakikisama dahil dito'siyang niguil umantala sa malagong tubo ng aking pagsinta. yao'siyang sanhi'bilang na pumiguil sa naunang sigla ng aking pag guiliw, nguni'maniwalang sumasalisi rin sa buntong gunita na siya'tangapin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"ngayon ko natantong anong tinding bigat iwaksi ang sintang diwa'may kamandag? na nananalatay sa lahat ng ugat kaya'di mangyaring biglaing makatkat. nguni paghinahon bulag na pag ibig idila'ang iyong nadidimlang isip kung papatulan mo ang hiling ng dibdib ay mahuhulog ka sa madlang panganib. kung naroroon na sa kamay ng sukab lahing mapaglilo sa asawang liyag di ang kailangang gagawing pang lunas sa hapdi ng puso'luhang tatagaktak. piguil aking loob at alalahanin ang pagaasawa'matinding dadalhin kung makatagpo ka ng ugaling taksil magsisi ma'huli'walang mararating. lalo na'lalaking laguing mapagbintang sa di guinagawa'paghihinalaan, marahil ay di na panghihinayangan sa ikadadali ang lapok mong buhay. lalagui ka na nga sa tinaghoy taghoy magsisi ma'huli'wala nang panahon, anopa'kaya ka lamang huminahon kung maguing bangkay na'katawa'maburol. ito'karaniwang aking namamalas sa mga babaying sinasamang palad siyang umi iguib, kilik pa ang anak na di pinapansin ng lalaking tamad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,sampong pagkabuhay na ipagtatawid ng asawa'mga bunga ng pag ibig ang tungkuling yaon ay wala sa isip at di nahihiya sa nakamamasid. ang lahat ng ito'dapat isadili na kahihinatnan ng isang babayi kung naroroon na'walang mangyayari liban sa managhoy ang iyong sarili. sa lahat ng ito katawan ko'bakit hangang may panaho'milag sa panganib kun katungkulan man ang gawang umibig huag kabibigla at mag isip isip. yaong kay constanciong alay na pag irog na naguing bunga ng aking pagtulog pakapipiliting iwaksi sa loob at sa dalamhati nang hindi mahulog. sapagka'kung siya'magmana ng asal sa mga linahi niyang pinagmulan na nangbabayi at ang katungkulan sa sintang asawa'ipinamimigay. di kung magkagayo'alin pa ang hayap niyaong dalamhati ang hindi susugat dini sa puso ko at gaanong antak ang ipagdaramdam ng saliwang palad? ang lalong marapat ako'mamayapa sa piling ni ama'inang nag andukha at doon na hihintin ang laang tadhana niyaong kamatayang pagpanaw sa lupa.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"sa madlang pasiya niyaring aking dibdib nararapat kaya marcelang kapatid? oo ang sagot ko'hindi nalilihis kung may kapalarang matay sa tahimik. nguni'itong tawo'kung talagang laang sa pag aasawa'mapa abang buhay, ang mata ng isip ay nabubulagan sa masamang palad niyang kararatnan. masdan mo dalmacia'siyang nangyayari sa mapapasawing paris tang babayi, kahima'mayaman at anak sa puri sa sinta ng dukha ay napahuhuli. kaya ang sinoma'bulaan ang bait at ang matalinong mga pag iisip supil ng tadhana'hindi magagamit ang siya'umilag sa maling pag ibig. daming pasalamat ang itinutungkol sa kabaitan mong taglay ang hinahon at di nabalinong puso mo'lumusong sa hiling ng mundo'udyok ng panahon. sapagka'ang isang babaeng gaya ta talagang laan sa pagaasawa, may napapa anyong palad sa guinhawa bukod sa sariling kanlong ng ligaya. bakit ang madalas ay ang pagkukulang ng isang babayi sa asawang hirang, anaki ang ibig ay siyang magtangan ng ipangyayari sa lahat ng bagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"at pagbibintangan ang asawang liyag ng di guinagawa at wala sa hagap ito'di lulubay ng tinalak talak hangal na babaying walang puring ingat. may di pagkabugnot at bigyan ng tabig kung nagupuno na sa di gawing galit, yao'hindi buhat sa talagang bagsik kundi sa babaying samang bukang bibig. halihalimbawang may katotohanan ang bikig ng pusong ipinagbibintang yao'hindi dapat ipagmaka ingay pagka'sa asawang panganib ng buhay. kaya sino ko man irog na kapatid na may asawa nang pinakai ibig kung may panibugho ka mang ini isip ay pakabalutin sa lihim ng dibdib. lalo'may asawa ang patatamaan sa kutog ng iyong maling pagbibintang, di parang ikaw na ang nagpapatnubay sa ikadadali niyaong kamatayan. kung mapanganyaya ang asawang liyag ng dahil sa iyong dilang talipandas maagaw mo pa kayang mailigtas ang nasa kamay na ng pagka pahamak? kaya ang payo ko mga guiniguiliw sa ubod ng puso'itandang magaling kung mayroon ka mang panibugho'tipdin at saka ihibik sa oras na lihim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"na ang sabihin mo'kulang ang ihalik sa bakas ng yapak, asawa kong ibig tungkol sa anyo mong aking namamasid ngayon ang luhog ko'limutin sa isip. alalahanin mo, asawa kong hirang na ako ang iyong katagni ng buhay ikaw ang sinta ko'kaisang katawan kun ang pagsasama'hindi durungisan. kaya ako'huag sanang pagliluhin, pagka'ang damdam ko'karamdaman mo rin sa bawal kong ito'di ka papipiguil magkukusa akong lulusong ng libing. at di makakayang itagal ng dibdib ang parusang ako'dayain ng ibig at ito ang siyang sanhing maghahatid niyaring abang buhay sa hantungang guhit. at ang pagkukulang ng iyong pagtingin sa mga anak ta'ang ihahabilin ang buntong hininga, at anong gagawin sinasamang palad sa amang nag ankin. masdan natin dito kung hindi lalambot sa puso ng isang kasing ini irog at mabibighaning mahambal ang loob lalo'ang luha mo'makitang nanagos. kung sakasakali'hindi rin didingig sa mga taghoy mo'malunos na hibik, sukat sa magbata'idaing sa langit na siya'loobing magbago ng isip.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"iligtas sa madlang abang na pangamba ang kasing irog mong supil ng anyaya ng mundo'ilagay ang boong pag asa sa dunong na lihim ng lumik hang ama. at kung baga siya'di rin magbabago ng pagkalugami sa daya ng mundo ang loob mo'huag namang mabubuyo na sa dalamhati gumanting maglilo. ang isang lalaki kahima'maglihim dilag ng asawa', lalong nagniningning, nguni'kung babayi ang siyang magtaksil ang abang lalaki'nagmumuk hang haling. titigas ang buhok at magbabalita ang kulay at anyong siya'nadadaya sa pagkakagayo'di ka naman kaya nagdadalang habag, babaying kuhila? dilidilihin mo'ikaw ang may tangan niyaong mahalagang putong na kinamtan, na kapag nabagsak ito at pinugay ay parang gumiba ng isang sambahan. salamat na lamang kapatid na kasi kung bigyang panahong magawa ang sisi kamatayan nati'hindi nagsasabi ng araw at oras na ipanagyayari. at magandang pala, irog na kapatid kung pahahatdan kang babala ng langit at bigyang panahon na makapaglinis upanding magtamo ng bayang tahimik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"ihahangang dito'ako ma'hindi pa talastas ang dako ng maguiguing hanga kung may kapalaran sa pag aasawa hangang tumanda sa pagka dalaga. ang pagsagot sa sulat ni constancio. maalaala ko marcelang kapatid yaong kay constanciong sulat na pahatid ating bigyang sagot na ang ninanais ay wala nang daang ipagkaka langit. oo nga dalmacia'siyang katuiran na dapat gantihin ang padalang liham, muha ka ng papel na pagsusulatan na ang ninanasa ay wala nang daan. narito marcela'sa kamay ko'abot ang pagsusulatan ng aking panagot, na ang sasabihin ay walin sa loob yaong pinupulong awa sa pag irog. dalmacia kung gayo'tangni ang pangguhit at ulatan ka ng lampa kong isip na ang balang mali huag itititik hanapin ang hindi damdamin ng dibdib. ang panagot ni dalmacia kay constancio. nahuling pagsinta sa kapanahunan nang ako'wala pang naguiguing katipan kung ngayo'wala nang sukat maguing daan pagka'sa puso ko ay may nagtatangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"hindi taga rito'lalaking mabait ang tinatahana'bayang matahimik pakumbabang loob at mapagtankilik sa kapanahuna'gagawin ang bagsik. kaya huag mo pong ipagdalang lunos ang nabigong palad sa nasang pag irog di na mangyayaring ako'makahagpos sa kamay ng aking kasing nagkukupkop. sukat hangang dito'sa tadhanang laan ng langit, ang tawo ay doon lumagay, yaon ang payo ko'ang taguring ay! tayo'manatili sa payapang buhay. sa lahat ng aking inilagdang titik anong palagay mo dalmaciang kapatid? sa aki'husto na'hindi nalilihis tungkol kay constanciong alay na pag ibig. cela'tiklupin mo'sa pagbabalutan lalagyan ng guhit ang aking pangalan tandang maguing saksing ako ang may bigay sa tawong nagdala ng panugong liham. ang pag owi ni dalmacia. oowi na ako'ang sadyang liwanag nitong boong mundo'ibig nang lumipas oo nga dalmacia'kung may buhay lakas inaantay kita sa araw ng bukas. ang pagbabalik ni dalmacia sa tipang kinabukasan. ikalimang pankat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"malayo layo pa itong dumarating ay nakangiti na ang magandang ngipin itong dinaratnan naman ay gayon ding isinasalubong ang mukhang may aliw. nagyakap na silang puspus ng ligaya parang pusong sabik sa di pagkikita, sa pagkakayapos nang magkabitaw na kay dalmacia'nugnos ang buntong hininga. tanong ni marcela'ano ang dahilan may karamdaman ka bagang tinataglay? oo nga'kung bakit laguing dinadalaw yaring aking loob niyaong agam agam. sa tuitui na'laguing nai isip ang mga babalang pahatid ng langit kung ano'ang aking luha'naguiguilid at napapanimdim ang huling sasapit. kung kahima'kita'nagsasalitaan ng balabalaking maisipang bagay di mo lamang pausing madalas magdaan sa aking gunita ang kutog ng lumbay. ang lahat ng ito'kung aking damdamin ay wala sa loob at di pinapansin ng ibang kapua'nagpapakahimbing sa layaw ng mundong lubhang sinungaling. ano ano naman kapatid na hirang ang napapansin mo sa mundong kasaman? liban sa di gayon daming nagnanakaw ang ari ng iba'lupiguit ma agaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"at sa pagsasamang tanging mahalaga nagsisipaglilo ang isa at isa at kung magkaminsan ay pinapatay pa ang nakapipiguil sa masamang pita. ang pananaghili at ang pagkainguit sa palad ng iba'aewan kung bakit naguiguing bisool at matinding bikig sa puso ng dugong may linahing inip. ipinaghihigpit ng hingang payapa yaong pagtatamong palad ng kapua at pangugugulan ng ikasisira niyaong pangimbulo ng asal kuhila. at saka kung aking pagkurukuruin ang di pagka bangon, inang bayan natin imbot sa pagyaman, ang nakapipiguil, ng kuhilang anak na walang pagtingin. ipinagbibili sa hindi halaga ang mga damdaming pag irog sa ina may asal galalon ano'hindi ka pa tambingan ng walang habag na parusa? sa ugaling gayon may di pagka poot yaong nanunungong mahabaguing dios sa yaman at puring hamak inu ubos ang pagsusumakit nila'paglilingkod. ito ang masaklap ngayong umi iral na inu ugali ng maraming bayan hindi magkaisa niyaong kalooban at ang naghahari ang pag iinguitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"iba'nagsasabing mag atang ng bigat ay di naman kaya ng lampang balikat, anopa'kung baga masunod ang hangad parusa ng baya'damdaming pahirap. ay manong damdamin ang aming pagluhog pilitin ang tayo'magka isang loob upanding sakaling siyang makalagot sa tali ng ating inang nalulunos. hangang dito cela'may di pag sisikip ang poot sa tawo, ng ama sa langit linalapastangan ang santong matuid at ang kaliluhan ang nasang manaig. ano ano naman sintang kapatid ko ang mga babalang di pansin ng mundo? unang unang aking tuturan sa iyo kolerang nunuksa sa buhay ng tawo. at ang ikalawa'ang pagkakamatay ng kawakasing hayop sa ikabubuhay, baboy, mga manok, at iba pang bagay saka ang luluksong salot sa halaman. na diwa'sa boong lupang filipinas ang hayop na ito ay lumalaganap halamang dapuan sa boong magdamag tapos na ang pagod at puhunang pilak. napanganyaya na'wala nang hihintin tulad sa nagdaang sinirang pananim ang pag asa'lubos na may aanihin at nang naglalaman ay saka kinitil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"sa lilimang bagay na aking tinuran ika anim yaong away na nagdaan ito kaya'hindi dapat ipagnilay ng tawo'isipin huling kararatnan? ang dios ay ama ng santong matuid na di mangyayaring gumawa ng lihis, ang lahat ng ito'dapat isa isip at alalahanin ang huling sasapit. kaya nga sa tanang kapatid na hirang ito'di pag unang bait at pagaral, pilitin na nating iwaksi'talikdan ang inu galing hindi karampatan. ang pananaghili at ang pag iimbot sa ari ng ibang namuhunang pagod, huag pagpilitang ikaw ang mag impok at kahalay halay sa tawo'sa dios. alalahanin mong may sangkap ka naman na ipagwawari sa lahat ng bagay may puring sariling dapat pag ingatan at ang malalait na mga magulang. pagkat kun ang tawo'napapakasama na parang bulag na ang pagaakala dalangin ng lahi ay manong mabigla ang kaniyang buhay na kahiya hiya? na dahil sa puri ng minulang buhat ay nangadadamay sa pula'paglibak kaya hinihiling ng lahat ng anak na siya sa mundo'huag nang magluat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"kun ang kahinlugang dapat magmasakit ay nananalanging buhay ay maligpit ang di kamag anak anong maiisip di ang daganan na ng sangmundong sakit? at saka ang tawo'kundi tatalikdan ang pagkakasalang kinadudumugan ay hindi malayo na tayo'pahatdan ng parusang walang dalang pakundangan. kaya nga sa tanong guiliw na kapatid ito'hindi naman pangungunang bait pilitin na nating limutin sa isip ang lahat ng gawang laban sa matuid. mangag sipag sisi'gugulin ang luha ng paghinging tawad sa poong maygawa at magsi pangakong di na magnanasa sa linaguing gawing asal na masama. upanding kung baga'makita ng dios na tayong lahat na'nagbabagong loob, mahabag at di na ituloy ang poot bagsik ng parusang kakilakilabot. kaya sino kamang nagpapakahimbing sa layaw ng mundo, dibdib mo'pukawin hangang may panahon ay samantalahin yaong pagsisising lubos na taimtim. yamang talastas mo na ang ating buhay ay hindi lalagui sa lupang ibabaw at may takdang guhit yaong kamatayan na pagtuntong doo'tapos na ang layaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"kaluluwa natin ay pilit haharap sa handang hukoman na sakdal ng taas at uusisain ang lahat at lahat inasal sa mundo'gawang hindi tapat. gahanip mong sala'walang makakanlong sa tunog ng juez na tatanong doon at kung malining na'gagawin ang hatol sa dalawang bagay na maguiguing ukol. at sa pagdurusa'kung doon mahulog ang maguing pasiya ng hatol ng dios, yaon ang dalitang kakilakilabot at hirap na walang hangang pagkatapos. kaya mabuti rin ang may binhing hasik budbod na pananim sa bayan ng langit upanding mag ani ng linamnam tamis at kaligayahang walang kahulilip. ang imperiong yao'hindi napapasok ng kahima'sino'ng ligalig lungkot palibhasa'bayan ng santas at santos na nangag aalay ng puri sa dios. doo'walang gabi ang saad sa aklat wala namang araw, buang sumisikat ang kapangyarihan ng dios na wagas ay labis sa madlang tanglaw na liwanag. naroon din nama'iyong makikita ang luklukang hayag ng virgen maria alay ang maraming puri'pagsasaya ng mga virgenes sa payapang gloria.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"ang ligayang yao'walang pagkatapos walang pagkabago at lubos na lubos hindi paris dito na sa munting lugod dusang langkay langkay ang ganting kasunod. kaya nga ang dapat ay magsamantala hangang may panaho'talikdan ang sala at huag pawili sa tamis ng lasa nitong bungang mundo'may lihim na pakla. yao'pawang daya'lalang na hikayat ng taga averno, kaya nga ang dapat gamitin ang tatlong katutubong sangkap at ang kaluluwa'nang di mapahamak. kun ang lakas natin ay mapipipilan ay huminging tulong sa kapangyarihan ng poong lumikha, at di papayagang masupil ng lilong digma ng kaaway. ating dalanginin ng taos sa dibdib yaong kamatayang sakdalan ng tamis kaluluwa nati'nang upang magkamit niyaong luwalhating walang kahulilip. sukat hangang dito, marcela ang galaw ng mga pagpitas nitong lamang bayan, ang magandang suyo nawa'ipatnubay ng may awang langit hangang nabubuhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,ang ating harapin ay ang makatumbas sa ama at inang namuhunang hirap oo nga dalmacia at kang matutupad yao'mamumunga ng magandang palad. nanatili nangang kanilang ilagan ang madlang paraya nitong kamunduhan at walang hinarap kundi ang mag alay ng magandang suyo sa mga magulang. sa bakas ng yapak ng kadalagahan ang lumagdang isip nito'nag aalay ng munting gunita na kunang uliran yaon kay marcela'kay dalmaciang buhay. kung baga sa isang araw na sumikat ay di nangulimlim ang pagliliwanag buhat sa mula pa ng pagkakalapat ng kanilang dibdib na parang sinukat. ang ali'alin mang datnan ng ligamgam ang sing isang puso nila'nagdaramdam gayon sa ligaya namang kinakamtan walang natatanging pagsasarilinan. kung sakasakali at may maling isip ang ali'alin mang sinsay sa matuid ay nasasansala at naihahatid hangang sa hantungan ng itatahimik. sila'marurunong magbigay pitagan sa bala'bala nang dapat na igalang ito'pakorona'putong na bangibang sa puri ng mga nagpalang magulang.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"maiingat silang magbalot sa lihim ng puring hindi pa panahong sayangin magagandang loob, marunong tumingin sa buhay ng dukhang di gawing pansinin. nangag aabuloy ng makayang habag sa kahit sinomang lugami sa hirap, hindi nabubuyo sa maling hikayat ng mapag anyayang isip sa pahamak. ang magyao'dito at makipanayam sa di kaugali ay naguiguing bawal, lalo na'ang gawi ng makakararal ay manirang puri ng sa ibang buhay. at kahit binaka ng haring pag ibig yaon kay dalmaciang matibay na dibdib ay hindi nangyari na ipinalupig at ipinagtangol ng sariling bait. bilang naguing kuta ay ang pagninilay at ang pagka habag sa mga magulang, pinilit ang loob na makipaglaban sa dahas ng sinta nama'nagtagumpay. at ang nanatiling nasok sa panimdim sa kay jesucristo ang puso'ihain huag magasawa'baka ang sapitin ay ang dalamhati sa kakasamahin. sinabi kong ito'di naman paghadlang sa mga dalagang panahong niniral at ang matrimonio'mahalagang bagay kung sakasakali'mapag iingatan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,"yaon ang halamang habilin ni cristo pinangagalingan ng tawo sa mundo diyan nagbubuhat ang papa'obispo cardenal at saka ang mga ministro. anopa'kung baga mapag iingatan ang pagkakalinga sa santong halaman dito pa sa lupa'pakikinabangan hangang sa lumipat ng payapang bayan. nguni'kun ang dahil ng pag aasawa ng isang babayi sanhi sa anyaya ng mundo, at hindi bibigyang halaga ang pagmamahalan mahaga'hindi na. kaya nga mga binibining hirang kayo sa sariling laguing magninilay at hingin sa dios na paliwanagan kun ang inyong isip ay pinagdidimlan. muhang halimbawa at kayo'pumaris doon kay dalmaciang dunong na mag isip hindi nabighaning natol sa pag ibig at ang alaala'ang huling sasapit. at kung mangyayari mahalintularan yaong kay marcelang mapayapang buhay hindi nabighaning ang puso'ibigay sa parayang hiling nitong kamunduhan. ang pagka dalaga'hihiguit pa mandin sa apat na puong taon kung bilangin walang hinaharap kundi ang maghain niyaong pagmamahal sa inang nag angkin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Morante,kaya nga mga binibining irog na ina alayan niyaring paglilingkod maraming salamat kung ang iyong loob sa gandang anyaya'magsi alinsunod. yaong pagsasamang walang kasing tamis ni marcela'saka ni dalmaciang ibig kunang halimbawa'nang upang magkamit ng kaaya ayang buhay na tahimik. at kung magkagayo'maraming salamat sa napapanahon ng kahimanawari'mag si sabog kong taguri ng.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"jose at kanyang mga nayon ng lalawigang morong ay balot katahimikan at ang kadiliman ay naghahari sa mga lansangan, kaparangan at mga bulu bundukin. walang gumagambala sa piping kapanglawan ng gabing nangyari ang simula ng kasaysayang ito, liban sa tilaukan ng mga manok na nagsasabing ang sandaling iyon ay hating gabi. walang ano ano, sa gitna ng katahimikan ay nadingig ang yabag ng isang kabayo sa may hulo ng nayong masantol na nalalayo sa bayan ng may mga limang libong dipa. ang takbong matulin ng kabayo'humina ng nalalapit na sa nayon, at ng natatanaw na ang unang bahay ay huminto at ang nakasakay ay lumunsad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kung pagmamalasing mabuti ang anyo ng naglalakbay na iyon sa hating gabi ay makikita, na, siya'isang binatang lumabas pumasok sa dalawang pu'dalawang taon; ang kanyang pagmumukhang nasangag sa init ng araw ay nagpapahayag ng isang kalamigang loob na may halong katalaghayang makaaakit sa sino mang makakaharap; datapwa'ang kaniyang magandang tindig, ang anyo niyang banayad at ang kaliwanagan ng kaniyang noo na wari'nagsasabing hindi naugali sa pagyuko, ay nalalaban mandin sa kanyang kagayakan na binubuo ng isang mambisa at pantalong kulay abo, salakot na may palamuting ginto at pilak, botas de montar, espuelas na pilak, isang balaraw dalawang revolver sa magkabilang baywang at isang rifle . nang makahinto na'maitali ang kabayo sa isang puno ay pinagduop ang dalawang kamay sa labi at ginayahang makaitlo ang huni ng bahaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"hindi pa man halos napapawi ang tunog ng huni'nagbangon ang isa katao sa isang bunton ng yagit na nalalayo ng may mga dalawang pung hakbang ang agwat sa kinatatayuan ng ating binata. bigyan po ni bathala ng magandang gabi ang aking kapitan ang bati ng bumangon sa bunton ng yagit. ano ang balita, kaibigang pating? kung sa balita po'marami, nguni'kakaunti na ang panahon; kung ibig mo pong masunod ang iyong hangad ay kailangang makarating tayo ng bayan sa loob ng isang oras. kung gayon ay may panahon pa akong magpahinga ng kaunti at maisalaysay mo naman sa akin ang lahat ng namatyagan sa bahay na pinabantayan ko sa iyo. nakahanda na bang lahat nang tao? kung gayon ay umupo muna tayo at ipagsabi mong lahat ang nalalaman. ang dalawa'nagtigisang putol na kahoy at nangagsiupo sa tabi ng isang puno ng mangang kalapit. ang una ko pong ginawa ay ang makituloy sa kalapit bahay ni tininting moneng at mula roon ay minatyagan ko ang mga nangyari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"nakita ko pong sa maghapong araw ay walang hinto ang paghahanda at pagyayao'dito ng mga dalaw at kamag anakan ng dalagang ikakasal; nguni'ang binibini natin ay miminsang lumabas sa kaniyang silid at ng makita ko'may bakas na luha ang mga pisngi at ang namumugtong mga mata ay nagpapahayag ng malaking kadalamhatian. sa pamagitan ng may ari ng bahay na aking tinuluyan, na gaya ng pagkaalam mo'aking hipag, ay pinadating ko sa dalaga ang sulat mo pong ipinabigay at inantabayanan ko ang sagot. may mga isang oras at kalahating nagantay, bago ko nakitang nabuksan ang bintana sa silid at may isang maputing kamay na naghulog ng kaputol na papel na aking pinulot at binasa. ang napapalaman ay ganito: ikaw na wari'nagdudulot sa maralita kong buhay ng isang maligayang lunas ay pinasasalamatan ko ng labis, nguni'. mahirap ng mangyari ang maiwasan ko pa ang huling sandaling ikapupugto ng aking pagasa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"gayon ma'maraming salamat matapos kong mabasa ang sulat ay inihanda ko na ang lahat ng tao at pinagbilinan ng mga gagawing alinsunod sa utos mo. mabuti kung gayon. nguni'ipahintulot mo po sa akin ginoong kapitan ang isang tanong. ano'hindi pa po natin utasin ang taong nakukulong sa ating yungib? matandang pating! ang buhay ng taong iyan ay mahal sa akin ang sabing matigas ng ating binata at ang sumaling sa kahit isa niyang buhok ay magkakamit ng kaparusahang ikadadala sa boong buhay. nalalaman mo kung sino ang taong iyan? patawarin mo po ako capitan sa aking sinabi sapagka'ang nagduyok sa akin sa pagtuturing ay ang hangad na mawalan tayo ng isang binabantayan at ikaw po naman ay maalisan ng kagambalaan. alam mo ba matandang pating kung bakit ako napalulong sa pamumuhay na itong lubhang maligalig? hindi po; at wala akong nalalaman, liban sa, ikaw po'nakisama sa amin at ng mahuli ni villa abrille ang ating pamunuang si tankad ay ikaw ang kinilalang kapitan ng lahat ng tao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kung gayo'pakingan mo at itanim sa puso ang aking isasalaysay. munting huminto ang nagsasalita; at ng matapos na mahaplos ang kaniyang noo na dinalaw mandin ng isang pag uulap ay itinuloy ang pagsasaysay. ako'anak ng isang dukha sa bayan ng. at ang kabataan ko'nangabay sa maralitang tahanan, na, kahit dampa ay hindi sinisilayan kailan pa man ng kahapisan, sa pagka'ang kaligayahan nang isang tunay na pagmamahalan ni ama'ni ina'siyang tanging naghahari sa aming kubo. datapwa'sumapit ang isang araw, ako niyon ay may labing dalawang taon na at marunong ng bumasa at sumulat ng kaunti, na si ama'nagkasakit at sa dahilang kami'mahirap ay inutusan si ina na singilin sa isang nagngangalang kapitang tiago, ang kulang sa kabayaran ng dalawang pung kabang palay. si ina'umalis sa amin ng magtatakipsilim at tumungo sa bahay ng mayamang sisingilin, nguni'nakatugtog na ang animas ay hindi pa dumarating kaya'sa kainipan ni ama'pinasalunuan sa akin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ng ako'papanaog na sa aming bahay ay siyang pagdating ni ina, na humahagulgol at ang pananamit ay halos gulagulanit. aywan ko kung ano ang nangyari, nguni'ng dumating ay napaluhod sa harapan ni tatay na kasabay ang sigaw na: ayokong pumayag, ayoko, datapwa'pinagtulungan ako ng panginoon at dalawang alilang lalaki; ako'inahiga ni kapitang tiago at. ayoko; ayoko. si ina'ay ulol ng umuwi. sa laki ng kasawiang dinanas ay hindi nakatagal at natimbwang na walang diwa sa sahig ng aming bahay. nang makita ang gayon ni ama at maunawa ang nangyari ay nagbangon sa pagkakahiga at tinalon halos ang aming hagdanan, na dala ang isang itak. ano ang nangyari? aywan ko; datapwa'ng kinabukasan ay wala na akong ina at si ama ay nabibilango, dahil sa kasalanang pangloloob. saan ako tutungo sa gulang kong labing dalawang taon at papano ang pagpapalibing sa aking ina?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ako'lumapit sa lahat ng aming kakilala at ipinanghingi ng limos ang kahalagahan na ipagpapalibing sa bangkay ng aking magulang, datapwa'ng ako'pauwi na sa amin ay nasalubong ko ang taong siningil ni ina at ako'ipinahuli sa dalawang civil na kasama, sapagkat ako'anak ng mangloloob. dinala ako sa cuartel at ipinasok ako sa calaboso at doo'aking nakita na si ama'halos naghihingalo na lamang at ang katawa'tadtad ng latay. gayon daw ang pahirap sa mga magnanakaw! isang buntong hiningang malalim ng binata ang pumadlang sa pagsasalaysay at isang nakatanang luha ang namalisbis sa kaniyang pisngi, at ang mukha niyang aliwalas at laging malumanay ay dinalaw ng isang kabangisan. napatitig sandali sa langit, nguni'ang titig na iyon ay isang pagsisi mandin doon sa na sasa kataasan na siyang inaakalang nakakapamahala sa kalupaan. ang titig ng isang lucifer ang tumapon sa mga mata ng isang may mukhang banayad. magnanakaw si ama! ang taong maniningil, ng puri'kaligayahang nawala'mangloloob!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ang tanging nasambit ng aking kaawaawang magulang ng ako'matanaw na umiiyak sa kaniyang piling. ako'napayakap sa katawan ni tatay na pigta sa dugo at nawalan ng diwa. isang malakas na palo ng yantok ang nagpabalik sa budhi kong tumanan. ilang sandali akong hindi nagkamalay tao? aywan ko, nguni'ng aking imulat ang mga mata ay nakita kong ang bangkay ni ama ay na sa isang munting papag at pasan ng apat kataong maglilibing; susundan ko sana, datapwa'ang sakit ng aking mga buto'hindi nagpahintulot sa gayon, kaya'ako'naiwan sa calaboso na, bukod sa salanta ang katawan ay isang araw ng sinkad na hindi kumakain. isang gabi pa akong nakatulog doon sa kalait lait na kulungang kinamatayan ni ama. nang kinabukasan ay pinalabas ako sa tulong ng ilang palo pa, kaya'sa pamagitan ng munting lakas na nalalabi sa akin katawan ay naginot akong makarating sa aming bahay na inabot kong bukas at wala ang bangkay ni ina. sino ang nagpalibing?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sa aking kamusmusan ay wala akong naisip liban sa akalang baka dinala ng asuang ang bankay, sapagka'dito sa atin ay karaniwan ang paniwala sa gayon, lalong lalo na sa mga kabataan dahil sa mga na didingig sa matatanda. wala ng luhang tumutulo sa aking mga mata, sampu niyang mapait na yaman ng ating paningin na wari'nagpapaginhawa ng kaunti kung dumaloy ay nagkait na sa aking kapighatian, sapagka'sa dalawang araw na itinangis ay natuyo na mandin, gaano ang sising bumukal sa aking bibig, sa dahilang ako'hindi pa malaki! higanti at higanti ang sumusulak sa aking dibdib! higanti sa mayamang gumaga sa aming pagaari at humalay sa puri ni ina; higanti sa mga justiciang hindi nagtangol sa nilupigan, kundi bagkus nagpahirap sa naapi. nang ako'aalis na sa aming bahay ay siyang pagdating ng isang taong nagsalita sa akin ng ganito: ikaw ba amang ang anak ni mang mundo? nabatid kong lahat ang nangyari sa inyong magaanak at natanto ko rin na ikaw ay ulila ng lubos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ako ang naglibing sa bankay ng iyong ina. oh salamat po. ang wika kong kasabay ang pagkakaluhod sa harapan ng taong iyon. ikaw ay walang kamaganakan dito, sapagka'ang mga magulang mo'taga. jose sa morong ibig mo bang sumama sa anak ko sa maynila upang mag aral doon? ikaw ay hindi ko ibibilang na alila, kundi pinakakasama lamang ng aking anak; ikaw may magaaral din. sa laki ng utang na loob ko sa taong iyon ay hindi ako nakasagot, ng ayaw kahit lubos na nalalaban sa loob ko ang maging utusan. pinasalamatan ko ang himok na iyon at ako'sumama. manga ilang araw lamang ang nakaraan, at, iyong batang patay gutom, iyong ulilang walang kamag anak ay naging isang nagaaral sa. juan de letran at kasakasama kahit saan pumaroon ng isang kapwa batang anak ng matandang maawain. hindi alilang utusan ang kanyang lagay kundi isang anak din ng nagaampon at kapatid ng kaniyang anak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"nagdaan ang pitong taon, at sa panahong iyon mandin ay naparam sa alaala ko ang aking karukhaan at ang kahapishapis na kinahinatnan niyong mga sawing palad kong magulang at nakatulog wari sa loob ng aking batang puso iyong higanting halos sinunpaan ko sa sarili. datapwa'dumating ang isang araw na kaming dalawang nagaaral ay naanyayahang dumalo sa isang piging sa daang dulumbayan sa maynila at doon ay dumalo rin ang isang kasama namin sa colegio na kaakbay ang kaniyang ama, na, mula ng dumating ay waring pumasok sa loob kong ang pagmumukhang iyon ay aking naaalala. inanyayahan kaming kumain at sa paguupuan sa dulang ay napasiping sa akin ang matanda. ilang salitaan ang nabuksan at sa isang paguusap ng ukol sa mga bayanbayan ay napasalingit ang pagkakakilala na kami'magkababayan. iyan man po'kababayan din natin ang turing ng anak ng nagampon sa akin at itinuro ako sa mantanda.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ang tanong na wari'may munting pagkakamangha ng kinausap at ako'pinagmasdan tila nga naaalala ko ang mukhang ito nagaaral din bang kasama ninyo? opo ang tugon ng aking kasama iyan po ang anak ni mang pitong at ni aling mensia. pitong, mensia! anang matanda na wari'hinahalungkat sa kaniyang pagiisip ang gayong mga pangalan ah! naalala ko na, kung gayon ay ito ang anak ng nagnasang mangloob sa akin. nang madingig ang sabing iyon ay nalito ako, ang lahat ng dugo ko mandin ay sumulak sa aking mukha at ang noo ko'nagalab. sa isang kisap mata halos ay tuminbuang ang matanda sa tabi ng dulang dahil sa sugat na gawa ng sundang na kagamitan sa pagkain. ang sumunod na bumulagta sa isa pang saksak ay ang anak na nagnasang magsangalang sa ama. pagkatapos niyon, ako'nagtatakbo na hindi alam kun saan tutungo, at daig ko pa ang ulol. ako'hindi nahuli at nakarating ako sa novaliches ng gabi ring yaon. nang kinamakalawahan ay isa na ako sa inyo at magmula niyon ay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"nagbago ang palakad ang putol ni pating magmula niyon ay dumalang na ang panghaharang sa mga daanan, nguni'lumimit ang paghahati ng mga salaping nagagahis sa pangloloob. magmula noo'bayan ang tirahan ng lahat, ang bundok ay naging isang tagpuan ng mga magkakasama at ang yungib na dating tahanan ng mga pinaguusig ng civil ay naging tahanan ng mga binibining binibihag, na matapos maalagaang wari'mga princesa ay pinauuwing hindi man pinakikinabangan ng sino man sa atin at wala mang tubos. itong ating inaabatan ngayon na ilang sandali na lamang at ikakasal, ay babantayan na naman marahil at pagkatapos ay ibabalik na muli sa kaniyang magulang ng. walang ano man. ang gayon ay hindi dapat ipagdamdam ng isa man sa inyo, sapagka'kahit hindi ko hinihingan ng tubos ang mga binibining binibihag ay hindi naman nawawala ang inyong kahati sa pagpapagod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"oo, nga po; nguni'ang dinaramdam naming lahat ay ang hindi mo man lamang pinakikinabangan ang mga bihag na iyan, dahil sa kung makaraan ang dalawang araw sa pagkakapiit at matanong mo kung may isa man lamang na lumapastangan, umaglahi nagkulang sa balang nasabi ay pakakawalan mo na'pababalikin sa kaniyang bahay na may kaakbay pang magsasangalang sa paglakad hangang sa makarating sa kanila. kung gayon ay bakit pa nagbabayo at nagsasaing kung hindi din lamang kakanin? ah.matanda kong pating! nalalaman mo baga kung bakit ako nangbibihag ng mga binibining anak ng mayayaman? upang malasap ng mga mayayamang iyan ang pait ng magdamdam ng dahil sa kapurihan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"lahat ng makaalam ng pagkabihag sa isang binibini'magsasapantaha na hindi na dapat asahang mauuwi na taglay ang linis na dating kipkip, kahit tunay na alam mong kung sakali'may dalagang nagluwat ng apat na araw sa ating yungib ay hindi dahil sa ating pinipiit dahil sa ikinahihiya niya ang mabalik sa sariling tahanan, sapagka'wala na ang kaniyang kalinisan, kundi dahil sa talagang nasa lamang ng may katawan ang lumagi pa ng isang araw sa ating tahanan. hindi mo lamang po batid kapitan ang sanhi ng ipinagkakagayon. tunay at sila'ating iginagalang at walang makapangahas na umaglahi man lamang dahil sa pangingilag sa inyo, nguni'ang gayon ay makapipigil kaya na ikaw ay ibigin ng dalagang nabihagan ng puso? at ito ang sanhi ng kanilang hindi pagbalik na kusa sa sariling tahanan; at kung hindi dahil sa ngalang pagirog mangyayari pa kayang tayo'makatahan sa yungib na iyon sa karamihan ng dalagang nakaaalam, sa dahilang hindi naman natin tinatakpan ang mga mata kung pauwiin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"at ano ang sanhi ng pagkaalam natin ng mga nangyayari sa bayanbayan sa pamagitan ng mga ichay, marcela, juana, cion at iba pa? hindi mo lamang alam ginoong capitan na ang mga binibining ating pinawawalan ay piit din kahit na mabalik sa kanilang tahanan. itong sasalakayin natin ngayon ay isa rin kayang titinagin at pagkatapos ay pauuwiin? itong sa ngayon ay hindi bibihagin kundi ililigtas sa mga kamay ng ganid na magulang na pinipilit ang anak na pakasal sa hindi iniirog, ng dahil lamang sa paglingap sa yaman ng magiging manugang. ay ano po ang mayroon sa atin sakaling mangyari man ang gayon? wala nga kung sa bagay, nguni'ibig kong ipabatid sa mga masasakim na iyan na kung silang mga tulisang bayan ay may kalakasang makapawi ng isang damdaming tinataglay sa puso ng isang umiibig ay may tulisang bundok namang may lalo pang lakas upang makapagsangalang sa mga naaapi'nalulupigan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ang binatang magbibigti sana kung hindi natin natagpuan, at nakukulong ngayon sa ating yungib ay siyang iniibig ng binibining ating aagawin. alam mo kung sino ang bagongtaong iyon at kung bakit iniwasan ko ang ako'kaniyang makilala? iyon ang dati kong kasamahan sa pagaaral; iyon ang anak ng maawaing nagampon sa akin. ngayo'kapanahunang dapat kong bayaran sa kaniya ang malaki kong utang na loob. kapitan ang biglang putol ng matanda na napatingin sa dakong silangan tila oras na, sapagka'ang talang bakero ay nakasipot na sa silanganan at ang ating mga kasama marahil ay nangagaantay. nang masabi ang gayon ay nagtindig ang dalawa sa pagkakaupo at nangagsilakad na tinungo ang bayan. wala pang ika apat ng magmamadaling araw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sa bahay ni tininting moneng ay malaki ang kaguluhan; ang mga bataan ay hindi halos magkamayaw sa pagmamadalian, sa pagaayos, dahil sa ng araw na iyon ikakasal ang anak na dalaga ng mayamang matanda at ang magiging asawa kahit kasingulang ng ama ay siya namang pinakapangulo sa yaman sa bayang iyon. papanong hindi malaki ang handa at marami ang magsisidalo? nguni'sa gitna ng kaguluhang iyon, ang tanging tahimik ay ang silid na kinalalagyan ng dalagang ikakasal. nalutulog pa kaya? ito ang ating alamin. sa silid ay walang tao kundi si benita lamang at siya'nakaluhod sa harap ng isang larawan ng ina ng dios, at doo'nanalanging kasabay ang isang timping panaghoy. makaraan ang sandali ay nagtindig at tinanaw ang isang orasang na sa tapat ng pintuan. aniya at nalugmok sa isang uupan sandali na lamang at ang mapait na taning ay matutupad na. kung ikaw ay buhay ay hindi ko disin sasapitin ang magkaganito na mapapakasal sa isang taong kinasusuklaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"masabi ang gayon ay lumapit sa isang mesa na kinapapatungan ng isang botellitang may laman, isang tintero, pluma at papel . umupo sa piling ng dulang at itinitik sa kaharap na papel ang ganitong talata: huwag ninyong sisihin ang sino man ng dahil sa aking pagkamatay, sa pagka'walang may kagagawan kundi akong mag isa lamang. hindi ko maamin ang mapakasal sa taong kinasusuklaman. sa kabilang buhay na kita mag isang puso. matapos maisulat ang gayon ay sinungaban ng nanginginig niyang kamay ang botellitang may lason. nguni'ng nasasabibig na ang labi ng botella ay may nadingig na kaluskos sa nakalapat na durungawan at ito'nabuksan upang makaraan ang katawan ng isang binata. ani benita at waring tatakbo ngunit natigilan, at sa pagkagulat ay nawalan ng diwa. sandali na lamang sana'natupad ng binibini ang nasang pagpapatiwakal. lalong mabuti ang wika sa sarili ng pangahas na pumasok sa durungawan, na dili iba'ang binatang tinawag na kapitan ni matandang pating.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"lalong mabuti ang ganito at walang sagabal sa pagdadala. nang matapos na masulatan ang kaputol na papel na iniwan sa ibabaw ng altar ay kinandong ang katawan ng nabulagtang dalaga at inilabas sa durungawan. iwan natin siya na dala ang mayamang pasan at ang ipatuloy ay ang pagsasalaysay ng nangyayari sa kabahayan. tumugtog ang ika apat at kalahati at ang mga gawain ay lalong nag ulol sapagka'nagdatingan na ang novio at ilang panaohin. isa'isa'nagaalay ng maligayang bati sa matandang mapalad na magaari sa kagandahan ni benita. si matandang moneng ay hindi magkasiya sa katuwaan; at ng masalubong ang mga huling dumating ay lumapit sa pinto ng silid at tumugtog dahil oras na ng pagbibihis ng ikakasal. kinatog ang pintuan, nguni'walang sumagot; kinatog na muli at gayon din. baka po nakakatulog pa. ani kapitang ape, na dili iba'siyang magiging asawa. inyo pong tawagan ang payo naman ng isa. anang ama na kasabay ang katog. wala ring tumutugon sa loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ang halos sigaw ni tininting moneng na may munti ng galit dahil sa baka uulitin na naman ng kaniyang anak ang pagpapahayag ng hindi pagsang ayon sa kasalang iyon. wala ng oras na ipagaantay, sapagka'magliliwanag na at ang pari marahil ay nakahanda na rin. ang sigaw ng amang nagagalit at biglang itinulak ang pintong nakalapat. nasira ang cerradura at ang dalawang dahon ng pinto ay nabukas. ang lahat ay nagitla, nguni'ang pagkamangha ay nagtalo ng matanaw na walang tao ang silid. lahat ay patakbong pumasok sa pook na iyon datapwa'walang natagpuan kundi isang botellitang may tatak na arsenico at ang dalawang sulat na kilala na ng bumabasa ang laman ng isa, sapagka'siyang sinulat ni benita bago nagtankang magpakamatay, at ang isa naman ay ganito ang nasusulat: sa lakas ng pilak ay mayroon pang dumadaig; ang lakas ng lakas . juan masili. juan masili! ang hari ng mga tulisan ang bulong na bumukal sa lahat ng bibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"marahil ay nangapahinto ng malaon ang mga naroon kundi siyang pakadingig ng isang sigawang galing sa daan. anang mga taong na sa lansangan. nagkagulo at nagpanakbuhan ang lahat, datapwa'isang alilang humahamangos at halos wala ng hininga, dahil sa pagtakbo, ang lalong nagpalala ng gitla. kapitang ape, kapitang ape ang sigaw ng bagong dating ang bahay mo po'nilooban ng tulisan pagkaalis mo at pagkatapos ay sinunog; ang pinakapangulo po ng nangloob na nakakabayo ay may kandong na isang babaying diwa'dalagang ikakasal dahil sa kagayakan. si tininting moneng ay nalugmok sa isang uupan at si kapitang ape ay kumutkot ng takbo na patungo sa kaniyang bahay. wala siyang dinatnan kundi ang pagkabatid ng katunayan ng kaniyang kasawian at wala siyang natanaw kundi ang pagaalab na ng may kalahati ng dati niyang magandang tahanan. umakyat kayo ang sigaw ng matanda sa mga taong nangagsisitakbo umakyat kayo at maraming salapi sa cajon ng aparador.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"nguni'sino ang mangangahas na pumasok sa isang bahay na ang kalahati ay nagaalab? kaya'ng walang makingig ay siya ang pumasok. sandali lamang at nakita sa kabahayan, ng mga nasa daan, ang anino ng pumasok, at pagkatapos ay isang oh! ang bumukal sa lahat ng bibig. siyang pagbagsak ng bahay na nagdidingas. nang kinabukasan ay nakita sa bunton ng abo ang katawang tupok ng mayamang kapitan. nang kinabukasang iyon ay dapat sanang siya'sumasaligaya, kung matatawag na kaligayahan din ang magpasasa sa kagandahan ng isang babaying napilit lamang. kay daling humalay ng kapalaran at kay daling magbago ng kulay ng isang pag asa! nguni'saan napatungo si benita? ito ang alamin natin. lalong mabuti ang wika ng binatang tulisan ng makita na ang dalaga'nawalan ng diwa, at masabi ang gayo'kinandong at inilabas sa bintana. apat na lalaking kasama ni pating ang sumalo sa pangahas na kapitan at matapos na makasakay sa kabayo ay sinapupo ang binibini.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ngayon pating ang wika ng kapitan sa kaniyang matandang kabig ay dapat mo nang sundin ang pangalawang bahagi ng aking mga utos at nasa kong tanglawan ng isang sulong malaki ang aking pagdadaanang lansangan sa pagdadala nitong mayamang pasanin. ang salitaang ito'nangyari sa dakong likuran ng bahay ni tininting moneng ng kasalukuyang nagdadatingan ang manga unang dalo na kasabay ang noviong si matandang ape. matapos ang salita nang binata ay pinalakad na ang mga kausap; siya'lumiko sa isang daan na patungo sa bahay ng kapitang ikakasal, na, sapupo ang babaying walang malay tao at nang nalalapit na sa tinurang bahay ay nag utos sa mga taong nakita roon, na pawa niyang kampon. kunin ninyo ang lahat ng madadala ang wika niya at aantabayanan ko ang paglalagablab nang sulong tatanglaw sa aking lalakaran, sapagka'diwa'tinamad ngayon sa pagsikat ang araw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sa utos na ito'nangag galawan ang may dalawang pung lalaki na pawang sandatahan, na nangakahanay sa dalawang panig ng daan at nagsitungo sa bahay ni kapitang ape, na sa mga sandaling iyon ay nasabahay ni moneng na kaniyang bibiyinanin. makaraan ang sandali'nangakapasok ang ilan sa bahay na lolooban, at nagsimula ang pagkakagulo, sapagka'ang mga alilang nabiglaanan sa gayon ay walang ibang ginawa liban sa tumakas; nguni'hindi nangakalayo ang mga nagulat na utusan, sa dahilang sila'nadakip ng mga na sa labas nang bahay, kaya'naging saksi silang lahat sa pag uutos ng binatang nangangabayo na pagpapadingas ng bahay, nang makitang ang mga nagsipasok ay lumabas na may dalang tigiisang balutan. pumasok ang isang naiwan sa labas at mayamaya'nagsilakad ng lahat ang magkakasama sapagka'sa kadilimang hindi pa hinahawi ng kaliwanagan ng sisikat na araw ay namukod ang pulang ibinuga ng nag aalab na bahay. ang sigawan ng tulisan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ay nadingig halos sa lahat ng pook ng bayan at ang mga justicia ay lumipana sa paghabol, sa may dakong luwasan, sa mga tulisang nagtungo sa hulo. alam na nating ang isa sa mga alila ang nagbalita kay kapitang ape sa nangyaring loob at alam din natin ang kinasapitan ng matandang ikakasal sana, kaya'ang sundan natin ay ang pangulo nang tulisan na nangangabayo'dala si benita. ngayon di'dapat magsitungong lahat sa yungib at doon ko kayo aantabayanan upang magawa ang lahat ng kailangan ang wika ng binata sa mga tulisan ng sila'malayolayo na sa bayan matandang pating umangkas ka kung ibig mo, sapagka'kailangan kung dumating kang aking kasabay sa kinalalagyan ng binatang binabantayan. magpatakbo ka na po kahit hindi ako kaankas at pamumuntutan kita ang wika ni pating ng maiabot sa isang kasama ang kaniyang dala. kung gayo'halina anang binata at pinatakbo ang sinasakyang kabayo na wari'hindi nagiindang kapagalan sa bigat na dala. ang yungib ng bundok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"mateo ay tahimik at walang gumagambala sa kaniyang kapanglawan liban sa ang lagaslas ng mga sanga at dahon ng kakahuyan na pinagagalaw ng simuy na malumanay ng hangin sa paguumaga. sino mang malalapit sa pook na iyon ay magsasabing wala isa mang tao, nguni'kung mamataan ang isang sulok ng yungib ay makikita na may isang nakapangalunkot. walang ano ano'biglang tumindig ang bantay at waring may pinakingan. narito na sila ang sabi sa sarili ng taong nagiisa sa kasukalang iyon na walang ibang dumadalaw liban sa mga hayop ng kagubatan. hindi pa man halos natatapos ang kaniyang pagsasalita ay siyang pagdating ng nangangabayo. wala pong ano man ang wika ng dinatnan. tulungan mo ako anang binata at iniabot ang maganda niyang dalahin na hindi pa pinagsasaulan ng hininga ating ilagay sa dati kong tinutulugan. ang dalawa'pumasok sa loob ng yungib at ng napapaloob na nang mahigit sa dalawang pung dipa sa pintuan ay pinisil ng binata ang isang ungos ng bato.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"nakadingig ng lagitik na wari'gawa ng isang bagay na mabigat at biglang nabuksan ang malapad na batong hindi makikita ng sino mang hindi nakatataho ng lihim na iyon. pumasok ang magkatuwang at inilapag ng marahan ang dalaga sa isang hihigan. ang iyong binabantayan? ang tanong sa kasama ng pinuno ng tulisan. nakakatulog pa po sapagka'gabi na ng magpahinga, sa dahilang wari'malaki ang hangad na huwag na siyang umagahing buhay. ipinainom mo ang ibinigay ko sa iyong tubig? hindi po, dahil sa hindi kumain. kung gayon ay magbalik ka na sa iyong pagbabantay sa pinto at bayaan mo akong mag isa; patuluyin mo agad si pating. ang pangalang sinambit ay naging wari isang tawag sapagka'siyang pagdating ng matandang tulisan, kaya'ang inuutusan ay bumalik na lamang sa pinto ng yungib. mabuti nga'dumating ka; ating tingnan ang dating bilango. malaon na pong hindi pinagsasaulan ito ang wika ni pating ng makita si benita. bayaan mo'hindi iyan magigising hangang hindi ko ibig: pinaamoy ko ng pangpatulog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"masabi ang gayon ay tinungo nilang dalawa ang sungki ng isang bato at pumasok sa isang puang na hindi mahahalata ng isang hindi bihasa sa pook na iyon. nang makapasok na'makapangabila sa bato ay naglagay ng takip sa mukha ang ating binata. ang pinasukan ay isang pook na nakukulong ng bato at ang tanging nilulusutan ng hangin ay isang butas sa bubungan na may limang dipa ang taas. isang tinghoy na nakasabit ng mataas ang tanging tumatanglaw sa pook na iyon na kinalalagyan ng isang bagong taong biglang nagulat at nagising dahil sa kaluskos ng mga nagsipasok. wala kayong mga damdaming lalaki ang wika ng dinatnan, na wari'may talagang malaking kagalitan sa mga kaharap. masasabi mo ang ibig sabihin at hindi ka namin papatulan; alam mong sa gaya naming may pamumuhay ng ganito ay walang kabuluhan ang buhay; ikaw ay isang kaawaawang nagnanasang magpatiwakal at dahil sa ano? sa dahilang hindi kailangang matanto ng iba anang napipiit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"hindi nga kailangang matanto ng iba, datapwa'alam ko ang sanhi, at dahil doo'humadlang ako sa hangad mong pagpapakamatay. ang wika mo'wala akong damdamin; namamali ka. kung mayroon kang damdamin ano'di mo payagang bigyan kong hangan yaring pagkataong naubusan na ng pag asa? ano ang masakit sa iyo kung ako'mamatay mabuhay? naubusan ka ng pagasa? alam ko, na dahil sa pagkamatay ng iyong ama ay nagisa ka na sa mundo at lubos kang naghirap sapagka'ang taong pinagkatiwalaan ng magulang mo upang pasapitin sa iyong kamay ang kayamanang pamana ay nagtaksil, at ninakaw ang salaping dapat sanang ibigay sa iyo; hindi lamang iyon; sumapit ang isang panahon na ikaw ay napalulong sa pagirog at ang iyong inibig ay tinankang agawin ng. hindi lamang tinanka anang bagong taong kausap kundi sa mga sandaling ito'nilalasap na marahil ng matandang mayaman sa kandungan ng aking giliw, ang tamis ng kaligayahan. oh, kay hirap ng mahirap!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ikaw marahil ay inupahan ng taksil na umagaw sa aking pagirog upang sumalansang sa aking hangad at ng maragdagan pa ang talagang kapaitan ng pagkabatid na naglilo sa kaniyang pangako ang babaying pinaglaanan ng boong buhay. ngayon ay inaantay kong ibalita mo sa akin kung naganap na ang kasal ni benita kay kapitang ape. ang pinuno ng tulisan ay napangiti sa salitang iyon ng kaharap. hindi ka ba nananangan sa dios? walang dios ang mahirap ang tugon ng may nasang magpatiwakal. hindi ka na umaasa sa pagibig ng iyong sinta? may pagibig bagang maaasahan sa katawang walang puso? hindi ka naniniwalang may kabihisang langit ang naghihirap? hindi, sapagka'ang langit ay bukas lamang sa mga may pilak. taong walang panalig! sumunod ka sa akin at ng matanto mong ikaw ay nagkamali sa lahat ng iyong hinaka. sukat na ang tugon ng bilango kung papayagan mong ako'magpatiwakal ay susunod ako sa iyo, nguni'kung hindi, ay bayaan mo na akong magpakamatay dito sa gutom.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"siya, ikaw ang bahala anang pinuno ng tulisan kung ibig mo ang magpakamatay ay gawin mo, nguni'sumama ka sa akin. kung gayon ay oo. ang sagot nang bilango at tumindig sa kinauupan. kinalag ni pating ang tanikalang nakapipigil sa binata at ito'sumunod sa pinuno ng tulisan na tumungo sa kinalalagyan ni benita. ibig mo ang magbigti anya sa bagong kawala ngayo'tinutulutan na kita, nguni'sa tabi ng babaying iyan ka dapat magpakamatay sapagka'siya man ay nagnasa ring magpatiwakal ng dahil sa iyo. ang binata'napaluhod sa piling ng dalaga'biglang napasigaw nang: benita! aking irog! anya ng makitang hindi kumikilos. hindi anang tulisan natutulog lamang. masabi ang gayon ay winiligan ng kaunting tubig ang mukha ng dalaga at ito nama'nagising. saan ako naroroon? anang binata. ani benita ng makilala ang kaharap aking buhay! aking irog! ang dalawang dibdib na naghirap ay nangagpahingalay sa isang mahigpit na yakap. hindi ka ba nagpatiwakal? ang tanong ni benita sa kaniyang giliw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"hindi ka ba napakasal? anang binata. hindi ang sagot ng tulisan sapagka'humadlang ako, upang sumapit ang sandaling ito, na ikagaganti ko sa isang malaking utang. ako ang sumulat kay benita, ako ang nagpapadala sa iyo enrique ng salaping hindi mo matalos kung saan nangagaling niyong ikaw ay nasasalat, ako ang sumalansang sa pagpapatiwakal mo, ako ang numakaw kay benita bago sumapit ang oras na pag inom niya ng lason, at sa isang sabi, ako ang nagnakaw ng kayamanan ni kapitang ape. at sino ang makagagawa ng gayon? ang halos panaba'na tanong ng dalawa. si juan masili anang tulisan at inalis ang takip ng mukha. ang wika ni enrique. oo nga: ako ang pedro mong kaibigan at kapatid na inampon ng iyong magulang niyong magisa na sa mundo, nguni'sa bundok ay ako ang juan masili. nang kinabukasan ay tumangap si tininting moneng ng isang lihim na pabalita na ang kaniyang anak na dalaga ay na sa colegio ng concordia at doon mangagaling bago ikasal kay enrique manapat na siyang tunay na iniibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"nakaraan ang dalawang buwan. ang panahong ito'ginugol ng mga civil sa paghanap sa hari ng mga tulisan; nguni'ng walang mangyari sa kanilang paghabol ay humuli na lamang ng apat na taong bukid at siyang pinaratangan na nangloob kay kapitang ape. ilang cruz del merito militar ang naging pinakaganti sa pagkakahuling iyon. datapuwa'ang sundan natin ay si tininting moneng na ng araw na iyon ay lumuwas sa maynila. ano ang dahilan ng gayon? kung ating unawain ang lihim na kagalakang nalalarawan sa mukha ng ating matanda na nagbago na ng asal mula ng araw na hindi natuloy ang kasal ng kaniyang anak na si benita kay kapitang ape, ay makikilala natin na ang kasayahang iyon ay galing sa pagkabatid na ang bugtong na bunso ay ikakasal kinabukasan sa tunay na iniibig. nang kinabukasan ng pagdating ni tininti sa maynila ay ikinasal si benita at si enrique sa simbahan ng kiapo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,ang naganak sa mga ikinasal ay isang nagngangalang pedro gatmaitan; nguni'kung pagwawariin ang kaniyang mukha ay makikilala na siya'kamukha ng binatang kausap ni matandang pating niyong madaling araw na nasunog ang bahay ni kapitang ape. sa bayan ay pedro gatmaitan at sa bundok ay juan masili na pangulo ng mga tulisan. ang taong ito'nabubuhay pa ng taong datapuwa'ng magkagulo sa kabite ay hindi na nadingig ang kaniyang pangalan.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa. presidente nang gobierno revolucionario pamunoang tagapagbangong puri si apolinario mabini, taglay ang puspos na galang, ay dumudulog po sa inyo at nagsasaysay sa pagka'di nalilingid sa kaniya na sa ganitong kapiitan nang bayan ay may katungkulan ang sino mang taga pilipinas na umabuloy sa boong makakaya sa pagtatayo ng lubhang malaking gawa ng ating pagbabagong buhay, at natatanto din ang pagkakailangang magcaroon ang bayan ng kamunti man lamang pagkaaninaw tungcol sa katatayoan at pagkabuhay ng isang bayang nagsasarili, upang macapamili ng lalong maigui, ay sumulat ng isang munting libro na ang pamagat ay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa pagka'walang nakahihila sa kaniya kundi ang nakaisaisang hangad na paquinabangan ng kaniyang mga kababayan ang kamunti pa niyang lakas, ay namamanhik sa inyo na mangyaring ipalimbag at ipakalat ang nasabing libro at magpasingil sa kangino mang magcailangan nito ng halagang maaabot ng lahat na hanap buhay, upang magamit yaon sa mga kailangan sa pagbabangong puri (revolucion) gaano man ang halaga . ingatan po kayo ng dios na mahabang panahon. tangway ikalima ng julio ng taong isang libo walong daan at siyam na pu'walo . apo mabini. ayon sa kahingiang nangunguna, ay limbaguin at ikalat ang librong sinasabi, na ang halaga ay isang peseta bawat isa, na iuukol sa mg kailangang sinasabi ng gumawa. sa pagca'talastas co na ang pagbabangon ay isa lamang paghahalili pagiiba caya, ay quinusa cong yao'siyang maguing dahil nang iyong ganap na pagbabagong buhay at pagbabalat cayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa bagay na ito'idinulot co sa iyo ang tunay na sampong utos nang dios, upang mataroc mo na ang bait, ang iyong sariling calooban ang nacaisaisang matibay at uagas na patungtungan nang pagaalaga sa iyong ugali, at gayon din naman ang casipagan ang siya lamang lalong matibay na haligui nang pagpapalaqui sa iyong catauan. dahil dito'mapaquiquilala mo na ang tunay na capurihan, ang uagas na camahalan ay di naquiquita sa dugo; cundi sa ugali nang tauo na linalang sa hinga nang bait at sa himas nang malinis na gaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"kinusa co rin namang iguhit doon ang simulang mapagcucunan mo nang dapat asalin sa iyong bayan, na hindi pa na aabot nang iyong pagiisip, alang alang sa pangangalaga at pagpupuyat nang nagpapangap mong ina na malapit pang di palac sa inang pangaman inali; ibig cong ipaquilala sa iyo na ang cagalingan nang isa ay di macacatumbas nang cagalingan nang lahat, na ang isang tauo ay ualang halaga cun ititimbang sa isang bayan hari nangang iuacsi iyang caraycotan at di tantong paghahangad nang iyo lamang na pagcapadasaling na siyang dumadagan at umiinis sa iyo, iyang capanaghilian at pagmamapuri na nacaduduahagui sa iyo at ang cahambugan at catabilang iquinahahalay mo. kinacailangang tunay na butasan mo ang iyong manga ugat nang lumabas na paminsanan iyang buloc at masamang dugong isinilid nang iyong ina inahan, upang yao'quilanlin mong utang sa caniya magpacailan man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,ito nga'di iba ang pagbabagong ugali na hinahagad co: and pagbabalat cayo ay maquiquita mo dito sa panucala sa panahong sasapit. nataosan co caya ang aquing hinahagad?,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"icao na ang magsabi, yayamang dahil lamang dito caya aco cumucuhang tanong sa iyo; nguni'ang masasabi co lamang ay cung pagninilayin mo ang aquin manga gaua, ay, maquiquilalang pilit na uala acong ibang pacay cundi ito: una ay turuan ang manga tauo; saca biguian sila nang lalong malalaquing caluagan at calayaan, nang pagsaquitan nang baua'isa sa boo niyang caya ang lalo niyang minamabuti sa daan nang magaling at nang catouiran; bago co ibubucas ang pinto nang pamamahala sa bayan sa maga marurunong, nang canilang usiguin at lipulin nang ualang saua at humpay ang masamang gaui na binanguit co sa itaas, upang ang manga quilos nang naturang pamamahala ay sumunod sa atas nang bait, maquisama sa gauang magaling at tumungo lamang sa catouiran; tuloy namang aanyayahan nang pacundangan ang manga tumutulong nang lalong malaqui sa manga dadalhin nang bayan, nang pagtatangquilic nang lahat na gumagaua nang magaling at nang pitagan ang manga babaying may puri; at catapustapusa'sa capupunan nang lahat nang ito ay uala acong quiquilingan at uala namang cacabiguin sa pamamahagui nang manga paquinabang at dadalhin sa bayan, upang maitayo co ang casamahan nang manga tauong mahal, hindi sa dugo at hindi rin sa manga carangalang paquitang tauo, cundi sa puso at tunay na carapatan nang bauat isa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"naquita mo na'itong pacay ay mahirap at malaqui; nguni'sa iyo aco umaasa, palibhasa'icao ay malaqui rin at malacas pa. naualan ca nang manga anac na daquila at hindi mapapalitan, nguni'ualang cailangan: gumaua tayo at umasa at ang dios ay laong malaqui sa lahat. una. ibiguin mo ang dios at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay: ang dios na siyang bucal ng boong catotohanan, ng boong catuiran at boong lacas; ang paghahangad ng puri ang siya lamang macaaaquit sa iyo na huag magbulaan, cundi laguing manuto sa catuiran at magtaglay ng casipagan. sambahin mo ang dios sa paraang lalong minamatuid at minamarapat ng iyong bait at sariling calooban, na cun tauagui'consiensia; sa pagca'sa iyong consiensia na sumisisi sa gaua mong masama at pumupuri sa magaling ay doon nangungusap ang iyong dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sanayin mo at dagdagan ang catutubong alam at talas ng isip na ipinagcaloob ng dios sa iyo sa pamamagitan ng pagaaral, at pagsaquitan mo sa boong macacaya ang gauang quinahihiligan ng iyong loob, na huag cang sisinsay cailan man sa daan ng magaling at ng catuiran, ng mapasa iyo ang lahat na bagay na dapat mong cailanganin at sa paraang ito'macatulong ca sa icasusulong ng calahatan: cun gayo'magaganap mo ang ipinatutungcol sa iyo ng dios sa buhay na ito, at cun ito'maganap mo'magcacapuri ca at cun maypuri ca na'ipatatanghal mo ang calualhatian ng iyong dios. ibiguin mo ang iyong bayan inang bayan na ca icalaua ng dios at ng iyong puri at higuit sa iyong sarili, sa pagca'siya ang nacaisa isang paraisong pinaglaguian sa iyo ng dios sa buhay na ito; bugtong na pasunod sa iyong lahi; nacaisa isang mamamana mo sa iyong mga pinagnuno; at siya lamang pagasa ng iyong inanac; dahil sa caniya'humahauac ca ng buhay, pagibig at pagaari; natatamo mo ang caguinhauahan, capurihan at ang dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"pagsaquitan mo ang caguinhauahan ng iyong bayan ng higuit sa iyong sarili at pagpilitan mong siya'pagharian ng cabaitan, ng catuiran at ng casipagan: sa pagca'cun maguinhaua siya'pilit ding guiguinhaua icao at ang iyong casambahay at camaganacan. pagpilitan mo ang casarinlan ng iyong bayan. sa pagca'icao lamang ang tunay na macapagmamasaquit sa caniyang icadadaquila at icatatanghal, palibhasa'ang caniyang casarinlan ang siya mong sariling caluagan at calayaan, ang caniyang pagca daquila ang magdadala sa iyo ng lahat mong cailangan at ang caniyang pagcatanghal ang siya mong cabantugan at cabuhayang ualang hangan. sa iyong baya'huag cang cumilala sa capangyarihan nino mang tauo na hindi palagay ninyong magcacababayan, sa pagca'ang boong capangyariha'sa dios ang mumula at ang dios ay sa consiensia ng bauat tauo nangungusap; caya'ang sino mang ituro at ihalal ng manga consiensia ng lahat na mamamayan ang siya lamang macapagtataglay ng uagas na capangyarihan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ihanap mo ang iyong bayan ng republica, yaon bagang ang lahat na nagpupuno ay palagay ng manga namamayan, at huag mong payagan cailan man ang monarquia ang pagcacaroon baga nang hari; sa pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan cundi ang isa ilan lamang na maganac upang maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na siyang pangagalingan nang lahat na maghahari; hindi ganito ang republica na nagbibigay ng camahalan at carapatan sa lahat ayon sa bait ng bauat isa, nang pagcadaquila alangalang sa caluagan at calayaan at ng casaganaan at cadilagang tinataglay ng casipagan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ibiguin mo ang iyong capua tauo paris ng pag ibig mo sa iyong sarili, pagca'biniguian siya ng dios at gayon din naman icao ng catungculang tulungan ca at huag gauin sa iyo ang di niya ibig na gauin mo sa caniya; nguni'cun ang iyong capua ay nagcuculang dito sa camahalmahalang catungculan at nagtatangca ng masama sa iyong buhay at calayaan at pag aari, ay dapat mong ibual at lipulin siya pagca'ang mananaig ngayo'ang cauna unahang utos ng dios na mag ingat ca at ini ingatan quita. laguing itatangi mo sa iyong capua ang iyong cababayan at lagui namang aariin mo siyang tunay na caibigan at capatid cundi ma'casama, palibhasa'iisa ang inyong capalaran, iisa rin naman ang inyong casayahan at cadalamhatian, at gayon ding nagcacaayon ang inyong mga hinahangad at pag aari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"caya'habang tumutulay ang mga patuto ng mga bayan na ibinangon at inaalagaan ng pagcacanicaniya ng mga lahi at angcan, ay sa caniya lamang dapat cang macuisama at tunay na maquipagisa sa hinahangad at pagaari, upang magcalacas ca sa paquiquibaca sa caauay ninyong dalaua at sa paghanap nang lahat na quinacailangan sa cabuhayan ng tauo. unang tagobilin. tayo ay tinuruan at binihasa ng pamunoang castila at mga paring religioso sa laguing pagtataas nang ating manga mata at ating pag iisip sa isang balobalong langit, upang bayaan natin sila sa pagtatamong hinusay ng mga cagalingan dito sa lupa. caya'lason sa canila ang macaquita at macabasa tayo ng mga librong macapagtuturo sa atin ng mga catotohanang ito, na cung maganap natin ay matatamong ualang sala ang caguinhauahan sa buhay na ito at sa cabila'ang calualhatian at cabuhayang ualang hangan. icaluang tagobilin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang inang bayan ay hindi lamang ang cabayanan provincial, hindi lamang ang bayan (pueblo) at lalong hindi ang lugal na pinanganacan sa baua'isa; ang lahat na cabayanan, ang lahat na bayan at ang lahat na lugal na tinubuan nino mang taga pilipinas, cahit ano ang caniyang sinasamba at ano man ang caniyang salita, ang siyang tunay na bayang pilipinas na ina nating lahat. tungcol sa manga taga pilipinas . manga taga pilipinas: una ang manga tubo sa lupang nasasacop ng republica ng pilipinas; icalaua ang manga anac ng ama inang taga pilipinas, cahi ma'tubo sa ibang lupa; icatlo ang manga taga ibang lupa na nagcaroon ng catibayan ng pamamayan dito; icapat ang manga cahit ualang catibayan ay nabilang na sa manga mamamayan sa alin mang bayang sacop ng republica. naaalis ang pagca taga pilipinas cung lumipat ng pamamayan sa ibang lupa tumangap caya ng catungculan sa ibang pamunoan ng ualang pahintulot ang sa republica.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"nabibilang sa manga taga ibang lupa: una ang manga tubo dito sa republica, cung ang magugulang ay manga taga ibang lupang hindi nalipat dito ng pamamayan; icalaua ang manga anac ng amang taga ibang lupa, cahit ang ina'taga rito, cailan ma'quinilala ng ama ang anac upang masunod sa caniyang pinamamayanan. macahihingi sa kapisanan (congreso) ng catibayan sa paglipat dito ng pamamayan ang manga taga ibang lupang natitira dito alang alang sa alin man sa manga cadahilanang ito: una sa pagca'nacapagasaua sila sa babaying taga rito; icalaua sa pagca'may natatayo silang hanap buhay dito sa capuluan nacatuclas caya ng ano mang mapagquiquitaan na malaquing halaga, may lupain caya bahay na ipinagbabayad ng malaquing ambagan, may calacal cayang pinamumuhunanan nila ng sarili at malaquing halaga ayon sa acala ng capisanan: at icatlo sa pagca'nacagaua ng malalaquing paglilincod sa icagagaling at icatitimaua ng republica.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"mabibilang sa manga mamamayan dito sa pilipinas ang manga anac nang manga taga ibang lupang natitira dito, cun pagsapit sa dalauangpu at isang taong ganap ay mamayan dito at humauac nang ano mang hanap buhay na may casaysayan at tumalicod sa pinamamayanan ng caniyang magugulang sa harap nang catampatan may capangyarihan. ang manga taga ibang lupa ay macatatayo cailan ma'ibig nila sa lupang nasasacop nitong capuluan, at macapaghahauac ng hanap buhay ano mang catungculan na hindi hinihingan nang manga cautusan ng catibayang galing sa may manga capangyarihan dito sa pilipinas. ang hindi nalipat dito ng pamamayan ay hindi macahahauac ng catungculang may taglay na capangyarihan sa bayan macapagpaparusa caya sa tauong bayan. ang sino mang taga pilipinas ay may catungculang manandata at magtangol sa bayan cun siya'cailanganin ayon sa cautusan, at umambag naman ng nauucol sa caniyang pagaari sa manga cailangan ng bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"hindi ipahihintulot sa alin mang cautusan na mabayaran nang salapi ang paglilincod sa sandatahan; nguni'hindi gagamit sa hocbong pangdigma nang tauong dinaan sa pilit haban mayroong maquitang maglincod ng kusa. sino may hindi mapipilit magbayad ng ambagang hindi ipinacacana at tinatangap ng capisanan. ang sino mang taga pilipinas at taga ibang lupa ay hindi mapipiit cundi siya pagbuntuhan nang manga hinalang may caliuanagan at catuiran na siya ang may sala, cun siya caya'nasuboc sa pag gaua nang casalanan. ang sino mang piitin ay ibibigay pagdaca sa hucom na may capangyarihan, at ito'siyang magmamacaalam sa ilalim nang boo niyang pananagot na huag gamitan ang napipiit ng ano mang gauing pagpapasigao at pagpapahirap at agad agad susugpuin ang ano mang maquitang paglabag sa capurihan at mabuting pinagaralan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"capag tinangap ng naturang may capangyarihan ang alin mang napipiit ay uusisaing agad agad cun ito'dinala sa ibang lugal cun pinahirapan, at alin man dito ang nagaua ay gagamitin capagdaca ang paguusig na catampatan laban sa manga nagculang. ang alin mang pagpiit ay pauaualang bagsic isusulong sa pagcabilango sa loob nang pitongpu at dalauang oras mulang isulit ang napiit sa hucom na may capangyarihan. ang pasiyang isadya sa alin man sa cabagayang yaon ay ipatatanto sa may hangad sa loob ng nasabing panahon tacda. hindi mabibilango ang sino mang taga pilipinas cun ualang utos ang hucom na may capangyarihan. ang pasiyang capalamnan nitong utos ay pagtitibayin pauaualang bagsic, capag nadingig ang tinuturang may sala sa loob ng pitongpu at dalauang oras na susunod mulang magaua ang pagbibilango. ang sino mang tauong mapiit mabilango sa caparaanang nasisinsay sa ipinaguutos sa manga gauang di nabibilin sa cautusan ay pauaualan agad sa cahingian niya nino mang mamamayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ibibilin nang cautusan ang paraan nang madaling paggaua ng pagpapaluag na ito at gayon din naman ang manga quinacailangan upang lapatan ng mabilis na parusa ang manga nagsigaua nang di nadadapat na pagpiit pagbibilango. ualang macapapasoc sino man sa pamamahay nino mang taga pilipinas taga ibang lupang natitira dito, nang ualang pahintulot ang maybahay, liban na lamang cun acalain ng hucom na di maipagpapaliban ang paguusisang ito, at cun magcaganito'idadaos yaon sa paraang nabibilin sa cautusan. ang paghahalughug ng manga casulatan at casangcapan ay gagauin palagui sa harap ng mayari nang isang casambahay nito, at cun uala ay sa harap nang dalauang sacsing cahangan cababayan. hindi mapipiguil at hindi rin mabubucsan nang punongbayang hindi hucom ang manga sulat na inihulog sa coreo. ang lahat nang pasiya tungcol sa pagbibilango, sa paghahalughug nang bahay sa pagpiguil nang sulat ay magcacaroon nang cadahilanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sino mang taga pilipnas ay di mapipilit magbago nang bahay ng lupang tahanan, cun hindi ito ipagutos sa hatol na ilinagda nang catampatang may capangyarihan, capagnadingig ang may usap, sa manga bagay na nabibilin sa cautusan. hindi maicacapit cailan man ang parusang samsamin ang manga pagaari at sino ma'hindi maaalisan nang caniyang pamumuhay, cundi yaon iutos nang may capangyarihan sa napagquiquilalang icagagaling nang lahat; nguni'cun magcagayon ma'papalitan nang nauucol sa halaga. cun hindi magcacaganito'aamponin ng manga hucom at ibabalic ang pagaari sa inalisan. hindi rin maicacapit cailan man ang parusang patayin, sapagca'ang tapat na parusang nauucol sa catouiran ay di dapat tumungo sa ibang bagay cundi sa pagbabago at pagbabalic loob ng may sala, cailan ma'ito itutulot ng hayag na pagbabayad sa nagauang sala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"natatangi lamang dito ang paglabag ng manga sandatahan sa harap nang caauay, sa pagca'cun magcacaganito'maaalisan ng buhay ang tunay na may sala, cun mahihila ang boong hocbo sa gauang masama pag hindi ito guinaua. ang republica palibhasa'isang katipunan ay di nagtalaglay ng ano mang religion, cundi ipinauubaya sa consiensia nang baua'catauo ang boong capangyarihan sa pagpili nang inaacala niyang lalong marapat at matouid. caya'sa loob nang bacuran nitong pilipinas ay di maliligalig ang sino man dahil sa manga caisipang tinataglay niya tungcol sa religion at sa pag gamit nang pagsambang minamagaling niya, at ang hindi lamang ipahihintulot ay ang hayag na pagsalansang sa ugaling minamabuti nang lahat nang tauo. gayon ma'di magagaui nang ualang pahintulot ang may capangyarihan ang ano mang hayag na pagbibigay puri sa isang religion. ang sino ma'macapipili at macapagaaral nang gauang lalo niyang minamabuting tunculin sa paghahanap buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang sino mang mamamayan dito ay macapagtatayo at macapaglalagay nang bahay na talagang pagtuturuan pagaaralan ayon sa manga cautusan. ang pamunoan ang magbibigay nang manga catibayan tungcol sa ano mang catungculan at siyang magsasabi nang manga casangcapang dapat taglayin nang lahat na magsipaghangad noon at nang paraang dapat pagcaquilanlan nang canilang carapatan. isang tanging cautusan ang magsasabi ng manga catungculan nang mangagsisipagturo at ng manga patungtungang dapat sundin sa pagtuturo sa manga bahay na palagay nang bayan. ang sino mang mamamayan ay may catouirang: macapagpahayag nang caniyang manga caisipa'inaacala, maguing sa bibig maguing sa sulat, at macagagamit nang limbagan nang iba pang ganitong paraan na hindi mapaquiquialaman at mababago nino man. magcatipon ng tahimic at hinusay. mangagsama at mangaglamita sa anomang cabuhayan ng tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"macapagharap na isa isa pisan pisan ng ano mang cahingian sa kapisanan (congreso), sa tanungan (senado), sa presidente ng republica at sa iba'ibang may capangyarihan. gayon ma'hindi pahihintulutan cailan man sa loob ng lupain ng republica na matira ang manga kapisanan ng manga paring religioso na may sinusunod na puno sa roma sa piling ng papa. ang malalabi lamang dito ay ang manga katipunan (congregaciones) kapatiran (hermandades, cofradias) na lubos na nasasacupan ng obispo. hindi pahihintulutan ang ano man katipunan casamahan tungcol sa magaling, cun ang casulatang pinagcayarian sa pagtatayo noon ay di naquiquita at minamagaling ng tunay na may capangyarihan, bucod lamang ang mga samahan lamitahan sa pangangalacal at ano mang hanap buhay. ang capangyarihan sa paghaharap ng ano mang cahingian ay di magagamit ng alin mang casamahan ng sandatahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"hindi rin macagagamit noon ang sino mang tauong nabibilang sa mga sandatahan, cundi alinsunod sa ipinag uutos sa caniyang casamahan at cung natutungcol dito. ualang maca pag bibigay usap at macahahatol sa sino mang namamayan cundi ang hucom tribunal na may catampatan, alinsunod sa cautusang nangunguna sa, pag gaua ng casalanan at sa paraang nabibilin sa cautusang ito. ang mga namamayang sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad at hindi hampas lupa at hindi rin binibiguiang usap at nahatulan sa ano mang casalanan, ay macapipili at macapaghahalal sa ano mang catungculan sa bayan; nguni'upang mapili sila ay quinacailangan bucod dito na matutong bumasa'sumulat at mag taglay ng iba pang casangcapang hinihingi ng cautusan sa baua'catungculan. tatauaguing hampas lupa ang mga ualang napagquiquilalang hanap buhay, di caya'ualang pinagcacaquitaan cundi ang laro.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang mga babaying taga pilipinas ay di macahahauac ng ano mang catungculang may capangyarihang maca pag parusa sa tauong bayan; nguni'macahahauac ng mga di nag tataglay ng capangyarihang ito, cun nacacapit sa canilang catayuan at cailan ma'sila'di namumuhay ng halaghag at mag taglay ng mga casangcapang hinihingi nang cautusan. ang calamangan nila'hindi papasoc sa sandatahan at di mag babayad ng ambagang iatac iayao sa baua'catauo ulohang ambagan; nguni'mag babayad ng nauucol sa catungculan hanap buhay na canilang hauacan. ang mga nag babayad ng ambagan na sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad, at di nasusucuban ng capangyarihan ng magulang nang asaua, ay magcacaroon nang catuirang macapaghalal sa ano mang catungculan sa bayan, liban na lamang cun iuala nila ang capangyarihang ito sa pamumuhay na halaghag sa pagca'sila'binibiguiang usap nahatulan sa ano mang casalanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang mga babayi ay macapag aaral ng ano mang sanga ng carunungan maguing sa isip maguing sa quimotin talas ng camay sa mga sanayang palagay ng bayan at macahahauac ng ano mang catungculang na uucol sa mga catibayang canilang macuha. itititic ng mga cautusan ang mga patuntungang quinacailangan upang quilalanin sa manga mamamayan at houag mapuing nino man ang mga catuirang quiniquilala sa canila ng casaysayang ito sa paraang hindi maca aapi sa calahatan at sa may mga capangyarihan. pasisiyahin din naman ang pananagot na aacoin ng mga hucom at iba pang may capangyarihan na sumalansang sa mga catuirang ito, pati nang parusang lalapat sa canilang catauan nang casiraang sasapit sa canilang pag aari. at gayon din ihahanay ang mga patuntungang naaayos sa cabaitan at matuid upang mapag tibay sa mga babaying may puri ang galang at pacundangang dapat ibigay sa canila ng mga lalaqui at ang calamangang dapat iparaya sa canila ng bayan sa boong panahon, dala ng mabuting aral at magaling na ugali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang mga catuirang nabibilin sa una, icalaua at icatlong pangcat ng num. ay di masasansala muna, at ang mga taning na natatala sa mga bilang na at ay di mapaglalaonlaon sa cabooan isang bahagui ng nasasacupan ng republica, cundi may cahanganan at sa pamamag itan ng isang cautusang buhat sa kapisanan, capag yao'quinacailangan ng catibayan ng bayan sa panahon ng caguipitan. liban na lamang cun ang kapisana'nasasara at totoong mahigpit ang pagcacailangan, at cun magcaganito'maipacacana ng pamunoan sa ilalim ng boo niyang pananagot at pag naicuhang sanguni sa tanugan ang pagsansala ng catuiran at pagpapahaba ng taning na nababanguit sa itaas; nguni gayon ma'caracaraca'ipagbibigay alam sa kapisanan cailan ma'ito'mangyayari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"at sa cailan pa ma'hindi na macasasansala ng iba pang catuiran at macagagaua ng iba pang pagbago, liban sa nasabi na, at cun cahi ma'pairalin ang gaui ng digma ay ang may mga capangyarihan sa sandatahan ay pilit yuyuco sa mga catuirang quiniquilala dito at di macagagamit ng parusang di nabibilin sa utos. tungcol sa republica nang pilipinas. ang republica ng pilipinas ay ang katipunan ng mga namamayan dito, na natatayo sa lupaing nasasaclao ng mga pulo ng luzong, ng mga bisaya at mindanao, ng capuluan ng jolo at ng iba pang mga pulopuloang nacacapit sa mga sinabing ito at nasasa loob ng calauacang tinatauag ng una pa na capuluan ng pilipinas. ang marianas, ang carolinas at iba pang nasasacop ng pamunoang castila dito sa oceania ay malalaquip sa republica cun sila'talagang maquipag isa sa mga taga pilipinas sa gauang pagbabangon ng casarinlan sariling basaysay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang lupain ng republica ay pagtatangitangiin sa manga nayon, at baua'isa nito'pamamahayan ng ilang maganac na napopooc sa isang lugal. ang pooc ng manga nayon ay tatauaguing bayan at ang pooc ng manga bayan ay panganganlang cabayanan. ang kapisanan ng manga cabayanan ay siyang katipunang tinatauag na republica ng pilipinas. ang republica ng pilipinas ay namumuhay ng sarili at ang pamahalaan niya ay ang nababagay sa caniyang pangalan, sa macatuid ay ang pamamahala ng isang republica. caya nga'mula sa presidente hangang sa lalong maliit na may capangyarihan ay sa tauong bayan huhugutin at ualang ibang gagaoing patungtungan sa pagpili cundi ang uagas na carapatan at lubos na carangalan at capurihan at iba pang cahusayan ng ugali na ipaquita ng isa'isa. ang lahat na catungculang hindi ihalal ng bayan, cahit ano ang uri at gaano man ang halaga ay dadaaning lahat sa sungcaran, upang mahirang ang lalong marapat, at ang matayo doon ay di mapupuing ng pagayon lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang matatangi lamang dito ay ang mga kagauad nang pamunoan at ang mga punongcabayanan at punongbayan na ipalalagay ng presidente, nguni'sa paraang nabibilin sa panucalang ito. ang capangyarihan sa pagcat ha ng cautusan ay tataglayin ng kapisanan, casama ang presidente ng republica na inaalalayan ng tanungan. ang nangangasiua sa pagpapatupad ng mga cautusan ay ang presidente nang republica na tinutulungan nang mga kagauad nang pamunoan at inaalalayan ng tanungan. at ang capangyarihan sa paghatol ay tataglayin nang mga tribunal kapulungan nang catuiran at nang mga hucoman. tungcol sa kapisanan (congreso. ang kapisanan ay isang katipunan nang manga tagatayong inihalal ng mga umaambag na may carapatan, upang mangatauan sa canila at magtangcacal sa mga catuiran at pagaaring nasasaclau nang canilang cabayanan at nang boong republica. umaambag na may carapatan ang mga lalaquing may taglay nang mga casangcapang nabibilin sa num. at ang mga babaying nasasaclau sa icalauang pangcat nang num.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"upang mahalal na tagatayo ay quinacailangan, bucod sa mga casangcapang naulit na nang num. na ang mahalal ay magtaglay nang dalauangpu at limang taong singcad at nagtutumira sa bayan cundi ma'sa cabayanang quinalalagyan ng mga pumipili; sampahan ng isang hanap na malinis at maliuag na maparam na maguing pang agdon sa buhay na catamtaman at di naguiguing utang sa iba; huag magtangan sa bayan sa cabayanan nang capangyarihang macapagparusa sa tauong bayan; at quilanlin siyang isa sa manga namamayang lalong marunong at may sinimpang sariling dangal nang caramihang tauo. hindi macapaghahalal at gayon ding hindi mahahalal na tagatayo ang sino mang humanap nang botos mangaco nito sa cangino mang tauo. ang sino mang may capangyarihan na magcupcup at tumulong sa alin mang naghahangad ay hahalangan sa catungculan at cacapitan nang usap na nababagay sa caniyang masamang quilos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang catungculan nang tagatayo ay siyang lalong marangal sa lahat na mahahangad ng taga rito sa pilipinas, sa pagca'ang caniyang capangyarihan ay lubhang mataas at pinaquiquinang ng di mayabang na urian ng suyo sa bayan. sucat na lamang ang naturang catungculan na maguing tactac na di mapapaui ng capurihan sa maguin dapat sa caniya alang alang sa cahusayan ng paquitang ugali at calaquihan ng na aalaman at casipagan; siya ang catibayan; di mapupuing ng sariling dangal at pag ibig sa bayan. ang patungtungang dapat alinsunurin sa paglalagay ng tagatayo sa bayan ay ang dami ng manga umaambag na may carapatan, at ng matanto ito ay ipacacana ng pamunoang tagapagbangon, caracaracang matamo ang tagumpay at quilanlin ang casarinlan ng pilipinas, ang paggaua sa madaling panahon ng isang censo talaan ng manga mamamayan, at tuloy ipahahayag ang manga tagubiling quinacailangan ng huag magculang at mamali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa talaang ito maquiquita ang dami nang tauo at ng manga umaambag na may carapatan at gayon din naman ang bilang ng manga catiualang matungod sa baua'bayan at ng mga tagatayo ng baua'cabayanan, ayon sa manga susunod. ang manga cabayanang bumilang ng dalauang pu at limang libong mamamayang may carapatan ay magcacaroon ng isang tagatayo. cun humiguit sa dalauang pu at limang libo hangan limangpung libo ay dalaua; paglampas ng limangpu hangan pitongpu at limang libo ay tatlo; cun lumampas pa dito hangan isang daang libo ay apat; at lima cun lumabis pa ng paacyat. ang calabisan sa manga naturang bilang ay di macadadagdag ng tagatayo cundi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan. ang manga bayang di macaabot sa isang libong mamamayan na may carapatan ay pipili ng isang catiuala lamang; cun lumabis sa isa hangan limang libo dalaua; tatlo cun lumampas hangan sampung libo; apat cun lumampas pa hangan labinglimang libo: at lima cun lumabis pa nang paacyat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang calabisan sa manga bilang na ito ay di macadadagdag pag hindi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan. bauat nayong bumilang ng limangpung mamamayang may carapatan ay pipili ng isang matanda; paglabis sa limampu hangan isang daan ay dalaua; mahiguit sa isang daan hangan isang daan at limampu, tatlo; mahiguit na isang daan at limampu hangan dalauang daan, apat; at lima pag labis sa dalauang daan na paacyat. ang di bumilang nang limampu man lamang ay lalaquip sa manga capit nayon sa pag pili nang matanda. ang calabisan na di umabot sa tatlong pu man lamang ay di macadadagdag ng bilang ng manga matanda. ang loob ng bayan ay isang tunay na nayon. hindi mahahalal na matanda at catiuala ang hindi maaaring mahalal sa ano mang catungculan sa bayan ayon sa bilin ng num. nitong panucala, at ang ualang sariling basaysay at pamumuhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"hindi rin mahahalal ang manga tumatangan ng capangyarihang magparusa sa tauong bayan, at gayon ding hindi magagauang matanda ang nagtutumira sa ibang bayan ni catiuala ang taga ibang cabayanan, at bucod pa'itong catiuala ay cailangang matuto ng salitang bayan (idioma oficial). ang paghahalal sa manga matanda ay gagauin sa buan ng septiembre ng taong nangunguna sa pagbubucas ng kapisanan. sa pag gaua nito ay magsasadya ang punong bayan sa baua'nayon, upang ang paghahalal ay maidaos ayon sa ipinaguutos. ang pag hahalal sa mga katiuala ay gagauin sa buan ng octubreng susunod at dahil dito'lalacbayin nang punong cabayanan ang baua'bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa arao na tadhana ng mga nasabing puno ay mag titipon ang mga may carapatan sa baua'nayon at ang mga matanda sa baua'bayan at pasisimulan ang pulong, pag papauna ng puno sa mga caharap na ang tunay na mag sasangalang sa capurihan at cagalingan ng lahat ay hindi iba cundi ang manga tauong tuga at may puring iningat, marunong cumilala at sumunod sa catuiran at masipag; caya'ang macapagsanla nitong tatlong hiyas ang siya lamang dapat macahiram ng pananalig ng bayan. isusunod dito ang paghahalal ng dalauang tagapagsiyasat na maquiqui agapay sa puno at nang isang kagauad na lulucluc sa harap nito at siyang mag tititic sa casulatan ng lahat na mangyari sa pulong, at itong tatlo catauo ay ituturo at huhugutin ng mga caharap sa canila ring nangagcacapisan at siyang maquiqui umpoc sa puno sa tribunal nang paghahalal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"saca itatanong ng puno sa mga caharap cun may ibig mag saysay ng pagsusuhulan sa paglicom ng botos, at cun mayroon ay sa oras ding yao'palalaguian ng ganap na caliuanagan at catotohanan, na hindi na isusulat ang ano mang pag uusisa. cun totoo ang habla ay aalisan ng capangyarihang macapag halal at mahalal naman ang sino pamulpugan ng casalanan, at ito rin ang gagauin sa sino mang mag bangon ng paratang; at ang maguing hatol dito ay di mababago nino man. cun magcaroon nang usapan tungcol sa tinataglay na carapatan nang alin man sa manga caharap ay ang tribunal ang magpapasiya nang lalong matouid at sa maihatol sa oras ding yaon ay ualang macasasalangsang at macasusuay. pagtutuluyan ang pagpili sa manga matanda catiuala, at sa bagay na ito ay lalapit na isa isa sa tribunal, nangunguna ang manga marunong bumasa at sumulat at sasambitin ang pangalan nang manga tauong napipili na isusulat nang cagauad sa harap nang napili sa isang talaang natatalaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"cun ang napili ay di maalam bumasa ay macapagsasama nang isang marunong sa manga caharap, upang maquilala niya na ang pangalang caniyang sinambit ang siyang isinulat. dito at sa alin mang paghahalal ay ang bumutos sa caniyang sarili ay maaalisan nang botos. cun matapos ang pilian ay bibilangin nang puno at ng manga tagapagsiyasat ang manga botos at itititic ng cagauad sa casulatan ang ano mang mangyari. at cun mayari na ang casulatan ay babasahin ng malacas nito ring cagauad at cun ualang bumati at tumotol pag naititic ang ano mang ipacli, ay pagpipirmahanan nang manga caharap cun ang pinili ay manga catiuala, at cun matanda ang manga nahalal ay ang pipilma ay ang manga casangcap sa tribunal lamang. at lulutasin ang pulong pag nabiguian ang mga nahalal ng tig isang salin ng casulatang guinaua, sa may pilma nang tribunal sa bauat salin, at matitira ang sinalinan sa archibo tagoan nang manga casulatan nang bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"upang mahalal ang sino man namamayan quinacailangang malicom niya ang mahiguit sa calahati ng manga botos. ang mga may carapatan cahit ano ang catungculang hinahauacan ay di macapagtataglay nang lalabis sa isang botos, at ang mga taga pag usisa at cagauad ang huling pipili sa lahat. ang punong nanguguna sa paghahalal ay di bobotos; nguni'pagnagca patas ay maiquiquiling niya ang caniyang pasiya upang macahiguit ang caniyang magalingin. hindi maaaring maquisalamuha sa pulong ang sino mang magbitbit nang sandata. sa unang lingo ng buan ng noviembre ay mangagtitipon sa loob ng cabayanan ang mga catiuala ng baua'bayan na dala ang mga saling magpapaquilala nang canilang hauac na capangyarihan, upang maihalal ang mga tagatayong nauucol sa cabayanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang pulong ay pangugunahan ng punong cabayanan sa bahay na itinalaga nito at gagauin itong manga paghahanda: ipaquiquita ng baua'catiuala ang saling dala niya; ihahalal at huhugutin sa nangagcacapisan ang pagcacaisahan nang marami na tatlong taga pagsiyasat at isang kagauad na siyang magnonoynoy sa mga saling iniharap, at ng tatlong sugo na magsisiyasat sa salin nitong apat na nahugot; at bago babasahin ang manga pangcat nitong panucala na nagsasabi ng paghahalal. sa quinabucasa'magtitipon oli at dito'pagnaipagpauna ng puno ang nabibilin sa unang pangcat ng num. ay ipababasa ng malacas ang pinagcatoosan ng manga tagapagsiyasat at kagauad gayon din ang sa manga sugo, at ang pasiyahin ng caramihan sa manga bating ipacli sa manga salin catiuala ay siyang susundin ng ualang tutol sa pangyayaring yaon lamang. bago gagauin nang puno ang tanong na nasasabi sa icalauang pangcat nang naturang numero at gagauin din naman ang iba pang nabibilin sa pangcat ding ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"saca idadaos ang paghahalal nang manga tagatayo sa paraang sinasaysay nang icapat na pangcat nang naulit na numero. cun matapos na ang paghahalal ay tutuusin nang puno pati nang manga tagapagsiyasat at nang cagauad ang manga botos at mahahalal ang macalicom nang mahiguit sa calahati. cun ualang macatipon nang ganito carami ay pagbobotosang muli ang manga nagcaroon nang lalong maraming botos hangan matagpoan ang bilang na hinahanap. at catapustapusa'ititic nang kagauad ang casulatan at pagcayari babasahin nang malacas at pag napalagay ang manga bating itutol ay pipilma ang lahat na caharap, at lulutasin ang pulong capag nabiguian nang tig isang salin ang manga nahalal, na pipilmahan nang puno, nang manga tagapagsiyasat at ng kagauad. sa kapulungan nang mga matanda cun ihalal ang mga catiuala ay ang pagsisiyasat ng mga salin ay gagauin sa oras ding yaon ng tribunal, capag naipabasa ang mga salin ng tagapagsiyasat at kagauad na nahugot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"cun batiin at paualang halaga ang salin ng alin man sa nahugot na ito ay hahalangan ng ibang pagcaisahan ng caramihan. cun mamatay di macacaya ang alin man sa mga tagatayo ay dadayo at haharap sa kapisanan ang mga nagcaroon ng mababang bilang ng botos sa mga napili, cun umabot sa mahiguit sa calahati at cun hindi ay mas gagaua ng bagong paghahalal sa paraang nasabi na. ang catungculan ng tagatayo ay di malalangcapan ng iba pang catungculan ano man ang uri at bagay, at hindi macahahauac noon ang maytangang capangyarihang magparusa sa tauong bayan sa loob ng cabayanang pinag gauan ng paghahalal. ang mga tagatayo'hindi muling mahahalal cundi mahalinhan muna at macaraan ang caniyang capanahunan. ang baua'tagatayo'may catungculang mangalaga sa mga catuirang quiniquilala nitong panucala sa mga namamayan at magsigasig ng icaguiguinhaua ng republica at ng cabayanang caniyang tinatayuan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"upang matambingan ang capagalan ng mga tagatayo ay tatalagahan sila ng canicanilang cabayanan nang catampatang upa sa caniyang presupuesto tandaan nang magugugol at nang pagcucunan nang gugugulin. sino ma'di macatatangui sa catungculang tagatayo, catiuala matanda man, sa pagca'ito'isang suyong dapat gugulin ng sino man sa caniyang bayan, cun may puri at dangal na sinimpan at may pagtingin sa sariling cagalingan. sa unang arao ng baua'taon ay mangagtitipon ang manga tagatayo sa calooban (capital) ng republica at gagauin ang hayag na pagbubucas nang kapisanan, tuloy babasahin ang taonang calatas ng presidente ng republica nito ring presidente, di caya'ng presidente ng kapisanan cundi taon ng pagbabago. ang manga abala at pagpupulong ng kapisanan ay mumulan sa nasabing arao hangang catapusan ng buan ng marzo sa taontaon. ang manga pulong ay hayagan at hindi macapagpupulong nang lihim cundi mapagquilalang yao'cailangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang panahon nang pagcacabucas ay mapalalaon nguni'catagalan na ang isa pang buan, una cung yao'hingin nang presidente nang republica at icalaua cung yao'mapagquilalang cailangan nang dalauang icatlong bahagui nang mga tagatayo. ang capanahunan ng nangagcacapisan ay tatagal ng apat na taon, at cung ito'macaraan ay papalitan ang manga datihan ng bagong tagatayo. sa unang taon ng pagcacatayo ng kapisanan at sa pagpapalit ay ang pagbubucas ay gagauin nang presidente nang republica na cun macatapos ng pagbasa nang calatas ay mangangasiua nang pagtatayo nang dalauang paniualaan na pagcaisahan ng marami, isa ay lima catauo ang sangcap na siyang magsisiyasat nang lahat nang salin nang iba nilang casama at ang isa'lalaguian nang tatlo catauo na sisiyasat nang manga salin nitong limang nauna.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang mga paniualaang ito ay siyang magbibigay saysay quinabucasan tungcol sa cayarian caculangan nang naturang mga salin at siyang magmamacaalam na ualang pucnat sa mga paghahandang gagauin, hangan mapasiya at pagcaisahan nang marami ang mga ibangong usapan tungcol sa cayarian nang mga salin at calagayan nang mga tagatayo. bago lumampas ang sampong arao. sa susunod nang taon gagauin, pagcatapos nang pagbubucas, ang mga quinacailangan sa pagpapasiya sa mga salin at calagayan nang mga tagatayong maharap na bago. caracaraca'huhugot dito rin sa nangagcacapisan at sa butusang lihim nang pagcaisahan nang mahiguit sa calahati na isang presidente, isang pangalauang presidente at tatlong kagauad, at lulutasin ang paghahanda capag naisulat sa presidente ng republica ang manga paghahalal na ito. ang manga tagatayo'hindi mapaquiquialaman tungcol sa canilang manga caisipan at di sila masisisi dahil dito nino mang may capangyarihan sa ano mang paraan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"habang bucas ang kapisanan ay di mabibigyang usap ang sino mang magcasala hangan di naquiquilala ang casalanan nang isang paniualaang ipalagay nito ring kapisanan. ang mga habla sa ano mang casalanan habang nasasara ay mabibigyang usap na di na magdadaan sa alin mang paniualaan, nguni'ang kapulungang hahatol ay magpapasabi sa laguing paniualaan at dadali daliin ang usap upang matapos agad. samantalang ganito'ang may usap ay di macahaharap sa mga pulong nang kapisanan hangan di maquilalang siya'ualang sala. ang manga capangyarihan nang kapisanan ay ito: una. cupcupin at itangcacal ang manga catuirang quiniquilala sa mamamayan nitong panucala at pangalagaan ang ganap na catuparan nang cautusan sa pagbabangon at iba pa. icalaua. kumatha ng mga cautusan, magpaliuanag sa mga cahulugan nito at paualan ng bagsic ang mga naquiquilalang lipas na. ilagay sa catungculan ang mahalal na presidente nang republica capag nadingig ang unang calatas nito sa pagbati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"aminin bago pagtibayin ang ano mang cayaring gauin sa mga taga ibang lupa at quilanlin muna ang pagcacailangan bago pairalin ang ano mang digma. magbigay tumangui sa capahintulutang quinacailangan upang macapasoc ang mga sandatahang taga ibang lupa sa nasasacupan nang republica. pasiyahin taon taon cung maquita ang hamong ng presidente ng republica ang hocbong dagat at hocbong cati na dapat gamitin sa panahon ng capayapaan at ang maguiguing caragdagan sa arao ng digma, at maglagay ng manga cautusan tungcol sa cahusayan at paraang dapat sundin ng mga naturang hocbo. ipacana taontaon ang mga ambagan at ang pagaayau ayau noon. pasiyahin ang dami nang magugugol sa pamamahala sa bayan at pagnoynoyin ang catoosan (cuenta) noon. magtayo nang mga aduana (pamahalaan sa mga lalauigan) at maglagay ng manga aransel tandaan nang mga opang dapat singilin sa mga calacal na idoong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"magpasiya nang nauucol sa pamamahala, pagiingat at pagaaluas ng mga pag aari ng republica at humiram sa ngalan nito ng salapi cun baga'cailangan. icalabingisa. magdagdag magbauas ng mga katungculang quinacailangan ng isang matipid na pamamahala. icalabingdalaua. pasiyahin ang halaga, timbang, uri at ngalan nang manga salapi, at gayon din ang huarang lalong madali at matuid ng manga timbangan at panucat. icalabingtatlo. guisingin at pasulongin ang lahat nang paraan nang hanap buhay at alisin ang manga nacahahadlang sa paglaqui. icalabingapat. ilagay ang paraan ng pagtuturo sa bayan sa boong nasasacupan ng republica at ituro ang manga patungtungang susundin sa paghuhusay sa manga malacas at sa manga maysaquit. icalabinglima. magcaloob ng manga karangalan at ganti, pati nang capatauaran sa sala, na ihamong nang pamunoan. icalabinganim. at catapustapusa'pasiyahin muna ang capanagutan ng manga kagauad ng pamunoan, at ng presidente ng republica cun ito'mahahalinhan na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang lugal na pinagpupulungan nang kapisanan ay lubhang cagalang galang at di mapagpapahamacan at sino ma'ualang macapapasoc doon cun may bitbit na sandata cahima'ang presidente ng republica. at hindi rin macapapasoc dito ang mga sandatahan, liban na lamang cun ipatauag nang presidente nang kapisanan upang maoli ang cahusayan sa loob na guinambala nang manga di marunong magbigay puri sa sarili at sa hinahauacang catungculan. ang alin mang tagatayo ay macapaghaharap sa kapisanan nang ano mang panucala nang cautusan, cailan ma'ito'gauin sa sulat; at cun ipahayag nang kapisanan na yao'marapat pagpulungan at pagnoynoyin ay bibiguian ng salin ang tanungan upang paglinigin nito. hindi mapagbobotosan sa kapisanan ang ano mang panucala, cun hindi maquita muna ang manga pinag usapan sa tanungan. ang manga pacana nang kapisanan ay may bagsic nang cautusan, nguni'hindi pa dapat sundin cun hindi pa ilinalat hala yaon nang presidente.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa manga pagpupulong at iba pang nauucol sa panihala at cahusayan sa loob nitong kapisanan ay ang susundin ay ang manga tagobiling caniyang quinatha. ang manga tagatayo sa cabayanang calooban nang republica pati nang tigisang pili sa manga tumatayo sa manga capit cabayanan ang naguiguing laguing paniualaan na, cun nasasara ang kapisanan, ay mangangalaga sa ganap na catuparan ng mga cautusan at siyang tatauag sa manga capulong cun ito'hingin ng presidente sa pagca'dumaan ang caguipitan may pagpupulungang lubhang malaquing bagay. tungcol sa tanungan (senado). ang tanungan ay isang cabilugang lubos na cagalang galang, na quinadoroonan ng manga tauong lalong hirang dahil sa cahusayan ng paquitang ugali at sa calaquihan ng naalaman sa ano mang sanga ng carunungan at paghahanap buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ito'natatalagang magpaliuanag sa kapisanan at sa pamunoan sa canicaniyang usap na hinahauacan, upang ang lahat na itadhana nilong dalaua ay masamahang palagui ng pagcatuga at catuiran; caya'ualang macaaaquiat dito sa mataas na luclucan cundi yaong mga piling mamamayan na nagpaquita ng di caraniuang talas ng isip at casipagan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang tanungan ang una unang magsisigasig sa icasusulong ng pagtuturo sa bayan at ng gaua sa lupa, gauang camay at gauang mag calacal, pati ng mga daong na calacalan at pangdigma; caya'pag aaralan ang malayong inabot ng mga iba'ibang lupa tungcol sa mga bagay na ito at iba pang icagagaling ng republica, ihahamong sa presidente ang pagpapasoc dito ng manga cagagauang hindi pa natatahacan nguni'napagquilalang mabuti, cucupcupin ang mga tangi sa caramihan dahil sa talas ng isip at sa mga natuclasang icagagaling ng lahat at pasisiglahin ang loob ng tauo sa pagtatayo ng mga samahan at pagpapaquitaan ng canicanilang gauang carunungan paris ng mga peria at exposicion at sa pagbubucas ng mabibilis na daan ng pagcacaabutan ng mga iba'ibang bayan sa pamamagitan ng manga limbagang marunong magpahatid tungcol cabaitan at catotohanan, palibhasa'di nasosopalpalan nang casaquiman at cadayaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"mga apo na tatayo sa tanungan (senador) at magbibibig sa canicanilang casamahan ang manga general at almiranteng casalucuyang naglilincod; ang rector namamahala sa bucal ng carunungan (universidad central) at ng mga sanayang (academia) itayo ucol sa alin man sanga ng dunong at alam; ang mga decano ng mga sindicatong itayo ng mga humahauac nang iisang hanap buhay; at ang mga director ng mga bahay na natatalaga sa pagcacaauang gaua sa tauo, na pinangangasiuaan ng pamunoan. ang mga nasabing rector ng mga sanayan gayon din ang mga decano at director ay hindi macatatayong apo, cundi nila hingin sa kapisanan na sila', biguian ng capangyarihang ito sa pagca'ang canicanilang pinamamahalaan ay nacatutulong ng malaqui sa cagalingan ng lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"macahihingi din naman nitong capangyarihan sa kapisanan at macahuhugot ng isang apo sa canila rin ang mga casangcap sa malalaquing samahan sa pagcacalacal at iba pang hanap buhay na itayo ng mga taga pilipinas upang macapagbucas ng mga mabibilis na daan at magcaabutan ang mga malalayong bayan di caya'maisulong ang mga naturang hanap buhay at guminhaua ang lahat. ang ibang mga apo ay pipiliin ng mga tagapaghalal na ipalagay ng capulungan ng mga propesor sa baua'colegiong pagturuan ng mataas na aral ng carunungan, tig isa ang baua'colegio; ng mga tagapaghalal na ipalagay ng mga casanga sa baua'samahan sa pagcacalacal hanap buhay na hindi nasasaclao ng num. nguni'bumabayad ng mga ambagang pinacamalaqui sa lahat tungcol sa malinis na hanap na sumampa taontaon, tig isa ang baua'samahan; ng mga director sa mga bahay na itayo sa pagcacaauang gaua sa mga cabayanan; at ng mga umaambag na bumayad ng malaqui sa lahat sa ambagan sa hanap buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang mga cabayanang bumilang ng limangpung tagapaghalal na paitaas ay pipili ng tig isang apo; mula sa isang daan na paaquiat dalauang apo; at tatlo mula sa isang daan at limangpu na paitaas. capag ang mga tagapaghalal ng isang cabayanan ay di umabot sa limangpu ay pipisan sa mga tagacapit cabayanan upang macapili. ang paghahalal sa mga apo ay gagauin para ng mga tagatayo. ang tanungan ay magpapalit ng mga apo bauat apat na taon gaya ng kapisanan; nguni'palaguing bucas. sa presupuesto ng calahatan ay maglalaan nang pang upa sa presidente, pangalauang presidente at mga kagauad. ang ibang apo ay di tatangap ng ano mang upa, nguni'hindi magbabayad ng ano mang ambagan habang humahauac nang katungculan. sa pamula ng tanungan at sa baua'taon ng paghahalili ay ito'bubucsan ng presidente ng republica at gagauin ang mga pag hahandang nabibilin sa num. na ualang maiiba cundi ang bilang ng mga kagauad na mababauasan at madadagdagan ng pamunoan alinsunod sa dami ng gagauin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang lugal na pinagpupulungan ng tanungan ay lubhang cagalangalang para rin ng sa kapisanan at ang mga apo ay di mapaquiquialaman sa canilang mga caisipan gaya ng mga tagatayo. ang mga pulong ng tanungan ay hayag din at upang magcaroon ng bagsic ang caniyang mga tadhana ay cailangang maharap ang dalauang icatlong bahagui man lamang ng mga apo. ang presidente, ang pangalauang presidente at ang mga kagauad ay di macaliliban sa ano mang dahilan; nguni'ang mga ibang apo ay macapaghahalihalili ng pagliban cun may pahintulot ang tanungan, matiran lamang na palagui ng dalauang icatlong bahagui. sa panahon ng cahigpitan at cahirapan ay ualang macaliliban. ang tanunga'didingiguing palagui nang presidente na parang sangunian sa lahat na bagay na malaquing halaga at mabigat, nguni'ang mga casagutan noo'hindi macapipilit dito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"gayon may cun ang ano mang tadhana ay pagcaisahang macaitlo sa iba'ibang panahon ay cailangang icuhang sanguni sa kapisanan upang pasiyahin cun dapat magcaroon ng bagsic ng cautusan. macapaghaharap din naman ng ano mang panucala tungcol sa cautusan; nguni'ito'gagauing palagui sa presidente ng republica na siyang magpapadala sa kapisanan cun minamagaling niya. sa mga pagpupulong at sa iba pang nauucol sa pamamahala at cahusayan sa loob ay susundin ang mga tagobiling cathain nito ring tanungan. upang maguing apo ay quinacailangan, bucod sa caraniuang casangcapan, ang mag taglay ng tatlongpung taong sincad; sampahan ng isang malinis na hanap na maliuag maparam at magcasiya sa isang buhay na catamtaman at sarili; at magcaroon ng mga casangcapang nasasabi sa numero macagaua ng malaquing paglilingcod sa bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang katungculang apo ay casing tagal ng sa tagatayo, at itong dalauang catungculan ay di mapipisan sa isang tauo at di rin malalangcapan ng ano mang capangyarihan sa pagpaparusa sa tauong bayan. tungcol sa manga sanguniang cabayanan at sanguniang bayan . pagcapaghalal ng manga tagatayo ay ang mga catiuala sa baua'cabayanan ay magbubucod bucod sa apat na pucto, cailan ma'bauat pucto ay bumilang ng pito catauo man lamang. cun ang bauat pucto ay di macaabot sa nasabing bilang ay magbubucod sa dalauang pucto lamang. ang mga puctong ito ang maghahalili sa taon taon bauat icadalauang taon sa sanguniang cabayanan sa loob ng isang capanahunan, at maquiquialam sa mga usap sa cabayanan na parang mga casanguni. ang mga matanda sa bauat bayan ay magbubucodbucod sa dalauang pucto na siyang maghahalili baua'icalauang taon sa sanguniang bayan. ang mga catungculang ito ay nagbibigay puri, nguni'ualang upa; gayon ma'ang mga kasanguni ay di magbabayad ng ano mang ambagan sa canicanilang capanahunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sasangcap sa sanguniang cabayanan ang punong cabayanan na siyang presidente, ang punong bayan sa loob na ng cabayan na siyang pangalauang presidente, ang mga casanguning dinatnan ng capanahunan sa cabilugan ng mga catiuala at ang kagauad ng pamunoang cabayanan; nguni'ito'di macapagbibibig ni macabobotos sa mga pagpupulong. ang pangalauang presidente ang hahalang sa presidente sa boong capangyarihan nito. sasangcap sa sanguniang bayan ang punong bayan na siyang presidente, ang pangulo sa loob nang bayan na siyang pangalauang presidente, ang iba pang manga pangulo at ang mga kasanguning dinatnan nang capanahunan sa cabilugan nang mga matanda at ang kagauad sa pamunoang bayan na hindi macapagbibibig at di rin macabobotos. ang pangalauang presidente ang siyang hahalang sa presidente sa dalauang cutungculan nito na presidente ng sangunian at punong bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"tutungculin nitong mga sangunian ang pagpapasigla sa pagtuturo at pagaaral at gayon din ang pagpapasulong sa gaua sa lupa, paghahayop, gauang camay at pangangalacal, at cucupcupin ang mga nacacatuclas ng mga mabubuti at malalacas na paraan; gumaua ng tandaan ng mga tauo at mga usap (censo estadistica) at ng yaman (catastro) para ng tandaan ng mga lupain, bahay at hayop at iba pang pag aari; at mangalaga sa mahusay na pag gugol sa salapi ng bayan, ihabla ang mga sumira noon at gauain ang canicanilang presupuesto kuruan nang magugugol. pangangalagaan din naman nang mga sanguniang cabayanan na sa bauat cabayanan ay magcaroon man lamang nang isang colegio aralan na magturo nang mataas na aral at nang isang limbagan, hindi lamang upang maquilala ng lahat ang mga pacana nang napupunoan, cundi naman upang macalat sa paraang itong mabisa ang pagcabucas nang isip at iba pang pagcaquilalang paquiquinabangan sa sariling pamumuhay ng mga tauo at cagalingan nang lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang mga kasanguni sa cabayanan ay may catungculang magpaaninao at maghamong sa pamunoang cabayanan ng lahat na mga pacanang nahihinguil sa caguinhauahan ng cabayanan; maquialam sa ngalan nito sa pamamahala ng salapi ng bayan: at magtangcacal sa mga duc ha at di macacaya sa canilang mga usap sa pamunoan. ang mga kasanguning bayan ay magcacaroon ng mga ganito ring catungculan sa canilang quinalalagyang bayan at mag hahalal ng isa sa canila na maguiguing pintacasing maquiquialam sa hucuman, upang dito'maganap ang mga cautusan ng ualang quiquilingan ang sino man. tungcol sa presidente ng republica at caniyang pamunoan .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang presidente at pangalauang presidente ng republica ay ihahalal ng mga cabilugan nang mga katiuala sa baua'cabayanan cahalintulad ng paghahalal sa mga tagatayo; nguni'maquiquialam sa paghahalal bucod sa punong cabayanan na pinaca presidente ang mga pintacasi ng republica sa bauat cabayanan na mga taga pagsiyasat casama ng mga inihalal ng mga catiuala, na siyang mangangalaga upang ang paghahalal ay madaos ayon sa ipinaguutos. ang puno at ang mga pintacasi ay hindi macabobotos; nguni'susugpuing mahigpit ang suhulan at daya sa butusan. ang mga tunay na casulatan ng paghahalal sa bauat cabayanan ay ipadadala ng puno sa tanungan at ang matitira sa archivo ng cabayanan ay isang saling pinilmahan ng naturang puno, ng mga pintacasi at iba pang tagapagsiyasat. capag natangap ng tanungan ang mga casulatan sa paghahalal ng lahat na cabayanan ay magpasabi sa kapisanan sa laguing paniualaan cun nasasara, at ito'magsusugo ng tatlo catauong tagapagsiyasat na maqui alam sa pagbibilang ng botos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"cun ualang macalicom ng botos ng dalauang icatlong bahagui man lamang ng lahat na katiuala sa mga cabayanan ay uulitin ang paghahalal, nguni'ang pag bubutusan ay ang mga nacalicom ng lalong maraming botos hangan sa tatlo man lamang. ang pangalauang presidente ay ang macalicom ng mahiguit sa calahati ng botos at siya ang hahalang sa presidente, cun ito'mamatay magcaroon ng tunay na capansanan bago matagpos ang capanahunan na limang taon. habang hindi siya humahalang ay di macagagamit ng ano mang capangyarihan ucol sa caniyang sariling catungculan; nguni'paghalang ay malilipat sa caniya ang boong capangyarihan ng presidente.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang mahalal na presidente ay ihaharap sa kapisanan ng hahalinhan at ng presidente ng tanungan, at cun malagay na sa talagang luclucan ng presidente ng kapisanan ay babasahin ang caniyang calatas sa pagbati at dito'ipangangaco sa mahigpit na panghahauac sa sariling dangal at capurihan na pagpipilitan niya sa boong macacaya ang caguinhauan ng bayan at mag bibigay nang halimbaua sa lahat sa pagyuco at pag galang sa mga cautusan sa pagbabangon at iba pang bagaybagay. pagcatapos ng pagbasa ay igagauad ng presidenteng hahalinhan ang mga saguisag na pagcacaquilanlan nitong mataas na catungculan, at quiquilanling hauac na niya ang boong capangyarihan. ang presidente ay siyang pinaca catauan ng bayan, caya'siya'dapat igalang at huag pagpahamacan at di mabibiguiang usap habang di naa alisan nang catungculan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang presidente ay hindi iba cundi ang capatid at caibigan ng lahat na taga pilipinas, at caya lamang mauiuicang siya'nacalalalo ay sa pagca'siya ang dapat manguna sa pagpapasunod nang ugaling maganda at mahusay at sa cabutihan nang gaua sa bayan. utang niya sa caniyang sariling dangal at sa dios ang mag taglay ng isang ugaling ualang ipipintas, upang mapapurihan niya ang caniyang bayan sa harap ng mga taga ibang lupa, at mag bigay sa caniyang mga cababayan ng halimbaua ng cabaitan at casipagan. siya ang quinabobooan ng capangyarihang magpasunod sa mga cautusan at nalalaganapan ng capangyarihang ito ang lahat na bagay na quinacailangan ng cahusayan sa loob ng bacuran nang republica at sa icapapanatag sa labas, ayon sa ibinibilin ng mga cautusan sa pagbabangon at sa iba pang bagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang presidente ang mag lalathala ng mga tadhana ng kapisanan upang mapilit sa pag sunod ang tauo; gayon ma'cun inaacala niya na ang alin man sa mga tadhanang ito ay macagagambala sa cahusayan sa loob at sa capanatagan sa labas ay malalaguian niya ng sansala (veto) sa ilalim ng boo niyang capanagutan. ang presidente sa sarili niyang isip sa hamong ng alin man sa caniyang mga kagauad ay macapaghaharap sa kapisanan ng ano mang panucala ng cautusan; nguni'bago gauin yaon ay didinguin muna ang tanungan. bucod pa'nauucol sa caniya itong mga malaquing capangyarihang susunod: una. kumatha ng mga atas at tagobiling quinacailangan sa pagtupad ng mga cautusan at mangalaga na sa boong nasasacupan ng republica ay ualang maghari cundi ang madali at ganap na catouiran. gumaua ng mga cautusan at bagong pacana na inaacala niyang dapat ihamong sa kapisanan ucol sa cagalingan ng republica, upang pagnoynoyin ng nararapat. maghalal sa mga may catungculan sa bayan ayon sa mga cautusan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"acayin ang hocbong dagat at hucbong cati at pagayao ayaoin sa paraang lalong nararapat sa pamamaguitan ng mga generales na lalong may catampatan na siyang pagsasalinan niya ng kapangyarihan. mag tuto sa paquiquipulong sa mga pamunoang taga ibang lupa at maghalal ng mga sugo at consul na cacatauanin niya. mamahala sa pagpapabubo ng mga salapi at mag atas ng mga pag gugulan, ng mga itinatalaga sa baua'sanga ng pamamahala sa bayan. at catapustapusa'mangalaga sa lahat ng nauucol sa cahusayan at icatitimaua ng bayan sa mga saquit. ang manga hanganan nang capangyarihan nang presidente ay itong manga susunod: una. sa ano mang dahila'hindi masasan sala ang pagcacatipon ng kapisanan sa mga panahon at pangyayaring nabibilin sa cautusan, at gayon ding hindi yaon mapipiguil at mapaghihiua hiualay at cailan ma'di magagambala ang manga pagpupulong at paglilining nito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"hindi siya macalalabas sa nasasacupan ng republica at di niya masisira maihihiualay at malalaguian nang ano mang capanagutan ang alin mang bahagui nang lupain nito. hindi macapagyayari ng anomang tipanan at iba pang casundo at gayon ding hindi mapaiiral ang digma at mapababalic at mapagtitibay ang capayapaan cun ualang pahintulot ang capisanan. ang manga pasiya nang presidente nang republica ay pipilmahang palagui nang kagauad na nauucol; nguni'hindi ito mananagot na casama niya cundi maquilala na itong kagauad ang naghamong nang mga naturang pasiya. hihirang ang presidente sa mga tagatayo at apong halili na at quinaquitaan nang ugaling ualang ipipintas sa pag ganap nang catungculan di caya'sa manga nag gugol nang malalaquing paglilingcod sa bayan, ng mga kagauad ng pamunoan na siyang tutulong sa caniya sa paglulutas nitong mga susunod na sanga: una. paquiquipanayam sa taga ibang lupa at pagcacalacal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"panihala sa loob na nacasasaclao sa cahusayan sa loob, sa pagtuturo at pagpapalayo sa mga saquit. gauang bayan, at dito'masasama pati ng gayang lupa at gauang camay. digmang cati. digmang dagat. ang mga kagauad ng pamunoan ay macahaharap sa capisanan at tanungan cailan ma'may ipagsasabi sa ngalan ng presidente sila'turulin caya ng hayag nino man sa kapulungang ito. nguni'cun pagbobotosan na ang dahil ng canilang pagdayo ay lalabas at di maquiquialam dito. hihirang din naman sa mga tauong nababanguit sa num. at sa mga katiuala at punong bayang halili na at quinaquitaan ng ugaling ualang ipipintas, ng mga ihahalal niyang punong cabayanan, na siyang pagsasalinan niya ng boong capangyarihan sa loob ng cabayanang masacop nito. at gayon ding hihirang sa tatlong iharap sa caniya ng sanguniang bayan ng gagauing punong bayan na cacatauanin niya sa baua'bayan. upang mabilang sa mga ihaharap ay quinacailangang nagdaan sa pagca matanda pangulo at di napapintas sa ugali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang mga pangulo na siyang catiuala ng punong bayan sa bauat nayon ay ihahalal ng punong cabayanan sa mga mapili ng umaambag na may carapatan. ang pagpili sa mga pangulo ay caparis din sa mga matanda. ang catungculan ng punong bayan at manga pangulo ay tatagal ng dalauang taon; at ang mga punong cabayanan ay apat, liban na lamang cun bago lumampas ang taning na ito ay mapagquilala ng presidente na ang cagalingan ng boong republica at ang sariling cagalingan ng cabayanang quinalalaguian ay nagcacailangang siya'halinhan nang iba. sa bauat sanga ng pamamahala sa bayan ay magcacaroon ng lugal cagauad na siyang pangalauang puno sa baua'gauaran; sa bauat pitac ay maglalagay ng isang oficial at mga catulong at manunulat na quinacailangan sa madaling paglulutas ng manga usap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang manga katungculang ito ay maguiguing isang tanging hanap buhay gaya naman ng sa manga hocom at sandatahan, at ualang macapapasoc dito cundi magdaan muna sa sungcaran, maguing sa hagdang mataas na buhat sa baitang ng manga katulong na paitaas, maguing sa mababa na quinalalagyan ng manga manunulat at iba pang alagad na quinacailangan sa baua'sanayan. ualang maguiguing dahil ng pagtaas dito sa dalauang hagdan cundi ang catagalan at ang manga tanging paglilingcod na gauin ng may katungculan, cun yao'mapatotohanan at marapatin ng tanungan. upang macalipat mula sa mababa tungo sa mataas na hagdan ay cailangan ding magdaan sa sungcaran. ang lahat na katungculan sa bayan cahit ano ang quinauuculan ay babayaran ng catamtaman, liban na lamang ang manga nasasabing ualang bayad sa manga cautusan, at di matatalagahan ng ano mang upa ang mangahiualay sa katungculang ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang sino mang mapahamac sa pagtupad ng catungculan at dahil dito'marapatin ng kapisanan na gantihin ang gauang yaon, ang bihis ay ibibigay na paminsanan sa halagang pasiyahin nito ring kapisanan. ang manga sanayan (oficina) ng bayan ay bubucsan umaga'hapon gaya ng sa manga magcacalacal, at magtatayo lamang ng manga calalaguiang tunay na quinacailangan sa madaling paglulutas ng manga usap. baua'punong cabayanan ay magcacaroon ng nasasacupan niyang manga oficial, catulong at manunulat na quinacailangan sa iba'ibang sanga ng pamamahala sa cabayanang nasasacop niya, at ang oficial na catiuala sa cahusayan sa loob ay siyang kagauad na maguiguing pangalauang puno sa sanayan ng cabayanan. ang mga manunulat ay caniyang ihahalal capag nasungcad ng sanguniang cabayanan. ang sino mangatungculan sa cabayanan ay dapat macaalam ng salita dito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"baua'punong bayan ay magcacaroon nang; isang kagauad hugot sa baitang ng mga catulong at ng mga manunulat na ihahalal niya, capag nasungcad ng sanguniang bayan. magcacaroon nang isang catulong na comisario ng pangalagaan na may bayad. (comisario de policia). tungcol sa panihala nang catuiran . ang capangyarihan sa paghatol at sa pagpapatupad sa maguing hatol ay tataglayin lamang ng mga kapulungan (tribunales) ng catuiran at ng mga hocom, na ualang magagaua cundi ang mag lapat ng mga cautusan sa usap gauang ihabla. itatadhana ng mga cautusan ang pagcacasunodsunod ng mga paraan at pag uusisang dapat gauin sa mga usapin sa boong nasasacop ng republica, at ang panununtunan ay ang camunting sabi at ang caliuanagan at lilipulin yaong manga gauing luma na ualang quinauuculan cundi ang mag acsaya ng mga papel at ang pahabain mag parating man saan ang mga casulatang usap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"bibiguian ang mga nahabla sa usap sala ng boong caluagan upang magamit ang mga paraang quinacailangan nila sa pagliligtas sa canilang catauan sa ano mang calagayan ng nasabing usap. catagalan ng mga usap sala ang anim na buan at pagcaraan nitong taning ay dudusahin nang mahigpit ng mga capulungan ang mga hocom na di magpaquita ng tunay na cadahilanan nang pagcabalam. magcacaroon ng iisa lamang sacdalan (fuero) sa lahat na usap sala at usap catuiran, bucod lamang ang mga sandatahan na magcacaroon ng sariling sacdalan cun sila'magculang sa manga cautusang nauucol sa canilang casamahan; nguni'masasacupan din sila ng sacdalan ng lahat cun sila'magcasala sa paquiquisama sa manga tauong bayan. aalisin ang manga pintacasing hindi upahan ng bayan, pagca'sa haharapin ay ang mangangasiua ay ang tunay na may usap di caya'ang manga abogadong biguian nito nang kapangyarihan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"gayon ma'cun ang may ari ay ualang caya at di macaquita ng abogadong magmacaalam ay macapaglalagay ng mga tanging sugo na mangatauan sa caniya, nguni'ang mga sugong ito ay mapapara sa mga tunay na abogado na bumabayad ng ambagan dahil sa canilang katungculan. ang mga cahalili, hocom at iba pang may katungculang nacacapit sa sangang ito ay mananagot na isa isa sa manga gauang pagcuculang sa cautusan, at sino mang mamamayan ay macapaghahabla tungcol sa pagpapasuhol at masamang pag gamit ng katungculan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa calooban ng republica ay magcacaroon nang isang kataastaasang kapulungan ng catouiran na mag bubucod sa quinacailangang licmoan (sala) na lalaguian ng limang cahalili bauat isa; sa bauat calauacan (region) ay lalaguian ng isang kapulungan (audiencia tribunal) na may tatlong cahalili; sa bauat hucuman (distrito judicial) ay magcacaroon ng isang pangulong hocom (juez mayor); at sa bauat bayan ay isang hocom na taga pamaguitan (juez de paz), na ihahalal ng presidente ng kapulungang nacasasacop capag naiharap ng sanguniang bayan ang manga mamayang lalong marapat sa catungculang ito cun may sariling pamumuhay. sa boong nasasacupan ng republica ay magcacaroon ng anim na calauacan man lamang na iaayao sa mga lupang lalong nauucol ayon sa dami ng mga tumatahan, at sa bauat calauacan ay magcacaroon ng mga hucumang macailangan sa madali at matuid na pag aayos ng catuiran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa siping ng mga kapulungan ng catuiran ay malalagay ang casamahan ng mga pintacasi ng republica na pinangungunahan ng punong pintacasi. ang mga pintacasing ito ang mangag aalaga sa mahigpit na catuparan ng mga cautusan at maquiquialam hindi lamang sa mga usap sala at usap catuiran (juicios criminales civiles), cundi naman sa mga usap bayan (expedientes administrativos). sila rin ang macapagpapatotoo sa mga gaua at casundong ibig pagtibayin upang paniualaan. sa bauat cabayanan ay magcacaroon ng isang pintacasi na casingtaas ng pangulong hocom, at cun dito'magcaroon ng dalauang hucuman ay ilalagay sa piling ng hucumang (juzgado) uala sa loob ng cabayanan ang isa pang pintacasing catulong na capantay ng kagauad ng hucuman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa bauat kapulungan ay magcacaroon din nang isang pintacasi na casingtaas ng cahalili, nguni'ito'ualang paquiquialaman cundi ang mga usap sa kapulungan: at sa calooban (capital) ng republica lalagay ang punong pintacasi na siyang mag tututo sa mga ibang pintacasing quinacailangan upang mapaquialaman ang mga usap sa cataastaasang kapulungan at sa mga sanayan ng pamunoan at gayon din ang paghuhusay at pamamahala sa casamahan. sa bauat bayan ay magcacaroon ng isang pintacasing bayan na huhugutin sa mga kasanguning casalucuyan. sa mataas na hagdan nang pangangatungculang hocom ay macapapanhic cun mag daan sa suncaran mula sa unang baitang ng mga kagauad ng hucuman at mga pintacasing catulong, at ang pagtaas ay para ng sa pangangatungculang bayan dahil sa catagalan at sa malalaquing paglilingcod na pinatotohanan at minarapat ng tanungan. sa pangangatungculang ito ay ualang tatangapin sa hagdang mataas cundi ang mga doctor sa catuiran (doctor en derecho) at ang mga abogado.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"tatalagahan ng kapisanan ang mga naglilingcod sa pangangatungculang hocom ng catamtamang bayad, upang magcaroon sila ng pitagan at casarinlang quinacailangan sa maluag na pagtupad ng mahal nilang catungculan; at huag tutulutan na sa mga kapulungan at hucuman magcaroon ng mga manunulat at iba pang alagad na taga mababang hagdan na di bibiguian ng catamtamang upa, upang mailagan ang masasamang gauing pinag apuhan na sa ilalim ng yamungmong ng pamunoang castila. ang lahat na cahalili sa cataastaasang kapulungan ang hahatol sa presidente ng republica capag naipahayag ng kapisanan na ito'may casalanan, pagca nahalinhan sa catungculan. at ang isang licmoan nito ring kapulunggan ang hahatol: una. sa mga kagauad ng pamunoan, pagnaipahayag ng kapisanan na sila'may casalanan. sa mga tagatayo at apo, cun maipahayag na sila'may casalanan ng isang paniualaang ipalagay ng canicanilang casamahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"at sa mga cahalili nito ring kapulungan at ng mga natatayo sa calauacan at sa mga pintacasing capantay ng mga cahalili at sa mga punong cabayanan. iisang cabooan (codigo) ng mga cautusan ang iiral sa boong nasasacop ng republica at dito ipagsasaysay ang bilang ng mga hucumang itatayo gayon din ang mga capangyarihan ng isa'isa at ng bauat capulungan ayon sa patuntungan nabibilin dito sa panucala. sino mang nalalagay sa pangangatungculang hocom ay di macahihingi ng ano mang upa sa mga usap sala at usap catuiran at iba'iba pang pag gamit ng catungculan. pagcatapos ng mga usap ay babayaran ang costas ng mahatulang magbabayad nito at ang cabooa'guguling lahat sa mga papel multa na itatahi sa mga sulat usap. sa baua'bahay bayan ay magcacaroon ng isang silid na parusahan, sa bauat hucuman ay isang bilangoan at sa baua'capulungan ay isang presidio. ang pasunod na icacana sa mga parusahang ito ay ang lalong nauucol sa pagcaaua sa tauo at sa pagbabalicloob ng may mga sala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang mga cahalili at hocom pati naman ng mga pintacasi ay di mapaquiquialaman sa pag gamit ng canilang capangyarihan at paris din ng may mga catungculang bayan at sandatahan na di maaalisan ng catungculan cun ualang usap at hindi maililipat sa ibang lugal cundi nila hingin dumating caya ang panahon ng canilang pag taas, ayon sa ipinaguutos. tungcol sa manga ambagan . ang capisanan ang magpapasiya ng gugugulin sa taontaon sa lahat ng sanga nang pamamahala sa bayan alinsunod sa curuang (presupuesto) iharap sa caniya ng kagauad sa yaman, at siya ring mag aatas ng mga ambagang macayang ibayad ng isa'isa ayon sa panucalang (plan) iharap nito ring kagauad. sa pagbabayad ng ambaga'ualang maliligtas cundi ang mga apo na hindi mahalal na presidente, pangalauang presidente at mga kagauad ng tanungan; ang mga punong bayan, ang mga kasanguning bunot sa cabilugan ng mga catiuala at matanda at ang mga pangulo, na hindi magbabayad ng anomang ambagan habang gumugusad ng catungculan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"hindi rin magbabayad ang mga tauong napapasoc sa sandatahan ng republica at ang pangcat ng mga caual sa hocbong dagat at hocbong cati. pipilitin na ang mga ambaga'tapatan at huag pailalim, bucod sa magaan. ang ulohang ambagan (contribucion capitacion personal) ay babayaran ng lahat ng tauo na hindi magcacalamangan mula sa edad na labingualong taong singcad hangan sa di na macacaya sa gaua sa halagang maluag pasanin ng mga duc ha. ang ambagan sa hanap buhay (contribucion de rentas industrial) ay babayaran ng mga sinasampahan ng halagang lumalabis sa pagaagdon sa buhay na catamtaman, dahil sa hinahauacang pagaari hanap buhay. ang ambagang bahay (contribucion urbana) ay dadalhin ng may mga ari ng bahay na inuupahan talagang paupahan. macagagamit lamang ng ambagang pailalim upang macupcup ang mga calacal nitong bayan di caya'cun ang bigay na cabigatan ay may cauyang paquinabang, cun di ma'upang mapiguil ang malabis na pagsusunodsunod sa catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"caya'ang mga aransel ng mga pamahalaan sa lalauigan (aduana) ay isusunod at ibabagay sa guinagamit sa mga capit lalauigan (puertos vecinos) at ng marami sa mga ibang sacupan. ang papel na may tatac ay gagamitin lamang sa manga catibayan (titulos), sa mga multa at sa mga casundong itititic ng ualang bayad ng manga pintacasi sa pangulong hucuman (juzgados mayores), at ang papel na pangdigquit pangdiquit (timbre movil) ay gagamitin lamang sa mga padalahan sa coreo, sa cauad (telegrafo) at suclian (giro). ang loteria ripa at ang mga patente sa juego at ang hulugan sa sabong ay maguiguing pangit, na anino lamang ng pamunuang castila, sa pagca'sa haharapin ay ang lahat na laro ripang may tayaan pustahan ay maguiguing salang paguusiguin ng may mga kapanyarihan. ang mga sabungan ay mapaparis sa manga pareha ng cabayo, at ipauubaya sa may ibig ang pagcacana noon; nguni'babahagui sa paquinabang ang pamunoan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"kalaquihan na ang pahintulutan ang sabong sa catapusang lingo ng baua'buan at sa capistahan ng pagtatayo ng republica, at di na mangyayari sa ibang arao pa. sa lugal nito'ang paiiralin ay ang mga mangharan at peria (esposiciones ferias), ang mga palabas at aliuang macapagsusulong sa mga hanap buhay di caya'macababago sa masasamang gaui cundi ma'macapagtuturo ng pagquilala tungcol gauang carictan (bellas artes.) ang icatlong bahagui ng mangasingil sa bauat bayan ay iingatan sa tagoan ng cabayanan na pangangalagaan ng isang nangangatungculan sa yaman sa ilalim ng pamamahala ng punong cabayanan na siyang magaatas ng pagcacagugulan at ng mga casanguning cabayanan na mag hahalihalili sa catungculang umayon sa pagpapabayad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang dalauang icatlong bahagui ay dadalhin sa caloobang tagoan (tesoro central), na paaalagaan sa banco ng pilipinas na uuyanan ng mga tanging pagcacaloob, at ang maguiguing catibayan ng salaping ito ay ang malinis na puhunan ng nasabing banco at cun culang pa ay ang mga pag aari ng mga calamitang nangangasiua dito. baua'punong bayan ay tutulungan nang mga pangulo sa paniningil bauat icatlong buan ng mga ambagan, at ang masingil ay aalagaan ng kasanguning may pagaaring casiyang ipanagot, na siyang pipilma pagtangap sa mga tandaan ng paniningil, hangan maisulong ang masingil sa tagoan ng cabayanan. ang sanguniang bayan ang gagaua sa taon taon ng curuan ng pagcacagugulan sa bayan pati ng panucala ng mga ambagang dapat ipalagay sa caniyang nasasacupan cun may pagcucunan, at ipadadala yaon sa sanguniang cabayanan na siyang magboboo sa mga curuan sa bayan bayan upang magcapisanpisan sa curuan ng boong cailangan ng cabayanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"itong curuan ng cabayanan pati ng panucala ng mga ambagan sa boong kabayanan at bauat bayan ay ipadadala sa kagauad sa yaman, upang mapalagay sa curuan at panucala ng calahatan at mapagsiyasat at mapagnoynoy ng kapisanan. ang mga cailangan sa baua'bayan ay tatacpan ng salapi sa cabayanan, caya'ipaguutos ng punong cabayanan ng macapagpacuha sa tagoan ng halagang nasasabi sa curuang napagtibay na ang bauat punong bayan na pipilma sa sulat bayad (carta orden de pago) recibo casama ng kasanguni sa yaman. ang mga cailangan ng kabayanan ay tatacpan ng salapi ding ito at cun magculang ay pupunan sa iniuucol sa calahatan. ang mga olat (cuentas) ay magcacaroon ng dalauang hanayan, isa sa pumasoc at isa sa lumabas, at dadalahin ng mga kagauad ng sanguniang bayan at may tungcol nito sa pamunoang cabayanan: at sa taontaon ay ipadadala ng mga punong cabayanan sa kagauad sa yaman, upang mapag isa ang mga olat sa iba'ibang sanga at maiharap sa kapisanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ang pamunoan ay di macauutang sa loob labas ng republica cundi quilanlin ng kapisanang yao'cailangan at pasiyahin tuloy ang cahalagahan at ang paraang gagauin upang mabayaran ng unti unti. ang mga sanguniang bayan ang magtutungcol ng mga talaan ng tauo at yaman pagaari (centro, estadistica catastro), tangi ang talaan ng hayop, lupa at bahay (registro de la propiedad) at ng mga paglilipatlipat ng mga bagay na ito, upang tumibay. dito sa mga huling gagauin ay macasisingil ng camunting upa na siyang pagcucunan ng magugol sa lahat ng gagamitin at sa quinacailangang catulong at alagad sa sanayang bayan, pati nang upa ng kagauad at ng comisario cun maaabot pa. . ang mga hocom na tagapamaguitan ang magdadala ng talaang bayan (registro civil) na siyang pagtatandaan ng panganganac, pagcacasal at pagcamatay, at sa mga capagalang ito ay macasisingil ng camunting upa na pagcucunan nang gagamitin at ibabayad sa kagauad at iba pang; catulong sa hucuman (juzgado).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"tungcol sa lacas ng bayan (fuerza militar. sino mang mamamaya'di macatatangui sa pananandata cun siya'cailanganin ayon sa cautusan, nguni'di mapipilit ang alin man hangan may magcusang pumasoc. ang kapisanan ang magpapasiya sa taon taon ng dami ng lacas sa dagat at cati na dapat ingatan sa cahusayan sa loob at capanatagan sa labas ng republica. magtatayo ng mga aralan sa pananandata ayon sa mga houarang lalong mabuti na maquita sa iba'ibang lupa, na pagtuturuan ng lahat nang paraan sa paquiquidigma sa dagat at cati, at pipilitin na ang pangcat ng mga caual ay matuto ng mga bagay na nasasaclao ng simulang aral (instruccion elemental). ang sino mang maghangad mula sa pangcat ng mga caual hangan sa baitang ng sargento ay pahihintulutan sa panahong payapa na macapasoc sa mga aralan sa pananandata, upang macaaquiat sa pangcat ng mga puno (clase de jefes). ang pagtaas ay manununton lamang sa catagalan sa malaquing paglilincod na napaglinao at natunayan sa pamamag itan ng isang hatulan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"ihahanay ng kapisanan sa pamamag itan ng nauucol na cautusan ang lahat na quinacailangan sa pagtatayo, paghuhusay at pamamahala na lalong mabuti ng hocbong dagat at hocbong cati. sa bauat baya'ang mga bagong tauong sumapit sa dalauangpung taong singcad ay papasoc sa sandatahan ng republica, bucod lamang ang manga nagaaral sa mga colegio, alulod nang carunungan (universidad) bucal ng carunungan (universidad central), na natatayo sa ibang bayan at ang mga hindi macacaya na may tunay na cadahilanan. sino ma'ualang macatatangui sa pag gusad na ito at sa mga bagongtauo ring ito huhugutin ang macailangan sa mga alagang hocbo (fuerza permanente) cun ualang mag cusa. ang mga naturang bagongtauo'magbubucod sa dalauang pucto na maghahaliling gumusad sa bauat anim na buan, cun ang bauat pucto ay di nagcuculang sa dalauang pu catauo; nguni'cun magculang ay gugusad na lahat sa loob ng isang taon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sila'pagpupunuan ng comisario ng pangalagaan (policia) at sila rin ang maguiguing lacas na taga pagalaga sa bayanbayan, upang maganap ang mga atas ng punong bayan at hocom na tagapamaguitan na siyang malapit nilang puno at ng punong cabayanan na siyang lalong puno. ang comisario ng pangalagaan ay bubunutin sa mga nahiualay sa sandatahan mula sa baitang ng sargento na paitaas, cailan ma'di naquitaan ng ipipintas na ugali; siya'babayaran at quiquilanling parang isang teniente ng hocbo at siyang magtatayo at magtuturo sa caniyang acay na lacas na parang tunay na sandatahan sa hocbo. ang nangapapasoc sa sandatahan ng republica ay di magbabayad ng ano mang ambagan at pararamtan at pacacainin ng pamunoan sa bayan habang gumugusad ng catungculan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa calooban ng republica at sa mga bayang malalaqui at daldalan ng sarisaring tauo ay maglalagay ng isang casamahan ng mga polisonte, at ang macapapasoc dito ay ang mga tauong may pinagaralan at quilalang may iningat na dangal at tuga ang pamumuhay, na mauauangis sa comisario sa caupahan at catayuan. ang mga nasabing polisonte ang siyang mangangalaga sa bayan at tutulungan ng lacas na ibigay sa canila ng comisario sa paghuhusay, at malalagay para rin nitong comisario sa ilalim ng capangyarihan ng isang prepecto na babayaran at quiquilanling parang isang capitan ng hocbo. pipilitin na sa hocbong cati at hocbong dagat at sa mga pangalagaan ay tingnan ng mga puno ang canilang nasasacop na parang tunay na anac, caya susugpuin ng ualang aua hindi lamang ang paglabag sa puno cundi naman ang masamang pasunod sa mga sacop.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa panahon ng digma ay papapagsandatahin ang mga lalaquing ualang asaua mula sa dalauangpu at isang taon hangan limangpu, at cun di pa magcasiya ito ay tatauaguin ang mga uala ring asaua mula sa labing ualo. tungcol sa pagtuturo sa bayan . ang pagtuturo sa bayan ay magcacaroon ng tatlong pagtang: una simulang aral; icalaua mataas na aral; icatlo mga carunungan. sa simulang aral ay ituturo ang pagbasa, pagsasalita at pagsulat ng mahusay nang uicang tagalog na siyang uicang bayan (idioma oficial), at camunting pagcaaninao ng uicang ingles, pagbilang at ng mga quinauuculan ng sarisaring bagay na naquiquita sa ibabao ng lupa (ciencias exactas, fisicas naturales), at pupunan ng camunting pagcaquilala ng catungculan ng tauo at ng namamayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa mataas na aral ituturo ang dalauang sunduan (curso) ng uicang ingles at dalaua ring sunduan ng uicang frances na isasalit sa mga iba'ibang sunduan ng mga sipi ng nabanguit na carunungan at iba pang nauucol sa caugalian at pamamahala sa bayan (ciencias morales politicas), at ng mga pasimula ng pag gaua ng mga libro at pagsulat sa mga limbagan at ng mga gauang carictan (principios de literatura bellas artes). sa mga carunungan ituturo ang malaqui at ganap na pagcaquilala ng iba'ibang sanga na nasasaclao ng talas ng isip at talas ng camay. sa carunungan ng pilosopia at panunulat ay malalaquip ang pagtuturo ng uicang latin at griego. sa bauat baya'magcacaroon ng isang aralan ng bayan, at dito'nacapapasoc ng ualang upa ang mga batang lalaqui at babayi na ibig macataroc ng simulang aral, at ito'pangangasiuaan ng sanguniang bayan na siya ring magpapalagay ng mga maestrong catulong sa baua'nayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"sa bauat cabayanan na may calaquihan ay pipiliting macapaglagay ng isang colegio na pagtuturuan ng mataas na aral, at sa bauat bayang pinacamalaqui at mainam sa lahat ay magtatayo ng isang alulod ng carunungan (universidad). sa calooban ng republica ay maglalagay ng bucal ng carunungan (universidad central) at dito at sa malalaquing bayan ay maglalagay din naman ng mga sanayan (academias conservatorios) sa ibat ibang sanga ng carunungan, gauang carictan at talas sa hanap buhay; casiping naman dito ang mga bahay na itinatalaga sa pagcacaauang gaua sa mga duc ha at may mga saquit. ang mga propesor sa simulang aral ay cailangang mag taglay ng catibayan ng pagcabatsilier sa mataas na aral, at ang mga propesor dito sa mataas ay magcacaroon naman ng catibayang hauac ng isang licenciado doctor sa ano mang sanga ng carunungan. ang mga propesor sa mga carunungan ay cailangang maguing doctor sa sangang ituturo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"casapol nitong pangangalaga sa isip nang bayan ang pangangalaga naman sa catauan, at dito'sasanayin ang lacas ng mga nagsisipagaral ng unti unti hangang matayang totoo at magamit sa pag aagao buhay (lucha por la existencia). ang tanungan, at sa capaniualaan nito'ang mga sanguniang cabayanan, ang cadoroonan ng mataas na pangangasiua sa pagtuturo sa bayan, at dahil dito'pag aaralan at ihahamong sa capisanan ang lalong mabuting pagpapatayo ng mga aralan at ang paraang lalong mabisa upang macapag aral ang lalong salat, at bucod pa'pangangalagaan na magcaroon ang mga propesor nang catamtamang upa sa pagca'ang caalama'isa sa malalaquing panulong sa icadadaquila ng bayan. ang mga colegiong ibangon ng mga mamamayan ay ibabagay sa mga sinabi dito. capag totoong nacalat na sa boong capuluan ang uicang ingles ay siyang gagauing uicang bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"cailan ma'aminin ng capisanang tagapagbangon ang panucalang ito ay siyang maguiguing maliuanag na sigao at mistulang anino ng mga hinagap at pacay ng pagbabangon (revolucion); caya'alin mang tagapagbangon na mag iba ng lacad at di tumulong sa paglalatag nito mulang maagao ang tagumpay ay tutucuying mag lililo sa caniyang bayan. habang umiiral ang pagbabangon ay gagamitin ito ng pamunoang tagapagbangon na parang pang dagdag na cautusan; caya'ito ang ipupuno sa mga caculangan ng mga umiiral na cautusan at gagauin ang boo niyang macacaya upang maihanda ang bayan, ng pagsapit ng tagumpay ay caracaracang mapairal at maipasunod ang boong maisasalio at papayagan ng di ugaling cabagayan ng digma.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"capagcatayo ng unang capisanan ng republica ay mumulan ang pagcat ha ng tunay na cautusan sa pagtatayo (ley constitucional), na huag sisinsay sa mga patuntungang natititic dito sa panucala at sa mga pagbabagong ihatol ng caramihan sa bayan, pagca'ang cautusang yao'siyang bugtong na catibayan sa pagpasoc sa cabilugan ng mga bayang timaua. sa bayang pilipinas ang tunay na sampung utos ng dios, unang casaysayan. tungcol sa mga taga pilipinas, icalauang casaysayan. tungcol sa republica ng pilipinas, icatlong casaysayan. tungcol sa capisanan (congreso), icapat na casaysayan. tungcol sa tanungan (senado), icalimang casaysayan. tungcol sa mga sanguniang cabayanan at sanguniang bayan, icaanim na casaysayan. tungcol sa presidente ng republica at caniyang pamunoan, icapitong casaysayan. tungcol sa panihala ng catouiran, icaualong casaysayan. tungcol sa mga ambagan, icasiyam na casaysayan. tungcol sa lacas ng bayan (fuerza militar), icasampung casaysayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Apolinario Mabini,"tungcol sa pagtuturo sa bayan, mga capupunan,",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sa isang tahanang lubhang maralita na aalangan pa sa pangalang dampa'may isang babaing yayat at matanda na wari'may sakit, kaya'nakahiga. sa kaniyang siping, na abot ng kamay, ay may isang mangkok na lugaw ang laman at sa dakong paa'mayroong uupan na wari'gawa pa ng amang si adan. ang tanging kasama ng sangkap na ito ay isang tampipi'isang baul mundo, isang panahian, kaputol na kayo at ilang balumbon ng sutlang nagulo. ang lahat ng iyo'siyang kayamanan niyong maralita'babaing may damdam kung di mapupuna ang isang larawan ng himalang ganda na nasa batalan. isang binibining ang tindig at anyo, ay nakaaakay sa gawang sumuyo at ang kanyang titig na lubhang maamo ay makabibihag sa alin mang puso. yaong mga pisngi, na nagnakaw mandin ng kulay sa rosa'sa magandang jazmin, ay natitimbangan ng matang maitim na wari'hahalay sa mga bituin. ang isang makapal at mahabang buhok na nababalumbon sa malaking pusod ay inalong dagat ang nakakaayos dahilan sa inam ng pagkakakulot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ito ang himalang hindi nabibilang sa mga nakita na hiyas sa bahay, kahit masasabing sa kahalagahan ay siya ang lalong palamuting mahal. lalo'kung mabatid na siya ang anak ng babaing iyong sa sakit ay lagmak, at siya ang isang tanging naghahanap at nagmamasakit sa buhay na salat. siya ang paroon, siya ang parito, gawa niya yaon, gawa niya ito, sa maghapong araw, ang mahinang buto, ay di natitigil ng kahit gaano. at sa dinadalang sadyang kaliksiha'kasangkap na taglay iyong kabaitan, kaya'kahit sinong maging kapanayam, ay nangawiwili na siya'pakingan. sa unang sandaling ating pagkakita ay damit ang pigil at siya'naglaba at nang makatapos, tinignan ang ina kung sa pagkahiga ay nakabangon na. nguni'nang inabot ang inang may sakit ay di kumikilos sa hihigang banig, kaya'tinulungan, sa gawang pagtindig, upang ang pagkain ay huwag lumamig. kanyang iniupo ang inang may damdam, at saka kinuha ang laang linugaw; kumain ka ina ang wikang tinuran ng upang lumakas ang iyong katawan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ay giliw kong bunso ang sa inang turing kung tayo'mayaman, di mo sasapitin ang hirap na itong wari'sapinsapin na nagpapasasang sa ati'umiring. kundi baga gayo'akong isang ina na dapat tumulong ay nakadagdag pa sa mga gawaing iyong dinadala, sa paghahagilap niyong kakanin ta? ang tao nga pala, sa mundong ibabaw, ay dapat mag impok ng ukol sa buhay, pagka'kung humina'walang pagkukunan. ang hindi nagbalo'walang tatangaran . at pag sumapit na sa panahong salat ay walang sulingang dapat maapuhap at ang nalalabing kaya niyong palad ay ang maghinagpis, tumangis, umiyak. gaya na nga nitong sa ati'sumapit, salat na salat na, ako pa'may sakit, at ang kahinaan niyang iyong bisig na murang mura pa'siyang kinakatig. ikaw, sa maghapo'walang hintong gawa at di dumadaing kahit ka na pata sinong pusong ina ang di maaawa sa isang gaya mong labis mag aruga? aanhin mo ina, sa tayo'mahirap, ang maamong sabi ng giliw na anak nguni kahit tayo madalas magsalat ay wala sa atin namang isusumbat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ang tangi ko lamang ikinalulumbay ay ang di paggaling ng sakit mo inang; kung sa ganang akin salat mayaman pag nasa piling mo'ligaya ng tunay. aanhin ang buhay na lubhang pasasa kundi makikita ang ina kong mutya? aanhin ang laging walang ginagawa kung ikaw ina ko'di kinakalinga? mahanga'ganitong laging nasasalat at sa bawa'kilos kita'nayayakap; ang yaman, sa akin, ay hindi ang pilak kundi ang matamis na iyong pagliyag. mawika ang gayon, sa noo'hinagkan at saka niyakap ang inang magulang; ito ang yaman ko ang muling tinuran at ito ang tanging aking kasayahan. matapos masunod ang nasang paghalik, isinakandungan ang inang may sakit. gayon na lamang ang bukong pag ibig at gayon na lamang ang likas na bait. giliw ng pag giliw! kung ang pagmamahal ay ipagagawa ng sadyang larawan, ang anyo at umpok at ayos na lagay ng ating mag ina, ang dapat huwaran. mapalad ang dukha na sa kasalata'may kumakalinga'dibdib na hiligan, sapagka'ang gayong laging kalayawa'hindi mabibili ng gano mang yaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ilan ang may pilak na sa karamdaman ay wala mang sukat tumingi'dumamay! sakaling mayroon, iyon ay upahan, upahang pagsuyo'walang kabuluhan! sandali'lumipas sa pagayong anyo'nang nasiyahan na ang sabik na puso, ina'pinakain, ng irog na bunso, sa tulong ng ilang maliit na subo. datapwa'sa bagsik niyong kasawia'kumilos ang ina'tasa'tinamaan at ang nalalabing kaunting linugaw ay tumapong lahat sa silong ng bahay: sa gayong nangyari, kapuwa nagitla ang dalagang hirang at salantang ina, ito'sa dahilang nababatid niya na sa kinasidla'walang natitira. at walang kakanin ang anak na mahal pagka'walang bigas kusing man lamang na sukat ibili ng ikabubuhay na mailuluto hanggang sa hapunan. si tetay, gayon din, pinasukang hapis, dahil sa natapon ang lugaw sa sahig, gayong wala siyang ibibili, kahit, ng sapat man lamang sa inang may sakit. datapwa'gayon ma'di nagpahalata, sa kanyang kandungan, ina'ibinaba, dinampot ang mangkok, pinahid ang basa, at waring lalabas, tungo'sa kusina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"mag antay ka muna at aking kukunin ang natirang lugaw ang wikang mahinhin at kukunin mo pa? ang sa inang turing kung gayon ay ano ang iyong kakanin? alam kong kagabi'di ka naghapunan at hangang sa ngayo'di nag aagahan, kundi pa kakain ng pananghalian ano ang daratnin ng iyong katawan? hapo sa paggawa, kulang sa pagtulog, ang sa sarili mo'hindi inaayos, kung ikaw'mapata, ilayo ng dios, sino ang sa aki'titingin ng lubos? ang sagot ng anak ay giliw kong ina, kung sa ganang aki'huwag mag alala. sapagka'sa kala'lubhang marami pa na makakain ko kung matapos ka na. anong pagkagandang kasinungalingan! ang wika ng ina sa anak na mahal oo'mayroon pa, sakaling balungan ang palyok na tuyo na nasa sa kalan. sa gayong nadingig, si teta'nangiti pagka'batid niyang ang ina'di mali, nguni'ang hinala ni ata'pinawi sa magandang sabing nakabibighani. maniwala ina'tunay na mayroon at di kailangan ang siya'bumalong, kung sa ganang aki'di pa nagugutom kanya'kukunin ko ang natira doon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"upang sa sakit mo'hindi makadagdag iyang kakulangan sa kakaning sapat at kung may malabi, iyon na ay sukat na itatagal ko sa maghapong singkad. masabi ang gayon, kalan ay tinungo'walang itinira kahit isang mumo, nguni'ng makitang kaunting totoo ang nakuha niya, ang puso'nanglomo. pagka'magtipid man ang kanyang maysakit, ang gayong karami'kulang at di labis; dito namighati ang masuyong dibdib at luha'tumulo sa laki ng sakit. papanong di siya lubhang magdaramdam sa wala ng sukat dapat na asahang makapagbibigay mauutangan ng ipamimili sa kinabukasan. kaya'ng pumasok na dala ang tasa ay hindi napigil ang luha sa mata, datapwa'sa nasang ilihim sa ina ay nagpakunwaring siya'tumatawa. ang ina'namangha sa nakitang anyo ng bugtong na anak at giliw na bunso: waring nakangiti, luha'tumutulo, bibig nakatawa'mata'namumugto. ano ka mayroon? ang tanong ni ata ano'namumugto iyang mga mata? ano ang hapis mo, bakit di ibadya? ang kay tetang tugo'walang bagay ina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"naalala lamang na kungdi ihatid yaring aking tahing panyong maliliit ay wala na tayong sukat ipangtawid sa loob ng araw ng lingong sasapit. kaya'kung ibig mo, inang ginigiliw, ay maghinahon na'ikaw ay kumain, ng upang matapos ang aking tahii'aking maihatid sa ngayon ngayon din. ikaw na anak ko ang siyang humigop niyang natitirang nakuha sa palyok ang wika ng inang halos nalulunod sa laki ng dusang sa puso'nagdoop. dito na nangyari ang pagpipilitan, ng bugtong na anak at sintang magulang; aayaw ang isa'ang isa ay ayaw, na wari'kapuwa busog na ngang tunay. kahit mapag aba'matigas na dibdib ang sa anyong iyo'minsang makasilip ay mahahabag di'papasukang pilit niyong pagkaawa sa mag inang ibig. pagka'ang kanilang pagpapasunuran ay buko ng isang boong pagmamahal, ang ibig ni ata'mabusog si tetay at si tetay nama'ang kanyang magulang. sino nga bang ina ang makababata na hindi kumain ang anak na sinta? nguni'sinong anak ang makakakaya na makitang gutom ang giliw na ina?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kaya'ang nangyari, sila'nagkasundo na ang bawa'isa'tig iisang subo doon sa nalabi na pagkaing luto na kaunting lugaw ina may luhang halo! at ng makatapos, ina'pinagyama'saka iniupo sa sadyang luklukan na kahit sira na'mayroong hiligan na nakasasalo sa dakong likuran. at siya'lumuklok sa dakong ibaba upang bigyang hangga ang nahintong gawa, nguni'anong laki ng tinamong mangha nang ang panahia'kanyang mausisa. sapagka'sa loob ng kanyang tahiin ay may nakatagong kaputol na papel na hindi mabatid kung saan nangaling, kaya'itinanong sa inang kapiling. sino ang may dala ng sulat na ito? naparito baga kanina si pedro? oo ani ata siyang nakita ko na tanging gumalaw ng panahian mo. at saka umalis na tila may lumbay sapagka'malungkot niyong magpaalam at ang idinugtong sa huling tinura'ang babalik siya sa katanghalian. ang puso ni tetay ay halos tumahip sa sabi ni ata na kanyang nadingig, pagka'hindi niya lubos na maisip ang pinanggalingan ng gayong ligalig. ano'ginawa pa ang siya'sulatan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ano ang sa papel ay napapalaman? yao'talinghaga, kaya nga'binuksan, upang mapagtanto ang laman ng liham. di pa natatapos sa kanyang pagbasa, ang luha'umagos, at sabay sa isang matinding himutok, mukha'napatungo'kamay pinagduop. si ata'nagulat sa gayong nakita at biglang tinanong ang anak na sinta. ay ina kong giliw! anang pagkapakla nitong kapalarang aking dinadala! ako, inang irog, ay lubhang mapalad sa gitna ng ating madlang paghihirap at yaring dibdib ko'lubos na panatag at walang ligalig akong matatawag. datapwa'aywan ko, aywan ko kung bakit at di ko mapigil ang paghihinagpis dahil sa paglayong sa sulat sinambit ng kapuwa bata'kalaro kong ibig. yaring abang puso'nalulunod mandin sa bayong malakas nitong paninimdim, na sakasakali na tayo'lisanin ay baka hindi na muling makapiling. aywan ko kung bakit, nguni'yaring luha ay di ko mapigil sa kanyang pagbaha at kung gunitain ang bawa'salita ng sulat na ito, ako'nanglalata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"at diwang ang aking boong kaluluwa ay nababalutan ng matinding dusa. iyan ay pagsinta ang pangiting sagot ng giliw na ina. ang tanong ni tetay na tutop ang dibdib ng dalawang kamay, oo, aking anak; iyang pagmamahal na tinataglay mo ay pagsintang tunay. iyan ang larawan ng isang paggiliw na anak ng iyong pagirog na lihim; di mo natatanto pagka'nahihimbing, sa kapayapaan, ang iyong panimdim. nguni'ng magdamdam ng munting gambala, gaya ng paglayong hindi inakala'sumilakbong agad ang pamamayapa, at nagpakilala sa sabik na nasa. iyan ang nangyari sa bata mong puso na di nakabatid ng iba pang suyo liban sa malambing at tapat na samo nitong iyong inang matanda na'hapo. malaon nang lubhang aking naramdaman ang inyong matapat na pagsusuyuan, nguni'di pinigil, bagkus binayaan ang binhi ng inyong sintang tinataglay. sapagka'alam kong totoong malinis ang pagsusuyuang inyong ginagamit. kung gayon, ina ko ang kay tetang sulit ang unang silakbo ng sinta'pasakit?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"diyata'hindi na mangyaring mabatyag ang lasap ng sinta kungdi sa pahirap? hindi naman gayon ang sa inang saad kung minsa'ganyan nga'kung minsa'malunas: kung minsan, sa piling ng kapayapaa'nunukal ang binhi ng pagmamahalan at sa pagtatama ng dalawang simpan, ang munting sandali, ay nagiging tulay. upang ang pagsuyong sabik sa pahayag ay magpakilala sa irog at liyag at ang puso namang nagtimping maluwat ay magpahalata ng kanyang paglingap. sapagka'ang sinta ay hawig sa puno na ang binhi niya'ang ngalang pagsuyo at pinakadilig, nang upang lumago, ay ang katamisan ng mga pagsamo. kahit na maunlad ang kanyang paglaki ay di mahalata nang may dalang kasi, kungdi matatangki'mapagmunimuni na may ibang nasa ang pusong sakbibi. nasang nahahawig sa isang gunita, nasa na animo'uhaw ang kamukha, nguni'kung suriin ay mahahalata na iba ang ayos, at iba ngang sadya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sapagka'ang dating iyong pagmamahal sa ibang kilala'mga kaibigan ay hindi rin iyon ang suyong bubukal sa isang pagsinta na bagong dinamdam. yaon ay taganas na pagmamasakit, pagpapaumanhi'pakikikapatid, nguni'itong isa'damdaming matamis na may panibugho'madlang pagtitiis. ang bawa'salita nitong nangungusap, sa dibdib ni teta ay nagpapahirap, pagka'unti unting kanyang namamalas na pawa ngang tunay ang sa inang saad. kaya', ang kaniyang kamay, pinagduop, sa harap ng ina'biglang napaluhod, at sabay sa luhang sa mata'nanagos, nawikang: ina ko, ako'umiirog! kung yaring hinagpis nitong kaluluwa at pagkabagabag ng damdaming dala ay tanda ng aking paggiliw sa kanya. patawad, ina ko!. ako'sumisinta!. ang kay atang turing, na lubhang masuyo, sa anak na giliw. pagka'nagawa kong sa iyo'maglihim ng damdaming dala ng puso'panimdim. isang manggagawa, ginoo ng sipag, mabikas ang tindig, noo'aliwalas, di mayamang suot ay nagpapahayag, na siya'matalik na kawal ni hirap .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ang magandang tingi'nagpapahalata ng ugaling mahal, kahit maralita, at ang kanyang labi'hindi nagbabala ng asal na ganid ng mga kuhila. ito ang binatang biglang nakiluhod, sa harap ni atang napagitla halos, na sabay ang sabing: salamat, sa loob na ipinatanaw sa aking pag irog. ang ating dalaga'nagulumihanan, pagka'nakilalang sila'napakingan ninyong kapwa batang kanyang minamahal at iniirog pa nang higit sa buhay. mukha'itinungo ng ating dalaga at ayaw isilay ang magandang mata; waring nahihiya nang ang lihim niya ay hindi na lihim sa tunay na sinta. ang inang may sakit, na siyang matanda na nakatataho ng damdaming bata, ay siyang sumagot ng tugong payapa sa pamamagitan ng ganitong wika: oo, tunay pedro; ang iyong pag ibig ay malaon na ngang may sadyang kapalit at kahit nangyaring malabis kong batid ay hindi humadlang, bagkus nanahimik. sapagka'alam kong ang iyong paggiliw sa sinta kong teta'lubhang taimtim at walang gabahid na ikadudusing ng taglay na puring kanyang inaangkin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"batid ko rin namang sa isang gaya mo ay lubhang malayo ang ugaling lilo, kaya'pinayagang ikaw ang magtamo sa pusong malinis ng sintang anak ko. datapwa'ang tanging aking dinaramdam ay ang lagay naming lipos kasalatan at wala na manding mabangit na yaman liban na sa dagsa nitong kahirapan. ina ko, sukat na yaman pa'aanhin kung isang biyaya ang magiging akin? at saka sa kulay ng aking paggiliw ay di nahahalo ang sa yamang ningning. ako'inianak sa pagdadalita at kampon ni hirap sapol pagkabata. musmos pa man halos bisig ko'pinata at naging kawal na ng haring paggawa. ang tangi ko lamang pinakahahanap ay ang isang pusong mayaman sa lingap at ang pusong ito'aking natatatap na si tetay lamang ang siyang may ingat. datapwa'gayon man, kahit aking batid, na, sa sarili ko, siya'iniibig ay hindi ginawang aking ipagsulit, sa tunay na irog, ang laman ng dibdib. at talaga sanang aking itatago nang lubhang malalim sa loob ng puso, at baka sakaling ang kanyang pagsuyo ay naidulot na sa ibang sumamo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"at kungdi nangyaring aking napakingan ang mga salita ng irog kong tetay, salitang nagbukas niyong kalangitan sa palad kong aba, di sana nagsaysay. sinungaling! ang wikang banayad ng ating dalaga kung ako ay liyag, bakit mo nagawa ang lalayo'sukat, gaya nang tinuran sa iyong sinulat? ina naming irog; ikaw ang humiling sa anak mong sintang ako'patawarin. pinatatawad ka, nguni'sasabihin kung bakit naisip ang kami'lisanin. kayo'mangagtindig ang wika ni ata sa ating binata'sa ating dalaga kayo'magsiupo at saka ibadya ni pedro ang sanhi ng pag alis niya. matapos na sila'makapag upuan sa papag na sirang ang paa ay kulang, binuksan ni pedro'agad sinimulan ang sanhing nag udyok ng kanyang pagpanaw: ako'isang bugtong ni ama'ni ina at batid na ninyong malaong ulila, kaya nga'nangyaring kahit hindi kaya nitong katawan ko, ako'nagpaupa. gayon na nga lamang ang isang mahirap, na walang mag ampo'sukat na lumingap, dapat ugaliin, ang buto, sa batak kung ibig mabuhay at huwag masalat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"bukod pa sa roon, ang taong may dangal ay dapat batakin ang buto'magpagal, at huwag mabuhay ng hambahambalang kaya'umasa sa mga sugalan. kahit may salapi'nakaririwasa kung ang pamumuhay ay pagalagala at di ginagamit ang buto sa gawa, ay tinatawag din namang: hampaslupa. ako ay naglingkod, na bilang nag araw, sa isang gawaan ng di kababayan, nguni'sa pagpasok ay may kasunduang kung maraming gawa'may upang katimbang. inihalal akong maging katiwala sa isang pulutong niyong manggagawa. na kagaya ko ring pawang maralita nguni'lalong salat sa kaya at haka. anong sasapitin? susunod na lamang sa bawa'sabihin, kung busabusaang animo alipin ay wala ng kibo'mababa ang tingin. paano', ang mangmang, kahi'may matuwid, ay umid ang dila at pipi ang bibig; laging nananangan sa tuntuning lihis na kabaitan daw, ang hindi pag imik. sa gayon ng gayo'nakaugalian ng nangangasiwa ang paglapastangan. walang bigong kilos na hindi may tampal, suntok, sikad, batok, sa munting magkulang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,", gayon na lamang ang pag alipusta sa inuupahang mga maralita! ibayo'ibayo ang dagdag sa gawa at sa upa naman ay baba ng baba. datapwa'ang tao'hindi makadaing pagka'natatakot na sila'alisin, dahil sa maraming kahit na gayonin ay nakikiagaw, dahil sa kakanin. sa bawa'umalis na isang pinaslang ay sampu ang palit na nag uunahan, kahit na mababa ang upang ibigay ay tatangapin ding walang agam agam. nakikita ito ng lilong mayama'ikinatutuwa ang pagayong asal ng nagpapaupa, kaya'kadalasa'malaon mang lingkod ay di tinitingnan. sa munting magkulang ang kahi'na sino, maging matanda man kaya ay bago, dagling aalisin at tamad dikono kahit na ang sanhi'may sakit ang tao. ang ibig mangyari ng namumuhunan ay ibaibayo ang tubong makamtan, dapwa'ang katulong na puhunang pagal ay huwag magtamo ng milma man lamang. paanong di gayon, ay hindi kabalat? ang puhunang dayo ay walang paglingap.! ano kung mamatay tayo ritong lahat yumaman lang sila'magbalon ng pilak?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sa kanila'ano kung tayo'masawi, masasawi baga ang kanilang lahi? sila ay dayuha'dayo ang salapi, kahit makaapi'walang ngimingimi. ang bagay na ito'mapaglalabanan kung ang mangagawa'mangagtutulungan, nguni'hindi gayo'bagkus ang iringa'siyang naghahari sa mga upahan. madalas, na, sila ang nangaguudyok ng upang ang iba'magtamong pag ayop; sila, sa kasama, ang nangaglulubog sa nasang maagaw ang sa ibang sahod. ang pusong masakim (ng sahol sa kaya) ay walang dalahin kungdi ang mamansa ng madlang pagdusta sa galaw ng iba yamang di mangyaring mapantayan niya. si inggit, si lihim, si dimapagtapat ay siyang sambahing laging nauunlak, samantala namang sa luha'nasadlak si damay, si tulong, si ampo'si lingap. walang bigong kilos na hindi kaaway niyong mangagawa ang kapwa upahan, na mapagmapuri'dila ang tangulang ipinangtutulong sa namumuhunan. sa madaling sabi: di lamang ang lupit ng lilong salapi ang nakaiinis, kung hindi sampu pa ng ugaling ganid ng kaisang uring taksil sa kapatid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kaya'matatawag na sila ang uway na laging panggapos sa mga kawayan; sila ang kapatid, sila ang kakulay at silang sila rin ang nakamamatay. mahalaga'tunay iyong sawikaing: hirap ang mahirap sa anomang gawin; hirap sa harapan ng umaalipin at hirap sa asal ng kasamang taksil . ang bagay na ito'siyang nangyayari sa pinapasuka'gawaan kong dati, kaya'naisip kong makapagsarili masok sa ibang hindi mapang api. sapagka'sa aking mga kasamahan ay wala ang budhing marunong dumamay, sila sila na rin ang nag iinisan gayong ang marapat ay ang magtulungan. sa gayong pahayag, si ata'sumagot ng payong maraha'salitang malambot, na anya': anak ko, huwag panibulos sa biglang sigabo ng bata mong loob. kahit anong ganda sa bigla mong tingi'huwag na mabulag ang iyong damdamin, hindi pawang ginto ang nangagniningning, mana pa'marami ang maging kalain. maging anong buti ng hindi kilala'mahirap timbangan kay sa kilala na iyong pag usiging huwag kang mapara sa isang nangyari. ikaw'manainga:.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sa isang lupaing lubhang maligaya na tapat ng langit na laging masaya'may mutyang sumibol na tangi sa ganda at nakawiwili sa tuminging mata. kaya'ang sino mang sa kanya'lumapit ay nabibighaning sumuyo'umibig at walang matigas, ni bakal na dibdib, na hindi naakay ng taglay na dikit. siya'mapayapa at walang ligamgam, puso'nahihimbing at laging tiwasay, walang ninanasa kungdi ang mabuhay na lubhang malaya, sa katahimikan. mana isang araw, na di iniisip, siya'linapitan ng dulong na ganid, na taglay ang nasa at tangkang magahis ang yaman at ganda ng mutyang marikit. datapwa'ang budhing hindi nangangalay mag iwi sa isang boong kalayaan ay hindi umayon, at sa kalakasan ng dulong ay lakas ang ipinatanaw. ang mahinhing asal ay biglang pinawi, sa ngipin ay ngipin ang itinungali, hanggang sa mangyaring ang palalong budhi ng manggagahasa'nagbago ng uri. agad ikinanlong ang ngiping matalas at ngiting magiliw ang ipinamalas, dinaan sa himok ang hindi pumayag sa gahasang iwa'pakikipaglamas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"giliw, suyo, luhog at madlang paraya ang ipinatanaw sa mahinhing mutya at ito naman ay agad namayapa, nanalig na lubos, nagboong tiwala. tinangap ang haing mga panunuyo at hindi napuna ang handang panghibo, agad napalulong ang mahinhing puso at di inakalang yao'isang silo. ipinaubaya sa madayang giliw ang lamang malinis ng boong panimdim; sinunod na lahat ang bawa'mahiling niyong may taglay na kataksilang lihim. sa gayo'nagdaan ang isang panahon na lubhang panatag at walang lingatong, hanggang sa nakitang ang hayop na dulong ay nagdating asal; nanila na tuloy. dito na nangyari ang kasakitsakit, na ang dating laya ay siyang tumangis at iyong nangako ng boong pag ibig ay siyang halimaw na nagpakaganid. daya, lupig, dahas ang namaibabaw na siyang napalit sa panuyong asal, walang bigong kilos na hindi paghalay, kutya at pahirap na karumaldumal. hanggang sa nagbangon ang magandang mutya at nagpangarap na ng ikalalaya, iniwan ang laging pagwawalangdiwa at ang puting kamay, sa dugo'pinigta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ngunit nagkataong noo'nagkagalit ang masibang dulong at yaong limatik at ang ating mutya'sa huli humilig dahil sa pag asang hindi manglulupig. nakitulong siya, sa limatik, noon, dahil sa pangako nitong pag aampon, dapwa'nang magahis ang palalong dulong ay lalo pang sakit ang kanyang kinandong. sa madlang pag asa'pawang pag hihirap ang siyang napalit: nagipit, nasalat, ang impok na yama'nasipsip na lahat niyong magdarayang may taksil na hangad. hanggang dito yaong buhay na malungkot ng mutyang magandang di naghunos loob; humanap ng iba at ang nakadulog ay lalo pang ganid, lalo pang balakyot. masabi ang gayon ng nagsasalaysay, naghintong sandali, at saka nagwikang lubhang malumanay: huwag ding mangyaring iyong maparahan ang buhay ng mutya na aking tinuran. hindi po marahil; sagot ng binata pagka'hahanapin ang ikatatagpo ng mga kapuwa na hindi marunong mag asal kuhila at sa kasamaha'magpapanganyaya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"aking aakiting alisin ang asal nilang mapagbukod, at upang sa gayon ay aming makamtang mga mangagawa iyong katubusang sa dating ugali'hindi mahihintay. at hahanapin din ang mamumuhunan na sa taong dukha ay hindi marunong umapi'humalay; aking hahanapin na mabigyang dangal ang puhunang pawis ng puhunang yaman. dahil sa di dapat na pamalagiin ang ugaling ito na walang halaga sa salaping sakim ang pagod na gugol ng matitiising pusong manggagawa na inaalipin. salapi'paggawa'dapat na magtimbang sa tamuhing tubo. at ikaw, anak ko, ang tanong ni atang ang magpupumilit sa dakilang bagay ang hindi nagawa ng lalong maalam?. aking pipiliti'kung hindi makamit anang bagongtao ay di magsisisi, sa gugol na pawis; ang panununtuna'ang bugtong na sulit na: ako'tumupad sa ngalang maghasik .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"nguni'kung mabatid ng kahanapbuhay ang sadyang halaga ng mga katulong ng isang puhuna'di na mangyayari itong kalagayan naming mga dukhang wari'kasangkapan; na kukunin lamang kapag gagamitin at kung masira na'itatapontapo'titisudtisurin, kaya'babayaan na iwan at datnin ng madlang sakuna'akbay na hilahil. at ang mga pagod, isip, pawis, puyat na pawang ginugol sa ikalalago ng puhunang pilak ay di magkaroon ng timbang na bayad liban sa pag api at mga pahirap. aking hahanapin ang ikahahango ng bayang masipag, niyang manggagawang lagi nang siphayo ng mga may yaman, upang mapalago ang ugaling banal ng di mapaglugso. magandang adhika! ang putol ni teta datapwa'pangarap! ang saglit ni atang walang paniwala iya'mangyayari kung dito'mawala ang pag aagawan, inggita'pagpula. matapos ang gayong mga salitaan ang ating matanda'lumapit sa dating banig na hihigan, dala palibhasa niyong kahinaan, sa gawang maupo'hindi makatagal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"binata'dalaga'kapuwa naiwan na magkaagapay sa kinauupan; kapuwa tahimik, kapuwa alangan at kapuwa mandin nagkakahiyaan, gayong magkalapit sa isang luklukan. marahil, sa budhi'kapuwa may tago na ibig sabihin, nguni'di matagpo kung saan simulan ang usapang wasto na ikatutungo at ikabubunggo. sa ibig ihayag ng kanilang puso. ang isa at isa'diwa nag aantay sa pagpapauna niyong kaagapay; ang isa at isa'ibig na magsaysay, datapwa'pagsapit ng nasang maturan sa kanilang labi'ngingiti na lamang. hangang sa nangyaring ang ngiting palihim ng ating binata'kay tetang napansin. ngumingiti ka pa ang wikang mahinhin na may magkahalong hinampo at giliw at diwang ang sinta'ibig pang sisihin. bawal ba ang ngiti? oo, aking bawal sa masamang tao. kay dali ba naman ng aking pagsama!! kakahapon lamang ay mabuti ako. at ngayong malaman na minamahal mo'. saka pa humalay? bakit ka naglihim?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"pagka'di ko batid kung may maaantay ang aking pag ibig, at hindi ko nasang abutin ang sakit na pagkamitin mo ng tugong mapait na mayroon ka nang katipan sa dibdib. kung nagtapat ka ba'di sana natanto kung ano ang laman nitong aking puso. at kung ang tamuhin ay ang pagkataho na walang pag asa ang aking pagsuyo. hindi lalo ko pang ikasisiphayo? hindi mo lang alam ang laki ng sinta'ang iniaalay sa isang kalulwa. nguni'di kagaya ng dinaramdam ko, niyong di ko taya na titimbangan mo ang giliw kong dala. ang dibdib ko niyo'wari isang dagat na laging maalo'lubhang mabagabag, nangangamba akong sa iyo'naagtapat at ang tinatamo'libolibong hirap kung hindi mangyari ang pagpapahayag. sa tuwituwi nang ako'paparito ay handang handa nang magtapat sa iyo, datapwa'pagsapit, at makausap mo, ay walang wala na ang madlang simpan ko'walang nalalabi kung di pagkalito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kung nasa harap mo ay piping mistula ang nakakabagay ng labi ko'diwa, nguni'kung wala ka'sa lahat kong gawa'ang iyong larawan ang kasalamuha, kasanggusangguni at laging gunita. kung gabing malalim at di makatulog, magbabangon ako'maglilibotlibot. ang akala mo ba kita'nalilimot?. sa bawa'sulingang langit, daan, sulok, ang iyong larawan ang napapanood. kung mahimbing naman, sa sandaling idlip, agad agad kitang mapapanaginip sa wari'kausap: kung minsan ay galit at kung minsan nama'iyong iniibig. at ang boong suyo'aking kinakamit. pag ang una'siyang sa aki'sumagi, kung ako'magising. kay laking pighati! nguni'kung ang huli'lalong dalamhati pagka'makikitang sa isang sandali. ang aking ligaya ay biglang napawi. kaya'kung nangyaring di ko namalayan ang tamis ng iyong bukong pagmamahal, dinala sana hanggang sa libingan ang lihim na sintang aking tinataglay. kay sama mong tao! huwag kang magtangol!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kung iyong dinala hangang sa libingan ang lihim mong sinta, di pinagtaglay mo ng dalita'dusa itong sumusuyo'abang kaluluwa na, kahit di tanto', umiirog pala?. ikaw ay lalaki'iyong nababatid ang maraming anyo ng isang pag ibig, nguni'ang gaya kong pusong matahimik ano ang malay kong ang laman ng dibdib ay isang paggiliw na abot sa lang it? ano ang malay kong iyong agam agam sa maminsanminsang hindi mo pagdalaw ay kakulay pala niyong pagmamahal, at ang pagnanasang makita ko ikaw ay isang pagsinta'pag irog na tunay?. kung takip silim na'di ka dumadating ang mata ko'lito at pasulingsuling; itinatanong ko sa sariling akin kung nasa saan ka, datapwa'malalim na buntonghininga ang madalas kamtin. kung napupuna kong ikaw ay may sakit dahil sa mukha mong may larawang hapis, diwa, ay nasa kong sa iyo'iibis ang gayong pighati, na lason sa dibdib, danga'di mahiling na iyong isulit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ako'kasama mo sa iyong pangarap kung nagigising ako ang kaharap, ako namang ito, sa lahat ng oras, ay walang adhika kung di ang matatap kung may saya ka kaya'may hirap. sa gabing pagtulog ay nagugulantang pagka', sa wari ko, kita'kaagapay; kung may ginagawa, ay gayon din naman, sa bawa'lagitlit akala ko'ikaw ang siyang lalapit sa aking likuran. ibig kong mangyaring ang lahat mong lihim ay aking matanto, tuguna'damdamin; nguni'kung sumagi sa aking panimdim na baka sakaling ikaw ay may giliw. ako'nagdurusa'puso'nalalagim. ang lubhang madalas, kung ako'magdasal at sa poong dios ay nananawagan, aking napupunang hindi dumadatal ang dalanging handog sa ating maykapal pagka'ikaw'siyang dinadalanginan. ang lahat ng iyon ay hindi ko batid na larawan pala ng isang pag ibig, kung di ka sumulat at ipinagsulit sa akin, ni ina, ang laman ng dibdib. di ako'natira sa gawang magtipid? di sa pagtangis ko sa iyong paglayo ay di mababatid na iyo'pagsuyo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"di nangyari sanang ang aba kong puso ay pinagdusa mo'ipinasiphayo gayong walang sala namang natatanto? patawad tetay ko! akin nga ang sala kaya'inaantay ang iyong parusa. kay buti buti mo; parusahan kita! di pinasakitan ang akin ding sinta, sakit mo'sakit ko'hindi ba iisa ang langit ma'hindi magandang pangarap at yao'sadlakan ng lahat ng lunas ay hindi titimbang sa tinamong galak ng puso ni pedro, dahil sa pahayag ng kaniyang sintang pinakaliliyag. malaonlaon pa bago nahanganan ang gayong kasarap na pag uusapan, hangang sa natapos ang tahi ni tetay at siya'nagbihis nang upang madala sa paghahatiran at kanyang masingil ang ipamimili ng ikabubuhay. kanyang pinagyaman ang gawang tahii'kay pedro'hiningi ang siya'hintain upang may magbantay sa inang nahimbing sa pagkakatulog; at nang may lumingap at sukat tumingin (samantalang wala) sa kanyang may sakit, sakaling magisang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"si pedro'naiwa'(si tetay sumaglit, na, sa isang kamay, ang baluta'kipkip) nguni'di naglao'si ata'nagtindig sa kinahihigan, pagka'hindi tulog, gaya ng sinambit ng anak na giliw, at inantay lamang na ito'umalis. kaniyang tinikis na sila'lisanin upang makausap ang binata natin, dahil sa mula pa nang kanyang malining ang pagsisintahan ng dalawang pusong pinakagigiliw ay ibig na niyang ihayag ang isang mahalagang lihim. nagbalik sa dating kaniyang luklukan at ang bagongtao'pinakiusapang dumingig sandali sa madlang tuturan na ukol sa lihim niyong maralita'dukhang kabuhayan nilang mag iina; bagay na di taho ng taong sino man. ang balong si ata, ang ulilang teta, ang babaing hapo, ang magandang bata, dalawang mag inang mananahi kapwa; ito lang ang laging tanging kasagutang kakamtin sa bala mong mapagtanungang kapit bahay namin. ang kay atang wika.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"datapwa'sino ma'di nakababatid kung saan nangaling nang dito'sumapit, at kung anong bagay ang siyang pumilit na dito'tumahan, at kung anong buhay na kasakitsakit ang aming dinaan kung kaya nangyaring sa dusa'nagtiis. ikaw na kapwa ri'ulilang hinabag ng palalong yamang sukal sa mahirap, ikaw na malapit makaisang palad ni teta kong sinta'dapat makabatid kung saan nagbuhat ang ginigiliw mo; kung siya ay ano'kung kanino anak: ako'isang bukong kinandong ng sanga sa gitna ng madlang ulayaw at sinta; walang agam agam, ang puso'masaya, walang munting kilos na hindi kaulong ang madlang ligaya, ang madlang paglingap ng amang masuyo'mga kakilala. datapwa'sumapit sa giliw kong bayan ang isang binatang anak ng mayaman at doo'tumira upang magparaan ng ilang panahon sa gawang mangaso'mga paglilibang, dala palibhasa na di kailangan ang maghanap buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"siya ay bihasa'ugaling maynila, makiyas ang tindig, mabikas magwika, walang isang bangit ng pananalita na malulusutan nang isang tukuyi'handugan ng nasa sa ngalang pagsintang animo'larawan ng boong adhika. ano ang dadatnin ng bata kong puso sa gayong katamis na mga pagsamo?. ako'napalulong sa gawang sumuyo at sa bisig niya'linagok ang tamis ng madlang pangako na di maglililo. at di babayaang ako'masiphayo. hangang sa sumapit ang isang panahong ang punlang pagsinta nami'nagkausbong at ako'iniwang sakbibi at kalong ng mga pangamba: lipos agam agam, kipkip ng lingatong, balot kahihiyan sa madlang kilala'sa amang may ampon. napalaot ako sa maraming hirap, sa bawa'sandali puso'alapaap, wari sa sarili'batid na ng lahat ang kalagayan ko, at ang aking lihim ay bantog at kalat sa boong bayanang handa sa pagkutya'diladilang libak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ang pakikisama'pakikipanayam sa kasuyosuyong mga kaibigan ay napawing lahat, aking iniwasan sampung makiulong sa mga kaanak at madlang pininsan, dahil sa takot ko, na baka matanto yaong kalagayan. sa gayon ng gayon, araw ay dumating na di na magawang itago ang lihim, at sa pagkatakot sa ama kong giliw, ako ay nagtanan; dinala ang munting hiyas at damitin upang mahanap ko ang pinagsanglaan ng puri'panimdim. aking pinagsadya nang upang isamo na kanyang lingapin ang sariling dugo, ang bungang malusog ng aming pagsuyo, nguni'. nang matagpuan ko ang giliw ng puso ay walang tinamo kung di ang pagdusta'madlang pagsiphayo: ako'itinaboy sa kanyang tahanan at pinagkamit pa ng wikang mahalay. na, umano', iyong bungang tinataglay, ay hindi kaniya, at ako'babaing walang karangalan, pagka'sa bala na ay nakilaguyo'nakipagsintahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kahit isang mundo ang biglang bumagsak ay di nakatulig, sa akin, ang lagpak nang kagaya niyong salitang masaklap sa karangalan ko; ako'bumulagta'ang diwa'tumakas; nguni'nang magbalik yaong pagkatao'wala na ang sukab. tinulungan ako sa gawang magtindig ng isang utusang may taglay na tubig, at saka nang ako. sa laki ng hapis! ay namimighati, sinabi sa aking dapat nang umalis at doon ay walang magpapahalaga sa pinag uusig. at sabay sa gayong wikang walang tuos, pitong lilimahing pawang gintong pulos ang ibinibigay at iniaabot sa akin. yaon ang halagang sa akin ay limos niyong walang budhing nag aboy sa palad na kalunoslunos. mata ko'nagdilim; hindi napaghaka na ang kaharap ko ay isang alila, aking sinungaban ang salaping handa'saka inihagis sa harapan niyong taong alibugha, na sabay ang sabing: ako'di babaing walang puri'hiya. magmula na noon, ako ay naghanap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"upang ipaglaban ang buhay na salat; ako ay nanahi hangang sa nanganak at ang sintang bunso, na ngayo'tangulan sa madla kong hirap, ay naging tao na at siya'nagtanaw ng unang liwanag. kaya'iyang bukong iyong linalangit ay anak ng isang mayamang malupit at itong kaharap ay isang nagkamit ng ngalang buhaghag, pagka'di nagawang ang puri'iligpit at naipaglaban sa gahasang udyok ng isang pag ibig. ngayong talos mo na ang lihim ng buhay nitong pinara mong tunay na magulang at ngayong talos din ang pinanggalingan ni teta mong sinta, ikaw ang magsabi, kung ang pagmamahal na tinataglay mo'marapat hindi magbago ng kulay. sa gayong tinuran, si pedro'nagwika, na tutop ang dibdib danga'magagawa na pagibayuhin ang sintang alaga, dapat pong alaming, dinagdagan sana, pagka'naunawa ang inyong tiniis sa lalang ng isang lalaking kuhila. sino ang may sala: ang pusong naghandog ng isang matapat at boong pag irog ang nagkuhila, dumaya'umayop sa nagkatiwala?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kung sa ganang akin, ang dapat mahulog sa lusak ng kutya'ang sa kanyang dugo'natutong lumimot. salamat, anak ko, ang putol ni atang at di ka kagaya ng ibang isipan; maging awa, kahit, ang iyong tinuran ay nagpapahayag na sa iyong piling ay di sisilayan ang giliw kong bunso ng isang pagdusta sa pinanggalingan. isang bagong creso kung sa kayamanan at isang atila sa kaugalian, isang carlo magno sa nauutusan at cingong alipin sa pinapasukan. walang karangalang di nasa kaniya, ang lahat ay daig, sa mga pamansa, walang linilingap na katwirang iba liban sa katwiran ng kanyang bituka. wikang kababayan, ay isang salita na ang kahulugan, sa kanya, ay bula; kalahi, ay ano? ano kung madusta may salapi lamang na sukat mapala? sa loob ng bahay na pinapasukang gawaang tabako'walang pakundangan sa mga mahirap na nangag aaraw na kung pagmurahin ay gayon na lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"nguni'kung sa harap ng namumuhunan ay piping mistula at mababang asal, sumagot pa'waring binibining banal na hindi marunong magtaas ng tanaw. ito ang ginoong sa dukha ay hari datapwa'alipin niyong may salapi, at siya rin naman ang taong mayari ng mga gawaing kay teta'patahi. siya', nagpagawa sa ating dalaga nguni'hindi dahil kailangan niya, kung hindi sapagka'ang taglay na ganda niyong binibini'kanyang pinipita. yao'isang silo, lalang at pakana upang maihayag ang taglay na nasa, ang nasang mahalay na palaging gawa sa mga dalagang kanyang manggagawa. kaya'nang makitang si teta'dumating na dala sa kamay ang mga tahiin ay agad iniwan ang mga kapiling na mga upahang sa kanya'nadaing. at biglang tinapos ang kanilang usap sa wikang gahasa na lubhang matigas: kung hindi sang ayon aniya sa awas sa upa, ay dapat na kayo'lumayas. at ang kakulangan ninyong inuusig ay di mangyayaring bayaran pa, kahit magsakdal. sulong na, at baka mag init pa ang aking ulo, kayo'mahagupit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"masabi ang gayon, ay agad iniwan ang mga kapulong na kanyang upahan, at saka tinungo ang kinalalagyan ng ating dalagang di lubhang nag antay. datapwa'hindi man nakuhang minasid ang pagkakayari ng pagawang damit, agad inialok ang kanyang pag ibig na wari ay batang matakaw at sabik. sa wikang malambot ay inisaisa ang maraming yamang ihahandog niya tangapin mo lamang ineng yaring sinta'di na kailangan ang maghanap ka pa, mahal na ginoo anang binibini nagkamali ka po sa hain mong kasi, ako'maralita'walang yamang iwi, nguni'di marunong magbili ng puri. ang pag ibig ko po'di siyang dahilan kung kaya narito sa iyong harapan, ako'naparito ng upang makamtan, ang sapat na upa sa gawa kong taglay. ipagpatawad po kung di ko matanggap ang inihahain na iyong pagliyag, may kapantay ka po, ikaw ay humanap, at huwag habagin ang gaya kong hamak. oo'mangyayari ang iyong tinuran na ako'humanap ng aking kapantay kung hindi nga sana, ang nalalarawan, dini sa puso ko'larawan mo tetay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"iyong pag isipin: ikaw ay maganda, sa iyo'di bagay ang maghirap ka pa; nguni'kung tanggapin ang aking pagsinta ay masusunod mo ang lahat ng pita. ikaw maging akin, at bukas na bukas, may bahay kang bato'sarisaring hiyas, may sasakyan ka pa'hindi maglalakad, at salaping labis sa gugol mong lahat. madingig ang gayon ng ating dalaga'nagtindig sa upo, ang mukha'namula, at biglang naparam sa noong maganda iyong kaamuang laging dinadala. di ko akalain ang wikang matigas na ikaw'mamali sa iyong pangmalas; akala mo yata'sapagka'mahirap ay nararapa na sa ningning ng pilak? ako'maralita, at kung di gamitin ang munti kong lakas ay hindi kakain, datapwa'libo mang hirap ang danasin, ang handog mong sinta'hindi maaamin. di ko kailangan ang magandang hiyas, ni ang titirahang bahay na mataas. ang bunton ng yama'pisanin mang lahat. walang kabuluhan sa aking paglingap. ang kataasan ba nitong batong bahay ay tataas kaya sa pulang kakamtan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"at ang mga ningning ng hiyas at yama'makatakip kaya sa puring hahapay? kung ang karangala'hindi mo kilala'ang pilak, sa iyo, siyang mahalaga; unawain mo pong sa aking pangtaya'sa salapi'hiyas ang puri ay una. sapagka'ang tao, kahit na mayaman, kapag walang puri'walang kabuluhan, aanhin ang hiyas, ang pilak, ang bahay kung ako'yagit na'yuyurakyurakan? mahanga'ganitong dukha'nasasalat, may kapuwa tao, kahit mga hamak, at hindi pasasang baluti ng hiyas at wala ng linis ang dangal na hawak. mataas mag wika talagang mataas kapag dinudusta ang isang mahirap na may pagmamahal sa puring iningat; nariyan ang tahi, antay ko ang bayad. kung ikaw sa aki'iibig hindi lamang tumbas ang ipakakamit, datapwa kung hindi, ay ipagkakait ang sampu ng upa sa mga nahatid. madingig ang gayon ng ating dalaga ay halos nanglumo, ang puso, sa dusa, sapagka'sumagi sa kanyang alala na hindi kakain ang salantang ina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kaya'namalisbis sa mata ang luha, at sumabudhi na ang magmakaawa, nguni,ang kausap na ma'maling nasa ay hindi dumingig sa ano mang wika. subali'nag ulol sa pakikiusap na siya'lingapin sa haing pagliyag, at sinamahan pa ang balang marahas ng kapangahasang gahasai'sukat. dapwa'nang dulugin, sa kinatayuan, ang ating dalagang nag iisa lamang, ito'ay lumayo'ang lilong mayaman ay pinapagkamit ng mariing tampal. iyan ang marapat sa isang kuhila na di gumagalang sa bawa'mahina upang matuto kang huwag gumahasa sa hindi pumayag sa buhong mong nasa. nang masabi iyon ay biglang iniwan ang nahilohilong taksil na mayaman, saka nang sumapit sa pinto ng daan ay muling liningon ang pinangalingan. walang budhi anya taong walang damdam! ikaw, kung tawagi': mayaman! nguni'walang kayang gipiti'tambangan kung hindi ang dukhang walang kakayahan. iwan natin siya sa kanyang pag uwi na ang naging bao'isang dalamhati, at ang unawain ay ang mga sawi na anak paggawa na namimighati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"isang lingong singkad na pigta sa pawis at kinakabaka ang madlang panganib, kahit nanglalata ang ngalay na bisig ay di makahinto, at nagsusumakit na ang pitong araw'kanyang maisulit. pagka'alaala ang giliw na anak, ang sintang asawa, ang inang naghirap kaya'ang madlang kandiling kaanak na walang timbulan kung di iyong hanap na sa pagkain lang ay di pa sasapat. di naman mangyari, sa dukhang may dangal, ang gawang mang umit sa pinapasukan, kay nga'ang tanging pinananangana'yaong pinanganlang bayad kapagalan na di halos upa kundi limos lamang. sapagka'ang bagay na panganlang bayad, ay yaong katimbang ng puhunang hirap, datapwa'ang labi ng sakim na pilak na hindi marunong humati ng sapat, ay di nababagay sa upang pag tawag. iyan ang matimping kampon ni minerva, iyan ang may taglay ng igiginhawa nitong sangsinukob; sila, silang sila ang nagpapayaman, nguni'alimura nang mga puhunang may gutom buwaya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sila ang kaulong ng nangangasiwa ng ito'abutin ng ating si teta, sila ang katungong nagmamakaawa na huwag nang gawin iyong pagbababa sa dating upaha'kabayarang takda. datapwa, ang ganid, sa wikang matigas, (labis pa sa bagsik ng sadyang may pilak) ay inalimura iyong mahihirap, at saka matapos pangalan ng tamad ay di ibinigay ang ukol na bayad. kayo'mga hunghang, mga walang isip, ibig pang lumampas sa puhunang kabig; kung ayaw tumangap ng upa kong nais, kayo ang bahala; ngayon di'umalis at baka abutin ang ako'magalit. at biglang iniwan ang mga kausap, matapos masambit ang ilan pang sumbat, (na ating natalos sa dakong itaas); doon na nangyaring si teta'hinarap na ang katapusa'tampal na malakas. siya ay iniwan na hilohilo pa niyong namumuhing mahinhing dalaga, dapwa'nang magbalik ang diwang nagitla'nag alab ang poot at ang pinagmura'ang mga upahang kapulong na una.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"at saka nagbihis ng lubhang madali, sinunda'hinabol iyong mananahi, hindi na inino ang pamimighati ng mga upahang nangaglulungating ibigay ang upang ukol sa nayari. ilang mga luno'matandang magulang, ilang mga anak at asawang hirang ang hindi kakain sa gayong inasal niyong walang lingap!? kaya 'pinasukan din ng pagngingitngit ang mga upahan. sumadilidili, na bago makitang dayukdok ang madlang anak at asawa ay dapat utangin ang buhay na dala niyong walang awa'walang kaluluwang pinalalamon na ay naninila pa. yayamang wala ring mga kahatulan sukat tuntunin sa pagayong bagay, lubos nang tinangkang sila ang humirang ng bagay at kapit na kaparusahan doon sa tao nga'may asal halimaw. ang mahinbing batis na binabalungan ng linaw na tubig na pang patid uhaw'nag aanyong baha kapag hinalangan. ang puso pa kayang marunong magdamdam ang hindi sumubo kapag hinahalay? kaya'sabaysabay na wari'iisa nang sinundan iyong budhing palamara; nagsabay na lahat, na poot ang dala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ng sa alab ay mangahas sumugba!! ng madaanan ng along masigla!!. sila'iwan nati'muling pagbalikan ang tahanang dampa ng mag inang hirang, doo'nag iisa ang maysakit lamang pagka'ang binata'sandaling lumisan. samantala namang siya'nag iisa at nag aantabay sa anak na sinta, libong panalangin ang sumaalala upang magkapalad ang bunsong dalaga. aniya'mangyaring ang hatid na tahi ay maging mainam, doon sa may ari, upang bayaran na, nang siya'madali at huwag gabihin sa kanyang pag uwi. kaya'ng matanaw ang giliw na bunso'sumaligaya na ang sumikdong puso, nguni'anong laki ng dusang bumugso nang makita niyang luha'tumutulo. halos napahiyaw at halos natindig sa kinahihigang sirasirang banig, na, sabay ang wikang ano, teta? ano ang nangyari'ikaw'tumatangis? tayo'walang palad! ang sagot ni teta'sabay napayakap sa giliw na ina ano'umiiyak ka?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ako'sinuba niyong taong sukab; pagka'di inamin ang haing pagsinta, niyong walang budhi'taong palamara, na kung kaya lamang nagpagawa pala ay upang masunod ang masamang pita. nguni'nang tumangi ako'di umamin ay pinagtangkaang ako'gahasain, salamat na lamang at aking napigil sa bilis ng isang tampal na mariin. dito inihayag niyong binibini ang lahat ng bagay na mga nangyari, dapwa'sa gitna pa niyong pagsasabi ay siyang pagdating ng lilong lalaki. na taglay sa loob ang paghigantihan iyong binibining sa kanya'tumampal kung dili kaya'sa tulong ng yaman ay nasang bulagin ang mga magulang. pagka'di bihira ang ama ina na pagkakatanaw sa munting halaga ay sila pang agad ang nag aaboy na sa puri ng isang anak na dalaga. dapwa'hindi pa man halos nakapasok sa munting pintuan ang buhong na loob ay biglang nahinto, nanginig ang tuhod, at munti na sanang siya'napaluhod. sapagka'nakitang sa kanya ang titig niyong napatayong babaing maysakit. yaon ang babai na kanyang inamis!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"yaon ang babaing sa kanya'nanalig!. ang pangalan niya na may dong kaugnay kung bukhin sa labi ng mga upahan, doon ay nadingig sa bibig ni atang na may halong ngitngit at dustang paghalay. ang lalaking iyan ang sabi ni teta ang sa akin ina'ibig gumahasa, taong walang budhi! ani ng matanda at nangahas ka pa na dito'magsadya?. di ka na nangiming dito'makarating na akay ng iyong pagnanasang haling? di ka na pinasok niyong salagimsim kung sino ang iyong tinangkang gahisin? nang dahil sa iyo: ang buko'bumuka'nang maging bulaklak ay agad nalanta, at saka sa ngayo'pagnanasaan pa na iyong halayin ang nipot na bunga? ang lalong masiba'may taksil na loob ay hihigtan mo pa kung sa pagkabuktot; marahil namali, sa iyo, ang diyos,. ginawa kang tao'bagay maging hayop!. marami pa sanang bubukhin sa bibig yaong bumabakas ng matinding sulit; nguni'napahinto sapagka'nadingig ang gulo sa daan; sigawa'paglait.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sangdaang katao, humigit kumulang, ang nagsisidating at naghihiyawan; at ang bawa'isa'may hawak na urang na ipangbubugbog sa kinagalitan. nasaan anila iyang walang lingap, taong mapang api sa mga mahirap? nadingig ang gayon ng mayamang oslak; pinasok ang budhi ng malaking sindak. lumingaslingas na at sumulingsuling, waring humahanap ng dapat tunguhin, lito na ang isip, puso'nalalagim, pagka'nakilalang siya'papatayin. hindi na mangyaring siya'makatanan pagka'nalilibid ng tao ang bahay at bawa'sandaling ipag alinlangan ay isang lundag pa ng kasakunaan. kaya'nang matantong wala nang pag asa'saan man tumungo'kamatayan niya, nanikluhod agad sa harap ni ata'huminging saklolo na iligtas siya. iyon ang mayamang sa tulong ng pilak ay laging umapi sa mga mahirap! iyon ang mayaman!. ngayo'nasisindak sa harap ng mga palaging hinabag!. makita ang gayon ng babaing galit na lunongluno na ang dating mabangis, panasukang awa'ang dating inibig ay pinapagkanlong sa sulok ng silid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kisapmata lamang, at, kung di'nag abot ang kinagalita'ang mga may poot; sandali na lamang at disi'natapos ang buhay ng tao na mapangbusabos. lubhang mapagbata, pipi'mapagtipid sa lalong mabigat na mga pasakit, sadyang masunuri'hindi mapaglait, walang hinahalay, hindi mapag usig: sa lalong mababa'nakikipaniig at tungkol dalita ay kanyang kapatid. iyan ang mahirap: pusong mahabagin, may mayamang dibdib sa mga damdamin; hindi humahamon, nguni'pag iniring. sa kanyang hayakis ay walang patalim, walang kalakasang sukat makasupil ni lalong matibay na di hahamakin. sila'nagsipanhik sa dukhang tahanan, sa nasang mahuli ang lilong mayaman; tangka nila manding doon na mapatay yaong walang pusong hindi na nagtaglay ng munti mang lingap sa mga daingan at pakikisamo ng mga upahan. datapwa'napigil ang sulak ng ngitngit at ang kapoota'nagwaring lumamig nang mapaharap na'kanilang mamasid ang mukhang maamo ng ating may sakit, na sa gitna niyong malaking panganib ay nag anyong kuta na hindi mayanig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ano ang layunin at dito ay hanap ang tanong ni ata sa mga kaharap. aming inuusig iyang taong sukab nang upang patayin. mga walang palad! ano'tutungkulin ang gawang umutas niyang mga kamay na ukol sa sipag? kay laki ba kaya ng pagkakasala at buhay kaagad ang inyong pinita? kayo'mangagmuni at huwag padala pa pusok ng loob magmuni'sukat na, at higit sa labis ang aming binata diyan sa kuhila'walang kaluluwa. nang dahil sa amin, siya'tumatangap ng malaking tubo at upang mataas, kami ang sa kanya'nagbigay ng pilak datapwa'ang ganting sa amin ay gawad ay ang kulangan pa ang datihang usap at sa kahulihan ay ayaw magbayad. ang pinagpagalang isang lingong araw ay ipinatigas na ayaw bayaran dahil sa nahinging huwag nang bawasan ang dating palakad na pag uupahan, at kung mangyayari'kaniyang dagdagan yamang namamalas itong kahirapan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"samantalang gayon iyong pag uusap sa ibaba naman ay lubhang masulak; walang hintong lait ang nananambulat: hinging ipanaog yaong maninibad upang papagkamtin ng parusang tapat sa kanyang inasal sa mga mahirap. ipanaog dito nang agadagaran! ang sigaw ng taong nangasa lansangan; may nangaghahanda na ibaong buhay, may nagpanukalang ibitin na lamang at may humihinging bugbugin ang hunghang bago kaladkarin hanggang sa mamatay. sa gayong paghingi na lubhang marahas ay muling nag init ang nasa itaas, kaya at sa tulong ng salitang tahas, nilimot na sampung pitagang iningat at dadaluhong nang dudumugi'sukat iyong nagtatagong hindi makalabas. datapwa'humadlang sa kanilang nasa ang dating may sakit at lunong matanda: mangagmuni kayo ang maamong wika huwag na palulong sa biglang akala pagka'kung masunod ang inyong adhika ay kayo ring tunay ang kaawaawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"hindi baga kayo'may mga magulang, anak at asawang pinakahihirang, na liban sa inyo'walang aasahang sukat na katigin at ikabubuhay, sa balat ng lupa? ano'ititimbang ang gayong karami sa isang halimaw? kung inyong masunod ang pakay at nasa at kayo'usigin dahil sa ginawa ilan ang sa inyo'mangagsisiluha? ilan ang dudumog sa pagdadalita? ilang anak ninyo ang mapapangangyaya at mangungulila ng lubhang mahaba? kayo'pinipigil, hindi pagka'ibig na aking itangol ang taong bulisik; mahigit sa inyo ang aking tinipid nang dahil sa kanya; kaya'di nagtiis ng sumpa'tungayaw, ng pula at lait at pag alipustang di dapat makamit. ang aba kong puso ay kanyang dinaya, ang aking pag asa'nilanta nang kusa, ang madla kong luhog ay inalipusta, ang linis ko'puri ay pinakadusta at sa kabulagan ng budhing kuhila', sa anak ding tunay, siyang gagahasa. higit pa ba riyan ang inyong tinangap na mga pasakit?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"ang upang katumbas ng sanglinggong araw magin kayang sukat sa pagkakalungi ng puring iningat at pagkahiwalay sa madlang kaanak at pamamalagi sa dalita'hirap?. ako ang babaing kanyang pinugayan ng puring malinis na minahalmahal, at ngayo'' ako rin ang nagsasangalang. bakit ako gayon? sapagka'alangan sa sapat kong ganti, ang iisang buhay; ang nasa ko'iyong walang katapusan. isang guniguning hindi lumilipas kahit na magbalot sa bunton ng pilak, isang pagkakutya sa sariling hagap, maging akbay niya sa lahat ng oras, isang wari'hukom na magpapahirap saan man tumungo at siya'lumagak. ang nasa kong kamtan ay isang higanti na higit na lubha sa lalong malaki, ganting tataglayin niyong dilidili at sa isa niya ay manganingani, at hindi na iba ang siyang mangdiri kung di siya na rin sa kanyang sarili. ibig kong mabuhay iyang alibugha, datapwa'sa kanya'ipauunawa na itong dalaga na kanyang ninasa ay anak din niya at anak kong mutya, nguni'kailan ma'hindi mapapala na tawaging ama ang isang kuhila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sa sinabing ito'nagitla ang lahat at ang kalooban ay pawang naglubag, at lalo pa manding sila'nangagulat nang sa kinanglungan ay biglang lumabas iyong inuusig at pinaghahanap, na luhaluhaa'paluhod ang lakad. yaong nahirati sa pagpapatanghal ng kaniyang poot sa mga upahan, ngayo'lunong luno, at walang masaysay yaong mga labing laging nakasigaw, liban sa pasamo'salitang marahang: patawad anak ko! patawad na atang! ang aking patawad tugon ng may sakit magpakailan ma'hindi makakamit, sa aki'hindi ka nagtaksil ng labis kundi sa dugo mong itinakwil, kahit walang kasalanan kundi maging bihis sa dusa ng aking nadayang pag ibig. makita ang gayon, ng magkakasama, na ang hinahanap ay kaharap nila'dinaluhong agad; disi'nasawi na, kung hindi humadlang ang ating dalaga at nagpumagitna sa amang may sala at mga kawaning may masamang pita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"mangag antay kayo, huwag pagtulungan ang isa kataong hindi lumalaban: ang inyong gagawi'hindi nababagay sa tungkol lalaking may kaunting dangal at lalo pa manding tiwali'alangan sa kagaya ninyong anak kasipagan. oo'may katwirang kayo'maghiganti sapagka'ginipit kaya'inapi; nguni'kayo'pawang may pusong lalaki, sa bawa'ulila'marunong kumasi, hindi humahabag sa tungkol babai kundi bagkus pa ngang mapagbigay puri. sapol pagkabata ay aking dinala yaong sapantaha na ako'ulila, wala akong tuwa liban na kay ina at ngayong nabatid na ako'may ama di yata'bigla ring aagawin siya sa sabik kong puso sa kanyang pagsinta? kayo'gaya ko rin na anak dalita, at kauri ninyo akong namagitna; maging balato man, sa aki'maawa: patawarin ninyo ang ama kong mutya, alang alang kahit doon sa lumikha! kahit alang alang sa aking pagluha!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"siya'magtitika'hindi na aasal ng ugaling lihis na karumaldumal; ang bahala'akong sa kanya'aakay sa tuwid na landas na dapat daanan ng mga may puso'paglingap na tunay sa kagaya ninyong mga mang aaraw. sa salitang iyon ay muling nagbalik sa datihang anyo ang maamong tubig, naglubag ang poot, napawi ang bangis niyong maawaing mga anak pawis. paano'kay ganda ng huminging bibig at napakaamo ang kaniyang hibik!? kaya'yaong dating nagtumuling baha na ibig tumabon sa daanang lupa'muling naging batis, nukal ang payapa; at saka nangako ang nangangasiwa na daragdagan pa sa upahang takda at pagbabayaran ang mga nagawa. matapos ang gayong mga salitaa'matapos pumayag ang mga upahan, ang wikang napalit sa dating sigawa'mabuhay ang sipag! si teta'mabuhay! katuwaang lahat, sa lahat ng bibig pawang kagalakan ang nangasasambit, dapwa'napatanging may pataw sa dibdib ang ating si pedro na di makaimik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"malaon nang lubhang siya'naroroon at minamatyagan kung saan hahantong iyong salitaan, nguni'ng manuynoy ang lahat ng bagay.nagtaglay lingatong. kaya'ng mapuna, ang gayon, ni tetay ang hirang na sinta'agad linapitan, pinakausisa, hanggang sa tinuran, ng ating binata, yaong dinaramdam. siya'maralita'ang kaniyang hirang ay hindi na dukha, anak ng mayaman, di kaya masabing iyong pagmamahal ay may halong lingap sa pilak na kinang? anya'samantalang hindi magkapalad na kanyang pantayan ang maraming pilak ng ama ni tetay ay di mangangahas na muling bangitin ang kanyang pagliyag. at siya'tutungo sa malayong bayan, kung saan kikita ng maraming yaman, puhunanin kahit ang sariling buhay ay di lilingunin, sa laki ng pakay. ang bawa'kaputok na pananalita, sa dibdib ni teta, ay nagiging iwa, kaya'nang matapos ay di naapula sa kaniyang mata ang agos ng luha. nang ako'hikahos anya ay mapalad, walang kalungkuta'ang puso'panatag, ako'maligaya, kahit naghihirap, at walang damdaming ikinaiiyak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"datapwa'sa ngayong iisang sandali pa halos na ako'wari may salapi, agad agad na bang isang dalamhati ang tataglayin ko sa ubod ng budhi? kung gayon din lamang at dahil sa aking bagong kalagayan ikaw'maninimdim, ang lahat ng iyo'aking lilisanin kung magiging tumbas ng iyong paggiliw. huwag na tetay ko, huwag ipagdamdam kung sakasakaling ako'lumayo man, ano kung maghirap ng mahabang araw kung sa dakong huli'ikaw ang katimbang? kung sa dakong huli!. nguni'una muna ang kataasan mo! huwag lang maturang humigit sa iyo'lalasunin mo na ang boong buhay ko! huwag mong damdamin; sa ngayo'mapait na ako'malayo sa iyong pag ibig, nguni'sa kabila'libolibong tamis ang siyang katumbas nitong pagtitiis. ako ay may puso, na kagaya mo rin, na minamapait ang kita'lisanin. datapwa'hindi mo dapat na limutin na ang maralita'lubhang maramdamin. marahil, sa bawa'gamunting salita'ipagdurusa ko'lubos ikaaba, paano'katulong sa bawa'paghula ang pagkakilalang ako'maralita!?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"kaya'bayaan na ang aking pagpanaw, paglayong marahil di maluluwatan. hindi nga maluwat, nguni'kaigihan na yaring puso ko'magkawaraywaray!!. ang usapan pala nama'nababatyag ng lunong babaing nahango sa hirap; sila'linapita'saka siniyasat kung ano'malungkot iyong pag uusap. hindi ikinait ng ating binata ang sanhi ng kanyang paglayong akala; inayunan naman ng ating matanda sapagka'nataya ang tuwid na nasa. sa gayong nangyari, si teta'nagsulit; pumapayag ako na ikaw'umalis, datapwa'yayamang kita'iniibig ako ay sasama, saan man sumapit, iiwan mo ako!? ang pabiglang turing ng inang nagitla. kami'lilisanin? ang tanong ng ama. kung di ibabaling ni pedro ang nasa. alam kong ang sanhi ng kaniyang pakay ay dahil sa akin; kaya'ako nama'nasang makihati sa ano mang bagay na kanyang sapitin: mamatay, mabuhay. sukat na, sukat na, aking mga anak ang sabi ng ama sa magkasinliyag magmula sa ngayon si pedro'gaganap sa aking tungkulin. ama ko, salamat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Patricio Mariano,"sa gayong paraa'hindi kailangan ang siya'dumayo sa iba pang bayan; at kaming dalawa'. hahati na lamang sa ligaya ninyo ang putol ni atang. yakap na magiliw at masuyong halik, sa salitang iyon, ang siyang napalit. kay sarap ng buhay kapag umiibig!. pag yaon ng sigwa'kay ganda ng langit!. maynila, enero,. ginawang aklat ng disiembre ng pag. paghabag ng puhunan. walang katubusan. isang alamat ni ata. dalawang puso. ang yaman at ang puri. ang mga manggagawa. sa harap at sa likod. ang puso ng dukha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kung madadama lamang natin ang dibdib ni leonora, ay ating mararamdaman na para bang lalong lumalakas ang pagkaba. malakas at masasal na parang tinatahip ang dibdib sa lakas ng tibok ng puso. parang may sindak, nguni'sa harap pa ba kaya naman ng isang kasintahan masisindak at waring matatakot? isang hiwaga ang ganito! sila'magkapiling ni eduardo. ang kanilang mga puso ay parang nangapiping ilang sandali sa dahilang tila tumagos sa puso ng binibini ang pangungusap na binigkas ng binata. ang huling katagang binigkas ni eduardo ay parang nagdulot sa puso ni leoning ng isang pagkaawa. nguni'ang pagkaawa niyang yaon ay nangahulugan ng kanyang pagkapipi sa dahilang hindi mabigkas ng bibig ang isasagot, samantalang, sa katotohanan ay di natin nababatid ang mga lihim ng kanilang puso. at upang matalos naman natin kung bakit ang binibini ay parang sumisikdo ang puso at parang tinatahip ang dibdib ay narito ang dahilan. siya ay di natin dapat pagkamalang natatakot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang nasa harap niya ay si eduardo, isang uliran, mabait at matimtimang binata. walang kilos na magaspang at marungis na paguugali. nang mga sandaling yaon ay idinadaing niya sa harap ni leoning ang dalisay na tibukin ng kanyang puso sa dahilang sinisinta niya nang tapat si leonora. leoning, malaon nang ang palad ko ay nasa kandungan ng dusa. nguni'kailan ko pa kaya matatamo ang pagasang maituturing kong ligaya ng aking buhay? katulad ko leoning ay isang bulaklak na nalalanta at ang tanging makapagpapasariwa, lamang ay ang hamog ng iyong kaawaan. datapwa'ang binibini ay patuloy sa kanyang pagkapipi; hindi pa rin sumasagot, kaya si eduardo ay muling nangusap. leoning, kailan pa? maanong sa ngayon ay idulot mo na at kung hihintayin mo pa ang bukas, oh! leoning, sa aba ko ay wala na! tila isang libingang napakapanglaw ang kahihinatnan ng palad ko. kaya, kung may paglingap ka ay igawad mo na ngayon sa akin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang ganitong mga pangungusap na binigkas ni eduardo ay parang lubos na tumagos sa kaibuturan ng puso ni leoning. sa gayon, si leoning ay nagkaroon ng awa at tila ganap na nahabag sa anyong kanyang namalas kay eduardo. nguni'ang kasagutang bibigkasin ay parang nabitin sa kanyang labi. pinagaalinlanganan niya ang pagbigkas sa matamis na salitang para sa isang eduardo, kaya'pinigil pa rin niya at di binitawan. ang mga sandaling yaon ay siyang huling gabi ng kanilang paguusap, at kung maulit man ay maluluwatan na pagka'sa kinabukasan ng araw na yaon ay patungo ng maynila, si eduardo, sa dahilang panahon na naman ng pagbubukas ng mga paaralan. hindi na niya maaaring magawa pa ang dating pagdalaw kay leoning na walang liban tuwing hapon. kaya'boong pagsusumikap ang ginawa ni eduardo, upang kung maaari lamang tamuhin niya ang kanyang mithing makamtan; ang pagibig ni leoning bago lisanin ang sariling bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya'sa gitna ng paghaharing yaon ng katahimikan ay pamuli siyang nangusap: leoning, ano ang kahulugan ng di mo pagsagot na ito sa akin? niwawalang bahala mo kaya pagka'akong kaharap mo ay isang abang maralitang eduardo lamang na di dapat pansinin? eduardo, bakit ka nagsalita ng ganyan? leoning, hindi ba katotohanan ang aking sinabi? eduardo, huwag mong pasakitan ang aking puso. oo, iniibig kita. ikaw lamang ang buhay ko. leoning, salamat, diyata.? eduardo, asahan mong boong puso kitang iniibig. walang naitugon ang binata sa dalaga kundi isang halik sa mapulang labi at isang mahigpit na yakap. kay papalad na mga puso! salamat at walang nakasaksi sa kanila kundi ang mga bituin at ang kabilugang buwang sa kaliwanagan ay parang nakabitin sa langit. eduardo, baka pagkatapos ng lahat ng ito ay pabayaan mo ang aking palad? leoning, alalahanin mong libingan ang kasasadlakan ko kapag nagmaliw ang aking pag ibig. eduardo, baka. leoning, maniwala ka. baka sabi mo lamang ang lahat ng iyan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"leoning, malasin mo ang mga bituin, malasin mo ang buwang iyang nagsasabog ng kaliwanagan iyan, iyan ang mga tangi kong saksi. masasaksi mo nga iyan; nguni'hindi mo ba naaalaala na ang buwang iyan ay naglalaho kung sinasaputan ng ulap? ganyan din naman ang iyong pagibig na mangyayaring maglaho pagdating ng panahon. huwag mong pahirapan ang aking puso. alalahanin mong ang puso ko ay katulad ng isang bulaklak na kapag hindi nadilig na isang umaga ay nalalanta; kaya'kung malanta nga ang paglingap mo, ay! sa aba ko ay wala nang pagasa kundi ang tunguhin ang huling hantungan ng lahat. eduardo, ang lahat ng iyan ay masasabi mo; nguni'pagdating mo marahil sa maynila, ay pawi nang lahat sa iyong alaala ang mga pangungusap mong iyan sa harap ko. leoning, balintuna ang iyong hinagap. alalahanin mong sa kaibuturan ng puso ko ay isa kang bulaklak na pinakakaingatan at laging dinidilig ng aking pagmamahal. eduardo, marahil ay malilimot mo rin ang lahat ng iyong mga pangungusap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kung nasa piling mo na marahil ang magagandang bulaklak sa maynila, na, pugad ng mga pusong uhaw sa hamog ng ligaya ay lilimutin mo na ang lahat ng ito. leoning, huwag mong pangarapin ang ganyang mong hinala; alalahanin mong ang paglisan ko bukas ay nangangahulugan ng mapait na gunitain. at marahil, sa paglisan mong iyan ay limot mo na ako sa alaala. leoning, alamin mo na mula sa mga sandaling ito ay nakatitik na sa kaibuturan ng aking puso ang iyong pangalan. oo, nguni'pagdating sa maynila, ay pawi na. leoning, namamali ka; ang sabihin mo'hanggang libingan. hanggang libingan na di mo na maaalaala ang iyong pangako? marahil nga. leoning, saan man mahantong ang aba kong palad ay di maaaring mawalay sa gunita ko'alaala ang larawan mo. isinusumpa mo kaya ang lahat mong mga pangungusap na iyan? leoning, sumpa ko. hanggang hukay leoning ko!.! habang buhay!!! hanggang libingan naman! hindi ka kaya makalimot? habang tumitibok ang puso ko. saksi nila ang mabituing langit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,ang liwanag ng buwan ay parang nalulugod na bumabati sa kanilang pagkamapalad. ang simoy ng hangin ay parang nagbabalita sa madla ng pagkamapalad ng dalawang puso: ni eduardo at ni leoning. ang halimuyak ng mga bulaklak na nasa bakurang mahalaman ay tila naghahatid ng samyo at kabanguhan sa kahilang paguulayaw. kay papalad! dalawang pusong nagkakaisa ng tibukin. si eduardo ay naliligaya sa piling ni leoning. si leoning ay nalulugod sa harap ni eduardo. si leoning ay isang mabangong bulaklak na humahalimuyak kung nagbubukang liwayway. si eduardo naman ay isang paruparung nagkapakpak na uhaw sa katamisan ng nektar at bango ng pag ibig. ang gabing yaon ay parang isang langit na mabituin at puno ng mga pangarap at pagasa kay eduardo. kung pagkuruin niya ay tila siya na lamang ang pinakamapalad at pinakamaligaya sa sangdaigdig. laging sariwa ang ngiti. naging masigla siya buhat ng mga sandaling bitiwan ni leoning ang oong kanyang malaon nang ninanais makamtan. kay palad nga naman niya!,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"tinamo rin niya sa kabila ng pagod at masasaklap na pagtitiis ang ligaya ng kanyang puso. samantala, si leoning ay nalulugod din naman sa kabilang dako. pusong umiibig sa kapwa puso ay pusong naliligaya. kay tamis dilidilihin! isang batisang pinagmumulan ng mga pangarap at kaaliwan para kay leoning ang kanyang puso sa dahilang siya'umiibig. datapwa'sa pagkalugod ni leoning ay parang nakatatanaw siya sa kabilang dako ng manipis na ulap: nalulugod siya sa harap ni eduardo, nguni'iilang sandali na lamang ang itatagal ng kanilang paguulayaw at pagpapalitan ng ngiti at titig. matatapos na ang paguusap nang lihim ng kanilang mga mata kung sakali'nahihinto ang kanilang paguusap. kinabukasan ay hindi na mauulit ang ganito. aalis na si eduardo at ang pangyayaring ito ay tila isang tinik na susubyang sa kanyang puso. magkakahiwalay silang maluwat. kay lungkot na mga sandali! kay eduardo man ay gayon din. parang subyang na dumuduro sa kaibuturan ng kanyang puso ang gayong paghihiwalay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ilang saglit na lamang at sila'magpapaalaman. leoning, huwag sanang magbabago ang iyong damdamin. eduardo, huwag ka sanang makalilimot sa iyong sumpa. leoning, aalis na ako. huwag ka sanang magbabago ng kalooban at alalahanin mo sana akong parati. eduardo, ipinababaon ko ang aking pagmamahal sa iyo. alagaan mo sanang lagi at ako ay iyong alalahanin. leoning, leoning, hanggang hukay. at isang mariing halik at mahigpit na yakap ang nailagda ni eduardo kay leoning. salamat na lamang at walang nakasaksi sa kanila. ang dalawang batang kasama ni leoning at saka ang matandang kanyang ali, ay salamat at paraparang nagsisipaghilik ng mga sandaling yaon at kung hindi sana ay di nila magagawa ang gayon. habang naaabot ng tanaw ni leoning, si eduardo ay di nagbabago ang pagkakatitig ng binibini. sa palagay ni leoning ay parang isang dapit hapon ang gayon. dinalaw rin siya ng munting pagkalungkot. isang tanaw pa ang inihabol ni leoning, nguni', oh!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"pagdating ni eduardo sa sariling tahanan ay nagbihis ng kanyang damit na pangpahinga at bago natulog ay idinalangin at sinabi ang ganito: huwag nawang makalilimot si leoning sa aming sumpaan! dalawang buwang singkad ang lumipas mula nang lisanin ni eduardo ang sariling bayan. si eduardo ay parating tumatanggap ng mga sulat na buhat kay leoning. si eduardo ay palagay ang loob. ang kanyang pagaaral ay lalong sinisikap upang sa wakas ay magtamo ng tagumpay. lalo at lalong sumisigla ang kanyang katawan. lubos na nasisiyahan. kay palad na eduardo nga naman! lagi nang sa mga huling titik ng mga liham na kanyang tinatanggap ay di nawawala ang matatamis na alaala ni leoning, na, siyang lubos niyang nagiging kaluwalhatian. tanggapin mo ang matatamis na alaala at walang kupas na pagmamahal ng iyong leoning na sumisinta hanggang hukay. ganyang mga pangungusap ang lagi nang tinatanggap at nababasa ni eduardo kung sumusulat sa kanya si leoning. kay tamis nga namang magaalaala ni leoning!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya'gayon na lamang ang kasiyahang loob ng binata. iyan ang tangi niyang nagiging kaligayahan sa lahat ng sandali ng pagiisa. ang bawa'pangungusap ni leoning ay di pinangangawitang basahin. kung tinititigan niya ang sulat mula sa binibini ay waring siya'nakikipagusap. anong tamis nga namang magmahal ni leoning! si leoning ay isang binibining katutubo ang kayumian. ang kanyang puso ay minsan lamang kung sumumpa sa kanyang iniirog, bukod sa maganda at mabait. nguni'sa pagiisa ni eduardo ay kanyang naiisip na matagal pang panahon bago niya masisilayan ang mukha ni leoning. iyan ang mapait dilidilihin para sa kanya. kailan pa niya makikita ang mukha ng kanyang kasintahan? kailan pa kaya niya makikita ang kanyang ilaw at buhay? kailan niya makikita ang titig na mapangakit ng kanyang leoning? kay pait nga naman ng ganito! ano kaya ngayon si leoning? naaalaala rin kaya niya ako paris ng ginagawa kong pagaalaala sa kanya? ang madalas nasa pagiisa'naitatanong ni eduardo sa sarili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang puso nga namang nalalayo sa sinisinta! para kay eduardo ay lalo'lalong nananariwa ang pagkasabik na kanyang makita si leoning. kaya'madalas niyang masabi sa sarili: huwag nawang maglalaho ang kanyang sumpa! nalulungkot siya sapagka'ang kanyang kasintahan ay nasa malayong hindi maabot ng kanyang tanaw. ang kanyang puso ay nangungulila sa madlang kaaliwan. ngayon niya nadadama ang sakit ng malayo sa kasintahan. walang kasing pait! baka nga naman pagdating ng panahon ay ganap na siyang limutin? anong malay ng isang eduardo, na, nasa malayo? kaawaawang eduardo kung magkakaganito! pati yaong gabi ng mga sandaling sila'nagpapaalaman ay waring sumusurot sa kanyang alaala. maaaring sa isang iglap nga lamang ay ipagwalang bahala ni leoning ang gayon. maaari ngang mangyari ang lahat ng mga hinagap na ito. sukat ng maalaala ni eduardo ang kanyang bayan. maari ngang ang isang leoning ay ganap na makalimot. maaari nga sapagka'doo'maraming mayayamang binata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"maaaring si leoning ay mabihag ng iba. paano nga naman ang isang eduardo, kung ang isang leoning ay lumimot pagkatapos? kaawaawang binata! ang puso nga namang nalalayo sa kapuwa puso! mangarap na lamang at umasa. manalig sa pagasang ikinakalat ng bubukang liwayway pagsikat ng araw. bulaklak na uhaw sa patak ng hamog sa kaumagahan at anyung nalalanta; kampupot na ang kabanguhan ay humahalimuyak nguni'ang kasariwaan ay waring naluluoy na, katulad ng isang talang untiunting tinatakasan ng liwanag, ganyan, ganyan ngayon ang kaparis ni leoning. ang kanyang puso ay waring may subyang. nangungulilang lubos sa mga kaaliwan sa buhay. sa kanyang pagiisa ay madalas na pumapatak na lamang ang masasaklap na butil ng luha luhang tila perlas na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. kay pait ng mga sandaling mangulila sa kasuyuan! apat na liham na ang kanyang ipinadala kay eduardo, nguni'kahit isang kasagutan ay di siya nagtatamo man lamang. nasaan nga naman ang dating paglingap ng ating binata?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"bakit parang kasing bilis ng kidlat na naglaho? nasaan ang kanyang dating paglingap kay leoning? nilimot na kaya niyang lahat? datidati nga naman agad siyang sinasagot ni eduardo. datapuwa'ngayon? parang ulap ang pagasang siya'makatanggap ng sulat mula kay eduardo. bakit sa apat niyang liham ay wala siyang natatamong kahit isang sagot? kahabaghabag na leoning! si leoning ay napapaluha na lamang halos sa bawa'sandali. ang kanyang puso'lihim na tumatangis. si eduardo nga nama'kay daling lumimot! at, ngayon ay boo na sa kalooban ni leoning na sadyang siya ay nilimot ni eduardo. aling puso nga namang tulad ni leoning ang hindi tumangis? aling kaluluwa ang hindi dalawin ng lungkot kung gayong maulila sa kanyang kasuyuan? aling bagay pa kaya ang kalungkotlungkot gunitain sa isang damdamin paris ng maulila sa pagiibigan? may masakit pa kaya sa isang pusong may malinis na pagibig paris ng limutin ng kasintahan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"may puso kayang makapagtitiis na hindi lumuha dahil sa paglimot ng isang sinanglaan ng wagas na pagibig? aling puso ng babai na may malinis na pagibig ang hindi maghimutok sa paglimot ng isang irog? eduardo, diyata'ang sumpa mo'napatulad na lamang sa asong matapos tangayin ng hangi'napauwi sa wala? napatulad na lamang kaya sa paglubog ng araw sa pagdadapit hapon na hindi na muling sisikat? alalahanin mo ang aking palad! diyata'papagtitiisin mo ng hirap ang isang pusong umiibig ng tapat? oo, hindi kumukupas sa puso ko ang banal kong pangako: iniibig kita, iniibig kita! nguni', oh palad! naghihimutok ang kanyang damdamin sapagka'buo na ang kanyang pananalig na siya ay nilimot ng kanyang irog, ng kanyang minamahal ng higit sa buhay: si eduardo. sadyang si leoning ay isang dalagang uliran sa pagibig. minsan lamang kung sumumpa sapagka'siya ay may dangal at may puri. ngayon ay nadadama niya ang hirap ng isang umiibig na nalalayo sa piling ng kanyang kasintahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"sa tabi ng bintana ay madalas mapatigil ang kanyang pagbuburda na malayo ang titig at waring may malalim na iniisip. noo'isang masayang umaga. walang anoano'isang autong buick ang huminto sa tapat ng kanilang bahay. ang autong ito ay galing sa maynila. sino ang lalaking sakay? ang kasintahan kaya ni leoning? si eduardo kaya? kaya'matamang pinagmasdan ni leoning ang sakay samantalang umiibis sa sasakyan. nguni'ang hinalang yaon ni leoning ay nabigo. yao'isang lalaking matanda na: ang kapatid ng ali ni leoning, si mang alejandro. tuloy po kayo ang pagdaka ay nawika ni leoning bah! si mang andoy at tuloy tinawag ni leoning si aling rita, na, noo'na sa silid ng tahanan at nagaayosayos ng ilang mga damit na tahiin. aba, si andoy ang boong galak na nawika ni aling rita ano kumusta ang dalawang bata na ipinadala ko sa iyo? kumusta sila roon? mabuti naman sa awa ng diyos ang sagot ng kausap pinapagaaral ko sila sa tondo primary school na siyang pinakamalapit na eskuelahan sa bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"di mabuti kung gayon. rita, kaya ako naparito ngayon, ay, upang sabihin ko sa iyo kung maaari ay ikaw na sana ang aking maging taong bahay sapagka'lubhang napakahirap sa akin ang walang kasama dahil sa ako'nagyayaot dito sa mga kalapit na lalawigan. napakahirap ang magnegocio! at, upang ikaw na tuloy ang mamahala sa dalawang bata. at pasa sa maynila ako? di kung gayon ay ipagsasama ko na pati ang batang ito sabay turo kay leoning pagka'wala iyang kasama rito. mangyari pa. nguni'anong magagawa niyan doon alejandro, ay sa narito ang kanyang pinagkakakitaan: ang manahi at magburda ng damit. ah, at marunong ba siya? tingnan mo ang kanyang mga gawa at ipinakita noon ang niyayaring burda ni leoning. sa maynila ay malaking higit sa rito ang makikita ng batang iyan. oo, ipagsama na natin, bakit hindi mo agad ibinalita sa akin, di sana'nakasahod na iyan ng malakilaki? oo, ako ang bahala, ipapasok ko agad siya sa pagawaan riyan sa maynila. kung gayon ang lahat ay maaari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"anong galak ang tinamo ni leonora! oh maynila! gayon na lamang ang pagkatuwa niya dahilan sa sasapiting walang pagsala ang pook ng aliw. sasapiting walang pagsala ang laging napapangarap ang kinalalagyan ng kanyang irog: ni eduardo. anong ligaya nga naman ng gayon sa puso ni leoning! nananariwang tulad ng sampagitang humahalimuyak ang naging malulungkutin niyang kalooban pagka'makikita niyang walang pagsala si eduardo. ang lahat ay wala ng pagkaurong. ang mga daladalahan nina leoning at aling rita ay handa ng lahat. kay palad na pusong magkakaisang bayan at di na paris ng dating ang kanilang pagkakalayo ay napapagitanan ng malalawak na kaparangan, matatarik na bundok at mahahabang tanawin! sa tapat ng isa sa mga restaurant sa daang juan luna, sa pook ng tundo, ay nagsilunsad mula sa isang auto ang tatlong binata at doo'nagsitungga ng serbesa. sila ay sina jose, pako at eduardo. sa harap ng isang mesa ay maligaya silang nagsisipagusap: pako, bakit mo nakilala ang dalagang yaon?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kilala ko siya, nguni'hindi ko lamang kabatian. hindi ko pati nalalaman kung ano ang kanyang pangalan. kailan mo pa siya nakita? hindi na marahil ngayon kukulangin sa isang buwan. eduardo ang sabad naman ni jose tila may ibig sabihin ang mga pagkikita ninyong yaon. iyan ang dalagang sinabi ko sa iyo kaninang tayo ay magkausap sa tabi ng dagat. at kinamayan ang kausap ng boong galak sadyang may suerte ka kaibigan. ah, eduardo ang sambot naman ni pako sadyang ang ganda lamang ng dalagang yaon ay sukat na. buhat pa ng unang makita ko siya dito sa maynila ay lubos na akong humanga sa kanyang pagkamabining kumilos. talagang may suerte ka nga naman kaibigan. nguni'ako'walang malay na siya ay naririto. kung nalaman ko ba lamang agad ang tugon ni pako naibalita ko agad sa iyo. sana nga; sayang na sayang. bakit naman siya naparito sa maynila? iyan nga ang di ko maalaman. pako, hindi mo ba alam kung saan nakatira?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang matandang may ari ng kanyang kinatitirahan ay kilala sa tawag na don alejandro. siya ay isang mayamang sa tundo. at, sa akala mo kaya ay talagang mariwasa? sa palagay ko, sukat na ang sa kanyang kilos ay makilala. ang autong kihalululanan ng binibining ating nakita ay pagaari niya bukod pa sa ang matandang yaon ay madalas kong makitang kasama ng mga matataas na taong nabibilang sa mga lalong kilalang lipunan na kadalasan ay mga kilalang abogado at kinatawang bayan. nguni'sa akala mo naman kaya ay di tayo kaabaan na makayapak sa kanilang tahanan? nasa iyo iyan kaibigan. kabatian ko ang binibini, isa pa ay tunay ko siyang kababayan. marahil ay hindi naman tayo mahihiya. kung gayon ay may pagasa tayong makapanhik; nguni'aywan ko lamang. hindi ko pa rin lubhang natataho ang kaugalian ng matanda. kung gayon ay anong mabuting paraan upang sila ay ating makatagpo ngayon? tumungo tayo sa amin ang anyaya ni pako sa dalawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at makatapos makapagbayad ay nagtindigan na sila at nagsisakay na pamuli sa auto. sumapit sila sa tahanan nina pako, sa may liwasang moriones, tundo. gayon na lamang ang pagkagalak ni eduardo pagka'ang tahanang yaon ay katapat ng tahanang kinatitirahan ng kanyang irog: ni leoning. pako, at tapat pala nitong inyo ang kanila? oo, malasin mo ang ganda ng pagkakaayos ng tahanang iyan. oo, nga kay ganda! at bagama'hindi pa napapanhik ni eduardo ang kinatitirahang yaon ni leoning ay gayon na lamang ang kanyang paghanga sa pagkakaayos. palibhasa'ang mga bintana ay nakabukas na lahat kaya'ang ganda ng pagkakaayos ng ilang bahagi ng loob ay di naging kaila sa paningin ng ating binata. at, dumating na ang ikawalo ng gabi. di pa nagsisidating ang hinihintay nina eduardo: ang paguwi nila leoning. inip na inip na si eduardo. sa mga gayong oras ay dapat nang magsiuwi sila sana, sapagka'matagal nang tapos ang tugtugan sa luneta. lahat ng mga taong nabuhat doon ay paraparang nasa kanila ng pamamahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nguni'walang ano ano'sa darating ang isang auto. anong galak ni eduardo! halos mapalundag sa tuwa pagka'sila ay magkakatagpo. halina at salubugin natin sina leoning. at, sila ay sabaysabay na nagsipanaog dahilan sa pagasang sa pagibis ng sakay ay aanyayahan sila ni leoning, na pumanhik muna, sa kanilang tahanan. hindi maaaring sila ay mapahiya sapagka'si eduardo ay kilala ni leoning at bukod pa sa rito'kilala rin siya ni aling rita. datapwa'kay laking kasamaang palad! nabigo ang kanilang pagasa. ang autong tumigil ay walang sakay kundi ang tsuper. saan naroon sina leoning, ang ali at ang matandang lalaki na kasama nito kanina sa pagliliwaliw sa luneta, na pinagkatagpuan nila ni leoning, na daglian? kay samang pagkakataon! isang pagkabigo na naman ang naging palad ng ating binata. gayon pala ang mangyayari kung sila man ay pagkita ni eduardo: magkatanaw tama na lamang ang kanilang mga titig. nagkasalubong sila, datapwa'parang walang ano man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"magkakausap ba sila ay kapwa matuling ang autong kinasasakyan? ganyan ang nangyari kanikanina lamang na sila ay magkita sa masayang liwaliwan sa luneta. ah, kaya madalas ay nanginginip din siya! iilan pa nga naman ang kanyang nagiging mga kakilala. ang kanyang kabuhayan ay di nakatatamo ng dating ligaya paris ng nasa sariling bayan. wala na nga namang napakatamis sa damdamin paris ng nasa sarili. bagama'noong una ay halos mapalundag siya sa katuwaan sa pagsapit ng maynila, ay nang nalalaon na ay dinalaw rin ang kanyang puso ng pagkalungkot. para sa kanya ay wala ring halaga ang maririkit na tanawin na kanyang nakikita sa maynila, paris ng makita niya ang kanyang kasintahan. ang mga panooring makabago sa kanyang pangmalas ay para bang madali niyang pinagsasawaan. ang mailaw na siudad ng maynila ay di niya maituring na kaligayahan ng puso. pumapasok ngayon siya sa paaralan ng mga may kasanayan sa pagbuborda.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"twing umaga ay inihahatid siya ng auto ni mang alejandro sa kanyang pinapasukan na nakatayo sa daang heneral solano, sa san miguel. datapuwa'ang ganito niyang kabuhayan ay di rin makapagbigay lubos kaaliwan sa kanyang buhay. ang lagi niyang pinipitapita at idinadalangin ay ang makita ang mukha ng kanyang irog: ang mukha ni eduardo. datapwa'saan niya makikita si eduardo? ang kanyang mga kasama sa pasukan ay pawang mga babae lamang. kaya'kung umagang patungo siya sa kanyang pinapasukan ay halos, ang maraming taong nagsisipaglakad sa banketa ng mga iba'ibang lansangan ng siudad ay isa isa niyang pinagsusuri. datapwa'marami ng araw ang nakaraan ay pawang pagkabigo lamang lahat ang kanyang nagiging palad. hindi niya makita si eduardo. saan nga naman niya hahanapin? sa escolta, habang siya ay dumaraan sa mataong yaon ay di rin niya masilayan sa karamihan ng nagdadaanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kahit nga naman si eduardo ay magdaan sa kanyang tabi lamang datapwa'pag sadyang hindi sila nagtanaw tama ay hindi sila magkikita. kay dami daming tao, kay tutuling lakad pa naman. kahabaghabag na leoning na sabik makita ang kanyang minamahal! pawang pagkabigo nga lamang ang nangyari sa kanya. saang lipunan niya makikita ang kanyang iniirog? oh, maynila iyan pala ang maynila, iyan pala ang iyong kahiwagaan! kay gusot na siudad! at, si leoning sa kanyang pagiisa ay minsan ay nasasabi na lamang sa sariling: oh, ito ba ang maynila? kay gusotgusot pala! ang lahat nga lamang para sa kanya ay pagkabigo. ang pagasa niya noong una, na, kanyang makikita agad ang iniibig ay parang isang pangarap lamang. oo, pangarap lamang pala! kay dami daming tao ng maynila! saan mo nga naman matitiyak makita agad ang isang eduardo? saan niya hahanapin? pangit para sa kalooban ni leoning ang siya ay magsadya sa tahanan ng isang binata. nais niyang sukat na lamang ang sila ay magkita sa isang pagkakataon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"pangit nga naman kung kanyang sasadyai'tahanan pa ni eduardo. nais niyang makita ang kalagayan ng binata datapwa'hindi niya gagawin ang magsadya sa kanyang tahanan. at, sa paanong paraan niya maaring patunguhan ang bahay ng ating binata? sinong magtuturo sa kanya? hindi niya maaaring patunguhan pagka'ang mga iba'ibang bahagi nitong maynila ay hindi niya nababatid. ipagtanong? nguni'kanino? hindi ba isang kahiyahiyang siya ay tutungo sa gayo'gayong pook na ang sasadyain ay lalaki pa naman? hindi nga, naman mangyayari ang gayon! hanggang sa pagdating na ni eduardo ng sariling tahanan na hindi malimutan ang kanyang tinamong pagkabigo, na, kanyang inaasahang sa gabing yaon ay magkakatagpong walang sala sila ni leoning. kay pait na kapalaran naman para sa kanya ng gayon! gayon na lamang ang kagalakan ng loob noong una pagka'nagkaroon siya ng magandang palad na maalaman ang kinatitirahan ni leoning at lubos na sa sarili ang pagasang sila ay magkikita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"anong buti nga namang pagkakataon ang kanyang sinamantala datapwa'hindi rin nagtagumpay! at, ang kanyang hangad na pakikipagkita kay leoning ay nawalang saysay. saan nga naman napunta sina leoning, si aling rita at ang matandang lalaking kasama nila: si mang alejandro? bakit nang dumarating na ang auto ay hindi sila sakay? saan kaya sila nangaroon ngayon? saan nga naman naroon? saan kaya natin hahanapin? saang bahagi ng siudad sila nagsipunta? saan natin hahanapin sa magusot na siudad ng maynila? baka sakaling inaanyayahan ng mga kaibigan ni mang alejandro? baka kaya napapadalo sa isang kasayahan? aywan natin. malapit nga marahil na magkatotoo ang ganito. si mang alejandro ay maraming kaibigan sa siudad. madalas ang siya ay anyayahan ng kanyang mga kaibigan. sa mga liwaliwan, sa mga sayawan ay di nawawala ang matandang ito. nguni'saan bahagi ng malawak na siudad naroon ngayon sila?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"sa isang maaliwalas na tahanan na natitirik sa daang san marcelino ay kasalukuyang naghahari noon ang isang masiglang sayawan. ang tahanang yaon ay lubhang napakaganda ang pagkakaayos na nasa loob pa mandin ng isang halamanang maraming mga bulaklakan ang mga palibot. ang tahanang yaon ay mapagkikilala na isang mariwasa ang may ari. kasalukuyan noong idinaraos ang sayawang parangal sa dalawang mapalad na pinagisang dibdib: ang anak na babae ni don gonzalo at ang lalaki na si eligio arce na isang taga iloilo. ang bawa'panauhin, sa dalawang papasok sa panibagong baytang ng buhay, ay nagsisipaghandog ng maliligayang bati. si mang alejandro ay naroon. at kung naroon si mang alejandro ay walang salang naroon din si leoning at si aling rita. di nga mangyayaring mawala. noo'naghahari ang gayon na lamang kasiglahan ng sayawan. sa bawa'mukha ng mga panauhin ay walang ano mang kalungkutang mababakas. lahat ay ngumingiti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"datapuwa'para kay leoning, bagama'ang kanyang damdamin ay nasa kandungan ng gayong kaligayahan, ngunit sa kanya ay walang ano man iyon. kung sakali mang ang kaakitakit na mukha niya ay paminsanminsang sinusungawan ng mga ngiti ay ang mga ngiting yaon ay hindi kaligayahan ng kanyang puso. ngumingiti siya, nguni'sa kabilang dako ay walang namamahay sa kanyang kalooban maliban sa kalungkutan at pangungulila sa kanyang iniirog. ngumingiti siya datapwa'ang kanyang puso ay lihim na tumatangis at nalulungkot. nakikipagsayaw siya ng mga sandaling yaon ng nguni'hindi nasisiyahan ang kanyang puso. sa gayong kandungan ng mga ligaya'pangarap ng mga pusong nauuhaw sa pagsimsim ng kaligayahan at katamisan ng buhay, para sa kanya ay isang ulap, lalo'kung hindi niya kapiling ang kanyang minamahal ng lalo'higit sa buhay: si eduardo. halos hihirang tugtog ang hindi niya nasayawan at laging nakukuha siyang pareha ng mga bago niyang kakilala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"karamihan pa naman ay mga kilala'tanyag na mga kabinataan ang nagaagawang siya ang maging palad na makasayaw. hindi nga kaya ang isang leoning ay magbago ng loob sa gayong mga pagkakataon at limutin ang isang eduardo? mga kilala at tanyag na mga tao pa naman ang waring nagsisipaghagis sa kanya ng mga irap na may kahulogan at ibig sabihin. hindi kaya siya makalimot pagdating ng ilang araw sa kanyang sinisintang si eduardo? hindi na kaya siya mabihag ng ibang binatang naaakit ng kanyang dilag at kagandahan? ilang mga binata na ang sa kanya ay naguunahang makipagsayaw datapwa'siya ay laging may kapareha. ang gayon ay isang napakahiwaga. kaya'dalawang binatang waring lubos na nasasabik makasayaw si leoning ang naguusap ukol sa binibini. kung ako lamang ay magkakapalad na makasayaw sa dalagang yaon ay kay palad ko na. ako man ang sambot naman ng kausap. napakaganda kung kumilos, ano hindi ba? pati mga titig niya ay lubos ng makabaliw sa isang puso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang ngiti man lang niya ay sukat ng makapagbigay, lugod sa iyo kung iyo ng kapareha. oo, nga kung ngingitian ka niya ay walang salang maliligaya ka na ng gayon na lamang. at, si leoning nga naman ay waring isang bulaklak na namumukod sa lahat ang katangian: tulad ng kampupot na bago lamang na bumubukad na nagsasabog ng halimuyak. maraming nagsisihanga at nagsisipaghagis ng titig sa kanya. at, habang lumalakad ang panahon, si leoning ay lalong dumadami ang kakilala: mga matataas na tao at marami'mga titulado pa. hindi kung sino sino lamang na mga binata. ano pa'sa matataas na lipunang lagi madalas siyang maanyayahan. palibhasa'si mang alejandro ay kaibigan ng maraming kilalang tao sa maynila kaya'ito namang si leoning ay hindi rin nawawala at kasama saan mang kasayahan mapunta ang matandang ito. paris nga naman nang naganyaya ngayon sa kanila, na, hindi rin napahuhuli kay mang alejandro. mariwasa at maraming kumakalansing.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya'si leoning, maging sa kasuotan ay hindi napapahuli sa mga lalong naggagaraan kasuotan palibhasa'parang tunay na anak siya ngayon ni mang alejandro. ngayon ay di naman lamang pinagagawa ang ating binibini. ang dating ginagawa niya noong una na magburda at manahi ay hindi na ngayon nahahawakan. kaya'karamihan sa mga kaibigan ni mang alejandro, mayaman at matataas na tao, ngayo'nagiging mga kakilala tuloy ni leoning: at nagiging mga kapalagayang loob pa. natapos at natapos ang sayawan at umuwi ng sariling tahanan na ang taglay sa puso ay ang kalungkutan. anong lugod nga naman sana kung ang sayawang yaong lipos ng aliw ay naging kasayawsayaw niya si eduardo? kaya ito ang pagkabigo ni eduardo noong gabi sa pagasang makita si leoning. ang kanyang pagasa ay talagang nabigo. sadyang hindi niya makakatagpo noon si leoning.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,ang autong yaon na kanilang hinintay at maasahang kinalululanan ni leoning ay sadyang ipinahatid ni mang alejandro sa kanilang tahanan upang ipagbigay alam sa mga utusang huwag hintin ang kanilang pagdating. datapwa'ang autong iyon ay nagbalik din sa san marcelino makalipas ang ilang sandali. si eduardo nga naman ay walang palad! nang magdamag na iyon ay halos di na siya naidlip kamuntiman. sa pagkakita niya kay leoning ay waring pinagiisip niya na napakahiwaga. anong paraan nga naman at si leoning ay naparito sa maynila na hindi niya sukat akalain? may katwiran nga naman ang isang leoning kung sisihin ng isang eduardo kung bakit ibinalik na lahat ang liham ng binata. wala nga palang totoo si leoning sa sariling bayan. nagtataka ang isang eduardo? bakit ni balita ay hindi man lang ibinalita sa kanya ni leoning? apat na liham ang nabalik sa kanya. napakalaking suliranin para sa kanya ang gayon! naito pala sa maynila si leoning!,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"anong nagbigay daan at nawili siyang manahan sa siudad na itong puno ng hiwaga? sa pagkakita niya kay leoning na waring lalong nagibayo ngayon ang ganda kay sa noong naroon pa sa lalawigan ay siyang lalo namang nagdudulot sa kanyang puso ng malaking pananabik at pakikipagtagpo sa binibini. halos ang bawa'tunog ng orasan ay kanyang narinig sa boong magdamag. pilitin man niyang ipikit ang kanyang mga mata ay waring nakikita rin niyang lagi, sa kanyang mga balintataw ang magandang larawan ni leoning. sa kanyang pagkakahimlay, ang maliwanag na sikat ng buwan ay waring nagtatanod sa kanya. kaya'hanggang sa sumapit na ang kalaliman ng gabi na tahimik na ang lahat, ay nagbangon siya at ang maaliwalas at mabituing langit na walang bahid ng ano mang ulap ay kanyang pinagpakuan ng tingin. kay aliwalas nga naman ng langit noon! ni badha ng ano mang ulap ay walang masisinag sa kaitaasan. kabilugan ang buwan. anong dikit malasin kalangitan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"waring nagdudulot sa kanya ng lugod ng puso at kaligayahan ng damdamin. kay sarap ng simoy ng hangin! anong sarap kung masanghap! kay bango ng simoy na dala ang mga kabanguhang humahalimuyak sa mga bulaklakan! ang gabing yaon ay isang gabing puno ng pangarap at tulain! sa kanya, ang gabi, ay waring nagpapahiwatig ng isang kaligayahan ng puso! waring nagbabalita kay eduardo ng magandang kapalaran ng buhay na puno ng pagasa. waring ibinubulong sa kanya ang kaligayahan ng puso. waring naririnig niya ang mga awit ng pusong mapapalad na nagduduyang sa bisig ng magandang kalikasang puno ng pangarap. nang magmamadaling araw na, bago siya maidlip ng bahagya ay walang nasabi ang kanyang sarili kundi: anong lugod sana kung makakapiling ko si leoning sa pagkakataong paris nitong gabing puno ng sariwang pagasa, ng lugod ng puso at buhay! kinabukasan, pagkagising ni eduardo, ay wala nang ibang sinikap sa sarili kundi ang paraang kanyang gagawin upang makausap ang binibini.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya'wala na siyang sinikap kundi ang maghanda. kung baga sa digmaan ay para siyang lulusob. sa tundo, kay ligayang pook! si leoning ay doon naninirahan at bagama'ang pook na ito ay may kaunting kalayuan sa kanyang tinitirahan ay naging gayon na lamang kalapit para sa kanya. kung noong una ay di man lang niya kinagigiliwan paroonan, ngayon ay siyang paraiso ng kanyang puso. iyan ngayon ang kanyang kinagigiliwan. sa kanyang kalooban ay buo na ang pagasa at pananalig na makausap ang kanyang irog. mababatid ni eduardo kung ano ang dahilan at si leoning ay naparito sa siudad. mababatid rin naman ng ating binibini kung ano ang sanhi ng kanilang pagkakatigilan ng pagpapalitan ng mga balita ng kanilang pagsusulatan. para sa binata ay kay buting pagkakataon. gayon na lamang ang kanyang kasiyahang loob. dumating ang takdang oras. magara ang damit ng ating binata at bagay na bagay sa kanyang tindig. at, anong palad na pagkakataon ang nawika sa sarili. natanaw niya sa may durungawan si leoning.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"anong palad nga naman! ang kanilang mga paningin ay karakang nagkasalubong: nginitian agad siya at boong lugod na inanyayahang pumanhik. mabuti na lamang at hindi nagbabago si leoning ang nawika ni eduardo. at si aling rita na noo'na sa labas ay pagdaka'pumasok at sinalubong ng boong lugod ang ating binata. eduardo, magtuloy ka, halika ang wika ng matanda ano, kumusta ka? mabuti po sa awa ng dios. bakit mo nalaman itong amin? hindi ko po sinasadyang mapadaan dito nguni'nakita ko si leoning sa inyong durugawan. mabuti naman at nalaman mo ito. pumarito ka ngang lagi. gayon na lamang ang pagkalugod niya sa anyayang yaon ng matanda; kay gandang loob! leoning, kausapin mo nga sila, ipagsama mo sa loob, hala pasok kayo at ako lamang ay magaayosayos dito sa labas ang dugtong pa ni aling rita. at nagsipasok sila. anong tuwa ng binata! wala kundi pawang kasiyahan sa puso ang naghahari. datapwa'paghakbang ni eduardo sa loob ng kabahayan ay nagtaka at napamangha siya ng gayon na lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ano ang kanyang nakita? kung nababatid lamang niya! hindi sana siya nagpunta agad kina leoning, nagdaan muna sana siya kina pako at magpalipas ng ilang sandili doon. may panauhin pala si leoning! at, bakit nakikipagngitian kay leoning? nanggilalas siyang lalo ng mangusap ang binibini. ipagpatawad ninyo ang sandaling iyon ang sabi ng binibini sa lalaki. hinagisan na lamang ni eduardo ng tingin ang kinausap. ano nga naman ang kahulugan ng mga yaon? sino ang taong ito? ito kaya'kaagaw niya kay leoning? nang magkatama ng titig ang ating binata at ang dinatnang panauhin nina leoning ay nagsalita ang binibini ng ganito: kinararangal kong ipakilala sa iyo ang kinatawan sa lalawigang. ang kagalanggalang na kinatawang velarde. eduardo de la rosa po. maraming pong salamat. ang binata pong iyan ay aking kababayan ang patulo'ni leoning. siya ay isang nagaaral dito sa maynila at di magluluwat at makatatatapos na sa kanyang pagaaral, ilang araw pa'siya'isa nang manananggol na tatawagin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ah, samakatuwid nga pala ay di nagkamali ang aking sarili sa pagpapalagay na sila sabay turo sa kaharap iyan ay nakilala ko na. ang ngalang iyan bbg. leoning ay nakilala ko na noon pang mga buwang nakaraan. nakilala na ng kinatawan? at, kayo po pala ay nagkatagpo nang minsan nila? oo, lamang, ang pagkakakilala kong yaon ay di paris ng sa ngayong kami ay nagkaabutan ng kamay. at, sa ano pong paraan? nakilala ko siya sa isang pagkakataon. samantalang sa kabilang dako ay ni kaputok na salita ay di man lamang makabigkas ang ating binata dahilan sa kanyang pagkamangha sa mga pangungusap ng kinatawan. bakit sinabing siya ay nakakilala ng kinatawang yaon? bakit nga naman ay sa ngangayon lamang sila nagkatagpo? sa paanong paraan siya nakilala ng kinatawang ito? kaya'kanyang naitanong sa sarili: datapuwa'ang sumagot ay ang kanya na ring sarili; nakatagpo ko na kaya ang kinatawang ito? sinagot ng kanya na ring budhi: hindi, hindi, hindi. hindi pa niya namumukhaan ang kinatawang yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"gayon na lamang ang kanyang pagkamangha: isang kinatawan pa ang nakakilalang mauna sa kanya. nagtataka siya nang gayon na lamang. at pagkuwa'naibulong pa rin niya sa sarili. aywan ko sa kinatawang iyan kung bakit sinabi niyang ako ay kanya nang nakilala noong pang una. at, ang katotohanan nga naman ay sadyang hindi pa nakakatagpo ni eduardo ang kinatawang ito. para kay eduardo, hindi man lamang sila nagkakatama ng mata kundi ng mga sandaling yaon lamang. ang katotohanan ay talagang hindi. hindi pa sila nagkakatagpo ni minsan. nguni'sa paanong paraan nga naman at nakilala siya ng kinatawan? nang boong liwanag na marinig ni eduardo ang mga huling salitang yaon ay halos nais na niyang mangusap. nguni'para bang ang kanyang dila ay nadikit sa ngalangala: ni hindi makapangusap. pinagsusuri niyang mabuti ang kalooban ng kinatawan na baka ang gayong ginagawi ng ginoo ay isang paghamak lamang sa kanyang pagkatao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"baka isang pagalipusta nga lamang pagka', sino nga ba naman siya sa harap ng isang kinatawan gayong siya ay isa lamang hindi kilala sa mga lubhang matataas na lipunan. sino nga ba naman si eduardo sa harap ng isang marangal na tao? datapuwa'hindi, si eduardo ay isang may magandang bukas. hindi pa lamang dumarating ang kanyang araw, hindi pa lamang ganap na sumisikat ang magandang liwayway ng kanyang palad. oo, si eduardo ay hindi rin naman lubhang kaabaabaan sa harap ng kinatawang ito. may maningning siyang bukas na hinihintay. siya ay may maningning na pagasang kasing uri ng lantay na ginto. higit pa marahil sa ginto! kaya', palibhasa'taglay ng kanyang kalooban ang mapayapa at ang malamig na pagmumunimuni ay hinintay na muna niyang pamuling magsalita ang kinatawan. malaon ko na nga iyang nakilala, bbg. leoning ang patuloy ng kinatawan nguni'gaya ng sinabi ko na sa inyo, lamang ang pagkakilala ko diyan ay di paris ng lubos kong pagkakakilala sa ngayon na kami ay nagkamay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, sa ano nga pong paraan? ang agad ay agaw ni leoning. ang pagkakakilala ko ay dahilan sa kanyang kagitingang kapuripuri para sa kanyang mga kababayan. siya ay may maningning na pagasa sa kinabukasan ng ating lahi. namula at lalong napamangha ang ating binata dahilan sa kanyang pagaakala na sadyang siya nga yata'nais lamang alipustain ng kinatawang yaon. ang ating binata ay anyung dinalaw ng poot ang loob at sasagutin na sana niya ang marangal na kinatawan akala niya ay hinahamak ang kanyang pagkatao, nguni'hinadlangan agad siya ng ating kinatawang velarde at sinabing: hindi naman ito sa pagpuri ng harapan ang dugtong ng kinatawan at saka nagpatuloy. ang pagkakilala ko sa inyo ay ipagtataka nga ng inyong sarili. hindi ba ginoong eduardo de la rosa? at sa ano pong paraan mahal na kinatawan? ang pagdaka ay naisagot ng tinanong. karangalan ninyo at karangalan ko ang ipagtapat ang lahat. at, masasabi ko pa ring hindi karangalan lamang natin kundi ng inyong bayan at mga kababayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"gayon na lamang ang pagkamangha ng dalawang kaharap, sa kinatawang nagsasalita at kung bakit nga nama'ayaw pang ipagtapat agad ng lubusan ang kanyang sasabihin. nang kayo ay unang makilala ko,. de la rosa, ay buhat pa noong kayo ay magtamo ng first prize sa ginanap na talumpatian ng mga nagtatapos sa kolegio ng pagkamanananggol sa maaliwalas na grand opera house. nang mabigkas ang ganitong mga pangungusap ng kinatawan ay saka pa lamang nagluwag ang dibdib ni eduardo at halos ang humalili sa kanyang pusong kanikanina ay waring may poot ay gayon na lamang kasiyahang loob. totoo nga ang sinabi ng kinatawan. kaya bbg. leoning, hindi sa pagpuri ng harapan ay masasabi ko sa inyong si. de la rosa ay isang mapagwagi sa katalinuhan na siyang karapatdapat putungan ng laurel ng tagumpay. at pagkasabi nito ng kinatawan ay tinapunan ng isang tingin ng ating binibini ang binatang pinapurihan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang tinging yaon na may kahalong ngiti ay nangahulugan para kay eduardo ng isang pangarap na puno ng pagasa at buhay. isang kinatawan ang pumupuri sa kanyang pagkamatalino sa harap pa naman ng isang paraluman. gaanong lugod at kagalakan sa puso ang gayon! purihin ng isang kinatawan? kay palad na pagkakataon! kaya gining leoning, kung hindi sila magagalit sa aking pagpuring ito ay ipagpapatuloy ko. mahal na kinatawan, wala kayong dapat alalahanin sa isang abang lingkod ninyo ang sagot ng binata. sila gining leoning, ay maningning na pagasa ng ating lahi. nasa kanya ang dangal at pagasa ng inang bayan. at, upang aking mapatutuhanan sa inyo ng boong pagtatapat ay kung narinig lamang ninyo ang kanyang binigkas ay sukat ng magdulot sa inyong puso ng isang alaala sa ginoong iyan, na, ang ginoong iyan ay marahil ay masusulat sa inyong puso ang ginintuang mga habilin na malalalim at may kahulugang mga pangungusap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"opo, ang bawat taong mga naroon na nakikinig, nang mga sandaling yaon na binigkas niya ang talumpati ay naghabilin sa lahat ng diwa ng mga dakilang aral at mga may kahulugan at ginintuang kaisipan na namulas sa kanyang mga labi. hindi ito isang pagkutya sa inyo. de la rosa. ako'nagtatapat sa inyong pagkatao sa mga sandaling ito, wala nga akong ibang nais at hangad kundi kayo ay aking makilala, maging matalik na kasama at kaibigan. hindi kaya pangit sa loob ninyo. de la rosa? maraming salamat po kung gayong ang abang palad ko ay mabibilang ninyong isang lingkod. sakaling kayo ay nangangailangan ng tulong, ay nalalaan ako kung makakakaya. gayon din po naman. bb. leoning, kaya marahil, ang lahat ay nabatid na ninyo. maliwanag kung gayon ang lahat. para kay eduardo ay isang karangalan niyang hindi malilimot ang gayong pagkakatagpo nila ng kinatawan. isang karangalan ng kanyang sarili ang gayong pagpuri pa naman sa harap ng kanyang paraluman. kay inam na pagkakataon!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"samantalang para kay leoning ay isang karangalan sa sarili ang gayong pagkabatid niya sa mga ginintuang damdamin ng kanyang eduardo. karangalan niya ang isang eduardo kung gayon. nasa kanya ang pagasa at maningning na tagumpay ng bayan at lahi. de la rosa sa loob ng opera nang kayo ay magtamo ng unang ganting pala ng tagumpay ninyo. iyan ang paraan kung bakit ko nakilala ang inyong pangalan. kaya hindi na ninyo ipagtataka kung bakit sinabi kong nakilala nga kitang malaon na ay di paris ng pagkikilala nating ngayon na pinagabot ang mga kamay. at, kung bakit hindi napapawi sa akin gunita ang inyong pangalan? naito: ang talumpating yaong inyong inilaban, na, puno ng maraming kahulugan at palaisipan ay nalathala pa sa isang pahayagang malaganap. at nang mabatid ni leoning ang ganito ay dagliang kinamayan ang kanyang irog: si eduardo at sinabing: binabati kita sa iyong tagumpay na kinamtan. salamat ng marami leoning. na, ang pagkamay na iyan ni leoning ay anong kahulugan na naman?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang puso ni eduardo ay waring nasa tunay na tampok ng kanyang kadakilaan. nalulugod siya ng gayon na lamang. lalo at lalong nagkakaroon ng kahulugan sa puso ni eduardo ang gayon. tagumpay nga ang lahat sa kanya! halos lihim na napalundag ang kanyang puso sa galak. kay buting palad nga naman! may maningning na pagasa at ginintuang pangarap ang ating binata! sa harap ni leoning ay isang kinatawan ang pumuri, isang mataas na tao. datapuwa'pagkalipas ng ilang saglit ay dinukot ng kinatawan sa kanyang bulsa ang taglay na orasan at nang makitang ikaanim na pala at kalahati ng hapon ay nagtindig siya at sinabing: magpapaalam na po ako sa inyo. saka na muli akong dadalaw rito pagka'hindi ko na mahihintay ngayon si. alejandro, may mga pagkakataon akong dadaluhan. at hindi na po kayo maghihintay? hindi na, paalam sa inyo. de la rosa at ito ay kinamayan. at kinamayan din ang binibini at pagkakuwa'nagpaalam din kay aling rita, na, noon ay nasa labas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, tuloy tuloy nang nagpaalam ang ating kinatawan. sa piling ng isang leoning ay lalong dumakila ang isang eduardo. lalong naging maningning ang kanyang pagasa. kay buti nga namang idinulot ng pagkakataong yaon! sa harap ni leoning ay naging isa siyang dakila, isang bayani na pinuputungan sa ulo ng masaganang laurel. purihin siya sa harap ng kanyang paraluman, ay anong tamis sa isang kalooban ng binata! sa pakiwari niya ay walang kasing halaga, walang kasing uri, nasa tampok siya ng gintong tagumpay at pagkadakila, dangal ng kanyang sarili at kapurihan sa harap ng sino mang tao. at, ngayon sa harap ni leoning ay siya'isang bayani. isang bayani siya na sa pakikidigma ay nagwagi na taglay ang laurel ng tagumpay. sa harap ni leoning ay naging mahalaga siya; lalong naging dakila sa puso ng kanyang paraluman. si eduardo, ngayon, ay siyang pagasa at dangal ng kanyang irog: ni leoning. siya ang pagasa, ang pagibig, ang buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"samantalang sa kabilang dako naman, si leoning ay siyang sulo sa piling ni eduardo, siyang liwanag at tanging aliw ng puso. para kay eduardo ay isang maulap na langit ang titiisin niya kung wala si leoning. kung maglalaho si leoning ay isang libingan, isang yungib na di man lamang inaabot ng sikat ng liwanag, isang langit na wala kahit isang bituin. kaya mauulit ngang magbalik ang lahat! sila ay magkakangitian, magkakatitigan ng mga mata, magkakabatiran ng mga lihim ng puso! at, makalipas ang ilang sandaling makapagpaalam ang panauhin ay napagisa na lamang silang dalawa. nang mga sandaling yaong kanilang sinasarili na ang pagsasalitaan ay waring ang naguumapaw sa kanilang puso ay ang pagkalugod ng isa'isa. nagkakahiyaan noong una datapuwa'ilang saglit lamang ay nagiba na ang kanilang damdamin: waring naguusap ng kusa ng tapatan. nawala ang mga sandaling kanilang kanina ay pinapaghaharing katahimikan. waring nangapipi ng hindi naman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang naghahari sa kanilang puso ay ang pagirog, ang pagibig na malinis. magkapiling ngayon ang kanilang mga damdamin na waring mga dati'nabilanggo. ang kanilang mga pusong malaong nagkasabikan, nagkalayong ngayon ay mapalad na pamuling nagkatagpo. leoning ang panibukas ng binata anong hiwaga at ang magusot na siudad ay kinawilihan mong tunguhin? nang una nga ay ni sa pangarap ay di man lamang sumagi sa aking gunita na ito ay aking maabot, datapuwa'sadyang ganito lamang ang panahon. ni hindi ko rin nga akalain. ang sarili ko man, nguni'. leoning, ano ang paraan at naparito ka ang agaw agad ni eduardo. upang ipagtapat ko agad sa iyo ang lahat at lahat ay ito: isang umaga, ang kapatid ni aling rita, na, si mang alejandro ay nagpunta sa ating bayan at di ko nga akalain ay inanyayahan kami na sumama sa kanya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, matapos mapagusapan nilang dalawa ang lahat at lahat, lalo na sa kabutihan ng paninirahan sa siudad ay siyang nagbigay daan kung kaya'sa madali ring panahon ay iniwan namin ang sarili. kaya kita tinanong ng ganito ay lubos at gayon na lamang ang pagtataka ko sa inyong pagkaparito. magtataka ka nga marahil nguni'maliwanag na ngayon sa iyo ang lahat. oo, nga leoning, maliwanag na ngayon ang lahat, hind ko na dapat ipagtaka. at, saka hindi mo na naman dapat pang pagtakhan ang ganitong pagkaparito ko sa siudad. nguni'masasabi kong lalong napabuti naman. at bakit, nang sa anong dahilan? sapagka'si leoning ko ay hindi na malalayong paris ng dati sa aking paningin. ah, eduardo, at hanggang sa ngayon pa ba'sariwa pa sa puso mo ang lahat ng iyan? bakit iyong hihinalaing malanta ang lalong sumasariwang pagibig ko sa iyo? hindi ba siyang katotohanan na limot mo na ang lahat? leoning, bakit mangyayari naman ang gayon? at hindi ka ba nagsisinungaling sa iyong mga pangungusap?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kausap mo yaring puso. na, sinungaling! nagtatapat ng boong puso leoning. kasinungalingan! kasinungalingan daw. eduardo, diyata kaya'hindi? nang sa anong paraan leoning? huwag mong pahirapan ang puso kong malaong nangulila sa iyong harapan. pahirapan eduardo, pahirapan pa ang iyong sasabihin matapos mong paglaruan ang aking palad na. at di naituloy ni leoning ang sasabihin. paglalarong ano leoning? di nakita mo na at ikaw pa'magkukungwari. leoning, nagtatapat ako sa iyo, ngayon ay tapatin mo naman ako. eduardo, tinatapat kita. dito nga naman sa siudad.! na, waring di madugtungan ni leoning ang sasabihin. na, ano leoning? huwag mong pahirapan ang aking pusong matapat sa iyo. eduardo, na di nga nagkamali ang pangarap ko noong una, ang hinagap ko sa iyo nang ako ay nasa lalawigan pa. ipagtapat mo leoning ang lahat ng iyon. na, nagkatotoo nga ang lahat na, ako'iyong lilimutin. diyata leoning at ako pa ang pararatangan mong lumimot. katotohanan eduardo ang lahat kong sinabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"leoning, pinahihirapan mo ang aking damdamin. eduardo, ang sinasabi mong hirap na iyan ay wala pang ika isang libo, paris ng ginawi mo sa aba kong palad. leoning, liwanagin mo ang lahat. oo, maliwanag eduardo, ang lahat: hindi ba maliwanag pa sa sikat ng araw ang iyong paglimot? leoning, walang sangdaling nawaglit man lamang sa alaala ko, ikaw. at di nakita mo na nga ang iyong kasinungalingan? hindi ako nagsisinungaling; huwag mong paratangan ang sarili ng ganyan, malinis ang tibukin ng aking puso. na, hindi ka nagsisinungalin? leoning, isinusumpa ko! isinusumpa raw! na, apat kong liham sa iyong ni isang kasagutan ay di man lamang ako nagtamong tugunin kahit minsan. hindi ba maliwanag pang higit sa sikat ng araw? talagang hindi nga naman nagkabula ang pangarap ko eduardo, na, pagdating mo na ng maynila ay limot mo ang isang sumisinta ng tapat. leoning may katuwiran ka, nguni'hindi mo naliliwanagan ang lahat. na ako pa ang malalabuan sa iyong pagsisinungaling.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"hindi, ang ako ay pahirapan? leoning, oo, hindi mo nga lamang nababatid ang lahat. kung nang mga sandaling tinatanggap ko ang iyong liham ay makikita mo lamang ang aba kong kalagayan, ay mapatak din marahil ang luha mo kung may habag ka sa abang eduardong ngayon ay kausap mo. leoning, salamat at ako ay hindi sadyang kulang palad pa at kung nagkataon sana ay hindi na ako si eduardo ngayon. at ano ang nangyari sa iyo eduardo? leoning, napapasalamat ako sapagka'ako ay naaalaala mo marahil nang panahong yaon. at kung nasaksihan mo lamang nang mga sandaling mangyari sa katawan ko ang sakuna at kung hindi ko nga nailagan marahil ay ni isang ay isang diyos ko ay hindi man ako nakapangusap. at napaano ka eduardo? nang isang hapon ay ako ay inanyayahan ng mga kakilala ko'kaibigan sa isang sayawan sa masayang malate. ang sayawang yaon ay parangal sa pagsapit ng ikalabing siyam ni bbg. anita fernandez, datapuwa'ang naging wakas nga ng kasayahan ay ang kasakunaang nangyari naman sa akin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"hindi ko na kailangang sabihin pa sa iyo ang mahahabang salaysaying ukol dito. at, nang kasalukuyang naghahari ang kaligayahan ay biglangbiglang nagkagulo ang marami sa paguunahang manaog dahilan sa isang sunog ang naging simula. maraming mga binibini ang nasaktan at ako nga ay inabot ng isang malubhang sakuna. hindi sa isang pagmamalaking loob ay tinangka ko ang makatulong sa pagliligtas ng ilang mga mahahalagang kasangkapan ng mga nasunugan, datapuwa'sa isang masamang pagkakataon ay isang sing bilis ng kidlat na biglang pumatak mula sa itaas na tumama sa kamay ko ang mabigat na pirasong kahoy, saka isang kahon, na di ko nailagan na siya ko ring ikinalugmok agad noon din. napasigaw na lamang ako at sa pagsaklolo sa akin ng ilan, ay tinulungan ako sa paguwi ng tahanan, na, ang kamay ko ay gayong nagsisidhi ang sakit na di ko maikilos at namaga na tuloy. mahigit na isang buwang ang kamay ko ay may putpot at nakasabit sa leeg ko sa pamamagitan ng damit na nakapulupot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, sa awa ng mga manggagamot ay mabuti na lamang at ang butong nabali ay napasauli sa dati at lumakas. makalilibo kong ninais na ang ganito ay ibalita sa iyo datapuwa'ang kamay ko'ni hindi makahawak ng panulat. ninais kong magpasulat sa iba, nguni'ang budhi ko na rin ang nagpakatanggitanggi sa dahilang hindi ko nais mabatid ng iba ang lihim ng ating puso. at, hindi ba ikaw rin leoning ang may sabing hangga'maililihim natin sa madla ang malinis na pagiibigan ay di natin ipamamalay? oo, eduardo. kaya'wala akong maging paraang gawin upang ibalita sa iyo ang gayong nangyari sa akin at saka mababatid mo na, naito ang kadahilanan kung bakit ang mga liham mo ay di ko nasagot. at, salamat at hindi sa ibang panig ng katawang maselan ako inabot ng gayong sakuna at kung nagkataon sana ay hindi na ako eduardo ngayon. wala na ngayong eduardo at mababalita mong namayapa na. at napairap at ngumiti si leoning sa pagkasabing gayon ang kanya sanang naging palad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at nagpatuloy si eduardo nang makitang ang binibini ay umirap ng bahagya sa kanya at ngumiti. maluha ka rin kaya leoning, maluha ka rin kaya kung ako'tinanghal na bangkay?.! leoning, maluha ka rin kaya? eduardo, hindi ako ang maluluha, kundi ang paralumang noo'sumaklolo sa iyo. nguni'kulang palad nga ako at walang paraluman noong lumapit man lamang sa akin. wala akong tinatawag sa sarili kundi: leoning! nguni'ang tinatawag kong yaong ngalan ay di man lamang nagmakaawang lumapit. oo, wala, walang walang lumapit. kung hindi pa lumapit ang. at hinadlang ni leoning. kundi ibang leoning. kundi ang mga kaibigan kong mga binata. at, nang ikaw ay gumaling ni balita ay di ka naman lamang nag. leoning, anim na liham na paraparang ibinalik ni bbg. leonora. na, kahit isa ay wala akong tinanggap. pagka'marahil ay narito ka na sa siudad. na, sa makatwid ay sinisisi mo si leoning? hindi, at naliwanagan ko ang lahat. maliwanag na iyong nilimot. leoning hindi mo na kailangang pahirapan ang aking puso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"dinaramdam mo ang hirap ng iyong puso nguni'ang abang palad ko ay di mo namamalayang ang titiitiis ng dahil sa pagaalaaala sa iyo. leoning tunay kaya? asahan mong ako'di marunong lumimot sa sinanglaan ng pagibig. leoning, salamat. at hinawakan ang kamay ng binibini na dahilan sa galak ng kanyang puso. datapuwa'ang kanilang maligayang paguusap ay nahinto. ang masaya nilang paguusap ay nabulabog. ang kanilang pagngingitian ay natigil, kapwa nagulat ang dalawa. ano ang kahulugan noon? isang putok ng rebolber ang kanilang narinig. ano ang nangyayari? at dinunghal ni eduardo ang bintana ay maraming taong nagkakagulo. bakit ano ang nangyari? ano ang nangyaring yaong gulo na sa tapat pa naman ng bahay nina leoning? at, nang makita ni eduardo ang pinagkakaguluhan ay nakita niyang isang bisig ang inaaugusan ng dugo: sino iyon?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"subali'sa kanyang pagkakapako ng tingin sa taong yaong may sugat ay siya namang pagkabaling ng tingin sa kanya at nang siya ay makita ay biglang ngalan niya ay tinawag na napapahabag. eduardo, tulungan mo ako halika. ganyang pangungusap ang kanyang narinig nang siya ay makita ng may sugat ang bisig. sino ang lalaking yaon; at ano ang kapahamakang yaon nangyari? sino ang may diwang masama na nagpatama sa bisig niya ng punglo? alamin natin! ang gulong yaon ay nakabulahaw ng gayon na lamang karaming tao. sino nga naman ang may kagagawan noon? isang bisig ang inaagusan ng dugong hindi maampat ang pagtulo. waring lalong naghuhumapdi habang nagtatagal. ang ibang nakamalas sa anyong kaawaawa ng may sugat ay halos dinalaw rin ng habag ang mga damdamin, kinaaawaan ang binatang sawing naghihirap. kaya'di naglipat saglit at ang naruong nakamalas sa kalagayan ng binata ay kaagad na tumawag ng karo ambulansia ng pagamutang bayan (heneral hospital).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang kaawaawang kulang palad na binata ay halos nalugmok na lamang sa lansangan. kaawaawang binata! ang binatang yaon ay dili iba'ang matalik na kasama'kaibigan ni eduardo: si pako, ang binatang nakatira sa tapat nila leoning. eduardo, mangyaring tumawag ka sa maykapangyarihan upang pagusigin ang may masamang hangad na iyon sa akin. pako, na paano ka? ano ang ginawa mo at ikaw ay sinaktan ng kung sino? mapayapa akong naglalakad nang hindi ko hinihintay ay nangyari ito sa akin. sino ang may kagagawan kaya? wala akong malay. oo, narinig ko na lamang ang putok at naging parang kidlat na biglang tumagos sa bisig ko ang punglo. pako, wala kang nakita kahit na sino? walang wala nga. samantalang walang makaimik sa mga taong nangaroon, na, nakasaksi sa kalagayan ng kaawaawang binata. salamat na lamang at dinaluhan agad ng may kapangyarihan: dalawang pulis ang madaling lumapit upang siyasatin ang pangyayaring yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"datapwa'sa pagdalo kayang yaon ay matiyak din agad nila kung sino ang may kasalanan? sino kaya roon ang kanilang paguusigin? paglapit ng dalawang pulis na magsisiyasat ay paraparang natahimik ang lahat. naghari ang mga sandaling walang nagsasalita man lamang. ano kaya at sino ang tatanungin doon? wala namang matiyak ang tinamaan kung sino ang may gawa ng kasakunaan umabot sa kanyang katawan. at, ang dalawang pulis ang siyang nagtatanong ng mga bagaybagay sa pangyayari kay pako, kung sino ang may kagagawan noon ay walang matiyak naman ang ating binata, sa katotohanan, hindi niya nakita ang may masamang hangad na iyong napoot sa kanya. makalipas ang ilang sandali, ay dalawang malaking lalaki naman ang lumapit, na, waring humawi sa salipunpon ng mga tao. ang dalawang ito ay kapwa makisig: mga sekreta pala. sila naman ang nagkuha ng tanong sa tinamaan, nguni'ni hindi rin matiyak kung sino ang may kagagawan. sino ang may kagagawan ng ganito? hindi ko po maalaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"bakit pinatamaan ka ng punglo? wala po akong malay; papauwi na lamang ako nang hindi ko hinihintay ay nangyari nga ang sakunang ito. mayroon ka bang kaalit? wala po akong nalalaman. wala ka bang nakakasamaang loob dito? hindi mo na matiyak kung saan nagbuhat ang punglo? datapwa'ang tanong na ito ay hindi nasagot ng binata. nakatalikod siya ng tamaan. samakatwid ay sa kanyang likod nagmula. nguni'hindi rin naman niya matiyak ng lubusan. hindi nga naman nakita niya at sa katotohanan ay wala siyang matitiyak na sino man sapagka'nang siya ay pauwi na ay tahimik ang kanyang loob na hindi niya hinihintay ang gayong mangyayari. kung nalalaman lamang niya, di sana ay nakahandang umilag. wala ni sino mang nasa harap niya na nakita na may maghahangad ng gayon. ano nga naman ang mabuti? sino ang may pananagutan sa gayong sakuna? sino nga kaya ang mananagot? wala, wala sapagka'ang may masamang budhi ay di nakita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"wala sapagkat walang matiyak ang mga maykapangyarihan, kung sino ang may kagagawan ng pangyayaring yaon. wala, sapagka'hindi matiyak nino man at ni hindi rin matiyak ng tunay na tinamaan. wala, sapagka'walang matukoy ang tinamaan: wala siyang kaalit, walang kasamaang loob at walang nalalamang may nagmamasamang loob sa kanya. datapwa'hindi, kailangan ang may sala ay madakip. hindi maaaring walang gagawang sino man sa may kalapit din ng pook na iyon ng pinangyarihan. hindi mawawala roon ang nagbigay bulahaw sa mamamayan ng gulong yaon. walang salang naroroon! kailangan lamang ang isang mahigpit na pagsusuri at mahigpit na pagsisiyasat. kailangang makuha sa mga pook ding malapit doon. kailangang paghanaping mabuti, kailangan ang mahigpit na paguusig sa may kasalanan. kailangang pagusigin, ang nakapagbigay gulong yaon sa katahimikan ng mga tao. at, hindi maaring ipaggayon gayon lamang ang pangyayaring ito. kailangan paghabulin ng isang kaawaawang binata ang kanyang kinamtang kasawian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"diyata ba'kanyang pababayaan na lamang ang gayon? hindi niya maaaring pabayaan. mayroon tayong pamahalaang matatag at malaya. na, ang isang tao, ang isang individual ay malaya at di maaring upasalain ng maling pananalig. ang isang tao ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga batas, na, ang mga batas na iyan ay siyang matibay na saligan at pinagbabatayan ng mga matwid ng isang mamamayan. na, ang isang tao ay di dapat upasalain kung sino man siya. na, ngayon ay di na paris ng mga nagdaang panahon na ang nakapaghahari ay ang lakas sa hina. malaya ngayon ang lahat; walang busabus, walang alipin. lahat ay may kanyang matwid na gumamit ng karapatan sa harap ng batas na kailan ma'ang batas na ito ay matuwid at siyang umiiral. na, ang mga taong lumabag sa ipinaguutos ng batas ay mapaparusahan. kaya'kinakailangan ng isang tao ay sumunod at sumubaybay sa ipinaguutos ng kapangyarihan kailan ma'nababatay sa batas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, ang pagsunod ng isang tao, ng bawa'individual sa batas na pinagbabatayan ay isang paraang magiging daan ng pagkakaroon ng isang bayang payapa, ng isang bayang dakila, ng isang bayang sa sangsinukob ay walang nakapaghahari kundi ang batas ni bathala at ang batas na ito ay ang pagkakapantaypantay. kaya kailangan ang madaling pagkilos ng maykapangyarihan. kailangan ang paghanap sa dapat na pag usigin. oo, kailangan ang lahat ng ito sapagka'kung ipagpapaliban pa ay baka makalayo, baka lalong mawalang bisa ang lahat ng mga paraan sa ikadadakip ng may masamang budhing yaon. oo, kailangan sapagka'baka ang may kagagawan noong may diwang bolsibismo ay minsan pang maulit. baka maulit pa ang pangyayaring yaon na di dapat mangyari sa isang bayang payapa. at, sa pangyayaring yaon ay di nagpabaya ang mga maykapangyarihan. pipiliting hanapin ang may kagagawan noon. kaya kailangan ang sila ay magsikilos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kailangan liksihan ang paguusig sa ikatatagpo ng nanakit na yaong ngayon ay nawawala sa mata ng madla. nguni'ang lahat ng pagkakasala ay dapat pagbayaran. alin mang may utang ay nagbabayad. mahuhuling walang sala, kundi man ngayon ay bukas dili kaya'darating ang tadhanang araw na kanyang magiging sukdulan upang isigaw ang lahat ng kanyang mga ginawa at masasamang hangarin. kailangan paghanapin ang lahat ng ito upang ang matuwid ay siyang lumitaw sa harap ng katiwalian. kailangan sapagka'ang matuwid ay kailan man ay matuwid na dapat paghabulin ng isang tao ang kanyang sinusubaybayan. at, ang masasama ay may kanyang kalalagayan. ang masama ay masama. kaya kailangan ang masama ay mabukod sa mabuti at ang mabuti ay mabukod sa masama. sa sangdaigdig ay sadyang may ganito, na ang masasama ay sa masama at ang mabuti ay sa mabuti. sino nga naman ang magkakapasasabi ng gayong pinagmulan ng pangyayaring muntik ng ikinasawi ng isang binatang tahimik ang loob at walang malay?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nguni'ang lahat ng bagay ay mayroong wakas. ang lahat dito sa mundo ay natatapos. ang kaligayahan ay di namamalagi. paris ng langit na kung minsan ay maulap at kung minsan ay maaliwalas. ang may kagagawan nito ay nagkaroon din ng takot, kaya hindi maaaring ilihim niya sa mata ng tao ang kanyang kasalanang nagawa. hindi maaaring ilihim niya sa harap ng tao ang kanyang kasalanan. nagkasala siya, siya ay namaril. samakatuwid ay isang kasalanan ang ganito. sa pagkakabaril niya ay nagkasala ang kanyang sarili sapagka'ang pinatatamaan niya ay nakailag. nang makita niyang ang tinamaan ay ang kulang palad na binata, pagdaka'iniurong ang rebolber at parang walang ano man. datapuwa'kailangang siya ay magsabi ng totoo. kailangan nga sapagka'ang mga maykapangyarihan ay nagsikilos. bagama'ang kanyang budhing nagkasala ay nanahimik na sandali ay muli ba waring pinagharian din ng poot pa ang loob. sino ang taong iyon? sino itong ngayo'waring isisigaw ang kanyang nagawang pagkakasala?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, nagsalita na waring inubos ang lakas: sukab! na, ang salitang itong malakas ang waring nanoot sa mga pandinig ng ilan. narinig ng dalawang sekreta, kaya'sa bahaging pinanggalingan ng hiyaw ay daglian agad na pinatunguhan ng dalawang kawal ng maykapangyarihan. sukab na asawa! oo, pinugayan mo ang aking karangalan, dahil dito ay muntik tuloy ikasawi ng mga tahimik na budhi. oo, ang pangyayaring iyan ay, isang bagay na dapat mong pagaralan. ikaw ang asawang dapat sumpain. sino ang asawang yaong pinagngitngitan ng galit? ano ang ginawa niya na naging daan ng pagalimura sa asawa namang humihikbi? samantalang ang asawang nagwalang bahala sa karangalan ng nagsasalita ay waring napahibik na lamang at ni kaputok na pangungusap ay di nakasagot. kaya ngayon ay maaaring hindi ka na pakita sa aking pangmalas. magagawa mo na ngayon ang iyong ibig at ako'napopoot ng tumingin sa iyo. ikaw ang magwawasak ng karangalan ko at magpuputong sa ulo ko ng kawalang hiyaang pagsusukab?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"samantalang ang nagngingitgit na iyon sa galit ay dagling tumalikod at sinabayan ng panaog. mabuti na lamang at nakalamig ang kanyang loob na sana ay bibigwasan pa noong unang mangyari ang pagpapaputok, subali'nang kanyang makitang iba ang tinamaan ay nagbago ang kanyang nagdilim na isip. nakakalabas pa lamang siya ng pintuan ay hinarang na agad siya ng dalawang sekreta at sinabing: mahal na ginoo, hindi kaya sakaling maging pangit sa kalooban ninyo ang kami ay magtanong ng nauukol sa pangyayaring itong muntik ng ikasawi ng isang tao? opo, maaaring ipaliwanag ko sa inyo ang lahat. at, hindi na nakapagtanong pa ang dalawang kawal ng maykapangyarihan at sila ay tuloy nagsilakad sa kinatatayuan ng sawing palad na si pako. pako ang wika ng taong kasama ng dalawang sekreta muntik na palang nasawi ikaw sa pangyayaring ito? mang pepe, sino ang may kagagawan nito, hindi mo po ba nalalaman? pako, ako ang may sala ng lahat, oo, ako ang mananagot sa pangyayaring iyan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"mang pepe, nang sa ano pong paraan, bakit akong iyong isang pamangkin ay ginanito? saka ko ilalahad sa iyo ang lahat. hindi ko kinusa ang pangyayaring iyan kaya malalaman mo ang simula. mang pepe, ano ang sumadiwa ninyo? hayaan mo'saka na. oh, maano pong sabihin na ninyo ang lahat ng mahiwagang pangyayaring ito! ano po ang inyong ginawa? oo, malalaman mo ang lahat, ipadadala mo na kita sa pagamutan at upang mabigyang lunas agad iyang sugat. sumama na po kayo sa akin at ilahad ninyo ang lahat at lahat. hwag na, sumakay ka na sa iyong auto at ako ay hahanap ng ibang magpapalakad pagka'ang kamay mo ay hindi makakilos. sumama po kayo. hwag na at ako ang bahalang maglahad sa maykapangyarihan nitong mahiwagang gulong ito. sasama kayo sa maykapangyarihan at bakit? sasama ako upang malaman ang lahat ng hiwaga ng pangyayaring ito na nagbigay ligalig sa maraming tao. kung ikaw rin po lamang ang may kagagawan ng lahat kong itong sinapit, ay hwag na, hindi na kailangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,ipinagsasama nila akong pilit upang kunan ng tanong na sabay turo sa dalawang sekreta hala magpunta ka agad sa pagamutan upang iyan ay malunasan. at di na nagsalita pa ang binata. sa mga pangungusap ng matandang pepe ay hindi na siya kumibo. ano nga namang kung pinipilit ng maykapangyarihan na siya ay ipagsama? at hustong dumating naman ang karo ambulansia. sumakay siya at ang matandang pepe naman ay ipinagsama ng dalawang sekreta sa bagong bayan upang kunan ng ilang tanong sapagka'walang iba kundi ito ang may kinalaman sa pangyayaring yaong gulo. kaya'gayon na lamang ang nagharing bulungbulungan! ano nga naman ang naging sanhi nang pangyayaring yaon at ang isang pako pa na pamangkin ni mang pepe ang tinamaan? sino kaya ang nakababatid ng lihim na iyon? sino nga kaya? ang lahat ay parang namangha na lamang. kaya'ang maraming taong nakasaksi sa kaunting ligalig na nangyari ay nagkahiwahiwalay na ang mga pagkukuro ay nagtatalo sa kung ano anong hiwaga ang pinagmulan ng gulo.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang lahat ay parapara ng nagsipagalisan. nilisan ang pook na yaong hindi naman nila man lamang nabatid ang tunay na naging simula. si eduardo ay muling nanhik kina leoning at sana'pamuli pa niyang kakausapin ang binibini at ipagpatuloy ang naputol nilang masayang paguusap datapwa'ang gayon ay di na nangyari sapagka'maraming nagtatanong sa puno'dahilan ng gayon at pati si aling rita ay nakihalo na sa kanilang paguusap sa kahiwagaan ng nangyari. kaya'gayon din lamang ang naghaharing bulungbulungan ay tinangka na niya ang magpaalam. at, isa pa ay itatanong sa kanya kung ano ang kahulugan ng mga hiwagang yaon datapwa'hindi naman niya masagot kaya'nagtindig na siya at sinabing: leoning, hanggang sa muli. hwag mo sanang limutin ang muli mong pagdalaw dito. at si aling rita pati ay nakilahok na sa usapan nila at sinabing: hwag ka sanang makalilimot ng pagparito. at nanaog na ang ating binata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,sa durungawan ay muli pang nagdulot si leoning ng isang ngiting puno ng pagasa para kay eduardo na habang natatanaw at naaabot ng kanyang titig ang binata ay di naaalis ang pagkakapako ng kanyang paningin. para kay eduardo ay naging ilaw naman niya sa paglakad ang gayong mga ginawi ng binibini. anong laking kahihiyan kung ang lahat ng lihim na naging puno'simula ng kanyang paghawak ng rebolber upang ipamaril ay mamalayan ng mga magsisi pagusig? diyata kaya'kanyang ipagtatapat ang lahat ng iyon? diyata at hanggang sa harap ng hukuman ay kanyang sasabihin ang mga kabulukang dapat niyang ipaglihim at di dapat ipamalay sa tao? maisalaysay kaya niyang lahat? tila nakahihiyang sabihin! kaya'habang hindi pa dumaratal ng bagong bayan ay waring mahigpit na naglalaban sa kanyang kalooban ang dalawang malaking suliranin sa puso: ang siya ay magsabi ng totoo gumawa ng paraan na kanyang ikaiilag sa pagkahiya? alin nga kaya ang dapat niyang sabihin? ang katotohanan? ang katotohanan!,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kung kanyang sasabihin ang katotohanan ay kanyang lahat ang kahihiyan, sa kanyang lahat ang lagpak na kapulapulang ititingin ng tao. magtatamo siya ng matutunog na halakhak. sapagka'nalalaman niya ang dila ng tao. at ano nga naman ang dila ng tao? papaano nga naman ang kanyang gagawin? dapat nga namang ilihim niya ang lahat. ano kaya ang sasabihin kung mamalayan ng madla? ano ang sasabihin sa kanya? walang ulo, walang dangal at niluko ng asawa. pagkasamasama! wala nang nakapagbibigay lumo sa kanyang katawan kundi ang mga suliraning ito. diyata at ipagtatapat niya sa harap ng hukuman na gayo'ganito ang nangyari? kay saklap na sabihin at nakahihiyang totoo! ang kanyang asawa'nagsukab! kay samang pakinggan! para bang sinampal siya ng isang malakas sa panga kung magkakagayon! anong samang pakinggan! para bang isang matunog na bomba kung kanyang maririnig ang salitang ito. pinagsukaban siya! kay samasama nga naman! nguni'ano pa ang mangyayari?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"waring napadikit na sa kanyang balintataw ng mga mata ang larawang anyung ginawa ng sukab na asawa. manatili pa kaya siya sa harap ng isang asawang kanyang inaasahang magdudulot ng kaligayahan sa puso na, sa kabila pala ay lasong mapait at kamatayan ang idudulot sa kanyang mga kamay? datapwa'sino ang may sala ng lahat ng iyon? sino nga naman ang dapat bigyang sisi? sa kabilang dako ay narito'nananaghoy at waring humihikbihikbi ang kanyang asawang nagtaksil. walang kailangan sa akin ang ako ay iwanan ng lalaking yaon. napakasal ako sa kanya ng dahil sa maling pananalig, hindi sa salapi pala nahahanap ang kaligayahan ng puso? ang nais ko'ang pagibig. ganyang mga pangungusap ang namulas sa labi ni carmen nang waring nabubuhayan ng lakas ang loob. at, ang asawang pepe ay sadyang hindi na katugon ng kanyang tibukin ng puso. hindi ang puso ni don pepe ang makaliligaya sa kanya!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya sa ngayon ay walang kaligayahan si carmen kundi ang mapasa kandungan ng kanyang kaaliwan sa puso: kay teofilo, sa isang batangbatang kawani sa malaking samahan ng smith bell at co., na, ang kawaning ito, na salamat at nakailag na kusa sa pagbaril ni mang pepe. gayon na lamang ang pagngingitngit ng galit sa kanya ni mang pepe, na, mabuti na lamang at nakaligtas pa siya. ano sanang laking gulo kung sinamang palad siyang tamaan? at, kung nagkataon sana ay tumagos ang bala sa kanyang katawan na marahil ay aywan pa kung siya ay bigyan ng buhay. kung maghari nga naman ang kapangyarihan ng pagibig ay di iniilagan kahit kamatayan! oh, ang hiwaga ng pag ibig!. kaya ang ginawa ni carmen ay lumiham ng maiksi para kay mang pepe at iniwanan sa ibahaw ng mesa. nagbihis siya at nanaog na dala ang kanyang mga bihisan. saan kaya siya pupunta? sundin kaya ang asawa na kasama ng dalawang sekreta?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"hindi, hindi ang kanyang asawa ang susundin sapagka'liliham pa ba siya sa asawang pepe kung doon din lamang susunod? hindi na niya maaaring sundin pa siya. napopoot sa kanya ang lalaking yaon! lason ngayon siya sa pangmalas ni mang pepe. saan siya pupunta? kay teofilo? marahil, at ang kanyang tinungo'ang tahanan ng batang kawani. doon siya sasama sapagka'iyan ang nakakatugon ng kanyang puso sa pagibig. iyan ang kanyang kaligayahan, hindi si mang pepe. sasama siya at hindi na siya ngayon tatangkilikin ng dating asawa. teofilo ang wika agad ni carmen pagdating sa tahanan ng binata hwag ka nang magdalang takot. carmen, saan naroon si mang pepe? baka ako ay kanyang patayin? hindi, hwag ka nang pakikita sa kanya. baka bagabagin ang ating kalagayan? hwag kang manganib, hindi na siya maghahabol sa akin. ako ay natatakot? magbubunga nga pala ang ating ginagawang pagnanakaw na iyan ng kaligayihan. teofilo, hwag kang manganib, sa iyo ako, at hindi na sa kanya. diyata carmen?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"oo, sa bisig mo na ako magduduyan ng panibagong kaligayahan at sa bisig mo na rin mamamalagi. nguni'ano ang sasabihin ng mga tao kung malaman? walang kailangan sa asawang paris niya. ang dalawang ito samakatwid ang magpipisan. ang dalawang ito na nagkakaisa ng tibukin ng puso ang magduduyan sa kaligayahan ng katamisan ng pagibig. ang dalawang ito na naging mapalad ang pagiibigan ang siyang magkakasundo. para kay mang pepe ay isang lasong makamandag si carmen sa kanya. kaya'ngayon ay di na maghahabol. pinabayaan na niya! at, sa harap ng hukuman ay sinabi ni mang pepe ang boong katotohanan. siya ay isang dakilang tao na ayaw magsinungalin. iginalang niya ang kahalagahan ng batas. hindi nakapanaig sa kanyang budhi ang magbulaan sa harap ng hukuman. kaya'matapos na siya ay kunan ng tanong sa mahiwagang yaong pangyayari at matapos maipahiwatig niya ang boong katotohanang kanyang ginawa kung kaya siya nagkagayon, ay pinalaya ng mga maykapangyarihan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"umuwi siya ng tahanan at kanyang dinatnan ay ulila na sa kanyang kinapopootan. mabuti na lamang at wala na doon ang lasong yaong sukab na babae. waring nasiyahan pa ang kanyang puso pagka'naglaho na sa kanyang pangmalas ang asawang kanyang isinumpa. sa ibabaw ng mesa ay nakita niya ang liham ng sukab at kanyang binasa na ganito ang mga natititik: yamang ang tibukin ng puso natin ay di rin lamang magkaisa ay ngayo'ninais ko na ang tayo ay magkahiwalay at ako ay asahan mong sa mga sandaling ito ay nasa iba ng kandungan: doon sa makapagdudulot ng kaligayahan ng aking puso. kaya'walang nasabi si mang pepe kundi ang ganito: salamat at ako ay nawalay sa kanya. nanaisin ko na ang sarili ay huwag makasilay pa sa kanya minsan man. hindi ko na hahabulin kahit na siya saan pumunta. malaya na siya sa malayo kong piling. at, upang makailag si mang pepe sa mga sasabihin ng tao ay ginawa ang lumayo, nilayuan ang pook na yaon. humanap siya ng pook na tago sa mga mapagkunwaring babae na mapagsukab.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"doon sa walang maririnig na bulungbulungan ang kanyang sarili. inilagan niya ang masasamang kinakakakitaan ng paris noong nangyari sa kanya. at, kanya na lamang na isadilidiling: ilan pa kaya ang mga babaing nagsisipagugali ng gayong hindi namamalayan ng kanilang mga kabiyak ng puso? salamat na lamang at ni ano mang balitang kumalat ay wala na siyang pinangingilagan. mabuti at lihim na lamang na nangyari ang lahat na di naalaman ng tao. kaya'ang pangyayaring yaong nagbigay ligalig sa di iilan ay nagdaang parang walang ano man: nalihim sa madla. ang simoy ng hangin ng gabi ay kay sarap samyuin! waring dala ang mababangong halimuyak ng mga sariwang bulaklak na nagsisipamukadkad sa mga sariwang halamanan na pinapatakan ng hamog kung nagdadapit hapon. pati mga ibon ay waring mga nananahimik na noon, na, nangagdapo sa sanga ng kahoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang kanilang masasayang pag awit ay natigil na at sa malalabay na lilim ng mga halaman ay doon nangaroon at nagsisipagpahinga: ang mga pipit, ang mga maya at iba'ibang ibon ay tahimik ng lahat. sa mga halaman ay walang mamamalas kundi ang katahimikan ang naghahari at ang mga punong kahoy na kung gumagalaw lamang ang mga dahon ay kung nahahalikan ng palaypalay na simoy ng malayang amihan. ang mga batis ay waring tahimik din na walang ibang masisinag kundi ang mga tila ba gintong nagkislapkislap mga perlas kung mamalasin ang malinaw na tubig na natatamaan ng sikat ng kabilugan ng buwan. ang gabing yaon ay isang gabing lipos ng aliw, lipos ng pangarap na nakapagbibigay lugod sa mga hapong bisig sa pagdulang ng mahabang maghapong paggawa. kaya, ang lahat ay waring nagkakaisa sa idunudulot na kabutihang panahon nang gabing yaon. ang langit ay maaliwalas at wala ni badhang ulap na masisinag. waring ibinabalita sa ilalim ng langit na ito ang isang babala ng magandang kapalaran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang mga tanawin ay sadyang, nakasasabik pagmalasin na para bang ang isang bayang may sapot na ulap ng pagkabusabus ay di pinakikitaan sa mula'mula pa ng kalikasan ng ganito. waring ang lahat ay tulad ng bulaklak na sariwang nagkakasiya sa patak ng hamog ng isang gabing yaong lipos ng tulain at pangarap sa mga pusong uhaw sa katamisan ng malayang buhay. bawa'puso ay waring nalulugod, bawa'diwa ay nasisiyahan sa idinudulot ng magandang panahon! ang mga bulaklak na waring mga nagsisibukad dili ay tila, mga nakangiting lahat dahilan sa patak ng biyayang hamog na siyang nagpapasariwa. ang dahon ng kahoy na mga nalalanta at tuloy na mga nalalaing ay parapara bang nagsisipanariwang lahat, na nanauli sa dati. nananariwang lahat sa patak ng hamog na ang gayon ay siyang lalong nakapagdudulot sa mga bulaklak upang lalong maging ganap ang kabanguhang humahalimuyak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"datapwa'kung ang mga bulaklak na iyan, kung ang mga dahong iyan ng kahoy ay pamuling nanariwa sa mga patak ng hamog ng gabi, ay katulad rin naman iyan ng pusong tumutungga at nauuhaw sa sarong ginto ng katamisan ng hamog ng pag ibig. ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa'patak ng sariwang hamog. katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga. katulad ng mga ibong malalaya ang buhay sa mataas na papawirin, walang dusa, walang nakaaalipin at paraparang maliligaya. na, katulad naman ng dalawang puso, na walang ulap na bumabadha sa kanilang matamis na pagmamahalan. walang mapait sa mga damdamin: laging maligaya at nagngingitian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"dalawang pusong sa gitna ng pagiisa ay kaligayahan ng damdamin ang siyang taglay ng diwa. dalawang pusong manakanakang nagkakatitigan, na ang mga pagtitigang yaon ay sukat ng magkaalaman ng lihim ng puso. dalawang pusong nagkakangitian, na ang mga, pangingitiang yaon ay sukat ng magkaalaman ng lihim ng diwa. mapapalad nga at walang dusa: dalawang pusong sa kandungan ng kaligayahan ay umaawit ng tagumpay, nangangarap ng katamisan ng pagibig, ng matamis na pagmamahalan ng puso. kay palad nga naman! ang mga mapalad na ito ay nagduduyan sa bisig ng maligayang kandungan ng gabing lipus ng pangarap. kay palad na gabi nga naman noon! ang gabi ay tahimik at ang maliwanag na sikat ng buwan ang siya lamang nakakamalag sa dalawang pusong mapalad na yaon. saan naroon ang dalawang ito? saan natin sila makikita? datapwa'kung nais natin masaksihan ang kanilang maligayang paguulayaw ay narito at madali nating makikita. ating tingnan ang halamanang maraming bulaklakan nila leoning.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"sa ilalim ng isang mayabong na balag na ginagapangan ng mga baging umaakyat at sa ilalim ng mga dahon ng cadena de amor ay naroon at sila ay naghehele ang mga pusong uhaw sa katamisan ng pagibig. dalawang pusong naguulayaw, na, nagkakapalitan ng mga ngiti sa mga sandaling yaon, nagkakatitigan na nagkakahiwatigan ng lihim ng kanilang puso. leoning, ang ilang araw na nagdaan na di natin paguulayaw ay waring sa palagay ko'kung ilan ng taon para sa akin. eduardo, marahil ay hindi lamang ang puso mo ang nagkaganyan; ang kay leoning man. maniwala ka. anong sarap mong magmahal. ganyan ka rin naman kaya? kaya leoning, asahan mong ang pangyayaring itong di karaniwan ay di ko na marahil malilimot pa. pasalamat tayo at nagkaroon ng ganitong pagkakataon. salamat nga at magkaulayaw tayo ng boong tamis. nguni'hindi na marahil mauulit. kahimanawari leoning ay maulit pa. pagkakataon nga lamang yata ang ganito. leoning, idalangin nating maulit. aywan natin sa panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya waring kamatayan ang ating paghihiwalay. nagsinungaling ka na naman. maniwala ka leoning. maniwalang magsisinungaling ka. eduardo, tapat na kaya ang puso mo sa akin magpakailan man.? asahan mo leoning. nguni'ako ay nangangamba. anong ipinangangamba mo? ang ikaw ay lumimot. nakakita ka na kaya ng ipinagbago ko sa iyo? na kung dumating na ang panahon? leoning samakatwid ay nagaalapaap pa ang loob mo sa akin? hindi mo ba ako iniibig leoning? eduardo, iniibig kita at ikaw lamang ang pagasa ko nguni'naalaala, ko lamang ang kasasapitan ng palad ko sakaling. sakaling ano leoning? ako'iyong kalimutan. leoning, sa gunita mo ay iwaksi ang lahat ng iyan. diyata kaya? oo, salamat pa daw. leoning, alalahanin mong wala ng ibang lugod ang aking puso kundi sa piling mo lamang. na hihdi kaya isang pagsisinungaling lamang? huwag kang magalapaap ng loob. eduardo, manalig na kaya ang palad ko? manalig ka leoning ko. isinusumpa mo. hanggang libingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"anong tamis nga naman ng dalawang pusong naguulayaw at nagmamahalan? anong ligaya ng dalawang pusong ang katamisan ng pagibig ang siyang naghahari? ang hamog ng pagibig! kay tamis sa dalawang puso! kaya leoning ko, inaasahan kong sa mga labi mo ay buhat ngayon ay maririnig kong bibigkasin mo kung ako'tatawagin ang ngalan eduardo ay dagdagan mo sanang lagi ng salitang ko na: eduardo ko. ang ganyang ay laon kong sa puso ay lihim na siyang, tinatawag sa pagiisa. leoning, diyata, kay sarap mo nga palang magmahal. oo, eduardo ko, malaon na. na di na kaya magbabago? hanggang tumitibok ang puso ni leoning. leoning, anong sarap mo nga palang magmahal. at ang binibini ay di na nakasagot at ang mahigpit na yakap ng pagmamahal ang iginawad kay leoning. leoning, nasa kamay mo lamang at iyong kandungan ang lahat na kaligayahan ng aking puso, kaya hwag mo sanang lilimutin ang isang eduardo upang hwag magkaroon ng dalamhati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nais ko nga ang laging kaligayahan ng puso mo nguni'baka pagkatapos ay lumimot ka sa sumpa. kamatayan ko nga leoning ko na baka ikaw ang lumimot. ako man eduardo, na tulad ko marahil ay isang bulaklak na lagas kung iyong limutin. at, kung lumimot ka, dahil sa sumpa mong nilimot, ako ay mamamatay. at kung ikaw naman ang lumimot dahil naman sa sumpa mong nilimot, bulaklak akong manglalagas sa tangkay. kaya, leoning, hwag nating alalahanin ang lahat ng ito. oo, hwag nating limutin ang sumpaan. oo, nga at kung limutin mo, dahil sa sumpang nilimot ako ay. eduardo ko, ako'gayon din, bulaklak akong manglalagas nang dahilan sa sumpa mong nilimot kung iyong gawin ito. kaya leoning ako ay umaasa. manalig ka. hindi kita pababayaan. na ako ay iyong mamahalin. ng lalo'higit sa buhay. maging maligaya ka kung gayon sa katamisan ng aking pagmamahal. salamat, at sa iyo nga lamang ako mabubuhay. leoning, hwag kang makalilimot. hanggang libingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya, leoning ko, bayaan mo sa ngayong awitin ang katamisan ng pagibig sa iyong kandungan. hindi ba nasisiyahan ang puso mo? eduardo ko ang palad ko lamang. at sa malantik na baywang ni leoning ay waring ang bisig ni eduardo ay naging parang lumingkis na lamang na hindi tinanggihan ng binibini. kay palad na bisig! ang ating binata ay naging mapalad ng gayon na lamang. ang katamisan ng pagibig, at katamisan ng pagmamahal ni leoning ay inawit niya ng boong tagumpay. sukat na eduardo ko ang paanas na salita ng binibini. leoning, samantalahin natin ang pagkakataong ito. alamin mo leoning na sa mga ganitong sandali lamang natin matutungga ang ganitong sarong ginto ng katamisan ng pagibig, sa mga sandaling ito lamang ang kaligayahan ng ating puso. oo, leoning ko, malasin natin ang buwang iyan, iyang mga bituing nagkislapkislap at ang kabutihang panahong iyang idinudulot ng katalagahan na ang ganyan ay siya nating saksi. oo, leoning. magsalita ka, hindi ka ba naliligayahan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"eduardo ko sukat ng lahat ang iyong sinabi nguni'. nguni'nais mo kaya ang kaligayahan ng aking puso. hindi pala leoning. kaya sa bisig ko ay bayaan mo ng awitin ko ang katamisan idinudulot ng pagibig. bayaan mong sa bisig ko ay magduyan ka at sa kandungan mo naman ay maging akong maligaya. sa kandungan mo ay bayaang mangarap ang puso kong uhaw sa hamog ng iyong pagmamahal. at hindi na natugon ang tawag na ito ni leoning at sa kanyang mga labi ay isang halik ang naiganti ng binata. at ganap na naghari ang katahimikan. sa bisig ni eduardo ay waring naghehele si leoning, nangangarap, nalulugod ang puso. si eduardo, sa kandungan ni leoning, ay waring isang paruparung na sa piling ng bulaklak na nasisiyahan sa katamisan at kabanguhang humahalimuyak. kay papalad! mapapalad na tinamo at inawit ang tagumpay ng puso. si leoning ay nasa bisig ng binata, si eduardo ay nasa kandungan ni leoning na puno ng buhay, puno ng ligaya at katamisan, ng pangarap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"dalawang pusong sa kaliwanagan ng buwan ng gabi ay maligayang nagduduyan sa katamisan ng pagibig. dalawang pusong umaawit ng tagumpay na walang nakamalay. kay palad na mga puso! oo, kay palad sapagka'ang katamisan ng pagmamahalan, at katamisan ng pagsusuyuan ay nasamyo nilang boong laya, nasamyong tulad sa bulaklak na sariwang humahalimuyak na hinahalikan ng hamog. ang panahon ay patuloy ng paglakad, na, waring ang kabuhayan ni eduardo ay hindi man lamang dinadalaw ng ano mang bagabag sa buhay. laging payapa at maligaya, walang ligalig at waring ganap na ang kanyang pag asa na nasisinag na magandang bukas. pati kanyang pagaaral ay gayon na lamang ang ginagawang pagsisikap upang sa kabila ng kanyang mga pagpapagod ay matamo naman niya ang tagumpay. walang mga sandaling pinalalampas upang sayangin sa ikatutuklas ng mga mabuting adhika'mga dapat na pakinabangan pagdating ng araw. kaya buo na ang kanyang pananalig na may magandang bukas siyang hinaharap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"sa kabilang dako naman ang masayang pamumuhay ni leoning ay patuloy rin. at sa boong pananalig ng ating binata ay lagi nang inaalaala ang kanyang irog, na inaasahan namang gayon din sa kanya ang binibini. si eduardo magmula na nang siya ay makilala ng kinatawang velarde ay waring lalong naging masigla at masikap sa kanyang pagtuklas ng karunungan. sa mga makabuluhang pangungusap at mga mabuting halimbawa na ipinagtapat ng kinatawan sa kanya ay waring siyang nagdulot sa kanyang puso ng lubos na pagaadhika upang lalong maging tawagin siyang mabuting bata. hindi na nga naman malalaon, siya ay tatawagin ng manananggol. magiging isang tagapagligtas sa mga inaapi ng maling paratang ng mga may diwang naglulubog ng matuwid. mga kailan ay isa sa magtatanggol sa katuwirang ayaw pasikatin ng mga may diwang magaspang at mapagimbot. na, ang lakas ng katuwiran ay siya niyang pasisikatin at ang mga inupasala ay ipagtanggol niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"magiging manananggol siya, na, sa harap ng kapwa manananggol ay makikipagtalo sa pagtuklas ng mga katuwirang sinisikap pagaralan ng mga lalong matalino. kailangan ang siya ay magkaroon ng ngalan, sapagka'sa kanyang pagaaral pa lamang ay nagpakita na ng ningning ng kanyang pagkamaypagasa sa harap ng kanyang magandang bukas. ang bukas na sa kanya'naghihintay. hindi siya nagkamali sa pagpili ng kanyang minimithing karunungan na pagaralan. bagay nga sa kanya ang manananggol. maging sa tinig na lamang ng kanyang mga pangungusap ay sukat ng mapagkilala ang kanyang kakayanan sa karunungang ito. siya nga naman ay isang maningning na talang inaasahan ng kanyang bayan. maging ang kanyang paguugali ay sukat ng mapagkilala ng sino mang kanyang makakaharap na siya ay isang taong may mataimtim na kalooban. siya ay matapat at sa mga noo niya ay mababakas ang pagkamatalino at mabait na tao. siya ay matapat at di kakakitaan ng ugaling magaspang na ginagamit lamang ng mga diwang may masamang pagiimbot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang ugali niya ay hindi makapagbibigay suklam sa harap ng iba. kaya minsang siya ay nagsadya sa tahanan ng kinatawang velarde upang siya ay magaral ng mga lalong tumpak at wastong pangangatuwiran. at, ano ang kanyang tinamo? pinuri siya sa kanyang pagkamasikap. at, sa bufete ng nasabing kinatawan ay ipinakita sa kanya ang mga lalong mabuting paraan at mga maayos na pagkilos ng isang manananggol na may ngalan. itinuro sa kanya ang lalong mabuting paraan sa pangangtuwiran sa mga usaping maselan. ang kinatawang velarde, ay isang mananggol na kilala ang ngalan ng marami sa siudad. marami ng usapin ang kanyang mga ipinanalo, na, ang mga usaping ito ay pawang mga maseselan pa naman. sadyang ang kanyang mga pinagtagumpayan ay mga usaping mahigpit na pinagaaralang mabuti ng mga manananggol. taglay niya ang pagkamatalino at maliksing pangangatuwiran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya kailangan na ang mga nagaaral ng pagkamananananggol ay magkaroon ng katutubong talino, kailangan ang matinong pagiisip at kailangan ang maliksing mangatuwiran na sa pangangatuwirang yaon ay maayos at wastong lagi. kailangan ang puso ay laging buhay, buhay ang loob at matapang. datapwa'para kay eduardo ay walang ginagawa ang sarili kundi ang laging magsanay, laging magsikap at adhikain ang mga lalong mabuting ikahahanap niya ng paraan sa pagtatagumpay. kailangan ang mahihigpit na suliraning kanyang pagaralan lalong lalo na ang mga suliraning bayan na kailangang ang bayan ay kanyang tulungan sa ikapapayapa ng mamamayan. kaya sa ganang sarili ni eduardo ay pipiliting mabuti ang pagsisikap upang siya ay magtagumpay. kung siya man ay makatapos ng kanyang pagaaral ay kanyang sisikaping sa harap ng kanyang kapwa manananggol ay hindi siya, pahuli at bagkus kanyang pipiliting siya, ay maging tampok ang ngalan sa kanyang mga kapuwa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kailangang ang kanyang ngalan ay magkaroon ng sariling dambana. kaya, kailangan nga sa kanya ang siya ay mapantay kung maaari ay humigit pa sa mga lalong tanyag at kilala ng mga manananggol, humigit pang lalo ang kaningningan ng kanyang pangalan sa mga nauna. ngayon pa nga nama'makikita na ang kanyang pagka may maningning na pagasa. ang kalahating taong pagsusulit na ginanap ng kanilang paaralan ay boong layang nalampasan niya. at, nang kanyang malaman na ganito ang kanyang nota kataasan sa lahat ay halos gayon na lamang ang pagkagalak ng kanyang puso. anong buting palad! nasiyahan ang kanyang loob ng gayon na lamang; kataasan sa lahat. kaya sa pangyayaring ito ay minsan pang tagumpay na naman ng kanyang sarili. gayon na lamang ang kagalakang kinamtan. diyata at siya ang kataasan sa lahat? kaya nalulugod siya. nguni'ang gayong mga kasiyahang loob ay di niya maaaring sarilinin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kailangan ang kanyang ibalita kay leoning, at kung malaman ni leoning na, kanyang kasintahan di ito nga naman ay isa pang kagalakan din ng kanyang irog. kaya kanyang ibabalita. ninais niya ang magtuloy sa tahanan ni leoning. pamuli na namang ang kanilang mga puso ay magkakaulayaw. mauulit na naman ang kanilang pagngingitian. ang mga sandali na pagtatagpo nila ay isa na namang maliligayang sandali sa kanilang puso. kaya hindi nga niya maaaring kalimutan ang gayong di ibalita kay leoning. oo, si leoning ang kanyang pinagtatapatan ng lahat. ibabalita niya ang tinamo na naman niyang tagumpay. hindi niya maaaring di ipaalam kay leoning ang ganito sapagka'si leoning ang tanging kanyang inaasahang makapagpapaligaya sa kanyang buhay. si leoning ang dalagang hindi nawawala sa kanyang gunita, di niya maaaring kalimutan. maging sa pagkain man ay nais niyang laging kapiling kung mangyayari lamang sana. nais niyang lagi silang magkakasalo sa dulang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"maging saan man siya naroon ay para sa kanya ay kasama niya si leoning. kung bakit? sapagka'sa mga balintataw ng kanyang mga mata ay waring nakadikit na ang larawan ni leoning na, hindi napapawi. at, sa gunita pa kaya naman niya mapawi? oh, makalilibong hindi! waring kung naaalaala niya si leoning ay para bang nakikita niyang nagdudulot sa kanya ng ngiti. kaya hindi maaaring sumagi sa kalooban ng binata ang gawang paglimot. tunay at wagas ang kanyang pagibig at pagmamahal. ngayon pang kanyang damdamin ay hindi man lamang dinadalaw ng ano mang pagkainip pagka'mula na nang sila ay magsumpaan ni leoning, na, di magkukupas ang kanilang matamis na pagsusuyuan, sa pakiwari niya ay siya na ang napakaligaya sa lahat sa sangdaigdig. para sa kanya ay waring laging mabituin ang langit, laging nasisinag niya ang pagasa, ang ligaya ng palad at kaaliwan ng puso. kaya sa pagpunta niyang yaon kina leoning ay boong galak halos naguumapaw sa kanyang dibdib ang katuwaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"inaasahan niyang malayolayo pa siya ay sasalubungin na agad ng ating binibining taglay ang ngiti sa labi. inaasahan niyang pagkatanaw na sa kanya ang pagkaway na wari bang sinasabing: halika . datapwa'malapit na siya sa tinitirahan ni leoning, ay hindi pa niya nakikitang ang binibini ay sumungaw man lamang sa durungawan. wala kaya roon? nasaan kaya ang dating ugali ni leoning na malayolayo pa ang binata ay sinasalubong na agad ng kaway at ngiti? kaya sa ganitong pangyayari ay di na niya lubhang pinagtakhan sapagka'baka ang pagdalaw niyang yaon ay nagkataon lamang na hindi agad siya nakita ng binibini. kaya hindi niya dinamdam ang gayon. at, kung ang pagdating niyang yaon ay nakita ng ating binibini ay na sa durungawan pa ay agad ngingiti ang dalaga, sasalubong at siya kakawayan. sa gayon, ang ating binata payapa rin ang loob. ang hindi niya pagkakitang yaon kay leoning ay walang ano man. isang pagkakataon lamang na di dapat ikalungkot ng kanyang damdamin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ano nga naman kung siya ay di nakita? kaya ginawa niya nang nasa may pintuan na ng tahanan nina leoning, ay marahang siya sa kanyang paghakbang. ninais niyang si leoning ay biglain, na, ang gayon ay hindi naman mamasamain ng binibini pagka'isang biro ng kanyang irog. ang ginawi namang yaon ng binata ay hindi masama pangit na magiging daan ng masamang pagtingin ng sino man kina leoning. at isa pa ay kilala naman siya na mabuting ugali at gagawin ba naman niyang yaon ay isang pagsubok lamang kay leoning na upang ang kanyang pagdating ay magkaraan ng ngitian pagkatapos sa dahilang ang mga dinatnan ay mamamangha! nang si eduardo ay anyu ng papasok ng maaliwalas na tahanan, ang mga maririkit na kortinang nakatabing sa may pintuan ay siya niyang ginawang salag upang hwag makita ang kanyang katawan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"datapwa'bago lamang niyang wawahiin ang tabing ng pintuan ay waring napauntol siya sa pagkarinig niya ng salitang: leoning, buhat pa nang kayo ay makasayaw ko na ginanap sa tahanan ng don gonzalo sa san marcelino ay inibig ko na kayo noon at hanggang sa ngayon ay walang ibang nagbibigay balisa sa aking damdamin kundi kayo lamang. sa pagkarinig niya noon ay waring nagsiklab ang tibok ng kanyang puso. sumiklab ang kanyang dugo. ano ang kahulugan ng lahat ng yaon? diyata at may ibang kaagaw siya kay leoning? kaya sa pagkauntol ng paghawi niya sa tabing ay kanyang hinintay ang pagtugon ng binibini datapuwa'hindi niya narinig sumagot. at sa gayon ay pamuling nagsalita ang lalaki: leoning, marahil ay sukat ng maniwala ang aking sarili na ang hindi ninyo pagsagot sa akin ay nangangahulugan ng pagsangayon. hindi ba bb. leoning? datapuwa'ang binibini ay lalo ba waring napipi. ano ang naghari sa kalooban ng isang eduardo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"dalawang suliranin: isang pagkapoot at ang ikalawa'ninais magtuloy sa kalooban ng bahay upang makilala ang kaagaw na iyon kay leoning. waring nagalab ang kanyang loob. may iba palang nakakaibig kay leoning! sino kaya ang taong yaon? sino ang lalaking yaon? ninais niyang pasukin upang makilala datapuwa'nang anyung gagawin na niya ay ang kanya na ring budhi ang tumanggi: hindi. ano ang kanyang pakialam at bubulabugin niya ang gayong paguusap ng dalawa ni leoning? isang masamang paraan ang gayon. nagaral siya at kung kanyang gawin ang gayon ay anong sasabihin ng tao? kaya ninais niya ang magpakatimpi ng loob. kung kanyang gawiin ang pagpasok at maalaman ni leoning ang kanyang ginawa di wiwikain ay wala siyang ugali, walang mabuting kalooban at walang pinagaralan. nguni'ang iniisip ni eduardo'ang pangyayaring hindi pagsagot ng binibini. waring ang salita ng lalaking kausap na: ang hindi pagsagot ni leoning ay nangangahulugan ng pagayon, ay isang sampal na tumama sa kanyang mukha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ano nga naman ang kahulugan ng lahat ng iyon? sino ang lalaking yaon? samaktuwid ay may kalaban pala si eduardo? kaya tinangka niyang lisanin ang tahanang yaon. mabuti na lamang at ang kanyang paghakbang ng marahan ay walang nakamalay. sa paglisan niyang yaon ay hindi naman siya lalayo pipilitin niyang makilala ang lalaking yaon. maghihintay siya sa paglisan ng lalaki sa tahanan nila leoning. kahit anong oras ang dumating, hihintain niya ang pagalis upang makilala niya kung sino. kaya hindi siya lalayo ng kinalalagyan buhat sa tahanan ng binibini hangga'hindi niya nakikita ang lalaking kausap ni leoning. minsan pang nabigo ang kanyang palad? ano ang ibinabala sa kanyang maningning na pagasa ang ganito? may kahulugan ngayon para sa ating binata ang lahat ng yaon! unti unti na ngang nakita ni eduardo ang malaking ipinag bago ni leoning buhat nang kanyang mabatid na may ibang dumadalaw sa kanyang kasuyuan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ngayong nabatid niyang siya pala ay may kaagaw kay leonora na nang mga ilang araw na nagdaan ay hindi niya namamalayan. kaya ngayo'lumipas na tuloy ang isang buwang singkad na si eduardo ay dumadalang ang pagpunta kina leoning dahilan sa malaking ibang ipinakikitang loob sa kanya na di paris ng dati. si leoning ay nagbago na sa kanya, nawala na ang dating mga pagngiting isinasalubong sa kanyang pagdating. nawiwili na si leoning sa kanyang bagong kasuyuan, ang kanyang kasuyuan ngayo'siyang laging nagpupunta sa bahay ng binibini upang makipagusap at makipagpalitan kay leoning ng mga balita at buhay buhay. ang kaagaw niyang yaon ay isang matanda ng binata na ayon sa kanyang balita ay isang mayamang mangangalakal na naging kasama ni mang alejandro na kapatid ng ali ni leoning. ang binatang ito ay tumutugon sa pangalang daniel perez, na ngayon ay naninirahan dito sa siudad. siya'isang kilalang mayaman sa kabisayaan. daniel perez, iyan, iyan, ang kalaban ni eduardo sa pagibig kay leonora.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang pagibig nga naman ni leoning! ang pagibig ni leoning ay parang natulad sa bula lamang sa gitna ng tubig na biglang nawala. para ba kay eduardo ay naglaho nang lahat ang kaligayahan ng kanyang buhay sa ngayon. wala ng natira kundi pawang mga pangarap na lamang ng mga dumaan. wala, wala na yata at sadyang hindi na magbabalik ang lahat. para kay eduardo ay pawang kapaitan lamang sa buhay ngayon ang naging palad niya. wala na at hindi na yata pamuling magbabalik ang kanilang kahapong nagdaang lipos ng kaligayahan at pangarap. si leoning nga naman! nawala na nga kaya sa alaala ni leoning ang lahat? diyata'nilimot niya ang sumpaan sa pagibig? kaya ngayon ay walang bumabagabag sa damdamin ni eduardo kundi pawang mga mapapait na gunitain sa buhay! pawang mga masasaklap lamang na pangarapin ang kanyang naging kapalaran. wala na ang dating mga pagngiti sa kanya ni leoning.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"madalas ngayon, ang kanyang katawan ay nalulungkot, waring lagi ng matamlay at paminsanminsang nagbubuntunghininga na lamang. maminsanminsan ay masabi sa sariling: ay! dahil sa iyo, dahil sa sumpa mong nilimot sa aba ko, ay wala na ang lahat. para kay eduardo ay untiunting nagkukupas ang lahat. kung baga sa bulaklak nalalanta at nalalaing. ang dating paglingap sa kanya ni leoning ay parang natulad lamang sa ulap, biglang naglahong paminsanan. ang dating paglingap ni leoning ay tulad lamang sa isang pagdadapithapong lumulubog na. para ng langit na ngayo'puno ng ulap at wala ni isa mang bituin, iyan ngayon ang waring nakikita ni eduardo. wala na, ang mga kaaliwan ay naglaho na sa kanyang lahat. naglaho na sa kanyang palad ang maningning na pagasa at ngayon ay waring madilim at mga luksa ang kanyang nasisinag. wala ng paglingap sa kanya si leoning! wala na, wala na, at makailan na niyang tangkaing dumalaw datapuwa'para lamang pagabigo ang kanyang nakamtam.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ano nga kaya naman ang nangyari sa kay leoning? bakit daglian naman siyang lumimot sa dating kasuyuan.? parang kakahapon lamang na sila ni eduardo ay lagi ng maliligaya at nagduduyan sa katamisan ng pagibig datapwa'ngayon, ngayon ay parang naging ulap na lamang, paraparang naglahong lahat. kahabaghabag na eduardo! pusong sawi at kulang palad! ang buwan ay lumiit na'ngayon ay pamuling nagbalik ang kabilugang nagsasabog ng liwanag datapuwa'ang kanilang puso ay tila hindi na pamuling sumimsim ng katamisan ng buhay na dating kanilang ginagawa kung ganitong mabuti ang panahon. oo, parang mga ulap lamang ang nakabadha sa langit, ayon sa pakiwari ni eduardo ay siya niyang nasisinag. si leoning ay wala na hindi na niya pamuling makakaulayaw paris ng dati. aywan nga ba nama'kay dali ni leoning lumimot! para kay eduardo'pagkasaklap pagdilidilihin! diyata at si leoning pa ang naunang lumimot? nahan ngayon ang pangakong sinumpaan ni leoning sa pagibig?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nahan ang kanyang sumpang hanggang sa libingan ay hindi siya magbabago? bakit ngayon ay naglahong lahat? hanggang libingan. hanggang hukay! ang mga iyan ay naglaho ng lahat! kabulaanang lahat! kasinungalingang lahat! ang lahat ay wala, parang bula lamang sa gitna ng tubig na biglang nawala! wala ng lahat, paraparang nabaon sa limot, sa ulap, sa wala. leoning, maanong ang isang binatang ngayon ay nasa kandungan ng pagkasawi at sinisiklot ng bagabag ay tapunan mo man kahit isang ngiti? oo, isang ngiti man lamang. ngitian mo man lamang sana ang palad ni eduardo ng minsang lumuwagluwag ang nagsisikip na damdamin sa mga pasakit. ngitian mo sana ang palad niyang tila ba na sa bingit ng hukay. nasa bingit ng hukay! kay saklapsaklap na kapalaran ng ating binata! wala na namang pagasa, wala na, ang puso ni eduardo ay hanggang sa lihim ng tumangis, lihim ng lumuha, manghimutok, lihim na mapa ay! oo dahil lamang sa iyo leoning! dahil sa sumpa mong nilimot!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"leoning, bakit nga naman kay daling magbago ng tibukin ng iyong puso? nahan ang dakila mong sumpa? bakit nga naman leoning? bakit daglian mong nilimot ang dating kasuyuan? hindi mo kaya nagugunitang dahil sa sumpa mong nilimot ay may isang palad na ngayon, ay sinisiklotsiklot ng bagabag? hindi mo kaya nababatid na may isang pusong sa mga pasakit, na, natulad sa bulaklak na naunsiami? leoning, kahabagan mo ang isang palad na tulad ni eduardo. lingapin mo ang isang dahil lamang sa iyo ay masasawi, dahil sa iyo ay mawawalang pagasa, mawawala ang kaaliwan, mawawalan ng lugod sa puso at marahil sa wakas ay walang kasasadlakan kundi isang hukay, isang libingang mapanglaw. leoning, leoning, maawa ka! lihim mo sanang pakinggan ang daing ng iyong nilimot. namamanglaw at walang ibang tinatawag kundi ang iyong pangalan: leoning, si leoning lamang. leoning, nilimot mo kaya si eduardo sapagka'siya ay isang binatang hindi mariwasa? hanggang hukay! kabulaanan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"hanggang hukay na parang kakahapon lamang. hanggang hukay na ngayo'waring siyang magdudulot ng kamatayan sa puso ng sinumpaan. hanggang hukay na ngayon ay hindi pa dumarating ang tadhana ay naglaho agad na parang nilamon ng ulap. leoning, nahan ang puso mo kung gayon? nahan ang puso mong datidati ay may paglingap? nahan ngayon ang dating mabini mong kilos, ang iyong kayumiang taglay kahapon? leoning, nahan ang puso mong noong una ay mabait at tapat? nawala na kaya sapagka'ikaw ay nabilang na sa matataas na angkan ng mga tao.? nawala na kaya sapagka'ang mga marami mong nakakaharap ngayon ay mga taong nabibilang sa matataas na lipunan at mga kilala, mga mariwasa, mayaman at masalapi? ito kaya ang sanhi ng lahat ngayon leoning? sapagka'nakayapak ka na sa mga matataas na lipunan at mga sociedad, ay maglalaho na ang dating maningning mong ugali? nahan ang kayumian mong dangal na lahi, na, nang mapasama ka at mawiling makipiling sa mga taong tanyag ay nagbago ka?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"leoning gunitain mo man lamang kahit minsan ang iyong kahapon! kaawawang eduardo! binatang umaasang may maningning na tagumpay, na hinaharap sa araw ng bukas. binatang may pagasang magiging maligaya sa harap ng isang leoning. datapua'ngayon, ngayon, oh! sa aba mo ay tila isang maitim na ulap lamang ang lahat. binatang sinikap ang mga lalong ikadadakila ng kanyang sarili at sa gayong paghahanda ay para sa kanyang kadakilaan at ng kanyang irog. ang pagsisikap niyang yaon ay dahil lamang sa kanyang mutya, dahil sa kay leoning na kanyang puputungan sa noo ng laurel ng dangal, datapuwa'ngayon ay ano ang nagbabala sa kanyang palad? isang ulap nga, at naglaho lamang ang lahat! oo, ang lahat ay wala na, wala na siyang pagasa sapagka'si leoning ay hindi na niya maalaman kung bakit lumimot. nguni'ano kaya ang katotohanan at si leoning ay lumimot? nilimot kaya siya sapagka'ang bagong kasuyuan ay isang mariwasa, isang mayaman, masalapi at bukod pa ay kasamahan ng marangal na tao?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"marahil ay sa ganyang paraan nga nahimok ang ating binibini. aywan nga natin. kaawaawang binata! oo, kaawaawang eduardo, kulang palad na binata na nilimot ng kanyang irog. nilimot ng kanyang kasintahan, nilimot ni leoning, na, ngayon ang kanyang naging palad, oh! ang kanyang naging palad ay naritong magtiis ng hirap, siklutin ng bagabag, tulad ng bulaklak na nalalanta, tulad ng liriong natutuyo, kumukupas ang dating kasariwaan, nalalaing ba wari. dahil sa sumpa mong nilimot leoning! dahil sa sumpa mong nilimot oh! leoning ngayon ay walang ibang tinitiis ang puso ni eduardo kundi ang mahahapding sugat, sugat na walang lunas, wala na kundi kung pamuling magbalik ang kahapong kaligayahan nila. ngayon ay waring tinik na dumuro sa kanyang puso, tumagos sa kanyang dibdib hanggang sa kaliitliitang ugat ng kanyang kaluluwa, iyan ang dahil lamang sa sumpang nilimot ni leoning.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"dahil sa sumpa mong nilimot ay wala na, walang ibang kinakaulayaw, kundi ang mga sakit, ang mga dalamhati, ang mga dusang kapanglawan sa buhay. oo, nga leoning hindi na marahil hahaba pa ang kasaysayang ito, matatapos na sapagka'wala na, wala'dahil nga sa sumpa mong nilimot ay waring matatapos na ang lahat. waring matatapos na ang lahat sapagka'tila ba nakikita na lamang ni eduardo ngayon ay isang luksang libingan na hantungan ng madlang dusa sa buhay. dahil sa sumpa mong nilimot ay wala na siyang nakikita pang liwayway ng magandang palad, ng magandang pagasa, wala na, sawi na siya, pusong walang kaaliwan, walang pagasa at nilimot ng kasuyuan. si eduardo ay wala na, wala na nga siyang magandang pagasang papangarapin. naglaho na sa kanya, lumubog na ang maningning na araw na may dalang kapalaran. dahil sa sumpa mong nilimot, si eduardo ay nangungulila, nalulungkot at untiunting nawawalan ng sigla at waring nagtutumuling lumulubog ang pagasa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"si eduardo ay isang sawi, isang walang pagasa, walang aliw, walang lugod sa buhay. nasa kandungan ng dusa, nasa kandungan ng sakit at sinisiklot ng bagabag ang paso. siya ay nilimot at dahil sa sumpang nilimot ni leoning ay, waring tapos na sa kanya ang lahat, tapos na ang aliw. ang mabuhay nga naman sa sangdaigdig na itong puno ng hiwaga! isang pusong sawi ng dahil sa pagibig ng dahil sa sumpang nilimot! kaya nagbago na ang lahat, si eduardo ay hindi na pamuling magduduyan sa kandungan ni leoning! wala na, wala na at natapos na ang lahat. natapos na ang kanilang pagtitigan na sa pagtitigang yaon ay nagkakaalaman na sila ng lihim ng puso, natapos na ang kanilang pagngingitian, na, ang pagngingitiang yaon ay nagkakaalaman sila ng lihim ng diwa. waring hindi na nga magbabalik ang lahat. oo, sa pangyayaring yaon ay matila na lamang sa mga pangarap. ang naglahong araw na di na pamuling magliliwayway ang liwanag. ang maningning na pagasa ni eduardo ay waring may nakabadhang ulap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ano ang kahulugan ng lahat ng iyon? aywan din natin. kaya sa pagiisa ngayon ni eduardo ay nakikita na lamang niya ay ang nagtutumulin na paglubog ng araw ng kanyang pagasa. tulad niya ay isang bulaklak na nalalanta. wala na at waring natapos na sa kanya ang lahat at lahat. magtiis ng hirap at magtiis ng bagabag ang kanyang naging palad. ngayon, maminsanminsan lamang niyang bigkasin kung nagiisa ay ang ngalan ng kanyang irog na lumimot. dahil lamang sa sumpa mong nilimot minsan man lamang malasin mo ang palad ko! at wala na, iyan lamang, iyan lamang ang minsan ay kanyang masabi sa pagiisa. waring wala na siyang napapangarap kundi ang larawan ni leoning at ng bagong kasintahan na tila ba nasa mga balintataw ng kanyang mga mata ang larawang anyu ng dalawa na nagduduyan sa kandungan ng pagibig at sinasagap ang matamis na hamog ng pagsusuyuan: sa kandungan ni daniel perez. kaawaawang eduardo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kasalukuyan noong idinaraos ang masiglang sayawan sa maaliwalas na auditorium ng karnabal sa maynila. sa sayawang yaon ay waring walang mababakas na ano mang kalungkutan sa bawa'mga naroroong mga nagsisipagsayaw. waring ang mga puso ay naghehele sa katamisan ng kaligayahan sa kandungan yaong naging isang langitlangitan dito sa lupa na puno ng maraming mga bituing nagkislapkislap. ano pa'ang auditurium na yaon ay ganap na pugad ng tuwa at kaligayahan ng puso. isang pugad na pinaghaharian ng tuwang walang kahulilip. ang lahat ay ngumingiti at mayroon pang maririnig na malakas na halakhakan. datapwa'sa kabilang dako noon ay may isang puso ring bagama'gayong nasa kandungan ng katuwaan at kaluwalhatian ay paminsanminsan ding dinadalaw ng himutok. bakit sa harap ng halakhakang yaon ay hindi siya makipagngitian? kaya sa ganyang anyu ng binata ay may isang kaibigang lumapit sa kanya at sinabing: eduardo, waring ang loob mo ngayon ay nagiging matamlay?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"bakit, bakit ang mga sandaling paris nito ay iyong pinararaang tila ba walang kabuluhan? pako, hwag mong pagaalahanin ang ganito para sa akin. walang anoman pako. hindi ka sana dapat magkaganyan, halika at magsayaw ka. hwag na, salamat, ikaw na lamang. hindi, hindi eduardo, halika at binatak sa kamay ang kausap. pako, sukat na huwag na. hindi nakatanggi ang ating binata at sumama rin. masama nga namang malasin ang sila ay magbatakan pa sa karamihang yaon ng mga tao. sukat na ang isa ay umayon. pako, wala pati akong pareha. eduardo hindi ka maaaring mawalan, halika na na tuloy hila pa rin ang kamay ni eduardo ni pako. at makalipas ang isang saglit ay siyang paglapit nila sa harap ng isang binibini na sa isang tanging luklukan at pagkaharap nila sa dinatnan ay sinabi ni pakong: ikinararangal kong ipakilala si. de la rosa. fely ester po. eduardo dela rosa po naman. maraming salamat po. gayon din po naman. fely ang wika ni pako samahan mo nga silang magsayaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at ang dalaga ay walang naitugon kundi isang matamis na ngiti lamang na nagpapahayag ng pagayon. kaya sa tugtog ng isang malambing na waltz ay sinaliwan nilang boong ayos. waring sa mga bisig ni eduardo ay naghehele sa katamisan ng pagindak si fely, datapwa'gaano nga naman sanang lugod kung ang makakasayaw ni eduardo ay ang dati niyang irog? para kay eduardo ay naliligayahan man siya nang mga sandaling yaon ay isang kaligayahang pangkaraniwan lamang at di paris sana kung kasayaw ang dating kasuyuan, si leoning, nalubos sana ang kagalakan ng kanyang puso. datapwa'hindi hinihintay ni eduardo na sa pagsasayaw nilang yaon, ang binibini pa ang nangunang mangusap at sinabi sa kasayaw na: kayo na po lamang ang magpaumanhin at ako ay hindi gasinong sanay. at, ang gayong pangungusap ni fely ay waring nagkaroon ng kahulugan para sa binata. hindi niya akalaing si fely ay magsasalita ng gayon. alam niyang ang dalaga ay sadyang sanay at mabuti na lamang at sila ay kapuwa bihasa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang pagindak nila ay ayos na ayos at talagang mahusay. kaya ang gayong pangungusap ni fely ay wari ba yatang isang pagkutya lamang sa binata. datapwa'hindi, ang dalaga ay ibig lamang may mapagusapan. kapawa sila mabuti at nagkakaayos sa pagsayaw. at, sa paghihinalang yaon ni eduardo ang pananalita lamang na yaon ni fely ester ay isang paraan lamang na sila ay may mabuksang usapan ay kanya namang sinagot ng ganito: kaya bbg. ester, kayo nga po ang magpapaumanhin sa akin dahil sa di ko kasanayang paris ninyo. hindi po sa gayon, talaga pong sanay kayo. hindi nga po lamang tulad ninyo. katotohanan po ang sinasabi ko sa inyo, mabuti kayo. bbg. ester huwag na naman kayong kapalibhasa sa isa ninyong bagong kakilala. hindi po isang pagpalibhasa ang gayon. kung gayon po ay maraming salamat sa inyo. wala po naman kayong dapat na alalahanin. at maiba ko po naman ang ating usapan ang patuloy ni fely hindi po ba kayo ang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"de la rosang nagtagumpay sa nakaraang oratorical contest ng philippine law school noong araw na gininap sa grand opera house? kung may ipaguutos po. samakatuwid nga pala ay di nagkamali ang aking hinala. nang sa ano pong bagay? de la rosang mapagwagi at mapagtagumpay. tila po naman lampas ang inyong papuri bbg. ester. hindi po ikinararangal ko nga at ang kaibigan kong pako ay nagkaroon ng isang matalik na kasamang matalino. na, inyo pong alam na. de la rosa. na sino po siya ang tila pakunwari ni eduardo. alam na po ninyo. kilala po ninyo. hindi kaya ninyo maaring pakisabihin lamang ang ngalan sapagka'nais ko lamang siyang makilala at kung sakali at mangailangan siya ng tulong at aking makakaya ay nalalaan naman akong abang lingkod. nguni'hindi ko po siya kilala; inyo nga pong turan na. isa po siyang nagaaral at malapit ng magtapos sa pagkamanananggol. bbg. ester, tila po may ibig sabihin ang lahat ng pangungusap ninyo ah! wala po at siyang katotohanan. katotohanan daw?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"wala pong iba kundi si. de la rosa. dela rosa po pala? kay laking kahiwagaan ng ginawa ninyong pagtataka para sa akin. hindi ninyo dapat ipagtaka. kung gayon po ay maraming salamat at nagi niyang isang kahulihulihang kaibigan na, gayon na lamang ang pagkagalak ko. bakit po at lubos ang inyong pasasalamat? sapagka'kundi sa kanya ay di ko kayo makakakilala. datapwa'ang kanilang paguusap ay nagambala sa dahilang isang bati sa binibini ang narinig ng dalawang magkasayaw. ester ang kanilang narinig. datapwa'nang una ay hindi mahulaan ni ester kung sino ang tumawag na iyon, hindi niya makilala dahil sa ang tinig ng pangungusap ay binago at pinakaliitliit na pakinggan. kaya hindi makikilala ni ester kung hindi makilala ang kilos ng tumawag. at pamuling inulit ang tawag. ester, nakikilala mo na ba ako? na waring nasulyapan ni ester ang mukhang ngumiti ng tumawag. ah, oo, kilala na kita. leoning, leonora.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"sa pagkarinig na gayon ni eduardo sa ngalang leonora ay kanyang nawikang sino kaya ang leonorang yaon? sino ang leonorang iyon, baka kaya si leoning ah? at, mahirap nga naman ang pangyayaring yaon dahilan sa hindi sila magkakilala sa may mga takip ang kanilang mga mukha. isang napakahiwaga ang gayon para kay eduardo, baka nga kaya si leoning? kaya'ang kanyang kalooban ay waring napakaba na lamang dahil sa pagsasalawahan ng loob. hindi niya akalain ang gayon pagkakataon kung si leoning nga iyon na kanyang irog na ngayon ay kausap ng kasayaw. hindi naman agad siya makaharap sa tumawag na yaon kay ester sapagka'baka siya ay makilala ang ayos bagama'nakadespras din. dangan nga lamang naman ay hindi pa rin niya mapaniwalaan pagka'ang tinig ng pangungusap ay iba at hindi tila boses ni leoning. nguni'aywan din natin. maaaring sa mga gayong pagkakataon ng halakhakan ay magbalat kayo ang lahat: pati tinig ay maaring magbalat kayo. nguni'si leoning nga kaya yaon?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"mabuti na lamang at si eduardo noon ay may takip ang mukha nakadespras siya, kaya hindi na siya nagalinglangang humarap sa binibining tumawag sa kanyang kasayaw. at palad si leoning nga! si leoning na noon ay kasayaw ng kaagaw ni eduardo: ni daniel perez. at mabuti na lamang at hindi agad siya nakilala. ang akala ni leoning ay kung sinong kaibigan lamang iyon ni fely ester, kaya parang walang ano man sa kanya. datapwa'napatotohanan ni eduardo na siya ay talagang hindi nagkakamali sapagka'tunay na pangangatawan yaon ni leoning at saka ang takip sa mukha ni leoning ay kaunti lamang at nakalitaw ang mga labing sinusungawan ng ngiti na ang ngiting yaon ay kilala agad ni eduardo kahi'na yata na sa malayo. nguni'napamangha rin si eduardo at nang upa lamang huwag mahalata ay nagiba ang kilos, sa pagsasayaw. at huminto ang pagtugtug ng orkesta. at palad nagkataon naman sila noon ay nagkalapitlapit. ano kaya ang mangyayari, baka sila magkalinlan kaya?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"waring mangingilag ang ating binata dapwa'hindi niya magawa ang gayon, kaya nakiharap na nga naman. palad, di pa nga naglilipat saglit ay nangusap na si fely ester sa kaibigan niyang leonora at sinabing: leonora, ipinakikilala ko sa iyo si. de la rosa, ang batangbatang magiging manananggol na mapagwagi. halos mahimatay ba wari si leoning. de la rosa? ang ngalang ito ay nakatitik ng ginto sa kaibuturan ng kanyang puso. si eduardo pala ang naibulong sa sarili ni leoning. at nagkamayan ding mahigpit ang dalawang magkaagaw kay leoning: si eduardo at si daniel perez palibhasa'ang gayon ay kaugalian na ng lahat. datapwa'ang ginawi ni leoning upang hwag mahalata ng kanyang kaibigang ester at saka ng bago niyang kasuyuan ay iniabot ang kanyang kamay sa binata at nagbigay galang: eduardo de la rosa, ang aba ninyong lingkod na mapaguutusan ng kaya. maraming salamat po na waring ang pagsasabi ni leoning ng ngalan ay ipinakahinahina ang boses. nguni'parang walang ano man yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"hindi namalayan ng dalawang hindi nakababatid ng lihim ng puso ni leoning at ni eduardo. at pamuli na namang tumugtog: isang foxtrot naman. at salamat na lamang sa pagkakataong yaon. ginawa ni leoning ay ipinakilala naman kay fely ester ang kanyang dating kasayaw na si daniel perez. kaya sa pangyayaring yaon ay nagkapalit ng makakasayaw ang bawa'isa sa kanila: si leoning ay makakasayaw ni eduardo at si ester naman ay makakasayaw ni daniel perez. ano kaya ang kahulugan ng mga pangyayarin yaon.? sadya kayang ipinakilala ni leoning si daniel perez kay ester upang kasayawin at makasayaw naman niya si eduardo? aywan natin. ang pagkakataon nga naman! at ngayon ay minsan pang nagkatagpo ang dalawang pusong waring nagkalayong maluwat. datapwa'ang lahat nga para kay eduardo ay waring nagiiba. ang kanyang kasayaw, ay waring ang mga mukha ay laging tungo sa kanya, tila nahihiya. at ang binibini, waring pipi at hindi sumasagot sa ilan nang mga tanong at pangungusap ng binata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya pamuling nangusap si eduardo. leoning, ang kahapon kaya natin ay ni minsan man ay di mo na magunita pa? eduardo nalalaman ko ang lahat ng iyon na sumagot na waring naghihirap ang damdamin ng binibini. leoning, waring may hirap ang loob mo sa akin? wala eduardo ang lalo pang tila paos na tinig na sagot. wala nga eduardo. leoning, nalalaman mo kaya ang kalagayan ng palad ko ngayon, na, dahil sa iyong paglimot sa sumpa ay walang oras, walang mga sandaling hindi sinisiklot ng bagabag at dusa ang aking puso? eduardo, hindi ako lumilimot. leoning diyata? leoning, tapatin mo sana ang puso ko. eduardo, hindi nga kita nililimot, mahal ka sa puso ko na waring ang damdamin ni leoning ay pinagpupuyusan ng lungkot. leoning, maliwanag ang pagiisip ko, hwag ka sanang magsinungaling. eduardo, hanggang libingan, hindi magbabago ang dati kong pagmamahal sa iyo. leoning, tapatin mo nga sana ako, kausap mo yaring puso. laging tapat eduardo, nguni nga lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"leoning, ano ang kahulugan ng lahat mong pangungusap na iyan? datapwa'ang luha ni leoning ay biglang natak sa kanyang mukhang tila garing. at sa gayon ay waring napaawa si eduardo sa nakita niyang anyo ni leoning. kaya pamuling nangusap si eduardo. leoning, bakit ano ang nangyari sa pagtingin mo sa akin sa ngayon; lason na ba ako sa puso mo. eduardo hwag mong pahirapan ang aking puso, mahal kita sa lahat. leoning, ano ang kahulugan ng lahat ng ito? wala eduardo, hindi nagbabago ako sa iyo, datapwa nga lamang. at di naituloy ang sasabihin. na ano leoning? eduardo, iniibig kita at tanging ikaw lamang datapwa'hindi yata kita palad. at sa pangungusap na iyon ni leoning na narinig ni eduardo ng boong liwanag hindi nga yata kita palad ay waring naging subyang na mahapding tumarak sa kaibuturan ng kanyang puso. ano ang kahulugan ng mga pangungusap na iyon ni leoning.? ang ganito ay may ibig sabihin ang lahat. wala halos naibigkag si eduardo kundi: ay!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at iyan na lamang, iyan na lamang at pamuli na namang nagkahiwalay sila pagkatapos ng ilang saglit, natapos na ang tugtugan at sila ay natapos din ang pagkakabatiran ng lihim ng puso kapwa lumuluha. at hindi na nagkausap si eduardo'si leoning dahilan sa ang dalaga ay waring naghihirap ang loob sa pagsagot at hihikbihikbi, na, mabuti na lamang at hanggang sa matapos ang sayaw na hindi nahalata ng mga ibang kasama. ano ang kahulugan ng gayon? kaya hanggang sa paguwi na lamang ng tahanan ni eduardo ay waring nagbigay ng malaking isipin at suliranin ang mga pangungusap ng kanyang irog. ano nga naman ang kahulugan ng pagluhang yaon ni leoning na kinahabagan na tuloy ni eduardo. ayon sa napakinggang mga kataga ni eduardo kay leoning ay hindi nagbabago, hindi lumilimot at dati rin ang pagmamahal sa kanya ng binibini datapwa'ano ang kahulugan ng lahat ng iyon: hindi lamang siya palad. lumuluha ang binibini dahilan sa isang eduardo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"lumuluha ang isang eduardo dahil sa sumpang nilimot ni leoning. mga pusong nagsisitangis. ang una ay hindi lubos na paniwalaan ni eduardo ang mga balitang kumakalat sa mga lalong matataas na lipunan sa maynila, ang nauukol sa lalong madaling panahon na pagiisang palad ni leonora at ni daniel perez. datapwa'nang mga sandaling yaon na kanyang pinanununghayan ang hawak na pahayagan ay siyang pagkapako ng kanyang paningin sa ikatlong dahon, na, nabasa niya ang maliwanag na titik ng mga ganitong sumusunod: hindi na malulwatan at gaganapin sa malaking simbahang. dito sa maynila ang pagiisang dibdib ng dalawang mapalad na malaon ng nanabik at nangangarap sa kandungan ng pagibig. ang pagiisahing palad nilang ito ay malaon nang binabalak nguni'ngayon lamang sa mga hinaharap na araw isasagawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang dalaga ay lubhang kilala ng marami dito sa siudad at siya ay nanirahan sa masayang bayan ng tundo, na tumutugon sa pangalang leonora flores at ang makakaisang palad niya'isang kilalang mangangalakal at mayamang taga iloilo. sa dalawang pusong papasok sa panibagong baytang ng kabuhayan ay ngayon pa'ipinaabot namin sa pamamagitan ng malaganap na pahayagang ito ang aming mataos na bati at hangad namin ang kanilang maligayang pagsasalo sa kaligayahan hanggang magpakailanman. diyata at totoo nga? kay saklapsaklap na kapalaran! at, ang binata ay waring nawalan ng diwa, hindi niya akalain na mababasa niya ang gayong balita. kay sungit na palad nga naman ng kanya ngayon! diyata at wala na nga ang lahat? totoo nga pala ang mga balitang yaong kanyang nangarinig. makikipagisang puso si leonora. kay pait na dilidilihin ng mga balitang ito! kay saklap nga naman, wala na, wala na siyang pagasa, sadyang natapos na ang lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"wala, wala na, nauwi na lamang sa pangarap ang kanyang maligayang kahapon. oo, ang lahat ay parang maitim na lamang na ulap para sa kanyang palad. naglaho na ang kanyang langit, naglaho na si leoning at nilimot ang sumpa. oo, naglaho ng lahat, at wala ng kapagapagasang pamuli pang manumbalik ang kanilang masayang kahapon. wala na, oo wala na at natulad na lamang sa araw na nilamon ng ulap. ang kanyang pagasa ay naglaho rin, kinain ng laho, sinakmal ng dilim. tapos ng lahat ang kaligayahan ng iyong puso. wala na si leoning at hinding hindi mo na makakaulayaw. ang mga ngiti niya, ang kanyang mga titig, ang kanyang mga sulyap na dating iniuukol sa iyo, ay kinain nang lahat ng laho, sinakmal ng ulap at tinangay ng hangin sa alapaap. walang palad na binata! di akalaing si leoning ay lilimot. walang malay, walang malay na binatang ngayon ay sinisiklot ng bagabag, at nagpupuyos ang damdamin sa mga dalamhati. kaawaawang binata!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"samantalang sa kabilang dako si leoning ay mapapasa ibang kandungan na siyang lahat ang naging dahilan ng kanyang mga paghihirap. si leoning ay mapapasapalad ng isang mangangalakal na mariwasa. hindi niya naging palad si leoning, oh! eduardong walang palad! nilimot nga naman siya ng hindi niya namamalayan. hindi niya sukat akalain ang magkagayon. ngayon ay waring madilim na lahat at sinasakmal ng ulap ang kanyang magandang pagasang pinapangarap. wala na si leoning, na siyang pinagkukunan niya ng dating sigla sa buhay. wala na ang kanyang irog na siyang dating laging nagaalaala sa kanya, na, pagaaalaalang yaon ay siyang nagiging daan ng kanyang pagsisikap sa lalong mga dakilang bagay na gawain. wala na nga siya, wala na! parang pangarap lamang ang lahat. oo, pangarap, pangarap lamang ang maligayang kahapong kanyang ipinagduyan sa kandungan ni leoning. pangarap lamang na hindi na pamuling mangyayari pa. wala na, at wala na siyang tanging pagasa kundi limutin ang lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"oo, limutin na lamang at siyang tanging magiging lunas ng kanyang pusong sawing palad. datapwa'anong hirap gawin ng lumimot! lalo at lalo ba waring sa puso niya ay nagsisidhi ang maalab na nasa na hwag limutin ang kanilang kahapon ni leoning na di makatkat sa kanyang puso at alaala. makailan nang tangkain ng ating binata ang gawang lumimot datapwa'lalo at lalong sa damdamin niya ay hindi malimutan. hindi malimutan ang lahat, bagkus nananariwa sa kanyang puso na ang mga nakalipas ay gunitain. bagkus lalong naaalaala niya at sa kaibuturan ng kanyang puso ay tila nakatitik ng ginto ang ngalang leoning na hindi niya malimutlimutan. datapwa'wala ring mangyayari, hanggang sa limutin nga lamang, ang sa wakas ay mabuting magawang paraan. oo, limutin na lamang sapagka'hindi na niya maaaring ibigin si leoning, dahilang ang kanyang pakikipagisang puso ay di na malalaon at isasagawa na. ilang saglit na lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ngayon ay hindi na mangyayaring maidaing pa niya ang kanyang tinataglay na kahirapan sapagka'hindi niya maaaring si leoning, sa harap ng magiging kabiyak ng puso, ay kanyang tawagan upang ang mga tiisin niya ay damayan. kung si leoning ay nasa ilalim na ng kandungan ng bagong irog ay ni sino man dito sa sanglupalop ay walang makaaagaw sa kanya. hindi na mangyayaring si leoning ay makipagngitian sa ibang binata, mga pangiting may ibig sabihin. hindi na siya maaaring kaulayawin ng sino pa mang bagong tao sapagka'iyan ang walang salang pagmumulan ng malaking sigalot ng dalawang puso: ni leoning at ng kanyang kabiyak ng dibdib. sadyang dumating na ang tadhanang wala nang maaasahang ano pa mang pagdamay ng ukol sa suliranin ng puso ang isang eduardong dumaraing ng hirap ng damdamin. paglimot ang tanging lunas ng isang damdaming pinagpupuyusan ng hinanakit. limutin ng isang pusong sinawi ng kapalaran sa pagibig ang kanyang kinamtang palad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"iyan nga lamang ang mabisang lunas: limutin niya ang lahat. kaya sa pagiisa ni eduardo ay walang nagawa kundi ang pahayagang kanyang kinabasahan ng ukol sa pagiisang dibdib ni leoning at ni daniel ay tila halos kuyumusin. subali'parang niwalang ano man na lamang niya. ang hawak na pahayagan ay ipinatong sa ibabaw ng kanyang mesa at sa masidhing paghihimutok ng kanyang damdamin ay napasubasob na lamang ang kanyang mukhang mistulang larawan ng pighati. wala na siyang pagasa! kay saklap na kapalaran! ang kanyang pagasa ay natulad na lamang sa layak na tinangay ng hanging inilipad sa alapaap na di niya maalaman kung saan hahantong. natulad siya sa isang liriong nalanta sa pagmamaramot ng patak ng hamog ng gabi, tulad ng batisang natuyo'sukat, tulad ng talang maningning nguni'hindi kumikislap. walang sa sarili ay nasasabi maminsanminsan, kundi: ay! leoning, nang dahil sa sumpa mong nilimot!. at, dahil sa sumpang nilimot ni leoning ay naglahong lahat ang pagasa niya at lugod sa buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"sinakmal ng papawirin na di malaman kung saang bahagi ng kapuluan hahantong. waring isang libingang mapanglaw, isang libingang sawi at ni bulaklak man lamang ay di tumubo'manariwa dahil sa tigang na lupang sadlakan ng mga sawi: iyan si eduardo. kay saklap ng gunitain! iyan ang naging palad ng ating binata.! magtiis ng hirap, magbata ng mga dalamhati. kaya sa pagkasubasob ng mukha niya sa mesang sulatan ay sarisaring gunita ang nagsasalinbayan sa kanyang guniguni; mga gunitang parang pawang kasawian ng kanyang palad dahil sa sumpang nilimot. kulang palad na binata! at, makalipas ang ilang sandali na hindi niya hinihintay ay may kumatog sa kanyang pintuan ng silid at sinabing: sulat po. kaya, pagkaalam niyang may sulat para sa kanya ay dagling tumindig at inabot sa may dala. kaninong liham kaya iyon? kay leoning kaya? sinulatan pa kaya siya ni leoning gayong hindi na siya ang magiging kaisangpuso? at kanyang binuksan. kay leoning buhat ang kanyang nawika.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya ang liham na iyon ay binasa na ganito ang mga natititik: eduardo dumating ang mga sandaling tila isang pagkukulang ko sa iyo kundi ibalita ang nauukol sa ating naging palad . kay lungkot gunitain! sa puso ko ay walang namamahay ngayon kundi ang mga pighati. hindi ko man nababatid ang kalagayan mo sa ngayon ay waring napapangarap kong gayon din. paris din ng puso kong hindi na nakakakita ng liwayway ng kaligayahan. oo, waring napakapait ang lahat ngayon para sa ating damdamin . eduardo, natapos nga sa atin ang lahat, na, nang mga unang sandali ay di ko man lamang napangarap ang ganito. natapos sa atin ang lahat at marahil ay magpakailan man ay di na mangyayaring magbalik pa ang ating maligayang kahapon. hindi ko na dapat pang dito ay ilahad ang lahat . at, dahil sa ating pagiibigan at pinagsumpaanan ay sinisisi ko ang aking sarili; nagkasala ako at ang pagkakasala kong yaon ay inihihingi ko sa iyo ng patawad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nguni'ang paghingi ko sa iyo ng patawad ay hwag mong hinalaing ako ay kaya humihingi ay dahil sa pagkakasala ko sa iyo dahil sa sumpang nilimot. hindi, hindi eduardo, sa puso ko ay di ka nalilimot, laging sariwa sa kaibuturan ng aking puso ang ngalan mo. nguni'ako ay kulangpalad at sa kandungan mo ay di doon makapagpasasa ng kaligayahan ng puso gayon ang aking buhay na kagaya nang napapangarap ko noong una . eduardo, sa aba ko ay talagang hindi mo nga ako palad at ikaw naman sa akin ay gayon din. hindi kita naging palad na gaya ng aking pagasa . ang mga ganitong bagay ay hwag mo ng hihintin ko pang isalaysay sa iyo. anopa'ikaw na ang bahalang magtanong sa sarili mong gunita kung ano ang kahulugan ng sinabi ko: hindi kita palad at ako naman sa iyo ay gayon din.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nalalaman mo eduardo, na, ni kahit saglit ay hindi na kita maaaring magkausap pa. kaya ginawi ko na lamang ang ganitong kita'lihaman, na, ang pagliham ko pang ito ay parang isang napakabuting pagkakataon lamang at nanakaw ko sa maramot na si panahon. oo, kung mangyayari lamang kitang magkausap ay mababatid mo ang boong linaw na sanhi ng ipinagkaganito ko. oo, hindi ako lumilimot sa ating sumpa, mahal ka sa akin, mahal ka sa puso. hindi na nga lamang kita maaring magkausap pa disin sana ay maipahiwatig ko sa iyo ang lahat: ang aking kalagayan ay tila ba napakaselan at laging may nakabantay sa akin; parang bilanggo na di makakatakas sa kulungan. mahigpit na mahigpit sa akin ang mang alejandro, oh! na kung malalaman mo lamang eduardo, siya ang dapat hampulan ng sisi ng lahat kong ipinagkaganito sa iyo. eduardo, kung nalalaman mo lamang ang kalagayan ko, marahil ay mapapahabag ka rin sa iyong dating kasuyuan ngayong abangaba at may sugat ang puso. oo, eduardo, kung nasa piling lamang kita!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nguni'wala na nga lamang pagkakaari pa ang lahat. oo, huli na eduardo. at marahil sa pagtanggap mo nitong liham at pagkatapos mong mabasa ay ilang oras na lamang ang darating at oh! eduardo, hindi na, ako si leoning, hindi na, na dating malaya, hindi na, mangyayaring tawagin pang ako ay dalaga: may asawa na at na sa ibang kandungan na siya kong susundin. oo, eduardo kay saklap ng lahat nang ito para sa akin! at, wala na nga, hindi na ako dalaga, kundi isang babaing may kabyak na ng puso at hindi na sarili . eduardo, natapos sa atin ang lahat, nguni'alamin mong hindi kita nililimot. wala nga lamang palad kita. hindi kita naging akin na gaya ng pagasa ko at ako naman ay di naging iyo . natapos na nga sa ating dalawa ang lahat nguni'ipinaaabot ko rin sa iyong hindi ako ang kusang lumimot. talaga lamang ng panahong hindi kita ang mapalad na magkakasama hanggang sa libingan . at, gayon di hwag mo na sanang kasisihin ang aba kong palad at alalahanin mong mahal ka sa puso ko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"datapwa'ano naman kaya ang ipalalagay mo sa akin? baka kaya may hinanakit pa rin ikaw eduardo? at, ngayon, marahil ay buongbuo ang pagasa at pananalig mo na ang simula ng iyong paghihinanakit na iyan ay dahil sa sumpa kong nilimot. dahil sa sumpa mong nilimot oh! ang ganyang pangungusap ay maanong hwag mo nang masasambit! sa ngayon man ay kinakaulayaw mo ang hinagpis ay hwag mo nang sambitin sana ang dahil sa sumpa mong nilimot kung kaya ka luksa ang puso . alalahanin mo lamang na ako'isang bulaklak na nasa kasariwaan nguni'mangungulutding sa isang matinik na tangkay. eduardo, sa hanggang dito na lamang at sa iyo ay paalam, malungkot ako sapagka'hindi kita palad at malungkot ka sapagka'ang hinala mo ay dahil sa sumpa kong nilimot. at, matapos mabasa ni eduardo ang liham ay halos mapaluha na lamang at sa puso ay waring walang ibang nagsisidhi kundi ang pighati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang kanyang mukha ay mistulang larawan ng lungkot, ang kanyang mga paningin ay binubukalan ng saganang luha, luha ng pananahimik sa kawalang pagasa. hindi na nga kaya niya palad si leoning! ilang mga sandali na lamang at ang kanyang leoning ay haharap na sa dambana, na, magiging palad ni daniel perez, na siyang umagaw ng kanyang kapalaran. wala nang pagasang ano pa man: si leoning ay hindi niya palad, hindi kanya. pusong balot ng kasawian! ang nawika ni eduardo sa kanyang pagiisa. diyata at natapos na ang lahat! sa kanyang mga pangdinig ay waring nanunuot ang tunog ng batingaw ng simbahan: oras na ng pagkakasal kay leoning at kay daniel. ang batingaw ay walang tigil ng pagtunog. kahit na yata ang kanyang mga taynga ay takpan ng sapinsapin ay waring naririnig din niya ang tinig ng kampana. kay saklap; kinasal na si leoning! kinasal na ang nagi niyang irog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at habang ang tunog ng batingaw ay kanyang naririnig ay halos ang kanyang boong katawan ay nababalot ng dalamhati, ang puso niya ay sinasasal ng malakas na pagtibok. si leoning ay hindi na kanya, kasal na. tiningala niya ang langit; nguni'ang pagdadapithapong yaon ay waring isang kimpal ng ulap. para bang ang kanyang palad ay makikisama na sa pagtatakip silim. waring ang kanyang pagasa ay nagtutumuling lulubog sa matinding dagok ng kasawian. baka kaya ang susunod namang pagtugtog ng batingaw mamaya ay isang plegaria naman? baka kaya ang isinunod naman doon ay ang malulungkot na tinig na nagpapahiwatig ng pagyao ng pusong sawi.? kaya'walang nasabi ang ating binata nang matapos na ang maligayang tunog ng batingaw na tanda ng pagkakasal ni leoning at ni daniel kundi isang salitang waring napakapait na kanyang binigkas: ay leoning! dahil sa sumpa mong nilimot. at walang waring nagugunita si eduardo kundi ang malulungkot na kapalaran ng kanyang palad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"waring isang libingang sakdal saklap ang kumuwakaway sa kanyang palad! kay saklap na dilidilihin ng lahat. kay pakla at ngayon ay si leoning ay kasal na, samantalang sa kabilang dako ay naiwanan si eduardong nangungulila at walang naging palad kundi ang makaulayaw ay mga madlang dalamhati ng puso, ang kanyang pusong waring isang libingan na lamang ang siyang tanging pagasa at hahantungan. pagkaraan ng maraming araw at mga linggong sinusundan ng mga buwan mula nang si leonora ay mapakasal kay daniel perez, si eduardo ay nagi nang masasaktin. ang lahat niyang kasiglahan ng katawan ay paraparang nangungupas na lahat, sa pagkahulog ng lakas. ngayo'nagi siyang isang binatang maputlain at nagyayayat ang dating sariwang katawan. ang ngalang eduardo de la rosa ay waring nawala na pati at lumubog sa mga samahang tanyag na kabinataang dating kanyang pinakikisamahan. nawala siya at ngayon ay hindi na nakakasama ng mga dating kasamahin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kung mga hapon ng masayang araw ng linggo ay datidating hindi nawawala sa mga liwaliwan, sa mga pook na maraming mga tao, datapwa'ngayon, ang binatang iyan ay nawala na at kahit na sa mga liwaliwang paris ng luneta ay hindi na rin siya makikita. para ba ng bituin siyang kinain ng lahong hindi na napasilay. maging sa samahan man ng mga kabinataang kawal ng bagong panahon sa siudad ng maynila ay napahiwalay rin siya at kusa ba waring lumubog na ng patuluyan ang ngalang eduardo de la rosa, ang batangbatang magiging matarong manananggol. ang mga kabataang kanyang mga kasama sa pagaaral ay minsanminsang siya ang pinaguusapan: ang sanhi ng kanyang paglubog sa mga lipunan. walangpalad na binata at lumubog ang maningning na pangalan! ganyang pangungusap ang madalas na pinaguusapan ng kanyang mga naging kakilala na di nakakamalay ng kanyang lihim. sayang na eduardo, na, may maningning na pagasa sa kinabukasan na lumubog at nawala'sukat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang kanyang pangalan, ngayon ay nawala na, at, sa pagkawalang iyan ay maraming nagtataka dahil sa malamalikmatang pagkaparam. hindi na narinig at para bang hindi na pamuling sisipot sa maliwanag. nasaan kaya siya at ano ang kanyang kabuhayan? ang madlang kakilala niya ay nananabik na makakita sa kanya dahil sa pagkamabuting bata. nawala at ngayon ay hindi na naririnig sa mga lalong matataas na lipunan ang ngalang eduardo de la rosa. at, sa mapayapang pamumuhay ni leoning sa piling ang kanyang kabiyak na si daniel perez, ang magkasi'hindi na nakarinig ng ngalang eduardo de la rosa. ano kaya ngayon ang dinaranas na kabuhayan ni eduardo? ganyan namang mga haka ang minsan ay naaalaala ni leonora. nagugunita niya kahit siya ay mayroon nang kabiyak ng puso. para sa kanya ay tila laging nabubuhay ang kanyang loob kung ang larawan ni eduardo ay kanyang sa minsanminsan ay napapangarap. dangan nga lamang ay hindi niya naging palad si eduardo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nguni'hindi nagbabago sa kanyang kalooban ang dating pagibig na nauunsiyami sa puso niyang ngayon ay siyang dahilan ng mga pagtitiis ng ating binata. at, ngayon, kung malalaman nga kaya niya ang kabuhayang dinaranas ni eduardo, ay ano kaya ang magigiging hakahaka niya? ano ang kanyang sasabihin? si eduardo ay natulad ngayon sa isang bulaklak na nalalanta, at naglalaho ang dating kasariwaan at makatas na katawan. tulad niya ay isang kandilang untiunting nauupod. nangyayayat at waring wala nang kasiglasigla, ang katawan. bukod pa sa riyan ay kadalasang nahihiga lamang sa banig at nagkakaroon ng sarisaring karamdaman. kaya habang patuloy ang paglakad ng panahon ay waring patuloy din ang dating sasaktin. nagiging maputlain at nawawalang untiunti ang dating kasiglahan sa buhay. madalas ngayon ang maghihiga sa banig dahil sa karamdamang yaong sa puso niya ay lalo ba yatang nagsusumidhi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, sa kinalaunan ng panahon ay untiunti na ring napupuna ng kanyang kasama sa bahay ang pagbabagong yaon ni eduardo. datapwa'para bang hindi namamalayan ng lahat ang sanhi. ang panghihinang yaon ng katawan ng ating binata ay walang gasinong maraming nakababatid. akala lamang ay isang sakit na sadyang dumatal sa katawan ng binata. hindi nalalamang ang sakit na iyon ay isang sakit ng pusong sawing kapalaran sa kanyang paralumang lumimot. nagtataka ang kanyang mga kasama sapagka'ginagamot na ng mga bihasang doctor ay hindi pa rin nagbabago, at habang lumalaon ay waring lalong nagsisidhi ang sakit ng binata. pati kulay ng pamamalat ng katawan ay nagbago na at namumutlang madilawdilaw. ano kaya ang kanyang sakit? kaya minsan ay sinabi na tuloy sa kanya ng manggagamot na si dr. velasquez, na, siya ay magbakasion sa malalamig na pook, sa mga pook na hindi mainit. magpunta siya sa mga malalamig na pook upang makasagap ng mabuting simoy ng hangin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kailangan ang ikaw ay magbakasion sa malamig na pook, tulad sa los banos, sa bagyo, sa lukban, sa sibul, dili kaya ay sa may ibang bahaging malayolayo sa siudad. hindi na po kailangan ang isinagot naman ng ating binata. ah, mabuti sa iyo ang magbakasion sapagka'ang ipinangkakaganyan mo ay hindi bagay ang panahon dito sa maynila . anong hindi bagay ang panahon sa maynila? si eduardo ay malwat nang naninirahan dito, sa ngayon lamang hindi babagayan ng panahon? ang lahat nang iyan ay hindi nalalaman ng ating manggagamot. hindi niya nababatid ang lihim ng puso ng sawing palad na binata. kaya para sa ating binata ay kahit na yata siya saan dalhin ay wala ng makakalunas sa dinaramdam niyang sakit sa puso kundi ang limutin at waling lubos sa alaala ang kanilang naging buhay ng suyuan ni leoning. datapwa'makalibo na yatang kanyang pinagtangkaan walin sa diwa ay lalo naman yatang sa puso niya ay nananariwa. ang lahat ay di niya malimutlimutan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kapag ang pagibig nga naman ng isang puso ay sadyang dakila at bukal sa damdaming walang pagkupas, hindi mapawipawi sa kaibuturan ng puso na gaya na nga ng kay eduardo. hindi niya malimutan ang lahat na siyang sanhi ng masidhing pagdaramdam ng kanyang pusong ngayon ay siyang kinakaulayaw. at, hanggang sa siya ay mapagisa na lamang sa pangungulila na wala rin siyang naaalaala kundi ang kanilang kahapon ni leoning. nararatay ngayon siya sa banig na nagdadalamhati at nangyayayat ang katawan. kaawaawang binata! wala nang ligaya ay nawalan pa ng kasuyuan.! datapwa'ang pangyayaring yaong kanyang dinaranas na mga sakit ng damdamin sa puso, ay di rin nalihim sa ilan niyang mga kakilala at kaibigan nang lumaon na. at, ang pagkakaalam ngang yaon sa kanyang kalagayan ay maraming nagtataka kung bakit hindi na nanumbalik ang dati niyang sariwang katawan at di na muling nagbalik ang dating lakas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya isang hapon ay nabasa sa isang malaganap na pahayagan ang ganitong mga titik ng balita: ang aming matalik at kasamang si. eduardo de la rosa ay malaon ng nararatay sa banig, dahil sa isang sakit na dumapo sa kanya. ang pangyayaring ito ay sinikap na ng ilang mga kakilala at pantasona mga manggagamot datapwa'hindi mabigyan ng kapit na lunas ang kanyang karamdaman. ilan nang manggagamot ang sa kanya ay lumapit at nagadhikang mapilit na mapagaling, datapwa'pawang pagkabigo lamang at wari pa yatang lalong nagsisidhi sa kanyang katawan ang sakit. gayon man, ay hinahangad namin ang kanyang paggaling sa lalong madaling panahon. at, ang balita sa binatang ito ay kumalat na, at nalaman ng lahat ng kanyang maraming mga kaibigan. sa mga lipunang kanyang laging kinabibilangan ay nalamang kung kaya siya nawawala ay dahilan sa may karamdaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, ngayon ay walang nagiging bukangbibig ang kanyang ilang mga kaibigan at kakilala na di nakamamalay ng kanyang sakit, kundi: ano kaya ang naging sanhi ng sakit na iyon ng ating kaibigang eduardo de la rosa? pati ang kinatawang velarde, na, kanyang naging matalik na kaibigan ay nagkaroon din ng kaunting pagkamangha sa kanyang naging palad. nabasa ng ating kinatawan ang kalagayang yaon ni eduardo at sa pangyayaring yaon ay nakapagsabi rin sa sariling: sayang na bata. sayang na sayang ang kanyang magandang pagasang hinaharap. sayang kundi magbabago ang kanyang karamdaman. marami ang sa kanya ay nanghihinayang. kulang palad nga naman siya. ngayon pati ay umabot na sa kaalaman ni leoning, na, bukod pa sa kanyang nabalitaan sa ilang mga kaibigang walang pinaguusapan kundi ang kalagayan ni eduardo, ay nabasa rin niya ng boong liwanag sa pahayagang dumarating sa kanila. diyata at si eduardo ay may karamdamang malubha? walang makalunas na manggagamot? ang naibulong ni leoning sa sarili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, sa pagiisa ni leoning ay sumagi sa kanyang alaala ang kanyang naging kasuyuan. kulang palad na eduardo! kaya nagmuni siya sa sarili. diyata pala at naglulubha ang nagi niyang kasuyuan na di niya namalayan agad? at, sa pagmumuni niyang yaon ay naisipang dalawin ang binatang nagi niyang kasuyuan kahapon. nagbihis upang gumayak at kusang dalawin ang kanyang naging irog. naisaloob niya ang kalakasan ng budhi sapagka'wala sa kanyang magkakasala. walang hahadlang, ang asawa niya ay wala. kaya magagawa niyang lahat sapagka'hindi siya makikita ni daniel perez, na kanyang kabiyak ng puso, wala roon sa kanyang tahanan at nanaog at sinabing may pupuntahan lamang siyang kaibigan sa san marcelino. kaya tuloy na siyang nanaog matapos na makapabihis. datapwa'anong palad, nasa harapan pa lamang siya ng kanilang tahanan ay siya namang pagdating ng asawa na noo'sakay sa kanyang autong cadillac . at, sa pagkamalas na iyon kay leoning ng asawang bagong dating ay kinabahan siya ng dibdib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ano kaya ang kanyang masasabi, hindi kaya tuloy mapuna pati ang kanyang ayos? sinasasal ng tibok ang kanyang puso ng isang malakas na bungtonghininga. baka kaya siya ay mabigo ah? at, siya ay binati ng asawa. leonora, saan ka pupunta at ang gayak mo ay di pangkaraniwan? daniel ang sagot naman agad nakalimutan kong ipagbilin kanina sa iyo, nang ikaw ay umalis ang pagpapabili ng bulaklak sa hardin botaniko, kaya ako'siya nang nanaog upang bumili ang pailas ni leoning na ang puso ay may kaba, na mabuti at walang kamalaymalay ang asawang kausap. ay anong hinihintay mo at nakatigil ka pa? nagaabang ng karumata. dini ka na sumakay sa auto at hindi ko na gagamitin. wala ka na bang ibang pupuntahan? wala na, sakay na. daniel, samahan mo na ako ang malambing pang pakunwari. hwag na at marami akong gagawin sa bahay. papanhik na ako. at, mabuti na lamang at ang pagkukunwaring yaon ni leoning ay hindi nahalata ng walang malay na asawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya upang hwag mahalata pati niyong tsuper ay ginawa ni leoning ay iniutos ngang padaanin sa hardin botaniko upang bumili ng mga bulaklak. at, upang makagawa ng paraan sa pagtungo sa tahanan ni eduardo ang matalinong si leonora ay iniuutos na din sa tsuper na ang auto ay idaan lamang sa gayong mga lansanhgan at may dadalawin siyang kaibigan na kanyang naging kadalaga. ihinto mo na rito ang wika ni leoning, pagdating sa tapat ng kinatitirahan ng ating binata. at inihinto naman ng walang malay na tsuper na ang pagkakaalam ay ang pinanhik ni leoning ay tahanan ng isang kaibigang dalaga. at mapalad na pumasok ng silid ni eduardo ang malakas na loob na si leonora. eduardo ang kaagad na bati ng dumating. leoning, leoning. na, nakilala agad ang tinig ng nagsalita. oo, ako nga. leoning, leoning, si leoning ka nga ba? na waring naalimpungatan ang binatang ang mata ay may ulap. oo, eduardo, dinadalaw kita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"leoning, ano, ano ang nagudyok sa iyo at ako ay pinarituhan mo, bakit ka nagkaisip na pumarito? upang kita ay damayan. oo, makihati ako sa iyong karamdaman. leoning, salamat, nguni'. huwag kang magalaala. huwag mo nang pakialaman ako. hindi eduardo, ang sakit mo, ay sakit ko rin. leoning, lumayo ka na sa akin. eduardo, hindi, asahan mong mahal ka pa sa akin kahit ako ay may asawa. maniwala ka. dahil sa sumpa mong nilimot? eduardo, hindi ako lumilimot! leoning, naghihirap ang puso ko, huwag na, hala lumayo ka na at may asawa ka, hindi na maaaring ako ay damayan mo pa mga tinitiis kong hirap na ito ng dahil sa sumpa mong nilimot, oo, leoning, lumayo ka na sa akin, utang na loob. eduardo, hindi ko matitiis ang ikaw ay maging malubha ng dahil sa akin. narito ako at dumaramay sa iyo. nguni'may asawa ka, aking inuulit. walang kailangan, hindi niya namamalayan ang pagparito ko sa iyo upang makihati sa iyong mga sakit. leoning, utang na loob hwag mo na akong dalawin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"lalong baka magdagdagan pa ang hirap kong tinitiis ng dahil sa sumpa mong nilimot. hindi ko matitiis ang hindi kita dalawin. leonora, lumayo ka na, baka ka mamalayan ng iyong kabiyak ng puso. hindi eduardo, lagi kitang dadalawin upang ang mga noo mo ay lagdaan ko ng halik tanda ng di ko paglimot sa iyo at pagmamahal. leoning, layuan mo na ako, hala, wala na at hindi na mangyayaring lahat ang mga pangungusap mong iyan. narito ako upang kita ay aliwin. oo, eduardo. leoning, huwag na, huwag mo nang sa ngayon ay alalahanin pa ako. eduardo, hindi, hindi maaaring kita ay malimot sa alaala, narito ako upang sa mga noo mo ay lagdaan kita ng halik. eduardo tulutan mong halikan ko ang noo mo. leoning, salamat, huwag na, oo, utang na loob lumayo ka na sa akin. eduardo, kahit na itong bulaklak, halikan mo lamang ito kung ikaw ay ayaw. leoning, ang lahat ng ito ay ano ang ibig mong sabihin? mahal kita kahit ako ay may asawa. leoning, huwag mo nang gambalain ako, hala, layuan mo na ako.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"may asawa ka nga pala. na biglang niyakap si eduardo ni leoning at pinaghahagkan ang namumutlang pisngi ng binata, hinagkan sa labi. leoning, ano ang kahulugan ng lahat ng iyan? eduardo, mahal kita. leoning, bitiwan mo na ako, iwanan mo na ako, utang na loob. ang puso ko ay lason na ba sa iyo? eduardo, kung nalalaman mo lamang ang lahat! leoning, oo, nalalaman ko, layuan mo na ako, baka. baka ano, eduardo? baka abutan ka pa ng aking manggagamot. ng iyong manggagamot? oo, leoning. nguni'dadalawin uli kita. huwag na, may asawa ka. walang kailangan eduardo. ikaw ang minamahal ko. leoning, iwan mo na ako, hala iwan mo na, tingnan mo siya, iwan mo na ako, oras nang darating ang aking manggagamot. oo, eduardo aalis na ako, nguni'paparito uli ako. leoning, huwag na. hindi eduardo, kita mapababayaan. kaya asahan lagi kitang dadalawin. leoning sa ibang araw na. at, hindi na tinugon ni leoning ang pangungusap ni eduardo at sa labi ay inilagda ang isang halik bago pa nanaog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya sa pagiisa ni eduardo, pagkaalis ni leonora ay walang naitanong sa sarili kundi: ano ang kahulugan ng lahat ng ito? may asawa si leonora. ano kaya nga naman kung ito ay mamalayan ng asawa ni leonora? ano kung mamalayan ng asawang may iba palang minamahal? hindi kaya mapuna ang mga pagkilos ng ganitong pagbabago ni leoning sa kay daniel perez? hindi kaya mapuna ni daniel perez, ang mga bagong pagkilos ni leonorang kanyang kabiyak ng puso? pamuling dadalawin ang binatang may sakit sa puso ng dahil sa sumpang nilimot datapwa'hindi na kaya ito mapupuna ni daniel perez? si daniel perez, oh! kaawaawang asawa ni leonora! hindi pala minamahal ng asawa! kaawaawang lalaking hindi nagkaasawa ng kaisang matapat. ang katawan ng kaawaawang si daniel perez ay malatang malata nang dumating ng bahay. ngayon ay hindi naging lihim na lahat sa kanya ang ginawang pagsusukab ni leonora: maliwanag na nakita niya ng dalawang mata ang kataksilan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya sa kanyang mukha ay walang ibang nalalarawan kundi ang kasamaan ng loob. hindi niya nalalaman na noon pa lamang mga panahong nakaraan ng kanilang pagsasama ay siya ay pinagsusukaban na ni leonora. kaawaawang daniel perez? ang kanyang buong akala at pananalig ay matapat sa kanya ang kabiyak ng pusong si leoning, datapwa'hindi niya nalalaman ay pinagtataksilan pala siya. hindi niya akalain na si leoning ay may ibang minamahal matangi sa kanya datapwa'ngayon ay mayroon palang iba pang minamahal ang kanyang asawa. kaya noong umagang yaon ang noo niya ay nangungunot na waring may malaking kasamaan ng loob at ang kanyang damdamin ay tila ba may isang suliraning napakaselan sapagka'sa anyo niyang yaon ay mapagkikilalang may samang totoo ang kanyang kalooban. bakit kaya? ano kaya ang nangyayari sa dati niyang payapang pamumuhay?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"waring ngayon ay natawagan ang kanyang pansin, natawagan ang kanyang kalooban dahilan sa madalas na pagalis ni leoning ng tahanan na buo naman ng pagtitiwala ng mapagmahal na asawang si daniel perez sa hinalang walang ano mang ginagawang makapagpasama sa kanyang loob ang asawang akala niyang matapat. datapwa'ang mga kilos ni leonora nang umagang yaon ay siya ngang napansin niya na sa pagkapansing yaon ay nagkaroon siya ng masamang kutob ang loob. ngayo'naninibugho ang kanyang damdamin sa dahilang iba'iba ang nakikita niyang kilos kay leoning. waring napansin niya ngayon ang lahat. nang mga nakalipas na araw ay hindi niya inaalumana ang mga dating kilos na iyon ng asawa sa pagaakalang matapat ang pagmamahal sa kanya. buo ang pagasa niya na ang mga ginagawang pagalis na iyon ni leoning ng sariling tahanan ay may mga pinupuntahan lamang na mga kaibigang babae kaibigang dalaga. datapwa'nang araw na iyon ay malabis ang kanyang pagtataka sa kilos na ipinakita sa kanya ni leoning.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang asawang si leonora ay bihis ng magara at naglagay ng lalong mababangong perfume na taglay sa katawang mapangakit. kaya sa pagkapansing yaon ng kulangpalad na asawang si daniel, ay waring natawagang lubos ang kanyang kalooban sa mga kilos na nakita sa asawang si leonora. humahalimuyak at ang pagkakaanyo ay daig pa ang isang dalagang lalong kaakitakit. walang iniwan sa dalaga ang asawang yaon ng ating walang malay na si daniel perez. kung nalalaman nga lamang naman ng kahabaghabag na si daniel ang mga ginagawa sa kanya ni leonora ay marahil ay maluwat nang kanyang loob ay pinagpuyusan ng galit. datapwa'siya ay isang kulangpalad sapagka'ang asawang akala niya ay mabait at matapat ay di man lamang gumagawa ng ano mang paglililo gayon ang mga ginawang yaon ni leoning ay isang bagay na kay samasama kung malaman ng mga kapisanan. walang kamalaymalay ang kanyang sarili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"bago pa naman umalis ang nagsusukab na asawa ay nagiiwan pa sa kanya ng mga halik sa noo, ang mga maamong mata ay mapungay na itititig sa kanya, ngingitian siyang waring nagaalay ng pagmamahal na lubos namang lalong nasasabik ang kanyang puso. kadalasang bago manaog ng tahanan ay sinasabi sa kanyang: hanggang sa muli, hanggang mamaya, daniel. ako lamang ay pupunta sa kina fely. samantalang ang kaawaawang si daniel ay walang iginaganti naman sa asawang mananaog kundi mga ngiting lipos ng paggiliw. datapwa'nang umagang yaon na si leoning ay may iba nang kilos na nakatawag ng kanyang damdamin ng pansin ay ang ngiting kanyang damdamin pansin ang ngiting kanyang iginanti sa asawa ay waring isang ngiting balot ng hiwaga. ang kanyang puso ay nagkaroon ng panibugho at nais na sana niyang sansalain ang pagpanaog na iyon ng asawa nguni'hindi na lamang niya napigilan. ang paalam sa kanya ni leonora ay pupunta sa kaibigang dalaga na si fely.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"datapwa'ang pagpapaalam na iyon ni leonora ay waring nagdulot sa kalooban ni daniel ng isang pagkapoot. dadalawin si fely? nagbago ang kalooban ni daniel. kaya sa pagtawag na iyon ng pansin ng kanyang loob ay tinangka niyang sundan at subukan kung totoo nga ang mga ginagawang pagtatapat sa kanya. at, pagkapanaog na pagkapanaog ni leoning na noon ay sumakay sa isang karumata ay nanaog din siya upang ang asawa ay lihim na sundan. ang pagsakay sa auto ay hindi niya ginawi sapagka'kung sasakyan niya ang kanya ring sariling auto ay baka sakaling maalaman ni leoning na siya ay sumunod. maaaring mamalayan nga naman sapagka'kung siya ay nasa likuran ni leoning at mamamalas ang kanilang auto ay mababatid ni leoning na siya ay sinusundan ng asawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya bago nanaog si leoning sa kinalululanang karumata ay pinagsuri muna niya ang tiyak na pintuang pinasukan at kanya namang sinabi sa kotsero na ihinto na at huwag nang malapit pa sa inibisan ng sinusundan at baka ang paglunsad niya ay makita pa ni leonora. walang malay na leonora na matapang pa rin ang kalooban at hindi man lamang sumagi sa gunita ang asawa na siya pala ay lihim na sinundan. wala man lamang kaba ang dibdib ng asawang nagtataksil, at hindi man lang nagkaroon ng kutob ang loob na si daniel ay kasunod niya at siya ay sinubukan. at, sa paglalakasloob na yaon ni leonora ay hindi niya namamalayang kasunod ang asawa. ang pagpanhik na lamang na iyon ni leonora sa tahanan ni eduardo ay kung ating pagbibigyan ng kuro kuro at pansin ay waring sariling tahanan ni leonora. tuloytuloy agad na wala nang maraming lingonglikod pa. kaya nang matiyak ni daniel ang pintuang pinasukan ng kanyang asawa ay malayolayo pa ay ipinahinto na niya ang sasakyan at siya ay lumapag agad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nilakad na lamang niya ng kaunting pagitan ng kanyang inibisan at saka ang tahanang pinanhikan ng taksil na asawa. ano nga naman ang tahanang yaon? ayon kay leoning ay tahanan ng dadalawing kaibigang dalagang si fely! kaya sa pagpasok na iyon ng pintuan ni daniel ay waring natawagan agad ang kanyang pansin na doon ay walang tumitirang dalaga. hindi rin naman kaila sa kanya ang mga pook na iyon at madalas din niyang mapagaabot. kaya nabuo sa kanyang paghahaka na sadyang may ibig sabihin ang ginagawang yaon sa kanya ng asawa. sumaloob na niya ang siya ay pinagtataksilan. at, boong lakas loob din siyang pumasok ng pintuan. sa kanyang kalooban ay walang ano mang dumalaw na pagaalinlangan na, sakaling siya makita ng ibang tao roon at tanungin ng ibig, ay sasagot siya ng kahit na papaano. at, salamat na lamang, ang tahanang yaon ay walang naroon kundi ang kulangpalad na si eduardo na siyang dinadalaw ni leonora.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya'ang kalooban ni daniel ay waring lalong lumakas at nagkaroon ng tapang sa mahiwagang yaong pagtataksil ng asawa. dadalawin daw ay isang kaibigan? kasinungalingang lahat. anong hiwaga nga naman! sa loob ng isang silid ay kaagad narinig ni daniel ang tinig ng mga pangungusap ng asawa. nakikipagusap sa kinakasuyong lalaki: kay eduardo. nguni'ayon sa paalam sa asawa ay dadalaw sa kaibigang naging kadalaga! kung magtaksil at magsinungaling nga naman ang babae! kaya'pagkarinig na iyon ni daniel sa tinig ng pangungusap ay isang lalaki ang kapiling ni leoning at hindi pala babae, na ayon sa sabi sa kanya ay dalaga, ay waring sumilakbo agad ang kanyang dugo at pinagdimlan ng paningin. ang sabi sa kanya ay isang dalaga ang dadalawin? samakatuwid ay maliwanag niya ngayong nabatid na siya ay pinagtataksilan ni leonora. pinagsusukaban pala siya at ganap na nilapastangan ang pagkalalaki. sumilakbo ang kanyang dugo at nagdilim ang kanyang pangmalas. hindi niya sukat akalain ang lahat ng iyon!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"taksil na leonora! sukab na babae! halos malabnot niya ang kanyang mga buhok sa matinding galit at sama ng loob. nais niyang iwasak ang pintuan ng silid nang kinaruruunang asawa, nais niyang iwasak na iyon ay kanyang lamukusin at gawin ang mangyayari sa sukab na babae, nais niyang iwasak at ang lalaking kausap ng asawa, ay kimisin, durugin kung mangyayari, mamatay si leonora, mamatay ang lalaking kausap at mamatay rin siya. datapwa'nang anyong gagawin na niya ang ganitong hangad ay waring sa kanya ay may pumigil. kay sama nga naman ng kanyang hangad! pagbalaang patayin ang dalawa! anong laking kasalanan! nagdilim ang kanyang paningin at sa pagdidilim na iyon ay hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin. sikaran ang pintuan upang mawasak, anong laking gulong ibubunga. iwasak niya ay anong laking eskandalo ang mangyayari!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,kaya'sa pagdidilim na iyon ng kanyang paningin at pagsilakbo ng dugo ay waring may humadlang sa kanyang budhing pinagpapayuhan siya na magkaroon ng katahimikan ng loob. huwag gumawa ng masama at makabubulabog sa madla. ano nga naman ang ibubunga kung ang pangyayaring yaon ay kanyang gawiin? ano ang mangyayari kung ang pintuang yaon ng silid ay iwasak niya at kitlan ng hininga ang sukab na asawa sa harap ng lalaking kasuyuan? ano ang ibubunga kung ang lalaking nagputong ng kawalang hiyaan ay kanyang lamukusin at alisan ng buhay? napopoot ang kanyang paningin ba wari at nagugulo ang kanyang pagiisip ng gayon na lamang. walang malamang gawin ang kulang palad. walang malamang gawin ang kahabaghabag na si daniel! walang malamang gawin upang makapaghiganti sa ginawang pagsusukab na iyon ng kanyang asawa na kitangkita ng kanyang dalawang mga mata. kung gumawa nga naman siya ng gulo!,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kung gumawa siya ng gulo ay walang salang mabubunyag ang kasamaan at kabulukang dapat na malihim sa mata ng mga lipunan at ng kapisanan. oo, ang lahat ng kasamaang yaon at kabulukan ay walang salang mabubunyag, at kung mabunyag na, ay ano ang sasabihin ng tao? ano ang ititingin sa kanya ng mga makakamalay? ano ang ipapalagay sa kanya? wala, wala kundi isang lalaking pinagsukaban ng asawa, isang lalaking naulol ng asawa, pinagtaksilan ng asawa. diyata at ganito ang kanyang maririnig sa harap ng matataas na lipunan at sa harap ng kapisanan? kay samasama! anong samang pakinggan! nagtaksil, nagsukab ang asawa. kay samasama nga naman! hindi kaya niya maipalagay na kung marinig na lamang niya ang isang salitang nagsukab ay di pa kaya siya parang tumanggap ng isang mariing sampal na tumama sa panga. pinagsukaban! kay samang pakinggan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, kung mabunyag nga naman ang ginawang yaong pagtataksil ni leonora, ay wala nga namang siyang mapapala kundi malalakas na halakhak, mga pagngisi na wari bang pinasabing: hoy! niluko, naulol, pinagsukaban ng asawa! kaya sa pagkakapako ni daniel na iyon sa pintuan ng silid na ang buhok ay gusotgusot na nilabnot ng kanyang kamay, habang tinititigan ang pintuan ay wari bang nababasa naman niya ang mga ganitong titik: si daniel ay kahabaghabag na asawang pinagsukaban ni leonora at kahit na sa harap ay ginagawan ng katawatawa . kulang palad na daniel na pinagtaksilan ng asawa! kay samasamang pakinggan: pinagtaksilan ng asawa kaawaawa! at, sa pagdidilim na iyon at pagsisilakbo ng dugo ng kulangpalad na si daniel, ang munting siwang ng pintuan ng silid na kinaruruonan ni leonora at ng kasuyuan ay kanyang sinilag at sa pagkakita niyang yaon sa anyo ng dalawa, ay waring ang langit ay bumagsak. kay samasama ng kanyang kapalaran!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, ang paguusap ng dalawa na kanyang narinig ay isang malakas na sampal sa kanyang mukha. narining niya ang mga katagang: kung mabatid ng iyong asawa ang ganitong ginagawa mo leoning ay anong sasabihin niya? eduardo, huwag kang magalaala at sa piling mo ay kita ang asawa. at sa pagkarinig na ito ng kaawaawang si daniel ay halos malugmok na lamang sa sama ng loob. walang malamang gawin at waring nabibilot ng ulap ang kangyang pagiisip. kaya walang nasabi sa sarili kundi: ay! ano kung marinig ko na ang halakhak ng tao at ng lalaking yaong nagtaksil sa akin? at, ang kaawaawang si daniel na pinagsukaban ng asawa'tuloy umalis na lamang, na kung kaya malatang malata ang katawan pagsapit ng sariling tahanan. bago siya umalis sa kinakitaan niyang yaon ng malaking pagkapoot ng loob ay naghagis muna siya ng isang tingin, datapwat ang pintuang yaon ng silid na kinalalagyan ng asawang sukab ay waring sa kanya ay nagdulot ng malakas na halakhak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaya sa panglulupaypay na iyon ng kanyang katawan ay wala siyang malamang gawin. umuwi ng tahanang malambot na malambot ang katawan. sa kanyang loob ay sarisaring gunita at pagiisip ang naghahari, waring mga kimpal ng ulap at ang masamang lusak ng kapalaran ang nagi niyang palad. at, sa pagiisa niyang yaon at samantalang ang kanyang asawa'nasa kandungan ng ibang bisig, ay ginawa niya ay itinaas na lamang ang dalawang kamay at ang paningin ay ipinako sa itaas at waring nagukol ng mataimtim na dalangin; sa kaitaasan nakatitig ang kanyang dalawang matang binubukalan ng luha. datapwa'pagkaraan ng ilang saglit ay isang putok ng rebolber ang namayani sa tahanang yaon pinaghaharian ng katahimikan at lungkot. ang putok na iyon ay nagpahiwatig ng kagulatgulat na pangyayari. ang kanyang dibdib ang pinagaagusan ng dugo. hindi siya namatay at tumitibok pa rin ang kanyang puso. ano nga naman ang naging dahilan ng mga ito? sino ang dapat na sisihin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at dumating ang sukab na asawa, may ngiti sa labi at may titig na mapungay na isasalubong sa asawa, datapwa'ano, at ano pa ang igaganting loob ng kanyang pasasalubungan? may sugat at nagdurugo ang dibdib ni daniel sa tama ng rebolber. poong diyos, daniel, bakit, bakit nagbaril ka sa sarili? na noo'nakita pa ni leonora na hawak ang rebolber ni daniel, na nakahandusay at sawi. datapwa'siya ay hindi na natugon. wala nang ulirat. bangkay nang mistula! kay lungkot na mga sandali noon! tinanong ng mga kaibigan at ng madlang nakasaksi sa pagpapatiwakal na iyon sa sarili ni daniel perez, datapwa'walang maisagot si leonora kundi isang iling lamang. hindi malaman ang hiwagang yaon kung ano ang sanhi at nagbaril sa sarili si daniel perez. ang lahat ay nagkaroon ng iba'ibang kurokuro. at, ang kulangpalad na si daniel ay wala ng naitagal pa kundi ilang araw na lamang. anim na araw na singkad sa hospital heneral at namatay rin siya pagkatapos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"ang asawang sukab, na si leonora ay walang nagawa kundi ang manggipuspos at magdalamhati ang puso. namatay at nagpakamatay sa sarili ang kanyang ginagawan ng pagtataksil. namatay si daniel perez, ang asawa ng isang magandang babae, na kilala sa mga mataas na lipunan ng siudad. at, ang pagpapakamatay na ito ni daniel ay nagkaroon ng mahiwagang kurokuro ang ilang nakamamalay ng lihim. at, habang ang nasawi ay humihinga pa ay kinukunan ng tanong ng kanyang mga kaibigan datapwa'walang naiisagot kundi iling lamang, oo iling lamang, kaya naipalagay ng ilan na may mahiwaga ang pagbabaril na iyon sa sarili ni daniel perez. kaya walang naghahari sa mga lipunang dating kinabibilangan at kinasasamahan, ni daniel perez, kundi ang sarisaring bulungbulungan: may iba'ibang palagay ang isa at may iba'ibang pagkukuro ukol sa pagkamatay na iyon ni daniel perez. nagbaril sa sarili ang kulang palad! nagbaril si daniel perez, na ang balita ay halos kumalat sa lalong matataas na lipunan sa maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"halos nabatid ng marami nguni'ang sanhi ay tila naging lihim sa madla. walang naghari kundi ang mahiwagang pagpapakamatay ni daniel perez, datapwa'hindi nababatid ang lihim. mga bulungbulungan lamang ang siyang kumakalat: nagbaril si daniel perez ng hindi malaman ang sanhi. may nagsasabing sadya ng nagsasawa sa buhay at may nagsasabing nasiraan ng pagiisip, kung kaya'inutas ang sarili. at, mabuti na lamang at hindi nabatid ng lahat ang lihim. natapos nga ang lahat at ang kulangpalad ay nalibing na hindi nagkaroon ng kung anoano pang maraming usapan at mga iba'ibang palagay. inilibing siya na sinamahan ng maraming kaibigan at mga kakilala at mga dating kasamahin na nagukol sa kanya ng mga pagdalangin, nagukol ng mga dalanging siya ay mamayapa na doon sa kabilang buhay at harinawang ang lupang itinabon sa kanya ay maging magaan. lumuha ang mga kaibigan sa pagyaong yaon ng matalik na kasama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"lumuha ang nangulila at nanghimutok ang mga may pusong kanyang mga kadamay sa lahat ng bagay at lumuha ang kanyang mga kaabutangpalad. nagwawakas nga naman ang lahat! ang lahat ay may guhit ng tadhana ng pagkatapos. ang mga ligaya sa mundo ay may kalungkutan, ang maligaya ay may kasawian. tapos nang lahat ang kaligayahan ni leonora. pusong babaing nang makayapak sa tuntungan ng matataas na lipunan ay nalimot ang dating kaugalian. nagkaroon ng pusong walang iisang itinitibok: salawahan. pusong laging nauuhaw sa kaligayahan at pusong hindi na nakakaramdam ng dating sakit at hirap na kanyang katutubo nang mga nakaraan. nang makapisan ng mariwasa ay nagbago; naging isang babaing lumimot ng kanyang kahapong lipos ng dilim sa buhay! babae, magbago ka sana at kundi dahil sa iyo ay hindi masasawi ang isang lalaking kulangpalad na iyong pinaglaruan. dahil sa iyo ay nasawi ang isang daniel at ngayon ay sumahukay na ikaw ang naging sanhi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, kung ang isang eduardo, na matapos mong limutin ang sumpa, matapos mong maulol ay nagduyan ka sa ibang palad at nawiling sumabisig ng ibang lalaki ng dahil sa salapi iyong nilimot, ay paano pa kung sa ibang araw naman ay makakita ka ng lalo pang mariwasa at kagiliwan mo namang panibago? nilimot mo ang dating sumpa sa unang inibig sapagka'nasilaw ka sa salapi, datapwa'ang kasariwaan mong uhaw sa hamog ng pagibig, nang hindi makasagap ng katamisan ng buhay ay pamuli kang nagbalik sa dati mong kandungan ng kung ano anong kadahilanan ang iyong sinasabi upang ikaw ay magkaroon ng kaligayahan sa buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"niluko mo at pinagsukaban ang isang kaisang palad sapagka'siya ay isang matanda na na hindi makapagdulot sa iyong puso ng kaaliwan ng paris ng isang pusong kabataan at kasariwaan, na matapos mong malaman ang lahat ng ito ay naging salawahan ang puso mo at laging pangarap mo ay ang kaligayahan upang makapagtalik at makapagsayaw ang iyong sarili sa gintong liwanag ng kapanahunang hindi mo nalalaman ang pait na bunga. nagpakamatay ngayon ang iyong kaisang puso sapagka'nang dahil sa iyong pagsusukab. at, kung si eduardo ang naging palad mo, at sa harap na iyan ng maraming kababataan at kasariwaang nangauuhaw sa hamog ng pagibig ay mabighani ang iyong palad at matutong magduyan sa bisig ng iba, ay ano pa rin kaya ang sasapitin ng isang yaong pinaglalaruan mo ng paggiliw? ang pagibig ay isang bagay na hindi nararapat paglaruan; kung ang pagibig ay isang laruan ay walang katamisan sa puso. na, ang kahabaghabag na iyong naging kaisangpalad ay ngayon ay nalibing na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"naging kahabaghabag ang kanyang palad, naging kaawaawa ang kanyang puso sapagka'inulol ng kanyang kabiyak at sa malabis na pangingilag sa pulang iuukol ng madlang makaalam ay minatamis pa ang siya ay sumahukay. minatamis niya ang siya ay sumahukay na taglay ang kalinisan ng sarili at ayaw nang siya ay papanaw sa mahiwagang daigdig na ito na may putong ng kawalang puri, minatamis niya ang mamayapa na taglay ang kalinisan ng tibukin ng puso, at pagkawalang masamang asal na kapulapula sa harap ng kapisanan. nagpakamatay siya sapagka'ang pagsusukab na iyon ng kaisangpuso ay hindi na niya nais pang masilayan upang huwag makapagbigay sa kanyang kalooban ng marungis na lusak ng kapalaran. nagpakamatay siya sapagka'ninais niya ang mangilag sa kataksilang ginawa sa kanyang pagkatao ng kanyang kaisa na ang pagtataksil na iyon ay magbubunga ng kung ano anong masasamang kasiraan sa isang tao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nagpakamatay siya sapagka'siya na rin ang nasilaw sa kawalanghiyaang ginawa ng asawang nagsukab at kung hindi niya mapangilagan ang masamang ibubunga noon ay isang kabulukang kanyang tatamuhing pagkasamasama. inilagan niya ang masasamang asal ng asawang sukab at minatamis pa ang mahimlay sa lupang hantungan ng lahat. iniwan niya ang pamumuhay na walang payapa, iniwan ang lasong mga namamalas sa ginagawang isang asawang naglilo. iniwan niya ang lahat na makamandag na ngiting idinulot sa kanya ng asawang taksil. at, ngayon si leoning! ano ang magiging palad nito? ngayon ay lubos nasuklam na rin sa kanya ang isang eduardo dahilan sa masamang halimbawang kanyang ipinamalas. pinagtaksilan ang sariling asawa at kung siya man ngayon ang pinaguukulan ng pagmamahal ni leoning, ay naaalaala niyang bukas ay baka naman gayong ang gawin sa kanya. napakasal si leoning sa iba gayon sila ay may sumpaan at nang nasa piling na ng asawa at hindi makalasap ng katamisan ng pagibig ay sa kanya rin nagbalik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"napagaralan niya ang lahat sa buhay ni leoning! ang isang pusong salawahan at walang iisang pagibig ay asahang pusong marungis na siyang magtuturo ng landas sa kapariwaraan; at pusong siyang magdudulot ng kasawian sa kapwa pusong dalisay at wagas. ngayon ay iniwaksing lahat ni eduardo ang mga gunitang: nauukol kay leoning! kay sama ng ibubunga kung ang isang pusong tatangkilikin ay isang pusong walang iisang pagibig. nilimot na niya ngayon ang lahat ng kanilang naging palad ni leonora. nilimot niya at ngayon ay aanhin niya ang isang babaeng tulad ni leoning na siyang sanhi ng pagpapakamatay ng unang nakaisang palad? aanhin niya ang isang babaing walang iisang tibukin ng puso? ngayon ay nagi na uli siyang masigla at hindi na paris ng dati, nilimot na niya ang dating mga dalamhati dahil sa paglimot ng binibining napakasal sa iba. ngayon ay nabatid niyang si leoning ay isang babaing hindi makapagbibigay ng kalwalhatian sa puso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nalaman niya na si leoning ay isang babaing nang makayapak sa tuntungang mataas ay naging isang babaing nakalimot ng dating kayumian, nakalimot ng dating kaugalian at nakalimot ng kanyang buhay kahapon: naging, pusong salawahan. hindi kailangan niya ang isang leoning! hindi niya kailangan ang mga babaeng gayon na kung makayapak sa matataas na samahan at mapabilang sa maririwasa ay nagiiba ang mga kilos, ugali at dating katutubong pagkatao. ang mga babaeng ganyan ay isang magigiging sira sa karangalan ng lahing busabos at wala pang kalayaan. hindi iyan ang magiging uliran at karangalan ng ating bayan. kaya ngayon ay wala na, wala na, at natapos din ang maligayang pamumuhay ni leoning. ang may pusong sukab at walang iisang pagibig, ang walang iisang tibukin ng puso ay nagsisisi ngayon sa kanyang pagkaligaw sa matuwid na landas ng buhay. babai, huwag sana ninyong kalilimutan ang dating katutubong ugaling dakila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"huwag magbago ang dating ugali, ang dati ninyong kayumian at ang mga kabig habighaning kilos ay huwag papaglahuin. ang mga masasamang gawa ay hindi nagbubunga ng magaling. hindi natin mapupuwing ang wika ni bonifacio na huwag magtanim ng masama upang umani ng mabuti. at, ngayo'narito ang naging wakas na ang isang leonora na noong una ay isang babaeng may pusong uliran, may pusong siyang dapat tularan sapagka'siya ang dalagang may mabining kilos, may pusong matimtiman, datapwa'nang mabilang na siya sa lipunang matataas at napasama sa mga lalong tanyag na kapisanan ay nagbago at nilimot ang dating kaugaliang dakila, at, ngayon ay kay pait ng kanyang naging palad. ayaw na siyang sakluluhan ng isang eduardo sapagka'ang kapighatian niyang yaong naging palad ay dahil sa sumpang nilimot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"at, ngayon si leonora ay hindi na makalapit sa piling ni eduardo sapagka'para ba sa kanyang sinasabing: leonora, hala, ako'napopoot na saiyo, hindi na kita hangad na makita, alam kong wala kang iisang puso, walang iisang pagibig. ayoko na sa iyo, at kung makakita, ka ng ibang palad ay doon ka naman pupunta, ayoko ng babaing tulad mo! kulangpalad na leonora! wala ng sumaklolo sa kanyang mga paghikbi. waring sinasabi na lamang ng lahat sa kanya na: hoy! leonora, babaeng sukab dalawin mo ang libingan ng iyong asawa at doon mo hugasan ang kapurihan mong nagawa at pagsisihan mo ang lahat ng kasalanan. namatay ang kabiyak ng puso mong si daniel ng dahil sa iyong pagtataksil! kaya'ang kahabaghabag na si leonora ay walang naging palad kundi ang magsisi. idalangin ang asawang namatay at pagsisihan ang mga kasalanan niyang nagawa. humingi ng tawad sa poong maykapal at hinihinging patawarin ang maling landas na binagtas ng kanyang buhay. kaawaawang leonorang nagluksa sa buhay!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"kaawaawang babaeng nagsukab na ngayon ay lubos ang pagluha at pagsisisi! tuwing hapon ay dinadalaw ang libingan ng kanyang naging asawa na pinagtataksilan at sa ibabaw ng hukay ay pumapatak ang luha at ganap na nagsisisi. ang mga bulaklak ay iniaalay at isinasabog niya sa ibabaw ng libing ni daniel perez, ang kanyang asawang nagpakamatay sa sarili nang dahil sa pagsusukab ng asawang ngayon ay siyang dumadalaw sa kanyang libing, nagsisisi at lumuluha. kaawaawang leonorang nagluksa sa buhay! at, hindi nga magbabalik ang lahat. natapos na ang lahat ng kaligayahan sa buhay ni leonora. natapos na ang lahat at ang katapusan ng kaligayahan ay kapaitan naman. dumating na ang tadhanang kanyang kaaliwan: ngayon ay tapos na ang lahat. ngayon ay sa ibabaw ng libing ng kaawaawang si daniel perez, ay nakahimlay ang kaawaawang si leonora na walang bumubukal sa mga maamong matang nangungulimlim kundi ang mapapait na luha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"nakahiglay siya na, humihikbi, nagbubuntunghininga nang dahilan sa pagpanaw ng kanyang irog. kaawaawang leoning na nagluksa sa buhay! nagluksa ng dahil sa sumpang nilimot: nilimot ang sumpa kay eduardong naging unang kasuyuan at nagluksa dahil sa sumpang nilimot sa kay daniel perez, na, pinagsukaban, na siyang dahilang ikinamatay. at, ngayon kung pinagmamalas, ni leonora ang ibabaw ng libing ni daniel perez, ay waring wala siyang ibang nakikita kundi ang nasa krus ng hukay ng nasawi na ganitong mga titik:. itinatag: disyembre vedasto cadelina claro cabungkal gerardo. borja juan ranola. linangin, pagyamanin at palaganapin ang sariling wika. pagaralan at saliksikin ang panitikan ng ibang lahi upang ibanding at pagkatapos ay ikatnig sa sariling panitikan, sa ikaniningning pa niyang lalo. maglathala ng mga akda magpalimbag ng mga aklat at magtanghal ng mga dula ng mga kasapi; magpapulong bayan, magpayaman, magpatimpalak panitik at magdaos ng mga paligsahan sa bigkasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,magbasa ng mga sinulat ng mga tagaibanglupain at isalin kaya'halawin sa sariling wika. ang pagbayad ng magaaral mga kaawaawang di nagsipagaral mga batugang isip (mga mapamahiin) ang araw ng halaman ang kalbaryo ng dalaga alibughang anak ipagtanggol ang karapatan ang araw ng ina . ang manglulupig at ang makata sa bingit ng kasawian. . isumpa ang masasamang hilig! ang anak ay anak memory of the past who has the fault sakit ng panahon huling araw ng masamang budhi love of filipino girl kamangmangan. bayani ng pagibig ang laki sa layaw. bayan at pagibig ang salarin. wakas ng pagiimbot ricardo. palacio ang lakas ng katwiran balbino. pangkalahatang talatinigan ng wikang tagalog panulat banahaw. pangkalahatang kasaysayan ng sangdaigdig benjamin racelis. sa libis ng palad (nobela) balbino. mga ulap sa katagarawan (nobela) zosimo maderal. malikmata'pangarap (mga tula) zosimo . maderal. palaspas (mga tula) crispulo . salvatierra.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"new dictionary: tagalog english and vice versa mga hiyas ng parnasong tagalog the new poetry mga hiyas ng pangarap (mga tula) zosimo . maderal. (tula ni ursula . maderal) . luha'tumutulo, tuwing magunita ang masayang araw noong ako'bata; na lahat ay aliw, tuwa at biyaya, walang kulay lungkot sa puso ko'diwa. naalaala ko ang isang dalangin na turo ni nanay na ito ang turing: loobin mo nawa, oh, dios na butihin, na ako ay maging mabait, mahinhin . ang panahong yao'lumipas na ngayon, hindi na babalik ang buhay kahapon; tanging nalalabi'alaala noon, upang maging tudling sa tinatalunton . taguring madalas ang iyong kariktan, bayang pilipinas na hinahangaan, ng lahat ng tao, sa lahat ng bayan, sa lahat ng dako ng sangsinukuban, ang paghanga nila'hindi nalalaman, bayang pilipinas, ng nagdaang araw, nang bago sumikat sa kasilanganan, ay inalipin din at pinahirapan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"matupos tamuhin ang mga pahirap, ng mga banyagang dito'mapagpanggap, ay biglang pinalis, agad pinalayas, dito sa pangpangin ng bayan kong liyag. at ngayo'nagbago; napaltan ang lahat; ang nakasasakop magarang watawat, ay isinalupa, ng haring malakas, ng bayang malaya'may uring mataas. ang sapot na itim na nakatatakip, ulap na makapal ng gabing tahimik, ay nahawi mandin katulad ng tubig, pagkaulan ula'nawawalang tikis. at ang humalili'ang kaliwanagan, sa gabing madilim na kapanglawpanglaw; doon sa silanga'nagliwayway naman, at saka sumikat itong bagong araw. ito nga ang saksing hindi makakatkat, pagka'nakikintal doon sa itaas, diwa'nagsasaad ng masayang bukas, sa mahal kong bayang hindi mapanatag. waring bumubulong ng mahinang tinig, sa mutya kong bayang may banal na nais: . ang lahat ng ito ay malaking utang sa bansang agilang watong makapantay; bansang nagkandili, nagpalapalayaw sa iyo bayang, sa laya ay uhaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"umaasa kaming iyong mga anak, pagkakalooban pagdating ng bukas, mithing kalayaan na siyang panglunas, sa mga aliping lumaki sa hirap. lupang kahi'dahop sa taba at yaman bagin ay tutubong walang pakundangan, buhat sa pagbangon sa lupang himlayan ang hanap na'balag na maaakyatan; kagaya ng taong mananalig lamang sa lakas ng ibang nagpagod sa buhay, bagin, sa, paglaki'anong pagkabilis sa sanga ng kahoy ay nangungunyapit, ang lahat nang sulok ay nasasaliksik, kahoy na daplasa'gagapangang pilit kamukha ng isang bago lamang panhik sa bahay ng iba'gayon na kasungit . sa niyakisyakis ng baging sa kahoy, kahoy sa paglaki'dagling mauurong, daho'malalagas, bunga'naluluoy at ang baging nama'tuloy sa pagyabong; animo'pulubing limusan ang lungoy na, kapag yumama'nag aanyong . kaya nga'kahoy ay kaawaawa kapagka may baging na kinakalinga, baging kung lumaki'kanyang mapagpala magiging hari nang mang aalipusta, katulad ng isang nanghiram ng panang, nang pahiramin mo'ikaw ang tinudla.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"mangagingat kayo may bukas na loob sa kahi'na sinong ibig na pakupkop alin mang patao'suriin ang kilos nang upang malayo sa dusa'himutok; baka, maparis ka doon sa naglimos ng awa'siya pang buhay ay tinapos!. ang gawang magsakit larawang pagasa noong sa darating ganap na ginhawa; nguni'katamara'sumpa sa ligaya, kapatid ng dusa'hinlog ng balisa! buhay ay tungkulin at pakikibaka, gumawa ng ukol, at may panahon pa!! santa cruz, laguna. ang mga salari'may lihim na buhay, huwag di matingna'kagyat nang gilawgaw. lahat ng sa ati'may kapanutuhan, sa kanila'pawang kabalintunaan: bawa'ngiti'ngisi, balang tawa'uyain, tungkol kilos nati'mayrong kahulugan. masalagimsimi'panimdiming tunay. silaw, dungo'takot sa kaliwanagan, diwa'puso nila'nasa kadiliman. sa mataas na kalbaryo ng layon mo at pangarap, anak mo rin ang katalo'nagbibigay ng bagabag. parang hindi nalalaman na ina kang sa kanila ay maampong bumubuhay higit kaysa, wikang iba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"samantalang patuloy ka sa dalisay mong adhika; naglilipol naman sila sa binhi mong ipinunla. sa ganito ay maliwag na dumating at makita ang liwayway at pagsikat ng hintay mo at pagasa. by zosimo . maderal mine heart and soul thou art; the mine love thought thee 'er troll. so as to prove: there'not throb, wish, sob, rare fancy, that'not of thee. thou'rt all and all to me the world: suncrowned and tall. flag unfurled. thou'rt book, lyre, voice, pearl, nymph, fate, choice, rose, rhythm, path, night, home, dream, life, light!. for thee sigh, for thee hope, for thee yearn. , please, tell why oft do mope? thou can', dear, turn thine eyes to me for ecstacy.? mine heart and soul thou art; to mine love, thought thee 'er troll. so as to prove: there'not throb, wish, sob, rare fancy that'not of thee. to my darling. hail, fairest dream of my dreams supreme; from minerva'temple oh, you've come 'midst thy country'esteem!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Balbino B. Nanong,"welcome and justified to you, my best of wishes deem: may you be sanctified at honor'altar; and, life'blaspheme, thee never shall trample!!. lukban, tayabas,..",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante," sa aquing manga paglacad lacad, at pagdalao dalao sa manga bayan bayan dito sa filipinas, ay nacarating aco sa isang bayang ang ngala,, tanay sa distrito nang morong. aco,, napatiguil doon nang dalauang lingo, at dito sa pagtira cong ito,, naguing caquilala co ang isang matanda na ang ngala,, si gervasio macunat, at cung tauaguin doo,, si tandang basio. malaqui ang pagcauili co sa matandang yaon, palibhasa,, matalinong, masayahin, at matalas na matalas ang caniyang bait at pagiisip. gabi gabing ualang sala,, pinaroroonan co siya sa caniyang bahay, at doon nagsasalitaan cami nang sari sari, hanggan sa malalim na ang gabi, at cung minsan ay inuumaga pa cami sa aming pagsasalitaan. dito sa aming manga pagsasalitaan, ay pinag uusapan din naman ang iba,, ibang ugali nang manga tagalog, at aco,, natotoua nang di hamac, sa paquiquinig co nang caniyang matitinong catourin at casagutan sa lahat nang bagay na aming pinag uusapan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"isang gabi, ay tinucso co ang matanda, na ang uica co baga sa caniya: cung cayo po,, nag aral sa maynila nang caunti man lamang; cung cayo, po, anaquin, ay natuto nang uicang castila man lamang, ay segurong segurong cayo,, naguing directorcillo dito sa inyong bayan, at macaquiquita, po cayo sa tribunal nang pagcabuhay ninyo na ualang malaquing capagurang paris ngayon, na cung ibig, po, ninyong cumita nang naipacacain sa inyong manga anac at asaua, ay cailangan, po, na cayo,, magbangon nang maaga, at humauac nang calabao, at dumilig muna nang lupa nang inyong pauis, bago, po, cayo,, macaquita nang maisusustento sa inyong familia. cahimanauari houag na acong nag uica nang ganoong uica! nagalit na di ano lamang ang matanda; at nagbucang bibig nang lintic, at iba,, iba pang ganito; na ang isip co baga siya,, nabalio, napaano caya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"subali,, pagcamayamaya, at nang lumipas lipas na ang caniyang biglang galit, ay nangusap sa aquin nang gayon: patauarin, po, ninyo aco; ipatauad, po, ninyo sa aquin ang pagpapaualang galang co, po, sa inyo. aco, po, ang sagot co; aco, po, ang dapat patauarin ninyo, sapagca,, aco,, siyang nagbigay galit sa inyo, baga man po,, hindi inaabot nang aquing pag iisip, cung ano,, anong iquinagagalit ninyo sa aquing salita. houag, po, ninyo acong cayamutan ang uica ni matandang basio; houag, po, ninyo acong cainipan, at matatastas din, po, ninyo cung baquit nasira ang aquing loob doon sa sinabi, po, ninyong tungcol sa pag aaral nang uicang castila, at sa pagdidirectorcillo. inyo pong salitain ang uica co, ang balang maguing gusto ninyo, at malaqui ang toua cong maquinig sa inyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ang una unang ibig co pong maalaman ninyo, ay ang naguing buhay cong magmula sa pagcabata co, na hangan dito sa oras, na hinaharap natin, at saca,, sasalaysayon co, po, sa inyo ang puno at dahilan nang pagcagalit co sa inyong salita cangina. cayo, po, ang bahala, ang sagot co. umupo lamang tayo dito sa papag, at habaa,, habaan, po, ninyo ang inyong salita, na hindi co, po, cayong cayayamutan. cung ganoon, po, aco,, sasapol na. aco, po, ang uica nang matandang basio, ay anac nang taong mahihirap, na manga maglulupa, manga opahan, subali,, matatacutin sa dios. maliit na maliit pa aco, na hindi pa halos marunong magusap, ay pilipilit na, po, acong pumasoc sa escuelahan arao arao na ualang falla. ang aquin pong maestro, ay isang mabait na mabait na matanda, na ang ngala,, si gregorio, na cung taunguin naming manga bata,, cacang yoyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"totoong naibiguin siya sa aming mang escuela, nguni,, mabagsic, po, namang siyang totoo, cung cami ay sumasala sa leccion, sa iba,, ibang itinuturo niya sa amin. uala pong sino sa kaniya; ang may casalanan ay pinarurusahan nang tapat na parusa, ay siya na; hindi, po, niya tinitingnan, cung ang batang nacacasala ay anac nang mayayaman mahihirap na tauo. ang caniyang sinusunod ay ang catampatan; sa macatouid: ang dapat pong parusahan, ay pinarurusahan, niya, at ang dapat purihin ay pinupuri niya, maguing sino ang tinatamaan. caya, po, malaqui ang aming tacot sa maestrong yaon, at malaqui, po, naman aming pag galang at pag ibig sa caniya. dahilan, dito,, cami pong manga bata,, sunod sunuran sa caniya, na ang cadalasan,, hindi pa tapos ang caniyang utos sa amin, ay cami patacbo na sa pagsunod nang ipinag uutos niya sa amin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"yaon pong, matandang yaon ay totoong quinacaibiga,, guinagalangan nang buong bayan, baga man hindi siya marunong nang uicang castila, na paris nitong manga maestrong bagong litao ngayon, na ang pangala,, normal, na cahima', casing itim co, maitim pa sa aquin, ay nagsosoot nang levita cung ano cayang tauag doon sa isinosoot nilang damit, at naquiquipantay sila sa manga capitan, at sa manga cura pa, na, (tabi sa di gayon,) tila,, cung sino silang mahal na tauo. ang naturan cong matandang maestro namin ay ualang sariling calooban, bagay sa pagtuturo at pangungosiua sa aming manga bata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"hindi siya cumiquilos; hindi siya nagbibigay nang bagong utos, cundi cumuha siya muna nang tanong at sanguni sa aming maguinoong capitan, at lalong lalo sa aming cagalang galang sa padre cura. caya, po, matanda at bata ay umaalinsunod sa caniya, palibhasa,, talastas nang lahat, na hindi siya mangangahas na mag utos nang anoman, cundi naalaman muna nang aming cura. baca, po, ang tanong sa aquin ni tandang basio, pagdating dito sa lugar na ito nang caniyang salita; maca, po,, iquinayayamot, po, ninyo itong aquing mahabang salita? hindi po, hindi po, ang aquing sagot sa caniya; caya ituloy po, ninyo,, ituloy ang inyong historia, na cahit anong haba, ay mamasarapin cong paquingan. salamat, po, ang uicang ganti nang matanda. ngayon, po, aniya, ay iuurong co nang caunti ang aquing salita, at sasabihin co, po, sa inyo, na cung mahigpit ang aquing maestro, ay lalo pa pong mahigpit ang aquing magulang tingnan, po, ninyo ang canilang guinagaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pagdating co, po, sa bahay na nangaling sa escuelahan, ay sinusulit, po, aco nang sinusulit nang aquing manga magulang, na cung ano,, ano cayang natutuhan sa arao na yaon; at cung ano,, anong bilin sa aquin nang maestro; at cung ano,, anong guinaua co; at cung ano,, ano pa, po, na lubhang marami. sa pagsusulit pong ito,, ang catotohanan, po, ang aquing sinasabi at isinasagot, at malaqui pong totoo ang tacot cong magsabi nang casinungalingan sa aquing magulang. sa dacong gabi, at pagcatapos nang aming hapunan, na ang cadalasan po,, canin lamang na ualang ulam, mayroon mang ulam, ay caunting bayabas, dulong, saguin, canduli, hipon caya ay quinacalong aco nang aquing ama, nang aquing ina, at sari sari, po, ang itinuturo nila sa aquin. mayroon, po, sa pagdadasal; may sa pagcocompisal; may sa paquiquinabang, may sa paquiquipagcapoua tauo, at sa iba,, iba pang catungculan nang tauong cristiano, ayon sa inaabot nang canilang pag iisip, at magandang calooban nila sa aquin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"dito, po, sa lagay na ito ay lumalacad nang lumalacad ang panahon, at aco po,, macapagcompisal na, at nacapagcomulgar, cung macailan na; at marunong na, po, acong bumasa, sumulat at nang caunting cuenta; at caalam alam co ay sumapit na aco sa cabagongtauohan. nang magcagayon; aco po,, nananaghiling totoo sa capoua cong bagongtauong naquiquita cong gumagala cung gabi, at lumiligao cung saansaan, sa pahintulot nang canilang magulang. caya, po, minsan, dala nang aquing capanaghilian, ay nangusap aco sa aquing tatay sa boong galang nang ganito: tatay, baquit, po,, hindi ninyo acong pahintulutan, na manaog at lumigao ligao, at sumaaya saya diyan sa bayan na para bagang naquiquita cong guinagaua nang capoua cong bagongtauo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"nang maringig, po, nang tatay co itong aquing capamanhican sa caniya, tila po,, natataua taua, at tila naman namamangot mangot, nguni,, hindi siya nagalit, bagcos sumagot sa aquin nang banayad na banayad nang gayon: basio, icao,, anac co; icao ay iisa isang anac co, na minamahal cong totoo, at minamabait co pa; subali,, ica,, batang bata pa; ica,, isang hangal pa, na hindi pa marunong na cumilala nang manga silo at carayaan nang demonio, nang manga lamang bayan at nang sariling catauoan caya, inaalaala co, na baca sacali, cung cata,, pahintulutang manaog at lumigao diyang paris nga nang guinagaua nang caramihan nang casingbinata mo, ay lumubog ca sa putican, at palubuguin mo pati ang magulang mo, at mapahamac nang para para ang ating caloloua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya houag cang managhili, basio, sa maling caugalian nang capoua nating tagalog, na ang sagot nila baga, cung sila,, sisihing tungcol sa manga ugaling ito, ay: may bait din, anila, ang canilang manga anac; at cung itong canilang anac ay nalulubog na sa guitna nang putican, ay ang quinacatouiran nang magulang ay gayon: siyang talaga nang panginoong dios, bago bago,, casalanan nilang sarili, dahilan sa canilang capabayaan, at dahilan sa capahintulutan nila sa canilang manga anac na lumagay sa panganib na icalulubog nila. houag mong alalahanin, basio, iyang manga bagay na iyan, sapagca,, cung may aua ang panginoon dios ay macaquiquita ca rin nang pacacasalan, di man icao,, lumigao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pinaquingan co, pong, maigui itong hatol nang tatay co, at baga man, tila, may cumucutcot at humahalucay sa aquing dibdib, ay umayon aco,, umalinsunod sa calooban nang aquing magulang nang puspos at lubos na pagsunod; at ngayong oras na ito,, masasabi co, po, sa inyo, na aco,, nagpapasalamat at nagpapasalamat nang maraming marami sa aquing namatay na ama, dahilan sa magaling na pagtuturo niya sa aquin. seguro, po,, mahahango na, po, ninyo dito sa aquing sinalita ang naguing calagayan co, niyong aco,, bagong tauo at soltero: subali,, gayon man, ay sasalaysayin co, po, sa inyo, na ualang palico licong sabi. ang naguing buhay co, po, niyong panahong yaon, ay ganito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pag umagaumaga na madilim pa, ay guiniguising aco nang aquing tatay, saan di, po, at aco,, matuluguin, palibhasa,, bata pa!, at pagcabangon, ay nagdadasal cami nang caunting pagpasalamat sa panginoon dios, at inumaga caming buhay pa. tuloy nagsisimba caming dalaua nang tatay, co, cung maaga ang misa, at hangan cami, po,, nasasasimbahan, ay naghahanda ang aquing ina nang ano anomang maipacain maipainom sa aming magtatay, at masama, po, rao, ang uica ni inda, na cami ay pasasa trabajo na ualang laman ang sicmura. caya pangagaling, po, namin sa simbahan ay cumacain po, cami, humuhigop caya nang balang nacayanan ihanda ni ina, at siya na, po, yaon na, po, cami nang tatay sa amin aming guinagua, na ualang oui sa bahay cundi nang sangdaling oras sa pag aalmorsal nang dacong las nueve at saca sa pagcain nang tanghaliang pagtugtog nang las doce cung sacali,, hindi, po, cami pinacacain nang may patrabajo nagpapagaua sa amin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pag oui, po, namin cung gabi, na pagcatapos nang aming gaua, ay pinahahapon co, po, ang aming manga hayop, liniligpit co caya ang manga casangcapang aming guinamit. nagpapahinga, po, cami nang caunti, at tuloy nagdadasal cami nang santo rosario, na ualang capallapalla gabi gabi, maguing ano ang hirap nang catauoan namin ni tatay. ang minamatouid ni ina, cun cami dumadaing, ay ganoon: ang pagdarasal, aniya, nang santong rosariong gabi gabi, ay hindi nagbibigay pagod, cundi bagcus isang malaquing caguinhauahan nang caloloua,, catauoan . pagcatapos nang dasal namin, cami, po,, cumacain nang hapunan, at saca nagsasalitaan cami nang caunting casama nang aming capitbahay at ibang caquilalang napapa roon sa bahay, at pagtugtug nang las diez ay ligpit na caming lahat sa cani canilang bahay at banig, at ang minamatouid, po, nang tatay co, ay masamang totoo, rao, na mapuyat cung gabi ang tauong nagpapaupa, sapagca,, cung umaga,, mag aantoc at matatamad tuloy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"doon, po, sa buhay at lagay cong yao, ay mayroon acong nararamdamang isang bagay, na di matatalastas co ang pinangagalingan. aco, po,, hindi lumiligao; hindi palagala; hindi palapanaog; uala rin sa loob co ang pag aasaua; ay, cung baquit, po, aco,, guinitian nang pag ibig sa isang dalagang capitbahay co, po, at casing edad co naman. pinaglabanan co pong totoo, at pinangatauoanan cong patayi,, bunutin itong minamasama cong binhing tumutubo sa aquing dibdib, at hindi co, po, macuhang patayin, cundi bagcus, ang damdam co, po,, lalo,, lalong lumalago at tumataimtim sa aquing puso. gayon man, ay pinipiguil cong maigui ang aquing calooban, at hindi aco nagsalita sa babaying yaon nang isa mang uica lamang tungcol sa humahalungcay nang loob co. cami, po, lamang ay nagbabatian nang ugaling bati nang manga capitbahay, at siya na, po.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"subali,, sa hindi co, po, matiis itong nangyayari sa aquin, na iquinagugulong totoo nang aquing loob at pag iisip, tulog man, guisin man aco, ay ninanasa cong totoong ipahayag sa nanay co itong bagay na ito; caya, po, minsang nagcataong cami ni inda ay nag iisa sa bahay, ay binucsan co ang aquing loob cay nanay, at nag uica aco sa caniya nang ganon: nanay, mayroon, po acong ibubulong sa inyo; datapoua,, houag, po, cayong magalit sa aquin, cung sacali,, mali ang aquing sasabihin. baliu na baliu ca, ang uica sa aquin ni ina. baquit, aniya, baquit aco,, magagalit sa iyo, maguing ano ang ibubulong mo sa aquin? di baga sinabi co,, ipinagbilin sa iyo, na houag mong ilihim sa aquin ang ano anomang mangyayari sa iyo, nararamdaman mo caya, nang cata,, gamutin, cung cailangan mo ang gamot; nang cata,, aliuin cung cailangan mo ang aliu; nang cata,, hatulan, cung cailangan mo ang matouid na hatol; at nang cata baga,, paloi,, parusahan, cung cailangan mo ang palo at parusa?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya, magsabi ca na, at houag cang matacot, at hindi aco magagalit. segurong seguro ang dagdag na uica ni nanay segurong seguro icao,, may novia cung caya,, palico lico ang iyong salita! ay ano, di baga totoo? baga man, po, nahiya acong totoo dito sa uinica ni nanay, ay nagpacatapang din aco, at tila,, nagcaroon nang caunting lacas ang aquing loob, caya ang sagot co sa aquing ina,, ganito: nanay, cung sa natuturang novia,, uala, po, acong novia; subali,, mayroon dito sa ating calapit isang dalaga, na palagui pong sumasagui sa aquing loob at pag iisip, dahilan sa minamabait cong totoo siya, at minamagaling co naman ang caniyang ugali. di co, po, mapagpag pagpag ang pag aalaala sa caniya arao,, gabi. cung sasabihin co, po, ang lahat nasasacalooban co, ay sasabihin co, po, sa inyo, na ang ibig at nasa nang aquing loob, ay ang siya lamang at houag ang iba, ang maguing asaua co, cung baga pahintulutan nang panginoon dios, na aco,, mag aasaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at sino, ang tanong sa aquin ni inda, sino cayang ngalan niyang dalagang sinasabi mo, sapagca,, dito sa ating calapit ay maraming dalaga? ang pangalan, po,, ceciliang anac ni alguacil juancho catouiran, ang sagot co. ay picaro picaro, ang sigao ni ina. marunong ca palang pumili! at tuloy niyapos aco, gaua, yata, nang malaquing toua niya, at nag uica sa aquin nang gayon: pabayaan mo, basio, at houag mong alalahanin iyang manga bagay na iyan, at acong bahala sa tatay mo. pinabayaan co nga, po, at hindi na acong umimic tungcol sa manga bagay na yaon; datapoua,, nang maguing tatlong lingong magmula niyong pagbubulungan naming mag ina, at casalucuyan caming mag anac ay nag iisa sa bahay, ay nagtanong sa aquin si tatay nang gayon: ano baga icao, basio; icao,, may edad na, gusto mo cayang mag asaua na? aco, po, ang sagot co, aco po,, sunod sunoran sa inyo; cung ano, po, ang inyong calooban, ay siya ang calooban co. icao baga,, may catipan novia caya? sabihin mo sa aquin ang totoo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"uala, po, acong catipan. ay baquit ang sabi sa aquin nang inda mo, na icao,, may gusto cay siliang (cecilia) anac ni alguacil juancho? totoo, po, iyang sinabi sa inyo ni inda, subali,, uala acong catipan ni salitaan man cay silia. ay ano, gusto mo baga, hindi mag asaua cay silia? gusto co, po, cung gusto po, ninyo, cung hindi, ay hindi, po. cung ganoon, ang uica ni tatay, cung ganoon ay sumalunga ca na bucas at tumaga ca nang isang limang punong cauayan, at aco nama,, magpapacuha nang cugon at ating pag liguihing icoi icoi ang manga casiraan nitong ating bahay. sapagca,, ang salitaan namin ni alguacil juancho, ay sa isang sabado, cung may aua ang panginoon dios, ay haharap na cayo ni silia sa ating padre cura, nang cayo,, matauag na sa simbahan, cung baga gusto at calooban ninyong dalaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya pinagcaisahan namin ni mamang juancho, na mula ngayon ay ipagsasama quita gabi gabi sa caniyang bahay, nang cayo ni silia,, magcausap nang inyong sarili sa aming harap, nang cayo,, magcaquilalang mabuti, at nang maalaman din namin ang nasasacalooban ninyo, bago cayo,, humarap sa ating mahal na cura. nagaua, po,, nasunod yaong lahat na sinabi sa aquin ni ama, at iba,, iba pa, datapoua,, lilisanin co po, iyang lahat na iyan, at sasabihin co, po, sa inyo sa maraling salita na: aua nang panginoon dios, cami ni silia,, nacasal din; nag anac, po, cami nang marami; at sa tulong nang mahal na virgen, ay hindi nasira ang aming capayapaang magmula niyong cami casalin na hangan ngayong oras na ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"cung anong naquiquita co pong inu ugali nang aquing ama sa aquing ina, at cung anong inaasal nang magulang co sa aquin, ay siya co pong guinayaha,, inuugali sa aquing asaua at manga anac at sa malaquing aua nang poon, ay cami nagcacasundo nang maigui at hindi cami naualan nang aming canin sa ara arao, mahirap man caming tauo. naito, po, ang sulong na salita ni tandang basio, naito, po, ang pitong anac cong nabubuhay. inyo, pong tingnan, at inyo pong sulitin, at sila,, para parang marurunong na magdasal, bumasa, sumulat at nang caunting cuenta pa; at bucod dito,, sila pong lahat babayi at lalaqui, ay marurunong pang mag araro, magtanim, umalit, mangahoy, manahi at mangosina. datapoua,, houag, po, ninyong causapin sila sa uicang castila, at baual na baual co, po, sa canilang lahat ang pag aaral, at ang pagsambit man lamang nang iisa isang uicang castila. at baquit, po, gayon ang inyong gaua,, utos? ang tanong co sa matanda.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"di baga lalong mabuti, na ang naalaman na nang inyong manga anac, ay patungan pa,, dagdagan nang pagcacaalam nang uicang castila? hindi, po, hindi, po, ang biglang sagot ni tandang basio. ang castila, aniya,, castila, at ang indio ay indio. ang ongo, ang uica pa niya, ang ongo,, sootan man ninyo nang baro at saloual, ay ongo rin at hindi tauo. oo nga, po, ang uica co; subali,, pacatandaan, po, ninyo, na ang carunungan ay hindi nacacahalang sa anoman, cundi bagcus ay nacatutulong sa atin sa maraming totoong manga bagay bagay sa caloloua,, catauoan dito sa mundo. tunay, po, ang inyong sabi, ang ulit nang matanda; subali,, aniya, sa naquiquita co, po, sa namamasdan co; at sa nababalitaan co, po, sa buhay cong ito,, hindi co, po, ibig na ang manga tagalog, ang mga indo, alalaon, ay nagaral nang uicang castila. ang pinaniniualaan co, pong totoo at sinusunod co, ay ang casabihan nang aquing namatay na ama, (ingatan nang panginoon dios!)",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"na ang madalas na sabi niya baga, ay ganito: ang mga tagalog, ang mga indio baga, aniya, na humihiualay caya sa calabao, ay ang cadalasa,, naguiguing masama at palamarang tauo sa dios at sa hari . cung caya, po,, sumama ang loob co, at nagalit pa aco, nang sabihin, po, ninyo sa aquin, na cung ano,, di aco nag aaral nang uicang castila. tungcol, po, sa manga bagay na ito,, maraming marami acong sucat salitain sa inyo. subali,, po, sapagca,, hating gabi na ngayon, tayo,, lumigpit muna, cung baga minamatapat ninyo, at bucas, po, cung may aua ang. dios, ay sasalaysayin co, po, sa inyo ang lahat lahat na isinasaloob co,, inaabot nang aquing pag iisip, bagay dito sa ating pinag usapan, at ipaquiquita co pa, po, sa inyo ang isang casulatan nang tatay co, na iniingatan co,, itinatago sa cailaliman nang aquing caban, tungcol sa nangyari sa isang mag anac na tagarito rin sa aquing bayan nang tanay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"nanag maringig co itong salita nang quinacaibigan cong matanda, ay nagpaalam na aco sa caniya, at ang uica co lamang: maca, po, cayo,, nayayamot na sa aquin, dahilan sa pinupuyat co, po, cayong palagui? hindi, po, ang sagot ni mamang basio, hindi, po, aco nayayamot, bagcus, po,, malaquing malaqui ang toua cong maquipagsalita sa inyo, palibhasa,, cayo po,, marunong cumilala nang catouiran co, nang hindi caya catouiran, at marunong din, po, cayong humalang sa aquin, cung baga aco,, nagcacamali. aco,, umoui na; at nang dumating aco sa aquing tinutuluyang bahay, ay guinuguni guni cong palagui, na cung ano caya ang napapalaman sa casulatang ipaquiquita sa aquing nang caquilala cong si tandang basio. sari sari ang napapasaisip co; at baga man pinapagpag co, ay hindi co rin maitapon sa aquing calooban ang pagalaala nang naturan cong casulatan; at dahilan dito,, uala acong catulog tulog niyong magdamag na yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya ang ibig co baga, at ang ninanasa cong totoo,, sumicat na ang arao, at lumubog tuloy, nang gumabi agad at macaquita aco at macabasa nang inuulit cong casulatan. at, palibhasa,, ang panahon ay ualang catiguiltiguil sa caniyang paglacad, maigui man, masama man ang simoy nang hangin, ang singao nang lupa, ay dumating din ang oras na tinutucoy co sa pagdalao sa aquing quinacaibigang matanda, at agadagad ay naparoon aco sa caniyang bahay. nang aco,, dumating sa bahay nang matanda, ay nagrorosario pa silang mag anac; caya aco,, nag antay, at umupo aco sa liputan nang bacuran, hangan sa natapos ang canilang pagdarasal . pagcatapos nang canilang dasal, ay sumungao si tandang basio sa bintana at pagcaquita sa aquin, ay sumigao nang gayon: aba! cayo, po, pala,, naririyan! cami, po,, inyong patatauarin, at cayo, po,, pinaantay namin diyan sa hamogan. uala, po, ang sagot co, uala, po, acong sucat na ipatauad sa inyo, at uala, po, cayong casalanan, sapagca,, inaagapan co ang aquing pagparito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at comusta po, cayo? cayo, po, yata,, naligo cangina sa bucal. siya nga, po, ang aquing sagot, doon aco,, naligo canginang umaga, at namaril acong tuloy nang caunting oras sa manga tabing palayan. pagcatapos nitong aming pagbabatia,, pagcocomustahan ay pumanhic na aco sa canilang bahay, at capagcaraca,, sumigao si tandang basio nang gayon: silia! cunin mo yaong balutang natatabi sa loob nang aquing caban, doon sa ilalim nang manga damit. pagca maya maya,, ito na si tandang siliang may taglay ang naturang balutan na iniabot sa caniyang asaua. binuclat ni matandang basio, at hinango roon ang isang parang librong munti, at ang uica niya sa aquin: ito, po, aniya, ang casulatang sinabi co sa inyo cagabi. cung gusto po, ninyong basahin, ay basahin, po, ninyo, at cung ang gusto po, ninyo, na aco,, siyang bumasa, ay babasahin co, po. cayo, na, po, ang aquing sabi cay tandang basio, cayo na, po, ang bumasa, at paquiquingan co. salamat, po, cung siya ang inyong gusto .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"subali,, bago cong sapulan ang pagbasa nito,, mayroon, po, acong ipahahayag sa inyo. cayo, po, ang bahala; at aco,, ayunayunan sa inyo. salamat, po, ang ulit nang matanda, at tuloy nag uica sa aquin nang gayon: ito pong casulatan, ay guinaua nang aquing tatay, at palibhasa,, siya,, capoua co ring hangal, ay segurong seguro po,, maraming mapipintasan ninyong salitang hindi matotouid. datapoua,, cung sa laman, po, ay totoong totoo ang nalalaman dini; at cung caya,, pinatotoohanan co, sapagca,, inabot co at naquilala co rin ang lahat nang tauong nasasambit dito sa tinatangnan cong libro . houag, po, cayong, ang sagot co; houag, po, cayong mag alaala niyan at nang anoman, at aco,, isa ring hangal. ang ibig co, po, lamang ay matalastas co ang laman niyang casulatang hinahauacan ninyo; caya, cung baga minamatapat, po, ninyo, ay inyong sapulan na. cung ganoon, po, ay inyo, pong paquingan, at aco,, sasapol na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pagcasagot nang ganito ni tandang basio, ay lumapit siya sa ilao, binuclat niya ang casulatan, pinahiran nang pano ang caniyang mata, suminga nang caunti, tumic him pang dahan dahan, at binasa niyang tuloy itong manga susunod, na isinalin co dito sa papel na ualang culang at ualang labis: buhay nang isang mag anac na tagarito sa tanay. sa taong sanglibo, ualong daan at labing tatlo,, mayroon dito sa bayan nang tanay isang mag anac na mayaman at mabait. aapat silang catauo: ang ama,, ina baga, at dalaua nilang anac, bucod ang manga alila. ang ngalan nang ama ay si. andres baticot na cabezang pasado na cung tauaguin dito,, si cabezang dales; ang pangalan nang ina, ay si .maria dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang angi; at ang ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si prospero ang lalaqui, at si felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si proper at si pili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"dito sa boong bayang ito,, uala cayong ibang mariringig cundi manga pagpupuri sa naturan cong manga tauo, palibhasa,, mababanal sila,, masimbahin; maauain sa manga pobre at mahihirap na tauo; masusunurin sa manga utos nang dios, nang padre cura, at nang manga justicia na cung sabihin co sa catagang uica at: ualang ualang sucat ipagpintas sa canila sa ano pa mang bagay. lumaqui itong dalauang anac ni cabezang dales, at naguing bagong tauo at dalaga, at baga man anac sila nang mayayaman, ay sila una una,, gumugusar nang manga catungculan nang bagong tauo at dalaga sa panahong yaon, sa pagrorosario baga, sa pagsisimba cung sabado, sa pagdarasal, sa paggamas sa patio nang simbahan, at sa iba,, iba pang ugaling gauin nang manga bagongtauo at dalaga. mahusay sa mahusay ang asal nitong dalauang magcapatid, na si pili, baga at si proper. marurunong din sila nang manga catungculan nang tauong cristiano at nang iba pang nauucol sa pagcabuhay, at sa paquiquipagcapoua tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"; ang pananamit nilang magcapatid, at ang quilos man nang canilang catauoan, ay tapat na tapat, na ualang cahalong capalaluan calibugan. ay cung baquit naisipan nang magasaua ni cabezang dales, na paluasin ang canilang anac na si prospero sa maynila nang mag aral doon, anila, nang caunti! hindi co maiisip, hindi co naalaman, cung sinong manunucsong tauo,, naguudioc sa canila sa gayong bagay! nang mabalitaan ni felicitas itong manga naisipan nang caniyang magulang ay nalumbay siyang totoo; at sa malaquing caramdaman nang caniyang loob, ay nangusap siya sa caniyang tatay nang ganito: totoo, po, baga, tatay, na paluluasin, po, ninyo si prospero sa maynila? oo, ang sagot nang caniyang ama. at ano,, paluluasin, po, ninyo? ang sigao ni cabezang dales, baliu ca!, nang siya,, mag aral aral sa maynila nang iba,ibang hindi mapag aralan dito sa atin na para para tayo,, manga hangal, na ualang naalamang iba cundi cumain at mag araro. maano po, tatay, ay houag, po, ninyong paluasin si prospero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ayuan co po; subali,, masasabi co, po, sa inyo, na masamang masamang totoo ang cotug nang aquing loob, at malaquing malaqui, po ang tacot co, na baca sacali,, mapahamac ang aquing capatid, na minamahal at manamabait co pong totoo, cung paluasin, po, ninyo siya sa maynila. houag cang magbaliu baliu, pili, ang sagot ni cabezang andres. baquit, aniya, mapapahamac ang capatid mong si proper, ganiyang cabait siya, paluasin co man siya sa maynila? hindi, po, aco macasagot sa inyo; datapoua,, di baga naquiquita po ninyo, nabalitaan caya, ang nangyayari sa caramihan nang batang pinapag aral sa maynila, na mababait na mababait sila, nang sila,, umalis sa casiping nang canilang magulang, at pag oui, po, nila sa canicanilang bayan, ay iba na ang canilang asal at ugali; na tabi sa di gayon, ay ualang uala silang naalaman, cundi lumigao at gumala oras oras; magsoot nang matitigas, at lumayao sa catauoan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"di baga naquiquita, po, ninyo, nabalitaan caya, na pangagaling sa maynila niyong manga nasabi cong bata, at cahit ano ang natutuhan nila doon; ay pagdating, po, rito sa bayan, sa bayang canilang pinagbubuhatan; ay hindi na sila marurunong gumalang sa matatanda, at ang pagpupugay man po, sa manga puno, at sa manga sacerdote ay hindi na guinagaua? di baga naquiquita, po, ninyo, nabalitaan caya, na ang caramihan nating manga tagalog, tabi sa di ganoon, na nag aaral sa maynila, ay ualang ibang natutuhan doon cundi ang dilang capalamarahan sa canilang capoua tauo? cayo, pong bahala, tatay; cayo rin, po, ang aming susundin; nguni,, ipinamamanhic co pong totoo sa inyo, na bago po, paluasin ninyo si proper, ay cumuha, po, cayo muna nang tanong at sanguni sa ating mahal na padre cura, sa iba cayang nacacaalam; maca, po, sacali; ang inyong casasapitan, ay malayong malayo sa inyong hinahangad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at saca, po, tatay; ay alalahanin, po, ninyo, na sa pagcacamit nang langit, ay hindi cailangang mag aral muna nang uicang castila at canones cung ano pong ngalan niyong pinag aaralan nang manga estudiante sa maynila, at madalas naringig co, po, sa manga confesor, at binasa co pa sa manga libro, na, cung sa panginoon dios, ay ualang castila ualang tagalog, ualang ingles ualang inchic ualang mahirap, ualang mayaman, ualang marunong at ualang hangal; tayo,, para parang hohocoman niya, at ayong sa ating manga gaua, ay ganoon din ang caniyang ganti parusa sa atin. baga man ticang tica nang loob ni cabezang andres, na paluluasi,, paluluasin sa maynila ang caniyang anac, na si prospero, ay pinaquingan din ang matouid, at malaman, at mainit na salita ni felicitas; at baga man hindi sumagot cay pili, doon sa oras na yaon, nang isa mang uica, ay nang quinabucasan niyon, ay naparoon si cabezang dales sa convento, hinanap niya ang aming mahal na padre cura, at doon cumuha nang sanguni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ang cura dito sa amin, niyong panahong yaon, ay baga man castila, (siya,, franciscano na paris nang manga hinalinhan niya, at nang manga humalili sa caniya), baga man castila, anaquin, ay tagalog na tagalog cung sa pangungusap; at palibhasa,, matagal siyang totoo dito sa catagaloga,, naalaman niya ang lahat na manga asal at ugali naming manga indio . caya nang humarap sa caniya si cabezang dales, at ipinahayag sa caniya ang talagang isasanguni sa caniya, ay sinagutan siya nang aming cagalang galang na padre cura nang isang mahaba at malinao na sagot, na sasaclauin co dito sa maicsing salitang susunod: mabuting mabuti ang uica nang padre cura, mabuting mabuti ang inaacala mo, andres; palibhasa,, maigui nga na ang tauo,, mag aral nang mag aral, hangang macacayanan niya, nang manga bagay bagay na carunungan, macatutulong sa caniya sa manga iba,, ibang calagayan natin dito sa lupa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya, naguing cauicaan nang manga pantas na marurunong, na ang carunungan ay hindi nacabibigat, cundi nacagagaan nang manga pasan natin dito sa mundo . nguni,, mayroon acong itatanong sa iyo. cayo pong bahala, ang uica ni cabezang dales. ano caya ang hinahangad mo, hinahabol mo baga sa anac mong si prospero, dito sa pagpapaluas mo sa caniya sa maynila? uala, po, acong ibang hinahabol at ninanasa sa aquing anac cundi ang siya,, matuto nang caunti sa maynila. ay ano, ang ulit nang cura, ay ano, di baga siya,, marunong nang dasal? marunong, po. di baga siya,, marunong bumasa, sumulat at nang manga cuenta pa? aua, po, nang panginoon dios, ay naalaman nang anac co iyang manga bagay na iyan. di caya maalam si prospero nang mag araro mag alaga nang calabao, mangahuy, at nang iba,, iba pang tungcol sa inyong pagcabuhay, at nang ucol naman sa manga catungculan nang tauong cristiano? iyan pong lahat na iyan ay naalaman din ni proper.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"cung ganoon, ang uica nang cura, cung ganoon; ano pa ang hinahabol mo, hinahanap mo cay prospero? ang ibig co, po lamang, amo, ang uica ni dales, ay ang mag aral si prospero nang caunting paquiquipagcapoua tauo, at natatanto rin, po ninyo, na dito sa ating bayan, ay hangal na hangal ang tauo, na halos hindi marunong sumagot, cung causapin ninyo, cundi tanungin po, ninyo silang tungcol sa manga calabao, manga palayan, manga caingin ibang ganito. totoo iyang salita mo, andres; subali,, talastasin mo namang maigui, na malaquingmalaquing camaliang umasa, na ang isang puno nang sampaloc ay mamunga nang bayabas, at isang, puno nang bayabas ay mamunga nang sampaloc. at itong camaliang ito,, nasasainyong lahat halos, na bihirang bihira ang hindi nararamay sa camaliang ito. caya ang nangyayari sa caramihan ninyong manga indio maguing tagalog, maguing visaya, maguing vicol, pangpango, ilocano, etc.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"etc., ay gayon: mayroon cayong caunting salapi, at magcaanac cayo nang lalaqui, at capagcaraca,, tinutucso cayo nang demonio, nang inyong capoua tauo, nang inyong sariling cahunghangan capalaluan, na paluasin baga ninyo sa maynila ang inyong anac na lalaqui, nang doon siya,, mag aral; at hindi ninyong sinusubucan muna,, pinagmamasdan itong inyong anac, cung mabait baga at matalinong siya, matalas caya mapurol ang caniyang ulo, ang caniyang pagiisip, sa macatouid. ang inyong guinagaua lamang sa manga cataonang ganito, at ang inyong iniisip at guinugunam gunam lamang, ay cung quinacaya baga ninyo, hindi quinacaya ang pagbabayad nang pag aaral at pagtira nang inyong anac sa maynila; at cung baga inaacala ninyong nacacayanan din, ay isinusulong ninyo ang inyong banta,, calooban, at siya na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"dahilan dito sa inyong asal, ang nangyayaring cadalasa,, natutunao lamang ang inyong salapi, at ang manga anac ninyo,, ualang ibang pinag aaralan sa maynila, cundi manga capillohan casalauolaan, capalamarahan, at iba,, iba pang masasamang ugali. cung dito, ang tuloy na salita nang aming mahal na padre cura, cung dito sa anac mong si prospero ay masasabi co sa iyo, na minamabait co,, minamagaling cong tauo, at inaari co siyang mabuting cristiano at masunuring anac. subali,, cung sa aquing pagtingin, cung aquing pagmamasid sa caniya, ay tila,, may capurulan ang caniyang ulo, caya inaalaala co, na baca sacali,, cung paluasin mo siya sa maynila, ay hindi lamang hindi matuto ang inaacala mong matutuhan niya roon, cundi bagcus ay masira at mauala pa ang caniyang cabaita,, cagalingan, at ang humalili dito,, ang capusungan at capalaluhan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya ang hatol co at ang aquing sagot sa manga ipinahayag mo at itinanong mo sa aquin ay gayon: houag mong paluasin si prospero sa maynila: sapagca,, ngayon siya,, mabait na anac, mahusay na binata, masunuring cristiano at mabuting cababayan; nguni,, cung paluasin mo siya,, hindi natin naalaman ang caniyang casasapitan. salamat, po, ang ulit ni cabezang dales,salamat, po, at co,, inaaralan ninyo,, hina, hatulan nang magagaling; datapoua,, cundi icagagalit nang aquing panginoon, ay mayroon, po, acong sasabihin sa inyo. hindi, ang banayad na sagot nang aming cura, hindi aco magagalit: caya magsabi ca nang balang maguing calooban mo, at sasagutin co nang macacayanan co. ang aquin pong sasabihing ayon sa inaabot nang mababao cong pag iisip, ay ganito: ang uica ni cabezang dales. na tila po,, ang laman nang manga sinalita ninyo sa aquin, ay ang houag bagang mag aral caming manga indio nang manga iba,, ibang naalama,, pinag aaralan ninyong manga castila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"hindi at hindi, ang biglang sagot nang cura, hindi iyan ang cahulugan nang manga sinalita co sa iyo. maling mali, andres, ang caisipan mo. at cung sa aquin, ay hindi lamang hindi co inaalis, cundi minamagaling cong totoo, na ang manga indio mag aral nang balan nang carunungan maguing sa pagmemedico maguing sa pagmamaestro maguing sa pagpapare maguing sa pag aabogado iba,, iba cayang manga oficio at calagayan natin dito sa mundo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"baquit aco,, magsasaloob nang ganiyan, at mayroon acong naquiquilalang manga pare manga medico manga abogado na para parang manga indio na mahusay na mahusay sila sa cani canilang catungculan, at naguing uliran pa sila nang ibang manga pare manga medico at manga abogado ang ipinipintas co lamang sa inyo: pacatandaan mong maigui, andres; ang ipinipintas co lamang sa inyong manga indio at ang minamasamang totoo nang aquing calooban, ay ang ualang casinghamac na ugali ninyo, na pag nagcacaroon cayo nang caunting cuarta cung mayroon cayong manga anac na lalaqui ay agadagad paluluasin ninyo sa maynila itong inyong manga anac, nang mag aral doon, aninyo, cahit casingtigas nang batobalani ang canilang ulo, at uala silang cabait bait.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya, ang uica co sa iyo cangina, at inuulit co ngayon, at uulitin cong magpacailan man, na, ang caramihan, sa macatouid baga, na sa sanglibong indiong nag aaral sa maynila, ay ang siam na raan at limang puo,, ualang ibang natutuhan doon cundi manga capalaluan, manga casalbahian, manga casalauolaan, manga calayauan nang catauoan at ibang ganganito, at tinutunao pa nila ang salapi nang canilang magugulang. dito rin sa ating bayan ay mayroong maipaghalimbaua aco sa iyo: ano caya ang naalaman ni basteng anac nang nasirang maestrong sensio ganoong catagal siya sa maynila, na cung sa aquing balita,, mayroong ualo siam na taon siya roon? ay ualang ualang iba, cung sa naquiquita co at pinagmamasdan, cundi ang pagsosoot nang matitigas; ang pagmamarunong; ang pagpapaquialam min sa lahat nang bagay; ang pambababayi; ang pagbabangon nang usap sa manga ualang casaysayan, at ang pagpapalalo sa lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at saca hindi sila nagcocompisal sa panahon nang santa cuaresma at magsimba man sila, cung domingo at fiestang pangilin, ay hindi guinagaua nila ito alangalang sa pagsunod sa utos nang santa iglesia, cundi nang sila,, maquita, at sila nama,, macaquita. at bucod dito,, hinihicayat pa nila ang ibang tauo sa paggaua nang canilang guinagaua. di baga totoo ito, andres? icao rin ang magsabi, at mayroon canamang mata, tayinga at pag iisip na paris co. di baga totoo itong aquing sinasalita sa iyo? houag, po, ang sagot ni cabezang dales, houag pong maguing casiraan nang puri nang capoua tauo; datapoua,, ay totoong totoo ang inyong sinasalita, at siyang naquiquita co, at naquiquita nating lahat dito sa bayan. cung gayon, ang uica nang cura, cung gayo,, acalain mo, andres, hugutin mo caya dito sa nangyari at sa nangyayari cay isco, cay julian at cay baste, acalain mo, anaquin, cung ano ang mangyayari sa anac mong si prospero, cung paluasin mo siya sa maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"salamat, po, ang uinica ni cabezang dales sa cura, salamat, po, nang maraming marami, at cung sana sa bulag, ay pinamumulat, po, ninyo ang aquing mata. aco, po,, nagpapaalam na sa inyo, cung uala, po, cayong ipag uutos sa aquin. adios andres, ang uica nang cura, adios andres, at houag mong pahamacan itong hatol pangangaral co sa iyo, sapagca,, hindi nangagaling sa isang biglang sompong, cundi sa isang matagal at sadyang pagmamasid co nang inyong manga ugali at paquiquipagcapoua tauo. yumaon na si cabezang dales sa convento, at nagtuloy sa caniyang bahay, at palibhasa,, balisa ang loob ni felicitas, ay sinalubong niya sa pinto ang caniyang ama, at inosisa sa caniya, cung ano caya ang naguing hatol sa caniya nang padre cura, at ang sagot nang caniyang tatay ay ganoon: ang hatol sa aquin nang ating cura ay paris din nang hatol mo, na houag co bagang paluasin si proper, na baca sacali, aniya,, mapahamac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"datapoua,, isipin co ma,, isipin, ay hindi co matatalastas, cung baquit mapapahamac itong anac co, cung papag aralin co siya nang caunti sa maynila. tatay, ang maamong uica ni pili; tatay, maano, po,, sundin, po, ninyo ang hatol nang ating mahal na cura, sapagca,, siya ang ama nang ating caloloua, at segurong seguro po,, hindi ihahatol niya sa inyo nang gayon, cundi talastas niya, na siyang matouid at tapat sa cagalingan natin. siya nga, ang uica ni dales, siya nga, nguni,, tila nagugulo ang aquing pag iisip, at ang loob co,, catua, sapagca,, hindi co matantong maigui ang tunay na cahulugan nang manga quinacatouiran sa aquin nang ating cagalang galang na padre cura. pabayaan, po, ninyo, tatay, ang ulit ni pili, pabayaan, po, ninyo, tatay, iyang pag iisip na iyan, at houag, po, ninyong alalahanin iyang manga bagay na iyan. cung ano, po, ang hatol sa inyo nang ating mahal na padre cura, ay siya po, ang inyong sundin, at hindi, po, cayo magcacasala sa ating panginoong dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pagcasalita nang gayon ni felicitas ay umalis na ang caniyang ama at nagtuloy sa manga pag gaua niya sa buquid; at buhat niyo,, hindi pinag uusapan nila itong manga bagay na ito; caya lagay na lagay ang loob ni pili, at ang boong acala niya,, hindi na paluluasin si prospero sa maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"datapoua,, nang maguing tatlong lingong magmula nang pagharap ni dales sa aming cura, at casalucuyang pinaguusapan nang mag ina ni felicitas itong di pagluas ni prospero sa maynila, at casalsalang ipinahahayag ni pili sa caniyang ina ang malaquing toua niya dahilan sa hindi pag alis nang capatid, ay siyang pagdating ni cabezang andres, at capagcara,, tinauag niya ang mag ina, at iniutos sa canila nang isang masiquip na utos, na agad agad, ang uica, ay bumili sila nang cayo at gumaua sila nang maraming baro at salaual cat proper, at maghanda pa sila nang manga pano chapin chinelas talla at nang balang cailangan; at sa isang lingo, aniya, ay paluluasin co si proper sa maynila, at papag aralin co doon nang caunti. catacot tacot ang pag iyac ni felicitas nang maringig niya itong utos nang caniyang amba! di mapalagay lagay ang caniyang loob, at sari saring paraan at capamanhican ang guinaua niya, nang houag baga matuloy ang gayong banta nang caniyang tatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"nguni,, nagbingi bingihan si don andres sa manga caraingan at sa manga luha nang caniyang anac na si pili, at inulit nang inulit niya ang utos, na gauing madali nilang mag ina ang ipinagaua sa canila. hangan ngayon oras na ito, na itinatala co sa papel ang nangyari sa mag anac na don andres baticot, ay hindi co maisip isip, hindi aco macapag aacala man lamang, cung sino caya ang nag odyoc humicayat sa naturang dales, sa pagsouay sa matouid na hatol nang cagalang galang na padre cura namin. cung sa aquing sarili, ay uala na acong ibang sucat na pagbintangan at paghinalaan, cundi ang mismong demonio cung dili caya, ay ang pinacacatouan nang demonio dito sa bayan. houag magalit ang sino manga babasa nitong aquing casulatan, dahilan sa manga sinasalita co sa unahan nito, sapagca,, maquiquilala rin niya, dito sa itinutuloy cong historia, ang aquing catouiran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"sa di macuha ni felicitas sa manga capamanhica,, caraingan, ang ninanasa nang caniyang loob, ang houag bagang paluasin si proper sa maynila, ay tumahimic na, at tumulong na siya sa caniyang inda sa paghahanda nang manga ipinahahanda sa canila ni cabezang andres. pagcahanda na ang lahat, at nang dumating ang oras na tucoy, ay nagpaalam na ang mag ama ni prospero sa mag ina ni felicitas; at doon na, ang pag iiyacan nilang lahat; doon na, ang paghahatulan nang isa,, isa; doon na, ang pagbibilinan nang sari saring bilin; doon na, ang pagdadalamhatian nang loob nang nanga aalis at nang nangaiiuan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"bago magcaganito; sa macatouid baga; bago dumating ang arao na tinucoy ni cabezang dales sa pagluas nilang mag ama ni proper, ay si felicitas, na hindi lamang mabanal na mabanal na dalaga, cundi pa nama,, matalas na matalas ang caniyang bait at pag iisip, ay tinauag niya sa lihim ang caniyang capatid na si prospero, at pinangaralan niya, nang mahabang oras, nang madlang bagay tungcol sa maguiguing bagong calagayan niya. pinaquingan ni proper ang manga aral sa caniya nang caniyang ala caca (si felicitas ang panganay), at ipinangaco niya cay pili, na susundi,, susundin niya ang lahat na manga hatol na yaon, at ang tica nang caniyang loob, ani prospero, ay houag sumala sa ano pa mang bagay at ang uica pa, na hindi niya,, iaacsaya ang panahon, cundi bagcus ay mag aaral at mag aaral siya sa caniyang macacayanan, ayon sa gusto at calooban nang caniyang magulang. yumaon na ang mag ama ni prospero, at nagtuloy sa maynila; at nang umoui na si cabezang dales na mangaling sa maynila, ay ina co!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"sinalubong siya ni cabezang angi at ni felicitas doon pa sa calzada linapitan siya,, linibutan, at quinusot pa nila ang caniyang damit nang cacacalvit sa caniya, na halos hindi pinatutuloy siya sa bahay, hangang di sumagot sa manga susong susong tanong na guinaua nilang mag ina. comusta si proper?, ang tanong ni cabezang angi. ano, po, ang lagay ni prospero?, ang tanong ni pili. mabuti, baga, ang bahay na quinatitirahan?, ang ulit ni cabezang maria. hindi, po, caya natatacot siya sa maynila?, ang bagong tanong ni felicitas. maca, po, siya,, magcasaquit doon sa quinatitirahan! nacausap mo, baga, ang caniyang catedratico inosisa, po, ninyo ang ugali nang caniyang casera ito at iba pang lubhang maraming manga tanong na pauang bigla at patong patong, ang guinaua nang mag ina ni pili sa canilang asaua,, ama, na si cabezang dales baga, nang itong si dales ay doroon pa sa calzada .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"sinagutan ni don andres ang lahat na manga tinuran cong tanong nang mag ina ni pili; at polus na maigui, at polus na caaliu aliu ang isinagot at ibinalita sa canilang tungcol cay prospero, at ang uica pa ni dales sa canila: houag ninyong alalahanin si proper, at mabuting mabuti ang caniyang lagay. malaqui ang toua ni cabezang angi nang maringig ang sinasalita nang caniyang asaua; datapoua,, ang loob ni felicitas ay hindi mapalagay lagay. at saan di magcacagayon? binasa niya sa manga libro, na ang manga anac, na malayo sa mata nang magugulang ay ang cadalasa,, napapahamac at nauaualan nang cabaitan, at itong bagay na ito,, siyang inaalaala niyang palagui arao at gabi; at siyang pinangangarap niya sa pagtulog, na hindi maalis alis sa caniyang calooban itong pag aalaalang ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya, magmula nang lumuas si prospero, ay dinagdagan niya,, dinagdagan ang caniyang manga dating panalangin, at ang hinihingi niya sa panginoon dios, ay iligtas at iadiya niya ang caniyang capatid sa dilang masasama. nang maguing dalauang buang buhat nang pag alis ni prospero dito sa bayan, ay may dumating sa tribunal isang sulat, na galing sa correo at ang nababasa sa sobre sa taquip, baga, nang sulat ay ganito: distrito de morong la senorita dona felicitas baticot en el pueblo de tanay. nagtauanang di hamac doon sa tribunal ang manga oficiales ang manga bantay, ang manga cuadrillero at ang iba,, ibang tauong naroroon sa tribunal, pagcabasa ni testigong carlos, (ingatan nang panginoong dios), ang sobre nang naturang sulat, at ang uica nang isa,isa: sino, caya, itong senoritang bagong litao dito sa ating bayan? sino, baga, itong mahal na princesang natatago dito sa atin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"tayo pala, ang sigao nang isang matanda na capitang pasado, na ang ngala,, pedrong ilag, tayo pala,, mahal ding tauo, at mayroon tayong manga cababayan na manga senorita! at itong manga salitang ito,, sinundan pa nang marami at sari saring casistihan at capusongang di co sasabihin, palibhasa,, mapag uauari uari rin nang capoua cong tagalog, at nang sinomang nacaquiquilala nang manga ugali at asal naming manga tagalog. nang macalipas lipas na ang canilang pagtatauanan at pagsisistihan, ay ipinadala nang alguacil mayor na si gabriel ang pangalan, ang nasabing sulat doon sa pinadadalhan. si cabezang dales ang pinag abutan nang bantay nang inulit na sulat; at nang basahin ni dales ang nasusulat sa sobre ay agad agad iniabot cay felicitas, ang uica,, sigao: pili! ; parini ca; cunin mo; itong sulat ay para sa iyo: madali ca at basahin mo, at seguro,sulat nang capatid mo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"nang mabasa ni felicitas ang natatala sa taquip nang sulat, nang mabasa niya, anaquin, ang uicang: senorita ay sumamang lalo sa dati ang caniyang calooban; nguni,, hindi ipinahalata niya sa caniyang magugulang; cundi binuclat niya ang sulat at binasa sa harap nila. ang laman nang sulat ay ganito: pagcabasa ni tandang basio itong manga sinusundan na salita, ay tiniclop niya ang casulatan, at ang uica niya sa aquin: ito pong manga sulat ni prospero at ni felicitas na naquiquintal dito, at aquing babasahin, ay tunay na tunay na manga sulat nang naturang magcapatid, na isinalin dito nang tatay co, na ualang culang at ualang labis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at nang cayo, po,, maniuala dito sa aquing sinasalita, ay sasabihin co, po, sa inyo, na si felicitas ay pamanquin sa pinsang boo nang tatay co; na sa macatouid, baga, si cabezang angi ay pinsang boo nang aquing ama; at palibhasa,, silang dalaua nang tatay co at ni felicitas, ay nagkakaisang caloobang tungcol sa pagpapaluas ni cabezang andres cay prospero sa maynila; ay ipinaquiquita ni felicitas cay tatay ang balang isinusulat niya cay proper, at sa caniya. caya, po, ualang ibang guinaua ang tatay co dito, cundi magsalin nang magsalin nang nasabing manga sulat, ng ipaquita sa caniya ni pili. at cung caya naalaman din nang aquin pong tatay ang laman nang sulat ni cabezang angi, at ang casagutan sa caniya ni proper, (na dito rin babasahin co); sapagca,, ipinaquita naman ni pili sa tatay co, niyong ipagbili ni cabezang angi ang lahat na manga pag aari nilang mag ina, na dito ring sinasalaysay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"demasiado po, cayong delicado, ang sagot co cay tandang basio sa uicang castila,, tagalog: demasiado, po, cayong delicado cayo, po,, bumasa nang bumasa, at malaqui, pong, totoo ang nasa cong maalaman ang caouian niyang historiang binasa ninyo. itutuloy co, po, ngayon din, ang uica nang matanda. at cung caya aniya, sinaysay co, po, sa inyo itong manga bagay na ito, ay maca sacali,, ang isip, po, ninyo, na pauang casinungalingan ang aquing binabasa, bago bago,, pulos na catotohanan ang nalalaman dito, at aco rin ang sacsi nang lahat. ituloy, po, ninyo, ang utos co sa aquing caibigang matanda, ituloy, po, ninyo ang pagbasa niyan, at para parang pinaniniualaan co ang lahat na nasasaclao riyan. salamat, po, ang ganting uica sa aquin ni tandang basio: at itinuloy niya ang caniyang binabasa, na ganito baga: ang laman, po, nang nasabing sulat ni prospero ay yari: minamahal, na ualang casing mahal na capatid cong pili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ayon sa pangaco co sa iyo, ay sumusulat aco ngayon sa iyo, nang matalastas mo ang aquing calagayan, at ang paquiquiramdam co dini sa maynila. bagay sa calagayan co,, maiguing maigui ang aquing lagay. tatlo caming magcacasamang estudiante ang natitira dito sa bahay na ito: ang isa,, taga paco, ang isa nama,, taga bulacan, at saca aco; na cung pagmasdan mo cami ay tila cami manga tunay na magcacapatid. cung ano ang gusto nang isa,, siyang gusto naming lahat, na sa macatouid: ayon ayonan cami sa lahat nang bagay. pangagaling namin sa clase ay lumalayao layao cami nang caunting oras sa manga calzada at sa manga paseo at cung minsan ay napaparoon cami sa manga pagsasayauang bahay, na dito sa maynila,, marami. ang aming casera,, mabait na mabait, at maamong maamo, at bihirang bihirang nagagalit. umaayon siyang palagui sa cagustuhan naming tatlo, at cung sacali,, cami ay cagalitan nang caniyang santulon na asaua, ay siya ang aming tagapagtangol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"bagay naman sa aquing paquiquiramdam dito, ay caguilio guilio cong capatid! ang masasabi co sa iyo, na ang damdam co,, aco ay isang pobreng bulag, na ngayon, ngayon lamang nacamulat nang mata. caya, nang aco,, bago pa dito sa maynila,, pinagtatauanan acong parati nang aquing manga casama, sapagca,, palaguing aco,, namamanga sa aquing paglacad. uala acong di pinagtatachan, uala acong di quinatitilihan! ang manga almacen ang manga tindahan ang manga castila na sari sari ang soot at pangungusap; at sa catagang uica, ang lahat lahat na manga bagay bagay, na naquiquita co,, napapanood co dito,, para parang pinagtatac han co! datapoua,, ngayon, ay iba na ang aquing caisipan, at iba naman ang calagayan nang aquing loob. ngayo,, naquiquita co, na dito sa maynila,, naririto ang civilizacion . ngayo,, naquiquilala co, na ang ating manga ugali diyan sa ating bayan, ay malayong malayo sa manga ugali nang tauong civilizado .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya ang pananamit, ang pangungusap, ang paqiquipagcapouatauo, ang manga quilos, at ang iba,, iba pang asal nang manga tagarito,, malayong malayo sa naquiquita nati,, inaasal diyan sa canitang bayan. ano, pa,, cung sa aquing pagcatalastas ngayon, ay angat na angat tayo sa manga dapat asalin nang tauo dito sa lupa. houag cang magalit, pili, dahilan dito manga sinasalita co sa iyo. cung icao sana,, macaluluas, at macapagmamasid ca nang manga asal nang manga tauong taga rito sa maynila, ay segurong segurong sasabihin mo, na ang lahat na ipinamamalita co sa iyo, at catotohanan at hindi casinongalingan. inaantay co ang casagutan mo. cung sa ganang aquin, ay ipinangangaco co sa iyo na maalaman mo rin sa manga sulat co, ang aquing isinasaloob na lahat. comusta nang maraming marami si tatay at si nanay, pati ibang manga camag anac natin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ipagpacomusta mo aco naman cay doni anac ni capitang valer, at mag utos ca nang balang maguing calooban mo dito sa cababa babaan mong capatid, na si prospero baticot. malaquing malaqui; malaqui, na di ganoon lamang, ang toua,, saya nang mag asaua ni cabezang dales, nang maringig nila ang napapalaman sa sulat nang canilang anac na si prospero. minamariquit nilang totoo ang mga sinasalita roon ni proper; at ang isip nila baga,, nacarating na ang canilang anac sa cataluctucan nang carunungan. caya, habang binabasa ni felicitas ang naturang sulat, ay ualang lagot ang agos nang canilang luha at ang tulo nang canilang lauay, gaua nang malaquing toua nang canilang puso, at lalong lalong lumaqui ang buhos nang canilang luha at lauay, nang basahin ni pili yaong manga uicang civilizacion, civilizado at iba pang manga uicang castilang nahahalo roon sa sulat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"tumutulo ring di hamac ang luha ni felicitas habang binabasa niya ang sulat nang caniyang capatid; datapoua,, itong luha ni pili ay hindi galing sa toua, cundi sa malaquing calumbaya,, capighatian nang caniyang loob. ay baquit caya ganoon?, ang itatanong sa aquin marahil nang manga bumabasa nitong casulatan. baquit caya ang iquinatotoua nang magulang ni prospero, ay siyang icalulumbay nang caniyang capatid? sasaysayin co, sa aquing macacayanan, itong manga bagay na ito. ang mag asaua ni cabezang dales, baga man mababait na tauo, at mabubuting cristiano, na parang sinasabi co sa itaas, ay capagsabata nila,, ualang ibang guinaua, cundi magsimba nang madalas; magcompisal sa panahon nang santong cuaresma, magrosario na gabi gabi sa canilang pamamahay; at ang ibang oras at arao ay tinutucoy nila,, sinasamantala sa pagtatrabajo at sa paghanap nang pagcabuhay. at liban dito,, uala na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"hindi sila bumabasa basa nang manga libro hindi sila palamasid sa tauo; hindi sila marurunong na maghihinala sa capoua tauo: at paniualain silang totoo. ano pa,, hindi marunong na cumutcot at humanap sa ilalim nang manga salita nang tunay na cahulugang natatago sa licod nang manga paimbabaong uica. ang balat lamang ang canilang tinitingnan, at hindi nila inuusisa ang nasacailaliman. at nang sabihin co sa catagang uica: ang mag asaua ni cabezang andres ay sila ang tunay na cahalimbaua nang tinatauag naming manga tagalog na manga tauosa una . caya, nang maringig nila ang laman nang sulat ni prospero, ay lubos na lubos ang canilang paniniuala, na ang canilang anac ay nacapag aral na nang marami sa maynila, at hindi mandin dumaan sa canilang pag iisip ang paghihinala ang pagdidili dili man lamang, na maca sacali,, sumama ang asal ni prospero doon sa maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"subali,, si felicitas, na bucod sa cabanalan, ay pinagcalooban din nang panginoon dios nang isang matouid at matalinong isip, at nang isang matalas na pag iisip, ay naquilala niyang capagcaraca, at hinango niyang agad doon sa manga salisalita ni prospero sa caniyang sulat, na ang caniyang capatid ay lumilihis na sa matouid na daan, cung sana sa lumalacad, ay tumutungtong sa manga lanay cumanoy. at baga man pinaglalabanan ni pili at iniuauacsi itong masamang cutog nang caniyang loob, ay hindi rin mapagpag pagpag niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"dahilan dito,, umiiyac siyang palagui, at hindi macacain nang mahusay, at hindi macatulog nang mahimbing, caya yumayat siya,, namutla nang di hamac; at sa di matiis na niya itong gulo nang caniyang isip at loob, ay naparoon siya sa aming padre cura. itong si felicitas ay mahal na totoo sa aming cura, hindi alang alang sa cagandahan nang catauoan ni pili, (si felicitas ay hindi maganda, bagcus may capangitan), at hindi naman alang alang sa ano pa mang bagay, na may cahalong paquinabang, cundi alang alang lamang sa cabutiha,, cagalingan nang caniyang caloloua. caya, nang matanao nang aming cura si felicitas, at nang mapagmasdan ang caniyang catuang anyo, ay sinalubong siya sa cabahayan nang convento, at binati nang gayon: ano, baga, iyan, pili? ano,, icao,, namumutla at nangangalumata? icao baga,, nagcasaquit?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"uala, po; ang sagot ni felicitas uala, po, acong anomang caramdaman, aua nang panginoon dios; at cung caya, po, aco,, naparito sa inyo, sapagca,, mayroon, po, acong ipaquiquita sa inyong isang sulat ni prospero. sumulat na pala sa inyo iyan layas na iyan? ang masayang tanong nang cura. oo, po. at ano ang laman nang sulat? iba,, iba, po; at cung caya ipinaquiquita co po, sa inyo,, nang maalaman co sa inyo pong mahal na labi ang totoong cahulugan nang manga sinasalita ni prospero. ito, po, ang sulat; inyo, pong basahin. dinampot nang aming cura ang sulat sa iniabot sa caniya ni felicitas, binuclat niyang tuloy, binasa nang dahandahan at tiniclop uli; at bago siya macapag uica nang anoman, ay tinanong siya ni felicitas nang gayon. ano, po, ang inyong tingin diyan? ano, po, ang inyong sapantaha diyan sa sulat na iyan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ipinamanhic co, po, at ipinag aamo amo co pong totoo sa inyo; na cung mangyayari sa inyo pong mahal na calooban, ay sabihin, po, ninyo sa aquin ang tunay na cahulugan nang laman niyang sulat na iyan, na nacagugulong totoo sa aquing loob at bait, buhat nang dumating sa aquing camay at basahin co. umupo ca muna, ang uica nang cura, umopo ca muna, pili, dini sa banco sasabihin co sa iyo ang aquing sinasapantaha dito sa sulat na ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"naupo na si felicitas sa bancong itinuro sa caniya, at tuloy nag uica ang aming cura nang ganoon: itong sulat na ito nang capatid mong si prospero, ay cung basahin nang paimbabao; basahin caya nang manga hindi nacacaalam nang manga ugali ninyong mag ama at magcapatid; basahin baga nang manga hindi nacapagmasid nang asal nang manga tagalog; basahin caya nang manga tauong ualang sariling pag iisip; ay segurong segurong sasabihin nila, na itong sulat na ito,, mariquit at matino, at ualang ibang cahulogan cundi ang magbalita si prospero sa inyo nang caniyang calagayan sa maynila. datapoua,, cung sa canita ay iba na ang cahulogan, at malayong malayo sa sucat acalain nang ibang tauo. cung sa ganang aquing, ang tuloy na uica nang cura; cung sa ganang aquing, ay sasabihin co sa iyo, na malaquing malaqui, at masamang masama ang cahulogan nitong sulat na ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"gaya, sumama man ang loob mo, ay di co ililihim sa iyo, pili, ang napasaloob co nang basahin co; at cung caya, gayon ang aquing gaua, ay maca sacali,, bucas macalaua,, sisihin aco nang ating panginoon dios, dahilan sa di co pagsasabi sa iyo nang totoong nasasacalooban co, nang icao,, cumucuhang tanong sa aquin. ang hinahango cong laman sa ilalim nang manga salisalita nang capatid mo dito sa caniyang sulat, ay ang siya,, nahuli capagdaca sa silong iniumang sa caniya nang demonio, at caya, ang dating minamaitim niya, ay minamaputi niya ngayon; at ang dating minamaputi niya,, minamaitim niya ngayon. cahimanauari, magcamali aco dito sa aquing sapantaha paghihinala! nguni,, acala co,, hindi aco lumalayo sa catotoohanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"habang nagsasalita nang ganito ang aming mahal na padre cura, ay uma agos ang luha sa mata ni felicitas, caya inosisa nang cura sa caniya ang bagay at dahilan nang caniyang pag iiyac, at ang sagot ni felicitas ay ganoon: paano, po, hindi aco iiyac, at iyang din, pong sinasalita ninyo, ay siyang cumacalicot na palagui sa loob co? itiguil mo iyang pag iiyac mo, pili, at uala cang ibang macacamtan sa pag iiyac, cundi saquit lamang nang catauoan. ipanalangin mo si prospero sa panginoon dios, nang siya,, amponin at iligtas sa dilang masasama. siya, po, ang aquing guinagauang parati: datapoua,, ibig co pong maalaman sa inyo, cung ano cayang mabuting isagot co cay prospero diyan sa caniyang sulat. cung sa natuturang pagsagot, ay marami ang maisasagot mo sa caniya; subali,, dito sa lagay nang capatid mo, tila,, mauaualang halaga ang lahat nang casagutan mo, maguing ano ang iyong sabihin sa caniya. baquit, po, amo,, gayon ang inyong uica?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya gayon ang aquing salita, sapagca,, ang lagay ni prospero sa maynila, ay siyang siya nang lagay nang isang olila sa ama,, ina, at capatid at camag anac pa, na ualang macapipiguil sa caniya, at uala naman siyang quinaaalang alanganan. ganoon man, ay sabihin mo sa caniya, na houag baga limutin niya ang manga pagtuturo nang magulang mo sa caniya; nahouag mauili sa manga lamang bayan at sa maririquit na salita nang manga quinacasama niya; na houag maparahio sa manga cagandahan nang mundo; at iba,, iba pang ganito, na mamatapatin mong isagot. napaiyac nang panibago si felicitas nang maringig itong sagot at hatol nang aming cura, at pagcamaya maya,, nagpasalamat siya sa cura, humalic nang camay at nagpaalam na. nang dumating siya sa caniyang bahay, ay sumulat cay prospero nang ganito: caguilio guilio cong capatid: tinanggap co ang minamahal cong sulat mo, ay cung baquit, pagcabasa co,, napaiyac acong totoo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"hindi co masaysay nang maigui ang dahilan nitong aquing pag iiyac, subali,, tila aco,, nagcagayon, sapagca,, ang sapantaha co sa aquing loob na mag isa, ay icao,, iba na ngayon sa dati. at acala co,, may catotoohanan itong aquing sinasapantaha, palibhasa,, ang hinuhugot cong laman sa sulat mo, ay maraming bagay bagay ang minamasama mo ngayon, na dati dati ay minamaigui mo, at balictad, marami ang minamaigui mo ngayon, na dati dati ay hindi minamagaling mo. dahilan dito,, nagugulong totoo ang aquing bait, na ang uica co baga sa aquing loob na sarili ay ganito: cung si prospero,, nasacatouiran, aco,, uala, at cung aco,, siyang nasacatouiran, si prospero,, malayo. caya aco,, nagtanong at nagtanong sa manga nacacaalam, at inosisa co pa, sa manga sucat cong paniualaan, itong bagay na ito, at ayon sa canilang aral sa aquin, ay masasabi co sa iyo, na tila icao, nga,, siyang nagcacamali, at tumutongtong sa madulas na tungtungan, gaua, yata, nang cahangalan mo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"houag cang magalit sa aquin, proper, dahilan dito sa manga sinasalita co, at uala acong ibang hinahangad dito sa manga sabi cong ito, cundi ang cagalingan nang caloloua mo. caya mayroon pa acong itatanong sa iyo. baquit icao,, mauiuili ngayon sa manga sayauan, at naalaman mong dati na ito,, baual na baual sa atin nang ating cagalang galang na padre cura? ano,, pinupuri mo ngayon ang manga quilos quilos, at ang manga pananamit na dati dati ay pinipintasan mo? ano,, minamasama mo ngayon ang manga mapapayapang ugali natin dito sa bayan, at minamabuti mo ang manga maliligalig na asal nang taga riyan sa maynila? ay caibig ibig cong capatid! houag cang maparaya sa demonio, na cung saan saan iniuumang niya ang manga silo, at binabalutan pa niya nang sari saring maririquit, nang macahuli siyang madali nang manga caloloua nang tauo, at maihatid niya sa infierno!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"houag cang mauili, proper; houag cang mauili, at houag cang maniuala sa manga iba,, ibinabalita sa iyo, cundi mo natatanto muna, na ang nagbabalita,, mabait na tauo, at ang ibinabalita,, totoo at magaling. alalahanin mong palagui, na, cung minsa,, sa ilalim nang mababangong bulaclac, at maririquit na damo, ay may nagtatagong ahas, na mabisa ang camandag. icao,, icao,, siyang inaalaala cong palagui, baca gaua nang cabataan mo,, icao ay mapahamac. si tatay at si nanay, at gayon din ang manga camag anac natin ay nagpapacumusta sa iyo nang maraming marami. aua nang panginoon dios, ay mabuti at ualang saquit caming lahat. ipinagtatagubilin cong totoo sa iyo, proper, ang pagdarasal nang santo rosario gabi gabi, nang icao,, tulungan at ampunin nang mahal na virgen sa lahat na manga panganib. ang panginoon dios ang mag ingat sa iyo at sa ating lahat, at mag utos ca, nang balang maguing calooban mo, sa iyong caauaauang capatid, na si, felicitas baticot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"tinangap ni prospero itong sulat nang caniyang capatid, at baga man minamahal niyang totoo, sa caniyang loob na sarili, ang manga pangangaral ni felicitas sa caniya; subali,, palibhasa,, iba na sa dati ang carununga,, caasalang umuusbong at tumutubo sa caniyang bait at calooban, ay ipinaquita niya ang sulat ni felicitas sa caniyang dalauang casamang estudiante, na ang uica niya baga: tingnan ninyo itong sulat nang capatid cong dalaga; inyong basahin, at cung mangyayari sa inyong loob, ay sabihin ninyo sa aquin, cung ano cayang mabuting isagot co riyan. binuclat at binasa nang taga paco, na ang ngala,, julio, at nang taga bulacan, na ang ngala,, francisco, ang naturang sulat, at sabi ni julio cay prospero sa uicang parian ay ganito: seguro este hermana de vd. demasiado beata tambien . at ang uica naman nang taga bulacan na si francisco: tila,, santulon na totoo ang capatid mo. siya nga, ang sagot ni prospero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"maano,, punitin mo, proper, iyang sulat na iyan, ang sigao nang estudianteng taga paco. ganoon, ang tuloy na uica niya, ganoon ang ugali nang manga beata beatang taga rito man, at taga bundoc. cundi mo sila,, parisan sa pagdadasal nang marami; cundi mo sila,, gayahan sa pagsosoot nang carmin, nang correa, nang cordon; cundi mo gauin ang ibang manga cabaliuang guinagaua nila,, masama ca nang tauo. sabihin mo riyan sa capatid mo iyan, na siya,, magdasal nang marami; magcolacion arao arao; magsoot nang cilisiong mula sa paa, na hangang sa ulo, at houag maquialam siya sa iyo. houag naman, proper, ang biglang uica ni francisco; houag cang sumagot nang ganoon sa capatid mo. ito naman si julio,, labis na magsasalita! sumulat ca sa capatid mo, at sabihin mo lamang natanto mo ang laman nang caniyang sulat, at susundin mo nang lubos na pagsunod. cung ganito ang sagot mo; acala co,, matotoua siya, at hindi ica,, paghihinalaan nang ano pa man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ito at ibang manga ganito ang pinag uusapan niyong tatlong magcacasamang estudiante at baga man masaquit sa loob ni prospero ang manga salita nang caniyang manga casama, lalong lalo ang manga uinica ni julio; at cahima,, pinaglalabanan pa nang caniyang bait ang pagtangap niyong manga bucang bibig na yaon, ay tinangap din niya, at umayon sa masasamang sumbong sa caniya nang caniyang manga casunong estudiante, at alinsunod sa gayong sumbong, ay gumanti siya sa sulat ni felicitas nang ganito: caibig ibig cong capatid na si felicitas. natatanto co ang laman nang iyong mahal na sulat, at susundin co, na aquing macacayanan, ang manga aral at bilin mo sa aquin subali,, aco,, napatacang totoo doon sa manga salita mo, na ang uica mo baga; na tila aco,, iba na ngayon sa dati; na di umano, ang sabi mo pa, ay minamaigui co ngayon ang dati cong minamasama, at minamasama co ngayon ang dati cong minamamaigui: na acala mo,, tumutungtong aco ngayon sa madulas na tungtungan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"saan di aco,, magcacaganito, capatid cong guilio? di baga sinabi co sa iyo sa nauna cong sulat, na, cung sana sa bulag, ay ngayon lamang nacamulat aco, nang mata, at nacaquiquita nang maliuanang? caya houag cang magalit sa aquin, pili, cung iba ngayon sa dati ang manga catouiran at caugalian co, sapagca,, ngayong lamang luminao ang aquing pagtingin, na dati dati ay malabo. at cung ipahahayag co sa iyo ang totoong totoong nasasacalooban co ngayong oras na ito,, sasabihin co sa iyo na hindi lamang hindi aco tumutongtong sa madulas na tungtungan, cundi bagcus uiuicain co sa iyo, na aco,, nasasacatuoiran, at icao,, uala. acala co,, cung caya gayon ang salita mo ay sapagca,, hindi icao,, nacaaalis alis diyan sa ating bayan; hindi icao,, nacaquita quita nang asal nang caramihang tauo; hindi icao,, nacaringig dingig nang manga bali balita nang manga bagay bagay na nangyayari dito sa mundong ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"caya minamasama mo ang manga tauong hindi nagsisimba arao arao, at hindi nagdadasal nang marami, hindi caya gumagaua nang manga devosiong inuugali mong gauin; nguni,, hindi mo iniisip, na ang tauo,, namamatay sa capighatian nang loob, cundi siya,, lumayao layao na miminsan minsan sa manga catouaan at casayahan. cung sa iyo, ay ituloy mo,, ituloy ang iyong dating caugalian, datapoua,, houag mo acong paghihinalaan sa anomang bagay, at marunong na acong cumilala ngayon nang magaling at nang masama. houag mong masamain, pili, itong aquing manga salita, na hindi nga masasama, baga man hindi mo pa rin natatalastas na maigui, gaua nang caquitiran at caiclian nang manga itinuturo sa atin diyan sa canitang bayan. ibig co sanang dumating agad ang panahon nang pagvavacasion namin, nang aco,, macapagsaysay sa iyo, nang maliuanag na maliuanag, nitong manga bagay na ito, na, segurong seguro,, minamasama mong totoo ngayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"cung may aua ang panginoon dios, ay darating din ang tadhanang arao na ninanasang totoo nang loob co at saca tayo,, macapagsasalita, at macapag uusap nang balang nasasaloob natin. ipagcumusta mo aco cay tatay at cay nanay at sa lahat na, at sabihin mo cay nanay, na malacas ang pagtaba co,, palagui dito sa maynila. ipagcomusta mo naman aco cay doni, at mag utos ca nang balang macacayanan nang mababa mong capatid na si, prospero baticot. sabihin pa ninyo, manga bumabasa nitong historiang ito, ang pagnanangis ni felicitas, nang matanto niya ang napapalaman dini sa sulat na ito! dibdib niya,, ibig pumutoc sa malaquing capighatiang nasisilid doon; ang luha niya,, ualang lagot; ang caniyang hicbi ay suson suson; at uala siyang ibang sucat busan nang loob, cundi ang caniyang cura at confesor, ay doon nga naparoon nang quinabucasan niyong pagtangap niya nang sulat ni prospero. totoo nga, na si pili ay may ama at ina, subali,, itong caniyang magulang, ay parang baliu ang tayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"namamanga sila sa paquiquinig nang manga minamariquit nilang salita ni prospero sa caniyang manga sulat, at hindi lamang hindi nila masabi, cung yaong manga salitang yao,, mabuti masama, cundi, ang masid ni felicitas, ay minamaigui nila ang lahat, at doon ang quiling nang canilang loob, caya hindi siya sumanguni sa caniyang magulang. naparoon, anaquin, si felicitas sa convento, at halos hindi pa nagbigay siya nang magandang arao sa aming mahal na padre cura, ay napaiyac siya at napasigao nang catacot tacot. nagulat ang aming cura, at agad agad inusisa niya cay pili ang bagay at dahilan nang caniyang pag iiyac at pagsigao; at sa di macasagot at macapangusap itong si felicitas, gaua nang pananaghoy, na ga nacahahalang at nacasasara nang caniyang lalamunan, ay iniabut niya sa cura ang sulat ni prospero, na taglay niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"dinampot nang cura ang naturang sulat, binuclat niya,, binasa, at capagcaraca,, naquita niya ang mabisang camandag na nagtatago sa ilalim nang manga salita ni prospero sa caniyang sulat; at tuloy nag uica cay felicitas nang ganito: itiguil mo iyang pag iiyac mo, pili, at sinabi co na sa iyo, na, uala cang ibang masasapit diyan sa pag iiyac mo, cundi isang mabigat na saquit. talastas co nga, na ang lagay nang capatid mo,, sucat icasindac at icaiyac mo, sapagca,, masamang totoo ang caniyang tayo. subali,, pacacatantoiun mo naman, na ang gamot na quinacailangan ni prospero, ay hindi mo macucuha sa pag iiyac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ang cahalimbaua nang capatid mo, ay isang puno nang cahuy, isang macetas caya, na itinatanim sa masama,, pacat na lupa, na diliguin mo ma,, diliguin maya,, maya, ay hindi lumalago, at di man nanariua, cundi bagcus nalalanta, at tila,, naghihimatay, at camatayan ding ualang sala ang caniyang casasapitan, cundi mo isalin, ang naturang cahoy macetas sa ibang matabang lupa, na cahiyang niya. iyan din, po, ang imic ni felicitas, iyang din, po, ang nasasaaquing calooban; subali,, po,, mahirap na mahirap ipatalastas sa magulang co itong bagay na ito; palibhasa,, ang boong acala at ang boong asa nila,, si prospero ay umiigui,, umiigui, at hindi sumasama sa caniyang dating lagay nang caloloua,, catauoan. caya, po, ipinamamanhic co sa inyo, na, cung baga,, mangyayari sa inyo pong loob, ay pangaralan, po ninyo ang tatay at ang nanay co, at sabihin, po, ninyo sa canila, paouiin na nila dito si prospero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"oo, ang sagot nang cura, oo, gagauin co,, sasabihin co sa magulang mo iyang lahat nang iyan; nguni,, hindi co maipangaco sa iyo, na macacamtan natin ang ating hinahabol, sapagca,, ang damdam co,, matigas na totoo ang loob nang tatay mo tungcol sa bagay na ito. ang damdam co, po,, ang lalong mahirap na pabaliquin loob ngayon, ay si nanay; at caya, po, ganoon ang aquing salita,, sapagca,, ang pagmamasid co, po,, natotoua nang labis na toua ang aquing nanay, nang basahin co ang manga sulat ni prospero, na iningatan niya, at pinababasa sa aquin nang madalas. ating atuhan, ang uica nang cura, ating atuhan. ngayo,, umoui ca na, at houag cang umiyac, at houag mo namang alalahanin itong manga bagay na ito. sundin mo lamang ang una cong hatol sa iyo, na sa macatouid: ipanalangin mo sa ating panginoon dios ang capatid mong si prospero nang siya,, iadiya,, iligtas sa dilang masasama, at ang panginoon dios na ang bahala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"nagpaalam na si felicitas, at nang dacong hapon niyong ding arao na yao,, nagpasial ang aming cura, at naparaan sa tapat nang bahay nina cabezang dales. nang magdaan ang aming cura sa calzada ni cabezang andres, ay nagcatong gumagaua gaua ang mag asaua ni cabezang angi sa silong nang canilang bahay, at pagcatanao nila sa cura, ay lumabas ang mag asaua sa calzada sinalubong ang cura, hinalican nang camay, at pinaraan pa siya sa canilang bahay. pinasalamatan sila nang cura, at nagdahilan, na siya,, maglalacad lacad pa; subali,, tumiguil siya, at nagcocono conouari siya,, nanonood nang manga bulaclac na tumutubo sa loob nang bacuran nang canilang solar at nagtanong sa naturang mag asaua nang iba,, ibang tungcol sa manga bulaclac at ibang manga pananim, na natanao doon; at caalam alam nila,, ang uica nang aming cura: seguro,, si prospero ang nagtanim niyang mga halaman na iyan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"siya nga, po, ang sagot ni cabezang angi, siya nga po; sila pong dalauang magcapatid ni pili ang nagtanim niyang lahat na manga halaman na iyan. at ano caya, ang malaman na tanong nang cura, ano caya ang lagay ni prospero sa maynila? mabuti, po, ang bigla,, sabay na sagot nang mag asaua ni dales, mabuti, po, aua nang panginoon dios. ay ano baga, hindi caya sumama roon ang caniyang dating mabuting ugali? ang damdam, po, namin, ang sagot ni cabezang angi, ang damdam, po, namin, ay hindi siya sumasama, cundi umiigui pa, po, sa dati. salamat, cung ganoon, ang uica nang cura, salamat, cung ganoon, subali,, iba ang aquing balita. ano, po, ang iyong balita? ang tanong nang mag asaua. ang balita co,, masama na ngayon ang caniyang ugali. segurong seguro po, ang sigao ni cabezang angi, segurong seguro po,, ang nagbalita sa inyo niyan ay ang amin pong felicitas!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"masasabi co, ang tugon nang cura, masasabi co ang manga naringig cong balita; datapoua,, hindi co dapat ituro, cung sino sino ang aquing quinaringgan. at nang sabihin co sa inyo ang totoo, ay pacatantoin ninyo, na masamang masama ang tayo ni prospero. narahio siya capagdaca sa manga hibo nang mundo at nang demonio, at cundi ninyo paalisin, pacatalastasin ninyong maigui, cundi ninyo paalisin agad agad siya sa maynila, at paouiin dito, ay masama ang casasapitan niya, at masama naman ang casasapitan ninyo. hindi aco manhuhula; subali,, tila,, hindi aco nagcacamali sa panghuhula cong ito. nang naringig nang mag asaua ni dales itong salita nang aming cura, ay napaiyac sila capoua, at pagcamayamaya,, nag uica si cabezang andres nang ganito: maca, po amo, iyang manga balitang iyang dumating sa inyo,, hindi totoo; at talastas, po, ninyo, na, cung minsan, ang gangabutil nang palay, ay ginagaua nang manga bibigang tauo na casinglaqui nang latore nang ating simbahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"totoo iyang sinasabi mo, andres, at siya nga ang caraniua,, cadalasang nangyayari dito sa mundong ito: subali,, cung sa ganang aquing, ay masasabi co sa inyo, na ang lahat na manga ibinabalita co sa inyong tungcol cay prospero, ay hinango co,, sinimot sa mistula,, tunay na bucal. caya, cayo nang bahalang sumunod sumuay sa hatol co sa inyo, na paouiin ninyo baga, at patirahin dito sa bayan ang inyong anac. baquit, po, hindi, ang sagot ni cabezang andres, baquit, po, hindi namin susundin ang inyong hatol? asahan, po, ninyo, na cung totoo ang ipinamalita, po, ninyo sa amin, ay agad agad cucunin co si prospero sa maynila, at ipagsasama co, po, rito. nagpaalam na ang cura, at ang uica,, siya,, maglalacad lacad pa. humalic uli nang camay si dales at si angi, at yumaon na ang cura. dito, po, ang uica ni tandang basio sa aquin, dito, po, sa binabasa co ngayon, ay mayroong isang nota .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"inyo pong basahin, ang sagot co. ang nota pong sinulat nang tatay co,, ganito: marami ang sucat cong ipagpuri sa tinuran cong padre cura namin; nguni,, ang iquinatotoua cong totoo sa nasabing padre, ay ang caniyang ugali, na magsabi sa sangnaliuanag, at ualang palico licong salita, nang totoong nasasacalooban niya, inaabot nang caniyang pag iisip, na ualang binubucod siyang tauo. cunan ninyo siya nang sanguni sa ano pa mang bagay, at capagcaraca,, sasabihin niya sa inyo, na yaong isinasanguni ninyo sa caniya,, mabuti masama, cung dili caya, ay uiuicain sa inyo, na hindi quinacaya nang caniyang pagiisip ang paghatol sa inyo nang mabuti at matouid, tungcol doon sa bagay na isinasanguni ninyo sa caniya. at dito sa manga paghatol niyang ito,, hindi inaalumana niya, cung yao,, icagagalit ninyo, icasasama nang loob ninyo sa caniya. na sa macatouid; ang totoo at tapat ang inihahatol niya sa inyo, na ualang caalang alanganan ni sa inyo, ni sa ca niya ni sa canino man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"hangan dito, po, ang nota ang sabi ni tandang basio. ngayon, po, aniya, ngayon, po,, cung gusto ninyo, ay itutuloy co, po, ang aquing binabasang salita nang tatay co. ituloy, po, ninyo, ang aquing sagot. nang umalis ang aming cura, at maiuan nang mag isa ang naturang mag asaua, ay nag uica si cabezang angi sa caniyang asaua nang ganito: ano baga, dales? totoo caya ang ipinamalita sa atin nang ating cura? ayauan co baga; subali,, ang ating cura ay hindi nagpapatotoo nang hindi natatanto niyang totoo. ito lamang ang masasabi co sa iyo. ay ano caya ang mabuti nating gauin, dito sa ating lagay? ayauan co, ang sagot ni cabezang andres, ayauan co sa iyo. icao ang bahalang mag isip, cung ano caya ang mabuti diyan. ang naisipan co, ang uica ni cabezang angi, ang naisipan co,, sumulat sa lihim cay proper, at mag usisa sa caniya, cung totoo, hindi totoo itong balitang dumating sa atin, at doon sa caniyang sagot, ay mahahango na natin ang dapat nating paniualaa,, gauin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ay siya, ang sagot ni dales, ay siya, magpasulat ca na cay pili, nang matanto nating madali itong manga bagay na ito., !, ang sigao ni angi, !, hindi co ipagagaua cay pili ang sulat na naisipan co. at ano?, ang tanong ni andres. sapagca,, ang damdam co,, ang ating pili ay caayon nang cura, at ang cura,, caayon ni pili, tungcol dito sa manga locong balitang ito. cung ganoon, ay icao ang bahalang magpagaua sa canino man niyang sulat na iyan. aco na nga ang bahala, ang sagot ni angi; houag cang mag alaala. hindi co inusisa, at hindi co rin nabalitaan, cung sino caya ang sinuyo ni cabezang angi, inupahan niya baga, sa paggaua nang caniyang sulat; datapoua,, naalaman co, palibhasa,, binasa co rin, naalaman co, anaquin, na ang laman nang nasabing sulat ay ganito: caibig ibig na ualang casing ibig cong anac. cahimanauari datnan ca nitong aquing sulat, na ualang sacunang anoman sa caloloua,, catauoan; cami naman dito, aua nang panginoon dios, ay mabuti caming lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ang bagay at dahilan nang pagsulat co sa iyo, iniirog cong anac, ay nang maalaman co sa iyo rin, cung totoo, dili caya ang balitang dumating sa amin nang tatay mo; na di umano,, icao ay panoo,paganoon; na icao ay iba na sa dati; na ang ugali mo ngayon ay malayong malayo sa inuugali mo rito, at iba,, iba pa. houag mong ilihim sa aquin, anac cong guilio, ang totoong asal at tayo mo riyan. ipaquita mo, at ipahayag mo sa aquin ang balang iniisip mo, ang balang nasasacalooban mo, ang balang ginagaua mo, nang maalaman co ang totoong calagayan nang caloloua,, catauoan mo, nang cata,, gamutin hatulan nang matouid, cung baga,, quinacailangan mo ang hatol gamot. inaasahan namin nang tatay mo ang casagutan mo dito sa aquing sulat; subali,, houag mong ilagay sa taquip nang sulat mo ang pangalan ni pili, cundi ang pangalan co, ang pangalan nang tatay mo. ang ating panginoon dios,ang mag ingat sa iyo. sumagot ca nang madali sa masintahin mong ina, na si maria dimaniuala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"hindi aco marunong; hindi aco nag aaral sa maynila nang anoman; uala acong naalaman cundi bumasa at sumulat nang caunti; ang calabao ay siya ang aquing quinacasamang palagui; nguni,, gayon man, ay sa inaabot lamang nang aquing caunting pag iisip, ay talastas co na cung ang tauong may casalanan, ay siya mong tanungin tungcol sa caniyang casalanan, ay itatatua niyang agad, (at siyang caraniuang naquiquita natin); cung dili caya, ay babauasan niyang ualang sala ang caniyang caculangan. at ito nga ang nangyari cay prospero. inoosisa ni cabezang angi sa caniya ring anac, cung totoo hindi totoo, na siya,, (si prospero baga), macasalanang tauo, at ang sagot ni prospero, na siya,, hindi macasalanang tauo. pagcalaqui laquing camalian nina cabezang angi dito sa pag uusisang ito! ang pagcaalam co,, na cung dito sa manga cataonang ito,, hindi dapat tanungin ang may catauoan, cundi ang ibang tauong may tapat na loob. itutuloy co uli ang pagsasalita nang manga nangyari sa mag anac ni cabezang dales.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"tinanggap ni prospero ang sulat nang caniyang ina; binasa niyang minsan, macalaua, macaitlo pa; guinunamgunam niyang maigui ang nangapapalaman doon; at natulig siyang tuloy. at sa di maisip niya, cung ano caya mabuting sagot sa caniyang ina, ay isinanguni naman niya itong bagay na ito sa caniyang manga casamang estudiante . binasa ni estudianteng francisco ang sulat ni cabezang angi, at inabot niyang tuloy cay julio, at pagcabasa nitong si julio ang naturang sulat, ay nagtauataua siya, at ang uica cay prospero. mahirap ang tayo mo proper! ang tanong ni prospero. sapagca,, ang damdam co,, marami ang nanunuboc at nagbabantay sa iyo. subali,, cung ibig mong sundin ang ihahatol co sa iyo, ay. susundin co, ang biglang uica ni prospero susundin co nang lubos na pagsunod, cung baga,, matouid at tapat ang hatol mo sa aquin. cung ganoon, ang ulit ni julio, cung ganoon ay ito na,, paquingan mo ang talaga cong sasabihin sa iyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ang pagcatalastas co, aniya diyan sa mga sulat nang nanay mo at nang capatid mong dalaga, ay ang sila,, manga beata beatahan na hindi nila naalaman cung alin caya ang canilang canang camay, at para parang natatacot sila, na maca icao,, mapahamac dito sa maynila, sapagca,, ica,, malayo sa canila, at hindi icao,, naqui quita nila. dahilan dito,, ang ano anomang balitang dumarating sa canila tungcol sa iyo, ay cahima,, gangabutil nang bigas lamang, ay guinagaua nilang ganga calabao nang laqui. ay ano, ang tanong ni prospero, ay ano caya ang dapat cong isagot sa canila? apurado ca naman! ang sigao nang taga pacong estudiante, apurado ca naman!, hindi pa tapos ang aquing sinasalita, at nagtatanong ca na. paquingan mo, hombre, ang tuloy na salita ni julio; paquingan mo, hombre .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"diyan sa manga sulat nang nanay mo, at nang capatid mo, ay hinahango co,, ga naquiquita co, na sila,, ualang malisia at paniualaing totoo, caya ang hatol co sa iyo,, ganito: sumulat ca sa canila, at sabihin mo lamang, na ang ugali mo ngayo,, mabuti at mabuting mabuti pa sa dati; at asahan mo, na sila,, maniniuala sa iyong sabi, at matutoua pa sila nang di biro biro. tusong tuso ang uica nang estudianteng taga bulacan, tusong tuso itong si julio! sundin mo nga, proper, ang caniyang hatol, na acala co,, maigui; at bucod dito,, cung ganoon ang sagot mo sa canila, ay hindi icao,, paghihinalaan nang manga nanay mo. umayon mandin si prosper sa hatol nang manga casama niya; at sumulat cay cabezang angi nang ganito: caibig ibig at cagalang galang cong ina: tinangap co, po ang minamatamis cong sulat ninyo, at nang aquing pong basahin, ay nalumbay na totoo ang aquing calooban.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"guinugunam gunam co, pong maigui ang laman nang inyong sulat, at pinagbubulay bulay co, po, cung ano,, anong guinagaua co rito sa maynila; at sa uala acong naalamang masamang guinagaua co rito, ay iniisip co, po, cung sino caya ang baliu maopasalang tauong nacasira nang inyo pong mahal na capayapaan nang loob, nang pagbabalita sa inyo nang manga sinongalin at maling balita, at uala rin, po, acong maisip, na sucat cong pagbingtangan; caya, po, ang totoo ang sasabihin co sa inyo. aco, po, nanay, ay ualang guinagaua ditong masama, at ang ugali co, po, ngayo,, hindi masama sa dati, cundi, acala co,, maigui pa, po, sa roon, palibhasa, po,, ngayon, ay tumatalas talas ang aquing pag iisip, at lumilinao linao ang aquin pong bait, at naquiquilala co, po, ngayon ang magaling at ang masama, na dati dati di co, po, nababatid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ang pag aaral ay siya co pong pinagsisipagan, at uala, po, acong ibang calibangan, cundi ang paglacadlacad, na maminsan minsan, sa manga paseo at sa manga calzada pagcatapus nang aquing manga obligacion . caya, po, ipinamamanhic co, po, sa inyo, nanay, na houag baga maniuala cayo sa manga sabi sabi nang manga tauo, na ang cadalasan po,, naninira sila nang puri nang capoua tauo, gaua lamang nang canilang capanaghilian, casamaan nang ugali, nang canilang cahangalan caya. ipagpacomusta, po, ninyo aco cay tatay at cay pili, at sa lahat nang camaganac at caquilala natin, at mag utos, po, cayo nang balang nasa inyong mababang lincod at masintahing anac, na si prospero baticot. di masaysay ang toua,, saya ni cabezang angi nang mapagtalastas niya ang cahulugan nitong sulat nang caniyang anac. tingnan mo, tingnan mo, ang uica niya sa caniyang asaua, tingnan mo andres, itong sulat ni proper, at diyan maalaman mo ang totoong calagayan nang anac ta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"diyan lamang aco,, naniniuala, sapagca,, ang ating anac na iyan, ay hindi magbubulaan sa aquin. caya sa maniuala ca,, sa dili, ay sasabihin co sa iyo, na ang lahat na ibinabalita sa canita nang ating cura, ay purong cagagauan ni pili, na ang isip niya baga,, tayo,, para parang masasama, at siya lamang ang maigui. tiguilan mo iyang balita mong iyan, angi, ang biglang sagot ni cabezang dales, na tila,, may cahalong galit; tiguilan mo iyang salita mong iyan, angi, at houag mong pagbintangan si pili at houag mo siyang siraan nang puri. ang ating pili, ay hindi marunong magsinungaling, hindi marunong magbintang sa capoua tauo, hindi marunong mag upasala; at cung baga sacali,, siya,, nagsalita sa iyo nang anomang bagay tungcol cay proper, ay asahan mo, na iyan, ay hindi gaua nang casamaan nang loob ni pili, cundi gaua lamang nang cahigpitan nang caniyang conciencia gaua caya nang catalasan nang caniyang pag iisip, na umabot sa hindi ta maabutan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"salamat nang maraming marami sa ating panginoon dios, cung ang lagay nang caloloua,, catauoan ni proper ay maigui na para nang ninanasa mo,, ninanasa co naman!, subali,, houag mong paguicaan si pili nang caunti mang uicang masama. marahil siya,, nasa catouiran, at cata,, malayo! pagcaringig ni cabezang angi nitong mainit na salita nang caniyang asaua, ay tumicom na siya, at mula noon, ay hindi pinag usapan nila si prospero, at hindi man sinambit nila ang caniyang pangalan. nguni,, lumacad ang panahon, at sumapit ang arao na tadhana nang pagvavacacion at ito na si prospero, na dumating dito sa bayang sacay sa isang maganda at mariquit na cabayong may paso na ipinasalubong sa caniya ni cabezang angi doon sa cainta. uahi ang bohoc, quiling ang sombrero mapungay ang tingin, maputi at matigas ang salaual at baro, botitos ay maquintab at maquipot, at pinangungusapan pa niya ang cabayo sa uicang castila .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"nagtatanungan sa plaza cung sino caya yaong lalaquing dumaan doong matigas ang soot, at mabilis na parang quidlat ang tacbo nang cabayong sinasaquiyan niya; at ang manga dalagang taga rito sa tanay, na may pagcaosiosa nang labis, ay silang una unang nagtatanungan at nagsasagutan. iyan, po, ang uica nang isa, ay ang anac ni cabezang angi. iyan, po,, si proper, na taga ilaya, ang sagot nang iba. iyan, po, ang sagot nang caramihan, iyan, po,, ang estudianteng anac ni cabezang dales. iyan, po, ang capatid ni pili, ang sigao nang iba. iyan, po, ang uica naman nang isang dalaguitang naroroon sa plaza iyan, po,, si baticot na cabanal banalan cung tauaguin naming manga bata doon sa ilaya. pababayaan co itong manga salitang ito, at sasabihin co lamang, na ang toua ni cabezang angi ay lumalo nang di hamac sa dati, nang maquita niya ang anyo at quilos nang caniyang anac. ualang di iquinatotoua niya cay prospero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ang caniyang lacad; ang pagsasalita; ang pagcudunday cunday, at ang cabutingtingan pa sa pananamit, ay para parang minamahal at pinupuri ni cabezang angi. caya pagpanaog ni prospero sa bahay, ay tinatanao at tinatanao nang caniyang ina na hangan sa inaabot nang caniyang mata. subali,, iba,, iba ang lagay nang calooban nang isa,, isa sa bahay ni dales, at siya cong sasalitain ngayon. ang tayo nang loob nang mag anac ni cabezang dales sa panahong yao,, ganito: si cabezang andres ay nagmamasid na totoo cay prospero, datapoua,, namamalisa siya,, hindi natututong mamintas magpuri caya sa ugali niya. ang puso ni cabezang angi ay gaibig pumutoc, gaua nang malaquing toua niya, at ualang ualang di ipinupuri niya sa caniyang anac. ang totoong caaua aua,, si felicitas, at caya ganoon, sapagca,, ngayo,, naquiquita na nang caniyang mata, at nariringig nang caniyang tainga, ang dati dati ay sinasapantaha niya lamang at pinaghihinala. caya ang cadalamhatian nang caniyang loob, ay lubhang mabigat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at saan di magcacagayon? pinagmamasdan niya ang manga ugali,, asal ni prospero, ay naquiquita niya, na pagcaguising nang caniyang capatid cung umaga, ay naghihilamus siya nang mahabang oras linilinis niya ang caniyang ngipin, sinusuclay ang buhoc at pinapahiran pa nang manga pomada sinasabon ang camay nang mababangong sabong caniyang dala, at pagcatapos, ay magbibihis nang bago, cahima,, malinis at matigas pa ang damit nasacaniyang catauoan, at tuloy nananaog, at gagalagala cung saan saan, hangan sa siya,, nagugutom. pagcacain ay sulong na naman, na hindi siya tumitiguil sa bahay, cundi sa oras nang pagcain, at hindi sisipot cung gabi, cundi hating gabi na, at hindi maquiquipagrosario at hindi naman tumutulong siya nang caunti man lamang sa caniyang ama, at hindi man naquiquialam nagtatanong tanong tungcol sa pamamahay pagcabuhay nang magulang, na ualang uala siyang guinagaua, cundi lumigao arao,, gabi sa manga dalagang nababalitaang maganda dito sa bayan, at siya na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"saan di, anaquin, magcacagayon si felicitas, at bucod sa manga sinasalita co na, ay naquiquita rin niya, na ang pagsisimba man nang caniyang capatid, cung domingo at piestang pangilin, ay catua? cung magsimba si prospero sa manga lingo at manga piesta, at tatayo tayo siya sa pinto nang simbahan, (na siyang huling pumasoc at unang lumabas); at sinisilip silip niya ang manga dalagang dumaraan sa caniyang harap, at sinasabugan pa niya nang manga uicang bulaclac, na cahalay halay paquingan saan man, at lalong lalo na sa manga lugar na yaon. at hindi lamang ito, cundi, pa naman, sa pagsasalitaan nilang dalauang magcapatid, ay hinango ni felicitas na malinao na malinao, na mali at sinsay sa catouiran ang pag iisip ni prospero tungcol sa maraming bagay na ucol sa caloloua. itong lahat na ito, inuulit cong sabihin, ay naquiquita at pinagmamasdan ni pili, at siyang iquinalulumbay na totoo nang caniyang loob, at iquinasisiquip nang caniyang dibdib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pagcatapos nang pagvavacasion ni prospero, ay lumuas siyang uli sa maynila, nang maituloy ang pag aaral. subali,, hindi na pinangatauoanan niya ang pag aaral, cundi ang pagligao lamang, ang pagsusoot nang maririquit, at ang paglayao niya sa manga catouaan dito sa mundo. dahilan dito sa manga inougali ni prospero doon sa maynila, ay nagcautang siya nang marami, at nang dumating ang arao nang pag eeksamen ay nagkaroon siya nang nota nang reprobado . nguni,, itong lahat na manga bagay na ito,, inililihim niya,, ipinagcacaila sa caniyang magulang; at nang siya baga,, macabayad nang ibang manga utang niya, ay sari saring idinadaing at ipinagdadahilan sa caniyang ina sa manga lihim na sulat, nang siya,, padalhan nang caunting salapi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pinaquiquingan ni cabezang angi ang manga caraingan nang caniyang anac, at dala nang aua, (nang isang falsong aua), ay pinadadalhan din si prospero nang caniyang ina nang salaping hinihinging pagtago sa caniyang asaua at cay felicitas; at dahilan dito sa falsong aua ni cabezang angi sa caniyang anac, ay lalong lalong nagmamalaqui si prospero at nagmamayaman doon sa maynila, at lalong lalong nangangahas siya, at lalong lalong nalulubog siya sa lanay, na dati niyang quinatutungtungan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"hindi co iisaisahing salitain ang lahat nang cabangauang guinaua ni prospero doon sa maynila, at mapapacahabang totoo itong aquing casulatan, caya lalactauan co ang marami, at sasabihin co lamang na si prospero,, nagtumira nang apat na taon sa maynila, at liban sa naunang taon, ay uala na sa caniyang loob ang pag aaral, cundi ang pagmamalibog: na hindi man pinaquiquingan niya ang pangangaral at pagbabala sa caniya nang caniyang catedratico at cung caya nagcaroon siya nang nota nang reprobado na tatlong taong sunod sunod. at bucod dito,, nagcautang siya nang maraming calapastanganan, na linilisan cong talaga. nguni,, itong manga casalanan niya, ay hindi lamang hindi pinamamalayan niya sa caniyang magulang at manga camaganac, cundi bagcus ay sari saring paraan at susong suson na cabulaana,, casinongalingan ang caniyang guinamit, nang houag baga mahalata nila ang masama at cahabag habag na calagayan niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at gayon din ang caniyang guinaua, nang houag siyang cagalitan nang magulang dahilan sa hindi pagvavacasion niya dito sa tanay nang dalauang tauong magcasunod. datapoua,, palibhasa,, sa ating panginoon dios ay ualang sino, at palibhasa nama,, ang lahat na manga bagay bagay dito sa mundong maraya,, may catapusan; ay dumating din cay prospero ang tadhanang arao, at dinaquip siya nang justicia, at piniit sa bilangoan, dahilan sa manga utang, at iba,, ibang manga cabaliuang guinaua niya sa maynila. itong lahat nang ito,, nagcataon sa catapusan nang icapat na taong magmula nang si prospero,, nag aaral sa maynila at casalucuyang siya,, inaantay nang caniyang magulang dito sa tanay, alinsunod sa caniyang pangaco, na siya,, paririto at magvavacasion dini sa caniyang bayan. calumbay lumbay ang nangyari sa mag anac ni cabezang dales dahilan dito. tinangap nila ang isang sulat ni prospero, at doon itinutucoy niya ang arao nang pag alis niya sa maynila, na patungo rito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"malaqui ang toua nilang lahat nang mabalitaan nang ganoon, subali,, ang toua ni cabezang angi, nang matanto niya ang napalaman sa sulat ni prospero, ay lumalo na di hamac sa lahat, palibhasa,, mayroon nang tatlong taong di nasisilip silip niya ang muc ha nang caniyang caibig ibig na anac, at gustong gusto niyang maquita. caya dala nang malaquing toua niya,, nasang maquita ang caniyang anac, ay pinasalubungan niya si prospero nang isang matuling at mariquit na cabayo doon sa cainta, niyon ding arao na itinucoy ni prospero sa caniyang sulat. nang magcaganito,, nag aantay ang magasaua ni cabezang andres, pati ni felicitas nang pagdating nang canilang anac at capatid, at handa na ang caniyang pagcain pati bihisan. at sa di dumarating dating nang macaanimas na, ay namamalisa silang lahat, at pinag uusap usapan nila ang dahilan nang gayong pagcaluat, at ang uica nang isa. baca, nahulog si prospero sa cabayo! baca, hindi nacaquita siya nang bangca!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"seguro ,, guinabi siya sa taytay sa binangunan caya, at doon na siya,, matutulog, at mag aantay nang sicat nang liuayuay, ang uica naman nang isa. ganoon nang ganoon ang pinagsasalitaan at pinag uusapan nilang mag anac, na hindi nagcacaisa ang canilang caisipan at narito na ang isang oficiales na nangagaling sa tribunal, at may tangang isang oficiong sulat nang sr. alcalde mayor sa maynila, na ang laman ay ganito: cung sa uicang tagalog: gobernadorcillo sa tanay. pagtangap ninyo nitong orden cautusan, ay papaharapin ninyo dito sa alcaldia mayor ang dalauang catauo, na si. andres baticot at si dona maria dimaniuala ang manga ngalan, nang sila,, macasagot sa sumariang guinagaua dito sa juzgado contra sa canilang anac na si prospero baticot dahilan sa manga utang at ibang manga capangahasan. tuparin ninyo agad itong utos na ito at ipatanto sa aquin ang catuparan. alcaldia mayor sa. sa icatlong arao nang buan na junio nang taong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"catacot tacot ang pag iiyacan at caguluhan nilang lahat nang matanto nila ang cahulugan niyong sulat nang sr. alcalde mayor . ualang naalaman gauin, ualang naalaman sabihin. dinaluhan sila nang capitbahay at nang ibang tauong nacaringig nang manga sigauan nila, at hindi mapalagay lagay ang canilang loob, pangaralan man sila nang manga uicang caalio alio. di tuloy cumain nang hapunan, at di nahiga sila nang caunting oras man lamang niyong magdamag na yaon. at nang quinabucasan nito ay ipinagtagubilin ni cabezang andres ang caniyang pamamahay at ang caniyang anac na si felicitas sa isang capatid niya, na si juez na godio ang ngalan, at lumacad na silang mag asaua, na patungo sa maynila. di co man sabihin, acala co,, mapaguauari rin nang sino mang bumabasa nitong aquing casulatan ang cadalamhatian nang loob at casicpan nang dibdib nang mag asaua ni dales sa canilang paglacad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"uala silang ibang nasa, cundi ang macarating silang agad sa maynila, nang maquita nang canilang sariling mata, nang maringig nang canilang sariling tainga, sa catagang uica: nang maalam nila ang totoong calagayan at ang manga bagay bagay na casalanan nang canilang anac na si prospero. caya uala sa canilang loob ang gutom at ang pagod. sila,, nagugutom nga,, napapagod pa, nguni,, hindi nila inaalumana itong manga hirap na ito, at ga hindi nila dinadamdam. isa lamang ang iquinaiinip nila, ang calayuan baga nang linalacaran nilang daan; sapagca,, gaua nang malaquing pagnanasa nilang dumating sa maynila, ay minamalayo nilang totoo ang dati dati ay minamalapit nila. cung sasaysayin co ang lahat na nangyari sa naturang mag asaua doon sa maynila, at ang lahat na naisipan nila, at ang lahat na dinamdam at iquinahirap nang canilang calooban, ay ina co! hindi matatapos tapos itong aquing salita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"subali,, palibhasa,, ang naguing ugali co sa aquing manga pagsasalita, ay houag gumamit nang maraming uica cung isasaclao co rin lamang sa caunti; at palibhasa,, masama rin naman, cundi co salitain ang nangyari sa mag asaua ni angi doon sa maynila, ay ito na ang talaga cong sasabihin sa tipid na uica: nang humarap ang mag asaua ni cabezang andres sa hocom, sa sr. alcalde mayor baga; at nang naringig nila sa bibig nang nasabing sr. alcalde ang dami nang pinagcacautangan ni prospero; at ang capal nang salaping caniyang inutang, sampon nang ibang cabalia,, capangahasang guinaua niya, ay natilihan silang totoo, at caunting caunting naboual at nanhimatay na capoua. datapoua,, palibhasa,, magulang ay nagpacatibay sila nang loob; at nang houag bagang mapahamac na lalo ang canilang anac, cahima,, macasalana,, palamara; ay nangaco sila sa sr. alcalde na sila,, magbabayad nang lahat nang utang nang canilang anac pati nang manga perjuiciong guinaua niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"naglagay sila nang fianzang hinihingi sa canila nang sr. alcalde at hinango nila tuloy sa carcel si prospero, at capagcaraca,, ipinagsama nila sa bangca, at sumuba silang tatlo dito sa tanay. nang maguing dalauang lingong magmula nang pagharap nina dales sa sr. alcalde ay may dumating dito sa tribunal, ang isang mahigpit na orden sa maguinoong capitan, na ang iniuutos baga doon, ay pacatantoin niya sa magulang ni prospero baticot, na sila,, magdala magpadala, agad agad, sa juzgado sa maynila nang ganoong salapi, (hindi co maalaala ngayong oras na ito, cung magcano ang lahat, subali,, matatandaan cong maigui, na macapal na totoo,) at cung sacali,, hindi sila magbayad macabayad nang nasabing cantidad ay gapusin nang maguinoong capitan ang mag asaua ni dales, pati anac nila na si prospero at ipaluas niya sa maynila casama nang isang oficiales at manga cuadrillero .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at nang houag anang utos, magcacahalang ang anomang cataonan, ay embargohin niya capagdaca ang lahat nang pag aari ni don andres baticot pati nang sa caniyang asaua na si dona maria dimaniuala. ipinatanto nang maguinoong capitan cay cabezang dales itong utos na ito, at hindi cumibo si andres, cundi itinungo ang ulo, at ang uica,, siya,, sunod sunuran sa utos nang manga puno. subali,, nang aalis na ang aming maguinoong capitan, ay ipinamanhic ni cabezang andres sa caniya, na cung mangyayari sa caniyang loob, ay houag bagang ipaembargo niya muna ang canilang pag aari, at siya,, magbabayad at magbabayad nang lahat na ualang culang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pagcaalis nang maguinoong capitan, ay binilang ni andres ang salaping natatabi sa bahay at sa di umaabot nang calahati man lamang sa pagbabayad nang manga utang, at ibang manga perjuiciong sinabi sa canila nang sr. alcalde ay ipinagbili niya ang canilang manga hayop, at manga palayang iba, na ualang natira sa canila, cundi tatlong calabao lamang, at caunting lupang bubuquirin. pagcaipon ni cabezang dales nang hustong salapi, ay iniluas niya sa maynila, at binayaran niya ang manga utang na lahat, at umoui na siya dito sa tanay. magmula niyon, ay nasira ang capayapaan sa sangbahayan nina cabezang angi. totoo nga na hindi sila nagcacasiraan, at hindi naman sila nagtataniman; subali,, sa loob man lamang, ay nagsisisihan silang lahat, dahilan sa nangyari, at nagtuturu turuan nang casalanan nang isa,, isa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at saca, paglibhasa,, dati dati ay maguinhaua ang canilang tayo, at ngayo,, mahirap na, ay ga quinucutcot ang calooban nang isa,, isa nang pag aalaala nang canilang dating calagayan, at tila sumasama at tumatabang ang canilang loob, na cung minsa,, tumutulo pa ang luha sa canilang mata. at cung caya ang uica co cangina,, nasira ang canilang capayapaan. nang mangaling si cabezang andres sa maynila, nang macabayad na sa nasabing manga utang, ay tinauag niya si prospero, at pinangusapan niya sa harap ni cabezang angi at ni felicitas nang ganito: proper, malalaquing totoo ang perjuicio at casiraang guinaua mo sa magulang mo,, capatid. hindi lamang naualan tayo nang pag aari, cundi puri natin ay cacalat calat sa bibig nang tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ipinatatauad namin sa iyo itong lahat nang ito, datapoua,, ipinamamanhic din namin sa iyo, na mula ngayon, at magpumilit cang tumalicod sa masasamang ugaling pinag aralan mo sa maynila; mag asal ca na nang asal cristiano at tumulong ca sa amin sa paghanap nang pagcabuhay. mahirap man tayo ngayon, ay hindi tayo mauaualan nang macacain at nang pananamit natin, sa pamamaguitan nang tulong at aua nang panginoon dios, cung tayo,, masisipag sa trabajo . malaqui ang aua at pag ibig ipinaquita namin sa iyo, proper, caya gantihan mo rin cami nang capoua aua at nang capoua pag ibig. ito lamang ang hinihingi namin sa iyo; subali,, magingat ca rin, proper, at houag mo acong biguian uli nang dahilan sa pagpaparusa sa iyo, sapagca,, cung magcagayon, ay lulubusin co na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pinaquingan ni prospero itong pangangaral at pagbabala sa caniya nang caniyang amba, at humingi siyang tuloy nang tauad sa magulang at capatid, at ipinangaco pa niya, na hindi na siya gagaua uli nang anomang icagagalit nila icasasama nang loob. nang ito,, matapos, ay nagsapol sila nang bagong buhay, sa macatouid: buhay nang mahihirap, at hindi na sila mayaman. subali,, cataca taca itong mag anac ni cabezang andres! mahihirap man sila ngayo,, hindi ninyo mahahalata ang canilang cahirapan! dati sila,, masisipag at mababait, na parang sinabi co sa itaas; caya nang sila,, datnan niyong sacunang sinalita co na; ay ualang catiguil tiguil sila. si cabezang dales casama ni prospero ay gumagaua sa buquid, sa bundoc sa bayan, na ualang tahan. si cabezang angi ay nagbibigas lumalala nang banig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"si felicitas naman, dati dati ay hindi nananaog sa bahay, cundi sa pagparoon sa simbahan, sa ibang bagay na totoong cailangan, ay gumagaua ngayon nang sari saring luto at pagcain, at itinitinda,, ipinagbibili niya sa plaza umaga,, hapon. caya hindi sila,, nauaualaan nang anomang cailangan, at ang canilang lagay ngayo,, nagcacaparis din, (cung sa tingin nang tauo), sa dati nilang calagayan. at sa catunayan, ay magtanong cayo sa canino man dito sa bayan, at asahan ninyo, na hindi sasabihin sa inyo baga, na ang mag anac na cabezang dales ay mahihirap, cundi ang isasagot sa inyo, na sila,, maguinhauang tauo, at mayayaman. nguni,, oh carupuca,, caiclian nang manga bagay bagay dito sa mundong maraya! ang paimbabaong caguinahauaha,, capayapaan nang mag anac ni cabezang andres, ay hindi natagal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"si prospero, na nararatihan na sa manga layao nang catauoan, ay nabibigatan siyang totoo ngayon at nahihirapan sa pag aararo, sa pagtaga nang cahoy at cauayan, sa pagpaparagos, at sa iba,, ibang trabajong caraniuang gauin nang caniyang ama na si cabezang dales. caya, nang maguing dalaua tatlong lingong magbuhat nang siya,, tumutulong sa caniyang ama sa pagtatrabajo ay dumaing siyang totoo sa caniyang ina, nang pamamaltos nang camay, nang saquit nang bayuang at nang pamamanhid nang litid nang boong cataouan niya. quinauaan siya ni cabezang angi, pinaligpit niya sa bahay, at ipinagamot sa manga mediquillo dito sa bayan. nang magcagayon ay naaua naman si cabezang dales sa caniyang anac, at hindi lamang hindi ipinagsama niya sa trabajo cundi bagcus, ay ipinagtagubilin sa mahigpit cay cabezang angi, na ipagamot sa manga mediquillo at alagaan niyang maigui.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"datapoua,, pag naguing iilang arao, at nang mapagmasdan ni dales, na ang caniyang anac, ay hindi gumagaling galing, cung sa pagtatrabajo nguni,, maigui at malacas siya, cung sa pagligao at paggala, ay nagalit na di hamac, at pinaguicaan tuloy si prospero nang masasaquit na uica. sumama uli si prospero sa caniyang amba sa pagtatrabajo subali,, hindi niya panangatauoanan, at hindi man inaalumana niya ang paggaua, cundi nagdadahi dahilan siyang palagui nang sari sari, gaua lamang nang caniyang catamaran at masamang ugali. uala siyang cacusa cusa nang munti man, at nang sabihin co nang biglang sabi; ay hindi siya gagaua nang ano anoman, cundangan ang mahigpit na lagay niya, at ang catacutan niya sa caniyang amba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"itong lahat nang ito,, pinagmamasdan ni cabezang andres, at cahima,, iquinagagalit niyang totoo, ay pinipiguil na maigui ang caniyang calooban, at hindi niya pinag uicaan ang caniyang anac nang anomang uicang may cahalong galit, cundi pinangangaralan niyang banayad na banayad, mangyari lamang mabago ang caniyang loob at ugali. subali,, baga man napaoo nang napaoo, at napapaayon nang napapaayon ang palamarang prospero sa manga pangangaral nang caniyang amba, ay cung sa gaua,, hindi rin binabago niya ang caniyang masamang ugali, cundi ang caniya lamang ay siyang sinusunod. dahilan dito,nagdadalamhating palagui ang loob ni dales, at lalong lalong naragdagan itong cadalamhatian nang caniyang loob, nang mabalitaan niya, ang manga cabaliuang guinagaua ni prospero sa manga babayi, at ang manga pagcacautang utang niya cung saan saan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at sa di na natiis niya itong masamang asal nang caniyang anac, ay guinapos niyang minsan nang madaling arao, itinali sa isang haligui nang bahay, hinampas nang di biro biro, at doon pinabayaan niyang maghapon at magdamag. nagmamacaauang totoo ang mag ina ni pili cay cabezang andres, at si prospero nama,, ualang calagot lagot nang paghingi nang tauad, caya quinaauaan siya nang caniyang tatay, inalisan siya nang manga tali, at tuloy pinangusapan siya nitong maicsi, nguni,, malaman na salita: proper, ani cabezang andres, proper, cung sana sa bangca, aco,, tiguib na tiguib na, caya cung minamahal mo ang buhay mo at ang buhay co, ay magpacaingat ca na. natacot na totoo, si prospero dito sa manga uicang ito nang caniyang tatay, caya nagmabait siya,, nagmasipag nang panibago. datapoua,, halos di pa bahao ang manga sugat nang caniyang pigui, ay nauala na sa caniyang loob ang pagbabala pati pangangaral sa caniya ni cabezang andres, at nagsauli siya sa dati niyang masasamang caugalian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"itong manga suson suson na capighatian nang loob ni cabezang dales, ay dumamay rin sa caniyang catauoan, caya hindi nalaon, ay nagcasaquit siya nang isang mabigat at di maquilalang saquit, (palibhasa,, uala sa catauoan, cundi nasasaloob), at baga man guinagamot siya nang manga mediquillong taga rito, at nang taga ibang bayan, ay lumalala ang caniyang saquit, (na, uala sa caniyang catauoan cundi na sa caniyang calooban), at namatay tuloy, pagcatangap nang manga santo sacramento . segurong seguro ang manga bumabasa nitong aquing casulatan, ay nagiisip sa canilang sarili, nagnanasa cayang maalaman, cung ano baga ang naguing calagayan, buhay caya ni felicitas, na magmula niyong unang pagvavacasion ni prospero dini sa bayan, hangan dito sa pagcamatay nang caniyang ama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at nang matapatan co ang nasasaloob nang manga bumabasa nitong tunay na historia ay sasabihin co ang lahat nang naalaman co, dito sa caunting salitang susunod: nang nagvavacasion dito si prospero, at natatantong maigui ni pili ang caugalian, at ang iba,, ibang caisipan nang caniyang capatid, tungcol sa manga bagay nang caloloua, at sa manga asal nang tauong cristiano, ay pinaroonan niyang uli ang aming cura, at doon cumuha nang sanguni: at ang uica nang aming cagalang galang na padre cura sa caniya,, ganito: felicitas, uala acong naalamang gamot sa saquit ni prospero, cundi ang siya,, ialis nang magulang mo sa maynila at ioui dito sa bayan. ayon dito sa hatol na ito,, oras oras ipinamamanhic ni felicitas sa caniyang magulang, na houag baga paluasin nilang uli si prospero sa maynila, cundi patirahin na siya dito sa bayan, baca, aniya, baca, po,, mapahamac, cung mapalayo sa inyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"subali,, hindi rin nacamtan niya ang cahingian, baga man siya,, tinutulungan nang aming mahal na padre cura. ang isinasagot cay pili nang mag asaua ni angi, at ang minamatouid nila,, ualang uala silang naquiquitang masama cay proper, cundi ang manga gaua gauang ugalit nang cabinataan, na, mauauala rin ainila, cung siya,, mag aaral pa nang caunti sa maynila. sa icatlong taon nang pagcatira ni prospero sa maynila, ay may dumating dito sa bayan na isang balita, na di umano rao,, si prospero ay hindi na nag aaral na siya,, inuusig na palagui nang caniyang manga pinagcacautangan; na siya,, hinabla sa juzgado, cung macailan na dahilan sa gayong manga bagay; na siya,, paganoo,, paganoon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"itong balitang ito,, hayag na hayag, at calat na calat dito sa boong bayan, caya si felicitas, dala nang malaquing capighatian nang caniyang dibdib, ay isinumbong niya itong lahat na manga bagay na ito sa caniyang magulang, at nag uica uli sa canila, nang mangyari ay paouiin na nila si prospero dito sa bayan, nang maputol at matapos ang ganoong manga carumal dumal na pagbabali balita nang tauo. pagsusumbong nang gayon ni felicitas sa caniyang magulang, ay quinagalitan siya,, pinangusapan pa ni cabezang angi nang ganito: houag cong magosiosa pili, at houag cang maquialam sa manga gaua namin nang amba mo, at cami ang nacacaalam niyang manga bagay na iyan, at hindi cailangan na cami ay turuan mo pa. baquit icao,, maniniuala sa manga sabi sabi nang tauo, na puro gaua nang canilang capanaghilian sa atin? caya tahanan mo iyang salita mong iyan. nagolomihanang totoo si felicitas pagcaringig nitong pangungusap nang caniyang ina, at hindi na siya cumibo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"subali,, sa di mapalagay lagay ang caniyang loob, ay isinanguni niya sa caniyang cura,, confesor itong lahat nang ito. pinaquingan nang aming cura ang manga isinasanguni ni felicitas sa caniya, at itinanong pa siya cay pili ang iba,, iba, at pagcatapos, ay naghatol siya cay felicitas; na houag na siyang cumibo magpumilit siyang magpacabanal, at ipamahala na niya sa panginoon dios ang lahat na yaon. sinunod ni felicitas ang hatol at bilin nang aming cura sa caniya, at hindi na siya umimic. ang lahat na naquiquita niya,, nariringig tungcol cay prospero, ay tinitiis niya sa caniyang sarili, at sa panginoon dios inihahain. sasabihin co na ang lahat sa manga catagang uica. ang lagay ni felicitas sa panahong yao,, siyang siya nang lagay nang isang macetas na hindi dinidilig na nalalanta,, nalalanta, natutuyo,, natutuyo at sa calauna,, namamatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ganito, anaquin, ang lagay ni felicitas, nang inioui rito nang caniyang magulang si prospero na mangaling sa maynila, at nang maipagbili na nila ang canilang pag aari, sa pagbabayad nang manga utang niyong palamarang anac at capatid. nang naririto na sa bayan si prospero, at natantong uli ni felicitas ang caniyang asal at ugali, ay sumaquit na lalo ang caniyang loob, caya baga man pinagticahan niya, na hindi na siya quiquibo; ay hindi rin matiis, palibhasa,, inaari niyang malaquing casalanan ang di pagsasabi nang totoo sa caniyang capatid; at dahilan dito,, sinira niya ang caniyang dating pagtitica, at pinangaralan niya si prospero, (cung macailan), sa manga lihim, at sa manga banayad na banayad at mahusay na pangungusap. datapoua,, sa di siya,, paquingan ni proper, cundi siya pa ang quinagagalitan at pinag uiuicaan nang masama, ay itinicom niya ang bibig, at hindi na siya umimic nang munti man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pinagsisipagan niya lamang ang paggaua, nang siya,, macatulong tulong sa caniyang magulang sa paghanap nang pagcabuhay; guinaganap niyang ualang sala ang caniyang manga dating devosion at hindi na siya naquiquialam sa ano pa mang bagay. naca aaua mandin si felicitas, cung pagmasdan ninyo ang caniyang casipagan at panoorin ninyo ang caniyang muc hang payat, putlain at malumbayin pa! ito, inuulit cong sabihin, ang calagayan nang loob at catauoan ni felicitas doon sa panahong yaon, at nang mamatay ang caniyang amba. ngayo,, itutuloy co na ang pinutol cong salita. nang mautas na si cabezang andres at malibing na sa panteon at natapos ang pagsisiam, naugaling gauin naming manga tagalog, ay tinauag ni cabezang angi ang caniyang anac na si prospero at pinangusapan nang ganito: proper, anac co, talastas mo na ang pagmamahal namin sa iyo, caya ipinamamanhic namin sa iyo, na icao,, magbait na, at pangasiuaan mo ang caunting pag aaring itinira sa ating nang nasira mong amba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"naalaman mo rin, na ualang ibang sucat nating asahan pagcabuhay, cundi ang ating sariling hanap, caya gumaua tayong para para, at hindi tayo mauaualan nang macacain sa tulong at aua nang ating panginoon dios. pagcatapos nitong salita ni cabezang angi, ay ipinangaco ni prospero sa caniyang inda at capatid, na siya,, magbabait na, at hahalili sa caniyang nasirang ama, sa pangangasiua nang canilang pag aari; at ang uica pa: nanay, houag, po, ninyong alaalahanin ang ano pa mang bagay sa ating pamamahay; at acong bahala sa lahat. naniuala si cabezang angi sa pangaco nang caniyang anac, at naniuala naman si felicitas; subali,, iba ang nangyari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"naalaman na nang manga bumabasa nitong aquing casulatan, na si prospero,, ualang cacusa cusa sa trabajo naalaman din nila, na cung caya,, gumagaua gaua si proper nang daco noong arao,, alang alang lamang sa catacutan niya sa caniyang namatay na ama; at natatanto naman nila, na si proper ay ualang caisipisip at ualang catingintingin sa caniyang pamamahay. at nang ipahayag co ang totoong nasasacalooban co,, sasabihin co pa ngayon, na ang pagcamatay ni cabezang dales, ay iquinalumbay ni cabezang angi nang di hamac, at iquinabacla nang loob ni felicitas; datapoua,, bagay cay prospero,, ang damdam co,, siya,, natotoua, nang malaquing toua, baga man nagcucunouari siya,, nalulungcot. dito sa manga susunod na salita,, maquiquilala ang pagcatotoo nitong aquing paghihinala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ayon sa pangaco ni prospero sa caniyang ina at capatid, na siya baga,, mangangasiua na lahat, na para nang guinagaua nang caniyang tatay, ay ipinagcatiuala sa caniya ni cabezang angi ang pamamahala sa manga hayop, at sa manga lupang bubuquiring natitira pa sa canila. nang magcagayon, ay isip ninyo,, tototoohanin ni prospero ang caniyang pangaco. uala siyang catiguil tiguil. mamaya,, pinaliligoan niya ang canilang tatlong calabao; mamaya,, nangdadamo siya, nangangahoy caya; ngayo,, pinag iigui niya ang bacuran nang canilang bahay, linilinis ang canilang looban; cung dili caya,, naghuhusay husay siya nang manga casangcapan sa pamamahay. at ang lalong caguila guilalas dito,, hindi na siya nagsasalual sa manga gauang ito, cundi manga putol lamang. subali,, itong casipagang ito,, hindi natagal! uala na siyang quinatatacutang ama! ang caniyang ina at capatid ay hindi niya quina aalang alanganan nang munti man!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at ang lumalalo sa lahat: ay ualang uala sa caniyang calooban, ang pagbabalic loob sa panginoon dios! caya,, nanariua nang panibago sa caniyang puso, ang quinararatihan niyang masasamang ugali, at nagsauli rin sa dati. dahilan dito,, uala pang sangbuan siya sa caniyang bagong pagcalagay catungculan, ay namatay sa gutom ang isang calabao nila, gaua nang capabayaan ni prospero. sumapit ang panahon nang pagtatanim, at ang caunting palayan nila,, hindi natamnan, dahilan sa capabayaan ni prospero. pagcamaya maya,, nauala, rao, ang uica ni prospero, ang isa pa nilang calabao, bago bago,, nang usisain ni cabezang angi ay nabalitaan niya, na di umano,, ipinagbili ni proper sa pagbabayad nang ibang manga utang niya. sa catagang uica: hindi pa naboo ang sangtaong arao magmula nang pagcamatay ni cabezang andres, ay dinaquip si prospero nang justicia at piniit sa tribunal, dahilan sa paghahabla sa caniya nang maraming tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"humarap si cabezang angi sa tribunal at inusisa niya doon itong nangyaring ito sa caniyang anac, at ipinahayag sa caniya nang maguinoong capitan, na cung caya napepreso doon si proper, ay dahilan sa cacapalan nang caniyang utang, na hindi binabayaran, at dahilan naman sa manga reclamo ni capitang juan gavi, bagay sa caniyang anac na dalaga, at manga habla ni cabezang teo mauiling tungcol sa caniyang asaua, at cung ano ano pang sinabi nang maguinoong capitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"nang maringig ni cabezang angi ang manga sinasalita sa caniya nang aming capitan, ay namutla siya,, nasindac na totoo, na hindi macaquibo, at hindi macapag uica, at hindi man macaiyac; tila mandin nahahalangan ang caniyang lalamunan, at natutuyo ang luha nang caniyang mata caya nang pagmasdan nang maguinoong capitan ang masamang tayo ni cabezang angi, ay pinaoui siya, at ang uica sa caniya: cayo, po,, umoui muna, cabezang angi, at mapalagay lagay, po, cayo nang loob, at bucas, po, nang umaga, cung may aua ang panginoon dios, at tayo,, nabubuhay pa, ay pumarito cayo, at atin pong husain itong manga bagay na ito. umoui nga si cabezang angi, at sinamahan nang isang oficiales na camag anac niya, na baca cung mapaano siya sa daan, at nang dumating sa bahay, ay sinalubong siya ni felicitas sa catapusan nang hagdan. pumanhic si cabezang angi, at biglang bigla,, niyapus niyang totoo itong si felicitas, at napaiyac nang catacottacot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"naghimatay tuloy si pili nang maquita ang anyo nang caniyang inda, at cundangan ang officiales na casama ni angi, ay naboual at napagulong sa hagdan ang mag ina. nang magcaganito,, sumigao ang oficiales at dinaluhan sila tuloy nang manga capitbahay, at nang manga camag anac, at malaquing totoo ang nangyaring ligalig doon, gaua nang caramihan nang tauo. ang iba,, gumagamot gamot cay pili. ang iba,, umaalio, alio cay cabezang angi. ang iba,, humahanap nang mediquillo at ang iba nama,, cumacaon nang confesion . gulong gulo silang lahat, na ualang ibang naquiquita,, nariringig, cundi utos dito, utos doon, tauag sa magcabi cabila, at tacbuhan nang lahat. subali,, nang dumating ang aming mahal na padre cura,, tumahimic nang caunti ang manga tauo, dahilan sa malaquing pag ibig at caalang alangan nila sa caniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"pagcapanhic nang aming cura sa bahay ay inusisa agad sa manga tauong caharap ang bagay dahilan nang pagcacasaquit at paghihimatay ni felicitas, at capagcaraca,, sinaysay nang oficiales ang caniyang naquita,, naalaman. nilapitan tuloy nang cura ang maysaquit: pinulsuhan tiningnan ang lagay nang muc ha; tinauag pa niya nang malacas si felicitas; at sa di cumiquilos quilos ang maysaquit, ay agad agad nagsoot ang cura nang roquete at estola pinagcalooban niya ang nanghihimatay nang caniyang mahal na absolucion at tuloy pinahiran nang santong lana .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"hindi namatay si felicitas doon sa pagcacasaquit na yaon, datapoua,, naguing sampuong oras bago siya,, masaulan nang pag iisip; at nang siya,, pagsaulan nang ganoon, ay nagcataong naroroon ang aming padre cura. pinagmamasdan siyang maigui nang aming cura, pati nang ibang manga caharap doon, na lubhang marami, at naramdaman nila, na madalas na madalas ang paghibic ni felicitas, at malacas ang tulo nang luha sa caniyang mata, caya lumapit ang cura, at quinausap si pili nang ganito: felicitas, felicitas! po, ang sagot ni pili. naquiquilala mo aco? sino baga aco? cayo, po, ang aming cura at aquing confesor. ay anong nararamdaman mo? sabihin mo sa aquin baca mayroon acong naalaman gamot. uala, po, acong nararamdamang anomang saquit. at ano,, icao,, umiiyac? ay auan co, po, cung baquit hindi co, po, mapiguil piguil itong aquing luha. houag mong piguilin ang uica nang cura, houag mong piguilin, felicitas, iyang luha mo: pabayaan mong tumulo at umagos, at siyang macaguiguinhaua sa iyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"itinanong tuloy nang cura sa caniya cung ibig niyang magcompisal, at ang sagot ni pili ay ganoon: houag po, muna, amo, at tila,, hindi pa mahusay ang aquing pag iisip. sa iba pong oras ay ipasusundo co cayo cung baga hindi po ninyo minamasama. baquit mamasamain co iyan? ang uica nang cura; magpasabi ca lamang sa convento, at aco,, paririto agad. salamat, po, amo, ang panginoon dios ang gumanti sa inyo! tumindig na ang aming cura sa quinauupuang bangquillo, at nagpaalam na, subali,, bago siya,, umalis, ay nagbilin cay cabezang angi nang manga gamot, na dapat niyang gauin sa maysaquit. dalauang arao lamang nacahiga si felicitas sa banig; at nang siya,, malacas malacas na, at nacapagbangon, ay isinanguni sa caniya ni cabezang angi, cung ano ano caya ang mabuting gauin sa pagbabayad nang manga utang ni prospero; at ang sagot ni felicitas ay ganito: cayo pong bahala, nanay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"gauin po, ninyo ang balang minamatapat nang inyong calooban, at aco po,, sunod sunoran sa inyo, at tutulungan co po, cayo, sa boong macacayanan co, sa paghanap nang macacain natin. alinsunod dito sa mabuting paquiquiayon ni felicitas sa caniyang ina, ay ipinagbili ni cabezang angi ang canilang calabao na isang natitira; isinanla niya ang canilang manga palayan, at naparoon siyang tuloy sa tribunal; at doon sa harap nang maguinoong capitan, at nang ibang manga sacsi, ay nagbayad siya nang manga utang ni prospero. datapoua,, hindi rin natapos ang gulo at paghahablahan sapagca,, ang manga naturan co, na si capitang juan at si cabezang teo,, hindi pumayag sa capamanhican ni cabezang angi at sa cahatulan nang aming maguinoong capitan, cundi itinuloy nila ang canilang usap sa juzagado sa maynila, at dahilan dito,, tinauag si prospero nang isang orden nang senor alcalde mayor at inihatid sa maynila, at doon piniit siyang uli sa bilanguan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"marami sana ang masasabi co tungcol dito sa bagong nangyaring ito; subali,, nang houag baga,, mapacahaba ang aquing salita, ay lalactauan co ang marami at malaman na manga bagay bagay, at sasabihin co lamang itong manga susunod: sa malaquing pag ibig ni cabezang angi, na macaligtas at macalabas sa carcel ang caniyang anac, na si prospero, at macaoui dito sa bayan, ay ipinagbili niya ang lahat lahat nang pag aari nila; pati bahay, pati solar pati alhajas na ualang ualang natira sa canilang mag ina ni felicitas, cundi ang canilang damit lamang. iniluas ni cabezang angi ang salaping inipon niya; at ang iba,, ibinayad niya sa abogado ni prospero; ang iba,, ibinigay sa alcaide sa carcel nang siya baga,, pahintulutang dumalao sa caniyang anac; ang iba,, guinugol niya sa caniyang pagcain; at ang iba,, isinabog niya cung saan saan, mangyari lamang siya,, tulungan sa pagtatangol cay prospero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"bucod dito,, napaampon siya sa lahat nang manga caquilala at di caquilala niya, at nang sabihin co sa madaling salita; ay ualang di guinaua niyang capamanhican sa pagcacalinga sa caniyang anac. datapoua,, naubos ang salaping dala niya, napagod siya nang di hamac, nang calalacad dito,, doon, at hindi lamang hindi pinaquingan ang caniyang pag iiyac, at ang manga caraingan nang caniyang manga caquilala at camag anac, na pinintacasi niya, cundi bagcus ay nanaog ang isang mahigpit na hatol at sentencia na ang iniuutos doon, ay: ipadala agad sa balabac si prospero baticot anac ni don andres baticot at ni dona maria dimaniuala, na taga tanay; dahilan sa caniyang masasamang caugalian at antecedentes at dahilan sa manga perjuiciong guinaua at guinagaua niya sa caniyang capoua tauo. ayon dito sa utos na ito,, dinala nga si prospero doon sa balabac, at doon dao,, namatay, ang balita nang tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"sa uala nang magaua si cabezang angi sa maynila, ay umoui rito; datapoua,, bago siya,, macarating dini, ay nagpalimos sa manga bayan bayang dinadaanan niya, palibhasa,, uala siyang bauon, at uala namang cuartang ibibili nang cacanin. caya, gaua nang malaquing cahihiyan, capagura,, calumbayan niya,, bangcay na mistula ang caniyang anyo, nang siya,, dumating dito sa bayan. caunting namatay na patuluyan si felicitas, nang maquita niya ang caaua auang lagay nang caniyang inda! nguni,, nagpacalacas siya nang loob; inaliu pa ang caniyang ina; binihisan niya; pinacain; pinahiga sa banig, at ang lahat na,, guinaua niya, nang macatulong at macapagbigay guinahaua sa caniyang iniibig na ina. pati catauouan niya,, nalimutan, dahilan sa pag aalila,, pamimintuho sa caniyang ina! nang mahusay husay na si cabezang angi, ay inusisa sa caniya ni felicitas ang lagay ni prospero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"sinaysay ni cabezang angi ang lahat, na ualang inilihim, at nang mabalitaan ni pili ang nangyari sa caniyang capatid, ay ina co! parang natangal ang lahat nang litid nang caniyang cataouan, caya magpacalacas lacas man siya,, magpacatibay tibay man nang loob, ay nahapay rin siya. sinabi co cangina, na ang catauoan ni felicitas doon sa panahong yaon, ay buto,, balat lamang. subali,, gayon man, ay sapagca,, ang caniyang cabanala,, malaqui, at caniyang caloloua,, buhay na buhay, ay pinipilit nang pinipilit niya ang caniyang catauoan sa pagtatrabajo at nacagagaua gaua rin siya nang icatutulong sa canilang paghahanap buhay. datapoua,, nang maringig niya sa caniyang ina, ang quinasapitan ni prospero, ay naualan siya nang dating catibayan nang loob, at napahiga na sa banig, na hindi na siya nacapagbangon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"nang magcaganito,, ipinatauag ni felicitas na agad agad ang aming cura at caniyang confesor, at doo,, nagcompisal siya nang mahusay, at nang quinabucasan niyo,, dinalhan siya nang santo viatico at pinahiran siyang tuloy nang santo oleo . nang dacong hapon niyon ding arao na yaon, ay dinalao si pili nang aming cagalang galang na padre cura, at inusap ang maysaquit nang ganoon: felicitas, baca mayroon cang caramdaman sa catauoan mong iquinahihiya mong sabihin? ualang uala, po, ang banayad na sagot ni felicitas, ualang uala, po, among nararamdaman acong saquit sa aquing catauoan cundi isang malaquing cahinaan lamang. baca caya, ang ulit nang cura, sa bulong lamang, at sa lihim na salita, baca caya may nacasusucal nang calooban mo? cung baga mayroon, ay houag mong ilihim sa aquin, cundi sabihin mo,, ibulong sa aquin, nang cata,, gamuti,, hatulan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ualang uala, po, among nacasusucal nang loob co ngayong oras na ito, cundi ang pag aalaala co lamang sa aquing ina at sa aquing capatid, na baca, po,, cung mapaano sila dito sa mundo . masama, baga, ang bagong tanong nang cura cay pili, masama baga ang loob mo sa capatid mong si prospero? uala, po, ang sagot ni felicitas, uala, po; hindi aco nagagalit sa aquing capatid, at uala naman acong masamang loob sa caniya, cundi bagcus, ay quinacaauaan co, po, siyang totoo, at ipinanalangin co siyang oras oras sa panginoon dios, nang siya po,, biguian nang panginoon dios nang buhay at gracia . datapoua,, mayroon po, acong ipagcocompisal sa inyo ang ibang bagay, tungcol din dito sa itinatanong po, ninyo sa aquin, na baca sacali,, aco,, nagcasala sa harap nang ating panginoong dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"tila, po,, aco,, mamamatay na, subalit, ang pagcatalastas co, po,, hindi ang anomang saquit nang catauoan co ang iquinamamatay co, cundi ang malaquing capighatiang dinamdam nang aquing loob, dahilan sa manga guinaua ni proper magmula niyong siya,, nag aaral sa maynila, na hangan ngayong panahong ito. caya, po, cung itong di co pagtitiis nang manga caculangan nang aquing capatid, ay naguing casalanan co sa harap nang ating panginoon dios, ay iquinucumpisal co, po, sa inyo itong aquing casalanan, at inihihingi cong tauad sa panginoon dios at sa inyo, at inaantay co, po, ang inyong mahal na absolucion dito sa aquing casalanan, na pinagsisisihan cong totoo. pagcapagcompisal nang ganito ni felicitas, ay binulongan siya nang aming cura nang caunting oras at binendicionan niyang tuloy. pagcatapos na pagcatapos nito,, biglang sumigao si felicitas nang gayon: amo, ina, proper at cayo pong lahat, ay patauarin, po, ninyo aco, at aco,, tinatauag na nang ating dios at panginoon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"at nang macasigao nang ganoon, ay napatid ang caniyang hininga. uala acong naquita, at uala rin acong nabalitaang libing na para nang guinaua sa bangcay ni pili. at caya,, nagcaganito,, sapagca,, si felicitas ay naquiquilala nang boong bayan; naalaman din nang bayan ang caniyang ugali at cabanalan; at napagtatalastas naman nang lahat ang manga hirap nang catauoan at loob na dinaanan niya; at cung caya, sa isang cusa nang loob, na ualang nagtutulac sinoman, ay pinagcaisahan nang lahat nang manga dalaga dito sa bayan, na mag ambag sila nang macacayanan, nang magaua cay felicitas ang isang mahal na libing.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ayon dito sa pinagcasundoan nang manga dalaga, ay nagsidalo silang lahat sa bahay nang patay, at ang iba,, nagdala nang candila ang iba,, nagdala nang damit na igagaua nang sapot, at iba,, may taglay na manga puntas puntas at manga listong igagayac sa saplot at sa ataul (cabaon), at lahat lahat na para para,, nananahi at tumutulong sa anomang gagauin, at nag abut pa cay cabezang angi nang ambag na salaping canilang nacayanan. ang manga campana sa simbahan ay ualang tiguil magmula nang mamatay si pili. maya,, maya,, nagpeplegaria . nang sumapit ang oras nang paglilibing, ay nagsiparoon sa quinamatayang bahay ang lahat nang manga dalaga, na pare parejo ang canilang manga soot, at pauang may dalang candila, at nag aagauan sila nang paglalabit nang ataul . matotoua ang sino mang macapanood sa calzada niyong libing na yaon, at segurong seguro,, hindi aacalain niya, na yao,, isang libing, cundi ang sasabihin niya, na yao,, isang procesion nang mahal na arao!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"ang soot naman nang aming cura at nang manga sacristan at ang manga gayac sa simbahan, ay pulos na primera clase . ang canta nang manga cantores ay tila mandin maririquit sa dating quinacanta nila sa manga libing. caya ang uica co cangina, na uala acong naquita, at uala acong nabalitaan libing, na para nang guinaua cay pili. natapos na ang libing, at ibinaon sa panteon ang bangcay ni felicitas, at nagsioui na sa cani canilang bahay ang manga naquiquipaglibing sa caniya. naiuan nang mag isa si cabezang angi dito sa mundo at sa uala siyang pag aari, at sa ualang macacain, at sa ualang pagtitirhang bahay, ay naquisuno siya sa isang camag anac niya, na maigui igui ang pagcabuhay. at baga man mabuti ang pagtingin at pag aalaga sa caniya nitong caniyang camag anac, ay hindi gumagaling galing ang loob ni cabezang angi. caya palaguing nalulumbay siya,, nalulungcot, at hindi natutuyo tuyo ang luha sa caniyang mata, gaua nang malaquing pighati, at hindi nalauo,, naratay sa banig at namatay rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"natatanto na nang manga bumabasa nitong aquing casulatan, ang naguing buhay at camatayan ni na cabezang andres baticot. subali,, bago co tapusin itong aquing isinusulat, ay mayroon acong ipauunaua sa canila. baquit caya ang mag anac ni cabezang dales, na mababait na tauo, at dati dati ay mayayaman, na parang sinabi co sa itaas, ay naguing mahihirap, na macain man ay uala? baquit caya ang cadalamhatian nang loob, ay siyang iquinamatay ni cabezang dales, ni cabezang angi, at ni felicitas? ay ualang ualang ibang dahilan, cung sa aquing pagcatalastas, cundi ang malaqui at locong pag ibig nang mag asaua ni dales, na ang canilang anac na si prospero,, mag aral sa maynila. ualang ualang ibang dahilan, cung sa aquing acala, cundi ang catigasan nang ulo nang naturang mag asaua, at ang caayauan nilang maquinig nang manga matotouid na hatol nang aming padre cura, at nang manga mahigpit na capamanhican sa canila ni felicitas, na houag bagang papag aralin nila si prospero sa maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"cahimanauari, ay paquinabangan nang aquing capoua tagalog itong caunti cong capaguran sa pagtatala dito sa papel na ito nang manga naquita nang aquing mata, at naringig nang aquing tainga! mag aral na ang manga magulang, at mag aral pati ang manga anac dito sa tunay na salitang ito nang casasapitan nila capoua, cung paangatin nang manga magulang ang canilang manga anac sa tapat na calalaguian, at ilipat icana caya sa hindi tapat cahiyang na calagayan . sa bayan nang tanay, sa icadalauangpuo,, isang arao nang buan nang abril nang taong sanglibo ualong daan, tatlong puo,, tatlo. antonio macunat . pagcatapos nang pagbasa nito,, tiniclop ni tandang basio ang librong caniyang tangan, pinahiran nang pano ang caniyang mata, at ang uica sa aquin: tapus na, po, ang historiang isinulat nang aquing nasirang ama. ano, po, ang inyong tingin, sabi caya sa manga napapalaman dito sa salitang ito?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"minamabuti co po, ang sagot co, minamabuti co po, ang lahat, subali,, tila, po,, ang tatay ninyo ay hindi caraniuang indio cundi, ang bintang co po,, siya,, nag aral din nang caunti. uala po, ang uica nang matanda, uala po. ang tatay co po, ay paris co ring ualang pinag aralan cundi ang bumasa, sumulat, ang dasal at caunting cuenta, at pagcatapos niyon, ay hindi na humiualay siya sa calabao. uala po, caming pinagcacaibhang dalaua nang tatay co, cundi ang siya,, matino ang bait at matalas ang pag iisip, at aco po,, hindi. hindi na aco sumagot sa manga catouiran ni tandang basio, sapagca,, aco,, nag aantoc na. at saan di aco,, mag aantoc? ang pagbasa niya,, madalang na madalang, palibhasa,, matanda na siya, at malabo labo na ang caniyang mata, caya matagal nang totoong bago matapos ang pagbasa niya nang historiang isinulat nang caniyang ama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"sumisicat na ang liuayuay nang ito,, matapos, at cung caya,, nagpaalam na aco sa caniya, at ipinangaco co sa caniya, na pagcapahinga co nang caunti, ay babalican co siya. pinaroonan co nga uli ang aquing caibigan na si tandang basio nang dacong hapon niyong ding umagang yaon, at pagcatapos nang pagcocomustaha,, pagbabatian namin, ay inusisa niyang pilit sa aquin, cung ano ang isinasaloob cong tungcol sa laman nang historiang isinulat nang caniyang amba, at ang aquing sagot ay ganito: sinabi co na po, sa inyo canginang madaling arao, bago tayo,, maghiualay, na minamariquit co ang lahat na sinasalita roon nang inyong ama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"datapoua,, ngayo,, dadagdagan co ang aquing sinalita cangina, at sasabihin co po, sa inyo, na ang nangyari sa mag anac ni cabezang andres baticot, ay hindi caraniuang nangyayari sa iba, cundi parang isang pagcacataon lamang; caya hindi dapat na cayo po,, tumungton diyan sa nangyaring iyan, sa pagpapatibay nang pasiya ninyo, na di umano,, masamang totoo, na ang manga indio,, nag aaral nang uicang castila, iba pang bagay na carunungan sa maynila. hindi co po, sinasabi, ang matinding sagot sa aquin nang matanda, hindi co, po sinasabi na ang lahat, na pag aaral sa maynila,, quinasasapitan casasapitan caya na para nang nasapit ni prospero at nang caniyang magulang, at mayroon din hindi nagcacagayon; subali,, maniuala, po, cayo sa aquin, na sa sangdaang estudianteng nag aaral sa maynila ay ang siam na puo,, napapasama sa catouan sa caloloua, sa catauoa,, caloloua na para para; at salamat pa, po, cung ang sampuong natitira,, umiigui, at hindi lumilihis sa matouid na daang patungo sa langit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"seguro po, ang uica co cay tandang basio, seguro po,, iyang lahat na sinasabi ninyo,, pauang paghihinala nang inyong loob! hindi, po, paghihinala nang loob co itong aquing sinasabi cundi manga catotohanang maliuanag na maliuanag, na siyang naquiquita nang aquing mata, at nariringig nang aquing tayinga. at nang cayo, po,, maniuala sa aquin, ay pacatantoin, po, ninyo, (cung baga hindi pa ninyong pinagmamasdan), na caming manga indio,, catuang totoo. cung cami, po,, nagcacaalam alam nang caunti, nagcacaroon caya nang munting catungculan, ay nagpapalalo, po, caming totoo, (tabi sa iilang di gayon), sa aming capoua, at dahilan, po, rito sa buloc na capalaluang ito,, napapahamac cami, at ipinahahamac pa namin ang aming capoua tauo. tila, po,, napapacalabis ang inyong sapantaha tungcol sa manga bagay na ito!, ang uica co. maca, po, ang sagot nang matanda, maca, po, nga,, mali itong aquing sapantaha!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"nguni,, sasabihin co, po, sa inyo, na cung inaabot nang aquing sariling pag iisip, at sa pinagmamasdan co sa manga tagarito ma,, sa taga ibang bayan dito sa habang buhay cong ito,, tila, po, aco,, nasasacatouiran at catotoohanan; caya, po, hangan macacayanan co, ay pagbabaualan co,, hindi co, po, pahihintulutan ang aquing manga anac, at ibang manga camag anac at caquilala, na mag aral sila nang uicang castila, iba cayang carunungang di bagay at ucol sa canilang calagayan at pagcaindio . ang cauicaan co, po,, para nang naringig cong madalas sa aquing amba. ang hari, ay mangasiua sa caniyang pinaghaharian; ang anloagui, ay maghasa nang maghasa nang caniyang manga pait at catam; ang ama,, ina, ay mag alila sa canilang manga anac; at ang manga indio ay mag alaga nang canilang calabao. cung aco po,, nagcacamali dahilan sa lubos na pagsunod co nitong manga casabihang ito nang aquing tatay, at. patauarin aco nang ating panginoon dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"dito sa matapang na salita at mainit na sagot ni tandang basio, ay uala acong naalamang isagot, caya binali co,, pinatid ang pinag uusapan namin nang matanda, at ang uica co baga, sa caniya. bucas, po, nang umaga, cung may aua ang panginoon dios, ay luluas na, po, aco. madali, po, naman cayo, ang biglang sagot ni basio at nang caniyang asaua at manga anac. uala, po, acong magaua, at aco,, tinatauag na sa maynila; caya cung mayroon, po, cayong ipag uutos sa aquin, ay inyo pong sabihin, at tutuparin co. salamat, po, ang sabay na tugon nang lahat na mag anac, salamat, po. ang panginoon dios ang sumama sa inyo, at houag, po, cayong madala sa amin, at cami, po,, tumatalaga sa inyo oras oras . nagpasalamat aco sa canilang lahat at nagpaalam na, at nang quinabucasan niyo,, umoui na aco sa maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +M. Lucio y Bustamante,"magmula niyong panahong yaon hangan ngayon oras na ito,, hindi co malilimutan ang aquing caibigan na si tandang basio macunat, at madalas na madalas na inaala ala co ang caniyang matotouid na catouiran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"makinig ka'isa isa kong ipaaalaala sa iyo: noo'musmos pa tayo. musmos, oo; wala tayong kamalay malay sa mga sigalot ng buhay; bago pa lamang tayong humahakbang sa unang baytang ng pag ibig, at bago pa lamang tayong natututong sumunod sa itinitibok ng ating puso; nguni'hindi pa natin nakikilala kung ano ang pag ibig. ang tunay na pag ibig. ang bahay natin ay nagkakatapat halos, at isang hapong masaya ang langit na ikaw ay nasa bintana, ako'nanungaw, at nang maino mong pinagmamasdang kita'tumungo ka, tumungo ka'saka ngumiti ng lihim, bago itinaas ang mata at kiming sumulyap sa akin. sumandali tayong nagkatitigan at pagkatapos ay isang ngiting busog sa ligaya ang ipinahatid mo sa akin. ako'nasayahan at naramdaman kong sumasal ang tibok ng puso at waring ako'napa angat sa aking kinalalagyan na di ko makuro kung bakit. pag ibig na kaya ang kahulugan ng ngiting iyon? kung pag ibig ay paano ko maaalaman? at sakaling pag ibig na nga'ano ang maidudulot sa aking buhay?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"ang sunod sunod kong tanong sa sarili. sa aking pagdidilidili'naisip kong itanong sa iyo ang kahulugan ng ipinamalas mo sa akin; nguni'aywan kung bakit at hindi ko man lamang naipahiwatig sa iyo nang tayo'magkausap. naaalaala mo ba ang ating pinagusapan? panay na kamusmusan; oo, panay na kamusmusan. datapwa'nang tayo'maghiwalay, nang ako'pauwi na sa amin, ang puso ko'naligalig at naramdaman kong may bagong damdaming tumubo sa lalong pinakalihim niyang pitak. buhat noon, saan mang dako ako mapatungo ay waring ikaw ang aking nakikita, at sa lahat ng akin gawain, sa pag aaral, sa paglalaro, ay ikaw ang laging sumasaisip ko. kung gabi at ako'nahihilig na sa hihigan, sa piling ng minamahal kong ama, ay lagi akong balisa, napipikit man ang mga mata ko'gising din ang aking diwa. at ilan pang araw na gayon ang aking dinanas. kami ng nanay ko'naparoon sa lalawigan ng hindi ako nakapagpaalam sa iyo. sa aming paglalakbay ay wala akong nakasama liban sa pighati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"hindi pa kami dumadating sa aming paparoonan ay ninais ko nang magbalik; nguni'kami'nasa laot na, at dahil dito ano pa ang aking gagawin kundi ang magtiis. at nagtiis nga ako'nasabi ko tuloy sa aking sariling: kay hirap pala nang malayo sa minamahal oo, mahirap nga. at sukat bang pati ng malamig na simoy ng dagat na dati kong kinawiwililihang sagapin ay kayamutan ko! makailang araw, kami'nagbalik; gaya rin ng aming pagalis na hindi mo namalayan, at buhat sa azotea ng aming bahay ay natanaw kitang nakikipaglaro ng tubigan sa ating mga kababata. noo'gabing maliwanag ang buwan at kayo'nasa inyong bakuran. agad kitang pinaroonan. at nang ako'iyong matanaw ay huminto ka sa iyong paglalaro, humiwalay ka sa mga kasama, dalidali kang naupo sa isang nakaalimbutod na ugat ng kahoy at saka nangalumbaba. naalaala ko ang aking pag alis ng walang paalam, at sisikdosikdo ang loob kong lumapit sa iyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"tumindig ka'tila hindi mo na ako ibig kausapin; at anyo kang aalis, nguni'napigilan kita at nang titigan ko ang mukha mo'nabanaagan kong dumadaloy sa binurok mong pisngi ang luhang buhat sa iyong pusong naghihinanakit. ipinatalastas ko sa iyo na ang aming pagalis ay biglaan at ang aking pagsama'sa kaibigan ng tatay ko na ang aking ina'huwag mag isa sa paglalayag. at palibhasa'nahalata kong ayaw kang maniwala, ay isinamo kong ako'iyong patawarin. sa aking pagmamakaawa'nahabag ka. pinaupo mo ako sa iyong tabi at matagal tayong nagusap. pinatatawad mo ba ako? ang una at kiming tanong ko sa iyo. mamaya mo malalaman ang tugon mo. ayoko ng mamaya pa ang malambing na ulit ko. oo, pinatatawad kita ang pangiting salo mo naman. at ako'natuwa nang gaya ng dati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"nang gabing iyon ay marami kang sinabi sa akin gayon din ako sa iyo at kung hindi tayo pinagtuksuhanan ng ating mga kaibigang napatigil sa paglalaro ng tubigan ay hindi pa tayo magkakatapos sa paguusap sapagka'para tayong mga pinagpalang nagpapasasa sa biyayang hulog ng langit. at nagalit ka sa nagsipanukso sa atin, kaya'bubulongbulong kang nakyat at ako nama'maligayang umuwi sa amin. kinabukasan. pagbabangon ko sa hihigan, ay una kong tinanaw ang durungawan ng iyong silid. nakabukas ang isang dahon at nakita kong bihis ka na. noo'mag iikapito na ng umaga, oras ng pagpapasukan sa paaralan. sampung minuto pa ang dumaan bago ka lumabas sa pinto ng inyong bahay na dala mo ang iyong mga aklat. dalidali akong nanaog at hindi mo naino na sinundan kita hanggang makarating ka sa paaralan. sa tanghali'binantayan kita sa aming bintana hanggang makapasok ka sa inyong pintuan. maliwanag din ang buwan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"ang inyong looban ay gaya rin ng dating pinagsasadya ng mga kababatang kalapit bahay, at nang marami ng nagkakatipon ay sinimulan ang laro. ngayo'patintero, mamaya'takip silim at bala nang maisip. ako'nanaog upang makihalo sa inyo; nguni'nang naroon na ako'hanapin, kita, ay wala ka. kumaba na naman ang dibdib ko at aking isinaloob na ikaw ay nagtatampo pa sa akin, at dahil dito ay naitanong ko sa isang kapwa bata kung saan ka naroon. ayaw maglaro! ang tugon sa akin. ako'lumingon at nakita, kitang nakaupo sa hagdan ng inyong azotea . linapitan kita'aniko': bakit ka nakaupo diyan? mangyari'hinihintay kita ang waring may lambing na sagot mo. ayaw ka bang maglaro? ang ulit ko na wala nang pangambang may hinampo ka pa sa akin. maglalaro ako kung kasali ka ang may ngiti mong salo. oo, ang mariin mong agaw na parang ibig mo nang maghinanakit, kaya'sinagot kitang agad: sa totoo man hindi ang sinabi mo, ay dapat mong malaman, na kung kaya ako naparitong maglaro ay dahil lamang sa iyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"tinitigan mo ako bago ka ngumiti ng ngiting may kasiyahang loob. tinawagan natin ang mga kasama at tayo'tumayong pabilog at pagdaka'sinimulan mo ang pepe serepe at. kay, pilya, pilya mo! sinadya mo pang ako ang mataya. pagkatapos ay nagtakbuhan kayong ako ang inyong kasunod. aywan kung bakit, at noo'wala akong abutan sa inyo: kay tutulin ninyong tumakbo, para kayong mga ibon. sa ikatlong inanduyan ay nahapo ako at. batugan, batugan ang sigawan ninyong lahat. ako'napahiya. naawa ka sa akin, at binulungan mo ako ng: may mahuhuli ka na ngayon at saka patakbo kang lumayo. nguni'ilang hakbang lamang ay tumigil ka na at hindi pa mandin kita nahahawakan ay sumigaw ka: nahuli ako, nahuli ako at idinugtong mo pa ng marahan ang ganito: kaawaawa ka naman, tutubusin kita'pagod na pagod ka na . oo, patangpata na nga ako; danga'kasali ka, kundi'umuwi na sana ako sa ikalawang takbuhan pa lamang. ang ating laro'natapos ng gabing iyon, sapagka'sa nagsisunod na gabi'panay na salitaan ang ating ginawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"nguni'ano ang ating napagusapan? panay pang kamusmusan na gaya ng mga unang araw? nagkatalastasan na kaya tayo ng itinitibok ng ating puso? datapwa'buhat noon ay unti unti na tayong lumayo sa, ating mga kababata, sapagka'palagi tayong pinagtututukso. ang patintero, ang takip silim at iba pang laro na napagpaparaanan ng mga bata ng masasayang oras ay hindi na natin muling naalaala, at ang ating paguusap sa inyong looban ay nalipat sa bulwagan ng inyong tahanan. at isang gabi na kayo ng mga tatay mo'nagpasiyal sa sta. cruz ay nakita ko kayo sa harap ng simbahan. noo'del pilar. maraming tao, maraming marami. ang mga periya'nagsisikip sa nagsisipag baka sakaling sa pagtaya sa iba'ibang sapalaran ay makatama ng relos, manika at iba pa. sa liwasan ni goiti, sa harap ng simbahan at ibang lansangan ay langkay langkay na nagsisipaglakad ang mga kawal ng pag ibig, at ang mga binatang kaagapay ng mga binibini'bubulong bulong na animo'mga bubuyog kung dumadapo sa mababangong bulaklak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"nakita ko nga kayo sa harap ng simbahan: ang tatay mo'mayroong kausap at ikaw nama'nagmamasid sa mga taong naglalakad. at baga man ako'papauwi na, ay hindi ako nagtuloy, linapitan ko kayo at matapos akong magpugay sa iyong mga magulang ay tinanong kita ng marahan: kanina pa ba kayo rito? bakit ngayon ko lamang kayo nakita? mangyari'hindi mo kami hinahanap ang parang may tampo mong pakli. paano ko kayong hahanapin ang salo ko naman sa hindi ko naaalamang paparito kayo? ang tatay mo'nagyayang makinig ng serenata. tayo'tumungo sa kinalalagyan ng bandang tumutugtog ng sari saring opera at nang tayo'naroon na'bumili ako ng lansones sa isang magmamane sa tapat ng la perla. inalok ko ang mga tatay mo'pagkatapos ay nilapitang kita, at: ayoko ang iyong pauna. bakit, ayaw ka ba nito? ano ang iyong ibig ang malambing kong tanong sa iyo. wala nga ang patibay mong mali. sabi na, hale, sabi na. ang magiliw kong samo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"kung alin ang masarap sa iyo ay siya mong bilhin at masarap din sa akin ang pakli mo na sinundan ng ngiting puno ng saya. at muli akong lumapit sa magmamane. pumili ako sa isang bilao ng dalawang mansanas at pagkatapos ay ibinigay ko sa iyo ang isa. iyan, iyan ang masarap ang bigkas mong sabay sa pagtanggap ng mansanas. totoo nga ba? oo, sapagka'hindi ka bibili ng hindi masarap at ang masarap sa iyo ay masarap din sa akin. katatapos mo pa lamang mag salita'siya namang pagpaparinig ng banda ng isang mainam na opera. habang pinakikinggang ko ang tugtuging iyon ay parang nananariwa sa aking gunita ang mga pangalan ng operang akin nang napanood at naalaala kong yao'ang sandugong panaginip . hindi mo ba naaalaala ang tugtuging iyan? ang tanong ko sa iyo. hindi ba iyan ang sandugo ang balik mo naman sa akin. iyan nga ang masaya kong pakli at hindi kaya natin sapitin ang naging hangga ng pagiibigan ni tarik at ni bitwin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"hindi ka nakakibo, parang naumid ang iyong dila'namutla ka, sapagka'salitang pagiibigan ang iyong napakinggan sa aking bibig na tila baga tayo'mayroon nang salitaan. nang mahalata kong hindi ka makapangusap, ako'nagpatuloy sa aking pananalita: isinaysay ko ang napagsapit ng dalisay na pagiibigan ni bitwin at ni tarik, ayon sa aking nabasang argumento ng sandugo at pagkatapos ay ipinahayag ko naman ang damdaming tumubo sa aking puso mula nang tayo'bata pa at itinanong ko sa iyo kung yao'pag ibig na. palibhasa'hindi mo rin ako sinagot, ay ako na ang nag sabing na nga at idinugtong ko pang. makailang araw ay nagbago ka: oo, nagbago ka. ang masasaya mong ngiti'bahagia mo nang ipamalas sa akin at sa nagsisunod na mga paguusap natin ay waring nabibigatang kang sumagot sa aking mga sinasabi; subali'nahalata kong nagtatampo ka'nalulumbay pa pag hindi kita nadadalao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"baga ma'ang masasaya mong ngiti'iyong ipinagkait sa akin, ay maligaya rin ako; oo, maligaya rin ako sapagka'nahalata kong tumutugon ka sa tibok ng aking puso. nguni'ang aking kaligayahan ay naparam na animo'aso sa bahagiang simoy ng hangin, sapagka'nalipat kami ng bahay at may nagsabi sa amin ng ako'palaging nakakagalitan ng aking guro sa dahilan daw na ako'madalas na hindi makalisyon, at, sukat bang ang tatay ko'maniwala at ipinagbawal pa sa akin ang pagpapasyal.? anong lungkot ko noon!. kung nakilala ko ang dalahirang naghatid sa amin ng balitang iyon ay. aywan: marahil ay inaway ko; oo, pagka'ng mga araw na iyon ay naghahari pa sa akin ang kainitan ng ulo. ang paghihigpit sa akin ng tatay ko'hindi naman nag tagal; ilang linggo lamang at ako'pinahintulutan nang makapagpasyal na gaya ng dati. ako'natuwa sapagka'madadalaw na namang kita; nguni'naku!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"hindi naglao'nakita ko na ang katapal na dusang walang kasing laki ng aking katuwaan sapagka'nang ako'paroon sa bahay na inyong tinirhan ay nakita kong naka dikit sa nakalapat na pintuan ang isang papel na kinababasahan ng. ipinagtanong ko kayo sa mga kakilala; datapwa'walang nakapagsabi kung saan kayo nalipat. ako'bumalik sa amin at itinanong ko sa aking tatay kung saan kayo nakatira. aywan ko aniya nagsi alis ng hindi man lamang nakapagpaalam sa atin, sapagka'ang ama daw ni edeng; ay dinapuan ng sakit, na pinakikialaman ng mga sanitario. ako'nalungkot, hindi lamang nalungkot, nagtiis pa ako ng hirap sapagka'hindi ko maalaman kung saan kayo naparoon. hindi ko maalaman kung saan kita susulatan. at buhat noon ang puso ko'naging laruan ng hirap. natulad sa isang putol ng kahoy sa gitna ng dagat na sunodsunuran saan man dalhin ng alon. at sa mga bayo ng sakit ay hindi ko naikubli ang akin pagtitiis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"nahalata ng aking mga kaklase sa ateneo at sa isa sa kanila na nagngangalang pedro batobalani ay naipagtapat ko ang aking dinaramdam.! madalas ba rito ngayon at noon mo pang araw nakikilala?. ang binatang iya'isa sa mabubuti kong kaibigan, siya ang umaliw sa akin at dahil sa kanya'nagbawas ang aking pamimighati. datapwa'hindi nagbago ang aking pag ibig sa iyo at bagkus pang lumago at sa twing magugunita ko ang aking pagiisa, ay lalo pa akong nagsusumigasig sa pag aaral sapagka'hindi nawalay sa akin ang paguusap na tayo'magkikitang uli at maidudulot ko sa iyo ang aking napagaralan. mahabang panahon ang dumaan. at isang gabing ako'naglalakad sa daang azcarraga ay nabasa ko sa isang anunsiyong naka dikit sa pader na tinatamaan ng liwanag ng ilaw sa lansangan, na ang pelikulang ay itatanghal sa dulaang zorrilla. ako'napatigil at naibulong ko sa sarili ang ganito: mabuhay upang umibig? panonoorin ko ang pelikulang ito at baka nakakamukha ng malungkot kong kabuhayan sa pag ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"at dalidali akong pumasok sa dulang zorrilla; nguni'pag upo kong pag upo sa aking luklukan ay siya namang pagka tapos pelikulang . ang mga ilaw ay nagliwanag. ang mga mata ko'aking pinagala sa loob ng dulaan, at oh, anong pagkakataon! sa palkong kapiling ng aking kinalalagyan ay may namasdan akong isang babaeng himala ng ganda. sa biglang pagkakita ko'hindi ko nakilala kung sino, datapwa'nang aking titigan ay nasayahan ang aking pusong kung ilan nang taong hindi hinihiwalayan ng lungkot at nanariwa sa aking gunita ang nakaraang panahon. nakikilala mo kung sino ang babaeng iyaon?. ang aking langit, ang aking paraluman, ang aking pag asa, sa ibang salita'ikaw, edeng, ikaw na buhay ng aking buhay. sa aking pagkatitig sa iyo'napatingin ka sa akin at nagtama ang ating mga mata. oh, anong ligaya ng dumalaw sa aking puso! ang madilim kong hinaharap ay waring nagliwanag at parang may nakita akong landas na patungo sa kaluwalhatian ng aking pag ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"maligaya na ako, maligaya na ako ang bulong ko sa aking sarili maligaya na ako pagka'siya'nakita kong muli. bukas, bukas na bukas ay paparoon ako sa kanyang bahay at sasabihin ko ang lahat ng hirap na aking tinitiis. siya'malulungkot, nguni'masasayahan agad pag sinabi kong naparam na ang lahat, pagka'ang ligaya ko'ligaya rin niya. nguni'saglit pa lamang ang nakararaan ay binayo na ako ng dusa; oo, sapagka'napuna ko na ang iyong kapiling sa upo'isang lalaking balingkinitan ang katawan at maganda ang tindig. anong lungkot ng dumalaw sa aking kaluluwa.! ang mahahayap na palaso ng panibughong mapapahirap sa taong ninibig, ay sunodsunod na tumimo sa aking puso at dahil dito'sinumpa ko ang muli kong pagkakita sa iyo. ang mga ilaw ay muling nangulimlim. sa maputing kayong nakatatakip sa tanghalan ng dulaan ay itinanyag ang sumusunod sa pelikulang; vivir para amar nguni'natapos ng hindi ko nawatasan sapagka'hindi nawalay sa aking isipan na may kapiling kang lalaki sa inyong palko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"sino kayang lalaki iyaon? ang tanong ko sa sarili kanya kayang asawa? kanya kayang katipan isang kaibigan lamang? ang mga ilaw ay muling nagliwanag. nilingon kita sa inyong palko na parang isang hukom na nagmamasid sa mga salaring lalapatan ng parusa. sa paglingon kong ito'muling nagtama ang ating mga mata at sa iyong titig ay waring nabasa ko na mayroon kang ibig sabihin. noon di'lumipat ako sa inyong palko na nagpuputok ang kalooban sa akalang ang kahulugan ng titig mong iyon ay isang pag alipusta sa akin dahil sa ikaw ay mayroon nang asawa katipan: datapwa'ako'namali sapagka'matapos tayong magkamay ay ipinakilala mo sa akin ang kapiling mong lalaki at noong ko natalos na asawa pala ng kapatid inong matanda, at pinagsisihan ko ang pagkakaroon ng maling hinala sa titig mong puno ng lugod. makailang sandali'nanariwa sa aking alaala ang mga nakaraang panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"ibig ko na sanang noo'itanong sa iyo kung ang aking mga hirap na tinitiis ay gagantihin mo ng walang hanggang kaligayahan, pagka'ibig kong noon di'matalos kung ako'mayroon pang pag asa at kung maipagpapatuloy ko ang aking naipahayag sa iyo noong tayo'nakikinig ng serenata sa harap ng simbahan ng sta. cruz. nguni'ako'nagpigil alangalang sa iyong mga kasama. natapos ang palabas sa cine. inihatid ko kayo hangang sumapit sa inyong tahanan at bago tayo naghiwalay ay nangako akong babalik kinabukasan. ng gabing yao'hindi ako nakatulog boong magdamag at sa pag asam ko ng bukas ay napagngitngitan ko ang aming orasan, sapagka'matay ko mang nasaing magtumulin sa kanyang pagtakbo'hindi nagbabago at para pang ako'hinahamon sapagka'mapatayo ako'mapahiga'napapakinggan ko ang nakamumuhi niyang tik tak. sa pagngingitngit ko ay walang nangyari at nagtagumpay din ang hindi mababagong lakad ng panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"lalo pa akong nagdanas ng yamot sapagka'hindi ko kilala ang ugali ng iyong mga kasama sa bahay at nagalaala ako na baka kung dalawin kita'hindi ka nila ipakausap sa akin at mawikaan pa ako pagtalikod ko, kaya'upang huwag magahis ng kainipan ay ginala ko ang lahat ng bahay ng aking mga kaibigan. pinagsadya kita. wala ang iyong ina. pinaharap ka sa akin ng iyong kapatid at matagal tayong nagusap, matagal na matagal. at buhat noo'tatlong buwan na naman ang dumaan na hindi tayo nagkita, tatlong buwang panay na hirap para sa akin, bakit nadagdag pa sa dati ko nang tinitiis ang pagdadalamhati sa pagkamatay ng aking ama.? oo; kumulang humigit sa dalawang buwan. nguni'isinulat ko sa iyo nang siya'mamatay, bakit hindi mo naaalaman?.! kaya pala ni ang sulat na padala ko sa iyo nang ako'lumulan sa bapor na patungo sa bayan niyang kinamatayan ay hindi nagkaroon ng sagot, ay naparoon kayo sa silangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"datapwa'bayaan na natin ang kanyang pagkamatay at ibaling natin sa dati ang salitaan: naaalaala mo na ba ngayon, edeng, ang mga araw na dumaan ng ating kabataan? ang puso mo ba'gaya rin ng dati na may kalayaan sa pagtanggap ng pag ibig? at maitutuloy ko ba ang ipinahayag ko sa iyo noong tayo'nakikinig ng serenata sa tapat ng simbahan ng sta. cruz?.! bukas mo na ako sasagutin? manuel, salamat sa pagpa paalaala mo'nanariwa sa aking gunita ang ating kahapon: ang maligaya nating kahapon. naaalaala ko ngayon na isang araw ng linggong kulimlim ang araw ay naligo tayo sa dagat. marami tayo, kasama natin pati mga pinsan kong babae na kababata rin natin. noo'palaki ang tubig, ang pulo'hindi natatanaw at upang marating natin nang walang sagabal ay nanghiram tayo ng isang malaking bangkang lunday.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"sa bangka'masaya tayong lahat, lalong lalo na ikaw at habang tayo'nagpapaligid ligid sa may pulo sa paghanap ng lugar na mababaw, ay itinuturo mo sa akin ang mga ibong nagliliparan sa kalawakan at ang mga isdang tulad nating malalaya'masasayang naglulundagan sa ibabaw ng tubig. kay saya saya natin! nguni'walang ano ano'tumaob ang bangka; ikaw ay nagulat at kaming mga babae'napatili ng malakas at makasandali'naghalakhakan ang iba nating mga kasama. ikaw ay nayamot sapagka'nahalata mong sinadya nila ang pagtataob ng bangka upang tayo'pagalitin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"ang tubig ay hanggang dibdib lamang, at makaraan ang ilang saglit, ang mga babae'nagsamasama'ang mga lalaki nama'nagtulong tulong sa paglimas ng bangka; datapwa'ikaw ay hindi kumilos sa iyong kinatatayuan at waring galit ka pa. matapos nilang limasin ang bangka ay sila'nagsipaglanguyan at kaming mga babae'nagtimbulan at ikaw ay nagpakunwaring marunong lumangoy ng hampas tikin; datapwa'naino naming nakasayad ang iyong mga paa, at dahil dito'pinagtuksuhanan ka'pinagsabuyanan ka namin ng tubig. nang may kalahati ng oras na tayo'naliligo, ang mga pinsan ko'nagyayang umahon. tayo'lumulan sa bangka; nguni'hindi ang pangpang ang ating tinungo, kundi ang libis at nang makita mong tayo'nalalapit na sa baklaran ay nanginig ka; buhat sa ulo hanggang paa sa takot mong baka doon ilubog ang bangka ay hindi maaari, ang langoy mong nalalaman. ilubog natin ang bangka, isa, dalawa, tatlo. ang sabay halos na sigawan ng ating mga kasama. ang sigaw mong halos paiyak ina ko, ayoko, huwag!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"palibhasa'patuloy ang pagbibiro ng ating mga kasama, ay nagsabi ka ng totoo, na hindi ka marunong lumangoy. makaraan ang ilang saglit ay nagyaya akong umuwi upang huwag malubos ang sa iyo'pagtakot nila. at nang tayo'nasa pampang na'ibinalita sa atin ng isa ninyong alila na ang tatay mo'nagagalit sa iyo. ikaw ay namutla pagka'ipinagbabawal sa iyo ang paliligo sa dagat ay sumama ka pa sa amin. sa inanyo mong kalunuslunos ay nahabag ako at nawika ko sa sarili: kaawaawa naman, nagtiis na ng takot sa gitna ng dagat ay makakagalitan pa at nang tayo'papauwi na, ay sinabi ko sa iyong: huwag ka nang maliligo sa dagat, sapagka'ipinagbabawal pala sa iyo ng iyong tatay. oo, kung hindi ka na rin maliligo ang sagot mo. aba ang salo ko naman maaari bang huwag akong maligo sa ako'may sakit at ang pagpaligo sa dagat ay nakagagaling sa akin?, sa makatwid ay maliligo rin ako. huwag, sundin mo ang iyong tatay. oo, susundin ko siya kung sa inyong bahay ka maliligo. bakit, ayaw ka bang gumaling ako?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"bakit ayaw? gayon pala'. gagaling ka hindi man sa pagpaligo sa dagat. pagkatapos ko ng segunda ensenanza ay magaaral ako ng medicina at ako ang magpapagaling sa iyo. at samantala'dumating tayo sa harap ng ating bahay. ikaw ay nagtuloy sa inyo at ako nama'sa amin. ikaw ay sinalubong ng galit ng iyong tatay at ako nama'ng maligayang ngiti ng minamahal kong ina. buwan ng mayo. tayo'malalaki na; ako'mayroon nang labing tatlong taon at ikaw nama'labing apat. ang ating kilos ay ibang iba na sa dati: hindi na tayo nakikipaglaro ng tubigan ni takip silim; hindi na tayo nagbibiruan at para tayong matatandang formal na formal kung mag usap; datapwa'batang isip pa rin tayo, kaya'ang ating napauusapan ay panay na kamusmusan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"sa boong maynila nang mga araw na yaon ay nagsalabat ang santa cruz de mayo at sa gawing kaliwa ng bahay na aming tinirhan ay may isang lutrinang hari ng gulo sapagka'panay na mga batang lansangan ang nagsisiilaw, nguni'nang mga huling gabi, sa dakong pagtatapos ay lumalaki at humuhusay sapagka'pinakialaman na ng matatanda at nagpalaluan pa ang mga hermano mayor. nang huling araw ng pagdiriwang sa santa cruz de mayong yaon ay may namanhik sa aking tatay na ako'maging reina elena . ang tatay ko'pumayag at kinagabihan, ang aming bakuran ay napuno sa mga batang manonood ng lutrina . nang hapon ng araw na yaon ay masayang masaya ang ating daan; tatlong banda ng musika ang nagtutugtugan sa harap ng bahay ng hermano mayor na hindi rin nalalayo sa ating tinitirhan. nang tumugtog ang ika anim; ang reina sentenciada ang haring constantino ang mga sagala'iba pa, ay isa isang sinundo ng tatlong bandang musica at ako ang ipinagpahuli sa lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"nguni'ako'nagulat nang makita kong ikaw ang haring constantino. oy ang bati ko sa iyo bakit ikaw ang hari mangyari'ikaw ang raina ang sagot mo naman. at tayo'sandaling nagngitian, bago natin tinungo ang bahay ng hermano mayor at di naglao'inilabas ang prusisyon. kay daming taong nanonood. lahat ay humahanga sa naggagandahang mga sagala. sa karamihin ng tao'may ilang nanunumpit ng pabango na parang nasisiyahang kung may sagalang tinatamaan sa mata. ikaw ay galit na galit nang mga sandaling iyon. pag ikaw ang sinumpitang bulong mo sa akin ay pagtatatagain ko sila. huwag ang salo ko naman huwag at baka ka nila pagtulungtulungan. pag may tangan akong sable'magsampu man sila'hindi ako matatakot. bahagya mo pa lamang katatapos na mangusap ay siyang pagtama sa aking mata nang hindi ko na naaalaala ngayon kung tubig pabango na aking ikinapatili ng malakas at ako'napapikit sa hapdi, makailang sandali'dumilat ako at ang una kong nakita'ikaw na anyong mananaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"manuel ang sigaw ko pabayaan mo sila. ako'pinakinggan mo at nang humarap ka sa akin ay walang pinag iwan sa isang haring maawain ang tingin ko sa iyo at nang ako'lapitan mo ay binulungan kita ng gayari: kamukhang kamukha ka ng haring constantino. nanunuya ka pa, ah. sumama ka sa amin mamaya at ipakikila ko sa iyo ang larawang ibinigay sa akin ng amain kong pari. sasama ako. iyong makikita. oo, ipakikita ko sa iyo. at isang oras pa ang dumaan bago ipinasok ang prusisyon. nang gabing yaon ay hindi ko naipakita, sa iyo ang larawan, sapagka'nang ipasok ang prusisyon ay dinala pa tayo sa bahay ng hermano mayor at doon ko naalaman na ikaw pala ang humiling upang gawing kang haring constantino. presentado, alsado ang biro ko sa iyo. nagprisinta nga ako pagka'ikaw ang elena at ibig kong mapanood ng mga tao na tayo'mga hari kahi'na sa santa cruz de mayo lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"hambog ang biro ko pa. hindi ka nakasagot sapagka'inanyayahan tayong maghapunan ng hermano mayor at para pang sinadya na tayo'pinagtapat ng upo, kaya'habang tayo'naghahapunan ay kung makailan kong maino na nangungunot ang iyong noo. pagkatapos ng hapunan ay pinanood natin ang pagaagawan sa bitin at matigas kong katatawa, sapagka'sa gitna ng balag ay may isang malaking palayok na nakabitin at ang akala ng lahat ay matamis lamang ang laman datapwa'nang malaglag at pagdumugan ng mga bata'naghalakhakan ang nagsipagbitin ng palayok na iyon at makailang sandali'naghiwa hiwalay ang nagsisipag agawan: may patakbong lumalayo, may nagkukusot ng katawan at may naglululundag na animo'nagsasayaw sa pagka'ang palayok palang iyon, bago ibinitin, ay maghapon munang inilagay sa langgaman. matapos ang agawan ay umuwi tayo, datapwa'hindi ka nananhik sa aming bahay pagka'malapit nang tumugtog ang ika sampu at ibinulong mo na lamang sa akin na ipakita ko sa iyo ang larawan pagbalik mo sa susunod na gabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"hinggil sa aming pagparoon sa lalawigan ay naaalaala ko na aking isinulat sa iyo, aywan lamang kung ang liham ko'dumating sa iyong mga kamay kinusa mo ang hindi pagtugon, sapagka'namuti ang mga mata ko sa kaaantay ng iyong sagot.! marahil; datapwa'huwag mong sabihing hindi mo naalaman kung saang lalawigan kami naparoon sapagka'ang iyong tatay ay nakapaghatid pa sa amin hanggang sa sasakyan. hindi maaaring hindi nasabi sa iyo, oo; hinding hindi.! nakapagtataka! diyata'hindi man lamang nabanggit ng tatay mo ang bayan naming pinaroonan? diyata'hindi nasabi sa iyo, ni sa nanay mo? hindi nga marahil! oo: sapagka'malapit, na ang akala ng iyong ama'ako lamang ang kinagigiliwan mo ng mga araw na yaon at inalala niya marahil na masisira ang iyong pag aaral susunod ka sa amin kung ipabatid sa iyo ang pinaroonan naming lalawigan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"nguni'siya'namali, kung gayon ang kanyang paniwala, sapagka'ipinatalastas man sa iyo ay hindi ka aalis ng maynila, ni hindi masisira ang iyong pag aaral dahil sa naiwan dito ang iyong langit, ang paraluman ng iyong gunita. huwag kang magkaila, huwag; mayroon akong katunayan. sinabi mo na may nagbalita sa iyong tatay na palagi kang nakakagalitan ng iyong mga guro sa dahilang malimit kang hindi makalisyon at dahil sa balitang iyon ay ipinagbawal niya sa iyo ang pagpapasiyal kaya'napaalis kami ng hindi mo naaalaman. totoo nga kayang ang paghihigpit ng iyong ama ang naging dahilan ng hindi mo pagkadalaw sa akin? hindi kaya totoo ang nabalitaan kong si enchay na kababata natin, ang nagbawal sa iyo?.! huwag kang magkaila at ipakikita ko sa iyo ang katunayan na si enchay nga; huwag kang sumumpa at baka ka mapahiya sa dakong huli.? kaylan ko natanggap ang balitang iyon at sino ang naghatid sa akin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"sasabihin ko sa iyo: nang kayo'may tatlong araw nang nakalilipat sa ibang bahay ay may nagsadya sa amin na isang binatang balingkinitan ang katawan, mataas, malago ang buhok, matangos ang ilong at matingkad pa sa kayumangging kaligatan kulay at siyang nagsabi sa akin na si enchay daw at ikaw ay nagmamahalan. ako'nagalit mandin at waring pati niya'kinayamutan ko.? aywan, hindi ko masabi kung nagalit nga ako at kung ako'nagalit ay hindi ko masasabi ang dahilan, sapagka'nang mga araw na yao'musmos pa ako at ang mga musmos ay madaling magalit at madali namang matawa. makailang araw ay muli akong nakabalita na kayo nga ni enchay ay nagkakaibigan at noon ako naniwala ng lubos sapagka'may isang linggo nang hindi mo ako dinadalaw, gayon ma'hindi ako nagdamdam at sumulat pa ako sa iyo nang kami'naghahanda ng paglalakbay sa batangan. ang sulat ko'hindi mo sinagot hanggang kami'lumulan sa sasakyan, at iyo'isang katunayan pa na talagang ako'wala nang kabuluhan sa iyo ng mga araw na iyon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"ang lungkot ko'gayon na lamang, at lalong lalo na nang kami'naglalayag, sapagka'nagunita kong sa lalawiga'walang kasayahang gaya sa maynila. dito'panay na kaligayahan ang aking naranasan; subali'doo'panay na kalungkutan ang aking makakaulayaw sa araw at gabi. ako nga'malungkot at napatulo pa ang aking luha. nguni'naroroon na'ano pa ang aking gagawin!? at mayroon man ay wala nang mangyayari! dumating kami sa batangan. mahusay ang panahon, ang langit ay maaliwalas at malamig ang amihan. noo'linggo ng umaga at sa pantalan pa lamang ay sinalubong na kami ng aming mga kamaganak na doon nananahanan at kami'dinala sa bahay ni.. na may dalawang anak na dalaga at kinagabiha'hinarana kami ng mga binatang tagaroon at gayon din sa nagsisunod na gabi. ang lungkot kong nagsimula nang kami pa'naglalayag ay naparam at nasabi kong masaya rin pala sa lalawigan . datapwa'hindi naglaon ang aking kasayahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"kami'lumipat sa bukid dahil sa damdam ng aking ama at noon na na nagsimula ang pagkaulila ko sa lahat ng bagay at ang pagdama ko ng tunay na lagim sa buhay. naroon na'ano pa ang gagawin kungdi ang magtiis! at nagtiis nga ako. datapwa'nang may apat na buwan na kami roo'inisip ng tatay ko ang kami'bumalik sa bayan sa pagka'siya'magaling na sa kanyang sakit at nagpapalakas na lamang. nang ipabatid sa akin ang kanyang tangkang iyon, ako'lumigaya at nasabi kong wala nga palang hirap na di napapalitan ng kaginhawahan. sa bayan, oh, sa bayan! nororoon ang ligaya, doo'masayang lahat ang tao; nguni'dito dito sa bukid ay bihira ang tao mong makikita na hindi dumadaing sa sungit ng palad na nagtataboy sa kanila sa kabundukan upang doo'humanap ng ikabubuhay at sa gabi ay wala kang mapapakinggan kundi huni lamang ng libo libong kulilig. makaraan ang ilang araw ay nilisan namin ang bukid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"sa baya'nadama ko ang aking kinasasabikan; ang ginhawa, ang kasayahan, at noon ko nawikang sa lalawigan pala'maari ding mabuhay na gaya ng kabuhayan sa maynila at higit pa, sapagka'bihira ang gabing walang harana, at madalas ang buencomer sa tabi ng ilog kaya'sa palayan. nang may ilang araw na kami sa bayan ay nakatanggap ako ng isang sulat. akala ko'iyo at dali dali kong binuksan; nguni'nang tunghan ko ang lagda'natalastas kong ako'namali; sapagka'yaon pala'kay enchay, upang ipagbigay alam sa akin na kayo'magiisang dibdib pagkatapos ng iyong pag aaral. ano ang dahila'ako'sinulatan ni enchay? pinasasakitan kaya ako? siya'namali. wala tayong salitaan nang kami'paroon sa lalawigan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"siya, ni sino man, ay walang katunayang maihaharap na tinanggap ko ang iyong pag ibig at ngayo'hindi ko masabi kung sa pagiibigan ang ating napaguusapan noong araw at kung pagiibigan nga ay hindi ko rin masasabing inibig kita sa hayagan sa lihim man, sapagka'noo'musmos pa ako at wala akong muwang sa ngalang pagiibigan. nguni'kung ang mga pagkalungkot ko pag tayo'hindi nagkikita ay nagkakahulugan ng pag ibig ay ginanti ko ang tibok ng iyong puso. nguni'hindi ba'ang bagay na iyan ay nangyayari din naman sa magkaibigan na nagmamahalang parang makapatid? sakali mang hindi ako musmos noon at sinagot kita ng oo, ay namali siya, si enchay sapagka'nang tanggapin ko ang kanyang liham ay nalimot ko na ang nakaraang panahon. kaya'nasabi ko tutoy sa sarili nang matapos kong basahin: at maano sa akin? mawawalan ba ako?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"makaisang lingo'na katanggap ako uli ng liham din niya'at iba naman ang ibinabalita sa akin: ngunit ako'tunay na nayamot pagka'bawa'talata'may salitang napakarumi at kung isipisipin ko ang kahulugan ay sa akin patama. gayon ma'hindi ko sinagot, at bakit ko sasagutin? ay di pinantayan ko pa ang baba niyang singbaba ng nakasusuklam na lusak?. ako'hindi mataas magsalita. ano ang aking ipagmamataas sa ang uri ko'mababa rin namang katulad ng iba? datapwa'ang kanyang ginawa ay nakaririmarim na gaya ng pusali na amoy lamang ay nakasasama ng sikmura. hindi ko nga siya sinagot at siya'pinatawad ko pa, at kung kami'magkikita ngayon ay hindi niya ako kahahalataan ng sama ng loob. ang tatay ko'lumakas. kami'naparito sa maynila, at ang una kong nabalitaan ay ang paglililo sa iyo ni enchay na pinaglalaanan mo ng iyong karrera. huwag kang magkaila, huwag; may katunayan akong walang kasing laking kasinungalingan ang sinasabi mong hindi ako nawawalay sa iyong isipan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"huwag mong nasaing maikubli ang isang katotohanan.! sumusumpa kang totoo ang sinabi mo at ako lamang ang iyong iniibig? ito nga namang mga lalaki, pag ibig magsinungaling inaku! hindi mo ako mapaniniwala. huwag kang magpumilit, huwag; at baka sabihin ko pang kaalam ka ni enchay nang ako'padalhan ng sulat. may katwiran yata ako, ha, ha, ha.! bakit ka namula? talagang may sala ka.! namamali ako at iniibig mo pa ako hanggang ngayon?.! sagutin ko kung may maasahan ka pa sa akin? oo, sasagutin kita; datapwa'tugunin mo muna ako: ngayon ba'tinalikdan ka na ng pinaglalaanan mo ng iyong karrera ay akong ihinabilin mo na sa limot ang iyong pamamanhikan, akong pinagtangkaan mong malugmok sa hirap, sa pamamagitan ng dalawang liham na ipinahatid sa akin ni enchay?.! isinusumpa mong hindi ka kaalam? bakit niya naalamang lumigaw ka sa akin?.!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"wala kang pinag iwan sa ilang taga bukid na nakikilala namin; huli na'nagkakaila pa. at hindi ako nagtataka, sapagka'ang taong nagkukubli ng katotohanan ay talagang ganyan at matapang pa kung minsan, hindi yata? kung gaya ng dati na tayo'mga musmos, ay tatawagin ko ang ating mga kaibigan at sasabihin kong: narito ang bulaan, ang sinungaling, narito itignan ninyo! nguni'napapalayo ako. pagbalikan natin ang iyong tanong. manuel, tanggapin ang tungkos ng mga liham na ito at sa mga iya'mababasa mo ang aking sagot. huwag mong buklatin dito, sa inyong bahay mo na basahin. huwag sana, at kung may tutol ka'sa ibang araw ka na parito. hindi kita itinataboy. ibig kong umuwi ka na, sapagka'baka hindi ka magkapanahon sa pag aaral ng ililisyon mo bukas.! itinigil mo ang pag aaral buhat nang mamatay ang iyong ama at ang kapatid mong juan na lamang ang pumapasok sa sto. tomas?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"sinayang mo ang panahon; nguni'may katwiran ka, may asawa na si enchay ay bakit ka pa magaaral, sa siya lamang ang pinaglalaanan mo ng iyong karrera?.! ako raw at hindi si enchay! oy, manong matahan ka.! mabuti nga'nang maalaman mo ang laman ng mga liham na iyan.! oo hanggang bukas. nang si manuel ay dumating sa kanyang bahay ay ang pagbubukas sa, tungkos ng mga liham ang unang ginawa, at matapos basahin lahat ay nag buntong hininga at nasabi sa sariling: nahuli ako; nguni'iisa ang ipinahahatid kong liham ay bakit naging tatlo.? matagal na inisip kung ilan sulat ang naipadala kay enchay nang sila'nag iibigan; datapwa'hindi maapuhap sa alaala na ang una'sinundan pa ng dalawa. maging isa man tatlo na nga, ay nahuli na siya ni edeng at dahil dito'nalungkot ng gayon na lamang. kahiyahiya kay edeng! ang bulong sa sarili isinumpa ko pa naman na liban sa kaniya'wala na akong inibig at ipinagmatigas ko pang siya'hindi nawawalay sa aking gunita. ano kaya ang kanyang palagay sa akin ngayon.?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"isang sinungaling? at ang mukha'tinutop ng dalawang palad na parang may kaharap na kinahihiyaan. ang sulat na ipinahatid ni manuel kay enchay ay talagang iisa nga. ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa ng isang binatang taga batangan na nangingibig kay edeng. isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina manuel, ang binatang iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina edeng at parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag ibig. noo'nagdadalaga na si edeng. at nang mahalatang ito at si manuel ay waring nagmamahalan, ay nagisip ng daan upang magiit ang kanyang pagliyag. ang pagkakalipat ng bahay nina manuel ay siyang sinamantala ng binatang iyon; nakitulong sa paglululan sa karreton ng mga kasangkapan at dahil dito'kinagiliwan ni don jose at ni aling mirang na mga magulang ni manuel. nang gabi rin ng araw na iyon at samantalang sina aling mirang at ang kanilang mga alila'naghuhusay ng bahay, si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"jose ay kaniyang kinausap at ibinalita na si manuel ay malimit na hindi makalisiyon, kaya'palagi daw na nakakagalitan ng mga guro, at nang sina edeng ay patungo sa lalawigan ay sinulsulan si manuel na lumigaw kay enchay. ang binatang iyon ay nagaaral sa paaralan ng mga heswitas at nang dumating ang bakasyon ay umuwi sa batangan at si edeng ay makalawa sa isang lingong pinagsasadya sa bukid. sa kanilang mga paguusap ay naino niyang si manuel ay hindi nawawalay sa alaala ni edeng, kaya'gumawa ng lahat ng paraan upang malimot ang binatang nagtitiis ng hirap sa pagkaulila sa kaniyang nilalangit. nang buksang muli ang mga paaralan ay lumuwas dito sa maynila at nang mga araw na yaon ay noon naman tumanggap si edeng ng dalawang liham ni enchay. si manuel at si enchay ay nagkaibigan nga, datapwa'hindi naglao'ito'umibig, sa iba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"at nang ikakasal na sa kanyang bagong kasi ay ipinamanhik sa ating binata na isauli kay manuel ang isang liham na kanyang tinanggap; nguni'ang liham na iyon ay hindi dumating sa kinauukulan. nang sina edeng ay lumuwas dito sa maynila ay ibinalitang agad ang paglililo ni enchay at si manuel daw ay may bagong nililigawan. isang pagkakataon. ang dating magkakilala'nagkita sa teatro, at kinabukasan ay matalastas ng ating binata ang patatakpong iyon sa dulaan, sapagka'ibinalita ni edeng. ang ating binata'dalidaling nagpaalam upang ang liham ni manuel kay enchay ay dalhin sa isa niyang kakilala na mahusay humuwad ng mga titik, upang magpagawa ng dalawa pa, na iba naman ang nilalaman sa tunay na liham ni manuel. at gayon nga ang nangyari. nang gabing si manuel ay umalis sa bahay ni edeng, na taglay ang tatlong liham, ang ating dalaga'nilapitan ng kanyang ina: edeng ani aling juana ano ang pinaguusapan ninyo ni manuel? wala po ang tugon ni edeng.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"akala mo yata'hindi ko naaalaman ang dahilan ng pagparito ni manuel? natatalastas ko na siya'nangingibig sa iyo noon pang araw at pagiibigan ang iyong pinaguusapan. ang napaguusapan po nami'ang pagpapatintero, ang pagtatakip silim at iba pang laro nang bata pa kami . huwag kang maglihim. magsabi ka nang totoo kung ibig mong huwag akong magalit at kung ibig mong mahalin kita ng higit pa sa rati. totoo pong wala kaming napaguusapan tungkol sa pagiibigan. diyata'hindi ka magsasabi ng totoo?. sabihin mo ano ang inyong pinaguusapan ni manuel bakit napaparito gabi gabi? si edeng ay hindi sumagot, ang ina'nagalit at nagpatuloy: ano ang laman ng sulat na ibinigay mo kay manuel?. ayaw mo akong sagutin? ang ulit ng ina na lalo pang galit ano ang laman ng sulat na ibinigay mo kay manuel?. hindi mo ba nalalaman na ang binatang iya'mason hindi mo ba nalalaman na ang mga mason ay eskumulgado at ang nakikipagkaibigan sa mga eskumulgado'walang kaligtasan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"nguni'ngayong naalaman mo na, ay ayokong siya'kakaharapin mo at pagparito uli ay sasabihin kong huwag na siyang magpaparito sa ating bahay, naaalaman mo? si aleng juana'isang babaeng may mabuting puso at mainam na makipagkapwa tao, datapwa'totoong napakabanal at ito ang tanging maipipintas sa kanya. si manuel ay dati niyang kinagigiliwan at natuwa pa nang mahalatang nangingibig sa kanyang bunso; nguni'nang huling gabi ng paguusap nina edeng ay nakatanggap ng isang kalatas na hindi malaman kung kanino galing, kalatas na nagbabalitang si manuel ay mason; at dahil doon ay kinapootan ng gayon na lamang. kung ang balitang yaon ay natanggap nang unang gabi nang pagkikita nina edeng sa dulaan, ay natira na lamang sila marahil sa pananabik sa mga pagkakataong ikapagkakausap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"ang pinto ng tahanan ni aling juana ay nakapinid para kay manuel; subali'bukas sa binatang makikilala natin sa susunod na bahagi at dahil dito'palaging malungkot si edeng; sapagka'sa mula'mula pa'tinubuan ng wagas na pag ibig kay manuel, at hindi na wawaglit sa kanyang isipan ang maligayang panahon nang sila'mga bata pa. datapwa'nang sila'magkita'magkausap ay hindi nagpahalata kay manuel, dahilan sa mga balita niyang natanggap. at kung tunay na siya'inihabilin na nga sa limot ng binatang minahal sapul pagkabata, ay handa namang taglayin hanggang sa libingan ang pag ibig na namumugad sa kanyang puso. si manuel ay gayon din. at kung nangibig man kay enchay ay dahil lamang sa sulsol ng isang kaibigan at upang may mapagparaanan ng panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"bagama'si edeng at si manuel ay hindi nagkakausap ay nagkakatalastasan naman sa pamamagitan ng mga liham at pawang maligaya sapagka'alam ng bawa'isa na wagas na pag irog ang katapat ng kanilang walang kasinglaking pag ibig at may pag asa sa isang nakangiting hinaharap at sa luwalhati ng kanilang lihim na pagmamahalan. tundo, sept. . ilang maralitang kuro aling puring: noong isang linggo pong ako'dalawin ng maingat kong manggagamot, ay tatlong mahalagang bagay ang ipinagbilin sa akin: huwag kang magbabasa ang wika huwag kang magiisip, huwag kang magsusulat . sa mga tagubilin niyang ito ay sandali akong natigilan, bago marahang nakasagot ng opo .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"mangyari'kasalukuyang binabasa ko pa naman noon ang inyong mahalagang aklat kaya'sa isipan kong hapo'buhay na buhay pang gumagalaw ang mga larawan nina edeng at manuel, at waring sa aking pangdinig ay humahayuhay ang kanilang matatamis na bigkas, mga bigkas musmos na naghihiwatig ng dalawang pusong nasasaputan pa ng kawalang malay, ng kulay na puti ng mga kaluluwang di pa napupukaw ng mapangligalig na araw ng buhay. dahil dito'sasandaling nakapanira sa alaala ko ang mga tagubilin ng aking manggagamot. at babahagya pa siyang nakalalayo sa amin, ay muli ko na namang kinuha ang inyong nabitiwan kong aklat upang ipatuloy ang pagbasa. naraanan ko ng buong lugod ang mga talatang naglalarawan ng mga kamusmusan nina edeng at manuel, ang matatamis na sandaling yaon ng kanilang paglalaro ng mga larong ganap na tagalog gaya ng taguan, piko piko, tubigan, at dumating ako sa mga talatang ang dalawang musmos ay unti unti nang nangasisipasok sa mapanghalinang buhay ng damdamin .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"pagdating ko rito ay lalong nagulol ang pagkagiliw ko sa aklat kaya'buong pananabik kong sinundan si edeng at manuel hanggang sa makarating sa huli. at ano ang naging kuro ko pagkatapos ng pagbasa? huwag ninyong sapantahain na ang sasabihin ko'likha lamang ng ating pagkikilalang matalik; hindi po, sapagka'labis kong natatalastas na ang isang epiloguista'hindi kaibigan ng sino man, kundi isang kapangyarihang nagpaparusa sa may sala at nagbibigay ng gantingpala sa mga magalangin sa kanyang mga batas. narito po ang maralita kong pasya: na, ang inyong aklat ay busog na busog sa mga kagandahang dapat taglayin ng isang nobela: luwag sa pananalita, ayos sa pagsasalaysay at taas at linis sa mga isipan. ang kabuuan ng aklat ay maiwawangis sa isang halamang hitik sa mga bulaklak ng pusong tunay na tagalog, pusong gaya ng kay edeng na pinagtipunan ng yumi at hinhin, ng hinhin at bait, bait at hinhing aring ari lamang ng mga dalaga sa lupaing ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pura Medrano,"kung ang lahat ng mga aklat na susulatin natin ay maitutulad sa aklat na ito aklat na naglalarawan ng isang buhay at mga pangyayaring may tatak tagalog, tagalog na uri'lasang tagalog din ay hindi sasalang sa araw ng bukas ay buong dangal na nating masasabi na may wika tayong talagang sarili at damdami'diwa na ating atin din. aling puring: sa wakas ay ipahintulot ninyong umasa ako ngayon pa, na sa mga papuring nasabi ko na rito sa inyo! ay mairaragdag sa mga hinaharap na araw itong mga sumusunod: sa pananalita at liwanag sa paglarawan. ros. asuncion palma asuncion manahan emiliana santos engracia jacinto dolores chanco dolores medrano isidra reuto pilar navarrete pilar reuto pura. medrano silvinia chanco victoria santos pura. medrano, pangulo asuncion palma, kalihim dolores chanco, ingat yaman",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López," sa manga nanasang liyag sa tapat ng nasang namuco sa dibdib, tapat na pagsintang namahay sa isip na maipahayag canilang sinapit, tanang guni guni'linupig na tiquis. cusang pinatuloy tumiim sa hagap ang pinanghauacan ang nanasang liag may ganap na bait camahalang ingat, macapagpupuno sa caculangang lahat. ito nga'hindi iba tunay dinaanan ng canilang buhay sa mundong ibabao, na cusang natapos sa abang bitayan, sa pagsintang lubos sa tinubuang bayan. sila'hindi iba mga sacsing tapat, unang monumento ng pagpapahamac niyong mga fraile sa cainguitang caguiat ng dunong at yaman tubong filipinas. sila namang tunay ang unang larauan na dapat tularan nating calahatan sa pag uusig nga ng caguinhauahan nitong ating bayang lagui sa ligamgam. caya ang marapat, oh mga capatid: silang mga martir alalahaning tiquis, huag lilimutin laguing isa isip alang alang baga sa mga sinapit. gayon din naman sa cailan pa man dapat casuclaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mga fraileng tanan na nagcucunuari ministrong marangal ng dios na poon, bago'mga hunghang. caya ang mabuti ay tularang lubos mga halimbaua ni na padre burgos, gomez at zamora na pauang tagalog sa tinubuang bayan marunong umirog. sa baua'may nasang ibig na bumatid ng canilang buhay tunay na sinapit basahing tuluyan pagtiagaang tiquis cusang ipatuloy itong natititic. bahala na sana inyong camahalan mag lapat nang ganap sa labis at culang sa baua'talatang inyong matagpuan uari'nalilihis doon sa catuiran. nguni'ang samo co bago mo punahin ang lihis sa uari, maiguing liningin maca ca sacali naman na malinsil sa daang casamaan malagos na tambing. cung magcacagayon ang pasasalamat sa camahalan mo aquing iguinagauad at mag utos naman sa lahat nang oras sa laang capatid na casuyong tapat. honorio lopez. sa bayan ng vigan daraquilang ciudad fernandinang sacdal sagana sa galac sa buong iloco na ualang catulad doon naguing tauo si burgos na hayag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"taong isang libo ualong daang tunay apat na puo'dalua siyang cabilangan nang siya'ianac nang inang hinirang may tacot sa dios, mabuting magmahal. siya'na uucol sa isang familia na iguinagalang natatangi baga sa buting ugali at gauang maganda sa ciudad na yaong mayaman sa saya. mulang camusmusan nitong ating burgos sa bait na taglay uala nang aayos gayon din sa talas nang isip na impoc, caya'maaga siyang pinaturuang lubos. hindi nalaunan caniyang pag aaral naisipan ngani nang mga magulang dito sa maynila iluas na tunay upang pag aralin sa san juan de letran. caya iniluas itinuloy muna sa bahay nang canyang tiong sinisinta teniente practico nang artilleria juan antonio aelle ang pangalan baga. siya'itinira na hindi naluatan sa letrang colegio, ang nacacabagay ay duc hang ulila sa mga magulang, sa loob nang dios tinangap din naman. sisiyam na taon cabilangang edad nang siya'parito at masoc na cagyat sa colegiong yaong hinahangad hangad nang caniyang budhi at loob na ingat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"doon nga nag aral na hindi nagtahan hangan sa sinapit at cusang nacamtan ang gradong bachiller gayong pag aaral sa artes nahayag ang siyang pangalan. nang ito'macamtan nitong burgos natin gumising sa caniyang puso ang tunguhin yaong pagpapari sacerdociong tambing sa eclesiasticong carrerang mahinhin. at hindi na niya tinuloy na lubos carrerang derechong sinisintang puspus nang mga magulang, ang cusang sinunod ang buco nang dibdib gumising sa loob. caya nga'pagdaca ay pinag aralan teologiang mahal sa isang maalam na fray ceferino gonzalez ang ngalan na hindi nalaon ay naguing cardenal. dito na tinamo yaong mantong azul at belang mapula na ualang caucol, caya ang caniyang familia nga noon ang toua nang dibdib ay hindi gagayon. madali'salita nang ito'malaman na sa pagpapari ang pag aaralan nang caniyang magulang cusang binayaan tanang hanap buhay sa ciudad nang vigan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"dito sa maynila sila'tumahan na dahil sa pagsunod sa anac na sinta na di man nangyari caibigan nila ano mang pamanhic di nangyari baga. ang luhang tumulo sa manga magulang hindi man pinansin at pinagpilitan ang hilig nga niya na mag paring tunay ministro nang dios sa lupang ibabao. baga ma'gayon ang nangyaring lubos pag ibig nang ama'lumalalong puspos sa naquiquita niya'napapanuod sa caniyang anac carunungang impoc. mula sa hindi nga na nahuhulog man sa tanang exameng pinagdadaanan, at caya'baga man may lungcot na taglay ang galac sa puso'siyang gumiguitao. gayong pag aaral ay hindi nagluat ordenes menores ay quinamtang cagyat caya lalo na nga ang familiang lahat toua'mago'mago sa dibdib namugad. nguni'uala pa siya na apat na buan ng pagca tangap niya ng orden quinamtan nagcaroon nang gulo sa tinatahanan colegio nang letran sa fraileng casaman. mula baga ito sa pagpapasunod sa mga colegial pauang filipinos nang mga fraileng sa sama ay supot ng mga abuso at gauang pag ayop.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"caya nacaisip ang tanang colegial gayong pag aalsa sa pacanang tunay binabago nila ang caugalian na dating paquita sa canilang tanan. oras ng hapunan ng mangyari ito na aquing sinabi na pagcacagulo caya ang guinaua ng fraileng pangulo sa justiciang bayan ay napasaclolo. dahil sa marami ang fraileng nasactan may bali ang buto at may nasugatan; caya yaong habla umano sila rao ibig na patain nang tanang colegial. naparatangan pa na naguing pangulo itong ating burgos sa nangyaring gulo, datapua uala rin naguing hanga ito cundi ang pasia iuan ang colegio. silang calahatan paalisin lamang sa colegiong yaon sa iba'mag aral nguni'di nangyari pagca silang tanang sa mga fraile curang namanhican. dahil sa marami di nacatapos pa ng canicanilang tunguhing carrera caya'napilitan nagtiis din sila sa mga pasunod ng fraileng lahat na. lalong lalo na nga itong ating burgos dahil sa derecho comicong lubos siya'hindi pa na nacacatapos caya nagtiaga rin sa iba'umayos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"hindi rin naluatan ang pagca decano sa laong panahon cusa ring tinamo sa aua ng dios at dusang totoo na tinitiis niya sa fraileng abuso. caya di nalaon siya ay lumipat ng hindi na siya tumagal sa hirap sa mga pasunod niyong fraileng lahat colegiong. jose, ang tinungong agad. ang namamatnugot sa colegiong ito ang quilalang doctor si padre mariano garcia ang caniyang dalang apellido tunay na tagalog tauong filipino. nang siya'matira at dito mag aral ay hindi nagtagal siya'inordinan nang pagca diacono gayong cabataan mula sa talino nang isip na taglay. hindi nacaraan ang ilang panahon sa madaling sabi nama, nagcataon nagcaron nang isang noong oposicion sa tanang diacono mag cura ang layon. noon ay vacante yaong catungculan segundo curato sa sagrariong mahal nang bunying. pedro balitang catedral sa sangcapuluan nang maynilang bayan. sa guinauang ito: oposiciong tiquis nanguna sa lahat si burgos na ibig, caya tinamo niya sa talas nang isip gayong pagcucurang caloob nang langit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang tungcol na ito hindi matatamo nang sino'alin mang cahit may empeno cungdi ang may taglay pagca presbitero ay siyang marapat na magcamit nito. nguni at sa dunong nitong ating burgos baga ma'diacono ay quinamtang lubos palibhasa dising naasa sa dios matalinong lubha maganda ang loob. maca ilang buan ay quinamtang cagyat pagca licenciado sa bunying faculcad niyaong filosofia sa gayong capahat, gayong pag aaral na lubhang mahirap. hindi nacaraan ang malaong arao nahalal na muli siya, maguing fiscal sa juzgadong sacdal eclesiasticong hirang at sa ceremonias ay maestro din naman. ito ay caloob nang daquilang rector sa sto. tomas nga, mula sa di gayong carunungan niya na ualang caucol na napagquiquita nang tanang naroon. nang ito'matamo dito na nagcamit nang dangal na lalong ualang cahulilip caya ang bala na nga nagalang na tiquis baga ma'matanda'caniyang cauangis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang boong maynila dito na nagtaca sa dunong na ingat ualang macapara nitong ating burgos na caaya aya pati ng ugali at loob na dala. di pa nagluluat ang panahong ito ng caniyang pagtangap ng lahat ng grado, ano'nagcataon sa espanang reino nagcaron ng isang malaqui ngang gulo. ito'noong taong isang libong ganap ualong daan anim na puo'ualong singcad buan ng septiembre sa istoriang saad ng ito'mangyari caguluhang cagyat. dalauang binata ang naguing pangulo na taga maynila, manuel at antonio regidor ang ngalan sa nangyaring gulo sa bayang espana niyaong unang daco. caguluhang ito ay ualang ano man, na hindi nga gulo ng pagpapatayan, cung di isa lamang na pag uusapan ng fraile'tagalog sa gobiernong mahal. pagtatalong ito ay di nai iba cung di yaong gusto nito ngang dalaua ang magcaron dito mabuting reforma ng pamamahala tayong lahat baga. ang tanang clerigo, ang dapat nga lamang mag cura sa lahat mga bayan bayan nitong filipinas, at magcaron naman ng representacion de cortes ang ngalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at cusang baguhin, pag ayusing cagyat ang escuelang bayan at colegiong lahat, at ito'ibigay ang siyang marapat sa paring tagalog tubong filipinas. ang gayong usapin ay lumaquing tunay ang lahat nang fraile'pauang naguluhan, caya'napilitang sila ay naghalal ng procuradores na fraile rin naman. si fray jose checa at fray joaquin coria ang naguing defensor taga usig baga ng usaping ito sa dalaua'habla na taga maynila sa baya'may sinta. sa lahat ng diario ang usaping ito sa corte ng madrid nalagdang totoo'pauang naaayon tanang articulo sa tanang tagalog, fraile siyang talo. baquit ang isa pa naquiayong tunay isang tubo rito na naguing general . jose orosco zuniga ang ngalan at iba pa ngani na may catungculan. juan zaenz de vismanos jose ochoteco rafael na bantog garcia lopez ngani ang pangalang lubos ng mga nag usig na pauang tagalog. sa pagtulong nito na lubhang malihim, ang lahat ng fraile ay di napatiguil, lalong inululan ng galit na tambing sa dalauang ito na regidor natin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"lalong lalo na nga ng sila'lantacan sa diariong discucion halos arao arao ng binatang manuel, fraileng calahatan lalong nangag usig panalo'macamtan. dito na si burgos cusang sumulat na ilang articulong casagutan baga sa lagdang sinulat ng fraileng si coriang naquiquipagtalo mag uagui ang pita. sa usaping ito ng cusang malaman, ang ating si burgos dito ay capisan, ang lahat ng fraile lubos ng tumahan, tinimpi sa loob yaong cagalitan. dito na umusbong sa canilang dibdib si jose burgos nga ay sinumpang tiquis at paghigantihan gauan niyaong pangit lihim na pacana na asal balauis. baga ma'gayon na ay cusang tumiguil ang lahat ng fraile sa gayong usapin, di rin naampat at napatuloy rin sapagca'tumauid sa lupain natin. sa boong lauigan nitong filipinas caguluhang ito cusang lumaganap dahil sa ang lahat na fraileng dulingas ay pauang nagbago ng ugaling ingat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"yaong pangangamcam siyang natutuhan nang lupa at buquid sa catagaluga'cusang pataasin ang dating cabuisan ng mga hacienda na atin di'tunay. caya siyang mula ng panghihimagsic niyaong si eduardo camerinong sulit na taga caviteng nahalal na tiquis pangulo sa hocbo na pauang nilupig. isa pang casama ni eduardong hirang ay yaong si luis parang ang pangalan na siyang namuno sa bayan ng tanguay ng paghihimagsic sa fraileng sucaban. ang bayan ng imus noo'gulongulo sapagca'nacuha nitong si eduardo caya'ng mahuli ang dalauang lego sa casa hacienda binitay nga nito. ng ito'matanto ng bunying general nagulo ang diua caya'naisipan tumauag ng pulong sa lahat ng mahal na mga tagalog ng ito'mahusay. pagca'yaong gulo lubhang malaqui na di na naapula ano mang gauin niya, hangang sa inabot ang casa hacienda sinilabang tunay ng nag si pag alsa. caya naisipan ng upang tumahan caguluhang ito nasabing general, ang tanang tagalog na may carunungan at caunting yaman bigyang catungculan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"caya nga'inipon si roxas, vismanos, ascarraga'tuason, gonzalez na lubos, padilla'esquivel, si calderong bantog saca si icasa pauang filipinos. sila hindi iba ay cusang nahalal vocales civiles na puno sa bayan, saca nga sinunod ang ilang cabanghay niyong cay regidor reformas na tanan. dito na naghalal sa corte ng madrid ng isang comision sa nag uusig nitong si regidor na di naiidlip tayong calahatan mapaiguing tiquis. caya ang ministro de ultramar noon ay siyang namuno gayong pagpupulong, at ang mga vocal sa ganitong layon mga generales na ualang caucol. na sina orosco, saportillang tunay gandara at sina ochoteco naman, coballes na pauang coroneles lamang rodriguez, bona'pillon iba pang capisan. ang pulong na ito pauang nag caisa at pinaayunan ang tanang reforma nitong si regidor na capisan nila gayong pag uusap sa guinauang junta. caya ng matapos itong pag uusap dito sa maynila'pinahatid agad niyaong capulungan sa madrid na hayag ang naguing pasiya ng upang malutas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"nguni sa sama din ng pamamahala ng gobierno rito'isinalamuha sa junta nga rito yaong fraileng madla uala ng inimbot cundi ang masama. dina naalala itong ating burgos doo'isinama'cusang inilahoc caya sa uala rin dito'napanuod na caliuanagan tanang filipinos. sa gayong nangyari yaong caguluhan dito sa maynila, bulacan at tanguay silanga'iba pang mga lalauigan ay lalong lumubha apuy ang cabagay. ang manga pinuno'tanang autoridad dito sa maynila'nagulong cagyat caya napatulong sa loob na tapat ng mga tagalog may dunong na ingat. ng upang maampat cusang mapatiguil caguluhang ito na ualang cahambing caya sinunod na ang lahat ng hiling ng tanang tagalog may dunong na tambing. si padre gomez nga ang siyang guinaua comisiong nahalal cusang papayapa sa cay camerino na naghimagsic nga sa bayan ng tanguay, imus na daquila. ng ito'parunan niyaong padre gomez ay hindi nalaon ang paghihimagsic, dahil sa pangaco ng autoridades sa tanang tagalog na nag alsang tiquis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"caya ang tratado biglang pinirmahan sa bayang navotas ng bunying general sa pinamansagang balitang tulisan na si camerino at si luis parang. ang lahat ng fraile noo'nangag galac pagca'napayapa caguluhang cagyat, at tanang hacienda nilang ini ingat, ay muling babalic na di magluluat. baga ma'sila'cusang nagastahan nag gugol ng pilac na hindi mabilang, di na alumana humusay nga lamang lacad ng panahong manga caguluhan. ang general noong balitang. carlos de la torre ngani ang pangalang lubos na naguing mabuti sa manga tagalog at sa tanang fraileng nag asal balaquiot. nabalita naman sa panahong yaon ang ating si gomez cura sa bacoor dahil sa guinaua at pag dedefensor sa tanang tagalog na piniit noon. at gayon din naman sa pagpapahusay sa nangyaring gulo sa bayan ng tanguay, caya yaong puri at uagas na dangal ay tinamo niya sa catagalugan. dahil sa mahiguit na tatlong libong ganap ang napi it noon tagalog na lahat na napacaualan cay gomez nagbuhat sa carcel ng dusa na dilang bagabag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at pati ni parang sampuo ni eduardo cusa ring nagcamit ng mabuting trato sa manga castila tumira pa rito sa bayang maalat may penciong totoo. saca sinunod pa ang pinag usapan niyaong caayusang magcura sa bayan at yaong reforma niyaong pag aaral ay pinaghusay din na hindi naluatan. nagcaroon pa noon ng carrera civil lahat ng tagalog may dunong na tambing caya si vivencio del rosario natin sa lagunang bayan ay nag alcalde rin. mariano villafranca naman sa bayang misamis alcaldeng nahalal na pauang tagalog may dunong na taglay nagcamit ng tungcol sa cacastilaan. nagcaroon pa rito ng mga jueces pauang filipino'manga relatores, at lahat pa disin ng mga napiit dito nacauala'cusang nacaalis. pinatiguil pa nga ang pag eembargo sa tanang lupain ng naramay rito, at pinagalang pa manga bahay dito sa tanang justicia nagalang totoo. sa madali'sabi ating pagbalican: ang cusang sinapit nitong si luis parang sampuo ni eduardo camerinong hirang niyaong macaraan yaong ilang arao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"pagca'di nalaon sila ay piniit pinatay sa bitay, sa namucong galit sa dibdib ng tanang fraileng mga ganid uala ng inimbot cung di gauang pangit. sila'nag gasta rin ng lubhang malihim sa general ditong lumabo ang tingin sa saganang pilac canilang inyahin mapapatay lamang dalauang butihin. naualang halaga ang pinag usapan tratadong guinaua sa malabong bayan at cusang naniniig lubos na guinitao pagtingin sa yaman nasabing general. nagngit ngit na naman ng ito'matalos ang lahat ng dibdib ng mga tagalog, nguni'sa uala rin dito ay inabot caguluhan baga gaya ng natapus. sa panahong ito siyang pagcacamit nitong ating burgos ordeng ninanais niyaong pagcapari sa tanang tiniis manga cahirapan na ualang cauangis. hindi nga nalaon na nagcantamisa, sa ating catedral nahalal na cura, at siyang pagtamo ng mahal na borla niyaong pagca doctor sa santa teologia. saca sa derecho canonicong mahal ay gayon din naman doctor na mahusay caya sa tribunal ng exameng tunay naquiquialam na sa colegiong tanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"caya bala noong ibig na cumuha magcamit ng grado sa facultad baga sa santa teologia'bunying filosofia at sa canonico daraan sa caniya. sapagca'nga siya nahalal na cagyat na examinador at una sa lahat cusang eexamen estudiong facultad na sino ma'aling ibig macalabas. sa caniyang pagsunod sa tungcol na dala naguing masama siya sa fraileng lahat na; datapua gayon man di cumibo sila uari hindi pansin tanang naquiquita. cusang nagsaloob higantihan lamang putulin ang gayong manga cahigpitan ng pag eexamen sa sino'alin man sa fraileng capua lipos ng casam an. caya ang nangyari ng lumubhang tiquis yaong pag ngingitngit cay burgos na ibig dito na ang lahat; ang fraile'lumupit sa paring tagalog na casanib sanib. ng ito'malaman nitong burgos natin. lahat ng capua ay inipong tambing pinaquipagtalo lahat ng iniling na paring tagalog ng fraileng butihin. sa nangyaring ito, dito na inusig sa arzobispado ang leyes ni moret ay sundin totoo pagca'natititic sa pinag usapan ito'susunding pilit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ng ito'matanto ng fraileng si roxas cornejo, ariaga, cabrerang dulingas, pardo, gala'ibang lumahoc na cagyat si padre burgos nga cusang pinaghanap. at ipinaglaban canilang catuiran cahit nalilico sa magandang daan; nguni'sa uala rin silang hinanganan cung di yaong hiya na ualang cabagay. sapagca'nga sila'nangabilango pa, ang canilang ari enembargong sadiya sa nangyaring ito na usapin nila sa bunying juzgado eclesiastico baga. ng ito'masapit nilang calahatan sila'nacaisip pasaclolong tunay sa cay. burgos at paquiusapan, ng sa pagcapiit macalabas lamang. gayon din ang tanang manga presbitero na pauang linupig manga fraileng ito sampuo niyaong ibang manga filipino, cay. burgos din ay napasaclolo. sa nangyaring ito itong ating burgos hindi nagmalaqui'pinaquingang lubos, ang sa tanang fraile at manga tagalog manga paquiusap sa gayong inabot. siya nga'naggugol lubos nagcagasta na hindi siningil capaguran niya, sa fraile'tagalog ng macamtan nila ang pagcacauala sa carcel ng dusa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"itong si fray galan recoletong hirang si fray ariaga franciscano naman at si fray cornejo domenicong tunay: si padre burgos nga siyang nagsangalang. sila'napabalic at cusang nagcura sa bayang tagalog dating lagay nila at ang ari nila na enembago baga ay cusang nagbalic na caracaraca. sa panahong ito lubos nagcaroon din ng isang sumbong nga taga. rafael sacop ng bulacan mula baga'dahil sa canilang cura na nag asal suail. caya ang guinaua dagling pinatauag ni padre burgos nga'inaralang cagyat na sa uli'uli ang guinauang lahat huag ng gagauin sapagca'di tapat. ito hindi iba ay si fray antonio piernavieja ngani bunying agustino totoong nasinsay, cusang umabuso sa ipinag uutos ng eclesiastico. macaraan ito ay hindi naluatan sa corte ng madrid may isang lumitao diariong casang ayon ng catagalugan eco filipino ang siyang pangalan. dito nga si burgos ay cusang tumulong naggugol ng yaman at sampuo ng dunong upan ng lumauig at cusang yumabong magcaroon ng madla na mga suscritor.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,nagtayo rin naman isang capisanan dito sa maynila sa nagpapaaral sa reinong espana filipinong tanan ibig na dumunong lahat ay malaman. caya sa dalauang regidor na tiquis nangyaring lumagda ng usiguing pilit tanang filipinos may dunong sa madrid magcamit titulo'condecoraciones. at gayon din naman ang catagalugan cusang natatangi'may ingat na yaman nagcaron nang uagas bunying catungculan sa lahat nang pooc nang sangcapuluan. saca isinunod na caniyang inusig yaong pagcucura nang fraileng balauis sa bayang tagalog sila'mapaalis at pauang clerigo ang siyang mapalit. dito pinasunod utos sa concilio ni trento ang tauag at biling totoo marapat na sundin nang simbahan dito nang manga castila sa silanganang daco. at sinabi pa niyang ipinagmatigas sa lahat nang fraile cun ang caniyang hangad ay hindi susundin arao'di lilipas sila'pasasacop sa ingles na cagyat.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"caya ang nangyari lumagda pagcuan nang isang escrito'inihaying tunay sa ministrong hayag nang bunying ultramar sa reinong espana na cabalitaan. nguni'bago ito ipinadalang lubos cay izquierdong hirang general na bantog ay nuhang sanguni'bilang pahintulot nang huag masinsay sa catouirang puspos. ang escritong ito'pinaayunan niya at pinapirmahan bago ipinadala cay padre mendoza lasa at sevilla danda'del rosario guevara'zamora . napisang parito sina desiderio, hilario del pilar, gainsa'gimeno roxas, regidor, ramirez parito caldero'esquivel iba pang totoo. gaya ni na tisca at sina de la rosa acuelle at agustin pauang nagsipirma sa escritong yaon cusang pinadala sa corte nang madrid nang caracaraca. parang naligalig fraileng calahatan sa nangyaring itong manga caisipan nitong burgos natin caya silang tanan sinilaban ngani niyaong cagalitan. dito na isinumpa nag isip nang cagyat na paghigantihan, caya silang lahat cusang nagpupulong halos oras oras cung anong magaling nang ito'maampat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,lalong lalo na nga fraileng recoleto at ang dominico siyang gulong gulo dito sa nangyaring hindi mamagcano caya silang tunay ang mausig dito. caya niyaong minsang sila ay magjunta prior sa convento nang recoletos baga sa bayan nang tanguay na ang ngalang dala fray mariano gomez dito naquisama. at gayon din naman ang castilang uldog fray antonio rufian orden. juan de dios ay nacasama rin at silang tibobos nangacong gagauang higanti cay burgos. sa pangacong ito dito nangagalac ang lahat ng fraileng may galit na ingat sa cay dr. jose at maipahahamac nang dalauang ito na magcapua oslac. hindi na naglicat nang magcahiualay itong manga fraile na aquing sinaysay mabuting paraan mapapatay lamang ang naguing catotong quinagagalitan. caya ang na isip nitong si fray gomez si miguel zaldua at ang casing ibig cusang hinicayat na sulsulang pilit tanang sa arcenal jornalerong tiquis.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"upang silang tanang tumutol na cagyat sa upahang dati cung hindi itaas at siyang bahala cusang magliligtas cung ito'umabot sa di hinahagap. sa paquiquinyig nga ni miguel zaldua sa aral nang fraile'cusang inaquit na tanang jornalero sa arcenal baga na sila'tumutol sa ugaling upa. cung sacasacaling ayao na itaas sila'mangag alsa huag na magulat sapagca'tutulong ang caual na lahat sa maynila'tanguay at pauang casabuat. napahinuhod nga, ang lahat nang jornal sa mabuting aquit ni zalduang nasinsay caya ang guinaua nitong fray rufian umisip naman siya nang ibang paraan. caya ang sumagui sa caniyang acala sina montesino'morquechong daquila pinaquiusapan na tulungang sadiya ang lahat nang jornal sa pag aalsa nga. ang dalauang ito ay castilang taal na capua tenienteng napipiit lamang sa castillong sacdal sa bayan nang tanguay ngala'san felipe lipos cahirapan. sa sabing matamis sa dalauang ito ay hindi tumangui sumagot nang oo upang sila lamang macalabas dito sa pagcacapiit doon sa castillo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang lihim na ito ay hindi nagdaan arao nang sabado dumating na tunay nang pagbabayaran sa lahat nang jornal na nagsisigaua doon sa arcenal. icadalauang puo buan nang enero siyang cabilangan nang arao na ito caya nagsitutol, sinunod ang trato nang sila'bayaran sa di nila gusto. nang ito'matanto nang coronel buttler bunying gobernador nang caual na tambing sa lalauigang tanguay ay hindi pinansin reclamo nang jornal na ualang cahambing. ang caniyang guinaua umaga nang lingo humingi nang fuerza sa general dito hayag na izquierdo pagca'natanto nito ang lahat nang jornal ibig na mangulo. naisipang isa pahaliling tunay nang oras ding ito sa isang capantay nang coronel roxas nang di niya camtan yaong caguluhan naramdamang tunay. saca pinaglirip sa sariling isip magcaroon man siya nang caual na cabig, cung uala naman siyang escuadra sa tubig ay uala rin anyang tunay masasapit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"pagca'ang nangyari guinaua ni mac rohon contra almirante sa escuadra noon tanang canonero nang panahong yaon ay pauang dinala sa isla del sur . sucat na natira dito ay iisa caya'si buttler nagpumilit baga ang lupa nang tanguay iuan muna niya nang huag nang datnin caguluhang sadya. capagdaca naman caniyang cahilingan ay agad inamin biglang pinayagan nang caniyang general izquierdong marangal nang umagang yaon na hindi lumiban. nguni'bago siya sa tanguay umalis sina montesino'morquechong nasambit ay caniyang hiniging dito na mapiit sa maynilang ciudad na sacdal nang diquit. cahilingang ito ay di na nahintay sapagca'gulo na ang lahat nang jornal sa hindi pagpayag sa ibinibigay dating caupahan, caya binayaan. ugali'salita madaling malutas nang ito'matanto ni rufiang dulingas lalong sinulsulan jornal na alingas sila'maghimagsic sa castilang lahat. sinabi pa nito huag mag alaala sila'tutulungan tanang caual baga dito sa maynila infanteria'guia sampuong artillero na ualang pagsala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at hindi dadaan dugtong na sinambit ang mamayang gabi mag aalsang pilit ang taga maynila cung inyong maringig ang putucan doon sumabay na tiquis. aco ma'castila muli pang uinica nitong si fray rufian uldog na cuhila, nguni'sa aua co sa inyo ngang paua dugo co'naculo sa tanang castila. caya sa hatol co cayo ay sumunod nang cayo'lumaya na manga tagalog huag naman cayong magcaroong lubos niyaong desconfianza sa ipinatalos. sapagca nga'aco'catotong mahigpit ni burgos nga ninyo at caisang isip sa nilalayon niya na lubhang mapilit ang pananarili ay macamtang tiquis. caya cun sacali cayo'mangagdiuang ay inyong ihiyao si burgos mabuhay at ang filipinas guilio ninyong bayan espana'mamatay, mamatay na tunay. sa enga nong ito sa hina nang isip niyaong manga jornal sila ay naquinyig sa hicayat nitong lalaquing mabait uala nang inimbot cundi gauang lihis. sa madaling tacbo nang panaho'oras yaong cagabihan sumapit na cagyat ano'nagcataon parang pinagtiyap pista sa san anton guinauang magalac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"nagcaroon nang putoc castillo at bomba cuites saca luces na ualang capara sa boong magdamag at iba pang saya na nacauiuili sa guinauang pista. caya nga'maraming tauong nagsidalo taga ibang pooc na di mamagcano sa canilang toua sa pistang ganito na sa cailan man di naquiquita ito. baquit nasabay pa ang pista ng calmen na pinagsasaya na ualang cahambing, fraileng recoleto pauang nahihimpil sa san sebastian nga pooc na maalio. sa sabing matulin itong casayahan dito sa maynila nang cusang malaman jornales sa tanguay paua nang gumalao hindi naapula nang sino'alin man. sapagca'acala nitong nanga aquit nang fraileng si rufian putoc na naringig dito sa maynila ay paghihimagsic manga taga rito cay burgos na cabig. ang manga marino sampuong infanteria manga artillerong nasa sa muralla na pauang tagalog dito sumunod na na naquigalao din sa jornal sumama. dito si lamadrid sargentong ilongo hindi nagpabaya'agad sumaclolo pinatay ang puno pauang castellano ang gradong teniente nilagay na rito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,sina montesino at morquecho naman lumagay sa lugar sumanib sa caual caya'pinaghati ang fuerzas na tanan saca namiyapis nang ualang cabagay. caya ang putucan nang canon at baril sa boong magdamag hindi nagtitiguil natalacsang bangcay di maipagturing nang manga castila'tagalog na tambing. gobernador roxas mabuti na lamang agad nacatacas at hindi napatay caya'nacuha pa sa acay na caual ni coronel sawa cusang naquipisan. sila'nagsihanay hangang umumaga sa calle principal niyaong porto vaga na naquiquisagot sa putucan baga nang naghihimagsic na aquing binadya. at caracaraca siya'nagpa atas cay izquierdong hayag ng isang calatas ang bagay na ito'ipinatalastas upang sila doon abuluyang cagyat. nang ito'matanto nitong si izquierdo sumubo ang galit na di mamagcano caya capagdaca ang tanang sundalo dito sa maynila ay pinasaclolo. ang segundo cabong general espinar ay siyang umacay sa dinalang caual pauang voluntario cubano ngang tunay ang iba'castila'tagalog din naman.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,silang calahatan nagsilulang cagyat sa manga vapores na hindi nagluat at doon huminto na cusang sumadsad sa puerto nang tanguay na ualang bagabag. nang sa kabite nga sila'magsidating general espinar nag utos na tambing na aniya'panhiqui'agad salacayin ang muog na yaong ualang macahambing. at ang baua'doo'inyong maabutan babaye ma'bata ay pataying tanan huag paligtasin ang sino'alin man tungcol filipino naguing cautusan. ang utos na ito ay biglang sinunod nang lahat nang caual na pauang cubanos caya naman dito ang manga tagalog cusang nagpaquita nang tapang na impoc. ang pagpapatayan sabihin pa baga dugo'umaagos batis ang capara bangcay natalacsan sa guitna nang plaza niyaong porto vaga gayong pagbabaca. nguni'sa dayucdoc at quinamtang puyat nang manga tagalog sa boong magdamag quinulang nang palad caya'napahamac sila ay nagapi nang manga calamas. baquit quinulang pa nang polvora'bala lalong cailangan sa paquiquibaca caya di mangyaring tumagal pa sila sa paghihimagsic nilang lahat baga.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,utos ni espinar dito na sinunod militar ma'hindi ay cusang tinapos sargento lamadrid at si montesinos siyang unang unang namatay na lubos. yaong si morquecho ang quinana naman nang caniyang maquita na uala nang daan nirevolver niya caniyang palipisan sa nasang matapos ang ingat na buhay. dapoua'di nangyaring namatay na tiquis cung di nang icatlong arao nang sumapit siyang pagcatapos nang buhay na quipquip nitong si morquecho na aquing sinambit. lahat nang naculong na di nacalabas sa muog nang tanguay ay pauang nautas parang hinocoman ang nacacatulad canilang sinapit gayong paglalamas. ang iba'sa tacot sa dagat nagtalon nasang mailigtas ang buhay sa langoy nguni'nahuli rin nang canonero roon cusang nagtatanod na ualang caucol. ang ibang nagtago at hindi gumalao sa sariling bahay tinacas na tanan at pinagbabaril yaong iba naman dito sa maynila ay dinalang tunay.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,hindi nga nalao'binitay na cagyat nang icadalauang puo'isa ang saad nang buang enero'ualang nacaligtas ni isa man lamang sa canilang lahat. tanang manga presong cusang nagdudusa doon sa arcenal di nacalabas baga sa paghihimagsic ay biglang dinala cusang dinestierro doon sa paragua. ang fraileng si rufian na umaquit dito sa nangapahamac doon sa castillo nang magcagulo na'nagtagong totoo ang toua'malaqui na di mamagcano. pagca'inacala'cusang masusunod ang bumucong nais nang capua balaquiot fraileng solopica caisa nang suot na maipabitay ang ating si burgos. caya nang maquita at siya'matuclas nang capua castila inalpasang agad pagca'quinatuiran siya rao'nalalabas sa alsahang yaon nang nangapahamac. dito sa maynila ay hindi nagtagal sa reinong espana'omoui pagcuan sapagca'inisip maca pa macunan niyaong declaracion gayong caguluhan. sa nangyaring ito ang lahat nang fraile pauang nangagalac hindi mapacali at cusang nilacad lihim sa sarili si. burgos nga'cusang ipaputi.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,ugali'salita caguluhang ito ipagpatuloy co sa manga marino na nasa arcenal nang matanto ito dito nagsilaban nang di mamagcano. halos patay na nga nagsisilaban pa sa manga castilang canilang cabaca at isinusumpa fraileng lahat baga hangang ipiniquit yaong manga mata. ang ibang nahuli doon sa arcenal babaye at bata matanda'hindi man sa canonero nga'pauang isinacay saca ipiniit na pinarusahan. hindi naluata'sa corte nang madrid ibinigay alam ang paghihimagsic nang taga kabite ni izquierdong tiquis general na hayag na sacdal nang lupit. sa bunying ministro ng guerra'marina doon nga dumatal bigay alam niya caya capagdaca ay sinagot siya maghalal nang fiscal taga usig baga. dito na inusig at cusang hinusay nang naturang fiscal ang tanang nadamay sa nangaghimagsic sa lauigang tanguay at pinarusahan ang may casalanan. binigyang indulto iba naman dito ualang manga malay sa nangyaring gulo nguni'yaong ibang may salang totoo lalong nahigpitan sa pagcaca preso.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"dito na hinuli si miguel zaldua naguing artillero nang panahong una, na nangangalacal nang talacsang baga doon sa kanacaw, sa udiong ang cuha. caya nang piniit siya'cabubuhat sa pangangalacal na dati niyang hanap nasa lorcha pa nga nang dacping cagyat pati nang asauang pinacaliliyag. sila'itinuloy nang caracaraca doon sa bilibid na piitang sadiya na di man quinunan declaracion baga at caagad agad sila'pinagdusa. yaong diligencia'cusang itinuloy nang nasabing fiscal nahalal nga noon, upang mapag usig nangulo sa gayong manga caguluhan na ualang caucol. nang maliuanagan dito lumabas na sa declaraciones na guinaua nila ang cusang nangulo sa caguluhan baga na nangyari noon na ualang capara. ang unang lumabas di umano'imperio ang nasang itayo tanang filipino, at ang emperador na lumabas dito si. joaquin pardo de taverang totoo. ang manga ministros si burgos at basa antonio regidor, paraiso'iba dito ay nadamay ualang malay baga caya nang dinaquip pauang napataca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,nang ito'matanto manga fraileng lahat pauang nangagulo ang isip na ingat caya ang guinaua'canilang nilacad upang nang mabago ang sa unang hagap. dito na nga sila gumaua nang pulong anila'mabuti magcontribucion nang ang ating nasang nilalayon layon ay cusang matupad sa habang panahon. sa pasiyang ito'pauang nagsi amin ni isa'uala mang tumutol na tambing caya'nangag gugol nang lubhang malihim sambuntong salapi cay izquierdong saquim. ipinagpilitan ang nangulo dito ang bunying si burgos sa nangyaring gulo caya ang marapat baguhing totoo ang sa diligenciang guinaua nang daco. caya sa pagdingig at cusang pagtitig niyong si izquierdo sa salaping tiquis yaong diligencia ay binagong pilit sinunod ang nasa nang fraileng balauis. dito na lumabas nang ito'mabago caya nangag alsa manga filipino sa lalauigang tanguay ang nasang totoo maguing republica ang lupaing ito.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at cusang nahalal presidenteng lubos ang ating marunong na si dr. burgos at ang manga hayag na mga ministros ay ang natatala dito ay casunod. si pardo tavera siyang sa estado sa hacienda naman ay si paraiso si. regidor siyang sa gobierno si maria basa nama'siyang sa fomento. at si maurante siyang sa marina at si mauricio siyang sa de guerra marami pang iba dito ay nasama cusang idinamay binigyan nang sala. caya nga pagdaca ang lahat nang ito sa lacas nang cuarta ay pauang napreso ang abang catuiran nalugmoc na rito sa abang candungan nang dusang totoo. bucod pa sa rito ay pauang nadamay sina padre lara, sevilla at dandan, rosario, guevarra, hilario del pilar, tuason, desiderio tagalog na tanan. saca sina sanchez, leon at carrillo, enriquez at serra, maximo paterno ay pauang natapon cusang dinestierro sa iba'iba ngang bahagui nang mundo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"natangi nga lamang sina padre burgos, gomez at zamora at si zalduang puspos ang hindi natapon at cusang nasunod sa nanga destierrong balot nang himutoc. palibhasa disin sa salaping lacas sa diligencia nga pilit na lumabas ang apat na ito sa castillong cagyat sila ay mapasoc na cusang maghirap. madali'salita ay hindi nagdaan yaong isang buan apat na tinuran sa sadyang consejo de guerra ang ngalan sila'ipinasoc nang pinunong tanan. lahat nang matouid ni na padre burgos, gomez at zamora ay pauang naayop nang lacas at bisa nang salaping handog niyong manga fraileng asal ay balaquiot. ang consejong ito nang cusang minulan icadalauang puo'anim yaong bilang nang buang febrero hapon yaong lagay nang panahong lubos na lubhang mapanglao. baquit ang nahalal presidenteng tiquis sa gayong consejo ang sacdal nang lupit coronel nang hocbo, ang ngalan at sambit francisco moscoso na ualang cauangis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"fiscal instructor si manuel boscasa comandante naman catungculan niya na isa sa manga caututan baga nang dila nang fraileng manga palamara. las cuatro ngani nang ito'minulan, si padre burgos nga ang una sa tanan saca isinunod si zamorang hirang at saca si gomez na casamang tunay. anopa'ang lahat na manga defensor ay ualang nagaua sa consejong yaon palibhasa disin caalam nang pusong na fraileng sucaban caya napagayon. pagca'ang lumabas hatol na tunay ang pena de muerte ang siyang cacamtan nang apat na ito sa pagcacadamay na parang namuno sa gulong nagdaan. ang hatol na ito matanto ni burgos ay cusang tumugon sa consejong bantog siya'di papayag sa defensang lubos nang caniyang defensor sa fraileng caumpoc. pagca'aniya siya'hindi umaamin na siyang namuno sa bintang na tambing caya'ang tutol niya sa tanang casalio siya'ualang malay niyaong pagtatacsil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,ang bagay na ito di rin pinaquingan nang tanang doroon cay burgos na saysay palibhasa ngani sila'binayaran niyong manga fraileng higuit sa halimao. uala ring nangyari cundi ang maghari sa canilang dibdib ang masamang budhi na maipapatay si burgos na bunyi at pati nang tatlo na casamang tangi. caya nga'ang hatol ng consejong hirang apat na may sala alisan nang buhay dalhin sa capilla doon ay ilagay hangang may panahon macapangumpisal. sumunod na arao nang pagca umaga ang plaza de armas pinatanuran na isang regimiento hocbong infanteria saca ang escuadron niyaong caballeria. caramihang tauo ang siyang casunod na pauang nagtaglay ng muc hang malungcot sa pagcacaaba nang palad na capos niyaong tatlong paring bibitaying lubos. si padre burgos nga siyang unang una at si padre gomez at padre zamora pauang ualang malay sa atang na sala saca ang dinayang francisco zaldua.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,ang apat na ito'pauang filipinos sa bayang tinubua'maalam umirog lalong lalo na nga ang daquilang burgos na anac na tunay tubo sa ilocos. si padre zamora tagalog na tunay at tubong maynila sa dacong pandacan na naguing rector nga'cura sa catedral niyaong nacaraang panahon at arao. gomez naman ay tauong sta. cruz sacop nang maynila sa diquit ay puspos sa lahing mabuti nagbuhat na lubos ang ama at ina mabuti ang loob. sa gremiong mestizo nang mga sangleyes siyang nasasacop cusang natititic pagca'siya'ancan nang manga japones sa unang daco pa dito'nagsi alis. nang ito'mag aral camusmusang edad dahil sa naquita sa gayong capahat manga catalasan nang isip na ingat at bait na tangi na ualang catulad. caya sa talino at dunong na taglay siya ay nagpari at nagcurang tunay saca nag vicario foraneo naman sa bayang bacoor na sacop ng tanguay. cahulihulihan nacamtang tibobos pagca examinador sinodal na lubos sa arzobispado na ualang caayos mga carunungan na caniyang inimpoc.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,at siya rin naman naguing sugong tunay nang mga castila sa cay luis parang cusang naghimagsic niyaong dacong arao caya siyang mula nang capayapaan. tumulong din naman sa mga pag usig nang mga tagalog sa corte nang madrid ang lahat nang fraile dito'mapa alis siyang naguing dahil caniyang pagcapiit. ang naguing sundalong si miguel zaldua taga camarines vicol na talaga cusang naguing quintos na nahulog baga sa batallong hayag niyaong artilleria. ito'nadestino sa lauigang tanguay naguing asistente nang tenienteng hirang na si faustino villabrilleng tunay saca nag asaua sa isang timtiman. ang timtimang ito na naguing asaua ay isang babaye lubos caquilala nang fraileng si gomez recoleto baga na prior sa tanguay sa simbahan nila. ito'hindi iba siyang humicayat na masamang fraile sa magcasing liyag na paghimagsiquin jornalerong lahat doon sa arsenal cusang napahamac.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ito'siyang mula nang pagcacasama at pagcacadamay nang cauauang zaldua na cusang nadaya pati nang asaua nitong mga fraileng lilo'palamara. sa sabi at saad nang mga nagsulit ang babayeng ito ay cusang napiit sa carcel nang dusa ngalan ay bilibid siya ay napasoc nagtiis nang saquit. bayaang co ito ang ipagtuturing ang oras nang gabi nang cusang dumating may isang dalaga na lubhang mahinhing nag isip ang tatlo ay cusang agauin. ang ngala'clarita na sacdal nang ganda cusang nagmasaquit nagnasang iadya si na. burgos, gomez at zamora nang gabi ring yaon doon sa capilla. caya nga humanap nang macacatulong at may anim na puo ang caniyang naipon pauang sandatahan nang mga talibong ang iba'revolver pistola'remington. las doce ngani canilang tiapan ang lahat nang cuartel cusang lolooban nguni'di nangyari pagca'piniguilan nang ilang clerigo cusang nacaalam.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,caya pa nga ito nang maalamang lubos nang mga clerigong nasabi cong puspos suot lalaqui na sa bay uang may sucsoc nang isang magara'mainam na guloc. ang bagay na ito dapat ngang pagmasdan at tularan sana nang babayeng tanan manga filipinang aquing cababayan marunong umibig sa tinubuang bayan. ang bagay na ito ay iiuan co na at ang sasabihin madaling umaga nang arao nang saquit binatbat nang dusa ang apat ngang ito bibitaing sadya. ito'hindi iba di dapat limutin mapanglao na arao na calaguim laguim dalauang puo'ualo ang bilang na tambing nang febrerong buan sa sabi at turing. nang mag las seis ang lahat ng caual nang manga castila cusang pinatahan sa santa lucia nga at sa bagumbayan na pauang barilan at may canong taglay. saca sa muralla nang fuerza santiago ang hocbong castilang manga artillero pauang naca abang sa maguiguing gulo na nababalita sa panahong ito.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"nang cusang sumapit las sieteng oras yaong bibitayang binacod na cagyat nang manga sundalo na dala'aquibat nang segundo cabo espinar na hayag. bitayang nasabi itinayong tunay doon sa espaldon pooc na malumbay at may sampuong metro yaong cataasan sa lupang tuntungan sa sabi at saysay. ang tugtog nang tambor at mga corneta dito na minulan na hinipan baga casabay ang ayos nang manga musica sa tinig nang marcha ang pagcacabadya. dito na quinuha ang na sa capilla apat na taan na namamatay baga, ang manga sundalo nagbihis de gala saca nga barilan na may bayoneta. casama sa lacad ang mga cofradia nang misericordia na caacbay baga tanang comunidad nang religion santa nang poong si cristong sumacop sa sala. si miguel zaldua ang una sa lahat cusang inalacad balot niyaong posas isang franciscano at recoletong cagyat siyang caagapay na cumacausap. saca ang casunod yaong isang lupong sari saring orden nang fraileng pulutong dalauang jesuita na capulong pulong ni padre zamora na nagcura rector.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,isang agustino at recoleto naman ang siyang casunod cusang umaacbay sa cay padre gomez na nagcura naman at examinador vicario sa tanguay. cahuli hulihan ay si padre burgos na ina acbayan nang dalauang puspos na mga jesuitang natauag sa dios na nananalangin nang lubhang tibobos. baua'isa ngani sa apat na ito ay binabantayan apat na sundalo at isang oficial saca isang cabo at may mga hauac isang crucifijo. nang sila'dumating sa laang bitayan sila'inahinto saca binasahan nang bunying sentenciang sila'mamamatay cusang bibitayin sa salang quinamtan. matapos mabasa ang sentenciang titic ang nadayang zaldua unang ipinanhic doon sa bitayan at inaupong tiquis saca yaong liig ay cusang inipit. si padre zamora ang siyang sumunod si padre gomez naman ang icatlong puspos na cusang tumutol hangang sa matapos ang hiningang ibig sa mga balaquiot. bilang na icapat at huling binitay ay si doctor burgos na di nagulat man nagturing sa harap nang caniyang calaban aniya; miserables! cayong fraileng tanan.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"saca nang maupo sa uupang cagyat tumingin sa langit sa dios tumauag poon co, ina co, caloloua co'tangap nang camahalan mo'ito'di co tatap! nang masabi ito panaho'nagdilim at parang naglucsa ang langit na tabing sucat isang sinag sa arao na ningning ang siyang tumitig sa apat na. ang tanang nanood na mga tagalog pauang lumuluha sa quinamtang lungcot caya ang iba nga naglucsang tibobos bilang na pagdamay sa mga natapos. nang ito'mangyari ay nagsi ouing lahat yaong mga fraile masaya'magalac baga ma'ang sindac sa dibdib namugad hindi ini ino niyaong manga sucab. di naman nalaon ang apat na bangcay nitong ualang palad ay quinuhang tunay nang carro funebre nang bunying hospital ni san juan de dios cusang nalalaan. saca nga dinala tunay inihatid niyaong sa hermandad misericordiang tiquis sa pacong libingan cusang nalilibid nang caballeria'sundalong maquisig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"hangang nilalacad nagsunod sunoran ang maraming tauo hangang sa libingan at ualang usapan na bulong bulongan cundi ang sa fraile na manga casaman. sucat hangang dito ititiguil co na itong pag aauit nang aba cong musa yamang natanto na guilio cong nanasa ang abang sinapit nitong apat baga. ang hiling co lamang huag lilimutin sa cailan pa man ualang pagmamalio ng mga abang mga sa tinubuang lupa guiniguilio. at cung mangyayari atin pang alayan sa taon taon nga isang capistahan bilang pa ala ala sa canilang tanan touing buan. para baga naman ating guinagaua cung cusang nadating arao na mistula ng pagcacabaril sa nitong na daquila. cung magcacagayon cusang nalalaan sa mga capatid pag utusang tunay acong inyong lingcod, magpacailan man at ang aquing pangalan. katapusan mga talababa: isang mayaman. naguing alcalde sa kagayan. periodicong castila na inihayag sa madrid. agustin mendoza, nagcura sa sta. cruz sa maynila. miguel lasa, prbro. si dr. mariano sevilla, prbro. pedro dandan, prbro.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"vicente del rosario, capellan militar. jose guevara, cura sa kiapo. jacinto zamora, prbro. anacleto desiderio, prbro. manga castilang obispo. jose bonifacio roxas, alcalde na icalauang halal sa ayuntamiento. antonio regidor. ramon ramirez, provisor. ramon gonzalez calderon, concejero sa administracion. jose gabriel gonzalez esquivel na naguing alcalde na unang halal sa ayuntamiento. javier tiscar, castila. jose de la rosa. juan antonio aenlle, amain ni burgos coronel retirado. gimeno agustin, intendente de hacienda. hindi francisco gaya nang hula ni eulogio julian tandiama. isla del sur: ang manga pulong cabisayaan at camorohan. san anton ay isang nayon nang bayang sampaloc (maynila). kung may magsasabi na ang gulang na kahilihili sa isang babae, ay ang gulang na tatlong pu'limang taon, nguni'hindi rin nawawalan ng ibang nagsasabi na kapag ang babae'sumapit sa tatlong pung taong gulang, ay matanda na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"marahil nagkakaagawan ang dalawang kurokuro sa dami ng magkasangayon; nguni'dapat unawain na ang dami ng babaeng hinangaan sa ganda sa kasaysayan ng sangsinukuban ng pagibig at pagmamagara, ay sa gulang na tatlong pu'limang taon. si ninon de lenclos nagkaroon ng maraming mangingibig ng siya'may anim na pung taon at sa gulang na siyam na pung taon ay may pumapalike pa. si cleopatra sa gulang na tatlong pu'walo niya, ng aglahiin sa pagibig ang mga hari. si emperatris josefina na bumihag sa puso ni napoleon, ay matanda kay sa gulang nito, ng siya'mapakasal na ang lahat ay nagsasabi na siya'lalong bata sa emperador sa pagmumukha. ang balitang nobelistang si. sand, ay lalong kaaakit ng makaraan sa tatlong pung taon at sa gulang na lalong naulol sa kanya sa pagibig si chopin. si elena de troya nagkaroon ng pu pung mangingibig ng may apat na pung taon na, at si adelina patti nagkaroon ng maraming manglilingkod sa kanyang kariktan hangga ng mamatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sa ngayon, kagalanggalang na dalagang kagulangan, bakit ka paghihinagpis sa iyong pagtanda? huag mong ipanglungkot ang pagiiwan sa iyo ng kasariwaan ng kabataan, pagka'kailan ma'magilas kayo at sinusunod ninyo ang mga aral sa pagpapaganda at pagpapakikinis ng balat na itinuturo ng aklat ng kabuhayan ni honorio lopez, ay hindi kayo mawawalan ng mga kandidato na laging aawit sa inyo ng kirileson ng dios ng pagibig. marami ng kahatulan ang naituro ng mga pantas at mga may pinagdaanan sa pamumuhay ukol sa paraan ng pagginhawa. naririyan ang mga mararalitang nagsiyaman na ngayo'itinatanghal ng magandang kapalaran sa kaaya ayang pamumuhay; nariyan din naman ang iba'ibang marurunong sa europa at amerika at ang mga pantas sa indiya na nagturo at hanggang ngayo'nagtuturo ng mga kaparaanan ng pagginhawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"nguni'sa ngayo'isa namang paham na hapon, na tumutugon sa ngalang tuse kari, ay siyang naglathala ng isang kaparaanan nagpapatibay ng karunungan napuputi sa kalihiman ng pagiisip, upang magamit ito sa bawa'ibigin ukol sa gawang mabuti, lalo na sa ikagiginhawa. ang pagiisip sangayon kay tuse kari, ay makakamtan ang lahat ng bawa'ibigin ng tao na matatamo niya, sa kabuhayan sukat na gamitin lamang ang pagiisip sa boong lakas na ankin. ang sabi niya'ganito: kayo baga'may dinaranas na sama sa kabuhayan may dinaramdam kayong sakit? ang dapat gawin ang turo niya isipin ang pagbalikuas ang paggaling sa tuwi na, at sukat, upang umigi sa sakit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sa pagkakaroon naman ng anak na lalake babaye na ibigin ng magasawa, ay sinasabi ni tuse kari, na ang babaeng may isang buan at kalahati ng pagdadalang tao na gumawa sa arao arao, sa sinkad na labinglimang arao, sa tuwing gabi bago matulog, na ang mata'nakapikit at ang boong dili dili ay malaya sa ibang isipin alalahanin at gayon din sa pagkagising na sasambitin sa boong katimtiman ng loob ang mga sumusunod: lalaki ang aking magiging anak (kung ito nga ang nasain) ay pilit na ito ang ipanganganak. nguni'lalong mabuti na uulituliting sabihin at sabihin sa boong maghapon ng makaapat makaitlong ulit. ang ganitong nasain ng naturang hapones, ay nasubok sa hapon ng na sa haponesa na nagbuntis na gumawa nito at ng manganak ng ay ang nanganak ng pawang lalake. ibig ba ninyong matalos malaman ang kalihiman ng pagginhawa, upang yumaman magkaroon ng magandang kabuhayan, maibig ng iniibig, kagaanan ng loob, kalugdan ng sino man at mapapalarin sa anomang negosyo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ay kailangang bumasa at magaral na mabuti sa karunungang lihim at sa aklat na ginto ni. honorio lopez. ang karunungang lihim ay piso ang halaga at ang aklat na ginto ay piso naman. kapua mabibili sa lahat ng libreria sa maynila. hanapin ang sinulat ni. honorio lopez at siyang makabuluhan at malaman. kung kayo'taga probinsya ng huag ng mapagod ng pagparoon sa maynila ay ipadala ang kuartang papel de banko sa pamamagitan ng correo certificado kay. honorio lopez, daang sande maynila at pagkatanggap niya ng kuarta ninyo ay ipadadala sa inyo ang aklat na kailangan. pagilag sa kulog sa mga siyudad, ang mga parrarayos tigilanglintik ay nakakapangilag sa marami upang huag tamaan ng lintik at malayo sa kasakunaan. nguni'lalong mabuti ang mga nakasira sa mga bahay na bato ang sila'lumagi sa silong ng bahay samantalang kumukulog, ipinid ang mga bintana patangwa huag gagamit ng telepono, huag lalapit sa mga kawad ng dagitab, sa simenes palabasan ng usok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"kung abutin sa gitna ng bukid parang, masama ang tumakbo at tumayo, pagka'ang lahat ng nakatindig sa lupa ay umaakit sa pagputok ng lintik lalo na kung gumagalaw. ang mabuti'dumapa ihagis ang mga hawak na bakal patalim, katulad ng payong, araro, ibp., masama ang pumiling sa tabi ng poste, sa punong kahoy, iba pang mataas na tinatakbuhan ng tubig, gayon din sa mga mandala ng palay gayami. palalayo ang kailangan sa mga kakahayan at dumapa. ang mapaggawa ng mga sinelas, kotso, zapatilya at sapatos na pang at pangmatagalang panahon. linggo ang unang pagtulo ng dugo ng ating mahal na mananakop; ss. magno mr. at eufrosina bg. (pistang dakila sa kiapo). lun. ss. macario ab. at marciano ob. mar. ss. antero papa mr. genoveva bg. at daniel mr. mier. ss. tito ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"aquilino at dafrosa ms. pagkabaril sa mga pinagpalang paring inocencio herrera, severino diaz, at gabriel prieto; florencio lerma, macario valentin, macario malgarejo, canuto jacob, cornelio mercado, domingo abella, rafael gutierrez at francisco balera mercedes,. hueb. ss. telesforo papa at mr. simeon estilita at emiliana at apolinaria bg. bier. ang pagdalaw at pagsamba ng mga haring sts. melchor, gaspar at baltazar sa ating mananakop, (pintakasi sa ternate at gapang), ss. melanio ob. mr. sa paglaki sa tupa ng hapon sab. ss. luciano pres. at crispin ob. linggo ss. severino ob. at eugenio mr. lun. ss. julian mr. at ang asawa niyang santa basilia at sta. marciana bg. at celso mr. (prusisyon sa kiyapo). mar. ss. agaton, papa, nicanor diak. at gonzalo kp. mier. higino papa mr. at sta. honorata bg. pagkabaril sa mga magiting benedicto nijaga, braulio rivera, faustino villaroel, faustino manalac, ramon padilla, francisco. roxas, luis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"villareal, moises salvador at francisco, numeriano adriano, domingo franco, antonio salazar, jose dizon at ang kabong si geronimo cristobal burgos. hueb. ss. benito ab. arcadio at taciana mrs. bier. ss. leoncio at vivencio mga kp. kabilugan sa alimango ng gabi sab. ss. hilario ob. at dr. felix pb. mr. mga nagsisipagbayad ng patente ng umagap na bumayad, hanggang ika nang huwag marekargohan multahan. honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. linggo kamahalmahalang ngalan ni hesus. ss. pablo erm. at segundina bg. at mr. lun. ss. marcelo papa mr. fulgencio ob. at pricila at estefania bg. mar. ss. antonio abad, sulpicio ob at leonila mr. mier. ang pagkalagay ng luklukan ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"pedro sa roma, prisca bg. at mr. librada bg. hueb. ss. canuto hari at mario at ang kanyang asawang si sta. marta mrs. bier. ss. fabian papa at sebastian mr. ang pagkamatay ni gat. graciano lopez jaena sa barcelona, espana. sa pagliit sa timbangan ng hapon sab. ss. ines, bg. at fructuoso ob. augurio at eulogio dk. ms. ang ipanganak sa mga araw na ito, hanggang ika ng pebrero, kung lalaki'masayahin, marunong at may mabuting ugali, mapapahamakin sa tubig, malalagnatin at yayaman. at kung babai'matapatin at magiliw, yayaman, marunong at may pagiisip sa hanap buhay. linggo ss. vicente diak. at anastacio mrs. lun. ss. ildefonso az, (pintakasi sa tanay at giginto) raymundo, emerenciana bg. mar. ntra. sta. de la paz, (pintakasi sa antipolo at tuy) ntra. sra sa belen at ss. timoteo at feliciano obs. mrs. mier. ang pagbabagong loob ni. at san ananias mr. pagkabaril sa mga magiting marcelo de los santos, eugenio de los reyes at valentin. cruz. hueb. ss. policarpo ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mr. (pintakasi sa kabuyao) paula bao at batilde reina. bier. ss. juan crisostomo ob. at dr. at vitaliano papa. sab. ss. julian at cirilo, mga ob. kp.bagong buwan sa manunubig umaga linggo ss. francisco de sales at valerio ob. lun. ss. martina bg. jacinta bg. mar. ss. pedro nolasco nt. at marcela bao. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. ang sinelasan at sapatusang ito, ay siyang mapagpalabas ng mga magagandang hugis at ayos, ng kanyang mga yari. mier. ss. ignacio at cecilio mga ob. mr. at brigida bg. ang pagputok ng bulkan sa mayon,. hueb. ang paghahain ni. maria sa ating mananakop. (pintakasi sa silang at mabitak) san cornelio ob. bier. ss. blas ob. at ceferina mr. sab. ss. andres corsino at jose de leonisa mga kp. pagkakasira ng mga pilipino at americano. linggo ss. pedro bautista (pintakasi sa siudad ng kamarinis) at agueda bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at mr. sa paglaki sa damulag hapon lun. ntra. sra. de salud ss. dorotea bg. at mr. vedasto, amando mga ob. pagkabaril sa mga magigiting ramon basa, vicente molina, teodoro plata, apolonio de la cruz, hermenegildo reyes, jose trinidad, pedro nicodemus, feliciano del rosario at gervasio samson,. mar. ss. romualdo abad, ricardo hari at juliana bao. mier. ss. juan de mata kp. at dionisio, emiliano at sebastian mres. hueb. ss. apolonia bg. primo at donato, dk. mga at mga mr. kapanganakan kay. jose burgos ng taong. bier. ss. escolastica bg. guillermo ermitanyo at sotera bg. sab. ntra. sra. de lourdes. ss. lucio ob. mr. at severino abad. linggo ng septuagesima ss. eulalia, bg. at gaudencio ob. kabilugan sa halimao umaga lun. ss. catalina sa riccis bg. at benigno mr. mar. ss. valentin presb. mr. at antonio abad. mier. ss. faustino, gemeliano at jovita mga mr felix valencia abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping lalong maseselan, daang moriones.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. hueb. ss. julian at faustino ob. bier. ss. silvino ob. at teodulo mr. pagkamatay nina padre burgos, gomez at zamora. sab. ss. eladio arz. mr. pagkamatay ni. evangelista sa labanan sa zapote. linggo ng seksahesima ss. gavino pb. mr. at alvaro kp. sa pagliit sa alakdan . araw ang ipanganak sa mga araw na ito hanggang ika ng marzo, kung lalaki'masaya at masipag, yayaman pagtanda. mapangahas at sa kadaldalan maraming sama ng loob ang aabutin. at kung babai ay may magandang damdamin at pagiisip at matapatin sa kanyang asawa. lun. ss. leon at eleuterio mga ob. ng mamatay ang dakilang manunulang tagalog na si. mar. ss. felix, maximiano at paterio mga ob. mier. ang luklukan ni. pedro sa antiokia, san ariston at sta. margarita sa cortona. kapanganakan kay. washington. (pista ng mga amerikano) hueb. ss. pedro damiano kd. at dr. florencio kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at mr. bier. san matias ap. mr. ss. edilberto at sergio mr. sab. ss. cesareo kp. serapion at victoriano mr. linggo ng kinkuahesima ss. alejandro at andres mga ob. lun. karnestolendas ss. baldomero pk. alejandro, abundio at fortunato mga mr. bagong buan sa isda mad. araw mar. karnestolendas ss. roman, macario, rufino, justo at teofilo mga mr. dr. dentista. walang sakit na bumunot ng ngipin. magandang maglagay ng ngiping ginto garing. san fernando blg. tabi ng tulay ng binundok. ang iginaganda ng mga sinelas, kotso, zapatilya at sapatos na gawa sa pagawaang ito, pagka'mga sunod sa at na sadyang pang mahal na araw. mier. ng pag aabo ceniza. ayuno at bihilya. ss. rosendo at albino mga ob. eudosia at antonina mga mr. ang tanang kristiano katoliko ay di tumitikim ng lamang karne sa lahat ng biernes ng kurisma at biernes santo, alinsunod sa kapasyahan ng papa pio na nilagdaan ng ika ng nob. nang lagdain ang pagtatag ng inquisicion sa pilipinas. hueb. ss. simplicio papa kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"januaria mr. bier. ss. emeterio at celedonio mr. at cunegunda hari at bg. sab. ss. casimiro at lucio papa mr. linggo una ng kurisma ss. adriano mr. teofilo ob. at juan jose de la cruz kp. lun. ss. victor at victorino mga mr. at sta. mar. ss. tomas de aquino kp. at dr. perpetua at felicidad mga mr. sa paglaki sa magkakambal mad. araw mier. ss. juan de dios kp. filemon at apolonio mga mr. hueb. ss. francisca balo, paciano ob. catalina de bolonia bg. bier. ss. meliton mr, at macario ob. sab. ss. eulogio pb. mr. at sofronio ob. linggo ikalawa ng kurisma . ss. gregorio papa bernardo ob. lun. ss. leandro ob. patricia at modesta mga mr. kabilugan sa dalaga hapon mar. ss. florentina bg. at matilde hari. mier. ss. raymundo de fitero ob. at longinos mr. hueb. ss. eriberto at agapito mga ob. abraham erm. pagtuklas sa pilipinas ni magallanes. bier. patricio ob. gertrudis bh. sab. ss. gabriel arcangel, narciso ob. honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. linggo ikatlo ng kurisma. ang pista ni san jose asawa ng birhen maria, pintakasi sa san jose del monte, bulakan; baras, rizal; polilyo, tayabas; balanga at kabkabin ng bataan. ss. apolonio at leoncio mga ob. lun. ss. nicetas ob. at ambrosio de sena, mga kp. claudia at eufracia mr. sa pagliit sa mamamana hapon mar. ss. benito ab. at serapio ob. taglawag primavera ang ipanganak sa mga araw na ito hanggang ika ng abril, kung lalaki'masipag magaral, maliksi, mapagtalumpati at maaliwin. madalas makalimot ng pangako, nanganganib ang buhay sa mga hayop na sumisipa at nanunuag. at kung babai nama'maliksi nguni'sinungaling ang iba, mainit ang ulo, maraming kapahamakang aabutin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mier. sa. deogracias at bienvenido mga ob. catalina de suecia bg. hueb. ss. victoriano mr. at teodulo kp. pelagia at teodosia mr. bier. ss. agapito ob. at simeon mr. sab. ang pagbati ng arcangel. gabriel kay. sta. maria at pagkakatawan tao ng mananakop. ss. dimas, ang mapalad na tulisan at irineo ob. at mr. linggo ikapat ng kurisma ss. braulio abo. montano at maxima mga mr. lun. sa. ruperto ob. juan erm, at kp. guillermo ab. mar. ss. juan, castor at doroteo mga mr. bagong bwan sa tupa. ng gabi paglalahong gasingsing ng araw. mier. ss. segundo mr. at eustaquio abad kp. hueb. ss. quirino at juan climaco abad kp. ng mahuli si aguinaldo sa palawan,. bier. ss. balbina bg. at cornelia mr. ni. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. ang sinelasan at sapatusan, gumagawa ng mga sinelas, kotso, zapatilya at sapatos na malamig sa paa, lalo na sa ganitong taginit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ito ang buwang kahuli hulihan ng pagbabayad ng sedula at amillaramiento. sab. ss. teodora at venancio mga mr. linggo ng paghihirap . ss. francisco de paula kp. at maria egipciaca nagbata. ng ipanganak si francisco baltazar,. lun. ss. benito de palermo kp. at ulpiano mr. mar. ss. isidro ars. sa sevilla kp. at dr. zosimo akr. at flotilda bh. mier. ss. vicente ferrer at kp. mr. sa paglaki sa alimango hapon hueb. ss. sixto papa mr. at celestino papa. ng mamatay sa kruz ang mananakop, taong. bier. ng dolores ng mga hapis ss. epifanio ob. donato, rufino at mga mrs. ng matagpuan ni magallanes ang sangkapuluang may sariling pamamahala, pananampalataya, batas at iba pa,. sab. ss. dionisio at perpetuo mga ob. maxima at macaria mga mr. linggo ng ramos palaspas ss. hugo ob. maria cleofas. lun. santo ss. macario mga ob. at exequiel mga mb. mar. santo ss. leon papa kp. at dr. at antifas mr. mier. santo ss. julio papa kp., cenon ob. at victor mr. kabiluan sa timbangan mad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"araw hueb. santo ss. hermenegildo hari at justino mr. bier. santo ss. pedro telmo kp. tiburcio, valeriano at maximo mga mr. mga nagsisipagbayad ng patente ng umagap na bumayad ng huwag marekargohan multahan. sab. ng lualhati ss. eutiquio, basilisa at anastacia mga mr. felix valencia abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping lalong maseselan, daang moriones. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. linggo pasko ng muling pagkabuhay ni hesus ss. engracia bg. at lamberto mga mr. lun. ss. aniceto papa mr. fortunato at macario mrs. mar. ss. perfecto presb. apolonio senador. mier. ss. hermogenes mr. at leon papa kp. sa pagliit sa kambing . umaga hueb. ss. ines sa monte peliciano bg. sulpicio at serviliano mga mr. bier. ss. anselmo ob. at mr. ang ipanganak sa mga araw na ito hanggang ika ng mayo kung lalaki'mapangahas, maraming makakagalit at mabibilanggo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"walang kabutihang puso, nguni'yayaman. dapat magingat sa mga hayop na makamandag, at kung babai'malakas, may mabuting pagiisip, masipag nguni'masalita lamang. sab. ss. sotero at cayo papa mr. linggo ng albis . ss. jorge mr. at gerardo ob. lun. ss. fidel mr. at gregorio ob. mar. ss. marcos evangelista at aniano kp. mier. ntra. sra de dolores turumba sa pakil, laguna. ss. cleto at marcelino mga papa. ang pagkamatay ng supremong andres bonifacio, taong. hueb. ss. toribio arbo. sa lima, pedro armengol mga kp. ng mamatay si magallanes sa maktan, sa katapangan ni sikalapulapu . bagong buan sa damulag. ng hapon bier. ss. vidal (pintakasi sa sebu) at ang asawa niyang si valeriana mga mr., prudencio ob kp. at teodora bg. at mr. sab. ss. pedro mr. (pintakasi sa hermosa, bataan) at paulino ob kp. linggo ss. catalina de sena bg. (pintakasi sa samal, bataan) at sofia bg. at mga mr. dr. dentista. walang sakit na bumunot ng ngipin. magandang maglagay ng ngiping ginto garing. san fernando blg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"tabi ng tulay ng binundok. ang mga sinelas, kotso, zapatilya at sapatos sa pagawaang ito, ay siyang mainam na pang antipolo, pagka'magagara, panbundok at panlaban sa lupang malagkit. lun. ss. felipe, santiago ap. at paciencia mr. ang pista ng paggawa bukas gagawin. mar. ntra. sra. de antipolo. ss. atanacio ob. at dr. at felix ms. mier. pagtangkilik ni. jose. ang pagkatuklas ni sta. elena sa mahal na sta. cruz, (pintakasi sa sta. cruz, maynila; tansa,. pedro tunasan; llana hermosa at sta. cruz marinduque). ss. alejandro papa mr. antonina bg. at maura ms. hueb. ss. monica bao, (pintakasi sa botolan, sambales. angat, bulakan). ss. ciriaco ob. pelagia bg. at autonia mga ms. sa paglaki sa halimaw ng gabi bier. ss. pio. crecenciana, irene mga mr. sab. ss. juan ante portam latinam juan damaceno kp. at benedicta bg. linggo divina pastora sa gapang,.. ss. estanislao ob. at mr. flavia, eufrosina, at teodora bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at mga mr. lun. ss. miguel arcangel, (pintakasi sa san miguel de mayumo, bulakan at udiong, bataan) dionisio at eladio ob. mar. ss. gregorio nacianceno ob. at dr. eladio cfr. mier. ss. antonio arz. at nicolas card. hueb. ss. mamerto ob. at maximo mr. prusisyon sa antipolo ng unang siyam. kabilugan sa alakdan hapon bier. ss. domingo de la calzada cfr. at pancracio mr. sab. ss. pedro regalado kp. at gliceria mr. linggo ss. bonifacio mr., pascual papa kp. justa at justina mga mr. lun. ss. isidro magsasaka kp., (pintakasi sa. sa naik, kabite; pulilan, bul. at sambales) at torcuato, indalesio at eufrasio mga ob. honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"pagdating ni legaspi sa maynila. mar. ss. juan nepomuceno mr. ubaldo ob. at maxima mr. mier. ss. pascual bailon, kp. (pintakasi sa ubando) at restituta bg. at mr. hueb. ss. venancio mr., felix sa cantalicio kp., alejandra at claudia mga bg. at mr. bier. ss. potenciana bg. at pedro celestino papa kp. sa pagliit sa manunubig mad. araw sab. ss. bernardino de sena at teodoro ob. prusisyon sa antipolo ng ikalawang siyam. ang pagpapakita ni. miguel arcangel sa bundok ng gargano (pintakasi sa pagsanhan). ss. valente ob. at mr., at hospicio kp. lun. ss. rita sa casia bao, quiteria at julia mga bg. at mr. ang ipanganak sa mga araw na ito hanggan ika ng hunyo, kung lalaki'may mabuting pagiisip, mabait at mabuting ugali. hindi siya maghihirap, matutuwain at tuso. mahilig sa karunungan. at kung babai naman ay matamis na kalooban; mapagpabaya sa mga pagaari, may hilig sa musika at pintura. dapat magingat sa tukso ng pag ibig. mar. ang pagpapakita ni santiago ap. sa espanya at ss. epitacio ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at basilio mr. mier. ss. melecio, susana at marciana mga mr. hueb. (krus) pagakyat ng mananakop. ss. urbano papa mr., bonifacio at gregorio papa kp. bier. ss. felipe neri kp. (pintakasi sa mandaluyong) at eleuterio papa mr. pista ng patay ng mga amerikano. sab. ss. juan papa mr. at maria magdalena sa paris bg. bagong buan magkakambal. araw linggo ss. emilio mr. justo at german ob. lun. ss. maximo at maximino mga ob. prusisyon sa antipolo ng ikatlong siyam. mar. ss. fernando hari kp. (pintakasi sa lucena at. fernando, kapampangan) at felix papa mr. mier. ss. petronila at angela mga bg. ikalawang paghihimaksik ng pilipinas. lopez, daang sande blg. sa pamamagitan ng sulatan ay tumatanggap ng limbagin ukol sa mga tarheta at kartel sa halalan. siyang gumagawa ng mga sinelas, kotso, zapatilya at sapatos na pantagulan, at kalaban ng mga sapatos de goma na di tinatagos ng tubig. hueb. ss. panfilo, felino at segundo mga mr. inigo abad kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"bier, ss. eugenio papa kp., marcelino, pedro at blandina mga mr. sab. ss. isaac mge. mr. ceotilde hari at oliva bg. sa paglaki sa dalaga madaling araw linggo ng pentecostes pagpanaog ng mahal na diwa. ss. francisco carracecolo kp. at saturnina bg at mr. lun. ss. bonifacio ob. mr. at sancho mr. pagkamatay ni hen. luna. mar. ss. norberto ob. at nt, claudio ob. at candida at paulina mga mr. (pangilin) mier. ss. roberto ob kp. mr. prusisyon sa antipolo sa ikapat na siyam. hueb ss. maximino at severino mga ob. salustiano at victoriano mga kp. bier. ss. primo at feliciano mga mr. at pelagia bg. at mr. kabilugan sa mamamana gabi sab. ss. crispulo at restituto mga mr. at margarita, hari. linggo stma. trinidad ss. bernabe ap. felix at fortunato mga mr. aleida, flora at roselina mga bg. lun. ss. juan sa sahagun, olimpio ob. at onofre anacoreta mga kp. ng ihiyaw ang kasarinlan ng pilipinas sa kawit. mar. ss. antonio sa padua kp., (pintakasi sa rosales). aquilina at felicula mga bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at mr. mier. ss. basilio ob. kp., eliseo mh., quinciano ob kp. hueb. ng corpus christi, ss. vito, modesto, crescencia at benilda mga mr. bier. ss. quirico, julia mga mr., juan. de regis at lutgarda bg. prusisyon sa antipulo sa ikalimang siyam. felix valencia abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping lalong maseselan, daang moriones. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. sab. ss. manuel, sabel at ismael mga mr. sa pagliit sa isda. ng gabi linggo ngayon gagawin ang pagbubunyi ng corpus christi. ss. ciriaco at paula bg. at mr. lun. ss. gervasio at protasio mga mr. at julia falconeri vgnes. kapanganakan kay dr. at. mar. ss. silverio mr. at macario ob. mier. ss. luis gonzaga kp at demetria bg. at mr. ng mahayag matatag ang siyudad ng maynila,. hueb. ss. paulino ob. at consorcia bg. papasok ang panahon sa tagulan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng hulyo, kung lalaki ay maibigin ng babai, palausapin, nanganganib sa pagdaragat, matalino kung minsan at yayaman kung makakita ng mabuting hanap buhay at kung babai'mapagmataas, masipag, karamiha'mapapahamak sa tubig at mahirap manganak. bier. kamahalmahalang puso ni hesus. ss. juan prb. mr. at agripina bg. at mr. sab. kalinislinisang puso ni maria. ang panganganak kay. juan bautista, (pintakasi sa liang, taytay, kalamba, lilio at kalumpit). ss. simplicio at teodulo mga ob. linggo ss. guillermo ab. at galicano mr. prusisyon sa antipulo sa ikanim na siyam. bagong buan sa alimango hapon lun. ss. juan at pablo mga mr. at daniel erm. mar. ss. zoilo mr. at ladislao hari kp. mier. ss. leon papa kp. mr. hueb. ss. pedro at pablo, apostoles (pintakasi sa apalit, kalasyaw, siniloan, kalawag unisan) at marcelo mr. bier. ang pagaalala kay san pablo apostol. ss. lucina alagad ng mga apostoles at emilia mr. ni. sayo balo ni soriano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. ang pagkamaingating magpagawa ng mga may ari ng sinelasang ito at sapatusan ay siyang ikinabantog sa at ganda sa lahat ng dito'niyayari. sab. ss. teodorico pb. ng patain sa sarajevo, bosnia si artsiduke francisco fernando na pinagmulan ng pinakamalaking pagbabaka sa europa. sta. maria kay sta. isabel. ss. proceso at martiniano mga mr. sa paglaki sa timbangan umaga lun. ss. jacinto mr., anatalio at eliodoro mga ob. del pilar sa barcelona,. mar. (*) ss. laureano arz. sa sevilla mr. at flaviano, elias, uldarico mga ob. ang ika sa pagdiriwang ng mga norte amerikano sa kanilang pagsasarili,. prusisyon sa antipulo sa ikapitong siyam. mier. ss. numeriano ob. filomena bg. hueb. ss. tranquilino pb. mr. isaias mh. dominga bg. at lucia mr. mula ngayon malayo ang lupa sa araw. bier. ss. fermin ob. odon at apolonio mga ob. ng itapon si rizal sa dapitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sab. ss. isabel hari, procopio mr. at pricila. linggo ss. cirilo ob. mr., briccio ob. at anatolia bg. at mr. kabilugan sa kambing . umaga lun. ss. rufina at segunda mga bg. at mr. at apolonio mr. ng mamatay si jose. basa sa hongkong. mar. ss. pio papa at abundio ob. mr. mier. ss. juan abad marciana bg. at epifania mr. hueb. ss. anacleto papa mr. at turiano ob. bier. ss. buenaventura kd., (pintakasi sa mauban) at focas ob at mr. mga nagsisipagbayad ng patente ng umagap na bumayad, hanggang ika ng huwag marekargohan multahan. sab. ss. enrique emp. at camilo sa lelis kp. honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. ang pagtatagumpay ng mahal na santa cruz. ntra. sra. del carmen.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ss. sisenando at fausto mga mr. lun. ss, alejo kp., marcelina bg., generosa, genoveva at donata mga mr. sa pagliit sa tupa hapon mar. ss. camilo, sinforosa, getulio mga mr. at marina bg at mr. mier. ss. justa, rufina at aurea mga bg. at mr. vicente de paul kp. at simaco papa kp. hueb ss. margarita at librada mga bg. at mr., elias mh; at severa bg. bier. ss. praxedes bg., daniel mh. at mr. sab. ss. maria magdalena, at platon mr. linggo. ss. apolinar ob. at mr., liborio ob. at primitiva bg. at mr. lun. ss. cristina bg. at mp., francisco solano kp. at victor mr. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ng agosto, kung lalaki'mabalasik, mapagmalaki, mapagbiro, magkakatungkulan, magkakasalapi sa sipag, mapapahamak sa apoy, sandata at mabangis na hayop. at kung babai mabigat magsalita at mapapahamak sa apoy. bagong buwan sa halimaw ng gabi mar. ss. santiago ap. cristobal at florencio mga mr at valentina bg. at mr. mier. ss. ana, ina ni. sta. maria at pastor pb.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"hueb. ss. pantaleon, jorge at natalia mga mr. bier. ss. nazario, celso at victor mga papa at mr. at inocencio papa kp. sab. ss. marta bg., lupo ob. kp., lucila at flora mga bg. at beatriz mr. linggo ss. abdon, senen at rufina mga mr. lun. ss. ignacio de loyola kp. at fabio at democrito mga mr. sa paglaki sa alimango hapon honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang hirang na mga kagamitang ginagamit ng sinelasang ito at sapatusan, at pagkamaselang magpagawa ng mga may ari no ay siyang ipinararagdag ng kanyang mga suki'mamimili. mar. ss. pedro advincula, fe, esperanza at caridad mga bg. at mr. mier. ntra. sra. ng mga angeles. ss. esteban papa mr., teodora at alfonzo maria de ligorio ob., kp. at dr. hueb. ss. eufronio at pedro mga ob. at kp bier. ss. domingo de guzman kp. (pintakasi sa abukay) at perpetua bao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sab. ntra sra. de las nieves, ss. emigdio ob mr. at afra mr. linggo. ang pagliliwanag ng katawan ng. mananakop sa bundok ng tabor,. ss. sixto papa mr., justo at pastor mga mr. lun. ss. cayetano kp. at nt., donato ob., fausto mrs. at alberto kp. mar. ss. ciriaco, leonides at esmeragdo mga mr. at severo pb. kabilugan sa manunubig gabi mier. ss. roman at marceliano mga mr. at domiciano ob. hueb. ss. lorenzo mr. filomena at paula bg. at mr. bier. ss. tiburcio at suzana bg. at mr. sab. ss. sergio, clara bg. at nt., felicisima at digna mr. linggo ss. caciano ob., hipolito at concordia mga mr. pagkahiwalay ng pilipinas sa espanya, pagdidiwang ng amerikano at tagalog sa pagkakaligtas ng pilipinas (pangiling araw) lun. ss. eusebio prb. at kp., demetrio at atanasia bao. mar. asuncion ang pag akiat sa langit ni. sta. maria (pintakasi sa bulakan). ss. alipio ob. valeria bg. sayo balo ni soriano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. mier. ss. jacinto at roque mga ob. sa pagliit sa damulag umaga hueb. ss. pablo at juliana mga mr. bier. ss. agapito at lauro mga mr., elena empe. at clara de monte falco bg. sab. ss. luis ob. pintakasi sa baler at lukban tayabaso mariano at rufino mga kp. linggo ss. joaquin ama ni santa maria bernardo ab. at dr., leovigildo at cristobal mga mr. lun. ss. juana, bao at ciriaca bg. mar. ss. timoteo, felisberto at mauro mga mr. mier. ss. felipe benicio kp. at fructuosa mr. bagong buwan sa halimaw ng umaga hueb. ss. bartolome ap. (pintakasi sa malabon, rizal at nagkarlang) at aurea bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mr. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng septiembre, kung lalaki'magiliwin sa katungkulan, matalino, mapapahamak sa mga tulisan. at kung babai'mapaglaan, mabait, maraming kapahamakang aabutin kung magkaasawa, sa sipag ay yayaman. bier ss. luis hari, gerundio ob., patricia bg. at gines at magin mga mr. sab. ss. ceferino papa at victor mr. linggo ss. jose de calasanz at licerio ob. lun. ss. agustin ob., moises anacoreta at pelagio mr. ang unang hiyaw sa pagasasarili ng bayang pilipinas, sa balintawak, . mar. ang pagpugot sa ulo ni. juan bautista. ss. sabina bg. at candida mr. sa paglaki sa mamamana gabi kapanganakan kay marcelo. mier. ss. rosa sa lima bg. (pintakasi sa sta. rosa, laguna, paniki at moncada.) at gaudencia bg. hueb. ss. ramon nonato kd. at paulino ob. at mr. felix valencia abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping lalong maseselan, daang moriones.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang unang sinelasan at sapatusang pinarisan ng iba sa nagkukumpuni kung nasira ang kanyang mga yari, na walang bayad kailan ma'maaaring kumpunihin pa. bier. ss. gil ab., ana mh., prisco, constancio at victorio mga ob. sab. ss. esteban hari at kp., elpidio ob. maxima at calixta mga mr. linggo ntra. sra. de correa consolacion ss. serapia bg. at mr. at simeon estilita ang binata. lun. ss. marcelo mr. rosalia at rosa de viterbo mga bg. ng barilin sina sancho valenzuela, eugenio silvestre, modesto sarmiento at ramon peralta. mar. ss. lorenzo ob. romulo at obdulia bg. mier. ss. eugenio mr. at zacarias mh. kabilugan sa isda hapon hueb. ss. regina bg. at clodoaldo pb. ng mamatay ang pilologong si eusebio daluz. nagtatag ng akademia pilipino. bier. ang panganganak kay. santa maria,. ss. adriano at nestorio mga mr. sab. ss. sergio papa kp., doroteo, gorgonio at severiano mga mr. linggo ss. nicolas sa tolentino kp. hilario papa at victor ob. lun. ss. vicente abad mr., emiliano ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at teodora nagbata. mar. ang matamis na ngalan ni maria. ss. leoncio mr. guido kp. at perpetua bg. ng barilin sa kabite sina severino lapidario, alfonzo ocampo, luis aguado, victoriano luciano, maximo inocencio, francisco osorio, hugo perez, jose lallana, antonio. agustin, agapito conchu, feliciano cabuco, mariano gregorio at eugenio cabesas,. mier. ss. felipe at ligorio mga mr. eulogio at amado mga ob. hueb. ang pagkahayag ng mahal na sta. cruz. ss. cornelio papa at cipriano ob. at mr. sa pagliit sa magkakambal gabi dr. dentista. walang sakit na bumunot ng ngipin. magandang maglagay ng ngiping ginto garing. san fernando blg. tabi ng tulay ng binundok. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. bier. ss. nicomedes at porfirio mga mr., ang pagpapakita ni sto. domingo sa bayang soriano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sab ss. eufemia bg., geminiano, lucia at sebastiana mga mr. linggo ss. pedro sa arbues, crecencio, lamberto ob. teodora mga, mr. lun. ss. tomas sa villanueva ob. at sofia at irene mga mr. mar. ss. genaro ob. mr. rodrigo ob. at constancia mr. mier. ss. eustaquio, teopista, felipa at fausta. hueb. ss. mateo apostol at evangel, efigenia bg. at panfilo mr. bagong buwan sa dalaga ng hapon paglalahong ganap ng araw na makikita sa ika ng tanghali bier. ss. mauricio at candido mga mr. sab. ss. lino papa mr. at tecla bg. at mr. linggo ntra. sra. ng merced. ss. tirso mr. at dalmacio kp. papasok ang panahon sa tiglamig ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng oktubre, kung lalaki'mahahablahin, mapapalarin sa pangangalakal, dapat umilag sa apoy. at kung babai'masayahin at ikagiginhawa ng asawa. lun. ss. lope ob. maria ng socorro bg, pacifico kp. mar. ss. cipriano at justina bg. at mga mr. mier. ss. cosme at damian mga mr. hueb. ss. wenceslao mr. at eustaquia bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sa paglaki sa kambing ng umaga bier, ss. miguel arcangel (pintakasi sa san miguel sa maynila, san miguel de mayumo, marilaw at tayabas) at eutiquio mr. sab. ss. geronimo kp., nt. at dr. at sofia bao. honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tanging sinelasan at sapatusan na naglilinkod at dumadayo sa bahay ng nagpapagawa, (sa maynila lamang) kailan ma'tawagin sa telepono sa sulat upang sukatan ang kanilang mga paa. linggo ang kadakilaan ng santo rosario, (pintakasi sa urani, manawag, sa malabon grande kabite; angeles, kap. ; luisiana, lag. ; lopez, tayabas.) ss. angel, remigio ob. lun. ang mga santong angel na nagiingat sa atin, (pintakasi sa catedral ng sebu) at ss. leodegario ob. at gerino mga mr. mar. ss. candido mr. at gerardo ab. mier. ss. francisco sa asis, ngt. (pintakasi sa lumbang,.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"francisco, malabon, maykawayan at saryaya, tayabas) petronio ob., crispo kp. at aurea bh. hueb. ss. placido, plavia bg. at mr., froilan at atilano mga ob, at flaviana bg. bier. ss. bruno ob. at mr. kabilugan sa tupa umaga sab. ntra. sra. de las victorias rosario. ss. marcos papa, sergio mr., julia at justina mga bg. linggo ss. brigida bao at pelagia mbta. lun. ss. dionisio ob. at rustico pr. eleuterio dk. mga mr. mar. ss. francisco sa borja at luis beltran. mier. ss. nicasio ob. mr. at placida bg. hueb. sta. maria ng pilar sa zaragoza (pintakasi sa imus, sa sta. cruz, maynila at sa pilar, bataan) ss. felix at cipriano mga ob. at mr. bier. ss. eduardo hari, fausto, genaro at marcial mga mr. sab. ss. calixto papa at fortunata bg. at mr. sa pagliit sa alimango umaga mga nagsisipagbayad ng patente ng bukas ay umagap na bumayad ng huwag marekargohan multahan. linggo ss. teresa de jesus ntg, aurelia mga bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"hubileyo ng horas sa binundok sa kapistahan ng sto. rosario prusisyon sa sta. cruz, maynila. lun. ss. florentino ob. araw ng panunumpa ng mga bagong halal. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. ng matatag ang kapulungang bayan at ng matatag ang senado at junta municipal ng siyudad ng maynila na pawang halal ng bayan mar. ss. eduvigis bao at andres mr. mier. ss. lucas evangelista at julian erm. hueb. ss. pedro alcantara at aquilino ob. bier. ss. juan cancio kp., irene bg. feliciano ob. at artemio mga mr. bagong buan sa alakdan gabi sab. ss. hilarion ob. mga mr. linggo ss. maria salome bao, nunilon, alodia. mr. at heraclio mr. lun. ss. pedro pascual ob. mr., servando at german mga mr. juan capistrano kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mar. ss. rafael arcangel at fortunato mr. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng nobyembre, kung lalaki'mapangahas, mahahalay magsalita, dapat magsikap ng yumaman. at kung babai'mapagmalaki at mababauhin. mier, ss. gavino proto, marciano, crisanto at daria mga mr. at eruto kp. hueb. ss. evaristo papa mr. crispin, crispiniano, rogaciano at felicisimo mga mr. bier. ss. florencio, vicente, sabina at cristeta mga mr. sab. ss. simon ap. gaudioso kp. sa paglaki sa manunubig gabi linggo ss. narciso ob. mr. at eusebia bg. at mr lun. ss. marcelo centurion, claudio, ruperto at victorio mga mr. ng ipagdiwang ang muling pagwawagayway ng watawat pilipino. mar. ss, quintin nemesio at lucila bg. felix valencia abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping lalong maseselan, daang moriones. magpahanda na kayo ng inyong sinelas, kotso, sapatilya sapatos botitos na pamasko na makakabagay ng bago ninyong terno trahe. mier. ang dakilang araw ng lahat ng banal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ss. cesareo, severino at juliana mga mr. hueb. undas ang pag aalaala sa mga namatay na binyagan. ss. victorino ob. at marciano kp. bier. ss. valentin pb., hilario at cesareo mr. ng barilin si honorato onrubia. sab. ss. carlos borromeo kd. modesta bg, claro at porfirio mga mr. linggo ss. zacarias at isabel magulang ni. juan bautista, filoteo mr. at dominador ob. kabilugan sa damulag madaling araw lun. ss. severo ob. mr at leonardo kp. mar. ss. rafo at florencio at carina mr. mier. ss. severo at severino mga mr, at diosdado papa at godofredo ob. hueb. ss. teodoro mr. at agripino ob. bier. ss. andres avelino at demetrio ob. mr. at filomena mr. sab. ss. martin at mena mr. linggo ntra. sra. de la soledad. ntra. sra ng biglang awa. ss. diego pk, aurelio, publio ob. at paterno mga mr. sa pagliit sa halimaw hapon lun. ss. arcadio at probo mga mr. nicolas papa, estanislao sa kostka at homobono kp. mar. ss. serapio mr. at lorenzo ob. mier. ss. eugenio arzobispo mr. gertrudis bg, at leopoldo kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"hueb. ss. rufino, elpidio at eustaquio mres. bier. ss. gregorio taumaturgo ob. acisclo at victoria mga mr. dr. dentista. walang sakit na bumunot ng ngipin. magandang maglagay ng ngiping ginto garing. san fernando blg. tabi ng tulay ng binundok. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. sab. ss. maximo ob. kp at roman mr. linggo ss. isabel hari at ponciano papa mr. bagong buan sa mamamana. umaga lun. ss. felix sa valois at benigno ob. kp mar. ang paghahayin sa simbahan ni. ss. alberto ob. honorio, eutiquio, at esteban mga mr. mier. ntra. sra. de los remedios (pista sa maalat) ss. cecilia bg. at mr. at filemon mr. hueb. ss. clemente papa mr. juan bueno kp. lucrecia bg. at felicidad mga mr. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng disyembre, kung lalaki'yayaman sa pangangalakal sa ibang bayan, masipag, matapang nguni'sugarol. at kung babai'masipag at maliligawin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"bier. ss. juan de la cruz kp. fermina, flora at maria mga bg. at mr. at crescenciano mr. pista ng pasasalamat ng mga americano. sab. ss. catalina bg, at mr. moisea pb, mr. linggo ang pagkakasal kay santa maria at kay poong. jose ss. pedro ob. mr. at conrado ob. sa paglaki sa isda hapon lun. ss. basilio ob. facundo at primitivo mga mr. mar. ss. gregorio papa kp. at rufo mr. pangloloob ni limahong sa maynila, mier. ss. saturnino ob. filomeno mga mr. at iluminada bg. hueb. ss. andres ap. (pintakasi sa norzagaray masinlok, palanyag, tagiik, kandaba at pantabangan) at maura bg. at mr. araw ng kapanganakan kay gat andres bonifacio, ang unang pagbabangon ng akademya tagala sa anyaya ni honorio lopez, honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"bumabati ng sa lahat ng kanyang suki, at kahimanari'magkaroon sila ng maganang kabuhayan, at pu pung libong kayamanan. bier. ss natalia bao, eloy at eligio mga ob kp. sab. ss bibiana bg. at mr. pedro crisologo ob. at dr. at ponciano mr. linggo ss. francisco javier at casiano mga mr. lun. ss. barbara bg. at mr. melecio at odmundo ob. kabilugang sa magkakambal gabi mar. ss. sabas abad dalmacio ob at crispina mga mr. mier. ss. nicolas de pari ob. kp., apolinar sdk. mr. dionisia, dativa at leoncia mga mr. hueb. ss. ambrosio at agaton mr. bier. (krus) ang kalinislinisang paglilihi ni. sta. maria concepcion (pintakasi sa naik, pasig, malulos, batangan, balayang, guagua, los banos, boak, bawang, mandaluyong, atimonan, malabon, sta. cruz, silangan at sa antipulo) ss. eutiquiano.. at sofronio ob. sab. ss. leocadia mr. at gorgonia mga bg. linggo ntra. sra. sa loreto (pintakasi sa sampalok) ss. melquiades papa mr., eulalia at julia mga bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at mr. nang gawin ang pagkakayari sa paris na ang pilipinas ay ipagkakaloob sa estados unidos. lun. ss. damaso papa kp. at eutiquio mr. mar. ntra. sra. de guadalupe (pintakasi sa pagsanhan) at ss. epimaco, hermogenes at donato mga mr. sa pagliit sa dalaga gabi mier. ss. orestes, mr. lucia mr. (pintakasi sa sexmoan, kapampangan) at otilia bg. hueb. ss. espiridion ob. arsenio, isidoro dioscoro at eutropia bg. at mga mr. paghahamok ng mga kastila olandes dito sa maynila bier. ss. valeriano ob. at irineo mga mr. pag aalsa ng kailokohan, pangasinan at kapampangan sab. ss. eusebio ob. adelaida at albina bg. mga mr. mula ngayon may misa de aguinaldo ni. lopez, daang sande blg. sa pamamagitan ng sulatan ay tumatanggap ng limbagin ukol sa mga tarheta, kartel ibp. mura kay sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. linggo ss. lazaro ob at olimpia bao. lun. ang pag aantabay ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sta. maria sa mananakop. ss. graciano ob at judit balo. bagong buan sa kambing ng gabi mar. ss. nemesio mr. at fausta bao. mier. ss. domingo sa silos abad kp. at liberato mr. hueb. ss. tomas ap. glicerio presb. at temistocles mga mr. bier. ss flaviano at cenon mga mr. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng inero, kung lalaki'maliksi, masipag, maghihirap sa kaikaibigan, maramot, sa paliligo ang ikapagkakasakit. at kung babai'matatakutin, matapatin sa asawa at masipag. sab. ss. victoria bg at gelasio mga mr. linggo ss. gregorio presb. mr. delfin ob. at tarcila bg. lun. (krus) pasko ng panganganak sa ating poong mananakop at ss. reinaldo ars., eugenia bg. at anastasia mga mr. mar. ss. esteban unang mr. at dionisio at zosimo mga papa. sa paglaki sa tupa gabi mier. ss. juan apostol at eban. hueb. ang mga maluwalhating sanggol na pinapugutan ng haring si herodes at ang mga ss. troadio at teofila bg. at mga mr. bier. ss. tomas canturiense ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mr. calixto at honorato mga mr. at ang banal na hari at manghuhulang si. sab. (*) ang pagkalipat ni. santiago ap. ss. sabino ob. honorio at anisia mga mr. nang kitlan ng hininga si dr. jose protasio rizal, ng mga lilong kaaway niya,. linggo ss. silvestre papa, sabiniano ob. potenciano, donata, hilaria at paulina mga mr. felix valencia abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping lalong maseselan, daang moriones. sa kababayang manghahalal sa ika martes, ng buan ng hunyo ng taong ito ay manunuparan na naman tayo ng isang karapatang hindi gawa ng isa ilang katao, kundi nating lahat at lahat ng ating yumaong bayani sa nagdaang himagsikan, at kaunaunahan ang ating si gat dr rizal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"kung minamahal natin ang ating sarili, ang ating bayan at ang ating mga bayani ay huag natin gamitin ang karapatan iyan ng paghahalal sa paraan ng kalabit at bulong, sa kakarampot na sentimos na pakubling isinasakay sa inyo ng mga naggalang lider at mga kandidato riyan sa isang tungkuling hindi nababagay sa kanya. marami at madla ang mga kandidato na ang hangarin lamang ay kapurihan madangal, at wala yaong tunay na tibukin ng paglilinkod sa bayan, lalo na sa mga maralita. kung ang mga ito ang inyong maihalal ay walang iniwan kayo sa hudas na nagkanulo sa inyong mananakop, na, kayo rin ang humanap ng taling ginamit ninyo sa inyong pagbibigti. gamiting mabuti ang pagiisip, ang kailangan sa paghirang. huag ninyong ihalal, kahit sino siya kung inaalipin ang kanyang mga isipin ng mga naging sanhi ng ating pagkapahamak sa ating pinakahahangad na kasarinlan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ilagan din ninyo yaong mapagpaimbabaw, na kaya lamang ngumingiti kung panahon ng halalan at kung makaraan na ay di ka man mapansin kahit mo sila pugayan sa daan. ang mabuti pakibalitaan sa mga kamagnaakan, kababayan at mga kaibigan. ang pagkamanggagawa'huag ding paniwalaan pagkat marami sa mga nagtataglay ng ganyang pamagat ay mga nagbabalatkayo lamang ng maihalal lamang sila ang kanilang mga binabata sa isang tungkulin. kaya kayo'maging maliksi sa paguri at pagmasdan mabuti ang kanilang mga kilusin sa nagdaang pamumuhay at sa kasalukuyan. pagingatan din, na lalo sa lahat ang makipagsabuatan sa mga pagdaraya sa halalan, ng hindi ninyo sapitin ang bilangguan at kapahamakan ng inyong mga anak at ng ating bayan. gamitin nga, ang boto ninyo sa taong magiging karangalan ninyo, sa makaaawas sa hirap ng madla nating maralitang kababayan at makapaghahatid sa inang bayan sa mithiin niyang kasarinlan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mga pangunang kaalaman dapat tandaan ng mga manghahalal sino sino ang mga taong maaaring makahalal? ang lahat ng lalaking may taong gulang na naninirahan at tubo dito sa pilipinas, na hindi napasasakop sa ibang bansang may kapangyarihan, katulad ng mga intsik, hapon, ingles pilipino man kung kawal may siyudad anyang kastila ng ibang bangsa. gayon din, maaaring makahalal yaong mga taong may isang taong paninirahan sa pilipinas anim na buwan sa munisipyong ibig paggamitan ng karapatang makahalal, na ito'patutunayan sa taglay na sedula personal sa pamamagitan ng mga saksing mga manghahalal din, sangayon kung ito'paniwalaan ng mga inspektor ng presinto. ang ganitong kapasiyahan ng maging ganap na manghahalal ay dapat tumahak sa mga batayang sumusunod: () yaong sa bisa ng mga batas na umiiral sa pilipinas mula ng ika ng agosto ng ay mga manghahalal na at gumagampan ng karapatang makahalal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"() yaong mga may pagaaring lupa na may halagang piso at bumabayad ng piso higit sa ritong pinakakuntribusyon sa gobierno at () yaong mga taong maalam bumasa at sumulat ng ingles, kastila ng sarili niyang salita katulad ng tagalog, bisaya, kapampangan, iloko, ibp. sino sino yaong mga taong hindi maaaring tanggapin upang makahalal? () yaong may utang sa pagbabayad ng amilyaramiento. () yaong lahat ng mga mula noong ika ng agosto ng ay naparusahan ng alin mang hukuman sa salang pagpatay, pagkabilanggong may buwan at ang ganitong pagkakait sa kanya ay di isinasauli sa kanya ng patawad, na lubusan indulto. () yaong mga tumanggap at sumira ng panunumpaang pagtatapat sa estados unidos at () yaong mga taong walang bait mga ulol baliw. alin ang dapat matalastas ng mga manghahalal sa pagsulat sa balota? kaila ngang huag dudungisan ang balota sa pagsulat. kaya'kailangang huag babasain ng laway ang dulo ng lapis at sa pagsulat dapat linisin muna ng panyong taglay ang mga kamay at daliri.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sapnan ang balota ng isang papel na malinis ng panyo. gayon din naman ang mga ngalan ng ihahalal ay isulat sa guhit na nasa ibaba ng mga tungkuling ibig paglagyan, sa hanay ng (vote por one) (vote por uno). bawal din naman ang pumasok sa isang silid ng presinto, kung may taong manghahalal sa loob at gayon din bawal ang makipagusap sa mga taong manggahalal na nasa sa karatig ng silid na pinasukan. kung hindi maaaring makasulat ang manghahalal ng kanyang balota, sa dahilang napilay ang kamay, nabulag at iba pa ano ang dapat gawin nito ng makahalal? dapat na ipahanda sa mga inspektor ng halalan ang balota niya at dalawa sa mga inspektor na ito na kaanib sa magkaibang pangkatin partido (nasyonalista at demokrata kaya) ay siyang maghahanda ng balota at isa sa kanila ay siyang susulat sa harap ng kasamang inspektor. ng kayo'lalong masiyahan ay hanapin ninyo ang batas ng paghahalal ni. honorio lopez na ipagbibili sa lahat ng libreria sa maynila sa darating na pebrero sa halagang piso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang mga taga lalawigang magpadala ng pisong papel sa pamamagitan ng isang sulat sa bahay ni . honorio lopez sa daang sande tundo, maynila ay tatanggap sa pamamagitan ng correo certificado ng isang aklat ng ley sa paghahalal. ang sanhi kung kaya hindi ipinalimbag sa ngayon kundi sa pebrero pa ng ay ng maipasok ang pagbabagong gagawin ng batasan legislatura senado at asamblea, na inaasahan ng lahat na sa pagtanggap na ito ni general wood ng pamamahala sa pilipinas ay magkakaroon ng pagbabago ang batas na ito ley sa paghahalal. lopez, dentista, anak ni. honorio lopez na napalathala sa mga unang dahon ng kalendaryong ito, ay namatay ng ika ng gabi ng ika ng oktubre ng kaya isinasamo sa bumabasang giliw na isama siya sa inyong mga dalangin. ayoko ng sayaw ang di ko pagdalaw sa iyo hindi nagkakahulugan ako'lumalayo'nililimot ko na ang pinagsamahan, hindi gayon luring. kung bagama'hindi kita nadadalaw, ang alaala ko'sumasa iyo at ikaw ang laging nagugunamgunam.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mangyayari kayang kalimutan kita? gayong di kailang matangi sa iyo ang abang palad ko ay wala ng mutya. mamatay man ako kung tunay ang tao'may buhay na diwa, ang diwa kong iyo'laging maghahain sa iyo ng nasa. ako kaya lamang hindi makadalaw'sa iya'humarap, sapagka'may lungkot. ang kalungkutan ko'sa iyo rin buhat; ikaw'nagkasala, pagkakasala mong sa akin ay labag. anong kasalanan?. ang pagsasayaw mong di minamarapat. bago nagsumpaan ang kanitang puso sa pagiibiga'ipinagtapat kong ang gagawin nita ay lubhang maselan; sa gawang pagibig upang ang dalawa'payapang mabuhay ang lahat ng gawang hindi nararapat ay pakalayuan. ang sayaw ay isang ipinagbilin kong huwag mong gagawin pagka'sa babai ang pagsayaw ay ngiti ng dilim; ang sayaw lason sa ganda ng isang babaing mahinhin hinhin ng babai'nagiging malasuwa sa sayaw ang dahil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"masdan ang babai sa isang lalaki'nakikipagsayaw yakap sa lalaki bagama'ang gayon ay pangit na tingnan, magkayapos sila at ang mga dibdib ay walang pagitan baywang ng babai'hapit ng lalaki ng lubos lubusan. hita niya sa hita ng lalaking yapos ay nadadaiskis minsa'magkadaop, pagkakadaop na, animo'napagkit sa ininog inog, ang kanilang pisngi'madalas magtalik. sa sayaw di ka man humingi ng halik ay makahahalik. pusong nangangarap yumapos sa mga dalagang maganda magaral ng sayaw'sa mga sayawan nila makukuha, diwang nananabik damhin ang katawan ng mga dalaga magsayaw ang dapat at madadama mo, pagka'murangmura. sa mga pagsayaw nawa wala ang hinhin dapat ingatan mahinhing babai kapagka sumasayaw nagiging magaslaw, pati ng katawan sa paggamayumi'di ibig magalaw, sa lintik na sayaw malilimot na ang pagmamaselan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"babai'lalaki sa pagkakayakap ay parang iisa, anopa'kung manang sa isang simbahan ang makakakita magaabot abot ang pagaantanda'pagkukurus niya sa pangungumpisal ay siyang sasabihing unanguna. ngayo'walana sa iyo ang dating mong kilusin, gaslaw na sa iyong iwing kabinhinan ang sumapin sa dati ngiting mapagakit: halakhak at aliw napalit masabing ikaw ay kay sarap yakapin! sa diwa ko'parang isinusurot na ang sinapit ng palad ng kabuhayan mo sa hilig mong iyang may bolo at suyak ako'naluluha. kung ikaw na aking tanging nililiyag ay masasawi pa. tayo, ang hangad ko lamunin ng ulap. matulog at bumangon maaga, magtrabaho sa araw huag sa gabi. hanging malinis ang gamitin sa paghinga at pagsikatan sa araw ang katawan. katatagan sa pagkain huag kakain kung may hapis. tubig na malinis ang iinumin. maligo ng tubig na malahininga bago kumain ng agahan. pitong oras lamang matutulog bukas ang bintana. manamit ng maluag at isunod ang kapal sa himig ng panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang malinis na pamamahay ay kumakaway ng kaligayahan. busugin ang diwa sa pagaaliw. layuan ang pakikipagkaalit kanino man. kahit wala sa matwid ang kausap mo'huag kang makikipagtalo. kung ang ulo mo'siyang gamit sa paghahanap buhay ay magpalakas ka ng katawan, at kung sa mga bisig naman, ay basain ang ulo sa pagbabasa. sa isang taon ang kalendaryong ito'magkakaroon ng hanapan ng mga kapistahan ng mga santo katulad ng dati, at mga mababasang ukol sa pakikimayan at ikadidilat ng mata ng mararalitang kababayan. kaya siya ninyong hanapin sa taong darating. candido lopez agrimensor bago magpasukat sa iba ay makipagalam muna kayo sa kanya ng malaman ninyo ang kanyang halaga at kondisyon ng paniningil sa daang ave rizal sta. cruz, maynila. ibig ba ninyong kayo'igalang ng inyong kapwa tao? ibig ba ninyong huwag magalinlangan sa inyong mga pagmamatwid? ibig ba ninyong matalos ang kaalaman ng inyong juez de paz diyan sa inyong bayan at ng inyong abogado? bumasa kayo ng ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at dito mababasa ninyo ang mga pangulong kapasiyahan ng mga ley sa pakikipamayan, sa mga pagaari, sa paghabol ng mana, sa pagtatanggol ng kapurihan, pananakit at iba na totoong kailangan sa isang namamayang pilipino, lalo na sa, mga babae, dalaga at mga mararalita. ang halaga sa lahat ng libreria sa maynila. ang taga probinsiyang magpadala ng dalawang pisong papel, na ipaloloob sa isang sulat kay. honorio lopez sa daang sande tundo, maynila ay tatanggap ng isang salin nito sa pamamagitan ng correo certificado. ito ang pinaka ikalawang at ikatlong tomo ng ni. honorio lopez na kababasahan ng ley munisipal, ng ley ng diborsyo, ng reglamento ng sabungan para sa mga sentensiyador at mga mananabong at iba pang marami. ang mga bagong labas na presidente at mga konsehal ay dapat bumili nito. kung manggagawa ka at inaapi ka ng iyong patrono pinagtatrabauhan ay dumulog ka sa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"kung inapi ka ng kapwa mo ikao ay sinaktan ng sino man, dalaga kang inalisan ng puri ng iyong nobyo ay dumulog ka sa sa iyong bayan. kung, ikao'may lupa na ibig mong magkaroon ng titulo torrens ng mailag sa anomang basagulo at magamit na pangungutang ay dumulog ka kay. honorio lopez sande tundo, maynila at siya mong pagtanungan, ng magkaroon ka ng agrimensor at abogado mangatawan sa pagharap mo sa mga hukuman. murang sumingil at tumatanggap ng pauntiunting bayad sa pamamagitan ng isang kasunduan. ibig ninyong malaman madali kung ilang piko ang timbang ng inyong kalibkib lukad kopra at malaman sa lalong madaling panahon ang kabayarang sa ano mang halagang aabutin na di na mangangailangan ng maraming pagbilang kundi sa sumar lamang? bumili kayo ngayon din ng ng kilos sa pikos na may presyo na sinulat ni felix. matriano na taga alabat, tay. apat na peseta ang halaga sa libreria ni. sayo sa daang rosario at sa imprenta ni honorio lopez daang sande tundo maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sic itur ad astra. isang umaga ng disiembre ay hirap na sumasalunga sa palikolikong linalakaran ng ilog pasig ang bapor tabo, na may lulang maraming tao, na tungo sa lalaguna. ang bapor ay may anyong bagol, halos bilog na wariy tabo na siyang pinanggalingan ng kaniyang pangalan; napakarumi kahit na may nasa siyang maging maputi, malumanay at waring nagmamalaki dahil sa kaniyang banayad na lakad. gayon man, siyay kinagigiliwan sa dakong iyon, sanhi marahil sa pangalan niyang tagalog dahil sa taglay niya ang sadyang ugali ng mga bagay bagay ng bayan, isang wariy tagumpay na laban sa pagkakasulong, isang bapor na hindi tunay na bapor ang kabuoan, isang sangkap na hindi nagbabago, hindi ayos ngunit hindi mapag aalinlanganan, na, kung ibig mag anyong makabago ay nasisiyahan na ng boong kalakhan sa isang pahid ng pintura. na ang bapor na itoy tunay na pilipino!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kaunting pagpapaumanhin lamang ang gamitit pagkakamanlang siya ang daong ng pamahalaan, na nayari sa ilalim ng pagsisiyasat ng mga reberendo at mga ilustrisimo balot ng liwanag sa umaga, hayo na ang maputi niyang katawan (na iniwawasiwas ang maitim na usok) na nagpapagalaw sa alon ng ilog at nagpapaawit sa hangin sa mga maigkas na kawayang nasa sa magkabilang pangpang; may nagsasabing nag uumusok din ang daong ng pamahalaan!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa bawat sandaliy tumitili ang pasuit na paos at mapagbala na wariy isang manggagahis na ibig makapanaig sa tulong ng sigaw, kayat sa loob ng bapor ay hindi magkarinigan, ang lahat ng makatagpoy pinagbabalaan; minsay waring ibig durugin ang mga salambaw, (mga yayat na kagamitan sa pangingisda) na ang galaw ay waring kalansay ng gigante na yumuyuko sa isang pagong na nabuhay sa kapanahunang dako pa roon ng pag apaw ng tubig sa boong mundo; minsay tumatakbong tungo sa mga kakawayanan kayay sa mga karihan, na napapalamutihan ng gumamela at iba pang bulaklak, na waring mga magsisipaligong nakalubog na sa tubig ang mga paay ayaw pang maglublob. minsay sa pagsunod sa daang itinuturo ng ilang kawayang nakatirik sa ilog ay lumalakad ng boong kasiyahang loob ang bapor; ngunit ang isang biglang pagkakabagok ay kaunti nang ikinabuwal ng mga sakay; napadumog sa isang burak na mababaw na hindi hinihinala nino man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at kung ang pagkakawangki sa daong ng pamahalaan ay hindi pa lubos, ay tingnan ang pagkakalagay ng mga lulan. sa ilalim ng cubierta ay nangagdungaw ang mga mukhang kayumanggi at maiitim ng mga taga rito, mga insik at mestiso na nagkakasiksikang kasama ng mga lulang kalakal at mga kaban, samantalang sa itaas, sa ibabaw ng cubierta at sa lilim ng isang panambil na nagtatanggol sa kanila sa init ng araw, ay nangakaupo sa maginhawang luklukan ang ilang sakay na suot taga europa, mga prayle at mga kawani, na humihitit ng malalaking tabako, samantalang tinatanaw ang mga dinadaanan, na hindi man napupuna ang mga pagsusumakit ng kapitan na maiwasan ang mga balakid sa ilog. ang kapitan ay isang ginoo na may magiliw na anyo, lubha ng matanda, dating maglalayag na noong kabataan niya ay namahala sa lalong matuling daong at sa lalong malawak na karagatan at ngayong tumanday ginagamit ang lalong malaking pag iisip, pagiingat at pagbabantay upang maiwasan ang maliliit na kapanganiban.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at yaon din ang balakid sa araw araw, ang dati ring mabababaw na burak, ang dati ring laki ng bapor na nasasadsad sa mga liko ring yaon, na wariy isang matabang babai sa gitna ng siksikan ng tao, kayat ang mabait na kapitan ay humihinto sa bawat sandali, umuurong, pinagkakalahati lamang ang tulin, pinagpapalipatlipat sa kaliwat sa kanan ang limang marinerong may hawak na tikin upang ipanibulos ang likong itinuturo ng timon. waring isang matandang kawal, na matapos mamuno sa mga tao sa isang maligalig na himagsikan, ay naging taga pag alaga, ng tumanda, ng batang masumpungin, matigas ang ulo at tamad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at si aling victorina na siyang tanging babaing nakiupo sa lipon ng mga europeo ay siyang makapagsasabi kung ang bapor tabo ay tamad, masuwayin at masumpungin; si aling victorina, na gaya ng karaniwan ay napakamasindakin, ay nagtutungayaw sa mga kasko, banka, balsa ng niyog, mga indio na namamangka at sampung mga naglalaba at nagsisipaligo na kinayayamutan niya dahil sa pagkakatuwa at kaingayan! siya nga naman, kung walang mga indio sa ilog at sa bayan ay bubuti ang lakad ng tabo, oo! kung walang isa mang indio, sa mundo; hindi niya napupunang ang mga tumitimon ay pawang indio, indio ang mga marinero, indio ang mga makinista, indio ang siyam na put siyam sa bawat isang daang sakay at siya man ay india rin kung kakayurin ang kaniyang pulbos at huhubaran siya ng ipinagmamalaking bata .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang umagang iyon ay lalo pang namumuhi si aling victorina dahil sa hindi siya pinapansin ng mga kalipon, at dapat nga namang magkagayon, sapagkat tignan nga naman ninyo: magkalipon doon ang tatlong prayleng nananalig na ang boong mundoy lalakad ng patiwarik sa araw na silay lumakad ng matuwid; isang walang pagal na. custodio na payapang natutulog, na siyangsiya ang loob sa kaniyang mga munakala; isang walang pagod na manunulat na gaya ni ben zayb (katimbang ng ibanez) na nag aakalang kung kayat may nag iisip sa maynila ay sa dahilang siyay nag iisip; isang canonigo na gaya ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"irene na nagbibigay dangal sa mga pari dahil sa mabuti ang pagkakaahit ng kaniyang mukhang kinatatayuan ng isang ilong hudio at dahil sa kaniyang sotanang sutla na mainam ang tabas at maraming botones; at isang mayamang mag aalahas na gaya ni simoun na siya manding tanungan at nag uudyok sa mga galaw ng capitan general; akalain nga ba namang magkatatagpo ang mga haliging ito na sine quibus non ng bayan, magkapipisan doon at maligayang nag uusap, na hindi nabibighaning malugod sa isang tumakwil sa pagkapilipina, na nagpapula ng buhok, bagay ng sukat makabugnot sa isang joba!, pangalang ikinakapit sa sarili ni aling victorina kailan mat may katungo. at ang pagkayamot ng babaiy nararagdagan sa bawat pagsigaw ng kapitan ng: baborp! estriborp!, bubunutin ng mga marino ang kanilang mahahabang tikin at isasaksak sa isat isang gilid at pinipigil sa tulong ng kanilang mga hitat balikat na masadsad sa dakong iyon ang bapor.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung susukatin sa gayong anyo ang daong ng pamahalaan ay masasabing nawawala ang pagkapagong at nagiging alimango sa tuwing malalapit ang isang panganib. ngunit kapitan, bakit tumutungo sa dakong iyan ang inyong mga mangmang na timonel? ang tanong na pagalit ng babai. sapagkat doon ay napakababaw, ali ang sagot na malumanay ng kapitan at ikinindat ang mata. naugali na ang ganito ng kapitan upang sabihin wari sa kaniyang mga salita, na dahandahang lumabas: marahan, marahang marahan! kalahating tulin ng makina, ba, kalahating tulin! ang paalipustang tutol ni aling victorina bakit hindi boong tulin? sapagkat maglalayag tayo sa mga palayang iyan, ali, ang walang katinagtinag na sagot ng kapitan na sabay ang paglabi upang ituro ang bukid; makalawang kumindat. ang aling victorinang ito ay kilala dahil sa kaniyang mga kasagwaan at mga himaling.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dumadalong palagi sa mga lipunan at siyay tinitiis doon kailan mat kasama ang kaniyang pamangkin, si paulita gomez, maganda at mayamang binibini, ulila sa amat ina, na kinukupkop ni aling victorina. nang tumanda na ang aling victorinang ito ay nag asawa sa isang kulang palad na ang pangalan ay. tiburcio de espadana, at sa mga sandaling ito na nakikita natin siya ay may labing limang taon nang kasal, ang buhok ay postiso at ang kalahati ng kagayakan ay ayos taga europa. sa dahilang ang kaniyang boong hangad sapol ng magkaasawa ay ang mag anyong europea, sa tulong ng ilang mahalay na kaparaanan, ay nahulog ding unti unti ang kaniyang ayos sa isang anyong, sa kasalukuyan, kahit na magtulong si quatrefages at si virchow ay hindi mawawatasan kung sa aling lahing mga kilala siya maihahalo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"makaraan ang ilang taong pagkakasal, ang kaniyang asawang nagtiis, na wariy fakir na umalinsunod sa lahat ng kaniyang maibigan, ay dinalaw ng isang masamang sandali, isang araw, at hinambalos siya ng tinutungkod sa pagkapilay. dahil sa pagkakabigla ni aling joba, sa gayong pagbabagong ugali, ay hindi naalumana ang magiging kasunod ng pangyayari, at ng makaraan ang pagkakagitla at ng ang kaniyang asawa ay makatanan, ay saka pa lamang naramdaman ang sakit at nahigang ilang araw, sa gitna ng pagkagalak ni paulita na mahilig sa pagtatawa at pagbibiro sa kaniyang ali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit ang asawa, sindak sa nagawang kasalanan, na sa kaniyay waring isang kakilakilabot na pagpatay sa kabiyak ng puso ang gayong nagawa, habol ng mga furia sa tahanan (ang dalawang aso at isang loro sa bahay), ay nagtatakbo ng boong tuling ipinahintulot ng kaniyang pilay, lumulan sa unang sasakyang natagpuan, sumakay sa unang bangkang nakita sa isang ilog, at, ulises na pilipino, nagpagalagala sa mga bayan bayan, sa isat isang lalawigan, sa isat isang pulo, na pinamumuntutan ng kaniyang calipso, na naka quevedo na nakayayamot sa bawat makasama sa paglalakbay. tumanggap ng balita na ang lalakiy nagtatago sa isang bayan ng laguna, kayat yaon na siya upang akitin sa tulong ng kaniyang buhok na tinina. ang mga kasabay ay nagkaisang magsanggalang sa kaniyang pakikitungo sa pamagitan ng isang walang hintong pagsasalitaang ang balang bagay ay pinagtalunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa mga sandaling iyon, dahil sa palikoliko ng ilog, ay pinag uusapan ang pagtutuwid sa kaniya at ang ukol sa mga gawain ng obras del puerto. si ben zayb, ang manunulat na mukhang prayle, ay nakikipagtalo sa isang paring bata na mukha namang artillero. kapwa nagsisigawang ang anyo ng mukha ay iniaayos sa sinasabi, itinataas ang mga bisig, inilalahad ang mga kamay, nagsisitadyak, nag uusap ng ukol sa patitis, mga palaisdaan, ilog san mateo, mga indio at ibp. sa gitna ng kasiyahang loob ng mga nakikinig at sa gitna rin naman ng boong pagkainip ng isang matandang paring pransiskano, na lubhang napakapayat at nangangalirang, at ng isang dominiko na maganda ang tindig na nagbabakas. nagbabakas sa kaniyang mga labi ng isang ngiting pakutya. ang payat na pransiskano, na nakapuna sa ngiti ng dominiko, ay nagnasang makilahok sa usapan, upang maputol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iginagalang siya marahil, kayat sa isang kilos lamang ng kamay ay napigil ang pag uusap ng dalawa, nang ang paring artillero ay tumukoy ng ukol sa kinatutuhan at ang manunulat na prayle ay ng ukol naman sa karunungan. alam baga ninyo kung ano ang mga taong marurunong, ben zayb? anang pransiskano na ang boses ay malalim, na hindi man lamang halos gumalaw sa kaniyang uupan, at ang mga nangangalirang na kamay ay bahagya nang ikilos nariyan sa lalawigan ang puente del capricho na gawa ng isang kapatid namin, at hindi nayari, sapagkat pinintasang mahina at mapanganib ng mga marurunong, sa panunulay sa kanilang mga sapantaha, ngunit tignan ninyot nariyan ang tulay na naglalaban sa lahat ng baha at lindol. iyan, punales iyang talaga, iyan nga sana ang sasabihin ko! ang wika ng paring artillero na kasabay ang suntok sa gabay ng kaniyang luklukang kawayan; iyan, ang puente del capricho at ang mga marurunong; iyan sana ang sasabihin ko,. salvi, punales .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"napahintong nakangiti si ben zayb, marahil sa paggalang kayay dahil sa sadyang walang maalamang isagot; kahit gayong siya ang tanging nag iisip dito sa pilipinas! irene ay sumasang ayon sa tulong ng ulo, samantalang pinapahidpahiran ang kaniyang mahabang ilong. salvi, iyong paring payat at nangangalirang, ay nagpatuloy, na waring nasiyahan sa gayong pangangayupapa, sa gitna ng katahimikan: datapway hindi ibig sabihin ng ganito na kayoy wala sa katwiran at gayon din naman si. camorra (ito ang pangalan ng paring artillero); ang kasamaan ay nasa lawa. sadya namang walang mabuting lawa sa lupaing ito ang patlang ni aling victorina, na muhing muhi na at humanda upang lusubing muli ang kuta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga binabakod ay sindak na nagtinginan, ngunit, gaya ng katalasan ng isang general, dumulog ang mag aalahas na si simoun: ang kagamutan ay napakadali, anya na ang pagbigkas ng salita ay katangitangi, kalahating ingles at kalahating amerikano sa timog at hindi ko nga maalaman kung bakit hindi pa naiisip ng kahit sino. ang lahat ay lumingon, sampu ng dominiko, at pinakinggan siyang mabuti. ang mag aalahas ay isang taong yayat, mataas, malitid, napakakayumanggi, suot ingles at ang ginagamit ay waring salakot na timsim. katangitangi sa kaniya ang mahabang buhok na puting puti na natitiwali sa misay na itim, madalang, na nagpapakilala ng kaniyang pagkamestiso. upang iwasan ang sinag ng araw ay palaging gumagamit ng salaming asul na de rejillas na tumatakip sa kaniyang mga mata at bahagi ng mga pisngi, na siyang nagbibigay sa kaniya ng anyong bulag may sakit sa mata. nakatayong ang paay nakabikaka upang makapanimbang wari, ang mga kamay ay nakapasok sa mga alapot ng kaniyang chaqueta .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kagamutan ay lubhang madali ang ulit at walang magugugol. ang pakikingig na mabuti ay nag ibayo. nasasabisabi sa mga lipunan sa maynila na ang taong iyon ay siyang sinusunod ng general, kayat nakikinikinita na ng lahat na ang kagamutan ay magagawa. custodio ay napalingon. magbukas ng isang ludlod na tuwid, mula sa pagpasok ng ilog hangang sa paglabas, na dadaan sa maynila, ito nga, gumawa ng isang bagong ilog na ludlod at tabunan ang dating ilog pasig. hindi mag aaksaya ng lupa at iikli ang paglalakbay, mapipigil ang pagkakaroon ng dakong mababaw. ang panukalang itoy nakalito sa lahat halos, na nahirati sa mga paraang tapaltapal. isang munakalang yankee ani ben zayb, na ibig kalugdan ni simoun ang mag aalahas ay malaong naninirahan sa amerika, sa hilaga. inari ng lahat na malaki ang palagay at ang gayon ay ipinakilala sa mga galaw ng ulo. custodio, ang may magandang loob na si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"custodio, na dahil sa kaniyang malayang kalagayan at matataas na katungkulang ginaganap, ay nag akalang nararapat na bakahin niya ang isang panukala na hindi sa kaniya buhat iyon ay isang pangungunang bait! umubo, hinaplos ang kaniyang misay at sa tulong ng kaniyang matigas na boses at waring nasa sa isang sadyang pagpupulong ng ayuntamiento, ay nagwikang: patawarin ako ni. simoun, na aking kagalanggalang na kaibigan, kung sabihin kong hindi niya ako kasang ayon; maraming salapi ang magugugol at marahil ay sisira tayo ng mga bayanan. ang mahinahong sagot ng mag aalahas. at ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?. huwag bayaran. sa mga bilanggo at presidiario. hindi makasasapat, ginoong simoun!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung hindi sasapat, ang lahat ng bayan, ang mga matatanda, ang mga binata, ang mga bata, ay gumawa, at palitan ang labing limang araw na sapilitang paggawa, ng tatlo, apat limang buwang paggawa na ukol sa pamahalaan, na may katungkulan pang ang bawat isa ay magdala ng kaniyang pagkain at kasangkapan. custodio ay sindak na lumingon upang tanawin kung sa kalapit ay may isang indio na nakakadingig sa kanila. salamat na lamang at ang nangaroroon ay pawang taga bukid, at ang dalawang timonel ay waring walang pinapansin kun di ang mga liko ng ilog. ngunit, ginoong simoun. manalig kayo,. custodio ang matigas na patuloy ni simoun sa ganiyang paraan lamang nayayari ang malalaking gawain, sa munting gugol. sa ganiyang paraan nayari ang mga piramide, ang lawang mris at ang coliseo sa roma.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"booboong lalawigan ay nanggagaling sa mga kaparangan na daladala ang kanilang mga sibuyas upang may makain; ang mga matatanda, mga binata at mga bata ay nangaghahakot ng bato, tinatapyas nila at pinapasan sa pamamahala ng pamalo ng nakapangyayari; at pagkatapos ay bumabalik sa kanikanilang bayan ang nangalabi, nangamamatay sa buhanginan ng kalawakan. makaraan yaon ay dumadating ang ibang lalawigan, pagkatapos ay iba naman, sunod sunod sa paggawa sa loob ng mga taon; ang gawain ay natatapos at ngayoy hinahangaan natin, naglalakbay tayo, napaparoon tayo sa egipto sa roma, pinupuri natin ang mga faraon, ang mga mag aanak na antonina. maniwala kayo. custodio; ang mga patay ay naiiwang patay at ang malakas lamang ang binibigyan ng katwiran ng mga kapanahunang susunod. ngunit ang mga ganiyang kaparaanan, ginoong simoun, ay mangyayaring maging sanhi ng kaguluhan ang sabi ni. custodio na hindi mapalagay dahil sa masamang tungo ng salitaan. kaguluhan; ha, ha!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"naghimagsik baga ang bayang ehipsio minsan man, naghimagsik ang mga piit na hudio ng laban sa maawaing si tito? hindi ko akalaing mahina pala kayo sa mga bagay na nasasabi sa kasaysayan! napagkikilala na ang simoung yaon ay napakamapagmalaki walang pinagaralan. ipamukha kay. custodio na hindi nakababatid ng kasaysayan, ay isang bagay na makagagalit sa kahit kanino! at gayon nga ang nangyari, nakalimot si. custodio sa dating hilig at sumagot ng: ang bagay, ay sa dahilang hindi ehipsio ni hudio ang inyong mga kakaharapin! at ang bayang itoy hindi miminsang naghimagsik na ang dugtong na may munting takot ng dominiko noong kapanahunang pinahihila ng malalaking kahoy upang gawing mga daong, kung hindi dahil sa mga pari. ang kapanahunang iyon ay malayo na; ang sagot ni simoun na ang taway lalo pa manding matigas kay sa karaniwan ang mga pulong itoy hindi muling maghihimagsik ng dahil sa mga gawain at buwis. hindi baga pinupuri ninyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"salvi ang dugtong, na, ang hinarap ay ang payat na pransiskano ang bahay at pagamutan sa los banos na kinaroroonan ng general? salvi ang ulo at tuminging may pagkakamangha sa tanong. hindi baga sinabi ninyo sa aking ang dalawang bahay na iyon ay naitayo sa tulong ng pagpilit sa mga bayan na gumawa doon, sa ilalim ng kapangyarihan ng isang uldog? marahil, ang puente del capricho, ay nayari din sa gayong kaparaanan. at sabihin ninyo naghimagsik baga ang mga bayang ito? naghimagsik na noong araw ang sabi ng dominiko at ab actu ad posse valet illatio . wala, wala, wala! ang patuloy ni simoun na humandang dumaan sa escotilla upang pumanaog sa kamara ang nasabi ay nasabi na. sibyla ay huwag bumanggit ng mga wikang latin at ng mga katunggakan. sa anot naririto kayong mga prayle kung maaaring maghimagsik ang mga bayan? si simoun ay pumanaog sa munting hagdanan, na hindi pinansin ang mga tutol at sagot, at inuulit ulit ang salitang: vaya, vaya!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sibyla ay namutla; noon lamang siya, vice rector sa universidad, napagsabihang may katunggakan; si. custodio ay kulay berde; sa alin mang pulong na kanyang kinaroonan ay hindi nakatagpo ng isang katunggaling kagaya niyon. ang gayon ay napakalabis. isang mulato amerikano! ang pabulalas na ungol. indio ingles! ang marahang sabi ni ben zayb. sinasabi ko sa inyong amerikano, hindi ko malalaman? ang tugong nayayamot ni. custodio sinabi sa akin ng general; iyay isang mag aalahas na nakilala niya sa habana at ayon sa hinala koy siyang nagbigay sa kaniya ng katungkulan, sapagkat pinautang siya ng salapi. kaya nga, upang mabayaran, ay pinaparito at ng gawin ang bala na, dagdagan ang kaniyang kayamanan sa pagbibili ng mga brillanteng. hindi totoo, ano ang malay natin! at napakawalang lingap, na, matapos kunan ng salapi ang mga indio ay ibig pang.! at tinapos ang salita sa isang makahulugang kilos ng kamay. walang makapangahas na makisali sa gayong mga pag alimura; si .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"custodio ay mangyayaring makipagsira sa capitan general kung ibig niya, ngunit ni si ben zayb, ni si. salvi, ni ang hinalay na si. sibyla ay walang katiwala sa paglilihim ng iba. ang taong iyan, sapagkat amerikano, ay nag aakalang ang kakaharapin natin ay ang mga pieles rojas. magsalita ng mga bagay na iyan sa loob ng isang bapor! ipag utos, pilitin ang tao!. at iyan ang nag udyok ng pagsalakay sa carolinas, ng pagdigma sa mindanaw na pupulubi ng kalaitlait sa atin. at siya ang humandog na mamagitna sa paggawa ng crucero, ngunit ang tanong ko naman: ano ang muwang ng isang mag aalahas, kahit na napakayaman at napakabihasa, sa pagpapagawa ng mga daong? ang lahat ng itoy sinasabing pinalalaki ang boses ni. custodio, kay ben zayb, na sabay ang kumpay, higit ng balikat, maminsanminsang tumatanong sa tingin sa ibang iginagalaw naman ang ulo nang walang ibig turan. ang kanonigong si. irene ay napapangiting walang ibig sabihin, na tinatakpan ng kamay sa tulong ng paghaplos sa kaniyang ilong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sinasabi ko sa inyo, ben zayb ang patuloy ni. custodio na inaalog ang bisig ng manunulat ang lahat ng kasamaang nangyayari ay sanhi ng hindi pagtatatanong sa mga taong may malaong paninirahan dito. isang panukalang may malalaking salita at malaking gugol, isang guguling malaking halaga ay nakabubulag at tinatanggap agad. dahil dito! pinagkiskis ni. custodio ang kaniyang mga daliring hinglalaki, hintuturo at panggitna. mayroon ngang kaunti niyan, kaunti niyan ang akala ni ben zayb na dapat niyang isagot, dahil sa kaniyang pagkamamamahayag ay dapat makaalam ng lahat. tignan ninyo, una diyan sa mga gawain ng obras del puerto, ay nagharap ako ng isang munakala, bago, malinaw, mapakikinabangan, munting gugol at magagawa upang luminis ang wawa ng dagat na tabang, at hindi tinanggap dahil sa hindi nagbibigay ng ganito! at inulit ang kiskis ng mga daliri, kinibit ang balikat at ang lahat ay tinignan na waring ang ibig sabihin ay: nakakita na kayo ng ganiyang kasawian?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at maari bagang mabatid ang palagay? ang pamangha ng isat isa na nangaglapitan at nagkagipitan sa pakikingig. custodio ay pawang bantog na kagaya ng mga yaring lunas ng mga manggagamot. kaunti ng hindi sabihin ni. custodio ang bagay, sapagkat nagdamdam dahil sa hindi siya sinang ayunan noong dinudusta si simoun. pag walang panganib ay ibig ninyong akoy magsalita, ha? at pag mayroon ay wala kayong imik, ang sasabihin sana; ngunit ang gayon ay isang pagpapakawala ng isang mabuting pagkakataon at yayamang hindi na maisasagawa ang panukala ay makilala man lamang at hangaan. matapos ang dalawa tatlong buga ng aso, umubo at lumura ng patagilid, ay tinanong si ben zayb, na sabay ang tampal sa hita nito. nakakita na ba kayo ng pato? nakahuli kami sa lawa ang tugong pahanga ni ben zayb. hindi, hindi ko tinutukoy ang patong bukid, ang tinutukoy koy ang mga maamo na inaalagaan sa pateros at sa pasig. at alam ninyo kung ano ang kanilang kinakain?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si ben zayb, ang tanging ulong nag iisip, ay hindi nakaaalam niyon; hindi niya napanghihimasukan ang hanap buhay na iyon. mga susong maliliit, tao kayo, mga susong maliliit! camorra hindi kailangang maging indio upang makabatid ng bagay na iyan, sukat na ang magkaroon ng paningin! iyan nga, mga susong maliliit! custodio na iginagalaw ang hintuturo at alam ninyo kung saan kinukuha? hindi rin batid ng ulong mapag isip. kung kayoy nanirahan na sa lupaing ito ng kagaya ng haba ng aking paninirahan, ay mababatid ninyong nakukuha sa wawa at doon ay marami na kahalo ng buhangin. at ang inyong munakala? iyan nga ang tungo ko. pipilitin ko ang lahat ng bayang kalapit ng wawa na mag alaga ng pato, at makikita ninyo na sila, sa kanilang sarili, ay palalalimin nila ang wawa sa panghuhuli ng suso. ganiyang ganiyan. custodio ang kaniyang dalawang bisig at malugod na tinanawtanaw ang pagkakagulilat ng mga nakikingig sa kaniya; walang isa mang nakaisip ng gayong kainam na panukala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pinahihintulutan baga ninyong makasulat ako ng isang articulo ukol sa bagay na iyan? ang tanong ni ben zayb napakakaunti ang nag iisip sa lupaing ito. custodio, ani aling victorina na nagpakendengkendeng at kumilingkiling kung ang lahat ay mag aalaga ng pato ay dadami ang itlog na balot. uy nakapangdidiri! matabunan na muna ang wawa! sa silong ay iba naman ang nangyayari. nangakaupo sa bangko at sa maliliit na luklukang kahoy, kasalamuha ng mga maleta, bakol at tampipi, sa kalapit ng makina, init ng kaldera, singaw ng katawang tao at mabahong amoy ng langis, ay naroon ang lalong makapal na taong sakay. tinatanaw na matahimik ng ilan ang sarisaring anyo ng mga pangpangin sa gitna ng dagundong ng mga pala, ingay ng makina, sagitsit ng nakatatanang singaw, buluwak ng tubig na nahahalo, pasuwit ng pakakak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa isang sulok, nagkakapipisang wariy bangkay, ay natutulog nagtatangkang matulog ang ilang insik na mamimili, mga liyo, nangamumutla, sumasago ang laway sa mga nakangangang bibig, at naliligo sa malagkit na pawis ng kanilang katawan. ang ilang binata lamang, na ang karamihan ay nangag aaral, madaling makilala dahil sa kanilang kagayakang lubhang maputi at sa maayos na kiyas, ang nangangahas magyaot dito sa popa at proa, na palundaglundag sa mga bakol at kaha, masasaya dahil sa nalalapit na pagpapahinga sa pag aaral. mayamayay pinagtatalunan ang mga galaw ng makina, na inaalaala ang napag aralan, at mayamayay nangagpapaligidligid sa mga binibining kolehiala, sa maghihitsong may mapupulang labi at may kuwintas na sampaga, at inaapungutan ang mga dalaga ng mga salitang nagpapatawa ikipinagtatakip sa mukha ng mga pamaypay na may pinta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit ang dalawa ay hindi nakikihimasok sa mga maglalakbay na babai kundi nakikipagtalo, sa may dakong proa, sa isang matanda na may makiyas at matuwid na tindig. silang dalaway kapuwa kilala at iginagalang mandin alinsunod sa tinging ipinatatanaw sa kanila ng iba. ang pinakamatanda nga sa dalawa, na pulos na itim ang kagayakan, ay si basilio na nag aaral sa medisina, kilala dahil sa kaniyang mabubuting panggagamot at mga kahangahangang pangangalaga sa mga may sakit. ang isa, ang malaki at malusog ang katawan, kahit bata kay sa una, ay si isagani na isa sa mga makata kun di man makata ay manunulang lumabas ng taong iyon sa ateneo, may tanging kaugalian, parating walang kibo at lubhang malungkutin. ang matandang katungo nila ay si kapitang basilio na namili sa maynila. opo, mabutibuti na si kapitang tiago, ang sabi ng nag aaral na iginagalaw ang ulo ayaw pumayag sa anomang pangangalaga. sa udyok ng ilan ay pinatungo ako sa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"diego, sa kadahilanang dalawin ko ang bahay doon, ngunit ang tunay na sanhi ay upang makahitit lamang siya ng apian. sa pagsasabi ng nag aaral ng salitang ilan ay si. irene ang tinutukoy, matalik na kaibigan at tanungan ni kapitang tiago sa mga huling araw ng kabuhayan nito. ang apian ay isa sa mga salot ng kapanahunang ito ang sabing paalipustat pagalit ni kapitan, na wariy senador romano nakilala rin ng mga tao sa una ang apian, ngunit hindi nangagpakalabis. samantalang nanagumpay ang pagkakahilig sa pag aaral sa mga clasico (liwanagin ninyong mabuti, mga binata), ang apian ay naging gamot lamang, at kung hindi, ay, sabihin ninyo sa akin kung sino ang nangagsisihitit. ang mga insik, ang mga insik na hindi nakaaalam ng isa mang salitang latin! ah, kung pinag aralan lamang ni kapitan tiago si ciceron!. at ang di kasiyahang loob na lalong clasico ay nabakas sa mukha niyang epicureo na ahit na ahit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pinagmamasdan siyang mabuti ni isagani: ang matandang iyon ay nagdaramdam ng kauhawan sa matatandang bagay. ngunit balikan natin ang tungkol sa akademia ng wikang kastila ang patuloy ni kapitang basilio pinatutunayan ko sa inyong hindi ninyo magagawa. magagawa po, inaantay na lamang namin ngayon bukas ang pahintulot ang sagot ni isagani si. irene, na marahil ay nakita ninyo sa itaas, na hinandugan namin ng dalawang kabayong castano ay nangako na sa amin. kayat makikipag usap sa general. walang kabuluhan iyon; laban si. lumaban man siya! kaya ngat kasama upang. sa los banos, sa harap ng general. at sa pagsasabi ng ganitoy pinagbubunggong pasuntok ng nag aaral na si basilio ang kaniyang dalawang kamay. ang tugong tumatawa ni kapitang basilio. ngunit kahit ninyo makuha ang pahintulot, saan kukuha ng salapi?. mayroon na po kami; ang bawat nag aaral ay aambag ng sikapat. ngunit ang mga magtuturo? mayroon kami; ang kalahatiy pilipino at ang kalahatiy kastila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si makaraig, idudulot ng mayamang si makaraig ang isa niyang bahay. napahinuhod si kapitang basilio; naihanda ng mga binatang iyon ang lahat ng kailangan. kun sa bagay, anyang kinibit ang balikat, ay hindi lubhang masama ang panukala, at yamang hindi na mangyayaring mapag aralan ang latin, ay mapag aralan man lamang ang wikang kastila. diyan ninyo makikita tukayo, ang katunayan ng paurong na lakad natin. noong aming kapanahunan ay nag aaral kami ng latin, sapagkat ang lahat ng aming mga aklat ay nasa wikang latin; ngayon ay kaunting latin na lamang ang inyong pinag aaralan, ngunit wala kayong mga aklat sa wikang latin; sa isang dako naman, ang mga aklat ninyoy nasa wikang kastila at hindi itinuturo ang wikang ito: tas parentum pejor avis tulit nos nequiores! gaya ng sabi ni horacio. at masabi itoy lumayong nagmamalaki na waring isang emperador romano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iyang mga tao sa una, ani isagani, ay may puna sa lahat; ipalalagay mo sa kanila ang isang bagay at walang makikitang kabutihan kun di pawang salabid. ibig nilang dumating na lahat ng palas at bilog na wariy bola ng bilyar. ang amain mo ang kasundong kasundo niya ang wika ni basilio; paguusapan iyong kanilang kapanahunan. hintay ka nga pala, ano ang sabi sabi ng amain mo kay paulita? si isagani ay namula. sinermonan ako ng ukol sa pag aasawa. sinagot ko siyang sa maynila ay walang kaparis niya, maganda, may pinag aralan, ulila. mayamang mayaman, makisig, masaya at walang kasiraan kung di ang pagkakaroon ng isang inaling tiwali sa langit at sa lupa, ang dugtong na tumatawa ni basilio. si isagani man ay napatawa rin. mabanggit nga pala ang ali, alam mo bang ipinagbilin sa aking hanapin ko ang kaniyang asawa? si aling victorina? at nangako ka naman upang huwag kang mawalan ng iniirog? ngunit ang bagay nitoy sa bahay pa naman ng amain ko. nagkakanlong ang asawa. kapuwa sila nagkatawanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ito ang sanhi, ang patuloy ni isagani kung kaya ang aking amain, taong matalino, ay ayaw pumasok sa kamara, dahil sa nangingilag na baka itanong sa kaniya ni aling victorina, si. akalain mo bang ng mabatid ni aling victorina na ang bayad koy de tercera ay tiningnan ako ng wari pakutya. nang mga sandaling iyon ay pumapanaog si simoun, at ng makita ang dalawang binata ay: aba, basilio!, ang bating may kiyas mapag ampon patungo baga kayo sa pagpapahinga? ang ginoo bay kababayan ninyo? ipinakilala ni basilio si isagani at ipinabatid na hindi sila magkababayan, ngunit ang kanilang mga bayan ay magkakalapit. si isaganiy taga kabilang baybayin. pinagmasdan ni simoun si isagani, kayat ng mainip itoy hinarap na wari hinahamon ang nagmamasid sa kaniya. at ano ang lagay nang lalawigan? ang tanong ni simoun na liningon si basilio. bakit, hindi pa ba ninyo kilala? papaano bang makikilala ko, sa hindi pa ako natutungtong sa lupa niya? may nagsabi sa aking napakamaralitat hindi bumibili ng mga hiyas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi kami bumibili, sapagkat hindi namin kailangan ang biglang sagot ni isagani, na nagdamdam. isang ngiti ang nabadha sa maputlang mga pisngi ni simoun. huwag po kayong magalit, binata, ang sabi: wala akong masamang tangka, ngunit sa dahilang pinatibayan sa akin, na ang lahat ng curato ay nasa kamay ng mga klerigong taga rito, ani ko, ay: ang mga prayle ay nagpapakamatay sa isang curato at pinasasalamatan na ng mga pransiskano yaong pinakamaralita, kayat pag ganyang ipinauubaya nila sa mga klerigo ay sa dahilang doon ay hindi kilala ang mukha ng hari. siya, mga ginoo, halina kayong magsiinom ng serbesa, patungkol sa ikatitighaw ng lalawigan! ang mga binatay nagpasalamat at nagsabing hindi sila umiinom ng serbesa, upang makaiwas. masama iyang ginagawa ninyo, ang sabi ni simoun na masama ang loob; ang serbesa ay isang mabuting bagay, at nadingig kong sinabi kanginang umaga ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"camorra, na ang kakulangan sa lakas na napupuna sa bayang ito, ay alinsunod sa napakaraming tubig na iniinom ng mga tao rito. si isagani na halos kasingtaas ng mag aalahas, ay tumuwid: sabihin ninyo kay. camorra, ang sabi kaagad ni basilio, na sinikong palihim si isagani sabihin ninyo sa kanya, na kung tubig ang iniinom niya at hindi alak serbesa, marahil ay ikabuti ng lahat at hindi pa siya magiging sanhi ng bulungbulungan. at sabihin ninyo sa kaniya ang dugtong ni isagani, na hindi pinuna ang pagsiko ng kanyang kaibigan na ang tubig ay matamis at napaiinom, ngunit lumulunod sa alak at sa serbesa at pumapatay sa apoy; na pag pinaiinit ay nagiging sulak, na pag namumuhi ay nagiging karagatang malawak at minsan ay pumugnaw na sa katauhan at pinapanginig ang mundo. itinaas ni simoun ang ulo, at kahit ang tingin niyay hindi makita dahil sa pagkatakip ng salaming asul, ay nakita sa kaniyang mukha ang paghanga. mainam na tugon!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang sabi ngunit nangangamba akong baka idaan sa biro at itanong sa akin kung kailan magiging sulak ang tubig at kung kailan magiging karagatang malawak. camorra ay may pagka hindi paniwalain at napakapalabiro. pag siyay pinainit ng apoy, pag ang mumunting ilog na sa ngayoy nagkakahiwahiwalay pa sa kanikanilang madawag na pinanggagalingan ay magkaisang bumuhos na aboy ng kasawian sa banging hinuhukay ng mga tao ang sagot ni isagani. huwag, ginoong simoun ang dugtong ni basilio na inihulog sa biro ang salitaan. ang mabuti pay ulitin ninyo sa kaniya ang mga tulang ito, ng kaibigang isagani: kami ay tubig at kayoy apoy ang wika ninyo; kamiy sang ayon! mamuhay tayo ng mahinahot huwag patanaw sa sunog, ngayon, na magkababag! kun di magtulong sa lilim niyong bihasang dunong. sa loob niyong isang kaldera, walang sigalot at pagbabakay gawin ang sulak, na, ikalima sa elemento na magbubunga niyong liwanag, ilaw, pagtumpa sa karapatat pagkabihasa. walang pangyayari, walang pangyayari!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang biglang sagot ni simoun ang makina ay hahanapin pa. samantalay tutungain ko ang aking serbesa. at iniwan ng walang paalam ang dalawang magkaibigan. ngunit ano ka ba mayroon at napakamapanghamok ka ngayon? ang tanong ni basilio. wala, aywan ko, ngunit ang taong iyan ay nakasisindak sa akin, halos nakatatakot. sinisiko kita, : hindi mo nalalamang ang tawag diyan ay cardenal moreno? cardenal moreno? eminencia negra, kung papaano mo ibig. hindi kita mawatasan! si richelieu ay may isang tanungang kaputsino na pinanganlang eminencia gris; itoy siya namang tanungan ng general. gayon ang nadingig ko sa ilan. na nagmumura sa kaniya kung siyay nakatalikod, at pinupuri siya kung kaharap. dumadalaw din ba kay kapitang tiago? mula ng unang araw nang kaniyang pagdating, at ang katunayan ay may isang nag aakalang kaagaw niya. sa pagmamamana. at inaakala ko na makikipagkita sa general tungkol sa usap na ukol sa pagtuturo ng wikang kastila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang sandaling iyon ay lumapit ang isang alila upang sabihin kay isagani na tinatawag ng kaniyang amain. sa isang banko sa popa at kasalamuha ng ibang kasakay ay nakaupo ang isang klerigo na minamasdan ang anyo ng mga tanawing nagdadaan sa kaniyang paningin. niluluwagan siya ng kaniyang mga kalapit; pag nagdaraan sa tabi niya ang mga lalakiy nangagpupugay at ang mga manunugal ay hindi nakapangangahas na ilagay ang dulang na pinaglalaruan sa kalapit niya. ang paring iyon ay bibihirang magsalita, hindi humihitit ni hindi umaanyong mapagmataas, hindi nahihiyang makihalo sa ibang tao at tumutugong malumanay at maayos sa mga pagpupugay sa kaniya na waring ikinadadangal niya at kinikilala ang gayon. siyay lubhang matanda na, ang buhok ay pawang puti, ngunit ang kaniyang pangangatawan ay mabuti, at, kahit nakaupo ay tuwid ang katawan at taas ang ulo, datapway hindi mapagmalaki at mapalalo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"naiiba sa karamihan ng klerigong indio, na lubha namang kaunti, na ng kapanahunang iyon ay gumaganap sa pagkakoadhutor nangangasiwang pangsamantala sa ilang kurato, dahil sa kaniyang pagkamalumanay at ugaling tuwid na taglay noong may lubos na pagkakilala sa karangalan ng kaniyang kalagayan at kabanalan ng kaniyang tinutungkol. isang munting pagsisiyasat sa kaniyang anyo, kundi man dahil sa kaniyang buhok na puti, ay mapag uunawa kaagad na siyay nauukol sa malayong panahon, sa nakaraang kapanahunan, noong ang mga mabubuting binata ay hindi nangingiming ilaan ang kanilang karangalan sa pagiging pari, noong ang mga klerigo ay kasingpantay sa kalagayan ng sino mang prayle, at noong ang kagaya niya, na hindi pa dusta at alimura, ay humihingi ng mga taong malaya at hindi alipin, matatayog na pag iisip at hindi budhing api.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa kaniyang mukhang malungkot at anyong mapagtapat ay napagkikilala ang katiwasayan ng kaniyang kaluluwang pinatibayan ng pag aaral at pagkukuro, at marahil ay sinubukan na ng mga sariling pagtitiis ng damdamin. ang klerigong iyon ay si. florentino na amain ni isagani at ang kasaysayan ng kaniyang buhay ay lubhang maikli. anak ng isang liping mayaman at kilala sa maynila, mainam ang tindig at may kasapatang mabantog, ay hindi nagkaroon kailan man ng hilig sa pagpapari; ngunit dahil sa ilang pangako ng kaniyang ina ay pinilit siyang pumasok sa seminario matapos ang di kakaunting pagtutunggali at matinding pagtatalo. ang inay may matibay na pakikipagkilala sa arsobispo, may matigas na loob at walang pagbabago sa anomang maisip, na gaya ng sino mang babaing may pag aakalang umaalinsunod sa hangad ng dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"walang nangyari sa tutol ng binatang si florentino, hindi nagkabisa ang samo, walang nahita sa pagsasabing siyay may iniibig at gumawa na tuloy ng gulo; magpapari siya at ng umabot sa dalawang put limang taon ay naging pari; ang arsobispo ay siyang naggawad sa kaniya ng mga orden ginanap na lubhang maringal ang unang pagmimisa, nagkaroon ng tatlong araw na piging at ang inay namatay na masaya at siyangsiya ang kalooban, matapos na maipamana sa anak ang lahat ng kaniyang kayamanan. ngunit sa pagtutunggaliang iyon ay tumangap si florentino ng isang sugat na hindi na gumaling kailan man; mga ilang linggo muna bago ganapin ang una niyang pagmimisa, ang babaing kaniyang pinakagigiliw ay nag asawa ng wala nang pilipili dahil sa sama ng loob; ang dagok na iyon ay siyang pinakamahapding tinanggap niya; nanghilambot ang kaniyang budhi at ang kabuhayan ay naging isa niyang kinamuhian at mabigat na dalahin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung di man ang kabaitan at pagbibigay dangal sa kaniyang kalagayan ay ang pag ibig na iyon ang nagligtas sa kaniya sa banging kinahuhulugan ng paring prayle at hindi prayle dito sa pilipinas. hinarap ang kaniyang mga nasasakop dahil sa kaniyang pagtupad sa katungkulan at pagkakahilig sa mga likas na karunungan. nang mangyari ang mga kaguluhan noong ay ipinanganib ni . florentino na siyay mapuna dahil sa kalakihan ng kinikita ng kaniyang kurato, at sa dahilang siyay payapang tao, ay humingi ng pagpapahinga at mula na noon ay nanirahan nang wariy isang taong karaniwan sa mga lupain nilang mag aanak na nasa baybayin ng dagat pacifico. dooy inaruga ang isa niyang pamangking lalaki, si isagani, na alinsunod sa mga masasamang dila ay anak niya sa kaniyang dating iniibig, ng mabao, anak sa pagkadalaga ng isang pinsan niyang taga maynila, alinsunod naman sa mga lalong nakababatid at hindi bulaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,nang makita ng kapitan ng bapor ang klerigo ay pinilitpilit na pumasok sa kamara at umakyat sa kubierta. upang mapahinuhod lamang siyay nagsabing: kung hindi kayo paparoon ay aakalain ng mga prayle na aayaw kayong makisama sa kanila. wala nang nagawa si. florentino kundi ang sumunod at ipinatawag ang kaniyang pamangkin upang pagsabihan ng nangyayari at ipagbilin na huwag lalapit sa kamara samantalang siyay naroroon. kung makikita ka ng kapitan ay aanyayahan ka at magpapakalabis naman tayo. paraan ng aking amain! ani ni isagani sa sarili wala namang dahilan kung di upang huwag lamang akong makausap ni aling victorina. ich weiss nicht was soll es bedeuten dass ich so traurig bin! florentino sa munting lipunan ay hindi na naghahari doon ang pagkakainisan dahil sa nakaraang pagtatalo.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"marahil ay nakaakit sa mga budhi ang masasayang bahay sa bayan ng pasig, ang mga kopa ng mga alak na jerez na tinungga upang humanda marahil ay ang pag aantabay sa isang mabuting pananghalian; maging alin man sa mga tinuran ang sanhi, ang katunayan, ay nangagtatawanan at nangagbibiruan na, sampu ng pransiskanong payat, kahit na hindi nangagiingay: ang kanilang mga taway kahawig ng mga ngiwi ng isang mamamatay. masasamang panahon!, masasamang panahon! ang sabing tumatawa ni. maano namang huwag kayong magsalita ng ganyan, vice rector! ang sagot ng kanonigong si. irene, sabay sa pagtutulak sa luklukan noon sa hongkong ay malusog ang inyong pangangalakal at nagpapatayo kayo ng mga bahay na bawat isa ay. ang sagot hindi ninyo nakikita ang aming mga gugol, at ang mga naninirahan sa aming mga aring lupain ay nagsisimula na sa pagtutol. siya, siya na ng kadadaing, pagkat kung hindi ay iiyak na ako! ang masayang sigaw ni. kamiy hindi dumadaing gayong wala kaming mga lupain ni mga banko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at alamin ninyo na nagsisimula na ng pagtawad sa mga deretsos ang aking mga indio at iniuukilkil sa akin ang mga taripa! sukat ba namang ukilkilan ako ng taripa ngayon, at taripa pa naman ng arsobispo na si. basilio sancho, punales wari bagang mula noon hangang ngayon ay hindi namahal ang mga bagay bagay. bakit mamumura pa ang isang binyag kay sa isang inahing manok? ngunit akoy nagtataingang kawali, sinisingil ko hangang saan makaabot at hindi ako dumadaing kailan man. hindi kami makamkam, ano,. nang mga sandaling iyon ay siyang paglabas sa eskotilya ng ulo ni simoun. ngunit saan baga kayo nagsuot? ang sigaw sa kanya ni. custodio na nakalimot na sa sama ng loob: hindi ninyo nakita ang pinakamainam sa paglalayag! ang sagot ni simoun nang makaakyat na ng tuluyan; nakakita na ako ng maraming ilog at maraming tanawin, kayat wala ng may kabuluhan sa akin kun di iyong may mga alamat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung sa alamat, ay may ilan ang pasig ang sagot ng kapitan, na ayaw mawalang kabuluhan ang ilog na kaniyang nilalayagan at pinagkakakitaan ng pagkabuhay, nariyan ang malapad na bato, na sinasamba noong kapanahunang hindi pa dumarating dito ang mga kastila, na umanoy tirahan ng mga espiritu: ng mawala na ang pananalig diyan at masalaula na ang bato ay naging tirahan ng mga tulisan, na mula sa tugatog niyay hinaharang ang mga bangka na nakikilaban na sa agos ay nakikilaban pa sa mga tao. nang makaraan iyon at sa kapanahunan na natin, kahit nababakas sa kanya ang kamay ng tao, ay may nababanggit ding mangisangisang bangkang natataob, at kung sa pagliko ay hindi ko ginagamit ang anim kong sentido ay hindi malayong mapabarandal sa kanyang mga tagiliran. nariyan pa ang isang alamat, ang sa yungib ni dona jeronima, na maibubuhay sa inyo ni. florentino. walang hindi nakaalam niyon! ang pawalang bahalang sabi ni . ngunit ni si simoun, ni si ben zayb, ni si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"camorra ay nakaaalam, kayat hiningi nilang isaysay; ang ilan ay pabiro at ang ibay sapagkat sadyang ibig mabatid. ang klerigo ay umanyong pabiro, kagaya ng paghiling ng ilan, gaya ng pagsalaysay sa mga bata ng isang sisiwa, at nagsabing: may isang lalaking nag aaral na nangakong pakakasal sa isang babai, sa kanyang bayan, at pagkatapos ay hindi na naalaala ang pangako. dahil sa pagkamatapat ng babai ay inantay antay ng malaon ang lalaki: nakaraan ang kanyang kabataan, naging dalagsot at isang araw ay nabalitaang ang kanyang katipan sa pag aasawa ay siyang arsobispo sa maynila. nagsuot lalaki at lumigid sa ungos ng cabo, sa pagparito, at humarap sa ilustrisima na hinilingang tumupad sa pangako. ang kahilingay hindi mangyayari, at ipinagawa nga ng arsobispo iyang yungib na nakita ninyong may takip at napapalamutihan sa pagpasok ng mga punong gumagapang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"diyan siya nanahan at namatay, at diyan din siya nalibing, at ayon sa sabisabihan ay tumatagilid si dona jeronima kung pumapasok sa yungib dahil sa katabaan. ang kabantugan niya sa pagkaenkantada ay buhat sa ugali niyang paghahagis sa ilog ng mga kasangkapang pilak na ginagamit sa mga piging niyang dinadaluhan ng maraming ginoo. isang lambat ang nasa ilalim ng tubig at siyang sumasahod sa mga kasangkapang doon na nahuhugasan. wala pang dalawang pung taon ang nakararaan na ang ilog ay dumadaang halos humahalik sa pintuan ng yungib, ngunit untiunting lumalayo, gaya rin naman ng pagkalimot ng mga taga rito sa kay dona jeronima. mainam na alamat! ani ben zayb, susulat ako ng ukol diyan. iniisip na ni aling victorina na manirahan sa isa namang yungib at sasabihin na sana ng unahan siya ni simoun, na nagsabing: ngunit ano ang palagay ninyo sa bagay na iyon,.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"salvi ang tanong sa pransiskano na walang imik dahil sa may iniisip hindi baga lalong mabuti, sa palagay ninyo, na dapat sanang hindi sa isang yungib siya inilagay ng arsobispo kung di sa isang beaterio, sa santa clara, sa halimbawa? galaw na pamangha ni. sibyla, na nakakitang si. salvi ay nanginig at sumulyap sa dako ni simoun. sapagkat hindi naman mainam ang patuloy na walang tigatig ni simoun, iyang bigyan ng munting tahanan ang mga nadadaya natin; labag sa pagkamapanampalataya ang ipain siya sa mga tukso, sa isang yungib, sa tabi ng ilog; nangangamoy ninfa kayay driada ang gayon. marahil ay naging mainam pa, lalo pang kabanalan, lalo pang maganda, lalo pang kapit sa ugali dito, ang kulungin siya sa santa clara, na waring isang bagong eloisa, upang madalaw at mahimok maminsanminsan, ano ang sabi ninyo? hindi ko mahahatulan ni dapat kong hatulan ang kagagawan ng mga arsobispo ang tugong mabigat ang loob ng pransiskano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit kayo, na siyang gobernador eclesiastico ang kahalili ng arsobispo, ano ang gagawin ninyo kung sa inyo mangyari ang bagay na iyon? salvi ang kaniyang balikat, at payapang tumugon ng: walang kabuluhang isipin ang isang bagay na hindi mangyayari. datapway yayamang napag uusapan na rin lamang ang tungkol sa mga alamat, ay huwag ninyong kaligtaan ang lalong mainam, dahil sa siyang lalong katotohanan, ang kababalaghan ni san nicolas, na marahil ay nakita ninyo ang mga sirang muog ng kaniyang simbahan. ibubuhay ko kay. simoun na siyang hindi dapat makaalam. waring noong araw ay maraming buwaya sa lawat sa ilog, mga buwayang napakalalakit napakamasiba na dinudumog ang mga bangka at pinalulubog sa hagkis ng kanilang buntot. sinasabing isang araw, ang isang insik na hangga noon ay hindi pa nagbibinyagan, ay dumaraan sa harap ng simbahan, at walang ano anoy sasisipot sa kaniyang harapan ang demonio, na anyong buwaya, na itinaob ang kaniyang bangka upang lamunin siya at dalhin sa impierno.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa tulong ng dios ay tinawagan ng insik si san nicolas at noon din ay naging bato ang buwaya. sinasabi ng mga matatanda na ng kapanahunan nila ay nakikilala pang maliwanag ang anyo ng hayop sa putol putol na batong nalalabi; sa ganang akin ay masasabi kong nakita ko pang malinaw ang ulo at kung huhulaan ang katawan dahil sa aking nakita ay dapat na maging lubhang malaki ang hayop na yaon. kahangahangang alamat! ang pabulalas ni ben zayb, at magiging sanhi ng isang salaysayin. ang pagsasabi ng anyo ng hayop, ang takot ng insik, ang tubig ng ilog, ang kakawayanan. at magiging sanhi ng pagsusuri ng mga pananampalataya. sapagkat tignan ninyo; tawagan pa naman ng isang insik na hindi binyagan, sa gitna ng kasakunaan, ang isang santo na hindi niya sinasamba at marahil ay kilala lamang sa dingig. itoy hindi sakop noong sawikaing mabuti pa ang masamang kilala na, kay sa mabuting kikilalanin pa .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung akoy mapapasakainsikan at malalagay ako sa gayong kagipitan ang una ko munang tatawagan ay yaong lalong hindi kilalang santo sa calendario kay sa kay confusio budha. kung itoy isang kataasang tunay ng uri ng katolisismo kayay kahinaan sa paghuhulo at pagka walang katibayan ng pag iisip ng mga lahing dilaw, ay malilinaw lamang ng isang pagkilalang masusi ng antropologia . si ben zayb ay gumamit ng kilos guro at pinagalaw ang hintuturo sa hangin, sabay sa pagtataka sa sariling pag iisip na marunong humango ng maraming banggit at katuturan sa maliliit na bagay. at sa dahilang nakita, na si simoun ay nagbubulaybulay dahil sa bagay na kasasabi pa lamang niya, ay tinanong na kung ano ang iniisip. dalawang bagay na mahalaga ang sagot ni simoun, dalawang katanungang maidaragdag sa inyong susulatin. una: ano kaya ang nangyari sa diablo ng biglang makulong sa bato? naiwan doon?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at ang pangalawa, ay kung yaong mga hayop na naging bato na napagkita ko sa ilang museo sa europa, ay hindi kaya nagkagayon ng dahil naman sa ilang santong nabuhay na una sa panahon ng pag apaw ng tubig sa sangmundo? walang kapingaspingas na biro ang pagkakasabi ng mag aalahas at itinukod pa sa noo ang kanyang hintuturo, tanda ng malaking pagmumunimuni, kayat si. camorra ay walang kapingaspingas ding sumagot na: sino ang makapagsasabi, sino ang makapagsasabi! at yayamang mga alamat ang napag uusapan at pumapasok tayo sa lawa, ang tugon ni. sibyla ang kapitan ay dapat makabatid ng marami. nang mga sandaling yaon ay pumapasok sa wawa ang bapor at ang tanawing nasa harap ay lubhang mainam. sa harapan ay nakalatag ang magandang lawa, na nalilibid ng baybaying berde at bughaw na bulubundukin, na waring isang malaking salamin na nakukulong ng palibid na pawang esmeralda at sapiro, na sa kaniyang lunas ay nananalamin ang langit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa kanan ay nakalatag ang dalampasigang mababa, na may mga look na may maiinam na anyo, at doon sa malayo, halos napapawi na sa paningin, naroon ang kawit ng bundok sungay; sa harapan at sa huling dakong abot ng paningin ay nakatayo ang makiling, mataas, nakahahanga, napuputungan ng manipis na ulap; at sa kaliwa ang pulong talim, ang susong dalaga na taglay ang matatambok niyang guhit na naging sanhi ng kaniyang pangalan. isang malamig na simuy ang nagpapakulot sa malapad na ibabaw ng tubig. maala ala ko pala, kapitan ang sabi ni ben zayb, na kasabay ang paglingon alam baga ninyo kung saan dako ng lawa napatay ang isang nagngangalang guevara, navarra ibarra? lahat ay napatingin sa kapitan, tangi lamang si simoun na ibinaling ang mukha sa kabilang dako, na waring may hinahanap sa dalampasigan. ani aling victorina, saan kapitan? nakaiwan kaya ng bakas sa tubig?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kumindat ng makailan ang tinatanong, bilang katunayan na laban sa kanyang kalooban ang katanungan; ngunit ng mabatyag ang samo sa mga mata ng lahat, ay lumapit ng ilang hakbang sa unahan ng bapor at minataan ang baybayin. tumingin kayo roon ang sabing marahan, matapos na maunawang walang ibang tao: alinsunod sa cabo na nangulo sa pag uusig, ng makita ni ibarra na siyay nakukulong, ay lumunsad sa bangka, sa malapit sa kinabutasan at sa kasisisid ay linangoy ang habang may dalawang milla, na hinahabol siya ng punlo kailan mat ilalabas ang ulo sa tubig upang huminga. sa dako pa roon ay hindi na siya nakita, at sa malayolayo pa, sa may pangpang, ay nakakita ng wariy kulay dugo. at ngayon ang ikalabing tatlong taon ng pangyayari, na walang kulang at labis na araw. kung gayon, ang kaniyang bangkay?. ang tanong ni ben zayb. ay nakisama sa bangkay ng kaniyang ama, ang sagot ni. sibyla; hindi ba isa ring pilibustero,. iyan ang mga murang libing,. camorra, ano? ang sabi ni ben zaib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lagi ng sinasabisabi ko, na pilibustero ang mga hindi bumabayad ng maringal na libing ang sagot na tumatawa ng tinukoy. ngunit ano ang nangyayari sa inyo. ang tanong ni ben zayb nang makitang ang mag aalahas ay nakatigil at nag iisip nahihilo baga kayo, kayong mapaglakbay, sa isang patak na tubig na kagaya nito? ang masasabi ko sa inyo, ang sagot ng kapitan na nagkaroon na ng giliw sa mga pook na iyon; huwag ninyong panganlan ito ng patak na tubig: itoy malaki sa alin man sa mga lawa sa suisa at malaki pa kahit pagpisanin ang lahat ng lawa sa espana; nakakita ako ng matatandang mangdaragat na nangaliyo rito. ang mga nakabasa ng unang bahagi ng kabuhayang ito, ay maaalaala marahil ang isang matandang magkakahoy na naninirahan doon sa kalookan ng isang gubat. si tandang selo ay buhay pa at kahit ang kaniyang buhok ay pumuti na ay mabuti rin ang kaniyang katawan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi na nanghuhuli sa bitag at hindi na rin nagpuputol ng kahoy; sa dahilang bumuti na ang kabuhayan ay naggagawa na lamang ng walis. ang kaniyang anak na si tales (palayaw ng telesforo) ay nakisama muna sa isang namumuhunan; ngunit ng malaunan, ng magkaroon ng dalawang kalabaw at mga ilang daang piso, ay gumawa na sa sarili, na katulong ang kaniyang ama, ang kaniyang asawa at ang kaniyang tatlong anak. hinawan nga at lininis ang makapal na gubat na nasa labasan ng bayan na inakala nilang walang may ari. nang kanilang ginagawa ang lupa at maayos ay linagnat na isa isa silang mag aanak at namatay ang ina at anak na panganay na si lucia, na nasa katamtamang gulang. ang bagay na iyon na sadyang ibinibigay ng pagkakabungkal ng lupa na sagana sa sarisaring bagay, ay inakala nilang higanti ng mga laman lupang naninirahan sa gubat, kayat kinalamay nila ang kanilang loob at ipinagpatuloy ang gawain sa pag asang lumipas na ang pagkamuhi ng espiritu.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang aanihin na ang unang tanim ay inangkin ang mga lupang iyon ng isang corporacion ng mga prayle na may pag aari sa bayang kalapit, na ang ikinakatwiran ay nasa sa loob ng kanilang mga hanganan, at upang mapatunayan ang gayon ay itinayo noon din ang kanilang mga muhon. gayon man, ay pinabayaan siya ng tagapangasiwa ng mga pari upang pag anihan, kailan man at magbabayad siya sa taon taon ng isang munting halaga, isang walang gaano, dalawang pu tatlong pung piso. si tales, na mabait sa dilang mabait, ayaw sa usapin na gaya ng iba at masunurin sa mga praile gaya ng ilan, sa pag iwas na ibunggo ang isang palyok sa isang kawali, gaya ng sabi niya, (sa ganang kanyay kasangkapang bakal ang mga prayle at siyay kasankapang putik), ay umalinsunod sa kahilingan, dahil sa naisip niyang siyay hindi marunong ng wikang kastila at walang maibabayad sa mga tagapagtanggol. at saka sinabi sa kanya ni tandang selo, na: tiisin mo na!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"malaki pa ang magugugol mo sa pakikipag usapin ng isang taon kay sa magbayad ng makasampu ng hinihiling ng mga paring puti. marahil ay gantihin ka naman nila ng misa. ipagpalagay mong ang tatlong pung pisong iyan ay natalo sa sugal, kayay nahulog sa tubig at kinain ng buwaya. ang ani ay naging masagana, nabili sa mabuting halaga, at inisip ni tales ang magtayo ng isang bahay na tabla sa nayon ng sapang, ng bayang tiani, na kalapit ng san diego. nakaraan ang isa pang taon at dumating ang isa pang mabuting ani, at dahil sa paganito pagayong sanhi ay ginawa ng mga prayle na limang pung piso ang canon na pinagbayaran naman ni tales upang huwag silang magkagalit at sa dahilang umasang maipagbibili sa mabuting halaga ang asukal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ibilang mong lumaki ang buwaya, ang payo ni matandang selo. nang taong yaon ay naganap ang kanilang pangarap: manirahan sa bayan, sa kanilang bahay na tabla sa nayon ng sapang, at inisip ng ama at ng nuno ang papag aralin ang dalawang magkapatid, lalonglalo na ang babai, si juliana huli, gaya ng kanilang tawag, na magiging maganda sa wari. isang batang lalaki, si basilio, na kanilang kaibigan at kagaya rin nila sa uri ay nag aaral na noon sa maynila. ngunit ang pangarap na itoy waring ukol sa hindi pangyayari. ang unang ginawa ng bayan, ng makita ang untiunting pagtighaw nila, ay ang paghahalal na kabisa sa pinakamalakas na gumawa sa mag aanak; ang anak na panganay na si tano ay may labing apat na taon pa lamang. tinawag na ngang kabisang tales, nangailangang magpagawa ng chaqueta bumili ng isang sambalilong pieltro at humanda sa paggugugol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"upang huwag makipagkagalit sa kura at sa pamahalaan ay pinagpapaluwalan niya ang naaalis sa padron, ipinagbabayad ang mga umaalis at namamatay, nag aaksaya ng maraming panahon sa paniningil at pagtungo sa cabecera . magtiis ka na! ipagpalagay mong dumating ang mga kamag anak ng buwaya, ang sabing nakangiti ni tandang selo. sa taong darating ay magsusuot ka na ng de cola at paparoon ka sa maynila, upang mag aral na gaya ng mga dalaga sa bayan! ang sabi sabi ni kabisang tales sa kaniyang anak kailan mat madidingig dito ang mga pagkatuto ni basilio. ngunit ang taong darating na iyon ay hindi sumasapit at sa kanyay napapalit ang pagdaragdag sa buwis ng lupa; natubigan na si kabisang tales at nagkakamot ng ulo. ibinibigay na ng lutuang putik ang kaniyang bigas sa caldero . nang umabot sa dalawang daang piso ang canon ay hindi na nagkasiya si kabisang tales sa pagkamot sa ulo at pagbubuntong hininga: tumutol at bumulongbulong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang mangyari ang gayon ay sinabi sa kaniya ng prayleng tagapangasiwa, na, kung hindi siya makababayad ay iba ang magtatanim sa mga lupang yaon. maraming may nasa ang nagbabayad. inakala ni kabisang tales na nagbibiro ang prayle, ngunit tinototoo ng pari ang pagsasalitat itinuturo ang isa sa mga alila niya na siyang kukuha ng lupa. ang kaawaawang taoy namutla, ang tainga niyay umugong, isang mapulang ulap ang tumakip sa kaniyang paningin at dooy namalas ang kaniyang asawat anak na babaing nangamumutla, yayat, naghihingalo, dahil sa walang gisaw na lagnat. at pagkatapos ay namalas ang makapal na gubat na naging bukirin, namalas niya ang agos ng pawis na dumidilig sa mga lubak, namalas niya siya, siya rin, ang kaawaawang si tales, na nag aararo sa gitna ng arawan, na nasusugatan ang mga paa sa mga batot tuod, samantalang ang uldog na iyon ay nagliliwaliw na nakasakay sa isang sasakyan at yaong kukuha ng kaniyang ari ay susunodsunod na gaya ng isang alipin sa kaniyang panginoon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"makalilibong hindi! lumubog na muna ang mga kaparangang yaon sa kailaliman ng lupa at malibing na silang lahat. sino ang dayuhang iyon upang magkaroon ng karapatang makapag ari sa kaniyang mga lupain? nagdala baga siya ng pumarito ng isang dakot man lamang ng alabok na iyon? nabaluktot baga ang isa man sa mga daliri niya sa pagbunot ng isang ugat man lamang na nanuod doon? bugnot na sa mga pagbabala ng prayle na nag aakalang papaghariin ang kaniyang mga karapatan sa lahat ng paraan, sa harap ng ibang naninirahan doon ay nagmatigas si kabisang tales, ayaw magbayad, ni isa mang kualta, at dala rin sa harap ang mapulang ulap, ay sinabing ipagkakaloob lamang niya ang kaniyang mga bukirin sa dumilig muna doon ng dugo ng kaniyang mga ugat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang makita ni matandang selo ang mukha ng kaniyang anak, ay hindi nakapangahas na banggitin ang buwaya, ngunit tinangka niyang paglubagin sa pagsasabi ng ukol sa mga kasangkapang putik at ipinaalaala, na sa mga usapin, ang nananaloy nawawalan ng barot salawal. sa alabok tayo mauuwi, ama, at wala tayong damit ng sumilang sa maliwang! at nagmatigas na sa hindi pagbabayad ni ibigay ang isang dangkal man lamang ng kaniyang lupa, kung hindi ipakikilala muna ng mga prayle ang katibayan ng kanilang paghahabol sa paraan ng pagpapakita ng kahit anong kasulatan. at sa dahilang walang maipakita ang mga prayle ay nagkaroon ng usapin, at tinanggap ang gayon ni kabisang tales sa pag asang kundi man ang lahat ay may ilang lumilingap sa katwiran at gumagalang sa mga kautusan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"naglilingkod ako at marami ng taong akoy naglilingkod sa hari, sa tulong ng aking salapi at mga pagpapagod, ang sabi sa mga nagwiwikang wala siyang mararating: hinihiling ko sa kaniya ngayon na lingapin ang aking katwiran at lilingapin niya ako. at akay ng isang kasawian at parang sa usapin ay natataya ang kaniyang kabuhayan sa araw ng bukas at ang sa kaniyang mga anak, ay ginugol ang kaniyang naiipon sa pagbabayad sa mga abogado, escribano at procurador, na hindi pa kabilang dito ang mga kawani at mga taga sulat na sinasamantala ang kaniyang kamangmangan at kalagayan. yaot dito siya sa pangulong bayan ng lalawigan, nakararaan siya ng boong maghapon na hindi kumakain at hindi natutulog, at ang kaniyang pakikipagusap ay pawang tungkol sa mga kasulatan, pagharap, paghahabol sa lalong may mataas na kapangyarihan, ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"noon nakita ang isang labanang hindi pa namamasdan sa silong ng langit ng pilipinas: ang sa isang maralitang indio, mangmang at walang mga kaibigan, tiwala sa kaniyang katwiran at sa kabutihan ng kaniyang pinag uusig, na nakikilaban sa isang malakas na corporacion na niyuyukuan ng kapangyarihan at sa harap niyay binibitiwan ng mga hukom ang kanilang timbangan at isinusuko ang kanilang tabak. mapilit sa pakikitunggali na waring langgam na kumakagat, gayong nakikilalang siyay matitiris, waring langaw na tinatanaw ang kalawakang walang hanggan sa likod ng isang salamin. ang kasangkapang lupa, sa pakikipaglaban sa mga caldero ay may nakahahanga ring anyo, sa pagkadurog: taglay niya ang kaigtingan ng pagdumog ng walang pag asa. sa mga araw na hindi siya naglalakbay, ay dinadaan niya sa paglilibot sa kaniyang bukirin na dala ang isang baril, sinasabisabi niyang ang mga tulisan ay nangloloob at nangangailangang magtanggol siya upang huwag mahulog sa kanilang mga kamay at matalo ang usap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at waring pagsasanay sa pagtudla ay binabaril ang mga ibon at mga bungang kahoy, bumabaril ng mga paroparo ng walang kalihislihis, kayat ang tagapangasiwang uldog ay hindi na nangahas na tumungo sa sapang kung walang kasamang mga guardia sibil, at ang palamon ng pari na nakakita sa magandang tikas ni kabisang tales na naglilibot sa kaniyang bukirin na wariy isang bantay, ay umayaw nang lipus ng takot na kunin ang pag aari. datapway hindi makapangahas na bigyan siyang katwiran ng mga hukom pamayapa sa bayan at nang nasa cabecera dahil sa natatakot maalis sa katungkulan, sapagkat nadadala na dahil sa isang kaagad agad ay inalis. at hindi naman masasama ang mga hukom na iyon, pawang taong matatalino, matapat, mabubuting mamamayan, maririlag na mga magulang, mabubuting anak. at nakatataya ng kalagayan ni tales ng mabuti pa kay sa sariling may katawan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"marami sa kanila ang nakababatid ng mga sanhi at pangyayari nang pagkakaari, alam nilang ang mga prayle ay hindi dapat magkaroon ng mga pag aaring lupa alinsunod sa kanilang mga palatuntunan, ngunit alam din naman nila na ang panggagaling sa malayo, ang pagtatawid dagat sa pagtupad sa katungkulang pinaghirapang lubha bago nakamit, mag usig na makagampang mabuti at pawalan ang lahat ng iyon dahil lamang sa sinapantaha ng isang indio na ang katwiran ay gaganapin sa lupa ng gaya sa langit, aba! isa rin namang kahibangan ang gayon! sila ay mayroon din namang mga kaanak at marahil ay may malaki pang pangangailangan kay sa indiong yaon: ang isay may inang pinadadalhan sa tuwina ng salapi, at mayroon pa bang kabanalbanalang bagay na gaya ng pakanin ang isang ina?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"; ang isa ay may mga kapatid na babaing napapanahon sa pag aasawa, ang isa pay may mga anak na maliliit na nag aantay ng pagkain na waring mga inakay sa pugad na marahil ay mangamatay pagdating ng araw na maalis sa katungkulan; at ang pinakamunti ay may asawang nalalayo, lubhang malayo, na kung hindi tumanggap ng ukol na salapi ay magigipit. at ang lahat ng hukom na iyon, na ang marami sa kanilay may mga budhi at may malinis na hilig, ay nag aakalang ang lalong pinakamabuti nilang magagawa ay ang himukin sa pagkakasundo, sa paraang magbayad si kabisang tales ng buwis na hinihingi. ngunit si tales, gaya ng sinomang may maikling paghuhulo, ay patuloy sa layon, kailan mat nakakabanaag ng katwiran. humihingi ng mga katunayan, katibayan, kasulatan, titulo ngunit walang maipakita ang mga prayle at walang pinanghahawakan kundi ang mga nakaraang pag alinsunod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapway, ang tutol naman ni kabisang tales: kung sa araw araw ay naglilimos ako sa isang pulube upang huwag na lamang akong yamutin sino ang makapipilit sa akin na magpatuloy ako sa pagbibigay, kung nagpapakasagwa naman? at walang makapag patinag sa kaniya sa gayon at wala namang bantang makapagpalubag sa kaniya. walang nangyari sa gobernador. na naglakbay at sinadya siya upang takutin; ang lahat ay sinasagot niya nang: magagawa ninyo ang ibig gawin,. gobernador, akoy isang mangmang at wala akong lakas. ngunit inayos ko ang mga bukiring ito, ang asawa kot anak ay nangamatay sa pagtulong sa akin sa paglilinis, kayat hindi ko siya maipagkakaloob sa sino mang hindi makagawa sa kanila ng higit sa ginawa ko. diligin muna sila ng dugo ng nagnanasa at ilibing sa kanila ang asawat anak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kinahinatnan, sa katigasang ito ng ulo, ay ang bigyan ng katwiran ang mga prayle ng mga matapat na hukom, at siyay pinagtatawanan ng bala na at pinagsasabihan pang hindi naipapanalo ang mga usapin ng dahil sa katwiran. gayon man ay patuloy din siya sa paghahabol, linalagyan ng punlo ang kaniyang baril at mahinahong liniligid ang kaniyang lupain. sa kapanahunang iyon ay waring isang pangarap ang kaniyang kabuhayan. ang kaniyang anak na si tano, binatang kasingtaas ng ama, at gaya ng kapatid na babai sa kabutihan, ay nasundalo; pinabayaan niyang lumakad at hindi ibinayad ng makakapalit. magbabayad ako sa mga abogado, ang sabi sa anak na babaing umiiyak: kung manalo ako sa usapin ay mapababalik ko siya, ngunit kung akoy matalo ay hindi ko kailangan ang anak. lumakad ang anak at ang tanging balitang tinanggap ay ang pinutulan ng buhok at natutulog sa ilalim ng isang karreta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang makaraan ang anim na buwan ay may nagsabing nakitang dinala sa carolinas; may ilang nagbabalitang tila nakitang suot guardia sibil. guardia sibil si tano! susmariosep! ang pamangha ng ilan na sabay sa pagtatalukob kamay: si tano na napakabuti at napakabait! rekimeternam! may ilang araw na hindi binati ng nuno ang ama, si huli ay nagkasakit, ngunit hindi tumulo ang isa mang patak na luha ni kabisang tales; dalawang araw na hindi umalis sa bahay, na waring nangangamba sa pagsisi ng kaniyang mga kanayon; natatakot tawaging siyang pumatay sa kaniyang anak. ngunit ng ikatlong araw ay muling lumabas na dala ang kaniyang baril. may nagsapantaha na siyay may nasang pumatay ng tao at may isang nagsabi na nadingig umanong ibinubulong niya ang balang ibaon ang uldog sa mga lubak ng kaniyang bukirin; kayat mula nooy kinatakutan na siyang lubha ng prayle. dahil ditoy pumanaog ang isang utos ng capitan general na nagbabawal ng paggamit ng baril at ipinasasamsam na lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ibinigay ni kabisang tales ang kaniyang baril, ngunit nagpatuloy din sa kaniyang pagbabantay na ang dala ay isang mahabang itak. ano ang gagawin mo sa itak na iyan sa ang mga tulisan ay may baril? ang sabi sa kaniya ni matandang selo. kailangan kong bantayan ang aking mga pananim, ang sagot; ang bawat isang tubo doon ay isang buto ng aking asawa. inalisan siya ng itak dahil sa napakahaba. ang ginawa naman niya ay kinuha ang matandang palakol ng kaniyang ama at ipinatuloy ang kaniyang paglalakad na nakapangingilabot. si matandang selo at si huli ay nangangamba sa tuwing aalis siya ng bahay. si huli ay titindig sa habihan, dudungaw, nagdadasal ng mga nobena. ang matanda naman ay hindi matumpak kung minsan sa pagyari ng buklod ng walis at nasasabisabing pagbabalikan ang gubat. ang pamumuhay sa bahay na iyon ay napakahirap. nangyari din ang kinatatakutan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Jos�� Rizal,"sa dahilang ang bukid ay malayo sa pook ng mga bahay, kahit na may palakol si kabisang tales ay nabihag ng mga tulisan, na may mga rebolber at baril. sinabi sa kaniya ng mga tulisan na yamang mayroon siyang naibabayad sa mga hukom at tagatanggol usap ay dapat din naman siyang magkaroon ng maibibigay sa mga nawawakawak sa kabuhayan at mga pinag uusig. dahil doon ay hiningan siya ng limang daang pisong tubos sa pamag itan ng isang tagabukid at pinatibayan pang pag may nangyari sa utusan ay ititimbang ang buhay ng dakip. dalawang araw ang ibinigay na taning. ikinasindak na lubha ng mag anak ang balita at lalo pa manding naragdagan ang gayon, ng mabatid na lalabas ang guardia sibil upang usigin ang mga tulisan. kung magkatagpo at magkalabanan ay alam ng lahat na ang unang mapapatay ay ang dakip. nang tanggapin ang balitay hindi nakatinag ang matanda, at ang anak na babai, sa gitna ng pamumutlat pagkasindak, ay makailang nagnasang mangusap, ngunit hindi nangyari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapway isang hinalang lalong mabigat ang nakapagpabalik sa kanilang diwa. ang sabi ng tagabukid na inutusan ng mga tulisan, ay marahil magsisilayo sila, kayat kung magluluwat sa pagbibigay ng tubos ay lalawig ang araw at si kabisang tales ay pupugutan ng ulo. ang sabing itoy nakatulig sa dalawa, na kapuwa mahihina at kapuwa walang magawa. si tandang selo ay mapaupot mapatindig, akyat manaog, hindi malaman ang tunguhin, hindi malaman ang lapitan. si huliy padulogdulog sa kaniyang mga larawan ng santo, ulit uling binilang ang salapi, ngunit ang dalawang daang pisoy hindi nararagdagan, ayaw dumami, biglang magbibihis, iipunin ang lahat ng kaniyang hiyas, hihinging sanguni sa matanda, tatangkaing makipagkita sa kapitan, sa hukom, sa tagasulat, at sa teniente ng guardia sibil. oo ang sagot ng matanda sa lahat, at pag sinabi ng batang huwag ay huwag din naman siya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dumating ang ilang babaing kapitbahay na kamag anakan at kakilala, mga maralita, at may maralita pa kay sa iba, mga walang malay na tao at minamalaki ang lahat ng bagay. ang pinakamatalas sa lahat ay ang pusakal na pagingera na si hermana bali na nanirahan sa maynila upang mag ejercicio sa beaterio ng la compania. ipagbibili ni huli ang lahat ng kaniyang mga hiyas liban lamang ang isang agnos na may brillante at esmeralda na bigay ni basilio. ang agnos na iyon ay may kasaysayan; ibinigay ng monja na anak ni kapitang tiago sa isang ketongin, dahil sa pagkakagamot ni basilio sa may sakit ay ibinigay nito na parang isang handog. hindi niya maipagbili hanggang hindi maalaman ng nagbigay. madaling ipinagbili ang mga suklay, hikaw at kuwintas ni huli sa isang mayamang kapitbahay at dinagdagan pa ng limang pung piso; kulang pa rin ng dalawang daan at limang pu. maaaring isangla ang agnos, ngunit napailing si huli.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iminunkahi ng isang kalapit na ipagbili ang bahay, bagay na sinangayunan ni tandang selo ng boong lugod, sapagkat babalik sa gubat upang makapangahoy na muli na gaya noong una, ngunit ang gayon ay hindi mangyayari ang sabi ni hermana bali sa dahilang wala ang tunay na may ari. minsan ay pinagbilhan ako ng isang tapis ng asawa ng hukom, sa halagang piso, at kadumatdumat ay sinabi ng asawa na wala raw kabuluhan ang bilihang iyon sapagkat wala siyang malay. kinuha sa akin ang tapis at hindi isinauli sa akin ng babai ang piso hangga ngayon, ang ginagawa ko naman ay hindi ko siya binabayaran sa panginge kung siyay nananalo, aba! sa gayong paraan ay nasingil ko siya ng labing dalawang kualta; dahil lamang naman sa kaniya kung kaya ako nagsusugal. hindi ko mapapayagang hindi ako pagbayaran, aba! tatanungin sana ng isang kalapit kung bakit hindi siya pinagbabayaran ni hma.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"bali sa isang maliit na utang, ngunit natalasan ng pangingera, kayat nagpatuloy kaagad: alam mo huli ang mabuti mong gawin? isangla mo muna sa halagang dalawang daan at limang pung piso ang bahay, sanlang pagbabayaran hanggang sa manalo ang usap. ito ang pinakamabuti sa mga balak, kayat tinangkang gawin noon ding araw na iyon. sinamahan ni hermana bali at linibot nila ang lahat ng bahay ng mayayaman sa tiani, ngunit walang pumayag sa gayong kasunduan: anilay talo ang usap, at ang pagtulong sa isang kalaban ng mga prayle ay parang humahanda na sa paghihiganti nito. sa kahulihulihan ay nakatagpo rin ng isang matandang mapanata na nahabag sa kaniyang kalagayan, ibinigay ang halaga sa pamag itan ng kasunduan na si huliy paaalila sa kaniya hanggang sa mabayaran ang utang. sa isang dako naman ay walang maraming gagawin si huli, manahi lamang, magdasal, samahan siya sa simbahan, magpanata maminsanminsan ng patungkol sa kaniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lumuluhang pumayag si huli sa kasunduan, tinanggap ang salapi at nangakong sa kinabukasan, araw ng pasko, ay maglilingkod na siya. nang matanto ng matanda ang gayong halos pagbibili ng katawan, ay nag iiyak na wariy bata. di yatat ang apo niyang yaon na ayaw niyang palalakarin sa init ng araw upang huwag masunog ang balat, si huling may maliliit na daliri at mapulang sakong, di yata! ang binibining yaon na siyang pinakamaganda sa nayon at marahil ay sa boong bayan, na lagi nang tinatapatan ng mga binatang nagtutugtugan at nagkakantahan, di yata! ang bugtong niyang apo, ang kabugtong niyang anak, ang tanging lugod ng malabo niyang paningin, yaong pinangarap niyang nakasayang mahaba, nagsasalita ng wikang kastila at nagpapaypay ng pamaspas na may mga pinta, na kagaya ng mga anak ng mayaman, yaon ang papasok na alilang kagagalitan at pagwiwikaan, upang masira ang kanyang mga daliri, upang makatulog sa kahit saang sulok at magising nang walang patumanga?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang matanday walang humpay sa kaiiyak, sinasabisabing siyay magbibigti at magpapakamatay sa gutom. kung aalis ka ang sabi ay babalik ako sa gubat at hindi na ako tutuntong ng bayan. pinapayuhan siya ni huli na kinakailangang makabalik ang ama, at pag nanalo ang usapin ay madali siyang matutubos sa pagkaalila. dinaang malungkot ang gabing yaon; alin man sa dalawa ay hindi nakakain at ang matanday nagmatigas na hindi humiga, at magdamag na naupo na lamang sa isang sulok, walang imik, ni kakibokibo, at hindi man kumikilos. sa isang dako naman ay tinangka ni huli ang matulog, ngunit malaong hindi napikit ang mga mata. nang mapayapa na dahil sa kapalaran ng magulang, ay ang kaniya namang kalagayan ang inisip ngunit tinitimpi ang pag iyak na walang humpay upang huwag madingig ng matanda. sa kinabukasan ay alila na siya, at yaon pa naman ang araw na karaniwang idating ni basilio na galing sa maynilat may dalang handog sa kanya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dapat na niyang limutin ang pag irog na iyon; si basilio, na di malalaot magiging manggagamot, ay hindi maaaring mag asawa sa isang maralita. at nakikinikinita niya na tumutungo sa simbahang kasama ng pinakamayaman at pinakamagandang dalaga sa bayan, na kapuwa sila gayak na gayak, maliligaya at kapuwa nangakangiti, samantalang siya, si huli, ay susunodsunod sa kaniyang panginoon at ang dalay nobena, hitso at duraan. pagsapit sa dakong itoy nakaramdam siya ng isang paghihigpit ng lalamunan, isang pataw na malaki sa puso at hinihingi niya sa birhen na mamatay na muna siya bago mamalas ang gayon. datapwat aniya sa sariling budhi malalaman niya na pinili ko pa ang ako na ang masangla kay sa masangla ang agnos na bigay niya sa akin. ang pagkukurong itoy nakapagpalubag ng kaunti sa kaniyang sama ng loob at nagpangarap na siya ng sarisari. sino ang makapagsasabi?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"maaaring mangyari ang kababalaghang makakuha siya ng dalawang daan at limang pung piso sa ilalim ng larawan ng birhen; marami na siyang nabasang kababalaghan na gayon ang pangyayari! maaaring huwag sumilang ang araw at samantalay mapanalo ang usap bago mag umaga. maaaring makabalik ang kaniyang ama; makapupulot siya sa bakuran ng isang gusi, ang mga tulisan ang siyang may padala sa kaniya ng gusi; ang kura, si. camorra na nagbibiro sa kaniyang parati, ay mangyayaring dumating na kasama ng mga tulisan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lumalaon lumalaon ay unti unting nagugulo ang kaniyang mga pag iisip hanggang, sa, dahil sa pagkapata at pagdadalamhati ay nakatulog, na pinapangarap ang kaniyang kabataan doon sa gitna ng kagubatan: siyay naliligo sa batis na kasama ang dalawa niyang kapatid, may mga isdang sarisari ang kulay na napahuhuling wariy tanga, at nayayamot siya sapagkat hindi siya masiyahang loob sa panghuhuli niyong mga isdang napakaamo: si basilio ay nasa ilalim ng tubig, ngunit hindi niya maalaman kung bakit ang mukha ni basilio ay ang sa kaniyang kapatid na si tano. silay minamatyagan mula sa pangpang ng kaniyang bagong pinaglilingkurang babai. dumating si basilio sa san diego ng mga sandaling inililibot ang prusision sa mga lansangan ng bayan. siyay nabalam ng ilang oras sa kaniyang lakad sapagkat nahuli ng guardia sibil ang kotsero na nakalimot magtaglay ng sedula personal at dinala sa kuartel upang iharap sa comandante, matapos mabigyan ng ilang halibas ng kulata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"muling napigil ang kalesa upang paraanin muna ang prusision at ang kotserong nabugbog ay nag alis ng sombrero at nagdasal ng isang ama namin sa pagdaraan ng isang larawan, ng isang bantog na banal mandin, na nasa andas. anyong matandang may mahabang misay na nakaupo sa gilid ng isang hukay na nasa ilalim ng isang punong may sarisaring pinatuyong ibon. isang kalan na may isang palayok, isang lusonglusungan at isang kalikut na pandurog ng hitso ang kaniyang mga tanging kasangkapan, waring upang ipakilala na ang matanda ay naninirahan sa gilid ng libingan at doon linuluto ang kaniyang pagkain. iyon ay si matusalem, ayon sa pananampalataya sa pilipinas; ang kaniyang kasama at marahil ay kapanahong taga europa ay si noel ngunit may matalaghay at masayang anyo, kay sa kay matusalem. nang kapanahunan ng mga banal ang hakahaka sa sarili ng kotsero marahil ay walang guardia sibil, sapagkat kung mayroon, ay hindi sila mabubuhay ng malaon dahil sa pangungulata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"makaraan ang matanda ay sumunod ang tatlong haring mago na nangakasakay sa mga kabayong tatalontalon, lalonglalo na ang sa maitim na haring melchor na waring ibig sagasain ang kaniyang mga kasama. wala, wala ngang guardia sibil noon ang patuloy ng kotsero na kinaiinggitan sa sarili ang mga maliligayang kapanahunang iyon, sapagkat kung mayroon ay nadala na sa bilangguan ang maitim na iyan na naglililikot sa piling niyang dalawang kastila (si gaspar at si baltazar). ngunit sa dahilang napuna niya na ang maitim ay may korona at hari ding kagaya ng dalawang kastila, ay sumaisip niya ang hari ng mga tagalog at nagbuntonghininga. alam po ba ninyo ang magalang na tanong kay basilio kung ang paang kanan ay nakakalag na? ipinaulit ni basilio ang katanungan. paang kanan nino? ang sagot na marahat malihim ng kotsero. sinong hari? ang hari natin, ang hari ng mga tagalog. si basilio ay ngumiti at ikinibit ang balikat. muling nagbuntonghininga ang kotsero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga taga bukid ay may isang alamat na, ang kanilang hari umano na nakukulong at nakatanikala sa yungib ng san mateo, ay darating isang araw at silay palalayain. bawat isang daang taon ay napapatid ang isa niyang tanikala, kayat nakakawala na ang mga kamay at paang kaliwa: wala nang natitira kundi ang paang kanan. kung nagpupumiglas gumagalaw ang haring ito ay nagiging sanhi ng paglindol at panginginig ng lupa; napakalakas, kayat inaabutan siya ng isang buto, na nadudurog sa kaniyang pisil, ng sino mang nakikipagkamay. tinatawag siyang bernardo ng mga tagalog, nang hindi maalaman kung bakit, marahil ay pinagkakamalang siya ang bernardo del carpio. pag nakakalag na ang paang kanan ang bulong ng kotsero na tinimpi ang isang buntonghininga ay ibibigay ko sa kaniya ang aking mga kabayo, paglilingkuran ko siya at magpapakamatay na ako ng dahil sa kaniya. ililigtas niya kami sa mga guardia sibil. at sinundan ng may hapis na tingin ang tatlong haring lumalayo na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sumusunod ang dalawang hanay na batang malulungkot, mga walang katawatawa, na waring pinilit lamang. ang ilan ay may dalang huepe at ang iba ay kandila, at ang iba ay parol na papel na may tukod na kawayan, at nangagtitilian sa pagdarasal ng rosario, na, waring may kaaway. sumusunod si san jose na nasa maralitang andas, na ang anyo ay malungkot at pakumbaba at ang tungkod ay may bulaklak ng asusena, sa gitna ng dalawang guardia sibil na wari nakahuli sa kaniya: saka pa lamang nataho ng kotsero kung bakit gayon ang anyo ng santo. dahil sa siyay nagulumihanan sa pagkakakita sa guardia sibil kayay dahil sa wala siyang paggalang sa santong may gayong kaakbay, ay hindi nagdasal ng kahit isang requiem eternam man lamang. sa likuran ng san jose ay sumusunod ang mga batang babaing umiilaw na nangakatalukbong ng panyong nakabuhol sa ilalim ng baba, nagdadasal din ng rosario, ngunit hindi lamang kasinglakas ng mga batang lalaki.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa gitnay ilan ang may hilahilang mumunting konehong papel, na ang buntot na papel ding ginupit ay nakataas at naiilawan ng isang munting kandilang pula. dumadalo ang mga bata na dala ang mga laruang iyon upang sumaya ang prusision. at ang mga hayuphayupang matatabat mabibilog na wari itlog ay masasaya mandin kayat napapalundag, napapagiwang, nabubuwal at nasusunog; lalapitan ng may ari upang patayin ang lagablab, hihip dito, hihip doon, mapapatay ang dingas sa kapapalo at kung minsan ay umiiyak, pag nakitang sirasira ang laruan. malungkot na napupuna ng kotsero na umuunti sa taon taon ang lahi ng mga hayop na papel, na waring nasasalot ding kagaya ng mga buhay na hayop.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"naalaala niya, siya, ang binugbog na si sinong, ang kaniyang dalawang magagandang kabayo, na upang mailayo sa pagkakahawa sa sakit, ay pinaggugulan niya ng sampung piso upang benditahin, alinsunod sa hatol ng kura yaon ang pinakamabuting panglaban sa episootia na natagpuan ng kura at ng pamahalaan ngunit gayon man, ay nangamatay din. datapway kinakalamay niya ang sarili, sapagkat matapos mawisikan ng agua bendita, matapos ang mga latin ng pari at mga ceremonias ay nagtaglay ng ugaling pagmamataas ang mga kabayo, nangagmalaki na, ayaw pasingkaw, at sa dahilang siyay mabuting kristiano ay hindi niya mapalo, sapagkat sinabi sa kaniya ng isang hermano tercero na benditado ang mga kabayong iyon. ang panghuli ng prusision ay ang birhen, suot divina pastora na may sombrerong ayos frondeuse na may malapad na pardilyas at mahahabang pakpak ng ibon upang ipakilala ang paglalakbay sa jerusalem.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at upang maipahiwatig ang panganganak, ay ipinag utos ng kura na patambukin ang tiyan at lagyan ng mga basahan at bulak sa ilalim ng saya, upang walang mag alinlangan sa kaniyang kalagayan. ang birhen ay isang magandang larawan, na may anyong hapis, na kagaya ng lahat ng larawang gawa ng mga pilipino, ayos na nahihiya dahil sa ginawa sa kaniya marahil ng. sa dakong harapan ay may ilang kantores at sa likuran ay ilang musiko at ang mga kaukulang guardia sibil. gaya ng maaantay ay hindi kasama ang kura, matapos ang kaniyang ginawa: nang taong iyon ay masama ang loob, sa dahilang kinailangan niyang gamitin ang boo niyang katalinuhan at pananalitang pasilosilo upang ang mga taong bayan ay magbayad ng tatlong pung piso sa bawat isang misa de aguinaldo at hindi dalawang pu na gaya nang dating halaga. nagiging pilibustero kayo ang sabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lubhang natutubigan marahil ang kotsero dahil sa mga bagay na napagkita sa prusision, sapagkat nang makaraan ito at nang ipag utos ni basilio na magpatuloy, ay hindi napuna na ang ilaw ng parol ng karomata ay namatay. sa isang dako naman ay hindi rin napuna ni basilio sapagkat nalilibang sa pagmamasid sa mga bahay na naiilawan, sa loob at labas, ng mga parol na papel na maiinam ang ayos at ibat iba ang kulay, mga bituwing nalilibid ng bilog na may mahahabang palabuntot, na pag nahipan ng hangin ay naglalagaslasan, at mga isdang ang ulot buntot ay gumagalaw, na may baso ng ilaw sa loob, na pawang nakasabit sa balisbisan ng bahay at siyang nagbibigay nang anyong masaya. namamasdan ni basilio na ang mga pag iilaw ay umuunti rin, na ang mga bitwin ay nawawala, na nang nakaraang taon ay kakaunti na ang mga palamuti at palawit, at nang taong ito ay lalo pa manding kaunti kay sa nakaraan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"bahagya ng nagkaroon ng musika sa lansangan, ang masasayang galawan sa mga kusinaan ay hindi na namamalas sa lahat ng bahay at ang gayon ay sinapantaha ng bagong tao na alinsunod sa kasamaan ng panahon, ang asukal ay matumal, ang ani ng palay ay nasira, nangamatay ang mahigit sa kalahati ng mga hayop at ang mga buwis ay tumataas, nadadagdagan nang di maalaman kung bakit at sa anong dahil, samantalang naglalalo naman ang pamamaslang ng guardia sibil na siyang pumapatay sa kasayahan ng mga bayan. ito pa naman ang kaniyang iniisip nang madingig ang isang alto! na nagumugong. kasalukuyang nagdaraan sila sa harapan ng kuartel at napuna ng isang bantay na patay ang tanglaw ng kalesa at ang bagay na iyon ay hindi dapat manatili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sunod sunod na mura ang tinanggap ng kaawaawang kotsero na nagsabing ang kadahilanan noon ay ang kahabaan ng prusision, at sa dahilang pipiitin at ilalathala sa mga pahayagan, sapagkat lumabag sa ipinag uutos ay lumunsad sa sasakyan ang ayaw ng basagulo at mahinahong si basilio at ipinatuloy ang lakad na pasan ang kaniyang takba. yaon ang san diego, ang kaniyang bayan, na wala man siya ni isang kamag anak. ang tanging bahay na nakita niyang masaya ay ang kay kapitang basilio. ang mga tandang at mga inahin ay nag iiyukan, na sinasaliwan ng mga tunog ng wari nagtatadtad ng karne sa sangkalan at ng sagitsit ng mantika sa kawali. may handa sa bahay at umaabot sa lansangan ang maminsan minsang simoy na may halong amoy ng ginisa. sa entresuelo ay nakita ni basilio si sinang, na pandak ding gaya ng makilala ng aming mangbabasa, kahit tumaba at lalo pang bumilog sapol ng magka asawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at siyay napamangha nang makitang kausap ni kapitang basilio, ng kura at ng alperes ng guardia sibil ang mag aalahas na si simoun na may salaming asul sa mata at kilos malaya ring gaya ng dati. yari na, ginoong simoun, ang sabi ni kapitang basilio tutungo kami sa tiani upang tingnan ang inyong mga hiyas. ako may paparoon din anang alperes sapagkat kailangan ko ang isang tanikala sa relos, ngunit mayroon akong maraming gawain. kung iibigin sana ni kapitang basilio na siya na ang mamanihala. malugod na sumang ayon si kapitang basilio at sa dahilang ibig niyang makasundo ang militar upang huwag siyang magambala, sa paggambala sa kaniyang mga tao, ay ayaw tanggapin ang halagang pinagpipilitang dukutin ng alperes sa bulsa. iyon na ang aking pamasko! hindi ko mapapayagan, kapitan, hindi ko mapapayagan! saka na tayo magtuos sa huli! ang sabing mapagparaya ni kapitang basilio. ang kura man ay nangangailangan din ng hikaw at ipinagbilin sa kapitan na ipakibili na siya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang ibig ko ay yaong mabuti. saka na tayo magtuos. huwag kayong mag alaala. kura, ang sabi niya, na ibig ding makasundo ang nasa dako ng simbahan. isang patibay na masama ng kura ay ikagagambala niya ng malaki at ibayo pa ang magugugol: ang hikaw na iyon ay isang sapilitang handog. samantala namay pinupuri ni simoun ang kaniyang mga hiyas. nakagugulat ang taong ito!, ang sabi sa sarili ni basilio sa lahat ng pook ay nakapangangalakal. at kung paniniwalaan natin ang ilan ay binibili niya sa ilang ginoo, sa munting halaga, ang mga ipinagbili din niyang hiyas upang ipang alay. ang lahat ay nakapangangalakal sa sangkapuluang ito; kami lamang ang tanging hindi! at nagpatuloy sa kaniyang bahay, sa bahay ni kapitang tiago, na tinatahanan ng isang katiwala. inaantay siya, upang balitaan, ng katiwala na may malaking paggalang sa kaniya mula noong makita siyang bumubusbos na waring inahing manok lamang ang iniiwaan. ang dalawang manggagawa ay napipiit, ang isay matatapon sana sa malayong bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"namatay ang ilang kalabaw. ang dati rin, matatandang balita! ang may yamot na putol ni basilio kailan pa man ay ganyan ang pasalubong ninyo sa akin! ang binatay hindi ganid, ngunit sa dahilang madalas siyang makagalitan ni kapitang tiago, ay iginaganti naman niya sa kaniyang mga napag uutusan. ang matanday nag apuhap ng bagong balita. namatay ang isa nating mangsasaka, ang matandang bantay sa gubat, at hindi pumayag ang kura na malibing ng libing mahirap, sapagkat mayaman daw ang panginoon! at sa ano namatay? ba, namatay sa katandaan? kung namatay ng dahil sa isang sakit man lamang sana! ang ibig ni basilio ay may sakit, dahil sa kaniyang hangad na makagawa ng autopsia. wala na baga kayong maibabalita sa aking bagong bagay? nawawalan tuloy ako ng gana sa pagkain dahil sa pagbabalita ng mga bagay na gaya rin ng dati. may balita baga kayong ukol sa sapang? isinalaysay ng matanda ang pagkakabihag kay kabisang tales. si basilio ay napahintong nagmumunimuni at hindi umimik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang ang mga kampanay nagrerepike na, dahil sa misa sa hating gabi, at nang ang mga may ibig pa sa mahimbing na pagtulog kay sa mga kapistahan ay nagigising at bumubulong bulong dahil sa kaingayan, ay dahandahang pumanaog si basilio at nagpaligid ng makalawa makaitlo sa ilang lansangan, at nang matunayang walang sumusunod at nakababatyag sa kanya ay nagliglig sa mga landas na di pinagdaraanan ng maraming tao at tinungo ang dating gubatan ng mga ibarra, na nabili ni kapitang tiago, nang inangking at ipinagbili ng pamahalaan ang mga pag aari noon. sa dahilang ang pasko ng panganganak sa taong yaon ay natama sa pagliit ng buwan ay laganap doon ang kadiliman. ang pagrerepike ay huminto at ang mga tugtog na lamang ang nadidingig sa katahimikan ng gabi, sa gitna ng lagaslas ng mga dahong pinagagalaw ng simuy at mga dagundong ng alon ng kalapit na lawa, na wariy hilik ng kadalagahang nalululong sa isang mahimbing na pagtulog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang binata ay patungong lumalakad na waring ibig makaaninag sa gitna ng kadiliman, may guniguni siyang taglay dahil sa pook at mga sandaling iyon. maminsanminsay itinataas ang ulo upang tanawin ang mga bituwin sa pag itan ng mga dahong matataas ng kakahuyan, at pagkatapos ay ipinagpapatuloy ang lakad na hinahawi ang mga sanga at siit na nakasasagabal sa kaniya. kung minsan ay bumabalik sa pinanggalingan, ang kaniyang mga paay nasasalabid sa isang punong maliit, masasagasa sa isang ugat na nakalabas sa lupa sa isang sangang bakli. nang makaraan ang kalahating oras ay nakarating sa isang munting batis na sa kabilang pangpang ay may isang wari bundokbundukan, na sa gitna ng kadiliman ay nagaanyong malaking bundok. tinawid ni basilio ang sapa sa tulong ng pagpapalungdaglundag sa mga bato na namumukod sa kaitiman sa ibabaw ng kinang ng tubig, umakyat sa bundokbundukan at tinungo ang isang munting pook na nakukulong ng matandat sirasirang muog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tinungo ang puno ng baliting malaki, mahiwaga, matanda, (na binubuo halos ng mga ugat na pataas at paibaba na wari mga sangang nangagkasalasalabid) na nakatayo sa kalagitnaan. huminto sa piling ng isang bunton ng bato, nag alis ng sombrero at waring nanalangin. yaon ang libingan ng kaniyang ina, at ang unang dinadalaw niya ay ang libingang iyong walang nakababatid, walang nakamamalay. sa dahilang sa kinabukasan ay dadalaw sa mag aanak ni kabisang tales, ay sinamantala niya ang gabing yaon upang gumanap sa gayong kautangan. naupo sa isang bato at waring nag iisip. sumipot sa kanyang pagbubulaybulay ang mga panahong nakaraan na waring isang maitim at mahabang badha na mapulapula sa simula, matapos ay nakapangingilabot, may bahid na dugo, at sa huliy maitim, maitim, abuhing malinaw at untiunting lumiliwanag. ang dakong dulo ay hindi mamalas sapagkat nakakanlong sa isang ulap na nagbabanaag ng liwanag at pagbubukang liwayway.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may labing tatlong taon nang ganap na ganap na namatay doon ang kanyang ina, sa gitna ng karalitaan, nang isang magandang gabi na ang buwan ay maliwanag at ang mga kristiano sa boong mundo ay naggagalak. sugatin at pipilay pilay siyang nakarating doon sa pagsunod sa kanyang ina, at ito naman ay baliw at lipus katakutang lumalayo na wariy anino sa kaniyang anak. doon namatay; dumating ang isang taong hindi niya kilala at ipinag utos sa kanyang magbunton ng kahoy, bigla siyang umalinsunod at ng siyay bumalik ay isa pang hindi rin kilala ang natagpuan sa piling ng bangkay ng una. anong araw at gabi iyon! tinulungan siya noong taong hindi kilala sa pagbubunton ng kahoy na pinagsunugan sa bangkay ng lalaki, hinukay ang pinagbaunan sa kanyang ina at matapos abutan siya ng kaunting kuwalta ay ipinag utos sa kaniyang umalis sa pook na iyon. noon lamang niya nakita ang lalaking iyon; matangkad, mapupula ang mata, mapuputla ang labi, matangos ang ilong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ulila ng lubos, walang magulang at kapatid, ay iniwan niya ang bayang iyon na mayroong mga may kapangyarihang kinasisindakan niya at tumungo sa maynila upang pumasok na alila sa isang mayaman at mag aral, na gaya ng ginagawa ng ilan. ang kaniyang paglalakbay ay isang paglalagalag, puno ng pagpupuyat at pag aagam agam, na ang gutom ay inaalintana. ang ipinangtatawid kagutuman niya ay mga bungang kahoy ng mga kagubatang kaniyang pinagtataguan kailan mat nakakatanaw ng suot guardia sibil, kasuotang nakapagpapaalaala ng pinagbuhatan ng kaniyang mga kasawian. nang nasa sa maynila na siya, gulagulanit ang damit at may sakit pa ay dumulog sa mga bahaybahay at pumapasok na alila. isang batang taga lalawigan na hindi marunong ng ano mang wikang kastila at masasaktin pa! walang pag asa, dayukdok at hapis na gumalagala sa mga lansangan na napupuna ng mga tao dahil sa ayos na karumaldumal ng kaniyang damit!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"makailang tinangka ang payurak na sa mga kabayo, na nangagdaraang parang kidlat na hila ang mga sasakyang nagkikinangan sa pilak at barnis, upang matapos na ang kaniyang mga paghihirap! salamat at nakitang nagdaan si kapitang tiago na kasama si tia isabel; kilala niya ang mga taong iyon mula sa san diego at sa kaniyang kagalakan ay inakalang wari mga kababayan niyang mistula. sinundan ang karuahe, nawala sa kaniyang paningin, ipinagtanong ang bahay, at sa dahilang noong araw na iyon pumasok si maria clara sa kombento at si kapitang tiago ay nalulungkot, ay natanggap siyang alila, na walang upa, ngunit sa isang dako naman ay may pahintulot siyang makapag aral, kung kailan niya ibig, sa san juan de letran. nang may ilang buwan na siya sa maynila ay pumasok sa primer ano sa latin, kahit nanglilimahid, masama ang bihis at nakabakya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang makita ng mga kasamahan ang kaniyang gayak ay lumayo sa kanya, at hindi siya kinatungo kailan man ng katedratiko, isang dominikong magandang lalaki, subali pa ngat ikinukunot ang noo kung siyay makita. ang mga tanging salita na nagamit ng dalawa sa loob ng walong buwang pasukan ay ang pagbanggit ng pangalan sa pagbasa ng talaan at ang sagot na adsum na itinutugon sa araw araw ng nag aaral. gaanong kapaitan ang linalagok niya sa tuwing paglabas sa klase at ng mahulaan ang sanhi ng inaasal sa kanya ay gaanong luha ang namulas sa kaniyang mga mata at gaanong hinanakit at daing ang sumisilakbot iniinis sa kaniyang puso! gayon na lamang ang kaniyang iyak at paghihinagpis sa ibabaw ng libingan ng kaniyang ina na pinagsasabihan ng mga lihim niyang sakit, kahihiyan at kaapihan, ng siyay ipagsama ni kapitang tiago sa san diego ng magpapasko! gayon man ay isinasaulo niyang buongbuo ang lisyon kahit marami ang hindi niya natatarok!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit tumiwasay siya sa huli, ng makitang sa tatlo apat na raang kasama niya ay may apat na pu lamang ang natatanong sapagkat napuna sila ng paring nagtuturo dahil sa kiyas, kayay dahil sa isang kalikutan, kayay dahil sa kinalugdan, kayay dahil sa iba pang sanhi. sa isang dako naman ay nagagalak sa gayon ang marami sa nag aaral sapagkat hindi na sila mag iisip at magninilay. pumapasok sa colegio hindi upang mag aral kun di upang makaraan sa paglilitis, at kung naaaring maisaulo ang aklat ano pa ang mahihingi? naaaring tapusin din naman ang pinag aaralan sa sangtaong pagpasok. si basilio ay nakaraan sa paglilitis dahil sa pagsagot sa tanging katanungang ginawa sa kaniya, ngunit parang makina, walang hintot walang kahingahinga, at ang tinamo ay aprobado sa gitna ng tawanan ng mga lumilitis. ang kaniyang siyam na kasama (sampusampu kung litisin upang matapos agad) ay hindi nagtamo ng gayon, kayat nangatakdaang ulitin ang sangtaon pagkadungo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang siyay nasa pangalawang taon ay binigyan siya ng mabuting pabuya ni kapitang tiago, sapagkat nanalo ang manok niyang inaalagaan, at ibinili niya agad ng sapatos at sombrerong pieltro. dahil sa kanyang binili at sa mga damit na ibinigay sa kaniya ng kaniyang panginoon, na tinatabas niyang muli at isinusukat sa sariling katawan, ay bumutibuti ang kaniyang ayos, ngunit hanggang doon na lamang naman. sa isang clase na marami ang pumapasok ay lubhang mahirap na mapuna ng guro ang isang bata, at ang nag aaral na sa una pang taon ay hindi napatampok dahil sa katangian kayay hindi kinalugdan ng nagtuturo ay mahirap nang mapuna sa boo niyang pag aaral. gayon man ay nagpatuloy din siya, dahil sa isa na sa kaniyang hilig ang pagkamatiyaga. waring nagbago ng kaunti ang kaniyang kalagayan ng pumasok sa pangatlong taon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang naging guro niya ay isang dominikong masaya, palabiro at mapagpatawa sa mga tinuturuan, napakatamad, sapagkat karaniwang ang pinapagsasalaysay ng katuturan ng lisyon ay ang kaniyang mga itinatangi lamang; kung sa bagay ay nasisiyahan na sa kahit ano. nang panahong iyon ay gumagamit na si basilio ng sapatos at mga barong malinis at pinirinsa. sa dahilang napuna ng propesor na hindi siya matatawanin at namatyagan sa kaniyang mga matang hapis at malalaki ang tila pagtatanong, ay ipinalagay siyang baliw at isang araw ay tinangkang gipitin siya sa pagtatanong ng lisyon. sinagot ni basilio ng mula sa puno hanggang dulo na walang kagatol gatol sa isa mang ; tinawag siyang bubutok ng guro, nagsalaysay ng isang bagay na ikinatawa ng boong klase, at upang maglalo ang halakhakan at matibayan ang pagkakapangalan ay tinanong pa siya ng ilang tanong na kasabay ang pagkindat sa mga minamabuti, na ang ibig sabihin ay: tingnan ninyot masasayahan tayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"noon ay marunong na ng wikang kastila si basilio at nakasagot nang walang nakatawa. ang bagay na iyon ay isinama ng loob ng lahat, ang inaantay na kamalian ay hindi sumipot, walang napatawa at ang pangyayaring iyon ay hindi naipatawad sa kaniya ng mabuting praile, sapagkat sinira ang pag asa ng boong klase at pinabulaanan ang hula. ngunit sino ang makahihinala na lalabas ang anomang bagay na may kabuluhan sa isang ulong ang buhok ay walang ayos na nagtatapos sa katawan ng isang indio na masama ang sapatos at kahahalo pa lamang sa kaniya sa mga ibong mapangunyapit? at kung sa ibang paaralan, na may sadyang pagnanasang ang mga batay matuto, ay nagagalak ang mga nagtuturo kung nakakatagpo ng gayon, sa mga paaralan namang pinamamahalaan ng mga taong ang lalong maramiy nananalig na ang matuto ay makasasama (kun di man sa lahat ay sa mga nag aaral) ang nangyari kay basilio ay hindi minabuti, kayat hindi na siya natanong sa boong taon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa ano pat tatanungin siyang muli kung hindi rin makapagpapatawa sa kangino man? masama ang loob at may tangka nang iwan ang pag aaral ng nalipat siya sa ika apat na taon sa latin. ano pat mag aaral, bakit hindi magtulog na lamang na gaya ng iba at umasa na sa isang pagpapasumala? ang isa sa mga guro ay lubhang kilala, naiibigan ng lahat; kinikilalang marunong, dakilang makata at may mga pagkukurong malaya. isang araw na kasama ng mga colegial sa paglilibot ay nakagalit ng ilang cadete na, naging sanhi muna ng simulang pag aaway at pagkatapos ay paghahamunan. ang pari, na marahil ay naalaala ang kaniyang mabuting kabataan, ay nangayag at nangakong bibigyan ng mabuting nota ang sinomang makilahok sa pakikilaban sa linggong darating. naging masigla ang boong linggong yaon: nagkaroon ng pulupulutong na paglalabang ginamitan ng sable at tungkod at sa isay napatangi si basilio. dinala siyang galak na galak ng mga nag aaral at iniharap sa propesor; mula niyon ay nakilala siya at kinagiliwan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dahil sa pangyayaring ito at dahil din naman sa kaniyang pagsusumigasig sa pag aaral ay nagtamo siya ng mga sobresaliente at medalla pa ng taong iyon. sa nakitang ito, si kapitang tiago, na mula nang magmonha ang anak ay may pagkamuhi na sa mga praile, sa isang sandaling masaya, ay inudyukan siyang lumipat sa ateneo municipal, na noon ay lubhang nababantog. isang bagong mundo ang nahayag sa kaniyang mga mata, isang paraan sa pag aaral na hindi man niya nahinala na makikita sa paaralang iyon. liban sa ilang bagay na walang malaking kabuluhan at ilang bagay na walang kapararakan ay hinangaan ang patakarang sinusunod doon sa pagtuturo at lubos ang kaniyang pagkilala ng utang na loob sa pagsusumakit ng mga guro. napapaluha siya kung minsan at naaalaala ang apat na taong nakaraan na dahil sa kakulangan sa magugugol ay hindi siya nakapasok doon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kinailangan niyang gamitin ang lahat ng pagsusumikap upang mapantayan ang nangagkaroon ng mabuting pasimula at nasabi niya sa sarili na nang taon lamang na iyon napagaralan niya ang limang taon ng segunda ensenanza. dinaan ang bachillerato sa gitna ng kagalakan ng kaniyang mga propesor at sa paglilitis ay ipinagmalaki siya sa harap ng mga hahatol na dominiko na pinaparoon upang makibatyag. upang mapawi ng bahagya ang kagalakan ay tinanong ang nililitis kung saan nag aral ng mga unang taon sa latin. sa san juan de letran, padre ang sagot ni basilio. sa latin ay mabuti ang nakangiting sabi ng dominiko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dahil sa kaniyang hilig at ugali ay pinili ang medicina; ibig sana ni kapitang tiago ang derecho upang magkaroon ng abogadong walang bayad, ngunit hindi ang dumunong at makabatid ng mga kautusan ang kailangan lamang upang magkaroon ng ipagtatanggol sa pilipinas: kailangang magpanalo ng mga usapin at upang itoy mangyari ay kailangang magkaroon ng maraming kakilala, lakas sa itaas, maraming salitang pasalisalimuut. napahinuhod din si kapitang tiago sapagkat naalaalang ang mga nag aaral ng medicina ay naglalamutak ng patay; malaon nang humahanap siya ng isang lason na ipangsusubo sa tari ng kaniyang mga manok at ang pinakamabuting nalalaman niya ay ang dugo ng isang insik na namatay dahil sa sakit na sipilis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gaya rin ng dating pagsusumigasig, higit pa kung mangyayari, dinaan ng binata ang mga taong pag aaral ng facultad, at mula pa sa ikatlong taon ay nanggamot na siya, na pinalad naman, bagay na hindi lamang pagsisimula ng isang magandang haharapin kundi nagbibigay din naman sa kaniya ng sapat na gugugulin upang makapagbihis ng mainam inam at makapag ipon pa ng kaunti. ang taong itoy siyang huling taon ng kaniyang pag aaral at sa loob ng dalawang buwan na lamang ay medico na siya, uuwi na sa kaniyang bayan, pakakasal kay juliana at mamumuhay silang maligaya. ang pagtatamo niya ng licenciatura ay hindi lamang tiwasay niyang inaantay kun di inaasahan pa niyang magiging maningning na pinakaputong ng kaniyang kabuhayan sa pag aaral. siya ang natakdaang bibigkas ng talumpating pagpapasalamat sa pagsusuot ng muceta, at nakikinikinita na niyang siyay nasa gitna ng paraninfo, sa harap ng lahat ng nangagtuturo, at siya ang pinagtitinginanan at pinakikinggan ng madla.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lahat ng ulong iyon na bantog sa karunungan sa maynila na nangakalubog halos sa kanilang mga muceta na ibat ibang kulay, ang lahat ng babaing dumalo dahil sa hangad na makapanood lamang, na noong mga taong nakaraan ay hindi man siya napuna, kundi man natingnan siya na may pagwawalang bahala, ang lahat ng kaginoohang iyon na noong siyay bata ay kaunti ng pagulungan siya sa karuaheng sinasakyan sa gitna ng lusakan na wari aso lamang, sa mga sandaling iyon ay siya ang pakikinggan, at ang mga tuturan naman niya ay mga maiinam na bagay, yaong hindi pa nadidingig sa pook na iyon; lilimutin ang sarili upang alalahanin ang mga kaawaawang mag aaral sa haharapin, at siyay papasok sa sosyedad sa pamagitan ng talumpating yaon. ang mga bagay na itoy siyang naiisip ni basilio ng dumalaw sa libingan ng kaniyang ina. babalik na siya sa bayan, ng tila nakabanaag ng liwanag sa loob ng kakahuyan at nakadingig ng lagitlit ng mga sanga, yabag ng paa at lagaslas ng dahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang ilaw ay nawala, ngunit ang yabag ay unti unting lumalapit at nakita niya ang isang anino sa gitna ng pook na iyon at ang tinutungo ay ang kaniyang kinalalagyan. si basilio ay sadyang hindi mapamahiin at lalo na nga ng makabiyak na siya ng maraming bangkay ng tao at nakapangalaga sa di kakaunting naghihingalo: ngunit ang matatandang alamat na ukol sa nakapangingilabot na pook na iyon, ang oras ng gabi, ang kadiliman, ang malungkot na simoy, at ang mga ilang kasaysayang napakinggan nang siyay musmos, ay nakasindak din sa kaniyang kalooban at naramdaman niyang ang kaniyang pusoy tumitibok ng malakas. ang aninoy tumigil, sa kabilang ibayo ng baliti, na nakikita ng binata sa puwang ng dalawang ugat na sa katandaan ay waring dalawang sanga na. kinuha sa ilalim ng damit ang isang ilawang may malakas na lente na inilagay sa lupa at nakaliwanag sa mga botas de montar; ang ibang dako ng katawan ay nababalot din ng kadiliman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"waring hinalungkat ng anino ang mga bulsa at pagkatapos ay tumungo upang ikama ang dahon ng isang asarol sa isang malaking tungkod: nagulat si basilio ng makitang kaanyo yaon ng mag aalahas na si simoun. at siya ngang talaga. hinuhukay ng mag aalahas ang lupa at maminsanminsay naliliwanagan ng ilaw ang mukha: wala ang salaming nakapagpapabago ng anyo. si basilio ay nangilabot. yaon din ang taong may labing tatlong taon nang humukay doon ng paglilibingan sa kaniyang ina, tumanda nga lamang; ang buhok ay pumuti at nagkaroon ng bigote at balbas, ngunit ang paningin ay hindi nagbabago, yaon din ang dating anyong malungkot, yaon din ang ulap ng noo, ang malakas na bisig ay yaon din, tuyo nga lamang ng kaunti, yaon ding kaloobang masulak. ang mga alaala sa nakaraan ay muling umali sa kanya: wariy naramdaman ang init ng siga, ang gutom, ang kaniyang panglulupaypay noon, ang amoy ng lupang nabungkal. ang pagkakatuklas na itoy nakapangilabot sa kaniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung gayon ay ang mag aalahas na si simoun, na inaakalang indio ingles, portuges, amerikano, mulato, cardenal moreno, eminencia negra, ang budhing nag uudyok ng masama sa capitan general, gaya ng tawag ng ilan, ay dili iba palat yaong mahiwagang tao na ang kaniyang pagsipot at pagpanaw ay nataon sa pagkamatay ng magmamana sa mga lupaing yaon. ngunit sino ang ibarra, doon sa dalawang taong kaniyang nakaharap, ang buhay ang patay? ang katanungang ito na itinatanong niya sa sarili, kailan mat napagsasalitaan ang pagkamatay ni ibarra, ay muling pumasok sa kaniyang pag iisip sa harap ng mahiwagang taong yaon. ang namatay ay may dalawang sugat na gawa ng punglo, ayon sa kaniyang napag aralan pagkatapos, at marahil iyon ay gawa ng paghahabulan sa lawa. kung gayon ay si ibarra ang namatay na naparoon upang mamatay sa libingan ng mga magulang, at ang nasang sunugin ang kaniyang bangkay ay marahil nakuha sa ugali sa europa na dooy sinusunog ang patay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung gayon ay sino ang isa pa, ang buhay, ang simoung ito na manghihiyas, na noon ay anyong dukhangdukha at ngayoy mayamangmayaman at kaibigan ng mga may kapangyarihan? dooy may lihim na sa kalamigang loob ng ating nag aaral ay ninasang tahuin, at inantay ang kailangang pagkakataon. samantala namay hukay ng hukay si simoun, ngunit namasdan ni basilio na nanghina na ang dating lakas: si simoun ay humihingal, hirap sa paghinga at sa bawat sandali ay tumitigil. si basilioy nanganib na baka siya makita, kayat sa biglang udyok ng kalooban ay tumindig sa kinauupan at nagsabing walang pagbabago ang boses: matutulungan ko po ba kayo, ginoo.? ang tanong, ng makaalis sa kinakanlungan. si simoun ay umunat, lumundag na wariy tigreng nabigla, idinukot ang kamay sa bulsa ng amerikana at tiningnang namumutla at kunot ang noo ang nag aaral.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may labing tatlong taon na ngayong akoy pinautangan ninyo ng loob, ginoo, ang patuloy na walang tigatig ni basilio sa pook ding ito, sa paglilibing sa aking ina, kayat ikaliligaya ko ang matulungan naman kayo. dinukot ni simoun sa kaniyang bulsa ang isang rebolber, na hindi inilalayo sa bagongtao ang paningin. nadingig ang lagitlit ng isang armas na iniakma. sino po ba ako sa akala ninyo? ang sabing humakbang ng dalawang hakbang na paurong. isa pong taong aking iginagalang ang sagot ni basilio na may pakagulumihanan, sapagkat inaakalang yaon na ang huli niyang sandali, isang taong tangi sa akin, inaakala ng lahat na patay na, at taong ang kaniyang mga kasawian ay dinamdam kong palagi. isang lubos na katahimikan ang sumunod sa mga salitang ito, katahimikang inaring amoy kabilang buhay ng binata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gayon man, makaraan ang isang mahabang pag aalinlangan, ay linapitan siya ni simoun at piniglan sa balikat at sinabi sa kaniyang ang boses ay nanginginig, na: basilio, nakababatid kayo ng isang lihim na mangyayaring ikasawi ko at ngayoy nakatuklas ng isa pa, na kung mabansag ay makasisira sa aking layon, kayat ang boo kong buhay ay nasa kamay ninyo. upang akoy tumiwasay at alangalang sa ikaaayos ng inaakala kong gawin ay dapat kong sagkaan ang iyong mga labi, sapagkat ano ang kabuluhan ng buhay ng isang tao sa kalakhan ng bagay na aking tinutungo? mainam ang pagkakataon, walang nakababatid ng aking pagparito, akoy may sandata, kayoy wala; sa mga tulisan ibibintang ang kamatayan ninyo kun di man sa isang bagay ng kabilang mundo. ngunit, gayon man ay babayaan kong kayoy mabuhay at inaakala kong hindi ko ipagdaramdam sa huli ang gayon. kayoy nagsumakit, nakipagtunggali ng lubhang tiyaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at gaya ko rin kayong may kailangang makipagtuus sa sosyedad; ang kapatid ninyong munti ay pinatay, ang inyong inay naulol, at hindi pinag usig ng sosyedad ni ang nakamatay ni ang nagpahirap. tayong dalaway nabibilang sa mga uhaw sa katwiran, at hindi dapat tayong magtunggali kun di magtulungan. si simoun ay humintong pinigil ang buntonghininga at pagkatapos ay banayad na nagpatuloy na palingaslingas ang tingin: oo, ako nga iyong may labing tatlong taon na ngayon nang naparito, na may sakit at karumaldumal ang anyo upang dulutan ng huling handog ang isang kaluluwang magiting at matapat na inilaan ang buhay nang dahil sa akin. inis ng isang pamamahalang masama ang hilig ay naglagalag ako sa boong mundo at maghapot magdamag na pinunyagi ko ang makapag ipon ng isang kayamanan upang masunod ang aking layon. ngayoy nanumbalik ako upang durugin ang pamamahalang iyan, padaliin ang kaniyang pagkabulok, iaboy sa banging tinutungo, kahit na kailanganin kong gamitin ang pagbaha ng luha at dugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hinatulan na ang kaniyang sarili, yari na, at ayokong mamatay ng hindi ko muna siya makitang durogdurog sa kailaliman ng bangin. at iniunat ni simoun ang kaniyang mga kamay na tungo sa lupa, na waring sa kilos na iyon ay ibig palagiin doon ang mga labi ng nasira. ang kaniyang tingig ay nagkaroon ng kasindaksindak at kalagimlagim na tunog, na nakapangilabot sa nag aaral. sa tawag ng masasamang hilig ng mga namamahala ay bumalik ako sa kapuluang ito, at sa ilalim ng anyong mangangalakal ay linibot ko ang mga bayanbayan. sa tulong ng aking yaman ay napasok ko ang lahat at saat saan man ay nakita ko ang pangangamkam sa lahat ng anyong kahalayhalay, minsan ay may balat kayo, minsay lantad na lantad, minsan ay ganid na nagpapakasawa sa isang katawang patay, na gaya ng ginagawa ng isang buitre sa bangkay, at naitanong ko sa sariling bakit hindi tumitindi sa kaniyang bituka ang kamandag, ang ptomaina, ang lason ng mga libingan upang mamatay ang nakaririmarim na ibon?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"binabayaan ng bangkay na siyay gutayin, ang buitrey napupundakanan sa laman, at sa dahilang hindi ko makaya ang siyay bigyan ng buhay upang makalaban sa nagpapahirap sa kaniya, at sa dahilang mahina ang pagkabulok, ay pinasigla ko ang kayamuan, aking inayunan, ang pagsalansang sa katwiran at kapaslangan ay nag ibayo sa dami; aking pinalalo ang pagkakasala, ang mga gawang malulupit, upang ang bayan ay mahirati sa kamatayan; aking pinalagi ang ligalig upang sa pag iwas dito ay humanap ng kahit anong kaparaanan; aking hinadlangan ang pangangalakal upang kung mahirap na ang bayan at pulubi na ay wala ng sukat ipanganib; aking inudyukan sa pangangamkam upang magsalat ang kayamanang bayan, at dahil sa hindi pa sapat sa akin ang mga bagay na ito upang gisingin sa panghihimagsik ang bayan, ay sinugatan ko ang bayan sa dakong lalong dadamdamin, ginawa kong ang buitre na ang lumait sa bangkay na nagbibigay buhay sa kaniya at kaniyang bulukin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit nang akin ng magagawang sa lubos na kabulukan, ng pawang yagit, na pagkakahalohalo ng maraming bagay na nakaririmarim, ay tumindi ang lason, nang ang pagkagahaman ng kayamuan sa kaniyang kalituhan ay nagdudumali na sa pagsunggab sa lahat ng abot ng kaniyang kamay na waring isang matandang babaing nabigla ng sunog, ay sasisipot kayong na nangangalandakan ng pagkakastila, umaawit ng pag asa sa pamahalaan, bagay na hindi darating; naritot isang laman na kumikilos dahil sa init at buhay na dala, malinis, bata, malusog, kumikinig sa dugo, sa kasiglahan, ay biglang sasusulpot upang humandog na muli na wari bagong pagkain. ah, ang kabataang kailan may mapangarap at kulang sa pagkakilala sa mga bagay bagay, laging kasunod ng mga paroparo at mga bulaklak! nangagsapisapi kayo upang sa inyong lakas ay mapagtali ninyo ng taling pulos na bulaklak, ang inyong bayan at ang espana, gayong ang tunay ninyong ginagawa ay ang pagyari ng tanikalang matigas pa kay sa diamante.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"humihingi kayo ng pagkakapantaypantay sa karapatan, pag uugaling kastila sa inyong mga hilig, at hindi ninyo nakikitang ang hinihingi ninyoy ang kamatayan, ang pagkapawi ng inyong pagkamamamayan, ang pagkaduhagi ng inyong inang bayan, ang pananagumpay ng paniniil! ano kayo sa araw ng bukas? bayang walang budhi, bansang walang kalayaan; ang lahat ng taglay ninyoy pawang hiram, sampu ng inyong mga kasiraan. humihingi kayong maging parang kastila at hindi kayo namumutla sa kahihiyan kung ipagkait sa inyo! at kahit na ipagkaloob sa inyo ano ang inyong hangad? ano ang inyong matatamo? maligaya na kayo kung maging bayan ng pag aalsa, bayan ng mga digmaan ng mga magkababayan, republika ng mga mangdaragit at di nasisiyahang loob na kagaya ng ilang republika sa timog ng amerika! ano ang layon ninyo sa pagtuturo ng wikang kastila; hangad na kahiyahiya kung hindi lamang napakasama ang ibubunga?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ibig ninyong dagdagan ng isa pang wika ang apat na put kung ilan pang ginagamit sa kapuluan upang huwag kayong lalong magkaantiluhan!. hindi po ang tugon ni basilio kung dahil sa pagkaalam ng wikang kastila ay mapapalapit tayo sa pamahalaan, sa isang dako naman ay magiging sanhi ng paglalapitlapit ng mga pulo. laking kamalian! ang putol ni simoun napadadaya kayo sa maiinam na pangungusap at hindi ninyo tinutungo ang latak at sinusuri ang huli niyang iaanak. hindi magiging siyang karaniwang salita dito kailan man ang wikang kastila, hindi siya gagamitin ng bayan, sapagkat ang mga bukal ng pag iisip at puso nito ay walang katimbang na salita sa wikang iyan; bawat bayan ay may kaniyang sarili, gaya rin naman ng pangyayaring may sariling pagdaramdam. ano ang gagawin ninyo sa wikang kastila, kayong iilang gagamit? patayin ang inyong katangian, isailalim ng ibang utak ang inyong mga pag iisip at hindi kayo magiging malaya kundi magiging tunay na alipin pa nga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang siyam sa bawat sampu ninyong nag aakalang kayoy mga bihasa, ay pawang tumakwil sa inyong tinubuan. ang bawat isa sa inyo na gumagamit ng wikang iyan ay napapabayaan ng lubos ang kaniyang sarili na hindi man maisulat ni mawatasan, at ilan na ang nakita ko na nagpapakunwaring hindi nakababatid ni isang bigkas man lamang ng salitang iyan! salamat na lamang at mayroon kayong isang mulalang pamahalaan. samantalang ipinipilit ng rusia ang wikang ruso sa polonia upang itoy kaniyang maalipin, samantalang ipinagbabawal ng alemania ang wikang pranses sa mga lalawigang kaniyang nasakop, ang inyong pamahalaan naman ay nagpupunyagi na huwag alisin sa inyo ang sariling wika, datapwat kayo, bayang kahangahanga na hawak ng isang pamahalaang hindi malirip, kayoy nagpupumilit na iwan ang inyong katangian sa pagkabansa!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang isat isa sa inyo ay nakalilimot na samantalang ang isang bayan ay may sariling wika ay taglay niya ang kaniyang kalayaan, gaya rin naman ng pagtataglay ng tao ng pagsasarili samantalang tinataglay ang kaniyang sariling pagkukuro. ang wika ay siyang pag iisip ng bayan. mabuti na lamang at ang inyong pagsasariliy sadyang darating: inaandukha siya ng mga kalaswaan ng tao!. si simoun ay huminto at pinahid ng kamay ang noo. ang buwan ay sumisikat at inihahatid doon ang kaniyang malamlam na liwanag na nakalulusot sa puwang ng mga sanga. dahil sa naliliwanagang papaitaas ng lampara ang mag aalahas, na matigas ang anyo at maputi ang buhok, ay waring isang multo ng kagubatan na nagbabalak ng kalagimlagim. sa harap ng gayong katitigas na sumbat ay nakatungong walang imik si basilio.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nagpatuloy si simoun: nakita kong binabalak ang kilusang iyan at dumanas ako ng magdamagang ligalig, sapagkat batid kong sa kabataang iyan ay mayroong may taglay na katalinuhan at pusong maitatangi na nagpapakalulong sa bagay na inaakala nilang mabuti, ngunit ang katotohanay gumagawa ng laban sa kanilang bayan. makailang kong tinangka ang lumapit sa inyo, hubdin ang pagbabalatkayo at pawiin ang inyong pagkakamali! ngunit sanhi sa mga pagpapalagay sa akin ay marahil masamain ang aking mga pangungusap at magkabiso pay magbunga ng laban sa aking akala. makailang tinangka ko ang lumapit sa inyong makaraig, sa inyong isagani! maminsan minsan ay naiisip kong silay patayin, lipulin. si simoun ay tumigil. basilio, ito ang sanhi kung kaya hindi ko kayo pinatay, at mahanda ako, na dahil sa isang kabiglaanan, balang araw ay ihayag ninyo ang aking kalagayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"batid ninyo kung sino ako, alam ninyo ang aking mga tiniis, paniwalaan ninyo ako; hindi kayo kabilang ng karamihan na ang tingin sa mag aalahas na si simoun ay isang maglalako na nag uudyok sa mga may kapangyarihan sa gawang pamamaslang upang ang mga naapiy bumili sa kaniya ng hiyas. ako ay isang hukom na may nasang magparusa sa isang pamamahala, na, ang gagawing kasangkapan ay ang sarili niyang kasamaan; bakahin siya sa paraang siyay ayuin. kailangan kong akoy inyong tulungan, gamitin ninyo ang inyong kayang makaakit sa kabataan upang labanan ang baliw na nasang makikastila, pakikiugali, pagpapantaypantay sa karapatan. sa landasing iyan ay ang maging isang masamang huwad lamang ang matatamo, at nararapat na ang bayan ay lumingap ng lalong mataas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang kabangawan ang akitin ang pag iisip ng mga namamahala; mayroon na silang takdang balak, may piring ang mga mata, at, bukod sa ang gayon ay isang pag aaksaya ng panahon, ay dinadaya pa ninyo ang bayan sa mga pag asang hindi mangyayari at nakatutulong pa kayo upang yumuko sa harap ng nangduduhagi. ang dapat ninyong gawin ay samantalahin ang kaniyang mga pag aalinlangan sa kapakinabangan ninyo. ayaw kayong ihawig sa kastila? sa gayon ay magpakatangi kayo sa pagbabadha ng sariling kaugalian, itayo ninyo ang tuntungan ng bayang pilipino. aayaw kayong bigyan ng pag asa? mabuti nga! huwag kayong umasa sa kaniya, asahan ninyo ang sarili at kumilos kayo. aayaw kayong bigyan ng kinatawan sa corte lalong mabuti! kahit na kayo makapagpadala doon ng kinatawan na nahalal ng ayon sa inyong hangad, ano ang magagawa ninyo roon kun di malunod sa gitna ng maraming tingig at sang ayunan, sa pamamagitan ng inyong pagkakaharap doon, ang mga kapaslangan at kamaliang gawin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"samantalang lalong kaunti ang mga karapatang ipagkaloob sa inyo ay lalo namang malaki ang inyong karapatan sa pagpawi ng pasanin at gantihin sila ng masama sa kasamaan. kung ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika ay pag aralan ninyo ang inyo, inyong pakalatin, bayaang mamalagi sa bayan ang sariling pag iisip, at sa pagnanasang maging isang lalawigan ay ipalit ang hangad na maging bansa, sa paghahakang sumasalilong ay paghahakang malaya, ni sa hilig, ni sa salita ay huwag mangyaring maipalagay ng kastila na siyay parang nasa bahay niya dito, ni ipalagay ng taga rito na silay kababayan kundi manglulupig magpakailan man, dayuhan, at sa malaot madaliy tatamuhin ninyo ang inyong kasarinlan. ito ang sanhi kung kaya hangad kong kayoy mabuhay. ginoo, napakalaking karangalan ang ipinagkaloob ninyo sa akin sa pagpapahayag ng inyong mga balak upang huwag akong magtapat at sabihin na ang hinihiling ninyo sa akin ay higit sa makakaya ko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"akoy hindi nakikilahok sa politika, at kung sakaling linagdaan ko ang kahilingan sa pagtuturo ng wikang kastila ay dahil lamang sa nakikita kong iyoy makabubuti sa pag aaral, at wala nang iba. ang aking tungo ay iba, ang hangad koy mapagaling lamang ang mga sakit na dinaramdam ng aking mga kababayan. ang mag aalahas ay napangiti. ano na lamang ang mga sakit ng katawan sa sakit ng damdamin? ang tanong ano na lamang ang kamatayan ng isang tao sa kamatayan ng isang kalipunan? balang araw marahil ay magiging isa kayong bantog na manggagamot kung pababayaang makapanggamot na mapayapa; ngunit lalo pang dakila yaong makapagbigay buhay sa lugaming bayang ito. kayo ano ang ginagawa ninyong ukol sa bayang ito na kinakitaan ng unang liwanag, nagbibigay buhay sa inyo at nagdudulot sa inyo ng ikatututo? hindi ba ninyo alam na walang kabuluhan ang buhay na hindi iniuukol sa isang malaking layon? iyay isang munting batong natapon sa kaparangan na hindi kasama sa pagkabuo ng isang bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi, hindi po ginoo, ang pakumbabang sagot ni basilio hindi po ako humahalukipkip, akoy gumagawa na gaya ng paggawa ng iba upang maibangon sa labi ng nakaraan ang isang bayan na ang kaniyang mga taoy nagtutulungan at ang bawat isa sa kanilay dumadamdam sa sarili, ng budhit kabuhayan ng kalahatan. ngunit kahit anong sigabo ang taglayin ng mga tao sa ngayon ay nakikilala namin na sa malaking gawaang bayan ay dapat magkaroon ng paghahatihati ng gawa; pinili ko ang aking gagawin at tinungo ko ang karunungan. ang karunungan ay hindi siyang hantungan ng tao ang wika ni simoun. siya ang tinutungo ng mga bansang lalong bihasa. oo, ngunit parang isang kaparaanan lamang sa paghanap ng kaligayahan. ang karunungan ay siyang walang paglipas, lalong kagalingan ng katauhan, lalong ukol sa sangsinukob!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang sagot ng binata sa isang sulak ng kalooban sa loob ng ilang daang taon, pag ang katauhan ay matalino nat nahango sa kinalalagyan sa ngayon, pag wala na ang mga lipi, pag ang lahat ng bayan ay pawang malalaya na, pag wala ng alipin at umaalipin, sakop na bayan at nakasasakop, pag ang naghari ay isang kapangyarihan na lamang at ang taoy naging mamamayan ng sanglupalop, ay walang malalabi kundi ang pananalig sa karunungan, ang salitang pag ibig sa bayan ay magkakaroon ng kahulugang dalubhasang pananalig at ang sa panahong iyan ay magbunyag ng kaniyang taglay na pag ibig sa bayan ay marahil kulungin na waring isang mapanganib na may sakit, isang manggugulo sa pagkakasundo ng lahat. si simoun ay napangiti ng malungkot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"oo, oo ang wikang iniiling ang ulo datapway upang sumapit ang gayong kalagayan, ay kailangang huwag magkaroon ng mga bayang manggagahis, ni mga bayang mang aalipin, kailangang ang taoy maging malaya saan man pumaroon, matutuhang igalang sa karapatan ng iba ang kaniyang sariling pagkatao, at upang mangyari itoy kailangan munang magsabog ng maraming dugo, ang pagtutunggaliy kailangan. upang daigin ang matandang pananalig, na sumisiil sa mga budhi, ay kinailangang ang marami ay matupok sa apoy, upang, sa pangingilabot ng budhing bayan ay ihayag na malaya ang budhi ng bawat isang tao. kailangan din naman na ang lahat ay tumugon sa katanungang sa araw araw ay ginagawa ng bayan na inilalahad sa kanila ang kamay na nakatanikala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang pag ibig sa bayan ay magiging pagkakasala sa mga bayan lamang na manglulupig sapagkat ang pagnanakaw naman ay lalagyan ng isang mainam na pangalan; ngunit kahit maging wastong wasto na ang katauhan ay magiging isang kabanalan din ang pag ibig sa tinubuan, sa mga bayang sakop, sapagkat sa lahat ng sandaliy may kahulugang pag ibig sa katwiran, pag ibig sa kalayaan, pag ibig sa karangalan. ang kalakhan ng isang taoy hindi ang magpauna sa kaniyang kapanahunan, bagay na hindi naman mangyayari, kundi ang hulaan ang kaniyang mga adhika, tugunan ang kaniyang mga pangangailangan at turuan siyang magpatuloy sa lakad. ang mga genio na inaakala ng karamihan na nagpauna sa kanilang kapanahunan, ay namamalas lamang na gayon sapagkat tinatanaw silang mula sa malayo ng mga sumusuri, inaakalang daang taon ang buntot na nilalakaran ng mga nahuhuli. si simoun ay tumigil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang nakitang hindi mapasigabo ang malamig na kaluluwang iyon, ay gumamit ng ibang pangangatwiran, at tumanong na iniba ang pagsasalita. at sa ala ala ng inyong ina at kapatid ano ang ginagawa ninyo? sukat na ba ang sa taon taon ay pumarito at tumaghoy na wariy babai, sa ibabaw ng libingan? at tumawa ng pakutya. tumama ang tudla; si basilioy nagbagong anyo at humakbang ng isang hakbang. ano ang ibig ninyong gawin ko? ang tanong na nagngangalit walang pagkunan nang kailangan, walang katangian matatamo ko baga ang katwirang laban sa mga pumatay sa kanila? isa pa akong masasawi, at madudurog akong kagaya ng kaputol na salaming ipukol sa isang batong buhay. ah, masama ang ginawa ninyong ipaalala pa sa akin, sapagkat iyay isang walang kabuluhang pagtangki sa sugat! at kung ihandog ko sa inyo ang aking tulong? iginalaw ni basilio ang ulo at nag isip.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lahat ng pagtatagumpay ng katwiran, lahat ng higanti sa lupa, ay hindi makapagbibigay buhay pang muli sa isang buhok man lamang ng aking ina, hindi makapagpapasariwa ng isang ngiti sa mga labi ng aking kapatid! matulog na silang mapayapa. ano ang mahihita ko kahit maghiganti? iwasan na tiisin ng iba ang inyong tiniis, upang sa susunod ay maiwasang magkaroon pa ng mga anak na pinatay at mga inang napilitang maulol. ang pagpapaumanhin ay hindi laging kabaitan, siyay kasamaan pag naguudyok sa paniniil: walang mang aalipin doon sa walang napaaalipin. ang taoy sadyang may kasamaan, na kailan may nagpapakalabis pag nakakatagpo ng uma alinsunod. gaya ninyoy ganyan din ang paghahaka ko, at alam ninyo kung ano ang aking sinapit. binabantayan kayo gabit araw ng mga may pakana ng inyong kasawian; naghihinalang kayoy nag aantay ng isang sadyang panahon; inaakalang isang mahigpit na hangad na makaganti ang inyong pagpupunyaging matuto, ang inyong hilig sa pag aaral, sampu ng inyong pananahimik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang araw na magagawang kayoy pawiin ay papawiin kayo na gaya ng ginawa sa akin, at hindi kayo papayagang lumaki, sapagkat kayoy kinatatakutan at kinamumuhian. kamuhian ako? kamuhian pa ako matapos ang masamang ginawa sa akin? ang tanong na pamangha ng binata. si simoun ay humalakhak. katutubo ng tao ang mamuhi doon sa inapi niya, ang sabi ni tacito na pinatibayan ang quos lserunt et oderunt ni seneca. kung ibig ninyong masukatan ang mga ginagawang pang aapi kabutihan ng isang bayan sa kapuwa, ay wala kayong ibang dapat gawin kundi tingnan na lamang kung kinamumuhian minamahal. at sa ganyan ay naliliwanagan na kung bakit ang ilang yumaman dito, mula sa mga matataas na katungkulang ginanap, ay pawang pag alimura at pag alipusta ang ipinatutunkol sa kanilang pinahirapan, pagbalik sa espana. proprium humani ingenii est odisse quem lseris. datapway kung ang mundo ay malaki, kung binabayaang matahimik sa kanila ang kapangyarihan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung wala akong ibang hinihingi kundi ang gumawa, bayaan akong mabuhay. at magkaroon ng mga anak na mapayapa na pagkatapos ay ilalaan sa pahirap! ang patuloy ni simoun na pakutyang ginayahan ang pag bigkas ni basilio ng mga salita kay inam na kinabukasan ang inihahanda ninyo sa kanila, at pasasalamatan sa inyo ang isang kabuhayang pawang pangangayupapa at paghihirap! mabuti, binata! pag ang isang katawan ay hindi na kumikilos ay hindi na kailangang siyay patibayin. dalawang pung taong ganap na pagkaalipin, na pangangayupapang walang likat, walang hulaw na pagkakaratay, ay nakalilikha sa kaluluwa ng isang pagkahukot na hindi maitutuwid sa isang araw. ang mabubuti masasamang kalooban ay minamana at nagkakasalinsalin sa mga magulang at mga anak. mabuhay na nga ang inyong kaigaigayang mga paghahaka, mabuhay ang pangarap ng alipin na walang hinihingi kundi kaunting bunot na sukat maibalot sa tanikala upang mapahina ang kalansing at ng huwag masugatan ang kaniyang balat!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang hinahangad ninyoy isang munting tahanan na may kaunting kaluwagan; isang asawat kaunting bigas: iyan ang lalaking pinakamagaling sa pilipinas! siya, kung ipag kaloob sa inyo ang bagay na iyan ay akalain na ninyong kayoy mapalad. si basilio na nahirati sa pagsunod at sa pagtitiis sa kainitan ng ulo ng kapitang tiago, at nabighani kay simoun na namamalas niyang kasindaksindak at kakilakilabot sa gitna ng isang lagay na tigmak sa luha at dugo, ay nagnasang mangatwiran, sa pagsasabing wala siyang kakayahang manghimasok sa politika, na wala siyang masasabi, sapagkat hindi niya napag aaralan ang bagay, ngunit kailan may handa siyang maglingkod, sa araw na hilingin sa kaniya, na sa mga sandaling iyon ay wala siyang nakikitang kailangan liban sa ang bayan ay matuto, at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pinigil ni simoun ang kaniyang salita sa isang galaw, at sa dahilang malapit nang mag umaga, ay nagsabing: binata, hindi ko ipinagbibilin sa inyo na itago ang aking lihim, sapagkat batid ko na ang pagkamalihim ay isa sa inyong ugaling taglay, at saka ang isa pay kahit na ibigin ninyong akoy isuplong ay unang paniniwalaan ang mag aalahas na si simoun, ang kaibigan ng mga may kapangyarihan at ng mga pari, kay sa nag aaral na si basilio, na pinaghihinalaan nang pilibustero, sa dahilang siyay taga ritong natatangi at nababantog, at sapagkat sa ninanasang matutuhan ay makakatagpo ng malalakas na kalaban. gayon man, kahit hindi ninyo tinugunan ang aking pag asa, sa araw na magbago kayo ng paghahaka, ay hanapin ninyo ako sa aking bahay sa escolta at paglilingkuran ko kayo ng boong lugod. napasalamat si basilio at lumayo. namali kaya ako ng tukoy?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang bulong ni simoun ng siyay nag iisa na alinlangan kaya sa akin lubhang lihim na binabalak ang kaniyang higanti kayat ipinangangambang ipagkatiwala sampu sa katahimikan ng gabi? kayay sa dahilang pinawi na sa kaniyang puso ang damdaming pagkatao ng mahabang panahong pamamanginoon at walang inilabi kundi ang hilig pagkahayop na mabuhay na lamang at magpadami ng lipi? kung gayon ay sira ang bubuan at ang nararapat ay tunawing muli. ang pagkakamatay nga ay kailangan na: mamatay ang mga walang kaya at malabi ang mga lalong malakas. at mapanglaw na nagpatuloy, na waring may katungo: magtiistiis muna kayo, kayong mga nagpamana sa akin ng isang pangalan at isang tahanan, magtiistiis muna kayo! lahat ay nawala sa akin, ang bayan, ang kinabukasan, sampu ng inyong mga libingan. ngunit magtiistiis muna kayo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at ikaw budhing marangal, dakilang kaluluwa, pusong mapaglingap na nabuhay sa iisang hangad lamang at ipinara mo ang iyong buhay na hindi man nag antay ng pasasalamat at paghanga ng kahit sino, magtiis ka muna, magtiis tiis ka! ang mga kaparaanang ginagamit ko ay hindi marahil ang ginamit mo, ngunit siyang lalong madali. nalalapit na ang araw, at pagliliwanag ay ako na rin ang magbabalita sa inyo: magtiistiis muna kayo! nang imulat ni huli ang namumuktong mata ay nakitang madilim pa ang bahay. nagtitilaok ang mga manok. ang unang pumasok sa kaniyang kalooban ay ang sapantahang marahil ay gumawa ng isang himala ang birhen at ang araw ay hindi sisilang kahit na inaanyayahan ng mga manok. nagbangon siya, nag angtanda taimtim na dinasal ang kaniyang mga dalangin sa umaga at lumabas sa batalan, na pinag iingatang huwag may kumalatis sa kaniyang paglakad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"walang himala; ang araw ay sisikat na, ang umagay magiging maliwanag, ang simuy ay may dalang lamig, ang mga bituwin sa silanganan ay lumalamlam at ang mga manok ay naglalalo sa kanilang pagtitilaok. ang gayoy malabis na paghingi; madali pang magawa ng birhen ang magpadala ng dalawang daat limang pung piso! ano na lamang sa kaniya, siya na ina ng dios, ang magbigay noon? ngunit sa ilalim ng larawan ay walang natagpuan kundi ang sulat ng kaniyang ama na humihingi ng limang daang pisong pangtubos. wala ng daan kundi ang lumakad. nang makitang ang kaniyang lelong ay hindi kumikilos, ay inakalang natutulog, at nagluto na siya ng salabat na pang agahan. katakataka! siyay panatag at wari pang ibig matawa. ano kaya ang dinamdam niyat naghinagpis ng katakottakot ng gabing yaon?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi naman siya malalayo, maaaring dalawin sa tuwing makalawa ang bahay; makikita siya ng kaniyang lelong, at tungkol naman kay basilio ay malaon ng alam ang masamang lakad ng usap ng kaniyang ama, kayat madalas na sabihin sa kaniya na: pag akoy naging mediko at makasal na tayo ay hindi na kakailanganin ng ama mo ang kaniyang mga lupain. malaking kahangalan ang nagawa kong panggigipuspos! anya sa sarili samantalang inaayos ang kaniyang tampipi. at sa dahilang nasagi ng kaniyang mga daliri ang agnos ay inilapit sa kaniyang labi, hinagkan, ngunit kinuskos kaagad ang bibig dahil sa takot na mahawa; ang agnos na iyon na may brillante at esmeralda ay galing sa isang ketongin. kung magkagayon, kung siyay magkaroon ng gayong sakit, ay hindi na siya mag aasawa. sa dahilang nagliliwanag na at nakita ang kaniyang lelong na nakaupo sa isang sulok, na sinusundan ng tingin ang lahat ng kaniyang kilos, ay kinuha ang kaniyang tampipi ng damit at nakangiting lumapit upang humalik ng kamay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,benindisionan siya ng matanda na walang kaimikimik. pagdating ni tatay ay sabihin ninyong napasok din ako sa kolehiyo: ang panginoon koy marunong ng kastila. ito ang mura sa lahat ng kolehiyong makikita. at ng makitang napupuno ng luha ang mga mata ng matanda ay sinunong ang tampipi at matuling pumanaog sa hagdanan. ang kaniyang sinelas ay masayang tumutunog sa mga baitang na kahoy.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit ng lumingon upang tumanaw pang muli sa kaniyang bahay, ang bahay na kinapawian ng kaniyang kabataan, at kinasilangan ng kaniyang mga unang pangarap sa pagkadalaga; ng makita niyang malungkot, nagiisa, walang tao, sa mga durungawang nakalapat ng kaunti ay walang nakadungaw at madilim na gaya ng mga mata ng isang patay; ng madingig ang mahinang kaluskos ng kakawayanan at nakitang nangagduduyan dahil sa simuy sa umaga na waring nagsasabi sa kaniyang paalam, ay nawala ang kaniyang maliksing kilos, napahinto siya, ang kaniyang mga matay napuno ng luha at matapos magpatiupo sa isang sanga ng kahoy na nasa tabing daan ay umiyak ng kahapishapis. malaon nang nakaalis si huli at mataas ng lubha ang araw. si tandang selo ay nakadungaw at tinatanaw ang mga nakagayak na taong tungo sa bayan upang magsimba sa misa mayor . halos lahat ay may dala kayay kilik na batang lalaki batang babai na nabibihisang wariy tungo sa isang kapistahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kaarawan ng pasko sa pilipinas, ayon sa matatanda, ay pista ng mga bata; marahil ay hindi kasang ayon sa gayong akala ang mga bata, at mahihinalang kanila pang kinatatakutan ang araw na iyon. at gayon nga marahil, sapagkat ginigising silang maaga, linilinis, binibihisan at isinusuot sa kanila ang lahat ng kagayakang bago, mahal at mainam na mayroon sila, mga sapatos na sutla, malalakit malalapad na sombrero, damit na lana, sutla tersiopelo, kasama ang apat limang maliliit na kalmen na may dalang ebanhelio ni san juan, at matapos na mataglay ang lahat ng yaon ay dinadala sila sa misa mayor na kulangkulang sa isang oras ang haba, pinagtitiis sila ng init at singaw ng maraming taong nagkakasiksikan at nagpapawis, at kung hindi man sila pinagdadasal ng rosario ay kailangan naman nila ang huwag maglilikot, mayamot makatulog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa bawat kagaslawang makapagpapadumi sa damit ay isang kurot isang galit ang katugon; kayat hindi man sila tumatawa ni naggagalak at nababasa sa kanilang mga mata ang pag aalaala sa lumang kamisola na pang araw araw at ang pag tutol sa tungkol may burda. matapos yaon ay dinadala sila sa mga bahay bahay ng mga kamag anakan upang humalik ng kamay; doon ay kailangan nila ang magsayaw, umawit at sabihin ang lahat ng ikatutuwang nalalaman, sa ibig man sa ayaw, suot hindi man ang kanilang masisikip na bihis, na kasama rin ang kurot at galit pag sumuway gumawa noong bagay na di iniuutos sa kanila. binibigyan sila ng kualta ng mga kamag anak, ngunit karaniwang hindi man nila masilip pagkatapos, sapagkat kinukuha ng kanilang mga magulang. ang tanging bagay na kanilang napapala sa mga kapistahang yaon ay ang mga bakas ng kurot na tinuran, ang mga kasikipan at madalas pay isang pagkasira ng sikmura dahil sa pagkabundat sa matamis biskotso sa bahay ng mga kamag anak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapway yaon ang kaugalian at ang mga batay pumasok sa kabuhayan sa gayong paraan, na sa isang dakoy siyang pinaka hindi malungkot, ang pinaka lalong hindi mahirap sa kabuhayan ng mga taong yaon. ang mga taong may kagulangan na, may sarili nang pamumuhay, ay nakakalahok din sa kapistahang ito. dumadalaw sa kanilang mga magulang at mga minama, iluluhod ang isang paa at babatiin ng magandang pasko: ang kanilang aginaldo ay isang matamis, isang bungang kahoy, isang basong tubig isang munting handog na walang halaga. napagmamasdan ni tandang selo ang pagdaraan ng kaniyang mga kaibigan at malungkot na iniisip na wala siyang maibibigay na aginaldo sa kangino man ng taong iyon at ang kaniyang apo ay umalis na walang taglay na aginaldo at hindi man lamang siya nabati ng magandang pasko. isa kayang kahinhinan iyon ni huli isang pagkalimot lamang?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang sinalubong ni tandang selo ang mga kamag anakang dumating na dala ang kanikanilang mga anak ay hindi makabigkas ng anomang salita, kayat sa sarili niyay namangha; walang nangyari sa pagpupumilit, hindi nakabanggit ng isa mang sabi. pinigilan ang kaniyang lalamunan, pinailing ang ulo, hindi rin maari! nagnasang tumawa at ang kaniyang mga labi ay kumimbot lamang! ang tanging napalabas sa kaniyang bibig ay isang ipit na tunog na kagaya ng sa hungkoy. gulilat na nangagkatinginan ang mga babai. ang sigawang balot ng sindak at nangagkagulo. ang balita ng gayong kasawian ay dumating sa bayan; kinahabagan ng ilan at kinibit na lamang ng iba ang kanilang balikat. walang may kasalanan sa pangyayaring yaon at ang sino may walang masisisi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ni hindi man namilig ang teniente ng guardia sibil; tumanggap siya ng utos na samsamin ang lahat ng armas, at siyay tumupad sa kaniyang katungkulan; inuusig niya ang mga tulisan kailan mat magagawa ang gayon, at ng bihagin si kabisang tales ay linakad niya agad ang pag uusig at inauwi niyang baliti sa bayan ang lima anim na taong bukid na kaniyang pinaghinalaan, at kung hindi napasipot si kabisang tales ay sapagkat wala sa bulsa ni sa balat ng mga hinuli na pinakaigihan sa palo. kinibit ng uldog na tagapangasiwa sa hacienda ang kaniyang balikat. wala siyang pakialam sa bagay na iyon; kagagawan ng tulisan! at siyay tumutupad lamang sa kaniyang katungkulan. tunay ngang kung hindi siya nagsumbong ay hindi marahil sinamsam ang mga armas at hindi marahil nabihag si kabisang tales: ngunit siya, si fr. clemente, ay kailangan niya ang mag ingat at ang tales na iyon ay may isang tinging wariy humahanap ng dakong patatamaan sa kaniyang katawan. ang pagsasanggalang sa sarili ay katwiran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung may tulisan man ay hindi niya kasalanan; hindi niya katungkulan ang umusig: katungkulan iyon ng guardia sibil. kung si kabisang tales ay namalagi sa kaniyang tahanan at hindi naglibot sa kaniyang mga lupain ay hindi sana nabihag. yaon ay isang parusa ng langit sa lahat ng mga lumalaban sa mga utos ng kaniyang corporacion. nabatid ni hermana penchang, ang matandang mapanatang pinaglilingkuran ni huli, ang nangyari: bumigkas ng dalawa tatlong susmariosep! nag angtanda at nagsabing: kung kaya tayo pinadadalhan ng dios ng ganyang parusa, sa kadalasan, ay dahil sa tayoy makasalanan kayay mayroon tayong mga kamag anak na makasalanan na dapat sanang turuan natin ng kabaitan, ngunit hindi natin ginawa. sa pagsasabi nang kamag anak na makasalanan ay si huli ang tinutukoy; sa ganang sarili ng matanda ay lubhang makasalanan si huli. sukat ba namang ang isang dalagang maaari ng mag asawa ay hindi pa marunong magdasal! jesus, anong laking pagkakasala!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dapat ba namang bigkasin ng tunggak na iyon ang dios te salve maria ng hindi humihinto sa es contigo at ang santa maria ay walang patlang sa pecadores na gaya ng ginagawa ng sino mang mabuting kristiana na may takot sa dios? susmariosep! hindi nakaaalam ng oremus gratiam at ang sinasabiy mentibus at hindi mentibus ang sino mang makakadingig sa kaniya ay mag aakalang ang sinabiy suman sa ibus . susmariosep! at nag aantandang wariy di mapalagay at nagpapasalamat sa dios na pinayagang mahuli ng tulisan ang ama upang maalis sa pagkakasala ang anak at matuto ng kabaitan, na alinsunod sa sabi ng kura, ay dapat taglayin ng bawat babaing kristiana. at dahil ditoy kaniyang pinipigil, hindi pinadadalaw sa nayon upang kalingain ang nuno. kailangan ni huli ang mag aral, magdasal, basahin ang mumunting aklat na ikinakalat ng mga prayle at gumawa hanggang sa mabayaran ang dalawang daan at limang pung piso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang maalamang tumungo si basilio sa maynila upang kunin ang salaping naiipon at ng matubos si huli sa bahay na pinaglilingkuran, ay inakala ng babai na ang dalagay masasawi na at pakikiharapan ng diablo na mag aanyong kagaya ni basilio. kahit na nakaiinip, ay lubhang makatwiran iyong munting aklat na ibinigay sa kaniya ng kura! ang mga binatang tumutungo sa maynila upang mag aral, ay nangaliligaw at nangliligaw pa ng iba. at sa pag aakalang inililigtas niya si huli ay ipinag uutos dito na basahing mulit muli ang aklat ni tandang basio makunat at pinapaparoon sa bahay pari upang makipagkita sa kura, na kagaya ng babaing pinakakapuri ng prayleng kumatha. samantala namay nagsasaya ang mga prayle; nanalo na sila sa usapin at sinamantala ang pagkakabihag kay kabisang tales upang ibigay sa humingi ang mga lupain nito na walang munti mang karangalan, ni walang kahiyahiya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang dumating ang dating mayari at nabatid ang mga nangyari, ng makitang inaari ng iba ang kaniyang mga lupain, yaong mga lupaing naging sanhi ng ikinamatay ng kaniyang asawat anak; nang matagpuang pipi ang kaniyang ama, ang kaniyang anak ay naglilingkod na parang alila, at tumanggap pa ng isang utos, na bigay ng tininti sa nayon, upang alisin ang mga laman ng bahay at iwan ito sa loob ng tatlong araw, ay umupo si kabisang tales sa piling ng kaniyang ama at hindi man halos nangusap sa boong maghapon. kinabukasan, sa gitna ng pagkakamangha ng boong nayon, ay nakituloy sa bahay ni kabisang tales ang manghihiyas na si simoun na may kasamang dalawang bataan na may pasang malalaking takba na nababalutan ng lona. sa gitna ng kaniyang pagdadalita ay hindi nalilimutan ni tales ang magandang ugali ng tagarito, kayat nagugulumihanan sapagkat wala siyang sukat maihandog sa dayuhang yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapway may taglay nang lahat ng bagay si simoun, mga alila at kakanin, at wala siyang nais kun di ang manirahan ng isang gabit isang araw sa bahay na iyon, sapagkat siyang pinakamalaki sa nayon at sa dahilang napapagitna sa san diego at sa tiani, mga bayang inaakala niyang may maraming mamimili. inusisa ni simoun ang kalagayan ng mga daan at itinanong kay kabisang tales kung sukat na ang kaniyang rebolber upang makapagtanggol sa mga tulisan. may mga baril na malayo ang abot ang sabi ni kabisang tales na natatanga. hindi na pahuhuli ang rebolber na ito ang sagot ni simoun na nagpaputok, na ang pinatamaan ay isang punong bunga na may dalawang daang hakbang ang layo. namalas ni kabisang tales ang pagkahulog ng ilang bunga, ngunit hindi umimik at nagpatuloy sa pag iisip.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"unti unting dumadating ang mga taong akay ng kabantugan ng mga hiyas na dala ng mag aalahas: isat isay nagbabatian ng maligayang pasko, nangag uusap ng tungkol sa misa, mga santo, masamang ani, ngunit gayon man ay gugugulin ang kanilang naiipon sa pagbili ng mga bato at mga bagay bagay na galing sa europa. balitang balita na ang mag aalahas ay kaibigan ng capitan general at hindi magiging isang kalabisan ang pakikipagkilala sa kaniya dahil sa mga bagay na baka mangyari. si kapitang basilio ay dumating na kasama ang kaniyang asawa, ang kaniyang anak na si sinang at ang kaniyang manugang, na nangahahandang gumugol ng hindi bababa sa tatlong libong piso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"naroroon si hermana penchang upang bumili ng isang singsing na brillante na ipinangako niya sa birhen sa antipolo; iniwan niya sa bahay si huli na isinasaulo ang isang munting aklat na nabili niya ng dalawang kualta sa kura; ang arsobispo ay nagbibigay ng apat na pung araw na indulgencia sa sino mang bumasa makadingig ng pagbasa ng aklat na iyon. ang sabi ng mabait na mapanata kay kapitana tika ang kaawa awang batang iyan ay lumaki ditong wariy kabuting itinanim ng tikbalang!. may makalimang pung ipinabasa ko ng malakas ang aklat ngunit walang naisaulo ni bahagya; waring isang buslo ang ulo, na, puno lamang samantalang nasa sa tubig. marahil ay hindi lamang dalawang pung taong indulgencia ang aming tinamong lahat, sampu ng asot pusa sa pakikingig sa kaniya. inihanda ni simoun sa mesa ang dalawang takba na kaniyang dala: ang isay malakilaki kay sa isa. marahil ay ayaw kayo ng hiyas na double ni batong huwad lamang. itong ali ang sabing tinukoy si sinang ay brillante marahil ang ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iyan nga po, mga brillante at mga matatandang brillante, mga matatandang bato ha po? ang sagot ang magbabayad ay si tatay at ibig niya ang mga matatandang bagay, mga bato sa una. kung gaano ang pagbibiro ni sinang sa kakaunti at masama pang latin na nalalaman ng kaniyang asawa ay gayon din naman ang sa maraming latin na nalalaman ng kaniyang ama. sadya nga pong mayroon akong mga hiyas na lubhang matatanda ang sagot ni simoun, na inalis ang balot ng munting takba. yaoy isang sisidlang bakal, na patalim na kininis, at maraming palamuting bronse at mga matitibay at pasuotsuot na panara. mayroon po akong mga palamuti ng liig ni cleopatra, mga sadyang tunay, na nakuha sa mga piramide, mga singsing ng mga senador at mga ginoong romano na nakuha sa mga labing muog ng cartago. marahil ay ang mga ipinadala ni anibal ng matapos ang labanan sa cannes! ang sabing walang kapingaspingas na biro at lipus kagalakan ni kapitang basilio.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mabuting ginoo natin, kahit na nakabasa ng maraming kasulatan na ukol sa matatandang kapanahunan ay hindi pa nakakikita ng mga bagay bagay ng panahong iyon dahil sa walang museo dito sa pilipinas. may dala rin ako ritong mga mahahalagang hikaw ng mga marangal na babaing romana, na nakuha sa bahay liwaliwan ni antonio mucio papilino sa pompeya. iginagalaw ni kapitang basilio ang kaniyang ulo, na ang ibig sabihin ay alam niya ang mga bagay na tinuran, at ninanasa niyang mamalas kaagad ang mga mahahalagang labing iyon. sinasasabi naman ng mga babai na ibig nilang magkaroon ng galing sa roma, mga kuwintas na benenditahan ng papa, mga reliquias na nakapagpapatawad ng mga kasalanan na hindi na kailangan ang mangumpisal, at ibp. nang mabuksan ang takba at maalis ang bulak na panakip, ay namalas ang isang lalagyang puno ng singsing, agnos, guardapelo krus, alpiler, at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga brillante na sinaglitan ng mga batong may sarisaring kulay ay kumikinang at nagniningning sa gitna ng mga bulaklak na ginto na ibat iba ang kulay, may gisuk na esmalte at may sarisaring liluk at kudya. inalis ni simoun ang bandeha at lumitaw ang isa namang puno ng mga kahangahangang hiyas na dapat ng makasiya sa pitong binibini sa pitong araw na sa kinabukasan ay magdadaos ng sayawang parangal sa kanila. ang ayos ay sarisari, mga pagkakasaglitsaglit ng mga bato at perlas na anyong mga hayuphayupang may mga kulay bughaw at balok na nanganganinag; ang mga sapiro, esmeralda, rubi, turkesa at brillante ay magkakasamang anyong tutubi, paroparo, panilan, pukyutan, uwang, ahas, himbubuli, isda, bulaklak, kumpol, at ibp. ; may suklay na ayos diadema, gargantilya, pamuti ng liig na perlas at brillante, na dahil sa kagandahan ay hindi tuloy napigil ng ilang dalaga ang isang pahangang inaku!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at si sinang ay napapalatak, kayat kinurot siya ng kaniyang inang si kapitana tika, sapagkat baka lalong mahalan ng mag aalahas ang dalang lako. patuloy pa rin si kapitana tika sa pagkurot sa kaniyang anak kahit may asawa na. hayan po ang mga brillante sa una ang sabi ng mag aalahas ang singsing na iyan ay inari ng princesa lamballe, at ang mga hikaw na iyan ay sa isang dama ni maria antonieta. ang itinuroy ilang magagandang brillante na kasinglaki ng butil ng mais, ang kintab ay mangasulngasul, mainam, na waring taglay pa nila ang mga pangingilabot noong kapanahunang tinawag na mga araw ng hilakbot . ang dalawang hikaw na iyan! ang sabi ni sinang na ang tingin ay sa kaniyang ama at ipinagsasanggalang ng kamay ang bisig na nalalapit sa kaniyang ina. ibang lalo pang matatanda, ang mga romana ang sagot ni kapitang basilio na sabay ang kindat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"inisip ng mapanatang si hermana penchang na kung yaon ay ihandog niya sa birhen sa antipolo ay pahihinuhod at ipagkakaloob ang kaniyang pinakamasidhing hangad: malaon ng humihingi siya ng isang kababalaghang bunyag na kahalo ang kaniyang pangalan upang huwag nang mapawi ang pag aalala sa kaniya dito sa lupa, at pagkatapos ay magtuloy sa langit, gaya ni kapitana ines ng mga kura, kayat itinanong ang halaga. ngunit tatlong libong piso ang turing ni simoun. ang matandang babaiy nag angtanda . susmariosep! inilahad ni simoun ang pangatlong lalagyan. punongpuno ng mga orasan, kalupi, lalagyan ng posporo at mga agnos na pinamutihan ng brillante at maninipis na mumunting larawang esmalte. ang pang apat ay siyang kinalalagyan ng mga lagas na bato, at ng buksan, ay isang paghanga ang kumalat sa bahay; napapalatak na muli si sinang, kayat kinurut siya ng kaniyang ina, ngunit ito man ay nakabitiw din ng isang pahangang sus maria!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pang nakakikita ng gayong karaming kayamanan. sa kahong iyon, na may balot na tersiopelong bughaw na mangitimngitim, na may mga halang, ay namamakas ang katunayan ng mga pangarap sa isang libot isang gabi, ang pangarap ng mga salamisim sa kasilanganan. mga brillanteng kasinglaki ng mga garbansos na nagkikinangang nagtatapon ng kislap na nakasisira ng mata, na waring ibig matunaw mag alab sa kintab; mga esmeraldang galing sa peru na ibat iba ang tapyas at ayos, mga rubi sa india na mapupulang wariy patak ng dugo, mga sapiro sa ceylan na bughaw at puti, mga turkesa sa persia, perlas na makinis ang balat, na ang ilan sa kanilay namumulamula, mangabongabo at maitim. ang makabubulay ng anyo ng sisidlang iyon, ay yaong nakakita lamang sa gabi ng isang kuwitis na nagsabog ng mumunting liwanag na sarisaring kulay, na ang kinang ay nakapagpapalamlam sa mga walang kupas na bituwin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"waring upang lalong maragdagan ang pagkakamangha ng mga kaharap ay hinalohalo ni simoun ang mga bato ng kaniyang kayumanggi at mahabang daliri at waring naiigaya sa taginting at sa pagdudulasang wariy patak ng tubig na nagbibigay kulay sa bahag hari. ang kinang ng gayong maraming tapyas at ang kahalagahan nilay nakaaakit sa mga mata. si kabisang tales, na lumapit dahil sa nasang makakita naman, ay ipinikit ang mga mata at lumayong bigla na waring upang mapawi ang isang masamang akala. ang gayong karaming kayamanan ay waring nakaaalipusta sa kaniyang kahirapan; naparoon ang taong yaon na ipinagpaparangalan ang kaniyang malaking yaman sa kasunod pa naman ng araw na iiwan niya ang bahay na iyon dahil sa kakulangan sa salapi at sa sukat mag ampon. narito ang dalawang brillanteng itim na pinakamalaki sa lahat ang sabi ng mag aalahas mahirap tapyasan, sapagkat napakatitigas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang batong ito na may kaunting kulay pula ay brillante rin, gayon din naman itong berde na marami ang nag aakalang esmeralda raw. tinawaran na iyan sa akin, ng anim na libong piso, ng insik na si quiroga upang ibigay sa isang senora na malakas ang kapit. at hindi pa ang mga kulay dahon ang pinakamahal sa lahat, kungdi itong mga bughaw. at ibinukod ang tatlong bato na hindi naman lubhang malalaki ngunit lubhang makakapal at mabuti ang pagkakatapyas, na may kaunting kulay bughaw. kahit na mumunti iyan kay sa mga kulay dahon ang patuloy ay ibayo ang halaga. tingnan ninyo ito na pinakamaliit sa lahat, na ang timbang ay hindi hihigit sa dalawang kilatis, nabili ko ng dalawang pung libong piso at ngayoy hindi ko maibibigay ng kulang sa tatlong pung libo. upang mabili ko lamang iyan ay linakbay ko pang sadya. itong isa na nakuha sa mina sa golconda ay tatlong kilatis at kalahati ang timbang at ang halagay higit sa anim na pung libo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tinatawaran sa akin iyan ng labing dalawang libong libras esterlinas nang virrey sa india, sa pamag itan ng isang sulat na tinanggap ko kamakalawa. sa harap ng gayong karaming kayamanan na naipon sa kamay ng taong iyon, na palagay na palagay kung mangusap, ay nagdaramdam ng wariy paggalang na may halong sindak ang mga naroroon. makailang pumalatak si sinang at hindi siya kinurot ng kaniyang ina, sapagkat natutubigan marahil kayay sa dahilang inaakala niya na ang isang mag aalahas na kagaya ni simoun ay hindi magnanasang magtubo ng limang piso pa, humigit kumulang, dahil sa isang bulalas na hindi napigil. ang lahat ay nakatingin sa mga bato, walang nagpapamalas ng nasang humipo, nangatatakot. natitigilan sila dahil sa pagkakamangha. si kabisang tales ay sa kaparangan nakatanaw at iniisip na ang isa lamang sa mga brillanteng iyon, ang pinakamunti marahil, ay sukat ng maitubos sa kaniyang anak, huwag maiwan ang bahay at marahil ay maipagpagawa ng ibang bukid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"diyatat ang isa lamang sa mga batong iyon ay mahalaga pa kay sa tahanan ng isang tao, sa ikaliligtas sa panganib ng isang dalaga, sa kapayapaan ng isang matanda sa kaniyang mga huling araw! at dahil sa waring nahuhulaan ni simoun ang kaniyang iniisip ay sinabi sa mga kaharap na magkakaanak na: at tingnan ninyo, tingnan ninyo; dahil lamang sa isa sa mga maliliit na batong bughaw na ito, na waring walang kamalaymalay at di makasasama sa kangino man, malinis na waring buhanging natanggal sa langit, sa isa lamang nito na ihandog sa ukol na panahon ay nagawa ng isang tao ang ipatapon ang kaniyang kagalit, isang magulang na may inaampong mga kaanak, na wariy nanggulo sa bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at dahil sa isang munting bato pang gaya nito, mapulang wariy dugo ng puso, gaya nang nasang paghihiganti at kumikislap na gaya ng luha ng mga ulila ay binigyang laya, ang taoy nakauwi sa kaniyang tahanan, napagbalikan ng ama ang kaniyang mga anak, ng asawa ang kaniyang kabiyak ng puso, at marahil ay nailigtas ang isang boong mag aanak sa isang maralitang sasapitin. at samantalang tinatapiktapik ang sisidlan: mayroon ako dito, gaya ng nasa tataguan ng mga manggagamot ang patuloy sa wikang tagalog na hindi tumpak ang buhay at ang kamatayan, ang lason at lunas, at sa isang dakot na ito ay magagawa ko ang lunurin sa luha ang lahat ng tao dito sa pilipinas! ang lahat ay sindak na napatingin sa kaniya sa pagkat nababatid nilang tunay ang sinasabi. sa boses ni simoun ay napupuna ang isang kakaibang tingig at matalas na tingin ang wariy namumulas sa kaniyang salaming bughaw sa mata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"waring upang maputol ang pagkakamangha ng mga taong iyon sa pagkamalas sa mga batong nakita, ay itinaas ni simoun ang bandeha at inilantad ang ilalim na pinagtataguan ng sancta sanctorum . mga sisidlang balat sa rusia, na hiwahiwalay dahil sa mga halang na bulak ang siyang pumupuno sa kailalimang ang balot ay tersiopelong mangabongabo ang kulay. lahat ay nag aantay na makakikita ng mga kahangahanga. inaantay ng asawa ni sinang na makakita ng mga karbungko, mga batong nag aapoy at kumikinang sa gitna ng kadiliman. si kapitang basilio ay nasa pinto ng kabantugan; makakikita ng bagay na may katuturan, bagay na katunayan, ang katawan ng kaniyang mga laging pinangarap. ang pamuting ito sa liig ay kay cleopatra ang sabi ni simoun at maingat na kinuha ang isang kahang lapad na ang ayos ay kalahating buwan isang hiyas na hindi mahahalagahan, isang bagay na nararapat lamang ilagay sa mga museo, sa mga pamahalaang mayayaman lamang nauukol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"yaon ay isang wariy kolyar na binubuo ng ibat ibang palawit na ginto na mga ayos anitong uwang na kulay dahon at bughaw, at sa gitnay may isang ulo ng buitre na gawa sa bato, na ang kilabot ay katangitangi, na napapagitna sa dalawang pakpak na nakabuka, sagisag at hiyas ng mga haring babai sa ehipto. nang makita ni sinang ay ikinimbot ang ilong at ngumuwing paalipusta na wariy bata, at si kapitang basilio kahit na may malaking hilig sa mga lumang ari ay hindi nakapigil ng isang aba! na anak ng hindi kasiyahang loob sa nakita. isang mainam na hiyas na naingatang mabuti, kayat mayroon nang dalawang libong taon ang tanda. ang sabing agad ni sinang upang huwag mahulog sa tukso ang kaniyang ama at nang huwag bilhin. ang sabi nito, na napigil ang kaniyang hindi kasiyahang loob na una ano ang malay mo kung umalinsunod sa kolyar na iyan ang kalagayan ngayon ng kabuhayan ng tao? sa pamag itan niyan marahil ay nasilo ni cleopatra si cesar, si marco antonio.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iyan ay nakadingig ng mga panunumpa sa pag ibig ng dalawang lalong bantog na bayani sa kanilang kapanahunan, iyan ay nakadingig ng mga banggit na lubhang ayos at malinis na wikang latin, at maanong magamit mo na lamang siya! ni hindi ko pa iyan tawaran ng tatlong piso! kahit na dalawang puy matatawaran, gonga ang sabing animoy may pagkabatid ni kapitana tika mabuti ang ginto at maaaring gawing ibang hiyas kung tunawin. itoy isang sinsing marahil ni sila ang patuloy ni simoun. ang sinsing ay maluwang, buo ang ginto at may isang tatak. iyan marahil ang tatak na itinitik sa mga kahatulang pagpatay noong siya ang nag uutos ang sabing namumutla sa pagkatigagal ni kapitang basilio. at tinangkang siyasatin at hulaan ang ibig sabihin ng tatak, datapway kahit nagpilit at pinihit pihit ay wala siyang nabasa, sa dahilang hindi siya maalam ng paleografia . napakalalaki ang daliri ni sila! ang sabi tuloy masusuot na ang dalawang daliri ng sino man sa atin; sinasabi ko na nga, tayoy pumapaurong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mayroon pa akong mga ibang hiyas dito. kung lahat ay kaayos niyan ay salamat! ang sagot ni sinang ibig ko na ang mga bago. ang bawat isay pumili ng isang hiyas, may kumuha ng isang singsing, may isang orasan, may isang guardapelo. ang binili ni kapitana tika ay isang agnos na may kaputol ng bato na nadiinan ng ating poong jesucristo sa ikatlong pagkakadapa; si sinang ay isang hikaw at si kapitang basilio ay ang tali ng orasang pabili ng alperes, ang mga hikaw ng babai na pabili ng kura at iba pang bagay na panghandog: ang iba namang magkakaanak na taga tiani ay bumili rin ng hanggang may ibibili upang huwag mahuli sa mga taga san diego. si simoun ay namimili rin naman ng mga lumang hiyas, nakikipagpalitan, kayat dinala roon ng mga mapag impok na ina ang mga hiyas na hindi na nila magamit. at kayo, wala po ba kayong ipagbibili? ang tanong ni simoun kay kabisang tales, dahil sa nakitang minamalas nitong may taglay na inggit ang mga pagbibili at pagpapalitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sinabi ni kabisang tales na ang mga hiyas ng kaniyang anak ay naipagbili na at ang mga natitira ay mga walang halaga. at ang agnos ni maria clara? ang tanong ni sinang. ang bulalas ng lalaki, at biglang kuminang ang paningin. yaon ay isang agnos na may brillante at esmeralda ang sabi ni sinang sa mag aalahas na ginamit ng aking kaibigan bago magmongha. si simoun ay hindi sumagot; sinundan ng tingin si kabisang tales. matapos mabuklat ang ilang kahon ay natagpuan ang hiyas. pinagmasdang mabuti ni simoun, makailang binuksan at isinara; yaon nga ang agnos na suot ni maria clara noong pista sa san diego, na sa pagkahabag ay ibinigay sa isang ketongin. ibig ko ang pagkakaayos ang sabi ni simoun sa magkano po ninyo pagbibili? kinamot ni kabisang tales ang kaniyang ulo, na hindi maalaman kung ano ang gagawin, kinamot ang tainga at pagkatapos ay tumingin sa mga babai. naiibigan ko ang agnos na iyan ani simoun ibig baga ninyong ibigay sa isang daan. limang daang piso?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ibig ninyong ipagpalit ng iba? pumili kayo ng inyong ibig. si kabisang tales ay walang imik at nakamulalang pinagmamasdan si simoun na wariy alinlangan sa kaniyang nadidingig. limang daang piso? limang daan ang ulit ng mag aalahas na nabago ang boses. kinuha ni kabisang tales ang agnos at pinihitpihit; malakas na tumitibok ang kaniyang palipisan, ang kaniyang mga kamay ay nanginginig. kung humingi pa kaya siya ng lalong malaki? makapagliligtas sa kanila ang agnos na iyon: ang pagkakataong iyon ay mainam at hindi na mangyayaring muli. kinikindatan siya ng mga babai upang ipagbili na, tangi lamang si penchang, na, sa pangangambang baka tubusin si huli, ay nagwikang: kung akoy pakakaingatan ko iyang wari relikias. ang mga nakakita kay maria clara sa kombento ay nagsasabing namalas nilang payat na payat na hindi halos makapagsalita, kayat inaakalang mamamatay na banal. salvi, sapagkat siya niyang pinagkukumpisalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"baka dahil doon kung kaya hindi iyan ipinagbili ni huli at pinili pa ang masangla siya. ang pahiwatig na itoy nagkakabuluhan. nakapigil kay kabisang tales ang pagkaalaala sa kaniyang anak. kung ipahihintulot ninyo anya ay tutungo ako sa bayan at isasanguni ko sa aking anak; babalik ako rito bago magtakipsilim. nagkasundo sila sa gayon at pumanaw noon din si kabisang tales. ngunit ng nasa labas na siya ng nayon, ay natanaw niya sa malayo, sa isang landas na tungo sa kagubatan, ang prayleng nangangasiwa sa hacienda at ang isang taong nakikilala niyang siyang kumuha ng kaniyang mga lupain. ang pagkagalit ng isang lalaking nakakita sa kaniyang asawa na pumapasok na kaakbay ng ibang lalaki sa isang silid na lihim ay hindi papantay sa sulak ng galit ni kabisang tales sa pagkakakita sa dalawang iyon na patungo sa kaniyang bukid, sa mga bukid na kaniyang ginawa at inasahan niyang maipamamana sa kaniyang mga anak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa wari niyay nagtatawanan ang dalawang iyon, linilibak siya sapagkat walang magawa; pumasok sa kaniyang alaala ang sinabing: hindi ko ibibigay kung di sa dumilig muna sa kanila ng sariling dugo at ilibing sa kanila ang asawat anak. napahinto, hinaplos ng kamay ang noo at ipinikit ang mga mata; ng muling dumilat ay nakitang namimilipit sa katatawa ang taong iyon at sapol ng prayle ang kaniyang tiyan upang huwag pumutok sa katuwaan; at pagkatapos ay nakita niyang itinuro ang kaniyang bahay at muling nangagtawanan. naghumugong ang kaniyang tainga, naramdaman sa kaniyang palipisan ang higing ng isang hagkis, ang ulap na pulay sumipot na muli sa kaniyang paningin, muling namalas ang katawang bangkay ng kaniyang asawat anak at sa kapiling ay ang lalaki at ang prayleng nagtatawa na pigil ang tiyan. nalimot niya ang lahat, lumiko at tinungo ang landas na linalakaran ng lalaki at ng prayle; yaon ang landas na tungo sa kanyang bukirin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si simoun ay nabagot sa kaaantay kay kabisang tales sa gabing yaon. nang magising siya kinabukasan ay napunang ang supot na katad na kinalalagyan ng kaniyang rebolber ay walang laman; ng kaniyang buksan ay nakakuha sa loob ng kaputol na papel na kinababalutan ng agnos na may esmeralda at brillante at kinasusulatan ng ilang salita sa wikang tagalog, na ang sinasabi ay: ipagpatawad po ninyo, ginoo, na kahit nasa aking bahay ay pagnakawan ko kayo: ngunit ang pangangailangan ay siyang nag udyok sa akin, ngunit iniwan kong kapalit ng inyong rebolber ang agnos na pinakananasa ninyo. kailangan ko ang armas at makikisama na ako sa mga tulisan. ipinagbibilin ko sa inyong huwag ipagpatuloy ang inyong lakad, sapagkat sa dahilang wala na kayo sa aking bahay, ay hihingan namin kayo ng malaking tubos pag kayoy aming nabihag. natagpuan ko rin ang taong aking hinahanap! ang bulong ni simoun may kaunti pang balisa. ngunit lalong mabuti; matututong gumanap sa kaniyang ipangako.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ipinag utos sa kaniyang alila na tumungo sa los banos na sa dagat dagatan magdaan at dalhin ang malaking maleta, at doon siya hintin, sapagkat siyay sa katihan magdaraan na dala ang kinalalagyan ng mga batong mahahalaga. ang pagdating ng apat na guardia sibil ay lalo pang nakagalak sa kaniya. huhulihin ng mga sibil si kabisang tales, ngunit sa dahilang hindi nakita ay si tandang selo ang dinala. tatlong patayan ang nangyari sa gabing yaon. ang praileng nangangasiwa sa hacienda at ang bagong hahawak ng mga lupa ni kabisang tales ay nangatagpuang patay, basag ang ulo at may sumpal na lupa sa bibig, sa kalapit ng mga lupain nito; sa bayan, ang asawa ng bagong mag aari ng lupa na pinatay ay patay ding inumaga, na puno rin ng lupa ang bibig at pugot ang ulo, at may kasiping na papel na kinasusulatan ng pangalang tales na ang ipinanulat ay daliring isinawsaw sa dugo. manahimik kayo, mapapayapang taga kalamba!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa inyoy walang nagngangalang tales, sino man sa inyoy hindi siyang nakagawa ng kasalanan! ang mga pangalan ninyoy luis habana, matias belarmino, nicasio eigasani, cayetano de jesus, mateo elejorde, leandro lopez, antonino lopez, silvestre ubaldo, manuel hidalgo, paciano mercado, kayo ang boong bayan ng kalamba!. lininis ninyo ang inyong mga bukirin, ginugol ninyo sa kanila ang boong buhay, ang mga naimpok, mga pagpupuyat, pagtitipid, at pagkatapos ay inalis sa inyo, pinalayas kayo sa inyong mga tahanan at ipinagbawal sa iba ang kayoy patuluyin! hindi pa nasiyahang lapastanganin ang katwiran kundi niyurakan sampu ng mga banal na kaugalian ng inyong bayan. naglingkod kayo sa hari at sa espana, at ng sa ngalan nilay pinag usig ninyo ang katwiran ay itinapon kayot sukat ng hindi man linitis, inilayo kayo sa yakap ng inyong mga asawa at sa halik ng inyong mga anak. mahigit sa tiniis ni kabisang tales ang tiniis ng bawat isa sa inyo, ngunit gayon man, ay wala sa inyong naghiganti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi nagkaroon sa inyo ng lingap ni kaawaan at pinag usig pa kayo hangang sa kabilang buhay, gaya ng ginawa kay mariano herbosa. lumuha kayo matuwa sa mga liblib na pulong iyong linalagalag nang hindi alam ang sasapitin! kinakandili kayo ng espana, at sa malaot madali ay tatamuhin ninyo ang katwiran! ang kataastaasang capitan general at namamahala sa kapuluang pilipinas ay nangaso sa busobuso. ngunit sa dahilang may abay na isang bandang musika (sapagkat ang gayong kataas na taoy hindi dapat mahuli sa mga santong kahoy na ipinagpuprusisyon) at sa dahilang ang pagkagiliw sa di matingkalang arte ni sta. cecilia ay hindi pa laganap sa ugali ng mga usa at baboy damo sa busobuso, ay walang nahuli ni isa mang daga, ni ibon, ang general na may kasamang banda ng musika at kaalakbay na mga prayle, mga militar at mga kawani.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"inakala na ng mga may kapangyarihan sa lalawigan na may maaalis sa katungkulan kayay malilipat; ang mga kaawaawang kapitan sa bayan at mga kabisa ay hindi nangapalagay at hindi nangakatulog sa panganganib na baka masumpungan ng maalindog na mangangaso ang ipalit sila sa mga hayop sa gubat na hindi marunong umalinsunod, gaya ng ginawa na ng isang alcalde noong mga nakaraang araw na napapasan sa tao, sa boo niyang paglalakbay, sapagkat walang mabait na kabayong maaasahang hindi magbabagsak sa kaniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may isang balitang kumalat na mayroon ngang gagawin ang general sapagkat ang gayong pangyayari umano ay isang simula ng paghihimagsik na dapat sugpuin kaagad: na ang isang pangangasong walang nahuli ay makasisira sa karangalan ng mga kastila, at ibp., at humanap na tuloy ng isang kahabaghabag na taong papagsusuutin ng suot usa, nang sinabi ng general (sa udyok ng isang pagkahabag na hindi natimbangan ni ben zayb ng salitang pagpuri) at pinawi ang lahat ng pangamba at sinabi, na siyay naaawang pumatay ng mga hayop sa gubat. kung ipagtatapat ay sadya ngang nasisiyahang loob ang general at inter se ay nalulugod siya, sa dahilang ano ang nangyari sana kung hindi tumama sa pagtudla sa isang usa na hindi nakababatid ng ugaling dapat ipamalas sa mga gayong kaparaanan? saan masasadlak ang karangalan ng nakapamamahala? isa ba namang capitang general ang hindi tumama na wariy bagong nangangaso! ano na lamang ang wiwikain ng mga indio, na, sa kanilay mayroon din namang ilang mabuting manudla?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"malalagay sa kapanganiban ang tibay ng inang bayan. yaon ang sanhi kung kayat ipinag utos ng general (na nakatawa ng tawang koneho at anyong mangangasong masama ang loob) ang pagbabalik kaagad sa los banos, at ipinaghambog, sa paglalakbay, ang kaniyang kagitingan sa pangangaso sa ganito gayong pangasuhan sa espana at waring ibig ipahiwatig ang pag alipusta niya sa mga pangangaso sa pilipinas, bagay na inaakalang kapit sabihin dahil sa nangyari; pse! ang paliligo sa dampalit (daang paliit), ang sigangan sa baybay ng lawa, ang paglalaro ng tresillo sa palasyo at pagdayo sa gayon ganitong kalapit na binubulusan ng tubig sa lawang kinalalagyan ng mga buwaya ay mainam pa kay sa roon at hindi pa mapapara ang karangalan ng inang bayan. nang isa sa mga huling araw ng buwan ng disiembre ay nakikipaglaro ng tresillo ang capitang general samantalang inaantay ang oras ng pananghalian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"katatapos pa lamang niyang maligo at pag inom ng isang basong sabaw at laman ng buko, kayat ang mga sandaling iyon ay siyang bagay samantalahin sa paghingi ng mga biyaya. isa pang nakapagpaparagdag sa kaniyang katuwaan ang pananalo, sapagkat pinupunyagi ni. sibyla, na kaniyang mga kalaban, ang lihim na pagpapatalo, samantala namang si. camorra ay nagngingitngit sapagkat, sa dahilang kararating pa lamang ng umagang yaon ay hindi niya batid ang mga pakanang iyon. sa dahilang pinagbubuti ng paring artillero ang pakikipaglaro ay namumula at napapakagat labi sa tuwing malilibang mamamali sa pagsugal si. sibyla, ngunit hindi siya makaimik dahil sa malaki niyang pag aalang alang sa dominiko; datapway si. irene naman ang pinagbubuntuhan niya ng galit, sapagkat ipinagpapalagay niyang mapagpusa at sa gitna ng kaniyang kabuhalhalan ay di binibigyang halaga. hindi man lamang siya tinitingnan ni. sibyla: binabayaan siyang mag uungol; datapwa si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"irene, sa dahilang mapakumbaba, ay humihinging tawad samantalang hinihimas ang tungkil ng mahaba niyang ilong. ang general naman ay nagagalak at sinasamantala ang pagkakamali ng kaniyang mga kalaban, sapagkat siyay mabuting magparaan, alinsunod sa payo ng kanonigo. camorra na ang pinaglalaruan sa ibabaw ng dulang na iyon ay ang ikalulusog ng pag iisip ng mga pilipino, ang pagtuturo ng wikang kastila, sapagkat kung nalalaman niya, ay malugod sanang nakihalo sa laruan . sa mga durungawang bukas ay pumapasok ang malinis at masarap na simoy at natatanaw ang lawa, na ang kaniyang tubig ay mahinhing bumubulong, sa paanan ng bahay, na waring nangangayumpapa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa dakong kanan, sa malayo, ay natatanaw ang pulong talim na lubhang bughaw; sa gitna ng lawa at halos katapat lamang ay may isang pulong kulay dahon, ang pulo sa kalamba, na walang tao at ang ayos ay waring kabiyak na buan; sa kaliwa, ang magandang pangpangin na nahihiyasan ng kakawayanan, isang bundok bundukang tanaw ang boong lawa, malalawak na bukirin, sa dako pa roon ay bubong na saga sa mga pagitan ng kulay na berdeng maitimitim ng mga dahon, pagkatapos ay ang bayang kalamba at sa huling dakong abot ng tanaw ay waring bumababa ang langit sa tubig ng lawa na anyong dagat, na siyang sanhing tawagin siyang dagat na tabang ng mga taga roon. sa isang dulo ng salas ay naroroon ang kalihim na nakaupo sa harap ng isang mesa na kinapapatungan ng ilang putol na papel. ang general ay masipag at hindi niya ibig ang mag aksaya ng panahon, kayat tinatapos ang ilang gawain samantalang nag aalkalde sa tresillo samantalang namimigay ng baraha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"samantala namang naglalaruan ay naghihikab at nabubugnot ang kalihim. ang ginagawa sa umagang iyon ay ang pagpapalitpalit ng bayang dapat kalagyan ng mga kawani, mga pag aalis sa katungkulan, pagpapatapon sa malayong lupa, pagbibigay ng biyaya at ibp., ngunit hindi pa dumarating sa malaking usapang inaantay ng lahat, ang ukol sa kahilingan ng mga nag aaral na pahintulutan silang makapagtayo ng isang academia ng wikang kastila. ang isang kawaning may mataas na katungkulan, si don custodio at isang prayleng nakatungo at waring may iniisip may kabigatan ang loob (. fernandez ang kaniyang pangalan) ay nangagtatalong marahan ang usapan, samantalang payaot dito sila sa dalawang dulo ng salas. sa isang silid na kalapit ay nadidingig ang tunog ng mga bola ng billar, tawanan, halakhakan, ang boses ni simoun; itoy nakikipagbillar kay ben zayb. si. camorra ay biglang nagtindig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si cristo na ang makisugal sa inyo, punales ang pabulalas na sabing kasabay ang paghahagis ng mga barahang nalalabi sa kaniya, sa ulo ni. irene punales! ang taya ay sigurong siguro na, kundi man ang codillo at natalo pa dahil sa tawag! si cristo na ang makisugal! at galit na galit na isinasalaysay sa lahat ng naroroon ang pangyayari, lalong lalo na sa tatlong naglalakad, na waring siyang ibig niyang pahatulin. sumusugal ang general, siya ay laban, may tiklop na si. irene: humatak siya sa espada at punales! hindi pinasunod ng kamoteng si. irene ang kaniyang masamang baraha. si cristo na ang makilaro! siyay hindi naparoon doon upang magpatalo ng salapi at durugin ang kaniyang ulo sa walang kapararakan. ang akala marahil ng neneng ito ang patuloy na namumula ay kinikita ko ang salapi ng papalikwatlikwat lamang. ngayon pa namang ang aking mga taoy nangagsisitawad na! at umuungol na tumungo sa kinalalagyan ng billar, na, hindi na pinakinggan ang mga hinging ipagpaumanhin ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"irene na nagtatangkang mangatwiran sa tulong ng paghaplos ng ilong. ibig po ba ninyong umupo,. masamang manglalaro ako ng tresillo ang sagot ng prayle. kung gayoy paparituhin si simoun ang sabi ng general eh! simoun, eh, mister! ibig baga ninyong makilahok sa isang laro? ano ang ipasisiya tungkol sa mga armas de salon? ang tanong ng kalihim na sinamantala ang pagkakahinto. dumungaw si simoun. ibig baga ninyong maupo sa lagay ni. camorra, ginoong simoun? irene ang itataya ninyoy brillante at hindi tantos. walang kailangan sa akin ang gayon ang sagot ni simoun na lumapit at ipinapagpag ang yeso na nasa kaniyang kamay at kayo ano ang inyong itataya? ano ba ang maitataya namin? sibyla ang general ay makatataya ng maibigang itaya, ngunit kami, mga pari, mga sacerdote. ang putol na pakutya ni simoun ang ibabayad ninyong dalawa ni. irene ay mga kaawanggawa, panalangin, kabaitan, ano? batid ninyong ang mga kabaitang taglay ng isat isa ang talad na walang halong biro ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sibyla ay hindi kagaya ng mga brillante na maaaring masalin sa ibat ibang kamay, ipagbili na sa isat ipagbili pa nito. yaon ay dala ng tao, mga bagay na hindi malalayo sa katawan. kung gayon ay papayag akong sa salita na lamang ninyo ako bayaran ang pakling masaya ni simoun kayo. sibyla sa bawat limang tantos na ibibigay ninyo sa akin ay sasabihin na lamang ninyo, sa halimbawa: lilimutin kong limang araw ang karalitaan, ang kababaang loob, ang pagkamasunurin. irene: lilimutin ko ang kalinisang ugali, ang pagkamahabagin, at ibp. nakita na ninyo na napakaunting bagay, at ako, ang ibibigay koy ang aking mga brillante. napakatanging tao itong si simoun, kung ano ano ang iniisip! ang sabing tumatawa ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at ito ang patuloy ni simoun na tinangki sa balikat ang general ang ibabayad nito sa akin sa bawat limang tantos ay isang vale na katimbang ng limang araw na pagkakabilanggo, sa isang solo ay limang buwan, sa isang codillo ay isang utos na pagpapatapon, na walang nakatalang pangalan, sa isang bola. ay isang utos sa guardia sibil na makabaril sa daan sa taong parurusahan, samantalang ipinaghahatiran, at ibp. ang hamon ay napakatangi. ang tatlong lalakadlakad ay nangagsilapit. ngunit ginoong simoun ang tanong ng mataas na kawani ano ang mahihita ninyo sa pananalo ng kabaitan sa bunganga, at mga buhay ng tao, mga pagpapatapon at mga pagpatay? bagot na ako sa kadidingig ng mga usapang tungkol sa mga kabaitan at nasa kong maipong lahat, ang lahat ng nakakalat sa mundo, na nakapasok sa isang supot upang itapon sa dagat kahit na kailanganing pamataw ang lahat ng aking brillante. sumpong din iyan! ang bulalas na tumatawa ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"irene at ano naman ang gagawin ninyo sa mga pagpapatapon at pagpapapatay? upang linisin ang bayan at pawiin ang lahat ng masasamang budhi. hangga ngayoy may galit pa kayo sa inyong mga tulisan, gayong mangyayaring hingan sana kayo ng lalong malaking tubos kinuha sana ang lahat ng inyong alahas. huwag naman kayong walang utang na loob! ipinamarali ni simoun na siyay hinarang ng mga tulisan, na pagkatapos siyang mapiging na isang araw, ay pinabayaan siyang magpatuloy ng lakad na walang hininging tubos kundi ang dalawa niyang rebolber na smith at ang dalawang kahang punglo na kaniyang dala. idinugtong pang ipinakukumusta raw sa kaniya ang capitan general. dahil doon at sa dahilang ibinalita ni simoun na ang mga tulisan ay maraming escopeta baril at rebolber at sa gayong mga taoy hindi maaaring makalaban ang nag iisa kahit na may sandata, ay lalagda ng bagong utos ang capitang general na ukol sa mga pistolas de salon upang maiwasan na ang mga tulisan ay magkaroon ng armas. huwag, huwag!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang tutol ni simoun sa ganang akin, ang mga tulisan, ay siyang mga taong lalong may karangalan sa lupaing ito; sila ang tanging kumikita ng ikabubuhay sa mabuting kaparaanan. inaakala ba ninyong kung akoy nahulog sa mga kamay. ninyo sa halimbawa, ay pakakawalan ba ninyo ako ng hindi kukunin ang kalahati man lamang ng aking mga hiyas? tututol sana si dn. custodio; tunay ngang isang amerikanong mulato na walang pinag aralan ang simoun na iyon, na sinasamantala ang pakikipag ibigan niya sa capitan general upang alimurahin si. tunay nga kung sa bagay na kung si. irene ang nakadakip sa kaniya ay hindi siya nakawala ng dahil sa gayong kaliit na bagay. sa ang kasamaan ay wala sa pagkakaroon ng tulisan sa mga bundok at kaparangan ang patuloy ni simoun ang kasamaan ay nasa sa mga tulisang bayan. na gaya ninyo ang dugtong na tumatawa ng kanonigo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"oo, gaya ko, gaya natin, tayoy mangagtapat; ditoy walang indio na nakadidingig sa atin, ang dugtong ng mag aalahas ang kasamaan ay nasa pangyayaring tayong lahat ay hindi mga tulisang hayag: kung itoy mangyari at manirahan na tayo sa gubat, sa araw na iyan, ay ligtas na ang bayan, sa araw na iyay sisibol ang isang bagong kalipunan na siya na sa sarili ang mag aayos. at sa gayon ay matiwasay nang makapaglalaro ng tresillo ang capitan general, na hindi siya kailangang linlangin ng kalihim. nang mga sandaling iyon ay naghihikab ang kalihim at nag iinat na itinataas sa ulo ang mga kamay at iniunat sa ilalim ng mesa ang mga paa niyang nagkakapatong. ang lahat ay nagtawanan ng siyay makita. pinutol ng general ang pag uusap at matapos na bitiwan ang barahang kaniyang sinusuksok ay nagwikang: siya, siya! siya na ang biruan at sugalan; gumawa tayo, pagbutihin natin ang gawa, kalahating oras pa ang kulang sa oras ng pagkain. marami bagang bagay ang kailangang lutasin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa araw na iyon pagtatalunan ang ukol sa pagtuturo ng wikang kastila, kayat may ilang araw nang naroroon si. batid nang ang una, sa dahilang siyay vice rector, ay laban sa panukala, at ang pangalawa ay kumakatig at kinakatigan naman ng condesa . ang tanong na naiinip ng general. hang hunghol ha maha hama he halon anang kalihim na tinimpi ang isang paghihikab. ipinagbabawal mula ngayon! ipagpatawad po ninyo, aking general, ang sabi ng mataas na kawani ipahintulot po sa akin ng inyong karangalan na sabihing sa alin mang bansa sa sangsinukob ay hindi ipinagbabawal ang mga armas de salon. ikinibit ng general ang kaniyang balikat. hindi tayo nakikigaya sa alin mang bansa sa mundo ang matigas na sabi ng general. kailan may nagkakatalo ang general at ang mataas na kawani, at sukat na ang isang pahiwatig nito upang ang unay magmatigas sa kaniyang balak. humanap ng ibang daan ang mataas na kawani. ang mga armas de salon ay sa mga daga at inahing manok lamang nakasasakit ang wika masasabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"na tayoy mga inahing manok? ang dugtong ng general na kinibit ang balikat at ano sa akin? ipinakilala ko nang hindi ako gayon. ngunit may isang bagay ang hiwatig ng kalihim may apat na buwan lamang ngayon, nang ipinagbawal ang paggamit ng armas, na pinatibayan sa mga mangangalakal na taga ibang bayan, na ang mga armas de salon ay may pahintulot. ikinunot ng general ang noo. datapway may kagamutan ang bagay na iyan ani simoun. walang kaliwagan. halos lahat ng armas de salon ay may anim na milimetro ang laki ng punglo, tangi lamang kung may ibang laki na ipinagbibili. pahintulutang ipagbili ang lahat ng mga walang anim na milimetro. pinuri ng lahat ang naisip ni simoun, tangi ang mataas na kawaning ibinulong kay. fernandez na iyon ay hindi tuwid, ni hindi pamamahala. ang guro sa tiani, ang patuloy ng kalihim samantalang binabasa ang ilang papel humihinging bigyan siya ng lalong malaking bahay upang. ano pang malaking bahay, sa mayroon na siyang sariling isang kamalig?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"camorra na nalimutan na ang tresillo at lumapit sa usapan. sira daw ang bubungan ang sagot ng kalihim at sa dahilang bumili siya ng mga mapa at cuadro sa sariling gugol, ay hindi mapabayaang ulanit arawin. ngunit wala akong pakialam sa mga bagay na iyan ang bulong ng general sa namamahala sa pangasiwaan humingi, sa pangulong pulong lalawigan, sa nuncio. ang masasabi ko sa inyo ang sabi ni. camorra ang maestrillong iyan ay isang filibusterillo na masama ang loob; akalain ba ninyong ipinagsasabi ng ereheng iyan na ang inililibing daw ng mainam na paglilibing at ang hindi ay magkaisa din kung mabulok! balang araw ay pagkukukutusan ko iyan, eh! at inianyong pasuntok ni. camorra ang kaniyang kamay. at sadya naman, ang wika ni. sibyla na waring walang kinakausap kundi si. irene na ang ibig mag turo ay maaaring magturo kahit saang dako, sa walang bahay: si socrates ay nagturo sa mga lansangang bayan, si platon ay sa mga halamanan ng akademo at si cristo ay sa mga kabundukan at karagatan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"marami akong karaingan ng maestrillong iyan ang sabi ng general na nakipagsulyapan kay simoun inaakala kong ang lalong mabuti ay alisin siya. ang ulit ng kalihim. ikinalungkot ng mataas na kawani ang kapalaran ng sawing taong iyon na humihingi ng abuloy at ang nakamit ay ang pagkaalis sa katungkulan, kayat tinangkang saklolohan. ang katotohanan ay ang sabing may panganganib na ang pag aaral ay hindi naaarugang mabuti. nagtakda na ako ng maraming halaga na ipamimili ng mga kailangan ang sabing mataas ng general, na waring ang ibig turan ay: gumawa na ako ng higit sa nararapat! ngunit sa dahilang walang bahay na sadya ay nangasisira ang mga kasangkapang binibili. hindi magagawang sabaysabay na lahat ang biglang putol ng general hindi mabuti iyang paghingi ng mga guro dito ng mabubuting bahay gayong ang mga guro sa espana ay namamatay ng gutom. kalabisan na iyang ibig pang humigit kay sa mga nasa inang bayan. filibusterismo!. una muna sa lahat ang inang bayan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"una muna ang ating pagkakastila! ang dugtong ni ben zayb na ang matay kumikinang dahil sa busog ng pag ibig sa tinubuang lupa, at namula ng kaunti dahil sa nakitang siyay napag isa. magmula ngayon ang sabi ng general ay alisin sa tungkol ang bawat dumaing. kung ang munakala ko lamang ay tatanggapin ang pasumalang sabi ni don custodio, na waring kinakausap ang sarili. ukol sa mga bahay paaralan? magaan, magagawa at walang gugol, na gaya ng lahat ng aking munakala, anak ng mahabang pagkamalas sa mga bagaybagay at pagkakilala sa lupaing ito. ang mga bayan ay magkakaroon ng paaralan na hindi paggugugulan ng pamahalaan. batid na ang bagay na iyan ang pakutyang sabi ng kalihim ipag utos sa mga bayang itayo sa tulong ng kanilang sariling gugol. ang lahat ay nagtawanan. hindi po, hindi po ang sigaw ni don custodio na nangupinyo at namula ang mga bahay ay nakatayo na at nag aantay lamang na gamitin. mabuti sa katawan, walang kapintasan at maaliwalas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga prayle ay may pangambang nagtinginan. ipalalagay kaya ni don custodio na gawing paaralan ang mga simbahan at mga kombento bahay pari? tingnan natin! anang general na ikinunot ang noo. napakadali, aking general ang tugon ni don custodio na umunat at ginamit ang malaking boses na kagamitan niya sa mga tanging pagpupulong ang mga paaralan ay bukas lamang sa mga araw na iginagawa at ang mga sabungan ay sa mga araw lamang ng pista. gawing paaralan ang mga sabungan kahit sa loob man lamang ng sanglinggong araw. bah, bah, bah! pumuslit na rin! ngunit kung ano ano ang naiisip ninyo don custodio! isang kahalakhalak na panukala! ang lahat ay nalulusutan nito! ngunit mga ginoo ang sigaw ni. custodio ng madingig ang gayong mga pabulalas magpakatino nga tayo, alin pa ang bahay na lalong agpang kay sa sabungan? malalaki, mabubuti ang pagkakayari, at wala namang kapararakan sa loob ng sanglinggo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at maging sa dako man ng maayos na ugali tingnan, ang aking panukala ay matatanggap; magiging isang panglinis at pagsisisi sa lingguhan ng sabungan. ngunit maminsanminsan ay may sabong sa boong sanglinggo ang pahiwatig ni. camorra at hindi dapat na yamang ang may pasabong ay nagbabayad sa pamahalaan ay. sa mga araw na iyan ay huwag magpaaral! anang general ang ganiyang kakilakilabot na bagay ay hindi mangyayari samantalang ako ang namamahala! hindi magpapaaral dahil sa nagsasabong! bah, bah, bah! magbibitiw na muna ako ng tungkol! at ang general ay lubha nga manding nasusulukasok. ngunit aking general, mabuti na ang mawala sa ilang araw kay sa buwanang mawala. iyan ay laban sa mabuting ugali! irene na lalo pa manding bugnot kay sa general. lalong laban sa mabuting ugali, ang pagkakaroon ng maiinam na bahay ang sugalan at ang paaralan ay wala. magpakatino tayo mga ginoo at huwag tayong paakay sa mga udyok ng kalooban.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"samantalang sa paggalang sa katauhan ay ibinabawal natin ang pagtatanim ng apian sa mga lupang ating nasasakop ay binabayaan naman natin ang paghitit, ang nangyayariy binabaka natin ang masamang hilig at namumulubi tayo. ngunit unawain ninyong iyan ay nagbibigay sa pamahalaan ng may apat na raat limang pung libong piso na walang anomang gawa ang tugon ni. irene na lalot lalo pang kumakampi sa pamahalaan. siya, siya na, mga ginoo ang sabi ng general na pinutol ang pagtatalo mayroon akong balak tungkol sa bagay na iyan at iniuukol ko ang aking pagninilay sa katalinuhang bayan. mayroon pa bang bagay na pagpapasiyahan? wariy natatakot na tiningnan ng kalihim si. ang pinakamalakiy lalabas na. ang dalaway humanda. ang kahilingan ng mga nag aaral na humihinging pahintulot upang magbukas ng isang akademia ng wikang kastila ang sagot ng kalihim. napuna sa lahat ng nasa salas ang pagkagulo, at matapos silang makapagtinginan ay napatitig sa general upang makilala ang ipapasiya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may anim na buwan nang ang kahilingan ay nag aantay doon ng isang kapasiyahan at naging isang wariy casus belli na tuloy ng ilang lupon. ang general ay nakatungo na waring upang huwag makilala ng iba ang kaniyang iniisip. bumibigat ang anyo ng pananahimik at ang gayon ay nahalata ng general. ano ang pasiya ninyo? ang tanong sa mataas na kawani. ano pa ang ipasisiya ko, aking general! ang sagot ng tinanong na kinibit ang balikat at ngumiti ng ngiting malungkot ano ang ipasisiya ko kundi ang kahilingan ay karapatdapat at ipinagtataka ko ang pagtatagal ng anim na buan upang ang bagay na iyan ay mapasiyahan! hindit may napapagitnang mga bagaybagay ang malamig na tugon ni. sibyla na ipinikit ng kaunti ang mata. muling ikinibit ng mataas na kawani ang kaniyang balikat na waring hindi niya batid kung ano ang mga bagaybagay na iyon. bukod sa wala sa panahon ang ninanasa, ang patuloy ng dominiko bukod sa taglay niyang laban sa aming kapangyarihan. hindi nakapagpatuloy si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sibyla at tumingin kay simoun. ang kahilingan ay may anyong dapat paghinalaan ang dugtong nitong huli na nakipagtinginan sa dominiko. itoy makalawang pumikit. irene ang gayon ay nahalata na niyang ang kaniyang usap ay talo na halos, sapagkat kalaban si simoun. isang payapang pagtakwil, isang pagbabangong ang gamit ay papel sellado ang dugtong ni. pagbabangon, pagtakwil? ang tanong ng mataas na kawani, na napatingin sa madla na waring walang maantiluhan. ang nangungulo ay mga binatang kilala sa pagkamakabago at napakalalo, kundi panganganlan ng iba pang tawag; ang dugtong ng kalihim sa dominiko ang isa sa kanilay nagngangalang isagani, ulong hindi matino. pamangkin ng isang klerigo. isa sa mga tinuturuan ko ang sagot ni. fernandez at akoy nasisiyahang loob sa kaniya. punales, kasiyahan din naman iyan! camorra, kamunti na kaming magpanuntukan sa bapor: sapagkat napakawalang galang, itinulak ko siya at itinulak naman ako! mayroon pang isang nagngangalang makaragui makarai.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"makaraig, ang sagot ni. irene na nakihalo sa usapan, isang binatang napakagandang ugali at nakalulugod. at ibinulong sa general. iyan ang sinabi ko sa inyo, mayaman. iniluluhog ng condesa na inyong tingnan. isang nag aaral sa panggagamot na nagngangalang basilio. sa basiliong iyan ay wala akong masasabi ang tugon ni. irene na itinaas at ibinuka ang mga kamay na waring mag dodominus vobiscum sa ganang akin iyan ay tubig na hindi kumikilos. kailan may hindi ko naunawa ang ninanasa ni ang iniisip. sayang at hindi natin kaharap ngayon si. salvi upang magpakilala sa atin ng pinagmulan ng binatang iyan! naaalala kong aking nadingig na sinasabing niyong kaniyang kabataan ay may ipinakialam sa kaniya ang guardia sibil. ang kaniyang amay napatay sa isang gulo na hindi ko na maalaala. si simoun ay napangiting malumanay, walang kalatis, ipinatanaw lamang ang kaniyang ngiping mapuputit mabuti ang pagkakahanay. anang general na tumango tango gayon pala? itala ninyo ang pangalang iyan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nguni, aking general, ang sabi ng mataas na kawani ng makitang masama ang tungo ng salitaan hanggang sa ngayon ay wala pang nababatid na bagay na laban sa mga binatang iyan; ang kanilang kahilingan ay matuwid at wala tayong karapatang huwag dinggin dahil sa panunulay lamang sa mga hakahaka. sa akala ko ay nararapat na sang ayunan ng pamahalaan ang kahilingan at sa gayon ay magpapamalas ng kaniyang pagkakatiwala sa bayan at ng katibayan ng kaniyang pagkakatatag; at siyay may kalayaang bawiing muli ang pahintulot kung makitang dahil sa kaniyang mabuting kalooban ay nagpapakalabis. mga sanhi at paraan sa pagbawi ay hindi mawawalan, mababantayan natin sila. anot pasasamain ang loob ng ilang binata, na mangyayaring magdamdam pagkatapos, gayong ang kanilang hinihiling ay nalalagda sa mga utos ng hari? irene, si don custodio at si. fernandez ay nagpamalas ng kanilang pagsang ayon sa pamagitan ng tango ng ulo. ngunit ang mga indio ay hindi nararapat matuto ng wikang kastila batid baga ninyo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"camorra hindi dapat matuto, sapagkat pagkatapos ay nakikipangatuwiranan sa atin, at ang mga indio ay hindi dapat mangatuwiran kundi sumunod lamang at magbayad. hindi dapat manghimasok sa pagsuri ng sinasabi ng mga kautusan at ng mga aklat napakamatatalas at mga mapag usap! pagkaalam ng wikang kastila ay nagiging kalaban ng dios at ng espana. basahin ninyo ang kabuhayang tandang basio makunat at kung hindi gayon; iyan ang aklat! may mga katotohanang ganganito! at ipinakita ang mabibilog niyang kamay na pasuntok. sibyla ang kaniyang anit na bilang tanda ng pagkainip. aniya na umanyo ng anyong lalong mapayapa sa gitna ng kaniyang pagngingitngit hindi ang pagtuturo lamang ng wikang kastila ang pinag uusapan dito, ditoy may isang piping pagtutunggali ng mga nag aaral at ng mga pari sa unibersidad ng sto. tomas; kung masusunod ng mga nag aaral ang kanilang hangad ay manghihina ang pananalig sa amin, sasabihing kamiy dinaig at mangagmamataas, at wala na ang paniniwala, wala na ang lahat!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pagkaguho ng unang sagka sino pa ang makahahadlang sa kabataang iyan? sa aming paglagpak ay wala kaming gagawin kun di ang ipakilala naman ang paglagpak ninyo! matapos kami ang pamahalaan naman. iyan ang hindi mangyayari, punales ang sigaw ni. camorra tingnan muna natin kung sino ang may malakas na pangsuntok! sa gayon ay nagsalita si. fernandez, na sa boong pagtatalo ay nanira lamang sa kangingiti. lahat ay nakimatyag sapagkat kilalang siyay may mabuting ulo. huwag sumama ang loob ninyo sa akin,. sibyla, kung hindi ninyo ako kaisa sa paghuhulong ukol sa bagay na ito, ngunit napakatanging kapalaran ang sa akin, na kailan man halos, ay kasalungat ako ng aking mga kapatid. ang sabi ko ngay hindi tayo dapat mabakla. ang pagtuturo ng wikang kastila ay mangyayaring pahintulutan ng walang anomang kapanganiban, at upang huwag lumabas na isang pagdaig sa unibersidad, ay nararapat na tayong mga dominiko ay magpauna sa pagkagalak ng dahil sa bagay na iyan; iyan ang politica .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"bakit tayo makikipaglabanan tuwi na sa bayan, sa tayo ay kakaunti at sila ay marami, sa kailangan natin sila at tayoy hindi nila kailangan? hintay muna kayo,. camorra, hintay muna kayo! payagan na nating ngayon ay mahina ang bayan at walang maraming nalalaman, ako man ay gayon din ang akala ko, ngunit bukas ay hindi na gayon, ni sa makalawa. bukas makalawa ay sila ang magiging malakas, mababatid ang kanilang mga kailangan at hindi natin mapipigil, gaya rin naman ng hindi mangyayaring mapigil, na, pagdating ng bata sa ilang gulang ay makaalam ng maraming bagay. ang sinasabi ko nga ay bakit hindi natin samantalahin ang kalagayang ito sa kamangmangan upang magpalit ng paraan sa pamamalakad at itatag sa matibay na batayan, na hindi mapapawi, sa batayang katwiran, sa halimbawa, at huwag sa batayang kamangmangan? sapagkat wala nang kagaya ng maging makatwiran, gaya ng sinabi ko sa tuwi na sa aking mga kapatid, ngunit ayaw akong dinggin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang indio, gaya rin ng alin mang bayang bata pa ay mapag usig ng katwiran; humihingi ng parusa kung nagkasala, at namumuhi pag hindi kinamit ang gayon. marapat ang hinihingi? ipagkaloob, ibigay natin sa kanila ang lahat ng paaralang kailangan, mapapagod din sila: ang kabataan ay bulagbol na talaga, ang nag uudyok lamang sa kanila sa pag uusig ay ang ating pagsalungat. ang ating panilong karangalan ay luma na, . sibyla: gumawa tayo ng iba, ang panilong pagkilala ng utang na loob, sa halimbawa. huwag tayong magsamangmang, gayahan natin ang mga hesuita. hinding hindi: matitiis na lahat ni. sibyla, liban na lamang sa pagayahan sa kaniya ang mga hesuita. namumutlat nanginginig na nagbubusa ng mga matalas na wika. magpransiskano na muna. kahit na ano, huwag lamang hesuita! ang sabing walang patumangga. ang sumunod ay isang pagtatalong panabay ng lahat, na nalimot na ang general; nagsasalitang sabaysabay, nagsisigawan, hindi mangagkalinaw, nangagtatalo; si ben zayb ay kaharap ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"camorra at nag uumangan ng suntok, binabanggit ng isa ang mga gansa at ang isay ang mga manghihitit ng tinta, tinutukoy ni. sibyla ang kapitulo at si. fernandez naman ay ang sa summa ni sto. tomas, at ibp., hangang sa pumasok ang kura sa los banos at sinabing nakahanda na ang pananghalian. tumindig ang capitan general at sa gayoy naputol ang pagtatalo. ang sabi ngayoy marami tayong nagawa, gayong tayoy nasa kapanahunan ng pagpapahinga! may nagsabing ang mga maseselang na bagay ay dapat pag usapan sa pagtatapos ng pagkain. akoy lubos na sang ayon sa sabing iyon. baka masira ang tiyan natin ang sabi ng kalihim, na ang tinutukoy ay ang init ng salitaan. kung gayon ay ipagpabukas na natin. nagtindigang lahat. aking general ang sabing marahan ng mataas na kawani ang anak na babai ni kabisang tales ay nagbalik na mulit hinihingi ang paglaya ng kaniyang nunong may sakit na hinuling bilang kapalit ng ama. tiningnan siyang masama ang loob ng general, na hinaplos ang malapad na noo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"putris yatang hindi na babayaang ang taoy makapananghaling mapayapa! ikatlong araw na ng kaniyang pagparito; isang kaawaawang dalaga. ah, demonio! camorra sinasabi ko na ngang mayroon akong bagay na sasabihin sa general; kung kaya nga ako naparito ay. upang katigan ang kahilingan ng binibining iyan! kinamot ng general ang kaniyang tainga. ang sabi padalhan ng sulat ng kalihim ang teniente ng guardia sibil upang pakawalan. hindi masasabing hindi ako maawain at mahabagin! at tumingin kay ben zayb. ikinisap ng mamamahayag ang kaniyang mata. masama ang loob at halos ang mga matay lumuluha ng lumalakad sa escolta si placido penitente upang tumungo sa universidad ng sto. tomas. may mga ilang linggo lamang na kararating na galing sa kaniyang bayan at makalawa nang sumulat sa kaniyang ina na ang iniuukilkil ay ang kaniyang nasang iwan ang pag aaral upang umuwi at maghanap buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sinagot siya ng kaniyang ina na magtiistiis, makuha man lamang ang pagka bachiller en artes sapagkat sayang namang iwan ang pag aaral, matapos ang apat na taong paggugugol at paghihirap ng isat isa sa kanila. saan buhat ang pag ayaw ni penitente sa pag aaral, gayong siyay isa sa mga masumigasig at bantog sa paaralang pinamamahalaan ni . valerio sa tanawan? doon ay nabibilang si penitente na isa sa mga lalong mabuti sa latin at matalas sa pakikipagkatwiranan, na marunong gumusot at maghanay ng mga paguusap na lalong magaan at walang kahirapan; siya ang inaaring lalong pinakamatalas ng kaniyang mga kababayan, at dahil sa kabantugang iyon, ay ibinibilang na siyang pilibustero ng kaniyang kura, katunayang lubos na hindi siya hangal ni taong walang namumuwangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi mawatasan ng kanyang mga kasama ang gayong nasang pag uwi at iwan ang pag aaral; wala namang nililigawan, hindi manunugal, bahagya ng marunong ng hungkian at kapangahasan na sa kaniya ang pakikilaro ng isang rebesino hindi naniniwala sa payo ng mga prayle, kinukutya ang tandang basio may salaping higit sa kailangan, may mahuhusay na damit; ngunit gayon man, ay masama ang loob kung pumasok at kinasusuklaman ang mga aklat. sa tulay ng espana, na ang tanging bagay na taglay na ukol sa espana ay ang pangalan lamang, sapagkat sampu ng kaniyang mga bakal ay galing sa ibang lupain, ay nakatagpo ng mahabang hanay ng mga binatang tungo sa loob ng maynila upang pumasok sa kanikanilang paaralang pinapasukan. ang ilan ay suot taga europa, matutulin ang lakad, na dala ang mga aklat at kuaderno, may iniisip, inaalaala ang kanilang mga lisyon at mga sinulat na ihaharap; ang mga itoy taga ateneo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga taga letran ay napupuna sapagkat lahat halos ay suot pilipino, sila ang lalong makapal at walang maraming aklat. ang bihis ng mga taga universidad ay lalong maayos at makisig, mararahan ang lakad at madalas pang tungkod ang dala at hindi aklat. ang kabataang nag aaral sa pilipinas ay hindi mapanggulo at mapag ingay; nangaglalakad na wariy may iniisip; ang sino mang makakita sa kanila ay magsasabing sa harap ng kanilang mga mata ay walang ano mang pag asang natatanaw, ni magandang kinabukasan. kahit na sa mga ilan ilang dakoy nakapagpapasaya sa hanay ang matalaghay at makulay na anyo ng mga nag aaral na babai sa escuela municipal, na may mga sintas sa balikat at bitbit ang kanilang mga pinag aaralang aklat at kasunod ang kanilang mga alila, ay bahagya nang madingig ang isang tawa, bahagya nang madingig ang isang aglahi; walang mga awitan; walang masasayang parunggit; kung baga man ay mabibigat na biro, awayan ng maliliit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga malalaki ay karaniwan nang walang kibo at maayos ang kagayakan na gaya ng mga nag aaral na aleman. si placido ay naglalakad sa liwasan ni magallanes upang pumasok sa butas dating pinto ng sto. domingo nang biglang tumanggap ng isang tampal sa balikat na siyang nakapagpalingon sa kaniyang bigla, na masama ang ulo. hoy, penitente, hoy, penitente! ang tumampal pala ay ang kasama niyang si juanito pelaez, ang mapaglangis at minamahal ng mga guro, walang kapara sa kasamaan at kalikutan, may tinging mapanukso at ngiting mapagbiro. anak ng isang mestisong kastila, mayamang mangangalakal ng isa sa mga arrabal, na umaasa sa katalinuhan ng binata; dahil sa kaniyang pagkamakulabid ay hindi nahuhuli sa iba, may ugaling mapagbiro ng masama sa lahat at pagkatapos ay magkakanlong sa likuran ng mga kasama at may katangitangi siyang kakubaan na lumalaki kailan mat may panunuksong ginagawa at nagtatawa. nakapag aliw ka bang mabuti, penitente?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang tanong na kasabay ang mga malakas na pagtampal sa balikat. ganoon, ganoon ang sagot na may kamuhian ni placido at ikaw? mabuting mabuti! sukat ba namang anyayahan ako ng kura sa tiani, na sa kaniyang bayan ako magpahinga; naparoon ako. siyay isang kurang mapagpaumanhin, mabuting kaibigan, matapat, lubhang mapagtapat, kagaya ni. at sa dahilang maraming dalagang magaganda doon, ay nanapatan kaming dalawa, ang pigil niyay gitarra at kumakanta ng mga peteneras at ako namay biolin. masasabi ko sa iyo, kaibigan, na gayon na lamang ang saya namin; walang bahay na hindi namin inakyat. bumulong sa tainga ni placido ng ilang salita at pagkatapos ay nagtawa. at sa dahilang nagpakita ng pagkakamangha si placido, ay idinagdag pang: maisusumpa ko sa iyo! at walang hindi pangyayari, sapagkat sa pamag itan ng isang utos ng pamahalaan ay maaaring pawiin ang ama, asawa kapatid at tapus ang salitaan! gayon man ay nakatagpo kami ng isang ungas, katipan mandin ni basilio sa akala ko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"napakaulol niyong si basilio! magkaroon ba naman ng niligawang hindi marunong ng wikang kastila, walang yaman at naging alila pa! masungit na masungit ngunit maganda. isang gabiy hinambalos ni. camorra ang dalawang nanapatan sa kaniya at salamat na lamang at hindi nangapatay. ngunit gayon man ay masungit pa rin ang babai. datapway susuko rin siya na gaya ng iba. si juanito pelaez ay malakas na humahalakhak na wariy ikinaliligaya niyang lubos ang gayon. minasdan siyang masama ang loob ni placido. hintay ka pala ano ba ang iniulat kahapon ng katedratiko? ang tanong na iniba ang salitaan. kahapon ay walang pasok. at kamakalawa? tao ka, huebes, ! siya nga pala napakahayop ako! alam mo placido na nagiging hayop ako? at noong mierkoles? noong mierkoles? niyong mierkoles ay umambon. at noong martes? noong martes ay pista ng katedratiko at hinandugan namin siya ng isang orkesta, kumpol ng mga bulaklak at ilan pang handog. ang bulalas ni juanito nakalimutan ko nga pala, napakahayop ako!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at itinanong ba ako? kinibit ni penitente ang kaniyang balikat. ayawan ko, ngunit ibinigay sa kaniya ang talaan ng mga may gawa ng pista. at noong lunes ano ang nangyari? sa dahilang siyang unang araw ng pasukan ay binasa ang talaan ng mga pangalan at itinakda ang lisyon: ang ukol sa mga salamin. tingnan mo; mula rito hanggang doon, isasaulo, walang labis walang kulang. tatalunan ang kaputol na ito at ito ang isusunod. at itinuturo ng daliri sa pisika ni ramos ang mga dakong pag aaralan, ng biglang sumalipadpad sa hangin ang aklat dahil sa isang tampal na papaitaas na ibinigay ni juanito. siya bayaan mo nga ang lisyon, mag ipit na araw na tayo. tinatawag na ipit na araw ng mga nag aaral sa maynila, ang araw na napapagitna sa dalawang kapistahan, na inaalis at pinapawi sa kaibigang sarili ng mga nag aaral. alam mo bang napakahayop mo nga? ang tugong pagalit ni placido samantalang pinupulot ang kaniyang aklat at mga papel. halinang mag ipit na araw ang ulit ni juanito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ayaw si placido: hindi dahil sa pagkukulang ng dalaway hindi itutuloy ang klase ng mahigit sa isang daat limang pu. naaalaala ang mga paghihirap at pag iimpok ng kaniyang ina na siyang nagbibigay ng ginugugol niya sa maynila at siyang nagsasalat. nang mga sumandaling iyon ay pumapasok sila sa butas ng sto. domingo. maalala ko pala ang bulalas ni juanito ng makita ang liwasan sa harap ng bahay aduana alam mo bang ako ang natungkulang mangilak ng ambagan? anong ambagan? anong monumento? baltazar hindi mo ba nalalaman? baltazar na iyan? kayat lumapit ang mga pari sa mga nag aaral. sulong na, magbigay ka na ng tatlo apat na piso upang makitang tayoy hindi maramot! upang huwag masabing sa pagtatayo ng isang estatua ay ang alapot nila ang dinukot. sulong na placidete! hindi mawawalang kabuluhan ang salapi mo! at sinabayan ang salitang ito ng isang makahulugang kindat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"naalaala ni placido iyong isang nag aaral na nakalalampas sa pagsusuri dahil sa paghahandog ng kanario, kayat nagbigay ng tatlong piso. tingnan mo, isusulat kong maliwanag ang iyong pangalan upang mabasa ng propesor, nakikita mo ba? placido penitente, tatlong piso. sa loob ng ikalabing limang araw ay pista ng propesor sa historia natural. alam mong napakamasaya, na hindi naglalagay ng pagkukulang at hindi tumatanong ng lisyon. kaibigan, dapat tayong gumanti ng utang na loob! ano, dapat ba nating handugan ng isang pista? ang orkesta ay dapat na maging kaparis ng dinala ninyo sa katedratiko sa pisika. ano sa akala mo kung gawin nating tigalawang piso ang ambagan? sulong placiding, magpauna ka sa pagbibigay, sa gayon ay mauuna ka sa talaan. at sa dahilang ibinigay ng walang gatol ni placido ang hinihinging dalawang piso, ay idinagdag ang: hoy, apat na ang ibigay mo, at saka ko na isasauli sa iyo ang dalawa; upang maging pain lamang. kung isasauli mo rin anot ibibigay ko pa sa iyo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sukat nang ilagay mong apat. ah, siya nga pala! napakahayop ako! alam mong nagiging hayop ako ngayon? ngunit ibigay mo na rin sa akin upang ipakita ko sa iba. upang huwag pabulaanan ni placido ang kura na naglagay sa kaniya ng pangalan, ay ibinigay ang hinihingi sa kaniya. dumating sila sa universidad. sa papasukan at sa hinabahaba ng banketa na nakalatag sa palibid ng unibersidad ay nangaghihintuan ang mga nag aaral na nag aantay ng pagpanaog ng mga propesor. ang mga nag aaral ng taong paghahanda upang mag aral ng derecho ikalimang taon ng segunda ensenanza at ng paghahanda upang mag aral ng medicina ay nagkakahalobilo: ang mga huling tinuran ay madaling makilala dahil sa kanilang kagayakan at sa kanilang kiyas na hindi nakikita sa iba: ang marami sa kanila ay galing sa ateneo municipal at kapiling nila ang makatang si isagani na ipinakikilala sa isang kasama ang panganganinag ng liwanag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa isang pulutong ay nagtatalotalo, nagkakatwiranan, bumabanggit ng sinabi ng propesor, ng mga natatala sa aklat, ng mga principios escolasticos sa ibang pulutong ay nagkukumpayan ng mga aklat, sa pamagitan ng mga tungkod ay iginuguhit sa lupa ang ibig ipakilala; sa dako pa roon ang nangalilibang naman sa panonood sa mga mapanatang tumutungo sa kalapit na simbahan, at kung ano ano ang ibinubuhay dahil sa namamalas. isang matandang babai na akay ng isang dalaga ay papilaypilay na nagdadasal; nakatungong lumalakad ang binibini, natatakot takot, nahihiyang dumaan sa harap ng gayong karaming tumitingin; itinataas ng matanda ang kaniyang saya na kulay kape ng mga kakapatid ni sta. rita, upang ipakita ang matatabang paa at mga medias na puti; kinagagalitan ang kaniyang kasama at tinitingnan ng masamang tingin ang mga nanonood. mga saragate ang pangitngit na bulong huwag mo silang tingnan, itungo mo ang iyong ulo! ang lahat ay napupuna, ang lahat ay nagiging sanhi ng biruan at buhaybuhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"minsan ay isang mainam na victoria na hihinto sa piling ng pintuan upang iwan doon ang isang mag aanak na mapanata; dadalaw sa birhen del rosario sa kaniyang piniling araw: ang mga mata ng nanonood ay handang lahat upang tanawin ang anyo at laki ng paa ng mga binibini sa pag ibis sa sasakyan: minsan ay isang nag aaral na lumalabas sa pintuan na taglay pa sa mukha ang pagkakapanalangin: dumaan sa simbahan upang idalangin sa birhen na mangyaring maliwanagan niya ang lisyon, upang tingnan kung naroroon ang kaniyang nilalangit, makipagsulyapan at tumungo sa paaralan na taglay sa alaala ang mga matang magiliw na iyon. ngunit namatyag sa mga pulutong ang galawan, isang waring pagaantabay, at si isagani ay napatigil at namutla. isang sasakyan ang huminto sa pintuan: ang magkaparis na kabayong puti ay kilalang kilala. yaon ang sasakyan ni paulita gomez na nakalundag na agad sa lupa, na mabilis na wariy ibon, na hindi binigyang panahong makita ng mga nanonood ang kaniyang paa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa isang mainam na kilos at isang haplos ng kamay ay naayos ang mga tupi ng kaniyang saya, at sa isang matuling sulyap na wariy hindi kinukusa ay nakita si isagani, bumatit ngumiti. bumaba naman si aling victorina, tumingin ng paimbabaw sa kanyang salamin, nakita si juanito pelaez, ngumiti at binati ito ng magiliw. si isagani ay sumagot ng bating takot, na namumula dahil sa lugod; si juanito ay nagpakayukoyuko, nag alis ng sombrero at ikinilos ang mukha na kagaya ng bantog na komiko at karikato panza kung tumatanggap ng pagakpakan. kay gandang dalaga! ang bulalas ng isa, na humanda sa pagyao sabihin ninyo sa katedratiko na akoy malubha. at si tadeo, ito ang kaniyang pangalan, ay pumasok sa simbahan upang sundan ang dalaga. si tadeo ay pumaparoon araw araw sa unibersidad upang itanong kung may pasok at tuwi nay nagtataka kung bakit may pasok: mayroon siyang hinalang may isang cuacha na panay at walang katapusan at inaantay niyang dumating sa bawat sandali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at bawat umaga, matapos na hindi mangyari ang mungkahi niyang magliwaliw, ay aalis na nagdadahilang may malaking kagipitan, gagawin, sakit, sa sandali pa namang ang kaniyang mga kasama ay papasok sa klase. ngunit sa di mabatid na kaparaanan ay nakalalampas si tadeo sa mga pagsusuri, ginigiliw ng kaniyang mga propesor at nahaharap sa isang magandang kinabukasan. samantala naman ay nagsisimula ang mga kilusan at gumagalaw ang mga pulupulutong; pumanaog na sa klase ang propesor sa pisika at kimika. ang mga nag aaral, na waring nawalan ng pag asa, ay pumasok sa loob ng paaralan na nangakabitiw ng ilang bulalas sa di kasiyahang loob. si placido penitente ay nakisunod sa karamihan. penitente, penitente! ang tawag sa kaniyang palihim ng isa lumagda ka rito! huwag mo nang tanungin, lumagda ka!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"waring naramdaman ni placido na may pumipirol sa kaniyang tainga; nasa sa alaala niya ang kabuhayan ng isang kabisa sa kaniyang bayan, na dahil sa pagkakalagda sa isang kasulatang hindi batid ang laman, ay nabilanggong malaon at kaunti pang napatapon. upang huwag niyang malimot ang pangyayaring iyon ay pinirol siya ng malakas sa tainga ng isa niyang amain. at kailan mang nakakadingig siya ng salitaang ukol sa paglagda ay waring nararamdaman niya sa kaniyang tainga ang sakit na tinanggap. patawarin mo ako, kasama, ngunit hindi ako lumalagda sa ano man, kailan pa mat hindi ko pa nauunawa. napakahangal mo! nakalagda na rito ang dalawang carabineros celestiales ano pa ang ikatatakot mo? ang pangalang carabineros celestiales ay nakapagbibigay tiwala. yaon ay isang banal na pulutong na itinatag upang tumulong sa dios sa pakikibaka sa dilang kasamaan, upang pigilin ang pagpasok ng contrabando heretico sa talipapa ng bagong siyon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lalagda na sana si placido upang matapos na lamang ang usap sapagkat nagmamadali; ang kaniyang mga kasama ay nagdadasal na ng thoma ngunit naramdaman niya manding pinipigilan ng kaniyang amain ang kaniyang tainga, kayat nagsabing: makatapos na ang klase! ibig ko munang mabasa. napakahaba, alam mo ba? ang bagay ay upang gumawa ng isang kahilingang laban, sa tuwid na sabi, isang tutol. si makaraig at ilan pang kasama ay humihinging magbukas ng isang akademia ng wikang kastila, bagay na isang malaking kaululan. kasama, mamaya na sapagkat nangagsisimula na ang sabi ni placido na nagpupumiglas. ngunit, hindi naman bumabasa ng talaan ang inyong propesor! oo, kung minsan ay bumabasa. ayokong sumalungat kay makaraig. ngunit hindi naman pagsalungat, lamang ay. hindi na siya nadingig ni placido, malayo nat nagtutumulin sa pagtungo sa klase. nakadingig ng ibat ibang adsum! putris, binabasa ang talaan!. nagmadali at dumating sa pinto ng nasa letrang pa naman. ang bulong na napakagat labi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nag alinlangan kung dapat hindi dapat pumasok; ang guhit ay nakalagay na at hindi na maaalis. kaya lamang dumadalo sa klase ay hindi upang mag aral kundi upang huwag lamang magkaroon ng guhit walang ginagawa sa klase kundi pagsasabi ng lisyong sinaulo, basahin ang aklat at malaki na ang mangisangisang tanong na malabo, malalim, nakalilito, wariy bugtong; tunay nga na di nawawala ang munting pag aaral ang dati rin na ukol sa kapakumbabaan, sa pagka maalinsunod, sa paggalang sa mga pari, at siya, si placido, ay mapakumbaba, masunurin at magalang. aalis na sana ngunit naaalaalang nalalapit ang paglilitis at hindi pa siya natatanong ng propesor at waring hindi siya napupuna; mabuting pagkakataon iyon upang siyay mapuna at makilala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang makilala ay katimbang ng pagkaraan ng isang taon, sa dahilang kung walang anoman ang magbigay ng suspenso sa isang hindi kilala, ay kailangang magkaroon ng pusong matigas upang huwag mabakla sa pagkakita sa isang binata na isinisisi sa araw araw ang pagkaaksaya ng isang taon niyang buhay. pumasok nga si placido na hindi patiyad na gaya ng dating ugali kundi pinatunog pa ang kaniyang mga takon ng sapatos. at labis na tinamo ang ninanasa! tiningnan siya ng katedratiko, ikinunot ang noo at iginalaw ang ulo na waring ang ibig sabihin, ay: walang galang, magbabayad ka rin sa akin! ang klase ay isang look na higit ang kahabaan sa kaluwangan at may malalaking durungawang may karali na pinapasukan ng hangin at liwanag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa hinabahaba ng dingding na bato ay may tatlong baitang na bato na may takip na dalig, na puno ng mga nag aaral na ang pagkakahanay ay alinsunod sa unang letra ng kanilang pangalan; sa ibayo ng pasukan, sa ilalim ng isang larawan ni santo tomas de aquino, ay nalalagay ang luklukan ng propesor, mataas at may dalawang hagdan sa magkabilang panig. liban sa isang magandang tablero na may markong narra na hindi halos nagagamit, sapagkat nasusulat pa ang viva! na nakita roon sapol sa araw ng pasukan, doon ay walang anomang kasangkapang matino sira. ang mga dingding, na pinintahan ng puti at natatanggol sa ilang dako ng mga lariong may sarisaring kulay upang maiwasan ang mga pagkakakiskis, ay buhad na buhad; ni isang guhit, ni isang inukit, ni bahagyang kasangkapan na ukol sa pisika!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga nag aaral ay hindi nangangailangan ng higit pa sa roon, walang naghahanap ng pagtuturo sa pamamag itan ng pagsasanay sa isang karunungang lubhang ukol sa kasanayan; mahabang panahon nang gayon ang pagtuturo at hindi nagulo ang pilipinas, kundi patuloy pa rin ngang gaya ng dati. maminsan minsan ay bumababang buhat sa langit ang isang kasangkapan na ipinakikitang malayo sa nag aaral, gaya ng pagpapakita ng santisimo sa mga mapanambang nangakaluhod, tingnan mo ako ngunit huwag salangin. panapanahon, pag nagkakaroon ng nagtuturong may magandang loob, ay nagtatakda ng isang araw sa loob ng taon upang dalawin ang makababalaghang gabinete at hangaan mula sa labas ang mga kasangkapang di maturan ang kabuluhan, na nangakalagay sa loob ng mga kinalalagyan; walang makadadaing; ng araw na iyon ay nakakita ng maraming tanso, maraming bubog, maraming tubo, bilog, gulong, kampana, at ibp. ; at hindi na hihigit pa roon ang pagtatanyag, ni hindi nagugulo ang pilipinas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa isang dako naman ay alam ng mga nag aaral na ang mga kasangkapang iyon ay hindi binili dahil sa kanila hindi hangal ang mga prayle! ang gabineteng iyon ay ginawa upang ipakita sa mga taga ibang lupa at sa mga matataas na kawaning nanggagaling sa espana, upang sa pagkakita noon ay igalaw ang ulo na may kasiyahang loob, samantalang ang umaabay sa kanilay ngumingiting ang ibig sabihin wariy: eh! inakala ninyong ang matatagpuan ay mga paring huli sa kapanahunan? kami ay kapantay ng mga kasalukuyan; mayroon kaming isang gabinete! at isusulat pagkatapos ng mga dayuhan at mga matataas na kawani, na pinasalubungan ng malugod na pagtanggap, sa kanilang mga paglalakbay mga tala, na ang real pontificia universidad ng sto. tomas sa maynila, na pinamamahalaan ng bihasang orden dominikana, ay may isang mainam na gabinete ng pisika na ukol sa ikatututo ng kabataan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa taontaon ay may dalawang daat limang pu ang nag aaral ng tinurang asignatura, at marahil dala ng katamaran, ng pagwawalang bahala, sa kauntian ng kaya ng indio iba pang sanhing likas sa kanila bagay na di mawatasan. hanggang sa ngayon ay hindi pa sumisipot ang isang kahit munti man lamang, na lavoisier, isang secchi, ni isang tyndall, na lahing malayong pilipino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapway upang mapagkilala ang katotohanan ay sasabihin namin, na sa gabineteng ito nag aaral ang tatlo apat na pung pumapasok sa ampliacion sa ilalim ng pamamahala ng isang nagtuturong gumaganap naman ng mabuti sa kanyang tungkulin; ngunit sa dahilang ang lalong marami sa mga nag aaral ay galing sa ateneo municipal na ang pagtuturo doon ay sa pagsasanay sa loob ng gabinete, ay wala ring malaking kabuluhan ang gayong pangyayari na di gaya nang kung ang makasamantala noon ay ang dalawang daat limang pung nagbabayad ng kanilang matricula bumibili ng aklat, nangag aaral at gumugugol ng isang taon at walang namumuangan pagkatapos. ang nangyayari, liban sa isang kapista utusan na naging bantay ng mahabang panahon sa museo, kailan man ay walang nabalitang may napala sa mga isinaulong lisyon na pinagkakahirapan muna bago natutuhan. ngunit balikan natin ang klase.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang katedratiko ay isang dominikong bata na tumungkol ng lubhang mahigpit at mabantog sa kaniyang pagtuturo sa ilang katedra sa paaralang san juan de letran. bantog siya sa pagkamabuting manalitat mabuting pilosopo at isa sa mga may mainam na maaasahan sa loob ng kaniyang pangkatin. ang mga matatanday may pagtingin sa kaniya at kinaiinggitan siya ng mga bata, sapagkat sila man ay mayroon ding pangkatpangkat. yaon ang pangatlong taon na ng kaniyang pagtuturo at kahit ng taong iyon lamang siya magtuturo ng pisika at kimika, ay kinikilala na siyang marunong, hindi lamang ng mga nag aaral, kundi sampu ng mga kagaya niyang palipatlipat na mga propesor.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"millon ay hindi kabilang ng karamihang sa taontaon ay palipatlipat ng katedra upang magkaroon ng kaunting pagkabatid sa karunungan, nag aaral sa gitna ng ibang nag aaral, na walang pagkakaiba kundi ang pangyayaring iisang bagay lamang ang pinag aaralan, tumatanong at hindi tinatanong, may mahigit na pagkabatid ng wikang kastila at hindi nililitis pagkatapos ng taon. hinahalungkat ni. millon ang karunungan, kilala niya ang pisika ni aristoteles at ang kay. amat; maingat niyang binabasa ang ramos at maminsanminsan ay tumutunghay sa ganot . gayon man ay iginagalaw kung minsan ang ulo na wariy nag aalinlangan, mangingiti at bubulong ng: transeat . tungkol sa kimika, ay inaakalang mayroon siyang di karaniwang kabatiran sapol noong, sa pag alinsunod sa isang banggit ni sto. tomas, na ang tubig ay isang halo, ay maliwanag niyang pinatunayan na ang taga langit na doctor ay nagpauna ng malaki sa mga berzelius, gay lussac, bunsen at iba pang materialista na pawang may munti malaking kahambugan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapwat kahit na naging propesor sa geografia ay mayroon siyang mga ilang pag aalinlangan tungkol sa kabilugan ng mundo at gumagamit ng may makakahulugang ngiti pagsasalita ng pag ikit at pagligid sa araw, at binabanggit yaong: ang sa bituing pagbubulaay isang pagbubulaang mainam.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngumingiting may pakahulugan sa harap ng ilang paghahaka tungkol sa pisika at inaakalang hibang, kundi man bangaw, ang hesuitang si secchi, na umanoy ang pagputol nito ng pariparisukat sa ostia ay anak ng pagkagulo sa astronomia, at dahil doon, ang sabiy pinagbawalang magmisa; marami ang nakapuna sa kaniya ng tila pagkamuhi sa bagay na itinuturo; ngunit ang mga kapintasang itoy maliliit na bagay, mga himaling sa paraan ng pag aaral at pananampalataya, at madaling malilinawan, hindi lamang sa dahilang ang karunungan sa pisika ay lubos na galing sa kasanayan, sa kababatyag at panghihinuha, samantalang siyay malakas sa pilosopia, lubos na ukol sa paghuhulohulo, sa palagay at kuro, hindi, sa dahilang siyay mabuting dominiko, na magiliw sa karangalan ng kaniyang kapisanan, ay hindi mangyayaring malugod sa isang katarungang hindi ikinabantog ng isa man sa kaniyang mga kapatid siya na ang unang hindi naniniwala sa kimika ni sto. tomas ngunit ikinadadakila ng ibang samahang kalaban, sabihin na nating katunggali nila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ito ang propesor ng umagang iyon, na matapos mabasa ang talaan, ay ipinauulit sa mga tinuturuan ang mga isinaulong lisyon na walang labis walang kulang. ang mga ponograpo ay umalinsunod, ang ilan ay mabuti, ang ibay masama, ang ibay pautal utal, nag aanasan. ang makapagturing ng walang mali ay nagtatamo ng isang mabuting guhit at masamang guhit ang magkamali ng higit sa makaitlo. ang isang batang mataba, na mukhang nag aantok at ang mga buhok ay nangagtuwid at matitigas na wariy balahibo ng isang sepilyo, ay naghikab ng makalinsad sihang at nag inat na iniunat ang mga kamay na wariy nakahiga pa sa banig. nakita ng katedratiko at pinag isipang gulatin. ikaw, matutulugin, aba! perezoso tambien siguro hindi ka marunong ng lisyon, ha? millon ang lahat ng nag aaral, gaya ng sino mang mabuting prayle, kundi kinakausap pa sila ng wikang tinda, bagay na natutuhan sa katedratiko sa canones.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung sa gayong pananalita ay inakala ng reberendo ang kutyain ang mga nag aaral ang mga banal na takda ng mga concilio ay bagay na hindi pa napasisiyahan, kahit pinagtalunan na ng mahaba. ang pagkakatukoy ay hindi ikinamuhi ng mga nag aaral kundi ikinagalak pa at marami ang nangagtawanan; yaon ay nangyayari sa araw araw. gayon man ay hindi natawa ang mataba; biglang tumindig, kinuskos ang mga mata, at waring makina ng bapor ang nagpagalaw sa ponograpo at sinimulan ang pagsasabi ng: tinatawag na salamin ang lahat ng pamukhang binuli at nalalaan upang malarawan sa kaniya, dahil sa tama ng liwanag, ang mga larawan ng bagay na ilapit sa tinurang pamukha; dahil sa mga bagay bagay na bumubuo ng mga pamukhang ito ay binabahagi sa salaming metal at salaming bubog. hintay, hintay, hintay! ang biglang pigil ng katedratiko jesus para kang pagupak! tayoy nasa salitaang ang mga salamin ay binabahagi sa mga salaming metal at salaming bubog ha?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at kung bigyan kita ng isang kahoy, ang kamagong sa halimbawa, na lininis na mabuti at hinibuan, kaputol na marmol na maitim na pinakabuli, isang balok na asabatse na masisinagan ng larawan ng mga bagay na ilagay sa harap saang bahagi mo ilalahok ang mga salaming iyan? ang tinanong, sa dahilang hindi maalaman ang isasagot kayay sa dahilang hindi nalinawan ang katanungan, ay tumangkang makalusot sa pagpapakilalang alam niya ang lisyon, kayat nagpatuloy na wariy baha: ang mga una ay binubuo ng tanso pagkakahalohalo ng ibat ibang metal at ang pangalawa ay binubuo ng isang lapad na bubog na ang dalawang mukhay kapwa kininis at ang isa ritoy may pahid na tinggang puti. tum, tum, tum! hindi iyan; dominus vobiscum ang sinasabi ko sa iyo at ang isinasagot mo sa akin ay requiescat in pace at inulit sa wikang tinda, ng mabait na katedratiko, ang katanungan na linahukan sa bawat sandali ng mga cosa at aba .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi makaiwas sa kagipitan ang kaawaawang binata: nag aalinlangan sa kung nararapat niyang ihalo ang kamagong sa mga metal, ang marmol sa mga bubog at ang asabatse ay iwan sa alanganin, hanggang sa ang kalapit niyang si juanito pelaez ay bumulong sa kaniya ng lihim na: ang salaming kamagong ay kasama ng mga salaming kahoy! inulit ng lito nating binata ang kaniyang nadingig, kayat nag ihit sa katatawa ang kalahati ng klase. ikaw ang mabuting kamagong! ang sabi ng katedratiko na napilitang tumawa tingnan natin kung alin ang tatawagin nating salamin: ang pamukha, per se, in quantum est superficies ang katawang bumubuo ng ibabaw na ito kayay ang bagay na kinapapatungan ng pamukhang ito ang pinagbuhatang bagay, na naiba dahil sa pagkakabago sa kaniya ng tinatawag na pamukha, sapagkat maliwanag na, sa dahilang ang pamukha ay kabaguhan ng mga katawan, ay hindi mangyayaring mawalan ng kabagayan. tingnan natin ano ang sabi mo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang isasagot sana ng kahabaghabag na hindi na maalaman kung ano ang pinagsasalitaan dahil sa karamihan ng mga pamukha at mga pagbabagong bumabayong masakit sa kaniyang tainga; ngunit nakapigil sa kaniya ang udyok ng kahihiyan, kayat balot kahapisan at pinapawisan na, noong inulit ng marahan: tinatawag na salamin ang lahat ng pamukha na binuli. ergo, per te ang salamin ay ang ibabaw, ang dukit ng katedratiko. kung gayon ay linawin mo sa akin ang ganitong bagay. kung ang pamukha ay siyang salamin, ay iba sa kabagayan ng salamin ang ano mang nalalagay sa likuran, sa dahilang ang nasa likod ay hindi makapagbabago sa nasa sa harapan, id est ng ibabaw, qu super faciem est, quia vocatur superficies facies ea qu supra videtur pinaayunan mo hindi? lalo pang nanindig ang buhok ng kaawaawang binata, na wari pinakilos ng isang malakas na galaw. pinaayunan mo hindi?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kahit na ano, ang ibigin po ninyo, padre, ang inaakala niyang isagot, ngunit hindi makapangahas na turan ang gayon, dahil sa natatakot siyang mangagtawanan. yaon ang matatawag na kagipitan at kailan pa man ay hindi pa siya napapasok sa gayong kahigpit. may roon siyang munting gunita na hindi mapapaayunan ang kahit napakaliit na bagay sa mga prayle, na hindi nila pinalalabasan ng lahat ng pangyayari at kapakinabangang mahahaka, kundiy magsabi na ang kanilang mga lupaing ari at mga kurato. kayat ang iniuudyok ng kaniyang anghel na taga pag adya ay ipagkait ng boong tibay ng kaluluwa at katigasan ng kaniyang buhok ang ano mang bagay, at handa nang bumitiw ng isang matinding nego!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa dahilang ang hindi umaamin ng anoman ay walang tinatanggap, ang sabi sa kaniya ng isang kawani sa hukuman; datapway ang masamang ugaling hindi nakikingig sa udyok ng sariling budhi, ang di pananalig sa mga taong nakaaalam ng kautusan at ang paghanap ng abuloy sa iba, gayong sukat na ang kaniyang sarili, ay siyang sa kaniyay sumira. hinuhudyatan siyang umayon ng mga kasama, lalo na si juanito pelaez, at sa pagpapadala sa masama niyang kapalaran, ay bumitiw ng isang umaayon po ako, padre na ang boses ay malamlam na waring ang tinuran ay in manus tuas commendo spiritum meum . concedo antecedentum ang ulit ng nagtuturo na ngumiti ng may kahulugan ergo maaaring kayurin ko ang tinggang puti ng isang salaming bubog, palitan ng kaputol na bibingka at mayroon din tayong salamin, ha? ano, magkakaroon tayo? ang binatay tumingin sa mga nagsusuplong sa kaniya, ngunit nang makitang silay pawang gulilat din at hindi maalaman ang turan, ay nalarawan sa kaniyang mukha ang mapait na pagsisisi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"deus meus, deus meus, quare dereliquiste me ang ipinahahayag ng kaniyang hapis na paningin samantalang ang kaniyang mga labiy bumibigkas ng linintikan! walang nangyari sa kaniyang kauubo, binatak ang petsera ng kaniyang baro, itatayo ang isang paa, pagkatapos ay ang isa naman, walang matagpong kalinawan. ang ulit ng nagtuturo na nagtatalik sa bunga ng kaniyang tinuran. ang bulong ni juanito pelaez ang bibingka! tumigil ka, hangal! ang sigaw na tuloy ng di magkangtututong binata na ibig ng maiwasan ang kagipitan sa paraang mang away. tingnan natin, juanito, kung mapaliwanagan mo ang bagay na ito! ang tanong ng katedratiko kay pelaez. si pelaez, na isa sa mga kinagigiliwan niya, ay dahandahang tumindig, ngunit siniko muna si placido penitente na siyang sumusunod sa lagay sa talaan. ang ibig sabihin ng pag siko ay: huwag kang malilingat at tambisan mo ako! nego consecuentiam padre! ang sagot na walang kagatol gatol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"aha, kung gayoy probo consecuentiam per te ang makintab na ibabaw ay siyang tunay na salamin. nego suppositum! ang putol ni juanito ng maramdamang binabatak siya ni placido sa amerikana. ergo inakala mo na ang nasa likuran ay nagiging sanhi ng nasa harap? ang sigaw na lalo pang malakas, dahil sa pagkakaramdam ng isa pang batak sa kaniyang amerikana. si juanito, lalong tumpak si placido, na siyang tumatambis, ay hindi nakahahalatang ang ginagamit niyang kaparaanan ay ang sa insik: huwag tumanggap ng isa mang dayuhan upang huwag siyang masalakay. papaano ba tayo? ang tanong ng nagtuturo na may kaonting kalituhan at di mapalagay, na tinitingnan ang ayaw magparaang nag aaral nagbibigay sanhi hindi sa harapan ang bagay na nasa likuran? sa tiyak na katanungang ito, na maliwanag, na wariy ultimatum ay hindi maalaman ni juanito ang isagot at wala namang iudyok sa kaniya ang kaniyang amerikana. walang mapala sa kahuhudyat kay placido; si placido ay alinlangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sinamantala ni juanito ang sandaling pagkakatingin ng katedratiko sa isang nag aaral, na palihim na inalis sa paa ang mahigpit na saping suot, at niyapakang malakas si placido na sabay ang sabing: tambisan mo ako, sulong, tambisan mo ako! napakahayop ka! ang sigaw na hindi kinukusa ni placido na tinitingnang pagalit si juanito, samantalang hinihipo ang kaniyang sapatos na tsarol. nadingig ng pari ang sigaw, nakita silat nahulaan ang nangyayari. oy, ikaw, espiritu sastre ang sabi hindi ikaw ang tinatanong ko, ngunit yayamang ginawa mo ang magligtas sa iba, ay tingnan natin, iligtas mo ang katawan mo, salva te ipsum at paliwanagan mo sa akin ang likwad. magalak na umupo si juanito at katunayan ng kaniyang utang na loob ay pinanglawitan ng dila ang tumatambis sa kaniya. samantala namang ito, namumula dahil sa kahihiyan, ay tumindig at bumulong ng di malinawang mga dahilan. tinaya siyang sandali ni. millon, kagaya ng lumalasap sa tingin ng isang kakanin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kay inam marahil ng pangayumpapain at ilagay sa kahihiyan ang binatang iyong magara, kailan may mainam ang bihis, taas ang ulo at aliwalas ang paningin! isa ring kaawaang gawa ang gayon; kayat ipinatuloy ng boong puso ng nagtuturo ang gawain, na maliwanag na inulit ang katanungan: sinasabi ng aklat na ang mga salaming metal ay binubuo ng tanso pagkakahalo ng ibat ibang metal totoo hindi? sinasabi ng aklat, padre. liber dixit ergo ita est hindi mo nasa ang dumunong pa kay sa aklat. at pagkatapos ay idinugtong, na, ang mga salaming bubog ay binubuo ng isang palas na bubog, na ang dalawa niyang mukha ay kininis at ang isa sa kanila ay may pahid na ginilong na tinggang puti, nota bene! isang ginilong na tinggang puti. kung sinasabi ng aklat, padre. ang tinggang puti ay metal? tila po, padre; sinasabi ng aklat. metal nga, metal nga, at ang ibig sabihin ng salitang ginilong ay ang pagkakahalo niya sa asoge na isa ding metal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ergo ang isang salaming bubog ay isang salaming metal; ergo ang mga pagkakabahagi ay hindi maliwanag, ergo ang pagiibaiba ay masama, ergo. papaano ang pagpapaliwanag mo, espiritu sastre at tinindihan ang mga ergo at ang mga mo ng boong diin at ikinindat ang mata na waring ang ibig sabihin, ay: luto ka na! ang ibig sabihin ay itong. ang bulong ni placido. kung gayon ay hindi mo nawatasan ang lisyon, budhing aba, na walang namumuwangan ay sumusulsol sa kapwa. ang boong klase ay hindi nagdamdam sa gayon, inari pang mainam ng marami ang pagkakatula, kayat nangagtawanan. kinagat ni placido ang kaniyang mga labi. ano ang pangalan mo? ang tanong ng pari. matigas na sumagot si placido. placido penitente, mukha ka pang placido soplon soplado. ngunit bibigyan kita ng penitencia dahil sa iyong mga sopladuria . at siyang siya sa kaniyang mga pasalisalikwat na pananalita, ay ipinag utos kay placido na sabihin ang lisyon. sa kalagayang yaon ng binata ay nagkaroon ng mahigit na tatlong mali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang makita ang gayon ng paring nagtuturo ay itinangotango ang ulo, binuksang dahan dahan ang talaan at banayad na banayad na tinunghan, samantalang binabanggit na marahan ang mga pangalan. panganiban. penitente, aha! placido penitente, labing limang araw na kusang pagkukulang sa pagpasok. si placido ay umunat: labing limang pagkukulang, padre? labing limang kusang pagkukulang sa pagpasok ang patuloy ng nagtuturo kung gayoy isa na lamang ang kulang upang maalis sa talaan. labing limang pagkukulang, labing lima? ang ulit ni placido na nagugulumihanan makaapat pa lamang akong nagkukulang at kung baga man ay ngayon ang ikalima. husito, husito, senolia! ang sagot ng pari, na minasdan ang binata sa ibabaw ng kaniyang salaming may kulob na ginto. kinikilala mong nagkulang ka ng makalima, at ang dios lamang ang nakababatid kung hindi ka nagkulang ng higit pa sa roon!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"atqui sa dahilang bihira kong basahin ang talaan at sa bawat pagkahuli ko sa isa ay nilalagyan ko ng limang guhit, ergo ilan ang makalimang lima? nakalimot ka na marahil ng multiplicar! makalimang lima ay ilan? dalawang put lima. husito husito! sa gayon ay nakalamang ka pa ng sampu sapagkat makaitlo lamang kitang nahuli sa pagkukulang. kung nahuli kita sa lahat ng pagkukulang mo,. at ilan ang makaitlong lima? labing lima. labing lima, parejo camaron con cangrejo ang tapos ng nagtuturo na itinupi ang talaan pag nagkabiso ka pang minsan ay, sulong! apuera de la fuerta! at ngayon ay isang pagkukulang sa lisyon sa araw araw. at muling binuksan ang talaan, hinanap ang pangalan at linagyan ng isang munting guhit. siya, isang munting guhit! ang sabi pagkat wala ka pa ni isa man lamang!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit padre ang sabi ni placido na nagpipigil pa kung lalagyan po ninyo ako ng pagkukulang sa lisyon, padre, ay dapat po naman, padre, na alisin ninyo ang pagkukulang ko sa pagpasok na inilagay ninyo ngayon sa akin. ang pari ay hindi sumagot; inilagay munang dahandahan ang pagkukulang, tiningnang ikiniling ang ulo marahil ay mainam ang pagkakaayos ng guhit tiniklop ang talaan at pagkatapos ay pakutyang tumanong: aba! at bakit nol sapagkat hindi malilirip, padre, na ang isang tawoy magkulang sa pagpasok at makapagbigay ng lisyon. ang sabi po ninyo, padre, ay, ang naroon at ang wala. metapisiko pa, wala pa lamang sa panahon! hindi malilirip, ha? sed patet experientia at contra experientiam negantem, fusilibus est arguendum alam mo? at hindi mo malirip, pilosopo, na mangyayaring magkasabay na magkulang sa pagpasok at hindi matuto ng lisyon? di yatat ang hindi pagpasok ay katuturan na ng karunungan? ano ang sasabihin mo pilosopastro?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang huling binyag na itoy siyang naging patak na nakapagpaapaw sa sisidlan. si placido, na kinikilalang pilosopo ng kaniyang mga kaibigan, ay naubusan ng pagtitiis, inihagis ang aklat, tumindig at hinarap ang paring nagtuturo: sukat na, padre, sukat na! maaari pong lagyan ninyo ako ng mga pagkukulang na ibig ninyong ilagay, ngunit wala po kayong karapatang lumait sa akin. maiwan kayo sa inyong klase, sapagkat hindi na ako makapagtitiis pa. at umalis na ng walang paalam. ang boong paaralan ay nasindak: ang gayong pagpapakilala ng karangalan ay hindi pa halos nakikita: sino ang makaakala na si placido penitente.? ang paring nagtuturo, na nabigla, ay napakagat labi at minasdan siya sa pag alis na itinatango ang ulo na may pagbabala. ang boses ay nanginginig na sinimulan ang sermon na ang salaysayin ay ang dati rin, kahit lalong malakas at lalong mapusok ang pangungusap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tinukoy ang nagsisimulang pagmamataas, ang di paglingap ng utang na loob sapol pagkatao, ang kapalaluan, ang di paggalang sa mga nakatataas, ang kapalaluang iniuudyok sa mga binata ng sitan ng kadiliman, ang kakulangan sa pinag aralan, ang kadahupan at ibp. matapos iyon ay tumuloy naman sa pagpaparunggit at pagkutya sa hangad ng ilang sopladillo na magturo pa sa kanilang mga guro at magtatayo ng isang akademia na ukol sa pagtuturo ng wikang kastila. aniya iyang mga kamakalawa lamang ay babahagyang makabigkas ng si, padre, no, padre ay ibig pang lumalo sa mga inubanan na sa pagtuturo? ang sadyang ibig matuto ay natututo mayroon man walang mga akademia! marahil iyan, iyang kaaalis pa lamang, ay isa sa mga may panukala! kay inam ng kalalabasan ng wikang kastila sa mga ganyang tagapagtanggol! saang kayo kukuha ng panahong ipaparoon sa akademia sa halos kinakapos kayo sa ikagaganap sa kailangan ng klase?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ibig naming matuto kayo ng wikang kastila at masalita ninyong mabuti upang huwag ninyong sirain ang aming tainga sa inyong mga gawi at inyong mga pe, ngunit una muna ang katungkulan bago ang pagdadasal; tumupad muna kayo sa inyong pag aaral at saka kayo mag aral ng wikang kastila at pumasok pa kayong manunulat kung ibig ninyo. at nagpatuloy sa gayong kasasalita hangang sa tumugtog ang kampana at natapos ang klase, at ang dalawang daan at tatlong put apat na nag aaral, matapos makapagdasal, ay umalis na wala ring namumuwangang kagaya ng pumasok, ngunit nangagsihingang wariy naalisan ng isang malaking pataw sa katawan. ang bawat isa sa mga binatay nawalan ng isang oras pa sa kaniyang pamumuhay at kasabay noon ang isang bahagi ng karangalan at pagpapahalaga sa sarili, ngunit sa isang dako naman ay nararagdagan ang panghihina ng loob, ang di pagkagiliw sa pag aaral at ang mga pagdaramdam ng mga puso. matapos itoy hingan sila ng karunungan, karangalan, pagkilala ng utang na loob!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"de nobis post hc, tristis sententia fertur! at gaya rin ng dalawang daat tatlong put apat na itoy dinaan ang mga oras ng kanilang klase ng libo at libong nag aral na nauna sa kanila, at, kung hindi maaayos ang mga bagaybagay, ay daraan ding gayon ang mga susunod at magiging mga batingol, at ang karangalang sinugatan at ang sigabong ligaw ng kabataan ay magiging pagtatanim at katamaran, na gaya ng mga alon, na nagiging maputik sa ilang pook ng dalampasigan, na sa pagsusunuran ay lalot lalo pang lumalapad ang naiiwanan ng yagit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapway, yaong mula sa walang katapusan ay nakakikita sa mga ibubunga ng isang kagagawan na nakakalas na wariy sinulid, yaong tumitimbang ng mga sandali at nagtakda sa kaniyang mga nilalang na ang unang batas ay ang paghanap ng ikasusulong at ng kawastuan, yaong, kung tapat, ay hihingi ng pagtutuus sa dapat hingan, ng dahil sa mga yutayutang pag iisip na pinalabo at binulag, ng dahil sa karangalang pinawi sa yutayutang tao at ng dahil sa di mabilang na panahong lumipas at gawang nawalan ng kabuluhan! at kung ang mga turo sa ebanhelio ay may tining na katotohanan, ay mananagot din ang mga yutayutang hindi nangatutong itago ang liwanag ng kaniyang pag iisip at ang karangalan ng kaniyang budhi, gaya rin naman ng pag uusisa ng panginoon sa alipin nang salaping ipinanakaw niya dahil sa karuwagan! lubhang karapatdapat dalawin ang bahay na tinitirahan ni makaraig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"malaki, maluwang, may dalawang patong na entresuelo na may magagarang salang bakal, wariy isang paaralan sa mga unang oras ng umaga at isang hinalong linugaw magmula naman sa ika sampu. sa mga oras ng paglilibang ng mga nangungupahan, mula sa pagpasok sa maluwang na silong hanggan sa itaas ng kabahayan, ay walang humpay ang tawanan, ang kaguluhan at ang galawan. may mga binatang damit pangbahay na naglalaro ng sipa, nangagsasanay sa pagpapalakas sa pamagitan ng mga trapesiong gawa lamang nila; sa hagdanan ay nagpapamook ang walo siyam na ang mga sandata ay mga tungkod, mga sibat, mga kalawit at silo, ngunit ang mga lumulusob at nilulusob ay karaniwan nang hindi nagkakasakitan; ang mga palo ay tumatama sa likod ng insik na nagbibili ng kaniyang tindang mga kakanin at nakasisirang kalamay, sa tabi ng hagdan. nalilibid siya ng maraming bata, binabatak ang kaniyang buhok na kalag nat gusot, inaagawan siya ng isang kalamay, tinatawaran sa halaga, at ginagawan ng ibat ibang kabuktutan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang insik ay nagsisisigaw, nagtutungayaw sa lahat ng wikang kaniyang batid, sampu sa kaniyang sariling wika, mag iiyakiyakan, tatawa, sasamo, isasaya ang mukha kung walang mangyari sa kaniya sa masama, pabalik., muasama yan! bo kosiesia hienne kilistiano kayo limonyo salamahe! walang kailangan! ililingong nakangiti ang mukha; kung sa kaniyang likod lamang tumatama ang mga palo ay patuloy ding walang kagambagambala sa kaniyang pangangalakal, sumisigaw na lamang ng: no hugalo ?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"no hugalo ngunit pag tumama sa bilao ng kaniyang mga kakanin, ay saka susumpang hindi na babalik, pupulas sa kaniyang bibig ang lahat ng tungayaw at lait na maiisip; ang mga bata naman ay lalong nagsusumidhi upang siyay pagalitin at pag nakitang naubos na ang masasabi ng insik at sila naman ay busog na sa hupya at inasnang buto ng pakuwan ay saka lamang siya babayaran ng walang kadayadaya at ang insik ay aalis na masaya, tumatawa, kumikindat at tinatanggap na wariy himas ang mahihinang palo na ibinibigay ng mga nag aaral na bilang pinakapaalam. huaya, homia!! ang mga tugtugan ng piano at biolin, ng biguela at kurdion ay nakikisaliw sa tunog ng paluan ng baston sa pag aaral ng eskrima.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa paligid ng isang malapad at mahabang dulang ay sumusulat ang mga nag aaral sa ateneo, ginagawa ang kanilang mga sulating ihaharap, niyayari ang kanilang mga suliranin sa piling ng mga ibang sumusulat sa mga papel na kulay rosa at may palamuting ukit na batbat ng mga guhit sa kanikanilang mga iniibig; ang isay gumagawa ng dula sa siping ng isang nag aaral na tumugtog ng plauta, kayat ang mga tulay napasusuwitan na sa simula pa lamang. sa dako pa roon, ang may katandaan, mga nag aaral ng facultad na, mga sutlang midias at sapatilyang may burda ang suot, ay nangaglilibang sa pagpapagalit sa mga batang pinipirol sa tainga na namumula na tuloy dahil sa kapipingot; dalawa tatlo ang pumipigil sa isang maliit na sumisigaw, umiiyak at ipinagtatanggol sa pamagitan ng kasisipa ang tali ng kaniyang salawal: ibig lamang na iwan siyang kagaya noong sumipot sa liwanag. pumapalag at umiiyak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa isang silid, sa paligid ng isang mesa velador ang apat ay nagrerebesino sa gitna ng tawanan at biruang ikinayayamot ng isang kunwari nag aaral ng lisyon ngunit, ang tunay ay nag aantay lamang na makahalili at siya naman ang makasugal. ang isay dumating na wariy nagugulumihanan sa gayon, gulilat at lumapit sa mesa. napakamabisyo kayo! kaagaaga ay sugal na! tingnan ko, tingnan ko! ihatak mo ang tatlong espada! at itinupi ang kaniyang aklat at nakilaro naman. nadingig ang sigawan, kumalabog ang hampasan. ang dalaway nag away sa kanugnog na silid: isang nag aaral na pilay na napabarahin at isang kaawaawang kagagaling pa lamang sa kaniyang lalawigan. ito, na bahagya pa lamang nagsisimula sa pag aaral, ay nakatagpo ng isang aklat na ukol sa pilosopia at binasang malakas, walang kamalakmalak at masama ang diin sa pagbigkas ng mga banggit na: cogito, ergo sum!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"inari ng pilay, na siyay pinatatamaan, ang ibang kasamay namagitnat pumapayapa, ngunit ang katunayan ay naguulot pa nga, kayat sa huliy nangagpanuntukan. sa kakanan ay isang binatang may isang latang sardinas, isang boteng alak at ang mga baong dala na galing sa kaniyang bayan, ay naglulunggati sa pagpupumilit na siyay saluhan sa pagkain ng kaniyang mga kaibigan, samantalang ang mga kaibigan naman ay nangaglulunggati rin sa pag ayaw. ang ibay nangaliligo sa azotea at pinagsasanayan ang tubig sa balon sa pagbobombero, nangaglalaban ng sabuyan sa gitna ng kagalakan ng mga nanonood. ngunit ang ingay at kaguluhan ay untiunting napapawi samantalang dumarating ang ilang may katangiang nag aaral, na tinipan ni makaraig upang balitaan ng lakad ng akademia ng wikang kastila. si isaganiy sinalubong ng boong giliw, na gaya rin ng taga espanang si sandoval, na kawaning dumating sa maynila at tinatapos ang kaniyang pag aaral, na kaisang lubos sa mga hangarin ng mga nag aaral na pilipino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang halang na inilalagay ng politika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan na wariy natutunaw sa init ng karunungan at ng kabataan. sa kawalan ng mga ateneo at lipunang ukol sa katarungan, sa wika at sa politika ay sinasamantala ni sandoval ang lahat ng paglilipon upang gamitin ang kaniyang malaking kaya sa pagsasalaysay, sa pamag itan ng pagbigkas ng mga talumpati, pakikipagtalo sa kahit na anong sanhi at napapapagakpak ang mga kaibigan at nakikingig sa kaniya. nang mga sandaling yaon ang sanhi ng salitaan ay ang pagtuturo ng wikang kastila. sa dahilang si makaraig ay hindi pa dumarating, ang mga paghuhulohulo ay siyang idinadaos. ano kaya ang nangyari? ano ang ipinasiya ng general? ipinagkait ang pahintulot? nagtagumpay si. nagtagumpay si. ito ang tanongtanungan ng isat isa, mga tanong na ang tanging makasasagot ay si makaraig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa mga binatang nagkakalipon ay may mga may palagay na loob na gaya ni isagani at ni sandoval na nakikinikinita nang yari ang bagay, at pinag uusapan na ang pagkalugod at pagpupuri sa pamahalaan, ang ukol sa pag ibig sa tinubuan ng mga nag aaral, mga kapalagayang loob na nag udyok kay juanito pelaez upang kanyahin ang malaking bahagi ng karangalan ng pagtatatag ng kapisanan. ang lahat ng itoy sinasagot ng di nasisiyahang loob na si pecson, isang matabang kung tumaway animo bungo sa pagsasalita ng ukol sa mga sulsol na makapangyayari, na ang obispo., si padre., ang provincial. ay pinagtanungan hindi at ang ipinayo hindi ay ang ipasok sa bilanguan ang lahat ng nasa kapisanan, balitang nagdudulot ng di ikapalagay ni juanito pelaez, na nauutal naman sa pagsasabing: aba, huwag ninyo akong ihalo!. si sandoval, dahil sa kaniyang pagkakastila at pagkamalaya, ay nag iinit: ngunit.! aniya ang ganiyan ay isang paghihinala ng masama sa general!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"alam ko ngang napakamakaprayle, ngunit sa mga ganiyang bagay ay hindi napasusulsol sa mga prayle! ibig baga ninyong turan sa akin, pecson, kung ano ang pinanunulayan ninyo sa pagsasabing walang sariling pasiya ang general? hindi iyan ang sinasabi ko, sandoval ang sagot ni pecson na sa pagtaway ipinatatanaw halos ang kaniyang huling bagang sa ganang akin, ang general, ay may sariling kapasiyahan, ito nga, ang kapasiyahan sa lahat ng nasa abot ng kaniyang kamay. itoy lubhang maliwanag! at sulong pa rin! ngunit turan ninyo sa akin ang isang pangyayari ang sigaw ni sandoval iwasan natin ang mga pagtatalong walang katuturan, ang mga salitang walang kabuluhan, at tumungo tayo sa mga pangyayari ang dugtong na sinabayan ng makiyas na kilos ang pagsasalita mga pangyayari, mga ginoo, mga pangyayari; ang hindi gayon ay mga hulohulong di ko ibig tawaging pilibustero. si pecson ay tumawa at sinabat siyang: lumabas na ang pilibusterismo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit hindi na ba mangyayaring makapagkatwiranan ng hindi sasapit sa masasamang bintang? si sandoval ay tumutol at humihingi ng mga pangyayaring tunay sa pamag itan ng isang munting talumpati. hindi pa nalalaunang ditoy nagkaroon ng usapin ang ilang taong bayan at ilang prayle, at pinasiyahan ng samantalang general, na, ang humatol ay ang provincial ng mga paring kausap ang sagot ni pecson. at muling nagtawa na wariy walang kabuluhan ang pinag uusapan. tumukoy ng mga pangalan, araw at nangakong magdadala ng mga kasulatang magpapatunay ng paraang ginamit sa pagkakapit ng katwiran. ngunit saan mananangan, sabihin ninyo sa akin, saan mananangan upang huwag pahintulutan ang maliwanag na maliwanag na ikabubuti at kailangan? ang tanong ni sandoval. ikinibit ni pecson ang kanyang balikat. na mapapanganib ang tibay ng tinubuang lupa. ang tugon na ang pagsasalitay kagaya ng isang abogado na bumabasa ng isang alegato . iyan ang malaking bagay!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ano mayroon sa tibay ng tinubuang lupa ng mga kaparaanan sa mabuting pagsasalita? may mga doctor ang santa madre iglesia. marahil ay pangilagang mabatid namin ang mga batas at aming masunod. ano kaya ang mangyayari sa pilipinas sa araw na ang isat isa sa amin ay magkaantiluhan? hindi naibigan ni sandoval ang ayos na tugunan at pabiro ng kanilang pag uusap. sa paraang iyon ay hindi maaaring sumipot ang isang talumpating may kaunting kabuluhan. huwag ninyong idaan sa biro ang sabi ang pinag uusapan ay mahalaga. iligtas ako ng lumikha sa pagbibiro kung napapagitna ang mga prayle! ngunit saan mananangan.? sa dahilang sa gabi ang pag aaral ang patuloy ni pecson, na gayon din ang ayos, na waring ang pinag uusapan ay kilala nat alam ay mangyayaring banggitin na pinakasagabal ang kahalayan, gaya ng sa paaralan sa malolos. hindi ba sa ilalim din ng balabal na madilim ng gabi idinadaos ang academia de dibujo at ang mga nobenario at mga prusisyon?.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lumalabag sa karangalan ng unibersidad ang patuloy ng mataba na hindi pinuna ang paalaala. ang unibersidad ay mapipilitang sumang ayon sa kailangan ng mga nag aaral. at kung iyan ay tunay ay ano kung gayon ang unibersidad? isa bagang kapisanan upang huwag matuto? nagkasasama baga ang ilang katao na nagtataglay ng katawagang may katarungan at dunong upang humadlang na ang ibay matuto? ang mga balak ng nangasaibaba ay tinatawag na di kasiyahang loob. at mga panukala ang tawag sa nanggagaling sa itaas ang dunggit ng isa nariyan ang paaralang artes oficios! dahan dahan, mga ginoo ang sabi ni sandoval hindi ako makaprayle; kilala ang aking mga malayang pagkukuro, ngunit ibigay natin sa cesar ang sa cesar! ang paaralang iyan ng artes oficios, na ako ang una unang nagtatanggol at ang araw na siyay matayo ay babatiing kong wariy unang liwayway na ikagiginhawa ng kapuluang ito, ang paaralang iyan ng artes oficios, ay ang mga prayle ang siyang nangagsumikap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang aso ng maggugulay, na kagaya rin nila ang dagdag ni pecson na pinutol na muli ang talumpati. ang sabing pagalit ni sandoval dahil sa pagputol, na nawala tuloy ang tuwid ng pagsasalaysay samantalang walang masama tayong nalalaman, ay huwag tayong mag akala ng masama, huwag tayong magkamaling maghinala sa kalayaan at pagkamasarili ng pamahalaan. at sa pamamagitan nang magagandang pangungusap ay inihanay ang mga pagpupuri sa pamahalaan at sa mga balak nito, bagay na hindi napangahasang hadlangan ni pecson. ang pamahalaang kastila ang sabi, sa gitna ng ilang bagay ay nagbigay sa inyo ng lahat ng kailangan, walang ipinagkait sa inyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa espana ay nagkaroon kami ng kapangyarihang alinsunod sa kaibigan ng iisang tao at kayoy nagkaroon ng gayon ding pamahalaan; kinalatan ng mga prayle ng kanilang kombento ang aming mga lupain at kombento ng mga prayle ang laman ng isang katlong bahagi ng maynila; sa espana ay pinalalakad pa ang bitay, at ang bitay ay siyang huling kaparusahan dito; kami ay katoliko at ginawa namin kayong katoliko; kamiy naging escolastico at ang escolasticismo ay siyang nananagumpay sa inyong mga paaralan; sa isang sabi, mga ginoo, umiiyak kami kung kayoy umiiyak, nagtitiis kami kung kayoy nagtitiis, iisa ang dambana natin, iisa ang ating hukuman, iisang kaparusahan, at nararapat na ibigay namin sa inyo ang amin ding mga karapatan at ang amin ding mga katuwaan. at sa dahilang walang humahadlang sa kaniya, ay sumigabo ng sumigabo ang kalooban hanggang sa tinukoy na ang sasapitin ng pilipinas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gaya ng sinabi ko, mga ginoo, ang liwayway ay hindi malayo, binubuksan ng espana ang kasilanganan sa kaniyang iniibig na pilipinas, at ang mga kapanahunan ay nag iiba at batid kong ang ginagaway higit kay sa inaakala natin. ang pamahalaang iyan, na, ayon sa inyo, ay gumigiwang at walang sariling kalooban, ay nararapat na ating udyukan sa pagpapakilala ng ating pagtitiwala, ipakita na tayoy nag aantay sa kaniya; ipaalaala natin sa ating kilos (kung nakalilimot, bagay na hindi ko pinaniniwalaang mangyari) na tayoy nananalig sa kaniyang magagandang hangad at hindi siya dapat umalinsunod sa ibang palakad liban doon sa sadyang katwiran at ikabubuti ng kaniyang mga pinamamahalaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi, mga ginoo, ang patuloy na lalot lalo pang umayos nagtatalumpati hindi natin dapat tanggapin man lamang sa bagay na ito, ang pangyayari marahil, na nagtanong sa ibang taong laban sa panukala, sapagkat ang sapantaha lamang ay makakatimbang ng pagpapaumanhin sa pangyayari; ang inyong inaasal hanggang sa ngayon ay matapat, malinis, walang pagmamaliw, walang agam agam; humihiling kayo sa kaniya ng maliwanag at walang palikawlikaw; ang inyong mga pinagbabatayang katwiran ay lubhang karapatdapat dinggin; ang inyong layon ay ang awasan ng gawain ang mga guro, sa mga unang taon, at maging madali ang pagkatuto ng daan daang mga nag aaral na pumupuno sa mga klase, na hindi mangyayaring magampanan ng iisang guro.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung hangga ngayon ay hindi pa napasisiyahan ang kasulatan ay dahil sa alam kong may maraming gawaing naiimbak; ngunit inaakala kong ang pag uusig ay nagtagumpay, na ang sanhi ng tipan ni makaraig ay upang ibalita sa atin ang pananalo, at bukas ay makikita nating magtatamo ang ating mga pagsusumikap ng papuri at pagkilala ng bayan, at sino ang makapagsasabi, mga ginoo, kung hindi ipalagay ng pamahalaan na kayoy dulutan ng mabuting condecoracion dahil sa kayoy karapatdapat sa kapurihan ng inyong bayan! nag umugong ang masisigabong pagakpakan; naniniwala na ang lahat sa pananalo at ang marami sa condecoracion . dapat makilala, mga ginoo, ang sabi ni juanito pelaez na akoy isa sa mga unang nagmunakala! ang di mapaniwalaing si pecson ay hindi nagagalak. pag hindi nagkaroon tayo ng condecoracion sa binti! salamat na lamang at hindi nadingig ni pelaez ang banggit na iyon, dahil sa lakas ng pagakpakan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang mahintohinto ng kaunti, ay sinabi ni pecson, na: mabuti, mabuti, mabuting mabuti, ngunit isang palagay. kung sa lahat ng iyan, ang general ay sumangguni rin, sumangguni at sumangguni, at pagkatapos ay ipagkait sa atin ang kapahintulutan? ang palagay ay bumagsak na wariy tubig na malamig. ang lahat ay napatingin kay sandoval; itoy natubigan. kung gayon. ang sabing paurongsulong. kung gayon? kung gayon ang bulalas ni sandoval na sumusulak pa ang dugo dahil sa mga pagakpakan at sa isang udyok ng sigabo sa dahilang sa mga kasulatan at sa mga limbag ay ipinahahayag na iniibig niya ang inyong ikatututo ngunit pinipigil at ipinagkakait ang gayon pag sumapit na ang pagsasagawa, kung gayon, mga ginoo, ang inyong mga pagsusumikap ay hindi nasayang, natuklas ninyo ang hindi natuklas ng sino man, na maalis ang balatkayo at kayoy hamunin! mabuti, mabuti! ang masigabong sigawan ng ilan. purihin si sandoval! mabuti ang ukol sa paghamon! ang dagdag ng iba. hamunin tayo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang sagot ni pecson na hindi binibigyang kabuluhan ang gayon at pagkatapos? sa gitna ng kaniyang pananagumpay ay napatigil si sandoval, ngunit sa katalasang taglay ng kaniyang lipi at dahil sa kaniyang dugong mananalumpati ay agad nakabalikwas. pagkatapos? ang tanong pagkatapos, kung walang pilipinong makapangahas tumugon sa hamon, ay ako, si sandoval, sa ngalan ng espana ay sasaluhin ko ang guantes sapagkat ang gayong paraan ay isang pagpapabulaan sa mabuting hangad na kailan may tinaglay ng espana sa kaniyang mga lalawigan, at sa dahilang sa gayong asal ay sinasalaula ang katungkulang ipinagkatiwala sa kaniya at nagpapakalabis sa kaniyang walang sagkang kapangyarihan, hindi siya karapatdapat sa pag aampon ng inang bayan ni sa pagkupkop ng sino mang mamamayang kastila. ang kagalakan ng mga nakikingig ay halos naging kahibangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"niyakap ni isagani si sandoval, bagay na ginayahan ng iba; nabanggit banggit doon ang inang bayan, ang pagkakaisa, ang pagkakapatiran, ang pagkamatapat; anang mga pilipinoy kung wala kundi pawang sandoval sa espana, ang lahat ng tao sa pilipinas ay magiging sandoval na lahat; nagniningning ang mga mata ni sandoval at mapapaniwalaang kung sa mga sandaling iyon ay hinagisan siya ng sino man ng isang guantes na tanda ng paghamon, ay sumakay sana sa kahit aling kabayo upang magpakamatay ng dahil sa pilipinas. ang tubig na malamig lamang ang nagwikang: mabuti, mabuting mabuti, sandoval; ako man ay makapagwiwika ng ganiyan kung akoy taga espana; ngunit sa dahilang hindi gayon, kung ako ang nagsabi ng kalahati man lamang ng sinabi ninyo, kayo man ay magpapalagay na akoy pilibustero. nagsimula na si sandoval ng isang talumpating taganas na pagtutol, nang mapigil. matuwa na tayo, mga kaibigan! ang sigaw ng isang binatang pumasok at niyakap ang lahat. matuwa na tayo, mga kaibigan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mabuhay ang wikang kastila! isang maugong na pagakpakan ang sumalubong sa balita; ang lahat ay nagyayakapan, ang lahat ay maningning ang mata dahil sa luha. si pecson ang tanging nagtataglay ng kaniyang ngiting mapagmakatangi. ang dumating na may dala ng mabuting balita ay si makaraig, ang binatang nangungulo sa kilusan. ang tinitirahan ng nag aaral na ito sa bahay na iyon ay dalawang silid na napapalamutihang mabuti para sa kaniyang mag isa lamang, mayroon siyang alila at kotsero na nag aaruga sa kaniyang sasakyang arana at sa kanyang mga kabayo. ang tindig niyay makiyas, ugaling banayad, magarat mayamang mayaman. kahit nag aaral ng pag aabogado upang magkaroon lamang ng isang titulo academico ay may kabantugan siya sa pagkamasipag mag aral, at kung sa pagsasalita ng alinsunod sa turong paaralan ay hindi na mahuhuli sa ibang mapaghamon sa pagtatalo sa loob ng unibersidad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi rin naman nahuhuli sa mga akalat bagong mga pagkasulong; sa tulong ng kaniyang salapiy nagkakaroon siya ng mga aklat at pamahayagan na hindi mapigil ng previa censura . dahil sa mga taglay na ito, sa kaniyang kabantugan sa katapangan, sa kaniyang mapalad na pakikitunggali noong kaniyang kabataan, at sa kaniyang magandat mabuting ugali, ay hindi dapat pagtakhan na panuntan siya ng kaniyang mga kasama at siyang mahalal upang maisagawa ang gayong kahirap na balak na pagtuturo ng wikang kastila. makaraan ang mga unang silakbo ng kagalakan, na sa kabataan ay nagkakaroon kailan man ng kasagwaan dahil sa ang kaniyang malas sa lahat ng bagay ay maganda, ay siniyasat kung papaano ang nangyari. kanginang umagay nakipagkita ako kay. irene ang sabi ni makaraig na wariy palihim. ang sigaw ng isang nagagalak na nag aaral. inihayag sa akin ni. irene ang patuloy ni makaraig ang lahat ng nangyari sa los banos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tila isang linggo silang nagtatalo, ipinaglaban at ipinagtanggol niya ang ating usap ng laban sa lahat, laban sa kay. sibyla, sa kay. fernandez, sa kay. salvi, sa general, sa segundo cabo, sa mag aalahas na si simoun. ang mag aalahas na si simoun! ang putol ng isa ngunit ano ang ipinanghihimasok ng hudyong iyan sa mga bagay bagay ng ating bayan? at pinayayaman natin iyan sa pagbili. tumigil ka nga! ang sabi ng isa, na naiinip sapagkat ibig mabatid kaagad kung papaano at tinalo ni. irene ang mga nakasisindak na kalabang iyon. mayroon pa manding matataas na kawaning laban sa ating panukala, ang namamahala sa pangasiwaan, ang gobernador civil, ang insik na si quiroga. ang insik na si quiroga! tumigil ka na, tao ka! sa kahulihulihan ang patuloy ni makaraig ay itatago na sana ang kahilingan at babayaang makatulog doon ng ilang buwan, ng maalala ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"irene ang kataastaasang lupon ng paaralan at ipinalagay niyang ang kasulatan ay mahulog sa lupong yaon upang magbigay ng munkahing nararapat yamang ang ukol sa pagtuturo ng wikang kastila ang pinag uusapan. ngunit ang lupong iyan ay malaon ng hindi kumikilos ang tukoy ni pecson. iyan din nga ang isinagot kay. irene ang patuloy ni makaraig at sinagot niyang mabuti ngang pagkakataon upang muling mabuhay, at sinamantala ang pagkakaparoon ni don custodio, na isa sa mga kasangguni, at nagpalagay noon din ng isang lupon, at sa dahilang kilala ang kasipagan ni. custodio ay siyang tinakdaang magpalagay ng ipapasiya, kayat ngayoy nasa kamay niya ang kasulatan. ipinangako ni. custodio na lulutasin niya sa loob ng buwang ito. at kung ang ipasiya ni. custodio ay laban? ang tanong ng di mapag asang si pecson. iyan ang hindi nila naaalaala, dahil sa kahibangan sa akalang mabuti ang lakad ng usap. lahat ay napatingin kay makaraig upang mabatid kung ano ang sasabihin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang bagay ding iyan ang sinabi ko kay. irene, ngunit sinabi sa akin, na kasabay ang kaniyang palabirong tawa, na: malaki na ang ating tinamo, nagawa nating ang usap ay makarating sa isang kapasiyahan, mapipilitan ang kalaban na tanggapin ang pakikihamok. kung mangyayaring mapakiling natin si. custodio, upang sa pag alinsunod sa kaniyang malayang hilig, ay magpasiya ng sang ayon, ay nanalo na tayo; ang general ay nagpapakilalang walang kikilingan. si makaraig ay huminto. at papaano ang pagpapakiling? ang tanong ng isang inip. may sinabi sa aking dalawang paraan si. ang insik na si quiroga! hindi pinupuna si quiroga. isang mabuting handog! lalo pa, ipinagmamalaki ang katigasan niya sa mga handog. ang bulalas na tumatawa ni pecson ang mananayaw na si pepay., oo nga! ang mananayaw na si pepay! ang pepay na itoy isang makiyas na dalaga na kilalang matalik na kaibigan ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"custodio: sa kaniya lumalapit ang mga tumatanggap ng mga pagawa, ang mga kawani at ang mga mapaglalang kung may nasang tamuhin sa bantog na konsehal. si juanito pelaez na kaibigan din ng mananayaw ay humahandog na siyang lalakad ng usap; ngunit si isaganiy umiling at nagsabing sukat na ang pagkakagamit kay . irene at magiging kasagwaan ang lapitan si pepay sa ganitong bagay. tingnan ang isa pang paraan! ang isa ay lumapit sa abogadong pinagsanggunian, si. pasta, tanungang pinangangayupapaan ni. ibig ko pa iyan, ang sabi ni isagani si. pasta ay pilipino, at naging kasama sa pag aaral ng aking amain. ngunit papaano ang gagawin upang mapakiling? nariyan ang kid ang sagot ni makaraig na tinitigan si isagani si ginoong pasta ay may isang mananayaw, itong. may isang mangbuburda. inailing na muli ni isagani ang kaniyang ulo. huwag kayong napakamaselang ang sabi sa kaniya ni juanito pelaez ang mga layon ay siyang nagliligtas sa mga kaparaanan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kilala ko ang mangbuburda, si matea, na may isang pagawaang pinapasukan ng maraming dalaga. huwag, mga ginoo, ang putol ni isagani unahin muna natin ang mga paraang hindi mahalay. paparoon ako sa bahay ni. pasta at kung wala akong mapala, ay saka na ninyo gawin, ang ibig gawin sa mga mananayaw at mga mangbuburda. napahinuhod sila sa palagay at nagkasundong si isagani ay makipag usap kay. pasta sa araw ding yaon at sa kinahapunan ay ipababatid sa unibersidad, sa kaniyang mga kasama, ang nangyari sa pakikipagkita. si isagani ay naparoon sa bahay ng abogado, isa sa mga may tanging katalinuhan sa maynila na pinagtatanungan ng mga prayle sa kanilang malalaking kagipitan. nag antay ng kaunti ang binata, sapagkat maraming ipinagtatanggol ang naroroon, ngunit dumating din ang taning na ukol sa kaniya at pumasok sa gawaan bufete gaya ng karaniwang tawag sa pilipinas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tinanggap siya ng manananggol usap sa pamagitan ng isang mahinang ubo at tinitingnang palihim ang kaniyang mga paa; hindi tumindig ni hindi man lamang siya pinaupo at nagpatuloy sa pagsusulat. nagkaroon si isagani ng panahon upang matyagan siya at kilalanin. malaki ang itinanda ng abogado, ubanin na at ang kaniyang upaw ay halos laganap sa boong tuktok. ang kaniyang mukhay pasumangot at matigas. sa gawaan, ang lahat ay tahimik; walang nadidingig kungdi ang anasan ng mga tagasulat nangagsasanay na gumagawa sa kanugnog na silid: ang kanilang mga panitik ay gumagaralgal na wariy nakikipagtunggali sa papel. natapos din ang manananggol sa sinusulat, binitiwan ang panitik, itinaas ang ulo, at ng makilala ang binata, ay nagliwanag ang mukha, at malugod siyang kinamayan. aba, binata!. ngunit umupo kayo, patawarin ninyo. hindi ko napunang kayo pala. at ang inyong amain? lumakas ang loob ni isagani at inakalang mapapabuti ang kaniyang lakad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isinalaysay niyang lahat ang nangyari, na pinag aaralang mabuti ang napapala ng kaniyang sinasabi. pinakinggang walang katigatigatig ni. pasta ang simula, at kahit batid niya ang lakad ng mga nag aaral, ay nagmamaangmaangan upang ipakilala na wala siyang pakialam sa mga kamusmusang iyon, ngunit ng maramdaman ang pakay sa kaniya at nadingig na natutukoy sa vice rector, mga prayle, capitang general, panukala at ibp., ang mukha niyay untiunting nagdilim at nagtapos sa pagbulalas ng: ito ang lupain ng mga panukala! ngunit ituloy, ituloy ninyo. hindi nanglupaypay si isagani: sinabi ang kapasiyahang ibibigay at nagtapos sa pagpapahayag ng pagkakatiwala ng kabinataan na siya, si. pasta, ay mamamagitna ng sang ayon sa kanila sakaling si. custodio ay sumangguni sa kaniya, gaya ng maaasahan. hindi nangahas si isaganing sabihin na pagpayuhan dahil sa ngibit na ipinamalas ng manananggol. ngunit may takda ng gagawin si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pasta, na dili ibat ang huwag manghimasok sa bagay na iyon, ni sumangguni, ni pagsanggunian. alam niya ang nangyari sa los banos, batid niyang may dalawang pangkat at hindi si. irene ang tanging bayani na nasa dako ng mga nag aaral, ni hindi siya ang nagpalagay ng pagdaraan ng kasulatan sa lupong ng paaralan, kundi lubos na kaiba. fernandez, ang condesa isang mangangalakal na nakakikinikinita nang makapagbibili ng kagamitang ukol sa bagong akademia at ang mataas na kawaning nagtukoy ng ibat ibang kapasiyahang hari ay mangagtatagumpay na sana, ng ipinaalaala ni. sibyla, upang magkapanahon, ang kataastasang lupon. ang lahat ng bagay na itoy natatala sa alaala ng abogado; kayat ng matapos makapagsalita si isagani, ay tinangkang lituhin ito sa pariway na mga pangungusap, guluhin at ilipat ang usapan sa ibang bagay. ang sabi na inilawit ang labi at kinamot ang upaw walang mangunguna sa akin sa pag ibig sa tinubuan at paghahangad ng pagkakasulong, datapway. hindi ako makasugba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi ko masabi kung batid ninyo ang aking kalagayan, isang kalagayang lubhang maselang. marami akong pag aari. kailangan akong kumilos sa loob ng isang masusing pagkataros. ibig lituhin ng abogado ang binata sa pamag itan ng maraming salita at nagsimula ng pagtukoy sa mga batas, sa mga kapasiyahan, at napakarami ang nasabi, na hindi ang bata ang nagulo kundi siya sa sarili ang halos nagulo sa isang pasikot sikot na kababanggit. hindi po mangyayaring hahangarin naming ilagay kayo sa kagipitan ang mabanayad na sagot ni isagani iligtas kami ng lumikha sa pagbibigay gambala sa mga taong ang kanilang buhay ay lubhang kailangan ng ibang pilipino! datapway kahit napakaunti ang nababatid ko tungkol sa mga batas, mga kautusang hari, mga lathala at mga kapasiyahang umiiral sa ating bayan, ay hindi ko inaakalang magkaroon ng kasamaan ang makitulong sa mga adhikain ng pamahalaan, ang punyagiin ang siyay maalinsunod na mabuti; iisang layon ang aming inuusig at sa kaparaanan lamang kami nagkakaiba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang manananggol ay napangiti: ang binatay napadadala sa ibang landas at doon niya lilituhin, lito na nga. diyan nga naririyan ang kid sa karaniwang sabi; hindi nga ba kapuripuri ang tumulong sa pamahalaan pag ang pagtulong ay sa pamag itan ng pangangayupapa, alinsunurin ang kaniyang mga kapasiyahan, ang tuwid na katuturan ng mga batas na katugon ng tuwid na paghahaka ng mga namamahala at hindi malalaban sa unang una at karaniwang paraan sa pagkukuro ng mga ginoong may hawak ng ikaaanyo ng mga taong bumubuo ng isang kapisanan. at dahil dito ay masama, karapatdapat parusahan, sapagkat nakahahalay sa batayan ng kapangyarihan, ang gumawa ng isang bagay na laban sa kaniyang mga munakala kahit na inaakalang mabuti kay sa nanggagaling sa pamahalaan, sapagkat ang gayong kagagawan ay makasusugat sa kaniyang katibayan na siyang batayan ng alin mang pamamahala sa mga bayang sakop.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang matandang abogado, sa pananalig na ang mga tinurang iyon ay nakalito kay isagani, ay nagpakabuti sa kaniyang silyon ng walang kaimik imik, kahit na sa loob niyang sarili ay nagtatawa. gayon man, ay tumugon si isagani. inakala ko, na ang mga pamahalaan ay dapat humanap ng ibang batayang lalong matibay kailan pa man at nadadawal. ang pinagbabatayang lakas ng mga pamahalaang ukol sa nasasakop ay siyang pinakamahina sa lahat, sapagkat wala sa kanila kundi nasa mabuting kalooban ng mga nasasakupan samantalang ibig kilalanin ang gayon. ang batayang katwiran ay siyang inaakala kong lalong matibay. itinaas ng abogado ang ulo; ano! ang binatang iyon ay nangangahas tumutol at makipagtalo sa kaniya, siya, si. hindi pa lito sa kaniyang mabigkas na pangungusap? binata, nararapat iwan sa isang dako ang mga hakang iyan, sapagkat mapanganib, ang hadlang ng manananggol na inginiwi ang mukha ang sinasabi ko sa inyo ay dapat na bayaang gumawa ang pamahalaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga pamahalaan ay itinatag upang ikagaling ng mga bayan, at upang makatupad ng lubos sa layunin niya ay dapat umalinsunod sa kahilingan ng mga namamayan na siyang lalong nakababatid ng kanilang mga kailangan. ang mga bumubuo ng pamahalaan ay mga mamamayan din at yaong mga may lalong kasapatan. ngunit sa dahilang silay tao, ay maaaring magkamali, at hindi nararapat na huwag pansinin ang sa ibang haka. dapat magtiwala sa kanila, ibibigay nilang lahat. may isang sawikaing likas na kastila, na ang sabiy: ang hindi umiiyak ay hindi nakasususo. ang hindi hinihingi ay hindi ipinagkakaloob. ang sagot ng abogado na tumawang pakutya sa pamahalaan ay pasaliwa ang nangyayari. datapway biglang napahinto na wariy nakapag wika ng higit sa nararapat at tinangkang gamutin ang kaniyang pagkabulalas. pinagkalooban tayo ng pamahalaan ng mga bagay na hindi natin hiniling, ni hindi natin mahihiling. sapagkat ang paghiling.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang paghiling ay nagpapakilalang may pagkukulang at dahil doon ay hindi gumaganap sa kaniyang katungkulan. pagpayuhan siya ng isang paraan, tangkaing ibunsod siya, huwag nang siyay tunggaliin, ay isang pagsasapantahang siyay mangyayaring mamali, at sinabi ko na nga sa inyong ang mga gayong paghahakay laban sa kabuhayan ng mga pamahalaang ukol sa nasasakop. ang bagay na itoy hindi batid ng karamihan at hindi alam ng mga binatang nagdadalosdalos, hindi nila kilala, ayaw kilalanin ang lubhang kaibayong ibubunga ng paghingi. ang kasagwaang taglay ng panukalang iyan. ipagpatawad po ninyo ang putol ni isagani na namuhi sa mga pangangatwirang ginamit sa kaniya ng abogado pag sa makatwirang paraan ang isang bayan ay humihingi ng ano man sa isang pamahalaan ay sapagkat inaakalang mabuti at nalalaang pagkalooban siya ng isang kabutihan, at ang kagagawang ito, ay hindi dapat makamuhi sa kanya kundi bagkus pa ngang dapat makagalak; humihingi sa ina, sa inainahan ay hindi, magpakailan man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang pamahalaan sa ganang pahat kong pag aakala, ay hindi isang may laganap na paningin na nakikitat napaglalaanan ang lahat ng bagay, at kahit na maging gayon, ay hindi mangyayaring mamuhi, sapagkat naririyan ang pananampalataya na walang ginagawa kundi maghihingi sa dios na nakakikita at nakakikilala ng lahat ng bagay, at kayo man ay humihingi at humihiling ng maraming bagay sa mga hukuman ng pamahalaan ding iyan, at ni ang dios, ni ang pamahalaan hanggang sa ngayon ay hindi pa nagpapahalata ng kamuhian. nasa sa budhi ng lahat na ang pamahalaan, dahil sa siyay itinatag ng mga tao, ay nangangailangan ng tulong ng iba, nangangailangang ipakita at iparamdam sa kaniya ang katunayan ng mga bagay bagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kayo na sa sarili ay hindi naniniwalang lubos sa katotohanan ng inyong mga ikinatwiran; kayo sa sariliy alam ninyong marahas at di natutungtong sa matuwid ang pamahalaan, na, upang makapagparangal ng kalakasan at pagkamapagsarili, ay nagkakait ng lahat ng bagay sa katakutan sa kakulangang tiwala, at ang mga bayan lamang na dinadahas at inaalipin ay siya lamang may katungkulang huwag humingi ng kahit ano magpakailan man. ang isang bayang nasusuklam sa kaniyang pamahalaan ay walang dapat hilingin dito kundi ang iwan ang pamamahala. ang matandang abogado ay ngumingiwi at pinaiiling iling ang ulo, tanda ng di kasiyahang loob at hinahaplos ng kamay ang kaniyang upaw; pagkatapos, sa isang pananalitang mapag ampon na wariy may pagkahabag ay nagsabing: hm! masamang aral iyan, masamang palagay, hm! napagkikilalang kayoy bata at wala pa kayong pagkatalos sa ukol sa kabuhayan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tingnan ninyo ang nangyayari sa madrid sa mga binatang walang muwang na humihingi ng maraming pagbabago: lahat silay pinararatangang mga nag uusig ng paghiwalay, marami ang hindi makapangahas na umuwi, ngunit gayon man ay ano ang kanilang mga hinihingi? mga banal na bagay, matatanda nat hindi makasasama sapagkat lubos nang kilala. datapway may mga bagay na hindi ko maipaliliwanag sa inyo, mga lubhang maselang. ipinagtatapat ko sa inyong may iba pang katwiran, bukod sa mga tinuran na, na naguudyok sa isang matinong pamahalaan upang kailan man ay huwag dumingig sa mga kahilingan ng isang bayan. mangyayari ding makatagpo tayo ng mga pinunong palalo at mahangin ang. ngunit mayroon ding ibang katwiran. kahit na ang hinihingi ay yaong lalong nararapat. ang mga pamahalaan ay may iba ibang palakad. at ang matanday nag aalinlangang nakatitig kay isagani, at pagkatapos ay tumalaga na sa isang bagay, ikinumpay ang kamay na wariy may inilalayong paghahaka sa kaniyang pag iisip.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nahuhulaan ko ang inyong ibig sabihin ang patuloy ni isagani na ngumiting malungkot ibig ninyong sabihin na ang pamahalaang ukol sa nasasakupan, yamang natatatag ng hindi lubos na wasto at sa dahilang nananangan sa mga palapalagay. ang biglang hadlang ng matanda na nagpakunwaring may hinahanap sa kaniyang mga papel hindi, ang ibig kong sabihin. ngunit nasaan kaya ang aking salamin sa mata? hayan po ani isagani. pasta ang kaniyang salamin, waring may binasang ilang kasulatan, at ng makitang inaantay siya ng binata ay nagwikang pautal utal: may ibig akong sabihing isang bagay. ibig kong sabihin, ngunit nakalimutan ko na. kayo sa inyong kapusukan, ay pinigil ninyo ako. isang bagay na walang malaking kabuluhan. kung alam lamang ninyo kung papaano ang ulo ko, napakarami kasi ng aking gagawin! naramdaman ni isaganing siyay iniaaboy na. kung gayon, ang sabing sabay tindig kami ay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mabuti pang bayaan na ninyo sa kamay ng pamahalaan ang bagay na iyan; siya na ang bahalang magpapasiya diyan ng alinsunod sa kaniyang maibigan. sinasabi ninyong ang vice rector ay laban sa pagtuturo ng wikang kastila, marahil ngay gayon, ngunit hindi sa panukala kundi sa paraan ng panukalang iyan. sinasabing ang rector na paparito ay may dalang panukalang pagbabago ng pagtuturo. magantay kayo ng kaunti, bigyan ninyo ng panahon ang panahon, mangagaral kayo, sapagkat nalalapit na ang examen at putris yata! kayong mabuti nang magwikang kastila at maluwag na magsalita anot nakikihimasok pa sa gulo? ano pa ang hangad ninyong bukod na ituro? florentino ay kaisa ko sa pasiya! ipakikumusta ninyo. kailan pa man ay kabilinbilinan sa akin ng aking amain ang sagot ni isagani na alalahanin ko ang iba gaya ng pag aalaala ko sa sarili. hindi ako naparito ng dahil sa akin, naparito ako sa ngalan ng mga nasa sa kalagayang lalo pang aba., putris!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gawin nila ang ginawa ninyo, sunugin nila ang kanilang kilay sa pag aaral at maging upawin silang gaya ko sa pagsasaulo ng boo boong salaysay. at inaakala kong kung kaya kayo nakapagsasalita ng wikang kastila ay sapagkat pinag aralan ninyo; kayoy hindi taga maynila ni anak ng kastila! pag aralan nila ang pinag aralan ninyo at gawin nila ang ginawa ko. akoy naging alila ng lahat ng prayle, ipinagluto ko sila ng chocolate at samantalang ang kanan koy ipinanghahalo sa batidor ay pigil ko sa kaliwa ang gramatika, nag aaral ako at, salamat na lamang sa dios, hindi ako nagkailangan ng iba pang mga guro, ni iba pang akademia, ni mga pahintulot ng pamahalaan. paniwalaan ninyo ako; ang ibig na mag aral ay nakapag aaral at natututo! ngunit ilan na sa mga ibig na matuto ang makaaabot sa inabot ninyo? isa sa isang libo, at yaon pa man! at ano pa ang kailangan ng higit pa roon? ang sagot ng matanda na ikinibit ang balikat ang mga abogadoy labis na, ang maramiy pumapasok na lamang na taga sulat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sila silay nagmumurahan, nag uupasalaan at nagkakamatayan dahil sa pag aagawan sa isang gagamutin. bisig, ginoo, ang kailangan natin ay bisig na ukol sa pagtatanim! nakilala ni isagani na nag aaksaya siya ng panahon, ngunit tumugon: tunay nga ang sagot maraming abogado at mediko, ngunit hindi ko masasabing lumalabis, sapagkat mayroon tayong mga bayang wala ng isa man sa kanila; ngunit kung marami man sa bilang, marahil ay kulang sa mabuti. at yayamang hindi mapipigil na mag aral ang kabataan at ditoy wala na namang ibang carrera bakit babayaang masayang ang kanilang panahon at pagsisikap? kung ang kasiraan ng pagtuturo ay hindi makahadlang na ang maramiy maging abogado mediko, kung tayoy magkakaroon din lamang bakit hindi pa mabubuti?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at gayon man, kahit na ang nasay gawing lupain ng mga manananim ang lupaing ito, isang lupain ng mga manggagawa sa lupa, at patayin sa kaniya ang lahat ng gawaing isip, ay hindi ko maunawa ang kasamaan ng patalinuhin ang mga manananim at mga manggagawang lupang iyan, bigyan man lamang sila ng isang pinag aralang magpahintulot sa kanila, pagkatapos, na mawasto at magwasto ng kanilang mga gawain, na ilagay baga sila sa kalagayang mawatasan ang maraming bagay na hindi batid sa ngayon. bah, bah, bah! ang bulalas ng abogado na ikinumpay ng palikawlikaw sa hangin ang kamay na waring ibig bugawin ang mga paghahakang nabanggit upang maging mabuting mang aani ay hindi kailangan ang maraming retorica . pangarap, maling akala, buko ng pag iisip! ibig baga ninyong sumunod sa isang hatol? at tumindig, masuyong ipinatong ang kamay sa balikat ng binata, at nagpatuloy: bibigyan ko kayo ng isang lubhang mabuti, sapagkat nakikita kong kayoy matalino at ang hatol ay hindi mapapagayon lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"magaaral kayo ng panggagamot? kung gayon ay magkasiya kayo sa pag aaral ng kung papaano ang paglalagay ng tapal at pagpapasigid ng linta at huwag ninyong panghimasukan ang pagpapabuti pagpapasama ng kalagayan ng inyong kapuwa. pag kayoy licenciado na, ay mag asawa kayo sa isang dalagang mayaman at mapanata, pagpilitan ninyo ang makapanggamot at makasingil na mabuti, layuan ninyo ang lahat ng bagay na may pakialam sa kalagayan ng bayan, magsisimba kayo, magkumpisal at makinabang pag ang ibay gumagawa ng gayon, at makikita ninyong pagkatapos ay pasasalamat kayo sa akin at ang gayoy makikita ko kung akoy buhay pa. palagi ninyong aalalahanin na ang lalong wastong paglingap ay ang lingapin muna ang sarili; walang dapat hanapin ang tao sa mundo kundi ang lalong malaking kaligayahan ng kaniyang sarili, gaya ng sabi ni bentham; pag kayoy nanghimasok sa mga kaululan, ay hindi kayo magkakaroon ng carrera ni hindi kayo magkakaasawa, ni hindi kayo magiging anoman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pag iiwananan kayo ng lahat at ang una unang magtatawa sa inyong kalinisang ugali ay ang inyo ring mga kababayan. maniwala kayo sa akin, akoy maaalaala din ninyo at sasabihin ninyong may katwiran ako pag kayoy nagkaroon na ng ubang kagaya ko, mga ubang kagaya nito! at hinipo ang iilan niyang buhok na puti ng matandang abogado na ngumiti ng malungkot at iniling iling ang ulo. pag nagkaroon na ako ng mga ganiyang uban, ginoo, ang sagot na malungkot din ni isagani at pag inilingon ko ang aking paningin sa nakaraan at makita kong wala akong ginawa kundi ang ukol sa sarili, na hindi ginawa ang mangyayaring gawin at dapat kong gawing ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat ng bagay, ukol sa mga namamayang tumutulong sa aking kabuhayan, ang bawat uban ay magiging isang tinik sa akin, at hindi ko sila ikadadangal kundi bagkus ikahihiya! at masabi ito ay yumuko at umalis. napatigil ang abogado sa kaniyang kinalalagyan, na ang matay susulingsuling.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nadingig ang mga yabag na lumalayong untiunti at muling umupo na bumubulong: kaawaawang binata! ang mga ganiyan ding haka ay sumagi isang araw sa aking pag iisip! maanong ang lahat ay makapagsabing: ginawa ko ito ng dahil sa aking bayan, iniuukol ko ang aking buhay sa ikabubuti ng lahat.? putong na laurel, na pigta ng katas ng kamansa, mga dahong tuyo na nagkakanlong ng mga tinik at mga uod! hindi iyan ang kabuhayan, iyan ay hindi nagbibigay ng kakanin, ni hindi nagdudulot ng karangalan; ang mga laurel ay bahagya nang magamit sa isang sawsawan. ni hindi nagbibigay ng katiwasayan. ni hindi nagpapanalo ng mga usap, kundi tiwali pa nga! ang bawat bayan ay may kaniyang hilig, gaya rin ng kaniyang singaw ng lupa at kaniyang mga sakit, na iba sa singaw ng lupa at mga sakit ng ibang bayan! at idinugtong pagkatapos: kaawaawang binata!. kung ang lahat sanay nag iisip at gumagawa ng gaya niya, ay hindi ko sinasabing hindi. kaawaawang binata! kaawaawang florentino!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang kinagabihan ng sabado ring yaon, ang insik na si quiroga na nagnanasang makapagtatag ng isang consulado ng kaniyang bansa, ay naghanda ng isang hapunan sa itaas ng kaniyang tindahan na nasa daang escolta. maraming dumalo sa kaniyang pista: mga prayle, mga kawani, mga militar, mga mangangalakal, lahat ng kaniyang mga suki, mga kasama mga ninong, ay pawang nangaroroon; ang kaniyang tindahan ay siyang kinukunan ng lahat ng kailangan ng mga kura at ng mga kombento, tumatanggap ng vale ng lahat ng kawani, mayroon siyang matatapat na alagad na masunurin at masisipag. ang mga prayle ay hindi nanganganinganing dumaan ng mga buo buong oras sa kaniyang tindahan, maging sa pook na tanaw ng madla, maging sa mga silid na nasa loob, na, may mga kaayaayang kapulong. nang gabi ngang iyon, ang kabahayan ay may katangitanging anyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"namumuno sa mga prayle at mga kawani na nangakaluklok sa mga uupang viena at mga mumunting bangkong maitim ang kahoy at ang uupan ay marmol na galing sa canton, sa harap ng mga mumunting dulang na parisukat, at nangaglalaro ng tresillo nangag uusap usap, sa tulong ng maningning na liwanag ng mga ginintuang lampara ng kukutakutatap na ilaw ng mga parol insik na may matitingkad na palamuting borlas na sutla. sa mga dingding ay magulong nagkakahalo ang mga panooring payapa at bughawin na gawang canton at hongkong, na kasama ng mga cromo ng mga babaing naglilingkod sa mga sultan, mga babaing halos hubad, mga larawan ng cristo na mukhang babai, ng kamatayan ng banal at ng makasalanan, na pawang yari sa mga pagawaang hudio sa alemania upang ipagbili sa mga bayang katoliko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"naroroon din ang mga larawang insik na nasa pulang papel na may isang lalaking nakaupo na ang anyoy kagalanggalang, mapayapa at nakangiti, sa likuran nitoy may nakatayong aliping napakapangit, na ang pigil ay isang sibat na ang talim ay malapad at matalas: tinatawag na mahoma ng mga taga roon at tinatawag na santiago ng ilan, hindi namin maalaman kung bakit; ang mga insik naman ay hindi nagpapaliwanag tungkol sa pagkakakilalang iyon sa dalawang pangalan. manga putok ng botella ng champagne, bungguan ng mga kopa, tawanan, usok ng tabako at isang tanging amoy ng bahay insik, na may halong pebete, apian at mga imbak na bungang kahoy ang nagiging kabuoan ng lahat ng iyon. suot wariy mandarin, na bughaw ang borlas ng kopia, ay nagpapalakadlakad sa mga silid, si insik quiroga, na tuwid at unat na unat, na pasulyapsulyap na waring sinisiyasat kung walang nangduduwit ng ano man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapway kahit na taglay ang gayong di pagtitiwalang likas sa kaniya ay nakikipagkamayan, binabati ang ilan sa tulong ng mga masuyo at pakumbabang ngiti, at ang ilan ay bating mapag ampon, at ang ibay bating palibak na waring ang ibig sabihin ay: alam ko na! hindi kayo naparito ng dahil sa akin kundi dahil sa aking hapunan. may katwiran si insik quiroga. yaong matabang ginoo na pumupuri sa kaniya at nagsasabi ng pangangailangan ng isang konsulado ng insik dito sa maynila, na ang ibig manding sabihin ay walang makagaganap sa katungkulang iyon liban na kay quiroga, ay si . gonzalez na pumipirmang pitili kung tinutuligsa sa mga tudling ng pahayagan ang pagparito ng insik. yaong isa na may kagulangan na at sinisiyasat na malapit na malapit ang mga bagay bagay, ang mga lampara, at mga cuadro at ibp., at ngumingiwi at bumubulalas ng padusta, ay si. timoteo pelaez, ama ni juanito, mangangalakal na nangangalandakan ng laban sa pakikiagaw ng mga insik na naghahapay sa kaniyang kalakal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at ang isa, ang nasa dako pa roon, iyong kayumangging ginoo, payat, na ang paningin ay magaslaw at banayad ang ngiti, ay yaon ang bantog na may kagagawan ng ukol sa mga pisong mehikano na nagbigay ng di kakaunting sama ng loob sa isang kinakalong ni quiroga; ang kawaning iyon ay kilala sa maynila dahil sa katalasan! ang nasa malayolayo pa, yaong kung tumingin ay pairap at hindi husay ang bigote ay siyang kawaning kinikilalang lalong karapatdapat sapagkat nagkaroon ng katapangang magsalita ng laban sa pangangalakal ng mga billete sa loteria na ginagawa ni quiroga at ng isang babaing bantog sa mga lipunan sa maynila. sadya ngang kung hindi man ang kalahati ay ang dalawa ng katlong bahagi ng mga billete ay dinadala sa kainsikan at ang nalalabing kaunti sa maynila ay ipinagbibiling may patong na sikolo. lubos ang pananalig ng tinurang ginoo na sa balang araw ay mapapasa kaniya ang pinakamalaking tama, kayat muhing muhi sa mga gayong kagagawan. samantala namay nagtatapos ang hapunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mula sa kakainan ay umaabot sa kabahayan ang mga bahagi ng talumpati, tawanan, mga pagsalangsang, halakhakan. ang pangalan ni quiroga ay paulit ulit na nadidingig, na kahalo ng mga salitang consul pagpapantaypantay, mga karapatan. ang may piging, na hindi kumakain ng lutong europa, ay nakikitungga na lamang maminsanminsan sa kaniyang mga panaohin, at nangangakong makikisabay sa pagkain ng mga hindi nakadulog sa unang hain. nakapaghapunan na si simoun ng dumating at nakikipag usap, sa kabahayan, sa ilang mangangalakal na nangagsisidaing dahil sa kalagayan ng paghahanap buhay: masama ang lakad ng lahat, nahihinto ang pangangalakal, ang pakikipagsuklian sa europa ay napakataas ang halaga; nangagsisihingi ng liwanag sa mag aalahas inuudyukan siya ng ilang paraan sa pag asang sasabihin sa capitan general. sa bawat kaparaanang ipalagay ay tinutugunan ni simoun ng isang ngiting pakutyat paglibak. hanggang sa nang mamuhi na ang isa, ay itinanong ang kaniyang haka. ang aking haka?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang tanong pag aralan ninyo kung bakit lumulusog ang ibang bansa at gayahan ninyo sila. at bakit nangagsisilusog,. kinibit ni simoun ang kanyang balikat at hindi sumagot. ang mga gawain sa daongan na nakabibigat sa pangangalakal at ang daongang hindi mayariyari! ang buntonghinga ni. timoteo pelaez ay isang kayo ni guadalupe, gaya ng sabi ng anak ko, na hinahabi at kinakalas. at dumadaing kayo! ang bulalas ng isa at ngayong kapapasiya pa lamang ng general ng pagpapagiba ng mga bahay na pawid! kayong may maraming hierro galvanizado oo ang sagot ni. timoteo ngunit ang nagugol ko naman sa kapasiyahang iyan! at saka ang pagpapagibay hindi pa gagawin kundi sa loob ng isang buwan, hanggang dumating ang kurisma; mangyayaring may dumating pang iba. ang ibig ko sanay ipagiba ngayon din, datapwat. bukod sa rito, ano ang ibibili sa akin ng mga may ari ng bahay na iyan sa pawang maralita? mangyayari ding mabili ninyo ng murang mura ang kanilang mga bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at pagkatapos ay lakaring pawalang bisa ang kautusan at ipagbiling muli, na ibayo ang halaga.! naiyan ang isang kalakal! si simoun ay ngumiti ng ngiti niyang malamlam, at sa dahilang nakitang sumasalubong din si insik quiroga ay iniwan ang mga madainging mangangalakal upang batiin ang magiging consul . babahagya pa lamang siyang nakita nito ay nawala na ang anyong may kasiyahang loob at ang mukhay iginaya sa mga mangangalakal, at yumuko ng bahagya. iginagalang na lubha ng insik na si quiroga ang mag aalahas, hindi lamang sa dahilang kilala niyang mayaman, kundi dahil sa mga bulungbulungang umanoy kaututang dila ng capitan general. nababalitang inaayunan ni simoun ang mga hangarin ng insik, kasang ayon sa ukol sa consulado at sa gitna ng mga banggitin, mga parunggit at mga puntos suspensivos ay tinukoy na siya ng isang pamahayagang laban sa insik, sa isang nabantog na pakikipagsagutan sa isang kasamang kampi sa mga may buhok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,idinaragdag pa ng ilan kataong malumanay na iniuudyok sa capitan general ng eminencia negra na gamitin ang mga insik sa pagsugpo sa matibay na karangalan ng mga taga rito. upang maging masunurin ang isang bayan aniya ay walang paraang gaya ng duhagihin at ipakilala sa kaniya ang sariling kaabaan. madaling nagkaroon ng isang pagkakataon. ang mga balangay ng mga mestiso at ng mga naturales ay nangagmamanmanan at ginagamit ang kanilang katapangan at kasipagan sa paghihinala at di katiwalaan.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang araw, sa misa, ang kapitan sa naturales na nakaupo sa bangkong nasa dakong kanan at lubhang payat, ay nakaisip na pagpatungin ang kaniyang mga paa, na anyong nonchalant upang lumakilaki sa wari ang kaniyang mga pigi at maipamalas ang kaniyang mainam na sapatos; ang sa mestiso namang naluluklok sa kabilang ibayo, sa dahilang may juanete at hindi mapagpatong ang paa dahil sa katabaan at buyunin ay umanyo namang ibinikaka ang kaniyang mga hita upang malantad ang tiyang nakukulong ng isang chaleco na walang kakuton kuton na napapalamutihan ng isang magandang tanikalang ginto at brillante. ang dalawang pangkatin ay nagkapakiramdaman at nagsimula na ang paghahamok: sa sumunod na pagsisimba, ang lahat ng mestiso, pati ng mga lalong payat, ay pawang may mga buyon at ibinikakang mabuti ang mga hita na waring nangangabayo: lahat ng naturales ay pinagpatong ang kanikanilang paa, sampu ng lalong matataba, kayat may kabisa tuloy na umarinkin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga insik na nakakita sa kanila, ay gumamit naman ng kanilang anyo: nangagsiupong gaya ng kung nasa sa kanilang tindahan, ang isang paay baluktot at nakataas, ang isay nakabiting kukuyakuyakoy. nagkaroon ng mga tutulan, mga kasulatan, mga expediente at ibp., ang mga kuadrilyero ay matuling nangagsipanandata upang pasimulan ang paghahamok ng magkakababayan, ang mga kura ay galak na galak, ang mga kastilay nasasayahan at ang lahat ng itoy pinagkakakitaan ng salapi, hanggang sa pinigil ng general ang kaguluhan sa pamagitan ng pag uutos na silay mangag upuang kagaya ng insik, sa dahilang ang mga itoy siyang bumabayad ng lalong malaki, kahit hindi siyang lalong katoliko. at dito nangyari ang kagipitan ng mga mestiso at naturales, na, sa dahilang makikipot ang salawal ay hindi makagaya sa insik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at upang ang nasang duhagihin silay mabunyag, ay ginanap ang kautusan ng boong karingalan at ginamitan ng mga sangkap, nilibid ang simbahan ng isang pulutong na kabayuhan, samantalang ang lahat ng nasa loob ay pinapawisan. ang usapin ay nakarating sa espana, ngunit dooy naulit ding sa dahilang ang nagbabayad ng lalong malaki ay ang mga insik ay mangyayaring pairalin ang kanilang ibigin sampu sa mga ceremonias religiosas kahit pagkatapos ay tumakwil sa pananampalataya at libakin ang pagkakristiano. nasiyahang loob ang mga naturales at mestiso at pinag aralan nila ang hindi pag aaksaya ng panahon sa mga gayong bagay na walang kabuluhan. sinuyosuyo ni quiroga si simoun sa tulong ng kaniyang haluang pananalitat ngiting napakamakumbaba; ang kaniyang tingig ay napakamahimok, paulit ulit ang kaniyang yuko, ngunit pinutol ng mag aalahas ang kaniyang pangungusap at itinanong sa kaniyang bigla: naibigan baga ang mga galang?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa tanong na itoy napawing wariy pangarap ang sigla ng kalooban ni quiroga; ang tingig na dating mahimok ay naging mahinagpis, lalo pang nagpakayukoyuko at matapos pinapagdoop ang mga kamay na itinaas na pantay mukha, anyong pagbati sa kainsikan, ay dumaing ng: uu, sinyo simoun! akieng lugi, akieng hughog! bakit, insik quiroga, kayoy lugi at hughog? at ganyang karami ang botella ng champagne at mga panaohin! ipinikit ni quiroga ang kaniyang mga mata at ngumiwi. ang nangyari ng hapong iyon, ang naging hanggan ng mga galang, ay nakapaghughog sa kaniya. si simoun ay ngumiti: kapag ang isang mangangalakal na insik ay dumadaing ay sapagkat mabuti ang lagay; kapag ang ipinamalas ay waring mabuting mabuti ang kaniyang lakad ay sapagkat nakikinikinita ang isang pagkalugi magtatanang tungo sa kanyang bayan. kayo mo hienne alam akieng lugi, akieng hughog?, sinyo simoun, akieng hapay!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at upang lalong maipabatid ng insik ang kaniyang kalagayan ay sinabayan ang salitang hapay ng anyong pagpapatimbuwang. ibig ibig ni simoun na siyay pagtawanan, ngunit nagpigil at sinabing wala siyang ano mang nalalaman, wala, walang wala. dinala siya ni quiroga sa isang silid, na inilapat na mabuti ang pinto, at ipinaliwanag sa kaniya ang sanhi ng kasawian ng insik. ang tatlong galang na brillante na hiningi kay simoun upang ipakita sa kaniyang asawa, ay hindi sadyang para rito, kaawaawang india na nakukulong sa isang silid, na waring isang babaing insik, kundi para sa isang maganda at kaayaayang babaing kaibigan ng isang mataas na tao, na kailangan niya ang tulong, dahil sa isang kalakal na pagtutubuan niya ng mga anim na libong piso. at sa dahilang ang insik ay walang kabatiran sa mga maiibigan ng babai at nasa niyang magpakita ng gara, ay hiningi ang tatlong pinakamabuting galang na mayroon ang mag aalahas, na tatlo apat na libo ang halaga ng bawat isa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang insik ay nag anyong walang malay at sa tulong ng kaniyang mahimok na ngiti ay sinabi sa babaing pumili ng maibigan; ngunit ang babai, lalong walang muwang at lalo pa manding mahimok, ay nagpahayag na ibig niya ang tatlo, at kinuhang lahat. si simoun ay humalakhak., sinyolia! akieng lugi, akieng hoghog! ang sigaw ng insik na sabay ang pagtatampal sa sarili ng kaniyang maliliit na kamay. patuloy din ang mag aalahas sa katatawa. masama tao, sigulo hienne tuto sinyola! ang patuloy ng insik na ginagalaw ang ulong masama ang loob ano? bo hiya, kahi insiek sa akieng ako tao, sigulo hienne tuto sinyola; kung sigalela belong pa konti hiya! nahuli kayo, nahuli kayo ang bulalas ni simoun na sabay sa pagtumbok ng marahan sa tiyan ng insik. at lahat tao hienge utang at hienne mayad ano iyan? at binilang sa kaniyang daliring may mahahabang kuko impelealo, opisia, tinienti, sunnalo, sinyo simoun, akieng talo, akieng hapay!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"siya, siya na ang kadadaing ang sabi ni simoun iniligtas ko kayo sa maraming opisyal na humihingi sa inyo ng salapi. silay pinautang ko ng huwag na kayong gambalain at batid kong hindi nila ako mababayaran. nguni, sinyo simoun, kayo pautang sa opisia, ako pautang sa mamae, sinyola, malinelo, lahat tao. masisingil din ninyo! akieng makasingil?, sigulo hienne po ikaw alam! pagtalo sa suga wala na mayad! mamuti sa inyo melon konsu, maali habol, akieng wala. si simoun ay nagiisip. tingnan ninyo insik quiroga, ang sabing wariy natatanga ako ang maniningil ng utang sa inyo ng mga opisiyal at mga marinero, ibigay ninyo sa akin ang katibayan ng pagkakatanggap nila. muling namighati si quiroga; hindi siya binibigyan kailan man ng katibayan. pag nangagsiparitong hihingi ng salapi, ay paparoonin ninyo sa akin; ibig kong iligtas kayo. napasalamat ng lubos si quiroga, ngunit nabalik na naman sa kaniyang mga pagdaing, tinukoy ang mga galang at inulit ulit ang: kung sigalela belon pa hiya!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang sabi ni simoun na tinitingnang pasulyap ang insik na waring ibig hulaan ang nasa kalooban nangangailangan pa naman ako ng salapi at inaakala kong mababayaran ninyo ako. ngunit ang lahat ay may kagamutan, ayaw kong mahapay kayo ng dahil lamang sa walang kabuluhang bagay na iyan. siya, isang utang na loob at gagawin kong pito ang siyam na libong utang ninyo sa akin. kayoy nakapagpapasok sa aduana ng lahat ng lampara, mga bakal, mga pinggan, tanso, mga pisong mehikano; nagbibigay kayo ng armas sa mga kombento? napaoo ang insik sa tulong ng tango; ngunit kailangan niyang sumuhol sa maraming tao. lahat akieng bigay sa pale! kung gayon ay tingnan ninyo ang marahang patuloy ni simoun kailangan kong ipapasok ninyo ang ilang kaha ng pusil na dumating ngayong gabi. ibig kong itago ninyo sa inyong tindahan; hindi magkakasiyang lahat sa aking bahay. si quirogay nagulumihanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"huwag kayong masindak, hindi kayo maaano: ang mga baril na iyan ay unti unting itatago sa ilang bahay, at pagkatapos ay gagawa ng pagsisiyasat at marami ang ibinibilanggo. marami tayong kikitain sa paglakad na makawala ang mga napipiit. batid na ninyo? si quiroga ay alinlangan; takot siya sa mga armas. sa kaniyang mesa ay mayroon siyang isang rebolber na walang punlo na hindi niya hinihipo kailan man kundi lilingon munang nakapikit ang mata. kung hindi ninyo magagawa ay hahanap ako ng iba, ngunit kailangan ko kung gayon ang aking siyam na libong piso upang padulasin ang mga kamay at ipikit ang mga mata. ang sa huliy sabi ni quiroga ngunit huli ba malami tao? utos lekisa, ha? nang bumalik sa kabahayan si quiroga at si simoun ay natagpuan ang mga galing sa paghapon na nangagtatalo: pinatabil ng champagne ang mga dila at nagpapagalaw sa mga utak ng ulo. nangag uusapang walang kakimikimi. sa isang pulutong na may maraming kawani, ilang babai at si .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"custodio, ay pinag uusapan ang isang pasugo sa india upang pag aralan ang ukol sa paggawa ng mga sapatos ng mga sundalo. at sinosino ang bumubuo? ang tanong ng isang babaing malaki. isang koronel, dalawang opisyal at ang pamangkin ng general. ang tanong ng isang kawani ganyan na lamang ang lupon! at kung magkahati sa kapasiyahan? may pagkabatid man lamang kaya sa bagay na iyon? iyan nga ang tanong ko ang dugtong ng isa ang sabi koy dapat pumaroon ang isang hindi kawal sa hukbo, isang walang hilig sa pagkamilitar. sa halimbawa, isang manggagawa ng sapatos. iyan nga ang sagot ng isang manghahango ng sapatos ngunit sa dahilang hindi bagay na magpadala ng isang indio ni ng isang makaw at ang tanging magsasapatos na kastila ay humihingi ng malaking sahod. datapuway ano pat pag aralan ang sapin sa paa? ang tanong ng isang babaing malaki marahil ay hindi iuukol sa mga artillerong kastila! ang mga indio ay maaring walang sapatos gaya nang kung nasa kanilang bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"siyang dapat at ang kabang bayan ay lalong makapag titipid! ang dugtong ng isang senorang balo na hindi nasisiyahan sa kaniyang sinasahod na pension . ngunit unawain naman ninyo ang sagot ng isa sa mga kaharap, na kaibigan ng mga opisial na magsisiyasat tunay ngang ang maraming indio ay walang sapin kung lumakad sa kanilang bayan, ngunit hindi ang lahat, at hindi magkaisa ang lumakad nang alinsunod sa sariling kaibigan kay sa nasa paglilinkod: hindi napipili ang oras, ni ang daraanan, ni hindi nakapagpapahinga kung kailan ibigin. tingnan ninyo, ali, na kung katanghalian ay nakaluluto ng tinapay ang init ng lupa. at maglakad pa kayo sa buhanginan, doon sa may mga bato, araw sa itaas at apoy sa ibaba, at punglo sa harap. sa sanayan din lamang iyan! gaya ng hayop na burro na nasanay sa hindi pagkain! sa kasalukuyang labanan, ang lalong marami sa nasasawi sa atin ay gawa ng mga sugat sa talampakan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"inuulit ko ang sa burro ali, ang sa burro ngunit anak ko ang tutol ng babai isip isipin ninyong napakaraming salaping magugugol sa katad. sukat nang maibuhay sa maraming ulilat balo upang mapagtibay ang karangalan. at huwag kayong ngumiti, hindi ko sinasabi nang dahil sa akin na mayroon naman akong pension, kahit kakaunti, lubhang kaunti sa mga ipinaglinkod ng aking asawa, tinutukoy ko ang iba na may napakamaralitang kabuhayan ngayon: hindi nararapat na matapos ang maraming kahihingi upang maparito at matapos na makapaglakbay dagat ay maging katapusan ang mamatay dito ng gutom. ang sinasabi ninyong ukol sa mga sundalo ay totoo marahil, ngunit ang katunayan ay kahit mahigit na akong tatlong taon dito ay hindi pa ako nakakikita ng pipilaypilay. sa bagay na iyan ay kasang ayon ako ng aling kuan ang sabi ng isang babaing kalapit ano pat bibigyan ng sapatos sa wala naman silang sapatos ng sumipot sa maliwanag? at ano pa ang kailangan ng baro? at ano pa ang kailangan ng salawal?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isipisipin ninyo ang mapapala natin sa pagkakaroon ng isang hukbong hubot hubad! ang tapos ng nagtatanggol sa mga sundalo. sa isang pulutong ay lalong mainit ang pagtatalo. si ben zayb ay nagsasalitat nananalumpati, gaya ng datiy hinahadlangan siya sa bawat sandali ni. ang manunulat na prayle, kahit niya iginagalang na lubha ang mga taong may satsat, ay palaging nakikipagtalo kay. camorra na inaari niyang isang praylepraylihang mangmang; sa gayoy ginagamit ng anyong malaya at dinudurog ang mga sabisabihan ng mga tumatawag sa kaniyang fray ibanez. kinalulugdan ni. camorra ang kaniyang katunggali; iyon lamang ang tanging nagpapalagay na may katuturan ang kaniyang mga tinatawag na pangangatwiran niya. ang pinag uusapan ay ang ukol sa magnetismo espiritismo magia at ibp., at ang mga salitay sumasahimpapawid na gaya ng mga sundang at bola ng mga salamangkero: sila ang naghahagis at sila rin ang sumasalo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang taong iyon ay pinagkakaguluhan sa peria sa kiyapo ang isang ulo na di bagay sa tawag na esfinge na itinatanghal ni mr. leeds, isang amerikano. malalaking pabalita na makababalaghan at nakapangingilabot na nakaaakit sa panonood ang nangakadikit sa pader ng mga bahay. salvi ay hindi pa nakakikita sa ulong yaon; si juanito pelaez ang tanging nakakita isang gabi, at siyang nagbabalita ng kaniyang pagkahanga sa mga magkakalipon. si ben zayb, dahil sa kaniyang pagkamamamahayag, ay nagpupumilit na makatuklas ng kalinawan; binabanggit ni. camorra ang diablo; si . irene ay ngumingiti; si. salvi ay walang kaimik imik. ngunit, padre, sa hindi na pumaparito ang diablo; tayo sa ating sarili ay sukat na upang magkasala. kung hindi gayon ay hindi makukuro. kung ang karunungan. ulit na naman ang karunungan! ngunit makingig kayo, aking ihahayag. ang lahat ay alinsunod lamang sa paningin. hindi ko pa nakikita ang ulo, ni hindi ko batid kung papano itinatanghal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"anang ginoo itinuro si juanito pelaez ay hindi kagaya ng mga ulong nagsasalita na karaniwang itinatanghal kahit na! ngunit ang sanhi ay yaon din; lahat ay dahil lamang sa paningin; hintay kayo, ilalagay na paganito ang isang salamin, ang isa pay sa likuran, ang malalarawan ay matatanaw. ano, isa lamang suliranin ng pisika. at ibinaba sa kinalalagyan ang isang salamin, iniayos, ikiniling at sa dahilang hindi niya mapalabas ang kalinawan ay tinatapos sa wikang: gaya ng sabi ko, walang pinagibhan sa isang pagsira lamang ng paningin. ngunit anong salamin ang ibig pa ninyo, sa sinabi sa atin ni juanito na ang ulo ay nasa loob ng isang kaha, na ipinapatong sa isang mesa. nakikinikinita ko sa bagay na iyan ang espiritismo, sapagkat kailan man ay gumagamit ng mesa ang mga espiritista, at sa akala koy sapagkat gobernador eclesiastico si. salvi ay dapat niyang ipagbawal ang pagtatanghal. salvi ay walang kasalisalita; hindi sumasagot ng oo ni hindi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"upang maalaman kung may diablo espiritu sa loob ang sabi ni simoun ang mabutiy paroonan ninyot tingnan ang bantog na ulong iyan. ang palagay ay minabuti at tinanggap, ngunit si. custodio ay nagpakita ng kaunting nganingani. sila ay maparoon sa isang peria, makipagsiksikan sa mga tao at manood ng mga esfinge at mga ulong nangungusap! ano na lamang ang wiwikain ng mga indio? ariin silang tao na may hilig at kahinaan ding taglay ng iba. sa gayon, si ben zayb, akay ng kaniyang pagkamamamahayag ay nangakong ipamamanhik kay mr. leeds na huwag magpapasok ng manonood samantalang silay nasa sa loob: napakalaking karangalan ang ibibigay nila sa kanilang pagdalaw upang huwag sumangayon, at saka hindi pa sila hihingan ng upa sa pagpasok. at upang mapangatwiranan ni ben zayb ang sinabi, anya ay: sapagkat akalain na lamang ninyo! kung mahuli ko ang daya sa harap ng mga nanonood na indio! aalisan ko ng kakanin ang kaawaawang amerikano! si ben zayb ay isang taong malingap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may labing dalawa ang pumanaog, na kabilang ang ating mga kilalang si. irene, si ben zayb at si juanito pelaez. inihatid sila ng kanilang mga sasakyan sa pagpasok sa liwasan ng kiyapo. ang gabiy maganda at ang anyo ng liwasan ay lubhang masaya. sa pagsasamantala sa masarap na simoy at maningning na buwan kung enero ay punong puno ang periya ng taong ibig makakita, makita at makapaglibang. ang mga musika ng mga kosmorama at ang ilaw ng mga parol ay siyang nagbibigay galak at kasayahan sa madla.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mahahabang hanay ng mga tindahan, nagniningningang aliyamas at mga pangkulay, lantad sa tingin ay may mga kumpol kumpol na pelota, mga maskarang nangakatuhog sa mata, mga laruang lata, mga tren, karrong maliliit, kabayong maliliit na napagagalaw, mga sasakyan, mga bapor na may kanikanilang maliliit na kaldera, mga pinganpinganang maliliit, mga beleng mumunti na kahoy na pino, mga manikang gawa sa ibang lupain at gawa dito, ang mga una ay masasaya at bulhaw at ang mga huli ay mga walang katawatawa at mapagnilay na waring mga maliliit na babaing may gulang, sa piling ng mga batang napakalalaki. ang tugtog ng mga tambol na maliliit, ang kaingayan ng mga trompetrompetahang lata, ang tugtuging ngongo ng mga kurdiyon at mga organillo ay nagkakahalong wariy tugtugan sa karnabal, at sa gitna ng lahat ng iyon ay paroot parito ang makapal na tao na nangagtutulakan, nagkakabungguang ang mukhay nangakalingon sa mga tindahan kayat madalas ang untugan at kung minsan ay katawatawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"napipilitang pigilan ang takbo ng mga kabayo ng mga sasakyan, ang tabi! ng mga kotsero ay nadidingig na sunodsunod; nangagkakasalusalubong ang mga kawani, mga militar, mga nag aaral, mga insik, mga dalaginding na kasama ng kanilang mga ina at ali, nangagbabatian, nangagkikindatan, masasayang nagtutudyuhan. camorra ay nasa karurukan ng kaniyang kaligayahan sa pagkakita ng gayong karaming magagandang dalaga; napapatigil siya, napapalingon, itutulak si ben zayb, mapapapaatak, sumusumpat aniyay: at iyan, iyan, manghihitit ng tinta? at doon sa isa ano ang masabi mo? sa kaniyang kagalakan ay hindi na pinupupo ang kaniyang kalaban at katunggali. tinitingnan siyang maminsan minsan ni. salvi, ngunit hindi niya pinapansin si. salvi, kundi bagkus pa ngang binubunggo ang mga dalaga upang masagi sila, na kinikindatan at tinititigan ng titig na may palaman. kailan kaya ako magiging kura sa kiyapo? ang tanong sa sarili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si ben zayb ay biglang nakabitaw ng isang tungayaw, napalundag at pinigilan ang kaniyang bisig; sa gitna ng kagalakan ni. camorra ay kinurot siya. dumarating ang isang nakasisilaw na binibining pinagtitingnanan ng lahat ng taong nasa liwasan; dahil sa hindi magkasiya sa kagalakan si. camorra ay pinagkamalang bisig ng dalaga ang bisig ni ben zayb. ang binibiniy si paulita gomez, ang makisig sa madlang makisig na sinusundan ni isagani; sa likuran ay sumusunod si aling victorina. ang dalagay nagniningning sa kagandahan; ang lahat ay napapatigil, ang mga liig ay bumabaluktot, napapahinto ang mga usap usapan, sinusundan ng mga paningin at si aling victorina ay tumatanggap ng mga magalang na bati. ang suot ni paulita gomez ay barot panyong pinya na binurdahan, iba kay sa isinuot ng umagang iyon sa pagparoon sa sto. domingo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang nanganganinag na habi ng pinya ay nagbibigay ng lalong ganda sa kaniyang ulo, at ang mga pilipinong nakakamalas ay iginagaya siya sa buwang nalilibid ng maputit manipis na ulap. isang sayang sutla na kulay rosa, na nagkakutonkutong mainam ang ayos sa pagkakapigil ng kaniyang munting kamay, ay nagbibigay dilag sa kaniyang tuwid na ulo, na ang mga kilos na inaayusan ng malambot na liig ay nagpapahayag ng pananagumpay na lubos ng kataasan at kalindian. si isaganiy waring hindi nasisiyahang loob; nayayamot siya sa gayong karaming mata, karaming mga talogigi na tumatanaw sa kagandahan ng kaniyang iniibig: ang mga tingin ay inaakala niyang nakaw, at ang mga ngiti ng dalagay inaari niyang pagtataksil. nang makita ni juanito ang binibini ay pinaglalo ang kakubaan at nagpugay: sinagot siya ng pasumala ni paulita, at tinawag siya ni aling victorina. si juanito ang kaniyang kinikilingan at sa ganang kaniya ay ibig pa ito kay sa kay isagani. anong gandang dalaga! anong ganda!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"camorra na sumilakbo ang kalooban. padre ang tiyan mo po ang kurutin at bayaan ninyo kami! ang payamot na sabi ni ben zayb. anong gandang dalaga! anong gandang dalaga ang ulit at ang lumiligaw ay ang nag aaral na kilala ko, ang nanulak. mapalad siya at hindi taga roon sa bayan ko! ang patuloy pagkatapos na inilingong makailan ang ulo upang sundan ng tingin ang binibini. ibig ibig nang iwan ang kaniyang mga kasama at sundan ang dalaga. nahirapan si ben zayb bago siya napahinuhod. si paulita ay patuloy sa paglakad at nakita ang kaniyang magandang anyo at ang kaniyang munting ulo, na mainam ang pagkakapusod, na malinding gumagalaw. ang ating mga nagliliwaliw ay patuloy sa kanilang paglakad na ang paring artillero ay nagbubuntong hininga, at nakasapit sila sa isang tindahang nalilibid ng mga nanonood na madaling silay linuwagan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"yaon ay isang tindahan ng mga mumunting larawang kahoy, na gawa dito, na nagpapakilala sa sarisaring laki at anyo ng mga ayos, lahi at mga paghahanap buhay sa kapuluan, mga indio, kastila, insik, mestiso, prayle, klerigo, kawani, kapitan sa bayan, nag aaral, sundalo at ibp. dahil mandin sa ang mga artista ay may hilig sa mga pari, na ang mga kuton ng mga habito ay siyang naaayos sa kanilang mga kagawian sa pagyari, dahil sa ang mga prayle, sa pakikihimasok nitong lubha sa mga lipunang pilipinoy nakapagpapaulap sa pag iisip ng eskultor, maging alin man sa dalawang kadahilanan, ang katunayan, ay marami ang kanilang kawangki, na mabuti ang pagkakayari, anyong anyo, at itinatanghal sila sa mga dakilang sandali ng kabuhayan, baligtad kay sa ginagawa sa kanila sa europa, na dooy inilalarawan silang nakakatulog sa ibabaw ng mga barriles ng alak, nangagsusugal, tumutungga, nangaapungot hinahaplos ang sariwang mukha ng isang dalaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi: ang mga prayle sa pilipinas ay kaiba: mga makikiyas, malilinis, mabubuti ang bihis, ang anit sa tuktok ay mainam ang pagkakaputol, ang mga mukhay ayos at maliwanag, ang matay mapagmasid, anyong banal, may kaunting pula sa pisngi, may tungkod na palasan sa kamay at sapatos na tsarol sa paa, na nakaaakit na sambahin sila at ilagay sa birina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kapalit ng mga sagisag ng katakawan at kahalayang taglay ng kanilang mga kapatid na nasa europa, ang dala ng mga nasa maynila ay ang aklat, ang crucifijo ang sangang sagisag ng paghihirap; kapalit ng panghahalik sa mga mangmang na babaing taga bukid, ang mga nasa maynila ay nagpapahalik ng kamay sa mga bata, sa mga taong may kagulangan na nangakayukot halos nakaluhod; kapalit ng paminggalang puno ng kakanin at mga kakanan na siyang tanghalan nila sa europa, sa maynila ay mga dalanginan, mesang aralan; kapalit ng prayleng maralita na lumalapit sa mga bahaybahay na dala ang kaniyang burro at ang supot upang manghingi ng limos, ang prayle sa pilipinas ay nagsasabog ng dakotdakot na ginto sa mga kaawaawang indio. tingnan ninyo, narito si. ang sabi ni ben zayb na dala pa ang singaw ng champagne . at itinuturo ang larawan ng isang payat na prayle, na wariy nag iisip, nakaupo sa piling ng isang dulang, ang uloy nakapatong sa palad at sumusulat mandin ng isang sermon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may isang lamparang nakapagpapaliwanag sa kaniya. ang pagkakaibayo ng anyoy ikinahalakhak ng lahat. naramdaman ang tukoy ni. camorra, na nalimutan na si paulita, at siya namang tumanong: at sino naman ang kamukha ng larawang ito, ben zayb? at tumawa ng kaniyang tawang paleto . ang larawan ay isang matandang babaing bulag ang isang mata, gusgusin, na nakalupasay sa sahig, gaya ng mga anito ng mga indio, na namimirinsa ng damit. ang kasangkapan ay nagayahang mabuti; tanso, ang dingas ay palara at ang alimpuyo ng usok ay marurumit pinilipit na bulak. hoy, ben zaib, hindi hangal ang nakamunakala, ano? ang tanong na tumatawa ni. hindi ko malaman ang ibig tukuyin! ang sabi ng manunulat. ngunit punales! hindi ba ninyo nakikita ang pangalan, la prensa filipina ang kasangkapang iyan na ipinamimirinsa ng matandang babai ay tinatawag ditong prinsa lahat ay nagtawanan at si ben zayb man ay humalakhak din.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dalawang sundalong guardia sibil na may tandang mga sibil ay nalalagay sa likuran ng isang taong nakabaliti ng matitibay na tanikala at ang mukhay natatakpan ng sambalilo: ang pangalan ay ang lupain ng abaka at waring babarilin. hindi naibigan ng marami sa ating mga dalaw ang tanghalan. pinag uusapan ang tuntunin ng arte, humahanap ng pagkakatimbangtimbang ng laki, ang sabi ng isay walang pitong ulo ang larawang gayon, na ang mukhay kulang ng isang ilong, wala kundi tatatlo, bagay na ikinapag isip ng kaunti ni. camorra na di makahulong kung bakit, upang maging ayos ang isang larawan ay, dapat magkaroon ng apat na ilong at pitong ulo; anang isay kung bakit malitid, sa, ang mga indio ay hindi gayon; na kung yaon ay matatawag na escultura carpinteria lamang, at ibp. ; bala nay nagpahayag nang kaniyang panunuligsa at upang huwag namang mapahuli sa iba si. camorra ay nangahas humanap ng tatlong pung hita sa bawat manika.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung makahihingi ng ilong ang iba ay bakit nga naman hindi siya makahihingi ng hita? at doon din nangagtatatalo kung ang indioy may katalinuhan sa pag eeskultor, kung nararapat palusugin ang gayong arte, at sisimulan na ang pagtatalong sabay sabay na pinutol ni. custodio sa pagsasabing ang mga indio ay may katalinuhan, ngunit ang paggawa lamang ng santo ang dapat harapin. kahit sino ay magsasabi ani ben zayb na ng gabing yaon ay naging mapanudyo na ang insik na iyan ay si quiroga, ngunit kung pagwawariing mabuti ay kamukha ni. at ano ang masasabi ninyo sa indio ingles na iyan? nahahawig kay simoun. umalingawngaw ang pamuling halakhakan. irene ang kaniyang ilong. datapway nasaan si simoun? bilhin ni simoun! si simoun ay nawala, walang nakakita sa kaniya. camorra napakakuripot ang amerikano! natatakot na pabayaran natin sa kaniya ang kaupahan ng lahat sa pagpasok sa patanghalan ni mr. leeds. ang sagot ni ben zayb ang ipinangangamba ay ang magipit siya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nahuhulaan na ang masamang birong aabot sa kaniyang kababayang si mr. leeds, kayat nagmamaangmaangan. at nangagpatuloy ng lakad, upang panoorin ang nababantog na ulo, na walang biniling anomang kahit masamang laruan. humandog si ben zayb na siyang makikipag usap: hindi maaaring hiyain ng amerikano ang isang mamamahayag na mangyayaring maghiganti sa pamagitan ng isang mapanirang lathala. makikita ninyot pawang kagagawan lamang ng salamin aniya sapagkat tingnan ninyo. at muling nagsimula ng isang mahabang pagpapaliwanag, at sa dahilang wala siyang kaharap na salamin na makasisira sa kaniyang sinasabi, ay idinugtong nang lahat ang kabulastugang matuturan hanggang sa kahulihulihan ay hindi na matumpakan ang sinasabi. at makikita rin ninyo kung hindi pawang pagkasira lamang ng paningin. sinalubong sila ng lubhang malingap ni mr. leeds, isang tunay na yankee, na ang suot ay pulos na itim. mabuting magsalita ng wikang kastila dahil sa nagtirang malaon sa amerika, sa timog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi sumalansang sa nasa ng ating mga dalaw; sinabing maaaring siyasating lahat lahat bago gawin at matapos ang pagtatanghal; sa kasalukuyan ng pagtatanyag ay ipinamanhik na manahimik lamang. si ben zayb ay ngumingiti at nilalasaplasap na ang sama ng loob na ibibigay niya sa amerikano. ang loob na nababalot na buong buo ng itim ay naiilawan ng mga matatandang lampara na ang ilaw ay aguardiente. isang halang na natatakpan ng tersiopelong itim ang siyang humahati ng dalawang hating magkasinglaki sa loob na iyon; ang isay puno ng mga luklukang laan sa mga manonood, at ang isa, ay kinalalagyan ng isang tuntungan na ang alpombra ay pariparisukat. sa ibabaw ng tuntungang ito, sa dakong gitna, ay nalalagay ang isang mesa na natatakpan ng isang mainam na kayong itim na puno ng bungo at iba pang larawang mahiwaga. ang mise en scene ay malungkot kayat nakapangilabot sa mga masasayang dalaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nahinto ang mga biruan, marahan ang mga pag uusap at kahit na ibig magpatanaw ang ilan ng di nila pagpapahalaga sa gayon ay hindi pumulas ang tawa sa mga labi. ang damdam ng lahat ay waring napasok sa isang bahay na may patay. isang amoy suob at pagkit ay siya pang nakapagpaparagdag sa gayon. salvi ay marahang nagsangguniang kung nararapat hindi na ipagbawal ang mga gayong panoorin. upang mapalakas ni ben zayb ang loob ng mga matatakutin at magipit niya si mr. leeds ay sinabi ritong: hoy, mister, yamang walang ibang tao kundi kami lamang at hindi kami mga indio na napapahuli ay ipahihintulot baga ninyong ipakita ko sa kanila ang daya? alam na naming ang lahat ng iyan ay ukol lamang sa paningin, ngunit sa dahilang si. camorra ay ayaw maniwala. at humandang lumundag sa halang na hindi nagdaan sa sadyang pintuan, samantalang si. camorra ay naglulunggati sa pagtutol dahil sa nangangambang baka may katwiran si ben zayb. at bakit po hindi, ginoo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang sagot ng amerikano; ngunit huwag po lamang kayong sumira ng anoman, hane po? ang mamamahayag ay nasa ibabaw na ng tuntungan. ipinahihintulot po ba ninyo? at sa pangingilag na baka hindi siya payagan ni mr. leeds ay hindi na naghintay ng pahintulot at itinaas ang kayo at hinanap ang mga salaming inaantay niyang matatagpuan sa mga paa. si ben zayb ay nakabitiw ng kalahating tungayaw, napaurong, muling ipinasok at iniwagayway ang mga kamay niya sa ilalim ng dulang: walang maapuhap. ang mesa ay may tatlong paang bakal na maliliit na nakabaon sa lupa. ang mamamahayag ay tumingintingin sa lahat ng sulok na waring may hinahanap. nasaan ang mga salamin? mamatamata si ben zayb, hinihipo ang dulang, itinataas ang kayong takip, at maminsanminsang inilalagay ang kamay sa noo na waring may ibig maalaala. mayroon po bang nawala sa inyo? ang tanong ni mr. leeds. ang mga salamin, mister, nasaan ang mga salamin? ang inyoy hindi ko maalaman kung saan naroon, ang akin ay nasa fonda.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ibig baga ninyong manalamin? masama ng kaunti ang ayos ninyo at namumutla. kahit na may kaba, nang makita ng marami ang kapalagayang paaglahi ng amerikanoy pinagtawanan si ben zayb na hiyanghiyang bumalik sa kaniyang uupan, na bumubulong ng: hindi mangyayari; makikita ninyot hindi magagawa ng walang salamin; mayamayay magpapalit iyan ng dulang. inilagay na muli ni mr. leeds ang kayo sa mesa at nang maharap na ang mga mararangal na dalaw ay tumanong: nasisiyahan na baga kayo? mapasisimulan na natin? napakatulog na dugo namang tao! ang sabi ng isang babaing balo. kung gayon ay mangagsiupo na po ang kaginoohan at pag isipin kung ano ang ibig itanong. pumasok si mr. leeds sa isang pinto at nang makaraan ang ilang sandali ay bumalik na may dalang isang kahang kahoy na maitim, bukbukin, na may ilang lilok na ibon, mga hayop, mga bulaklak, mga ulo ng tao at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mga kaginoohan, ang sabi ni mr. leeds na walang tawa sa minsang pagdalaw ko sa piramide ni khufu, ika apat na lipi ng mga faraon, ay nakatagpo ako ng isang libingang batong buhay na pula sa isang liblib na silid. ang kagalakan koy gayon na lamang sapagkat inakala kong nakatagpo ng isang momia ng mga anak hari; ngunit gaano ang aking sama ng loob ng matapos paghirapan ng katakot takot ang pagbubukas ng libing ay wala akong natagpuan kundi ang kahang ito na mangyayari ninyong siyasatin. at inilibot ang kaha sa mga nasa unang hanay ng luklukan. camorra ang kaniyang katawan na wariy may pagkasuklam, si . salvi ay tuminging malapit na wariy nakaaakit sa kaniya ang mga bagay na ukol sa libingan; si. irene ay ngumingiti ng ngiting matalino, si. custodio ay nag anyong walang imik at mapagwalang bahala, at si ben zayb ay humahanap ng salamin; doon dapat malagay, sapagkat salamin lamang ang sangkap ng lahat ng iyon. walang iniwan sa amoy bangkay! ang sabi ng isang babai puff!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at namaypay ng katakot takot. kaamoy ng apat na libong taon! ang sabing bigla ng isa. nakalimutan ni ben zayb ang salamin dahil sa pagtingin kung sino ang bumanggit ng salitang iyon. ang bumigkas ay isang militar na nakabasa ng kasaysayan ng buhay ni napoleon. kinainggitan siya ni ben zayb, at upang bumitiw ng isang salitang dapat tumama kay . camorra, ay sinabing: amoy simbahan! ang kahang ito, kaginoohan, ang patuloy ng amerikano ay may lamang isang dakot na abo at kaputol na papiro na kinatatalaan ng ilang sulat. tingnan ninyo, ngunit ipinamamanhik ko lamang na huwag kayong hihingang malakas, sapagkat kung matapon ang kaunting abo ay lalabas na sirasira ang aking esfinge . ang kabulaanan, na tinuran ng boong pananalig at walang kabirobiro ay untiunting nagtagumpay, kayat nang idaan ang kaha ay walang isa mang nangahas na huminga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"camorra, na sa pulpito sa tiani ay nagpakilalang madalas ng mga parusa at paghihirap sa inpierno samantalang pinagtatawanan sa sarili ang mga matang sindak ng mga makasalanan, ay nagtakip ng ilong; at si. salvi, ang tunay na si . salvi na sa araw ng kapistahan ng mga patay ay gumawa ng ginigini ng mga kaluluwa sa purgatorio na may apoy at mga larawang nanganganinag na naiilawan sa dakong likuran, na may lamparang ang ilaw ay aguardiente, mga putolputol na halimayas, sa malaking dambana ng simbahan ng isang arrabal upang makakuha ng mga pamisa at limos, ang payat at walang imik na si. salvi ay pumigil sa kaniyang paghinga at tiningnan ng tinging may panganganib ang isang dakot na abong iyon. memento, homo, quia pulvis es! ang bulong na nakangiti ni . ang bitiw ni ben zayb. nakahanda na siya sa pagsasabi ng mga salitang iyon at inunahan siya ng kanonigo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa dahilang hindi maalaman kung ano ang dapat kong gawin ang patuloy ni mr. leeds na inilapat nang boong pag iingat ang takip ng kaha ay siniyasat ko ang papiro, at nakita ko ang dalawang salita na hindi ko batid ang kahulugan. hinanap ko ang katuturan at tinangka kong bigkasin ng malakas, at babahagya pa lamang na nabibigkas ang una nang maramdaman kong dumudulas sa aking kamay ang kaha na wariy tangay ng isang malaking pataw at gumulong sa lupa, at dooy hindi ko na magalaw. ang pagkakamangha koy naging sindak nang buksan kot matagpuan sa loob ang isang ulo ng tao na ang tingin sa akin ay walang kakisapkisap. sindak, at dahil sa hindi ko maalaman ang gawin sa harap ng gayong kababalaghan, ay natulig akong nangaykay sumandali na waring isang gulilat. akoy nagbalikloob. sa akalang yaon ay isang malikmata lamang ay tinangka kong mapalipas yaon at ipinatuloy ko ang pagbasa ng pangalawang salita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"babahagya ko pa lamang nasasabi, ay nalapat ang takip ng kaha, nawala ang ulo, at ang napalit na muli ay ang isang dakot na abong ito. hindi sinasadyay natagpuan ko ang dalawang salitang lalong makapangyarihan, ang mga salitang panglikha at panggunaw, ang pangbuhay at pangpatay! humintong sandali na waring ibig tingnan ang ibinunga ng kaniyang mga sinabi. pagkatapos ay lumapit sa dulang na ang lakad ay maingat at banayad at ipinatong ang makababalaghang kaha. mister, ang takip! ang sabi ni ben zayb na hindi mapigil. ang tugong masunurin ni mr. leeds. at matapos na maitaas ng kanang kamay ang kaha ay hinawi ng kaliwa ang kayo at naiwang lantad ang mesa na natutukuran ng kaniyang tatlong paa. muling inilagay ang kaha sa ibabaw at banayad na lumapit sa mga nanonood. dito ko siya makikita! ang sabi ni ben zaib sa kaniyang kasiping tingnan ninyo pag hindi iyan nagdahilan ng kahit ano. ang lubos na pagbatyag ay nalalarawan sa lahat ng mukha; naghari ang katahimikan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"maliwanag na maliwanag na nadidingig ang ingay at kaguluhan sa daan; ngunit ang lahat ay nagugulumihanan kayat ang kaputol na salitaang umabot hanggang sa kanilay hindi man nila naino. porque ba no di podi nisos entra? ang tanong ng isang boses babai. aba, nora, porque talla el mana prailes el mana empleau ang sagot ng isang lalaki ta jasi solo para ilos el cabesa de espinge . curioso tambien el mana prailes! ang sabi ng boses babai no quiere pa que di sabe nisos cuando ilos ta sali inganau! querida ba de praile el cabesa? sa gitna ng boong katahimikan ay nagpatuloy ang amerikano na ang boses ay nanginginig: kaginoohan: sa isang salitay bubuhayin ko ang isang dakot na abong iyan at kayoy makikipag usap sa isang nakababatid ng ukol sa nakaraan, ng sa kasalukuyan at maraming bagay ng sa darating.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at banayad na bumitiw ng isang sigaw ang mahiko, mapanaghoy muna, matapos ay matindi, halohalong matatalas na tunog na wariy tungayaw at tunog na paos na wariy pagbabala na nakapagpangalisag sa buhok ni ben zayb. deremof! ang sabi ng amerikano. ang mga tabing na nakapalibid sa salon ay naggalawan, ang mga ilawan ay waring mamamatay, ang mesa ay humaginit. isang mahinang daing ang sumagot na galing sa loob ng kaha. ang lahat ay nagkatinginang namumutlat hindi mapalagay: ang isang babaing lipus katakutan at nakaramdam ng isang pagkabasang mainitinit sa kaniyang saya ay kumapit kay. sa gayon ay nabukas na mag isa ang kaha at sumipot sa malas ng mga nanonood ang isang ulo na anyong bangkay, na nalilibid ng isang mahabat makapal na buhok na itim. dahandahang ibinukas ng ulo ang mga mata at inilibot ang tingin sa lahat ng nanonood.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga matang iyon ay may matalas na ningning na nararagdagan pa ng kaniyang mga panglook, at sa dahilang abyssus abyssum invocat ang mga matang iyon ay napatitig sa mga malalalim at nangangalong mata ni. salvi na dilat na dilat na wariy nakakikita ng isang multo. salvi ay nanginig. espinghe ani mr. leeds sabihin mo sa mga nakikingig kung sino ka. ang lubos na katahimikan ay naghari. isang malamig na simoy ang lumaganap sa salas at nagpagalaw sa bughaw na dingas ng mga lamparang gamit sa libingan. ang mga lalong hindi mapaniwalain ay nangilabot. akoy si imuthis ang sagot ng ulo na ang boses ay malalim ngunit nagbabala mandin ipinanganak ako ng kapanahunan ni amasis at akoy pinatay nang kasalukuyang nakasasakop ang mga persa, samantalang si cambises ay papauwing galing sa sinamang pagsalakay sa kalookan ng lybia.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"galing ako sa pagtatapos ng aking pag aaral makaraan ang mahabang paglalakbay sa gresia, asiria at persia, at papauwi na ako sa aking bayan upang manirahan doon hanggang sa akoy paharapin ni thot sa kaniyang kakilakilabot na hukuman. dala ng kasawian ko, sa aking pagdaraan sa babilonia, ay nabatid ko ang isang kakilakilabot na lihim, ang lihim ng di tunay na smerdis na nagnakaw ng kapangyarihan, ang pangahas na magong si gaumata na namamahala sa tulong ng isang pagdaraya. sa katakutang isumbong ko siya kay cambises, ay binalak ang aking ikasasawi sa pamagitan ng mga saserdoteng taga egipto. ang mga itoy siyang nakapangyayari noon sa aking bayan; dahil sa pag aari nila sa dalawa ng katlong bahagi ng mga lupain, tanging may hawak ng karunungan ay inilulubog ang bayan sa kamangmangan at sa pagsiil, inilalagmak sa ugaling hamak at inihahanda upang huwag marimariman sa pagpapalitpalit ng panginoon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga manglulupig ay nanghahawak sa kanila at sa pagkakilala ng kanilang maitutulong ay kinakalong silat pinayayaman, at ang ilan ay hindi lamang umalinsunod sa kanilang maibig kundi naging tagaganap lamang nila. ang mga saserdoteng ehipsiyo ay umalinsunod ng boong loob sa mga utos ni gaumata sapagkat akoy kanilang kinatatakutan at upang huwag kong ihayag sa bayan ang kanilang mga pang uulol. upang masunod ang kanilang hangad ay ginawang paraan ang mga udyok ng puso ng isang batang saserdote sa abidos na inaaring banal!. isang kahambalhambal na katahimikan ang sumunod sa mga salitang ito. ang ulong yaon ay nagsasalaysay ng ukol sa mga pailalim na paraan at mga pagdaraya ng mga pari at kahit ibang kapanahunan at ibang pananampalataya ang tinutukoy ay nakapagpaparamdam din sa mga prayleng kaharap doon sanhi marahil na makikitang ang kinauuwian ay kahawig ng kasalukuyang kalagayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"salvi, na nanginginig, ay iginagalaw ang mga labi at sinusundan ng nanglilisig na mata ang titig ng ulo, na wariy nakakahalina sa kaniya. mga butil ng pawis ay nagsisimula na ng pagsipot sa kaniyang namumutlang noo, ngunit walang nakababatyag sa gayon, dahil sa lubhang nangalilibang at nangingilabot. at papano ang paraang ginawa sa iyo ng mga pari sa iyong bayan? ang tanong ni mr. leeds. ang uloy bumitiw ng isang kasakitsakit na daing na wariy galing sa kaibuturan ng puso at nakita ng mga nanonood na ang kaniyang mga mata, ang mga matang iyon na nagbabaga, ay nawalan ng kinang at napuno ng luha. nanginig ang lahat at naramdamang nanindig ang kanilang buhok. hindi, yaon ay hindi daya, hindi salisalita lamang; ang uloy isa ngang ginawan ng kataksilan at ang sinasabiy ang tunay niyang kabuhayan. ang sabi na umiling ng lubhang malungkot akoy nangingibig sa isang dalaga, anak ng isang pari, na kasinglinis ng liwanag, gaya ng loto kung bagong namumukadkad!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ninanasa rin naman siyang kamtan ng batang pari sa abidos at itoy nagmunakala ng isang pagkakagulo na sinangkalan ang aking pangalan at sa tulong ng ilang papiro ko na naparaanang makuha sa aking irog. ang kaguluhan ay nangyari ng kasalukuyang si cambises ay papauwing nagngingitngit dahil sa kasawiang nangyari sa kaniyang sinamang pakikihamok. akoy isinakdal na taksil, napiit, at sa dahilang akoy nakatanan, ay napatay ako sa lawa ng mris ng mga umuusig. mula sa kabilang buhay ay nakita kong nanagumpay ang kabulaanan, nakikita ko ang pag usig gabit araw ng saserdote sa abidos sa birheng nagkanlong sa simbahan ni isis sa pulo ng phil. nakikita ko siyang inuusig at inaapungutan hanggang sa mga ilalim ng lupa, tuligin sa sindak at mga pahirap, na gaya ng isang malaking paniki sa isang maputing kalapati. saserdote, saserdote sa abidos!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nabuhay akong muli upang ihayag ang iyong mga kataksilan, at makaraan ang mahabang panahong pananahimik ay tinatawag kitang mamamatay, lapastangan sa dios, mapagparatang!! isang biglang halakhak, waring galing sa libingan, ang sumunod sa mga salitang ito, samantalang ang isang timping boses ay sumasagot ng: hindi mahabag.! salvi na puno ng takot ay iniunat ang dalawang kamay at mabubuwal. ano mayroon kayo. masama po ba ang inyong katawan? ang init ng salas. ang amoy bangkay na nasasamyo dito. mamamatay, mapagparatang! lapastangan sa dios, ang ulit ng ulo isinusuplong kita, mamamatay, mamamatay, mamamatay! at muling umugong ang halakhak, waring galing sa libingan at mapagbala, na waring dahil sa pagkalulong ng ulo sa pagmamalas sa mga kaapihan niyay hindi naaalumana ang kaguluhang naghahari sa salas. salvi ay lubusan nang nahimatay. salvi at nawalan ng diwa. maputlang maputlang wariy bangkay. inakala ng ibang babai na nararapat namang maghimatay sila at gayon nga ang ginawa. nahihibang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sinasabi ko na sa kaniyang huwag kumain ng sopas na pugad ng langaylangayan! irene iyon ang nakasama sa kaniya. wala namang nakain! ang sagot na nangangatal ni. custodio sa dahilang tinitigan siyang mabuti ng ulo, ay nagayuma siya. doon na nagkagulo, ang salas ay waring hospital isang parang ng labanan. salvi ay wari patay, at nang makita ng mga babai na hindi sila dinadaluhan ay minabuti na nila ang magbalikdiwa. samantala ay naging abo ang ulo at inilagay na muli ni mr. leeds ang kayong itim sa ibabaw ng dulang at yumuyuku sa mga nakingig sa kaniya. kailangang ipagbawal ang pagtatanghal na ito ang sabi ni . custodio nang lumalabas lubhang napakabanday at mahalay. lalonglalo na, sapagkat hindi ginagamitan ng salamin ang dugtong ni ben zayb. datapuway ninasang tingnan niyang muli bago iwan ang pook na iyon, tinalon ang halang, lumapit sa dulang at itinaas ang kayo: wala, wala ring gaya ng dati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang kinabukasan ay sumulat ng isang lathala na ang tinutukoy ay ang mga karunungang lihim, ang espiritismo, at ibp. ; dalidaling pumanaog ang isang utos ng gobernador eclesiastico na pinipigil ang mga palabas; ngunit wala na si mr. leeds na dinala sa hongkong ang kaniyang lihim. gayon man, si ben zayb ay hindi nalilisya. ang tatlong paa ng dulang ay may ukit na siyang dinadaanan ng mga salaming natatago sa ilalim ng tuntungan at hindi napupuna dahil sa mga guhit na pariparisukat ng alpombra. paglalagay ng kaha sa ibabaw ng mesa ay pinipisil ang isang resorte at dahandahang tumataas ang mga salamin; pagkatapos ay aalisin ang kayo na pag iingatang buhatin at huwag bataking padausdos at sa gayon ay naaayos ang dulang nang kagaya ng karaniwang dulang ng mga ulong nagsasalita. ang dulang ay may butas na lusot sa ilalim ng kaha. matapos ang pagtatanghal ay tatakpang muli ng nagpapalabas ang dulang, pipisilin ang isa pang resorte at bababa naman ang mga salamin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"umalis sa klase si placido penitente na ang pusoy sumusulak at ang mga paningin ay may mapait na luha. siyay lubhang karapatdapat sa kaniyang pangalan kapag hindi siya pinagagalit, ngunit pag namuhi ay nagiging baha, isang halimaw na mapipigil lamang kung mapatay makamatay. ang gayon karaming paghalay, mga pagsundot, na sa araw araw ay nagpapanginig sa kaniyang puso at natatago rito upang makatulog ng tulog dahong palay na nahihimbing, ay nangagbabangon ngayon na nangagngangalit sa poot. ang mga sutsot ay umuugong sa kaniyang tainga na kasama ang mga palibak na salita ng katedratiko, ang mga salitang wikang tinda, at waring nadidingig niya ang mga hampas at halakhak. libo libong balak na paghihiganti ang sumisipot sa kaniyang pag iisip na nangagkakasalasalabid at biglang lumilipas na wariy mga larawang nakikita sa pangangarap. inuudyukan siyang walang humpay na dapat gumawa, ng kaniyang sariling damdamin, na taglay ang katigasang ulo ng isang walang pag asa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"placido penitente anang boses ipakilala mo sa lahat ng kabataang iyan na mayroon kang karangalan, na ikaw ay anak ng isang lalawigang matapang at bayani, na doon ang isang paghalay ay hinuhugasan ng dugo. taga batangan ka, placido penitente! gumanti ka, placido penitente! at ang binatay umuungol at nagngangalit ang mga ngipin at binubunggo ang lahat ng tao sa lansangan, sa tulay ng espana, na wariy naghahanap ng basagulo. sa huling pook na itoy nakakita ng isang sasakyang kinalululanan ng vice rector na si. sibyla, na kasama si. custodio, at nagtaglay siya ng malaking nasang sunggaban ang pari at ihagis sa ilog. nagpatuloy sa escolta at ngalingali nang pagsususuntukin ang dalawang agustino, na nangakaupo sa pintuan ng tindahan ni quiroga, na nagtatawanan at binibiro ang iba pang prayle na nasa loob ng tinda at nakikipag usap; nadidingig ang kanilang masasayang boses at matutunog na halakhakan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa dakong malayo layo ay nangakahalang sa bangketa ang dalawang cadete na nakikipag usap sa isang kawani ng isang tindahan, na nakabarot walang amerikana; tinungo sila ni placido penitente upang buksan ang daan, ngunit ang mga cadete na masasaya at nakahalata sa masamang tangka ng binata ay nangagsilayo. nang mga sandaling yaon ay taglay ni placido ang udyok ng hamok na sinasabi ng mga sumusuri ng ugaling malayo. samantalang nalalapit si placido sa kaniyang bahay ang bahay ng isang platero na kaniyang pinangungupahan ay pinipilit na iayos ang kaniyang mga iniisip at niyayari ang isang balak. umuwi sa kaniyang bayan at maghiganti upang ipakilala sa mga prayle na hindi naaalimura ng gayongayon lamang ang isang binata, at ang gaya niyay hindi maaring aglahiin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iniisip na sumulat agad sa kaniyang ina, kay kabisang andang, upang ipabatid dito ang nangyari at sabihing hindi na siya makapapasok sa klase, at kahit may ateneo ng mga hesuita upang makapag aral ng taong yaon, marahil ay hindi siya bigyang pahintulot na makalipat ng mga dominiko at kahit na maari ang gayon ay mababalik din siya sa universidad sa taong susunod na pag aaral. sinasabing hindi kami marunong maghiganti! ang sabi pumutok ang lintik at saka makikita. ngunit hindi hinihinala ni placido ang nag aantay sa kaniya sa bahay ng platero. kararating pa lamang ni kabisang andang na galing sa batangan at lumuwas upang mamili, dumalaw sa kaniyang anak at dalhan ng kuwalta, pindang na usa at mga panyong sutla. nang makaraan ang mga unang batian, ang kahabag habag na babaing sa simula pay napuna na ang mabalasik na tingin ng kaniyang anak, ay hindi na nakapagpigil at nagsimula na sa katatanong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa mga unang pagsasalitay inaring biro ni kabisang andang, ngumitit pinagpapayuhan ang kaniyang anak, at ipinaalaala dito ang mga paghihirap, ang mga pagtitipid at ibp., at binanggit ang anak ni kapitang simona, na dahil sa pagkakapasok sa seminario, ay waring obispo na kung lumakad sa kanilang bayan: ipinalalagay na ni kapitang simona na siyay ina ng dios; mangyari bagay magiging isa pang jesucristo ang kaniyang anak! pag naging pari ang anak ang sabi ni kabisang andang ay hindi na pagbabayaran ang utang sa atin. sino pa ang makasisingil sa kaniya pag nagkagayon? ngunit nang makitang tinototoo ni placido ang pagsasalita at napansin sa mata nito ang sigwang bumabayo sa kalooban, ay nakilalang, dala ng kasawian, ay sadyang tunay ang sinasabi. mga ilang sandaling hindi nakapangusap at pagkatapos ay naghinagpis ng katakot takot. aniya at naipangako ko pa naman sa ama mo na aarugain kita, patuturuan at gagawing abogado! tinitipid ko ang lahat upang makapag aral ka lamang!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa panggingeng sikosikolo na lamang ako napaparoon at hindi sa manamanalapi, at tinitiis ko na ang masasamang amoy at maruruming baraha! tingnan mo ang mga baro kot may sulsi! kahit makabibili ako ng mga bago ay ginugugol ang kuwalta sa mga pamisa at mga handog kay san sebastian, kahit na wala akong pananalig sa kanilang bisa, sapagkat dinadalosdalos ng pari at ang santo ay bagong bago at hindi pa marunong gumawa ng kababalaghan, at hindi batikuling kundi laniti. ano ang sasabihin sa akin ng ama mo pagkamatay kot kamiy magkita? at ang kaawaawang babaiy naghihinagpis at umiiyak; lalo pang nagdidilim ang kalooban ni placido at namumulas sa kaniyang dibdib ang mga timping buntong hininga. ano ang mahihita ko kung maging abogado? ano ang sasapitin mo? ang patuloy ng ina na pinagduop ang kamay panganganlan kang pilibistiero at bibitayin ka! sinasabi ko na sa iyong magtitiis ka, ikaw ay magpapakumbaba!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi ko sinasabi sa iyong humalik ka sa kamay ng pari, alam kong ang pangamoy moy maselan na gaya ng ama mo na hindi makakain ng keso sa europa. ngunit dapat tayong magtiis, huwag umimik, pa oo sa lahat ng bagay. ano ang magagawa natin? ang mga prayle ay mayroon ng lahat ng bagay; kung ayaw sila ay walang magiging abogado, ni mediko. magtiis ka, anak ko, magtiis ka! sa, nakapagtiis na akong lubha, inang; buwanang akoy nagbata! patuloy si kabisang andang sa kaniyang paghihinagpis. hindi niya hinihinging kumampi sa mga prayle, siya man ay hindi rin; lubos niyang batid na sa bawat isang mabuti ay may sampung masama na kumukuha ng salapi ng mahihirap at nagpapadala sa mayayaman sa tatapunan. ngunit dapat na huwag kumibo, magtiis at magbata; walang ibang paraan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at binanggit ang ganoon at ganitong ginoo na dahil sa nagpakita ng pagka paciencioso at mapakumbaba, kahit na sa kaibuturan ng pusoy nagagalit sa kaniyang mga panginoon, ay naging promotor piskal gayong galing sa pagiging alila ng prayle; at si gayon na ngayoy mayaman at mangyayaring makagawa ng mga kabangisang asal na makaaasang may ninong na mag aampon sa kaniya ng laban sa mga kautusan ay galing sa pagiging isang maralitang sakristang mapakumbabat masunurin, na nagasawa sa isang magandang dalaga na ang naging anak ay inanak ng kura. patuloy si kabisang andang ng pagtutukoy sa mga pilipinong mapakumbaba at paciencioso gaya ng sabi niya, at babanggit pa sana ng iba na dahil sa hindi gayon ay nangapatapon at pinag uusig, nang si placido, dahil sa isang munting bagay na dinahilan, ay umalis at naglagalag sa mga lansangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"linibot na tatanga tanga at masama ang ulo ang sibakong, tundo, san nicolas, sto. cristo, na hindi pinupuna ang araw at ang oras, at nang makaramdam lamang ng gutom at naunawang wala siyang kuwalta dahil sa ibinigay niyang lahat sa mga pistahan at mga ambagan, ay saka umuwi sa kaniyang bahay. hindi niya inaantay na matatagpuan ang kaniyang ina, sapagkat may ugali ito, kailan mat lumuluwas sa maynila, na tumungo sa mga oras na iyon sa isang kapit bahay na pinagsusugalan ng pangginge. ngunit siyay inaantay ni kabisang andang upang pagsabihan ng binalak: ang matandang babaiy patutulong sa procurador ng mga agustino upang mapawi ang pagkamuhi ng mga dominiko sa kaniyang anak. pinutol ni placido sa isang ingos ang kaniyang pananalita. magtatalon na muna ako sa dagat ang sabi manunulisan na muna ako bago bumalik sa unibersidad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at sa dahilang sinimulan na naman ng ina ang salaysay na ukol sa pagtitiis at kababaang loob ay umalis na muli si placido na hindi kumain ng ano man at tinungo ang daongang himpilan ng mga bapor. ang pagkakita ng isang bapor na aalis na patungong hongkong ay nag udyok sa kaniya ng isang akala: pumaroon sa hongkong, magtanan, magpayaman doon upang bakahin ang mga prayle. ang pagparoon sa hongkong ay gumising sa kaniya ng isang alaala, isang kasaysayan ng mga kagayakang pamukha ng dambana, mga ciriales at mga titirikan ng kandila na pawang pilak na inihandog sa isang simbahan ng kabanalan ng mga mapanampalataya; anang isang platero, ay nagpagawa sa honkong ang mga prayle ng ibang kagayakan sa dambana, mga ciriales at mga titirikan ng kandila na pawang pilak na ruolz na siyang ipinalit sa mga tunay na pilak na ipinatunaw at ipinagawang pisong mehikano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ito ang kasaysayang kaniyang naringig at kahit mga salisalita lamang yaon bulungbulungan ay inaari na niyang totoo dahil sa sama ng kaniyang loob at nagpapaalaala pa sa kaniya ng ilang gayon ding pangyayari. ang paghahangad na mabuhay ng malaya at ilang balak na hindi pa lubos na yari ay nakapag udyok sa kaniyang ipatuloy ang balak na tumungo sa hongkong. kung doon dinadala ng mga corporacion ang lahat ng kanilang salapi ay dapat na lumakad na mabuti ang pangangalakal doon at maaaring siyay yumaman. ibig kong maging malaya, mabuhay ng malaya!. inabot siya ng gabi sa paglilibot sa. fernando, at sa dahilang hindi makatagpo ng isang kaibigang mangdaragat ay nagpatuloy nang umuwi. at sapagkat maganda ang gabi at ang buwan ay kumikinang sa langit na binibigyan ng anyong kahariang makababalaghan ng mga hada ang maralitang siyudad, ay tumungo sa periya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"doon nagpayaot dito, linibot ang mga tinda na hindi napupuna ang mga bagaybagay; ang pag iisip ay nasa hongkong upang mamuhay ng malaya, magpayaman. iiwan na sana ang periya nang mamataan mandin ang manghihiyas na si simoun na nagpapaalam sa isang taga ibang lupa at kapuwang sa wikang ingles nag uusap. sa palagay ni placido ay ang lahat ng wikang ginagamit sa pilipinas ng mga dayuhan, kailan mat hindi ang kastila, ay ingles: at saka naulinigan pa ng ating binata ang salitang hongkong. kung mangyayari sanang maipakiusap siya ng magaalahas na si simoun sa dayuhang yaon na tutungo mandin sa hongkong! tumigil si placido. nakikilala niya ang manghihiyas dahil naparoon sa kaniyang bayan at nagbili ng alahas. sinamahan niya sa isang paglalakbay at pinagpakitaan siya ng magandang loob ni simoun na isinalaysay sa kaniya ang mga pamumuhay sa mga unibersidad ng mga malalayang bansa: anong laking kaibhan! sinundan ni placido ang mag aalahas. ginoong simoun, ginoong simoun!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang mga sandaling yaon ay lululan sa sasakyan ang mang hihiyas. nang makilala si placido ay tumigil. ibig ko sanang makiutang ng loob sa inyo., dalawang salita lamang! si simoun ay umanyong may pagkainip, bagay na sa katuligan ni placido ay hindi napuna. sa ilang salitay isinalaysay ng binata ang nangyari sa kaniya at ipinahayag ang nasang tumungo sa hongkong. ang tanong ni simoun na tinitigan si placido sa tulong ng kaniyang mga salaming bughaw. hindi sumagot si placido. sa gayoy tumingala si simoun at ngumiti ng dati ring ngiting tahimik at malamlam, at sinabi kay placido na: siya! sumama kayo sa akin. sa daang iris! ang sabi sa kotsero. sa boong linakaran ay namalaging walang imik si simoun na waring may iniisip na isang malaking bagay. sa pag aantay ni placido na siyay kausapin ay hindi bumibigkas ng anomang salita at naglibang sa pagmamasid sa maraming naglalakad na sinasamantala ang kaliwanagan ng buwan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mga binata, magkakaakbay na magkasintahan, mga nagkakaibigan na sinusundan ng mga maiingat na ina mga inali; pulupulutong na mga nag aaral na nakadamit ng puti na lalo pa manding pinatitingkad ng buwan ang kaputian; mga sungdalong halos lasing na nangakakaruahe, anim na paminsan, na dadalaw sa sambahang pawid na ukol kay citeres; mga batang naglalaro ng tubigan, mga insik na nagtitinda ng tubo at ibp., ang pumupuno sa dinadaanan at sa liwanag na maningning ng buwan ay nagkakaroon ng anyong mamalikmatat mga kaayaayang ayos. sa isang bahay ay tumutugtog ng mga balse ang orkesta at nakikita ang ilang magkalangkay na nagsasayawan sa liwanag ng mga kinke at lampara. napakahabag na panoorin iyon sa ganang kaniya kung ipapara sa nakikita sa mga lansangan! at sa pag iisip ng ukol sa hongkong ay itinatanong sa sarili kung ang mga gabing may buwan sa pulong yaon ay kasing inam, kasing sasarap ng sa pilipinas, at isang matinding kalungkutan ang bumalot sa kaniyang puso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ipinag utos ni simoun na huminto ang sasakyan at lumunsad silang dalawa. nang mga sandaling yaon ay siyang pagdaraan sa kanilang tabi ni isagani at ni paulita gomez na nagbubulungan ng matatamis na salita; sa likuran ay kasunod si aling victorina na kasama si juanito pelaez, na malakas ang pagsasalita, nagkukukumpay at lalo pang nakukuba. sa pagkalibang ni pelaez ay hindi nakita ang kaniyang naging kasama sa pag aaral. iyan ang maligaya! ang bulong ni placido na nagbuntonghininga at nakatingin sa pulutong na unti unting nagiging parang anino na lamang, na ang tanging nakikitang mabuti ay ang mga bisig ni juanito na ibinababat itinataas na wariy pamagaypay ng isang gilingan. sa gayon na lamang siya magagamit ang bulong naman ni simoun mabuti na ang lagay ng kabataan! sino ang tinutukoy ni placido at ni simoun?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hinudyatan nito ang binata, iniwan nila ang daan at nagsuot sa isang palikawlikaw na landas at mga daanang pag itan ng ilang bahay; kung minsay nangagsisitalon sa maliliit na bato upang iwasan ang mumunting putikan at kung minsay yumuyuko upang dumaan sa bakod na masama ang pagkakayari at lalo pa manding masama ang pagkakaingat. namangha si placido nang makitang naglalakad sa mga pook na iyon ang mayamang mag aalahas na wariy sanay na sanay doon. sa kahulihulihay nakarating sila sa isang wariy kulob na malaki na may nag iisang munting bahay na dukha na nalilibid ng sagingan at mga puno ng bunga. ilang balangkas na kawayan at putol putol na bungbong ay nakapagpahinala kay placido na silay nasa bahay ng isang kastillero. at dagling nanaog. nariyan na ang pulbura? ang tanong ni simoun. nangasa bayong; inaantay ko ang mga bungbong. mabuti, maestro. ngayong gabi rin kayo lalakad at makipag usap sa teniente at sa kabo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at pagkatapos ay ipatuloy ang inyong lakad; sa lamayan ay makatatagpo kayo ng isang tao sa isang bangka: pagsabihan ninyo ng kabisa at siyay sasagot ng tales. kailangang dumating dito bukas. hindi makapag aaksaya ng panahon! at binigyan ng ilang kuwaltang ginto. bakit po ginoo? ang tanong sa mabuting wikang kastila ng tao may bagong bagay po ba? oo, gagawin sa loob ng linggong darating. sa linggong darating! ang ulit ng tao na napaurong ang mga arabal ay hindi pa handa; inaantay na iurong ng general ang utos. ang akala koy ipagpapaliban hanggang sa pagpasok ng kurisma. umiling si simoun. hindi na natin kakailanganin ang mga arrabal ang sabi ang mga tao ni kabisang tales, ang mga naging karabinero at isang regimiento ay sapat na. kung ipagpapaliban pa marahil ay patay na si maria clara! lumakad kayong agad! ang lalakiy nawala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kaharap si placido sa maikling pag uusap na itot nadingig ang lahat; nang inaakalang nakaaninaw siya ng bahagya ay nanindig ang kaniyang buhok at tiningnan si simoun ng matang gulat. si simoun ay nakangiti. ipinagtataka ninyo ang sabing malamlam ang ngiti na ang indiong iyan na masama ang suot ay makapagsalitang mabuti ng wikang kastila? naging guro sa paaralan, na nagpumilit na turuan ng kastila ang mga bata at hindi nagtigil hanggang naalis sa tungkulin at napatapon dahil sa salang panggugulo ng katiwasayang bayan at sapagkat naging kaibigan ng kaawaawang ibarra. kinuha ko sa kinatapunan na ang inaatupag doon ay ang pagtatanim ng niyog at ginawa kong magkakastillo. nangagsibalik sa daan at palakad na tumungo sa dakong trozo. sa harapan ng isang munting bahay na tabla, na ang anyoy masaya at malinis, ay may isang kastila na naniniin sa isang tungkod at nag aaliw sa liwanag ng buwan. tinungo siya ni simoun; nang makita ito ng kastila ay nagtangkang tumindig na tinimpi ang isang daing.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"humanda kayo! ani simoun sa kaniya. kailan may handa ako! sa linggong darating! sa unang putok ng kanyon! at lumayong kasunod si placido na nagsisimula na ng pagtatanong sa sarili kung siyay nananaginip. ikinatataka ninyo ang tanong sa kaniya ni simoun ang pagkakita sa isang kastilang bata pay salanta nang lubha ng mga sakit? may mga dalawang taon lamang na iyan ay kasingtibay ninyo sa pangangatawan, ngunit nagawa ng kaniyang mga kalaban na siyay maipadala sa balabak upang gumawa roong kasama ng isang pangkat na disciplinaria at naiyan at tingnan ninyong may isang reuma at isang walang likat na lagnat na nag aaboy sa kaniya sa libingan. ang kahabaghabag na iyan ay nag asawa sa isang magandang babai. at sa dahilang nagdaan ang isang sasakyang walang lulan ay pinahinto ni simoun at napahatid na kasama si placido sa kaniyang bahay sa daang escolta. nang mga sandaling iyon ay tinutugtog sa mga orasan ng mga simbahan ang ika sampu at kalahati ng gabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"makaraan ang dalawang oras ay nilisan ni placido ang bahay ng mag aalahas at walang imik at nagiisip na lumakad sa escolta, na wala nang katao tao kahit na masaya pa rin ang mga cafe . mangisangisang sasakyan ay nangagdadaang matulin na nag uumugong ng katakot takot sa ibabaw ng dinadaanang gasgas na batong nakalatag sa lansangan. mula sa isang silid ng kaniyang tahanang nakaharap sa ilog pasig ay tinatanaw ni simoun ang bayang kupkop ng muog na nakikita sa mga durungawang bukas ang mga bubong na hierro galvanizado na pinakikinang ng buwan, at ang kaniyang mga torre na nababadhang malulungkot, bagol, malalamlam, sa gitna nang mapanatag na anyo ng gabi. si simoun ay nag alis ng salaming bughaw sa mata, ang kaniyang maputing buhok na wariy kulob na pilak ay nakalibid sa kaniyang matigas at sunog na mukha na malamlam, na naliliwanagan ng isang lampara, na ang ilaw ay waring mamamatay dahil sa kakulangan sa petroleo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dahil mandin sa isang bagay na iniisip ay hindi napupuna ni simoun na untiunting namamatay ang lampara at lumalaganap ang kadiliman. sa loob ng ilang araw ang bulong pag nag alab ang apat na tagiliran ng sinumpang bayang iyan na tirahan ng mga mapagpalalong walang namumuwangan at ng walang awang panggagaga sa mangmang at sa nagigipit; pag ang pagkakagulo ay mangyari na sa mga arrabal at palusubin ko sa mga lansangan ang aking mga taong manghihiganti na ibinunga ng mga panggagahis at kamalian, ay saka ko bubuksan ang muog ng iyong bilangguan, aagawin kita sa kamay ng dalubhasang pananalig, at maputing kalapati, magiging fenix kang muling sisipot sa mainit na abo.! isang panghihimagsik na binalak ng mga tao sa gitna ng kadiliman ay siyang naglayo sa akin sa piling mo; isa namang paghihimagsik din ang mag aaboy sa akin sa mga bisig mo, bubuhay sa aking muli at ang buwang iyan, bago sumapit sa kaniyang kabilugan ay tatanglawan ang pilipinas na linis na sa karimarimarim niyang yamutmot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"biglang huminto si simoun na waring natigilan. isang tingig ang tumatanong sa loob ng kaniyang budhi kung siya, si simoun, ay hindi bahagi rin ng yamutmot ng kalaitlait na bayan, marahil ay siya pa ang bulok na may lalong masidhing singaw. at kagaya ng mga magbabangong patay pagtugtog ng pakakak na kakilakilabot ay libo libong marugong multo, mga aninong nanggigipuspos ng mga lalaking pinatay, mga babaing ginahasa, mga amang inagaw sa kanilang mga anak, masasamang hilig na inudyukan at pinalusog, mga kabaitang hinalay, ay nangagsipagbangon ngayon sa tawag ng matalinghagang katanungan. noon lamang, sa kaniyang masamang pamumuhay sapol nang sa habana, sa tulong ng masamang hilig ng pagsuhol ay tinangka niya ang pagyari ng isang kasangkapan upang magawa ang kaniyang mga balak, isang taong walang pananalig, walang pag ibig sa bayan at walang budhi, noon lamang, sa kabuhayang yaon, tumataliwakas ang isang bagay sa loob niyang sarili at tumututol ng laban sa kaniyang mga inaasal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ipinikit ni simoun ang kaniyang mga mata at malaong namalagi na walang katinagtinag; matapos ay hinaplos ang kaniyang noo, ayaw silayan ang kaniyang budhi at natakot. ayaw, ayaw suriin ang kaniyang sarili, kinulang siya ng katapangan upang lingunin ang dakong kaniyang dinaanan. kulangin pa naman siya ng katapangan nang nalalapit na ng sandali ng pagkilos, kulangin siya ng paniniwala, ng pananalig sa sarili! at sa dahilang ang mga kakilakilabot na larawan ng mga sawing palad, na siya ay nakatulong sa sinapit, ay nasa sa kaniyang harapan pa rin na wariy nangagsisipanggaling sa makinang na ibabaw ng ilog at nilulusob ang silid na sinisigawan siyat inilalahad sa kaniya ang mga kamay; sa dahilang ang mga sisi at panaghoy ay waring namumuno sa hangin at nadidingig ang mga pagbabala at mga sigaw ng paghihiganti ay inilayo ang kaniyang tingin sa durungawan at marahil ay noon lamang siya nanginig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi, marahil ay may sakit ako, marahil ay masama ang aking katawan ang bulong marami ang nagagalit sa akin, ang mga naghihinalang ako ang sanhi ng kanilang kasawian, ngunit. at sa dahilang nararamdamang nag aalab ang kaniyang noo ay tumindig at lumapit sa durungawan upang sagapin ang malamig na simuy sa gabi. sa kaniyang paanan ay pinauusad ng ilog pasig ang kaniyang pilak na agos, na sa ibabaw ay nanghihinamad na kumikinang ang mga bulang umiikit, sumusulong at umuurong na sumusunod sa lakad ng mumunting uliuli. ang siyudad ay natatayo sa kabilang ibayo at ang kaniyang maiitim na muog ay nakikitang nakakikilabot, matalinghaga, at napapawi ang kaniyang karukhaan sa liwanag ng buwan na nakapagpaparikit at nagpapaganda sa lahat ng bagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapwat si simoun ay muling nangilabot; waring nakita sa kaniyang harapan ang mabagsik na mukha ng kaniyang ama, na namatay sa bilangguan, ngunit namatay dahil sa paggawa ng mabuti, at ang mukha ng isa pang lalaki na lalo pang mabagsik, ng isang lalaking nagdulot ng buhay ng dahil sa kaniya, dahil sa inaakalang kaniyang hahanapin ang ikabubuti ng kaniyang bayan. hindi, hindi ako makauurong ang bulalas na pinahid ang pawis ng kaniyang noo ang gawain ay magtatapos na at ang kaniyang pagtatagumpay ay siyang magbibigay katwiran sa akin. kung akoy gumaya sa inyo ay nasawi ako marahil. siya na ang pangangarap, siya na ang maling pagkukuro! apoy at patalim sa bikat, parusa sa kasamaan, at masira pagkatapos kung masama ang kasangkapan! hindi, pinag isip ko nang mabuti, ngunit akoy nilalagnat ngayon. ang pag iisip koy uulik ulik. kung ginawa ko ang kasamaan ay upang makapala ng kabutihan at ang napapalay siyang nagliligtas sa kaparaanan. ang gagawin koy ang huwag mapara.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at nahigang gulo ang pag iisip at tinangkang makatulog. nang kinabukasan ay pinakinggang nakasukot at nakangiti ni placido ang pangaral ng kaniyang ina. nang tinuran nito sa kaniya na makikiusap sa procurador ng mga agustino ay hindi tumutol ni humadlang man lamang; kundi bagkus pa ngang humandog na siya na ang gagawa upang maibisan ng kagambalaan ang kaniyang ina na pinamanhikang bumalik na kaagad sa kanilang lalawigan at kung mangyayariy sa araw ding yaon. itinanong sa kaniya ni kabisang andang kung bakit. sa dahilang kung mabatid ng prokurador na naririto kayo ay hindi gagawin ang inyong kahilingan samantalang hindi muna siya nabibigyan ng anomang handog at ilang pamisa. tunay ang sinabi ni. irene: ang ukol sa akademia ng wikang kastila, na malaon nang iniharap, ay tumutungo na sa isang pagkalutas. custodio, ang masipag na si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"custodio, ang lalong masipag sa lahat ng mga nagpapalagay sa boong mundo, alinsunod kay ben zayb, ay siyang tumutungkol sa kaniya at dinadaan ang mga maghapunan sa pagbabasa sa mga kasulatan at nakakatulog nang walang naipapasiyang anoman: babangon sa kinabukasan, gayon din ang gagawin, matutulog na muli at sunod sunod na gayon ang nangyayari. gaano ang iginagawa ng kaawaawang ginoo, ang lalong masipag sa lahat ng nagpapalagay sa sangsinukob! ibig niyang makalusot doon, sa paraang mabigyang loob ang lahat, ang mga prayle, ang mataas na kawani, ang kondesa, si. irene at ang kaniyang mga pagkukurong labusaw. nagtanong kay. pasta at siyay hinilo at linito ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pasta matapos na mahatulan siya ng isang yutang bagay na magkakalaban at hindi mangyayari; nagtanong kay pepay na mananayaw, at ang mananayaw na si pepay, na hindi nakatatarok ng pinag uusapan, ay umikot ng isang ikot, hiningan siya ng dalawang put limang piso upang ipagpalibing sa isang ali niya na biglang kamamatay ng ikalimang pagkamatay, ipagpapalibing sa ikalimang ali na namatay sa kaniya, alinsunod sa lalong masaklaw na paliwanag, matapos na mahinging mapasok na auxiliar de fomento ang isa niyang pinsang lalaki na marunong bumasa, sumulat at tumugtog ng biolin, mga bagay bagay na pawang malayong makapag bigay kay. custodio ng isang hakang makapagliligtas. makaraan ang dalawang araw ng pangyayari sa periya sa kiyapo, ay gumagawa si. custodio, na gaya ng dati, na pinag aaralan ang mga kasulatan na hindi matagpo ang kailangang panglutas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapway samantalang naghihikab, umuubo, humihitit ng tabako at inaalaala ang mga ikot at mga hita ni pepay, ay babanggitin namin ang ilang bagay ng mataas na taong ito, upang makilala ang katwiran na kung bakit siya ang ipinalagay ni. sibyla na lumutas ng matinik na salitaan at kung bakit tinanggap naman ng kabilang pangkat. custodio de salazar sanchez de monteredondo (.) buenatinta ay nalalahok diyan sa bahagi ng sosyedad sa maynila na hindi nakakikilos ng isang hakbang na hindi sinasabitan sa likod at harap ng mga pamahayagan ng libo libong bansag at tinatawag siyang walang kapaguran bantog maingat masipag malirip matalino bihasa mayaman ibp., na waring ipinangingilag na ipagkamali sa ibang may gayon ding pangalan at bansag na bulagbul at mangmang. at saka wala namang kasamaang iaanak ang gayon at hindi nagagambala ang previa censura .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang buena tinta ay galing sa kaniyang pakikipagkaibigan kay ben zayb, nang ito, sa dalawang matunog na pakipagtunggali na inabot ng buwanan at lingguhan sa mga tudling ng pahayagan ukol sa kung nararapat hindi gumamit ng sombrerong hongo de copa salakot, at kung ang paggamit ng ukol sa marami ng salitang caracter ay dapat maging caracteres at hindi caracteres upang patibayan ang kaniyang mga pangangatwiran ay lumulusot kailan man sa mga salitang constanos de buena tinta lo sabemos de buena tinta at ibp. at napag alaman pagkatapos, sapagkat sa maynila ay napag aalaman ang lahat ng bagay, na ang buena tintang ito ay dili ibat si. custodio de salazar sanchez de monteredondo. batang bata pa ng dumating sa maynila, na may isang mabuting katungkulan na siyang nakapagparaan sa kaniyang makapag asawa sa isang magandang mestisa na isa sa mga magkakaanak na lalong mayaman sa siyudad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sapagkat may likas na katalinuhan, kapangahasan at walang pagkatigatig, ay natutong samantalahin ang lipunang kaniyang kinalalagyan, at sa tulong ng salapi ng kaniyang asawa ay nangalakal at tumanggap ng anomang pagawa ng pamahalaan at ng ayuntamiento, kayat ginawa tuloy siyang konsehal, pagkatapos ay alkalde, kagawad ng sociedad economica de amigos del pais, kasangguni ng pangasiwaan, pangulo ng lupong nangangasiwa sa obras pias, kagawad sa lupong ng kawanggawa, conciliario ng banco espanol filipino, at ibat iba pa. at huwag akalaing ang ibat iba pang ito ay kagaya ng karaniwang inilalagay matapos na mabanggit ang isang mahabang tala ng mga kabunyian: si. custodio, kahit hindi nakatunghay kailan man ng anomang aklat na ukol sa higiene ay nakasapit hanggang sa pagiging pangalawang pangulo ng junta de sanidad sa maynila, kahit tunay din naman na sa walong bumubuo ng lupon ay isa lamang ang kailangang maging manggagamot at ang isang itoy hindi mangyayaring maging siya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gayon diy naging kagawad ng junta central sa pagbabakuna, na binubuo ng tatlong manggagamot at pitong walang pagkabatid sa bagay na iyon, na sa mga itoy isa ang arsobispo at ang tatloy mga provincial nakakapatid sa mga cofradia at archicofradia at, gaya ng naunawa na natin, ay kagawad na magpapalagay sa kataastaasang lupon ng paaralang bayan na hindi laging kumikilos, mga sanhing higit na sa kailangan upang balutin siya ng mga pamahayagan ng mga palayaw, kailan mat naglalakbay nagbabahin. kahit na may maraming tungkulin, si. custodio, ay hindi kabilang ng mga natutulog sa mga pagpupulong at nasisiyahan nang kagaya ng mga kinatawang kimi at tamad na makikiboto na lamang sa lalong marami. hindi kagaya ng maraming hari sa europa na nagtataglay ng kabunyiang hari sa jerusalem, pinaghahari ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"custodio ang kaniyang kalagayan at sinasamantala ang lahat ng mapapakinabang dito, ikinukunot na mabuti ang kilay, pinalalaki ang boses, umuubo sa pagsasalita at madalas na siya na lamang ang umuubos ng isang pagpupulong dahil sa pagsasalaysay ng isang kabuhayan, paghaharap ng isang panukala paglaban sa isang kasama na nakainipan niya. kahit hindi pa siya lumalampas sa apat na pung taon ay nagsasalita na noong dapat daw magdahandahan sa paggawa ng anoman, na iwan munang mahinog ang bubot na bunga ng higuera at idinudugtong na marahan mga milon! nagsasalita ng ukol sa paglirip na mabuti at paglakad ng marahan, ng pangangailangang kilalanin muna ang bayan, na ang mga hilig ng indio ay paganito, na ang karangalan ng pangalang kastila, na sa dahilang una muna ang mga kastila, na ang pananampalataya at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"naaalala pa sa maynila ang isa niyang talumpati ng unang ipalagay ang pag iilaw ng petroleo, bilang kahalili ng dating langis ng niyog: sa pagbabagong iyon ay hindi nakita ang pagkamatay ng paggawa ng langis kundi ang tutubuin ng isang konsehal sapagkat si. custodio ay may matalas na pangamoy at humadlang ng inubos ang lahat ng tunog ng kaniyang boses, na ipinalagay na ang panukala ay wala sa panahon at hinulaang magkakaroon ng malalaking sakunang bayan. hindi rin huli sa kabantugan ang kaniyang paghadlang sa isang pananapatan na ibig gawin ng ilan sa isang gobernador bago umalis: si. custodio na mayroong kaunting sama ng loob dahil sa ilang paghiya sa kaniya, na hindi na namin naaalala, ay natutong ikalat ang balibalitang ang talang darating ay kalabang masidhi ng aalis, bagay na ipinangamba ng mga mananapat kayat hindi natuloy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang araw ay hinatulan siyang bumalik sa espana upang magpagamot ng isang sakit sa atay at binanggit siya ng mga pahayagan na wariy isang anteo na nangangailangang tumuntong sa inang bayan upang kumuha ng mga panibagong lakas; ngunit ang anteong taga maynila ay nangunti at nawalang kabuluhan sa corte. doon ay hindi siya gasino at hinahanaphanap ang kaniyang mga kaibigibig na bansag. hindi siya nakahalobilo ng mga lalong mayayaman, ang kakulangan niya sa pinag aralan ay hindi makapagbigay sa kaniya ng malaking kahalagahan sa mga lipunang ukol sa karunungan at mga akademia, at dahil sa kaniyang pagkakahuli at pagtataglay ng politikang kombento ay litong umaalis sa mga lipunan, walang kasiyahang loob, muhi, at walang malinawan kundi ang dooy kinukunan ng kuwalta ang tanga at dooy malakas ang sugal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"inaalala ang kaniyang masunuring mga utusan sa maynila na nangagtitiis sa lahat ng kaniyang nakayayamot na maibigan, at sa gayon ay nakikita niyang ang mga yaon ay siyang mabuti; sa dahilang sa taglamig ay nangailangan siyang maglalapit sa dupaan at kung hindiy makasasagap ng isang pamamaga ng baga ay ipinagbubuntong hininga ang pag aalala sa taglamig sa maynila na sukat na ang magtaglay ng isang bufanda wala ang kaniyang hiligan at ang batang tagapamaypay kung taginit; sa isang sabi, sa madrid ay naging isa siya sa mga pangkaraniwan, at, kahit na mayroon siyang mga brillante, minsan ay pinagkamalan siyang paleto na hindi marunong umimbay, at minsan ay pinagkamalan siyang indiano kinutya ang kaniyang mga pagnganganingani at talampak siyang inuto ng ilang mangungutang na kaniyang hiniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"muhi sa mga conservador na hindi pinahalagahan ang kaniyang mga payo, na gaya rin naman sa mga kakabitkabit sa kaniyang humihitit sa kaniyang bulsa, ay sumapi sa pangkating liberal at bago matapos ang taon ay bumalik sa pilipinas, na, kung hindi man magaling na sa sakit sa atay ay gulong gulo naman ang paghahaka.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang labing isang buwang ipinamuhay niya sa corte na dinaang kahalobilo ng mga politikong tindahan, mga walang pinapasukan ang lahat halos; ang ilang talumpating nadingig sa mga suloksulok, ang gayon ganitong lathalang laban sa pamamahala at lahat noong pamumuhay sa politika na nalalangap doon, mula sa pagupitan, sa pag itan ng mga paggupit ng figaro, na naghahayag ng kaniyang patakaran, hanggang sa mga pigingan na pinaghahayagan, sa pamag itan ng maiinam na pagsasalaysay at mga nakabibighaning banggit ng mga sarisaring kulay ng mga pananalig sa suliraning bayan, ang mga pagkakaiba, mga pagtiwalag, mga di kasiyahang loob, at ibp., ang lahat ng iyon, samantalang siyay lumalayo sa europa, ay muling nabubuhay nang lubhang malusog sa kaniyang alaala, na wariy binhing natanim, na napipiglang lumaki ng mga malalabay na punong nakatatakip, kayat ng dumaong sa maynila ay inakalang itoy maiaayos niya, at gayon nga, taglay ang lalong banal na adhika at ang lalong malilinis na mithi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa mga unang buwan ng kaniyang pagdating ay wala nang nababanggit kundi ang madrid, ang kaniyang mabubuting kaibigan, ang ministrong si ganoon, ang naging ministrong si ganito, ang kinatawang, ang manunulat na si ; walang pangyayari sa politika, mga kagusutan sa corte na hindi niya batid ang lalong kaliitliitang pangyayari, ni mga taong bantog na hindi niya kilala ang lihim ng kabuhayan, ni walang nangyaring hindi niya hinulaan ni paglalathala ng isang pagbabagong hindi muna isinanguni sa kaniya; at ang lahat nang itoy may kalahok na pagsundot sa mga conservador na taglay ang tunay na pagkasuklam, pagpupuri sa pangkating liberal isang kabuhayan dito, isang salita doon ng isang bantog na tao, na ipinapatlang, na waring hindi kinukusa, ang mga pag aalog sa kaniya at mga tungkuling hindi tinanggap upang huwag lamang magkaroon siya ng ano mang utang na loob sa mga conservador .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"napakalaki ang kapusukan niya ng mga unang araw na iyon, na ang ilan sa kausap usap sa tindahan ng mga sarisaring kakanin na dinadalaw niyang maminsanminsan ay nangagsisapi sa pangkating liberal, at nagpanggap nang liberal si . eulogio badana, sargento retirado sa carabinero ang marangal na si armendia, piloto at matalik na carlista si. eusebio picote, kawani sa aduana, at si don bonifacio tacon, sapatero at talabartero. gayon man, ang mga sigabo, dahil sa kakulangan ng tunggalian at mga bagay na makapag udyok, ay unti unting napawi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi niya binabasa ang mga pamahayagang dumarating sa kaniyang buhat sa espana, sapagkat balubalutan kung tanggapin at ang pagkakita noon ay nakapagpapahikab sa kaniya; ang mga paghahakang kaniyang napulot na pawang gamit na, ay nangangailangan ng abuloy na dagdag, at dooy wala ang kaniyang mga mananalumpati; at kahit na malalakas ang laro sa mga casino sa maynila at mayroon ding nangingristo, gaya ng sa mga lipunan sa madrid, gayon man ay hindi naman ipinahihintulot sa mga tinuran ang ano mang talumpati upang buhayin ang mga imbot sa politika. custodio ay hindi tamad; gumagawa ng higit sa pagnanasa lamang, kumikilos; at sa pagkakilala niyang sa pilipinas siya malilibing at sa pag aakalang yaon ang kaniyang makikilusan, ay pinag ukulan ng kaniyang mga pagsusumikap at inakalang mapabubuti sa pagbabalak ng maraming pagbabago at mga panukalang kawiliwili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"siya, ang dahil sa nadingig sa madrid ang pag uusap ng ukol sa mga daang nilalatagan nang kahoy sa paris, na noon ay hindi pa ginagawa sa espana, ay nagpalagay na gawin sa maynila, sa paraang maglatag ng mga tabla sa mga lansangan at ipagpako na gaya ng nakikita sa mga bahay bahay; siya, ang dahil sa mga kasawiang nangyayari sa mga sasakyang dadalawa ang gulong, at upang maiwasan, ay ipinalagay na magtaglay ng tatlo man lamang; siya rin naman, ang samantalang gumaganap sa pagka pangalawang pangulo ng junta de sanidad ay nakaisip na wiligan ng panglinis ang lahat ng bagay, sampu ng mga balitang pahatid kawad na galing sa mga bayang may sakit na nakahahawa; siya rin ang, sa pagkahabag sa mga presidiario na nangagsisigawa sa init ng araw at sa pagnanasang makapagtipid ang pamahalaan sa paggugol sa mga kasuotan noon, ay ipinalagay na suotan na lamang ng isang bahag at pagawin sa gabi at huwag sa umaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nahahanga at namumuhi, na, ang kaniyang mga palagay ay makatagpo ng humahadlang; ngunit kinakalamay ang sarili pag naiisip na ang taong may halaga, ay sadyang may kalaban, at naghihiganti naman siya sa paraang pagtuligsa at pagpapawalang kabuluhan sa lahat ng panukala, maging masama maging mabuti, na iharap ng iba. sapagkat ipinagmamalaki ang kaniyang pagkalabusaw, kailan mat matatanong siya kung ano ang palagay sa mga indio ay karaniwang isagot na, nararapat sa mga gawain sa kamay at mga artes imitativas (ang ibig sabihin ay musika, pintura at eskultura), at idinadagdag ang kaniyang matandang pabuntot, na, upang makilala silay kailangang bumilang ng maraming maraming taong pamumuhay sa lupaing yaon. gayon man, kung nakadidingig na may napapabantog sa anoman na hindi dahil sa mga gawain sa kamay arte imitativa sa kimika, sa medisina pilosopia, sa halimbawa, ay sinasabi niyang: psh!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at sinasapantaha niya na ang indiong iyon ay may maraming dugong kastila sa ugat; at kung hindi niya makitaan kahit na magpilit ay humahanap naman ng isang pinanggalingang hapon: noon ay nagsisimula ang gawi na iukol sa mga hapon at sa mga arabe ang anomang mabuting bagay na taglay ng pilipino. custodio, ang kundiman, ang balitaw, ang kumintang ay mga tugtuging arabe, gaya rin naman ng mga titik sa pagsulat ng matatandang pilipino, at sa bagay na itoy wala siyang pag aalinlangan, kahit hindi niya kilala ang arabe, ni hindi man siya nakakita ng katitikang pilipino. arabe at lubos na arabe! aniya kay ben zayb sa isang pagsasabing hindi matutulan kung dili man, ay insik. at idinudugtong pang may kindat na makahulugan: walang wala, walang bagay na sadyang likas ang mga indio, batid ninyo? malaki ang pagmamahal ko sa kanila; ngunit hindi sila dapat purihin, sapagkat nangagmamalaki at nagiging mga kahabaghabag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung minsay sinasabi na: pinakamamahal ko ang mga indio, akoy lumalagay nang para nilang amat tagapagtanggol, ngunit kailangang ang bawat bagay ay malagay sa nararapat kalagyan. ang ibay ipinanganak upang mag utos at ang ibay upang sumunod; kung sa bagay ay hindi masasabing malakas ang katunayang ito, datapway ginagawa nang walang maraming salitaan. at tingnan ninyo, ang paraan ay walang kahiraphirap. pag kailangan ninyong piglan ang bayan ay paliwanagan ninyong siyay pigil; tatawa sa unang araw, sa ikalaway tututol, sa ikatlo ay mag aalinlangan at sa ikaapat ay panalig na panalig na. upang mapalagi ang pilipino sa pagkamasunurin, ay kailangang uulit ulitin sa kaniya sa araw araw na siyay gayon at pananaliging siyay walang magagawa. sa isang dako naman, ay ano pat mananalig siya sa ibang bagay kung masasawi lamang? paniwalaan ninyo ako, isang kawanggawa ang palagiin ang bawat isa sa kalagayang kinaroroonan; diyan naririyan ang kaayusan, ang pagkakasundo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iyan ang lihim ng karunungan sa pamamahala. kung tinutukoy ni. custodio ang kaniyang paraan sa pamamahala ay di na nasisiyahan sa salitang arte . at pagsasabi niya ng pamamahala ay iniuunat ang kamay na ibinababa hanggang sa taas ng isang taong nakaluhod, nakaukod. tungkol naman sa pananampalataya ay ipinagmamalaki ang kaniyang pagkakatoliko, lubos na katoliko, ! ang katolikang espana, ang lupain ni maria santisima!. ang isang labusaw ay maaari at dapat maging katoliko doon sa pook na, ipinalalagay sila ng mga kalaban ng pagkakasulong, na silay mga diosdiosan santo man lamang, gaya nang pangyayaring ang isang kayumanggi ay inaaring maputi sa kapreria. gayon man, ay kumakain siya ng lamang kati sa boong kurisma, tangi lamang sa viernes santo hindi nagkukumpisal kailan man, hindi naniniwala sa mga kababalaghan, ni sa hindi pagkakamali ng papa, at kung nagsisimba, ay nagsisimba sa ika sampu ng umaga sa lalong maikling misa, sa misa ng tropa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kahit sa madrid ay nagsalita siya ng laban sa mga pari, na ipinalalagay niyang lipas na sa kapanahunan, upang huwag matiwali sa kaniyang kinagigitnaan, nagsalita ng mga paglait sa inquisicion at nagsasalaysay ng gayon ganitong kabuhayang malaswa palibak na kinalalahukan ng mga habito, , sa lalong tiyakan, mga prayleng walang habito gayon man, pagsasalita ng ukol sa pilipinas, na dapat pamahalaan ng alinsunod sa mga tanging batas, ay umuubo, titingin ng isang titig na may kahulugan, uulitin ang paglalahad ng kamay na kasingpantay ng taas na matalinghaga. ang mga prayle ay kailangan, silay isang bagay na masama, ngunit kailangan ang sabi. at nagagalit pag ang isang indio ay nangahas na mag alinlangan sa mga kababalaghan hindi naniniwala sa papa. ang lahat ng pahirap ng inquisicion ay hindi sapat na parusa sa kapangahasang iyon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung ikinakatwiran sa kaniya na ang panggagaga ang mabuhay na sinasamantala ang kamangmangan ay may iba pang tawag na masamang dinggin at pinaparusahan kapag ang nagkakasala ay nag iisa, ay lumulusot naman siya sa paraang pagtukoy sa ibang bayang sakop. kami ang sabi, na ang boses ay ang ginagamit sa mga seremonia kamiy makapagmamalaki! hindi kami kagaya ng mga ingles at mga holandes, na upang mapanatili sa pag alinsunod ang mga bayan ay gumagamit ng pamalo. ang aming ginagamit ay ibang paraan na lubhang malumanay, lubhang matibay; ang malunas na tulong ng mga prayle ay higit sa pamalong ingles. ang sabi niyang itoy lumaganap at sa mahabang panahoy binanggit banggit ni ben zayb at gayon din ng boong maynila; pinakapuripuri ng maynilang naghuhulo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang salita ay nakaabot sa madrid, at binanggit sa parlamento, na parang sabi ng isang labusaw na may mahabang paninirahan at ibp., at sa dahilang naging karangalan ng mga prayle ang gayong paghahawig ay hinandugan siya ng ilang arrobang sikulate, bagay na ipinabalik ng di malamuyot na si. custodio, na, sa dahilang itoy ipinantay naman ni ben zayb ang taglay na kabaitan sa kabaitan ni epaminondas. datapwat gayon man, ay gumagamit din ng yantok ang bagong epaminondas kung inaabot ng pagkagalit, at ang gayon ay inihahatol sa iba! nang mga araw na iyon, ay inulit ng mga kombento ang kanilang mga handog dahil sa pangangambang baka siya magbigay ng isang kapasiyahang sang ayon sa kahilingan ng mga nag aaral, at ng hapong natagpuan natin siya ay lalo pa manding hindi mapalagay kay sa dati sapagkat malapit masira ang kaniyang kabantugang masipag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mahigit nang labing limang araw na nasa kamay niya ang mga kasulatan, at nang umagang iyon, matapos na mapuri ang kaniyang pagka masusi, ay itinanong ng mataas na kawani ang kaniyang kapasiyahan. custodio ay sumagot ng lubhang matalinghaga, na ang ibig sabihin ay yari na: ang mataas na kawani ay ngumiti, at ang ngiting iyon ngayon ay gumagambalat umuusig sa kaniya. gaya nang sinabi na namin, ang hikab niyay sunodsunod. sa isang pagkilos niya, ng sandaling idinidilat ang mga mata at inilalapat ang bibig, ay napatitig sa mahabang hanay ng mga saping mapula, na ayos na ayos ang mga pagkakalagay sa mainam na aklatang kamagong: sa mga gulugod ng bawat isay may mga malalaking titik na ang sinasabi, ay:. nalimot sumandali ang kaniyang mga kagipitan at ang mga pag ikot ni pepay, upang alalahanin na ang lahat ng linalaman ng mga baitang na iyon ay pawang sumipot sa kaniyang palanak na ulo sa mga sandaling pagliliwanag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gaano karaming bungang isip na walang kamukha, gaano karaming maririlag na pagkukuro, gaano karaming mga kaparaanang ikaliligtas sa pagsasalat ng pilipinas! kailan pa man ay hindi na siya malilimot at tataglayin niya ang pagkilala ng utang na loob ng bayan! waring isang matandang magatod na nakatagpo ng isang balutang inaamag na mga sulat sa palasintahan, ay tumindig si. custodio at lumapit sa lalagyan ng mga aklat. ang unang balangkap na makapal, magang maga, punongpuno, ay may taglay na tatak na minumunakala . ang bulong may mga bagay na maiinam, ngunit kailangan ang sangtaon upang mabasang muli. ang pangalawa, na makapalkapal din, ay may tatak na nasa pagsusuri . pagkatapos noon ay sumusunod ang ipinag aantay ng panahon. pinawalang kabuluhan. pinagtibay. ang mga huling balangkap ay kakaunti ang laman, ngunit ang huli ay lalo pa, ang sa isasagawa . custodio ang kaniyang ilong ano kaya ang laman? nalimot na niya ang nasa sa loob niyon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang putol na papel na naninilaw ang nakaungos sa dalawang takip, na wariy dinidilaan siya ng balangkap. kinuha sa lalagyan at binuksan: yaon palay ang bantog na panukala ng paaralang artes oficios., putris! ang bulalas ngunit itoy nasa sa kamay na ng mga paring agustino. walang ano anoy biglang tinapik ang kaniyang noo, inihubog ang kilay, isang pagtatagumpay ang nalarawan sa kaniyang mukha. sa heto pala ang aking pasiya,.! ang bulalas na bumitiw ng isang mahalay na salitang hindi ang eureka ngunit nagsisimula sa pangkatapusan nito ang aking kapasiyahan ay yari na. at makalima makaanim na inulit ulit ang kaniyang kinaugaliang eureka na humaging sa hangin na wariy magalak na hagkis, at masayang tinungo ang kaniyang mesa at sinimulan ang pagsulat. nang gabing yaon ay may isang malaking palabas sa dulaang variedades.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang samahan ng operang pranses ni mr. jouy ay magdadaos ng una niyang palabas na ang itatanghal ay les cloches de corneville at ipamamalas sa madlang manonood ang kaniyang mga piling troupe na inihayag na ilang araw ng mga pahayagan ang kanilang kabantugan. sinasabing sa mga aktris ay mayroong mga may magandang tingig, ngunit lalo pa manding maganda ang anyo, at kung paniniwalaan ang mga bulongbulungan, ay higit pa sa kanilang tingig at anyo ang kanilang kagandahang loob. ika pito at kalahati pa lamang ng gabi ay wala nang billete ni para sa naghihingalong si. salvi, at ang mga papasok sa entrada general ay mahabang mahaba ang hanay. sa takilya ay nagkaroon ng kaguluhan, awayan, tinukoy ang pagpipilibustero at ang ukol sa lahi, ngunit gayon man ay hindi rin nakakuha ng bilyete. nang labing limang minuto na lamang ang kulang sa ika walo ay malalaking halaga na ang itinatawad sa isang uupan sa entrada general .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang anyo ng dulaan, na naiilawang mabuti, may mga punot bulaklak sa mga pintuan, ay nakauulol sa mga nahuhuling napapahanga at napapasuntok. isang makapal na tao ang nangagkikisawan sa mga paligid at pinagmamasdang naiinggit ang mga pumapasok, ang mga maagang dumarating dahil sa natatakot na maunahan sa kanilang luklukan: tawanan, alingawngaw, mga pag aantabay, nangagsisibati sa mga bagong dating na masama ang loob na nakikihalobilo sa mga nanonood, at, yamang hindi makapasok ay nangatitira na lamang sa pagtanaw sa mga pumapasok. gayon may may isang wariy di kahalo sa mga pag aasamasam at pagnanasang makapanood. siyay isang mataas na lalaking payat na kung lumakad ay marahan at kinakaladkad ang isang paang naninigas. ang suot ay isang masamang amerikana na kulay kape at isang pantalong pariparisukat ang guhit, marumi, na nakakapit sa kaniyang katawang mabuto at yayat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang sambalilong hongo na maarte na, dahil sa kasiraan, ang nakataklob sa kaniyang malaking ulo at nagpapakawala sa buhok na ang kulay ay maruming abuhin, halos bulhaw, mahahaba, kulot ang mga dulo na wariy buhok makata. ang lalong katangitangi sa taong iyon ay hindi ang kaniyang kasuotan, ni ang kaniyang mukhang taga europa na walang balbas ni bigote, kundi ang kulay niyang saga, kulay na naging sanhi ng tawag na camaroncocido na siyang bansag sa kaniya. ang anyo niyay walang kapara: anak ng isang mabuting lipi, ngunit siyay nabubuhay sa pagbubulagbul, sa panghihingi ng limos; lahing kastila, ay hindi pinahahalagahan ang karangalang lahi na inaalipusta sa pamag itan ng kaniyang gulagulanit na kasuotan, ipinalalagay siya ng lahat na wariy tagapamalita sa mga pahayagan, at tunay nga namang ang kaniyang matang malalakit abuhin, na malamlam at waring mapagnilay kung tumingin, ay naroon saan mat may bagay na maibabalita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kaniyang kabuhayan ay hindi batid ng marami; walang nakaaalam kung saan siya kumakain at natutulog: marahil ay mayroon siyang isang bariles saan mang pook. nang mga sandaling iyon ay hindi taglay ni camaroncocido ang dati niyang anyong matigas at walang bahala: isang wariy masayang pagkaawa ang nananaw sa kaniyang paningin. isang munting lalaki, isang mababang matanda ang masayang sumagupa sa kaniya. kaibigaaaan! ang sabi, na paos ang boses na wariy sa palaka, at ipinakikita ang ilang pisong mehikano. nakita ni camaroncocido ang mga mamiso, at kinibit ang balikat. ano ang mayroon sa kaniya noon? ang matanday isang mainam na kaibayo niya. maliit, lubhang maliit, natatakluban ang ulo ng isang sambalilong de copa na naging isang uod na may balahibo, at napapaloob sa isang maluwang na lebita, lubhang maluwang at napakahaba hanggang sa mapantay sa isang salawal na napakaikli na hindi lumalampas sa binti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kaniyang katawan ay waring siyang lelong at ang mga paay siyang apo, samantalang ang kaniyang mga sapatos ay naglalayag mandin sa katihan yaon ay dalawang malalaking sapatos marinero na tumututol ng laban sa uod na may balahibo na nasa kaniyang ulo na gaya ng matinding tutol ng isang kombento na nasa piling ng isang exposicion universal si camaroncocido ay saga, ang matanday kayumanggi; yaon ay walang buhok sa mukha kahit lahing kastila, ang indio ay may patilla at bigoteng mapuputi, mahahabat madalang. ang paningin ay malikot. kung tawagin siyay tio kiko, at, gaya ng kaniyang kaibigan ay nabubuhay din siya sa pamamahayag: siya ang nagpapatawag ng mga palabas at nagdidikit ng mga kartel ng mga dulaan. siya marahil ang tanging pilipino na kahit naka chistera at lebita ay nakapaglalakad nang hindi ginagambala, gaya rin naman ng kaniyang kaibigan na siya ang tanging kastila na nagtatawa sa karangalan ng lahi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"binigyan ako ng malaking pabuya ng pranses ang sabing nakangiti at ipinatanaw ang kaniyang gilagid na wariy isang lansangan matapos ang sunog napabuti ang kamay ko sa pagdidikit ng mga kartel! muling ikinibit ni camaroncocido ang kaniyang mga balikat. kiko ang sagot na maugong ang boses kung anim na piso ang ibinigay sa iyo dahil sa gawa mo magkano kaya ang ibibigay sa mga prayle? dahil sa kaliksihang likas ni tio kiko, ay itinaas ang ulo. sapagkat dapat mong maalaman ang patuloy ni camaroncocido na ang pagkapunong itoy kagagawan ng mga kombento! sadya nga namang gayon, ang mga prayle na pinangunguluhan ni . salvi at ilang hindi pari na pinangunguluhan ni. custodio ay laban sa pagtatanghal na iyon. camorra, na hindi makapanood, ay nanglilisik ang matat tatakamtakam; ngunit nakikipagtalo kay ben zayb na malambot na nagtatanggol sapagkat naiisip ang billeteng walang bayad na ipadadala sa kaniya ng may palabas. pinagsasalitaan siya ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"custodio ng ukol sa maayos na hilig, sa pananampalataya, sa mabubuting kaugalian, at ibp. ngunit ang bulong ng manunulat ang ating mga dulang sainete na may mga salitat pangungusap na dalawa ang kahulugan. ngunit nasa wikang kastila naman! ang pasigaw na putol ng mabait na konsehal, na nag aalab sa banal na pagkagalit mga kahalayan sa wikang pranses! tao kayo, ben zayb, maanong alang alang sa poong dios, sa wikang pranses! iyan ay hindi dapat mangyari magpakailan man! at ibinigkas ang hindi dapat mangyari magpakailan man! ng kasingtigas kung pagpipisanin ang tatlong guzman na pinagbabalaang papatayan ng isang pulgas kapag hindi isinuko ang dalawang pung tarifa. gaya nang maaantay, si. irene, ay kasang ayon ni. custodio at nagtutungayaw sa operetang pranses. siyay natungo sa paris, ngunit hindi man lamang tumuntong sa pintuan ng isang dulaan; iligtas siya ng maykapal! ngunit marami din naman ang kasang ayon ng operetang pranses.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga opisial sa hukbo at mga pangdigmang dagat, na sa mga itoy kabilang ang ayudante ng general, ang mga kawani at ilang matataas na tao ay nangagnanasang lumasap ng kainaman ng wikang pranses sa bibig ng mga tunay na parisien kabilang nila ang mga nalulan sa. at nakagamit ng kaunti ng pranses sa paglalayag, ang mga nakadalaw sa paris at lahat niyong mga ibig na masabing silay bihasa. ang lipunan nga sa maynila ay nagkahati sa dalawang pangkat, ang mga sang ayon at ang mga laban sa opera, na pinayuhan ng mga matatandang babai, mga asawang mapanibughuin at nanganganib sa pag ibig ng kanilang mga kabyak, at nang may mga katipan sa pag aasawa, samantalang ang mga malayat ang mga magaganda ay nangagpakilalang lubos silang magiliw sa opereta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nagsalimbayan ang mga sulatan, nagkaroon ng mga pagpaparoot parito, salisalitaan, mga pagpupulong, mga pagliliponlipon, mga pagtatalo; natukoy na tuloy sampu ng panghihimagsik ng mga indio, ang katamaran, ang mga liping mababat liping mataas, karangalan at iba pang kamulalaan, at matapos ang maraming hatidhatirang usap at maraming bulong bulungan, ay ibinigay ang pahintulot, at si . salvi ay naglathala ng isang pastoral na walang bumasa kundi ang taga ayos lamang sa limbagan. nabalitang ang general ay nakagalit ng condesa: na itoy naninirahang madalas sa mga bahay liwaliwan; na ang marangal na pinuno ay nabugnot; na ang consul ng mga pranses ay gayon, na nagkaroon ng mga handog, at ibp., at nalahok sa usapan ang maraming pangalan, ang sa insik na si quiroga, ang sa kay simoun at sampu ng sa maraming artista.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"salamat sa nagpaunang alingawngaw na ito, ang pagkasabik ng taoy naragdagan, at mula pa sa araw na sinusundan ng palabas, araw na idinating ng mga artista, ay walang napag uusapan kundi ang pagpasok sa unang pagtatanghal. sapol ng lumabas ang mapupulang kartel na nagbabalita nang les cloches de corneville ang mga nanaloy humanda na sa pagdiriwang ng kanilang tagumpay. sa ilang kawanihan, ay hindi na pinalalakad ang panahon sa pagbabasa ng mga pahayagan, kundi dinudumog ang mga kasaysayang limbag nang palalabasin, nangagbabasa ng mga nobelang pranses, at ang maramiy tumutungo sa palikuran na nagpapakunwaring iniiti upang makasangguni lamang ng palihim sa munting diksionariong pangbulsa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit gayon man ay hindi rin nalulutas ang mga expediente kundi bagkus pa ngang ang lahat ay pinababalik sa kinabukasan, datapway hindi mangyayaring magalit ang kahit sino: ang nakakaharap ay mga kawaning lubhang magagalang, masuyo, na tumatanggap sa kanila at nagpapaalam sa pamagitan ng malalaking yuko na ugaling pranses: ang mga kawaniy nangagsasanay, linilinis ang kanilang pranses na inaamag at sila silay nagbabatian ng oui monesiour sil bous plait at pardon! sa bawat kilos, bagay na lubhang kaigaigayang madingig at panoorin. ngunit sa pasulatan ng mga pamahayagan naroroon ang lalong galawan at ang kagipitan ay umaabot sa lalong malaki; si ben zayb, na sinasabing siyang manunuligsa at naghulog sa wikang kastila ng kasaysayan ng palalabasin ay nangangatal na wariy babaing nasuplong sa pangkukulam: nakikita niyang ang kaniyang mga kalaban ay nagpupunyaging makahuli ng kaniyang mga kamalian at ipinamumukha sa kaniya ang di pagkabatid na mabuti ng pranses.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang panahon ng opera italiana ay kakaunti nang mapasubo siya sa isang patayan dahil sa maling pagkahulog sa wikang kastila ng pangalan ng isang tenor; agadagad naglathala ang isang mainggitin at ipinalagay siyang walang namumuwangan, siya, ang una unang ulong nag iisip sa pilipinas! gaanong hirap ang sinapit niya sa pagsasanggalang! nangailangan siyang sumulat ng di lamang lalabing pitong palathala at sumangguni sa labing limang diksionario. at dahil sa mabuting pagkakaalaalang iyon, ang kaawaawang si ben zayb, ay lumalakad na lubhang maingat na ang inilalakad ay kamay, hindi namin sinabing paa, upang huwag gayahan si. camorra na may masamang ugaling ipintas kay ben zayb na paa ang ginagamit nito kung sumusulat. nakita mo na kiko? ang sabi ni camaroncocido ang kalahati ng taong iyan ay naparito dahil sa sinabi ng mga prayle na huwag pumarito; ang gayoy waring isang pahayag; at ang kalahati pa, sapagkat anila sa sarili ay: ipinagbabawal ng mga prayle? kung gayoy katutuhan marahil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"maniwala ka sa akin, kiko, ang mga palatuntunan mo ay mabubuti nga ngunit lalo pang mabuti ang pastoral, at dapat mong mabatid na walang isa mang nakabasa! kaibigaaaan, inaakala mo baga ang tanong ni tio kiko na hindi mapalagay na dahil sa kagagawan ni. salvi, ay alisin na kaya ang tinutungkol ko? marahil, kiko, marahil, ang sagot ng kausap na tumingin sa langit ang salapiy untiunti nang nawawala. si tio kiko ay bumulong ng ilang salita at pangungusap na di malinawan, kung ang mga prayle ay manghihimasok sa pagbabalita ng mga palabas dulaan ay papasok naman siyang prayle. at matapos makapagpaalam sa kaniyang kaibigan ay lumayong uuboubo at pinakakalansing ang kaniyang mga mamiso. si camaroncocido, na taglay ang dati niyang pagwawalang bahala, ay nagpatuloy sa pagyayaot dito na kaladkad ang paa at mapungay ang paningin. napuna niya ang pagdating ng ilang mukhang hindi kilala, na ibat iba ang pinanggagalingan at nangaghuhudyatan sa pamag itan ng kindat, at pag ubo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"noon lamang niya nakita sa mga gayong pagkakataon ang mga taong iyon, siya, na nakakakilala sa lahat ng anyo ng mga naninirahan sa siyudad at sa lahat ng pagmumukha. mga lalaking madidilim ang mukha, mga hukot, mga di mapalagay at hindi mawasto at masama ang pagkakabalatkayo ng suot, na wariy noon lamang nagsuot ng americana. hindi nangagsisilagay sa unang hanay upang makapanood na mabuti, nangagkakanlong sa dilim, na waring ayaw na silay makita. mga polisiya sekreta mga magnanakaw? ang tanong sa sarili ni camaroncocido at dagling ikinibit ang balikat at ano ba ang mayroon sa akin? ang parol ng isang sasakyang dumarating ay tumanglaw sa pagdaraan sa isang pulutong ng apat lima ng mga taong yaon na nakikipag usap sa isang wariy kawal sa hukbo. polisiya sekreta!, marahil ay isang bagong tatag na kawanihan! at kumilos ng isang anyong nagwawalang bahala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit makaraan yaon ay nakita ang militar, matapos na makipag alam sa dalawa tatlong pulutong pa, na tumango sa isang sasakyan at waring nakipag usap ng mahigpitan sa isang nasa sa loob. si camaroncocido ay lumakad ng ilang hakbang at kahit hindi namangha ay waring nakilala niya si simoun, samantalang ang matalas niyang pangdingig ay nakaulinig ng ganitong maikling usapan: ang palatandaan ay isang putok! huwag kayong mag alaala; ang general ay siyang nag uutos; ngunit pag iingatan ninyong huwag masasabi. kung susundin ninyo ang aking utos ay matataas kayo. kung gayoy. humanda kayo! ang boses ay tumigil at makaraan ang ilang sandaliy lumakad ang sasakyan. kahit na mapagwalang bahala si camaroncocido ay hindi rin nakapigil sa pagbulong na: mayroong binabalak. kaingatan ang mga bulsa! at sa dahilang naramdamang ang kaniyang mga bulsa ay walang laman, ay muling ikinibit ang balikat. ano ang mayroon sa kaniya kung gumuho man ang langit? at nagpatuloy sa kaniyang pakikibatyag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang magdaan sa harap ng dalawa kataong nag uusap, ay nadingig sa isa, na may sabit sa liig na mga kuwintas at kalmen, na sinasabi sa wikang tagalog, na: ang mga prayle ay malakas pa kay sa general, huwag kang mangmang; itoy aalis at ang mga prayley maiiwan. magawa lamang nating mabuti ay yayaman tayo. ang palatandaan ay isang putok! ang bulong ni camaroncocido na ipinipiksi ang mga daliri doon ay ang general, at dito ay si. kahabag habag na bayan! ngunit ano ang mayroon sa akin? at matapos na maikibit ang balikat na sabay sa paglura at dalawang ngiwi na sa ganang kaniya ay siyang tanda ng lalong malaking pagwawalang bahala, ay ipinatuloy ang kaniyang pakikimatyag. samantala naman ay matutuling dumarating ang mga sasakyan, biglang hihinto sa siping ng pintuan at iiwan ang kanilang sakay na pawang tao sa mataas na kalipunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga babai, kahit babahagya ang lamig ng gabi, ay may dalang maiinam na chal mga panolong sutla at mga panglaban sa ginaw; ang mga lalaki, ang mga naka frac at korbatang puti, ay gumagamit ng gaban; ang ibay bitbit na lamang at ipinatatanaw ang mga panaping sutla. sa pulutong ng mga talogigi, si tadeo, ang nagkakasakit kung pumapanaog ang guro, ay kaakbay ng kaniyang kababayang baguhan na namalas nating nagtiis ng inianak ng masamang pagkakabasa sa katotohanang sinabi ni descartes. ang baguhan ay napakatalogigit mausisa, at sinasamantala naman ni tadeo ang kaniyang kamangmangan at di kaalaman upang pagsalaysayan ng lalong malalaking kasinungalingan. bawat kastilang bumati sa kaniya, maging may mababang katungkulan kawani sa mga tindahan, ay sinasabi sa kaniyang kasama na yaon ay pinuno sa isang kawanihan, markes, konde, at ibp. ; datapway pag patuloy ang paglakad, psh! yaoy isang bulagbul, isang oficial quinto isang taong walang gaanong kabuluhan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at pag wala nang naglalakad, na makapagpahanga sa baguhan ay ang mga magagarang sasakyan namang dumadaan ang hinaharap; si tadeo ay bumabati ng mainam na ayos, ikakaway nang malugod ang kamay, bibitiw ng isang adios! ang sagot na parang walang anoman ang gobernador civil. ang segundo cabo. ang mahistradong si gayon. ang baguhan ay nahahanga, nakatangang siyay pinakikinggan at nag iingat upang huwag mapalagay sa kanan ng kausap. si tadeo ay kaibigan ng mga mahistrado at mga gobernador!! at tinuturan sa kaniya ni tadeo ang pangalan ng lahat ng dumarating, at, pag hindi niya kilala, ay gumagawa ng mga bansag, mga kasaysayan at nagsasaysay ng mga sarisaring bagay. nakikita mo ba? iyong taong mataas, na may patilyang itim, duling ng kaunti, na itim ang suot, yaon ang mahistrado, kaibigang matalik ng asawa ng koronel ; isang araw ay kaunti nang mag away ang dalawang iyan kung hindi ako namagitna. tingnan mo, hayan at dumarating pa naman ang koronel, mag away kaya ang dalawa?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pinigil ng baguhan ang paghinga, ngunit ang koronel at ang mahistrado ay malugod na nangagkamayan; ang militar, na isang matandang bagongtao, ay nagtanong ng kung ano ang lagay ng mga kaanak ng kaharap, at ibp. salamat sa dios! ang hinga ni tadeo ako ang may kapakanan ng kanilang pagkakasundo. kung hilingin kaya ninyo sa kanila na tayoy ipasok? ang tanong na may kaunting pangamba ng baguhan. kailan may hindi ako nangungutang ng loob! ang sabing nagmataas ni tadeo akoy gumagawa nang mabuti, ngunit hindi ako nag aantay na gantihin. kinagat ng baguhan ang kaniyang mga labi, lalo pang nangunti at naglagay ng magalang na layo sa pag itan niyat ng kaniyang kababayan. nagpatuloy si tadeo: iyan ang musikong si. iyan ang abogadong si. na bumigkas, na wariy kaniya, ng isang talumpating nakatitik sa lahat ng aklat, at siyay pinuri at hinangaan ng mga nakingig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iyang bumababa sa isang hansomkab ay ang manggagamot na si, na ang lalo niyang pinagsisikapan ay ang sakit ng mga bata, kayat pinanganlan siyang herodes. iyan ang mayamang si, na walang nasasabisabi kundi ang kaniyang mga kayamanan at mga balaid. ang makatang si, na lagi nang tumutukoy sa mga bituin at sa mga bagaybagay ng dako pa roon. hayan ang magandang asawa ni, na palaging natatagpuang wala ang asawa kung dinadalaw ni padre. ang mangangalakal na hudiong si, na isang libong piso ang dala nang pumarito at ngayoy mayroon nang mga angawangaw. iyong may mahabang balbas ay ang manggagamot na si, na yumamang hindi dahil sa pagpapagaling kundi sa paggawa ng maysakit. gumagawa ng maysakit? oo, sa pagsisiyasat sa mga nasusundalo. huwag kayong kumilos! iyang kagalanggalang na ginoo na maayos ang pagkakabihis, ay hindi mediko, ngunit isang manggagamot sui generis taglay niyang buongbuo ang similia similibus.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kapitan sa kawal na kabayuhan na kaniyang kasama ay siya niyang pinakagigiliw sa mga nag aaral sa kaniya. iyang may suot na putian at ang sambaliloy nakakiling, ay ang kawaning si, na ang batayan ay ang kailan may huwag magpakita ng ugaling magalang at muhingmuhi kapag nakakita ng isang sombrero na nakapatong sa ulo ng iba; sinasabing ginagawa niya ang gayon upang huwag mabili ang mga sombrerong aleman. iyang dumarating na kasama ang kaniyang anak ay ang mayamang mangangalakal na si, na kumikita ng mahigit sa isang daang libo. ngunit ano ang wiwikain mo kung sabihin ko sa iyo na may utang pa sa aking apat na piso, limangsikapat at labingdalawang kualta? ngunit sino ba naman ang sisingil sa isang mayamang gaya niyan? may utang sa inyo ang ginoong iyan? isang araw ay iniligtas ko siya sa isang kagipitan; isang biyernes, ika pitot kalahati ng umaga; naaalala ko pa; hindi pa ako nakapag aagahan noon. ang babaing iyan na sinusundan ng isang matandang babai rin ay si pepay na mananayaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngayoy hindi na nagsasayaw sapul ng. ipinagbawal sa kaniya. ng isang ginoong napakakatoliko at matalik kong kaibigan. nariyan ang bulugang si ; matitiyak na sumusunod kay pepay upang itoy pasayawing muli. isang mabuting tao na matalik kong kaibigan, wala kundi isang kapintasan: siyay mistisong insik at nagpapanggap na taga espana. tingnan mo si ben zayb, iyang mukhang prayle, na may dalang lapis sa kamay at isang balumbong papel, iyan ang dakilang manunulat na si ben zayb, matalik kong kaibigan; may isang katalinuhan!. mawalang galang sa inyo at iyang munting tao na may mga patillang puti?. iyan ang naghalal sa kaniyang tatlong anak na babai, iyang tatlong maliliit, na mga auxiliar de fomento upang makasingil ng sahod sa talaan ng pamahalaan. iyay isang ginoong matalas ang pag iisip, ngunit napakatalas! gagawa ng isang kaululan at ibibintang. sa iba; bibili ng isang baro at ang nagbabayad ay ang kabangbayan. matalas, matalas na matalas, ngunit napakatalas!. si tadeo ay napahinto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at iyang ginoong may astang mabangis at ang lahat ng taoy tiningnan ng paalipusta? ang tanong ng baguhan na itinuro ang isang taong iginagalaw na mapalalo ang ulo. ngunit si tadeo ay hindi sumagot, inihaba ang liig upang tanawin si paulita gomez na dumarating na kasama ang isang kaibigan, si aling victorina at si juanito pelaez. binigyan sila nito ng isang palco at lalo pa manding kuba kay sa karaniwan. dating at dating ang mga sasakyan, dumarating ang mga artista na sa ibang pintuan ang pasok at sinusundan ng mga kaibigan at mga ligaw. nang si paulitay makapasok na ay nagpatuloy si tadeo: iyan ang mga pamangking babai ng mayamang si kapitang, iyang nangakasakay sa lando nakikita mong napakagandat napakainam ng pangangatawan? sa loob ng ilang taon marahil ay pawang patay na baliw. ayaw si kapitang, na silay mangag asawa, at nahahalata na sa mga pamangkin ang pagkakahawa sa kabaliwan ng amain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iyan ang binibining, ang magmamana ng isang malaking kayamanan, na pinag aagawan ng mundo at ng mga kombento. huwag kang umimik! iyan ay nakikilala ko! si padre irene! nakabalat kayo, may miyas na huwad lamang! nakikilala ko dahil sa kaniyang ilong! at siya pa namang labanglaban!. gulilat na tiningnan ng baguhan at nakitang nakanlong ang isang lebita na mabuti ang tabas sa isang pulutong ng mga babai. ang tatlong parka! ang patuloy ni tadeo ng makitang dumarating ang tatlong dalagang mga yayat, mabuto, nangangalumata, maluluwang ang bibig at masagwa ang bihis, ang mga pangalan niyan. ang mahinang sabi ng baguhan na ibig magpakitang siyay may kaunting kaalaman, kahit sa mitolohiya man lamang. hindi, tao ka, ang mga pangalan niyan ay mga binibini ni balcon, mga mapamintas, mga matatandang dalaga, mamumula. ang lahat ay kinamumuhian, ang mga lalaki, ang mga babai, ang mga bata. ngunit tingnan mot sa piling ng kasamaan, ay inilalagay ng dios ang lunas, kung minsan nga lamang ay nahuhuli.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa likod ng mga parca, na panakot sa bayan, ay dumarating ang tatlong iyan, na ipinagmamalaki ng kanilang mga kaibigang kinabibilangan ko. iyang binatang payat na malalaki ang mata, hukod ng kaunti na ang kilos ay madalas dahil sa hindi umabot ng billete, iyan ay ang kimikong si, sumulat ng maraming pagsusuri at mga gawaing ukol sa karunungan na ang ilan ay nagtamo ng ganting pala at nabantog na lahat; ang sabi ng mga kastila sa kaniyay maaasahan, maaasahan. ang umaawat sa kaniya na ang taway gaya ni voltaire ay ang makatang si. batang matalino, matalik kong kaibigan, at dahil nga sa kaniyang katalinuhan ay itinapon ang panitik. ang isa na nagpapalagay na silay makipasok sa mga artista sa isang pintuan ay ang binatang manggagamot na si, na nakagawa na ng maraming mabubuting paggamot; siya man ay sinabi ring maaasahan. hindi lubhang kuba na gaya ni pelaez, ngunit higit dito sa katalasan at lalo pang palabiro. inaakala kong sampung si kamatayan ay hinihilo at pinagsisinungalingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at iyang ginoong kayumanggi na ang miyas ay wariy tutsang? iyan ang mangangalakal na si, na ang lahat ng bagay ay pinagdadayaan, sampu ng kaniyang fe de bautismo pinagpipilitan niyang maging mistisong kastila sa lahat ng paraan at iniuubos ang boong kaya upang malimot ang sarili niyang wika. datapway napakapuputi ang kaniyang mga anak na babai. oo, at iyan nga ang sanhi kung bakit mataas ang halaga ng bigas, gayong wala namang kinakain iyan kundi tinapay! hindi malinawan ng baguhan ang pagkakalahok ng halaga ng bigas sa kaputian ng mga dalagang iyon. nariyan ang lumiligaw, iyang binatang payat, kayumanggi, ang lakad ay mahinay na sumusunod sa kanila at bumating anyong mapag ampon sa tatlong magkakaibigang nangagtatawa sa kaniya. iyay isang nagbabata nang dahil sa kaniyang mga akala, sa kaniyang panununton sa nasabi. ang baguhan ay nagtaglay ng paghanga at paggalang sa binata. may kilos hangal, at hangal ngang sadya, ang patuloy ni tadeo tubo iyan sa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pedro makati at di gumagamit ng maraming bagay: kailan may hindi naliligo ni hindi tumitikim ng baboy, sapagkat sang ayon sa sabi niyay hindi kumakain noon ang mga kastila at dahil din sa katwirang iyon ay hindi kumakain ng kanin, patis ni bagoong, kahit na siya mamatay ng gutom at magtulo ang kaniyang laway. lahat ng galing sa europa, bulok naiimbak, ay masarap na masarap sa kaniya, at may isang buwan pa lamang na iniligtas siya ni basilio sa isang pamamaga ng sikmura: kumain ng isang pasopasoang kelwa upang ipakilalang siyay europeo! nang mga sandaling iyon ay nagsimula ang orkesta sa pagtugtog ng isang balse. nakikita mo ang ginoong iyan? iyang payagot na bibiling biling ang ulo at naghahanap na siyay batiin? iyan ang bantog na gobernador sa pangasinan, isang taong hindi makakain kapag may isang indio na hindi nagpugay sa kaniya. kaunti nang mamatay kung di nalagda ang bando ng pagpupugay na siyang sanhi ng kaniyang kabantugan. kaawa awang tao!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may tatlong araw pa lamang na kagagaling niya sa lalawigan at gaano na ang ipinangayayat! nariyan ang dakilang tao, ang di matingkala, ibukas mo ang iyong mga mata! iyang nakakunot ang kilay? custodio, ang labusaw na si don custodio, nakakunot ang kilay sapagkat may iniisip na makabuluhang panukala. kung maisasagawa lamang ang laman ng kaniyang utak ay iba sana ang lakad! nariritot dumarating si makaraig, ang iyong kasambahay! tunay nga, dumarating si makaraig na kasama si pecson, si sandoval at si isagani. nang makita sila ni tadeo ay sumalubong at binati sila. hindi ba kayo paparito? ang tanong ni makaraig. wala na kaming inabot na billete. mabuting pagkakataon, mayroon kaming isang palko ani makaraig si basilio ay hindi makapaparito. sumama na kayo sa amin. hindi na naantay ni tadeo na ulitin ang anyaya. ang baguhan, sa pangingilag na makagambala, dala ng katakutang taglay ng sino mang provinciano ay nagdahilan at hindi nagawang siyay mapapasok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang anyo ng dulaan ay masimbuyo; punongpuno, at sa entrada general sa mga daanan ay maraming tao ang nakikitang nakatayo, nagkakahirap sa pagtataas ng ulo makasilip man lamang sa pagitan ng isang liig at isang tainga. ang mga palkong walang takip, na ang karamihan ay puno ng mga babai, ay nag aanyong pangnan ng bulaklak, na ang mga talulot ay pinagagalaw ng mahinang simuy (ang tinutukoy namin ay ang mga pamaypay) at dooy naghuhumbahan ang libo libong hayophayupan. sa dahilang may mga bulaklak na masasarap matitindi ang amoy, mga bulaklak na pumapatay at mga bulaklak na nakaaaliw, sa mga pangnan ng ating dulaan ay nasasamyo rin ang mga gayong amoy, nakadidingig ng mga salitaan, usapan, mga salitang sumisigid at ngumangatngat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may tatlo apat na palko lamang ang walang laman kahit napakagabi na; ikawalot kalahati ang takdang pagsisimula ng palabas, ngunit kulang na lamang ng labinglimang minuto sa ika siyam ay hindi pa itinataas ang tabing sapagkat ang capitan general ay hindi pa dumarating. ang mga nasa entrada general, inip nat siki sa kanilang mga uupan, ay nanggugulo nat nag iingay sa kapapadyak at kapapalo ng mga tungkod sa tuntungan. bum, bum, bum! buksan na ang tabing! bum, bum, bum! ang mga artillero ay siyang lalong maiingay. ang mga kaagaw ni marte, gaya ng tawag sa kanila ni ben zayb, ay hindi nasisiyahan sa tugtuging ito; sapagkat inaakala marahil na silay nasa sa isang plaza de toros ay binabati ang mga babaing magdaan sa kanilang harap ng mga salitang dahil sa pabaligtad na banggit ay tinatawag na bulaklak, sa madrid, gayong kung minsan ay nangahahawig sa umaalingasaw na yamutmot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi pinapansin ang mga pagalit na tingin ng mga asawa at ipinahahayag nang malakas ang mga damdamin at mga pagnanasang pinabubukal sa kanilang kalooban ng gayong karaming kagandahan. sa mga butaka, na waring kinatatakutang babaan ng mga babai, sapagkat wala roon ni isa man sa kanila, ay isang alingawngaw nang bulongbulungan ang naghahari, tawanang pinipigil, sa gitna nang ulap na aso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pinagtatalunan ang kabutihan ng mga artista, pinag uusapan ang mga kaguluhan, na ang general ay nakipagkagalit sa mga prayle, na kung ang pagparoon ng general sa palabas na iyon ay isang paghamon isang pagnanasa lamang na makakita; hindi ang mga bagay na ito ang iniisip ng iba kungdi ang akitin ang paningin ng mga babai sa tulong ng pag upong mabikas, na wariy mga estatua, at pinagagalaw ang mga suot na singsing, lalonglalo na kung inaakalang silay tinutudlaan ng walang humpay na katitingin ng isang largabista ang ibay bumabati sa gayong babai binibini na iniyuyuko ng kaunti ang ulo, samantalang ibinubulong sa kalapit na: kakutyakutya! ang babaiy sasagot sa pamagitan ng lalong masarap niyang ngiti at isang kalugodlugod na galaw ng ulo, at bumubulong sa kaibigang nakikisang ayon, sa pagitan ng dalawang galaw na banayad ng pamaypay, na: napakamahangin! ulol na sa pag ibig. samantala namay dumadalas ang kapapalo: bum, bum, bum! tok tok tok!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"wala nang natitirang walang laman kungdi dadalawang palko at ang sa general na natatangi dahil sa mga tabing na tersiopelong pula. ang orkesta ay tumugtog ng isa pang balse, ang taong naroroon ay tumututol; mabuti na lamang at dumating ang isang maawaing magiting na nakalibang sa madlat nakapagligtas sa may ari ng palabas; isang ginoong umupo sa isang butaka at ayaw tumindig ng dumating ang may ari ng luklukan, na dili ibat ang mapagbulaybulay na si . primitivo na hindi makahinuhod sa taong iyon ang kaniyang pangangatwiran ay tinawag ang taga ayos. ayokong tumindig! ang tugon ng magiting na lalaki na hinihitit na payapang payapa ang kaniyang sigarilyo. ang taga ayos ay lumapit sa namamahala. ayokong tumindig! ang ulit at nagpakabuti sa pag upo. ang namamahalay umalis samantalang ang mga artillero sa entrada ay sabaysabay na umaawit ng: sa hindi!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang taong iyon, na napuna nang lahat, ay nag akalang ang pag urong ay ikabababa niya, kayat nangunyapit sa butaka samantalang inuulit ang kasagutan sa dalawang veterana na tinawag ng namamahala. alang alang sa tinataglay na katungkulan ng naglalaban ay tinawag ng mga bantay ang kabo, samantalang ang lahat ng taong naroroon ay bumigay ng matinding pagakpakan at pinupuri ang katigasan ng ginoong iyon na patuloy rin sa pagkakaupo na wariy isang senador romano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nadingig ang pasuwitan at galit na lumingon ang ginoong may matigas na kalooban sapagkat inakalang siya ang sinusutsutan: nadingig ang takbuhan ng mga kabayo, naramdaman ang kilusan; ang sino man ay mag aakalang sumabog ang isang himagsikan kun di man ay isang pagkakagulo; hindi, inihinto ng orkesta ang balse at tinugtog ang marcha real ang marangal na capitan general at gobernador nang sangkapuluan ang dumarating: hinanap siya ng lahat nang mata, sinundan siya ng tingin, nawala at sa kahulihulihan ay natanaw sa kaniyang palko, at, matapos na makatingin sa lahat ng pook at magawang mapalad ang ilan sa pamag itan ng isang makapangyarihang bati, ay umupo na waring isang tao sa ibabaw ng isang sillon na nag aantay sa kaniya. saka pa lamang huminto ang mga artillero at tinugtog ng orkesta ang pasimula. ang ating mga nag aaral ay nasa isang palkong katapat ng kinalalagyan ng mananayaw na si pepay. ang palkong itoy handog ni makaraig na nakipag alam na sa babai upang mapalambot si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang hapong iyon ay sumulat si pepay sa bantog na mamamalagay, na nag aantay ng kasagutan at tinipanang magtagpo sila sa dulaan. dahil dito, kahit na pinakalabanlabanan ni. custodio ang operetang pranses, ay naparoon din sa dulaan, bagay na naging sanhi ng mga pasaring na pinatatama sa kaniya ni. manuel, ang kaniyang malaon nang kalaban sa mga pulong ng ayuntamiento. naparito ako upang hatulan ang opereta! ang tugon na wariy isang caton na nasisiyahan sa sariling budhi. si makaraig nga ay nakikipaghudyatan sa tingin kay pepay na ang ibig sabihin nitoy mayroong ipababatid; at sa dahilang masaya ang mukha ng mananayaw, ay sinasapantaha na ng lahat na ang tagumpay ay napagtibay na. si sandoval, na kararating pa lamang na galing sa pagdalaw sa ibang palko, ay nagpatibay na ang kapasiyahan ay naging sang ayon, at ng hapon ding yaon sinuri ng kataastaasang lupon at sinang ayunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pawa ngang kagalakang lahat; sampu ni pecson ay nakalimot sa kaniyang pagka di mapaniwalain sa mabubuting balita dahil sa namamalas na si pepay ay nakangiting ipinakikita ang isang sulat; si sandoval at si makaraig ay kapuwa nagdudulutan ng maligayang bati, si isagani lamang ang natitirang malamig at bahagya nang mangiti. ano ang nangyari sa binata? nang pumasok si isagani sa dulaan ay nakita si paulita sa isang palko at kinakausap ni juanito pelaez. siyay namutlat sinapantahang siyay nagkamali. ngunit hindi, sadyang ang binibini ang naroroon na bumabati sa kaniya ng isang masarap na ngiti samantalang ang magagandang matay waring humihinging tawad at nangangakong isasaysay ang sanhi noon. sadya ngang silang dalaway nagkasundo na si isagani muna ang papasok upang tingnan kung sa palabas ay walang anomang hindi nararapat mapanood ng isang binibini, at saka ngayon ay natagpuan doon na kasama pa naman ng kaniyang kaagaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang dumanas sa kaluluwa ni isaganiy hindi maisasaysay: galit, panibugho, pagkaduhagi, pagdaramdam, ang bumayo sa kalooban ng binata: may sandaling ninasa na ang dulaan ay gumuho; tinangkang humalakhak ng malakas, alimurahin ang kaniyang iniibig, hamunin ang kaniyang kaagaw, gumawa ng gulo, ngunit ang nayari sa kaniyang loob ay ang umupong dahandahan na lamang at huwag tingnan ni minsan ang binibini. nadidingig ang mga munakala nina makaraig at sandoval, ngunit waring sa kaniyay malalayong alingawngaw ang gayon: ang mga himig ng balse ay waring malulungkot at nakahahambal sa ganang kaniya; ang mga naroroon ay pawang hunghang at baliw, at makailang kinailangan niya ang magpigil upang maimpit ang pagluha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"bahagya na niyang napuna ang nangyari sa ginoong ayaw tumindig sa butaka at ang pagdating ng capitan general; ang tinatanaw niya ay ang tabing ng paglalabasan na may pintang anyong daanan, sa pag itan ng malalaking tabing na mapupula, na tanaw sa isang halamanang sa gitnay may daluyan ng tubig. gaano kalungkot, sa wari niya, ang daanang yaon at gaano kalamlam nang anyo nang tanawin! libo libong pagbubulay na walang linaw ang sumisipot sa kaniyang alaala, na wariy malalayong ulinignig ng tugtugang nadidingig sa kinagabihan, wariy himig ng isang awit ng panahon ng kabataan niya, alingawngaw ng ulilang kagubatan at mapapanglaw na batisan, mga gabing may buwan sa tabi ng dagat na nalalatag ng boong kalaparan sa harap ng kaniyang paningin. at ang umiibig na binatang nag aakalang napakasawing palad siya ay tumingatingala sa bubungan upang ang mga patak ng luhay huwag makapulas sa kaniyang mga mata. isang matinding pagakpakan ang nakapukaw sa kaniyang pag iisip.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kabubukas pa lamang ng tabing at naharap sa kaniyang mga mata ang masayang pulutong ng mga taong bukid sa corneville na nangakasuot ng gorrang bulak at mabibigat na bakyang kahoy ang nasa paa. ang mga babai, mga anim pitong dalaga, na may pahid na pula sa mga pisngit labi, may malalaking guhit na itim sa paligid ng mata upang lalong pakinangin ito, ay ipinamamalas ang kanilang mapuputing bisig, mga daliring puno ng brillante at mga hitang mabibilog na wariy nilalik. at samantalang inaawit ang mga salitang normando na allez, marchez! allez, marchez! ay nangakangiti ng tiyakan sa mga nasa butakang umiirog sa kanila, kayat matapos na makatingin si. custodio sa palko ni pepay, na wariy ibig matunayang hindi ito gumagawa ng gayon din sa ibang nangingibig, ay itinala sa kaniyang kalupi ang kahalayang iyon, at upang lalo pang matunayan ay iniyuko pa ng kaunti ang ulo upang makita kung ang ipinatatanaw ng mga artistang babai ay umaabot hanggang tuhod. , ang mga pransesang ito!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kaniyang bulong, samantalang ang pag iisip ay nagbubuko ng mga pagpaparisparis at panukala sa isang dakong mataastaas pa ng kaunti. quoi vla tous les cancans dla smaine!. ang awit ni gertrude, isang magandang dalaga na sumusulyap ng makahulugang sulyap sa capitan general. magkakaroon tayo ng cancan ang bulalas ni tadeo, ang nakakuha ng unang ganting pala sa pranses sa kaniyang klase, at nakaulinig ng tinurang salita. mangagsasayaw ng cancan makaraig. at masayang pinagkumos ang kaniyang mga kamay. sapol ng buksan ang tabing ay hindi inaalumana ni tadeo ang tugtugin; wala siyang hinahanap kundi ang kahalayan, ang bagay na malaswa, ang salaulang anyo at kagayakan, at sa tulong ng kaunting pranses na kaniyang nalalaman ay tinatalasan ang pangdingig upang huwag mapalampas ang mga salitang malalansa na ipinamalita ng mga mahihigpit na taga ayos ng bayan. si sandoval, na nagsasabing mabuti siya sa pranses, ay naging wari tagasalin ng kaniyang mga kaibigan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gaya rin ng nalalaman ni tadeo ang kaniyang abot, ngunit malaki ang naitutulong sa kaniya ng mga salaysay ng katuturan na inilathala ng mga pahayagan, at ang iba pay natatakpan na ng sarili niyang bulaybulay. oo aniya mangagsasayaw ng kankan at ang babai ang siyang mamamahala. si makaraig at si pecson ay humanda na sa pakikimatyag at nangakangiti na hindi pa man. si isaganiy sa ibang pook tumingin, nakukutyang si paulita ay nakadalo sa gayong pagtatanghal, at iniisip na dapat hamunin ng patayan sa kinabukasan si juanito pelaez. ngunit walang napala ang kaaantay ng ating mga binata. dumating si serpolette, isang kaigaigayang dalaga, na taglay rin ang gorrang bulak, na nanghahamon at matapang; hein! qui parle de serpolette? ang tanong sa mga dalahira, at ang kamay ay nasa baywang at ang astay matapang. isang ginoo ang pumagakpak at pagkatapos ay sumunod ang lahat nang nasa butaka.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si serpolette, kahit hindi iniiwan ang anyo niyang makisig na babai, ay tumingin sa unang pumagakpak at ginanti ito ng isang ngiti, na nagpakita ng maliliit niyang ngipin na wariy isang collar na perlas na nakasilid sa isang lalagyang tersiopelong pula. sinundan ni tadeo ang tingin at nakita ang isang ginoo, na may balatkayong miyas at may isang napakahabang ilong. voto al chapiro! aniya si irenillo! oo ang sagot ni sandoval nakita ko sa loob, na kausap ng mga artistang babai. irene, na isang mawilihing lubha sa musika at nakatataho nang pranses, ay pinaparoon ni. salvi sa dulaan na wariy isang polisiya sekreta; gayon ang kaniyang sabi sa mga taong sa kaniyay makakilala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at gaya ng mabubuting manunuri na hindi nasisiyahang tingnan mula sa malayo ang mga bagaybagay, ay tinangka niyang siyasatin sa malapit ang mga artista; nakihalo sa pulutong ng mga mangliligaw at makikisig, pumasok sa bihisan na pinagdadausan ng mga satsatan at ang wikang pranses na ginagamit ay papilipit, wikang tindang pranses, salitang malinaw na malinaw sa babaing nagtitinda kailan mat ang mamimili ay laan sa pagbabayad ng mabuti. si serpolette ay nalilibid ng dalawang makiyas na opisial, ng isang mangdaragat at ng isang abogado, nang makitang susuboksubok at pumapasok sa lahat ng pook at mga puwang ang isang mahabang ilong na waring sa tulong noon ay sinisiyasat ang mga kababalaghan ng palabasan. pinigil ni serpolette ang pagsasalita, ikinunot ang kilay, itinaas, binuksan ang bibig, at dala ang kaliksihan nang isang parisien ay iniwan ang mga humahanga sa kaniya at tinakbong wariy isang torpedo ang ating manunuri. tiens, tiens, toutau! ang bulalas na hinawakan sa bisig si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"irene at masayang inalog alog ito samantalang ipinaiilanlang sa hangin ang kaniyang mataginting na tingig. irene na nagpupumilit makapagkanlong. mais, comment! toi ici, grosse bete! et moi qui tcroyais. fais pas dtapage, lily! il faut mrespecter! suis ici lpape! lubhang naghirap muna si. irene bago napahinuhod ang babai. ang masayang si lily ay lubhang enchantee sa pagkakatagpo sa maynila sa isang dating kaibigan na nagpapaalaala sa kaniya ng mga coulisses ng dulaan ng grande opera. at yaon nga ang dahil kung kayat si . irene, sa pagtupad sa kaniyang katungkulang pagiging kaibigan at pagkamanunuri, ay nagsimula ng isang pagakpakan upang mapalakas ang loob ng babai: karapatdapat naman si serpolette sa gayon. samantalay inaantay ng ating mga binata ang kankan; si pecson ay nagkakandidilat, mayroon ng lahat ng bagay, ang kankan lamang ang wala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nagkaroon ng isang sandali na kung hindi dumating ang isang taong may katungkulan ay magpapanuntukan na sana ang mga babai, mangagsasabunutan, dahil sa udyok ng mga taong nag aantay, gaya ng ating mga nag aaral, na makakita ng higit pa kay sa isang kankan. scit, scit, scit, scit, scit, scit, disputez vous, battez vous, scit, scit, scit, scit, scit, scit, nous allons compter les coups. ang tugtugin ay huminto, nangagsialis ang mga lalaki, untiunting bumalik ang mga babai at nagsimula sila sa isang pag uusap na walang nalinawang anoman ang ating mga kaibigan. ang pinag uusapan ay pagsira sa isang hindi kaharap. animoy mga makaw sa magpapansit! ang sabing marahan ni pecson. ang tanong ni makaraig. pinagtatalunan ang pook na lalong bagay na pagsayawan! ang tugong walang katawatawa ni sandoval. animoy mga makaw sa magpapansit! ang ulit ni pecson na masama ang loob. isang babaing kasama ang asawa ay pumasok ng mga sandaling iyon at lumuklok sa isa ng dalawang palkong walang laman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang galaw ay wariy reina at tinitingnan nang pawalang bahala ang boong salas na waring ang ibig sabihin ay: nahuli pa ako kay sa inyo, talaksan ng mga tiwali at malalayo sa tunog ng kampana, dumating akong huli pa kay sa inyo. tunay nga, may mga taong pumaparoon sa mga dulaan na kagaya ng mga burro sa takbuhan: nananalo ang huling dumating. nakakikilala kami ng mga taong lubhang matitino na aakyat na muna sa isang bibitayan kay sa pumasok sa loob ng dulaan bago simulan ang unang bahagi. ngunit ang katuwaan ng babaiy hindi nagluwat; nakita ang isang palko na wala pang laman; ikinunot ang kilay at kinagalitan ang kaniyang mahal na kabiyak at nag ingay nang di gayon na lamang kayat ang maraming naroon ay nangayamot. wariy marurunong ng pranses! anang babai na tumingin ng lubos na paalipusta sa lahat ng dako at tumitig sa palko ni juanito na sa akala niyay doon nadingig na nagbuhat ang isang walang pitagang sst.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sadya ngang si juanito ay may kasalanan; sa simula pay kunwaring nauunawa niyang lahat at umaastang ngumingiti, tumatawa at pumapagakpak ng tama, na waring walang nakakakawala sa kaniya sa mga sinasabi. gayong hindi siya umaalinsunod sa kilos ng mga artista sapagkat bahagya ng tumanaw sa pinaglalabasan. sinasadya ng mapagbiro ang pagsasabi kay paulita, na, dahil sa mayroon namang lalo pang magaganda ay ayaw siyang mapagod sa pagtingin sa malayo. si paulita ay namumula, tinatakpan ng pamaypay ang mukha at palihim na tumitingin sa kinalalagyan ni isagani, na hindi tumatawa ni pumapagakpak at nanonood na hindi pinupuna ang palabas. si paulita ay nagdamdam ng sama ng loob at panibugho; naiibigan kaya ni isagani ang mga mapanuksong mga artistang iyon? ang pag aakalang itoy nakapagpasama ng kaniyang ulo kayat bahagya nang nadingig ang mga pagpuring ginawa ni aling victorina kay juanito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ginaganap na mabuti ni juanito ang kaniyang tungkulin; maminsan minsan ay umiiling, tanda ng di kasiyahang loob, at sa gayon naman ay nakadidingig ng ubuhan, alingawngaw sa ilang pook; kung minsan ay ngumingiti, tumatango at makaraan ang sandaliy umuugong ang pagakpakan. si aling victorina ay wilingwili at nagkaroon na tuloy ng hangad na pakasal sa binata sa araw na si. tiburcio ay mamatay. si juanito ay marunong ng pranses at si de espadana ay hindi! at nagsimula na sa pagpapatanaw ng lambing sa binata! ngunit hindi napupuna ni juanito ang pagbabagong lakad, dahil sa minamatyagan ang isang mangangalakal na katalan na nasa siping ng konsul na suiso: si juanito na nakakita sa kanila na nag uusap sa wikang pranses ay umaalinsunod sa nababakas sa mukha ng dalawa at sa gayong paraan ay nakapang uulol ng buong buo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nagsunod sunod ang mga pangyayari, ang mga taoy nagsunod sunod sa paglabas, mga masasaya at mapagpatawa gaya ng bailli at ni grenicheux, mga dugong mahal at nakalulugod gaya ng markes at ni germaine: ang mga nanonood ay nagkatawanang mabuti dahil sa tampal ni gaspard na patungkol sa duwag na si grenicheux ngunit ang nakatanggap ay ang mahinahong bailli sa peluka nitong umilandang, sa kaguluhan at sa kaingayan nang ibaba ang tabing. ang tanong ni tadeo. ngunit agad na itinaas ang tabing at ang tagpuan ay naging anyong tiange ng mga alila, may tatlong haliging kinalalagyan ng mga sagisag at may dalang mga pahayag na servantes cochers at domestiques . sinamantala ni juanito ang pagkakataon, at, malakas na sinabi kay aling victorina upang madingig ni paulita at itoy manalig sa kaniyang karunungan. ang kahulugan ng servantes ay mga sirviente ang domestiques ay domestico. at ano ang kaibhan ng mga servantes sa mga domestiques ang tanong ni paulita. si juanitoy hindi nangunti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"domestiques ang mga domesticado napaamo na: hindi ba ninyo napupuna na ang ilan ay may astang taong gubat? iyan ang mga servantes . ang dugtong ni aling victorina ang ilan ay may masasamang kilos. at ang akala ko pa naman na sa europa ay pawang may maaayos na ugali at. ngunit sa dahilang nangyayari sa francia. ngunit ang kagipitan ni juanito ay nang dumating ang oras ng pagtatawaran at binuksan ang halang, ang mga alilang nagpapaupa ay nangagsilagay sa piling ng kanikanilang mga pahayag na nagpapakilala ng kanilang kinauukulan. ang mga alila, mga sampu labing dalawa, na anyong magagaspang, nangakasuot ng librea at may dalang isang sangang maliit sa kamay, ay nangagsilagay sa ilalim ng pahayag na domestiques . iyan ang mga maaamo na! ang sabi ni juanito. tunay nga na ang mga asta ay waring hindi pa nalalaunan ang pag amo ang banggit ni aling victorina tingnan natin ang mga hindi pa lubos na amo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"makaraan yaon, ang labing dalawang dalaga na pinangunguluhan ng masayat maliksing si serpolette, na ang mga suot ay ang lalong maiinam nilang kagayakan, ang bawat isay may isang malaking kalangi sa baywang, masasaya, nangakangiti, malulusog ang katawan, mabighani, ay nangagsilagay sa piling ng haligi ng mga servantes . ang tanong na palagay na palagay ni paulita iyan baga ang mga taong bundok na inyong sinasabi? hindi ang tugong walang katigatigatig ni juanito nangagkamali. nangagkapalit. iyang mga huling darating. iyang mga dumarating na may mga dalang latigo? patangong sumagot ng oo si juanito na hindi mapalagay at nagugulumihanan. kung gayon ay ang mga dalagang iyan ang mga cochers isang napakalakas na ubo ang sumagi kay juanito na nakayamot tuloy sa ilang nanonood. lumayas iyan! lumayas ang natutuyo! ang sigaw ng isang boses. tawagin siyang natutuyo sa harap ni paulita? ibig makita ni juanito ang may masamang dila upang ipalamon dito ang pagkatuyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,at nang makitang humahadlang ang mga babai ay lalong tumapang at lumaki ang loob. custodio ang siyang nagsabi ng taglay na sakit at sa pangingilag na mapuna ay nagwawalang bahalang wariy isinusulat ang pagtuligsa sa dula. kundi lamang kasama ko kayo! ang sabi ni juanito na pinagalaw ang mga mata na gaya ng ilang manika na nagpapagalaw sa pabato ng mga orasan. at upang lalo pang mahawig ay manakanakang inilalawit ang kaniyang dila. nang gabing yaon ay naging matapang at mapuri siya sa mata ni aling victorina kayat ipinasiya na nito sa loob ng kaniyang dibdib na pakasal sa kaniya pagkamatay na pagkamatay ni. si paulita ay untiunting lalong nalulungkot dahil sa pag iisip na kung bakit ang mga babaing iyon na tinatawag na cochers ay nakaaakit kay isagani. ang salitang cochers ay nagpapaalaala sa kaniya ng ilang bangit na ginagamit ng mga kolehiala upang ipahiwatig ang isang wariy damdamin kung silasila ang nag uusap.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"natapos din ang unang bahagi at dinala ng markes na parang alila si serpolette at si germaine, ang nagtataglay ng anyong mahinhin ng samahan, at pinakakotsero ang hangal na si grenicheux. isang matunog na pagakpakan ang nagpabalik na mangagkakawit sa kamay, sa mga artista, na may mga ilang sandali pa lamang ang kararaan na nangaghahabulan at nangag aaway; nangagsisiyuko sa lahat ng dako ng mairuging nanonood na taga maynila at ang mga babaiy nakipagtapunan ng titig sa ilang nanonood na lalaki. samantalang naghahari ang kaguluhan na gawa ng mga pag uunahan sa pagtungo sa bihisan upang dulutan ng maligayang bati ang mga artista, at ng mga tumutungo naman sa mga palko upang bumati sa babai, ang ilan ay nagpapahayag ng kanilang mga pasiyang ukol sa dula at sa mga artista. hindi mapag aalinlanganang si serpolette ang tanging mabuti ang sabi ng isa na umanyong matalino. ibig ko si germaine, isang bulagaw na kaibigibig. wala namang boses! at ano ba ang gagawin ko sa boses?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung sa inam ng katawan, ay ang mataas! ani ben zaib ang lahat ay walang kakabukabuluhan, wala isa mang artistang matatawag. si ben zayb ay siyang manunuligsa ng el grito de la integridad at ang kaniyang anyong mapagpawalang kabuluhan ay nagbibigay sa kaniya ng katangian sa mata ng mga nasisiyahan na sa kakaunting bagay. ni si serpolette ay may boses, ni si germaine ay may kariktang kumilos, ni iyan ay musika, ni arte, ni anomang bagay na may kabuluhan! ang ipinangtapos na salitang ang anyo ay lubos na mapagwalang bahala. upang makapagpanggap na mabuting manunuligsa ay walang ibang mabuting paraan liban sa pintasan ang lahat. dalawang billete lamang ang ipinadala ng may ari ng palabas sa pasulatan. sa mga palkoy ipinagtatanong kung sino ang may ari ng palkong walang laman. linaluan noon ang lahat sa chic sapagkat siyang huling darating. hindi maalaman kung saan nagbuhat ang balita na ang palko ay kay simoun. ang bulungan ay napatunayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"walang nakakita sa manghihiyas ni sa butaka, ni sa bihisan, ni saan mang dako ng dulaan. datapway nakita kong kasama ni mr. jouy kanginang hapon! at nag alay ng isang pamuti sa liig sa isa sa mga artistang babai. sa kangino sa kanila? ang tanong ng ilang babaing mausisa. sa mabuti sa lahat, ang sinusundan ng tingin ng capitan general. tinginang makahulugan, kindatan, bulalas na pag aalinlangan, pagpapatunay at mga salitang paputolputol. ibig mag sa monte cristo! anang isa na ibig masabing mapagbasa. taga dulot kailangan ng real casa ang dugtong ng lumalangit sa nagsalita na naninibugho na kay simoun. sa palko ng ating mga nag aaral ay naiwan si pecson, si sandoval at si isagani. si tadeo ay lumapit kay. custodio upang itoy libangin samantalang si makaraig ay nakikipagkita kay pepay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"wala, gaya ng sinabi ko sa inyo, kaibigang isagani ang pahayag ni sandoval na nagkikilos ng masagwa, pinatatamis ang boses upang madingig siya ng mga binibining nasa palkong kalapit, ang mga anak ng mayamang may utang kay tadeo wala, hindi taglay ng wikang pranses ang mayamang tunog niyang sarisari at maalindog na taginting ng wikang kastila. hindi ko mawari, hindi ko mahaka, hindi ko malirip ang ayos ng mga mananalumpating pranses at nag aalinlangan ako sa paniniwala na nagkaroon at magkaroon ng alinsunod sa sadyang kahulugan ng salita, sa loob ng sadyang matatawag na mananalumpati. sapagkat huwag nating pagkamalan ang salitang mananalumpati at salitang mananatsat at madaldal. sa lahat ng bayan ay mangyayaring magkaroon ng mga mananatsat at madaldal, sa lahat ng pook ng sangsinukob na tinitirahan ng tao, sa gitna ng mga malalamig at walang imik na mga ingles, gaya rin naman sa malikot at maramdaming pranses.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at ipinatuloy ang isang mainam na pagsasalaysay ng ukol sa mga bayan na sinamahan ng kanikanilang nakaiigayang mga hilig at mga taguring mataginting. si isaganiy sumasang ayon sa pamag itan ng pagtango, samantalang inaalala si paulita na kaniyang nahuling nakatingin sa kaniya ng isang tinging nangungusap at may ibig sabihing maraming bagay. ibig hulaan ni isagani ang tinuturingan ng mga matang iyon; iyon ang tunay na nagsasabi ng maraming bagay at hindi mapanatsat! at kayo na isang makata na umaalinsunod sa tunog at sukat, anak ng mga musa ang patuloy ni sandoval na ikinumpay ng magandang kilos ang kamay, na waring binati sa abot ng tingin ang siyam na magkakapatid maaakala baga ninyo na sa isang wikang napakasalat at walang katunogtunog na gaya ng pranses ay mangyayaring magkaroon ng mga makatang napakalalaking gaya ng ating mga garcilaso, ng ating mga herrera, ng ating mga espronceda at mga calderon? gayon man ang banggit ni pecson si victor hugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si victor hugo, kaibigang pecson, si victor hugo, sakalit makata, ay sapagkat utang niya sa espana. sapagkat kilala na, isang bagay na hindi mapag aalinlanganan, bagay na tinatanggap ng sampung mga pranses na nangaiingit sa espana, na kung si victor hugo ay may mataas na pag iisip, kung makata, ay sa dahilang sa madrid siya nanirahan noong kaniyang kabataan, doon nasimsim ang mga unang buko ng pag iisip, doon nabuo ang kaniyang utak, doon nagkakulay ang kaniyang paghahaka, ang kaniyang pusoy naayos at sumipot ang mga magagandang buko ng kaniyang pagkukuro. at saka ang isa pa ay sino si victor hugo? maipapantay baga sa ating mga bago.? ngunit ang pagdating ni makaraig na ang anyoy malungkot at may isang mapait na ngiti sa labi ay pumutol sa salaysay ng mananalumpati. pigil ni makaraig ang isang papel na iniabot kay sandoval nang walang kaimik imik. binasa ni sandoval: palapati ang sulat moy nahuli; iniharap ko na ang aking pasiya at sinang ayunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gayon man, dahil sa waring nahulaan ko na ang iyong nasa, ay linutas ko ang salitaan nang alinsunod sa nais ng iyong mga kinakandili. paparoon ako sa dulaan at aantabayanan kita sa paglabas. ang iyong masuyong lapati,. kay buti ng taong iyan! ang bulalas ni tadeo na halos malungkot. ang sabi ni sandoval wala akong bagay na masamang nakikita dito, kundi bagkus pa ngang mabuti! oo, ang sagot ni makaraig na ang ngitiy mapait nalutas ng sang ayon sa kahilingan! katatapos ko pa lamang sa pakikipagkita kay. ang tanong ni pecson. gaya rin nang sabi ni. custodio, at nangahas pa ang tampalasan na akoy handugan ng maligayang bati! ang lupong kumanya ng kapasiyahan ng may palagay ay sang ayon sa balak at naghahandog ng maligayang bati sa mga nag aaral dahil sa kanilang pag ibig sa inang bayan at nasang makapag aral. kung gayon?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lamang; sa pag aalaala sa ating mga gawain, at upang huwag mapawakawak ang layon, ang sabi, ay inaakalang nararapat na ang pamamahala at pagsasagawa ng binabalak ay isakamay ng isa sa mga corporacion, kung sakaling hindi ibigin ng mga dominiko na masama sa universidad ang akademia. bulalas na sama ng loob ang sumalubong sa mga salitang ito: si isagani ay tumindig, ngunit walang anomang sinabi. at upang makitang tayoy kalahok sa pamamahala sa akademia ang patuloy ni makaraig ay ipinagaganap sa atin ang paniningil ng mga ambagan at abuloy, na katungkulan nating ibigay sa isang ingat yaman na ihahalal ng corporaciong mamamahala, at ang ingat yamang iyon ay magkakaloob sa atin ng katibayan ng pagkakatanggap. kung gayoy magiging kabisa tayo! ang sabi ni tadeo. sandoval ang sabi ni pecson naiyan ang guantes saluhin ninyo! iyan ay hindi guantes ngunit dahil sa amoy ay nawawanki sa isang midias. at ang lalong mainam ang patuloy ni makaraig ay ang turo ni .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"irene, na tayoy magpiging kayay magdaos ng isang panapatang may mga sulo, dahil sa pangyayari; isang pagpapahayag ng pagpapasalamat ng mga nag aaral sa mga taong nakilahok sa usap na ito. siya nga, matapos ang palo, ay umawit tayo at magpasalamat! super flumina babylonis sedimus! oo, isang piging na gaya ng sa mga bilanggo! ang sabi ni tadeo. isang piging na tayong lahat ay nakaluksa at bumigkas tayo ng mga talumpating ukol sa patay ani sandoval. isang panapatan na ang tutugtugin ay ang marsellesa at mga marcha funebre ang palagay ni isagani. huwag, mga ginoo ang turing ni pecson na gamit ang kaniyang tawang bungo upang ipagsaya ang pangyayari ay wala ng lalong kapit kay sa isang piging sa magpapansit na ang maglilingkod ay mga insik na walang baro, ngunit walang baro! dahil sa ang palagay ay lubos na mapangutya at napakagaspang ay tinanggap; si sandoval ang unaunang pumagakpak; malaon ng ibig niyang makita ang loob ng mga tindahang iyon na kung gabiy waring masasaya at maraming tao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at ang tumutugtog pa naman nang orkesta upang simulan ang pangalawang bahagi nang tumindig ang ating mga binata na iniwan ang dulaan sa gitna ng pagkakamangha ng lahat ng naroroon. si simoun nga ay hindi naparoon sa dulaan. sapol sa ika pito ng gabi ay umalis nang ligalig at mapanglaw sa kaniyang bahay: nakita siyang makalawang pumasok na ang kasamay ibat ibang tao; ng ika walo ay nakita siya ni makaraig na may binabantayan sa daang hospital, sa kalapit ng konbento ng sta. clara, nang kasalukuyang tinutugtog ang mga kampana ng simbahan; nang ika siyam ay nakita siyang muli ni camaroncocido sa paligid ng dulaan na nakipag usap sa isang wariy nag aaral, pumasok at muling lumabas, at nawala sa dilim na ibinibigay ng mga puno. ang sabing muli ni camaroncocido ano ang mahihita ko sa pagsasabi sa bayan? si basilio, gaya ng sabi ni makaraig, ay hindi rin nanood ng palabas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kaawaawang nag aaral sapol ng manggaling sa san diego upang tubusin sa pagkaalila ang kaniyang katipang si huli, ay muling hinarap ang kaniyang mga aklat, ang panahon niyay dinadaan sa hospital, sa pag aaral sa pagkakalinga kay kapitang tiago, na binabaka ang sakit nito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang may sakit ay naging ugaling bugnot; sa kaniyang masasamang sandali, kapag nanglalambot dahil sa kakauntian ng apian na pinupunyagi ni basiliong mapahina, ay sinusumbatan ito, sinasaktan, minumura; tinitiis ni basilio na kinakalamay ang loob dahil sa batid na ang kaniyang ginagawa ay ikabubuti ng pinagkakautangan niya ng malaki, at kung gipit na gipit na lamang saka napapahinuhod; matapos masiyahan ang gawi, ang masamang hilig, ay bumubuti ang ulo ni kapitang tiago, nalulumbay, tinatawag siyang anak, napapaiyak sa pag aalala sa paglilinkod ng binata, ang mabuting pangangasiwa sa kaniyang mga paupahang bahay at sinasabing siya niyang pamamanahan; malungkot na napapangiti si basilio at iniisip na sa buhay na itoy ginaganti pa ng mabuti ang pag ayo sa masamang hilig kay sa pagtupad sa katungkulan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi bibihirang naiisip niyang pabayaan nang lumubha ang sakit at patunguhin sa libingan ang nag aampon sa kaniya, sa isang landas na kinalatan ng bulaklak at magagandang larawan, kay sa pahabain ang buhay sa pamag itan ng pagtitipid. hangal na tao ako! ang madalas na sabi sa sarili ang karamihan ay hangal at yayamang nagbabayad. ngunit iniiiling ang ulo at inaalaala si huli, ang malawak na kinabukasang nasa sa kaniyang harap; iniisip niyang mabuhay nang hindi dudungisan ang kaniyang budhi. ipinatutuloy ang pangangalagang takda at nagbabantay. gayon man, ang may sakit ay lumulubhang untiunti sa araw araw. si basilio, na nagpasiyang untian ng untian ang nahihitit kung di man ay hindi pinapayagang humitit ng higit kay sa karaniwan, ay natatagpuan niya sa panggagaling sa hospital sa isang pagdalaw na nakakatulog ang may sakit ng mabigat na tulog ng naaapian, na naglalaway at namumutlang wariy patay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi mahulo ng binata kung saan nanggagaling ang apian; ang mga tanging nagsisidalaw sa bahay ay si simoun at si. irene, ang unay bibihirang pumaroon, at ito namang isay walang humpay sa pagbibilin sa kaniya na higpitan at huwag babaguhin ang pangangalaga at huwag punahin ang mga pagkamuhi ng maysakit, sapagkat ang unang dapat ganapin ay ang mailigtas. tumupad kayo sa inyong katungkulan, binata, ang sabi sa kaniya tumupad kayo sa inyong katungkulan. at binibigyan siya ng isang munting sermon na ukol sa bagay na iyon, sa pamag itan ng isang boong pananalig at sigabo, na si basilioy nagkakaroon tuloy ng pagkalugod sa nangangaral. bukod sa roon ay pinapangakuan siya ni. irene ng isang mabuting mapapasukan, isang mabuting lalawigan, at pinabanaagan pa sa kaniya ang pangyayaring siyay mahalal na katedratiko. si basilio naman, kahit hindi napadadala sa mga pag asa, ay nagpapakunwaring naniniwala at sumusunod sa iniuutos ng sarili niyang budhi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang gabing iyon, samantalang itinatanghal ang les cloches de corneville si basilio ay nag aaral sa harap ng isang matandang dulang, sa tulong ng liwanag ng isang ilawang langis, na ang pantallang bubog na malabo ay nakatatakip at nakadidilim sa kaniyang mukha. isang lumang bungo, ilang buto ng tao, at ilang makakapal na aklat na mabuti ang pagkakahanay ay siyang nakakalat sa dulang na mayroon pang isang palanganang tubig at isang esponha. isang amoy apiang nanggagaling sa kanugnog na silid, ay nakapagpapabigat sa hangin at nakapagpapaantok sa kaniya, ngunit ang binatay naglalaban sa pamag itan ng pagbasa manakanaka sa kaniyang noot mga mata, handa sa hindi pagtulog hanggang sa matapos ang aklat. iyoy isang bahagi ng medicina legal at toxicologia ni dr. mata, isang aklat na kaniyang nahiram at dapat isauli sa may ari sa lalong madaling panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang katedratiko ay ayaw magturo ng hindi alinsunod sa kumathang iyon at si basilio ay walang sapat na salapi upang makabili ng aklat na iyon sapagkat sa dahilang yaon ay bawal ng mga tagasuri sa maynila at kailangan ang suhulan ang maraming kawani upang maipasok, ay malaking halaga ang hinihingi ng mga mang aaklat. buhos na buhos ang pag iisip ng binata sa kaniyang pag aaral, kayat hindi man pinansin ang ilang mumunting aklat na ipinadala sa kaniyang galing sa labas na hindi maalaman kung saan, mga aklat na tumutukoy sa pilipinas, na dooy kasama ang sa kapanahunang iyon ay siyang napupuna ng lahat dahil sa masama at kalait lait na pagpapalagay sa mga anak ng bayan. walang kapanapanahon si basilio upang silay mabuksan; marahil ay nakapipigil din sa kaniya ang pag aalala na hindi masarap ang tumanggap ng isang pag alimura isang paghamon at hindi makapagtanggol makatugon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"noon nga, ang paglilitis sa ano mang lathala, ay nagpapabayang dustain ang mga pilipino, ngunit ipinagbabawal sa mga ito ang sumagot. sa gitna ng katahimikang naghahari sa bahay, na nabubulahaw lamang sa ilang mahinang paghihilik na galing sa kabilang silid, ay nakadingig si basilio ng madalas na yabag sa hagdanan, mga yabag na dumaan sa caida at tungo sa kaniyang kinalalagyan. itinaas niya ang kaniyang ulo, nakitang nabukas ang pintuan at sumipot ang mapanglaw na anyo ni simoun, sa gitna ng kaniyang pagkakamangha. mula sa pagtatagpo nila sa. diego, ay hindi pa nakikipagkita si simoun, ni sa binata, ni kay kapitang tiago. ano ang lagay ng may sakit? ang tanong na tiningnang sumandali ang silid at napatitig sa mga mumunting maninipis na aklat, na aming binanggit, na hindi pa napuputol ang mga dahon. ang tibok ng puso ay babahagya. ang pulso ay mahinangmahina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pagkain, ay hindi makakain ng anoman, ang tugong marahan ni basilio na malungkot ang ngiti sa magmamadaling araw ay pinagpapawisan ng katakot takot. at sapagkat nakikitang si simoun, dahil sa tungo ng mukha, ay nakatingin sa mga tinurang mumunting aklat at sa pangingilag na muling mabanggit ang pinag usapan sa gubat, ay nagpatuloy: ang boong katawan ay nakakalatan na ng lason; bukas makalawa ay mangyayaring mamatay na wariy tinamaan ng lintik. ang lalong maliit na sanhi, isang walang kabuluhang bagay, isang sulak ng kalooban ay mangyayaring makamatay sa kaniya. gaya ng pilipinas! ang mapanglaw na sabi ni simoun. hindi napigil ni basilio ang isang ngiwi, at sa dahilang ipinasiya na niya ang huwag muling mapag usapan ang bagay, ay nagpatuloy na wariy walang anomang nadingig: ang lalong nakapagpapahina sa kaniya ay ang mga pagpapanaginip, ang kaniyang mga pagkatakot. gaya ng pamahalaan! ang muling turing ni simoun.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may ilang gabi nang nagising ng walang ilaw at inakalang siyay nabulag; nanggulo ng katakottakot, naghinagpis at linait ako na ang sabiy dinukit ko ang kaniyang mga mata. nang pumasok akong may dalang ilaw ay pinagkamalan akong si. irene at tinawag akong kaniyang tagapagligtas. walang pinag ibhan sa pamahalaan! kagabi ang patuloy ni basilio na nagbibingibingihan ay nagbangon at hiningi ang kaniyang manok, ang kaniyang manok na may tatlong taong patay na, napilitan akong bigyan siya ng isang inahin, at ng magkagayon ay pinakapuripuri akot pinangakuan ng libolibo. nang mga sandaling iyon ay tumugtog ang isang orasan ng ikasamput kalahati. si simoun ay kinilabutan at pinigil ang binata sa isang kilos. basilio ang marahang sabi pakinggan ninyo akong mabuti, sapagkat ang mga sandaling itoy lubhang mahalaga. nakikita kong hindi man ninyo binuksan ang mga aklat na ipinadala ko; wala kayong paglingap sa inyong bayan. ang binatay nagtangkang mangatwiran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang matigas na patuloy ni simoun sa loob ng isang oras ay susulak ang himagsikan sa isang hudyat ko, at bukas ay wala na ang pag aaral, wala nang universidad, wala kundi labanan at patayan. inihanda ko na ang lahat at hindi mahahadlangan ang aking tagumpay. kapag kamiy nanaig, lahat niyong makatutulong sa amin at hindi kumilos, ay aariing kalaban. basilio naparito ako upang ialok sa inyo ang inyong kamatayan ang inyong tutunguhing kinabukasan!. ang aking kamatayan ang aking kinabukasan! ang ulit na wariy walang nalilinawan. sa piling ng pamahalaan sa piling namin ang sabi ni simoun sa mga sumisiil sa inyong bayan. magpasiya kayo sapagkat tumatakbo ang panahon! naparito ako upang kayoy iligtas alang alang sa mga alaalang nagtali sa atin! sa mga maniniil sa aking bayan! ang marahang ulit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang binatay lito; tinitingnan ang manghihiyas ng matang kinalalarawanan ng pagkasindak, naramdamang ang kaniyang mga paat kamay ay nanglalamig at libo libong nagkakasalimuut na pagkukuro ang nagdaraan sa kaniyang pag iisip; nakikitang ang mga lansangan ay nagdadanak sa dugo, nadidingig ang putukan, napapagitna siya sa mga patay at sugatan at katangi tanging lakas ng hilig! nakikita niyang siya, na suot ang damit sa paggawa, ay nagpuputol ng mga hitat nag aalis ng mga punlo. hawak ko ang kalooban ng pamahalaan ang patuloy ni simoun aking ipinara at inaksaya ang kaunti niyang lakas at magugugol sa mga haling na pagsalakay, at sinilaw ko siya sa kapakinabangang maduduwit; ang mga pangulo niya ay tahimik na nangasa dulaan ngayon at nangalilibang sa pag iisip ng isang gabing lipus kasayahan, ngunit walang isa mang hihilig na muli sa unan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mayroon akong mga regimiento at mga taong nasa aking kapamahalaan, pinapaniwala ko ang ilan na ang may utos ng panghihimagsik ay ang general, ang ibay pinaniwala kong ang mga prayle ang may kagagawan; ang ilan ay binili ko sa pangako, sa katungkulan, sa salapi; ang marami, ang maraming marami ay kikilos upang makaganti, sapagkat nangasisiil at sa dahilang natatayo sa kalagayang mamatay pumatay. si kabisang tales ay nasa sa lupa at sinamahan ako hanggang dito! inuulit ko sa inyo sasama kayo sa amin ninanasa ninyo ang malaan sa pagdaramdam ng aking mga kabig? sa mga sandaling mapanganib ang hindi pag ayon sa kanino man ay isang paglagay sa kamuhian ng dalawang pangkat na magkalaban. makailang hinaplos ni basilio ang kaniyang mukha na waring ibig magising sa isang bangungot; naramdamang ang kaniyang nooy malamig. magpasiya kayo! ang ulit ni simoun. ang kailangan kong gawin? ang tanong na ang tingig ay pipi, basag, mahina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang bagay na lubhang madali ang tugon ni simoun na ang mukhay naliwanagan ng isang sinag ng pag asa sa dahilang pamamahalaan ko ang kilusan, ay hindi ko maiiwan ang alin mang labanan. kailangan ko, na samantalang ang kaguluhan ay nasa ibat ibang pook ng siyudad, ay panguluhan ninyo ang isang pulutong, igiba ang pintuan ng sta. clara at kunin ninyo doon ang isang tao na liban na sa akin at kay kapitang tiago ay kayo lamang ang makakakilala. kayoy hindi mapapanganib. si maria clara! ang bulalas ng binata. oo, si maria clara! ang ulit ni simoun, at noon lamang nagkaroon ng tunog na malungkot at malumanay ang kaniyang tingig ibig ko siyang iligtas, upang iligtas lamang siya kung kaya ninasa ko ang mabuhay, nagbalik ako. ginawa ko ang himagsikan sapagkat ang isang himagsikan lamang ang makapagbubukas sa akin ng pinto ng mga kombento! ani basilio na pinagduop ang kamay nahuli kayo, lubhang huli! ang tanong ni simoun na ikinunot ang kilay. si maria clara ay namatay na!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa isang lundag ay napatindig si simoun at hinandulong ang binata. ang tanong na ang tingig ay nakapangingilabot. kaninang hapon, ika anim; ngayon marahil ay. ang sigaw ni simoun na namumutlat ang matay nanglilisik hindi totoo! si maria clara ay buhay, si maria clara ay kailangang mabuhay! iyan ay isang duwag na pagdadahilan. hindi mamamatay, at ngayong gabiy ililigtas ko siya bukas ay patay kayo! ikinibit ni basilio ang kaniyang balikat. may ilang araw nang nagkasakit at ako ay pumaparoon sa kombento upang makibalita. tingnan ninyo, narito ang sulat ni. salvi na dala rito ni. magdamag na nag iiyak si kapitang tiago na hinahagkan at hinihingang tawad ang larawan ng kaniyang anak hanggang sa natapos sa paghitit ng maraming apian. kaninang hapon ay tinugtog ang kaniyang agonias . ang bulalas ni simoun na piniglan ng dalawang kamay ang ulo at napahinto. naaalaala ngang nakadingig siya ng tugtog ng agonias samantalang nanunubok sa paligid ng kombento.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mahinang bulong na waring ang nagsasalitay isang anino patay! namatay nang hindi ko man lamang nakita, namatay ng hindi nalalamang akoy nabubuhay nang dahil sa kaniya, namatay ng nagtitiis!. at sa pagdaramdam ng isang sigwang kalagimlagim, isang sigwang may kulog at buhawi na walang patak ng ulan, hinagpis na walang luha, sigaw na walang salita, nagngangalit sa kaniyang dibdib at nagtatangkang umapaw na wariy buga ng bolkan na malaong natimpi, ay biglang umalis sa kinalalagyang silid. nadingig siya ni basilio na pumapanaog ng hagdan, na ang lakad ay walang tuto; nadingig ang isang timping sigaw, sigaw na waring nagsasabi ng pagsapit ng kamatayan, malalim, katangitangi, kahambal hambal, kayat ang binatay tumindig na namumutlat nanginginig sa kinauupan, ngunit nadingig ang yabag na papalayo at ang pinto sa daan na nag umugong sa pagkakasara. kaawaawang tao! ang bulong at ang kaniyang mga matay napuno ng luha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at hindi na naalaala ang pag aaral, at ang tingin ay sa malayo, ay iniisip isip ang kapalaran ng dalawang iyon: ang isay binata, mayaman, bihasa, malaya, nakapagpapasiya sa sariling kabuhayan, may magandang kinabukasan, at ang babaiy kasingganda ng isang pangarap, malinis, lipus pananalig at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhan, nakakandong sa mga giliw at ngiti, nalalaan sa isang maligayang pamumuhay, na sambahin ng kaniyang mga kaanak at igagalang sa mundo, ngunit gayon man, ang dalawang iyon na lipus ng pag ibig, puno ng mga adhikat pag asa, dahil sa isang sawing kapalaran, ang lalakiy naglalagalag sa boong lupalop na tangay ng ipo ipong dugo at luha, naghahasik ng kasamaan at hindi kabutihan, inaapi ang kabaitan, at inaayo ang masamang hilig, samantalang ang babai ay naghihingalo sa dilim na mahiwaga ng claustro na kaniyang pinasukan sa paghanap ng kapayapaan, ngunit mga pagbabata marahil ang natagpo; malinis at walang bahid dungis nang siyay pumasok at naghingalo siya roong wariy bulaklak na lugas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"humimbing kang mapayapa, sawing anak ng aking walang kapalarang bayan! dalhin mo sa libingan ang kariktan ng iyong kabataan, na linanta sa gitna ng paglusog! kapag ang isang bayan ay hindi makapaghandog sa kaniyang malilinis na dalaga ng isang payapang tahanan, sa pagkupkop ng banal na kalayaan; kapag ang tanging maipamamana ng lalaki sa kaniyang balo ay kahihiyan, pag luha sa ina at kaalipinan sa mga anak, mabuti nga ang kusain ninyo ang huwag nang magbunga, at lunurin na sa inyong tiyan ang binhi ng mga kalaitlait na iaanak. ah, mabuti ka na, na hindi ka mangingilabot sa iyong libingan sa pagkadingig ng sigaw ng mga naghihingalo sa kadiliman, ng mga nakababatid na silay may pakpak ngunit nangakagapos, ng mga naiinis dahil sa walang kalayaan. tumungo ka na kaakbay ng mga pangarap ng makata sa kalangitang walang hangan, anino ng babaing nabanaag sa isang sinag ng buwan, na ibinubulong ng maigkas na kawayanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mapalad ang mamatay ng mayroong umiiyak, ng nag iiwan sa puso ng sa kaniyay umiibig ng malinis na gunita, isang banal na alaala, na hindi nadungisan ng karumaldumal na sigabo ng kalooban na lalong lumalaki sa katagalang panahon! sumulong ka, aalalahanin ka namin!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa malinis na simuy ng ating bayan, sa ilalim ng kaniyang langit na bughaw, sa ibabaw ng alon ng lawang nakukulong ng bulubunduking kulay sapiro at baybaying esmeralda; sa kaniyang malilinaw na batisan na nilililiman ng mga punong kawayan, hinihiyasan ng mga bulaklak at binibigyang buhay ng mga tutubit paroparo sa kanilang walang tungo at malikot na pagliliparan na waring nangagsisipaglaro sa hangin; sa katahimikan ng ating mga gubat, sa awit ng ating mga batisan, sa buhos na brillante ng ating mga talon ng tubig, sa maningning na liwanag ng ating buwan, sa mga buntong hininga ng hangin sa gabi, sa isang sabi, sa lahat ng bagay, na makapagpapaalala sa larawan ng ginigiliw, ay makikita ka naming gaya ng pinangarap naming anyo mo na marilag, maganda, nakangiting gaya ng pag asa, kasinglinis ng liwanag, datapway malungkot at mapighating tinatanaw ang aming karumaldumal na kalagayan. amor, que astro eres?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang kinabukasan, isang araw ng huwebes, bago lumubog ang araw, ay naglalakad si isagani sa liwaliwang maria cristina na tungo sa malecon, upang dumalo sa itinipan sa kaniya ni paulita ng umagang iyon. walang pag aalinlangan ang binata na ang kanilang pag uusapan ay ang nangyari sa gabing nagdaan, at sa dahilang siyay handang hingan ng paliwanag ang binibini at alam niya ang pagkamataas at ugaling matigas nito ay inaasahan na ang isang pagkakasira. dahil sa pananakaling ito ay tinaglay niya ang dalawang bugtong na sulat ni paulita, dalawang kaputol na papel, na bahagyang kinatatalaan ng ilang talatang madalian ang pagkakatitik, na may ilang lamas at di lubhang ayos ang pagkakasulat, mga bagay na hindi nakahadlang upang silay pakaingatan ng binatang nangingibig na higit pa kay sa silay naging sulat ni safo ng musa polimnia.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang pagtalagang ito na pawiin ang pag ibig sa ngalan ng karangalan, ang hangad na magtiis makatupad lamang sa katungkulan, ay hindi nakapigil na sumalakay kay isagani ang isang matinding kalungkutan at makapagpaalaala sa kaniya noong magagandang umaga at mga gabing lalo pa manding magaganda, na silang dalaway nagbubulungan ng matatamis na kahangalan sa mga pag itan ng salang bakal ng entresuelo mga kahangalang sa ganang binata, ay may kahulugan at katuturan na waring sila ang mga tanging salita na dapat pakinggan ng lalong mataas na pang unawa ng tao. iniisip ni isagani ang mga paglalakaran, ang mga gabing may buwan, ang peria, ang mga madaling araw ng disyembre matapos ang misa de gallo ang agua bendita na karaniwang kaniyang iniaabot at pinasasalamatan naman ng binibini sa pamag itan ng isang tinging puno ng isang boong pagsinta, at kapuwa sila nangingilabot pagtatama ng kanilang mga daliri.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"matutunog na buntonghininga na waring maliliit na kuwitis ang pumupulas sa kaniyang dibdib at sumasalagimsim sa kaniya ang lahat ng banggit ng mga makatat manunulat na ukol sa pagkasalawahan ng babai. sa loob niyang sariliy isinusumpa ang pagkakatayo ng mga dulaan, ng operetang pranses, ipinangangakong gagantihan niya si pelaez sa lalong madaling panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lahat ng nasa paligid ay waring malungkot at maiitim ang kulay sa ganang kaniya; ang dagatan ay ulilat nag iisa, lalo pa manding wariy nag iisa dahil sa kadalangan ng mga daong na nakahinto roon; ang araw ay lulubog sa likuran ng mariveles nang walang anomang kagandahan at kariktan, wala ang mga ulap na sarisari ang ayos at mayaman sa kulay ng mga hapong magaganda; ang monumento ni anda, na walang kaayos ayos, maralitat bagol, na walang anyo, walang kalakhan: wariy isang sorbetes mabuti na ang maging isang pastel; ang mga ginoong nangagliliwaliw sa malecon, kahit na may mga anyong nasisiyahang loob at masasaya, ay waring masusungit, mapagmataas at mga hambug sa ganang kaniya; malilikot at walang pinag aralan ang mga batang naglalaro sa dalampasigan na pinatatalon sa alon ang mga batong lapad sa tabi ng dagat, kayay nangaghahanap sa buhanginan ng mga suso at kokomo na hinuhuli ng walang patumangga at pinapatay ng wala namang pakinabang; sa isang sabi, sampu ng walang katapusang paggawa ng daongan, na pinatungkulan niya ng mahigit sa tatlong tula, ay waring isang bagay na walang kabuluhan, kahalayhalay, gawang bata, sa ganang kaniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang daongan, ah! ang sadsaran ng maynila, isang bastardo na mulat sapol ng ipaglihi ay nagpaluha na sa lahat dahil sa pangunguntit kahihiyan! kung hindi man lamang sana mangyari na matapos ang maraming pagluha ay huwag lumabas na karimarimarim ang bungang sisipot! nagpugay ng hindi inino ang dalawang hesuita na naging mga guro niya; bahagya nang napuna ang isang tandem na ang lulan ay isang amerikano at kinaiingitan ng ilang makisig na nagpapalakad ng kanilang mga kalesa; nang nalalapit sa monumento ni anda ay nadingig si ben zayb na may kausap at ang pinagsasalitaan ay si simoun na nang gabing nakaraan ay biglang nagkasakit; si simoun ay ayaw tumanggap ng anomang dalaw, sampu sa mga alagad ng general. ang bulalas ni isagani na napangiti ng malungkot diyan, ang mga pakitang loob, sapagkat mayaman. ngunit sa mga sundalong sugatin at may sakit na galing sa pagsalakay ay walang dumadalaw!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at sa pag iisip sa mga pagsalakay na ito, sa kapalaran ng mga kaawaawang sundalo at sa pakikipaglaban ng mga taga kapuluan na ayaw pasakop sa dayuhan, ay naisip ang pagtimbang ng mga pagkamatay, na, kung ang sa mga sundalo ay dakila sapagkat tumutupad sa kanilang katungkulan, ang sa mga taga kapuluan ay maluwalhati sapagkat ipinagtatanggol ang kanilang tinubuan. katakatakang kapalaran ang sa ilang bayan! aniya sapagkat ang isang manglalakbay ay lumunsad sa kaniyang dalampasigan, ay nawawalan na sila ng kalayaan at nagiging sakop alipin, hindi lamang ng manglalakbay, hindi lamang ng mga nagmamana sa mga ito, kundi ng kanila pang mga kababayan, at hindi sa isang panahon lamang kundi sa boong buhay na! katakatakang pag unawa sa katwiran! ang kalagayang itoy nagbibigay ng malaking karapatan upang lipulin ang lahat ng dayuhan na wariy siyang lalong mabangis na hayop na maitatapon ng dagat!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at inisipisip, na, ang mga taga pulong iyon, na kabaka ng kaniyang bayan ay walang ibang kasalanan kundi ang taglay na kahinaan. ang mga manglalakbay ay lumunsad din naman sa dalampasigan ng ibang bayan; ngunit sa dahilang natagpuang malalakas ay hindi pinagtangkaan ng kanilang katangi tanging hangad. kahit na mahihina ay minamaganda niya ang ipinamamalas, at ang pangalan ng mga kalaban, na hindi kinaliligtaang lagyan ng kakabit na duwag at di mapagtapat ng mga pamahayagan, ay ipinalalagay niyang mga pangalang magiting, sapagkat namamatay sa gitna ng kadakilaan sa paanan ng mga gibang muog ng kanilang di wastong kuta, mga dakila pa kay sa matatandang bayaning taga troya; ang mga nasa pulong iyon ay hindi nagnakaw ng isa mang elenang pilipina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at sa kaniyang kasigabuhang loob sa pagkamakata, ay iniisip ang mga kabinataan sa mga pulong iyon na nangagkakapuri sa mata ng mga babai doon, at dahil sa siyay nangingibig, na may nasang mawala sa mundo, ay kinaiinggitan niya ang mga kabinataang iyon na nakakatagpo ng isang dakilang pagpapatiwakal. at nabulalas na: ah! ibig kong mamatay, mauwi sa wala, iwanan ang aking bayan ng isang dakilang pangalan, mamatay ng dahil sa kaniya, siyay ipagtanggol sa pagdagsa ng mga dayuhan at pagkatapos ay tanglawan ng araw ang aking bangkay na wariy tanod na walang kilos sa mga talampas ng dagat! at ang pakikilaban sa mga aleman ay pumasok sa kaniyang alaala, at halos dinamdam niya ang pagkakasawata ng gayon; namatay sana siya ng boong kasiyahang loob sa piling ng watawat ng kastilat pilipino, bago sumuko sa dayuhan: sapagkat sa espana aniya ay nabibigkis kami ng mahigpit, dahil sa nakaraan, sa kasaysayan, sa pananampalataya, sa wika. ang wika, oo, ang wika!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang palibak na ngiti ang nalarawan sa kaniyang mga labi; ng gabing yaon ay mayroon silang gagawing isang piging sa magpapansit upang ipagdiwang ang pagkamatay ng akademia ng wikang kastila. ang buntong hininga niya kapag ang mga labusaw sa espana ay kagaya ng mga naririto, sa madaling panahon ay mabibilang ng inang bayan ang mga nagtatapat sa kaniya! ang gabiy unti unting lumalaganap at dahil dooy nararagdagan ang kapighatian sa puso ng binata, na wala nang pag asa halos na makita si paulita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iniiwan na ng mga nagliliwaliw ang malecon upang tumungo sa luneta, na ang ilang bahagi ng tinutugtog doon ng musika ay nakararating na dala ng masarap na hangin sa hapon hanggang sa kinalalagyan ng binata; ang mga marino ng isang pangdigmang dagat, na nakahimpil sa ilog, ang gumagawa ng mga paghahandang ukol sa gabi, na, nangagsisiakyat sa lubid na wariy mga gagamba; ang mga daong ay unti unti nang naglalagay ng kanilang ilaw na nagbibigay buhay doon at ang dalampasigan do el viento riza las calladas olas que con blando murmullo en la ribera se deslizan veloces por si solas. na sinabi ni alaejos, ay bumubuga sa dakong malayo ng manipis na singaw na ginagawang wariy kayong madalang at matalinghaga ng liwanag ng buwan, na noon ay kabilugan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang malayong dagunot ay nadingig, dagunot na untiunting lumalapit: lumingon si isagani at ang kaniyang pusoy tumibok ng malakas; isang sasakyang batak ng dalawang kabayong puti ang dumarating, ang mga kabayong puting makikilala niya sa gitna ng sandaanglibo. sa sasakyan ay nakalulan si paulita, si aling victorina at ang kaibigang kasama ng gabing nakaraan. bago makahakbang ang binatay nakaibis nang bigla si paulita at nginitian si isagani ng isang ngiting lubos na pakikipagkasundo; si isaganiy napangiti naman at sa wari niyay napawing parang usok ang lahat ng ulap, ang lahat ng masusungit na akalang sa kaniyay sumalakay; may mga liwanag ang langit, awit ang hangin at bulaklak ang nakakalat sa mga damo ng nilalakaran. ang masama lamang ay naroroon si aling victorina, si aling victorina na kaylan mat nakikita ang binatay hindi binibitiwan upang pagtanungan nang balitang ukol kay. tinungkol ni isagani ang pagtuklas ng kinalalagyan sa pamag itan ng mga nag aaral na kakilala niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"wala pang makapagsabi sa akin hangga ngayon ang sagot, at katotohanan nga ang kaniyang sinasabi, sapagkat si. tiburcio ay nagtatago pa naman sa bahay ng amain ng binata, sa bahay ni . florentino. ipabalita ninyo sa kaniya ang sabing galit na galit ni aling victorina na ipinahahanap ko siya sa guardia sibil; sa patay man sa buhay ay ibig kong matanto kung saan naroon. sapagkat iyang pangangailangang mag antay ng sampung taon bago makapag asawa ang isang gaya ko! gulilat na napatingin sa kaniya si isagani; iniisip ni aling victorina ang pakasal. sino kaya ang kulang palad? ano ba ang pagkamasid ninyo kay juanito pelaez? ang biglang tanong ng babai. hindi matumpakan ni isagani ang isasagot; nganingani nang ibig sabihin ang lahat ng kasamaan ni pelaez na kaniyang batid, ngunit ang pagkamapagbigay ay siyang naghari sa kaniyang puso at ang sinabiy pawang pagpuri sa kaagaw, sa dahilang kaagaw nga niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dahil sa gayon ay tuwangtuwa at magalak na pinakapuri ni aling victorina ang mga kabutihan ni pelaez, at gagawin na sanang katapatang loob si isagani tungkol sa kaniyang panibagong pag ibig, nang dumating na tumatakbo ang kaibigan ni paulita upang sabihin na ang pamaypay nitoy nahulog sa mga batong nasa pasigan, sa kalapit ng malecon. pakana pagkakataon, ngunit ang pangyayaring itoy nagbigay daan upang ang kaibigan ay matirang kasama ng matandang babai at si isagani naman ay mangyaring makipag alaman kay paulita. sa isang dako naman ay ikinalulugod ni aling victorina ang gayon, at upang maiwan sa kaniya si juanito, ay linuluwagan ang pag ligaw ni isagani. mayroon nang handang paraan si paulita; nang magpasalamat ay nagpakunwaring may pagkamuhi, may sama ng loob, at ipinahiwatig, sa isang paraang lubhang mahinhin, na siyay nagtataka sa pagkakatagpo doon sa binata, gayong ang lahat ng taoy nasa luneta, sampu ng mga artistang pransesa. tinipanan ninyo ako, papanong hindi.?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gayon man, kagabiy hindi man ninyo napunang akoy nasa dulaan; sa boong itinagal ng palabas ay minamatyagan ko kayo at hindi ninyo hinihiwalayan ng tingin iyong mga babaing cochers. nagkapalit ang kalagayan; si isagani na naparoon upang humingi ng paliwanag ay siya pang nagbigay at sumaligaya siyang lubos ng tinuran ni paulita na siyay pinatatawad. tungkol sa pagkakaparoon ng babai sa dulaan, ay dapat pang pasalamatan sa kaniya; siya, sa kapipilit ng inali, ay pumaroon lamang sa pag asang makikita ang binata sa boong palabas. gaano ang pagkutya niya kay juanito pelaez! ang aking ali ang nakakaibig! ang sabi na kasabay ang masayang halakhak. kapuwa nagtawanan; ang pagkakasal ni pelaez kay aling victorina ay ipinagkatuwa nilang mabuti at halos namamalas na nilang nangyari; ngunit naalala ni isagani na si. tiburcio ay buhay at ipinagkatiwala ang lihim sa kaniyang giliw, matapos na mapapangakong hindi sasabihin kahit kanino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si paulitay nangako, ngunit sa sariliy tangka ang sabihin sa kaibigan. ang bagay na itoy siyang naglipat ng usapan sa bayan ni isagani, na nalilibid ng kagubatan at nalalagay sa baybayin ng dagat na nag uumugong sa paanan ng matataas na talampas. ang mata ni isagani ay nagliliwanag sa pagbanggit sa liblib na sulok na iyon; ang sigaw ng pagmamakatangi ay nagpapapula sa kaniyang pisngi, nanginginig ang kaniyang boses, ang kaniyang damdaming makata ay sumusulak at ang mga salitay pumupulas na mainit, puno ng sigabo na waring ang pag ibig ng kaniyang pag ibig ang tinuturan, kayat hindi nakapigil sa pagbulalas ng: oh! sa ilang ng aking mga kabundukan ay dinadanas ko ang pagkamalaya, malayang gaya ng simuy, gaya ng liwanag na walang sagkang kumakalat sa sangsinukob! libo mang bayanan, libo mang palasyo ay ipagpapalit ko sa sulok na iyon ng pilipinas, na malayo sa mga tao, ay dinadanas ko ang tunay na kalayaan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"doon, kaharap ang mga sadyang likas, kaharap ng hiwaga at ng walang katapusan; ng kagubatan at ng karagatan, ay nag iisip ako, nagsasalita at gumagawa nang gaya ng isang taong walang kinikilalang panginoon! si paulita, sa harap ng gayong sigabo ng kalooban dahil sa bayang kinakitaan ng unang liwanag, sigabong hindi kilala, siya na hirating makadingig ng pag alipusta sa kaniyang bayan at maminsan minsang siyay nakikiayon sa gayon, ay nagpahalata ng kaunting wariy panibugho sa paraang paghihinampo na gaya ng dati. ngunit madali siyang napapayapa ni isagani. ang sabi siyay iniibig ko ng higit sa lahat ng bagay noong hindi pa kita nakikilala! ibig na ibig ko ang magliklik sa kagubatan, humimbing sa lilim ng mga puno, umupo sa ungos ng isang talampas upang saklawin ng tingin ang pasipiko na sa harapan koy hinahalo ang kaniyang mga bughaw na alon, at inihahatid sa akin ang mga awit na natutuhan sa mga dalampasigan ng malayang amerika.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"bago kita makilala, ang dagat na iyon ay siyang aking mundo, aking lugod, aking pag ibig, aking mga pangarap. kapag nahihimbing ng mapayapa at ang araw ay nagniningning sa kaitaasan, ay ikinalulugod ko ang pagtanaw sa banging nasa sa aking paanan na may limangpung metro ang lalim, at hinahanap ko ang mga kahangahangang hayop sa kagubatan ng mga bulaklak ng bato at mga korales na naaaninag sa bughaw na tubig, ang malalaking serpiente na, alinsunod sa sabi ng mga taong bukid, ay umaalis umano sa gubat upang manahanan sa dagat at dooy magpakalakilaki. sa kinahapunan, na, umanoy, siyang paglabas ng mga sirena, ay sinusubukan kong masigasig sa pag itan ng mga alon, na minsan, ay waring namalas ko sila sa gitna ng bula at dooy nangaglalaro; maliwanag na nadidingig ko ang kanilang mga awit, awit na ukol sa kalayaan, at naulinigan ko ang tunog ng kanilang mataginting na alpa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"noong araw ay dumadaan ako ng mahahabang sandali sa pagmamalas ng pagbabagobagong anyo ng mga ulap, sa pagmamalas sa punong nag iisa sa kapatagan, sa isang talampas, na hindi ko maunawa ang sanhi ng pagkakagayon, na hindi makilalang lubos ang damdaming yaon na ginigising sa aking kalooban. madalas na akoy pinagsasalaysayan ng mahahabang pangaral ng aking amain at sinasabing dadalhin ako sa isang manggagamot dahil sa baka akoy magkaroon ng sakit na mapanglawin. datapway nakita kita, kitay inibig, at sa pagpapahingang ito sa pag aaral ay waring may isang bagay na wala sa akin ng akoy naroon, ang kagubatan ay madilim, malungkot ang ilog na umaagos sa kagubatan, ang dagat ay nakaiinip, ang abot ng malas sa dakong kalookan ay walang anomang bagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung maparoon ka lamang doon, kahit miminsan, kung tungtungan ng mga paa mo ang mga landas na iyon, kung kanawin ng dulo ng iyong mga daliri ang tubig ng mga batisan, kung tingnan mo ang dagat, maupo ka sa talampas at pahigingin mo ang hangin sa pamag itan ng iyong mahihimig na awit, ang aking kagubatan ay magiging eden, ang agos ng batisan ay aawit, sisipot ang liwanag sa kusim na dahon, magiging batong brillante ang mga patak ng hamog at magiging perlas ang mga bula ng dagat! ngunit nadingig ni paulita na upang makarating sa bayan ni isagani ay kailangang magdaan sa mga bundok na maraming maliliit na linta, at dahil sa bagay na ito, ay kinikilig na ang duwag. dahil sa gawi na niya ang ayaw mapagod at sa dahilang siyay malayaw ay sinabing maglalakbay lamang siya kung naka karwahe naka tren.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si isagani, na nakalimot na sa lahat ng kaniyang mapait na pagpapalagay sa mga bagay bagay at wala nang nakikita sa lahat ng dako kundi bulaklak na walang tinik, ay sumagot na: sa loob ng di mahabang panahon ang lahat ng puloy makakalatan ng mga daang bakal, na lubhang matulit halos parang hangin na pagdaraanan niyong ferro carril gaya ng sabi ng isang sumulat; at sa gayon, ang mga sulok ng sangkapuluan ay mabubuksan sa lahat. sa gayon, ngunit kailan? kung akoy hukluban na. hindi mo batid ang magagawa natin sa loob ng ilang taon ang sagot ni isagani hindi mo batid ang lakas at ang sigabo na maibibigay ng bayan matapos ang daan daang taong pagkahimbing.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nililingap tayo ng espana; ang kabinataan nating nasa madrid ay gumagawa gabit araw at iniuukol sa tinubuan ang boo nilang katalinuhan, ang lahat ng sandali ng kanilang kabuhayan, ang lahat ng kanilang kaya; ang mga mahahabaging tingig doon ay nakikisapi sa ating tingig, mga politiko na nakababatid na walang mabuting bigkis kundi ang pag iisa sa kabuhayan at sa damdamin: kinikilala ang ating katwiran at ang lahat ng bagay ay nagpapahiwatig ng isang magandang kinabukasan ng madla. tunay nga at katatapos pa lamang na kapagtitikim ng isang munting pagkabigo, kaming mga nag aaral, ngunit ang tagumpay ay untiunti nang lumalaganap sa lahat ng layunin. nasa sa budhi na ng lahat! ang taksil na pagkatalong aming tinamo ay nagpapatunay ng mga huling hinga, ng huling kilig ng mamamatay! bukas ay mamamayan kami ng pilipinas na maganda na ang tutunguhin sapagkat malalagay sa mga mairuging kamay; oo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kinabukasan ay amin, nakikinikinita ko nang kulay rosa, nakikinikinita kong ang pagkilos ay magbibigay buhay sa dakong ito na laong panahong patay, nahihimbing. nakikinikinita ko ang pagsipot ng mga bayan sa kalapit ng mga daang bakal, at sa lahat ng pook ay may mga pagawaan na gaya noong nasa mandaluyong!. nadidingig ko na ang pagsipol ng bapor, ang dagundong ng mga tren, ang ugong ng mga makina. namamalas kong pumapaitaas ang usok, ang kaniyang malakas na hinga, at nalalangap ko ang amoy ng langis; ang pawis ng mga kahangahangang kasangkapan na walang tigil sa paggawa. ang daongang iyan, na may mahinang pagkayari, ang ilog na iyan na wariy pinaghihingaluan ng pangangalakal, ay makikita nating puno ng albor at maglalarawan sa atin ng panahon ng taglamig sa kagubatan ng europa. ang malunas na simoy na ito at ang malilinis na batong iyan ay mapupuno ng uling, ng mga kaha at barriles na gawa ng tao; datapway walang kailangan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"maglalakbay tayo ng madalian, sa mga maluluwag na sasakyan, upang hanapin sa dakong loob ang ibang simuy, ang ibang tanawin sa ibang dalampasigan, mga lalong malalamig na singaw sa mga paanan ng kabundukan. ang mga acorazado ay siyang magbabantay sa ating mga baybayin: ang pilipino at ang kastila ay mag uunahan sa pagpupunyaging gapiin ang anomang pagdagsa ng mga taga ibang lupain, upang ipagtanggol ang inyong mga tahanan at bayaan kayong matuwa at mabuhay ng mapayapa, na ginigiliw at iginagalang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ligtas na sa paraang panghihitit, walang sama ng loob at pag aalinlangan, ang bayan ay gagawa na, sapagkat kung magkakagayon ay hindi na makaduduhagi ang paggawa, hindi na magiging pangangayupapa, na wariy takda sa alipin; sa gayon ay hindi na pasasamain ng kastila ang kaniyang ugali sa tulong ng mga hangaring maghariharian at, tapat ang tingin, malusog ang puso, ay mag aabutan kami ng kamay, at ang pangangalakal, ang paggawa, ang pag aani, ang karunungan ay magnanawnaw sa lilim ng kalayaan at ng mga kautusang tuwid at pantay pantay na gaya ng sa mayamang inglaterra. si paulita ay nangingiting wariy alinlangan at iniiling ang ulo. pangarap, pangarap! ang buntong hininga nadingig kong sinasabi na kayoy maraming kalaban. ang sabi ni tia torina ay alipin magpakailan man ang bayang ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sapagkat ang ali moy isang hangal; sapagkat hindi maaaring siyay mabuhay nang walang alipin, at kung wala siya noon ay pinapangarap ang sa darating na panahon, at kung hindi mangyari ay binubukobuko sa sariling gunita. tunay ngang mayroon kaming mga kalaban, na magkakaroon ng tunggalian, ngunit kami ang magtatagumpay. mangyayaring gawing walang wastong kanlungan ng matandang kaparaanan ang mga durog na muog ng kanilang mga kastilyo, amin silang gagapiing umaawit ng kalayaan, sa harap ng inyong mga malas, sabay sa pagakpak ng inyong mga kamay na aming minamahal! sa isang dakoy hindi ka dapat manganib; ang labanan ay mapayapa; sukat na ang iaboy lamang ninyo kami sa pag aaral, gisingin ninyo sa amin ang marangal at mataas na pag iisip at udyukan ninyo kami sa pagtataman, sa kagitingan, na ang pinakagantiy ang inyong paggiliw! taglay din ni paulita ang kaniyang ngiting mahiwaga at waring nag iisip; nakatanaw sa dako ng ilog, at tinatapiktapik ng pamaypay ang pisngi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at kung wala kayong mapala? ang tanong na waring hindi pinahahalagahan nang gaano ang usapan. ang tanong na itoy nakasugat kay isagani; tinitigan ang mga mata ng kaniyang irog, dahandahang piniglan ang isang kamay at nagwikang: pakingan mo: kung wala kaming mapala. at nahintong nag aalinlangan. pakingan mo, paulita, ang patuloy batid mo kung gaano ang aking pagsinta at pagsamba sa iyo; alam mong nalilimot ko ang sarili kung akoy iyong tinititigan, kapag nababakas ko sa titig na iyan ang isang kislap ng pag ibig. gayon man, kapag wala kaming napala, ay papangarapin ko ang isa mo pang titig at mapalad akong mamamatay upang ang isang liwayway lamang ng pagmamalaki ay sumilay sa iyong mga mata at masabi mo sa balang araw, sa lahat, kasabay ng pagtuturo sa aking bangkay, na: ang aking pag ibig ay namatay sa pagsasanggalang ng mga karapatan ng aking bayan! halinang umuwi, ineng, at baka ka sipunin! ang sigaw ng sandaling iyon ni aling victorina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang boses na iyon ay nagpabalik sa kanila sa katunayan ng buhay. yaon na ang oras ng pag uwi, at sa kagandahang loob, ay inanyayahang lumulan sa sasakyan si isagani, anyayang hindi na inantay ng binata na ulitin pang muli. sa dahilang ang karuahe ay kay paulita, ay umupo sa paharap si aling victorina at ang kaibigan, at sa bangkong maliit ang dalawang magsing irog. lulan ng iisang sasakyan, makasiping ang ginigiliw, langapin ang bango, masagi ang sutla ng damit, makitang nag iisip, na nakahalukipkip, naliliwanagan ng buwan sa pilipinas na nagbibigay kagandahan at dingal sa anomang bagay na lalong lubasa, ay isang pangarap na hindi inantay ni isagani na mangyari magpakailan man! napakamaralita ng mga pauwing naglalakad, na nangag iisa, at nangagsisiilag upang paraanin ang matuling sasakyan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa hinaba haba ng dinaanang iyon, sa boong haba ng baybayin, ng liwaliwan ng sabana, ng tulay ng espana, ay walang nakita si isagani kundi isang magandang ulong nakatagilid, na mainam ang pusod, na nagtatapos sa isang sunudsunurang liig na nawawala sa mga guyon ng pinya. isang brillante ang kumikindat sa kaniya mula sa pingol ng munting tainga, na wariy bituin sa gitna ng mga pinilakang ulap. si isagani ay nakaringig ng malayong uliyaw na itinatanong sa kaniya si. tiburcio de espadana, ang pangalan ni juanito pelaez, ngunit sa ganang kaniya ay naging wariy tunog ng kampanang nadidingig na malayo, magulong tingig na nadidingig sa gitna ng bungang tulog. kinailangan ang ipaalaala sa kaniya na nakarating na sila sa liwasan ng sta. cruz. ang loob kabahayan ng panciteria macanista de buen gusto ng gabing iyon ay may anyong di pangkaraniwan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"labing apat na binata, ng mga pulong lalong tanyag ng sangkapuluan, mula sa indio na walang ibang dugong halo (kung mayroong walang halo) hanggang sa kastilang taga espana, ay nangagkatipon upang idaos ang piging na sinabi ni. irene, alang alang sa naging hangga ng salitaang ukol sa pagtuturo ng wikang kastila. inupahan nila nang sa ganang kanila lamang ang lahat ng dulang, pinaragdagan ang ilaw at ipinadikit sa dingding, kasiping ng mga palamuti at kakemonong insik, ang ganitong di mawatasang mga pananalita: sa isang bayan na ang lahat ng kabalbalan ay tinatabingan ng ayos kagalanggalang, at ang karamihan ay natataas sa tulong ng usok at mainit na hangin; sa isang bayan na yaong sadyang katunayan at tapat ay nakasasakit paglabas sa puso at mangyayaring maging sanhi ng mga kaguluhan, marahil ay yaon ang lalong mabuting paraan upang ipaggalak ang sumumpong sa ulo ng bantog na si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sinagot ng mga nadaya ng isang halakhak ang biro, ang pastel ng pamahalaan ay sinagot ng isang pinggang pansit, at mabutit gayon na lamang! nangagtatawanan, nagbibiruan, ngunit nahahalatang ang katuwaan, ay pilit; ang tawanan ay tumataginting dahil sa kaunting panginginig, sa mga paningiy pumupulas ang matutuling kislap at hindi iisa ang kinakitaan ng nagniningning na patak ng luha. datapwat gayon man, ang mga binatang iyon ay mga ganid na loob, mga wala sa katwiran! hindi noon lamang pinasiyahan sa gayong paraan ang lalong maiinam na panukala, na pinapatay ang mga pag asa sa tulong ng malalaking salita at mumunting gawa: bago si. custodio ay nagkaroon na ng marami, lubhang marami! sa gitna ng kabahayan at sa tapat ng mga parol na pula, ay may apat na dulang na bilog, na naaayos na patungko; ang mga luklukan ay mga uupang kahoy na bilog din.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa gitna ng bawat dulang, alinsunod sa kaugalian ng tindahan, ay may nakahandang apat na pingang mumunti na may tig apat na kakanin ang bawat isa, at apat na tasang tsa, na may kanikaniyang takip, na pawang porselanang pula; sa harap ng bawat luklukan ay may isang bote at dalawang kopang bubog na nangingintab. dahil sa pagkamausisa ni sandoval, ay nagtitingintingin, lahat ay sinisiyasat, tinitikman ang mga hopya, pinagmamasdan ang mga palamuti, binabasa ang talaan ng mga halaga. ang ibay nangag uusap ng ukol sa mga bagay bagay na pang kasalukuyan, ukol sa mga artistang babai ng operetang pranses at mahiwagang pagkakasakit ni simoun, na, alinsunod sa ilan, ay natagpuang may sugat sa lansangan; alinsunod naman sa iba ay nagtangkang magpatiwakal: gaya ng sadyang dapat mangyari, silang lahat ay naninira sa mga pagkukurokuro. si tadeo ay may ibang balita, na alinsunod sa sabi niyay hindi magkakabula.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si simoun ay sinugatan ng isang hindi kilala sa may lumang liwasan ng vivak; ang sanhi ay ang higanti, at ang katunayan ay ang pangyayaring si simoun ay ayaw magpahiwatig ng anoman. matapos iyon ay napag usapan ang mga mahiwagang higanti, at gaya ng maaantay ay mga kagagawang prayle ang tinutukoy, na isinalaysay ng bawat isa ang inaasal ng mga kura sa kanikanilang bayan. isang tula na nasusulat ng malalaking titik na itim, ang nasa dakong itaas ng pintong kabahayan at nagsasabing: de esta fonda el cabecilla al publico advierte que nada dejen absolutamente sobre alguna mesa silla. kay inam na paunawa! ang bulalas ni sandoval napagkikilala ang pagtitiwala sa pulutong ano? maipalalagay na si. tiburcio na naging tula, dalawang paa, ang isay mahaba kay sa isa sa pag itan ng dalawang tungkod! pag nakita iyan ni isagani, ay iaalay sa kaniyang magiging inali! narito si isagani! ang sagot ng isang boses mula sa hagdanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at ang mapalad na binatay lumitaw na lipus katuwaan, na sinusundan ng dalawang insik na walang baro na may dalang malalaking mangkok, na nagkakalat ng masarap na amoy, na nakasalalay sa dalawang malalaking pangnan. masasayang paaba ang sa kanilay sumalubong. wala pa si juanito pelaez, ngunit sa dahilang nakaraan na ang oras ay masasayang nangagsidulog sa dulang. kailan pa man ay hindi makatutupad sa salitaan si juanito. kung si basilio pa ang ating inanyayahan at hindi siya ang sabi ni tadeo. nilasing sana natin upang mapagsabi ng ilang lihim. ha, ang mapagnilay na si basilio ay may itinatagong lihim? ang tugon ni tadeo at ang lalo pa namang mahahalaga! may ilang lihim na pangyayaring siya lamang ang tanging nakababatid ng linaw. ang batang nawala, ang monha. manga ginoo; ang pansit lang lang ay siyang sopas na pinakamabuti!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang sigaw ni makaraig; gaya ng makikita ninyo, sandoval, ang halo ay kabuti, hipon, tiniping itlog, sotanghon, manok, at hindi ko na maalaman kung ano pa. bilang pamago ay ihandog natin ang mga buto kay. custodio; tingnan natin, magpanukala siya ng ukol dito! isang masayang halakhakan ang sumalubong sa pahayag na ito. pag naalaman. patakbong paparito! ang dugtong ni sandoval napakabuti ng sopas, ano ang pangalan? pansit lang lang ito nga pansit insik upang maiba sa isa na sadyang gawa rito. mahirap alalahanin ang pangalan. patungkol kay. custodio ay bibinyagan ko ng pangalang panukalang sopas tinanggap ang bagong pangalan. mga ginoo, ang sabi ni makaraig, na siyang pumili ng mga kakanin mayroon pa tayong tatlong ulam! lumpiya ng insik na ang laman ay baboy. na inihahandog kay. irene ay hindi kakain ng baboy hanggang hindi nag aalis ng ilong ang marahang sabi ng isang binatang taga iloilo sa kaniyang kalapit. mag aalis ng ilong! mawala ang ilong ni. ang panabay na sigawan ng lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"galang, mga ginoo, kaunting galang! ang hingi ni pecson na pabirong wariy tinototoo. ang pangatlong pinggan ng ulam ay panyang na alimango. na ipinatutungkol sa mga prayle ang dugtong ng taga bisaya. dahil sa pagka alimango, ang dugtong ni sandoval. tama at tatawaging panyang na prayle! inulit ng lahat na sabay sabay ang: panyang na prayle! tumututol ako sa ngalan ng isa! ang sabi ni isagani. at ako, sa ngalan ng mga alimango! ang dugtong ni tadeo. galang, mga ginoo, kaunting galang! ang muling sigaw ni pecson na namumuwalan. ang pang apat ay pansit na ginisa na ipinatutungkol. sa pamahalaan at sa bayan! lahat ay napalingon kay makaraig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi pa nalalaunan, mga ginoo, ang patuloy ay inaakalang ang pansit ay gawang insik hapon, ngunit sa dahilang siyay hindi kilala ni sa kainsikan ni sa hapon, ay tila siya pilipino, ngunit gayon man, ang mga nagluluto at nakikinabang ay ang mga insik: idem na idem na idem ang nangyayari sa pamahalaan at sa pilipinas: wariy insik, ngunit insik man sila hindi man, ay may mga doktor ang santa madre. lahat ay kumakain at lumalasa sa kaniya, ngunit gayon man ay nangagpapatumpiktumpik pat nagpapakunwaring umaayaw: gayon din ang nangyayari sa bayan, gayon din ang sa pamahalaan. lahat ay nabubuhay ng dahil sa kaniya, lahat ay kalahok sa pistahan at pagkatapos ay walang bayang sasama pa kay sa pilipinas, walang pamahalaang lalong magulo. ipatungkol nga natin ang pansit sa bayan at sa pamahalaan! ipatungkol! ang sabaysabay na sabi ng lahat. ang bulalas ni isagani. igalang ang mga bata, igalang ang mga nasawi!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang sigaw na pinaugong ang tingig ni pecson, na itinaas ang isang buto ng inahing manok. ipatungkol natin ang pansit sa insik na si quiroga, na isa sa apat na kapangyarihan ng sangbayanang pilipino! ang palagay ni isagani. huwag, sa eminencia negra huwag kayong maingay! ang pabiglang sabing mahiwaga ng isa, sa liwasan ay may mga pulutong na nagmamalas sa atin at ang mga dingding ay may pangdingig. tunay nga, pulupulutong ng mga nanonood ay nangagtayo sa tapat ng mga durungawan, samantalang ang ingayan at tawanan sa mga tindahang kalapit ay lubos na napawi, na wari bagang minatyagan ang nangyayari sa piging. ang katahimikan ay may ayos na katangitangi. tadeo, ibigkas mo ang iyong talumpati! ang marahang sabi ni makaraig. sa dahilang si sandoval ang siyang lalong bihasa sa pagkamananalumpati ay pinagkasunduang siya ang sa huliy hahalaw sa lahat ng salaysay. si tadeo, dahil sa ugaling tamad na taglay niyang parati, ay hindi naghanda at namimilipit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"samantalang sinisipsip ang isang mahabang sotanghon, ay iniisip ang paraang ikaliligtas niya sa kalagayang iyon, hanggan sa naalaala ang isang talumpating napag aralan sa klase at humanda nang gayahan yaon at lahukan ng ibang bagay. mga ginigiliw na kapatid sa panukala! ang simula niyang ikinumpay ang sipit na kagamitan ng mga insik sa pagkain. bitiwan mo ang sipit, ginulo mo ang buhok ko! ang sabi ng isa niyang katabi. sa tawag ng inyong paghahalal na pagpunan ang kakulangang iniwan sa. manggagaya! ang putol ni sandoval, ang talumpating iyan ay sa pangulo ng ating liceo! sa tawag ng inyong paghahalal ang patuloy ni tadeo na walang katiga tigatig na pagpunan ang kakulangang iniwan sa aking. pag iisip (at itinuro ang kaniyang tiyan) ng isang dakilang lalaki dahil sa kaniyang banal na aral at kaniyang mga kagagawan at mga panukala na karapatdapat na magkaroon ng kaunti pang alaala, ano ang masasabi sa inyo ng isang gaya ko na may malaking gutom sa dahilang hindi nananghali?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"narito ang isang liig, bigaaan! ang sabi ng kaniyang kalapit na iniaabot sa kaniya ang liig ng isang inahing manok. may isang ulam, mga ginoo, na kayamanan ng isang bayan na ngayoy sadlakan ng lait at kutya ng mundo, na pinagsaukan ng kanilang mga dayukdok na sandok ng matatakaw na pook, na nasa kalunuran ng sangsinukob. itinuro sa pamag itan ng kaniyang sipit si sandoval na nakikipaglaban sa isang makunat na pakpak ng inahin. at mga taga kasilanganan! ang sagot ng tinukoy, na iginuhit ng pabilog ang kaniyang panandok upang maituro ang lahat ng kumakain. hindi pinapayagan ang mga patlang! humihingi ako ng salita! humihingi ako ng patis! ang dugtong ni isagani. dalhin dito ang lumpiya! hiningi ng lahat ang lumpiya at si tadeo ay umupong masaya dahil sa pagkakaalpas sa kagipitan. ang ulam na ipinatungkol kay. irene ay hindi lumabas na mabuti at ang gayon ay ipinahayag ni sandoval sa isang paraang lubhang napakasakit. nangingintab ang labas dahil sa mantika at baboy ang loob!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dalhin dito ang pangatlong pingan ng ulam, ang panyang na prayle! ang panyang ay hindi pa luto; nadidingig ang sagitsit ng mantika sa kawali. sinamantala ang patlang upang tumungga at hiningi nilang magsalita si pecson. walang kapingaspingas si pecson ay nag angtanda, tumindig na pinipilit pigilin ang kaniyang tawang hangal, ginayahan ang isang predicador na agustino, na nooy nababantog, at nagsimula sa pagbulong na wariy sinasabi ang laman ng sermon. si tripa plena laudat deum, tripa famelica laudabit fratres kung ang bitukang bundat ay nagpupuri sa dios, ang bitukang dayukdok ay magpupuri sa mga prayle. mga salitang sinabi ni ginoong custodio, sa bibig ni ben zayb, pamahayagang el grito de la integridad pangalawang salaysay, kaululang ika isang daan, limang put pito. mga ginigiliw kong kapatid kay jesucristo! ibinubuga ng kasamaan ang kaniyang maruming hininga sa mga kulay dahong baybayin ng frailandia, kapuluang pilipinas sa karaniwang tawag!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi sumisilang ang isang araw na hindi umuugong ang isang pagbaka, na hindi nadingig ang isang masamang parunggit sa mga reverendas venerandas at predicandas corporaciones na walang sukat magtanggol at walang sukat kumatig. ipahintulot ninyo sa akin, mga kapatid, na sa isang sandaliy maging caballero andante ako upang magtanggol ng walang sukat magsanggalang, ng mga banal na korporasion na nagturo sa atin, at patibayan pang muli ang karugtong ng ibig turan noong sawikain na, bitukang bundat ay nagpupuri sa dios na dili ibat, ang bitukang dayukdok ay magpupuri sa mga prayle . mainam, mainam! hoy, ang sabing walang katawatawa ni isagani ipinababatid ko sa iyo na kapag ang mga prayle ang natutukoy ay iginagalang ko ang isa. si sandoval, na nasasayahan na, ay umawit: un fraile, dos frailes, tres frailes en el coooro hacen el mismo efecto que un solo toooro!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"makingig kayo, mga kapatid; ibaling ang inyong paningin sa magandang kapanahunan ng inyong kabataan; tingnan ninyong siyasatin ang kasalukuyan at itanong ninyo sa sarili ang kinabukasan. prayle, prayle at prayle!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang prayle ang sa inyoy nagbibinyag, nagkukumpil, dumadalaw ng lubhang masuyo sa paaralan; isang prayle ang dumidingig ng mga una ninyong lihim, siya ang una unang nagpapakain sa inyo ng isang dios, ang nagtuturo sa inyo ng landas ng kabuhayan; mga prayle ang una at huling guro ninyo, prayle ang nagbubukas ng puso ng inyong mga magiging asawa, na inilalaan sa inyong mga suyo; isang prayle ang nagkakasal sa inyo, ang nag uutos na kayoy maglakbay sa ibat ibang pulo, na binibigyan kayong daan upang makapagbago ng singaw at libangan; siya ang naglilingkod sa inyo kung kayoy naghihingalo at kahit umakyat kayo sa bibitayan, ay naroroon din ang prayle upang kayoy samahan ng kaniyang mga dasal at luha, at makapapanatag kayong hindi kayo iiwan hanggang hindi makitang kayoy sadyang patay na patay na at bitay na bitay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"datapway hindi hanggang diyan lamang ang kaniyang kaawaan; kung patay na kayo, ay pagpipilitang kayoy mailibing ng boong dingal, makikipaglaban upang ang inyong bangkay ay dumaan sa simbahan, tanggapin ang kanilang mga panalangin, at magpapahinga lamang kapag naibigay na kayo, sa mga kamay ng lumikha, na malinis na malinis dito sa lupa, alang alang sa mga parusang tinanggap, mga pahirap at mga pagpapakumbaba. sa pagkakilala sa mga turo ni cristo na hindi binubuksan sa mayayaman ang pinto ng langit, sila, mga bagong mananakop, mga tunay na kahalili ng tagapagligtas, ay lumalalang ng sarisaring paraan upang alisan kayo ng sala, kuapi sa karaniwang tawag, at dinadala sa malayo, lubhang malayo, doon sa tinitirahan ng mga kalaitlait na mga insik at mga protestante, at iniiwang malinis, mabuti, malunas, ang hinihingahan natin dito, sa paraan, na kahit ibigin man natin pagkatapos, ay wala tayong matatagpuang halagang sikapat na magiging sanhi ng ating ipagkakasala!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"oo, nga, silay kailangan ng ating kaligayahan; kung sa lahat ng dakong dalhin natin ang ating ilong ay matatagpuan natin ang manipis na kamay, na gutom sa halik, na sa araw araw ay lalo pang nagpapatalapya sa sungalngal na dagdag na taglay natin sa mukha bakit hindi sila suyuin at patabain at bakit hihingin ang kagagawang hindi nararapat na silay palayasin? nilayin sandali ang malaking kakulangang mangyayari sa ating kalipunan kung silay mawala! mga walang pagal na manggagawa ay pinabubuti at pinakakapal nila ang mga lipi; sa pagkakawatakwatak natin dahil sa mga inggitan at samaan ng loob, ay pinagsasama tayo ng mga prayle sa iisang kapalaran, sa isang mahigpit na tungkos, napakahigpit na hindi na tuloy maigalaw ng marami ang kanilang siko!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"alisin ninyo ang prayle, mga ginoo, at makikita ninyong mayayanig ang kapamayanang pilipino, dahil sa kakulangan ng malalakas na balikat at mabalahibong hita; ang pamumuhay pilipino ay makakainip kung wala ang nakapagpapasayang prayle na mapagbiro at malikot, kung wala ang mumunting aklat, at mga sermon na nakapagpapaihit ng tawa, kung wala ang mainam na pagkakaibayo na malalaking hangarin sa mga bungong walang kabuluhan, kung wala ang tunay na pagtatanghal, sa araw araw, ng mga kuwento ni boccacio at ni lafontaine! kung wala ang mga korrea at kalmen ano ang ibig ninyong gawin sa haharapin ng ating mga babai kundi impukin ang salaping iyan at silay maging maramot at makamkam? kung wala ang mga misa, mga nobena at mga prusisyon saan kayo makatatagpo ng mga panggingihang kanilang mapaglilibangan? wala silang tutungkulin kundi ang mga gawain sa bahay at ang pagbabasa nila ng mga kuwentong kababalaghan ay kailangan nating palitan ng mga aklat na wala pa rito!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"alisin ninyo ang prayle, at mawawala ang kabayanihan, tataglayin na ng bayan ang mga mabuting pamamayan; alisin ninyo ang prayle at mawawala ang indio; ang prayle ay siyang ama, ang indio ang verbo; yaon ang artista at ito ang estatua, sapagkat lahat ng kabagayang taglay natin, ang ating iniisip at ginagawa, ay utang natin sa prayle, sa kaniyang katiyagaan, sa kaniyang kasipagan, sa kaniyang pagtatamang tatlong daang taon upang mabago ang ayos na ibinigay sa atin ng kalikasan! at kung walang prayle at walang indio ang pilipinas, ano ang mangyayari sa kaawaawang pamahalaan na mapapaharap sa mga insik? kakain ng panyang na alimango! ang sagot ni isagani na nababagot sa talumpati ni pecson. at iyan ang dapat nating gawin. sa dahilang hindi dumarating ang insik na may dala ng ulam, ay tumindig ang isa sa mga nag aaral at tumungo sa pinaka look, sa may durungawang harap sa ilog; datapway madaling bumalik na humuhudyat ng palihim. sinusubukan tayo; nakita ko ang minamahal ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang bulalas ni isagani na sabay ang tindig. huwag nang magpagod: nang makita ako ay umalis. lumapit sa durungawan at tumanaw sa liwasan. pagkatapos ay hinudyatan ang kaniyang mga kasama upang mangagsilapit. nakita nilang lumabas sa pintuan ng magpapansit ang isang binata na palingonlingon at lumulan, na kasama ang isang hindi kilala, sa isang sasakyang nag aantay sa tabi ng bangketa. ang sasakyan ay kay simoun. ang bulalas ni makaraig: ang alipin ng vice rector ay pinaglilinkuran ng panginoon ng general. maagang bumangon si basilio upang tumungo sa hospital. mayroon na siyang takdang gagawin, dalawin ang kaniyang mga may sakit, paroon pagkatapos sa unibersidad upang mabatid ang ilang bagay na ukol sa kaniyang licenciatura at sa kahulihulihan ay makipagkita kay makaraig dahil sa gugol na mangyayari sa kaniyang pagkuha ng grado.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang malaking bahagi ng kaniyang naimpok ay iniukol niya sa itutubos kay huli at upang madulutan ito ng isang dampa na mapamamahayang kasama ng nuno, at hindi siya makapangahas na lumapit kay kapitang tiago, sa pangingilag na baka masapantahang ang gayon ay isang pauna sa mamanahing sinasabisabi sa kaniya. libang sa mga gayong iniisip ay hindi napuna ang mga pulupulutong na mga nag aaral na maagang nanggagaling sa loob ng maynila na waring isinara ang mga paaralan; lalo pa manding hindi napuna ang anyong natutubigan ng ilan, ang paanas na usapan, ang lihim nilang hudyatan. kayat nang dumating sa san juan de dios at tinanong siya ng kaniyang mga kaibigan ng ukol sa isang panghihimagsik, si basilio ay napalundag at naalaala ang binabalak ni simoun, na hindi natuloy dahil sa mahiwagang sakuna na nangyari sa manghihiyas. lipos katakutan at nanginginig ang boses ay tumanong na nagpakunwaring walang kamuwangmuwang: ah! ang panghihimagsik? napag alaman!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang sabi ng isa, at tila marami ang nahahalo. pinilit ni basilio ang makapagpigil. marami ang nahalo? ang ulit na tinangkang makabatid ng kahit munting bagay sa mga mata ng iba; at sino sino.? mga nag aaral, maraming mga nag aaral! inakala ni basilio na hindi nararapat na magtanong pa sa pag aalalang baka siya mahalata, at lumayo sa pulutong, na ang dinahilan ay ang pagdalaw sa kaniyang mga may sakit. isang guro sa clinica ang sumalubong sa kaniya, at matapos na mapigilan siya sa balikat na lubhang mahiwaga (ang guro ay kaibigan niya), ay marahan siyang tinanong: naparoon ba kayo sa hapunan kagabi? sa kalagayang lito ni basilio ng mga sandaling iyon, ay nagkariringgang kamakalawa sa gabi ang sinabi sa kaniya. nang kinamakalawahan sa gabi nangyari ang pakikipag usap kay simoun. nagtangkang magpaliwanag. sasabihin ko sa inyo ang bulong halos sa dahilang masama ang lagay ni kapitang tiago at saka kailangan kong matapos ang mata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mabuti nga ang nagawa ninyong hindi naparoon, ang sabi ng guro, ngunit kasama ba kayo sa kapisanan ng mga nag aaral? ibinibigay ko ang aking ambag. kung gayon ay isang payo: umuwi kayo ngayon din at pawiin ninyo ang lahat ng papel na makasasama sa inyo. kinibit ni basilio ang kaniyang balikat. wala siyang anomang papel, mayroon siyang mga tala na ukol sa klinika at wala nang iba. si ginoong simoun po kayay.? walang pakialam si simoun sa pangyayari, salamat sa dios! ang dagdag ng manggagamot sinugatan ng isang taong hindi kilala, at ngayoy nahihiga. hindi, ditoy ibang kamay ang kumikilos, ngunit kakilakilabot din. si basilio ay huminga. si simoun ang tanging makapag huhulog sa kaniya. gayon man ay naalaala si kabisang tales. wala, tao kayo, wala kundi mga nag aaral lamang. natiwasay na si basilio. ano, kung gayon, ang nangyari? ang naipangahas na itanong. nakatagpo ng mga paskin na masasama ang sinasabi; hindi baga ninyo batid? sa unibersidad. wala na kundi iyon?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi pa ba sukat sa inyo ang gayon? ang tanong na halos galit ng tagapagturo; hinihinalang gawa ng mga nagsasaping nag aaral ang mga paskin, ngunit huwag kayong umimik! dumarating ang guro sa patologia, isang ginoong malamang pang anyong sakristan kay sa anyong manggagamot. nahalal sa tulong ng lakas ng vice rector, na hindi na hinilingan ng anomang karapatan liban sa lubos na pag alinsunod sa corporacion at inaaring isang tiktik at mangsusumbong ng ibang guro sa facultad. ginanti siya ng bating pasumala ng unang guro na kinindatan si basilio at malakas na sinabing: batid ko nang nag aamoy bangkay si kapitang tiago; dinalaw na ng mga uwak at buitre. at pumasok sa salas ng mga propesor. tiwatiwasay na, si basilio ay nangahas na magsiyasat ng iba pang bagay. ang tanging nabatid niya ay ang pagkakatagpo ng mga paskin sa mga pinto ng universidad, mga pasking ipinabakbak ng vice rector upang ipadala sa gobierno civil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sinasabing puno ng pagbabala, pagputol ng mga liig, pagsalakay at iba pang mga pagmamatapang. sa bagay na itoy nangagkukurokuro at nagpapalapalagay ang mga nag aaral. ang mga unang balita ay tinanggap nila sa bantay pintuan, na tumanggap ng balita sa isang alila sa sto. tomas, at itoy sa isang capista naman nakabalita. sinasapantaha na nilang magkakaroon ng mga suspenso mga pagkapiit, at ibp., at itinuturo na ang mga mapaparusahan, na dili ibat ang mga nasa kapisanan. noon naalala ni basilio ang mga pangungusap ni simoun: sa araw na magagawang kayoy pawiin. hindi ninyo matatapos ang inyong pag aaral. mayroon kaya siyang nalalamang bagay? ang tanong sa sarili; tingnan natin kung sino ang lalong makapangyayari. at nang makapagbalik loob na, upang mabatid ang nararapat niyang gawin at maalam din naman ang ukol sa kaniyang licenciatura ay tinungo ni basilio ang universidad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dumaan sa daang legazpi, tumuloy sa daang beaterio, at nang dumating sa liko ng daang ito at ng solana ay namatyagan nga niya na tila may isang malaking bagay na nangyari. sa mga dating pulupulutong na masasaya at maiingay ay daladalawang guardia veterana ang kaniyang nakita sa mga banketa na nangag aaboy sa mga nag aaral na lumalabas sa unibersidad, na ang ilan ay walang kakibokibo, malalamlam ang mukha, ang ibay galit na nangagsisitayo sa dakong malayolayo nangagsisiuwi sa kanikanilang mga bahay. ang kaunaunahan niyang nasagupa ay si sandoval. hindi pinuna ang katatawag ni basilio; waring naging bingi. gawa ng takot sa katas ng bituka! ang sinapantaha ni basilio. pagkatapos ay si tadeo naman ang natagpuan, na masayang masaya. tila mangyayari din ang walang katapusang cuacha . ano ang nangyayari, tadeo? wala tayong pasok ng hindi bababa sa isang linggo, bigan! at pinagkikiskis ang mga kamay sa katuwaan. datapuway ano ang nangyari? ibibilanggo tayong mga kaanib sa kapisanan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"walang pasukan, walang pasukan! at lumayong hindi magkasiya sa galak. nakitang dumarating si juanito pelaez na namumutla at nanganganib; ang kaniyang kakubaan noon ay umabot sa lalong katambukan, nagtutumulin siya sa pag ilas. siyay naging isa sa mga lalong masigasig na nag uusig na matayo ang kapisanan samantalang mabuti ang lakad., pelaez, ano ang nangyari? wala, wala akong nalalaman! akoy walang pakialam ang nangingilabot na sagot sinasabi ko na sa kanila; iyan ay kaululan. hindi ba gayon ang sabi ko? hindi alam ni basilio kung sinabi niya hindi, ngunit sa pagbibigay loob sa kaniya ay sumagot: oo! ngunit ano ang nangyayari? tunay nga, ano? tingnan mo, ikaw ay saksi; kailan man ay hadlang ako. ikaw ang saksi, tingnan mo, huwag mong limutin! oo, oo; ngunit ano ang nangyari? tingnan mo; saksi ka! hindi ako nakikilahok kailan man sa kapisanan kundi upang pagpaliwanagan ko kayo. baka mo ipagkaila pagkatapos! huwag mong lilimutin ha?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi, hindi ko itatakwil, ngunit ano na ang nangyari, anak ka ng dios? si juanito ay malayo na: nakitang lumalapit ang isang guardia at natakot na baka siya hulihin. nang magkagayon ay tumungo si basilio sa unibersidad upang tingnan kung baka sakaling bukas ang kalihiman at upang makatanggap ng balita. nakalapat ang pintuan ng kalihiman at sa bahay na iyon ay may di karaniwang kilusan. akyat manaog sa mga hagdanan ang mga prayle, militar, pulistas, matatandang abogado at mediko, upang ihandog marahil ang kanilang tulong sa may kapanganiban. natanaw sa malayo ang kaibigan niyang isagani, na, namumutla at bago ang anyo, taglay ang boong gilas kabataan, na nag uulat sa ilang kasama sa pag aaral at inilalakas ang pagsasalita na waring walang kabuluhan sa kaniya ang madingig man ng lahat. kahalayhalay, mga ginoo, kahalayhalay na ang isang pangyayaring gangganiyan lamang ay makapagpatakbo sa atin at mapailas tayong wariy mga langaylangayan dahil lamang sa ang panakot upo ay gumalaw!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngayon lamang ba mangyayaring ang mga binatay mabibilanggo ng dahil sa pagtatanggol ng kalayaan? nasaan ang mga patay, nasaan ang mga nabaril? bakit tataliwakas ngayon? ngunit sino kaya ang hangal na sumulat ng mga gayong paskin? ang tanong na pagalit ng isa. ano ang mayroon sa atin? ang sagot ni isagani hindi natin katungkulan ang magsiyasat, siyasatin nila! bago matanto ang ayos ng pagkakasulat ay hindi natin kailangan ang magpakita ng pagkampi sa mga ganitong sandali. doon sa may panganib, doon tayo dapat pumaroon, sapagkat doon naroon ang karangalan! kung ang sinasabi ng mga paskin ay kasang ayon ng ating karangalan at mga damdamin, sino man ang sumulat, ay mabuti ang ginawa, nararapat nating pasalamatan at agarin nating isama sa kaniya ang ating lagda. kung hindi kapit sa atin, ang ating inuugali at ang ating mga budhi ay sadya nang tumututol sa anomang sumbong. nang madingig ni basilio ang gayong pagsasalita, kahit na mahal sa kaniya si isagani, ay pumihit at umalis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"paparoon siya sa bahay ni makaraig upang sabihin ang tungkol sa pagsandali. sa kalapit ng bahay ng mayamang nag aaral ay nakapuna ng mga bulong bulungan at mahiwagang hudyatan ng mga kapitbahay. sa dahilang hindi talos ng binata ang sanhi ng pinag uusapan ay palagay na ipinatuloy ang kaniyang lakad at pumasok sa pintuan. dalawang bantay na veterana ang sumalubong sa kaniyat siyay tinanong kung ano ang ibig. nahalata ni basilio na siyay nagbiglabigla ngunit hindi na makaurong. hinahanap ko ang aking kaibigang si makaraig ang patuloy na sagot. ang mga bantay ay nagtinginan. mag antay kayo rito ang sabi sa kaniya ng isa, antabayanan ninyo ang kabo. si basilio ay napakagat labi, at ang mga pangungusap ni simoun ay muling umugong sa kaniyang tainga. hinuhuli kaya si makaraig? ang inisip niya, ngunit hindi nakapangahas na magtanong. hindi nag antay nang malaon; ng sandaling yaon ay pumapanaog si makaraig na masayang nakikipag usap sa kabo, na kapuwa pinangungunahan ng isang alguacil .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pati ba kayo, basilio? titingnan ko kayo. marangal na asal! ang sabing tumatawa ni makaraig, noong mga araw na payapa, ay lumalayo kayo sa amin. itinanong ng kabo kay basilio ang kaniyang pangalan at tiningnan ang isang talaan. nag aaral sa panggagamot, daang anloague? ang tanong ng kabo. kinagat ni basilio ang kaniyang labi. bakit, pati ba ako? si makaraig ay humalakhak. huwag kayong manganib, kaibigan; magkakaruahe tayo, at sa gayon ay isasalaysay ko sa inyo ang hapunan kagabi. at sa isang mainam na kilos, na waring nasa kaniyang bahay, ay inanyayahan ang auxilio at ang kabo na lumulan sa sasakyang nagaantay sa kanila sa pinto. sa gobierno civil! ang sabi sa kotsero. isinalaysay ni basilio, na nakapagbalik loob na, kay makaraig ang sanhi ng kaniyang pagdalaw. hindi siya binayaang matapos ng mayamang nag aaral at siyay kinamayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"maaasahan ninyo ako kaibigan, maaasahan ninyo ako at sa pista ng ating investidura ay aanyayahan natin ang mga ginoong ito, ang sabing itinuro ang kabo at ang alguasil. vox populi, vox dei. iniwan natin si isagani na nagsasalita sa kaniyang mga kaibigan. sa gitna ng kaniyang kasigabuhan, ay nilapitan ng isang kapista upang sabihin sa kaniyang ibig siyang makausap ni. fernandez, isa sa mga katedratiko sa ampliacion . si isaganiy namutla. sa ganang kaniyay isang taong kagalanggalang si. fernandez: yaon ang isa na kaniyang itinatangi kailan pa mat ang napag uusapan ay ang pag alimura sa prayle. kinibit ng kapista ang balikat; sinundan ni isagani na masama ang loob. fernandez, yaong prayleng nakita natin sa los banos, ay nag aantay sa kaniyang silid, malungkot at walang imik, na nakakunot ang noo na waring nag iisip. tumindig nang makitang pumasok si isagani, binati itong kinamayan, at inilapat ang pintuan; pagkatapos ay nagpayaot dito sa magkabilang dulo ng silid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nakatayo si isaganing inaantay na siyay kausapin. ginoong isagani, ang sabing ang tingig ay nanginginig, ng malaunan: mula sa durungawan ay nadingig ko kayong nagsasalita, sa dahilang akoy natutuyo, ay matalas ang aking pangdingig, kayat ninasa kong kayoy makausap. kailan man ay kinalugdan ko ang mga binatang nagpapahayag ng maliwanag at mayroong kaniyang sariling paghuhulo at pagkilos; walang kailangan sa akin na ang kanilang pagkukuro ay maiba sa pagkukuro ko. alinsunod sa aking nadingig, ay nagkaroon kayo kagabi ng isang hapunan, huwag kayong magdahilan. sa hindi naman ako nagdadahilan! ang putol ni isagani. lalong mabuti, iyan ay nagpapakilalang inyong pinangangatawanan ang magiging bunga ng inyong ginawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa isang dako ay masama pa ang kayoy tumakwil; hindi ko kayo sinisisi, hindi ko pinupuna ang mga pinagsabi doon kagabi; hindi ko kayo binibigyang sala, sapagkat may kalayaan kayong magsabi ng bawat maisip na laban sa mga dominiko; kayoy hindi sa amin aral; ng taong ito lamang nagkaroon kami ng lugod na mapatungo kayo rito sa amin at marahil ay hindi na kayo mapasok na muli pa. huwag ninyong akalain na tutukoy ako ng ukol sa utang na loob, hindi; hindi ko aaksayahin ang aking panahon sa mga bagay na walang kabuluhan. ipinatawag ko kayo, sapagkat inakala kong kayoy isa sa mga kakaunting nag aaral na kumikilos ng dahil sa sariling pananalig, at sa dahilang kinalulugdan ko ang mga taong may lubos na pananalig, aniko sa sarili ay, makikipaglinawan ako kay ginoong isagani. fernandez ay humintong sandali at ipinatuloy ang kaniyang pagpapayaot dito na nakatungo at nakatingin sa dakong ibaba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kayoy makauupo kung ibig ninyo, ang patuloy; may ugali akong lumalakad ay nagsasalita, sapagkat sa gayon ay lalong natutumpak ang aking mga pagkukuro. si isaganiy nagpatuloy na nakatayo, mataas ang ulo, at inaantay na tiyakin ng katedratiko ang salitaan. mahigit nang walong taong na akoy nagtuturo, ang patuloy ni . fernandez na palakadlakad at nakilala kot nakasalamuha ang mahigit sa dalawang libo at limang daang binata; tinuruan ko sila, pinunyagi ko ang mapadunong, inaralan ko ng pagtataglay ng katwiran, ng karangalan, ngunit gayon man, sa panahong ito na lubhang marami ang inilalait sa amin, ay wala akong nakitang isa man na nagkaroon ng kapangahasang pagmatigasan ang kaniyang mga sinasabi kapag nahaharap sa isang prayle. ni masabi man lamang ng malakas sa harap ng marami. may mga binatang inuupasalaan kami sa likod at hinahagkan ang aming mga kamay kung kaharap at sa tulong ng ngiting bulisik ay nanananghod ng aming sulyap! ano ang ibig ninyong gawin namin sa mga ganiyang tao?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi nila sarili ang kasalanan, padre, ang sagot ni isagani, ang kasalanan ay nasa sa mga nagturo sa kanila ng pagbabalatkayong ugali, nasa mga sumisiil sa malayang kaisipan, sa malayang pangungusap. dito, ang lahat ng pagkukurong sarili, ang anomang salita na hindi kasang ayon ng nasa ng nakapangyayari, ay ipinalalagay na pagkapilibustero, at alam ninyong maigi ang kahulugan ng salitang ito: baliw ang sa pagnanasang masabi lamang na malakas ang iniisip ay hahanda sa pagtitiis ng mga pag uusig! ano ang mga pag uusig na inyong tinitiis? fernandez na itinaas ang ulo, hindi ko kayo binayaang mangusap ng malaya sa aking klase? ngunit gayon man, kayoy isang maitatangi, na, kung tunay ang sinasabi, ay dapat kong ituwid, upang mapalaganap ang kaugalian, kung mangyayari, upang maiwasan ang masamang halimbawa! ngumiti si isagani.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pinasasalamatan ko kayo at hindi ko ipakikipagtalo kung akoy natatangi hindi; tatanggapin ko ang katangian upang tanggapin naman ninyo ang aking sasabihin; kayo man ay tangi rin; at sa dahilang ditoy hindi natin pag uusapan ang mga pagkakatangi, ni ang pagpaparangya ng ating mga pagkatao, sa ganang akin ay gayon ang aking akala, ay ipinamamanhik ko sa aking katedratiko na mangyaring baguhin ang lakad ng salitaan. kahit na may pagkukurong malaya ay napataas ang ulo ni. fernandez at tinitigang lipos pagkakamangha si isagani. ang binatang iyon ay may mahigit pang pagkamalaya kay sa inakala niya; kahit tinawag siyang katedratiko kung tatayahin, ay inaari siyang kapantay, dahil sa nangahas magmungkahi. dahil sa mabuting magparaan sa pakipag usap, ay hindi lamang tinanggap ni. fernandez ang pangyayari, kun di siya na ang nagbukas. ang sabi, ngunit huwag ninyong ipalagay na akoy inyong guro; akoy isang prayle at kayoy isang nag aaral na pilipino; walang labis, walang kulang!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at ngayon ay itatanong ko sa inyo: ano ang nasa sa amin ng mga nag aaral na pilipino? dumating na pabigla ang katanungan: si isagani ay hindi handa. iyon ay isang ulos na biglang lumusot samantalang nagmumuog, gaya ng tawag sa esgrima . sa kabiglaanang iyon, si isagani, ay tumugon ng isang matinding salag na waring isang baguhang nagsanggalang: na kayoy mangagsitupad sa inyong kautangan! si pray fernandez ay umunat: naging wariy putok ng kanyon, sa ganang kaniya, ang kasagutan. na kamiy tumupad sa aming kautangan! ang ulit na nagpakaunat unat, kung gayoy hindi kami tumutupad sa aming kautangan? anong mga kautangan ang itinutungkol ninyo sa amin? yaon ding malayang iniatang sa sarili ninyo ng kayoy pumasok sa kalipunan, at yaong pagkatapos, nang nasa sa loob na kayo, ay ninasang taglayin!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit sa aking pagkanag aaral na pilipino, ay hindi ko inaakalang akoy may karapatang sumuri ng inyong inaasal sang ayon sa inyong mga palatuntunan, sa katolisismo, sa pamahalaan, sa bayang pilipino at sa boong sangkatauhan: mga bagay iyang dapat ninyong linawin sa mga tagapagtatag ninyo, sa papa, sa pamahalaan, sa boong bayan sa dios: sa aking pagkanag aaral na pilipino, ay ang kautangan lamang ninyo sa amin ang tangi kong tutukuyin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga prayle, ang kalahatan, sa pagiging tagasiyasat ng pagtuturo sa bayan bayan, sa mga lalawigan, at ang mga dominiko, sa ganang kanila, sa paglilikom sa kanilang mga kamay ng mga pag aaral ng kabinataang pilipino, ay tumanggap ng katungkulan, sa harap ng walong angaw angaw na mamamayan, sa harap ng espana at sa harap ng sangkatauhan na ating kinasasamahan, na pabutihin sa tuwituwi na ang batang binhi, sa ugali at pangangatawan, upang ilandas siya sa kaniyang kaligayahan, lumikha ng isang bayang marangal, malusog, matalino, mabait, marilag at matapat. at ngayoy ako naman ang magtatanong: tumupad baga ang mga prayle sa kanilang katungkulan? gumaganap kami. fernandez, ang pakli ni isagani; kung itututop ninyo ang kamay sa inyong puso ay makasasagot kayong tumutupad, ngunit kung itututop ang kamay sa puso ng inyong kalipunan, sa ibabaw ng puso ng lahat nang mga kalipunang prayle, ay hindi ninyo masasabi ang gayon ng hindi masisinungalingan! ah, padre fernandez!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kapag nahaharap ako sa isang taong aking minamamahal at iginagalang, ay ibig ko pa ang ako ang sisihin kay sa sumisi, ibig ko pa ang magsanggalang kay sa sumugat. ngunit yamang pumasok na tayo sa pagpapaliwanagan ay magpatuloy na tayo hanggang sa wakas! papano ang ginagawang pagtupad sa kautangan ng mga nagsisiyasat ng pagtuturo sa mga bayan bayan? hinahadlangan! at ang mga tanging may hawak dito ng mga pagpapaaral, ang mga may ibig na mag ayos ng pag iisip ng kabataan, na walang ibang makapanghimasok papaano ang ginagawang pagtupad sa kanilang katungkulan? inaawasan hanggang mangyayaring awasan ang mga pagkataho, pinapatay ang lahat ng sulak at sigabo, inaaba ang lahat ng karangalan, tanging nagpapakilos sa kaluluwa, at itinatanim sa amin ang matatandang pagkukuro, ang mga lipas na karunungan, ang mga maling batasan ng katwiran na di kaagpang ng pamumuhay sa pagsulong!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung ang linalayon ay ang pagpapakain sa mga bilanggo, ang pagbibigay ng kakanin sa mga nagkasala, ay inilalagay ng pamahalaan sa subasta upang matagpuan ang makapagdudulot ng lalong mabuting pagkain, ang hindi papatay ng gutom sa kanila; kapag ang tinutungo ay ang palusugin ang pag iisip ng isang boong bayanan, palusugin ang kabataan, ang bahaging lalong mabuti, ang sa huliy magiging siyang bayan at siyang lahat, di lamang hindi inilalagay sa subasta ng pamahalaan, kung di pinalalagi ang kapangyarihan doon sa kalipunan na nagpaparangya ng pag ayaw sa ikatututo, ng pag ayaw sa anomang pagkakasulong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ano ang wiwikain natin kung ang nagdadala ng pagkain sa mga bilangguan, matapos na makuha sa pailalim na paraan ang kasunduang pagpapakain, ay bayaang manglambot ang kaniyang mga bilanggo sa kakulangan sa dugo, dahil sa ang ibinibigay na pagkain ay lahat noong lipas at laos, at pagkatapos ay magdahilang sabihin na hindi nababagay na magkaroon ng mabuting katawan ang mga bilanggo, sapagkat ang mabuting katawan ay nagdudulot ng masasayang kaisipan, sa dahilang ang katuwaan ay nagpapabuti sa tao, at ang taoy hindi dapat bumuti, sapagkat naaayon sa hangad ng nagpapakain ang magkaroon ng maraming nagkakasala? ano ang wiwikain natin kung ang pamahalaan at ang nagpapakain ay magkasundo na sa sikolo labindalawang kualta na tinatanggap ng isa, sa bawat isang may sala, ay tanggapin naman ng isa ang aliw? kinakagatkagat ni. fernandez ang kaniyang mga labi. napakatinding sumbong iyan, ang sabi, at kayoy lumalagpas sa hangganan ng ating kasunduan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi, padre; patuloy ako sa pagtukoy ng ukol sa pag aaral. ang mga prayle, at hindi ko sinasabing kayong mga prayle, sapagkat hindi ko kayo ibinibilang sa karamihan, ang mga prayle ng lahat ng orden ay naging pawang tagapagdulot ng aming ikatatalino, at sinasabi nila at inihahayag ng walang kahiyahiya, na hindi nararapat na kamiy dumunong, sapagkat balang araw ay hahangarin namin ang maging malaya! itoy kagaya noong ayaw palusugin ang katawan ng bilanggo upang huwag bumuti at makaalis sa bilangguan. ang kalayaan, sa taoy, kagaya ng ikatututo kung sa katalinuhan, at ang pag ayaw ng prayle na kamiy tumalino ay siyang sanhi ng di namin kasiyahang loob! ang karunungan ay ibinibigay lamang doon sa karapatdapat magtamo! fernandez, kung ipagkakaloob sa mga taong walang matibay na puso at mabuting asal ay hahalay lamang. at bakit may mga taong walang matibay na puso at mabuting asal? kinibit ng dominiko ang kaniyang balikat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mga kasiraang nasususo nang kasama ng gatas, na nalalangap sa loob ng lipi. ang biglang bulalas ng binata, hindi ninyo sinuring mabuti ang bagay na pinag uusapan, hindi ninyo ginawang tanawin ang kailalimilaliman dahil sa pangambang baka mamalas doon ang anino ng inyong mga kakapatid. kayo ang may kagagawan ng aming anyo. ang bayang sinisiil ay pinipilit na magtaglay ng balat kayong ugali; yaong pinagkakaitan ng katotohanan ay binibigyan ng kasinungalingan; ang nagpapakadahas ay gumagawa ng alipin. walang mabuting aral, ang wika ninyo, kahit na! kahit mangyayaring pabulaanan kayo ng mga talaan, sapagkat ditoy hindi nangyayari ang mga pagkakasalang kagaya ng sa maraming bayang nabubulag sa kanilang palalong taguring nangag aayos ng ugali. datapway kahit hindi hangad ang suriin sa ngayon kung ano ang bumubuo ng hilig at sa dahilang natutungod sa kabutihang ugali ang aral na tinanggap, ay sang ayon ako sa inyo na kami ngay may kasiraan. sino ang may sala sa pangyayaring iyan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kayong may tatlong daat limang pung taong naghahawak ng aming ikatututo kaming umaalinsunod sa lahat ng bagay? kung makaraan ang tatlong daat limang pung taon ay walang nayari ang eskultor kundi isang walang ayos na larawan, ay lubhang napakatunggak. masama ang putik na ginagamit. lalo pang tunggak kung gayon, sapagkat alam na masama pala ay hindi iniiwan ang putik at nagpapatuloy sa pag aaksaya ng panahon. at hindi lamang tunggak, kungdi nagdadaya at nagnanakaw, sa dahilang batid na walang kapararakan ang kaniyang gawa ay ipinagpapatuloy upang tanggapin ang kaupahan. at hindi lamang tunggak at magnanakaw kung di taksil sapagkat humahadlang na ang lahat ng ibang eskultor ay sumubok ng kanilang kaya upang tingnan kung makakayari ng bagay na may halaga! kalaitlait na pangingilag ng walang kasapatan! ang tugon ay napakatindi at naramdaman ni. fernandez na siyay nasilo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tiningnan si isagani at namalas niyang malaki, hindi madadaig, namamaibabaw at noon lamang siya naranasan, sa boo niyang kabuhayan, ang pag aakalang siyay tinalo ng isang nag aaral na pilipino. nagsisi siya dahil sa kaniyang pagkakahamon sa pagtatalo, ngunit huli na. sa kaniyang kagipitan at sa pagkakalagay sa harap ng gayong dapat katakutang kalaban ay humanap ng mabuting kalasag at pinanghawakan ang pamahalaan. ipinapataw ninyo sa amin ang lahat ng kasalanan, sapagkat wala kayong nakikita kundi kaming kalapit, ang sabing ang boses ay wala nang pagmamataas, talagang gayon, hindi ko ipinagtataka! kinamumuhian ng bayan ang sundalo ang alguasil na humuhuli sa kaniya at hindi ang hukom na nag utos ng paghuli. kayo at kamiy sumasayaw na lahat ng alinsunod sa lakad ng isang tugtugin: kung itinataas ninyo ang inyong mga paa ng sabay sa amin, ay huwag kami ang sisihin: ang tugtuging nagtatakda ng ating kilos. inaakala baga ninyong kaming mga prayle ay walang budhi at ayaw kami sa kabutihan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"inaakala baga ninyong hindi namin kayo naaalaala, na hindi namin naaalaala ang aming kautangan, at kamiy kumakain lamang upang mabuhay at nabubuhay upang maghari? maanong magkagayon na nga! ngunit, gaya rin ninyong kamiy sumusunod sa lakad ng tugtugin; kamiy pigipit na pigipit: palayasin ninyo kami kamiy palayasin ng pamahalaan. ang pamahalaan ay siyang nag uutos, at sa nakapaguutos ay walang katwiran kundi ang sumunod! sa bagay na iyan, kung gayon, ay makukuro ang sabi ni isagani na nakangiti ng malungkot, na hangad ng pamahalaan ang aming ikasasama? oh, hindi, hindi iyan ang ibig kong sabihin! ibig kong sabihin, na may mga paniniwala, may mga palagay at mga kautusan na inilalagda ng mabuti ang layon ngunit mga kasakitsakit ang iniaanak. ipaliliwanag kong lalong mabuti sa pagbanggit ng isang halimbawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"upang pigilin ang isang munting kasamaan, ay naglalagda ng maraming kautusan na nagiging sanhi ng lalo pang maraming kasamaan: corruptissima in republica plurim leges ang sabi ni tacito. upang iwasan ang isang pagdaraya, ay naglalagda ng isang angaw angaw at kalahati na kapasiyahang nagbabawal at nakadudusta, na ang iniaanak kaagad ay ang gisingin ang bayan upang iwasan at linlangin ang mga tinurang pagbabawal: upang gawing makasalanan ang isang bayan ay walang mabuting paraan na di gaya ng pag alinlanganan ang kaniyang kabaitan. lumagda ng isang kautusan, huwag na rito kundi sa espana, at tingnan ninyo kundi pag aaralan ang paraan ng paglinlang sa kaniya, ang gayoy sapagkat nalimot ng mga gumagawa ng kautusan ang pangyayari na samantalang ipinagkakatagotago ang isang bagay ay lalo namang pinagnanasaang makita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"bakit ang masamang gawa at katalasan ay inaaaring malaking sangkap ng bayang kastila gayong wala siyang makakapantay kung sa pagkamahal na tao, sa pagkamapagmataas at sa pagkamahaldika? sapagkat ang tagalagda namin ng kautusan, sa loob ng lalong mabuting adhika, ay nangag alinlangan sa kaniyang pagkamahal, sinugatan ang kaniyang kataasan at hinamon ang kaniyang pagkamahaldika! ibig ninyong gumawa sa espana ng isang daanan sa gitna ng mga talampas? kung gayoy lagyan ninyo doon ng isang babalang magahasa na ipinagbabawal ang magdaan, at iiwan ng bayan, na tumututol sa pagbabawal, ang daanan upang mangunyapit sa mga bato. sa araw na ipagbawal sa espana ang kabaitan, ng isang manggagawa ng kautusan, at ipaganap na sapilitan ang kasamaan, sa kinabukasan ay mabait na lahat ang tao! huminto ang dominiko, at pagkatapos ay nagpatuloy: ngunit masasabi ninyong lumalayo tayo sa salitaan; magbabalik ako.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang masasabi ko upang kayoy maniwala, ay, na ang kasiraang tinataglay ninyo ay hindi nararapat na ibintang sa amin ni sa pamahalaan; iyan ay nasa sa di wastong pagkakatatag ng aming kapisanan, qui multum probat, nihil probat na nasasawi sa kahigitan sa pag iingat, kakulangan sa kailangan at lampas doon sa kalabisan. kung kinikilala ninyo ang mga kasiraang iyan ng inyong kapisanan, ang tugon ni isagani, bakit nanghihimasok sa pag aayos ng kapisanan ng iba at hindi ang unahin ay ang sarili muna? napapalayo tayo sa ating salitaan, binata; ang kaparaanang pagsang ayon sa mga bagay na nangyari na ay dapat tanggapin. tinatanggap ko, sapagkat isa ng nangyari at patuloy ako sa pagtatanong: bakit, kung ang pagkakatatag ng inyong kapisanan ay may kasiraan, ay hindi ninyo palitan kayay dinggin man lamang ang tingig ng mga napipinsalaan? nalalayo pa rin tayo: ang pinagsasalitaan natin ay kung ano ang nasa ng mga nag aaral sa mga prayle.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sapol sa sandaling ang mga prayle ay nagkakanlong sa likod ng pamahalaan ay ito na ang tutunguhin ng mga nag aaral. ang pakli ay makatwiran; sa dakong iyon ay walang lulusutan. hindi ako ang pamahalaan at hindi ko masasagutan ang kaniyang mga kilos. ano ang nasa ng mga nag aaral na gawin namin, alang alang sa kanila, sa loob ng hangganang aming kinalalagyan? huwag humadlang sa kalayaan ng pag aaral, kundi tumulong pa nga. iniling ng dominiko ang ulo. kahit hindi ko tuturan ang sarili kong pagkukuro, iyan ay paghiling sa aming kamiy magpatiwakal, ang sabi. hindi po, kung di bagkus na iba, iyan ay paghinging kamiy paraanin upang huwag kayong masagasa at madurog. fernandez na huminto at nag isip simulan ninyo sa paghingi ng bagay na hindi gayon kabigat, isang bagay na maaaring itulot ng bawat isa sa amin na hindi ikasisira ng karangalan at mga karapatang taglay, sapagkat kung mangyayaring tayoy magkalinaw at mamuhay ng payapa anot magkakagalit, anot maghihinalaan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung gayon ay tutungo tayo sa pagtukoy sa mga kasanhian. oo, sapagkat kung tatangkiin natin ang kinatitirikan ay maiguguho natin ang bahay. tunguhin natin ang mga kasanhian kung gayon, iwan natin ang kinalalagyan ng mga batayan ng katwiran; at hindi rin sasabihin ang sarili kong pagkukuro at ditoy idiniin ng binata ang salita maghuhumpay ang mga nag aaral sa kanilang inaayos at mapapawi ang ilang kapaitan kung ang mga nagtuturo ay matututong pagpakitaan sila ng mabuti kay sa ipinakikita hanggang sa ngayon. itoy nasa sa inyong mga kamay. ang tanong ng dominiko mayroon bagang anomang daing sa aking inuugali ang mga nag aaral? padre, sa simula pay nagkasundo tayong hindi tutukuyin ni ako ni kayo. nag uusap tayo ng pangkalahatan: bukod sa walang napapala ang mga nag aaral sa mga taong dinadaan sa mga klase, ay madalas pang iwan doon ang bahagi ng kanilang karangalan, kungdi man ang lahat. fernandez ang kaniyang labi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"walang pumipilit sa kanilang mag aral; ang mga bukirin ay hindi natatamnan ang matigas na sagot. oo, may bagay na pumipilit sa kanilang mag aral, ang tugon, na gayon din ang ayos ni isagani, na pinakaharapharap ang dominiko. bukod sa katungkulan ng bawat isa na hanapin ang kaniyang ikawawasto, ay may isang likas na nasa ang tao na patalasin ang kaniyang pag iisip, pagnanasang lalong masidhi dito sa dahilang lubhang pinipigil; at ang nagbibigay ng kaniyang salapi at buhay sa pamahalaan ay may karapatang hingin dito na bigyan siya ng liwanag upang kitaing lalong mabuti ang kaniyang salapi at maingatang lalo ang kaniyang buhay. opo, padre; may bagay na pumipilit sa kanila, at ang bagay na iyan ay ang pamahalaan din, kayo ring kumukutyang walang habag sa indio na hindi nag aral at ipinagkakait ang kanilang karapatan, sa pananangan sa sanhing silay mangmang. hinuhubaran ninyo sila at pagkatapos ay kinukutya ang kanilang ikahihiya!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"fernandez ay hindi sumagot; nagpatuloy sa pagyayaot dito, ngunit hindi mapalagay na waring nagugulumihanan. sinasabi ninyong ang mga bukirin ay hindi natatamnan! ang patuloy ni isagani na iba na ang ayos, makaraan ang isang sandaling pananahimik huwag tayong pumasok ngayon sa pagsuri ng kadahilanan, sapagkat mapapalayo tayo sa pinag uusapan; ngunit kayo . fernandez, kayo, guro, kayo, taong may karunungan, ibig ninyo ang isang bayan ng mga manananim, ng mga magsasaka! sa ganang inyo bagay ang pagkamangsasaka na lamang ang kalagayang lalong wastong maaabot ng tao sa kaniyang pagsulong? ibig ninyong mapainyo ang karunungan at mapasa iba ang paggawa?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi, ibig kong ang karunungan ay taglayin noong dapat magtaglay, noong makapag iingat sa kaniya, ang sagot, kapag nagpakita ang mga nag aaral ng katibayan ng pag ibig sa kaniya; kapag nagkaroon na ng mga binatang may pananalig, mga binatang marunong magtanggol sa kaniyang karangalan at maipagalang ito, ay magkakaroon ng karunungan, magkakaroon na ng mga gurong may paglingap! kung may mga gurong namamaslang ay sa dahilang may mga tinuturuang umaalinsunod! kapag nagkaroon ng mga guro ay magkakaroon ng mga nag aaral! kayo ang magpauna sa pagbabagong ayos, sapagkat kayo ang nangangailangan ng pagbabago, at kamiy susunod. siya nga, ang sabi ni isagani na malungkot ang ngiti, magpauna kami sa dahilang nasa dako namin ang kasiraan! taho ninyong lubos kung ano ang maaantay ng isang tinuturuang humarap sa isang guro: kayo na, na taglay ang boong pag ibig sa katwiran, ang boong kagandahang loob, ay nagkakahirap kayo sa pagpipigil ng tinuturan ko ang mapapait na katotohanan, kayong kayo na,.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ano ang kabutihang napala ng nagnasang maghasik sa amin ng ibang pagkukuro? at ano anong kasamaan ang dumagsa sa inyo dahil sa ninasang umugali ng mabuti at tumupad sa inyong kautangan? ginoong isagani, ang sabi ng dominiko na iniabot sa kaniya ang kamay, kahit sa wariy walang lubos na napala sa pag uusap nating ito, gayon may mayroon din tayong kaunting napulot; sasabihin ko sa aking mga kapatid ang inyong mga tinuran at inaantay kong kahit kaunti ay may magagawa. ang ipinanganganib ko lamang ay ang baka hindi mangagsipaniwalang may isang gaya ninyo. iyan din ang pangamba ko, ang tugon ni isagani na kinamayan ang dominiko, nanganganib akong baka ang aking mga kaibigan ay hindi maniwalang may isang gaya ninyo, kamukha ng pakikipagharapan ninyo sa akin ngayon. at dahil sa ipinalagay na tapos na ang salitaan, ay nagpaalam ang binata. fernandez ang pinto at sinundan siya ng tingin hanggang nakaliko sa corredor .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"malaong pinakinggan ang tunog ng kaniyang yabag, pagkatapos ay pumasok sa silid at inantay na siyay lumabas sa daan. nakita nga niya at nadingig na sinasabi sa isang kasama, na nagtatanong kung saan paparoon, na: sa gobierno civil! titingnan ko ang mga paskin at makikisama ako sa iba! ang kasama ay sindak na napatingin sa kaniya, na waring nagmamalas sa isang magpapatiwakal, at lumayong tumatakbo. kaawaawang binata! fernandez, na naramdamang nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata, kinaiingitan ko ang mga hesuita na nagturo sa iyo! fernandez ay namaling lubos; galit kay isagani ang mga hesuita, kayat nang mabatid sa kinahapunan na napipiit ang binata, ay sinabi nilang silay madadamay. ang binatang iyan ay sasama at makasisira sa atin! dapat mapag alamang ang mga pagkukurong iyan ay hindi dito natutuhan! hindi nangagbulaan ang mga hesuita, hindi; ang dios ang tanging nagkakaloob ng mga pagkukurong iyon, sa tulong ng kalikasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"naging parang manghuhula si ben zayb nang patunayan sa kaniyang pamahayagan, ng mga nakaraang araw, na ang pag papaaral ay masama, lubhang makasasama sa kapuluang pilipinas: ngayon, sa harap ng mga nangyari niyong araw ng biernes ng mga paskin, ay nangakak ang manunulat at inaawit ang kaniyang pagtatagumpay, at pinapangliit at nilito ang kaniyang kalabang si horatius na nangahas na kutyain siya sa tudling ng pirotecnia sa ganitong paraan: sa aming kapamahayagang el grito ang pagpapaaral ay masama, lubhang makasasama sa pilipinas! nalinawan na namin. malaon nang inaakala nang el grito na kinakatawan niya ang bayang pilipino; ergo. gaya nang wiwikain ni fray ibanez, kung marunong nang latin. ngunit si fray ibanez ay nagiging musulman kapag sumusulat, at alam natin kung papano ang ginagawa nang manga musulman sa pagpapaaral. testiga gaya nang sabi nang isang maalindog na predicador ang aklatan sa alejandria! ngayon ay may katwiran siya, si ben zayb!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa siya ang tanging nag iisip sa pilipinas, ang tanging nakahuhula ng mga mangyayari! kaya nga, ang balitang nakakuha ng mga pasking masasagwa ang sinasabi sa mga pinto ng universidad, ay hindi lamang nakapag alis ng gutom sa marami at nakasira ng tiyan sa iba, kundi nakapagpagulo rin sa mga mahinahong insik, na hindi nakapangahas na maupo sa kanilang mga tindahan na nakataas ang isang paa na gaya ng kaugalian, sa takot na baka sila gahulin sa pag uunat upang tumakbo. nang ika labing isa ng umaga, kahit na patuloy ang araw sa kaniyang lakad at ang marilag, ang capitan general, ay hindi lumalabas na nangunguna sa kaniyang mga mapagwaging kabig, ay naglalo pa mandin ang ligalig: ang mga prayleng laging pumaparoon sa tindahan ni quiroga ay hindi nangasisipot at ang bagay na itoy nagsasabing may mga kakilakilabot na mangyayari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung ang araw ay parisukat sana ng sumilang at ang mga kristo ay mga nakapantalon, ay hindi marahil makabakla kay quiroga na di gaya noon: inari niyang liampo marahil ang araw at ang mga santong larawan ay mga manglalaro ng chapdiqui na nangahubaran; ngunit ang hindi pagsipot ng mga prayle na nataon pa naman sa pagtanggap niya ng mga bagong bagay! sa bilin ng isang provincial na kaibigan niya, ay ipinagbawal ni quiroga sa kaniyang mga bahay na pinaglalaruan ng liampo at chapdiki ang pagpasok ng sino mang indio na hindi dating kilala; ang magiging konsul ng insik ay nangangambang baka nakawin ang salaping ipinatatalo roon ng mga mahihirap. matapos na maihanda ang kaniyang tindahan na mangyayaring biglang ilapat ang mga pinto sa isang sandali, ay napaabay sa isang bantay na veterana sa maikling pag itan ng bahay ni simoun sa kaniyang bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"inakala ni quiroga na iyon ang sandaling lalong kapit upang gamitin ang mga baril at punglo na nasa kaniyang imbakan, alinsunod sa paraang sinabi sa kaniya ng manghihiyas: maaasahang sa mga araw na susunod ay ipag uutos ang paghalughog sa mga bahaybahay at sa gayoy gaano ang mabibilanggo, gaano ang taong sa katakutan ay hindi ibibigay ang lahat ng naiimpok! yaon ang paraan ng mga dating carabinero na nagsusulot sa mga silong ng bahay ng mga tabako at dahong ipinagbabawal, pagkatapos ay magpapakunwaring manghahalughog at pipilitin ang kahabaghabag na may bahay na sumuhol magmulta! ang kaibhan nga lamang ay sa dahilang lalong naaayos ang paraan, at sa dahilang hindi na pigil ang tabako ay ang mga armas na bawal naman ang ginagamit sa ngayon! ngunit si simoun ay ayaw makipagkita sa kanino man at ipinasabi kay insik quiroga na bayaan sa pagkakalagay ang mga bagay na iyon, kayat tinungo ng insik si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"custodio upang itanong kung nararapat hindi nararapat balutihan ang kaniyang tindahan, ngunit si. custodio man ay ayaw ring tumanggap ng dalaw: kasalukuyang pinag aaralan ang isang munakalang ukol sa pagtatanggol, sakaling siyay makubkob ng kalaban. naalaala si ben zayb upang hingan ng balita; ngunit nang matagpuang nakabaluti mula sa ulo hanggang paa at dalawang rebolber ang ginagamit na pabigat sa mga papel ay dalidaling nagpaalam si quiroga at umuwi sa kaniyang bahay, at nahigang dinahilan na masama daw ang kaniyang katawan. nang ika apat ng hapon ay hindi na mga paskin lamang ang sang usap usapan. umalingawngaw na ang mga nag aaral at ang mga taga bundok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mateo ay nangagkakaalam; pinatitibayang pinagsumpaanan sa isang magpapansit na biglang lulusubin ang maynila; nabanggit ang mga pangdigmang dagat ng mga aleman, na nasa sa labas ng dagat maynila, na tutulong sa kilusan; isang pulutong na kabinataan ang umanoy tumungo sa malakanyang upang humandog sa general, na ang dinahilan ay ang pagtutol sa kagagawan at ang kanilang pagkamakakastila, ngunit ipinapiit na lahat sapagkat nakitang mga batbat ng sandata. iniligtas ng kalawingi ang general, na pinigil na matanggap yaong mga batangbata pay taksil na, dahil sa noon ay nakikipag usap sa mga provincial, sa vice rector at kay. irene, na kinatawan ni. may katunayan ang mga alingawngaw na ito kung paniniwalaan natin si. irene, na dumalaw ng hapong iyon kay kapitang tiago. alinsunod sa kaniya, ay may mga taong nag uudyok sa capitan general na samantalahin ang pangyayaring yaon upang takutin at bigyan na ng isang mabuting aral ang mga binatang pilibustero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"barilin ang ilan anang isa mga dalawang put apat na makabago na ipadalang agad sa tatapunan at sa gitna ng katahimikan ng gabi, ay makaaapula na ng lubusan sa sigabo ng kalooban ng mga walang kasiyahang loob! huwag, ang tugon ng isang may mabuting puso, sukat nang ang mga kawal ay palibutin sa mga lansangan, ang batallon ng mga kabayuhan sa halimbawa, na mga bunot ang sable; sukat nang kaladkarin ang ilang kanyon. sukat na iyon! ang bayan ay napakamatatakutin at ang lahat ay mangagsisipasok sa kanikanilang bahay. huwag, huwag, ang palagay ng isa, ito ang panahong kapit upang pawiin ang kalaban; hindi sukat ang mangagsipasok sa kanilang pamamahay, kailangang palabasin, na gaya ng masasamang singaw, sa pamagitan ng mga parapit. kung hindi mangakapangahas na gumawa ng gulo, ay dapat na silay udyukan sa tulong ng mga sugong hahamon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"inaakala kong ang nararapat ay ihanda ang mga kawal at magkunwaring nagpapabaya at nagwawalang bahala, upang mangagsitapang at pangyayari ng anomang kaguluhan ay piyapisin na nang boong tindi! ang layon ay siyang nagbibigay katuturan sa mga paraan, ang sabi ng isa pa, ang layon natin ay ang ating banal na relihion at ang katibayan ng inang bayan. ihayag ang estado de sitio at sa anomang munting kaguluhan ay paghulihin ang mga mayayaman at mga marurunong. at linisin ang bayan! kung hindi ako dumating sa panahon upang pagpayuhan ng pagdadahandahan ang dugtong ni. irene, na ang hinarap ay si kapitang tiago, ay tiyak nang umaagos ngayon ang dugo sa mga lansangan. ang naaalaala ko ay kayo, kapitan. ang pangkat ng mga masisidhi ay walang napalang gaano sa general, kayat nanganghihinayang dahil sa pagkawala ni simoun. kung hindi nagkasakit si simoun.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang pagkahuli kay basilio at ang paghalughog na ginawa pagkatapos sa kaniyang mga aklat at mga papel, ay nakapagpalubhang lalo kay kapitang tiago. ngayoy dinagdagan pa ni. irene ang kaniyang sindak sa pagsasalaysay ng mga bagay na nakapangingilabot. ang kahabaghabag ay pinasukan ng isang matinding pagkatakot na nahalata muna dahil sa isang mahinang panginginig, na untiunting lumalakas hanggang sa siyay hindi na nakapangusap. nangakadilat ang mga mata, pawisan ang noo, pumigil sa bisig ni. irene, nagtangkang bumangon; ngunit hindi mangyari at matapos na makaungol ng makalawa ay biglang bumagsak sa ibabaw ng unan. nangakadilat ang mata ni kapitang tiago at sumasago ang laway: patay na. sa pagkasindak ni. irene ay tumakbo, ngunit sa dahilang kumapit sa kaniya ang patay ay nakaladkad niya at napaalis sa hihigan sa kaniyang pagtakas, at naiwan sa gitna ng silid. nang kinagabihan ay umabot na sa lalong sidhi ang katakutan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may ilang pangyayari na nag udyok sa mga matatakutin sa paniniwalang mayroong mga sugong nanghahamon. dahil sa isang binyagan, ay naghagis ng kaunting kualta sa mga bata at sukat nang maasahan na nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa pinto ng simbahan. nataon namang naparaan doon ang isang mabalasik na militar, na may iniisip mandin, na inakalang ang kaguluhan ay isa nang pagsalakay ng mga pilibustero, kayat piniyapis ng sable ang mga bata, pumasok sa simbahan, at kung hindi nagkasalasalabid sa tabing na nakasabit sa coro ay pinagpupugutan sana ng ulo ang lahat ng naroon. makita ang gayon ng mga matatakutin at magpanakbuhang ipinamamalita na ang himagsikan ay magsisimula na, ay bagay na nangyari sa isang sandali. daglidagling nagsarahan ang mga pinto ng mangilan ngilang tindang naiiwang bukas, may mga insik na nakaiwan sa labas ng mga piesa ng kayo, at hindi kakaunting babai ang nawalan ng sinelas dahil sa pagtakbo sa mga lansangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"salamat na lamang at iisa ang nasugatan at ilan ang nasaktan, na isa na nga sa kanila ang militar nang masubasob dahil sa pakikipagtunggali sa tabing na may amoy balabal ng pilibusterismo. ang gayong kabayanihan ay nagbigay sa kaniya ng kabunyian, at isang kabunyiang malinis, na hari na ngang ang lahat ng kabantugan ay makuha sa gayong paraan! ang mga inay hindi na lubhang iiyak at lalo pa sanang marami ang tao sa mundo! sa isang arrabal ay nakakita, ang mga naninirahan doon, ng dalawa kataong nagbabaon ng armas sa silong ng isang bahay na tabla. nagulo ang nayon; tinangka ng mga naninirahan na habulin ang dalawang taong iyon na hindi kilala upang patayin at iharap sa mga may kapangyarihan, ngunit sinawata sila ng isang kapit bahay at sinabing sukat na ang iharap sa tribunal ang sanhi ng kasalanan. saka ang mga armas naman ay matatandang baril na tiyak na makasusugat sa magtangkang gumamit noon. ang sabi ng isang matapang kung ibig na tayoy manghimagsik ay sulong!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit ang matapang ay nilambanog ng palo at suntok, pinagkukurot ng mga babai na waring siya ang may ari ng mga baril. sa ermita ay lalong mahigpit ang nangyari, kahit hindi lubhang nabalita, gayong nagkaroon pa ng putukan. isang kawaning napakamaingat na nagbaluting mabuti ay nakakita, nang magtatakip silim, ng isang bulto sa kalapit ng kaniyang bahay; inakala na niyang buongbuo na yaon ay isang nag aaral, kayat pinaputukan ng dalawang putok ng rebolber. nang makita ang bulto pagkatapos ay isa palang beterana, kayat inilibing at, pax christi! sa dulungbayan ay umugong din ang ilang putok na ang napatay ay isang kaawaawang matandang bingi na hindi nakadingig sa quien vive ng bantay, at isang baboy na nakadingig ngunit hindi sumagot ng espana . ang matanday hindi nailibing kaagad sapagkat walang maibayad sa simbahan, at ang baboy ay pinagkainanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa loob ng maynila, sa isang tindahan ng matamis na kalapit ng unibersidad, na laging dinadayo ng mga nag aaral, ay pinag uusapan ang mga pagkakahulihan, sa ganitong ayos: ya cogi ba con tadeo? ang tanong ng babaing may ari ng tindahan. aba, nora, ang sagot ng isang nag aaral na natitira sa parian, pusilau ya! no pa ta paga conmigo su deuda. no jabla vos puelte, nora, baka pa de queda vos complice. ya quema yo nga el libro que ya dale prestau conmigo! baka pa de riquisa de encontra! anda vos listo, nora! ta queda dice preso isagani? loco loco tambien aquel isagani, ang sabing namumuhi ng nag aaral; no sana de cogi con ele, ta anda pa presenta! oh, bueno nga, que topa rayo con ele! siguro pusilau! kinibit ng babai ang balikat. conmigo no ta debi nada! cosa de jase paulita? no di falta novio, nora. siguro de llora un poco, luego de casa con un espanol. ang gabing iyon ay naging isa sa mga lalong malulungkot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa mga bahaybahay ay nagdadasal ng rosario at may mga maawaing babaing nagpapatungkol na ng mahahabang padrenuestro at mga requiem sa kaluluwa ng mga kamag anak nilat kaibigan. ika walo pa lamang ng gabiy bahagya nang makakita ng mangisangisang naglalakad; maminsan minsan ay nakakadingig ng takbo ng isang kabayo na ang tagiliran ay napapalong malakas ng isang sable, pagkatapos ay pasuwit ng mga tanod, mga sasakyang matutulin ang takbo na waring hinahabol ng kawan ng mga pilibustero. gayon man, hindi sa lahat ng pook ay naghahari ang pangamba. sa plateriang tinitirahan ni placido penitente ay pinag uusapan din ang mga pangyayari at pinagtatalunan nang may kaunting laya. hindi ako naniniwala sa mga paskin! ang sabi ng isang manggagawang payat at tuyo na sa kagagamit ng tsukoy; sa ganang akin, ay kagagawan iyan ni. ang ubo ng maestro platero na, sa pangingilag na panganlang duwag, ay hindi makapangahas na putlin ang pag uusap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kaawaawang taoy nag uuubo na lamang, kikindatan ang manggagawa at titingin sa daan, na waring ibig sabihin na: baka tayo masubukan! dahil sa opereta! ang patuloy ng manggagawa. oho!, ang bulalas ng isang mukhang tanga; sinasabi ko na nga! ang tugon ng isang tagasulat na may anyong pagkahabag, ang ukol sa mga paskin ay totoo, chichoy, ngunit ipaliliwanag ko sa iyo! at idinugtong na ang tingig ay matalinghaga: yaon ay isang kagagawan ni insik quiroga! ang ulit na ubo ng maestro na inilipat sa kabilang pisngi ang sapa ng hitsong nasa bibig. paniwalaan mo ako, chichoy, kagagawan ni insik quiroga iyan! nadingig ko sa aking pinapasukan. naku, siguro nga! ang bulalas ng tanga, na agad nang naniwala. si quiroga ang patuloy ng tagasulat, ay may isang daang libong pisong pilak mehikano, sa bahia . papano ang pagpapasok? hindi maliwag; ginawa ang mga paskin, na sinamantala ang usap ng mga nag aaral, at samantalang ang lahat ng taoy nagugulo, pum!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pinadulasan ang mga kawani at nakaraan ang mga kaha! ang bulalas ng mapaniwalain na sumuntok sa ibabaw ng dulang. kaya pala si insik quiroga. at napahinto dahil sa hindi maalaman kung ano ang sasabihing ukol kay insik quiroga. at tayo ang magbabayad ng kanilang kagagawan? ang tanong ni chichoy na nagagalit. ehem, ehem, ehhhem! ang ubo ng platero na nakadingig ng lumalapit na yabag sa daan. tunay nga, ang mga yabag ay lumalapit at nangagsihinto ang manga sa loob ng plateria. si san pascual bailon ay isang dakilang banal, ang sabing malakas na pakunwaring nagbabanalbanalan ang platero, na kinindatan ang iba; si san pascual bailon. nang sandaling iyon ay dumungaw ang mukha ni placido penitente, na kasama ang manggagawa ng kastillo na ating nakitang tumanggap ng utos kay simoun. linibid ng lahat ang mga bagong dating at tinanong ng mga balibalita. hindi ko nakausap ang mga bilanggo ang tugon ni placido, may mga tatlong pu! mangagsihanda kayo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang dugtong ng magkakastillo na nakipagsulyapan ng may kahulugan kay placido, sinasabing sa gabing itoy magkakaroon ng katakot takot na pugutan. ang bulalas ni chichoy, na lumingap ng sandata, ngunit nang walang makita, ay sinunggaban ang kaniyang tsukoy. ang maestro ay umupo; ang kaniyang mga paay nangangalog. nakinikinita nang mapaniwalain na ang ulo niyay pugot, at umiiyak na dahil sa mangyayari sa kaniyang kaanak. ang sabi ng taga sulat; hindi magkakaroon ng pugutan! ang taga udyok ng at humudyat ng may kahulugan ay salamat at may sakit. ehem, ehem, ehhhem! si placido at ang magkakastillo ay muling nagtinginan. kung iyan ay hindi nagkasakit. ay gagawa ng isang wariy himagsikan! ang dugtong na pawalang bahala ng magkakastillo, samantalang idinuduldol ang isang sigarilyo sa itaas ng tubo ng kinke at ano ang gagawin natin kung gayon? totohanin na, sapagkat yamang pupugutan na rin lamang tayo. ang malakas na ubong sumasal sa platero ay nakapigil na madingig ang karugtong ng salita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"marahil ay kakilakilabot na bagay ang pinagsabi ni chichoy, sapagkat umanyong mamamatay at ang mukhay anyong hapon na papatay ng tao. ang sabihin ninyoy nagpapakunwaring may sakit sapagkat natatakot na lumabas! kapag nakita ko siya. muling sinasal ng matinding ubo ang maestro at natuluyan nang pamanhikan ang lahat na mangag uwian. gayon man ay humanda kayo, humanda kayo, ang sabi ng magkakastillo kung pipilitin tayo sa pumatay mamatay. isa pang ubo ang sumasal sa kaawaawang may pagawaan at ang mga manggagawa ay nangag uwian sa kanikanilang bahay na may dalang pamukpok, bandili at iba pang kasangkapang maipang iiwa maipamamalo, at humandang ipaglabang mabuti ang kanilang buhay. si placido at ang manggagawa ng kastillo ay muling nagsialis. pag iingat, pag iingat! ang bilin ng maestro na ang tingig ay waring sa umiiyak. kayo na lamang ang bahala sa aking balo at mga mauulilang anak! ang samo ng mapaniwalain na ang tingig ay lalo pa manding basag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nakikinikinita na ng kahabaghabag na sa katawan niyay lusutlusutan ang punlo at nalilibing na siya. nang gabing yaon ay pinalitan ng mga artillerong kastila ang mga tanod sa mga pinto ng loob ng maynila, at nang kinabukasan, ng dumudungaw na ang mga unang liwanag, si ben zayb, na nangahas na maglakad upang tingnan ang kalagayan ng mga kuta, ay nakatagpo sa glacis na malapit sa luneta ng bangkay ng isang india na magdadalaga, na, halos hubad at nakabulagta roong nag iisa. si ben zayb ay nalunusan at matapos na matangki ng kaniyang tungkod ang patay at makatingin ng tungo sa mga pinto, ay ipinatuloy ang kaniyang lakad, na iniisip na gumawa ng isang mapanimdim na kabuhayan dahil sa pangyayaring yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gayon man, ni isang pahiwatig man lamang ay walang lumabas sa mga pahayagan sa mga araw na sumusunod, na ang inatupag ay ang mga pagkakadapat pagkakadupilas na gawa ng mga balat ng saging, at, sa dahilang walang maibalita, si ben zayb man ay nagpakaluritlurit sa pagsasalaysay ng isang dumaang bagyo sa amerika, na sumira sa mga bayan at nakamatay ng mahigit sa dalawang libo katao. kasama ng ilang pasaring ay sinabi niyang: ang pagkamahabagin, at ang alaala niyong sa udyok din noon ay naghirap dahil sa sangkatauhan sa amin ay nagpakilos (sic) sa pagkahabag sa manga kasawian nang ating kapuwa at idalangin upang sa lupaing ito, na salantangsalanta sa manga bagyo, ay huwag maulit ang manga kasakitsakit na pangyayaring napagmasdan nang manga naninirahan sa estados unidos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi pinaraan ni horatius ang pagkakataon at hindi rin tinukoy ang mga patay, ni ang kaawaawang indiang inutas, ni ang mga kapaslangan, ay sinagot si ben zayb sa kaniyang pirotecnia ng: matapos ang gayong karaming pagkahabag at paglingap sa katauhan, si fray ibanez, itong, si ben zayb, ay nanira sa pagdalanging patungkol sa pilipinas. ngunit maaaninawan ang gayon. sapagkat hindi siya katoliko at ang pagkamahabagin ay lalong buhay, at ibp. talis vita finis ita. si kapitang tiago ay nagkaroon ng mabuting hangga, ito nga, nagkaroon ng mainam na libing. tunay nga na ipinaalaala kay. irene ng kura sa parroquia na si kapitang tiago ay namatay nang hindi nagkukumpisal, ngunit ang mabuting pari, samantalang nakangiti nang palibak, ay hinimas ang kaniyang ilong at sumagot na: bah ako ba naman ang paglalakuan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung ating ipagkakait ang exequias sa mga namamatay ng hindi nagkukumpisal, ay malilimutan natin ang de profundis ang mga kahigpitang iyan, gaya ng inyong pagkabatid na mabuti, ay pinaiiral lamang kapag ang hindi nakapagkumpisal ay walang ibabayad, ngunit kay kapitang tiago!. kung sampu ng mga insik na hindi binyagan ay inilibing ninyo ng may misa de requiem si. irene ang inihalal ni kapitang tiago na kaniyang albacea at gaganap ng kaniyang mga habilin, at iniiwan ang bahagi ng kaniyang kayamanan sa sta. clara, ang bahagi ay sa papa, sa arsobispo, sa mga corporaciones, at nag iwan ng dalawang pung piso upang ipagbayad ng matricula ng mga nag aaral na maralita. ang huling habiling itoy ipinatala sa udyok ni. irene dahil sa pagkamapag ampon nito sa kabataang masipag sa pag aaral. pinawalang bisa ni kapitang tiago ang pamanang dalawang put limang piso na iniiwan niya kay basilio, dahil sa masamang inugali ng binata nang mga huling araw, ngunit pinairal din ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"irene ang habilin at sinabing kukunin niya ang halagang iyon at dadalhin ng kaniyang bulsa at ng kaniyang budhi. sa bahay ng namatay na dinaluhan kinabukasan ng mga dating kakilala at mga kaibigan, ay pinag uusapang matikabo ang isang himala. sinasabing noong oras nang paghihingalo ay napakita sa mga mongha ang kaluluwa ni kapitang tiago na libid ng maningning na liwanag. iniligtas ng dios ang kaluluwa, dahil sa karamihan ng pamisang ipinagawa at sa mga pamanang iniwan sa mga simbahan. ang balitay pinag uusapan, inilalarawan, nagkakaroon ng ayos at walang isa mang nag aalinlangan sa bagay na iyon. isinasaysay ang suot ni kapitang tiago, na gaya ng mahihinala, ay ang prak, ang pisngiy nakaumbok dahil sa sapa ng hitso, hindi nalimot ang kuakong panghitit ng apian at ang manok na sasabungin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang sacristan mayor na kalahok sa umpukan ay nagpapatotoong walang kapingaspingas sa tulong ng tango ng ulo, at iniisip na, pagkamatay niya, ay pakikita namang dala ang tasa ng tahung puti, sapagkat, kung wala ang pang agahang iyon, ay hindi niya maunawa ang kaligayahan ni sa langit ni sa lupa. tungkol sa bagay na ito, at dahil sa hindi mapag usapan ang mga nangyari ng kinahapunan at sa dahilang mayroon doong mga tahor, ay maiinam na hakahaka ang nababanggit, pinagkukurokuro kung hahamunin hindi ni kapitang tiago si. pedro upang silay magdaos ng isang soltada kung magpupustahan, kung ang mga manok ay pawang walang pagkamatay, kung hindi tatalaban ng iwa, at kung mangyari ang gayon, ay sino kaya ang magiging sentenciador sino ang mananalo, at ibp., mga pagtatalong kinalulugdan ng mga nagtatatag ng karunungan, mga paghahaka, mga paraang nababatay sa isang aklat na inaakalang walang kamalian, na ipinahayag ng dios sa kaniyang kabig nauukol sa batayang nagiging kautusan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"bumabanggit pa ng mga bahagi ng nobena, ng mga aklat na ukol sa mga kababalaghan, sabi ng mga kura, kalagayan ng langit at iba pang mga bagaybagay na ukol din doon. primitivo, ang pilosopo, ay galak na galak sa pagtutukoy niya ng mga haka ng mga teologo. sapagkat ang sinoman sa kanilay hindi mangyayaring matatalo, ang sabing may lubos na pagkataho; ang pagkataloy nagbibigay ng sama ng loob at sa kalangitan ay hindi mangyayaring magkaroon ng samaan ng loob. ngunit ang isay sapilitang mananalo, ang pakli ng tahur na si aristorenas, ang inam ay nasa pananalo! kapuwa mananalo! iyong kapuwa mananalo ay hindi matanggap ni martin aristorenas, siya, na ang boong buhay ay dinaan sa sabungan at kailan may kaniyang nakita na ang isang manok ay nananalo at ang isay natatalo; kung baga man ay magtabla na lamang ang nangyayari. walang nahita si . primitivo sa kalalatin, si martin aristorenas ay nag iiiling, gayong ang latin ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"primitivo ay madaling mawatasan: sinasabi niyang: an gallus talisainus, acuto tari armatus, an gallus beati petri bulikus sasabungus sit at ibp., hanggang sa ginamit na tuloy ang pangangatwiran nang marami kung ibig magpatigil at magpapanalig. magkakasala ka, kaibigang martin, mahuhulog ka sa isang erehia! cave ne cadas! hindi na ako makikipagmonte sa iyo! hindi na tayo magkakabakas! hindi mo pinananaligan ang kapangyarihan ng dios, peccatum mortale hindi mo pinaniniwalaan ang katunayan ng santisima trinidad: ang tatlo ay isa at ang isa ay tatlo! dahandahan ka! hindi mo pinaniniwalaan wari na ang dalawang katawan, dalawang pag iisip at dalawang kalooban ay mangyayaring magkaroon ng iisang alaala lamang! dahandahan ka! quicumque non crederit, anathema sit!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si martin aristorenas ay nangunting namumutlat nanginginig, at si insik quiroga na nakadingig na buo sa pangangatwiran, ay dinulutan ng boong galang ang pilosopo ng isang mabuting tabako at tinanong ng masuyo: sigulo, puele akieng kontalata itong aliendo sabong sa kilisto, ha? pag ako pagtaylo, akieng kontalatista, ha? sa ibang pulutong ang lalong mahabang salitaan ay ukol sa patay; ang pinagtatalunan ay ang damit na isusuot sa bangkay. ipinalagay ni kapitang tinong na damit pransiskano ang isuot; mayroon pa naman siyang isa, luma, sirasira at takpi takpi, mainam na kasangkapan na, alinsunod sa patunay ng prayle na pinaglimusan niya sa halagang tatlong put anim na piso, nakapagliligtas sa bangkay sa apoy ng inpierno, at nagsalaysay ng makapagpapatibay na mga banal na pangyayaring hango sa mga aklat na ikinakalat ng mga kura. kahit pinakamamahal ni kapitang tinong ang labing iyon, ay laan siyang ipagkaloob sa kaniyang matalik na kaibigang hindi niya nadalaw sa boong pagkakasakit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit ipinakli ng isang sastre na yamang nakita ng mga mongha si kapitang tiago na naka prak na umaakyat sa langit, ay dapat suotan ng prak at hindi kailangan ang mga pananggol at mga kasuutang hindi tatagusan: nagpaprak kung tumutungo sa isang sayawan, sa isang pista, at hindi maaasahang hindi gayon din ang matatagpuan niya sa kaitaasan. nagkataon pa namang mayroon siyang isang yari, na maibibigay niya sa halagang tatlong put dalawang piso, apat na piso ang kamurahan kay sa abitong pransiskano, sapagkat ayaw niyang pagtubuan si kapitang tiago: naging suki niya noong buhay at ngayon ay magiging pintakasi niya sa kalangitan! irene na albasea at siyang magpapatupad sa nauutos sa testamento ay sumalansang sa dalawang palagay at ipinag utos na bihisan ang bangkay ng alin man sa matatanda niyang damit, at sinabing na taglay ang anyong pagkabanal, na hindi tinitingnan ng dios ang bihis. ang mga exequias nga ay ginawa ng boong dingal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nagkaroon ng responso sa bahay, sa daan, tatlong prayle ang gumawa na waring ang iisay hindi makakaya sa kaluluwang yaon, ginawang lahat ng rito at mga ceremonias na magagawa, at nabalitang gumawa pa ng iba, nagkaroon ng extra na gaya sa mga tanging palabas dulaang ukol sa kapakinabangan ng isang tao. yaon ang naging kaigaigaya: maraming kamanyang ang sinunog, maraming awit sa wikang latin, nag aksaya ng maraming agua bendita: alangalang sa kaniyang kaibigan ay inawit ni . irene, sa coro, ang dies ir na ang boses ay pahumal; at sumakit ang ulo ng mga nalalapit dahil sa katutugtog ng plegaria. si aling patrocinio, ang dating katunggali ni kapitang tiago sa pagkamasambahin, ay tunay na tunay na nagnasang mamatay naman sa kinabukasan upang makapagpagawa ng mga exequias na lalo pang malaki kay sa roon. ang maawaing matanday hindi makatiis, na iyong inaakala niyang talong talo na niya ay magbangon ng boong karangalan, sa pagkamatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"oo ninanasang mamatay siya at waring nadidingig na niya ang mga pabulalas ng mga taong nanonood ng responso, na nagsasabing: ito ang libing! ganiyan ang marunong mamatay, aling patrocinio. ang pagkamatay ni kapitang tiago at ang pagkakahuli kay basilio ay napag alaman kaagad sa lalawigan, at alang alang sa ikadadangal ng mga mapapayapang taga san diego ay sasabihin naming dinamdam pa nang higit ang huli at siya lamang halos ang napag usapan. at gaya ng maaantay, ang balitay nagkaroon ng ibat ibang ayos, may nagbigay ng mga pangyayaring malungkot, kakilakilabot, ipinaliwanag ang hindi nalilinawan, ang mga patlang ay pinunan ng mga hakahaka, ang mga itoy naging parang tunay na nangyari at ang multong sumipot sa gayon ay nakatakot na, sampu sa mga tunay na may likha. sa bayan ng tiani ay nabalita na batang bata na sa kaniya ang mapatapon at marahil ay patayin sa paglalakbay na tungo sa tatapunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga matatakutin at mapaghinala ng masama ay hindi pa nasisiyahan sa gayon at pinag uusapan ang mga bitayan at mga hukumang kawal; ang enero ay isang masamang buan, enero nang mangyari ang gulo sa kabite, at ang mga taong iyon gayong mga pari na, ay nangabitay; kayat ang isang maralitang kagaya ni basilio na walang sukat mag ampon at walang mga kakilala. ang buntong hininga ng hukom pamayapa na waring minsan man lamang ay nabigyan niya ng isang payo si basilio sinasabi ko na. sadyang ganiyan ang maaantay! ang dugtong ni hermana penchang pumapasok sa simbahan at kapag nakitang marumi ng kaunti ang agua bendita ay hindi na nag aantanda! may sinasabing mga mumunting hayop at mga sakit, aba, parusa ng dios! nararapat iyon sa kaniya! wari bagang ang agua bendita ay mangyayaring makapagpahawa ng mga sakit! lubha pa ngang kaiba, aba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at ibinuhay ang kaniyang paggaling sa isang pagkasira ng tiyan sa paglalagay lamang ng agua bendita sa pusod, na sabay sa pagdadasal ng sanctus deus at inihahatol ang kagamutan sa mga kaharap, kapag nangagkasakit ng iti kabag kung may salot, datapway kailangang dasalin lamang kung gayon sa wikang kastila: santo dios santo fuerte santo inmortal, libranos senor de la peste de todo mal. ang kagamutan ay walang pagkasira, ngunit lalagyan ng agua bendita ang dakong masakit may damdam, aniya. datapuway marami sa mga lalaki ang hindi naniniwala sa mga bagay na ito, ni hindi ipinalalagay na parusa ng dios ang pagkakabilanggo ni basilio. hindi rin nanganiniwala sa mga panghihimagsik at mga paskin, sa pagkakilala sa ugaling ibayo pa ng pagkamapayapa at pagkamaingat ng nag aaral, at minagaling pang iambil ang gayon sa mga paghihiganti ng mga prayle, dahil sa pagkakatubos sa pagkaalila, kay huli, na anak ng tulisang mahigpit na kalaban ng isang malakas na corporacion .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at sa dahilang may masama silang pagkakilala sa mga kaugalian ng korporasiong iyon at naaalaala ang mga abang paghihiganti, ay ipinalagay, na, ang mga hulohulong iyon ay siyang malapitlapit na nangyari at siyang mapaniniwalaan. mabuti nga ang nagawa kong pinalayas sa aking bahay ang babai! ang sabi ni hermana penchang ayokong makipagsira sa mga prayle, kayat pinagmadali kong humanap ng salapi. ang katotohanan ay dinamdam niya ang pag laya ni huli; inaako siya ni huli sa pagdadasal at pag aayuno, at kung lumagi pa ng mahabahabang panahon ay marahil nagdigala ng dahil sa kaniya. bakit, kung ang mga kura ay nagdadasal ng patungkol sa atin at si kristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, bakit hindi makagagawa ng gayon din si huli na patungkol kay hermana penchang? nang ang balitay nakasapit sa kubong tinitirahan ni huli at nang kaniyang lelong, ay nangailangan ang dalaga na uliting makalawa ang balita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tiningnan si hermana bali, na siyang nagbabalita, na waring hindi maliwanagan ang sinasabi, hindi mapagtuwid ang kaniyang pagkukuro; naghumugong ang kaniyang mga tainga, nagkaramdam ng pagsisikip ng puso at nagtaglay ng isang kutob ng kalooban, na ang pangyayaring yaon ay makapagbibigay hapis sa kabuhayan niyang sasapitin. gayon may tinangkang manangan sa isang banaag ng pag asa, ngumiti, inakalang binibiro siya ni hermana bali ng isang masamang biro, ngunit di pa man ay ipinatatawad na niya kung sasabihing biro nga, ngunit pinagkurus ni hermana bali ang kaniyang hinglalakit hintuturo at hinagkan, sa katunayang totoo ang kaniyang sinasabi. sa gayon ay nawala na ang ngiti sa labi ng dalaga, namutla, maputlang maputla, naramdamang nawalan siya ng lakas at, noon lamang nangyari sa boo niyang buhay, nawalan ng diwang tuminbuang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang sa kahahampas, kakukurot, wisik ng tubig, mga krus at paglalagay ng mga palaspas na benendita ay pinagsaulan ang dalaga at napag unawa ang kaniyang kalagayan ay piping bumalong sa kaniyang mga mata ang luha, sunod sunod ang patak, walang hibik, walang panaghoy, walang daing! inaalaala niya si basilio na walang ibang tagapag ampon kung di si kapitang tiago, at sa pagkamatay nito, ay lubos nang nawalan ng kandili at kalayaan. batid nang sa pilipinas ay kailangan ang ninong sa lahat ng bagay, mula sa araw na binibinyagan ang isang tao hanggang sa mamatay, sa pagtatamo ng katwiran, sa pagkuha ng isang katibayan sa paglalakbay upang magawa ang isang paghahanap buhay. at sa dahilang sinasabing ang pagkakabilanggong yaon ay alinsunod sa mga paghihiganti ng dahil sa kaniya at sa kaniyang ama, ang kalungkutan ng binibini ay naging isang paghihinagpis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngayon ay siya naman ang nararapat na magligtas, gaya ng ginawa ng lalaki ng siyay alisin sa pagkaalila, at ang isang boses na lihim ang nag uudyok sa kaniya ng gagawin at naghahain sa kaniyang pag iisip ng isang kakilakilabot na paraan. camorra, ang kura! ang sabi ng boses. si huliy napapakagat labi at nahuhulog sa isang malamlam na pag iisip. dahil sa pagkakasala ng kaniyang ama ay dinakip ang lelong, sa pag asang sa gayong paraan ay lilitaw ang anak. ang tanging nakapagbigay ng kalayaan ay si. camorra ay nagpakilala ng di kasiyahang loob sa mga pasasalamat at sa pamag itan ng kaniyang karaniwang ugaling tiyakan kung magsalita ay humingi ng mga paghahandog. mula noon ay iniwasan ni huli ang siyay makatagpo, ngunit pinahahalik siya ng kamay ng pari, hinihipo siya sa ilong, sa pisngi, binibiro siyang may mga kindat at tumatawa, tumatawang siyay kinukurot. si huli ang sanhi ng pagkakabugbog ng mabuting kura sa ilang binata na naglilibot sa nayon at nananapatan sa mga dalaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga mapaghinala, kung nakikita siyang nagdaraan na walang kaimik imik at nakatungo, ay nagsasabing ipinadidingig sa kaniya: kung iibigin, ay magtatamong kapatawaran si kabisang tales! ang binibiniy dumarating na malungkot sa kaniyang bahay at susuling suling ang mata. malaki ang ipinagbago ni huli; nawala ang kaniyang kasayahan, walang nakakitang siyay ngumiti, bahagya ng magsalita at wari manding nangangambang malasin ang mukha niyang sarili. minsan ay nakita siya sa bayan na may malaking guhit na uling sa noo, siya, na palaging maayos at mahusay ang gayak kung lumakad. minsan ay itinanong kay hermana bali kung natutungo sa impierno ang mga nagpapatiwakal. walang sala! ang tugon ng babai, at isinalaysay ang pook na iyon na waring siyay galing doon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dahil sa pagkakabilanggo ni basilio, ang mga dukhat marunong lumingap na mga kaanak ay gumawa ng lahat ng magagawa upang mailigtas ang binata; ngunit sa dahilang silang lahat ay hindi pa makabuo ng tatlong pung piso, ay si hermana bali, gaya rin ng dati, ang siyang nagkaroon ng lalong mabuting akala. ang dapat nating gawin ay ang huminging sangguni sa taga sulat, aniya. sa mga abang taong iyon, ang taga sulat sa tribunal ay siyang oraculo sa delfos ng matatandang griego. bigyan lamang ng sikapat at saka isang tabako, ang dugtong ay sasabihin pa sa iyo ang lahat ng batas na magpapalaki ng ulo mo sa pagdingig sa kaniya. pag mayroon kang piso ay maililigtas ka kahit nasa sa paanan ka ng bibitayan. nang ipasok sa bilangguan ang kapit bahay kong si simon at hinagupit ng palo, dahil sa hindi nakapagpahayag ng ukol sa isang nakawang nangyari sa malapit sa kaniyang bahay, aba sa halagang kahatit sikolo lamang at isang balukay na bawang, ay nakuha siya ng taga sulat!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at nakita ko si simon na babahagya nang makalakad at nahigang isang buang mahigit. nabulok ang pigi, aba at namatay dahil doon! ang payo ni hermana bali ay tinanggap at siya na ang nakipag usap sa taga sulat; binigyan siya ni huli ng isang salapi at dinagdagan pa ng ilang putol na pindang na usa na nahuli ng lelong. muli na namang inatupag ni tandang selo ang pangangaso. ngunit walang magawa ang taga sulat; ang bilanggo ay nasa maynila at hindi umaabot doon ang kaniyang lakas. kung nasa sa kabesera man lamang, mana pa!. ang sabi na ipinagpaparangya ang kaniyang kaya. lubos na batid ng tagasulat na ang kaniyang lakas ay hindi lumalampas sa mga hanggahan ng tiani, ngunit kailangan niya ang huwag masira ang pananalig sa kaniya at upang maiwan ang pindang na usa. ngunit mabibigyan ko kayo ng isang mabuting payo, na dili iba kundi ang pumaroon kayong dalawa ni huli sa hukom pamayapa. kailangang pumaroon si huli.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang hukom pamayapa ay isang taong pabugal bugal, ngunit kung makikita si huli marahil ay mapipigil ng kaunti ang dating ugali: naririto ang katalinuhan ng payo. pinakinggang walang kapingaspingas sa tigas ng ginoong hukom si hermana bali, na siyang nagsasalita, na maminsanminsan ay tinitingnan ang dalagang nakatungo at hiyang hiya. masasabi na lamang ng tao na malaki ang paglingap niya kay basilio, hindi naaalala ng mga tao ang kaniyang utang na loob at na ang sanhi ng pagkakabilanggong iyon, ayon sa balita, ay dahil sa kaniya. matapos makadighay ng makaitlo makaapat, sapagkat may masamang ugaling ito ang ginoong hukom, ay nagsabing ang tanging makapagliligtas kay basilio ay si. camorra, kung iibigin niya at tiningnan ng may makahulugang titig ang binibini. itoy pinapayuhan niyang makipag usap sa kura. alam na ninyo ang kaniyang lakas; nakuha sa pagkakabilanggo ang inyong nuno.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sukat na ang isang salita niya upang mapasa tatapunan ang isang batang bagong panganak maligtas sa kamatayan ang isang binitay. si huli ay hindi umiimik, ngunit sa ganang kay hermana bali ay waring nabasa sa isang nobena ang hatol: laan siyang samahan sa bahay ng pari ang dalaga. lilimos pa naman siya ng isang kalmen sa halagang isang salapi. datapway umiiling si huli at ayaw pumaroon sa kombento. si hermana bali ay waring nakararamdam sa sanhi ng pag ayaw (si . camorra ay may katawagan ding si kabayo at napakalikot) at pinananahimik siya: wala kang dapat ikatakot! kasama mo ako! aniya hindi mo ba nabasa sa munting aklat na tandang basio na bigay ng kura, na ang mga dalagay dapat pumaroon sa kombento, kahit hindi nalalaman ng mga magulang, upang ipagsabi ang nangyayari sa bahay? ang aklat na iyon ay nalimbag nang may pahintulot ang arsobispo, aba!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si huli, inip nat sa nasang putulin ang usapan, ay namanhik sa mapanata na siyang pumaroon kung ibig, ngunit sinabi ng hukom, sabay sa pagdighay, na ang samo ng isang mukha ng dalaga ay nakaaakit ng malaki kay sa mukha ng isang matanda, na ang langit ay nagkakalat ng kaniyang hamog sa mga sariwang bulaklak at hindi sa mga tuyo na. ang talinhagay naging isang magandang kahalayan. si huliy hindi sumagot at nanaog ang dalawang babai. sa daan ay nagmatigas ang dalaga sa pag ayaw na pumaroon sa kombento, kayat nangagsiuwi sa kanilang nayon. si hermana bali na sumama ang loob dahil sa kakulangan ng pagtitiwala, gayong siyay kasama, ay naghihiganti sa paraang binigyan ng isang mahabahabang sermon ang binibini. sadya ngang hindi magagawa ng dalaga ang pagparoong iyon sa kombento nang hindi susuwatan ang kaniyang sarili, na hindi siya susuwatan ng tao, na hindi siya susuwatan ng dios!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"makailan nang sinabi sa kaniya, may katwiran wala, na kung susundin ang hangad sa kaniya, ay patatawarin ang kaniyang ama, ngunit gayon man ay hindi siya pumayag, kahit na isinisigaw sa kaniya ng kaniyang budhi ang pag aalaala ng kautangan sa magulang. at ngayon ay gagawin niya ng dahil kay basilio, dahil sa kaniyang kasintahan? yaon ay isang pagsadlak sa mga kutya at paglibak ng lahat ng tao, sampung si basilio ay aalipusta sa kaniya; hindi mangyayari ang gayon, magpakailan man! magbibigti na muna siya magtatalon sa alin mang bangin. kahit na ano ang gawin ay nasuwatan na siya na masamang anak. binata pa rin ng kaawaawang si huli ang mga sisi ng kaniyang mga kamag anak, na sa dahilang hindi nakababatid ng nangyayari sa kanila ni. camorra, ay kinukutya ang kaniyang mga katakutan. maiibigan baga ni. camorra ang isang dalagang taga bukid gayong marami naman sa bayan? at tinukoy ng mga babai, ang mga pangalan ng mga dalagang magagandat mayayaman, na nagkaroon ng ganito gayong kasawian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at samantalay kung barilin si basilio? tinatakpan ni huli ang kaniyang tainga, lumilingap sa lahat ng sulok at humahanap ng isang tingig na sukat magtanggol sa kaniya, tiningnan ang kaniyang lelong; ngunit ang lelong ay pipi at nakatitig sa dulo ng kaniyang tandos na gamit sa pangangaso. nang gabing yaon ay bahagya nang nakatulog. mga bungang tulog at panaginip, kung minsan ay kahambalhambal, kung minsan ay madugo, ang nagdaraan sa kaniyang mata at sandasandaliy nagigising na pigta sa malamig na pawis. parang nakadidingig siya ng putukan, parang nakikita ang kaniyang ama, ang ama niyang nagsumakit ng lubha dahil sa kaniya, na nakikipaghamok sa mga kagubatan, hinuhuling wariy isang hayop sapagkat siyay nag alinlangang kaniyang iligtas. at ang larawan ng kaniyang amay nagbago at nakita ni basilio na naghihingalo at tinititigan siya ng mga tinging sumisisi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kahabaghabag ay titindig, magdadasal, tataghoy, tatawagan ang kaniyang ina, ang kamatayan, at sumapit ang sandali na, pata na sa sindak, kung hindi lamang naging gabi noon ay tumakbo na sanang tuloytuloy sa kombento, mangyari na ang mangyayari. dumating ang umaga, at ang mga malulungkot na paghihinala, ang mga pangingilabot sa kadiliman ay bahagyang nagbawa. ang kaliwanagan ay nagbigay sa kaniya ng mga pag asa. ngunit ang mga balitang tinanggap nang kinahapunan ay lubhang kakilakilabot; napag usapan ang mga binaril at ang gabing yaoy naging karumaldumal sa dalaga. sa kaniyang pagdadalitay tinangka ng ipagkaloob ang kaniyang katawan pagsapit na pagsapit ng umaga at pagkatapos ay magpakamatay: lahat, huwag na lamang magdaan ng gayong paghihirap! ngunit ang umagay nagtaglay ng mga panibagong pag asa at ayaw pumanaog sa bahay ang binibini, ni pumaroon sa simbahan. nanganganib siyang mapahinuhod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at sa gayoy nakaraan ang ilang araw: nananalangin at nagtutungayaw, tumatawag sa dios at ninanasa ang kamatayan. ang umaga ay nagiging isang patlang, si huliy umaasa sa isang kababalaghan; ang mga balitang galing sa maynila, kahit dumarating na may dagdag, ay nagsasabing ang ilang bilanggo ay nakalaya na dahil sa kanilang mga ninong at mga kaibikaibigan. may maiiwang magtitiis, sino kaya? si huli ay nangingilabot at umuuwi sa kaniyang bahay na nginangatngat ang kaniyang mga kuko, sa gayon ay dumarating ang gabi na ang mga pangangamba, na nagkakaroon ng ibayong laki, ay waring nagiging katotohanan. kinatatakutan ni huli ang pananaginip; natatakot siyang matulog, sapagkat ang kaniyang pananaginip ay isang sunod sunod na bangungot. mga titig na may hinanakit ang lumulusot sa kaniyang mga balintataw kapag napikit, mga daing at panangis ang umuukilkil sa kaniyang mga tainga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nakikitang pagalagala ang kaniyang ama, dayukdok, walang tigil ni pahinga; nakikitang si basilio ay naghihingalo sa gitna ng daan, may tama ng dalawang punglo, gaya ng pagkakita niya sa bangkay ng isang kalapit bahay na pinatay samantalang inihahatid ng guardia sibil. at nakikita niya ang mga taling gumitgit sa laman, nakikita ang dugong lumalabas sa bibig at nadidingig na sinasabi sa kaniya ni basilio, na: iligtas mo ako, iligtas mo ako! ikaw lamang ang tanging makapagliligtas sa akin! mag uumugong pagkatapos ang isang halakhak, ililingon ang mga mata at makikita ang kaniyang ama, na tinititigan siya ng isang titig na lipos paghihinanakit. at si huli ay magigising, tatagilid sa ibabaw ng kaniyang banig, hihimasin ng kamay ang noo upang tungkusin ang buhok: malamig na pawis, gaya ng pagpapawis kung mamamatay, ang nakababasa sa kaniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at samantalay ang mga nakapagpapasiya ng boong katuwaan sa mga sasapitin ng mga bayan, ang nakapag uutos ng makatwirang pagpatay, ang sumisira ng katwiran at ginagamit ang karapatan upang magpatibay sa lakas, ay mapayapang nangahihimbing. sa kahulihulihan, ay dumating ang isang manglalakbay na taga maynila at nagsalaysay nang kung papano nakawala ang lahat ng bilanggo, lahat, maliban si basilio na walang mag ampon. nababalita sa maynila, ang dagdag ng manglalakbay, na ang binata ay mapapatapon sa carolinas, at pinalagdaan na muna sa kaniya ang isang kahilingan na kinatatalaan na gayon ang hiling niyang kusa. nakita ng manglalakbay ang bapor na magdadala sa kaniya. ang balitang iyon ay tumapos sa mga pagaalinlangan ng dalaga na sadya namang gulo na ang pag iisip dahil sa karamihan ng gabing ipinagpuyat at sa kaniyang mga kakilakilabot na mga pangangarap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"maputlat ang matay susuling suling, ay hinanap si hermana bali at ang boses ay nakatatakot ng sinabing siyay nalalaan na at itinatanong kung ibig siyang samahan. natuwa si hermana bali at siyay pinayapa, ngunit si huli ay hindi nakikingig at waring nagmamadali upang makarating sa kombento. siyay nag ayos, isinuot ang kaniyang pinakamabuting gayak at wari pa manding siyay may malaking hangad. nagsasasalita kahit walang linaw. lumakad sila. si huli ay nauuna at naiinip sapagkat ang kasamay nahuhuli. datapway samantalang nangalalapit sa bayan, ay untiunti siyang nanghihina, nagwawalang imik, nag aalinlangan, napapahina ang hakbang, at pagkatapos ay napapahuli. kailangan ang paliksihin pa siya ni hermana bali. gagabihin tayo! si huli ay patuloy na namumutla, ang tingiy sa ibaba at hindi makapangahas na itaas ang mata. ang akala niyay siya ang tinitingnan ng lahat ng tao at siya ang itinuturo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang pangalang mahalay ang humihiging sa kaniyang tainga, ngunit nagbibingibingihan at nagpapatuloy ng lakad. gayon man, nang makita ang kombento, ay huminto at nanginig na. bumalik na tayo sa nayon, bumalik na tayo! ang samo na pinigil ang kaniyang kasama. kinailangan ni hermana bali ang hawakan siya sa bisig at halos binatak, na pinamamayapa at pinagsasabihan siya ng ukol sa mga aklat ng mga prayle. hindi siya pababayaan, walang dapat ikatakot; si. camorra ay may ibang bagay sa ulo; si huli ay isang tagabukid lamang. datapway nang dumating sa pintuan ng kombento bahay pari ay nagmatigas na si huli sa pag ayaw na umakyat at nangunyapit sa pader. huwag, huwag! ang samong lipos sindak; , huwag; mahabag kayo!. ngunit napakahangal. itinutulak siyang marahan ni hermana bali; si huli ay ayaw pumayag, namumutla, na ang mukhay nakahahambal. ipinahayag ng kaniyang paningin na nakikitang kaharap niya ang kamatayan. siya, bumalik tayo kung ayaw ka!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang bulalas na tuloy na masama ang loob ng mabait na babai, na hindi naniniwala sa anomang sakunang tunay na mangyayari. kahit na may masamang kabantugan si. camorra ay hindi mangangahas sa harap niya. madala na sa tatapunan ang kaawaawang si. basilio, barilin siya sa daan at sabihing nagtangkang tumakas! ang dagdag; pag patay na ay saka magsisisi. sa ganang akin, akoy walang anomang utang na loob sa kaniya. sa akin ay walang isusumbat! yaon ang bayong nakapagpanibulos. sa harap ng gayong sumbat, may halong galit, handa sa lahat, gaya ng isang magpapatiwakal, ay ipinikit ni huli ang kaniyang mga mata, upang huwag matanaw ang banging tatalunan, at tuloytuloy na pumasok sa kombento. isang buntong hininga na waring hingalo ang namulas sa kaniyang mga labi. sinundan siya at pinagbibilinan ni hermana bali. nang kinagabihan ay marahang pinag uusap usapan ang nangyari ng hapong iyon. sa durungawan ng kombento ay tumalon ang isang dalaga na bumagsak sa mga bato at namatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"halos kasabay noon, isa pang babai ang lumabas na nagsisigaw at nagtititili sa mga lansangan na wariy baliw. ang mga maingat na mamamayan ay hindi makapangahas na bumanggit ng mga pangalan at maraming ina ang kumurot sa kanilang mga anak na babai dahil sa pagkakabigkas ng mga salitang makapagbibigay ligalig sa kanila. makaraan yaon, ngunit malaon ng nakaraan, ng nagtatakipsilim, ay isang matandang lalaki ang nanggaling sa nayon at tumawag ng malaon sa pintuan ng kombento na nakasara at binabantayan ng mga sakristan. ang matanday tumatawag sa pamagitan ng suntok, ng ulo, bumibigwas ng mga timping sigaw, na walang linaw, na gaya ng sa isang pipi, hanggang sa napalayas doon sa pamagitan ng palo at katutulak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang mangyari ang gayon ay tumungo sa bahay ng kapitan sa bayan, ngunit sinabi sa kaniya roon na wala ang kapitan, na nasa kombento; tumungo sa hukom pamayapa, ngunit ang hukom pamayapa ay wala rin, ipinatawag sa kombento; tinungo ang teniente mayor gayon din, nasa kombento; tumungo sa kuartel, ang teniente ng guardia sibil ay nasa kombento. sa gayon ay bumalik sa kaniyang nayon ang matanda na umiiyak na parang isang bata: ang kaniyang ungal ay nadidingig sa gitna ng katahimikan ng gabi; ang mga lalakiy nangapapakagatlabi, ang mga babaiy nangagdadaop kamay, at ang mga aso ay pumapasok sa kanikanilang bahay, mga takot, at ipit ng dalawang hita ang buntot!, dios, dios! anang isang abang babai na nangangalirang dahil sa kakokolasion; sa harap mo ay walang mayaman, walang mahirap, walang maputi, walang maitim. ikaw ang hahatol sa amin! oo, ang sagot ng asawa, kailan mat ang dios na iyang kanilang iniaaral ay hindi tunay na gawagawa lamang, isang daya!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sila na ang una unang hindi naniniwala doon! nang ikawalo ng gabi, ay sinasabing mahigit sa pitong prayle, na galing sa mga bayang kalapit, ang nangasa sa kombento at nagpupulong. nang kinabukasan ay nawala nang patuluyan sa nayon si tandang selo na dala ang kaniyang tandos sa pangungusa. spagne et sa vertu, lespagne et sa grandeur tout sen va!.) ang mga pamahayagan sa maynila ay nangalululong sa pagsasalaysay ng ukol sa isang nabunyag na patayang nangyari sa europa, sa mga pagpupuri at pagbibigay karangalan sa ilang predicador sa maynila, sa lalot lalo pang masigabong pagtatatagumpay ng operetang pranses, kaya babahagya nang makapaglaan ng gayon ganitong balitang ukol sa mga katampalasanang ginagawa sa mga lalalawigan ng isang pulutong ng tulisan na pinangunguluhan ng isang pinunong mabangis at ganid na nagpapamagat na matanglawin .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tangi lamang, kung ang nilolooban ay isang kombento isang kastila, ay saka lumalabas ang mahahabang salaysay na nagsisiwalat ng mga kakilakilabot na pangyayari at hinihingi ang estado de sitio mga matitinding panupil, ibp. kayat hindi rin naatupag ang nangyari sa bayan ng tiani, ni hindi man nagkaroon ng isa mang banggit ni isang alingawngaw. sa mga lipunang tangi ay may kaunting bulungbulungan, ngunit napakalabo, napakamahina, napaka walang katibayan na hindi man lamang nabatid ang pangalan ng nasawi, at yaong mga nagpakita ng malaking nasang makaalam ay madaling nakalimot, na naniwalang nagkaroon nang kasunduan sa kaanak mga kamag anak na may galit. ang tanging tiyak na napag alaman ay ang pag alis sa bayang iyon ni. camorra upang lumipat sa iba manirahan ng kaunting panahon sa kombento sa maynila. kaawaawang. ang bulalas ni ben zayb na nagwaring mahabagin, gayong kasaya, gayong kabuting puso!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tunay nga na ang mga nag aaral ay nangakalaya sa kalalakad ng kanilang mga kamag anak, na hindi tiningnan ang magugugol, mga handog at mga paghihirap. ang una unang nakalaya, gaya ng maaantay, ay si makaraig, at ang huliy si isagani, sapagkat si. florentino ay hindi nakarating sa maynila kung di nang makaraan muna ang isang linggo sapol ng mangyari ang mga bagaybagay. ang gayong karaming pagkahabag ay naging sanhi upang bigyan ang general ng palayaw na mahabagin at maawain na dalidaling idinagdag ni ben zayb sa mahabang kabilangan ng kaniyang mga palayaw. ang tanging hindi nakalaya ay si basilio, na nasasakdal pa sa kasalanang pagkakaroon ng mga aklat na bawal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi namin malaman kung ang sinasabi nilay ang aklat na medicina legal toxicologia ni dr. mata ang ilang pahayagan na ukol sa mga bagay bagay sa pilipinas na natagpuan sa kaniya, magkasama na ang dalawang bagay na iyon; ngunit sinasabi rin naman na nagbibiling palihim ng mga aklat na bawal at napataw sa kaawaawang binata ang boong bigat ng timbangan ng katwiran. may nagbalitang sinabi sa general: kailangan na magkaroon ng isa upang maligtas ang karangalan ng kapangyarihan at huwag masabing tayoy nag ingay nang katakot takot ng wala namang sanhi. una muna sa lahat ang kapangyarihan. kailangang may matira! iisa na lamang ang natitira, isa na, alinsunod kay. irene ay, naging alila ni kapitang tiago. walang naghahabol sa kaniya. alila at nag aaral? ang tanong ng general: kung gayon ay iyan, matira, iyan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"maipahintulot po sa akin ng inyong karilagan ang sabi ng mataas na kawani na nagkataong kaharap; ngunit may nagsabi sa akin na ang binatang iyan ay nag aaral sa medicina, ang kaniyang mga guroy mabuti ang sinasabing ukol sa kanya. kung magpapatuloy sa pagkabilanggo ay masasayangan ng isang taon, at sa dahilang sa taong ito magtatapos. ang pamamagitna ng mataas na kawani na ayon kay basilio, sa lugal na makabuti dito, ay nakasama pa. malaon nang ang kawani at ang general ay nagkakabigatan, may samaan ng loob, na naragdagan ng mga salisalitaan. ang general ay ngumiti at sumagot: siya nga ba? kung gayoy lalo pa ngang dapat na magpatuloy sa pagkakabilanggo; isang taon pang pag aaral, sa lugal na makasasama, ay makabubuti sa kaniya, sa kaniya at sa lahat ng mahuhulog pagkatapos sa kaniyang mga kamay. dahil sa maraming pagsasanay ay hindi magiging masamang manggagamot ang isang tao. isa pa ngang katwiran upang matira!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at pagkatapos ay sasabihin ng mga mapagbagong pilibustero na hindi namin inaalagata ang bayan! ang dagdag ng general na tumatawang paaglahi. nakilala ng mataas na kawani ang kaniyang kamalian at pinangatawanan na ang usap ni basilio. datapway sa ganang akin ay inaakala kong ang binatang iyan ay siyang lalong walang kakasakasalanan sa lahat, ang tugon na may kaunting katakutan. nahulihan siya ng mga aklat, ang sagot ng kalihim. oo, mga aklat sa panggagamot at mga pahayagang sinulat ng mga taga espana. na hindi pa nagugupit ang mga dahon. at ano ang ibig sabihin nito? at saka, ang binatang iyan ay wala sa piging na idinaos sa magpapansit, ni hindi nakihimasok sa anoman. gaya ng sinabi ko, siya ang lalong walang kakasakasalanan. lalot lalo pa ngang mabuti! ang masayang bulalas ng general; sa gayong paraan, ang parusa, ay magiging lalong malunas at katangitangi sapagkat makasisindak pang lalo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mamahala ay ang umasal ng ganiyan, ginoo; madalas na kailangang ipailalim ang ikabubuti ng isa sa ikabubuti ng marami. datapway higit pa sa roon ang ginagawa ko: sa ikabubuti ng isa, kinukuha ko ang ikabubuti ng lahat, inaliligtas ko ang tibay ng kapangyarihan na napapanganib, ang karangalan ay naigagalang at tumatatag. sa ginawa kong ito ay naaayos ko ang mga kamalian ng mga tagaritot ng mga hindi tagarito! gumamit ng malaking lakas ang mataas na kawani upang makapagpigil, hindi pinuna ang mga parunggit, at nagtangkang humanap ng ibang paraan. ngunit hindi po ba ninyo kinatatakutan ang kapanagutan? ano ang ikatatakot ko? ang pakling nayayamot ng general; hindi ba mayroon akong kapangyarihang magagamit ng alinsunod sa sariling kapasiyahan? hindi ko ba magagawa ang maibigan sa ikabubuti ng pamamahala sa kapuluang ito? ano ang ikatatakot ko? maaari bagang ipagsakdal ako sa mga hukuman ng isang alila at akoy hingan ng kapanagutan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at kahit na mayroon siyang magagamit na kaparaanan ay dadaan muna sa ministerio, at ang ministro. ikinumpay ang kamay at nagtawa. ang ministrong naghalal sa akin, ay ang diablo lamang ang nakaaalam kung saan na naroroon, at aariin na niyang malaking karangalan ang akoy kaniyang mabati sa aking pagbalik! ang kasalukuyan, iyan ay pararaanin ko sa. at dadalhin din iyan ng diablo. ang hahalili diyan ay malilito sa bago niyang tungkulin na hindi makukuhang pumuna ng mga mumunting bagay. ako, ginoo, wala akong anoman kundi ang budhi ko lamang, gumagawa ako ng alinsunod sa aking budhi, ang budhi ko ay nasisiyahan, at walang kakabukabuluhan sa akin ang haka ni ganoon ni ganito. ang aking budhi, ginoo, ang aking budhi! opo, aking general, ngunit ang bayan. tu, tu, tu, tu! ang bayan, ano ang mayroon sa akin ng bayan? nagkaroon baga ako ng pakikipagkasunduan sa kaniya? utang ko ba sa kaniya ang aking katungkulan? siya ba ang naghalal sa akin? nagkaroon ng munting pananahimik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mataas na kawaniy nakatungo. pagkatapos, waring may tinangka nang gawin, ay tumingala, tinitigan ang general at, namumutlang nanginginig ng kaunti, ay nagsabing pigil ang katigasan: walang kailangan, aking general, walang kailangan iyan! kayoy hindi inihalal ng bayang pilipino kundi ng espana, katwiran pa nga upang pagpakitaan ninyo ng mabuti ang mga pilipino upang walang maisisi sa espana! katwiran pa nga, aking general! sa pagparito ninyo ay nangakong ilalagay sa katwiran ang pamamahala, hahanapin ang kabutihan. at hindi ko ba ginagawa? ang tanong na pabugnot ng general na humakbang, hindi ko ba sinabi sa inyo na kinukuha ko sa ikabubuti ng isa ang ikabubuti ng lahat? tuturuan pa ba ninyo ako ngayon? kung hindi ninyo maliwanagan ang aking mga gawa ano ang kasalanan ko? pinipilit ko ba kayong makihati sa aking kapanagutan? ang pakli ng mataas na kawani na tumuwid ng may halong pagkamataas. hindi ninyo ako pinipilit, hindi ninyo ako mapipilit na makihati sa inyong kapanagutan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"iba ang pagkakilala ko sa aking sariling kapanagutan, at sapagkat akoy mayroon din naman, ay magsasalita ako, yamang hindi ako umimik ng mahabang panahon. oh huwag iayos ng inyong karangalan ang mga ganiyang anyo, sapagkat ang pagkaparito ko, na gayon ganito ang katungkulan, ay hindi ang pagtakwil ko na sa aking mga karapatan ang ibig sabihin at manira na lamang ako sa pagiging alipin, na walang bibig ni karangalan! hindi ko ibig na mawalay sa espana ang magandang lupaing ito, iyang walong angaw na sakop na masunurin at mapagtiis na nabubuhay sa mga pag asa at pagkakilala ng mga pagkakamali, ngunit hindi ko rin naman ibig na dungisan ang aking mga kamay sa ganid na pangangalakal sa kaniya; ayokong masabi kailan man, na matapos lumipas ang pagbibili ng tao, ay ipinatuloy ng lalo pang malusog ng espana, na kinakanlungan ng kaniyang bandila, at lalo pang iniayos sa ilalim ng maraming magagarang kapasiyahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi, upang ang espana ay maging malaki ay hindi niya kailangan ang maging maniniil; sukat na ang espana sa kaniyang sarili, lalo pang malaki ang espana noong walang ari kundi ang sarili niyang lupain na naagaw sa kuko ng moro! ako may kastila rin, ngunit bago ang aking pagkakastila ay naroroon ang aking pagkatao at bago ang espana at sa ibabaw ng espana ay naroroon ang kaniyang karangalan, naroroon ang matataas na turo ng magandang aral, ang mga walang lipas na batayan ng di mababaling katwiran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"namamangha kayo na akoy mag isip ng gayon, sapagkat hindi ninyo nauunawa ang kalakhan ng pangalang kastila, hindi ninyo kilala, hindi; ikinakapit ninyo sa mga tao, sa mga pag aari; sa ganang inyo, ang kastila, ay mangyayaring maging mangdadambong, mangyayaring maging mamamatay, mapagbalatkayo, bulaan, lahat na, matanganan lamang ang kaniyang inaari; sa ganang akin, ang kastila, ay dapat na iwan ang lahat, ang sakop, ang kapangyarihan, ang kayamanan, ang lahat na, lahat bago ang karangalan!, aking ginoo! tayoy tumututol kung nababasa nating ang lakas ay napapaibabaw sa katwiran, at pinapupurihan natin kung sa pag gawa ay nakikita nating siyay balatkayo na hindi lamang inililiko kundi ipinaiilalim sa inyong kapasiyahan upang kayoy makapangyari. sa dahilan ngang iniibig ko ang espana, ay nagsasalita ako dito at hindi ko pinanganganiban ang pangungunot ng inyong noo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ayokong sa mga darating na panahon ay masabing siyay inainahan ng mga bansa, manghihitit ng mga bayan, maniniil ng maliliit na pulo, sapagkat ang gayoy kakilakilabot na lait sa mga mararangal na adhika ng ating mga unang hari! papano ang ginagawa nating pagtupad sa kanilang mga banal na habilin? pinangakuan nila ang mga pulong ito ng pag aampon at matuwid, at pinaglalaruan natin ang mga buhay at kalayaan ng kaniyang mamamayan; pinangakuan nila ng kabihasnan, at pinagkakaitan natin, sa katakutang magnasa ng isang lalong marangal na kabuhayan; pinangakuan sila ng liwanag, at binubulag natin ang kanilang mga mata upang huwag makita ang ating mga kalaswaan; pinangakuang tuturuan sila ng mga kabaitan at pinaaayuan natin ang kanilang masasamang hilig at, sa lugal ng kapayapaan at ng katuwiran, ang naghahari ay ang pag aalinlangan, ang kalakal ay namamatay at ang di pananalig ay lumalaganap sa taong bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lumagay tayo sa lagay ng mga pilipino at itanong natin sa sarili kung ano ang ating gagawin kung tayo ang nasa gayong kalagayan! sa inyong hindi pag imik ay nababasa ko ang inyong karapatan sa panghihimagsik, at kung ang mga bagaybagay ay hindi bubuti ay mangaghihimagsik balang araw at ang katuwiran ay malalagay sa kanilang panig at kasama pa ang paglingap ng lahat ng taong may puri, ng lahat ng bayani sa sangsinukob! kapag ipinagkakait sa isang bayan ang liwanag, ang tahanan, ang kalayaan, ang katwiran, mga biyayang kung wala ay hindi maaring mabuhay at dahil nga dooy sila ang taglayin ng tao, ang bayang iyan ay may karapatang ariin, ang sa kaniyay nag aalis ng mga gayon, na waring isang magnanakaw na humaharang sa atin sa daan: walang kabuluhan ang pagtatangi, wala kundi iisang pangyayari, isang pag aari, isang pagtatangka, at ang sino mang taong may kapurihan na hindi kumampi sa hinalay, ay nakikitulong at dinudungisan ang sariling budhi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"oo, hindi ako militar, at pinapatay ng kagulangan ang kaunting sulak ng aking dugo; ngunit gaya rin naman ng pangyayari na ipagugutay ko ang aking katawan sa pagtatanggol sa katibayan ng espana na laban sa isang mananalakay na taga ibang lupa laban sa mga walang katwirang paggalaw ng kaniyang mga lalawigan, gayon din namang pinatutunayan ko sa inyo na makikipiling ako sa mga pilipinong sinisiil, sapagkat nasa ko pa ang mamatay nang dahil sa mga niyuyurakang karapatan, ng sangkatauhan, kay sa magtagumpay sa piling ng mga hangaring ikagagaling ng isang bansa, kahit na ang bansang itoy may pangalang kagaya ng pangalan ng espana! alam baga ninyo kung kailan aalis ang correo ang malamig na tanong ng general ng matapos nang makapagsalita ang mataas na kawani. tinitigan siyang mabuti ng mataas na kawani, pagkatapos ay ibinaba ang ulo at iniwang walang imik ang palasyo. sa halamanan natagpuan ang kaniyang sasakyang nag aantay sa kaniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kapag balang araw ay nakapagsarili na kayo, ang sabing natutubigan sa indiong lacayo na nagbukas ng pintuan ng sasakyan, ay alalahanin ninyo na sa espana ay hindi nagkulang ng mga pusong tumibok ng dahil sa inyo at nakitunggali ng dahil sa inyong mga karapatan! ang sagot ng lacayo na hindi siya napakinggang mabuti at itinatanong kung saan sila paparoon. makaraan ang dalawang oras, ay iniharap ng mataas na kawani ang kaniyang pagbibitiw sa katungkulan at ipinababatid ang kaniyang pagbalik sa espana sa unang korreong aalis. dahil sa mga pangyayaring isinaysay, maraming ina ang tumawag sa kanilang mga anak na lalaki upang iwan kaagad agad ang pag aaral at atupagin na lamang ang pagbubulagbul ang pagtatanim. nang dumating ang mga paglilitis, ay marami ang mga hindi nakaraan at bihira ang nangakalampas sa taon ng kanilang pag aaral sa mga naging kasapi sa nabantog na kapisanan na hindi na muli pang nabangit ng kahit sino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si pecson, si tadeo at si juanito pelaez ay pawa ring nangapigil; tinanggap ng una ang mga kalabasa na taglay ang kaniyang tawang hangal at nangakong papasok na opisial sa alin mang hukuman; si tadeo, na natagpuan din ang walang katapusang cuacha ay nagdaos ng isang pag iilaw na ang ginagaway sinigan ang kaniyang mga aklat; ang ibay hindi rin nangakaligtas na mabuti, kayat nangapilitang iwan ang kanilang mga pag aaral, sa gitna ng kasiyahang loob ng mga ina, na kailan pa may nangakakinikinitang ang kanilang mga anak ay bitay pag nangakaalam ng sinasabi ng mga aklat. si juanito pelaez lamang ang tanging hindi nasiyahang loob sa bayong iyon ng kapalaran, na iniwan na ang paaralan dahil sa tindahan ng kaniyang ama, na mula nooy isinama na siya sa kalakal: ang tindahan ay hindi nagiliwan ng alisaga, ngunit nang makaraan ang kaunting panahon ay nakita siyang muli ng kaniyang mga kaibigan na bilog ang kakubaan, bagay na nagpapakilalang bumabalik ang kaniyang masayang ugali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa harap ng gayong pagkadiwara, ang mayamang si makaraig ay nagingat na mabuti upang huwag siyang mapanganib at nang makakuha ng pasaporte sa tulong ng lakas ng salapi ay matuling sumakay na tungo sa europa: nabalitang ang marilag na capitan general, sa kaniyang hangad na gumawa ng kabutihan nang alang alang sa kabutihan at sa pagiingat sa ikaluluwag ng mga pilipino, ay binigyang salabid ang pag alis ng sinomang hindi makapagpakilalang tunay na tunay na mangyayaring makapaggugol at makapamumuhay ng maluwag sa mga siyudad sa europa. sa ating mga kilala, ang mga nakalusot na mabutibuti ng kaunti ay si isagani at si sandoval: ang una ay nakalampas sa asignatura na pinag aaralan sa ilalim ng pagtuturo ni. fernandez at napigil sa iba, at ang pangalaway nagawang mahilo ang mga lumilitis sa tulong ng mga talumpati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si basilio ang tanging hindi nakalampas sa mga asignatura, ni hindi napigil, ni hindi nakapatungo sa europa: nagpatuloy siya sa pagkakakulong sa bilibid, na sa bawat ikatlong araw ay isinasailalim siya ng isang pagtatanong, yaon ding kagaya nang sa simulat simula pa, na walang ibang kabaguhan kungdi ang pagpapalit ng mga instructor, sapagkat waring sa harap ng gayong kalaking pagkakasala ay napipipilang lahat nangagsisitakas na nangingilabot. at samantalang nangakakatulog at nauusad ang mga kasulatan, samantalang ang mga papel sellado ay dumadami na wari mga tapal ng mga mangmang na manggagamot sa katawan ng isang may sakit na pagkalungkot, si basilio ay tumatanggap naman ng balita ng boong nangyari sa tiani, ang pagkamatay ni huli at pagkawala ni tandang selo. si sinong, ang kotserong nabugbog na naghatid sa kaniya sa. diego, ay nasa sa maynila noon, dumadalaw sa kaniya at sinasabi sa kaniya ang lahat ng pangyayari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"samantala namay gumaling na si simoun, gayon ang sabi ng mga pahayagan, si ben zayb ay nagpasalamat sa nakapangyayari sa lahat na nag ingat sa gayong mahalagang buhay at ipinahayag ang pag asa na gagawin ng lumikha na makilala sa balang araw ang nagkasalang ang kagagawan ay hindi pa napaparusahan dahil sa kaawaan ng nilapastangan, na lubos na nagpapalakad noong mga wika ng dakilang pinagpala na: ama, patawarin mo sila, at hindi nalalaman ang ginagawa! ito at iba pang bagay ang sinasabi sa limbag ni ben zayb, samantalang sa salitay inuusisa kung tunay ang alingawngaw na ang mayamang mag aalahas ay magdaraos ng isang malaking pista, isang piging na hindi pa nakikita magpakailan man, sa isang dakoy bilang pasasalamat sa kaniyang paggaling at sa isay bilang pagpapaalam sa bayang nagdagdag sa kaniyang kayamanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nababalita, at siyang totoo, na si simoun ay nagsusumakit, dahil sa ang capitang general ay dapat nang umalis sapagkat matatapos sa buwan ng mayo ang pagganap sa katungkulan, upang malakad sa madrid ang isang palugit pa at inuudyukan ang general na gumawa ng isang pagsalakay upang magkaroon ng kadahilanan ang di pag alis, ngunit nababalita rin naman na noon lamang hindi diningig ng general ang payo ng kaniyang itinatangi, at inaaring bagay na kapit sa karangalan niya ang huwag binbinin ng isang araw man lamang sa kaniyang kamay ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kaniya, alingawngaw itong nakapagpapaniwala na ang nababalitang pista ay gagawin sa loob ng madaling panahon. sa isang dako naman, si simoun, ay hindi mapakimatyagan; lalo pang naging matahimik, bibihirang pakita, at bumibigkas ng ngiting mahiwaga kapag kinakausap siya ng ukol sa sinasabing pista. ano, ginoong simbad ang sabi sa kaniyang minsan ni ben zayb; silawin ninyo kaming minsan sa isang bagay na ayos yankee!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang pinakaganti sa bayang ito. mangyari nga ba! ang sagot sa pamagitan ng kaniyang ngiting matigas. ihahagis ninyo marahil ang bahay sa bintana, ano? marahil, ngunit sa dahilang wala akong bahay. binili sana ninyo ang kay kapitang tiago, na murang murang nakuha ni ginoong pelaez! si simoun ay hindi umimik at mula na noon ay bihira na siyang nakita sa tindahan ni. timoteo pelaez, na nabalitang nakipagkasama sa kaniya. makaraan ang ilang linggo, ng buwan ng abril, ay kumalat ang sabisabihan na si juanito pelaez, ang anak ni. timoteo, ay mag aasawa kay paulita gomez, ang dalagang ninanasa ng mga taga ritot ng mga dayuhan. may mga taong mapapalad! anang mga naiinggit na mangangalakal; makabili ng bahay na murang mura, magbili ng kaniyang tindang zinc makisama kay simoun at maipakasal ang kaniyang anak sa isang mayamang binibini, ang wikain ninyoy mga kakanin iyang hindi natitikman ng lahat ng mga taong may puri. kung nalalaman lamang ninyo kung sa anong paraan natamo ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pelaez ang kakaning iyan! at sa tunog ng tingig ay ipinahihiwatig ang sarili niya. at mapatitibayan ko rin sa inyo na magkakaroon ng pista at malaki, ang dugtong na may hiwaga. tunay nga na si paulita ay mag aasawa kay juanito pelaez. ang kaniyang pag ibig kay isagani ay napawi na gaya ng alin mang mga unang pag ibig, na nananangan sa magagandang pangarap, sa damdamin. ang mga pangyayaring dahil sa mga paskin at ang pagkakabilanggo ay nag alis sa binata ng lahat ng taglay na pang akit. kangino baga mangyayari ang hanapin ang kasawian, nasain ang makiisa sa kapalaran ng kaniyang mga kasama, humarap na kusa, gayong ang lahat ay nagtatago at umiiwas sa lahat ng kapanagutan? iyon ay isang kabangawan, isang kaululan, na hindi maipatatawad sa kaniya ng sino mang taong matino sa maynila at may lubos ngang katwiran si juanito pelaez sa pagkutya sa kaniya, na ginagayahan ang sandaling pagtungo niya sa gobierno civil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"gaya ng maaantay, ang maningning na si paulita ay hindi na mangyayaring umibig sa isang binatang lubhang maling mali sa pagkaunawa sa kalipunan at sinisisi ng lahat. si paulita ay nagsimula na ng pagkukuro kuro. si juanito ay matalas, maliksi, masaya, malikot, anak ng isang mayamang mangangalakal sa maynila, at may dugong kastila pa, at kung paniniwalaan si . timoteo, ay tunay na tunay na dugong kastila; samantalang si isagani ay indiong taga lalawigan na nangangarap sa kaniyang mga kagubatan na puno ng linta, ang kaanak ay malabo, may isang amaing klerigo na marahil ay kalaban ng pagmamagara at ng mga sayawan, na kaniyang kinalulugdan. isang maganda ngang umaga ay napaghulohulo niya na malaking kahangalan ang nagawa niyang napili pa si isagani kay sa kaniyang kaagaw at mula na noon ay napuna ang pagdaragdag ng kakubaan ni pelaez.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang batas na natuklas ni darwin ay ginaganap ni paulita ng walang kamalaymalay, ngunit buongbuo; ang babaiy napaaari sa lalaking lalong may kasanayan, sa marunong makibagay sa kalagayang kinabubuhayan, at upang mamuhay sa maynila ay walang makapapantay kay pelaez, na sapol pagkabata ay nakatatalos na ng gawang palikawlikaw. ang kurisma ay nakaraang kasama ang kaniyang mahal na araw, kasama ang kaakbay niyang mga prusisyon at mga ceremonias na walang ibang kabaguhang nangyari kundi isang mahiwagang pagkakagulo ng mga artillero, na ang sanhi ay hindi sumapit na makalat. iginiba na ang mga bahay na pawid, sa tulong ng isang pulutong na caballeria upang dumumog sa mga may ari, sakaling mangagsilaban: nagkaroon ng maraming iyakan at maraming paghihinagpis, ngunit hindi na naman lumalo pa roon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga mapag usisa, na isa na sa kanilay si simoun, ay nangagsiparoong lalakadlakad na di pinahahalagahan ang nangyayari, na pinanonood ang mga nawalan ng tahanan at anila sa sariliy makatutulog na nang payapa. nang magtatapos ang abril, nang nalimot na ang lahat ng pangamba, ay walang pinaghuhunhunan sa maynila kundi iisang bagay. ang pistang gagawin ni. timoteo pelaez, dahil sa pag aasawa ng kaniyang anak na ang humandog na mag aanak, malugod at mapagbigay loob, ay ang general. sinasabing si simoun ang may kagagawan noon. ang kasal ay idadaos nang dalawang araw muna bago umalis ang general; papupurihan nitong dumalo sa bahay at maghahandog sa novio .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kumakalat ang alingawngaw na ang mag aalahas ay magpapabaha ng brillante, magtatapon ng dakotdakot na perlas, alang alang sa anak ng kaniyang kasama, at sa dahilang hindi siya makapagpista dahil sa wala siyang bahay na sarili at dahil sa siyay matandang bagong tao, ay sasamantalahin ang pagkakataon upang biglain ang bayang pilipino ng isang daramdaming pagpapaalam. ang boong maynila ay humahanda nang mapapaanyayahan: kailan may hindi pumasok ang pagkagulumihanan sa mga budhi ng gayon kabagsik na gaya ng hinalang baka di maanyayahan. nangag uunahan sa pakikipag ibigang mabuti kay simoun, at maraming lalaki, ang sa pilit ng kanilang mga asawa, ang bumili ng mga tanak at mga zinc upang maging kaibigan ni. timoteo pelaez. sumapit din ang araw. si simoun, magmula sa umaga, ay hindi umalis sa kaniyang bahay, dahil sa pag aayos ng kaniyang mga sandata at mga hiyas. ang kaniyang malaking kayamanan, ay nasa sa loob na ng malaking takbang patalim na may sapot na lona.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kakaunting sisidlan na lamang na may mga galang at mga panusok ang nalalabi, marahil ay mga panghandog na kaniyang ipamimigay. aalis na nga siyang kasama ng capitan general, na ayaw na ayaw palawigin ang panghahawak sa katungkulan, dahil sa pangingilag sa sasabihin ng tao. ibinubulong ng mga malabiga na si simoun ay ayaw mangahas na maiwang mag isa, na, kung mawalan ng pinanananganan, ay ayaw na mapaghigantihan ng maraming pinagtubuan at mga nasawi, at ang lalo pa manding malaking sanhi ay ang pangyayaring ang general na darating, ay kilala sa pagka may matuwid na hilig, at marahil dahil ay ipasauli sa kaniya ang lahat ng kinita. sa isang dako naman ay sinasapantaha ng mga mapamahiing indio na si simoun ay isang diablo na ayaw malayo sa kaniyang huli. ang mga mapaghaka ng masama ay kumikindat ng may pakahulugan at nagsasabing: kung pudpod na ang parang ay lilipat na sa ibang dako ang balang. ang ilan lamang, kakaunti, ang nangagsisingitit hindi umiimik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang kinahapunan ay iniutos ni simoun sa kaniyang alila na kung darating ang isang binatang nagngangalang basilio, ay papasuking agad. pagkatapos ay nagkulong sa kaniyang silid at waring nasadlak sa isang malalim na pagkukurokuro. mulat sapul noong magkasakit, ang mukha ng mag aalahas ay lalo pa manding tumigas at lalong pumanglaw, lumalim na mabuti ang guhit niya sa pag itan ng dalawang kilay. waring nahukot ng kaunti; ang uloy hindi na tayongtayo, nayuyuko. lubhang nalululong sa kaniyang pag iisip na hindi tuloy nadingig na may tumatawag sa pintuan. kinailangang ulitin ang katog. si simoun ay nangilabot: tuloy! ang dumating ay si basilio, ngunit quantum mutatus kung ang pagkakabago ng anyo ni simoun sa loob ng dalawang buwan ay malaki, ang sa binatay kakilakilabot. ang kaniyang mga pisngiy hukay, walang ayos ang bihis, gusot ang buhok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nawala ang matamis na kalamlaman sa kaniyang mga paningin at ang nagniningning ay ang madilim na lagablab; masasabing siyay namatay at ang kaniyang bangkay ay muling nabuhay sa pagkasindak sa mga bagay na nakita sa kabilang buhay. kundi man ang gawang linsil, ay ang kakilakilabot na anino noon ang nakakalat sa boo niyang tikas. si simoun na ay nagulat pa at nagdamdam habag sa sawing palad na iyon. si basilio ay lumapit na dahandahan, na hindi na bumati, at nagwikang ang tingig ay nakapagpakilabot sa mag aalahas, na: ginoong simoun, akoy naging masamang anak at masamang kapatid; linimot ko ang pagkakapatay sa huli at ang pagpapahirap sa una, at pinarusahan ako ng dios! ngayoy wala na ako kungdi isang nasa upang gantihin ng sama ang sama, ng linsil ang linsil, ng dagok ang dagok. tahimik siyang pinakikinggan ni simoun. may apat na buwan na, ang dugtong ni basilio na kinausap ninyo ako nang ukol sa inyong mga balak; tumanggi akong makilahok, at masama ang nagawa ko; may katwiran kayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"may tatlong buwan na at kalahating kamuntik nang bumuga ang panghihimagsik; hindi ko rin inibig ang makilahok, at ang galawan ay nabako. ang kapalit ng aking inasal ay ang mabilanggo at utang ko sa inyong pagsusumakit ang aking paglaya. may katwiran kayo, at naparito ako ngayon upang sabihin sa inyo, na: bigyan ng sandata ang aking kamay at bumuga na ang himagsikan! laan akong paglinkuran kayong kasama ang tanang sawi! ang ulap na nagpapadilim sa noo ni simoun ay biglang napawi, isang sinag ng pagtatagumpay ang kuminang sa kaniyang paningin, at waring natagpuan ang hinahanap, ay bumulalas nang: may katwiran ako, oo, may katwiran ako! ang karapatan ay taglay ko, ang matuwid ay nasa sa aking piling, sapagkat ang itinatanggol koy ang mga sawi. salamat, binata, salamat! dumating kayo upang pawiin ang aking mga pagaalinlangan, upang bakahin ang aking pag uurongsulong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si simoun ay tumindig at ang kaniyang mukhay galak na galak: ang silakbong nag uudyok sa kaniya nang, may apat na buwan na, ipinahahayag kay basilio ang kaniyang mga balak sa gubat ng kaniyang mga ninuno, ay muling namakas sa kaniyang mukha na wariy isang mapulang pagtatakipsilim, matapos ang isang maghapong malamlam. oo, ang patuloy, ang kilusan ay nabako at marami ang lumayo sa akin sapagkat nakita akong lupaypay na uurongsulong nang sandaling kikilos na: may itinago pa ako sa aking puso, hindi ko supil ang lahat ng aking damdamin at umiibig pa ako noon!. patay na ang lahat sa akin, at wala ng bangkay na dapat kong igalang ang kaniyang paghimlay! hindi na magkakaroon ng pag uurongsulong; kayong kayo na, binatang huwaran, kalapating walang apdo, ay nakakakilala ng pangangailangan, pumarito sa akin at inuudyukan ako sa pagkilos! may kagabihan na nang buksan ninyo ang inyong mga mata!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tayong dalawa sanay nakapagbalangkas at nakagawa ng mga kahangahangang balak: akoy sa itaas, sa mataas na lipunan, magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng mga bango at ginto, gawing asal hayop ang may masasamang hilig, at pasamain huwag pakilusin ang ilang mabuti, at kayo naman ay sa dakong ibaba, sa bayan, sa gitna ng kabinataan, na gisingin ang buhay sa gitna ng dugo at mga luha! ang ating gawa, sa lugal na maging madugo at ganid, ay naging kahabagan sana, ayos, anyong anyo, at ang tagumpay sana ay siyang naging dulo ng ating pagsusumikap! ngunit walang katalinuhang tumulong sa akin; takot at kahinaang loob ang natagpuan ko sa mga may kabihasnan, pagkamapagsarili sa mayayaman, pagkamapaniwala sa kabataan, at sa mga bundok lamang, sa mga kaparangan, sa mga may mahihirap na kabuhayan lamang natagpuan ko ang aking mga tao! datapway walang kailangan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung hindi tayo makatapos ng isang ayos na larawan, na makinis ang lahat ng kaniyang anyo, sa batong magaspang na ating tatapyasin, ay ang mga susunod na ang siyang magsisiganap. at pinigilan sa bisig si basilio, na nakikingig nang hindi nawawatasan ang kaniyang sinasabi, at dinala siya sa gawaan na pinagtataguan ng kaniyang mga yaring ukol sa kimika. sa ibabaw ng isang mesa ay may isang kahang maitim na chagrin na nahahawig sa mga pinagsisidlan ng mga kasangkapang pilak na inihahandog sa kapwa ng mga mayayaman at mga hari. binuksan ni simoun at inilantad, sa ibabaw ng rasong pula, ang isang lampara na katangitangi ang ayos. ang sisidlan ay anyong isang granada, kasinglaki ng ulo ng tao, may kaunting bitak, na kinakakikitaan ng mga butil sa loob, na ginayahan ng malalaking cornalina . ang balat ay gintong nangitim at kuhang kuha sampu ang mga kilabot ng bungang kahoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dahandahang kinuha ni simoun, at matapos na maalis ang ilawan, ay inilantad ang loob ng sisidlan: ang bao ay patalim, na ang kapal ay mga dalawang dali, at maaaring maglaman ng higit sa dalawang litro. tinatanong siya sa tingin ni basilio: walang mawawaan sa bagay na iyon. hindi na nagsalisalita ay maingat na kinuha sa isang tinggalan ang isang prasko at ipinakita sa binata ang nasusulat sa ibabaw. nitro glicerina! ang bulong ni basilio na napaurong at inilayong bigla ang kamay. nitro glicerina! at nang maunawa na mandin ay nangalisag ang kaniyang mga buhok. oo, nitro glicerina! ang dahandahang ulit ni simoun na taglay ang kaniyang malamlam na ngiti at malugod na tinitingnan ang prasko; itoy higit pa kay sa nitro glicerina! itoy mga luhang naipon, mga pagtatanim na tinimpi, mga kagagawang wala sa katwiran, at mga pag api! ito ang dakilang katwiran ng mahina, lakas laban sa lakas, bayong laban sa bayo. di pa nalalaong akoy nag aalinlangan, ngunit kayoy dumating at akoy napapanibulos!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa gabing itoy mangagsisiilandang ang mga lalong mapanganib na maniniil, ang mga maniniil na walang muwang, ang mga nagkakanlong sa likod ng dios at ng pamahalaan, na ang kanilang mga pamamaslang ay hindi napaparusahan sapagkat walang makausig sa kanila! sa gabing ito madidingig ng pilipinas ang putok na dudurog sa walang wastong monumento na pinadali ko ang pagkabulok! si basilio ay uulig ulig: ang kaniyang mga labiy gumagalaw nang walang mapalabas na tunog, nararamdaman niyang hindi maikilos ang kaniyang dila, nanunuyo ang kaniyang ngalangala. noon lamang niya nakita ang marahas na tubig na napagdidingig niyang sinasabi, na wariy tinigis sa dilim ng mga mapapanglaw na tao, na lantad na kalaban ng kalipunan. ngayoy nasa sa harap niya, malinaw at naninilawnilaw, na ibinubuhos ng boong pag iingat sa loob ng mapanutong granada.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa ganang malas niya, waring si simoun ay yaong genio sa sanglibot isang gabi na lumalabas sa gitna ng dagat: nag aanyong malakingmalaki, ang uloy abot sa langit, pinasabog ang bahay at niyanig ang boong siyudad sa isang galaw ng kaniyang likod. ang granada ay nag aanyong isang malaking esfera at ang bitak ay isang kakilakilabot na ngisi, na nilalabasan ng apoy at lagablab. noon lamang napadala si basilio sa katakutan at nawalang lubos ang kaniyang kalamigang loob. samantala namay itinotornilyo ni simoun ang isang katangitangi at pasalisalimuot na kasangkapan, inilagay ang tubong bubog, ang bomba, at ang lahat ng iyon ay pinutungan ng isang magarang pantalya. pagkatapos ay lumayo nang kaunti upang tanawin ang anyo, pinakilingkiling ang ulo sa magkabikabilang tagiliran upang lalong mataya ang ayos at kainaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at nang makitang tinititigan siya ni basilio ng tinging nagtatanong at nanganganib, ay nagsabing: mamayang gabiy magkakaroon ng isang pista at ang lamparang itoy ilalagay sa gitna ng isang kioskong kakainan na sadya kong ipinagawa. ang lampara ay magbibigay ng isang maningning na ilaw na sukat na siyang mag isa upang magpaliwanag sa lahat: ngunit pagkaraan ng dalawang pung minuto ay lalamlam ang ilaw, at sa gayon, kapag tinangkang itaas ang lambal ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio ang granada ay sasabog at kasabay niya ang kakainan na sa bubong at sahig ay kinanlungan ko ng mga bayong ng pulbura upang walang makaligtas na sino man. nagkaroon ng sandaling pananahimik: pinagmamasdan ni simoun ang kaniyang aparato at si basilio ay bahagya nang humihinga. kung gayon ay hindi na kailangan ang aking tulong, ang pakli ng binata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi, kayoy may ibang katungkulang gaganapin, ang sagot ni simoung nagkukurokuro, sa ika siyam ay nakaputok na marahil ang makina at ang tunog ay nadingig na sa mga kanugnog na bayan, sa mga bundukin, sa mga yungib. ang kilusang aking minunakala na kasabwat ang mga artillero ay hindi nangyari sa kakulangan ng pamamahala at pagsasabaysabay. sa ngayoy hindi na magkakagayon. pagkadingig ng putok, ang mga mahihirap, ang mga sinisiil, ang mga naglalagalag na inuusig ng kapangyarihan, ay mangagsisilabas na may sandata at makikisama kay kabisang tales sa santamesa upang lusubin ang siyudad; sa isang dako naman, ang mga militar na pinaniwala kong ang general ay nagpakana ng isang wariy panghihimagsik upang huwag umalis, ay lalabas sa kanilang mga kuartel upang paputukan ang sino mang ituro ko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"samantala namang ang bayan, sindak, at sa pag aakalang dumating na ang oras na silay pagpupupugutan, ay magbabangong handa sa pagpapakamatay, at sa dahilang walang sandata at hindi sila ayos, kayo, na kasama ang ilan pa, ay siyang mangulo sa kaniya at itungo ninyo sa tindahan ni insik quiroga na pinagtaguan ko ng aking mga baril. kami ni kabisang tales ay magtatagpo sa siyudad at itoy aming kukunin, at kayo sa mga arabal ay tatayo kayo sa mga tulay, magmumuog kayo roon, hahandang sumaklolo sa amin at patayin ninyo, hindi lamang ang laban sa panghihimagsik, kungdi ang lahat ng lalaking ayaw sumamang manandata! ang bulong ni basilio na ang boses ay mahina. ang ulit ni simoun na ang boses ay kasindaksindak, ang lahat, indio, mestiso, insik, kastila, ang lahat ng matagpuang walang tapang at lakas ng loob. kailangang baguhin ang lipi! ang mga amang duwag ay walang iaanak kundi mga alipin, at walang kabuluhan ang maggiba kung magtatayo rin, na, ang gagamitin ay mga bulok na sangkap!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nangingilabot kayo? nanginginig, natatakot kayong magsabog ng kamatayan? ano ang kamatayan? ano ang kabuluhan ng pagkamatay ng dalawang pung libong sawi? dalawangpung libong paghihirap na mababawas at mga angawangaw na dahop ang maililigtas sapol sa pinanggalingan! ang lalong matatakuting namamahala ay hindi nag aalinlangan sa paglalagda ng isang kautusan, na nagiging sanhi ng pagdadahop at ng untiunting paghihingalo ng libo at libong nasasakop, na masasagwa, masisipag, marahil ay maliligaya, upang masunod lamang ang isang nasa, ang isang naiisip, ang pagmamataas: at kayoy nangingilabot sapagkat sa iisang gabi ay matatapos na ang paghihirap ng budhi ng maraming duwag, sapagkat ang isang bayang hindi kumikilos at nahilig sa masama ay mamamatay upang paraanin ang isang bago, bata, masipag, puno ng lakas? ano ang kamatayan? isang bagay na walang kabuluhan isang paghimbing!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang kaniyang mga panagimpan baga ay maipapantay sa katunayan ng paghihirap ng lahat ng dustang anak sa isang kapanahunan? kailangang lipulin ang kasamaan, patayin ang dragon upang ipaligo ang kaniyang dugo sa bayang bago upang gawin itong malusog at di madadaig! ano pa ang di mababaling batas ng kalikasan, batas ng pagtutunggali na ang mahinay sapilitang madadaig upang huwag mamalagi ang liping masama at ang mga lumikha ay pumaurong? iwaksi nga ang mga pagninilay babai! maganap ang mga batas na walang paglipas, tulungan natin siya, at yayamang ang lupa ay lalo pang tumataba kapag siyay dinidilig ng dugo, at ang mga trono ay lalong nagtitibay kapag pinatitibayan ng mga pagkakasala at ng mga bangkay, ay hindi dapat mag urong sulong, hindi dapat mag alinlangan! ano ang sakit ng kamatayan? ang sandaling pagkakaramdam, marahil ay walang linaw, marahil ay masarap gaya ng sandaling pag itan ng pag aantok at nang paghimbing. ano ang mapapawi?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang kasamaan, isang pagtitiis, mga damong unsiyami upang sa kanilay ipalit na itanim ang ibang sariwa! tatawagin baga ninyong pag utas ang gayon? sa ganang akin ay tatawagin kong paglikha, pagyari, pagpapaunlad, pagbibigay buhay. ang gayong mga marurugong paghuhulohulo na sinabi sa loob ng boong pananalig at kalamigang loob, ay nakapanglupaypay sa binata, na ang pag iisip ay ngalay na dahil sa mahigit na tatlong buwang pagkakabilanggo at bulag sa hangad na makapaghiganti, ay hindi na laan sa pagsuri nang tinutungo ng mga bagaybagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa lugal na isagot na ang taong lalong masama matatakutin ay mahigit magpakailan man sa damo, sapagkat may isang kaluluwa at isang pag iisip, na, kahit mapakasama sama at magpakaasal hayop, ay mangyayaring mapabuti; sa lugal na itugong ang tao ay walang karapatang mamahala sa buhay ng sino man sa kapakinabangan ng kahit sino, at na ang karapatan sa buhay ay taglay ng bawat isa, gaya rin naman ng karapatan sa kalayaan at sa kaliwanagan; sa lugal na ipinakling kung kapaslangan man ng mga pamahalaan ang pagpaparusa sa mga pagkukulang kasamaanggawa, na kanilang pinag abuyan dahil sa kakulangan sa pag iingat kamalian, gaano pa kaya ang isang tao, kahit na napakalaki at napakasawi, na magpaparusa sa kaawaawang bayan ng pagkukulang ng kaniyang mga pamahalaan at mga ninuno; sa lugal na sabihing ang dios lamang ang tanging makagagawa ng mga gayong paraan, na, ang dios ay maaaring lumikha, ang dios ang may hawak ng gantingpala, ng walang katapusan at ng kinabukasan upang mabigyang katwiran ang kaniyang mga gawa, ngunit ang taoy hindi, magpakailan man!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa lugal ng mga pangangatwirang ito, ay walang inilaban si basilio kundi isang karaniwang puna: ano ang sasabihin ng boong mundo sa harap ng gayong pagpapapatay! gaya ng karaniwan, ang mundoy papagakpak, at bibigyang katuwiran ang lalong malakas, ang lalong mabangis! ang pangiting sagot ni simoun. ang europa ay pumagakpak nang ang mga bansa sa kanluran ay pumatay ng angaw angaw na indio sa amerika, at hindi pa upang makapagtatag ng mga bansang lalong may mabubuting hilig ni lalong matahimik; nariyan ang hilaga, na may taglay na kalayaang sinasarili, may batas ni lynch, may mga daya sa politika; naiyan ang timog na may mga walang katahimikang republika, may mga himagsikan ng magkababayan, mga pagbabangon, gaya ng nangyari sa kaniyang inang espana! ang europa ay pumagakpak ng hubaran ng portugal ang mga pulong molukas, pumagakpak ng pugnawin ng makapangyarihang inglaterra ang mga liping likas sa pasipiko upang ilagay ang sa kaniyang mga taong naglilipat bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang europa ay papagakpak nang gaya ng pagakpak sa pagtatapos ng isang drama sa pagkatapos ng isang tragedia hindi lubhang pinapansin ng madla ang pinakalayon, ang tinitignan lamang ay ang ipinamamalas na mainam sa mata! gawing maayos ang kabuktutan at hahangaan at magkakaroon pa nang higit na kampi kay sa mga gawang kabutihan, na ginanap sa paraang mabanayad at kimi. siya nga, ang pakli ng binata, at saka anong mayroon sa akin ang pumagakpak man pumula, kung ang mundong iyan ay hindi nababalino ng dahil sa mga sinisiil, sa mga maralitat sa mga babai? anong ipagpipitagan ko sa kalipunan sa siyay hindi nagtataglay ng gayon sa akin? ganiyan ang ibig ko, ang sabing matagumpay ng nag uudyok. at kumuha ng isang rebolber sa isang kahon, at iniabot sa kaniyang ang sabiy: sa ika sampu ay antabayanan ninyo ako sa tapat ng simbahan ng . sebastian upang tanggapin ang aking mga huling bilin na dapat gawin. sa ika siyam ay nararapat kayong malayo, lubhang malayo, sa daang anloague!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"siniyasat ni basilio ang armas, linagyan ng punglo at itinago sa kaniyang bulsang pangloob ng amerikana. nagpaalam sa pamagitan ng isang putol na: hanggang mamaya! nang nasa sa daan na si basilio ay iniisip kung ano ang kaniyang magagawa hanggang sa sumapit ang kalagim lagim na sandali; mag iika pito pa lamang. panahon niyon nang pamamahinga sa pag aaral at ang mga nag aaral ay nasa sa kanikanilang bayan. si isagani ang tanging hindi umuuwi, ngunit nawala mula ng umagang iyon at hindi maalaman kung saan naroroon. ito ang sinabi kay basilio, ng makapanggaling sa bilangguan at dinalaw ang kaniyang kaibigan upang makituloy. hindi maalaman ni basilio kung saan siya paparoon, wala siyang kualta, wala siyang anoman, liban na lamang sa rebolber.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang pagkaalaala sa lampara ang siyang gumiit sa kaniyang pag iisip: sa loob ng dalawang oras mangyayari ang malaking sakuna at, kung maalaala ang gayon, sa wari niyay pawang walang ulo ang mga lalaking nagdadaan sa kaniyang harapan: nagdamdam siya ng isang mabangis na katuwaan sa pagsasabi sa sarili, na kahit gayong dayukdok sa gabing iyon ay magiging siyang kakilakilabot, na kahit galing sa pagka nag aaral at alila marahil ay makita siya ng araw na kasindaksindak at kalagimlagim, na nakatayo sa ibabaw ng bunton ng mga bangkay, naglalagda ng mga kautusan doon sa mga nagdadaang nakalulan sa kanilang maiinam na sasakyan. humalakhak na wariy isang napakasama, at kinapa ang puluhan ng rebolber: ang mga kaha ng punglo ay nasa sa kaniyang mga bulsa. bumuko sa kaniyang loob ang isang katanungan saan magsisimula ang patayan? sa kaniyang kalituhan ay hindi niya naisip ang itanong kay simoun, ngunit sinabi sa kaniya ni simoun na lumayo sa daang anloague.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang magkagayoy nagkaroon siya ng isang hinala; nang kinahapunang iyon, ng siyay lumabas sa bilangguan, ay tumungo siya sa dating bahay ni kapitang tiago, upang hanapin ang kaniyang kaunting kasangkapan, at natagpuan niyang iba ang anyo at laan sa isang pista; yaon ang kasal ni juanito pelaez! may sinabing isang pista si simoun. nakitang nagdaan sa harapan niya ang isang mahabang hanay ng mga sasakyan na puno ng babait lalaking kaginoohan na nangagsasalitaan; waring nakakita siya sa loob ng malalaking kumpol ng bulaklak, ngunit hindi niya pinuna ang bagay na iyon. ang mga karuahe ay patungo sa daang rosario, at sa dahilang nasagupa sa mga nanggagaling naman sa tulay ng espana, ay nangahihintong madalas at dahandahan ang lakad. sa isang sasakyan ay nakita si juanito pelaez sa piling ng isang babai na puti ang bihis at may talukbong na madalang; nakilala niyang iyon ay si paulita gomez. ang bulalas na pamangha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at nang makitang tunay ngang siya, gayak ikinasal, na kasama si juanito pelaez, na waring nangagsipanggaling sa simbahan. kaawaawang isagani! ang bulong ano kaya ang nangyari sa kaniya? inalalang ilang sumandali ang kaniyang kaibigan, kaluluwang dakila, mahabagin, at itinanong sa sarili niya kung hindi kaya mabuting balitaan ng balak, ngunit sinagot din niya ang sarili, na si isagani ay hindi makikialam magpakailan man sa gayong patayan. hindi inasal kay isagani ang ginawa sa kaniya. pagkatapos ay naisip na kung hindi sa pagkakabilanggo, sa mga oras na iyon, siyay ikinakasal may asawa na, licenciado sa medicina, namumuhay at nanggagamot sa isang sulok ng kaniyang lalawigan. ang larawan ni huli, na lurayluray dahil sa pagkakalagpak, ay nagdaan sa kaniyang pag iisip; mga maitim na lagablab ng pagtatanim ang nag apoy sa kaniyang balintataw, at muling hinimas ang puluhan ng rebolber na dinaramdam ang hindi pa pagsapit ng kakilakilabot na sandali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa gayoy nakita si simoun na lumabas sa pinto ng kaniyang bahay na taglay ang sisidlan ng lampara, na nababalot nang boong ingat, lumulan sa isang sasakyang nakisunod sa hanay ng mga umaabay sa mga bagong kasal. upang huwag maligtaan ni basilio si simoun ay kinilala ang kotsero, at namangha siya ng makilala na iyon ay ang kaawaawang naghatid sa kaniya sa. diego, si sinong, ang binugbog ng guardia civil, iyon ding nagbabalita sa kaniya sa bilangguan ng lahat ng nangyayari sa tiani. sa pagkukurokuro niya na ang daang anloague ay siyang pangyayarihan, ay doon tumungo ang binata, na nagmadalit nagpauna sa mga karuahe. tunay nga, ang lahat ay tungo sa dating bahay ni kapitang tiago: doon nagkakatipong ang hanap ay isang sayawan upang magsiikot sa hangin! natawa si basilio nang makita ang mga guardia veterana na nangag aayos doon. dahil sa kanilang dami ay mahuhulaan ang kahalagahan ng pista at ng mga panaohin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"siksikan ang tao sa bahay, ang liwanag ay tumatapon sa kaniyang mga durungawan; ang silong ay nakakalatan ng alpombra at puno ng bulaklak; sa itaas, marahil ay sa kaniyang ulila at dating silid, tumutugtog ang orkesta ng masasayang tugtugin, na hindi naman nakatatakip na lubos sa magusot na alingawngaw ng tawanan, salitaan at halakhakan. timoteo pelaez ay umaabot sa tugatog ng kapalaran, ngunit ang mga nakikitang iyon ay higit sa kaniyang mga pinangarap. naipakasal din ang kaniyang anak sa isang binibining magmamana sa mga gomez, at salamat sa salaping ipinautang sa kaniya ni simoun, ay nabili niya ang bahay na iyon sa kalahati ng halaga, doon niya ginawa ang pista, at ang mga pinakamalalaking diosdiosan ng olimpo sa maynila ay kaniyang magiging panaohin, upang sapuhin siya sa kinang ng kanilang mga karangalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sapol sa umaga ay masidhing pumapasok sa kaniyang kalooban, na wariy isang karaniwang awit, ang isang malabong sambit na nabasa sa kaniyang mga pakikinabang: sumapit na ang oras na mapalad! lumapit na ang sandaling maligaya! matutupad nang madali sa iyo ang mga kahangahangang salita ni simoun: buhay ako, ngunit hindi ako kundi ang capitan general ang nabubuhay sa akin, at ibp. ang capitan general ay inaama ng kaniyang anak! tunay ngat hindi kaharap sa kasal, kinatawan siya ni. custodio, ngunit paparoong hahapon, at magdadala ng isang handog sa ikinasal, isang lampara na kahit ang kay aladin ay hindi makapapantay. sa lihim si simoun ang nagbigay ng lampara. timoteo ano pa ang ibig mo? ang pagkakabago ng bahay ni kapitang tiago ay lubhang malaki; diniktan ng mga bagong papel na maiinam; ang usok at amoy ng apian ay nawala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang malaking salas na lalong pinaluluwang ng malalaking salamin na nakapagpaparami pa sa mga ilaw ng mga arana ay nalalatagan ng alpombra: may alpombra ang mga salon sa europa, at kahit ang daling ay makintab na makintab at malalapad ang tabla, ay dapat ding magkaroon ng alpombra ang kaniyang salas, sapagkat hindi mangyayaring hindi magkagayon! ang maiinam na silleria ni kapitang tiago ay nawala, siyay napalitan ng ayos luis malalaking tabing na tersiopelong pula na may burdang ginto, may letra ng pangalan ng mga ikinasal, at napipiglan ng tinuhog na bulaklak ng suhang huwad, ang nangakasabit sa mga portiers at nagwawasiwas sa sahig ng kanilang malapad na laylayang ginto rin. sa mga sulok ay may malalaking pasong yari sa japon na nasasalit sa mga gawa sa sevres, na kulay bughaw na malinis, na nangalalagay sa mga pedestal na kahoy na may lilok. ang tanging wala sa ayos ay ang mga matitingkad na cromo na ipinalit ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"timoteo sa mga dating grabado at mga larawan ng santo ni kapitang tiago. hindi siya nahikayat ni simoun; ayaw ng mga cuadrong oleo ang mangangalakal, baka may maghinalang gawa ng mga artistang pilipino. siya ay magbigay buhay sa mga artistang pilipino, iyan ang hindi mangyayari kailan man! sa gayoy mahahalo ang kaniyang katiwasayan at marahil ay sampu ng buhay, at alam niya kung papano ang pamamangka sa pilipinas! tunay ngat nakadingig siya ng pag uusap na ukol sa mga artistang taga ibang lupa na gaya nina rafael, murillo, velazquez, ngunit hindi niya maisip kung papano ang gagawing pakikipagalam sa mga taong yaon, at saka ang isa pay baka mangagsilabas na may laban sa pamahalaan. sa cromo ay wala siyang inaalaalang anoman, hindi gawang pilipino, mura pa, gayon din ang anyo, kundi lalong mabuti, ang mga kulay ay lalong makikinang at mabuti ang pagkakayari! timoteo kung papano ang dapat ugaliin sa pilipinas!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang malaking caida na nahiyasan ng mga bulaklak, ay siyang naging kakainan, isang malaking dulang na sukat sa tatlong pu katao ang nasa gitna, at sa mga paligid, natatabi sa mga pader, ay may ilang maliliit na sukat sa dalawa tatlo katao. mga kumpol na bulaklak, mga bunton ng bungang kahoy na kahalo ng mga sintas at ilaw ang siyang namumuno sa gitna ng mga dulang. ang pinggan ng ikinasal na lalaki ay may tandang isang kumpol na alehandria, ang sa babai ay isa namang kumpol na bulaklak ng suha at asusena. sa harap nang gayong karingalan at karaming bulaklak ay papasok sa guniguni ng kahit sino, na mga ninfa na madalang ang damit at mga kupidong maliliit, na ang pakpak ay makulay, ang siyang magdudulot ng mga alak at pagkain ng mga dioses sa mga panaohing taga alapaap, na sinasaliwan ng mga kudyapi at alpa ng mga taga eolia. gayon man, ang dulang na ukol sa malalaking dioses, ay wala roon, nalalagay sa gitna ng malapad na asotea, sa isang magandang kiosko, na sadyang niyaring ukol doon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang persianang kahoy na ginintuan, na kinakapitan ng mga punong gumagapang, ang nagkakanlong ng pinakaloob sa malas ng madla, ngunit hindi nakapipigil sa paglalabas pumasok ng hangin, upang mapalagi ang masarap na simoy na kailangan. isang mataas na tuntungan ang pinagpatungan ng mesa upang tumaas kay sa ibang dulang na kakanan ng mga tao lamang, at isang bubong, na pinalamutihan ng lalong mabubuting artista, ang magsasanggalang sa mga tuktok hari sa mga may inggit na tanaw ng mga bituin. dooy wala kun di pipitong cubiertos ang mga kagamitan ay pawang pilak, ang mga mantel at serbilyeta ay manipis na lino, ang mga alak ay yaong lalong pinakamahal at masarap. timoteo ang lalong bibihira at mahalaga at hindi siya marahil nag alinlangang gumawa ng isang kabuktutan kung nasabi sa kaniyang ang general ay maibiging kumain ng laman ng tao. danzar sobre un volcan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang ika pito ng gabiy nagdatingdatingan na ang mga inangyayahan: una, ang mga mumunting diosdiosan, mga kawaning may mababang katungkulan, mga pangulo sa kagawaran, mga mangangalakal, at ibp., na taglay ang mga pagbating lubos na magalang at ang mga kilos na tuwid na tuwid, sa mga unang sandali, na waring noon lamang natutuhan: ang gayong karaming ilaw, tabing at mga kristal ay nakapagpapanganingani ng kaunti. pagkatapos ay nawawala na ang gayong ayos at palihim na nagtutumbukan, tampalan sa tiyan at ang ilan ay umabot sa pagkukutusan. tunay ngang ang ilan ay umaayos ng anyong pagwawalang bahala upang ipakilala na silay dagi sa mga bagay na higit pa sa roon, at sadya ngang gayon! may diosa na naghikab dahil sa ang lahat nang iyon, sa palagay niya, ay tiwali at sinabing may gazuza isa pay nagalit sa kaniyang dios, ikinumpay ang kamay upang tampalin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"timoteo ay payukoyuko sa lahat ng pook; nagtatapon ng isang ngiti, igagalaw ang baywang, uurong, bibigay ng kalahating ikit, boong ikit, ibp., kayat ang isa pang diosa ay nakapagsabi tuloy sa kaniyang kalapit, sa tulong ng pagkakanlong sa pamaypay, na: chica, que filadelfio esta el tio! mia que paese un fantoche. pagkatapos ay dumating ang mga bagong kasal, na kaakbay si aling victorina at ang lahat ng kaangay. mga maligayang bati, kamayan, mga tapik na waring pag aampon sa lalaking bagong kasal, mga tinging patitig, malansa, masuri ng mga lalaki sa binibining bagong kasal; sa dako ng mga babai ay pagsisiyasat ng kagayakan, ng hiyas, pag taya ng lakas, ng buti ng katawan, ibp. si psiquis at si cupido na dumating sa olimpo! ang binuko sa sarili ni ben zayb at itinala niyang mabuti sa pag iisip ang pag aanyo upang bitiwan sa lalong katampatang sandali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang lalaking bagong kasal ngay may taglay ng mukhang palabiro ng dios ng pag ibig, at kung ipagpapaumanhin ng kaunti ay mapagkakamalang lalagyan ng pana ang kaniyang kakubaang napakaumbok, na hindi maikanlong sa suot niyang frac . timoteo ay nagdaramdam na ng pananakit ng baywang, ang mga kalyo ng kaniyang paa ay untiunting nananakit, ang kaniyang liig ay nangangawit at wala pa ang capitan general! ang mga malalaking dioses, na sa kanilay kabilang si. salvi, ay nangagsidating na nga ngunit wala pa ang malaking kulog. hindi siya mapalagay, nanganganib, ang kaniyang pusoy tumitibok nang malakas, sinusumpong siya ng isang kailangan, ngunit dapat munang unahin ang pagbati, pagngiti, at pagkatapos ay paparoon, ngunit hindi mangyari, uupot titindig, hindi nadidingig ang sa kaniyay sinasabi, hindi masabi ang ibig sabihin. at samantalay isang malulugding dios ang nagsabi sa kaniya ng ilang punang ukol sa mga cromo, na tinutuligsat sinasabing nakadudungis sa mga dingding.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nakadudungis sa mga dingding! timoteo na nakangiti ngunit ngalingaling labnutin ang nagsasalita: datapuway yari iyan sa europa at siyang mga pinakamahal na natagpuan ko sa maynila! nakadudungis sa mga dingding! at isinusumpa sa sarili ni. timoteo na kinabukasan ay ipasisingil ang lahat ng utang ng manunuligsa sa tindahan niya. nakadingig ng mga pasuwit, takbuhan ng mga kabayo, dumating din! ang capitan general! namumutla sa pagkagulumihanan, ay tumindig si. timoteo na di ipinahahalata ang sakit ng kaniyang mga kalyo, at kasama ng kaniyang anak at ilang malalaking dios, ay pumanaog upang salubungin ang magnum jovem . nawala ang sakit ng kaniyang baywang dahil sa pag aalinlangang pumasok sa kaniyang kalooban dapat siyang ngumiti magpakita ng mukhang walang katawatawa? dapat niyang iabot ang kaniyang kamay antabayanang iabot sa kaniya ang sa general? bakit kaya hindi niya naalaala ang ukol sa bagay na iyon at nang naitanong sana sa kaibigan niyang si simoun?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"upang huwag mapuna ang kaniyang pagkagulumihanan ay itinanong nang marahan at sira ang boses sa kaniyang anak: naghanda ka ba ng talumpati? hindi na ginagamit ang mga talumpati, tatay, at dito ay lalo pa! dumating si jupiter na kasama si juno, na wariy isang kastilyong sususuhan: may brillante sa ulo, may brillante sa liig, sa mga bisig, mga balikat, sa boong katawan! ang suot ay isang mainam na kagayakang sutla; mahaba ang cola na may burdang bulaklak na namumukod sa ibabaw. tunay ngang inari ng general ang kaniyang bahay, gaya ng ipinamanhik na bubulongbulong ni. ang orkesta ay tumugtog ng marcha real at ang mag asawang dios ay tuwid na tuwid na umakyat sa hagdanang may saping alpombra. ang katigasan ng anyo ng general ay hindi gawa gawa lamang; marahil noon lamang siya nagdamdam lungkot, sapol nang dumating sa pilipinas; munting pighati ang namamahay sa kaniyang dilidili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"yaon ang huling tagumpay, sa kaniyang tatlong taong paghahari, at sa loob ng dalawang araw, ay iiwan na niya ang gayong kataas na kalagayan. ano ang iiwan sa kaniyang likuran? hindi ibinabaling ng general ang kaniyang ulo at ibig pa niya ang tumanaw sa hinaharap, sa darating! dadalhin niya ang isang kayamanan, malalaking halagang nalalagay sa mga banko sa europa ang nag aantay sa kaniya, mayroon siyang mga hotel, ngunit marami siyang sinaktan, marami siyang kalaban sa corte, inaantay siya roon ng mataas na kawani! ang ibang general ay yumamang madali na gaya niya at ngayoy mga hirap na hirap. bakit hindi siya magpalumagak ng kaunti pang panahon na gaya ng payo ni simoun? hindi, bago ang lahat ay ang kahihiyan muna. sa isang dakoy hindi na lubhang payuko ang mga bati sa kaniya na gaya ng dati; nakapupuna siya ng mga tinging patitig, at pagkainip; at sinasagot niyang magiliw at tinatangka niyang ngumiti. napagkikilalang papalubog na ang araw!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"irene, sa tainga ni ben zayb, marami na ang tumititig sa kaniya ng harap harapan! putris na kura! yaon pa naman sana ang kaniyang sasabihin. ineng ang bulong sa tainga ng kalapit ng babaing nagpanganlang fantoche kay. timoteo nakita mo ba kung ano ang saya? ang mga tabing sa palasyo! dadalhing lahat kung gayon. tingnan mot pag hindi ginawang abrigo ang mga alpombra! ang gayoy walang ibang ipinakikilala kundi may katalinuhan at mabuting mamili! ang pakli ng asawa na kinagalitan ang kabiyak niya sa pamag itan ng isang tingin, ang mga babaiy dapat maging masinop! dinaramdam pa ng kaawaawang dios ang siningil ng modista. di bigyan mo ako ng mga panabing na tig lalabing dalawang piso ang isang bara at tingnan mo kung isusuot ko ang mga basahang ito! ang pakli ng namuhing diosa; jesus! saka ka na magsalita kapag nagkaroon ka nang magarang sinundan! samantalay si basilio, na nasa tapat ng bahay, ay kahalobilo ng mga nanonood, at binibilang ang mga taong pumapanaog sa mga karuahe.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang makita ang gayong karaming taong masasaya at tiwala, nang makita ang dalawang bagong kasal, na sinusundan ng mga kaangay niyang mga dalaginding na mga walang malay at walang agam agam, at naisip na matatagpuan doon ang kakilakilabot na kamatayan, ay naawa siya at naramdamang nagbawa ang kaniyang galit. nagtaglay siya ng nasang iligtas ang gayong karaming mga walang sala, inisip na sumulat at magbigay alam sa mga may kapangyarihan; ngunit dumating ang isang karuahe at nagsibaba si. irene, na kapuwa may kasiyahang loob, at waring ulap na dumaan, ay napawi ang kaniyang mabubuting hangad. ano ang mayroon sa akin? aniya sa sarili magbayad ang mabubuti na kasama ng masasama! at idinagdag pagkatapos upang panahimikin ang kaniyang mga pagkabalisa: hindi ako manunuplong, hindi ko dapat pangahasan ang pagtitiwala sa akin. ang utang ko sa kaniya ay higit kay sa lahat nang iyan siya ang humukay ng pinaglibingan sa aking ina; ang mga taong iyan ang pumatay! ano ang mayroon nila sa akin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ginawa ko ang lahat upang maging mabuti, magkaroon ng halaga; pinagsikapan ko ang lumimot at magpatawad; tiniis ko ang lahat ng pataw at wala akong hiningi kundi ang bayaan lamang akong matiwasay! akoy hindi nakasasagabal sa kanino man. ano ang ginawa sa akin? umilandang sa hangin ang kanilang luray na katawan! labis na ang tiniis namin! pagkatapos ay nakitang pumasok si simoun na dala sa kamay ang kakilakilabot na lampara, nakitang binagtas na dahandahan ang silong, ang uloy nakatungo at waring nag iisip. naramdaman ni basilio na ang kaniyang pusoy tumitibok ng mahinangmahina, na ang kaniyang mga paat kamay ay nanglalamig at ang maitim na anino ng mag aalahas ay nagkakaroon ng anyong nakapangingilabot na nalilibid ng lagablab. sa tabi ng hagdan ay tumigil si simoun na wariy nag aalinlangan; si basilioy hindi humihinga. ang pag aalinlangan ay hindi nagluwat: itinaas ni simoun ang kaniyang ulo, patuloy na umakyat sa hagdanan at nawala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa wari ng nag aaral ay sasabog na ang bahay at ang mga dingding, mga lampara, mga panaohin, bubungan, mga durungawan, orkesta, ay umiilandang sa hangin na waring isang dakot na baga sa gitna ng isang kasindaksindak na putok; tumingin sa kaniyang paligid at inakalang ang mga nanonood na naroon ay pawang bangkay; nakikita niyang lurayluray, sa wari niyay napupuno ng apoy ang hangin, ngunit ang kalamigang loob ng kaniyang pagkukuro ay nanagumpay sa pag uulap na iyong dumaan na tinulungan ng gutom, at aniya sa sarili: samantalang hindi pumapanaog, ay walang panganib. hindi pa dumarating ang capitan general! at pinilit na mag anyo siyang panatag at pinipigil ang pangangaykay ng kaniyang mga paa, at tinangkang malibang sa pag iisip ng ukol sa ibang bagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"mayroong wariy kumukutya sa kaniya sa sariling kalooban at sinasabi sa kaniyang: kung nanginginig ka ngayong hindi pa sumasapit ang sandaling takda ano ang aasalin mo kapag iyong nakitang bumabaha ang dugo, nag aalab ang mga bahay at sumasagitsit ang mga punlo! dumating ang general, ngunit hindi siya napuna ng binata; minamataan ang mukha ni simoun na isa sa mga pumanaog upang sumalubong, at nakilala niya sa walang awang anyong iyon ang hatol na kamatayan sa lahat ng taong naroon, at sa gayon ay pumasok sa kaniya ang muling pagkasindak. siyay nanglamig, sumandig sa pader ng bahay, at nakatitig sa mga durungawan at tinalasan ang mga pangdingig, tinangkang hulaan ang mangyayari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nakita sa salas ang maraming taong nakaligid kay simoun at pinagmamasdan ang lampara; nakadingig ng mga maliligayang bati, mga bulalas na paghanga; ang mga salitang comedor estreno ay naulit ulit; nakitang ngumiti ang general at kinurokuro niyang sa gabing iyon gagawin ang unang paggamit, alinsunod sa itinakda ng mag aalahas, at tunay ngang sa dulang na hahapunan ng general. si simoun ay nawalang sinusundan ng maraming humahanga. nang mga katangitanging sandaling iyon ay nagtagumpay ang kaniyang magandang puso, linimot ang lahat ng kaniyang pagtatanim, linimot si huli, tinangkang iligtas ang mga walang sala, at humanda, mangyari na ang mangyayari, tinawid ang daan at nagtangkang pumasok. ngunit nalimot ni basilio na napakadukha ang kaniyang suot; pinigil siya ng bantay pinto, at nang makita ang kaniyang pagpupumilit ay binantaan siyang tatawag ng dalawang veterana . nang mga sandaling iyon ay pumapanaog si simoun na namumutla nang kaunti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"binayaan ng bantay si basilio upang yumuko sa mag aalahas na wariy nagdaan ang isang santo. nahalata ni basilio sa anyo ng mukha na lilisanin nang patuluyan ang sawing bahay na iyon at ang lampara ay may ilaw na. alea jacta est. dala ng pag iingat sa sarili, ay naisip ang lumigtas. maaaring masumpungan ng kahit sino na galawin ang ilawan, alisin ang timtim at sa gayon ay puputok at ang lahat ay matatabunan. nadingig pa si simoun na nagsabi sa kotsero na: sa escolta, tulinan mo! gulilat at sa takot na madingig ang kakilakilabot na putok, ay lumayo si basilio nang boong tulin sa sawing pook na iyon: sa wari niyay wala ang liksing kailangan ng kaniyang mga hita, ang kaniyang mga paay nadudulas sa mga bangketa na waring lumalakad at hindi kumikilos, ang mga taong nakakasalubong ay humahadlang sa kaniyang lakad, at bago makadalawang pung hakbang ay waring hindi lamang limang minuto na ang nakaraan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa malayo layoy natagpuan ang isang binatang nakatayo, na ang uloy nakataas, nakatitig sa bahay. nakilala ni basilio si isagani. ano ang ginagawa mo rito? tiningnan siya ng malamlam na tingin ni isagani, ngumiti nang malungkot at muling tumingin sa mga bukas na durungawan, na sa puwang nilay natatanaw ang maputing anyo ng binibining ikinasal, na nakapigil sa bisig ng naging asawa, na dahandahang lumalayo. halika, isagani! lumayo tayo sa bahay na iyan, halika! ang sabi ni basilio na ang boses ay paos at piniglan sa bisig ang kausap. inilalayo siyang banayad ni isagani at patuloy ding nakatanaw na taglay sa labi ang malungkot na ngiti. alang alang sa dios lumayo tayo! bakit ako lalayo? napakalaking lungkot ang taglay ng mga pangungusap na iyon, na, nalimot sandali ni basilio ang kaniyang sindak. ibig mo bang mamatay? ikinibit ni isagani ang balikat at nagpatuloy sa pagtingin. muling tinangka ni basilio ang siyay kaladkarin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isagani, isagani, pakingan mo ako, huwag tayong mag aksaya ng panahon! ang bahay na iyan ay puno ng pulbura, sasabog na, dahil sa isang kapangahasan, sa isang pagsisiyasat. isagani ang lahat ay mamamatay sa ilalim ng kaniyang durog na labi. sa kaniyang labi? ang ulit ni isagani na inuunawa mandin ang ibig turan, ngunit hindi rin inilalayo sa durungawan ang tingin. oo, sa ilalim ng kaniyang labi, oo, isagani! alang alang sa dios, halika! saka ko na isasalaysay sa iyo, halika! isang lalo pang sawi kay sa ating dalawa ang humatol sa kanila. nakikita mo ang ilaw na puting iyan, maliwanag, na waring ilaw elektriko, na nanggagaling sa azotea iyan ang ilaw ng kamatayan! isang lampara na may lamang dinamita, sa isang kakainang may baong pulbura. puputok at walang makaliligtas na buhay ni isang daga man lamang, halika! ang sagot ni isagani na iniiling na malungkot ang ulo ibig kong lumagi rito, ibig ko siyang makita pang muli na bilang pahimakas. masunod ang natatakda!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang bulalas ni basilio nang makita ang gayon at matuling lumayo. nakita ni isagani na ang kaniyang kaibigan ay matuling lumalayo na taglay ang pagmamadaling nagpapakilala ng tunay na takot at nagpatuloy din nang pagtingin sa nakaaakit na mga bintana, gaya ng caballero de toggenburg na nag aantay na dumungaw ang iniibig, na sinabi ni schiller. nang mga sandaling yaon ay walang tao sa salas; ang lahat ay tumungo sa mga kakainan. naisip ni isagani na mangyayaring may katunayan ang ikinatatakot ni basilio. naalaala ang mukha niyang gulilat, siya na hindi napapawian ng kalamigang loob, at nagsimula na sa paghuhulohulo. isang bagay ang maliwanag na bumabakas sa kaniyang pag iisip: ang bahay ay sasabog at si paulita ay naroroon, si paulitay mamamatay sa isang kakilakilabot na pagkamatay. sa harap ng pagkabatid na ito ay nalimot ang lahat: panibugho, pagtitiis, mga sama ng loob; ang maawaing binatay walang naalaala kun di ang kaniyang pag ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi na inalala ang sarili, walang kagatol gatol, tinungo ang bahay, at salamat sa kaniyang makisig na kagayakan at kaniyang anyong walang alinlangan, ay madaling nakaraan sa pintuan. samantalang ang mga bagay na itoy nangyayari sa daan, sa kakainan ng mga malalaking dios, ay nagpatawidtawid sa mga kamay ang isang pergamino na kinababasahan ng mga salitang ito, na tintang pula ang ipinangsulat: mane thecel phares. juan crisostomo ibarra. juan crisostomo ibarra? ang tanong ng general na iniabot sa kalapit ang papel. isang masamang biro! custodio; lagdaan ang papel ng pangalan ng isang filibusterillo na may sampung taon nang patay. filibusterillo! iyay isang birong magigiging sanhi ng kaguluhan! irene ang nagbiro at ang nakita ay si. salvi, na nakaupo sa kanan ng kondesa, na namutla nang kasingputi ng kaniyang servilleta samantalang minamasdang nangdididilat ang mata ang mga mahiwagang pangungusap. ang nangyari sa espinghe ay kaniyang naalaala!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang tanong nakikilala baga ninyo ang lagda ng inyong kaibigan? salvi ay hindi sumagot; umanyong mangungusap, at hindi alumana ang ginagaway ipinahid sa noo ang serbilyeta. ano ang nangyari sa inyo? iyan ang kaniyang sulat! ang mahinang sagot, na halos hindi madingig; iyan ang tunay na sulat ni ibarra! at matapos makasandig sa sandalan ng luklukan ay binayaang mabitin ang kaniyang mga kamay na waring kinulang ng lakas. ang di kapalagayang loob ay naging sindak; nangagkatinginan silasila nang walang kahumahuma. tinangka ng general ang tumindig, ngunit sa pangingilag na baka ipalagay na pagkatakot ang gayon, ay nagpigil at lumingap sa kaniyang paligid. walang mga sundalo: ang mga alilang naglilinkod ay hindi niya nakikilala. magpatuloy tayo ng pagkain, mga ginoo, aniya at huwag natin bigyang halaga ang isang biro! ngunit ang kaniyang boses ay hindi nakapagbigay katiwasayan kundi bagkus pa ngang nagpalalo nang di kapalagayang loob. ang boses ay nanginginig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ipinalalagay kong hindi ibig sabihin ng mane thecel phares na iyan, na tayoy papatayin ngayong gabi? ngunit mangyayaring tayoy malason. binitiwan ang kanilang mga cubiertos . samantalay untiunti nang nagkukulimlim ang ilaw. ang lampara ay nangungulimlim, ang sabi ng general na hindi mapalagay; ibig baga ninyong itaas ang timtim,. nang sandaling yaon, matuling wariy lintik, ay pumasok ang isang anino na nagbuwal ng isang uupan at sinagasa ang isang alila, at sa gitna ng pagkakagitla ng lahat, ay sinunggaban ang lampara, tumakbo sa asotea at inihagis sa ilog. ang lahat nang itoy nangyari sa isang kisap mata, ang kakainan ay nagdilim. ang lampara ay lumagpak na sa ilog nang ang mga utusan ay nakasigaw nang: magnanakaw, magnanakaw! at patakbo ring tumungo sa asotea. ang sigaw ng isa; madali ang isang rebolber! habulin ang magnanakaw!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ngunit ang anino, lalo pang maliksi ay nakapangibabaw na sa babahang ladrilyo, at bago dumating ang isang ilaw ay nakalundag na sa ilog at nagpadingig ng isang alaguwak sa pagbagsak sa tubig. agad agad na mabatid ang pangyayari, nang makakuha ng mga ilaw, at makita ang di ayos na anyo ng mga nabiglang mga dios, si ben zayb, lipus kamuhian at taglay na ang pagsang ayon ng sumisiyasat ng mga inililimbag, ay nagtatakbong tungo sa kaniyang bahay (isang entresuelo na tinitirahan niyang may ibang kasama), upang sulatin ang lalong malamang salaysay na nabasa sa silong ng langit ng pilipinas; ang general ay aalis na masama ang loob kung hindi mababasa muna ang kaniyang mga pasaring, at ang gayoy hindi mapahihintulutang mangyari ni ben zayb, na may magandang puso. nagtiis na ngang iwan ang hapunan at ang sayawan at hindi natulog ng gabing yaon. mauugong na bulalas sa pagkagulat, pagkamuhi, ipalagay na wariy gumuho ang mundo at ang mga bituin, ang mga walang lipas na bituin ay nangagkakaumpugan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pagkatapos ay isang mahiwagang pangbungad, puno ng mga banggit, mga pasaring. makaraan itoy ang salaysay ng pangyayari at ang panghuling pati. dinamihan ang mga paligoy, inubos ang mga pasapyaw na salita sa pag lalarawan ng pagkakatiwangwang at nang napakahuling pagkakabinyag ng sabaw na tinanggap ng general sa kaniyang noong tagalangit; pinuri ang kaliksihang ginamit sa pagtayo, na inilagay ang ulo sa dating kinalagyan ng paa at tiwarik; bumigkas ng isang pagpupuri sa lumikha dahil sa mairog na pagkakalinga sa mga kabanalbanalang mga butong yaon, at ang pagkakasalaysay ay lumabas na napakainam, na ang general ay lumabas na wariy isang magiting at lalo pang mataas ang kinahulugan, gaya ng sabi ni victor hugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nagsulat, kumatkat, nagdagdag at nagbanhay upang lumabas na dakila ang salaysay nang walang pagkakalisya sa katotohanan ito ang kaniyang tanging karapatan sa pagkamamamahayag, maging kalakhan ang ukol sa pitong dioses at karuagan at aba sa hindi kilalang magnanakaw, na nagparusa sa sarili, sindak at nakakilala sa kalakhan ng kaniyang pagkakasala nang sandali ring iyon. ipinalagay ang ginawa ni. irene na pagpasok sa ilalim ng dulang na biglang udyok ng likas na katapangan, na hindi napaglubag ng habito ng isang dios ng kapayapaan na isinuot boong buhay, tinangka ni. irene na habulin ang nagkasala at sa pagbagtas niya nang patuwid ay dumaan sa silong ng dulang. sa pagsasalaysay noon ay bumanggit ng mga lungga sa ilalim ng dagat, tinukoy ang isang balak ni. custodio, inalala ang katalinuhan at mga mahahabang paglalakbay ng pari. ang pagkawala ng diwa ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"salvi ay isang malaking dalamhati na dinamdam ng mabait na pransiskano, sa pagkakitang kakaunti ang napapala ng mga indio sa kaniyang mga banal na pangaral; ang pagkakatigagal at sindak ng ibang kasalo, na ang isa sa kanilay ang kondesa na pumigil (nangunyapit) kay. salvi, ay dili iba kundi katiwasayan at kalamigang loob ng mga magigiting, na sanay sa mga panganib sa gitna nang pagtupad sa kanilang mga kautangan, na, sa piling nila, ang mga senador romano, na nabigla ng mga dumagsang galo, ay pawang mga binibining masindakin lamang na nangagugulat sa harap ng larawan ng mga ipis. pagkatapos at upang maging kaibayo, ay ang larawan ng magnanakaw: takot, kabaliwan, di pagkakangtututo, tinging mabalasik, anyong gulat at lakas ng kataasan ng uri sa kabaitan ng lipi! ang kaniyang paggalang nang makita roong nangakalimpi ang gayong katataas na tao!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at kapit na kapit ngang isunod doon ang isang mahabang parirala, isa ng paghikayat, isang talumpating laban sa pagkasira ng mga mabubuting kaugalian, at yaon ang sanhi ng pangangailangan ng isang laging hukumang kawal, ang pagtatatag ng estado de sitio sa loob ng tatag nang estado de sitio isang tanging kautusan, na makapipigil, matindi, sapagkat lubhang kailangang dalidaliin ang pagpapakita sa mga masasama at mga salarin, na kung sakali mang ang pusoy mahabagin at malingap sa mga mapangayupapat masunurin sa kautusan, ay malakas naman ang kamay, matatag, walang pagmamaliw, matuwid at matindi sa mga lumalabag sa kaniya ng walang kakatuwikatuwiran at humahalay sa mga banal na kapalakaran ng inangbayan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"oo, mga ginoo, itoy kailangan nang di lamang ng ikabubuti ng kapuluang ito, hindi lamang ng ikabubuti ng boong sangkatauhan, kundi ikabuti ng pangalan ng espana, ng karangalan ng pangalang kastila, ng karangalan ng bayang ibero, sapagkat sa ibabaw ng lahat ng bagay ay mga kastila tayo at ang bandila ng espana ibp. at dinuluhan ang sulatin sa ganitong pangtapos: matahimik na yumao ang matapang na bayani, na humawak sa kapalaran ng bayang ito sa kapanahunang lubhang maligalig! matahimik na yumao upang lumangap ng malunas na simuy ng manzanares! kami ritoy maiiwan na wariy matatapat na taliba upang dalanginan ang kaniyang ala ala, hangaan ang kaniyang matatalinong kapasiyahan, at iganti ang kataksilang ginawa sa kaniyang mainam na handog, na makukuha rin namin sukdang kailanganing patuyuin ang mga dagat! ang gayong maalindog na relikia ay magiging isang walang pagkapawing tanda sa bayang ito ng kaniyang karilagan, kalamigang loob at katapangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ganiyan niya tinapos ang sinulat na may kaunting kadiliman, at bago mag umaga ay ipinadala sa pasulatan, na may taglay nang kapahintulutan ng tagasuri. at natulog na wariy si napoleon nang matapos maitakda ang paraan ng labanan sa jena. ginising siya nang nag uumaga, na ang mga cuartilla ay ibinabalik at may isang sulat ng namamahala, na sinasabing ipinagbawal na mahigpit ng general na pag usapan ang nangyari at ipinagbilin na pabulaanan ang kahit anong sabisabihan at usap usapang kumalat, na, ang lahat ay ipalagay na salisalita lamang, mga palangha at mga pakapakana. sa ganang kay ben zayb, ang gayon, ay pagpatay sa isa niyang anak na napakagandat napakatapang, na inianak at inalagaan nang lubhang malaki ang paghihirap at pagpapagal at saan niya iuukol ngayon ang mainam na pagtatatakap, ang magandang paghahayag ng mga paghahandang may katapangan at pagpaparusa?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at alalahanin, na sa loob ng isa dalawang buwan ay iiwan niya ang pilipinas, at ang sinulat na iyon ay hindi mangyayaring lumabas sa espana, sapagkat papano ang pagsasabi noon sa mga salarin sa madrid, sa ang naghahari doon ay ibang pagkukuro, humahanap ng mga pangyayaring nakapagpapagaan ng sala, tinitimbang ang mga pangyayari, may mga jurado ibp.? ang mga sulat na gaya ng kaniya ay kawangis ng ilang aguardienteng may lason na ginagawa sa europa, na mabuting ipagbili lamang sa mga taong itim, good for negroes na ang kaibhan lamang ay ang kung hindi mainom ng mga maiitim ay hindi nangasisira, samantalang ang mga sulat ni ben zayb, basahin man hindi ng mga pilipino, ay nagkakaroon din ng bisa. kung bukas makalawa man lamang sana ay may mangyayaring ibang pagkakasala! at sa harap ng pag aalala doon sa anak niyang namatay bago malimbag, mga bukong nababad sa lamig, at sa pagkakaramdam na ang kaniyang mga matay nababasa ng luha, ay nagbihis upang makipagkita sa namamahala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kinibit ng namamahala ang balikat: ipinagbawal ng general, sapagkat kung mapag alaman na pitong malalaking mga dioses ay nagpabayang mapagnakawan ng isang bala na, samantalang ikinukumpay ang mga tenedor at cuchillo ay mapapanganib ang tibay ng inang bayan! at gayon ding ipinagbiling huwag paghanapin ni ang lampara ni ang magnanakaw at ipinagbibilin sa mga susunod sa kaniya na huwag mangahas na kumain sa alin mang bahay ng ibang tao nang hindi nalilibid ng mga alabardero at mga bantay. at sa dahilang ang mga nakaalam ng kaunti, sa mga nangyari sa bahay ni . timoteo ng gabing iyon, ay mga kawani at mga kawal ay hindi maliwag ang pabulaanan ang pangyayari sa harap ng madla: natutukoy sa katibayan ng inang bayan. sa harap ng pangalang itoy itinungo na puno ng kagitingan ni ben zayb ang kaniyang ulo, na iniisip si abraham, si guzman el bueno , si brutus man lamang at ang iba pang matatandang magiting na nasa kasaysayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang gayong karaming paghihirap ay hindi mangyayaring hindi magkakaroon ng ganting pala. ang dios ng mga mamamahayag ay nasiyahan kay abraham ben zayb. halos kasabay noon ay dumating ang anghel na taga balita na taglay ang tupa, na, anyong isang pangloloob sa isang bahay liwaliwan sa baybay ng ilog pasig, bahay na tinitirahan ng ilang prayle kung tag init! yaon ang panahon, at si abraham ben zayb ay nagpuri sa kaniyang dios! ang mga tulisan ay nakakuha ng mahigit sa dalawang libong piso, sinugatan nang malubha ang isang pari at dalawang alila. ang kura ay nagtanggol sa likuran ng isang silla, na nagkasirasira sa kaniyang mga kamay. hintay, hintay! ani ben zayb na nagtatala; apat limangpung tulisang sa paraang taksil. mga rebolber, itak, escopeta, pistola. leong nananandata, silla. putolputol. sinugatan nang walang kaawa awa. sampung libong piso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at sa kagalakan, at dahil sa hindi pa lubos na nasisiyahan sa mga balita, ay tumungo sa pook na pinangyarihan, na, sa daan ay binabalak ang salaysay ng paglalaban. isang munting bigkas na tinuran ng namumuno? isang salitang paalipustang galing sa bibig ng pari? lahat ng pagpaparis at talinghaga, na iniukol sa general, kay. salvi ay makakapit sa paring nasugatan, at ang salaysay na ukol sa magnanakaw ay sa bawat isang tulisan. sa pagmumura ay maaaring lumawig pa, maaaring banggitin ang pananampalataya, ang pananalig, ang kaawaan, ang tugtog ng mga kampana, ang utang ng mga indio sa mga prayle, malungkot sa sarili at gumamit ng maraming banggit at mga himig na ayos castelar. babasin yaon ng mga dalaga sa siyudad at sasabihing: si ben zayb ay mabangis na gaya ng leon at masuyo na gaya ng isang tupa! nang dumating sa pook na pinangyarihan, ay napamangha siya nang makita na ang nasugatan, ay dili ibat si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"camorra, na tinakdaan ng kaniyang provincial na magdusa sa bahay liwaliwan, sa baybay ng ilog pasig, dahil sa kaniyang pinaggagawa sa tiani. may isang munting sugat sa kamay, isang bukol sa ulo dahil sa kaniyang pagkakatiwangwang; ang mga tulisan ay tatlo at ang mga sandatay pawang itak; ang halagang nanakaw ay limang pung piso. hindi mangyayari! ani ben zayb; magtigil kayo. hindi ninyo alam ang inyong sinasabi! hindi ko malalaman, punales huwag kayong hangal!. ang mga tulisan ay mahigit kay sa sinabi ninyo. ang manghihitit na ito ng tinta. nagkaroon sila ng isang malaking pagtatalo. ang mahalaga kay ben zayb ay ang huwag masira ang isinulat, palakihin ang mga pangyayari upang kumapit ang kaniyang mga pinagturan. isang alingawngaw ang pumutol sa pagtatalo. ang mga tulisang nangahuli ay nangagpahayag ng malalaking bagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isa sa mga tulisan ni matanglawin (si kabisang tales) ay tinipan sila sa santamesa upang makisama sa kaniyang pulutong at looban ang mga kombento at ang mga bahay ng mga mayayaman. ang mangungulo sa kanilay isang kastilang mataas, kayumanggi, maputi ang buhok, na ang sabiy gagawa nang gayon sa utos ng general na matalik niyang kaibigan, pinatibayan pa rin sa kanila na ang artilleria at ilang regimiento ay makikisama sa kanila, kayat wala silang dapat ikatakot. ang mga tulisan ay patatawarin at ang isang katlong bahagi ng masamsam ay ibibigay sa kanila. ang palatandaan ay isang putok ng kanyon, at sa dahilang hindi dumatingdating ang kanilang inaantay na hudyat, ay inakala ng mga tulisan na silay biniro, ang ilay nangagsiuwi, ang ilan ay nangagsibalik sa kanikanilang bundok at nangakong paghigantihan ang kastila, na makalawa nang nagkulang sa kaniyang salita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa gayon, silang mga nahuli ay nagnasang gumawa, kahit sa kanilang sarili, at linooban ang isang bahay liwaliwan na nasumpungan, at ipinangangakong ibigay na walang kakulangkulang ang dalawang katlong bahagi ng nasamsam kung paghahabulin ng kastilang maputi ang buhok. sa pagkakawangki sa anyo ni simoun ng mga tinurang ayos ay ipinalagay na hindi katotohanan ang mga pahayag na iyon, kayat binigyan ng katakottakot na pahirap ang magnanakaw, sampu ng makina electrica, dahil sa gayong kahalayhalay na tungayaw. datapwat ang balitang pagkawala ng mag aalahas na napuna ng lahat ng taga escolta, at dahil sa pagkakatagpo ng mga bayong ng pulbura at maraming punlo sa kaniyang bahay, ay nagkaroon ng wariy katotohanan ang pahayag ng tulisan at untiunting kumalat ang lihim, na nababalot ng ulap, nangagbulong bulungan, umuubo, na ang tingiy nanganganib, mga puntos suspensivos at maraming salitang pinalalaki na ukol sa mga gayong mga pangyayari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga nakabatid ng lihim ay hindi matapos tapos sa pagkakamangha, inihahaba ang mga mukha, nangamumutla at kunti nang nasiraan ng isip ang marami nang mapag alaman ang ilang bagaybagay na hindi napuna. mabutit nakaligtas tayo! sino ang makapagsasabi.? nang kinahapunan, si ben zayb, na punong puno ng mga rebolber at bala ang mga bulsa, ay dumalaw kay. custodio, na natagpuang masigasig na gumagawa ng isang panukala na laban sa mga mag aalahas na amerikano. bumulong na marahang marahan sa tainga ng mamamahayag ng mga mahiwagang salita sa pag itan ng dalawang palad na pinagtaklop. ang tanong ni ben zayb na idinukot ang kamay sa bulsa, samantalang namumutla ng bahagya. at kahit saan matagpuan. tinapos ang salita sa isang galaw na makahulugan. itinaas ang dalawang kamay hanggang pantay mukha, na ang kanan ay lalo pang baluktot kay sa kaliwa, ang mga palad ay tungo sa ibaba, ipinikit ang isang mata at makalawang gumalaw ng papasulong. ang kaniyang sipol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang tanong ni ben zayb. kung matatagpuan. at gumawa ng isa pang kilos sa pamagitan ng mga daliri ng kanang kamay, na pinaikit ikit mula sa harap hanggang sa likod at mula sa labas na papaloob, na wari kilos ng pamaypay na natitiklop, waring may iniipon, mga labayang umiikit na pumapalis nang patungo sa kaniya, na malinis ang pagkakapangdukot. sinagot ni ben zayb ng isa ring kilos, na pinapangdilat na mabuti ang mga mata, binalantok ang mga kilay at malakas na lumangap ng hangin, na waring ang hanging nakabubusog ay natuklasan na. todo se sabe. kahit na pinagkaingatan ng labis ay nakarating din sa kabatiran ng madla ang alingawngaw, subalit malaki na ang kaibhan at marami na ang kulang. yaon ang sanhi ng mga sang usapan ng sumunod na kagabihan sa bahay ng isang mayamang mag aanak na sina orenda, na nangangalakal ng hiyas sa masipag na bayang sta. cruz. siya na lamang naaatupag ng marami nilang kaibigan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi nangaglalaro ng tres siete ni nagtutugtugan ng piano, at ang munting si tinay, ang pinakabata sa lahat ng dalaga, ay nayayamot sa paglalarong mag isa ng sungka na hindi mapag unawa kung anot pinag uusapan ang mga pangloloob, panghihimagsik, ang mga bayong ng pulbura, gayong may maraming magagandang sigay sa pitong bahay, na waring kinikindatan siya at nginingitian ng kanilang mga mumunting bibig, na nakabuka, upang isubi sa ina. si isagani, na kung pumaparoon, ay laging nakikipaglaro sa kaniya at napadadayang matikabo, ay ayaw makingig sa kaniyang katatawag; pinakikinggang tahimik at malamlam ni isagani ang isinasaysay ng platerong si chichoy. si momoy, ang katipan ni sensia, ang pinakamatanda sa mga orenda, maliksi at magandang dalaga kahit may kaunting pagka mapalabiro, ay umalis sa durungawang sa gabigabiy laging pook ng pag uusap nilang magsing ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang bagay na itoy nakamumuhi sa loro na ang kulungan ay nakasabit sa pairap ng bahay, lorong minamahal ng lahat ng taga bahay sapagkat marunong bumati sa lahat kung umaga sa pamagitan ng maiinam na salitang ukol sa pag ibig. si kapitana loleng, ang masipag at matalinong si kapitana loleng, ay pigil na nakabukas ang kaniyang aklat talaan, ngunit hindi makuhang basahin ni masulatan; hindi minamasdan ang mga pinggan, na puno ng mga perlas na lagas, ni ang mga brillante; noon ay nakakalimot at ang pakikingig lamang ang ginagawa. ang kaniya nang asawa, ang dakilang si kapitang toringoy, galing sa pangalang domingo, ang lalong maligaya sa boong arabal, na walang gawa liban sa magbihis ng mainam, kumain, dumaldal, samantalang ang lahat ng kaanak ay gumagawa at nagsusumakit, ay hindi tumungo sa dati niyang pinaparoonang pinakikipaglipunan, at pinakikinggang natatakottakot at nangangamba ang mga kakilakilabot na ibinabalita ng payagot na si chichoy. at hindi mangyayaring hindi magkagayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si chichoy ay naghatid ng ilang gawa kay. timoteo pelaez, isang pares na hikaw ng bagong kasal, nang iginigiba pa naman ang kiosko na ginamit na kakainan ng mga may lalong mataas na kapangyarihan. sa dakong itoy namumutla si chichoy at naninindig ang buhok. aniya, mga bayong ng pulbura sa ilalim ng tungtungan, sa bubungan, sa ilalim ng dulang, sa loob ng mga uupan, sa lahat ng sulok! mabuti na lamang at wala isa mang manggagawang humihitit! at sino ang naglagay ng mga bayong na iyon ng pulbura? ang tanong ni kapitana loleng, na may katapangan at hindi namumutla na gaya ng mangingibig na si momoy. si momoy ay dumalo sa kasalan, kayat may katuwiran ang kaniyang nahuling pangingilabot. si momoy ay napalapit sa kiosko. iyan ang walang makapagsabi, ang sagot ni chichoy: sino ang dapat magkaroon ng hangad na guluhin ang kapistahan? wala kundi iisa lamang, ang sabi ng bantog na abogadong si. pasta na naroong dumalaw, isang kagalit ni. timoteo isang kaagaw ni juanito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga dalagang orenda ay biglang napalingon kay isagani: si isaganiy tahimik na ngumiti. magtago kayo, ang sabi sa kaniya ni kapitana loleng; baka kayo pagbintangan. magtago kayo! muling ngumiti si isagani at hindi sumagot nang anoman. timoteo ang patuloy ni chichoy, kung sino ang may kagagawan; siya ang namahala sa pagpapagawa, siya at ang kaibigan niyang si simoun, at wala na. sa bahay ay nagkagulo, dumating ang teniente ng veterana, at matapos na ipagbilin sa lahat ang paglilihim ay pinaalis ako. ang bulong na nanginginig ni momoy. ang sabi ni sencia na tiningnan ang kaniyang nobio at nanginginig din dahil sa pagka alaalang naparoon sa pista: ang senoritong ito. kung sakaling pumutok. at tiningnan ng matang galit ang kaniyang iniibig at hinahangaan ang kaniyang katapangan. kung sakaling pumutok. walang matitirang buhay sa daang anloague! ang dagdag ni kapitang toringoy na nagpatanaw ng katapangan at pagwawalang bahala sa kaniyang anak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"akoy umuuwing litong lito, ang patuloy ni chichoy, na iniisip na kahit isang titis lamang, isang sigarilyo, ay nagkataong nahulog may sumabog na isang lampara, sa mga sandaling itoy wala tayong general, ni arsobispo, ni anoman, ni mga kawani man lamang! abo ang lahat ng napatungo sa pista kagabi! virgen santisima! susmariosep! ang bulalas ni kapitana loleng; ang lahat ng may utang sa atin ay naroroon; susmariosep! at mayroon kaming isang bahay na malapit doon. ngayon ninyo malalaman, ang patuloy ni chichoy na mahina ang boses, ngunit kailangan ninyong ipaglihim. ngayong hapon ay aking natagpuan ang isa kong kaibigang manunulat sa isang kawanihan, at sa pag uusap namin ng ukol sa bagay na iyan ay sinabi sa akin ang lihim: nabatid niya sa ilang kawani. sino sa akala ninyo ang naglagay ng mga bayong ng pulbura? ikinibit ng marami ang kanilang balikat; si kapitang toringoy lamang ang tumingin nang pasulyap kay isagani. ang insik na si quiroga?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si kapitang toringoy ay umuubo at tinitingnan si isagani. si chichoy ay nakangiting umiling. ang mag aalahas na si simoun! isang katahimikang anak ng pagkakamangha ang sumunod sa mga salitang iyon. si simoun, ang nag uudyok ng kasamaan sa general, ang mayamang mangangalakal na pinaparoonan nila sa kaniyang bahay upang bilhan ng mga batong kalas, si simoun na tumatanggap sa mga orenda nang lubhang magalang at pinagsasabihan sila ng mga maiinam na pangungusap! dahil nga sa ang balitay waring hindi mangyayari, kung kayat pinaniwalaan. credo quia absurdum ang sabi ni san agustin. ngunit wala ba si simoun sa pista kagabi? ang tanong ni sensia. naroroon, ang sabi ni momoy, ngunit naalaala ko nga pala! umalis nang kamiy maghahapunan. umalis upang kunin ang kaniyang handog sa kasal. ngunit hindi ba kaibigan ng general? opo, nakipagsama upang magawa ang pakay at nang mapatay ang lahat ng kastila. ani sensia, ngayon ko nalinawan! ayaw ninyong paniwalaan si tia tentay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"si simoun ay siyang diablo na nakabili sa kaluluwa ng lahat ng kastila. sinasabi na ni tia tentay! si kapitana loleng ay nag antanda, hindi mapalagay na tiningnan ang mga bato na nanganganib siyang makitang maging baga; hinubad ni kapitang toringoy ang sinsing na galing kay simoun. si simoun ay nawala nang hindi nag iwan ng bakas, ang dagdag ni chichoy; hinahanap siya ng guardia sibil. ang sabi ni sensia, hanapin nila ang demonio! at nag antanda. ngayon nila nalinawan ang maraming bagay, ang malaking kayamanan ni simoun, ang katangitanging amoy ng kaniyang bahay, amoy asupre. si binday, isa sa mga dalagang orenda, mapaniwalain at kaigaigayang binibini, ay nakaalaalang nakakita ng mga apoy na bughaw sa bahay ng mag aalahas, nang isang hapon na kasama ang inay naparoon sila upang mamili ng bato. si isaganiy taimtim na nakikingig, na walang kaimik imik. kaya pala, kagabi.! ang pabulong ni momoy. ang ulit ni sensia na may panibughot nasang makaalam.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi makapangahas na makapagpatuloy si momoy, ngunit nawala ang kaniyang takot dahil sa mukhang ipinatanaw sa kaniya ni sensia. kagabi, samantalang kamiy humahapon, ay nagkaroon ng isang gulo; ang ilaw sa kinakainan ng general ay namatay. sinasabing ninakaw ng isang hindi nakilala kung sino ang lamparang handog ni simoun. isang magnanakaw? isa sa mga mano negra si isagani ay tumindig at nagpalakadlakad. lumundag sa ilog; walang nakakita sa kaniya. may nagsasabing kastila raw; anang ibay insik; ang ibay indio. inaakalang sa pamagitan ng lamparang iyon, ang tugon ni chichoy; ay pag aalabin ang boong bahay, ang pulbura. muling nanginig si momoy, ngunit nang makitang naramdaman ni sensia ang kaniyang katakutan, ay tinangkang iayos. ang bulalas na nilakasan ang loob, masama ang nagawa ng magnanakaw! nangamatay sanang lahat. tiningnan siyang gulilat ni sensia; ang mga babaiy nangag angtanda. si kapitang toringoy na natatakot sa politika ay umanyong lalayo. si isagani ang tinungo ni momoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kailan may hindi mabuti ang kumuha ng hindi sariling ari, ang sagot ni isagani na may matalinghagang ngiti; kung nalalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang pinapakay at nakapag isip sana, ay tunay na hindi gagawin ang gayon! at idinagdag matapos ang munting hinto: pantayan man ng kahit gaanoy hindi ako lalagay sa kalagayan niya. at nagpatuloy sila sa pagkukurokuro at pagpapalapalagay. makaraan ang isang oras, ay nagpaalam na si isagani sa mag aanak upang manirahan na sa habang buhay sa piling ng kaniyang amain. si matanglawin ay siyang kilabot sa luson. ang kaniyang pangkat ay sisipot kung minsan sa isang lalawigang hindi inaakalang kaniyang lulusubin at kung minsan ay biglang susulpot sa isang lalawigang humahandang maglaban sa kaniya. susunugin ang isang kabyawan sa batangan, sisirain ang mga pananim; kinabukasan ay papatayin ang hukom pamayapa sa tiani, sa isa pay lolooban ang isang bayan sa kabite at kukunin ang lahat ng armas sa tribunal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga lalawigang panggitna, mula sa tayabas hanggang pangasinan, ay inaabot ng kaniyang mga kabangisan at ang kaniyang madugong pangalan ay umaabot hanggang albay, sa timog, at sa hilagay hanggang kagayan. sapagkat inalisan ng sandata ang mga bayanbayan dahil sa pagkukulang ng tiwala ng isang mahinang pamahalaan ay nahuhulog sa kaniyang mga kamay na waring walang kabuluhang bihag; paglapit niya, ay iniiwan ng mga manananim ang kanilang mga bukid, ang mga hayop ay napupuksa at isang bakas na dugo at apoy ang nagiging tanda ng kaniyang pagdaraan. hinahalay ni matanglawin ang lahat ng mga mahihigpit na kautusang laban sa mga tulisan: walang napapahirapan sa mga kautusang yaon kundi ang mga naninirahan sa mga nayon, na kaniyang binibihag sinasalanta kung naglalaban, kung nakikipagkasundo sa kaniya ay ipinalalamog ipinatatapon ng pamahalaan, kung sakaling dumarating sa pagtatapunan at hindi abutin ng malubhang sakuna sa paglalakbay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"dahil sa gayong kalagayan ay marami sa mga taga bukid ang sumasailalim sa kaniyang kapangyarihan. sanhi sa kakilakilabot na kaparaanang ito, ang naghihingalo nang pangangalakal ng mga bayan ay nagpatuloy na namatay ng lubusan. ang mayaman ay hindi makapangahas na makapaglakbay, at ang mahihirap ay natatakot na mahuli ng guardia sibil, na, dahil sa nauutusang umusig sa mga tulisan ay madalas na hinuhuli ang unang masumpungan at pinahihirapan ng katakot takot. sa kaniyang di karapatan, ang pamahalaan ay nagpapakita ng kalakasan sa mga taong kaniyang pinaghihinalaan, upang, sa kapapahirap, ay huwag mahalata ng mga bayan ang kaniyang kahinaan, ang takot na nagtatakda ng mga gayong kautusan. isang hanay ng mga kaawaawang ito na pinaghihinalaan, mga anim pito, na nangakabaliti ng abot siko at nangatataling wariy piling nang tao, ay nangaglalakad isang tanghaling tapat sa isang daang namamaybay sa isang bundok, na dala ng sampu labing dalawang guardia na nangakabaril.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lubhang matindi ang init. ang mga bayoneta ay nagkikintaban sa araw, ang kanyon ng mga baril ay nag iinit, at ang mga dahon ng sambong na nalalagay sa mga kapasete ay halos hindi makapagpahina sa tindi ng nakasusunog na araw sa buwan ng mayo. dahil sa hindi maikilos ang mga bisig at nangagkakadikitan, upang huwag gumamit ng maraming lubid, ay lumalakad ang mga huli na halos lahat ay walang takip sa ulo at mga walang sapin ang paa: mabuti na ang may isang panyong nakatali sa ulo. hingal na hingal, hirap, punong puno ng alikabok na nagiging putik dahil sa pawis, ay nararamdamang natutunaw ang kanilang utak, may lumilipanang ilaw sa kaitaasan, mga badhang pula sa himpapawid. ang kapataan at ang panghihina ay nalalarawan sa kanilang pagmumukha, ang paghihinagpis, ang pagkagalit, isang bagay na hindi mawari, tinging mamamatay na sumusumpa, taong naiinip sa buhay, sa sarili, na nagtutungayaw sa dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang mga lalong nakapagtatagal ay itinutungo ang ulo, ikinukuskos ang mukha sa maruming likuran ng sinusundan upang mapahid ang pawis na tumatakip sa kanilang mga mata; ang maramiy pipilay pilay. kapag may nakaabala sa lakad dahil sa pagkadapa ay madidingig ang isang tungayaw at lalapit ang isang sundalo na iniwawasiwas ang isang sanga, na kinuha sa isang puno, at pinipilit na pinatitindig sa palo ditot palo doon. sa gayoy tumatakbo ang hanay, na, kaladkad ang nadapa na nagugumon sa alabok at umuungal na hinihinging siyay patayin: sa isang pagkakataon ay napapatindig, napapatayo, at saka ipinatutuloy ang kaniyang paglakad na umiiyak na wariy bata at isinusumpa ang oras na siyay naging tao. ang piling na tao ay maminsan minsang humihinto samantalang nangagsisiinom ang mga may dala sa kanila, at pagkatapos ay ipatutuloy ang lakad na ang bibig ay tuyo, ang pag iisip ay madilim at ang pusoy puno ng paglait. ang uhaw ay siyang pinakamunting bagay na inaalintana ng mga kaawaawang taong iyon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"lakad, mga anak ng.! ang sigaw ng sundalo, na nakapagpanibagong lakas, na ibinigkas ang karaniwang lait ng mga pilipinong pinakadukha. at sumasagitsit ang sanga at tumatama sa likuran ng kahit sino, ng lalong nalalapit, kung minsan ay tumatama sa isang mukha, nag iiwan muna ng isang bakas, pagkatapos ay mapula, at mayamayay marumi dahil sa alikabok ng lansangan. lakad mga duwag! ang sigaw sa wikang kastila na pinalalaking mabuti ang boses. ang ulit ng alingawngaw ng bundok. at tinutulinan ang lakad ng mga duwag, sa silong ng langit na wariy nagbabagang bakal, sa isang daang nakapapaso na iniaaboy ng mabukong sanga na naluluray sa malatay na balat. ang lamig sa siberia ay mabuti pa kay sa araw sa buwan ng mayo sa pilipinas! gayon man, sa mga sundalo ay may isang namumuhi sa gayong mga kabangisang walang kapararakan: lumalakad ng walang imik at kunot ang kilay na waring masama ang loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa kahulihulihan, nang makita na ang guardia ay hindi na nasisiyahan sa sanga kundi pinagsisipa pa ang mga huli na napaparapa, ay hindi na nakapagpigil at bugnot na sumigaw nang: hoy, mautang, bayaan mo na silang lumakad na mapayapa! si mautang ay lumingong napamangha. at ano ang mayroon sa iyo, carolino? sa ganang akin ay wala, ngunit naaawa ako! ang sagot ni carolino; mga tao rin iyang kagaya natin! napagkikilalang baguhan ka pa! ang pakli ni mautang na tumawang may habag, kung gayoy ano ang inaasal ninyo sa mga mahuli sa labanan? mabuting di sapala kay sa ganiyan! ang sagot ni carolino. napahintong sandali si mautang, at pagkatapos, waring nakatagpo ng isasagot ay panatag na tumugon, na:, ang mga huli doon ay mga kaaway at lumalaban, samantalang ang mga ito ay. itoy mga kababayan natin! at lumapit na ibinulong kay carolino: napakahangal ka! ginagawa sa kanila ang ganiyan upang magtangkang lumaban tumanan, at sa gayon ay. ang carolino ay hindi sumagot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang isa sa mga huli ay namanhik na pahintulutan siyang tumigil sapagkat mayroon lamang gagawing kailangan. ang pook na itoy mapanganib! ang sagot ng kabo, na di mapalagay na tinitingnan ang bundok: sulong! ang ulit ni mautang. at humaging ang pamalo. ang huli ay namilipit at tiningnan siya ng tinging may sumbat. mabangis ka pa kay sa tunay na kastila ang sabi ng baliti. tinugon siya ni mautang ng ilang palo. halos sabay dooy humaging ang isang punlo na sinundan ng isang putok: nabitiwan ni mautang ang baril, bumitiw ng isang tungayaw at matapos madala sa dibdib ang dalawang kamay ay umikit at bumagsak. nakita siya ng huli na kumikisay sa alikabok at linalabasan ng dugo sa bibig. ang sigaw ng kabo na biglang namutla. ang mga sundaloy huminto at tumingin sa kanilang paligid. isang munting buga ng aso ang lumalabas sa isang kasukalan sa dakong itaas. humaging ang isa pang punlo, nadingig ang isa pang putok at ang kaboy namaluktot na nagtutungayaw at may sugat sa hita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang pulutong ay binabaka ng mga taong nangagkakanlong sa mga batong nasa kaitaasan. ang kabo, lipos kagalitan, ay tumuro sa dako ng kumpol ng mga baliti, at sumigaw nang: fuego! ang mga huli ay nangapaluhod, na puno ng sindak. sa dahilang hindi maitaas ang mga kamay, ay nangagmamakaawang humahalik sa lupa at iniuuna ang ulo: may tumutukoy sa kanilang mga anak, may sa kaniyang ina na wala nang mag aampon; ang isay nangangako ng salapi, binabanggit ng isa ang ngalan ng dios, ngunit ang bunganga ng mga baril ay nakababa na at isang kakilakilabot na putok ang nagpapipi sa kanila. sinimulan na ang pakikipagputukan sa mga nasa sa itaas na untiunting linaganapan ng aso. dahil sa asong ito at sa kadalangan ng putok ay marahil hindi hihigit sa tatlo ang baril ng mga hindi nakikitang kalaban. samantala naman ay sumasagupa at nagpapaputok ang mga sundalo, nangagkakanlong sa mga puno ng kahoy, humihiga at nagpupumilit na makapaitaas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"umiilandang ang mga putol putol na bato, nababakli ang sanga ng mga puno, natutuklap ang lupa. ang unang guardia na nagtangkang makapanhik ay gumulong na may tama ng punlo sa balikat. ang lihim na kalaban ay nakalalamang dahil sa kinalalagyan; ang mga matatapang na guardia na hindi marunong tumakbo ay kaunti nang umurong, sapagkat nangahihinto at ayaw mangagsisulong. ang pakikipaglabang iyon sa hindi nakikita ay nakasindak sa kanila. wala silang nakikita kundi pawang aso lamang at batuhan; walang boses ng tao, ni anino man lamang; mawiwikang nakipaglaban sila sa bundok. hale, carolino! nasaan ang katalasan mong tumudla,.! ang sigaw ng kabo. nang mga sandaling iyon ay isang lalaki ang sumipot sa ibabaw ng isang bato at ikinukumpay ang baril na hawak. paputukan iyan! ang sigaw ng kabo na bumitiw ng isang malaswang tungayaw. tatlong guardia ang sumunod, ngunit ang lalakiy nakatayo rin; sumisigaw, ngunit hindi malinawan ang kaniyang sinasabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang carolino ay napahinto, na waring nakikilala ang anyong iyon na nababalot ng liwanag ng araw. ngunit binantaan siya ng kabo na tatarakan kung hindi magpapaputok. tumudla ang carolino at nadingig ang isang putok. ang taong nasa bato ay umikit at nawalang kasabay ang sigaw na nakatulig sa carolino. isang kilusan ang nangyari sa kagubatan na waring nagpanakbuhan ang mga naroroon. sa gayoy nangagsisalunga ang mga sundalo, na wala nang kalaban. isa pang lalaki na ikinukumpay ang isang sibat ang sumipot sa ibabaw ng mga bato; pinaputukan ng mga sundalo, at ang lalakiy unti unting napayuko, pumigil sa isang sanga, isa pang putok at lumagpak na pasubasob sa bato. matuling nangagsipangunyapit ang mga sundalo, na inilagay sa dulo ng baril ang mga bayoneta at laan sa isang labanang subuan; ang carolinoy siyang tanging dahandahan ang lakad, na ang tingin ay pasulingsuling, malamlam, na inaalala ang sigaw ng taong nabuwal dahil sa tama ng punlo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang unang dumating sa kaitaasan ay nakatagpo ng isang matandang naghihingalo, na nakatimbuwang sa bato; sinaksak sa katawan ng bayoneta ngunit hindi man lamang kumisap ang matanda: ang matay nakatitig sa carolino, isang titig na hindi mawari, at sa tulong ng mabutong kamay ay may itinuturo sa kaniyang nasa likod ng mga bato. ang mga sundaloy nangapalingon at nakitang si carolino ay maputlang maputla, nakanganga at sa paningin ay naglalarawan ng huling kislap ng pag iisip. nakilala ng carolino, na dili ibat si tano, ang anak ni kabisang tales, na galing sa carolinas, na ang naghihingalo ay ang kaniyang lelong, si matandang selo, na, dahil sa hindi siya makausap ay naghahayag sa kaniya, sa tulong ng mga naghihingalong mata, ng isang kabuhayang lipus ng sakit. at nang bangkay na ay patuloy din sa pagtuturo ng isang bagay na nasa likod ng mga bato.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa kaniyang ulilang tahanan, sa baybay ng dagat, na ang magalaw na ibabaw nitoy nakikita sa mga bukas na durungawan, na umaabot sa malayo, hanggang sa makiisa sa huling dako ng natatanaw, ay nililibang ni. florentino ang kaniyang pag iisa sa pamag itan ng pagtugtog sa armonium ng mga malulungkot at di masasayang tugtugin, na sinasaliwan ng maugong na alingawngaw ng mga alon at ng bulong ng mga sanga ng kagubatang kalapit. manga tunog na mahahaba, malalakas, mahinagpis, na wariy mga plegaria, kahit matitindi, ang lumalabas sa matandang panugtog; si. florentino, na isang tunay na musiko, ay tumutugtog ng alinsunod sa biglang udyok ng kalooban at sa dahilang siyay nag iisa, ay ibinubulalas ang mga kalungkutang taglay ng kaniyang puso. sadya ngang ang matanday malungkot. ang kaniyang mabuting kaibigan na si. tiburcio de espadana ay kaaalis pa lamang na umiilas sa pag uusig ng asawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang umagang iyon ay tumanggap ng isang sulat ng isang teniente ng guardia sibil, na ang sabi ay: minamahal kong capellan: katatanggap ko pa lamang ng isang telegrama ng komandante na ang sinasabiy: espanol escondido casa padre florentino cojera remitira vivo muerto . sa dahilang ang telegrama ay lubhang maliwanag ay pagsabihan ninyo ang kaibigan upang huwag siyang matagpuan pagpariyan kong huhulihin siya sa ika walo ng gabi. ang inyong tagisuyong,. sunugin ninyo ang sulat. ang victorinang ito, ang victorinang ito! ang pautal utal na sabi ni. ay mangyayaring umabot hanggang sa akoy ipabaril. florentino: walang nahita sa pagpapaliwanag sa kaniya na ang ibig marahil sabihin ng salitang cojera ay cogera na ang kastilang nagtatago ay hindi mangyayaring si . tiburcio kundi si simoun, na may dalawang araw pa lamang na kararating, na sugatan at waring pinag uusig, na huminging patuluyin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tiburcio ay hindi napahinuhod; ang cojera ay ang kaniya ngang pagkapilay, ang tanda niya sa katawan: yaon ay pakana ni victorina na ibig siyang matagpuang patay buhay, gaya ng isinulat ni isagani buhat sa maynila. at iniwan ng kaawaawang ulises ang bahay ng pari upang magtago sa kubo ng isang mangangahoy. walang pag aalinlangan si. florentino na ang kastilang hinahanap ay ang manghihiyas na si simoun. mahiwaga ang kaniyang pagdating, dugoduguan, mapanglaw at patangpata, na siya ang may pasan sa kaniyang takba. sa tulong ng malayat masuyong pagpapatuloy ng mga pilipino ay tinanggap siya ng klerigo ng walang kaanoanomang kasiyasiyasat, at sa dahilang hindi pa umaabot sa kaniyang tainga ang mga nangyari sa maynila ay hindi niya lubos na maisip ang gayong kalagayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang tanging paghuhulong pumasok sa kaniyang pag iisip ay ang pangyayari, na sa dahilang umalis na ang general, ang kaibigan at nag aampon sa mag aalahas, marahil ang mga kagalit nito, ang mga pinaslang, ang mga napinsalaan, ay nangagsipagbangon ngayon na sumisigaw ng higanti, at siyay pinag uusig ng samantalang general upang makuha sa kaniya ang kayamanang naipon. iyan ang sanhi ng pagtatanan! ngunit ang kaniyang mga sugat ay saan nagbuhat? nagtangka kayang magpakamatay? yaon kayay anak ng paghihiganti? anak kaya ng isang kapusukan, gaya ng ibig ipahiwatig ni simoun? tinanggap kaya niya yaon sa pag ilas sa mga kawal na umuusig sa kaniya? ang huling paghuhulong ito ang siyang inaakala niyang siyang lalong nalalapit marahil sa katotohanan. nakatulong pa sa pagpapatibay sa gayong paghuhulo ang telegrama na katatanggap pa lamang niya at ang pagmamatigas ni simoun sa mulat mula pa na ayaw pagamot sa medikong nasa pangulong bayan ng lalawigan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang tanging tinatanggap ng mag aalahas ay ang pangangalaga ni . tiburcio at yaon pa man ay napaghahalatang wala siyang tiwala. sa pangyayaring itoy itinatanong sa sarili ni. florentino ano ang dapat niyang gawin pagdating ng guardia sibil na huhuli kay simoun? sa kalagayan ng may sakit ay hindi mangyayari ang gumalaw at lalo pa manding hindi mangyayari ang maglakbay ng mahaba. ngunit sinasabi ng telegrama na patay buhay. florentino ay huminto sa pagtugtog at lumapit sa durungawan upang tanawin ang dagat. ang patag na ibabaw, na wala ni isa mang daong, ni isa mang layag, ay walang maiudyok sa kaniya. ang pulong maliit na natatanaw na nag iisa sa malayo, ay walang sinasabi sa kaniya kundi ang taglay na pag iisa at lalo pa manding nagpapakilala nang pagkaulila ng tinatanaw na kalawakan. ang walang hanggang kalawakan kung minsan ay pipingpipi. tinangka ng matandang hulaan ang ngiting malungkot at pakutya na isinalubong ni simoun sa balitang siyay huhulihin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ano ang kahulugan ng ngiting iyon? at ang isa pang ngiti, na lalo pang malungkot at pakutya nang mabatid na sa ika walo pa ng gabi magsisidating? ano ang ibig sabihin ng hiwagang iyon? bakit ayaw magtago si simoun? sumaalaala niya yaong bantog na tinuran ni san juan crisostomo nang ipinagtanggol ang eunuco na si eutropio: kailan man ay hindi naging lalong kapit na di gaya ngayon sabihing: kapalaluan ng mga kapalaluan at ang lahat ay kapalaluan! oo, ang simoung yaon na napakayaman, makapangyarihan, kinatatakutan, nang wala pang iisang linggo ang nakararaan, ngayon, ay sawing kapalaran pa kay eutropio, humahanap ng matutuluyan, at hindi sa mga dambana ng isang simbahan, kundi sa dukhang bahay ng isang klerigong indio, na liblib sa kagubatan, sa ulilang baybay ng dagat! kapalaluan ng mga kapalaluan at ang lahat ay kapalaluan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at ang taong yaon, sa loob ng ilang oras, ay huhulihin, aalisin sa hihigang kinahihiligan, na di igagalang ang kaniyang kalagayan, di bibigyang halaga ang kaniyang mga sugat, sa patay buhay ay hinihingi siya ng kaniyang mga kaaway! papano ang pagliligtas sa kaniya? saan matatagpo ang mga bigkas na nakaaakit ng obispo sa constantinopla? ano ang kapangyarihan ng kaniyang mga dukhang salita, ang salita ng isang klerigong indio, na ang kaniyang kaapihan ay waring ikinagagalak at iniuudyok pa nga ng simoung iyon nang panahong siyay nagtatagumpay. florentino ang pawalang bahalang pagtanggap sa kaniya ng manghihiyas, na may dalawang buwan pa lamang ang nakararaan, nang siyay pinakiusapan tungkol kay isagani na nahuli dahil sa isang walang hunos diling sigabo ng kalooban; nalimot ang pagsusumakit ni simoun upang madali ang pag aasawa ni paulita, pag aasawang siyang nag aboy kay isagani sa isang matinding pag ilag sa kapuwa tao, na siyang ikinababalino ng amain: nalimot ni .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"florentino ang lahat, at walang naaalaala kundi ang kalagayan ng may sakit, ang kaniyang katungkulan sa pagka may bahay, at sinasaliksik ang kaniyang pag iisip, dapat niyang itago upang huwag masunod ang nasa ng may kapangyarihan? ngunit ang may katawan ay walang kaligaligalig: ngumingiti. ito ang sumasaisip ng mabuting matanda nang dumating ang isang alila at sinabi sa kaniyang ibig siyang makausap ng may sakit. tumungo sa kanugnog na silid, na malinis at maaliwalas na tahanan, na ang pinakasahig ay malalapad na tablang makikintab at makikinis, na may malalakit mabibigat na sillon, na may matandang ayos, walang barnis ni mga dibuho. sa isang dako ay may isang katreng kamagong na may kaniyang apat na haliging pumipigil sa lalagyan ng kulambo, at sa siping ay may isang mesa na puno ng mga botella, hilatsa ng mga putol putol na kayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang isang luhuran sa dakong ibaba ng isang cristo at isang munting aklatan ang nagpapakilalang yaon ang silid ng pari, na ipinagamit sa tumuloy, alinsunod sa ugaling pagpapatuloy ng mga pilipino na ipagkaloob sa nanunuluyan ang lalong masarap na pagkain, ang lalong mabuting silid at ang lalong mabuting hihigan sa loob ng bahay. nang makitang bukas na bukas ang lahat ng durungawan upang bayaang makapasok ang dalisay na hangin sa dagat at ang alingawngaw ng kaniyang walang patid na hinagpis, ay walang makapagsasabi sa pilipinas na dooy may isang may karamdaman, sapagkat nakaugaliang ilapat ang mga bintana at sampu ng lalong maliliit na puang kailan pa mat may isang sinisipon kayay nagdaramdam ng munting sakit ng ulo na walang kakabukabuluhan. florentino sa dako ng hihigan at namangha siya nang makitang wala na sa mukha ng may sakit ang anyong palagay at pakutya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isang lihim na sakit ang wariy nagpapakunot sa kaniyang kilay, sa kaniyang paningin ay namamalas ang di kapalagayang loob at ang kaniyang bibig ay napapangiwi dahil sa isang ngiting lipos ng sakit. nahihirapan baga kayo, ginoong simoun? ang masuyong tanong ng paring lumapit. kaunti, ngunit sa loob ng ilang sandali, ay matatapos na ang paghihirap ko ang tugon na iginalaw ang ulo. sindak na pinapagduop ni. florentino ang mga kamay, dahil sa waring nakilala ang kakilakilabot na katotohanan. ano ang ginawa ninyo, dios ko? ano ang inyong ininom? at iniunat ang kamay sa dakong kinalalagyan ng mga botella. wala nang magagawa! wala ng lunas! ang sagot sa tulong ng kasakitsakit na ngiti ano ang ibig ninyong gawin ko? bago tumugtog ang ika walo. sa patay sa buhay. patay ay oo, ngunit buhay ay hindi. ano ang ginawa ninyo? huminahon kayo ang putol ng may sakit sa tulong ng isang galaw ng mukha ang nagaway nagawa na. hindi dapat na akoy mahulog na buhay sa kamay ng sino man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"maaaring makuha ang aking lihim. huwag kayong magambala, huwag kayong malito, wala nang magagawa. pakinggan ninyo ako! sasapit na ang gabi at kailangang huwag mag aksaya ng panahon. kailangan kong sabihin sa inyo ang aking lihim, kailangan kong ipagkatiwala sa inyo ang huli kong nasa. kailangan kong makilala ninyo ang aking kabuhayan. sa mga sandaling ito na katangitangi ay ibig kong iibis sa akin ang isang pasanin, ibig kong paliwanagan ninyo sa akin ang isang pag aalinlangan. kayong may malaking pananalig sa dios. ibig kong sabihin ninyo sa akin kung may isang dios! ngunit isang panglunas sa lason, ginoong simoun. mayroon akong apomorfina. mayroon akong eter cloroformo. at humahanap ang pari ng isang botella hanggang si simoun ay yamot na sumigaw. wala nang mangyayari. wala nang mangyayari! huwag kayong magaksaya ng panahon! yayaon akong dala ang aking lihim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang klerigoy litong nagpatiluhod sa kaniyang reclinatorio nanalangin sa paanan ng cristo, isinubsob ang mukha sa dalawang kamay at pagkatapos ay tumindig na walang imik at kagalanggalang na waring tinanggap sa kaniyang dios ang boong bagsik, ang boong sanghaya, ang boong kapangyarihan ng isang hukom ng mga budhi. inilapit ang isang sillon sa dakong ulunan ng may sakit at humandang makingig. sa mga unang salitang ibinulong sa kaniya ni simoun, nang sabihin sa kaniya ang tunay na pangalan, ay napaurong ang matandang pari at tiningnang lipus sindak ang kaharap. ang may sakit ay malungkot na ngumiti. dahil sa pagkakabigla ay hindi nasupil ang sarili, ngunit madaling nakapagpigil, at matapos na matakpan ng panyo ang mukha ay muling tumungo upang makingig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"isinalaysay ni simoun ang kaniyang kasakitsakit na kabuhayan, ang pangyayaring may labing tatlong taon na, nang magbalik siyang galing sa europa, na puno ng pag asa at magagandang pangarap, ay umuwi siya upang makasal sa isang binibining iniirog, at laan sa paggawa ng kabutihan at magpatawad sa lahat nang gumagawa sa kaniya ng masama, bayaan lamang siyang mabuhay nang mapayapa. hindi nagkagayon. isang mahiwagang kamay ang nag aboy sa kaniya sa gitna ng isang kaguluhang gawagawa ng kaniyang kalaban; pangalan, yaman, pag ibig, kinabukasan, kalayaan, nawala sa kaniya ang lahat at nakaligtas lamang sa kamatayan dahil sa kagitingan ng isang kaibigan. sa gayoy isinumpa niyang maghihiganti. nagtanan siyang dala ang kayamanan ng kaniyang kaanak, na nababaon sa isang gubat, nagtungo sa ibang lupain at inatupag niya ang pangangalakal. nakilahok sa himagsikan sa cuba, na tinulungan ang magkabilang pangkat, ngunit saan man, siyay nakikinabang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"doon niya nakilala ang general, na nooy komandante, na naging kakilala niya dahil sa pangungutang sa kaniya at pagkatapos ay naging kaibigan dahil sa ilang kataksilang ginawa na alam ng magaalahas ang lihim. siya, sa tulong ng salapi ay nakuha niyang maparito ang general, at nang nasa pilipinas na ay ginawa niyang isang bulag na kasangkapan at iniaboy niya sa paggawa ng lahat ng kasamaan na ang ginawa niyang pain ay ang walang habas na katakawan sa salapi. ang pangungumpisal ay naging mahaba at mabigat, ngunit sa boong hinabahaba ay hindi nagpahalata ng anomang pagkakagulat ang nagpapakumpisal at bibihirang pinatlangan ang may sakit. florentino, ay tumindig na pinapahid ang pawis sa mukha at nag isip. mahiwagang kadiliman ang naghahari sa loob ng silid, na pinupuno ng sinag ng buwan, na pumapasok sa mga durungawan, ng liwanag na malamlam at panganganinag na wariy singaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa gitna ng katahimikan, ang tingig ng pari ay nadingig na malungkot, banayad, ngunit mahimok: patatawarin kayo ng dios, ginoong. simoun, ang sabi: batid niyang tayoy anak sa pagkakamali, nakita niya ang inyong tiniis, at sa pagpapahintulot na matagpuan ninyo ang kaparusahan ng inyong mga sala sa pagtatamo ng kamatayan sa kamay din ng mga iniaboy ninyo, ay nakikita natin ang kaniyang walang hanggang awa! siya ang sumirang isa isa sa inyong mga paraan, ang lalong mabubuti ang pagkakabalak, ang una sa pagkamatay ni maria clara, makaraan yaon ay dahil sa isang pagkakalingat, at pagkatapos ay sa isang paraang lubhang mahiwaga. sundin natin ang kaniyang kalooban at pasalamatan natin siya! sa ganang inyo, ang mahinang sagot ng maysakit, ang kalooban niya ay, na, ang mga pulong itoy. magpatuloy sa kalagayang kinasasadlakan? ang dugtong ng klerigo nang makitang ang isay huminto. hindi ko maalaman, ginoo; hindi ko mataho ang inaakala noong hindi malirip!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"batid kong hindi pinabayaan sa mga mahihigpit na sandali ang mga bayang nananangan sa kaniya at siya ang ginawang hukom ng kanilang pagkasiil; alam ko na ang kaniyang bisig ay hindi nawala kailan man kapag niyuyurakan na ang katwiran at ubos na ang lahat ng paraan, ay humawak na ng sandata ang sinisiil at nakipaglaban nang dahil sa kaniyang tahanan, dahil sa kaniyang asawa, dahil sa kaniyang mga anak, dahil sa kaniyang mga di maitatakwil na karapatan, na, gaya ng sabi ng makatang aleman, ay kumikinang ng walang pagkaagnas at matibay doon sa kaitaasan ng mga walang pagkapawing mga bituin! hindi, ang dios na siyang katwiran, ay hindi mangyayaring magpabaya sa kaniyang layon, ang layong kalayaan na kung wala ay wala namang katwiran! kung gayon ay bakit ipinagkait sa akin ang kaniyang tulong? ang tanong ng tingig ng maysakit, na lipus hinanakit. sapagkat pinili ninyo ang isang paraan na hindi niya masasang ayunan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang sagot ng pari na matigas ang boses ang kaluwalhatiang pagliligtas sa isang bayan ay hindi kakamtin ng isang nakatulong sa pagpapahirap sa kaniya! inakala ninyong ang dinungisan at sinira ng pagkakasala at kasamaan ay nangyayaring malinis at mailigtas ng isa ring pagkakasala at isa ring kasamaan! ang pagtatanim ay walang ibubunga kundi kakilakilabot na anyo; ang sala ay mga salarin; tanging ang pag ibig ang nakagagawa ng mga bagay na kahangahanga, ang kabaitan lamang ang nakapagliligtas! hindi; kung balang araw, ang ating bayan ay magiging malaya ay hindi dahil sa masasamang hilig at pagkakasala, hindi sa paraang pasamain ang kaniyang mga anak, dayain ang ilan, bigyan ng salapi ang iba, hindi; ang kaligtasan ay may kahulugang kabanalan, ang kabanalan ay pagtitiis at pag ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"tinatanggap ko ang inyong sabi, ang tugon ng maysakit, makaraan ang isang sandali; akoy namali; ngunit sa dahilang akoy namali ay ipagkakait na ba ng dios na iyan ang kalayaan sa isang bayan at ililigtas ang maraming lalo pang salarin kay sa akin? ano na lamang ang kamalian ko sa piling ng mga pagkakasala ng mga namamahala? bakit pahahalagahan pa ng dios na iyan ang aking kabuktutan kay sa mga daing ng napakaraming walang sala? bakit hindi ako sinugatan at pinagtagumpay pagkatapos ang bayan? bakit binabayaang magtiis ang gayong karaming mga karapatdapat at mga tapat na loob at nasisiyahang walang katigatigatig sa kanilang mga paghihirap? ang mga tapat na loob at ang mga karapatdapat ay kailangang mangagtiis upang ang kanilang mga adhikay makilalat lumaganap! kailangang iwaksi basagin ang sisidlan upang halimuyak ang bango, kailangang pingkiin ang bato upang sumipot ang apoy! mayroon ding pasiya ng kalangitan sa mga paguusig ng mga maniniil, ginoong simoun!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"alam ko, ang bulong ng may sakit kaya ngat inudyukan ko ang kabangisan. tunay, kaibigan ko, ngunit ang lalong maraming sumabog ay ang may taglay na kabulukan! pinalusog ninyo ang kabulukan sa kapamayanan nang hindi naghasik ng anomang adhikain. sa pagtitiim na iyan ng mga masasamang hilig ay walang sisipot kundi ang pananawa, at kung mayroon mang biglang sumipot, ay hindi mangyayaring hindi kabuti lamang, sapagkat sa biglabiglaan ay walang sisipot sa layak kundi ang kabuti. tunay ngat ang mga masasamang hilig ng isang pamahalaan ay makamamatay sa kaniya, ngunit pumapatay din naman sa kapisanang pinangyayarihan ng gayon. sa isang pamahalaan na may masamang hilig ay bagay ang isang bayang walang tuus; sa pangasiwaang walang budhi ay mga mamamayang maninibad at mapangayupapa sa loob ng bayan, ngunit mga tulisan at magnanakaw sa mga kabundukan! kung ano ang panginoon, gayon ang alipin. kung ano ang pamahalaan, gayon ang bayan. naghari ang sandaling pananahimik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung gayoy ano ang nararapat gawin? ang tanong ng tingig ng may sakit. magtiis at gumawa! ang malungkot na ulit ng may sakit ah! madaling sabihin iyan kapag hindi nagtitiis. kapag ang paggawa ay pinapagkakamit ng ganting pala!. kung hinihingan ng inyong dios ang tao ng gayong karaming mga paghihirap, ang taong babahagya nang makapanangan sa kasalukuyan at nag aalinlangan sa mangyayari sa kinabukasan; kung nakakita lamang kayo ng gaya ng mga napagkita kong mga maralita, mga kahabaghabag na nangagbata ng katakot takot na pahirap dahil sa mga pagkakasalang hindi nila ginawa, mga pagpatay upang mapagtakpan ang sala ng iba ang di kasapatan sa panunungkulan, mga kaawaawang ama na inagaw sa kanilang tahanan upang gumawa ng walang kapararakan sa mga lansangan na nasisira sa tuwing umaga at waring naglilibang lamang sa pagsusugba sa mga boo boong magkakaanak sa karalitaan. siyang kalooban ng dios!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"papanaligin ninyo sila na ang kanilang pagkamatay ay siya nilang kaligtasan, na ang kanilang paggawa ay siyang ikagiginhawa ng kanilang tahanan! anong dios iyan? isang dios na lubhang matapat, ginoong simoun ang sagot ng pari; isang dios na nagpaparusa sa kakulangan natin sa pananalig, sa ating masasamang hilig, sa munting pagpapahalaga natin sa karangalan, sa ating pagkamamamayan. pinababayaan natin at tayoy nagiging katulong ng masamang hilig, kung minsan pay ating pinupuri ang gayon; kayat dapat, lubhang nararapat na batahin natin ang ibubunga at batahin din naman ng ating mga anak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang dios ng kalayaan, ginoong simoun, na siyang nag uutos sa ating ibigin ito, at ginagawang maging mabigat sa atin ang pasanin; isang dios ng kaawaan, ng pagpapantaypantay, na sabay sa pagpaparusa sa atin ay pinabubuti tayo, at ang binibigyan lamang ng mabuting kalagayan ay yaong nararapat bigyan dahil sa kaniyang pagsusumakit; ang paaralan ng pagtitiis ay nakapagpapatibay, ang kaparangan ng tunggalian ay nakapagpapalakas sa mga kaluluwa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"hindi ko ibig sabihin na ang ating kalayaan ay tuklasin sa talas ng sandata; ang espada ay di lubhang kagamitan sa mga bagong kabuhayan, ngunit, oo, ating tutuklasin sa pamagitan ng karapatan, sa pamagitan ng pagpapataas ng uri ng katwiran at ng karangalan ng tao, na ibigin ang tapat, ang mabuti, ang dakila, hanggang sa mamatay ng dahil dito, at kapag ang isang bayan ay nakasapit na sa gayong kalagayan, ang dios ay nagbibigay ng sandata, at lumalagpak ang mga diosdiosan, lumalagpak ang mga maniniil na wariy mga kastilyong baraha at kumikinang ang kalayaan na kasabay ng unang liwayway! ang ating kasamaan ay sa atin din buhat, huwag nating sisihin ang kahit sino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"kung nakikita ng espana na tayoy hindi lubhang masunurin sa pagpapahirap, at handa sa pakikipagtunggali at pagtitiis ng dahil sa ating mga karapatan, ang espana ay siya nang unaunang magbibigay sa atin ng kalayaan, sapagkat kapag ang bunga ng paglilihi ay dumating na sa pagkahinog ay kahabaghabag ang inang magtangkang dooy lumunod!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"subalit samantalang ang bayang pilipino ay wala pang sapat na katigasang loob upang ipahayag, na mataas ang noo at lantad ang dibdib, ang kaniyang karapatan sa pamamayan at patibayan ito sa pamagitan ng mga paghihirap, ng kaniyang sariling dugo; samantalang nakikita natin ang ating mga kababayan, sa kanilang sariling pamumuhay ay magdamdam hiya sa sariling kalooban, madingig ang sigaw ng kaniyang budhi na nagbabalikwas at tumututol, at sa lantarang pamumuhay ay hindi umimik, makisama sa pumapaslang upang kutyain ang pinaslang; samantalang nakikita nating naninirahan sa labis na paglingap sa sarili at pinupuri sa tulong ng pilit na ngiti ang lalong mahahalay na kagagawan, at nagmamakaawang hinihingi, sa pamagitan ng tingin, ang isang bahagi ng napala anot bibigyan sila ng kalayaan? sa piling ng espana hiwalay sa espana silay hindi mag iiba, at marahil, marahil ay lalo pang sasama! ano ang kailangan ng pag sasarili kung ang mga alipin sa ngayon ay siyang magiging maniniil bukas?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"at gayon nga ang kauuwian nila sapagkat umiibig sa paniniil ang sumasailalim nito! ginoong simoun, samantalang ang ating bayan ay hindi pa nahahanda, samantalang tumutungo sa labanan nang nadadaya naiaaboy, na walang lubos na kaalaman sa gagawin, ay masisira ang lalong matalinong pagtatangka at mabuti pa nga ang masira sapagkat anot ibibigay ang asawa sa lalaki kung hindi lubos na iniirog at hindi nalalaang magpakamatay nang dahil sa kaniya? naramdaman ni. florentino na pinigilan ng may sakit ang kaniyang kamay at pinisil; huminto na inantay na magsalita, ngunit ang tanging naramdaman niya ay ang dalawa pang pisil, nakadingig ng isang buntonghininga at mahabang katahimikan ang naghari sa loob ng silid. ang dagat lamang, na ang mga alon ay nangagsilaki dahil sa hangin sa gabi na waring nagising sa init ng umaga, ang nagtatapon ng kaniyang paos na ungol, ng kaniyang walang katapusang awit, pag bayo sa mga nagtayong talampas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"ang buwan, na wala nang kalabang araw, ay payapang nagtatalik sa langit, at ang mga puno sa gubat na nangagyuyukuan ay nagsasalaysayan ng kanilang matatandang alamat sa pamag itan ng mahiwagang bulungan na ipinaghahatidhatiran ng hangin. nang makitang walang sinasabi sa kaniya ang may sakit, si padre florentino ay bumulong na wariy natutubigan dahil sa isang iniisip: nasaan ang kabataan na maglalaan ng kanilang mga magagandang sandali, mga pangarap at kasigabuhan sa ikabubuti ng kanilang bayan? nasaan ang malingap na magbububo ng kaniyang dugo upang hugasan ang ganiyang maraming kahihiyan, ang gayon karaming pagkakasala, ang gayon karaming bagay na kamuhimuhi? malinis at walang bahid dungis ang kailangang maging buhay na alay upang ang handog ay maging karapatdapat!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"saan kayo nangaroon, mga kabinataan, na magtataglay ng lakas ng buhay na tumanan na sa aming mga ugat, ang kalinisan ng mga pagkukuro na nadungisan sa aming mga kaisipan at ang lagablab ng sigabo na namatay na sa aming mga puso?. inaantay namin kayo, oh mga binata, halikayo at kayoy aming inaantay! at sa dahilang naramdamang ang kaniyang mga matay pinangingiliran ng luha ay binitiwan ang kamay ng maysakit, tumindig at lumapit sa durungawan upang tanawin ang malawak na dagat. ilang mahinang katog sa pintuan ang pumukaw sa kaniya sa gayong pag iisip. yaon ay ang alila na nagtatanong kung magsisindi ng ilaw. nang ang pariy lumapit sa may sakit at nakita ito, sa tulong ng liwanag ng lampara, na hindi kumikilos, nakapikit ang mga mata, ang kamay na pumigil sa kaniyang kamay ay nakabuka at nalalahad sa gilid ng hihigan, ay inakala niyang natutulog; ngunit nang maramdamang hindi humihinga, ay marahan niyang hinipo at saka pa lamang nahalatang patay: unti unti nang lumalamig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nang magkagayoy lumuhod at nanalangin. nang tumindig at pinagmasdan ang bangkay na sa mukhay nababakas ang isang matinding hapis, ang sakit ng isang boong buhay na walang kabuluhan, na tinaglay hanggang sa dako pa roon ng kamatayan, ay nangilabot ang matanda at bumulong na: kaawaan nawa ng dios ang mga nagliko sa kaniya ng daan! at samantalang ang mga alilang tinawag niya ay nangagsisiluhod at nangagdadasal ng patungkol sa namatay, mga alilang maurira at nangalilibang sa pagtingin sa hihigan at inuulit ulit ang mga sunod sunod na requiem ay kinuha ni. florentino sa tataguan ang bantog na takbang bakal na kinalalagyan ng malaking kayamanan ni simoun. ilang sandaling nag alinlangan, datapway biglang pumanaog sa hagdanang dala ang takba, na may tangka nang gagawin, tinungo ang batong laging inuupan ni isagani upang siyasatin ang kailaliman ng dagat. florentino sa dako ng kaniyang paanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"sa ibabay nakikita ang paghampas sa mga ukab ng bato ng mga maiitim na alon ng pasipiko, na lumilikha ng mauugong na kulog, na sabay sa pagniningning na wariy apoy ng mga alon at mga bula, dahil sa tama ng sinag ng buwan, na wariy dakotdakot na brillante na inihahagis sa hangin ng isang gawi ng kailaliman. tumanaw sa boo niyang paligid. ang ulilang baybayin ay nagtatapos sa malayo na wariy isang paguulap, na pinapawi unti unti ng buwan hanggang sa makiisa sa lalong malayong dako na abot ng tanaw. ang kagubatan ay bumubulong ng mga tingig na walang linaw. sa gayoy inihagis ng matanda na itinapon sa dagat ang takba, sa tulong ng kaniyang malalakas na bisig. umikit na makailan at matuling tumungo sa kailaliman na gumuhit ng pabalantok at naglarawan sa kaniyang makinis na ibabaw ng ilang malamlam na sinag ng buwan. nakita ng matanda ang pagtilampon ng mga patak, nakadingig ng isang buluwak at naghilom ang tubig matapos malamon ang kayamanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"nag antabay ng ilang sandali upang tingnan kung may isasauli ang kailaliman, ngunit muling naghilom ang mga alon na mahiwagang gaya ng dati, at hindi naragdagan ng isa mang kuton ang kaniyang kulot na ibabaw, na waring sa nilapadlapad ng dagat ay walang nahulog kundi isang munting bato lamang. itago ka ng kalikasan sa kailaliman na kasama ng mga korales at mga perlas ng kaniyang walang pagkapawing mga dagat! ang sabi ng klerigo na iniunat ang kamay. kapag sa isang banal at mataas na layon ay kakailanganin ka ng mga tao, ay matututuhan kang kunin ng dios sa sinapupunan ng mga alon. samantala, diyan ay hindi ka makagagawa ng kasamaan, hindi mo ililiko ang katwiran, hindi ka mag uudyok sa kasakiman!. wakas ng ang filibusterismo. padausdos binago mula sa padausos (huwag bataking padausdos). pahina nagtatawanan binago mula sa nagtatanawan (nagtatawanan at binibiro ang iba). pahina sa kamay ng pari binago mula sa ng kamay sa pari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pahina nag aaral binago mula sa nag araal (pulupulutong na mga nag aaral). pahina nangagdadaang binago mula sa nagagdadaang (nangagdadaang matulin na nag uumugong); naliliwanagan mula sa naliliwangan (naliliwanagan ng isang lampara). pahina maiitim binago mula sa maiitin (kaniyang maiitim na muog). pahina kamangmangan binago mula sa kamangmangan (sinasamantala ang kamangmangan). pahina minumunakala binago mula sa minumunukala minumunakala. pahina pulutong binago mula sa puluton (tatlong pulutong pa). pahina pag hindi binago mula sa paghindi (pag hindi niya kilala). pahina kapag binago mula sa ka pag (muhingmuhi kapag nakakita). pahina comment binago mula sa camment (mais, comment! ); bete mula sa bete (toi ici, grosse bete! ); enchantee mula sa enchantee (si lily ay lubhang enchantee. pahina kakaunting binago mula sa kakauting (sa kakaunting bagay). pahina sandoval binago mula sa sandavol (ang pahayag ni sandoval). pahina ngiti binago mula sa nginti (mapait na ngiti sa labi).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pahina corporaciong binago mula sa corporaclong (ihahalal ng corporaciong mamamahala). pahina ang binago mula sa anng (at ang tumutugtog pa naman). pahina ganapin binago mula sa gagapin (ang unang dapat ganapin). pahina ngunit binago mula sa ngunii (ngunit nadingig ang yabag). pahina que binago mula sa que (amor, que astro eres?). pahina ganang binago mula sa ga nang (mga kahangalang sa ganang binata); panahon mula sa panuhon (sa lalong madaling panahon). pahina ganang binago mula sa ga nang (hambug sa ganang kaniya; gawang bata, sa ganang kaniya). pahina que con binago mula sa con (que con blando murmullo). pahina juanito binago mula sa jnanito (pagkamasid ninyo kay juanito pelaez); panibagong mula sa panibagon (sa kaniyang panibagong pag ibig). pahina paulita binago mula sa panlita (taglay din ni paulita). pahina kapag nababakas binago mula sa kapag nababakas (kapag nababakas ko sa titig na iyan); si isagani mula sa si isagani (lumulan sa sasakyan si isagani).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"pahina reverendas binago mula sa reverandas (masamang parunggit sa mga reverendas. pahina panalangin binago mula sa panalagin (tanggapin ang kanilang mga panalangin). pahina itinatangi binago mula sa itinatagi (ang isa na kaniyang itinatangi); ano mula sa ano (ano ang ibig ni . pahina pagkukuro binago mula sa pagkakuro (na ang kanilang pagkukuro). pahina katedratiko binago mula sa ketedratiko (ipinamamanhik ko sa aking katedratiko); kahit mula sa ka it (kahit na may pagkukurong malaya). pahina tagasiyasat binago mula sa tagasiyayat (pagiging tagasiyasat ng pagtuturo). pahina corruptissima in republica plurim binago mula sa corruptisima in republica plurim. pahina kinabukasan binago mula sa kinakukasan (sa kinabukasan ay mabait na lahat). pahina dugtong binago mula sa dungtong (ang dugtong ni . irene, na ang hinarap). pahina ngunit binago mula sa ngunit (ngunit ang matapang ay nilambanog); umugong mula sa umugon (umugong din ang ilang putok); ta mula sa ya ta queda dice preso isagani?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,"); debi mula sa debe (conmigo no ta debi nada!). pahina manga binago mula sa nanga (ang manga sa loob ng plateria). pahina kapag nakita binago mula sa kapagnakita (kapag nakita ko siya.). pahina kapitang binago mula sa kabisang (si kapitang tiago ay nagkaroon). pahina gallus binago mula sa gullus (an gallus talisainus). pahina ir binago mula sa ir (ang dies ir ); patrocinio mula sa patrocino (si aling patrocinio). pahina mo binago mula sa no (hindi mo ba nabasa). pahina bahagya binago mula sa hahagya (bahagya nang nakatulog). pahina nangingilabot binago mula sa nangingilabot (si huli ay nangingilabot). pahina pag patay binago mula sa pagpatay (pag patay na ay saka magsisisi); isusumbat mula sa isusumkat (ay walang isusumbat). pahina napaka binago mula sa na paka (napakamahina, napaka walang katibayan); kaawaawang mula sa kaawanwang (kaawaawang . pahina idinagdag binago mula sa idinadag (dalidaling idinagdag ni ben zayb); kapangyarihan mula sa kapangyaaihan (sa lahat ang kapangyarihan).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,pahina pinanganganiban binago mula sa pinaganganiban (at hindi ko pinanganganiban). pahina at binago mula sa al (tapang at lakas ng loob). pahina rebolber binago mula sa robolber (liban na lamang sa rebolber); magiging mula sa magigin (magiging siyang kakilakilabot). pahina durungawan binago mula sa darungawan (tumatapon sa kaniyang mga durungawan). pahina pagkatapos binago mula sa pakatapos (pagkatapos ay nawawala). pahina lalong binago mula sa laong (sa lalong katampatang sandali). pahina jovem binago mula sa joven (salubungin ang magnum jovem. pahina hindi binago mula sa hind (hindi na lubhang payuko). pahina estreno binago mula sa extreno (mga salitang comedor estreno). pahina mane binago mula sa mame (ibig sabihin ng mane thecel phares ); tinanggal ang naulit na sa sa isang alaguwak sa pagbagsak. pahina loleng binago mula sa choleng (ang tanong ni kapitana loleng). pahina chichoy binago mula sa chi choy (ang patuloy ni chichoy). pahina prayle binago mula sa praple ang mga prayle?,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José Rizal,); quiroga mula sa quroga ang insik na si quiroga?). pahina puno binago mula sa puuo (na kinuha sa isang puno); lansangan mula sa lasangan (alikabok ng lansangan). pahina remitira binago mula sa remimitira (cojera remitira vivo muerto). pahina ano binago mula sa ano (ano ang kahulugan); klerigong mula sa klarigong (isang klerigong indio); simoung mula sa simonng (iniuudyok pa nga ng simoung iyon). pahina matandang binago mula sa matangdang (napaurong ang matandang pari); pagkakabigla mula sa paakakabigla (dahil sa pagkakabigla). pahina kaniyang binago mula sa kaniyan (kaniyang paos na ungol). pahina ang binago mula sa an (ang sakit ng isang boong buhay). pahina tinanggal ang naulit na sa sa naglarawan sa kaniyang makinis na ibabaw.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio, may isa ngang haring balita sa yaman na nakahahanga ang kaugalian sa sakop nang korte niya'ibinawal ang gawang magsunong magpasanpasan. kaya nga'kaniya na ipinatawag ang tao sa korteng manga mahihirap at ang bawa'isa'binigyan nang pilak na sa hanap buhay ay puhunang dapat. at itinadhana sa nasasakupan na ang lahing hudio ang utusan lamang yaon ang mahigpit niyang kautusan naglagay nang taning sa simulang araw. sinomang sumuway doon sa tadhana may kakamtang dusa siyang ilinagda at siya ang lubos na nangangasiwa sa kanyang sakop na kinakalinga. tunay na kanyang ikinagagalak na ang sakop niya ay mayamang lahat at sa lahing iba'tanging matatanyag ang ugali niya na pinalalakad. ang tanang kampon niya ay nangatutuwa sa dahilang sila'mayayamang pawa ang salat na dati ay naging sagana at ang dating hamak ay naging dakila. laging gawa niya'kapagka umaga ay hawak sa kamay yaong largavista at linilibot na ianatanaw niya ang loob nang korte'magpahanggang villa.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"nang isang umaga'nagkataon naman na nasa bintana siya'nanunungaw ay may isang taong hubad at may pasang bigkis, niyong kahoy na bilang kalakal. ang nasabing tao,tinawag pagdaka at itinanong kung taga saan siya ang tugon ay taga labas niyong villa na tanging mahirap siya kay sa iba. ikaw baga'hindi nakatatalastas anang hari nitong lahat kong palakad na tungkol ang ayos alila'di dapat asalin nang tanang taga ritong lahat? sa balang sumuway na kahima'sino pilit tatanggapin parusang lagda ko sagot nang tinanong ay yaong utos mo ay hindi ko talos ang pagkatutoo. paano po ako'may asawa'anak na hindi kakai'kami ay mahirap ay saang kukuha kung hindi maghanap nang ikabubuhay naming nararapat. matanto ang hari ang ganoong sulit wika'magtuloy kang dito ay pumanhik kahoy ay iwan mo'huwag nang umulit na gumawa nitong sa atas ko'lihis. niyong mapanhik na'pinaupo naman at ang mayordomo niya'inutusan na magbalot siya nang isang balutan nang onzang ang haba'higit isang dangkal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,at magbalot naman nang keso de plandes na sa ayos niyong onza ay iparis lihim na gawin mong huwag ipalirip at ingatang huwag na may makamasid. kapag nayari na ay dalhan mo dito'huwag kang mabalam at hinihintay ko niyong mabalot na niyong mayordomo dinala sa hari ang dalawang ito. sa haring tanggapin ang tao'tinawag dalawang balutang yao'iginawad ito'labis mo nang puhunaning dapat sa hanapbuhay mo'nang di naghihirap. ang kasipagan mo lamang ay dagdagan at ang iyong isip ay pakatalasan at magmula ngayo'huwag nang magpasan at tupdin ang aking mahigpit na bawal. matapos ang bilin ay napaalam na ang binigyan yamang taong taga villa sa kamay ay hawak balutang dalawa at doon sa hagda'nanaog pagdaka. pagdating sa lupa'kaniyang binuksan ang natuklas niya'ang keso ang laman agad nang kinagat niya at tinikman ang lasa ay tunay na di maibigan. ang bigay na ito aniya ay aanhin asawa ko'anak ay dirin kakain anang hari labis ko nang puhunani'kabuhayan namin ay dito kukunin.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"mahanga'itapo'sagabal pa sa aking paguwi sa tahanang villa iniakma nangang itatapon niya sa sundalong bantay na siya'nakita. wika nang sundalo ang keso ay sayang ibigay sa akin kung ikaw ay ayaw taong taga villa'ibinigay naman sampung niyong isang hindi binubuksan. nang maibigay na'lumakad nagtuloy ang nasabing tao na bubulongbulong wika'muli akong puputol nang kahoy na maipagbiling ipagpawing gutom. at kahima'ako'kaniyang hatulan nang dahil sa utos niya'sumalangsang ay tututol ako'yaong ibinigay niya, ay pagkaing di ko maibigan. pagdating sa bahay ay itinanong na yaong pinagbilhan nang sintang asawa anong pagbibilhang itinugon niya kinuha nang hari kahoy kong dinala? wika ay mahigpit na kaniyang bawal na huwag magayos alila sinoman na sa korte niya ay nasasakupan at balang sumuway ay parurusahan. dalawang balutan ang bigay sa akin at wika'labis nang doon ay magaling tanang sarisaring kabuhayan natin kaya'binalot pa na pinakagaling.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"niyong manaog na ako sa hagdanan nang nasa sa lupa na ay aking tinikman ang lasa'maanta na nakasusuklam ikaw ma'tunay mong di maiibigan. gayon man ay pilit akong maggagayak nang kahoy, at aking ititinda bukas kung tanungin ako'ipatatalastas ang nasapit nang balutan niyang gawad. salita'napatid at ipinatuloy yaong paghahanda nang dadalhing kahoy at nang maumaga'tinupad ang layon na ang pagbibilha'maipawing gutom. sa loob ng korte nang dumating siya ay sa hari namang agad na nakita kaya nga at siya'tinawag pagdaka nang hari'tinanong na gaya nang una. anang nasa villa'ang nasa balutan na pagkaing iyong sa akin ay bigay pagdating sa lupa'akin pong tinikman ang lasa'tunay na di ko maibigan. kaya nga at niyong itatapong ko na'hiningi nang bantay namang kapagdaka ibinigay ko nang lahat ang dalawa'di rin makakain naming magasawa. diyata'kapuwa ipinamigay mo anang hari, yaong balutang bigay ko isa niyo'onza'ang isa ay keso ay ibinigay mong lahat sa sundalo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,ang kahalangalan mo'saan ihahangga at di pa binuksan sampu niyong isa di sana ang laman ay iyong nakita'di ipinamigay na karakaraka. ngayon ang sa iyo'aking ibibigay biling kong mahigpit na iyong ingatan at huwag na kitang makitang magpasan na pumasok dito magpakailan man. yaong mayordomo'sa haring tinawag at ipinakuha'isang paang medias na yaong mahabang sa tuhod ay lampas punin nang salaping hanggang sa mabanat. at sa pagkuha mo ang tao'isama at ang ilalagay nang upang makita mayordomo nama'sumunod pagdaka medias ay agad pinuno nang onza. sa haring nagutos ay dinala naman anang hari diyan sa tao ibigay niyong matanggap na ay pinagbilinang ingatang mabuti'huwag pabayaan. matapos tanggapin ay napaalam na'nanaog sa hagdang tuwa'sabihin pa lakad na matuling tumatakbo tila at nasang dumating sa sintang asawa. nguni'sa paglakad ay may sumusunod na may sawing isip sa kanyang likod at minamataan ang kanyang kilos upang ang adhikang lihis ay masunod.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,yaong sinusunda'di namamalayang may tao doon sa kanyang likuran walang lingon likod sa dinadaanan at anaki walang bahala sa lagay. nang sa kabukiran siya ay malabas ay sinumpong niyong gawang pagbabawas sa bahay ay di na nakuhang umakyat at sa punong hagdan dala'ilinapag. doon naisipang siya ay kumanlong sa isang malaking puno niyong kahoy at hindi akalang may nakanunuynoy nang salapi niyang daladalang yaon. kaya'niyong siya ay nakakanlong na taong sumusunod tumakbo pagdaka supot nang salaping iniwa'kinuha nguni'may aring hindi nakikita. ang may ari nama'matapos magbawas ay tila anyo pang nagpapawing hirap dahil sa salaping pinasang mabigat bakit malayo rin naman ang linakad. saka niyong siya'malipasang pagod ay binalikan na ang iniwang supot nguni at wala at hindi natalos na kinuha niyong may masamang loob. nang makita niyang supot ay wala na ay agad tinawag ang sintang asawa at tinanong niya kundi kinukuha supot nang salapi na iniwan niya.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"doon sa hagdanan, pagka'hindi talos nang asawa, kaya ang mabiglang sagot di ko nakikita ang uwi mong supot sa pinagiwanan sampung nagkaayos. baka nahahaling lamang naman ikaw sa salaping iyong sinasabing taglay sagot nang maydala yao'ibinigay sa akin, nang haring makapanyarihan. sa asawang sagot ay bakit aniya sa puno nang hagdan ilinagay mo pa at hindi sa akin ibinigay mo na nang sa magnanakaw na hindi nakuha. ngayon ay ano pang iyong magagawa hirap nang makuha nang gayong nawala kung may mabalik ma'bihirangbihira ang isa sa sampu'turing lang dakila. ano'nang madingig ang ganitong sagot nang asawa'biglang hininga'nangapos dahil sa malabis na sukal nang loob kaya'sa batalan na lamang nasubsob. hininga'pumanaw na di na nagbalik sa di magkasiyang pighati sa dibdib dahil sa salaping iba ang nagkamit siyang naging daang hininga'napatid. ang isang tutoong dapat na pagtakhan ay nang nabuburol yaong abang bangkay ay may isang sulat na hawak sa kamay na hindi makuha nang asawang hirang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,ipinamalita ang bagay na ito kaya'ang naglakbay ay maraming tao pawang nagsikuha ang bawa'dumalo ay walang binigyan na kahima'sino. sabihin pa bagang manga kaguluhan tanang tagaroong lahat ay dumalaw sampung arzobispo doon ay naglakbay sulat ay kinuha'di rin ibinigay. ang hari na lamang ang tangi sa lahat na di kumukuha sa nasabing sulat ayon sa malaking adhika nang lahat na ang naalama'pawang matalastas. yaong arzobispo'ang nasok sa budhi ipagsama naman ang mahal na hari na siyang kukuha nang sulat na tangi na hawak nang bangkay na di mapagwari. kaya nga'ang hari'sampung arzobispo lumakad na abay ang manga konseho gayon din ang lahat nang manga soldado sa nasabing bangkay sila napatungo. sa bahay nang sila ay mapaitaas kinuha nang hari ang nasabing sulat na siyang sa kamay nang bangkay ay hawak binitiwang tambing namang agadagad. niyong makuha na ang nasabing liham binuksa'binasa nang haring marangal nang matanto niya ang nangalalaman nabuwal sa likmo siya'hinimatay.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,sumaklolong lahat ang manga konseho at gayon din naman yaong arzobispo malaon din bago nakamalay tao nguni'di mapawi yaong panglulumo. binasa rin naman ang nasabing sulat niyong arzobispo sa harap nang lahat kaya nga'natanto nang tanang kaharap ang manga salitang doo'nasasaad. gayari ang manga wikang sinasaysay ikaw nga ay haring makapangyarihan na dito sa lupa ay bantog sa yaman at pinipuntuho nang lahat mong kawal. tanang manga taong pinaghihirap ko'pinipilit namang pinayayaman mo ngayo'kinuha kong buhay nitong tao ay muli mo naman na buhayin ito. kaya ang ginawa nang mahal na hari ay sa arzobispo ay isinangguni anang arzobispo ikaw ay magwari pagka'sa matuwid ang gawa mo'sawi. magmula na noo'natanim sa loob nang mahal na hari ang malaking takot yayamang kaniyang tunay na natalos na ang gawa niya ay laban sa dios. ito'siyang saksing dapat na ilimbag sa ubod nang pusong di dapat maghangad niyong kayamanang di sariling hanap lalo na'sa gawang di mabuti buhat.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,ang manga may pilak na pinayayaman ang dukha at nagmamapuri sa lagay pinayamang yaon ay kung maging daang magpalalo'siya ang may kasalanan. sapagka'mayroong mabuti kung dukha nguni'kung yumama'biglang nawawala ang di magkagayo'bihirang bihira'kung minsa'sanhi nang isinasama. may taong mababang loob kung mahirap nguni'kung yumaman ay nagmamataas walang lingong likod kung magsipangusap at napatatangay sa dahas nang pilak. nangararapat ngang ating saklolohan ang nangasasalat na walang pagkunan nguni'kung lalagay sa kapalaluan ay isang dakila namang kasalanan. anopa'marami ang dahil sa pilak sa santong matuwid ay nangalilinsad sa nasang yumaman nang ibang mahirap kaluluwa'di na pansing mapahamak. kahi'kilala nang gawang nalilihis at nasasalansang sa utos nang langit ay ikinakanlong sa sariling isip ang kakamtang dusang walang kasingpait. huwag mong nasaing matamo ang pilak na mula sa ganang di karapatdapat at baka doong ka matulad kay judas na nasa infierno'walang hanggang hirap.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,at may isa namang dukhang magasawa na palaging salat yaong buhay nila at ang hanapbuhay ay di makasiya nang abang lalaki sa tuwituwi na. bakit ang tutoong nakapaghihirap lalaki'natutong uminom nang alak kaya'palagi nang lasing na madalas na di magkawastong kumita nang pilak. kaya nga at yaong kapatid na lamang ang umaalalay sa ikabubuhay saka nanganak pa ang asawang hirang na nagpalugami sa karalitaan. nang may tatlong araw na nanganganak na ay dinalaw niyong kapatid na isa noo'tunay siyang walang magagasta kaya'linimusan nang isang peseta. ang isang peseta ay nang maibigay ang abang lalaki pinakiusapan na siyang bumili nang ikabubuhay at lumakad na ngang ang peseta'taglay. nagkataon namang doon sa paglakad natapat sa isang tindahan nang alak may nagsisiinom kaya nga'tinawag pagka'dati niyang kainumang lahat. paglapit ay agad namang tinagayan nang makainom na'nagusapusapan nang lumaonlao'uminom na naman hanggang makaitlo bago tinigilan.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"nang di makalaban sa tapang nang alak sumuraysuray na'ulol ang katulad ang isang pesetang sa kamay ay hawak doon sa tindaha'siyang ibinayad. lumakad na siya na hahapayhapay masulong maurong doon sa lansangan nang di makakaya ang lunong katawan nalugmok sa lupang tulad sa may damdam. may dalawang oras ang bilang humigid yaong panglalata ay bago naalis nang humusayhusay yaong pagiisip saka nagunita yaong napagsapit. na walang kakanin ang asawa'anak pagka'ang pesetang dala'ibinayad doon sa kanilang iniinom na alak kaya'naghinagpis na di hamakhamak. yaong asawa ko ay gutom nang gutom aniya, at ako'hinihintay ngayon nguni'ang peseta'saan pa naroon nabayad sa alak na aming ininom? ang aking asawa'anong aasalin? bakit nanganak pa ay di kumakain kundangan ang aking gawang paglalasing sa nangyaring ito'siyang naging dahil. wala naman akong sukat mautangan na maibibili nang ikabubuhay kung ako'magbigti ay masama naman ay paanong aking gagawing paraan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"habang lumalakad ay nagsasalita at mistulang ulol ang kahalimbawa napahihimutok tuwing magunita yaong napagsapit na kahiyahiya. sa di nagtitigil na linakadlakad ay dinating yaong baybayin nang dagat at doo'kaniyang inabot nang malas yaong sarisaring bangkang nasasadsad. walang anoano'ang nasok sa isip umupa nang isang bangka at sumilid at doon magaliw nang sukal nang dibdib na sa puso niya ay lumiligalig. ipinatuloy na ang sa langong hangad na siya'nagbangka bangkaan sa dagat na sa kalasinga'ang naipangusap ay ang manga wikang di karapatdapat. kung sino aniyang makapagbibigay sa akin, nang yamang aking maibigan at kahi'ngayon ma'aming pagsulatan ang usap na aming pagkakasunduan. gayon ang laging isinisigaw niya habang namamangka'nagtutumayo pa walang anoano'lumitaw pagdaka isang taong pangit na walang kapara. naupo sa daong nang kaniyang bangka at ang sinabi niya'inusisa tunay bang ibig mo na yumamang bigla na gaya nang iyong manga salita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"oo anang lango'nasa ko'ngayon din kung iniibig mong ako'payamanin anitong tumanong kung iyong susundin ang kahilingan ko yama'tatamuhin. hustong isang taong ay kung dumating na ikaw ay sa akin pilit na sasama nguni'yayaman ka na walang pagsala at sa iyoy madla ang mangagtataka. at kung papayag ka'iyong pifirmahan itong gagawin kong isang kasulatan tandang pagayon mo sa ating usapan na ikaw ay akin magpakailan man. inaayunan ko ang sagot nang lango gawin mo ang sulat at pifirma ako agad na ginawa naman nang demonio na ang katuwaan ay di mamagkano. sulat nang mayari ay pinirmahan na saka iniabot ang isang pitaka isang pako'isang martilyo'ang wika'ang sasabihin ko'tandaan mong pawa. ang pitakang ito'ang iyong gagawin ilapat sa isang haligi dingding saka mo pakuan at iyong dukutin at madudukot mo ang yamang ibigin. sa dingding nang bangka'ikinabit agad dinukot at wika'onzang aking hangad habang dumudukot ang ilinalabas ay onza, at bumabalong ang katulad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,nang ang nadudukot na onza ay sampu ay yaong pagdukot niya'inihinto at yaong pitaka niya'itinago sampu nang martilyo'ang kasamang pako. agadagad nangang pumundo sa pampang at yaong may ari nama'inupahan bumili nang bigas na dalawang kaban at vaca at baboy ang biniling ulam. umupa nang manga isang magdadala at nang maglulutong kaniyang kasama na yao'upahang buwanang talaga na sa bahay niya ay doon titira. nguni at nang siya'dumating sa bahay hapo na sa gutom ang asawang hirang anitong babae ay bakit nabalam diwa yata'ikaw ay nakipagsugal. sagot nang lalaki ang iyong pesetas ay nabayad lamang na lahat sa alak ang kainumang ko ay niyong matapat ako sa tindaha'kanilang tinawag. pinainom ako hanggang sa nalasing at sampung sila man ay nagsiinom din saka doon sila'matulad sa akin peseta ko pala'siyang uubusin. datapuwat ngayo'di masasalat na'ipagagawa ko'malaking bahay pa sagot nang asawa'saang ka kukuha diwa'hanggang ngayon ay nalalango ka.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,hindi ako lango'makikita mo rin kung makatapos nang tayo ay kumain kung hindi mangyari saka mo sabihin na ang salita ko ay salitang lasing. nangatigil sila'nagsikain naman nang di karaniwang masarap na ulam nang makakain na ay pinalatagan nang banig na suson ang kanilang bahay. ilinapat nanga doon sa haligi saka pinakuan na pinakabuti wika sa alila ikaw ay bumili nang dalawang kabang lalong malalaki. buong isang onza yaong ibinigay wika'piliin mo ang lalong matibay at kung magkano ang kahalagahan bayaran mo'ikaw ay madali lamang. yaong inutusan pagdaka'lumakad ang lasing ang akin namang ipahayag wika'pawang onzang aking ilalabas at dinukot nanga na hindi naglikat. pagdukot ay onzang nakukuha naman at doon sa banig ay ilinalagay kaya sa pagdukot niyang walang humpay ang onza'nabuntong halos di mabilang. anopa'malabis yaong pagtataka nang bagong panganak na sintang asawa ang wika ay ako ang durukot muna nang siyang dumukot ay walang makuha.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,kaya ang asawa ang pinabayaang dumukot at siya ay nanood lamang gaya rin nang unang paglabas nang kamay onza ang sa banig ay inilalagay. nang dumating naman ang kabang dalawa ay ilinagay nang lahat yaong onza hanggang sa napuno ay di nagpahinga doon sa pitaka nang pagdukot niya. sila'natulog na'nang kinabukasan maraming anluagi ang tinawag naman ang ipinagawa ay malaking bahay na sa bayang yao'pinakamainam. tuloy nagpagawa nang sisidlang bato nang salapi'laki ay di gagaano at pinakatibay naman nang maestro na di mahahamak nang masamang tao. ginawang lalagyang yao'nang mayari pitaka ay doon dinalang madali dinukot na gaya niyong dating gawi nitong lumilikha lamang nang salapi. walang sinisikap sa gabi at araw kundi ang dumukot nang salapi lamang kung kaya matigil ay kung napapagal at bago napuno'may ilan ding buwan. pintong susonsuson ay isinira na may bilang limangpung susi'cerradura anopa'ang lahat ay nangagtataka sa bagong mayamang natangi sa iba.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,lahat nang magandang manga kasangkapan at gayon din naman ang manga sasakyan ay nasa kaniya at balang humiram sino ma'di niya pinagkakaitan. ang may kailangan at ang nasasalat pagdaing ay agad niyang linilingap pawang bigay lamang at wala nang bayad pagka'siya'lubhang sagana sa pilak. nguni'ang asawa ay di mapaghaka ang pitakang yaon kung saan nagmula kaya pinipilit na inuusisa sapagka'ang hangad niya'maunawa. hindi ipagtapat naman nang lalaki at ang kahihiyan ay nananatili hindi matiwasay sa araw at gabi ang kahihinatna'naguguniguni. pagka'mahigit nang isang buwan lamang yaong taning nila na pinagusapan kaya nga'tutoong malaki ang lumbay na anhin mo'yaong may malubhang damdam. sa babae namang kusang napapansin yaong kalumbayan nang asawang giliw kaya'inusisang pinalihim lihim ang pitakang yaon kung saan nanggaling. mapiling pagtanong nang asawang kasi ang katutohanang lahat ay sinabi dahil sa peseta kung kaya nangyari ang kinahinatnan nang palad kong imbi.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,ayon sa hiya ko'naubos na lahat na aking nagugol ibayad sa alak ako'walang kunan nang maibabayad kaya'sa demonio ay nakipagusap. na ang aking kaluluwa at katawan ay naging kapalit ang pitakang iyan ang taning ay hustong isang taon lamang ako'kukunin na na di maliliban. at sa katunaya'may kasulatan pa na ginawa'ako naman ay nagfirma kaya ang taning ay iisang buwan na at pilit na maghihiwalay kita. gayong pangungusap ano'nang madingig nang asawang kasi pagdaka'tumangis aniya ay ano'di mo na inisip ang daratning huling iyong masasapit. sa kayamanan nga'magpapasasa ka sa huli ay hirap namang walang hangga sa yaman sa mundo'ipinalit mo na ang dios na mulang tuwa at ginhawa. pagkapalibhasa ay may kabanalan ang babae agad namang nagkumpisal sa isa ngang pari na tutoong banal at isinangguni ang ganoong bagay. matanto nang pari ang nangyaring yaon sandaling nagisip munang mahinahon siya'nanalangin sa dios na poon nang matanto niya ang gagawing ukol.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"niyong matapos nang makapanalangin wika sa babae (aniya) ay ngayon din sa iyong asawa ay iyong sabihing siya'magkumpisal at aking hihintin. babae madaling umuwi sa bahay at sa asawa'sinabi ang banay niyong matalastas ay sumama naman at noon din siya'tambing nagkumpisal. sinabi ang yaring salitaan nila sampung kasulata'pagkapirma niya saka ang pitaka ay ipinakita gayon din ang pako at ang martilyo pa. ang hatol nang pare ay magkukumpisal tuwing makalawa, at sa araw araw ay magkukumunion huwag pasalahan ang pagdedevocion ay gayon din naman. tuloy sinootan nang larawang hayag nang puso ni jesus at nang birheng liyag tanang katungkula'ipinatalastas na huwag bayaang di ganaping lahat. at yaong usapang araw kung dumating na sa demonio nang siya'kukunin huwag magpabayang di siya tawagin at ang buong kaya'kanyang gagawin. madlang kabilina'ginanap na pawa nitong sa demonio'humandog na kusa nang dumating yaong araw na tadhana paring magtatanggol ay tinawag nanga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,yaong paring banal ay nang dumating na buong bahay nama'benendita upang yaong tao ay huwag makuha nang demonio'di makapasok siya. pulubing marami nagpatawag naman nang dumating doon ay pinagsabihan na halihaliling sila'magdarasal tangi ang sa lupa kay sa nasa bahay. yaong altar nama'kusang iginayak na naroo'tatlong larawang mag anak na jesus maria josef ang tawag at saka ang pitong arcangel na hayag. ano'nang sumapit ang araw na taning demoniong katipan nang tao'dumating pagka'kailangang kanya nang kunin kaya'daladala ang may firmang papel. matanto nang pari ay pinaluhod na ang taong kukunin niyong palamara saka sinubuan nang mahal na hostia galit nang demonio'sabihin pa baga. di ganiyan aniya ang ating usapan nang namamangka kang nasa karagatan kundi ang kita ay payamanin lamang at ikaw ay akin sa taning kong araw. pinayamang kita'ang iyong susundin ay layaw sa mundo'sa katawang hiling di nating usapang lahat nang magaling na ukol sa dios ang iyong gagawin.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,ang lilong demonio'hindi makalapit dahilan sa dasal na nauulinig kaya nga tutoong siya'nagngangalit sa ganoong ayos niyang namamasid. tinatawag niya'lumapit ang hangad nguni'yaong pari ang siyang nangusap hayo'lumayo ka aniya sa satanas at huwag paritong muli pang mangahas. nguni'tumutol naman ang demonio na ang wika'siya ang kailangang ko tunay siyang aki'ang pagkatutoo'may sulat at siya'nakafirma dito. ang sagot nang pari ay lumayas ka na satanas at siya'di mo makukuha kasulatang iyan ay walang halaga punitin mo'huwag ditong magbalik pa. wika nang demonio'ibigay sa akin ang pitakang iya'martilio'gayon din at saka ang pako'aking pupunitin itong kasulatang kasunduan namin. inihagis nanga nang pari ang wika hayo'umalis ka lilong magdaraya umalis nang galit na hindi kawasa'nagiwan nang baho na walang kamukha. nang makaalis na yaong si satanas doon sa iniwa'ang sa paring saad ang salaping iya'gugulin mong lahat sa manga salanta at sa nasasalat.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,sa mga ulila at sa kailangan na nagsisigawa niyong kagalingan at ang paglalango'iyong pagingatan nang di ka madaya nang demoniong hunghang. at sa katawan mo ay huwag alisin ang larawang puso nang nakop sa atin saka ang larawan niyong inang virge'ang pagdedevocio'huwag lilimutin. tanang manga bilin ay pawang tinupad nang nasabing pari kaya'napanatag nagbuhay angel na at walang hinarap kundi ang maglingkod sa dios na wagas. kaya'nang dumating ang tadhanang guhit ang bayang payapa'kinamtang tahimik bagaman naligaw sa daang matuwid ay natutuhan ding muling nanumbalik. gayon din ang tunay na nakakapara nang nangahuhulog sa pagkakasala na nagsisuyo sila'pumifirma sa libro nang taksil na ating kabaka. ang firma ay kaya naaalis lamang at nangasisira yaong kasulatan kung ihinging tawad at ipagkumpisal ang sala'magsisi'tuloy pagtikahan. sapagkat ang paring kay kristong alagad sa tali nang sala'silang kumakalag at kapag binigyan nila nang patawad umasang kay kristo tayong tinatanggap.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,pagka'ang sinomang nasa salang mortal ang pinto nang langit nama'nasasarhan nguni'kundi iwan yaong kasalanan hirap sa infierno'siyang nalalaan. may isang sasakyang minsa'naglalayag sa baybayin niyong malalim na dagat kapita'tutoong malaki ang sindak doon sa nasapit nilang pagkabagbag. demonio'makita ang ganoong ayos sa kaniyang puno'nuhang pahintulot at ang tutuksuhin nang taksil na loob ay yaong kapitang doo'naguutos. nang mabigyang tulot nama'yumao na manunuksong ayos marinero siya at yaong sasakya'tinungo pagdaka'sa manga utusan siya'nakisama. at sa paguutos na kasalukuyan sa lahat nang manga naruroong utusan nang upang maligtas sa kapanganiban ang malulubog na kanilang sasakyan. marinero ngang demonio'paglapit kapitan aniya'ano po ang ibig sagot ay itali sa kahoy ang lubid nang tayo ay huwag malayo sa gilid. lubid ay kinuha'ang pinatunguhan ay lugar na walang sukat pagtalian saka wiwikain doon sa kapitan dito'walang kahoy na mapaggapusan.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,kung gawing kaliwa ang siyang sabihin ay sa dapat kanan ay doon dadalhin at pinagagalit na tikis ang dahil ang kapita'upang magkasalang tambing. ang ginagawa ngang manga panunukso kapita'nayamot na di mamagkano kung walang taliang kahoy man bato itali kahi'sa sungay nang demonio. gayong pangungusap ay niyong madingig niyong marinero'iniwan ang lubid nagtaglay nang takot at ang sumaisip siya'nakilala kung kaya nagalit. kung kaya sinabi na sa aking sungay itali'ako pa ang pahihirapan agad nang umalis at humarap naman doon kay satanas yaong tampalasan. wika ni satanas ay anong lakad mo tugo'nakilalang ako'manunukso winika'itali kahi'sa sungay ko kung walang taliang kahoy man bato. ang tinukso mo'taong may devocion na di madaraig at may magtatanggol yaon ang sa mundo'di napauulol at tunay na lingkod niyong panginoon. dito'dapat nating huluin sa loob na kapag ang tao ay lingkod nang dios kahi'si satanas ay nangingilabot at di madaraya nang sa mundong adyok.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at nakikilalang yaong nanunukso'isa sa kampon nang taga infierno kaya nararapat na pakupkop tayo sa dios at inang virgeng masaklolo. huwag pabayaan ang tayo ay magahis nang kaaway nating sadyang malulupit na walang adhika kundi ang magahis tayo'makasama nilang magkasakit. sapagka'kanilang kinaiinggitan ang tanang biyaya nang dios na mahal na pinatatawad kung magkasala man ang nangagsisisi'sala'ikumpisal. demonio'minsan lamang na nagsukab sila'ibinulid sa balon nang hirap at hindi nangyaring sila'pinatawad at parusang walang hangga ang nalangap. at mayroon namang isang magasawa na ang anak nila ay lalaking isa at sa kabuhaya'may lubos na kaya na hindi rin naman sukat kulangin pa. dapuwa'sa anak ay labis magmahal at tutoong sunod na sunod ang layaw na kahi'anomang gawing kasalanan hindi pinapalo kahi'pilantik man. kaya nga'lumaki ang kanilang anak na pagalagala'hindi naghahanap nang ikabubuhay na tungkuling dapat nang tao, kaya nga'kaiba sa lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,at sa kayamana'labis na gumugol na inaaksaya sa pagayon gayon niyong makaraan ang ilang panahon namatay ang ina na nagkandongkandong. kaya ang natira'ang ama na lamang na siyang sa anak ay nagpapalayaw paglibot ang gawa sa gabi at araw palad nang matigil sa kanyang bahay. isang araw naman na pagkaumaga na pagkakain ay naglibot na siya dinatnan nang lagnat naman yaong ama ang sakit nang ulo'halos di mabata. di makuhang siya ay magluto naman nang pagkai'ayon sa matinding damdam sapagka'ang lagnat ay lubhang masasal saka masakit pa ang kasukasuan. nang dumating yaong naglibot na anak ay gutom sapagka'lampas na sa oras pagdating sa bahay ay agad nagbukas niyong paminggala'kakanin ang hanap. anopa at walang nakitang pagkain sapagka'ang ama'di makapagsaing pumasok na galit ay walang kahambing ang wika sa ama'bakit walang kanin. malubay na tugon niyong amang ibig di makapagsaing ako at maysakit hindi makabangon pagka'nanginginig yaring katawan ko sa lagnat na labis.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,sa anak na tugo'magluluto lamang ang sakit na yaon ay dinadahilan ako ay gutom na ay walang daratnan nang pagkaing akin na inaasahan. di magsaing ka na ang sa amang wika at tunay na ako'di makagagawa at ang katawan ko ay malatang malata'ulo ko'masakit na hindi kawasa. magsasaing ako sa anak na sagot kita mo po'ako ay pagod na pagod lalo kung ganitong ako'nayayamot maihahampas ko lamang ang palayok. kung hindi ka taong walang kahihiyan anang ama'talos mo na ako'may damdam may kakanin ka na'iluluto lamang ay di mo magawa'akong uutusan. madingig nang anak galit ay sabihin aniya'ako pa palang hihiliin kahi'matuluyang ako'di kumain ay ako ay hindi makapagsasaing. nagalit ang ama'wika'lapastangan at munti ma'wala ka nang kahihiyan gala ka nang gala sa maghapong araw at di mailuto ang kakanin lamang. gayong pangungusap ano'ng madingig ang minamahal na anak ay nagalit at walang pitagang sa ama'lumapit yaong tampalasang alibughang isip.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"saka yaong ama ay sinabunutan at hinila hanggang malapit sa hagdan ang kaawaawang ama'sumisigaw pagka'masasakit ang buong katawan. doon iniwan lamang yaong ama at tuloy nanaog at umalis siya pagka palibhasa ay maraming kuwarta nang may isang linggo nama'umuwi na. kaya nga at noong dumating sa bahay ay bangkay na lamang ang amang dinatnan at dalawang araw nangang namamatay sa gutom na labis na di ano lamang. ano ang gagawin sapagka'patay na ay ipinalibing ang bangkay nang ama sa apat katao siya ay umupa'nang oras ding yao'ilinibing nila. nang mailibing na ang sa amang bangkay siya'nagiisang natira na lamang nagkaasawa ri'kapalibhasaan ay may kamunti pang natitirang yaman. isang lalaki rin yaong naging anak kawangis ng amang anhin mo'pinilas at nang lumaki na'tunay na kahuwad nang ama, ang gawa at ugalig lahat. at tunay ngang lubos na pinakalakhan ang gumagala sa gabi at araw at kung oras siya na kakain lamang kaya umuuwi sa kanilang bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,niyong lumaki na'namatay ang ina kaya'ang natira'ay silang mag ama haggang sa naging bagong tao siya ang dating ugali ay di rin nagiba. isang araw yaong ama ay dinatnan nang matinding lagnat na may kalubhaan masakit na lahat ang buong katawan at di makabangon doon sa hihigan. kaya sa hindi makayanang bathin yaong karamdama'hahalihalinghing walang anoano nama'sa darating ang anak sapagka'oras nang pagkain. pagpanhik sa bahay ay tinungo niya yaong paminggala'kakaing talaga palayok nang buksan ay walang nakita kamunti nang sukat na makain baga. agad pinasok niya'kusang itinanong ang lutong pagkain kung saan naroon ama ay bahagya na lamang tumugon aniya'di ako makakilos ngayon. sa anak na wika'ang kamunting damdam ay minamalaki mona pong dahilan diwa ay talaga na lamang aayaw na ako'pakanin at nanghihinayang. baga man ang ama ay datay sa sakit ay napilitan ding dinayo nang galit dangan ang tao kang walang munting bait na nagsasalita'hindi iniisip.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,nakikita mona na may damdam ako ang pagsasaing ko kaya ay paano nariyan ang bigas ay di iluto mo at huwag magsabi nang kung anoano. sa salitang yaong anak ay nayamot pagdaka'tinangnan ang ama sa buhok at kinaladkad na nang katakot takot na hanggang sa lupa ay ipinanaog. niyong hinihilang malapit sa hagdan ang sigaw nang ama ay dito na lamang sapagka'dito ko lamang inihanggan ang nuno mo niyong aking sabunutan. hindi rin nakinig ang kuhilang anak at doon sa hagda'kinalakadladkad kaya'sa baytang ay nagkahampashampas nasisigaw tuloy sa malaking hirap. at nasa lupa na'kinakaladkad din ang hunghang na ama nang anak na taksil at iniwan na ngang hahalihalinghing at doon na lamang buhay ay nakitil. kaya nga'ang anak ay nang umuwi na dinatnan sa lupa ang bangkay nang ama madlang nanunuod niyong datnan niya na hindi maisip yaong pagtataka. pagkamangha nila'paganhing saysayin bangkay ay ginanap yaong paglilibing anak na naiwan ay di rin nagmaliw ang ugaling hayop ang siyang kahambing.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,yaong natitirang ari'kayamanan na minana doon sa amang namatay ay naipagbili sampung pamamahay at naubos naman sa pagayon lamang. saka nang wala nang tunay na makain ang manga damit pa'naipagbili rin nang walang pagkuha'dito na umatim nang gutom na hindi makayang tiisin. ang ginalagala'di rin nagtatahan at natungo tuloy sa labas nang bayan at doon inabot niyong karamdaman nahiga sa lupa'di makagulapay. sapagkahiga ay walang anoano doo'napalibot ang maraming aso linapita'asa'patay nang tutoo kinagat na pinaghalihanan dito. katawa'malata'mahinangmahina at hindi na halos makapagsalita kaya'ang pagbugaw niyang ginagawa'di pansin nang asong nangagkakatuwa. may limang dipa rin ang napaghilahan niyong manga asong nagkakaguluhan at bago pa nila nakilalang buhay ay nang mahalata nang ginalawgalaw. bagaman iniwan nang manga pagkagat ang dalawang paa'tadtad na nang sugat lalo pang magulol ang matinding hirap at doon ang buhay na lamang nautas.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,ito'siyang tubo nang manga magulang na sa manga anak ay mapagpalayaw kahi'gumawa man niyong kasalanan ay di binibigyan nang kaparusahan. kapag namihasa sa ganoong gawa ay ulol at ulol ang nagiging sama at sila ang bilang na nagpapalala nang ugaling lihis mulang pagkabata. at kung tumanda na'saka susupilin ang asal na gayong karimarimarim wala nang panahon at kung pipilitin abang nagpalayaw ang patatangisin. may isang mag inang sanggol ng maiwan ang lalaking anak nang amang namatay kaya nga'malabis yaong pagmamahal nang inang may iwi sa anak na hiran. nang katabilan pa ang lagay nang bata na di mawatasan halos magsalita kapag inaglahi nang kahi'matanda ang itinuturo'mahalay na wika. hanggang sa lumaki ay nakagawian pagbigkas nang bibig ay wikang mahalay at kahi'sa harap niyong kamahalan ang ibinubuga'kasalaulaan. di na alumana ang bagay na yaon na katulad niyong masidhing ulupong ina'isang araw nama'nagkataon na may panauhing nangagkakatipon.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"anak ay dumating na galing sa sugal at sa pagkatalo siya'nagkautang pagharap sa ina ang wika ay bigyan siya, nang salapi'may pagbabayaran. ina ay tumanggi'walang ikakaya doon sa salaping hinihingi niya kamandag na ingat nanga'ibinuga niyong tinuruang anak na vivora. pinaglasayan na ng wikang mahalay ang ina, nang anak na walang pitagan ina ay nagtaglay niyong kahihiyan sa nangaruroong panauhing tanan. kaya'ang mahalay na sabi nang anak sa bibig nang ina'siya ring binigkas anak ay nagtindig na likmua'hawak at doon sa ina'siyang ihahampas. tanang panauhin ay dumalo naman dahilan sa ina na nagsisisigaw at lubhang malakas ang pananambitan nang nagturong ina niyong kataksilan. kaguluhan nila'kahi'naapula kapintasan nama'sumabog sa madla anopa'ang lahat nang makaunawa'inang sinisising uliran nang sama. sila na ang lubos na naging hantungan nang lahat nang taksil na magmamagulang kaya nga'nabantog ang kanilang ngalan ay di kabutihan kundi sa kasaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,yaong kapalaran kung sila'dalawin ay di mamalagi at umaalis din parang sinasabik sa sandaling aliw at kung magdalita nama'sapinsapin. anopa'ang lahat nang sa mundong silo sa maginang yao'walang nabibigo ginagawa nilang aliwan nang puso yaong walang awang hirap kung bumugso. kayong ama'ina na palatungayaw at mapagsalita nang wikang mahalay kayo ang sa anak ninyo'umaaral nang lahat nang manga likong kaasalan. at ang nagtuturo sa manga inanak nang bagay na manga di karapatdapat kayo rin sa huli naman ang lalangap nang bungang mapait sa binhing masaklap. tuwa mo'kung ano nang bata pang munti sa pagtuturo mo nang salitang sawi kung lumaki nama'magkaroong sanhi ang tubo mo'luha'pagdadalamhati. sapagka'kung ano ang punlang pananim ay siya rin namang bungang aanihin balang isang puno ay iyong timbangin kung ilang ibayong papakinabangin. kaya karampatang ingatan ang bata sa ano mang bagay na makasasama dito pa'sa isang buhay man ay huag ang bangis nang dusang pilit ilalagda.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"may katuwatuwang duling na dalawa na nagkasalubong sa paglakad nila binati ng isa na tatawatawa nanangis kunuwang sumagot ang isa. wika nang isa ay anong buhay mo'ang lakad mo'tila malayong tutoo tugo'mahalaga ang lakad kong ito at ako'nanggaling sa isang mediko. napasa mediko at ano ang dahil tugon ay ang sanhi ay sa mata natin at hinihiling kong ang ating paningin ay mangyari lamang kanilang baguhin. ay ano ang naging panagot sa iyo? tugon ay wala nang daan pang mabago kanunuan natin ang may sala nito'naganyak nanuod doon sa calvario. sa poong kay jesus nang nababayubay sa cruz, at dahil sa sala nang tanan niyong malagot na ang hiningang tangan sa ningas nang kidlat sila'nangasilaw. hindi magkawasto ang manga paningin at sa katakutang walang makahambing nangagtatakbuhang mata'pasuliling at di matutuhan yaong tutunguhin. katunaya'noong si kristo'buhay pa ay wala nang gaya nitong ating mata si kristong gagamot sapagka'patay na sa paggaling tayo'wala nang pagasa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,ito ang siya kong ikinalulumbay kailan ma'aking magunamgunam lagay natin ngayo'parang tinandaan niyong lihis nilang kagagawan. kundangan ang sila ay pakialami'walang kaguluhang di nakikipiling at nakikigaya pa sila marahil sa taksil na budhing manga mainggitin. naging pakinabang sa ganoong gawa ang tinging mabuti nila ay napasama sampung tayo ngayo'pinapalibhasa nang walang pitagang matabil na dila. dulo'kundi tayo makapagpipigil laging basagulong makikita natin kaya wala tayong dapat na sisihin kundi silang naging sanhi nang hilahil. sila'naglakad na'ang kalang makita ay linalapita'nananangis sila dahilan sa matang wala ng pagasa na magkapanahong sila'gumaling pa. balang makaalam nang kanilang sumbong manga katuwaan ay walang kaukol ang ganoong gawa nila ay patuloy hanggang sa kanilang bahay ay humantong. matuwid ang gayong palagay ng duling kung tunay na ating didilidilihin tanang may ugaling mapakialamin madalas maramay sa manga hilahil.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,at sa nangyaring manga kaguluhan sila'nalalahok kahi'di kaalam ang di umaalis sa loob nang bahay sa sandaa'isa kung magkagayon man. yaong manga taong gawa'mangutiya'walang kilos na di pamamalibhasa anopa'ang gayong pamamalibhasa siyang nagkakamit nang labis nang pula. kaya kapatid kong manga ginigiliw gayong kagagawang lihis ay alisin at doon ay walang papakinabangin kundi yaong dusa'pulang sapinsapin. kinakailangan nating pagaralan ang turo ni kristong kapakumbabaan sundin ang kaniyang manga bili'aral nang tayo'masama sa payapang bayan.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon," ako'nagtataka! aywan ko kung bakit nagbabago yaring damdamin ko'isip, ganyan na nga yata sa silong ng langit ang gawang mamuhay sa laot ng hapis. aywan ko kung bakit! sa aki'pumanaw ang lahat ng tamis nitong kabuhayan, sa aki'nag iba ang lahat ng kulay, sa aki'pag api ang lahat ng bagay!. talaga nga yatang balot ng hiwaga, balot ng pangarap at pagdadalita ang palad ng tao kung magkabisala! pawang agam agam ang laman ng lupa.! walang kilos na di paghamak sa akin, walang bagay na di anyaya ng lagim, walang dulot na di sa aking paningi'aninong malungkot ng mga hilahil. aywan ko kung bakit nagbago ang lahat sa kabuhayan ko'matimtimang palad; samantalang ako'inaalapaap ay masasabi kong: lahat ay pangarap!.! dati mo ng alam ang hindi pag imik kung naguulayaw; ako'pinipipi ng aking paggalang, ng aking pagsuyong mataos, dalisay. pinunit sa harap upang makilala ang alab ng aking sinimpang pag sinta, diyan masusubok ang mithi ko'pita, diyan masisinag ang luksang pag asa. wala ka ngang sala.!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang kurus ng hirap ay dapat matirik sa dusta kong palad! ako ang pulubing sa tinawag tawag ay lalong inapi. binigyang bagabag.! di ko akalaing ang langit ng puso ay mangungulimlim. biglang maglalaho, di ko akalaing sa likod ng samyo ng mga sampaga'may lihim na suro.! animo'nagtikom sa gayong sandali ang pintong maramot ng awa'lwalhati, sa aki'para nang ang kahilihiling sinag ng ligaya'lumubog, napawi.! ngayo'pamuli pang umaawit awit sa dilag mong kimkim, gandang maka langit, kung may alinlangan sa taghoy, sa hibik, ay maging saksi pa ang aking hinagpis . aninong malungkot noong kahirapan ang buhay ng tao sa sangsinukuban, ang tuwa'ligaya'hinihiram lamang kaya'ulap waring dagling napaparam. ang mabuhay dito'kapangapanganib sa munting paghakbang ay silo ng sakit, umiibig ka na ng buong pagibig ay ayaw pang dinggin ay himalang langit! hindi ka tatamo ng bahagyang galak kundi pa matulog at saka mangarap, gayon man, kung minsa'paos na nanawag sa pagkakahimbing ang tinig ng hirap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"sa paminsanminsan, sa aking gunita mga pagsisisi yaong tumutudla. bakit pa lumaki'natutong humanga'ang paghanga pala'kapatid ng luha?.! estoy enfermo palido de tanto no dormir. puso ko'malungkot! malungkot na tila ibong walang laya'lagas na sampaga, sa pasan pasan kong mabigat na sala'lason at patalim ang magpapabawa. ang ayos ng mundo ay isang kabaong, nagtayong kalansay ang puno ng kahoy, dila ng halimaw iyang mga dahon at sigaw ng api ang ingay ng alon. ano'ganito na ang pasan kong hirap! ano'ganito na ang aking pangarap! ang lahat ng bagay ay napatatawad, patawarin kaya ang imbi kong palad? gabi gabi ako'hindi matahimik na parang sa aki'mayrong nagagalit, ang pasan kong sala'laging umuusig sa kabuhayan kong di man managinip.! sa aking pagdaing, sa aking pagtawag, sa sinamo samo ng dusta kong palad ay palaging dilim at libingang ulap ang hangang sa ngayo'nagiging katapat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"lahat na'nabata ng aking pag ibig, lahat na'nasukat nitong pagtitiis, lahat na'napasan sa silong ng langit maging ang parusang pagkalupit lupit. subali'ang sagot ng irog at buhay, sa aking pag luhog ay sadyang hindi pa binabagong lubos, waring inu uri ang aking pag irog. nguni'kaylan kaya sa kanya'papanaw ang ulap ng isang wari'alinlangan? at sa akin kaya'kaylan mabubuksan ang pintong may susing katumbas ng buhay. ang nakakatulad ng aking pag giliw ay isang pulubing dumadaing daing na sa kanyang taghoy at pananalangin ay walang maawang maglimos ng aliw! kanyang sinusubok ang aking pagsuyo, kanyang tinatarok ang luha ng puso, kanyang binabasa sa pamimintuho yaong katunayan ng sinamo samo. samantalang ako'tumatawag tawag, lumuluha luha sa gitna ng hirap, ay walang kapiling maging sa pangarap liban sa anino ng mga bagabag. ulap ng hinagpis, ulap ng parusa ang nagpapasasang aking dinadama, nguni'kaylan kaya sa aking pagsinta'ang ulap na iya'magiging ligaya.! ayun, tumatangis!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ayun, lumuluha'tumataghoy taghoy na nakaaawa. malasin ang hibang, ang sira ang diwa, ang taong nanangis sa gabing payapa na minsa'maiyak, at minsa'matuwa. malasin ang ayos ng kahabaghabag ng pusong dinusta ng kanyang pangarap; malasin ang luha, ang luha ng palad, ang luhang nagmula sa kanyang pagliyag na pinagkaitan ng tamis ng lingap. tumangis na muli! at saka humibik na mandi'puputok ang latok na dibdib; kanyang ipinukol ang mata sa langit kasabay ang sabing: kailan pa sasapit ang mithing ligaya ng aking pag ibig oh! diosa ng aking yaman ng pag asa, kailan mo tutubsin ang puso sa dusa? kailan papalitan ng tunay na saya ang nagluluksa kong ulilang pagsinta na nananambitan.! at saka tumawa. aking paraluman, hantungan ng aking buong kabuhayan! kung hinihiling mo'tulang tula lamang ng upang ang dusa'minsang mabawasan, naito'dinggin mo ang tula ng buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"tangapin mo ngayon ang tula ng aking pusong lumalangoy; basahing madali'dingging mahinahon ang hibik ng bawa'talatang nanaghoy, ang awit ng palad, ang sigaw, ang tutol. pusong maramot! pusong mapang api, walang awang tala sa pagkaduhagi, halika! ang dilim ng gabi, ang halik ng hangin ay pawa kong saksi sa panunumpa kong kita'kinakasi. halika'sinagin sa luha ng puso ang kulay ng aking sinimpang pagsamo, halika'basahin sa pamimintuho ang gintong pangarap ng aking pagsuyo na nananawagan hanggang masiphayo. dito na natapos yaong panambitan, dito na naputol ang pananawagan ng sira ang bait, ng ulol, ng hibang, ng pusong ginahis at pinagkaitan niyang luwalhating katumbas ng buhay. anong hirap pala ng gawang humibik sa isang ayaw mang tumugo'makinig! anong hirap pala ng gawang umibig lalo'aapihin sa silong ng langit ng hinihibikang pinapanaginip.!.! (irog: kung ang kalungkutan ko'tinutugon ng iyong damdamin ay pamuli'muling basahin mo lamang ang awit na ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"at ako'talagang may ugali na matapang sa likod, at duwag sa harap.) narito'malasin itong kalagayan at tutop ang noo sa kapighatian, aking binabakas yaong kasayahang nasulat sa dahon nitong kabuhayan. hindi makakatkat ang mga talata na tikom sa guhit ng mga biyaya, at kung mayroon pang tagistis ng luha ay luhang nanggaling sa pagkariwara. sa aking kalupi, sa aklat ng palad ay may mga bagay na nangasusulat, diyan makikita ang mukhang may hirap at pusong malaong lunod sa pangarap. diyan mamamalas ang isang larawang sipi sa ulila'payapang libingan, diyan makikita ang dusta kong buhay na sawang sawa na sa kaway ng hukay. hindi ko matalos itong nangyayari'ang namamalas ko'dilim na parati, bulo sa pagsuyo, bigo sa pagkasi, kurus sa baunan ng naduduhagi. sa pinto ng puso'nanawag na lagi ang tinig ng dusang nakaaaglahi, parang nananadyang sa aki'bumati ang labi ng hirap, tinik, dalamhati. nais kong umibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"nguni'natatakot na ako'umibig at saka lumuhog, pagka'nangangambang sa aki'matapos ang lahat ng aliw nitong sangsinukob. wala nang parusang gaya ng tumangis sa harap ng isang hindi umiibig, wala nang parusang gaya ng tumitig sa sungit ng dilim ng gabing tahimik. sukat na sa akin ang ako'malagak sa pamamangka ko sa ilog ng hirap, sukat nang masabing lagi kang pangarap. at matitiis na ang pasang bagabag. walang kailangang mamatay sa dusa huwag ang bawiin ang pagkikilala, aking katuwaan kung ikaw'makita sa piling ng aliw na di magbabawa. aking matitiis na sarilihin ko ang lahat ng pait sa buhay na ito kahit ang magtimpi'halik ng simbuyo huwag ang abuting ikaw pa'magtampo. ipalalagay kong masayang aliwan ang namamalas kong kurus at libingan, sapagka'sa aki'darating ang araw at diyan uuwi ang hiram kong buhay. di ko pinupukaw ang pagkamapalad niyang iyong buhay na bagong ninikat, ikaw ang bituwing takpan man ng ulap ay maghahari din ang ningning na ingat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"lamang ang hangad kong iyong mapaglining. ay ang aking lungkot na di nagmamaliw, lungkot na aywan ko kung saan nanggaling kung sa mga aklat ng isang paggiliw. matapos mabasa ang awit ng buhay ay limutin mo na ang aking kundiman, sapagka'ayokong mahawa kang tunay sa taglay kong lungkot at kapighatian. huwag nang itanong; iyong akalaing akong naghahayag ng maraming lihim ay isang binihag ng mga hilahil, isang kaluluwang busabos ng lagim, isang nangangarap sa ganda mong kimkim, isang tumatangis, isang dumadaing, isang nagaalay ng kanyang paggiliw, isang umaasang hindi hahabagin. at kung ako'sino? sukat na nga sinta! ako ang tutugon sa mithi mo'pita. ninanais mo bang ako'makilala.? kung gayo'makinig: akong sumasamba sa iyong larawan sa tuwi tuwina'pusong laging bihag ng hirap, ng dusa, ako ang linikhang uhaw sa ginhawa'may ulap na lagi ang aking pag asa. at kung ako'sino? isang nangangarap magtamong biyaya sa iyong paglingap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"isang umaawit ng lihim at hayag, isang kandong kandong ng mga bagabag, isang nasasabik uminom, lumasap sa saro ng buhay ng tuwa, ng galak, isang binabayo ng mga pahirap, isang umiibig sa iyo ng ganap. sabihin na ninyong ako'nangangarap nananaginip sa sangmaliwanag ay di babawiin itong pag uulat sa isang dalagang may magandang palad. may tikas bayani at tindig sultana, may hinhing kaagaw ng mga sampaga, may samyong kundimang hindi magbabawa datnan ma'panawan ng gabi'umaga. ang matang katalo ng mayuming tala'sapat nang bumihis sa pusong naluha, ang ngiting animo'kaban ng biyaya'makaliligaya sa mga kawawa. si jose vendido'subukang buhayi'sa diwatang ito'pilit na gigiliw, paano'may gandang batis ng tulain, paano'may yuming aklat ng damdamin.! noon, ikaw'aking minamalasmalas sa pusod ng gayong tahimik na gubat, ang iyong larawan noo'nasisinag sa linaw ng batis na awit ng palad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ikaw'namimili ng batong mainam at nilalaro mo ang mga halaman, sa damdam ko baga'ang bawa'hawakan ng mga kamay mo'nagtataglay buhay. yaong makahiyang mahinhi'mayumi ng iyong hawaka'hindi man nangimi, paano'may galing ang iyong daliri'ang mga kamay mo'banal, tanging tangi. sa puso'tumubo ang isang paghanga, naguhit sa pitak ang isang diwata, aywan ko kung ikaw! at tila ikaw nga! subali'mayumi, ikaw'maaawa? magsabi ang aklat na iyong binasa kundi ang buhay ko'siniklot ng dusa, magsabi ang gubat kung hindi natayang ang tulog kong puso'iyong binalisa. mayumi, buhayin ang yumaong araw sa tabi ng batis at lilim ng parang, kung magunita na'dapat mong malamang naririto akong tigib kalumbayan. bagong taon. hindi ko matalos kung ang aking puso'magbabagong taon sa pagkasiphayo, ako'naririto'ikaw ay malayo na animo'buwang sa aki'nagtago. inaasahan ko ng buong pagasa na ikaw sa aki'sadyang lumimot na, kung magkakagayo'iyong makikita ang maputlang bangkay sa gitna ng dusa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ako, sakali mang iniwan sa hirap ay nagsasaya rin kahit sa pangarap, sapagka'nais ko na iyong mamalas na ako'marunong magdala ng palad. at sa pagpasok nga ng bagong taon mo ay pawang ligaya ang hinahangad ko na iyong tamuhin sa buhay na ito kahit pangarap daw ang lahat sa mundo.! pangalang sing bango ng mga sampaga, laman ng tulain, hamog sa umaga, awitan ng ibong kahalihalina, bulong ng batisang badha ng ligaya. sa aki'sukat na ang ikaw'mamalas, upang magkadiwa ang aking panulat, sa aki'sukat na ang bango mong ingat upang ikabuhay ng imbi kong palad. bulaang makata ang hindi sa iyo'mahibang na kusa, bulaang damdamin ang di magtiwala sa ganda mong iyan, ng lahat ng nasa. yamang ginulo mo ang aking isipan at naging ngiti ka sa aking kundiman, bayaan mo ngayong sa iyo'ialay ang buong palad kong tanging iyo lamang. napakatagal nang ikaw'natatago sa pitak ng aking lumuluhang puso, ang iyong larawa'talang walang labo at siyang handugan ng aking pagsuyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"kung nagbabasa ka'tapunan ng malay ang kabuhayan kong walang kasayahan, kung masasamid ka'iyo nang asahan na ikaw ang aking laging gunamgunam. sa paminsanminsa'tapunan ng titig ang isang makatang hibang sa pagibig, bago ka mahiga'tumingin sa langit at mababakas mong ako'umaawit.! huwag mong isiping kita'linilimot, huwag mong asahang ang aking pag irog ay wala'kupas na sa kimkim mong ganda, huwag, aking kasi. walang pagkatapos ang tibok ng pusong napabubusabos. ikaw'nagmalaki! ako'di binati at parang hindi na kakilalang tangi, ganyan ngang talaga ang taong maganda, mapagmalakihin sapagka'may uri na lubhang mataas kay sa isang hari. ako'linimot mo. kahit magkakita'hindi man ngitian, gayong kakilala, hindi ba'diwata ikaw nitong diwa? hindi ba'batisan ikaw ng pag asa at ikaw'may bangong sipi sa sampaga? tapunan ng malas ang masayang araw na ako'busabos niyang kagandahang pumukaw na muli sa aking kudyapi, doo'mababakas ang isang larawang ako'nakaluhod at nananambitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"iyan ang larawan ng isang makata na uhaw na uhaw sa kimkim mong awa, iyan ang umawit sa lahat ng sakit na taglay ng pusong laging lumuluha at sabik na sabik sa iyong kalinga. ngayo'naririto'muling umaawit ang iyong makatang inapi'hinapis, habang inaapi'lalong lumalaki sa dilag mong iyan, ang aking pag ibig pagka'ang puso ko'singlawak ng langit. ikaw nga'dapat kong mahalin nang labis at ukulang tangi ng aking pagibig, pagka'natunayang ikaw'isang langit na di dadalawin ng mga panganib. nananalig akong napakadalisay ng iyong pag ibig sa ating suyuan, kaya'ang puso ko'nagpapakatibay hanggang sa sumapit ang dakilang araw. pagaaralan ko, hanggang makakaya na ikaw'malagak sa tuwa'ginhawa, pagiingatan kong huwag kang magdusa kung na sa sa akin ang iyong ligaya. kaya'aking irog: ikaw'pumanatag; at kung sakali mang tayo'mabagabag ay huwag magtaka sa sangmaliwanag pagka'ang langit ma'nagaalapaap.!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"dalagang butihin: huwag kang humanga kung iyong makitang ang mata'may luha, ang kabuhayan ko'hindi maapula sa ikatatamo ng tanging biyaya. ang luha sa mata'laging bumabalong, ang aking damdamin ay linilingatong, ang kulay ng madla'malamlam na hapon, ang ayos ng lahat ay parang kabaong. sa aking paghiga'laging nakikita ang iyong larawan, dakilang dalaga ikaw'maniwalang ako'umaasa na di aabutin ako ng umaga. kaya'kung sakaling ikaw'may paglingap kung may pagtingin ka sa imbi kong palad, ay mangyari mo ngang iligtas sa hirap ang kabuhayan kong sawa sa pangarap. ang iyong pangako sa iyo, pitimini . bago ka umalis at naglakbay baya'may naging pangakong sa aki'iniwan pangakong sa aki'naging bagong araw na nikat sa gitna ng katanghalian, paano'pangakong sa katotohana'nagbukas ng pinto ng kaligayahan. ikaw'napalayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ako'ilinagak sa langit ng isang masungit na palad napatulad ako sa kimpal ng ulap na walang bituwing magarang ninikat, ang kabuhayan ko'naging isang dagat na di matatawid kahit sa pangarap. pinag aralan kong lumangoy sa sakit at buong lakas ko ang siyang ginamit ang iyong pangako sa aking panganib ay siyang timbulang kaway ng pagibig, noon ko nalamang ang taglay kong hapis ay di magbabawa'singlawak ng langit. pinagtiisan kong labanan ang aking pasanpasang hirap at mga damdamin, ang kawikaan ko'ang gabing malalim na napakasungit ay natatapos din. ang taglay kong dusa kung ako'palarin ay magiging sayang hindi magmamaliw. walang saglit na di ang iyong pangako ang napapasulat sa aklat ng puso, walang araw na di ang aking pagsuyo ay sabik sa tuwang kapintupintuho kaya'nangyayaring madalas maligo itong aking palad sa luhang nunulo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"isinulit mo pang sa iyong pagdating ang iyong pangako'sadyang tutuparin, ang aking pagasang puyapos ng dilim ay kinabakasan ng bahagyang aliw, paano'umasang iyong tutubusin ang kunis ng buhay sa guhit ng libing. magmula na noo'naging maliwanag ang langit ng pusong nagaalapaap, ang kurus na aking laging namamalas sa mga libingan ng nangapahamak, sa aking paningin ay naging watawat na kulay lungtiang kapangapangarap! ikaw'napabalik, at tayo'nagkita! ang lamang palagi nitong alaala'ang iyong pangakong hindi magbabawa na ngayo'ibig kong tuparin mo sana, ngunit hinding hindi. ang aking pagasa'iyong ipinako sa kurus ng dusa. sa ganyang paraa'di kaya manglambot ang kabuhayan kong puyapos ng lungkot? at sa pagkabigo'hindi ba himutok ang sa damdamin ko'minsang maglalagos? ang mukha ng araw ay biglang lumubog sa likod ng isang mapanglaw na bundok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"sulyapan mo ngayon itong kalagaya'balisang balisa sa kapighatian, at hanggang hindi mo binibigyang tibay ang naging pangako sa dusta kong buhay ang kaluluwa ko'magiging larawan ng nakalulumong kurus at libingan.! ayu'lumalakad. magarang magarang animo'bituing nahulog sa lupa, kung minsa'nagiging hibang itong diwa at kung magkaminsa'para akong bata, paano'hindi ko masukat sa haka ang nararapat kong ihaing paghanga. kung kita'itulad sa dakilang araw at ako ang lupa, ang lupang tuntungan, ay masasabi mong ako'walang galang at ako ay bihag niyong gunam gunam. subali'butihin! ang aking tinuran ay tibok at utos ng katotohanan. kung ikaw'reyna man sa ganda'ugali, naman sa pangarap, ako'isang hari; kaya'kung sabihi'tala kang mayumi, hamog sa umaga, bangong walang pawi, ikaw ay manalig, manalig kang tangi at ang nagsasabi'nabatu balani.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"hanggang tumataas iyang kalagayan nama'naiingit itong kapalaran, ang gunitain ko ay baka mawalay sa puso mo'diwa ang aking pangalan, kung magkakagayon, irog ay asahang sa aki'babagsak ang sangkatauhan. sa iyo'bagay nga yaong pagka reyna, pagka'sa ayos mo'isa kang zenobia, may puso kang judith, may ngiting ofelia, may diwang de arco'may samyo kang portia, samantalang ako, akong umaasa'isa lamang kawal na lunod sa dusa. sa paminsan minsa'maanong kuruing wala nang itagal ang aking damdamin, kung magdaramot ka, reyna kong butihin at di mahahabag sa pagkahilahil ay iyong asahang ang aking paggiliw ay magkakalbaryong walang pagmamaliw. huwag kang manganib.! maasahan mo ang aking pag ibig, ang buong buhay ko hanggang mayrong langit, hanggang mayrong araw, tala, gubat, batis ang iyong pangala'laging na sa isip. huwag kang manganib! di ko malilimot ang ganda mong iyang sipi sa kampupot, ang bango at tamis ng isang pag irog ay na sa sa iyo'hindi mauubos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"nang matunghayan ko ang padalang liham, luha ko'tumulo sa kapighatian, paano'gumuhit sa aking isipan na: ang tagumpay ko'iyong kamatayan . di ko akalaing iyong ikahapis ang pagtatagumpay ng ating pag ibig, ang mga luha mo'ulan ng pasakit, ang kalumbayan mo'pagdilim ng langit. ang pagtiwala'tibay ng pagkasi, timbulan ng puso ng naruruhagi, panilo sa mga tapat na lalaki, pag asa ng palad na di mapuputi. huwag mong isiping ako'magsasawa sa ating suyuang busog sa biyaya, ang iyong larawa'laging na sa diwa'ang iyong pangalan ay aking dambana. aking natunghayan sa padalang sulat ang kalungkutan mo'sinisimpang hirap. kay hirap maghintay ng masayang bukas! kay hirap sabikin ng isang pangarap! magtiis ka irog! darating ang araw na ikaw at ako ay magkakapisan, ang ulap sa ati'biglang mapaparam at magliliwanag ang sangkatauhan. huwag kang manganib! darating sa atin ang isang sandaling batis ng paggiliw, diyan matataya ang di magmamaliw na aking paglingap sa pagkabutihin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"at kung katunayan ng aking pag ibig ang hinihintay mong sa iyo'isulit ay narito akong gaya mong may hapis at isinusumpa ang nunungong langit. lihim ng mga titig!. ibig kong hulaan sa silong ng langit ang lihim na saklaw niyang mga titig, isang suliraning nagpapahiwatig, ng maraming bagay, ng luha'pag ibig. ako'manghuhula sa bagay na iyan, pagka'nababasa, sa hugis, sa galaw ng mga titig mong halik ng kundiman ang ibig sabihin at pita ng buhay. ikaw'nagtatapon nang minsa'pagsuyo, minsa'pang aaba'minsa'panibugho, minsa'paanyaya sa tibok ng puso nang upang sumamba'sa iyo'sumamo. ang mga titig mo'may saklaw na lihim, at maraming bagay ang ibig sabihin, nguni'sa palad ko'isang suliraning nagkakahulugang ako'ginigiliw.! (tanging sinulat upang ihandog sa kaarawan mo ika ng nov.) .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"guhit ng liwanag, kislap ng ligaya, talutot na ginto ng isang sampaga, kalupi ng buhay, hamog sa umaga, bathalang ang awa'hindi magbabawa, kaban ng kundimang sa nangungulila'halik ng biyaya'sugo ng ginhawa, timbulan ng palad sa mga parusa, tinig na mayumi ng mahinhing maya. larawang kalasag sa mga pasakit, tulay ng lwalhating patungo sa langit, halamang magarang sa paligid ligid ay mga bulaklak na kaakitakit, bundok na palaging sa libis ay batis na maiinuman ng budhing malinis, dagat na payapang katapat ng langit na minsa'magbangong kapangapanganib. sultana ng pasig, mahinhing makiling, sa ganda'reyna nang dapat pangarapin, isang sinukuang anang salaysayi'babaing bumihag sa libong damdamin, usok ng kamanyang na di magmamaliw, langit na masaya at buwang butihin, olimpong mayaman sa mga awitin, buhay na badhaan ng isang paggiliw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"tahimik na langit na nanganganinag ang lamang biyayang tugon sa pangarap, mga kayamanang hindi matitinag, sampagang sa bango'tulang walang kupas, talang nagsasayang may mayuming sinag, aklat na talaan ng aliw ng palad, dahon ng kaluping yaong nasusulat ay kadakilaan ng damdaming ingat. tingkad ng pagasa, tuhog ng kampupot, kudyapi ng palad, tamis ng pagirog, watawat na sipi sa lalong matayog na kaligayahang hindi mauubos, haligi ng buhay na di matutupok ng apoy ng samang dito'nagsianod, bathala ng gandang kung siyang magutos sa matatakuti'mawawalang takot. iyan ang si choleng na sadyang mayumi'laman ng panulat na kahilihili, iyan ang larawang aking binabati at isang dalagang hiyas nitong lahi, iyan ang diwatang ang paguugali'mayamang talaan ng saya'lwalhati, iyan ang sampagang ang samyo, ang uri'pawang kapalarang walang pagkapawi. nguni'ano kaya ang maiaalay sa isang himala? walang wala choleng!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"hindi mga tula, ni hindi pangarap sa gitna ng tuwa, kundi mga mithing: buhay lakas tyaga ang sa talaan mo ay mangapatala, iyan ang mabuting kalasag na handa upang sapitin mo ang inaadhika. basahin pa choleng sa aklat ng buhay ang tingkad ng aking dalanging dalisay; buhay mo'maglayag sa kaligayahang pangarap ng lahat sa sangkatauhan. isang pagtatapat: sa lupang ibabaw ang palad ng madla ay isang digmaan, ang iyong paglakad ay pakaingata'ang buhay ng tao'panaginip lamang. magsabi ang langit kundi ikaw'talang nagbigay sa akin ng tuwa'biyaya, magsabi ang lahat kung hindi diwata ikaw ng lalo mang pihikang makata. ikaw'maniwalang ang musmos kong puso'natuto sa iyong humaga'sumamo, sisihin ang iyong dikit na nagturo sa kabuhayan ko, ng pamimintuho. at sino sa iyo ang hindi hahanga? ikaw'paralumang batis ng biyaya, pakpak ng pangarap at reyna ng awa. ang dilim ng gabi sa aki'natapos, ngumiti sa tangkay ang mga kampupot, gayon ma'narito'puso ko'busabos. noo'isang hapon. noo'isang hapon!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ikaw'nakadungaw at waring inip na sa lagay ng araw, ang ayos mo noon ay nakalarawan sa puso kong itong tigib kalumbayan. anomang gawin ko'hindi na mapawi ang naging anyo mong pagkayumi yumi, itong aking pusong nagdadalamhati'tinuruan mo pang umibig na tangi! kung nang unang dako'hindi ko nasabi sa iyo ang aking tunay na pagkasi ay pagka'ang aking puso ay napipi sa harap ng dikit na kawiliwili. sa ngayo'narito at iyong busabos ang aking panulat at aking pag irog; ang aking panitik: walang pagkapagod, ang aking pag ibig: walang pagkatapos. kung pangarapin ko ang lamlam ng araw at naging anyo mo sa pagkakadungaw ay minsang sumagi sa aking isipang ikaw kaya'aking maging paraluman? kung sa iyong pag iisa sa iyong pagbabasa ay may matutunghayan ka na tunay na sumisinta, yaon ay wala nang iba kungdi akong nagbabata. akin na ngang naiulat sa iyo, ang aking palad, nguni'ang aking panulat ay di makapagsisiwalat ng layon ko at pangarap . kakambal ko kaya'hirap?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"tinding: ikaw'maniwala na ang aking puso'diwa sa iyo'sangla kong pawa; ang puso ko'humahanga, nguni'umid itong dila, ito kaya'malikmata? ang may pagsintang malabis ay umid at nahahapis, ligaya na ngang masilip yaong kanyang nilalangit, tubsin mo kaya sa sakit ang pagkasi kong malinis? unang damdamin! bathala ng ganda! hindi kailangang sa aki'magtaka sakaling alayan ng paos na tinig ng aking kundiman, pagka'alam mo nang diwata kang tunay. ikaw ang pumukaw sa aking panulat upang maawit ko ang yumi mong ingat, ikaw ang sa aking kalupi ng palad ay unang nagtitik ng isang pangarap. ipagpatawad mong sa iyo'sabihing ikaw ang bathalang pumukaw sa akin, ikaw ang nagbukas sa aking damdamin ng lihim at unang pinto ng paggiliw. kundi kasalanan ang gawang tumangis ay ibilang mo nang kita'iniibig at kung ang luhog ko'iyong ikagalit ay ibibilang kong isang panaginip.! tinatakhan mo ba ang aking pag irog? dinaramdam mo ba ang aking paglimot?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"huwag kang mamangha'di mo masusubok ang kadalisayan ng aking pagluhog. sa aki'di sukat ang mga babae, sa aki'di sukat ang iyong pagkasi, ako'inianak sa pagkaduhagi kaya'magagawa ang minamabuti. ako'malilimot kung siya mong nais at pakasumpain sa silong ng langit, ikaw'may laya pang sa iba'umibig pagka'may ganda kang hiraman ng awit. subali'alaming. ikaw'masasayang kung mahihilig ka sa ibang kandungan, sapagka'ang ating nangagdaang araw ay di malalanta sa iyong isipan! ang lahat sa lupa'iyong mahahamak at maaari kang magbago ng palad, nguni'susundan ka sa iyong paglakad ng isang anino ng ating lumipas. iyong magagawa ang ako'limutin at matitiis ko ang pagkahilahil, iyo mang isangla ang iyong paggiliw sa ibang binata'. di ko daramdamin! kung tunay mang langit ang iyong pagkasi'isang infierno ring aking masasabi, bihira sa mga magandang babae ang di salawaha'taksil sa lalaki.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"limutin mo ako kung siya mong nasa'saka pa umibig sa ibang binata, ang pagtataksil mo'di ko iluluha pagka'ang babae'taong mahiwaga. ang paglilihim mo'aking kamatayan, ang ginagawa mo'parusa ng buhay, kundi ka tutupad sa bilin ko'aral ay ako'walin na sa iyong isipan. di ko tinatakhan ang palad ng tao sapagka'ang lahat ay mayrong kalbaryo kung ang aking puso'iyong paraiso ang iyong pag ibig ay aking infierno . ang hapong malamlam ay naging tadhana ng bagong panahon sa aklat ng diwa, ang gabing madilim na di nagsasawa sa pagmamaramot sa mga biyaya ay naging umagang sa aking akala'batbat ng bulaklak na lubhang sagana, ang buwang mayuming ayaw magmagara ay naging dalagang kaagaw ng tala. ang mga aliw iw ng palalong tubig sa kabuhayan ko'naging mga tinig ng lalong mapalad sa silong ng langit, ang kulay ng hirap na namimiyapis ay biglang nagmaliw na di ko malirip, ang mundo kong batbat ng luha at sakit ay naging mundo na ng haring makisig isang palasyong malayo sa hapis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang tikom na labi ng mga sampaga'namukad na bigla'naglabing ligaya, ang dilim at ulap ng aking pagasa'naging bagong araw na di magbabawa, ang kuko ng hirap at, bangis ng dusa'naging mga hamog sa dapit umaga, ang guhit at ulos ng mga parusa'naging mga ngiti ng bagong ofelia. huwag kang magtaka, dalagang mayumi sakaling sabihing sa aki'napawi ang tinik ng dusa'mga dalamhati, sapagka'sa ngayo'aking napaglimi na iyong pagsilang nang buong lwalhati ang mga nabagong nadama'nasuri, ang mga nakita'nabakas sa labi'tanda ng paghanga'sa iyo'pagbati. darakilang araw ang siyang sumaksi sa iyong pagsilang, at yamang ganito'aking katungkulang ikaw ay suubin ng aking kundiman bagama', alam kong ang awit ng buhay ay awit ng mga naaaping tunay bagama'talos kong ang lira kong tangan ay hamak na kurus sa isang libingan. walang kailangan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"at tila nga dapat na ika'batiin ng aking panulat: dakilang dalaga, ang sangmaliwanag ay busog sa silo at mga bagabag, tayo'isinilang upang makilamas sa ngitngit ng dilim at sigwa ng palad, matapos batii'iyong isahagap na ang buhay natin ay isang pangarap. parang isang pilas ng langit na bughaw ang namamalas ko kung ikaw'magpaypay, parang isang mundo, ang pinagagalaw ng napakaputi'nilalik mong kamay. iyan ang pamaymay na iyong ginamit nang ako'darangin ng dila ng init, diyan napasama ang patak ng pawis, diyan napalipat ang pisngi ng langit. anopa'sa aki'naging malikmata ang buhay kong iyong binigyang biyaya, nalimot kong minsang ang tao sa lupa ay may kamataya'sariling tadhana. ang sungit ng gabi, sa aki'napawi at bagong umaga ang siyang naghari, ang damdam ko baga'pawang nanaghili sa akin ang mga taong mapagsuri. subukang igawad ang sangkatauhan at hindi sasaya itong kabuhayan, nguni'kung ang iyong abanikong tangan, patay ma'babango'ikaw'aawitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"sa aki'sukat na ang ikaw'mamalas upang ang langit ko'mawalan ng ulap, ang iyong pamaypay kung siya mong hawak, ako'dinaraig ng mga pangarap. kung ikaw'umibig sa aking reyna. huwag nang sabihing ang tanging julieta ng isang romeo'batis ng ligaya, huwag nang banggitin ang isang ofelia'hindi mapapantay sa irog kong reyna. subukang buhayin ang lima mang venus at di maiinggit ako sa pagluhog, tinatawanan ko si marteng umirog sa isang babaeng lumitaw sa agos. ang pula ng labi, ang puti ng bisig, ang kinis ng noong wari'walang hapis, ang lahat ng samyo sa silong ng langit ay isinangla mo kung ikaw'umibig. ang lahat sa iyo'kulay ng ligaya, ang lahat sa aki'ngiti ng sampaga, kung magkakapisan ang ating pag asa ay magiging mundong walang bahid dusa. hindi mo pansin na ako'lalaki, hindi mo naisip na ikaw'babae, paano'talagang kung ikaw'kumasi sa tapat na sinta'nagpapakabuti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"gabing maliwanag at batbat ng tala, maligayang edeng bahay ng biyaya, iyan ang larawang hindi magtitila ng iyong pag ibig sa balat ng lupa. ang buhay ng tao'hindi panaginip, ang mundo'di mundo ng hirap at sakit, aking mapapasan ang bigat ng langit kung sasabihin kong: kung ikaw'umibig . may nangagsasabing masama ang ulan, may nangagagalit sa lusak na daan, ako ang tanungi'. aking isasaysay na ang tanging gloria'ang pagtatampisaw. ang mga halama'nangananariwa sa patak ng ulang hindi nagtitila, ang aking pagkasing ibig mamayapa kung ganyang tagula'nagbabagong diwa. walang kailangang sa aki'magtago ang mukha ng araw na di ko makuro, sa aki'sukat na ang iya'maglaho upang pasayahin ang kimkim kong puso. walang kailangang sa sangmaliwanag ay laging maghari ang dilim at ulap, ang patak ng ulan sa imbi kong palad ay bangong masansang na di mangungupas. kung may mag uulat na sa kalangitan ay may unos, baha, at patak ng ulan, ay kunin na ako'hindi mamamanglaw pagka'masasama sa kawal ng banal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang patak ng ulan ay awa ng langit, lihim na biyaya sa mga ninibig, laman ng panulat sa mga pag awit, sariwang bulaklak sa pitak ng isip. kung ang tanging musa'may tampo sa akin at ayaw sumunod sa aking paggiliw, ang patak ng ula'sukat ang malasin upang ang lira ko'sumuyo'sumaliw. kung sakasakaling ako'maging bangkay at saka ilagak sa isang mapanglaw na labi ng libing. mangyaring ang ula'bayaang tumagos sa aking katawan.) nasilaw sa dilim. ang hamak na palad. gayon man, gayon ma'. ang panghihinayang. kung ikaw'binata. sa abo babangon.! sa iyo nasilaw sa dilim. anang mga tao: ang mga makata'sadyang isinilang upang magsiluha. nang una'ayokong dito'maniwala subali'sa ngayo'nakita kong tama. ang luha ng tao ay may mga dahil, may luhang nagmula sa pagkahilahil, may sa pagkaapi sa isang giniliw, may sa pagkalayo sa inang butihin. ang luha ng aking nagsisising puso ay hindi nanggaling sa pagkasiphayo, ni sa pagkaapi ng aking pagsuyo, ni sa pagkagahis ng isang palalo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang luha ko'buhat sa di pagkataya na ang tao'mayrong balon ng parusa, ang pagsisisi ko ay bumabalisa'bumawi sa akin ng aking ligaya. talagang ang tao'sadyang walang tigil, namali nang minsa'ibig pang ulitin, ang tanaw sa mundo'mundong walang lihim at sa dios ay dios na di matandain. ang mundo nga nama'batbat ng paraya'nagkalat ang silo sa balat ng lupa, dito kung mayron mang sampagang dakila ay may tinik namang pamutol ng nasa. ang pagkamasakim sa bango at puri ang isinasama ng lalong mabuti, ang pagtinging labis sa pagsintang iwi'siyang pagkabagsak ng isang lalaki. bangong pangarap ng uhaw na puso! puring nagbuwal sa lalong maamo! kayo ang berdugong may bihis pagsuyo nguni'iyang loob ay pagkasiphayo. ang sabik sa bango ng isang sampaga'ang uhaw sa puri ng isang dalaga'siyang sumusunog sa kanyang pagasa'siyang nagsasabog niyong mga troya. dakilang bulaklak: ako'naniwala na ang nagawa ko'kahibangang pawa, ngayon ko natantong birhen kang dakila, may wagas kang puso'banal na akala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ako'naririto'pinagsisisihan ang aking nagawang mga kasalanan, aking babaunin hanggang sa libingan ang hinanakit mo'magagandang aral. talagang nalisya ang aking pangarap, puso ko'inabot ng bagyo sa dagat, ano'ikaw pa nga yaong binagabag gayong ikaw'isang anghel na mapalad? pawiin sa puso ang mga nangyari at iyong alaming may bango ka'puri, samantalang gayon, ako'nagsisisi at binabawi ko ang mga sinabi. nguni'isang tanong: kaya ang patawad sa namaling puso ay iyong igawad? ang mga luha ko'siyang ihuhugas sa napaligaw ko'nagsisising palad. ang hamak na palad. aywan ko kung ikaw'magtaglay pang awa sa nagsisi ko nang lakad at akala, aywan ko kung ikaw'kulang pang tiwala sa mga nasayang at natak kong luha. kung natatalos mo ang luhang nasayang sa mata ko'pusong laging naglalamay, sana'nasabi mong mayrong katunayan ang dinaranas kong mga kahirapan. ang hinanakit mo, sumbat at paglait ay pawang nakintal sa dila ko'isip, at ang ating lihim sa silong ng langit ay siyang sa aki'nakakaligalig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"pinag aralan kong ikaw'kausapin nang upang ihayag ang buo kong lihim, lihim ng sa wari'nagbigay hilahil sa napakabatang puso mo'paggiliw. ang pagtatapat ko'di mo minarapat ang kawikaan mo, ako'isang hamak, ang naging ganti mo sa aking paglingap ay isang libingan at kurus ng hirap. ang hamak nga nama'hindi naaayos umibig sa isang reyna ng kampupot, ang hamak na palad ay dapat umirog sa kaisa niyang hamak di'busabos . maaari kayang ang isang granada'maihulog sa di gusto ng princesa? maaari kayang ang isang sampaga'makuha at sukat ng taong bala na? kay laki ng agwat ng palad ta'uri, ikaw'isang langit na kahilihili at ako ay isang hamak na pusali, ikaw ay sariwa at ako'unsyami. ang panghihinayang ang siyang nagtulak na kita'mahalin ng buo kong palad. ang panghihinayang ang siyang nagatas na kita'itala sa aking pangarap. kung ikaw sa akin ay walang hinayang sa aki'sayang ka at sayang na tunay, sabihin na akong kasakimsakiman at ikaw sa iba'di mapapayagan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"lalo pang mabuting kanin ka ng lupa kay sa mahulog ka sa ibang binata, iba pa ang iyong bibigyang biyaya gayong ako'uhaw sa iyong kalinga.? ipinipilit mong tayo'pupulaan kung sa lihim nati'mayrong makamalay, at sinong pangahas ang pagsasabihan. nitong ating lihim sa sangkatauhan? ako'nagsisisi'nabigyang bagabag na naman ang iyong tahimik na palad, kundanga'ang iyong bangong walang kupas sa pagiisa ko'siyang nasasagap! sa kahilingan mo, kita'lilimutin kahit nalalaban sa aking damdamin, nguni'ang samo ko'iyong idalangin ang papanaw ko nang ulilang paggiliw. gayon man, gayon ma'. kung may kasayahan ang tao sa lupa naman ay mayron ding pagkabigo'luha. kaya nga'ang tao, sa aking akala ay laruan lamang ng kanyang tadhana. yamang walang taong likas na mabuti'walang nangamaling hindi nangagsisi. sa ikasisiya ng iyong sarili'itatakwil ko na ang aking pagkasi. lulunurin ko na sa hukay ng puso ang aking yayaong nasawing pagsuyo, ipagluluksa ko ang pagkasiphayo ng aking pag ibig na di mo inako.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"pag aaralan kong lumangoy sa dagat na puno ng aking sariling bagabag, pag aaralan kong lumaban sa hirap yamang siyang takda ng buhay ko'palad. aking natatantong walang pagkasayang sa iyo ang aking maralitang buhay, sa iyo'ligaya ang aking pagpanaw, sa iyo'lwalhati ang kurus ko'hukay . kung ikaw ay walang hinayang sa aki'wala pang hinayang sa aking paggiliw, ay iyong asahang aking sasapitin ang ninanasa mong balon ng hilahil. di mo nalalamang itong umi ibig sa lahat ng bagay ay di nanganganib, ang kamatayan ma'kanyang malalait kundi na makaya ang taglay na hapis? gayon man, gayon ma'hindi masisira sa akin ang iyong hiling at pithaya, gaya ng hiling mo, ako'magkukusang maghandog ng iyong ikapapayapa. nguni'manumbalik kaya ang paglingap sa aking namali'nagsising pangarap? manumbalik kaya at hindi kumupas ang iyong pagtingin sa imbi kong palad? iyan ang isa pang di ko ikatulog gayong nagsisi na ang aking pagirog, iyan ang sa aki'nagbibigay takot, iyan ang sa ngayo'di ko mapag abot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"hinuhulaan kong ang iyong paglingap ay magbabago na sa imbi kong palad, ang kawikaan mo'ang isang nabasag mabuo ma'mayrong natitirang lamat. sa isang gawi nga'may katotohanan kung ganyan ang iyong magiging isipan, nguni'alamin mong malinis na tunay ang isang maruming nagbago ng buhay. magpahangga ngayo'iyong mawiwika na ikaw'akin pang sinisintang kusa magiging totoo ang iyong hinala kung ang puso'muling hagkan ng paghanga. kung muling gumiit ang panghihinayang ikaw ay muli kong sisintahing tunay, ang isa pa'iyo namang nalalamang ang pagsisisi ko'pagbibigay lamang! ang panghihinayang. may ilang araw nang ako'kalung kalong ng bisig ng dusa'kamay ng linggatong may ilang araw nang sa mata'nanalong ang pait ng luhang usbong ng paglungoy. nakikita, mo mang ako'tumatawa nama'tawang pilit at busog sa dusa, di lahat ng ngiti'lagda ng ligaya, may ngiting singpait ng luha'parusa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang nakakatulad nitong aking buhay ay mundong ulila sa sikat ng araw, katulad ko'isang prinsipeng mayaman na uhaw at salat sa aliw at layaw. upang pumanatag ang aking pagluha'aking kailangan ang lingap mo'awa, awang magbibigay ng yutang biyaya, awang sa lungkot ko'tanging papayapa. nasabi ko na ngang nagsisi ang buhay sa nais na kita'mapagbigyan lamang, kung susunurin ko itong kalagaya'di ka malilimot hanggang kamatayan. paano ang aking gagawing paglimot sa iyong ang bango'higit sa kampupot? sa ganda ng iyong dibdib, baywang, batok, ay sinong banal pa ang hindi iirog? sa puti ng iyong kamay na nilalik, sa mga labi mong may pulot at init, sa mga paa mo'binting makikinis ay sinong pihikan ang hindi iibig? kung sinusukat ko ang ganda mong ari, puso ko'ninibok at nananaghili, aking nasasabing talo ko ang hari kung ako ang iyong mamahal na tangi ang panghihinayang ang siyang sa aking puso'bumabayo'sumusupilsupil, kung ikaw'bigla ko'buong makakai'kinain na kita nang ikaw'malihim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"huwag mong sabihin na ako'gahaman kung kagahaman nga ang layon ko'pakay, para ko sabihin ang katotohana'walang taong hindi may imbot sa buhay. sakaling sa aki'ayaw kang manalig ang lahat ng sumbat sa aki'ikapit, ang mga sumbat mo nama'itititik sa dahon ng aking lagas na pagibig. ikaw'maniniwalang ang aking pagasa sa iyo, kaylan ma'hindi magbabawa, sa iyo sisikat ang isang umaga na dala ang aking magiging ligaya. kung walang tiwala sa aking pangako'saksi ang halik kong iyong itinago. halik na sa iyong pisnging maaamo'nakintal na tanda ng aking pagsuyo. kung kulang ka pa ring tiwala buhay, ako'magtitiis sa kapighatian, magtitiis ako, kahit nalalamang ang lungkot ng tao'isang karamdaman . kung ikaw'binata. gaya nang hula ko: ikaw'untiunting nalayo sa aki'nagtatampong wari, ikaw'umilap at nabibighaning ako'pakanin mo ng dusa'aglahi. panibagong lungkot na naman ang aking naragdag sa iyong pihikang damdamin, talaga na yatang ang aking paggiliw ay di matutubos sa sala'hilahil .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ninanais ko nang ako'makaguhit ng bagong palad kong walang bahid dungis ay kung bakit ako'lalong nabibingit sa pagkakasala at ikatatangis.! hanggang nagiingat itong kabuhaya'lalong nabubulid sa kapighatian, hanggang ninanais yaong kalinisa'lalong dumurungis itong kapalaran. hindi ko malaman itong nangyayari sa kabuhayan kong bihag mong parati, ang aklat ng aking tunay na pagkasi'puno na ng aking mga pagsisisi. aking nalalamang hindi makukuha ng pagsisisi ko itong mga sala, nguni'bayaan mong ang aking pag asa'mag abang sa iyo, ng awa'ligaya. kung ikaw'hindi ko makatkat sa diwa'sapagka'lunas ka sa aking pagluha, ikaw sa lungkot ko'kamay ng biyaya, ikaw sa uhaw ko'hamog na mabisa. para ka mawaglit sa aking isipa'kailangan ko pa ang isang libingan, at para maubos ang aking kundima'magbalik ka muna sa pinanggalingan. gaya ng alam mo: kita'iniibig ng isang pagsintang singlawak ng langit nguni. ano'ikaw'tila nahahapis sa pagmamahal kong wagas at malinis? nalulungkot ka ba?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"di ko akalaing iyong ikalungkot ang aking paggiliw, di ko inasahang dungis na ituring ang pagmamahal kong may wastong layunin. at kung ikaw kaya ang naging lalaki'ako ang pinalad na maging babae, kung hinahamak ko ang iyong pagkasi ay ilang puso mo ang di maruhagi? sana'nalaman mo, kung ikaw'binata ang hirap sa mundo nang lumuhaluha, sana'natalos mong ang lalong dakila ay nagiging taksil sa laki ng nasa. huwag kang malungkot! busugin sa layaw ang uhaw sa iyong aking kabuhayan, sa mga labi mo, ako'nauuhaw, sa mga pisngi mo, ako'mabubuhay. kung marungisan ka ng aking pagibig ay pagibig ko rin ang siyang lilinis, at kung nahawa ka sa taglay kong hapis, hapis mo'hapis ko ay magiging langit. sa abo babangon. sa huli'natumpak itong aking puso'natutong tumupad sa aral mo'samo titiisin ko nang ang aking pagsuyo'malibing sa hukay ng pagkasiphayo. ngayon ko nalamang ang aking landasi'singdilim ng iyong tinamong damdamin, ngayon ko natalos na ako'sinupil ng matinding udyok ng isang paggiliw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"yamang sumikat na sa puso ko'isip ang kaliwanagang bumihis sa hapis, ay masasabi kong ang aking pagibig ay handang lumagak sa pananahimik. magmula sa ngayon, kita'igagalang sa ngalan ng ating pagkakapatiran, kinikilala ko itong kamalian na siyang naglagpak sa aking pangalan. ituring sa wala ang mga nangyari'iguhit sa tubig ang mga nasabi, ang laki at alab ng aking pagkasi, ngayo'gawing abo nitong pagsisisi. hindi pagkangalay ng aking panitik ang naging dahilan ng pananahimik, kung hindi sa nasang huwag maligalig ikaw pa ng aking bulag na pagibig. napagaralan kong ikaw'isang talang kakambal ng aking damdamin at diwa, aking natutuhang tumpak nga at tama ang mga aral mong mahalagang pawa. ang mga lungkot mo ay aking damdamin at ang damdaming ko ay damdamin mo rin, ang akin ay iyo'ang iyo ay akin at tayong dalawa'may isang layunin. huwag nang ituring na ako'kalaban pagka'nagbago na ang aking isipan, ang puso ko ngayon ay naliwanagan pa kislap ng iyong mahalagang aral.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"dapat nang lumaki ang iyong pagasa sa pagliliwayway ng bagong umaga, ang daan mo ngayo'puno ng sampaga'ang daan ko'puno ng tinik at dusa. magkakahiwalay itong ating palad na gaya ng dilim at haring liwanag, ikaw'magtatago'. sa pamamanang at may ibayo kang gayuma'pangarap. samantalang ako'tanging magtatago sa utos sa akin ng hukom na puso, sa pagliliwayway ay talang malabo ang makakatulad ng aking pagsuyo. napakapait man sa aking pagibig, kita'iwawalay sa pitak ng isip, sa abo ng aking papanaw na awit ay babangon itong buhay kong malinis. kung walang tiwala sa aking sinabi'saksi ko ang bagu'bagong mangyayari, kung muling malisya ang aking pagkasi'tugunin ng sumpa itong pagsisisi. kay bb. concepcion. san nikolas, maynila . album ng dalaga. la princesita esta bella . ruben dario. ipahintulot mo, dalagang mayumi, na ilarawan ko ang ganda mong ari, ipahintulot mong awitin kong lagi ang kagandahan mong makahibang pari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"bulaan ang madlang balitang prinsesa kung sa ganda mo nga'makahihigit pa, at para sa akin, ikaw'siyang reyna ng mga kapwa mong masamyong sampaga. ang kaharian mo'iyang kagandahan, ang mga buhok mo'matang mapupungay, ang paa'pisngi mo ay siya mong yaman. sa dalang ugali, ikaw'isang birhen, kamia ka sa bango'sa pagkabutihin, sa hinhi'sampaga'sa ganda'. tu pelo es una nube del oriente . salvador rueda. ang mga buhok mo'mahahabang ahas kung nakasalalay sa iyong balikat, mga ulang waring di lupa ang hanap kundi sampagitang humahalimuyak. sa itim ay gabing walang buwa'tala, sa haba ay halos humalik sa lupa, sa lago'halamang malago'sariwa, sa sinsi'masinsin at nakahahanga. naging katulad ka niyong penelopeng may timtimang pusong miminsang kumasi'ang naging aliwa'luha'paghahabi. sa haba ng iyong buhok nakilala ang kadalisayan ng pagkadalaga at ang kahabaan ng isang pag asa. cantar quise tus ojos .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"nang ikaw ay bago sumipot sa lupa'ipinanghiram ka ng mata sa tala, dalawang bituing sa hinhi'sagana ang naging mata mong mayaman sa awa. sa mga mata mo'aking nasisilip ang bughaw na pilas ng nunungong langit, mababaw na dagat ang nasa sa gilid na ang naglalayag ay pusong malinis. di ayos matalim, ni hugis matapang, ni hindi maliit, ni di kalakihan, ang mga mata mo'maamo'mapungay. kahinhina'amo ang nanganganinag, kalinisa'puri ang namamanaag, umaga ang laging handog mo sa palad. naciente luz te corona . espronceda. ang lahat ng buti'natipon na yata sa kabataan mong ilag sa paraya, pati ng pisngi mong pisngi niyong saga ay nakahihibang at nakahahanga. ang mga pisngi mo'malambot, maamo, mayumi, manipis at hindi palalo, ang sangahang ugat kahit humahalo, ay napapabadha'. di makapagtago. kung ikaw'hindi ko dating kakilala ako'mamamangha kung aking makita ang mga pisngi mong wari'gumamela.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"naiinggit ako sa paminsanminsan sa dampi ng hanging walang walang malay, pano'kanyang kanya ang lahat ng bagay.! los labios del arcangel en sus labios. menendez pelayo. ang mga labi mo ay dalawang langit, langit na di bughaw, ni langit ng hapis, labi ng bulaklak na kapwa ninibig labing mababango, sariwa'malinis. labi ng sampagang may pait at awa, tipunan ng pulot, tamis at biyaya, sisidlang ang lama'kabanguhang pawa, pook na tipanan ng hamog at diwa. tagapamalita ng lihim ng puso, may oo at hindi may tutol at samo may buhay at palad, may tula'pagsuyo. ang mga labi mo'may pulot na tangi kung iyan ang aking pagkaing palagi'talo ko ang lahat, talo ko ang hari. ang mga kamay mo. pudiera yo tu mano de azucena besar solo una vez.! aywan kung mayron pang hihigit sa kinis sa mga kamay mong biluga'nilalik, garing na mistula sa puti at linis, sa lambot ay bulak, sa ganda'pagibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang mga daliring yaman mo'biyaya ay di hugis tikin, ni hubog kandila; ang ayos at hugis ay bagay at tama sa sutla mong palad na laman ng diwa. ang makakandong mo'maaalagaan, ang mahahaplos mo'mahihiranghirang, ang kahit patay na'muling mabubuhay. mahagkan ko lamang ang iyong daliri, sa kapwa makata, ako'matatangi at marahil ako'isa na ring hari. ang mga paa mo.! tus pequenos pies son tropos para mis piropos . takpan ma'ipikit ang mga mata ko ay naguguhit din ang mga paa mo, paang mapuputing nakababalino sa isip at buhay ng payapang tao. paang makikinis at makaulul palad, ang hubog ay bagay sa laki mo'sukat, ang mga sakong mo'may pulang banayad, ang mga paa mo'singlambot ng bulak. parang mga paa ng nababalitang cleopatra at leda ng panahong luma, pano'mga paang sa ganda'bihira. naiinggit ako sa bawa'yapaka'siyang nagsasawa sa paa mong hirang, ano'di pa ako ang maging tuntungan? tan dulce, tan bella, tan tierna, tan pura. de dios peza.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"talagang natipon ang lahat ng buti sa kabataan mong di pa kumakasi, ang lahat ng yaman ng isang babae ay nasa sa iyong sariwang parati. nasa sa iyo nga ang lahat ng bagay, ang bango, ang tamis, ang kasariwaan, ang yumi, ang awit, ang uri, ang kulay ang hamog, ang sinag, ang tuwa'ang buhay. ikaw'pagpalain, dalagang mapalad, ang kagandahan mo'aking ikakalat sa silong ng langit, sa sangmaliwanag. kung may naghahanap sa bukang liwayway sa kabataan mo ay matatagpuan, di ko malilimot ang ganda mong iyan!. pamahid ng luha kung ginigiyagis ng masidhing panglaw, pamawi ng luhang sadyang tumitigis sa pusong luhaan, isang kasangkapang ipinananakip sa mukhang may lumbay, isang mahiwagang tagapaghiwatig ng lihim na saklaw ng pusong sapupo ng isang pag ibig sa gitna ng buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"panakip sa bibig kung may simpang hiya sa kinakaharap, isang kagamitang kung walang tiwala'pangbalot ng sulat, at paunang saksing minsang lumilikha ng lubusang galak, na mandi'nanabi ng masuyong wikang tugon sa pangarap: sa inyong ibiga'ang unang magdaya'panganganlang sukab . isang kasangkapang ang nagkakalayo'pinapaglalapit kung binabalaan at sinisiphayo ng isang may galit; tagapamalitang may giliw at suyo kung naghihiwatig sa nagkakalayo'nagtitipang puso dahil sa pag ibig. iyan ang halaga at bisa ng panyo sa silong ng langit. ang panyo'pamahid sa luhaang mata ng lahat at lahat, ang panyo ay piping nakapagbabadya ng bawa'mahangad, ang lahat ng galaw na inyong makita'may lihim na sangkap, katugon ng mithi ng mga ninintang hindi magkausap; may lihim na uring kalakip ang dusa at maging ng galak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang panyong idampi sa labi, sa bibig, ay may kahulugang: kita'sinisinta, kita'iniibig hanggang sa libingan; at sakasakaling sa mata ipahid: ako'namamanglaw kung di ka makita, kung di ka masilip ng dusta kong buhay; at sakasakaling ihaplos sa dibdib: ako'mamamatay . may tanging halaga at taglay na galing ang lahat ng panyo, kaya'minimithing halos na agawin ng mga nunuyo, minsang magpatibok sa mga damdaming patay sa pagsamo, malimit lumikha ng isang paggiliw at pamimintuho'madalas tumubos sa piping pagdaing ng luhaang puso. ang lahat at lahat sa sangkatauhan ay may kanya kanyang uri'kalagayan, may ibig sabihin ang lahat ng bagay na abot hindi ng damdam at malay, ang panyo'may lihim sa nagiibigan gaya ng bulaklak at mga halaman, itong abaniko'isang kasangkapang pangdagdag sa puso ng init at buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"sa aklat ng puso'aklat ng paggiliw yaong abaniko'may ibig sabihin, may sariling uri'sariling tuntunin may sariling layon at sariling lihim, sa talatingigan ng mga damdamin ang wikang pamaypay ay tuwa'hilahil, palad at tagumpay, at kung kukurui'taga pamalita niyong bukas natin. kalihim ng puso'patnubay ng palad, ngiti ng liwayway sa likod ng ulap, sa gitna ng buhay ay isang watawat na kulay lungtiang pakpak ng pangarap, sagisag ng hinhin ng mga mapalad, baluti ng mga babaeng banayad, kublihan ng mukhang maramot maglagak ng masayang ngiting yaman ng panulat. isang kasangkapang gamit ng babae at kung magkaminsa'pati ng lalaki, bibig na malayang nakapagsasabi ng oo at hindi ng sama at buti isang kasangkapang sa nagsisikasi'papel at panulat, gayuma'buhawi, sangla ng pag ibig, na namamayani sa lahat ng pusong bihag na parati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang bawa'ikilos ng isang pamaypay ay may isang wika, uri kahulugan, parang isang aklat na nagsasalaysay ng hirap at tuwa, ng aliw at panglaw; kung iyong dalasin ang mga paggalaw ang ibig sabihin: kita'minamahal kung biglang isara: ako'nasusuklam, huwag nang lumapit at nang di magdamdam . yaong abanikong idampi sa labi, ang ibig sabihi'ikaw ang lwalhati kung minsang itago'hindi maaari ang iyong pagkasi'ang sa pusong susi'hawak na ng isang pangarap kong lagi at kung pisil pisil ng mga daliri': inaantay kita'ang ama kong hari'wala at sa monte'nagbakasakali . kung kagat ang borlas ako'nahahapis dahil sa ginawang sa ati'paglait kung buksang marahan huwag kang manganib at ang ating ulap ay magiging langit kung buksang pabigla sila'nagagalit dahil sa sulat mong kanilang nalirip kung biglang ilaglag si kulasa'bwisit at siyang nagsumbong nang tayo'magniig .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"idampi sa pisngi huwag kang matulog at sa sine luna, kami ay papasok idampi sa dibdib ako'nagseselos dahil sa kasamang tila lumuluhog kung biglang ipukol sa iba ibuhos ang iyong pagsinta. ikaw'pahinuhod. itong abaniko'dila sa pag irog, talatang may dusa, kamanyang, kampupot. ala ala sa aking inang pumanaw: rosa san miguel ni de leon, taga samal, bataan at namatay sa tundo, maynila, noong taong .) ang aking ina. gaya rin ng iba, ang ina kong giliw ay inang mayumi'lubhang maramdamin, inang hindi yuko sa mga hilahil, inang mapagbata at siya kong virgen. mayrong isang diyos na kinikilala, may isang dakilang pananampalataya, sa kanya ang madla'kulay ng umaga, ang galit ay awa'sa poot ay tawa. siya ang dakilang batas sa tahanan, kamay na masipag, kampana ng buhay, susi ng pag ibig na kagalanggalang. sa kanya ang lahat ay pawang mabuti, ang dukha'mayaman ay kapuripuri palibhasa'inang may puso'pagkasi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"pag ibig ni ina. ang puso ni ina'kaban ng paglingap, may dalawang tibok na karapat dapat, ang isa'kay ama, kay amang mapalad at ang isa nama'sa amin nalagak. noong nabubuhay ang ina kong irog ang kanyang pagkasi'samyo ng kampupot, ang lakas ng puso'parang nag uutos na ako, kaylan ma'huwag matatakot. pagibig ni ina ang siyang yumari ng magandang bahay na kahilihili, at nawag sa palad na katangitangi. timtimang umirog! hanggang sa libinga'dala ang pagkasing malinis, dalisay, dala ang damdaming kabanalbanalan. ang halik ni ina. ang mata ni ina'bukalan ng luha kung may dala dalang damdamin at awa, ang lahi ni ina'sampagang sariwa na may laging laang halik at kalinga. sa halik ni ina ay doon nalagas ang tinik at bulo ng musmos kong palad, sa halik ni ina'aking napagmalas na ako'tao na'dapat makilamas. ang bibig ni inang bibig ng sampaga'bibig na sinipi kina clara'sisa kaya'mayrong bisang kahalihalina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang halik ng ina'apoy sa pagsuyo, hamog sa bulaklak, pag asa sa puso'liwanag sa mga isipang malabo. ugali ni ina. kung mamamana ko lamang ang ugali ni inang sa aki'nagpala'nag ari'marami sa akin ang mananaghili'sa aki'tatanga lamang yaong hari. ang asal ni ina'aklat ng paglingap, salaming malinaw, bangong walang kupas, suhay ng mahinhin, sulo ng mapalad, mundong walang gabi, gabi ng walang ulap. ang salitang damot ay di kakilala, ang kamay ay lahad, hanggang nakakaya'tanging kayamanan ang pakikisama. sa kanya ay diyos ang mga pulubi, ang dukha ay hari'kristo ang duhagi, iyan ang ugali ng ina kong kasi. ang awit ni ina. nang buhay si ina'ako'kilik kilik ako'pinagsawa sa alo at awit, malaki na ako'may sapat ng isip ay inaalo pa nang buong pag ibig. ang musmos na patak ng nulo kong luha sa kanya'kundima'awiting dakila, makarinig lamang ng iyak ng bata sa aki'lalapit at maguusisa. ako'kakalungin at ipaghehele, ang awit tagalog ay mamamayani hanggang sa magsawa'ako'mapabuti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang awit ni ina'laging yumayakap, sa mga awitin ng aking panulat kaya'ang awit ko'mayumi'banayad. libingan ni ina. ang buhay ng tao'parang isang araw na kung mayrong bago'mayrong nangangalay, ang palad ni ina'di na nakalaban kaya'napatalo sa tawag ng hukay. ang buhay ni inang inutang sa lupa'sa lupa rin namang nabayad na kusa, ang mga mata kong maramot sa luha noo'naging dagat na kahangahanga. ang lahat sa amin ay ngiti ng dusa'kaway ng hilahil, lubog na ang araw na kagiliwgiliw. nagtaglay si ina ng dalawang hukay: ang isa'sa lupang sanglaan ng buhay, ang isa'sa aking pusong gumagalang. ang aral ni ina. ang tanging pamanang sa aki'naiwan ay malaking gusi ng mayamang aral: anak ko: hanapin iyang karunungan, ang dunong ay pilak, ang aklat ay buhay. sa harap ng bait, ay silaw ang lakas, sa harap ng matwid ay yuko ang lahat, ang mundo'niyari ng paham at pantas, ang babae'tinik ng isang bulaklak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"ang palalong tao'halakhak ng hangin, ang aping mabait ay dapat lingapin at pagkailagan iyang sinungaling. huwag kakayahin ang hindi mo kaya, nang ikaw'malayo sa pula at tawa, umibig sa baya'magpakabait ka . bulaklak kay ina. wala na si ina! gayon ma'naiwan sa akin ang kanyang mahalagang aral, aral na sa ningning ay ningning ng araw, aral na sa buti'palad, diwa'yaman. larawang larawan lamang ang nalagak sa akin ng siya'pumanaw at sukat, larawan ni inang yaman ng panulat, larawang kakambal ng aking pangarap. darakilang ina: ang iyong libinga'sinasabugan ko ng tala'kundiman, ng awit na siyang bulaklak ng buhay. sa harap ng iyong larawang dakila ay may nagniningas na isang kandila panulat ng iyong anak na naluha. 'pagkatapos tunghayan. sa makatang pascual de leon bulaklak, bulaklak, bulaklak sa bungad, bulaklak sa gitna'sa dulo'bulaklak, ito'halamanang mayaman sa lahat, mayaman sa tamis, sa tuwa'pangarap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"sa mga talulot nito'sumusungaw ang diwa ng isang apo ni baltazar, at sa mga dahong sariwa'makulay ay napapatitik ang kanyang tagumpay. malungkot kung minsan, kung minsa'masaya, nguni'kadalasa'uhaw sa pag asa; sa hangad ay labis, at labis sa kaya, subali'sa tuwa'ulilang ulila. makatang pasleo: ang aking bulaklak ay narito'handog sa una mong aklat. ben ruben bulakan, bul.,. ramo de laurel para el poeta vernacular pascual de leon. para tu joven frente de tagalo poeta, de poeta que entona sus versos de pasion, ofrezco una corona de flores de violeta entonate mi lira su magica cancion. es tu canto armonioso inspiracion de ondinas, es tu verbo potente como el brillo del sol, tus musas son todas dalagas filipinas que habitan en las ondas azules del pansol. tu lira multiforme con sus cuerdas de oro tiene cantos dolientes, tiene ayes de lloro, tiene dulces lamentos suspiros de miel.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"tiene versos de rosa que disipan tristezas de las bellas morenas filipinas princesas que te ofrecen sonrientes un ramo de laurel . septiembre . sa katotong makatang pascual de leon. hayan ang makata. haya'umaawit ng mga kundimang pang lupa'pang langit, hawak ang kudyaping malambing ang tinig at pinangsasaliw sa ligaya'sakit. iyan ang makatang ang tula'tulain ay matalinghaga, mga lungkot, dusa, daing, hirap, luha, galit, sumpa'lambing ang puso at diwa. ang kanyang tulai'sing lambot, sing linaw ng tubig sa wawa, sa sapa'batisang balana'sumimsim sa tamis na taglay. hayan ang makata. kayo ang magsabi kundi siya'dapat na dangal at puri at maging putong pa ng wikang sarili. (sa ilaw at panitik tundo, set.,. sa katotong pascual de leon. sa harap ng iyong magarang pagsikat ay pinaglaho mo ang aking liwanag. araw kang nagbangon sa himlayang palad at kinasilawan ng aking banaag. sa langit mo, ako ay balangaw lamang, sa ilaw mo, ako ang aninong tunay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pascual de Leon,"diwa mo sa aking diwa ay isilay at aawitin ko ang iyong pangalan. hanggang ako'di pa nagsasawang umawit sa lihim ng mga hiwaga, ako'kasama mong hahanap ng pala. sa iyong hantungang langit ng pagasa ay doon naroon ang mga sampaga. pupulin mo'yao'sa mong mana! (sa ilaw at panitik bukawe, bul.,. mga mali sa pagkakalimbag nababasa dapat basahin dahon luwalhati lwahati mayroong mayrong liyaga ligaya hangtungan hantungan kalika'halika'magalak malagak sukat na sinta! sukat na nga sinta sigaw sigwa maamo maaamo virgen birhen pagkabutihin sa pagkabutihin nu ve nube paano pano besarlo besar solo tagpan takpan naiingit naiinggit paano'pano'tu dulce tan dulce magpatibook magpatibok nagbabakasakali nagbakasakali basahin ang martir del golgota isang mainam na aklat na nahahati sa dalawang toma . ipinagbibili sa lahat ng aklatan .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio, may isang binatang mahirap ang buhay na nasok sa hari nang paninilbihan ayon sa kaniyang kabaitang sakdal sa hari'sa reynang kinagigiliwan. lubos ang kanilang pagkakatiwala at di nasubukan nang lihis na gawa kaya'ilinagay nilang magalaga niyong sa princesang halamang sagana. nakalugdan naman bunying princesa yaong kabaita'kasipagan niya at sampo pa niyong manga piling dama pagka'ayos mahal kahi'taong mura. bakit may taglay ring munting kagandahan ang kiyas at tindig ay timbang na timbang mabuting mangusap kaya'kaulayaw na lagi nang dama'nang princesang mahal. ngala'si honrado nang abang binata ulila sa ama'kapatid ma'wala kaya ang kaniyang kaupahang madla ang sumusahod ay inang nagaruga. siya ay maagang nagpapahingalay at kung hatinggabi nagdidilig naman pagka'nagsisimba kung madaling araw at ito'siya nang pinagkaratihan. pagdating sa hardin siya'mamimitas niyong sarisaring mabangong bulaklak saka sa princesa ay dadalhing agad doon ginagawa ang balang iatas.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,kung nagaayos nang bulaklak ay siya ay hinihilingan nang princesa'dama na magsalita nang buhaybuhay baga na ikaaaliw niyong lungkot nila. madalas din niyang magina kasagutan sa princesa'dama kung hinihilingan na baka ang aking hindi karunungang magaalita'inyo namang pagsawaan. tugon ng princesa'kung gayong dahil wika ko sa iyong huwag kang manimdim parang kita mo na yaring loob namin na kasing isa nang kalooban mo rin. kinakatha niyang isinasalaysay ay ang isang aba at isang may dangal na kahi'sing isa yaong katauhan ay sahol ang uri nang hamak sa mahal. kaya ang pagsinta ng may uring hamak gaano mang laki ay di maisaad kawangis nang isang mabangong bulaklak na sa sarile nang tangkay nalalagas. anopa'sa tuwing siya'hihilingan na magsalita nang manga buhaybuhay nagpapahalata niyong kalagayan nang lihim na sinta niyang iningatan. sa gayong palaging manga bigkas niya napapansin naman nang bunying princesa kaya nga at pilit na tinanong siya na kung sino yaong dukhang sinisinta.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"hiling mo pong ito'kung ipatanto ko ay kamatayang ko'sukal nang loob mo titiisin ko na karatnan ma'ano'huwag nang maturang taksil pa sa iyo. anitong princesa'kung sa ganang akin ang nais mong sinta'di ko hahabagin nguni at paano ang aking gagawin ay kamatayan mo kung kita'giliwin. pagka'di papayag ang hari kong ama na sa dugong hamak ako'magasawa at di sasalang ipapapatay niya'laking kadustaan sa cetro'korona. kaya kung ang iyong pagsinta ay tunay at ibig mong ako'maging kapalaran ay pagpilitan mong humanap nang dangal nang ang pagsinta mo ay hindi masayang. sa dahilang kapag dugo nang mataas ikaw, sa kay ama'kusang mararapat at siya'wala na namang ipipintas sampung tanang manga konseherong lahat. dama'nanga dingig ang sinabing ito silang lahat nama'pawang nangagpayo anila'humanap nang karangalan mo na maglakbay kahit sa ibang reyno. yaong si honrado'sa laking paggiliw ang payo nang dama'kusang minagaling at pinasiya nang lubos sa panimdim na mangibang lahi'dangal ay hanapin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,lalo ang princesang mahigpit ang atas na huwag bayaang araw ay lumipas sa laking hinayang sa pusong matapat niyong si honradong loob na banayad. wika nang princesa'ang taning kong bigay sa iyo ay hustong limang taon lamang sa parurunan mo ay huwag mabalam nang hindi mainip akong maghihintay. oras na daraa'panghinayangan mo ayon sa malaking awa ko sa iyo pahalagahan mo ang bilin kong ito'laging gunitaing naghihintay ako. yayamang kung gayon kay honradong saad na ang pagirog ko'iyong minatapat ay magpupumilit na ako'hahanap niyong karangalan buhay ma'mautas. loobin na wari nang dios na poon at virgen mariang dating mapagampon sa madlang sakuna ako'ipagtanggol at ang aking nasa'kamtan ding hinahon. kaya nga sa lahat ako ay paalam at pipiliting kong kumita pang dangal at itulot nawa niyong kalangitan na magkikita rin tayong mahinusay. siya'lumakad na'sa ina'humarap at ipinamalay ang sa pusong hangad bagaman sa dibdib nang ina'masaklap ay napaayon din sa pita nang anak.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"lumuhod na siya'humalik nang kamay ina'lumuluha na binendisyonan maganap ang lahat niyang kailangan yamao'sa harap nang torre nagdaan. kasalukuyan ngang ang princesa'dama'na sa durungawa'hinihintay siya ang lagak na wika'paalam aniya at magkapalad ding tayo ay magkita. ang princesa'dama'dinayo nang lunos sa pagalis niyong may magandang loob nguni'kailangan naman nang pagirog yaong karangalan ikapapanulos. tuloy ang kanyang mabilis na lakad niyong paglalakbay sa tungo nang hangad doon sa sasakyan siya'nakiusap na maging utusan, kahit walang bayad. pinaayunan din yaong hiling niya kaya nga'sa daong lumulan nagdaka linisan ang kaniyang bayang castilla at tinungo niya yaong inglaterra. di lubhang nalaon ay dumating naman sila, at sumadsad sa dalampasigan nagkataong noong siya ay dumatal ay may embajadang sa guerra ang pakay. kasalukuyan nang tinitipong lahat ang manga sundalong sa digma'lalabas sa puno nang hukbo siya ay humarap hingi ay masama kung magiging dapat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,tinanggap at siya'tinuruan tuloy sa pagsusundalo kung may kayang ukol at nang makilalang may ganap na dunong binigyang tunkuling sa kanya'ayon. kaya'kasama na hukko'nang lumakad sa manga persiano ay nakipaglamas ang general nila'kinapos nang palad sa pakikibaka buhay ay nautas. nang matanto niyang patay ang general umuna sa hanay siya at sumigaw nang wikang iubos ang lakas at tapang at ating lusubing lahat ang kaaway. saka sinibasib nang katakottakot hukbo nang persiano'nagkasabogsabog babakang general nila ay nakubkob nabihag sapagka'di nakapaglagos. ang di nakatakbong kawal na kalaban ay nakasama nang bihag na general nang magbalik na sila sa kaharian ay hindi masayod yaong kasayahan. tuloy inusisang general nang hukbo pagdaka anila'napatay sa kampo siyang nagpauna yaong si honrado at aming inusig ang manga persiano. sa mabuti niyang ginawang paraan manga loob naming lahat ay tumapang kaya nga'ang hindi sumukong kalaban nalagak sa kampo ang kanilang bangkay.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"yaong kay honradong katapanga'liksi dinaig ang gayong kalabang marami sa balitang paris ay di mahuhuli yaong karahasang di sukat masabi. emperador naman tuwa'sabihin pa kaya'si honrado'tinawag pagdaka binigyan nang tusong karangalan baga na isa sa mga generales niya. ipinakilala sa madla rin naman ang bagong general na ganap ang tapang magmula na noo'pinagkatakutan yaong inglaterra nang manga kaaway. totoong namahal yaong si honrado doon sa monarka'manga konsehero gayon din sa lahat nang manga soldado pagka'may dangal na'mababa ring tao. ang dalawang taon ay nang makaraan ang francia'kanya na nabalitaan na sa manga turko,makikipaglaban dahil sa sigalot na di magkahusay. nuhang pahintulot siya sa monarka na punong pangulo niyong inglaterra inayunan naman yaong hiling niya kaya nga'sa francia'tumungo pagdaka. nang sa emperador sa francia'maharap ay ipinagsabi ang kanyang hangad mahinahon namang siya ay tinanggap at ang kalagayan niya'natalastas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"kabilang na isa siya sa general na sa manga turko'makikipaglaban at ang hukbo niyang unang sasalakay at yaon ang yaring pinagkasunduan. lumakad noon di'tinungo pagdaka yaong mga morong kanilang kabaka makaitlong hintong nagpamuok sila hanggang sa kinamtan nila ang biktorya. nagbalik na silang nagsisipagdiwang habang lumalakad ay isinisigaw nang lahat ang wikang mabuhay mabuhay ang ating bayaning bantog na general. sa labas nang bayan sila ay humantong ang kalakhang hukbo nama'sumalubong kasama rin doon yaong emperador manga pagsasaya ay walang kaukol. yaong emperador ay agad niyakap ang general niya'tuwa'dili hamak malabis ang puri at pasasalamat sa general niyang may loob na tapat. konseheros ko anang emperador sa inyo ay aking kahilingan ngayon na siya ay aking bibigyan nang tusong generalisimo, hintay ko ang tugon. emperador namin ang sagot nang lahat sunod po ang aming loob na matapat noon din ang tuso'agad iginawad at ipinagbiba nang puspos na galak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"matapos tanggapin yaong karangalan doo'nalagak din na mahabang araw malibang panahon ay nabalitaan rusia ay gueguerra sa manga masulman. humingi ring tulot siya nga sa francia at linakbay yaong imperyo nang rusia at sa emperador humarap pagdaka at hininging siya'isama sa guerra. nang mapagkilala'tinanggap ding agad niyong emperador na labis nang galak ang kalakhang hukbo ay nang maigayak sa taning na araw sila'nagsilakad. sa luwal na laa'nang dumating sila tumigil at sila'nagpaembahada sa manga musulmang lumabas pagdaka at pasisimulan ang pagbabatalya. di lubhang nalaon nama'napaluwal at ginanap nanga yaong paglalaban at namook namang leon ang kabagay itong si honradong bayaning general. sa di nagtitigil nilang paglalamas yaong manga bangkay sa lupa'nagkalat ang manga musulma'sa malaking sindak ay nangagalsuko'sila'napabihag. at sampu pa niyong pangahas na sultan sumuko', nagbayad nang malaking yaman sila'umuwi nang dala ang tagumpay at nangagsasayang hindi ano lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,yaong emperador at tanang ginoo ay nagsisalubong doon sa nanalo ang nagsasaliwang sigawan nang tao ay wikang mabuhay ang pangulong hukbo. bunying emperador ay niyakap naman yaong si honrado'saka ang tinuran salamat bantog na aking general sa iyong dakilang iwing katapangan. mula ngayo'ikaw ang siyang pangulo bilang na general nang aking imperyo tanggapin mo ngayon itong kaloob ko na tuson nang pagka generalisimo. tuloy ang winika sa basalyong tanan hayo'ipagbiba ang ating general at ayon sa taglay niyang katapangan ang sigaw nang lahat mabuhay mabuhay. anopa'ang baya'nalimutan halos sa boong magdamag ang gawing matulog dahil sa general na naging kilabot tuwa at pagpuri ay hindi masayod. yaong si honrado'tutoong namahal sa emperador at sa tao mang bayan nguni'si honrado'naninimdim nama'tapos na ang taning nang princesang mahal. kaya nga at gulong lagi ang panimdim niyong naghihintay na princesang giliw sa araw at gabi ay di magupiling niyong kay honrado na hindi pagdating.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"bakit nga ang hari na kaniyang ama ay ipinagyaring ipakakasal siya sa konde milano, nguni'naabala'isang taong taning ang hiningi muna. sa hiling na yaon ang ama'pumayag at di muna ibig habagin ang anak kung kaya tumaning ang himalang dilag ay sa paghihintay sa nalayong dilag. nang limang taon na'labingisang buwan ang sa kay honradong pangingibang bayan ang tatlong imperyo'pinagpaalaman nang paguwi sa kaniyang kaharian. may isang buwan ding araw na mahigit bago napatuloy gayak sa pagalis dahil sa kasamang magsisipaghatid na manga maginoo at soldadong kabig. tatlong imperyo ay may kanikaniya na manga sasakya'inihatid nila tulo'nagpasabi doon sa kastilya yaong tatlong manga bantog na monarka. na darating yaong bantog na general ay gawin ang lubos na manga pagtanaw tangkilikin nila'ingatan ang buhay at gugulin yaong lubos na pagtanaw. kaya'sa kastilya'naghandang magaling nang isasalubong doon sa pagdating sarisaring arko at sutlang panabing sa buong lansangang nagbibigay aliw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"araw na panahon sa dalampasigan ang princesa naman ay ikinakasal sapagka'tapos na ang tadhanang araw ay wala nang sukat magawang dahilan. sa araw na yao'dalawa ang saya una'sa general saka sa princesa mangagsasaliwan ang manga musika at putok nang kanyon doon sa muralya. nangagsisalubong ang tanang ginoo doon sa kastilya'ang manga soldado at itinuloy na sa real palasyo na itinalaga nila kay honrado. isa man ay walang nakakikilala doon sa general na balitang sigla anopa'ang lahat ay nangagsasaya tanging nalulungkot lamang ang princesa. na nakasal doon sa di kasing giliw kung kaya malaking lumbay sa panimdin sa naging esposo niya ay hiniling isang buwang siya'huwag kausapin. hayaang sa torre siya ay tumahan sa piling nang damang dating kaalakbay tinulutan naman yaong kahilingan kaya nga'sa torre doon din lumagay. nang naroroon na ang bunying princesa ay ipinahayag sa kanyang dama anhin ko man yaong dumating aniyang general, ay yaong ating kakilala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,sapagka'general sa tatlong imperio gayon ang balita nang lahat nang tao kundi siya'ano'maglalakbay dito saka di kilala nang kahima'sino. anang manga dama ay baka siya nga kung gayon ay tunay na kaawaawa at wala nang palad na napakaaba na gaya nang gayong pagkapanganyaya. sumunod sa iyong dangal ay hanapin saka daratnang kang may iba nang giliw kangino ma'walang matinding damdamin na gaya nang gayong hirap na daratnin. usap nila'patdin at ang isalaysay ay yaong dumating na bunying general hindi makilala ang tunay na ngala'konde de kastilya kung tawagin lamang. nguni'nagpasabi yaong haring ama na makipagkita ang dama'princesa sa general na panauhin nila'ugali nang manga mahal na talaga. samantalang di pa dumarating naman ang bunying princesa ay napagusapan nang manga konseho'nang tanging general at naibalita yaong pagkakasal. nang sa kay honradong balita'matatap ang masidhing lumbay sa puso'tumarak kundi nahihiya sa manga kaharap ang luha'ibig nang sa mata'pumulas.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"saka nang tanggapin nang princesa'dama ang bilin nang hari ay nagsigayak na at sa palasyo ay nangaglakbay sila'bilang sa general makikipagkita. nang mapanhik sila doon sa palasyo agad nakilala yaong si honrado nang princesa'dama kaya nga'nanglumo ang puso'sa lumbay na di mamagkano. walang maibati yaong manga dama doon sa general, kundi ang kumusta sapagka'talastas nilang parapara na kumitang dangal, ayon sa princesa. at nang magkaroon nang malaking dangal datnan ang princesa'na sa ibang kamay gaanong bubugso kayang kalumbayan sa dibdib nang abang sawing kapalaran. hindi nakatagal ang matang tumitig nang bunying princesa sa malaking hapis kaya'napaalam na tigib nang hapis na ang dalamhati ay di maisulit. pagdating sa torre nang bunying princesa sa lahat nang dama'ang sinabi niya ang ginawang ito nang hari kong ama'ikamamatay ko na walang pagsala. isang taong taning kaya ko hiningi upang ang dahila'kanyang mawari di ko maisaad naman yaong sanhi at baka siya pang lalong ikasawi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,mawiwikang bakit nakipagsuyuan sa dugong mababang walang kamahalan kaya ang bibig ko ay hindi mabuksan sa takot kung ako ay makagalitan. ang buong may sala'ako rin at ako sa naabang palad niyong si honrado ang hiling kong dangal ay niyong matamo sinta ko'luoy nang dumating dito. pagsunod kay ama ang naging salabid na ako'nakasal sa di iniibig ito'siyang sanhi nang ikapapatid nang kaawaawang buhay kong nalait. si honrado nama'sa malaking lumbay sa hari'konseho siya'napaalam hinanap ang kubo niyong inang hirang at niyong makita'humalik nang kamay. ina ni honrado'lubos na nagtaka anak na general ay di makilala kung hindi ang ngala'nang ipahayag na kaya di masabi ang tinamong saya. ligaya nang ina'paganhing isaysay gaya ni honradong sapupo nang lumbay agadagad siyang gumawa nang liham gayari ang sabing nangapapalaman. alangan mang kahi'sa kamahalan mo na pahatdan liham nang imbing lagay ko ay aking hinamak ang lahat nang ito ayon sa hirap kong nagbuhat sa iyo.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,di ko sana ibig masalang ang sugat nang puso kong lalang ng sinta mong sukab paanhin mo'di na matiis ang antak at yaring hininga'ibig na pumulas. tunay ang pagasang wagas sa panimdim na ako ang iyong kasing isang giliw sa utos mong dangal ay aking hanapin kaya pinuhunan ang buhay na angkin. sa awa nang langit ay aking kinamtan ang lalong dakilang manga karangalan at ako'naligtas sa kapahamaka'nang dumating dito ay walang kamatayan. diwa'hinangad mo na malayo ako at nang mapanulos sa kasintahan mo di ka na nahabag sa ginawang ito na akong aba na'siyang pinag ilo. wariin mong mula niyon lisanin ka na ako'mawalay sa dalawang mata walang kaaliwan ang taglay kong dusa kundi ang gunitang sa iyo'suminta. siyang naging dahil nang hirap kong ito ang tapat na aking pagsunod sa iyo katuwiran kaya itong ginawa mo dugo ka pa namang turing maginoo. hindi ko na sana ibig ipamalay sa iyo nang una ang sintang sinimpan baka siya ko pang lalong ipagdamdam at saka ito rin ang kinahinatnan.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"puso ko'panatag at hindi gunita na iyong asalin ang gawang magdaya tinabunan mong sa limot ang awa, at ako'linunod sa dagat nang luha. bakit naisip pa kaya ang magbalik dito sa kastilya nang palad kong amis yayamang ang aking kasuyuang dibdib ngayo'sa iba nang kandungan nahilig. aanhin ko itong manga karangalan na atas nang sinta kaya pinaglakbay general man akong balita nang tapang nguni'sa pagsinta'kusang nalupaypay. patawad patawad princesa at dama ang pinagtiyagang ilubog sa dusa anong kataksilan sa pagkikilala ang gawa kong hindi ninyo minaganda? maanong bahid man ay pinamalayan sa akin, ang inyong manga kasuklaman huwag itinaboy sa kapahamakan sa malayo'maging dito'kamatayan. ang sinisisi ko'ako ri'di iba na kusang nadaya ay di alumana nasabik ang puso sa maling pagasa di magtiis namang buhay ay mapaka. hanggang dito'yamang wala ng panahon itong nalugami sa pagkaparool akong inayop mo'di na malalaon sa dustang libinga'pilit na hahantong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,sulat ay sinarha'ipinadala na sa may dalamhating mahal na princesa nang tanggapin nama'laman ay mataya malaong oras ding nawalang hininga. yaong manga damang nangagsisaklolo ay labis nang awa nila kay honrado saka sa princesa sa nangyaring ito na napagbintangan ay hindi tutoo. makamalay tao ang nawalang isip luha'tumutulong gumawa nang titik upang mailuwal ang laman nang dibdib at nang matutulan ang bintang na lihis. honrado ay mali ang iyong paratang na yaong hiling kong pagkita nang dangal sa iyo ay isang pagdaraya lamang ang gayo'huwag mong isagunamgunan. kung mabubuksan mo lamang yaring dibdib ang katutoha ana'iyong malilirip kung tunay nga akong taksil sa pagibig na gaya nang iyong tadhana sa titik. labis ang sa iyo'aking paghihintay at ikaw ang sinta na inaasahan nguni at si ama ang may kaibigan na siyang pumilit na ako'pakasal. gayon ma'sa paghihintay ko sa iyo isang taong taning yaong hiningi ko at inaasahan yaong pagdating mo ganap na'di ka pa dumarating dito.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,halata nang lahat na lubhang matamlay ang aking pagsunod nang kami'pakasal di lamang mangyaring si ama'masuway pagka'masasawi ako sa katwiran. saka nabalitang dito ay darating general na ngalan ay di nalilining nasok sa loob kong ikaw na marahil kaya nang kasal na ako ay tumaning. isang buwang huwag na pakialaman ako at dito rin sa torre tatahan at nang makita kong ikaw ang dumatal ang katauhan ko'nanaw sa katawan. nang dumalaw kami at nang lisanin ka luha'di mapigil sa taglay kong dusa sampu nang lahat kong kaakbay na dama at sanhi sa iyong naulilang sinta. honrado ay walang bahid pagsusukab yaring aking puso tungkol sa pagliyag at sa katunayan niyaring pangungusap sangla yaring buhay na ngayo'lilipas. at kung linoob man ng giliw kong ama na ako sa ibig niya magasawa di rin mangyayaring kanyang makasama ako at sa hukay ay mahihimbing na. lalo ko pang tuwa kung magkakagayon at maiisban na ako nang linggatong sa hindi ko nasa'yamang napalulong aking lilisanin naman ang panahon.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,baga man at turing na ako'nakasal ang kalinisan ko'di nadurumihan sapagka'sa aking puso ay masukal ang pakikiisa sa di kasintahan. kaya ang samo ko'patawarin ako sa isa nang buhay magkikita tayo doo'walang salang makikilala mo kung talagang ako ay taksil sa iyo. mayari ang sulat ay ipinadala sa tapat na loob na kaniyang dama nang sa kay honradong laman ay mabasa ang sakit nang puso ay naululan pa. saka ng sa damang saysayin ang bagay niyong sa princesang laging paghihintay yaong si honrado ay sinisi naman ang pagkalaon sa ibang kaharian. tanang bagaybagay nang maibalita ay naghiwalay nang kapuwa may luha na tulad sa isang buhay ang nawala at bato nang dibdib ang hindi maawa. nang dumating doon sa torre ang dama usap ay sinabi doon sa princesa ay lalong lumala ang sa pusong dusa at ang dalamhating di sukat makaya. ito na ang mulang ipinagkaramdam nang pusong nalugmok sa kapighatian kaya'hiniling nang siya'magkumpisal at sa kamataya'humanda ang buhay.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"kaya nga'ang tuwa ay biglang lumipas at sa kalumbayan sila'nangalagak princesa'humingi nang tawad sa lahat sa hanay nang madla, buhay ay nautas. sabihin ang lumbay at manga pagtangis nang mahal na hari sa anak na ibig at sa puso niya ay lumiligalig ang pagaasawang parang ipinilit. pagka'mula nang kanyang ipakasal siyang naging sanhing ipinagkaramdam kaya nga at siya'kahit nakasal man ang naging asawa'di nakaulayaw. at di ko nakitang dinalaw nang tuwa at sa kalumbaya'nalugaming kusa kahima'tipirin ay nahahalata yaong kalungkutang di ko mapaghaka. matinding damdamin naman nang asawa na nakasal sila ay di nagkasama saka biglangbiglang siya'nangulila ito ang tunay na dalamhati niya. pananaghoy nila muna'aking lisan gaya nang kanilang ilibing ang bangkay kasama ang lahat nang kaginoohan ang tanang soldado ay gayon din naman. ang hari at saka ang bunying asawa na ikinamatay nang abang princesa saka si honrado'tanang kawal niya sa libing na yao'kaalakbay sila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,hanggang sa dumating doon sa simbahan at sa laang tumba'ilagay ang bangkay ginawa ang madlang manga katungkulan na pananalangin sa manga namatay. tanang kailangan ay nang maganap na ay ibinaba nang bangkay nang princesa at binendisyonan niyong haring ama at nakipagkamay naman ang asawa. gayon din ang lahat nang kaginoohan parapara sila na nakipagkamay tangi si honradong bayaning general na siya nga lamang kahulihulihan. kamay ni honrado ay niyong igawad kamay nang princesa'iniabot agad at saka ang manga mata'idinilat nagbuntong hininga'gayari ang saad: ikaw nga ang sintang tunay kong katipan na siya kong laong pinahintayhintay at saka kasal na nang dito'dumatal ako sa hindi ko kinagigiliwan. nguni at sa ating suyuang maganda tapat sa puso ko na di magiiba kaya nga ngayon din ay magkumpisal ka at malilibing din na kasunod kita. anopa'ang tana'pawang nanggilalas na nangakakitang doon ay kaharap at sampo nang hari ay nakatalastas na yaon ang siyang kasuyo nang anak.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,matapos isulit ang ganoong bagay muling ipinikit ang mata nang bangkay si honrado nama'agad nagkumpisal at di rin nalao'nakitil ang buhay. nang mailibing na yaong si honrado umuwi noon din ang manga soldado sa kanikanilang pinagmulang reyno at ibinalita ang nangyaring ito. tatlong emperador ay sa kagalitan nagpaembahada silang sabaysabay at pinaguusig ang nawalang buhay nang lubhang bayaning kanilang general. sa takot nang haring hindi hamakhamak ay sa emperador na tatlo'humarap mahinahon niyang inahinging tawad ang pagiibigang di niya talastas. kung ang anak niya ay nagpahiwatig na may katipanan siyang iniibig di ko pipiliti'baka nga masapit ay ang gaya ngayong buhay ay napatid. ang tatlong monarka ay diningig naman ang sa haring samo'manga karaingan yaon din ang mulang ipinagkaramdam nang hari at siya ay nakitlang buhay. walang katuwiran anak ay pilitin sa bagay na pakikipagisang giliw karampatan munang sila ay tanungin ang isa at isa'nang walang sisihin.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,katungkulan din nga na ipili nila nang lalong mabuti na maging asawa kailangan naman ang ipakilala yaong tutunguhing hindi natataya. lubha pa kung tunay nilang nalilirip na ang kasintahan ay ugaling pangit sawayin at bigyang hatol na matuwid at ingatang huwag daanin sa galit. yaong malubay na pagpapaunawa at huwag ang manga salitang gahasa pagmura'tungayaw at manga pagsumpa na bagkus nakapaguulol nang sama. at kung ang anak pa ay walang pitagan sasagutsagutin ang isang magulang nang kasakitsakit na paglapastangan sa dapat suyuin nila at igalang. bakit karaniwan nang manga inanak kapag nasansala sa adhikang linsad itinatakwil na nila ang paglingap sa utang na walang katapatang bayad. may isang soldado ang haring marangal na wala nang ama'mahirap ang buhay ang nagaaruga ay ina na lamang sa bugtong na anak niyang minamahal. hindi ibig halos mawalay sa titig ang kaniyang bunsong pinakaiibig dangan di mangyaring siya ay mapalit ay hahalinhan na'hirap ay mabihis.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,sa pagsusundalo'nang ilan nang buwan tumanggap nang atas nang haring marangal sa puno nang torre nang princesang mahal kabilang na isa sa mangagbabantay. ng araw ring yaon sila'lumakad na'tinungo ang torre nang bunying princesa nang dumating doo'tinamaang mata sa princesang dilag na kaayaaya. kaya'mula noon sa puso'natanim yaong sa princesang kagandaha'ningning at siyang nagbigay gulo sa panimdim na sa gabi'araw ay di magupiling. inakala niyang gumawa nang titik at doon sa torre ay kusang ihagis nguni'lubos namang siya'nanganganib na baka ang bunying princesa'magalit. anopa at siya'walang maisipan na yaong pagsinta'magkaroong daan kaya'walang munting oras na tiwasay sa gayon ang puso niya'kalooban. kung nagiging bantay siyang mahalili sa laang bantayang tapat niyong torre siya ay tatanaw tanaw na parati sa bintana'ayon sa laking pagkasi. lalo na kung lagi niyang nakikita na nakapanungaw ang bunying princesa ay halos di ibig mawalay sa mata sa laking pagirog na hindi makaya.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,maupo'tumindig nama'magpasyal princesa ang siyang tinitingnan tingnan sa princesang hindi naiino naman pagkapalibhasa'di namamalayan. sa malaon niyang pagbabantay doon sa torreng may bilang sa tatlo nang taon walang gawa kundi ang tumaghoy taghoy sa sarili niya'ang wika ay gayon. kung natatanto mo lamang yaring hirap princesa kong sinta at tinawag tawag puso mo ma'batong buhay na matigas sa manga daing ko'pilit maaagnas. wala ni munti mang oras na itigil ang hibik ko'buntong hiningang malalim dahil sa pagsintang di ikagupiling at manga pagluhog na hindi mo lining. mata kong sa iyo'laging nakatitig na nagbabalita nang aking pagibig ay di mo man pansin bago'tumatangis itong nagdurusa'di mo nalilirip. kung nanunungaw ka sa iyong bintana ang hinahalaw mo'ang ikatutuwa nguni'di makita ang linuhaluha nitong sa dilag mo'nangangayupapa. nagwawala ka ngang bahala sa lagay at nagpapasasa sa kaligayahan bago'di mo tantong nasa kalumbayan akong sumintang di maipamalay.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"hirap na gumiliw nang isang mababa sa uring mataas na tinitingala namamalas mo nang mata'lumuluha ay tikis mong winawala ring bahala. tantuin mong yaring dusang tinataglay ay magiging landas niyaring kamatayan pagka'sa puso ko'pangakong matibay na tataghuyang kasukdang maging bangkay. malasin nang inyong masaghayang titig ang tatapong buhay dahil sa pagibig at wala nang lunas sa sukat ikapit kundi ang lingap mong nasa kong makamit. ang lalong masarap na manga pagkain at lahat nang tuwa'tapos na sa akin ikaw na nga lamang ang makapipigil sa dustang libingang laang tutunguhin. di na malalao'iilan nang araw sa mundo, ang aking pakikipanayam inot inot ko na na nararanasan na itong puso ko'may malubhang damdam. pagka'ang hininga'laging nangangapos sa di pagkakai'di pagkakatulog ako'nanghihina'di na ibig halos magluat nang aking buhay na maayop. ang gayong pagtaghoy na di naglilikat na walang bahagyang pagitan ang oras inot inot na ngang napawi ang lakas at ang humalili ay pangangayayat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,makita nang puno yaong kalagayan ay ipinapasok agad sa hospital at doon ginamot yaong karamdaman nguni'lumalalang lalo'di humusay. kaya'sa sundalong hiniling pagdaka na siya'ihatid sa kanyang ina nang araw ring yaon ay ipinadala sa dahilang tantong mahina na siya. sa inang makita ang bugtong na anak luha'di napigil sa malaking habag anya'ang nasapit nang imbi mong palad ngayon ay tunay na pawang buto'balat. ang kalagayan mo'kung aking pagmasdan kundi humihinga'mistula nang bangkay ano baga kaya ang naging dahilan niyang marawal mo na kinahinatnan? tugon nang sundalo'oh ina kong giliw ang damdam kong ito'wala nang paggaling ang lahat mang gamot ay kahit ubusin ay wala nang daang ilunas sa akin. ngayon ay wala na akong kailangan kung hindi ang ako'makapagkumpisal ang kaluluwa ko ay bago pumanaw ay mapawing lahat yaring kasalanan.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,gayong kahilinga'sinunod nang ina tumawag nang pareng kahilingan niya nang dumating naman ay nagkompisal na at saka tuloy na nagkomunion pa. kahilingang yao'matapos tanggapin sa irog na ina naman ay nagbilin ina ko aniya ay huwag limutin itong kamunti ko na ipagbibilin. na kung makitil na yaring aking buhay medikong marunong ang tawagin lamang at ang aking dibdib ay agad pabuksa'kunin ang puso ko at iyong ingatan. huwag pabayaan mapalibang oras na di ang dibdib ko'agad ipabiyak puso ko'itago sa lalagyang dapat bilang alaalang sa iyo po'lagak. ang tugon nang ina ay aking susundin bunso ko ang iyong mahigpit na bilin di lubhang nalaon buhay ay nakitil nang ang karamdaman ay sa sinta dahil. manga pananaghoy nama'sabihin pa nang kaawaawang inang naulila mulang pagka bata'dinulangdulang na ang kabaitang sumunod sa kaniya. sabihin pa baga ang manga pagtangis at manga pagluha at hinibikhibik at halos mawaray ang kaniyang dibdib nang pagkaulila sa anak na ibig.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,bagaman malaking dalamhati niya pinaram ding agad at naalaala ang bilin nang anak kaya'kapagdaka pantas na mediko siya'tumawag na. nang dumating doo'agad pinabuksan yaong dibdib niyong sa anak na bangkay ang puso'kinuha'kusang pinagyaman at itinago na sa loob nang kaban. saka yaong bangkay nama'ilinibing ang inang may lumbay nama'kasama rin yaong panambitan at dinaingdaing nang naiwang ina ay di maiturin. niyong nalilibing na ilan nang buwan ang sundalong anak niyang minamahal inang naulila'naisip isipan na tingnan ang pusong iningat sa kaban. binuksan na niya'agad na kinuha at sa pagkabalot ay inalis niya nguni'di masayod yaong pagtataka doon sa iniwang bilang alaala. pusong nababalot ay kusang nagmaliw at ang nahalili'batong nagniningning iba'ibang kislap ang kulay na angkin na sa matang titig ay nakaaaliw. ang inang may lumbay ay di mapaghaka ang nangyaring yaong anaki'himala agad pumasok sa kanyang gunita na yao'isang mahalagang mutya.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,kaya'minagandang kaniyang ialay sa hari ang batong puspos karikitan binalot na niya na pinakainam at saka dinala sa haring marangal. ang tuwa nang hari naman ay sabihin doon sa alay na batong nagniningning kinuha at saka binigyan noon din niyong kayamanang makakayang dalhin. sa labis na pagkamangha at ligaya na di pagsawaan nang titig nang mata kaya'ang ginawa ay ipinadala doon sa kaniyang anak na princesa. lugod nang princesa naman ay sabihin nang makita yaong batong nagniningning matay nang kaniyang pagwariwariin ay di mapagsiyang lubos sa panimdim. sa ibabaw niyong mesa'ilinagay naupo sa silya'minamasdanmasdan hindi maisulit ang kaligayahan sa kislap nang batong iba'ibang kulay. nang minamalas niya'walang anoano ay naging puso ang maningning na bato at doon sa mesa ay lumukso lukso at nanaghoy nangang ang wika'ganito. pakatantoin mo oh princesang mahal na sanhi sa iyo ang ikinamatay na sininta kita nang higit sa buhay ay hindi nangyaring aking ipamalay.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,tuwing sa bintana ay manunungaw ka at tamaang titig niyaring manga mata ay nauululang lagi yaring dusa na nasa puso kong di mo natataya. banta ko'kung ito lamang madiringig ang manga daing ko at hinibikhibik ay kahit hindi mo gawi ang mahapis ay sisibulan ding habag iyang dibdib. prlncesa kong sinta'saan ilulungoy yaring kahirapang narating ko ngayon di kana naawa sa tinaghoytaghoy nitong sumisintang sa libing humantong! diyata'ang aking tunay na paggiliw ay minatamis mong mahimlay sa libing muntima'di kana nahabag sa akin at binayaan mong hininga'makitil. tugon nang princesa ikaw baga'sino? ako anya'isang hamak na sundalo at doon sa tore nagbabantay ako kaya ko namasdan ang karikitan mo. di ko kasalanan wika nang princesa ang pagkamatay mong sanhi sa pagsinta at ang pagsuyo mo'di ko natataya saka una'ikaw ay di ko kilala. mangyayari kayang aking mawawari ang kahirapan mong sa akin ang sanhi ni sa gunita ko'hindi sumasaging sundalo'sintahin ako ni aglahi.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sapagka'sinoma'nakatatalastas na bawal suminta tungkol dugong hamak sa manga may taglay na uring mataas at may panganib pang buhay ay mautas. gayon ma'ang buong may sala ay ikaw na ang pagibig mo'di ipinamalay kung iyong sinabi nang ikaw ay buhay banday baga akong di ka kaawaan. di nagsapalarang ipinaunawa sa akin, ang iyong sintang inadhika nang upang ang iyong matinding dalita ay naibsang ko kahi'babahagya. ang kahihinatnan ay ano pa ngayon nang iyong pagsinta na ilinulungoy ibig ko mang dinggin ang iyong pagtaghoy di na mangyayari'wala nang panahon. walang sinisisi ako kundi ikaw sa iyong nasapit na pagkaparawal ngayo'ibig ko mang hirap mo'lunasan anong gagawing ko'puso ka na lamang? dangan ang palad mo ang talagang kapos di laang magtamong tuwa sa pagirog nang pusong puso na'saka pa luluhog na wala nang sukat ikasayang loob. madla mong pagsamo ay kahi'ubusin malubha mong damdam ay di na gagaling pagka'hinamak mo ang buhay na angkin na ipinarool lamang sa paggiliw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,sisihin mo ngayon ang sariling isip at hindi na araw ito nang pagibig ang tatamuhin mong damay sa paghibik ang idalanging ka sa dios sa langit. tugon ng princesa'sa pusong mabatyag tumaghoytaghoy na'ang wika'ay palad ang dukhang suminta sa uring mataas damay sampung buhay ay di rin katumbas. yayamang wala nang sukat pang mangyari kundi ang tumangistangis sa sarili at kahi'anomang gawing pagsisisi di na maiuli buhay na naputi. ang tao nga palang mahirap ang buhay saka ang puso pa ay pahihirapan ay siyang matinding nagiging dahilan nang pagkalugami nang hiningang tangan. puso'tumigil na niyong paghalinghing yamang walang daang magtamo pang aliw nauli sa dating batong nagnininghing na gaya nang unang ligaya sa tingin. kaya nararapat na pakaingatan nang manga lalaki'maging babae man tungkol sa pagsinta'kinakailangan na kung lalapit ma'doon sa kabagay. yaong lumiligaw na manga mahirap sa manga may dangal maging sa may pilak kapintasan lamang yaong hinahanap ang matawanan nang makatatatap.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,ang karaniwan nang gayon kung umibig ay di nagninilay ang mahulong isip ang di manga himlay at sa sintang labis karaniwang tubo'nangagkakasakit. sa hidwang tanging manga kaisipan niyong sumisinta sa hindi kabagay nagugugol lamang yaong kapagalan at nalulugso pa kung minsan ang buhay. dapat pagaralang anomang gagawin kinakailangang pagbagaybagayin nang di ikahiya sa matang titingin at kahi'sino ma'nang walang wikain. pagka'karaniwan ng sa mundong lakad pag di gawa niya ay madla ang pintas kahi'lalong lihim ay inihahayag at nagmamapuri sa nakatatatap. wakas nang unang hati .,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"bayan cong pinacaiirog: ang unang pinasasalubungan ng maligayang pagbati at pagpipitagan, sampu ng lahat ng mga napipisan, lalong lalo na ang mga ginoong bumubuo ng pagpapaonlac sa carangalan ng dakilang rizal na casalucuyang ipinagdidiwang ng capuluang filipinas, cayo'hinahandugan ngayon ng di mabilang na pasasalamat, sanhi ng pagcatanim sa kaibuturan ng puso ng araw na itong di co rin nililimot. baga man culang pa sa tapat na cagulangan ang cutad na pag iisip sa tungculing ngayo'ipinamahala, datapuwa, pinagtamanan cahit anong hirap, macatupad lamang sa adhica ng mga capatid sa mabigat na pasaning aco'maging isa sa magpapaonlac, sa pamamag itan ng bigcas, gayon sa pamimintuho sa bayan cong kinamulatan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"cung ang pupulas sa labi sa oras na ito ay culang sa timyas, ang madlang nai ipon na ang macatataroc ng lalim ng aking pagcapahat, nguni magi ging isang pamucaw, isang pagcantig sa pintuan ng calooban, bagay sa caramihang nagwawacsi pa ng tunay na damdamin at sumasampalataya sa hiduang aral ng mga nagcucubling halimaw na nag aanyon mabait, bago'caaway ng cagalingan, na di pa nasiyahan sa tinalicdang pagtatamasa ng mga cahirapan, cundi bagcus namamalagtas sa lalong pag api at pagdustang nacalalagim sa isang hindi nangimi sa camatayan macapagbucas sa tulog na loob ng canyang cababayan, at naging mananacop ng filipinas sa paghahayin ng buhay ng icatutubos sa tanan, nguni, anong hapding salangin! anong pait namnamin! cung madilidiling yuco sa dating caugalian ang pinaghabinlang ilan ng canyang mga talinghaga. ibig ninyong makilala?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"wala acong carapatang tumurol at sucat na lamang ipatalastas ang nacapanghihilacbot na usapan ng mga lahing lacandula rin, upang mangakilalang sila'dapat pacasumpain, na anila': si rizal ang tunay na may casalanan at nagcalat ng caguluhan at cahirapang tinatangkilic ngayon ng bayan mga pangungusap na di napag labanan ng puso cong iwi at naramdamang lumuha ng dugo, at naipucol naman tuloy ang wicang: bakit hindi mangatal at mapipi ang cumacatal ng walang catotohanan datapua'ng macapaghunos dili sa paglalatang ng galit sa sumandaling iyon ay dagling binawi at pinapaghari ang capatawarang naisigao ang mahalagang bigcas ng poong si jesus, ng napapaco sa cruz ng casalanan: dios co sila'patawarin mo sapagcat hindi nalalaman ang canilang guinagawa (palacpacan).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"talastas ng lahat ang bayan sinilangan ng ating ipinag gagalac ngayon, iyang dacong sinisicatan ng maliwanag na araw, na pinamumutictican ng mga bagong silang na pagmamalasakit, diyan sa calamba, niyong ika labing siyam ng junio ng taong isang libo, walong daa'anim na pu'isa, sa macatuid, ganap na apat na pu'limang taon limang buan at labing isang araw ngayon, at buhat naman ng gupuin ang canyang iniingatang buhay ng mga lihim na caaway, ay sampung taon ngayon walang culang. bakibaki in mga napipisang caguinoohan cung anong tabac ng mapanglupig ang lumagpac sa ulo ng mga bayaning nagsipagnasang humawi ng mga calihimang mapagparusa, panaho'tumatacas at tumatacbong matulin ng wala pang ninicat na pag asa, iyang pag asang pag aagawanan pa cung totoong mapa atin na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"siya'hindi nalulupaypay cahiman nauumang sa bagsic ng paratang, nagpatuloy sa layong pawang icagagaling natin, nguni hindi kinilalang utang na loob ng mga sumasamba sa capangyarihan ng mga mapagbalat cayong wari ay catulong bago'tunay na calaban. bahagya pang tumutuntong sa guhit ng pagbibinata, ay nagpakilala na si rizal ng nacahahangang catalasan ng pagiisip, caya'minarapat ng magagandang pusong canyang magulang na papag aralin dito sa maynila, at hindi naman nalaon at nagpamalas ng catalinuhan, at sa catotohana'lalabing tatlong taon pa lamang ang gulang ay sumulat at cumatha ng melodramang tula, na pinamagatan ng: junto al pasig at saca isinunod ang la juventud filipina, el consejo de los dioses at iba pang nacalulugod. tayo naman, lalo na cayong mga cabinataang dumog sa pag aaral, cunang halimbaua ang canyang mga pagsisicap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"si rizal, hindi dito lamang sa filipinas tinuclas ang caaya ayang carunungan, cundi naglacbay sa espana, niyong taong isang libo, walong daa'walong pu'dalaua, sa pang ulong bayan nito, sa paris, sa bruselas sa berlin, sa londres, sa gante at sa mga pangulong ciudad ng rhin at doon natutuhan ang ucol sa pangagamot, filologia, etnologia, filosofia at letras.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"iniwagayway ang nacamtan sa pagtitiyaga sa capuluang ito, nguni agad hinarang ng mga malicmatang mapagpahirap, sapagca'hindi maglalaon cung pababayaang magpapatuloy, at lilitaw ang itinatago tago at kinikipkip na calayaan ng filipinas, gayon man, hindi tumudla ng macamandag, at sucat ng tinugon ang pangungusap nila ng papaganito: na ang lahat ng mga lahi ng tao ay nagcacaiba iba lamang sa canilang mga anyo, nguni alinsunod sa psicologia, ang maputi, ang abo abo, ang madilaw, ang cayumangui at ang maitim ay magcacaisa ng caramdaman, nagcacawangis ang mga umu udyoc na budhi at hilig na magpapatiboc ng puso, ang pinagcacaibhan lamang ay ang paraan ng pagsasaysay pag gawa. na walang napagkikilala ang mga antropologo cundi ang mga lahi; na ang napagmamalas lamang ng mga mapagmasid ng mga pamumuhay ng bawa'nacion, ay ang pagcacaiba'iba ng calagayan, ng mayama'mahirap, ng mahal at timawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"na sa mga nayong lalong mga paham ng francia at alemania, ang lalong marami sa mga nananahan doo'casing pantay rin ng calagayan ng pag iisip ng mga tagalog, at ang culay ng balat, pananamit at wicang guinagamit ang bilang caibhan lamang. na ang pag iisip ay tulad sa mga cayamanan at cung may mga naciong mayaman at mahirap, ay may mga tao ring mahirap at mayaman: cung may nagbabalac na taong siya'ipinanganac na pagdaca'mayaman, ang gayong tao'namamali, sapagca'siya'sumilang ng hubad na cawangis ng alipin at iba'iba pang lubhang mahahalaga, (noli me tangere dahong icapito). pinag inutan din niyang sinulat ang noli me tangere na naghahayag ng sari saring halimbawa, na isinawicang frances ng taong isang libo, walong daa'walong pu'siyam ng mangangalacal na capisanan ni stock, gayon din ang isinulat ni dr. morga na canyang dinagdagan ng mga paliwanag ng siya'macapangaling sa japon at norte america na nanahan sa londres.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"sa madrid ay nagbukas ng isang pahayagan ng taong isang libo walong daa'siyam na pu at pinamagatang solidaridad pahayagang tuwing ica labing limang araw, at ang mga catulong sa pagsulat ay sina guinoong marcelo. del pilar, graciano lopez jaena, dominador gomez at iba pa. dito'mahihinuha na ang canyang catalinuhang calakip ang pagsasangalang sa bayan, sapagcat tumanghal ang canyang pangalan sa pamamag itan ng pakikibaca sa mga calapastanganang cumacalat sa mga paglulubog sa matwid hangang binawiang buhay ng hindi sa sakit cundi sa bilis ng punlong pamatay oh catiwalian ng panahon! bahagya pang umuusbong ang larawan iguinuguhit sa dulo ng mga sandata ay isinabog na ang apoy ng capahamacan ng isang namamahalang nacuha sa kintab ng cayamanan, dinaig ng capangyarihan at nagwasac ng mahusay na pananangkilic. natupad caya ang nais na hadlangan ang bawa'tungo ni rizal?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"hindi nga at lalong nagsigla, bagcus nag alab ang sidhi ng namumuksa, sumulac ang dugo at mandi'iniukit sa pitac ng dibdib, caya'hindi tinugutan hangang sa maibagsac ang pamamahalang walang matuid na pinananangnan ang sulsol at hicayat ng ilang malabis nating kinapopootan. sa guitna ng di maulatang pagpipighati at pakikipanayam cay simoun, ay nagsalita nitong sumusunod. isang dios ang nagpaparusa sa caculangan ng pananampalataya sa pagcagumon sa masamang hilig, sa casalatan natin ng dalisay na pagsinta sa kinamulatang lupa at sa madalas nating pagpapaunlac sa mga cababayang nabubuhay sa pagpapahirap sa mga duc ha, carapat dapat nga, lubha ngang carapat dapat na ating tiisin ang bunga ng ating mga cagagawan at tiisin naman ng ating mga anac, iyan nga ang dios ng kalayaan, guinoong simoun na siyang sa ati'pumipilit na ating iruguin ang calayaang iyan, upang hwag na lubhang magbigay cabigatan sa atin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"hindi ko sinasabing ating paghanapin sa patalim ng sandata ang ating iguiguinhawa, sapagca'hindi cailangan ang espada sa icagagaling ng bayan, datapwa'tutuclasin natin ang cagalingang iyan sa pamamag itan ng carapatan, sa pagbibigay unlac sa catwiran at sa sariling camahalan ng isang tao, sa pag sintang dalisay sa tapat na asal, sa ano mang bagay na mabuti at sa ano mang cadakilaan hangang sa ihayin ang buhay sa camatayan, at pagca dumating na ang bayan sa gayong mataas na calagayan, ang dios ang sa canya'nagbibigay ng sandata at nabubulid ang mga nagpapasamba, nabubual ang mga tampalasan, catulad ng pagcalansag ng mga bahay bahayang baraja.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"tayo rin ang may gawa ng ating mga pagdaralita, hwag nating bigyan sala ang sino man cundi linilingap at pinababayaang tayo'apihin ng calupitan, sapagca'cung makita sana niyang tayo'nahahandang makitungali at magtiis ng cahirapan dahil sa pagsasangalang ng ating catuiran, maniuala cayong ang di dumidingig na iyan ang siyang una unang magcacaloob ng calayaan, datapwa'samantalang hindi tinataglay ng bayang filipinas ang casucatang lacas ng loob upang isigaw na nacatunghay ang noo at hubad ang dibdib sa canyang carapatang magtamo ng catuirang makisalamuha sa lahat at papagtibayin ang catuirang iyan ng canyang sariling dugo; hangang ating nakikitang ang mga cababayan nati'sa sariling calooba'nagdaramdam ng hiya at diniringig ang atungal ng tinig ng masamang budhi na nagngingitngit at tumutol na sa hayag ay ayaw umimic at nakikisang ayon sa nagpapahirap upang cutyain ang pinasakitan at pinarurusahan, samantalang nananatili ang ating mga carugo sa tacsil na asal na walang ini ibig cundi ang sariling cagalingan; bakit sila'bibigyang calayaan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"na sa sa camay man at wala ng iba, sila'magcacagayon din at marahil ay lalong sasama pa sa dati. anong cabuluhan ng independencia cung ang mga busabos ngayon ay siyang kinabucasa'magmamalupit? at walang salang sila'mananampalasan nga, sapagca'umiibig sa catampalasanan ang sa catampalasana'sumusunod guinoong simoun, samantalang hindi nahahanda ang ating bayan, hangang tumutungo sa pakikihamoc ang ating mga cababayan dahil lamang sa sila'dinaya ipinagsumulong, na walang maliwanag na pagcakilala ng canilang dapat na gawin, ay malulugso ang lalong pantas at mabuting balac, at mabuti pa nga namang mawacsi, sapagca'. ano'ibibigay ang panali pangapos sa nangingibig sa canya, cundi din lamang tunay na sinisinta? (noli me tangere, mga dahong at.)",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"ating panimbulanan ang canyang mga sinabi, patuluyang sampalatayanan na siyang macapaghahatid sa ating icaguiguinhawa, at sumandaling pacaisipn ang mga macabubuhay na pananalita na dapat itanim cailan man ng mahinang puso at tutupin ang dibdib at itanong sa sarili: taglay na baga natin ang kinacailangang tapang ng loob, upang biglang pacaualan ang pinagtitipunan ng bucal at minimithi? kupas na caya na di muling sisilang ang calimitang mangyari na hindi na nacatutulong sa pagtatangol ng carangalan ay nacabibigat pa sa pagdamay sa mga mapagparusa ng paglibac at pag oyam sa ibinabangong catuiran? nalipol na caya dito sa atin ang lahi ni iscariote at ni galalon na nagpahamac sa cabalat sa pamag itan ng carimarimarim na paglililo? puso caya'tumitiboc ng naaayos at di napapatlangan sumandasandali ng mga ibang damdamin? ang caual caya ni cain na pumatay ng laman ng caniyang laman at dugo ng caniyang dugo sa udyoc ng mapanganib na pananaghili, ay wala na caya rito?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"may pagyayacap na cayang maaasahan, yayamang dapat sa isang hirap ginhawa tayo mamahay? hindi na caya naghahari sa calooban ng marami sa atin ang malupit na asal na mapagaling lamang ang canyang sariling catawan ay hindi na inaalintana ang cahabaghabag na kinasasapitan ng lupang kinakitaan ng unang liwanag? naubos na caya sa sangcapuluang ito ang mga nagsisi irog sa caalipnan, caya sa caalipna'nagsisisuco? may dugo pa cayang may dungis na catacsilan sa ating mga calahi? ang canilang loob ay hindi matuturingan hangan sa di naipamamalas sa gawa, pagcat cung aking pakimatyagan baga man sa harapang ito ay nagcacatusac ang nakikipagdiwang sa mabunying rizal, may mangilan ngilan ding binabayo ang dibdib sa matinding pag cagalit na hindi lamang maibulalas pagcat daig sila sa bilang oh cay saclap na matalos! sayang ang bayang humahanap ng icalalaya cung sa bawa'pulutong ay may nasisingit na palamara. (palacpacan).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"hindi dapat pagtachan, sapagca'ang dakilang jesus ay dios ng humirang ng labing dalawa lamang na caniyang cacasamahin ay may nalahog na isang judas, gasino pa cayang hindi magcaroon ng libo libo at lacsa lacsang namamayan? tacpan ang paningin sa paglacad ay malaking camalian; gapusin ang camay, lalong cahiduaan at cung susian ang bibig sa paglalathala sa harap ng may capangyarihan ng ating lubos na cabihasnan at carapatan, ay isang bagay na hindi totoong catampatang pabayaan, sapagca'ang dilang nacacabit sa ngalangala ay tanda ng pagcapahamac, pagca alipusta sa pagcalubog ng bayan, at cung walat na ang bayan ay lansag lansag na rin ang namamayan (masigabong palacpacan). hwag nawang magcaganito, nguni ang sagabal ng mga mapagpiguil ang siyang nacapagpapasindac at nacapagpapaudlot sa bawa'maguing bucal ng loob oh!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"sayang na buhay cung magcacaganitong mangingilabot sa bantang sinungaling, at cung tunay na namamayang may wagas na pag ibig sa bayang pinagcautangan ng unang liwanag, ay macapag wiwicang minsan acong nabuhay ay minsan naman acong mamatay sa harap ng bayan. (palacpacan.) ngayo'araw na calumbay lumbay, araw na ipinagsaya ng mga humatol na ulupong at ang araw ding ito nang taong isang libo, walong daa'siyam na pu'anim at sa bagong pamimitac, sa casilanganan ng astrong tumatanglaw sa boong sangsinacpan, ang bagumbayang itong ating kinaiipunan ay siyang naging sacsing tayo ay lalong inilucloc sa carangalan, pagcat pinatay ang isang rizal, hindi magtatagal at may sisipot pang dalawa, tatlo daan mang caloobang rizal. (palacpacan at bravo.)",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"natulad nga ang umagang iyon sa culungan ng mababangis na hayop na may mabibisang camandag ang look na itong ngayo'tanda rin ng ating pagaalaala sa canya, siya'naliliguid ng mga artillerong buhat sa cuta ng santiago na inihatid dito, upang tuparin ang mga maling cahilingan at cahatulan, at pinanood ng mga nag gagandahang babaye na ang suot ay catulad ang mga pananamit ng mga salaula ng unang panahon sa roma sa isang pagpipista sa coliseo. (palacpacan). oh lalong calupitan! sa biglang putoc ng mga baril na pamatay ay sinabayan pa ng hiyawang viva at bravo ng mga caharap doon, ng lumagpac na ang catawan ng bayani, at siya na yatang pinacadasal binyagang ipinailanglang sa langit. nasunod ang pita, nguni lalong ginhawa ng matapos, sapagcat unti unti ng sumilang ang maliwanag na tala ng caginhawahan, siyang pagcahawi ng pinid na itinabing sa ating mga mata at pagcawaldas ng tanicalang iginapos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"ang panglao ng umaga ng taong iyon ay naging liwanag na mistula sa ngayon, at cung ang canyang mga gawang magaling ay na sa sa puso nating lahat, asahang ang pagtatagumpay, hindi maglalaon at atin, atin, atin, atin. (palacpacan). si rizal ang nag ulat ng mga catotohanan, si rizal ang humarap sa lalong pinacapang ulo ng capuluan, si rizal ang di nangiming maghayag ng canyang damdamin, si rizal ang nagpakilala ng matuwid na niyuyurakan at siya rin, si rizal, si rizal ang ngayo'nacacaharap, iyang kinainguitan ng mga manlulupig. hwag magugulantang mga capatid na nakikinig, dagdagan ang ating pagsisigla sa taon taon yayamang ang norte america ma'nalulugod din cung pinupuri ang bayaning nagligtas sa bayan, sapagca'sila ma'nagcaroon ng isang washington na ipinagdidiwang: ang culang lamang sa atin ay ang magcaroon naman ng isang araw na caparis ng canilang icaapat ng julio. oh cailan ca pa darating! (palacpacan).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Pilar J. Lazaro Hipolito,"nakilala na ninyo ang mga catamisan ng isang biyaya, caya huag magpabaya, papag ibayuhin ang galac, huag ibaon sa limot ang caniyang mga habilin, siya'huag hiualayan ng papuri, yayamang ang dakilang rizal na anac ng filipinas ang naguagayuay sa himpapawid ng ating caligayahan. dalanginan siya, pacamahalin, sambahin ang mga aral, masdan ang muchang iyan ni rizal, iyang larawang washington natin na tumuclas ng sarisaring hiwaga na nacacubli sa mata ng madla, na ngayo'hindi caila at kilala ng calahatan. sulong tayo, pagpisanpisan ang hiyaw na: mabuhay ang filipinas! mabuhay ang norte america! mabuhay ang habilin ni rizal!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"mamang cuan!. magsihimpil cayo!. ang katipunan ay naguupuan sa lilim ng isang cahoy, at ng tauagan ang mga mangluluas ay nagtindigan cami'balitaan!. mayroong sundalo cayong nadaanan nacasabay caya caya'nasundan?. uurong at bubunutin ang sundang. gulat uala po!. magara uala baga sa boong paglacad cayong naquiquita. gulat na gulat . !maguing sa barranca at mga pilipil na daanan nila!. gulat na gulat . paiquit cun gayo'caingat yaong mga lilo, tacsil, buhong, sucab dito sa pisao co at mahabang tabac. icao ay inano at na paina!. magsilacad cayo at huag mangamba at hindi aanhin naming magcasama at ang madaana'pauang mag aadya. cun gayo'salamat!. cami po'paalam!. dios ang mag ingat sa boong lansangan. lalayo ng caunti . sabihing maghintay at tayo'humingi ng canin at ulam. mga aling cuan!. mangag hintay cayo!. lalapit ibaba. sunong na bilao at cami'iuanan ng itso'tabaco na sucat macain sa tahanang cubo. ibababa cayo po'cumuha .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,huag baga naman at cahabag habag sa cay tomasa ito'quilala co na maraming anac sa cay ideng si comare naman ay may amang bulag. cucuha sa bilao maraming salamat!. salamat sa inyo!. cami'lalacad na. mangag tuling cayo. muling lalacad ang mga manglalaco. josefo at lusino. hindi nauucol cangino mang tauo balamin ang duk hang may laco sa ulo. ano ang gagauin!. tayo nama'uala ualang maibili at ualang masila uala naman tayong sucat na magaua sa mga mayamang lubhang masagana. caya ang marapat ating pagtiimin bagang at panigbi na nagcacadiin ang gauang masama na masamang gauin ay ipaquibilang sa gauang magaling. yamang na rito na sa galas at gulod na guinagalaan mailap na hayop ang ating catauang sa palad ay capus at hindi na mulat sa gubat at bundoc. at cun tayo naman ay magpapabaya sa lagay na yari na caaba aba ating tatamuhin sa guinala gala lasapin ang dalo'malamig na luha.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"at sa abang anyo di co acalain matuyo ang damo na lagui sa lilim uala namang inot, usala namang cusim at ualang masabing nag gauad hilahil. liban sa nangyaring aco ay natacot sa unos ng bagyong nacaquiquilabot caya sumaisip na bago macurot pailanlang muna sa patoc ng bundoc. at cung naacalang tutubo sa cutad ang binhi ni ama sa punlang sincamas daco aabutin ang pagcabagabag at di sasapitin ang ganitong hirap. ngayon co dinamdam ang saquit ng bato cun tumitimo na sa talampacan co ngayon na danasan pagtulog sa cubo at ngayon lumacas ang aquing pagtacbo. aco caya naman dito ay sumapit dahil sa hicayat ng isang caibig ang mga tinuran ay napacatamis at macahihibo sa pusong tahimic. aco na nga sana'di maniniuala sa mga tinuran at isinalita. baquin ca na tangay ng dagta ng lanca? dahil sa mabango ang bunga sa lupa, na dili umano pilit magbubuig dito sa maynila puno ng lansones cahiman bumaba hangang himpapauid hindi tutulutan ng nunungong langit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"na ang ibubunga maluoy sa uica malunot sa sabi'mahulog sa lupa caya mag tatamo ng mga biyaya ang baua'maglinang sa mga tumana. at saca nga ngayon uala cahit isa ang mayroon pusil at may escopeta ualang cigarrillo, uala namang cuarta at ang cabuhaya'lanta pa sa lanta. caya ang marapat oh piling catoto. tayo ay sumagui sa may ermitano cun dili naman at loloobin mo tayo ay pumaroon sa byac na bato. muling magdadaan ang mga mangluluas ng gulay. lusino, josefo, kalingtong, tomasa, ideng at ilang maggugulay gaya rin nang una. ang napadaluhong sa pagca lalaqui cung mayroon muk hang ipagcacapuri sa dios, sa patria at tauong marami. caya ang marapat mga mamang cuan ang itapong tingin cami'balitaan ng inyong naguita sa buong lansangan mula sa cay cubau at ibang daanan. uala pong balitang sucat na masabi liban na sa tugue na na ipagbili ng higuit at labis sa halagang dati sa daan, sa bayan at hangang palenque. hindi yaon ang ibig na turan ng aquing catotong cadugtong nang buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"at ano pong bagay? cami'balitaan, tuncol sa sundalong inyong na daanan. mayroon po . may sundalo nga po baga? at na sa baranca nangag uupuan ang magcacasama at na sa cay cubau. ang canyo'bandera. cun gayon catoto ay atin munang lisan ang puno ng lanca'masayang batisan ng upang tamuhin ang pagtatagumpay sa bala ng mauser at iba pang bagay. cun siyang magaling. abata catoto!. at narito na daw civil at sundalo may canyon, bandera pimpiang at bombillo. ano ang pasiya? magcubli na tayo sa gulod at galas mga cagubatan . ng upang madaquip ating macupohan duag na cazador at civil na hunghang. saca ang pinunong matapang sa patay. tanaui'di pa gumiguiti pungapong sa gubat at viga sa lati ang mga sundalo'nagcaguiriguiri ng pagtatacbuhan sa lunga'pag oui. sinong mag acalang ang tayog ng labong tumungo sa lupa ng uala pang dahon!. baquin caya baga biglang nalingatong lahat ng casador ng ualang dagundong?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"marahil ang supot na pinag lalagyan ng bala'polvorang ipinamamayan ay puno ng abo'ualang ilalaban sa ating sundalo at bayaning cawal. di cung macaharap at tayo'maquita marahil ang tacbo ay laong lalo na at ang masaguiang tauo, cahoy, vaca mamatay sa ihet at sa pagtataua!. hindi co masabi na sa pagcaduag sa macacalaban na uala pang armas sa catacutan na baca mautas ang hiningang tangan nacacauag cuag!. sa pagcat ang guilas na ating quilala sa mga castila na magcacasama higuit sa bayani at lubhang bihasa sa paquiquidigma at paquiquibaca. at saca nga ngayon ganito ang tacot sa mga calaban na na sa tugatog. caya ang marapat ihingi cay santos ng bala at polvora ang buroc ng itlog. baquin caya baga ninasang mag tago sa bangin at gubat ng higuit sa pugo. josefo, lusino at kalintong . dahil sa balita na biglang lumago sa pitak ng dibdib at na abang puso. ang magaling nito tayo ay gumaua muog na mataas, matibay na cuta sa tabi ng daan at piling ng langca ng may pangublihan ating mga digma.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"ng hindi manganib sa tunog ng canyon angil ng mauser, siclab ng remington sadyang pagtibayin at sa mga burol ay may daang lihim na di manunuynoy. maiguing acala. caya ang magaling barreta at pala ngayon din ay cunin sa real bateria at, ang unang hucayin ang baybaying yaon. dito ipapaling pagcat may lusutang bangin at batisan sa luasan at hulo, sa caliua,, canan at may mga cahoy na lubhang malabay na macalililim at may tatanauan. caya ang mainam ay mayroong isa sa cahoy na ito na may larga vista ng upang mamalas at caniyang maquita lahat ng darating na macacabaca. ang tatanod dito ay cung bababa man ay pahahalili sa isang matapang na di natatacot sa mga asuang diwata at tictic, nuno,, mangcuculam. cun gayon catoto iyong ipag utos sa mga bataang ganap na sumunod. sila rin, si tibo at ang cawal. nangasaan cayo? cami po'lincod sa lahat ng bagay na maipag utos .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"ang tactac at punque, pala at barreta ay inyong caunin na magcacasama tuloy na ilaquip ang palihoc at caua ng may paglutuan itong ating tropa. sa lilim nang atas cami,, uma ayos aalis . cahimanauari, sa inyong pag sunod sa utos ng puno cayo,, mga tampoc at ang mga butse'humiguet sa manoc. lusino, kalingtong, tibo at ang cawal. nangagsidating po ang pinag utusan. ang burol na yaon ang siyang tayuan ng muog at cutang macasasangalang sa hocbo at digma ng lahat ng caual. sumulong na cayo,humucay ng balon, gumaua ng lapat, tumaga ng cahoy, magsala ng patpat, ang bato'ubunton ng hindi masira sa bala ng caniyon. lalabnutin ang buhoc ualang magagaua!. huag sasayangin ang ating adhica!. huag acsayahin pagod sa acala ng macapagtayo ng muog at cuta!. cun ang itutulo ng pauis sa hucay ng sanca sa cuta ay maipagpantay ng bundoc at burol na matataniman ng cafe, abaca at ibang halaman?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"di caya mag ani ng maraming pilac mahitic na puri'masaganang hiyas at sa haharapi'ating mamamalas ang buig ng tua sa sanga ng galac? cun dili caya'ating ipagtanim sa buquid, tumana at mga caingin ng palay at tubo, ube, gabe,saguing sa taong susunod daming aanihin. at sa haharapin, isang piquit mata ay may titibaing puno ng abaca may bunga ang cafe'ang puno ng manga ay hitic na hitic ang lahat ng sanga. subali sa cuta mataas na muog pagod, camatayan siyang mapupulot at ang pita'dadalhin ng culog sa galas at parang, gulod at tugatog. labnot din ang buhok ito ang magaling higuit sa halaman ating aanihin walang panginoong aalinsunurin at ualang castilang sucat umalipin. josefo, lusino, kalintong, saca si tibo at ang cawal . maa gaano caya ang taas at capal ng cutang na tayo sa may calunuran. aco ay tatauag sa nangag huhucay ng upang mataho,, ating maalaman hihipan ang silbato lilitao si tibo . may ipag uutos!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,naglagay ng pinit na sucat lusutan ang hangin at inet cun baga sumagui ang mga balauis sa maog at cuta at mga belenes? mayroon gaano ang capal at taas ng cuta sa may calunuran? higui'tatlong vara'ang mga cauayan ay may isang metro ang baon sa hucay. cun gayo'hauanan ang dacong itaas at saca patayin ang maquitang landas. ng upang madali caunin ang lahat na na aamulan sa punong bayabas. haluan ng tacbo. cayo'aquing lisan!. lumacad na cayo!. capag na ibangon ang lahat ng ito may catatagan na ang mga sundalo. at di magagahis cahit pag ubusan ng maraming tucso na ating calaban at di mapapasoc saan man magdaan ang mga castilang tunay na caauay. liban cung magahol sa tinga'polvora at sa. cani'ulam cung nag babaca na subali sa tapang na aquing naquita itac ay catimbang ng mauser nila. at cun dili baga pauang magagaling ang mga sundalo at bataan natin ang guloc at pisao na tanging patalim di maisusuro sa bala ng mauser.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"sa pagca'maicli'macaaabot sa caya ng mixtong malacas sa culog matulin sa quidlat at cung macatuhog ang pambugang mansa'caquilaquilabot. subali ang mixtong aquing isinaysay at ang licsi, lacas, dahas, catapangan capag sinarili at pinanghauacan pilit magagahis ng macacaauay. caya ang marapat sa pagcat uala na tayong gagamiti'gagauing sandata liban sa itiric ang dalauang mata sa nunungong langit at daquilang gloria. at sa dios ama at divino verbo sa virgen santisima at lahat ng santo ating idalangin ang lahat ng ito cahimanauari tayo ay manalo. ang mauiuica co at maisasaysay sa iyo catoto'piling caibigan hangang masagunson bala ng calaban mga bata natin padapain lamang. saca cung lumalo putoc na sagunson isibasib nila tabac na pang lulong hangang sa tumacho yaong mga buhong huag ititiguil ang tagang palacol. gayon nga ang gaua!. caya cung uariin ng aquing pasiya, puso at panimdim mga buhay nilang catulad ng atin iniaalay na sa mga patalim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"at sa camatayan na lilibot libot sa bundoc, sa bayan at mga alaboc na di tumitiquil sa mga pagdampot sa buhay ng tauo na guising at tulog. ang sa aquin naman na pagcacamasid sa mga caauay: cun ano ang bilis ng bala ng mauser, gayon din ang inet ng gato'pag ilas sa lauac ng buquid! tunay caya baga lahat ng sinaysay ng mga catoto'aquing caibigan marahil ay hindi!. pauang cabambanan at ang ibang turing ay capalaluan!. sila rin, saca si tibo at ang cawal. inyo pong dalauin ang cuta at muog na lubhang mainam ang pagcacaayos. tanauin mo po at macalulugod ang taas at capal, catulad ng gulod. cung gayon ay bigyan ng hitso'tabaco ang lahat ng cawal na doo'dumalo dalhan pa ng alac na na sa sa frasco jerez, manzanilla at anis del mono. ipagcacaloob sa cawal ang lahat ng ito . ang ating pangulo at bunying general!. hayo sumulong na! ang pagsusunuran ang inyong gagauin magpacailan man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"yamang na bangon na ang muog at cuta ng magcacapatid na aba at duc ha sa awa ng dios at poong daquila na dunong tumingi'paham cumalinga. tayo namang lahat magtica'manalig sa lahat ng santos at mga angeles ng upang abutin ang pita at nais sa dacong ibayo ng mga panganib. ang lalong mabuti tayo ay maghalal isang pintacasing madadalanginan sa lahat ng oras at sa paglalaban ay iadya naua sa mga caauay. cung gayon ang dapat ang ibunyi natin angel ng principeng san miguel arcangel ang siyang ihayag sa puso'panimdin at siyang daingan saan man pumaling. sa pagcat ang tapang ng principeng bunyi sa langit at lupa ay di nagsagabi at sa paglilincod sa hari ng hari palalong si luzbel ay inalugami. sa hirap, sa hapis at sa caabaan at pinagpagdusa caloloua,, catauan sa alab ng apuy at sa casanaan punong sinusunod noong mga hunghang. maigueng pasiya. at sa anting anting na aquing iningat. na aayon mandin!. ang magandang atas dapat nating sundin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"cun ang pasiya co ang paaayunan si chito ang ating suutan'gayacan sa pagcat ang sabi at uica sa tanan siya'may daluping pinanghahauacan. na cun ga totoo ating masusuboc sa paquiquibaca at paquiquihamoc sa loob at labas ng alin mang muog. sa bundoc, sa bayan, sa lupa'sa dagat cun sa aquing galing sila'magugulat sa hacbang, sa uacsi, sa acma'pagdilat ng dalauang mata.! yao na ang quidlat. na aquing dalupi at ang anting anting cun siyang umiral ay lalong magaling dahil sa itaas, boong pangonorio ay malalaro cong catulad ng hangin. marahil totoo,may catotohanan ang mga sinabi nitong caibigan. ng ating masuboc ngayon din suutan saca paliparing tulad ng asuang. ngayon din!. icao ay magsuot ng gayac arcangel, principe ng dios ng upang magligtas ang boong tugatog sa bala ng mauser at mga dayucdoc. sa aquin ay bagay ang gayac na ito. di nababagay sa iyong pagcatauo. baquin baga hindi ibig na catoto?.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"dahil sa caduagan at icao'tatacbo, sa siclab ng gato at haguing ng bala at sa maaamuy baho ng pulbora lalo kung sacsaquin ng macacabaca. di baga talos mo na di nagugulat sa tonog ng culog at ningning ng quidlat at di natatacot sa macacalamas na may itac, pusil at anomang tabac? sa calahatang tauo matindi ang cabag nitong si catoto!. at masamang hangin ang na sa sa ulo! ng iyong masuboc mga sinabi co damputin ang pusil. subuquing totoo!. subuquin cung iyong tatablan ng taga at sacsac at balang maangal. cung lumilipad na iyong mga bagang mangyayari caya muli pang mabuhay? huag ang catauan ang iyong subuquin cung mayroon tacot hinayang sa aquin ang iyong unayan ng tagang madiin itong baluti co na may anting anting. at cung hindi tablan ng taga at sacsac ay iyong barilin ng sa boong dahas ng upang matalos ang buti cong hauac at ng maniuala ang macamamalas. aquing susubuquin ang daluping ito na lubhang magaling ng nawa'mahaui ang dauag sa bangin na nacasusucal sa iyong panimdim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"tatabanan ang pusil at ang dalupi ay ilalagay na mabuti at saca gagauaran ng putoc. pagcahaui ng tunog ay tataua at sasayao si chito sa pagcat hindi tinablan. cahiman mag ubos ang galing at buti hindi magcacagahi ang pagcalalaqui di magugutlian ang taglay na puri di masusugatan ang pagcabayani. hindi co tatablan ang daluping itong ualang cabuluhan asahan catoto abo na ngang tunay itong baluti mong pinacacamaha. muling gagauin ang pagsuboc, pasayao at pagtaua ni chito. ang iyang susuboc sa anting anting mong pina iimbulog. sa iyo'sucat na ang galing sa bucboc at mula sa lamgam, maliit na lamok. itatago yaon, hahalinhan ng ibang balut at sa pagpipilit ni lusino na yan din ang caniyang masuboc ay aabutin ng pagbababa nang telon. mga katipunan: ang ilan ay naglilinis ng pusil, ang ilan naman ay nagsasayauan at nag aauitan at ang ilang babaye ay naliligo sa batis. hablado si chito ay gayac lacayo, caya nga ang cuaco at calicot ay capua biyas ng cauayang malaquit at papasoc ng papatacbo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"magsiquilos cayo at nangarito na culog sa cartago at lintic sa grecia. magugulo ang sayauan. sa real bateria. ang putucan ay mariringig mula sa loob. tauaguin sa batis ang mga babaye. caunin mo ang sinta co'casi na na sa batisan casama ng ale at dalauang bata na capua lalaqui. papasoc na nag cacandarapa magmadali cayo at nangarito na ang mga sundalo, casador at guardia ang na sa cataua'mauser at pistola mayroong musico, tambor at corneta. huag cayong matacot huag pahinain ang sariling loob sa nayon, sa bayan, sa parang at bundoc ay may camatayan na lilibot libot. cay damasa . (sa mga bata) mag madali, mga anac co tayo'aabutin ng mga sundalo . ang aquing blanquete! ang aquing postizo. ang aquing calicot!. ang aquing cuaco . sa mga babaye anong na isipa', cayo ay sumunod sa hihip ng hangin na mula sa timog? panibugho at sa pagseselos at ang calandian ay dalhin sa bundoc. sa panibugho nga sa sintang asaua putucan sa loob ng digmaan, si doray ay magtatabon ng layac. nasaan ca baga?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"icaw ay umilag sa ulan ng bala!. cami ay itago sa cugon, talahib at layac na tuyo. dito magsihiga!. sa pagcat malago ang luya luyaha'naglauit ang dapo putucan. subsob na damasa! saan baga sinong? dito sa talahib!. iyo ng isubsob matigas mong ulo mahihiga at tatabunan ng layac . lusino, halica! halica lusino! aco ay narito sa puno ng manga itupi ang bibig huag mag alala. cahit humahangi'umulan ng bala iyong panibugho'hindi na nag baua. si chito ay magtatabon na nacalitaw ang puit. yamang naliligpit ang mga babaye tayo namang lahat sa gubat manguble pagcat ang calaban ay lubhang marami at di mag gapi ng pagcabayani. cun gayon ang uica abata! huag acong iuan! huag cang sumama! aquing ilalaban calicot cong dala! ito bagang talim ng aquing nalicot di maipapantay sa talas ng guloc? cung gayo'abata! hintay mga irog at ang aquing cuaco ay nag iinusoc sususuhan at saca hihititin . hintay cayo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"aco ay nganganga ng upang tumagal babataquin ang languay at saca magcacalicot at baca sacali tayo ay malaban sa mga castila na pauang sucaban. hintay cayo! madaling maluba ang ikmong patero at cung malalaban mahiguit sa ikmo ang aquing gagauin sa lahat ng lilo. ang mga cazadores, civil, voluntarios at infanteria ay masasalubong ni tecla at ni paco. capagca umaga na macaliuay uay cami ay umalis sa cuartel general na ang tica'nasa gubati'looban lahat ng himacsic sa bundoc at parang. unang dinaana'bangin, sapa, gubat, matulis na bato, matinic na dauag na sa baua'hakbang ay may nadudulas at may nadadapa sa lumot at lusac. dahil sa sinagui nayong balangutan na sacop ng turic, lupang capampangan hangang sa sinapit patoc ng magalang na lubhang mataas, malapad ang parang. at sa laquing pagod sa pagcacalakad sa buquid, sa parang, sa gulod, sa galas ng aming sapitin licod ng arayat di na macahakbang ang paa sa dulas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"caya sa pag hacbang at mga pag linga sa bangin, bulaos, sapa at tumana cung aco'maluhod at saca mahiga hindi co na ibig bumangon pang cusa. at sa gayong hirap uala cahit isa matanaw na tauo at ualang maquita isa man lang cubong mag gauad guinhaua sa malaquing pagal na aming dinala. subali mayroon caming nariringig na putoc at siclab sa mga talahib dapua hindi naman abutan ng masid at hindi matunton ang landas at batis. sa gayon ng gayon ibinalic cami sa dacong hilaga, nugnog ng camansi ng uala rin namang maquitang bubuli siya ngang pag oui cahit hating gabi. cun gayo'humimpil at magpahingalay ng upang mahaui ang matinding pagal. tayo ay humapon at may nalalaan na caunting caya sa tahanang bahay. damasa, doray, kalintong, nonato, chito. mabuti at hindi aco'na yuracan ng mga sundalo ng sila'magdaan at di man naquita ang paa at camay doon sa bulaos na quinasubsuban. cun hindi magaling ang aquing tagalpo marahil na sagui sa pagcacatago.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"ang aquing balani cun di naisubo tayo ay binangaw at ngayo'mabaho. cun ako'quinilos ay naquita sana ng mga sundalo ang dahas at sigla at tuloy na suboc ang aquing sandata talim ng calicot higuit sa muhara. saca bubunutin ang talim ng calicot. dito baga caya ay may pananalo bayoneta, sable at armas de fuego? sa banta co'hindi. lalo,, cun ang itso ay aquing bayuhin sa anyo cong ito. maninincayad saca magcacalicot. at cun di matacot silang calahatan sa aquing calicot na cahahangaan ito namang cuaco siyang sususuhan hangang sa umalis at mangagtacbuhan. papasoc ng papatacbo at acay ang mga bata dangan ito! babatucan si chito . dahil cay cundendeng at cay lusinong nagtago sa bangin na di mailayo at casiping siping tulad sa pistola at sa pasang pusil si chito ay mapapatanga sa pagcahiga co sa pinagtaguan aquing naquiquita lahat ng mag daan caya nga marami ang dami ng hilang ng mga sundalong pauang sandatahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"sa bagay na yaon aco'umaasa di na mabubuhay, di na magquiquita nguni si lusino ang na ala ala cung aquing maiua'pano caya baga!. taua caya di lumapit sa inyong mag ina na na sa panganib dahil cay cundendeng sininta ng labis at di mailayo sa caniyang titig. caya nga cagabi siya ang casama at doon nangubli sa puno ng manga at pagcacamulat ng canilang mata ang unang ininom ay gatas ng vaca. tunay nguni baga ang iyong sinaysay . at sa catunayan hindi naquihamoc ng nag puputucan, cami ni kalintong ay pinabayaan. caya ng maubos ang aming municion aming hinahanap laguing linilingon yaong si cundende ang cacandong candong pagcat umi inget at lulungoy lungoy. papasoc ng papatacbo inyo ngang tanauin mga casi'ibig at tila caauay itong nagbabalic. anong masasapit naming mag iina?. mataas na langit!. huag cang maingay! huag cang cumibo!. aquing tanauin!. tutuntong sa isang bato. magugulat cami'mag tatago sa gubat, sa bangin at sa dacong hulo ng bangin ngang itong maraeng lagulo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"at ang na sa una ang iyong lusino at ilang casama na pauang may pasang pusil at sandata at ang iba naman bitbit ay muhara. salamat cun gayon. papasoc si lusino at si beteng ay naca mambisa. sa cay lusino catoto'caibigan! mula sa malayo'aquing natanauan sinta mong asaua ay na hintacutan sa mga sacuna at ating pagdatal. cung matalos caya ang ating na sapit sa sumaguing unos ay hindi mahapis? marahil malunos at sucat maamis ang puso'panimdim na calong ng dibdib. cung gayo'ilihim!. huag isalita ang boong nangyari sa lilim ng lanca. si damasa'dudulog cay lusino at cay kalingtong . catoto at casi!. batis ng biyaya aco ay haguisan ng ilang balita!. ng tungcol sa digma na nacalingatong sa parang at bundoc at loob ng nayon na dili umano cayo'nanga gahol at nangahirapan. caya nag si urong. sa bulaos, sapa at ibang cublihan ng usang mailap na tubo sa parang caya may nagtago sa gubat gubatan at lubhang panganib nasapit ng buhay. cung yao'totoo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"nguni ng magalit ang lahat ng cawal ay muling nag balic at saca hinabol ang mga balauis hangang sa. juan sila'inihatid. at sa catunayan ay aquing nacuha relo ng capitan, at sable ni pena gayon ang patupat, mariquit na pipa saca ang bursigueng macapal ang suela. lahat mong sinabi'ualang cabuluhan sa aquing na cuha na sadyang mainam tigni at mambisa ang na sa catauan puno ng galletas ibang cabuhayan. ang lahat ng bulsa na paliguid liguid sa aquing catauan ay siguic na siguic tignan at may lata, tinapay, matamis at may medalla pang sa dibdib pang sabit. bucod pa ang pipa, itso'cigarillo tabacong insular at anis del mono bucod ang salapi at papel de banco bucod ang peseta'bucod ang mamiso. cung gayon catoto aco'balatuhan ng mabibili sa pabango,, suclay saca sa banquete postiso,, pamaypay. ayaw aco, ayaw! aco'iyong bigyan. ayaw aco, ayaw! bigyan co ng ano . bigyan mo ng cuarta . ayaw ca nga ba . aba at nagalit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"uulit ulitin ang toma at ayaw co na pagpasoc ang mga voluntario sa casino at si tomas ang mangunguna sa caramihan ng mga bahay na na sa itaas. hindi madidingig . sasagot mula sa malayo . saca lalapit . canginong tahanan camalig na yaon at malaquing bahay na na sa caliua at na sa sa canan? sa cay juan haring quilala ng tanan. isa'alilisan malaquing camalig dalawa ay bangan ng palay at guilic caya nga sagana ang mga himacaic at di magugutom cahit ang masapit. abutin ng buan, bumilang ng taon at gumala gala sa bangin at burol. cung gayo'sunuguin. sulsulan ng apuy ng ualang silunga'di macapag pulong. at ualang macain sa bundoc at parang ang mga himacsic lilong katipunan. cung gayon ang saysay sa isang posporo sunog na ngang tunay bubunutin ang posporo at saca lalacad . maghintay ca! at cami'sasama baca ca mapatay ay di na maquita ang iyong urilat at bacas ng paa. di po na gulubat ng sa gayong lamang. di ca natatacot sa mga caauay na pauang may guloc at sucsoc ng sundang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"capag sa castila ay mahihiualay. aco'matatacot sa magcacapatid noong katipunan na pauang balauis na uala ngang gaua sa parang at buquid cung hindi mag nacaw at mag umit umit. dangan at ang culay tunay na tagalog di maicaila at dito sumipot tatalicdan co na'itulad sa hayop tanang cababayan na pauang balacyot. caya nga po aco'nagcacamit hiya tauaguing tagalog, tubo sa maynila. cun gayon ay bravo! tatapiquin . tatapiquin uala cang camuc ha! cun gayo'abata at ating sunuguin bahay at camalig ng lilo at tacsil. yayao ang mga voluntario sa caliua at susunuguin ang mga bahay na na tatanao; siya namang pagpasoc ni juan hari, ni hermana goria, ni tininteng isiong at ilang capit bahay samantalang sinusunog. ang aquing tahana'inacyat pinanhic ng mga sucabang mahiguit sa ganid. quinuha sa caban cuartang naiipon ang guinto'sa pitac noong aparador ang papel de banco ay sa isang cahon at ang mga pilac sa lalagyang baul.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"at saca sinunog damit na pangbahay hinacot ang bigas na na sa bigasan ang banga'inabo, at sa alilisan hinacot ang pilon ng mga asucal. saca ang calabaw, buo'mga guya sa buquid at parang nag laboy, nag gala hinuli, inacay at ang boong nasa iowi sa bayan, dalhin sa maynila. sa aquin mang bahay ualang itinira ang mga alictiyang dusing ng corona. di magcacagayon cun ang nangunguna na tenienteng tomas. aagauin ang pagsasalita . siya ang nag wicang bahay co'sunuguin abuhin ang banga'calabaw'lipulin cadugtong pag wica ng lilo at tacsil lahat ng lalaqui huli'patayin. caya nga nag tago lalaqui sa bahay cumubli sa galas at gubat gubatan ng hindi abutin ng mga sucaban na sadyang humanap ng icabubuhay. sa bahay co naman guinanang pagpanhic aquing mga carmen na na sa sa liig dinurog, linuray, pinagpunit punit gayon ang estampang sa dinding nag sabit. saca ng macuha ang aquing postiso sa pinit ng silid, maliit na cuarto guinuso'guiniic saca ibinato sa dapugang calan na puno ng abo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"sa pag hahalucay sa pitak ng mesa blanquete co naman ang siyang nacuha at inahilamus sa mukha at tainga at di co malaman ang naguing figura. papasoc ng papatakbo at matatanaw na inilalacad na ang mga anwang. may apat na puo calabaw na acay si tiniente tomas ang na sa unahan. ituturo din at nag tatauanan dahil sa marami canilang na nacaw. at may naaancas na maraming saco ng palay at bigas, darac, ipa'abo at ang madaanang guya, bulabo'aso ay inaacay din at itinatacbo. ang unga ng mga calabaw ay mariringig . ang lahat ng bagay ating matitiis sa pagcat linoob ng nunungong langit subali capagca dios ang nagsulit na magbubunga na mabuig na lansones. tanda'mag aani sa nayon at bayan ang magcacapatid nitong katipunan saca magsisisi ang lahat ng hunghang gaya niyang lilong ating cababayan. at pacaasahang ualang pagbubula itong sasabihin sa bato itaga yamang di nasupil ng mga castila ang bugsong nagdaan na camunsing baha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,"di na maa auat ang baha ng dugo hangang sa umapaw sa luasan at hulo at ang kalayaan na nasa ng puso di na masusupil sa caniyang paglago. caya cun ang aquing banga'alilisan inabo'sinunog ng mga sucaban at ang pag aari sa loob ng bahay quinuha, guinaga at canilang sinamsam. hindi isasama niyaring aquing loob at di dadalawin camunsi man lungcot at cahit inacay ang lahat ng hayop at quinacain pa nga ang itlog ng manoc. nguni ang puso co'walang pagpalagyan galit sa nagnacaw na mga sucaban caya nga. ang subali lamang ang canilang sama ay baka tangisan. caya'magsisi araw cung dumating ng pagpaparusa sa lahat ng tacsil sa pagcat di taus sa puso'panimdim ang guinaua nila na nacalalaguim. laman ng catauan higuit sa quinurot at di mangyayaring malibing sa limot baca ang masapit matimbang sa hayop ang canilang buhay na iimbog imbog. sa aquin mga bulo dapat mag alala si rico'si tomas capua palamara pagca'ang panaho'di maquiquita cun saan hihimpil at saan hahanga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +G. B. Francisco,gayon din sa aquing guya at bisiro na hinila nila sa tahanang cubo. gayon din sa aquing blanquete'postiso na sinunog nila at guinauang abo. caya ang marapat huag ng habulin lahat ng ninacaw guinaga sa atin itac na mahaba ang siyang alamin ng upang idiglay canilang quinain. cung gayon ang uica abata casuyo! atin ng idamay dalisay na dugo sa mga himacsic na sadyang nag bubo ng yaman at buhay na pamimintuho. sa nasang maalis sa caalipinan at hangad tamuhin yaong kalayaan na atas ng dios sa tauong sinoman at cahit cangino na caniyang quinapal. uacas nang ikatlong kasulatan,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio," taong isang daan ualungpu at apat mula nang manaog ang poong mesias, sa reyno nang francia ay noon tumangap si clovis nang pagca haring napatanyag. nang panahong yao'ang reyno ng francia ay hindi cristiano at manga gentil pa, si clovis ang siyang nagbinyagang una'sa dios ay siyang unang cumilala. sa panahong yao'ang borgona nama'manga cristianong tumangap nang aral, nang manga apostol ni cristong hinirang na nagsilaganap sa sangsinucuban. noon ay ang hari namang sinusunod na namamahala ay si agabundos, at ang bunso niyang capatid na irog ay yaong infante na si hispericos. ang bunying infante ay nagca asaua nang isang duquesa na si aprodicia, dalauang babayeng naguing anac nila na ang bunso'ualang cauangis nang ganda. mabunying infante estatira bilang ngalan nang canilang anac na panganay, ang bunso'infanta clotildeng timtiman sa reynong borgona'tanging cagandahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"bucod sa caniyang cagandahang angkin ay nahiyasan pa nang bait at hinhin, at nang cabanalang pagca masintahin sa dios na poon at sa inang virgen. sa araw at gabi ay di sumasala nang pananalangin sa dios na ama, at sa inang virge'sa touing umaga'pilit guinaganap yaong pagsisimba. madalas ding siya ay nag cocompisal at tuloy ring siya ay nakikinabang, lubos na caniyang pinag iingatan ang pagca babaeng loob nang maycapal. at bagamang cahit magcapatid sila ang caugalia'di nag cacaisa, ang sa cay clotildeng guinagaua toui na ay ang cagalingan niyong caluloua. siya'di gumamit magpacaylan man niyong pananamit na lubhang maringal. tunay na caniyang kinasusuclaman yaong masasaguang manga cagayacan. caya nga at naguing casabihan siya sa ugali'kilos tangi pa sa ganda, anopa'marami ang naliligaya bakit nga sa duc ha ay malimusin pa. doon na borgona'isang araw naman nag fiestang ang tauag ay sa calahatan. caya nga ang hari at caguinoohan ay dumalo'sampong taong caramihan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"para para silang nakinig nang misa sampon nang infanteng hispericos baga doon sa simbaha'napipisan sila at nananalangin sa dios na ama. ginagamit nila ang boong pag galang at lubhang malabis na pagpipitagan, at sila ay doon nakikipanayam sa dios na haring macapangyarihan. isa ang infante na si hispericos na capatid niyong haring agabundos, sa tanang guinoo siya ay calahoc nang pananalangin sa may lic hang dios. nagcataon namang sa loob ng templo'si hispericos at isang concejero, sila'nag uusap na nakita dito nang hari, ay tantong galit ay sumubo. caya'nang matapos ang mahal na misa sa palaciong lahat nangagtuloy sila, tinanong nang hari noon din pagdaca dalauang nag usap niyong nagsisimba. saad sa canila nang haring marangal na sikip sa puso yaong cagalitan, bakit at di baga ninyo nalalaman na yaong simbaha'laang dalanginan. tayo'nangaglacbay doon at ang dahil sa dios na poon ay mananalangin, batid ninyong dios ang caharap natin bakit pag uusap ang inyong gagauin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ipinalalagay ninyong ang caharap doo'isang taong gaya nating hamac, at di pa hinintay na misa'nautas at cayo'doon na sa labas nag usap. inaari ninyong ualang cabuluhan ang dios na dapat sambahi'igalang, sa guinaua ninyong manga catacsilan marapat sa inyo'alisan ng buhay. mabilis na hatol pagdaca'guinanap doon sa dalauang sa templo'nag usap nang di pamarisan yaong gauang linsad at ipinatapon ang bangcay sa dagat. saca namang yaong hirang na asawa at ang isa niyang anac na infanta na bilang panganay na si estatira pinaalis silang dalauang mag ina. ayon sa canilang manga caasalan na hilig ang puso sa toua at layaw kung caya nga sila'pinagtabuya'di ayos cristiano ang canilang asal. nguni'si clotindeng bunsong iniirog na hipag nang hari na si agabundos, doon sa palacio'nanatiling lubos sapagca'may bait at galang sa dios. bakit sa pagsinta'lubhang mahiliguin sa, dios, at uili sa pananalangin, caya nga namahal sa haring amain yaong si clotindeng may bait na angkin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa panahong yao'ang inperiong francia ay hindi cristiano at manga gentil pa, at ang hari doon na kinikilala na namamahala ay si clovis baga. ualang ano ano'pasoc sa panimdim na yaong reyno nang borgona'bacahin, caya nga'caniyang inutusang tambing tanang embajador nang ganitong bilin. cayo ay maglacbay sa borgonang reyno at ipatalastas ang cahilingang co, sa haring lisanin ang pagca cristiano at sila'sumamba sa manga idolo. , cung dili caya siya'magbibigay ng buis sa baua'isang taong araw, na ayon sa aking maguing cahingian at siya'sacop co ang catotohanan. sa cahilingan co'cung susuay siya babaha nang dugo ang reynong borgona, at manga pupucsa silang para para sa aking dadalhing malaking armada. matapos ang bilin ay agad nag lacbay sa borgona yaong manga inutusan, nang dumating doo'sinabi ang pacay sa mahal na haring macapangyarihan. ang cay agabundos na uica'ang lahat na bilin sa inyo nang haring nag atas, ay sabihin ninyong di co matutupad ang ualang halagang manga pangungusap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"diyata'dios cong tunay ang lisanin at yaong idolo ang aking sambahin, sa cahilingan niya'ang aking patalim siyang mananagot sa balang ibiguin. sa sinabing yao'hindi nagsiimic yaong embajador nang haring si clovis, ala ala nila ay baca magalit haring agabundos cung muling magsulit. ay hindi mangyaring panoorin nila yaong cagandahan nang bunying infanta, pagca'sila'hindi nacakikita pa gayong cagandahang naca liligaya. na di iba'yaong infanta clotilde na ang ganda'hinhin ay cauili uili, ualang capintasang sucat pang masabi ang hirang na dilag sa pagca babae. caya nga'sa pagcatahang tatlong araw sa palacio niyong embajadang tanan, ay hindi mangyari nilang pagsauaan ang sa cay clotildeng tanging carikitan. yaong tatlong araw ay nang maganap na sa hari ay nangag paalam na sila, at nangagsibalic sa reyno nang francia at sa haring clovis humarap pagdaca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at ipinagsabi yaong casagutan niyong sa borgonang haring pinaglacbay, at nang matapos nang canilang isaysay ang lahat, sa hari ay sinabi naman. na sa palacio ay nangatahan silang hustong tatlong araw, caya nga'nakita, ang dalagang ualang catulad nang ganda at ualang pangdamdam ang di maligaya. ang tabas nang muc ha'tindig nang catauan anhin mo'guinaua nang balitang camay, mata'cung ititig at iyong pagmasdan ay bato nang puso ang di matiguilan. lalo cung ngumiti'siya ay mangusap ay isa nang toua nang magcacapalad, at cung sa pintuan siya'lumalabas anhin mo'ang talang bagong sumisicat. caya caming lahat ay natitiguilan sa hindi maisip naming carikitan, sa francia, at cahit sa ibang reyno man doon ay uala nang maca aagapay. bakit ang ugali'kilos nang cristiano'totoong malinis na di gaya dito, ang manga babae ay di nabubuyo tungcol sa lalaking makihalobilo. sapagca'ang anyo nang manga binyagan ay iba sa ating manga inaasal, ang manga babae ay iniingatan ang puri'salamin ang siyang cabagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"yaong camahalan nang canilang ayos maguing pangungusap at sa manga kilos, anopa'cung ating manga papanood bulaan ang hindi maganyac ang loob. ang manga balitang yao'nang mabatid nabihag ang puso nang haring si clovis, doon cay clotildeng balita nang dikit namahay sa puso ang laking pag ibig. di na natahimic yaong calooban at laguing ang dibdib ay gapos nang lumbay, dahil cay clotildeng baca di macamtan sa pagca at siya ay hindi binyagan. lalo nang lisanin ang haring si clovis nang manga balita na embajadores, parang namamalas sa caniyang titig yaong cay clotildeng cagandahang labis. uupo'titindig noo'tututupin saca magbubuntung hiningang malalim, hindi mapaghulo anhin mang isipin ang lalong mabuting paraang gagauin. sa bagay na yao'cusang namalagui siya, sa lubos na pagdadalamhati, ualang matutuhang lunas na ipaui sa gayong pagsintang ikinalugami. caya'napilitang sumanguni siya sa paham na conde aurellano baga, pagca'sa mag isip ay lubhang sanay na cung caya nga yaon ang siyang pinita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"aniya'conde aurellano'icaw ang siya cong lubos na inaasahan, na siyang sa akin ay tutulong bilang sa matinding dusang aking pinapasan. dahil sa balitang infanta clotilde na taga borgonang hirang na babae, ay siya cong nasang maca isang casi caya isipin mong paraang mabuti. ito nga ang sanhing di co icaidlip sa araw at gabi di icatahimic, huag mong payagan di camtan nang dibdib yaong si clotildeng pinaca iibig. sapagca'icaw ang totoong magaling umisip nang manga paraang gagauin, caya ang lubos mong caya ay gugulin sa cahirapang cong di macayang bathin. ano'nang madingig ang sinabing ito nang bantog na conde na si aurellano, ibig na sauayin sa pagca at moro mahirap maibig nang isang cristiano, nguni'siya nama'tantong nanganganib na baca ang hari ay magdalang galit, caya ang uinica'iyong itahimic hari, ang loob mo'aco'mag iisip.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"upang tamuhin mo ang sa pusong nasa ay lilininging co ang paraang paua, anang hari nama'icaw ang bahala'tanang cailangan ay nang maihanda, ang mahal na conde ay napaalam na at siya'omuui sa tahanan niya, inisip ang lalong paraang maganda na macaulayaw ang bunying infanta. sa gayong caniyang manga pag lilining nacatuclas niyong paraang gagauin, na icausap sa himalang ningning caya'sa palacio'naglacbay noon din. hari co aniyang macapangyarihan aco'mayroon nang maguiguing dahilan, pagca'sa veinte cinco nitong buan nang diciembre, pascua nang manga binyagan. may ugali yaong infanta clotilde na maglimos siya sa manga pulubi, yaon nga ang siyang panahong mabuti na ang ating nasa'malapit mangyari. ang tugon nang hari ay iyong sabihin cun ano ang ating cacailanganin, na nauucol mong doon ay taglayin sa reynong borgonang iyong tutunguhin. tugon niyong conde na si aurellano ay isang singsing po ang ipagaua mo, na guintong dalisay saca ang retrato mo'siyang tampoc na ilagay dito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"gayong cailangan ay nang maisaad sa mahal na haring agad na guinanap at iba pang manga cailangang dapat sa pagsasacdalan ng sa haring hirap. tanang bagay bagay ay nang mahanda na tinungo nang conde ang reynong borgonya pagca'malapit nang dumating ang pascua niyong panganganac sa nacop sa sala. di lubhang nalaon yaong paglalacbay ang reynong borgonya'cusang niyapacan, at doon naghintay na may ilang araw nang sayang ugali nang cacristianuhan. niyong sumapit na ang aveinti cinco na capanganacan sa divino verbo, na inuugali nang manga cristiano na puspos ang saya sa araw na ito. sa gabing visperas nang nasabing pascua na pinanganganlang bagang nochebuena, doon sa simbaha'gagauin misa infanta clotilde'pilit magsisimba. ang pag mamaytinez ay bago iraos sa manga pulubi siya'maglilimos, conde aurellano ay doon lumahoc sa manga pulubi'siya'nakiayos. caya'nang dumating ang bunying infanta na may dalang supot na pang limos, baga, nang casalucuyang namamahagui na nakihanay naman ang conde pagdaca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at noong siya na ang linilimusan ay agad humalic sa infantang camay, cay clotilde namang nahalatang tunay na hindi pulubi siya'taong mahal. nagualang kibo na'nang hindi mahayag misa'nang matapos ay ipinatauag, ang conde, at niyong dumating sa harap malubay na galit ang ipinangusap, bakit ca gumaua (anya) nang ganito na pinangahasang hagcan ang camay co, ang cadahilana'ipatalastas mo sampon nang pangalan cun icaw ay sino. ang tugon nang conde infantang mahal aurellano po ang aking pangalan, sinugo nang haring sa iyo'ialay ang singsing na tanda nang sintang dalisa'. nang sa cay clotildeng abutin nang titig may larauang sinsing nang haring si clovis, (aniya') paano ang aking pag ibig siya'di cristiano'di co capanalig. ang sa condeng tugo'huuag manimdim ca cung tungcol sa gauang pagsampalataya, tunay na hindi makikialam siya caya nga hindi ca sucat na mangamba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sandaling nag isip sa gayong sinabi ang hiuagang gandang infanta clotilde, mahinahon niyang dinidilidili ang cahihinatnang huling pangyayari. tangi dito'di co magagaua naman ang aking sariling manga calooban, aco'may amaing dapat pagsabihan lalo'sa ganitong may halagang bagay. tangapin mo na po ang sagot nang conde ang sinsing na itong tanda nang pagcasi, at sa amain mo'bahala na caming na mag embahadang sa canya'magsabi. mabatid ang gayon nama'tinangap na ang regalong sinsing nang hari sa francia, ang sa condeng uica ay ngayon (aniya) sa francia ay reynang kikilalanin ca. sa sinabing yaon ay di umiimic ang bunying infanta'parang di naringig, at ualang halaga sa caniyang isip yaong carangalang bagay na binanguit. tunay na ualanguala sa loob niya nasa'cung sa hari siya'macasal na, ay maguing binyagan ang reyno nang francia'sa totoong dios ay magsikilala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"magandang adhicang lubos na panimdim ni clotilde'di co lubhang pasayurin, ang condeng nagbigay nang regalong sinsing ay napaalam nang toua ay sabihin. nang siya'dumating sa reyno ng francia ang uica sa hari icaw po'magsaya, pagca'ang larawan mo po'tinangap na nang pinaglacbay cong irog mong infanta. lugod ay sabihin nang haring si clovis ang cay aurellanong uica'nang madingig, at biglang napaui sa caniyang dibdib yaong calumbayang di icatahimic. ipinatauag nang lahat ang guinoo sa sacop nang corte nang caniyang reyno, dumating na lahat naman sa palacio yaong tanang piling manga caballero. sa haring cay clovis nang maharap sila (aniya) ay cayo'caya co pinita, gumayac ngayon din cayong para para at mag si paroon sa reynong borgonya. ipamanhic niniyo sa cay agabundos na hari, nang boong pacumbabang loob, na marapatin nang caniyang itulot ang francia'borgonya'magcaisang lubos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ang lalong mabuting manga pangungusap sa cay agabundos ang siyang isaad daanin sa manga magandang hicayat upang mahinahong siya ay pumayag. tanang cailangan ay iguinayac na at nangagsilacad noon din pagdaca, di lubhang nalaon ay dumating sila sa canilang tungong reyno nang borgonya. sila'nagsipanhic sa palacio real at nagbigay niyong boong cagalangan haring agabundos ay gumanti naman tuloy pinaupo silang calahatan. nang manga licmo na'saca inusisa niyong paglalacbay cun anong adhica, anang embajahada'ang boong payapa sa camahalan mo ang ipinag sadya? ang utos sa amin nang haring si clovis sa iyong sanghaya'aming ipamanhic, na marapatin na nang mahal mong dibdib francia at borgonya naua'magcasanib. maguing isang hiyas ng reyno ng francia infanta clotilde ang kilanling reyna, sa hari'saca sa tanang sacop niya ay isang dakilang turing na ligaya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"haring agabundos ay niyong mabatyag ang sa embajadang manga pangungusap, (aniya') paano ang aking pagtangap si clovis, ay gentil na aking talastas. ang sagot nang piling manga embajada icaw po ay huag na mag ala ala, cung tungcol sa gauang pagsampalataya ay di mangyayaring sisirain niya. saca tangi ditoy ang manga ligalig nang francia'borgonya ay matatahimic, at mag iisa nang damdamin ang dibdib at maiilagan ang pagcacaalit. dirin hamac namang pangangahasan pa nang cahima'sino ang francia'bogonya, sa pagca at mapagtatalastas nila na iisang loob ang reynong dalaua. ani agabundos ay mangyayari yaong hiling niniyo na ipinag sabi, saca di papayag yaong si clotilde na sa di cristiano'makiisang casi. nang sa tesorerong madingig ang saad ay kinuha yaong lalagyan nang hiyas, nang bunying infanta'sa pagcacaharap nang hari, at manga consejong lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"cay agabundos ngang tunay na namasid sinsing na mayroong larauan ni clovis, na sa cay clotildeng iningatang tikis caya nga at siya ay nag bagong isip. (aniya) ay yamang akin nang nanuynoy na ang pamangking co'maycusang pag ayon, aco ay uala nang masasabing tugon cundi ang sumama siya'siyang ucol. ipinatauag din namang ualang liuag ang pamangkin niya'pagdating sa harap, ngayon din (aniya) icaw ay gumayac paroon sa francia'tuparin ang usap. sa sinabing yao'ang bunying infanta ay gumayac naman noon din pagdaca, lumuhod sa harap nang amain niya'huminging bendicion at napaalam na. cay agabundos din na pinasamahan sa lahat nang dama ang pamangking hirang, lumacad na sila na hindi naliban at ang reynong francia ang pinatunguhan. nang dumating doo'sinalubong sila niyong buong reyno nang dakilang saya, sigaw ay mabuhay mabuhay ang reyna na capayapaan nang francia'borgonya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ang haring si clovis ay sumalubong din na caguinoohang madla ang capiling, caya'nang makita ang himalang ningning ang toua nang puso ay ualang cahambing. niyong dumating na sa palacio real ay saka ginanap ng kinabukasan ang inuugali nilang pagcacasal na caacbay sampon ng caguinoohan. boong reyno nama'nag aalay ng saya tanda niyong ganap na paggalang nila, sa boong casulocsulucan nang francia ay namimintuho sa canilang reyna. ang oras ng gabi ano'ng dumating ng mahihiga na reyna'nanalangin ng casalucuyan ng pananaimtim sa dios, ang hari lumapit sa siping. saca ang uinica'casing minamahal at panginoong cong pinaglilingcuran, humiling nang iyong maibig na bagay at tunay na hindi kita masusuay. ualang minimithi aco anang reyna cundi ang icaw ay sumampalataya, sa iisang dios na tatlong persona na uala sinomang lalalo pang iba. ang may lic ha'siya nitong santinacpan at siya ang dios na ualang capantay, tangi sa tayo'caniyang linalang sa salang minana'siya ang humadlang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"tanang manga dioses na sinasamba mo iya'pauang lic ha lamang ng demonio. siyang dumadaya sa lahat ng tao, upang macaramay nila sa infierno. sa dahilang sila ay pinarusahan ng dios, at ayon sa capalaloan, sa adhica nilang sa dios mapantay ang napala'hirap magpacailan man. caya nga sa iyo'isinasamo co na lisan ang dioses na sinasamba mo, at talicdan mo na iyang pagca moro at iyong harapin ang pagkikristiano. pacaisipin mong tauo'cung mamatay sa langit, ay buhay namang ualang hangan, ang nasa loob nang cay cristong bacuran at sundin ang utos ay gloriang cacamtan. ngun'yaong manga aayaw pabinyag dusa sa infierno'siyang malalangap, at ang sa totoong iglesia'lumabas ay sa infierno ri'lalangap ng hirap. sa bagay na ito ay cung mabinyagan icaw, at gayon din ang lahat mong caual at sundin ang utos ng dios na mahal upan ding matamo ang payapang bayan. at ipatayo mo uling panibago ang manga simbahang ipinasira mo, at ihinging tauad ang lahat nang ito sa iisang dios na personang tatlo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"isa pang samo co ay iyong singilin ang ari ng aking amang guiniguiliw sa cay agabundos na aking amain na siyang humatol cay amang patain. ang di catuirang canyang guinaua lubos cong sa dios ipinabahala, ang cay clovis namang binigcas na uica ang unang hingi mo'mabigat na lubha. di nga maaamin niyaring calooban na ang manga dioses ay aking talicdan at lubhang marami akong cautangan na caloob niyang manga bagay bagay. animo'dios mo ang aking sambahin at ang manga dioses ay aking limutin, ay iba nang bagay ang iyong hilingin at tunay na hindi kita susuayin. cung sa ganang akin cay clotildeng saad ay cagalingan mo cung caya co hangad, nguni'cung sa iyo ay minamabigat tungculin co lamang na ipatalastas, na yaong dios co ang siyang lumic ha nang lahat nang bagay maguing langit lupa siya'tumigil na'di na nagsalita at ang usap nila'napayapang cusa. at ng maumaga hari ay nag utos sa embajadores na caniyang lingcod na sila'humarap sa cay agabundos at sabihin nila na ipagcaloob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ang lupa ng reyna at ang mga bayan na minana bilang sa amang namatay at inyong hintayin yaong casagutan cung ibibigay niya caya hindi man. manga embajada pagdaca'lumacad at cay agabundos sila ay humarap, nang dumating doo'ipinatalastas ang bilin nang haring clovis na nag atas. niyong maunaua yaong cahilingan sa cay agabundos namang ibinigay, ang ucol na mana nang pamangking hirang at ang pagtatalo'upang mailagan. tanang casulata'nang maigauad na ay napaalam na yaong embajada, at sila ay agad nagbalic sa francia'na haring nag utos ibinigay nila. iguinauadnaman nang reynang butihin yaong casulatan caya'nang malining, ay napasalamat at ualang hilahil na ibinigay nang tunay na amain. manga pagsasama'lubhang mahinusay at nagsusunuran silang malumanay, pangaco ni clovis ay guinagampanang sa sampalataya'di makikialam. cay clotilde namang laguing hinihiling sa dios, cung siya ay nananalangin, na ang calooban ay paliuanaguin nang asaua'iuan yaong pagcahintil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"di lubhang nalaon niyong pagsasama ay isang lalaki yaongnaguing bunga, hari ma'aayaw na binyagan niya ay inamo rin nga nang sabing maganda. sa gayong caniyang manga paghicayat ay napilitan ding hari ay pumayag, bininyagan na nga'ngalang itinauag ay si rosalino sa bugtong na anac. ang toua nang reyna ay di ano lamang at ang hiling niya'cusang pinayagan, nguni'nang dumating ang icatlong araw bata'nagcasakit at nakitlang buhay. caya ang uinica nang haring si clovis sa reyna cun icaw lamang ay nakinig, na huag binyagan at sa aking dioses ay iyong ialay at doon manalig. sangol ay di sana buhay ay nakitil at ualang pagsalang canyang aamponin, ang sagot nang reyna cung sa ganang akin ay di dinaramdam nang puso'panimdim. bagcus nagpupuri'nagpapasalamat aco, sa dios na lumic ha sa lahat, na ipinagsama'cusang minarapat sa bayang payapa nang santos at santas. yaong unang bunga nitong aking tiyan caya nga hindi co ikinalulumbay, at tunay na aco'di macasusuay sa balang caniyang maguing calooban.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"malibang panahon ay muling nagbuntis ang reyna clotilde sa aua nang langit, nguni'lalaki rin yaong sa pag ibig nila'naguing bunga na aliw nang dibdib. hari ay ayaw ring bata'pabinyagan nguni at sa reynang pinakiusapan, caya'sa pagsamong lubhang malumanay nang reyna sa hari, ay umayon naman. ang nasa nang reyna ay cusang natupad noon din ang bata'bininyagang agad, at sigesmundo ang ngalang itinauag nang rey sa clotildeng loob na banayad. cun anong talaga niyong calangitan ay nang macaraang may ilan nang araw, na yaong principeng bata'mabinyagan ualang ano ano nama'nagcaramdam. na paulit ulit at di mapagaling caya nga'ang asa ay mamamatay rin, ang uica nang hari sa reynang butihin cundangan ayaw cang makinig sa akin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"uica co sa iyong huag mong binyagan at baca ito rin ang siyang caratnan, sapagca'ang gauang iya'nalalaban sa dioses, cung caya kita'sinasanay, pag iya'namatay na gaya nang una ay lubos na icaw ang siyang maysala dahil sa sabi cong ayaw makinig ca ang dioses sa iyo'galit nang talaga. sa dahilang sila'ang balang ibiguin ualang caliuaga'mangyayaring tambing, ang anac mong iya'cung ibig patain ualang kisap matang buhay ay makitil. cung ibiguin niya naman ang mabuhay mangyayari cung caniyang calooban, at tunay na siya ay may carapatan caya nga dapat mong sampalatayanan. icaw nga sa caniya ay magmacaaua nang upang ang galit sa iyo'mauala, nang iyang anac mo'gumaling na cusa ang tanang biling co'ganapin mong bigla. ang butihing reyna ay di umiimic ala alang baca hari ay magalit, caya nga'sa dios ay inahihibic na pagalingin na ang anac na ibig. upang yaong maling pagsampalataya nang haring si clovis na sintang asaua, ay di manatili nang manga pagsamba sa manga idolo na ualang halaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"gayon man ay siya'nagdadalang tacot sa hari at baca ang anac na irog, ay di guminhaua'buhay ay matapos caya di mapalagay ang caniyang loob. yaon ang dahilang di icagupiling at laguing sa dios ay idinadaing, na ipagcaloob nauang pagalingin ang caniyang bunsong pinacaguiguiliw. saca sa asaua'isinamo naman na ipagpagaua siya nang simbahan, na laang caniyang pananalanginan sa dios na amang macapangyarihan. cahilingang yaon nang mahal na reyna ay sinunod naman nang sintang asaua, sa dagling panaho'nagpagaua siya ayon sa pagtupad nang pangaco niya. hari palibhasa ang siyang may atas ang nangagsigaua'daming dili hamac, caya'nayari rin namang ualang liuag ang simbahang hiling nang reynang marilag. pinitang simbaha'sa reynang malining na magagaua nang doo'manalangin, isang batong marmol ay nagpacuha rin at ipinag utos na pacalinisin. at doon sa guitna'ipinaukit niya ang pangalan nang virgen santa maria, nang mayari nama'ipinalagay na sa guinauang altar na itinalaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"cusang pinag ayos na pinakarikit at madlang pamuti ang doo'guinamit, doon nanalanging taimtim sa dibdib sa ngalan nang virgen mata'nacatitig. nang pananagano nang mahal na reyna sa dios na poon at virgen maria. marami rin ngang sa caniya'gumaya na nagsidalanging nanicluhod sila. sa pananalangin nang naroong lahat may nadingig silang voces na nangusap, na labis nang tinig at lubhang malacas caya'silang tanan ay nacatalastas. niyong uicang reyna'natanto cong tunay ang lahat nang iyong manga caraingan, cung magcristiano na ang franciang calac han ay di malulubos cahit masira man. at may binyagan ding hindi titiualag cay cristong bacura'hindi nga ang lahat, at mananatili sa tunay na landas na cay jesucristong dito'itinatag. cung tumalicod man sa pagcabinyagan ay ang natitira'marami rin naman, at ang isip nila'maliliuanagan niyong pagkilala sa catotohanan. bagaman sa reynang voces ay nalining ang pananalangin ay itinuloy rin, malumanay niyang pinacahihiling na ipagcaloob nauang pagalingin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"yaong caramdaman nang caniyang anac at bigyan pa naman nang buhay at lacas, nang hindi magalit ang haring marilag at sisihin siya niyong pagcabinyag. caniya rin naman na iniluluhog sa di matingcalang darakilang dios, na yaong asaua ay magbagong loob at cusang talicdan ang manga idolos. moli'moli niyang ipinananaing sa dios na poon at sa inang virgen. diningig din yaong caniyang dalangin ang sakit nang bata ay biglang gumaling. lumacas at yaong cataua'humusay na anaki parang nagdahilan lamang, hari ay nagtaca sa ganoong bagay at inaasahan na niyang mamamatay. caya nga'ang toua niya'hindi hamac at hindi masayod ang panguiguilalas, gayon ma'hindi rin cusang nahicayat ang caniyang pusong malabis nang tigas. tunay at lubos din yaong pananalig sa caniyang manga sinasambang dioses, at di rin nanglumay yaong batong dibdib doon sa malaking biyayang namasid. patuloy ang dating camalian niya sa lihis na gauang pagsampalataya, nang nananahimic ay caracaraca ay dumating yaong sugong embajada.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ano'nang maharap sa haring cay clovis ang canilang layon ay ipinagsulit, anila ay cami inutusang tikis niyong aming haring sa tapang ay labis. na namamahala sa reynong italia at dalauang bagay yaong hingi niya, ialay ngayon din ang cetro'corona ang pasalual tayo'magbatalla. caya magnilay ca'iyong pag isipin ang capahamacang iyong sasapitin, cun di ca susuco'ang calaguim laguim na casacunaa'siyang tatamuhin. ang sa haring clovis namang casagutan ang corona'cetro'di maiaalay, at doon sa campo cayo ay maghintay at lalabas caming hindi maliliban. napaalam na nga yaong embajada anila'maglucsa na ngayon ang francia, sa buhay na manga mapapalamara na manga aamis sa pagbabatalla. sila'lumacad na'sinabi ang sagot na canilang haring nagbigay nang utos, anila'hintayi'dito'maglalagos at natatalagang sila'makihamoc. nang oras ding yao'tinipon pagdaca nang haring si clovis ang basallos niya, at niyong matipo'ipinabilang na cay aurellano na general baga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"cabilangang lahat nang manga soldado'hustong isang daan at tatlumpong libo, ibig din matanto nila cung gaano yaong cabilangan nang calabang dayo. ang guinaua nama'nagpabihag siya nang isang soldado nang taga italia, na nagsisilibot sa caharian nila at yaon ang siyang inusisa baga. na ang cabilangan nila'cung gaano na makikibaca na laang soldado, (aniya) ay caming nangaglacbay dito'hustong cabilangan ay limangpung libo. matapos sabihin ang ganoong bagay soldadong binihag nila'pinaualan, at natanto nilang cacaunti lamang ang manga cristiano na macacalaban. inilacad nanga ang canilang tropa at sampon nang haring clovis ay casama, tinungo ang lual nang manga cabaca at nangag ayos na ang isa at isa. makita nang hari yaong caramihan nang soldado niyang makikipaglaban, at yaong cristiano ay cacaunti lamang caya'mananalo na inaasahan. nagsagupa na nga ang hukbong dalaua at pinasimulan yaong pagbabaca, manga lobong gutom ang siyang capara nang pagpapamooc nang isa at isa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"pagcapalibhasa'ang manga cristiano ay nangananalig sa totoong dios, na pinagtitibay sa canilang loob caya nga'ang tapang ay lubos na lubos. at ang hari nama'nanalanging cusa sa dios at lubos na napacalinga, at buong buo niyang ipinaubaya sa capangyarihan nang amang lumic ha. hinihingi niyang bigyang calacasan ang caniyang campon sa pakikilaban, upang makilala ang dios na tunay at ang pagca moro'canilang talicdan. sa di naglulubag na pagpapamooc nang dalauang hucbong cakilakilabot, ang calac hang tropa'nagcasabog sabog nang taga franciang cay clovis na sacop. at di macasaho nang pakikilaban at nangagagahis nang manga binyagan, bagaman at sila'totoong macapal ay lubhang marami naman ang napatay. nang sila ay mangagcatiua tiualag doon sa canilang mangapaglalamas, ay napilitan din na cusang tumacas ang haring si clovis sa malaking sindac. at tinungo niya yaong cagubatan at doon nagtago sa tacot na taglay, at doon na lamang niya tinatanaw ang caniyang campong nakikipaglaban.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"saca sa malayo ay minalas niya ang caniyang campong nakikipag baca. ay tunay na nangagsisipanglumay na at di na magauang makipaglaban pa. totoong marami ang manga napatay na pauang guinahis ng manga caauay, caya'caramihan ay binibitiuan ang manga sandata at nagtatacbuhan. nang makita ninya ang ganoong ayos ay tantong nasira ang caniyang loob, sa caniyang campong nagcasabogsabog at ualang magaua nang pakikihamoc. dito na sinisi'cusang pinaglait ang caniyang manga sinasambang dioses, (aniya) ay sayang ng aking malabis na suyo sa inyo'manga pananalig. ang capangyarihan ninyo ay nasaan at hindi gamitin ngayong cailangan ano'natitiis at binabayaan ang manga campong co at hindi tulungan? sa pakikibaca'upang di maamis tanang vasallos co na iyo ring cabig, saclolo mo'ano at ikinacait ngayong cailangan sa pakikicaliz. bakit ngayo'parang di mo dinaramdam na nangalulupig nang mga caauay, ang cabagsican mo naman ay nasaan at hindi gamitin sa ganitong araw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sayang ng lahat cong manga paggugugol sa inyo'pagsambang mahabang panahon cung aco ay datnan pala ng lingatong ay di ca mangyari namang macatulong. nang casalucuyang siya'nagagalit na pinagmumura yaong manga dioses, ualang ano ano ay siyang paglapit nang ilan sa caniyang manga generales. at ang uica'haring panginoon namin cung loob mo'dinguin yaring sasabihin, ayon sa ganitong pagcasahol natin caya mahinahong icaw po'malining. isinagot naman nang haring si clovis na ang voces niya'tantong nanginginig, cun anong mabuting inyong iniisip sabihin ngayon di'nang aking mabatid. cay aurellanong uica ay dahilan sa napagsasapit nang iyo pong caual, ualang calahati ang manga binyaga'cung bakit sila pa ang nagtatagumpay. tanang dioses natin cung sila'may lacas at capangyarihang magagauang dapat, ay di babayaan niyang mapahamac ang caniyang campon sa pakikilamas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"pagcapalibhasa'ualang cabuluha'di gaya ng dios ng manga binyagan, cung sila'may ganap na capangyarihan panahon na'bakit hindi saclolohan. caya ang laon nang ipinagsasabi na iyo, ng aming reynang si clotilde, ay siyang sambahi'doon mamarati at siyang sa atin ay magcacandili. at tunay ngang siyang dios na totoo yaong sinasamba nang mga cristiano, siyang sa canila ay sumasaclolo caya nga ang hiling ng reyna'sundin mo. siya ang lubos mong sampalatayanan ng taos sa puso at siyang tauagan, at nang upang ating camtan ang tagumpay sa ang campon mo po'bigyang catapangan. matapos ang gayong manga pangungusap ang ulo nang hari tambing itinaas, manga vasallos niya ay cusang namalas na nagtatacbuha'ang tungo'sa gubat. ipinagtatapon ang manga sandata at nag uunahang mangagtago sila, sapagca'maraming nangapapatay na na nalulugami sa pakikibaca. caya nga ang luha niya ay dumaloy sa pagcapahamac nang caniyang campon, pinasisimulan na ang manga pagtaghoy at pamimintuho sa dios na poon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"mataimtim niya na sinasamahan nang sampalatayang totoong matibay, na taos sa puso niya'calooban gayari ang uicang manga sinasaysay. panginoon co aniyang jesucristo na anac nang isang dios na totoo, icaw ang sinasampalatayanan co at lubos ang aking pag asa sa iyo. icaw ang madalas sa aking iaral nang aking asauang tunay na binyagan, cung nang una kita'tinanguihan man ngayon ang dios co'uala cundi icaw. lubos na lubos ngang umaasa aco sa mahal mong aua'tunay na saclolo, yamang ang sinomang paampon sa iyo sa casacunaa'itinatangol mo. caya sumasamong lauitan mong habag acong lumulungoy sa mahal mong harap, yayamang sa manga panganib at sindac, capangyarihan mo'siyang nagliligtas. lingapin mo na po'iyong isangalang sa hucbong mabangis na aming caauay, taos sa puso co na inaasahan ang mahal mong graciang aming macacamtan. mabalino ca po'iyong timauain ang napipipilang calagayan namin, yamang sa dunong mo'ang balang ibiguin ualang caliuaga'mangyayaring tambing.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"pahayag nang aking asaua ay gayon caya nga sa iyo'humihinging tulong, sa iligtas mo po'huag ding masahol sa manga cabacang mahiguit sa leon. at ang cabagsican ay magsipang lumay niyong mababangis na aming caauay, at tunay pong aco ay magbibinyagan sampon nang lahat cong nangasasacupan. ualang salang sila'patatangaping co nang tubig na mahal nang santo bautismo matibay na aking pangaco sa iyo caya po iligtas sa sacunang ito. lahat ng anito'aking tatalicdan at ang manga dioses ay gayon din naman, at uaualin co na silang cabuluha'ang sasambahing co'uala cundi icaw. ipaguiguiba co ang lahat nang templo at manga mezquita ng tanang idolo, sa buong cahariang nasasacupang co sampong altar nila'gagauing cong abo. saca ang canilang lahat na larawan ipamumunglay cong ualang caliuagan, ualang ititira ni cahit isa man at magbabago na acong calooban. matapos ang gayong manga panalangin ang vasallo niya'muling tinanaw rin, ay nakita niyang nangagsipagtiguil ang manga cristiano'tapang ay nagmaliw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at uala mang utos yaong puno nila ay nangagsiurong silang parapara sa tayo ng dating calagayan nila niyong pasimulan ang pagbabatalla. makita ni clovis yaong pagcabigla nang sa dios bagang manga pagcaaua lalo nang nalubos ang paniniuala sa capangyarihan nang amang lumic ha. cusang nanaimtim na nga sa puso niya yaong matibay na pagsampalataya, na tutupdin niya na ualang pagsala ang manga pangaco na di mag iiba. tanang vasallos niya'tinipong madali at sa caharian sila'nagsioui marami mang buhay yaong nalugami nguni'ang nanalo'sila rin sa uri. nang sila'dumating sa reyno ng francia ay agad sinabi sa sintang asaua, malabis ang toua nang mahal na reyna sa himalang yaon ng dios na ama. lalo nang sabihing siya ay tatanggap nang santo bautismo'cusang pagbibinyag, caya'sa borgona'agad nagpatauag ng isang obispong cabanala'ganap. di lubhang nalao'dumating sa francia banal na obispo na si rami baga, niyong maharap na sa mahal na reyna boong cagalacang nangagbati sila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ang uica ng reyna sa obispong mahal ang hari po'iyo ngayong pangaralan, na ipakilala ang dios na tunay sapagca'tatangap nang pagcabinyagan. kinacailangan mo pong ipatalos ang manga tadhana at utos nang dios, at sa puso niya'ikinintal na lubos yaong sa cristianong manga sinusunod. sa obispo namang sinunod pagdaca tanang cahilingan nang mahal na reyna at mahinahong pinangaralan niya ang mahal na hari nang yamang maganda. ipinatalastas yaong bagay bagay na dapat asalin nang cristianong tunay, at ang isang dios na ualang capantay na lumic ha nitong boong santinacpan. at bagaman turing na tatlong persona ay ang pagca dios nila ay iisa, ualang huli'una naman sa canila at saca uala rin macapapantay pa. siya nga ang hari nang lupa at langit na sa carununga'ualang cahalilip, siya ring sumacop sa guinauang lihis ni ada'ni evang naraya ang isip. uala ring gagauing maliuag na bagay sa caniya'yari balang maibigan, siyang nagbibigay nang caparusahan nang sa manga utos niya'sumusuay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at ang gumaganti naman ay siya rin nang langit, sa manga may gauang magaling sa caniya nama'ualang nalilihim maguing gaua'uica'iniisip natin. nang talos ng lahat ng haring marangal ang bagay na dapat sampalatayanan, uica ng obispo'iutos mo naman na magpatayo ca nang manga simbahan. sa boong cahariang nangasasacop mo baua'isa'lagyan niyong bautisterio na pagbibinyagang laan sa cristiano'siyang cailangan ang bagay na ito. tuloy mo rin namang palagyan ng altar ang ipatatayong lahat nang simbahan, doon sasambahin nang boong pag galang ang dios na amang macapangyarihan. palagyan mo namang larauan ang lahat nang cagalang galang na santa trinidad, na sila ay tatlo sa pagca personas at sa pagca dios ay iisang ganap. nang araw ring yao'nagpatauag naman nang magsisigaua nang manga simbahan at nang dumating na uica'pasimulan ang simbaha'gaui'aking cailangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"cayo ay humanap ng maraming tao sa dagling panahon ay yariin ninyo, at cung matapos na ang hiling cong ito sa lahat nang baya'magtatayo cayo. ang gagauin ninyo ay pacatibayin at lalong maganda na pacarikitin at saca ang altar naman ay gayon din at doon ang lahat ay mananalangin. cahi'bayang lalong na sa cabunducan ay tatayuan din nang mga simbahan, at tayong lahat ay mangagbibinyagan at ang pagca gentil ay ating iiuan. sapagca'cung hindi sa totoong dios aco, dumalangin nang buong pagluhog, nalipol marahil ang tanang soldados at ang ating reyno ay naguing busabos. gayong pagtauag co sa ating dioses nang ang ating hucbo ay nasa panganib, ang manga cristiano'lalong bumabangis at hindi maglubay nang pamimiyapis. nang ang tauaguing co'dios nang binyagan ay biglang humupa yaong catapangan, nang manga cristiano'agad tiniguilan ang marahas nila na manga pagpatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"doong co natantong pauang sinungaling ang manga idolong sinasamba natin, caya mula ngayo'ating lilisani'dios nang cristianong ating sasambahin. tanang inutusa'agad nagsilacad hiling na simbahan ay guinauang agad, ang haring si clovis ay moling nag atas noon din sa manga campon niyang lahat. na huag maliban at sunuguing pilit ang templo'mezkita nang lahat nang dioses, at tanang idolo'tadhanang mahigpit magpahangang bundoc ay pugnauing tikis. pagcapalibhasa'hari ang nag utos tanang inutusa'agad nagsisunod, ang manga dioses at templo'sinunog sa lahat nang lupang cay clovis na sacop. saca nang mayari naman ang simbahan ang haring si clovis doon ay naglacbay, casama ang lahat nang caguinoohan at siya'tumangap nang pagcabinyagan. rami ang siyang buminyag sa mahal na haring nagtamo nang palad, at si clodoveo ngalang itinauag nang pagca cristianong caniyang tinangap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at nang papahiran nang mahal na crisma na ayon sa utos nang santa iglesia, ay isang himala ang nakita nilang biyayang caloob nang dios na ama. isang calapating sa langit nagmula na sacdal nang puti na catua tua, na sa loob niyong simbahan bumaba at isang redomo ang taglay sa tuca. na puno nang lana, crisma ang tauag na pauang nakita nang naroong lahat, sa loob nang templo, caya'natalastas ang himalang yaong canilang namalas. siyang ipinahid nang bunying obispo sa mahal na hari na si clodoveo, ang crismang sa langit nagmulang totoo na padala niyong amang masaclolo. ano pa'nabantog sa boong caharian ang himalang yaon nang dios na mahal, na kilala nila ang capangyarihan nang tunay na dios na ualang capantay. caya nga'ang tanang guinoo sa francia pinagcayariang sang usapan nila, ang balang mag hari na sinoman siya siyang gagamitin ang himalang crisma. mula noo'siyang naguing calacaran na sa maghahari gagamitin lamang, yaong nga ang siyang pinagcaratihan mula pa sa unang nayaring usapan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"caya'magpangayon ay naroron pa redomang sa langit ay nangaling baga, na kinalalagyan nang mahal na lana doon cay. raming simbahang talaga. ang mahal na hari ay nang mabinyagan yaong boong reyno'isinunod naman, ipinaunauang lubhang malumanay ang manga biyaya, niyong calangitan. doon sa pagtangap nang agua bautismo na caugalian nang manga cristiano, na ang pagbibinyag ang tandang totoo na nasa loob nang bacuran ni cristo. siyang pumapaui niyong casalanan na mana sa nunong cay eva'cay adan, at ipagtatamo niyong calangitan na cung baga banal na sila'mamatay. gayon din ang madlang utos na susundin at ang cababaang loob na gagauin, na nauucol ngang dapat ugaliin at ang manga kilos na sucat asalin. dapat naman nilang paingat ingatan ang ayos at bucang bibig na mahalay, at yaon ang siyang kinasusuklaman ng dios na ualang hangang carunungan. cailangang sundin ng manga cristiano ang aral na lagda ng poong si cristo, nang panahong siya'dirito sa mundo na magagaling na capalarang nalo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ang pagcacasala'ating catacutan at di nating talos yaong camatayan, cung tayo ay datning na sa salang mortal hirap sa infierno ang pilit cacamtan. cung culanging palad na doon mabulid ay ano pa caya ang mapagsasapit, gaano mang gauing sisi at pagtangis ay uala nang daang doo'macaalis. haring clodoveo ay nang binyagan na at maguing cristiano yaong boong francia, doon nila lubos na napagkilala ang manga ugali'kilos na maganda. doon din nga naman nila nasunduan ang tunay na landas nang capayapaan, at sila ay tambing namang kinasihan ng gracia nang dios na poong maycapal. sampong manga bata'guinising ang loob pagdaca sa gauang umibig sa dios, cung matutuhan na'saca isusunod yaong paghahanap buhay na maayos. hindi nagnanasa sila niyong pilac na ang pagmumulan ay masamang hanap, at kinikilalang sa dios sy labag ang ganoong gauang di carapatdapat. di masayod yaong canilang catuaan sa pagsusunurang lubhang malumanay, at ang mapayapa nilang pamumuhay sa pagca cristiano'cusang nasumpungan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"nacaaakit pang lalo sa canila ay ang cahinhinan ng mahal na reyna, at ang cabaitan nilang nakikita ang siyang totoong nacaliligaya. gayon din ang hari na si clodoveo na naguing uliran ng lahat ng tao, sa binilog bilog nang canyang reyno yaong cabutihang loob na totoo. iisang caniyang palagay sa madla maguing sa mayaman at sa lalong duc ha, sa manga may dangal maguing sa timaua ay uala isa mang turing na inaba. sabihin ang toua nang lahat nang sacop sa cay clodoveong magandang pasunod, caya nga'ang francia'totoong na bantog niyong cabaitan umibig sa dios. ang hari'ang reyna'nagcaisang tunay nang canilang taglay na caugalian, at cung mag utos man sila'malumanay sa lahat nang campong nangasasacupan. mulang yaong francia ay maguing cristiano ay naguing kilabot niyong manga moro, at cusang natanyag ang pagca guerrero lalo nang mag hari ay si carlomagno. at si clodoveo'nang tumanda na siya ang corona'cetro ay isinalin na, doon nga sa anac niyang sinisinta na bunying principe sigesmundo baga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"haring sigesmundo'namahala naman na lubhang maayos sa nasasacupan, at isa ring tangi na kinaguiliuan nang lahat nang caniyang pinaghaharian. naguing anac niyong haring sigesmundo'dalauang lalaking una'hilderico, at ang icalaua'principe pepino na sila sa francia'bilang heredero. haring sigesmundo ay niyong mamatay si hildericos ang humalili naman, na ang haring ito ay totoong banal at sa mundo'hindi nahilig na tunay. caya hindi niya macalingang lubos ang reyno, at ualang laguing na sa loob cundi ang dalisay niyang paglilingcod sa di matingcalang darakilang dios. at nang manatili sa bagay na ito ay pumasoc tuloy na mag religioso, at cusang linisan ang bagay sa mundo daang pa sa langit ang siyang tinungo. yaong paghahari ay cusang linisan nang mapambulos yaong calooban, nang pananagano sa dios na tunay na may lic ha nitong buong sangtinacpan. at alam nga niyang ang lahat nang tao ay ualang pagsalang iiuan ang mundo, ang dangal at yama'cahima'gaano lilisani'pauang catulad ay aso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"capagbinaui na ang buhay na hiram nang dios na amang tunay na lumalang, ang cahima'sinong ualang cabanalan hirap sa infierno ang cahahanganan. lahat namang yaon palibhasa'talos nang banal na hari na si hildericos, caya nga'uinalang bahala sa loob yaong pagca hari'sa religio'nasoc. upang ang puso niya ay huag malibang sa handog nang mundong malicmatang layaw, ay cusang lumigpit at nang masunduan yaong ualang hanga na caligayahan. matanto nang tanang manga consejeros yaong guinaua nang haring hildericos, sila'nagcatipo'nag usap na lubos nang dapat mag hari sa reyno'mag ayos. pinagca isahan nang manga consejo na mag hari yaong principe pepino, at ang casipaga'ganap na totoo sa pamamahala nang tungcol sa reyno. at sagana naman cung sa catapangan caya'siya nilang pinagcaisahan, nang magca ayos na sa gayong usapan sa papa'inisip na magbigay alam. caya'naghalal nang embajada'agad na pinaparoon sa papa zacarias, at ipinasabi cun alin ang dapat na maghari bagang sa reyno'maghauac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na cung ang may tapang at cayang sagana at may tanging sipag sa pangangasiua, nang reyno, at ganap sa pagcacalinga at di nagtataglay nang pagpapabaya. oh ang isang haring na sa loob lamang yaong pagca hari'ang nasasacupan, ay di calingai'pinababayaan ayon sa pag gaua niyong cabanalan. lumacad noon din yaong embajada at agad humarap sa mahal na papa, at sinabi yaong utos sa caniya na cung nararapat ang gagauin nila. na ang hari nila na si hildericos sa pananalangin ay hilig ang loob, lagui nang ang puso lamang ay sa dios ano pa'ang reyno'hindi maiayos. caya'ilinagay nang manga consejo na hari ay yaong principe pepino, at may sadyang tapang ang principeng ito at masipag namang mag ayos nang reyno. yamang capua rin heredero sila nang corona'cetro nang reyno nang francia, caya ang consejo'pauang nagcaisang principe pepino'siyang magcorona. matanto nang papa ang ganoong saad napaayon nama'cusang minarapat, ang mapag alaga aniya'masicap sa reyno, ang siyang ucol na maghamac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at ang gumaganap nang pagca justicia, at sa nasasacop ay macalinga pa, yaon nga ang siyang tunay na maganda na mag hari'siyang lubos na may caya. matanto ang gayong manga casagutan nang papa, ay agad namang napaalam, yaong embajada'nang siya'dumatal sa francia'sinabi yaong casagutan. pasiya nang papa ay nang matalastas ang manga consejo tua'dili hamac, magmula na noo'ang haring natanyag principe pepino na may cayang ganap. at canilang lubos na napagunaua ang sa cay salomong manga sinalita, na ang isang haring mapagpaubaya ay matatamarin ang sacop na madla. mabuti ang isang principeng masipag na sa caharia'marunong lumingap, laguing naguiguising ang puso nang lahat at cung cailanga'madaling igayac. pinahiran na nga ng mahal na crisma na galing sa langit na nasa redoma nang bunying obispong. esteban baga'ang boong caharian naman ay nagsaya. at mula na noo'pinagcayariang ang hari sa francia ay manamanahan at tungcol babaye ay huag payagan na siyang mag hari cahima'caylan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"cahit sinong puno sa ibang lupain huag naman nilang papanginoonin, ang gayong usapa'guinananap na tambing pasiya ng lahat na siyang susundin. ang haring pepino'nag asaua naman sa cay reyna berta na dugo ring mahal. anac ng dakila na si herlin cesar sa manga romanong bilang caauaan. haring si pepino anac ay dalaua na si carlomagno ang panganay niya, at ang icalaua'princesa lamberta na sulang maningning ng ama at ina. niyong tumanda na ang haring pepino nahalili naman ay si carlomagno, siya nga ang naguing kilabot ng turco at sa catapanga'nabantog sa mundo. ang uica ni turping arzobispong banal na cay carlomagnong laguing caalacbay, ang siyang sumulat niyong casaysayan ng cay carlomagnong laki'cataasan. catauan ay timbang at ayos na ayos na cung pagmalasin ay nacalulugod ang laki at taas at bayaning kilos mamamangha cahit sino mang manood. labintatlong dangcal lagay ng taas at tatlong dangcal ang lapad ng balicat at tatlo pang punto, at nacagugulat cung siya'tuminging may galit na hamac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at dalauang terciang lapad ng balacang ang binti at brazo ay timbang na timbang, cung cumain nama'macalaua lamang sa maghapo'siyang naguing cagauian. di lubhang marami cung cumain siya nang tinapay, nguni'sa ulam na tupa, icapat na bahaguing nacacain niya cung inahing manoc naman ay dalaua. calacasan niya ay cagulat gulat cung nasa cabayo ay nacabubuhat, niyong isang taong may sandatang sangcap isang camay lamang ay na itataas. nang lampas sa ulo caya'sa batalla totoong maraming guinagahis siya, cung humatol nama'nacaliligaya at di cumikiling sa isa at isa. ualang inaapi na cahit sinoman lubhang maauai'malimusing tunay, cung siya'mag utos naman ay malubay at di nabubuyo sa di catuiran. at ang isip niya ay totoong pantas lalo na cung siya'nakikipag usap, at tunay na dinidingig niyang banayad nang upang hinahong caniyang matatap. bago sumasagot ay pinaglilirip upang di masaui siya sa matuid, caya hindi hamac siyang nabubulid sa bangin nang cutya na icalalait.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"si carlomagno rin nama'nag asaua doon sa princesa na si verenisa, anac nang guinoong orondatis baga na isang dakilang taga capadocia. at si carlomagno'nag anac nang anim tatlo ang babaye'lalaki tatlo rin, ang manga pangala'na inyong malining ay isa isa co na sa salaysayin. principe pepino ngalan nang panganay at principe luis icalaua bilang, na siyang nag impoc niyong cabanalan caya'si. luis de franciang natanghal. infante carloto ang icatlo baga ang ica apat ay princesa maria, icalima'yaong princesa rolana at si jenaponte ang bunsong infanta. pinaturuan din yaong manga anac nang pananandata'nang dunong na ganap, mahigpit na iniaaral na mag ingat sa pag oosioso'lubos na mangilag. cung siya ay ualang bagay na tungculin librong cabanala'siyang babasahin, luluhod caya at mananalangin ang pagdedevocio'siyang uunahin. mahiguit ang caniyang pag aala ala sa nangagdurusang manga caloloua, sa purgatorio'hinihiling niyang sila'macaalis sa ganoong cusa. kinucunan niyang halimbaua bilang ang cay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"pablong lagdang casulatan, na sa epistola'doon sinasaysay ang ganitong uicang nangapapalaman. balang araw aniya'ang campon nang dios cusang pupucauin ang canilang loob, na manaca naca at upang iluhog ang sa purgatorio'nagdurusang lubos. at gumagaua nang gauang cagalingan nang upang malayo sa tucsong caauay, na humihicayat sa capahamacan nang tayo'mahulog sa canilang camay. sa reynong akisgran at sa alemania ay nagpatayo siya niyong tigalaua, na manga simbahan, at tigalaua pa ang ipinagauang manga beateria. na pinacainam ang simbahang ito niyong pagcayari sampon nang convento, ipinagcaloob sa cay. benito niyong emperador na si carlomagno. at ipinatungcol yaong beateria sa capurihan nga nang dalauang santa, ang isa ay sa cay santa catalina at saca cay santa potencianang isa. hustong hustong lahat yaong cagayacan may altar at sarisaring casangcapan pauang manga pilac at ang guintong lantay ang caliz at cupon at ang bril naman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"bordado nang guinto ang sa paring damit na ang pagca ayos ay pinacarikit, anopa at cahit sino mang magmasid ay uala nang pintas na maisusulit. ang simhabang yaon nama'inialay sa virgen mariang manga capurihan, baua'isa nama'caniyang binigyan nang haciendang siyang gugugulin bilang. nang si carlomagno'macatalastas na niyong carunungang manga iba'iba, macaitlo namang dumadalaw siya sa maghapon, doon sa simbahang sadya. cung domingo'fiestang pangilin ay lahat nang caniyang sacop ay pinatutupad, tuloy naglilimos sa nangasasalat nang sa cabuhayan nila'nararapat. lalong lalo nanga ang manga simbahan na duc ha at ualang sucat na pagcunan, binibigyan niya nang malaking yaman at tungcol sa dios ang ganoong bagay. sa bayang cristiano cahit hindi sacop ay caniyang pinadadalhan din nang limos, maguing sa caniyang tunay na vasallos ang saclolo niya ay di nalilimot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at sa taon tao'nagpapadala rin nang limos sa reyno niyong jerusalem, at sa iba'ibang reyno ay gayon din taglay nang caniyang pagcama auain. sa nanga sasalat na ualang pagcunan ay namamahagui niyong cayamanan, sa tanghali'siya'cung cacain naman binabasahan nang librong cabanalan. may lector na yaon ang sadyang tungculing siyang bumabasa capagcumacain, at ang adhica niya'dapat na busuguin nang gracia, ang manga caloloua natin. cung binubusog man natin ang catauan nang manga pagcaing sari saring bagay, caloloua'dapat na pacanin naman niyong masaganang gauang cabanalan. kinauiuilihang basahing parati ay yaong librong divicitate dei, sinisira niya ang tulog sa gabi at sa pagcahimbing ay di nauiuili. at sa isang tao'macalaua bilang ang virey niya na inuutusan, na magsisiyasa'sa nasasacupang provincia'ciudades villa'manga bayan. sa lahat nang puerto, ay inuusisa ang tungculin nila sa pag aalaga, at cung ginagaua ang pangangasiua nang pagca justicia sa sacop na madla.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"cundi gumagaua nang manga pag api sa hamac, maguing sauing malaki, ang pagpapalagay nila'cung mabuti cung isa ang tingin sa guino'imbi. at yaong paghatol ay cung nababagay sa hustongmatouid at di nasisinsay, sapagca'maraming iba ang palagay na canilang manga pinagpupunuan. cay vayceto namang manga pangungusap aniya'mararaming aliping pangahas, sa panginoon nga'sa hindi pag ganap niyong catuiran at nangalilinsad. nang sa cay aaron namang maunaua ang hari sa francia sa ganoong gaua, na si carlomagno'nalugod na cusa sa camahalan at bait na sagana. isang elefante nagpadala ito na mayhilang isa na carrong dorado, na ang lula'bangcay ni. cipriano at ni espiratus na isa rin santo. saca yaong ulo ni. pantaleon tanda nang pag ibig niyang mahinahon, saca cay carlomagno, mula nang manoynoy ang magandang gauang sa dios ay ucol. nang cay carlomagnong regalo'matangap malaki ang toua at pasasalamat, sampon nang nagdala'lubos na liningap at minahal niya nang sa puso'tapat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"iguinalang nanga ang manga catauan niyong manga santong sa dios na hirang, at ipinalagay doon sa simbahan at maraming taong nag devocion naman. si carlomagno nga'mulang putungan siya niyong corona imperial sa roma, noo'linooban naman ang patriarca sa jerusalem nang manga turco baga. totoong marami ang manga cristiano na pinagpapatay niyong manga turco, caya'sumanguni sa bagay na ito siya sa matandang manga caballero. nang tungcol sa guerra ay naca aalam niyong sari saring bagay na paraan, iba sa canila'cahit masira man ang dangal ay tacot na sila'mapatay. caya'ang uinica'makipagyari na sa manga turco at mangaco na sila, nang anomang bagay at nang di muli pa na sila'patayi'yaon ang pangamba. anopa'noon din ay sila'nag atas niyong embajadang makikipag usap, tanang sasabihin ay nang maisaad yaong inutusan pagdaca'lumacad. sugong embajada ay nang ipamalay ang hiling na yaon ay ang casagutan, ang ciudad na yaon ay canilang iuan at sampon nang lahat na ariarian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"tanang casangcapan at manga sandata gayon din ang lahat na manga hacienda, ang bagay na yao'ng matanto nila nangagsang usapan sila capagdaca. na sila'humingi nang araw na taning na malaon laon nguni'di pinansin, niyong manga turco, caya nga'uala ring makitang paraang huag mahilahil. gayon ma'sa aua nang dios na ama at sa tulong nang mahal na gracia niya, nasoc sa canilang manga ala ala ang cay carlomagnong loob na maganda. sampon pa nang taglay na cabayanihan at yaong loob niyang cabutiha'sacdal, ang caniyang pagcamaauaing tunay sa nangasasahol na cahit sinoman. ang guinaua nila sa bagay na ito ay ang manga susi nang sto. sepulcro, ay ipinadala sa cay carlomagno sampong estandarte nang nubos sa tao. pumanaw noon din yaong embajada at cusang tinungo ang imperiong roma, sumulat din naman yaong patriarca at cay constantino ay ipinadala. sa constantinopla, nguni'hindi ito yaong emperador na si constantino, na humanap baga nang cruz ni cristo na ipinanglunas sa sala nang tao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"yaong casabihang constantinong yaon anac ni constanciong bunying emperador, at nang emperatriz elenang gumugol nang pagal at yamang hindi sasangayon. ang sa patriarcang sinulatang ito bilang pangalauang haring constantino, ang pinagsabiha'hiningang saclolo nang gagauin niyang munacalang bago. nang cay constantinong tangapin ang sulat at ang nalalama'pauang matalastas, ay noon din nama'inutusang agad ang principe leon na caniyang anac. pinasamahang cay juan de napoles at saca sa nangangalan pang si david, dalaua pa ring hebreong sasanib samuel isaac sa historiang sulit. sila ang piniling manga embajada sa cay carlomagno sa imperiong roma, na may dalang sulat na nilagdang sadya niyong emperador constantino baga. calakip din yaong sa patriarcang liham tangi sa titic niyang gayari ang saysay cagabi aniya'napakitang tunay na akin, ang isang babaying marangal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na ang carikita'caguilaguilalas uica'constantino'ang laguing pagtauag, at iyong pagsamo sa dios na uagas na icaw ay bigyan nang tapang at lacas. sa cuhilang turco ng pakikilaban na doon sa tierra santa'nagtatangan, sa iyong malaking nasa'cailangan na si carlomagno ay macaalacbay. itinuro yaong caballerong isa na butihi'lubhang malaking halaga, ang gayac, at yaong sibat at espada'apoy ang sa talim ay nagsisibuga. na tumitilamsic ang tapon ng ningas ang muc ha'maganda'gayon din ang ticas bulagaw ang mata'mahaba ang balbas buhoc ay bago pang may puting mamalas. caya emperador huag pong hindi ca sa lacad na ito'mangyaring sumama, sumunod sa utos nang dios na isa'magpasalamat sa iyong caloloua. sa pagca justicia'ng huag masinsay gaya nang balitang manga cabutihan, na guinagaua mong malaon nang araw sa manga sacop mo'maguing pa hindi man. ipinalagay ca niyong poong dios na sa cagalingang gaua ay mauulos, ng cay carlomagnong sulat ay matalos ang luha sa mata pagdaca'umanod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sapagca'ang santo sepulcrong mahal ay nasa sa camay ng hindi binyagan, nang oras ding yaon ay nag utos naman doon sa cay turping arzobispong hirang. na sa caharia'iaral na tikis ang gayong balita na cahapis hapis sa bagay na yaon ay nang matigatig ang loob nang tao'maguising ang isip. guinanap ding agad niyong arzobispo na ipinangaral doon sa imperio, maraming nagningas na loob nang tao na nagsipagdamdam sa bagay na ito. caya nga at noong hucbo ay ilacad maraming sumama na nangahicayat, at nangagsitapang na di hamac hamac at nagcusang loob nang pakikilamas. at niyong ilacad yaong ejercito ang punong general ay si carlomagno, maraming casamang hari'caballero duke, conde'markes at ibang guinoo. minagaling nilang tikis na panauan ang asaua'anac ari'cayamanan, sa malaking nasa nilang isangalang yaong tierra santa na linapastangan. yumao na silang tinauid ang dagat nang magsiahon na'parang ang tinahac, at ang cagubatannang tarquiang malauac nang manga bayaning pauang nagagalac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sapagca'nang bagong lalacad ang tropa ay si carlomagno'nagpahayag muna, nang pakikilaban na gagauin nila nang upang hinahong camtan ang victoria. dahil sa magandang gagauing paraan manga loob nila'sumigla'tumapang, nguni at nagdamdam silang cahirapan nang tahakin nila yaong caparangan. na may habang manga labinlimang legua at may sampong leguas naman yaong lapad, mahiguit na dalauang oras na linacad at dalauang gabi bago nacalampas. at ang nasumpong pa'leong caramihan manga tigre'oso, lobo at halimaw, sa canilang hucbo ay siyang nagbigay nang lubhang maraming manga casamaan. lalo na sa gabing canilang pag idlip doon nangyayari ang lalong panganib, dahilan sa gaua niyong mababangis na hayop, na ualang auang magpasakit. tangi pa sa roo'ang pighati nila doon sa paglacad ay nang maligaw na, bakit sa pagcain nila'kinapos pa, saca manga pagal cung caya nangamba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"manga loob nila'lubos na namanglaw nang sila'gabihin sa nasabing parang, sa di pagcataho nang pagdaraanan dahil sa nangyari nilang na pagcapaligaw. sa cay carlomagnong ipinatugtog na ang guinbal, na tanda nang pagpapahinga, at ipinag utos na lumagay sila sa libis bangi'magbantay ang iba. yaong manga hindi lubhang napapagod at siyang magtangol sa nangatutulog, sa magsisisilang mabangis na hayop na nagpapahirap sa manga soldados. nang maiayos na ang lahat nang caual at ang gutom nila'nang mapauing tunay ay si carlomagno pagdaca'lumagay sa puno nang isang malaking halaman. siya'lumuhod na'nanalangin doon at nagmaca aua sa dios na poon, na sila'iligtas sa madlang lingatong at matausan din ang canilang layon. nagpapacumbabang luha'tumutulo sa gayong caniyang pagmamacaamo, hibic at pagluhog na taos sa puso at manga pagdaing at buong pagsuyo. at pinasimulan yaong pagdarasal nang sa dios bagang manga capurihan, sa dasal na verso'nang dumating naman may voces nang ibong siya'napakingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na ang uica'tunay na naringig ca na nang pagdalangin mo sa dios na ama, gayon man ay di rin tumitiguil siya hangang sa dumating sa verso pang iba. ibon ay muli pang nagsabing malacas na naringig cana niyong pagtauag, nang cay carlomagnong yao'matalastas sa manga pinuno'nag utos na agad. lahat nang soldado ay ipinalagay sa mabuting ayos niyong pagcahanay, at pinagsabihan nang panghihinapang lumacad nang siya ang nasa unahan. sinusundan nila'ibong lumilipad na bilang patungo doon sa paglacad, anopa'natunton ang tunay na landas caya nga'toua nila'hindi hamac. pinagca alama'magpahaga ngayo'laguing nakikita ang nasabing ibon, nang nangaliligaw sa gubat na yaon pinapatnuguta'daa'nang matunton. sa gubat na yao'nang macalabas na yaong emperador at casamang tropa, isang daang libo ang natanaw nilang turcong bucod bucod ang pulutong baga. at cung caya naman nila natalastas ay may lihim silang taga pagsiyasat, at cung magagaling ang sandatang sangcap nang magaua nila ang lalong marapat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"pinacabuti na ang canilang ayos at nangagsigamit nang tanda nang cruz, nanalig na paua sa aua nang dios at nagpacatapang nang canilang loob. niyong matapos nang ihanay ang caual sa lalong mabuting manga catayuan, at inaatas na ang manga paraan na marapat gauin sa pakikilaban. sinimulan na nga ang pagbabatalla nang dalauang hucbong leon ang capara, tapang nang cristiano ay cataca taca sa dahas at licsi nang pananandata. ang cahalimbaua'tigre at halimaw niyong paghandulong sa manga caauay, magcabi cabila'nagcalat ang bangcay niyong manga turcong canilang calaban. nang ualang magaua sa pakikilaban at napipipilan nang pananandata, nang di macasaho'nasasahol sila ay nangagtacbuhan silang para para. pumasoc sa ciudad niyong jerusalem at adhicang doon mangag sisitiguil, nguni di nangyari'sila'inusig din nang manga cristiano saan man dumating. anopa at sila'hindi tinugutan hangang di naubos na pinagpapatay, nang uala na cahit ni isa mang buhay doon ay sila na ang namuno naman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"yaong santong lugar ay nang mabaui na sa camay nang turcong manga palamara, ay si carlomagno'lahat nang casama ay doon na muna sila nagpahinga. nang macapagpaui na sila nang pagal sa bunying patriarca ay nagpapaalam, binibigyan sila niyong cagantihan guinto'pilac sampong batong bagay bagay. bunying emperador na si carlomagno at gayon din yaong haring constantino, ay hindi tumangap nang handog na ito niyong patriarcang huminging saclolo. kinilala nilang tunay na nag utos sa canila'yaong darakilang dios, at ang catapangan sa pakikihamoc nila, ay dios din yaong nagcaloob. sa guinauang yaong di pagtangap nila ang uinica naman niyong patriarca, cung gayo'ang ualang timbang na halaga ang aking sa inyo ay ipakikita. cayong lahat ngayo'hustong tatlong araw na mangag colacio'tuloy magcumpisal, at mangagcomunion sa kinabucasan na sinoma'huag pasalahin lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"malabis ang touang canilang tinangap at noon din sila'nagcolaciong lahat, nangagcompisal di'comunio'ginanap hiling nang patriarca ay pauang tinupad. tanang cautusa'nang mairaos na ay humirang naman nang labindalaua, na manga guinoo at iniatas niyang ilual sa cofre ang tanang reliquia. yaong emperador carlomagno naman ay sa arzobispo siya'nagcumpisal, at tuloy rin namang siya'nakinabang ayon sa iglesiang manga cautusan. at yaong pinili na labindalawa ay pinasimulan yaong pagcacanta, nang letania'salmos namang iba'ibang pagbibigay puri sa dios na ama. saca ang prelado doon sa napoles na cagalang galang na ang ngala'david, binucsan ang cofreng doo'nasisilid ang cay jesucristo na coronang tinic. ang takip nang cofre ay nang maibucas ang samyo nang bango ay humalimuyac. na nagbigay aliw sa tanang caharap asa nilang na sa paraisong lahat. noo'natiguib nang pagsampalataya ang cay carlomagnong puso'caloloua, siya ay lumuhod na caracaraca na namamalisbis ang luha sa mata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"casabay ang hibic at manga pagluhog sa di matingcalang maauaing dios, at ang pasion niya'nang lalong mabantog ang bagong himala'ipinagcaloob. sa oras ding yaon namang capagdaca ang coronang tinic nang nacop sa sala, nagsipamulaclac na caayaaya ang samyo nang bango ay ualang capara. na nacabubusog sa naroong lahat caya nga'ang toua nila'hindi hamac, at niyong hanguin ang santos reliquias ay lalong maraming himalang namalas. tanang manga lumpo, bulag sampong pipi ang pilay ay bucot sampong manga bingi, gumaling na lahat caya'di masabi yaong cagalacan sa gayong nangyari. ang manga leproso ay gayon din naman caya'nagpupuri silang walang humpay, ang dakilang bango'sumikip sa baya'nasamyo nang lahat yaong casarapan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"malacas na voces ay naringig nila uica'cabuhayan ngayon nang lahat na, at ito ang araw nang mahal na graciang caloob na tunay nang dios na ama. tatlong daa'lima ang manga may sakit sa araw na yao'gumaling na tikis, caya nga'sa puso nila'nangatitic ang himalang yaon nang dios sa langit. ang prelado daniel ay cumuha naman niyong isang paco nang nacop sa tanan, at sa relicariong guinto'ilinagay isang bagong taong gumaling ang damdam. capagcabata nang ipanganac siya at ang calahati nang catauan niya, ay tunay na tuyo capagcaraca na cung caya nga hindi macakilos baga. nguni at dahilan sa paco ni cristo'biglang nacalacad ang nasabing tao, at naparoon nang halos tumatacbo sa simbahang hayag na cay. doon nga pinuri'pinasalamatan ang aua ng amang macapangyarihan, at ang sakit niyang pinagcalabasan gumaling na tila nagdahilan lamang. at sa alemania naman ay gayon din maraming may sakit yaong pinagalin, sampon nang enano ay lumaking tambing at sa cahustuhang anyo ay tumiguil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ualang di gumaling na manga may damdam doon sa reliquias nang nacop pa tanan, caya'nangagpuri nang di ano lamang sa dios na ualang hanggang caauaan. at saca isa pang sangol na patay na ang muling nabuhay na cataca taca, dahil sa cay cristong pacong mahalaga'siyang naguing lunas na nagpaguinhaua. saca nang dumating doon sa aquisgran ay huminto sila sa isang simbahan, at sa isang altar nila ilinagay ang santas reliquias ni jesus na mahal. ang simbahang yao'sa mahal na virgeng nuestra de la salud, at siya'nagbilin, na sa taon tao'huag pasalahin na ang cafiestaha'pilit gaganapin. sa buan nang junio ay ipamamalas sa lahat nang tao ang santas reliquias, at mangag cacamit sila nang plenarias yaong indulgenciang sa sala'patauad. pasiya nang papa ang bagay na ito nang ipagcaloob sa cay carlomagno, caya'guinaganap nang manga cristiano na tunay na lingcod nang poong si cristo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ang simbahang yao'pagaua rin naman niyong emperador carlomagnong hirang, caya nga'ang bilin ay nang maisaysay siya'nagbalic na sa palacio real. magmula na noo'nabalitang tikis ang cay carlomagnong cabutiha'bait, siya ang nagtatag niyong doce pares taglay nang caniyang cagandahang isip. sa pagcabayani ay siyang nabantog na pa manga turco ay naguing kilabot, ganon din sa lahat nang nangasasacop ay lubhang hinahong cung siya'mag utos. at sa dios nama'lubos ang pag galang maguing sa iglesia na cay cristong halal, sinusunod niyang ualang caliuagan ang bilin at utos at ang manga baual. caya'ang caniyang magagandang gaua siyang dapat cunang uliran nang madla, at sa manga puno'isang halimbaua nang casarapang lumingap sa capoua. hindi sa sarili lamang lumilingap at iisa yaong pagtingin sa lahat, maguing sa mayaman at sa manga salat sa caniya'ualang mababa'mataas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"di gaya nang haring si herodes na sakim sa yama'carangalang labis, caya nga'sa gauang yao'ang nasapit doon sa infierno cusang nagcasakit. at gayon din yaong si poncio pilatong hocom na humatol sa poong cay cristo, sa tacot sa bala niyong manga judio na ipagsusumbong siya cay tiberio. na siya ay isa bilang casapacat nang ipinaghablang mahal na mesias ay baca alisin sa tungkol na hauac cung caya humatol nang hindi marapat. cahi'alam niyang ualang casalanan ay ipinasiyang si cristo'mamatay, nang sa cay tiberio'ipagsabi naman gauang lihis niya'siyang hinatulan. at ipinahuli na guinapos siya tuloy tinubungang hayop ang capara, at noon din siya ay ipinadala doon sa caniyang bayang tarragona. na uala ni cahit banig man cumot caya nga'sa lupa lamang natutulog, at di iniiuan nang sundalong tanod hangang sa ang buhay niya ay natapos. at nang makitil na ang tangang hininga'ibinulid naman yaong caloloua, doon sa infierno'dusang ualang hanga at uala cahima'camunting guinhaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"pagca'si pilato ay hindi binyagan siya'nalalabas cay cristong baunan, caya'suson suson yaong cahirapan at di matatapos magpacaylan man. dahil sa mayroong lumabas na auit na dili umano'na akyat sa langit, yaong si pilato, ito'sabing lihis nang nagsasalita ay di iniisip. ipinahahayag niyong evangelio na ang di tumangap nang agua bautismo, ay di nagcacamit nang langit sa reyno at ang matatamo'hirap sa infierno. camaliang tunay yaong pangungusap na si pilato ay sa langit na akyat, at ang nabasahan ay librong salungat lic ha nang budhing lubos na pangahas. kinacailangang anomang gagauin nang tao, ay dapat munang iisipin, at sala sa amang lumalang sa atin at tatauanan pa nang macalilining. huag yaong tayo'macakita lamang nang pilac, ay cahit di catotohanan, cahit ualang librong kinakikitaan ay di nangingimi nang pagsasalaysay. alalahanin mo guiliw na capatid na di gagapilac lamang yaong langit, sa camunting yamang ating ninais yaong ualang hangang toua'ipapalit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"magnilay nilay ca'ang gauang mabigla ay di gayon lamang cung mapanganyaya, bakit ang parusa'laguing nacahanda nang hucom na hindi mangyaring madaya. sa caniya ay ualang munting nalilingid ang lahatay paua niyang nalilirip, cahit gagadulo man lamang nang hanip at siya'ualang hindi nababatid. mabuti na lamang cung mapagsisihan ang lahat nang ating gauang casalanan, at may patauad pang sucat maasahan nguni'cung di gayo'sauing capalaran. sa utos nang dios ay dapat gumanap tayo, at gayon din sa iglesiang atas, nang upang matamo nating aliualas ang caligayahang ualang pagcucupas. taong isang libo at dalauang daan saca limang pu pa yaong calabisan, si margarita nga ay siyang pag silang sa bayang labiano, niyong catauhan. sa nayong diocesis sa chiusi ang tauag sa toscana yaong unang pagcatanyag, ang ama at ina,, mabuting tumupad nang pagca cristianong canilang tinangap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at may puring tauo na magpapaupa yaong guinagauang hanap buhay nila, silang nagtuturo sa cay margarita niyong bagay bagay na gauang maganda. na ayon sa manga cabanalang paua at natututo pa lamang nang bahagya, yaong anac nila nang pag sasalita iminumulat na ay cagalingan nga. tanang malumanay na pananalangin niyong may calingang inang nag aangkin, sa cay margaritang puso ay natanim caylan may di na mangyaring limutin. at dinadasal niya nang cataiman caacbay ang puspos na cadakilaan, hagang huling taon niyang paglalabay sa cahapishapis at hamac nabayan. nguni at sa gayong casamaang palad ang may pitong taon bilang nang maganap, si margarita ay naulilang cagyat sa mapag palayaw na inang masicap. ang magandang gaua na naguing ca acbay sa caniyang puso ay biglang naualay, at ang pagcauili niyong pag sasanay sa dating ugaling manga cabanalan. sa mauari niyong abang culang palad yaong pagmamahal nang inang lumipas, at ang casamaang hindi malalangap palagay nang aling di carapat dapat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na naguing asauang cauli nang ama lihis na pasunod nang di na mabata, laguing pinupucaw yaong ala ala niyong pagmamahal nang naualang ina. caya nga sa ibang bahay ay hinanap yaong pagmamahal na ibig malasap, cusang napadala sa maling hicayat nang catuaan, tubo ay dusang masaclap. at hinarap niya yaong pamumuhay ng isang lagalag at masamang asal, pagca palibhasa,, nahihiyasan ang caniyang isip ng catalinuhan. tangi sa caniyang cagandahang anyo ipinabihag ang caniyang puso, sa pagmamarikit ng gumandang lalo at ng cauilihan ng magsisisuyo. nang mga lalaki na macamamalas ay sa abang aba! ng saliuang palad, na uari ay hindi napagtatalastas, ang bunga ng labis na mga pag gayac. at ang ualang taglay bagang cahinhinan na nacasisira niyong calinisan, ang cay tertulianong acala,, sino man di mangyaring maguing malinis na turan. gaya ng dalagang pinipilit manding siya,, cauilihan ng matang titingin hindi calulugdan ni cristong malasin ang nasang calugdang dito,, panoorin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at sa panginoong nagcacadalaua ay di mangyayaring maglingcod sa isa, at si cristo,, ayaw nang hahatiin pa yaong paglilingcod natin sa caniya. sa bagay na ito,, sinasabi naman ni san cipriano ang ganitong saysay, nakikilala mo cayang cararatnan ng iyong dakila na capangahasan? diyan sa pag gayac na napacalabis at iyang gaua mo na pagmamarikit, nagcacasala ca sa dios sa langit na sa iyo,, siyang lumalang na tikis. hindi mauauala ang caparusahan sa iyo pagdating nang tadhanang araw, huag mong sabihin sa akin ang icaw ay mahinhi,, di mo hangad ang calugdan. sucat na ang icaw ay ang macalimot sa manga gagauin na ucol sa dios, at ang pagcauili sa iyong pag handog sa bagay na ualang casaysayang lugod. dapat catacutan yaong cahatulan sa manga babayeng tantong nag cuculang, nang sa pananamit nila,, cahinhinan at ualang matuid na mag sasangalang. cahi,, uicain mo na ang calulua,, di sa damit lamang napagkikilala, yaong calinisan, at si margarita ito rin marahil ang sinabi niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ang capangahasang yaon ang nagbulid sa capahamacang di sucat maisip hindi macasapat sa pagmamarikit yaong ari nilang caunting nalabis. di naman payagan ng amang ubusin sa pagmamapuri,, ualang uastong aliw, na masunod yaong camaliang hiling ay sa cahalaya,, napadalang tambing. cahit sinisisi ng caniyang ama,, binibigyan niyong hatol na maganda. nang caniyang ali,, gahasa man baga manacanaca ring inaralan siya. anopa,, yaong caniyang cabataan ay naguing isa nang masamang hantungan, nang lahat nang canyang manga cababayan naguing parang isang sucal nang lansangan. ito na ang mula nang pagcaligalig niyong pag nanasa sa napacalabis, na sa catauan niya,, pag mamarikit ang turo nang ina,, nalimot na tikis. si eva ang tunay na cahalimbaua na sa paglilibang na ualang bahala, sa umang na silo,, natuntong na cusa nang lilong demonio,, lubos na nadaya. ang manga dalaga,, siyang caraniuan sa pag mamarikit na nasang calugdan, nang capua tauo,, ang cahihihatnan dinadala tuloy sa capahamacan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"siyang pag cahuli sa parayang pain nang cay margaritang cabata ang angkin, lugsong cabaita,, hindi macapiguil bagcus nag hihigpit nang calaguim laguim. binidbid ang gayong caparangalanan nang lalaking tacsil na caugalian, nahulog sa bangin niyong cahalayan ang pag mamarikit itong pakinabang. sa isang binata bagang caballero malapit sa ciudad nang montepulciano, nabihag nang gandang paraya nang mundo sa pitang mahalay ay cusang nabuyo. itinalaga na yaong calooban sa marumi,, tacsil nilang pamumuhay, hindi na naisip ang sila,, pacasal cundi ang lumaguing nagsama na lamang. oh saliuang palad, na dalagang labis na napabibihag sa pag mamarikit, icaw nga ang salot na ibinubulid yaong calulua sa icalalait! sa lahat nang bayan at manga ciudad icaw nga ang lasong masidhing camandag, sa lubhang malabis na manga pag gayac ay hindi mabilang ang nangapahamac. cusang uinaualang bahala na cahit talastas mang sala ang pag mamarikit, ang capalaloa,, pangahas at hilig sa pag mamasagua niyong pananamit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa cay margarita,, siyang nag lupaypay ang labis na lubhang caparangalanan, sa nasang tanghaling siya at calugdan ang puring napala,, caalipustaan. yaong cagandahang ibig na tauaguing venus at floripes diana,, abigael, ang muc hang masaya,, tindig na butihin mamumutla,, lungcot ang pagmamalasin. ang mapanghalina na matang mapungay at linindi linding aliw nang lansangan, di mag abot kisap ay mahuhumaymay, ang dating maningning lalabo sa tanan. mauaualang lahat ang lugod sa iyo nang tanang casuyo,, nang cababayan mo, ang di magcamayaw na puri nang tauo lilipad na para lamang alipato. saca ang ulo mong pinamumutihan nang perlas, topasio,, diamanteng makinang, na inaayos mong pinagpapagura,, bungong butas butas ang cahahanganan. capatid co,, ano,, natitiuasay ca parang di mo tanto ang bububong dusa, ang uica mo yata,, bucas macalaua madaling magsisi cung naroroon na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"nagcacamali ca at di natin lining ang icatatapos nang hiningang angkin, mabuti cung hinay hinay ang pagdating nang camatayan mo, at hindi biglain. ang cay margaritang naguing pamumuhay hapo na sa gapos niyong cahalayan, at di napupuna sa caniyang paanan ang banging malalim na cabubuliran. linalagyan din nga cung minsan ng dios nang pait, ang manga mahalay na lugod, pinaparam yaong pacumbabang handog na capayapaang paconuaring dulot. manaca naca ring pinag cacaramdam ang nangalalayong manga pamumuhay, sa dios, at sila,, tinutugtog bilang ang puso,, ang maling gaua nila,, lisan. ipinauauari ang pagca pahamac nang nabubulagang na saliuang palad, nguni,, sa udyoc nang caibigang linsad nag uaualang kibo,, uari di talastas. ang sa puso niya ay itinutugtog nang di naglilicat na aua ng dios, parang nangungusap na madalas halos cung minsa,, ualin ding bahala sa loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"gayon ngang nangyari minsang isang araw tinangisan niya yaong caugalian, na isang babayeng anac ang cabagay na mapag acsaya niyong cayamanan. tinicang magbangon sa pagca gupiling at lisan ang ningas na calaguim laguim, nang infiernong apoy na nasa ilalim nang paa niya,, siya,, laang sunuguin, ano ang nangyari sa cay margarita napucaw sa himbing nang pagtulog niya, binigyan nang dios nang cataca taca na balitang siyang nagpaala ala? nguni,, para manding isang maliuanag na aral, na ualang casaysayang lahat, ang layaw sa mundong icapapahamac malumanay namang siya,, nakimatiyag. ipinauari nang masintahing ama minsang isang araw sa cay margarita, nang umalis yaong casintahan niya,, sa bahay ay siya,, naiuang mag isa. ualang ano ano,, ang asong maliit na babayeng caniyang alila,, nadingig na tumatahol nang tila nananangis ng cahambal hambal na di mapag isip.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"nguni,, hindi naman naguguniguni ng saliuang palad na may nangyayari, na casacunaan sa caniyang casing bunying caballerong buhay ay naputi. pinauaualan nga manding cabuluhan ang sigaw ng aso na calumbaylumbay, hangang nacaraan ang dalauang araw aso,, patuloy rin ang pananambitan. saca ang damit ay kinacagat niya niyong panginoon na si margarita, tila nag uiuica uari nang halica,, ang panginoong cong casi mo,, patay na. dito pinasucan nang paghihinala ang cay margaritang loob na mahina, nag ulol ang sindac na hindi cauasa sa taghoy nang asong hindi nagsasaua. lumacad nang doon sa aso,, sumunod sa daang itinuturo,, naglalagos, bahagya pa lamang dumarating halos sa may calalimang bangin ay nataos. na may ilang tuyo na sanga ng cahoy ang aso ay nagpatihulog na doon, at pinasimulang hinucay nang tuloy na calumbaylumbay, yaong paghagulhol. hinaui ng nanganginig na camay ni margarita ang ilang manga sucal na bilang na nacatatakip sa hucay nakita ang bangcay niyong casintahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na buloc na,, hindi sucat na matiis yaong sumisingaw na bahong malabis, nang cay margaritang abutin nang titig sumicdo sicdo na ang caniyang dibdib. uinauari niya ang kinahinatnan ng gayong cakilakilabot na bagay, na sinalubong ng caniyang caauay tinadtad ng sugat hangang sa napatay. nang si margarita,, pagsaulang loob sa kinahinatnan ng palad na capos, na ang buhay niya ay dagling natapos sa pagpapasasa ng sa mundong dulot. anopa,, yaong mabahong bangcay niya caramihang uod yaong nakikita, ang catauang hilig ng nabubuhay pa sa layaw sa lupa,, itong naging hanga. ni camunting dungis di ibig bahiran ang catauan niya niyong nabubuhay, ang caniyang labis na pagcapihican ngayon nama,, siyang pinangdidirihan. yaong sa puso niya,, siyang bumabaca at pagpipighating naalaala, sa kinabuhusan ng pag ibig niya at ang catumbayan niyong calulua. sa abang aba co! caya,, napasaan ang calulua nang sauing capalaran, saan cundi doon sa infiernong bayan ang sagot ng voces na umalingawngaw?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"magpahangang sa caibutura,, taos nang puso, at tantong ipinangilabot, malamig na pauis ay agad sumipot at sinidlan niyong di cauasang tacot. sa cay margaritang dinidilidili ang gayong calunos lunos na nangyari, sa lugod at layaw ay lubhang nauili ngayo,, lubos naman ang pagcaruahagui, ualang hangang hirap doon sa infierno ang ganti sa munting ligaya sa mundo, sa sandaling tua,, nacapalit nito hirap casakitang hindi mamagcano. cakilakilabot ang cay margarita na pakikihamoc sa sarili niya, bago nasundua,, nahirapan muna sa nasang maganda niyang pagtitica. oh cahambalhambal na casasapitan nang sinomang nangag papaliban liban, niyong pagbabalic loob at ang araw na icatatapos niya,, hindi alam! ang dalisay niyang pag aala ala,, capakinabangan niyong calulua, kinikilabutan sa sarili niya ang caaua aua na si margarita. nagugunam gunam na nasa sapiling ang cabubuliran na calaguimlaguim, at may panganib pang doo,, mahulog din cun ang hininga niya,, biglang makitil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"caya nga,, ang luha niyang pumupulas ay naguing turing nang parang isang dagat, niyong pagninilay sa pagcapahamac niyong pagcadaya nang demoniong sucab. sa lupa ay tambing siyang nanic luhod nagsisi,, humingi nang aua sa dios, pinaglampasan nang mahayap na tunod niyong pagsisising sa puso ay taos. ualang iniisip cundi ang tangisan lahat nang caniyang manga casalanan, pag pepenitenciang caunaunahan ang cusang lumayo sa capanganiban. caya nga,, sa loob niya ay tinicang sa montepolciano,, umalis pagdaca, siya,, naparoon at nagpatirapa sa paa nang amang tinalicdan niya. yaong catacsila,, inahinging tauad at nag pipighating hindi hamac hamac, capagdaca nama,, agad nang tinangap niyong ama, yaong alibughang anac. na tumatangis na,, siya,, nagsisisi nguni,, ang matigas na loob na ali, ay hindi pumayag at cusang tumangui at inari niyang casiraang puri.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ang gayong paghibic at manga pagtaghoy ni margarita nga na ualang mag ampon, dakilang ligalig ang nangyaring yaon sa buhay na naguing parang isang tapon. dalauang puo,, apat ang caniyang gulang bata pa at ayos na nahihiyasan, nang sinag na taglay niyang cagandahan ang sa muc ha niya ay napagmamasdan. yaong pamumuhay niyang namamalas na masama,, parang daan ang catulad, na nasasabugan nang manga bulaclac nang caligayahang labis humicayat. siyang tumutucsong muling manumbalic sa dating casama,, cagagauang lihis, iniuurali na sa huling guhit ay caauaan nang dios sa langit. nguni,, yao,, hibong isang camalian pangaco nang dios sa cahit sino man, na nangagsisisi,, nagtiticang tunay, ay iguinagauad ang capatauaran. sa pagtauag niya,, ang nag ualang kibo paanong cacamtan ang ipinangaco, pag naglibanliban icaw ay di taho ang camatayan mo,, cahirapang lalo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"caya nga sa gayong pagbubucas bucas ay lubhang marami ang nangapahamac, na ang ualang hangang dusa ay linangap ng manga pabayang nagpapacatamad. nguni at ang aba na si margarita sa udyoc ng tucso,, nakikilaban na, camahalmahalang pastor ay muli pa na tumauag pagca,, hinihintay siya. laging nacadipa ang camay sa ati,, yayacapin tayo cung siya,, duluguin, ang capayapaa,, ating tatamuhin at lubos na tayo ay patatauarin. panibago namang tinauagan siya ng masintang tunay na pag aanyaya, inalalayan siya nang pakikibaca sa dahas ng tucsong mangahis ang tica. ang pangagalinga,, yaon nga marahil niyong pagbabagong buhay na magaling, ani jesus iyang tacot mo,, pauiin margarita,, kita ay cacalingain. ang magandang tica,, cusang pinagtibay at tinatangisan sa gabi at araw, ang lahat ng mga naguing casalanan at ang halimbauang manga casamaan. hinahangad niya na moling mabaui ang lubhang malabis na pagcacamali, ng cahalayhalay na pamamalagi sa layaw ng mundo ng pagcalugami.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"agad nang naglacbay doon sa simbahan siya sa labiano, na nasosootan, nang damit celicio at natatalian ang liig at tandang pagtiticang tunay. saca ang dalisay na paghinging tauad sa caniyang manga cababaya,, hayag, at pinagsisihan sa harap ng lahat na naguing dahilan ng pagcapahamac. hindi rin naglubag sa bagay na yaon ang loob nang ali,, ama pa,, caayon, pinabayaan na ang lulungoylungoy na anac na ualang sucat na mag ampon. nang makita yaong calagayan niya nang caauaaua na si margarita, na tulad sa tapong uala nang halaga caya nga,, lumipat sa bayang cortona. doo,, mahinahong siya ay tinangap ng ilang senorang marunong mahabag, casama ang isa niyang naguing anac sa naguing casuyong kinapos ng palad. ang unang guinaua na pinagpilitan nang taos sa puso at cataimtiman, ang dalisay na confecion general sa lahat nang manga naguing casalanan. siyang matibay na pasimula ito niyong pagbabagong buhay na totoo, siya,, naparoon doon sa convento nang cagalang galang na si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na namamalisbis ang luha sa mata niyong malalim na pag sisi niya, isinaysay sampu nang pighating dala sa isa ngang pareng relegioso baga. at ikinumpisal niya nang malacas tanang casalanang gauang hindi dapat, at hiningi niyang boong pagsisicap ang orden tercera siya,, macatangap. nang sa penitenteng damit serafico tandang pagtalicod sa layaw sa mundo, ang confesor nama,, napaayon dito,, pinanghinapang pang bagcus na totoo. pinasimulan nang pag pepenitencia sa nasang macamta,, binigyang pag asa, yaong hinihinging simula ng gracia at sa cabanala,, nagsanay na siya. linalayuan nang parang camatayan sa loob, ang lahat nang macapupucaw, ang kilos at anyo,, hilig na mahalay niyong maruruming pita nang catauan. capahintulutan bilang ng senorang pinaglilingcurang caniyang asaua, mangyaring huag pahigpitin niya ang pagpapasakit sa catauang baga. gayon man ay dahil sa laking pag ibig na ang catauan niya,, bigyan pasakit inaring di dapat ang nasoc sa isip tuntungan ang lupang alalay na gamit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa idinadaos na pananalangin sa lahat nang oras na macayang gauin, at ang pagsasanay sa icagagaling nang caisa isang caluluang angkin. pinatauad na nga at cusang linimot ng amang lumic hang mahabaguiug dios, ang cay margaritang casalanang lubos at bagcus guinanti ng magandang loob. madalas din namang siya,, dinadalaw at tangi siyang pinagcacalooban, ng sa langit bagang mga caaliuan at ang caniyang loob ay pinatatapang. na ipatuloy niya ang tungo ng lacad na pinasimulan sa tuntuning landas, niyong cabanalan na icatutuclas ng caligayahang ualang pagcucupas. mga franciscano ay niyong masuboc ang cay margaritang catibayang loob, na penitente ngang bagong naglilingcod sa mapagcandiling mahabaguing dios. sa matining niyang halimbauang bigay doon sa adhicang manga cabanalan, na sa boong mundo ay pinasisilang caya,, nag habitong ualang caliuagan. nang ordeng tercera na cay. francisco na ualang pangamba sa bagay na ito, patuloy ang loob na di nagbabago sa mga pahirap niyang tinutungo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ang lapastanganin ay di inacala nang caniyang asal na buhat sa sama, cung hindi lalo nang nag ibayo pa nga sa bagsic ng gracia na nagbigay bisa. inululan yaong pagpapacahirap capacumbabaa,, lubos na niyacap, uinauari niyang di carapatdapat tingnan ang caniyang calagayang hamac. capagbinabati siya nang sinoman at may anyong siya,, tila minamahal, pag ibig sa mundo ay hinahalinhan nang ucol sa dios na pagsintang tunay. kinasusuclaman ang idinudulot nang tungcol sa lupang nagbibigay lugod, na sa catauhan niya,, naghahandog, ni munting ginhaua ay di iniimbot. pinapagniningas ang tunay na nais, matupoc sa apoy nang laking pag ibig, sa pananalangin at pagsusumakit sa icararapat na hari nang langit. nang nananalangin siyang isang araw na taglay ang lubos na cataimtiman, sa harap nang isang mahal na larauan ni cristong sa cruz ay napabayubay. doon ay nag tamo nang tuang malabis at magandang palad dahil sa naringig, sa labing camahal mahala,, sinambit yaong pangungusap na lubhang matamis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sabihin sa akin cahabag habag na babaye,,! anong sanhi nang pag iyac, ano ang ibig mo baga aking anac? si margarita ay tumugong banayad. icaw lamang aking panginoong mahal icaw ang tunay co na caligayahan, cung na sa aking ca ay di magcuculang aco, nang cahima,, anong manga bagay. ang sa santang nasang maningas na loob na mag bigay aliw sa poong cay jesus, ay siyang pagcaing ikinabubusog na sa araw araw ay macamtang lubos. saca noon namang maunaua niya na sa paglilingcod sa manga senora, sa bahay na yaon ay di makikita ang catahimican nais na talaga. at gayon ding hindi masunod ang nais na mag penitenciang adhica nang dibdib, ay siya,, humanap niyong munting silid na matatahanan nilang matahimic. casama ang bunso niyang minamahal at ang guinagaua niyang hanap buhay, ay ang pananahi sa cubong tahanan at pag panaog na,, tungo sa simbahan. sa capua tauo,, pagca auang gaua ang paghanap nang matatahi caya, laguing gumiguising siyang maaga nga,, nagsisimbang uala camunti mang saua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"nakikinig niyong misa,, nagninilay na taglay ang lubos na cataimtiman, cung matanghali nang puso,, masiyahan sa pag dedevocio,, ooui nang bahay. patuloy rin naman ang pag dedevociong casama sa gauang pananahing yaon, ang caabalahan lamang niyang tungcol ay ang pananahi na pangpauing gutom. tumabas magtagpi,, caraniua,, itong ipinagagaua nang sinomang tauo, ang iniuupa nang cahima,, sino bilang limos nila lamang cung gaano. naguiguing panakip ang naibibigay sa balang caniyang manga cailangan, ang manga duc ha pa ay natutulungan nang caunti niyang paghahanap buhay. ikinatutua na niya nang malabis ang pagcain niyang tinapay at tubig, at nang ilang pasas at di gumagamit nang ningas nang apoy sa cubong maliit. liban na nga lamang na cung naghahanda sa panauhin niyang manga salanta, itinuturing na totoong dakila ang bagay na manga caaua ang gaua. capag uala siyang pagcaing ibigay damit, sa duc hang nagcacailangan, ay cahit anomang manga casangcapan sa caniyang cubo ay hinahatian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"maguing pinga,, cahit yaong vaso caya. manga cuchara at maguing damit nga, at isang panahong calamiga,, sadya hinubo ang saya sa catauang cusa. at doon sa duc ha,, cusang ibinigay nang ang cahubaran lamang ay matacpan, na halos uala na siyang damit naman at maralita ring naghahanap buhay. kinikilala ngang yaong manga duc ha ay tungcol cay jesus yaong pagpapala, ang pag ganting ualang macahalimbaua ay tulad sa isang dakilang biyaya. duc ha man siya,, di ibig pagsabihan ng uica ni jesus na ganitong saysay, aco,, nagugutom ay di mo binigyan ng pagcai,, hubad aco,, di dinamtan. binabayaran ng dios ng sagana ang iniaalay sa camay ng duc ha, ang cay margaritang handog at calinga pinatiticman na dito pa sa lupa. yaong na sa langit na caligayahan na tantong malaking capakinabangan niyong calulua,, naguiguing dahilan ng pagpapaualang halaga sa buhay. magmula ng siya ay magbalic loob sa catauan niya,, malabis ang poot, pagca,, siyang naguing caauay na lubos sa casalanan ngang di sucat masayod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"saca ang masamang manga halimbawa caya hindi pa rin ikinatutua, yaong cahirapan na dinadalitang pag pepenitencia,, pagaayuro nga. ipinasiya pang yaong cagandaha,, cusang papangiti,, ang muc ha,, sugatan, ng catacot tacot nguni,, hinadlangan ng confesor niya na umaalalay. sa pananaghili ng demoniong tacsil na di ibig niyang ang tauo,, gumaling, inumangan din nga ng parayang pain tungong cabanala,, upan ding itigil. ang coronang tanging ualang pagcalanta na gaua ng aba na si margarita, santang manahani na itinatalaga sa sarili, yaong cagalingan niya. inupatan na nga ng lilong caauay niyong catha catha na cabulaanan, margarita, anya ay iyong tigilan iyang malabis mong mga cabanalan. at ang sa tahana,, lagui mong pagligpit tunay na di ayon sa taglay mong bait at ang malabis mo na pagpapasakit sa iyong cataua,, tantong nalilinis. gayong gaua,, isang laking calupitan para cang tikis nang nagpapacamatay, di ucol higpitan at ang cailangan bigyan mo nang luag at capanahunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"upang magcaroon nang camunting lacas nang may ipag tangol sa araw na dapat, na cailanganing mamaya bucas ay di mahahapo na caagad agad. lubhang masisira ang cabaitan mo cung magpacahirap nang di mamagcano, ang dapat mong gauin sa panahong ito cataua,, ingata,, lumauig sa mundo. yamang lubos namang pinatauad ca na nang dios, sa lahat nang gaua mong sala, ay ano ang iyong alalahanin pang cataua,, higpitan at mag penitencia. sa umang na silo,, di lubhang naghirap na ipinapain niyong si satanas, at napagkilala na caagad agad ang gayong pagdaya at manga pag upat. napakikita pang conua ay angel nang caliuanagan, ang siyang cahambing, ay si margarita,, naghiganting tambing sa capangahasan niyong si lusifer. pinapag ibayo nang higuit sa una yaong dating gauang pag pepenitencia, capacumbaba,, pinapag ulol pa ayon sa hatol nang evangelio baga. isang araw siya,, lalong sinigasig nang tucsong marahas na sacdal nang lupit, caya nga cay jesus naghihinanakit niyong hinanakit na caibig ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa lubhang masintang amang mananacop na sa nacadipang larauan sa cruz, nguni,, minarapat aliuin ang loob nang mapagcalingang mahabaguing dios. na ang uinica sa caniya,, ganito na magpacatapang icaw anac co, cahima,, marahas ang cabacang tucso ay di mangyayaring manaig sa iyo. at aco,, narito na iyon casama sa lubhang mahigpit na pakikisama, at magmasunurin sa payong maganda sa umaacay sa iyong calulua. huag matacot ca,, ilagay sa akin ang gracia ay iyong catibayang kimkim, huag sa sarili ay umasang tambing ang nasang tagumpay nang upang tamuhin. sa cay margaritang biyayang kinamtan bilis nang pagtacbo niyong cabanalan, sa landas lalo na,, ang tucsong caauay ay inuusig siya,, bagcus tumatapang. cusang lumalalim yaong manga ugat nang capacumbabaan ngang hindi hamac, lalong nahihilig at minamasarap ang pula at caalipustaang lahat. sa hindi pagkibo niya,, nagcataca sa lahat nang namamayan sa cortona, ibig niya,, itapo,, pagbatuhan siya na ang ualang casing sama ang capara.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na catulad niyong sa infierno galing dangan ang confesor ang nacapipiguil, siyang humahadlang na di dapat gauin ang nasa niyang yaong ibig na asalin. cundi pinupuing ang gayong adhica na isang totoong pagpapacababa, sa manga lansangan siya ay gagalang may tali sa liig, at ilalathala. ang nangacaraan niyang pagcasinsay at ang nanga gaua niyang casalanan, upang matalastas nang lahat sa bayan ang malabis niyang manga catacsilan. di cung magcagayo,, huhulihin siya cuculangin siya,, doon isasama, sa manga babayeng masamang talaga na linalapatan nang manga parusa. ang dakilang yaong capacumbabaan ni margarita, ay kinuhang uliran, ang caniyang laguing pag gugunamgunam nang cay jesucristong manga cahirapan. sanhi nga sa ating na icagagaling ay inalipusta,, dinuahaguing tambing, niyong manga judio, nguni,, di pinansin binata at upang tayo ay sacupin. lalong sa loob niya ay nacabubuhay yaong sa sariling pagninilay nilay, sa virgeng inang manga casakitan sa nagdusang anac na mapagpalayaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na sinasacdalan nang boong pag asa sa anomang manga cailangan baga, isang araw nama,, dinilidili niya tanang cahirapang di suca,, mabata. at dahil sa atin ay laking pag ibig ni jesus, ang madlang dusa ay tiniis, moli pang kinamtan ang tuang malabis sa pagdalaw niyong amang na sa langit. noon hinatulang siya ay lumaan sa cacabacahing manga cahirapan, at lubhang marahas na caralitaan ang daranasin mo hangang nabubuhay. tulad sa pagtunaw ng guintong malinis na dinadalisay ang uring malabis, hangang may camunting dumi inaalis nang upang tumaas ang mithing kilatis. dadalisayin nga ngayon ang puso mo nang pakikilaban sa dahas nang tucso, catacuta,, sakit ay laan sa iyo gutom cauhaua,, pagluhang totoo. cahubara,, pag iisa,, pagpapasan nang cruz, ang iyong mapagdaranasan, upang macapasoc sa calualhatian ani margarita, aco,, nalalaan. naririto aco panginoong co titiisi,, alang alang po sa iyo, tunay cong pag ibig ay cahit ang mundo,, igauad sa aking hirap mang gaano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"ay sino ang tatangui caya sa aking babathing manga paralita, na di pa anino nang hirap mong madla at dahil sa akin ay inalipusta. sa ganong pagdidilidiling mataman nang ganitong hirap ay nanghihinapang, at mapayapa niyang pinagtitiisan ang pagcasiphayo,, caalipustaan. at si margarita minsan ay pinuspos nang isang babaye nang mura,, pag ayop, na nacapagbigay nang masamang ayos na halimbaua sa matang nanonood. sa bagay na siya ay dapat lumaban ikinatua nang caalimurahan, at binigyan pa niya nang catuiran ang guinauang yaong catampalasanan. gayon ma,, ang ganti niyang iguinauad sa sumirang puri na lubhang pangahas, ay pinadalhan pa nang lalong marapat na alay na doon sa cubo nagbuhat. capag nagdaramdam ang sarili niya niyong sa babayeng guinauang pagmura, na di catuiran ay caracaraca,, nagpipiguil itong mananahing santa. minsan man ay hindi nasoc sa sarili yaong pangungusap na paghihiganti, at hindi ninasang bumigcas nang sabi na laban sa gayong manga pagca api.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"di nagpapakita nang tandang anoman nang tungcol sa manga gauang cagalitan, na sa pagbabata,, maguing caculangan at siyang totoong pinaglalabanan. tunay na sinupil niyang di sa pala yaong sa catauang hilig na masama, na laguing pinag cacahirapang lubha yaong capurihang di ibig masira. at cahima,, gayong caayos ang asal tunay na caniyang di pinararaan, ang manga pagdulog sa lahat nang araw na nagcucumpisal at nakikinabang. tanang camalian lalong maliliit ang caculangan ay isinusulit, marahil ang tauong hindi nag iibig nang ganoong gaua,, magtatacang labis. dahil sa malimit na manga pag tangap niyong manga santo sacramentong uagas, gayon cung magsabi yaong manga tamad sa gauang magaling, matamlay gumanap. sa pagcucumpisal na laguing pag dulog sa confesonario na aua ang handog, sa tauong may manga taimtim na loob sa ningas nang nasang calugdan ng dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa pagkita niyong manga caculangan agad hinahanap ang caliuanagan, na di napupuna nang ibang ang layaw sa mundo, ang laguing na sa gunam gunam. nguni,, sa matibay ang sampalataya ang confecio,, taga pamatnugot nila, siyang bumubuhay niyong calulua nang macasalanan na patay sa gracia. capakinabangan nila sa madalas na pag cucumpisal gracia,, nag dagdag, at tinatalicdan yaong gauang linsad at ang calooban ay napapanatag. sanhi sa pagtangap nang capatauaran sa manga nagaua niyang casalanan, at sa calulua,, nag niningas naman apoy nang pag ibig na lalong dalisay. cung sa ating puso naman ay mag alab ang buhay na sampalataya at uagas, pananalig saca pag ibig na tapat ang calulua at gracia,, matatangap. at doon dudulog sa mahal na dulang nang pagcain niyong mahal na tinapay, nang manga angeles, na di matimbangan yaong caaliua,, pag papahinapang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa paglacad nila na pasan ang cruz sa mahal na piguing niyong mananacop, nagbibigay lacas at sigla nang loob nang sa mundo,, bilang nilang pagtalicod. cusang paghahandog sa dios na ama nang pagca totoong manga lingcod sila, at sa caningasa,, lubos ang pag asa sa dibdib, nang nasa sa tuituina. na sa balang oras ay laguing tangapin si jesus, sa hostiang doo,, nahabilin, at manaca nacang iniuurong din ang pag cocomunio,, ala ala dahil. ang di nga carapat dapat magpatuloy sa caniyang puso, yaong panginoon, na ang camahalan ay ualang caucol nang calac ha,, ualang capantay na dunong. sa pakikibacang capacumbabaan at yaong malaki niyang cagutuman, sa pagcain nang camahal mahalang mana, ang totoong ikinahahambal. cung minsa,, totoong mahigpit na lubha ang loob, at sanhi nang ilinuluha, nang di cacaunti at lubhang sagana nguni at inaliw nang poong dakila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na huag matacot anac cong hirang at huag lumayo sa laang cong dulang, sinomang tutungo dito,, nag tataglay nang dakila,, ucol bagang calinisan. sa camahal mahalan ngang sacramento nguni,, ganap naman ang calinisan mo, ay natatacot ca,, ang dahila,, ano sa ualang sakit ay anhin ang medico? cundi sa talaga na may manga damdam doon ang medico,, kinacailangan, sa piguing ng manga angeles na tunay ang totoong lunas ay masusunduan. nang magpipighati,, magtatamong galac ang manga mahina ay magsisilacas, at magsisitapang ang manga douag maestro at ama sa hangad na anac. sa manga oveja,, maauaing pastor masintahing hari sa lahat nang campon, at sa manga duc ha,, tanging panginoon at bucal nang cagalingan di sang gayon. nang upang mangyari na tangapin niya ang sinoman sa di mamagcanong gracia, na ibinubobo ni jesus na ama niyong cagalingan niyang ualang hanga. at sa calulua na masusunduan yaong cagalingang sa caniya,, laan, ucol sa pag gayac siya,, hinatulan niyong pagtangap sa mahal na catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa dakilang sala,, di lamang malinis, cundi sa lalo mang salang maliliit, biling cailangan lamang ang pagligpit sa isang maayos na pananahimic. lumayo sa lahat nang capopootan nang mata nang amang macapangyarihan, dapat na taglayin ang pang hihinapang nang sa langit bagang manga cahatulan. caya nga at nagdudumaling dumulog si margarita, sa pagtangap cay jesus, at siya,, hindi na lumayo pang lubos at nag gunamgunam nang sa puso,, taos. ang di pagcarapat at caralitaan sa caniya, ay siyang nagpasulong bilang doon sa pagtacbo nang batis na tunay nang pagca dakila at niyong calac han. sa paghahanda ay nagsisicap siya nang icagagaling niyong calulua, at isang mahusay na tahanan baga nang ualang capantay na hari at ama. pinuspos ang lingcod niyong poong dios na si margarita nang hindi masayod, na catamisan, at darakilang lugod nang camahal mahalan ngang mananacop.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"caylanma,, sadyang loob na maganda,, nagbibigay nang biyayang mahalaga, nakikipanayam sa cay margarita sa pananalangin niya sa tui na. santang mananahing ito ay cung minsan nag hihinanakit niyong catamlayan, nang loob, sa gauang capalamaraha,, masamang pag ganti ng macasalanan. na hinuhulugan ang pusong parati, ng tanang caniyang mga penitente, ng isang maningas na nasang malaki,, calualhatian ng dios na casi. sa di mabilang na pagcagaling galing ng manga saliuang capalarang angkin, parang tumatacbong bulag ang cahambing sa capahamaca,, ualang hangang lagim. namamagitan nga ay si margarita,, siyang humahandog na magtiis siya, dahilan sa gauang catacsilan nila ang hirap sa mundo ay di alintana. madalas sabihing aniya,, anac co niyong panginoon nating jesucristo, aniya,, di baga napagmamasdan mo ang lagay ng lupang ito cung paano. tingnan mo,, ang gracia ay binabayaran niya, ng malaking catampalasanan, ang mga pag ibig, niyong catamlayan manga pagsiphayo,, caalipustaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"may manga asauang cusang humahandog sa cahalayan ngang cakilakilabot, ang binata namang nagbibiling lubos niyong calulua, sa camunting lugod. ang hiyas na taglay niyang calinisan ng manga binata,, ng may asaua man, napabibihag sa ualang casaysayang pagmamarikit na laking casiraan. na caugaliang batis niyong sama niyong libolibong manga pagdaraya at saca ng mga casalanang paua na sanhi ng manga pagcapanganyaya. cung may naliligtas ditong manga ilan sa bahang mabilis ng gayong casaman, napaalipin sa caparangalanan sa hamac na pitang manga capurihan. at gayon din sa pag dedevocion at sa malimit man na pagtangap tuloy niyong sacramento ni jesus na poon ay boong capacumbabaan ang ucol. paano ang lagay cayang inaasal ng ibang may hauac niyong catungculan, na hucom, na nagbibili ng catuiran at inaapi ang ualang casalanan. dahil sa suhol at pagsamong gaua sanhi sa cayamanang di sapala, ng mga campon ng sakim na adhica na manga tauo ngang hindi nahihiya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na maghandog niyong inciensong bulaan na puring cunua sa may catungculan, gayon din ang manga naghahanap buhay na di ginagauang hustong catuiran. saca yaong lahat nama,, dinadaya ng upang macamtan ang anomang nasa ang cabulaana,, pagpapanganyaya at manga paraang iba,, ibang gaua. ang di nahahabag na sinoman siya sa manga bao co at manga ulila na ualang mag ampon at saca bagcus pa na cusang ginahis nilang tinalaga. tanang pag aaring nangadayang lalo sa canilang lalang na pagpapatubo paanong ang langit caya,, ibububo ang gracia, sa manga tampalasang puso? na di pansin yaong manga casalanan loob ay matigas cung sa cabandayan yao,, isang moog na nacahahadlang ng sa dios bagang manga caauaan. yaong manga yaman aring linupig sa apong ulila pamangkin mang cahit, maguing sa iba ma,, ibigay mong pilit sa payapang landas nang di ca malihis. at huag mo sanang ilicmo sa nasa na icaw sa hindi iyo,, magpasasa, cung malinlang mo man ang iyong capua ang dios ay hindi mo na madadaya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"masasarapang ca hangang guinugugol yaong yamang hindi icaw ang nagtipon subali,, pagdating ng tacdang panahon icaw ang sa dalita naman ang tataghoy. ang iguinagalang na pantas mong isip na ang lalong lico ay pinatutuid, darating ang araw na ipag susulit sa hucom na di ca macapaglilic lic. diyata,, sa gayo,, natitiuasay ca,, ang huling darating ay di ala ala, ipinapalit mo sa munting ligaya ang langit na ualang catapusang saya. cung gayon ang iyong acala icaw sa iyong sarili ay madarayaan, ang camatayan mo,, mabuti na lamang cung di magtumuli,, hacbang ay dumalang. sa cay margarita,, itong hinihiling na iniluluhog nang boong dalangin, nang macalilibo na liuanagan din ang malabong isip, ito,, siyang daing. yaong manga aba na saliuang palad ikinahahambal niyang dili hamac, yaong casalanang napag tatalastas na di pinapansin niyong manga sucab. ang hindi sa palang manga catacsilan ay iguinaganting pinagbabayaran, sa catauan niya,, pinahihirapan parang siyang tunay na may casalanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa guitna nang gayon napagpapasakit sa sarili niya nang calupit lupit, na pagpaparusang cusang tinitiis sa catauan niya nang calait lait. tanang capaitan sa caniyang loob at lalong masaclap na dusta,, pag ayop, ay dinadakilang sa puso ay taos sa cay jesucristo ay pag sintang lubos. nagsasacdal siya sa icaaaliw niyong isang reyna na ualang cahambing, ualang bahid dungis at saca sa angel nating taga tanod ay idinadaing. ipinamamanhic sa magpacalinga na virgen maria na ina nang aua, sa tanang angeles sa langit na madla ay isinasamo nang boong pagluha. madaling pagdingig ay napagkilala sa lahat nang manga caraingan niya, loob niya cung minsan ay binuhay pa sa pag papanayam at pagdalaw baga. bucod dito,, siya,, pinagca looban nang dios, nang graciang camahal mahalan, bagong magdalena ang siyang cabagay nang cay margaritang biyayang kinamtan. sa pag gaua niya nang manga himala sa matining niyang pagpapacababa, ayon sa caniyang matibay na nasa na pagpapaualang halaga sa lupa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"cailangang gauin sa harap ng lahat na maguing paraang macahihicayat, camay sa may sakit ay naguiguing lunas na capagnahipo,, gumagaling agad. gayon ma,, di siya pinaghihirapan ng nangagnanasa capagnadaingan, tungcol sa alin mang gauang caauaa,, di hangad gantihin ng anomang bagay. bagcus dumadalo na caracaraca sa may cailangan na sinoman siya, sa capua tauo,, cagalingan niya at capayapaa,, linilisan muna. dalauampu,, tatlong taon ding guinanap ang pagsasanay sa pagpapacahirap, at pananalangi,, pag ibig na uagas ni margarita, sa tumubos sa lahat. at iba,, iba pang manga cabanalan, na icararapat sa poong lumalang, sarisaring gauang cagandahang asal na siyang totoong tunay na uliran. upang ipahayag yaong nalalapit ng araw na dito sa mundo,, pag alis, at ng salubungin ng nangapipiit sa purgario,, mahango sa sakit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"dahil sa hirap at pag pepenitencia at pananalangin sa tuituina at manga pagluhog sa dios na ama bilang bayad doon sa canilang dusa: sa pagmamasakit na hindi cauasa sa iguiguinhauang tunay niyong madla niyong mga caluluang pinagpala sa icacacauas ay handog na paua. nang natitira pang casalanang bahid ay binabayaran niya ng pasakit ng minsa,, tatlong buhay na napatid na idinadalangin sa dios sa langit. yao,, di nag iuan ng mabuting tanda na sila ay napacagaling na cusa, ay naguing dapat ding siya,, pakingan nga ni jesus, at tuloy ipinaunaua. na ang calulua ng tatlong namatay uala sa infierno,, nagtitiis lamang, ng bangis ng madlang manga cahirapan ayon sa mabuting manga cahatulan. at dahil sa hucom na lubhang matuid saca sa pagdalaw ng manga angeles, halos ualang sucat icaasang labis sa icagagaling na canilang nais. nguni, sa pangahas na manga acala, niyong manga tauo na nangabibigla ay na sa infierno ang canilang haca na hinahatulan agad yaong capua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa bagay talos nang manga cahirapan ng nangapipiit sa calumbaylumbay, na sinasapit nang na sa bilanguan na dusa, sa gaua nilang casalanan. maipahayag na sa caniyang matapos ng lubhang dakilang mahabaguing dios ay totoo niya na ikinalugod ang gayong balitang caniyang natalos. at saca muli pang idinaing nito ang manga capalamarahan nang tauo, dahil sa casaman nilang di gaano ang hampas sa bayan ay ibinubunto. para baga bilang na napipilitan yaong pagbulusoc ng casacunaan, at ayaw umulat nang nangamamayan ang mata, sa samang dapat na ilagan. niyong masabi na sa cay margarita ang tantong mapalad na pagpanaw niya, sa mundo, ay tunay na nanghihina na sa higpit nang manga pag pepenitencia. yaong natutupoc mandin ang cauangis sa alab ng apoy ng laking pag ibig may maliuanag man siyang nalilirip niyong cagalingan niyang ninanais. hindi dahil dito ay pinabayaan ang manga pag gaua niyong cabanalan, yaong paghahanda at naaalaman ang catacot tacot na huling pagpanaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"tinangap na hindi sucat na masayod nang cataimtiman sa caniyang loob, ang biatico ngang casantusang lubos nitong bunying santang catoto ng dios. at sa loob niyong labing pitong araw ay ualang kinain na cahit anoman, at ang ikinabubusog niya lamang ay ang sa langit na manga caaliuan. na umaapaw sa caniyang calulua sa pagca talastas na nalalapit na, yaong cauacasan niyong buhay niya,, tutungo cay jesus niyang sinisinta. at magpasaualang hanga,, matatamo sa labi ay ualang bigcas cundi ito, manga pakiusap na di mamagcano sa camahal mahalan niyang esposo. yaong maicli ngang manga panalangin na madagabdab na apoy ang cahambing, sa caniyang puso ay di nagmamaliw ni camunting oras ay di nagtitiguil. araw na ica dalauang pu,, dalaua nang febrero,, taong isang libo,, saca dalauang daa,, siyam na pu,, pito pa ay sa santo cristo,, nacayacap siya. na nacadaiti ang labi sa mahal na sugat nga bagang na sa taguiliran, inihahabilin sa ualang capantay na dios, ang calulua niyang papanaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"noo,, apat na pu,, ualong taon siya dalauang pu,, apat na nag penitencia, may nag sasabi na ang anac niya ay naguing banal din na religioso pa. doon din sa orden na cay. francisco na huli sa ina na namatay ito, nguni,, nang oras na pumanaw sa mundo ang buhay nang santa,, nakitang totoo. nang isang dakila na lingcod nang dios na ang calulua,, umakyat na lubos, sa bayang lualhating ualang pagcatapos madlang calulua ang nacalilibot. sa pag tatagumpay ay nangagsasaya at sa purgatorio,, nacalabas sila, nguni,, yaong bangcay nang mahal na santa ay gumandang lalo cay sa ng buhay pa. humahalimuyac ang labis na bango na naca aaliw sa nacasasamyo, caloob nang dios ang dangal na ito sa bangcay nang nagpacahirap sa mundo. na sinagaua nang manga penitencia nang pula,, paglait dusta at pagmura, cusang sinagasa,, di inalintana ang lahat na yao,, niualang halaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"bahagya na lamang pumasoc sa ciudad ang balita niyong camatayang uagas, ng malualhati na santang mapalad gayong di mabilang ang nangacamalas. sarisaring tauo ang nangagsidalaw pagbibigay galang sa mahal na bangcay, niyong maralitang mananahi,, bilang pagpapahalaga na dakilang tunay. niyong cabanala,, sa di gagaano na pagcacatipon ng maraming tauo, binabantayan nga ang cabaong nito sa pagsisicsican ng nagsisidalo. upang mahadlangan yaong pangangahas nang nagnanacaw nang mithing relikias, at saca canilang sinootang agad ang bangcay nang damit na pula ang bicas. ipinag procesion sa manga lansangan sa ciudad, sa lalong hayag ngang daan, at ilinagac sa loob nang simbahan ni. basilio sa bagong libingan. ang manga casamang nangag libing dito,, lahat nang clerigo,, manga religioso, gayon din ang lahat nang manga guinoo doon sa cortona, at dakilang tauo. macaraan naman ang may ilang taon ay itinago sa simbahan din yaon, sa isang marangal na capilla ucol sa mahal na santa,, saca ng manoynoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"niyong santo papang si leon decimo ang manga himalang dakilang totoo, na pamamag itan sa maraming tauo sa dios, nang santang lubhang masaclolo. lalo pa nga niyong caniyang mamasdan na di nabubuloc ang mahal na bangcay magpahanga ngayon cahit nacaraan ang bilang nang taong higuit pitong daan. umayon sa galang na handog sa caniya,, tinulutan naman ang taga cortona, na ipinagdiuang ang caniyang fiesta doon sa ciudad nang puspos na saya. cay papa urbano octavong utos din na ilaganap cay. franciscong orden, sinulat nang taong isang libo,, anim na raa,, dalauang pu,, apat ang turing. na catunayan ngang na sa casulatan sa manga beato,, ipinakibilang, saca sa manga malualhating banal itong mananahi na santang marangal. ang santo papa benidicto tercero ipinag utos na ipagdiuang dito, ng santa iglesia nitong boong mundo sa kinabucasan nang pagpanaw nito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"iniingatan nga ng puspos na galang ang di nabubuloc na caniyang catauan sa kinalalagyang mahal na simbahan, niyong manga pareng franciscanong tanan. tauag nang simbahan ay binago nila na cay. basilio ang ngalan nang una, ngayo,, inihayag ang simbahan bagang sa babayeng bunying santa margarita. ito nga ang siyang dinaanang buhay nang babayeng hayag na macasalanan, na iniuan yaong manga casamaan at hinarap yaong manga cabanalan. gaya nang palaguing caniyang uicain na inuugali tuing dumaraing, sa cay jesucristong panginoon natin nang pagpapakitang loob na magaling. panginoon aniya,, ama cong mahal bakit ipinayag mo po caya naman, sa isang gaya co na macasalanan ang cahangahanga na cababalaghan. at iba pang bagay na calooban mo nariringig naman ang sagot na ito, niyong panginoong nating jesucristo cahalimbaua icaw nang lambat co. na ipanghuhuli nang macasalanan na nangahihilig sa manga casaman, na lumilipana sa mundong ibabaw at nangag uaualang bahala sa buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"huag cang manimdim at lubhang marami ang macasalanan na nangag sisisi, nag pepenitencia cung madilidili ito,, calooban cong biyayang malaki. di dapat na ipag caloob sa iyo cundangan siya cong sinusunod dito, yaong mataimtim na pag sisisi mo lahat namang ito ay naguing totoo. na ibinibigcas sa bibig na mahal ni jesus na poong sumacop sa tanan, na nagcacaloob nang lahat nang bagay, sa ating ovejang canyang kinapal. at ito ngang lubhang marikit na lambat na siyang sa atin ay humuling cagyat, sa dalampasiga,, hangang sa masadsad nang isang magandang pag sisising uagas. sa dakilang pag babalic loob natin nang tayo,, caniyang papaguing dapatin, magtamong graciang ualang pagmamaliw gaya nang caloob sa santang butihin. niyong amang dios na ualang capantay na lubos ang aua sa tanang kinapal, at si margarita ang ating tularan tangisang ang ating sala,, pag sisihan. ipagmaca aua natin at iluhog nang buong capacumbabaan cay jesus, sa pamamag itan tayo ay sumunod sa cay margarita na magbalic loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"oh malualhating santa margarita na sa penitenteng naguing huarang ca, sa macasalana,, ulirang talaga,, caaliuang lagui sa tuitui na. liniuanagan ng tunay niyang ilaw ipinagpighati mo pa,, tinangisan, ang lahat ng iyong manga casalanan na naguing dapat cang pinagpakitaan. ni jesus na ama at ipinahayag di mamacailan na ipinatauad ang manga sala mong lubhang mabibigat ng boong, capacumbabaang di hamac. at sa madalas mong pag pepenitencia,, laguing dinadalaw na inaaliw ca, ng esposong lubhang maauaing ama sa iyo,, ipinagcatiualang sadya. yaong matataas na lihim ng langit at minarapat cang lambat na guinamit humulili ng calulua at naghatid niyong pagsisisi at panunumbalic. nangloob, na hilig sa pagcacasala caya nga bunying malualhating santa, na tanging cay jesus na iniibig ca,, calacasang lubos ng manga sa sala. tanang penitente icaw ang uliran caya lumuluhod sa iyong paanan, nagmamacaaua na ipamagitan sa dios, at upang gracia,, aming camtan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"nang makilala co,, tangisang palagui ang casalanang co,, nangagauang saui, at macatindig din sa pagcalugami sa daya ng mundo at pagcacamali. madingig co yaong iyong napakingan ng lubos na igauad ang capatauaran, sa lahat ng aking gauang catacsila,, aco,, magcaroon ng capayapaan. ang nagpipighati na calulua co ipagmacaamo ngayong iluhog mo, sa iyong caibig ibig na esposo,, sugatang gaya ng pagsugat sa iyo. paglampasan niyong totoong palaso at boong pag ibig niyaring aking puso, at huag manaig ang anomang anyo cundi ang sa iyo,, lubos na pagsuyo. at yayamang ngayon ay napapahamac yaring cahinaa,, upang magcapalad na mag penitencia,, sa iyo,, tumulad magsisi,, ang langit ng aming matuclas. di cung magcagayon ay macaaasa caming maliligtas sa bilis ng dusa, cung cami,, matuto na mangagsigaya sa guinaua niyong santa margarita. ang lalong mabuti sanang uliranin ng mga dalaga ay ang limang martir, na minatamis pang buhay ay nakitil maingatan lamang yaong pagca virgen.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sasalaysaying co ngayong isa isa ang pinagdaanang manga buhay nila, nguni at ang aking sasaysaying una,, ang pag mamartir ni santa dorotea. bantog sa ciudad yaong cagandahan niyong cesarea, at sa cabaitan, cagandahang yaon ang naguing dahilan ng calunos lunos niyang camatayan. manang isang araw ay tinauag ito nang hucom na nagnganlang si apricio, at hinicayat siyang di mamagcano na siya,, sumamba sa manga idolo. pagca,, ang uica niya,, isang caululan ang gauang pag samba ng manga binyagan, doon nga sa isang tauong hamac lamang na nag caroon nang laking casalanan. caya nga at ipinaco siya sa cruz na pinarusahan nang manga judios, cay santa dorotea ngang isinagot ay si jesucristo ang totoong dios. sa lupa at langit siya,, haring tambing na dapat igalang natin at sambahin, cung caya ang dusa ay dahil sa atin nang tayo,, matubos sa pagca alipin. ang sa cay apriciong guinaua pagdaca tinauag si crista,, saca si calista, manga babayeng tumalicod sila sa totoong dios nang sampalataya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na cay doroteang capua capatid at inihabiling himuking mapilit, ang naturang virgen at upang maakit na siya,, sumamba sa manga dioses. datapua,, tunay na nasayang lamang yaong capagalan nang dalauang hunghang, sa pagca at sila,, siya pang naacay sa pag sisisi at pagbabagong buhay. caya,, ang guinaua nang lubhang malupit na hucom ay pinahubaran nang damit, si santa dorotea sa laking galit at ipinag utos nang labis at higpit. na dictan ang caniyang boong catauan niyong linapad na manga tanso,, bacal, na manga binaga,, upang mahirapan at cung matapos na ay saca pugutan. yaong martir namang si. teopilo dating caauay nang manga cristiano, doon sa hucoman ay palagui ito sa dahilang siya,, isang abogado. pagca,, lubos niyang kinatutuaan cung may isusumbong na pagbibintangan, na cahima,, sinong manga bininyagan at inaari niya na isang aliuan. caya,, ang sinabi na naringig niya sa hucom, niyong si santa dorotea, na di nauaualan cailan man baga nang manga sariuang bulac lac at bunga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa halamanan nang caniyang esposo sa lualhating bayang paraizo, ang nasoc sa isip nga ni teopilo ay sa paglacad ay salubungin nito. ang virgeng mapalad na si dorotea caya nga noong ilinalacad na, sa pag pupuguta,, ihahatid siya sinalubong naman na caracaraca. inaglahi na niyang lubos na tinuya at pinag bilinan pa niya conoua, na padalhan siya nang ibinalita na bunga,, bulac lac na manga sariua. ang sabing birong uala sa loob niya at pagpalibhasa lamang na talaga, ang pagmamartir ni santa dorotea na tinangap naman ay nang matapos na. niyong oras din ngang sinasaysay naman ni teopilo, sa ilang caibigan, ang biling bulac lac at bungang halaman na ipinangacong siya,, padadalhan. ay nagtatauanan silang para para ualang ano ano,, nacakita sila, niyong isang batang lalaking maganda sa cay teopilo,, lumapit pagdaca. siya ay binigyan nang tatlong manzanas na sa isang sanga nabibiting lahat, saca tatlo naman nang sariuang rosas na cahanga hanga sa matang mamalas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"tuloy na sinabi naman sa caniya yaon nga ang bilin niyang ipadala, sa minartir na si santa dorotea at biglang nauala naman capagdaca. nagtaca si teopilong hindi hamac yayamang caniyang napagtalastas na sa manga araw na yao,, di dapat na mamunga yaong halamang manzanas. at ang manga rosa,, di capanahunang magsipamulac lac ayon sa dahilan, na noo,, panahong laking calamigan caya lubos siyang nagulumihanan. pinagcalooban din siya nang dios nang bisa nang gracia na icatatalos, na dios ngang tunay si cristong sumacop sa salang minana nitong sansinucob. ipinagsigauan na nga ni teopilo na siya,, totoong tunay na cristiano, humarap sa hucom at sinabi dito hangang sa minartir siyang naguing santo. caya at siya rin nama,, nacasama nang martir na si santa dorotea, at kinamtan ang lualhating gloria na bayan nang madlang tua at guinhaua. si santa catalina martir ay anac nang mahal na tauo sa nasabing ciudad, sa alejandria ay siya,, namulat sa manga idolo nang pagsambang ganap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"nguni at pinaturuan naman siya na magaling nang caniyang ama,, ina, madaling natuto niyong iba,, ibang manga carununga,, lubhang na bihasa. linoob nang dios siyang liuanagan nang gracia niyang camahal mahalan nakilala niya ang catotohanan na si jesucristo ay dios na tunay. at ualang aral na matuid na puspos cundi ang lahat nang manga sinusunod, nang manga cristiano caya,, tumalicod sa idolo,, siya,, nagbinyagang lubos. nang macaraan nang manga ilang araw sa pagtulog niya,, napakita naman, yaong panginoong jesucristong mahal at virgen mariang cabanal banalan. casama ang madlang maraming angeles na sinootan siya ang napanaguinip, nang isang singsing at nginalanang tikis na esposa niyong panginoong ibig. at nakita niya nang siya,, maguising sa isang daliri ang nasabing singsing, magmula na noo,, nag alab na tambing sa caniyang pusong pag ibig na angkin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa dios, at di na sa bibig naualay ang jesus na ngalang catamistamisan, at uala nga cundi si jesus na lamang sa hininga niyang pinagbubuntuhan. caniyang pinag nanasa ang malabis na makita niya ang dios sa langit, at yaon ang siyang ikinasasabic na muntima,, hindi maualay sa isip. mana,, nagpatauag nang panahong ito ang emperador na si maximiano, na balang binyagang cahiman at sino talicdan ang dios nang manga cristiano. sa dagling panaho,, ang balang sumuay ay magsihanda na,, sila,, mamamatay, sumunod sa utos niyong napakingan si catalina ngang babayeng marangal. caya,, ang guinaua ay cusang humarap sa emperador at ang ipinahayag, ay binyagan siya na cusang tatangap niyong camatayan sa ley ay atas. ang emperador ay cusang natiguilan pagca,, tila manding naalang alang, ang malabis niyang manga calupitan doon sa dalagang puspos carunungan. bakit kilala nang ang babayeng ito ay tunay na anac nang mahal na tauo, ang taglay na gulang ay lalabing ualong taon nang humarap cay maximiano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa emperador na inacala naman na madaling yaon ay mauupatan, at dahilan doon sa caniyang taglay na cabataan pa,, marupoc ang lagay. ipinasundo nga ni maximiano lalong marurunong niyang filosofo, niyong tanang manga idolatrang tauo siyang laang magsisihicayat ito. sa cay catalina na babayeng virgen na sa idolo ay ibig pasambahin, limang pu pagdaca doon ang dumating pinacamarunong nangusap na tambing. guinamit ang lahat nang manga paraan sa cay catalina upang mahiboan, sa demonio pa silang tinulungan nguni,, sila,, ualang nagauang anoman. at kinasihan nang espiritu santo ang abang babaye cung caya natuto, nang manga panagot caya nga,, nagtamo siya, sa calaban niyong pananalo. nagpilitang nangagsikilala tuloy yaong filosofong limangpung marunong sa cay jesucristo na dios na poon at nangagsisamba silang mahinahon. minagaling nilang manga catuiran at ang maririkit na manga pangaral, ng caharap nilang dalagang timtiman na hindi nangambang naghain ng buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sa malaking galit niyong emperador ay pinasungaban yaong marurunong, na filosofos at iniutos tuloy na silang lahat ay sunuguin sa apoy. caya'silang lahat nama'para parang sinac lolonan nang mahal na gracia, sa gayong pasakit ay namatay sila alang alang sa cay jesucristo baga. si catalina,, ipinahampas naman at di pinacaing labing isang araw, at di pinainom nga sa bilanguan hinihimutoc niya sa madlang paraan. hindi naman pinahalagahang lubos ang tanang pangaco na idinudulot, sa caniyang lahat na pakitang loob cahit camunti man ay di nalamuyot. emperatriz tuloy ay pinapugutan na asaua niyong mabunying general, na si porfirio dahil sa pagdalaw sa cay catalinang na sa bilanguan. at silang lahat ay nanampalataya sa dios, at tuloy nangagbinyagan pa, saca iniutos niyong palamarang gulungan ng bato ang dakilang santa. na may nacapacong maraming patalim sa boong paliguid caya'nanalangin, sa dios, si santa catalinang virgen sa hirap na yaon na dadalitain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"caya nga nasira,, sumabog pagdaca ang gulong, at madlang sumampalataya, sa cay jesucristo nguni at lalo pang tumigas ang loob sa pagpaparusa. nang tacsil na emperador maximiano agad iniutos na putlan ng ulo, itong virgeng martir at nanaw sa mundo yaong calulua,, langit ay tinamo. catauan ng santa,, sa dios inibig na buhatin naman ng manga angeles, sa taluctoc niyong bundoc inihatid ng sinay, at doon nalibing na tikis. ang virgen at martir at hirang na santa na alilang tangi na si potamiana, puspos cahinhina,, dalagang maganda na nacalulugod sa titig ng mata. na di nahicayat camunti man lamang niyong panginoon sa pitang mahalay, ang di pagcagahis sa ngayong paglaban ang sa pagca martir ay naguing dahilan. pagca,, ang ginaua niyong panginoong malibog, sa bagay na hindi pag ayon, ay dumulog nga siya sa gobernador sa alejandria ay ipinagsumbong. ang di miminsang caniyang pagcahiya doon sa mahalay niyang ninanasa, at sinabi yaong caniyang alila at caibigan niya pagcapalibhasa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"yaong gobernador at ang cahilingan si potamiana,, dapat pahirapan, na patayi,, siya,, sumunod sa aral ni jesucristo,, tunay na biniyagan. at ayaw sumamba sa manga idolos na siyang dito,, ating dinidios, nguni,, ibinulong ng may asal hayop sa gobernador na tampalasang loob. na si potamiana ay huag aanhin cun hindi madali lamang paouiin, sa caniyang bahay at papangacuin na ang calooban niya,, siyang sundin. sa gobernador ngang pinangatauanan ang pagsunod sa caniyang caibigan, at si potamiana ay pinagbaualan na tunay na siya ay pasusungaban. at ilalagay sa cumuculong langis hangang ang hiningang tangan ay mapatid, cun ang pagsamba niya ay di maaalis sa cay jesucristo cacamtan ay sakit. cung sa calooban ay tatangui siya niyong panginoo,, pilit magdurasa, sa balang mahigpit ay di nabalisa alilang mabait at di man nangamba. pagdaca,, nangusap siya nang ganito labis na aniyang natatalastas co, anoman ang hirap na iparusa mo sa akin ay pilit matatapos ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"na di malalao,, ualang sala naman at cung mauala na yaring aking buhay, at manaw na dito sa lupang ibabaw tunay naman acong pag cacalooban. sa langit, nang macapangyarihang dios niyong lualhating ualang pagcatapos, at payapang buhay na ligaya,, lubos ualang gutom uhaw dalita at pagod. cung matacot aco,, sumunod sa iyo nanamnaming co nga sa buhay na ito, ang sandaling layaw niyaring catauang co sa cabulaanang hain nitong mundo. mauiuili aco,, maguiguinhauahan sa buhay na ito ang aking catauan, at malaking hirap naman ang cacamtan doon sa infierno magpacailan man. icaw sa sarili ngayo,, pag isipin cun ano ang iyong nararapat gauin, yamang ang puso co ay di magmamaliw na sa isang dios lamang ihahain. sa gobernador na maunauang tunay na ang pagod niya,, masasayang lamang, at di magagahis ang dalagang hirang anoman ang gauin na manga paraan. caya nga, noon din ay ipinatauag ang manga verdugo at ipinag atas, ang balang parusa ay ganapin agad doon sa dalagang loob na matigas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"hindi man nasindac sa parusang yaon si potamiana,, pagdaca,, lumusong, doon sa langis na cumuculong hatol na itinatadhana niyong gobernador. ang cahalimbaua ay lumusong lamang sa isang masarap niyang paliguan, dinalitang lubos yaong camatayan tikis na sumugbang di kinilabutan. huag na masira lamang ang caniya na matibay bagang pagsampalataya, at dalisay na pagca virgen sadya huag madungisan buhay ma,, mapaca. caya,, ang hiningang tanga,, ng mapatid ay kinamtang lubos ang tua sa langit, cahirapan niya ay ginanting bihis ng amang lumalang nitong sandaigdig. ang virgen at martir na santa agueda doon sa palermo ipinanganac siya. ciudad ng cahariang cecilia yaong pagcatauo,, doon nakilala. namamahala nga ng panahong ito,, casalucuyang emperador decio, nguni,, si agueda,, magandang totoo ay di nabubuyo sa layaw sa mundo. ang ama at ina,, capua binyagan at mahal na lahi ang pinangalingan caya ang anac ay pinaturuan ng ama at inang marunong magmahal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"niyong sarisaring carunungang angkin bakit may talagang cabaitang kimkim loob ay banayad at sadyang mahinhin sa tanang dalaga ay isa nang ningning. pagsapit sa ica dalauang pung taon ng caniyang buhay bagang linalayon, yaong cagandaha,, loob na hinahon mabangong bulaclac ang siyang caucol. caya nga,, naacay sa gauang pagsinta ang gobernador doon sa cecilia, na si quinciano ang pangalan niya at moli,, moli ngang sumasamo siya. na tangapin yaong caniyang pag ibig nguni,, si agueda,, tumanguing malabis, pagca,, inialay ang puso at dibdib sa dios na hari nang lupa at langit. ang pagca virgen niyang iniingatan ay di dinungisan magpacaila man, bakit si quinciano,, hindi binyagan at di sumasamba sa dios na tunay. sa hindi pag ayon sa iuing pag ibig niyong si aguedang may pusong malinis, si quinciano nga,, nagtaglay nang galit maalab na lubhang apoy ang caparis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"inacala niyong gobernador naman butihing dalaga ay pag higantihan, nang dusang malabis at cadahilanan ay yaong nasapit niyang cahihiyan. at agad agad ngang ipinatauag na doon sa hucuman yaong si agueda, at pinagsabihang huag na sumamba sa cay jesucristo at sumpain niya. dagling kilalanin at sambahin nito ang manga dioses na pauang idolo, na sinasamba nang hindi cristiano,, iguinagalang doon sa imperio. nang sa cay aguedang madingig ang utos ay sa gobernador pagdaca,, sumagot, ang loob mong iya,, di co masusunod pagca,, aco,, ualang ibang dinidios. cundi yaong tunay na si jesucristo sa akin ay siyang may aring totoo, iyaring boong puso at calulua co alay sa caniya caratnan ma,, ano. tunay acong hindi macahihiualay sa caniya, anomang aking caratnan, ay tumutol naman yaong tampalasang gobernador bagang sadyang calupitan. at pinagbalaan yaong si agueda na palalapatan nang labis na dusa, caya nga mapilit na sumunod siya sa iniuutos na manga pag samba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"sumagot na di man nagulumihanan at ipinahayag nang virgeng matapang, na cahima,, siya,, alisan nang buhay ang utos na yao,, di magagampanan. lubos ang caniyang pagsampalataya sa cay jesucristo, at pag ibig niya, matuluyang kitlin ang tangang hininga yaon ang dios niyang kinikilala. ipinatauag na niyong asal hayop na si quinciano, ang manga verdugos, ni santa agueda ay ipinag utos na pagtatampaling lacas ay iubos. cung matapos nama,, canilang cayurin niyong manga cucong hayap na patalim ang boong catauan nama,, sayaran din nang lapad na tanso at bacal na tambing. na pinapagbaga,, saca pinaputlan nang dalauang suso niyong tampalan, ang tanang caharap ay kinilabutan sapagca,, lumabis yaong calupitan. doon sa virgen ni quinciano baga caya,, ang lahat nang doo,, nacakita, sa gayong pahirap cay santa agueda muc ha,, di nagbago,, lalo pang sumaya. ipinaculong na yaong bunying martir sa bilanguan nga na lalong madilim at di malalao,, pilit makikitil ang buhay sa gayong hirap na inatim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"anopa at cusang lumiuanag naman ang sadyang madilim bagang bilanguan, at dumating doo,, napakitang tunay ang malualhating apostol na hirang. na si san pedro,, namasdan ng lahat na biglang gumaling ang lahat ng sugat, ng cay santa aguedang catauang hayag na tila uala ring dinamdam na hirap. si quinciano nga,, bagcus pang nagalit sa bagay na yaong caniyang nabatid, at ipinag utos ng lalong mahigpit caladcaring hubad na bigyang pasakit. doon sa lupa ngang sadyang sinabugan ng maraming baga,, manga bubog naman, ang utos na yao,, agad ginampanan ng manga verdugos na pauang sucaban. nguni at natacot yaong palamara at lihim na ipinadala ang santa, doon sa bilangua,, dahilan bagang malacas na lindol ang nacabalisa. sa boong ciudad at nangaglagpacan yaong manga bato na ikinamatay, ni silvino saca ni palcomio man caibigan niya,, casama sa bahay. martir ay bahagya lamang humihinga sa catacot tacot na pagcaparusa, ng sa bilanguan ay naroroon na nanalangin na nga ang mahal na santa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"panginoong co aniyang jesucristo yayamang aco po ay iniibig mo, at di itinulot na yaring loob co,, mauili sa manga paraya ng mundo. ay marapatin po na tangapin mo na ngayon yaring aking abang calulua, at mamatay naua aco sa pagsinta sa iyo dios co,, macandiling ama. diningig ng dios ang gayong dalangin caya nga,, ang tangang hininga,, nakitil ni santa agueda,, kinamtan noon din yaong lualhating ualang hangang aliw. anopa,, natapos ang lahat ng hirap nahaliling tua nama,, ualang capas, yaong virgeng martir na lubhang mapalad ngayo,, na sa langit na puspos ang galac. niyong emperador si deocleciano nag utos sumamba sa manga idolo, ang manga binyagan na cahima,, sino ang balang sumuay papanaw sa mundo. caya nga,, ang isang butihing dalagang anac tauong mahal sa alejandria, siya,, nagngangalang si teodora na sa idolos ay aayaw sumamba. dahilan sa gayong guinauang pagtangui ay ipinaculong ang abang babaye, doon sa bahay ng manga ualang puri na sa cahalaya,, pauang nauiuili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"nguni,, iningatan din naman ng dios at isang soldado ang doo,, pumasoc, ngala,, si didimo na binyagang lubos ang siyang sa silid niya ay naglagos. sa santa at martir cung caya tumungo siyang cailanga,, ang uica,, ganito, huag cang matacot sa pagparito co at aco,, cristiano ring caparis mo. caya sa silid mo kita ay linacbay ang calinisan mo,, nang di madungisan, pagpasoc cong ito,, ualang ibang pacay cundi sa nais co na mapag ingatan. iyang iyong puri caya tangapin mo at siyang isuot ang damit na ito, na cagayacan co sa pagcasundalo at lumabas ca na,, magtagong totoo. at aco ang siyang dito,, matitira na mahahalili,, upang maligtas ca, sa capahamaca,, sa payong maganda ay agad pumayag din si teodora. dagling isinuot na nga yaong damit na pagca soldadong cay didimong gamit, ang santa,, lumabas sa naturang silid na cahima,, sino,, ualang nacamasid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"nang sa emperador na mapag alaman yaong pagcauala sa culungang bahay, nang manga babayeng buhay na mahalay ni santa teodorang loob na timtiman. pagca,, hinalinhan siya ni didimo caya nacalabas na hindi naino, siyang hinatulan na putlan nang ulo yaong nagpahiram nang damit soldado. mapagtalastas naman ni teodora na si didimo ang kikitlang hininga, ay siya,, tumacbong humabol pagdaca hangang sa dumating sa lupang talaga. na doon ang laang puputlan nang ulo yaong humaliling bayaning sundalo, aniya,, ang dapat patayin ay aco alang alang naua sa cay jesucristo. yaong si didimo ay sumagot naman uica,, di matuid ang hiling mong iyan, sapagca,, icaw ay aking hinalinhan aco nga ang siyang dapat na mamatay. at yayamang iyong ipinagcaloob sa akin, ay dapat buhay co,, matapos, nguni,, tumutol sa gayong palasahot si santa teodora at ang isinagot. ipinayag co ngang aco,, halinhan mo nang upang maligtas lamang ang puri co, sa capanganibang daya nitong mundo doon sa bigay mo na damit soldado.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"hindi co ipinagcaloob sa bagay na hahaliuhan mong icaw ang mamatay, na magcamit niyong calualhatian niyong pagca martir na sa aki,, laan. at hindi co hangad mabuhay sa mundo hucom na malupit ng madingig ito, pinaputlan yaong dalaua nang ulo ang hirang na manga alagad ni cristo. siyang pagcatapos nang buhay na hiram nang dalauang martir sa lupang ibabaw, at doon sa gloria,, guinanti naman nang di matatapos na caligayahan. apat na pung sundalong martir manga martires nga na pinanganganlang de sabaste yaong soldadong binyagan, apat na pung husto yaong cabilangan na hindi miminsan na pinahirapan. sa pagca bilango nang isang malupit na gobernador ngang di nagdalang hapis, ngala,, agricolao nang nagbigay sakit sa banal na manga sundalong mabait.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"doon sa sabaste nangyari nang una ciudad nang cahariang armenia, ang manga soldado,, nang pahubaran na niyong tampalasa,, ipinag utos pa. na magdamag niya na ipinababad sa paliguan ngang laang pangpahirap, na puno nang tubig lamig ay di hamac na pinahamuga,, namumuong cagyat. dahil sa taglamig noon ang panahon caguinaua,, halos ualang macaucol, ang di macatagal utos ay umaho,, sa malahiningang tubig pumaroon. yao,, siyang tandang tumatalicod na sa dios na dati nilang sinasamba, ito ang tadhana sa sino mang siya na manga soldadong binigyang parusa. niyong hating gabing sadyang calaliman na yaong hininga,, papanaw na lamang, nang manga bayaning martires na tunay at para para nang nagsisipangatal. sa malaking guinaw, nguni at namalas na sa paligua,, biglang lumiuanag, nakita nang isang bantay na caharap na hindi binyagan ang hiuagang ganap. na ang maligayang doo,, pagpanaog nang mapag candili na poong si jesus, na galing sa langit at humintong lubos sa tapat nang martir na manga soldados.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at ipinag utos sa casamang tanan na manga angeles na pauang putungan nang isang corona balang isa naman nang manga martires na manga mamatay. tangi yaong isang loob na mahina na sa parusahan ay umahong cusa at di na mahintay ang coronang handa na sa gayong dusa ay ganting biyaya. puso ay nagtaca,, nagulumihanan at nagbalic loob sa dios na tunay, yaong di binyagang doo,, nagbabantay dahil sa himala niyang napagmasdan. ginaua pagdaca ay siya,, naghubad at taos sa loob na ipinangusap, na cristiano siya sa tanang caharap at sa paliguan ay lumusong agad. di lubhang nalaon naman ay namatay caya maligayang caniyang kinamtan, ang sa pagca martir na coronang hirang sa sandaling hirap tua,, ualang hangan. ang mahinang loob na di nacabata ng sandaling hirap alang alang baga, sa cay jesucristo at humanap siya ng guinhauang tubig na malahininga. nang macaraan na yaong ilang araw siya nama,, cusang nakitlan ng buhay, ay napacasama,, dusang ualang hangan doon sa infierno ang kinahinatnan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"capagca umaga ay ipinag utos ni agriculao nga sa manga verdugos, na ang manga martir na manga soldados na sa paliguan hirap ay malubos. na pauang balian namang para para niyong manga hita at tipunin sila, sa siga,, sunuguing lahat capagdaca ito sa verdugos ang babala niya. ang pinacabata,, canilang bayaan sa manga martires na pinarusahan, na si meliton nga ang siyang pangalan sapagca,, canilang nakita pang buhay. ngunit siya nama,, tantong mahina na at hindi na halos na macagalaw pa, at namamanhid ang boong catauan niya at papanaw na nga ang tangang hininga. ina,, nabalisa niyong si meliton nang nasang maningas sa bagay na yaon, na malubos ang pagca martir niyong anac at masamang sunuguin sa apoy. pagdaca ang bata,, caniyang pinasan at ang manga carro,, caniyang sinundan, na sa martires nga na kinalalagyan na dadalhin doon sa pag susunugan. ipamamanhic niyang talaga doon sa pinag atasan niyong gobernador, na ipakihapis nila si meliton sa siga,, masamang mamatay sa apoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"at ualang guinaua siya habang daan cundi ang anac niya ay pinangaralan, bunso co,, tiisin yaong cainitan ng apoy, na parang pagtitiis naman. nang guinaw sa paliguan ngang malamig naghingalo nama,, buhay ay napatid, niyong si melitong matimtimang bait sa lacad na yaon ng manga martires. mabait na ina ay tantong nalugod at yaong pag asa ay puspos na puspos at ang anac niya ay kinamtan na lubos yaong lualhating caloob ng dios. at na sa langit nang caluluang hirang caya agad agad niyang ilinagay sa talagang carro ang sa batang bangcay ng manga santos martires na banal. sumunod ding gaya nang dati ang ina hangang di napugnaw sa sigang nakita, ito nga ang dinarasal cung fiesta na manga martires de sabaste baga. bilang ica sampu niyong marzong buan guinagaua yaong manga capurihan, nang apat na pung martires na tunay na manga, soldadong pauang manga banal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Cleto R. Ignacio,"oh manga capatid dinguin yaring luhog na pag tibayin ang ating manga loob, nang sampalataya sa totoong dios at sa iglesiang taglay nang sumacop. huag nang isipin na mangagbago pa sa iglesiang dati nang sampalataya, at yamang ang dati atin nang kilala ang hindi mabilang na santo at santa. ang manga martires ay gayon din naman na nagsipaghain nang canilang buhay, sa catacot tacot nilang camatayan sa cay jesucristong dios alang alang. cahimanauari tayo ay matulad sa manga martires na santos at santas, at sa ating puso naua ay malimbag ang aral ni cristo sa atin at atas. hanapin ang lalong mabuting paraan na icasusupil sa ating catauan, huag manatili sumagap ng layaw ng mundong sa huli pauang cahirapan. caya tayo,, dapat maglingcod tuina sa dios na poo,, sa virgen maria, upang tayo nama,, macasama nila doon sa payapa,, ualang hangang saya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang tanong na ito ay naging sanhi ng isang timpalak sa estados unidos, at ang sumusunod na sagot, ay siyang pinalad na nagtamo ng pangunang ganting pala, at ito: bigyan ng mabuting turo na pagkilala sa diyos at matipunong kaalaman sa mabuting kaugalian. turuan pagkatapos na matutong manahi, maglaba, mamalantsa, magluto'ibp. pagbilinan tuwi na, ukol sa pagtitipid, alalaon baga'matuto silang gumugol ng kaunti kay sa hawak nila sa kamay. turuan din sila ukol sa pamimili, gayon din sa pagbili ng mga kagamitan sa pagluluto at mamatnugot sa mga gawain sa bahay. ipakilala din sa kanila na ang isang lalakeng nakaputot at mapaglilis ng manggas ng bisig sa pagkita ng ikabubuhay, ay katimbang ng isang dosenang mapagmagarang palalo'mahihilig sa kamunduhang naggala riyan. ituro rin sa kanila ang pagwawalang kabuluhan sa kapalaluwan at malabis na pagbibihis, at iyukilkil ang mapoot sa katamaran at kasinungalingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"pagkatapos ng lahat ng ito ay ituro sa kanila ang pag aaral ng pagtugtog ng piano, ng pintura at ng iba pang mga kasiningan artes. ang pagkilala sa tao alinsunod sa kanyang lakad. dapat talastasin na ang mga paa ay gumagalaw sa paghakbang alinsunod sa laman ng ulo, at sa paghakbang paglakad ng tao, ay nakikilala ang kanyang kaugalian at kanyang mga anyo. ang lumalakad ng marahan ay may pagiisip na mabagal. ang lumalakad ng matulin ay isang taong magaslaw at mapagingay. ang may mga yabag na kaugaliang bigat nguni'maayos, sing isa, ay taong may itinagong bait, matalino, maliksi at mahinahon. yaong mga taong may yabag na mabigat na halos nababakas ang yapak at tila ibig palubugin ang lupa, ay mga taong palalo, hambog, matabil at mapagmatapang. ang mga humahakbang ng walang wawa na di iniino kung mahusay hindi ang lakad, alalaon baga'iniindayog ang boong katawan kasabay ng paa ay mga magagaspang na tao at ungas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"yaong nagbabago ng angat ng mga paa, minsan mapahaba at minsan mapaikli ay mga taong masasawiin sa hanap buhay at sa pagbabago ng pagiisip ay di malayong maulol, at madalas naman na mapatigil sa pagiisip at kung minsan ay nagdudumali sa ano mang gagawin. ang mga may hakbang na maiikli at madalas ay mga may pusong babaye, kulang ng tapang at sigla. ang taong kung lumalakad ay tila nanghihina ang tuhod na napapasulong ang katawan at ulo sa paglakad na tila may nagtutulak sa harapan at sa likuran ay mga taong may ugaling pagkababae at walang iniibig kundi ang sarili katulad ni narciso sa mitolohiya; mga taong hangal. yaong mga taong ang yapak ng mga daliri ay nalilihis nalilisyang patungo sa labas na nabubunggo ang dalawang sakong ay mga taong walang ayos, mga pangkaraniwan at mapagpabaya malilingatin. ang mga taong kung yumapak ay papasok ang dulo ng daliri na di nagkakaumpugan ang mga sakong ang karamihan ay mga taong matalino, maliksi sa pagtuklas ng ano mang ibigin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"yaon namang mga piki ay mga taong mahih na ang loob at kung minsan ay nagpapakita ng ugaling nakayayamot. ang alin mang masamang senyal kasamaan ng ugali ay nababago alinsunod sa itinuturo sa na ipinagbibili sa kanyang bahay sa halagang at kung ipadadala sa bahay ng nakakaibig bumasa ay magpadala ng sa bahay ni honorio lopez, sa daang sande tundo, maynila at ipadadala sa nagbilin sa pamamagitan ng sulat sertipikada. hindi tumatanggap ng bayad sa selyo kundi papel na dadalawahin. ang ni honorio lopez ay isang aklat librong katutuklasan ng astrolohiya lunario perpetuo na kakikitaan ng sasapitin ng tao sa kanyang pangingibig, paghahanap buhay ibp. ang secretos de la naturaleza ay siyang bahagi ng aklat na ito na nagtuturo sa pagkilala sa tao, pagtingin sa kabuhayan sa palad ng kamay, sa mga nunal taling, tabas ng pagmumukha. hipnotismo. ng tanungan ng panaginip. ng oraculo ni faraon. ng tanungan ng kamatayan ng isang tao. ng signo ng pagaasawa at ng paggawa ng gayuma.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"may arte pa ng pagkaroon ng magagandang anak, bagay na malaman ng mga bagong kasal. at kalihiman ng paggamot sa nakukulam. totoong makabuluhan ang aklat na ito sa lahat, lalo na sa mga kabataan at dalaga ng makilala nila ang kanilang kapalarang aabutin at ang ugali'magiging kabuhayan ng taong kinakatungo. aling gulang ng dalaga ang dapat mong pangasawahin binata? ang pahayagang aleman na may pamagat na frankfuster zeitung ay siyang may bigay ng kaparaanang dapat gawin ng isang lalaki upang matuklasan niya ang bagay na gulang ng isang babae na dapat niyang pangasawahin. sinasabi ng naturang pahayagan; ng upang anya ang isang lalaki ay makatagpo ng isang babayeng babagay sa kanya, hangga sa pagtanda at di niya pagsasawaan habang buhay, ay kailangan piliin niya ang sunod sa gulang niyang taglay at na ito ang gulang ng babaeng dapat niyang piliin. halimbawa: ang lalaki ay may gulang na taon hatiin ito sa makatwid ang kalahati ng ay at ang ito ay dagdagan ng ang labas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang na ito ay siyang gulang ng binibining dapat hanapin ng binatang may gulang. sa makatwid, sa alin mang pagsubok para sa iba ay dapat hatiin ang edad ng lalaki at saka idagdag ang at kalabsan ay siyang gulang ng babaeng, dapat pangasawahin. alin naman ang pagmumukha buwan ng kapangakan ng dalaga na dapat hirangin ng isang binata? ang sagot ay basahin ninyo sa librong karunungang lihim ni honorio lopez at ng lalo kang masiyahan ay basahin mo ang aklat na ginto ni honorio lopez at ang mga aklat na ito ay siyang magbibigay sa iyo ng sagot. magpadala ka ng pitong piso kay honorio lopez sa daang sande maynila ng magkaroon ka ngayon din ng mga librong naturan. sa ibig bumuti ang buhay at yumaman mga paalala ni franclin. pamahalaan mo sa sarili ang iyong mga tikma negosyo at huag kang pababahala sa kanila. ang sino mang nabubuhay sa pagasa ay mamamatay sa gutom. walang pakinabang kung walang paggawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang paggawa trabaho ay siyang nagbabayad ng mga utang at ang paglilimayon ociosidad ay nagdaragdag ng hirap. ang kasipagan ay siyang ina ng magandang kapalaran. bunkalin sa boong pagsisikap at tiyaga ang iyong mga bukurin, samantalang nagsisitulog ang mga halaghag at tamad na tao at ikaw ang maraming mamamandalang ikabubuhay na maipagbibili at maitatago. basahin ninyo ang dunong ng pagyaman ni honorio lopez at dito matutunghayan ninyo ang madlang aral at paraan sa pagpapabuti ng sariling buhay upang yumamang madali, sa librong ito aklat ay marami ring matatagpuang hanap buhay na makabago at pagkakakitaan ng maraming salapi. piso ang halaga sa lahat ng libreria sa maynila at kung ipadadala sa kanilang bahay. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg. tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"hueb. ang unang pagtulo ng dugo ng ating mahal na mananakop; ss. magno mr. at eufrosina bg. (pistang dakila sa kiapo). bier. ss. macario ab. at marciano ob. ngayon ay simula ng pagbabayad ng sedula, amillaramiento at rentas internas. sab. ss. antero papa mr. genoveva bg. at daniel mr. linggo ss. tito ob. aquilino at dafrosa ms. pagkabaril sa mga pinagpalang paring inocencio herrera, severino diaz, at gabriel prieto; florencio lerma, macario valentin, macario malgarejo, canuto jacob, cornelio mercado, domingo abella, rafael gutierrez at fraciseo balera mercedes,. lun. ss. telesforo papa at mr. simeon estilita at emiliana at apolinaria bg. mar. ang pagdalaw at pagsamba ng mga haring sts. melchor, gaspar at baltazar sa ating mananakop, (pintakasi sa ternate at gapang), ss. melanio ob. mr. kabilugan sa magkakambal. umaga mier. ss. luciano pres. at crispin ob. hueb. ss. severino ob. at eugenio mr. bier. ss. julian mr. at ang asawa niyang sta. basilia at sta. marciana bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at celso mr. (prusisyon sa kiyapo). sab. ss. agaton, papa, nicanor diak, at gonzalo kp. higino papa mr. at sta. honorata bg. pagkabaril sa mga magiting benedicto nijaga, braulio rivera, faustino villaroel, faustino manalac, ramon padilla, francisco. roxas, luis. villareal, moises salvador at francisco, numeriano, adriano, domingo franco, antonio salazar, jose dizon at ang kabong si geronimo cristobal burgos. lun. ss. benito ab. arcadio at taciana mrs. mar. ss. leoncio at vivencio mga kp. sa pagliit sa timbangan. umaga mier. ss. hilario ob. at dr. felix pb. mr mga nagsisipagbayad ng patente ng umagap na bumayad, nang huwag marekargohan multahan. honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. hueb. ss. pablo erm. at segundina bg. at mr. bier. ss. marcelo papa mr. fulgencio ob. at pricila at estefania bg. sab. ss. antonio abad, sulpicio ob. at leonila mtr. linggo kamahalmahalang ngalan ni hesus . ang pagkalagay ng luklukan ni ss. pedro sa roma, prisca bg. at mr. librada bg. lun. ss. canuto hari at mario at ang kanyang asawang si sta. marta mrs. mar. ss. fabian papa at sebastian mr. ang pagkamatay ni gat. graciano lopez jaena sa barcelona, espana. mier. ss. ines, bg. at fructuoso ob. augurio at eulogio dk. ms. ang ipanganak sa mga araw na ito, hanggang ika ng pebrero, kung lalaki'masayahin, marunong at may mabuting ugali, mapapahamakin sa tubig, malalagnatin at yayaman. at kung babai'matapatin at magiliw, yayaman, marunong at may pagiisip sa hanap buhay. bagong bwan sa manunubig hapon hueb. ss. vicente diak. at anastacio mrs. bier. ss. ildefonso az, (pintakasi sa tanay at giginto) raymundo, emerenciana bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sab. ntra. sra. de la paz, (pintakasi sa antipolo at tuy) ntra. sra sa belen at ss. timoteo at feliciano obs. mrs. linggo. ang pagbabagong loob ni. at san ananias mr. pagkabaril sa mga magiting marcelo de los santos, eugenio de los reyes at valentin. cruz. lun. ss. policarpo ob. mr. (pintakasi sa kabuyao) paula bao at batilde reina. mar. ss. juan crisostomo ob. at dr. at vitaliano papa. mier. ss. julian at cirilo, mga ob. sa paglaki sa tupa. gabi hueb. ss. francisco de sales at valerio ob. bier. ss. martina bg. jacinta bg. pagputok ng bulkan sa taal. sab. ss. pedro nolasco nt. at marcela bao. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg. tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila, ..",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"linggo septuahesima ntra. sra. de salud ss. ignacio at cecilio mga ob. mr. at brigida bg. ang pagputok ng bulkan sa mayon,. lun. ang paghahain ni. maria sa ating mananakop. (pintakasi sa silang at mabitak) san cornelio ob. mar. ss. blas ob. at ceferina mr. mier. ss. andres corsino at jose de leonisa mga kp. pagkakasira ng mga pilipino at americano. kabilugan sa alimango hapon hueb. ss. pedro bautista (pintakasi sa siudad ng kamarinis) at agueda bg. at mr. bier. ss. dorotea bg. at mr. vedasto, amando mga ob. pagkabaril sa mga magigiting ramon basa. vicente molina, teodoro plata, apolinio de la cruz, hermenegildo reyes, jose trinidad, pedro nicodemus, feliciano del rosario at cervasio samson,. sab. ss. remualdo abad, ricardo hari at juliana bao. linggo ss. juan de mata, kp. at dionisio, emiliano at sebastian mres. lun. ss. apolonia bg. primo at donato, mga dk. at mga mr. kapanganakan kay. jose burgos ng taong. mar. ss. escolastica bg. guillermo ermitanyo at sotera bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mier. ntra. sra. de lourdes, ss. lucio ob. mr. at severino abad. hueb. ss. eulalia, bg. at gaudencio ob. sa pagliit sa alakdan ng madaling araw bier. ss. catalina sa riccis bg at benigno mr. sab. ss. valentin presb. mr. at antonio abad. kinkuahesima . ss. faustino, gemeliano at jovita mga mr. lun. karnestolendas . ss. julian at faustino ob. mar. karnestolendas . ss. silvino ob. at teodulo mr. pagkamatay nina padre burgos, gomez at zamora. honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako st sigarrilyong ay siyang dapat, hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. mier. ng pag aabo ceniza . ayuno at bihilya. ss. eladio arz. mr. pagkamatay ni. evangelista sa labanan sa zapote.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang tanang kristiano katoliko ay di tumitikim ng lamang karne sa lahat ng biernes ng kurisma at biernes santo, alinsunod sa kapasyahan ng papa pio na nilagdaan ng ika ng nob. hueb. ss. gavino ob. mr. at alvaro kp. bier. ss. leon at eleuterio mga ob. ng mamatay ang dakilang manunulang tagalog na si. ang ipanganak sa mga araw na ito hanggang ika ng marzo, kung lalaki'masaya at masipag, yayaman pagtanda. mapangahas at sa kadaldalan maraming sama ng loob ang aabutin. at kung babai ay may magandang damdamin at pagiisip at matapatin sa kanyang asawa. bagong buan sa isda umaga sab. ss. felix, maximiano at paterio mga ob. una na kurisma . pablo sa antiokia, san ariston at sta. margarita sa cortona. kapanganakan kay. washington . pista ng mga amerikano lun. ss. pedro damiano kd. at dr. florencio kp. at mr. mar. ss. edilberto at sergio mr. mier. san matias ap. mr. hueb. ss. cesareo kp. serapion at victoriano mr bier. ss. alejandro at andres mga ob kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sa paglaki sa damulag sa ika hapon sab. ss. baldomero kp. alejandro, abundio at fortunato mga mr. linggo ikalawa ng kurisma ss. roman, macario, rufino, justo at teofilo mga mr. ni. lopez, daang sande blg. sa pamamagitan ng sulatan ay tumatanggap ng limbagin ukol sa mga tarheta at kartel sa halalan. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg. tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila, .. lun. ss. rosendo at albino mga ob. eudosia at antonina mga mr. nang lagdain ang pagtatag ng inquisicion sa pilipinas. mar. ss. simplicio papa kp. januaria mr. mier. ss. emeterio at celedonio mr. at cunegunda hari at bg. hueb. ss. casimiro at lucio papa mr. bier. ss. adriano mr. teofilo ob. at juan jose de la cruz kp. kabilugan sa halimaw . umaga sab. ss. victor at victorino mga mr. at sta. ikatlo ng kurisima. ss. tomas de aquino kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at dr. perpetua at felicidad mga mr. lun. ss. juan de dios kp. filemon at apolonio mga mr. mar. ss. francisca balo, paciano ob. catalina de bolonia bg. mier. ss. meliton mr. at macario ob. hueb. ss. eulogio pb. mr. at sofronio ob. bier. ss. gregorio papa bernardo ob. sab. ss. leandro ob. patricia at modesta mga mr. sa paglaki sa mamamana sa . ng gabi linggo. ikapat ng kurisma ss. florentina bg. at matilde hari. lun. ss. raymundo de fitero ob. at longinos mr. mar. ss. eriberto at agapito mga ob. abraham erm. pagtuklas sa pilipinas ni magallanes. mier. patricio ob. gertrudis bh. hueb. ss. gabriel arcangel, narciso ob. bier. ang pista ni san jose asawa, ng birhen maria, pintakasi sa . jose del monte bulakan; felix valencia abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping lalong maseselan, daang quezada tabi ng simbahan ng tundo. malingapin sa mahirap. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. baras, rizal; polilyo, tayabas; balanga at kabkabin ng bataan. ss. apolonio at leoncio mga ob. sab. ss. nicetas ob. at ambrosio de sena, mga kp. claudia at eufracia mr. bagong buan sa tupa . gabi linggo ng paghihirap ss. benito ab. at serapio ob. taglawag primavera ang ipanganak sa mga araw na ito hanggang ika ng abril, kung lalaki'masipag magaral, maliksi, mapagtalumpati at maauwin. madalas makalimot ng pangako, nanganganib ang buhay sa mga hayop na sumisipa at nanunuag. at kung babai nama'maliksi nguni'sinungaling; mainit ang ulo, maraming kapahamakang aabutin. lun. ss. deogracias at bienvenido mga ob. at kp. cacauna de suecia bg. mar. ss. victoriano mr. at teodulo kp. pelagia at teodosia mr. mier. ss. agapito ob. at simeon mr. hueb. ang pagbati ng arcangel san gabriel kay. maria at pagkakatawan tao ng mananakop. ss. dimas, ang, mapalad na tulisan at irineo ob. at mr. bier. ng dolores mga hapis ss. braulio abo. montano at maxima mga mr. sao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ss. ruperto ob. guilermo ab. sa paglaki sa magkakambal hapon linggo ng palaspas ramos ss. juan, castor at doroteo mga mr. lun. santo ss. segundo mr at eustaquio abad kp. mar. santo ss. quirino at juan climaco abad kp. ng mahuli si aguinaldo sa palawan,. mier. santo ss. balbina bg. at cornelia mr. ni. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng anomang aklat sa tagalog, ingles, at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg. tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila. ito ang buwang kahuli hulihan ng pagbabayad ng sedula at amillaramiento. hueb. santo . ss. teodora at venancio mga mr. bier. santo . ss. francisco de paula kp. at maria egipciaca nagbata. sab ng luwalhati . ss. benito de palermo kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at ulpiano mr. kabilugan sa dalaga gabi linggo ng pasko ng muling pagkabuhay ni hesus . ss. isidro ars. sa sevilla kp. at dr. zosimo akr. at flotilda bb. lun. ss. vicente ferrer at kp. mr. mar. ss. sixto papa mr. at celestino papa. ng mamatay sa kruz ang mananakop, taong mier. ss. epifanio ob. donato, rufino at mga mrs. ng matagpuan ni magallanes ang sangkapuluang may sariling pamamahala, nananampalataya, batas at iba pa,. hueb. ss. dionisio at perpetuo mga ob. maxima at macaria mga mr. bier. ss. hugo ob kp. maria cleofas. sab. ss. macario mga ob. at exequiel mga mh. linggo ng albis . ss. leon papa kp. at dr. at antifas mr. sa pagliit sa kambing ng gabi lun. ss. julio papa kp., cenon ob. at victor mr. mar. ss. hermenegildo hari at justino mr. mier. ang tumumba sa pakil. lalaguna ss. pedro telmo kp. tiburcio, valeriano at maximo mga mr. hueb. ss. eutiquio, basilisa at anastacia mga mr. mga nagsisipagbayad ng patente ng umagap na bumayad ng huwag marekargohan multahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"felix valencia abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping lalong maseselan, daang quezada tabi ng simbahan ng tundo. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. bier. ss. engracia bg. at lamberto mga mr. sab. ss. aniceto papa mr. fortunato at macario mrs. linggo ss. perfecto presb. apolonio senador, lun. ss. hermogenes mr. at leon papa kp. bagong buan sa damulag ng madaling araw mar. ss. ines sa monte peliciano bg. sulpicio at serviliano mga mr. ang ipanganak sa mga araw na ito hanggang ika ng mayo kung lalaki'mapangahas, maraming makakagalit at mabibilanggo. walang kabutihang puso, nguni'yayaman. dapat magingat sa mga hayop na makamandag at kung babai'malakas, may mabuting pagiisip, masipag nguni'masalita lamang. mier. pagtankilik ni san jose. ss. anselmo ob. at mr. hueb. ss. sotero at cayo papa mr. bier. ss. jorge mr. at gerardo ob. sab. ss. fidel mr. at gregorio ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"linggo ss. marcos evangelista at aniano kp. sa paglaki sa alimango ng gabi lun. ss. cleto at marcelino mga papa. ang pagkamatay ng supremong andres bonifacio, taong. mar. ss. toribio arbo. sa lima, pedro armengol mga kp. ng mamatay si magallanes sa maktan, sa katapangan ni sikalapulapu. mier. ss. vidal (pintakasi sa sebu) at ang asawa niyang si valeriana mga mr., prudencio ob. at teodora bg. at mr. hueb. ss. pedro mr. (pintakasi sa hermosa, bataan) at paulino ob. bier. ss. catalina de sena bg. (pintakasi sa samal, bataan) at sofia bg. sayo balo ni soriano makabibili rito ng anomang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat ibp. sa halagang mura. rosario blg. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg. tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila. sab. ss. felipe, santiago ap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at paciencia mr. pista ng paggawa linggo ss. atanacio ob. at dr. at felix ms. lun. ang pagkatuklas ni sta. elena sa mahal na sta. cruz, (pintakasi sa sta. cruz, maynila; tansa,. pedro tunasan; llana hermosa at sta. cruz marinduque), ss. alejandro papa mr. antonina bg. at maura ms. kabiluan sa timbangan ng gabi paglalahong ganap ng buan na di makikita sa pilipinas. mar. ntra. sra. de antipolo, ss. monica bao, (pintakasi sa botolan, sambales. angat, bulakan). ss. ciriaco ob., pelagia bg. at antonia mga ms. mier ss. pio papa kp. crecenciana, irene mga mr. hueb. ss. juan ante portam latinam juan damaceno kp. at benedicta bg. bier. divina pastora sa gapang,. ss. estanislao ob. at mr. flavia, eufrosina, at teodora bg. at mga mr. sab. ss. miguel arcangel, (pintakasi sa. miguel de mayumo, bulakan at udiong, bataan) dionisio at eladio ob. linggo ss. gregorio nacianceno ob. at dr. eladio cfr. lun. ss. antonio arz. at nicolas card. mar. ss. mamerto ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at maximo mr. sa pagliit sa manunubig ng gabi mier. ss. domingo de la calzada cfr. at pancracio mr. hueb. pagakyat ng mananakop . ss. pedro regalado kp. at gliceria mr. bier. ss. bonifacio mr., pascual papa kp. justa at justina mga mr. sab. ss. isidro magsasaka kp., (pintakasi sa. sa naik, kabite; pulilan, bul. at sambales) at torcuato, indalesio at eufrasio mga ob. pagdating ni legaspi sa maynila. ss. juan nepomuceno mr., ubaldo ob. at maxima mr. lun. ss. pascual bailon, kp. (pintakasi sa ubando) at restituta bg. at mr, honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laping umaabuluoy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. mar. ss. venancio mr., felix sa cantalicio kp., alejandra at claudia mga bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at mr. bagong buwan sa magkakambal ng gabi paglalahong pangkat ng araw na di makikita. mier ss. potenciana bg. at pedro celestino papa kp. hueb. ss. bernardino de sena at teodoro ob. bier. ang pagpapakita ni. miguel arcangel sa bundok ng gargano (pintakasi sa pagsanhan). ss. valente ob. at mr., at hospicio kp. ang ipanganak sa mga araw na ito hanggang ika ng hunyo, kung lalaki'may mabuting pagiisip, mabait at mabuting ugali. hindi siya maghihirap, matutuwain at tuso. mahilig sa karunungan. at kung babai naman ay matamis na kalooban; mapagpabaya sa mga pagaari, may hilig sa musika at pintura. dapat magingat sa tukso ng pag ibig. sab. ss. rita sa casia bao, quiteria at julia mga bg., at mr. linggo. ng pentcosta pagpanaog ng mahal na diwa . ang pagpapakita ni santiago ap. sa espanya at ss. epitacio ob. at basilio mr. lun. ss. melecio, susana at marciana mga mr. mar. ss. urbano papa mr., bonifacio at gregorio papa kp. sa paglaki sa halimaw. ng umaga mier, ss. felipe neri kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"(pintakasi sa mandaluyong) at eleuterio papa mr. hueb. ss. juan pap mr. at maria magdalena sa pazis bg. pista ng patay ng mga amerikano. bier. ss. emilio mr., justo at german ob. sab. ss. maximo at maximino mga ob. linggo stma. trinidad ss. fernando hari kp., (pintakasi sa lucena at. fernando, kapampangan) at felix papa mr. lun ss. petronita at angela mga bg. ikalawang paghihimaksik ng pilipinas. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg. tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila, .. mar. ss. panfilo, felino at segundo mga mr. inigo abad kp. mier. ss. eugenio papa kp., marcelino, pedro at blandina mga mr. kabilugan sa alakdan ng gabi hueb. ng corpus christi .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ss. isaac monge mr. cleotilde hari at oliva bg. bier. ss. francisco carracciolo kp. at saturnina bg. sab. ss. bonifacio ob. mr. at sancho mr. pagkamatay ni hen. luna. pagganap sa pista ng corpus. ss. norberto ob. at nt., claudio ob. at candida at paulina mga mr. lun. ss. roberto ob. mr. mar. ss. maximino at severino mga ob. salustiano at victoriano mga kp. mier. ss. primo at feliciano mga mr. at pelagia bg. at mr. hueb. ss. crispulo at restituto mga mr. at margarita, hari. sa pagliit sa isda ng gabi bier. kamahalmahalang puso ni hesus. ss. bernabe ap. felix at fortunato mga mr. aleida, flora at roselina mga bg. sab. kalinislinisang puso ni maria. ss. juan sa sahagun, olimpio ob. at onofre anacoreta mga kp. ng ihiyaw ang kasarinlan ng pilipinas sa kawit. ss. antonio sa padua kp., (pintakasi sa rosales). aquilina at felicula mga bg. at mr. lun. ss. basilio ob. kp., eliseo mh., quinciano ob. mar. ss. vito, modesto, crescencia at benida mga mr. mier. ss. quirico, julia mga mr., juan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"de regis at lutgarda bg. felix valencia abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping lalong maseselan, daang quezada tabi ng simbahan ng tundo. maawain sa mahirap. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. bagong buan sa alimango ng gabi hueb. ss. manuel, sabel at ismael mga mr. bier. ss., ciriaco at paula bg. at mr. sab. ss. gervasio at protasio mga mr. at julia falconeri vgnes. kapanganakan kay dr. at. ss. silverio mr. at macario ob. lun. ss. luis gonzaga kp. at demetria bg. at mr. ng mahayag matatag ang siyudad ng maynila,. mar. ss. paulino ob. at consorcia bg. pagpasok ang panahon sa tagulan . ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng hulyo, kung lalaki ay maibigin ng babai, palausapin, nanganganib sa pagdaragat, matalino kung minsan ay yayaman kung makakita ng mabuting hanap buhay at kung babai'mapagmataas, masipag, mapapahamak sa tubig at mahirap manganak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mier. ss. juan prb. mr. at agripina bg. at mr. sa paglaki sa dalaga ng gabi hueb. ang panganganak kay. juan bautista, (pintakasi sa liang, taytay, kalamba, lilio at kalumpit). ss. simplicio at teodulo mga ob. bier. ss. guillermo ab. at galicano mr. sab. ss. juan at pablo mga mr. at daniel ermitanyo. ss. zoilo mr. at ladislao hari kp. lun. ss. leon papa kp. mr. mar. ss. pedro at pablo apostoles (pintakasi sa apalit, kalasyaw, siniloan, kalawag unisan) at marcelo mr. mier. ang pagaalala kay san pablo apostol. ss. lucina alagad ng mga apostoles at emilia mr. ni. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg. tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila, .. hueb. ss. teodorico pb.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"kabilugan ng buan sa mamamana ng hapon ng patain sa sarajevo, bosnia si artsiduke francisco fernando na pinagmulan ng pinakamalaking pagbabaka sa europa. bier. ang pagdalaw ni. sta. maria kay sta. isabel. ss. proceso at martiniano mga mr. sab. ss. jacinto mr., anatalio at eliodoro mga ob. del pilar sa barcelona,. linggo (*) ss. laureano arz. sa sevilla mr. at flaviano, elias, uldarico mga ob. ang ika sa pagdiriwang ng mga norte amerikano sa kanilang pagsasarili,. lun. ss. numeriano ob. cirila mr. at filomena bg. mar. ss. tranquilino pb. mr. isaias mh. dominga bg. at lucia mr. mier. ss. fermin ob., odon at apolonio mga ob. ng itapon si rizal sa dapitan. hueb. ss. isabel hari, procopio mr. at pricila. bier. ss. cirilo ob. mr., briccio ob. at anatolia bg. at mr. sa pagliit sa tupa. sab. ss. rufina at segunda mga bg. at mr. at apolonio mr. ng mamatay si jose. basa sa hongkong. ss. pio papa at abundio ob. mr. lun. ss. juan abad, marciana bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at epifania mr. mar. ss. anacleto papa mr. at turiano ob. mier. ss. buenaventura kd., (pintakasi sa mauban) at focas ob. at mr. mga nagsisipagbayad ng patente ng umagap na bumayad, ng huwag marekargohan multahan. hueb. ss. enrique emp. at camilo sa lelis kp. honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. bier. ang pagtatagumpay ng mahal na santa cruz. ntra. sra. del carmen. ss. sisenando at fausto mga mr. bagong buwan sa halimaw ng umaga sab. ss. alejo kp., marcelina bg., generosa, genoveva at donata mga mr. linggo ss. camilo, sinforosa, getulio mga mr. at marina bg. at mr. lun. ss. justa, rufina at aurea mga bg. at mr. vicente de paul kp. at simaco papa kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mar. ss. margarita at librada mga bg. at mr., elias mh. mier. ss. praxedes bg., daniel mh. at mr. hueb ss. maria magdalena, at platon mr. bier ss. apolinar ob. at mr., liborio ob. at primitiva bg. at mr. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ng agosto, kung lalaki'mabalasik, mapagmalaki, mapagbiro, magkakatungkulan, magkakasalapi sa sipag, mapapahamak sa apoy, sandata at mabangis na hayop. at kung babai mabigat magsalita at mapapahamak sa apoy. sa paglaki sa timbangan madaling araw sab ss. cristina bg. at mp., francisco solano kp. at victor mr. linggo ss. santiago ap. cristobal at florencio mga mr. at valentina bg. at mr. lun. ss. ana, ina ni. sta. maria at pastor pb. mar. ss. pantaleon, jorge at natalia mga mr. mier. ss. nazario, celso at victor mga papa at mr. at inocencio papa kp. hueb. ss. marta bg., lupo ob. kp., lucila at flora mga bg. at beatriz mr. bier. ss. abdon, senen at rufina mga mr. sab. ss. ignacio de loyola kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at fabio at democrito mga mr. kabilugan sa kambing umaga ni. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. sinelasan nina teodoro at katindig. kung masira, na may paraang mabuo', ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave. rizal blg. tel. at sucursal ascarraga blg. tel. maynila. linggo ss. pedro advincula, fe, esperanza at caridad mga bg. at mr. lun. ntra. sra. ng mga angeles. ss. esteban papa mr., teodora at alfonzo maria de ligorio ob., kp. at dr. mar. ss. eufronio at. mier. ss. domingo de guzman kp. (pintakasi sa abukay) at perpetua bao. hueb. ntra. sra. de las nieves, ss. emigdio ob. mr. at afra mr. bier. ang pagliliwanag ng katawan ng.. mananakop sa bundok ng tabor, ss. sixto papa mr., justo at pastor mga mr. sab. ss. cayetano kp. at nt., donato ob., fausto mrs. at alberto kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sa pagliit sa damulag gabi linggo ss. ciriaco, leonides at esmeragdo mga mr. at severo ob. lun. ss. roman at marceliano mga mr. at domiciano ob. mar. ss. lorenzo mr. filomena at paula bg. at mr. mier. ss. tiburcio at suzana bg. at mr. hueb. ss. sergio, clara bg. at nt., felicisima at digna mr. bier. ss. caciano ob., hipolito at concordia mga mr. pagkahiwalay ng pilipinas sa espanya, pagdidiwang ng amerikano at tagalog sa pagkakaligtas ng pilipinas (pangiling araw) sab. ss. eusebio prb. at kp., demetrio at atanasia bao. bagong buwan sa dalaga araw linggo. asuncion ang pag akiat sa langit ni. sta. maria (pintakasi sa bulakan). ss. alipio ob. valeria bg. honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. lun. ss. jacinto at roque mga ob. mar. ss. pablo at juliana mga mr. mier. ss. agapito at lauro mga mr., elena empe. at clara de monte falco bg. hueb. ss. luis ob. pintakasi sa baler at lukban tayabas mariano at rufino mga kp. bier. ss. bernardo ab. at dr., leovigildo at cristobal mga mr. sab. ss. juana, bao at ciriaca bg. sa paglaki sa alakdan gabi linggo ss. joaquin ama ni santa maria timoteo, felisberto at mauro mga mr. lun. ss. felipe benicio kp. at fructuosa mr. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng septiembre, kung lalaki'magiliwin sa katungkulan, matalino, mapapahamak sa mga tulisan. at kung babai'mapaglaan, mabait, maraming kapahamakang aabutin kung magka asawa, sa sipag ay yayaman. mar ss. bartolome ap. (pintatakasi sa malabon, rizal at nagkarlang) at aurea bg. mr. mier. ss. luis hari, gerundio ob., patricia bg. at gines at magin mga mr. hueb. ss. ceferino papa at victor mr. bier. ss. jose de calasanz at licerio ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sab. ss. agustin ob., moises anacoreta at pelagio mr. linggo ntra. sra. de correa consolacion. ang pagpugot sa ulo ni . juan bautista. ss. sabina bg. at candida mr. kapanganakan kay marcelo. kabilugan sa manunubig. gabi lun. ss. rosa sa lima bg. (pintakasi sa sta rosa, laguna, paniki at moncada.) at gaudencia bg. mar. ss. ramon nonato kd. at paulino ob. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg. tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila, .. mier. ss. gil ab., ana mh., prisco, constancio at victorio mga ob. hueb. ss. esteban hari at kp., elpidio ob. maxima at calixta mga mr. bier. ss. serapia bg. at mr. at simeon estilita ang binata. sab. ss. marcelo mr., rosalia at rosa de viterbo mga bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ng barilin sina sancho valenzuela, eugenio silvestre, modesto sarmiento at ramon peralta. ss. lorenzo ob. romulo at obdulia bg. lun. ss. eugenio mr. at zacarias mh. sa pagliit sa magkakambal. umaga mar, ss. regina bg. at clodoaldo pb. ng mamatay ang pilologong si eusebio daluz. nagtatag ng akademia pilipino. mier. ang panganganak kay. santa maria,. ss. adriano at nestorio mga mr. hueb. ss. sergio papa kp., doroteo, gorgonio at severiano mga mr. bier. ss. nicolas sa tolentino kp. hilario papa at victor ob. sab. ss. vicente abad mr., emiliano ob. at teodora nagbata. ang matamis na ngalan ni maria. ss. leoncio mr. guido kp. at perpetua bg. ng barilin sa kabite sina severino laoidario, alfonzo ocampo, luis aguado, victoriano luciano, maximo inocencio, francisco osorio, hugo perez, jose lallana, antonio. agustin, agapito conchu, feliciano cabuco, mariano gregorio at eugenio cabesas,. bagong buan sa timbangan gabi lun. ss. felipe at ligorio mga mr., eulogio at amado mga ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mar. ang pagkahayag ng mahal na sta. cruz. ss. cornelio papa at cipriana ob. at mr. honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. mier. ss. nicomedes at porfirio mga mr., ang pagpapakita ni sto domingo sa bayang soriano. hueb. ss, eufemia bg., geminiano, lucia at sebastiana mga mr. mier. ss. pedro sa arbues, crecencio, lamberto ob. teodora mga mr. sab. ss. tomas sa villanueva ob. at sofia at irene mga mr. linggo ss. genaro ob. mr. rodrigo ob. at constancia mr. lun. ss. eustaquio, teopista, felipa at fausta. sa paglaki sa mamamana araw mar. ss. mateo apostol at evangel, efigenia bg, at panfilo mr. mier. ss. mauricio at candido mga mr. hueb. ss. lino papa mr. at tecla bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at mr. papasok ang panahon sa tiglamig. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng oktubre, kung lalaki'mahahablahin, mapapalarin sa pangangalakal, dapat umilag sa apoy. at kung babai'masayahin at ikagiginhawa ng asawa. bier. ntra. sra. ng merced. ss. tirso mr at dalmacio kp. sab. ss. lope ob. kp., maria ng socorro bg. pacifico kp. ss. cipriano at justina bg. at mga mr. lun. ss. cosme at damian mga mr. mar. ss. wenceslao mr. at eustaquia bg. kabilugan sa isda umaga mier. ss. miguel arcangel (pintakasi sa san miguel sa maynila, san miguel de mayumo, marilaw at tayabas) at eutiquio mr. hueb. ss. geronimo kp., nt. at dr. at sofia bao. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila, .. panoorin ang paglalaho ng buwan sa ika. bier. ss. angel, remigio ob. sab. ang mga santong angel na nagiingat sa atin, (pintakasi sa catedral ng sebu) at ss. leodegario ob. at gerino mga mr. linggo. ang kadakilaan ng santo rosario, (pintakasi sa urani, manawag, sa malabon grande kabite; angeles, kap. ; luisiana, lag. ; lopez, tayabas.) ss. candido mr. at gerardo ab. lun. ss. francisco sa asis, ngt. (pintakasi sa lumbang,. francisco, malabon, maykawayan at saryaya, tayabas) petronio ob., crispo kp. mar. ss. placido, plavia bg. at mr., froilan at atilano mga ob. at flaviana bg. sa pagliit sa alimango umaga mier. ss. bruno ob. at mr. hueb. ntra. sra, de las victorias rosario. ss. mareos papa, sergio mr., julia at justina mga bg. bier. ss. brigida bao at pelagia mbta. sab. ss. dionisio ob. at rustico pr. sb eleuterio dk. mga mr. linggo ss. francisco sa borja at luis beltran. lun. ss. nicasio ob. mr. at placida bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mar. sta. maria ng pilar sa zaragoza (pintakasi sa imus, sa sta. cruz, maynila at sa pilar, bataan) ss. felix at cipriano mga ob. at mr. bagong buan sa alakdan umaga mier. ss. eduardo hart, fausto, genaro at marcial mga mr. hueb. ss. calixto papa at fortunata bg. at mr. mga nagsisipagbayad ng patente ng bukas ay umagap na bumayad ng huwag marekargohan multahan. bier. ss. teresa de jesus ntg, aurelia mga bg. sab. ss. florentino ob. araw ng panunumpa ng mga bagong halal. abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping laong maseselan, daang quezada tabi ng simbahan ng tundo. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. ng matatag ang kapulungang bayan at ng matatag ang senado at junta municipal ng siyudad ng maynila na pawang halal ng bayan linggo ss. eduvigis bao at andres mr. hubileyo ng horas sa binundok sa kapistahan ng sto. rosario. prusisyon sa sta. cruz, maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"lun. ss. lucas evangelista at julian erm. mar. ss. pedro alcantara at aquilino ob. mier. ss. juan cancio kp., irene bg. feliciano ob. at artemio mga mr. sa paglaki sa kambing umaga hueb. ss. hilarion ob. mga mr. bier. ss. maria salome bao, nunilon, alodia. mr. at heraclio mr. sab. ss. pedro pascual ob. mr. servando at german mga mr. juan capistrano kp. linggo ss. rafael arcangel at fortunato mr. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng nobyembre, kung lalaki'mapangahas, mahahalay magsalita, dapat magsikap ng yumaman. at kung babai'mapagmalaki at mababanhin. lun. ss. gavino proto, marciano, crisanto at daria mga mr. at eruto kp. mar. ss. evaristo papa mr. crispin, crispiniano, rogaciano at felicisimo mga mr. mier. ss. florencio, vicente, sabina at cristeta mga, mr. kabilugan sa tupa . gabi paglalahong ganap ng buwan na makikita mula sa oras na ika ng gabi. ang sikat ng buwan ay mula sa ika ng hapon. hueb. ss. simon ap. gaudioso kp. bier. ss. narciso ob. mr. at eusebia bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at mr. sab. ss. marcelo centurion, claudio, ruperto at victorio mga mr. linggo ss. quintin, nemesio at lucila bg. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg. tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila, .. lun. ang dakilang araw ng lahat ng banal. ss. cesareo, severino at juliana mga mr. mar. undas ang pag aalaala sa mga namatay na binyagan. ss. victorino ob. at marciano kp. mier. ss. valentin pb., hilario at cesareo mr. ng barilin si honorato onrubia. sa pagliit sa halimaw hapon hueb. ss. carlos borromeo kd., modesta bg, claro at porfirio mga mr. bier. ss. zacarias at isabel magulang ni. juan bautista, filoteo mr. at dominador ob. sab. ss. severo ob. mr. at leonardo kp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"linggo ss. rufo at florencio at carina mr. lun. ss. severo at severino mga mr. at diosdado papa at godofredo ob. mar. ss. teodoro mr. at agripino ob. mier. ss. andres avelino at demetrio ob. mr. at filomena mr. hueb. ss. martin at mena mr. bagong buwan sa mamamana . gabi paglalahong pangkat ng araw na di makikita sa pilipinas bier. ntra. sra. ng biglang awa. ss. diego pk. aurelio, publio ob. at paterno mga mr. sab. ss. arcadio at probo mga mr. nicolas papa, estanislao sa kostka at homobono kp. linggo ntra. sra. de la soledad. ss. serapio mr. at lorenzo ob. lun. ss. eugenio arzobispo mr. gertrudis bg. at leopoldo kp. felix valencia abogado at notario. tumatanggap ng mga usaping lalong maseselan, daang quezada tabi ng simbahan ng tundo. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. mar. ss. rufino, elpidio at eustaquio mres. mier. ss. gregorio taumaturgo ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"acisclo at victoria mga mr. hueb. ss. maximo ob. at roman mr. bier. ss. isabel hari at ponciano papa mr. sa paglaki sa manunubig umaga sab. ss. felix sa valois at benigno ob. linggo ang paghahayin sa simbahan ni. ss. alberto ob. honorio, eutiquio, at esteban mga mr. lun. ntra. sra. de los remedios (pista sa maalat) ss. cecilia bg. at mr. at filemon mr. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng disyembre, kung lalaki'yayaman sa pangangalakal sa ibang bayan, masipag, matapang nguni'sugarol. at kung babai'masipag at maliligawin. mar. ss. clemente papa mr. juan bueno kp. lucrecia bg. at felicidad mga mr. mier. ss. juan de la cruz kp. fermina, flora at maria mga bg. at mr. at crescenciano mr. hueb. ss. catalina bg. at mr. moises pb. mr. pista ng pasasalamat ng mga amerikano. bier. ang pagkakasal kay santa maria at kay poong. jose. ss. pedro ob. mr. at conrado. kabilugan sa damulag gabi sab. ss. basilio ob. facundo at primitivo mga mr. linggo una ng adbiyento pagdating.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ss. gregorio papa kp. at rufo mr. pangloloob ni limahong sa maynila, lun. ss. saturnino ob. filomeno mga mr. at iluminada bg. mar. ss. andres ap. (pintakasi sa norsagaray, masinlok, palanyag, tagiik at pantabangan) at maura bg. at mr. ang unang pagpupulong ng mga mananagalog sa pagbabangon ng akademya tagala sa anyaya ni honorio lopez, sa dulaang libertad. lopez, daang sande blg. sa pamamagitan ng sulatan ay tumatanggap ng limbagin ukol sa mga tarheta at kartel sa halalan. sinelasan nina teodoro at katindig, kung masira namay paraang mabuo'ibalik at gagawin ng walang bayad. tignang mabuti ang tatak ng huwag malinlang ng mga manghuhuwad. ave rizal blg. tel. at sucursal azcarraga blg. at tel. maynila. mier. ss. natalia bao, eloy at eligio mga ob. hueb. ss. bibiana bg. at mr. pedro crisologo ob. at dr. at ponciano mr. bier ss. francisco javier at casiano mga mr. sa pagliit sa dalaga gabi sab. ss. barbara bg. at mr. melecio at odmundo ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ikalawa ng adbiyento pagdating ss. sabas abad dalmacio ob. at crispina mga mr. lun. pa. nicolas de bari ob. kp., apolinar sdk. mr. dionisia, dativa at leoncia mga mr. mar. ss. ambrosio at agaton mr. mier. (krus) ang kalinisang paglilibi ni. sta. maria concepcion (pintakasi sa naik, pasig, malulos, batangan, balayang, guagua, los banos, boak, bawang, mandaluyong, atimonan, malabon, sta. cruz, silangan at sa antipulo) ss eutiquiano.. at sofronio ob. hueb. ss. leocadia mr. at gorgonia mga bg. bier. ntra. sra. sa loreto (pintakasi sa sampalok) ss. melquiades papa mr., eulalia at julia mga bg. at mr. nang gawin ang pagkakayari sa paris na ang pilipinas ay ipagkakaloob sa estados unidos. bagong buan sa kambing. gabi sab. ss. damaso papa kp. at eutiquio mr. linggo. ikatlo ng adbiyento pagdating. ntra. sra. de guadalupe (pintakasi sa pagsanjan) at ss. epimaco, hermogenes at donato mga mr. . lun. ss. orestes, mr. lucia mr. (pintakasi sa sexmoan, kapampangan) at otilia bg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mar. ss. espiridion ob. arsenio, isidoro, dioscoro at eutropia bg. at mga mr. paghahamok ng mga kastila'olandes dito sa maynila mier. ss. valeriano ob. at irineo mga mr. pag aalsa ng kailokohan, pangasinan at kapampangan honorio lopez na may kapahintulutan ng gobierno. sumusukat at namamahala ng pagpapatitulo ng mga lupa sa halagang mura. sulatan siya pagsadyain sa daang sande blg. tundo maynila bago pasukat sa iba. ang tabako at sigarrilyong ay siyang dapat hititin ng bayan pagka'siya ang laging umaabuloy sa kanyang mga kapansanan. kaya'siyang hanapin sa mga tindahan. hueb. ss. eusebio ob. adelaida at albina bg. mga mr. mula ngayon may misa de aguinaldo. bier. ss. lazaro ob. at olimpia bao. sab. ang pag aantabay ni. sta. maria sa mananakop. ss. graciano ob at judit balo. sa paglaki sa isda gabi linggo. ikapat ng adbiyento. ss. nemesio mr. at fausta bao. lun. ss. domingo sa silos abad kp. at liberato mr. mar. ss. tomas ap. glicerio presb.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"at temistocles mga mr. mier. ss. flaviano at cenon mga mr. ang ipanganak mula sa araw na ito hanggang ika ng inero, kung lalaki'maliksi, masipag, maghihirap sa kaikaibigan, maramot, sa paliligo ang ikapagkakasakit. at kung babai'matatakutin, matapatin sa asawa at masipag. hueb. ss. victoria bg at gelasio mga mr. bier. bihilya at ayuno, ss. gregorio presb. mr. delfia ob. at tarcila bg. sab. pasko ng panganganak sa ating poong mananakop at ss. reinaldo ars., eugenia bg. at anastasia mga mr. kabilugan sa magkakambal gabi linggo. ss. esteban unang mr. at dionisio at zosimo mga papa. lun. ss. juan apostol at eban. mar. ang mga maluwalhating sanggol na pinapugutan ng haring si herodes at ang mga ss. troadio at teofila bg. at mga mr. mier. ss. tomas canturiense ob. mr. calixto at honorato mga mr. at ang banal na hari at manghuhulang si. hueb. (*) ang pagkalipat ni. santiago ap. ss. sabino ob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"honorio at anisia mga mr. nang kitlan ng hininga si dr. jose protasio rizal, ng mga lilong kaaway niya,. bier. ss. silvestre papa, sabiniano ob, potenciano, donata, hilaria at paulina mga mr. ni. sayo balo ni soriano. makabibili rito ng ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mga kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. rosario blg. ang pagbabago sa kalendaryo. kung ang panukalang batas na isinaalangalang sa kapangyarihan ng kongreso ng estados unidos ay pagtibain, sa unang araw ng inero ng ay makakikita tayo ng isang bagong kalendaryo na bumibilang ng labing tatlong buwan na para parang nagsisimula sa araw ng lunes ang mga unang araw ng buan at sing isa naman ng bilang na tig araw. |lunes.| |martes.| |mierkoles.| |huebes.| |biernes.| |sabado.| |linggo.| sa panukalang ito at kabilangang ganap ng araw sa boong isang taon, ay lumalabis ng isang araw, at ito, sa halip na idagdag pa sa kabilangan ng alin man sa labing tatlong buwan ay inilaang gawin sa pagdiriwang ng piata ng.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sa tuwi namang apat na taon, ay nagkakaroon ng isang araw na labis, at ito'idaragdag ding parang pinakabisyesto. sa karaniwan, ay idinagdagdag sa pebrero; nguni'sa bagong panukala, ay idaragdag sa pagitan ng ika ng disyembre at sa araw ng bagong taon, at ito'tatawaging. sa bagong pagayos ng kalendaryong ito ay di magkakaroon ang alin mang buwan ng limang araw ng linggo. ang lahat naman ng pista ay tatamang lahat sa araw ng huebes, gaya ng pista ng pagsasarili sa ika ng hulyo; araw ng pagtatagumpay sa ika ng nobyembre; araw ng pagpapasalamat at pasko ng kapanganakan sa mananakop. ang ikalabing tatlong buwan namang mararagdag ay ilalagay sa pagitan ng inero at pebrero, at ito'tatawaging. kung ang bagong pagaayos sa kalendariong ito na tatawaging kalayaan, ay patitibayan ng batasang amerikano, ang pagdidiwang natin sa ay tatama sa pangkaraniwang taon, sa ika unang araw ng inero, at sa tuwing ikapat na taon, ay tatama naman sa pista ng bagong taon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sang ayon sa mga pagkukuro ng mga nagbalak sa kalendariyong ito na iyan:. ang mga litaw na mangangalakal at mga bansag na tao sa minneapolis; sa kalendaryong ito, ay magiging maginghawa ang pagtutuos sa pangangalakal; magiging maayos ang pagtatakda sa mga patubo ng salapi at gayon din sa mga pagbabayad sa mga kawani at manggagawa, pagka'walang nakahihigit na sino man. ating hintain kung ano ang sasabihin ng kongreso ng estados unidos sa kabalakang ito. ang bagong pamahalaan sa pilipinas. anong kiyas hugis ng pamahalaan mayroon tayo ngayon dito sa pilipinas? ang pamahalaang tatag ngayon dito sa pilipinas, ay may hugis republikano na nababatay sa mga simulaing demokratiko na ang tunay na masusunod ay ang kalooban ng bayan. alin ang kakulangan na lamang upang maging lubusang republikano ang pamahalaan natin sa ngayon sang ayon sa pagbabagong nangyari sunod sa batas ni jones?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"una: ang magkaroon tayo ng isang presidente at isang pangalawang presidente sa halip ng gubernador heneral at bise gubernador heneral na siyang pinakakinatawan dito sa sangkapuluan ng estados unidos. ikalawa: ang magkaroon ng bansag na republica ang ating pamahalaan, at ikatlo: ang mahalinhan ang watawat amerikano ng watawat pilipino. bakit sinabi ninyo na ang nasusunod sa pamamahala sa ating bayan ang kalooban ng bayan lamang? sapagka'ang gumagawa ng mga batas at mga kautusang sinusunod natin na ipinatutupad sa atin ng mga tagapagpatupad: gaya ng gubernador heneral, alkalde sa siyudad ng maynila, ng mga gubernador sa lalawigan at ng mga presidente munisipal sa mga bayan bayan, ay mga gawa ng mga senador, diputado at mga konsehal na ating inihalal na ating pinagkatiwalaan ng ating tiwala upang lumagda ng mga kautusan at batas na ikabubuti nating lahat na mamamayang pilipino at ng pamahalaan natin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sa makatwid ano mang hirap na ating danasin sa kabuhayan ay di dapat nating isisi kanino man, kundi sa ating mga inihalal na iyan? siyang totoo, sapagka'ang ikinabibigat at ikinagagaan ng ating kabuhayang lahat, ay nasa sa kanilang kamay, pagka'ang kanilang mga batas kautusang pinatibayan sa batasan at sa mga sanggunian ay siyang sinusunod na ipinatutupad ng mga tagapagpatupad na nasabi ko na. nariyan ang ikinatataas ng mga buwis ng lupa, ikinataas ng rentas internas, ikinataas ng mga bayad sa pahintulot lisensiya munisipal. ang paglastay ng salapi sa ibang bagay na di sa kagalingan ng mga namamayan, ang di pagpapagawa ng mga bangbang ng tubig sa mga bukirin ibp. na, ang lahat ng iyan ay pawang sa pananagutan at kasalanan ng ating mga inihalal na diputado at mga konsehal. tayo bang mamamayan ay di maaaring makialam sa paggawa ng mga batas ley at mga kautusan ordenanza ng ating mga inihalal na senador, diputado at konsehal?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"makiyalam sa pakikipagtalo sa pagsasaalangalang sa batasan legislatura, sa konseho munisipal ay hindi mangyayari; nguni'upang magutos magbigay liwanag sa ating mga inihalal upang gawin ang gayo'ganitong batas ay maari, pagka'sila ang kumakatawan sa atin sa karurukan ng senado, asamblea, hunta munisipal sa siyudad ng maynila at mga konseho munisipal ng mga bayan bayang maliliit. sa paggugol ng mga pinunong bayan sa mga pananalapi, sakaling ilaan sa mga walang wawang kapakanan ay maaari bang makatutol ang namamayan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ng matalos mo sa dalawang piso mong ibinayad sa sedula personal mo, sa ibinabayad mo sa amillaramiento, sa mga lisensiya munisipal, sa kinikita ng pamilihang bayan ibp., ay diyan kinukuha ang ginugugol sa pagpapaaral ng ating mga bata, ng ginuguol sa mga pagpapagawa ng mga lansangan daan at tulay, ng mga kanal ng pagpapatubig; diyan kinukuha ang isinusueldo sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan, sa mga hukom, konstabularya, pulisya at sa lahat na ng punong bayang iyong inihalal at sampu pa ng gubernador heneral at mga inatasan niya ninombrahan. kaya ikaw bayan, ay matuto kang magpahiwatigsa iyong mga inihalal sa inyong diputado sa konsehal na lumabas sa inyong kapookan at ipagutos sa kanila sa pamamagitan ng boong pitagan ang lahat ng inaakalang ikabubuti ng bayan. alin bagay ang dapat ipagutos sa isang diputado senador at alin naman ang dapat iyutos sa isang konsehal?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang lahat ng bagay na ikabubuti ng boong bayang pilipinas ng lalawigan ninyo ay nauukol ipagutos sa inyong diputado senador, kaparis ng paglalagay ng mga kanal ng patubig sa mga bukirin ibp., nguni'kung sa pagpapagawa ng mga lansangang hindi probinsiyal katulad ng mga lansangang maliit, paglalagay ng ilaw, paglalagay ng mga padumihan, pagaayos ng mga pamilihan, ibp., ay dapathingin sa konsehal sa presidente ng munisipyo ng bayan. nang lalo kang maliwanagan ay basahin ninyo ang ni honorio lopez at dito ninyo matatalastas ang lahat ng kanilang tungkulin at dapat ninyong ipagutos at lalo na nang mga dapat ninyong matalastas na kautusan mga batas sa pakikipamayan at pamamahala sa bayan, piso ang halaga ng bawa'isa at kung ipapadala sa nakakaibig sa taga malayung bayan. ito'isang aklat na dapat mabasa ng mga bagong konsehal, presidente, pulis at lalo na ng mga mamamayang may mga tanda, magsasaka at mangangalakal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"naririto ang at ang na dapat mabasa ng mga sentensiyador, tahor at mga mananabong. ibig ninyong malamang madali kung ilang piko ang timbang ng inyong kalibkib, lukad kopra at malaman sa lalong madaling panahon ang kabayaran sa ano mang halagang aabutin na di na mangangailangan ng maraming pagbilang kundi sa sumar lamang? bumili kayo ngayon din ng ng kilos sa pikos na may presyo na sinulat ni felix. matriano na taga tayabas. ang halaga sa libreria ni. sayo sa daang rosario at sa imprenta ni honorio lopez, daang sande, tundo, maynila. sa lahat at lalo na sa mga may lupa kayong mga may lupa na wala pang titulo torrens ay dapat na magpasukat ng inyong mga lupa ng huwag manganib na mawala sa inyo ang matagal na panahong inyong inaari. ngayon na ang pagsasaka sa sangkapuluan sumulong sa dati, ay marami riyan ang nangangamkam na ginagawa ang lahat ng kaparaanan ng mapasakanila ang pagaari ng iba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"marami na ang nawalan ng kanilang lupa sanhi sa pagwawalang bahala, na ngayon pawang naghihirap at nagsisiluha. kayo ba na di pa inaagawan ng pagaari ibig ba ninyong matulad sa kanila? kaya kayo ngayon din ay kumilos at magpasukat ng lupa sa makakatulong ninyo at makapagtatapat sa paghingi ng katibayan. kung ibig ninyo kayo'aking tutulungan, bibigyan ko kayo ng abogadong di masasapakat ng sino man at agrimensor na madaling yumari ng plano at mga murang sumingil ng honorarios at, maaari pang bayaran pagkatitulo ng lupa alinsunod sa pagkakasunduan. kung ibig naman ninyong magsanla magbili ng inyong mga lupa ay ibalita sa akin at ituturo ko sa inyo ang madaling kaparaanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"kung nakakaibig naman kayong bumili ng mga makina sa pagbibigas, panggiik, pangararo, paggawa ng hiyelo, panggawa ng limonada, makina ng paglalagay ng ilaw dagitao elektrika sa inyong munisipyo, pangkuha ng mina, ibp, ay ipagtanong muna ninyo sa akin bago bumili sa iba at ituturo ko sa inyo ang pinakamabuti, mura at mauutang pa. hindi ako sumisingil na ano mang paglilingkod ko ukol sa mga bagay na nabanggit padalan lamang ako ng isang selyong tig sentimos sa pagsagot ko. tanging hangarin ko ang makatulong sa mga kababayan. agronomo sande. tundo, maynila. ibig ninyong kumita ng kuarta, at hangga sa piso isang araw, alinsunod sa inyong magagawang sipag? ang imprenta ni honorio lopez sa daang sande, blg. tundo, maynila ay nangangailangan ng mga ahenteng may ipipiyansang piso, upang maglibot sa lalawigan at maghanap ng magpapagawa ng mga tarhetang pamasko na may maiinam na hugis at magagara.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"sa ngayon ang ating bayang minamahal ay di na huhuli sa bansang alin man, pagka'marami na tayong maaalam balita sa dunong na dapat pagtakhan. sa pagkamediko'pagaabogado hindi na mabilang at nagkakagulo, at siya na lamang ang makikita mong naglisaw sa daan na nakahihilo. mga pulitiko ay gayon din naman ay siya na lamang laman ng lansangan; walang pagupitan, ligpit na karihan bilyar at iba pang di linalagian. sa pagmamagara wala ng tatalo sa mga girl at boy nating pilipino; magutom man at walang sukbit na sentimo aasa mo sa daan, mga milyonaryo . mga naghihintay ng mapapasukan upang manilbihan sa bahay kalakal at pamahalaan, ay gayon din naman sampu isang kusing na kahalay halay. ano pa'sa ngayon tayo'sagana na sa lahat ng bagay; kabihasnang bunga; nguni'sa kalakal gawang pagsasaka tayo'walang wala, talunan ng iba. isang katunayan, dapat na mamalas ang pagkakagutom nating linalasap; tayong taga rito siyang walang bigas at naninikluhod sa dayuhang lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ngayo'nakilala, na ang kayamanan at pagkakasulong ng alin mang bayan, wala sa naglisaw diyang maaalam kundi sa kalakal, pagsasakang hirang. kaya ang marapat ating pagusigin makapagpalapad ng mga sakahin; lahat ng kalakal ay mapasa atin sa loob at labas ng ating lupain. yamang marami na tayong titulado abogado'doktor na nagkakagulo sa ngayo'harapin tungkuling totoo naman ang maglupa at pagnenegosyo. matuwa tayo! ng sa tagobilin ng gubernador harrison at sa kapasyahan ng ley batas na pinatibayan ng batasang pilipino, ay maaari na nating gamiting muli na iwagayway sa patangwa bintana ng ating mga tahanan, sa mga araw ng pista ng bayan, baryo ng bansa, katulad ng pista ni rizal, ibp. kung iyaagapay sa bandilang amerikano kailangang ito'maging kasing laki lumaki pa ng kaunti sa atin at mapasa kanan ng bandilang pilipino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mga kababayan: huwag na ninyong ugaliin ang pagbabandila ng mga panyo, tapis ng ano mang kayo sa mga pistang iniraraos natin, matangi sa bandila natin at bandilang amerikano. kahimanawari na sa muling pagsilang na iyan ng ating watawat, sumunod na sumilay naman sa silanganan ng ating pagasa ang pinagulapang araw ng maluwalhating pagsasarili ng ating pinakaiibig na pilipinas .. bagong katatapos sa limbagan ang ikapat na pagkakalimbag ng aklat na ito. marami ang naragdag at nabagong kapasyahan. may mga tala ng ng corte suprema na dapatmabasa ng mga nakikipagusap, may mga manang hinahabol at mga pagaaring lupang isinanla at walang katibayang matatag ng masiguro nila ang panalo. ang labas ngayong bagong bukod sa mga naparagdag na kodigo sibil, penal at mga procedimiento ay may bagong naparagdag ukol sa karunungan ng pagmamatwid at pakikipagusap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"mabuting pag aralan ng lahat lalo na ng mga mararalita, mga may lupa, mga mangangalakal, mga nagpapatubo ng salapi, mga babaye dalaga ng malaman nila ang paguusig sa mga hukuman ng mga dadaya sa kanila manguulol. dalawang piso ngayon ang halaga sa lahat ng libreria at maging sa lalawigan kung ibig na ipadala sa nangangailangan. kaya ngayon din sumulat kayo kay honorio lopez, sa daang sande maynila, magpadala sa kanya ng. ang tibay sagisag na registrado sa gobierno at sanhi sa nangyaring pag aaklas ng mga maggagawa, ang sinelasang ito, ang kanyang katangian at di pangkaraniwang pagpapagawa ng marami, na napalathala sa mga pahayagan at ipinadalang sulat sa mga may ari nito na ganito ang sinabi: anang katangi tangi ang ginagawang napakahigpit na pagsisiyasat ng mga sinelas na nayayari sa araw araw na kung ibabatay natin sa ibang pagawaan ay halos kalahati lamang. datapwa'kung kaya ginawa ito ng mga may ari ng ay sa pagkakilala nilang yao'katungkulang di mapapaalis nino man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Honorio López,"ang sinelasang ay kinagigiliwan ng kanyang mga suki dahil sa pagkamaingat sa pagpapagawa. inaasahan ko pong ang kasunduang iya'lalabas ding napakatibay na gaya ng mga sinelas, kotso, at iba pang bagay na sa tindahang iya'inyong ipinagagawa. sa pagkakapiit naman sa insik na yu chu na may tindahan sa gandara blg., ng mga pulis sekreta dahil sa pagbibili ng mga sinelas na may tatak na huwad sa ay nagsalita ng sumusunod na pagkukuro: talagang dito sa ibabaw ng lupa, ang mga magagaling na bagay at mabuti ang pagkakayari ay pinapasukan ng codicia lalong lalo na sa pangangalakal. makukurong ang mga kagagawang ito ay maituturing ng pagkamagaling na uri ng mga sinelas na ginagawa sa sinelasang. candido lopez agrimensor privado autorizado por el buro de terrenos. tumatanggap ng mga sukatin sa lalawigan. mura kay sa iba. ave. rizal sta. cruz.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"anim na binibini ang nangakalupasay sa lilim nang isang puno ng mangga sa bayang antipulo nang taong nagdaan. pawa silang magaganda; pawa silang mahihinhin; nguni'ang katakataka, ang apat ay nakatawa at ang dalawa ay nakasimangot. sa lihim kong pagsisiyasat ay naunawa kong kaya pala gayon, ang apat ay nakapagdala ng mga babasahing tagalog at ang dalawa ay nakalimot. walang pagaalinlangan na yaong di nakapagbaon ay siyang nakasimangot, pagka'wala ng masarap na aliwan sa bayan ng antipulo na para ng magbasa ng aklat. maligo, pagkatapos ay magduyan, bago magbasa ng aklat: iyan ang buhay mayaman. kaya kayong magliliwaliw sa antipulo, nang huwag kayong sumimangot pagdatal doon, ay magbaon kayo ng pinatatawad kita!, ang mananayaw, mga anak bukid, duwag! sa tabi ng bangin, tadhana!, halina sa langit!, larawan ng pagirog, pangarap ng buhay, walang diyos!, higanti at pagsisisi!, enchang!, kristong magdaraya!, parusa ng diyos! imbing kapalaran! bahag hari, at lihim na pagluha!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"sa gayon, tangi sa maaaliw ninyo ang inyong sarili ay makatutulong pa kayo sa masisikap na kawal ng pagpapalaganap ng wikang minana natin. kalulwa ng bayan masarap ang wikang inggles, ang turing ng inggles; lalo na ang wikang kastila, ang salo ng kastila; lalo pa ang wikang pranses, ang habol ng pranses, palibhasa'para para silang may damdamin at marunong magmahal sa mga kalulwa ng kanikanilang bayan, na alinsunod sa mga pantas na sinasamba ng marami, ang wika, ay siyang kalulwa ng bayan. sa bibig ng ilang mga tagalog, ay hindi ganito ang namumutawi. katiwaliang lahat at balot ng mga kahangalan ang lumalabas! pawang kapalaluan na anya'masarap ang wikang kastila at inggles kay sa wikang tagalog kaya'ni di ko tinitisod ang mga katha dito, nguni'masdan mo ang aking mga nobelang inggles at kastila ay hindi na mabilang. iyan ang mga kaaway ng bayan; pagka'sila ang pumapatay sa kalulwa nito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"dahil sa kayabangang masabing sila'nakaiintindi ng wikang dayo, ay ipinagpapalit na, ang kanilang dangal. mga kamanunulat! kahabaghabag ang ating katayuan! sa lahat ng sandali'nakaumang sa ating mga ulo ang tabak ni damokles; nanunulay tayo sa panganib na guhit ng mga batas; kalaban natin ang mga dayuhan at sampu ng kalahi, ay kalaban pa rin!. 'masama kang kristiyano bakit? mangyari ay umaasa ka sa panghihiram ng bagong aklat! mabuti kang tao pagka'nabasa mo na halos lahat ng nobela sa kahihiram, nguni'masama kang kristiyano pagka'pinapatay mo ang mga kumatha at nagpalimbag at ayaw kang bumili ng iyo, gayong pinagkagastahan nila. saan mabubuhay ang kuto, kung hindi sa ulo? kung ayaw kang magpahiram ay huwag! kay dami mong rekubeko! pag ikaw naman ang nanghiram sa akin, ay tatawagin kita ng pagka'para mo ring tinuso ang kuwartang ibinili ko, na nabasa mo ang aking binayaran ng di ka nagkagasta!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"ganyan ang taltalan ng dalawang magkaibigan, kaya'ikaw na bumabasa, upang huwag tawaging ay bumili ka ng mga kasaysayang: ni gat dusa ni bb. francisca laurel ni gerardo chanco ni simplicio flores ni jose maria rivera ni angel de los reyes ni democrita. antonio ni honorato de lara ni angel de los reyes ni ros. almario ni simplicio flores ni honorato de lara at ni angel de los reyes . kayo nga ang humatol si petra at si petring ay magkapatid. minsang nalalapit ang pasko, ay binigyan sila ng kanilang ama ng munting halaga upang magugol sa dakilang araw. si petra ay ibinili ang kanyang bahagi ng isang hikaw, at si petring ay pawang babasahing tagalog ang pinakyaw. dumatal ang araw ng pasko, at gaya ng karaniwan, ay nagdalawan ang dating mag kakaulayaw. sa dampa ng magkapatid ay mayroon ding mga panauhin. at ano ang naisalubong ni petra? naipagparangalan ba ang kanyang hikaw?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"subali'si petring ay naipagmalaki niya ang kanyang mga aklat at tanging nakapagsabing mamiyang hapon na kayo umuwi at tayo ay magbasa nitong masasarap na kasaysayang bagong labas. kayong bumabasa nito, ay inyong hatulan kung sino ang natumpak: ang hiyas na nagagamit ng isang tao lamang ang aklat na pakikinabangan ng marami ang lalong mahalaga, kaunting pagkukuro ang inyong papaghariin. tutupin ninyo ang inyong mga puso at siyang magsasabing: mahalagang pagaari ang mga aklat kay sa hiyas na nawawala. sa tahanan ng isang matalino, ay aklat ang matatagpuan; nguni'sa tahanan ng isang mangmang ay pawang hiyas ang palamuti. dahil doo'magipon kayo ng mga babasahing tagalog upang mapabilang kayo sa mga pantas. maaliwalas ang daan ko! suriin natin ang ugali ng umano'mga bantog at paham na manunulat. ayaw silang makarinig na mayroong makata; ayaw silang makakita na mayroong bagong kasaysayan, at pauulanin na nila ang pula, lubha pa'isang maliit ang sumulat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"sasabihing iyan ay mali, walang kabuluhan; at sayang lamang ang ipinagpalimbag. palalo at pangahas ang gumawa niyan, huwag na di masabing siya ay autor . kaawaawang mga manunulat! at sila daw ay mga kawal sa pagpapalaganap ng wikang tagalog! kung sa habang panahon ay ganyan ang aasalin nila, ay sumpa ng bayan ang kanilang maaantay. sa kanilang pakikipagkapwa ay doon lamang uusbong ang pagmamalasakitan ng mga makatang pilipino, na, tanging daan ng ikatatanyag ng masarap na wika ni balagtas. kung sa akin sila hahadlang ay itutulak ko sila ng dalawang kamay at bubulyawan kong: maaliwalas ang daan ko! nakikita ko ang aking nilalakaran! tanglawan ninyo ang inyong landasin at di ko kailangan ang inyong ilaw! manipis man ang aming mga katha ay piniga namang tunay sa aming sariling isipan at di naming ninakaw sa isipan ng mga makatang kastila, inggles, pranses, at iba pa! mura man ang aming mga aklat ay madali namang maubos at di inaamag sa mga aklatan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"ang munti kong kaya at maikling pagkukuro ay minarapat ng mahal kong kaibigang angel de los reyes na magbigay ng pangunang salita dito, sa kanyang bagong aklat na maliit, na noong araw ay napalathala na sa pahayagang at kung bagaman tinawag ko ngayon ng bagong aklat ay sapagka'ngayon lamang naipalimbag at di na paputol putol. walang alinlangan akong nayag sa hiling ng aking kaibigan, nangiti ako ng lihim ng ito'sabihin niya, at naibulong ko sa sarili na siya'sadyang matalino sapagka'totoong maalam na magbagay bagay: nababatid niyang sa isang maikling aklat, ay isa namang maikling isip na lamang ang dapat mag ukol ng mga palagay at paghahaka. at dahil diyan, ay sisimulan ko ayon sa makakaya, ang paglalahad ng aywan kung tumpak na aking mga pagkukuro tungkol sa kanyang kathang ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"sa ganang akin, ang matutunghayan ngayon ng mga mambabasa ay isang aklat na mainam, isang aklat na dapat bigyan ng papuri, hindi dahil sa ito'nakawiwili lamang basahin kundi alang alang pa sa wagas at maningning na damdamin ng kumatha: ang maalab niyang nasang ang dukha ay igalang at masugpu ang ugaling hanggang ngayon ay umiiral pa sa iba, at kung minsan ay sa dukha rin, na inuuna ang salapi bago ang lahat; minamahal na higit sa puri, sa dangal, sa katungkulan at wastong ugali. ganyang ganyan ang asal na makikita natin sa mag ama ni tuning sa kasaysayang ito, na bagaman mahirap ang buhay, nang mahuli ay ayaw na sila sa kapwa nila mahirap at ang ibig ay ang mayaman, dahil sa may nakapangibig lamang na isang masalapi kay tuning at ito'si ruperto. at ang kasuklam suklam na naging bunga ng kasabikang ito sa pilak ay ang pagkatapon ng anak ni osong, ang binatang unang inibig ni tuning, pinaglagakan ng boo niyang pagkababai at hanggang sa nagbunga pa nga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"datapwa'kay tuning, ay naging bula ang salitang puri at katapatan sa harap ng yaman ni ruperto, kaya'dito siya napakasal sa wakas, gayong si osong ay di naman tumatanggi sa pagtupad ng kanyang tapat na pangako at wagas na pagibig. si osong na parang sinasakal ng mga daliring bakal ay hindi nakatiis at nang araw ng pagkakasal ay nagdamit pulubing naparoon sa bahay ng kasayahan nila tuning at ni ruperto na dala ang larawan ng kanyang bunsong na sagip sa ilog, at nang makita ni tuning na yaon ang kanyang anak ay hinimatay na bigla, bago humingi ng tawad kay osong at hanggang sa nalagot ang hininga. samakatwid ay oo'nagsisi nga si tuning kaya'humingi pa ng tawad sa pinagtaksilan niyang binata, subali'di dahil dito'hindi siya matatawag na babaing salawahan at tampalasan lalo pa'isasagunita ang pagkakatapon sa tunay na dugo ng kanyang puso. kung ang gayong ginawa ng babaing ito'oo'napatatawad ng diyos, sa mga taga lupa'walang makapagpapatawad marahil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"sa harap ng ganyang paglalarawan ng kaibigan ko, ay labis niyang ipinakilala ang lubos na kabagsikan ng salapi na walang di naituturo sa tao, pati ng lalong kasamasamaan. subali'ang hangad kaya ng mahal kong kaibigan sa paglalarawang ito ng nakaririmarim na ugali ay upang pulutin naman ito ng mga mambabasa? kayong tumutunghay ngayon ang makasasagot, at kayo rin naman ang dapat makabatid sa tunay na layon ng gayon man ay sasagot din ako ng para sa akin. ang mithi ng aklat na ito ay wala ngang iba sa wari ko, kundi ang turuan ang mga dukha sa pagpapakarangal sa kanilang sarili, sapagkat kung ang mga dukha'marangal, kung ang lahat ng dukha'hindi nagbibili ng puri ni napaaalipin sa salapi, ang mga mayayaman ay hindi maaaring magpakatayog tayog na para ng madalas nating mapanood ngayon. ang isinasama ng mga mayayaman ay na sa mahihirap, at ang isinasama ng isang pamahalaan ay na sa pinamamahalaan din.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"iyan ang mga katotohanang kailan ma'di magkakabula at dapat dasalin ng bawa'tao; katotohanang aywan kung kanino ko unang nadinig nabasa at ngayo'inankin ko na tuloy pagka'nakilala kong tapat. kaya nga, mga mambabasa, upang makinabang ang kumatha nitong sa kanyang mga ginugol na pagod sa pagsulat ng kasaysayang ito ay pagaralan sana ang huwag magbili ng puri at isagunitang na sa kupurihan ang tunay na halaga ng tao at wala sa kayamanan . kung magkakagayon, siya at ako'maghahandog sa inyo ng masaganang pasalamat, palibhasa'siyang tunay na adhika ng tapat kong katoto. amado jacinto. malabon, rizal,. kasaysayang tagalog dahil sa kagahulan sa panahon at dahil sa kakulagan pa sa ngayon ng mga gagamitin, ay hindi nasunod ang mga na nasa orihinal. nasawing pagasa! mapanglaw ang lahat, ang gabi'tahimik at ang buwan noong dapat nang sumilip, nagtatago pa ri'sa sangkatauhan ay nagmamasungit bitui'gayon din at nakikiwangis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"ni isang himutok walang mapakinggang sukat gumambala sa katahimikan; oh, ang aking lahi!. payapangpayapa sa kanyang hihigan habang nawiwili ang mga kalaban. huni ng kuliglig, tinig man ng ibon ay kapanglawan din, dinadalit noon; mga makata man, siyang tinutula ng sandaling yaon ang sungit ng panglaw, lagay ng panahon. ano pa'ang lahat ay yapus ng lumbay hihip man ng hangin, mandi'palaypalay; habagat ma'salat at pawang dalita, ang balitang taglay na kung pakikinggan ay taghoy na ay!. subali'sa isang maralitang dampa sa bayang malabong saksi ng pagtula: nagaalimpuyo, ang lugod, ang saya, ang galak, ang tuwa sa piling nga noong dalawang nunumpa. ito ay si tuning na piling alindog kapiling ng kanyang tanging iniirog, pangala'si osong na lipi ng dukha'di lahing matayog at binatang udyong na ulilang lubos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"payapa nga sila, sa pagkakaupo siyang inaani; galak ng pagsuyo, pinaguusapan, ang ikararangal ng kanilang puso na ganitong saad nang minsang mahinto: kay damot mo naman, kay osong na sabi, isang halik lamang, itulot mo kasi, nang ako'maaliw at nang magkaroon ng isa pang saksi!. kay tuning na tanggi. halina irog ko! diyata'ayaw ka? talagang totoo! kay ulitulit mo! at iyan baga, ang lagi mong turing na lubhang dalisay pagibig sa akin. ikaw ang bahala!. kung natuto akong sa iyo'gumiliw magisa sa dusa'matututuhan din. sino bagang puso ang makababata ng asal mong liko? huwag kang magalit! ang ginagawa ko, ay mga pagsuyo. pagsuyo sa iyo; sa aki'panghapo. ikaw ang bahala, ako'mapagtiis at ipatay mo man ang lahat ng sakit ay tatanggapin ko; nguni'ang hiyain, ang isang ninibig libong kamataya'labis pa ng tamis. hiniya ba kita? ginaganap ngayo'di baga paghiya? hindi, aking giliw, at ang aking puri ang nagugunita na baka kung. kulang bang tiwala? di lamang sa gayon, sa ano pang bagay?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"katungkulan naming magingat na tunay, at ang unang halik, ang katimbang noo'sampu nitong buhay sa pagka'daig pa, ang gawang pakasal. hindi baga osong? tapat ang turing mo, at ang pagkakasal ay pakitang tao; subali'ang halik, saksing akin ikaw, at ako ay iyo, kaya itulot na; halina irog ko. ilang pang ayaw ko! at ilang halina! bago pinagusap ang labing dalawa; tumunog ang halik; nilimot na yatang sila'may hininga na dapat malagot sa daratning dusa. hayan nga ang tuwang naghari sa puso ng dalawang yaong isa sa pagsuyo, kaya ang paalam ng ating binatang anaki ay biro: sarili na kita, buhay ma'mapugto!. nang isang umaga'sa pangpang ng ilog ay may nakaupong binatang malungkot: ito ay si osong; kanyang inaaliw ang dusa ng loob sa pagkakawalay kay tuning na irog. at ang naglalaro sa kanyang isipa'ang dilag ni tuning na gayon na lamang, minsang mapadagok; minsang mapangiti at ipinagsaysay: oh, anong ganda mo, aking paraluman!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"subali'nabiglang nabakas ang lungkot sa masayang mukhang nagulap ng lubos: ay, palad na sawi!. oh, buhay ng dukha!. sunod na himutok, sa dusa ni tuning, ikaw ang managot. kung ako'mayama'sagana sa pilak tatanuran siya sa banig ng hirap, hanggang sa sumilang ng lubhang hinahon ang unang bulaklak ng aming pagsintang dalisay at wagas. ay, tuning kong irog, di ko kasalanan na sa iyong dusa'di ka madamayan; ang karukhaan ko, ang dapat sisihi'dapat managutan at oh, anong saklap, dustang kapalaran. sandaling tumigil at kanyang namalas ang dalawang ibong naba sa bayabas, na sabay umawit; yaong kanyang dibdib ay halos mawalat sa pananaghili sa ibong mapalad. saka nang magsiping ng lubhang payapa mga titig niya'di tumagal yata'muling naghinagpis: mapalad pa silang may ganap na laya at hindi gaya kong may sumasansala. at kahi'man sila'walang pagaari ginapas nama'pawang luwalhati; di gaya ng taong ang binabanig ma'maraming salapi ay lumuluha rin ng dusa'pighati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"at ano ang yamang sadyang hinahanap sa akin ng ama ni tuning kong liyag? at di niya talos: sa sangmaliwanag ang puri ng tao, ang mahal sa lahat. hangad niya'pilak, kahi'mangulimlim ang dangal ni tuning na sinta ko'giliw; wala sa gunitang lalong mahalaga sa yaman mang alin ang dangal ng tao kung lubhang maningning. oh, taksil na pita sa dangal at yaman, ang nililikha mo'laksang kamatayan; kung hindi sa iyo, disi'kapiling ko si tuning ng buhay at kasalosalo sa pinggan ng lumbay!. oh, buhay ng buhay, tuning ko at lugod. na sa karukhaan, ang sukal ng loob na ating sinapit; libong kamataya'masarap pa irog huwag lang marinig ang iyong himutok!. palasong may lason ang nakakaanyo ng dusang sa dibdib ngayo'pumapako, tuwing mabubuklat sa aklat ng isip ang pagkasiphayo ng banal na layong nunukal sa puso. at magmula rito'aking nakikita sa banig ng hirap ay nagiisa ka; walang dumadamay, at kung pumapasok ang mahal mong ama sa iyong pagdaing ang tumbas ay mura.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"naririnig ko ring kanyang inuulit ang pagalipusta sa palad kong amis: sa aba ng dukha!. at nananariwa sa puso ko'dibdib ang pagtaboy niyang kapaita'labis. at namamalas ko, ang lubhang masaklap, luhang mapapait sa mata mo liyag, di anong gagawin sa ito ay utos ng masamang palad pawang pagtitiis ang gawing kalasag. ibalita lamang sa tapat mong giliw kung makaraan ka, sa gabing madilim, upang matalos ko kung ano ang bunga ng pagsinta natin at kahi'malayo'kapalaran ko rin. at kung napapako ikaw sa dalita higit pa sa riyan, itong umaaba sa tapat kong puso, at ang bawa'patak ng perlas mong luha ay timbang ng buhay kung manaw sa lupa. dito napahinto'kanyang napanood yaong isang kaban na tangay ng agos, at pinagsikapang iyahon sa pangpang ng upang matalos na baka may lihim doong natutulos. at oh, anong gitla nang kanyang mamasdan na bangkay ng isang bagong kasisilang!. tumangis ang puso; nagluksa ang dibdib at ipinagsaysay na: baka nga ito, ang anak kong hirang!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"kanyang ikinubli doon sa pangpangin, pumasok ng bayang may ingat na lihim at nakibalita; sa tinanongtanong ay kanyang nalining na itinapon nga ang anak ni tuning!. lalong nagibayo, lagablab ng poot, ang daing at sumpa'di malagotlagot inang walang puso, tuning na nagtaksil sa anak ng irog dapat kang mamatay, dapat kang matapos! diyata'masarap sa puso'matamis anak mo'pataying sa ilog ihagis, maturan na lamang ikaw ay dalagang may puring malinis, nang upang giliwin ng bagong ninibig. oh, taksil na sinta! pusong magdaraya! oh, hangad sa yaman! inang walang awa! pananagutan mo, sa harap ng diyos ang masamang gawa'may araw din naman kaming mabababa!. at kanyang hinagkan ang bangkay ng bunso kasunod ang patak ng luhang natulo, oh, sawi kong supling!. di ko kasalanan ang pagkasiphayo managot ang iyong inang walang puso!. at kanyang kinalong ng hanggang sa bayan upang ipakuha ng isang larawan; subali'ang loob ay di mapanatag kahi'bahagya man; ang daing at sumpa'walang katapusan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"sa ilog ding yaon na kinasagipan ni osong ng kanyang bunsong minamahal, ang magamang tuning minsan ay nagaliw sa masayang pangpang na siyang sumaksi sa lihim ng buhay. talusin mo irog ang turing ng ama, sa panukala ko, kung hindi nayag ka, disin hanggang ngayo'lumalagok ka pa ng luha ng dusa at di lumalasap ng mga ginhawa. at di mo ba tantong sa buhay na ito: salapi, salapi, ang diyos ng tao? bakit ka iibig sa hangal na osong na dukhang totoo gayong may mayamang iirog sa iyo? ang saad ni tuning, kay inam nga pala ng inisip natin! salamat diyos ko at ang mayayamang ninibig sa akin ay hindi natalos ang nangyaring lihim. talaga ang sa amang tugon, daig ang nagtiyap ng pagkakataon, at aling pangahas dilang sinungaling magsasabi ngayong ikaw ay naglaho sa tangkay kahapon? para din ng dati ang tindig mo'bikas, katutubong ganda'lalo pang tumingkad; pagmasdan mo iyang halamang nilikha ng hari ng lahat, pawang yumuyuko sa taglay mong dilag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"sa mabining agos ikaw ay makinig may ibinubulong na masayang awit, saksi ng paghanga sa iyong himalang inimbot na dikit na waring pinilas sa ganda ng langit. nguni'anong saklap sa puso ko'buhay ang kataasan mo kung iyaagapay sa piling ni osong! masarap pang ako ay magpatiwakal! at siya'papanaw. pinigil ng bunso: amang pinopoon, ako'kaayon mo sa dakilang layon, at isinusumpang lilimutin ko na ang hangal na osong at ako'dalaga na naman sa ngayon. sila ay nagyakap at siyang tumunong ang halik ng ama, at halik ng irog; sigabo ng tuwa ay hindi magkasyang sa puso manulos kaya'napatabi, ang panglaw, ang lungkot. saka magkaakbay silang nagsilakad sa dukhang tahana'nagtuloy umakyat; mahiwagang ilog na nilisan nila'bago humalakhak na waring inuyam ang nangyaring usap. bagong namimitak sa kasilanganan liwayway ng araw, batbat ng katwaan, yaong mga ama nagsisikilos na'nangagtutulinan sa pagtuklas noong pangtawid sa buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"sa gitna ng parang nama'namukadkad ang hinirang bangong magandang bulaklak at isinusuob sa gintong liwayway ng bagong ninikat nagsasayang araw sa bayan kong liyag. ang napanaginip ng mga bayani na tadhanang araw sa lahi kong api, wari'sumisilang ng sandaling yaong lahat ay nagwagi at pawang naawit ng mga pagkasi. sampung mga ibong payapang magdamag ay iniyunat na ang kanilang pakpak; sandaling dumalit bilang isang bati sa nagharing galak na sinasayawan ng palundaglundag. tinig ng batingaw ay sa konsepsiyon noo'nagbalita na may kasal doon; sa bibig ng madla narinig ng lahat ang kasal na yaon di iba'kay tuning na langit ni osong. nguni'sino kaya ang lubhang mapalad na makikisumpa sa dambanang harap? at si osong kaya? oh, hinding hindi nga'isang taong pantas na kinasilawan sa bunton ng pilak!. ito'si ruperto na tukod ng yaman kung kaya nasilaw si tuning na hirang; kanyang kinalakal pagibig at buhay; puri at katawan na sampu ng ama'nakiayon naman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"wala nga sa isip ng sandaling yaon ang pinangakuang binatang si osong at kahi'bahagya wala sa gunita ang nasawing sanggol na tunay mang anak ay ipinatapon. inang walang awa, pusong salawahan sa tunay mong supling di ka na nahambal!. mga kulang palad!. oh ang nililikha niyang kayamanan! at oh, ang babai, kung siyang masilaw!. huwag nang linguni'bayaang tumangis ang pusong dinaya ng oong matamis, mahalin mo lamang ang naging bulaklak ng iyong pagibig at dakila ka rin sa matang nagmasid. sa pagka'ang inang walang pagmamahal sa tunay na supling na sa puso'nukal, daig pa ang hayop, na lubhang malupit, marungis ang asal nguni'kung sa anak ay handog ang buhay. at makalilibong masarap sa malas ang isang dalagang sa tangkay nagulap di gaya ng isang babaing magtapon sa ilog ng anak bukod sa may dungis, sumpaan ng lahat. subali'ang lahat, di man sumagimsim sa diwa at puso ng magandang tuning, natanging nagdiwang sa kanyang isipang naglayag sa aliw na siya'yayaman kay rupertong piling.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"sampu ni ruperto'di kaya ang lugod sa pagka'kakamtan ang aliw ng loob; boong pananalig: ang kanyang si tuning ay piling alindog at wala pang dungis sa ngalang pagirog. kapwa may ligaya ang magkasingpalad; dalaga'sa kintab at tunog ng pilak, at ang isa nama'sa boong pagasang ang ligayang hangad, sarilingsarili'ang pagsinta'tapat. kasiyahang lubos ang siyang umawit sa puso nga nilang hindi matahimik; sa boong lansangan, pinahanga nila, bawa'makamasid ng pagtatagumpay noong si pagibig. kapag salapi nga ang siyang nagutos ay payayanigin itong sangsinukob, at sa pagka'kasal ng isang rupertong sa yaman ay bantog kung kaya ang handa'di masayodsayod. papanhikang bahay ay sakdal ng dilag at sa palamuti'natatanging agad; palibhasa'yaman, ang siyang naghari, ang siyang nagatas kaya nagigitla panauhing lahat. lalo ng dumating yaong bagong kasal hiyas na ginamit sa yaman ay sakdal; maligayang bati! salubong ng lahat ng sa puso'nukal bago nagsidulog sa isang agahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"sa pagsalosalo ay nakikisaliw tinig ng musikong gumagara mandin sa mga bulaklak, ng bayang malabong noo'nagliwaliw na wari'nagtipang magsabog ng aliw. at naging parayso ng ligaya'lugod pagsasalong yaon ng mga alindog; na sinamantala noong makikisig pusong umiirog mga paroparong mababa'matayog. ang maamong titig, ang mariing sulyap, panibughong ngiti, kilos na banayad, ng sandaling yaon wari'umuulang palasong matalas na di sumasala sa puso ng liyag. anhin mang lasapin ang mayamang handa di gaya ng dilag ng mga hiwaga; iyang mapamihag kaligaligayang maningning na tala sa langit ng bayang luoy sa pagluha. lalo na ang dikit ng magandang tuning namamaibabaw sa madlang kapiling, at nakikibagay sa kislap ng hiyas na lubhang maningning kaya si ruperto'nagmamalaki rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"at halos ang puso sa tuwa'umidlip at busog na busog kanyang mga titig, ni ang panauhin, sampung kinakain ay wala sa isip at walang nalabi kundi ang pagibig, hanggang sa matapos, agahang masarap ay walang naghari kundi pawang galak at sila'pumasok; ang isang matanda sa lupa'tumawag: sa isang naaba'magdamot ng habag!. ang ama ni tuning pagdaka'nagngitngit palayasin ninyo, matandang marungis, nang di mangrimarim, mga panauhin sadyang nakisanib sa kaligayahan na dulot ng langit!. tugon ng matanda: kung ako'mayaman ay hindi ganito yaring kalagayan, gulanit na damit di ko isusuot: ako'masusuklam nguni'pagka'wala'inyong pagtiisan. at kung kaya lamang ako'naparito iyang bagong kasal ay babatiin ko naging sumbat nama'huwag kang umakyat at maraming tao na nakahihiya ang abang lagay mo!. di ikahihiya aking kasalatan huwag lang sabihin na sakim sa yaman sa pagka'ang dukha ay di alanganin sa harap nino man at isa ring anak ng poong maykapal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"at sa mundo'walang nalalagdang batas sadyang nagbabawal sa pakikiharap, ng isang timawa'kung ipangingimi ang mukhang mahirap ang sabik sa yama'lalong nararapat. kaya itulot nang ako'makapasok maligayang bati'aking ihahandog sa mga mapalad, ngayo'nagsisumpa sa harap ng diyos. tuloy na nga kayo!. maasim na alok. baga man masaklap sa puso at dibdib doo'patuluyin, matandang marungis, ang ama ni tuning ay namayapa na'nakiayong tikis pagka'sumusugat ang bawa'isulit. ipinangangambang baka pa lumala pagbabangon puri ng abang matanda na di dumadaplis ang bawa'ituring sadyang tumatama sa ama ni tuning, sa mayamang mukha. kaya'ang matanda nang di tumitinag sa pagkakatayo'nilapitan agad; tayo na po kayo; magtuloy po sila'kusang makigalak sa dakilang araw ng pagisang palad. at nagtuloy na nga ng puspos na galang yaong bagong kasal, minatamataan; mana'may dinukot, sa loob ng damit na isang larawan at anya'oh, tuning, tanggapin mo laman!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"pagdaka kay tuning, pumulas ang luha, mukha ay naglaho, nagapos ang dila; si ruperto nama'di rin nakakibo at napipi rin nga at ang kaingaya'biglang namayapa. nguni'ang matandang ama ng babai ay naglakas loob at ipinagsabi: ano po ang dala at isang larawan ng batang lalaki na siyang sa lahat ay nakapipipi? tugon ng pulubi'inyo pong kilanlin at ito ay isang kamaganak mo rin. yaong bagong kasal, di na nakabata'inagaw nang tambing; ito ang anak ko, at tunay na supling!. tuloy hinimatay; luhang mapapait ang sa kanyang pisngi, pagdaka'dumilig; lahat ay nagulo'nang mahimasmasan, mata'itinirik: patawad osong ko, sa nagawang lihis!. sa laot ng dusa, ako'ipinadpad ng lubhang marungis at masamang palad; nagtaksil nga ako'inang nagmalupit sa tunay na anak subalit sa ngayo'patawad!! at untiunti nang, nalagot ang hinga at noong maburol sumugod ang ama: ikaw na pangahas, pulubing naghayag ng lihim at dusa dapat kang mamatay! uutasin kita!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"nguni'ang pulubi'umurong sandali; hinubad ang damit at noon nawari, na siya'si osong laking pagkamangha; lahat ay nangimi at yaon ang giliw ng babaing sawi! ikaw na matanda na sakim sa yaman, uhaw sa tungkulin at sabik sa dangal, na nangangalakal ng puri ng supling ang dapat mamatay at di akong dukhang inyong inagawan!. at saka umakmang tarakan ang puso noong lilong amang masakim sa ginto; subali'ang lahat pagdaka'umawat, pagdaka'bumuno hanggang maibaba'naglapat ng pinto. nguni'si ruperto'saan naparoon? at bakit nawala sa sakunang yaon? walang makaalam! palibhasa'lihim na tumakas doong umilag marahil sa ngitngit ni osong. at doon natapos yaong kaguluhan na noong umaga'isang kasayahan; sa bibig ng madla, pagpuri'pagkutya, pagbunyi'paguyam ang namumulaklak na lipatlipatan. hanggang sa lansangan, noo'sumabog na balitang masaklap, mapait na bunga ng hangad sa yaman; ibang makamatyag lihim na tatawa bago tutuguning nasawing pagasa!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"oh, mga magulang na silaw sa pilak na nangangalakal ng puri ng anak, mangagnilay sana, bago magsisubo sa guhit ng palad at baka madapa sa gitna ng landas!. oh, mga babaing masakim sa yaman pagibig at puri ay niyuyurakan, bumalikwas kayo'inyo nang baguhin ang kinahiligan upang makailag sa kasakunaan!. at tuloy tantoing masarap pang tikis ang pangalang dukha anak ng pawis kay sa sa mayaman, kung pinupulaan ng bala na'bibig na nakatatalos ng lihim ng dibdib. nang kinabukasan at gabing madilim sa isang libinga'naglalamay mandin, yaong si ruperto; sa kinalagakan ng bangkay ni tuning doon nakaluhod ng lubhang taimtim. ang kapayaang naghahari doon ay ginagambala ng kanyang pagtaghoy: ay, sawi kong palad!. wikang naghinagpis saka idinugtong buhay ng buhay ko, patawad oh, poon!. at bago tumayong yumakap sa kurus, luhang mapapait sa mata'nanagos, matimyas na halik kanyang iginawad saka naghimutok tuning ng buhay ko, tanggapin mo irog!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"iyan ay sagisag ng aking pagibig at nariyan ka man sa bayang tahimik ay di nililimot at sa bawa'tibok ng puso sa dibdib pangalan mo lamang, siyang nasasambit. mana'napailag naganyong bayani, lumayo sa kurus at ipinagsabi: pusong magdaraya!. papatayin kita! hayo na'magsisi!. kulang palad ka nga, nasawing babai!. sandaling tumigil at tumawatawa, aba si tuning ko, kay ganda mo pala!. sa harap ng kurus ay muling lumuhog at humalik siya tanggapin mo irog at lambing ng sinta!. anaki'napasong biglang itinulak ng kurus na yaon noong kulang palad aba si tuning ko!. at nagtatampo na, sa aking pagliyag. ay kahabaghabag!. hayo na, hayo na, gapasin ang lugod naito ang yaman, kandungin mo irog; aba'ngumingiti!. pusong magdaraya, salawahang loob, papatayin kita, dapat kang matapos!. at kung ang gaya mo, ay pababayaang lumawig sa mundo ng dalita'lumbay ay di malalagot, ang mga panaghoy, ang mga sumpaan. aba si tuning ko, nahihiya naman!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"nguni'huwag tuning, huwag kang tumangis, ang pagsisisi mo'aking naririnig; datapwa'irog ko, umahon ka rito'ako ay hahalik sa mga pisngi mong sakdalan ng dikit. di ka makalabas? sandaling magantay at babawasan ko ang tabon ng hukay. lumapit sa kurus, tinutop ang noong wari'nagninilay tuloy na binunot ang tanda ng patay. kaunti na lamang, tuning ng buhay ko, huwag kang mainip at makakamtan mo; mithing kayamanan, aking hahawiin ang tabon sa iyo. at nagkukutkot ngang anaki ay aso. sa dulong silangan nama'namanaag masayang liwayway ng araw ng bukas, doon sa libingan ay siyang pagpasok noong kulang palad binatang si osong, sawi sa pagliyag. kanyang aaliwin ang dusa ng loob dahil sa pagasang sinawi ng lungkot; sa boong magdamag, ay di mang nagalay ng munting pagtulog kung di pawang sakit, dalita'himutok. subali'nabiglang natigil sa landas abang si ruperto'nang kanyang mamalas na nagkukukutkot doon sa libingan noong kulang palad kasaliw sa hibik ang luhang nanatak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"nguni'di napigil, sigabo ng poot, patakbong lumapit sa nagkukukutkot; sino kang pangahas, lilong gagambala, kay tuning kong irog? na namamayapa sa kanyang pagtulog?. tugon ng rupertong wikang tumatangis ay tuning!. maawa ka langit!. at tuloy lumuhod, sa harap ni osong at siya'humalik kasabay ng yakap na lubhang mahigpit. ang poot ni osong, lalong naglagablab kanyang iniwaksi, ang pagkakayakap; abang si ruperto, sa maruming lupa'nasubasob agad at napahandusay sa libing ng liyag. sinakyan ni osong; pinigil sa batok at ang sundang niya'madaling binunot, bago iniyakmang papatayin kita!. dapat kang matapos nang makilala mo kung sino ang diyos!. at bakit nangahas dito sa libingan? bakit huhukayin ang sinta ng buhay? pusong walang bait! kahi'anong sama, ng taong sino man kapagka namatay, dapat mong igalang. ang nagiging tugon oh, anong lupit mo, kay lakas mo ngayon!. tinablan ng sindak, ang ating binatang may ngitngit na osong, at ang yapus niya'tunay palang ulol!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"tumangis ang puso, nagluksa ang dibdib, sisi, habag, hapis, sa kanya'naniig, kaya'ibinangon; diyos ko! mahabaging langit, pawa na bang gabi, itong tinatawid!. at bago niyakap, kaharap na baliw sa aking inasal ako'patawarin. tumbas ni ruperto ay isang mataos, halik na mariin, tuning ng buhay ko, kay sarap mo giliw!. ang hibik ng osong, pagkalupitlupit lakad ng panahon!. at kanyang inakay abang si ruperto'wikang idinugtong tayo na! at sila'yumaon. habang lumalakad, dalawa'nagsabay na isinusumpa ang abang namatay: oh, tuning! ikaw nga ang sanhi ng lahat ng lumbay ngayo'tinatawid nitong aming buhay!. at pawa ng gabing lubhang masusungit na kasindaksindak, tanghalan ng sakit, ang siyang sa ngayo'laging nilalayag ng palad na amis, ikaw, ikaw tuning, ang dahil ng hapis. nguni'masaklap man ang nasapit naming laging naglalayag sa gabing madilim, pumayapa lamang ikaw sa tahimik, mapanglaw na libing at sa amin yao'kapalaran na rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"at doon natapos, ang lahat ng sumpa doon din tumulo mapait na luha; oh, kahabaghabag na palad ni tuning, babaing naaba natangi ang langit, siyang nagluluksa!. oh, taksil na pita sa dangal at yaman, ang lahat ng ito'iyong kasalanan; ang busabusin mo, kahi'man umidlip doon sa libingan sumpang sunodsunod, walang katapusan!. pagka'sa bayan mang sinilangan niya, bawa'makabatid ay napapatawa at tangi sa sumpa, paghabag, pagiring ay isusunod pa: nasawing pagasa!. nasawing pagasa!. kasamang angel! dahil sa pagkabasa ko ng iyong kathang na pangapat na bunga ng iyong panulat, sa pitak ng pahayagang ay natula ko ang sumusunod: nang ikaw ay di ko nakikilala pa'ang ilan mong katha ay aking mabasa, akala ko mandi'isa kang poetang may sapat ng gulang at pagkabihasa. oo, akala ko, ikaw'isa na rin sa mga kilalang santos, matanglawin, pena, regalado, mariano'ben ruben na, inuuban na sa gayong gawain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"dahil sa ang iyong mga gawang katha ay nangasusulat na lahat sa tula, mga tulang hindi pangsira sa wika at bagkus pangayos, pangbuhay sa diwa. nguni'sa limbagan ng pamahalaan nang aking mamalas iyong kabataan: yaong paghanga ko'lalong naragdagan at halos di kita mapaniwalaan. isang batangbata ang makayayari ng maraming katha; mga kathang busog sa mga hiwaga. at bihibihira ang nakagagawa? sinong di hahanga sa dunong mong angkin lalo'sa lagay mo, ikaw, uuriin? di sa pangalan lamang ikaw angel! sa puso ma'diwa ikaw ay angel din! angel ka ngang buhat doon sa olimpo na pinaparito ng diyos apolo, upang makatulong sa pagbungkal dito ng mina ng wika nating pilipino. na, nangatatago sa parang at gubat at sa mga bundok na lubhang mataas; sa sapa at batis sa ilog at dagat na puno ng mga magandang alamat. ang kasangkapan mo na iisaisa ang nangagagawa ay katakataka, sa sama'pangbuti, sa dungo'pasigla sa sira'pangbuo'pangaliw sa dusa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Angel De los Reyes,"kasangkapang laging laan sa pagdamay sa nangaaapi at nahihirapan, mabait na guro sa hangal mangmang, sulong maliwanag sa nadidiliman. oh, ang iyong diwa na nagpapagawa sa iyong panitik na gintong mistula, ng mga puntahing banal at dakila sa ikabubunyi ng sariling lupa!. bayaan mong ako'magpilit tumugtog sa aking kudyaping mahina at paos, tanda ng paghanga at pagpuring lubos sa mga gawa mong dakila at bantog. maynila,.., abril,.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"noon ay panahong lumipas, nguni'hangan ngaio'naaalaala pa ng marami sa atin, na, si juan hanipol ay isang binatang may hilig na totoo sa pag anting anting. si matandang taciong kabal bakal ay isang magaling na lalaki, at balitang tulisan noong mga dakodakong panahon, nguni'matagaltagal nang na nanahimik at bagama'matanda na'nagsasaka pa sa kaniang bukid. ngaion ay kilala sia sa pook na yaon, na isang matandang masipag at sistidor, kaya kung tawagin ay si matandang taciong sistidor. minsang araw ay nag sadya sa bahay nia si juang hanipol, ang binatang nag hahanap ng galing anting anting. ako po lelong ay naparito, na ang tanka ko'mag pulo ng kaunting kasangkapang mabuti sa katawan. anong ibig mong kasangkapan? ang ibig ko po'.yaon po bang kung ako halimbawa'may masasalubong sa daan ay huwag akong makita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"pinag masdan ang kausap buhat, sa ulo hanggan paa samantalang isinubo ang binayong itso sa kaniang kalikot, at tinapik sa balikat at sinagot: ako bata'hindi na nag iingingat nian at kita mo, na ako'matanda na: nguni'kung ikaw ay matitira dito sa aking bahay hangang ako'mamatay ay pamamanahin kita, sakali'maglinkod ka ng tapat sa aming mag asawa. kita mong kami ay walang anak na isa man lamang. kung iyon po lamang lelong, ay pabayaan ninio'pag sisilbihan ko kayong parang magulang, lalo'ako'hindi po naman nakakilala ng ama'ina at ng maewan po ako'musmos pang lubha! wala ka bang mga kapatid? wala din po. sus, di magaling: ano, titira ka na? opo, titira na ako. nguni'.tila hindi ka dapat mag ingat ng mga kabulaanang yaon at baka ikaw ay mapahamak, bata ka pa; gaion man ay aatuhan kita. sa madaling sabi, natira na nga doon si juan, at mula noo'ang panunuyo ang siyang guinamit, anopa'ginawa niyang lahat ang anoman sa loob at labas ng bahay. lumipas ang ilang araw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"minsang gabi, pagkatapus makapagluto si juan ng kanilang hapunan ay tinawag ng matanda at pinagsabihan. ngayon ay huwag kang kakain ng hapunan, at hindi pa tumutugtog ang animas ay pumaroon ka na sa bakuran. pag patok ng kampana ay sabay kang mag tatakbo at yumapos ka sa puno ng kamatsileng maalitatap; at ikinatnig ang punong yaon; kumagat kang makakaha ng pitong tilad ng balat bago matapos ang tugtog, balutin mong magaling sa isang bagong paniong puti at saka mag tatakbong walang lingon hangan dito. huwag kang paabot sa huling patok ng kampana, sapagka'may mangyayari! na ano po?.ang pagdaka'tanong ni juan. kapag inabot ka ng katapusang patok, ay katapusan mo naman, at. sapagka'darating doon ang isang malaking tawo na yayapos sa iyo na sasakalin ka'ipaghahaguisan ng lubhang matayog hangang sa di ka mamatay. si jua'hindi nagsalita, nguni'di naman munti man na takot sa mga huling sinabi ng matanda.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"binuo nia ang kaniang loob at lumaang gawin ang mga iniatas ng matanda masunod lamang matamo ang kaniang pita. dumating ang gabi. bagama'pusikit ang dilim ay madali niang na tanaw ang puno ng kamatsileng maalitaptap. pumatok ang animas tumakbo na sia'yumapos sa punong yoon, kumagat sia'na ka tipak ng pito; binalot na nia'inuwi sa bahay, anopa'na ganap ang mga bilin ng matanda, bago natapus ang patok na huli. magaling na bata!. ang salubong na sabi ng dinatnan ngaion din ay isubo mo ang mga tipak na iyan at pumaroon ka sa bahay ni kumpareng kulas, at makikita mo ang lahat ay hindi ka naman makikita, nino man. samakatuwid ay nataguibulag mo sila, sabay mo namang sasabihing malakas ang oraciong ito: saratum, ticom, balakum, tukos, mukos, talagum, ibom. ano pong oracion yaan? yaan ang oracion sa pitong arkanhel. at madaling sinaulo ni juan ang oracion yoon, at di na nga pinapagbihis ng matanda sapagka'di na makikita'madirinig di kuno ninoman, na ito nga naman ang inasahan ni juan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"halos manakbo nakbo sia ay dumating nga sa bahay ng kulas, na doon pala nama'maraming tawo sapagka'kasalan sa isang anak nito. na sa trankahang pa'isinubo na ang taglay at saka dinalit na ulitulit ng malakas ang oracion: dalakong tikoy balatong tunkos mungos talagang ibus.nguni'oh!.ang pagkamanha ng mga dalaga na siang pinagtuluyang inumpukan ni juan sa pagkaupo, na ang makapiling nga nia'pilit umiilag. ang palagay ng lahat ay ul ol ang dumating, nguni'ang palagay naman ng kapatid na lalaki ng ikakasal na dalaga ay nag uulol ululan lamang, kaya galit na galit, at kundi nga napagpayo ay marahil nasaktan sana na walang pagsala ang atin ngang si juan, sapagkat ipinalagay pa linilibak ang kapatid niang may bulutong nga naman bukod pa sa malapad ang mukha na anhin nga ang tikoy ng insik. pagdakay linapitan ng isa sa mga doroon at mahinahong pinakiusapang magbihis muna at saka bumalik. ata makic po ma ako ma mimihi pa? ani juan, na ngamol umusap dahil nga sa subo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"sapagkat ang damit moy pulos na putik, ay napapagtawanan ka ng tawot kahiahia ka pa sa mga dalaga. at pulos tubog nga naman ng makita niat mamasdan ang kaniang damit sa katawan, kaya hianghia siang umalis na, diman nakuhang namaalam kaninoman. ang puno palang kaniang kinagatan ay datihang kuskusan ng mga kalabaw na sa malapit dooy nanunubog araw araw. nanaog na nga si juan na lubhang pinagtanawan ng lahat na siang nakaaliw sa mga nagkakangay, pati ina ng dalagay na patawa na, bagamat lubhang nahahapis na di man makakain simula ng mag suguan sa kaniang anak. dumating si juan kay matandang tacio at sinabi niang siay pinagtawanan ng lahat. ganoong nga. itoy bago bago ka pa! huwag niong alumanahin ang anoman; sa magalit silat sa matwa ay gawin mo ang gagawin mong utos ko sa iyo!. papaano ba ang oracion mo? ang dugtong ng matanda. dalakong tikoy at balatong tunkos mungos talagang ubos. tingnan mo, di mali ka!. pagkaba nag kulang ka ng iisa man lamang letra eh!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"hindi po ba ganoon ang turo mo? hindi; sinabi ko na nga'tila hindi ka maari, at sa unang lision lamang ay hindi ka naka lampas. mag pahinga; at sa uli ay iba naman ang gagawin natin. at nag si pamahinga na nga sila, palibhasa'malalim na ang gabi; nguni'pinagbilinan muna. sa viernes, humanda ka juan at kita'susubuan ng isang anting na mabuti sa iyo. maliligo ka muna, sa ilog mag hilod na mabuti at. opo, opo; ang tugon ng kausap. patuloy ang panunuyo ni juan sa mag asawa ni matandang tacio. dumating ang viernes. madilim dilim pa'na ligo na nga si juan, at pagkawi sa bahay ay nag luto, nag haien, kumaen sila sampon ng mag asawa. kaguinsaguinsa'isang babae ang na pa tawo sa hagdanan. dahil po kay ambo, ay ibig ko pong patingnan sa iyo. oo; madali yoon, titingnan lamang pala eh.! ibig ko pong ipagamot sa iyo. at ano bang sinasakit? wala po; wala pala'bakit? meroon po; na ano yoon? hindi ko nga po maalaman. baka pasma? baka nga po yoon ang pasma tabardillo. hindi ka maalam mag salita!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"asno tamardillo ang tawag sa sakit na yoon baga ma'hindi ko pa nakikita. asno tamardillo. asno tamardillo.! oo pabayaan mo'ako'mapapadaan ngaion sa inio at kami ni juan ay pasasaanihan. at ang babae'namaalam na. gumayak na madali ang dalawa ni juan at ni matandang tacio, at halos ay inabutan pa nga nila ang tumawag na si angue. nanhik silang panabay at dinatnan nga namang si ambo'gugulong gulong sa sahig na anhin ang batang sangol. pinulsuhan ng matanda at iiling iling na nagsabi. di sinabi ko nga. di tama nga angue. asno tamardillo nga itong asawa mo! ang patawa ng mangagamot. hindi ba masakit ang ulo mo? ang tuloy na tanong sa may sakit. masakit nga po. ang tian, hindi ba parang walang laman? ganoon nga po. di ba ang ibig mo'kain ng kain ay. wala ka namang.? sia nga po. di ba ang ibig mo'laging uminom ay?. tila nga po. di ba para kang hilo, walang maisipang gawin? sia nga po! ang badling na sabi kay angue di asno tamardillo nga. sinapantaha ko na nga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"ano bang gawagawa ngaion ng mga tawo dito sa iniong bandahing ito? mapa iba ako, ng usap. marami po ngaion ang anihin at nagkakalutlot ang palay. ay sino sa inio ang nanganganihan? wala po kundi akong saglitsaglit, dian lamang sa malapit; di nga po makalayo'itong si ambo'may sakit at may bata pa akong. mahirap ano?. marahil sa pagani sia na pasma? ang pasaring ng kausap. sia nga po; ang tugon na lamang ng mabait na si angue na ikinakanlong ang ugali ng asawa nia ay ano po kayang mabuti? ang patuloy na tanong nia. ang matanda'hindi nakasagot kaagad palibhasa'inisip nia, na kung itong aanihin na lamang at sukat, mabuti naman ang pahunusan ay kinatatamaran pa, ay ano pa nga kaya'di katamaran ang gawang mag bukid, at mag bugta ng lupa na lalong mahirap kay sa umani, palibhasa'nangangailangan ng pagod, isipan at puhunan, ang pag bubukid na siang kauna unahang batis ng ikinabubuhay ng mga tawo at ng alin mang bansa. ay ano pong mabuti kay ambo? ang ulit na tanong ni angue.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"kung makakabangon at makakalakad ay pasamahin mo sa amin ni juan. opo.ano, ambo; sasama ka? ang badling ng angue sa kaniang may sakit, daw, na asawa. kung ako'gagamutin mo po ay bakit ako ipagsasama ang tanong naman ng may sakit na talagang ayaw bumangon. kailangan sumama ka; at ng pagtulo ng gamot na ihahaplas ko sa batok mo'likod ay malamig lamig pang mapasakatawan mo. sumama ka'ng ikaw ay madaling gumaling at ng umabot ka ng anihin, sayang ang palay at mapapasalupa lamang ay hindi mapakinabangan, tutukain lamang ng mga ibong kung saan saan galing na mga pook. ako po'baka di makatagal ah! bahala na, utay utay. banay banay tayong lalakad at nagkakataong dumarating tayo'. hindi sumasagot si ambo; nag tindig na ngang wari hahapayhapay, sa panglalata lamang ng katawang kusang ayaw na igalaw, at ngaio'tatlo na silang lumalakad sa paroroonang anihan. si angue ay saka susunod kung maihabilin sa kalapit bahay ang kaniang mga anak na mumunti. dumating ang tatlo sa kamalig ng anihan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"na tanaw nila ang maraming tawong sumasabukid na ang karamiha'babaieng malalapad ang salakot at mapupulang kundiman at dinampol ang mga baro'saya kundiman kaya'sadyang pinulahan. hindi na luatan at nagdatingan ang lahat na pawang may kanikanilang sunong na uhay ng palay sa kanilang mga sisidlan. nagkatipon sa kamalig na maluang din naman, ay pawang nagdaramdam kapaguran at init ng namimitik na araw, nagbibigay ng kasaganaan. gaion din ang mga dalaga, na sa kanilang mga pisngi ay waring na nananalaytay ang dugong buhay ng kasipagan, lalo na si biang na anak ng may bukid. humanda ka'ngaion kita bibigyan ang pabulong ni tandang tacio kay juan. opo lelong; at magkakainan na ang lahat ng kumuha ng alak si tininting isiro at ipinanagay ni biang na inuna ngang tagayan si matandang tacio, si juan at si ambo. totoong sistidor ang matandang taciong yaan ang sabi ni tiningting isiro sa isa niang kaharap. makikita natin at hangang mamaya'. gagawa ng siste!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"ang pabigla ng matanda sa kay biang na tumatagay ang unang tiro'sa botillera at ang ikalawa'sa kastillero; huag kang magkakawikaan ineng at talagang kalakaran ang dugtong ng matanda. ang dalaga'tumatangui sana'di naman na gawi na at una nangang uminom ng isang tagay, na ipinamaalam, at saka panibagong sinidlan ang tagayanat inilapat sa matanda. ako'patawarin mo ineng; at ako'may na dingig na isang awit kastila na ania', el dinero del sacristan cantando viene cantando van. samakatawid ko baga neneng, kung tatagaluguin ko sa sarili lamang ay. ang tuba daw sa karitan ay di tutulo kundi pangulukatikan. ang ibig sabihin ay iawit mo!.ang sabihang pabigla ng mga nanonood; kaya nga naman ang dalaga ay umawit ng ganito na tangan ang tagayan; na sinaliwan ng tugtog ng biguela ng isang binata. utos ng matanda'mahalay di sundin kinabubusungan batang paris ko din laran laran larin larin laran laran laran larin larin laran.at pagka ikot ng umaawit ay hinarap ang matanda at dinugtong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"kaya nga: inom na, inom na'sa kamay ko galing sukdang ito'laso'di ka na tatalbin. laran laran larin. ang sigawan ng marami. at saka inilapit sa matanda, upang ipainom. dalawa ineng, itong aking kasama ay pumili ka, ng makakahalig sa akin, at itinuro ang magkasigbay na si juan at si ambo. sapagka'totoong masama sa aking ngaion ang alak, linisan ko na ang malabis na pag inom dahil sa ako'nagkakasakit kung ako man lamang ay makaamoy. uminom ako ng alak kung kagamutan at kung kailangan lamang, nguni'hindi ako naglalango, sapagka'nakita ko na ang kapagitan ng ugaling paglalango, at di ko na sabihin pa sa iyo. sia nga; sia nga, ang payo ng isiro si pareng tacio ay sasakupin ni pareng juan. kaya iniliwat kay juan na kasigbay ng tacio.prrrf!. at na laguinlin ang mga nanonood sa bandang yoon sapagka'biglang ibinuga ni juan sa mukha ni ambo ang alak na kaniang ininom na anhin mo ang nagbubuga sa mukha ng manok, na sasabunguin. at bakit kaya?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"walang makasabi ng tiak, dapua'waring nagkakaisa ang lahat na dahil daw sa na lagyan ng sileng pacite ang tagay na yoon. sa ganito ngay na sunod ang sabi ni tingting isiro. sistidor nga si matandang tacio! nag kainan na ang lahat pagkatapus ng paghihinumo ng tawanan ng lahat. bagama'na hanghangan ng sile si juan ay nag papa walang anoman, nguni'hianghia sa mga dalaga, sapagka'naguing parang saga ang mukha, at gaion din ang mga mata nia. natapus ang kainan; nguni'nabigo ang mga naghihintay na mag siste pa uli sa pagkain ang matandang tacio. hindi nga nia guinawa ang gayon at ania'hindi dapat na sa loob ng panahon ng pagkain ay magkatawanang lubha sapagka'malaki aniang kalapastanganan sa gracia at biaya ng dios, at isa pa'hindi nakatutunaw ng kinain, kung baga ma'pagkatapus ng pag kain. at ganoon nga ang nangyari. tapus nang kumain ang lahat, ay tinawag ng matanda sa gawing labas ng kamalig si ambo at sarilinang nag usap. tinawanan ng ilan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"pinulsuhan muna si ambo, binasa ng tubig ang batok at saka pinagsabihan: ang hatol ko sa iyo ay magliguid ka ng magliguid dian sa walong pilapil na yaan, sabay na itinuro ang mga pilapil, na pag dating mo dito'patuloy ka pa ng patuloy hangang patiguilin kita. ako nama'kukuha ng iinomin mong gamot na ewan ko lamang sa baat ng aking salokot na nasa kamalig. ang hinatulan ay walang liwag na sumunod. liguid ke liguid sa mga pilapil at sa sikat ng mainit na araw samantala'sa loob ng kamalig ay naghihinugang ang tawanan ng lahat. hindi naluatan at dumating si angue, na kaya natagalan ng pag sunod ay nag bayo muna ng palay na kakanin nila nag saing at nag pakain muna sa kaniang mga anak. nakita nia ang kaniang asawa sa guitna ng bukid at sa pagkaawa, palibhasa baga'asawa ay nagmakaamong lumuluhod at tumatangis sa matanda, na ania'patawarin ang kaniang asawa. kaya naman na ululan pa mandin ang tawanan ng lahat, na nanonood. ibig mo bang gumaling sia? ang tanong ng matanda sa nananangis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"opo, ay huag mo po namang pahirapan at. angue; ang tugon ng matanda; pag ang sakit ay masama ang gamot malaking lubha, pag ang sakit ay maliit ang gamot ay gaga hanip. at tunay bang ibig mong gumaling ang asawa mo? ang patuloy na tanong ng matanda. talaga pong ganoon, mahirap po lamang ang. mahirap nga ang mabawo. hindi po yaan ang ibig kong sabihin. mahirap po anakin ang iniong gamot na hatol sa kania. yaan ang mabuting papawis.! sa katawan; hindi delikado sa hangin, bukod sa. walang gasta kahi'ga kusing man. makita mo'kapag araw araw ay pinapag liguid mo ang iyong asawa na mag araro baga, ang ibig kong sabihin ay bukod sa kayo'mag kakabukid ay gagaling pa ang kaniang katawan palibhasa'papawisan. naku angue!. baka akala mo'kakaunting sakit ang nakukuha ng pawis.! hindi kakaunti, at siang lalong tumpak na gamot sa sakit na yaang asno tamardillo . ay ano po ba sa wika tagalog ang asno tamardillo. wari ko po'ibang wika iyan? ang sabad ng isang kaharap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"asno iisaisahin ko sa iyong kahulugan ay tawong linalang ng. at pinaalis sa bayang paraiso ng magkasala sa pagkain ng bungang bawal at sinumpa ngang sinabi sa kania. yaman ngang sa akin ikaw nag suail kaya buhat ngayon at sa haharapin sa pawis ng noo mo'iyong kukunin ang iyong kakanin at ipakakain, at simula nga noo'naparam ang ginhawa nakaramdam na sila ng gutom at nag isip nga ng paraang ikabubuhay, na ito'ang pagtatanim ng mga halaman. at ano pong guinawa, kaya ng nunong adan? ang tanong naman ng tininting isiro. nag isip pong bungkalin ang lupa upang mag tanim; at sa ganito nga'natamo nia ang bunga ng lahat niang halaman at sia niyang ipinakain sa asawang eva sanpon sa lahat niang inianak. kaya tingting isiro; ang iniong pagbubukid ay talagang kapuri puring gawa sapagka'siang kaunaunahang natuklasang pangbuhay sa mga tawo, at hangang ngayo'sia pa ring ikabubuhay at ikabubuhay ng lahat ng bayan sa sangsinukuban, munti at malaki man, dangang dito sa atin ay waring napapabayaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"samantala'patuloy pa si ambo ng pag liliguid sa bukid. ay ano po naman ang tamardillo? ang ulit ng kausap. ang tamar ay tamad, hindi masipag, ayaw gumawa, at dillo ay tinadtad, anhin mo'pikadillo; sapagka'ang tawong tamad ay talagang tinatadtad ng pintas at pula ng kapua tawo; at ipaghalimbawa nating tayo nga'makakita ng isang tawong malakas at walang karamdaman nguni'nagaansikot, ayaw gumawa mag paupa ay pinupuri kaya ninoman? kung makakita kayo, ng walang gawa kundi maglagalag, maglango, magsugal na lamang ay anong maitatawag ninyo? kung may makita tayong isang salantang wari pilihot ang mga paa na lumapit sa ating pintuan at humingi ng limos, atin naman lilimusan alang alang sa salanta, nguni'pagkapalayo ay matuid pa'magara kay sa atin kung lumakad, at kung mga araw ng linggo'makita nating nagpapatalo ng salapi sa sabungan sugalan, anong inyong maitatawag? ganian nga; at walang ibang maitatawag ang sinoman, ang ulit ng matanda. ang ulitan ng mga kaharap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"dapat ngang paniwalaan at siang totoo. ako'nagtataka kay tandang tacio, sa gayong katulisan ng unang dako ay ngaio'mabait na'masipag at ang naguiguing aliwan na lamang niya ay magsisti ang salo naman ng isa. sia'uliran na, na dapat gawin ni ambo at ng mga iba dian na talagang tamad, kaya naman pinarusahan siya doon sa initan at pagsasabi nito ay gawari hinanap si ambo, nguni'ng tanawin ay wala na at sa hiya ay nagpatuloy na umuwi sa kanilang bahay. namalayan nga'pinaghanapanan ng lahat si ambo ay wala nga sa bukid. kaya sa maalaman ni angue ay napaalam na sa lahat at tinunton ang pook na pinaroonan ng kaniang asawa. noo'hapon na; at ang lahat ay nag uwian sa kanikanila, na di magkangdadala ng hunos, kaya nga ang mga bakol, palanan nila'puno ng palay at ang mga tian ay puno din naman ng. hangin sa katatawa kay matandang tacio, at busog ang mga kalooban sa mga na dinig na aral ng sistidor na matanda. nagbago kaya si ambo ng gaiong ugali? ang maitatanong ng bumabasa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"tayong lahat ay makasasagot. makaaasa tayo sapagka'sawikain nating sa tawo'ang mukha ang hindi lamang nagbabago ngunit na dudungisang minsan minsan kaya minsan minsa'kailangang humarap sa salamin ng mabubuting aral at mga basahing makapagaagno sa magaling, upang sa mga yoon ay maisaayos ang mga kapakanan ng ating sarili at ng kalahatan sa kapakinabangan ng boong katauhan.umui na sa bayan ang mga nanganihan noong hapong yaon; nguni'si matandang tacio at si juan ay umiba ng daan. narito na si matandang tacio! ang putol na sabi ng isa sa mga nagkakaumpok sa bunsuran ng isang hagdanan, na ang mga ito'nagsisipag karay kurus, nag tatanga simula pa ng makakain ng tanghalian. at sa mapalapit ay pinadaan; nguni'bagaman gabi na'nagdasan ding kusa ang matanda. ano ano ang inyong pinagpupulungan mga bata? anang matanda. wari po'nagkakapalabasan; nagkakapustahan po yata ng kuarta. at sinong pupusta sa akin? ang ulit ng matanda nguni'ayoko ng kuartahan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"kami po; ang halos sabay ng apat na binatang doroon, na ang mga isipa'nasa kara kurus din at sa pagkakatalo. kapag hindi ko napakain sa dulo ng kawayang yaan ang kalabaw na yaong nakatali sa tabing bakod ay anong gagawin ninio sa akin? ang patuloy ng matanda. kapag na pakain mo po'di iyo na ang lahat naming kuarta, pati na sa bulsa naming apat ang tugon ng isa. ayao ako ng kuartahan ang ulit ng matanda. kapag po napakain mo ay unsungin ka po naming pauwi sa bayan, yamang gabi na din lamang, at ikaw po namay matanda na. lalong mabuti at galing din sa inyong bibig! sia nga po ang ulit ng apat na mga kapustahan. at sabay na kinalag ng matanda ang kalabaw, at inilapit lapit sa kawayan; humapay ng isa, na parang sinukat, na ang dulo'napalapit sa ungos ng kalabaw, at sa ganito nga'kinain ng hayop ang talbos ng kawayan. ang ulit ng matanda sa mga kapustahang nangapamangha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"tumutol ang iba sapagka'inaasahang ipapanhik ng matanda ang kalabaw, doon sa dulo ng kawayan; nguni'ng magkaaninawa'sila din ang mali sapagka'hindi pinaglinaw muna ang pustahan, ay ang matanda din ang nagsabi. ang kamalian ay katalunan; siyang kalakarang leying umiiral. at ang lahat ay di nakatangui; napatalo na nga sila at matanda'inusong sa isang duyan. yamang ngayo'gabi na din lamang ay ipagpatuloy ninio ako sa casa real at sabihin niniong ako'nalunod. walang pagsalang ako'lilimusan ng mga kakila'katoto, lalo na si dona isabel; at ikaw cebio ang maghahawak ng kuarta, sapagka'ang asawa ko'mananangis na lamang; huag lamang kayong magpapahalata. ikaw naman kulas ay pasasa simbahan at magpapa algunias, sabihin mo sa kay pari teban na ako'pag oracionan. at ganoon nga ang guinawa. sabihin pa ang pagkapamangha ng marami sa mapagtantong ang namatay ay si matandang tasiong sistidor, lubha pa ng mga nakakita sa kanian sa anihan, ng araw na yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"ang bankay nia'inilagak na lamang sa silong ng casa real ayon sa utos ng kapitan. nguni'noon ding gabing yoon ay walang makasabi kung bakit ipinadala na doon sa pantion at ng doon muna mapa lagak hangang kinabukasan; at ganito nga ang nasunod. ng sia'mapag isa doon, at ng wala nang makakita sa kania ay nagbango'pinasan ang sa kaniya'pinagusungan at tuloy tuluyang umuwi sa kaniang bahay, sa wala sinomang nakakita. noon din ay pinaroonan nia ang dalawang sa kania'umusong magbuhat sa bukid, at ipinagalam sa kaniang inaakalang gawin. kinabukasang ililibing ang nalunod na matandang tacio ay wala ang bankay sampon ng pinaglagyan, kaya naman sa takot ng dalawang pinagutusan ng kapitan, ay nagpahayag ng daw, ay nakita nilang kababalaghang, pag pailanglang ng bangkay ni tandang tacio hangang kalangitan. ang salaysay na ito ay paniwala'dili ng marami, nguni'pinagtitibay na patotohanan ng dalawang yaon, dahil sa takot na mapalo ng kapitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"ang lahat na nakaalam ng pagkamatay ni matandang tacio ay malungkot na nagbibilang ng araw, at ngayo'ikaapat na araw na magmula ng ilibing ang nalunod. ang balo ng namatay sanpon ng mga kasuyo ay naghahandaan upang ipagparasal ng gabing yoon, kaya, nga'nagkatipon sa bahay ng namatay. na roon na ang kapitan, ang directorcillo, ang pare, at ang mga cantores ay nagdasal ng responso, sampon ng mga manang at ang lahat na doroon. nang matapos ay pawang inanyayahan sa paghahapunan at dina nga naluatan at nalilikmo nang lahat sa paligid ng isang mahabang dulang na kina hahainan ng mabubuti at masarap na pagkain na ang litson at tinolang manok ay kapiling ng patis na may dayap at ng salaang maasim asim. nang malapit na ang pagkatapos ng paghapon ay napansin ng lahat ang isang tinig na nagbubuhat sa gawing itaas ng palupo na tapat ng dulang. ang lahat ay na patingala at doon nga'nakita ang duyang may nakalawit na isang paa. marami ang nagulat at tumakbo, lubha ang mga babaie.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"pinagtulung tulungang ibaba ang duyan at ng narito na'mahinusay na nagsalita ang matanda, na nagpaluto ng tsa na pinatakan ng gatas amargas, sa gitna ng di masayod na katuaan at tawanan. ang kaumpok na mga dalo sa piguing na yaon ay walang pagkasiahan sa lugod, kaya nga yata ang directorcillo ay di nakatiis na di bumigkas ng isang tula na kaniang biglang ipinamutawi, na anya', mga, maguinoo, ang tawo'di nga sukat na magsasabi, ng tapos sa sinomang kapua lalaki, sapagka'kung ganito nga ang mangyari kahiyahiyang lubha sa kania ding sarili. (nanga tilihan) ipinalalagay nating patay ngang tunay si pareng tacio kaya nga nagdasalan, dili pala gaion at siang tumatanaw kung sino sa atin ang malaking samual. (tawanan) ang gawang maglimos ay gawang magaling na di nga lubhang kaluluguihan natin; paris nga ngaio'mga tian natin di mababayaran ng tigagatlong aliw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"(tawanan) kaya nga lubos ang pasasalamat ko sa pangalan lamang ni cumpareng tacio, biniguian lugal na magkasalo salo tanang cantores at sampon maguinoo. (walang makahinga) sapagka nga'naguing ugali na natin mga kantores sa huli ang kain tangi lamang ngaion na napapiling din, kaakbay ng kurang kaagapay natin. (may na hikab pa) ang ipinagbadya'di ko tinitikis kaya ang hiling ko'inio ng ialis sa puso niniong maalam magkipkip at sa kakulanga'marunong magtakip. (may na banlag) inuulit ko'ang pagpapasalamat dito sa may boda at tanang kaharap; huag din nawang isaman ay magkalamat mga pinga'basong dito nga'sinangkap. (na patawa ang asawa ni tandang tacio) at natapos na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"nagpagakpakan at muling nagkatawanan at dito nama'hinangaan ang pagkakapamigkas ng directorcillo ng gaiong tugma, at sapol na nga noo'pinagmatahan sia ng kanilang kura at ipinalagay sa kaniang sarili na isa sa mga may magagawa sakali pagdating ng araw, na ito'hindi nagluat, sapagkat may ilang panahon lamang at ang directorcillo nga ay napatapon na sa ibang lupain, at noo'nagsisimula na ang himagsikan. ang lahat ay nagpaalam na, at ipinalagay na ang mga kantores ang siyang napahirapan sa gaiong kasistihang guinawa ng matanda; kaya nga ang mga ito'nagsabi na di na sila mauuli ninoman, bagama'kadidinig pa lamang ng ipinamutawi ng directorcillo. nakalipas ang ilang buwan. minsang gabi tinipon ni matandang tacio ang mga kantores. saan tayo paroroon po? ang tanong ng maestro kantor. tayo'may ipagdarasal sa bahay ni kumpareng kulas. at sino po ang namatay? ang anak ko sa biniag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"kayo'mauna na at ako lamang ay magdaraan dito sa tindahan ng insik at bibili ng magagawang biste, at baka di mayari. sia nga po; pabayaan ninio'kami ang bahala na pagdating doon. at nagsiparoon nangang sabaysabay ang mga cantores, samantala'may isa sa kanilang na kapunang sa bayan pala nila'pauang insik na lamang ang may tinda at ang mga taga doo'pauang mamimili at mangungutangan na lamang sa mga iyon. dumating ang mga kantores sa bunsuran ng hagdanan ng kulas. ang ugaling pagpapatawo po ay sinagot sa itaas, sinungaw sila at pinapanhik sa pagsasapantahang marahil ay haranista, sapagka', doo'may dalaga. nang nangauupo na'ang maestro kantor ay huminguing tulot na makalapit sa dambana, nag sindi ng kandila at pagkuwan ay nagsiluhod na'nagsimula ng isang rosario cantada.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"lubhang napamangha ang may bahay at di nakatiis si matandang akang na noo'paris din ng dating hapong nakakainom ng dalawang tagay, kaya nga ang mga mata'kukurapkurap at ngamol ang pangungusap ay nagsabi: ano ba'kayo'nagdadasal dito? kami po'pinaparito ni matandang tacio, at ipagdasal daw namin ang inyong apong si julio na kania namang anak sa binyag; kaya po. kayo'mga wala ng kinahahapangan kundi ang kung sino ang mamatay, palibhasa'. kayo'kantores kulitis. huag po kayong magkagalit at hindi po kayo. kami ang may kasalanan. hindi; kaya ng huag tayong magkaligalig ay kayo'umalis na dito. at ang mga kantores ay di nanga nagulit at noon din ay umalis, tuloy hinanap ang matandang sa kanila'nag buyo sa gaiong kahihian. sabihin ang galit ng maestro, na sarisaring balak ang sinasabi upang makaganti. dumating sila doon at napatawo sa bahay nga ng matandang tacio. sinungaw ng asawa at pinapanhik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"ang pagdaka'tawag ng matanda ipasok mo dito yaang mansanilia ako yata'nabalis nga taga lumay na kausap ko dito kanikanina kaya ganito na ang sakit ng aking tian; at nagsubsob nang mabuti sa banig na hinihigan na itinitirik ang ulo sa unan, at hinihilot naman ng asawa ang tian ng matanda. baka po nasingawan lamang ng lupa ang ulit ng maestro kantor. hindi; talagang balis ito, kaya ganito katigas ang tian ko parang bato!. anang matanda. ang isa sa mga kasama ay pagkadinig ng wikang balis ay nagmungkahing umalis na sila at baka mahawa, di umano, samantala'inanyayahan sila ni juan hanipol ng hitso'sigarilio. ilang sandali ay ga tumahimik ang may sakit, at na katulog. mabuti'wari po'hinayhinay at tila nakakatulog, ay kami ay aalis na ang ulit na sabi ng maestro kantor sa asawa ng matanda sabihin mo po sa kania na kami ay suko na. sapagka'po nasabi namin na kami hindi na mauuli niyang pagbibiruan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"kaya nga tumpak na tumpak nga, sa atin ang sinabi ng director noon magkainan tayo sa bahay ding ito; ang sabat ng isang kasama, na, ang tawo'di nga sukat magsasabi ng tapos sa sinomang kapua lalaki sapagka'kung ganito nga ang siang mangyari kahihiyang lubha sa atin ding sarili. at nagsipagpaalam na ang lahat. ang magasawa naman ni matandang taciong bakal sampon ni juang hanipol ay hindi magkangmamayaw ng pagtatawanan, dahil sa mga nangyaring yaon. kaya; kung minamainam mo ito guiliw kong kababayan, ay pakitandaan ang mga nangyari; pulutin at itanim ang mga binhi ng katwiran upang sa araw na kailangan natin ay salo salo tayong magani ng masarap na bunga ng kaguinhawahang inilaan sa atin ng sa atin ay kumapal. at hangan sa muli po tayong magkita at sandaling magkaulayao paris ngaion, marami pong salamat sa inyo at ipagpaumanhin ang kulang nito at ng susunod, na pakahuhusayin upang panibagong mai handog sa inio.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +José R. Francia,"tumatanggap ng mga gawaing nauukol sa limbagin na gaya ng revista, nobela, alegato, membrete, tarjeta, at iba'iba pa. sa halagang mura at madali ang pagkayari. dumalaw kayo rito sa aming pagawaan. sales, santa cruz, maynila. patalastas: la moderna",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"sino si andres bonifacio? siya'isang tunay na pilipino na ipinanganak noong ika ng nobiyembre ng sa isang bahay na pawid sa pook na nasa sa harap ng himpilan ngayon ng pero karil sa daang azcarraga, tundo, maynila. ang kanyang ama'nagngangalang santiago bonifacio na ang hanap buhay ay sastre at ang kanyang ina nama'catalina de castro. mga taal na taga maynila. nagkaroon ba siya ng mga kapatid? apat: sina ciriaco, procopio, petrona at troadio. ang dalawang una at itong huli'patay na at ang babai ay buhay pa. ang babaeng ito ay siyang naging asawa ng nasirang bayaning si teodoro plata, isa sa mga masikhay na kasama ni andres bonifacio. ano ang kabuhayan ni bonifacio? ang kaniyang mga magulang ay mga taong dukha kaya'siya nama'isang taong mahirap. ano ang kanyang napagaralan? siya'nagaral sa paaralan ng gurong si. guillermo osmena, sa pook ng meisik, binundok, maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"datapwa nang siya'tumutuntong na sa ika na taon, ay namatay ang kanyang mga magulang at dahil dito'naputol ang kanyang pagaaral. siya noo'maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (tagalog) at kastila. ano ang kanyang ginawa ng siya'maulila na? upang siya'mabuhay at sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang sariling buto'siya'nagbili ng mga tungkod (baston) at mga pamaypay na papel na ginagawa niya sa loob ng kanilang bahay. gayon din ang ginawang hanap buhay ng kanyang mga kapatid. ano pa ang kaniyang ginampanang gawain upang mabuhay? nang si bonifacio'nakapagsanay na sa pagsulat, siya'nasok na utusan sa bahay kalakal ni fleming, at pagkaraan ng ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan ng nabanggit na bahay kalakal sa pag bibili ng sahing, yantok, at iba pa. . nanatili ba siya sa tungkuling ito? nang lumipas ang ilang panahon siya'naging kawani (personero) sa bahay kalakal nina fressell at co., na nalalagay sa daang nueva, blg.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang sinasahod niya'mga labingdalawang piso lamang sa isang buan. patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga tungkod at pamaypay, na itinitinda ng kanyang mga kapatid. anong katangian, bukod sa kanyang hanap buhay, ang tinataglay ni bonifacio? siya'mahiliging magsulat sa sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. dahil dito, nakatutulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa ng mga tatak at paunawa sa mga kayong ipinagbibili rito sa atin. siya ba'mahiligin sa pagbabasa ng mga aklat? nguni'ang kaniyang kinahihimalingang basahin ay yaong mga aklat na nakapagtuturo ng kabayanihan, tulad ng kasaysayan ng himagsikan sa pransiya, las ruinas de palmira, los miserables, ni victor hugo, el judio errante, biblia, ang mga, aklat ni rizal at iba pa. siya'mahiliging totoo sa pagbabasa. may mga gabing halos di nakakatulog sa pagbabasa. siya ba'nagkaasawa? ang naging kabyak ng kanyang puso'pinapalayawan ng oriang (gregoria de jesus) na ang sagisag lakambini, taga kalookan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"sila'nagkaroon ng isang anak na namatay. ano'idinadakila ng bayang pilipino si andres bonifacio at siya'ipinalalagay na dakilang bayani sa piling ni rizal? sapagka'siya ang nagtayo at nahalal na pangulo ng kataastaasan, kagalanggalang katipunan ng mga anak ng bayan, na pinagkautangan ng bayang pilipino ng kabayanihan sa pagusig ng kaniyang ikalalaya. may pagasa ang sagisag niya na nangyari bago siya mamatay. kailan at saan itinayo ang samahang kataastaasan, kagalanggalang katipunan ng mga anak ng bayan noong ika ng hulyo ng sa bahay na kinatirhan ni deodato arellano, na nasa daang azcarraga, bilang binundok, maynila. ano'itinayo ang samahang binanggit? ganito ang nangyari: si rizal ay lumunsad sa maynila ng ika ng hunio ng taong. pagkaraan ng mahigit sa isang linggo, noong ika ng sumunod na buwan ng hulyo, si rizal ay ipinatawag ni general despujol na siyang pinaka mataas na pinuno ng kastila dito sa atin noon at siya'ipinapiit sa fuerza de santiago.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang mga tunay na pangungusap ni rizal sa nangyari, sa kanyang ito ay gayari, ayon sa sulat din niya, na inihayag ng kanyang matalik na kaibigan, ang nasirang si mariano ponce: noong miyerkoles ani rizal sa kanyang talaan itinanong sa akin (ni general despujol) kung ako'nagpupumilit na magbalik sa hongkong. sinagot ko siya ng oo. makaraan ang ilang salitaan sinabi sa akin na ako raw ay maydalang mga proklama (mga pahayag) na kasama ng aking mga damit at ariarian. itinanong sa akin kung kanino yaong mga unan at banig, isinagot kong sa aking kapatid. dahil dito, ipinatanto sa aking ako'kanyang ipabibilanggo sa fuerza de santiago. si rizal nga'ibinilanggo. nang maalaman ito ni andres bonifacio ay nagalab ang kanyang loob. pinulong sina ladislao diwa, valentin diaz, ildefonso laurel at si deodato arellano sa bahay na binanggit na may bilang daang azcarraga, at itinatag nila ang katipunan, na siyang pamagat sa daglian ng binanggit na samahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ano ang pakay ng katipunan pagsamasamahin ang kalooban ng mga pilipino sa isang layunin, upang sa pagkakaisang ito'magkalakas na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng katwiran at kaliwanagan. ano ang ibig sabihin niyang matuklasan ang tunay na landas ng katwiran at kaliwanagan ang ibig sabihi'iguho ang kapangyarihang makahari ng espana na nakasasakop sa pilipinas at ang bayan natin ay magsarili sa kanyang kapangyarihan. may sarili bang palatuntunan ang katipunan oo. naito: dakila ang pakay ng katipunan sa pagkakailangan na ang lahat na nag iibig pumasok sa katipunang ito, ay magkaroon ng lubos na pananalig at kaisipan sa mga layong tinutungo at mga kaaralang pinaiiral, ay minarapat na ipakilala sa kanila ang mga bagay na ito, at ng bukas makalawa'huwag silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang mga tutungkulin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang kabagayang pinaguusig ng katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papag isahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog. (sa salitang tagalog katutura'ang lahat nang tumubo sa sangkapuluang ito; sa makatwid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man atb., ay tagalog din. alang alang sa mga pagkukurong ito, kami'payapang naghihintay nga pagwawagi ng damdaming makabayan ngayon at sa hinaharap, sa pamagitan ng isang mahigpit na panunumpa, upang sa pagkakaisang ito'magkalakas na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng katwiran at kaliwanagan. una sa lahat ang pagibig sa bayan dito'isa sa mga kauna unahang utos, ang tunay na pag ibig sa bayang tinubuan at lubos na pagdadamayan ng isa'isa. pantaypantay ang lahat maralita, mayaman, mangmang, marunong, lahat dito'magkakapantay at tunay na magkakapatid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang buhalhal na kaugalian kapagkarakang mapasok dito ang sino man, tatalikdang pilit, ang buhalhal na kaugalian at paiilalim sa kapangyarihan ng mga banal na utos ng katipunan. ang gawang lahat na laban sa kamahalan at kalinisan, dito'kinasusuklaman; kaya'sa bagay na ito'ipinaiilalim sa masigasig na pakikibalita ang kabuhayan ng sino mang nag iibig makianib sa katipunang ito. hindi tinatanggap ang mga taksil kung ang hangad ng papasok dito'ang tumalastas lamang ng mga kalihiman nito, ang kilalanin ang mga naririto'ng maipagbili sa isang dakot na salapi, huwag magpatuloy, sapagka'dito'bantain lamang ay talastas na ng makapal na nakikiramdam sa kaniya, at karakarakang nilalapatan ng mabisang gamot, na laan sa mga sukaban. ayaw sa mga mabunganga dito'gawa ang hinahanap at gawa ang tinitingnan; kaya'hindi dapat pumasok ang di makagagawa, kahi'magaling magsalita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"hindi kaginhawahan kungdi kahirapan at mabibigat na tungkulin ipinauunawa rin, na ang mga katungkulang ginaganap ng lahat ng napapasok sa katipunang ito, ay lubhang mabibigat, lalong lalo na kung gugunitain na di mangyayaring maiwasan at walang kusang pagkukulang na di aabutin ng kakilakilabot na kaparusahan. kung ang hangad ng papasok dito, ang siya'abuluyan ng ginhawa'malayaw na katahimikan ng katawan, huwag magpatuloy, sapagka'mabigat na mga katungkulan ang matatagpuan, gaya ng pagtatangkilik sa mga naaapi at madaluhong ng paguusig sa lahat ng kasamaan; sa bagay na ito ay aabutin ang maligalig na pamumuhay. di kaila sa kangino pa man ang mga nagbalang kapahamakan sa mga tagalog na nakaiisip nitong mga banal na kabagayan (at hindi man), at mga pahirap na ibinibigay ng naghaharing kalupitan, kalikuan at kasamaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang halaga ng kuota talastas din naman ng lahat ang pagkakailangan ng salapi, na sa ngayo'isa sa mga unang lakas na maaasahan; magbibigay buhay sa lahat; sa bagay na ito, kinakailangan ang lubos na pagtupad sa mga pagbabayaran; piso sa pagpasok at sa buwan buwan ay sikapat. ang salaping ito'ipinagbibigay alam ng nag iingat sa tuwing kapanahunan, bukod pa sa mapagsisiyasat ng sino man, kailan ma'ibigin. di makikilos ang salaping ito, kung di pagkayarian ng karamihan. ipagtangkilik ang kagalingan ang lahat ng pinagsaysay ay dapat gunitain at mahinahong pagbulaybulayin, sapagka'di magaganap at di matitiis ng walang tunay na pag ibig sa tinubuang lupa ang tunay na adhikaing ipagtangkilik ang kagalingan. at ng lalong mapagtimbang ng sariling isip at kabaitan. bukod sa palatuntunan, may mga sariling aral baga ang katipunan sa bayan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"tunghan ang mga sumusunod: ang dapat nating asalin sa kabuhayan ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan, ay kahoy na walang lilim, kung di damong makamandag. kailan nagiging kabaitan ang gawang magaling ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan. ang tunay na kabanalan ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag ibig sa kapwa at ang isukat ang bawa'kilos, gawa'pangungusap sa talagang katuwiran. ang mga tao'magkapantaypantay maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'magkakapantay; mangyayaring ang isa'higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda. nguni'di mahihigtan sa pagkatao. ang may kaloobang dakila ang may mataas na kalooban ay inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban ay inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri. dapat magkaroon ng isang pangungusap sa taong may hiya, salita'panunumpa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang panahon ay ginto huwag mong sasayangin ang panahon; ang yamang nawala'mangyayaring magbalik; nguni'panahong nagdaan na'di na muli pang magdaraan. dapat sumapiling ng inaapi ipagtangol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi. ang matalino'mahinahon ang taong matalino'ang may pagiingat sa bawa'sasabihin, at marunong ipaglihim ang dapat ipaglihim. ang ama ay siyang pinaparisan ng mga anak sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa'mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din. ang katungkulan ng lalaki para sa babai ang babai ay huwag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kungdi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata'nagiwi sa iyong kasanggulan. ang ayaw mong gawin sa iyo. ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang tunay na kamahalan ng tao ang kamahalan ng tao'wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili nang diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahi'laking gubat at walang nabatid kungdi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi'di nakikiapid, yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan. ang katumbasan ng buhay na ginugol paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaabaabang sangkapuluan, at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi'magkakapatid ng ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod at mga tiniis na kahirapa'labis ng natumbasan. kung lahat ng ito'matarok na ng nagiibig pumasok at inaakala niyang matutupad ang mga tutungkulin, maitatala ang kaniyang ninanasa sa kasunod nito: sa bg. taong tubo sa bayan ng.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"taon, ang hanap buhay. at nananahanan sa. sa aking pagkakabatid ng kagalingan ng mga nilalayon at mga aral, na inilalathala ng ng mga..., ninanais ng loob ko ang makianib dito. sa bagay na ito'aking ipinamamanhik ng boong pitagan, na marapating tanggapin at mapakibilang na isa sa mga anak ng katipunan: at tuloy nangangakong tutupad at paiilalim sa mga aral at mga kautusang sinusunod dito. nakabayad na ng ukol sa pagpasok. ang tagaingat ng yaman. aking ipinahahayag na sa kadahilanan ng pagkapasok ko sa.'.'.'. ay naghandog ako ng isang mahalagang panunumpa sa ngalan ng bayang tinubuan, at sa harap ng isang kagalanggalang na kapulungan nitong katipunan, na gugugulin ang lahat na maigugugol at lahat ng minamahal ko sa buhay, sa pagtatanggol ng kaniyang banal na kasarinlan, hanggang sa abuting magdiwang, sukdang ikalagot ng hininga. sa bagay na ito, isinusumpa ko ring lubos na tutupad at susunod sa kaniyang patnugutan at mga kautusan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"sa katunayan nito, aking itinala ang aking pangalan ng tunay na dugong tumatakas sa aking mga ugat sa pahayag na ito. araw ng buwan ng. tinaglay ko ang pamagat na. sinosino ang nagpalaganap ng katipunan si andres bonifacio at ang kanyang mga tapat at masisikhay na kasama na paraparang dukha na katulad niya. ang pinakabatikan sa lahat ay si emilio jacinto, na kalihim ng katipunan. matuturingan ba natin kung sinosino sila? ang unang tinanggap sa katipunan ay si restituto javier, sa isang bahay sa daang salinas (ngayo'elcano) sa tundo, na tahanan ng isa sa mga nagtatag na si valentin diaz. sumunod si miguel araulio, pamangkin ng ngayo'pangulo ng kataastaasang hukuman. pagkatapos ay sina aguedo del rosario, aurelio tolentino, guillermo masangkay, alejandro santiago, briccio brigido pantas, jose turiano santiago, calixto santiago, emilio jacinto, nicomedes carreon, francisco carreon, mariano carreon at iba pa. .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"mula ba ng itatag ang katipunan ay nagpatuloy sa pagpapalaganap ang mga nangangatawan? nang mga sumunod na buwan ng pagkakatatag ay di nagpamalas ng kanyang pagsulong, pagka'ang nais ni bonifacio ay huwag makapinsala sa pagpapalaganap ng liga filipina, na itinatag in rizal at mga litaw na kababayan, karamihan ay mason, bago sumilang ang katipunan. bago pa itatag ito ay may itinatag pang ibang kapisanan sina bonifacio. kailan pinangatawanan ang pagtatatag? nang mapagkilala ni andres bonifacio na nawawalan ng kabuluhan ang pagsisikap bagay sa liga. kaya, naghalal na ang katipunan ng kanyang mga kinatawan sa isang bahay sa daang oroquieta, nayon ng santa cruz, maynila. at ng sumunod na taong ay napatatag na nga ang mga balangay at sangguniang bayan. at ano pa ang kanilang ginawa? itinatag na rin ang tatlong baytang ng katipunan . naito: katipunan ang pamagat ng unang baytang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"kung nasa pulong ang mga kasama sa baytang na ito, ay gumagamit ng isang kaputsang itim na may isang triangulo na kinalalagyan ng mga titik na, ll at, na ang kahulugan ay anak ng bayan. sila'may mga hudyat na salita na pinagkakakilanlanan. kapag binigkas ang salitang anak ang isinasagot ng tinatanong ay ng bayan. revolver, sandata gulok ang tinataglay ng mga nagsisidalo sa pulong ng baytang na ito. kawal naman ang pamagat ng ikalawang baytang. lungtian ang kulay ng kaputsa na ang kahulugan ay pag asa. puti ang sintas at mga titik ng triangulo. may suot na sintas na lungtian na sa dulo ay may isang medalla na may isang sa gitna at may sinag at sa dakong mababa ay nakakabit ang magkasabat na isang watawat at espada. ang mga hudyat mahal na salita'gom bur za, na ang katutura'gomez, burgos at zamora, tatlong paring pilipino na ipinabitay ng pamahalaang kastila ng ika ng pebrero, kahima'di tunay ang ibinubuhat na kasalanan sa kanila. pinamagatang bayani ang ikatlong baytang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"kaputsang pula na may listong lungtian ang isinusuot ng mga kasapi. rizal ang hudyat na salita, bilang pagtulol sa walang katwirang pakakapabilanggo sa kanya. itinatag ng araw ding iyon (ika ng hulyo, ang katipunan. ang mga kasapi sa ikatlong baytang na ito, ay siya lamang nakatatalos ng mga tunay na adhikain ng katipunan. sa papaanong paraan nagkakakilanlanan ang mga magkakasama sa katipunan may isang paraan. upang magkakilanlan ang mga magkakasapi ay itinatagop ang kanang kamay sa dibdib sa tapat ng puso at kung gapos noong panahon ng kastila'ginagapos ng abot siko ang sino mang hulihin kahi'sa anong kasalanan ay itinitiklop ang mga daliri, maliban lamang ang hintuturo at ang kalingkingan na paraparang inauusli. sinosino naman ang nagsisibuo ng katipunan sa bawa'bayan ay may mga balangay, at sangguniang hukuman, na siyang kapangyarihang nagaayos at humahatol sa mga sigalot at alitan ng magkakapatid sa loob ng katipunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang mga balangay ay nasasakupan ng kataastaasang panguluhan na pangsangkapuluan. sa papaanong paraan ginagawa ang pagkuha ng kasapi? sa bawa'pook ay nagtatayo ng isang wari'lupon na kung tawagin ay hasik na binubuo ng tatlo katao na parang tatlong tungko. ang hasik na ito ang siyang sa inot inot ay nanghihikayat upang may sumapi sa katipunan. pagdamidami na ng mga kasangayon ay saka pa lamang itinatayo ang balangay na pinamumunuan ng isang lupon na ang mga tunkulin ay tulad din ng sa kataastaasang lupon. ang mga hasik na yaon, ay di na ipinagpatuloy ng malapit na ang tangkang panahon sa paghihimagsik, pagka'ang mga taong baya'halos naguunahan nang sila'mapabilang sa katipunan. papaano ang pagsapi? sa pagtanggap ng pakikisapi ay tinularan, bagama'di lubos, ang ginagawa ng masoneria. bawa'kasapi ay may mahigpit na tungkuling manghikayat ng bagong makakasama at sa pananagutan niya ay inihaharap sa balangay ang kanyang nahikayat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"datapwa, bago gawin ito ay sinusuri munang mabuti ang ugali, pagkukuro, kalagayan at kabuhayan ng isasapi at baka di kabagang ng mga taong katipunan. kung mapatunayan na siya'may tapat na loob ay saka pa lamang gagawin ang pagtanggap. papaano ang ginagawa sa pagtanggap? ang bagong kasapi'pinipiringan at ipinapasok sa isang silid na itiman ang kulay ng mga panig at bahagya nang naiilawan, pagkatapus ay inaalisan ng piring. sa mga panig ng silid ay may mga nasusulat na ganito: kung may lakas at tapang, ikaw'makatutuloy kung ang paguusisa ang nagdala sa iyo dito'umurong ka. kung di ka marunong pumigil ng iyong masasamang hilig, umurong ka; kailan man ang pintuan ng may kapangyarihan at kagalanggalang katipunan ng mga anak ng baya'bubuksan dahil sa iyo. sa ibabaw ng isang dulang ay may isang bungo, isang revolver at isang gulok. may isang papel na kinasusulatan ng mga sumusunod na tanong: ano ang kalagayan nitong katagalugan ng unang panahon?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"(sa salitang katagalugan ay kasama na ang kabisayaan, kailokohan at lahat na ng kapilipinuhan.) ano ang kalagayan sa ngayon? ano ang magiging kalagayan sa darating na panahon? at ano ano ang isinasagot sa mga tanong na iyan ng ibig sumapi? ang kasagutan, humigit kumulang ng sino mang ibig sumapi, ay ganito: ukol sa unang tanong: na, nang dumating dito sa atin ang mga kastila ng ika ng marzo ng taong ang mga pilipinong naninirahan sa mga baybayin ay may pagkaalam na sa maayos na kabuhayan at pamamayan. noon nga, tayong mga pilipino ay may kalayaan na sa pamamayan; may mga kanyon; maalam na tayong magsuot ng mga damit na sutla; nakikipagunawaan na tayo sa pangangalakal sa mga karatig na bayan sa asia. tayo'may sariling pananampataya relihiyon, may sariling titik sulat, na anopa', lumalasap tayo ng kalayaan at kasarinlan. ukol sa ikalawang tanong: na ang mga fraile na kung tawagin ay mga kahalili raw, sila ng diyos ay pawang kabalbalan ang itinuro sa mga pilipino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"hindi tayo tinuruan ng tunay na karunungan sa buhay at sapagka'kung tayo'mangatuto ay hindi nila mauulol at sa ganya'di nila mahuhuthot ang ating kayamanan. ang itinuro sa atin ng mga fraile ay ang maling pananampalataya na nakikilala sa pagdaraos ng sunod sunod na mga pista na kinahuhulugan ng ating salapi at kayamanan sa kapakinabangan ng mga fraile at kombento. ang mga fraile ay siyang mahigpit na kalaban ng ikatatalino at ikabibihasa ng pilipino (tagalog kung isulat ng mga katipunan) na sa katunaya'ayaw sila na tayo'mangatuto ng wikang kastila. anopa'lahat na ng karaingan sa panglulupig, panggagahasa, mga kasagwaan, pagtingin sa pilipino na parang iba sa pagkatao kaysa mga kastila na ginagawa ng mga fraile ay siyang isinasaysay sa ikalawang tanong na ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"sa kahulihuliha'idinadaing din naman ang malabis na pagkiling ng pamahalaang kastila sa mga frayle, pagsunod sa kanilang mga bilin laban sa bayan, paniniwala sa mga sumbong ng mga yaon, kahima'lisya sa matwid, at pagtanggi na ang mga pilipino ay bigyan ng kalayaan sa pamamayan, at sa paggawa ng ikalulusog sa dunong, sa buhay at sa pangangalakal. ukol sa ikatlong tanong: na ang madlang kasamaang binanggit sa mga naunang tanong ay malulunasan; ang mga lupang malalawak na inangkin ng mga kombento sa ating mga ninuno ay mapapasauli sa bayan; ang mga mamamaslang ay maibubulid sa bangin ng kamatayan; ang mga paring kababayang sina gomez, burgos at zamora ay maipaghihiganti at ang kalayaan at kasarinlan ng bayang pilipino ay matatamo sa hinaharap kung ang mga kasapi ay maypagasa, tiyaga, tapang at pagkakaisa sa pagsunod sa mga aral at pasya ng katipunan. kung makasagot na ba ng ganyan ay tinatanggap na?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang kapatid na mabalasik ay siyang nagsasabi sa sinusubukan na lubhang dakila ang hakbang na yaon sa kanyang buhay. ipinaaalaala na siya'maaaring umurong kung walang taglay na tapang, upang huwag masayang ang kanyang buhay. kung ang sumasapi ay magpumilit din sa paganib sa katipunan, ay saka siya ihaharap, na may piring din, sa mga kapatid na nangagkakatipon nang siya'tanggapin. ang tapang at kabuoan ng kanyang loob ay sinusubok sa ilang paraan. minsa'bigyan ng gulok at iutos na tagain ang kalaban na pumapaslang sa mga kalahi; naiyan ang sabihin na saklolohan ang kapatid na makukulong ng apoy, na, sa pagsasalita ng gayon, ay talagang nagsusunog ng mga papel upang maramdaman ang init ng ningas ng sinusubukan. kung hindi magpakitang takot, aalisan na ng piring at palalagdain sa kasulatan ng panunumpang inilathala sa unahan, na ang pinakatinta ay dugong kinukuha ng isang palalim sa kanyang kaliwang bisig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"anong wika ang ginagamit ng mga kasapi sa katipunan ang tagalog; nguni'ang kahulugan ng ilang titik ng abakadang kastila ay iniba sa kanilang pagsulat ng mga kasulatan at gayon din sa paglagda ng kanilang mga sagisag. ang titik na ay ginawang ang at ay ginawang ang ay ang at ll ay ang ay ang ay ll ang ay at ang ay. ang, at ng abakadang kastila ay itinakwil pagka'hindi kailangan. sa maliwanag na ulat ay ganito ang abakada (alfabeto) ng katipunan kung itutulad sa abakada ng wikang kastila. abakada abakada ng kastila ng katipunan. tinanggap ba ng lahat na pilipino ang mga palatuntunan, aral at gawain ng katipunan hindi. gaya ng sinabi na, ang katipunan ay itinatag noong ika ng hulyo ng. sa buong taong sumunod, ay hindi pa lumalaganap, sanhi sa maraming kadahilanan. maari bang isaysay? ang kaunaunahan ay ang kabaguhan ng layunin at paraan ng samahan, gaya ng nakita na natin, ay may kahirapang ilaganap sa bala na kundi pipiliin muna bago hikayatin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"tangi sa rito, si bonifacio na rin ang kusang nagpauntol untol sa pamanhik ng mga kababayang nagsisibuo noon ng liga filipina, na lahat halos ay mga pilipinong litaw, nakakakaya'may pinagaralan, na nagsisiasang sa pamamagitan ng ligang yaon, ay makukuha ng bayang pilipino sa loob ng kapayapaan ang pagsugpo sa masasama'hidwang pamamalakad dito sa atin ng pamahalaang kastila at ng mga fraile. ganito ang pangunang layon ng liga filipina na itinatag nina rizal at mga kapatid niyang mason at iba pa. si bonifacio man ay naging kasapi rin doon. di ba'ang katipunan ay humuwad sa masoneria ng pamamaraang ginagamit nito sa pagtanggap ng kasapi at gayondin sa ilang kuro ng kaniyang adhikain? subali'ang kapatiran ng mga mason, ay kasalungat ni bonifacio ukol sa paraan na kinakailangang gamitin upang maghari dito sa pilipinas ang katwiran at kalayaan at masugpo ang kalupitan at kasamaang inaasal ng mga fraile at ng pamahalaang kastila sa pilipino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang masoneria at ang katipunan ay nagkakaisa sa kanilang hangad na pagtubos sa bayang pilipino. datapwa, ang una'ibig makuha ang katubusang yaon sa loob ng kapayapaan sa pamamamagitan ng pagpapalaganap ng kaniyang magaganda'makataong simulain; samantalang ang nais at hangad ng huli'ang paghihimagsik, yayamang napagkita na rin lamang na ang mga naghahari noon dito sa atin ang pamahalaang kastila'mga fraile ay hindi makuha sa samo, pakiusap at pangangatwiran, bagkus ang itinutugon sa ginawi ng mga masong sina rizal, del pilar, lopez jaena, regidor, cortez at iba'iba pa ay ang sila'ipalagay na kaaway ng espana at ng dios, at marami sa kanila at sa kanilang mga kabig ang napabilanggo, napatapon sa malalayong bayan at pinapagdusa sa mga bilangguan, kahima'walang nagawang kasalanan. sa makatwid ang mga mason at ang mga mayamang pilipino'hindi kaayon ng katipunan hindi, kundi bagkus pang kasalungat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"nang lumalaganap na ang katipunan ang mga mason at ang kanilang mga logia, ay paraparang nagsikilos upang sugpuin ang paglago ng katipunan at ang mabalasik na pagpapalaganap ni andres bonifacio, di sa dahilang sila'kampi sa pamahalaang kastila at sa mga fraile, kundi sapagka'kailan man ang mga mason, ay ayaw ipaghiganti sa pagbubuhos ng dugo ang mga kaapihang tinatamo. ang katipunan nama'ang ibig ay ngipin sa ngipin, at ayaw gantihin ng tinapay ang bato, kundi bato rin. kaya nama'isa sa mga aral ng katipunan ay, nahahawig doon sa ang di mo ibig na gawin sa iyo, ay huwag mong gawin sa iyong kapwa. maaari bang isaysay ang ilang pangyayari ukol diyan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"nguni'bago banggitin ang ilang pangyayari ay kailangan munang sabihin na, sa loob ng masoneria, ayon sa kaniyang palatuntunan, ay di tinatanggap ang mga manggagawang hamak, na ang kabuhaya'isang kahig, isang tuka pagka'upang maging mason, isa sa mga pangunahing kailangan ay ang ikaw'may sapat na kinikita upang buhayin ang iyong asawa'mga anak at may kaunting halagang nalalabis, na isasagot sa mga pangangailangan ng kapatiran at maiambag sa sinomang kapatid na nasa sa isang kagipitan. dahil dito ay sukat ng mataho na ang mga mason ay mga taong nakakakaya at ang mga katipunan ay yaong mga taong hindi matatanggap sa masoneria, na mga anak pawis, mga dukha'maralita. sapagka'noo'mayayaman at mahihirap na pilipino'paraparang inaapi at pinahihirapan ng pamahalaang kastila'ng mga fraile kung kaya'lahat ay nagtataglay ng isang layunin: maputol lahat ang kaapihan. nagkakaiba nga lamang sila sa kaparaanang ginagamit sa ikapagtatagumpay ng kanilang layon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ano ang ginawa ng mga mason kay bonifacio at sa katipunan dapat munang sabihin na si bonifacio ay mason din. siya'segundo vigilante sa logia taliba, na ang venerable, ay ang binaril ng mga kastilang si luis encino villareal at ilan sa kasamahan ni bonifacio sa katipunan ay mga kamukha rin niyang mason. isang araw ay ipinatawag si bonifacio ng mga namumuno sa kanyang logia at, siya'hinihikayat na itigil ang katipunan, pagka'ang katwiran ng mga humihikayat sa kanya'ang kawalan ng mga baril, kanyon, sandata at salapi na totoong kinakailangan sa paghihimagaik na gagawin ng katipunan, na kung mapipilan ay siyang lalong kasawian ng bayang pilipino. pagkatapos na marinig ng ama ng katipunan ang gayong mga pangangatwiran, ay di umimik kamuntik man, kinuha ang kanyang sambalilo at sabay ang pagsasalitang diyan na kayo, puro kayo wikang kastila. isang araw nama'nagsadya si bonifacio sa bahay ng nasirang si antonio luna upang ipatalastas dito ang gagawing paghihimagsik ng katipunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"pagkatapos na mapakinggan ni luna ang mga pangungusap ni bonifacio, ay nagsabi: ano ang ating ilalaban, itong ating mga.? kung si napoleon ay naging napoleon, ay sapagka'bukod sa siya'may pusong matapang, ay maytalino pa, at, bukod sa lahat ng iya'may salapi. nang ipinakilala naman ni bonifacio kay francisco roxas, isa rin sa mga ipinabaril ng pamahalaang kastila, ang hinahangad ng katipunan, ay sinabi ni roxas na siya'ayaw makinig ng mga kabalbalan at kaululan. si rizal ba'kasangayon sa paghihimagsik na ginawa ng katipunan hindi. sa kaniyang mga aklat, tula at sulat, ay napagkikilalang ang adhikang katubusan ng pilipinas, ay ibig niyang makamtan sa pamamagitan ng karunungan at kadakilaang asal muna ng kanyang mga kalahi, bago isipin ang ibang paraan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"isang araw ng buwan ng mayo na ay sinugo ni bonifacio si dr. pio valenzuela (ito lamang ang kasaping may titulo sa katipunan na makipanayam kay rizal sa pinagtapunan dito sa dapitan, mindanaw, upang ipatalastas sa kanya ang nais ng katipunan na maghimagsik nang maiwasak ang kapangyarihan ng espana dito sa pilipinas. si rizal ay sumalungat sa ganyang nais. kinabukasa'dalidaling lumulan sa bapor ang sugo ng ama ng katipunan, at umuwi sa maynila, bagama'may tangkang manatili pa ng mga ilang araw doon. nang malaman ni bonifacio ang ikinaaayaw ni rizal sa paghihimagsik ay sinabi ang ganito: at saang aklat nabasa ni rizal na bago maghimagsik ay kailangang magkaroon muna ng sandata at salapi?. ang ibig bang sabihin niya'kalaban ni rizal at ng mga mason si bonifacio at ang katipunan malayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"si rizal at halos ang marami sa mga mason ay mga taong may taglay na kakayahan sa isip, ay nagsisipaniwala na bago gawin ang isang napakalaking gawain, katulad ng paghihimagsik ay kailangan muna ang mga baril, sandata at salapi upang magtagumpay, tangi sa iyang magbuhos ng dugo sa ikasusugpo ng mga pangaapi ay talagang nahihidwa sa mga aral ng masoneria sa kanyang mga kampon. datapwa, ang mga dukha, manggagawa, mga maralita, na mga hamak na taong bayan, dito sa atin at saan pa man, ay kapag niyakap ang isang gawain at napagkilalang kailangang gawin sa ikasusunod ng isang dakilang layunin, ay di na nagtutumigil ng pag iisip at karakaraka'ginagampanan sa pamamagitan ng salitang bahala na! ang bahala nang ito, ay makikita natin na siyang nagligtas sa bayang pilipino ng mga panahong yaon at naghatid sa atin sa tagumpay. at iyan ding mga salitang iyan ang nagligtas sa ibang mga bayan sa kuko ng mga manglulupig na hari'mahadlikang umiinis sa mga anak pawis at dukha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ano ang ginawa ni bonifacio sa harap ng pagsalungat ni rizal at ng iba pa sa paghihimagsik? sa halip na umurong, ay bagkus nagpakasiglang lalo sa pagtatag ng mga balangay at sauggunian ng katipunan. buong taon ng at ang mga unang buwan ng taong sumunod, ay kanyang naitatag sa buong maynila at mga lalawigang karatig ang maraming sanga balangay. kung ano ang laki ng kaayawan sa paghihimagsik ng mga pilipinong litaw at nakakakaya'mayayaman ay siya namang higpit ng pagyakap ng mga maralita sa layunin ng katipunan. ang mga manggagawa, ang mga tagabukid at ang mga dukha, ay paraparang nagsisiluha kung sila'pinaliliwanagan ng mga adhikain at aral ng katipunan at naguunahan sa pagsapi. sa papaano napatatag ang pamunuan ng katipunan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"sa kapulungang idinaos ng mga kinatawan ng mga balangay noong ng enero ng ay nagapahalal sa kataastaasang panguluhan ng katipunan ang mga sumusunod: kataastaasang pangulo, andres bonifacio; kalihim, emilio jacinto; tagaingat yaman, vicente molina; tagausig, pio valenzuela; mga kawani: pantaleon torres, hermenegildo reyes, francisco carreon, jose trinidad, balbino florentino at aguedo del rosario. at ang mga balangay at sanggunian? napatatag na sa maraming pook ng maynila at mga bayang karatig. ang mga pangalang taglay ay yaong mga pangalan bagay na maykinaalam sa ating lahi at sa kalayaang ninanasa. naito ang ilan: dapitan (bayang pinagtapunan kay rizal); laong laan at dimas alang (mga lagda ni rizal sa kaniyang mga isinulat sa mga pahayagan); katagalugan katotohanan kabuhayan silanganan pagtibayin kailangan bagong silang di magpapatantan di tutugutan pinanginginigan at iba'iba pa. .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"anong mga kaparaanan ang ginamit sa pagpapalaganap ng katipunan ang mga pakikipagpulong ng lihim sa mga pook pook, suloksulok at bahay bahay. tangi sa rito, ay ang mga sulat at limbag na gawa ni bonifacio, ni emilio jacinto at ng iba pa, na walang lagda. nagkaroon din ang katipunan ng sariling palimbagan at doo'inilimbag ang dalawang bilang lamang ng pahayagang tagalog na pinamagatang kalayaan, na inilathala ng ika ng enero ng. isang ang sipi ng unang bilang at ang ikalawa. saan kinuha ang salaping ibinili sa palimbagan? isang araw ang kapatid ni bonifacio na nagngangalang troadio ay galing sa australia na may kasamang dalawang kababayang taga kapis na nagngangalan francisco castillo at camilo iban. ang dalawang ito'tumama sa loteria ng ilang libong piso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"nang mabalitaan ito ni bonifacio sa pamamagitan ng kanyang binanggit na kapatid ay hinikayat sa katipunan ang dalawang yaon, na nagkaloob naman pagkatapos ng halagang apat na raang pisong ibinili ng palimbagan ng masong si antonio salazar na mayari ng bazar del cisne, na ipinabaril din ng mga kastila, at sa kanila rin galing ang salaping ibinili ng mga titik sa palimbagan ni isabelo de los reyes, na ipinuno sa mga titik ng binanggit na palimbagan. sangayon sa mga isinaysay, ay walang salapi ang katipunan at sahol sa mga kagamitan sa kanyang layon, kung gayon ano'lumaganap? ang mga kalupitan at paghamak na rin sa mga pilipino, ng mga nakasasakop sa atin noon, ang nagpasigla sa mga taongbayan upang sumapi sa katipunan. bukod sa rito, si bonifacio, ay talagang may sapat na talino sa paglikha ng mga paraan na sukat makahikayat sa tao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ipinasya niya na sa tuwing magpupulong ang mga balangay ay buklatin ang kasaysayang batbat ng hirap ng pilipinas at sa ganito'paalalahanan ang mga kapatid sa kaabaan ng katayuan ng lupang sarili. tuwing darating ang ika ng pebrero, ay nagdaraos ng mga lihim na lamayan na patungkol sa tatlong paring pilipinong sina gomez, burgos at zamora na ipinabitay ng pamahalaang kastila sa sulsol ng mga fraile. anopa'ang mga bagay na ganito, ang mga paguusig kina rizal at mga kasamahan, na paraparang labag sa matwid, ay siyang lagi nang ipinagugunita upang magalab ang loob ng mga kasapi. bakit ang totoo ay talagang inis na'tigib na tigib ang pusong matiisin ng mga pilipino sa madlang kaapihang ginagawa sa kanila ng mga maykapangyarihan noon. ang mga babai ba'tinatanggap sa katipunan hindi kabilang ang mga babai. subali'ilan sa kanila, lalunglaluna ang mga asaasawa ng mga nasa katipunan, ang nabigyan ng tungkuling magagaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"perfecta simeon, sa halimbawa, ay ginawang taga ingat yaman sa balangay maluningning, na napatatag sa nayon ng san nicolas, maynila. inusig ba ng mga kastila'fraile ang mga mason dahil sa katipunan oo. anoman ang mangyaring pagtutol ng mga pilipino sa mga kahidwaang inaasal ng mga nakasasakop sa atin sa mga panahong yaon ay sa mga mason ibinibintang at ang mga ito ang pinagdadadakip at pinarurusahan. at sa anong dahil? kailangan ang kaunting paliwanag. sinabi na natin na ang mga mason ay di kasangayon sa paghihimagsik na nilalayon ng mga katipunan. alam na natin na, iba ang masoneria sa katipunan, at ang liga filipina nama'walang kinaalam sa dalawang nauna. bawa'isa ay may kanikaniyang uri, palatuntunan at adhikain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"subali'hindi maikakait na ang masoneria at ang kaniyang mga kampon ay silang nagsabog sa mga kalahi ng mga kurong dakila ukol sa ikatutubos; sila, ang mga mason, ang masasabing nagturo ng pagbibigkis ng kalooban sa mga pilipino, upang humarap at makipaglaban sa loob ng kapayapaan sa mga makapangyarihang lumulupig sa lahi; ang mga kasapi sa masoneria, ay silang nagpakilala sa pamahalaan sa espana ng mga masasamang palakad na pinaiiral dito, na siyang ikinalulugmok ng bayan sa karukhaan, kaapihan at kabusabusan. ibig namin ang hiling sa espana ng mga mason na ang aming baya'maging karapatdapat, maging malaya'maginhawa, na sa kaniyang panganorin ay tumanglaw ang maningning na araw ng katarungan at kabihasnan. ibig namin na dito'maghari ang pagpapantay pantay, ang tunay na kalayaan ng mamamayan sa harap ng mga mapagimbot, na nangabubuhay sa pagsugpu sa karapatan ng bayan na dinidilig ang kanilang kaginhawahan ng luha ng bayang nagdaralita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang mga kahilingan bang iyan ay napagkilala ng mga taong bayan? hindi lamang nakilala kungdi nararamdaman nila sa sarili. ang mga pagsusumikap na yaon ng mga mason ay siyang ikinamulat ng bayan sa kanyang aping kalagayan. ito'nalalaman ng pamahalaang kastila at lalong natataho ng mga cura sa bayan bayan, pagka'sa bayang pinamumugaran ng isang logia ng mga mason, ang cura at ang mga kastila ay di lubhang nakapamayani sa kanilang mga masasamang gawa, sapagka'nahahadlangan sila ng pagkakaisa ng mga taong bayan sa pagtutol laban sa mga masasama nilang palakad. napapansin din ng mga fraile na ang pasok ng salapi sa simbahan ay umuunti, sanhi sa kagagawan ng mga mason na nagtuturo sa bayang iwanan ang patay sa loob ng simbahan at huwag magbayad ng anoman. itinuturo rin naman nila na huwag bilhin ang mga kalmen, ang mga kuwintas, ang mga kandila, ang mga istampa, ang mga bula, ang mg novena, na kinakalakal ng kombento. kailan pa inusig ang mga mason?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang masikhay na paguusig sa kanila, ay masasabing nagsimula noong taong at sumidhi ng mapatatag na ang katipunan at si bonifacio'walang humpay sa pagpapalaganap ng kanyang samahan. paano'alam ng pamahalaang kastila'ng mga fraile na si bonifacio'mason, bukod sa ang layunin at mga ipinupunla ng katipunan, ay huwad sa masoneria. kaya, lahat ng kilos nina bonifacio at mga kasamahan ay sa mga mason ibinabagsak, bakit ang ama naman ng katipunan, sa nasa niyang magkasamasama ang lahat, sa lilim ng watawat ng samahang kaniyang pinamunuan, ay di lamang hindi nagpapasinungaling sa gayong akala kundi bagkus pang pinagtitibay. ang mga mason, ng mga panahong yaon, ay sila ang lumalagay na tagataguyod ng kalayaan ng bayan at sila'pinagpipitaganan ng maraming kababayan, lalonglalo na ang mga masong sina rizal, del pilar, lopez jaena, at iba pa, na may mga pagtatanggol na ginawa ukol sa kalayaan ng pilipinas at lagi nang ipinagsasanggalang ang kaapihang tinitiis ng kanilang kababayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"hindi ba itinigil ang paguusig na yaon sa mga mason? nang taong at ng mga unang buwan ng taong ay napatigil ang mga paguusig sa kanila. palibhasa'naipatapon na si rizal sa dapitan na sa ganang mga kastila'fraile'siyang pinakapuno ng kilusan ng mga mason at naparusahan na ang mga inaakalang kinaalam sa pagtutol na ginampanan ng mga pinaguusig na gaya nina doroteo cortes, jose basa, ambrosio salvador, mariano apacible at marami pang taganas na mga mason, ang mga kalaban ng kalayaan ng bayan ay napatahimik. dahil dito'muli na namang nagsikilos ang mga mason at binuhay na muli ang kanilang mga pagpupulong tungo rin sa ikagagaling ng sariling bayan. nagtagal ba ang gayong katahimikan? nang taong ay muli na naman silang pinagusig. ang kilusan sa paghihimagsik ng katipunan na noo'lumaganap na sa mga taong bayan, lalonglaluna sa mga lalawigang tagalog, ay sa mga mason naman ipinagbintang. sila na naman ang hinuli, pinahirapan at ipinagbibilanggo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang mga convento ay nagsikilos, ang mga pinunong kastila ay paraparang nagsusumikap sa pagbibintang na ang mga logia, ay walang linalayon kundi ang paghiwalay ng pilipinas sa espana. ang bunga ng lahat ng ito ay ang pagsisiyasat sa mga bahay bahay ng mga mason, ang pagpapabilanggo, pagpapatapon sa malalayong bayan sa mga magiting na kampon ng masoneria. dahil dito, marami rin sa mga mason na noong una'di kasangayon ni bonifacio sa paghihimagsik, ang tumulong na tuloy sa pagpapalaganap ng katipunan. ano ang ginawa ng katipunan sa harap ng mga nangyayaring yaon? inihanda na ang paghihimagsik. si bonifacio at ang ilan niyang matatalik na kawani ang madalas magsilabas sa mga bundok na nakalilibid sa maynila at kanilang pinagaaralan ang tumpak na paraan sa pagsalakay dito at ang magagawang kuta ng kawal ng katipunan sa pakikilamas. kailan nahuli ang mga kasapi sa katipunan niyong ika ng agosto ng sa san piro makati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"baga man mga kasapi sa katipunan ang nangahuli, ay mga mason din, daw, alinsunod sa sulat ng cura sa tinurang bayan na si agustin fernandez sa pinuno ng kastila rito sa maynila na si luengo. nguni'bago pa mangyari ito, ang teniente ng guardia civil na si manuel sityar, niyong ika ng buwan ng hulyo ng taon ding yaon, ay sumulat na sa mga pinuno niya, sa maynila, at ibinabalita na siya'may natuklasang inihahandang paghihimagsik laban sa pamahalaan na ang manga sanga ay nasa san juan del monte, san felipe nery, pandakan, marikina at montalban. ibinabalita rin na may mga ilang libo ang magsisipaghimagsik na nagsipanumpa sa pamamagitan ng sarili nilang dugo na inilagda sa kasulatan nang sa gayo'magtumibay sa pakikibaka hanggang sa matamo ang kasarinlan ng pilipinas. umabot ba sa kaalaman ni bonifacio ang ganyang mga ibinalita?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"simula pa nang itinatag ang katipunan ay nakahikayat na nang ilang kababayang nagsisipaglingkod sa mga kawanihan ng pamahalaang kastila at gayon din ang ilan sa nagsisipaglingkod sa bahay ng mga pinuno at sa mga convento. nang mga araw na yaon, ay nakapaglagay na ang katipunan ng kaniyang mga tiktik sa loob ng pamahalaan na naghahatid kay bonifacio ng mga balitang kailangan nito. kaya, ng malaman niyang natuklasan na ang katipunan ng may kapangyarihan, ay pinulong ang lahat ng mga pangulo sa mga balangay at mga kasapi sa pook ng kankong, kalookan, niyong ika ng agosto ng. ang pulong ay sinimulan ng ika ng umaga at natapos ng magtatakipsilim na. mainit at mahigpit ang kanilang pagtatalo. may mga ayaw munang gawin ang paghihimagsik sa kawalan ng mga sandata'baril na ilalaban, nguni'marami ang may ibig at ayaw nang magsiuwi sa kanikanilang bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"sa wakas ay pinagtibay din at bilang saksi ng pinagkasunduan, lahat ay nagsidukot at kinuha ang kanikanilang mga cedula personal at pinagpupunit, tandang hindi na sila babalik sa kanikanilang bahay. pagkatapos ay nagpangkatpangkat na. ano pa ang kanilang pinagtibay? na salakayin ang maynila ng ika ng buwang binanggit. datapwa, ng matuklasan ni. mariano gil, cura sa simbahan ng tundo, ang mga kasulatan ng katipunan at pati ng batong pinaglilimbagan ng recibo nito, dahil sa sumbong ng isang nangangalang teodoro patino, na nakuha sa pagawaan ng pahayagang diario de manila, ng ika ng buwang ding yaon, ang mga sundalo'guardia civil ay nagsisipagsiyasat sa mga palipaligid ng labas ng maynila, kaya'ng ika ng buwang ito ay nangyari ang unang labanan ng mga iyon sa kawal ng katipunan sa balintawak. sinimulan na ang panghuhuli at pagpapahirap sa mga napagbintangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ano ang inilalaban ng mga kasapi sa katipunan ilang itak, bukaweng tinulisan, palasan, mga revolver na kinuha ng mga katipunan sa maestranza, dalawa tatlong baril na naagaw sa mga sundalo ng pamahalaang kastila. nagpatuloy ba sa ganito? nguni'itinatag na ni bonifacio ang kanyang pamahalaan sa pasong tamo kalookan, at pagkatapos sa bundok ng balara marikina. mula doon ay siya'naguutos sa tulong ng kanyang mga kagawad. ang pamahalaan ng katipunan, ay di na sa samahang ito lamang kundi binigyan na ng uring pangbansa. ganito: presidente, andres bonifacio; ministro de estado, emilio jacinto; ministro de guerra, teodoro plata; ministro de gobernacion, aguedo del rosario; ministro de gracia justicia briccio pantas; ministro de hacienda, enrique pacheco; secretario general, daniel tria tirona at tesorero general, silverio baltazar (kapitan sa bayan ng kalookan). ang pamahalaan bang iyan ang namatnugot ng paghihimagsik?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"datapwa, ang nais ni bonifacio, bagaman si rizal ay di nila kaayon, ay siya'gawing pangulong pangdangal at siya'magawang sanggunian, bagay itong di nangyari. nang si rizal ay dumating sa maynila noong ika ng agosto ng na galing sa dapitan na pinagtapunan sa kanya, ay tinangka nina bonifacio, emilio jacinto at ibang kasamahan na siya'itanan. si emilio jacinto ay nagsuot marinero at nagsadya sa lancha caridad na kinalululanan ni rizal sa paglunsad sa bapor espana. kunwa'naglilinis, at sa isang pagkakataon ay ibinulong sa ating bayani: kung kayo po'ibibilanggo, ay ililigtas namin kayo. kami'nahahanda. palibhasa'umaasa si rizal sa kalinisan ng kanyang budhi sa matapat na pakikisama niya sa pamahalaan noon, sumagot ng gayari: salamat. huwag ninyong gawin iya sa akin. bayaan ninyo'nalalaman ko ang aking gagawin. dahil dito, ang nais na yaon nina bonifacio ay di nga nangyari at sa gayo'napilitang magkasya na sa sarisarili nilang pamamatnugot ng katipunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"may mga palatuntunan ba ang paghihimagsik? iilan lamang, yaong lubhang kinakailangan sa mga unang pagkilos. pinasiyahan nila na ang magbabalita ng pagsalakay sa maynila, ay hihip ng mga tambuli mula sa mga bundok na kinaroroonan ng mga kawal. ang hudyatan upang magkakilanlan ang magkakapatid ay ang salitang balangay na dapat sagutin ng marikit. nang ika ng agosto, ay lumipat si bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa pook ng balakbak, nayon ng hagdangbato, at sa isang kamalig, ay kaniyang isinulat at ipinadala sa mga kinauukulan ang sumusunod na pahayag: mga maginoong namiminuno, kasapi at mga kapatid: sa inyong lahat ipinatutungkol ang pahayag na ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"totoong kinakailangan na sa lalong madaling panahon ay putlin natin ang walang pangalang panglulupig na ginagawa sa mga anak ng bayan, na ngayo'nagtitiis ng mabibigat na parusa at paghihirap sa mga bilangguan, na, sa dahilang ito'mangyaring ipatanto ninyo sa lahat ng mga kapatid na sa araw ng sabado, ika ng kasalukuyan, ay puputok ang paghihimagsik na pinagkasunduan natin, kaya'kinakailangang sabaysabay na kumilos ang mga bayan bayan at sabaysabay na salakayin ang maynila. ang sino pamang humadlang sa banal na adhikaing ito ng bayan ay ipinalalagay na taksil at kalaban, maliban na nga lamang kung may sakit na dinaramdam ang katawa'maysala, at sila'paguusigin alinsunod sa palatuntunang ating pinagiiral. bundok ng kalayaan, ika ng agosto ng . sinunod ba ng bayan ang pahayag na iyan? lahat ng nakabatid ay nagsisunod. kinabukasan nga ng gabi, ay nagkaroon na ng labanan sa buong paligid ng maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"nang ika ng buang ito ay nagkaroon na ng mahigpit na labanan sa balintawak, sa san juan del monte at sa iba pang pook. si bonifacio ay nagpakita ng di karaniwang katapangan at gayon din ang kanyang mga kasamahan. nasupil nila at naagawan ng ilang baril ang mga himpilan ng guardia civil. kaya noon din ay ipinasya ni general blanco, kataastaasang puno ng kastila dito sa pilipinas, na ipalagay na pook ng digmaan ang mga lalawigang maynila, bulakan, kapampangan, nueva ecija, tarlak, laguna, batangan at kabite, at iniutos na bantayang mahigpit ang mga mamamayan. ano pa ang ginawa ng pamahalaang kastila sa harap ng mga pangyayaring yaon? pinagdadakip ang lahat ng kilalang mason mga kamaganak at kaibigan nila at kinulong sa bilibid, sa fuerza de santiago at sa iba pang sukat kapiitan, gaya ng silong ng mga kuta (muralla) na nakakakulong sa loob ng maynila (intramuros).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang mga mayayamang katulad ng mga yangko (ama); roxas, zamora, bautista at iba'iba pa'pinaghuhuli at piniit sa bilangguan, at gayon din ang mga pilipinong napapatangi sa dunong at sa kabuhayan. ang mga kasapi sa katipunan, ay pinagdadakip din at pinahirapan sa loob ng bilangguan. palibhasa'nakilala na ang kaparaanang ginagawa sa pagsapi, dahil sa pagkatuklas ng binanggit na cura sa tundong si . mariano gil, lahat ng mga manggagawa sa mga pagawaan, ang mga lalaking lumalakad sa mga lansangan sa maynila at sa mga bayang katagalugan, ay isa isang nilililisan ng manggas ng baro ng mga guardia civil at veterana at tinitignan kung may piklat na gurlis at ibinibilanggo. may mga ilan na nagkasugat tinubuan kaya ng galis sa bisig, kahit na di sa lugal na kinukudlitan sa pagkuna ng dugo na inilalagda sa kasulatan ng panunumpa ng mga kasapi sa katipunan, ang ibinilango, pinahirapan at pinagbabaril sa bagumbayan (luneta) at sa loob ng mga bilanguan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang mga mayayama'mga marurunong na pilipino ay di lamang ang hindi kasapi sa katipunan kundi kasalungat pa mandin nito, bakit sila pinagdadakip at pinabaril ang ilan? si bonifacio rin at ang katipunan ang masasabing may kagagawan ng gayong panghuhuli. nang malaman ni bonifacio na ang mga mayaman at mga litaw na pilipino, ay ayaw sa paghihimagsik, siya'umisip ng isang paraan na ang mga ito'mapadamay sa paguusig sa mga taga katipunan . una, ay nang lalong masugatan ang puso ng mga taong bayan kung makitang pati ng mga mayayaman'mga litaw na kababayan ay pinipiit at pinagbabaril, at, ikalawa'higit sa una'nang sa gayon ay lalong lumagablab ang apoy ng paghihimagsik. anopa'sa kanyang pagkatunay na manghihimagsik, ang ibig ni bonifacio ay magkahalohalo na ang balat sa tinalupan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"kaya, nang mairaos na ang pulong na nagpasiya ng pagsalakay sa maynila, ay iniutos ni bonifacio kina emilio jacinto at guillermo masangkay na isabog sa ilang pook ng maynila ang mga kasulatan na sadyang inihanda ni bonifacio at nang mga alagad niya, na nagpapakilalang ang mga nangakalagda ay mga kinaalam at kasapi sa katipunan, bagaman ang totoo, ay hindi, at ang mga kasulatang yao'ginawa lamang at hinuwaran ang lagda ng ilang mga litaw na mayayaman at marurunong na pilipino nang sa gayo'mapasubo isubo sila sa ginampanang paghihimagsik ng bayang maralita, sa ikabubuti ng lahat. iyan ba'inihayag ni bonifacio sa lahat ng mga kasapi? ang ginawa niyang panghuhuwad sa mga lagdang binanggit ay hindi inihayag, nguni'talagang ipinababasa sa mga kasapi sa katipunan at ng sa gayo'lalong lumakas ang loob ng kaniyang mga alagad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"katunayan nito, ilan sa mga nahuli ang sa hirap sa mga pasakit ay nagturo ng nagturo sa ilang taong litaw, bagama'ang ilan sa mga isinigaw ay sa gawa na lamang ng higpit ng mga parusa. at ano ba ang mga parusang iginagawad sa mga hinuhuli? mahaba'ma'kahirapang isaisahin. ngunit ang karaniwan ay ang huwag pakanin ng maghamaghapon; paluin sa talampakan; palakarin sa munggo, ibitin ng patiwarik at biglang ibagsak; paluin ng palasan ng patihaya; duruin ng aspile ang kuko; inisin sa mga bartolina na maghamaghapong nakatayo; ilubog sa balon at makasandali'hanguin at iba'iba pa. sa katapustapusan ay barilin. sino sino ang mga pinagbabaril? hindi maaaring isiwalat. sa mga kasapi sa katipunan ay di na kailangan sabihin pa. nguni'ang mga unang ipinabaril ng pamahalaang kastila sa luneta noong ika ng septiembre ng ika at ng hapon, ay sina: sancho valenzuela, eugenio silvestre, modesto sarmiento at ramon peralta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang mga masong binaril sa maynila ay ito: jose rizal, domingo franco, numeriano adriano, moises salvador, luis. villareal, faustino villaruel, ramon padilla, jose dizon at antonio zalazar. sa mga lalawigan naman ang mga masong binaril pinatay (marami ang sa hirap ng mga parusa ay namamatay) sa gayon ganitong kadahilanan ay ang sumusunod: rosalio silos, sa mindanao; lauro dimayuga, sa batangan: domingo cecilio, ciriaco sarile, teodorico lagonera, pantaleon belmonte, quintin tinio, mamerto natividad, at marcos ventus sa nueva ecija: francisco tanedo at procopio hilario sa tarlak: leon hernandez sa kamarines; at ang ilan sa mga binaril sa kabite ay sina victoriano luciano, maximo inocencio, feliciano cabuco, eugenio cabezas, hugo perez, maximo gregorio, jose lallana, severino lapidario at alfonso ocampo. ilang panahon nagtagal ang paghihimagsik?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"mula ng ika agosto ng hanggang noong pumasok sa maynila ang hukbo ng mga amerikano noong ika ng agosto ng bagaman ng lagdaan ang pacto de biak na bato noong ika ng agosto ng ay nahinto ang labanan na inulit uli ng mayo ng taong sumunod, ng nagbalik dito si aguinaldo na buhat sa hongkong. dapat din sabihin na naririto na ang mga amerikano sa maynila, ay nakikipaglaban pa ang kawal ng paghihimagsik sa ilang bayan na hindi pa nahuhulog sa kamay ng mga pilipino at sa katunaya'ang ilan ay nagsisuko napasuko nang naririto na sa maynila ang hukbo ng amerikano. kailan dumating sa pilipinas ang mga amerikano? noon ngang unang araw ng mayo ng. nagbubukang liwayway ng nagsipasok sa look ng maynila ang mga sasakyang dagat na pangdima ng estados unidos at kapagkaraka'nilusob ang mga sasakyang dagat na pangdima ng mga kastila at mga ilang sandali lamang ay napipilan at napalubog itong mga huli.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"sa look ng maynila ay namalagi ang mga sasakyang dagat na nagwagi hanggang noong ika ng agosto ng na nilusob ng hukbong amerikano ang maynila at sa kanila isinuko ang bayang ito ng mga maykapangyarihang kastila ng araw ding yaon. at ang hukbo ng katipunan, ay ano ang ginawa ng araw na yaon? dapat munang sabihin na hindi na hukbo ng katipuuan ang maitatawag sa mga kawal na yaong nagsipaghimagsik, sa dahilan noon ika ng mayo ng nang si emilio aguinaldo, ay magbalik sa kabite na galing sa hongkong (ika ng mayo, ay itinanghal niya ang kasarinlan ng pilipinas, na siya ang pinaka dictador, kundi hukbo ng pamahalaang pilipinong naghihimagsik. noong ika ng hunyo ng ay inihayag at itinanghal naman sa kawit ang uri ng pamahalaang sarili ng sangkapuluang pilipinas at susog dito'itinatag ang pamahalaang pilipinong naghihimagsik, na ang pangulo ay si emilio aguinaldo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang mga kawal nga nito, ay nangakarating at nagsihimpil hanggang sa mga nayon ng maynila, gaya ng gagalangin, cervantes, sampalok, santa mesa, pako at ermita, kasabay halos ng hukbong amerikano na nagsipasok ng ika ng agosto ng. ano pa ang nangyari? ang hukbo ng estados unidos, ay nasa maynila at kabite (kabayanan) at ang hukbong pilipino nama'siya ngang sumasakop sa mga bayanbayan at nakikipaglabanan pa sa hukbo ng mga kastila doon sa ilang bayang nasa kamay pa ng mga ito. nang ika ng septiembre ng ay idinaos sa simbahan ng barasoain, malolos, ang unang kapulungang bayan na binubuo ng kinatawan ng mga lalawigan ng sangkapuluang pilipinas. nang ika ng nobyembre ng taon ding ito ay pinagtibay ng kapulungang sinabi ang panguluhang batas (constitucion) na paiiralin sa pilipinas at ng ng enero ng ay inihayag na'pinairal ang binanggit na panguluhang batas at tuloy itinanghal ang republica filipina sa simbahan ng barasoain, malolos. bakit namayani sa pilipinas ang hukbo ng estados unidos?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ganito ang nangyari: nang ika ng disyembre ng ay pinagkasunduan ng espana at estados unidos ang paghinto ng kanilang digmaan, na nagmula ng buwan ng abril ng. ang linagdaang yao'pinagtibay ng senado ng estados unidos ng ika ng pebrero ng. sa kasunduang ito'ipinagkaloob ng espana sa estados unidos ang sangkapuluang pilipinas. nang ika ng enero ng ay iniutos ng pangulong mckinley ng estados unidos sa kay general otis na siyang namiminuno sa hukbong amerikano sa pilipinas na ipakilala sa mga pilipino ang kapangyarihan ng estados unidos dito. ang pamahalaang pilipino ay tumutol at ayaw kilanlin ang nasabing kapangyarihan at karakaraka'inihanda ang mga kawal sa pakikibaka. lahat ng katwiran ng isang bayang natutong maghimagsik ay ginamit. nang kagabihan ng ika ng pebrero ng isa sa mga pinuno ng hukbong pilipino ang ibig bumagtas sa tulay ng san juan del monte, nguni'siya'binaril ng nakabantay doon na isang sundalong amerikano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"dito na nagsimula ang pakikibaka ng hukbong amerikano laban sa hukbong pilipino na nagtagal ng ilang taon, hanggang sa napipilan ng lakas ng malaki at mayamang estados unidos ang kamuraan at kahinaan ng republica filipina. kailan lamang nagsisuko ang lahat ng ating kawal? baga ma'si emilio aguinaldo ay nadakip ng ika ng marso ng sina general lukban, sa samar, at si malvar, sa batan an, ay nagsilaban pa at nagsisuko na lamang na kasama ang kanilang mga kawal ng talagang supil na supil na ng kalaban at wala ng makain. ang una'sumuko ng pebrero ng at ang ikalawa ay ng hunyo ng tinuran ding taon. samakatwid ang panghihimagsik ng katipunan ng agosto ng ay siyang pinanggalingan ng hukbo ng pilipino at siyang ginamit sa pagtatatag ng republica filipina? at salamat sa paghihimagsik na yaon ay taas ang noo ng bayan natin sa paghingi ng kalayaan at kasarinlan. anopa'ang isang bayang natutong maghimagsik dahil sa kanyang kasarinlan ay karapatdapat na mabuhay ng malaya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"lahat ba'kumikilala sa kadakilaan ng ginawa ni bonifacio at ng katipunan ukol sa bayan? nang mga unang araw ay hindi, lalunglaluna ang mga pusakal niyang kalaban na mga fraile. sa pahayagan ng mga ito na ang pamagat ay libertas ay sinabing kung ipagtatayo, raw ng monumento si andres bonifacio ay mapanganganlang monumento al crimen, at ang mga heswita nama'ipinalalagay na ang ama ng katipunan ay isang criminal sa kasaysayan ng pilipinas na itinuturo nila sa mga bata sa ateneo de manila. ito'tinutulan ng mga pahayagang pilipino at ng ilang mga litaw na kababayan. ano ang ginawang parangal ng bayan kay bonifacio at sa katipunan mula ng taong sa isang pook nitong maynila, sa daang alvarado, ay nagdadaos taon taon ng parangal na alaala sa ama ng katipunan. untiunti ay lumalaki ang ginagawang yaon at lumalaganap sa ibang mga pook ng tundo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"nang ika ng septiembre ng sa balak ng mga pahayagang tunay na makabayan na el renacimiento at muling pagsilang at sa pagaambagambagan ng mga taong bayan, ay itinayo ang bantayog sa balintawak, na bilang alaala sa mga bayani ng panghihimagsik ng. ang legislatura filipina naman, sa balak ng kapulungang bayan, ay naglaan na ng salaping igugugol sa isang bantayog sa nayon ng kalookan na kahahangganan ng daang avenida rizal, bilang alaala at pagbubunyi ng bayan kay andres bonifacio. at noong ika ng nobyembre ng ang senador lope. santos, ay nagharap sa senado ng isang mungkahing kautusan na itinatakdaang araw na pangilin ang ika ng nobyembre, bilang alaala sa araw na iyan na kapanganakan ni andres bonifacio. pinagtibay naman ng legislatura filipina at ang bilang ng batas ay . kaya, mula noong ika ng nobyembre ng taong ay ginagawa ng pangilin ang araw na ito sa taon taon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"sa gayo'napagtibay na ng mga tunay na kinatawang bayang nagsisibuo ng senado at ng camara de representantes; ang mahalagang utang ng sangbayanang pilipinas kay andres bonifacio at sa kataastaasan kagalanggalang katipunan ng mga anak ng bayan, na pinagmulan ng tagumpay ng minimithing kasarinlan sa puso ng lahat. kailan namatay si bonifacio at ano ang ikinamatay? ang mga tanong na iyan ay mahabang salaysayin. gayon man, ay pagaralan nating ipatanto ang ilang bagay ukol sa pagkapatay sa kanya. sa dahilang hindi nagkakaisa noong mga unang buan ng taong ang mga pinuno ng paghihimagsik, na nasa sa kabite, na sina bonifacio, aguinaldo at iba pa ukol sa mga kaparaanan ng kanilang ginagampanan, ay nagkaroon ng mga hinanakitan sa loob ang isa'isa. ang hinanakitang yao'isinaysay ni bonifacio na rin sa dalawa niyang sulat kay emilio jacinto, na ginawa sa naik ukol sa ika ng abril ang isa at ang isa nama'ukol sa ika ng buan ding ito ng taong na yari sa limbon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"anopa'sa ikalawang sulat ay sinasabing siya'mayhinala na sina aguinaldo at ang mga kapangkat nito'ibig isuko ang buong revolucion. isang balitang nakasusuka ang wika ni bonifacio sa sulat niyang ito kay. jacinto ay ang kataksilan ng mga namiminuno sa magdalo . sila'napasakop sa kapatawaran (indulto) kumampi sa mga kastila. ang tinurang mga puno ay sina: daniel tirona, ministro de la guerra; jose del rosario, ministro del interior; jose (?) cailles, teniente general, at ang iba pang mga taga tansa at pati ng cura roon, na mga alipuris ni kapitang emilio. nang ay may dalawang pangkat sa lalawigang kabite na nagsisipamatnugot sa paghihimagsik doon. magdalo ang pamagat ng isa na pinangunguluhan ni baldomero aguinaldo (kapatid ni kapitang emilio), at ang isa nama'pinamagatang magdiwang, na pinangunguluhan naman ni mariano alvarez.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang nasasakupan ng una'ang mga bayang kawit, imus, bakood, perez dasmari nas, silang, mendez nunez at amadeo, at ang nauukol naman sa huli'ang iba pang mga bayan ng tinurang lalawigan. nang makapasok na ang hukbo ng mga kastila sa maraming bayan ng kabite, mula ng mapatay ang bayaning si evangelista sa sapote, ng ika ng pebrero ng ang pangkat na magdalo ay umurong sa san francisco de malabon at umanib sa pangkat na magdiwang. at upang magkaroon ng pagkakaisa sa pamamatnugot ng paghihimagsik doon, noong ika ng marzo ng ay nagdaos ng isang pulong silang mga nagsisibuo ng dalawang pangkat upang itatag ang isang pamahalaang tagapamatnugot ng paghihimagsik sa casa hacienda sa tejeros. ang nangulo ay si andres bonifacio na rin. bago idaos ang halalan ng mga magsisibuo ng tinurang pamahalaan ay ipinatalastas ni bonifacio na, anoman ang kalabasan, ay kaniang igagalang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ginawa ang halalan at ang kinalabasan ay ito: emilio aguinaldo, pangulo; mariano trias, ikalawang pangulo; pangulong hukbo, artemio ricarte; taga pamatnugot ng digma, emiliano riego de dios; at si bonifacio ay director del departamento del interior. si bonifacio ay hindi tumutol sa kinalabasan ng halalan; ngunit si daniel tirona, ay tumutol sa pakakahalal kay bonifacio, at ipinalagay na dapat ihalal si jose del rosario sa tungkol na pinaglagyan kay bonifacio, pagkat ang taong kanyang ipinalalagay ay lalong maykaya kay sa napahalal, sa tungkuling hahawakan. dito, umano, nagpakita ng hinanakit at poot si bonifacio. nagkaroon ng mga kasulatan ng pagtutol sa halalang binanggit sa una. may mga tutol na linagdaan nina andres bonifacio, procopio bonifacio, mariano trias, pio del pilar, artemio ricarte at severino de las alas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"makalipas araw, ay naapula rin ang tutulan at ang isa'isa sa mga nahalal at sampu ng mga pinunong sakop ng pamahalaang yaon, ay paraparang nagsisumpa ng kanikanilang tungkol. sa sama ng loob, ang ginawa ni bonifacio at ng dalawa niyang kapatid na sina procopio at ciriaco ay nilisan ang kabite at pumatungo sa mga bundok ng san mateo. sila'hinabol ng mga kawal ni aguinaldo. napatay ang kapatid niyang si ciriaco. si andres bonifacio ay nagkaroon ng tatlong sugat at siya'binihag ng mga humabol sa kanila pati ng isa niyang kapatid. dinala sila sa naik at pagkatapos sa marigundong. tatlo naman ang nasugatan sa nagsihabol. at ano ang ginawa sa kanila? sa bundok buntis sila inihantong. isang hukom ng digma ang itinatag upang ang magkapatid ay mahatulan sa ibinubuhat na kasalanang umano silang dalawa'nagtatayo ng isang lakas na isasalungat sa paghihimagsik at nag sisiiwas sa pamahalaan ng paghihinmagsik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang tinurang hukom, ay pinangunguluhan ng binitay na si general noriel at ang iba pang nagsisibuo, ay sina clemente. zulueta; pedro lipana, juez instructor; santos nocon, fiscal; at mga saksi ay sina agapito bonzon at pedro sison. ang tagapagtanggol ni andres bonifacio ay si teodoro gonzalez, na naging kalihim niya. ang naging hatol ng hukuman ay ipadala silang magkapatid sa pook ng look, batangan, upang doon sila mamalagi. datapwa, dahil, umano, sa matinding pagsalakay ng hukbo ng mga kastila at sa mahigpit na kahilingan ng marami na di kaayon ni bonifacio, ang magkapatid, ay binaril sa bundok buntis, noong ika ng mayo ng isang araw bago mapasok ng hukbong kastila ang marigondong. malaking pagdaramdam ang naghari sa lahat, ng mabalitaan ang naging wakas ng buhay ng ama ng katipunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"gayon man, ay hindi rin nagkapangkatpangkat ang mga kawal ng paghihimagsik at ang lahat ay kumilala sa mga nahalal na pinunong nagsisipamatnugot ng paghihimagsik sa ilalim ng kataastaasang pangungulo ni emilio aguinaldo. may mga iba pang balita ukol sa nangyaring iyan kay bonifacio.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"datapwa, sa ganang atin, ay maaring buuin ang mga pangyayaring yaon ukol sa pagkamatay niya, sa ganito: na, sina bonifacio at mga kapatid ay hindi kaayon nina aguinaldo at mga kapangkat nito at ang gayo'pinagmulan ng samaan ng loob ng isa'isa; na, ang samaan ng loob na yaon, ay tumimo sa puso ni bonifacio, pagkaraan ng halalang ginawa ng mga tagapamatnugot ng paghihimagsik; na, si bonifacio ay humiwalay sa pamahalaang yaon, at ayaw kilanlin at sila'lumaban sa humabol sa kanila; na, siya'hinatulan ng isang sadyang hukuman ukol sa mga panahong yaon, at siya'ang kanyang kapatid, ay binaril sanhi sa mga kadahilanang nabanggit na; at bagaman nangyari ang mga malulungkot na bagay na yaon, ang pamahalaang tagapaghimagsik na binanggit, ay kinilala ng mga pinamamahalaan at ng madlang kampon; at ang paghihimagsik na siyang pangunahing layon ni bonifacio, ay naganap nga. ano ang palapalagay hinggil sa pakakapatay kay bonifacio?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"hindi nagkakaisa ang lahat sa kanilang kuro at palagay ukol sa pagkapatay na yaon sa ama ng ating paghihimagsik. nagkakasalungatan at nagkakaiba. may nagsasabing tumpak at may nagsasabing hindi. si jose clemente zulueta ang siyang, umano, nagsabi, na kailangan sa ikapagtatagumpay ng paghihimagsik ang pagkapatay kay bonifacio, ng mga panahong yaon at ang kilalang mananalaysay na si epifanio de los santos, sa kanyang isinulat ukol kay bonifacio, na pinagkunan ng ilang mahalagang salaysay ng munting aklat na ito, ay wari'nagpapakilala ng pagsang ayon sa kurong yaon ni zulueta; subali'si mabini, ang dakilang lumpo, ay kasalungat. anito sa kanyang talaang ukol sa paghihimagsik: sino mang sumuri ang wika ni mabini ay walang matatagpuang bahagya mang katwiran na sukat magpagaan sa inasal na yaon ni aguinaldo (kay bonifacio).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"si andres bonifacio ang patuloy ay di maipalalagay na may mababang kakayahan at dunong sa sinoman sa mga napahalal sa pulong na yaon, (halalan ng ika ng marzo, bagkus pa ngang nagpakita ng katalinuhan at kakayahang di karaniwan sa kanyang pakakapagtatag ng katipunan . lahat ng mga manghahalal ay paraparang mga kaibigan ni. emilio aguinaldo at ni. mariano trias na nangagkakaisa, samantalang si bonifacio ay pinagaalinlanganan, bagama'nagpakilala ng isang malinis na kaugalian, dahil lamang sa siya'hindi taga kabite; iyan, ang sanhi ng kanyang hinanakit. ganoon pa man, ang paghihinanakit na ito ni bonifacio ay di niya ipinakilala sa anomang marahas na pagtutol, at sa katunaya'ng makita niyang sinoma'di nagsusumakit sa ikapagkakasundo nila, ay nagkasya na lamang sa pagalis sa lalawigan ng kabite upang tumungo sa san mateo na kasama ang kanyang mga kapatid. kung aalagatain na si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"aguinaldong nahalal na pinuno, ay siyang kaunaunahang dapat managot sa di paggalang at pagsunod sa pangulo ng katipunan na kanyang kinasasaipan; kung gugunitain na ang pagkakasundo nila ay siyang tumpak na lunas sa mahigpit at maselang katayuan ng paghihimagsik, ang sanhi ng pagkakapatay (kay bonifacio), ay di maaring ipalagay kundi isang hangarin lubhang nakasisirang puri doon: sa ano'paano man ang gayong kapaslangan ay siyang kauunaunahang tagumpay ng pagiimbot laban sa tunay na pagibig sa bayan. sa pagaalaalang baka hindi namin naisalin sa wikang sarili ang tunay na kahulugan ng mga pangungusap ni mabini, ay sipiin nating buongbuo ang kanyang sulat sa wikang kastila, na anya': la critica no encuentra justificacion ni siquiera atenuante para esta conducta del sr. aguinaldo. andres bonifacio no era menos instruido que cualquiera de los elegidos en la reunion mencionada, habia demostrado sagacidad no comun organizando el katipunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"todos los electores eran amigos de don emilio aguinaldo don mariano trias que estaban unidos, mientras que bonifacio era mirado con desconfianza, pesar de haber demostrado un caracter integro, solamente porque no era de la provincia; asi se explica su resentimiento. sin embargo esto no se manifesto por ningun acto de violenta oposicion, pues, viendo que nadie trabajaba por la reconciliacion, se contento con salir de la provincia para san mateo en compania de sus hermanos. cuando se considera que el sr. aguinaldo, jefe elegido, habia sido el primer responsable de insubordinacion al jefe del katipunan que pertenecia como miembro: cuando se reflexiona que la reconciliacion era la unica solucion apropiada al estado critico de la revolucion, el movil del asesinato no puede atribuirse sino sentimientos que altamente deshonran aquel: de todos modos semejante crimen constituye el primer triunfo de la ambicion personal contra el verdadero patriotismo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"sa harap naman ng matipuno at may katulisang mga pangungusap na iyan ni mabini, ay naito ang ilang katotohanan. sa sariling talaan ng asawa ni bonifacio, na ang sagisag ay lakambini, na ipinadala kay emilio jacinto, ay sinasabing si coronel agapito bonson, ay siyang sa boong pitagan ay umanyaya sa kanyang asawa, upang magawa ang pakikipagkasundo, anyaya ito na tinanggihan ni bonifacio. si antonio guevara naman, isa sa mga kaayon ni bonifacio, sa isang sulat, kay emilio jacinto buhat sa laguna, ika ng mayo, ay nagsasabing sina coronel intong at iba pang puno ay nagsadya sa bahay ni bonifacio, upang hikayatin ito na mili ng bayang ibig niyang karoroonan ng sa gayo'huwag silang magkahiwahiwalay. hindi tinanggap ang gayong anyaya at payo, at sumagot ng ganito: patatawarin ninyo kundi ko matanggap ang inyong anyaya sa akin. di na ako manunumhalik kailan man, pagka'hindi ko na matitis ang mga ginawa sa akin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"una'pinagdadamutan kami sa kakanin, at ano ang aking gagawin sa mga balo'nangaulila, ang mga anak at mga asawa, na nangatira dahil sa labanan sa malabon at nobeleta? inaakala ko ang patuloy na kung sa inyo mangyayari ang mga bagay na ito at buo ang inyong mga puso, kayo mang iyan, ay aabutin din ng yamot at hinawa. ikalawa: naririnig ko rian na ako raw ay isang taong walang kabuluhan dito sa lalawigan ng kabite at sa gayo'dapat akong huwag kilalanin. sa ganito nga, ang marapat ay lisanin ko ito, yayamang di mawawalan ng maaawa sa akin sa mga lalawigan ng maynila, bulakan al nueba esiha. ang sagot ng mga kausap ay, kung gayon, ay kami'magsisiuwi na pagka'ang mga tao nami'hindi pa nagsisikain. katotohanan din naman na, kung napipilan ang paghihimagsik sa lalawigan ng kabite, ay nakaganti naman sa pagsalakay na ginawa sa mga kaaway sa batangan, laguna, rizal, bulakan, bataan, nueba esiha, kapangpangan, tarlak, pangasinan, at iba pa. ito'nangyari pagkatapos nang mapatay si bonifacio.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"sa makatuwid, ang pagkakaisa ay di nasira ng gayong napakalungkot na pagkitil sa buhay ng ama ng paghihimagsik. parapara pang nangagkaroon ng ibang tapang, ayon sa mga nagawang pagpapagupo sa hukbo ng mga kastila, na natatala sa kasaysayan, hanggang sa napilitang kilanlin ng pamahalaang kastila ang pamahalaan ng paghihimagsik sa tinatawag na kasunduan sa biak na bato. gaya ng sinabi na, mahabang salaysayin ang buong pangyayari hinggil sa pagkamatay kay andres bonifacio. nguni'sa ano'paano man, ay minsan pang napatunayan na ang mga dakilang bayani ng isang bayan ng isang adhikang matayog na pangpatubos, katulad ni andres bonifacio, ay karaniwang namamatay sa hindi talaga ng dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"at napatunayan din naman ang pagibig sa tinubuan ng mga kawal ng katipunan at gayon din ng bayan sa pagsunod sa iisang pamamanihala, bagama'kinitlan ng buhay ang nagsikap, nagmunakala at nagsimula ng paghihimagsik, at iyang kalinisan ng adhika ng mga taong bayan sa pakikibaka dahil sa ikalalaya ng lupang sarili, ay napatampok hanggang sa naihatid sa tagumpay ang bayan. samantala'pabayaan na natin ang istorya na di maaaring magbulaan at pabulaanan na maalam maggawad ng marahas na parusa sa sinomang sa kanya'magkulang, ang siyang magpasya sa pagkamatay na iyan ng dakilang dukha ng ating lahi. may mga sulat bang naiwan si bonifacio?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"mga pahayag ukol sa paghihimagsik, ang dapat mabatid ng mga tagalog, ang pagibig sa tinubuang bayan, (tula) at iba pa. nguni'ang lalong pinakamahalaga, bukod sa palatuntunan at mga aral ng katipunan, at ang katungkulang gagawin ng mga anag ng bayan, ay ang huling paalam ni rizal, na kanyang isinatagalog sa gitna ng pagdadagundong ng paghihimagsik, na siyang inaawit ng ating mga kawal ng sila'nakikipaglaban sa kastila. naito ang pahimakas ni rizal na isinatagalog niya:. pinipintuho kong bayan ay paalam, lupang iniirog ng sikat ng araw, mutiang mahalaga sa dagat silangan, kalualhatiang sa ami'pumanaw. masayang sa iyo'aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging maringal man at labis alindog sa kagalingan mo ay akin ding handog. sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'ang buhay na kipkip, walang agam agam, maluag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahapis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"saan man mautas ay di kailangan, cipres laurel, lirio ma'patungan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling ng bayan. ako'mamatay, ngayong namamalas na sa silanganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap. ang kulay na pula kung kinakailangan na maitim sa iyong liway way, dugo ko'isabog at siyang ikinang ng kislap ng iyong maningning na ilaw. ang aking adhika sapul magkaisip ng kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsan masilip sa dagat silangan hiyas na marikit. natuyo ang luhang sa mata'nunukal, taas na ang noo'walang kapootan, walang bakas kunot ng kapighatian gabahid man dungis niyong kahihiyan. sa kabuhayang ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa nasa ay guminhawa ka ang hiyaw ng diwa pag hingang papanaw ngayong biglang bigla. ikaw'guminhawa laking kagandahang ako'malugmok, at ikaw ay matanghal, hininga'malagot, mabuhay ka lamang bangkay ko'masilong sa iyong kalangitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"kung sa libingang ko'tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak, sa manga labi mo'mangyaring ilapat, sa kaluluwa ko halik ay igawad. at sa aking noo nawa'iparamdam, sa lamig ng lupa ng aking libingan, ang init ng iyong pag hingang dalisay at simoy ng iyong pag giliw na tunay. bayaang ang buwan sa aki'ititig ang liwanag niyang lamlam at tahimik, liwayway bayaang sa aki'ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis. kung sakasakaling bumabang humantong sa cruz ko'dumapo kahi'isang ibon doon ay bayan humuning hinahon at dalitin niya payapang panahon. bayaan ang ningas ng sikat ng araw ula'pasingawin noong kainitan, magbalik sa langit ng boong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. bayaang sino man sa katotong giliw tangisang maagang sa buhay pagkitil: kung tungkol sa akin ay may manalangin idalangin bayan yaring pagka himbing. idalanging lahat yaong nangamatay, nangagtiis hirap na walang kapantay; mga ina naming walang kapalaran na inahihibik ay kapighatian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ang mga bao'pinapangulila, ang mga bilangong nagsisipag dusa: dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong, ikagiginhawa. at kung ang madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libingan', tanging mga patay ang nangag lalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. ang kanyang hiwaga'huwag gambalain: kaipala'maringig doon ang taginting, tunog ng gitara'salterio'mag saliw, ako. bayan, yao', kita'aawitin. kung ang libingan ko'limot na ng lahat at wala ng kruz at batong mabakas, bayang linagin ng taong masipag, lupa'asarolin at kanyang ikalat. at mga buto ko ay bago matunaw maowi sa wala at kusang maparam, alabok ng iyong latag ay bayaang siya ang babalang doo'makipisan. kung magka gayon na'aalintanahin na ako sa limot iyong ihabilin pagka'himpapawid at ang panganorin mga lansangan mo'aking lilibutin. matining na tunog ako sa dingig mo, ilaw, mga kulay, masamyong pabango, ang ugong at awit, pag hibik sa iyo, pag asang dalisay ng pananalig ko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"bayang iniirog, sakit niyaring hirap, katagalugang kong pinakaliliyag, dingin mo ang aking pagpapahimakas: diya'iiwan ko sa iyo ang lahat. ako'patutungo sa walang busabos, walang umiinis at verdugong hayop: pananalig doo'di nakasasalot, si bathala lamang doo'haring lubos. paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa'dibdib mga kaibigan bata pang maliit sa aking tahanan di na masisilip. pag pasalamatan at napahinga rin, paalam estrangerang kasuyo ko'aliw. paalam sa inyo mga ginigiliw: mamatay ay siyang pagkagupiling! dekalogong sinulat ni andres bonifacio ibigin mo ang dios ng boong puso. pakatandaang lagi na ang tunay na pagibig sa dios ay siya ring pagibig sa tinubuan, at iyan din ang pagibig sa kapwa. itanim sa iyong puso na, ang tunay na kahalagahan ng puri'kaginhawahan ay ang ikaw'mamatay dahil sa ikaliligtas ng inang bayan. lahat ng iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw'may hinahon, tiyaga, katwiran at pag asa sa iyong inaasal at ginagawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"pagingatan mo, kapara ng pagiingat sa sariling puri, ang mga pasya at adhikain ng... katungkulan ng lahat na, ang nabibingit sa malaking kapahamakan sa pagtupad ng kanyang tungkulin ay iligtas sukdang ikapariwara ng sariling buhay at kayamanan. ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad ng ating tungkol ay siyang kukunang halimbawa ng ating kapwa. bahaginan mo ng iyong makakayanan ang sino mang mahirap at kapus palad. ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na sanhi ng pagibig, pagmamahal sa sarili, sa iyong asawa'mga anak, sa iyong kapatid at mga kababayan. parusahan ang sinomang masamang tao'taksil at purihin ang mabubuting gawa. dapat mong paniwalaan na ang tinutungo ng... ay mga biyaya ng dios; na anopa'ang mga ninasa ng inang bayan, ay mga nasain din ng dios. salin ng nasa sa wikang kastila . ika ng marzo kaunaunahang pagdatal sa pilipinas ng mga kastila. ika ng nobyembre kapanganakan kay andres bonifacio.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ika ng pebrero, pagbitay kina gomez, burgos at zamora. ika ng hunyo, paglunsad ni rizal sa maynila. ika ng hulyo pagkakapabilanggo kay rizal ni general despujol, sa fuerza de santiago. ika ng hulyo pagkakatatag ng katipunan. ika ng enero, pagkakahalal sa mga magsisibuo ng panguluhan ng katipunan. ika ng enero, unang labas ng pahayagan ng katipunan na ang pamagat ay kalayaan. buwan ng mayo, sinugo ni bonifacio si dr. valenzuela kay rizal. ika ng hulyo, sulat ng pinuno ng sibil na si sityar sa mga pinunong kastila sa maynila. ika ng agosto, paglunsad ni rizal sa maynila buhat sa dapitan. ika ng agosto, tinangka ng mga katipunan na iligtas si rizal. ika ng agosto, sulat ng cura sa sampiro kay luengo. ika ng agosto pulong na idinaos ng katipunan sa kankong. ika ng agosto pagkatuklas ng katipunan ni. mariano gil. ika ng agosto, paglipat nina bonifacio sa balakbak. ika ng agosto, pagkalagda ng pahayag sa paghihimagsik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ika ng agosto, pasyang pagsimula ng paghihimagsik, na iniuutos sa pahayag ni bonifacio. ika ng agosto pagkakalabanang mahigpit ng mga katipunan at kawal ng kastila sa balintawak at iba pa. ika ng agosto araw na ipinasyang pagsalakay sa maynila. ika ng agosto ipinasya ni general blanco na gawing pook ng digmaan ang mga lalawigang maynila, bulakan at iba pa. ika ng septiembre kaunaunahang mga ipinabaril ng mga kastila. ika ng pebrero, pagkakapasok ng mga kastila sa sapote. ika ng pebrero, pagkapatay kay evangelista. ika ng marzo halalan sa casa hacienda sa tejeros, kabite. ika ng abril, sulat ni bonifacio kay emilio jacinto. ika ng mayo, sulat kay emilio jacinto ni antonino guevara. ika ng mayo pagkabaril kay bonifacio at sa kanyang kapatid na si procopio. ika ng agosto kasunduan sa biak na bato. abril, pagsimula ng digmaan ng espana at estados unidos. ika ng mayo, pagkakapalubog ng mga pangdigmang dagat ng mga amerikano sa mga pangdigma ng mga kastila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"ika ng mayo, paglunsad ni aguinaldo sa maynila, buhat sa hongkong. ika ng mayo pagtanghal ng paghimagsik at pagiging dictador ni aguinaldo. ng hunyo, pagkukatanghal ng uri ng pamahalaang sarili. ika ng agosto pagsuko ng maynila sa mga amerikano. ika ng septiembre pagkakaraos ng unang kapulungang bayan ng pamahalaang sarili sa malolos. ika ng nobyembre, pagkakapagtibay ng pangulong batas (constitucion). ika ng disyembre, paghinto ng digmaan ng espana at estados unidos. ika ng enero, pagkakapagutos ng pangulong mckinley na ipakilala sa mga pilipino ang kapangyarihan ng estados unidos. ika ng enero pagkakatatanghal ng republica filipina sa malolos. ika ng pebrero simula ng labanan ng mga amerikano at pilipino. ika ng pebrero, pagkakapagtibay ng senado ng estados unidos sa kasunduan ng bayang ito at ng espana ukol sa pilipinas. ika ng marzo pagkakadakip kay emilio aguinaldo. abril, simula ng hayagang pagpaparangal kay bonifacio sa daang alvarado. pebrero, pagsuko ni general lukban.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Hermenegildo Cruz,"hunyo pagsuko ni general malvar. ika ng septiembre pagtatayo ng bantayog sa mga bayani ng. ika ng nobyembre, paghaharap in senador lope. santos, ng bill ukol sa kaarawan ni bonifacio na ngayo'batas na blg. ika ng nobyembre simula ng pagiging araw na pangilin, alangalang kay bonifacio. ang kartilyang makabayang ito, ay ginawa sa palimbagan ni juan fajardo, daang avenida rizal santa cruz, maynila. sinimulan ang paggawa ng ika ng nobyembre ng at natapos ang paglimbag nang ika ng tinurang buwan at taon. ang sipi na sadyang balat paraparang sadyang papel",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"lahat ng buhay ay nagtatapos sa mapanglaw na kamatayan. lahat naman ng samahan ay nagwawakas sa masaklap na paghihiwalay. ang lakad na ito ng kalikasan ay talagang di na mababago ngayon at sa haharapin. nguni'ang sanla ng pagaalaala, sagisag ng pagmamahal, ay di kumukupas kailan man. bagkus lalong nagiibayo habang tumatagal, ang tingkad at uri ng katuturan. paano'walang pagmamahal na napariwara. ang kalakhan ng aking pananalig, na walang pagaalaalang nasawi, ay siyang nagutos sa akin, ng paghahandog ko ng maralitang akdang ito, sa inyong kapitapitagang mga bakas; saksi ng aking pagmamahal. inihahandog ko sa inyong mga yapak, hindi upang kayo ay aralan, kung hindi upang aliwin ang inyong mga pusong laging nangangarap ng biyayang dulot ng pagibig. at sino ako sa harap ng makikislap na bituin? ako ang mangangaral? ni sa panaginip ay hindi mangyayari!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kailangang masaulo ko ang dunong ng sangkatauhan; kailangang matarok ko ang lihim ng sangkalangitan; kailangang ako ay maging araw muna, bago ako lumuklok sa matayog na karangalang guro ng mga bituin. at sapagka'hindi mangyayari ang ginto kong guniguni, ay manulos na lamang tayo, sa ang ay inihahandog ko sa inyo, tanda pang minsan ng aking pagmamahal. inihahandog ko rin naman sa inyo, upang kung kayo ay umaawit na ng bagong buhay, ay magunita man lamang, na kayo ay naging bituin ng kami naman, sulo na tumanglaw sa landas na binagtasan ng masisikap na kawal ng kilusan ng mararalita. at mapagukulan nawa ninyo ng dukha mang alaala ang mga nasawi sa pagsisigasig na itanghal ang bayang mahirap. sa gayon ay mabibilang tayo sa boong sangsinukob na humahanga at nagdadangal sa mga pinagpala dahil lamang sa pagsisikap na buhayin ang naghihingngalong pagkakapatiran. maging dapat nawa sa inyong kadakilaan!. nakikipagkapatiran, fausta cortes.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"pagpipilitan naming bakahin ang lalong masamang sakit ng tao: ang sakit na nagbabagsak ng mga banal na layon at dakilang pangarap; sakit na lalong mabisa sa pagpatay sa naghihingngalong pagkakapatiran at pipilitin naming sa ibabaw ng sakit na iyan, ay magluningning ang tagumpay ng wastong ugali, ang paggalang at pagibig ng tao sa tao. mga pangungusap ni. angel de los reyes, pangulo ng kami naman, sa talumpating binigkas nito sa pagtatanghal ng samahan, noong ika ng oktubre,. ang kapanglawang naghari ng gabing yaon sa isang nayon ng pako ay binulahaw ng pagtapat ng ilang pusong namamandaw ng kapwa puso. noon ay isa sa mga gabi ng enero; gabing napakalungkot, palibhasa'mangilangngilang bituin lamang na nagbabansag ng kadakilaan ng diyos, ang nagaantilaw sa nagtatampong langit. ang buwan noon ay nagmaramot ng kanyang liwanag, at aywan kung saang sulok ng kalawakan nagkubli ang kaibigan ng gabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"samantalang ang mga kuliglig at panggabing ibon ay umaawit ng tagumpay, ang mga bulaklak naman ay ipinagpapalalo ang kanilang bango, alindog, at halimuyak. nguni', sa lahat ng ito ay namamaibabaw ang tinig ng mga kalulwang idinadaing ang pagirog, gayong ang bahay na tinatapatan ay waring libingang lahat ay natatahimik. natapos ang pangbungad na tugtog. isinunod naman ang isang magandang gabi pong kundiman. at dito'tinawagan na ang dalagang pinipintuho. sa pamamagitan ng malalambing na tinig, ay naunawa ng lahat ng doroon, na si dolores pala ang dinadaingan. pagkatapos ng kundimang yaon, ay siya nang pagbubukas ng langit. ang lapat na durungawan ng bahay na tahimik ay nabuklat. isang diwata ng bagong panahon, isang bituing mayaman sa ganda, ay siyang tumanglaw sa mga pusong mapagpuyat; nagsabog ng liwanag at tuwa. magandang gabi po! ang magalang na bati ng lahat ng na sa lupa. magandang gabi po naman! ang magiliw na tumbas ng binibini tuloy kayo!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang bahay na may kaliitan ay nagsikip sa labing tatlong kalulwang umakyat sa langit. ilang sandali lamang ang nakaraan at namayani na naman ang bigwela, biyolin, bandurya at plauta. ang kanilang tunog na tagapagtaboy ng hapis, ay minsan pang nagtanghal ng gilas. sa isang dako naman ng harapang yaon, ang magandang si dolores, ay nagsasabog ng kanyang yaman: ng dilag at hinhin. ang maayos na tabas ng mukha ay napapatungan ng maiitim na buhok. ang mapupulang pisngi ay tumatapat sa matingkad na itim ng kilay. malalagong pilik mata ang nagaalaga sa maamong malas. isang katatagang tangos ng ilong ang nagmamalaki sa madugong mga labi. at nagiinamang mga ngipin ang bakod ng katamtamang bibig na binubukalan ng magigiliw na pananalita. samantalang ang mga kaharap ay isinasaloob ang pagpapasarap sa kanilang tugtugin, si dolores naman ay isinasabog ang kanyang mga sulyap at titig. inisaisang lihim na minasdan ang mga binatang yaon. ang puso niya'sisikdosikdo; parang giniginaw na nilalagnat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"alangang magmalaki at alangang mangimi. sa isang dako naman, ay payapang nakikinig ang isang ginoo. matabang sa mukha ay nababasa ang kagulangan na. siya ay si kapitang andoy na ama ni dolores; ang kilala sa pangalang alehandro balderrama. siya ay isa sa mga kinaaalangalanganan sa daang yaon ng sagat. baga man lipas na ay kapitan pa rin ang tawag sa kanya. sa tabi nito ay mukhang napopoot, nakasimangot, at maasim na maasim ang mukha, ng kapitana martina, ang ali ni dolores. marahil ay dahil sa pagkabulahaw sa kanyang tulog. liban sa tatlong ito, kay dolores, sa kanyang ama, at sa kanyang ali, lahat na ng doroon ay kabilang na ng mga namamandaw ng puso. loleng nalulungkot ako!. ang manay siyang bungad na kundiman noong binatang tagaawit. isang malumbay na tugtog ang isinaliw naman ng bigwela. si dolores ay napalingon sa di kinukusa at naabala tuloy na magpasigarilyo. ang puso niya'lalong nilagnat, at pinawisan siya ng malamig. irap naman ang itinugon ni kapitana martina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at matapos ang magiliw na awit sa.ay, loleng ng buhay ko!. aling loleng ang saad ng isang makisig na binatang kanina pa, ay mapupupuna na, na siya ang may patapat ipinakikilala ko sa inyo ang aking kaibigan at iniharap ang binatang umawit. bagong lingkod mo po; ang sambot ng ipinakilala. artemyo de la pas. salamat po; ang magiliw na tugon ng dalaga gayon din po naman: dolores balderrama. at sila'nagkamayan, hanggang sa naipakilala ang lahat. habang si kapitana martina, ay lalong nagniningas ang poot, si beteng naman, ang binatang may paharana, ay parang nagmamalaki sa kanyang mga kaibigan. bawa'makasiping ay binulungan ng bagay na ba sa akin? lihim na tatawa at panakaw na tititig sa masayang mukha ni dolores. hindi mapalagay ang binata. sa lahat ay masasayang ngiti ang iniuukol. palipatlipat ng upo, at sa labing dalawang kasama ay siya ang lalong masigla at nagtatalik sa galak. ang katahimikan ay ginambala na naman ng tugtugan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"parang sinasadyang binibiro ang pagkaasim ng mukha ng kapitana martina. nguni'himala yata at biglang nagbago ang kunot na noo, noong madinig na muli ang panambitan ni artemyo! masayang nakiumpok at sinipingan ang kanyang ipinagmamalaking si dolores. ako'mamamatay. kung hahabagin mo ang daing ng buhay. iyan ang simula ng mapanglaw na pagdaing, balot ng taos na hinagpis, at sa tinig na waring nalulunod sa hirap. sa kalagitnaan, ay nagpahalata ng panibugho; panibugho na bunga ng pagmamahal; at pagmamahal na likha ng pagirog. anya': kung tumititig ka sa ibang binata, ang buhay ko loleng ay papanaw yata. lalong sinasal ng pagtibok ang puso ni dolores. waring kinikiliti naman si kapitana martina. gayong nakangiti ng galak ang inaantok na kapitang andoy. patuloy naman sa pagsasaloob ng tugtog yaong labing tatlong panauhin. napalaot ng napalaot yaong si artemyo sa pagawit. halos tinig na lamang niya ang nagdidiwang sa loob ng bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"dahil sa sarap ng kundiman, kung minsan ay itirik ang mata sa ilaw na nakabitin. nguni'lalong marami ang lihim na sulyap niya kay dolores, ang nahuhuli ni matandang martina. sa paglalaro mo ng mga bulaklak gunitain lamang ang aba kong palad. iyan ang patuloy ng binatang artemyo sa kanyang pamamaibabaw. sinasamantala naman ito ni beteng upang kaulayawin ang kanyang pinopoon. aling loleng, ang wika talaga pong sa kaibigan kong iyan ay ipinagkakatiwala ko ang aking boong buhay. gayon pala! ang sambot ni dolores na ipinagkatiwala na ninyo sa kanya ang boong buhay ninyo, ay bakit pa kayo sumama rito? ang tutol ni beteng ang ibig kong sabihin ay ipinagkakatiwala kong siya na ang dumaing ng hirap ko. sapagka'ang damdamin ng puso ni pedro ay maidadaing ng bibig ni huwan. napopoot ba kayo? ang maamong tanong ni beteng na nakahalatang totoong mailap si dolores. napuna niyang ang mga tugon sa kanya ay nasasaputan ng suliranin. bakit ako mapopoot?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang pakli ng dalaga sa ang katotohana'ariin mang biro; ay ipinagtatapat kong walang itatagal ang aking puso sa kanyang panambitan. di ka na naawa sa aking pagdaing: buhay ng buhay ko ligaya at aliw. ang waring pakikihalobilo ng kundiman na ikinauntol ng pagsasalaysay ni dolores. sandali silang nanahimik, bago nagsalita si beteng ng: diyata'wala kayong itatagal sa kanyang panambitan? kung wariin ko ang salo ng dalaga. sa gayo'namamanaag na ang aking tagumpay! di ba sinabi ninyong nahahabag ang puso ninyo sa kanyang panambitan? di nababagbag na ang loob ninyo sa akin? sapagka'ang daing ni artemyo ay siyang daing ko. gayon po ba? sinabi ko na pong ipinagkakatiwala ko sa kanya ang boong buhay ko. ah, mali kayo! iba si artemyo kay beteng! ang daing ni artemyo ay buhat sa kanyang puso kaya ang pagkahabag doon, ay pagkahabag sa kanyang pagkatao. nagbibiro yata kayo! at bakit ko kayo bibiruin? aling loleng! talagang totoo: ang puso ko'nababagbag sa kanyang panambitan. kay tamis niyang umawit!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kay sarap dumaing! aling loleng! nilulunod ninyo ako!. hindi sumagot ang dalaga nguni'ang malas ang pinapagsalita. tinitigan si beteng ng titig na makahulugan. aywan kung bakit kinuha nito ang kanyang sombrero at matuling umalis. nilisan ang kanyang mga kaibigan at kasama ng walang pasintabi. sa katamisan ng kundiman ni artemyo ay di naman siya napuna. liban kay dolores, ang mahinhing si loleng, ay walang nakaino. ito lamang ang nakatatarok na si beteng ay yumaong may taglay na poot at banta. may poot sapagka'nabigla siya sa mga tugon ni dolores. at may banta sapagka'nalalamangan siya ni artemyo. anaki'isang bayang nilubugan ng araw ang dibdib niyang binabayo ng pagngingitngit. titigil na naman ako sa pagdaing, na nagaantabay ng awa mo loleng. diyan natapos ang malungkot nguni'magiliw na kundiman, na dinaluhan ng nakakikiliting taginting ng bigwela at biyolin. hindi napigilan ni kapitana martina ang kanyang palakpak; datapwa'si kapitang andoy ay tinalo na tuloy ng antok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"salamat po ang magiliw na sabi ng ating dalaga, bago pinagukulan si artemyo ng kay buti pala ninyong umawit!. baka kung ano na po iyan? ang may hiyang pakli ng binatang pinuri. ang usisaang nahan si beteng? ay siyang pumigil sa dalaga upang tugunin ang binata. isa'isa'nagtanungan. sa tanong ay tanong din ang itinutumbas. kaya'nagdiwang ang alingasngas at lahat, liban kay dolores at sa nakakatulog na kapitang andoy, ay pinagharian ng pagtataka. marahil ay may sumundo ang saad ni kapitana martina. magpaalam na tayo ang lihim namang anyaya ng may hawak ng bigwela sa kanyang katabi. siya nga ang ayon naman nito. tayo na ang ulit ng isa. gabi na tayo ang patuloy ng iba. at lahat ay pinatahimik na naman ng tagingting ng tuwa. tumugtog sila ng isang pangwakas. si artemyo noon ay napatabi. aalis na ba kayo? ang tanong ni dolores sa mapalad na binata. opo, ang tugon nito sapagka'totoong mababagabag kayo. wala po kayong aalalahanin. salamat po.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kayo pala'kinatawan ni mang beteng ang may ngiting salaysay ng dalaga. siya pong totoo. di ang inawit ninyo'parang inawit nila? gayon nga po. at ang panambitan ninyo ay panambitan nila? yaon po ang dapat. nagkasala ako! ang waring hinampo ng dakilang babai boong akala ko'lahat ng inyong inawit ay bukal sa inyong puso, mula sa ubod ng inyong buhay!. kinabahan si artemyo ng marinig ito. ang puso niya'di mapalagay. parang binabayo ang kanyang dibdib. sampung paghinga ay nangangapos. kaawaawang kalulwa sa gitna ng kagipitan! at ang boong pagkatao niya'dagling sumuko sa gayong dilag. subali'ang kapalaran ay itinapat siya sa landas na dapat tuntunin. at anya': ikaw po ang masusunod: maiyuukol mo saan man ibigin, at di malilihis ang iyong akala. hindi tumugon ang dalaga at sinamantala ni artemyo: aling loleng, kung batid mo lamang ang itinitibok ng aking loob, ang iniluluha ng aking puso, ay sasabihin mong ako'sinungaling. at hindi ba kayo sinungaling?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang dugtong ng dalaga di ba kasinungalingan ang maglahad ng wala sa loob? kayo na rin po ang nagsabi. yaon po'lambing lamang ng pusong nagtataglay ng hiya. isang pakunwari ng pagibig na nagaalangan sa dakila mong ganda. nagaalangan? opo, aling loleng, at baka di maging dapat na maglingkod sa inyo. tinotoo na ni artemyo ang pangungumpisal. nilimot na niya ang kanyang tungkulin. hindi na naaalaalang siya ay kasangkapan ni beteng. wala na sa gunitang siya ay bibig lamang ng kanyang kaibigan. si dolores, ang mabining dalaga na sumuko ang puso sa mga pagawit ni artemyo, ay parang nagayuma. sa kanyang mukha at pangungusap ay nalalarawan ang paggiliw na nabihag ng mapalad na binata. sa pagtititigan ng dalawang kalulwa ay natapos ang pangwakas na tugtog. ang mga namamandaw ng puso ay nagtayuan na. isa'isang nagpaalam at nakipagkamay sa bunying binibini. ang pagkakataon ay di sinayang ni artemyo. kinamayan niya ng boong higpit si dolores at dinamdam naman nito ang katuturan noon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"mga titig nila ang nagpalitan ng damdamin ng kanilang dibdib. doon natapos ang masayang gabi. doon sa kabilang dulo ng daang sagat, sa hanay din ng inuuwian ng mapanghalinang si dolores, ay dalawang lalaki yaong ipinagtatanong si beteng. sa isang magandang tahanan, doon sila pumanhik, sapagka'yaon ang itinuro sa kanila ng napagsanggunian. mga kaibigan ang buhat sa itaas ay kanilang narinig tuloy kayo, tuloy kayo. magandang araw po mang beteng ang bati naman ng dalawa. sila'pumanhik at ginanap ang karaniwang kumustahan. matapos ilapat ni beteng ang pinto ay nagsaad ng ganito: malaking suliranin ang gumugulo sa isip ko, kaya inabala ko kayong ipinatawag. sa inyong pangangailangan ay nalalaan naman ako. salamat po ang salo ni pastor na isa sa mga panauhin. sapagka'kayo'inaari kong mga kapatid ay sa inyo ko dapat ipagtapat. ipatuloy mo po ang pakli ni simon, na kasama ni pastor. malaon nang ang puso ko'pinapagdudusa ni dolores ang patuloy ni beteng nguni'kay pait ng nasasapit ko!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"pawang tiwali! at kagabi lamang ay hinarana namin, nguni'gaya rin ng dati, ay pawang paglibak sa akin ang aking napala. ang tanong ni pastor. di ba kayo pinaakyat? ang usisa ni simon. pinatuloy kami, dili ang hindi ang patlang ni beteng nguni'ang pagkapatuloy sa amin, ay siyang lalong nagbansag ng kaapihan ko. opo, kaapihan, pagka'sukat bang itanong sa akin ni dolores na kung bakit pa raw ako sumama roon. yaon po'ugali na ng dalaga: lahat ng nais nilang sabihin ay dinadaan sa hinampo ang putol ni simon. hindi kaibigan, ang tutol ni beteng pagka'malaon ng kumukulili sa tainga ko, na si artemyong aking pinakikiusapang siyang umawit sa aming pagtapat doon, ay siya daw ang napupusuan ng babaing yaon, gayong ito ay wala namang pagibig sa kanya. ganyan din po ang balita ko ang pagayon ni pastor nguni', kailan ma'di ako naniwala. sino po bang artemyo yaon? ang pagsisiyasat ni simon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang kalihim sa samahang kumilos tayo ang tugon ni pastor yaon bang nagtalumpati sa inyong nayon noong ipagdiwang si rizal. may magandang pangangatawan at. yaon pala ang salo ni simon kakilala ko po yaon at ako man ay kasapi rin sa kumilos tayo. diyata'siya ang naiibigan? at tinapos sa iling at ngiti ang kanyang pagkamangha; iling na nagpapahayag ng pagpapawalang saysay kay artemyo, at ngiti na nagtatanghal ng paglibak sa pagkatao noon. ang dalawang kaharap ay napatigil. nabasa nila sa mukha ni simon na siya ay may natatarok na lilim ni artemyo. at di pinalagpas ni beteng. sinamantala ang pagkakataon. ang simula may nalalaman ba kayong alimuom ni artemyo? ang buntong hininga ni simon si artemyo! at bakit hindi ko malalaman ang kanyang lihim? siya ay isang konduktor sa trambiya noong araw na dahil sa nahuli sa pagumit ay pinalayas tuloy ng empresa. isang taong nagpagalagala sa pagbibilang ng bato, na kung kanikanino nangungutang ng makakain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"napasok na artista, at ang manakanakang pagtayo sa entablado ay siyang ipinagmamalaki ngayon. gayong ang tinig ay tinig kanduli at kung umawit ay parang bumabasa ng pasyon. ang tawa ni beteng. aywan ko ang tanggi ni pastor sa akin ay mabuting kaibigan si artemyo. mabuti kung mayroon ang salo ni simon nguni'kung wala ay masama. marahil nga ang katig ni beteng sapagka'kung makailan ko nang makasama, ni minsan man ay di pa gumasta. maging sa pagsakay namin sa trambiya, maging sa pagkain namin ng sorbetes, ay maanong pabalat bunga man lamang na magkunwaring dumukot sa bulsa? ano ang hahanapin ninyo sa taong nagsasamantala? ang masayang ikinabit ni simon. hindi gayon ang tutol ni pastor at hinarap si beteng kayo ang nagaanyaya sa kanya ay talagang kayo ang dapat gumasta. salamat at di kayo sinisingil sa kanyang abala at pagod. mang pastor! ang tugon ni simon pinagtatanggol ba ninyo si artemyo? ipinaaalaala ko lamang ang ipinaguutos ng dakilang asal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at kami pa pala ang lumalabas sa magandang ugali? ang usisa ni beteng. hindi ko po sinasabi ang gayon ang salag ni pastor nguni'ipinagugunita kong sa bibig ng mga lalaki ay alangang maglaro ang buhay ng kapuwa. mga babai lamang ang naguututang dila. mga musmos lamang ang nagngungusuan. ang putol ni simon talaga pong si artemyo ay lahi ng taksil: siya'kapangpangan. iyan ang totoo ang dugtong ni beteng pinapaghahari ang kanyang pagkakapangpangan. mga kaibigan ang mainit ng saad ni pastor huwag ninyong hamakin ang kanyang lahi! kapangpangan man at tagalog ay iisa ng uri, at ang sumira ng pagiisang iyan, ay yaon ang taksil na dapat pangilagan. ang taong pumapatay ng pagdadamayan ng pilipino ay yaon ang kalaban ng bayan. ang kalulwang nagtatanim ng pagiiringan ay siyang uod na sumisira ng laya at pagasa ng lahat. matutulis pong salita iyan! ang pakli ni simon. nakasusugat ka po! ang dugtong ni beteng. hindi, mga kaibigan ang ganti ni pastor kailan ma'di ko magagawa ang sumugat sa kapatid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"nguni', oo; makikipaglaban ako sa kanino mang nagbibinhi ng pagiiringan. ang buhay ko'aking itinataya lubha pa'ang pagiiringan ay ipupunla dahil lamang sa inggit sa isang lalaking kinakandong ng palad. na sa ibang bahay ka po! ang paalaala ni beteng huwag ninyong lubusin ang pagalipusta sa mga kaharap. sa bahay na pinaghaharian ng dilim ay doon ko dinadala ang ilaw! ang matapang na sagot ni pastor. pawang kaululan ang sinabi ninyo! ang tumbas ni simon. utang na loob ay manaog na kayo ang taboy naman ni beteng. tumayo si pastor ng boong pagngingitngit. ang malas niya'naglalagablab. maliksing kinuha ang kanyang sombrero at anya': dapat ninyo akong itaboy; dapat ninyo akong turang ulol; sapagka'ang gurong nagtuturo ay talagang kalaban ng mga musmos na tinuturuan. nakilala ko na kayo ay dapat naman ninyo akong makilala. paalam sa inyo nguni'alalahaning ako'natatalaga sa ano mang mangyayari. titig lamang ang isinagot ng dalawa. kaya'pumanaw na nagpuputok ang dibdib ni pastor.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"samantalang nawawala ang kanyang yabag ay patuloy sa pagwalang imik ang dalawang nilisan. mang simon ang mana'saad ni beteng yumaong galit na galit ang abogado ni artemyo. walang kailangan ang tugon nito ibabagsak natin sila!. iyan ang kanina pa'inaantay kong pumilas sa inyong labi. kumuha ng kahon ng tabako si beteng at inalok ang kaharap. kapwa sila nagsuso at minsang pinagbuti ang upo. bago naganasang marahil ay yumari ng paghihiganti. panahon lamang ang makapagbubungkal ng lihim. isang mahigpit na kamayan ang tumapos ng salitaan. at taglay ang galak ng pagasa na naghiwalay ang dalawang nagtiyap. nagbabanguhang sampagita, bulaklak na nagpuputian, yaong tinutuhog ni dolores, sa halamanan nila. nagiisa siyang noon ay nagaaliw at pinalilipas ang mapanglaw na hapon. sa isang upuang kawayan ay doon pinagbubuti ang pagyari ng isang kuwintas. ang samyo na idinudulot ng mga ilang ilang, ay sumusuob sa mabining dalaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"marahan namang humahalik sa kanyang mga pisngi ang simoy ng hanging nagmumula sa bukid. samantalang sa kanyang ulunan, ay namamaypay ang masingsing dahon ng kamuning. ang dilag ni loleng noon ay lalong tumingkad kay sa dati. bagay na bagay ang bagong gayak sa mayamang ganda ng kanyang pagka binibini. sa biglang malas lamang ay mahuhulaan nang siya'bago pa lamang dumudungaw sa pinto ng pagibig. at upang patotohanang naninibago ang kanyang puso sa pagtibok ng buhay sa pagkadalaga, ay masayang umaawit at sinasamyo ang mapapalad na sampagita. kay bango ninyo! ang di napigilang wika at nilangap ang samyo ng kanyang tinutuhog kay puti ninyo! kay dunong ng diyos!. siya rin ang sumagot: talagang kayo ay pinagyaman ng kalikasan! walang haring makapagsusuot ng inyong gayak! sutla na di nilikha ng kamay! at puti, puting parang busilak!. dinugtungan pa rin: hindi lamang iyan ang inyong yaman. sa samyo, bango, halimuyak, ay kahanay kayo ng mga pangunahing bulaklak na ipinagmamalaki ng katalagahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"tinapos sa: sa ulo, batok, at dibdib ng mga dalaga sa silanganan, ay ginagamit kayong palamuti, katimbang ng rubi, perlas, at brilyante ng mga dalaga sa kalunuran. yaon ay binibili ng daan, libo, yutang salapi, nguni'kayo ay ipinagpapalit sa isa dalawang sentimos lamang. kay taas ng agwat ng halaga! gayon ma'lalong matayog ang inyong uri. sila'nagagamit lamang ng nakaririwasa, samantalang kayo ay pinakikinabangan ng lalong dukha at ng lalong mayaman. ikinahihiya silang igayak ng mga dahop sa salapi, datapwa'kayo ay ikinararangal ng lahat. at malaong nilangap na naman ang mapapalad na sampagita. mana'pinanood at kinausap: gaano man ang inyong yaman, gaano man ang inyong dilag, ay di ko rin ipagpapalit sa inyo ang aking pinakamamahal sa buhay, ang giliw ng puso ko, si artemyo ng aking pagibig. isang halik ang biglang lumagot sa kanyang pangungusap; halik na tumunog sa kanyang pisngi; halik na kaunaunahang idinulot ng pagibig. nagulat at napalingon ang ating dalaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"subali'napatungo na lamang at pumatak ang luha, noong mapagtanto niyang si artemyo pala ang nagbigay ng ligalig. ang bati nito napoot ka yata. ang tugon naman ng binibini. huwag; huwag kang magalit. tinugon ko lamang ang utos ng aking pagsinta. kanina pa ako rito na nagsusubok sa iyo. napanood ko ang lahat ng iyong ikinilos. ang puso ko'nilango ng tamis. at nakagawa tuloy ng kalapastanganan. patuloy sa pagkatungo ang binibini. nahihiya napopoot mandin sa nangyari. talagang gayon ang dalagang tagalog. malambingin nguni'matampuhin. magiliw datapwa'maselan. sa di pagimik ay sarisaring katuturan ang maipalalagay. loleng ang muling saad ni artemyo kahapon lamang binihis mo ang aking puso, ngayon ay muli na namang pagdudusahin. kay sawing palad ko!. hinawakan ang kamay ni loleng na may hawak na sampagita. naupo sa piling nito at sinapupo sa likod ang dalaga ng kaliwang kamay. bago nagpatuloy: napakawalang awa ka! parang tinakaw mo lamang ako sa galak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"mabuti pang di hamak ang di ako pinangakuan ng pagibig, kay sa naturang giliw ay nilulunod sa kapighatian. ikaw ang may sala ang marahang patlang ni dolores hindi ba kahapo'isinumpa mong ako'iyong igagalang? at siya ko namang ginaganap. paggalang pala ang iyong inasal! paglapastangan! at di ba pagapi sa dangal? loleng, huwag mong isaloob ang gayon. ang paggalang ay kapatid ng pagibig. may halik ang paggalang at may halik ang pagibig. ang halik ng paggalang ay idinadampi sa damit, sa paa, sa kamay. ang halik ng pagibig ay sa noo, sa pisngi, sa kapuwa labi inilalagak. pumili ka ngayon; alin ang ibig ng loleng ko? ang halik ng paggalang ang masaya nang tumbas ng binibini. loleng, lalong napopoot ka! hagkan ko ang iyong damit ay tuturan mong kita'nilalaro. hagkan ko ang iyong paa, ay sasabihin mong kita'inuuyam. hagkan ko ang iyong kamay ay isasaad mong kita'binibiro. isang ngiti at isang titig ang iginanti ng pusong nagtampo. nagpalaot naman si artemyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sapilitan, irog ko, na ang pipiliin mo ay ang halik ng pagibig. siya kong ginanap, tanda ng aking pagmamahal. doon ay kalakip na rin ang paggalang na aking ipinangako kahapon. lahat ng matwid ay na sa iyo! sapagka'ako ay taong may katwiran. sinungaling!. isang malakas na tawag na loleng ang gumambala sa paguulayaw ng dalawa. yaon ang makapangyarihang tinig ni kapitana martina. lumingon ang tinawagan, bago nagpaalam sa kasi: artemyo, tinatawag na ako ng tiyang. lilisanin mo ba ako? ang lambing naman ng binata. pumanhik tayong dalawa. baka di maganda ang gayon? mauuna ako'sumunod ka mamiya. mabuti pa. aantabayanan kita? at tumalikod ang binibini matapos ihandog sa giliw ang isang kumpol ng sampagita. handog na waring walang katuturan, nguni'minahal ni artemyo. sapagka'yaon ay nilagakan muna ng isang halik ng kanyang pinopoon. at sinasamyo ng binata samantalang pinanonood niya ang pagyaon ni dolores. noon nama'naglilikom na ng liwanag ang ilaw ng sangdaigdig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang dilim ay marahang nagbubuka ng pakpak. nagsisimula na ng pagawit ang panglaw at lungkot ng gabi. mana'marahang namumukadkad sa kaitaasan ang mga sampagita sa bukid ng diyos, iyang mga bituing nagpapagunita ng luwalhati sa kabilang buhay. malaong sandali pa ang lumipas, bago narinig ang: magandang gabi po na patao ni artemyo upang tumupad sa pangako. magandang gabi po naman ang pakunwaring salubong ni dolores tuloy kayo. pumanhik ang panauhin at nagtuloy sa salas. doon ay inabot niya si kapitana martina. nagbigay ng galang at payapang naupo. si dolores naman ay naupo na rin. ito ang nagbukas ng salitaan: saan po kayo nanggaling? doon po sa bahay. ngayon lamang kayo naligaw dito ah ang pangatlo ni kapitana martina. ang tutol ng binata. noong lamang isang linggo ay narito kami. siya nga pala ang patalo na ng kapitana at noon nga pala kayo nagharana. hanggang ngayon ay di ko pa nalilimot yaong inawit ni mang huwan na ayaw ko sa intsik. at tinapos sa halakhak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,tawa rin ang itinugon ng dalawang kapulong. bakit po ba hindi ninyo kasama noon si mang beteng? ang usisa ng binibini. ayaw na pong makibarkada sa amin ang tugon ni artemyo. kung ilan nang haranahan iyan na di nakakasama yaon eh. ang katig ng kapitana. napupuna ko nga rin ang dugtong ng dalaga. at bakit di mo mapupuna? ang biro ng ali sa iyon lamang ang itinatangi mo. ang tanggi ni loleng. ang salo ni artemyo. siya; kung ayaw ka ng itinatangi ay minamahal. ang dugtong ng kapitana. nagkatabas tuloy! ang tawa ng binata natin. isang makahulugang irap ang inihagis ng dalaga kay artemyo. ginanti naman nito ng isang titig. ano pa'mga mata ang pinapagusap. at sa mukha nila ay nababasa ang pagkainip sa matandang kaharap. salamat at ito ay mapagbigay at nataunang nanalo noon sa pangginge; kaya malamig ang ulo at binigyang panahon ang dalawang puso upang magulayaw. lumabas ang kapitana at nilisan ang mga kausap. lumaya ang dalawang pusong nagtatalik sa galak.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"waring hindi batid ng ali mo ang ating lihim? ang saad ni artemyo. hindi, at magingat ka ang tugon ni dolores. naparito na ba si beteng? di ko pa pala naibabalita sa iyo na sila ay nagharana rito. noong huwebes ng gabi. sino sino sila? wala akong nakilala; nguni'sa inyong magkakasama noong araw, ay si beteng lamang ang kasama. sumulat pa sa tatay na ikaw daw ay alipin lamang. nagsisilbing kanin ka raw sa kanya, kaya di ka dapat tanggapin dito. napipi at namutla sa galit ang nabiglang binata. ang binigkas na yaon ng kanyang kasi ay naging matunog na kulog sa kanyang pangdinig. aywan kung inapi ng kahihiyan sinupil ng poot. datapwa'sa pagyaon ng ilang sandali ang mukha niya'naging maamo. tulad sa nagkasalang humihingi ng tawad. salamat na lamang ang patuloy ng dalaga at ako ang nakatanggap. kaya, ni ang tatay, ni ang tiyang, ni sino pa man dito, ay walang nakabatid. nahan ang liham? ang mana'usisa ni artemyo. bakit mo sinunog? sapagka'gawa ng taksil. di mo na ipinabasa sa akin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"baka pa matunghayan ng iba. bakit mo nalamang sulat niya? dahil sa may lagda. maniwala ka. kay tapang! duwag, ang sabihin mo. sayang at di ko nakita! nananalig ka naman? sapagka'walang katotohanan. totoo yaon! tapat ang sumbong niya. walang ano man. paniwalaan mo! ipalagay mong ako'naniniwala. maging totoo nang busabos ka niya, ano ngayon? ang pagibig ba'nahahadlangan ng mga bagay na iyan? kung ang pagirog mo ay naigigiba ng inggit at imbot, ang pagibig ko ay hindi. kasingtibay ng moog. kamatayan lamang ang makapagwawalat. masusubok mo rin. sa isang halik lamang ay pinatulo mo na ang iyong luha. sapagka'nalunos ako sa aking pagkadalaga. di lalong malulunos ka sa palad mong tatamuhin ng isang busabos? kabila man ng busabos, kung iniirog ko at minamahal, sa akin ay daig pa ang haring na sa trono ng luwalhati. yaon bang tinamo sa lakas loob; halik na itinangis ng hinagkan, ay siya mong patunay? sapat na yaon. ang pagibig ay walang kabusugan! lahat ng sandali ay dapat pakinabangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sa iba nang pagkakataon. naipagpapaliban pala ang sanla ng pagibig. at tinapos sa pagpisil ng kamay ng binibini. tumayo ang binata at naglingon likod. ang dalaga ay kinabahan at umiwas na: hayun ang tiyang! mamatay na tayo! at boong tapang na inilagda ni artemyo ang pangalawang halik ng pagirog sa mapulang pisngi ni dolores. ito ay nagitla, subali'nang matiyak na di sila napuna ng kapitana martina ay magiliw na nagsabing: pangahas ka rin! kay palad ko ngayon! ang galak ni artemyo sa gabing ito nahawi ang dilim ng aking pagasa. nababanaag ko na ang liwayway ng aking kapalaran. datapwa', loleng, loleng, huwag ka sanang padadala sa dila ng mga umaagaw ng aking dangal. hindi, at isinasamo ko sa iyong huwag mo nang mababanggit kay mang beteng ang liham niya sa tatay. ilagan mo sana ang sigalot. huwag kang magalaala. talagang gayon ang kalulwang sawi sa pagibig. parang ulol na di nalalaman ang ginagawa. awa ang dapat ihandog sa kanila. siyang totoo. naku, sukat bang siraan ka!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at sira pa namang kahahalataan ng pagkaimbi. kay pangit! sawing palad na lalaki! ang orasang nakasabit sa dakong itaas ng pinto, ay nakisagot din. walong pantig ng kanyang batingting ang pinaltik. ang oras ng pagaalaala sa mga kalulwa sa purgatoryo'siyang ibinansag. ika walo na pala! ang saad ni artemyo na dinukot at minasdan ang kanyang orasan. ay ano kung ika walo na? ang putol ng dalaga naiinip ka ba? mainip ako sa piling mo? loleng, kung makukuha ko lamang ang aking puso, at ihaharap ko sa iyo, ay makikita mong sabik na sabik sa iyong dilag at pagmamahal. nais ay matali na sa puso mo kung mangyayari. talagang wala akong pinapangarap, kung di ang pagbabagong buhay natin. maging malaya tayo sa pagduduyan sa tuwa. nguni'samantalang di pa namimitak ang ating araw, ay sumunod na muna tayo sa palakad ng panahon. hindi tumugon ang dalaga sapagka'noon ay sa susungaw sa pinto si kapitana martina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"maalaala ko pala ang wika nito huwag kayong mawawala sa isang linggo, at ating ipagdidiwang ang kaarawan ni loleng. ang tanong ni artemyo. sa ika ng kasalukuyan ang salo naman ng dalaga. bulaklak nga pala kayo ng mayo ang pagpuri ng binata. kaya po kasingganda ng kamya ang dugtong ng kapitana. ang hinampo ni loleng para pa tayong taga palanyag. kung ayaw ka ng kamya ay asusena. kung ayaw ka ng asusena ay sampagita. kung ayaw ka ng sampagita ay rosal. alin man ang iyong piliin ay bagay sa iyong kagandahan ang pagtatanggol ng kapitana na lubhang nawiwiling biruin ang kanyang alaga. siya nga ang ayon ni artemyo. siya na kayo ang salag ni dolores. napatigil ang salitaan sapagka'noon ay may narinig silang yabag. ilang sandali lamang na nagdiwang ang pananahimik at napagsino na ng tatlo. tinig ni kapitang andoy ang kanilang napansin. hindi nagkabula ang palagay. sumipot sa pinto ang matanda. sinalubong naman ni artemyo ng bati ng paggalang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"nakasabay ko po ngayon si mang beteng ang balita nito. ang usisa ng kapitana. sa trambiya ang patuloy ng matandang andoy at sinabi sa aking magdadala siya rito ng komparsa sa araw mo loleng. ang tikim ng kapitana. nagtitigan naman ang dalawang pusong naglilihim. bago nagngitian ng ngiti ng kasyahang loob. hindi raw ikahihiya sa mga panauhin ang kanyang dadalhin dito ang dugtong pa ng nagbalita marahil daw ay mga labing anim katao. talagang pangatawanan! ang tuwa ng kapitana kayo mang artemyo, magdala rin kayo. ang hadlang ng dalaga. ito nga naman ang habol ng kapitang andoy na hinarap ang mapagsisteng asawa. susubukin ko po ang tugon naman ng binata. baka matuloy! ang pakli ng kapitana biro ko lamang iyon. titingnan ko rin po ang saad ni artemyo na napapasubo. huwag na ang pigil naman ni kapitang andoy sapagka'sapat na ang dadalhin ni mang beteng. bakit nababalitaan kong waring may bigat ng loob sa inyo, ay baka kung ano pa ang ipakahulugan noon. siya nga ang ayon ni dolores.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,hindi nakasagot si artemyo. namutla at napipi. sumikdo ang loob. marahang sumusubo ang pagngingitngit. titig na lamang ang ipinukol kay dolores. ito naman na nakaramdam ng kagipitan noon ay sinamantala ang pagtatanggol sa giliw. anya': dumalo na lamang kayo at isama ninyo ang inyong mga kaibigan. maaasahan po ang pakli ng binata. baka di kayo sumipot? ang habol ng kapitana martina. baka pangakong napako iyan ang salo naman ng kapitang andoy bakit na sa pako pa naman tayo. hindi po ang sagot ni artemyo maaasahan po ninyo. at tumayong kinuha ang kanyang sombrero bago nagpaalam. aalis na ba kayo? ang saad ng kapitana. maaga pa naman ang dugtong ng kapitang andoy. mayroon pa po kaming paroroonan ang pakunwari ng binata. kinamayan ang tatlong lilisanin. nanaog na nalulunod ang puso. sumisinghap sa tuwa at sumisinghap sa galit. naluluoy sa tuwa dahil sa pagtatamo ng halik ng pagirog. nilalagnat sa galit dahil sa paninira ni beteng.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"gayon ma'tahimik na yumaon ang kalulwang itinaguyod ng mapalad na pagkakataon. mga kaibigan ang bati ni pastor sa mga kasamang kanyang inabot sa isang kamalig sa daang penyapransiya, doon din sa pako, na nagsasanay ng pagtugtog kayo yata ang dadalhin ni beteng sa bahay nila kapitang andoy? oo ang tugon ng may bigwela. utang na loob ay huwag kayong sumama ang patuloy ni pastor at ibitin ninyo sa kahihiyan ang taong yaon. ang sambot ng may gitarra. mangyari ay kung ano anong paninira ang ginagawa kay artemyo ang tugon ng pastor at kayo ay dadalhin doon upang patunayang lalong malakas siya kay artemyo. yaon ba ay gawa ng kasama? ang lagay pala ay nagkagalit sila ni artemyo? ang usisa ng nakasalamin. oo ang paliwanag ni pastor at ang pinagmulan ay dahil kay dolores. ano ang nangyari? ang pagkamangha ng lahat. lumingon muna si pastor, bago sumagot: lubhang katawatawa. ang pagkasabik ng ilan. makinig kayo ang patlang ni pastor.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"si artemyo ay palaging niyayaya ni beteng upang haranahin si dolores, dahil sa ito ay artista at may mayamang tinig. siya, si artemyo, ang palaging pinaaawit sa kanilang pagtapat. nguni'si dolores ay di rin mahabag sa kaawaawang beteng. ang pista pa nito ay si artemyo ang napusuan. ano pa'ang tulay ay siyang naibigan. ang pagtataka ng may dalang biyolin. siya nga ang ayon naman ng may hawak na gitarra at noong magharana kami noon araw doon, ay umalis iyang si beteng nang hindi man lamang nagpaalam sa amin. nakahalata marahil! ang hatol ng may katandaan na. nakita na ninyo? ang habol naman ni pastor pati kayo ay hinahamak gayong nangungutang lamang ng loob. ano ang magagawa natin sa taong walang turing? ang tanong ng may hawak ng bigwela na malaon na yatang may poot kay beteng. gayon pala! bakit pa kayo sasama sa kanya? ang ulos ni pastor. ipagmamalaki lamang kayo at pagkatapos ay diyan na kayo. bakit naman pumatol si artemyo? tao namang ito!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang agaw ng kasamahan din may manok bang tumanggi sa palay? at ano naman ang dapat itawag sa lalaking iniibig ng babai ay nagwawalang bahala? ang tanong ni pastor. ang maagap na salo ng may katandaan. isang matunog na halakhakan ang pumutok. samakatwid ang hadlang ni pastor ay tumupad lamang si artemyo sa kanyang tungkulin upang huwag matawag na binabai. katwiran ang hatol ng marami. bakit nagagalit si beteng at sinisiraang mabuti si artemyo? ang tanong pa rin ni pastor. paano'naagawan ng tuson! ang salo na naman ng mapagsiste. panibagong halakhakan na naman. isang sagot ngayon mga kasama ang saad ni pastor sino ngayon ang dapat samahan, si artemyo si beteng? magdadala rin ba ng komparsa si artemyo? binabalak ko sana ang tugon ni pastor pagka'totoo akong nasakitan noong sabihing si artemyo raw ay taksil dahil sa kapangpangan. sinabi ni beteng ang gayon? ang pandidilat ng isang kapangpangang bandurista.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"maniwala ka kasama ang patigas ng tinanong at kaya sinabi ang gayon ay dahil sa nabigo sila sa akin. ako'inamuki nila ni simon, upang agawan ng dangal si artemyo, datapwa'nagkagalit lamang kami sapagka'di ako pumayag. sa inyo ako sasama ang pagkukusa na ng banduristang kapangpangan. ako man ang habol ng may hawak na biyolin. ibilang na rin ninyo ako ang sunod ng may plauta. welga na tayong lahat ang sabi naman ng isa. mabuhay si artemyo! ang sabi naman ni pastor. at tumugtog sila ng isang masarap na tugtugin, tanda ng tagumpay ni artemyo. galak na galak naman si pastor. samantala'nagpapaindayog na mabuti ang tinig ng biyolin. natapos ang pamamayani ng bigwela at ang bibig na naman ni pastor ang narinig. upang malubos ang ating galak ay huwag ninyong sasabihin kay beteng na hindi na kayo sasama sa kanya. siya nga ang ayon ng iba. ang sarap niyan ay magaantay siya ng wala! gayon ang dapat sa taong umaagaw ng dangal ang katig ni pastor ibitin sa kahihiyan. isubo sa kagipitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"may balita pa akong nilalakad daw ni simon na si artemyo ay alisan ng tungkulin sa kumilos tayo ang saad ng isang kanina pa'ibig maglahad. iyan ay pakana ni beteng ang sagot ni pastor ano raw ang dahilan? sarisari ang salo ng tinanong hindi raw dapat bigyan ng tungkulin dito ang isang dapo lamang. kabagongbago raw dito, ay nais nang lagpasan ang mga kanayon. isang bata raw lamang ay ibig nang maghari. kung minsan ay sinasabing mapagsamantala raw. ang salapi raw ng samahan ay kinukupit. marami at napakarami pa ang dungis na ipinupukol sa mukha ni artemyo. narinig na ninyo! ang saad ni pastor linawin natin: hindi raw dapat bigyan ng tungkulin ang isang dapo. katwiran, nguni'bakit nila natitiis ang mga dapong naghahari sa ating bayan? at dapo ba si artemyo? ano kung kapangpangan siya? hindi ba pilipino rin? maaari bang magsarili ang tagalog nang ang kapangpangan ay hindi? napakarupok na pagkukuro!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang masasabi ko'nakikilala nila ang dapong kapatid din nila, datapwa'hindi nila nakikilala ang tunay na dapong dito ay tumawid. kung nakikilala man ay kinatatakutan. ngayon at kalahi ay halos sakmalin. nguni'kung maputi, kahi'na lumapastangan, ay nginingitian din. sinusurot, dinuduro at pinamumukhaan ang kabalat, subali'ang dayo ay saka lamang mamura kung nakatalikod. siyang totoo ang tango ng ilan. kabagongbago'nais nang lagpasan ang mga kanayon? ang dugtong ni pastor. pasalamat tayo at hindi pa man ay nagpapakita na ng lakas at magagawa. kung kaya siya lalagpas sa taga rito, ay sapagka'dapat siyang lumagpas. ano man ang gawin ni artemyo, kung talagang magaling sila, ay sila rin ang mamaibabaw. ang iba pang dahilan ay pawa nang paninira na mga isip lamok lamang ang mananampalataya. ang inggit ay talagang nakalilikha ng sarisaring paninira ang payo ng may katandaan. kaya matakot at mangilag tayo ang ayon ng iba. walang sasama kay beteng ang paalaalang muli ng banduristang kapangpangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang ayon ng lahat at pinamayani na naman ang kanilang mga hawak na kilabot ng panglaw, taga taboy ng lungkot at lumilikha ng tuwa: ang biyolin, bigwela at bandurya. maligayang umaga noon. sa looban, daang tumutumbok sa malaking pagawaan ng tabako, ay maraming kawal ng pawis ang nagmamadalian. sa una'langkay ng mga babai; sa dako roon ay nagsusumugod na mga lalaki; sa dako rito ay sunodsunod na may mga kagulangan na; at sa huli ay mga dalaga at binatang pawang nagtatalik sa galak. walang alinlangang sarisaring bagay ang napaguusapan. minsan ay may nagtatalumpati sa pagtatanggol sa kanyang ipinaglalaban. minsan ay pumutok ang halakhakan. ganyan ang mapupuna sa alin mang pangkatin. sa karamihan ay may namumukod na dalawang lalaki. ang isa ay may magarang gayak; pulus na puti ang suot at korbatang sutlang granate ang nakatali sa liig. isang sombrerong kalasyaw ang nakatakip sa ulo, na lalong nagbibigay ganda sa mayamang tabas ng mukha. kay kintab ng sapatos na abelyana!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at kay lapad ng liston! sa bikas at pananamit ay nagbabansag ng kalwagan sa buhay. samantalang ang isa ay nakabarong intsik lamang. lumang luma na ang pahang sunong. at isang tsinelas na kupas na ang kulay ang nagtatanggol sa paa. naglalarawan ng karalitaan. yaon, ang makisig, ay ang binatang beteng. at ito ang anak dalita, ay si simon. sa agos ng mga manggagawa sa tabakalera ay napaanod sila. sa linggo na ang araw ni loleng ang sabi ni beteng kay simon. oh, handa na po ba ang komparsa natin? ang tanong naman nito. hindi ko nga po matiyak kaya ko po kayo inabangan. mangyari'naparoon ako kagabi kina dolores ay ibinalita sa akin ni kapitana martina, na si artemyo raw ay nangako rin ng komparsa. lalong magaling. ngayon tayo magsusubukan ng gilas. upang makilala ang inyong katayugan kay artemyo ay dapat kayong iyagapay sa kanya. walang salang magbibigti siya sa kahihiyaan. huwag tayong umasa. hindi ko pa natitiyak na mabuti ang ating komparsa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"malaon ko nang kinausap sila at hindi ko na hinarap uli. tiyakin mo po; at nang mapatabi ang gigirigiring iyan. kung lumabas na magaling ang kanyang dala, ay di naagawan tayo ng dangal? magagaling tumugtog ang tao natin! tiyakin mo po lamang ay di na kayo dapat magalaala pa. baka tayo mabitin ah!. sa ano pong dahilan? kung di tayo siputin. nauulol ba sila? binayaran at di sisipot? magkano po ba ang ibinayad ninyo? wala pa akong ibinibigay kung hindi limang piso lamang na ibibili raw ng kuwerdas. sa tao po, magkano ang isa? huwag ko raw pong alalahanin. iyan ang masama. ang mabuti ay bayaran natin; upang kung hindi sila sumipot ay magkaroon tayo ng bibig. gayon din po ang naisip ko kagabi kaya ninais kong makausap kayo. isang malakas na sigaw na tabi! ang lumagot sa salitaan. noon ay humahagibis ang dalawang karitela na naguunahan. ang una'pawang dalaga ang lulan, at ang huli'pawang binata naman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"lumingon at tumabi ang dalawang naguusap, bago nagpatuloy si beteng: kasama rin lamang ninyo riyan sa kompanya ang pinaka maestro nila, ay kausapin lamang ninyong mabuti kung mangyayari. opo, at titiyakin ko. ibigay mo po lamang ito at dumukut sa bulsa ng isang papel na sasampuin sabihin ninyong para sigarilyo lamang iyan. daragdagan ko pa po iyan, mapuri lamang tayo ni kapitang andoy. walang sala! ang tagumpay ay atin! alin daw po bang komparsa ang kinuha naman ni artemyo? tiyak daw po bang sisipot? mangangako ba iyon ng papaano? mawawalan ba ng kakilalang komparsa iyon, ay sa siya ay isang artista. hindi rin siya dapat humara sa ating dadalhin. at mabuti namang magdala siya, upang mapalapat ang kanyang kapangahasang bumangga sa tapayan. na sa tapat na sila ng tabakalera. kapwa sila tumigil at tumayo sa tabing daan. noon ay dating at dating ang kawal ng paggawa. babai at lalaki, dalaga at bagongtao, matanda at bata, ang nagsisisipot. kay daming anak ng pawis!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ano pong oras ang sasabihin kong ipagkikita natin sa linggo? ang mana'tanong ni simon. ika siyam ng umaga. doon na tayo magtagpo sa bahay nila loleng ang tugon ng kausap. sasabihin ko po. baka malimutan ninyo? baka tayo mabitin? huwag mo pong alalahanin. ako ang bahala. walang sala! ang tagumpay ay atin! nagtuloy ng pumasok si simon sa malaking pagawaan. si beteng ay yumaon naman. hanggang doon natapos ang usap ng dalawang magkatiyap. madaling araw ng linggo. noon ang ganap na ika labing walong mayo ni dolores. mula sa pinto ng simbahan sa pako ay dalawang babai yaong lumabas. mga pusong banal yata! at lumakad silang patungo sa daang pas. ang maliwanag na tanglaw sa daan, ay siyang nagsabing yaon ay si dolores kasama ni kapitana martina. galing silang nagsimba na pinasalamatan sa diyos, ang masayang pagsapit ng kaarawan ni loleng.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang malamig na simoy ng hangin, ang mga patak ng hamog sa damo, at ang liwanag ng ilaw sa daan, ay siyang unang naghandog ng maligayang bati sa mapalad na dalaga. dumatal sila sa bahay na ang lahat ay nagsisikilos na. ang tunog ng pinggan, taginting ng kubyertos, at sagitsit ng mantika ay siyang unang maririnig. bago mapupuna ang bango na isinasabog ng hangin: ang amoy ng ginisa. kung minsan ay namamaibabaw din ang iyukan ng mga inahin, tandang at kapon na manok. ito ang mga martir ng pista. ang lalong maingay at di maipagkakaila ay ang iyak ng baboy. tatlo ang pinatay noon. sa kabahayan naman ay iba ang kilusan. ang tinig ni kapitang andoy ay siyang naghahari. utos dito, utos doon ang ginagawa. lagatok naman ng mga upuan, at lagaslas ng dahong saging na ikinukuskos sa sahig, ay siyang sumasagot. gayon na lamang ang paghahanda. sa siwang ng mga bundok sa silangan ay masayang dumudungaw ang bukang liwayway. marahang tumatakas ang dilim at panglaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang galak at liwanag naman ang bumabangon. mana'boong ningning na sumikat ang ilaw ng sangkatauhan, upang batiin marahil ang dalagang sapupo ng tuwa sa araw na yaon. ang mga taong naglalakad sa daang sagat, ay napapatigil sa tapat ng bahay ni kapitang andoy. pawang humahanga sa napakakisig na pagkagayak. mahahalagang enkahe ang naglawit sa itaas ng mga durungawan. sa gitna nito'malapad na lasong rosas ang pinagbuhol ng bikas paroparo. sa mga haligi ng kabahayan ay tungkos ng sarisaring bulaklak ang naglawit. magagarang san pransisko ang halamang nagtanod sa mga pinto. dapat ngang pagubusan ng kaya si loleng ang wika ng isang napatigil sapagka'siya ay bugtong na anak ni kapitang andoy. ilang sandali pa ang nakaraan, bago sumipot si beteng. makisig na makisig ang binata at masayangmasaya na pumanhik. kay aga ng buwisit na ito! ang nasabi sa sarili ni loleng nguni'masayang sumalubong tuloy kayo. maligayang bati po ang bungad na wika ni beteng at kinamayan ang dalaga. salamat po.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"magandang araw po mang andoy ang paggalang nito sa kapitan. tuloy kayo ang tugon naman ng tinukoy. nagtuloy ang makisig na binata. at kung gaano ang bikas niya noong masalubong natin sa daan looban ay lalo at higit ngayon. ang buhok ay hating hati at ang mukha ay pinahiran ng pulbos. bagong korbata na naman ang nakabitin sa liig, datapwa'walang alinlangang buhat sa almasen ng siyap sa eskolta. ang ternong lana ng pusong gumilas, ay siyang nagbabansag ng kabusugan niya sa pananalapi. nguni'ang lalong kapunapuna, ay ang malalaking brilyante na nagniningning sa dibdib at mga daliri. inubos ang peseta!, ang sabi nga ni dolores sa sarili. subali'lalo siyang namangha noong buksan ang balutang dala, na anya': aling loleng kung kayo man ay nagagalak sa pagsapit ng inyong araw, ay lalo at higit ako. ang katunayang di magkasya sa puso ko ang tuwa, ay di na matutuhan kung alin sa likha ng tao likha ng katalagahan ang pipiliin kong ihandog sa inyong mga yapak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"pagyamanin mo po ang nakaya ng inyong lingkod. pandidilat ng mata ni kapitang andoy; matulin na paglabas ni kapitana martina; at isang salamat po lamang ni dolores, ang tumugon sa mahabang talumpati ng binata. samantalang mula sa pinto ay maraming mukha ang nakasungaw na sabik makakita ng handog ni beteng. yaon ang mga katulong sa paghahanda, at mga kapit bahay na katapatang loob. ang matandang kapitana na inip sa matagal na pagkalas ng tali, ay tumulong kay beteng bago bumulalas: kay ganda nito! at itinaas ng kanyang kamay, ang isang alpiler na may malaking bato, saka tinitigan ng papikitpikit pa. ang mga nanonood, maging si kapitang andoy, ay napipilan. si dolores naman ay pinapagpapawis ng pangingimi. nahihiya na di maintindihan. lalo namang sumisigla si beteng ng pagtatanghal ng kanyang handog. sa ibabaw ng mesang marmol ay inihanay na lahat upang hangaan ng nagsisitingin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang wika ni kapitang andoy, nang mamalas niya ang mga botelya ng pabango, ang kaha ng pulbos, ang magarang pulbera, ang salaming pangmesa, ang sutlang pamaypay, at ang isang dosenang panyolitong nagpuputian. inubos na niyong hinakot ang tinda sa eskolta! ang bulalas uli ni kapitana martina, na idinuro sa alampay ni dolores ang mahalagang alpiler. ang magkakatulad namang paghanga ng ilan. noon lamang sila nakamalas ng gayong mga alay. at isa isang nagsilabas upang ipagpatuloy ang ginagawa. gayon man ang paghanga sa mga handog ni beteng ay lugi rin siya. oo, lugi siya, sapagka'bahagya ng bayaran ng ngiti ng kanyang iniirog. nguni'palibhasa'dalagang tagalog, ang yumi, hinhin at kadakilaan ng asal, ay di rin nasusupil ng pagkawalang loob kay beteng. si dolores ay si dolores din. siya rin ang dalagang mapanghalina. ang katotohanan ay ang anyaya niya kay beteng: tayo po ay magagahan muna. salamat po ang tugon ng binata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kung di kayo magaagahan dito, ay di ko namang tatanggapin ang mga handog na iyan ang tampo ng dalaga. ang ngiti ni beteng. siya nga; tayo na muna magagahan ang dugtong ni kapitang andoy. salamat po ang ulit ng binata. anong salamat? tayo na ang salo ng kapitana martina. nakatapos na po ang tanggi rin ni beteng. ay ano kung nakatapos? ang sambot ni dolores ang agahan natin ay laan sa nakatapos na. busog pa po ako ang ayaw ng binata. hindi naman handa sa gutom ang agahan dito ang pagtatanggol ng dalaga. natapos ang pakunwari ng binata sa ganap na pagsuko. at ilang sandali pa ay napanood nang humihigop ng sikulate at nagpapahid ng mantikilya sa tinapay. sinapul na mabuti ang handa! ang wika ng isang batang utusan na sumisilip mula sa kusina pati agahan ay tinodas na!. ang parang tugon naman ni kapitana martina na nakahuli sa sumisilip at nilapirot ang taynga. ang iyak na lamang ng nadakip. salamat sa pagdatal ng ilang panauhin, at binitiwan din ng kapitana ang nahuli.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"pumasok at sumalubong ng boong galak. ang dumating ay dalawang dalaga at isang binata. tumayo si dolores sa mesa at pinakapilit na makisalo ang mga bagong panhik. ilang sandali pa ay anim katao na yaong magkakasalo. sarisaring mga biro, sarisaring mga pagpuri ang naghari sa boong pagkakainan. minsan ay mamayani si kapitang andoy, at kung minsan ay mamaibabaw si beteng. datapwa'si dolores ay ngiti lamang ang inilalaban. matagal tagal din bago sila nagkatapos. noon nama'matindi na ang sikat ng araw. dating at dating na ang panauhin. kanina ay mga dalaga. ngayon ay mga binata. mamiya'dalaga na naman. at marahil ay binata ang susunod. dapat magkagayon: sapagka'araw ng bulaklak ay bulaklak din ang dapat magdiwang. at kung saan natitipon ang mga bulaklak ay doon nagkakagulo ang mga bubuyog at paroparo. halos sikip na ang bahay ni kapitang andoy. bawa'dumatal ay maligayang bati ang namumulas sa mga labi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"datapwa'si artemyo, ang binatang giliw ng ipinagdidiwang, ang pusong lalong mapalad, ay di pa sumisipot. gayon man ay di kapunapuna ang pagkawala nito sapagka'si dolores lamang marahil ang di nakalilimot. ang kapunapuna ay ang di pagsipot pa ng komparsa. kapitang andoy, wala ba tayong tugtugan? ang usisa ni labadre, ang kanina pa'kantiyaw ng kantiyaw. mayroon ang tugon ng tinanong dalawa ang nangako sa akin. saan po naroon? hindi pa dumarating. ika sampu na po ah? maaga pa. baka lawit ang pusod ng mga nangakong iyan!. ang pagdaramdam na halo ni beteng. biro ko po lamang iyon. patawarin ninyo ako at tinapos sa halakhak. di na sumagot si beteng at dumungaw upang tanawin marahil ang kanyang komparsa. datapwa'wala siyang namalas at ni si simon ay di sumisipot. bakit kaya? ang naitanong sa sarili. siya rin ang sumagot maaga pa naman. at naupong muli na ipinako ang malas kay dolores. kay ganda ng langit ko! ang inipit na sigaw ng kalulwa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at mula sa ulo hanggang paa ay pinanooran niya, ang gumugulo sa kanyang buhay at pagkatao. si dolores, kung talaga mang may katutubong ganda, ay higit at lalo pa noon. batid niyang siya lamang ang magiging panoorin sa kasayahan, kaya bumikas ng dapat maging bikas. ang damit na isinoot ay yaong talagang bagay sa kanyang ganda: kulay bughaw. loleng ang saad ni labadre kay dami mong kandidato ay wala na bang nagalay sa iyo ng tutugtog? ayaw ko nga niyan! ang yamot ng pinagukulan. ang patigas ni labadre may artista ka, may estudyante ka, may pintor ka, may. ang patalo ni dolores. tawanan at titigan ang itinugon ng lahat. siyang pagsipot ng anim na dalagang nagpapangagaw sa dilag. ang gayak ay paraparang ternong bughaw. yaon ay mga bituin ng kami naman. batian at kamayan ang nangyari. wala pa hanggang ngayon ang komparsa! ang kantiyaw na naman ni labadre, matapos magpausok ng tabako at makapagpaindayog sa kulumpiyo. tanghali na nga ang dugtong ni kapitang andoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sayang ang mga sandaling nakararaan! ang patuloy pa ni labadre. si beteng ay parang iniinis. nabakla tuloy na baka di na nga sumipot ang komparsa. hindi na mapalagay ang binata. dudungaw; uupo; tatayo; at lalabas na lamang ang gawa. ang mga bubuyog ay patuloy sa pakikipagbulungan sa mga bulaklak. ganap na kaligayahan ang inaawit nila. bawa'isa'kinalalarawanan ng galak, tuwa, aliw. may mga binatang palipatlipat ng upo. at may mga dalagang nagbabanalbanalan. may mga bagong taong bibig at mata lamang ang kumikilos. at may mga dalagang kamay lamang ang pinagagalaw sa pamamaypay. ano pa'halohalo na: ang mabait at ang malikot. si dolores man ay masayang masaya rin. samantalang si kapitana martina ay lakad dito, lakad doon. pumasok, lumabas, ang ginanap na tungkulin. ano bang komparsa iyan? ang di mapakaling bulas na naman ng bibig ni labadre hanggang ngayon ay wala pa?. antabayanan natin ang alalay naman ni kapitang andoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang payamot na ni labadre sinasabi ko'lawit yata ang pusod ng mga nangako. mang beteng, anong oras po ba darating? ang usisa na ni kapitang andoy. pinawisan ng malamig ang binata at matagal din bago nakasagot: ang sabi ko po ay ika walo. bakit wala pa hanggang ngayon? ang lahok ni labadre. talagang gayon po tayong pilipino: pag sinabing ika walo ay antayin mo sa ika labing dalawa. ang katwiran ni beteng. samakatwid ay mamiya pa sila darating ang pandidilat na ni labadre. malaking siste! ang yamot na ni kapitang andoy pati si artemyo ay nawala na ah!. nagbingibingihan si beteng nguni'naglalagablab ang loob. ang poot niya ay kay labadre nabubuhos. sino bang hayop ito? ang tanong sa sarili. kay luwag ng kuwelyo! kay iksi ng amerikana! tambakan yata ng basura ang bibig sa walang sawang pagnganga! pausok ng pausok ng tabako at bibig na lamang niya ang naririnig. sulot ng sulot sa kapitang andoy na parang binubaeng gumigiri. dapat ngang kainisan ni beteng.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kung hindi sa kanya, kay labadre, ay di pa lubhang maiinip ang ama ng kanyang dolores. kapitang andoy, ang pagitna na naman ni labadre kung batid ko lamang na walang tugtugan ay ako sana ang nagdala. wala po bang tugtugan? ang usisa ng ilang kaharap. mayroon ang tugon ng kapitang andoy darating na. sunduin ko yata? ang putol ni beteng. huwag na po ang pakunwari ni dolores. ang sagot na ito ng binibini ay nakapagbawas din ng kaba ng dibdib ni beteng. paano'paano ma'nakabuhay din ng kanyang loob. lubha pa noong pumasok si kapitana martina na nagsabing: loleng, samantalang wala pa ang mga komparsa, ay ilabas mo ang iyong alpa at aliwin mo ang iyong mga kaibigan. yaon ang magaling. ang inaantay namin. gayon ang naging tugunan ng lahat na pawang nagpako ng malas sa dalagang ipinagbubunyi. sa likod nito ay namaibabaw din si labadre. anya': ilabas mo'marami tayong paaawitin dito. hayan si nitang, ang tiple sa mandaluyon, si berang, ang dangal ng tangke, si siyon ang buhay ng kumilos tayo, at.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang dugtong ni kapitang andoy. siya nga po, siya nga po ang ayon ng mga binata. ang pagtanggi ng mga dalaga. ayaw pa sana si dolores na ilabas ang kanyang alpa, dahil sa pagkatig sa kanyang mga kabaro, nguni'napilitan din. ilang sandali pa ang lumipas at nagdiwang na ang mga daliri ni dolores. mahabang palakpakan ang tumapos. talagang ang dalaga ni kapitang andoy, ay madadala na sa esposisyon sa panama ang pagpuri ni labadre. ang salo ni kapitana martina at ni dolores. walang biro: ang mayaman sa ganda at mayaman sa talino, ay talagang pang esposisyon ang patuloy ni labadre nguni'. wala pa ang mga komparsa? si beteng na naman ang natisod. kulog na matanda ito! ang bulong, hindi na napagod ang bibig! salamat at nagbago ng salita si labadre: nitang, tiple ng mandaluyon, ikaw naman ngayon. si mang labadre naman ang patumpik ng pinagukulan. halana; isang kundimang makalaglag matsing ang pilit ni labadre loleng, tugtugan mo. nagpalakpakan ang mga panauhin, nguni'si nitang ay ayaw pa rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang dalagang sibol sa langit ng pilipinas ay talagang gayon. may talino man ay hindi ipinagpaparanya. bagkus ikinukubli habang napipita. lalo na'pagpuri at paghanga ang ipaghahalungkat. mana'isang matining na tinig ang nagpatahimik sa lahat. umaawit si nitang at sinasaliwan ni loleng. si labadre ay napatigil din. sinamantala naman ni beteng ang pagpanaog upang salubungin marahil ang komparsa. sa panulukan ng mga daan sagat at penyapransiya, ay doon tumanaw si beteng. sarisaring guniguni ang lumaro na sa binata noong hindi niya mamalas ang inaantay. biniro kaya siya ng komparsa? talaga kayang di na sisipot? ano ang ginawa ni simon sa salapi? ganyang mga tanong ang di niya matugon. nangangawit naman sa pagtanaw sa wala, ang kanyang malas. minsan ay magningas ang poot kay labadre. kung wala ang taong yaon ay di gaanong mapupuna ni kapitang andoy ang di pagsipot ng komparsa. ang kapitan ay nawiwiling makipagusap sa mga panauhin. datapwa'laging sinusulot ng masalitang matanda.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ito ang nagpapalaki ng sunog. ang kanyang pagkatao ay nabingit tuloy sa pilapil ng kahihiyaan. si simon naman ang nahagilap ng alaala. pinagtaksilan kaya siya? hindi mangyayari. kagabi lamang ay ika labingisa na ng umalis sa bahay ni beteng. at sinabi nitong naibigay niya ang salapi at tinanggap naman. saan naroon? marahil ay tinitipon ang manunugtog. walang sala; pagka'pinainum pa niya ng heres, bago umalis. humakbang ng ilan ang binata at idinukot sa bulsa ang kamay. tumanaw na naman sa malayo, nguni'wala pa rin. mga tao na namang iyon, di kaya inaalala ang kahihiyan ko? ang tanong na magisa. tinanggap ang salapi at di sisipot? malaking pagkukulang sa pagsasama! datapwa'ano ang magagawa ni beteng? siya'nagaanyaya lamang. yaon ay pabuya lamang. iba ang upa sa pabuya. kung upa, kahi'umulan ay sisipot sa takdang oras. sapagka'pabuya, ay daratal kung kailan sipagin. utang na loob pa! inip na inip na ang binata. pumagitna na naman sa daan at muling tumanaw. si simon man ay wala rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"tuluyan na kayang mabibitin ang kaawaawa? sumisikdo ang loob; sumasasal ang tibok ng puso; nangangapos ang hininga. mahirap na talaga ang mabingit sa kahihiyan! waring nabuksan ang langit kay beteng nang marinig niya ang tunog ng bigwela. walang alinlangang yaon ay kina kapitang andoy. halos ay tumakbo ang binata sa galak. matulin na pumanhik. lalong sikip na ang bahay na bago ng kapitan. noon ay nagsasayawan na. taas ang noo, lantad ang mukha, na dumulog sa harapang yaon. nguni'kay laking pagkabigo! ang tumutugtog pala ay hindi ang komparsang kanyang inaantay, kung hindi ang orkesta ni artemyo at ni pastor. napipi at napamangha ang binata. lalong ibinaon siya ng kahihiyaan. malalamig na patak ng pawis ang umaliw sa kanya. ang mata naman ng mga kaharap ay parang umuuyam sa kaawaawa. naito na pala si mang beteng! ang bulalas ni labadre nahan ang inyong komparsa? nilagpasan kayo ni artemyo!. walang naitugon si beteng kung hindi sarisaring banta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"poot kay artemyo, sapagka'napaibabawan na naman siya. galit kay labadre, dahil sa lagi siyang hinihiya at ibinibilad. ngitngit kay simon at sa komparsa, sanhi sa siya'isinubo sa kahihiyaan. gayon ma'nagbakasakali ring daratal. at pinilit ang ngiting nagsaad kay kapitang andoy: nahuli ang komparsa natin. tanghali na nga ang tugon naman ng pinagukulan. nahan mang beteng ang inyong komparsa? ang pagitna na naman ni labadre mayroon ba wala? mayroon ang salo ni kapitana martina na noon ay abalang abala ito namang si labadre, hindi pa ba kayo nasisiyahan sa orkestang iyan? iba po ang komparsa ni mang beteng sa orkesta ni mang artemyo ang tugon ni labadre. patuloy naman sa pagtugtog ang orkesta, at patuloy din sa pagikot sa sayaw ang mga bubuyog at bulaklak. si loleng naman at si artemyo ang nagsasarili; kaya lalong naglalagablab ang poot ni beteng. paano'dinadarang ng panibugho. gayon ma'nagtatagumpay din ang dakilang asal. nagkamayan din ang dalawang binata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kay pastor ma'parang walang ano mang bigat ng loob. natapos ang sayawan. pumutok ang serbesa. lalong namayani si labadre. datapwa'si beteng ay parang nauupos na kandila. lahat ay nakamata sa kanya kay artemyo kaya. malaking pagkabigo! ang pagkakalat na naman ni labadre napeste na yata ang komparsa ni mang beteng! halakhakan ang itinugon ng lahat. ang binatang tinukoy ay maputlang maputla. isang babai lamang yaong nakasagot: si mang labadre naman; itinatanghal ninyo ang lalaong dakila sa ating panauhin. lalong dadakila kung sumipot ang komparsa ang patlang ni labadre. sisipot din ang pagtatanggol ni kapitang andoy. walang imik at nakahalukipkip si artemyo sa piling ni pastor. kapwa sila nagpapausok ng tabako. ang saad na naman ni labadre mabuti, kapitang andoy, at nagkaroon kayo ng isang artemyo, disin ay nabitin tayong lahat. sa akin ay si artemyo ang lalong dakilang panauhin ngayon!. salamat po ang salo ng pinuri.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ehem, ang tikim naman ng ilan na ginanti ng kindat ng ibang nakababatid ng lihim. dadaluhingin na sana ni beteng ang labadreng kanina pa'kinaiinisan na niya, kung hindi dumatal na humahangos at may dugo sa damit si simon. mang beteng! ang wika humawak ka po ng patalim at ibangon natin ang iyong kahihiyan! narito ang umaagaw ng iyong dangal! ang isa ay napatay ko na! ano ang nangyari? ang gulat na tanong ni beteng. kailangang pumatay ka po ng tao pagka'ang dangal mo ay inaagaw ng iba! boong tapang na isinaad na labis na nakatulig sa lahat ng nakikinig. si beteng ay lalong naupos. si labadre man ay napipilan din. maging si kapitang andoy, maging si kapitana martina, ay napako sa pagkamangha. ang magandang dolores ay nangliit sa takot. sino ma'walang nakaimik. isa isang minalas ni simon ang panauhin. hinanap ng kanyang mata ang mga kaaway ng kanyang katoto. sa gayong anyo, na lahat ay natitigilan, ay sumipot ang mga alagad, ng pamamayapa, ang kinatawan ng pamahalaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"tinutok ng rebolber si simon na: bitiwan mo ang iyong patalim! binitiwan naman nito. pinulot ng isa sa mga tiktik. kinawit naman sa kamay ng isa si simon. at magalang silang yumaon. si beteng ay sumama naman sa dinakip. at ang alingasngas ay lalong naghari. isa'isa'lumapit ngayon kay artemyo at kay pastor. balana'nag usisa kung ano ang nangyari. nguni'sa lahat ng tanong ay pawang aywan ang sagot. at yumaon na rin ang magkaibigan, matapos magpasintabi kay dolores at sa lahat ng panauhin. baka di na kayo bumalik? ang huling tanong ni loleng. babalik; sandali lamang kami ang tugon ng dalawang nagmamadali. sarisaring hinagap ngayon ang naghari sa kasayahan. bulong dito, bulong doon, ang nangyari. si labadre nama'lumikha na ng kung ano anong mga hiwaga na singaw marahil ng alak. hapon na noon ng araw ni loleng. ang panauhin nila ay mga katulong na lamang. ang pagsasaya ay natapos sa di oras, dahil sa sigalot na nangyari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang nasabi na lamang ni artemyo nang siya'dumating na lahat ay natatahimik. ang durungawan man ng bahay ay nakalapat. isa mang tao ay wala siyang mamalas. tunog ng pinggan sa labas ang kanyang napupuna. nagalanganin tuloy na magpatao po. subali'noong siya'tatalikod na lamang ay nakarinig ng: mang artemyo, tuloy kayo! ano po ba ang balita? ang kapitana martina pala ang tumawag kaya'pumanhik ang binata. bakit ngayon lamang kayo? ang bati naman ni loleng na buhat sa silid. bakit naman nagkatapos agad? ang usisa ng binata. nagkasakit sa nerbiyos si andoy ang salo ng kapitana nariyan sa silid na binabantayan ni doktor borlongan. malubhang totoo. ang taka ni artemyo. nasindak kay mang simon ang patunay ni dolores bakit talagang may sakit sa puso. ang nangyari po'ganito ang pagbabalita na ni artemyo nangako rito, kay kapitang andoy, si beteng ng komparsa. ang komparsa pong yaon ay pinangangasiwaan ng isang nagngangalang tomas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"si beteng, upang matiyak na sisipot dito ang komparsa, ay nagbigay pa ng salapi. si simon po naman ang nagdala, sapagka'ito ang kasama ng tomas sa hanapbuhay. nagkasundo di umano sila, at tinanggap daw po ang pinakaupa. nguni'kanina raw po ay antay ng antay si simon ay walang sumisipot. hinanap daw po si tomas at nakita sa bilyar. inusisa raw po nito kung bakit di tumupad sa salitaan. sapagka'si tomas daw po ay napagtatalo ay di raw hinarap si simon. sa gayon ay sumubo na ang poot ng sumundo. isang kung sino naman ang bumulong daw kay simon na talagang hindi sila sasama sa inyo sapagka'salitaang ibibitin kayo. lalong nagdilim daw po ang isip ni simon. nagbunot na raw po ng kortapluma at nilabnot ang damit sa dibdib ni tomas. ang makapangyarihan daw na tanong. huwag ka ngang buwisit! ang tugon daw naman ni tomas, hayan ang salapi mo! at inihagis daw po ang pabuya. sapat na yaon upang si simon ay gumamit ng patalim. tinarakan na raw po sa tapat ng puso si tomas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang pahiyaw ni kapitana martina. ang saad naman ni loleng. mangyari pa po! di ba ninyo narinig ang hagibis ng ambulansiya? ang tanong pa ni artemyo. narinig nga namin at siya tuloy nagtaboy ng maraming panauhin ang saad ng kapitana. bakit sinabi ni mang simon kay beteng na narito ang umaagaw ng kanyang dangal? ang usisa pa ni loleng. ipinalagay po marahil nila na si pastor ako ang nagsulsol kay tomas, na huwag sumipot. patawarin ng diyos! ang saad ni kapitana martina, at hinarap si dolores ipaghanda mo sila ng mirindal. marami pong salamat ang maagap na pagayaw ni artemyo. hindi manyayari; kakain at kakain kayo ang pasya ng kapitana. si dolores nama'yumaon na upang ipaghanda ang irog. ilang sandali lamang ay magiliw na nagsabing: tayo na. huwag na po ang pasalamat ng binata. hala na ang yaya naman ng kapitana. sa kapipilit ay tumayo rin si artemyo. silang tatlo ay nagharap sa lamesa. sumungkit si dolores ng mantikilya at ipinahid sa tinapay ng binata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"nilagyan naman ng kapitana martina ng keso ang pinggan nito. nguni'noong isusubo na lamang ni artemyo ang biskuwit na isinahok sa mainit na sikulate ay nabigla sila sa tawag na: kapitana! madali kayo at mamamatay na ang kapitan!. madaling gumibik ang tatlo. unahang pumasok sa silid ng kapitan. isang higit na lamang ng balikat ang kanilang namalas, at: patay na! ang saad ng doktor. malakas na hagulhol ng magali ang nagbalita sa boong kabahayan, ng masaklap na pagyaon ni kapitang andoy. dumagsa sa silid ang tao mula sa labas. madlang kapitbahay ay nagsidalo rin. samantalang nagsisitangis halos ang lahat, si artemyo ay pagal na pagal namang inaaliw ang kanyang pinopoon. sa pagkahandusay sa isang upuan ni loleng, ay boong giliw niyang pinapaypayan. pinipisilpisil ang mga daliri at hinahaplos ang mukha. walang malay naman ang dinaklot ng pighati. isang sandali pa ang lumipas at tinanghal nang bangkay, ang kanikanina lamang ay tinawag na kapitang andoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sa isang silid ay nagkulong na naglapat ng pinto ang magali. mula roon ay umalingawngaw ang malumbay na pagtangis nila sa dagok ng palad. kay saklap na naging kaarawan ni loleng! nagsimula sa galak at natapos sa mapait na pagluha! sawing palad na pagkakataon! gabing maligaya. ang buwan noon ay parang nabibitin sa langit. nagpapalalo ng kanyang yaman. sa daan sagat naman noon, ay magulong magulo ang mga bata. may tubigan, may taguan, at kung ano ano pang laro ang ginaganap. nakikipaglamay sila sa liwanag na kaayaaya. noon ang ika pitong gabi ng dasal na patungkol kay kapitang andoy. kaya'kung sino sinong manang at manong ang nagsisidatal. at lalong marami ang dalaga at binatang mga kaibigan ni dolores. ang masamyong halimuyak ng mga dama de notse, sa halamanan ni loleng, ay sumusuob noon, at bumabati sa mga alindog na panauhing patungo sa dasal. ang mga panggabing paroparo, mga pusong palaboy ng pagibig, ay naglisaw naman sa daan at inaabangan ang kanikanilang bulaklak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sayang nga naman ang pagkakataon! mula naman sa langit ay nagkislapkislap ang mga hiyas ng kalawakan. mga bituing waring nagsasaad na sinusubukan namin kayo. hangin lamang marahil ang nakababatid ng kanilang isinasaloob. mana'tatlong lalaki ang sa daang erran ay waring nagaaliw na naglalakad. sila ay si artemyo, si pastor at si labadre. makikipagdasal ding gaya ng mga sinundang gabi. hiyanghiya siya noon ang saad ni labadre wala pa kayo ay talagang iniinis ko na. ang salo ni artemyo baka tuloy isinaloob na tayo ay magkakasapakat. maano yaon? ang sabad ni pastor. hindi ang matwid ni labadre batid naman ng lahat na tayo ay di pa magkakakilala noon. kung sakali man ay sa pangalan lamang ang lagot ni pastor. lumiko sila sa daang san tiyago. magtapatan nga tayo ang hamon ni labadre ano ang ikinagalit ninyo kay beteng? galit kay beteng! ang pagtataka ni artemyo ni sa guniguni ay wala akong galit sa kanya. pilitin ko man yata ang mapoot ay di mangyayari. ang di paniniwala ni labadre.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"talagang totoo kaibigan. ako ang magtatapat ang agaw ni pastor bakit ba ako magbubulaan? hala nga ang sambot ni labadre. ang masama ay dapat bungkalin ang patuloy ni pastor ang magtakip sa isang kasamaan ay ginagawa lamang ng mga taksil. siyang totoo ang ayon ni labadre. sapagka'kami ay hindi taksil ay sasabihin ko ang katotohanan ang dugtong pa ni pastor makasama makabuti man sa amin. iyan ang lalaki! ang pagpuri ni labadre. hatulan mo: ang simula na ni pastor. si beteng ay dinaig nito sa pangingibig kay loleng. dahil doon ay sarisaring paninira ang kanilang inasal. at pati ako ay binantang sapakatin. nguni'di pumayag ang puso ko. nabigo ang kanilang amuki. sila ni simon ang nagkasundong mabuti. ako naman, palibhasa'di maamin ng aking sarili ang pagagaw ng dangal nito, ay siya ko namang inagapayanan. hanggang sa loob ng samahang kumilos tayo ay nagpanagupa kaming mabuti. doon ba naman ay sukat alisan ng tungkol at itiwalag ito?.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"hindi lamang yaon ang putol ni artemyo inilathala pa sa mga pahayagan na ako raw ay magdaraya, magnanakaw, at. si beteng ba si simon ang naglathala? ang tanong ni labadre. si beteng; nakalagda pa eh ang patuloy ni pastor ang nasapit ay nabagsak ang samahan. paano'maraming nagsitiwalag at dinamdam ang nangyari. biro ba ninyong kahihiyan, yaon? siya nga ang ayon ni labadre. mula na noon ang dugtong ni pastor ay inabatan ko na siya. inabatan ko, ako lamang, sapagka'ito ay ayaw makipatol. bakit makikipatol ay napapabuti na siya? ang biro ni labadre. hindi naman ang ngiti ni artemyo. nang mabalitaan ko ang araw ni loleng ang giit din ni pastor ay nilakad ko ang komparsa niyang inanyayahan upang huwag sumipot. sa mabuting salita ay di lamang pumayag na sila ay di sisipot, kung hindi nangako pang sa amin sasama. datapwa'inakala kong pangit ang gayon. kaya pinaurong ko ang kanilang pagparoon, at humanap na ako ng orkesta. labis ang pagkaganti ninyo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang hatol ni labadre malakas na sampal ang inyong ginawa! patas na kayo! nakalalamang pa kami ang habol ni pastor. sa inyo tumining ang pagpuri ng lahat ang ayon ni labadre. noon ay na sa tapat na sila ng tahanan ni beteng. madilim ang bahay at wala ni kalatis mang marinig. tahimik namang lumagpas ang tatlo. at lumiko sila sa daang sagat. kumusta naman kayo ni loleng? ang usisa na naman ni labadre banta ko'nakasapit na kayo sa lupang pangako. malayong malayo ang tugon ni artemyo. ang turo ko sa kanya ang dugtong ni pastor ay pagkaraan ng dasal sa nasirang kapitan ay umaklas na sila. bakit pa aaklas? ang tanong ni labadre magpamanhikan na lamang at ako. hindi natapos ang pananalita ni labadre, at sunodsunod na, bumulagta ang tatlong magkakasama. isang lalaki ang nanampalasan. saksak dito, tarak doon ang ginawa. nangakatimbuwang na'di pa tinirahan ng buhay. sa isang sandali, ito ay naganap. bago napakilala yaong mamamatay: ako'si beteng! si silbestre santos!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang lalaking isinubo ninyo sa kahihiyan! wala akong ginawa kun di maningil! ako na rin ang hahanap ng katarungan!. inihagis ang hawak na balaraw. yumaon ang lalaking naghiganti. nilisan sa liwanag ng buwan ang tatlong bangkay. ang ulo ni artemyo ay napatong sa dibdib ni labadre. si pastor naman ay nakabulagta sa may dalawang dipang layo. ang dugo ng mga sawi ay parang idinilig sa pook ng sakuna. tatlong bangkay! inutas si artemyo! sino ang pumatay! pinatay si labadre! tinapos si pastor! ganyang mga alingawngaw ang sa ilang saglit lamang ay gumulo na sa bayan ng pako. ang tao sa mga sine, ay unahan ng paglabas. maging mga pulis ay gulonggulong. ang dasal pa kaya kina kapitana martina ang hindi naligalig? naligalig din. naligalig ng gayon na lamang. takbuhan sila sa pagpanaog. ang buntong hininga ni loleng, nang mamalas niya ang bangkay ng kanyang giliw at nagunahan nang pumulas ang luha. ang kahihiyan ay sinupil ng pagibig. at ang lakas nito ay namayani na naman noon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"niyakap ni dolores ang bangkay ni artemyo. inihiga sa kanyang kandungan. luha naman ang itinulong ni kapitana martina. at lahat ay nagtaglay ng habag sa busabos ng pagibig; kay loleng na nagtanghal ng di karaniwan sa mata ng madla. mabilis na umaagos ang kanyang luha, na nagbabansag ng matayog na kadakilaan ng kanyang puso, at magtatanghal ng taimtim na pagdaramdam ng kanyang kalulwa. waring mga salarin na hinahakot ang mga manglilimbag sa limbagan ng pamahalaan, at dinadala noon sa pagamutan ng san lasaro. dahil sa pagkamatay ng isang kasama, sa sakit na dipterya, ay muntik ng ikulong ang lahat ng kawani sa boong limbagan. kuwarentenas diumano ang kailangan, sapagka'mapanganib na sakit ang dipterya. ang mikrobyo raw noon ay totoong mabisang makahawa. ganyan ang pasya ng matatalinong doktor sa kagawaran ng karunungan. at naganap ang pasya, baga man kay daming anak ng dalita ang napinsalaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"lungkot, pighati, hinagpis, pamamanglaw, iyan ang lumalaro sa mga kaawaawa na ikinulong sa isang kamalig na ni lamok ay di makapasok. may tumatangis at may tumatawa. pagtangis na inililihim at pagtawang pilit lamang. ang iba'malungkot na inaalaala ang asawa. ang iba'iniluluha ang mga anak. at ang iba nama'mapanglaw na ginugunita ang kanilang pinopoon sa buhay, ang langit ng kanilang pagibig. kung minsan sa hinagpis na ay! ay buntong hiningang ay! at bakit di sila mamamanglaw? tunay; sila'malalakas pa kay sa humakot sa kanila. paano'wala namang sakit. subali'ang pagkawalay sa mga pinakamamahal sa buhay, ang masabing sila ay may mikrobyo ng dipterya, ay labis nang makapanglumo ng puso. isa lamang dito ay sapat nang sumupil sa kanilang lakas. noon ay isang hapong mapanglaw. salamat sa pagdalaw ng ilang mga kasama at kamaganak, ay nababawasan ang kanilang lungkot. salamat din naman sa mga alaala ng kami naman na paano'paano ma'ikinaaaliw nila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang masasarap na biskuwit, welga, at sigarilyo, na abuloy ng samahang yaon sa pako, ay nakatutugon din kahi'bahagya sa kanilang hapis. paano'tanda yaon ng pagmamahal; pagmamahal na ibinuyo ng pagibig; at pagibig na likha ng banal na pagkakapatiran. ano ang naisipan ng kami naman at nagpadala rito ng abuloy? ang tanong ng isa. tumupad lamang sila sa kanilang tungkulin. dumamay sa kapatid ang paliwanag ng nakasalamin. tayo ba'kapatid nila? hindi naman tayo kasapi? ang patlang ng iba. kapatid nila tayo; kasapi man at hindi sa kanilang samahan. sapagka'ang mahihirap ay magkakapatid na lahat. kung paanong ang mahirap ay walang bayan, ay gayon din na walang lipi. bayan niya ang sangsinukob at lipi niya ang sangkatauhan. ganyan ang itinugon ng ilan at tinapos sa palakpak na pagpuri ng lahat. ang malakas na hiyaw na kanilang narinig. sila'nagsidulog sa durungawan. at mula roo'napanood nila kung sino ang sumigaw. isang baliw sa kulungan ng mga sawing palad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"na sa bahay na katapat ng kanilang kinapipiitan. mula sa durungawan noon ay isang talumpati ang binigkas sa kanila: mga kapatid: itigil ninyo ang pagawit ng galak. ang dapat magalak ay ang nasisiyahan sa buhay. samantalang tayo ay naghihikahos: gipit sa lahat ng kailangan; dahop sa salapi; uhaw sa paglaya; ay pawang pighati ang ating dalitin. sapagka', sapagka', sapagka'siyang bagay sa ating kalagayan. ang bulungan ng mga nakikinig. makinig tayo! ang saway ng ilan. sa buhay na ito ng mga pangarap patuloy ng nagtatalumpati ay talagang pawang katiwalian ang malimit mapanood. ang mahirap ay nasisiyahan sa kanyang kahirapan, nguni'ang mayaman ay di nabubusog sa kanyang kayamanan. gayong ang dapat mangyari ay masiyahan ang masalapi sa kanyang kasaganaan, at dumaing ang dukha sa kanyang kadahupan. subuking iwasto ang lakad ng buhay: tumahimik ang mayroon; magsigasig ang wala: at ang puso ng maralita ay hindi na tatangis. totoo ang turing ng ilang nakikinig. makamahirap pa!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang paghanga ng iba. bayan ko ang hiyaw na naman ng baliw kailan pa mapapanatag ang iyong kapalaran? habang panahon na ba ang iyong pagtitiis? talaga bang isinumpa ka sa kaapihan? bakit di ka kumilos? ano ang kabuluhan ng iyong lakas? walang kalayaang inililimos! ang ipinamimigay ay ang kalabisan ng nagbibigay! ano pa'ang layang inaantay mo, ay ang labi ng panginoon! datapwa'alalahanin mong may mga labi, na ni hayop ay tumatanggi. at ang bayang labi ng kapwa bayan, ay mahina. walang kasing hina! walang kasing dupok! parang salamin lamang! sayang ang iyong matatalino! sayang ang iyong matatapang! masdan mo'isa isang nagsisitulog sa libingan! bakit di mo samantalahin ang kanilang lakas? kung ang tao ay sumipot upang makipagagawan sa buhay, ang bayan ay nilikha upang makipaglaban sa karapatan. iyan ang ulol na nagsasabi ng katotohanan! ang pagtataka ng mga nakikinig. sino kaya iyan? ang tanong ng iba. ang baliw naman ay lalong gumilas sa paglalahad ng mga nangyayari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kumuha ng pisi at sa dulo'itinali ang kanyang panyolitong puti. inilawit sa rehas. binayaang iniwagayway ng hangin. at malakas na sinabing: hayan ang watawat ng pagsuko! hayan ang sagisag ng pananahimik! batiin ninyo at igalang. mahalin ninyo at ibigin. kung iyan ang ating ilaladlad sa gitna ng digmaan ay unahan tayo ng paghawak. datapwa'kung pula, tanda ng paglaban, ay nagtuturuan tayo. magdarayang tapang!. sandaling natigilan. bago nagpatuloy: bandila ng kapayapaan! ang kapangyarihan mo ay nagdidiwang sa ibabaw ng maliit at api. nagdidiwang, sapagka'nasisiyahan sila sa kanilang kaliitan at kaapihan. datapwa'sa malalakas at manglulupig, ang kapangyarihan mo'hindi makapamayani. hindi makapamayani, sapagka'di pa sila nabubusog sa kanilang tayog at kadakilaan. dapat lumaganap sa lahat ang iyong lakas. masupil mo nawa ang sangkatauhan!. noon ay papaalis na ang mga dalaw. nang mapuna ng baliw ang pagyaon ng ilang dalaga, ay maliksing hinigit ang kanyang watawat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"nagpugay sa mga paalis, na anya': paalam mga dalaga ng lahi, masamyong bulaklak ng bayan. dahil sa inyong dilag ang libo mang buhay ay ipasasawi. si plorante'naging plorante dahil kay laura; si ibarra'naging ibarra dahil kay marya klara; ako naman ay magiging ako dahil sa kagandahan ninyo. paalam mga pangarap ng aking puso. taglayin ninyo ang alaala ng inyong sawing lingkod. malambingin pa ang saad ng isang nakikinig. parang hindi ulol ang pasya ng iba. siya nga ang ayon ng ilan. nagpatuloy naman ang baliw; nguni'iba na ang uri ng isinasaad. ang tinig man ay tinig panambitan na: loleng ng buhay ko! dolores ng aking kaluluwa! halika'pawiin mo ang lungkot ng iyong alipin. dahil sa kagandahan mo, tampok ng pagibig, ako ay naging mamamatay. limang buhay ang inutang ko!. at naghinagpis ng: ay, kapalaran! napakadilim ng gabi na aking nilalamay! nakamatay ako sa di kinukusa! kaibigang artemyo, katotong pastor, kasamang labadre, mga kulang palad na naparamay sa aking kasawian!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"huwag kang mahapis diyan sa bilibid! ang pagdurusa mo'tanda ng iyong pagkamatapat na katulong! sa gaya mo, buhay man ay maipagkakatiwala!. ang kayamanan ko'manahin mong lahat!. at magdiwang ka ng boong galak. nilagot ang salita sa halakhak. nagpatuloy pa rin: ako si beteng! si silbestre santos! limang buhay ang aking inutang! apat ang inutas ko ng patalim at isa ang namatay sa takot sa aking ginawa! kay tomas ay ako ang pumatay! palayain ninyo siya! si simon ay kinasangkapan ko lamang sa pagpatay. si tomas ang unang tinampalasan ng marahas kong loob! kay artemyo, kay pastor, kay labadre, ay ako rin ang pumatay! si kapitang andoy man ay namatay sa pagkasindak sa sakuna! ano pa'dahil din sa akin! oo; inaamin kong limang buhay ang aking utang, kaya'ako na rin ang humanap ng katarungan!. at tinapos ang talumpati sa: pagibig! itangis mo ang mga sinawi ng iyong lakas at kapangyarihan!. alalahanin mo ang mga nalugmok dahil sa iyong kagandahan!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"tumatakas na noon ang tuwa at marahang humahalili ang lungkot. ang ilaw ng sangdaigdig ay sumisibsib na noon sa kalunuran. iba'ibang bikas at kulay ng ulap ang napapanood sa kaitaasan. samantalang sa lupa ang tinig ng panglaw ay namamayani na. datapwa'lumalo pa sa looban nila dolores, doon sa halamanang kinakitaang natin sa kanya noong siya'nagaaliw at nagpapalipas ng isang mapanglaw na hapon. oo; doon ay lumalo pa ang lungkot; paano'naroon si dolores at dinidilig ng patak ng luha ang kanyang alagang mga tanim. ang buntong hininga kay saklap ng buhay!. tinutop ng dalawang palad ang kanyang mukha bago nagpatuloy: halos kahapon lamang ay kasalo at kaulayaw ko ang aking ama, ngayon ay na sa langit na. kay pait gunigunihin! tinapos sa isang masaklap at malalim na ay!. ang perlas na luha ay naguunahang bumalong sa mga malas ng kaawaawa at sa di kinukusa ay napatanaw sa kaitaasan. langit, oh, natungong langit. kung turan ng mga makata, ikaw ay maawain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kung sabihin ng mga maralita, ikaw ay mapagkandili. nguni'ang katotohanan ay inagaw mo ang boo kong kalwalhatian. wala kang inalabi sa akin kung hindi isang pusong nalulunod sa hapis at isang pagibig na nabibilibid ng mga himutok. sa ganap na pangungulila ay tinatawanan mo ako, ngayon. at tumungo, tungongtungo, na sa masidhing pananaig ng lungkot ay napasandig sa puno ng kamuning. noon ay may isang ibong nagparinig sa kanya ng lalong mapapanglaw na dalit. sa puso ni dolores ay lalong nagugat ang lumbay. paano'nagunita niya ang mga awit ni artemyo, si artemyong artista, ang kanyang kapapanaw na giliw. lumakad ang ulilang kalulwa at dumulog sa kanyang mga sampagitang noon ay naghahandog ng kawiliwiling bango. isa isang hinagkan ng nalulungkot na dalaga. kayo, kayong mga sumaksi sa lihim ng buhay, kayong naging aliwan ng aking giliw, halana, halana, aliwin ninyo ang ulila sa lahat ng kaligayahan. at tayo'magsalong magalaala sa kanya. marahang pinuti ang mapapalad na bulaklak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sa lumang luklukan ay malungkot na naupo ang dalaga. dito naglaro sa kanyang isipan ang lalong maligayang dahon ng kasaysayan ng kanyang buhay sa pagka binibini. hinalungkat ng kanyang alaala ang hapong pagtatalik niya sa galak. noon ay araw ng huwebes. siya at si artemyo ay kapwa pinalaya ng palad. ang kanyang ali ay nakatulog yata sa pangginge. doon nga, sa halamanang yaon, at sa luklukan ding yaon, sila ni artemyo ay lihim na sumumpa, sa harap ng kanilang dangal at sa ngalan ng kanilang pagkatao. ang mga puso nila ay kapwa ipinasulat na maging busabos at ipinakilalang panginoon din naman. ano pa'noon niya binitiwan ang oo ng kanyang pagibig. at noon din siya pinangakuan ni artemyo ng lalong matamis na pagmamahal. sa ikapagtitibay nito, ay isinanla sa kanya ang isang singsing na hanggang ngayon ay nagniningning pa sa kanyang mga daliri. singsing ng giliw ko! kaputol na ginto at batong nagniningning! hiyas, na tanging pamana sa akin, ng aking panginoon at buhay!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"lalong nadudurog ang puso ko, kung mapanood ka ng aking malas! ang nakaraan ay ipinatatanaw mo at ibinabalik mo ako sa aking kahapon! sa langit ka na tutubusin ng nagsanla sa iyo!. tanda ng pagkalunos sa hiyas ng kanyang kasi, ay magiliw na hinagkan ito. kaya itinirik ang mata sa kalawakan at waring hibang na kinausap ang bumihag sa kanyang puso: artemyo, bayaan mong alalahanin ka ng nagmamahal sa iyo. noon ay nagsipotsipot na sa kaitaasan ang mga hiyas ng gabi, ang mga brilyante ng malapad na lambong ng dilim. at sa gitna ng gayong kalungkutan, sa pamamayani ng alingawngaw, ay mga piping hibik na ay! ang waring nahihigingan. yaon ang hinagpis ng pusong sapupo ng sakit, ni dolores na di na mabata ang pait na ipinalalasap sa kanya ng palad. kinabukasan, sa libingan sa singgalong, ay dalawang babai ang pumasok. pusong busabos ng pighati, kalulwang alipin ng hapis, ang kanilang dala. kapwa luksangluksa, nagbabansag ng sakit na nilalasap ng buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"marahang nagsisilakad at nakatungong tulad sa mga banal. sila ay si dolores at si kapitana martina. si dolores balderrama; ang tala sa daang sagat sa pako, dalagang nakabighani sa maraming pusong palaboy ng pagibig. nguni'hindi na siya si dolores na larawan ng ganda; hindi na siya ang bituing kalaro ng kaligayahan. siya ngayon ay si dolores na nagpipighati; ang dalagang yapus ng matinding biro ng kapalaran. si kapitana martina ang kasama? ang kapitana martina! ang mahal na asawa ng nasirang kapitang andoy. datapwa'hindi na siya ang kapitanang mapagsiste: matandang sa lagi na'masaya. siya ngayon ay babaing sapupo ng lungkot, matandang ulila sa galak. oh, panahon, kay dali mong magbago ng anyo! noon ay hapong napakalungkot. sa libingan ay ganap na nagdidiwang ang pananahimik. pamamanglaw lamang ang doo'nakapangyayari. ang mga krus na tanda ng patay ang tanging tanod ng mga nagpapahingalay. may mangilang ibong nagsisihuni, nguni'ano pa?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"huning nakapagdadagdag ng lungkot sa mga ulila ng pinakamamahal. lumapit sila sa libing ni kapitang andoy. inilagak ang ilang bulaklak ng biyoleta, na dinilig muna ng luha. doon ay naiwang tumatangis si kapitana martina na pinagyayaman ang libing ng bunying kapitan. si dolores ay doon naman lumuhod sa harap ng krus ni artemyo. ang bulaklak na dala bago inilagak ay hinagkan muna. nauna pang pumatak ang mga luha ng kaawaawa. kay lungkot na panoorin! ang wika bayaan mong sa iyong pananahimik ay paminsanminsang alalahanin ka, ng pusong di nakalilimot! naging sawi ka man sa iyong palad, ay dakila ka naman sa alaala ng iyong iniwan! diyan na sa bayang payapa awitin natin ang tamis ng pagibig!. ang kapalaran ay di matutulan!. at sa pisngi ng dalaga ay marahang umaagos ang mga patak ng luha; mga luhang pangalaala. kay tamis ng kamatayan kung gayon ang pagmamahal ng mauulila!. sa matalino at mayuming bbg. fausta cortes.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"marangal na binibini: matapos ko pong mabasa at manamnam ang unang supling na ito ng inyong makisig na panulat; matapos kong mapagukulan ng mahabang pagwawariwari, ay agad ko pong isinakamay ang aking pulpol na panitik upang boong ingat na panalaytayin ko sa maputing papel ang napakalaki ninyong napithaya sa dahop kong kaya na katigan ng mga panghuling kurokuro ang napakamahalagang aklat ninyong ito, ang na handang iyalok sa lalong may pihikang panlasa, palibhasa'pagkaing luto sa inyong sariwa at mayamang isipan. datapwa', paano po kaya ang aking gagawin, marangal na binibini, upang makayari ng isang tunay na epilogo? purihin ko na lamang po kaya ang pagkaing ito, at sabihin kong masarap, at sagana sa mga kailangang sangkap, kahi'na may nalalasahan akong anghang at pait? inaakala ko pong hindi wasto ang gayon!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sapagka'ayon din po sa pasiya ng isang bantog na polemista, kilalang mangangatha, tanyag na mananagalog at datihang mamamahayag na si inocencio dilat (humigit kumulang) na, hindi anya kailangan ng isang epiloguista ang sabihing ang aklat na ito (halimbawa) ay mainam, may dakilang layong mag alis ng piring sa mata ng hangal, may maningning na mga pangungusap, sagana sa mga palaisipang malalim, busog sa mga pantas na pagkukuro at mayamang mayaman sa pananagalog na tabas balagtas, sapagka'anya'isang kalabisan. ang isang epiloguista ay katulad din anya ng isang critico, magpasiya at turulin ang isang bagay na kamalian, bago suriin at hatulan, alalaon baga'punahin ang mali bago itumpak at ilagay sa dapat kalagyan. ito nga kaya ang tunay na epilogo? iyan ang hindi ko mataya! para kay inocencio dilat ay ganiyan, ganiyang ganiyan. ipalagay na po nating ganiyan na nga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"punahin ko ang lahat ng kamalian; sabihin kong namimilipit ang inyong mga pangungusap; minsang madapilok sa paglalarawan ng lalong mga kailangang ibadha ng inyong panitik; may mga pangyayaring madilim, malabo; may mga bigkasing kayong hawig sa wikang kastila ingles, ang gayon at ganito ay di mangyayari, anopa'ang lahat ng kamalian ay isa isahin kong turulin, suriin, punahin, bago itumpak, at. iwan ang dapat suubin ng kamaniyang, ang dapat purihin, ang dapat itampok sa lalong napakatayog na karangalan, alalaon baga'sabihin kong mapakla at hilaw kaya'mapait at maasim ang inyong ipinalasap na ito sa ating mga mambabasa, gayong ang katotohana', sa kabila naman ng lahat ng iyan ay mayroong nalalasahang tamis, sarap, linamnam, ay. ano po kaya ang wiwikain ninyo sa akin? hindi po kaya mangunot ang inyong noo at sabihin na ako'masamang epiloguista, kung epiloguista na ngang matatawag kahi'birobiro ang abang kaliitan? kay laki ng inyong napita; pagkalakilaki.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at sa kalakhan, ay hindi ko po tuloy matutuhan kung paano ang aking gagawin upang mapaunlakan ko kayo sa inyong hiling. ang wika nga po ng isang mangwawagi'bantog na makata at balitang manlilinang sa napakatamis na wikang ginamit ng ating haring si balagtas, sa kanyang walang kamatayang florante at laura, na si itang balbarin, na tubo sa mapalad na libis ng bundok ng samat, na siyang kinakitaan niya ng unang liwanag ng araw, na: ang isang epiloguista raw po ay hindi dapat mamuna ni maglahad ng ano mang tutuntunin sa pagsulat, sapagka', ang isang epiloguista ay kaibangkaiba anya sa isang critico. at, kung ganito nga ay. paano po kaya ang dapat kong gawin saang landas ako tutungo upang makayari ng isang wastong panghuling salita? para kay inocencio dilat ay di wasto ang ganito. at, para kay itang balbarin naman ay lalong di tumpak ang gayon. alin kaya ang dapat paniwalaan sa kanilang dalawa? kay laking suliranin!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sa suliraning iyan ay para ko pong nakikinikinita sa dalawang bantog na manunulat na iyan, na darating ang isang pagkakataong maguunawaan din sila; pagtatapisin ang kapwa nila matwid sa pamamagitan ng pagpipinkian ng kanikanilang mga panitik sa larangan ng digmaan ng literaturang tagalog. nguni'samantalang tayo po'nagiintay at upang ako'makatupad sa inyong napithaya ay wala po akong ibang gagawing batayan sa epilogong inyong hinihingi kundi, ang sinabi ng kataastaasang pangulong wilson, na, anya': justicia nada mas justicia. sa makatwid ay wala kayong sukat maintay sa akin, marangal na bbg. cortes, kundi ang dalawang bagay: purihin ang dapat purihin, at, punahin ang dapat punahin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang aklat mo pong ito, bbg. cortes, ay isang aklat na tangi sa may layong mag alis ng kulaba sa pangmalas ng mga hangal, magakay sa lalong may bulag na pagkukuro, nakapagtuturo pa rin sa ibang kadalagahan, diyan sa mga dalagang dahil sa kinang ng salapi ng sa kanila'mamintuho, ay nalilikhang sapilitan ang pag ibig at di inaantay ang kusang tibok ng kanilang puso. sa loob nga ng ay parang namamalas ko pa hanggang ngayon ang animo'mga larawang buhay na nagsisigalaw: ang magandang dolores; ang mapalad na si artemio; ang mapagsisting si kapitana martina; ang antukin at matatakuting si kapitang andoy; ang mabuting tao, nguni'masamang kristianong si simon; ang matapat at walang kasingbuting katoto, ang may diwang tasio, sa noli ni rizal, na si pastor; ang mapagpansin na si labadre; at.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang nakatatawang pagkahuli ni kapitana martina sa isang batang sisilipsilip ng nag aagahan na si beteng, yaong si beteng na walang tanging ipinangahas mula'mula pa kundi ang kanyang kayamanan, ang kanyang pilak, sa pangingibig sa mayuming si dolores, na siyang gumanbala ng kanyang isip, diwa'pagkatao. ang nakakapanaghiling kapalaran ng artistang si artemio, si artemiong kapangpangan, ang wika nga ni beteng, yaong si beteng na hindi makapaglakbay sa lupang pangako, kundi may kasama; hindi makapitas ng ibinabawal na bunga ng mansanas kung walang hagdanang matutungtungan, ay maging mabisa sanang tampal at matinding hagupit sa ilang mga lalaking kung walang tulay ay di makapangibig sa isang himala ng ganda, sa isang venus. si dolores, ang kapatid na bunsong ito, ni maria clara, sa noli me tangere, ni meni, sa banaag at sikat, ni celia, sa florante at laura, at ni ligaya sa kristong magdaraya!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ay pinaglupaypay ninyo ang matigas na puso sa darang ng maalab na pag ibig; pikitmatang pinatalaktak ninyo sa kaharian ni kupido at pinahintulutan din ninyong magpamalas sa masinsing tabing ng pagkukunwari sa kanyang hinahangaang binata, sa umagaw ng kanyang pananahimik: kay artemio. at talagang ganyan nga po ang dapat ninyong gawin, marangal na binibini, upang magkaroon ng naturalidad ang isang pangyayari na, hindi gaya ng iba nating mangangatha na sa pagnanasang huwag masinagan ng bahagya mang gaspang ang isa sa mga kumakatawan ng kanilang aklat, na sapagka'binigyan na nila sa una ng mga caracter na mahinhin, mayumi ay pakapipilitin patain inisin ang itinitibok ng puso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at upang patotohanan kong minsan pa sa inyo, na talagang hindi kamalakmalak na mangyari ang inyong ginawa na sa kahinhinan at kayumian ni dolores ay paibabawin ninyo ang kagaspangang nililikha ng pag ibig ay ipahintulot ninyong sipiin ko rito ang matwid ng ating balagtas sa kalakhan at kadakilaan ng ating tinutukoy: oh! pagsintang labis ng kapangyarihan sampung magaama'iyong nasasaklaw, pag ikaw ang nasok sa puso nino man hahamaking lahat, masunod ka lamang. ano ang nangyari kay beteng? humigit kumulang na sinasabi sa aklat ninyong ito, na siya, si beteng ay wala ng sinikap sa gabi'araw sa lahat ng sandali, kundi ang ikalulukso ng dangal ng umagaw sa kanyang langit, sa kanyang paraluman. at, di nga inaksaya ni beteng ang mahabang panahon at karakarakang isinagawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"inanyayahan isang araw ang dalawa niyang kaibigan, si simon at si pastor at isinangguni ang kanyang maruming nais; datapwa'anong tiwaling pagtitiyap at sa isip at diwa nitong huli, kay pastor ay itinanim ninyo, ang damdaming delfin, ang pusong felipe sa banaag at sikat ng makatang lope, na sa harap ng matatalim na upasala at marungis na adhika ni beteng, ay di ninyo pinapagtagal ang puso ni pastor, pinapanalag ninyo sa mga ulos at taga ng mga kaaway na lihim ng kanyang kaibigan. at sunodsunod ninyong isinabibig ni pastor ang ganitong pangungusap, sa tulong ng kanyang dilang walang pangiming magsabi ng katotohanan: mga kaibigan, huwag ninyong hamakin ang kanyang lahi. kapangpangan man at tagalog ay iisa ang uri, at ang sumira ng pag iisang iyan, ay yaon ang taksil na dapat pangilagan. ang taong pumapatay ng pag dadamayan ng pilipino ay yaon ang kalaban ng bayan. ang kaluluwang nagtatanim ng pag iiringan ay siyang uod na sumisira ng laya at pag asa ng lahat .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"anong ningning ng pagkukuro ni pastor! nakaramdam ng kirot ang dalawang pinagsabihan. hindi mga kaibigan ang ganti ni pastor kailan ma'di ko magagawa ang sumugat sa kapatid. nguni', oo; makikipaglaban ako sa kanino mang nagbibinhi ng pag iiringan. ang buhay ko'aking itinataya lubha pa'ang pag iiringan ay ipupunla dahil lamang sa inggit sa isang lalaking kinakandong ng palad. ilan kaya sa mga kababayan natin, bbg. cortes, ang makapagtataya ng buhay sa pagtatanggol ng matwid ng isang tao? kay dakila ng inyong paghahaka! matapos magpaalaala ang baliw na si beteng kay pastor, na ito'nasa ibang bahay, ay para ko pang nakikinikinitang nakangiti at hantad ang noong sumagot: sa bahay na pinaghaharian ng dilim ay doon ko dinadala ang ilaw . pagkatayogtayog po ng kurokuro ninyong ito, bbg. cortes, na sa pamamagitan ng kaunting salita lamang ay halos niyayanig ninyo ang budhi ng mapagdunongdunungang mga hangal. ang dalawang katalo ni pastor ay lalo ninyong pinagpuyos ang kapootan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ipinagtabuyan si pastor, nguni'pangiti ring sinabi: dapat ninyo akong itaboy; dapat ninyo akong turang ulol: sapagka', ang gurong nagtuturo ay talagang kalaban ng mga musmus na tinuturuan. sa harap ng ganyang maigting na pagwawariwari ni pastor, ay tahasang masasabi ko bbg. cortes na ang inyong baguhang panitik ay karapatdapat maisapiling ng lalong mga tanyag at dakilang mga manunulat natin, sapagka'minsan pa ninyong ipinakilala ang mataos ninyong paggalang at pagmamahal sa wastong matwid. si pastor ay nilakipan ninyo ng kislap ng sosialismo ng mga banal na aral ni tolstoy, jaures at iba pa, na, siya ninyong nais matutuhan ng ating mga kababayan. kusa kong iniwan at babayaan na, marangal na binibini, ang nakaiinggit na lambingan ng dalawang pusong bihag ng pagibig: si dolores at si artemio. hindi ko na po paguukulan ng kurokuro ang kadalisayan ng puso ni dolores na hindi maalam masilaw sa kinang ng salapi at sa hibo ng kisig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kusa pong di ko na gagalawin paguukulan pa ng mga wariwari ang kasiglahan ng handa sa kaarawan ni dolores, maging ang kasanayan ninyang tumugtog ng alpa; maging ang kalunoslunos na hinangganan ng masayang handaan sa bahay ng ating dalaga; ang di ninyo paglimot sa paglalarawan ng mga kagandahan ng mga bituin ng kami naman na dumalo sa naturang kasayahan, palibhasa'ang lahat ng iyan ay inaasahan kong sapat nang makapagudyok sa lahat ng makababasa ng aklat na ito, upang putungan kayo ng walang katapusang pagpupuri. at, kung alinalin ang aking isasakarurukan ng lalong kapurihan? wala pong iba bb. cortes kundi ang kinawilihan ko ngang paghahaka ni pastor, na busog na busog ng pagibig sa kanyang mga kababayan, at. ang mga pangungusap ng baliw na si beteng ng siya'napipiit na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sa ikaapat na kabanata, sa pangkat na naglalarawan ng boong pagsisigasig ni pastor, sa pagdamay sa kanyang kaibigang artemio at sa harap ng mga manunugtog na ipagpaparangal ni beteng ay natunghayan ko na naman, matapos ang ilang paliwanag ang lalong dakilang kurokuro ni pastor: narinig na ninyo ang saad ni pastor na linawin natin: hindi raw dapat bigyan ng tungkulin ang isang dapo. katwiran, nguni'bakit nila natitiis ang mga dapong naghahari sa ating bayan? at dapo ba si artemio? ano kung kapangpangan siya? hindi ba pilipino rin? maaari bang magsarili ang tagalog na ang kapangpangan ay hindi? napakarupok na pagkukuro! ang masasabi ko'nakikilala ang dapong kapatid din nila, datapwa'hindi nila nakikilala ang tunay na dapong dito'tumawid. ngayon at kalahi ay halos sakmalin. nguni'kung maputi kahi'na lumapastangan, ay nginingitian din. sinusurot, dinuduro at pinamumukhaan ang kabalat subali'ang dayo ay saka lamang mamura kung nakatalikod . kay sakit mo pong susugat bbg. cortes.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"nguni'inaakala kong kailangan ngang ang mga bulok at uod na makasisira sa mabulas na pagkakaisa ay isa isang lasunin. magbinhi nawa ang inyong magandang adhika! sa gitna ng pagtataka ng hindi mabilang na mga manggagawa sa bahay palimbagan ng pamahalaan na nakuwarentenas dahil sa sakit na di umano'dipterya, sanhi sa pakakapag abuloy sa lahat, kasapi at di man ng malusog na samahang kami naman ay para ko pang nariringig magpahangga ngayon ang matalinghagang mga pangungusap ng isang ulol na sagana sa mga katotohanan. at sa wakas ng kanyang maniningning na sinabi, sa huli ng kanyang mga pangarap sa sinasapit ng ating bayan, at pagkakaagwat ng kapalaran ng mayaman sa mahirap, ng pagkakalayo ng mahirap sa mayaman, ay di ko malirip magpahangga ngayon po, bbg. cortes, kung bakit naisipisipan ng ulol na si beteng ang maglawit ng isang panyo at bago sinabi ng makita niyang pinapaspas na ng hangin: hayan ang watawat ng pagsuko! hayan ang sagisag ng pananahimik! batiin ninyo at igalang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"mahalin ninyo at ibigin. kung iyan ang ating ilaladlad sa gitna ng digmaan ay unahan tayo ng paghawak. datapwa'kung pula, tanda ng paglaban, ay magtuturuturuan tayo. magdarayang tapang! subali'sino kaya ang pinatatamaan ng ulol na si beteng? kundi ako namamali, ay walang iba kundi ang ibang mga kababayan nating matatapang sa bibig nguni'wala sa gawa. napakasasakit na pangungusap! ang aklat mo pong ito, bbg. cortes, ay inaasahan kong sa kahalagahan ng layunin ay magiging isang bagong tipan na ikapagbabago ng likong kaugalian ng marami. mga pansin: bbg. fausta cortes: itulot mo po naman ngayon na ilahad ko ang aking mga puna. tulad sa akin ng sinabi, na hahalunkatin ko'ibubunyag ang dapat purihin at ukol punahin, ngayon ay magtatapat ako sa aking pangungusap. at, magsimula tayo. pagkarinig ko ng pamagat ng aklat na ito na ay kumilos na sa aking guniguni ang larawan ng pag aagawan sa katungkulan ng ilang kapatid nating araw araw ay nagbabangay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"inakala ko na'hinulaan na yaong pag tutunggali ng mga taong gumugulo sa ating bayan ay siya ninyong pinuna. ang isip ko'humula ng dalawang pangyayari, at boong boo ang aking pananalig na hindi sasala sa alin man sa dalawa kong akala, ang inilahad ninyo. kung hindi ang nakahihiyang pag aagawan sa karangalan ng ating mga politico ay walang salang ang ligalig sa mga halalan ang inyong tinuligsa. ganyan ang boo kong sapantaha at marahil ay siya namang sasapantahain ng iba. datapuwa'kay laking pakakamali! agawan pala ng dalawang puso sa isang pain ng pag ibig! hindi ko po sinasabing malayo ang pamagat sa laman. hindi po, sa pagka'nalalaman kong may mga taong iba ang pangalan sa asal. lamang ay ipinagtatapat kong sumala ang aking hula. sa lahat ng dahon ng ay pawang makabagong pananagalog ang aking napuna. sa kabaguhan ay mayroong mga talatang nagkapilipilipit ang pagkasalaysay. aywan ko lamang kung sinadyang pinaikot ng masiglang panulat ninyo, bbg. cortes. kung alin alin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"na ito po: ang maayos na tabas ng mukha ay napapatungan ng maiitim na buhok . paano po kaya ang bikas ng mukhang yaon? napapatungan ng maiitim na buhok! ina ko, kakilakilabot! marahil ay sumusunong ng maiitim na buhok at di napapatungan. (maalaala ko pala.) hindi rin masasabing sumusunong at lalo nang hindi napapatungan; sapagka'lalabas na si dolores ay panot, paano'sunong nakapatong lamang pala ang buhok. ang mantekilya. baka po kinahig? at kung ang sinungkit dito ay hindi mali, ay huwag naman kayong tumawa na sabihin kong nginalot ang tubig. isa pa: tumayo sa mesa. tumayo sa mesa? saan tumayo: sa ibabaw po ba ng mesa? si dolores, ang mayuming dalaga, ang kaluluwa ng kasaysayang ito, ang tatayo sa mesa? hindi mangyayari. bakit noon ay kasalukuyan pa namang sila'nag aagahan. baka mayroon pang lalong tumpak na masasabi ang bbg. cortes, ay siya sana nilang ginamit. ganito at iba pang gaya nito ang sinasabi kong mga nagpandanggong pananagalog na makabago.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"pagtutuos: anhin ko man pong punahin ang mga katangian ng dakilang panulat ninyo, binibining cortes, ay lagi ring nananaig sa aking diwa at isipan ang mga banal na layuning tinutungo ng inyong akda. ang mga pansin na aking pinuna ay nagiging parang guhit na itim lamang sa isang malapad, matibay, marilag at napakapinong habi na niyari ng inyong bago nguni'magiting na panitik. anopa'nakapagdadagdag lamang ng kainaman ang mangilangilan ninyong bagong ayos ng pananalaysay, sa mahalagang aklat. at upang patotohanan ay napapakagat labi ako sa katalinuhan ninyo na makapagsabi ng:.ang mahihirap ay magkakapatid na lahat. kung paanong ang mahirap ay walang bayan, ay gayon din na walang lipi. bayan niya ang sangsinukob at lipi niya ang sangkatauhan. sa inyong matataas na isipang iyan ay kabilang ako sa mga humahanga at hahanga sa inyong panulat. at talagang marunong kayo sapagka'marunong kayong magpahesus sa inyong aklat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"niwakasan ninyo sa taimtim at kalugodlugod na pagmamahal ni dolores kay artemio. sinabi pa ninyong: kay tamis ng kamatayan kung gayon ang pagmamahal ng mauulila!. ako man po, bbg. cortes, ay makapagsasabi rin at talagang nais ko na rin ang mamatay kung may isang dolores na tatangis sa aking pagyaon. taga ilog beata. aklatan ng kami naman ang unang bahagi ng kasaysayan ng (samahan ng mahihirap) sapul sa pagkatatag hanggang sa wakas ng pamamahala ni. de los reyes sinulat ni bb. gorgonia de leon ika apat na aklat ng aklatan ng kami naman lupon ng mga manunulat aklatan ng kami naman daang anak ng bayan (dating crematorio, pako, maynila,. ang aklat na ito ay nilimbag sa dalawang ayos: nilimbag na kalakip ng agawan ng dangal at nilimbag na may sariling balat takip. sino mang magnais na magkaroon ay makabibili sa mga bilihan ng aklat dito sa maynila, sa halagang isang peseta (. ang mga na sa lalawigan ay makapagbibilin sa aklatan ng kami naman sa halagang kahati (.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ipalilimbag din ang pangalawang bahagi at magtataglay ng mga larawan; gaya ng larawan ni. apolonio umping,. paulino centeno, at iba pang may halaga sa kami naman . . sinulat ni bb. gorgonia de leon. noon ay ika ng agosto ng. sa umagang yaon ay isang panahong tagulan ang nagisnan ng mga taga pako. ang liwanag ng ilaw ng sangdaigdig ay di mang makagitaw sa makapal na ulap sa pangonorin. nabigo ang mga ibong sa tuwing umaga'nagpupuri sa bagong liwayway. walang nasisiyahan sa mga sandaling yaon kung hindi ang mga bulaklak na nagpapakasawa sa ulang hindi tumitila. noon nasiyahan ang kanilang uhaw. ilan kayang puso'kalulwa ang sumusumpa noon sa panahon dahil sa pagkapinsala ng kanilang tipan? datapwa'nagmasungit man noon ang panahon, ay may isang binatang nagtatanghal ng kanyang kagitingan. francisco dizon, kawal ng bagong kabihasnan. siya ang lalong nagsikap na magsabog ng liwanag ng araw ng sigla ng kabataan sa nayon ng sapote sa pako.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang ulan ay di niya ikinabalino, bagkus sa pamamagitan ng isang payong ay isa isang sinusundo ang kanyang mga kaibigan upang magtulongtulong sa pagbalangkas ng isang samahan. ano pa'walang alinlangang dapat sabihin na utang sa kanya ang kilusang yaon ng kabataan. sa isang tahanan sa nayon ng sapote, pako, maynila, ay doon nagkatipon ang ilang magkakapanalig. at sa pangungulo nga ni. dizon, ay sumipot sa silong ng langit ng pilipinas ang isang bigkis ng kabataang pilipino. luciano suarez ay bininyagan ng kabataang sikat . at, palibhasa'pawang tinitibukan ng isang pusong uhaw sa dunong at aliw, ang mga nagkakatipong yaon, ay magpalakas at magpatalino ang pinagsaligan ng pagkabuo ng samahan. aralan ang mga pinagkaitan ng ilaw ng dunong at aliwin ang mga ulila sa ligaya, iyan ang tanging layon. at sa gayon ay nayari ang balak ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"dapat alalahaning kinabukasan ng araw na yaon, ay siyang ika ng agosto, araw na napakaningning sa dahon ng kasaysayan ng pilipinas, sapagka'siyang araw ng unang pagsigaw ng kalayaan ng bayang api ng kapwa bayan. nang sumunod na linggo, unang araw ng septiyembre, ay nagpulong na muli ang mga nagsisigasig sa pagbangon ng kabataang sikat . angel de los reyes, ay binago ang pamagat at pinalitan ng kami naman . kami naman ang ipinamagat, sapagka'sa ibabaw ng kalansay ng mga samahang nabuwag na, ang ibig sabihin ay kami naman ang magtutuloy ng layong itaguyod ang buhay ng mahihirap sa tugatog ng dangal. katulad din ng ibang mga samahan at kapisanan ay inabot ng sakit na ningas kugon ang kami naman . salamat sa ilang matatalinong manggagamot at ang sakit ay naihanap din ng lunas. baga man ang kami naman noon ay para ng bangkay na malamig, dahil sa pagpapabaya ng ilan, ay muling sumigla. at noong ika ng oktubre ng taong rin, ay nagbitiw ng tungkulin si. francisco dizon at si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"angel de los reyes ang napahalili, na naging pangulo ng samahan. ang bagong pangasiwaan ay nagpahayag noon din ng bagong palakad at binago na pati ang layon ng kami naman . boong puso namang pinagtibay ng lahat at sinalubong ng magiliw na palakpakan. ang mapanglaw na daing ng mahirap, ang malungkot na taghoy ng api, ang malumbay na hibik ng mahina, iyan, iyan ang nagbukas ng bagong isipan sa puso at diwa ng bagong pangulo. binago nga ang dating saligan ng samahan. ang layong magliwaliw at magpatalino ay dinagdagan ng pagdadamayan. sa gayon, ay hindi pawang kabataan lamang ang yumakap sa kami naman kung hindi sampu ng may mga gulang na ay nakitulong. buhayin ang naghihingngalong pagkakapatiran ang naging saligan na ng kami naman . at ang naging pananalig ay ang hirap ay bunga ng kapabayaan, at na sa tiyaga ang pagtatagumpay .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kapalaran mandin ang siyang sumubaybay sa bagong pangasiwaan at ng sumunod na sabado ng pagkahalal sa kanila ay nagtanyag na ng kanilang di karaniwang lakas at magagawa. sa bahay paaralan sa daang dart, pako, ay ginanap ang pagtatanghal ng samahan. sa lamayang yaon ay may apat na raang tao ang dumalo. ilang matatalino at litaw na mananalumpati ang nagpaningning sa pagdiriwang. (ang buong tala ng kasayahang yaon ay matutunghayan sa pangalawang aklat ng aklatang kami naman na tuntunin ng pulong.) dahil sa bagyong nanalanta sa sebu noong oktubre ng ang kami naman ay nagsimula ng pakikisama sa bayan. binahaybahay na tinawagan ang maawaing puso ng pilipino sa sapote, at lumikom ng isang halagang iniabuloy sa mga nasawi. at dahil sa pagkamatay ng ilang angkan ng mga kanayon na kapwa anak dalita, ay dumulog na naman ang kami naman sa bahaybahay upang abuluyan ang kapatid na dinatnan ng palad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"dapat talastasing ang mga unang inabuluyan ng kami naman ay mga taong ni ayaw man lamang makiyakap sa samahang ito. sa ikapapaanyo ng damayan ay bumalangkas ng mga batas na susundin ng magkakapatid; at mula ng unang araw ng disyembre ng ay nagsimula sa pag iral. marami rin ang mga namatay at namatayang mga kapatid. sa malinis at maselan na pangangasiwa ng ingatyamang si. dario malonzo, lahat ay pawang tumanggap ng abuloy na nararapat. walang nabinbin sa kanyang karapatan, bagkus ang lahat ay pawang nagtamo ng nauukol sa kanila sa lalong madaling panahon. dumatal ang ika ng disyembre ng araw na ipinangingilin ng lahat ng pilipino. ang kami naman at ang nayong sapote ay nagtuwang sa pagbubunyi sa lalong dakilang taga silangan. nagdaos ng isang dulang hayag, nagkaroon ng tugtugan, nagilaw ang boong nayon at nagtayo ng mga arko. ang lalong kapunapuna ay ang pagiisa ng nayon na pawang parol ng kami naman ang ginamit. at natapos sa ganap na kasyahang loob ng lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang salaping lumabis sa pagdiriwang ay inihandog sa kami naman ng kapulungan ng nayon, na parang ganting pala sa maayos na pangangasiwa sa pagdiriwang. sumunod na ibinunsod ng samahan ay ang balak ni. marcelino dizon na lumikom ng isang kusang ambagan upang ibili ng kasangkapang pang apula ng sunog. nakatagpo ang balak na ito ng mga balakid at binaka ng ilang di nasisiyahan. gayon man ay pinangatawanan din ng samahan at nakabili rin ng mga palakol at timba na magagamit karakaraka sa isang simula ng sunog. hanggang ngayon ay nakatanghal at nakahanda ang mga kasangkapang ito sa nayong sapote. ang munisipyo ng maynila ay siya namang hinarap ng kami naman . sunodsunod na daing at kahilingan ang iniharap upang ang nayong kinatatayuan ng samahan ay ipaayos. pinilit na maglagay man lamang ng gripo, sapagka'noon ay nagkakahalaga ng anim limang sentimos ang bawa'dalawang timba ng inumin sa pook na yaon. bihirang linggo ang walang panawagan sa pitak ng pahayagan sa maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at humangga sa paglalagay nga ng gripo at pagtatakda ng pamahalaan ng apat na libong piso sa ikaaayos ng nayon. ito ang lalong malaking tagumpay na tinamo ng kami naman . upang iligtas sa sakit ang mga kanayon dahil sa malabis na paglulusak sa pook ng sapote, ang kami naman ay nagtayo ng mga tulayang kawayan sa tulong ng nayon. nang hakutin ng mga sanitaryo ang mga kawani sa limbagan ng pamahalaan at kulungin sa pagamutang san lasaro, dahil sa mikrobyo ng dipterya, ang kami naman ay siyang tangi at kusang umabuloy sa mga napinsalaang yaon. wala ni isang kasapi sa kami naman na napalahok doon, datapwa'ginawa ang pagdamay sa paniniwalang magkakapatid na lahat ang mahirap. at ito'tinugon ng di gagaanong pasalamat ng mga dinamayan. noon ay marzo ng. sa gayong mga ipinakisama ng kami naman sa bayan ay marahang sumusungaw ang kanyang kabantugan. at lalo pang nabantog siya pagkatapos ipagbunyi ang ika isang taong buhay ng samahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"paano'dalawang araw na ginawa ang kasayahan: ika at ika ng septiyembre ng. nagbukas ng timpalak ng mga dula at gilasan ng artista, na siyang kaunaunahang timpalak na may ganitong uri na idinaos sa sangkapuluang pilipinas. nagdaos pa ng isang misang alaala sa lahat ng mga kasaping nangamatay sa ilalim ng watawat ng kami naman . nagkaroon ng binyag at kumpil at maghapong mga palaro. ang nabantog na banda ng meralko ay siyang tumugtog. at tinapos ang kasayahan sa isang magiliw na salosalong kapatid. alinsunod sa mga pahayagan dito sa maynila ay mahigit na apat na libong tao ang dumalo sa mga pagdiriwang na yaon. dapat namang magkatotoo, pagka'may mga nagtayo pa ng mga tindahan at lahat halos ng tahanan sa sapote ay may kanikanyang handa. ano pa'ang pagdiriwang ng kami naman ay naging parang pista ng nayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sapul na noon ang kami naman ay nabantog na ng gayon na lamang at ang lalong nakatawag sa diwa ng marami ay ang mga kartelong nagsabit sa trambiya na nagbansag ng kasiglahang ipamamalas ng kami naman . ang isa pa sa mga pagdiriwang ng samahang ito na hinangaan din ng madla ay ang pagtatanghal ng mga bituin ng kami naman . ginanap noong ika ng disyembre ng sa dulaang angel sa singalong. mahigit sa tatlong libong tao ang nanood. at noon ay minsan pang itinampok ang mayamang uri ng mga babaing pilipina. sa mga pamamahayag ng bayan ang kami naman ay palaging nakikilahok; nguni'pakikilahok na di sa gayongayon na lamang, kung hindi pakikilahok na kapunapuna; yaong nakapagpaparingal at umaani ng papuri. kung walang karrosa ang kami naman ay nakalulan naman sa sasakyan ang kanyang mga kinatawan. datapwa'hindi sa iisang sasakyan lamang kung hindi sa pito labing apat kaya. at sa loob ng dalawang taon ay labing dalawang ganting pala ang tinamo ng kami naman . ano pang sigla ang hahanapin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ano pang kilos ang magagawa? hanggan diyan na lamang talaga ang isang samahan. kasabay ang pagsisigasig na magtamo ng lalo at lalong karangalan, ang kami naman ay nagpapakatatag sa kanyang tayo. inakala ng pangulong de los reyes na ang pagkakaibaiba ng hilig ng mga kasapi ay dapat tapatan ng kanikanyang ikasisiyang loob. dahil dito ay binahagi niya ang kami naman sa iba'ibang lupon na may kanikanyang uri, layon, pananalapi, at mga kaanib. ang unang lupon ay ang damayan. magabuloy sa namatay namatayang kasapi ang layon. lupon sa kalakal ang pangalawa at nagsimula ng pagkilos noong pebrero ng. disyembre ng itinatag ang lupon ng mga bituin na binubuo ng pawang mapanghalinang binibini. sila ay mga kasaping pangdangal sa kami naman . disyembre ring yaon ng itatag ang lupon sa pagpapalakas. bago sumipot ang masikap at masiglang lupon ng mga manunulat. lahat ng lupon na ito ay nagtanghal ng kanikanyang lakas at magagawa. bawa'isa'naghandog ng matatayog na papuri sa boong samahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at sa lubos na paghanga ng isang kasapi sa ilog beata sa kakisigan ng kami naman ay tinula niya ang kasunod: bayang inaapi, ako'nananalig na ang bawa'sikat ng araw sa langit, taglay ang tinig mong malungkot na tinig. at iya'hindi ko matalos kung bakit ikaw'lumuluha, ikaw'tumatangis gayong may lakas ka'may bayaning bisig. subali'hintay ka; aking ibubuhay ang isang alagad na dapat asahan. lumingon ka roon, sa dakong timugan at mamamalas mong na nawawagayway ang isang bandilang kapitapitagan ng kilala'bantog na ang. yao'kapisanang sagana sa lahat, sagana sa dunong, sagana sa lakas at hindi marunong matakot sa tawag ng kanyang kalabang mayaman sa gilas, pagka'alam niya'kanyang natatatap na ang mundong ito'mundo ng pangarap. isang kapisanang ang bawa'kasapi ay may siglang taglay na kahilihili: isang kapisanang ang hakbang ay laging tungo sa pagsulong, tungo sa lwalhati: sapagka'ang kanyang darakilang mithi'itanggol ang api: matwid ay maghari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"yao'binubuu ng dukha'mayaman ng mangmang at paham, bata at may gulang, sapagka'ang kanyang isang patakaran na salig sa loob noong kapisanan, ang dukha'ibangon, ang aba'tulungan, wala ni mataas; pawang pantaypantay. at, ito'tulain ng mga makata, dakila sa lalong samahang dakila, maningning sa lalong maningning na tala; at sapagka'ito'butihing diwata, ako, ikaw, sila, ang lahat na'pawa namang gumigiliw at nagsisihanga. kay francisco dizon dapat kilalanin ang pagkakatatag ng napakagiting na samahang yaong may tanging layunin: siya ang pumukaw, siya ang gumising sa nangatutulog na mga damdaming na nangalalango sa pagkakahimbing. angel de los reyes: iyan ang pamagat ng kanyang pangulo nang ito'matanyag; rosendo. cruz: isa ring masikap; yaman na ang bayan sa gitna ng gubat ay hindi nagtamo ng magandang palad kung kaya nangyaring yao'itinatag. hindi ba'ang taong likha ni bathala ay taglay sa kanyang pagsipot sa lupa ang mga tuntuni'batas ng paglaya?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kung ito'totoo: bakit lumuluha tayong naririto? pangarap nga yata lamang ang umasa'maghintay sa wala. hindi lamang yoon para sa lalaki kung hindi laan din sa mga babai: naron si pascuala pintor na may iwing ngiti na ang bawa'ngiti ay pagkasi; naron si conchita; at isa pang saksi, si anitang laging dinidilidili. nangagsapisapi ang mga binata, ang kadalagaha'humalo sa haka na ang langit nati'itanghal, ipala, sapagka'ang ating darakilang nasa'ibangon ang bayan nating lumuluha'humarap sa lalong malakas sa lupa. oo nga at tunay na dito'nagkalat ang mga samaha'kapisanang tanyag subali'tulutang aking maisaad na ang samahang mahirap, sa matuling agos ng luha ng palad, ay ito ang siyang darampi, huhugas. torres taga ilog beata . tundo, maynila,. sa likod ng mga papuring ito sa kami naman ay mayroon namang mga naiinis sa di maalamang sanhi. aywan kung anong suliranin ang nagbubuyo at ang mga ito ay nagpapakaimbi sa pagwawasak ng samahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"kinakalaban ang sariling damdamin, niyuyurakan ang sariling dangal, at binubulag ang sariling paningin. hindi pa man ipinanganganak ang kami naman ay binanta ng lasunin. sa kanila ang lahat ng kilos ng kami naman ay pawang hindi matwid. salamat sa pusong matimpi ng pangulong de los reyes at di man siya natukso. salamat din sa kalamigang loob ng mga kasapi at di man sila nabalino. talagang gayon: ang tao habang natatanyag ay lalong dumadami ang kaaway. at ang samahan upang mabuhay kung minsa'dapat magkaroon ng mga kalaban. kung paanong sa kasaysayan ng pilipinas ay may isang siglo oscuro isang daang taong madilim, ang kami naman ay nagkaroon din. dahil sa katapangan ng isang kalulwa at dahil sa pagkatupad ng wikang ang pagtitiwala'nakamamatay, ay nagkaroon ng isang maalingawngaw na usapin ang mga nagtataguyod ng samahan. dapat malamang ang usapin ay sa ilang tao lamang at di ng boong samahan. ang pangulo at ang ingatyaman ay kapuwa inupasalaang umano'mga magnanakaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"hinubaran ng puri at tinanghal na mga magdaraya. hindi na kinilala ang pagkatao ng mga nagbintang at pinagbibintangan. hindi na siniyasat ang kasaysayan ng isa'isa. kay taas na ganting pala sa nagpapakamatay sa pagtataguyod ng isang samahan! sa gayo'umawit ng tagumpay ang mga sumasamantala sa sigalot. ang pagkatagpo nila ng babaing lumabag sa kanyang kahinhinan ay siyang nagpatibay sa paguusig na ito. nguni'sa pitak ng mga pahayagan ay tahasang inilahad ni. de los reyes, ang boong nangyari. at sa likod ng sigalot na ito ang mga umusig din ang nagpapahayag na batid nilang walang salaping nawawala. ano pa'paghihiganti pagkainis lamang ang kanilang ginawa. matapat na awa ang dapat iyukol sa namamatay sa pagtupad sa kanyang pananalig. ipalagay ng ang pangulong de los reyes at ang ingatyamang malonzo, ay nagkasala; bulagin na natin ang ating dangal at bingihin na natin ang ating damdamin; aminin ng sila'nagkamali: ano ngayon? anong kapinsalaan mayroon sa samahan? de los reyes ba at ang .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"malonzo ang kami naman sila bang dalawa ang bumubuo ng samahan? at ang sumamba sa gayon ay walang pagsampataya sa kanyang dangal. upang pabulaanan pa ang kumalat na balita, na ang kami naman ay naligalig, ay na ito naman ang bahagi ng ilang salaysay ni. de los reyes:.sa isang samahang na walang tumitiwalag ni itinitiwalag na kaanib, ang samahang iyan ay buo, matatag, at buhay. iyan ay pinaghaharian ng kapayapaan at sapupo ng lalong matamis, dalisay, at matimyas na pagkakapatiran. palibhasa'lubos ang pagtitiwala ng mga kaanib sa kami naman sa kanilang pangulo at ingatyaman ang samahan ay di mang naligalig sa sigalot na nangyari sa mga nagtataguyod ng samahan. bagkus lalong nagibayo ang sikap at sigla. at upang lalong mapaayos ang damayan ay itinigil ng may dalawang buwan. ang damayan lamang ang itinigil dahil sa pagbibitiw ng tungkulin ni. de los reyes. pagkatapos ayusin ay naghahalili ng pamahalaan ng samahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ano pa'malaking kabulaanan ang ipinamamansag ng iba na nalansag na raw ang kami naman . hindi, hindi nalalansag. hayan at kumilos ng boong sigla at boong ningning. gaya rin ng dati ay nakatayo pa ang kanyang mga haligi. sa kabantugan ng kami naman ay malaki ang naitutulong ng lupon ng mga manunulat. nagbukas ito ng isang aklatan sa kapakinabangan ng lahat. kasapi at hindi sa kami naman ay binibigyan ng laya. doon ay sarisaring pahayagan at iba'ibang aklat ang nagaantabay sa kahi'kanino. bukod sa pagsisikap ng lupon ng mga manunulat ng kami naman na makapagpalabas ng mga akda, ay naguukol din ng panahon sa paglilinang ng wikang tagalog. ang katotohana'napalaban na sila sa tanyag na aklatang barusog. ang mga taga kami naman ay ayaw gumalang sa pagpatay ng sa piling ng. ano pa'hindi sila kaayon sa modang ang ay isulat ng (pinatay ang ). ang mga taga aklatang barusog ay nagtanggol naman sa kabilang panig. sa mga ikinilos na ito ng lupon ng mga manunulat ng kami naman ay kinilala ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"calderon ang kanilang pagsusumakit. at na ito ang isa niyang lathala na tumutukoy sa: ito ngang wikang tagalog, itong wika nina solima'lakandula, nila balagtas at pilapil, nila rizal na ngayo'kasalukuyang pinagmamasakitan ng aklatang ay hindi lihim, at sa katunayan ay nariyan ang lagda ng mga bantog na mananalaysay na kumilala ng kasakdalan ng wikang ito, palibhasa'ang wikang tagalog ay isang wikang may sariling likas, may sariling ganda, may sariling yaman at isang wikang maipagbabadiya ng tanang saloobin at damdaming sumasapuso'isip ng tao; anopa'sa katagang sabi, itong wikang tagalog na ating kinamulatan, nilakhan at pinaka kaluluwa ng ating bayan ay may dakilang kapakanan ayon sa pagkakaakma'pagkakabalangkas sa isang paraang tumpak at kagilagilalas. dahil sa talino ng isa sa mga bituin ng kami naman ang lupon ng mga manunulat ay nagkamit ng karangalang sa kami naman nanggaling ang ikatlo sa mga babaing pilipina na kumatha ng kasaysayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"iyan ay si bb. pascuala pintor na sumulat ng nobelang tagumpay ng api na siyang unang aklat na pinalabas ng lupon ng mga manunulat. kung ano ang tagumpay ng api ang isang liham ni. aurelio tolentino ang dapat sumagot: bb. pascuala pintor. mahal na binibini: tinanggap ko po at pinasasalamatan ang mahalagang handog ninyo sa akin, isang salin ng inyong matalinong nobelang tagumpay ng api . kulang ang lahat ng papuring kaya kong sabihin, upang tumbasan ang hiwagang sarap ng aklat na nabanggit. bukod sa talagang may kalugodlugod na ganda sa pagkakahanay ng mga salitang bihis ng kanyang mayayamang isipan, ay naghahandog pa sa damdamin ng ulirang buhay na gaya ng kay teban, aralan gaya ng kay titay at katarungang gaya ng kay mameng at kay leon. palibhasa'marami na ang mga nobelang tagalog; dahil sa mga mahahalaga rin naman ay maitutulad sa isang kuwintas na gintong sinasagisag ng bagong buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang tagumpay ng api ngayong mapakituhog sa kuwintas na iyan, ay naging pinakamaluningning na relicariong tinampakan ng makikinang na batong diamante, at may mahal na laman sa loob, ang buhay na larawan ng kabaitang nagtagumpay sa dagok ng kapaslangang binigti ng katarungan ng sariling damdamin. naghihintay pagutusan ang talisuyo nilang si aurelio tolentino. maynila, ika ng junio ng. sumunod na pinalabas ng mga manunulat ng kami naman ang aklat ni . cruz. tuntunin ng pulong ang pamagat at gaya rin ng tagumpay ng api ay nagtamo ng mga bati at papuri. isa na rito ang kalatas ng isang taga malabon, rizal, na si. amado jacinto. aniya'malabon, rizal,. cruz. mahal na kaibigan: tinanggap ko ang isang salin ng iyong mahalaga at munting aklat na ang pamagat ay tuntunin ng pulong at ako'nagpapasalamat ng marami. rosendo, ang iyong aklat, sa ganang sarili ko, ay dapat mong ipagkapuri. sapagka'sa aklat mong itong maliit at mura lamang ay mayroon kang isang dakilang bagay na matuturo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at ito'ang pagpapakilala mo sa iba, na ang kahalagahan ng isang katha'wala sa kapal at sa laki, kundi nasa uri at saka sa layon: uring siyang bilang pinakapagaari ng isang aklat, at layon namang siyang tunay na ariariang kinapapalamnan ng dangal ng isang kumatha. ang uring tinutukoy ko rito ngayon ay hindi ang tungkol sa kalinisan karumham ng literatura, kundi ang kung nakapagtuturo hindi nakapagtuturo; at ang sa layon nama'kung mabuti hindi, samakatuwid ay kung ang pakinabangan makinabang lamang. kapag ang isang aklat nga'may uring nakapagtuturo at may mabuting layon, para sa akin ay sukat na, upang kalugdan kong basahin at hanggang sa purihin pa pati ng kumatha. at lalo pa marahil, kung ang kumathang iya'isang kaibigang katulad mo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"tungkol sa pagbabasa ng mga aklat ay aking maipagtatapat sa iyong ako nga'mayroon ng kakaibang panglasa kay sa dati, at ang sabi ko'ganito, sapagka'hindi na ako nalulugod ngayon sa mga felipe trigo at eduardo zamacois, diyan sa mga mapaglarawan at mapaglikha ng mga kuwadrong nakapagpapagalaw ng laman at nakapagpapakalam ng balat, na sa mahinang loob ay sapat makapagdulot ng isang masidhing pagkakiliti; kundi doon na unti unting nawiwili ang aking loob sa mga heberto spencer at samanuel smiles, sa mga noe porter at tomas stanley.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"at dahil sa ganitong pagbabago ng aking hilig, ay huwag ilalaki ng iyong loob na ipalagay at sabihing kong ang aklat mo'lalo pang kapuri puri kay sa di iisa'dadalawang naghahalaga riyan ng at sentimos, sa pagka'ang iyo'nakatutulong sa pagtitipid ng panahon ng mga samahan kung sila'may pinagpupulungan, samantalang ang mga yao'pawang mga awit ding mistula ng nakalipas na panahon natin, iba nga lamang ang pangalan, anyo at bihis; dapuwa'sing isa ring walang nagagawa kundi ang magparami ng mga pangahas, pilyo, at palalo. iyan ang mga sanhi, kung kaya'baga man may kulang at di mo binuo ang tuntunin ng pulong na iyong sinulat, ay hinahandugan din kita ng isang maligayang bati, na kasabay ng pakikikamay ko'tanggapin mo rito sa tapat, at natatalaga mong kaibigan. amado jacinto. ang ikatlong aklat na ipinalimbag ay ang agawan ng dangal na akda naman ni bb. fausta cortes.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"ang nagpanukala'nagtatag ng mga balitang ilaw at panitik aklatang barusog (mga samahan ng mga manunulat na tagalog) at hijos del siglo na si. de lara ay siyang nagpakilala sa madla kung ano ang agawan ng dangal . isang liga ng indoor base ball ang itinanyag naman ng lupon sa pagpapalakas. ang bituing concepcion magallanes ay siyang naghagis ng unang pukol ng bola. limang team ang lumaro at ito'ang marte katubusan sinag kapuluan makabayan at kami naman . ang marte ang nagtamo ng tanging gantingpala. ang lupon ng mga bituin ay kalabisan ng sabihin pa kung ano ang nagawa at ginagawa. sukat ang ipagtapat na utang sa mga bituing ito, ang lahat ng ikinilos ng kami naman . paano'sila ang buhay at kalulwa ng samahan. patuloy sa magiliw na pagdadamayan ang lupon sa damayan. nguni'ang lupon sa kalakal ay napahimbing. ang lupon na ito lamang ang nagmintis. gayon ma'nakapagtayo rin ng tindahan noong febrero ng baga man nabuhay ng may anim na buwan lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +Fausta Cortes,"sa mga kasiglahang ito ng mga lupon ng kami naman ang samahan ay palaging nakapagwawasiwas ng watawat ng tagumpay sa lahat ng kanyang balak. at man sa tuwing bago siyang panukala, ang mga pahayagan ay nangagsabing bagong maningning na dahon na naman ang mapaparagdag sa hinahangaang kasaysayan ng kami naman . at dapat namang dakilain ang kami naman palibhasa'isang samahang nakikipagkapatiran sa lahat, sampu sa mga nagpapakaimbi sa pagpatay sa kanya. kung totoo mang may mga kamaliang nagawa ay totoo rin namang lalong marami ang tumpak na pinangatawanan. diyan natapos ang dalawang taong pamamahala ni. angel de los reyes na nagwagi sa tatlong halalang sunod sunod sa pagka pangulo ng samahan. panahon ang humatol sa magiging kapalaran ng mga samahang katulad ng kami naman !",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"isang magsasapatos ay nananahanan sa isang nayon na kasama ang kanyang asawa'anak. sila'nakatira sa bahay ng isang mujik (may pagawaan ng sapatos), sapagka'sila'walang bahay lupa man at bahagya nang makakita ng kanilang maipagtatawid buhay. ang tinapay ay mahal, at may kahirapan ang panahon; kung gaano ang makita niya ay kanilang pinagkakasiya, siya'walang anumang tinatangkilik at ang kanyang asawa'wala kundi iisang chuba na totoong luma na. may ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba pambalabal. ng panahong tagulan ay nakatipon ng kaunti, ng tatlong rublo na kanyang naingatan sa sisidlan ng kanyang baba (asawa). sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung kopek . isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"nagbihis, nagkubong sa ulo ng isang panyo, isinilid sa bulsa ang tatlong rublo kinuha ang kanyang tungkod at pagkatapos na makapag agahan ay yumaon. sisingilin ko sa muhik ang limang rublo aniya, idaragdag ko rito sa tatlo, saka ko ibibili ng mga katad na magagawang chuba . pagsapit sa kanyang sinadyang nayon ay tinungo ang bahay ng muhik . ang muhik ay nakaalis na: at ipinangako na lamang ng baba na sa linggo ring yaon ay dadalhin ng kanyang asawa ang kuwarta, nguni'walang ibinigay. sa ibang bahay ay ipinagtapat sa kanya na walang maibabayad, kundi dalawang kopek muna. iniisip ng magsasapatos na siya'makauutang ng mga katad; datapwa'di siya pinagkatiwalaan ng maytinda. bayaran mo ako, ang sabi sa kanya, at pumili ka ng iyong ibig, sapagka'alam na namin kung gaano kahirap ang maningil. hindi nga nangyari ang panukala ng mag sasapatos; wala naman siyang dala, liban na sa dalawampung kopek na kanyang nasingil sa pagtatagpi ng isang valenki na sa kanya'ipinagawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"sa sama ng kanyang loob ay napasa isang tindahan ng alak at iniinom ang kanyang dalawampung kopek saka yumaong walang dalang katad. ng umagang yaon ay di siya nakaramdam ng ginaw at subali ay nainitan pa, dahil sa pagkainom ng alak. sa kalasingan ay tignan ninyo at pinaiikot ang tungkod at isinasaksak sa mga dakong pinamumuuan ng tubig; natutuwa at pinapipihitpihit sa kanyang mga kamay ang mga valenki at nagsasalita ng ganito: wala man akong chuba balabal ay naiinitan ako, sapagka'tumungga ako ng kaunting alak; ang tiyan ko'busog sa alak; anupang ipangangailangang ko ng isang balabal na pampainit? nilimot ko ang aking karalitaan; ako'isang tao lamang; walang kabuluhan sa akin ang lahat. ako'makapamumuhay na maigi ng walang balabal; hindi na ako gagamit niyan kailanman. ngunit totoong daramdamin ng aking asawa at may matwid. ipinaghahanap buhay namin ang mga mujik pakinabangan nawa nila ang aming kapaguran. di mo ako dinalhan ng kuwarta. maraming salamat!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"ganyan ang pagbabayad ng dalawampung kopek lamang. anong mapapakinabang sa dalawampung kopek itungga ng alak at wala na. saka sasabihing ang hirap! ikaw ay may bahay, may hayop at lahat ng kailangan, at ako'walang anuman. ikaw ay may kinakaing bunga ng iyong lupa, at ako upang kumain ay kailangang bumili; kailangan ko'tatlong rublo sa bawa'sanlinggo; kung dumating ako sa bahay ay wala nang pagkain at maggugugol pa ako uli ng isang rublo'kalahati. pagbayaran mo nga ako ng iyong utang. papaganito ang kanyang anyo hanggang sa nakarating sa tabi ng isang simbahan, at may namataan sa likuran nuon na wari maputi. gumagabi na at ang magsasapatos ay nagkantitignan. anong naroon? wala namang batong maputi. baka ba kaya, yaon? hindi, hindi mandin baka. ayon sa ulo ay tila isang tao; nguni'bakit maputi? at bakit magkakatao rito? lumapit si semel at lubos nalinawan! katakataka! tao nga; buhay patay? nakaupo, na hubad; nakasandig sa pader ng simbahan, hindi gumagalaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"ang magsasapatos ay sinidlan ng takot at nasabi sa sarili: pinatay; hinubdan ng damit at inihagis dito; kung lapitan ko ay baka ako pa ang mapahamak. kanyang linagpasan, tinalikdan na sa kanyang paningin ang taong yaon. makaraan ang sandali, ay lumingon siya at nakita niyang ang tao'lumayo sa pader at gumalaw na wari tinititigan siya. sa tuwi tuwi na ay lalu siyang nahihintakutan, nag antanda ang magsasapatos at tinaya ang kanyang kalooban kung uurong tatakas. kung siya'lapitan ko, dinidilidili niya di malayong ako'mapahamak. ano kayang tao ito? tila mandin masama; dadaluhungin ako at ako'hindi maliligtas. kung hindi man ako patayin ay hahalayin ako. gayunman, hindi ako makapaghuhubad upang bihisan ko siya, upang ipagkaloob ko sa kanya iring tanging suot. magtutumulin ako. at dinalas ang hakbang. pagdaka'napatigil sa daan, anong inaasal mo sa sarili. anong gagawin mo? namamatay ang isang tao at iyong kinatatakutan at nilalayuan. mayaman ka na ba kaya?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"natatakot ka bang mawalan ng kayamanan? ano, semel, ito'hindi magaling. pagdaka'bumalik si semel sa simbahan at tinungo ang tao. pagkalapit ay minasdang maigi. ang taong yaon ay bata pa at may mabuting katawan. wala namang anumang bugbog na nababakat sa kanyang katawang hubad, nguni'nanginginig sa ginaw at parang nagulat. sa pagkasandal sa pader ay hindi tumitingin kay semel; sa pagkahiya mandin ay hindi man lamang maidilat ang mga mata. tinunghan ni semel at agad nabuhay ang loob ng taong yaon, idinilat ang mga mata, inilingon ang ulo at minasdan si semel. pagkamalas ng magsasapatos ng tinging yaon ay nagtaglay ng pag ibig doon sa taong di niya kilala. inilapag ang kanyang dalang bota; kinalag ang kanyang sinturon at naghubad ng sako. hala, aniya, huwag ka nang magbadya pa ng anuman; magbihis ka; madali ka; hala, dali daliin mo. tinagnan ni semel sa bisig yaong di niya kilala, ibinangon, itinayo, saka minasdan ang kanyang katawang maganda.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"maputi at pati nga ng kanyang kaayaayang mukha. ipinatong ni semel sa mga balikat ang sako; nguni'di matumpakan ng lalaki ang pag susuot ng manggas. isinuot ni semel, ibinutones, nilagyan ng sinturon, inalis ang kanyang gorang sira sira at isusuot sana, datapwa'nakaramdam siya ng ginaw sa ulo at inisip: ako'kalbong kalbo, at siya'may mahahabang buhok na kulot. at muling isinuot ang gora. mabuti manding suutan siya ng bota. at pagkaluhod sa siping nuong lalaki, ay isinuot ang mga bota niyang dala. saka, ng maitindig niya, ay kanyang pinagsalitaang: ano, kapatid! hala, gumalaw ka ng kaunti. ikaw ay magpainit. huwag na tayong magluwat dito. nguni'ang lalaki ay nakatayo pa, di umiimik, malugod na minamasdan ni semel; di makapagbigkas ng isa man lamang salita. anong nangyayari sa iyo? bakit di ka magsalita? hindi maaaring magparaan tayo ng taginaw rito. kailangang umuwi tayo ng bahay. eto ang aking tungkod, iyong tungkurin kung nanghihina ka; hala, tayo na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"at ang lalaki ay lumakad at di naiwan. sila'magkasabay at nangusap si semel. tagasaan ka? hindi ako tagarito. kilala ko ang mga tao sa lupang ito; eh, bakit nasa likuran ka ng simbahan? at ang tugon ng kasama: hindi ko masabi. ikaw baga'hinarang? hindi, walang humarang sa aking sinuman; pinarusahan ako ng diyos. alam na natin, na ang lahat ay galing sa diyos; nguni'may pinagbubuhatan. saan ka paroroon? kahit saan. namangha si semel. ang taong ito'walang pagmumukhang masama, ang boses niya'kalugod lugod, nguni'walang ipinagbabadya na tungkol sa kanyang sarili. inisip ni semel na may mga bagay na di masaysay at pinagsalitaan ang kasama. sumama ka sa aking bahay at ng mainitan ka. nagpatuloy lumakad at sinabayan ng kasama. humihip ng malakas ang hangin at pinaspas ang baro ni semel. sapagka'napawi na ang alak, ay nagdamdam ng ginaw. nagmadaling nagbububulong at iniisip: mabuting gawa ito! mabuting balabal ang dala ko!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"ako'nanaog upang bumili ng isang balabal, at sa pagbalik ay wala man lamang ako kahi'sako at may dala pa akong isang taong hubad. di nga ako katutuwaan ni matrena. si matrena, ay ang kanyang asawa. sa ganitong pag aala ala kay matrena ay nagulomihanan si semel; nguni'paglingon niya sa kasama ay naalaala niya yaong tinging ipinamalas sa kanya mula roon sa simbahan at muling nagdamdam ng kagalakan sa kalooban. ang asawa ni semel ay nag ayos ng bahay na maaga; nagsibak ng kahoy, sumalok ng tubig, nagpakain ng mga bata at kumain pati siya, saka nag isip. iniisip ang kakanin, nararapat kayang ihanda ngayon bukas. may natitira pang kaunti sa paminggalan; kung si semel ay nakakain na sa nayon at hindi humapon mamayang gabi ay may kasiyang pagkain sa kinabukasan. muli'muling tinignan ang nalalabing pagkain. hindi ako magtitinapay ngayon, aniya; saka kakaunti ang aking harina; baka sakaling umabot hanggang biyernes.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"pagkatapos na maitago ang tinapay, ay naupo si matrena sa siping ng dulang upang magsursi ng baro ng kanyang asawa; nananahi at inaalala si semel, na namili ng katad. baka madaya pa ng maytinda! napakahangal ang asawa ko. siya ang di marunong magdaya kaninuman at napadadaya maging sa bata. sa halagang walong rublo ay makabibili na ng isang mabuting balabal; hindi kabutihan, nguni'may kaigihan na. totoong nagbata kami ng taginaw na iri dini sa iisang balabal. hindi makapaglaba sa ilog ng wala niyan, at eto, upang makalakad ay dinala ang aking suot. hindi ako makapanaog ng ganiri!. pagkaluwat! naparaan ba kaya sa tindahan ng alak? kabibitaw pa lamang sa bibig ng mga salitang ito, ay siyang pagkarinig ng mga yabag ni semel sa may hagdanan. iniwan ni matrena ang sursihin at napatungo sa silid. nakita niyang nasok, ay dalawang lalaki, na walang sombrero at nakabota. malayo pa'nahalata na ni matrena, na ang kanyang asawa ay naglasing. siya ko na nga bang kutog ng loob, aniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"pagkakitang walang kapote at nangakalitaw ang mga kamay, walang imik at wari nahihiya, ay kumaba ang loob ng abang asawa. iniinom nga ang kuwarta. nakipaglasingan sa isang hampas lupa at ngayo'dala rine. wala na kami kundi ito lamang. pinabayaan niyang magtuloy sila at kanyang sinundan na di umiimik. napaghalata niya na ang kasama ay may kabataan, payat, putlain, nakakapote na walang baro sa katawan at wala ni gora. ng makapasok na ay tumigil na walang kibo at nakatungo. inisip ni matrena. suwitik ito, nahihiya pa, naghihintay ng mangyayari. nag alis ng gora si semel at umupo sa bangko na parang isang batang mabait. oy, matrena, aniya pahahapunin mu ba kami? hindi pa ako kumakain. si matrena ay hindi lumilingon na nagbububulong. tumigil sa may kusina, saka minasdang isa isa, na iiling iling at di kumikibo. nahalata ni semel na galit ang kanyang asawa; nguni'anong gagawin? sapagka'walang may ibig, ay tinagnan niya sa kamay ang kasama at sinabing: maupo ka, kapatid. humapon tayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"ang kasama ay naupong walang imik. ano matrena; hindi ka ba naghanda ng hapunan? oo'naghanda ako; nguni'hindi sa iyo; ikaw ay naglasing hanggang sa mawalan ka ng isip. ikaw ay bibili ng isang bagong balabal at umuwi ka pa ng walang kapote. sa ikalulugmok natin ay nagsama ka pa ng isang hampas lupa. ako'walang maipahahapon sa mga lasing. siyana, matrena; walang kailangang magsalita upang wala nang pag usapan. lalong magaling ang itanong mo sa akin kung sino ang taong ito. pasimulan mong sabihin sa akin kung saan mo iniwala ang kuwarta, ang tugon ng asawa. dumukot si semel sa bulsa at inilitaw ang tatlong rublo . eto ang kuwarta; si trofimoy ay hindi nagbayad, nangako sa akin bukas na. si matrena ay lalong nag init. sa aba ng balabal, at pati ng kaisa isang kapote ay ibinigay pa sa isang hampas lupa na dinala rini sa ikadaragdag sa hirap. eto ang kuwarta at saka dinugtungan. wala akong hapunan; hindi ako makapagpapakain sa mga hampas lupang lasing.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"oy, matrena, huwag kang maingay at dinggin mo iring aking sinasabi! makinig ng mga kaululan ng isang walang hiyang lasing! may matuwid ako na umayaw na maging asawa kita! iniwanan ako ng aking ina ng pambili ng damit at iniinom mo ng alak; ngayo'bibili ka ng isang balabal at iniinom mo rin. hindi magawing maipaaninaw ni semel, na dalawampung kopek ang kanyang iniinom at gayon din na kung paanong kanyang nasumpungan ang kanyang kasama; ayaw paraanin ni matrena ang kanyang salita, sunud sunod ang kanyang salita, sunud sunod kung tugunin siya. pati nuong nangyari ng may sampung taon, ay ipinamumukha pa sa kanya. salita pa ng salita, at saka tinagnan si semel sa manggas. isauli mo sa akin ang suot ko, wala kundi iyan at kinuha mu pa; siya mo ngayong suot, asong galisin. hindi ka pa tangayin ng diyablo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"huhubdin na ni semel; binaltak ng asawa at natastas ang mga tahi; sa katapus tapusan ay tinagnan ni matrena ang suot, isinuot at napasa dakong pinto upang yumaon, nguni'agad napatigil sa galit; wari ibig makipagkaalit kahi'kanino at mabatid kung sino ang taong yaon, tumigil si matrena sa tabi ng pinid at nagsabing: kung iya'mabuting tao, ay hindi sana hubad; magkakaroon man lamang ng baro. kung ikaw ay gumawa ng isang mabuting gawa, ay sasabihin mu sana sa akin kung saan nanggaling ang palaboy na ito. may tatlong oras nang sinasabi ko sa iyo, nguni'di mo ako dinidinig. nagdaraan ako sa tabi ng simbahan, ay nakita ko ang binatang ito na halos naninigas at hubad; wala nga tayo sa panahong tag araw. inakay ako ng diyos sa kanya; na kung di gayon ay namatay sana ito ngayong gabi. anong gagawin ko? siya'aking binihisan, binalabalan at aking ipinagsama. tumahimik ka nga, matrena, iya'isang kasalanan. tayong lahat ay para parang mamamatay. si matrena ay nagbuka ng bibig upang sumagot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"biglang napatingin doon sa di kilala at tumahimik. nakaupo sa bangko na di umiimik, ang kanyang dibdib ay nanlalaki, halos magputok, na nakayakap ang mga kamay sa mga tuhod, nakatungo ang ulo, naka pikit ang mga mata, na parang napipighati. napatahimik si matrena. siya'malugod na pinagsabihan ni semel. matrena; nawala na ba kaya ang diyos sa iyong kalooban? pagkarinig nito ng asawa ay napatingin doon sa di kilala, na nakatingin naman sa kanya, at ang kanyang kalooban ay nabagbag. siya'muling nasok at upang maghanda ng hapunan. siya nga ay naghain at kanyang inihain ang kahuli hulihang tinapay. hala, kumain ka, ang sabi. binatak ni semel ang binata hanggang sa dulang. lumapit ka kapatid. pumutol ng tinapay, binasa at nagpasimulang kumain. si matrena ay naupo sa isang sulok na nakapangalumbaba at nakapatong ang mga siko sa mga tuhod saka minasdan yaong hindi kilala. nagdalang habag siya; at nagtaglay siya ng habag sa kaaba abang yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"agad nagalak ang kalooban ng di kilala at pagtataas ng ulo ay tuminging napangiti doon sa abang babae. pagkatapos ng pagkain ay iniligpit ng asawa ang mga pinggan at nagsabing: saan ka nanggaling? ako ay hindi tagarito. bakit nasa tabi ka ng simbahan? sinong naghubad sa iyo? pinarusahan ako ng diyos. at hubad ka na bang ganyan? nanatili ako roong hubad. ako'naninigas sa ginaw, nakita ako ni semel at nahabag sa akin; isinuot sa akin ang kanyang damit at pinasunod ako sa kanya. ikaw ay nagdalang habag sa aking hirap; iyo akong pinakain at pinainom. pagpalain ka nawa ng diyos! si matrena ay tumindig, binuksan ang kanyang baul at kinuha ang limang baro ni semel na kanyang sinursihan at upang maisuot sa kinabukasan, kinuha ang salawal at pagkabigay niya ng mga yaon doon sa di niya kilala ay magiliw na sinabing tanggapin mo, nakita kong wala kang baro; magbihis ka at mahiga ka kung saan mo ibig, sa bangko sa kusina. nag alis ng balabal ang di kilala, isinuot ang baro at nahiga sa bangko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"pinatay ni matrena ang ilaw at sinunggaban ang balabal at nahiga sa silid sa siping ni semel; ginamit ang balabal nguni'hindi makatulog; ang sumasaulo niya ay yaon di kilala at saka kanyang naiisip na naubos ang lahat ng tinapay na nalabi at wala silang makakain sa kinabukasan. naibigay pa ang baro at salawal ni semel; siya'namamanlaw at hindi mapalagay. nguni'sa pagkaalala niya ng ngiti niyaong taong hindi kilala ay nasiyahan ang kanyang loob. maluwat luwat na di nakatulog si matrena. si semel man ay hindi rin makatulog at namimilipit sa balabal. ating naubos ang lahat ng tinapay. hindi ako nagtinapay ngayon. anong gagawin natin bukas? manghihiram ba kaya ako kay melania ng ating makakain bukas? hindi magkukulang ng pagkain. sandaling napatahimik. tila mabuti ang taong ito. bakit kaya ayaw magsabi kung sino siya? walang salang siya'pinagbabawalan. tayo'nagbibigay, at sa atin ay walang nagbibigay. walang naisagot si semel. siya ka na ng kauusap, ang sabi, saka pumihit. at nangakatulog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"si semel ay gumising na maaga; natutulog pa ang mga bata; ang asawa'yumaon upang manghingi ng tinapay sa kapitbahay; yaon lamang di kilala ang nakaupo sa bangko, na nakatingala sa kisame. ang kanyang pagmumukha ay lalong tiwasay kaysa tinalikdang araw. sinabi ni semel: ano nga kapatid; ang tiyan ay nangangailangan ng pagkain at ang katawa'nangangailangan ng damit. kailangan ngang mamuhay, magkasiya sa sarili. marunong ka bang gumawa? wala akong nalalaman. idinilat ni semel ang mga mata at nagsabing. natututuhan ang balang ibigin, kailan ma'di kukulangin ng pagkukusa. lahat ay nagsisigawa; gagawa rin akong gaya ng iba. anong pangalan mo? kung gayon, mikhail, ayaw kang magsabi ng anuman tungkol sa iyong buhay, mabuti, nguni'kailangang kumain; kung susundin mo ang aking sasabihin, ay aampunin kita. tulungan ka nawa ng diyos! turuan mo ako, ituro mo sa akin ang di ko nalalaman. sumunggab si semel ng kanyamo at binaluktot. ito'hindi gawain noong isang huwubes; tignan mo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"tinagnan ni mikhail, tuloy inabot ang kanyamo, binaluktot, at agad itinuro sa kan ya ni semel ang pagtabas, pagtahi, pagbutas, paglalapat ng suwelas, at pag aanyo ng tahi. sa ikatlong araw ay natutuhang lubos ni mikhail ang buong paraan ng paggawa; ang kanyang kaliksihan ay gayon na lamang, na parang isang daan nang taong manggagawa ng sapatos. walang sinayang na sandali; kaunti kung kumain. pagkatapos ng kanyang gawa ay tumatabi sa kanyang sulok na nakatungong walang imik; bahagya nang magsalita, hindi tumatawa kailanman; hindi umaalis sa bahay; at hindi siya nakitang ngumiti, kundi miminsan, nuong unang gabi na pahapunin siya ng asawa ni semel. nagdaan ang araw at araw, linggo at linggo hanggang sa umabot ng isang taon. si mikhail ay patuloy pa rin ng pagtulong sa bantog na kay semel; walang ibang nakagagawa ng magagaling at matitibay na bota na makahihigit pa kay semel. sa tanaw lamang ay kilala na siya at unti unting yumaman si semel.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"isang araw ng tag inaw, na gumagawang magkatulong ang dalawang magpanginoon, ay sa darating ang isang voyok karwahing hila ng tatlong magagaling na kabayo, na nagtutunugang masaya ang mga kampanilyang nakakuwintas, at sa titigil sa harap ng pintuan nila. bumaba sa piskante ang isang alila na nagbukas ng pinto, at ang sakay na isang barini isang maharlika ay bumaba na nababalot ng isang magaling na balabal. nanhik sa hagdanan. binuksan ni matrena ang pintuan. ang barini ay yumuko na nasok at tumayong matuwid; ang ulo ay halos masukdol sa kisame at nalalaganapan niyang mag isa ang isang sulok ng kabahayan. si semel ay bumating may pagkamangha sa barini . kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. si semel ay natigilan, si mikhail ay walang imik; si matrena ay naging parang isang tuyong punong kahoy. ang taong yaon ay masasabing parang galing sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at mabilog at ang kanyang leeg toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng isang kakaibang taba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"pagkahinga ng buong lakas ay nag alis ng balabal ang barini naupo sa bangko at nagsabing: sino sa inyo ang maestro sapatero? si semel ay lumapit. ako po, kagalang galang. tinawag ng barini ang kanyang alila; iabot mo sa akin ang katad, fedka. dinala ng alila ang isang balutan, inilapag sa hapag (mesa). buksan mo ang balutan. ang alila ay sumunod. itinuro ng barini kay semel ang katad. nakikita mo bang maigi, magsasapatos? opo, kagalang galang. nakikilala mo ba kung anong uri iyan? pinitik ni semel ang katad at nagsabing: iyan po ay pinakamabuting uri. oo nga, iya'pinakamabuting uri, tulig; kailanman ay hindi ka nakakita ng gaya niyan; iyan ay katad na galing sa alemanya, nalaman mo ba? ang halaga ng katad na iyan ay dalawampung rublo . si semel ay natatakot takot na tumugon: paanong ibig ninyong kilalaning ko? maigagawa mo ba kaya ako ng mga bota sa katad na ito? opo, kagalang galang. ang barini ay nagbigkas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"tignan mong mabuti ang tao na nagpapagawa sa iyo niyan at pati ng kainaman ng katad na iyan; igawa mo ako ng mga bota na magluluwat ng isang taon; na isang taon kong magagamit na hindi man lamang masisira mapapahiwid. kung magagawa mo ay tanggapin mo ang katad na ito at iyong tabasin; kung hindi naman ay iyong tanggihan. aking ipinagpapauna sa iyo, na kung ang mga botang iyan ay masira bago mag isang taon ay ipapasok kita sa bilangguan, kung magtagal sa akin ng isang taon ay pagkakalooban kita ng sampung rublo . si semel ay nagitla, nagdili dili, hindi niya malaman ang gagawin. tinignan niya si mikhail, kanyang siniko at itinanong kung maaaring tanggapin hindi. tinanguan siya ni mikhail, at tinanggap ni semel na nangako na kanyang gagawing mga bota na hindi masisira mapapahiwid man lamang sa loob ng isang taon. tinawag ng barini ang alila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"iniunat ang kanyang paa, at nagsabing kung gayon ay sukatan mo ako, ang paa ng barini ay napakalaki na nangailangang gumupit pa ng ibang papel bagaman ang una ay napakalaki na. sinukat ni semel ang talampakan, ang ibabaw ng paa at saka sinukat ang binti; nguni'ang papel ay hindi nag abot na maigi, ang binti ay napakataba. habang kinukunan ng sukat ni semel, ay lilingap lingap ang barini sa lahat ng dako. namataan si mikhail. siya kong manggagawa ang sabi ni semel. magpakaingat ka! dapat magluwat ng isang taon. tinignan ni semel ang pagkatungo ni mikhail at kanyang nahalata na wala sa loob nito ang barini kundi nakatingala siya sa ulunan ng barini na parang may nakikita siya. si mikhail ay tingin ng tingin. agad napangiting masaya. anong ikinatatawa mo? ang tanong ng barini . pag ingatan mo, na ang mga bota ay iyong mayari sa takdang panahon. si mikhail ay sumagot: mangyari, kailanman at kailanganin. mangyari, ang bigkas ng barini na sabay isinuot ang balabal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"tumungo sa may dakong pinto; nguni'nakalimot yumuko, at naumpog ang ulo sa halang, na anupa'nagbubulong sa galit. agad lumamig ang ulo, kinuskos ang noo at sumampa sa vosok . pagkaalis ng barini ay sinabi ni semel . ito nga ang matibay na parang puno ng kahoy; nasira ang halang at bahagya nang naramdaman. at sinabi ni matrenang: sa taglay niyang pamumuhay ay mabuting tao kaya? parang bakal mandin at di madadaig ng kamatayan ng gayun gayon lamang. hinarap ni semel si mikhail. tinanggap natin ang biling ito, aniya, baka tayo'mapahamak. ang katad ay mahal, ang barini ay magagalitin; huwag lamang tayong magkamali ay. ang iyong mata ay malinaw kaysa akin; ang iyong kamay ay lalong tumpak; naito ang sukat, tabasin mo ang katad at samantala ay gagawing ko ang iyong ginagawa. sumunod si mikhail, tinagnan ang katad, iniladlad at pinasimulang tinabas. tinitignan ni matrena, na hirati sa gayong gawain, at ikinamangha na tinabas ni mikhail ang katad sa isang anyo na hindi magagamit na pambota.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"ibig niyang magsalita, nguni'kanyang naisip: marahil ay hindi ko naulinigan kung anong anyo ng bota ang kailangan ng barini nalalaman ni mikhail ang ginagawa, at hindi ko siya pakikialaman. ginawa ni mikhail na isang susuutin sa paa at tinahing parang sandalyas. namangha si matrena, nguni'hindi siya pinakialaman, at ipinagpatuloy ni mikhail ang pagtahi. dumating ang oras ng pagkain. tumindig si semel at kanyang napuna na ginawang sandalyas ni mikhail ang katad at hindi ginawang bota, bagay na nakapagtataka sa isang tao na kailanman ay hindi nagkamali. si semel ay nakapagbigkas tuloy ng isang badyang pamangha. ating nasira ang katad; ano kayang sasabihin ko sa barini saan kaya ako makakasumpong ng ganyang katad? at sinabi kay mikhail. anong ginawa mo. ako'iyong ipinahamak, katoto. hinihingan ako ng barini ng bota. noon nga ay may tumuktok sa pintuan. sa dungawan ay nakita ang alila ng barini na nagtatali ng kanyang kabayo sa pintuan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"pinagbuksan ni semel at ang alila ay patang pata sa pagod. magandang gabi po, suki. magandang gabi rin pu naman. anong nangyayari? inutusan pu ako ng asawa ng barini upang kunin ang mga bota. opo, hindi na pu kailangan ng barini hindi na pu niya maisusuot. nais sa inyo ng asawa ng barini na humaba nawa ang inyong buhay. hindi pu nagawing dumating na buhay sa bahay. namatay sa vozok karwahe. dumating kami, aking pinagbuksan at nakita kong nakatimbuwang at bangkay. pinaghirapan namin ng paglalabas sa vozok . inutusan ako sa inyo ng asawa ng barini na sinabing: pumaroon kang sabihin mo sa magsasapatos, na ang gawin ay sandalyas na pansuot sa bangkay at huwag bota na gaya ng ipinasadya ng barini . sabihin mong ipagmadalian. ikaw ay maghintay at dalhin mo ang mga sandalyas. dinampot ni mikhail ang sandalyas at pati ng pinagputulang katad, binalot na lahat at iniabot ang balutan sa alila, na naghihintay: adiyos mga kapatid, tulungan nawa kayo ng maykapal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"nakaraan ang isang taon, dalawa, at may anim nang taon na si mikhail ay na sa bahay ni semel. ang buong pamumuhay, ay di rin nagbabago. kailanma'hindi siya umaalis. bahagya nang magsalita at mamakalawa lamang napangiti, na ang una, ay ng hainan siya ng asawa ni semel, at ang ikalawa'ng dumalaw ang barini . si semel ay tuwang tuwa sa kanyang pangulong manggagawa at di niya tinatanong kung saan galing; iisang bagay ang kanyang pinapanimdim, na baka si mikhail ay lumayas. isang araw ay nagkakapisan silang lahat. ang mga bata ay naglalaruan at nangaghahagaran sa mga bangkong malapit sa mga dungawan. si matrena ay nagpapainit ng mga bakal na pambaluktot; si semel ay may hawak na pambutas; at si mikhail ay nagtatapos ng isang takong. isa sa mga bata ay humilig sa balikat ni mikhail na nasa tabi ng dungawan at nagsabing: tignan mo, mikhail, naito ang isang tindera na may kasamang dalawang batang babae; tila mandin paparito sa atin. isa sa mga batang babae ay pipilay pilay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"pagkarinig ng mga salita ng bata ay iniwan ni mikhail ang gawain at dinungaw. si semel ay napataka; si mikhail ay hindi nanunungaw kailanman at ngayo'nakikita niyang nakadukwang. si semel ay nakidungaw rin. kanyang nakita nga, na may isang babaing lumalapit, na maigi ang pagkabihis at may kasamang dalawang batang babae na nangababalabalan ng katad at nangakapamindong sa ulo ng panyong lana. ang dalawang bata ay magkamukha at halos hindi mawari ang pagkakaiba nilang dalawa, nguni'ang isa sa kanila ay napipilay at kinakaladkad ang paa. ang babae ay tumigil sa pintuan, ibinukas ang pinto, at nasok na kasunod ang dalawang bata. magandang umaga po, mga maestro, dumating nawa kayo ng maligayang oras. anupung sadya ninyo? ang babae ay naupo, at ang mga bata ay hindi humiwalay sa kanyang siping. ititingin ku po ng sapatos ang mga batang ito. kailanman po ay hindi kami gumawa ng napakaliit, nguni'maigagawa namin kayo ng inyong ibigin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"amin pung titignan kung maigagawa namin kayo ng aporong basahan ng katad. sabihin ninyo ang inyong ibig. si mikhail na aking pangulong manggagawa ay totoong matalino. lumingon si semel at nakita niya na walang kaalis alis ang mata sa mga bata. si semel ay napamangha ng higit at higit. tunay na ang mga munting batang yaon ay magaganda, nakatutuwa, may mga pisnging namumula mula at maiitim ang mata; ang mga balabal at ang mga pamindong ay napakarikit, nguni'hindi niya maunawa kung bakit nakahalina ng gayon na lamang kay mikhail, na para bagang kilalang kilala na niya. si semel ay nakipagsalitaan sa babae at kanyang kinuha ang sukat. kinalong ng babae ang pilay at nagsabing: kunan ninyo ng dalawang sukat ito. igawa ninyo ng isang sapatos ang paang pilay at tatlo ang magaling, sapagka'kambal ay magkapara ng sukat. pagkatapos na masukatan, ay nagtanong si semel na nakatingin sa pilay: anu po ang ikinapilay? ipinanganak na pu bang ganyan? hindi po, natuntungan ng kanyang ina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"si matrena, na nakakapakinig ng salitaan ay nakisagot. sino ka, aniya at sinu sino ang mga batang ito? ina ka ba nila? ako'hindi nila ina kamag anak man; sila'mga inari kong anak. diyata'pinakaiibig mong maigi ay hindi mga kadugo? bakit hindi ko iibigin sila? pinasuso ko sila ng aking gatas. ako'nagkaanak ng isang lalaki na kinuha sa akin ng diyos; hindi ko totoong inibig na gaya ng mga ito. kanino ngang anak sila? si matrena ay nakipagsalitaan sa babaing yaon, na nanalaysay ng ganito; may anim na taon nang ulila sila. ang ama ay namatay ng martes at ang ina ay ng biyernes. sila'naulila sa ama bago naipanganak at ang kanilang ina ay hindi nabuhay ng isang araw man lamang pagkapanganak sa kanila. nuon nga ay nakatira kami ng aking asawa sa nayong yaon, at sila'aming kakapit bahay. ang ama'gumagawa sa gubatan, at nabuwalan ng isang punong kahoy; nasaktan ng di kawasa na anupa'pag dating sa bahay ay inihandog ang kanyang kaluluwa sa diyos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"ang kanyang asawa'nanganak pagkaraan ng tatlong araw, na ang mga ito ang naging anak. mga kaawa awa at walang mag andukha. sa palibot ng kanilang higaan, ay walang hilot alila; nanganak na mag isa. dinalaw ko kinaumagahan, ako'pumasok at aking natagpuang patay na ang abang babae. pagkamatay ay nadaganan ang munti at napilay ang paa nito. dinaluhan ng mga tao, inayos ang bangkay, isinilid sa kabaong at ibinaon sa lupa. ang mga kapitbahay ay mabubuting tao, nguni'ang mga sanggol ay naulila at walang mag andukha. ako nga ang tanging nag alaga sa kanila; nagpapasuso ako ng aking panganay at ipinakisuso ko sila. ang mga mujik ay nagtitipon, nagsalitaan, nagsanggunian kung ano ang marapat gawin sa kanila, at ito ang sinabi sa akin: ikaw na ang bahalang mag alaga sa mga sanggol na ito, iyong pasusuhin at mapagiisip isip mo ang lalong magaling.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"napasuso ko na ang una, nguni'ang isa, ang abang pilay ay hindi pa, hindi ko akalaing mabuhay, nguni'agad iniwaksi ko ang aking katigasang loob; dumadaing at aking kinahabagan. bakit maghihirap iyang kaluluwang anghel? aking pinasuso at inalagaan ang tatlo, ang aking anak at ang mga ulila, ako nuo'bata at malakas, kumain akong mabuti at nagkaroon ako ng saganang gatas, at ako'pinagpala ng di kawasa ng panginoon. pinasususo ko ang dalawahg bata at naghihintay ang ikatlo, pagkabusog ng dalawa, ay saka ko pinasususo ang ikatlo at ipinagkaloob sa akin ng diyos na sila'aking mabuhay. ang aking anak ay namatay pagkaraan ng dalawang taon, at hindi na ako pinagkalooban, pa uli ng diyos ng anak. habang ito'nangyayari ay bumubuti ang aming pamumuhay, ngayo'natitira kami sa isang alilisan, sa bahay ng isang may tindahan. binabayarang kaming mabuti at ang aming buhay ay tiwasay, nguni'wala akong anak. sinu pang aking lilingapin kung wala ang mga batang ito? wala nga akong mga kasama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"bakit ko nga di ibigin at mahalin sila? sila ang mga anino ng aking mata at ligaya ng aking buhay. niyakap ng babae ang mga bata, hinagkan ang pilay at naglaro ang luha sa kanyang mga mata. nabubuhay ang walang ama at walang ina; hindi nabubuhay ang walang diyos, anang kawikaan. gayon nagsalitaan at humanda na ng pag alis ang babae. sa paghahatid sa kanya nina semel ay nalingunan si mikhail na nakayakap ang mga kamay sa mga tuhod, ang mga mata'nakatirik sa langit at nakangiti. siya'nilapitan ni semel at pinagsabihan. anong ginagawa mo, mikhail? tumindig si mikhail, iniwan ang ginagawa, nag alis ng tapi, yumukod sa mag asawang panginoon niya at nagsabi sa kanilang: patawarin ninyo ako, mga panginoon, pinatawad na ako ng diyos. patawarin naman ninyo ako. napagkita nina semel, na si mikhail ay nagliwanag. tumindig si semel, yumukod sa kanya at nagsabing: napagkikita ko, mikhail, na ikaw ay isang taong di gaya ng iba, at hindi kita mapipigil sa aking piling matatanong man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"sabihin mo lamang sa akin: bakit ikaw ay napakawalang imik, at totoong gitla ng ikaw ay aking matagpuan at ipagsama sa aking bahay? bakit ka pinagsaulian ng loob, ng hainan ka ng aking asawa ng pagkain? nuon nga'napangiti ka at sumigla ang iyong kalooban. saka ng pumarito ang barini na magpasadya ng mga bota ay napangiti kang muli at lalong sumigla ang iyong kalooban, at ngayong dalhin dito ng babaing ito ang mga bata ay napangiti kang makaitlo at nagliwanag ang iyong mukha. sabihin mo sa akin, mikhail. bakit sumisilang sa iyo itong dalisay na liwanag at bakit ka ngumiting makaitlo? at sumagot si mikhail. sumisilang sa akin ang liwanag, sapagka'ako'naparusahan; hinatulan ako ng diyos at ngayo'pinatawad na ako; ako'napangiting makatatlo sapagka'dapat akong makarinig nga ng tatlong salita ng diyos at aking nangarinig. narinig ko ang una ng mahabag ang iyong asawa sa aking kaabaan, yaon nga'una kong ikinangiti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"napangiti akong muli ng pumarito ang barini sapagka'naihayag sa akin ang ikalawang salita; at ngayon, pagkakita ko sa mga bata ay ikinangiti kong pangatlo sa pagkarinig ko ng ikatlong salita ng diyos. tinanong siya ni semel: sabihin mo sa akin, mikhail kung bakit ka pinarusahan ng diyos at kung anong mga salita ito upang malaman ko naman. si mikhail ay sumagot: pinarusahan ako ng diyos dahil, sa aking paglabag. sa langit ay isang anghel ako, at siya ay aking sinuway. nuon ay isa ako sa mga anghel sa langit at sinugo ako ng diyos sa isang kaluluwa, sa kaluluwa ng isang babae. bumaba ako sa lupa at nakita ko ang isang babae na nakalugmok sa higaan, may sakit at kapanganganak lamang sa dalawang batang babae. ang mga ito ay nangagsisihibik sa tabi ng ina, at siya'napakahina na di niya mapasuso sila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"pagkakita sa akin ay nataho na kailangan ng diyos ang kanyang kaluluwa; tumangis at nagsabi sa aking namamanhik: anghel ng diyos, ang aking asawa ay namatay, na nabuwalan ng isang punong kahoy sa gubat; ako'walang ina, kapatid, ali: ang aking mga ulila ay walang inaasahan, liban sa aking abang kaluluwa: pabayaan mo akong mapalaki ko ang aking mga anak; ipagpaubaya mong sila'makalaki sapagka'ang mga bata ay hindi maaaring mabuhay ng walang ama ina. sinunod ko ang babae, ipinatong ko ang isang anak sa kandungan at ang isa'sa kanyang bisig; muli akong napailanlang sa langit, at pagharap ko sa panginoon ay sinabi kong: hindi ko nagawing dalhin ang kaluluwa ng nanganak. ang ama'namatay, siya'may dalawang anak na kambal at ipinamanhik sa akin na siya'pabayaan kong mabuhay hanggang sa mapalaki niya ang kanyang mga anak na hindi mangyayaring mabuhay ng walang ama ina. hindi ko nga dala ang kaluluwang iyan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"sinagot ako ng diyos: ikaw ay yumaon at dalhin mo sa akin ang kaluluwa ng inang iyan, at mapagkikilala mo ang tatlong salita ng diyos; iyong malalaman ang sumasa mga tao, ang hindi ipinabatid sa tao at ang bumubuhay sa tao . pagkakilala mo ng tatlong salitang ito ay babalik ka sa langit. nagbalik ako sa lupa at dinala ko ang kaluluwa ng abang ina. ang mga bata ay nagsibitiw sa sinapupunan ng ina at ang bangkay, sa pagkabuwal sa tagilirang kaliwa, ay nadaganan ang paa ng isa sa mga bata. ng ako'nakatayo sa may dakong itaas ng nayon upang dalhin ang kaluluwa sa maykapal ay hinadlangan ako ng isang buhawi, nanghina ang aking pakpak at nangatikom: ang kaluluwa ay naipalanlang sa langit, at ako'napalugmok sa lupa sa tabi ng lansangan. at napag unawa nga ni semel at ni matrena kung sino yaong kanilang binihisan at pinakain at kung sino yaong kasama nila. sila'napaiyak sa kagalakan at katuwaan, at ang anghel ay nagpatuloy ng pananalita: ako'nanatiling mag isa at hubad na nasa daan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"nuo'hindi ku pa kilala ang anumang kahirapan ng tao, ang ginaw ang gutom man. ako'naging tao, nagdamdam ako ng gutom at di ko malaman kung anong gagawin. nakakita ako ng isang simbahan, na itinalaga sa walang hanggan at inisip kong tumuloy roon. ang pinto ay nakatalasok. sapagka'hindi ako makapasok ay naupo ako sa pintuan at pinagsikapang kong duon makasilong; gumabi, nagdamdam ako ng ginaw, nagdamdam ako ng gutom, ininda ko, at ako'nanginig. at ang hirap ay sumaakin. agad akong nakarinig ng yabag sa daan; may dumarating na isang tao; may dalang mga bota at nagsasalitang ang mga ngipin ay nagngangalit. nuon ako nakakitang una ng mukha ng taong may kamatayan, at kung sa bagay na ako'tao na rin ay natakot pa rin sa mukhang yaon, inilingon ko ang aking ulo at aking narinig, na nagsasalitang laban sa akin. paanong pakakanin ko ang aking asawa at, aking mga anak? paanong kakandilihin ko sa ginaw ng taginaw ang mga nanginginig na sangkap namin ng katawan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"at inisip kong: ako'namamatay sa ginaw at gutom at naito na dumaraan ang taong ito na ang iniisip lamang ay ang kanyang kailangan at di matutuhan ang ako'saklolohan. nakita ako ng nagdaraan, nagkunot ng noo, nag anyong marahas at nagpatuloy ng paglakad. nawalan ako ng pag asa. pagdaka'nakita kong bumalik, siya'aking tinignan at hindi ko nakilala: ang kanyang mukha ay patay ng una at nakita kong nagliwanag ng larawang diyos. ang nanauling buhay ay lumapit sa akin, binihisan ako, tinagnan ako sa mga kamay at ipinagsama ako sa kanyang bahay. ang kanyang asawa ay nasa sa pintuan ng dampa at nangusap: ang babaing yaon ay lalong kakila kilabot kaysa lalaki; ang anyo ng kamatayan ay nabubuka sa kanyang bibig, ang anyong nakamamatay ng kanyang mga salita ay umiinis sa akin, at ako'nanlupaypay; inibig niyang mahandusay na muli ako sa ginaw, sa hirap, sa kamatayan, at aking napag unawa na siya man ay mamamatay rin sa pagtataboy sa akin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"agad pinagsalitaan siya ng kanyang asawa ng tungkol sa diyos. pagdaka'nagbago ang babae; hinainan ako ng pagkain at sapagka'ako'tinitignan niya ay tinitigan ko siya: ang patay ay muling nabuhay, at nakilala ko ang diyos sa kanyang mukha. at aking naalala ang salita ng diyos: iyong malalaman ang sumasatao . napagtalastas ko sa ganito na sumasa mga tao ang pag ibig. naginhawahan ako sa pagkahayag ng isa sa mga salita ng diyos, at una kong ikinangiti; nguni'hindi ko napag alamang lubos sa isang sandali, hindi ku pa napag uunawa ang hindi ipinabatid sa tao ni ang bumubuhay sa tao . natira akong isang taon sa inyo; ang barini ay naparito na nagpasadya ng mga bota, mga botang dapat magluwat ng isang taon na hindi man lamang mahihiwid masisira man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"tinignang ko siya at nakita ko sa kanyang siping ang isa sa aking mga kasama, ang anghel ng kamatayan; ako lamang ang nakakita; siya'aking nakilala at aking napag unawa na bago lumubog ang araw ay mahihiwalay ang barini sa kanyang kaluluwa at inisip kong: ang tao ay nagtitipon ng sa isang taon; nguni'di niya nalalamang siya'mamamatay sa paglubog ng araw. at aking naalaala ang ikalawang salita ng diyos: iyong malalaman ang hindi ipinabatid sa tao . ang sumasatao ay nalalaman ko na . nalaman ko nuon ang hindi ipinabatid sa tao . hindi ipinabatid sa kanya ang pagkukulang sa kanyang katawang ikinangiti ko. nguni'hindi ku pa batid, at hindi ku pa nauunawa ang bumubuhay sa mga tao . nabuhay ako sa paghihintay ng pahayag ng maykapal, ng huling salita ng diyos. sa ikaanim na taon ay naparito ang babae na may kasamang dalawang batang kambal, aking nangakilala at napuna kong sila'nabuhay. ng magkagayo'aking naalamang lahat at inisip ko.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"namamanhik ang ina, dahil sa kanyang mga anak at aking dininig ang ina; pinaniwalaan ko, na ang mga ulilang iyan ay natatalaga sa kamatayan at naito, na sila'pinakain at kinupkop ng isang babae, ng isang di kilala. at ng ang babaing iyan ay mapaiyak sa kabutihan, ng kanyang minahal at kinahabagan, ay nakita ko sa kanya ang larawan ng diyos at aking napag unawa ang bumubuhay sa tao . aking napag unawa na naipahayag sa aking ng diyos ang huling salita at iginawad sa akin ang kapatawaran at siyang ikatlo kong pagkangiti. at ang anghel ay naghubad ng kanyang pagkalupa at nagbihis ng liwanag; ang mga mata ng tao ay nangasilaw sa liwanag na yaon. naglakas ng kanyang tinig na parang galing sa langit at nagsabing; at aking naunawa, na ang tao ay hindi nabubuhay sa kanyang mga sariling kailangan, kundi nabubuhay sa pag ibig .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"hindi alam ng ina ang bubuhay sa kanyang mga anak; hindi alam ng barini ang kailangan; hindi alam ng sinumang tao na kung buhay sa gabi, ay mangangailangan ng bota kung patay ay sandalyas. ako'nabuhay sa pagkatao, hindi sapagka'kinandili ko ang sarili, kundi sapagka'inibig ng isang naglalakad at ng asawa niyaon; nangahabag sa akin at ako'inibig. nangabuhay ang mga ulila sapagka'nagkaroon ng isang babae na nagtaglay sa kalooban ng maningas na pag ibig. nabubuhay ang mga tao, hindi sapagka'kinandili nila ang sarili, kundi sapagka'ang pag ibig ay kumandili sa kalooban ng mga tao. alam ko kapagkaraka, na pinagkalooban ng diyos ang mga tao ng buhay at inibig niyang sila'mangabuhay: ngayo'napag unawa ko na ayaw ang diyos, na ang tao ay mabuhay na mag isa, at dahil dito ay inilihim niya sa isa'isa ang kailangan. ibig niya na ang bawa'isa ay mabuhay sa ikagagaling ng mga iba at dahil dito ay inihahayag niya sa isa'isa ng paminsan ang makabuluhan sa sarili at pati ng sa iba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +graf Leo Tolstoy,"napag unawa ko nga na ang mga tao na may paniwalang nabubuhay sa sariling sikap, ay hindi nga nabubuhay kundi sa ngalang pag ibig. ang nabubuhay sa pag ibig ay nabubuhay sa diyos at ang diyos ay nananahan sa kanya, dahil sa ang diyos ay pag ibig. at ang anghel ay umawit ng pagpupuri sa panginoon; umuga ang bahay sa kanyang tinig, nabuksan ang bubungan at isang haliging apoy, ay napailanlang sa kalawakan. si semel, ang asawa at ang kanyang mga anak ay paraparang nagsiluhod sa lupa. ang anghel ay nagbukadkad ng kanyang malalaking pakpak at umilanlang sa langit. ng pagsaulan ng malay tao si semel ay namasdan niyang ang bahay ay gaya rin ng dati na walang linalaman liban sa kanya at sa mga dating nangaroon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"paombon mayo. ngayong las seis nang hapon na pinagugulong nang hari nang astros ang carrusang apuy, at itinatago sa bundoc at cagubatan, ipinagcacait sa isang capuloan ang caliuanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat nang guinto,, purpura: ang mundo,, tahimic, sampuo nang amiha,, hindi nag tutuli,, nagbibigay alio, ang manga bulaclac, ay nangag sasabog nang bangong iningat sa doradang caliz; ang lila,, adelfa na itinanim mo sa ating pintoan; ang lirio,, azucena; ang sinamomo,, campupot na inihanay mo,, pinag tapattapat sa daang landas na ang tinutungo,, ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nangagsisingiti,, ang balsamong ingat ay ipinadadala sa hihip nang hangin; mapalad na oras na ipinag lilibang nang camusmusan ta, ipinagpapasial sa ating halamanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"marahil urbana,, di mamacailang pagdating sa iyo nang oras na ito, ang alaala mo,, boong catauohan ay nagsasaoli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay nang manga bulaclac na bago pamuti sa parang linalic na manga daliri mo,, pinaiibayuhan ang di munting pagod sa pagaalaga. naglilibang icao, aco,, gayon din naman, at dito sa lihim nang namumulaclac na suha, ay sinasagap co ang caaya ayang bango, pinanonood co ang lipad nang ibong napaiilang lang sa himpapauid; ang pato at tagac na nonoui sa hapunan, husay nang pag liliparan, tulad sa ejercitong nag susunod sunod, ualang nahihiualay, iisa ang loob iisa ang tungo, isa ang sinusundan nang sang bayanang ibon, at palibhasa, tulad din sa tauo may pinipintuho,, sinusunod na hari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa pag didili diling ito, di caguinsa guinsa,, napaimbulog ang pag iisip co, icao ang hinanap sa loob nang halamanan, sinundan sundan ca at napanood cong mamumuti nang bulaclac, pinag salit salit, pinag tama tama ang sari saring culay, guinagauang ramillete: saca co naquita na inihahain sa maalindog na reina nang rosas, ni urbana, rosa naman sa calinisan. magpahangan ngayo,, aquing natatanao na nunuti ca nang amapola, nang maquita co na nagniningning na sa manga buroc na iyong daliri ay sinundan quita, napahabol ca naman, saca nang abutan quita,, conouari itinangui ang quimquim na bulaclac, saca ipinaagao sa aquin: at nang macuha co na,, ingay nang canitang paghahalac hacan sa loob nang halamanan. masayang halac hac na iquinagagalac ni ama,, ni ina na ninitang toua sa pag aaliuan nang dalauang anac!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"magpahanga ngayo,, di co nalilimutan ang casipagan mo, na pagca guising sa umaga,, malicsing babangon, sasandatahin ang cruz, maninicluhod ca,, magpupuri sa dios, magpapasalamat at iniadya ca sa madlang panganib at pinagcalooban nang buhay na ipaglilingcod sa caniyang camahalan sa arao na iyon dios ang unang bigcas nang labi mo, at palibhasa,, dios ang unang isip mo. aquing natatanao ang cauili uiling anyo mo, ang cabaita,, cahinhinan na nagniningning sa iyong paglacad at boong caasalan, na ipinaquiquita sa pagtungo sa simbahan, at ipinaqui quinyig nang santo sacrificio. ngayo,, naqui quita cong bucas ang dibdib mo, at natatanao co ang malinis mong puso, na naquiquibagay sa sacerdote na inihahain mo nang boong pagibig, ang dios nang pagibig na hauac sa camay, at iniaalay sa di matingcalang ama, alaala,, galang sa mataas niyang capangyarihan, na ipinag hahari sa sangdaigdigan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nalulugod aco sa capacumbabaan mo at pamimintuho cay ama,, cay ina, na palaguing gayac ang loob sa pagsunod sa canilang utos, at paghingi nang bendicion bago patungo sa escuela. dili magcasiya sa puso co ang quinamtan cong toua; ngayong nagsasaoli sa aquing alaala ang casipagan mong magaral nang leccion na ibinibigay nang maestra, sa pagnanasang maliuanagan ang bulag na isip, at maca quilala sa dios na cumapal nang iyong catauohan, punong pinagmulan nang iyong caloloua at siya ring caoouian. ang cabaitang di hamac na ipinaquiquita mo sa escuela, na tinitipid mo ang gaui nang cabataang mag laro sa capoua bata; ang cahinhinan nang iyong asal na di maquitaan nang cagaslaua,, catalipandasan, mag pahangan ngayo,, di nalilimutan nang canitang maestra, at sa touing masabi sa aquin, ay nagagalac ang loob co,, nagnanasang mahouaran ang magandang caasalan mo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang mabining lacad na bucal sa iyo,, di pinagaralan; ang mahinhing titig nang mata mo na di nag papalibot libot, at ang tinapunan ay ang linacarang lupa, cun maalaala co na dahilan dito,, iguinagalang nang manga batang lalaqui,, di ca mahaguisan nang masamang aglahi ay namamangha aco, at naipag hahalimbaua quita sa reina nang manga bulaclac, na pinaggugulan nang dunong nang naturaleza, na biniguian nang caaya ayang culay, cauili uiling bango,, naca bibihag na diquit; nguni cun paugahasang salangin nang salangapang na camay, ay capilitang magdurusa, sa pagca,, ipinagtatangol nang tinic. cung aco,, mangaling sa escuela, macapag pahinga nang munti, mupo sa habiha,, pagaralan cong habihin ang damit na isusuot ni ama ni ina, ay naaalaala co yaong matouid mong aral na capurihan nang isang anac na babaye, ang maca pagalay sa magulang nang damit na caniyang pinagpagurang hinabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pag aco,, umupo sa tabi nang panahian, dumampot nang cayo gumamit nang carayom, at magbuo nang damit, humarap caya sa calan, magtiis nang init nang apoy sa pangungusina, aco caya,, mag linis sa pamamahay, ang sinusunod co,, yaong maganda mong hatol na ang gagauin nang babaye, pagcamulat nang mata hangang sa ipiquit ay ualang catapusan, at dapat ang uica mong papamihasahin ang catauan sa paggaua toui na, sa pagca,, ang casipagan at calinisan, ay hiyas nang babaye, at ang catamara,, isang capintasan. sa pagbasa mo, urbana, nitong aquing titic, ay parang naquiquita co na, nagcucunot ang noo mo, ga namumuhi na,, tinutugon mo aco, at nangungusap ca sa aquin: ang bilin co sa canitan maestra na sabihin sa iyo na isulat mo sa aquin ay ang guinagaua mo sa arao arao, ay ano caya ang cadahilanan feliza, at ang sinaysay mo dito sa sulat ay ang gagauin co nang quita,, nagsasama, at di ang guinagaua mo ngayong magca hiualay cata?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa tanong mong ito,, liban na lamang sa paglalaro ta, nang quita,, musmos pa,, cun anong hatol mo,, siya cong sinusunod, at ang gagauin mo, nang icao,, dirine, siya rin namang guinagaua co ngayon. ngayong masunod co na ang cahingian mong sumulat aco sa iyo, ay nauucol namang gantihin mo itong aquing sulat, at isaysay mo naman sa aquin ang magandang aral na tinangap mo sa marunong na maestra, diyan sa maynila, sa loob nang apat na taong icao,, tinuturuan. dito,, lulutasin co itong aquing titic: adios, urbana, hangang sa aco,, sagotin mo. si urbana cay feliza. tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, nguni,, nang binabasa co na,, napintasan quita,, dinguin mo ang cadahilanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang una, nabanguit mo si ama,, si ina, ay di mo nasabi cun sila,, may saquit uala; nguni pinararaan co ang caculangan mong ito, at di cataca taca sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,, hindi ang buhay co cun di ang buhay mo ang itinatanong co,, ang isinagot mo,, ang pinagdaanan nang camusmusan ta, at madlang matataas na puri sa aquin, na di mo sinabi na yao,, utang co sa mabait na magulang natin at sa maestrang umaral sa aquin. nguni, pag dating sa sabing nagcucunot ang noo co, at sa manga casunod na talata, ay nangiti ang puso co, nagpuri,, nagpasalamat sa dios, at pinagcalooban ca nang masunoring loob. ngayo,, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihingi mo ang magandang aral na tinangap co cay dona prudencia na aquing maestra. natatanto mo, na aco,, marunong nang bumasa nang sulat nang taong. na cata,magcahiualay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pag dating co rini, ay ang una, unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala, mamintuho, maglingcod at umibig sa dios; ang icalaua,, ang cautangan natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,; ang paquiquipagcapoua tauo. nguni, at sa pagca ang sulat na ito ay hahabang lubha, cun aquing saysayin itong manga daquilang catungculan nang tauo, bucod dito nama., ngayong, las sieting mahiguit nang umaga na aco,, sumusulat, ay malapit na ang oras nang pag aaral co, ay sa icalauang sulat mo na hintin ang pag sunod co sa cahingian mo: adios, feliza. si urbana cay feliza . ngayon tutupdin ang cahingian mo, na ipinangaco co so iyo sa huling sulat fecha. sa manga panahong itong itinira co sa ciudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalastas nang tatlong daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa manga batang ito, na ang iba,, casing edad mo, at ang iba,, humiguit cumulang, ay na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa cani canilang cabaitan cabuhalhalan nang asal. sa carunungang cumilala sa dios sa cahangalan, ay nahahayag ang casipagan nang marunong na magulang na magturo sa anac, ang capabayaan. sa manga batang ito,, ang iba,, hindi marunong nang ano mang dasal na malalaman sa doctrina cristiana, na para baga nang ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan na sa canilang edad disin, ay dapat nang maalaman nang bata, caya hindi maca sagot sa aming pagdarasal maca sagot man ang iba,, hindi magauing lumuhod, di matutong uman yo, na nauucol bagang gauin sa harapan nang dios. sa pag darasal namin, ay nag lulupagui, sa pagsimba,, nag papalingalinga, sa pagcain ay nag sasalaula, sa pag lalaro,, nananampalasan sa capoua bata, nangungusap caya nang di catouiran; caya ang manga batang ito,, maquita mo lamang ay maca pag dadalang galit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"oh feliza, gandang palad natin, at pinagcalooban tayo nang panginoong dios nang marunong na magulang! dahilan sa cahangalang ito nang manga bata, ay di unang itinuro nang maestra,, ang dasalan, at nang matutong cumilala at maglingcod sa dios; ang pagbasa nang sulat, cuenta, pagsulat, pananahi, at nang maalis sa cahangalan. dinguin mo naman ang aming gagauin sa arao arao. sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihigan, nag cucruz muna, nagpupuri,, nagpapasalamat sa dios, para rin naman nang itinuturo sa atin nang canitang magulang. macaraan ang ilang minuto, maniniclohod cami saharapan nang larauan nang ating panginoong jesucristo at ni guinoong santa maria, ihahayin ang puso sa pag lilingcod sa dios sa arao na yaon, hihingi nang gracia na icaiilag sa casalanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun matapos ito,, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na malinis, patutungo sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna, yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang magpalingap lingap, ang maglaro at magtauanan. pagdating sa pintoan nang simbahan, ay magdarasal ang baua,, isa sa amin nang panalanging sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano. pagcaoc nang tubig na bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,, cautusan, na cun may casamang mahal matanda, ay dapat ialay. pagca tapos, ay lalacad at maniniclohod sa harap nang santisimo sacramento; ang iba,, magdarasal nang rosario, ang iba,, may hauac na libro sa camay at dinadasal ang manga panalanging ucol sa pagsisimba. sa pagluhod namin, ay ibinabaual nang maestra, na palibotlibotin ang mata, itinuturo na itungo ang ulo, at nang houag malibang sa lumalabas at pumapasoc na tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun cami,, naquiquinyig nang sermon, ay tinutulutang umupo cami, nguni, ipinagbabaual ang maningcayad, sapagca,, sa lalaqui ma,, sa babaye, ay mahalay tingnan ang upong ito, at tila ucol lamang sa hayop. sa pagupo namin, ay ipinagbibilin nang maestra na cami ay magpacahinhin, itatahimic ang bibig, mata at boong catauan, paquiquingang magaling ang aral nang dios espiritu santo, na ipinahahayag nang sacerdote feliza, nangangalo na ang camay co sa pagsulat, ay sa iba nang arao sasaysayin co sa iyo ang manga biling ucol sa paglagay sa simbahan. ihalic mo aco sa camay ni ama,, ni ina: adios, hangang sa isang sulat. si urbana cay feliza . napatid ang huli cong sulat sa pagsasaysay nang tapat na caasalan, na sucat sundin sa loob nang simbahan: ngayo,, ipatutuloy co. marami ang naquiquita sa manga babayeng nagsisipasoc sa simbahan, na lumalacad na di nagdarahan, nagpapacagaslao gaslao, at cun mariquit ang cagayacan, ay nagpapalingaplingap, na anaqui tinitingnan cun may nararahuyo sa caniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"marami ang namamanyo nang nanganganinag, nacabingit lamang sa ulo at ang modang ito,, dala hangang sa paquiquinabang at pagcocompisal. napasaan caya ang galang sa lugar santo? napasaan caya ang canilang cahinhinan? diyata,, lilimutin na nang manga babayeng cristiano yaong utos sa canila ni. pablo, na pinapagtataquip nang muc ha sa loob nang simbahan, pacundangan sa manga angeles? diyata,, hangang sa confesionario,, dadalhin ang capangahasang di nagpipitagang itanyag ang muc ha sa sacerdote? may naquiquita namang naquiquipagtauanan sa capoua babaye; uupo caya at maquiquipagngitian sa lalaquing nanasoc, ano pa nga,, sampo nang bahay nang dios ay guinagauang lugar nang pagcacasala. itong manga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay honesto, na bunso tang capatid. pagbilinan mo, na pagpasoc sa simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"maniniclohod nang boong galang sa harapan nang dios, magdarasal nang rosario, at houag tularan ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,, sa bata na nacatingala, nacabuca ang bibig na parang isang hangal, na napahuhula. houag bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,, isang casalaulaan. at sa iyo, feliza, ang huli cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacpan nang saya, sapagca,, ga nacamumuhi sa malinis na mata ang ipaquita. ipahayag mo cay ama,, cay ina ang boong cagalangan co: adios, feliza, hangang sa isang sulat. si urbana cay feliza . sa las siete,, cami macasimba na, cacain cami sa agahan, pagcatapos ay maglilibanglibang maghuhusay caya nang cani caniyang casangcapan, sapagca,, ang calinisan at cahusayan, ay hinahanap nang mata nang tauo, tauong naguising at namulat sa cahusayan at calinisan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"las ocho, gagamit ang isa,, isa nang librong pinagaaralan; ang iba,, darampot nang pluma, tintero,, ibang casangcapang ucol sa pagsulat, magdarasal na sumandali bago umupo sa pagaaral, hihinging tulong sa dios at cay guinoong santa maria, at nang matutuhan ang pinagaaralan; magaaral hangang las diez, oras nang pagleleccion sa amin nang maestra; pagcatapos, magdarasal nang rosario ni guinoong santa maria. pag nacadasal na nang rosario, aco,, nananahi, naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac co ang servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na guinagamit sa lamesa. ang lahat nang ito,, cung maquita nang maestrang marumi, ay cami,, pinarurusahan. pagtugtog nang las doce, oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,, isa sa cani caniyang loclocan, magbebendicion ang maestra sa cacanin, caming manga bata,, sumasagot nacatindig na lahat, ang cataua,, matouid at iniaanyo sa lugar.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pagcarinig namin nang ngalang jesus at gloria patri, ay itinutungo ang ulo, at saca cami,lumulocloc sa pagcain. pagcatapos, magpupuri,, magpapasalamat sa dios. sa hapon cami ay nagaaral para rin sa umaga. pagtugtog nang ave maria ay magdarasal cami nang pagbati nang angel cay guinoong santa maria, na paluhod; sa arao nang sabado at domingo nang hapon, ay patindig, at gayon din naman magmula sa sabado santo hangang sa sabadong visperas nang santisima trinidad. gayon ang bilin nang santo papa, na nagcaloob nang indulgencia sa dasal na ito. pagcatapos, sino ma,, ualang tumitindig sa amin hangang hindi nangunguna ang maestra, at saca nagbibigay nang magandang gabi sa caniya. sa gabi magdarasal nang rosario, pagcatapos, magaaral nang dasal ang iba, at ang iba nama,, tinuturuan nang maestra nang paquiquipagcapoua tauo. las ocho cami humahapon; pagcatapos, naglilibang, naglalaro ang iba, at ang iba,, nagsasalitaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"las nueve media, cami,, nagdarasal na saglit, isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos, pagdidili dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa arao na yaon; at inahihingi nang tauad sa panginoong dios. may isang bumabasa sa amin naman niyaong manga uica, na gunam gunamin na ang pagtulog ay larauan nang camatayan, at ang hinihigang banig, ay cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,, isa, na cun sa gabing iya,, hahatulan nang dios, na ipa paris sa haring baltazar na pinangusapan. sa gabing ito,, huhugutin ang caloloua mo sa iyong catauan. macalaua isang lingo, nagcocompisal aco at naquiquinabang; ang iba,, minsan sa isang buan, lingo, at ang sinusunod ang utos nang manga confesores. ang lahat na ito, feliza, ay alinsunurin mo, at siya mo rin namang ituro cay honesto, sapagca,, nauucol sapaglilingcod sa dios, sa paquiquipagcapoua tauo: adios, feliza. si feliza cay urbana .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"si honesto,, aco,, nagpapasalamat sa iyo, sa matataas na hatol na inilalaman mo sa iyong manga sulat. cun ang batang ito maquita mo disin, ay malulugod cang di hamac at mauiuica mo, na ang caniyang mahinhing asal ay cabati nang honesto niyang pangalan. masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa capoua bata, hindi mabuyo sa paquiquipagauay, at manga pangungusap na di catouiran. mauilihin sa pagaaral at sa pananalangin; pagcaumaga,, mananaog sa halamanan, pipitas nang sangang may manga bulaclac, pinagsasalitsalit, iba,, ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete, inilalagay sa harap nang larauan ni guinoong santa maria; isang azucena ang inauucol sa iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa reina nang manga virgenes ay linalangcapan nang tatlong aba guinoong maria .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun macapagcompisal na at saca maquinabang ang isip co,, angelito, na cumacain nang tinapay nang manga angeles, at ga naquita co, na ang pagibig at puring sinasambitla nang caniyang inocenteng labi, ay quinalulugdan nang dios na sangol, na hari nang manga inocentes. ipatuloy mo, urbana, ang iyong pagsulat, at nang paquinabangan namin: adios, urbana. si urbana cay feliza . aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatolang ucol sa paglilingcod sa dios, ngayo,, isusunod co ang nauucol sa sarili nating catauan. sabihin mo cay honesto, na bago masoc sa escuela, maghihilamos muna, suclain aayosin ang buhoc, at ang baro,, salaual na gagamitin ay malinis; nguni,, ang calinisa,, houag iuucol sa pagpapalalo. houag pahahabaing lubha ang buhoc na parang tulisan, sapagca,, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. ang cuco houag pahahabain, sapagca,, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cuco, ay nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"bago magalmosal, ay magbigay muna nang magandang arao sa magulang, maestro sa iba cayang pinaca matanda sa bahay. sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendicion muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa dios. cun madurumhan ang camay, muc ha damit, ay maglinis muna bago pa sa escuela. houag mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla regla, papel, libro,, lahat nang gagamitin sa escuela ay maguing dungis dungisan. cun naquiquipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita nang cadungoan, ang pangungusap ay totouirin, houag hahaloan nang lanyos lambing houag cacamotcamot hihilurin caya ang camay babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa nga,, houag magpapaquita nang casalaolaan. sa harap nang ating magulang matanda caya, ay houag mong pababayaang manabaco, mangusap caya nang calapastanganan, matunog na sabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun naquiquipaglaro sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastangan, dumhan caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na ang masama sa iyo,, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin. sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, marumi. matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima rimarin. cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca raca,, ilalagay ang daliri sa ilong at sisinga. ca iingat, feliza, na ito,, gauin ni honesto. cun sisinga man ay sa panyo ay marahang gagauin, itatalicod ang muc ha lumayo caya. may isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang camay ay iquinacamot sa harap. asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. caiingat na ito,, pagcaratihan nang bata. cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapanganlang salahula: adios, feliza, hangang sa isang sulat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"si urbana cay feliza . itong manga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa calagayan mo, at ang iba,, aral cay honesto, ay ipinaoonaua co, na di sa sariling isip hinango, cun di may sinipi sa manga casulatan, at ang caramihan ay aral na tinangap co cay dona prudencia, na aquing maestra: at siyang sinusunod sa escuela namin caya ibig co disin, na sa ating manga camaganac, sa manga escuela sa bayan at manga barrio, ay magcaroon nang manga salin at pag aralan nang manga bata. ipatuloy co ang pagsasaysay nang manga cahatolan. si honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,, cay ina; sa lansangan, houag maquiquialam sa manga pulong at auay na tinatamaan, matouid ang lacad, houag ngingisi ngisi, manglilibac sa capoua bata, lalapastangan sa matanda, at nang houag mauica nang tauo, na ualang pinagaralan sa magulang. cun magdaraan sa harap nang simbahan, ay magpupugay, at cun nalalapit sa pintoan ay yuyucod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pagdating sa bahay nang maestro ay magpupugay, magbibigay nang magandang arao, magandang hapon, magdasal na saglit sa harap nang manga santong larauan, na pinagdadasalan nang manga escuela, hihinging tulong sa dios at cay guinoong santa maria, at nang matutong gumaua nang cabanalan, at maisaulo ang lecciong pinagaaralan. cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan, mahal na tauo matanda, ay tumindig, magbigay nang magandang arao, magandang hapon, at houag uupo hangang hindi pinaguutusan. ang galang na ito,, houag icahihiyang gauin, sapagca,, ang cagalangan ay capurihan nang gumagalang, at di sa iguinagalang. ang batang may bait at dunong, ay capurihan nang magulang, at ang caniyang quilos, pangungusap at asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal nang nagturong magulang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pagpilitan mo na houag catamarang pagaralan ang leccion; cun di matutuhan, ay mag tanong sa, capoua escuela sa maestro caya, houag mahihiya, sapagca,, cung hiyas nang isang marunong ang sumanguni sa bait nang iba, ay capurihan naman nang isang bata ang mag tanong sa marunong, sapagca,, napahahalata na ibig matuto,, maramtan ang hubad na isip, nang carununga,, cabaitan; cun di agad matutuhan ang leccion, ay houag mabubugnot mag tiagang magaral, sapagca,, ang carunungan ay bunga nang catiagan. cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasagot, at cun matatanong ay tumindig muna, at saca sumagot. gayon din ang gagauin sa matanda guinoong causap. pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,, nanaghili sa mariquit na gayac, carunungan cayamanan, camahalan nang capoua, bata, sapagca,; maguiguing capintasan sa caniyang asal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa capoua bata, houag magsasalita nang nangyayari sa ating bahay, nang icamumura sa capoua tauo, at sa ating bahay naman, ay huag ipapanhic ang naquiquita sa escuela, sa lansangan at sa bahay nang iba, lalo na cun na ooui sa paninira nang puri, at cung sacali magupasala sa tauo ay sauain, at cun umuli pa,, parusahan. cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang camaganac na may bait ay ipagtangol nang banayad at matouid na sabi, at pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway. turoan mong maquipagcasundo si honesto sa capoua bata, houag manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,, may lumapastangan sa caniya ay ipagtangol ang catouiran nang banayad na uica, at cun sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti, sapagca,, ang manghiganti; ay angat sa camahalan nang asal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cung siya,, magsasalita,, ayao paniualaan nang casalitaan, ay houag patotohanan nang sumpa, sapagca,, ang manumpa sa ualang cabuluhan ay tanda nang cabulaanan. sa escuela, cun may maquitang cacanin, ay houag pa ngahasang canin hangang di pagutusan, at nang di paguicang matacao. sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod, at cun sacali,, maparusahan ay houag mabubugnot, matamisin sa loob ang parusa,, nang houag maquitaan nang capalaloan. cung macapagleccion na,, pahintulutan nang maestro na omoui, ay lumacad nang mahusay, houag palingalinga, magpatuloy omoui sa bahay, at pagdating ay magdasal, at pagcatapos, ay humalic sa camay ni ama,, ni ina, at gayon din ang gagauin sa hapon. sabihin mo cay ina, na di co sila nililimot sa harapan ng dios, at malayo man aco ay hinihintay co ang canilang bendicion: adios, feliza, hangang sa isang sulat. si urbana cay felisa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa malabis na cadungoan nang manga bata cun quinacausap nang matanda mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan mo, feliza, si honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at nang houag cayamutan. cung mangungusap ay touirin ang catauan, ayosin ang lagay. ang pagsasalita naman ay susucatin, huag magpapalampas nang sabi, humimpil cun capanahonan, at nang huag pagsauaan. cun naquiquipagusap sa matanda ma,, sa bata, ay houag magsabi nang hindi catotohanan, sa pagca,, ang cabulaanan ay capit sa tauong traidor mapaglilo. ang pagsasalita ay sasayahan, ilagay sa ugali, ituntong sa guhit, houag hahaluan nang cahambugan, at baca mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na isinagot nang causap. fuu, fuu na ang cahulugan ay, habagat, habagat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"huag magpalampas nang sabi at baca maparis doon sa isang palalo na sinagot nang caharap: hintay ca muna amigo,, cucuha aco nang gunting at gugupitin co ang labis. sa paquiquipagharap, ay mabuti ang nagmamasid sa quinacausap, at cun macaquita nang mabuting asal sa iba, at sa iba,, cahangalan, ay dampotin ang cabaitan at itapon ang casaman nguni, ang nagcamali ay houag alipustain, sapagca,, ang magpautang nang masama, malao,, madali ay pagbababayaran. bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin yaong hatol ni san agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid ay sa bait. caiingat at ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot. sa pagsasalitat,, houag cucumpascumpas, ilagan ang ingay, at nang di nacabibingi; masama rin naman ang totoong marahan, sapagca,, nacayayamot sa quinacausap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"houag magnanasang maghari sa salitaan at magsabi nang icapupuri sa sariling catauan, sapagca,, ang mapagmapuring tauo,, bucod sa di pinaniniualaan, ay naguiguing catatauanan at pangalio sa salitaan. cun tumama nang isang hambog, ay houag salansangin paraaning parang hangin, at nang houag pagmulan nang usap. cun macatama nang isang matabil, na di nangangauit magsalita, ay maghunos dili sa gayong asal, ilagan ang catabilan, sapagca,, nacayayamot sa causap. nguni,, cun masama ang matabil na lubha, ay masama rin naman ang magasal tanga, na nacatingala na parang napahuhula. ilagan ang catabilan, at ayon din ang catangahan. houag maghihicab magiinat, at nang di uicaing nayayamot, pinauaualang halaga ang causap. sa pagbibiroan, ay houag bumigcas nang masaquit na sabi, na sucat damdamin nang causap. ano pa nga,, sa pagsasalita,, angquinin yaong refran na caraniuang sabihin: ang masama sa iyo,, houag mong gauin sa capua mo tauo .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun icao feliza,, may ipagdadalamhati, iquinapopoot caya sa casama sa bahay, at may pumanhic na tauo,, huag cang magpahalata nang calumbayan cagalitan; tipirin ang loob, sapagca,, sa manga desgracia basagulo sa bahay, ay isang cagamutan ang lihim. at cun may isang secreto lihim, ay pacaingatan mo, na parang isang mahalagang hiyas. sa pagsasalita,, houag magasal pusong bobo, sapagca,, cun tapos na ang toua at salita, at pagisip isipin ang guinaua, ay ang natitira,, cahihiyan at sisi sa loob na sarili. cun may pumupuri sa iyo, ay di dinadaan sa tuya, ay isaloob mo yao,, nagmula sa caniyang magandang loob, at di sa iningat mong cabutihan, at gantihin mo nang maraming salamat. cun may pinupuri ca sa harap, ay iingatan mo ang pagbigcas nang sabi at baca uicaing siya,, tinutuya mo. huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacali,, matanda, guinoo mahal, ay houag iparis sa iba, at uicaing casintanda mo casing taas mo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun macaquita nang bata, ay huag pintasan at tauanan ang caniyang cagandahan capangitan, sapagca,, pangit man at maganda, ay gauang lahat nang dios; gayon din naman, cun may ibang nagpaquita nang canilang gaua, magsaysay nang canilang abilidad carunungan, ay tapunan nang caunting puri, at palibhasa,, siyang nasa. sa pagsasalita,, cun may mamali magalangan nang pagsasabi, ay houag pangunahan. at cun macapansin nang calupitan iba cayang capintasan, ay paraanin, at sucat ang ilagan. ang quinacausap, ay houag camamalasin na parang may sinisiyasat, at houag namang italicod ang muc ha, na parang pinauaualang halaga ang quinacausap. cun marami ang caharap, ay houag iisa lamang ang tatapunan nang salita, at tatalicdan ang lahat, sapagca,, mahahabag sa sariling calooban. nguni,, cun may mataas na tauo sa mga causap, ay siyang causapin, gayon man, ay di carapatang paualang halaga ang iba. cun darating sa isang pagpulong ay houag magusisa cun anong pinagsasalitaan, lalo, na at cun ibig ilihim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun ang manga capulong iba,, iba ang uri, may mataas, may mababa ay babagayan naman ang isa,, isa nang ucol sa paquiquipagusap, houag magcuculang sa cani caniyang calagayan. adios feliza. ang isang sulat ay isang pagsalin sa papel nang na sa isip at sa loob, pinagcacatiuala, at nang matanto nang pinagpapadalhan. ang sulat ay isang salitaan sa papel, caya ang letra ay dapat linauan, at ang pangungusap ay ilagay sa ugali. cun ang sinusulatan ay caibigan at capahayagan nang loob ay pahintulot ang humaba ang sulat, at palibhasa,, marami ang masasaysay. cun ang ibig sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di caibigan, hindi catampatan ang magsaysay nang ibang bagay. ang sulat, ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang paquiqui usap. iba ang sulat nang mataas sa mababang tauo, at nang mababa sa mataas; iba ang sulat nang matanda sa bata, at nang bata sa matanda.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang gulang na cailangang gamitin nang bata sa matanda,, hindi cailangan sa sulat nang matanda sa bata; maliban na lamang, cun sa bata ay may naquiquitang bagay na sucat igalang. ang di pagcatutong maghanay nang sulat, ang sumulat nang lihis sa reglas nang arte; na ang tauag ay gramatica ay nagsasaysay na ang sumulat ay culang sa pag aaral. salamat feliza, at icao ay nagsaquit matuto; at si honesto ay pinagsasaquitan mo. ang sumulat nang lihis sa regla, ay capintasan sa isang dalaga, at lalong pansin sa manga lalaqui. ang papel na gagamitin, ay malinis at fino, lalo cun ang sinusulatan ay di caratihan. ang sulat, bago ipadala, ay sarhan at laguian nang sello. pagtangap nang sulat, cun sa biglaan, ay catampatang saguting madali, at di man biglaan, ay dapat na sagutin, at ang di pagsagot, ay nagsasaysay na tayo ay culang sa pinagaralan. ang bigcas nang sabi, ay houag tataasan, at nang di mauica na tayo,, nagpapalalo: ilagay sa catatagan at nang di icapintas sa atin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"may bago ngayong caugalian na ang sobre taquip nang sulat, ay bucod na papel: ang sulat ay ipaloloob sa sobre, at sa licod ay di sinusulatan nang ngalan nang pinadadalhan. ang pliegong gagamitin ay boo, cahit manga ilang uica lamang ang itatala sa papel. bago sumulat, ay isipin muna; at nang di tayo macapagbigay poot; lilinauan, at nang di ucol sa masama. cun maraming bagay ang sasabihin, ay pagbucdin bucdin, at di dapat na pagpisanin sa isang pitac: at sa pinacadaquila mahalagang bagay ucol na simulan. ang letrang diquit diguit na nacagugulo, ang dalauang uica na di paghiualayin, ang ngalan nang tauo, ciudad bayan na di punoan nang muyuscula letrang malaqui, ay pangit sa isang lalaqui at capintasan sa isang babaye; gayon ang alin mang mali na laban sa regla nang arte. ang pagticlop nang sulat, ang paglalagay nang oblea ay pagbubutihin, at nang mahusay tingnan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang lacre, ay na aari rin namang ipagsara, nguni madaling masira; ang obleang mabuting gamitin ay ang maliliit at maquiquintab. ang ticlop nang sulat ay matouid ang sa manga camahalan, na ang bansag ay de etiqueta at negocio, apat ang ticlop; sa itaas, sa ibaba, sa caliua,, sa canan; at sa manga babayeng mahal at masisilang ay maquitid at maliit, gayon din ang manga billete. cun ang sinusulatan ay papel de esquelas ang fecha ay ibaba nang firma, at dacong caliua. ang cumatcat nang letra sa sulat, ay nacarurumi sa papel at nagbabansag nang di carunungan. salamat feliza, at ang manga sulat ni honesto na ipinaquita mo sa aquin, ay malilinis, at alinsunod sa reglas nang arte. gayon man, tingnan nang capatid nating bunso ang regla sapagsulat na ipadadala co. cay ama at cay ina, humahalic aco sa camay. ingatan cayo nang panginoong dios. alinsunod sa sinabi co sa iyo na aco,, magpapadala nang reglas sa pagsulat, ipababasa mo cay honesto itong mga casunod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pupunuan nang mayusculas ang mga pangalan at apellido nang tauo, caparis nang francisco baltazar ang sa mga caharian, ciudad, bayan, provincia, bundoc, dagat, ilog, batis para nang espana maynila, binang, batangas, arayat, oceano, pasig, bumbungan gayon din ang ngalan nang carunungan, para nang teologia nang artes para nang gramatica, poecia gayon din ang ngalan nang manga catungculan, para nang general, papa, arzobispo . gayon man cun sa oracion isang sabing boo ang manga ngalan nang carunungan, artes, at iba pang sinabi co, ay di pinacapangulo, ay pupunuan nang letrang munti, caparis niton halimbauang casunod; si benito at si mariano ay capoua nagaral sa pandayan. feliza, turuan si honesto nang matutong maglagay sa sulat nang manga notas tanda. ang manga notas ay ito: coma ,): punto coma (;): dos puntos (:): admiracion (! ); interrogacion (? ): parentesis : puntos suspensivos (::::): etcetera etcetera (atc. ): acentos (aaa): rayas comillas .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang coma ay ilalagay sa manga pag itan nang manga pangalan: vito, teodoro, pedro gayon din sa pag itan nang baua,, isang oracion, cun di pa tapos, ang cahulugan nang ibig saysayin; para nitong halimbauang casunod; si eva,, tinocso nang demonio, ay nagcasala sa dios, at si eva naman ang humicayat cay adan. ang punto ay ilalagay sa catapusan nang oracion cun dito,, nabobuo, ang cahulugan nang ibig nating sabihin sa papel. ang punto coma ay tanda nang pagcacaiba pagcacalaban nang cahulugan nang magcacasunod na sabi oracion caya sa pag itan ilalagay itong manga uicang datapuoa, nguni, gayon man tingnan itong halimbaua: ang tauo,, binig yan nang dios nang bait at loob; nguni,, sumuay sa caniyang manga utos . ang dalauang punto ay inilalagay, at nang maalaman na hindi pa tapos ang ating ibig sabihin ay ga uari tapos na; inilalagay, at ang cahulugan ay may cahulugan pa. tingnan itong halimbaua: ang manga cahatulan nang santo evangelio ay santo; at laban sa cahatulan nang mundo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang parentesis ay inilalagay sa puno at dulo ng oracion na nagpapalinao nang sabi; nguni,, cun alisin man ay di nacasisira nang cahulugan. tingnan itong halimbaua: cun icao ay magcasala (houag din nauang itulot nang dios,) ang gamot, ay ang magsisi . ang interrogacion ay parang na baligtad, at sa ulo,, may punto; inilalagay sa isang tanong. tingnan itong halimbaua: icao ay cristiano na ang admiracion isang tanda na nagpapaaninao nang tunog na ibig nating ibigay sa pagtataca daing; ang tanda, ay isang guhit na patindig, sa ulo ay may punto; caparis nitong halimbaua: ay at aco,, napahamac laquing caululan nang tauong nangangahas magcasala ang puntos suspensivos ay inilalagay, at ang cahulugan, ay ang cahatulang guinagamit natin, ay di sarili, cun di sa iba: quinucuha ang cailangan at iniiuan ang hindi. inilalagay rin naman sa pinuputol na sabi, at di itinutuloy caparis nito; dangang pinanonood tayo nang dios ay :: ang uicang etcetera na ang tanda ay ito atc.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang cahulugan, ay ang ating sinaysay, ay sucat na, iniiuan ang iba, at nang di macasama. ang acentos ay manga guhit na para nito aaa na cung ilagay sa ibabao nang vocal, humahaba, diyan binibigatan ang bigcas nang sabi. tingnan dito sa dalauang uica: haba, haba . ang manga comillas rayas ay nagsasaysay na ang lahat na talata na may lagay sa guilid, ay sipi sa iba; guinagamit, at pangtibay sa ipinahahayag sa atin. ang guion ay nalisan co. ito,, isang guhit na pahiga, na inilalagay sa dulo nang talata. cun ang isang uica,, hindi magcasiya sa talata, ay binabahagui sa dalauang magcasunod. ang sang bahagui ay sa itaas, ang isa,, sa casunod, at sa pag itan nang uica, ay may guion guhit, para nito: may nila, mali bay . ang punto naman, ay naquiquilala sa tandang ito inilalagay, cun buo,, tapos na ang caisipan natin, na ibig nating isaysay sa isang, oracion, at ang casunod pinupunuan nang letra mayuscula .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun mangyayari disin, ay dapat pagsaquitan ng manga maestros at maestras na ang manga batang escuela, ay matutong bumasa nang sulat; at sumulat, bucod sa ibang bagay na dapat ituro. hindi ang maca yari lamang nang letra, cun di maca sulat nang tapat. ang sulat na lihis sa reglas, ay bucod sa nacaiinip basahin, ay nacasisira nang cahulugan, at nagsasabi ang di caalamang sumulat. ituro mong magaling, feliza, cay honesto itong manga reglas na aquing padala sa iyo, at marahil ay hindi lamang siya ang maquiquinabang. isulat mo sa aquin cun caniyang sinusunod. adios capatid co. . tinangap co ang manga sulat mo aco,, napapasalamat sa iyo at cami ni honesto ay pinagsasaquitan mong matuto. aquing iniutos sa caniya na pagaralan itong manga reglas na padala mo; tinangap nang boong toua at nagsaquit magaral. sa caniyang pagpipilit ay natuto; at ang uica mo na di lamang siya ang maquiquinabang ay pinatutuhanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa,, ang magaling ay hindi matahimic sa isa cun di sa calahatan. ngayon ang manga escuela,, nagcacahayahan, nagpapaquitaan nang cani canilang sulat at cun may mabating mali nang capoua bata, ay binabago ang sulat. ang sulat cong ito ay letra ni honesto. adios urbana. si urbana cay feliza . si honesto,, cun macatapos na nang pag aaral matutong bumasa nang sulat, sumulat, cuenta at dumating ang capanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya,, gauing puno sa bayan, caya minatapat co sa loob na isulat sa iyo ang caniyang aasalin, cun siya,, magca catungculan, at ang sulat na ito,, ingatan mo at nang may pagcaaninauan cun maguing cailangan. ang mga camahalan sa bayan, ang cahalimbaua,, corona na di ipinagcacaloob cun di sa may carapatan, caya di dapat pagpilitang camtan cun di tanguihan, cun inaacala na di niya icamamahal, sa macatouid, cun di mapapurihan ang camahalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang corona, camahalan at carangalan, ang dapat humanap nang ulo na puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap nang coronang ipuputong. ang carangalan, sa caraniuan, ay may calangcap na mabigat na catungculan, caya bago pahicayat ang loob nang tauo sa pagnanasa nang carangalan, ay ilingap muna ang mata sa catungculan, at pagtimbangtim, bangin cun macacayanang pasanin. pagaacalain ang sariling carunungan, cabaitan at lacas, itimbang sa cabigatan nang catungculan, at cung ang lahat nang ito,, magcatimbang timbang, saca pahinuhod ang loob sa pagtangap nang catungculan, nguni hindi rin dapat pagnasaan at pagpilitang camtan, cun di ang tangapin, cun pagcaisahan ng bayan, at maguing calooban nang dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang magnasang magcamit nang camahalan sa bayan, sa caraniuan ay hindi magandang nasa, sapagca ang pinagcacadahilanan ay di ang magaling na gayac nang loob na siya,, paquinabangan nang tauo, cun di ang siya ang maquinabang sa camahalan; hindi ang pagtitiis nang hirap sa pagtupad nang catungculan, cun di ang siya,, maguinhauahan; hindi ang siya,, pagcaguinhauahan nang tauo cun di ang siya,, paguinhauahin nang tauong caniyang pinagpupunoan. ang masaquim sa camahalan, sa caraniuan ay hindi marunong tumupad nang catungculan, sapagca,, hindi ang catungculan, cun di ang camahalan ang pinagsasaquiman; salat sa bait, sapagca,, cun may iningat na bait, ay maquiquilala ang cabigatan, ay hindi pagpipilitan cun di tatanguihan, caya marami ang naquiquitang pabaya sa bayan, ualang hinaharap cun di ang sariling caguinhauahan; ang mayaman ay quinacabig, at ang imbi ay ini iring.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"caya feliza, ingatan mo si honesto, pagdating nang capanahonan, tapunan mo nang magandang aral, nang houag pumaris sa iba na ualang iniisip cun di ang tingalin sa caibuturan nang camahalan, sucuan igalang at pintuhoin nang tauo sa bayan. huag limutin ni honesto, na ang carangalan sa mundo, ay para rin nang mundo, na may catapusan; ang fortuna capalaran nang tauo, ay tulad sa rueda na pipihit pihit, ang na sa itaas ngayon, mamaya,, mapapailaliman, ang tinitingala ngayon, bucas ay mayuyuracan, caya hindi ang dapat tingnan lamang, ay ang panahong hinaharap, cun di sampo nang haharapin. itanim mo sa caniyang dibdib, ang pagtupad nang catungculan, na sacali ay tatangapin niya, sapagca,, may pagsusulitan may justicia sa lupa,, may justicia sa langit; ang malisan nang justicia rito, ay di macaliligtas sa justicia nang dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"houag magpalalo, sapagca,, ang puno at pinagpupunoan, ay di man magcasing uri, ay isa rin ang pinangalingan, isa ang pagcacaraanan at isa rin naman ang caoouian; dios, ang pinangalingan magdaraang lahat sa hocoman nang dios at dios din naman ang caoouian. houag magpaquita nang calupitan sa pagnanasang igalang nang tauo, sapagca,, hindi ang catampalasanan, cun di ang pagtunton sa matouid, at pagpapaquita nang magandang loob, ang iguinagalang at minamahal nang tauo. mahal man, at cun malupit, ay di mamahal, cun di quinalulupitan, at pagca talingid ay pinag lililohan nang caniyang pinaglulupitan. ang capurihan nang mahal na tauo ay na sa pagmamahal sa asal, at pagpapaquita ng loob, paninihag nang puso nang tauo; nguni ang pagmamalaqui at pagmamataas, ay tandang pinagcacaquilanlan nang caiclian nang isip, at pinagcadahilan nang pagcapoot nang caniyang capoua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cailan ma,, houag lilimutin nang puno ang caniyang catungculan, lumingap sa lahat, mahal man at hindi, sapagca,, cun ang paglingap niya ay laganap sa lahat, ay di lamang siya ang mamahalin nang tauo, cun di sampo nang caniyang familia, at sa panahon nang caguipitan, ay di magpapabaya ang caniyang pinagpaquitaan nang magaling. pacatatandaan, na ang isang guinoo, mahal na marunong tumupad nang catungculan, tapat na loob sa mga caibigan, mapagampon sa manga mabababa, maauain sa mahirap, ang ganitong mahal ay ligaya at capurihan nang bayan, at hari nang lahat nang puso. sa catagang uica,, ang tunay na camahalan, ay na sa pagmamahal sa asal, at paggaua nang magaling. unti unti, feliza, na ipaquiquilala mo cay honesto ang cahalagahan nang mahal na asal, nan pag tunton sa matouid at cagandahan nang loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"itala mo sa caniyang dibdib, na ang baculo trono, corona ma,, cetro ay ualang halaga, cun di napapamutihan nitong mahahalagang hiyas, ipahayag mo cay ama,, cay ina ang cagalangang co sa canila. adios, felisa, hangang sa isang sulat. si urbana cay feliza . ang marunong maquipagcapua tauo, saan saan ma,, pinacamamahal, at isang tandang pinagcacaquilanlan, na may pinagaralang bait. sa paquiquipagusap nang isang pinagpupunoan sa caniyang puno, ay di lubhang maquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, sapagca,, sa tacot sa alang alang, ay nacapagpapangap nang mahal na asal na uala sa dibdib, nguni,, sa paquiquisama, sa paquiquipag usap sa caniyang caparis, ay diyan naquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, at ang hindi; ang may mahal na asal, asal timaua, ang may tapat na loob, at ang lilo, ang may pinagaralang bait, at ang uala, sapagca,, ang uala ay capag nalingat, ay nailoloual ang laman nang puso dahil sa pagpalagayan nang loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa pagpapalagayan nang loob ay di na cailangan sundin ang manga ceremonias at cagalingang ucol sa manga puno; nguni, bagay bagay rin naman ang pagpapalagayan nang loob. cung sumisinsay na sa matouid, na pinagcacadahilanang ipahayag sampo nang casalaulaan; ito,, isang caasalang nauucol lamang sa tauong salat sa cabanalan at sa calinisan, caya malaqui man ang pagiibigan ay di dapat iloual ang boong nasa sa loob. may isa namang pagpapaquita nang loob na may halong pag imbot, na di ang hinahangad ay ang tunay na pagiibigan, cun di ang siya,, maquinabang sa tinatauag na caibigan. malupit na pagibig na laban sa mahal na asal! ang manga caibigan ito ay maipaghahalimbaua sa alamid, na nagdaya sa ouac, na sinasalita sa fabula: may isang ouac na nagnacao nang queso,, napailanglang nang lipad at tumuntong sa sanga nang mataas na cahoy. nang maquita nang alamid ang queso sa bibig, ay binati nang boong galang at quinausap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"di macacailan, aniya na aquing narinig, na sa balita,, di sucat na maniuala, ngayon co natanto na ang sabing ito,, may catotohanan. di anhin ang sabi, icao, sacdal itim, mapanood quita,, mauiuica cong maputi capa sa busilac: daig mo ang cisne talo mo ang yedra, at cun sa huni disin, ay dadaiguin mo ang manga ibon, para nang pagdaig mo sa culay nang balahibo, ay uiuicaing co, na icao ang hari nang lahat nang ibon. sa ganitong puri ay napa ilanglang ang isip nang ouac, pinagbuti ang tayo, ipinamayagpag ang pacpac, at sinabayan nang huni, nabucsan ang tuca; nalaglag ang queso,, quinain nang alamid. sa ang ouac ay magcagayon, ay nagdala nang malaquing hiya, at naquilala na siya,, inaring ulol, at pinagdayaan nang alamid. may pagpapalagayan nang loob, na bunga nang tapat na pagiibigan. sasaysayin co feliza, ang manga regla na dapat alinsunurin. magbibigay luhod sa casama caibigan, pagbibigyang honor puri, nguni ang pagbibigay ay tapat sa loob, at di paimbabao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"houag magnasaang pintuhoin at igalang nang caibigan cun di mamahalin, na para nang pagmamahal niya sa sarili. hindi ang isa lamang ang magpapaquita nang loob, cun di capoua magpapaquitaan. hindi maghahanapan nang cagalangang ucol sa naquiquilalang puno; datapoua,, ibinabaual naman ang calapastanganan. cun ang isa,, naquiquitaan nang casiraan, ay dapat sabihin nang isa, nang banayad at mahusay na sabi, nang houag mapulaan ang caibigan; dapat naman tangapin nang pinagsasabihan ang magandang hatol nang nagtatapat loob sa caniya. cun ang caibigan ay maquitaan nang cabaitan at tapat na loob ay pagsasangunian, at di naman dapat pagcaitan nang magandang hatol ang nunuhang sanguni. cun ang isa,, pinaguupasalaan, ay dapat ipagtangol nang nacaririnig na caibigan, ipahahayag ang caniyang cabutihan at nang houag masiraan nang puri. maglilingcod at sasaclolo sa panahon nang caguipitan at casacunaan; sa catagang sabi,, ang caibigan ay naquiquilala, sa bilangoan sa saquit at sa camatayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang pagiibigan, ay isang caguilio guilio na tanicalang guinto, na tumatali sa dalauang puso; nguni,, mahirap hanapin, at palibhasa,, mahalagang tanicala. caiingat si honesto sa pagiibigan, malasin cun sino ang pinagcacatiualaan nang caniyang puso; tingnan cun tapat na loob, mahal na asal, may pinagaralang bait, marunong sumaclolo sa arao nang panganib at cun maquita niya itong may manga halagang hiyas saca naman ipagcatiuala ang caniyang loob. nguni, at cun sa bala na, ay maquiquipagibigan cun masaui sa palad na tumama nang malupit na asal, salat sa cabaitan, ualang hinahangad cun di ang sarili niyang paquinabang, ay mapapahamac ang canilang bunso; masisira ang magandang asal na tinangap sa ating magulang, at matatapos ang cabaitang sa iyo,, pinagaralan. papamihasahin mo naman ang caniyang puso sa paggaua nang magaling sa iba, nguni, sa bagay na ito, iilagan ang pagimbot na siya,, gantihin sa ipinautang na loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun may gumaua nang magaling sa caniya ay pasasalamatan, quilanlin ang utang, at gumanti sa capanahonan, sapagca,, isang capalamarahan, isang casiraan nang puri, ang di cumilala sa utang na loob. adios, feliza. si urbana cay feliza . cun icao at ni honesto, ay maanyayahan sa isang piguing, ay dagdagan ang ingat at maraming lubha ang pagcacamalan. pagdating nang bahay, ay magbibigay nang magandang gabi, magandang arao sa may bahay saca isusunod ang manga caharap, houag magpapatuloy sa cabahayan hangang di inaanyayahan, bago lumucloc ay hintin muna na pagsabihan, at houag pipili nang mahal na loclocan, sapagca mahangay ipagutos nang may bahay na umalis ca sa mababa at umaquiat ca sa mataas, na cun na sa mataas ay paalisin at ituro sa mababa. sa paguumpocan ay caiingatan ang quilos, tingin at pangungusap, at baca maquitaan nang cagaspangan, ay cahiyahiya. sa isang piguing ay maraming lubha ang masasamang gauang naquiquita, na laban sa calinisan sa cabaitan at sa camahalan nang asal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"may maquiquita cang guinoo, na palibhasa,, inaaring mataas nang iba, ay guinagaua ang asal na di nagpipitagan sa may bahay. palingap lingap ang mata, sa magcabi cabilang suloc, tinitingnan ang handa, at pag may di naibigan ay pinipintasan, na halos murahin ang may piguing. may maquiquita ca naman, na pagpanhic sa bahay, ang sombrero,, na sa ulo, ang baston ay di mabitiuan; di nagpupugay sa may bahay, pagbuca nang bibig ay nacatutulig, at pagsasalita,, siya ang marunong, siya ang may bait siya ang matapang, ang mayaman at mahal na asal; bago,, na ang pang sira sa piguing na paris niya. ang lahat na ito ay sucat ilagan. sa madlang bagay na inihahanda nang may piguing, hindi mauaualan nang sucat cauiuilihan nang mata: cun may ipaquita ang may bahay, na parang ipinagpaparangalan, cun may cabutihan ay taponan nang caunting puri, at cun may capintasan man ay magualang bahala houag pupulaan, at nang di ang dalamhati ang matubo nang caua auang nagpagod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun nangaanyaya sa pagcain ang may piguing, ay houag magpapauna sa lahat, nang houag uicaing salangapang nguni,, masama rin naman ang pinagcacahirapang anyayahang, sapagca,, quinayayamotan. sa lamesa, ay sabihin mo cay honesto, na cun macaquita nang bata na naquiqui guiit sa matanda, idinuducot ang camay, naquiquicain, ay di ina anyayahan, ay pacailagan ang gayong masamang asal sapagca,, nacasisira nang puri sa magulang at nauiuica, na di tinuroan nang magandang caasalan. houag maquiquilocloc sa matatanda, cun di pagutusan at pilit pilitin. sa pagcain, ay iilagan ang pag uubo, at cun hindi mangyari ay tumindig, gayon din naman ang paglura, pagdahac, pagsinga, ang pagbahin, at cun di maiilagan at cun minsan ay mabiglaanan, lumingon sa cabila, tacpan ang bibig nang panyo, at nang houag mahalatang lubha. ilagan nang bata ang pagcamot camot, at iba pang gauang cahangalan sa pagcain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"houag magpapauna sa matatanda sa pagsubo; houag magsasalita cun di tinatanong, at cun matanong naman ay sumagot nang maicli at banayad; nguni, lilinisin muna ang bibig nang servilleta cun mayroon, at cun uala ay panyo at houag sasagot nang lumilinab ang bibig at namumualan. houag magpapaquita nang galit sa naglilingcod sa lamesa, sapagca,, isang caualan nang bait, na para rin naman nang cumaing namumuno ang bibig, nagdudumali dalas dalas at malalaqui ang subo, di pa nalululon ang isa,, susundan na naman, namumutictic ang canin at naglilinab; sapagca,, mahahalata ang catacauan at casalaulaan. ang pagcain ay banayad, ang subo ay catamtaman, hindi malalaqui at dalas dalas, patungo ang mata at di nagmamasid sa quinacasalo, ay tandang pinagcacaquilanlan nang cabaita,, cahinhinan. iilagang marumhan ang mantel, lamesa, nang sabao, alac tubig nang di mapahamac, cun ang hinahauacan ay vaso, cuchara, copa, ay houag punuin, at nang di mabubo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang magpaquita nang lambing at magpairi iri ay nacamumuhi sa bata. ang humimod sa daliri, hipan ang mainit na sabao, lamasin ang ulam, manguipaldal ang pingang quinacanan, cagatin ang ulam, at saca isauli sa pinangalingang pingan; uminom sa copa nang alac, vaso nang tubig na di nililinis ang labi, ay pauang casalauaang nacapandidiri sa nacacaquitang tauo. ang uminom nang alac, ay masamang tingnan sa bata, at lalong masama ang mahalatang maibiguin sa alac. cun matanda at iinom ay maglagay sa copa nang caniyang mauubos, acalain ang maiinom, sapagca,, cun may matira, ay pandidirihan nang iba, at bago uminom ay linisin ang bibig, gayon din naman cun matapos. hindi nauucol na magpainom sa isang copa vaso cun maraming magagamit, sapagca,, cun mainuman ng isa ay pandidirihan nang iba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun baga,, nagtatagayan, ay houag pipilitin ang capoua na painomin nang di macayanan, nang houag, macapahamac, at nang di siya ang pagcadahilanan nang pangunguaad nang masama, paggaua nang di matouid, cun baga,, mapagdimlan na ang isip. cun hihingi nang alac, ay houag ipangusap nang malacas, cun di ihiuatig lamang sa namamahala. houag nagpapahuli sa lahat sa pagcain, at houag namang magpapauna nang pagtindig, cundi paunahin ang matanda. cun may aabot sa iba, magoui nang ulam at ano mang bagay, ay houag lamasin at nang di pandirihan. ang maganyayang mulan ang pagcain, ay na uucol sa may piguing at di sa pinipiguing, at nararapat naman na sayahan ang muc ha nang nagaanyaya at nang di maquimi ang inaanyayahan. ang magsucbit nang matatamis maglagay sa bulsa nang ano mang macacain, ay isang catacauang nacahihiya; nguni, cun may matanda na magaabot sa bata, ay dapat tangapin at cacaraca,, pasalamatan ang nagmagandang loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun darampot nang vaso nang tubig, ay tingnan muna cun malinis ang daliri, at nang di marumhan ang hahauacan; houag isusubo ang daliri sa loob, sapagca,, cun maquita nang maselang mata, may mandidiri. sa pag inom, cun mangyayari ay gamitin ang dalauang camay, ang manga daliri ay sa dacong puno, houag ipapatong sa labi nang vaso saro at nang di casuclaman. pagtindig bago umalis sa dulang, ay magpapasalamat sa dios; nguni, ang dapat mamuno ay ang may bahay, may piguing; at cun may sacerdoteng casalo ay sa caniya nauucol, at pagcatapos, ay magpasalamat sa may bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nauucol disin na ituro nang magulang, maestro sa escuela ang pag bebendicion sa dulang, ang pagpapasalamat sa dios, sa manga bata, gayon din naman ang magandang cahatulan na isinulat co, sa iyo feliza, laquing caligayahan ang aquing cacamtan, cun si honesto,, maquita co, na marunong maquipagcapoua tauo at sa paquiquipagharap sa puno sa bayan, sa manga sacerdotes, sa matatanda, maguinoo, sa capoua bata, at itinutunton sa guhit ang asal, quilos at pangungusap. quiquilanling cong utang cay ama, cay ina,, sa iyo, cun sa isang piguing ay di magpaquita nang catacauan, cahangalan, cun di cabaita,, cahinhinan, sapagca,, maguiguing capurihan nang umaral na magulang at carangalan mo naman; oh feliza! sapagca,, catulong ca sa pagcacalinga. adios, hangang sa isang sulat. alinsunod sa pagsunod co sa cahingian mo na isulat co sa iyo ang magandang aral na aquing tinangap sa maestra, ay minatapat co na dito,, ipahayag sa iyo ang ayon sa calinisan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"tanto co na icao at si honesto hinguil sa magandang asal na ito, nguni dito,, siya co ring saysay at ang aquing nasa,, siyang cauilihan nang iyong loob at panatilihan, sapagca,, ang cahusayan nang calinisan sa asal ay salamin nang calinisan nang caloloua. pagca tapos nang pagpupuri sa dios, ang pagpilitan nang tauo ay ang paglilinis nang catauan, na para nang aquing sinaysay sa manga unang sulat, ay isusunod ang pagsisicap na ang damit na isosoot ay malinis; at ang calinisang ito ay di dapat limutin nang tauo sa bahay man, sa simbahan at sa lansangan man sapagca,, ang calinisan at cahusayan sa bata binata, sa may asaua, sa dalaga ay hiyas na quinalulugdan nang mata at quinauiuilihan nang loob. ang calinisan at cahusayan, anaquin; sapagca,, malinis man at mariquit ang damit, cun ualang cahusayan, ay di nagbibigay dilag sa dinaramtan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"bucod sa calinisan at cahusayang hinihingi, ay cailangan din naman ang pagbabagay bagay sapagca,, napatataua ang hindi marunong magucol ucol nang damit, na caparis nang lucsa na sa pula; gayon din naman ang pagsasalit nang may halagang cayo sa duc ha at abang damit. cun ang pananamit na di nagcacabagay bagay ay nacatataua, ang pananamit na mahalay ay nacasusuclam at nacaririmarim. cun magsoot ang isang babaye nang barong nanganganinag, ualang tapapecho panaquip sa dibdib, ay nacasusuclam tingnan, at ang may panaquip man ay di rin naitatago ang catauan at cahit paganhin ang barong nanganganinag sa isang babaye ay masamang tingnan, sapagca,, naquiquita ang calahati nang catauan. salamat, feliza, sa iyong magandang ugali, na pinagsususon mo ang baro, at iniingatan mong maquita nang mata ang iyong catauan. ang magluang nang bilog, ang mamaro nang maicli, ang babaye na di marunong magingat nang caniyang pagquilos, ay parang itinatanyag ang catauan sa mata nang tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sucat alalahanin nang manga namamaling binibini ang malinis na uani nang isda, na tinatauag na pesmulier . ang isdang ito, ang sabi, ay may suso sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli nang mangingisda, caraca raca ay ibanababa ang palicpic at itinataquip sa dibdib at nang di maquita. magandang caasalan na sucat pagcunang halimbaua nating manga babaye! casunod nang calinisan sa pananamit ang calinisan at cahusayan sa pamamahay; sapagca,, ang carumihan at caguluhan ay nagbabantog sa nananhic na ang namamahay ay culang sa bait, anyaya at magaso. at nang pagcaratihan mo, feliza, ay hatol co sa iyo na anomang gamitin mo ay isauli sa pinagcunang lugar, at bago isauli ay linisin cun narumihan. ang hagdanan, cocina at hihigan ang nagsasaysay nang calinisan nang may bahay, caya dapat pagiingatan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sucat na tandaan nang isang dalaga na siya ma,, maganda, mayaman at marunong maghiyas cun di marunong mamahay, ay uala ring halaga sa marunong magmasid: sapagca,, ang babaye ang nagiingat nang susi nang carangalan sa pamamahay, carangalang sinisira nang sambulat na babaye. cun ang calinisan ay hinihingi, sa tauo sa sariling catauan at sa pamamahay ay hinihingi rin naman sa pagharap sa tauo. ito ang dahilan at pangungusap quilos, pagtingin at boong caasalan ay sucat ingatan na houag maquitaan nang casalaulaan anyong masama na icapipintas. cun tayo,, naquiqui usap ay houag abot ang camay cun baga,, marumi at nang di pangdirihan: at sacali,, hingin, ay itangui at isaysay ang cadahilanan. sa pagcain, ang ano mang bagay na ating gamitin at marumihan nang camay nang ating bibig ay di dapat abot sa casalo. ano mang gamit natin sa pamamahay ay houag ipagamit sa iba cun pangdidirihan, maliban na lamang cun na sa caguipitan at uala nang magamit na iba, at capos naman sa panahong sucat ipaglinis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa pangingibang bahay naman ay dapat ang pagiingat. sa paggamit nang casangcapan nang may bahay ay di ucol ang ualang uasto, ualang cahusayan at calinisan, sapagca,, nacamumuhi. ang manhic sa ibang bahay na di malinis ang chapin paa, ay nacagagalit sa may bahay, caya dapat maglinis muna sa pamahiran nang paa. sa pagpanhic sa hagdanan ay houag mananabaco, lalo,, cun ang sinasadya ay tauong mayselan. cun macapanhic na, macapag bigay galang sa may bahay, houag caracaraca,, umupo cun di cun pagutusan: at sacali,, dumating ang ibang tauo ay alayan nang loclocan, at cun baga uala nang iba cun di ang inu upoan natin ay siyang alay. ang mangahas bumuclat nang libro sulat, dumampot caya nang ano mang bagay na maquita sa mesa, ay asal nang tauong hamac. ang magsalita nang nacasusuclam sa caharap ay masamang paquingan, at totoong pangit sa isang binibini. gayon man, ang magandang caasalan ay naguiguing viciong nacacamuhi, cun pinalalampas sa guhit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nacapopoot sa manga casambahay, at sa sinasamang palad na nacacasama sa manga paglacad sa cati, sa paglayag sa caragatan, ay nacapagbibigay poot cun maquita na ang anomang malapit, anomang maamoy, anomang mahipo ay pinangdidirihan. nacalulucod tingnan ang malinis sa pamamahay, sa pananamit, sa mga paggaua at sa boong caasalan: nguni ang lahat nang bagay dito sa mundo ay dapat ituntong sa guhit, na di ucol na lampasan. ang cahusayan at calinisan ay hiyas na hinahanap sa babaye at gayon din sa lalaqui, nguni alalahanin na ang ating manga casangcapan, damit at madlang pagaari sa mundo at talagang ipaglilingcod sa tauo. caya cahima,, mahalaga ang anomang pagaari, ay di sucat mahalin nang ating puso, di dapat na pagubusan nang ating lacas. cun sa pagmamahal sa asal, at sa calinisan ay nagcuculang ang manga babaye, ay lalo ang manga lalaqui. namamasdaan ngayon ang mamaro nang maicli, ang salaual ay manipis at madalang, ano ang sinasaysay nang asal na ito?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang sinasaysay ay casalaulaan, caculangan nang hiya at bait nang sumusunod sa mahalay na moda. masamang casalan na pangsira sa manga caloloua, nunucao nang galit nang dios na tayo, parusahan! ipagcaloob naua nang langit na maliuanagan: ang nagcacamaling bait nang cabinataan. ingatan ca nang dios, feliza. . si urbana cay feliza . ang isa pang pagcacaquilanlan sa tauo, na may pinagaralan, ay sa pagcain, caya ang tauo,, hangang bata ay magaral, at nang houag maguipit sa capanahonan. magmula sa cabataan, hangang sa tumanda, ay marami ang pagdaraanan, hindi nalalaman cun siya,, magmamaguinoo, cun hindi, cun sino sinong tauo ang caniyang macacasalo sa pagcain, cun saan saang bayan siya mapapatungo; cun may pinagaralan, ay di mahihiya pagdating nang capanahonang gamitin ang caniyang carunungun. cahiman, feliza, ay di caraniuan sa ating tagalog ang gumamit nang cubiertos sa pagcain; dito,, isusulat co rin ang manga cahatolang dapat alinsunurin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"di mo cailangan ang saysayin co sa iyo, pagca,, datihang cang gumamit; nguni quinacailangan nang iba, na di nacaaalam, sapagca,, cun maanyayahan sa isang piguing na di sumusubo nang camay ano ang masasapit cun di marunong? capilitang mahihiya. laqui nang nasa co, na ito,, pagcaugalian sa catagalugan. ang lahat nang nacion sa europa, ang americanos, may ganitong caugalian, sapagca,, isang camahalan nang asal. at cahima,, ang inchic, ay di gumagamit nang cubiertos sa pagcain, ay may sipit na sinasancap, sapagca,, aayao marumihan ang camay at nang di carimariman. ang manga turcos ay may ugali sa pagcain na para nang tagalog; nguni sa panahong ito,, nagaaral nang magcubiertos, lalo na ang manga guinoo, tumutulad sa manga taga europa, sapagca,, naquiquita ang calinisan nang ganitong pagcain. aquing mumulang isulat ang manga regla. ang lamesa,, lalatagan nang mantel na malinis, at sa ibabao nang servillet ilalagay ang sopera cun mayroon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang soperang ito, ay ilalagay sa harap nang magbabahagui nang sopas, na ang caraniuang mamahagui ay ang pinaca puno sa lamesa. cun ilan ang uupo sa dulang, ay gayon din naman ang bilang nang plato sopera; sa caliua ilalagay ang tenedor, sa canan ang cuchillo,, cuchara na cung mangyayari maguing tatlong paris na pauang malilinis. pagcatapos nang sopas, ay casunod ang puchero laoya na babahaguinin nang may catungculan. cailangan, na ang magpipiguing ay humanap nang sirvienteng datihan sa ganitong pagcain, sapagca,, cun di matuto ang naglilincod sa dulang, ay mahihiya ang may piguing. ang iba,, may ugali, na pagcatapos cumain nang isang potage, ay naghahalili nang pingan at cubiertos, magmasid ang pinipiguing at maquiugali sa caniyang casalo. quilanlin naman nang may piguing cun sino ang caniyang pinipiguing at carampatang bagayan. tingnan cun may ganitong ugali, at paquibagayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nang di magcagulo gulo ang pamamahala sa mesa ay nauucol maghanda nang maraming pingang malinis sa isang bucod na mesa, at magca hali halili. pagcatapos nang puchero, may ugali ang iba na isinusunod ang manga guisado at saca ang prito, asado inihao. ang salsa, ay ilalagay sa salsero na caraniuang gamitin sa manga asado. ang salsero ay houag saosauan, sapagca,, isang casalanlaan. cun cailangang magsangcap nang salsa, ay magbuhos nang caunti sa caniyang pingan, at cun ang salsero,tasa lamang ay caoquin nang cucharang malinis. ang cuchara cuchillong marumi, ay di dapat gamitin sa ulam na nasa mesa, at nang di pangdirihan nang iba. may isa namang ugali, na ang namamahala sa mesa, at namamahagui nang ulam, ay ang manga casambahay caibigan caya nang may piguing. ang isda cun malaqui, ay dapat namang ilagay sa isang platong mahaba, at cun babahaguinin sa lamesa, ay hahatiin nang cuchillo sa taguiliran, magmula sa ulo hangang buntot, cun maubos ang isang taguiliran ay isusunod ang cabila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun ito,, maubos naman, ay itaas ang tinic, at saca isunod na ipamahagui ang bandang tiyan. cun ang isda,maliliit, ay ipamahaguing boo. cun may calac han ay pagputlin putlin. ang pugo ay boong ipamahagui, cun malalaqui ang ibon ay pag puputlin putlin sa isang pingang bucod, huhulihin ang casucasuaan nang pacpac, hita at nang huag paghirapan, ang picho dibdib, ay cucunin nang paayon sa estauan, boo boong piraso at di duduroguin. ang jamon naman, ay lalapain muna ang taba, na di ihihiualay sa casama, babaligtarin ang balat na linaplap saca cucunin nang pasalapsap sa loob, paayon sa quilabot, ninipisan nang pacuha cun ilang lapang, ang cailangan, ay siyang ipamahagui, at saca itataquip ang linapnap na taba. ang iba,, may ugali, na hinihiuang manipis nang paputol ang jamon. sa pabo nama,, ang unang quinucuha,, ang buchi, isinusunod ang hita, at saca ang dibdib, na hinihiua nang pahaba. di ang caraniuang gamit ay ang trinchante.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang pastel at relleno, ay inaalisan muna nang pinacataquip, quinucuha ang laman, at ang pastel masang nacabalot sa laman ay hihiuain nang pahaba. cun ang laman ay ibon, ay ibubucod. cun ang pastel ay manipis, mumulan ang hiua sa bandang guitna. ang inihao na baca, ay hihiuain nang pahalang sa laman, ang tupa ay paayon. ang manga biling ito, ay siya ring susunod sa manga guisado. ang manga bunga nang cahoy cun aabot sa iba at uala sa pingan, ay duroin nang tenedor, at houag hahauacan nang camay. ang manga binatang nagiibig matuto, ay mag aral sa sarili nang houag mahiya pagdating nang capanahonan. houag ihahahauac ang daliri nang ano man sa mesa cun di ang gagamitin ang cochillo,, tenedor. sa pingan sa vasong ini inoman quinacanan, cailan man ay magtitira nang coanti. banlauan ang ano mang quinacanan at saca inomin ay isang catacauan. ang paggamit nang cubiertos ay marahan, houag ngangalotin nang ngipin at houag namang ngabngabin nang labi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang magauit sumutsot at dumhan ang iba nang sabao, ay nacarurumi, para rin naman nang sumigao, mamintas nang ulam, mamula sa iba, magmadirihin sa quinacain, sapagca,, nacahihiya sa may piguing, at nacagagalit sa iba. cun magsasalita ay sayahan, nguni lalangcapan nang cahinhinan; houag maglalasing, sapagca,, cun mapagdimlan na ang isip, ay di na maalaman ang guinagaua sinasabi. houag magpaquita nang quilos masama, na para baga nang mamualan, dumampot nang lapang lapang na ulam, tinapay, uminom nang maraming alac, nang di mauicaang matacao lasing. cun tumama nang pingan ulam na marumi, ay houag ipahalata sa may piguing na pinangdidirihan, ibigay sa sirviente at nang halinhan nang iba. cun may capintasan ang handa, ay ualing bahala; ang ipaquiquita,, saya, at pasalamatan ang nagpiguing sa anyayang bigay puri sa piniguing.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ugali nang taga europa, na sa pagcain ay nagsasalit nang tagay na sinasamahan nang pangungusap na tula, at cun minsan ay di tula, na ang cahulogan, pagnanasa nang cagalingan sa hari reina, ibang pinuno, sa may piguing caya. cun minsan, ay unang nangungusap nang patindig, ang pinaca puno sa mesa, pagtindig niya,, susunod ang lahat; at sa paginom naman nang alac ay ganoon din. nguni,, ang baua,isa, ay may sariling copa vaso. may bucod namang brindis tagayan na isang tatlo apat lamang sa mesa ang nagtatangoan nang ulo, na ang cahulugan, ay pa papahayag nang cani canilang pagiibigan at pagmamahalan. ang camahalan nang asal sa pagcain, sucat pagaralan hangang bata, nang pagca bihasahan, at nang di ngangapa ngapa pagdating nang capanahonan. si honesto, feliza, pagpilitan mong matuto, sapagca,, capurihan mo,, carangalan naman niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun nagtataca ca,, aco animo,, isang dalaga, ay hindi bagay ang gumaua nang madlang bagay na dito,, sinasabi, ang sagot co sa iyo,, di co guinagaua,, di co nacacayanan, palibhasa,, di ucol sa babaye. isinulat co sa iyo,, nang may pagcaaninauan si honesto. adios, feliza, ingatan ca naua nang dios. si urbana cay feliza . cun si honesto,, isasama mong magpacial, ay papamihasahin sa paglacad na mahinhin, ang biling cong ito,, sa iyo,, sa caniya,, na uucol naman. cun nagpapacial ay houag tutulinan ang lacad, lalo,, cun may ibang casama. houag magpapaquita nang cayabangan, na iquinacayangcang ang dalauang camay, ang liig ay naninigas at pacailagan ang palalong asal, na maquiquita sa iba, na cun ilingon ang muc ha,, casama pati catauan na parang naninigas. cun ang tauo,, manlalansangan, ay bago manaog sa lupa, ay isaloob muna na siya,, hamac na ood, anac sa casalanan, hilig sa camalian, caya magpacaingat man, ay nagcacamali rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cahit ang cabaita,, para nang cay david, cahit ang carunuga,, para nang cay salomon, cahit ang cayamana,, para nang cay asuero, ay magcacamali rin at capilitang mapipintasan din. cun lumalacad sa daan huag magnanasang mapuri nang lahat, sapagca,, cun may isang pumuri ay sampuo ang pupula. huag isasaloob ang caniyang carunungan, camahalan, cagandahan at dalang cabutihan, ang alalahanin ay ang sarili niyang casiraan at dalang capintasan, at nang matutong magpacababa nang loob at asal, malayo ang capalaloan, at houag mamihasang maghambog nang di tauaguing ulol. sa isang dalaga naman, ay di nababagay ang paglacad na pinag aaralan, ang magpaquin dingquinding at tumingin nang pasuliap sa naquiquitang binata, sapagqa,, icapupula sa caniyang asal. cun ang isang dalaga ay mag paquita sa lacad, sa quilos, at pagtingin nang laban sa cabaitan, ay parang nagaanyaya sa lalaqui, na siya,, aglahiin nang masama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun pinagcalooban nang panginoong dios nang cagandahan, ay alagaan at paca ingatan na parang isang lirio, bacuran nang cabaita,, tinic nang cahinhinan at nang di pangahasang pitasin nang salangapang na camay. houag ipagpalalo, houag magnanasang mabunyi,, mabantog, sapagca,, di ang cagandahang tulad sa bulaclac na madaling malanta, agad cumucupas, di ang cariquitang para nang oropel, na ang buti at ningning ay pandayang mata, cun di ang cabaitan at ang tacot sa dios ang pinacamamahal nang tauong may bait, siyang hinahanap nang haring salomon, at ipinupuri sa isang babaye. houag magnanasang mabunyi sa cagayacang hiyas at cariquitan, at baca mahilo sa incienso nang puri, suyo at lamuyot, na isinusuob nang cabinataa,, mapagdimlan ang isip at mapagdayaan. paca isipin nang dalaga, na ang caniyang puri, ay maipaghahalimbaua sa cayamanan, sa hiyas na iisa isa na ini ingatan, sa minsang masira,, di na maooli, sa minsang malaglag ay di na madarampot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"tulad sa maningning at malinis na bubog na sa minsang mabasag ay di na mabubuo. paca iingatan nang isang dalaga, sapagca,, sa minsang manacao nang tacsil na loob, ay ualang magagaua, cun di ang tumangis, nguni, tangisan ma,, di na macucuha ang ipinanacao na hiyas. cun nanglalansangan ang isang babaye, at napamumutihan nang mariquit na damit at mahahalagang palahiyasan, at parang naguaualang bahala, sapagca,, masamang tingnan ang palaguin nagaayos sa daan, hindi matuloy ang lacad, at toui na,, pinagmamasdan ang boong catauan. cun papasoc sa isang halaman, ay houag mangahas muti nang manga bulaclac, mitas nang bunga nang manga halaman, cun di pinaguutusan nang may ari. cun may papanhiquing bahay, ay houag darampot nang anomang casangcapan, laroan caya, sapagca,, isang capangahasan. cun ang bata,, may casamang matanda, ay houag tutulinan ang lacad, at alalahanin ang cahinaan nang caniyang casama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun ang capacialan ay isang guinoo mahal, ay houag mangunguna, umagapay caya, cun di magpahuli nang munti, houag namang tumiguil cun di sila ang magpauna. cun pipihit at babalic sa pinangalingan, ay houag magpapauna, at cun pipihit na,, houag tatalicuran. cun nagpapaalam na, at maghihiualay na sa pagpapacialan, ay houag magdaan ang bata sa harap nang matanda at ang sila may magcapoua bata, ay houag tatalicuran ang casama cun di ang ucol ay ang harapin. cun ang casama ay mataas sa caniya, ay cacananin, nguni, cun nalacad sa tabi nang bacod sa acera caya, latag na bato, na nasa tabi nang bahay na para rito sa maynila, ay doon ilalagay ang mataas, mahal, cahima,, mapa sa caliua. cun tatlo ang nagpapacial, at magbabalic at pipihit na lahat, ang paguiguitna ay ang quinacanan nang nangaling sa guitna: cun nagcaca apat, ang paguiguitna,, ang dalauang na sa tabi; nguni, magingat sa pagpihit, at houag talicoran ang capacialan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang reglang ito, ay susundin maguing sa bahay at sa lansangan man nagpapacial. cun ang nagcacasama ay tatlong di magcaisang uri, capala pa,, di ang mahal sa lahat ang iguiguitna, at cun baga sa lansangan nagpapacial at pipihit na lahat, ang mataas ay ilalagay sa acera, sa tabi nang bacod, ang paguiguitna,, ang pangalaua niya sa uri. cun ang bata, baguntauo binata, ay may casamang matanda, mahal, guinoo at may maquitang caquilala, ay houag tumiguil na maquipagsalitaan at nang di matalicdan, na parang pinauaualang halaga, ang quinacasamang mahal, bucod dito,, di dapat na papaghintayin. cun baga sacali,, magsisitiguil at tatayo, ay masamang tingnan ang pagsaclitin, papagpatungin ang paa, pacaang caangin caya, na parang naghahambog. ang magpalingos lingos sa raan, magtaca, mamaang sa ano man, na parang noon lamang naquita, maquipagsalita caya sa matanda na para nang sa bata, magsaysay caya nang ano man na parang siya lamang ang naca aalam, ay isang casalanang nacalulupit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun masalubong ang bata nang sacerdote, maestro mahal na tauo, ay pagpugayan, at cun sacali,, siya,, titiguilan at sasalitain, ay houag ilalagay ang sombrero sa ulo, hangang di pagutusan, at pagutusan ma,, houag ilalagay na madali, cun di uliting macalaua, macaitlo. cun ang na sa ulo,, panyo ay carampatang alisin, cun maquiquipagusap, maguing sa lansangan man, at maguing sa bahay, lalo,, cun nagsisilbi sa dulang. masama rin namang caasalan sa lansangan ang tingnang palagui ang chapin, chinelas, pagpaguin cun di cailangan, bunutin sa paa,, bitbitin sa camay quipquipin caya sa quiliquili, ang lahat nang ito,, nacatatauang tingnan, maguing sa lalaqui; gayon din naman sa lumalacad na lumalagapac ang paa, sasaga sagadsad, sapagca,, naquiquilala na hindi datihan ang paang sangcapan nang chinelas at chapin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang lalaqui babaye na cun lumalacad sa simbahan, ay di nagdarahan, ang tulin ay di hamac at cun nagchichinelas ay sumasagadsad, bucod sa masamang tingnan, nacalilibang sa nagdarasal na tauo, nacapagbibigay galit at di malayo macayurac sa nangaluluhod, ay nagpapahayag na uala sa caniyang caloob ang pagpasoc sa bahay nang dios. sa pagpapacial naman at may datnang lugar na paghingalayan at ang manga binata,, may casamang mahal na tauo, manga babaye, cun sacali,, mangagsisilocloc, ay magparaya ang manga binata sa mahal na tauo, manga babaye cun sacali,, ualang maraming banco, manga taboreteng mauupan. cun ang bata baguntauo, ay nagpapacial na casama,, capoua binata, ay iilagan ang masamang ugali, na nagyayacapan, cun minsan nagaauitan naghihiyauan parang ulol, nagaaglahian nang mahalay, sapagca nagpapahayag na ualang pinagaralang bait.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"caiingatan mo, feliza si honesto, houag ipahintulot na maquisama at maquipagibigan sa capoua batang masama, sapagca, cun may caunting bait na iningat, utang sa pagcacalinga ni ama,, ni ina, masisira, cahina hinayang, sapagca,, cun ano ang maquita sa capoua bata, ay siya ang gaguin. cun magcagayo,, sayang nang magandang aral na tinangap sa magulang sayang nang canilang puyat, sayang naman nang puyat mo. dito nauucol yaong refran nang castila: sabihin mo sa aquin cun sino ang casa casama mo, at tuturan co naman sa iyo cun icao ay sino. ang cahuloga,, cun ang casamahi,, may bait, ay bait naman ang matutuhan nang bata, at cun masama ang casamahin, ay masama rin naman ang matututuhan. cun si honesto na sa lansangan, ay houag mong tulutan na maglalaong lubha, maquiquipagpacial sa batang ualang bait, at nang houag masira. cun may causap sa lansangan, na maguing mahal mang tauo, capoua bata, ay itutunton sa guhit ang asal, quilos at pangungusap, at houag magasal hangal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"feliza, hangan sa isang sulat. si urbana cay felisa . dito,, ang ipahahayag co sa iyo, ay ang aasalin ni honesto, sa paquiquipagaliuan sa capoua bata, at ang paglalaro cun siya,, lumaqui na. ang isip nang tauo ay para rin naman nang tauo, na nahahapo cun mapinsalaan sa paggaua. ang malabis na pagaaral, ang magisip na palagui, ang magpuyat sa pananalangin, na bahagya na macapagpahinga ang catauan, sa oras na quinacailangan, at ano mang gauin nang tauo pag di natunton sa guhit, ay nacapagcaca saquit, caya itinutulot ang pagaalio, nang may pagcaguinhauahan ang tauo, may pagcalibangan at nang houag maginit ang ulo. nguni, at sapagca ang lahat nang gagauin nang tauo, ay aalinsunod sa regla, cun ang pagaalio, na isa rin namang cabanalan ay napapasinsay napapacalabis, ay naguiguing vicio. ang paglalaro nang bata sa capoua bata, ay ilalagay sa catamtaman at houag itulot sa caniyang puso ang anomang camalian na icapipintas sa caniyang asal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"houag lilimutin ang cabaitan, cahinhinan, at sa caniyang calaro, ang ipaquiquita,, magandang loob na lalancapan nang pagpaparaya cun cailangan. cun nananalo, ay houag magparamdam nang malabis na toua, at cun sacali ma,, matoua ay houag magpaquita nang quilos na sucat damdamin nang caniyang tinalo, houag hahalachac na parang ipinagtatagumpay ang pananalo, sapagca,, hindi man magalit, ay capilitang masasactan ang nagahis na calaro. cun natatalo naman ay houag magpahalata nang calumbayan cagalitan at nang di mauicaan na masaquim sa salapi. sa pagdampot nang salaping panalunan, ay houag limutin ang cabaitan. ang paniningil nang pautang sa oras nang paglalaro, ay houag gagahasaan. cun ang pananalo,, nagcacaalangan, na ang magcacalaro ay may cani caniyang matouid na inihahanay, ay ipahahayag nang banayad, at houag sisigao sigao magpapahalata caya na ualang iningat na mahinhing loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang pagcaisahang hatolan na dapat matalo sa inaacala mang siya,, may matouid ay magparaya at ang isaloob, ay ang nagsihatol ay may bait na tauo,, ualang quinacabig at ualang iniiring. sa matouid ma,, sa hindi ang caniyang pagcatalo, ay houag magpahalata nang galit, houag ipagtapunan ang baraja anomang pinaglalaroan, tatadyac caya,, sisicad houag cucumpas cumpas sapagca,, ang gayong quilos, ay laban sa mahal na asal. paganhing saysayin, sa pagaalio, ay houag lilimotin ang tapat na paquiquipagcapoua tauo, at diyan maquiquilala cun may pinagaralan. caiingatan mo, feliza si honesto, na maquipaglaro sa malulupit na bata, sapagca,, di man pagaauay ang caniyang matubo, ay panganib na mahaua sa canilang casamaan. cun may matandang maganyaya sa bata sa paglalaro ay houag cara caraca,, papayag, sapagca,, cun masda,, isang capangahasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun ang laro, ay baual nang superior gobierno, nang santa iglesia nang caharian, ay tumangui nang banayad, at mahangay siya,, paghinanactan sa pahinuhod sa di matouid. cun sa paglalaro,, may dumating na matanda guinoo, at ualang maupan, ay tumindig, at ipagcaloob ang caniyang loclocan. hangang naglalaro,, houag patatalong tiquis, at nang di uicain na naglalaro,, masama sa loob, naguulol ulolan. cun ang calaro,, cagalang galang na tauo, at nagagalit dahil sa natatalo,, houag magtindig sa laro hangang di macabaui, siya caya,, tulotang umayao; at cun matalo naman ay nauucol na tumindig at houag umutang magcabi cabila. cun aalis na sa laro, ay houag magpaquita nang galit calumbayan, sapagca,, parang pinipilit ang tumalo sa caniya na maglaban uli hangang di macabaui; cun magcagayon, ay ano ang uiuicain cun di ang siya,, hindi marunong maglihim nang iningat sa loob. adios, feliza, hangang sa isang sulat. si urbana cay feliza .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun icao ay maquiquipaglipon, ay pagiisipin ang sariling calagayan ang sa quinacaharap, ang caniyang asal at caugalian, at ang lugar na pinaguusapan; cun ang lahat nang ito ay hindi limutin sa paquiquipagharap ay di masisinsay masinsay man ay munti lamang, sa manga cautusang guhit nang paquiquipagcapoua tauo. caya magmula sa pagcabata hangang sa tumanda, ay magaral maquibagay sa capoua tauo at, bagayan naman ang lugar na pinaguusapan. ang magagaua sa sarili, ay di maaari sa harap nang iba; ang mauiuica,, magagaua sa bahay, ay di mababagay sa lansangan, at ang magagaua sa lansangan, ay di mababagay sa simbahan. caya sa paquiquipagcapoua tauo, ay isasaloob cun sino ang caniyang cacausapin, ang lugar na paguusapan, at cun ano ang ipaquiquipagusap, at ang lahat ay habagayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang mabibigcas na sabi sa isang maalio na salitaan, ay di mababagay, sa pagpupulong sa namatayan: sa ibang sulat, feliza, sasaysayin co sa iyo ang masamang caasalan na dapat ilagan sa bahay nang namatayan: at ang gagauin ang mauiuica nang lalaqui ay umaangat sa babaye; ang bagay sa baguntao,, di babagay sa dalaga; ang maigagayac nang bata ay di babagay sa matanda, sapagca,, mauiuica, na ibig manaog sa baonan na batbat nang yaman, hiyas at pamuti. ang bumigcas nang salita na malayo sa pinaguusapan, ay nagaanyayang tauanan; caya ang tauo,, maquiquibagay sa caniyang capoua, at ang caniyang gaua, quilos at pangungusap, ay pagbabagaybagayin at nang huag matauanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa halimbaua, patutungo sa bahay nang isang piguing, nagsasaya,, tumangap nang magandang capalaran, carangalan catungculan, ay di nauucol magdamit nang marungis, magpaquita nang malumbay na muc ha, sapagca,, ang caniyang sadya ay ang pagbibigay nang en hora buena ang cahuluga,, ipahahayag ang quinacamtan niyang toua sa nabagong palad nang caniyang pinagsadya. cun magpaquita nang calumbayan ay parang nagsasaysay na siya,, nananaghili; caya ang quilos at pangungusap ay iisipin, na ibagay sa touang ipahahayag. ang tauong nagagalit ay houag aaglahiin, sa pagca,, lalong magagalit. ang bata,, houag mangangaral sa matanda cun di may catungculan, at capoua man bata ay di sucat mangaral, cun inaacalang di mamatapatin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun mangangaral sa capoua tauo, ay babanayarin ang sabi, houag gagahasain, at itama sa oras na mamatamisin sa loob, at di ang sino ma,, macapangangaral sa caniyang capoua, cun di ang may carapatan, caya bagay bagay ang mangangaral at inaaralan, at ibagay naman sa panaho,, oras, sapagca,, cun di magcabagaybagay, ay di macagagaling cun di macasasama ang bibitiuang aral. ang sasalin nang panginoon sa alila, ay iuucol sa caniyang pagcalagay; at nang siya,, igalang; nguni,, di nauucol ang mahampalasan, magpaquita caya nang cagahasaang igalang cun di ang carapata,, lumagay sa caniyang pagcalagay; di ang calupitan, cun di ang magandang loob ang ipaquiquita at nang pintohoi,, mahalin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"houag lilimutin nang panginoon, na ang caniyang alila,, quinapal nang dios, calarauan nang dios, tinubos nang mahal na dugo nang ating panginoong jesucristo; cun dito sa ibabao nang lupa,, tinitingala siya doon sa isang buhay, sinong macaaalam cun siya naman ang titingala; dito,, nacapagpaparusa cun may casalanan, doon sa arao nang paghohocom sa sangcatauohan di na naaalaman, cun ano ang masasapit; cun maguiguing isa sa magsisihatol sa caniya; alalahanin naman nang alila, na ang mababa niyang calagayan, ay tulot nang dios, at parang isang hagdang pinaaacyatan sa caniya, sa pagpanhic sa langit; at ang paglilincod sa caniyang panginoon, ay icararapat sa dios, ipagcacamit nang caloualhatian cun minamatamis sa loob, nagtatapat sa panginoon, at tumutupad nang catungculan. ingatan nang panginoon ang puri nang alila, at gayon din naman ang alila sa panginoon, at houag iba bantog cun may maquitang camalian, lalo,, cun icasisira nang puri ay pacaingatan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"capagnangahas manira, ay pangingilagan, mapaguiuicaan na ualang iningat na bait. paganhing saysaying ang tapat na paquiquipagcapoua tauo ay isang tapat na pagibig, caya ang quinaoouian ay ang pagbibigay lugod sa capoua. nguni,, ang pagbibigay lugod na ito, ay may guhit na tinutunton. cun ang hinihingi, sa atin nang capoua, maguing camaganac man at caibigan, ay sinsay sa matouid, ay di dapat pahinohod cahit ipagdalang poot at icasira man nang pagiibigan sinasalita sa historia, na si rotilio, ay pinaghinanactan nang isa niyang caibigan, dahil sa di napahinohod sa isang di tapat na cahingian caya pinangusapan nang caibigan at uinica: ano ang capansanan nang pagibig mo sa aquin, cun di ca macapagbibigay loob sa hiningi co? ang gayong pangungusap na may hinanaquit ay sinagot ni rotilio nang tapat: aanhin co naman ang iyong pagibig cun maguiguing daan na ipipilit mo sa aquin sa paggaua nang di catouiran?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"gayon man ang marunong maquipagcapoua tauo, cun di man mangyaring macapahinohod sa namamanhic sa caniya, ay sinasagot nang banayad, binabagayan nang masayang muc ha. ipinaquiquilala, malaqui disin ang caniyang nasa na magbigay loob, ay hindi mangyari,, di macayanang gauin, nasisinsay caya sa catouiran. ano pa nga,, ang caniyang sagot na ayao ay sucat calugdan nang namamanhic na rin nang oo . ipinaguutos din naman, na cun magpapautangan nang loob, ay houag papaghintay hintayin ang namamanhic. cun may sumasanguni,, nunuha nang hatol, ay houag sumagot nang mataas na sabi, cun di banayad, malamig at cauili uili, houag magpapangap marunong, houag magaama amahan, at sa caniyang sagot ay ipahahalala ang magandang nasa nang loob sa capoua. ano pa nga,, cun icao. feliza at ni honesto, ay matutong maquipagcapoua tauo, ay ang inyong quilos, asal at pangungusap, ay magdaramit nang cariquitan na maca bibihag nang puso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ibig co disin, na ang manga sulat cong ito ay basahin mo, at gayon din naman si honesto, houag ang minsan cun di ang maminsan minsan, sapagca,, cun minsan lamang, matalastas man ang cahulugan ay madaling malimutan; cun basahin toui touina, may malimutan man ay maaalaala, at ang macaligtaan sa manga unang pagbasa ay maaaninao sa icalaua; ang di na pagaralan nang una, ay mapagaralan sa huli, caya ipinanamanhic co na basahi,, basahin. adios, feliza, hangang sa tayo,, magquita diyan sa paombong . si urbana cay feliza . isa sa mga gauang tapat na ipinaguutos nang paquiquipagcapoua tauo, ay ang pagdalao sa camaganac, caibigan caquilala cun capanahonan, cun dinadalao nang masamang capalaran namamatayan caya, ay carampatang dalauin at maquiramay sa catouaan, aliuin caya sa hirap. ituro mo feliza cay honesto, cun papaano at cailan gagauin ang pagdalao. ang unauna,, gauin sa capanahonan, at pag di natama sa oras ay naiinip ang dinadalao, at magdadalang hiya ang dumadalao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa oras na may guinagaua, lalo,, cun nagagahol sa panahon cun cumain, humahapon nagdarasal ay di na uucol gauin, maliban na lamang cun magcadatihan ang nagdadalauan. caya dapat ipagtanong ang caugalian (nang bayan at sa lahat nang caquilala) at nang houag madalao sa panahong di ucol. cun nacasara ang pintoan nang daan, ay tugtuguing banayad at houag dalas dalas. cun pumapanhic sa hagdanan, ay patatao, at cun may casamang tauo na ucol igalang ay ilalagay sa maguinhauang panhican. cun may casamang matanda, at di macacaya, ay tulungang pumanhic, at alalahanin ang panahong haharapin. cun may casamang mahal na babae, ay ilagay sa canan sa lugar cayang ucol sa caniyang calagayan. cun pumapanhic na sa hagdanan, ay magdarahan nang pagtungtong sa baitang at houag magingay at cun may masalubong na matanda guinoo ay tumiguil at paraanin sa canan sa mabuting daanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pagcapanhic nang hagdanan, ay houag caracaraca,, tutuloy, magpasabi sa alila cun mayroon, at cun uala ay tumugtog nang marahan sa pinto at nang mamalayang may tauo. cun datnang bucas ang pintoan nang salas cabahayan, silid iba cayang pitac nang bahay ay houag sisilip silip; at sala sa cabaitan. cun macapagbigay na nang galang sa may bahay, icao ay patoloyin sa cabahayan at paupoin ca, ay lumagay nang mahusay, houag magpaquita nang cagaslauan, na para baga nang manguyacoy, magpatong nang paa at magpaquiling quiling. cun may dalang sombrero at tungcod, ay houag ilalagay sa lamesa, canafe, cun di sa inaacala na mamatapatin nang may bahay: lalong ibinabaual, na ilagay sa hihigan. cun ang dinadalao ay maquita na may gagauin, cacain aalis caya, ay houag aabalahin, at ang catampata,, magpaalam. cun sa iyo at ni honesto ay may dumalao sa oras na di ninyo ibig, cayo caya,, naaabala ay houag magpahalata na ibig na ninyong umalis ang panaohin at cun magpahalata man ay binian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun ang dumadalao ay mahal na tauo, ay samahan hangang sa daan, at sacali,, gabi ay tanglanan nang candilang may ningas cun mayroon. cun cayo ay dumadalao, at sa pagalis ay sasamahan cayo nang may bahay, ay magpasalamat at ipamanhic na houag nang maabala. cun sa inyong pagpupulong ay may dumating na ibang tauo na di caratihan, sa caratihan man sacali at inaacala ninyo na may ipahahayag na lihim, ay houag abalahin, magpaalam sa, may bahay at sa lahat. cun lalaqui ang dumadalao sa isang babaye, ay di catungculan ihatid pa sa hagdanan sa daan, maliban na lamang cun totoong mahal na tauo; nguni, ang lalaqui ay dapat maghatid sa babaye at catamtamang ilagay sa canan. cun cayo,, dalauin ay dapat gumanti, at cun cayo,, anyayahan sa isang piguing nang iquinasal ano mang pagcacatoua, ay nauucol na sa loob na ualong arao ay gantihin namang dalauin na parang pagpapasalamat sa caniyang paquitang loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun cayo,, anyayahan sa bahay nang binyag libing at di nacapag ibigay loob, cun macaraan na, ay carampatang dalauin at ipahayag ang cadahilanan. cun cayo naman ang pa sa libing sa bahay caya nang namatayan, sila naman ang may catungculan na gumanting dumalao. ang anyaya,, magagaua sa bibig sa sulat at ang inanyayahan, cun ibig pahinuhod ay houag magpairiiri at sa ibig sa ayao ay pasasalamatan ang gayong paquitang loob. cun sacali,, aayao ay tumangi nang mahusay, at ang dahilanin ay ang manga gauain at iba pang bagay na paniualaan; nguni caiilag sa cabulaanan. pag napaoo, ay houag sumala sa oras na taning; at cun di macatupad nang pangaco, ay sabihin ang pinagcadahilanan, at di carampatang sumira nang pangungusap, maliban na lamang cun may tunay na pinagcaabalahan. alamin ang oras nang houag dumating na maaga, at houag namang mahuli.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"feliza, si honesto palibhasa,, bata, hindi malayo na sa paquiquipagcapoua tauo, ay magpaquita nang capusucan nang loob; cun macarinig nang uicang di dapat, cun magcabihira,, di macapagpaparaan, caya pangungusapan mo na iilagan ang paquiquipagtalo. cun macarinig nang di catouiran at di mapangaralan ang nangusap, ay paraanin; cun ang marinig ay lihis sa catotohanan, ay houag sagasain, nang di pagtalunan. si honesto,, na sa panahon pa nang pagaaral nang ucol sa dios, ganang sarili at sa paquiquipagcapoua, tauo, caya turoan mong tumupad, nitong tatlong catungculan, na catampatang pagaralan nang isang batang cristiano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun matutong cumilala, sumamba,, mamintuho sa dios, ay di lalaquing bulag ang isip, matututong umilag sa casalanan mamimihasang gumaua nang cabanalan, matiticman ang caguinhauahan at magandang capalarang quinacamtan dito sa ibabao nang lupa nang isang catoto nang dios, na sampong sa hirap at casaquitan ay nacaquiquita nang toua,, caligayagahan; inaaring cruz na magaang pasanin, minamatamis sa loob, tinatangap nang boong pagibig, at palibhasa,, natatanto na di macasusunod cay jesucristo, di magcacamit nang langit, cun di magpasan nang cruz. natatanto rin naman na nag cacadalaua ang hirap nang di marunong umayon sa calooban nang dios; hirap na ang dumarating, ay naghihirap pang lalo sa di pagcatutong magtiis, sapagca,, iquinagagalit, at cun minsa,, ipinagngangalit na,, di rin maalis sa hirap. at hangang ipinagngangalit ay lalong nalubog sa hirap, nguni ang marunong magtiis, ay magtiis, nacararanas nang toua sa hirap, sapagca,, inaaring cruz na bigay nang dios, at minamatamis sa loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun si honesto,, matuto nang catungculang ucol sa caniyang sarili, cahit ualang tauong sucat sacsing cahihiyan, cahit ualang sacsing sucat macaquita na sa caniya,, sumisi, ay di pahihinuhod ang loob sa isang licong isip, di mapapanibulos sa isang gaua cayang lihis sa matouid, at palibhasa,, natatanto ang boong cahulugan nang masama at magaling. cahit paghandogan nang boong cayamanan at carangalan sa mundo, cahit pagpisanan nang lahat nang hirap, cahit icatapos nang buhay, ay di magpapahamac gumaua nang icasisira nang sariling puri, palibhasa,, natatanto yaong matouid na hatol nang dios espiritu santo na isinulat ni salomon: magpilit cang magingat nang magandang pangalan, ang cahuluga,, magmahal ca sa asal. cun matutong maquipagcapoua tauo,, magpapacailag sa quilos, asal at pangungusap na macasusucal sa mata nang iba, at di man cusain, ay calulugdan at iibiguin nang lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ipagcaloob naua nang dios na matandaan at itanim sa dibdib ni honesto itong maicling hatol na isinulat co sa iyo, at nang malagui sa pagibig sa dios, at matutong magpacamahal sa asal. adios, feliza, hangang sa isang sulat. si urbana cay feliza. sa pagcamasid co na sa maraming bata saan mang bayan, ang isa sa manga nacasisira ay ang malabis na paginom nang alac na naquiquita,, namamana sa paquiquipagibigan; sa sulat na ito, minatapat co na siya cong saysayin sa iyo, at nang pagpilitan mo na si honesto,, macailag sa masamang caibigan at nang houag mahaua sa canilang vicio. cun ang batang iya,, lumaqui,, maguiguing baguntauo, icao ay lumamagay na parang pangalauang ina, at ipangaral mo yaong magandang hatol ni tobias sa anac: houag cang maguicain at maqui inom sa masamang tauo, at nang houag cang sumamang para naman nila . cun ang tamaan ni honesto ay manginginom, mauilihin sa taberna, ay di malaon at cun ano ang asal nang casama caibigan, ay siya namang aasalin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"houag din nauang itulot nang dios na siya,, magcagayon. ipaaninao mo na ang paglalasing ay nacasisira sa caloloua, nacapagcacasaquit sa catauan, nacauauala ng puri, at nacalilipol nang pagaari. tingni,, aquing sasaysayin itong apat na casaman na natutubo nang lasing sa alac. ang caloloua na pinamahan nang dios nang caniyang larauan, pinamutihan nang tatlong capangyarihan, bait, alaala,, loob, at sa santo bautismo,, pinagcalooban nang lalong matataas na cabanalan at daquilang biyaya, ang isa sa manga graciang ito, na sa caloloua,, inahihiyas nang langit ay nauaualang lahat at palibhasa,, nagcacasala nang daquila. pag nagcagayon na,, ano pa ang quinasasapitan nitong calolouang anac nang dios sa gracia, cun di ang maguing alipin ni satanas sa sala? nasaan ang cabaitan, nasaan ang calinauan nang isip, baquit cun nalalasing na,, cahit aglahiin, cahit pagtauanan ay di dinaramdam, at palibhasa,, di nacaquiquilala?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang hayop ay cahit ualang bait, na para nang tauo ay pinagcalooban nang dios nang isang bagay, na cahit di matatauag na bait, ay cahalintulad nang bait na iquinaquiquilala nang panganib, na icatatapos nang canilang buhay; ngunit ang tauong lasing ay nacaquiquilala caya baga nang panganib na ito, na parang pagcaquilala nang hayop? cun lumalacad sa daan, cahima,, may mata na itinitingin, ay di naquiquita ang batong catitisuran, ang butas na cahuhulugan at palibhasa,, napagdidimlan ang isip. nasaan ang catibayan na ipinagcaloob nang dios? baquit caya baga mahipan lamang nang hangin ay susuray suray at guiguiri guiri? baquit caya baga,, cahit isang bata ang siyang magtulac, di man itulac at masagui lamang, ay nayuyucayoc at nasusubsob? tauong caaua aua at cahabag habag! na puno nang alac ay nahubdan nang cabaitan, at palibhasa,, napagdimlan ang isip.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"napagdimlan ang isip ay nahubdan nang magandang hatol, na salat sa matotouid na sabi, naticom ang bibig sa tamang salita, at ang pinapamimilansic sa dilang matabil ay ang panunungayao at panunumpa, ang maruming sabi at uicang mahalay, ang pagyayabang at paghahambog ang pagtatalo at cun magcabihira,, ang pagtatagaan at pagpapatayan. pasoquin cun ibig ang bahay nang masasamang piguing, malasin ang pagpupulong sa manga taberna, at diya,, maquiquita ang manga casalanang ito. siyang naquiquita sa manga lugar na iyan, at siya rin namang saysay nang dios espiritu santo sa capitulong icadalauang puo,, tatlo nang proverbios. cun sumisira sa caloloua ang malabis na pag inom nang alac; ay sumisira rin naman sa catauan. dinguin ang catotohanan. cun dito sa ibabao nang lupa, ay may quinacamtang munting caguinhauahan ang catauan, ay ualang caparis na para nang cun di dinaratnan nang saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang tauo,, cahit sacdal hirap, cun masaya ang loob, masigla, ang catauan, ay tinatauag nating mapalad, nguni cun datnan nang saquit ay ang buntonan man nang yaman, ang batbatin man nang hiyas, ang punin man nang carangalan, ang sambahin man nang mundo,, tauo ring mahirap, at palibhasa nga,, na sa hirap. caya ang lahat nang tauo,, nagpipilit umilag sa saquit, at cun sacali datnan, ay ang lalong masaquit na tapal, ang capait paitang painom, ang patuloin man ang dugo,, nagtitiis nang hirap, at macamtan lamang ang hinahangad na cagalingan. ang lahat ay ninilag sa saqiut, bucod ang mapaglasing na humahanap nang saquit, at nagpapaicli nang buhay. ang lalong matibay na catauan ay nanghihina, nagcacasaquit at cahit batang bata ay tumatanda,, dumadali ang buhay pag nagiinom nang alac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang lalong mariquit na culay ay cumucupas, ang muc ha ay namumutla, ang mata ay naninilao, ang catauan ay nangangayayat, nalulupaypay ang licsi nang cabataan, ang sigla nang edad na catanghalian, ang ningning nang cagandahan, ay inaaglahing lahat nang alac: at sa muc ha nang manginginom ay gauari may naguguhit na malaquing letra, na cahit sa malayo,, nababasa ang ganitong, pangungusap: aco,, tauong lasing. si hipocrates at si galeno at ang lahat nang medico ay nagpapatotoo na ualang pansira nang catauan na para nang catacauan sa pagcain at nang cayamoan sa pag inom nang alac at uala namang pangtibay na para nang casiyahan. ilan caya baga sa ating manga cababayan: ilan sa manga caquilala ang dinatnan nang peste salot, ilan ang namamatay sa masamang hangin; ilan ang sa taol, ilan ang nalulunod sa dugo dahil sa di pagtitipid nang pagcain at paginom? ang lahat nang ito,, natatanto nang lasing, nguni di pinapansin, at palibhasa,, di mapaglabanan ang masamang caasalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang tiyan nang manginginom ay maipag hahalimbaua sa isang pusalian, na sinisingauan nang lalong cabaho bahoan na sumisingao sa catauan, caya cahit ualang lamang alac, ay quinasusuclaman nang capoua tauo, ayao lapitan, at palibhasa,, nacahihilo. at ang lalong casaquitsaquit, ay ang bigla at masamang camatayan, na tumatapos sa masamang buhay, sapagca,, pinatatalab sa canila ang uica nang dios espiritu santo: cun ano ang pagcabuhay gayon din ang pagcamatay. caiingat manga binata dito sa masamang vicio at liningin yaong santong hatol nang ating pang inoong jesucristo. mahalin ninyo ang inyong buhay caiingat at baca mabigatan ang inyong puso sa cayamuan, sa pagcain, sa paginom at sa paglalasing; ay datnan cayo nang biglang camatayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ano pa nga,, ang pinaquiquinabang nang lasing sa malabis na paginom, ay pauang cahapis hapis, asal na parang hayop, buhay na cahirap hirapan, may caloloua,, para ring uala, cun marapa,, macatindig ay mararapa uli, at mapupuno na ang ulo nang singao nang alac, ay mahahalang na lamang sa tabi guitna nang lansangan at ang siya ma,, pagsicaranan, aglahii,, pagtauanan, ay di namalayan, at palibhasa,, cahoy na na cahalang. caya uala camunti mang iningat na puri. ang puri ay isang mahalagang hiyas, na iguinagayac nang tauo sa caniyang pangalan. caya may nagmamahal sa puri, na mahigit pa sa buhay, na sumasagasa sa lalong daquilang panganib, lumululong sa camatayan, houag lamang mauala ang puri na iniingatan. sumasalacay sa lalong mabangis na caauay, houag lamang masira ang magandang pangalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa icalabindalaua nang capitulo nang eclesiastes, ipinagbibilin nang dios espiritu santo, na magingat nang magandang pangalan, ang cahulugan, ay ang boong caasalan nang tauo, ay itutonton sa matouid, ang gaua at pangungusap ay aalinsunod sa utos nang religion santa nang icararapat sa dios at pagcamit nang puri nang tauo, nguni ang santa religion, ang puri at lahat camahalan ay hinahamac na lahat nang manginginom. pag napuno na nang alac ay parang ulol na lumalacad sa daan: may mata,, para ring uala; may tainga,, para ring bingi; ang bait ay di magamit caya cun magpasuraysuray, cun marapa at magbangon, cun maquiling at magtouid at aglahiin nang manga bata, pagtauanan at paghiyauanan nang tauo, ay di dinaramdam, palibhasa,, ualang cahihiyan. cun may caloloua,, para ring uala, cun may catouiran man ay hindi macayanan, caya ang sabi ni san basilio, ay masama pa sa hayop.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ualang hayop na tulig, ualang hayop na mangmang na para nang tauong lasing, caya panira nang puri sa magulang na pinanggalingan, sa asaua, anac at boong cahinlugan; iquinahihiya sa bayan, at palibhasa,, ualang iningat na puri at camahalan. caya di naman pinagcacatiualaan nang cahit puri at catungculan sa bayan. sa isang lasing ay sino caya baga ang magpapahayag nang lihim, aling may bait na dalaga ang macaiibig, alin cayang magulang ang magpapacasal sa anac, aling caya bagang manga guinoo ang magcacatiuala na papagpupunuin sa bayan; cun hindi rin lamang nasusuholan nang salapi napahihibo sa masamang suyo, cahit mapahamac ang sangbayanang tauo? ualang magcacatiuala, at di naman sucat pagcatiualaan ang tauong lasing.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"quinapopootan nang lahat, hindi pinacucundanganan, cun di hinahamac, sa manga salita,, guinagauang ulo, at sa manga pagpupulong ay masabi lamang ang pangalan nang tauong lasing, ay naguiguing pagtaua at panghalac hac, at palibhasa,, ualang camahalan, ualang puri, ualang cabaitan at ualang carangalan, sapagca,, pangsira nang capurihan, at gayon din naman sa cayamanan. ang cayamana,, hindi lalagui sa manginginom, at palibhasa,, iuauasac nang alac, gayon ang sabi ni salomon sa proverbios: at siya naman naquiquita natin sa arao arao. sa umaga, sa tanghali,, sa hapon nagdidilim sa tauo ang tindahan nang alac; diyan maquiquita ang ualang bait na guinoo, na di nagbibigay puri sa caniyang calagayan, at siya ang maestro sa pagtatagayan. diyan nasisira ang bait nang binata, at diyan natatapos ang hinahap sa maghapon nang pobreng cantero, carpintero, banquero, anloagui, magsasaca at iba pang upahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pagtangap nang upa, bago omoui nang bahay, daraan sa taberna, at ang uica,, lalagoc nang isang lagoc, yaon na ang alio. ngunit anong nangyari? capagcalagoc nang isa,, may darating na caibigan tatagaya,, magiinoman, yaon na ang isang pangalio. may darating pang isa,, magiinoman na naman. pag nagca ganito na,, magmamala inibay, magpapaliparan na nang sabi, at uiuicain di man pacaibiguin ay huag lamang pagca hiin. sa ganitong uica, magiinoman na naman, mangagtatagayan uli, at uiuicain; ang quinacain nang tauo,, di sa cagutuman, cun di sa alang alang. sa inolit olit nang paginom ay nangalasing ang tumagay at tinagayan at ang quinahinatna,, natapos ang hinanap sa maghapon, nagcautang pa sa taberna, at ang inaoui sa asaua,, anac ay alac at utang. pagdating sa bahay, sasalubongin nang asaua, itatanong ang naquita sa maghapon, at palibhasa,, inaasahang hahapona,, aagahan nila,, sampong manga anac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa tanong na ito,, sasagotin ang pobreng babaye nang isang tungayao, sasalubongin naman nang asaua nang tungayao rin, at ang quinasapita,, ang sala salabat na sumpa,, tungayao. susumpain nang babaye ang lalaqui, at ang lalaqui naman ay sa babaye: susumpain ang canilang pagsasama, ipaquiquiramay ang anac at boong sangbahayan; at ang pangtapos sa gayong musica, ay ang pagsusungaban, paghahampasan, pagsisicaran, pagtatadyacan at pagcacagatan. ano pa nga,, ang quinahinatna,, ang buhay nang lasing ay naguing infiernong munti sa sinisingauan nang apoy na sari saring culay, nang pagtatalo nang magasaua nang hapis at cagulohan nang boong sangbahayan: at escandalo nang capit bahay. cahapis hapis at cahabag habag na manginginom! verdugo ca nang asaua mo, escandalo ca nang bayan at luha nang sangbahayan. nguni ano caya ang cagamotan? houag uminom nang alac cailan man, ito ang cagamutan lamang na maihahatol sa iyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"mahirap na hatol ang maitututol mo sa aquin, nguni,, mahirap man, ay anong gagauin, cun di ang pagpilitan: lalong mahirap ang mabuhay sa alac, mamatay sa alac at icapapacasama. lalong mahirap ang doon sa infierno ay painomin ca nang apdo nang ajas at apdo nang manga olopong na maguing parusa sa malabis na paginom. cun may saquit ang manginginom ay nacapagtitiis nang isa dalauang buan man na di tumitiquim nang alac, baquit di mo magaua caya ang pagtitiis na ito, pacundangan man lamang sa icagagaling nang iyong caloloua? ang icalauang maihahatol co sa iyo, ay cun ibig uminom magpabili nang caunti, at inomin sa oras nang pagcain: houag magiingat nang marami sa bahay, sapagca,, cun maquiquita,, di macatitiis hangang, di malasing. ang icatlo, houag maquisama sa manginginom, at nang di malamuyot sa dating gaua. umilag sa manga piguing nang manginginom, sapagca,, diya,, hindi naquiquita ang casiyahan sa pagcain at, sa paginom, cun di ang cayamoan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang icapat, houag uminom sa di oras nang pagcain, sapagca,, cun aboting ualang laman ang sicmura, ay umaac yat sa ulo ang alac at nacapagcacasaquit. pag uminom, sa hapon at sa gabi, ay nacapagdidilim sa isip, nacasisira nang lacas nang catauan, at pagcacadahilanan nang manga saquit na aquing sinaysay. cun ang isasagot sa aquin, ay di macatitiis na di uminom nang marami: ang ipinapacli co,, pagaralan. cun ang itututol sa aquin, ay di mangyayari,, di macacayanan: ang isasagot co,, tumauag sa dios, patulong cay guinoong santa maria, at nang macayanang paglabanan ang masamang caibigan sa alac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang caholi holihan cong hatol, ay magconfesion general, salicsiquin ang calahat lahatang casalanang na gaua sa boong panahong nagumon sa vicio, pagsisihang masaquit sa loob, ipahayag sa confesor nang macayanang; talicdan ang masamang caasalan, at nang masaoli naman sa gracia nang dios; sapagca,, cun uala sa gracia, uala rin namang lacas na icapaglalaban: cahit anong gauin, cahit pagpilitan, ay di mangyayari, at palibhasa,, hindi calugdang tulungan nang dios. aco,, napalauig na lubha, feliza, nang pagsasaysay nang dilang casamang bunga nitong calupit lupit na vicio, nang maquilala ni honesto,, ilagan hangang bata; at nang di pagsisihan cun mapahamac. ang sulat na ito, ay mabasa naua nang caniyang capoua bata,, binata, at nang paquinabangan. adios, feliza, hangang sa isang sulat . si feliza cay urbana .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"id: sa pagcamasid ni ina, na aco,, dumating na sa panahon, na dapat co nang ilagay sa estado, ay sa madlang binata na sa aqui,, nagnanasa, ay napahinuhod ang loob sa isang baguntauo, na inaacala na may iningat na cabaitan. dito, sa manga nacaraang arao, ay madalas sumagui sa aquing pagiisip, cun ano ang aquing mapagsasapit sa panahong haharapin. cun dumating ang capanahonan, at tayo,, maulila cay ama,, cay ina, at aco,, dalaga pa, di aco sa mundo,, ulilang ulila. ulilang ulila at mapapagisa sa guitna nang mundong puno nang panganib. cun magcagayon na,, di catulad co,, isang marupoc na daong na inabot nang sigua sa guitna nang dagat, pinagtutulong tulongang hampasin nang salu salubong na hangin, ibaba,, itaas, nang matataas na daluyong; cahima,, ang timon nang cabaitan ay di masisira, cun uala na ang pilotong macapagaalaga; masasabi cayang macasasadsad sa guilid, macapanganganlong sa hangin, at di mababagbag sa laot?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang puring iningat nang aquing pusong daong na marupoc, cun pagtulong tulongang hampasin nang marahas na hangin nang hibo,, paraya, cahit anong bait, cahit anong hinhin, cahit anong ilag ang aquing gamitin, at ipagsangalang cun mapag isa na,abotin nang hina, at aco,, hapoin sa catiyagaan masasabi co cayang dili mababagbag sa laot? di caya isang capangahasan, cun aquing uicain na ang capurihan co at calinisan, ay ma iingatan co rin sa calaguitnaan nang suson susong panganib? isang capangahasan at isang caulolan. caya di pahinohod ang loob co, na aco,, lumagui sa ganitong calagayan. cun ang isang dalaga,, may bait at may nag aalagang magulang, cun may mag banta man nang di matouid, ay di mapanibulos at palibhasa,, ang macacabanga,, dalauang cabaca ang cabaitan nang isang dalaga, at ang alang alang sa magulang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nguni cun maulila na, ang cabaitang ito na parang isang cutang tangolan nang puri nang isang virgen, cun mapag isa na,, uala nang magtangol, di caya pagpahamacang lusobin nang pangahas na loob? cun magca gayon na,, ang carupucan nang bata cong loob ay macaaasa cayang macapagtatagumpay? cun pagdili dilihin co naman, na ang matrimonio,, mabigat pasanin, lalo,, ang tatamaan ay di co macacasundo, at iba ang asal, iba ang uani, salat sa cabaitan at ualang cabanalan, iba ang loob, ang dalauang puso ay di matatalian nang isang pagibig, ay capilitang malayo sa amin ang pagcacasundo. cun ang manga bagay na ito,, aquing pagdili dilihin, ay nagaalangan aco, natatacot tumangap nang isang mabigat na pasan, na hindi co masabi na macacayanang dalhin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa lagay na ito, na nagaalangan ang aquing loob sa dalauang estado: pinag titimbang timbang ang panganib at caguinhauahan nang isang dalaga; ang pagca ayo sa panganib, ang cabigatan at cahirapan nang isang may asaua, ay nagugulo ang aquing isip, nagaagam agam ang loob, at hinahandulong aco nang malaquing saquit. sa ualang matutuhang gauin, ay itingala co ang mata sa langit, at palibhasa,, diyan co inaasahan na magmumula ang tulong sa aquin. ipinahayag co sa dios, ang dinaramdam cong capighatian at aquing sinaysay yaong pinala nging bigcas nang profeta: aco,, turoan mo panginoon cong sumunod sa iyong mahal na calooban, at palibhasa,, icao ang dios co. ang manga mata co,, para nang alipin na bibitin bitin sa panginoon hihintay hintay at di inaalis hangang sa di caauaan. ang dios na dinadaingan co, sa toui touing daratnan aco nang saquit, si guinoong santa maria na tinatauag cong ina, ay naaua,, nahabag sa aquing manga panalangin, hindi nalao,, hinango aco sa hirap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"isang gabing tahimic, na bagong natapos acong nagpuri sa dios, ay nilapitan aco ni ina,, may ipinahayag. icao, feliza, ay na sa capanahonan na sucat ipagisip, na lumagay sa estado. ang tauo ay di lagui sa mundo, buhay maicli at may catapusan caya ang iniisip co,, ang sa haharapin. minamahal cata, bunto at di co; datapoua,, lalong minamahal co ang capanatagan mo. cun dumating sa aquin ang oras nang camatayan, at maiuan quita sa calagayan iyan, ay maguiguing tinic na sa aquing puso,, magbibigay saquit, sa pagaalaalang quita,, maiiuan sa madlang panganib, lalo,, cun ulila ca na sa ama,, sa ina. sa madlang baguntauo, na nangingibig sa iyo,, isa ang napili nang ama mo, at gayon din naman aco. isang baguntauo na anac guinoo, maganda ang quias, asal ay mahinhin, may loob sa dios, may iquinacacaya, asal ay tahimic, malayo pagaauay, ualang nota sa bayan, ang pangala,, amadeo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang baguntauong ito,, ang maacala cong macacabagay mo, at maguiguing casing isa mo sa palad: pagtaga ni ina nang caniyang salita ay natalastas co ang tinutungo, nguni hindi co sinagot hangang di natapos, at niniisip co naman ang itutugon co. nang siya,, tumahimic na, ay ualang naisagot aco, cun di ang salamat, ina, sa pagcacalinga sa aquin sa maganda mong nasang aco,, mapalaga'sa capanatagan, sa panahong haharapin. nguni ang hingi co ina,, pamanhic sa iyo,, aco ay bigyan nang caonting panahon naipagisip. aquing natatanto, ina, na ang matalas mong bait, ay nadarayaan, di ang cagandahan, di ang pagca guinoo, di ang munting ari ni amadeo, cun di ang maganda niyang asal, ang nacahicayat sa iyo, na ibigay sa aquing esposo, nguni hintay muna, ina, at magmamasid acong manga ilang arao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun maquilala co na ang caniyang pagibig ay di paimbabao, asal niya,, asal co ay nagcaca isa, ang magugulang niya,, manga capatid ay macacasundo co, ay asahan mo, ina, na aco ay caniya, nguni cun sa caniyang familia, ay may ipipintas ang tauo sa bayan, at ang capintasang ito ay icasisira nang ating puri, ay ipahintulot mo, ina, na di co ipayag sa caniya ang aquing puso, at inaasahang co naman na ang sagot cong hindi ay di mo icapopoot. sa sagot cong ito,, nangiti si ina, at aco,, niyacap na pinacahigpit, at ang ipinacli: sa ilan nang arao na ninanasa cong magpahayag sa iyo, ay nahuhulaan co na ang isasagot mo. salamat feliza, sa dios, sa masonoring loob na ipinagcaloob sa iyo, salamat sa pagsunod mo sa calooban nang magulang. salamat sa cabaitan mo. sa isang masonoring anac, ay ualang sucat na asahan ang ina, na para nang sagot na iyan, na bulong sa iyo nang iningat mong bait.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"di co masaysay, urbana, sa iyo ang quinamtang toua ni ina,, sampong aco naman: aco,, niyacap na muli, saca ang canan co ay pinacahigpit na hinauacan nang dalauang camay, ay bago uinica: matulog ca na, bunso, bucas ay mulan mo nang isanguni sa dios sa iyong manga panalangin, idalangin mo cay guinoong santa maria, na icao at aco,, tulungang ipagcaloob na matuloy ang ating magandang banta, cun maayon sa santong calooban niya, at igagaling nang iyong caloloua; at cun hindi naman, ay bigyan tayo nang daan na icasasansala. nang quinabucasan, urbana, ay naquita cong nasoc sa pintoan nang ating bacuran si amadeo. adios, urbana, hangang sa isang sulat. si feliza cay urbana .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa sulat na sinundan nito ay aquing sinaysay sa iyo na maquita co si amadeo, sulat co,, napatid, at dinguin ang cadahilanan: ang dibdib co,, nagtatahip; ang puso,, nabibigatan nang isang caramdamang di nararanasan magpacailan man; ang camay co,, nanginginig, ang pluma,, nalalaglag sa daliri; sa mata co,, nangingilid at bibitin bitin ang camunting luha, at sa catapusang matitic sa sulat ang ngalang amadeo pluma,, nabitiua,, pumatac ang tubig na bumasa sa sulat. ngayon co ipatuloy ang sulat iyon. nang si amadeo ay maquita cong na sa pintoan nang ating bahay, ay natilihan aco, loob co,, napindang at naualan nang diua. isang baguntauo, na ang quias at tindig nang pangangatauan, ay timbang na timbang, quilos ay mabini, mahinhin ang asal, sa caniyang muc ha,, cahit di maquita ang nacasisilao na cagandahan, nguni nagniningning ang cabaitan, ang malubay at maamong loob na iniingatan, ang mata,, maamo,, ang binibitiuan ay may hiyang titig, na di napangahasang itapon sa aquin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nauumid siya,, mata,, nangungusap, at acong nacaharap naman ay gayon di,, tiboc nang puso co ay labis nang tunog, na aco,, nagdalang tacot, na baca marinig. sa aquing mapansin ang calagayang iyon, bait co,, nangusap, nagdamdam nang hiya: sa malaquing hiya,, aco,, napaalis na biglang di co na nagamit ang galang sa pagpapa alam. nang aco,, maligpit na sa silid, ay naramdaman cong napaui ang catahimicang cacambal nang cabataan co, at ang humalili,, isang caligaligan na dinaramdam co,, dili co masaysay. ibig co dising umalis sa silid na quinalalagyan co,, aco,, paquita uli, at huminging tauad, sa di co pagpapa alam, nguni nacarinig aco sa dibdib co nang isang matunog na voces, na sumansala, sa aquin, at nangusap: na ang gauang iyo,, bulong nang licong pagibig, at saui sa cabaitan nang isang dalaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"titindig na aco,, napa upo uli nacapaghunos dili at na ala ala co yaong auit ni david: aco,, nagsacdal sa aquing panginoon nang pagusiguin aco nang saquit, ay quinalugdan dinguin ang caraingan co. itong santong auit nang may dusang profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa quinaloloclocan, biglang naniclohod sa ating panginoong napapaco sa cruz, nanalangin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam nang puso co ay aquing sinaysay: isilay mo, dios co, ang caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,, abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain: siya,, nagahis co rin. nang matapos acong macapanalangin, sumigla ang puso, nagdamdam nang catapangan, aquing uiuica; iilag na aco sa panganib na macasisira nang calinisan co; at naalaala co yaong uica ni san pablo; sa tucsong laban sa calinisan, ang douag ang nagtatagumpay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"gayon man urbana,, hindi rin mangyari cun di ang sangunian cata. hintay ang casagutan mo nitong iyong capatid na na nagmamahal sa iyo. si urbana cay feliza. tinangap co ang dalaua mong sulat ang isa ay fecha ang icalaua,, capoua dito sa lumalacad na buan; ay natanto co ang dilang cabutihan ni amadeo, ang catapangan mong lumaban sa isang mahigpit na cahingian nang puso ang pagsasacdal mo sa langit sa panahon nang panganib ang pagtatagumpay nang cabaitan mo, at ang dilang cahingian mo sa aquin. ngayo,, ang sagot co sa iyo,, magpasalamat ca sa dios, at ang tularan mo,, yaong mapalad na haring nagsaysay: magpupuri aco sa dios, sa toui toui na: at ang pagpupuri ay di co huhumpayan. nagsacdal aco sa panginoon co,, quinalugdang dinguin ang aquing dalangin: at sa caralitaang dumating sa aquin, ay iniadya aco.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"icao, feliza,, ipinahintulot nang langit na malagay sa isang panganib, pinabayaang ipaquipagbacat ang sarili mong lacas, dibdib mo,, nalagay sa guitna nang digma,, nagcaalangan sa lamuyot na tucso, at sa hatol nang cabaitan; nguni pagtauag mo,, agad cang dinulog at ang caloloua mong lumagui sa hirap, ay sinaclolohan, inalis sa dusa, biniguian nang lacas at caguinhauahan; tingni, capatid co cun di ang catamisan nang dios, na ibinabalita nang haring profeta ay naranasan mo. hingin mo cay ina, feliza, ang sulat co sa iyo, at diyan mo matatalos ang magandang hatol na hinihingi mo, adios, feliza, hangang sa isang sulat. si urbana cay feliza. ,, isinulat sa aquin ni feliza ang magandang gayac mo po, na siya,, ilagay sa estado, ang pagpapahayag mo sa caniya, ang caniyang casagutan sa iyo, na magmamasid muna,, magiisip isip cun icararapat sa dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ayon sa bagay na ito,, uala acong masabi, cun di ang inyong magandang banta at ang mabait na adhica nang loob ni feliza, ay ipatuloy, sacali,, mapaganinao, na na uucol. humihi ngi naman sa aquin nang manga cahatulang ucol sa caniyang calagayan, isinanguni co sa isang sacerdoteng marunong, ay di minatapat na ipahayag lamang sa aquin nang bibig, cun di ang isulat. ang sulat na iyan, na inyong tatangapin, ay quinapapalamanan nang manga cahatolang aalinsunurin nang isang ina, na may quinacalingang anac na babaye. caya minarapat cong sa inyo,, ipinadala. ang confesor cay urbana . alinsunod sa magandang cahingian sa iyo ni feliza, ay minatapat cong isulat sa inyo ang manga cahatolang laban sa masamang caugaliang naquiquita, na ipinahihintulot nang ina sa anac; at ang matotouid na aral na sinipi ni padre arbiol, sa santong sulat, na nauucol sa manga ina. mumulan cong isaysay ang isang masamang caugalian, na caraniuang naquiquita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun sa bahay nang dalaga ay may pumanhic na baguntauo, cun may iningat na bait ang magulang, ay di dapat ipahintulot na ang anac na dalaga ay gumamit nang bandeja, lalo,, cun di nahaharap ang ama ina, magpanganga sa baguntauo, sapagca,, cun ualang iningat na mahal na asal, ay capilitang bubuhatin ang camay paa, iquiquilos nang masama, lalo,, cun na sa dilim. hindi man pagpahamacan nang gayon, bibig naman ang gagamitin, bibigcas nang sabi; ipahahayag ang na sa loob, na ang caraniuan ay hindi magaling. magsasaysay caya naman nang pagibig. sa pagibig na ito,, ilan na caya baga ang tapat? at sa tapat ma,, sa hindi, di caya nahahaloan nang masamang banta? pacatantoin nang ina, na ang calinisan nang isang dalaga ay parang isang bubog, na cahit di magcalamat, cahit di mabasag, mahingahan lamang ay nadurungisan. may isa pang caugalian na sacdal nang sama at sucat paca ilagan nang manga magulang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pag panhic nang baguntauo, pagcabati sa magulang ay iiuan ang anac na dalaga, pababayaang maquipagusap nang sarili sa baguntauo. cun ang isang dalaga ay naquiquipag usap nang lihim sa baguntauo, saan caya natin maipag hahalimbaua, cundi sa libay na usa, na hinahabol nang aso, na di tutugutan hangang di abutang macagat, at mapatay? cun ang itutugon sa aquin nang isang magulang, ay catiuala ang caniyang loob sa anac niyang dalaga, at naquiquita niyang may iningat na bait, ang masasabi co naman ay di catampatan sa magulang na ilagay sa panganib na mauala ang bait at malugso ang puri nang caniyang anac. ang sucat alalahanin yaong tulang sambitla nang manga binata: ang bato,, sacdal man nang tigas, tubig na malambot ang nacaaagnas. cun ang isang baguntauo, ay naquiquipagharap nang lihim, sa isang dalaga, hindi malayo na mauala ang pitagan tumapang ang loob na magpahayag nang caniyang masamang nasa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa unang pagpapahayag, sa icalaua sa icatlo, cun ang dalaga,, may iningat na puri, hindi malayo na di pa hinuhod sa mas mang lamuyot at maitatangol pa nang catutubong cabaitan. nguni sa icaapat icalima marahil ay hindi na. mahirap nang macapaglaban, at palibhasa,, nararagandan. maipaghahalimbaua sa cahoy na babad man sa tubig, sa apoy capag nalapit, at naragandang sa init, ay capilitang magdiriquit. sa caraniuang paghaharap nang dalaga,, baguntauo, ang catauan ay nagcalapit, nagtatama nang mata,, nagcacaabutan nang sabi; ay at ilan cayang panimdim na laban sa calinisan ang bucal sa isip! ilang masamang banta ang magaling sa puso! ilang bucang bibig ang mabibitiuan! ilang masamang quilos ang magagaua nang binata na pauang panglugso nang puri nang isang dalaga!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun icao, dalaga, ay sasagot sa aquin, na ang puso mo,, gaui sa calinisan, dibdib mo,, matibay na di mababagbag, ang isasagot co sa iyo,, yaong dalauang hatol nang dios espiritu santo, na ualang nagcandong nang apoy na hindi nasunog. ang lumululong sa panganib, ay sa panganib din mapapahamac. oh pabayang ama! oh nagcacamaling ina! caiingat at sa minsang malugso ang puri nang anac ninyong dalaga, ay di na masasauli. pagnagcagayon na,, uala cayong magagaua, cun di itangis ang caniyang casiraan, at ang casiraan nang inyong puri; at ang lalong catacot tacot ay ipagsusulit ninyo sa dios, cayo ang sisisihin at parurusahan, at palibhasa,, cayo ang may casalanan hatol, na sinipi sa santong sulat ni padre arbiol, at ipinangaral sa manga ina. cun icao,, may anac na babaye ay turoan mong matacot sa dios, houag pagpapaquitaan nang ngipin, paca ingatan ang canilang pagca virgen, turoang magmahal sa asal at magpaca hinhin, nang di lapastanganin nang binata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"houag tutulotan, na sa canilang pagtingin, ay mabasa ang cagaslauan at pagca mairoguin. sa mata ang uica nang profeta jeremias, nanasoc ang camatayan nang caloloua, na sumisira sa manga binata. ang anac na talipandas at mapangahas, ay nacapagbibigay hapis sa caaua auang ama, ang uica nang dios espiritu santo. caya pacaingatan, at cun maquitaan nang casiraan, ay hangang bago,, bigyan agad nang cagamutan, sa pagca cun lumala, ay uala nang magagaua. sundin yaong magandang hatol sa magulang na ualang di nacatatalastas: ang cahoy na lico at buctot hutuquin hangang malambut pag lumaqui na at tumayog, mahirap na ang paghutoc. pacaalagaan nang ina ang caniyang anac, tingnan ang canilang manga quilos, nang maquilala ang lico at buctot, at cun sumasama. itong santong hatol nang dios espiritu santo, ay alinsunorin at nang di mamali: binigyan nang dios ang tauo, nang tainga,, nang ipaquinig, mata at nang itingin .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa pagbabago nang muc ha nang babaye, naquiquilala ang caniyang casamaan, caya hindi carampatang calingatan, sapagca ang casiraan nang anac na babaye, ay casiraan nang ina. houag tulutang mamintanang palagui, sapagca,, ang dalagang namimintana, ay caparis nang isang buig nang uvas, na bibitin bitin sa sanga sa tabi nang daan, na nagaanyayang papitas sa sino mang macaibig. nang houag mamihasa sa pamimintana, ay bigyan nang ina nang gagauin, turoang mamahala sa bahay, at nang di na pagaralan cun dumating ang capanahonan. ito,, catungculan nang magulang na ituro sa anac; at gayon ang bilin sa santong sulat . sapagca,, sa isang babaye, nangagaling ang masama magandang capalaran nang pamamahay. houag tutulotan na ang dalaga ay lumacad sa daang nag iisa utusan caya sa oras na di catampatan, magpacial caya nang ualang casama, at nang di pagcaraanan nang capahamacan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun si dina na anac ni jacob, ay di nagpacial na nanagiisa, ay di disin hinamac ni siquem, na anac nang principe hemor, na inilugso ang caniyang pagca virgen. cun magcagayo,, laquing dalamhati nang isang magulang, at palibhasa,, casiraan nang puri nila at nang boong cahinlugan. at cun magcabihira,, mula nang pagaauay at pagpapatayan, para nang nangyari sa manga anac ni jacob at anac ni hemor. minsa,, naisipan ni dina, na manaog, at ang nasa,, manood nang babayeng tubo sa lupa ni canaan na caniyang tinatahanan. sa pagpapacial niya sa lupang iyon, ay naquita ni siquem, nalugod at nagdamdam nang malaquing pagibig, hindi nacalaban sa lihis na nasa, inagao si dina, itinanan at sinira ang caniyang pagca virgen. nang magca gayon na,, ualang pagcasiahan ang capighatian nitong napahamac na dalaga. sa malaquing pag ibig ni siquem, ay hinihiling sa caniyang ama na siya,, ipacasal cay dina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa cahingian nang anac, ay napahinuhod ang ama, siyang namanhic cay jacob, na ang anac niyang si dina ay ipacasal cay siquem. nang nagsasalitaan ang dalauang magulang, ay narinig nang manga anac ni jacob, natanto ang nangyari cay dina, galit ay di hamac, nagbantang maghiganti, nguni di ipinahalata ang canilang masamang nasa. sa cahingian ni hemor ay hindi napahinuhod ang manga anac ni jacob, hangang di sila nangaco na maquiquiugali sa canila, na susunod sa ley nang circuncision na utos nang dios sa manga hebreo. palibasa,, daquila ang pagibig ni siquem cay dina, ay tinupad agad ang pangaco. at di lamang siya, cun di lahat nang lalaquing siquimitas na canilang nasasacopan, ay pinagutusang sumunod. nang may icatlong arao na sila,, nasasaquitan ay linooban nang dalauang anac ni jacob na si simeon at ni levi ang ciudad nang siquem, casama ang canilang manga lingcod at pinagpapatay ang lahat nang lalaqui na ipinaquiramay si siquem at ni hemor, at quinuha si dina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nang macaalis na sa ciudad si simeon at ni levi, siya namang pumasoc at lumoob ang ibang manga anac ni jacob. sinamsam ang manga obejas, baca at asnos nang siquimitas, at dinalang bihag ang manga babaye sampo nang manga bata. !laquing capahamacan ang naguing bunga nang pagpapacial na nagiisa ni dinang quinapos sa palad! nasira ang caniyang pagca virgen, hiyas nang isang dalaga, napahamac ang puri nang caniyang magulang at nagca utang nang maraming buhay ang caniyang manga capatid. cun si eva disin ay, di nagiisang nanood nang halaman sa paraiso, di sana pinangahasang tinucso nang demonio cun pinangahasan man ay may isang esposo na macasasansala. cun sa isang anac na dalaga, may manunuyo, ay matacot ang ina ama na sila ay paglingcoran nang baguntao, sapagca,, cun magca gayon, ay macaquiquita nang daan na titira na tanghali sa gabi, sa manga oras na iyan ay macailang cayang magtama nang mata, macailang magsasarilinan nang salitaan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pagca nagca gayon na,, daan na nang pagcapahamac; sapagca,, ang pagtitingnan at ang pagnanasa nang masama, ay di nagcacalayo, ang uica ni san gregorio nazianceno ang uica nang dios espiritu santo,, bago dumating ang saquit ay lagyan nang cagamotan: ay saan caya naroon ang bait nang isang ama ina, na nagpapahintulot na sa canilang bahay ay tumira ang isang binata, sapagiimbot nang suyo? di ang cahulugan nito,, sila rin ang cumiquita nang daan at panganib, na icapapahaman nang puri nang canilang anac na dalaga? di naman catampatang magpita nang salapi ang isang magulang sa lalaqui, sapagca,, bucod sa ibinabaual nang superior gobierno at nang senor arzobispo. fr. jose segui, ay itinutulad sa hayop ang canilang anac, na pinagbibili sa lalaqui. di rin naman catampatan, na magparinig na nagcacailangan nang salapi, at nang houag mapaguicaang masaquim. bucod dito naman, ay cun magcaayauan, ay hirap na nang pagsisingilan, at palibhasa,, masaquit ang magbayad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"laquing casiraan nang puri nang isang dalaga, laquing cahihiyan nang isang magulang, cun magca hablahan at paghatolan nang isang justicia. marami pa at madla, urbana, ang masasaysay cong manga cahatolan na dapat alinsunurin nang magulang sa pagaalaga sa anac, nguni at sa pagca,, aco,, lalauig na lubha ay ililiban co na sa ibang sulat ang manga cahatolang ucol sa magasaua. si feliza, ay may iningat na bait na minana sa magulang, umiilag sa panganib, at palibhasa,, naquiquilala ang caniyang carupocan ang rosa nang caniyang pagca virgen ay pinaca aalagaan, quinucubcob nang tinic nang pagpapasaquit, dinidilig nang panalangin, at palibhasa,, natatanto yaong uica ni santa maria magdalena de pazzis, ang calinisan, ay hindi mabubuhay cun di bacuran nang tinic, at di naman mamumulaclac, cundi batbat nang tinic.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"caya uala acong sucat maihatol sa caniya, cun di ang ilagui ang loob sa cabaitan, magpasalamat sa dios at ipinagtangcacal ang caniyang calinisan sa panganib na icasisira, at ang tularan niya,, yaong calolouang nagpasalamat sa dios, at ang saysay: aco,, magpupuring palagui sa iyo, dios cong nagtangcacal sa aquin, at iniadia mo ang calinisan co sa capahamacan. ang manga cahatolang ucol sa paglagay sa estado, ay sa susunod na sulat aquing ilalagay. adios urbana. ang sulat na ito, ina, nitong sacerdoteng hiningan co nang hatol, ay inaasahang co na paquiquinabangan nang maraming ina, at ni feliza naman, ngayong siya,, dalaga pa, at gayon din naman cun siya,, maguing ina. ipagcaloob naua nang langit na mangyari ang iyong magandang nasa cay feliza cun icararapat sa dios. aco po, ina,, humahalic sa iyong camay, gayon din naman cay ama. si urbana cay feliza .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"di hamac ang pagpupuri co sa dios, at pinagcaloobang ca nang matibay na dibdib, na dili nabagbag nang maulit na tucso, na nagbantang sumira nang cabaitan mo; nang timtimang loob na naca pagtiis nang hirap sa paquiquipaglaban. ngayo,, ang hatol co sa iyo,, ang pananatili. nagtagumpay cang minsa,, houag cang malingit, at di ca rin tatahanan. ang buhay nang tauo dito sa ibabao nang lupa, ay palaguing paquiquipagbaca, caya ihanda ang sandata, houag pasuboc, iubos ang lacas, tapangan ang paquiquipag laban, at catatag capag dating nang digma. ang demonio,, cun tumucso sa isang may loob sa dios nang laban sa calinisan, ay di natin sucat na malirip. palibhasa,, diyan naquiquita ang carupucan natin, ay diyan ca naman pagpipilitang ihapay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"daraanin ca muna sa paquiquipag capoua tauo, hihicayating cang maquipagsalitaang palagui sa quinahihinguilan nang loob, ibubulong sa iyo na ualang panganib, saca isusunod ang pagpapalagay nang loob at pagmamahalan, at capag ang puso ay natalian nang masamang pag ibig ay taling casunod na ang masamang gaua. caya ang biling co,, ang ilaban mo sa ganitong tucso,, ang pagilah sa panganib, pagtauag sa dios, pagdating nang oras. at cun sacali ma,, ipahayag mo ang loob mo na si amadeo ay maguing esposo mo, ay houag itulot, sa puso ang maraming pagibig, at ang alalahanin ay santo at malinis ang sacramento santo dios ang may lalang, ang hari nang malilinis na angeles, ang esposo nang manga virgenes: caya tatangapin nang boong calinisan. tangaping malinis at nang di ang sumpa nang dios, cun di ang caniyang bendicion santa ang igauad sa iyong casabay nang sacramento. basahin mo feliza, ang sulat na calampi nito, na ipinadadala sa iyo nang aquing director . isang sacerdote cay urbana .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa sabi mo sa aquin na si feliza ay nagcacailangan nang manga cahatolang ucol sa pagtanggap nang santo sacramento nang matrimonio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa caniya ang manga santong hatol, na sinipi co sa isang libro. dito sinasaysay ang manga bagay na quinacailangan nang magsisipagasaua na ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,, esposa. ang una una,, cailangan, na ang esposo,, esposa,, magcaparis nang uri at caugalian. ang icalaua,, ang pagiibigan. ang icatlo,, ang pagibig ay malagay sa catamtaman. ang icaapat ay ang pagcacatiualaan nang loob. ang icalima,, ang babaye ay houag mapacalubha ang yaman sa lalaqui. ang icaanim, ang edad ay magcaparis. ang icapito, ang cagandahan nang babaye na hahanapin ay caiguihan lamang at huag lumabis. ang icaualo,, capoua mauilihin sa catahimican at mailaguin sa masasamang pagsasayahan. ang icasiyam ay huag maiguin sa sugal na baual at malacas. ang icasampo ay huag maramot at huag naman sambulat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang icalabing isa,, capua banal at may tacot sa dios. ang icalabing dalaua,, masipag at capua caauay nang catamaran. ang icalabing tatlo,, matanguihin sa pagcamamariquit. ang icalabing apat ay loob na timtiman at mapagtiis nang hirap. cun ang lahat nang ito ay taglay nangsisipag asaua ay capilitang magcacasundo, ang uica payo at panununtunan nang magandang capalaran. cailangang magcaparis sa pagca ualang capayapaan, cundi magcagayon. ang uica nang pitong pantas sa atenas: ang babaye ay humanap nang caparis at gayon din ang lalaqui. ang lalaquing nagasaua sa babaeng mahal pa sa caniya ay di esposo asaua cundi alila ang casacapitan at parang humahanap lamang nang caniyang infierno. gayon ang uica ni flutano, huag mong papag samahin sa pagaararo ang baca at asno, ang uica nang dios sa santong sulat, sapagca,, sa di pagcacaparis nang canilang lacas at ugali, ay di naman magcacauasto sa paggaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang icalauang quinacailangan, ay ang pagibig, pagca,, cun may pagibig, ang anomang hirap ay pagcaca isang bathin, at mabigat man sacali,, pinagtutulungan ay mamagaanin. cun may pagibig, anomang masapit ay di maghihiualay. nguni,, cun ualang pagibig, ang munting hirap ay di matitiis, ang uica ni san agustin, at palibhasa,, di nagcacatulong nang pagbabata. ang icatlong cailangan, ay ang pagibig ay houag lumabis, sapagca,, cun lumabis, ay panganib na mahulog sa catacot tacot na panibugho. pag ang alin man sa dalaua ay maguing panibughoin, malingat lamang sa mata nang asaua, ang acala,, naglilo na; lumura lamang sa durungauan, pinagbibintangan na may causap. at ang guinasasapitan ay ang magasaua,, parang na sa infierno. ang naninibugho,, parang, isang verdugo sa panibughoin. gayon din, naghihirap ang ipinaninibugho, sapagca,, nasasactan ang loob sa paglililo na ipinagbibintang sa caniya. caiingat ang magasaua sa panibugho, sapagca,, nagpapamata sa masama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"at cun ang isa,, mapuno na ay niuiuica sa loob na caniyang titiquisin. ang icapat na cailangan ay ang pagpapalagayan nang loob, gayon ang uica nang haring pantas sa babayeng timtiman na pinagcacatiualaan nang puso nang caniyang esposo, nguni nacasisira rin naman ang malabis na pagcacatiuala sa asaua. cun di nagca gayon si samson cay dalila, di disin nahulog siya sa camay nang manga filisteos, di disin napahamac ang caniyang buhay. ang icalimang cailanga,, ang babaye ay houag yumamang lubha sa lalaqui; sapagca,, cun magca gayo,, ang babaye ang maguiguing lalaqui at ang lalaqui ang maguiguing babaye. marami ang napapahamac na pagaasaua, sa pagca hindi esposa cun di pilac ang hinahanap. ang icaanim na cailanga,, ang edad ay magcaparis; sapagca,, cun magcacahiguitan nang malaqui, ay magcacaroon man nang pagibig, marahil ay di lumagui at cung magca gayo,, mauauala ang pagcacasundo, at cun samain pa nang palad ay mararamay pati nang pagtatapat nang loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ayon sa bagay na ito,, marami mang bagay na sucat masaysay ay hindi mangyari, at masisinsay sa calinisan. ang icapitong hinihingi ay ang cagandahan nang babaye ay malagay sa caiguihan sapagca,, cun lumabis, marahil ay di matahimic ang lalaqui sasaguian nang agam agam na sa caramihan nang nalulugod sa caniyang esposa ay baca siya paglilohan. gayon ang sabi nang daquilang sacerdote nang santa iglesia na si san juan crisostomo. ang icaualang cahingia,, ang magasaua,, capua maibiguin sa catahimican, nang di ang lalaqui mangamba sa caligaligan nang babaye at nang di ang babaye caya naman ang maghinala sa lalaqui cun maquitang ualang palagui sa bahay at pagalagala, lalo,, cun palabiro at mapag aglahi. ito,, tagubilin nang isang pantas sa grecia.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,, ang viciong ito ay pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot sa dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang pagcacalinga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio. maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal. may isang babaye na mauilihin sa sugal, na maguing ilang oras man sa laro, ay di naiinip, at palibhasa,, malaqui ang pagcaibig. sa guinayon gayon ay di dinatnan nang saquit. gayon man ay di pinapansin at nagsugal din. isang gabing na uupo siya sa sugalan, caraca raca,, sumuca siya nang dugo, inabot nang camatayan. ang caniyang vicio ay sugal, sugal ang ipinagcasaquit, sugal ang iquinamatay. sucat pang hinuhaan nang maibiguin sa viciong ito. ang icasampuong cahingian, ay capoua hindi masaquim sa salapi at di naman sambulat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang cailangan ay bait na icaquiquilala nang panahong tapat na ipagimpoc, at panahong ipagpapaquita nang magandang loob. ang masaquim sa salapi ay salat sa pagibig sa dios, at malupit sa capua tauo; at ang di marunong magsimpan naman, ay malapit sa paghihirap. ang icalabing isang cahingian ay ang tacot sa dios sapagca,, pinagpapala nang langit. ang uica nang dios espiritu santo,, ang calolouang may tacot sa dios, ay hinahanap at pinacamamahal at pagpapalain naman nang dios. ang dios ang canilang pinananaligan na magtatangcacal sa canila,, ang mata naman nang dios ay parating lingap sa nananalig at umiibig sa caniya. mapalad ang magasauang may tacot sa dios mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa manga anac, mapalad hangang sa ca apu apuhan. ang icalabing dalaua,, ang casipagan. si adan at ni eva ay linalang nang dios at paraisong puspos nang toua ang pinaglagyan sa canila, nguni pinagutosan din na bagbaguin ang lupang iyon, at nang may pagca libangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang babayeng hinahanap at pinupuri nang haring salomon ay ang may iningat na bait, di ang may cagandahan at palibhasa,, madaling lumipas, cun di ang may cabanalan at may cabaitan, na sucat pagcatiualaan nang puso, camahala,, puri nang isang esposo, at dilang cayamanan na sa caniya,, ipinamamahala nang dilang casipagan na di ang quinahihinguila,, ang maghiyas at magpamuti nang labis na di nababagay sa caniyang calagayan cun di ang magca inga sa pamamahay, humanap nang lino at balahibo nang tupa na hinahabi,, itinatalaga sa esposo at manga casambahay, dili cumain nang tinapay na di pinagpaguran; ang babaeng itong caguilaguilalas na naghihiyas nang puri at cabaitan at dilang cabutihan na sucat taglayin nang esposa at ina ay pinanguilalasan nitong pantas na hari at nauica na ualang caparis sa lahat nang babayeng anac sa jerusalem.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang babayeng ito ay parang corona nang esposo, at palibhasa,, iquinararangal sa bayan at parang camahalang taglay nang caniyang pangalan na iquinatataas nang caniyang puri sa guitna nang caguinoohan. ang ganitong esposo ay capilitan mamahalin nang caniyang esposo at cabubuhosan nang boong pagibig pamimintuho,, paggalang nang caniyang manga anac, at capalad palaran ang ibabansag sa canilang ina. caya sa panguiguilalas nang haring salomon, ay ipinagtatanong cung sino ang maca quiquita nang isang babayeng timtiman, na ang camahalan ay higuit sa camahalan nang lahat nang cayamanan sa mundo: mapalad, ang uica nang dios espirito santo, ang lalaqui na may asauang banal. mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa canilang pagaanac, mahal hangang sa caapuapuhan. nguni ang capalarang ito sa caraniuan, ay di ipinagcacaloob nang langit, cun di sa lalaquing may iningat na cabanalan. caya ang babaye,, lalaqui, magcaca asaua, ay dapat capoua magtaglay nang casipagan, cabaitan at cabanalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa catagang uica,, magsising isa magandang asal at nang magsising isa naman sa magandang palad. ang icalabing tatlo, ay houag maibiguin sa malabis na pagmamariquit. ang isang dalaga na nagnanasang magasaua, ay nauucol na magdamit nang mabuti at malinis, nguni itutuntong sa guhitt, sapagca paglumabis, ay maooui sa caparangalan at pagpapa ibig. bucod dito nama,, ang isang dalagang butihin ay sucat catacutan nang baguntauo, sapagca,, ang uica ni san basilio, ay cahit ang pilac ay maparis sa agos na pumapanhic sa bahay, ay madaling mauhos nang babayeng butihin, at sucat icapahamac nang isang lalaqui. si salomon ay hari na mayaman at marunong, minamahal nang bayan nang siya,, bagong maghari. nguni nang ang caniyang puso ay mabihag at alipinin nang manga babayeng butihin sa caniyang palacio, ay nabighaning sumamba sa manga idolo, sa pagbibigay loob. ano pa ang nangyari?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"quinapootan nang bayan, dahil sa napilitang pinasaquitan ang caniyang caharian nang matataas na buis, at nang masunod ang masasamang cahingian nang mapagmariquit na manga babaye na inaalagaan. sa lalaqui di ucol din naman ang magmariquit nang labis sa caniyang catauan at sa pamamahay; sapagca,ipaghihirap nang asaua,, anac. ang icalabing apat na cahingian ay ang babaye ay tahimic at matiisin. ang mundo ay bayan nang dalita, na may hirap na titiisin sa magulang, may asaua,, sa anac at dilang casambahay. cun ang babaye ay ualang loob na timtiman, na ipagtitiis nang hirap, ay ualang caguinhauahang cacamtan sa pagaasaua. sapagca,, di matutong magpuno sa pamamahay, at di maca sundo nang caniyang esposo. may manga babaye na cun titingnan ay naca guiguilio, at masaya ang muc ha, at sa paquiquipagcapoua tauo ay cagandahang loob ang ipinaquiquita, nguni sa munting, masira ang caibigan, ay ipinahahalata agad ang tinagong casaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang mata,, nanlilisic, ang ingay nang bibig ay para nang sa campana, ang tinacap tacap ay parang manoc na putaquin, sa bibig ay nananambulat ang tungayao na anaqui,, apoy sa himpapauid: ang manga babayeng ito,, saan caya natin maipaghahalimbaua, cundi sa putacti na masaquit sumiguid, sa manga olopong na may tinagong camandag na talaga sa apoy sa infierno. gayon ang uica nang ating. : oh lahi nang ahas at manga olopong! papaano cayang macaliligtas cayo sa apoy sa infierno sa galit nang dios, na nagbabalang magparusa sa inyo? pang hinuhahan nang manga babaye ang parusang ibinibigay nang dios sa isang babayeng palatungayao sa cataluna, na sinalita nang senor obispo. antonio claret. may narinig, aniya aco, na isang babaye na nagtutungayao, ay pinangaralan co. sa pangangaral co, tumahimic na saglit, nguni nang malayo aco,, umulit na naman. dito,, catacot tacot ang nangyaring parusa nang dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"namaga ang dila nang labis, na di macasiya sa bibig, nanginginig, at humihingal na tila malalagot ang hininga. may tumauag sa aquin at nang mapa compisalan co, itong caaua auang babaye; nguni, oh masamang capalaran! hindi na nacapangusap, at di co naman naquitaan nang tandang pagcacaquilanlan nang caniyang pagsisisi. ito, urbana, ang nacayanan nong sinipi sa manga casulatan na manga santong hatol, na ucol cay feliza, sa iguinagayac nang loob na pagtangap nang santo estado. paquinabangan na na niya. adios, urbana . cun icao, feliza, ay macapagtitiis nang hirap, macayayacap sa mabigat na cruz na pinapasan nang isang babayeng may asaua: uica co sa iyo,, tangapin mo itong mabigat na pasan. cun ang lahat na cabutiha,, cabanalang hiyas nang isang babayeng timtiman na hinahanap ni salomon at pinupuri nang dios espiritu santo, ay di mo man iniingatan at nasusunod, ay pagsasaquitan mong sundin: uica co sa iyo,, tangapin ang santo sacramento nang matrimonio.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun si amadeo,, may iningat na bait, may tacot sa dios, na para nang sabi mo, macapagbibigay sa iyo nang magandang halimbaua; cun icao,, marapa ay maibabangon ca: cun mapasinsay ca sa daang matouid ay maipapatnugot ca: cun inaacala mo na matimpi ang loob na maca pagtitiis nang taglay na hirap niyang mabigat na estado; cun nararamdaman mo na marunong magparaan nang mumunting casiraan at capintasan, na pilit maquiquita sa isang esposa, at palibhasa,, babaye; cun naquiquilala mo, na ang caniyang ugali ay dili malupit cundi mabanayad at ang casiraan at capintasang taglay, palibhasa,, tauo ay mapararaan mo: paganhing saysayin, cun nahahalata mo na cayong dalaua,; maca pagtitiisan, at ang mabigat na cruz, na cun sarilining pasanin ay di macacayanan, at cun pagtulungan ay mamagaanin: hatol co sa iyo ay ipahinuhod cay ina ang calooban mo sa caniyang calooban na si amadeo,, maguing esposo mo. caya ang mabuti ay magmasid muna at magtanong tanong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"feliza ang dios naua,, si guinoong santa maria, ang tumulong sa iyo. adios, hangang sa isang sulat. si feliza cay urbana . basahin mo ang sulat nang isa cong caibigan na casama nito. nabalitaang co na siya,, caquilala at capit bahay ni amadeo, caya siya ang pinagtanongan co, cun sa caasalang naquiquita niya sa baguntauong ito, ay maihahatol niya sa aquin na ipahinuhod co ang aquing loob, na maguing esposo co. isang caibigan ni feliza sa cahingian mo na saysayin co sa iyo ang caasalan ni amadeo, di mo man sinabi ang puno,, cadahilanan, ay nahulaan co ang laman nang puso mo. dinguin mo ang aquing salita: ang bilang nang panahon nang pagca tauo ni amadeo ay labis nang dalaua sa edad mo ngayon na labing anim. natanto mo na siya ay tubo sa liping guinoo; ang magulang niya,, magulang co naman ay magcacaibigan, caya ang canilang pagcacaquilala at pagcacasundo ay aming minana naman ni amadeo, na aquing capoua bata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"di mamacailang nacacasabay co nang cami,, musmos pa sa pagsisimba, at pagpa sa escuela, caya ang madalas ay na pagtatanongan co nang di co narurunungan sa lecciong ibinigay sa aquin nang maestra. ang caniyang cabaitang cacambal nang pagca bata, ay di tinalicdan, cun di pinaibayuhan, ngayong lumaqui na. loob ay matipid, marunong maquiramdam sa capoua bata; hindi naquiquipag ibigan cahima,, cangino, cun di sa naquiquilalang may tacot sa dios: dinguin mo ang sinasalita niya sa aquin na napahamac na bata, dahil sa maling pagiibigan, na caniyang nabasa sa isang libro ni san alfonso de legorio. may isang batang may loob sa dios, mauilihin sa pagcocompisal at paquiquinabang, na sinabi nang caniyang confesor na di nagcasala nang daquila, mula nang magca loob. isang arao na siya,, naglilibang, nacatagpo nang isang masamang bata, na nacasira nang caniyang cabanalan. ualang malay malay sa pagcacasala, ay tinuruan nang paraan nang malupit na bata, sa paggaua nang masama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nang siya,, maoui sa caniyang bahay, dumating ang gabi,, guinaua ang natutuhang casalanan. oh di sucat malirip na justicia nang dios! nang gabi ring iyon ay dinatnan nang camatayan sa pagcacatulog. nang quinabucasang maquita nang ina,, patay ang anac, ay ualang pagcasiyahan nang calumbayan, dahil sa pagcamatay na bigla, at di pagcacompisal nang caniyang anac. ipinatauag na madali ang confesor, at ipinahayag ang caniyang agam agam. ang sagot nang confesor, ay huag ca, aniyang manganib, at ang anac mo ay di nagcasala cailan man nang daquila; gayon man aniya,, ipaghahaing co siya sa dios nang santo sacrificio nang misa, upan ding macacauas siya sa hirap sa purgatorio cun doo,, may pinagdurusahan. lumacad nang madali sa sacristia ang sacerdote, at gumayac, sa pagmimisa. nang siya,, pasa sa altar na, ay nacaramdam na sa caniyang licoran ay may humahauac sa casulla,, ayao siyang palacarin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nang caniyang lingonin, ang naquita ay isang caquilaquilabot na anino, na anyong tauo na nangusap; huag mo aniya, acong ipagmisa, at aco,, nagdurusa sa infierno. sa uicang ito,, sabihin ang pagcamaang nang sacerdote. di baga, aniya, ang sabi mo sa aquin nang icao buhay pa,, di ca nacagaua nang casalanang daquila? oo, ang sagot nang caloloua, hangang sa cahapong aco,, tinuruan nang masama. capagca gaua co nang casalanan, ay tinambingan aco agad nang parusa. ito ang dahilan, feliza, nang pagilag ni amadeo sa masamang pagiibigan, caya malayong malayo, at ilag na ilag sa manga batang hilig sa calupaan. di naquiquipagpulong sa manga lansangan at sa pagiinoman. sa umaga, bago patungo pa gagauin, ay nagsisimba muna at ang sinusunod yaong hatol nang ating. sa santo evangelio. hanapin muna ninyo ang caharian nang dios, at ang lahat ay maquiquita ninyo. capagcatapos, ay napatutungo sa caniyang sasahan, pinaquiquialaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun macaquita nang asusucal nang loob sa manga upahan, ay di maca bitiu nang uicang di matuid, di nanampalasan at di linilimot na ang panginoon at alila, ay iisa rin sa mata nang dios. cun nagsasaca nang caniyang buquid, cahima,, ang hayop ay dili matumpac, nang paggaua, at naglilibang libang, caraca raca,, hahanap nang lihim na lugar, nagpapasi pacial, ang mata ay sa lupa,, hindi nangungusap. cun maquita cong gayon, ay naalaala co si isaac, na naquita ni reveca, na nagpapasial sa cabuquiran at nagdidili dili. cun naquiqui umpoc sa manga binata si amadeo,, nacangiti lamang dili mapanulos na maquipaghambogan, di naman pulaan yaong manga baguntauong nangagcacamali, diyan ipinaquiquita ang caniyang carunungan na maquipagcapoua tauo, na pinagaralan sa magulang. cun may magpahamac na baguntauo, na maguica sa caniya na nagbabanalbanalan, dahilan sa naquiquitang cabaitan, at malimit na pagpasoc sa simbahan, ay di mabuyong magalit, sumagot man ay banayad, di magdalang poot sa carohaguinan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ay at tila naquiquita co yaong mabait na baguntauong nangusap: aco,, isang baguntauo na inaaglahi at dinudouahagui, gayon ma,, ang manga utos mo, dios co,, di co rin linilimot. paganhing saysayin dito sinasalita co sa iyo,, matatanto mo ang pagibig sa dios at cabaitan, ang carunungang maquipagcapoua tauo, mapagtiis nang hirap at carouahaguinan sa mundo na tinataglay ni amadeo. aquing nasambit sa iyo na sa tanong mo sa aquin, ay natanto co ang laman nang puso mo. ngayo,, dinguin mo naman yaring ipahahayag co, na di man sagot sa tanong mo, ay ucol na hatol sa nabasa cong puso mo. si isaac ay mabait, mabanayad ang asal; di ipinahintulot ni sara, na caniyang ina, na magasaua sa, manga babaye na taga canaan, na palalo,malupit, cun di cay reveca, na tubo sa caniyang angcan na marunong matacot, mamintuho,, cumilala sa dios. itong guinaua ni sara, sa caniyang anac na lalaqui na sinalita co sa iyo,, nang pagcunan mong uliran, yayamang naquiquitaan mo si amadeo nang cabaita,, cabanalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ingatan ca naua nang dios, feliza, at naghihintay namang pagutusan itong iyong . sa ganitong balita, urbana, nang isa cong caibigang tapat na loob; sa manga pahayag ni ama ni ina at iba pang camaganac natin, ay sinaysay co cay ina, na pumapayag na aco, na si amadeo,, maguing esposo co. di co na sabihin sa iyo ang manga nangyaring ualang cabuluhan, bago cami nacasal. sa arao na ito dumulog cami sa altar, tinangap namin ang santo sacramento nang matrimonio, aco,, nangaco sa harap nang dios at ng sacerdote, gayon din naman si amadeo na aco,, maguing esposa niya, at siya,, maguing esposo co. adios, urbana, at hinihintay co na icao,, sumulat sa aquin. isang sacerdote cay feliza,, cay amadeo . ibinabalita sa aquin ni urbana na tinangap ninyo ang santo sacramento nang matrimonio, at tuloy hinihingi na cayo,, sulatang co, at ipaaninao ang manga santong cahatolang ucol sa bagong estado, na inyong tinangap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pacatandaan na ang sacramentong ito,, daquila, alinsunod cay jesucristo, at sa santa iglesia, alinsunod cay jesucristo sapagca,, calarauan nang caniyang pagca dios at pagca tauo, na nagcacaisa sa isang persona: gayon din daquila, alinsunod sa santa iglesia, sapagca,, calarauan nang pagcacaisa nang lahat nang manga cristianos na isa ang ulong quiniquilala na si jesucristo. mahal ang pinagmulan, sapagca,, lalang, nang dios, at ang dalauang tauo ay naguiguing isa, ang loob ay isa, at palibhasa,, sing isang catauan. sasalitin cong saglit sa inyo ang paglalalang nang dios, nang santo sacramento nang matrimonio. naguisnan ni adan sa paraiso ay maraming hayop na ang lahat may manga caparis. bucod lamang siya, na namumugtong na ualang casama,, catulong sa lugar na iyon na caayaaya. caya pinatulog nang dios si adan, at nang macatulog, ay hinugot ang isang tadyang ay guinauang babaye na ibinigay cay adan. sa pag lalang na ito, ay may isang misterio na naaninao si san agustin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"hindi quinuha nang dios ang babaye sa ulo nang lalaqui; sapagca,di itinalaga na gauing panginoon mag uutos sa lalaqui; hindi quinuha sa paa at nang di iringin at ariing hamac na parang alipin. quinuha sa tadyang sa tapat nang puso, nang pacamahalin at nang ariing isang casama, na cacatulungin sa pagtitiis nang hirap sa buhay na ito. si adang nacatulog at nahimbing nang lalangin si eva, ay calarauan ni jesucristo na dinatnan sa cruz nang tulog na camatayan, at nang mangyaring lalangin ang santa iglesia na icalauang eva. nang si cristo,, patay na sa cruz ay nabucsan ang dibdib at binucalan nang pitong sacramentos, na ipagcacamit nang gracia at casantosan nang santa iglesia, at nang marapat na maguing esposa. caya ang esposo at ang esposa, ay tulad cay jesucristo at sa santa iglesia, na tinatalian nang pag ibig. tinatauag naman na magsing isang catauan, sapagca,ang catauan nila,, di na nasasarili; caya ang adulterio paglililo sa asaua, ay isang casama samaang casalanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"daquilang sala ang sabi nang dios sa genesis; malalim ang tauag nang profeta isaias, caya calaqui laquihan naman ang parusa. dinguin ang nangyari cay faraon. si sara, nang maquita ni faroan ay quinalugdan, at pinagnasaang camtan, at cahit di tanto na esposa ni abraham, ay pinarusahan din nang dios, na iniramay sampo nang manga casambahay. sa manga di binyagan ang casalanang ito ay pinarurusahan nang catacot tacot; at, palibhasa,, inaaring casama samaan. sa manga finedos, ay may ugali na pinupugutan nang ulo gayon din ang manga arabes. nang manga unang panahon, ay sinusunog nang manga sidonios, at nang panahon ni moises ay ipinagutos nang dios na batohin nang bayan hangang sa mamatay. sa egipto,, nang naghahari si sostris, ipinasusunog na buhay ano pa nga,, ang galit nang manga di binyagan sa casalanang ito ay ualang pagcasiyahan na inaaring di na dapat mabuhay sa mundo ang maglilo sa asaua, na ipinapapatay sampo nang casama sa pagcacasala. sa manga romanos, ay destierro ang parusa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ipinagutos naman nang haring constantino na pugutan ang lalaqui at ang babaye ay paloin at culungin sa monasterio. gayon din ang utos nang haring alfonso sabio. sa manga huling panahon ay binago ang parusa, pinapagisa ang babaye,, sa lalaqui na capoua ipinag utos na patain. ang parusa naman nang santa iglesia sa naglilo sa asaua ay excomunion. ang excomunion ay isang parusa nang santa iglesia sa masamang cristiano, na pinagcacaitan nang dilang cagalingan na sa caniya,, napapaquinabang; pipinagcacait ang pagaua at pagtanggap nang manga santos sacramentos; ang santo sacrificio nang misa, ang paquiquipagusap sa capoua cristiano, ang olicio catungculan na caniyang ipinagcasaloob, at cun ang excomulgado ay mamatay na di naquitaan nang pagsisisi, ay di ipinalilibing sa lupang sagrado, at ang babayeng lilo, cun ayao nang tangapin nang lalaqui, ay ipinacuculong sa isang monasterio, at nang doon magsisi sa casalanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"at cun sa manga panahong ito, ang marami sa manga parusang iyon ay di nasusunod, ay ipinababaya na sa dios ang pagpaparusa. lalong catacot tacot cun ang dios ang magparusa; sapagca,, cun patauarin dito, ay itatalaga doon sa isang buhay, at dili bihira na dito at doon ay pinarurusahan. ang palaguing pagaauayan, paghihirap nang pagcabuhay, na saan man ilagay ang camay, ay di magdaang pala, at tila ang hampas nang dios ang siyang namamalas. cun minsan ang lilong lalaqui, ay nagagantihan na pinaglililuhan nang asaua, at cun di man magca gayo,, ang manga anac ang magbabayad, at natutupad ang hatol nang ating panginoong jesucristo: cun ano ang isinucat mo sa iba ay siyang isusucat sa iyo. feliza at amadeo, tanto co ang inyong cabaitan, ang tacot sa dios, at ang pagiibigan, na di pahihinuhod sa paglililo; gayon man, ay minatapat cong itala sa sulat, ang cabigatan nang casalanang ito, nang may pagcaaninauan ang macababasa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ngayo,, isusunod co ang inyong catungculang magpilit na cayo,, magcasundo. icao man, amadeo, ay ulo ni feliza, ay magpaparaya ca, at houag mong iguiguiit na palagui ang iyong capangyarihan, pacundangan sa cayo,, ualang pagauayan. alalahanin mo yaong pangungusap nang sacerdote nang tangapin mo ang santo sacramento nang matrimonio casama at di alipin ang ibibigay co sa iyo. icao naman feliza, ay magpilit na houag magbigay galit sa iyong esposo, at palibhasa,, icao ay nasusucuban nang caniyang capangyarihan. icao amadeo, ay houag macalilimot, na catungculan mo ang maghanap buhay, palibhasa,, ulo ca, na may cautangang magpacain sa esposa at sa maguiguing anac. icao naman feliza, ay may catungculang magimpoc nang maquiquita ni amadeo, at magalaga sa pamamahay: ilagan ang pagmamariquit nang labis, at nang di ninyo ipaghirap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"icao, amadeo, ay houag macalilimot sa gaui mong catahimican, nang di pagcaraanan nang pagcalimot sa dios, at di naman pagcadahilanan na paghinalaang ca ni feliza, na siya,, pinaglililohan mo. icao naman feliza, ay houag manaog nang ualang pahintulot ni amadeo, nang di icao naman ang paghinalaan. cayo naua,, matulad sa jardin halamanang may susi, na ualang macapangahas pumasoc cun di ang may ari; sa batis na naquiquintatan nang calinauan at binubucalan nang malinao na tubig. sa inyong pagsasama, ay houag ihiualay ang calinisan. ang arao at buan, ay nagpapaliguid liguid sa mundo, palaguing nalacad ay di nasinsay sa daang iguinuhit sa canila nang dios. ang manga alon sa dagat, ay sacdal nang bagsic, ang inugong ugong ay parang nagngangalit, nguni pagdating sa guilid ay nangangayupapa, at di lumalampas sa pasigang iguinuhit sa canila nang dios. gayon din ang magasaua, may guhit na dapat tuntunin, hindi lalampasan, at nang di masira ang calinisan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"alalahanin ninyong magasaua na ang dios ay santo, si jesucristo ay santo, ang matrimonio ay santo, caya dapat ninyong pagpilitan na ang pagsasama ninyo,, boong caasalan ay maturang santo. alalahanin ang catungculan ninyong magibigan, at magmahalan. ibiguin mo, amadeo si feliza, at alalahanin mo yaong salita sa genesis, na ang babaye hinango sa tadyang nang lalaqui na tapat sa puso, at nang pagcaquilanlan na liban na lamang sa dios ay ualang iibiguin ang esposo na para nang esposa, at gayon din naman ang esposa sa esposo. alalahanin mo, amadeo, na iniuan mo ang ama mo,, ina, at sumama ca cay feliza, at cayo,, nagca isang catauan, caya sa inyo,, ualang magpapahiualay cun di ang camatayan; sapagca,, ang matrimonio, ay isang taling caloob nang langit na di nacacalag nang tauo. caya dapat cayong magsunuran sa lahat nang bagay na di nalalaban sa utos nang dios. malasin mo, feliza, ang caugalian ni amadeo, at sundin ang caniyang calooban, houag lamang sa di catouiran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"pagaralan mo naman, amadeo na si feliza ay maca sundo mo; at cahit catungculan nang babaye ang sumunod sa lalaqui, ay houag mong piliting masunod na lahat ang caibigan mo, sa pagca,, magpacabait bait man ang lalaqui, ay nacacapagpita sa babaye nang di macayanang sundin. cun maminsan minsan ay di macasunod sa cahingian mo, ay houag tampalasanin, houag pangusapan nang di catouiran, at nang di maquisama sa iyo, na parang natutuntong sa dulo nang sibat. cun si amadeo, feliza, ay patutungo sa simbahan, pasasa buquid caya,, magsasaca, ay ihanda mo ang caniyang babaonin, nang macaquita nang loob sa iyo, at palibhasa nama,, catungculan mo. cun siya,, matapos na gumaua, alamin mo ang oras nang pagoui, ihanda ang pagcain nang may pagcaguinhauahan sa pagod at hirap. cun nagdaan sa init nang arao nagdaramdam caya nang gutom, hindi malayo na maginit ang ulo, paquiramdaman mo, salubungin nang tua at pagibig, nang may pagcalamigan ang loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun maquitaan mo nang galit, ay houag salansangin, at nang di pagtalunan. cun may pangalingan na malayong lugar, ay bago mo tanongin nang ibang bagay, ang itanong mo muna, ay cun nagdaramdam nang cagutuman. cun may darating na malaquing fiesta domingo caya, agapan mong alamin, cun may magagamit na damit ucol sa manga arao na iyon; at sacali uala, ay ihanda. gayon din, cun may punit, agapang buoin, houag hintin ang arao at oras nang pag gamit, at baca ca magahol, mapilitan cang gumaua sa fiestang daquila, di ca macapangilin, at ipagcasala mo sa dios dahil sa di pag gaua sa capanahonan. cun si feliza, amadeo, ay di macasunod sa iyo sa lahat nang bagay at may macaligtaan, ay magparaya ca, ipahayag mo nang sabing banayad, houag gahasain, sapagca,, ang isang babaye, ay uliran man nang cabaitan ay may pagcacaculangan din sa caniyang catungculan sa lalaqui, at palibhasa,, ang babaye ay para rin nang lalaquing anac nang nagcamaling babaye.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun si amadeo, feliza, ay maquitaan mo nang galit, macabitao siya nang masaquit na sabi, ay pagaralan mong tiisin, nang cun maquitaan ca nang magandang halimbaua, ay magaral namang magtiis sa iyo. marami ang babayeng matabil, di marunong mag tiis: ang isang sabi nang asaua, ay sasagotin nang sampo. ano ang quinasasapitan cun minsan nang manga ganitong babaye? ang lalaqui pag nagalit, ay hahauac nang pamalo, at ang sampuong sagot nang babaye, ay gagantihin naman nang sampuong palo nang lalaqui. at dito na nagmumula ang masamang pagsasama, na ang cahalimbaua ay infierno nang pagaauay at pagtutungayauan. icao, feliza, na minamahal cong capatid cay jesucristo, caiingat na cayo,, magca gayon. cun ang isang babaye, ay tumama nang mapusoc na loob at tampalasang lalaqui, ay ualang mabuting gamot, cun di ang pagaralang tiisin, pagpaquitaan nang loob, dagdagan ang pagtauag sa dios at cay guinoong santa maria, at palibhasa,, siya ang nag iingat nang ating puso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"gayon ang gaua ni santa monica cay patricio na caniyang asaua, ni santa marta cay mario, ni santa gregoria cay vitalino, ni santa rita de cacia cay fernando, na sa canilang manga panalangin, ay ipinagcaloob nang dios na nagbago nang loob ang canilang manga asaua. nauucol na basahin ang buhay ni santa rita de cacia, nang may pagcunang uliran ang may asauang babaye. cahiman felisa,, malayong malayo sa cabaitan ni amadeo ang manampalasan sa iyo, ay sinaysay co rin ang manga bagay na ito, nang may pagcaaninauan ang iba. sasalitin co pa sa iyo ang asal na cauili uli nang isang babaye, na naguing comare co nang aco,, bata pa. ang asaua nang babayeng ito ay tamad sa paghahanap buhay, mauilihin sa sugal at manginginom. cun macaquita nang caunting pilac, dadalhin sa sugalan, capag natalo na,, iinom nang alac, ooui sa bahay, at pagcaquita sa asaua ay cagagalitan, at tatampalasanin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa guinayon gayon; sa pagdadalamhati touina nang babaye, at sa casalatan nang pagcain na sumasala sa oras, ay dinatnan nang saquit. ang babayeng ito na cahit casama co sa bahay, at nacacausap co touina minsan man ay hindi co naquitang dumaing sa magulang, sa aquin at sa cangino, pa man. sa maquita cong nangyayayat at cahit sinasayahan ang mucha, ay nahahalata rin ang dinaramdam na dalamhati ay di co natiis at tinanong cong minsan: cumare tila may dinaramdam cang saquit at cadalamhatian cumpare ang sagot sa aquin, cun maminsan minsan, at aco,may, dinaramdam na pighati sa loob, ay uala acong pang gamot, cun di ang calungin co ang anac co, at ulit ulitin cong hagcan . ang sagot na ito,, di na dinugtungang cataga man: aco nama,, nagtindig na sa salitaan, nahambal aco, at ang aquing luha,, nangingilid sa mata oh! babaye na sucat pagcunang uliran nang may manga asaua! cayong magasaua, feliza at amadeo, ay catatauag sa dios na adya sa pagaauay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"feliza, si amadeo cun sacali,, macalilimot sa dios (hoag din nauang itulot nang langit), ay aralan mo nang banayad, cun napopoot ay hoang salansangin, hihintin mo ang oras na natatahimic, malamig ang loob, saca mo pahayagan nang malambot na sabi, at amo amoin na houag mauili sa casalanan, tumauag cay guinoong santa maria sa toui touina, na ihingi niya sa caniyang mahal na anac nang graciang icapagsisi sa casalanan. dinguin mo ang casunod na sinasabi nang beato juan exolto na may isang lalaqui na may asaua na nabuhay sa casalanan, pinangangaralan siyang palagui nang caniyang esposa, palibhasa,, may loob sa dios; nguni hindi maquinyig. sa ualang magaua ay ipinamanhic nang babaye, na yayamang (aniya) na di ca mag bago nang loob, ay magdasal ca man lamang nang isang aba guinong maria sa touing mag daraan ca sa harap nang larauan nitong mahal na ina. sinunod nang lalaqui ang hatol nang babaye.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"isang gabing gumagala, at ang nasa,, ang masunod ang masamang caibigan nang catauan, ay naca tingala nang isang ilao na nag liliuanag sa harap nang isang larauan ni guinoong santa maria, na may calong na nino jesus. capagca quita,, nag dasal nang aba guinoong maria, palibhasa,, pinag caugalian na. sa pagdarasal niya, di caguinsa guinsa,, naquita ang nino, na puno nang sugat at tumutulo ang dugo. sa naquitang ito,, ano caya ang mangyayari sa caaua auang macasalanan? pinasucan nang malaquing tacot, at nang mapag dili dili na ang manga casalanan niya ang sumugat sa canyang panginoon ay nahambal ang puso, tumulo ang luha sa mata, lalo na nang maquita na siya,, tinalicuran nang nino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa uala siyang matutuhang gauin ay nagdasal cay guinoong santa maria at uinica: oh ina nang aua itinatapon aco nang mahal mong anac: ay sino pa ang pagsasacdalan cong pintacasing mahabaguin at macapangyarihan naman, cun di icao lamang na caniyang ina. icao,, aquing reina tulungan mo aco, at ipanalangin mo sa caniya. sinagot ni maria ang tauag na ito, at uinica: ina nang aua ang tauag ninyo sa aquin manga salaring tauo, nguni palagui na ninyo acong guinagauang ina nang hirap; sa pagca,, sinasariua ninyo ang saquit nang aquing anac; at aco,, binibiguiang dusa. nguni sapagca hindi marunong humabag itong maauaing virgen sa nag sasacdal sa caniya, at nangangayupapa sa caniyang harapan, ay humarap sa anac, at inahinging tauad ang natauag na macasalan. gayon ma,, naganyo ring ayao mag patauad ang ating panginoon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sa mag cagayon na,, binitiuan ang caniyang jesus, nag patira pa sa mahal na harapan at uinica: anac co, di aco titindig sa iyong paanan, hangang di mo pinatatauad ang macasalanang ito. ina, ang sagot ni jesus, di aco maca tatangui sa anomang cahingian mo. ibig mo baga ang siya,, patauarin co? yayamang ibig mo,, pacundangan sa aquing pag ibig sa iyo ay pinatatauad co naman. siya ay palapitin mo sa aquin, at hagcan ang aquing manga sugat. tumangis at lumuluhang lumapit naman itong macasalanang tauo, hinagcang pinag isa isa ang manga sugat nang nino, at hangang hinahagcan, ay gumagaling na lahat. nang matapos nang mahagcan, ay niyacap naman siya ni jesus, nang maguing tanda nang capatauaran. dito na minulan ang pag babagong loob nitong naglilo sa asaua, at hangang sa matapos ang caniyang buhay, naninta,, naglingcod cay guinoong santa maria, na caniyang pinag cautangan nang gayong daquilang aua. sa salitang ito, feliza, hangoin mo ang cahatolang ucol sa iyo,, cay amadeo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ingatang cayo nang dios. isang sacerdote cay feliza at cay amadeo . cun ang inyong pag sasama ni amadeo, ay bigyan nang dios nang bunga, ay caiingatan mo,, nang huag masira. ang babayeng nagdadalang tauo ay maramdamin ang catauan, caya dapat itiguil ang pag aayunar, at baca ipag caramdam, at bucod sa rito naman ay di ang sariling catauan, cun di sampu nang sangol na dala sa tiyan, ay nag cacailangan nang pagcain. magpilit, ca namang mag hauac nang loob, umilag sa malaquing cagalitan, at baca mo icapahamac. pag saquitan mo naman, amadeo na houag maca pag bigay dalamhati cay feliza: icao at siya,, catatauag sa dios at cay guinoong santa maria, na ingatan ang buhay nang inyong anac, at nang magcamit nang santo bautismo. arao arao ay tumauag cayo sa angel na catutubo, hingin ninyo na cayo,, hulugan nang magandang tica, iilag sa panganib na icamamatay nang inyong anac: sapagca,, malaquing totoo ang nasa nang demonio na houag maguing cristiano, at nang di maguing campon nang dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"limitan mo, feliza, ang pagcocompisal at paquiquinabang ihingi nang aua ang sarili mong caloloua, at ang maguiguing anac mo, lalong lalo na sa icasiyam na buan, sapagca,, catungculan nang babayeng nag dadalang tauo ang mag compisal sa panahong ito, at palibhasa,, malaqui ang panganib nang nanganganac, lalong lalo na cun nanganganay. cun mag daan cang maloualhati ay mag pasalamat ca sa dios. cun ang inyong anac, amadeo at feliza, ay maguing cristiano na, ulitin ang pag papasalamat sa dios, ihain sa pag lilingcod at pamimintuho sa caniyang camahalan. sa arao, feliza, nan iyong pag sisimba, ihain mo ang anac mo sa dios at cay guinoong santa maria, hingin mong cupcupin na ariing anac, at sambitin mong ulit ulitin itong panalanging hatol ni padre claret: jesus maria, houag mong ipahintulot na aco,, maguing ina nang manga hunghang: cun ang aquing anac ay mapapasama, ay bauian mo na nang buhay, hangang siya,, angelito na ualang casalanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"amadeo,, feliza, ang inyong anac ay anac nang dios sa gracia, caya dapat paca alagaan. cun ang isang hari sa lupa ay mag catiuala sa inyo, na paalagaan ang isa niyang anac, ang iyong pagcacalinga capala pa,, ualang pagcasiahan. ang inyong anac, na anac nang dios at ni guinoong santa maria na pina aalagaan sa inyo, cun di cayo maca tupad nang catungculang ito ay magagayac ang parusa, at cun maca tupad naman ay magandang ganti. cun magca loob na, ay lalong daquila ang catungculan ninyo sa inyong anac: ang pag tuturo nang manga catotohanang icaquiquilala at ipaglilingcod sa dios, ang pagbibigay nang magandang halimbaua, ang pag iingat na siya,, magcasala, ang pag lalagay estado. ang lahat nang ito ay natatala sa manga sulat ni urbana, sa platicas doctrinalas, at sa manga sulat co naman. gayon man sa casunod na sulat, sasaysayin co ang manga cahatolan na dapat alinsunurin nang magulang cun lumaqui na ang canilang anac. pagcallooban naua cayong mag asaua nang dios nang magandang capalaran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"adios, feliza at amadeo. isang sacerdote cay amadeo,, cay feliza . ang catungculan nang magulang sa pag cacalinga sa anac, cun di mamatamisin sa loob at patutulong sa dios, ay mahirap tupdin, at pag di natutuhan ay palaguing ay! ang mabibitiuan nang ama at nang ina. laquing hirap nang ina, na siyam na buang pagdadalang tauo, sa boong panahon nang pag papasuso, at gayon din naman ang ama, sa pagquita nang ipacacain sa asaua,, anac; at lalong mahirap sa pagtuturo sa anac nang manga catotohanang icaquiquilala sa dios, sa pag lalagay sa estado. gayon man, cun ang magulang ay quinacasihan nang gracia nang dios, mabigat man ang catungculan ay macacayanang pasanin. caya catatauag sa dios cayong mag asaua. tinangap ninyo ang santo estado nang matrimonio, cruz ni jesucaito na inyong ipinangacong pasanin, ang daquilang catungculang calangcap, ay di carampatang ariing mabigat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang estadong iyan ay isang daang lalacaran ninyo sa pag tungo sa langit ay di carampatang sinsayan, at pagsininsayan ay di cayo macararating sa linalacbay na caloualhatian. ang baua,, isang hirap na inyong pagdadaanan, ay houag ariing hirap cun di hiyas na niyayari ninyo at ipinamumuti sa corona ni jesucristo, bulaclac na doon sa langit ay inyong daratnan ay siyang ipuputong sa inyo. isa sa inyong manga catungculan ang pag sasaquit, na ang inyung anac ay malagay sa estado pagdating nang capanahonan. cun ang inyong anac ay maca quilala na nang manga catungculan nang pagca cristiano at nang paquiquipag capoua tauo; ang dapat isipin naman ay ang pag lalagay sa estado. maraming magulang ang naquiquita na ualang mapait sa canilang loob, na para nang mag asaua ang canilang manga anac na dalaga, na hangang sa tumanda canilang camatayan ay ayao papagaasauahin. hindi pinag iisip nitong ualang bait na magulang na ipag susulit nila sa dios, ang di nila pagtupad nang catungculang ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"sino caya baga ang magsusulit sa dios nang casalanang na gagaua nang manga anac nilang dalaga? ilang cayang pag iisip na laban sa calinisan, ilang maruming pag iibigan, ilang masamang gaua ang nagagaua nang manga anac nilang dalaga, na uala silang malay malay ay ipagsusulit nila sa dios at sila ang parurusahan? ano ang masasapit nang ganitong manga dalaga? sa caramihan nang nangangasaua, sa calaunan nang panahon ang guinayon gayon, na papahamac ang puri, naguiguing casiraan nang camaganacan, escandalo nang bayan, at ang lalong casaquit saquit ay ang pagca pahamac nang caloloua nitong caaua auang manga dalaga, at ang maraming tauo na nag casala sa masamang halimbauang naquita sa canila. sino caya baga ang sisisihin nang dios sa manga bagay na ito cun di ang masamang magulang? marami rin naman ang naquiquita na bagun tauong nag si sitanda, nag calat sa lansangan, catulad ay cuagong sa gabi ang gala,, ang huni ay calumbay lumbay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"calumbay lumbay anaquin, sapagca,, ang pag aauit sa daan, ay ang manga bucang bibig nang manga binatang ito, ang caramiha,, hinguil sa calupaan at pang patay sa caloloua. sino ang may casalanan na sisisihin nang dios sa gayong asal na calupit lupit? sino cun di ang masamang magulang na nag papabaya na di pinagsisicapang ilagay sa estado ang canilang manga anac pag dating nang capanahonan. ayon sa catungculang ito nang magulan, ay dalauang bagay ang dapat tantoin: ang una,, ang anac dapat pumili nang estado calagayan, na inaacala niyang mapapasan, at ang icalaua,, ang magulang ay dapat mamahala. daquilang bagay ito, na cun pagcamalian, ay dalauang capahamacan hangang sa camatayan ang uica ni padre arbiol. sa manga anac ay may itinatalaga ang dios sa matrimonio, mayroong sacerdocio, at mayroon naman sa pagca dalaga hangang sa camatayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun ang isang anac ay lumagay sa estado na di talaga sa caniya nang dios, ay marahil di niya natupad ang catungculang calangcap, at pag di matupad ay sapilitang icasasama. caya ang carampatan ay malasin nang magulang ang cahinguilan nang anac, at saca ilagay sa estado na caniyang guinahihinguilan. nguni hindi carampatan na ipag dumali, catatauag muna sa dios ang magulang, at nang maquilala cun alin ang estadong ibibigay sa anac, at nang houag mag camali. titingnan anaquin, ang cahinguilan nang anac, at ang tularan ay ang magugulang na taga atenas, na nag mamasid muna sa caugalian nang anac at ibinabagay sa ugali nang anac ang estadong ibinibigay. gaya sa cahariang ito naquita ang manga tauong balita sa carunungan, at ang manga guerrerong bantog sa catapangan, na pinag tac han nang boong mundo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun ang mata nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati, malayo ang loob, ilag ang catauan sa dilang panganib na icasisira nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang. pabayaang mag ingat nang: pagca virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang maputi,, mabangong lirio na quinalulugdan nang esposo. dinguin ang pag pupuri nang manga santos padres sa virginidad. bulaclac nang santa iglesia ang tauag ni san cipriano, hiyas at pamuti nang gracia, larauan nang dios na pinag niningningan nang caniyang casantosan. ang uica ni san ambrosio, ang cabooan ay napailandang sa himpapauid, naquiat sa alapaap, nag sumagui sa manga bitoin, naquiquiit sa manga angeles, nag tuloy sa candungan nang ama, hinango ang verbo nang dios, ipinanaog sa lupa,, pinapag catauan tauo. dito matanto nang manga magulang ang cataasa,, camahalan nang hiyas na pamuti nang anac nilang dalaga; virgen ang ina nang dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"virgen ang santo precursor, virgen ang dibdib nang discipulo at apostol na minamahal sa lahat nang apostoles, quinalugdan hiniligan at pinahayagan nang matataas na misterios, at virgen din naman ang apostol na iniaquiat sa icatlong langit, at nacarinig nang matataas na lihim, na di nararapat ipahayag sa tauo, et audivit arcana verba quoe non licet homini loqui . cor. caya cun ang dalaga,, na sasa mundo ma,, parang na aangat, at ang caniyang puso,, itinalaga cay jesucristo, ay di dapat pilitin nang magulang sa pag tangap nang matrimonio, at nang di nila agauan ang hari nang manga virgenes nang isang esposa niyang virgen. isang virgen, na sa isang daa,, apat na puo,, na libong virgines, casunod sunod ng cordero ay mapapaquibilang at magcacapalad mag siualat sa harap nang trono nang bagong auit na ualang macacasambit, cun di sila lamang na humaharap sa dios, na di nadungisan sa mundo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun ang isasagot sa aquin nang manga magulang totoo,, caaya aya, na ang isang dalaga,, mag ingat nang caniyang pagca virgen, nguni,, cun di rin lamang liligpit sa isang beaterio monasterio, ay malaqui ang panganib na mapahamac, cun mabubuhay rin lamang sa guitna nang mundo. sa sagot na ito,, ang itutulot co,, cun sila,, itinatalaga nang dios sa estadong iyan, ay matututo silang umilag sa panganib na icapapahamac, tuturoan nang paraang icapag iingat nang calinisan, at cun canilang pagpilitan ay di naman ipagcacait nang dios ang caniyang gracia. si santa lucia virgen, santa filomena, santa ursula at libo libong virgenes na casama niya, ay sa mundo na buhay, ay naca pag ingat at nang pumanao sa mundo ay taglay ang lirio nang canilang pagca virgen, na inihandog sa virgeng esposo. cun ang dalaga,, may tacot sa dios at napa aampon, ay di mapapahamac; at pag dating nang tucso ay iingatan siya nang dios at ipag tatangol sa casamaan. dinguin ang nangyari sa isang mapalad na virgen.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ipinangaco ni santa cecilia romana sa dios na di niya sisirain ang canyang pagca virgen; nguni,, ipinacasal nang ama sa isang baguntauong di binyagan, cahit mapait sa loob nitong santa, pag dating nang gabi, nangusap cay valeriano na esposo niya: aco valeriano,, ipinagtatangquilic nang isang angel at siyang nag iingat nang aquing pagca virgen, caya houag mo acong pag pahamacan nang di ca capootan nang dios. sa uicang ito,, di naca pangusap si valeriano at nag saysay na siya,, sasampalataya cay jesucristo cun maquita niya ang angel. ang sagot ni santa cecilia ay di mo maquiquita, cun di ca mag binyag. sa malaquing nasa ni valeriano na maquita ang angel, na pabinyag cay san urbano papa. nang maguing binyagan na,, mag sauli cay santa cecilia, ay naquitang nananalangin na casama,, isang angel, nag niningning at nag liliuanag, sabihin ang tacot ni valeriano nang maquita ang angel, na tapon ang nasang sisirain ang pagca virgen ni santa cecilia.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"tinauag si tiburcio na caniyang capatid, (si san urbano rin ang nagbinyag cay tiburcio) at pinapanood sa cauili uling angel. at hangang silang tatlo ay pumanao sa mundo at nangaguing martir ay di rin nasira ang pagca virgen ni santa cecilia. dito maquiquita nang manga magulang ang tanging pag tatangquilic nang dios sa manga virgenes, na cahit ano mang masapit ay caniyang ipag tatangcal, cun sa caniya tumatauag at nananalig. caya cun ang anac nilang dalaga ay naquiquitang may bait, maibiguin sa calinisan, mababang loob, may tacot sa dios, at ang caniyang pagca virgen ay ina alagaan na parang lirio na binacod nang tinic, nang pag papasaquit sa catauan, nang pananalangin nang palaguing pagligpit sa silid at pag ilag sa panganib, ay di dapat pilitin sa pag aasaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang carampatang gauin ay ang perla santa, ang mariquit na margarita, ang ualang casinghalagang hiyas nang anac na dalaga ay pag pilitang ingatan nang magulang, at palibhasa,, talaga sa lalong camahal mahalan at cariquit diquitang esposo. dinguin nang ama at uliniguin nang ina ang uica nang ating panginoong jesucristo sa santo evangelio: ang santong bagay, ay houag ninyong ibigay sa aso, at houag ninyong ihain ang inyong perlas sa harapan nang babuy. ang cahulugan ay di dapat ibigay sa hamac na tauo ang cayamanang talaga sa dios. nguni cun ang caasalan nang anac na dalaga ay di na uucol sa isang virgen, cun ang mata,, di mahinhin, na para nang sa calapati, cun di para nang sa lauin na sadyang talas sa pag hanap nang patay na hayop, cahit mag sabi sa magulang na aayao mag asaua, ay houag paniualaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"si job ay santo may tacot sa dios, malayo ang loob sa pag cacasala, at ang dios ang nag saysay na ualang caparis sa balat nang lupa; ay ang tauong itong uliran sa cabanalan ang nag saysay nanaquipag tipan sa caniyang manga mata, na di itititig sa dalaga dahil sa malaquing tacot na siya,, mahulog sa calupaan, cun ito,, santo na,, gayon ang pahayag ang babaye pa caya bagang daquila ang carupucan ang maca pag sasabi na di mapapahamac sa palaguing paquiquipag olayao sa lalaqui? ang carampata,, sauatain, at ipili nang isang esposong maca aacay sa magaling. cun ang anac na dalaga ay ualang tinagong hinhin, malapit ang catauan sa baguntauo, cahit ang sabihin sa magulang ay uala sa caniyang loob ang cahalayan, ay houag pabayaang masunod ang masamang caasalan. gayon din naman, cun mauilihin sa paquiquipag uriraan sa lalaqui, ang hipoin man sa camay ay di pinapansin, ay di dapat calingatan nang magulang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ang uica ni san pablo ay isang cabaitan nang lalaqui ang di sumalang sa babaye; ay isa namang tanda nang cabaita,, calinisan nang isang dalaga ang di pahipo sa lalaqui. ang uica ni san basilio cun ang babae ay virgen, virgen naman ang pagtingin, virgen ang caasalan, virgen ang lahat nang quilos, virgen ang boong catauan. at cun di rin lamang maca pag iingat; nang calinisan, ay iquita agad nang cagamotan sa santo sacramento nang matrimonio, sa pagca,, ang uica ni san pablo ay mahangay mag asaua cun masusunod din lamang nang apoy nang calupaan. nguni ang paglalagay sa estado ay dapat daanin sa dahan dahan, at houag namang papag asauahin sa di nila na iibigan, sa pagca,, cun pilitin, cun pagbalaang parurusahan cun hindi pumayag, di man pilitin at pag balaan ay pag paquitaan nang masamang muc ha, palaguing angil angilan iringang caya, sa cahinaan nang loob nang isang babaye, marahil ay mapait man sa caniyang loob ay pumayag sa magulang, na mag asaua sa di nila ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nguni, ano ang nasapit nang manga dalagang nag si si pag asaua sa pilit nang magulang? marami ang napapahamac lalo,, cun may ibang na iibigan. nag papahayag nang oo sa ibig nang canilang magulang, nguni ang puso,, di rin inaalis sa canilang catipan. ano pa ang nasasapit cun macasal na? ang asaua,, di mahalin nang loob, di pacundanganan, at palibhasa,, di niya ibig. cun magca gayon na,, ano ang quinahihinatnan nang ganitong matrimonio? ang lalaqui,, nag sasaua, palaguing namumuhi, ang babaye nama,, gayon din sa munting magca bihira,, nag tatalo ang mag asaua at ang quinasasapita,, ang alin man sa dalaua,, naca iisip mag lilo. sinong may casalanan cun magca gayon, cun di ang nag camaling magulang? pacatantoin nang ama,, ina na ang pumilit sa anac sa pag aasaua ay casalanang daquila, sapagca,, ipinahamac ang canilang caloloua. ang uica ni san pablo,, ang capangyarihan nang magulang ay di dapat gamitin sa icapapacasama nang anac cun di sa icapapacagaling.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun icao, feliza at amadeo, ay pagcalooban nang dios nang anac na lalaqui, na mag aaral sa universidad at cun dumating ang panahon ay mag nasang tumangap nang orden sacerdotal, ay houag cayong cadadali na mag bigay nang pahintulot, cun di rin lamang maquitaan nang carunungan na itutupad nang caniyang manga catungculan, sapagca,, cun ualang carunungan ay di niya icagagaling, cun di icasasama, at sampong cayo,, caramay dahil sa capabayaan. nguni cun maganda ang nasa nang loob, ang siya baga,, mag lingcod sa dios, paquinabangan, nang santa iglesia na maca pag acay sa caloloua sa gauang magaling; cun maquitaan ninyo nang di munti cun di malaquing cabanalan, nalulupit sa sugal, masipag sa pag aaral, malayo ang loob sa masamang banta, mapag pasaquit sa catauan, mauilihin sa panalangin, sa pag gugunam gunam, sa pag tangap nang manga santos sacramentos; ay houag sansalain, cun di hicayatin. nguni sino caya itong mapalad na estudiante?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun di rin lamang na gagayac ang loob sa pagtangap nang orden sagrado, ay panganib na mapacasama. houag ipahintulot nang magulang na ang, carangalan, ang cayamanan sa mundo, at caguinhauahan sa lupa ang maguing dahilan na hicayatin ang canilang anac na tumangap nang orden sagrado. at cun maquita na ito ang pinag cadahilanan nang pag nanasang mag pare nang canilang anac, ay houag pahintulutan. at cun naquiquitang ualang gayac na cabanalan, cahima,, mag pilit ay pacasansalain. marami pa,, madla ang bagay na sucat masaysay sa inyo, ayon sa catungculan nang magulang sa anac, nguni,, di co na saysayin, yamang sa buhay ni tobias ay marami cayong maaaninao. ingatan cayong mag asaua nang dios at ni guinoong santa maria. si feliza cay urbana .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"igayac mo ang loob mo sa pagtangap nang isang balitang mapait sa loob, at ang pag cunang halimbaua yaong sumo sacerdote na binalitaan ni samuel na pag dadalhan nang dios nang maraming hirap; siya ang panginoon co,, gauin ang minimatapat sa caniyang manga mata. mumulang co ang salita. si ama nang las siete nang umaga, na nangaling sa pag sisimba ay natisod sa lansangan, narapa ay nabalian sa dibdib. capagcarapa ay dinampot co,, aquing quinalong. di co masabi sa iyo ang dinamdam cong dalamhati nang na sa aquing candungun na. aquing namasdan na napipiquit ang mata, ang dibdib ay nag tatahip, hinahabol ang hininga, cataua,, nalulungayngay at di macayanan. gayon man ay tinapangan ang loob, nag pilit cumilos at tinaponan aco nang sabing caalio alio: huag cang matacot anac co at ito,, lilipas din . sa salitang ito,, ang naisagot co,, isang buntong hininga at isang patac na luhang tumama sa noo ni ama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"siya namang pag dating ni ina at ni honesto, pinag tulungan namin binuhat, at inioui sa bahay. dito co na nahalata na tayo,, mangungulila, na hindi nalaon nang pagca higa sa banig at naparaing na masaquit ang ulo, nag sisiquip ang dibdib, inaapoy nang lagnat at nang hipoin co ang camano ay naramdaman co na gulong gulo ang pulso. nang las seis nang hapon cami ay tinauag na lahat sampuo ni amadeo, at sa ami,, nag pahayag: ang tauo ang uica,, nangingibang bayan dito sa lupa, at hangang nangingibang bayan ay dinaratnan nang susong susong hirap; na cucubcob nang panganib, na cun di tibayan ang loob ay ipag cacasala sa dios. cun malapit nang matapos ang caniyang pangingibang bayan, mahahango na sa hirap, maliligtas sa panganib at macapapanood sa dios, ay di dapat mahapis cun di matoua. ang caloloua co,, malapit nang maalis sa catauan cong masiquip na bilangoan, ay nagcacamit nang toua at naca ririnig nang magandang balita na pa sa sa bahay na nang dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"caya ang carampata,, cayo,, maquiramay sa quinamtan cong tua, at cahiman at aco ay pumanao sa mundo ay di co ring cayo lilimutan sa harapan nang dios. nang matapos itong masaysay ay gininging siya,, pacompisalan, at nang maca pag compisal ay gumayac naman sa paquiquinabang. nang marinig na ang tugtog nang campana sa pag labas nang viatico, ang catauan ay sumigla, nag bago nang lacas, sa muc ha,, nag ningning ang isang cauili uiling saya, na anaquin baga,, hindi mamamatay sa saquit na iyon. ngunit, naquilala co na ang siglang iyon at caligayahan na hindi cabati nang caniyang mabigat na saquit, ay di ang pinag cadahilana,, ang siya,, maca tauid pa cun di ang pag dating nang sinisintang dios, na sa caniya,, dadalao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"marahil urbana,, na aala ala mo pa na madalas na panganlan ni ama na sacramento nang pag ibig, sang la nang pag ibig ang casanto santosang sacramento sa altar caaya ayang bansag na caniyang namana cay santo tomas de aquino doctor nang santa iglesia at angel sa pag ibig, caya sa oras na ito ay pauang pag ibig sa dios ang caniyang ipinaquita. nang maquita na ang sacerdoteng may dala sa mahal na sacramento, ay nag pilit lumuhod, na paalalay cay honesto,, sa aquin, at nang maluhod na ay aming narinig na sinambit yaong cay san bernardo; tingni,, narating na ang aquing casi. nang maca paquinabang na ay nag pasalamat sa dios at hiningi sa amin na siya,, ihiga oli. nang masangcapan nang sacramentong extremauncion ay pinapag daop ang camay, ibinaba ang mata at hiningi cay honesto na ipamuno sa caniya itong maicling panalangin. ano caya baga dios co ang igaganti co sa iyo sa lahat nang anang ipinagcaloob mo sa aquin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ngayon tinangap co ang mahal na caliz na cabuhayan co, ay sasambitin co at pupurihin ang iyong pangalan, at sa oras na ito nang pag panao sa mundo ay inaasahan co na ipag tatangol mo aco sa manga caauay co. . icao caloloua,, boong catauan co,, mag pasalamat sa dios, at ipag bunyi,, purihin ang cagalang galang na caniyang pangalan. icao caloloua co,, mag handog nang puri sa dios, at houag mong limutin ang di maisip na caniyang ipinagcaloob sa iyo. ang dios ang nag patauad sa iyong manga casalanan, at ang dilang saquit mo,, guinagamot, niya nang caniyang aua. ang ganitong pag papala mo sa aquin ay isinisiualat nang caloloua co sa sang daigdigang pinaghaharian mo, at inaanyayahang con mag puri sa iyo ang boo mong quinapal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"at sa oras na ito nang aquing camatayan ay houag mong ipahintulot na magahis ang caloloua co nang manga demonio, caya ipinag tatagobilin co sa manga camay mo yamang sinacop mo nang mahal mong dugo, oh dios na panginoong co. nang matapos siyang magpasalamat sa dios, cami ni honesto ay liningon at pinangaralan; hangang cayo,, nabubuhay manga anac co houag ninyong limotin ang tacot sa dios, at inyong itanim sa dibdib yaong cauili uiling auit sa dios ni guinoong santa maria: ang aua nang dios ay ilinalagui sa may tacot sa caniya, hangang caapo apohan. caiingat sa pagcacasala, at nga yong aco,, lilipat na sa isang buhay ay ang cabilin bilinan co,, cun aco,, naquitaan ninyo nang masamang halimbaua, ay houag tularan, ihingi ninyo aco nang tauad sa dios at nang aco,, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang gaua ay inyong pagcunang uliran. at hangang nabubuhay cayo,, houag macalilimot sa dios caiingat na mahulog cayo sa casalanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun itong manga huling bilin nang mamamatay ninyong magulang cun marapat na macapanood sa dios, ay di co cayo lilimutin, at magmula sa langit ay igagauad co dito sa inyo sa lupa ang aquing bendicion. nang matapos itong maipangusap ay binuhat ang canang camay, pinahalic si honesto,, aco, at cami binendicionan. nang mabendicionan cami, ay ang saysay: ang caloloua co, dios na panginoon, ay nagnanasa nang manood sa iyo, nagdaramdam nang uhao; para nang paghanap nang uhao na usa sa bucal na tubig. nang maipangusap ito ipiniquit ang mata,, siyang pagcalagot nang hininga. si ina, urbana ay ualang pagcasiyahan nang dalamhati, palaguing na sa suloc, ayao tumiquim nang canin, at ualang sariling lacas na ipagtiis nang hirap nang pangongolila sa isang esposong hindi nacapagbigay sa caniya nang munti man lamang dalamhati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"si honesto,, tumatangis, dinaramdam ang caniyang pangongolila sa panahon nang cabataan, nguni,, di maquitaan nang labis na pagpipighati hindi maringan nang ulol na pa nambitan, marunong magtipid at ang cabaitang taglay ni honesto na caniyang pangalan ay siya ring ipinahahalata. icao capatid co, ay ipinagbilin ni ama cay ina,, sa aquin na houag cang pabayaan, houag panghinayangan ang caonting salaping guinugol, ipamanhic sa iyo na cun mamatapatin mo,, pumasoc ca sa isang beaterio, tumalicod sa mundo, ipangaco mo sa dios ang calinisan hangang sa camatayan. at ang uica niya,, ang manga panalangin mong malinis na para nang isang virgen, ay inaasahan niya na aaquiat sa langit na para nang inciensong haharap sa dios, icaguiguinhaua niya doon sa isang buhay at dito sa lupa,, ipag cacamit nang magandang pag papala nang langit nang caniyang maiiuang familia. bilin pa sa amin na houag ibalita sa iyo ang caniyang pagcamatay, cun di cun siya,, malibing na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"gayon ang bilin, at nang houag ca nang parini, at nang di na pagca abalahan, at nang di naman macasira sa loob mo. cun ano ang bilin ay siya co namang sinunod. sa pag cacasaquit ni ama, sa pagca burol, at paglilibing, marami ang nag si dalao, naquiramay sa aming hapis, marami rin naman ang quiquilalaning utang na loob sa canila, nguni sa caramihan nang dumalao, ay dili naualan nang tauong cun di nasansala, ay nacagulo disin sa may saquit. marami rin naman ang di nacararamay sa hirap, cun di sucat dising maca pag bigay galit, dangan ang cami ay nag hahauac nang loob. di co na paca saysayin sa iyo,, yamang na aaninao mo, at nang di naman nacarurungis pa sa sulat na ito. adios, capatid co alalayan naua nang langit ang mag durusa mong dibdib. si urbana cay feliza . sa sulat mo sa aquin ay napag tanto co ang mula nang saquit ni ama sampo nang caniyang pagca matay. ngayo,, ano ang mauiuica co sa iyo cun di ang umayon sa calooban nang dios.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ano pa ang ating gagauin cun di ang alalahanin siya doon sa isang buhay. ano ang ating iaala ala sa canyang caloloua, cun di ang pag papasaquit sa catauan, ang pag aayunar, ay ihandog natin sa dios, upan ding icacauas niya sa casalanan, sacali,, may pinag durusahan pa siya sa purgatorio. ipag handog nang santo sacrificio nang misa sa pagca,, cun catungculan nang anac ang sumaclolo sa magulang cun dinaratnan nang hirap dito sa buhay na ito, ay lalong daquila ang caniyang catungculang tumulong at sumaclolo doon sa isang buhay. ayon sa sabi na si ina,, nag dadalamhating masaquit, ang hatol co sa iyo,, ipanalangin mo sa dios na bigyang caaliuan, sa pagca,, sa dios at di sa quinapal sucat nating asahan ang caaliuan nang ating caloloua. sabihin mo cay ina na dumaramay sa caniyang hapis ang sacerdoteng director co, ipinamamanhic sa caniya na basahin itong casunod na manga cahatolan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"minatapat nang dios na cunin na dito sa lupa ang caloloua nang iyong esposo, ay ano ang ating uiuicain cun di ang dumating na ang panahong tadhana nang caniyang capangyarihan. dumating na ang panahon nang pag ganti sa caniyang magandang gaua. ang dios ay di nag cacamali, di naca pag daraya,, di naman napag darayaan. cun nauucol na damdamin ang pagcamatay nang isang minamahal natin, nguni nauucol naman na ang loob natin ay iayon sa calooban nang maycapal, at nang icarapat natin ang pagdaramdam nang hirap. ang magandang halimbaua na ipinaquita sa atin ni jesucristong panginoon ay dapat alinsunurin. nang gabing pag tiponan nang di mamagcanong, saquit ang caniyang dibdib, ay nanalangin sa dios ama at nangusap: houang ang calooban co ang siyang mangyari, cun di ang calooban mo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ano ang nararapat ngayon cun di ang pag cunang uliran itong maalam na maestro, at uicain: houag ang calooban co ang papangyarihin cun di ang calooban mo, dios co. houag uicain, na cun di nagca mali ang medico ay di sana namatay, cun di guinamot nang mahusay, cun pina inom nang gayon, cun tinapalan nang ganoon, di disin napahamac. ang buhay nang tauo,, pag dating sa guhit ay di maca lalampas, at pag dating sa guhit, cahit ang medicong gumamot ay carunong dunongan ay nasisira ang dunong, hindi maquilala ang saquit, hindi matutuhan ang tapal na gamot. dinguin ang nangyari sa seraphin sa pag ibig cay jesus na si santa teresa de jesus. nagca saquit nang mabigat ang isang mongja na minamahal niya, sapagca,, caramay ramay niya sa hirap. isang arao ay nasoc sa silid nang may saquit ang medicong gumagamot, ay naquita nitong santa na pinipiringan sa mata nang isang angel.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"dito niya naquilala na cun ayao ang dios, ang medico,, di matutong gumamot sa may saquit, at ualang matutuhang gauin, caya uinica sa loob na dumating na ang capanahonan na ang mongjang iyon ay palipat na sa isang buhay. caya uala siyang guinaua cun di ang umayon sa calooban nang dios. sino ang iyong tutularan cun di itong mahal na santa. nababasa rin naman sa buhay nang santo job, na minsan ay may isang nag balita sa caniya: ang lahat mo ang uicang baca at asnos ay ninacao nang manga abeos, at ang manga tauo mong upahan ay pinag papatay na lahat, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,, maca pag balita. di pa tapos ang salita,, may dumating namang isa, at ang sabi, ang iyo ang uicang obejas at pastores ay pinanaogan nang apoy na galing sa langit, nasunog na lahat, aco lamang ang naca ligtas at nang sa iyo,, maca pamalita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nag sasalita pa siya,, may dumating namang isa na nag saysay: tatlo aniyang pulutong na manga caldeos ang dumating, ninacao ang iyong manga camellos, at pinag pugotan ang manga taong nag aalaga, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,, maca pag sabi. di pa tapos ang salita nitong nagbalita, ay may dumating pang isa na nag sabi naman: ang manga anac mong babaye,, lalaqui, aniya,, nag si cain sa bahay nang capatid na panganay, caraca raca,, dumating ang isang bag yo na galing sa parang, nauasac ang apat na suloc nang bahay, nahapay, nadaganan at namatay na lahat ang anac mo, aco lamang ang naca ligtas at nang sa iyo,, maca pag sabi. sa balitang itong capait paitan, si job ay nag dapa sa lupa, nanalangin sa dios at nag saysay: hubad acong lumabas sa tiyan nang aquing ina, ay hubad din namang mananaog aco sa hucay. dios ang nagbigay, at dios din ang bumaui: purihin ang cagalang galang na ngalan nang mahal na panginoon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"manghinuha, icao at sinomang may hapis dito cay santo job na uliran nang pag titiis. hindi tinungayao ang langit na pinangalingan nang apoy, na sumunog sa caniyang manga obejas; di nag bantang manghiganti sa manga caldeos, na numacao nang caniyang manga camellos, cung di ang uinica,, purihin ang panginoon dios. ano ang gagauin mo naman cun di ang igalang ang matataas na lihim nang langit, umayon sa calooban nang dios, at di ang umayon lamang cun di ang, siya,, pasalamatan at uicain: dios ang nag bigay sa aquin nang isang mabait na esposo, ay dios din naman ang bumaui; purihin ang cagalang galang na caniyang pangalan. ang manga cahatolang ito, feliza, ay sabihin mo cay ina na ariing balsamo na igamot sa sugat nang caniyang puso, alio sa hirap nang caniyang pangongolila. na ulila siya sa esposong tauo, ay may isa naman na lalong caibig ibig na esposong dios, na pag uucolan nang caniyang pag ibig, at mag bibigay caguinhauahan sa calaotan nang dusa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ayon sa sabi mo, feliza, na sa nag si si dalao ay may nararapat na quilanlin cang utang ay mayroon din namang na capag bibigay dalamhati, ay parang nahulaan co ang inalilihim mong cahulogan. sa nag si si dalao sa manga may saquit ay may maquiquita cang tauo na cahangalan, sa caculangan nang bati na pinag aralan, caracaraca,, papasoc sa silid nang nag hihirap, di na pinag iisip na siya marahil doo,, maca rarami pa, at sa lugar na maca guinhaua, ay lalong naca pag papahirap, at ang pobreng may saquit ay halos di na maca hinga sa dami nang tauo. may maquiquita ca naman na may bumabasa sa tabi nang panalangin, at may nag tatauanan sa tabi nang hihigan, nag bibiroan na anaqui baga,, iyon ang sinadya at di ang pag tulong sa may saquit. ano ang magagaua mo sa manga tauong ito, cun di ang cahabagan mo ang canilang cahangalan at di carunungang maquipag capoua tauo. nguni di dapat ipahintulot nang isang pinagcacasactan ang gayong manga caasalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"dinguin nitong manga hangal na tao ang sabi sa aquin nang isang naca ligtas sa isang mabigat na saquit: aco aniya,, dinatnan nang isang saquit na malaot cong dinamdam. nang aco,, tumindi na,, uala nang medicong gumamot sa aquin, at ang uica,, ualang pag sala,, di aco mamamatay, ang catauan co,, di co na maiquilos at ang boong asa nang aquing esposa,, di na aco mabubuhay, ang lahat na salitaan nang aquing manga casambahay, cahima,, bulongan ay naririnig co. sa bagay na ito,, ano caya ang isasaloob nang isang naghihirap cun naiinis sa tauo,, naca ririnig nang tauanan? hindi malayong mapoot sa dami nang tauo, at mag hinala na siya,, pinag tatauanan. at ang casasapitan ay ang na dalao sa may saquit ay siya ring nag papasaquit. at cun magca bihira,, siya pang naca tutucso. may maquiquita ca namang na pa sa sa bahay nang patay na may panyong lucsa at ang baro,, pula, ano ang ipinaguiuica sa canila nang manga tauong ito?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"may maquiquita ca namang anac na nag lulucsa sa magulang asaua, ay di matagalan nang dalauang buan at inaalis na ang lucsa. ano ang cahulogan nang ganitong caasalan? ayao nang alalahanin ang naualang asaua, at ayao papurihan ang naualang magulang. icao feliza at honesto,, ca iilag sa ugaling ito; tayong mag iina ay mag pulos nang lucsa nang sang taong singcad. at cun mangyayari disi,, pagca tapos nang taon, ay sundin ang ugali nang di bulag na naciones sa europa, na isang taon namang hindi sinasalitan nang pula ang canilang manga damit. ang ugaling ito dito sa maynila,, marami ang sumusunod sa manga tagalog man. hamaquin yaong uica nang manga ualang pinag aralan, ang lucsa,, mainit at naca papanglao. cun dumalao sa patay ay iilagan ang tauanan at nang di uicain nang namatayan, di na sila dinaramayan ay inaaglahi pa ang canilang hapis. ang ipapanhic ay muc hang nag papaquita nang lumbay at ang ibabati sa may bahay ay uicang pagdamay sa saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"ilagan ang maingay na pangungusap, at nang di maangat sa pag damay sa hapis na canilang layon. capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag aralang mahal na asal. may maquiquita ca namang bahay nang namatayan, na diyan ca maca ririnig nang pag bibiroan nang babaye,, lalaqui; diyan mo maririnig ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabayan nang halac hacan. ano ang gagauin mo sa manga tauong ganito ang asal? may isang nangusap: cun ang pag uuriraan ang inyong sinadya sa aquing pamamahay, ay doon na ninyo gauin sa inyong sarili. ucol sa isang cristiano ang pa sa bahay nang isang namatayan, sapagca,, maca pag didili dili nang caholi holihang darating sa tauo, caya ang uica ni salomon: mabuti pa ang pa sa bahay nang namatayan, sa pa sa bahay nang piguing. mabuti rin nama,, ucol sa paquiqui pag capoua tauo ang dumamay sa manga cababayan at caibigan, nguni cun ang gagauin ay ang pagngingisihan at iba pang caulolan mahangay houag na at nang di sumagap nang masaquit na uica.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"cun dumalao sa manga namatayan, ang carampata,, tumahimic, alalahanin yaong uica nang pantas, ngayon ay sa aguin at bucas ay sa iyo, aco,, namatay ngayon at susunod ca naman ipagdasal ang namatay at aliuin sa hapis ang namatayan. ang namatayan naman ay di nauucol mag taua, mag ngisi at mag tabil at nang di uicain na iquinatotoua niya ang pagca matay na iyon. nguni cun di carampatan ang mag paquita nang toua, ay gayon din naman ang mag paquita nang hapis na di tinitipid. ang manambitan nang mahihiyao, ang ipag hampasan ang catauan, ang labnutin ang buhoc at sabayan nang ulol na sabi, ay naca tataua, lalo nang masamang masdan sa lalaqui. ang nauucol ay mag tipid, at cun di maca pag piguil ay lumigpit sa gilid, at diyan iloual nang lihim ang taglay na hapis, nang may pagca guinhauahan. dalauin mong madalas, feliza, at gayon din naman si honesto ang libingan ni ama, alalahanin ang magulang natin, at dito sa mundo,, papurihan mo naman ang caniyang pangalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"aco, feliza,, ihalic mo nang camay cay ina, ipahayag mo ang boo cong cagalangan at pamimintuho; cayong mag asaua,, ingatan naua nang dios, at gayon din naman si honesto: susundin co ang bilin ni ama, aco,, lalayo na sa mundo. adios, hangang sa isang buhay. de mayo de ang reina nang manga bulaclac, ay ang rosa de alejandria, talinhaga nang calinisan binabacod nang tinic nang cabaita,, cahinhinan, at nang houag masira. cor. barrio ang tauag nang una,, naic, ngayon ay nayon. ang cubiertos ay ang cuchillo, tenedor at cuchara. ang sopera ang linalagyan nang sopas na isang platong may taquip. ang plato sopero ay pingang malucong na lalagyan nang sopas. ang salsero ay ang lalagyan nang salsa. ang trinchante ay ang malaquing tenedor at cuchillo. manga cahatolan nang isang director ni urbana, ayon sa malabis na paginom nang alac, ipinadala cay felisa at nang maipaunaua cay honesto. cui faveae? cui sine vulnere? en suffosio oculorum?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nonne his qui commorantur in vino et student calicibus epotandis? sa ibang provincia,, taong ang tauag luc. qui amat vinum. non ditabitur. prov. levavi oculus in munte unde veniet auxilium mihi. sal. doce me facere voluntatem tuam, quia deus meus tu sicut oculi ancilae in manibus dominae suae ita oculli nostri ad dominum donec misereatur nostri, psalm. ad doninum cun tribularer, clamivi et exaudivit me psal. effundo conspectu ejus orationem meam tribulationem meam ante ipsum pronuntio. illumina sculos meus ne unquam obdormian in morte, ne quando dicat inimicus meus praevalui adversus eum. ad dominum cum tribularer clamavi et exaudivit me psal. laudate nomen ejus quoniam suavis est dominus psal. ecl. qui amat periculum in illo peribit. omnia quae delinquerint filii de parentibus requirentur. feliza tibi sunt, serva corpus illarum et non ostendas hilarem fociem tuam ad illas. filiae tibi sunt, serva corpus illarum et non ostendas illarem faciem tuam ad illas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"eccl. nequitia mulieris immulat faciem ejus. gen. arb, lib,. regi arte languorem adhibe medicinam collaudado te, deum salvatorum meum, quoniam adjutor et protector factus es mihi: et liberatis corpus meum perditione. eccl. militia est vita hominis super terram, job. excre vires, ferocifer dimica atrocier in praelio esto esucerta. joan christ. ang confesor na cay urbana ay pumapatnugot sa paggaua nang cabanalan. ito,, isang casulatan na ang bansag ay casamiento perfecto. sayo de and. par pari jungatur conjux. non arabis in bove et osino. conffidit in ea cor viri sui. prov. uxor nimis pulchra res est suspiciones pleno. tempus acquirendi, et tempus perdendi, tempus custodiendi et tempus adjiciende. eccl. spiritus querentium deum quaeritur et in respectu illus benedicetur. spes enim illorum in salvantes illos, et oculi dei in diligentes se. ibid. posuit eum in paradizo voluptatis ut operaretur. gen. mulierem fortem quis inveniet? fallax gratia et vana est pulchritudo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"prov. confidit in ea cor viri sui. ibid. panem otiaso non comedit ibid. fortitudo et decor indumentum ejus. ibid. multae filiae congregayerunt divitas tu supergressa es universas. ibid. nobilis infortis vir ejus, cuando sederiz cum senatoribus ferrae ibid. surrexerunt fillii ejus, et beatissimam predicovrentu vir. mullerem fortem quis niveniet? procul et de ultimis finibus pretium ejus. ibid. mulieris bonae beatus vir. eccl. mulier bona debitor viro pro factis bonis. ibid. preparacion de la muerte. quaerite primum regnum, dei et omnia adjicientur vobis. adolescentulus sum ego et comptemptus; justificationes tuas non sum oblitus. psal. et erunt duo in carne. gen. ade viro non invenievatur ad adjutor similis ejus, gen. san agust in joan. traot in lege autem moyses mandovid nobis hujusmodi lapidare joan. de quaest justin ni auth. de adulter. adulterus judicabit deus. in qua mensura matieritis, ita remetietur vobis. vir est caput mulieris. companera os daremos no sierva.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"hortus conclusus, fons signatus. terminum posuisti quem non trasgredientur, neque convertentur operire terram. nadie despues de dios ha de amar mas ni estimar mas la muger que su marido ni el marido mas qui su muger. rit reliquet homo patrem suum et matrem, et adherebit uxori suae: et exeunt duo in carne una. gen. quos deus conjunxit, homo non separet. asi proconren agradar en todas las cosas, que no contradicen la piedad cristiana. in promt claret en sus avisos muy utiles para las casadas. ad negligentian patris refertu: disolutio filiorum. cobooa,, calinisan nang cotauan ang cahulugan nang uicang virginidad. hi sequuntur. agnum quocumque ierit. et coutabant quasi conticum novum ante sedem et nemo poterot diceric couticum nisi illa cetum quadragiuta quatuor mill. focieutibus quod est in se deus non denegat ulteriorem gratiam. timenti dominum non ocurrent mala sed intentationemo deus illum conservabit molis. ego valerianae in angeli tutela sum, qui virginitatem meam custodit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"nov. sicut ilium inter spinas. nolite sanctum dare canibus; neque mitatis margaritas vestras aute porcos. numquid considerati seruvm meum job, quod non sit et in terra similis homo simplex et rectus ae timens deum et eecedens malo. bonum est mulierem non tangere. cor. virgo sit virginis ouditus, visus, gustus et tactus motusqui omnis. melius est nubere quam uri. cor. sed quis est hic laudabimus eum?. alfons de lig. dominus est: quod bonum est oculis suis faciat. dum sumus in corpore, peregrinarum domino ad cor. laetatus eum in hiu que dicta sunt mihi, in domum demini ibimus. ps. momor ero vestri ante deum. sacramentum charitatis pignus. quid retribuan domino pro omnimus que retribuit mihi ps. . ce icem salutaris accept. laudans invocabo dominum et ab inimicis meis salvus ero. benedic anima mea, domine et omnia que intra me son nomine sancto ejus it benedic anima mea.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"domino et noli oblibisci omnes retributiones ejes ibid. qui propitiatur iniquitatibus tuis qui sanat omnes infirmitates tuas. ps ibid. benedicite domino omnia opera ejus in omni loco dominationis ejus, benedic, anima mea domino ps. in mus tuos commendo spiritu meum redemisti me domine deus varitotis ps. et miserecordia ejus progenie in pregeniez timentibus eum. omnibus autem diebus vitae tuae in monte habete daum et cave ne aliquando peccato concentias. sidut servus desirat ad fontes aquarum, ita desiderat anima mea ad te deus. ps. certus sum quod pro nobis aures divinas tua virginales oratio. deus consolator animarum. dominus dedit dominus abstulit sit nomen domini benedicto job. melius est ire ad domum lucus quam ad domum convivii. unang sulat ni feliza cay urbana,. ang pinag aralan ni urbana,. ang catungculan nang tauo sa dios,. ang aasalin sa simbahan,. cagagauan ni urbana sa bahay nang maestro,. caasalan ni honesto, uliran nang manga bata,. caasalan sa sarili,. sa escuelahan,.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"paraang nang pag sulat,. regla sa pag sulat,. tapat na casipagan nang bata sa pag aaral,. sa catungculan sa bayan,. pag iibigan,. manga bilin reglang susundin sa pag cain,. sa pag papacial,. cabagayan nang paquiquipag capoua tauo,. calasingan,. ang pagiisipisip ni feliza sa paglagay sa estado,. cahatolan sa dinadatnan nang panganib,. pasasalamat sa dios cun tumangap nang aua,. aral sa mga ina na may mga anac na dalaga,. ang pag papacatibay nang loob,. cahatolan sa pag lagay sa estado,. pag sanguni ni feliza sa isa niyang caibigan,. cahatulan sa may manga asaua,. manga cahatolan sa nangag dadalang tauo,. cahatolan sa mga magulang ayon sa paglalagay sa estado sa canilang manga anac,. santong aral nang isang magulang sa manga anac bago pumanao sa mundo, . cahatolang ucol sa pagayon sa calooban ng dios,. martinez caligtasan ng mga may sakit aclat ng pag luluto ni. ygnacio pasteleria at reposteria ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Modesto de Castro,"trinidad dicc. yngles, espanol at tagalog ni calderon mabuting papel dicc. yngles, espanol at tagalog ni calderon caraniwang papel dicc. tagalog hispano ni. serrano laktao dicc, espanol tagalog ni. serrano vocabulario tagalog castila yngles ni calderon vocabulario tagalo castila ni. fernandez filipino english ni. daluz hispano ilocano ni. gayacao gramatica castila tagalog in padre. sevilla tagalog ni. verzosa secreto de la naturaleza tagalog. pasiong mahal ng ating. historia sagrada . bicol at mga sarisaring aclat na tagalog ng mga ibat ibang autor. nagbibili ang manga libreriang ito sa tingian at pakiawan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas," cong pag saulang cong basahin sa isip ang nangacaraang arao ng pag ibig, may mahahaguilap cayang natititic liban na cay celiang namugad sa dibdib? yaong celiang laguing pinanganganiban baca macalimot sa pag iibigan; ang iquinalubog niyaring capalaran sa lubhang malalim na caralitaan. macaligtaang co cayang di basahin nagdaang panahon ng suyuan namin? caniyang pagsintang guinugol sa aquin at pinuhunan cong pagod at hilahil? lumipas ang arao na lubhang matamis at ualang natira condi ang pag ibig tapat na pag suyong lalagui sa dibdib hanggang sa libingan bangcay co,, maidlip. ngayong namamanglao sa pangongolila ang guinagaua cong pag alio sa dusa nag daang panaho,, inaala ala, sa iyong laraua,, ninitang guinhaua. sa larauang guhit ng sa sintang pincel cusang ilinimbag sa puso,, panimdim, nag iisang sanlang naiuan sa aquin at di mananacao magpahangang libing .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang caloloua co,, cusang dumadalao sa lansanga,, nayong iyong niyapacan sa ilog beata,, hilom na mababao yaring aquing puso,, laguing lumiligao. di mamacailang mupo ang panimdin sa puno ng mangang naraanan natin, sa nagbiting bungang ibig mong pitasin ang ulilang sinta,, aquing inaaliu. ang catauhang co,, cusang nagtatalic sa buntong hininga nang icao,, may saquit, himutoc co niyao,, inaaring langit paraiso naman ang may tulong silid. liniligauan co ang iyong larauan sa macating ilog, na quinalagui an binabacas co rin sa masayang doongan, yapac ng paa mo sa batong tuntungan. nag babalic mandi,, parang hinahanp dito ang panahong masayang lumipas na cong maliligo,, sa tubig aagap, nang hindi abutin ng tabsing sa dagat. parang nariringig ang lagui mong uica tatlong arao na di nag tatanao tama at sinasagot co ng sabing may toua sa isa catauo,, marami ang handa .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ano panga,, ualang di nasisiyasat, ang pagiisipco sa touang cumupas sa cagugunita, luha,, lalagaslas sabay ang taghoy cong , nasauing palad! nasaan si celiang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami,, baquit di lumauig? nahan ang panahong isa niyang titig ang siyang buhay co, caloloua,, langit? baquit baga niyaong cami mag hiualay ay dipa naquitil yaring abang buhay? con gunitain ca,, aquing camatayan sa puso co celia,, dica mapaparam . itong di matiis na pagdaralita nang dahil sa iyo, nalayong toua, ang siyang umacay na aco,, tumula auitin ang buhay nang isang na aba. celia,, talastas co,, malabis na umid, mangmang ang musa co,, malumbay ang tinig di quinabahag ya cong hindi malait palaring dinguin mo ng tainga,, isip. ito,, unang bucal nang bait cong cutad na inihahandog sa mahal mong yapac tangapin mo naua cahit ualang lasap nagbuhat sa puso nang lingcod na tapat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"cong casadlacan man ng pula,, pag ayop tubo co,, daquila sa puhunang pagod, cong binabasa mo,, isa mang himutoc ay alalahanin yaring nag hahandog. masasayang ninfas sa laua nang bay, sirenas ang tinig ay cauili uili cayo ngayo,, siyang pinipintacasi ng lubhang mapanglao na musa cong imbi. ahon sa dalata,, pangpang na nag liguid tunuhan nang lira yaring abang auit na nag sasalitang buhay ma,, mapatid, tapat na pag sinta,, hangad na lumauig . icao na bulaclac niyaring dili dili, celiang saguisag mo,, ang. sa virgeng mag ina,, ipamintacasi ang tapat mong lingcod na si. salamat sa iyo, nanasang irog, cong halagahan mo itong aquing pagod, ang tula ma,, bucal nang bait na capos, paquiquinabangan nang ibig tumaroc. cong sa biglang tingi,, bubot at masaclap palibhasa,, hilao at mura ang balat ngunit cung namnamin ang sa lamang lasap masasarapan din ang babasang pantas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"di co hinihinging pacamahalin mo, tauana,, dustain ang abang tula co gauin ang ibigui,, alpa,, na sa iyo ay houag mo lamang baguhin ang verso . cong sa pagbasa mo,, may tulang malabo bago mo hatulang catcatin at lico pasuriin muna ang luasa,, hulo at maquiquilalang malinao at uasto. ang may tandang letra alin mang talata dimo mauatasa,, malalim na uica ang mata,, itingin sa dacong ibaba boong cahuluga,, mapag uunaua. hangan dito aco nanasang pantas, sa cay sigesmundo,, houag ding matulad sa gayong catamis uicang masasarap ay sa cababago nang tula,, umalat. (sa cursiva bastardilla) sa isang madilim gubat na mapanglao dauag na matinic, ay ualang pag itan, halos naghihirap ang cay febong silang dumalao sa loob na lubhang masucal. malalaquing cahoy ang inihahandog pauang dalamhati, cahapisa,, lungcot huni pa ng ibon, ay nacalulunos sa lalong matimpi,, nagsasayang loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"tanang mga baguing, na namimilipit sa sanga ng cahoy, ay balot ng tinic may bulo ang bunga,, nagbibigay saquit sa cangino pa mang sumagi,, malapit. ang mga bulaclac ng nag tayong cahoy pinaca pamuting nag ungos sa dahon pauang culay lucsa, at naquiqui ayon sa nacaliliong masangsang na amoy. caramiha,, cipres at higuerang cutad, na ang lilim niyaon ay nacasisindac ito,, ualang bunga,, daho,, malalapad, na nacadidilim sa loob ng gubat. ang mga hayop pang dito,, gumagala caramiha,, sierpe,, baselisco,, mad la, hiena,, tigreng ganid nanag sisi sila, ng buhay ng tauo,, daiguing capoua. ito,, gubat manding sa pinto,, malapit ng avernong reino ni plutong masungit ang nasasacupang lupa,, dinidilig ng ilog cocitong camandag ang tubig. sa may guitna nito mapanglao na gubat may punong higuerang daho,, culay pupas, dito nagagapos ang cahabag habag isang pinag usig ng masamang palad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"bagong tauong basal, na ang anyo,, tindig cahit natatali camay, paa,, liig cundi si narciso,, tunay na adonis muc ha,, sumisilang sa guitna ng saquit. maquinis ang balat at anaqui buroc pilicmata,, quilay mistulang balantok bagong sapong guinto ang culay ng buhoc sangcap ng cataua,, pauang magca ayos. dangan doo,, ualang oreadang ninfas, gubat na palacio ng masidhing harpias, nangaaua disi,, na acay lumiyag sa himalang tipon ng caricta,, hirap. ang abang oyamin ng dalita,, saquit ang dalauang mata,, bucal ang caparis, sa luhang nanatac, at tinangis tangis ganito,, damdamin ng may auang dibdib. mahiganting langit, bangis mo,, nasaan? ngayo,, naniniig sa pagca gulaylay bago,, ang bandila ng lalong casam an sa reinong albania,, iniuauagayuay? sa loob at labas, ng bayan cong saui caliluha,, siyang nangyayaring hari cagalinga,, bait ay nalulugami ininis sa hucay nang dusa,, pighati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang magandang asal ay ipinupucol sa laot ng dagat ng cut ya,, lingatong balang magagaling ay ibinabaon at inalilibing na ualang cabaong. nguni, ay ang lilo,, masasamang loob sa trono ng puri ay inalulucloc at sa balang sucab na may asal hayop mabangong incienso ang isinusuob. caliluha,, sama ang ulo,, nagtayo at ang cabaita,, quimi,, nacayuco, santong catouira,, lugami at hapo, ang luha na lamang ang pinatutulo. at ang balang bibig na binubucalan nang sabing magaling at catutuhanan agad binibiac at sinisicangan nang caliz ng lalong dustang camatayan. tacsil na pita sa yama,, mataas! hangad sa puring hanging lumilipas! icao ang dahilan ng casamang lahat at niyaring nasapit na cahabaghabag. sa corona dahil ng haring linceo at sa cayamanan ng duqueng ama co, ang ipinangahas ng conde adolfo sabugan ng sama ang albaniang reino. ang lahat nang ito, ma auaing langit iyong tinutungha,, ano,, natitiis? mula ca ng boong catouira,, bait pinapayagan mong ilubog ng lupit?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"macapangyarihang canan mo,, iquilos, papamilansiquin ang caliz ng poot, sa reinong albania,, cusang ibulusoc ang iyong higanti sa masamang loob. baquit calangita,, bingi ca sa aquin ang tapat cong luhog ay hindi mo dingin? di yata,, sa isang alipusta,, iling sampong tainga mo,, ipinangunguling? datapua,, sino ang tataroc caya sa mahal mong lihim dios na daquila? ualang mangyayari sa balat ng lupa di may cagalingang iyong ninanasa. ay di saan ngayon aco mangangapit! saan ipupucol ang tinangis tangis cong ayao na ngayong dingiguin ng langit ang sigao ng aquing malumbay na voses! cong siya mong ibig na aco,, magdusa langit na mataas aquing mababata isagi mo lamang sa puso ni laura aco,, minsan minsang mapag ala ala. at dito sa laot ng dusa,, hinagpis, malauac na luhang aquing tinatauid gunita ni laura sa naabang ibig siya co na lamang ligaya sa dibdib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"munting gunam gunam ng sinta co,, mutya ng dahil sa aqui,, daquila cong toua, higuit na malaquing hirap at dalita parusa ng tauong lilo,, ualang aua. sa pagka gapus co,, cong guni gunihin malamig nang bangcay acong nahihimbing at tinatangisan nang sula co,, guiliu, ang pagca buhay co,, ualang hanga mandin. cong apuhapin co sa sariling isip ang suyuan namin nang pili cong ibig, ang pag luha niya cong aco,, may hapis naguiguing ligaya yaring madlang saquit. nguni sa aba co! sauing capalaran! anopang halaga nang gayong suyuan cun ang sin ibig co,, sa catahimican ay humihilig na sa ibang candungan? sa sinapupunan nang conde adolfo aquing natatanao si laurang sinta co, camataya,, nahan ang dating bangis mo? nang dico damdamin ang hirap na ito. dito hinimatay sa pag hihinagpis sumuco ang puso sa dahas nang saquit, ulo,, nalungay ngay, luha,, bumalisbis, quinagagapusang cahoy ay nadilig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"mag mula sa yapac hangang sa ulunan nalimbag ang bangis nang capighatian, at ang panibugho,, gumamit nang asal nang lalong marahas lilong camatayan. ang cahima,, sinong hindi maramdamin cong ito,, maquita,, mag mamahabaguin, matipid na luha ay pa aagusin ang nagparusa ma,, pilit hahapisin. sucat na ang tingnan ang lugaming anyo nitong sa dalita,, hindi macaquibo aacaing biglang umiyac ang puso cong uala nang luhang sa mata,, itulo. ga ano ang auang bubugso sa dibdib nang may caramdamang ma anyong tumitig cun ang panambita,, daing ay maringig nang mahimasmasan ang tipon nang saquit? halos boong gubat ay na sa sabugan nang ina ing aing na lubhang malumbay na inu ulit pa at isinisigao sagot sa malayo niyaong alingao ngao, ay laurang poo,,! baquit isinuyo sa iba ang sintang sa aqui pangaco at pinag liluhan ang tapat na puso pinang gugulan mo nang luhang tumulo? di sinumpa an mo sa harap nang langit na di maglililo sa aquing pagibig?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ipinabigay co naman yaring dibdib uala sa gunita itong masasapit. catiuala aco,, ang iyong carictan capilas nang langit anaqui matibay, tapat ang puso mo,, di nagunamgunam na ang pag lililo,, na sa cagandahan. hindi co acalang iyong sa sayangin maraming luha mong guinugol sa aquin taguring madalas na aco ang guiliu, muc ha co ang lunas sa madlang hilahil. di cong aco poo,, utusang mang gubat nang hari mong ama sa alin man ciudad cong guinagaua mo ang aquing saguisag dalaua mong mata,, nanalong nang perlas? ang aquing plumage cung itinatali nang parang corales na iyong daliri buntong hihinga mo,, naquiqui ugali sa quilos nang guintong ipinananahi. macailan laurang sa aqui,, iabot, basa pa nang luha bandang isusuut, ibinibigay mo ay nag hihimutoc tacot masugatan sa paquiquihamoc. baluti,, coleto,, di mo papayagan madampi,, malapat sa aquing catao an cundi tingnan muna,, baca may calauang ay nanganganib cang damit co,, marumhan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sinisiyasat mo ang tibay, at quintab na cong sayaran man nang taga,, dumulas at cong malayo mang iyong minamalas sa guitna nang hokbo,, makilalang agad. pahihiasan mo ang aquing turbante nang perlas topasio,, maningning na rube, bucod ang magalao na batong diamante puno nang ngalan mong isang letrang. hangang aco,, uala,, naquiquipag hamoc nang aapuhap ca nang pang aliu loob; manalo man aco,, cun bagong nanasoc naquiquita mo na,, may dala pang tacot. boong panganib mo,, baca nagca sugat di maniniuala cundi masiasat at cung magcagurlis nang munti sa balat hinuhugasan mo nang luhang nanatac. cung aco,, mayroong cahapisang munti tatanungin mona cun ano ang sanhi, hangang di malining ay idinarampi sa mga muc ha co, ang rube mong labi. hindi ca tutugot cundi matalastas, cacapitan monang mag bigla nang lunas, dadalhin sa jardi,, doon ihahanap, nang ica aaliu, sa mga bulaclac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"iyong pipitasin ang lalong mariquit dini sa li ig co,, cusang isasabit tuhog na bulaclac sadyang saglit saglit, pag uupandin mong lumbay co,, mapacnit. at cun ang hapis co,, hindi masauata sa pilic mata mo,, dadaloy ang luha na pasaan ngayon ang gayong aruga sa dala cong saquit ay di apula? halina laura,, aquing cailangan ngayon, ang lingap mo nang naunang arao, ngayon hinihingi ang iyong pag damay; ang abang sinta mo,, na sa camatayan. at ngayong malaqui ang aquing dalita, ay di humahanap nang maraming luha, sucat ang capatac na maca apula cun sa may pag sintang puso mo,, mag mula. catao ang co,, ngayon siyasatin, ibig, tigni ang sugat cong di gaua nang caliz hugasan ang dugong nanalong sa guitguit nang camay co, paa,, natataling li ig. halina, irog co,, ang damit co,, tingnan, ang hindi mo ibig dampiohang calauang calaguin ang lubid, at iyong bihisan, matinding disa co,, nang gumaan gaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang mga mata mo,, cun iyong ititig dini sa anyo cong sadlacan nang saquit upanding mapiguil ang tacong mabilis niyaring abang buhay sa icapapatid. uala na laura,, icao nanga lamang ang macalulunas niyaring cahirapan; damhin nang camay mo ang aquing catauan, at bangcay man aco,, muling mabubuhay! nguni sa abaco! ay sa laquing hirap! uala na si laura,, laquing tinatauag! napalayo layo,, di na lumiliyag, ipinag canolo ang sinta cong tapat. sa ibang candunga,, ipinagbiyaya ang pusong aquin na, at aco,, dinaya boong pag ibig co,, ipinanganyaya linimot ang sinta,, sinayang ang luha. alin pa ang hirap na di na sa aquin? may camatayan pang dico dadamdamin? ulila sa ama,, sa inang nag angquin, ualang kaibiga,, linimot ng guiliu. dusa sa puri cong cusang siniphayo, palasong may lasong natiric sa puso; habag sa ama co,, tunod na tumimo; aco,, sinusunog niyaring panibugho.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ito,, siyang una sa lahat ng hirap, pag daya ni laura ang cumacamandag dini sa buhay co,, siyang magsa sadlac sa lingingang la an ng masamang palad. conde adolfo,, ilinapat mo man sa aquin ang hirap ng sangsinucuban, ang cabangisan mo,, ipinasalamatan, ang puso ni laura,, cong hindi inagao. dito nag himutoc ng casindac sindac na umaalingao ngao sa loob ng gubat tinangay ang diua,, caramdamang hauac ng buntong hininga,, luhang lumagaslas. sa puno ng cahoy ay napa yucayoc, ang li ig ay supil ng lubid na gapos, bangcay na mistula,, ang culay na buroc ng caniyang muc ha,, naguing puting lubos. nagcataon siyang pagdating sa gubat ng isang guerrerong bayani ang ticas, putong na turbante, ay calingas lingas, pananamit moro sa persiang ciudad piniguil ang lacad, at nagtanao tano, anaqui ninita ng pag pahingahan di caquinsa guinsa,, ipinagtapunan ang pica,, adarga,, nagdaop ng camay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"saca tumingala,, mata,, itiniric sa bubong ng cahoy na taquip sa langit, estatua manding nacatayo,, umid, ang buntong hininga niya,, ualang patid. nang magdamdam ngauit sa pagayong anyo, sa puno ng isang cahoy ay umupo nag uicang palad sabay ang pagtulo, sa mata, ng luhang anaqui,, palaso. olo,, ipinatong sa caliuang camay at saca tinutop, ang noo, ng canan, anaqui mayroong guinugunam gunam isang mahalagang nalimutang bagay. malao,, humilig nag ualang bahala dirin cumacati ang batis ng luha, sa madlang himutoc, ay casalamuha ang uicang flerida,, tapus na ang toua. sa balang sandali ay sinasabugan yaong boong gubat ng maraming ay naquiquituno sa huning mapanglao ng pang gabing ibon doo,, nagtatahan. mapamaya maya,, nag bangong nagulat, tinangnan ang pica,, sampo ng calasag nalimbag sa muc ha ang bangis ng furias di co itutulot ang ipinahayag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"at cung cay flerida,, iba ang umagao at di ang ama cong dapat na igalang, hindi co masabi cun ang picang tangan bubuga ng libo,, lacsang camatayan. bababa si marte mula sa itaas sa ca ilalima,, aahon nang parcas, boong galit nila, ay ibubulalas yayacaguin niyaring camay cong marahas. sa cuco nang lilo,aquing aagauin ang cabiyac niyaring calolouang angquin, liban na cay ama, ang sino ma,, alin ay di igagalang nang tangang patalim. pag sintang labis nang capangyarihan sampong mag aama,, iyong nasasaclao! pag icao ang nasoc sa puso ninoman hahamaquing lahat masunod ca lamang! at yuyuracan na ang lalong daquila bait, catouira,, ipanganganyaya boong catungcula,, uaualing bahala sampo nang hininga,, ipauubaya. itong quinaratnan nang palad cong linsil salaming malinao na sucat mahalin nang macatatatap, nang hindi sapitin ang cahirapan cong di macayang bathin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa mauica ito luha,, pina agos, pica,, isinacsac, saca nag himutoc, nagcataon naimang parang isinagot, ang buntong hininga, niyaong nagagapus. guerrero,, namangha nang ito,, maringig, pinabaling baling sa gubat ang titig, nang ualang maquita,, hinintay umulit, di naman nala,, nag bagong humibic. ang bayaning moro,, lalo nang namaang sinong nananaghoy sa ganitong ilang? lumapit sa dacong pinangagalingan nang buntong hininga,, pinaquimatyagan. inabutan niya,, ang ganitong hibic ay mapagcandiling amang ini ibig! baquit ang buhay mo,, na unang napatid, aco,, inolila sa guitna nang saquit? cong sa gunita co,, pagcuru curuin ang pagcahulog mo sa camay nang tacsil, parang naquiquita ang iyong narating parusang marahas na calaguim laguim. at alin ang hirap na di icacapit sa iyo nang duque adolfong malupit icao ang salamin sa reino nang bait pagbubuntuhang ca nang malaquing galit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"catao an mo amai,, parang namamalas ngayon nang bunso mong iugami sa hirap pinipisang pisang at iniuaualat nang paua ring lilong verdugo nang sucab. ang nagcahiualay na laman mo,, buto, camay at catao ang nalayo sa ulo, ipinag haguisan niyaong mga lilo at ualang maauang maglibing na tauo. sampo nang lincod mo,, mga cai bigan cong campi sa lilo,, iyo nang ca auay, ang di nagsi ayo,, natatacot naman bangcay mo,, ibao,, mapaparusahan. hangan dito ama,, aquing nariringig, nang ang iyong ulo,, tapat sa caliz ang panambitan mo,, dalangin sa langit na aco,, maligtas sa cucong malupit. ninanasa mo pang aco,, matabunan ng bangcay sa guitna ng pagpapatayan, nang houag mahulog sa panirang camay ng conde adolfong higuit sa halimao. pananalangin mo,, di pa nagaganap sa li ig mo,, biglang nahulog ang tabac naanao sa bibig mong huling pangungusap, ang adios bunso,, buhay mo,, lumipas. ay amang ama co!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"cong magunam gunam madla mong pag irog at pagpapalayao ipinapalaso ng capighatian luha niyaring pusong sa mata,, nunucal. ualang icalauang ama ca sa lupa sa anac na candong ng pag aaruga ang munting hapis cong sumungao sa muc ha, sa habag mo,, agad nanalong ang luha. ang lahat ng toua,, natapos sa aquin, sampo niyaring buhay ay naguing hilahil, ama co,, hindi na malaong hihintin aco,, sa payapang baya,, yayacapin. sandaling tumiguil itong nananangis, binig yang panahon luha,, tumaguistis niyaong na aauang morong naquiquinyig, sa habag ay halos mag putoc ang dibdib. tinutop ang puso at saca nag say say 'cailan iya luha co,, bubucal ng habag cay ama at panghihinayang para ng panaghoy ng nananambitan? sa sintang inagao ang itinatangis, dahilan ng aquing luhang nagbabatis yao,, nananaghoy dahil sa pag ibig sa amang namatay na mapagtang quilic. cun ang ualang patid na ibinabaha. ng mga mata ko,, sa hinayang mula sa mga palayao ni ama,, aruga malaquing palad co,, matamis na luha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"nguni,, ang nanahang maralitang tubig sa muc ha,, dibdib cong laguing dumidilig cay ama nga galing dapoua,, sa bangis hindi sa anduca, at pagtatang quilic. ang matatauag cong palayo sa aquin ng ama co,, tong aco,, pagliluhin, agauan ng sinta,, panasa nasaing lumubog sa dusa,, buhay co,, maquitil. may para cong anac na napanganyaya ang layao sa ama,, dusa,, pauang luha hindi nacalasap kahit munting toua sa masintang inang pagdaca,, nauala! napahinto rito,, naringig na muli ang pananambitan niyaong natatali, na ang uica,, laurang aliu niyaring budhi pa alam ang abang candong ng paghati. lumagui ca naua sa caligayahan sa harap ng dimo esposong catipan, at houag mong datnin yaring quinaratnan ng casign linimot, at pinagliluhan. cong nagbangis cama,, nagsucab sa aquin, mahal ca rin lubha dini sa panimdim, at cong mangyayari hangang sa malibing ang mga buto co quita,, sisintahin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"dipa natatapos itong pangungusap may dalauang leong hangos ng paglacad, siya,, tinutongo,, pagsil in ang hangad; nguni,, nanga tiguil pag dating sa harap. nanga aua mandi,, naualan ng bangis sa abang sisil ing larauan ng saquit, nanga catingala,, parang naquinyig sa di lumilicat na tingistangis. anong loob caya nitong nagagapus, ngayong na sa harap ang dalauang hayop, na ang balang ngipi,, cuco,, naghahandog isang camatayang caquila quilabot! di co na masabi,, luha co,, nanatac, na uumid yaring dilang nangungusap, puso co,, nanglalambot sa malaquing habag sa ca aua auang quinucob ng hirap. sinong di mahapis na may caramdaman sa lagay ng gapus na calumbay lumbay, lipus ng pighati saca tinutunghan, sa laman at buto niya, ang hihimay! catiuala na nga itong tiguib saquit na ang buhay niya,, tungtong na sa guhit, linagnat ang puso,, nasira ang voses, dina mauatasan halos itong hibic.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"paalam albaniang pinamamayanan ng casama,, lupit, hangis caliluhan, acong tangulan mo,, cusa mang pinatay, sa iyo,, malaqui ang panghihinayang. sa loob mo naua,, houag mamilantic ang panirang talim ng catalong caliz; magca espada cang para ng binitbit niyaring quinuta mong canang matang quilic. quinasuclaman mo ang ipinangaco sa iyo,, gugulin niniyac cong dugo at inibig mopang hayop ang mag bubo, sa cong itangol ca,, maubos tumulo. pagcabata cona,, ualang inadhica cundi pag lilincod sa iyo,, calinga di maca ilang cang babaling masira ang mga camay co,, siyang tumimaua? dustang camatayan ang bihis mong bayad; dapoua,, sa iyo,, mag papasalamat, cong pacamahali,, houag ipahamac ang tinatangisang guiliu na nagsucab. yaong aquing laurang hindi mapapacnit ng camatayan man sa tapat cong dibdib; ipa alam bayan co, pa alam na ibig, magdarayang sintang di manao sa isip!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"bayang ualang loob, sintang alibugha, adolfong malapit, laurang magdaraya, magdiuang na ngayo,, manulos sa toua, at masusunod na sa aquin ang nasa. na sa harap co na ang lalong maraual, mabingis na lubhang lahing camatayan malulubos nanga ang inyong casaman, gayon din ang aquing aalipustaan. sa abang aba co! diata laura mamamatay aco,, hindi mo na sinta! ito ang mapait sa lahat nang dusa, sa quin ay sino ang mag aala ala! diyata,, ang aquing pagca panganyaya di mo tatapunang ng camunting luha, cong yaring buhay co,, mahimbing sa uala di babahaguinan ng munting gunita! guni guning ito,, lubhang macamandag agos na luha co,, puso co,, ma agnas, tulo caloloua,, sa mata,, pumulas, cayoaquing dugo,, mag unahang matac. nang matumbasan co ang luha, ang saquit nitong pagcalimot ng tunay cong ibig; houag yaring buhay ang siyang itangis cundi ang pagsintang lubos na na amis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa tinaghoy taghoy na casindac sindac, guerrero,, hindi na napiguil ang habag, tinunton ang voses at siyang hinanap, patalim ang siyang nagbucas ng landas. dauag na masinsi,, naglagui laguitic sa dagoc ng lubhang matalas na caliz, moro,, di tumugot hangang di nasapit ang binubucalan ng maraming tangis. anyong pantay mata ang lagay ng arao niyong pagcatungo sa calulunuran siyang pagcataos sa quinalalag yan nitong nagagapus na cahambalhambal. nang malapit siya,, abutin ng suliap ang sa pagcatali,, liniguid ng hirap, naualan ng diua,, luha,, lumagaslas, catao an at puso,, nagapus ng habag. malaong natiguil na di nacaquibo hininga,, hinabol na ibig lumayo, matutulog disin sa habag ang dugo, cundangan nagbangis leong nangag tayo. na acay ng gutom at gauing manila, ang uli sa ganid at naualang aua, handa na ang ngipi,, cucong bagong hasa at pagsasabayan ang gapos ng iua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"tanang balahibo,, pinapangalisag, nanindig ang buntot na nacagugulat sa bangis ng anyo at nginasab ngasab, furiang nag ngangalit ang siyang catulad. nag taas ang camay, at nanga caama sa cato ang gapa ang cucong pangsira, nang daracmain na,, siyang pagsagasa niyaong bagong marteng lumitao sa lupa. inusig ng taga ang dalauang leon, si apolo mandin sa serpiente piton, ualang bigong quilos na di nababaon ang lubhang bayaning tabac na pamutol. cong ipamilantic ang canang pamatay, at saca isalag ang pang adyang camay, malilicsing leon ay nanga lilinlang caya di nalao,, nanga gumong bangcay. nang magtagumpay na ang guerrerong bantog sa nanga calabang mabangis na hayop, luha,, tumutulong quinalag ang gapus ng ca aua auang iniuan ang loob. halos nabibihay sa habag ang dibdib dugo,, ng matingnang nunucal sa guitguit, sa pagcalag niyang malicsi,, nainip sa siga sigalot na madlang bilibid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"caya ang guinaua,, inagapayanan catauang malatang parang bagong bangcay at minsang pinatid ng espadang tangan ualang auang lubid na lubhang matibay. umupo,, quinalong na naghihimutoc, catauan sa dusa hininga,, natulog, hinaplus ang muc ha,, dibdib ay tinutop, nasa ng gueerro,, pagsaulang loob. doon sa pagtitig sa pagcalungay ngay ng caniyang calong na calumbay lumbay, nininilay niya, at pinagtatao han ang diquit ng quias at quinasapitan. namamangha naman ang magandang quias casing isa,, ayon sa bayaning ticas, mauiuili disin ang iminamamalas, na mata, cundangan sa malaquing habag. gulong gulong lubha ang caniyang loob, nguni,, napayapa ng anyong cumilos itong abang candong ng calunos lunos nagusing ang buhay na nacacatulog. sa pagcalungay ngay mata,, idinilat, himutoc ang unang bati sa liuanag, sinundan ng taghoy na cahabaghabag nasaan ca laura sa ganitong hirap?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"halina guiliu co,, gapus co,, calaguin, cong mamatay aco,, gunitain mo rin, pumiquit na muli,, napatid ang daing, sa may candong namang tacot na sagutin. ipina nganganib, ay baca mabigla magtuloy mapatid hiningang mahina hinintay na lubos niyang mapayapa ang loob ng candong na lipus dalita. nang muling mamulat ay naguiclahanan sino? sa aba co,, na sa morong camay! ibig na igtad ang lunong catao an, nang hindi mangyari,, nag ngalit na lamang. sagot ng guerrero,, houag na manganib sumapayapaca,, mag aliu ng dibdib ngayo,, ligtas cana sa lahat nang saquit may calong sa iyo ang nagtatangquilic. cung nasusuclam ca sa aquing candungan, lason sa puso mo nang hindi binyagan, nacucut ya acong di ca saclolohan sa iyong nasapit na napacaraual. ipina hahayag ng pananamit mo taga albania ca at aco,, perciano icao ay caauay ng baya,, secta co, sa lagay mo ngayo,, magcatoto tayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"moro aco,, lubos na taong may dibdib, ay nasasacalo rin ng utos ng langit, dini sa puso co,, cusang natititic natural na leyng sa aba,, mahapis. anong gagauin co,, aquing napaquingan ang iyong pagtaghoy na calumbay lumbay, gapus na naquita,, pamu mutiuanan ng dalauang ganid, ng bangis na tangan. nagbuntong hiniga itong abang calong at sa umaaliu na moro,, tumugon, cundimo quinalag sa punu ng cahoy, nalibing na aco sa tiyan ng leon. payapa na naman disin yaring dibdib; napag quiquilalang ca auay cang labis at di binaya ang nagca patid patid, ang aquing hiningang camataya,, saquit. itong iyong aua,, di co hinahangad, patain mo aco,, siyang pitang habag, dimo tanto yaring binabatang hirap na ang camatayan ang buhay cong hanap. dito napahiyao sa malaquing hapis ang morong may aua,, luha,, tumaguistis, siyang itinugon sa uicang naringig at sa panglolomo,, cusang napahilig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ano pa,, capoua hindi macaquibo di nanga calaban sa damdam ng puso parang ualang malay, hangang sa magtago,, humilig si febo sa hihigang guinto. may auang guerrero ay sa maramdaman malam lam na sinag sa gubat ay nanao, tinunton ang landas na pinagda anan dinala ang calong sa pinangalingan. doon sa naunang hinintuang daco nang masoc sa gubat ang bayaning moro sa isang malapad, malinis na bato cusang pinag yaman ang lugaming pangco. cumuha ng munting baong macacain, ang angdaralita,, inamong tumiquim cahit uma ayao ay nahicayat din nang sabing malambot na pauang pag aliu. nalouag louagan ang pang hihingapus sapagca,, na auas sa pagcadayucdoc, hindi quinucusa,, tantong nacatulog, sa sinapupunan nang guerrerong bantog. ito,, di umidlip sa boong magdamag sa pag aalaga,, nagbata ng puyat ipinanganganib, ay baca macagat nang ganid na madlang nag gala sa gubat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"touing maguiguising sa magaang tulog itong lipos hirap, ay naghihimutoc, pauang tumitiric na anaqui tunod sa dibdib nang morong may habag at lunos. nang magmamadaling arao, ay nahimbing munting napayapa sa dalang hilahil hangang sa aurorang itaboy ang dilim ualang binitiuang himutoc at daing. ito ang dahilang ipinagcasundo limang caramdamang parang hinahalo iquinatiuasay nang may dusang puso lumacas na muli ang catao ang hapo. caya,, nang isabog sa sangsinucuban ang doradong buhoc nang masayang arao nag bangong hinaho,, pinasalamatan sa langit ang bagong lacas nang catao an. sabihin ang toua nang guerrerong hayag, ang abang quinalong ay biglang niyacap, cong nang una,, nucal ang luha sa habag ngayo,, sa galac na ang ilinagaslas. capus ang dila cong magsaysay nang laqui nang pasasalamat nitong quinandili, cundangan ang dusa,, sa naualang casi ay napaui disin sa touang umali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sapagca,, ang dusang mula sa pag ibig cung cahit mangyaring lumayo sa dibdib, quisap mata lamang ay agad babalic at magdadagdag pa sa una nang bangis. caya hindi pa man halos dumadapo ang toua sa lamad nang may dusang puso ay itinac uil na nang dalitang lalo at ang tunod niya,, siyang itinimo. niyapus na muli ang dibdib nang dusa hirap ayang bat hin nang saquit sa sinta! dangan ina aliu nang moro sa persia natuluyang nanao ang tangang hininga. iyong natatanto ang aquing paglingap, (anitong persiano sa nababagabag) mula nang hirap mo,, ibig cong matatap at nang cong may daa,, malagyan nang lunas. tugong nang may dusa,, di lamang ang mula niyaring dalita co ang isasalita, cundi sampong buhay sapol pagcabata, nang maganapan co ang hingi mo,, nasa. nupong nag agapay sa puno nang cahoy ang may dalang habag at lipus lingatong saca sinalitang, luha,, bumabalong boong naguing buhay hangang naparool.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa isang ducado nang albaniang ciudad, doon co naquita ang unang liuanag, yaring catauha,, utang cong tinangap sa duque briseo ay ama cong liyag! ngayong nariyang ca sa payapang bayan sa harap ng aquing inang minamahal princesa florescang esposa mong hirang tangap ang luha cong sa mata,, hunucal. baquit naguing tauo aco sa albania bayan ng ama co at di sa crotona, masayang ciudad na lupa ni ina? disin ang buhay co,, di lubhang nag dusa. ang duqueng ama co,, privadong tanungan ng haring linceo sa anomang bagay, pangalauang puno ng sangcaharian, hilaga ang tungo ng suyo ng bayan. cong sa cabaita,, uliran ng lahat at sa catapanga,, pang ulo sa ciudad, ualang casingdunong mag mahal sa anac, umacay, magturo sa gagauing dapat. nariringig copa halos hangan ngayon malayao na tauag ng ama cong poon, niyaong aco,, batang quinacandong candong, taguring floranteng bulaclac cong bugtong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ito ang ngalan co, mulang pagcabata, naguisnan sa ama,, inang nag anduca, pamagat na ambil sa lumuha luha, at cayacap yacap ng madlang dalita. boong camusmusa,, di na sasalitin ualang may halagang nangyari sa quin, cundi nang sangol pa,, cusang daraguitin ng isang buitreng ibong sadyang saquim. ang sabi ni ina aco,, natutulog sa bahay sa quintang malapit sa bundoc pumasoc ang ibong pang amoy, ay abot hangang tatlong leguas sa patay na hayop. sa sinigao sigao ng ina cong mutya nasoc ang pinsan cong sa epiro mula ngala,, monalipo may taglay na pana tinudla ang ibo,, namatay na bigla. isang arao namang bagong lumalacad aco,, naglalaro sa guitna ng salas, may nasoc na arco,, biglang sinambilat cupidong diamanteng sa dibdib co,, hiyas. nang tumuntong aco sa siyam na taon, palaguing gaua co,, mag aliu sa burol sacbat ang palaso,, ang busog ay calong pumatay ng hayop, mamana ng ibon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa touing umagang bagong naglalatag ang anac ng arao, ng masayang sinag, naglilibang aco sa tabi ng gubat mad la ang ca acbay na mga alagad. hangang sa tingalin ng sangaigdigan ang mucha ni febong hindi matitigan ay sinasagap co ang caligayahang handog niyaong hindi maramot na parang. aquing tinitipon ang iquinacalat ng masayang bango ng mga bulaclac, ina aglahi co ang larouang pulad mahinhing amiha,, ibong lumilipad. cong aco,, mayroong matanao na hayop sa tinitingalang malapit na bundoc, biglang ibibinit ang pana sa busog, sa minsang tud la co,, pilit matutuhog. tanang samang lincod ay nag aagauan unang macarampot nang aquing napatay ang tinic sa dauag ay di dinaramdam, palibhasa,, toua ang naca aacay. sucat maligaya sino mang manood sa sinuling suling ng sama cong lingcod, at cong masunduan ang bangcay ng hayop ingay ng hiyauan sa loob ng tumoc. ang larouang busog ay cong pag sauaan, upo sa tabi ng matuling bucal, at mananalamin sa linao ng cristal, sasagap ng lamig na ini aalay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"dito,, mauiuili sa mahinhing tinig ng nangag sasayang nayadas sa batis, taguinting ng lirang catuno ng auit mabisang pamaui sa lumbay ng dibdib. sa tamis ng tinig na cahalac halac ng nag aauitang masasayang ninfas, na aanyayahan sampong lumilipad sari saring ibong agauan ng dilag. caya nga,, sa sanga ng cahoy na duclay sa mahal na batis na iguinagalang ang bulag na gentil, ay nag lulucsuhan ibo,, naquiquinig ng pag aauitan. anhin cong saysain ang tinamong toua ng cabataan co,, malauig na lubha pag ibig ni ama,, siyang naguing mula lisanin co yaong gubat na payapa. pag ibig anaqui,, aquing naquilala di dapat palac hin ang bata sa saya at sa catoua,, capag namihasa cong lumaqui,, ualang hihinting guinhaua. sa pagca,, ang mundo,, bayan ng hinagpis namamaya,, sucat tibayan ang dibdib, lumaqui sa toua,, ualang pagtiti is anong ilalaban sa dahas ng saquit?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang tauong magaui sa ligaya,, aliu mahina ang puso,, lubhang maramdamin, inaacala pa lamang ang hilahil, na daratna,, dina matutuhang bat hin. para ng halamang lumagui sa tubig, daho,, malalanta munting di madilig, iquinalolo oy ang sandaling init, gayon din ang pusong sa toua,, mani ig. munting cahirapa,, mamalac hing dala, dibdib palibhasa,, di gauing magbata, ay bago,, sa mundo,, ualang quisap mata ang tauo,, mayroong sucat ipagdusa. ang laqui sa layao caraniua,, hubad sa bait at muni,, sa hatol ay salat, masaclap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anac. sa taguring bunsot, licong pag mamahal ang isinasama ng bata,, nunucal ang iba,, marahil sa capabayaan nang dapat magturong tamad na magulang. ang lahat nang ito,, cay amang talastas, caya nga ang luha ni ina,, hinamac, at ipinadala aco sa atenas, bulag na isip co,, ng doon mamulat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"pag aral sa aquin qy ipinatungcol sa isang mabait, maestrong marunong lahi ni pitaco, ngala,, si antenor, lumbay co,, sabihin nang dumating doon. may sangbouan halos na di nacacain, luha sa mata co,, di mapiguil piguil; nguni,, napayapa sa laguing pag aliu ng bunying maestrong may cupcup sa quin. sa dinatnan doong nad lang nag aaral caparis cong bata,, cabaguntauhan, isa,, si adolfong aquing cababayan, anac niyaong condeng silenong marangal. ang caniyang tao,, labis ng dalaua sa dala cong edad na lalabing isa, siyang pinopoon ng boong escuela, marunong sa lahat na magcacasama. mahinhin ang asal na hindi magaso at cong lumacad pa,, palaguing patungo, mabining mangusap at ualang catalo lapastanganin ma,, hindi nabubuyo. ano pa,, sa bait ay siyang huaran ng nagcacatipong nagsisipag aral, sa gaua at uica,, di mahuhulihan ng munting panira sa magandang asal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ni ang catalasan ng aming maestro at pagca bihasa sa lacad ng mundo, ay hindi nataroc ang lihim at tungo ng pusong malihim nitong si adolfo. acong pagcabata,, ang quinamulatan cay ama,, ang bait na di paimbabao, yaong namumunga ng caligayahan, nanacay sa pusong suyui,, igalang. sa pinagtatac han ng bong escuela, bait ni adolfong ipinaquiquita, dico malasapan ang haing ligaya ng magandang asal ng ama co,, ia. puso co,, ninilag na siya,, guiliuin, ayauan cun baquit at naririmarim, si adolfo nama,, gayon din sa aquin, nararamdaman co cahit lubhang lihim. arao ay natacbo, at ang cabata an sa pag aaral co sa qui,, nananao, bait co,, luminis at ang carunungan ang bulag cong isip ay cusang dinamtan. nataroc ang lalim ng filosfia, aquing natutuhan ang astrologia, natantong malinis ang cataca taca at mayamang dunong ng matematica. sa loob ng anim na taong lumacad itong tatlong dunong ay aquing nayacap tanang casama co,, nagsi pangilalas sampo ng maestrong toua,, dili hamac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang pagcatutu co,, anaqui himala, sampo ni adolfo,, naiuan sa guitna, maingay na lamang taga pamalita, sa boong atenas, ay gumala gala. caya nga at aco ang naguing hantungan tungo ng salita ng tauo sa bayan, mulang bata,, hangang catanda tandaan, ay nacatalastas ng aquing pangalan. dito na nahubdan ang cababayan co ng hiram na bait na binalat cayo, cahinhinang asal na paquitang tauo naquilalang hindi bucal cay adolfo. matanto ng lahat na caya nanamit niyaong caba itang di taglay sa dibdib, ay nang maragdag pa sa talas nang isip itong capurihang mahinhi,, mabait. ang lihim na ito,, caya nahalata, dumating ang arao nang pagca catoua, caming nag aaral bagong tauo,, bata sari saring laro ang minunacala. minulan ang gali sa pagsasayauan ayon sa musica,, auit na saliuan, larong buno,, arnes na quinaquitaan nang cani caniyang licsi,, carunungan. saca ilinabas namin ang tragedia nang dalauang apo nang tunay na ina, at manga capatid nang nag iuing amang anac at esposo nang reina yocasta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"papel ni eteocles ang naguing tungcol co, at si polinice nama,, cay adolfo, isang ca escuela,, siyang nag adrasto, at ang nag yocasta,, bunying si minandro. ano,, nang mumulan ang unang batalia, ay ang aming papel ang magca cabaca, nang dapat sabihing aco,, comilala,, siya,, capatid cong cay edipong bunga. nang lisic ang mata,, ang ipinagsaysay, ay hindi ang dichong na sa original cundi ang uica,, icao na umagao nang capurihan co,, dapat cang mamatay hinandulong aco, sabay nitong uica, nang patalim niyang pamatay na handa, dangan naca iuas aco,, nabulagta sa tatlong mari ing binitiuang taga. aco,, napahiga sa inilag ilag, sinabayang bigla nang tagang malacas, salamat sa iyo minandrong liyag, cundi ang licsi mo buhay co,, na utas! nasalag ang dagoc na camatayan co, lumipad ang tangang caliz ni adolfo siyang pag paguitna nang aming maestro, at naualang diuang casama,, catoto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"anopa,, natapus yaong catoua an sa pangingilabot, at capighatian; si adolfo,, dina naman nabucasan, noon di,, nahatid sa albaniang bayan. naguing sangtaon pa aco sa atenas hinintay ang loob nang ama cong liyag, sa aba co,,! noo,, tumangap nang sulat, na ang balang letra,, iuang may camandag. gunam gunam na di napagod humapis di ca na ianod nang luhang mabilis, iyong guinugulo ang bait co,, isip at dimo payagang payapa ang dibdib! camandag cang lagac niyaong camatayan sa sintang ina co,, di nagpacundangan, sinasariua mo ang sugat na lalang nang aquing tinagap na palasong liham! tutulungang quita ngayong magpalala nang hapdi sa pusong di co ma apula, namatay si ina ay laquing dalita ito sa buhay co ang unang umiua. patay na dinampo sa aquing pagbasa niyong letrang titic ng biguing na pluma diyata ama co at nacasulat ca ng pamatid buhay sa anac na sinta!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"may dalauang oras na di nacamalay ng pagca tauo co,, ng quinalalag yan, dangan sa calinga ng casamang tanan ay di mo na aco na casalitaan. nang mahimasmasa,, narito ang saquit, dalaua cong mata,, naguing parang batis, ang ay! cong caya mapatid ay nacalimutan ang paghingang guipit. sa panahong yao,, ang boo cong damdam ay nanao sa aquin ang sangdaigdigan, ang iisa aco sa guitna ng lumbay ang quinacabaca,, sarili cong buhay. hinamac ng aquing pighating mabangis ang sa maestro cong pang aliu na voses, ni ang luhang tulong ng samang may hapis, ay di naca auas sa pasan cong saquit. baras ng matouid ay linapastangan ng lubhang marahas na capighatian, at sa isang titig ng palalong lumbay diua,, lumilipad niyaring cati isan. anopa,, sa bangis ng dusang bumugso minamasarap cong mutoc yaring puso at ng ang camandag na nacapupuno sumamang dumaloy sa agos ng dugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"may dalauang buang hindi nacatiquim aco ng linamnam ng payapa,, aliu, icalauang sulat ni ama,, dumating sampo ng sasakiang sumundo sa aquin. saad sa calatas ay biglang lumulan at aco,, omoui sa albaniang bayan sa aquing maestro ng napaaalam aniya,, florante bilin co,, tandaan. houag malilingat, at pag ingatan mo ang higanting handa ng conde adolfo pailag ilagang parang baselisco sucat na ang titig na matay sa iyo. cun ang isalubong sa iyong pagdating, ay masayang muc ha,, may paquitang giliu, lalong paingata,, caauay na lihim siyang isa isip na cacabacahin. dapoua,, houag cang magpapahalata taroc mo ang lalim ng caniyang nasa ang sasandatahi,, lihim na ihanda, ng may ipagtangol sa arao ng digma. sa mauica ito luha,, bumalisbis, at aco,, niyacap na pinacahigpit, huling tagubilin bunso,, catiti is at hinhintay ca ng maraming saquit. at mumul an mona ang paquiquilaban sa mundong bayaning punong caliluhan hindi na natapus, at sa calumbayan piniguil ang dila niyang pagsasaysay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"nagca bitiu caming malunbay capoua tanang ca escuela mata,, lumuluha si minandro,, labis ang pagdaralita palibhasa,, tapat na capoua bata. sa pagca calapat ng balicat namin ang mut yang catoto,, di bumitiu bitiu hangang tinulutang sumama sa aquin ng aming maestrong caniyang amain. yaong pa alama,, anopa,, natapos sa pagsasaliuan ng madlang himutoc, at sa caingaya,, gulo ng adios ang buntong hininga ay naquiquisagot. mag pahangang daong ay nagsipatnubay ang aquing maestro,, casamang iiuan; homihip ang hangi,, agad nahiualay sa pasig atenas ang aming sasaquian. bininit sa busog ang siyang catulad ng tulin ng aming daong sa paglayag, caya di nalaon paa co,, yumapac sa dalampasigan ng albaniang ciudad. pag ahon co,, agad nagtuloy sa quinta, di humihiualay ang catotong sinta; pag halic sa camay ng poong cong ama. lumala ang saquit ng dahil cay ina. nagdurugong muli ang sugat ng puso humiguit sa una ang dusang bumugso, nauicang casunod ng luhang tumulo ay amang! casabay ng bating ay bunso!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"anopa,, ang aming buhay na mag ama nayapus ng bangis ng sing isang dusa, cami ay dinatnang nagcacayacap pa niyaong embajador ng bayang crotona. nacapangaling na sa palacio real, at ipinagsabi sa hari ang pacay dala,, isang sulat sa ama cong hirang titic ng monarcang caniyang bianan. humihinging tulong, at na sa pangamba ang crotonang reino,, cubcob ng cabaca, ang puno ng hocbo,, balita ng sigla general osmalic na bayaning persa. ayon sa balita,, pangalaua ito ng principe niyang bantog sa sangmundo alading quilabot ng mga guerrero iyong cababayang hinahanga ang co. dito napangiti ang morong ca usap sa nagsasalita,, tumugong banayad aniya,, bihirang balita,, magtapat cong magcatotoo ma,, marami ang dagdag. at saca madalas ilala ng tapang, ay ang guniguning tacot ng calaban, ang isang guerrerong palaring magdiuang mababalita na at pangingilagan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"cong sa catapanga,, bantog si aladin may buhay rin namang sucat na maquitil; iyong matatantong casimpantay morin sa casamang palad at dalang hilahil. sagot ni florante, houag ding maparis ang guerrerong bantog sa palad cong amis at sa ca auay ma,, di co ninanais ang lahi ng dusang aquing napagsapit. matanto ni ama ang gayong sacuna sa crotonang baya,, may balang sumira aco,, isinama,, humarap na bigla. sa haring linceong may gayac ng digma. cami ay bago pang nanaquiat sa hagdan ng palaciong batbat ng hiyas at yaman, ay sumalubong na ang haring marangal, niyacap si ama,, aco,, quinamayan. ang uica,, duque, ang quias na ito ang siyang camuc ha ng bunying guerrero, aquing napangarap na sabi sa iyo, maguiguing haligui ng cetro co,, reino. sino ito,, saan nangaling na ciudad? ang sagot ni ama ay bugtong cong anac na inihahandog sa mahal mong yapac ibilang sa isang vasallo,, alagad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"namangha ang hari at niyacap aco, mabuting panahon itong pagdating mo, icao ang general nang hocbong dadalo sa bayang crotonang quinubcob nang moro. patotohanan mong hindi iba,, icao, ang napangarap cong guerrerong matapang, na naglalathala sa sangsinucuban nang capurihan co at capangyarihan. iyong cautangan paroong mag adia, nuno mo ang hari sa bayang crotona; dugo cang mataas, ay dapat cumita nang sariling dangal, at bunyi sa guerra. sa pagca,, matouid ang sa haring saysay, umayon si ama cahi,, mapait man, nang agad masubo sa pagpapatayan ang ca battan co,, di cabihasahan. aco,, ualang sagot, na na ipahayag cundi haring poo,, nagdapa sa yapac, nang aquing hahagcan ang mahal na bacas, cusang itinindig at muling niyacap. nag upuan cami,, saca nag panayam nang balabalaqui,, may halagang bagay, nang sasalitin co ang pinag daanan sa bayang atenas na pinangalingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"siyang pamimitac at cusang nag sabog nang ningning, ang talang ca agao ni venus, anaqui ay bagong umahon sa bubog, buhoc ay nag lugay sa perlas na batoc. touang pangalaua cong hindi man langit ang itinapon nang mahinhing titig, ang lualhating buco nang ninibig pain ni cupidong ualang macaraquip. liuanag nang muc ha,, ualang pinag ibhan, cay febo cong anyong bagong sumisilang, catao ang butihin ay timbang na timbang at mistulang ayon sa hinhin nang asal. sa caligayaha,, ang nacaca ayos bulaclac na bagong uinahi nang hamog, anopa,, sino mang palaring manood patay himala cong hindi umirog. ito ay si laurang iquinasisira nang pag iisip co touing magunita, at dahil nang tanang himutoc at luha itinutuno co sa pagsasalita. anac ni linceong haring napahamac, at quinabucasan nang aquing pagliyag: baquit itinulot langit na mataas, na mapanood co, cong di aco dapat?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"haring linceo cong di mo pinilit na sa salitaan nati,, maquipanig ang buhay co disi,, hindi nagcasaquit ngayong pagliluhan nang anac mong ibig! hindi catoto co,, si laura,, di tacsil aiuan cong ano,, lumimot sa aquin! ang palad co,, siyang alipusta,, linsil di laang magtamo nang toua sa guiliu. macacapit caya ang gauang magsucab sa pinacayaman nang langit sa dilag? cagandaha,, baquit di macapagcalag nang pagca capatid sa maglilong lacad? cong nalalagay ca ang mamatouirin, sa laot nang madlang sucat ipagtacsil, dili ang dangal mong dapat na lingapin mahiguit sa ualang cagandaha,, ningning? ito ay hamac pa bagang sumangsala ng carupucan mo, at gauing masama? cung ano ang taas, ng pagcadaquila, siyaring lagapac naman cong marapa. bunying guerrerong! na aua sa aquin, pag silang na niyaong nabagong bitoin, sa pagcaquita co,, sabay ang pag guiliu, inagao ang pusong sa ina co,, hain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"anopa,, ang luhang sa mata,, nanagos nang pagca ulila sa ina cong irog, na tungcol sa sinta,, puso,, nangilabot baca di marapat sa gayong alindog. hindi co maquita ang patas na uica sa caguluhan co,, pagca ualang diua nang maqui umpoc na,, ang aquing salita, anhin mang touirin, ay magcacalisiya. nang malutas yaong pagsasalitaan, ay uala na acong camahad licaan, caloloua,, gulo,, puso,, nadararang sa ningas nang sintang bago cong naticman. tatlong arao noong piniguing nang hari sa palacio real na sa yama,, bunyi, ay di nacausap ang punong pighati na ina asahang ilulualhati. dito co naticman ang lalong hinagpis, higuit sa dalitang na unang tini is, at binula ang co ang lahat nang saquit, cong sa cahirapan mula sa pag ibig. salamat at niyaong sa quinabucasan hucbo co,, lalacad sa crotonang bayan, sandaling pinalad, na nacapanayam ang princesang nihag niyaring catauhan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ipinahayag co nang uicang ma irog, nang buntong hininga, luha at himutoc, ang matinding sintang iquina lulunod mag pahangan ngayon nang buhay cong capus. ang pusong matibay nang himalang diquit nahambal sa aquing malumbay na hibic dangan ang caniyang catutubong bait ay humadlang, disin sinta co,, nabihis. nguni,, cun ang ,, di man binitiuan naliuanagan din sintang nadidimlan at sa pag panao co ay pinabauanan nang may hiyang perlas na sa mata,, nucal. dumating ang bucas nang aquing pag alis sino ang sasayod nang bumugsong saquit? dini sa puso co,, aliu ang hinag pis na hindi nagtimo nang caniyang caliz? may saquit pa cayang lalalo nang tindi sa ang sumisinta,, maualay sa casi? guni guni lamang di na ang mang yari, sucat icalugmoc nang pusong bayani. nangag aalay nang mabangong suob sa daquilang altar ni cupidong dios sa dusa co,, cayo ang nacatataroc, niyaong mangulila sa laura cong irog!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"at cundi sa luhang pabaon sa aquin namatay na muna bago co na atim dusang di lumicat hangang sa dumating sa bayang crotonang cubcob nang hilahil. cuta,, lulugso na sa bayong madalas nang manga maquinang talagang pang ualat siyang paglusob co,, nang hucbong aquibat guinipit ang digmang cumubcob sa ciudad. dito,, ang masid hing lubhang camatayan at parcas aropos ay nagdamdam pagal sa pag gapas nila,, pagquitil nang buhay nang nag hihingalong sa dugo,, nag lutang. naquita nang piling general osmalic ang aquing marahas na pamimiyapis pitong susong hanay na dulo nang caliz uinahi nang tabac nang aco,, masapit. sa caliua,, canan niya,, nalagalag manga soldados cong pauang mararahas lumapit sa aquin mata,, nagniningas halica aniya,, quita ang maglamas. limang oras caming hindi nag hiualay hangang sa nahapo ang bato nang tapang nag lucsa ang langit nang aquing mapatay habag sa guerrerong sa mundo,, tinac han.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"siya nang pagsilid nang pangingilabot sa calabang hucbong parang sinasalot nang pamuc sang tabac ni minandrong bantog; ang campo,, victoria,, napa aming lubos. tagumpay na ito,, pumaui nang lumbay nang manga nacubcob nang casacuna an panganib sa puso,, naguing catoua an; ang pinto nang ciudad pagdaca,, nabucsan. sinalubong cami nang haring daquila casama ang boong bayang natimaua ang pasasalamat ay di ma apula sa di magca uastong nagpupuring dila. yaong bayang hapo,, bagong nacatighao sa nagbalang bangis nang manga ca auay sa pagca timaua ay nag aagauang malapit sa aqui,, damit co,, mahagcan. sa lacas nang hiyao nang famang matabil vivang dugtong dugtong ay naquiquisaliu ang gulang salamat nagtangol sa amin . diningig sa langit ng mga bituin. lalo na ang toua nang aco,, matatap na apo nang hari nilang liniliyag ang monarca nama,, di munti ang galac luha ang nagsabi nang ligayang ganap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"nagsi akiat cami sa palaciong bantog at nangag pahinga ang soldadong pagod, dapoua,, ang baya,, tatlong arao halos na nacalimutan ang gauing pagtulog. sa ligaya namin nang nuno cong hari naquipag itan din ang lilong pighati at ang pagcamatay nang ina cong pili malaon nang lanta,, nanariuang muli. dito naniuala ang bata cong loob na sa mundo,, ualang catoua ang lubos, sa minsang ligaya,, tali nang casunod, macapitong lumbay hangang matapos. maguing limang bouan aco sa crotona nag pilit bumalic sa reinong albania di sinong susumang sa acay nang sinta cun ang tinutungo,, lalo,, isang laura? sa gayong catulin nang aming paglacad nai inip aco,, ang nasa,, lumipad, aba,,! nang matanao ang muog nang ciudad, cumutog sa aquing puso,, lalong hirap! caya pala gayo,, ang nauauagay uay sa cuta,, hindi na bandilang binyagan cundi medialuna,, reino,nasalacay ni alading salot nang pasuquing bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang aca,, cong hocbo,, cusang pinahimpil sa paa nang isang bundoc na mabangin, di caguinsa guinsa,, natanauan namin pulutong nang morong lacad ay mahinhin. isang bini bini ang gapos na taglay na sa damdam nami,, tangcang pupugutan ang puso co,, lalong na ipit nang lumbay sa gunitang baca si laura cong buhay. caya di napiguil ang acay nang loob at ang manga moro,, bigla cong linusob, palad nang tumacbo at hindi natapus, sa aquing pamuc sang caliz na may poot! nang uala na acong pagbuntuhang galit sa di macaquibong gapos ay lumapit, ang taquip sa muc ha,, nang aquing alis aba co,, si laura! may lalo pang saquit? pupugutan dahil sa hindi pagtangap sa sintang mahalay nang emir sa ciudad, nang mag asal hayop ang morong pangahas tinampal sa muc ha ang himalang dilag. aquing dali daling quinalag sa camay ang lubid na ualang aua at pitagan manga daliri co,, na aalang alang marampi sa balat na cagalang galang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"dito naca tangap nang lunas na titig ang nagdaralitang puso sa pag ibig, arao nang ligayang una cong pag dingig nang sintang florante sa cay laurang bibig. nang aquing matantong na sa bilanguan ang bunying monarca,, ang ama cong hirang nag utos sa hocbo,, aming sinalacay hangang di nabaui ang albaniang bayan. pagpasoc na namin sa loob nang reino, bilangua,, siyang una cong tinungo hinango ang hari,, ang duqueng ama co, sa caguino cha,, isa si adolfo. labis ang ligayang quinamtan ng hari at nang natimauang camahalang pili si adolfo lamang ang nagdalamhati sa capurihan cong tinamo ang sanhi. pangimbulo niya,, lalo nang nag alab nang aco,, tauagin tangulan nang ciudad, at ipinagdiuang nang haring mataas sa palacio real nang lubos na galac. saca nahalatang aco,minamahal nang pinag uusig niyang cariquitan ang conde adolfo,, nag papacamatay dahil sa corona, cay laura,, macasal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"lumago ang binhing mula sa atenas ipinunlang nasang aco,, ipahamac cay adolfo,, ualang bagay na masac lap para nang buhay cong hindi ma uutas. di nag ilang buan ang sa reinong toua at pasasalamat sa pagca timua, dumating ang isang hucbong maninira nang taga turquiang masaquim na lubha. dito ang panganib at pag iiyacan nang bagong nahugot sa dalitang bayan lalo na si laura,, ang capangambahan ang aco ay saming palad sa patayan. sa pagca,, general acong ini atas nang hari sa hocbong sa moro,, lalabas nag uli ang loob nang bayang nasindac, puso ni adolfo,, parang nacamandag. linoob nang langit na aquing nasupil ang hocbo nang bantog na si miramolin siyang mulang arao na iquinalaguim sa reinong albania, nang turcong masaquim. bucod dito,, madlang digma nang ca auay ang sunod sunod cong pinag tagumpayan ano pa,, sa aquing caliz na matapang labing pitong hari ang nangag sigalang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"isang arao acong bagong nagvictoria sa etoliang ciudad na cusang binaca tumangap ng sulat ng aquing monarca mahigpit na biling moui sa albania. at ang panihala sa dala cong hocbo ipinagtiualang iuan cay minandro; noon di,, tumulac sa etoliang reino, pagsunod sa hari,, albania,, tinungo. nang dumating aco,, gabing cadiliman pumasoc sa reinong ualang agam agam pagdaca,, quinubcob laquing caliluhan! na may tatlong pauong libong sandatahan. di binig yang daang aquing pang mabunot ang sacbat na caliz at maca pamooc boong catauan co,, binidbid ng gapos piniit sa carcel na catacot tacot. sabihin ang aquing pamamangha,, lumbay lalo nang matantong monarca,, pinatay ng conde adolfo cusang idinamay, ang ama cong irog na mapagpalayao. ang nasang yumama,, haring mapataniag, at uhao sa aquing dugo, ang yumacag, sa puso ng conde, sa gauang magsucab napacaraual na albaniang ciudad!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"mahigpit cang aba sa mapag punuan ng hangal na puno at masamang asal, sa pagca,, ang haring may hangad sa yaman ay mariing hampas nang langit, sa bayan. aco,, lalong aba,, dinaya ng ibig, may cahirapan pang para ng maringig, na ang princesa co,, nangacong mahigpit pacasal sa conde adolfong balauis? ito ang nagcalat ng lasong masid hi sa ugat ng aquing pusong mapighati, at pinag nasaang buhay co,, madali sa pinangalingang uala,, magsauli. sa pagcabilangong labing ualong arao na iinip aco ng di pagcamatay, gabi ng hangoi,, ipinagtuluyan sa guba,, na ito,, cusang ipinugal. bilang macalauang maliguid ni febo ang sangdaigdigan sa pagca gapus co, ng ina acalang na sa ibang mundo imulat ang mata,, na sa candungan mo. ito ang buhay cong silo silong saquit at hindi pa tanto ang huling sasapit mahabang salita, ay dito napatid, ang guerrero naman ang siyang nagsulit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang pagcabuhay mo,, yamang natalastas, tantoin mo naman ngayon ang causap, aco ang aladin sa perciang ciudad anac ng balitang sultang ali adab. sa pagbatis niyaring mapait na luha ang pagcabuhay co,, sucat mahalata. ay ama co baguit.? ay fleridang toua catoto,, bayaan aco,, mapayapa. magsama na quitang sa luha,, ma agnas, yamang pinag isa ng masamang palad sa gubat na ito,, antain ang uacas ng pagcabuhay tang nalipos ng hirap. hindi na inulit ni florante naman luha ni aladi,, pina ibayuhan; tumahan sa gubat na may limang bouan, ng isang umaga,, nagan yac nag libang. canilang linibot ang loob ng gubat cahit bahag ya na macaquitang landas, dito sinalita ni alading hayag, ang caniyang buhay na cahabag habag. aniya,, sa madlang guerrang pinagda anan di aco naghirap ng paquiquilaban, para ng bacahin ang pusong matibay ni fleridang irog na tinatangisan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"cong naquiqui umpoc sa madlang princesa,, si diana,, sa guitna ng maraming ninfa, caya,, cun tauaguin sa reino ng percia isa sa houris ng mga profeta. ano pa,, pinalad na aquing dinaig sa catiyaga an ang pusong matipid at pagcaca isa ng dalauang dibdib, pagsinta ni ama,, nabuyong gumi it. dito na minulan ang pagpapahirap sa aqui,, ninasang buhay co,, mautas at ng mag victoria sa albaniang ciudad pag dating sa percia,, binilangong agad. at ang ibinuhat na casalanang co dipa utos niya,, iniuan ang hocbo at ng mabalitang reino,, naibaui mo, aco,, hinatulang pugutan ng ulo. nang gabing malungcot na quinabucasan uacas na tadhanang aco,, pupugutan, sa carcel ay nasoc ang isang general dala ang patauad na laong pamatay. tadhanang mahigpit, ay malis pagdaca houag mabucasan sa reino ng percia, sa munting pag souay buhay co ang dusa; sinonod co,, utos ng hari co,, ama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"nguni,, sa puso co,, matamis pang lubha natuloy naquitil ang hiningang aba houag ang may buhay na nagugunita iba ang may candong sa langit co,, toua. may anim na ngayong taong ualang licat nang linibot libot na casama,, hirap. napatiguil dito,, sila,, may nabat yag nagsa salitaan sa loob nang gubat. napaquingan nila,, ang ganitong saysay nang aquing matatap na papupugutan ang abang sinta cong nasa bilanguan nag dapa sa yapac nang haring sucaban. inihinging tauad nang luha at daing ang caniyang anac na mutya co,, guiliu ang sagot ay cundi cusa cong tangapin ang pagsinta niya,, di patatauarin. anong gagauin co sa ganitong bagay? ang sinta co caya,, baya an mamatay! napahinuhod na aco,, nang mabuhay ang principeng irog na cahambal hambal. ang di nabalinong matibay cong dibdib nang suyo nang hari, bala at pag hibic, naglambot na cusa,, humain sa saquit at nang ma iligtas ang buhay nang ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa toua nang hari, pinaualang agad ang dahil nang aquing luhang pumapatac, dapoua,, tadhanang umalis sa ciudad, at sa ibang lupa,, cusang mauac auac. pumanao sa percia ang irog co,, buhay na hindi mang cami nagcasalita an tingni cong may luha acong ibubucal na maitutumbas sa dusa cong taglay! nang iguinagayac sa loob nang reino yaong pagcacasal na camatayan co, aquing na acalang magdamit guerrero cusang magta anang sa real palacio. isang hatingabing cadilima,, lubha lihim na naghunos aco sa bintana ualang quinasama cun hindi ang nasa matunton ang sinta cong nasaang lupa. may ilan ng taon acong nag lagalag na pina palacio ang bundoc at gubat dumating nga rito,, quita,, na iligtas sa masamang nasa niyaong taong sucab. salita,, nahinto na big lang pagdating ng duque florante,, principe aladin, na pagca quilala sa voces ng guiliu ang gaui ng puso,, di napiguil piguil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"aling dila caya ang macasasayod ng touang quinamtan ng magcasing irog sa hiya ng saquit sa lupa,, lumubog, dala ang caniang napulpol na tunod. saang calangitan na pa aquiat caya ang ating florante sa tinamong toua ngayong tumititig sa ligayang mucha ng caniyang laurang ninanasa nasa. ano pa ngayaong gubat na malungcot sa apat, ay naguing paraiso,, lugod, macailang hintong canilang malimot, na may hininga pang sucat na malagot. sigabo ng toua,, ng dumalang dalang diningig ng tat lo cay laurang buhay, nasapit sa reino mula ng pumanao ang sintang nag gubat: ganito ang saysay. di lub hang nalaon niyaong pag alismo sintang florante sa albaniang reino! naringig sa baya,, isang piping gulo na umalingaongao hangang sa palacio. nguni,, di mangyaring mauatasuatasan ang baquit, at hulo ng bulongbulongan parang isang saquit na di mahulaan ng medicong pantas, ang dahil; at saan. di caguinsaguinsa palacio,, nacubcob ng magulong baya,, baluting soldados arao nalubhang caquiquilabot!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"arao na sinumpa ng galit ng dios! sigauang malacas niyaong bayang gulo, mamatay mamatay ang haring linceo na nagmunacalang gutumin ang reino,, lag yan nang estanque ang cacani,, trigo . ito,, cay adolfong cagagauang lahat, at ng magcagulo yaong bayang bulag sa ngalan ng hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib ng sucab, noon di,, hinugot sa tronong luc lucan ang ama cong hari at pinapugutan may matouid bagang macapang lulumay sa sucab na puso,, nagugulong bayan? sa arao ring yao,, naput lan ng ulo ang tapat na loob ng mga consejo at hindi pumurol ang tabac na lilo hangang may mabait na mahal sa reino. umacyat sa trono ang condeng malupit, at pinagbalaan aco ng mahigpit, na cong di tumangap sa haying pag ibig dustang camataya,, aquing masasapit. sa pagnanasa cong siya,, magantihan, at sulatan quita sa etoliang bayan, pinilit ang pusong houag ipamalay sa lilo, ang aquing ca ayaua,, suclam.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"limang bouang singcad ang hinging taning ang caniyang sinta,, bago co tangapin; nguni,, pinasiyang tunay sa panimdim, ang mag patiuacal cundi ca dumating. niyari ang sulat at ibinigay co sa tapat na lingcod, ng dalhin sa iyo; di nag isang bua,, siyang pagdating mo,, nahulog sa camay ni adolfong lilo. sa tacot sa iyo niyaong palamara cong aco,, magbalic na may hocbong dala ng mag isang moui ay pinadalhanca ng may sellong sulat at sa haring firma. matanto co ito,, sa malaquing lumbay gayac na ang puso na mag patiuacal ay siyang pagdating ni minandro naman quinubcob ng hocbo ang albaniang bayan. sa banta co,, siyang tantong nacatangap ng sa iyo,, aquing padalang calatas caya,, ng dumating sa albaniang ciudad, lobong nagugutom ang cahalintulad. nang ualang magaua ang conde adolfo ay cusang tumauag ng capoua lilo dumating ang gabi umalis sa reino at aco,, dinalang gapus sa cabayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"capagdating dito aco,, dinadahas at ibig ilugso ang puri cong ingat, mana,, isang tunod na cong saan buhat pumaco sa dibdib ni adolfong sucab. sagot ni flerida nang dito,, sumapit ay may napaquingang binibining voses na paquiramdam co,, binibig yang saquit nahambal ang aquing mahabaguing dibdib. nang paghanaping co,, icao ang nataos pinipilit niyaong tauong balaquiot, hindi co nabata,, bininit sa busog ang isang palasong sa lilo,, tumapos. di pa napapatid itong pangungusap si minandro,, siyang pagdating sa gubat dala,, ejercito,, si adolfo,, hanap naquita,, catoto laquing toua,, galac! yaong ejercitong mula sa etolia ang unang nauica sa gayong ligaya viva si floranteng hari sa albania mabuhay mabuhay ang princesa laura dinala sa reinong ipinag diriuang sampu ni aladi,, ni fleridang hirang capoua tumangap na mangag binyagan: magca casing sinta,, naraos nacasal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"namatay ang bun ying sultan ali adab noui si aladin sa perciang ciudad: ang duque florante sa trono,, naac yat sa siping ni laurang minumut yang liyag. sa pamamahala nitong bagong hari sa capayapaan ang reino,, na uli dito nacabangon ang nalulugami at napasa toua ang nag pipighati. caya nga,, nagta as ang camay sa langit sa pasasalamat ng bayang tangquilic ang hari,, ang reina,, ualang naiisip cundi ang magsabog ng aua sa cabig. nagsasama silang lubhang mahinusay hangang sa nasapit ang payapang bayan, tiguil aquing musa,, cusa cang lumagay sa yapac ni,, dalhin yaring ay!. ay /rop gubat na masucal, sa labas ng ciudad ng epiro na nasa tabi ng ilog na tinatauag na cocito . febo ang arao, at gayon ang tauag ng mga poeta latino at griego .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"cipres ay isang cahoy sa bundoc, ang caraniuan ay malalaqui at matutuid, ang mga sanga,, pai taas na lahat, kaya nga,, ang pagca lagay, ay hichurang puso; ang sanga nito, ay itinitiric ng mga tauo sa una sa ibabao ng libingan, kaya ang lilim ay nacasisindac. averno anang mga poeta, ay infierno. pluton isa sa mga dioses ng mga gentil, at anang mga poeta ay hari sa infierno. cocito, ilog sa epiro, region ng albania, at anang mga poetas ay isa sa apat na ilog sa infierno caya camandag ang tubig. narciso, isang bagontauong sad yang ganda, anac ni cefisino at ni lirope, sininta ng madlang ninfas nguni,, siniphayong lahat ni narciso. adonis, baguntauong sacdal cagandahan, anac sa ligao ni cinirro, na hari sa chipre, anac cay nirrhang anac din niya, sininta ng diosa venus, at pinatay ng isang paguil. ninfas oreadas, ay ang mga diosa sa gubat na sinasamba ng mga gentil nang una: magaganda, at malalamig ang tinig anang mga poeta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"harpias ay mababangis na diosa ng mga gentil, ang taha,, sa mga islang ngala,, estrofadas, at sa gubat sa tabi ng ilog ng cocito; ang catauan ay parang ibon, muc hang dalaga, baluctot ang mga camay, ang cuco,, matutulis, pacpac paniqui at macamamatay ang baho ng hininga. albania, isa sa mga ciudad na malalaqui sa imperio ng grecia. persia isang cahariang malaqui sa parte ng asia, na nasa capangyarihan ng mga moro. pang gabing ibon, ay ang mga ibong malalabo ang mata cong arao para ng tictic, cuago, bahao, paniqui, atc. furias mga diosas sa infierno, anac ni aqueronte at ng gabi; tinatauag namang eumanidas, sila,, tatlo: megeras, tisiphone at alecto; ang buhoc ay parang serpiente, cung may ibig silang pagaliting sinoman, ay bubunot ng isang buhoc na serpiente, at ipapasoc sa dibdib ng tauong pinagagalit, nguni,, hindi namamalayan; siyang pagdidilim ng mata sa galit, at sasagasa na sa lalong panganib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"marte dios ng pagbabaca, anac ng diosa juno, ipinaglihi sa pag amoy ng isang bulaclac na inihahandog sa caniya ng diosa flora. ang sabi ng mga poeta, ay pag ganti cay jupiter na linalang si palas sa caniyang utac ay di inalam si junong esposa ni jupiter. si marte,, lumitao sa tracia at doon lumaqui. parcas diosas ng camatayan at ng tadhanang cararatnan ng tauo; sila,, tatlo anang mga poeta, sila ang nagtatangan sa buhay ng tauo, at namamahala sa casasapitan ng lahat sa sangsinucuban. si clotho ang may tangan ng habihan, si luchesis ang humahabi, at si atropos ang pumapatid sa hilo ng buhay. apolo anac ni jupiter, at ni latona, capatid na panganay ni diana, ipinanganac sa islang ngala,, delos, caguilaguilalas ng licsi, at catapanganan ng patain ang serpienteng ngala,, piton, na nagpapasaquit sa caniyang ina. anang mga poeta, ay siyang unang nagmunucala, at nagturo ng musica, ng poesia at ng panghuhula: siya ang principe ng mga musas at ng mga pastores.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"secta ang sinasampalatayanan ng isa,, isa ang sinusunod na utos ng canicaniyang dios sa caraniuang uicang castilang culto religion. aurora anac ng arao at buan. anang mga poeta, ay pagcaumaga, ay binubucsan ang pinto ng langit, at cong maicabit na ang mga cabayo sa carro ng arao ay siya ang nangunguna sa paglabas, saca casunod ang arao. crotona ciudad sa grecia mayor sa dacong italia, malapit sa dagat ng tarante, bayan ng ina ni florante, ang louang ng muralla ay labingdalauang libong hacbang. linceo hari sa albania ng panahon ni florante. buitre isang ibong lubhang malaqui, ang quinacain ay pauang bangcay ng hayop. ang sabi ng autor at iba pang nacaquiquilala sa ibong ito, ay masidhing lubha ang pang amoy, at umaabot hangang tatlong leguas. arcon isang ibong malaqui, na cararaquit ng mga buto ng tupa, ng aso at ng iba pang hayop sa bundoc. ang tinatauag na cupido diamante ay ang hiyas na caraniuang ilagay sa noo ng mga senora. anac ng arao ay ang aurora.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"nayadas mga ninfas sa batis, at ilog na sinasamba ng mga gentil. lira mga estormentong guinagamit ng mga ninfas, at musas sa canilang pag aauit, alpa biguela. ninfas mga diosa sa tubig; anang mga poeta, ay ca aliu aliu ang tinig ng voces, at taguinting ng lirang tinutugtog. ang mga batis na tinatahanan ng mga nayadas ay sagrado sa mga gentil, at canilang iguinagalang. atenas ciudad na balita sa grecia fundar ng haring cecrope; bucal batis ng carunungan, at catapangan. pitaco sa grecia, isa sa pitong balitang mga sabio. si polinice at si eteocles, magcapatid na anac ni edipo, na hari sa tebas, sa reina yocastang caniyang ina at asaua pa. adrasto hari sa ciudad ng argos na isa sa madlang malalaquing nasasacop ng imperiong grecia; ito ang tumulong cay polince sa guerra laban cay eteocles sa pag aagauan ng coronang mana cay edipo. edipo anac ni layo, na hari sa tebas at ng reina yocasta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"paglabas ni edipo sa tiyan ng caniyang ina, ay ibinigay ng ama sa isang pastor, at ipinapatay, sa pagca,, ang sabi sa oraculo ni apolo na ang sangol na ito ay cun lumaqui, ay siyang papatay sa caniyang ama, sa aua ng pastor ay isinabit na lamang ng patiuaric sa isang cahoy sa bundoc; sa cai iyac ng sangol ay naraanan ni forbante, pastor ni polivio, na hari sa corinto at ibinigay sa reina merope na asaua ni polivio; ang reina sa pagca,, ualang anac, ay pinarang anac ang sangol. nang lumaqui si edipo, ay na pa sa tebas, sa paglalacad ay napatay niya ang caniyang amang haring layo, na hindi naquilala at nag asaua sa caniyang ina, na di rin niya naquilala: ang naguing anac ay si eteocles at si polinice, na nagbabaca hangang mangamatay sa pag aagauan ng corona. venus, diosa ng pag ibig at ng cagandahan, anac ni jupiter at ni diana, anang iba, ay bucal sa bula ng dagat. cupido, dios ng pag ibig anac ni venus at ni marte.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"fama, diosang sinasamba ng mga gentil; ito ang nag lalathala ng balang gauin ng tauo, magaling masama man; ualang casintulin at matunog ang voces. medialuna, ang tauag sa estandarte bandila nang mga moro, sa pagca,, napipinta ay isang cabiac na buan. emir, gobernador virey ng moro. diana, diosang anac ni jupiter, at ni latena, mabiguin sa pangangaso, houaran ng cagandahan at panginoong ng mga ninfas. houris, mga dalagang sadiyang carictan sa paraisong cat ha ni mahomang profeta ng mga moro, na ipinangangaco at parayang ibinibihis sa magsi sunod na taimtim sa caniyang licong secta. hindi nangyari gaya ng nasa kun sino ang kumatha ng florante at ng sa iniingatan ni dr. pardo de tavera. sayo balo ni soriano, nang ay nangyayari rin ang nakalagay, gaya rin ng inihayag ng pahayagang katwiran dahong tagalog ng tagapamansag ng mga naging pederal progresista noong oktubre ng. cong pag saulang cong basahin sa isip .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sayo ay ginawang: kung pagsaulan cong basahin sa isip at ganito rin ang sa kung sino. ang cong sa unahan ay ginawang kung at ang pag saulang cong ay itinumpak sa wastong kaparaanan ng pagsulat ngayon. pinagsama ang dapat pagsamahing pag at saulan at inalis ang pang ugnay ligazon sa dulo nito, na isang kasagwaan na ngayon, dahil sa ko ang sumusunod. nguni'magpahanga ngayon ay buhay pa ang ganyang kasaguwaan sa ilang manunulat. kaya, malimit makita ang ganitong mga pangungusap: kaibigang ko pinsang mo pamangking ko amaing niya . aywan kung bakit linalagyan ng ligazon gayong kung hindi sa natatapus ang salita ay hindi naman linalagyan. hindi masabi kundi kapatid ko tula ko irog mo kasama niya . walang ano mang ligazon . nguni'kapagkarakang naging ang katapusan ng salita ay narito na agad ang paglalaro ng dila at masagwang paggamit sa pangpagandang ligazon .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang ligazon pang ugnay ay pangpaganda lamang, pang alis ng kagarilan; nguni'kapag naman sumagwa ay nagiging tunay na kagaguhan, sa pangdingig natin ngayon. ukol sa pag at iba'iba pang panglapi ay walang iisang tuntunin ang nangauna sa atin. kung minsan ay ikinakabit, nguni'ang malimit ay hiwalay. hindi dapat kaligtaang pag na panglapi ang aming tinutukoy. hindi ang pangsubaling pag na may sariling kahulugan, at tunay na isang kataga. pag umulit ka pa ay ikaw ang bahala! ang pag na iyan ay di dapat ikabit sa alin man. pagka'hindi panglapi. ang lahat nang panglapi pag, nag, mag, mang, ka, na, pa, um, in, an, atbp. ay di dapat ihiwalay. subali'nang panahong yaon nina balagtas ay isinusulat kahi'na paano, mapakabit man mapahiwalay sa dapat kapitan. kaya, hindi katakatakang makita ang mga ganitong pagkakasulat: pag saulan nag iisa pagsuyo pagsinta mapag uunaua magpahangang libing pag luha, mag pahangang daong pag sinta pagca gapus pagca buhay pinag liluhan isang na aba, pag ayop atbp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"narito na naman ang isang kasagwaan na ngayon, bagama'magandang pakinggan noong araw. kaya, itinumpak at ginawang nakaligtaan ko ng kun sino. marami ang makikitang ganito sa aklat na ito na sakali mang hindi kasagwaan, nang panahon ni balagtas, ay itinuturing na nating isang kasagwaan, sapagka'nakasusugat na sa pangdingig ngayon. may palagay kaming sa loob ng ilang panahon ay mawawala na sa pagsulat ang ganyang kasagwaan sa ligazon gaya ng pagkawala ng mga sumusunod, sa halimbawa: kanya nga sa lugal ng kaya nga bungmalong sa lugal ng bumalong kungmain sa lugal ng kumain maselang sa maselan kungdi sa kundi atbp. ginawang kundi ni. sayo at ng kun sino. ayon sa bagong pagsulat natin. sa aklat na ito ay makikita ang paibaibang pagkakasulat sa salitang ito: kung minsan ay condi at kung minsan naman ay con di at cundi . may palagay kaming ang ganitong pagkakaibaiba ay sa kasalanan na lamang ng kahista. ganito rin ang nasa kay. sayo; subali'sa kung sino. ay lumabas na inalimbag .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ito ay katulad din ng inilimbag na kasamahan ng nilimbag nilagda nilitis inilibing inilagay atbp., na pawang nasa di pangkaraniwang balangkas, subali'hindi kabalbalan. karaniwang makita sa mga salita nating ang ugat ay nagsisimula sa sa at sa at . sayo ay ganito rin. hindi na di mananakaw gaya ng nasa kun sino. at mapaghahalatang ayon sa pagkakakastila ni. epifanio de los santos sa florante na anya': que no sera robada ay at din at di na ang nasa sulat kamay ng florante niyang inihulog sa tagalog sulat kamay na ayon din sa kanya ay sipi sa lumabas noong. ay kinalalagian din ang nakalagay; subali'sa palimbag ni. sayo ay kinalalagyan at ganito rin sa malas ang kay de los santos pagka'en el makati rio donde se reflejaba ang pagkakakastila niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang reflejaba bagama'di siyang katumbas ng kinalalagyan ay siyang tanging maikakapit dito, upang maging maganda ang pangungusap, palibhasa'kawangis din ng kinalalagyan kinalalarawanan ang kinalalagyan samantalang hindi maikakastila sa kinalalagian . nariyan ngayon ang isang bagay, na dapat liwanagin. alin kaya riyan ang totoo? ang kinalalagian ang kinalalagyan maimamatuwid, na labis ang pantig ng kinalalagian kaya tama ang kinalalagyan subali'maimamatuwid namang labis din ang kasunod na talata, labingtatlo rin ang binabacas co rin sa masayang doongan nguni'iginalang ito at di iniklian. mapaghahalatang susog diya'mali ang kinalalagyan at quinalalagui an ang tunay na ibig sabihin ni balagtas, pagka'lagi na sa makating ilog si celia, at siyang ilog na liniligawan ng makata. victor baltazar, anak ng makata, ay quinalalagui an nga ang tama sa natatandaan nilang magkakapatid. aquing camatayan . hindi lalong kamatayan gaya ng nasa kun sino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa hawak ni de los santos ay ganito rin: tu memoria es mi muerto . at siya ring nasa kay. dica mapaparam . sa ingat ni de los santos ay napaghahalatang di ka napaparam ang nakalagay, gaya ng na kay. sayo at sa kun sino. ang pagkakasulat ng dica ay isang maliwanag na kamalian, na kay damidaming kasama sa aklat na ito, sa kasalanan ng limbagan. ang mga gaya niyan paris ng dipa (di pa), dico (di co), cona (co na), copa (co pa), mona (mo na), atbp., ay mga kamaliang sagana sa aklat. pinapagsasama ang mga salitang tig isang pantig, at may mga salita namang ginagawang parang dalawa higit pa, kung minsan. sa mahal mong yapac at di sa bakas ng yapak gaya ng nasa kun sino. sayo ay sa mahal mong yapak din. gayon din kay de los santos. hangad na lumauig . sayo ay naging ang ang na . bago mo hatulang catcatin at lico . sa iba ay ganito naman: bago mo hatulan katkatin at liko walang pang ugnay ligazon . kaya, naging garil. luasa,, hulo . sayo ay lasa,hulo na isang maliwanag na kamalian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang luasa,, hulo ay kahambing ng puno'dulo . at ang ibig sabihin ay pakasuriin muna mula sa puno hanggang sa dulo, bago lapatan ng hatol. ang mata,, itingin . walang ang sa kun sino. nanasang pantas . ganito rin ang kay. sayo; nguni'sa kun sino., ay ginawang ganito: oh, nanasang pantas! ayon sa pagsulat natin ngayon. nguni'ang ganitong pagbabago ay nakaligtaan sa dakong unahan: ang nanasang irog ay hindi binago. hindi ginawang oh, nanasang irog!. sayo ay nadidilig . bagong taoung basal, na ang anyo,, tindig . sa iba ay bagong taong basal, ang anyo at tindig . ay kasamaan na nakasira sa bilang ng pantig. tacsil na pita sa yama,, mataas! itong huling kataga ay naging sanhi ng isang pagtatalo noong araw. may nagsasabing kasingkahulugan ito ng mapataas at may nagsasabi namang katimbang ng matayog kasalungat ng mababa nguni'sa paano,, paano man ay tama, at siyang ibig sabihin ni baltazar, ang pagkakakastila ni de los santos, na poder lakas, kapangyarihan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ay lumabas namang kasam an gaya ng nakasulat sa ika. casam an doon at casaman dito. isa pang katunayan iyan ng kawalan ng iisang tuntunin sa pagsulat. kaya, kung minsan ay mababasa nating catao an ang katawan at kung minsan naman ay catauan cataoan gaya rin naman ng catouiran na kung minsan ay catuiran atbp. at niyaring nasapit . ganito rin ang kay de los santos at ang sa isang ginoong nagngangalang cecilio rivera; subali'ang sa kun sino. sayo ay nawalan ng at . napaghahalatang kusang inalis, upang maging sukat ang bilang ng pantig. labis nga naman sa labingdalawa ang may at . kaya, inalis ito. at nariyan ang sa palagay namin ay isang kamalian pa hanga ngayon ng tanang manunula ngayon. pawang matapat, halos ay bulag, at walang kapasupasubaling lingkod at alipin ng bilang ng mga pantig sa pagkakasulat. ipinaaalipin sa ortograpia pati ng tingig at aliw iw ng tula, at walang kalayalaya ang lipad ng diwa at pitlag ng kaluluwa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"hindi makalayo sa bilangguan ng ortograpia; at di kailangang maging pilay man sa pangdingig, huwag lamang maging kulang maging labis sa kumpas ng ortograpia . kung sa bagay ay tunay ngang napakaselan sa bilang ang tulang tagalog. walang pagtatalo ukol dito. nguni'may isang pasubali, na sa palagay namin ay dapat pagkaisahan ng lahat, upang alang alang din sa katamisan ng tulang tagalog ay palayain, sa gayon at sa ganitong pagkakataon, ang lipad ng tula. hindi sa tuwituwi na'bilang ng pantig sa pagkakasulat ang paghahariin, kundi ibigay naman sana, sa manakanaka, ang kapangyarihan sa bilang ng pamimigkas . ibig naming sabihi'pantig ng pamimigkas (tawagin nating silaba prosodica ang papamaibabawin sa pantig ng pagkakasulat (tawagin naman nating silaba ortografica, kailan ma'magkakalaban sa harap ng katamisang dapat maghari lagi na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"si balagtas, na di mapag aalinlanganang sa tamis at lambing, sa tingig at aliw iw na walang kasingsarap ng kanyang mga tula, unang utang ang kanyang ikinatangi at ipinaging hari sa panunula, ay maraming halimbawang iniwan, upang maging saligan ng pagsusuri at pagkakaisa ng lahat. bukod sa at niyaring nasapit na cahabag habag ay nariyan pa ang: na ang lilim niyaon ay nacasisindac ang buntong hininga niyaong nagagapus ipinaghaguisan niyaong mga lilo ang pananambitan niyaong natatali anhin mang touirin ay magcacalisiya at ilan pa sa florante at laura saka dalita,, sumira niyaring pagtitiis sa labing dalauang sugat nang puso bukod pa sa dusang di maampat niyaring mga mata atbp. ang iya sa niyari niyaon at nagcacalisiya ay pinapagdaraang parang isang pantig lamang, kung minsan. marahil ay sapagka'kung minsa'nagiging isang pantig lamang sa pamimigkas . bakit ay di naman nakasusugat sa pangdingig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"at kahambing ng iya na naaaring gawing isa sa pagbigkas kahi'dalawa sa pagkakasulat ay maaari rin ang iyo . gayon din, at maaari ring pagkaisahan, ang ukol sa uwa manakanaka. maaaring palayain ang makata, maminsanminsan, kailan ma'di makasusugat sa pangdingig. bigyan laya nga; at ang ganito ay hindi naman sapilitan. lumaya ang may ibig, at huwag naman ang ayaw. at ang ganyang kalayaan na di pangsugat sa taynga ay lalong mabuti kay sa kalayaang ginagamit na sa pagpapaikli. pinaiikli, at iniwawasak pati ng tumpak na pagkakasulat ng salitang ibig paikliin, magkaroon lamang ng sukat na bilang sa ortograpia. gaya ng kung minsan ay ginagawa sa kailan . pinipilit na palabasing dalawang pantig lamang ito sa pagkakasulat, sinisira ang ugat, ginagawang kaylan na tila baga kung isulat at siraing ganito ay tama na at hindi na labis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ganyan din ang ginagawa sa kailangan at sa mayroon sinisira at isinusulat ng kaylangan at mayron gayong paano man ang gawin, ang kaylan at ang kaylangan at mayron ay lumalabas din, sa pangdingig, na kailan kailangan at mayroon . at ang ganyan ay hindi isang kalayaan kundi tunay na kaalipnan . kaalipnan sa ortograpia! pangsira sa pangdingig, ano man ang gawin. diyan mapaghahalatang may mga pagkakataong nagiging makapangyarihan, sa ilang pagkakataon, ang pantig ng pamimigkas kay sa pantig ng pagkakasulat at talagang ganito naman ang dapat mangyari. diwa at kaluluwa ng tula ang tingig, ang aliw iw. nasa aliw iw at tingig ang musika, na siya na rin ngang tunay na tingig at aliw iw. at ang musika at lambing, ang sarap at ang tamis ng pamimigkas ay siyang pulot at gata ng tula. hindi ang ortograpiang pipi at bingi . maauaing langit .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa lahat nang nasa harap namin ngayon ay ganito ang sinasabi; nguni'isang ginoong nabanggit na namin sa unahan, cecilio rivera, ay nagsabi, noong na iyan daw ay mali. ipinahahalata niyang sa lugal niyan ay tumutungong langit ang nakalagay. nguni'nasabi na nga naming: sa lahat na ay ganyan ang nakalagay. ganyan din ang nakalagay sa florante ng isang sumulat ng ilang lathala ukol sa bagay na ito noon ding at nagtago sa pamagat na crisantemo taga lalaguna at nanirahan sa marinduke. iyong tinutungha,, ano,, natitiis? ay tinutunghay ang nakalagay, at gayon din kay. at iyan ay naging sanhi rin ng pagtatalo, noong araw. nguni'walang ibang tumpak kundi ang tinutungha,, (tinutunghan, na may ligazon pinaikling tinutunghan at umuri sa tungo. ang tinutunghay ay di tama: dapat gawing tinutunghayan . at labis naman kung ganito. sa iba ay dinggin kaya, pilay ang tula. rivera ay dingigin din. ay boses na kusang isinulat na ganito, upang itugma sa bagong ortograpia natin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sayo, na nagbago rin ng pagsulat, ay pinapanatili ang datihang voces . sa aklat na ito ay nakikitang ang voses na iyan ay lumilitaw ring voces kung minsan na isa pang katunayan ng kawalang ingat ng limbagan. at yamang napag uusapan na rin lamang ang kawalang ingat ng limbagan, lalong maliwanag, ng kahista, ay daliriin na natin ang maraming kamalian. daliriin ang ukol na lamang sa pagkukudlit acentuacion ortografica, at huwag na ang sa ibang bagay yamang matutukoy na rin lamang natin sa mga ibang paliwanag. at upang huwag na tayong mag aksaya ng maraming panahon yamang kay liwanag namang napupuna ng matatalin ng mangbabasa ay tingnan na lamang natin ang sa mga tulang sumusunod: datapua,, sino ang tataroc caya sa mahal mong lihim dios na daquila? ualang mangyayari sa balat ng lupa di may cagalingang iyong ninanasa. sa halimbawang ito at sa marami pang sagana sa aklat ay mapagkikilalang noon pa man ay alam na ang halaga ng bawa'kudlit at kung paano ang tumpak na paggamit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"salakot (capucha circunflejo) ang ilinagay sa caya sapagka'bigla at paimpit ang pagbigkas dito. ang salakot ay siyang kayarian ng kudlit na pabigla (agudo) at ng paimpit (grave gutural). at sapagka'pawang hindi pabigla, kundi paimpit lamang, ang pagbigkas sa dulo ng tatlo pang talatang kasunod daquila lupa at ninanasa ay kudlit na banayad lamang ang ginamit. nguni'masdan natin ang mga sumusunod: sa loob at labas, ng bayan bayan, cong sawi caliluha,, siyang nangyayaring hari cagalinga,, bait ay nalulugami ininis sa hucay nang dusa,, pighati . caliluha,, sama ang ulo,, nagtayo at ang cabaita,, quimi,, nacayuco, santong catouira,, lugami at hapo ang luha na lamang ang pinatutulo. sucat na ang tingnan ang lugaming anyo nitong sa dalita,, hindi macaquibo? aacaing biglang umiyac ang puso cong uala nang luhang sa mata,, itulo . !ay laurang poo,,! baquit isinuyo sa iba ang sintang sa aqui pangaco at pinag liluhan ang tapat na puso pinang gugulan mo nang luhang tumulo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"dusa sa puri cong cusang siniphayo, palasong may lasong natiric sa puso; habag sa ama co,, tunod na tumimo aco,, sinusunod niyaring panibugho . sa limang ito ay kay liwanag na napagkikilala ng dadalosdalos ng kahista. sa unang halimbawa ay ginamit ang salakot, sa lahat na, gayong hindi nararapat sa ikalawa at ikatlong talata. napagkikilalang huwag na di magkaroon lamang ay di na kailangan kahi'papaano. gayon din ang ginawa sa ikalawa at ikatlo: pawang salakot din, gayong hindi dapat sa katapusang talata ng ikalawa at sa ikatlo'katapusang talata ng ikatlong halimbawa. sa ikapat na halimbawa na pawang natatapus sa banayad na paimpit ay nasangkapan ng gutural grave ang dalawang nauunang talata; nguni'pagdating sa ikatlong talata at sa katapusan, dahil marahil sa sa wala nang madampot na gutural ay isinumpal na ang bigla (agudo), kahi'na paano. at sa katapusang halimbawa ay panay namang grave ang ginamit, kahi'hindi nararapat sa katapusang talata. siyang nadampot niya, at siyang ilinagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"kaya, sa bisa ng ganyang kagagawan, ang puso ay napalagay na puso sa ikatlong halimbawa, puso sa ikapat at puso sa ikalima. at ang tulo naman ay napalagay na pinatu lo sa ikalawang halimbawa, tulo sa ikatlo at tumulo sa ikapat. ay nalilibing nguni'kay de los santos at. sayo ay nahihimbing din. sa iba ay dinaingdaing . napaghahalatang kusang binago, pagka'sa mga bata na lamang ngayon nariringig ang ganyan. at marahil ay sa bisa ng paniwalang mali iyan, kung kaya binago. nguni'ang katagang iyan ay di mali. matanda na nga lamang at lipas na. buhat sa inaing na ang laman ng idinaraing ay ina gaya naman ng aying na ay ang nagiging laman ng pagdaing. victor baltazar, anak ng makata, ay talagang ina ing aing ang na sa matandang florante . hindi dinaing daing. sayo ay ipinamigay na isang tunay na kamalian. ang ipinabigay ay isang balangkas na maaaring sabihing tatak bulakan na gaya rin ng pasuriin muna ay di siyang karaniwan sa ibang pook ng katagalugan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa iba, ang pasuriin ay kasuriin at ang isa'isa ay anak ng pakasuriin . sa may dakong bulakan ay pa ng panglaping paka ang ginagamit, samantalang sa ibang dako naman ay ka . ang ipinabigay ay di nariringig sa ibang dako, kundi ang ipinakabigaybigay . hindi dapat kaligtaang ang ka ay siya ring ginamit nina del pilar, sa pakling caiigat cayo! bilang tugon sa munting aklat ni fray rodriguez, na caiingat cayo! laban sa mga aklat ni rizal at iba'iba pa. . ang duque ay isang maliwanag na kamalian ng limbagan. si adolfo ay conde . para ng panaghoy ng nananambitan . ay gaya ang nakalagay sa lugal ng para na sa malas ay kusang binago, upang wagasin ang pananagalog. na ang uica,, laurang aliu niyaring budhi . ay ganitong kamalian ang nakalagay: ang wika ay !larawangaliw niyaring budhi! napaghahalatang ang larawan ay kamalian lamang ng limbagan; nguni'kinusa ang pagkakagawa ng ang wika ay. sa lugal ng na ang uica,,. sayo ay wala ring na at ang ay ay ginawang ligazon at ikinabit sa wika .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"nangaca tingala,, parang naquinyig . maliwanag na kamalian ng limbagan ang naquinyig . dapat basahing naquiquinyig . ang gapus na katimbang ng nakagapos ay siyang tumpak. sa sinusundang talata, ang katagang mahapis ay nakalagay na mahahapis kay. kaya, naging labis. nang matumbasan co ang luha, ang saquit . sa iba ay ganito naman: nang matumbasan ko ang luha nang sakit . ginawang ang luhan nang sakit ay pagkagandagandang. ang luha, ang saquit . ay kalunuran ang nakalagay; kaya, naging pilay. at ang pagcatungo ay pagkatungo naman kay. tumpak ang pagcatungo pagka'tungo at di tungo ang ibig sabihin. pantay mata na ang pagkakatungo ng araw. inilalarawang parang isang taong napakataas ang araw, at noong tumungo ay abot sa pantay mata ang lagay ng kanyang ulo. napakagandang larawan! ang sa pagcatali,, liniguid ng hirap . ganito rin kay de los santos at kay. sayo; nguni'sa kun sino. ay ganito naman na ayon sa patotoo ng anak ni balagtas ay mali yaong natataling linigid ng hirap .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa malas ay walang malaking kaibhan ito sa nauna; nguni'nagkakaibang totoo. sa una ay kay liwanag na ibinabadhang ang hirap na lumiligid sa nakatali ay anak ng pagkakatali, samantalang dito sa huli ay di maliwanag na ganyan ang ibig sabihin. sa nanga calabang mabangis na hayop . ganito rin ang na kay. sayo; nguni'sa kun sino. ay ganito naman: sa mga kalabang mabangis na hayop . ginawang mga kalaban ang nangacalaban . halos nabibihay sa habag ang dibdib . sa iba'iba ay pawang nabibihag sa lugal ng nabibihay ang nakalagay. na, isang tunay na kamalian. tama ang bihay . sinsay ang bihag . at ang kahulugan ng bihay na isang salitang lipas na ngayon ay punit bagama'lalong matindi sa rito. sa ngayon ay katimbang na ng waray . ang aquing hiningang camataya,, saquit . ay ganito ang nakalagay: ang aking hininga, kamataya'sakit .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"kay de los santos ay ibang iba: no permitiste que trizas hicieran de mi cuerpo, vida padecimientos ang pagkakastila niya sa at di binaya ang nagca patid patid ang aquing hiningang camataya,, saquit . napakalaya ang pagkakakastila. nagkaroon ng cuerpo (katawan) na pinalitaw ng trizas at nawalan ng camatayan (muerto). sayo naman ay ganito: ang aking hininga'kamataya'sakit . sapagka'ang isinisisi ay kung bakit di pa pinaubayaang nagkapatidpatid ang kanyang hininga, na isang hiningang tunay na kamatayan at sakit. sa balangkas na at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hininga'kamataya'sakit dahil sa pagkakapalit ng mga ligazon at sa pagiging ng ng ang kiyas ay nawala, tumamlay at naging mawigwig ang pangungusap; samantalang puspos ng ganda ang at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hiningang kamataya'sakit . nararapat daliriin ang katagang ito, upang samantalahin na ang pagdaliri sa madlang salitang sa aklat na ito ay paibaiba ang pagkakasulat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang buan catuiran lualhati sasaquian nanaquiat balaquiot hain suliap catauan quias masiasat diata mapataniag mag adia atbp., ay pawang may mga bagong damit na ibang iba ang tabas sa piling ng karamihang pawang tabas noong na bagong kasisilang ang florante . ibig naming sabihi'ang ganyang pagkakasulat na ibang ibang iba sa karamihan ay pawang gawa na lamang ng limbagan ng kahista, noong. hindi ganyan ang sa noong. ang bouan catouiran catao an atbp., ay siyang sa matandang paraan, na ginamit ni balagtas sa kabuuan ng aklat, at ang nangadaliri sa una ay pawang kabaguhan na lamang sariling gawa ng kahista. dito napaghahalatang nang mga araw na yaong lumabas ang siping ito ay nakikipangagaw na sa datihang paraan ang kaparaanang inabutan at binago naman ng ating rizal at nina dr. pardo de tavera: bagong kaparaanang siyang tinanggap at pinairal ng katipunan at ng panghihimagsik, at sumapit hanggang sa mga araw na ito. hanggang sa mga araw na ito, ang aming sabi, at ito ay di tunay na wasto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"napakarami ang mga kabaguhang nairagdag kina rizal, nitong mga huling panahon, at sa mga kabaguhang ito ay may napatay pa ang bagong pasok ng mabunying mariano ponce, atbp. ang pagbabagobagong dinanasan ng ating ortograpia ay isang bagay na napakalawig isaysay. kaipala'walang ibang kahambing sa kasaysayan ng iba'ibang wika sa daigdig. at iyan ang tatangkain namin sulatin sa mga darating na araw. lubhang kailangan, na matalos ng lahat. sa gaua at uica,, di mahuhulihan . ganito rin, sa malas, ang na kay de los santos; nguni'sa kun sino. sayo ay nahuhulihan ang nasa mahuhulihan . ng magandang asal ng ama co,, ia. maliwanag na kamalian ng kahista ang ia na dapat basahing ina . ang pagcatutu co,, anaqui himala . sayo ay may pang ugnay na ang anaqui at ito'mapaghahalatang mali. ang mga anaqui ni balagtas ay di ginagamitan ng ligazon . minulan ang gali sa pagsasayauan . sayo ay nakalagay ang galit sa lugal ng gali na tunay na malingmali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"bakit magiging galit ang pagkakatuwa, na sinimulan sa sayawan? ang gali ay isang salitang matanda, na ang kahulugan ay burco (gaya ng pagkakastila ni de los santos) di kaya'alborozo alivio consuelo sa wika ni cervantes. ang gali ay ang ingay na bunga ng kagalakan, ang pulot at gata ng pagkakatuwa at paglilibang ng marami. sa ibang kataga ay gali rin ang aliw at kaligayahan. maaari na nating ituring, na patay na ngayon ang katagang iyan. kahinahinayang!. hindi niyang gaya sa iba. isa rin iyang malabalagtas na sukat, na labis man sa pagkakasulat ay di naman sa pamimigkas. sadyang pinutlan marahil, dahil sa labis na sukat dahil sa ortograpia! isa pa ring malabalagtas na sukat iyan na di nagpipitagan sa kumpas ng ortograpia kundi sa kumpas ng prosodia . pailag ilagang parang baselisco . ay ang nakaugnay sa pailag ilagan na isang tunay na kamalian. sucat na ang titig na matay sa iyo . ang matay ay naging mata kay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sayo, na may ligazon at ang namatay sa iyo ay naging ang matay sa iyo sa kun sino. sa crotonang baya,,. kay de los santos at sa kun sino. ay reino ang nakalagay sa bayan nguni'kay. sayo ay bayan din. ay magcacalisiya . ay ginawang magkakalisya . dahil sa labis sa bilang ng pagkakasulat. sayo, bukod sa iniklian na ay ginawa pang ang. sa iba ay araw ang nakalagay. at mali, sapagka'sa dakong unahan ay may ganitong saad: salamat at niyaong sa quinabucasan hucbo co,, lalacad sa crotonang bayan kaya, tama ang dumating ang bucas . hindi dapat baguhin. maliwanag na kamalian. tama ang alin na nasa kun sino. maliwanag na kamalian ng limbagan. atropos ang ibig sabihin. natitighaw sa kun sino,. sayo naman ay katitighaw . walang ligazon sa kun sino. at linagyan naman ng kuwit (coma) ni. sayo sa lugal ng ligazon . ay nagpipighati . sa iba ay boong ang nakalagay. maliwanag na kamalian ng limbagan. dapat basahing gubat . cahit bahag ya na macaquitang landas .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa kun sino ay ganito: kahit bahagya ng makita ang landas . at ganito naman kay. sayo: kahi'bahagya na makita ang landas . ang caniyang buhay na cahabag habag . ganito rin ang na kay. sayo; nguni'ang sa kun sino,. ay napalitan ng at pagkawakawak ang na cahabag habag . aniya,, sa madlang guerrang pinagda anan . ganito rin halos ang kay. sayo, at ang tanging ikinaiiba ay ginawang ligazon ang ng sa guerra nguni'sa kun sino ay dinaanan naman ang nakalagay. ito ang tama, sa palagay namin, bagama'ang pagkasulat ng pinagda anan ay nagpapakilalang lalong matanda ito kay sa dinaanan at wari'hindi kamalian lamang ng limbagan. sa malas nga ay pinagda anan ang tunay na titik ni balagtas, at kaya nga lamang maaaring pag alinlanganan ay dahil sa kalabisan ng pantig. nguni'di baga labis din yaong nangasa unahang: na quinalalaguian at sa masayang doongan at kung sa dalawang ito'napatalisod si balagtas ay bakit di maaaring napatalisod din sa guerrang pinagda anan ,,. sa iba ay walang ligazon .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ano pa,, pinalad na aquing dinaig sa catiyaga an ang pusong matipid . sa iba ay nang pusong matipid ang nakalagay, na isang tunay na kamalian. kaya, naging patumbalik. ang napalarang daigin sa katiyagaan ni aladin ay ang pusong matipid ni flerida. may anim na ngayong taong ualang licat . ganito rin ang kay. sayo; nguni'sa kun sino. ay nagkapalit ng lagay ang ngayong at yaong at lumabas na humal. sa iba ay sa suyo nang hari at siyang tama. at nang ma iligtas ang buhay nang ibig . ay maligtas ang nakalagay; kaya, naging pilay; at upang malunasan ang kapilayang ito ay dinagdagan naman ng nga ni. sayo; at nang maligtas nga. sa iba ay naghugos at ito ang tumpak. sinsay, at di kapit, ang naghunos . nguni', sino kaya sa atin ang makapagsasabing nang panahon ni balagtas ay di wasto iyan? sino ang makatitiyak, na noong panahong yaon ay may kahulugan ding gaya ng angkin ngayon ng hugos ang katagang hunos katagang sadyang may kung ano anong kahulugan ay ibig sabihin, magpahangga ngayon?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"at sino sa atin ngayon ang makapagsasabing tahasang hindi isang salitang bago ang hugos na umuri lamang sa hunos at sino sa ating nagsisipagsuri ngayon sa wika natin ang makapagpapasinungaling sa maaaring sapantahain ng kahi'sino, na iyang hugos ay isa lamang kamalian ng hunos at dahil sa napapasok at nagkasalin salin na sa iba'ibang palimbag ng florante ay naging palasak na tuloy at naging isa nang wastong salita, dahil sa bisa ng kabuniyan ng florante sa wika, gaya rin naman ng sa iba'ibang bagay ay nagbabagobago ang lahat. at sa pagbabagobagong iyan ay may mga bagay na nagkakaibaiba ng pangalan, at may mga salita namang nagkakaibaiba ng kahulugan. at parang katunayan ay maitatanong natin; ano at saan galing ang halip lalang lamang. parang kinuha lamang sa hulip na ang kahulugan ay ilagay ang isang bagay sa dating kinalalagyan ng ibang nawala nasira.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"hinuhulipan linalagyan ng mga panibagong bulubod ang gayon ganitong bagong tanim na palay, na sinira ng agos ng tubig; at hinuhulipan din ang atip na butasbutas na at sira. at sa hulip na iyan linalang ang halip na siya ngayong nakikipangagaw na sa kastilang lugar lugal sa pangungusap na ganito, halimbawa: sa lugal na papagsarilinin at di'kundi bagkus pang binigtihan ng pagasa. gaya na lamang ng makata ano ito? sa dati'mapagkatakata mapagsalita ng kung anoanong di katotohanan, mapaglubid ng buhangin, ang kahulugan: na isang katagang mahalay na ikapit sa poeta. mangangatha at manunula ang tawag noong araw sa poeta. nguni'ginawang makata buhat sa makatha na kawangis ng mapagkatakata at ang kabalbalan ay naging isa nang tunay na salitang tumpak. may hihigit pa ba sa kabalbalan ng lalawigan (sa isang kasulatang matanda ay nakita kong ginagamit ang katagang ito. nito lamang buwan ng hulio nabasa ko.).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang katagang iyan, na puerto ang ibig sabihin, ay nagkaroon na ngayon ng kahulugang provincia . dahil din sa kamalian. naging sukat ang pagkakagamit sa panahon ng himagsikan ng lalawigan ng kabite upang ipagkamaling provincia ang ibig sabihin ng lalawigan at ang kamaliang iyan ay naging palasak na at nagkaroon ng ibang kahulugan. tama ang lalawigan ng kabite sapagka'talagang puerto ito; nguni'sabihing lalawigan ng bulakan halimbawa, ay isang tunay na kabalbalan. at ang kabalbalang iyan ay tama at tumpak na ngayon. ganyan din ang masasabi sa aklat . ginawang libro ang aklat kahi'hindi tama, pagka'aklatan ang libro at wasto na ngayon. ang aklatan ay ginawa namang biblioteka at libreria at tama na rin ngayon. ang talikala ay tanikala na ngayon, ang lupong ay lupon na, ang tangso ang tanso ang taliba (talibahan, salitang naging palasak nang sabihing: talibaan sa lugal ng talibahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ang iklog ay kasalit ng itlog ang ista ng isda ang maselang ng maselan ang kaanak ng anak angkan ang kaagad ng agad agadagad ang gaang ng gaan at ibig nang makipagkamali ng laan sa taan ng takda sa tadhana ng kagalawad sa kagawad ng alumana sa alintana ng tagapaglaganap sa tagapamansag tagasiwalat ng kabulastugan sa kabalbalan atbp. ano pa ngayong gubat na malungcot . magkakabit ang ngayaong maliwanag na kamalian. ay ano pa ngat yaong. sayo ay ano pa at ayaong. macailang hintong canilang malimot . sayo ay nalimot; at sa kun sino. at iba pa ay makaitlo ang nasa macailan . may palagay kaming ito ang tama, at mali ang makaitlo . si balagtas ay di kaibigan ng mga tinatawag nating viciso de diccion . ang makaitlo ay kahambing din ng makaipat at makainom na pawang likha lamang ng mapaglarong dila, sinsay sa tumpak na pagbabalangkas, at pinsang buu ng mga buo . nuon puon suob duon lieg luok suot atbp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"; mga katagang hinlog na malapit ng mga maselang magaang sangla sanghi bungmasa ungmayaw kungmain iyuna iyalinsunod atbp. bakit di naman sabihing makailawa makaipat! at bakit di naman makailima makainem! ano nga at di naman makaipito makaiwalo at makaisiyam bakit nga hindi naman? dili iba kundi sapagka'sa iba'iba ay mahirap na palunduin papagduyanin ang dila. sa ikalawang pantig lamang, buhat sa hulihan, nakapaglalaro ang dila, at di maaaring gawing makailima makaiwalo sapagka'dalawa pang pantig ang nasa hulihan. hindi naman magawang makaliima makapiito makawailo at makasiiyam sapagka'magdidilang intsik na naman. cong aco,, magbalik na may hocbong dala . maliwanag na mali rito ang aco,,.dapat basahing icao gaya ng sa iba. sayo, ang ikaw ay sinundan ng ay kaya lumabis sa bilang. ang katagang ito ay yaong sa iba. sa iba ay naging winika .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"yaon ang lalong tumpak, pagka'sa dagsa ng kaligayahan ay di sinasadya, kundi parang bunga at atas lamang ng sigaw ng puso, ang nauica naisigaw ay viva si florante!. ay magkasing sinta . at nagkaroon ng ibang kahulugan. sa magca casing sinta ay sina florante'laura at sina aladi'flerida ang ibig sabihin; nguni'dahil sa pagiging magkasing sinta ay dalawa lamang ang lumabas at di apat. narito ang ilang paliwanag, na maaaring ituring na galo lamang, kung baga sa bigas, ng napakaraming sukat na daliriin, kung isusumag ang sipi naming ito sa iba'iba pa. maaaring sabihin, pagka'siya namang totoo, na ang tanging pinagsumagan ay ang kun sino. na siyang kahulihulihang lumabas noong mapasakamay namin ang florante nina. alfonso mendoza; at sakali mang nabanggit dito ang palimbag ni. de los santos ng sapagka'kaharap na lamang namin ngayon. ano pa nga'kung pagtitiyagaang isumag pa sa palimbag ni. sayo, at ayon sa isa lamang pagbasang ginawa namin, ay makikita ang di mabilang na pagkakaiba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ay tila sipi sa florante sumag sa iniingatan ni dr. pardo de tavera, na binago nga lamang ang pagkakasulat, ayon sa bagong ortograpia. ang nasabing florante ay limbag noong na may siyam na taong kahulihan lamang sa sinipi namin. at kung sa loob lamang ng siyam na tao'nagkaroon na ng di mabilang na kabaguhan saan di nga lalo na sa mga linimbag nang mga taong huli sa kaya, mapaghahaka na natin kung gaano ang kaibhan ng floranteng ito sa mga lumitaw nitong mga huling panahon! at ang pagkakaibaiba ay di dapat ipagtaka, kung aalagataing maging sa siping itong lumabas nang gayong buhay pa si balagtas ay kay dami na rin ng kaibhan, sa pagkakasulat. at maging kami man naman, gayong pinakaingatan na ang pagsipi, ay di pa rin kami lubos na panatag. hindi rin namin mapangahasang sabihing tahasan at ng boong tigas, na ito'walang kamalimali, hindi na sa pagkalimbag ngayon, kundi maging sa pagkasipi na lamang namin. nag aalinlangan din nga kami.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sapagka'sa siping ito ay napuna namin ngayong may lumabas na isinusuob voces muog na sa palagay namin ay gawa lamang ng isang pagkakaligta. hindi namin matiyak ngayon, kung ang voces ay sadyang nasa floranteng sinipi namin. may paniwala kami ngayong iyan ay nakuha lamang sa boses ng nasa kun sino. at bagama'nabago namin ang ay nakaligtaan na ang unang at di nagawang. at ang paniwalang ito ngayon ay lalong pinagtitibay ng mga kasalit na voces sa iba'ibang dako. ni noong man ay wala tayong makikitang voces . tunay man ngang marami ang binago noon ng kahista gaya ng balac yot datapoua loualhati catouiran catao an' hayin bitoin hocbo muc ha caniya ayauan ac yat cong condi atbp. na ginawa niyang balaquiot hucbo mucha cania aiuan aquiat cun at cundi ay mapaninibulusan nating hindi niya mapagkakamalang gawing voses ang voces . kaipala'isa rin niyang kamalian sakaling hindi amin, na parang nagagad na lamang namin sa kun sino. ang suob at muog nguni'ang voces ay aming kamalian marahil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"nagagad nga lamang sa kun sino. gaya ng pagkagagad sa dalawang huling muog at suob . ang dalawang salitang ito ay lalik ng mapaglarong pamimigkas, na kasamahan ng buo nuon punon lieg puot at iba'iba pang walangwala sa mga panahong yaon ni balagtas. saan mang matatandang awit at kurido ay di makakikita ng muog hucbo atbp., kundi moog at hocbo . isa pang bagay, na dapat mapansin, ay ang mga katagang: sa dini sa li ig co,cusang isasabit tuhog na bulaclac sadyang saglit saglit. sa sa mga palayao ni ama,, aruga malaquing palad co,, matamis na luha . sa ito ang mapait sa lahat nang dusa, !sa aquin ay sino ang mag aala ala sa cung nasusuclam ca sa aquing candungan, lason sa puso mo nang hindi binyagan. ,, sa pag ibig anaqui,, aquing naquilala di dapat palac hin ang bata sa saya. sa ay bago,, sa mundo,, ualang quisap mata ang tauo,, mayroong sucat ipagdusa . ,, sa cundi ang uica,, icao na umagao nang capurihan co,, dapat cang mamatay .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa homihip ang hangi,, agad mahiualay sa pasig atenas ang aming sasaquian . sa aniya,, bihirang balita,, magtapat cong magcatotoo ma,, marami ang dagdag . sa na naglalathala sa sangsinucuban nang capurihan co at capangyarihan . sa caloloua,, gulo,, puso,, nadararang sa ningas nang sintang bago cong naticman . sa dito co naticman ang lalong hinagpis, higuit sa dalitang na unang tini is. ,, sa nguni,, cun ang ,, di man binitiuan naliuanagan din sintang nadidimlan . sa dapoua,, ang baya,, tat long arao halos na nacalimutan ang gauing pagtulog . ,, sa ang aca,, cong hocbo,, cusang pinahimpil sa paa nang isang bundoc na mabangin. sa pangimbulo niya,, lalo nang nag alab nang aco,, tauagin tangulan ng ciudad. sa ang conde adolfo,, nag papacamatay dahil sa corona, cay laura,, macasal . sa di binig yang daang aquing pang mabunot ang sacbat na caliz at maca pamooc. !ay fleridang toua! catoto,, bayaan aco,, mapayapa . sa aquing na acalang magdamit guerrero cusang magta anang sa real palacio .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"tungkol sa sagli saglit ay di kaya kahalintulad iyan ng salitang hugos lalong maliwanag: ang kaya riyan ay di katulad lamang ng sa hugos na naging isa lamang kamalian, at kamaliang sa bisa rin ng kabunyian ng florante ay nagkaroon na tuloy ang saglit ng kahulugang walang pinag ibhan ngayon sa salit walang pinag ibhan, ang aming sabi, at ang ganito ay di lubhang wasto. nararapat ipaliwanag, na ang di pagkakaiba ay ayon lamang sa ilan diyan. sa ganang kanila, ang saglit at ang salit ay iisa rin, gaya ng pagkakaisang kahulugan ng alumanahin at alintanahin ng kagalawad at ng kagawad ng umahon at ng lumusong atbp. nguni'sa katotohanan ay iba ang saglit at iba naman ang salit . ang una ay kasinghulugan halos ng sandali bagama'ang salit ay kasingkahulugan naman ng halo ng kasama ng ibaiba .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"kaya, ang saglit saglit sa tulang: dini sa li ig co,, cusang isasabit tuhog na bulaclac sadyang saglit saglit ay isang kamalian lamang ng salit salit na napasukan lamang ng at ang kamaliang iyan ay hindi na nabago, nanatili na sa habang panahon, hanggang sa dahil nga sa kabunyian ng florante ay naging sanhi na tuloy ng pagkakaroon ng kahulugang gaya rin ng salitsalit sarisari . tungkol sa luha ay ganito rin ang na kay. sayo; nguni'kay de los santos grande seria mi suerte harto apetecible at sa kun sino. ay lubha ang nakalagay. malaking palad ko'matamis na lubha. na napaghahalatang kay liwanag na kamalian. at mali, sapagka'luha nga lamang ang ualang patid na ibinabaha nang mga mata ni aladin. anya: cun ang ualang patid na ibinabaha ng mga mata co,, sa hinayang mula sa mga palayao ni ama,, aruga malaquing palad co,, matamis na luha .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"nariyan nga ang isa pang salitang napasukan ng isang malikot na na ipinag iba ng kahulugan, at kaibhang mahirap na mahalata, kung walang ibang siping mapagtutularan. tungkol sa mag aala ala ito ang kay hirap na kilalanin. hindi natin malaman kung talagang iya'kasamahan lamang ng mga kinalalagi an at doongan na kay hirap hinagaping kamalian lamang ng kahista, kung tunay na kamalian nga lamang nito. lalo'kung ganyang ang pagkakasulat mag aala ala balangkas matanda at kauri ng catao an muc ha at iba'iba, ang alinlangan ay maaaring laktawan sa pamamagitan lamang ng pag aming iyan nga ay kinatisuran lamang ni balagtas. nguni' hindi naman kaya mag aalala ang diya'nakalagay? hindi kaya ganito ang pagkakatula? : ito ang mapait sa lahat nang dusa sa aquin ay sino mag aala ala! ang sino ang ay di kaya sinong upang basahin namang gaya ng na kay. : ito ang mapait sa lahat nang dusa sa aquin ay sinong mag aala ala!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"tungcol sa nang sa tulang: cung nasusuclam ca sa aquing candungan, lason sa puso mo nang hindi binyagan. ay ang ang nakalagay kay de los santos at sa kun sino. nguni'sa aming sipi at kay. sayo ay nang ang nakalagay. isa rin itong mahirap pasiyahan. walang alinlangang ang ang ay lalong maliwanag (lason sa puso mo ang hindi binyagan) at kasingliwanag ng sa sa saad na: ang di nabalinong matibay kong dibdib sa suyo ng hari, bala at paghibik. na ipinalit ng kun sino. sa ng na nauuna sa suyo wala ngang alinlangang ang dinadaliring ang ay kasingliwanag ng sa nguni'hindi kaliwanagan, ayon sa pangwatas natin ngayon, ang dapat na papaghariin, kundi ang katotohanang ginawa ni balagtas. para sa atin ngayon ay may ilang nadadaliri tayong malalabo sa ating pangwatas, gaya halimbawa niyaong nagsisimula sa: parang nariringig ang lagui mong uica at niyaong maglilong lacad sa: cagandaha,, baquit di macapagcalag nang pagca capatid sa maglilong lacad?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"at saka niyaong: dili ang dangal mong dapat na lingapin mahiguit sa ualang cagandaha,, ningning? lalo na yaong biglaang isinaksak na lamang at sukat, na parang panauhing sumipot na lamang at sukat, walang ano mang kapasapasabi at ni hindi man lamang nagbigay ng magandang araw na: !cung ano ang taas, ng pagcadaquila siyaring lagapac naman cong marapa . na ginawang pangdulo sa tulang nagsisimula sa: ito ay hamac pa bagang sumansala.? ang lahat ngang iyan ay pawang tila hindi wasto, sa ganang atin ngayon, at tila malabo. hindi wasto ang pagsipot at sukat nitong kasabihang panghuli; hindi wasto, sa kahulugang di dapat mapaugnay sa mga sinusundan; at ang nangauuna naman ay malalabo sa atin ngayon, hindi maliwanag. nguni'gayon pa man ay karapatdapat na igalang, huwag baguhin, pabayaan sa datihang lagay. kaya, malabo man nga ang nang at lalo man ngang maliwanag ang ang iyang nang na iyang naging ang sa kun sino. ay tila dapat ding igalang. hindi kailangan kung malabo man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"anong malay natin kung maliwanag iyan sa kanilang pagbabalangkas noong araw? saka, ang nang diyan ay maaaring itinatalamitan ni balagtas sa candungan at ang ibig niyang palitawing lason ay hindi ang di binyagan ang moro kundi ang candungan ng hindi binyagan ang kandungan ng morong sa malas ay kinasusuklaman ni florante. tungkol sa anaqui,, may ligazon ay ito ang tanging anaqui na ginamitan ng pang ugnay ni balagtas, sapagka'talagang garil, pag hindi linagyan. hindi nga maaaring sabihin ang: pag ibig anaqui aquing naquilala. subali'sa iba'ibang nasangkapan ng katagang iyan ay hindi nangailangan ng ano mang pang ugnay ligazon . tungkol sa ualang sa saad na: ay bago,, sa mundo,, ualang quisap mata ang tauo,, mayroong sucat ipagdusa . ang ualang naririyan ay balang sa iba'iba. aywan natin kung alin diyan ang tumpak; at kung aalagataing sa talatang iya'may isa pang katagang napaiba rin kay sa nangasa ibang florante ay lalo na tayong mag aalinlangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"hindi nga lamang ualang ang napapaiba, kundi gayon din naman ang bago,, na sa iba, ay walang pang ugnay. bago lamang ang nakalagay, gayon sa kun sino. gayon sa palimbag ni. tungkol sa uica,, sa sabing: cundi ang uica,, icao na umagao. ay lainlangan kami sa aming sipi. hindi namin matiyak kung talagang ganito ang sinipian namin, kung natularan lamang namin ang ganyang nasa kun sino. sayo ay dinagdagan ng hin ginawang kung hindi ang cundi upang maging tama lamang ang bilang. dapuwa'pabaligtad na lumabas. salungat sa ibig sabihin ni balagtas, at sinsay sa tumpak na paggamit ng kundi at ng kung di . iba ito at iba yaon. maging sa kastila man ay iba ang sino sa si no at si balagtas, na dalubhasa, maging sa tagalog at maging sa kastila, taong nag aral at nakatatalos kung ano ang kahulugan ng isa at isa, ay hindi makagagamit ng kung hindi sa dapat sabihing kundi gaya na nga sa dinadaliring pangungusap. ang dagdag ngang hin ni. sayo ay hindi kay balagtas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"tama ang sabi ni de los santos, na sa katagang uica,, isang kamalian ang nagawa. sa kanyang salin ay uinica ang nakalagay. at ito, sa palagay namin, ang tama. siyang nasa tunay na florante . tungkol sa homihip sa tulang: homihip ang hangi,, agad nahiualay sa pasig atenas ang aming sasaquian . ay humihip din ang nakalagay kay. sayo at sa ingat ni de los santos; nguni'sa kun sino. na, isang katagang maringig sa maraming bibig, walang pinag ibhan sa ipin (ngipin), uso (nguso), ala (wala), angin (hangin), at marami pang kabalbalang nagkalat diyan. tungkol sa magcatotoo sa tulang: aniya,, bihirang balita,, magtapat cong magcatotoo ma,, marami ang dagdag . ay isa rin sa nasa aming siping pinag aalinlanganan namin, kung ganyang nga kayang talaga ang nasa aming sinipian, kung nagagad lamang namin sa kun sino. ayon kay de los santos ay magtotoo iyan, at ganyan din ang na kay. at tila ganito nga ang tama. ang magtapat at magtotoo ay parang mangga at suman pulot at gata sa balangkas na iyan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"nguni', hindi naman kaya ang cong kung ang labis diyan? hindi kaya ang talagang ginawa ni balagtas ay:.bihirang balita,, magtapat magcatotoo ma,, marami ang dagdag tungkol sa naglalathala ay naging sa kun sino. ganito rin difundira ang kay de los santos. subali' ang aming sipi, na di namin pinag aalinlanganan, ay naglalathala ang talagang nakalagay. may palagay kaming ang maglalathala ay siyang talagang tumpak, sapagka'sa dakong unahan ay may ganitong pangungusap: ang uica,, duque, ang quias na ito ang siyang camuc ha ng bunying guerrero, aquing napangarap na sabi sa iyo, maguiguing haligui ng cetro,, reino . maliwanag ang maguiguing haligui at sa saad na ito ay walang ibang tumpak na ikapit kundi maglalathala ng capurihan co at capangyarihan . mali nga ang naglalathala . at sa tulang kasisipi lamang ay may mapupuna rin tayong tila kamalian lamang: ang aquing napangarap na sabi sa iyo . may palagay kaming hindi kay balagtas iyan. nguni'ganyan ang nasa aming sipi at kay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"samantalang sa kun sino. ay aking napangarap nasabi sa iyo . na, lalong naging gago. gago man sa pangungusap ang aquing napangarap na sabi sa iyo ay hindi sa pagkakasulat, sapagka'mayroong na sa pagitan ng napangarap at nasabi . nguni'ang na riyan ay hindi ligazon kundi tunay na panglapi, na gaya ng karamihang iba'ibang panglapi sa aklat na ito ay karaniwang inihihiwalay sa dapat lapian. katunaya'nariyan ang mag hiualay na aba (isang na aba), nag hahandog mapag uunaua, nag sisi sila (nagsisisila), na acay (naacay lumiyag), mapag ala ala ma anyo (maanyong tumitig), pag lililo nag hihimutoc nag aapuhap pang aliu mag mula mag aama nag bagong hibic mag bubo mag papasalamat nanga caacma mag aliu at marami pa: mga panglaping kung bakit inihihiwalay, gayong malimit din namang isama ikabot sa mga ugat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"napaghahalatang sa mga kahistang gumawa sa florante ng ay may napasamang mangmang; at ang pagkakaibaiba ng pagkasulat pagkalimbag ng mga salita na sa isang dako'tumpak, kabit ang mga panglapi sa mga dapat sa kabitang ugat, samantalang sa ibang dako nama'hiwalay at may pinagkakabit namang hindi dapat pagsamahin ay walang ibang pinatutunayan kundi ang pagkakaroon nga ng aralang kinatulong ng mga sanay at maalam. at sa kamay ng aralang iyan nagdaang walang sala ang bahaging dinadaliri natin. kaya, ang na ay napahiwalay sa sabi . na siyang sa kun sino. ay ikinabit sa dapat pagkabitan, ginawang napangarap nasabi at siyang lalong ikinagago. gago na sa pamimigkas ay gago pa sa pagkasulat. kaya, ang na kay de los santos, na lo seno te aviso (napangarap at nasabi sa iyo), ay siyang tama. sa pamamagitan nito, ang kagarilan ng aquing napangarap nasabi sa iyo ay naging pagkasarapsarap sa aking napangarap at nasabi sa iyo . na, labis naman dito ang bilang ng pantig?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"labis nga, sa pagkakasulat, nguni'hindi sa pamimigkas. kahalintulad lamang ng mga halimbawang nadaliri na sa ika ika at ika na paliwanag. at wala ring pinag ibhan sa dampiohan na kung isusulat ngayon ay dampiyohan na: halina, irog co,, ang damit co,, tingnan, ang hindi mo ibig dampiohang calauang. paano nga ang gagawin, kung ang dampiohan ay isusulat ng dampiyohan ayon sa bagong pagsulat? mapaiikli kaya ang dampiyohang kalawang upang maging sukat sa pantig? na, sa salitang iyan ay maipapalit ang dapyohan pagka'siya ring kahulugan, at iisa rin naman ang dapyo at dampiyo maaari nga; nguni'sino ngayon ang makatitiyak kung alin ang ginamit ni balagtas? at sakaling dampiohan ay ano at papapalitan natin sa para sa kanya naman ay iisang bigkas lamang ang iya iyo atbp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"ayon sa mga halimbawang dinaliri, at para sa kanya'lalong mahalaga ang bilang ng pantig sa pangungusap kay sa bilang ng pantig ng pagkakasulat tungkol sa nadararang sa tulang: caloloua,, gulo,, puso,, nadararang sa ningas ng sintang bago cong naticman. sayo ay nadadarang ang nakalagay. nguni'may palagay kaming ito'binago lamang, upang maianyo sa pamimigkas ngayon, gaya rin naman ng pagkakabago sa katagang marampi na ginawang madampi' sa tulang: manga daliri co,, na aalang alang marampi sa balat na cagalang galang . tungkol sa na unang sa tulang: dito co naticman ang lalong hinagpis, higuit sa dalitang na unang tini is. ang na unang na iyan ay kahalintulad lamang ng na sabi at na aba na aalang alang atbp., na dapat basahing naunang nasabi naaba naaalang alang . pawang kamalian lamang ng aralang kahista. tungkol sa nguni,, ay naging parang bugtong na anak ang ligazon sa lagay niyang ito. ganito ang maliwanag at walang alinlangang nasa sipi namin: nguni'sa kun sino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sayo ay ligazon ang nakalagay. sa sipi man naman namin ay laging ang ginagamit sa mga pangsubaling nguni at dapoua . aywan nga kung bakit dito na lamang naging. maging ang sa anaki'ng kun sino. sa kanyang: pag ibig anaki'aking nakilala di dapat palakhin ang bata sa saya. pati nga ng anaki'diyan ay anaqui,, sa sipi namin. nguni'ang pang ugnay na iyang ay isang halamang napakalusog at mabulaklak hangga nitong mga huling panahon at ngayon na nga lamang naging lanta . karaniwan ding gamitin, di pa nalalaon, sa mga datapuwa at nguni at subali na kaipala'higit pa kay sa. tungkol sa pagtulog sa tulang: dapoua,, ang baya,, tat long arao halos na nacalimutan ang gauing pagtulog. ayon kay de los santos ay matulog ang tunay; at kay. sayo ay matulog din nga ang nakalagay. nguni'sa aming sipi at sa kun sino. ay pagtulog ang nakalagay. tungkol sa aca,, sa saad na: ang aca,, cong hocbo,, cusang pinahimpil sa paa nang isang; bundok na mabangin. ay maliwanag na isa lamang kamalian akay ang sa kun sino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sayo ay ganito naman naging na ang cong . ang akay na hukbo'kusang pinahimpil sa paa nang isang bundok na mabangin. tungkol sa tauaguin sa tulang: pangimbulo niya,, lalo nang nag alab nang aco,, tauaguin tangulan ng ciudad . ang naritong tauaguin tangulan ay kahalintulad din marahil ng napangarap nasabi . hindi rin kay balagtas marahil. mahirap paniwalaang balangkas balagtas ang kagarilang iyan. kaya, kung paanong natuklasang may at ang napangarap at nasabi ayon kay de los santos, ay dapat ding tuklasin ang lunas sa kagarilan ng tauaguin tangulan . sayo, na tawaging tanggulan may ligazon ay siyang tama. tungkol naman sa: ang conde adolfo,, nag papacamatay dahil sa corona, cay laura,, macasal . at sa iba pa ay may pang ugnay na kalakip ang corona na isang. sa korona'kay laura'makasal . nguni'may palagay kaming labis na riyan ang ligazon . tumpak ang kuwit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sapagka'ang ibig sabihin ni balagtas ay kaya lamang nagpapakamatay na mapakasal kay laura si adolfo'dahil na dahil lamang sa corona at di dahil sa korona at kay laura. para kay adolfo, na isang taong sakim sa yaman at kapangyarihan ang pag aasawa kay laura ay isa lamang kaparaanan upang mapaluklok sa trono . maging hari ang tangi at totohanan niyang layon at pangarap! kaya, ang sabing: ang conde adolfo,, nagpapacamatay dahil sa corona, cay laura,, macasal ay tamangtama. tungkol sa aquing sa tulang: di binig yang daang aquing pang mabunot ang sacbat na caliz at maca pamooc. ganito rin ang nasa kun sino. samantalang kay. sayo ay ganito naman: di binigyan daan aking pang mabunot. na lalong naging garil. kung ginawa man lamang sanang di binigyang daang akin pang mabunot (na ang akin lamang ang inalisan ng ligazon) ay manapa'tama. nguni'kay balagtas nga kaya iyang kalakuerdang iyan ng mga pang ugnay? sa kanya nga kaya iyang sunodsunod na binig yang at daang at aquing at pang.?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"katakottakot na palamuti at kagulatgulat na pananagalog! hindi, hindi kay balagtas iyan. marahil ay walang ligazon ang aquin upang makahingahinga naman ng kaunti ang dagundong ng kalakuerda!. subali'ganyan ang sa kun sino. at sa sipi namin. nguni'tingnan naman natin ang bayaan sa: !ay ama co! !ay fleridang toua! catoto,, bayaan aco,, mapayapa. ang bayaan dito ay pinabayaan nga at di linagyan ng ligazon maanong nanghiram man lamang sana sa kay damidaming nasa unahan at ikinabit sa bayaan sana'naging bayaang aco,, mapayapa gaya ng na kay. at ang ligazong yaong nawala sa bayaan ay tingnan nati'yumakap naman sa magta anan . nagkaroon ito, gayong di dapat magkaroon. dapat ngang basahin lamang magtaanan nguni'hindi magtanan (gaya kay. sayo), ang magta anang sa: cusang magta anang sa real palacio. nariyan ang ilang paliwanag, na maaaring maging saligan, kung ibig, ng isang dalubhasang pagbubuu pagpapanauli ng datihang florante .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa kagandahang palad ay walang mga salita at pangungusap na nababago ang siping ito kay sa natatandaan ng mga anak ng dakilang makata; at may mga kamalian man nga ito, ang kamalian ay di sa ano man kundi sa pagkakalimbag na lamang, at pawa namang nangahahalata sa unang malas pa lamang. ang pagkabanluga ng ortograpia, na nagpapakilala ng kawalang ingat ng kahista na di kailangang maging cun ang datihang cong cundi ang datihang condi catauan ang catao an datapua ang datapoua catuiran ang catouiran sasaquian ang sasac yan mucha ang muc ha balaquiot ang balac yot rube ang rubi mag adia ang mag adiya at iba'iba pa, saka hindi kailangang mapasama man mapahiwalay ang mga panglapi, magkakabit man ang dalawang salita (gaya ng di at co mo at na di at pa, magkahiwahiwalay man ang mga pantig ng iisang salita (gaya ng nag sisi sila na aba atbp.) ang pagkabanluga nga ng ortograpia at ang maliliwanag na kamalian sa limbagan ay madaling maitutumpak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"nguni'hindi namin ginawa ang ganitong pagtutumpak sapagka'wala kaming ibang hangad kundi maipakilala lamang ang tunay na sipi ng lumabas noong na buhay pa ang makata at siping sinakit na maging siya rin at walang munti mang kaibhan, pati sa kanyang mga kamalian. wala nga kaming munti mang binago sa siping ito. ni isa mang kuwit ay hindi inalis. at wala namang idinagdag, ni isa mang tuldik na pangtanong, kahi'napaghahalatang talagang kulang at sa kapaubayaan na lamang ng kahista. at ang pag iingat namin ay pinapagibayo sa pagsipi sa mga ginamit na kudlit sa mga pangdulo ng talata; mga kudlit, na gaya na nga ng dinaliri namin sa mga halimbawang ilinahad sa ika paliwanag, ay malimit na mapalagay kahi'na paano bagama'may nangatutumpak din. ang tanging di namin napag ingatang lubos ay ang pagkakalagay ng mga kudlit na pabigla acento agudo, kung nanga sa gitna ng talata; subali'oo, at pinag ingatang labis, ang lahat nang nangasadulo ng talata, pati na ng mga pabigla.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"at parang pangkatapusan ay minarapat naming daliriin din ang mga sumusunod: . para kay balagtas, ang laura ay maaaring gawing dalawa tatlong pantig. tatlo sa ganitong halimbawa at iba pa: uala na laura,, icao nanga lamang ang macalulunas niyaring cahirapan. nguni'dalawa namang pantig sa susunod na halimbawa at sa iba'iba pa: nguni !sa abaco! !ay sa laquing hirap! uala na si laura,, !aquing tinatauag! ano pa'ang laura ay napahahaba niya at napaiikli, na gaya rin naman ng: . maikli sa ganitong halimbawa at iba'iba pa: di cong aco poo,, utusang mang gubat nang hari mong ama sa alin mang ciudad.? dadalawang pantig at maikli nga lamang dito; nguni'sa susunod na halimbawa at sa iba'iba pa ay pinahaba naman at ginawang tatlo: putong na turbante ay calingas lingas, pananamit moro sa persiang ciudad . at gayon din, pinahaba rin, sa ganito:.masayang ciudad na lupa ni ina? disin ang buhay co,, di lubhang nag dusa . pinapaging anim nga ang limang pantig na masayang ciudad kaya, ang ginawa ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sayo ay pinangunahan ng sa ang masayang ciudad ginawang anim; nguni'sapagka'wala nang magawang pagdaragdag sa lilima ring sa persiang ciudad (sa una) ay pinabayaang gaya rin nang dati at di dinagdagan. sa aming sipi ay rube ang nakalagay, at hindi rubi gaya ng nasa iba. walang makatitiyak kung alin ang katotohanan, bagama'ang rubi ay siyang wasto'tama. sa aming sipi ay may capucha kudlit na biglang paimpit ang yo kaya, tumutunog na pabigla at paimpit sa lalamunan ang pagbigkas. nguni', ayon sa tulang ito: dito na nahubdan ang cababayan co ng hiram na bait na binalat cayo. ang binalat cayo ay hindi gaya ng atin ngayon, na paimpit nga ang pagbigkas sa yo . maliwanag ngang nang panahong yaon ni balagtas, at maging nang panahon nina noceda at sanlucar, ang salitang iyan ay pabigla lamang, nguni'hindi paimpit, gaya ngayon. walang kaibhan sa taliba na ginagawa na ngayong taliba ng mga may mahihinhin at binabaing dila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"at makikita nati'ganyan ding kapalaran ang sasapitin ng bini bini na sapagka'kawangis ng mabini ay binibigkas na ring paimpit sa dulo. bukas makalawa ay maririnig na nating kabinibian ang kabinibinihan ngayon. ano ang lasa ninyo sa titic ng monarcang caniyang bianan ito ay nakasulat na bienan sa iba, bagama'sa matandang diksionario ay talagang bianan ano nga sa pangdingig ninyo ang caniyang bianan maikli baga sukat na? sa pakinig namin ay maikli, gaya rin naman ng itinapon sa tulang: touang pangalaua cong hindi man langit ang itinapon nang mahinhing titig. nguni'ang itinapong ito ay napaghahalatang kamalian lamang ng limbagan, at dapat basahing itinatapon . tila mali, tila hindi lahi kundi kaipala ay laki ang nasa sumusunod na tula: at sa ca auay ma,, di co ninanais ang lahi ng dusang aquing napagsapit . tila nga lalong tama riyan ang laki ng dusang aking napagsapit nguni'ano at lahi ang naririyan? siyang nasa lahat na. mahirap ngang maging mali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"at sa katotohanan ay talagang hindi nga mali. lahi ngang talaga, at ang katagang iyang kay pagkagandaganda ng pagkakagamit diyan, ay di kaya pinananaghilian ng ating mga makata ngayon? sa tulang: siyang paglusob co,, nang hucbong aquibat guinipit ang digmang cumubcob sa ciudad . ang digma riyan ay di siyang nalalaman natin ngayon, kundi kasingkahulugan ng hukbo sapagka'hukbo lamang ang maaaring kumubkob sa isang siudad. at maliwanag na hindi kasingkahulugan ng guerra gaya ngayon, sapagka'sana ay hindi na ginamit ni balagtas ang salitang guerra . isa ring kataga ito, na sa tulang: sa caliua,, canan niya,, nalagalag manga soldados cong pauang mararahas. ay lipas na ngayon. iba sa naglagalag nagyao'ditong walang tiyak na patutunguhan naghampas lupa nguni'mapaghahaka nating kasingkahulugan ng napatalatag natalatag . sino nga ang tumampal at sino naman ang tinampal?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sa sipi namin ay ganito ang nakalagay: pupugutan dahil sa hindi pagtangap sa sintang mahalay nang emir sa ciudad, nang mag asal hayop ang morong pangahas tinampal sa muc ha ang himalang dilag . ganito rin ang kay. sayo, at lumalabas na ang himalang dilag na si laura ay siyang tinampal. ganito rin ang kay de los santos. nguni'kung pakasusuriin natin ay tila mahuhulog tayo sa paniwalang tama ang nasa kun sino. na ang tumampal ay ang himalang dilag . tinampal ang morong pangahas, sapagka'nag asal hayop; at dahil sa pagkakatampal ay napoot ang emir at ipinag utos na pugutan ang himalang dilag . ang tampal ay siyang tanda ng hindi pagtangap sa sintang mahalay nang emir sa ciudad . at ano ang sabi ninyo sa: umupo,, quinalong na naghihimutoc, catauan sa dusa hininga,, natulog. at saka sa: nguni', sa puso co,, matamis pang lubha natuloy naquitil ang hiningang aba. ano nga ang inyong sabi tungkol sa dalawang iyan? at ano ang inyong lasa? sa una ay may kaunting kabaguhan, sa palimbag ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Francisco Balagtas,"sayo, ang huling talata ay ginawang katawan sa dusa'hininga'natulog nguni'binago man ay tila kasinglasa rin ng matamis pang lubha natuloy naquitil ang hiningang aba . mga tulang inabot ng tabsing sa dagat mga lipad na sa kaitaasa'inabot ng pagkahapo; opo, pagkahapo, gaya na nga nitong inyong lingkod, na nahahapo na at kinakapos; kung kaya, tinatapos na rito ang mga paliwanag na ito. lubha ngang kanaisnais, kung sa likod ng mga pagpapagod na ito ay matuklasan at mapagsamasamang panibago ang lahat nang sangkap, na waglitwaglit ngayon ng dakilang likha ni balagtas, upang ang walang kahambing na monumento ng panitikan at ng lahing tagalog ay muling maibangong gaya rin nang dati. carlos sept. tunay na sipi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón," mga unang tao rito. isa sa mga lahing hangang ngayo'nangananahan dito sa mga kapuluang pilipinas ay ang mga itim ita at sapagka'ayon sa kapaniwalaan ay siyang unang nangamayan dito ay di nga maliligtaan sa kasaysayan ng pilipinas. ang dami, di umano, ng mga ito ay may tatlong yuta at pawang nangananahan sa mga gubat at bundukin ng bataan at sambales at sa silanganang bundukin ng dakong hilaga ng luzon na mula sa cabo engano hangang baler. may mangilangilan ding nangananahan sa mga bundukin ng mga lalawigang rizal, bulakan, kapangpangan tarlak, pangasinan, ilokos norte, nueva ecija at abra. gayon din sa mga pangpangin ng rio grande sa kagayan at sa ilog ablug sa lalawigan ng kagayan at sa mga dating comandancia ng infanta at principe na ngayo'sakop ng lalawigan ng tayabas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"bukod dito'mayroon din sa mga pulo ng mindoro, panay, negros, mindanaw at iba pa. palibhasa,, nakapangkat pankat ang lahing ito ay nagkaroon ng iba'ibang pangalan, na yaong mga nasa sambales lalong lalo na yaong mga haluang dugo ay pinanganlang abunlon yaong nanga sa morriones sa tarlak ay aburlin ang ibang nanga sa kagayan, isabela, kapangpangan bulakan at bataan ay ita ang ibang nanga sa isabela ay agtas ang ibang nanga sa nueva ecija, kapangpangan, sambales, ilocos sur, at tarlac lalong lalo na yaong mga haluang dugo ay balugas ang ibang nanga sa sambales ay bukiles ang nanga sa baybayin ng dagat pacifico sa hilaga ng luzon ay dumagat at ang nanga sa baggaw sa kagayan ay parames . dahil sa pagkakapangkat pangkat na ito at pagkakaroon ng iba'ibang pangalan ay pinagkaroonan ng iba'ibang isipan ng mga mananasaysay, na anang iba'supling sa iba'ibang lahi ng mga itim at anang iba'iisang lahi na napapangkat lamang ng angkan angkan na sa akala ko'itong hule ang mapaniniwalaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga taong ito ay nangananahan pulupulutong na limalimangpu humigit kumulang at ang hitsura'anyo ay pandak na lilimang paa ang taas, maiitim baga man ang iba'may kakuyumangihan, malalaki ang mata ng karamihan, kulot ang buhok at balbasin ang mga lalaki, sarat ang ilong, makakapal ang labi at mabibilog ang ulo. hindi nangaggugupit ng buhok, malibang totoong mahaba na at kung gayon ay pinuputol ng itak sundang kung sakaling walang gunting. ang ibang itim sa bataan ay nagsisipagkoronita sa ulo na parang pare upang makasingaw ang ipit, di umano, at yaong nanga sa sambales ay nagsisipag ahit kung minsan ng kalahati ng ulo, na mula sa tuktok hangang sa batok. ang damit, ng mga lalaki ay bahag lamang sa mga balakang at ang sa mga babae ay tapi na mula sa baywang hangang sa tuhod. ang dinadamit ay kayo kung mayroon, datapua'karaniwa'balat ng kahoy. ang karaniwang kagayakan ay sarisari. gumagamit ng kawayang suklay na may gayak na pakpak na sarisaring kulay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"nagsisigamit din ng hikaw, bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito. ang mga pinuno ay nagpapatulis ng ngipin sa harap, at halos lahat ay nangagsisipagkudlit sa katawan ng sarisaring hitsura na ang mga lalaki ay sa dibdib, sa likod at sa mga bisig at ang mga babae naman ay gayon, din bukod pa sa mga harapan ng hita at sa iba pang dako ng katawan. ang lahing ito ay may ugaling magpabagobago ng tahanan, at sa ganito'hindi nangagbabahay at ang karaniwang pahingahan ay ang paanan ng mga punong kahoy na kanilang pinagtitindigan ng balangkas na miski paano saka binububungan ng kugon ng miski anong dahon. sa pagkabuhay ay nangabubuhay sa isda, lamang lupa, sa bigas (na nangaghahasik ng palay sa dakong katahanan), at lalong lalo na sa mga hayop na kanilang nahuhuli napapana, at di umano'mga totoong maibiguin sa laman ng ungoy, saka nangagsisikain ng ahas, palaka bubuli at iba pang hayop na di natin kinakain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan sanga kaya ng kahoy at, pana'busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad nila. mga totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang mga instrumento ay buho'kawayan. may sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pangingibig sayaw pakikihamok at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano. sa pag aasawa ay inuugali ang pagkakasunduan ng mga magulang saka ang bigay kaya na gaya rin ng sa ibang lahing gubat. tungkol sa pagdidiwan nito ay sarisari ayon sa iba'ibang angkan ng mga ito, nguni sa mga itim na nanga sa bundok ng mariveles ay ganito di umano. nagsisipagtago sa gubat ang babae at ang mga abay niya, saka hinahanap ng lalaki at ng mga abay naman nito hangan sa masumpungan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"pagkasumpong ay ipinagsasama ang babae sa dakong pagtatapusan ng pagdidiwan na tumutugtog ang lalaki ng gansa (na isang instrumento nila) sa harap ng babae at habang lumalakad ay sumasayaw: samantalang ang babae naman ay may takip na panyo sa ulo at mukha at lumalakad na payuko. pagtigil ng tugtog ng lalaki ay hinahandugan ng mga kaibigan ang babae ng kanikanyang kaya. pagkatapos ay lumalapit ang babae sa isang wari entablado na handa na kapagkaraka na may dalawang dipa ang taas at nililigid ng kanyang mga kamag anak, saka tinatakbo at inaagaw ng lalaki na hinahawakan sa bisig at isinasampa sa itaas noong wari entablado na doon sila nauupong dalawa na magkaabrasete. kung magkagayon ay sumasampa ang ilan sa kanilang mga kaibigan at kamag anakan na nagsisipag alay ng kanikanyang kaya, saka nangananaog na kasama ang bagong mag asawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"at pagkapanaog ay sinasalubong ng isang matandang lalaki at isang matandang babae na nangagsisilagay marahil na pinaka inaama at ini ina at siyang nangagpapa ala ala ng kanilang payo sa bagong mag asawang yaon. bagay sa kanilang kapanampalatayahan, di umano, ay wari ang pagsamba sa mga bagay ng katalagahan at sa mga kalulua, at ang mga matanda at ang mga namatay sa kanila ay lubhang ipinakagagalang. ang lahing ito ayon sa kapaniwalaan ay nanganahan ditong malaong panahon hangang sa dinatnan ng lahing malayo . tungkol sa pagkaparito ng mga ito kung paano at saan nangangaling ay di masabi at hangan ngayon ay di pinagkakaisahan ng mga mananalaysay ang bagay na ito; sapagka'anang iba ay galing sa aprika na nakapagpalipat lipat sa pulo'pulo hangang nueva ginea at mula sa nueva ginea hangang dito, at anang mga bagong mananalaysay ay hindi, kun di ang mga ito'kaibang lahi ng mga itim sa aprika at talagang tagarito sa kasilanganan. ikalawang pangkat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"lahing pilipino maliban sa mga itim ay pawang lahing malayo na ang nangananahan dito na may halo marahil na kaonting indonesiano at ngayo'siyang mga kinikilalang pilipino. ang lahing ito ay nababahagi ngayon ng tatlong malaking bahagi: una'ang mga taong nagsipangubat na di napasaklaw sa kapangyarihan ng mga taga ibang lupain, ikalawa'ang mga moro kumikilala kay mahoma at ikatlo'ang mga nagsipagkristiano. ang tatlong bahaging ito ay paraparang napapangkat, ngayon ng lipilipi at angkan angkan. ang unang bahagi, na sa mga taong gubat, ay lubhang marami ang pagkakapangkatpangkat; nguni'ang mga lubhang kilala ay ang igorot ilongot, tingian, gaddan at kalinga dito sa luzon, ang tiruray sa mindanaw at ang tagbanua sa palawan. ang pagkakapangkatpangkat ng mga taong ito ay pinagkaroonan ng iba'ibang isipan ng mga tanyag na mananalaysay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"anang profesor blumentrit, sukat dito sa kalusonan at kabisayaan ay napapangkat ang mga ito ng tatlong pu'anim na lipi baga man kalakip na pati nang sa mga itim, at anang mga mananalaysay na jesuita ay dadalawang pu'anim, at sa bilang na ito ay may binangit pa ang mga jesuita na di ibinibilang ng profesor blumentrit sa kanyang salaysay na gaya rin ng profesor blumentrit tungkol sa binangit ng mga jesuita: ano pa'kung idadagdag ang mga binangit ng mga jesuita na di naibilang ng profesor blumentrit sa kanyang pagkatala ay hihigit pa nga sa tatlong pu'anim na bilang niya. nguni'hindi lamang ito, kundi dumating dito ang mga americano at pinagsikapan ding masiyasat itong iba'ibang liping nagsisipangubat, na sa mga sumiyasat at nakakita ng mga ito ay di maliligtaan sina dr. barrows, comicionado dean. worcester, john. miller, capitan charles. nathorst, at capitan samuel.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"crawford at di rin nangagkaiisa ng isipan bagay sa mga liping ito; sapagca'ani dr. barrows ay tatatlo ang liping malayo rito at kung baga man anya'marami ay angkan lamang ng tatlong ito ang iba, samantala namang ang sa comicionado dean. worcester ay anim ang liping malayong narito at anang iba ay isang gayon: ano pa at iba'iba. kung alin ang matuid sa mga salaysay noong mga una sampu nitong mga huli ay di natin masabi at hangang ngayon ay di pa lubos na kilala ang boong paraa'ayos ng pamumuhay niyang mga taong gubat na nabangit baga man masasapantahang di lubhang magkakaiiba, ang ikalawang bahagi na sa mga moro, ay gaya rin ng sa mga taong gubat na napapangkat ng lipilipi at angkan angkan, na ang iba'sa dabaw, ang iba,sa samboanga, ang iba'sa kottabato at ang iba'sa iba'ibang dako ng hulo'mindanaw na pawang may kanikanyang ngalan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga ito ang may lalong malinaw na kasaysayan kay sa lahat ng lipi rito sa pilipinas, dahil marahil sa maagang pagkasulong nila sa katalinuang pakamahometano at pagkapagingat nila ng kanilang mga alamat at mga alaala ng dating pamumuhay ng kanilang mga kanunuan. tungkol dito ay di dapat ligtaang basahin ang salaysay ni naajeb. saleeby sa kanyang aklat na kasusulat pa lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang ikatlong bahagi, na sa mga nagsipagkristiano at siyang mga liping tinutukoy ko sa kasaysayang ito ay masasabi nating may walong lipi ang dami na dili iba'itong mga sumusunod: ang bisaya na mga taong nangananahan sa maraming mga pulong napapagitan sa luzon at mindanaw, sa makatuid baga'sa mga pulo ng panay, negros, leyte, samar at ibapa; ang tagalog na nangananahan sa kalagitnaan ng luzon at nakakalat sa mga lalawigan ng, maynila, batangan, kabite, laguna, bulakan, bataan, nueva, ecija at iba pa; ang kapangpangan at pang asinan na nangakakalat sa mga kapatagan ng kahilagaan nitong luzon; ang ilokano na nangananahan sa may dakong kalagitnaan ng hilaga'kanluran nitong luzon; ang kagayan na nangagsasalita ng wikang ibanag at nangananahan din sa kagayan; ang bikol na nangananahan sa kamarines at sa mga lalawigan ng sorsogon; at ang sambal na nangananahan din sa sambales. dito'di na kabilang ang ibang lipi na nanga sa nueva viskaya, sa pulo ng batanes at kalamianes dahil sa kaliliitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ikatlong pangkat. ang pagkaparito at pinangalingan ng lahing pilipino. ngayon ngang batid na natin ang dinamidami nitong mga lipilipi at angkan angkang nangananahan dito na pawang kinikilalang pilipino ay di natin maliligtaan na di maitanong kahi'sa sarili kung ang mga ito ay katutubo rito kung bakit nangaparito at saan nangangaling. sa pagkakatutubo rito, ng mga taong ito anang manga mananalaysay ay hindi at bago pa nga mandin ang mga ito ay ang mga ita muna ang nanganahan dito; sapagka'di nga naman mangyayari na ang isang lahing mahina na gaya ng mga ita ay mahuli pa isang lahing may kaonting kalakasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"nguni'mula pa sa kaunaunahang dako hangang sa panahong ito ay hindi kaila na ang tao ay laging nagsikap ng ikabubuti'ikagiginhawa ng sarili na kung di nga masiyahan sa kanyang bayan ay dumadayo sa iba; kaya'hangang ngayon ay may mga taong gubat na nagpapabuhatbuhat ng tahanan dahil sa paghanap ng lalo'lalong mabuting lupa ng dakong lalong maginhawa sa kanyang pamumuhay, at maging sa mga matalinong bayan man ay gayon din, at nariyan ang australia na pinamamayanan ng mga ingles: at ang mga lupang pilipinas, na halos lahat ng pulo'lalawigan ay sagana sa mga halama'pananim, sa mga kayamanan at sa balang ikabubuhay, ay di mapagtatakhang pamayanan ng lahing ito. kung paano ang pagkapasimula ng pagkakaparito ng mga ito ay di natin masabi at walang aklat na makapagpatotoo, datapua'ang mga pagkakaganiganito ng mga tao noong unang dako, na nangapapalipat sa ibang mga pulo'lupain ay di kaila sa mga kasaysayan, at nariyan ang mga aklat nina ratztel, ellis, john dunmore at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"noon ngang una na di pa lubhang kilala ang katalinuan sa pagdadagat at wala pang kagamitan, kungdi ang mga sasakyang may layag lamang ay madalas nangyayari sa mga magdadagat na kung totoong nangapapalaot sa dagat at inaabot ng pagbabago ng hangin ay nangapapaligaw hangang sa masadsad sa ibang lupain, at mangyare, kung hindi na mangakabalik at kabubuhayan naman ang lupaing kinasadsaran ay natutuluyan ng doon mamayan, kung sakali mang nangakabalik at sa ganang kanila ay lalong maginhawa ang lupaing kinasadsaran nila kay sa lupa nilang tinubuan ay nangyayari ring pinagbabalikan at nag aanyaya pa ng kanilang mga kamag anak at kakilala. ito nga ang matuid na masasapantaha natin, na dahil ng ikinaparito ng mga taong ito, at dito'di natin maliligtaang di bangitin na pinakahalimbawa ang sali'saling sabi ng mga tagakaola at mga bagobo sa mindanaw na anila'sadsad lamang sila sa lupaing kinatatahanan nila ngayon at ang kanilang pinangalingan ay isang lupaing malayong malayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"hindi ko na bangitin ang lubhang maraming mga pangyayaring ganito sa iba'ibang lupain at totoong makapal. bagay naman sa pinangalingan ay masasabi nating wala ng iba kundi ang mga kalapit lupain at dito naman sa mga kalapit lupain ay wala ng ibang masasapantaha, liban sa mga lupang nasa dakong timog, na dili iba'ang kamalayahan dahil sa siyang mga tanging bayan na kahuad sa kulay tikas at anyo, kakapatid sa wika at kaayon sa halos lahat ng ayos at paraan ng pamumuhay ng mga tagarito. saka anang mga mananalaysay, siyang sali'saling sabi ng mga tao rito, na ang mga nabangit na lupain ang pinangalingan ng mga kanunuan nila. at bagay rito ay may salaysay si.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"colin na anya': may isang taga kapangpangang nakarating sa sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan ng kanyang sariling wika at siya'nakisagot na parang siya'ipinanganak sa dakong yaon, anopa'tuloy sinabi sa kanya ng isang matanda na kayo'mga inapo ng mga nagsialis dito noong unang dako na nangamayan sa ibang lupain at di na namin nangabalitaan. nguni'may isang bagay na hindi lahat ng tao rito ay kapangpangan tagalog mang bisaya kaya, kung di may taong gubat at may taong bayan, may igorot at may tingian, may tagalog at may bisaya at marami pa. ang kadahilanan nito, sa akala ko, ay sanghi sa pagkakapangkat pangkat ng mga bayan malayo (lahing pinangalingan ng mga tagarito) saka ang pagkakapangkat pangkat pa uli rito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung ating ngang lilingunin at liliningin ang kamalayahan na pinangalingan ng mga tagarito ay matatanto nating unauna na doo'may kinikilalang tatlong uri ng tao na dili iba'ang orang benua (taong gubat), ang orang laut (taong dagat) at, ang orang malayo (taong bayan). sa una na orang benua ay masasapantaha na siyang pinangalingan ng ating mga taong gubat, na dili iba'siyang sapantaha ng mga kilalang mananalaysay ngayon. at ito'mapaniniwalaan dahil sa pagkakaparis ng pamumuhay ng mga ito sa pamumuhay ng mga iyon: maliban marahil ang iba nito, na gaya ng tingian at iba na sa akala ko'kauri rin ng mga lahi ritong kristiano ngayon na nagsipangubat lamang dahil sa pag ibig marahil na manatili sa kanilang kalayaan at sa ganito'naurong sa pagsulong sa katalinuan. tungkol sa orang laut at orang malayo ay di mapagtatakhang siyang pinagmulan ng mga taong bayan dito ayon sa kanilang ayos at paraan nag pamumuhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"bukod dito ay dapat ding tantoin na ang kamalayahan (maging taong gubat taong dagat taong bayan) baga man supling sa isang lahi (sa lahing mongol anang mga mananalaysay) ay pangkat pangkat din, dahil sa nangamamayan hiwahiwalay sa pulo'pulo, na ang iba'sa sumatra, ang iba'sa java, ang iba'sa celebes at ang iba'sa iba'ibang pulo, bukod pa sa nangatira sa kapatagan ng malaka, at mangyare sa pagkakapulopulo at pagkakahiwahiwalay na ito ay nagkaiba'iba ng kaonti at sapagka'ang mga tagarito, sa akala ko, ay hindi galing sa iisang angkan ng mga yaon, kundi sa iba'iba ay kaya naman iba'iba rin ang mga lipi rito, bukod pa nga sa dito ma'nagkapulopulo at nagkahiwahiwalay pa uli. tungkol sa mga moro sa magindanaw ay masasapantahang siyang mga huling naparito at ayon sa kapaniwalaan ngayon ay siyang mga kasabay kasunod ng mga taga malayang nagsipamayan sa borneo noong dakong . ikaapat na pangkat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"dating pamamayan ng mga tagarito bago nagpuno ang mga taga europa dito sa kapuluang pilipinas, ay may sarili ng paraa'ayos ng pamumuno ang mga tagarito. ang paraa', ayos ng pamunuang ito ay di kagaya ng sa iba'ibang lupain na may isang dakilang puno pangulo na kinikilala, kundi sa bawa'pulo at lalawigan ay maraming pangulong may kanikanyang kampon at sakop na nayon nayon at lipi lipi, anopa,, kaparis din ng pamunuan sa espana bago nangagpaka panginoon doon ang mga romano'godo. ang bawa'pangkat ng pamahalaan ay tinatawag na isang balangay . itong salitang balangay ay pangalan ng sasakyang dagat na di umano'siyang nilulanan ng mga taga malaya sa pagparito, (basahin ang pangkat na sasakyan) at ang dami ng mga taong sakay sa bawa'isa nito ay tinatawag na isang balangay na dili iba'siyang natatag na isang pamahalaan. at sapagka'may malalaki'maliliit na sasakyan ay nagkamalalaki'maliliit namang balangay pamahalaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang bilang ng mga tao sa pinakamunting balangay ay limang pu at sa pinakamalaki ay umaabot ng hangang pitong libo. ang ibang mga balangay ay magkakasundo at hangang sa naglalakip lakip upang kung salakayin ng mga kaaway ay huwag masupil; nguni'ang pagkakalakip na ito ay sanhi ng pagkakasunduan at hindi ng pagsasailaliman ng isa'isa; ano pa nga'bawa'balangay ay may kanya ring sariling pangulo, liban na sa panahon ng digma na pumipili ng isang mangungulo sa kanilang lahat. ang pangalan ng pangulo sa bawa'balangay ay dato na ang kahulugan sa wikang malaya (ani dr. de tavera) ay nuno lelong: ano pa nga'dito'ating mapagninilay na ang ayos sa pamunuan ay isang pamumuno sa gulangan. itong tawag na dato na pangulo ay nananatili pa hanga ngayon sa holo'mindanaw. ang pangulo namang nagpupuno sa samasamang balangay ay nagkakapamagat ng laca raja ladya radja . mula ng lumitaw ang mahomatismo (pananalig kay mahoma) ay ginamit ang salitang sultan .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"di umano'may nagpapamagat, din ng hari na siyang dating kapangalanan sa mga dakilang pinuno sa india, at ang kahulugan sa sanskrito, ani dr. de tavera ay brahma, araw, vishnu. ang pamumuno ng pangulo ay paratihan sa tanang buhay. at ang pagkapuno'pagkamaginoo ay minamana ng anak at kung sakaling wala, ay mga kapatid kamag anak na malapit ang humahalili. ang tungkulin ng mga ito ay pagpunuan ang kanikanyang sakop at kampon at tuloy lingapin ang kanikanilang usapin at kailangan; at ang sabihin naman ng mga ito ay iginagalang at ginaganap ng kanikanyang sakop na mga tao. iginagalang din ang mga kamag anak at inapo ng mga puno, na kung baga ma'hindi nakapagmana ng pagkapuno ay pawang ibinibilang namang taong mahal at ipinakatatangi sa mga taong karaniwan. kung paano, ang kamahala'pagkamaginoo ng mga lalaki ay gayon din ang sa mga babae .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa mga balangay na nabangit ay may tatlong kalagayan ng tao: una'ang mga mahal na pinamamagatang maginoo ginoo ikalawa'ang mga nakaririwasa na pinamamagatang timawa (payapa) at anang ibang mga mananalaysay ay maharlika ang pamagat, na sa wikang malayo ani dr. tavera ay laya ang ibig sabihin; at ikatlo'ang mga alipin na sa bisaya'oripun . ani colin, ang mga lalaking may mahal na uri mga maginoo ay nagpapamagat din ng gat lakan gaya ng gat maitan lakan dula at iba pa at sa mga babae nama'dayang gaya ng dayang mati . anang iba'naging karaniwang kasambitan din ang ating kinauugalian pa hangang ngayong mama (amain) mang sa mga lalaki at ang ale sa mga babae. sumusunod sa uring ito ang mga timawa (payapa) maharlika (laya). ang mga ito'tangi sa ibang uri na walang sinasailaliman libang sa kanilang dato pangulo. hindi rin nangagsisibayad ng buwis at ang paglilingkod na ginagawa ng mga ito ay ang tungkol lamang sa naayon sa ugali .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"itong ugaling tungkulin nila, ay ang sumunod sa utos ng pangulo puno sa panahon ng digma: kaya'ang mga ito ang siyang nangagsisibuo ng kawal hukbo ng balangay at sa ganito'may pamagat na kabalangay . bukod dito ay tungkulin din nila ang tumulong sa pangulo dato kung panahong nagbubukid umaani at gayon din sa pagtatayo ng bahay, sa pag gaod sa sasakyan niya kung sakaling naglalayag nguni'sila'pawang pakain sa loob ng boong panahong kanilang ipinaglilingkod. ang sumusunod sa nangabangit ay ang mga alipin na sa bisaya'oripun at mga ito'may dalawang kalagayan ng pagka alipin: ang aliping namamahay at ang aliping sagigilir itong huli sa bisaya'tinatawag na ngalon . ang aliping namamahay ay pinagbibigyan pakundangan. ito'may bahay na sarili; kaya'may pamagat na namamahay at sa panahong kinakailangan lamang naglilinkod sa panginoon, at ang paglilingkod na ito ay sa pagbubukid at pag aani ng kanyang panginoon, at gayon din sa sasakyan kung sakaling naglalayag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kailangan din tumulong sa pagpapagawa ng bahay ng panginoon at tuloy naglilingkod sa bahay nito kung sakaling may panauhin, ano pa nga tungkulin ng aliping namamahay ang maglingkod sa panginoon kailan ma'kakailanganin; nguni'natatangi sa ibang alipin dahil sa may sariling bahay at saka hindi naipagbibili. wala ring namang bayad sa paglilingkod, at sa madaling sabi ay siyang mga tinatawag nating kasama bataan kampon tao at ipa pa. nakalilipat din naman ang aliping ito sa kalagayang timawa maharlika kung nagbabayad sa kanyang panginoon ng katampatang halaga na ayon sa kaugalian. ang aliping sagigilir ngalon ay siyang tunay na alipin na ang iba'sa tanang buhay at sa akala ko'tinatawag na sagigilir dahil sa di nakalalayo sa gilid paligid ng panginoon. ang pagkakapaging alipin ng mga ito ay dahil sa pagkukulang sa dato pang ulo, dahil sa pagdidigmaan, pakikipag usapin at gayon din sa pag uutangan at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga alipin ito ay siyang pinakamalaking yaman ng mga tagarito, dahil sa nakakatulong silang malabis sa kanilang nga bukira'hanap buhay, at ang mga ito'naipagbibili'naipagpapalit ng isang panginoon sa ibang panginoon, ng isang bayan sa ibang bayan, ng isang lalawigan sa ibang lalawigan at ng isang pulo sa ibang pulo. gayon man, ani argerzola (sabi ni rizal), ay hindi lubhang hamak ang pamumuhay ng mga alipin ito, dahil sa kasalong kumakain sa dulang ng kanilang panginoon at hangang sa naaaring mag asawa sa kabahay ng panginoon, maliban na sa ilang masamang panginoon, na saa'saan ma'di nawawala. nguni'ayon sa salaysay ng iba (wika rin ni rizal) ay lumubha ang kalagayan ng mga aliping ito nang masakop ng espana ang mga tagarito hangang sa ang iba'nangagpakamatay sa gutom at ang iba'nangagpakamatay sa lason, at pinatay ng ibang ina ang kanilang anak sa panganganak (basahin ang paaninaw ni rizal sa dahong ng aklat ni morga).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga anak at inapo ng mga aliping ito, maging namamahay at maging sagigilir ay nagmamana ng kalagayan ng magulang, na siyang dating kaugalian sa halos lahat ng lupaing malayo. at ang pagkaalipin nitong mga aliping namamahay at sagigilir ay sari sari, dahil sa mayroong buo ang pagkaalipin, at mayroong kakalahati at mayroon namang ikapat na bahagi lamang. ang dahil ng pagkakaganito ay mababasa sa pangkat ng kaugaliang pinanununtunan sa mga kapaslangan at sigalutan. ang ganitong ayos ng pagkakahiwahiwalay ng pamunuan dito ay minagaling ni rizal. anya'kung napasa kapangyarihan ng isang katao lamang ang pamunuan dito nang panahong yaon at anomang bagay ay isasanguni sa isang lugar, ay magiging mabigat sa bayan bayan, at sa akala ko rin, dahil sa nang panahong yaon ay wala pa ritong telefono, telegrama at mga kasangkapang nagagamit sa madaling pagsasangunian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ani rizal, ay di malayong ang ganitong paglalakip ay malaon nang inuugali rito, at sa katunayan (anya') ang pangulo rito sa maynila ay pinakapangulong general ng sultan sa borneo; ayon sa patotoo ng mga kasulatan noong siglo ani rizal ay naaayon sa kautusan ng katalagahan (naturaleza) ang pag uugaling ito ng mga dating pilipino, na higit kay sa mga taga europa na nawawalan ng kamahalan ang babae kung nagsasawa sa mababa kay sa kanya, dahil sa isinasalalaki lamang ang kamahala'kababaan. anya'isang katunayan ito na ang mga babae nga rito'pinagbibigyan na mula pa noong una. ikalimang pangkat. dating pananamit at kalinisan sa katawan ng mga tagarito noong unang dako ang mga tagarito ay magkakaiba ng pananamit; na ano pa,, sa luzon ay iba sa bisaya'iba at gayon din sa ibang dako. ang pagkakaganito marahil ay sapagka'galing sa iba'ibang dako ng kamalayahan ang mga tagarito at inugali ng isa'isa ang pananamit sa kanikanyang bayang pinangalingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"dito sa luzon (sa ilang lalawigan marahil) ay nananamit ang mga lalaki ng kanyan (barong azul na lagpas ng kaunti sa baywang, isinasara sa harap, walang liig at maikli ang mangas; nguni'may nagsusuot din ng kulay itim. ang sa mga maginoo'kulay pula at sa india pa nangagaling. bukod dito'nagbibigkis sa baywang ng isang kumot na tuloy ibinabahag; ang hita'litaw, ang mga paa'walang suot at ang ulo'walang takip maliban sa isang makitid na panyo na mahigpit na itinali sa noo at kimot kimutan na pinanganganlang potong putong . ang putong na ito ay iniiikid ng sari saring paraan, na kung minsa'wari turbante ng mga moro na walang bunete at kung minsan nama'nakapulupot na parang kubong ng sumbrero . ang nagmamatapang ay naglalawit, ng mga dulo ng panyong ito na pinaaabot hangang sa batok. sa kulay nang panyo ay napagkikilala ang pagkapuno, dahil sa siyang ginagamit na pinakasagisag sampu sa kanilang pakay at kataasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang sino mang hindi pa nakakapatay (marahil sa digma), ng isa man lamang, ay hindi tinutulutang gumamit ng putong na pula at kaya'makagamit ng ikid pugong na parang corona ay kung nakapatay na ng pito. ang pinakadagdag na kasuutan ay isang mainam na nakukulayang kumot na isinasalabat sa balikat, saka ibinubuhol sa may ibaba ng bisig, at ang kayong dinaramit ay sutla'babarahin. bagay naman sa paghihiyas ay nangagkukuwintas ng tinanikalang ginto na iniikid sa liig at ang pagkakakawing kawing ay gaya ng sa mga taga europa; nangagsusuot sa bisig at galang galangan ng kalombigas (pulsera) na gintong tinipi at may anyong sarisari, na tuloy sinasaglitan ng mahahalagang batong kawigin at agata, puti'bughaw ang mga pinakamahal. anang iba'gumagamit din ng garing; at sa mga daliri naman ay nangagsisingsing ng ginto'iba'ibang bato.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa ibang dako naman (sa katagalugan marahil) ay may kaibhan dahil sa nangagbabaro at nangagsasalawal ang mga lalaqui, at kung may pinaroroonan napasa sa simbahan (sa pagparoon lamang sa mga simbahan, sa akala ko) ay nananamit ng isang kasuutang kulay itim na kung tawagi'sarampuli . ang kasuotang ito'mahaba na abot hangang paa at ang mangas ay makipot na di umano'isang kasuotang lubhang mahinhin. kung isuot ito ng mga tagalog ay buo at parang sapot, na ano pa'sa ulo pinapagdaraan at isang kasuotang karaniwan. ang mga babayi naman ay nangagbabaro at nangagsasaya, at kung may pinaroroonan (sa pagpa sa simbahan din marahil) ay gumagamit ng isang pantakip sa ulo na abot hangang paa at kulay itim ang pinakapipiling kulay, saka nangagtatapis; nguni'ito'higit na inuugali sa katagaluga'kapanayan kay sa kabisayaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"bukod dito'nangaglalagay sila sa buhok ng pusod na tangalin (postizo) na ang ipinang aalalay ng lalaki'babae ay ipit na ginto pilak na may batong perlas diamante sa pinakaulo, at kung hindi naglulugay ng buhok ang lalaki ay nagtatali sa noo ng panyo na kung tawagi'purug at ang mga babae naman kung napasasadaan ay nangagsasalakot na ang tawag sa bisaya'sarok .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa lalawigan nang sambales, ang lalaki'nag aahit ng buhok sa harapan ng ulo at sa kaymotan ay nag iiwan ng isang kumpol na lugay na, ani rizal, ang ayos na ito ng pagbubuhok sa sambales at ang pananamit ng mga taga bisaya, ay nahahawig sa kimono hapon, at ang mga babae sa lalawigang ito ay nangagbabaro ng sarisaring kulay at nangagsasaya rin, at ang mga may mahal na uri ay nangagkukundiman, nangagsusutla at nangananamit ng iba'ibang kayo na pinamumutihan ng ginto at ng sari saring gayak na palawit; nangagkukuwintas ng tinanikalang ginto, nangagkakalombigas (pulsera) sa galang galangan, nangaghihikaw sa tainga ng makapal na tiping ginto at nangagsisingsing sa daliri ng ginto rin at sari saring hiyas. sa katanduanes naman ay nangagsasaya ang mga babae ng ayon sa ugali ng mga taga bisaya, nangagsisigamit ng mahahabang balabal, ang buhok ay pusod, na mainam ang pagkasuklay at sa noo'may sintas na nababatikan ng ginto, na ang luwang ay dalawang dali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa bawa'tainga ay nakahikaw ng tatlo, isa sa kaugalian ngayon at ang dalawa'sa may dakong itaas na magkasunod: at marahil ay ang mga ito rin an sinasabi ni. chirino na nagsisipaggayak ng kakatwa sa bukong bukong. ang mga taga bisaya naman ay nangaggugupit ng buhok na kagaya ng sa dating kaugalian sa espana at nangagpipinta sa katawan ng sari saring anyo at kulay. ang pagkakapinta'mainam at bagay bagay at anang iba'hindi lamang katawan ang pinipintahan kundi pati ng baba'kilay. ang paraan ng pagpipinta, bago gawin ay ginuguhitan muna ng mangangatha ng akalang maaayo'mababagay sa katawan at gayon din sa pagkalalaki pagkababae, saka pinipintahan. ang panguhit na ginagamit ay kawayang parang pincel na matulis ang dulo at siyang ipinangduduro hangang sa lumabas ang dugo, saca binubudburan ng pulbos, kung dili ay usok ng sahing na maitim, na kailan ma'di na mangungupas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"hindi pinipintahang bigla ang boong katawan, kundi bahabahagi, at datiha'hindi muna nagpipinta hangang hindi makapapamalas ng anomang katapangan. ang mga bata'hindi nagpipinta ng nguni'ang mga babae ay nagpipinta ng isang boong kamay at ng bahagi ng ikalawa. dito sa pulo ng luzon ay nangagpipinta rin ang mga taga iloko, hindi lamang lubos na kagaya ng sa mga taga bisaya. sa paghihiyas ay nangaghihikaw ng malalaking hikaw na ginto at garing at nangagkakalombigas; sa ulo'nangakakulubong ng ukang wari turbante na may batikbatik na ginto; nangagbabaro ng makipot at mahaba na walang liig, at sa harapan isinasara. hindi nangagsasalawal, kundi bahag lamang na ibinibigkis sa harapan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga babae'may magagandang anyo'kilos, malilinis at, makikisig na lumakad; ang buhok ay maitim mahaba at nakapusod, nangakatapi sa baywang ng kayong sari saring kulay at nangakabaro ng walang liig; hindi nagsisipagsuot sa paa, nguni', nangaghiyas na nagsisipagkuwintas ng ginto, nagsisipaghikaw at nagsisipagkalombigas. bagay naman sa kalinisan, lalaki'babae at lalo na ang mga maginoo, ay totoong malinis sa kanikanyang katawa'bihis; nangagpapaitim na mainam ng buhok na nagsisipaggugo at nagsisipaglangis ng lingang may pabango. sa ngipin ay lubhang maingat na lahat, na mula sa pagkabata ay pinapantay ng mga bato'iba pang mga kasangkapang pangkiskis at pinaiitim hangang sa tumanda, na tuloy sinasaglitan ng ginto at nililinis pagkakain at pagkakagising. bata'matanda ay naliligo sa mga ilog at sa malaking bangbang na, ani morga', kahi'sa anong oras, dahil sa di umano'inaaring pinakamainam na kagamutan: kaya'pagkapanganak (anya) ng babaye ay agad naliligo at pati bata'pinaliliguan din .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"at ani colin, ang karaniwang oras na ipinaliligo ay sa pagkalubog ng araw, pagkatapos ng gawain at sa pangagaling sa pakikipaglibing na naging kaugalian din sa hapon. saka kung naliligo ay mahinhing nauupo na inilulubog ang katawan hangang sa lalamunan na nangagpapakaingat upang huwag maging tudlang ng mata nino man. ani rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa pinakaiingatan ng mga tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain, pagka bagong kalilitaw ang sipon at pagka pinapanahon ang babaye at iba pa. ikaanim na pangkat. kaugaliang pinanununtunan sa mga kapaslangan at sigalutan. palibhasa'ang mga tagarito ay nangamamayan at may mga tatag na pamahalaan balangay ay may mga hukom at tuntunin ring pinanununtunan. itong mga tuntuning pinanununtunan sa kanikanilang balangay ay pawang alinsunod sa kanilang mga alamat at kaugaliang kinagisnan na di binabago at mahigpit nilang tinatalima.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"datapuat di umano'may mga pangulo rin namang nagsisipaglagda ng mga kautusan, saka itinatanyag sa bayanbayan nang isang mananawag na pinanganganlang biuhahasan. sa pagtatanyag, di umano, ay nagdadala ng isang batingaw na tinutugtog upang mapag alaman ng mga tao. ang mga hukom sa mga usapin nila ay ang kanikanilang pinakapangulo na kung minsa'nagiisa at kung minsa'kasama ng isang dato sa balangay ng isang maginoo sa nayon: at ang pangulo sa balangay ay may sakdal na kapangyarihan na maaaring gumawa ng ano man na walang sanguni sa iba, at sa ganito, ang magkulang sa kanya ay naparurusahan niya ng kamatayan pagkaalipin pagbabayad kaya ng isang gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ngunit sa pagmumungkahian at mga sigalot ng magkakasambahay ng magkakamag anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman ng mga may sigalot: sa pagpaparusa naman ay walang bilibid bilanguang gaya ngayon, kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang pagbayarin ng isang gayon alipinin kaya at kung totoong mabigat ay nilalapatan ng parusang kamatayan. at upang matanto ng manbabasa ang mga tuntunin sampu ng mga salang kinalalapatan ng mga parusang nabangit ay aking ihahanay dito sa sumusunod. sigalot ng mga pangulo sa dalawang balangay kung ang mga pangulo sa dalawang balangay (na magkasundo marahil) ay magkaroon ng ano mang sigalot usap ay pumipili sa ibang balangay ng isang pangulo na mailalagay nilang pinakahukom upang humatol sa kanila ng walang hilig; sa pagka'baga man sa iba'ibang balangay ay may iba'ibang tuntuning pinanununtunan ay halos magkakaayon di umano. pag aasawa sa taga ibang balangay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung ang isang maharlika timawa, (maging lalaki maging babae) sa isang balangay ay mag asawa sa taga ibang balangay ay hindi makalilipat sa balangay na tinatahanan ng magiging asawa, kungdi magbayad ng isang gayong halaga na paratang ng mga dato. ang paratang na ito ay mula sa isang putol na ginto hangang tatlo ayon sa paratang ng balangay, bukod pa ang isang paanyaya sa boong balangay na aalisan. kung ito'hindi ganapin ay maaaring digmain ng balangay na aalisan ang balangay na lilipatan, malibang pagkasunduan na ang mga anak ng mag asawa ay hahatiin sa kanikanyang balangay. katungkulan ng mga kampon sa isang balangay. ang sino mang kampon ay hindi bumabayad ng buis, nguni'napatutulong ng pangulo sa kanyang mga kailangan, gaya sa pagtatayo ng kanyang bahay sa kanyang pag aani, sa pagbungkal ng kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp. ; nguni'ayon sa salaysay ni morga ay ibinubuis ng mga kampon ang kanilang naaani sa kanikanilang bukiran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang nakamatay ng isang alipin at humingi ng tawad ay hindi pinarurusahan ng lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa panginoon ng halaga ng aliping napatay saka hinahatulan ng hukom ng iba pang parusang kanyang magalingin. ang nakamatay ng isang timaua ay kamatayan rin ang parusang inilalapat; nguni'kung humingi ng tawad ay inuuurong ang gayong parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. di umano'kung sakaling salapi ang naging kahatulan ay kalahati lamang ang ibinibigay sa namatayan at ang kahahati ay sa hukom. datapua'ang nakamatay ng pangulo maginoo ay pinapatay ng walang patawad at ang mga kaalam ay pawang inaalipin sampu ng kanilang mga anak. paghuli sa magnanakaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"upang hulihin ang mga magnanakaw ay tinatawag ang mga pinaghihinalaan, at mga pinapagsasalansan sa isang dako ng mga balaba ng dahon ng mga damit kaya, at kung pagkatapos nito'masumpungan sa salansan ang nawala ay hindi na pinag uusig pa, nguni'kung hindi ay sinusubok sa alin man dito sa tatlong paraang sumusunod: una. dinadala ang mga pinaghihinalaan sa isang dakong malalim ng ilog na bawa'isa'may dalang pangpigil sa ilalim ng tubig upang kung pasisirin ay makapanguyapit na matagal sa ilalim, at sa ganito, ang unang lumitaw ay siyang inaaring may sala. di umano'namamatay ang iba sa pagkalunod dahil sa takot na siyang ariing may sala. naglalagay ng isang bato sa isang sisidlang may kumukulong tubig, saka ipinadadampot sa mga pinagbibintangan at ang umayaw ay siyang nagbabayad ng nanakaw. pinapagtatangan ang mga pinagbibintangan ng tig isang kandila na magkakasinlaki at magkakasinbigat, at kung sino ang unang mamatayan ay siyang inaaring nagnakaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang parusa namang inilapat sa nagnakaw kung ang ninakaw ay hindi lumalagpas sa halagang apat na putol na ginto ay ipinasasauli ng hukom ang ninakaw saka pinapagdadagdag pa ng isang gayon. kung higit sa apat na putol na ginto ay inaalipin. at kung isang kate na ginto ay nilalapatan ng parusang kamatayan kung dili ay inaapilin ang nagnakaw sampu ng asawa'mga anak. di umano'kaugalian din naman (marahil sa ibang balangay) na sa unang pagnanakaw ay pinapagbabayad lamang ng isang gayon, sa ikalawa'inaalipin at sa ikatlo ay pinapatay kung sakaling pinatatawad dito sa huling parusa ay kung inaalipin sampu ng asawa'mga anak. nguni'ang anak na hiwalay sa bahay niya ay hindi idinadamay sa pagkaalipin, dahil sa isipang hindi kaalam sa pagnanakaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"pagsasama kung ang dalawang tao ay magsama ng tiggayong halaga upang mangalakal, at ang may hawak ng salapi ay maharang ng kampon sa di kasundong balangay ay katungkulan ng kasama na tubusin ang naharang; nguni'kung ang pagkapahamak ay kasalanan ng may hawak ng salapi ay kailangang isauli ang salaping naparual kung dili ay ng mga anak. at kung walang maibayad ay masasanlang pinakaalipin siya at ang kalahati ng kanyang mga anak sa kasamang dapat pagbayaran. pagmamanahan sa pagmamanahan ay hindi kailangan ang testamento, kungdi sukat na ang pahimakas na bilin ng namatay sa kanino mang kaharap; sapagka'ang bilin ng magulang ay lubhang mahalaga, dahil sa kapanampalatayan na ang mga kalulua ng kanilang nangasirang magulang at kanunuan ay kasama rin nila sa sandaigdigang ito at siyang sa kanila'nagpapaginhawa nagbibigay hirap ayon sa asal nila (basahin ang paglilibing) ano pa'sa ganito'hindi inuugali ang pagdadaya at pagsisinungaling. sa katungkulan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga anak lamang sa tunay na asawa ang nakapagmamana ng katungkulan ng magulang, ano pa'kung pangulo sa isang balangay ang magulang at mamatay ay ang panganay sa mga lalaki ang humahalili at kung patay na ay ang pangalawa; nguni'kung walang anak na lalaki ay mga anak na babae ang humahalili ng papagayon din, at kung sakaling walang anak ay kamag anak na pinakamalapit ang nagmamana, na ani rizal, ay siya ring kautusang pinanununtunan ng mga anak hari sa espana, inglaterra, austria at ibp. sa mga tunay na anak ng mag asawa. ang tunay na magkakapatid sa ama'ina ay nagsisipagmana ng magkakasindami, malibang ibigin ng ama ng ina na palamangan ang sino man sa kanilang anak ng dalawa tatlong putol na ginto ng isang hiyas kaya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung ang isa sa mga anak ay nag asawa sa isang uring maginoo at dahil sa kalakhan ng kanyang bigay kayang ipinagkaloob ay makahigit sa mana kay sa kanyang mga kapatid ay hindi ibinibilang ang kahigitang yaon; datapua'ang ano mang bagay na ibinigay ng magulang sa kanino mang anak maging sa pangangailangan hindi ay ibinibilang sa pagmamanahan. kung sa pagmamanahang ito ay may isang aliping nauukol sa lahat ng magmamana ay binabahagi ang panahon ng paglilingkod nito sa bawa'isa sa kanyang papanginoonin ayon sa pagkakasunduan nila. kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin, kungdi kakalahati ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay pagbabayaran ng mga panginoon ang paglilingkod niya sa panahon ng kanyang kalayaan ayon sa kanyang pagkaalipin. mga anak sa una'huling asawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung ang sino man ay nakapag asawang makalawa at kapua pinagkaroonan ng anak ay nagmamana ang isa'isa sa mga anak ng ayon sa mana'bigay, kaya na ukol sa kanikanyang ina, at ang pag aari ng ama ay binabahagi sa lahat na walang palamang sa kanino man. mga anak sa tunay na asawa at mga anak sa alipin. kung ang sino mang lalaki ay nagkaanak sa tunay na asawa at nagkaanak pa sa alipin ay hindi nagmamana ang sa alipin; nguni'ang aliping naanakan ay pinapagiging laya at ang anak ay pinagkakalooban ng miski ano, na kung maginoo halimbawa ang lalaki, ay isang putol na ginto isang alipin kaya. mga anak sa asawa at mga anak sa babaeng kinakasama lamang. kung ang isang lalaki ay nagkaanak sa asawa at gayon din sa isang babaeng laya na hindi asawa ay hindi nagmamana ng magkakasingdami ang mga anak, kungdi ang dalawang ikatlong bahagi ng tinatangkilik ng ama ay iniuukol sa mga anak sa tunay na asawa at ang ikatlong bahagi ay sa mga anak sa babaeng laya na kinakasama lamang at di tunay na asawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"mga anak sa di asawa. kung ang sino man ay walang anak sa tunay na asawa, kungdi sa babaeng kinasama lamang ay nangagmamanang lahat ang mga anak at kung sakaling may anak sa alipin ay pinagkakalooban lamang ng ayon sa nabangit sa dakong una. kung walang kaanak anak liban sa alipin lamang ay walang nagmamana, kungdi ang magulang nuno mga kapatid mga kamag anak na malapit ng namatay at ang ipinagkakaloob lamang sa mga anak sa alipin ay ang gaya rin ng nabangit na. mga anak sa kaagulo. ang mga anak sa kaaagulo ay hindi nagmamana ng ano man at inaari pang masamang uri. sa inaring anak. ang pag aring anak sa iba ay totoong kaugalian at sa pagmamanahan ay nagmamana ng ibayong halaga ayon sa ibinigay ng ama ng siya'ipaaring anak: ano pa'kung ipinagbigay siya ng isang putol na ginto ay magmamana siya ng dalawang putol sa pagmamanahan. sa bigay kaya. ang nanunungkol ng bigay kaya ay ang lalaki at ito'ayon sa kasunduan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang kasunduang ito ay karaniwang pinagkakayarian ng mga magulang mula sa pagkabata ng mga anak, at kung gayon ay katungkulan ng mga magulang ng lalaki na ipagpauna ang kalahati ng bigay kaya na pinanganganlang kalabgayan at pagdating ng araw ng pag aasawa ay saka ibinibigay ang kalahating kabuoan na pinanganganlan bigay dahik . ang bigay kaya ay napapa sa magulang ng babae. at ang babae sa kanilang pagkadalaga ay walang ano mang tinatangkilik at kahi ma'kumikita ay sa magulang din. ang kasunduang mula sa pagkabata at may paunang kalabgayan ay kinasasanghian kung minsan ng ligalig, dahil sa kung lumaki ang mga bata at umayaw ang sino man sa kanila ay inuusap ang magulang ng umayaw dahil sa sapantahang siyang nag udyok. nguni'kung patay na ang magulang ng sino man ay nagsasaulian na lamang at hindi na nag uusapin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung ang sino man ay magsabi na ibig niyang mag asawa, kay gayon at sa kaarawan ay umayaw ay pinarurusahan ng mahigpit at kung mayaman ay sinasamsaman ng malaking bahagi ng yaman. sa pakikiagulo ang salang makiagulo, palibhasa'sigalot sa sambahayan ay karaniwang sa matatanda isinasakdal, at ang karaniwang parusa na inihahatol naman ng matanda ay pagbayarin ang nakiagulong lalaki ng isang gayong halaga sa asawa ng babae na pinakapantakip sa nasirang dangal. at sa minsang nabayaran ay nagsasama uling tiwasay ang mag asawa at nililimot na ang bagay na yaon, at pati anak ay hindi inaaring anak sa pakikiagulo. datapua'ang asawa ng isang pangulo na magkasala ng pakikiagulo ay nilalapatan ng parusang kamatayan, at ang lalaking umagulo ay pinapatay kung mahuli kung nakataanan ay pinapagbayad ng isang gayong halaga. sa paghihiwalay ng mag asawa. sa mga ganitong sigalot ay matatanda ang humahatol na kasama ng mga kamag anakan ng magasawang naghihiwalay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung ang mag asawa ay naghihiwalay ay hinahati ang kanilang kinita sa kanilang pagsasama, nguni'ang dating pag aari bago nagsama ay hindi hinahati, kungdi dinadala ng isa'isa ang kanyang dati. kung ang babae ang humihiwalay sa asawa upang mag asawa sa iba ay kailangang isauli ang bigay kaya at dagdagan ng isang gayon, na ang magsasauli nang nabangit na bigay kaya ay ang magiging bagong asawa. nguni'kung humihiwalay lamang at hindi upang mag asawa sa iba ay ang bigay kaya lamang ang isinasauli. kung ang lalaki ang humiwalay, maging sa pag aasawa sa iba hindi man at hindi kalooban ng babae ay walang matuid ang lalaki na bumawi ng bigay kayang ibinigay niya ayon sa salaysay ni. colin; nguni'ani . placencia ay isinasauli ang kalahati ng bigay kaya. kung ang mag asawang naghihiwalay ay may anak ay napapa sa anak ang bigay kaya at ang nag iingat nito ay ang mga nuno kung buhay pa kung dili ay isang taong mapagkakatiwalaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"aduarte ayon sa salaysay ni rizal ay hindi na naghihiwalay ang magasawa kung may anak dahil sa paglingap sa anak. iba'ibang kapaslangan. ang sumira ng puri ng isang anak na dalaga asawa ng isang maginoo ay nilalapatan ng parusang kamatayan. ang mahuling mangaway mangkulang ay kamatayan din ang parusan inilalapat. nguni'kung humingi ng tawad ay pagkaalipin na lamang at kung may salapi ay maaaring magbayad ng isang gayon at huag maalipin, at kung gayon ay ibinibigay ang kalahati ng salapi sa ginawan ng masama at kalahati ay sa mga hukom. ang panunungayaw ay inaaring malaking sala lalonglalo na kung sa mayaman, sa matanda sa babae, at pinarurusahan ng isang gayong halaga kung dili ay pagkaalipin. at kung ang tinungayaw ay pangulo maginoo ay kamatayan ang parusang inilalapat, malibang patawarin na kung gayon ay pagkaalipin na lamang. ang tumingin ng walang galang sa pangulo at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"na gaya nito ay nilalapatan ng parusang pagkaalipin sa tanang buhay, nguni'di umano'bihirang mangyari ito, dahil sa pinakakaingatang malabis ng mga kampon. kung sa gabi ay pumasok ang sino man sa bahay ng isang pangulo maginoo ng walang kapahintulutan ay nilalapatan ng parusang kamatayan, at karaniwa'pinahihirapan muna, dahil sa baka sakaling ginagamit na tik tik ng ibang pangulo; at kung sakaling matunayan na sugong tik tik ay nilalapatan ng parusang pagkaalipin at sa nagsugo ay kamatayan, malibang magbayad ng isang gayong timbang na ginto. ang di lubhang malaking pagkakaalitan pagmumungkahian sa isang nayon ay matatanda na lamang ang pinagsasakdalan ng nagkaalit at siyang humahatol ayon sa patotoo ng mga saksi at alinsunod sa minanang kaugalian sa kanilang mga kanunuan ang hatol naman ng matatandang ito ay lubhang pinakagagalang at ginaganap nila. pag uutangan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang karaniwang palakad sa pag uutangan ay patubuan, kung ang may utang ay may tinatankilik na sasanlain ay inilalagak na sanla sa pinagkakautangan ang kalahati sampu ng pakinabang noon hangang hindi nakababayad ng utang. kung walang ano mang tinatangkilik at sa katampatang panahon ay di makabayad ay nagiging alipin, at karaniwa'sa tanang buhay dahil sa lakad ng tubo. pagbabayad ng paratang. ang karaniwang kahatulan sa mga usapin ay pagbayarin. ang pagbabayad ay ganito; na ang kalahati ng bukid at ng tanang tinatangkilik ay napapa sa panginoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at ang kanyang mga anak ay pakain at padamit. kung sakaling hindi makabayad sa kaukulang panahon ay nangagiging alipin; at di umano'kung sakaling makabayad man ang ama ay sinisingil ng panginoon pati ng ipinakain at ipinadamit sa mga anak at kung walang maibayad ay nagiging alipin ang mga anak.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung ang nagkausaping nahatulang magbayad ay walang ibayad at ipagbayad ng isang kaibigan ay sa kaibigan nagbayad maglilingkod, datapua'hindi parang aliping sagigilir, kungdi parang aliping namamahay. nguni'kung hindi maglingkod ng ganito ay ipalalagay sa kanyang patubuan. pagcaalipin. ang sino mang mabihag sa balangay na kaalit ay inaalipin. ang may utang na walang ikabayad ay inaalipin at di umano'sa mga ganitong bagay ay anak ang karaniwang napapasanla na tumutubos sa magulang. inaalipin din ang lumabag sa isang pangulo maginoo na gaya halimbawa ng magdaan sa silong bukiran nila, makasira ng ano mang pag aari nila, makatapon kaya ng ano mang dumi kung nagdaraan sila magkasala ng ano man sa mga kabahay ng pangulo, at iba pa. ang mga anak ng talagang alipin na ay alipin din. ang mga anak ng amang laya at ng inang alipin ay nagiging alipin ang ikalawa, ikapat, ikaanim at ibp, at kung may labis na isa ay magiging gaya ng sa bugtong na anak. mga di lubos na alipin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang bugtong na anak ng isang magulang na alipin at isa'laya ay kalahati lamang ang pagkaalipin. ang ganitong alipin ay naglilingkod ng salisihang buan sa makatuid baga'isang buang ipinaglilingkod ang bahagi niyang laya. katungkulang ng alipin. ang aliping namamahay ay nakapagbabahay ng sarili, nguni'kailangang maglingkod sa kanyang panginoon sa panahon ng paghahasik at pag aani sa bukiran, gumaod sa sasakyan kung may paroroonan, tumulong sa pagtatayo ng bahay at maglingkod sa bahay niya kung may panauhin. ang aliping sagigilir ay hindi nakabubukod ng bahay at may katungkulang gumawa ng ano mang ipagawa sa kanya ng panginoon sa tanang buhay niya. ang kakalahati ang pagkaalipin ay naglilingkod ng salisihang buan. at sa buang ikinalalaya ay maaaring ipaghanap niya ng sa ganang kanyang sarili kung sa panginoon din niya ay may matuid na maipakabig sa kanyang utang ang dapat niyang kitain sa panahon ng kanyang kalayaan na ipinaglilingkod niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"at ang halaga ay isinasan ayon naman sa kanyang pagkaalipin kung namamahay kung sagigilir. ang tatlong ikapat na bahagi ang pagkaalipin ay tatlong araw na naglilingkod sa panginoon at isa'sa kanyang sarili. ang asawa nito ay naglilingkod din sa kanyang panginoon ng kapara niya. ang ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay naglilingkod na isang araw sa panginoon at tatlo'sa kanyang sarili. ang aliping namana ng dalawa, tatlo limang magkakapatid ay naglilingkod sa bawa'isa sa kanila ng ayon sa panahong pinagkasunduan nila na ipaglilingkod sa bawa'isa sa kanila. at kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin ay pagbabayaran ang kanyang paglilingkod sa panahon ng kanyang kalayaan at ayon sa kanyang pagkaalipin. pagcalaya ng alipin. ang mga aliping sagigilir at namamahay ay nakaaalis sa pagkaalipin kung nagbabayad sa panginoon ng katampatang halaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang halaga ng salaping dapat ibayad ng aliping sagigilir upang maging aliping namamahay ay limang putol na ginto higit pa, at saka ang kalahati ng boong hiyas at pag aaring tinatangkilik, at kung sakaling may lumabis na isang paliyok banga sa paghahati ay binabasag, at kung kumot ay hinahapak sa gitna; at upang lubos na mawala sa pagkaalipin at maging timawa maharlika ay kailangang magbayad ng sampung putol na ginto higit pa. ang paraan ng pagbabayad ay nag aanyaya ng mga tao ang alipin at sa harap ng panginoon at ng mga kaibigan ay ginagawa ang pagbabayaran at iba pang kailangan. di umano'karaniwan ding ugali ng mga tagalog na sa oras ng kamatayan ay pinapagiging laya ng panginoon ang mga anak ng mga alipin na ipinanganak sa kanyang bahay. at gayon din na kung ang sino mang laya ay magkaanak sa kanyang aliping babae ay pinapagiging laya ang anak sampu ng alipin, na dili iba'siyang inugali ni abraham kay agar at kay ismael.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ani rizal ay siyang lalong mabuti, dahil sa siyang nakapagpapayapa sa mga tao, sapagkat, anya'may higit na tibay ang ugali kay sa isang kautusang nasusulat nalilimbag, lubha pa'itong kautusang nasusulat ay naipananaksil ng mga may kapangyarihan. ang katibayan, anya ng isang kautusan ay wala sa pagkakalimbag sa isang dahon ng papel, kung di na sa pagkalimbag sa ulo ng magsisiganap, malaman mula sa pagkabata, maayon sa kaugalian at lalong lalo ng kailangan na matatag ng walang pagkabago. ang tagarito nga, anya, mula sa pagkabata ay nakatatanto ng kanilang mga alamat namumuhay at lumalaki sa panganorin ng kanilang mga kaugalian, at hindi gaya ngayon na nagtatatag ng mga kautusan sa bayan na di man lamang nalalaman nauunawa at madalas pang binabago. placenecia ayon sa salaysay ni dr. pardo de tavera, kung may hilig sa kanino man ang pangulo ay pumipili sa ibang balangay ng mailalagay na pinakahukom at di umano'may mga kilalang gayong tao na humahatol ng walan hilig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ani rizal, ay napagkikilalang may malabis na kasunduan kay sa digmaan dito sa pagkakaayon ayon ng mga tuntunin, at di malayo anyang, may isang malaking pagkakasunduan dito; sapagka'ang pinakapangulo rito sa maynila, ay pinakapunong hukbo ng sultan sa borneo. anya'may mga kasulatan noong siglo na nagpapatotoo nito. ang ganitong asal sa sarisaring anak, ani rizal, na ang mga anak sa tunay na asawa ay nagsisipagmana ng magkakasindami; ang mga anak sa babaeng kinasama ay nagmamana ng isang gayon; ang mga anak sa alipin ay hindi pinamamanahan ng ano man, nguni'pinapagiging laya sampu ng kanilang ina; at ang anak sa kaagulo ay inaaring masamang uri ay nagpapakilala ng taos na katalinuan at bait ng mga dating tagarito. ang dating ugaling ito ng mga tagarito, ani rizal, ay inuugali ngayon ng maraming lupain sa europa, at anya'wari lalong mabuti'matuid kay sa awayin ang umagulo na ang kadalasang nangyayari ay siya pang nalalagay sa katua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ani rizal ay makapupong magaling kay sa kautusan ngayon ng mga frances at mga ingles, sapagka'anya'wala nang iba pang magaling na humatol sa mga sigalot ng sambahayan na gaya ng matatanda'mga kamag anakan nila na lubos nakatatalos ng kanilang pamumuhay. ito'minagaling ni rizal, dahil anya, tao rin sa kanikanyang umpok ang humahatol at sapagka'halal kapua ng nagkakasira ay sapat makabatid ng usap ng ugali at lubhang mabuti kay sa hukom (ngayon) na humahatol ng usap na di niya talos, at sa mga taong ang kilos, pangungugali at wika ay gayon din. dito nga, ani rizal, ay napagkikilala ang pagkaurong natin sa pagkakaroon natin ngayon ng lubhang maraming kautusan at pasiyang kung ano ano, hangang sa kung minsan ay kailangang magsakdal sa kataastaasang hukuman kung sakaling di nasiyahan sa hatol ng hukom, at ang mga usapin ay nagluluat ng di ano lamang na inaabot tuloy ng mga anak, apo at pinagkakailanganang paggugulan ng lubhang maraming salapi ng naapi upang magtaglay ng kaukulang hatol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"dito, ani rizal, ay napagkikilala na ginaganap ang lubos na kaugaliang matuid sa mga panganoring malayo pilipino, dahil sa isinasa isa'isa ang kaukulang matuid. ikapitong pangkat. wika dito sa pilipinas na gaya rin sa lahat ng lupain ay may maraming wika, palibhasa'ang bilang ng pagkakapangkatpangkat, ng wika sa isang lupain anang isang manunulat, ay naaayon sa pagkakahagdanghagdan ng katalinuan ng bayanbayan. nguni'halos lahat ng wika rito, maliban sa wikang ita ay kagyat na wikang malayo at ayon sa sapantaha ng halos lahat ng mananalaysay ay pawang supling ang lahat na ito sa isang matandang wika. ito'lubos na mapaniniwalaan at may mga aklat at pangyayaring nagpapatotoo nito. halimbawa sa aklat ni padre concepcion ay may nasasaysay, na noong unang pumarito ang mga kastila ay nagsipagsama ng isang tagapagpaaninaw (interprete) na malayo at nakaunawaan ng mga tagarito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ayon kay padre colin naman ay may isang taga kapangpangan na nakarating sa sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan ng kanyang sariling wika at siya'nakisagot na parang siya'ipinanganak sa dakong yaon, anopa'tuloy sinabi sa kanya ng isang matanda na kayo'mga inapo ng mga nagsialis dito noong unang dako na nangamayan sa ibang lupain at di na namin nangabalitaan (basahin ang pinangalingan ng lahing pilipino). at ako noong taong na naglalakbay na patungo sa melbourne ay nakipag usap akong maminsanminsan sa mga grumeteng malayo sa bapor at madalas na kami ay nagkakaunawaan sa kanilang wikang malayo at sa aking wikang tagalog na gaya rin ng pagkakaunawaan ng mga portuges, kastila'italiano sa kanikanyang wika. datapua'sa mga wikang pilipino ay ang tagalog at bisaya ang mga pinakamalaganap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang dalawang ito ay masasabing magkapatid na wika sapagka'ang karamihan ng salita ay magkapara at ang kaibahan ng ibang mga salita ay nasa dulo lamang, na pagkain sa tagalog ay un sa bisaya, gaya ng sulatin ay sulatun kanin ay kanun patayin ay patayun . at sa dalawa pang ito ay ang wikang tagalog ang siyang lubhang kilala na ani baron willam von humbold ay siyang pinakamayaman at pinakadalisay sa lahat ng wikang malayo polinesia at ani. chirino naman ay ang luhang nakalugod at nakahalina sa akin ay ang wikang tagalog. at siya ko ngang sabi sa unang arzobispo at sa ibang matalinong tao na nalalaman sa wikang tagalog ang mga kainaman ng apat na pinakapangulong wika, dito sa sandaigdigan na dili iba'ang hebreo, griego, latin at kastila: sa hebreo ay ang mga kababalaghan at mga malalalim na kahulugan; sa griego ay ang mga artikulo at ang dali ng pagbangit ng ano mang ngalan, sa latin ay ang kayabunga'karikitan; at sa kastila ay ang pagkamagalang, pagkamapagpitagan at pagkamapagbigay loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"siyang totoo sapagka'ang wikang tagalog ay isang wikang naipagbabadya ng tanang soloobin at damdaming sumasapuso'isip ng tao. nariyan ang ating mga awit, dalit, salawikain; ang ating mga padalahan, novena'dasalan; ang ating komedia, dupluhan, panawagan at bugtungan; ang ating kundiman at kumintang; ang ating mga palabas dulaan, mga aklat, manga pahayagan at iba'iba pang nagtatanghal ng kayamanan ng tingig ng wikang tagalog. gayon din ang pagtula na sa wikang tagalog ay katutubo at lubhang mayamang gaya ng wikang arabe, at malinaw nating namamalas sa mga awit, salawikain at babasahin ang gawi'sadyang pananalitang tagalog na patula. sa tulang tagalog nga ay mapuno puno ngayon ng mga korrido awit ang ating mga tindahan ng aklat. at sa tulang tagalog ay sumilang ang mga bantog na sina francisco baltazar, pilapil, at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"datapua'ang wikang tagalog, baga man mayaman at sagana sa tingig ay haluan din na gaya ng ingles at iba'ibang wika, palibhasa'galing sa kamalayahan, saka nakapamayanan ng mga taga iba'ibang lupa: ano pa nga'sa wikang tagalog (sampu sa ibang manga wika rito) ay may nahahalaw na manga salitang arabe, gaya ng utak alak paningkayad lahi taksil libo lasap sipat sulat luhod salamat salawal hukom hiya asawa at ibp; may manga salita ring sanscrito, gaya ng kastuli halaga kalapati kuta pana sinta kasubha tinga tumbaga laksa yuta at ani dr. pardo de tavera ay lahat ng salitang may kahulugang katalinuan, kabaitan, damdamin, pamahiin, pangalan ng mga dios, ng mga tala, ng bilang na may kataasan, ng mga halaman, ng digma sampu ng mga bagaybagay at hanga nito at katapustapusan ay ang mga pangalan ng mga titik ng kamahala'pagkamaginoo, ang pangalan ng ibang mga hayop, ng mga kasangkapang pangawa at ang pangalan ng mga salapi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ano pa nga'ayon dito'ating mapagbubulay na doon pa sa malaya ay hiniram na ng mga tagarito sa mga taga india ang mga salitang iyan at marahil ay noong panahong ang kapangyarihan ng india ay lumalaganap sa kamalayahan na siyang pinagbuhatan ng mga tagarito. bukod sa mga salitang hiram sa arabe at sa sanscrito ay may hiram rin sa mga insik, gaya ng susi impo chaa pisaw tinsem sotanhon mike misua pansit bulang lang bihon mangkok suliaw at ibang mga salitang kalakal insik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"gayon din ang kastila, na sapagka'namuno ritong malaong panahon ay nakapaghalo rin ng mga salitang tungkol sa pananampalataya, sa karunungan, sa kasangkapan at sa pagkain at ibapa, gaya ng dios espiritu santo virgen manzanas sapatos kabayo kumpisal baso misa piso tabako pare cura pamalo biguela karwahe tranvia mantika at iba pa. sa mga lupaing malaya ay di natin masabing may hiram sapagka'ang mga tagarito ay malaya rin, at ito'malinaw nating natutunayan sa pagkakahawig ng mga salita sa mga salita ng lahat ng wikang malaya, gaya ng mga wika sa java, sasak, makassar, bugis, bouton, salayer, tomere, tomohon, langowan, ratahian, belang, tamawanko, kema, bantek, menado, bolang itam, sanguir, salibabo, sula, kaheli, wayapo, massaratty, amblaw, ternate, tidore, kaioa, batchian, gani, sahoc, galela, liang, morella, batu merah, lariki, saparua, awaiya, kamarian, teluti, ahtiago, gah, wahai, goram, matabello, teor, ke, aru, mysol, dorey, teto, baikeno, brissi, sabu, rotty allor, solor, bajaw, at iba pa. basahin ang kay alfred russell wallace na the malay archipielago ikawalong pangkat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"pagbasa'pagsulat. tungkol dito sa pagbasa'pagsulat, ayon sa mga mananalaysay, ay pawang marunong bumasa'sumulat ang mga lalaki'babae rito. ang hitsura ng sulat ay sulat malayo at di umano'hango sa sulat ng mga taga arabia. ang sa tagalog ay may labing apat na konsonante na gaya ng sa arabe at ng wikang pahlabi ng mga persa noong edad media; ang sa pangasinan, ilokano at bisaya ay tiglalabing dalawa, at ang sa kapangpangan ay lalabing isa; nguni'ang paraa'ayos ay magkakaisa, gaya ng makikita sa sumusunod: sa tagalog. ang mga bokal ay tatatlo lamang na gaya rin ng sa arabe dahil sa ang at ay iisa at gayon din ang at. ang mga konsonante ay labing apat at kasama na ng bawa'isa ang bokal. ang bokal namang kasama ay nakikilala ayon sa tudlit na gaya rin ng sa mga arabe. pagca walang tudlit ay ang tinig, hlb. pagca may tudlit sa itaas ay ang tinig, hlb.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"pagca may tudlit sa ibaba ay ang tinig, hlb, kaya'cung ang isusulat ay bata ay, kung bato ay cung buto, ay kung bati ay at iba pa. ang ayos ng lahat ay ganito rin. ang may tudlit sa itaas ay ang tinig at ang tudlit sa ibaba ay na gaya rin ng sa tagalog. sa bulakan at tundo. ang sa bulacan at tundo ay may caonting caibahan sa tagalog at itong sumusunod: mga bokal: mga konsonante: sa kapangpangan. ito naman ang sa kapangpangan. mga consonante. sa pangasinan. ang sa mga taga pangasinan ay ito naman. mga bokal: mga konsonante: ilokano. ang sumusunod naman ang sa ilocano. mga bokal mga konsonante: sa bisaya. mga konsonante. ang ayos nga ng lahat ay parapara na ang may tudlit sa itaas ay ang tinig, at ang may tudlit sa ibaba ay . ito ang ayos ng pagsulat ng mga tagarito at sa ganito'nagcacaunawaan at agad nailalakip ng bumabasa ang letrang kulang at di umano'nilalakipan din ng mga tanda na gaya halimbawa ng || na ani mass ay inaaring, at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"; ano pa'gaya rin ng wicang pahlabi pehlebi ng mga persa noon edad media. ang paraan naman ng pagsulat ng tagarito ay minumulan sa itaas na paibaba at pinasisimulan ang hanay sa dacong kaliwa at niwawakasan sa dacong kanan, na kaiba sa mga insik at mga hapon na minumulan sa kanan at niwawakasan sa caliwa. ang karaniwang sulatan ay kawayan mga dahon ng halaman na siya ring inugali ng mga taga ibang lupain ng di pa natutuclasan ang paggawa ng papel at ang panulat na ginagamit ay matulis na bakal patpat at di umano'tinatawag na sipol . ang mga susulatin naman ay ang canilang mga tula at awit na siya nilang gawi kung dili ay ginagamit sa pagtatala ng bilang ng canilang mga hayop at mga kalakal at gayon din sa pagsulat ng liham.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang paraang ito ng pagsulat ng mga tagarito ay agad napawi ng masacop na ng mga castila, at noong taong ani padre totanes, ay totoo ng mahirap macasumpong ng tagaritong nacasusulat ng gayon; nguni'ani dr. borrows ay gumagamit pa hangang ngayon ang mga tagbanua sa paragua ng gayong pagsulat. tungkol dito sa ayos ng pagsulat ng mga tagarito ay pinagkaroonan ng iba'ibang isipan ng mga mananalaysay. ani marche ay pahalang, ani jambaulo na nakikita mandin ng kasulatan dito na malaong panahon bago ipinanganak ang panginoong jesu kristo ay gaya rin ng sabi ni chirino na paibabang mula sa itaas, at ang sabi naman nina colin at esguerra ay patiwali sa nabangit, dahil sa anila'paitaas na mula sa ibaba at ang pahalang ay inugali na lamang ng dumating ang mga taga espana. icasiam na pangcat. asal at gawi ang mga tagarito ani. ay hindi gaya ng mga insic at hapon na mapagsikotsikot sa canilang pagbati, gayon man ay may sariling bait at asal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"lalong lalo na ang mga tagalog na sa salita at sa gawa ay mga magalang at mapagbigay loob. nagsigaya sa atin (sa kanila na mga kastila) ng pagbati na nag aalis ng putong na isang toalla diadema. ugali rin na di tumatayo sa harap ng mga taong canilang iginagalang, kungdi nauupo sa lupa ng di lubhang sayad na nag aalis ng takip sa ulo at ipinapatong ang putong sa kaliwang balikat saka nakikipag usap sa nakatataas sa kanila. ang pag galang na inuugali sa pagpasok sa pagcacasalubong ay ang magpakayukod at iunat ang isa dalawang kamay sa mukha: iduop sa mga pisngi, at saka maupo maghintay kayang tanungin ng ibig; inaaring masama ang magsalita, kung hindi tinatanong. sayang at di nasiyasat ni. chirino ang dahil ng mga ganitong galaw, na marahil ay may catuturan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa india ay may isang bayan na cung magbatian ang mga tao ay tumitigil muna saca, idinuduop ang camay sa tapat ng puso (na tahanan ng damdamin), itinutuloy sa noo (na tahanan ng isip) at itinitigil sa bibig (na tahanan ng salita), na ang ibig sabihin ay bago co salitain ang aking na sa loob ay akin munang iisipin saca co bubukhin sa bibig at di malayong ang gayong pag galang ng mga tagarito ay may cahulugan ding gaya naman ng sa mga taga indiang yaon. di nga caila na sa asal nakikintal ang pagcatao ng tanang kinapal, at ang bayang pilipino, cung baga ma'di siyang pinacasacdal ay di naman siyang pinacahamac. marahil ay walang gasinong carunungan datapua'paraparang may sacdal na damdamin, mapagpatuloy sa walang matuluyan, mapagbiyaya sa mahirap, at ito'namamalas natin mula sa cayamanyamanan hangang sa carukharukhaan. sa caibigan ay idinadamay ang buhay at sa isang pakitang loob ay iginaganti ang yaman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa mga gawain ay gayon din, at ani morga': ang mga tagarito ay may mabubuting licas sa anomang hipuin, malilicsi'matatalino, baga man maiinitin. at sa paghahanap buhay ay di rin maliligtaan nino man ang cay morgang salaysay na anya': ang gawa'hanap buhay ng mga tagarito (na babae) ay manahi ng sarisari; gumawa ng saya, humabi ng sinulid, at mag ayos ng bahay ng canicanyang asawa'magulang, magbayo ng palay na bibigasin, at maghanda ng bala na, mag alaga ng manoc at baboy at mangasiwa ng bala na sa bahay, samantalang ang mga lalaki naman, ay siyang sa pagbubukid, sa palaisdaan, sa pagdadagat at pangangaso. ano pa'dito sa licas ng canilang pamumuhay ay malinaw na natatanghal ang matuid na gampaning isinatao ng maycapal, na ang magaang gawa ay sa babae sapagca'mahina at ang mabigat ay sa lalaki sapagca'malacas. sa acala co, sa hangang dito ay sapat ng makilala ang asal ng tagarito sa canilang kilos at galaw, nguni'hindi lamang ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa wica man ay namamalas rin ang asal, palibhasa'siyang calulua ng bayan: at sa wicang tagalog hangang ngayo'nababacas pa sa mga batian ang tawag na ale mang mama (amain) ginoo at iba pa na nagpapakilala ng pagcamagalang; at gayon din ang tawag na ka gaya ng ka maneng ka biang at iba pa na nagpapakilala ng pagcacapatiran. sa catagang sabi nga ay di asal gubat na gaya ng sabi ng ibang mananalaysay, cungdi isang ugaling mahal na tangkilikin ng alin mang lupaing may inimpoc na bait. icasampung pangcat pagkakalakalan. ang pagkakalakalan dito na noon pang una'laganap na bago natuklasan ito ng mga taga europa ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng pilipinas. kapagkaraka nga, di umano, ay may mga sadya ng pamiliha'tiyangihan ang mga bayan bayan at balabalangay, lalong lalo na rito sa kalusonan at kabisayaan, ang mga karaniwang kalakal ay bigas, palay, isda, kayo, almas, mga bunga ng kahoy, hiyas at iba'iba pang mga kakainin kasangkapan at mga kagamitan sa lupaing ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"nguni'bukod sa mga pagkakalakalang ito ng mga tagarito ay may pakikipagkalakalan rin sa mga kalapit lupain, lalong lalo na sa mga taga malaya na nagsisidayo rito: kaya'ng dumating rito sina legaspi ay may isang sasakyan ng mga morong malayo na totoo nilang nakalaban sa pulo ng bohol, at anang mga nabihag (na mga morong malayo) ay pangangalakal ang kanilang ipinarito. at sa cebu man ay may nakatagpo rin ang mga kastila na sasakyang mula sa siam na doo'nakikipagkalakalan. sa china at hapon ay di mapag aalinlangan na ang mga tagarito ay may pakikipagkalakalan kapagkaraka dahil sa mga kasangkapang insik na dito'nangasumpungan noong una, saka maraming katunayan na sa atin ay nagpapatotoo, gaya ng sulat ni legaspi kay felipe sa espana, na anya': sa dako pa roon niring aming kinatitigilan ay may malalaking pulo na pinanganganlang luzon, at vindoro; na pinaparoonan taon taon ng mga insic at mga hapon, upang mangalakal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang kanilang dala'seda, lana, porselana, pabango, tanso, lata, mga kayong babarahin na may culay at iba pa. sa pagbalic ay nagsisipag uwi sila ng ginto at pagkit. ang mga tao sa dalawang pulong ito ay mga moro at pagcabili ng mga calacal ng mga insic at mga hapon ay kinacalacal naman sa iba'ibang pulo. gayon din ang isang aklat ng mga insic tungcol sa pagcacalacalan na sinulat ni chau lu cua chan ju cua na sa pagbangit ng tungcol sa mga lupaing ito ay sinaysay na: pagca ang mga sasacyan ng mangangalacal (na insic) ay dumarating sa doongang ito (dito sa pilipinas) ay dumodoong sa isang dacong lual. na inaaring tiangihan, at doon nangangalacal ng mga calacal ng lupain. pagcadoong ng sasacyan ay inaalayan ng capitan ang mga mandarin ng mga puting payong. ito naman ay ginaganti ng mga mangangalacal upang sila'pagpakitaan ng mabuting loob ng ginoong ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga calacal ng lupaing ay pagkit na dilaw, sinulid, perlas, suso, (sigay marahil), mga bunga ng cahoy at cayong yuta (na marahil ay sinamay huse pinya), ang calacal ng mga insic ay porcelana, ginto, tinga mga basong sarisaring culay, cawaling bacal at mga carayom. ang paraan naman di umano, ng pangangalacal ng mga insic dito, anang ibang mga mananalaysay ay tinatambol ang canilang gongs pagdating upang malaman ng mga tagarito na may sasacyan ng calacal na dumating at agad naman sumasalubong ang mga tagarito na sumasacay sa canilang mga munting bangca. bucod sa nangabangit na lupaing ay nangalacal rin dito marahil ang mga taga iba'ibang lupain sa asia, sapagca'noong siglong ica labing pito, ani.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"delgado, ay nakikipagcalacalan rito ang mga taga malabar, taga koromandel, taga bengala, taga kambodhe, at marami pa. balican co uli ang mga calacal ay di dapat ligtaan ang calacal na alipin na di umano'dito napagkikilala ang yaman ng mga tagarito na gaya rin marahil noong panahon nina abrabam, na ang may pinacamaraming alipin ay siyang pinacamayaman. ang pinacamalaking pamilihan sa calacal na ito ayon sa mga casaysayan ay sa butuan, (mindanaw,) na doon nagdadala ang mga taga borneo, at taga iba'ibang lupaing calapit upang magbili, hangang sa nagcamurang totoo, na noong ay ipinagbili rito sa maynila, ng anim na piso'cahati lamang ang isa. at maraming sasacyan dito sa luzon, anang isang mananalaysay, ay dumadayo sa butuan, upang mamili, sapagca'bucod nga sa mga bihag ng mga moro roon na ipinagbibili ay nagbibili rin, di umano, pati mga insic at hapon ng mga galing naman sa canicanilang lupain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"gayon din ang calacal na sigay na isa sa mga calacal na dinadayo rito ng mga taga siam, taga kambodhe at mga taga iba pang lupain dahil sa siyang pinacasalapi sa canicanilang lupain. bagay naman sa mga mahalagang bato rito na ang iba'kinacalacal ng mga tagarito ay di co na bangitin dahil sa nangangailangan ng totoong mahabang salaysay sa cayamanan ng lupaing ito sa mga mahalagang bato. tungcol sa pagbabayaran ay hindi gumagamit ng salapi, cung di gintong durog ang itinitimbang na totoong macapal sa lupaing ito anang mga mananalaysay. ang pangalan ng mga panimbang, ani dr. pardo de tavera, ay pangalang insic gaya ng tael tae na nababahagi ng dalawang tinga at isang tinga ay may isang sapaha at isang sapaha ay pitong sema at ang caliitliitan, di umano, ay ang sangasahe nguni'sa pagtimbang ng mga calacal ay gumagamit ng pikul . at sa pagsucat ay dangcal, sico at dipa ang inuugali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sinasapantaha rin ni dr. de tavera na dito'nagcaroon ng mga salaping galing sa india, dahil sa tawag na salapi na pangalan ng salapi sa india. ikalabing isang pangcat. sasakyang tubig. ang mga tagarito ay gaya rin ng hapon at ibp. na nagkaroon ng kanilang mga sasakyan tubig na ayon sa kanilang katha. kung paano at saan nila pinag aralang gawin ay di natin batid, baga man sa akala ko'sa kamalayahan ang mga sasakyang ito ay siya nilang ginamit sa pamamalakaya ng isda sa pagtawid tawid at pagkakalakalan at gayon din sa pakikidigma. tungkol sa mga sasakyang ito, ani morga, ay sarisaring hitsura. ang iba'mga bankang lulanan ng kanilang mga kalakal na mga isinasadsad cung gabi sa mga pasigan at baybayin, at ang iba sa mga ito ay malakilalaki na iisahing layag at taganas na tablang pinapagduopduop. ang mga ito ang canilang ginagamit sa mga ilog at bangbang na nangaloloob sa lupain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"nagsisigamit din ng mga balangay na malalaking sasacyan at matutuling patacbuhin maging sa unahan at maging sa hulihan at nacapaglululan ng maraming mangagaod sa magcabicabilang panig at napatutulin ng tulong ng saguan, pangaod at tikin habang tinitimbangan ng iba sa magcabilang panig na tuloy tinutugmaan nilang lahat ng mga awit na siya nilang pinagcacaunawaan cung patatacbuhin ng matulin ng marahan. sa ibabaw nito ay may isang lapag na nacatatakip sa mga mangagaod. ang lapag na ito ay matibay na nalalacaran ng mga taong pangdigma at nilululanan ng ayon sa caya ng sasacyan. sa lapag na ito naglalagay ng layag na pinapagtitibay sa dalawang cahoy cung may calac han ang sasacyan ay pinapagtatatlo ang cahoy cawayan at ang namamahala naman sa tungo ng takbo ng sasakyan ay sa hulihan lumalagay. bukod dito'may hinubugang balangkas na may atip na pawid at siyang ginagamit na pinakakarang kung umuulan sumisikat ang araw: ano pa,, pawang nasisilong ang tanang lulan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang magkabilang panig ng sasakyan ay may katig na malalaking kawayan na duopduop na baga ma,, sumasayad sa tubig ay di nakababagal sa takbo at ito'siyang tumitimbang na mabuti sa sasakyan at nakahahadlang tuloy sa pagkataob kung sakaling napupuno ng tubig. ngunit may lalo pang malalaki na nakapaglululan ng isang daang mangagod sa bawa'panig at sa ibabaw ay tatlong pung sundalong pandigma. sa mga tagarito naman, di umano, ay maraming marunong tumabas at gumawa ng mga sasakyang tubig, na lalong lalo na sa katanduanes na ani morga ay magagaling na mangagawa ang mga tagaroon na nangakagagawa ng malalaki,matutulin na ipinagbibili nila sa mga kalapit pulo. at saka di umano'nangakagagawa rin ng mga huegong sasampuin at lalabing dalawahin na pinapagsususonsuson at pawang buong puno na pinag ukaan lamang saka pinapahiran ng alkitran.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ani colin ay mga awit na kanilang isinasaulo at itinutugma na kanilang paggaod sa mga sasakyan, at binabangit sa kanilang mga pistaha'sayawan at sa lahat ng gawaing pinagtutulungan. ang binabangit, di umano, sa mga pag awit ay ang mga kagilagilalas na pamumuhay ng kanilang mga dios. ang mga tagarito, ani rizal, na di lubhang alangan sa mga taga marianas tungkol sa pagdadagat ay di lamang di nasulong, kungdi naurong pa sa katalinuang ito, at kung baga man anya'ngayo'nakagagawa rito, ng mga sasakyang tubig ay halos pawang kaanyo na ng sa mga taga europa. at yaong mga sasakyang nakapaglululan ng isang daang mangagaod at tatlong pung sundalong pandigma ay naparam na; at ang mga lupaing ito na noong unang dako ay nakagagawa ng mga sasakyang halos tonelada ay nangangailangan na ngayong sa mga kalapit lupain magpagawa na gaya sa hong kong upang doon ibigay ang salaping kinukuha rito sa mga mahirap. ikalabing dalawang pangkat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"almas ang mga almas na ginagamit ng mga tagarito, anang mga unang nakakita ay pana'bosog, sibat, sungdang, sandata kris, talibong, kampilan, baluti na sungay ng kalabaw na di umano'sa siam nangagaling at iba'iba pa na hangang ngayo'ginagamit ng mga moro at ng mga taong gubat. nagsisigamit din ng sarisaring kalasag at ng mga damit na cuero at iba pa na sa labanan ay makasasangalang sa kanilang katawan. bukod dito'nagsigamit ng almas na nakapagpapahilagpos ng maraming sibat, ng mga lantaka mga munting kanyon: kaya ng dumating rito di umano, ang mga kastila ay nangakasumpong dito sa maynila, kainta, taytay at lubang ng mga kuta na may mga lantaka munting kanyon. at dito sa maynila, anang ibang mga mananalaysay ay nagkaroon ng pagawaan ng kanyon at ng pabubuan ng pulbura, na di umano'wari nasa pangangasiwa ng isang portuges at ng isang tagarito na nagngangalang panday pira.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa kabisayaan ay wari gumamit din ng mga almas na ito, dahil sa isang sulat ni legaspi sa hari tungkol sa mga morong natuklasan sa panay, na anya': itong mga huli ay may mga artilleria (pagawaan at pabubuan ng kanyon, baril at pulbura) na sila rin ang bumububo at gumagawa pati ng mga pulbura at ng iba'ibang almas saka niya sinundang ipinadadala ko po sa iyo iring dalawang almas na tanso na yari ng mga moro sa lupaing ito upang paniwalaan po ng iyong kamahalan ang katalinuan nila sa paggawa at pagbububo ng mga canyon. sanger at ng mga kilalang mananalaysay ngayon ay sa mga insic at mga moro marahil nangatuto nito. ikalabingtatlong pangkat. dating ugali tungcol sa pag aasawa. lahat ng lupain ay may canicanyang caugalian sa pag aasawa, at ang pilipinas, palibhasa'isang lupain, ay may sarili ring caugalian tungcol sa bagay na ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sang ayon sa ugaling ito cung nag aasawa ang sinoman ay pinagsisicapan na ang maging asawa ay caangcan at cabalangay, maliban sa lubhang malapit na camag anac na ibinabawal. ang sino man ay hindi nacapag aasawa ng hihigit sa isa, at cung sacaling may ibang kinacasama, ay pinanganganlang sandil datapwa', sa bisaya, palibhasa'malapit sa mindanaw, ay inuugali ng iba ang asal ng camorohan na nag aasawa ng dalawa tatlo, bucod pa sa mga kinacasama. sa pag aasawa naman ay kinauugalian na ang maginoo ay sa kapwa maginoo, ang timawa ay sa kapwa timawa at ang alipin ay sa kapwa alipin; nguni'naghahalo halo rin kung minsan, ano pa'mabuti (ani rizal) kay sa dating ugali sa roma at sa ibang lupain sa kanluran europa na ang may mababang uri ay hindi na naaaring makapag asawa makalakip sa may mahal na uri. bago ipagdiwan ang pag aasawa ay pinagkakayarian muna ang ipagkakaloob na bigay kaya (dote) na sa bisaya ay bugey .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang nagbibigay ng bigay kaya bugey ay ang lalaki, na hindi gaya sa europa na babae ang nanunungkol nito . pagkatapos na pagkayarian ang bigay kaya bugey ay ipinagdidiwan ang pag aasawa. ang pagdidiwan namang ito ay naaayon sa kalagayan ng magaasawa. ang maginoo kung ibig mag asawa sa kauri ay nagpapasugo ng mga maharlika timawa upang siyang lumakad ng pag aasawa niya. bago yumaon ang mga ito ay nagdadala ng isang sibat, sibat ng maginoong mag aasawa, at pagdating sa bahay ng magulang ng kakaisahing dibdib, ay isinasaksak ang sibat sa hagdanan na nilalakipan ng pagdalangin sa kanilang mga diyos at mga kanunuan upang sila'kalingai'pagpalain sa kanilang pakay. pagkatapos ng pagkakasunduan ay ginaganap ang pagkakaloob ng bigay kaya na ang karaniwang halaga ay isang daang putol na ginto na maaaring palitan ng mga alipin mga hiyas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung magkagayo'sumasama ang babae sa pagparoon sa bahay ng kanyang bibiyanin na pasan ng isang lalaki at pagdating sa hagdanan ng bahay ng magiging asawa, ay nagpapakunwari munang ayaw pumanhik, at sa ganito'sinasalubong ng biyanan at pinangangakuan na pagkakalooban ng isang alipin; kung makapanhik na, ay nagpapakunwa uli ng hindi pagtuloy agad, hangang sa di muna pangakuan ng panibago, at gayon din sa pagpapakain at pagpapainom. pagkatapos ng mga pagpapakunwang ito at pag nagkatabi na ang lalaki at ang babae, ay tumatayo ang isang matanda at sumisigaw na tumahimik ang lahat, saka sinasabing: si gat maitan ay nakikipag isang dibdib kay dayang mati; nguni'kung kanyang pababayaan at hindi niya kakalingain, ay iiwan siya at di sasauli sa kanya ang bigay kaya at si dayang mati ay mag aasawa sa iba. datapwa'kung si dayang mati naman ay masamang asal ay babawiin sa kanya ni gat maitan ang bigay kaya iiwan siya at mag aasawa sa ibang babae, saka pinasasaksihan sa mga kaharap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"pagcatapos nito ay kumukuha ng isang pingang kanin, lumalapit ang isang matandang babae at hinahawakan ang mga kamay ng mga nag iisang dibdib, na idinuduop muna sa tapat ng puso saka pinapagkakamay at kung magkayo'tinatagnan ang pingan ng kanin at isinasabog sa lahat, saka sumisigaw ng malakas ang matandang babae na tinutugon naman ng gayon din ng mga kaharap at sa ganito'mag asawa na ang lalaki'babae. ang timawa cung mag aasawa sa capwa timawa ay di na nagdidiwan ng ganito, cundi pinaglalapit lamang, pinapagsasalo ng panginoon sa isang lumbo, saca sumisigaw ang matandang babae at mag asawa na. at ang mga alipin (sagigilir, marahil), palibhasa'nangamamanginoon ay di na nagdidiwan ng ano pa man, cundi sucat na lamang sa pagcacasunduan ay mag asawa na. sa bisaya naman at gayon din sa ibang lalawigan ng catagalugan ay may ibang ugali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"mula sa pagcabata ay ipinakikipagkasundo ng magulang ang canyang anac, at sa ganito'ipinagpapauna ang calahati ng bigay kaya bugey na ipagcacaloob na ang tawag sa bisaya ay kalabgayan . datapwa'cung ang sino man sa magulang ng lalaki babae ay magkulang tungcol sa usapan ay pinarurusahan ng ayon sa utos at gayon din cung sacaling umayaw ang sino man sa mga bata, dahil sa pagsapantahang ang magulan ang nag udyoc humicayat. nguni'cung ang magulang ay patay na, ay nagsasaulian lamang ng ipinagpauna at di na naguusapin. inuugali rin ang sa paglilingcod sa pa ninilbihan na sa bisaya'tinatawag na pangagar na ang lalaki ay naglilingcod sa magulang ng babae hangang sa gayong panahon, at ang cadahilanan ng ganitong paglilingcod ay upang mataroc ang ugali'asal ng lalaki cung macacasundo, na siyang dating caugalian ng mga hebreo mga taga israel: caya'si jacob ay naglingcod muna sa canyang biyanang cay laban bago naging asawa si rakel.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"pagdating ng tadhanang panahon matapos cayang maibigay ang caganapang bigay kaya na pinagcasunduan, na ang tawag nito sa bisaya ay ligay dahik ay ipinagdidiwan ang pagcacasal pag aasawa sa ipinaghahanda pa'pinaggugugulan ng lalaki, ayon sa canyang caya'calagayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"datapua'bucod sa bigay kaya bugey na cabuoan ng kalabgayan at ng ligay dahik ay tungculin ng lalaki na magcaloob nitong mga sumusunod, na lahat ay pawang may canicanyang tawag pangalan: ang caloob na ibinibigay sa pagpanhic sa bahay ng biyanan ay pinanganganlang pasaka ang ipinagcacaloob ng lalaki upang maca upong casiping ng cacaisahing dibdib ay patupar ang ipinagcacaloob sa biyanang babae dahil sa mga puyat na dinanas at sa gatas na naipasuso sa panahon ng pag aalaga, ay himaraw himuraw at sa tagalog ay panghimuyat (galing sa salitang pagpupuyat) at di umano'ang karaniwang ipinagkakaloob ay halagang walong piso; ang ipinagkakaloob sa bumilang ng kalabgayan ipinagpauna ng bigay kaya ay binarian at ito'binibilang sa tugtog ng kampanang ginagamit at di tinitigilan ang tugtog hangang di matapos ang pagkakasal; ang ipinagkakaloob sa lumakad ng pag aasawa ay himukaw kung bao ang babae, ay pinagkakalooban din ang kapatid ng kinabauhan at pinanganganlan himalo ang kaloob na ito; ang ipinagkakaloob sa mga alipin ng biyanan ay pankol ang ipinagkakaloob sa natigatig sa bagay bagay ng pag aasawa ay pahinankol ang ipinagkakaloob upang maisama ang babae sa bahay ng lalaki ay padara patabuk kung sakaling itatawid pa ng ilog ang ipinagkakaloob, upang mahugasan ang mga paa ng babae pagdating sa bahay ay pamau at ang ipinagkakaloob sa pag aalis ng panyo sa ulo ay patakas .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ito'sa bisaya nguni'sa tagalog man di umano ay ganito rin. kung sakaling malaki ang bigay kayang ipinagkaloob ng lalaki ay pinagkakalooban naman ng biyanang kaniya ang anak ng tinatawag na pasunod na dili iba'isang kuintas na ginto dalawa kayang alipin; at ani colin ay isinasauli ang boong bigay kayang ipinagkaloob kung maging masunurin ang manugang, at kung hindi ay binabahagi sa mga dapat magmana; datapuwa'ani delgado, ay patanaw tao lamang na ipinamamalas sa mga nagsidalo, dahil sa ang mga yao'hiram na isinasauli pagkatapos. sa pagdiriwang nga pagkakasal pag aasawa ay humaharap ang katalona babaylona na isang matandang babae na siyang tagapangasiwa sa mga ganitong bagay. ang lalaki'babae ay nauupo sa dakong kinauukulan nilang upan kung dili ay sa kandugan ng isang matandang babaeng kamag anak na siyang pinaka iniina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"pinapagsasalo nito ng pagkain ang lalaki'babae sa isang pingan at sa pag inom sa isang lumbo, at pagkakai'pagkainom ay hinihiling ng lalaki na maging asawa niya ang kanyang kaharap at pagpapaoo ng babae ay pinagpupurihanan ng mga kaharap na saksi sa pagdiriwang yaon, saka binabasbasan ng tagapangasiwa at tuloy binabati na sila nawa'guminhawang lubos, magkaanak, magkalupain at magtaglay ng mahabang pamumuhay. kung magkagayo,sumasayaw na sinisibat ang isang baboy na handa na kapagkaraka at dito natatapos ang pagkakasal, saka naman ipinagdidiwan ng mga inanyayahan na pinupuri ang bagong kasal na nangagsasayaha'nangaglalasingan. ang pagdiriwang ito ay hangang sa paglubog ng araw at ang iba'tumatagal ng ilang araw ayon sa kalagaya'katungkulan ng ikinakasal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung sakaling di nagkasundo ang lalaki'babae ay nagdadaos ng panibago at muling naghaharap ng isang baboy, na sa harap noo'sumasayaw ang lalaki na may hawak na isang sibat, at habang sinisibat ang baboy ay nakikipanayam sa kanyang diwata dios at hinihiling na papagkaisahing lubos ang kanilang kalooban at sa gayo'inaasahang ang lalaki'babae ay magkakasunod at mabubuhay na payapa. kung ang mag asawa naman, sa kanilang pagsasama ay hindi magkaanak, ay tinutulutan ng babae na lumakip ang lalaki sa kanilang aliping babae na dati ring kaugalian ng mga hebreo at ito'ating natutunghan sa banal na kasulatan na tinulutan ni rakel si jakob na lumakip sa kanyang aliping kay bala, dahil sa siya'hindi mag kaanak. tungkol sa mga anak, ay ang anak lamang sa asawa ang kinikilalang anak sa kautusan at ang sa sandil babae ay hindi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung nagkakaalit, ang mag asawa ay naghihiwalay, at ang humahatol sa mga ganitong sigalot ay ang mga kamag anakan nila'ang mga matatanda at ito, ani rizal, ay lalong mabuti kay sa kautusan ng mga ingles at ng mga frances tungkol sa paghihiwalay ng mag asawa, sapagka'sa mga ganitong sigalot ng mga kabahay ay makapupong mabuting humatol ang mga kamag anaka'matatanda kay sa sino mang pantas at hukom, magpakadunong dunong man. basahin ang kaugalian pinanununtunan sa kapaslagan at sigalutan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang bigay kayang ito, ay sinapantaha ng mga manunulat na pagbili sa babae; nguni'sa akala ko ay dahil sa di nila pagkabatid ng kahulugan ng salitang ito na dili iba'kaloob handog na ayon sa abot ng nagdudulot at hindi bayad: kaya'kay rizal, ang asawang tagalog ay hindi babaeng insik aliping mahometana na nabibili sa magulang sa bazar upang pagtamuhang lugod ng asawa panginoon; at hindi rin babaeng taga europa na sa pag aasawa ay nawawala ang pangalan, (kundi ang asawang tagalog ay malaya at pinakukundanganan, siyang sinasangunian ng lalaki sa ibang gagawin; siya ring tagapag ingat ng salapi at siyang nangangasiwa sa mga anak na ang kalahati ay kanya ano pa nga'ang bigay kayang ito ay hindi bayad, (ani rizal) kungdi isang alaala sa pagod at puyat na ginugol ng magulang sa pagpapalaki sa kanya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"lalong mabuti, ani rizal, na lalaki ang manungkol ng pagkakaloob ng bigay kaya kay sa babae, dahil na sa ganitong paraan, ay hindi nagkakalalayo ang magmamagulang, samantalang sa europa, kung magkaasawa ang lalaki ng mayaman at magkasalapi ay nagkakalalayo na. matwid, ani rizal, na ang babae ang pagkalooban ng bigay kaya (dote), sapagka'ang babaeng pilipina ay hindi isang pasan maging sa asawa at maging sa magulang, kundi tulong, at sa ganito'kailangang alalahanin ng ano mang kayang kaloob ang kanyang nilisang magulang sa pagkahiwalay niya. at ang gayon pa mang magulang na ng babae ang tumatangap ng bigay kaya at hindi siyang nagkakaloob, ay namamalas pa rin ang malabis na kapanglawan, na kaiba sa europa na wari ipinagmamadalian ng magulang na ihiwalay ang anak na dalaga hangang sa lumalabas na katuwan hitsura kung minsan ang ina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"bukod dito, ani rizal din, kung nag aasawa ang lalaki ay hindi nagtataglay ng mabigat na pasan sa pag aasawa, kundi bagkus nakakasumpong ng kasama'katulong sa pag aayos ng kanyang pamumuhay kaya'ang babaeng pilipina ay hindi namamalakaya ng asawa, kundi pumipili ng kanyang ibig. ikalabing apat na pangkat. dating kaugalian tungkol sa paghihingalo, paglilibing at pagluluksa. ang dating ugali ng mga tagarito tungkol sa bagay na ito, ay hindi lubhang kaiba kay sa dating ugali ng iba'ibang lahi at lupain. kun ang sino man ay may sakit at naghi hingalo ay nagdaraos ng kanilang kaugalian, na ang gumaganap ay ang katolona katalona babaylana. ang katolona ay siyang pinaka pare pinaka pastor na tagapangasiwa sa anomang pagdiriwan na kinaugaliang gawin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"at ang katolona, kung dumadalo sa ganitong pagdiriwan, ay nagpuputong sa ulo ng inikid na bulaclac, nagsusuot ng canyang mga hiyas, nagdadala ng canyang mga gamit na casangcapang lalagyan ng alac at canin at sa harap ng isang baboy na buhay at nang mga pagcaing nahahayin ay sumasayaw na dumadalangin sa anito diwata na kanilang pinapanginoon, at pagkatapos ay hinuhulaan kung ang may sakit ay mamamatay hindi. habang ginanagawa ito ng katolona ay itinutugma ang canyang sayaw sa tugtog ng isang campana saca humahawac ng isang sibat na isinisibat sa baboy, at pagcamatay ay inilalagay sa pingan at inihahayin sa pinaka alta dambana na casabay ng canin, saging, alac, at iba pang pagcain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung matapos ang mga pagdalangin ito at ang maging hula ay gagaling ang may sakit, sila'nangagsasaya'at nagkakainan, naglalasingan at tulo'inaawit ang mga pagca bantog ng mga kanunuan ng may sakit, na siyang mga anito duratang canilang dinadalanginan; nguni'kun ang naging hula ay mamamatay, inaaliw ng katolona ang may sakit sampu ng mga pinagcacasactan, at sinasabing ibig ng mga anito na ang may sakit ay macasama nila at macabilang. sa ganito ay maginhawang namamatay, ang may sakit, sanhi sa paniniwalang siya'luluwalhati, sa cabilang buhay at gayon din ang mga cabahay na sa pananalig na ang may sakit ay luluwalhati, hindi na nangagtataglay ng sama ng loob, kundi ang pagbibilin na cung siya'mapasa caginhawahan sa cabilang buhay ay alalahanin sila at huag limutin, tuloy nagagsasaya, nagcacaina'nag aawitan. sa casayaha'pagcacainang ito, ang katolona ang cumacain ng pinacamabuting laman ng baboy at ng iba pang mga hayin .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"datapwa'kun ang pagsasayang ito ay abutin ng pagcalagot ng hininga ng may sakit ay agad itinigil ang pagsasaya at ang nahahalili ay ang panaghuyan ng mga cabahay dahil sa pagcalisan sa canila at ang ibang nakikinabang sa namatay dahil sa mawawalang sila ng pagcacakitaan at di umano'bumabayad pa ng ibang mga tagapanaghoy. pagkatapos na mataghuyan ay hinuhugasan ang bangkay sa tugma ng isang mapanglaw na tugtugin na sinusuob ng mga panuob na dagta ng mga kahoy na di makapagpapabulok at ang mga ito'nangatutuklasan sa mga bundukin dito sa pilipinas, saka binibihisan ng mga pinakamainam na bihis, ayon sa kalagayan ng namatay na tuloy sinapatan. ang mga may kapangyarihan ay pinapabanguhan bukod pa sa sinusuob at ginagamot ng mga gamot na di makapagpapabulok na pinakatatangi ang katas ng aloe. ginagamit din ang katas ng ikmo na ibinubuhos sa bibig anopa', mapasok hangang sa tiyan, at sa ganito, ng makaraan ang malaong panahon ay maraming bangkay ang nasumpungang di pa bulok tunaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"matapos mapanangisan at malapatan ng gamot na laban sa pagkatunaw ay isinisilid sa kabaong, datapwa'bago isilid ay ginagayakan at nilalagyan ng mga putol putol na ginto sa bibig at sa mga mata . ang kabaong naman ay buong kahoy na may takip na lapat: anopa', di masisimuyan ng hangin ang loob, at ang tabas at anyo ay parang munting bangka. pagkatapos ng lahat na ito ay inililibing at sa paglilibing ay walang ano mang paghahatiran kung sakali ma'ang mga kasambahay lamang ang nagsisisama; nguni'ani colin, ay may mga tagapanaghoy na nagsisipanangis. tungkol dito sa paglilibing ay iba ang sa mga taga bisaya at iba ang sa mga taga hulo at mindanaw. ang mga tagalog ay naglilibing ng kanilang bangkay sa kanikanyang sariling bahay, na iniingatang malaon sa mga kaban ang mga buto at iginagalang ang mga bungo na parang buhay at kaharap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga kabaong na ito ay inilalagay sa tatlong dako, ayon sa ibig at pasya ng namatay: sa itaas ng bahay na kasama ng mga hiyas sa ibaba kaya sa lapag kun dili ay sa silong na inilalagay sa hukay na di tabon at nababakuran, saka sinisipingan ng isang baul na puno ng mga pinakamaiging damit ng namatay at tuloy hinahainan ng sarisaring pagkain sa oras oras. ang mga lalaki ay sinisipingan ng kanilang mga kasakbatan at ang mga babae ay ng kanilang kasangkapang pangawa. kung minsan ay inilalayo sa bahay at kung gayon ay nagsisiga sa silong at tuloy tinatanuran ang bahay dahil sa baka magbalik at kunin ang iba pang nangatitira, nguni'ani delgado ay dahil sa nilalapitan ng asuwang ng ibang hayop at sinisira ang kabaong hangang sa umalingasaw at di tuloy maingatan. pagkatapos na mailibing ang bangkay ay nagdiriwang ng isang kasayahan sa ikatlong araw na ang tawag ani. san antonio, ay tibaw at sa bahay ng namatayan idinaraos .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa pagdiriwan ng kasayahang ito ay naglalagay sa pintuan ng bahay ng isang pasong tubig upang mapaghugasan, ng isang banig na may abo upang mabakas ang mga paa sa pagpasok; at sa dulang ay tinataanan ng pinakapangulong upuan ang namatay saka nagkakaina'naglalasingan na tuloy inaawit ang pamumuhay at kagalingan ng namatay, kung siya'naging magaling na mangangaso mamamalakaya sa ibang bagay kaya. ang mga taga bisaya naman ay karaniwang naglilibing sa mga yungib ng mga bundok at ang tabi ng libingan ay hinahainan ng mga pagkain at sinisipingan ng kaban ng damit at kung lalaki ay sinisipingan ng mga kasakbatang ginagamit nila gaya ng sibat kalasag at ibp. tuloy pinababaunan ng mga kambing baboy usa at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"at kung sakaling naging matapang at mabuting mangdidigma, ay sinasamahan ng aliping may sakbat; kung sakaling magdaragat ang mga kasangkapan naman sa pagdaragat at sinasamahan kung minsan ng mga mangagaod at mga alipin na kanyang makakatulong at ang tawag dito ng mga taga bisaya ay balon na sa tagalog ay baon at kung babae naman ay mga kagamitan ng babae ang isinisiping gaya ng mga panghabi kayo at ibp. nagsisipaglibing din naman sa mga batong burol na malapit sa dagat at sa ibabaw ng isang malapad na bato sa katbalogan ani delgado ay nakita niya ang maraming kabaong at mga bungo at buto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga gayong dako na pinaglilibingan ay lubhang pinagpipitaganan nila, dahil sa kapaniwalaang kung yao'bangitin galawin lapastanganin ay may mangyayari sa kanila na ang kanilang tawag ay balin ito'dili iba'maging bato, magkasakit matamaan ng kidlat iba pang kapahamakan kaya: kaya'sa mga dakong libingan nila ay naglalagay ng bantay tanod upang huag daanan ng ano mang sasakyan at sino man ay huag magsalita ng kahit ano sa gayo'gayong panahon, dahil sa malaking kasalanan sa kanila ang lumabag sa gayong ugali. sa hulo at mindanaw naman ay iba; iniupo ang bangkay sa isang upuang maybutas pagkatapos ay nilalamnan ang katawan ng alkampor na isinisilid sa pamamag itan ng isang panghihip na bungbong na hinihipan sa bibig at sa ganitong paraan ay napananatili ang bangkay at di natutunaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"matapos ito ay inililibing ng paupo sa yungib na kanilang ginagawa sa ilalim ng lupa, saka hinahainan sa harap ng isang bungbong na tubig, isang pingang ikmo at ng iba'ibang pagkain pa, at niwawakasan sa pagdaraos ng kanilang kaugaliang pagdiriwan, na ani delgado, ay naaayon sa pananalig kay mahoma at kay pitagoras. tungkol naman sa pagluluksa, ani chirino, ay nagdadamit ng itim ang mga tagalog at hindi kumacain ng carne'isda, kundi kaunting gulay lamang, at ang tawag sa ganitong pagcuculasiyon ay sipa nguni'ani delgado ay hindi kumacain ng canin, hangang sa di macabihag (ng kaaway marahil) at nagdadamit ng yantok na inikid na umaabot hangang sa bisig, at ang ipinagpapawing gutom lamang ay saging at kamote: ano pa'kung hindi makabihag ay nagluluwat ng hangang isang taon na nangangalirang at nangangayayat tuloy, at ang tawag, anya, sa kaugaliang ito ay maglahi .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga taga bisaya kung nagluluksa ay nag dadamit ng puti, saka nag aahit ng buhok sa ulo at gayon din sa kilay na pinakatanda ng kanilang pagdaramdam. pagka pangulo ang namatay ay tumatahimik ang bayan ng malaon ilang araw ayon sa kalagayan ng namatay, at sa boong panahong ito ay walang maririnig na pukpukan kaingay man sa alin mang bahay. at ang mga tao sa pangpangin ay naglalagay ng pinagcacakilanlang tanda upang huag daanan ng anomang sasakyan na ang lumabag sa ugaling ito ay nagdaranas ng mabangis na parusa. ang namatay sa digma ay ipinagdiriwan ng di kawasa sa kanilang mga panaghoy at sa kanilang paghahandog ng mga hayin na lubhang ipinagsasaya. ang namatay na pinagliluhan sa digma sa capayapaan ay ipinagluluksa ng malaon at hindi ipinag aalis ng luksa hangang di maiganti. ang pagganting ito ay ginaganap sa mga pumatay, sa mga kaaway at sa mga taga ibang bayang di kaibigan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang luksa naman ng mga babae na pinanganganlang moratales ay gaya rin ng sa mga lalaki; nguni'hindi nga lamang nangbibihag pumapatay man upang makakain ng canin, kundi nagsisisakay sa isang balangay (bangka) na nilululanan ng saganang pagkain, saka nagsasama ng anim na lalaki na isa ang namimiloto, isa ang sumasaguan at isa ang tumitikin at tatlo pang matatapang na lalaki na may naipakita ng kagilasan. ang mga ito'napasa sa ibang bayang kasundo nila na habang namamangka ay inaawit ang kanilang mga katapangan, ang kanilang mga nabihag at napatay sa digma na itinutugma sa paggaod; at pagdating sa bayang pinaroroonan ay nakikipagsayaha'nakikipag lasingan doon at kung gayon ay inaalis ang kanilang mga balabal na puti at ang kanilang mga suot na yantok sa bisig at ngalangala saka kumakain ng kanin at nagsusuot uli ng mga hiyas .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ito'minasama ng mga paring manunulat nguni'ani rizal, ay matwid at si cristo man anya, kaya naparito sa lupa ay upang magturo ng isang religion ng pag ibig at pag asa na makaaaliw sa kahirapan ng nasa hirap, at sa ganito anya ay bakit pa paitin ang mga huling oras ng pamumuhay, bakit papaghihirapin at papag aalapapin ang isang kapatid sa gayong kakilakilabot na mga sandali ng paglipat doon sa walang hangang bayan? hanggang dito, ani rizal, ay napagkikilala na ang ganitong hanap buhay ay pinakikinabangan saan saan man. ang ugaling ito ay natutunghan pa natin sa mga santong kasulatan na si job ay isa sa nanganyaya ng mga taga panaghoy at gayon din sa kanaan at iba'iba pang lupain. hindi kakaunting aklat ang ating kababasahan ng ugaling ito na dating ginagawa ng mga taga persia, taga ejipto at ipa ba. itong ugaling pagsuob sa pagpapanatili sa bangkay na huwag matunaw ay lubhang matandang ugali na di malaman kung ito'katutubong ugali sa ejipto ating minana pa sa iba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga taga peru ay nag ugali rin nito, datapwa'karaniwa'di pa nilalagyan ng gamot at sa lupang maapog na lamang itinatapon. ang pagsuob at pagpapabango sa bangkay ay lubhang matandang kaugalian at hindi lamang ang mga dating romano at griego ang nag ugali nito, kun di pati ng hebreo na gaya ng ating nababasa sa paglilibing kay haring asa. itong paggamot sa bangkay upang manatili at huag mabulok ay inugali rin ng maraming lupain at lalo na sa ejipto, dahil kapaniwalaang ang kaluluwa'nagbabalik uli at ani simon henry gage, ay sinaysay ni diodoro ang kapanaligang ito noong taong bago nakatawang tao ang panginoong jesucristo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"anang iba ay dahil sa kapaniwalaan na kung mayaman may maraming baon ay sasalubunging mabuti saan man dumating; at sa ibang lupain ay inugali rin ito upang maibili, di umano, nang pagkain at kung sakaling magdadagat ay maibayad sa sasakyan at sa ganito ay ating nababasa ang pagtawa ni luciano sa kanyang mga kalupain noong una, tungkol sa bangka at bayad ni caronte na gaya rin ng ginawa nina hircano at herodes sa libingan ni david. ang pag iingat ng mga buto abo kaya na pinakaalala ay ugali ng maraming bayan at sa akala ko ay upang madala nila saan mang lupain bayan sila malipat, gaya na nga ng ibinilin ni jose sa kanyang mga kapatid na kung tamuhin nila ang lupaing sa kanila'inpinangaco ng dios ay huag iwan ang kanyang mga buto sa lupain ng egipto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ani rizal ay makapupong magaling na igalang ang mga bungo'buto ng kanilang mga magulang at kanunuan na siya nilang pinagkakautangan ng buhay, bait at ng halos lahat, kay sa igalang ang buto'buhok (reliquia) ng mga di umano'santo na di man lamang nila nakilala nakaulayaw at marahil ay di makaalala sa kanila kailan man. ito'naaayon sa ugali ng mga dating taga hebreo, persa at india, at gayon din sa dakong kanluran ng arabia noong panahon ni job na ang yama'hiyas sa libingan ay marami pa kay sa na sa bahay nila. ang ugaling ito ay ugali rin ng iba'ibang lahi na, magpiging mag anyaya pagkatapos ng paglilibing; at dito sa pilipinas ay pinagtakhang malabis ng mga taga europa at hangang sa tinatawanan kung minsan; datapua'ani rizal, ay matwid gawin ang kasayahan yaon, dahil sa kapaniwalaan dito noon una na ang namatay ay giginhawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"at ngayon, ani rizal, baga man napawi na ang kapaniwalaang yaon at sinusunod pa rin ang dating ugali, ay wala ng iba pang kahulugan, kundi ang kaugalian na lamang ng mga tagarito na di maaring di aluki'handaan ng umaaliw at umaambag sa namatayan, ay sinasapantaha ng mga taga europa na isang pigingan. ang katunayan, anya, na hindi pigingan ay hindi inaanyayahan ang wala sa bahay at ang nandoon naman ay hindi na pinipilit sa pagdulog sa dulang na kung sa bagay ay ugali rito. anya'ang pasiyam sampu ng katapusan ay isang pakikipagsiyam ng mga kaibiga'kamag anak sa kabahay ng namatay, at ang mga ito, palibhasa'nanga sa bahay ay hinahandaan ng kahit ano na siyang ugali; ngunit hindi piging paganyaya, sapagka'ang mga tagarito ay hindi nagaanyaya ng chaa lamang sa anomang pigingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang catapusan na pinakahuling araw ng pagsisiyam, ay tila anyayahan na dahil sa higit na sa chaa at ang katunaya'hapunan na nga; dapatwa'ito'sanhi ng ugali ng kalahatan dito na ang ano mang bagay ay niwawakasan ng mainam, at sa ganito'lalong sumasaya dahil sa siyang huling araw, at sapagka'ang tagarito ay walang ugaling magwalang kibo na di paghandaan ang mga panauhin ay sinapantaha ito ng mga taga ibang lupain an isang pistahan sayahan. ang pag iingat ng bangkay sa mga yungib at kung saan saan ay ugali ng mga taga egipto, dahil sa kapaniwalaan nila na habang ang bangkay ay hindi natutunaw at habang kalakip ng ba (kaluluwa) at ng chu (pag iisip, ay boo ang pagkatao at hindi hinihiwalayan ng ka na espiritung nananahanan sa libingan at siyang sa tao ay kumakalinga: nagpapanatili, nakapagpapalinis, nakapagpapa galing at nakapagpapasaya at di umano'isang espiritung laging kasamasama ng tao, at sa ganito'pinakaiingatan ang bangkay at ipinipili ng mga mapagtataguan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ani colin ay nakita niya ang paglilibing sa isang pangulo sa bohol na sinamahan ng pitong pung alipin. chirino ay may binangit din sa kanyang aklat na ganito. ang paglalagay ng bangkay sa matataas na lugal dako at gayon din ang pagbibitin sa mga punong kahoy ay inugali ng ilang lahi noong una at marahil, ay upang maingatang huwag malapa ng hayop. itong ugaling maglibing ng paupo ay dating kaugalian sa hilagang america at di umano'naging kaugalian din sa timog ng bretania. sa akala ko ay sa bisaya inuugali ito dahil sa ang luksa ay puti at marahil ay ginaganap ito pagcatapos na maiganti ang namatay kung sa digma namatay, kung pinagliluhan. ikalabing limang pangkat. dating pagsamba'pananampalataya ng mga tagarito. kung paanong ang mga tagarito ay may dating sariling ayos ng pamamayan at pag uugali ay may dati ring sariling religion ayos ng pagsamba'pananampalataya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang pagsamba'pananampalatayang ito ng mga tagarito ay iba'iba, dahil dito sa luzon ay may kaibahan at gayon din sa bisaya at mindanaw. ang religion dito sa luzon ay ang pananampalataya sa diyos na maykapal at lumikha ng boong sangsinukob na pinanganganlang bathala ng mga tagarito. itong diyos bathala na kadakidakilaan at nasa kaitaas itasaan ay hindi ipinagtatayo ng simbahan inaalayan man ng ano mang hayin . ang diyos bathala ring ito ay mayroong maraming tagapangasiwa dito sa sandaigdigan na siyang nangangasiwa sa kanikanyang kinaroroonan. ang mga ito'ang mga pinanganganlang anito ng mga tagalog, na ang iba'nangangansiwa sa mga magsasaka, ang iba'sa mga magdadagat, ang iba'sa mga mandidigma, ang iba'sa mga sakit at ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"bawa'isa nito'may kanikanyang pangalan at siyang mga pinakapintakasi; kaya'ang kanilang pasintabi'hayin ay naririnig at namamalas sa lahat ng dako dahil sa ganang kanila'may pintakasi saa'saan man, mapa sa kati'mapasa tubig at mapa sa lupa', mapa sa langit: anopa'ang sangsinukob sa ganang kanila ay puno ng mga pintakasing anito nila. ang karamihan nitong mga anitong pinipintakasi nila ay ang kanilang mga kanunuan na lubha pa yaong nangabantog sa pamumuhay, dahil sa ayon sa kapanaligan ng mga dating tagarito ay napapa sa kaluwalhatian ang mga namamatay. bukod dito sa mga anitong nabangit ay kumikilala sa mga larawang sarisaring hugis na kanilang iniingatan sa kanikanilang bahay at gayon din sa mga yungib na pawang inaalayan ng mga pabango, pagkain at mga bunga ng kahoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga hugis di umano ng mga ito ay nangakahalokipkip ang mga kamay at nangapapatong ang mga siko sa mga tuhod (na marahil ay nangakapaninkayad), kung minsa'nangadidiit ang mga bisig sa mga tagiliran at nangapapatong ang mga kamay sa puson kun dili ay nangahabalokipkip sa dibdib at ang kamay ay nangapapatong sa mga dakong itaas ng suso. nangagsisisamba rin sa araw at buwan gaya ng mga taga asiria at sa mga hayop at ibon na gaya ng mga taga egipto. dito sa katagalugan di umano'may sinasambang ibong kulay bughaw asul na pinanganganlang bathala na dili iba'siyang pangalan ng dios: at sa uwak na pinanganganlang may lupa may ari ng lupa ang ibig sabihin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mababangis na hayop na gaya ng buwaya at iba pa ay kanilang iginagalang at pinagbibigyang pasintabi; nguni'di umano'dahil sa takot at hindi sa anomang bagay, at sa ganito'binabangit nila sa kanilang panunumpa na lamunin ako ng buwaya kundi ko tuparin: kaya'ng kumilala sa pamahalaan ng espana ang mga pangulo dito sa maynila at tundo noong taong ay nangagsisumpa di umanong: sila'ilubog ng araw, at sila'lamunin ng mga buwaya at sila'kapootan ng mga babae kung magculang sa canilang pangaco. at upang mabigyan pa ng lubhang katibayan ang sumpang ito ay ginaganap ang tinatawag nilang pasambahan, na di umano'nagsahaharap ng larawan ng isang malaking hayop, saca sinasabing lamunin sila noon cung hindi sila tumupad ng canilang pangaco, at pagcatapos ay nagsisindi ng isang candila at saca muling nagsabi na cung paanong nauupos ang candilang yaon ay gayon din mauupos ang magculang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"at sa ganito'napagkikilala na ang canilang pagpapasintabi sa mga hayop ay maipaparis sa pagpapasintabi ng taga egipto sa mga pinasisintabian naman nilang mga hayop din. ang ibang malalaking bato sa mga pangpangin ay pinagbibigyan pasintabi na pinag aalayan ng hayin cahi'ano, isang putol na tikin halimbawa. at dito sa ilog pasig di umano'may isang malaking bato na ayon sa naging capaniwalaan ay buwayang naging bato (marahil sa guadalupe) at pinagbigyan din pasintabi ng mga namamangka na inaalayan ng cahit ano hangang sa sinira di umano ng mga pareng agustino ang batong yaon at tinirikan ng isang cruz, saca pinagtayuan ng isang munting simbahan na ipinatungcol cay san nicolas. ang matatandang punong cahoy at lalong lalo na ang puno ng baliti ay pinagbibigyan ding pasintabi at sa ganang canila'casalanan na pagisipang putulin, at ang dahil di umano'siyang sinisilungan at tinatahanan ng mga anito .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga anitong nabangit (palibhasa'hindi casinsacdal ni bathala) ay siyang mga ipinagtatayo ng mga moog at bahay dalanginan na canilang pinanganganlang ulango. ang mga ulango namang ito ay moog na cawayan torre na ani. chirino ay marikit ang pagcayari ayon sa caniyang nakita sa taytay. ang mga ulangong ito marahil ay hindi dalanginang bayan, sapagca'di umano'sa canicaniyang bahay ginaganap ang pagdalangin, cung sacali man ay bihirang gamitin ng bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang pagdalangin ay idinaraos cailan ma'may cailangan silang hilingin sa anitong kinauuculang tawagan, na cung halimbawang sa pagcacasakit upang gumaling sa pagnanais na ang nasa hirap doon sa cabilang buhay ay mahango at sa ibang bagay pa, ay ang mga nuno nilang anito ang tinatawagan na di umano'siyang mga nacacaalam ng calagayan ng nangandoon sa cabilang buhay at mga sumasagot sa dalangin ng catalona, cung halimbawa namang sa pag paroon sa digma sa pagsalakay at upang magwagi ay ang hubog ng langit ang dinadalanginan na canilang pinanganganlang bataubaw; at gayon din sa iba'ibang dahilan. bucod dito ay nagsisidalangin sa diyos inaginid at sa diyos amakawdak na dinidiyos din nila at marahil ay sa ibang bagay naman. ang nangangasiwa sa pagdalangin lumalagay na pinacapare pinacapastor ay ang catalona na siyang nanunungcol nito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang paraan naman ng pangangasiwa pagdalangin nito ay mababasa sa dating caugalian tungcol sa paghihingalo at gayon din sa dating caugalian tungcol sa pag aasawa pati ng canilang bihis at sangcap. ang mga katolonang, ito, ani colin, ay mayayaman ano pa'nananamit ng maririkit at nag hihiyas ng maiinam . ang mga catalonang ito, bucod sa siyang tatawagin sa ganganitong cailangan ay siya ring mga sangunian sa bala na (na siyang mga tinatawag natin marahil na manghuhula at gaya rin marahil ng mga astrologo sa egipto na siya namang dating sangunian ng mga tagaroon. tungcol sa capanampalatayahan bagay sa mga caluluwa ay nangananampalatayang may cabilang buhay na kinaroroonan ng mga caluluwa ng namamatay, at naniniwala ring may ibang calagayan ang mabubuti at may iba ang masasama. ang sa mabubuti ay pinanganganlang caluwalhatian at sa tula ay ulugan at ang sa masasama naman ay solad casamaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"doon sa kaluwalhatian, anila'nacararating din ang nangamamatay sa tabac, ang nangasasacmal ng buwaya at ang nangamamatay sa lintic kidlat at di umano'sa pamamagitan ng bahag hari umaakya'na canilang pinanganganlang balangaw. sa pangingilin naman, ay hindi nanginginlin ang mga tagarito, maliban cung ang mga lalaki ay pasa digma, at cung ganito'hindi gumagawa ang mga babae sa boong panahong yaon. at gayon din sa pitong araw ng pagpapasimula ng pamumunga ng mga halamana'bukiran, na hindi bumabayo ng palay at hindi rin nagpapapasoc ng taga ibang bayan, dahil sa di umano'panahon ng pagdalangin sa diyos upang pagcalooban sila ng mabuting ani. itong salitang bathala anang maraming mairugin sa sarili natin wika ay hango sa sanscrito at nababasa sa isang aklat ng ating calupaing manunulat na si... paterno, sa dahong ica.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ani gat rizal ay dahil sa inisip marahil ng mga tagarito na ang dios na maycapal ng sangsinucob ay hindi nangangailangan ng gayong tahanan ng mga pang libang at pangpalupag loob, dahil sa siya'laging matuid at pantas at hindi nagbabago dala ng canyang pagka dios. ang mga taga grecia noong una ay may ganito ring pananampalataya, na ang sandaigdigan ay puno ng canilang mga bantog na canunuan na pinipintacasi nila. ani gat rizal ay napagkikilalang may matuid sila sa pagsamba sa araw at buwan, sapagca'anya'ano'di sasambahin ang sagisag ng cagandahan, ng cawalang hangan at ng pagca dios? anong bagay sa isipan ng tao ang hihigit pa sa araw tungcol sa casacdalan, sa cabutihan, sa cagandahan at hangang sa maihuhuwad sa cawalang hangan? sa buwan naman, anya'napagmamalas na siyang aasawa ng araw, siyang diosa at dahil dito'sinasamba rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"tungcol dito sa ibong bughaw asul na binangit ng ibang manunulat na anila'pinanganganlang bathala ay walang ganitong culay ani rizal, cundi dilaw na siyang culyawan cilyawan marahil ani rizal ay walang ganitong ibon, at cung nagcaroon man ay maitutulad sa agila ni jupiter, sa pavo real ni juno, sa calapati ni venus, sa ibat ibang ibong kinatha lamang sa isip, ano pa'mga sagisag na caraniwang paghalintularan sa pagca dios, ng tanang tao. ang ibon anyang ito na bughaw dilaw ay siya marahil na sagisag ng dios na maycapal na pinanganganlang bathala, at sapagca'hinahamac ng mga misionero ang ano mang di nila sinasampalatayanan ay pinagcamalan nila marahil, anya'maigagaya rin naman sa mga ita'igulot na cung iya namang macakita ng sagisag ng espiritu santo ng sa mga evangelista na calapati, toro, leon, atb, ay hindi malayong ibalita naman ng mga ito sa canilang mga caibigan na ang mga cristiano ay sumasamba sa calapati, sa toro sa leon at ibp. ayon sa pagcasagisag sa mga yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang puno ng baliti rito ay isang maitutulad sa mga puno lotus sa egipto, china at india na pinacagagalang at pinakabigyang pasintabi ng mga tagaroon. at sa indi di umano'ang calasutse ang tinatawag na lotus. ng mga anito marahil na pinipintacasi nila sa parang at bukid. ani rizal, ay napagkikitang saa'saan man ay pinakikinabangan ang ganitong tungculin hanap buhay. ang mga nanghuhula ng magyayari ayon sa calagaya'anyo ng mga tala. ikalabing anim na pangcat. dating pagsamba'pananampalataya ng mga tagarito. (karugtong) sa pagsamba'pananampalataya sa kalusunan; ay mapagmamalas ng sino mang mapag aral ng iba'ibang religion na yao'isang religiong haluan: at sapagka'hindi ang nasa ko rito'saysayin ang dahil ng pagkakahalohalong yaon, kundi isaysay lamang ang dating ugali ng mga tagarito, ay ipatutuloy ko ang tungkol naman sa kabisayaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mga taga bisaya ay sumasampalataya rin ng halos kagaya ng mga taga luzon, dahil sa ganang kanila, ang bathala nating lumalang ng sangsinukob at lumikha ng tanang kinapal ay kinikilala rin at kanilang pinamamagatang laon. kumikilala rin sila sa mga anito na sa kanila'diwata, na dili iba,ang kanila ring mga kanunuan na pinipintakasi'tinatawagan sa bala ng kailanganin, maging sa kati'maging sa tubig, maging sa buhay na ito at maging sa kabila. nangagsisikilala ring gaya ang mga taga luzon sa mga larawang sarisaring hugis na iniingatan sa bahay kung dili'sa mga yungib na pawang inaalayan ng pabango, pagkain at ibp. at dito sa kabisayaan (sa sebu) nakakita ng ganito si pigafeta na anya'nakadipa ang mga kamay, nakabuka ang mga hita at patiwarik ang bali ng mga paa; ang mukha'malaki at may apat na malaking ngipin na kasinglaki ng mga pangil ng baboy damo at nangakukulayan .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa araw at bwan naman ay nangagsi sisamba rin na gaya sa kalusunan: at dito nakita ni pigafeta ang paraan ng pagsamba sa araw, na anya'ganito: sa pagpapasimula ay tumutugtog ng ilang malaking tambol; saka naglalapit ng tatlong pingan; na dalawa'puno ng kanin at ng mais na nabibilot sa dahon, at may kasamang isda; at ang isa'may kayong kambray at dalawang hidahon ng palma naglalatag ng kayong kambray sa lupa, saka lumalapit ang dalawang matandang babae na bawa'isa'may tangang pakakak. pagkatapos ay nilalakaran ang kayong kambray na nalalatag at tuloy gumagalang sa araw, saka isinusuot nila ang nabangit na kayo. kung magkagayon ay nagtatali ng panyo sa ulo ang isa sa mga ito na sa noo ibinubuhol na pinag sisikapan na magkaroon ng dalawang parang sungay at pagkatangan ng ibang panyo ay sumasayaw at humihihip ng kanyang pakakak at tuloy gumagalang sa araw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang isa namang matandang babae ay dumadampot ng isang dahon ng palma at gaya rin noong isa na sumasayaw at humihihip ng kanyang pakakak. ang pagsayaw nilang ito at paghihip ng kanilang mga pakakak ay nagluluat ng kaonti at kanilang sinasabayan ng pagsasaysay sa araw ng sarisaring bagay. matapos ito ay binibitiwan ng isang matandang babae ang panyo niyang hawak sa kamay at dinadampot ang dahon ng palma at kapwa humihihip ng kanilang pakakak at sumasayaw na matagal sa palibot ng isang baboy na nakahanda sa lupa. ang isa'nagsasaysay na marahan sa araw at ang isa naman ang sumasagot. ano pa'ang araw at ang dalawang matandang babae ay parang may pagkakaunawaan. pagkatapos naman nito ay dumadampot ang isang matandang babae ng isang copang alak at iniaalay sa kanyang kasayawan, at habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pagsasaysay sa araw ay makaapat makalimang iniuukmang iinumin ang alak at habang ginagawa yaon ay iniwiwisik ang alak sa puso ng baboy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"kung matapos yaon ay binibitawan ang kopa, at humahawak ng isang sibat na kanyang pinaiikot sa kamay, habang sumasayaw at nagsasaysay at makaapat makalimang iniuukma ang sibat sa puso ng baboy; nguni'sa katapustapusan ay isinisibat at pinapaglalagpaslagpasanan, saka binubunot uli na tinatakpan ang sugat at tuloy binabalot ng damo. habang idinadaos ang ganitong pagdidiwan ay may apoy na laging nakahanda at hinihipan na pinapatay ng matandang babaeng sumisibat sa baboy; samantalang ang isa naman ay isinasawsaw ang kanyang pakakak sa dugo ng baboy at saka itinatanda yaon sa noo ng kanyang asawa at ng kanyang mga kasama at pagkatapos ay sa lahat ng kaharap. kung magawa nang lahat yaon ay hinuhubad ng dalawang matandang babaeng yaon ang kanilang balabal at dinudulog ang nasa dalawang pingan na walang inaanyayahan, liban sa mga babae lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"pagkatapos ay inaalisan ng balahibo ang baboy sa apoy at ang mga matandang babae lamang ang nakagagawa noon at ang hayop na ito, di umano, ay di maaaring kanin kailan man, malibang patayin ng ganitong paraan. sa malaking bato sa mga pangpangin ay nangagpapasintabi rin: kaya'sa isang dako ng pangpang sa potal na nasa pulo ng panay ay nangag aalay ang mga magdadagat ng pingan at bala na. gayon din sa malalaking punong cahoy na ipinacatatangi rin ang baliti na di pinuputol at bagcus na ipinacacagalang. sa pagdalangin at sa ano mang pagsanguni ay sa katalona rin ipinangangasiwa na canilang pinamamagatang babaylana . nangagsisipaniwala ring may cabilang buhay; ano pa'ang canilang pagsamba'pananampalataya ay masasabi nating caisa ng mga taga luzon palibhasa'caisang lahi; nguni'bucod dito sa nangabangit ay may iba pa silang capanaligan na siya nilang ikinaiiba at dili iba'ang sumusunod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,ang iba'cumikilala sa dios lisbusawen na di umano'siyang kinacasama ng mga caluluwa sa isang bundoc na nasa pulo ng burney (marahil ay borneo). ang iba naman ay kumikilala sa dios sidapaw na siyang nagtatangkilik ng isang malaking punong kahoy sa isang mataas na bundok sa panay na pinanganganlan mayas maya at ang diyos na nabangit di umano'siyang sumusucat doon ng buhay ng tanang kinapal na pagdating sa kanyang sukat ay namamatay na walang pagsala.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"nanganiniwala rin na may diyos sa infierno na canilang pinanganganlang suinuran at suigaguran at sa camay ng mga ito nahuhulog di umano ang balang caluluwang mamatay, at may diyos namang tagapagdala ng caluluwa sa infierno na pinamamagatang diyos magwayan na pagdating sa balangay nito ay sinasalubong ng diyos sumpoy na siya namang tagapaghatid sa diyos suiburanin (casama marahil ng diyos suinuran at diyos suigaguran) na anila'siyang tagasacop sa lahat ang caluluwa, maging mabuti'maging masama; nguni'ang mga ito, di umano'hindi pinababayaan ng diyos pandake (na nasa bundoc din ng maya); kundi agad tinutubos dito sa pamamagitan ng mga maganito na siyang pangalan ng mga haying inihahandog sa canya roon sa bundoc: at sa ganito, ani. delgado, ay hindi lubhang pinagsisicapan ang pagpapacabuti, cundi ang pagpapacasipag upang magcaroon ng pangtubos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"si pigafeta ay isang italiano na kasama ni magallanes sa pagkasumpong ng mga kapuluang ito, at siyang tanging; sumulat ng aklat na tungkol sa kanilang paglalakbay at pinamagatan niyang ang unang paglalakbay sa palibot ng sandaigdigan. anang iba'hindi lahat ay gayon; kaya'sa ganang kay rizal ay ang masasamang dinidiyos lamang marahil ang may malaking ngiping kasinglaki ng pangil. ang pagkilala sa dios sa infierno at sa ibp. ay naging kapanaligan din na ibang nangabansag na lupain, gaya sa persia, india at atb, nguni'marahil ay napulot ito ng mga taga bisayang malayo sa religiong hinduismo ng mga taga india at siyang inugali hangang dito; sapagka'sa religiong hinduismo bukod sa kumikilala sa tatlong pinakapangulong diyos ay kumikilala pa sa diyos yana na di umanoy, diyos sa kainfiernohan: sa diyos ganesa ganabali diyos ng karunungan at tagahawi ng kapansanan; sa diyos kartikeya na pinakapintakasi sa digma; sa araw na pinamamagatan nilang sunya sa buwan na tinatawag nilang soma at sa ibp.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ikalabing pitong pangkat. dating pagsamba'pananampalataya ng mga tagarito. karugtong tungkol sa kapanampalatayahan ng huling bahagi ng pilipinas, na hulo'magindanaw, ay dapat malaman muna na ang mga tagaroon ay hindi namayang sabay sabay, kundi ang iba, na gaya ng mga manobo, tiruray atb, ay siyang nangauna; at ang iba naman ay masasapantahang mga kasabay kasunod ng mga taga malayang nagsipamayan sa borneo noong dacong. mapaniniwalaang ang pananampalataya ng mga unang namayan doon na gaya ng mga manobo, tiruray, atb.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ay ang sa kamalayahan na halos kagaya ng dating pananampalataya ng mga taga bisaya'tagarito sa luzon: at sa catunayan ng dumating dito ang mga taga espana ay may, nasumpungan pang isang daco sa mindanaw na pinanganganlang de flechas ng mga pana na balang magdaan doon ay naghagagis ng pana na pinatutusoc sa bato at siyang iniaalay nilang pinakahayin upan sila'macaraang tiwasay, bagay itong dili iba'isa sa mga bahagi ng capanaligan ng mga taga bisaya'tagarito sa luzon, na alayan ng cahi'ano ang mga pooc na kinalibingan ng canilang mga nuno. at cung bagama'nalimutan na ang canilang pinaca bathala pinaca laon ay sanhi marahil sa pagcahicayat nila sa mahometismo pananalig kay mahoma na taglay ng mga huling nacapamayan nila. ang mga sumunod huling namayan sa hulo'mindanaw ay ang nangabangit nang casabay casunod ng mga namayan sa borneo noong dacong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ng panahong yaon ay halos laganap na ang pananalig cay mahoma sa kamalayahan at sa ganito ay mapaniniwalaan at siyang pagcaacala rin ng mga bagong manunulat na ang mga yao'nagsisipanalig na cay mahoma ng magsidating sa hulo'mindanaw, at siya tuloy na mga humicayat sa mga dinatnan at ayon sa sali'saling sabi ng mga moro sa mindanaw, ani dr. barrows ay si kabunsuan ang humicayat sa canila. ito'isang taga johore na anac ng isang lalaking taga arabia at ng isang babaeng taga malaya. si kabunsuan ay dumating sa mindanaw na may maraming casamang nananalig sa canya at di umano'siyang pinangaligan ng mga dato sa mindanaw. sinasapantaha na si kabunsuan ay isa sa mga inapo ni mahoma sa dugo ng cayang amang taga arabia: caya'hanga ngayon daw ay ipinagmamalaki ni ali at ng mga dato sa mindanaw na sa canilang mga ugat ay umaagos pa ang dugo ng profetang si mahoma, na siyang nagtanyag ng bagong religiong mahometisimo na pinacareligion ng mga taga hulo'mindanaw.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang mahometismo ng mga taga hulo'taga mindanaw ay di lubhang cagaya ng tunay na mahometismo, dahil sa ang lahat ng religion habang tumatagal ay nababago ng nababago. gayon, ma'inaasahan co, na sapagca'siyang religion ng isang bahagi ng pilipinas ay maitatanong din mga magiliwin sa ganitong casaysayan, cung ano ang religiong mahometismo at ang religion mahometismo ay ang itinanyag ni mahoma na anya'wala liban sa isang dios at siya ang profeta ng dios at tuloy sinulat niya ang koran na ngayon'siyang pinaka biblia ng mga moro. si mahoma ay anak ng isang babaeng judia na naging kristiana at ng lalaking si abdallah na palasamba sa mga diosdiosan (idolo). siya'ipinanganak sa arabia noong taong at mula sa kanyang pagkabata ay naulila sa kanyang mga magulang: anopa'ang nagpalaki sa kanya ay si abu taleb na kangyang mabuting amain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"nang siya'magkadalawang pu'limang taon ay naglingkod kay kadihah na isang matandang baong taga mekka na mayama'marangal, at sa kagandahang asal ni mahoma ay naibigan hangang sa naging asawa. sa ganito'siya'nagcasalapi at naluwagan sa canyang pamumuhay; anopa'nagcapanahon ng pag aaral at pagmamasid ng mga bagaybagay sa sandaigdigan. noon naman, ang arabia na kanyang kinamulatan, ay siyang maitutulad ngayon sa estados unidos ng amerika, sa inglaterra ng europa at sa hapon ng asia, dahil sa kalayaan ng isa'isa na makapapamili ng kanikanyang religion, at sa gayon ay nabuksan ang kanyang isip ng di ano lamang. sa kabanalan ni mahoma ay napasasa yungib ng hera (na malapit sa mekka) taon taon at doon nagpapahingang isang buwan (kung buwan ng ramadan), at minsan di umano'napakita sa kanya roon sa yungib ang angel gabriel at pinagsaysayan siya ng mga lihim na bagay, na siya ang magiging profeta ng dios at magpapaisa ng religion sa tanang kinapal na pangunguluhan ng dios na di malirip.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"saka isinakay siya, di umano sa isang kahimahimalang hayop na ang pangala'borak at inihatid siya mula sa templo ng mekka hangang sa jerusalem. mula rito ay isinama siya ng angel gabriel na sumampa sa pitong langit at doo'nakipagbatian siya sa mga profeta, sa mga patriarka at sa mga angel. sa dako pa roon ng ikapitong langit ay si mahoma lamang ang pinatuloy, anopa'nalagpasan niya ang tabing ng pagkakaisa at sa harap ng luklukan doon ay nalugmok siya hangang sa siya'tinapik ng kamay ng dios. pagkatapos ay bumaba siya sa jerusalem, sumakay uli sa borak at nagbalik sa mekka. mula noo'itinanyag ni mahoma ang mga salita ng angel gabriel na ngayo'nasusulat sa koran na dasala'banal na kasulatan ng mga mahometano.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"at sa kagandahan di umano ng pagmumukha ni mahoma, sampu ng kanyang ugali'asal at ng kanyang matamis na pananalita na kalakip ng kanyang kabanalan, ay pinananaligan siya, at hangan sa paniniwalaang siya'sinalubong ng mga punong kahoy, binati ng mga bato sampu ng tubig, nagpakain sa nagugutom, nagpagaling ng may sakit at bumuhay ng patay. bukod dito'ipinalagay ng marami na ang mga salita ni mahoma ay puspos na mga aral ng katotohanan at ang kanyang mga gawa ay pawang uliran ng kabanalan (baga man ang dating kaugalian ng panahong yaon na gaya ng pag aasawa ng higit sa isa at ibp. ay di niya pinawi); dahil sa ganang kanya'wala ng gaya ng manalangin, magkulasyon at maglimos, sapagka'sa kanya ang pagdalangin ay nakapapatnubay hangang sa kalahatian ng daang patungo sa diyos, ang pagkukulasyon ay nakapaghahatid hangan sa pintuan ng tahanan ng diyos at ang paglilimos ay siyang ikinatatangap ng diyos sa tao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"anopa'sa gayong pananalig sa kanya ay hindi laman ang kanyang asawa'mga kaibigan ang sumampalataya kundi pati na ng kanyang mga kababaya'kalupain, hangang sa siya'nahalal na pinakapangulo sa kanyang bayang tinubuan. at sapagka'ang kanyang munakala'papag isahin ng religion ang tanang kinapal ayon sa sinaysay sa kanya ng angel, ay hindi lamang ang kanyang lupain ang sinakop at hinikayat niya'ng mga humalili sa kanya, kundi pati ng mga lupain sa europa, africa, sa asia at hangang dito sa kasilanganan na dili iba'siyang pinananaligan pa hanga ngayon ng ating mga kalupaing taga mindanaw at taga hulo. ang religiong ito at umabot hangang sa mindoro at dito sa maynila at kung hindi dumating rito ang mga kastila ay naging moro marahil ang lahat ng tagarito. ikalabingwalong pangkat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"isipan ng ibang tagarito tungcol sa pasimula ng sangkinapal isa sa mga kapaniwalaan ng ibang mga tagarito na binangit, ng mga mananalaysay ay itong sumusunod: ang mga tao sa baybayin na pinanganganlang iligayanes ay naniniwala na ang lupa'langit ay hindi nagkaroon ng pasimula: at di umano'nagkaroon ng dalawang diyos na ang isa'nagngalang kaptan at ang isa'magwayan at ang hangin sa lupa at ang hangin sa dagat ay nagkaisa at sumuka ng isang kawayan. ang kawayan namang ito ay itinanim ng dios kaptan, at ng lumaki ay pumutok na nilabasan ng dalawang kawayan na kapwa naging tao, na ang isa'lalaki at ang isa'babae. ang lalaki ay pinanganlang sikalak at ang babae'sikabay. ang lalaki ay nagpahayag sa babayi na sila'magisang dibdib, dahil sa walang iba dito sa sangdaigdigan; nguni'hindi pumayag ang babae; sapagka'sila'magkapatid na galing sa isang kawayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"sa katapustapusan ay nagkasundo na sila'yumaon at kanilang isanguni ang gayon sa lindol ng lupa, at sinagot naman sila na kailangang sila'mag isang dibdib upang magkaroon ng mga tao sa sanlibutan, at sila'nag isang dibdib at nagka anak. ang unang naging anak nila ay lalaki at pinanganlang libo at ang sumunod ay babae, at pinanganlang saman at ang dalawang magkapatid na ito ay nagkaanak ng isang babae na pinanganlang naman nilang lupluban . itong si lupluban ay nakipag isang dibdib sa isang anak na lalaki ng mga unang tao (marahil ni sikalak at ni sikabay) na ang pangala'pandaguan at ang mga ito ay nagkaanak ng isang lalaki na kanilang pinanganlang arion .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"si pandaguan, di umano'siyang unang kumatha ng mga palaisdaan upang mamalakaya sa dagat, at ang unang nahuli ay isang pating, at pagkahuli ay iniahon sa kati, na sa akala niya'hindi mamamatay; nguni'pagkaahon sa kati ay namatay: ng makita niyang patay ay pinasimulang alayan ng mga hayin at tuloy tinangisan, at tumawag sa mga diyos, na may namamatay, dahil sa wala pang namamatay noon; pagkarinig naman di umano ng diyos kaptan ay sinugo ang mga langaw upang tignan kung sino ang patay, at sapagka'hindi makapangahas lumapit ang mga langaw ay bukbok ang sinugo na siyang nakakita na ang patay ay pating, at sa ganito'nagalit ang diyos kaptan dahil sa pagkakaalay ng mga hayin sa isang isda. sa pagkagalit na ito ng diyos kaptan ay naghagis silang dalawa ng diyos magwayan ng isang lintik at siyang pumatay kay pandaguan, at namalaging tatlong pung araw sa infierno; nguni'pagkaraan ng tatlong pung araw ay kinahabagan siya ng nangabangit na mga diyos at muli siyang binuhay dito sa sanglibutan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"noong samantalang siya'patay ay napababae ang kanyan asawang si lupluban sa isang nagngangalang marakoyan, at di umano'ito ang pinagmulan ng pangangalunya. nang si pandaguan ay mabuhay na mag uli at umuwi sa kanyang bahay ay hindi inabutan ang kanyang asawa, sa pagka'inanyayahan ng kanyang kaagulo na magsalo sila sa isang baboy na kanyang ninakaw (di umano'ito ang unang pagnanakaw na nagawa dito sa ibabaw ng lupa), at sa ganito'sinugo niya ang kanyang anak upang kaonin, at si lupluban ay tumangi at di sumama, na ang sabi ay hindi na magbabalik ang mga patay dito sa ibabaw ng lupa, at sa galit ni pandaguan ay nagbalik uli sa infierno.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"ang pag aakala, naman ng mga tingian ay itong sumusunod: iba ang paniwala ng mga taga bundok at anila'noong una ay wala kundi dagat at langit, at sapagka'may isang lawin na walang kadapuan, ay hinalughog ang langit at dagat dahil dito ay dinigma ng dagat ang langit na nagpakalaki laki hangang sa itaas: ng makita ng langit ang ganitong asal ng dagat ay pinasibulan ng isda ang dagat at pagkatapos upang makaganting lubos sa pagkapangahas laban sa kanya ay inihagis sa dagat, di umano, ang lahat ng kapuluang ito upang ang dagat ay mapasuko at upang ang kanyang mga tubig ay maglagos sa iba'ibang dako at huwag mangyaring makapagmalaki at ito ay pinagkapasimulan ng mabario na ang ibig sabihin ay paghihigantihan sa pag api kaya di umano'naging kaugalian dito ang panghihiganti hangang sa di masiyahan. saka ayon sa kasaysayan tungkol sa kawayan, ay ang lawin di umano ang siyang tumuka, kaya pumutok at lumabas yaong naging lalaki at babae na nabangit na (si sikalak at si sikahay).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"di umano pa ng manganak si kariuhi (isa sa mga anak ng mga unang tao marahil) ay nanganak ng lubhang marami, at nangyari isang araw na pumasok sa bahay ang ama na lubhang galit at sapagka'binalaan ang mga anak ay nangagsitakas sa takot anopa'ang iba'nangagsipasok sa mga silid na totoong kubli, ang iba'sa mga silid sa dakong labas ang iba'nagsikubli sa mga dinding, ang iba'nangagsipanaog na tumungo sa dakong dagat. anila'yaong nangagsipasok sa silid na totoong kubli ay siyang pinangalingan ng mga maginoo, yaong mga napa sa silid sa dakong labas ay siyang pinangalingan ng mga timawa, yaong nangagkubli sa dapugan ay siyang pinangalingan ng mga maitim at ang nangagsitungo sa dakong dagat ay ang mga maputi na hindi na nangabalitaan nila, kundi ng dumating na lamang dito ang mga taga europa. mga aklat na sinulat ng sumulat nito. tulong sa pag aaral ng wikang ingles. english tagalog dictionary with phrases. dating pilipinas. mga aklat na tinagalog ng sumulat nito. bagong tipan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,"matandang tipan. melodramang noli me tangere ni. gross sa novela ni gat jose rizal. tudling paunawa unang pangkat. mga unang tao rito ikalawang pangkat. lahing pilipino ikatlong pangkat. pagkaparito at pinangalingan ng lahing pilipino ikapat na pangkat. dating pamamayan ng mga tagarito icalimang pangcat. dating pananamit at kalinisan sa katawan ng mga tagarito icanim na pangcat. dating kaugaliang pinanununtunan sa mga kapaslangan at sigalutan ikapitong pangcat. wika icawalong pangcat. pagbasa'pagsulat icasiam na pangcat. asal at gawi icasampung pangcat. pagkakalakalan icalabing isang pangcat. sasakyang tubig icalabing dalawang pangcat. almas icalabing tatlong pangcat. dating ugali tungkol sa pag aasawa icalabing apat na pangcat. dating kaugalian tungkol sa paghihingalo, paglilibing at pagluluksa icalabing limang pangcat. dating pagsamba'pananampalataya ng mga tagarito icalabing anim na pangcat. dating pagsamba'pananampalataya ng mga tagarito (karugtong) icalabing pitong pangcat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Sofronio G. Calderón,dating pagsamba'pananampalataya ng mga tagarito (karugtong) icalabing walong pangcat. isipan ng ibang mga tagarito tungcol sa pasimula ng sangkinapal,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals," umaga ng ika ng hunio ng. ang maluwang na daang azcarraga, sa dakong tundo sa panulukan ng daang ilaya, na kinatatayuan ng isang malaking pagawaan ng tabako, ay marami ang nagtayong mga manggagawa; mga babai'lalaki, matatanda'bata. pulupulutong ang pagkakaayos. may kanikaniyang usapan at may kanikaniyang pinagtatalunan. sa anyo'pagmumukha ng lahat at bawa'isa sa kanila ay nalalarawan ang isang malaking pagkainip, pagkainip na kinababadhaan ng pananabik ng kanilang mga puso sa isang mahalagang bagay mandin na ibig malaman. doon, sa dako ng dulaang rizal, ay isang pulutong ang makikita; nangaguusap at nagtatatalong mainitan. sa dako pa rito, sa tapat ng botika morelos ay isa pang pulutong; pulutong na kinabibilangan ng maraming kabai.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"saa'saan man, at ang lahat halos ng dako ng panulakan ng mga daang azcarraga at ilaya, ay kakikitaan ng maraming mga manggagawa na ang mga mata ay pawang napapako sa iisang pook; sa maluwang na pinto ng isang malaking bahay, ng bahay pagawaan ng tabako na kanilang pinapasukan. kay tagal nila.! ang pabulalas na wika ng isa sa nagkakalipon. ano kaya ang kasasapitan? ang wari'tanong na isinagot ng isa pa. at ang tanong na ito'hindi napangahasang sagutin ng sino man sa mga kaharap, at sa mga labi ng bawa'nakarinig ay waring napabitin ang kasagutan. walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay ipako ang mga mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na binawi ang mga paningin upang sa mga kalipon ay ibaling. ano ang hinihintay ng mga manggagawang ito? anong bagay ang kanilang kinasasabikang malaman? ano'sa mukha ng lahat ay nababadha ang malaking pagkainip? alamin muna natin ang lahat nang ito, samantalang naghihintay sila upang mabatid natin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"nang araw na sinundan, ang mga manggagawang nasabi ay tumanggap ng isang babalang buhat sa mga may ari ng pagawaan, at doo'ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa lahat ng mga vitola na kanilang ginagawa. pagkatanggap nila ng gayon babala, at sa pangangasiwa ng pangulo ng kapisanan nilang natatayo sa loob ng pagawaan ay nagsipagpulong ang lahat, at doon ay pinagusapan ang nararapat nilang gawin. pagkatapos ng isang mahaba at mainitang pagtatalo ay pinagkaisahan ng lahat, na magsugo ng isang lupon sa mga mamumuhunan, upang maipabatid na sa dating mababang upa na kanilang itinatanggap sa bawa'vitola ay hindi na nila matatanggap pa ang pagbababang gagawin; at tuloy na ipinamanhik sa nahalal na lupon na mangyaring gawin nila ang lahat nang magagawa, upang sa mapayapang pagmamatwid, ang mga mamumuhunan ay magbagong pasya. ang nangahalal na lupon ay ang pangulo na rin ng kanilang kapisanan na nagngangalang gervasio sarili at si mauro alvarez.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"sa dalawang ito ay tatlo pa ang isinama na pawa namang mga kasama nila sa pagawaan at sa kapisanan. ang mga ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa kinahapunan ng pagkatanggap nila ng babala; kaya'nang umagang yaon ng ika ng hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una, ang mga dukhang anak pawis, ang mga manggagawang tabakero na nagkakatipon sa iba'ibang sulok at hayag na pook ng mga daang ilaya at azcarraga, ay sabik na sabik at inip na inip na halos sa paghihintay sa kahahangganan ng paguusap, na nang mga sandaling yaon ay idinadaos ng nahalal na lupon ng mga manggagawa at ng mga mamumuhunan. ikasiyam na ng umaga; subali'ang mga hinihintay nila ay di pa dumarating. sa malaking pintuan ng pagawaan, ang bawa'tao mga taong makita nilang lumabas at lumalabas, akala nila'siya nang hinihintay nila, siyang lupong sinugo nila. nguni'parating nabibigo, parating nawawalan ng saysay ang kanilang mga hinuha. pagkatagaltagal.! ang ulit ulit na nawiwika ng marami.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"magsisilabas na sila. ang wika naman ng ilan, na parang itinutugon at inilulunas sa pagkainip ng madla. at parang itinaon sa huling tugon ng ilan, sa pinto ng pagawaan ay nagsilabas ang lima katao. ang sunodsunod at nagkapanapanabay na naibigkas ng marami, nang makita ang mga nagsilabas. ang bawa'pulutong ng mga manggagawang yaon, ang bawa'pangkat na nag uusap, ang lahatlahat na, ay nagsikilos, nagsilakad, at ang dumarating na lupon ay sinalubong. mga kapatid: ang wikang malakas ng pangulong gervasio nang mapalapit sila sa mga kasama mahaharap marahil tayo sa isang malaking paglalaban. ano po ang nangyari? ano po ang kinasapitan? ang sabay sabay na tanungan ng marami. wala; ang mga mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating lahat; sila ay nagpapakatigas. ang tugon din ng pangulo. kung gayon, tayo'magsiaklas. ang sigaw ng isang manggagawa. magsiaklas.!! magsiaklas.!! ang ulit ulit na sigawan ng marami. mga kasama: ang malakas na wika ni mauro, tayo'huminusay!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin ng boong kalamigang loob. ang ipinaghuhumiyaw din ng marami. tayo'magsiaklas.!! magsiaklas!! ang lahat ay magagawa ang tugong malakas din ni mauro subali', kailangan nating pagusapan muna ang mga paraang gagawin. tayo'magpulong ngayon din, at doon nating pagkaisahan ang lahat. tayo nang lahat sa dulaang rizal ang wika ng pangulo. sa dulaang rizal! tayo na mga kasama.! ang ulit ng madla. at ang lahat ay nagsilakad; parang iisang katawan nang kumilos, at ang dulaang rizal na di naman nalalayo ay siyang tinungo. sa mukha ng bawa'isa, ang kagitingan ay nababakas; at nababadha sa pawisan nilang noo ang buhay, ang sigla at ang lakas. ang masiglang kilusang yaon ng mga manggawang tabakero, ay labis na mahihinuhang kung magpapatuloy ay siya nang babala ng pagsikat ng mabiyayang araw ng katubusan. at, ang malaki at maaliwalas na dulaang rizal, sa kapahintulutan ng mga may ari, ay kaunti nang mapuno sa dami ng tao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"halos dalawa sa ikatlong bahagi ng mga butaka ay may mga tao; bukod pa ang mga nagtayo sa paligidligid ng palko at entrada general. sa harap ng lahat, at sa ibabaw ng escenario, ay nangakaupo sa palibid ng isang lamesa ang lupong sinugo, at ang ilan pa rin sa mga bumubuo ng lupong pamunuan ng kapisanang manggagawa sa loob ng pagawaan. samantalang ang mga na sa itaas ng escenario, ay nangaguusap pa muna bago pasimulan ang pulong, ang mga nangasasaibaba nama'walang tigil sa mga pagsasalitaan, pagsasalitaang nauukol na lahat sa mangyayaring labanan ng mga manggagawa at mamumuhunan. ang alingawngaw ng salitaan ay gayon na lamang, at halos ang iba'hindi na magkarinigan. ituloy ang aklasan! ang walang ano ano ay narinig na isinigaw ng isa. ang tugong pasigaw din ng karamihan. at lalo nang hindi magkamayaw sa ingay ang lahat. isang tinig, ang mula sa ibabaw ng escenario, ay narinig. at ang tinig na ito'siyang pumutol sa masiglang paguusap ng lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at ang lahat ay napatahimik, at ang mga paningin ay tungong lahat sa magsasalita. si gervasio ay siyang nakatayo sa harap ng madla. sa lahat ay ipinabatid, na ang pulong ay bukas na. at pagkuwan ay sunod na isinalaysay ang mga pinangyarihan at kinahangganan ng paguusap ng lupon at ng mga mamumuhunan. ipinakilala at isinakabatiran ng lahat, na ang pagbababa ng upa ay ipagpapatuloy din, at ang anomang matwid na iniulat ng lupon ay ayaw dinggin ng mga namamahala sa pagawaan at bagkus na nagpakatigastigas sa kanilang nasa. ang mga mamumuhunan ang patuloy pa ng nagsasalita ay nagsabi pa, na kung sino raw ang ayaw tumanggap ng mababang upa ay maaaring huwag pumasok. kayo anya ang masusunod ngayon: ang ibig tumanggap ay makapapasok at ang ayaw nama'huwag. sa harap ng ganitong pagmamatwid, kayo, mga kasamang anak pawis, ang siyang magpasya; sabihin ninyo ngayon dito kung ano ang minamarapat ninyong gawin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at pagkatapos na mapahiran ang mukhang pawisan ng nagsasalita ay ipinatuloy: mga kapatid: ibig baga ninyong tanggapin ang pagbababa ng upa? ang sigawang napakalakas ng lahat. kung gayon anang pangulo pa rin ano ang ibig ninyong gawin? magsiaklas!. at ang alingawngaw ay lumaganap na naman. untiunting nagkakaingay; at hanggang sa pagkailang sandali ay hindi na halos magkamayaw. sa harap ng gayong mainit na kilusan, si mauro, ang bagama'bata sa tanang mga kasama sa paggawa ay kina aalang alanganan ng marami sanhi sa taglay na marangal na ugali at iniiwing kaunting talino, sa harap nga ng gayong pagkakagulo, ay boong siglang tumayo at sa madla'sinabi: mga kapatid; kayo'pumayapa. narinig nila, na ang nagsasalita ay si mauro; si maurong tuwituwina'kanilang iginagalang. ang pagkakagulo ay nahusay at ang lahat ay humandang makinig. at si mauro, sa harap ng gayong katahimikan ay nagsalita: mga kamanggagawa: anya sa buhay na tinig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"sa harap ng napakalaking suliranin na sa ngayon ay ating kinasusuungan ay kinakailangan natin ang isang lalong malinaw na pagiisip upang ang bigat ng suliraning ito ay mapagpasyahan natin ng boong liwanag at huwag tayong malihis sa landas ng matwid. kinakailangan natin ngayon, at higit kailan man, ang isang malamig na kalooban, upang ang kalamigang ito ay siyang maghatid sa atin sa wasto at makatwirang pagkilos at pagpapasya. kailan man, ang kapusukan at init ng loob, sa anomang bagay na gagawin, ay malimit humantong sa pagsisisi; pagsisising sa lahat nang sandali ay dapat nating ilagang sumapit, lubha na sa mga bagay na dakila'mahalaga, na gaya na nga ng hinaharap natin ngayon, na pagtatanggol sa matwid at karapatan nating mga manggagawa. matwid at karapatan nating mga manggagawa, ang wika ko, sapagka'ang matwid at karapatang ito, ang sa pagbababang iyan ng upa sa paggawa ay siyang niwawalang kabuluhan at ibig yurakan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"karapatan natin sa harap ng sino man, na ang pagpapagod at pawis na pinupuhunan natin ay tumbasan ng sapat na kaupahan; at ang karapatang ito, kailan ma'ibig na bawasan, ay matwid naman natin ang tumutol hanggang maaari at ipagtanggol hangga'maaabot ng kaya. sukdang ikamatay. naputol sumandali ang pagsasalita ni mauro, sanhi sa maugong na palakpakang isinunod ng madlang nakikinig sa huli niyang mga pangungusap. pagkatapos ng palakpakan, si mauro ay nagpatuloy: sa mga nangyayari sa atin ngayon ay maliwanag na nakikita natin, na ang karapatan at matwid nating ito ay ayaw kilalanin. sa pamamagitan ng ipinangangahas nilang lakas, ang alin mang daing natin ay ayaw na dinggin. nagbibingibingihan sila at sa kahinaan natin ay malalakas at maugong na halakhakan ang itinutumbas. sa harap nga ng ganitong mga pangyayari ay ano ang kailangan nating gawin? ah, mga kapatid! kinakailangan natin ang lakas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at upang ang lakas na ito'tamuhin natin ay kailangang lubha ang pagiisa, pagka'tanging naririto ang ganap na tagumpay. sa ganito nga ay ano ang ibig ninyong gawin? magsiaklas!! kayo ang masusunod ang patuloy pa ni mauro ibig ninyong sa pagpapakilala ng ating matwid ay gamitin ang aklasan, gamitin nga natin! datapwa'ipahintulot muna ninyong, ako, na kapatid ninyo at kaisang palad ay magpaalaala ng isang bagay. ang aklasan, para sa mga anak pawis na gaya natin, para sa mga nabubuhay sa lanrangan ng paggawa sa pilipinas, ay gaya rin naman ng sa mga manggagawa sa pransia, sa amerika sa espanya at sa iba pa mang lupain, na ginagamit na sandata laban sa paghahari ng lupit ng puhunan sa ibabaw ng matwid at karapatan ng mga manggagawa. ang aklasan, ay ginagamit kung ang makatwirang daing at kahilingan ng mga anak pawis ay ayaw na dinggin ng puhunan; at sa mga nangyayaring ito sa atin ay maliwanag na namamalas na tayo'ayaw pakinggan sa makatwirang pagtutol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"upang kilalanin ng puhunan ang ating matwid, kayo rin ang nagsusumigaw ngayon, na gamitin natin ang aklasan; kung gayon, tayo'magsiaklas.! subali'sa paglalabanang kasusuungan natin ay kinakailangan, na ngayon pa man ay humanda na tayo sa pagtitiis ng hirap. ilaan natin ang katawan sa mga sakit na karaniwang dinaranas sa alin mang pagbabaka bago sumapit ang tagumpay, at hindi lamang ang mga sarili natin ang ilaan sa pagbabaka at pagtitiis, kundi pati rin naman ng sa ating mga asawa'anak, magulang at kapatid, na pawang magsisipagtiis ng gutom, kung sakali'kakailanganin ang mahahabang araw sa pagbubungguan ng dalawang lakas. pagtitiis at pagtitiis.! ito ang kailangan natin upang maitaguyod ng boong dangal ang aklasang gagawin. at, kung kayo, mga magigiting na anak pawis ay hindi nahahanda sa gayon, makalilibo pang mabuti na tayong lahat ngayon ay mamayapa na at sumailalim ng bawa'maibigan ng mga mamumuhunan. magtiis tayong lahat!! ang sigaw ng lalong marami.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"salamat, mga kapatid: ang patuloy pa ni mauro kung gayon mula sa araw na ito, buhat sa mga sandaling ito, ang sandata nating mga manggagawa na dili iba'ang aklasan, ay gagamitin, upang huwag na muling isalong kundi kung tamuhin na ang ganap na tagumpay. magpakatatag tayong lahat! at huwag nawang samakanino man sa atin ang pagtataksil. ang sariling kapakanan at kagalingan ng bawa'isa sa atin ay kailangang isailalim sa kapakanan at kagalingan ng marami upang ang kabusabusan ay mawala at lumiwayway sa silanganan ng bayang manggagawa ang mabiyayang araw ng katubusan. mga kamanggagawa: isigaw nating: mabuhay ang aklasan! sino man ay walang magtataksil. wala ni sino man! at ang aklasan mula noon ay napagtibay. ang lupong sinugo sa pakikipagusap sa mga mamumuhunan ay siya na ring pinagkaisahang maging palaging lupon sa aklasan. masisiglang gayon na lamang ang lahat na noon ay naghiwahiwalay, na taglay sa puso ng bawa'isa, ang malaking pananalig sa kadakilaan ng kanilang ipakikipaglaban.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"sa kapahintulutan ng may ari ng dulaang rizal, ito ay siyang pinagkayarian ding maging cuartel general ng mga nagsiaklas. ang lupon sa aklasan, noon din ay napatungo sa kawanihan ng paggawa, upang ipagbigay alam ang mga nangyari. pagkatapos ng ilang pagtatanong na ginawa ng matalinong tagapamahala, ukol sa pinagbuhatan ng aklasang ipinasya ng lahat, ang kawanihan ay nangakong gagawin niya ang lahat nang magagawa upang sa lalong madali ay malutas ang salitaan sa ikasisiyang loob ng bawa'panig. umaga ng kinabukasan. sa malaking pagawaan ng tabako sa daang ilaya, bagama'nakabukas maluwang niyang pinto, ay wala namang makikitang isa mang manggagawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"tahimik, at ang datidating yabag ng mga paang lumalakad sa pagyayao'dito ng mga tabakero, sa pagkuha ng mga material na gagamitin, at ang pagpupukpukan sa mga tapadera nila ng mga pangbuling gamit, saka ang mataginting na tunog ng mga chaveta na ipinangdadapa ng mga nag alimbutod na buto ng dahon ng tabako, at sampu na ng malalakas na awitan ng mga tabakera, noon ay pawang di na naririnig. sa loob ng pagawaan, (at sapagka'sa pilipinas ay di pa naghahari ang ganap na pagdadamayan ng mga manggagawa) ay tanging makikita ang ilang manggagawa ng kahong maliliit ng tabako at saka ilang embasador. ang mga ito nga ay siya lamang makikita, sapagka'sa ganang kanila, ang kilusan ng mga kapatid nilang tabakero ay di nila nararapat sundan at katigan, sanhi sa pangyayaring ang gawin nila ay naiiba sa gawain ng mga yuon. ang kawikaang: ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng boong katawan sa kanila ay walang kakabukabuluhan, alangalang na nga sa paniniwala nilang iba sila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"anong laking pagkakaiba ng ugali at kilos ng mga manggagawa sa ibang lupain, sa ating mga manggagawa.! sapagka', samantalang doon, sa boong kaeorupahan at sa iba pang dako ng sangdaigdig, ang kilusan at pagdadamayan ng mga anak pawis ay hindi kumikilala ni pumipili ng uri ng mga manggagawang dadamayan, kundi sukat na ang pangyayaring kumilos ang isang pangkat na manggagawa sa pagtatanggol ng matwid, upang ang iba namang pangkat ay kumilos, umabuloy at dumamay at kumatig sa madlang gawain ng mga yaon, at kadalasan pa, lubha na kung nagaapoy na halos ang labanan ng puhunan at paggawa, sampu na ng lahat ng mga manggagawang may iba'ibang uri at kalagayan ay sumunod naman sa mga ginawa ng mga dinadamayan; samantalang ang pagtutulungan at pagaabuluyan ng mga manggagawa roon ay ganap na ganap, dito naman sa atin ay hindi, kundi ang kadalasan pa'hindi maabuluyan ng anoman ang mga nagsiaklas hanggang sa huli, sa pagtatanggol ng matwid at karapatan. tayo'magpatuloy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"nang umaga ngang yaon, samantalang ang karamihan ng mga nagsiaklas, ay nangawiwili sa paguusap sa cuartel general nila, isang tao naman ang pumasok sa maluwang na pinto ng pagawaan. pagkapasok ay ang tanggapan ng tagapamahala ang tinungo. sa loob ng nasabing tanggapan at sa harap ng isang lamesang marmol ay nangakaupo ang tatlo katao at kaukausap ng nasabi nang tagapamahala. ang tatlong yaon ay siyang mga may ari ng pagawaan. magtuloy ka, pablo, magtuloy ka ang anyaya ng tagapamahala sa taong pumasok, nang makita itong nakatayo sa may pintuan. at si pablo (tawagin na natin ng ganito yamang siyang itinawag sa kanya) ay nagtuloy at sa isang silya ay umupo. ipinatatawag daw po ninyo ako ang simulang wika ni pablo nang maupo na. oo; anang tagapamahala ipinatawag kita, sapagka'may isang bagay na mahalaga akong sasabihin sa iyo. ano po yaon? ang may malaking pananabik na tugon ng kinakausap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"isang mahalagang bagay na kapapalooban ng iyong ikagiginhawa, at hindi lamang ikaw, kundi sampu pa ng iyong familia, kung aayon ka sa aking sasabihin. sabihin mo na po. nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon, ang mga orgulloso kong manggagawa ay nagsipagaklas. ayaw na tanggapin ang pagbababa ng kaunti sa kaupahan sa bawa'vitola. sila'nagsiaklas at ang akala marahil ng mga walang utang na loob na iyan ay susuko kaming mga mamumuhunan. susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang pagmamatigas; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang kung di sila mamatay sa gutom. dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang mga mamumuhunan sa pagawaang ito at sabay na itinuro ang mga kaharap ay gumawa ka rito, at tuloy humanap ka ng ibang magiging kasama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"nalalaman ko ang putol agad ng namamahala na ikaw ay may pinapasukan; datapwa'nalalaman ko rin, na ang iyong kinikita roon ay hindi makasasapat sa iyo at sa iyong asawa'mga anak. dito, kung papayag kang gumawa, at mangangako pang hahanap ng ibang magsisigawa rin ay bibigyan kita ng katangiang makagawa ng hanggang ibig mo; alalaong baga'hindi ka tatasahan sa mga material na gagamitin, at sa gayo'kikita ka ng higit sa lahat, higit sa dating kaupahang ibinibigay dito at higit pa rin sa kinikita mo sa kasalukuyang ginagawan mo. ano, nanayag ka ba? si pablo ay hindi magkantututo ng isa sagot; napipigilan siyang umayon, hindi sapagka'ang conciencia niya ang tumututol, kundi sa takot sa mga nagsiaklas. hindi naman niya matanggihan ang gayong pagaalok, sapagka'naiisip niya na yaon ay isang magandang pagkakataon na dapat niyang samantalahin upang ikita ng malaki.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"uulik ulik ang kanyang isip at walang malamang isagot; kaya'nang mamalas ng mga kaharap ang gayon niyang pagaatubili ay nagkindatan muna at pagkatapos na sumungaw sa kanilang mga labi ang isang ngiti ay winika ng tagapamahala. ano ang iyong sagot? at si pablo, sa tanong na ito ay parang nabuhayan ng loob; kaya'ang tugon: ako po'pumapayag; nguni'nag aalaala po ako na baka. huwag kang matakot. ikaw ay hindi maaano. tatangkilikin ka ng pagawaan sa pamamagitan ng mga batas. upang matangkilik ka at gayon din ang ibang kasamahan mong dadalhin dito ay magpapadala kami rito ng ilang pulis na tatanod. kung gayon po'. asahan mo ang hadlang ng kausap. huwag kang matakot; gawin mo ang lahat nang magagawa upang sa loob ng linggong ito ay makapagpasimula na kayo. ang naiisip ko po ay si gervasio ang unang hikayatin, yayamang siya po ang nangungulo sa kilusan; at inaasahan ko po, na kung ito ang makukuha natin ay lalong madadali ang pagsunod ng iba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"ikaw ang masusunod; at lalong mabuti, kung mahimok mo siya. ipangako mo rin ang mga bagay na ipinangako namin sa iyo. ako na po ang bahala at sabay na nagtindig sa kinauupan at pagkatapos ay ang patuloy: ako po'aalis na. oo ang tugon ng tagapamahala, at pagkatapos na makadukot sa bulsa, ay ang patuloy: tanggapin mo ito, upang may magugol ka man lamang sa mga pagyayao'dito at sa kamay ni pablo ay iniyabot ang dalawang tiglilimang pisong papel. salamat po ang nakatawang tugon ng pinagbigyan at sabay na isinabulsa ang sampung piso. ako po'aalis na, ang dugtong pa. adyos! ang tugon sa kanya ng kausap. isang malakas na halakhakan ang isinunod ng mga naiwan nang makalabas sa pinto si pablo. nakabili na tayo! nakabili na tayo.! ang sunodsunod na wika pa ng mga mamumuhunan na lalong pinakalakas ang pagtawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"samantala naman, si pablo, ang bagong hudas, ang walang puso at kaluluwang manggagawa, ay nagpatuloy sa kanyang paglakad, at binabalangkas sa mahina niyang pag iisip ang kung ano at paano ang mabuting paraang dapat niyang gawin upang si gervasio ay mahimok, at sa pamamamagitan naman nito, ay makaipon ng mga taong dapat na ipasok sa pagawaang inaklasan. mga manggagawang gaya ni pablo ay marami pa at di hamak na malilipol sa pilipinas. tatlong araw ang lumipas buhat sa huling mga pangyayari. ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan ng sino mang manggagawang tabakero. ang matalinong pagsisikap ng kawanihan ng paggawa sa ipagkakasundo ng dalawang pangkat na naglalaban ay walang napala; nabigo ang lahat ng pag asa ng tagapamahala ng bureau del trabajo sa ikahuhusay ng sigalot sanhi sa pagmamatigas ng mga mamumuhunan sa pagawaang pinagaklasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"makaitlong nagpabalikbalik sa pagawaan ang tagapamahala sa kawanihang nasabi, subali'yaon at yaon din ang sagot ng mga mamumuhunan. hindi na nila mababago ang ipinasya. ganito ang laging panagot. noon, ay umaga rin, at ang lupon ng mga manggagawa ay nakipagkitang muli sa tagapamahala ng kawanihan ng paggawa, upang alamin dito ang tayo ng salitaan; datapwa'walang natamong tugon dito kundi ang salitaang nabibitin ay patuloy sa dating lagay. hindi nagbabago at lalong nagpapakatigas ang mga kalaban. tiyaga at pagtitiis, ang tanging inihahatol ng kawanihan sa mga nagsiaklas, yayamang liban dito ay wala nang magagawang iba. inaasahan ko ang patuloy pa nga ng nasabing tagapamahala na sa huli ay mahuhusay din ang lahat nang sigalot sa ikasisiyang loob ng dalawang panig. sapagka'alamin ninyong kung malaki man ang nawawala sa inyo ay lalo namang malaki ang napipinsala at nawawala sa mga mamumuhunan; kaya'ito ay hindi rin naman makikipagtagalan sa paglalaban.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at huwag lamang na sawing palad na pasukan ng mga kamanggagawa ninyo ang pagawaang iyan ay inaasahan ko at maaasahan din naman ninyo na kayo'magtatagumpay, kung di man sa lahat ng inyong mga kahilingan ay sa marami niyang mga bahagi. at ang lupong manggagawa ay bumalik noon din sa pinagtitipunan ng mga nagsiaklas. sinabi sa mga kasama nila ang pinangyarihan ng kanilang huling lakad na yaon, at gayon din, isinakabatiran ng madla ang tayo ng kanilang salitaan at gayon ang hatol naman ng tagapamahala ng kawanihan. malalalim na buntonghiningang makadurog puso ang sa dibdib ng mga kaawaawang manggagawang yaon ay pumulas; mga buntonghiningang nagpapakilala ng tinitiis nilang hirap sa iilang araw pa lamang na itinatagal ng aklasan. gaano pa kaya, kung ang aklasan ay magtagal ng isang buwan man lamang! at si mauro, sa harap ng gayong namamalas ay lihim na nagtitiis. umasa tayo at maghintay! ang ipinanglulunas na lamang niyang hatol sa lahat. oo; umasa tayo at maghintay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"ang ikinasisiyang tugon naman ng marami. bigong pagasa! at sayang na paghihintay! sapagka'sa kinahapunan noon, si pablo ay boong tapang na pumasok sa maluwang na pinto ng pagawaan, na kasama ng may labing isa pa, buhat sa ibang ginagawan. labing isang manggagawa sila na nahikayat ng makamandag na dila ni pablo! labing isang bibig na may kinakain na ang umagaw pa sa dapat kanin ng iba! ang mga gahamang ito ay siyang dapat managot sa napakaraming aklasang natalo sa pilipinas, at sa libolibong bibig na walang makain ng mga asawa'anak ng nagsisiaklas. lubha ngang kanaisnais na ang mga ito'mawala at malipol agad! simula nga sa hapong yaon, ang pagawaan ay untiunti nang nagkakaroon ng buhay, at wala pang isang linggo, ang datihang linggal at manakanakang pukpukan at tawanan ay naririnig. ang mga kahabaghabag na nagsiaklas ay lalong nagsisipagtiis!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"sa mga mukha nila ay nababakas ang isang malaking poot, nababadha sa pawisang noo ng bawa'isa, ang pagkasuklam sa mga gahaman at taksil na yaon na siyang sumira sa magiting na kilusan nilang mga nagsiaklas. di miminsan, at sa init ng nagpupuyos nilang loob, ay balakin ng ilan ang maghiganti; parusahan ang isa ilan man sa mga taksil na yaon. datapwa'ang lahat nang ito, ang lahat nang balak at naiisip gawin, ay napipigilan, sanhi sa mga pangungusap at hatol na ibinibigay ni mauro. sa pamamagitan ng maaayos at maliliwanag na pagmamatwid ay nakukuhang payapain ni mauro ang mapupusok na kalooban ng kanyang mga kasama sa harap ng namamalas na nalalapit na pagkabigo ng aklasan. huwag anya huwag. huwag nating isipin ngayon ang pagpapadanak ng kahi'iisang patak na dugo ng ating mga kapatid din; hindi natin kailangan, at kailangan man natin ang gayon, ay hindi natin magagawa nang may kapakinabangan tayong tatamuhin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"para sa mga manggagawang pilipino, ang araw na iyan ay hindi pa dumarating; hindi pa nga, at lubhang napakalayo pa! kung magkaminsan nga ay kinakailangan din ang pagpapadanak ng dugo upang maipakilala sa mga taksil, ang kasamaang ibinubunga ng kanilang mga gawain at ang kahiduwaang pumapatay sa magagandang simulain, sa pamamagitan ng kanilang mga inaasal; datapwa'ang gayon ay ginagawa at nagagawa lamang sang ayon sa mga pagkakataon, at sang ayon sa uri at hugis ng sosyalismong umiiral at nalalaman kinikilala at pinamamantunganan ng mga manggagawang gagamit ng gayong sandata. kayo na ang magsabi. ano ang kapakinabangang mahihintay natin pagkatapos ng pagpapadanak ng dugo? wala, kundi maghari ang lakas ng mga batas sa ibabaw ng sawing palad na tumupad sa atas ng isang dakilang mithi. at pagkatapos, ay maging dahil pa ng mga pagpula sa gumawa; maging sadlakan ng paguyam at tagurian pa ng mamamatay unang una na noong mga makikinabang sa huli sa mabuting bunga ng gayong pagpatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"makikita rin natin, na ang magiting na ito, ay bukod sa di na kahahabagan man lamang sa kinasapitang palad ay aalimurahin pa; itatakwil at pawawalang kabuluhan sa harap man ng marami. kaya nga mga kapatid; saka na! saka na, kung makilala ng mga manggagawang pilipino ang tunay niyang karapatan! ang ganitong pangangatwiran ni mauro ay siya lamang ikinapayapa at ikinalamig ng puso ng mga kasama. ang lahat ay naghiwahiwalay. si gervasio ay saan naroron? ano'sa mga huling pangyayari ay di man lamang nakita gayong siya ang pangulo.? alamin natin. gaya nang nalalaman natin, si pablo, nang makalabas sa pintuan ng pagawaan, ay nagisip ng mga paraang gagamitin sa paghimok kay gervasio, upang ito ay magbalik sa pagawaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"sa gabi rin ng araw na yaong makausap siya ng may pagawaan ay nagsadya na siya sa bahay ng hihikayatin, at taglay sa puso ang malaking pagasa sa tagumpay ay walang kimi ni pagaalinlangan ipinabatid kay gervasio ang kanyang layon, sa pamamagitan ng mga tiyakang pangungusap at hindi maligoy na pagsasalaysay. sinabi ang pagkakapatawag sa kanya ng tagapamahala ng pagawaan, at gayon din ang mga pangakong ibinigay at ng sampung pisong kaloob. si gervasio, sa harap ng gayong salaysay at panghihikayat ni pablo, ay natilihan muna at di agad nakasagot; pinagbulaybulay sa isip niya ang mga pangyayari at dapat pang mangyari sakali'tanggapin ang amuki ng kaibigang humihikayat. nang mamalas ni pablo ang gayong di pagtugon ng kanyang kausap ay nagpatuloy: tingnan mo anya ano ang mapapala mo sakali'magpatuloy ka sa kalagayang taglay mo ngayon? inaasahan mo baga, na kayo'magtatagumpay sa aklasan? inaakala kong hindi, at nasabi ko na nga sa iyo ang sinabi sa akin ng tagapamahala sa pagawaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"titikisin daw niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong lakas. at tangi sa rito, ano'makikiloko ka sa kanila? kung wala ka pa bang makain at sampu ng iyong pamilya ay mayroong magbibigay sa iyo? iyan din nga ba ang sinasabi ko sa taong iyan ang halos ay nangdididilat ang mata ng asawa ni gervasiong humalo sa salitaan sa hirap naming ito ay hindi ko nga malaman sa taong iyan kung ano'hahalohalo sa mga kaululan at chismes; tila baga kung napipisanan na siya at sampu ng kanyang pamilya ay may tutulong man lamang at makaaalaalang siya'lapitan. aywan ko nga ba! at sabay sa mga huling pangungusap na ito ay nangdudura pa man din. wala na; para sa mahinang puso ni gervasio, ang ano mang pangangatwiran ay di na maibuka sa bibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"marinig sa bibig ng asawa niya ang isang pagsisi sa kanyang ginawa at ginagawa sa kapakinabangan ng marami, bakit ay naisurot pa nito na kung ano at kung bakit hahalohalo sa mga chismes, ay doon na pinanglupaypay na lalo ang kanyang marupok na puso sa harap ng mga nakahahalinang amuki ni pablo. kaya'pagkalipas ng ilang sandali ay napilitang magsalita. paano ang iba kong kasamahan? ang iba mong kasamahan? ang wari'sagot na tanong din ni pablo. bakit mo sila iintindihin di bayaan mo sila! ang bawa'isa ay dapat humanap ng kanyang sariling kagalingan; kanikanyang hanap at pagsisikap. at ang aming sumpaan? walin mong kabuluhan ang salo agad ni pablo. aywan ko sa taong ito ang sabad na naman ng babai tila ibig mag kristong papako sa krus sa kagalingan ng marami at ibig yatang matawag na manunubos. siya nga naman ang sambot pa ni pablo isipisipin mong mabuti. ang iniaamuki ko sa iyo ay kagalingan mong sarili at ng iyong pamilya. siya na iyang makamakabayan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at si gervasio ay pilit na sumuko; sa harap ng dalawang tukso ay wala na siyang magagawa. at saka naaalaala nga rin niya ang gipit nilang kalagayan sa pamumuhay, sa gitna ng malawak na dagat ng buhay at sa gitna ng naglalakihang daluyong ng kasaliwaang palad. at siya, si gervasio, ay walang tapang na makahaharap sa malalaking pagbabaka maging ang pagbabakang ito ay magbunga sa huli ng tagumpay ng isang dakilang simulain at kalasapan ng di gaanong kagalingan ng marami. maligtas lamang ang sarili ay mamatay na ang lahat. ito, ang simulaing naghari at pinapaghari ni gervasio sa kanyang puso; kaya'sa wakas ay sinabi ng boong sigla. ako ay umaayon. at ang pangulong gervasio, mula sa mga sandaling yaon na bigkasin niya ang pag ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa pilipinas. kung gayon, ang may malaking kagalakang sabi ni pablo bukas ng hapon ay sasama ka na sa akin. tayo ay gagawa nang kasama ng ilan pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan. huwag; huwag muna.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"kailangan nating hikayatin si mauro. siya nga; lalong mabuti kung pati na siya ay makasama natin. inaasahan ko rin, na gayon ang mangyayari. siya nama'dukha ring kamukha ko. wala rin siyang itatagal sa malaong aklasan. kung gayon, bukas na ng hapon tayo pumaroon, at sa hapon ko na rin dadalhin sa pagawaan ang mga magsisigawa, at pagkapanggaling ko roon ay saka na tayo magkita. sa gabi na tayo pumaroon. lalong mabuti nga ang tugon ni gervasio kita'hihintayin. oo, darating akong walang sala. at noon din si pablo ay nagpaalam. nariyan ang dahil, kung kaya'si gervasio, sa pook na pinagtitipunan ng mga nagsiaklas ay di man lamang nakita. sa harap ng kanyang susulatan, si mauro ay payapang nakaupo kinagabihan din ng araw ring yaong ipinaghiwahiwalay nilang magkakasama. nakapatong sa ibabaw ng lamesa ang dalawang bisig at sa mga palad ay nakakatang naman ang dalawang pisngi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"malungkot ang kanyang anyo; at sa pagmumukha ay nababakas ang isang napakalaking damdaming kinakabaka ng puso, damdaming nakapagpapapulas sa dibdib ng malalalim na buntonghininga. sadyang nang mga sandaling yaon, ay may isang malaking suliraning pinagaaralan. kinukuro at dinuduklay sa isip ang sanhi at kung bakit may mga manggagawang sa kilusang tungo sa pagtatanggol ng karapatan na pinagsisikapang itaguyod ng iba nilang kamanggagawa ay nagkakatapang na siyang sumira sa kilusan sa pamamagitan ng pagtataksil. hindi niya lubos maisip ang sanhi ng kung bakit samantalang ang ilang magigiting na kawal ng pawis ay nagpapakasakit sa pagtataguyod ng aping karapatan ng mga manggagawa upang pagkatapos ay kilalanin ng mga mapaniil na puhunan, ay marami rin naman sa mga manggagawa ang walang sinasamantala kundi ang gayong mga kilusan upang makasunod sa masamang nasa at kinamihasnan ng puso na pagpapasasa sa mga tungkulin at gawain ng mga nagsisiaklas, sa kapakinabangan at kagalingan nilang sarili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"lumuluha ang kanyang puso. at nagdaramdam sampu ng kanyang kaluluwa, sa mga katiwaliang namamalas. hindi miminsan, at sa gayon niyang pagbubulaybulay, ay ikapit ang malaki at lalong mabibigat na pagsisi, doon sa mga unang humawak ng kapalaran ng mga manggagawang pilipino at sa ilang humahawak pa rin at nagsisipagtaguyod kunwa sa mga anak pawis, bago'ang kadalasang mangyari ay sila na rin ang unaunang nagbibili at kumakalakal sa mga ito sa maraming kilusang nangyari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at lalong malaki at napakalaking sala ang ibinibigay niya sa harap ng mga napapariwarang kilusan ng mga anak pawis, sa mga nagbabansag na tagapagtanggol ng malalayang karapatan ng mga manggagawa at sa mga nagkukunwaring umaakay sa mga ito, sa landas ng pagkakaisa, sapagka'maliwanag na nakikita at nadadama sa mga pangyayari, na, marami pa ang panahong ginugugol nila sa pagpapalaganap ng isang lihim na pagiimbot sa isang tungkuling inaadhika, kay sa panahong dapat gugulin sa pagiisip at paghanap ng wastong paraan, upang ang marami at malalaking suliraning manggagawa sa pilipinas ay malunasan. anopa'sa ganang kanya, sa ganang kay maurong nagdaramdam sa namamalas na kaapihan ng madlang kilusang manggagawa, ang mga ito ay malimit lamang na gawing hagdanan ng ilang mapagimbot at nagkukunwaring tagaakay nila at upang makaakyat sa tugatog ng dangal at katungkulan, dangal at katungkulang gagamitin lamang sa sariling kapakanan at kagalingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"sa gayong malungkot na pagmumunimuni ni mauro, ang asawa niyang si serafina halili, babaing puspos hinhin, marangal at matalino, na di lamang karapatdapat na ina ng tatlo nilang maliliit na anak, kundi isa rin namang katulong at katuwang niya sa malaking pagbabaka sa buhay, na mula pa nang mga unang sandali'nagmamalasmalas na sa anyo at kilos ng asawa, ay di na nakabatang di lumapit at magusisa: bakit ka nalulungkot? ano ang nangyayari sa inyo? may malubhang bagay bagang sinasapit ang inyong kilusan? ang sunodsunod na tanong ni serafina. ang naitugon ni mauro na hinawakan ang kamay ng asawa sawing palad.! sawingsawi ang kapalarang sinasapit ng mga manggagawa! hindi ba'ang kilusan ninyo ay nagkakaisa? nagkakaisa! oo; datapwa'ang mga taksil, ang mga hudas, ay siyang nagwasak at magwawasak pa ng nalalabing pagkakaisa ng mga nagsiaklas sa pamamagitan ng. at si mauro, sa laki mandin ng pagdaramdam na sa puso niya'tumitiim, ay napasuntok sa ibabaw ng kanyang sulatan at tuloy na napayukayok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"si serafina, babaing kailan ma'di pinagmamaliwan ng pagmamahal sa kanyang asawa, at babaing nakakikilala at nakababatid ng tungkulin niya, sa mga sandaling yaon ay biglang napayakap kay mauro at ito'pinagbiyayaan ng matatamis na halik. mauro: husayin ang iyong loob; pumayapa ka, at mangyaring sabihin sa akin ang sanhi ng iyong malaking pagdaramdam. titingnan ko, kung ano ang magagawa ko. at kung, sakali mang ako sa aking pagkababai ay walang magagawang anomang tulong upang sa kasawian ng mga kamanggagawa mo'makabawasbawas, ay matulungan man lamang kita sa paghahanap ng lunas. salamat, serafina, salamat: at nalalaman mo na naman marahil, na ako'walang lihim para sa iyo, kaya'makinig ka at aking isasalaysay ang lahat. si serafina ay umupo. at si mauro ay nagsimula.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"kaninang hapon, samantalang ang lahat at bawa'isa sa mga manggagawang nagsiaklas ay nagkakapulong at pinaguusapan namin ang mga pangyayaring hinaharap, at samantalang inaasahan namin ang tagumpay na di malalaon ng mga adhika namin, ay naririto, at sa pagawaan, ay nagsipasok ang ilan, sa ilalim ng pangungulo naman ni pablo, isang manggagawang may kinalalagyang pagawaan, na nahikayat mandin ng tagapamahala ng pagawaan, at ito naman ang siyang humikayat sa iba. sa ganitong pangyayari, kaming nagsiaklas ay wala nang nalalabing pag asa munti man sa pagtatagumpay; sapagka'nakikinikinita ko, na sa likod ng taksil na si pablo at sa likod pa ng ilan pang nahikayat niya, ay susunod naman ang ilan pa; at sa wakas. sa wakas nga, ay marahil ang lahat na sukatin mo, serafina, kung sa lahat nang ito ay may puso akong itatagal! huminahon ka, mauro, at ikaw, sa mga nangyayaring iyan, munti man ay walang sala; hindi ka masisisi ng sinoman, pagka'ikaw sa iyong sarili ay walang magagawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"kung sa bagay, serafina; datapwa'di ko lubos na dinaramdam ang magiging palad ng aklasan namin ngayon kung matalo man, kundi ang magiging palad ng mga darating na kilusan. iya'katotohanan; subali'taglayin ng mga may sala ang parusa, subali'ikaw ay hindi; sapagka'napariwara man ang iyong magagandang layon at adhika ay paano'paano ma'dadalhin mo sa harap ng iyong sariling budhi ang kasiyahang loob, sa, pagkatupad mo sa inaakala mong tungkulin; at sa isang dako, ako namang asawa mo, ay lalasap ng lalong malaking ligaya sanhi sa ang pangalang taglay ko na ipinagkaloob mo sa akin, ay malinis at hindi nalalahiran ng bahagya mang pagtataksil; at ang mga batang anak natin ay maiiwanan mo naman ng isang karangalang di matutumbasan ng pilak ni ng anomang kayamanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"magbalik na silang lahat sa pagawaan ng di natatamo ang tagumpay kundi ang kahiyahiyang pagkatalo; datapwa', ikaw na asawa ko, ay hindi ko inaasahang gagawa ng gayon, alangalang man lamang sa malinis na karangalan na dapat mong ipamana sa ating mga anak. dumating na ang hirap; dumagsa na sa atin ang lahat ng sakit at paghihikahos sa buhay kung wala ka mang pagkakitaan ay nakangiti kong tatanggapin at ituturong tanggaping maluwag sa puso ng ating mga anak. sa gayon ay maipakikilala natin sa harap ng kahit sino, na kung sakali mang may mga manggagawang pilipino na walang hinaharap ni sinisikap kundi ang kagalingan at kapakanang sarili, ay mayroon din namang hindi, at isinasailalim ang mga kagalingang sarili sa kagalingan na marami; kaya, mauro, paghusayin ang iyong loob. salamat, serafina. at tantuin mo, na sa harap ng mga kasawiang laging inaabot ng maraming aklasan at ng ano mang kilusang manggagawa, ang mga hatol mo at pasyang binitiwan ay siya kong gagawing kalasag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"isang tinig ang mula sa lupa ay siyang pumutol sa gayong mahalagang paguusap ng mag asawa. dinungaw ni serafina, at nang makita at makilalang si gervasio at si pablo ang tumawag ay agad na sinabi kay mauro. natigilan si mauro at hindi agad nakakibo. inisip niyang huwag tanggapin ang pagdalaw ng dalawa, pagka'mandi'nasusuklam siyang makiharap sa kasama ni gervasio. datapwa'madali siyang nagbago ng akala. nararapat niyang tanggapin ang pagdalaw ng dalawa, upang huwag siyang mapintasan sa pakikipagkapwa, at upang mabatid tuloy ang sadya, at malaman kung ano'kung bakit si gervasio ay kasama ni pablo. sa pamamagitan ni serafina, ang dalawa'ipinatuloy. at nagsipanhik. sa harap din ng sulatan ni mauro, pagkatapos ng mga kailangang batian ay nagkaibayo sila ng upo. si serafina, pagsunod sa isang anyaya ni mauro, ay naupo rin sa piling nito. ano, kumusta, mga kasama.? ang unang bati ni mauro na nakangiti ano ang inyong layon.?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"nagkatinginan muna ang dalawang panauhin at pagkatapos ay ibinaling ang mga mata kay serafina. ang gayon ay di nalingid sa kaalaman ni mauro, at nahulaan mandin ang pagaatubili ng dalawa, kaya'muling sinabi: sabihin ninyo, mga kasama, ang sanhi ng inyong ipinarito; huwag kayong magalinlangan at sa harap ng aking asawa ay makapagsasalitaan tayo; huwag kayong magalaala. siya nama'mapagkakatiwalaan. ang sambot agad ni gervasio. kung gayon ay sabihin na ninyo. at si pablo ang nagpasimula. kami ay naparito, kaibigang mauro, upang kausapin ka sa isang mahalagang bagay. siya nga: ang ayon ni gervasio. ipatuloy ninyo ani mauro naman. ang sanhi, ani pablo ay upang amukiin kang sumama na sa amin sa pagpasok. ang nabiglang tanong ni mauro na kumabakaba ang dibdib. sa ating pagawaan ang tugon ni gervasio. sa pagawaan natin? oo, ani pablo naman. isang matunog mang bomba ang lumagpak sa harapan ni mauro ay di pa marahil ikagugulat nito na gaya nang marinig ang katatapos na sabi ng dalawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"napatindig sa kinauupan; at noo'ibig na sanang daluhungin ang dalawang panauhin upang maipakilala sa kanila ang bigat ng sinabi; subali'nakapagpigil din sanhi sa pagaalaala sa mga pangyayaring di pamumungahan ng anomang buti at sa pagaalaala rin naman na siya'nasa kanyang sariling tahanan, at di nararapat na gumawa ng anomang malalabag sa magandang kaugalian; kaya'namayapa pa rin at ang wikang kasabay ng pagupong muli. mga kasama: sa inyo bagang sinabi at iniaamuki sa akin ay nalalaman ninyong may isang mahalagang bagay na napapagitna? oo, nalalaman namin ani pablo. kung gayo'nalalaman ninyo, ay anong mga matwid ang mailalahad ninyo sa akin upang kayo'ayunan ko? ang sarili mo ring kagalingan ang nakangiting tugon pa ni pablo. salamat, kasamang pablo; pinasasalamatan ko ng marami ang iyong mabuting hangad; subali'ipahintulot mo, na sabihin kong hindi ko matatanggap kailan man ang anomang hangaring makapagpapabuti lamang sa aking sarili, nguni'sa kapanganyayaan naman ng marami.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"bakit mo iisipin at aalalahanin ang kapakanan ng iba? sukat mong alamin, kasamang mauro, na ang inyong aklasan ay di magtatagumpay. walang pangyayarihan kundi ang pagkabigo at pagkasayang lamang ng panahon; kaya'bayaan mo na sila'harapin mo ang sarili mong kagalingan, yayamang isang pagkakataong dapat mong samantalahin ang pangakong binitiwan ng may pagawaan! siya nga naman ang paayon ni gervasio. at ikaw ba, kasamang gervasio, ay umayon na? ang tanong ni mauro dito. oo; ang tugong may kasiglahan ng tinanong. ako'umayon na, sapagka'nakikita kong wala rin lamang pangyayarihan ang ating pagmamatigas; tayo, sa ating kahirapan, ay walang magagawa. gervasio, gervasio. ang ulitulit na tawag na may kahalong pagiring ni mauro.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"hindi ko akalain, na ikaw, ikaw na inaasahan pa naman ng marami mong mga kapatid at kamanggagawa sa pagtatanggol, ang siya ngayong unaunang magpapawalang kabuluhan sa lakas ng pagiisa; ikaw na pinagkatiwalaan nila ng lahat nilang pagasa ay siya ngayong maglalagpak sa karangalang malinis na dapat sanang dalhin at tamuhin nating lahat sa aklasang ito. hindi ko hinihintay, oo; hinding hindi nga, na sa iyo'mamugad ang isang pusong may tiwali at di wastong paniniwala. oo; hindi ko inaasahan, na ikaw pala ay may isang puso at damdaming marupok, upang huwag kong sabihing imbi. mauro; hindi rin naman lubos na gaya ng paniniwala mo. ang nakangiti pa ring tugon ng kinakausap. at ano ang maitatawag sa iyong inaasal? pagliligtas sa isang bagay na di katatamuhan ng tagumpay ang salo naman ni pablo. mga kasama; ipahintulot ninyo, na ako pa rin ay tumugon. sa ganang akin, kailan man ay di ko magagawa ang magtaksil sa aking mga pananalig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"pinanaligan kong ang kilusan namin ay nararapat kong katigan at ipagtanggol, kaya naririto ako'hangga ngayon ay nananalig pa rin, kung hindi man sa tagumpay ay sa kadakilaan ng layon at simulaing ipinakikipaglaban. oo na nga ang putol pa ni gervasio sa nagsasalita datapwa'ang lahat nang iyan ay kailangang ingatan kung nakikitang may tagumpay na inaasahan sa huli. at paanong ibig ninyong makaasa sa tagumpay, kung may mga taksil at walang kaluluwang nagbibili sa pamamagitan ng isang pangako ng lalong dakila at mahalagang kilusan? paanong ibig ninyo, na ang alin mang aklasan ay magwagi, kung ang mga nangungulo at nagsisipangasiwa sa kapalaran at buhay ng libolibong mga kapatid ay siyang unang nagsisipagtaksil sa dakilang pagiisa ng mga manggagawa? hindi, makalilibong hindi. ang nagkapanabay ng dalawa. ipatawad ninyo ani mauro ang kaunting kabigatan ng aking sinabi; subali'ang puso ko ang siyang naguutos; kaya'. huwag kang magalaala ng anoman ang tugon ni pablo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"kung sa bagay ay dapat na sana naming ipagdamdam ang iyong mga binitiwang pangungusap; nguni'ipinagpapaumanhin na namin, sa paniniwalang makukuha pa rin namin na ikaw ay maliwanagan, at sa huli ay makikilala mo ang kahalagahan ng aming layon. subali', huwag na kayong magpagod ang matigas ding tugon ni mauro. alalahanin mo, na ang sarili mong kapakanan ang siyang dapat unahin. lalong hindi ko matatanggap ang sinabi ninyong iyan; sapagka'nananalig pa rin ako, na samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalingan ng mga manggagawa sa pilipinas ay di isinasailalim ng kapakanan at kagalingan ng marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway ng katubusan ay di mamamanaag. at ikaw ba ang babago sa kapalakarang iyan? ang nakatawang tugon agad ni gervasio. kung hindi man gayon ang mangyari ay maging pasimulang hakbang man lamang sa pagbabagong buhay ng mga manggagawa sa pilipinas. ha, ha, ha, ha,.!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"ang halakhakang nagkapanabay ng dalawa, at saka ang sabi ni pablo: alalahanin mong may asawa ka at mga anak, na madadamay sa paghihikahos. ang sandaling yaon, para kay serafinang nakikinig at malaon na ring ibig na sumagot sa paguusap ng tatlo; ang sandali ngang yaon ay inakala niyang isa nang pagkakataong dapat samantalahin upang maipakilala sa dalawa ang kaniyang linoloob; kaya'pagkatapos na matingnan si mauro ay boong siglang sinabi: mga ginoo: dumating ang sandali, na sa kapahintulutan ninyo at ni mauro ay kinakailangan kong magsalita, yayamang nabanggit na rin lamang ninyo sa inyong mga pangangatwiran ang kanyang asawa'mga anak. dinaramdam ko nang labis, na sabihin sa inyo ngayon, na sa pangalan din ng inyong mga nabanggit na asawa'anak ni mauro, ay siya'hindi maaaring magtaksil sa kanyang mga pananalig. makalilibong nanasain kong dumating ang hinuhulaan ninyong paghihikahos, huwag lamang ang sandaling siya'matawag na taksil at mamamatay sa mga dakilang kilusan ng mga manggagawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"hindi namin kinakailangan ang anomang ginhawa, kung ang ginhawang iyan ay magiging kapalit ng karangalang malinis na dapat ipamana sa aming mga anak. si mauro ay hindi makagagawa ng gayon. ang karangalan muna, bago ang lahat, mga ginoo. at ang lalaki amang hindi marunong magtanggol sa karangalang naaapi, magpakailan ma'busabos, alipin at apiapihan. ang mga huling pangungusap na ito ni serafina ay parang mga palasong tumimo sa puso ng dalawa; hindi nangakakibo at mandin ay nangatubigan sa pagkakaupo. hindi nila inaantabayanang marinig sa asawa ni mauro ang gayong mga pangungusap; mga pangungusap na labis ng saklap at pait. sa pagkabanggit nila sa asawa'mga anak ni mauro ay inaasahan nilang sila'matutulungan ng babai sa paglalahad ng mga katwirang sukat makapagpabago ng loob sa hinihikayat at kailan ma'hindi nila inakala, na si serafina ay magkaroon ng tapang at sigla ng puso sa paghahayag ng mga damdaming pangbihira sa mga babaing pilipina. kayo po ang bahala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"ang naitugon na lamang ni pablo, pagkatapos ng pagsasalita ng babai. ginagawa po lamang namin ang lahat nang magagawa, upang kayo'mailigtas sa paghihikahos ang naisagot naman ni gervasio. salamat sa inyong nasa, mga kasama: ang tugon ni mauro. datapwa'narinig na ninyo ang mga katwirang pinanghahawakan ni serafina; at mga pangangatwirang lubos kong sinasangayunan sapagka'nasasalig sa aking mga paniwala at sa mga simulaing pinanghahawakan; kaya'ipatawad ninyong tapusin ko na ang paguusap na ito. kami'sadyang magpapaalam na naman ang nagkapanabay na tugon ng dalawa sabay ng pagtitindigan. nagkamayan at parang walang anomang nangyari sa kanila, ay malugod ding inihandog ni mauro at ni serafina ang kanilang tulong sa bawa'bagay na makakaya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"liban sa mga pusong walang anomang karangalan, na gaya ng taglay na nga ng dalawang magkakasama, ay wala ni sinomang makalalasap sa mga pananalitang binitiwan ni serafina sa pagtatanggol sa napapanganib na karangalan ni mauro, na di tatablan ng isang malaking kahihiyan. pagkaalis na pagkaalis ng dalawa, si serafina ay lumapit sa asawa; inaloalo ng matatamis na pangungusap na sukat bagang makapagpatibay sa loob ni mauro sa mga nangyayari, at sabay sa mga pagsasalita niya'pinagbibiyayaan ng matutunog na halik, halik na ginaganti naman ng lalaki ng gayon ding tanda ng walang maliw na pagiibigan. mapalad na lalaki ang magkaasawa ng ganitong mga babai! at mga babaing gaya ni serafina, ay bihira nating makikita. sumapit ang kinabukasan. ang pagawaang pinagaklasan, nang umagang yaon ay pinapasukan na ng maraming manggagawa. ang lahat halos ng mga manggagawang ito ay pawang nangahikayat ni pablo sa ibang mga pagawaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at siya, si pablo, na pinangakuan ng mga mamumuhunan ng kung anoanong katangian, ay lalong napamahal sa mga ito, dahil sa kanyang ginugol na sipag at tiyaga sa paghahanap ng mga tao; sipag na nakatulong nang malaki upang silang mga mamumuhunan ay magwagi sa ibabaw ng mga nagsiaklas. at, ang mga pules, na buhat pa sa unang araw ng aklasan ay tumatanod sa pagawaan, sa kahilingan ng mga may ari, ay naroon pa rin at di nagsisialis. sa may dulaang rizal, pook na pinagtitipunan, ay nangaroon ang mga nagsiaklas. ang lahat ay nakatingin sa maluwang na pinto ng pagawaan, at pinagmamasdan ang mga lumalabas at pumapasok. at ang ilan sa kanila ay boong ngitngit na sumasaksi sa gayong pagkapariwara ng aklasan, dahil sa pagtataksil ng mga kapatid din nila; subali'ang lalong marami ay waring nangaiinggit na sa nagsisipasok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"sa lipunang ito ng lalong marami ay pinaguusapan ang pagbabalik na sa pagawaan, yayamang wala na rin lamang magagawa, sa dahilang pinapasok na ng marami ang pinagaklasan nila, at dahil dito ay nagaalaalang baka kung sila'magpapaumatumat ay hindi na tanggapin ng mga, mamumuhunan, at sila naman ay wala nang iba pang mapapasukan dahil sa ang karamihan ng mga pagawaan ng tabako ay inaabot ng malaking panghihina sa kalakal. nang mga unang sandali pa ay ibig na ng ilan ang pumasok; subali'walang makapangahas na manguna; ang kaunti pang karangalang nalalabi sa bawa'isa sa kanila ay siyang pumipigil, lubha na'magunita nilang ang ilan sa mga kasama ay mahigpit na tumututol. ito ang sanhi ng di matuloytuloy nilang pagsasagawa ng mga binabalak na panunumbalik sa pagawaan. subali'sadya manding masasawi ang aklasang yaon, sapagka'noon, ay nagsilabas sa pagawaan sila pablo at gervasio, at sa pinagtitipunan ng marami ay nagsitungo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"pagdating ng dalawa ay niligid na ng marami, at kay gervasio ay tinanong ang nararapat na gawin. ipinabatid ng tinanong, na siya'umayon na sa pagbabalik sa pagawaan, sapagka'sa ganang kanya, ay wala na rin lamang mapapala ang pagmamatigas laban sa mamumuhunan; at kasabay na rin ang paghikayat sa marami upang magsipasok na. pagkatapos ng ilang sandaling pagpapaliwanagan, ang lipunang yaon na binubuo ng marami ay sumang ayon na rin sa hikayat ng dalawa, bagama'ang lipunan ng ilan, na binubuo lamang yata ng anim walo katao, ay nagmamatigas at ayaw sumang ayon. magsisialis na sana ang maraming yaon upang magsisama sa dalawa, nang dumating si mauro at siyang ikinahinto muna. inantabayanan nilang makalapit. mga kasama: ang unang bati ni mauro pagkalapit. saan ang inyong tungo? sa pagawaan ang sagutan ng marami. magbabalik kayo? ang may malaking panggigilalas na tanong pa ni mauro. pagka'wala na rin lamang magagawa ang ating aklasan anang ilan pa rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"kung gayon, mga kasama, ang aklasan ay tinatapos na ninyo? oo; ang sigawan ng marami. mga kapatid: kayo ang masusunod! kung ibig na ninyong magbalik ay hindi ko kayo pinipigilan: hari kayo ng inyong loob. subali'alalahanin lamang ninyo na kayo ay may malaking sagutin na dapat taglayin sa mga darating na araw, sa harap ng bayan, sa harap ng diyos at sa harap ng inyong sariling budhi. gawin ng sino man ang maibigan! datapwa', bumagsak sa ulo ng mga may sala ang sumpa!. ang sigaw ng isang tinig. si mauro ay napalingon. sa pook na pinagbuhatan ng gayong sigaw ay pinagalagala ang mga mata niya. isang bagay ang kanyang namalas. si gervasio at si pablo ay ligid ng ilang lalaki, at ang ilang ito ay nakilala niyang mga kaibigan, at siyang mga sumusunod sa madlang simulaing pinananaligan niya. hawak ng ilan, sa mga bisig ang dalawa, at anyong nagkakainitan sa paguusap. si mauro ay lumapit, at sa gitna ay tumayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"ang mga taong ito po ay siyang sumigaw sa inyo ng ulol ang wika ng isang may hawak sa bisig ni pablo, sabay ng pagbibitiw dito. totoo nga ba, kaibigang pablo, na ikaw ang sumigaw? ang nakangiti pa ring tanong ni mauro. oo; ano ang ibig mong gawin? ang may pangdidilat pang tugon ni pablo. wala ani mauro pa rin ng boong kalamigan. subali', ano ang dahil at ako'tinawag mong ulol? sapagka'ibig namin ang tugon naman ni gervasio ulol ka nga at sampu ng iyong mga kasama ang sigaw pang muli ni pablo. sukat ito, upang ang higing ng isang malakas na suntok na lumagpag sa mukha ng isang tao, ay marinig ng lahat. nagkagulo; at ang munting lipunang yaon ay nagpanuntukan. subali'ilang sandali pa at ang panuntukang yaon ay naging panglahat. ang pangkat ng iilan, na kinabibilangan ni mauro, ay nagigitna sa pangkat ng karamihan na kinabibilangan naman nina pablo at gervasio. sigawan at panakbuhan ng mga babai at ingay ng mga nagaaway ang siyang sa mga pules na bantay sa pagawaan ay nakapagpadalo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at ang lahat ay ibig na magpulasan; subali'hindi nagawa, sanhi sa pagbabala ng mga tanod ng kapayapaan. nang magkahiwahiwalay ang dalawang pangkat, ay dalawa ang may sugat sa bisig at dalawa naman ang nakatimbuwang na naliligo sa sarili nilang dugo ang nakita ng lahat. si mauro at isa pang kasama nito ay siyang may mga sugat sa bisig at ang dalawa namang nakatimbuwang ay dili iba'sila gervasio at pablo, na kapwa may sugat sa dibdib at sa mukha. sa gitna ng gayong paglalaban ay si mauro ang siyang unang tumanggap ng isang saksak na sa dibdib sana niya umabot kundi natutuhang salagin ng bisig na kaliwa, kaya'ito ang nasaktan din naman ng malaki. may sugat na si mauro; subali'gayon man, ay hindi rin nasira ang loob; kaya'nang makita niyang ang may patalim na kanang kamay ni pablo'babagsak na muli sa kanyang katawan ay maliksi at kasingliksi mandin ng lintik na sinagupa ang kamay na mamamatay at mahigpit na hinawakan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"nagpangagawan sila sa patalim, at sa kabutihang palad naman ni mauro ay nakuha sa kamay ni pablo ang kortapluma. ang dugong umaagos halos sa sugatang bisig niya ay siyang nakapagpadilim sa mga paningin ni mauro; umakyat halos sa kanyang ulo ang dugo at siyang nakapagpasubo sa malamig niyang puso. kinakailangan na niya ang magtanggol, upang mailigtas ang sariling buhay na sa mga sandaling yao'sumasapanganib. kaya'pagkapasakamay niya ng patalim na hawak ni pablo ay maliksi na rin sanang itatarak dito; subali'isa pa ring bisig na may patalim ang namalas niyang lalagpak sa katawan niya, kaya'ito na ang hinarap; si gervasio naman ang kanyang pinakipagtunggalian. sa pagsasagupaan nila, sa unang saksak na ibinigay in gervasio, si mauro ay nakailag; kaya'lumihis ang saksak na yaon. at pagkatapos, si mauro naman ang gumanti. sa dibdib ni gervasio, at sa dakong susong kanan, ay doon tumarak ang patalim ni mauro.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at sabay sa pagbagsak ng duguang katawan ni gervasio ay lumagpak din naman ang katawan ni pablo sa isang saksak na ibinigay ng isang di nakilala. at ang lahat ay naganap sa loob ng isang kisapmata lamang. at nang ang mga pules ay dumating, nakita pang hawak ni mauro ang naagaw na kortapluma at puno ng dugo. pinabitiwan sa kanya ng pules ang hawak at siya ang unaunang binantayan. at sunod sa kanya ay ang lima pang kaayon ni mauro, na ipinagturo ng mga kasama at kapanalig nila gervasio, nang ang mga ito'ligid na rin ng ibang pules na gumibik. dalawang ambulancia ang dumating na maliksing tinawag ng isang detective at sa isang laan sa mga may sugat ay doon isinakay ang mga ito, at sa isa pa ay ang mga malalakas naman. kakilakilabot na bunga ng di pagkakaunawaan ng mga manggagawa sa kapwa manggagawa.!! tatlong buwan ang lumipas buhat nang mga huling pangyayari. sa tulong ng malaking pagsisikap ng mga manggagamot, ang buhay nila pablo at gervasio ay nailigtas sa kamatayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at si mauro at ang kasama naman nito sa pagamutan, pagkatapos ng may mahigit na isang linggong paggamot sa mga sugat nila, ay mayroon nang dalawang buwan naman sa bilibid, na naghihintay ng araw ng paglilitis. ang ilan sa mga kasama pa nila ay pinakawalan na ring matagal, pagkatapos na makunan muna ng ilang; mga tanong na siyang ihaharap na, saksi sa araw ng paglilitis. ang ilan sa mga kasama naman nila gervasio at pablo ay gayon din; ang mga sagot nila at salaysay, ay siyang gagawing katibayan naman ng paguusig sa sakdal na nalalaban sa dalawa ni mauro. ang araw ng paglilitis ay sumapit. at ang maluwang na bulwagang yaon ng hukumang unang dulugan ay napuno sa dami ng taong nanood ng paglilitis. si serafina, asawang kulang palad ni mauro at sampu ng tatlong anak nila ay kasama sa hukuman, upang makita man lamang at makausap ang asawang sa loob ng panahong ikinapiit muna sa bilibid ay hindi man nangyaring kausapin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"sa hukuman nga ay doon niya pinaroonan, nang malamang sa araw na yaon gagawin ang paglilitis sa kanyang asawa. sa pamamagitan ng mga abuloy na tinanggap niya sa maraming kaibigan at kakilala nilang mag asawa, at gayon ng buhat sa mga kamaganakan nila, ay nangyaring si serafina ay makakuha ng isang abogado upang magtanggol sa usapin ni mauro sa harap ng hukuman. sa harap ng kagalanggalang na hukom ang lahat ng kailangan ay ginawa at isinakatuparan ng tagausig sala, at gayon din ng tagapagtanggol sa dakong nauukol sa kanyang tungkulin. ang paglilitis ay natapos. subali'ang hukuman ay hindi nagpasya. ipinagpaliban ang kanyang hatol, upang sa mataman niyang pagsusuri ay idaan ang lahat. ang madla ay nagsiuwi; at bago nagkahiwalay si mauro at si serafina, ay maraming pagod muna ang ginugol ng mga bantay; sapagka'si serafina ay halos ayaw nang humiwalay sa kanyang asawa na noon ay isasakay uli sa ambulanciang naghihintay. katitiis ka, asawa ko.!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"ang habol pa ni mauro kay serafina nang sumasakay na sa ambulancia. ang sigaw naman ng kaawaawang babai. ang habol naman ng mga anak. huwag kayong mangahapis! ang sa wakas ay nasabi na lamang ni mauro sa boong pagdaramdam. at ang sasakyang ay matuling tumakbo. at si serafina at ang kanyang mga anak ay nagsiuwi na rin. kaawaawang magiina!! samantalang tumatakbo ang mga pangyayari, ang mga manggagawang tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa halagang naging sanhi ng aklasan ay sumailalim. kundi ang may pagawaan, sa pagsasamantala marahil sa gayong mga pagkakataon na walang magagawa ang alin mang kilos na gawin ng mga manggagawa nila, ay ipinagbawal pa sampu ng pagtatatag ng anomang kapisanan sa loob ng pagawaan. ibinaba pang muli ang halagang mababa na, na kanilang itinanggap sa bawa'vitola at ang lahat nama'walang kibong sumunod at yuko ang ulong tumalima sa gayong mga bagong utos at kapalakarang pinaiiral ng may pagawaan. silang lahat ay walang magawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"sapilitang sumailalim sila sa lahat ng bagay na magalingin ng puhunan. ang pagsisisi, ang paghihimutok ng lahat at pagsusumpaan ay dumating. at ang lahat sa katayuan nila ngayon, ay nagbibigay matwid kay mauro sa mga pagmamatigas nito noon, at sa lahat ng mga ginawa niya sa pagtataguyod ng aklasan. subali'ang lahat ay huli na. nagawa na nila ang malaking pagkukulang; naganap na ang napakalaking pagkakasalang magagawa ng sinoman sa harap ng isang dakilang layon at adhika. ngayon nila natutuhang panghinayangan ang mga pagsusumikap ni mauro.! ang pagsisising hudas ay sumapit na sa mga taksil at walang pusong mga manggagawang yaon! datapwa'wala na silang magagawa!. at ang araw ng paghatol ay dumating.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at ang minarapat ng hukuman, pagkatapos na mapagaralan ng boong pagiingat ang mga pangyayari at naging sanhi ng sigalot na namagitan sa nasasakdal at ang pagkakasugat nito sa dalawa, ay ipinasyang mabilanggo ng siyam na buwan at isang araw si mauro at ang kanyang kasama ay tig aanim na buwan naman. siyam na buwan at isang araw! ang napabulalas na sabi ni serafina, pagkarinig sa hatol, at sabay na nanangis. huwag mong ikahapis ang pagkabilanggo ko, ni ang katagalan ng araw na ipaglulumagak ko sa bilangguan. ang wika ni mauro sa kanyang asawa sa buhay na tinig alalahanin mo, asawa ko, na isang dakilang simulain ang ipinagtatanggol natin, at ang simulaing ito, sa malao'madali ay inaasahan kong magwawagi sa ibabaw ng lahat. sa harap ng mga batas ay maaaring ako'nagkasala; datapwa'sa harap ng aking bayan at sa harap ng aking budhi ay malinis ang aking pagkatao. ang panangis ni serefina. sa iyong katalinuhan ay ipinagkakatiwala ko sila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"at noon din pagkatapos na mahagkan si serafina at gayon din ang mga anak niya ay si mauro na rin ang nagyayang sumakay sa naghihintay na ambulancia. at mula noon si mauro ay naging isang bilanggo. siyam na buwan at isang araw ang hihintayin upang siya'makalaya. oh, ang tadhana! at si serafina at ang tatlo niyang anak ay sumakay sa isang karumata at napahatid sa kanilang bahay; nguni'samantalang tumatakbo ang sasakyan, ay boong paghihinagpis na sinasabi sa mga anak ang mga pangungusap na ito: mga anak ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang ang inyong ama ay makalaya. siyam na buwan at isang araw na pagtitiis at pangungulila ang daranasin natin bago sumapit ang araw na muli niya tayong maisalilong sa malaya niyang pagkukupkop.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"subali', ang takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal nang panahong ikinabibilanggo sa piitan ng pagkabusabos at kaalipnan ng lalong dakilang karapatan ng mga manggagawang pilipino na kinabibilangan ng inyong ama, at karapatang siyang ninanasang ipagtanggol niya hanggang sa maaabot ng kanyang kaya; nguni'sadyang kapos palad pa ang mga manggagawa. sapagka'ang panahon ng kanilang ganap na pagkatubos ay malayo pang sumapit sa kanila. kinakailangan pang magkaroon ng maraming magtitiis ng hirap sa ikatutubos ng lahat, at kailangan pang magkaroon ng maraming kristong magpapakasakit sa katubusan ng madla. sa mapupungay na mga mata ni serafina ay dalawang masaklap na luha ng pagdaramdam ang nagunahang sumungaw. pinakayapos na mahigpit ang tatlo niyang anak at pagkatapos ay pinaghahagkan ng boong giliw at boong pagmamahal. mukha: talata: nababasa: dapat basahin: kahalan laga kahalahalaga nnoman anoman matanda'bata matatanda'bata botika morelos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Juan Lauro Arsciwals,"botika morelos ng dako ng panulakan dako ng panulukan ng laha,. tumaganap lumaganap ng gayon ng gayong tumayo at tumayo katahimikan. katahimikan upang kalamigang upang ang kalamigang manggawa magagawa nakabukas ang nakabukas ug boong katawan ng boong katawan nay pagawaan may pagawaan at kung kahit at kung bakit itaitagal itatagal gagagawing kalasag. gagawing kalasag. dinungaw si seraflna dinungaw ni serafina ipinatuloy pinatuloy. naguntos; naguutos; ikabaw ibabaw tabakero tabako kun gayon, kung gayon, sumpal!. aag ang sisanabi sinasabi mga aklat ng sumulat nito bagong magdalena.ang isa sakim na magulang!. lalaking uliran tulisan?.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0,0 +Rosauro Almario," pati mananayaw. alanganing tindig; ni mababa ni mataas; katawang malusog, makatas, sariwa; mga matang malalaki'bughaw, dalawang bintanang pinanunungawan ng isang kaluluwang nag iinit, nag aalab sa ningas ng apoy ng isang damdaming batis na dinadaluyan ng aliw, aliw ng sandali na nakalulunod, nakaiinis at nakamamatay sa bawa'kaluluwang maligo sa kanya. sawi tubong lalawigan, binatang nag aaral sa maynila. buhat sa mabuting lipi, angkan ng mga mayaman, si sawi ay isang binatang lumaki sa lilim ng pananagana: kimi, mahihiyain, ugaling babae, si sawi ay hindi kaparis ng mga binatang walang ibang minimithimithi kundi ang matulad sa isang paroparo, sa isang bubuyog, na tuwina'hanap ang mga bulaklak, upang simsimin ang kanilang bango, tamad isang hampas lupa, isang hampas bato, na gaya ng tawag sa kanya ng madla. ulila sa ama'ulila, sa ina. walang asawa, ni anak, ni kapatid, ni kamaganakan kungdi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"si ligaya; ligayang para sa kanya'hindi natatagpo sa alin mang dako, sa alin mang pook, maliban sa mga bilyar, sabungan, pangginggihan, bahay sayawan at mga bunganga ng impierno na sa balana'laging nakaumang. tamad, kumusta ang ibon mabuti, pati, maamo na ngayon. handang pumasok sa kulungan? oh, walang pagsalang hindi siya papasok! ano ang sabisabi niya sa iyo tungkol sa akin? paris din ng mga unang salita na naiukol ko sa iyo nang tayo'unang magkatagpo sa isang handaan: na, ikaw ay magandang katulad ni venus paris ng tala sa umaga. umiibig na sa iyo! maaasahang siya'bihag mo na. binuksan ni pati ang kanyang dalawang labi na nagpupulahan upang paraanin ang isang matunog na halakhak. con que umiibig na sa akin, ha? at paghahanapin ka mamaya. saan mo ako itinuro? sa bahay sayawan. sa makatwid pala ay nalalaman nang ako'mananayaw? at ano ang sabi sa iyo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"hindi ba niya nababasa ang mga pahayagang, hindi miminsan at mamakalawang nagsasabog diyan ng mga balitang diumano'hindi mga babae ang mga mananayaw sa suscricion kundi isang tungkos na mga talimusak? medio sinabi niya sa akin ang ganyan; nguni'tinugon ko siyang ang gayong balita'mangyayaring magkatotoo, kung minsan, at mangyayari rin namang hindi, si pati ang wika ko sa kanya, iyong dalagang ipinakilala ko sa iyo sa handaang dinaluhan natin ay isang matibay na saksi ng katotohanang ang isang magandang perlas ay mangyayaring mapaliblib sa gitna ng burak. at tumigil sandali ang nagsasalita upang lumagok ng laway at magpatuloy, pagkatapos, sa mga ganitong pangungusap: at si sawi (ang ibong pinaguusapan nila) ay naniwala namang ikaw ay isang magandang perlas, isang dalagang mahinhin, may puri, marangal. at hindi na itinanong kung bakit ako napapasok sa bahay sayawan? itinanong bakit hindi?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"nguni'ang dila ni tamad, ang dila ng bugaw mong si tamad, ay nang mga sandaling yao'lumikha ng mga pangarap na sa kanyang bibig ay larawang mistula ng katotohanan, katotohanang nakita, sinaksihan ng kanyang tingin. at sinabi ko sa kanyang halos maagnas ang luha ko: oh, sawi, kung nalalaman mo ang buong kasaysayan ni pati, ng magandang pati, na hinahangaan mo ngayon, ay di sasalang siya'malalarawan sa mga balintataw ng mga mata mo na katulad ng isang banal na babae, ng isang uliran ng kadalagahan. pagka'siya, ang habol ko pa, ay isang ulilang dumanas ng di gagaanong kasawian sa buhay, naging magpapalimos, naging manghihingi, at nang ayaw nang lawitan ng awa ng mga tinatawagan ay napilitang pumasok na alila, ipinagbili ang lakas sa isang mayaman. ang mayaman, ang dugtong ko, sa harap ng walang kaagaw na dilag ni pati, ay nagnasang paslangin ang kanyang dangal. mainam kang magtatatahitahi ng kasinungalingan. at ano pa ang aking ginawa? na ikaw ay tumutol sa gayong karuming adhika.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"at pagkatapos? nilisan mo ang bahay na pinaglilingkuran upang pumasok sa pagkamananayaw. samakatwid, ang tapos ni pati, para kay sawi, ako'isang banal na babae, isang ulilanginapi ng palad, naging magpapalimos, manghihingi, alila, alipin, sa madaling sabi; at dahil sa pagtatanggol ng puri ko'iniwan ang bahay ng mayaman, upang pumasok. gayon nga ba? ganiyan nga. oh, kung ipinahintulot ng dios na ang mga kasinungalingan, bago makalabas sa bibig ng mga nagsisinungaling, ay maging apoy muna.! si pati, para sa ating nakakakilala sa kanya, ay isang isdang kapak, na sa labas ay walang ibang ipinatatanaw kundi ang kintab ng kaliskis, bago sa loob ay walang ibang madadama kundi ang mabahong burak. siya'hindi lamang kiri, hindi lamang salawahan; higit sa kiri'salawahan, si pati ay isang tunay na salarin, isang mangbibitay ng mga kaluluwang nahuhulog sa kanyang kandungan. bata pa lamang, halos bagong sumisibol pa lamang, si pati'pinagkatakutan na ng mga binata sa kanilang pook.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"bakit hindi, sa, balana'sinagutan ng oo, balana'pinangakuan, balana'sinumpaan; mga pangako at sumpang bawa'isa'pinatitibayan sa pamamagitan ng isang sanla, ng isang lagak, na hindi na mababawi kailan man! nagsasalita na naman si tamad; pakinggan natin: pati aniya mamaya'hindi sasalang dadalhin ko sa iyo ang ibon. darating kayong handa na ang haula. at naghiwalay ang dalawa. at naroon na sila sa unang baytang ng hagdanang patungo sa bayan ni pluton: sa bahay sayawan. nauuna si tamad, ang tukso, at si sawi ay sumusunod sa dako niyang hulihan. ang templo ng masayang diosa terpsicore nang mga sandaling yaon ay maitutulad sa isang hardin ng kaligayahan: doon at dito'walang namamalas ang tingin kundi ang mga bagong eba, ang mga bagong adan, doon at dito'nagsabog ang mga bulaklak, nagsalisalimbayan ang mga paroparo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"pagdating na pagdating ng magkasamang si sawi'si tamad sa bahay sayawan, si pati, na nag aantay na sa kanila ay malugod na sumalubong at nakangiti, nakatawang bumati sa kanila: nangaligaw kayo rito. si sawi'hindi tumugon. ang mga salita ni pati, ang mga bigkas na yaong mandi'pinulutan sa tatamis, ay isaisang sumapit sa puso ng natitigilang binata. anong ganda ni pati nang mga sandaling yaon! sa loob ng kanyang damit na nanganganinag sa dalang, sa malas ni sawi ay siya ang nakita ni flammarion sa kanyang pangarap: taong ilaw ang pinakalaman, at ang mga kamay ay dalawang bagwis. si tamad, na nakakita sa ganitong pagkakapatigil ng kanyang kasama, ay kumindat ng isa kay pati at lihim na itinuro yaon: talagang torpe nga! noo'isang hudyat ng tugtugin ang narinig: bals! ang panabay na turing ng mga naiinip na mga mananayaw. at umugong ang malaking salon sa kiskis ng mga sapatos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"si pati na nalalayo na sa dalawang magkasama, pagsisimula ng sayawan ay muling lumapit kay sawi: ibig po ninyong sumayaw? ang magiliw na tanong. mamaya na po kung sakali. at tumindig na tila nainitan sa pagkakaupo; dinukot ang panyo sa bulsa at pinahid ang pawis na sa noo'butilbutil na sumisipot. mahihiyain pa ang tunggak! ang naibulong tuloy ng magandang mananayaw. at tinalikdan ang binata na halos padabog. tila nagalit sa gayong pagtanggi ng inanyayahan. ang gayon ay nahalata ni sawi, kaya'paanas na nasabi sa sarili, nang siya'nauupo na: baka nagalit ah!. at lalong nag ulol pa ang ganitong pangangamba ng binata, nang makitang si pati ay kinukuha na ng isang makisig na bailarin sayang at hindi ko siya napairugan! sinong lalaki ang kumuha sa kanyang magandang mananayaw? katipan na kaya niya? kasintahan na kaya? mga ganitong pag iisip ang gumuguhit sa gunita ng binata, nang sa susugat sa kanyang pandinig ang tanong ni tamad. bakit hindi ka sumayaw?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"at hindi na binigyang panahon na ang inusisa ang makasagot pa, at si tamad ay nagpatuloy sa kanyang pagtukso: naniniwala ka bang sa mga bahay sayawan ay walang dumadalo kundi ang mga taong walang kabuluhan? hindi sa gayon, katoto. naniniwala ka ba ang ulit ni tamad na sa mga bahay sayawan ay walang ibang dumadayo kundi ang mga hampas ng dios na nagkalat diyan? ah, nagkakamali ang mga may ganitong paniwala, at saksing matibay ng kamaliang ito ay ang nakikita mo ngayon, kaibigang sawi. ang ginoong iyang kasayaw ni pati ay isang abogadong kilala sa mga pook na ito ng maynila. ang ginoong yaon at itinuro ang isang umiikit na kayapos naman ng isang babaeng habaan ang mukha at singkit ang mata ang ginoong yaon ay isang farmaceutico at ito, itong nagdaraan ngayon sa tabi natin na may kawing pang bulaklak sa tapat ng dibdib, ay isang mayamang mangangalakal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"ano pa'ang lahat ng mga naroon ay isaisang ipinakilala ni tamad kay sawi: may mga estudiante de derecho mga nag aaral ng medicina mga mangangalakal, mga politiko, at mga iba pang pag asa ng bayan, wika nga ng dakilang bayani ng lahi. nguni'ang mga ganitong pagpapakilala ni tamad ay hindi wari pansin ng kanyang kinakausap, pagka'ito, pagkatapos niyang huminto, ay walang ibang naisagot kundi: sino ang kasayaw ni pati? ang ganitong pagwawalang bahala ng kanyang kaniig ay hindi ikinapoot ni tamad. bagkus ikinagalak pa nga! nahalata niyang sa puso ni sawi, nang mga sandaling yaon, ay wala nang ibang nagsisikip kundi ang larawan ng kanyang kandidata at wala nang ibang naririnig ni nakikitang ano pa man ang binata kundi ang mahinang sagitsit ng sapatos ni pati sa tabla ng salon at ang kanyang mapanghalinang tindig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"si sawi, pusong laging tikom sa hibo ng pagkakasala, ngayo'unti unting nabubuksan sa tawag ng isang bagong damdamin, damdaming aywan niya kung ano, datapwa'nalalaman niya, oo, na ang damdaming yao'walang pinag iwan sa bagang nagbibigay init sa isang kaldera, apoy na gumigising sa dating tulog at nagbibigay sigla sa dating malamig na puso. ang bulaklak na noong una'takot sa halik ng araw, ngayo'bumubukad sa hagibis ng bagyo. samantalang ang mga pareha'nagsalisalimbay, sa gitna ng salon samantalang ang mga pareha'walang hinto ng bulungan, kalabitan, kindatan, kurutan, at kung minsa'ang palitan ng matatamis na salita; si sawi, sa luklukang kinaroroona'walang ibang iniisip isip kundi kung paano ang paraang dapat niyang gamitin upang maparating sa taya ng mapanghalinang binibini ang mga itinitibok ng kanyang kaluluwa. tamad ang pamuling tawag sa katabi ibig kong ako'pagtapatan mo: ano ang tunay na kalagayan ni pati? dalaga may asawa? malaya may katipan?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"nalimutan mo na ba ang maliksing tugon ng tinanong ang mga isinagot ko sa iyo noong unang tayo'magkasama hinggil din sa mga ganyan mong pag uusisa? ano ba ang sinabi mo sa akin noon? sinabi ko sa iyong si pati'dalaga at walang asawa, malaya at walang katipan. samakatwid. samakatwid ang agad na habol ni tamad samakatwid si pati ay malaya, malayang tulad ng isang isda sa tubig, ng isang paroparo sa halamanan, ng ibon sa alapaap. kung siya kaya'pag alayan ko. nahalata ni tamad ang tungo ng, ganitong pananalita ni sawi; kaya'hindi na inantay na matapos pa at matuling sumagot: bakit hindi? bakit hindi mangyayaring siya'pag alayan ng pag ibig? hindi ba'ikaw ay isang binata, at siya'isang dalaga? hindi ba'ikaw ay isang makisig na bagong tao at siya'isang magandang binibini? katotong tamad, tila mandin binibiro mo ako. binibiro kita? hindi ko pa sinasabing lahat sa iyo ang mga nalalaman ko tungkol sa babaeng iyan, pagka'nangangamba nga akong baka ka malula.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"kung sabihin ko sa iyong si pati ay tila. tila nagkakagusto sa iyo. nagkakagusto!. diyata'si pati'nagkakagusto sa akin? at bakit mo naman nasabi ang gayon? ang usisang may halong pananabik. bakit hindi'sa minamasdan ko ang bawa'kilos niya? noo'nagkataong si pati'tumitingin kay sawi. napansin ni tamad ang gayon. kinalabit ang kanyang kapulong at ang bigkas na pangiti: nakita mo na. di ngayon ay tiningnan ka na naman! ang naibulong ni sawi sa sarili. at, anong lagtkit na sulyap ang kanya, anong lambing, anong pagkasarapsarap! natapos ang unang bals. sa ikalawang hudyat ng tugtugin na nagbalita sa mga naroon ng isang mainam na two step si sawi ay hindi na nakatiis: ibig kong sumayaw sa kanya! at noon di'iniwan ang likmuan, madaling lumapit kay pati, at ang magalang na samo: ibig po ba ninyo akong paunlakan? sa ganitong katanungan ng binata, si pati'hindi man lamang nagbuka ng bibig; subali'pinasagot ang maputi'maliit niyang kamay na noo'agad ikinawit sa bisig ng nag aanyaya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"mga matang sana'bumasa sa pusong lalaki, noon pa'nabanaagan na ni pati ang kanyang nalalapit na tagumpay: huli na ang ibon, huli na, huli na! ang magalak na bulong sa sarili. at nang sila'sumayaw na ay pinapaglaro ng gayon na lamang sa kamay ng kanyang kayapos, ang maliit at malantik niyang baywang. si sawi, sa ganitong lalang ng babae, ay untiunting nangliliit na animo'isang kandilang nauupos sa hihip ng hangin. at ang makamandag na samyo ng sampagang kanyang sinisimsim ng mga sandaling yaon ay hinayhinay nang tumatagos sa kaibuturan ng kanyang damdamin. at umiibig ng isang pagibig na taos, maalab, morubdob, na gaya ng isang siga sa alo ng hangin, gaya ng isang sunog sa buhos ng gas! bawa'ngiti ni pati, bawa'sulyap na panukaw na ipako sa kanya, ay mariing tumitimo, bumabaon, sumusugat sa dibdib ng na sa panganib na si sawi, paris ng pagtimo, pagbao'pagsugat ng isang mahayap na palaso. aling pati ang kiming tawag sa kasayaw kung ako po kaya'pumarito gabigabi ay makakasayaw ko kayo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"ang malambing namang tugon ng tinanong. ang binata natin, ang torpeng si sawi, sa ganitong paoo ni pati, walang ibang maisagot kundi isang banayad na: salamat po. at hindi na umimik pang uli hanggang sa matapos ang sayawan. si simoun, ang kasindak sindak na simoun sa filibusterismo ni rizal, pagkapaglapat ng mga dahon ng pintuan ng templo ni terpsicore ay nagpamalas sa mga nanginginig niyang labi ng isang mapagkutyang ngiti; at saka sinabing: buena esta la juventud. si sawi ay wala nang pagkasyahan ng pag ibig kay pati. bawa'saglit na dumaan, bawa'saglit na yumao, ay isang palaso na namang umiiwa sa kanyang dibdib. kailan mo pa malalamang iniibig kita? kailan mo pa malalamang ang puso ko'naging dambana na ng iyong mahal na larawan? kailan mo pa malalamang si sawi'wala nang ibang dinarasaldasal kung hindi ang pangalan mong walang kasingtamis? dilang kimi, gapos ng pagpipitagan, si sawi ay nagtitiis manira na lamang sa mga himutok at buntong hinga. magtapat kay pati? kung ako'halayin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"kung hindi pakinggan ang idaraing ko? kung birubiruin ang pag ibig? dapwa', kung natatanto niyang si pati ay isang maawaing walang di nilimusan ng kanyang pag ibig, kung natatanto niyang si pati ay isang maawaing walang pinagkaitan ng kanyang habag kung natatanto niyang si pati'walang ibang inaantay antay kundi isang kalabit na lamang, ang isang salitang sukat maghiwatig ng kaniyang, damdamin upang lubusan nang ipagkatiwala sa kanya ang kanyang kaluluwa, ang kanyang katawan; ang mga gayong hinagpis at pag aalinlangan ay hindi na sana sumagi sa kanyang gunita. nguni'si sawi ay isang singki pa; kaya'hindi niya nalalamang, sa maynila, ang salitang mananayaw ay nakakatugon ng mga salitang mangdadambong sa lilim ng batas, magnanakaw sa loob ng bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"kung nalalaman niyang sa mga bahay sayawan ay hindi ginagamit ang mga salita upang sabihing: iniibig kita, ibig kitang kanin kundi sukat na lamang ang mga suliyap, kindat at kalabit, disin si pati'malaon ng naging kanya, sa matuwi'at lalong tumpak na sabi, siya'naging kay pati. bagaman, ang kanyang mga pag hihimutok ay hindi rin lubhang naglawig, pagka'noong isang gabing si pati'manaog sa bahay sayawan, upang umuwi na sa bahay, ay nagkapalad siyang mapasama rito, sa tulong at awa ng kanyang kaibigang si tamad. binibining pati: ang tawag ng binata, nang sila'nagsasarili na sa gitna ng dilim magalit ka po kaya kung ako'may sabihin sa iyo? kung makagagalit po. ang tila pabirong sagot ng tinanong. si sawi ay napatigagal. paano ang kanyang gagawin? saan siya maglulusot ngayon? natakpan ang butas na kanyang ibig paglagusan. malaong hindi nakaimik. sa harap ng ganitong pangyayari, si pati ay lihim na napangiti: talagang singki nga! ang na wika sa sarili.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"nang hindi pa rin humuhuma ang binata ay si pati na rin ang nagabalang maglawit ng silo. ginoong sawi: ang bungad kung hindi po ako namamali ay tila nakita ko na kayong minsan, bago kayo makarating sa aming pinagsasayawan. ang patakang salo ng binata. sa lalawigan kaya, sa maralitang lalawigan na aking kinakitaan ng unang liwanag? hindi po, dito rin po sa maynila. aywan ko na po lamang kung saan at kailan; nguni'nakita ko na kayo. dakila po ang palad ko kung magkakagayon. ako na nga po lamang yata ang talagang abang aba, sapagka'nakita na'hindi pa napansin. binibining pati!. hindi ko kayo napansin? datapuwa'mangyayaring kayo'hindi ko mapansin? talaga pong gayon na nga lamang ang nangapakaliliit na paris ko. napakaliit! paano pong mangyayari, na, ang isang pinaglilingkuran ay maging maliit pa kay sa isang naglilingkod? pinaglilingkuran po, ang sinabi ninyo? umandap andap ang puso ni sawi at nag alaalang baka siya ay napapabigla na. nguni', pag asa at lakas ng loob!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"ang napagdaanan na'hindi na dapat pagbalikan. ang wika nga ni golfin sa marianela ni galdos, adelante, siempre adelante! opo ang patibay ng walang kagatolgatol ang dila pinaglingkuran po, ang aking sinabi. pinaglingkuran po ako! si pati ay lihim na natawa. si sawi ay lihim na nanginig. lumalabis yata ang kapangahasan ko? at inantay na sumagot ang dalaga, paris ng pag aantay ng isang nasasakdal sa pasiya ng isang hukom. ang palad ni sawi, nang mga sandaling yaon, ay nabibitin sa mga labi ni pati. ano ang itutugon sa kanya? oh, kamatayan! si pati, matapos mapindot ang sikmura na sumasakitsakit din dahil sa pinipigilang pagtawa, ay bumigkas ng ganito: ginoong sawi: kinukutya mo po yata ako? hindi po; tunay na tunay po ang aking sinabi. oh, kung mangyayaring mabuksan ang aking puso!. patuloy ang kanilang pag uusap. mula sa malayo, sa isang pitak ng langit, ay pumaibabaw sa tingin ang isang anaki'bundok na kakulay ng usok, ang ulap, ang makapal na ulap, sugo ng nagbabantang ulan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"noon, ang mga naglalakad ay kasalukuyang dumarating na sa tapat ng isang accesoria na natitirik dakong kaliwa ng maluwang na lansangan ng azcarraga. umakyat po muna kayo ang anyaya ni pati sa binata maaga pa po naman. maaga pa ang sabi ng babaeng yaon, gayong magiikaisa na sa hatinggabi? ibang iba nga naman ang mga babaeng maynila kay sa mga babaeng lalawigan!. ang naibulong tuloy sa di masiyahang pagtataka sa gayong narinig. gayon man ay sinagot din ng isang taos na pasasalamat ang nag aanyaya. at umakmang tatalikod na upang umuwi sa kanyang bahay; datapwa'pagkakataon! noo'bumubos ang ulan. isang mapagtagumpay na ngiti, ang namulaklak sa mga labi ni pati: talagang masisilo na ang ibon! at muli'muling inanyayahan ang binata hanggang sa ito'matapos sa pagpapahinuhod: yamang tulot mo po. ang marahang sagot na babahagya nang narinig ni pati. unang umakyat si pati. sa likuran niya'sumunod si sawi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"sa itaas ng bahay, ang unang napansin ni sawi ay ang maayos na mga palamuting doon ay nagsabit, ang mga kuadrong nangagpapangagaw sa inam, ang mga larawan, paisaje at mga iba pang sukat makaaliw sa tingin. isang batang paslit ang dinatnan nila sa bahay na ito, na, utusan ni pati. bulilit ang tawag ng may bahay sa alila, pagdating sa huling baytang sa itaas bigyan mo ng silya ang tao. ang inutusa'maliksing tumupad. naupo si sawi; at ang bata ay nawala sa kanyang harap. si pati, samantalang pinagkukurus ng binata ang dalawa niyang kamay sa pagkakaupo, ay pumasok sa silid ng bahay upang ayusin ang kanyang buhok na nagulo sa bahay sayawan, at nang muling mapulbusan ang mukhang noo'humuhulas sa agos nang pawis. at bago lumabas uli ay makailan munang binikasbikasan ang kanyang bihis at itinanongtanong sa sarili kung ang ayos niyang yao'sapat nang makapagpalundag ng isang puso sa kanyang kinalalagyan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"at nang tila nasiyahan na ang loob ay saka pa lamang naupo sa isang luklukang may gadipa lamang ang layo sa kanyang panauhin. anong pagkagandaganda ni pati noon sa malas ni sawi! oh ang nawika tuloy maging si san pedro man na panot ang tuktok, maging si san juang mapungay ang mata'maging si san pascual na maamo ang mukha, sa harap ng ganitong dilag ay sapilitang mabubuyo sa pagkakasal! at siya, siya pa nga bang isang hamak na tao lamang ang hindi matukso?. aling pati!. ang sunodsunod na tawag na kasabay ng panginginig ng boong katawan. ang tinawag ay hindi sumasagot. nguni'napapangiti ng lihim, pagka'noon ay nahalata niyang ang makamandag na init ng kanyang katawan ay tumatalab na sa puso ni sawi. at si pati ay lumapitlapit pa sa kanyang kausap, at nakatawa, nakasulyap na sakdal ng sarap. si sawi ay lalong nanginig. si pati ay lalo pang lumapit sa kanya, lalo pang nilambingan ang ngiti, lalo pang pinungayan ang suliyap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"ibig nang tumakbo si sawi, ibig nang sumigaw, ibig nang tumakas, upang makailag sa tukso. darang na darang na sa init! ngunit noo'siyang pagdampi sa kanyang kamay ng nagpuputia'mga tabas kandilang daliri ni pati, at kasunod ang magiliw na usisa: ano po ang dinaramdam ninyo? nanglalamig kayo! nanglalamig nga po. at sabay nagtindig sa pagkakaupo, ibunukas ang dalawang bisig at iginapos sa liig ni pati, at ang samong namamasag ang tinig: pati, pati, patawarin ako.! mula nang unang gabi na kanyang pagsamyo nang layaw sa kandungan ng magandang pati, si sawi ay nanumpaan nang maging isa sa lalong masikap na kampon ng diosa terpsicore. siya'isang pusakal nang mananayaw. ang mga aklat na dati niyang kaulayaw pagdating ng gabi, ngayo'siyang mga matalik niyang kaaway. ni isang sulyap man, ni isang saglit pang pakikinig sa kanila!. ang lahat nang kanyang panahon ay lubusang ipanaubaya na sa mga aliw ng sandali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"at ang kanyang kaluluwa, parang isang katawang kulang at salat sa pagkain, untiunti nang nanunsiyami, untiunti nang naluluoy, untiunti nang naiinis sa dilim na noo'bumabalot sa kanyang maulap na langit. at mula noo'wala nang ibang pinangapangarap kundi magpakalasing sa paglagok sa alak ng pag ibig sa mga maninipis at mapupulang labi ng kanyang marilag na pati. si pati, para sa kanya'siya nang lahat: pag asa, ligaya, pag ibig, kaluwalhatian. oh, ang makamandag na binhi, ang pag ibig sa isang salaring katulad ni pati, ay lumago at nag ugat sa puso ni sawi! minsan, sa isang pag uusap nila, ay malinaw na napalarawan ang kadakilaan ng kanyang pag ibig sa magandang mananayaw: pati, pati ko aniya, tunay bang ako'iyong minamahal? si pati, sa ganitong kahalingan ng binata, ay minsang namuwalan sa bugso ng isang pagtawang inimpit. sumagot ka, pati ko, sumagot ka sana. oo ang bigay loob ng mananayaw oo, sawi ko, giliw kong sawi, minamahal kita. gaya kaya ng pagmamahal ko sa iyo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"higit pa; makalilibo pang mahigit. iniibig kita paris ng pag ibig ng bulag sa araw, iniibig kita paris ng pag ibig ng isda sa tubig, iniibig kita paris ng pag ibig ng banal sa dios. nasisiyahan ka na? tunay ang iyong sinabi? paris ng katotohanang madilim ang gabi, may init ang araw, may lamig ang buwan; paris ng katotohanang ako ay may puso, ikaw ay may atay; paris ng katotohanang ikaw ay maganda, ako ay pangit. at tinutop ang kanyang dibdib na tila ibig mawalat sa pitlag ng pusong noon ay dumanas ng di gagaanong aliw. at bago pinigilan si pati sa manipis niyang baywang, hinagkan sa noo ng isang matunog at mahabang halik at. pati ko ang turing naririnig mo ba ang masinsing tibok ng aking kaluluwa? pakinggan mo: sinasabi niyang ikaw raw ang kanyang buhay, ikaw raw ang kanyang ligaya, ikaw raw ang kanyang langit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"at sinabi pa niyang ang patuloy ni sawi na tila hindi pansin ang naman ni pati at sinasabi pa niyang siya ay nagtayo ng isang dambana sa lalong lihim na pitak ng aking damdamin, dambanang sinabugan ng mapuputing sampagita upang suubin sa kanyang mahinhing halimuyak ang larawan ng isang babae, ng isang banal, ng kanyang magandang pati. ang linta pagkatapos ng isang linggong pananabiknabik sa dugo ng kulang palad na si sawi, ay hindi na nakatiis. dapat na siyang magbayad! at mariing ikinapit ang kanyang matatalim na ngipin sa bulsang sagana sa pilak ng walang malay na binata: sawi ko, giliw kong sawi, bigyan mo ako ng limang piso upang maibili ko ng baro. ang hiningan ay latag ang palad na sumagot: narito, mutya ko, tanggapin ang hinihingi mo. nagdaan ang unang araw; dumating ang ikalawa. ang linta, ang matakaw na linta, ay muling sumigid na naman: sawi ko, giliw kong sawi, bigyan mo ako ng sampung piso na maibili ko ng saya. sampung piso na ngayon!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"gayon man, si sawi ay hindi rin tumanggi sa gayong pag iibayo ng halaga. narito, mutya ko, tanggapin ang hinihingi mo. nagdaan ang ikalawang araw at dumating ang ikatlo. at ang linta, ang lintang kailan ma'hindi na yata masisiyahan, noon ay pamuling sumigid na naman nang sigid na lalong mariin pa kay sa mga una, lalo pang malakas; at. sawi ko, giliw kong sawi na naman bigyan mo ako ng dalawang pung piso na maibili ng sapin, pulbos, pabango, medias at. dalawangpung piso na! dapuwa'si sawi, ang magarang si sawi, ay dumukot pa rin sa kanyang supot na malaman: narito, giliw ko, ang sagot na namang tila hindi pansin ang kanyang pagkakapalaot narito ang hinihingi mo. at hindi sa laman lamang humahangga ang kirot ng mga kagat ni pati, ng lintang si pati, sa katawang namumutla na ng binata, kundi hanggang sa mga buto pa, na pinagtiinan ng kanyang matatalim na ngipin. minsan, sa kanilang pagsasarili, si sawi ay nagpakasawang magdampi ng mga labi niya sa mga namumurok na pisngi ni pati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"ito, pagkatapos maparaan ang gayong kahibangan ng binata, ay tumanong na may halong biro: ilang halik ang ibinigay mo sa akin? si sawi, lasing sa mga sulyap ni pati, sa singaw ng kanyang malusog na katawan, ay sumagot na di magkangtututo: isa. sampu, labinglima. maramingmarami!!. aywan ko na ba kung ilan. bawa'halik ay babayaran mo ng piso. saan hindi masasaid ang bulsa ni sawi sa ganitong pamamaraan ni pati? ang bariles, punongpuno man, pag hindi naampat ang paglabas ng tagas ay daratnan din ng pagkatuyo. at gayon ang nangyari sa kulang palad na binata: untiunting naubos ang yaman, baytangbaytang na bumaba sa kailalimang pinaghaharian ng dilim, dilim ng pananalat, dilim ng karalitaan. ano pa ang kanyang gagawin? magpalimos? tila salungat sa pagkatao niya ang mga ganitong gawa. nguni'paano si pati? paano ang kanyang pag ibig kay pati? mangyayaring siya'uminom ng luha, ng sarilingluha, bagama'masaklap; mangyayaring siya'magtiis ng gutom; dapuwa'iwan si pati, iwan pa si pati!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"ang gayo'tunay na di niya maaatim, pagka'si pati ang kanyang pag asa, si pati ang kanyang luwalhati, si pati ang kanyang buhay, si pati ang araw ng kanyang kaluluwa, si pati ang init na nagbibigay sigla, lakas at tibok sa kanyang puso. oh, si pati ay isang halaman at ang puso niya'isang halamanan! at ang halama'nag ugat at hindi na mangyayaring bakbakin pa sa lupang kinatutubuan kundi isasabog ang lupang iyan; at ang lupang iya'ang puso ni sawi! mga ilang araw nang siya'hindi sumisilay sa bahay ni pati dahil sa dinaranas niyang pananalat. saan pa siya magnanakaw ng pilak na ikasusunod sa pithaya ng babaeng ito? ah, mabuti ay magsanla na! nangutang: naubos din. at nanghingi: gayon din. ano pa ang aking gagawin? sumulat sa kanyang mga magulang? ngayo'wala na siyang ama, wala na siyang ina, ni kapatid, ni kamaganakan. lahat ay sumawa na sa kanya. siya'itinatakuwil ng kanyang mga pinagkakautangan ng buhay! at sinong banal na mga magulang ang hindi tatalikod sa mga anak na paris niya?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"lusakin ang kanilang dangal pagkatapos maubos ang pilak na kanilang natipon sa tulong ng tiyaga at walang humpay na pakikiagaw sa masungit na kabuhayan; kaladkarin ang kanilang pangalan sa lansangan, payurakyurakan sa balana, ipakutiya kutiya, oh, anong gaming pala sa kanilang pagmamahal! at hindi pa rito lamang humahangga ang pagkapariwara ni sawi: mula nang siya'magkabaonbaon na sa utang, mula nang siya'maging maghihingi, mula nang siya'maging karumaldumal na pag uugali, ang mga dati niyang kasama sa paaralan, ang mga dati niyang kasama sa mga pasyalan, ang mga dating nagbibigay sa kanya ng pamagat na katoto, ay isaisa nang nangilag sa kanya, isa isa nang natakot, paris ng paglayo'pangingilag sa isang may sakit na nakahahawa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"at lalo pa mangding nag iibayo ang hapdi ng mga ganitong kasawian kung siya'nakakasalubong sa daan ng mga dating kakilala na pagkakakita sa kanya'wala nang ibang pangunang bati kundi ang isang halakhak, ang isang mutunog na halakhak, ang isang ngiti, ang isang mapagkutiyang ngiti; ngiti at halakhak na kung minsa'sinasabayan pa ng isang pagdaliri sa kanya at ng mga salitang: nariyan ang hampas lupa. bawa'bigkas na ganito'isang palaso namang tumitimo'sumusugat sa kanyang puso, sugat na labis nang hapdi sugat na labis nang antak. limutin ko na kaya si pati!. ang takot na naisangguni sa sarili, nang minsang siya ay nahihiga na. nguni'oh, pagkakataong labis ng sungit! nang siya'na sa mga ganitong paghahaka, ay siyang pagkarinig sa kanyang pintuan ng tawag ng isang boses na kanyang ikinapabangon. ang tanong sa tumawag. at lumapit sa pintuan na noo'minsang bumukas sa tulak ng dalawang malakas na bisig. ang nasambitla agad ni sawi nang makita ang dumating.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"el mismo ang sagot ng sinambit ako nga. si sawi, pagkakita sa taong ito na naging sanhi ng kanyang pagkakapalungi, ay minsang dinalaw ng poot, nangunot ang mapalad at mataas na noo, nanlisik ang dalawang mata na napatulad sa dalawang apoy, at. ang sigaw na kasing tunog ng kulog layas, layas sa bahay ko!. nagulat si tamad. bakit gayon ang pagkakasalubong sa kanya ng dating magiliw na katoto? ano ang nangyari? ang narinig pa niyang ulit ni sawi layas, layas sa bahay ko ngayon din! si tamad, pagkaraan ng sandaling pagkakapamangha, parang kawal na pinagsaulan ng ulirat, pagkaraan ng unang ulan ng punlong kaaway, ay patawa at paaglahing tumanong: chico, chiquito bakit ka nagkakaganyan? tamad: huwag nang sumagot. iwan ang bahay ko ngayon din. bah, kung ako'walang sadya sa iyo!. anong sadya pa ang sinasabi mo?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"ako'pinaparito niya ang matuling sagot ng bugaw ni pati ako'pinaparito ang ulit pang nang lalaki ang boses at saka minalas malas ang kanyang kausap na tila baga waring sinusukat ang kanyang mga pananalita. ang dating namumulang mukha ni sawi, noon ay namutla. sinong niya ang sinasabi ni tamad? oh, pangalang walang kasingtamis, venus na walang kasingganda! napansin ni tamad ang ganitong pagbabago ni sawi, kaya'nagpatuloy ng pagsasalita. ako'inutusan niya rito upang sabihin sa iyong. at ang patalim ay untiunting ibinaon sa puso ni sawi hanggang sa ito'dumating sa mga sandaling humingi ng tawad kay tamad sa kanyang pagkapabigla. ipagpaumanhin mo, kaibigan, ang aking pagkakamali: anong bilin niya ang dala mo sa akin? at buong pananabik na inulit ulit ang ganitong tanong: ipinagbilin niya sa akin ang paos at marahang pakli ng inuusisa na sabihin ko sa iyong ikaw raw ay nagmamalaki ngayon. nagmamalaki!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"kung nalalaman mo kung gaanong luha, ang itinapon ni pati ng dahil sa mga ilang araw na hindi mo pagdalaw sa kanya. luha, lumuha si pati ng dahil sa akin? lumuha ng dahil sa iyo. pagka'kung di ako namamali, ay. tila, tila may hinahabol sa iyo. ang naibulong ni sawi sa sarili. mainam na puri ang sa isang talimusak. samantalang si sawi ay natitigilan sa mga ganitong pag iisip, si tamad, sa kanyang sarili'walang hinto naman ng kabubulong: talagang martir nga ang binatang ito! ilang sungay ang na sa ulo niya! mahigit pa sa isang demonio sa impierno! pagkatapos ay hinarap na pamuli ang kanyang dinalaw at ang mga huling bigkas: sawi: bukod sa pasabi ni pati, ay narito ang isang sulat niyang ipinadadala sa iyo. at yumao nang walang liwagliwag. nanabik si sawi na binuksan ang liham. doo'nabasa niya ang sumusunod: ibon ko: mag iisang linggo na ngayong ako'inuulila mo sa laot ng mga himutok at pagluha. isang linggong hindi ka makita, para sa aki'isang linggong pagkamatay ng dios!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"nalimot mo na kaya ang kulang palad na si pati? nalimot mo na kaya ang abang mananayaw, pagkatapos manakaw ang kanyang nalimot mo na kaya ang mga dakilang sandali na dinanas sa kanyang piling? nalimot mo na kaya ang mga dampi ng labi mong ibinakas sa aking mga pisngi, mga damping hangga ngayo'nararamdaman kong wari'nag aalab pa sa apoy ng pag ibig? nalimot mo na kaya ang mga sandaling sinamyo sa aking kandungan, sa ningas ng aking mga suliyap, sa lambing ng aking mga ngiti, sa tunog ng aking mga halik? nalimot mo na ba? nalimot mo na ba ang gabing yaon na ikaw ay mahimlay sa mga bisig ko na, minsan, makalawa'maikatlong ang mga tagumpay ni kupido? nalimot mo na ba ang sandaling yaon na iyong isinimsim sa mga labi ko ng walang kasingtamis na pulot ng pag ibig? nalimot mo na ba ang mga sandaling yaong katasin sa mga labi ko ang alak na nakalalasing ni kupido? nalimot mo na ba?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"nalimot mo na ba ang mga sandaling, sa bugso ng iyong nag aapoy na damdamin ay sinabi mo sa aking: pati, ikaw ang puso ko, ikaw ang buhay ko, ikaw ang diosa ko? nasaan ang pagtupad sa mga ganitong pangako? pumarito ka'sa lahat ng oras ay bukas na aabutan mo ang haulang naging pugad ng ating mga ginintuang pangarap ng ating mga ligaya'aliw!. si pati, babaeng walang kaluluwa kundi pawang laman, ay natutong magtirik ng mga karayom sa mga talatang ito ng kanyang liham, mga karayom na siyang dumuro at sumigid sa hayop, sa mabangis na hayop, na iniingatan in sawi sa puso: ang pag ibig sa kanya. at noo'isaisang nagbangon sa alaala ng binata ang mga gunita ng nagdaan, parang mga patay na sa tawag ng manunubos ay muling nagsilabas sa hukay ng libingan. at ang ganid, ang ganid na alaga ni sawi sa kanyang puso, ay minsang nagbangon, umangil, pumalag, hanggang sa si sawi ay mapatindig sa pagkakaupo at ulit na masabing: pati, pati, papariyanan kita!. hating gabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"madilim, maulap ang langit, at ang hangin na animo'isang mahabang hininga, ay kasalukuyang nagngingitngit; kaya'bawa'datnin ng kanyang malakas na hampas ay tumutunog, umaangil na anaki'tumatanggap ng isang ubos diing sampal. mapamayamaya'bundokbundukang usok ang napatanaw sa malayo. makasandali pa'bumuhos ang ulan. mga kulog na nakabibingaw ang dumadagundong sa lupa, at sa langit ay naghahagaran ang matatalim na lintik na anaki'mga gintong ahas. sa malapad na liwasan ng azcarraga, sa oras na ito ay isang mahiwagang naglalamay ang napamamasid. sinong kaluluwa ang matapang na naglalamay sa gitna ng ganitong sigwa? nagtutumulin sa kanyang paglakad, tungo ang ulo, at walang lingong likod. ngayo'dumarating na siya sa tapat ng bahay na natitirik sa gawing kaliwa ng liwasan. sa bahay na ito'walang tumatanglaw kundi ang isang ilaw na kukutikutitap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"hakbanghakbang na lumungo sa pintuang noo'nalalapat pa ang dalawang dahon, nguni'nang siya'nalalapit na ay siyang pagkabukas nito sa tawag ng isang nakatalukbong na itim. at isang mukha ang sumilip doon, mukhang babae, ang mukha ni pati! pumarito pa kaya? ang tanong sa mananayaw ng aninong tumawag sa pinto. hindi na; marahil ay hindi, pagka'umuulan. tumuloy ka. ang pinagsabihan ng ganito ay tuluyang pumasok sa loob. samantala, ang naiwan sa labas, ang unang nasumpungan natin sa harap ng ganitong namasdan, ay minsang napakagat labi at ang nagngangalit na turing: oh, tila dinadaya ako! at sandaling natigilan na aandap andap ang loob. sino ang kanyang pinapasok? kilos lalaki, lalaki sa kanyang tayo, kilos at pangangatawan. dinadaya ako! dinaya ako!! pati, pati, magbabayad ka, pagka nagkataong napatunayan ko ang aking panibugho! at ipinatuloy ang kanyang paglakad: sandaling tumigil sa labas ng pintuang pinasukan ng unang nakita na natin, at pagdating doon ay marahang nakimatyag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"wala, wala siyang marinig. minsang itinulak ang pintuan, patakbong pumasok sa loob, at halos sa isang lundag lamang ay dumating sa itaas ng bahay. nang naroroon na'isang kaluskusan sa may dakong silid ang kanyang nahiwatigan. sino ang nag uusap na naririnig ko? tinig ni pati ang isa at ang isa ay tinig lalaki! ngitngit ng dios!. tinataksil ako! tinataksil ako!! tinataksil ako!!!. ang katulad ng isang baliw na labnot ang buhok, nagaalab ang dalawang mata, na pumasok sa loob ng silid. oh, kataksilan!. si pati, sa piling ni tamad! si sawi (na di iba'kundi ito ang dumating) sa harap ng gayong pag yurak sa kanyang dangal ay biglang dinatnan ng isang dilim ng tingin. lumapit sa dalawa na bumubuga ng apoy ang paningin, naninindig ang mga balahibong animo'maliliit na pakong nagtimo sa kanyang balat, at bago nilurhan sa mukha si pati, nilurhan sa mukha si tamad, at si pati at si tamad ay kapuwang pinisil sa liig ng tigisang kamay. ang panabay na sambit ng mga sinakal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"noon ay minsang nabuksan ang mga labi ni sawi, mga labing nagduruguan pa sa baon ng ngipin, at ang matunog na sigaw sa lalaki: imbil!. at sa babae'magdaraya!. si pati'hindi nakahuma. si tamad, na wari'nadarang sa alab ng poot ni sawi, ay umambang tatakbo. nguni', ang malalaking daliri ng binata ay lumatay noon sa mukha ng bugaw: anak ni lusiper! ibig mong tumanan? patawarin kita pagkatapos dumhan ang pagkatao ko? patawarin kita pagkatapos na ako'maibulid sa impierno, pagkatapos na ako'matukso, at ako'malinlang? hindi na, pagkatapos na ako'masipsipan ng katas, pagkatapos na ako'maghirap, pagkatapos na ako'mainis sa kandungan ng babaeng ito? at sabay itinuro si pati, na noo'nangangatal sa takot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"at ikaw ang pihit dito na naging dahil ng aking mga kasawiang dinanas; ikaw, na naging dahil ng aking pagkakapalayo sa mga dating kaibigan; ikaw, na naging dahil ng aking pagkakapalayo sa ama'ina, ng pagbawi sa akin ng kanilang pagmamahal; nasaan ang puso mo upang ako'gantihin ng ganitong kataksilan? mainam na bayad sa pilak ko na iyong nilusaw; mainam na bayad sa dugo ko na iyong ininom! si pati ay nanginginig na sumagot: patawarin!. nalalaman mo, pati ang patuloy ni sawi nalalaman mo kung gaano ang naging halaga ng pag ibig ko sa iyo? pilak, maraming pilak. ginto, gintong dakotdakot. ginto'pilak na bawa'piraso'nagkakahulugan ng isang sarong pawis, isang sarong dugo ng aking mga banal na magulang. at ang pangalan ko ang dugtong na halos mahirin sa nag uunahang piglas ng mga salita ang aking pangalang ngayo'siyang hantungan ng lahat nang pula, ngayo'isang sukal na kinaririmariman ng lahat nang bibig, paris ng pagkarimarim sa isang pusali, sa isang tambakan ng mabahong yagit?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"saan mo inilagay ang pagkatao ko? si pati'hindi sumasagot. nagpatuloy si sawi: ah, ngayo'lubusan nang pinaniniwalaan ko ang sabi ng mga pahayagang sa mga palaisdaan (bahay sayawan) na nilalanguyan mo ay walang ibang napapansing kundi pawang isdang kapak, isdang pawang kintab ng kaliskis ang namamalas sa labas, bago'pawang burak ang laman ng loob! sawi, patawad. ako'walang sala! walang sala!. at gumuhit noon sa gunita ni sawi ang mga pamamaraang ginawa sa kanya ng mananayaw, ang unang pagtatagpo nila sa isang handaan, ang pagkakadalaw niya sa bahay sayawan, ang mga kasinungalingang sinabi sa kanya ni tamad tungkol sa kabuhayan ng babaeng ito, ang lahat ng yaon ay napagkuro niyang pawang lalang lamang na iniumang sa kanya, upang siya, tagalalawigang walang kamalayan sa buhay maynila, ay magiliw na pumasok sa lambat ni pati, na gaya ng isang isda sa pabahay ng baklad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Rosauro Almario,"at lalo pang nag alab ang kanyang damdamin, lalo pang nag ulol ang kanyang poot; kaya'sa isang pag lalaho ng isip ay minsang dinaklot si pati sa kanyang gulonggulong buhok, at ang tanong dito sa buhay na tinig: wala kang sala, ang sabi mo? wala, walang wala. at bakit, bakit wala kang kasalanan sa aking pagkakapalungi? si pati, sa ganitong tanong, ay kimi at halos pabulong na sumagot. pagka'alam mo nang ako'. ros. almario pinatatawad kita!. nobelang tagalog na ipinagbibiling kasalukuyan sa lahat ng libreria dito sa maynila, sa halagang isang peseta. huling habilin maximino de los reyes. ipinagbibili sa lahat ng libreria buhat sa unang araw ng juliong papasok,.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0,0 +Juliana Martinez,"oh serenisimang maauaing ina sa tauong cristiano na iyong oveja, sa lupa at langit ngalan mo ay siyang tinatauag namin sa toui toui na. icao po ang torre at caban ng tipan ina nang sumacop sa sala nang tanan, cami pong inapo ni eva,, ni adan sa lubos mong aua cami,, nananaban. ituto mo rin po inang mapagpala masayod na lahat yaring ninanasa, mapurol cong isip capos na acala matutuhan co rin ang isasalita. manga camahalang napapauang nobles may sinimpang dunong at taho sa leyes, manipis cong alam at salat na isip nangahas cahima,, di talastas batid. lumalacad aco,, piquit ang capara ang landas na daa,, hindi tanto,, taya, pangahas cong isip doon umaasa sa pa honrang lingap nang mga bihasa. pinagsisiya na nang bait co,, isip lathala nang verso,, ayos sa matouid, sa manga bihasa,, culang din at lihis anyayang pa honra ay inihihibic. pinupuring tunay niring sumusuyo ang mangag anyayang malingaping puso, cahit di dalisay sa lustre,, malabo ay paparahin nang brillante at guinto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"gayon din sa hindi,, aayao lumingap yaring si.. nag papasalamat, itong ninanasang ibig na matatap ay buhay nang isang sa novela,, bansag. na dili umano,, nang panahong una sa reinong portugal sabi sa novela, sa sacop din nito na visadang villa doon ay mayroong pobreng, mag asaua. fabio ang lalaqui tunay na pangalan ang casi,, esposa ay sofia naman, mag asauang ito,, buhat nang macasal sapol sa dalita,, ualang pamumuhay. capagca bata na ay itong si fabio hanap buhay niya ay pag jujuego, nang magca asaua,, siya ring oficio na pinagcucunan canilang sustento. maguing ilang taon yaong pag sasama matrimoniong mahal nag supling namunga, nang isang lalaquing quias ay maganda naguing ngala,, juan nang mabinyagan na. malaqui ang toua,, ualang pagcaronan dito sa cay juan niyong pag mamahal, palibhasa,, uala at iisa lamang di ibig ni fabiong bata ay oouang. inang si sofia,, ualang guinagaua arao, gabi cundi ang pag aaruga, si fabiong asaua ay palaguing uala hanap ang sugalan at pagalagala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"pagsapit nang hapon ooui sa bahay dadaan sa tinda,, mamimili naman, madla,, sarisaring manga cailangan na cacanin nila sa pag hahapunan. doon sa canila cun siya,, dumating sa casi,, esposa ay sisiyasatin, baca ang anac tang mutyang guiniguilio pina iiyac mo,, di mo linilingil. ang sagot ni sofia naman uala acong gaua cun hindi hauacan, cahit nag luluto,, quinacaulayao sa pangingilag co na baca omouang. anitong si fabio na sintang esposo gayon nga ang aquing ibig guinugusto, icao ay hindi man macapag trabajo bata,, houag lamang pababayaan mo. pagcaca umagang macapag almusal paalis na siya,, punta sa sugalan, sa aua ng dios guinagaling naman sa touing ooui ay may panalunan. lumalaqui naman anac nilang ito di nag cacaramdam sa aua ni cristo, matanto at siya,, mahal na totoo ang sugo nang ina,, hindi asicaso. inang nag mamahal ay di alintana cahit di sumunod cun utusan niya, loob ay malinis sa anac na sinta palibhasa,, bugtong at iisa isa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang mag cabait na,, naguing cagauian umaalis siya sa canilang bahay, sa manga capoua,, hindi omaabian na naquiquilaro sa canino pa man. sa capangilagan nang catauan niya at ang catamara,, siyang nagdadala, aalis sa bahay tatanan sa ina susuot sa pulong casucala,, sadya. siya ay gumaua doon nang tahanan sa puno nang cahoy betis ang pangalan, na canyang lininis at siya,, nag lagay mga baguing hagting na sadyang hihigan. doo,, uala siyang munting guinagaua cundi palagui na lamang nacahiga, oras nang tanghali ay saca bababa ooui sa bahay pagcain ang sadya. cun siya,, dumating sa canilang bahay ang bati ng ina,, saan galing icao, si jua,, ang sagot ay dini po lamang naquipag laro po sa ating cahangan. di naman iimic yaong canyang ina sa uica ni jua,, natatalastas na, ito,, nag yayabang ano caya baga? ang anac cong ito,, bucod at caiba. nagtataca aco oh dios sa langit! ang bait isip co ay uulic ulic, cagagauang ito nang anac cong ibig caguilaguilalas at di co malirip.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"marami rin namang manga bata dito sa caapid bahay, na naquiquita co, itong aquing anac caibang totoo na palaguing uala at di masugo co. ano caya bagang talaga nang dios di paquinabangan ang anac cong irog? gayon ma,, matamis sa puso co,, loob cun ito ay siyang sa aqui,, caloob. oh dios na hari,, panginoong ama! pagcalooban mo ang anac cong sinta, amponin mo rin po,, hulugan nang gracia matutong mag silbi sa magulang niya. mulit muling taghoy na inihihibic sa dios na ama na hari sa langit, cahimanauari ang anac cong ibig bigyan nang liuanag carununga,, bait. saca cun matapos magtatanao tanao anac na si juan ay ibig matingnan, cun hindi maquita,, mananaog naman hahanaping pilit ang quinalalagyan. sa manga cahangan ay titingnan niya ipinag tatanong cundi naquiquita, ualang macasabi ooui na siya mapanglao ang loob naluha ang mata. cun siya,, dumating sa canilang bahay puputoc ang dibdib inang mapagmahal, ang loob at puso,, hindi mapalagay sa di pagca quita sa anac na hirang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ano pa,, sa touing gustong cumain na siyang pag paroong pag harap sa ina, inang nalulumbay cun siya,, maquita maguiguinhauahan pusong may balisa. saca uiuicaing ano caya ito? saan nangagaling itong aquing bunso, sa touing cacain lamang paririto ni anoma,, hindi paquinabangan co. matapos cumain guinaua nang ina inabangan niya cun saan pupunta, ina,, sumusunod na sa huli niya natanto,, naalman ang tahanang sadya. naquita ang cahoy na hinahantungan sa loob nang pulo na pinalinisan, sadyang may oyayi na tinutulugan sa cahoy na betis doon nalalagay. ang uica nang ina ay juang anac co! may sadya ca pala na tahanan dito, ano bagang iyong guinagaua rito ali,, sino bagang dito,, casama mo? anong naisip mo,, nasoc sa acala dito ca nalugmoc anong guinagaua, talastas mo naman at hindi caila mahal na ama mo ay palaguing uala. nag iisa aco,, uala cundi icao dapat casamahin sa gabi at arao, icao naman bunso ay sa toui lamang na gustong cumain nonoui sa bahay. aco ay paano oh anac cong guilio!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nag tataglay aco sacuna,, hilahil, mahal na ama mo sa ati,, uala rin sa sang lingo,, minsan lamang cun dumating. saca icao nama,, di co maasahan palaguing uala ca,, dito tumatahan, mabuti nga rito,, icao ay maaluan mula ngayo,, icao,, tamad na si juan. di naman sumagot sa manga sinambit sa ina,, ang mata ay di maititig, ang loob at puso niya,, may panganib na baca ang ina ay may dalang galit. iniuan na roo,, noui na ang ina lumalacad siyang naluha ang mata, jesus co! ang uica bucod at caiba itong aquing anac na iisa isa. esposong si fabio,, siyang sabihin co caya cun umoui ay nag mamacatlo, hanap buhay niya na pag jujuego sinasama siya at palaguing talo. siya ma,, narating sa canilang bahay cun minsan ay di na naoosisa man, ang anac na bugtong na sa puso,, mahal loob ay balisa,, ualang mapuhunan. mana,, isang arao ang uica ni fabio esposa cong sinta tanong co sa iyo, baquin baga aco,, touing paririto di co naquiquita ang anac tang bunso?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sintang esposo co sagot ni sofia di anong gagauin sa dios talaga, di mo nga talastas at dito,, uala ca mga cagauian nang bunsong anac ta. ngayo,, ang tauag co ay si juang tamad dahil sa ugaling caiba sa lahat, touing macacain panaog na agad pupunta sa pulo sa loob nang gubat. aquing sasabihin at nang matanto mo cabiac nang pusong casi,, esposo co, bunsong anac nata,, pagcacaalis mo ay palaguing uala,, di nasusugo co. cung aquing hanapi,, tingnan sa laroan sa mga barcada batang caramihan, ay hindi calaro uala,, cung nasaan loob co,, agad na na malulupaypay. babalic na acong puputoc ang dibdib sa di pagcamalas sa anac tang ibig, sa daluang mata co luha,, nabalisbis sa iyo esposo ay inihihibic. di co pag aanhin mana,, isang arao ang loob co,, puso,, di na mapalagay, niyong matanghaling tatapat ang arao oras nang pagcain dumating na naman. nasoc sa isip co,, aquing susubuquin pinag abangan co niyong macacain, tica nang loob co ay aquing susundin ang pinarorona,, ng aquing malining.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"anac ta,, nanaog ng macacain na sumusunod acong na sa huli niya, uala siyang malay at di naquiquita naalman co yaon na tahanan niya. may cahoy na betis sanga,, malalabay sa loob nang pulo na pinalinisan, sa cahoy na yaon siya ay nag lagay manga baguing hagting parang oyayihan. ang sagot ni fabio oh jesus na ama! ano caya,, gayon ang anac tang sinta, lulan niring dibdib at nasang talaga papapag araling capara nang iba. di anong gagauin ay cun siyang bigay sa atin nang dios na amang maycapal, ay houag isucal puso,, calooban lagacan din siya niyong graciang mahal. nagsama ang dalua,, naparoong tiquis pulo ay sinoot at ibig mabatid, nang si juan tamad datna,, nahihilig himbing nang pagtulog at hilic na hilic. dinulog nang amang marahang marahan anac niyang bunso ay canyang pinucao, guising ca anac co at paquimatyagan acong iyong ama na na sa ligamgam.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"naguising pagdaca na may dalang tacot tinangnan ng ama, ang noo,, tinutop, mag pacahusay ca,, tumauag sa dios ualin sa panimdim sacuna nang loob. aco,, bago lamang na cararating pa pinangalingan co ay malayong sadya, sa atin ay di co icao naquiquita aquing itinanong sa mutya mong ina. sumasagot siya luha,, nabalisbis sa daluang mata perlas ang cauangis, nagulumihanan ang puso co,, dibdib ng oras na yao,, nagdilim ang isip. nang aquing malining pauang maunaua ang sa iyong inang mga sabi,, uica, sa daluang mata co,, umagos ang luha sa laquing hinayang sa anac cong mutya. oh bunsong anac co,, baquit caya naman cabutong ina mo,, pinababayaan? talastas mo aco na uala sa bahay lagay ang loob co,, ang casama,, icao. ngayo,, sumagot ca,, ng maalaman co lulan nang loob mo,, mga guinugusto, di paquinabangan icao nang ina mong lauong nag aruga,, nag pasupasuso. cundi ca mag silbi,, mag lingcod sa amin ano caya bagang iyong mararating?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"buhay ang puhunan ng ina mong guilio saca ngayo,, di mo siya gagantihin. tunghay ang muc ha mo,, mata ay isulyap sagutin mo aco nang nasa mo,, hangad, ang hiya at tacot siyang nag aalab caya di mangyaring bibig ay mabigcas. yayamang di ca rin sumagot sa aquin malis cana dito,, moui ca sa atin, ang calooban mo ay iyong baguhin at sa magulang mo,, mag silbing magaling. at houag ca ritong mag papalumagac sa loob nang pulong casucalang gubat, tumatahan dito ay hayop na lahat hindi ang para mong cay cristong ovejas. di naman sumouay pagdaca,, sumama tamad na si juan sa gusto nang ama, pagdating sa bahay ang uica sa canya anac co ay dinguin hatol cong lahat na. magpamula ngayon magbago nang loob at dumalangin ca sa poong cay jesus, sa ama,, ina mo,, magsilbi nang lubos nang ang aua niya sa iyo,, idulot. isilid sa loob houag calimutan sa umaga,, hapon icao ay mag dasal, pintacasinin mo ang virgeng maalam ng caauaan cang gracia ay pacamtan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"houag cang aalis dito,, pumirme na sa arao at gabi ng macasama ca, ang mahal mong ina,, nag iisa isa ualang masusugo cun dito,, uala ca. tuloy namang icao ay ibibili co ng isang cartillang mapag aralan mo, di man macapasoc icao sa maestro ay tuturuan ca guilio na ina mo. ani juan tamad na sagot sa ama lahat ninyong hatol aco,, tatalima, susunod sa utos aco po nang ina at saca sa dios mananalangin pa. malaqui po ama yaring catouaan sa inyong sinabing aco ay mag aral, at haringarin po na aco,, casihan na matutuhan co gauang cabanalan. bumili ang ama ng isang cartilla, at si juan tamad ay tinuruan na niyong sarisaring pangalan nang letra sa nag pamula,, pinaquiquilala. ang uica ni fabio,, salamat sa dios at sa hicayat co anac co,, nasunod, iyong tuturuan esposa cong irog haringa,, maalman cartilla,, matalos. iiuan co cayo,, aalis na muna mag hahanap buhay na ating magasta, icao na anac co,, maquiquinig baga houag mag susutil sa mahal mong ina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"oo po ama co,, tatalimahin co mag papacasaquit na mag aral aco, haringa,, loobin nang poong si cristo na maguing pari rin acong anac ninyo. sa sagot na yao,, ga mapapangiti ang amang si fabio niyong talumpati, salitang may daguil at umaaglahi sa manga magulang ay parang taguri. sa casi,, esposa ay napaalam na tumungo sa dating paroronan niya, nang quinabucasan niyong maumaga si jua,, uala na at nacaalis na. si sofiang ina,, di na matahimic mapanglao ang loob puputoc ang dibdib, inantayan lamang ama,, nacaalis lumayas na nama,, sa pulo,, nagbalic. naparoong agad at canyang tiningnan dahilan sa hindi siya mapalagay, dinatnan ang anac na nagugulaylay sa oyaying baguing na dating tulugan. ang bati nang ina ay bunsong anac co! baquin naman icao,, muling naparito bilin nang ama mo,, pangusap sa iyo houag cang aalis icao,, casama co. di icao ay dico ngayon malilingil di matuturuan at uala sa atin, di po cailangan yaon cun sa aquin cartilla po ina,, paua co nang lining.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"unauain ninyo at aquing tuturan linalaman noo,, mga cahulugan, yaong letrang ina,, caharian nang dios na amang macapangyarihan. yaong letrang na munting casunod angeles na madlang catoto nang dios, sa coro ay pauang nag pupuring lubos sa amang lumic ha nitong sangsinucob. yaong letrang bilang pacaitlo si mariang virgeng inang masaclolo, reinang tinatanghal nitong boong mundo sacdalan nang tanang ovejas ni cristo. yaong letrang ay ang cahulugan tribunal nang dios talarong timbangan, masama,, magaling doon matitingnan ang juicio nang dios pagdating nang arao. yaong letrang cahulugang dala imperio at bayan nang dios na ama, ang lahat nang banal doon naquiquita na nangag pupuring touang ualang hanga. yaong letrang ll ay ang cahulugan ina po ay dinguin at aquing tuturan, ang dios na ama,, caya nagpalagay gloria,, infierno na pag pipilian. ang tauo sa mundong inapo ni eva anomang ibiguin pahintulot niya, cun caya nag lagay ay laang talaga sucat pag palagyan pagdating nang ora.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at ang letrang bilang catapusan cahulugan naman ay inyong paquingan, pagdating nang arao na tayo,, hucuman mayama,, mahirap paparehong tunay. sa dios ay uala na malaqui,, muntic at ualang marunong ualang ignorantes, uala namang papa,, ualang cardenales paparehong lahat pagdating nang guhit. naringig na ninyo lahat cong binaybay di na dapat yata na aco,, mag aral, hindi macasagot ina,, natiguilan at pauang totoo ang manga sinaysay. ani juang tamad umoui na cayo sa bahay ina po,, doo,, ualang tauo, houag pag pilitan na paalsin dito at dito po nama,, ualang basag ulo. ang ina ni juan tantong nagtataca sa manga sinaysay tungcol sa cartilla, ganitong cabata,, di nag aaral pa ano,, naalaman tanang significa. anhin co ang letra,, siya,, tinuruan caya naquilala ang manga pangalan, ay baquit naalman dalang cahulugan sulat na cartilla quinapapalagyan. sa ganitong ito ay pahat pang pahat sasampuo pang taon dinadalang edad, natutuhan itong casaysayang lahat biyaya nang dios na sa caniya,, lagac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at saca umalis canyang iniuan na habang lumalacad naluha ang mata, aco ay paano uala ang asaua saca ang anac co ay di macasama. yaring catauan co caya ay paano na caaua aua ang calagayan co, oh virgen mariang inang masaclolo matiis co rin po ang hirap na ito! itong aquing anac na iisang tunay dapat casamahin sa gabi at arao, touing magugutom siya,, saca lamang na naparirito,, pagcain ang pacay. macapangyarihan na iisang dios lauitan nang aua ang palad cong capos, alalayan mo po mahina cong loob na houag din nauang madaig nang tucso. bugtong niyang anac na si juang tamad na nasa sa pulo sa loob nang gubat, ang canyang cartilla,, laguing hauac hauac binabasa niya at buclat nang buclat. ang pagbasa niyang inuulit ulit oh dios na haring aquing iniibig, hulugan mo aco nang biyayang bait at biyayang graciang ualang caholilip! saca isusunod hulugan mo aco nang biyayang aua sa pagca higa co, ipanatag mo po yaring catauan co sa ligayang lubos ilayo sa tucso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"macapangyarihang amang maauain bigyan mo po aco nang aquing cacanin, sa pagca higa co,, idulot sa aquin iinuming tubig naman ay gayon din. cun siya,, inip na niyong pagca higa sa canyang oyayi siya ay bababa, sa pag mamadali nagcacandadapa pupunta sa ina,, mag papacabuya. at cun macatapos siya,, macacain aalis na muli pulo,, tutunguhin, hihiga pagdaca sa oyaying baguing matutulog siya nang himbing na himbing. ano,, nang dumating yaong canyang ama agad itinanong sa esposang sinta, ang bunsong anac co,, nasasaan baga baquin uala rito,, di co naquiquita. sa casi,, esposang isinagot naman nang macaalis cang quinaumagahan, macabangon aco,, uala,, cun nasaan at nag balic pala sa dating tahanan. ano caya dios? ang uica ni fabio gayon ang ugali nang anac cong bunso, marami rin naman na naquiquita co, caiba at tamad di tumahan dito. sagot ni sofia ay mabuti naman at doon ay uala na macacaauay, cun palaguing sama sa manga laroan ay macacausap nang sino,, alin man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"caya houag mo nang piliting hanapin ang tamad na tauo,, anhin man at anhin, sintang esposo co,, pamanhic at hiling aguantahin mo na,, talaga sa atin. hindi na tumutol nang anoman siya sinunod ang hiling nang casi,, esposa, mag mula na noon silang mag asaua lumagay ang loob di na alintana. sa touing darating na gustong cumain ni anoma,, uala silang sasabihin, pinapara nilang uala sa panimdim panatag ang loob sa dios ay hayin. ito namang anac ay di nag tatanong at anoma,, uala na inioongoy, sa canyang tahana,, laguing naroroon sa oyaying baguing humiga,, bumangon. mana,, isang gabi na catahimican sa oyayi niya ay nagugulaylay, himbing nang pag tulog siya,, linapitan nang isang matanda,, cagyat na pinucao. juan ang uinica icao ay gumising at aco sa iyo ay may sasabihin, nag bangon pagdaca ang sagot ay baquin ano po ang gusto ibig cong malining. tinatatap quita caya naparito at cucumustahin ang calagayan mo, mahaba nang arao pagtahan mo dito di nag caca pulong icao man at aco.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nuno po,, malaqui tinangap cong toua tinatatap ninyo calagayang aba, maraming salamat dios ang mag pala pagcalooban din tayo nang biyaya. sa matandang sagot dito sa cay juan pagtahan mo dito,, nag iisa lamang, icao,, bibigyan co,, pagcacalooban isang batong munting perlas ang cabagay. iniabot niya cay juan ang bato at pinag bilinang ang uica,, ganito, pacaiingatan at mamahalin mo houag masasabi sa alin ma,, sino. at ang batong iya,, ang virtud na dala anomang hingin mo,, agad bibigyan ca, pacamamahali,, ingatan mo siya houag masasabi sa ama mo,, ina. tumangap nang touang hindi ano lamang pag papasalamat niya,, ualang hangan, nuno po,, sa inyong caloob at bigay ano cayang aquing igaganti naman. sagot nang matanda,, houag cang manimdim at anoma,, houag may alalahanin, anopa,, ang aquing muli,, muling bilin dati mong ugali houag babaguhin. at halos dagdagan pag tauag sa dios pa pag alabin mo puso sa pag irog, pag papalain ca,, gagantihing lubos loualhating gloriang ualang pagcatapos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"saca napaalam matanda,, nalis na at si juang tamad iniuan na niya, sa canyang oyayi nahilig pagdaca cartilla,, tinangna,, canyang binabasa. uala siyang tahan nang quinabubuclat fojas nang cartilla,, nababasang lahat, na ang sinasambit sa canya,, igauad nang dios na ama yaong graciang uagas. saca yaong tatlong cabanalang lubos na dapat sunurin nang tauong cristianos, inuulit ulit na uicang mataos na manampalataya,, manalig sa dios. at yaong icatlo ay pacaibiguin ang amang maycapal sambahi,, purihin, ang capoua tauo,, sintahi,, ibiguin para nang pag ibig sa sariling atin. salit salit itong canyang binabasa touing bubuclatin sulat na cartilla, naguing ganting pala ay binigyan siya batong encantadong lubhang mahalaga. mahabang panahong canyang ingat ingat ni sinoma,, uala na na cacamatyag, bilin nang matanda,, canyang guinaganap pag mamahal niya,, ualang macatulad.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang siya,, mabigyan niyong nuno niya batong encantadong perlas ang capara, isang arao ngani na icacain na sa bato,, humingi nang isang comida. at uinica niyang icao aquing bato na bigay sa aquin matandang nuno co, icao ay mag handa ng putahing husto na aquing cacani,, nagugutom aco. ualang liuag liuag lumabas na agad ang isang lamesa,, casangcapang lahat, sari saring lutong manga masasarap nacaliligaya sa matang mamalas. dumulog na siya at agad cumain manga catouaa,, di sucat sabihin, saca nang matapos ang ipinag turing icao aquing bato ligpitin ngayon din. nasunod na lahat manga cahilingan lamesa at lahat agad nang naparam, pag papasalamat niya,, ualang hangan sa matandang nunong sa canya,, nagbigay. at di na umuli na humingi siya tiniticman lamang batong encantada, ang nasoc sa loob inaala ala baca mamalayan nang magulang niya. sa capangilagan na baca malining ang ugaling dati ang guinagaua rin, sa touing tanghaling oras nang pagcain ay ualang pag sala,, siya ay darating.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"yaong canyang ama,, dinatnan nang damdam hindi macaalis na mag hanap buhay, guilio niyang ina loob ay mapanglao ualang macacain ala alang tunay. juan ang uinica niyong canyang ina icao baga bunso ay paano baga, ama mo,, may saquit ay saan cucuha nang ating cacanin cundi mag hanap ca. sumagot si juan oo po ina co houag pong manimdim ang bahala,, aco, hindi mauaualan nang cacanin tayo humingi po lamang sa poong cay cristo. totoo nga yaon ang uica nang ina at tayo,, sa dios lubos umaasa, dapua,, cun hindi mag tatrabajo ca di ca rin bibigyan cun nacaugmoc ca. umuling sumagot sa ina si juan di nga po bibigyan cun hindi maalam, cun ang ating loob manalig na tunay humingi ma,, di man ay caaauaan. cahulugan ina nang ipinagturing tauo,, cailangang sa dios ay hingin, bago mag trabajo,, dapat manalangin humingi nang aua,, nang maquinabang din. houag pong manimdim mahal na ina co di po mauauala ang aua ni cristo, malacas po lamang yaring catauan co ay mag tatrabajo,, macaquita aco.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"salamat cun gayon dapat ngang asahan palibhasa,, uala cundi icao lamang, quita mona itong ating calagayan na ualang di uala at cahambal hambal. doon sa tubigan icao,, pumaroon cahima,, bitoo,, manglimot ca roon, lacad nang madali,, houag malalauon at ang iyong ama,, lubhang nagugutom. naparoon siya at hindi sumouay tuloy nag dala pa nang sadyang sisidlan ng siya,, sumapit sa catubiganan may ilog na isang canyang tatauiran. tumiguil na roo,, di tumauid siya doon manglilimot ang nasang talaga, linibot ang ilog nag mamalas siya ng manga bitoo ay di macaquita. di nalauong oras cagyat sa sisipot ang manga bitoo na dala nang agos, natoua,, ang uica,, salamat sa dios may madadala na sa inang nag utos. hindi natatanto niya,, naaalman ang bitoong yaon ualang manga laman, na tapon nang tauong manga balat laman ay siyang sinaguip isina sisidlan. yumao na siya,, lacad ay matulin ang toua nang loob di sucat sabihin, sa pag mamadali halos na liparin ang canilang bahay agad nang marating.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ano,, ng dumating maquita nang ina ang toua nang loob ualang macapara, salamat ang uica,, macacacain na may maiuulam may saquit mong ama. sa pag mamadali ni sofia naman ang casi,, esposo,, quinagugutuman, hindi natatanto,, ilinutong minsan ang mga bitoo,, balat ualang laman. hinango sa palloc niyong maluto na saca pa naalmang manga balat pala, ang uica sa anac ay cun baquin baga manga ualang laman ano,, nanglimot ca. sa dalauang mata luha,, bumalisbis nalumbay ang loob at siya,, tumangis, boong acala co at lulan nang dibdib may ma iuulam ang esposong ibig. baquit ca caya naman nagca gayon pumulot nang balat na sa tauong tapon, sa tubiga,, di ca pala nag tutuloy bitoong marami doon naroroon. hindi na tumutol sa uica nang ina nag balic na muli na nag madali na, tumauid nang ilog at hinanap niya ang quinalalagyan bitoong lahat na. natagpuan niya yaong caramihan nanglimot na siya,, lagay na sisidlan, ano,, nang mapuno,, umoui na naman at ang ala ala ina,, nag iintay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"natoua ang loob nang siya,, dumating ang uica,, ito nga bitoong magaling, linuto pagdaca,, caniyang inihayin sa sintang asaua ay ipinacain. sa aua nang dios at virgen maria niyong macacain nag tamong guinhaua, inulit cay juan niyong canyang ina baquit sa primero,, balat ang dinala. ang cay juang tamad na ipinag turing ina po,, di baga yao,, bitoo rin di ninyo sinabi at ipinalining bitoong may lama,, siya cong cucunin. ang uica sa canya,, icao pala naman di naquiquilala bitoong may laman, lumuti,, may taquip iyong tatandaan cun icao ay aquing muling pag utusan. cayo po ang tacsil ina,, hindi aco di liniliuanag cun mag utos cayo, di dapat sisihin acong anac ninyo ualang casalanan at na sasa inyo. sa ganitong pulong at pag uusapan asauang may damdam naquiquinig naman, nag uica,, sinabi na may catouiran esposa cong sinta ang anac tang iyan. sagot ni sofia sa casi,, esposo sa anac tang iya,, nag tataca aco, di naman marunong at ualang estudio cun baquit maalam parang abogado.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"tingnan mo esposo,, aquing sasabihin nang na sasa pulong aquing cacaonin, sulat na cartilla,, sinaysay sa aquin tanang significa ay ipinalining. di sucat mamangha ang puso mo,, loob sa canitang anac maalam at talos, pag quinacasihan niyong poong dios daig pa nga,, talo ang nangag estudios. salamat sa dios ang uica nang ama at di man nag aral may sinimpang ciencia, cahimanauari ay ituto siya sa capayapaan na toua,, ligaya. sa usapang yaon nang canyang magulang hindi umiimic cahit caputoc man, anopa,, ang puso,, tumatangap naman nang galac na toua ayon sa sinaysay. ano,, nang matapos ang canilang pulong sa ama,, sa ina ang uica ay gayon, manga loob ninyo,, houag malingatong at mag hahanap na mag pamula ngayon. maguing ilang arao siya ay nalis na reino nang portugal ang canyang pinunta, ang nasa nang loob at ticang talaga balang hanap buhay papasucan niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang dumating doo,, di rin nag hahanap uala siyang gaua cun hindi humicap, ang pagcain niya ay sa batong ingat doon humihingi pag dating nang oras. sa lugar na ualang sucat macaquita siya,, paroroon bato,, tatangnan na, saca sasabihing daling mag handa ca ng comida,, aco ay nagugutom na. at pagcacatapos siya,, macacain ang uica sa bato,, madaling ligpitin, inaala ala ay baca malining nang capoua tauo na sino ma,, alin. nang maguing sanglingo itong nacaraan pagca tahan niya sa reinong portugal, isang hating gabi,, na catahimican batong encantado,, quinuha,, tinangnan. at sinabi niyang icao aquing bato na bigay sa aquin matandang nuno co, daluang sacong bigas sa ami,, dalhin mo para cacainin nang ama,, ina co. gayon ang pangulam ay iyong samahan sundin mong madali,, huag cang magculang, nang oras na yaon agad naganapan sinunod nang batong canyang casangcapan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ano,, nang maguising ang ama at ina daluang sacong bigas naquita pagdaca, sa guitna nang bahay at may casama pa na isda at ulam loob ay nag taca. inang si sofia ay agad namanglao malaquing totoo dalang gunamgunam, ang esposong sinta,, canyang tinauagan aco ang uinica,, hindi mapalagay. ito,, saan galing na bigas na ito taglay cong pangamba,, malaquing totoo, baca ito,, dala nang anac tang bunso pinagmulan nito ay ala ala co. ang paquiramdam co cataua,, malambot hangan di co ito matanto,, matalos, asaua cong sinta sa gusto co,, sunod nang di alinlangan ang puso co,, loob. icao ay umoui,, pumasoc sa reino ang manga tindaha,, pauang libutin mo, na cun may nangyaring anoman at ano hindi masasarhan ang bibig nang tauo. sa sintang esposa si fabio,, sumunod umoui sa reino at nag libot libot, siya ma,, may roon na dala ring tacot na hindi mauala pangamba nang loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang ualang maquitang manga capulungan ni balitang hugong tungcol sa nacauan, cun dito,, may roong tindahang naualan hindi malilihim pilit maaalman. lumagay ang loob umahon na siya sa visadang villa tumungo pagdaca, ano,, nang dumating bati ni sofia ano ang lacad mo ngayo,, magsabi ca. ang sagot ni fabio esposa cong irog ang bagay na yao,, ualin mo sa loob, lahat nang tindahan ay aquing nalibot ualang nanaualan houag cang malungcot. manga calumbayan ni sofiang sinta nang matanto yaong sabi nang asaua, nasaulang muli para nang dati ca anac niya lamang siyang ala ala. ngayo,, sanglingo nang nacaalis dito di pa bumabalic na guilio na aco, saan cayang lugar yaon napatungo baquin di hanapin sintang asaua co. ang sagot ni fabio,, houag cang manimdim cun hindi narating aquing hahanapin, di baga,, nang malis paalam sa atin mag hahanap buhay cacainin natin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"totoo nga yaon sangayonan quita mag hahanap buhay nang paalam siya, una,, ang pag guilio saca ang isa pa maalman ang bigas cun saan quinuha. hindi na natuloy si fabio,, naghanap cagyat sa darating ang canilang anac, nangag comustahan saca siniyasat cun sinong nagdala daluang sacong bigas. aco po ang sagot mahal na ina co ang siyang nag utos nag padala rito, at ala ala co,, magugutom cayo pinag hanapan po ang ibinili co. anac co,, cun caya hindi mapalagay loob co,, palagui na may gunamgunam, at hindi mauala pag aalinlangan pinag mulan nito,, ibig cong maalman. diyata,, cun gayong pinag hanapan mo malaqui ang toua nang puso,, loob co, anong colocacion tanong co sa iyo ang pinapasucan ay anong trabajo. ina po,, bala na na nacacayanan na iniuupa nang sino,, alin man, pinapasucan co,, macaquita lamang maiisustento sa manga magulang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa iyong tinuran oh bunso cong sinta tinangap cong toua,, ualang macapara, caming nag aruga,, inaala ala cacasihin ca rin nang dios na ama. aalis na muli,, ang pag hahanap co ina,, matitiguil cun tumahan dito, pinuntahan niya,, portugal ding reino,, marami na roon siyang amistado. ito,, sabi lamang sa canyang magulang na siya ay doo,, mag hahanap buhay, bago,, ualang gaua cung hindi mag pasial sa manga amistad naquiqui paglibang. cun caya marami siyang caquilala dahil sa ugaling ipinaquiquita, sinomang mag utos sinusunod niya houag lamang hindi niya nacacaya. cun siya,, pacanin nang alin ma,, sino ay hindi cumai,, ayao na totoo, uiuicain nila,, icao ay paano panagot na lamang ay busog pa aco. siya ay mayroong naguing caibigan na casama sama sa gabi at arao, saan man paroo,, di naghihiualay parang magcapatid ang pagsasamahan. caibigang ito,, taga babilonia capoua binatang pareho ang dalua, caya naroroo,, layas sa canila ang sabi,, pahayag tumampo sa ama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"mana,, isang arao sila,, may naranan na maraming tauo,, mayroong baysanan, sila ay pumanhic ibig na matingnan ang novio at novia na bagong quinasal. palibhasa,, dati at caugalian na tungcol casam ento ay mayroong boda, ang nangaroroon ay niyaya sila at pinacacain magcasamang dalua. ngala,, feliciano niyong caibigan pagdaca,, dumulog na cumain naman, si juan ay hindi,, totoong naayao siya rao ay busog ang sagot sa tanan. at nang macacain ay napaalam na sila,, nag pupulong sa paglacad nila, ani feliciano aco,, nag tataca caibigang juan cung baquit gayon ca. umaga,, tanghali maguing sa hapunan di co naquiquita na cumain icao, icao baga,, santong ualang cagutuman sa iyo ay aco,, nag cacamamanghan. caibigang sanoy aco,, hindi santo naguing ugali na capagca bata co, pagdating nang oras ang guinagaua co iinom nang tubig ay busog na aco. ang uinica niyong caibigan namamaang aco sa iyong tinuran, sino caya baga sa mundong ibabao sa tubig na lamang tauo,, mabubuhay?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang sagot ni juan aco nga amigo sa pag inom lamang nabubuhay aco, magaling pa icao ani feliciano ualang cagastahan at daig mo aco. bago,, hindi gayo,, ang paraan niya cusang nahiualay sa canyang casama, at sa batong ingat niyang encantada doon humihingi nang pagcain niya. hahanap nang lugar mabuting tayuan na uala sinomang sucat macamalay, at cun matapos na,, babalic na naman sa cay felicianong canyang caibigan. ganitong palagui guinagaua niya hindi natatanto nang canyang casama, sa laqui nang hili siya ay gumaya nainom na lamang cung nagugutom na. ang quinahinatna,, siya,, nagcasaquit cataua,, humina,, naratay sa banig, sa canya ay uala sinomang nalapit na tumingin baga at mag malasaquit. sa bahay na canya na tinutuluyan hindi naman siya pinaquiquialman, maliban cay juang canyang caibigan ang napaparoo,, siya,, dinadalao. ang saquit na yao,, iquinamatay na sa mundo,, pumanao ang canyang hininga, mapanaghiliin ay di sucat pala at di cagalingan ang naguiguing bunga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at nang mamatay na ay uala sino man na tauong nalapit bilang maquialam, palibhasa,, uala na camag anacan maliban cay juang canyang caibigan. pinasan ni juan bangcay ay dinala yaong cementerio ay tinungo niya, at pagdating doon ay humucay siya inabot nang dilim di nalilibing pa. nang oras na yaon ay may cadiliman linapitan siya,, pinag sungabanan, sa laqui nang canyang manga catacutan nag tacbo pagdaca,, bangcay ay iniuan. naualan nang loob isip ala ala sigla nang malaquing catacutang dala, palibhasa,, dilim ay hindi maquita pinto nang libingan na lalabsan niya. cun caya malaqui dalang catacutan na sa loob niya,, laguing gunam gunam, sumungab sa canyang marami,, cabanan ay manga caloloua nang naroong patay. ang boong acala,, na sa huli niya cabang nag sisungab hinahabol siya, sa quinatatacbo,, halos ang hininga di na magca uli at humihingal na. nalugmoc sa lupa sa laqui nang pagod halos ang hininga niya,, nangangapos, sapagca lugami sumilid sa loob jesus co! ang uica ilayo sa tucsos.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"itong uicang jesus nang canyang masambit nasaulang loob luminao ang isip, sampong catacuta,, napaui,, naalis pinto nang libingan ay canyang nabatid. nag labas na siya at nag patuluyan tinungo ang dating bahay na urungan, nang quinabucasan canyang naisipan umalis na roon sa reinong portugal. at noui nang muli sa visadang villa ang ama,, ang ina,, dadalauing sadya, ano,, nang dumating sabihin pa baga ang toua nang loob nang magulang niya. ang uica ng ina,, salamat sa iyo lubhang malaqui na manga pag guilio co, comusta ang buhay oh bunsong anac co? at saan nagbuhat pagdating mong ito. sagot na tinuran ina co,, magulang pinangalingan co,, ang reinong portugal, cusang naparito,, cayo,, dinadalao cabuhayan ninyo,, ibig cong maalman. lubos yaring toua ng puso,, loob co di mo linilimot caming magulang mo, cacasihin ca rin ng poong si cristo pamamanahin ca ligaya sa mundo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"dapua,, ang iyong minumutyang ama mula nang gumaling ang saquit na dala, pumirme na rito,, di umaalis pa cataua,, mahina,, di para nang una. ang sagot ni juan ano pong gagauin diyata,, cun siyang caloob sa atin, tibayan ang puso,, tumauag dalangin sa dios at tayo,, caaauaan din. lumapit sa ama,, humalic sa camay at saca nag uicang ito ang tinuran, calagayan ninyo,, houag ipamanglao tiisin ang hirap dios ang may bigay. cahima,, mahina ang catauan ninyo at cayo po ama,, di macatrabajo, dumalangin lamang tayo po cay cristo hindi mauauala ang aua,, saclolo. ang cacanin ninyo sa gabi at arao ama po ay cayo,, aquing padadalhan, caya po naalis nag hahanap buhay maisustento co sa manga magulang. di lubhang nalauon doon sa canila siya,, napaalam sa ama,, sa ina, aalis na muli,, ang nasa co,, tica ang tutunguhin co,, reino nang espana. lumuhod sa harap ng canyang magulang bendicion po ninyo aco,, pabauonan, ang camay nang ama,, iguinauad naman pinahalic niya at benendicionan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at saca sa ina ay siya,, lumapit hinaguip ang camay at tuloy humalic, benendicionan di,, ang uicang sinambit ang paroronan mo naua ay masapit. naglagos na siya,, tinungo pagdaca ang talagang nasang reino nang espana, nang dumating doon nagpapasial siya ang loob nang reino,, linilibot niya. naglilibang siya sa manga tindahan at umaamistad sa canino pa man, palibhasa,, bagong cararating lamang humahanap siya tutuluyang bahay. ang ugaling dati capagcaraca na cun sa ibang lugar naroroon siya, dating catamara,, linilisan muna maalam sumuyo,, loob ay maganda. cun paquiusapan nang alin ma,, sino tungcol sa anoman na cayang trabajo, loob ay malinis sa capoua tauo madaling cumita manga amistado. di humabang arao pagcatahan niya sa espanang reino,, may caquilala na, doon na tumuloy at naguing casera sa arao at gabi ay urungang sadya. ang caserang yao,, may binatang anac na casama sama ay ni juan tamad, sa loob nang reino ay pahicap hicap casayahang madla,, siyang minamalas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"cun matapos silang macapag pasial na ooui sa bahay magcasamang dalua, caibigang ito,, tantong nagtataca at di mapacain doon sa canila. at sa encantadong bato niyang ingat laguing humihingi pagdating nang oras, cagagauang ito,, lihim at di hayag ni sinoma,, uala na nacatatatap. pumucao sa loob at naala ala baca nagugutom ang magulang niya, humingi sa bato niyang encantada dalhan nang cacanin ang ama at ina. guinanap pagdaca na hindi naliban ng oras na yaon manga cahingian, natoua ang loob nang canyang magulang sila,, may cacanin sa gabi at arao. at natatanto na ng magulang niya ang bigas na yao,, sa anac na dala, hindi lamang batid nila,, natataya anac ay mayroong batong encantada. ang magcaibiga,, muling sabihin co sa umaga,, hapon sila ay paseo, tamad na si jua,, bihasang totoo na ualang trabajo mulang maguing tauo. doon sa canilang manga pagsasama nalilibot nila loob nang espana, capag may naranang dalagang maganda ang uica cay juan ay ibiguin mo na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"isasagot nama,, ang bagay na iyan uala sa loob co,, di pa gunam gunam, ang pagparito co sa espanang bayan di iyan ang hanap cundi caibigan. mana,, isang arao naparaan sila sa tapat ng torre ng bunying princesa na na sa bintana,, sila,, naquiquita ang pinagmamasdan ay silang dalaua. natingala naman ni jua,, namalas nginibitan niya,, sinusuliap suliap, princesa leonila ay napahalac hac natoua sa anyong nangibit nasuliap. ani juan tamad ay tingni amigo nataua sa aqui,, na iibig aco, tumiguil na cusa titingna,, tutungo toua nang princesa ay di mamagcano. uica nang princesa sa canilang dalua hayo,, magpatuloy na cayo,, malis na sa catouaan co,, ang aquing hininga nangangapos halos di na macataua. nalis na nga sila na nag madalian at noui na naman sa canilang bahay, magmula na noon bagama,, napasial di napaparoon cundi noon lamang. di naman nalauo,, ang bunying princesa loob ay pumanglao at nagca balisa, hindi magca uasto loob ala ala catauan ay hindi capara nang una.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"misterio nang dios na sucat pagtac han princesa leonila,, nag laman ang tiyan, ang loob at puso ay di mapalagay sa dagsang sacuna na cahambal hambal. puso,, nalugami at tatangis tangis sa dalauang mata luha,, nabalisbis, ang loob ay gulo puputoc ang dibdib sa di maulatang signos na sinapit. di icacatulog sa gabi at arao at pinapanimdim ang cahihinatnan, baquit caya baga yaring capalaran palad na quiquitil nang tangan cong buhay. hindi co malirip ang bagay na ito cun ano,, sinapit nang imbing palad co, ualang masasabi cahiman at ano cundi ito,, signos nitong catauan co. paano ang aquin ngayong calagayan puri co,, uala na anong casaysayan, ang libac at pula nang tauo,, cacamtan di ano pang aquin na capapacanan. icao catauan co caya ay paano ngayo,, saan caya aco patutungo, mabuhay man baga ang tauo sa mundo cun uala nang puri parang gamo gamo. ang lalong matinding inaala ala di co icacain sa toui toui na, cun ito,, maalman ng hari at reina na ama,, ina co,, magcacamit dusa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa mundo,, uala na,, para cong pinatay ang nagcalauinging pinagcautangan, nasira ang puri,, parang pinugayan cun matanto ito,, capalit ang buhay. himala nang dios na bigay sa aquin signos co na yata at planetang linsil, ualang naaalmang daang maguing dahil nang sacunang itong aquing nararating. at sa torreng ito,, mula nang matira aco,, ualang sucat ga masasabi na, cundangan nga yata signos co,, planeta caloob sa aquin nang dios na ama. cundi noong minsang mamintana aco taong nagdaraan ang dalua catauo, isa,, tumingala at naquita aco tumaua,, ngumibit ay natoua aco. dili co mataroc matapos isipin ang nangyaring yao,, sumasapanimdim, diua ay yaon nga,, siyang naguing dahil pinagmulan nitong sacuna,, hilahil. dios na poong co,, panginoong ama calarahin aco,, iyong ipag adya, sinapit cong ito,, malaquing pangamba titiisin co po cun iyong talaga. oh virgen mariang inang masaclolo! patnubayi aco at ipagtangol mo, sacuna,, lingatong niyaring catauan co matiis co rin po,, ilayo sa tucso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"aco man ay ualang inaala ala sucat pagbayaran na guinauang sala, cun ito,, maalman nang hari cong ama buhay co,, peligro,, cacamtan co,, dusa. maguing limang buan itong nacaraan ang bunying princesang tiguib hapis lumbay, di niya maisip damdam nang catauan cabuntisan niya,, halata nang tunay. feliz hari niyang ama at ang reina ines na casi,, esposa, pumanhic sa torre at vinivisita ang canilang anac princesa leonila. ano,, nang dumating sa torreng tahanan ang hari,, ang reina,, tantong napamaang, cun baquin anila,, ang princesang mahal di sumasalubong sa aming pagdatal. princesa leonila,, hindi macaharap sa ama,, sa ina mata,, di isuliap, ang tacot at hiya ang dumadagabdab sa dibdib at puso ay hindi maagnas. nang oras ding yao,, nahalata nila yaong cabuntisan ng bunying princesa, naboual sa tindig pareho ang dalua naualan nang loob isip ala ala. nang mahimasmasang pag saulang isip ang hari,, ang reina bumango,, nagtindig, ang uica nang ama oh anac cong ibig?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ano,, gumaua ca nang hindi matouid. reinang ina niya nama,, ang uinica oh anac cong sintang sa puso co,, mutya? baquin baga icao ay nag pacasira puri,, sinayang mo,, uinalang bahala. di muna liningon caming namuhunan nagcandi candili,, nag pala palayao, guinugol ang puyat at malaquing pagal saca ang ganti mo,, laso,, camatayan. acong nag aruga,, nag pasupasuso nagtiis nang hirap sapol pagcatauo, di mo na dinamdam inala ala mo puri,, iningatan tiquis cang naglilo. macetas ca nami,, sa matang aliuan camuc ha ay rosas sadyang cabanguhan, manga loob namin at dinadampiohan anomang sacuna,lunas ca at cordial. saca ngayo,, ito ang ganti mo,, bayad tubo,, paquinabang sa pagal at puyat, palamara,, tacsil anac na dulingas anac na souail campon ni satanas. ang bunying princesa,, naluhod pagdaca na bumabalisbis ang luha sa mata, mahal na ina co aco,, natalaga cabit yaring buhay ngayon ay quitlin na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ina,, pag hinaho,, sandaling paquingan ang ilang catagang sa inyo,, tuturan, marapat ngang aco,, inyong paratangan parusa,, ilagda at may casalanan. mahal na ina co ay signos co yata at palad na lihis bucod sa capoua, ualang nasasabi diua ay himala ng dios na hari nang langit at lupa. unauain ninyo mahal na ina co pinagmulan nitong pagcacaganito, noong isang arao nanunungao aco taong may nadaan na dalua catauo. natingala aco,, nagpanamang titig aco,, tinauana,, sa aqui,, ngumibit, di co napiguilan natouang masaquit sa naquitang anyong anaqui bolislis. magmula na noon ay nagca balisa sa aquing cataua,, may nababago na, ito nga po ina aquing naguing hanga ualang uala acong masasabing iba. diua,, ito,, signos at planetang linsil na bigay nang dios caloob sa aquin, tinatangap co po,, aquing titiisin sampong yaring buhay ay inihahayin. naringig na ninyo mahal na ina co dios ma,, sacsihi,, totoong totoo, lahat cong casama ay tanongin ninyo cun may masasabi cahiman at sino.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa sinabing yaon ng bunying princesa ang mahal na hari,, ang mahal na reina, hindi umiimic linilining nila ang manga sinaysay nangyari sa canya. manga dibdib puso nila,, alinlangan at dili maisip ang pag papacanan, tumauag sa dios na sila ay bigyan lubos na payapa at caliuanagan. ang hari,, ang reina,, ng macapag isip gayari ang uica,, canilang sinambit, sa tahanang ito,, di cana aalis layao ay di mo na ngayon masisilip. at tuloy umalis nang ma uica ito tumungo na sila sa real palacio, magmula na noon loob nila,, gulo hinayang sa anac ay di mamagcano. tinasahan nila sa canyang pagcain sampong ala ala,, pinaram pinouing, nauala sa loob toua at pag guilio di na alintana anomang marating. ano,, nang sumapit yaong cabouanan na capanganacan nang princesang mahal, sa aua nang dios at virgeng maalam nacaraa,, ualang sacunang anoman. cambal nang manganac capoua lalaqui maganda ang quias pauang mabubuti, tumauag ng hilot at ang servidumbre na casama niya sa arao at gabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at siya rin naman ang naquiquialam buhat nang manganac ang princesang mahal pagcai,, lahat nang manga cailangan ang criadang yao,, siyang nagbibigay. pangala,, ursula nang canyang criada na may cabaita,, hustong umarregla, princesa leonila,, tumanong sa canya cun anong mabuti na gauing maganda. nangungusap siya luha,, naagay ay sa dalauang mata ang camuc ha,, cristal, yamang talastas mo yaring calagayan maguing ina ca nang dapat pagsabihan. ano caya bagang marapat cong gauin ali,, sino cayang papapag anaquin, aco,, ualang sucat na dapat tanongin hatol mo ang siya na aquing susundin. sagot ni ursula sa bunying princesa cun gayon po,, aco siyang bahala na, pinaronan niya cabo de la guardia at nagsabi siyang ganito ang badya. don federico,, caya aco naparito,, sa inyo don andres mayroon pong gusto princesa sa torre inutusan aco daluang anac niya,, hauacan dao ninyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sagot nang dalaua dito cay ursula sabihin mo,, oo sa bunying princesa, yaong mga bata,, inyong ipasoc na doon sa simbaha,, cami susunod na. nasoc na nga sila,, canilang dinatnan yaong daluang batang aanaquing tunay, hinauacan nila, at nang masangcapan nang mahal na padre, ang ulo,, binusan. isa,, ang pangala,, antonio de risa icalua,, ang ngala,, feliz de carcaja, lumabas na sila,, nouing para para manga bata nama,, sa torre dinala. loob nang princesang na sa capanglauan manga anac niya,, niyong mabinyagan, naisban nang munti,, ang uicang tinuran ursula ay ano ang manga pangalan. panginoong mahal princesa leonila ang manga pangalan anac ninyong dalua, isa po,, ang ngala,, antonio de risa ang isa po nama,, feliz de carcaja. ang dalauang bata,, capoua maquisig ang pangangataua,, pareho ang tindig, ang tabas ng muc ha ay paris na paris nag tataglay toua balang macamasid.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"lacas nang paglaqui nang batang dalaua parang binubunot ang paghaba nila, maguing limang taon ang edad na dala ang loob nang hari totoong balisa. ang uica sa reina esposang sinta co sandaling paquingan ang sasabihin co, lulan nang loob co,, cun aayunan mo paalsin sa torre mag iinang tatlo. at di co na ibig na doo,, matira cundi ang gusto co,, maualay sa mata, cun palagui riya,, aquing naquiquita ang loob co,, parang mainit na baga. oh cun dili caya sintang esposa co aco,, mag uutos at mag papabando, mahal man at mura tungcol bagong tauo mangag siparito sa real palacio. bagong tauo lamang mahal man at mura at yapusan nitong apo nating dalua, mamarapatin co na nalang pagsala ipacacasal co princesa leonila. sintang esposa co icao ay tumugon sa aquing sinabi, ano nasang ayon, caya nga,, nangyari at magca gumayon ualang ibang ama cun hindi nga yaon. reina ay sumagot cun siya mong gusto masamang di sundin yao,, pacana mo, cun icao,, souayin icapopoot mo at maguiguing sanhi sa puso,, loob mo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"pinagcaisahan nilang mag asaua ang bagay na ito,, minagaling nila, nang quinabucasa,, nag utos na siya at pinabandohan loob nang espana. ang resa nang bandong ipinagtatauag tungcol bagong tauo mahal man at hamac, sa real palacio ay mangag siharap at may patorneo sa arao nang bucas. at sa iba,, ibang caapid na reino ay ipinag utos gauin ang bandillo, gayon din ang resa tungcol bagong tauo mahal man at hamac ay mag siparito. ganaping madali,, sa arao nang bucas sa real palacio ay matipong lahat, na houag ang hindi mangag sisiharap at may patorneo ang haring marilag. nang quinabucasa,, nangag datingan na sa real palacio ay nagcaipon na, iba,, ibang reino,, pauang naroon na pagsunod sa hingi nang haring monarca. nangusap ang hari sa harap nang tanan unauain ninyo at aquing tuturan, anac cong princesa,, may anac na cambal na daluang lalaquing pinacamamahal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"mura man at mahal tungcol bagong tauo at yapusan nitong aquing daluang apo, ay ualang pagsala,, ipacacasal co princesa leonila na mutyang anac co. daluang apo niya,, tinauag pagdaca pinahalobilo sa tanang grandeza, sa pagcacapisan nang tauong lahat na ualang niyapusan daluang apo niya. nang lumilipas na tauong caramihan ay siyang pagdating nang magcaibigan, ni juan tamad at saca ni julian nag mamalas sila at papasial pasial. tinamaang titig niyong manga apo yumapos cay jua,, uica nila,, ito, ama po ang sabi saan galing cayo baquit ngayon lamang cayo naparito. ama po,, lauon nang cami,, naghihintay ay baquit ngangayon naparito lamang, umi iyac sila,, luha,, naagay ay at capona yapos na di humiualay. ang mahal na hari,, ibang manga tauo lubhang nagtataca sa nangyaring ito, sa lahat nang mahal iba,, ibang reino ualang niyapusan cahiman at sino. cundi isang hamac at ualang cuenta niyapusan nitong mga batang dalua, anhin na ang hamac at hindi vale na cun baquin at yao,, nag ngingibit baga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"calat ang pulungan niyong capisanan uica,, loco yata iyang tauong iyan, ang sabi nang iba ay di naman ganyan hichura nang locong ualang cabaitan. ang haring don feliz nag utos pagdaca at si juan tamad ipinadaquip na, dinala sa carcel at piniit siya uala siyang malay cun anong causa. nang oras ding yaon ang haring marangal nagpagaua agad nang jaulang bacal, at capagcayari tamad na si juan quinuha sa carcel doon inilagay. sa jaulang bacal maisoot doon ay maraming tauo na pumaparoon, dahil sa balitang matunog na hugong ang na sa jaula,, nangibit nasangoy. una,, sa balita,, saca ang isa pa ibig mapanood tinauag na ama, balang macaquita uica,, iyan pala ang ipacacasal cay dona leonila. yaon namang daluang anac niyang cambal palaguing paroon sa jaulang bacal, ang uica nang dalua na isinisigao ama po ay baquin cayo,, naririyan. tauong nangaroo,, lubhang nagtataca nagtatalong lubos bait isip nila, ang hichurang iyan ang uica nang iba ma iibig baga ni dona leonila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"anang iba namang nag sasalitaan hindi masasabi nang sino,, alin man, di naquiquilala sa estado,, lagay ang tauong mayroong ingat na panglumay. at may nag sasabing diua ay himala nang dios na hari nang langit at lupa, ayuan cun gayon dapat maniuala cun pacana noon ay mangyayari nga. yaon namang canyang caibigang carnal na casama niyang pangala,, si julian, si jua,, nang dacpin sa tacot na taglay lumigpit pagdaca,, umalis tumanan. hindi na liningon caibigan niya tumacbo nang agad punta sa canila, di pa natatanto cung anong causa iniuan at sucat di inalintana. muli cong sabihin yaong magcapatid anac ng princesa na may lumbay hapis, sa jaulang bacal dudulog lalapit at quinacapulong ganito ang sambit. ano ang dahila,, nacuculong cayo anong casalanan sabihin po ninyo, caming anac ninyo ngayo,, naririto na mag dedefensa sa anomang trato. sa bagay na yao,, ang haring marangal ang loob at puso,, hindi mapalagay, sa tanang grandeza,, ang uicang tinuran hindi maaari cundi ang icasal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"lalo at mahigpit ang sa bandong resa pilit gaganapin na ualang pag sala, tamad na si juan ay ipinadala sa real palacio pati nang princesa. nang siya,, maharap sa haring marangal si jua,, tinanong cung anong pangalan, gayon din ang bayang iyong tinubuan sampong magulang mo sa aquin ay turan. oh sacramagestad at panginoon co sasagot po aco,, tinatanong ninyo, juan ang ngalan co at hamac na tauo sa visadang villa tumubo po aco. ang lugar na yao,, sacop nang portugal ang ama,, ina co,, doon tumatahan, fabio ang ama co isang hamac lamang ina co,, sofia na quinamulatan. sa mahal na hari na matanto ito ipinatauag na senor arzobispo, ng oras ding yaon doon sa cabildo si jua,, princesa ay denesposado. at saca ang hari agad nagpatauag limangpuong soldado sa cabildong hayag, ngayon di,, magbigla na cayo,, lumacad ipagsama ninyo apat na mag anac. sa monte cantabros ay dalhin ninyo doon sila iua,, magbalic na cayo, mag biglang lumacad sundin ang hatol co nang sila,, di co na naquiquita rito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang matanto yaon ng bunying princesa na silang mag anac itatapon pala, naualan nang isip sampong ala ala sa quinalalagya,, nalugami siya. calahating oras na pinag ulapan nauala ang canyang manga caisipan, sa aua nang dios at virgeng maalam pinagsaulan din at naliuanagan. taghoy nang princesa oh virgen maria! patnubayi aco,, iyong ipag adya, sa sentenciang bigay ng hari cong ama tinatangap co po cahit ualang sala. sa dalauang mata ang luha,, nunucal sa habag na dala nang princesang mahal, maraual cong palad na quinahinatnan dios co po,, aquin na pagtitiisan. oh torreng tahanan aalis na aco! oh catreng hihigan paalam sa iyo! hindi na babalic at uacas na ito nang capos cong palad sa espanang reino. paalam oh balcong aquing panungauan! oh sillang loclocan sa iyo,, paalam! ito ay uacas na,, cayo,, malilisan nang saliuang palad sa espanang bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at icao hagdanan paalam sa iyo acong ualang palad sa espanang reino, di na tutuntungan icao nang paa co cundi ngayon lamang sa pag panaog co. sa iyo ursula aco ay paalam ang pagsasama ta ito,, catapusan, sa pinagdaanan cong manga cahirapan ay para cang ina na tinataghuyan. ano cayang aquing iganti sa iyo sucat maguing pala na paquinabang mo, utang na loob co,, malaquing totoo nag malasaquit cang parang magulang co. oh ina cong sintang pinagcautangan! nag pasupasuso,, puhunan ay buhay, acong anac ninyong aalis papanao maanong tanauin muc ha ay isilay. mahal na ina co cahima,, mapait at aco ay lason sa puso at dibdib, cayo po ay di man sa aqui,, lumapit tanauin man lamang aco sa pag alis. guilio na ina co cayo ay cahiman uala sa harap co ay linuluhuran, bagaman at lason sa puso ay subyang bendicion po ninyo aco,, pabauonan. paalam sa iyo oh espanang reino!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"bayang tinubua,, dito naguing tauo, ang arao na ito,, uacas nang totoo di na yayapacan nang mga paa co. saca nagpatuloy sila,, lumacad na apat na mag anac at soldadong sama, sa laqui nang galit ng hari at reina di man tinanauan tiniis binata. habang lumalacad ang princesang mahal umiiyac siya,, luha,, naagay ay, ang dalauang anac siya,, lalapitan uiuicai,, ina houag pong mamanglao. baquin baga cayo,, umiiyac ina narito at ating casama si ama, cayo po ay houag na mag ala ala ang pagtangis ninyo nama,, itahan na. di rin tumitiguil nang quinaiiyac at di pinapansin ang sabi nang anac, ang casi,, esposo na si juan tamad hindi umiimic sucat nagmamalas. ano,, ng sapitin bundoc ng cantabro iniuan na roon ng mga soldado, ang soldadong ito,, bumalic sa reino at doon nagtuloy sa real palacio. haring panginoon ay naroroon na sa cantabrong bundoc aming iniuan na, ang sagot ng hari ay mabuti anya cayo naman ngayon ay magsi oui na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"apat na mag anac siyang sabihin co nang sila,, maiuan nang manga soldado, princesa leonila manga mata,, pucto puputoc ang dibdib ang loob ay gulo. lumapit si jua,, ang uinica niya esposa cong guilio baquit niniyac ca, capilas nang dibdib houag manimdim ca aco ay narito,, di babayaan ca. sinapit tang palad ay di gunamgunam na magca ganitong pinag isang tunay, dilidilihin mo,, sa dibdib iquintal capalarang ito,, dios ang may bigay. samantalahin mo,, hirap ay tiisin pagtauag sa dios sa puso,, itiim, cacasihan tayo niya,, bibihisin ipagcacaloob ang aua sa atin. iyang manga luhang natac sa mata mo ipinanglolomo niyaring catauan co, sucat na,, itahan oh casit, sinta co! houag cang manimdim ang bahala,, aco. ang uinica naman ng dalauang anac, tahan na ina po cayo nang pag iyac, di pababayaang tayo,, mapahamac si ama ang siyang bahala sa lahat. manga luha ninyong tumulo sa mata guilio naming ina lubhang marami na, alalahanin po caming inyong bunga pagtiisan ninyo hirap na lahat na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"yaong ama nilang tamad na si juan humanap nang lugar sucat pagpalagyan, tatlong mag iina doon pinatahan dito muna cayo,, sandaling iiuan. at houag aalis cayo bagang tatlo at aco,, hahanap mabuting puesto, anang dalauang anac ama po,, paano cayo ay aalis saan patutungo. ngayon cami dito ay inyong iiuan at di na babalic at pababayaan, paano ang aming manga calagayan mabubuhay caya na sa cabunducan. nanglaglag ang luha ni juan sa mata sa tinurang yaon anac niyang dalua, cayo ay houag na mag ala ala at di malalauon babalic pagdaca. umalis si jua,, naparoon lamang sa hindi na nila siya matatanao, saca yaong ingat canyang casangcapan batong encantado,, quinuha,, tinangnan. at uinica niyang icao aquing bato na bigay sa aquin matandang nuno co, ngayon di,, madaling dito,, itayo mo yaong isang bahay sa diquit ay husto. sahig at quisame ay salaming lahat at ebano naman ang cahoy na sangcap, hagdanan ay puro na lantay na pilac na macatutoua sa matang mamalas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang dingding ay pauang esmaltadong tunay ng mga brillanteng sa ningning ay sacdal, ang salas ay pilac at perlas na lantay templo ni salomon halos pang laluan. sa loob nang bahay lagyan nang pamuti sari saring mutya rubi,, esmiralde, cortina ay pauang batbat nang brillante sa matang titingin ay macacauili. ang bubong nang bahay ay pilac na lantay cosina,, gayon din houag cang magculang, cun tamaang sinag nang init nang arao ay macadudulit sa matang tatanao. paliguid nang bahay ay jardineria macetas na pauang caligaligaya, ang sinoma,, aling tauong macaquita cun may capanglaua,, magtamong guinhaua. saca sa hagdana,, iyong patayoin ang dalauang asong capoua magaling, aco,, manga anac at esposang guilio ay halabin cami dito cun dumating. nasunod na paua tanang cahilingan nang oras na yaon na hindi naliban, si jua,, bumalic at quinaon naman manga anac niya at esposang hirang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ano,, nang maquita nang sintang asaua at dalauang anac nagtamong guinhaua, cami po,, totoong nag aala ala baca di na muling cayo,, magbalic pa. sagot na tinura,, humahanap aco tatahanan nating mabuting puesto, niyaya na niya,, lacad aba tayo sa hininging bahay sila napatungo. sa bahay na yao,, nang dumating sila hinalab pagdaca nang asong dalaua, manga anac niya,, saca nang asaua nangaguiclahana,, loob ay nagtaca. si dona leonila na esposang hirang namaang ang loob sa naquitang bahay, ano,, ito,, bundoc gubat calauacan dito ay may bahay sadyang cariquitan. doon sa hagdanan nang dumatal sila ang dalauang aso,, humalobilo na, yumapos cay jua,, nangag sisisalta na pinag mamasdan anac at asaua. liuanag nang ilao ang camuc ha,, arao hagdanan ay pilac na nag niningningan, tatlong mag iina,, nagcacamamanghan sa naquitang diquit na ualang cabagay. nagsipanhic sila ay nang macasalta nagtatacang lubos yaong mag iina, sahig at quisame ay salming lahat na anong bahay ito,, sa dilag ay sadya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang dingding ay pauang esmaltadong lubos nang manga brillanteng sacdal nang alindog, ang salas ay pilac perlas ang calahoc tinalo,, dinaig cay salomong templos. sa loob nang bahay ang nangalalagay nangapapamuti mutyang maquiquinang, anong bahay ito at napacainam ualang capareho,, na sa cabunducan. parang naiisban capanglauang dala nang bunying princesang si dona leonila, sa naquitang diquit na ualang capara ang loob at puso,, nagtamong guinhaua. bagaman at cubcob nang pighati,, lumbay nang maquita yaong sadyang cariquitan, naparam ang lungcot cusang nahalinhan nang di mamagcanong galac casayahan. at saca si juan na canyang esposo humingi sa canyang casangcapang bato, ngayon din aniya,, dito,, ihanda mo ang isang comidang sa putahi,, husto. lutong masasarap ay ilagay agad sa lamesang guinto,, lagyan nang alfombras, sa alfombrang yaon ay ang nababatbat ay hilo de oro na nag quisap quisap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at pilac na lahat yaong manga silla gamit na cubiertos guintong para para, manga servilleta ay pulos pa tela may hilo de orong macaliligaya. ang manga matamis sarisaring bagay sa lamesang perlas doon malalagay, manga asistente pagcain sa duiang ay tatlong castila bucod ang utusan. saca tatlong damang pulos magaganda magsisilbi yaon sa aquing asaua, ang lahat nang ito,, ganaping dali na cami,, nagugutom ibig cumain na. nasunod na paua manga cagustuhan na isang comidang hustong cagayacan, conforme ang hingi guinanap na tanan batong encantado niyang casangcapan. at saca tinauag anac at asaua halina na cayo,, tayo,, hahapon na, nang matingnan yaon na handang comida lalo nang tumangap daquilang ligaya. namamanghang lubos manga calooban ang comidang handa ay napacainam, manga gamit ditong manga casangcapan ay guinto at pilac na nag quiquinangan. manga nagsisilbi pulos na castila manga dama nama,, magagandang lubha, nangagsi upo na at cumaing paua apat na mag anac na ualang bahala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at nang macacain ay nagsi pasoc na sa salas ng bahay nagpapasial sila, ang mga cuarto,, pinapasoc nila minamalas yaong cariquitang sadya. si dona leonila,, ang uinica,, ito esposo cong sinta sa itatanong co, houag maglilihim pagtatapatan mo ng di alinlangan ang puso,, loob co. aco pagca tauo,, laqui sa guinhaua palibhasa,, hari ang mutya cong ama, ang ating quinain na handang comida gayong cagayaca,, di pa nag quiquita. pati itong bahay sa diquit ay sacdal na ualang susulit cahit sa reino man, sa aqui,, sabihin ngayo,, maalaman ang may ari nito cun sino,, alin man. ang sagot ni juan na casi,, esposo ang bahay na ito,, maguiguing canino, ito,, ating tunay pinagmulan nito ay aquing hiningi sa ingat cong bato. comida,, gayon din ang pinangalingan sa bato ring ingat perlas ang cabagay, at ang batong yao,, encantadong tunay anomang hingin co,, agad gaganapan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa manga saysay mo na aquing naringig damdam co ay aco,, parang napa langit, acala nang tauo,, ang asauang ibig ay ualang cuenta,, nasangoy nangibit. pag ang dios pala ang may calooban ay uala sinomang sucat macaalam, marami at madlang nag uiuicang tunay catauan co,, uala na carurumatnan. ngayon ay sa aua nang poong si cristo ay na sa ligaya at payapa aco, sa nangyaring buhay na pinagdanan co ang cutya nang tauo ay di mamagcano. salamat sa dios at sa inang virgen di na magluluto tayo nang cacanin, mabuti at iyo na ipinalining ang casangcapan mo,, sinabi sa aquin. ani juan tamad esposa cong hirang daluang anac natin ay anong pangalan, ibig cong matanto sa iyo,, maalman manga ngalan nila sa aquin ay turan. pangalan nang isa,, antonio de risa at ang isa nama,, feliz de carcaja, matanto ni juan uica cay leonila tunay co ngang anac mga batang dalua. aquing sasabihin esposang sinta co significang dala mga apellido, ang isa,, sa taua ipinaglihi mo isa,, sa halac hac dahilang totoo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"naala ala co at nagunamgunam nangyari sa atin niyong isang arao, cami,, nag daraan na mag caibigan sa tapat ng torre icao,, nanunungao. natingala quita,, nagpanamang titig sa iyo ay aco,, comindat ngomibit, humalachac icao tumauang malabis siyang naguing dahil mulang pagbubuntis. sa iyong sinabi esposo cong sinta cung aquing lihimin husto ang prueba, sintang esposa co houag cang mag duda talagang totoo aquing ibinadya. calooban ito,, pacana nang dios na bigay sa iyo planeta mo,, signos, houag mamamangha ang puso mo,, loob dagdagan ang iyong pagtauag sa dios. ano,, sa matanto niya,, maalaman sa dalauang bata daang pinagmulan, escrupulong dala sa loob naparam manga anac niya,, lalo nang minahal. nang quinabucasa,, niyong maumaga napasa dungauan si dona leonila, at pinagmamasdan ang manga maceta caparis nang jardin niya sa espana. malaquing totoong dalang catouaan alin mang bintana na canyang dungauan, ay jardineria,, sari saring bagay nanga mamacetas sadyang cabanguhan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ipagparito co sa haring monarca bunying si. feliz ama niyang sinta, isang arao ngani nanunungao siya sa real palacio loob ay nagtaca. natanauan niya,, tinamaang titig na sa cabunduca,, may nacadudulit, ang casi,, esposa na si reina ines tinauagan niya,, ganito ang sulit. tingnan mo,, pagmasdan yaong cabunducan na may nag niningning at quiquirao quirao, nang una ay uala na capara niyan cun tamaang sinag ay di matitigan. ang uica ng reina sa haring esposo diua,, yaon yata bundoc nang cantabro, ay di baga roon ipinatapon mo sa bundoc na yaon ang anac tang lilo. ang sagot ay oo nang haring monarca ang mabuti caya ay ipavisita, pinagcaisahan nilang mag asaua nang oras ding yao,, nag utos pagdaca. tamauag na siya nang manga soldados at pinaparoon sa cantabrong bundoc, cami ay mayroon na napapanood nanag niningningan ibig na matalos. nagbiglang lumacad ang mga soldado at tinungo nila bundoc nang cantabro, ang pinagtatac ha,, naquitang totoo bahay na malaquing cariquita,, husto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang manga soldado,, noong malayo pa natanauan sila ni jua,, princesa, doon sa bintana,, di na nalis sila at inaantayan ang pagdating nila. ano,, nang dumatal sa canilang bahay yaong mag asaua,, ganito ang saysay, ano cayang inyong sadya,, pinapacay naparito cayo sa amin ay turan. cami,, inutusan ng haring monarca dahil sa natanao sila,, nagtataca, may nag niningningan at caaya aya ibig matalastas nila,, maquilala. cun gayo,, magtuloy cayong calahatan at pumanhic dini,, magcasalitaan, ang tanang soldado,, nanhic nagtuluyan pauang nagtataca sa diquit nang bahay. cayo pala,, siya na may bahay nito na napacariquit ang lagay estado, bahay ninyong ito,, nanglalong totoo doon man sa reino,, ualang capareho. tingnan na nga nati,, bulayin ng isip at di masasabi ninomang may bait, pag ang dios pala,, siyang nag iibig ligaya sa mundo,, ipinacacamit. at cun caya gayon tinuran sa inyo cayo,, itinapon caya naririto, yaong si. feliz haring ama ninyo nag utos sa amin daig ninyo,, talo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang sa mag asauang sagot na tinuran cahiman at cami ay itinampulan, ualang naaalman caming casalanan ang ganti nang dios ay caligayahan. cami,, aalis na,, babalic na muna sa haring nag utos sa reinong espana, dios ang uica niyong mag asaua at sabihin ninyong nagpapacomusta. nang sila,, dumating sa espanang reino nagpatuloy agad sa real palacio, ang sa haring tanong sa manga soldado ano ang nangyari ngayo,, turan ninyo. haring panginoon ang aming naquita bahay na malaquing cariquita,, sadya, tumatahan doo,, yaong mag asaua ni jua,, princesang si dona leonila. bilin po sa amin nang inyong manugang saca nang princesang anac ninyong hirang, icomusta sila sa manga magulang sila nama,, hindi nangagcacaramdam. ang reina,, nagsabi sa haring monarca cun pahintulot mo at minamaganda, mangyaring sulatan manga anac nata dahil sa soldadong manga sabi,, badya. ga nasaganyac na ang puso,, loob co ayon sa sinaysay nang manga soldado, cahima,, mapait at lason sa iyo padalhan nang sulat anac nati,, apo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang sagot nang hari oh casi co,, sinta! cun siya mong gusto,, sang ayunan quita, siya ay gumaua nang sulat pagdaca at capagcayari ay ipinadala. ang napapalaman sa padalang sulat comusta sa inyo guilio naming anac, ang inyong magulang nana sa bagabag nagtamong guinhaua dahil sa tinangap. ang sabi,, pahayag nang manga soldado bahay ninyo riya,, sa diquit ay husto, cami,, paririyan dadalauin cayo maquiquipag quita na magulang ninyo. sa lacad nang bouan ngayo,, icalima sa icapito,, cami ay paririyan na matangap ang sulat canilang mabasa parang na pa langit silang mag asaua. at guinanti naman ang sulat na ito ni jua,, ang lama,, hintay namin cayo, caming inyong anac guilio nang totoo touang ualang hangan cun dalauin ninyo. mayari ang sulat ibinigay niya doon sa portador saca nagbilin pa, ang inyong sabihin sa hari at reina naghihintay cami,, totoong guilio na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang quinagabihan quinuha ni juan ang ingat na bato niyang casangcapan, at canyang hiningi na houag maliban ang tauirang ilog lagyan mo nang tulay. itatayong tulay cayaria,, ito catulad nang bangca at pilac na puro, brandilla ay guinto,, lagyan nang damasco nang generong tela,, may hilo de oro. sa dalauang dulo,, lagyan nang garita at patatayuan manga de la guardia, pauang coroneles iba,, manga dama sila,, sasalubong sa hari at reina. at mangag si hatid na tumuloy dito maquiquipanayam hangang naririto, houag cang magculang icao aquing bato sa arao nang bucas pilit paririto. at pamula dito magpa hangang tulay ay lagyan ng calleng sa linis ay sacdal, mag cabilang tabi capoua tabingan pulos na de tela,, sadyang cariquitan. sa actong paglacad banda nang musica mangag tutugtugang caligaligaya, putaca,, gayon din mangag sipag salva hangan sa pumanhic ang hari at reina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"icao aquing batong bigay nang nuno co susundin mong paua hingi co sa iyo, guinanap na lahat conforme ang gusto siya ngang nangyari sa aua ni cristo. nang quinabucasa,, ang hari at reina ay lumacad na nga sampong manga sama, bundoc ng cantabro ay tinungo nila pagdating sa tulay sinalubong sila. niyong mga dama,, mga coroneles nag si cortesia sa haring mariquit, sa tulay na yaon ay nang macatauid paglacad sa calle sayang di mumuntic. tugtog nang musica,, caligaligaya inam nang putuca,, nag sisipag salva, manga coroneles at ang mga dama sa lacad na yao,, guiniguitna sila. ang mahal na reina at haring marangal nagtacang totoo sa saya at dangal, aco ay hari na,, di co nararanan ang ganitong diquit manga pagdidiuang. nang sila,, sumapit sa bahay nanhic na lubha pang malaqui pagtataca nila, bahay pala rito anac naming sinta sa sang reino,, ualang catulad capara.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"hagdanan ay pilac na nag quiquinangan sahig at quisame ay salaming lantay, ang dingding ay pauang esmaltadong tunay na naca aalio sa may dalang lumbay. sa loob ng bahay nanga papamute mutya at carbungco rubi,, esmiralde, ang sahig ng salas sampon ng quisame templo ni salomon dinaig sa buti. ang bubong ng bahay ay pilac na lantay cun tamaang sinag nang init nang arao, sinomang tumingin ay di matitigan at macadudulit sa pagquiquisapan. calagayan ninyo pala ay guinhaua paliguid nang bahay ay jardineria, itong tauo pala,, uala mang cuenta ay di masasabi sasapiting hanga. oh manga guilio co na manga anac co at sampon sa daluang aquing mga apo, cayo ay cun caya dito,, naparito dahilan sa cayo,, ipinatapon co. manga loob ninyo ay pacalinisin ang madlang sigalot sa puso ay ualin, cahit anong sama sa dibdib ay alsin magaling ang siyang pagsamahan natin. ang mahal na reina naman ay nagbadya na tumataguistis ang luha sa mata, oh anac cong bunso princesa leonila!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"patauad ang aquin na nagauang sala. icao aquing bunso,, sa pinagdanan mo na hirap dalita,, pauang tiniis co, cahima,, masucal ang puso,, loob mo pacalinisin na ngayon at magbago. princesa leonila sa reina,, sumagot sa dalauang mata ang luha,, naagos, mahal na ina co,, malinis ang loob ni camunti ualang sanhi man at cubot. ang pag uusapan ay ng matapos na quinuha ni juan casangcapan niya, icao aquing bato sundin mo pagdaca maghanda ngayon din mabuting comida. sari saring lutong manga masasarap pauang de almacen sa putahing sangcap, sa lamesang guinto ay mahanda agad gayon ang cubiertos ay guinto ring lahat. ang lamesa,, lagyan ng telang alfombra may hilo de orong caligaligaya, gayon din ang tanang manga servilleta at pulos na pilac yaong manga silla. isang lamesa rin ang tanang matamis sari saring timpla sa sarap ay labis, manga servidumbre pulos maquiquisig tagalog castila ay nagcacasanib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at anim na dama cailangan co pa bucod sa narito na sila,, anim na, icao aquing bato ganaping dali na at nagugutom na ang hari at reina. nasunod na paua mga cahingian nang oras na yaon comida,, nalagay ang hari,, ang reina,, niyaya ni juan sampon nang casama ay gayon din naman. dumulog na sila,, cumain pagdaca ang hari,, ang reina pati manga sama, at nang macacain nag pupulong sila madla,, sari saring cabuhayan nila. sinasabi nila na napacainam ang handang comida,, manga casangcapan ang manga matamis sari saring bagay ngayon lamang cami nacatiquim niyan. manga nag sisilbi sa pagcain nila ay nangag tataca silang para para, pulos na castila,, tagalog ang iba at saca ang dama ay labing dalaua. salitaan nila,, cayamanang iyan ang pinangalinga,, sa encantong lalang, alin caya baga sa mundong ibabao ang magcacaroon nang ganitong bahay. manga cagayaca,, nanglalong totoo sa mundong ibabao ualang capareho, nangapapamuti mutya at carbungco rubi,, esmeralde sa ningning ay husto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"casangcapang gamit ay napacainam guinto na at pilac sino caya naman, aling tauo rito sa mundong ibabao macapag gagayac casangcapang ganyan. cundangan ang ito,, may iuing encanto na pinagcucunan nang lahat nang ito, ang uica nang hari ay tila nga totoo sa encantong lalang cayamanang ito. saca nang matapos salitaan nila tinauag nang hari ang mahal na reina, cun umaayon ca,, isalin na nata sa atang manugang ang cetro,, corona. oo ang uinica nang reinang marangal diyata,, cun iyong gusto,, caibigan, lalo nama,, icao ay may catandaan di nga,, isalin na corona cay juan. pinagcaisahan nilang mag asaua una,, uala namang sucat na magmana, sinabi cay jua,, cay dona leonila corona sa inyo,, isasalin co na. itong inyong bahay ilipat sa reino iabay sa piling nang real palacio, oo po ang sagot haring magulang co paua cong susundin pacana po ninyo. nang quinabucasan ay noui na sila sa pinangalingang reino nang espana, manga coroneles at ang manga dama nangag si hatid ding capara nang una.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa lacad na yao,, casama ri,, hatid si jua,, princesang mag asauang ibig sa tulay na pilac ano,, nang sumapit nangag paalaman toua,, di mumuntic. mag asaua naman ni dona leonila sampong coroneles at ang mga dama, nangag si pagbalic sa bahay noui na nang mahating gabi,, bato ay quinuha. at hiningi niya na houag maliban manga coroneles manga damang tanan, tulay ay gayon din alising paminsan ganaping madali,, aquing cahilingan. saca itong bahay sampong jardin dito malipat ngayon din sa espanang reino, itayo sa piling nang real palacio maguisnan ng hari at reinang ina co. cahilingang lahat naganap pagdaca nang ingat na bato niyang encantada, maguising ang hari niyong maumaga ng siya,, dumungao ay naquita niya. ang uica ng hari naniniuala aco ang aquing manugang ay may sa encanto, sino,, alin baga sa balat nang mundo sa ganyang calaqui madadala dito. isa pa,, sa gabi at hindi sa arao ang pagca pagbuhat nang bahay na iyan, caya pala iyan ay napacayaman ay may sa encanto na na iingatan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa real palacio,, ipinatauag na si jua,, princesang si dona leonila, nang dumating doon uica sa canila mabuti at cayo ay naririto na. ngayon ay aco ay mag papabando na mangag si pag gayac ang tauo sa reino, mga bahay bahay lagyan nang damasco calle ay tabinga,, mangag linis cayo. muralla,, gayon din na ipinagayac sampong artificiong caguila guilalas, at sa coronacion sa arao nang bucas ang lahat nang ito,, sususuhang lahat. corona sa ulo ay ng maputong na cay don juang tamad na manugang niya, nagsayang totoo reino nang espana ang lahat ng tauo ay nangag viviva. canon sa muralla,, sinusuhang lahat sampong artificiong caguila guilalas, sa lahat ng calle sa loob ng ciudad hicap ang musicos sayang ualang lipas. at nangag viviva ang maraming tauo sayang ualang humpay sa loob ng reino, buhayin ng dios na mahabang tiempo si don juang tamad hari naming bago.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sabihin ang husay nang gomobierno na sa boong espana haring bago nila, grandes consejeros casamang lahat na ualang pagcaronan ang toua sa canya. at gayon din naman sa sino,, alin man pareho sa canya mahirap mayaman, castigo ay lagda sa may casalanan ley nang matouid hindi nasisinsay. nang maguing hari na ay nagsabi siya sa casi,, esposang reina leonila, ang ama,, ina co,, inaala ala ating ipacaon dito na matira. oo anang reina di lalong mabuti ipacaon mo nga magulang mong casi, cun dirito sila sa arao at gabi,, mayroong titingi,, mag cacalauingi. ipinacaon na yaong mag asaua ni fabio,, sofia ama,, ina niya, ano,, nang dumating toua,, sabihin pa sa real palacio,, capisan na nila. yaong si ursula ay guinanti naman ni dona leonila na reinang marangal, sa iyong servicio,, ang pala cong bigay isa ca sa dama sa palacio real. ito ang nasapit siyang naguing hanga ni juang tamad na isang hamac na, sa lagac na gracia ng dios na ama sinapit ng palad hari sa espana.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +S. A. D. Tissot," ang manga dahilan iquinapagcacasaquit nang tauo. ang unang nacacapagcasaquit sa tauo, ay ang calacasan nang pag gaua; yaon bagang tauong nagsasaquit gumaua, na ualang tahan arao arao, na hindi nagpapahinga. cun minsan ang gayong tauo,, manhihina, at manlalata, at maliuag magsauli sa caniyang datihang lagay na magaling; cun minsan naman magcacasaquit nang garrotillo sintac, maguiguing etica caya. datapoua,, cun hindi ma aari ang di siya gumaua, uminom siya nang suero, gatas nang baca, calabao: cun maliuag sa caniya ito,, uminom nang tubig na dinoonan nang sa icatlong bahaguiag suca. ang manga babayi ay maraling magcasaquit, gaua nang paghabi, pananahi, pagdurugtong nang abaca, sapagca mahirap ang calagayan nang catauan doon sa pag gaua noong manga gauang yaon. ang bagay sa canila, ay manaog sa lupa arao arao, at magtanim nang anomang bagay na damo doon; cun gayon ang singao nang lupa, ang paghipo nang manga damo, at ang paglibang nang loob ay totoong macababauas nang canilang hirap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang nagcasaquit dahil sa cainaman nang pag gaua, cun minsan yungmayayat at natutuyo ang catauan; at ang gamot sa saquit na ito,, ang suero na iinomin nang malauong panahon; saca ang banos nang tubig na malacoco; at cun mahabang arao guinaua na ito, ang isusunod sa catapusan ay ang gatas nang baca, calabao, cambing. ang manga bagay na maiinit pati nang matubig magatas hindi maigui sa saquit na ito. mayroong isa pang bagay na cahinaan cayayatang dala nang caual an, caruc haan, cun ang hanap nang tauo,, hindi magcasiyang canin: cun hindi magaling ang quinacain, cun masama ang tubig, at saca nahihirapan nang pag gaua. ang bagay sa saquit na ito,, ang magaling na cacanin, at ang caonting alac. mayroong ibang tauo, na caya nagcacasaquit, sapagca siya,, nagpahinga napatahan sa quinalalag yang malamig cun siya,, napagod, at galing sa malaquing gaua: caalam alam ang masasapit niya ang siya,, urungan nang pauis nang catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan itong singao nang catauan na talagang lalabas, ay napapasaloob, at nacacahila nang manga garrotillo, etica, sintac manga colico. marami ang namamatay dahilan dito. pag sungmasama ang damdam at nahahalata na ang dahilan nang saquit ay ang pagtahan sa malamig, ang maysaquit cucunan nang dugo pagcaraca, babanosan nang tubig na malahininga, at paiinomin nang bilin sa numero na malacoco cun inumin. masamang painumin nang gamot na papauis, at lalaqui ang saquit. gayon ding pinagmumul an nang pagcacasaquit ang malamig na tubig na iniinom nang tauo cun siya,, nainitang totoo. caya cun minsan ay nagcacasaquit nang garrotillo, etica, colico: cun minsan namamaga ang atay at ang tiyan, sungmusuca, hindi maihi, at parating bibilingbiling sa hihigan, na di macatahan. ang nagcacasaquit nang gayon, cucunang agad nang maraming dugo, saca babanosan sa tubig na malacoco.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"susumpitin ang maysaquit nang tubig na malacoco na may caonting gatas; paiinoming parati nang tubig na malacoco rin, na ang sa icalimang bahagui ay gatas; cun ualang gatas, paiinumin nang bilin sa numero lalag yan naman nang manga basahang babad sa tubig na mainit init sa liig, sa dibdib at sa tiyan. cun minsan ang tauo,, inaabot nang ulan sa daan, at ang mabuting gauin niya pagdating sa bahay, ay magbihis siya at maligo agad sa malacocong tubig nang houag siyang magcasaquit; at cun lag yan nang caonting sabon ang tubig, lalo pang mabuti. ito lamang gamot na ito macacauala cun minsan nang colico, sintac nang tauo pagca nabasa ang caniyang manga paa. ang isa pang iquinasasama nang catauan nang tauo,, ang pag inom nang alac. ang tauong totoong ungmiinom nang alac, maraling tumanda; cun minsan hinihica, namamaga ang dibdib at nagcacasaquit nang bagaybagay na saquit, na maliuag mauala, sapagca hindi matablan nang gamot ang caniyang payat na catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nacasasama naman sa catauan nang tauo ang pagcain nang bunga nang cahoy na hindi pa hinog na totoo. mayroong isa pa manding masama, na marahil canin nang tagarito sa filipinas, yaong bagang itinitinda, na ang pangala,, suman, empanada, oocan, calamay, madhoya, tinapay na hindi alza, na paraparang nacasisira sa sicmura; at saca nanhihila nang lagnat, manga bicat, at sarisaring sibol sa catauan nang tauo. ang manga dahilang iquinalalaqui nang manga saquit nang tauo. ang salang pag gamot sa maysaquit, yaon ang totoong iquinalalaqui nang caniyang saquit: cun minsan pinipilit mapauisan ang maysaquit; at ang lahat na bagay na mainit guinagaua, at ipinaiinom doon, sapagca ang isip nang maraming tauo,, ang pagpauis ay nacauauala sa lahat na saquit. datapoua,, mayroong manga saquit, na hindi bagay doon ang pauis, sapagca hinahacot nang pauis ang pinacatubig na calahoc nang dugo, at caya ang dugo,, lumalapot, natutuyo,, umiinit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya nga yata hindi bagay sa nalalagnat ang triaca, ang alac, at ang lahat na nacacapagpapauis sa tauo. ang manga maysaquit tinatabingan, quinucumutan, linilibutan nang maraming tauo, sinasarhan naman ang lahat na pinto,, dungauan; itong lahat na gauang ito,, nacacahirap sa maysaquit, at nacacalubha sa caniya; na ang ualang saquit ma,, hindi macacapagtiis noon. caya masamang gauin yaong manga gauang yaon, lalo na cun ang idinaraying nang maysaquit ay ang init, at cun naquiquita namang tuyo ang caniyang balat, ang manga labi, ang dila, at ang lalamuhan at saca mapula ang ihi, at cun ang ibig niyang totoo ay ang manga bagay na malamig. ang ipinacacain sa maysaquit, ay isa namang nacasasama sa caniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang isip nang nag aalaga sa maysaquit na yaon ay mamamatay, cundi pacanin nang manga bagay na magaling; caya binibigyan nang masarap na sabao, itlog, broas, carne, at nang iba pa, na paraparang masama sa maysaquit, at caya na aalamang masama, ay cun minsa,, lungmalaqui ang lagnat pagca cain noon: siya,, sungmusuca, nag iilaguin, nasisira ang bait, at linalabsan nang mancha, para nang pinaiinom mandin nang lason. caya gayo,, sapagca anomang isilid sa sicmura nang tauo na may dumi sa loob, nabubuloc pagdaca at nacasasama bagcus sa caniya. cailangang linisin muna ang sicmura, at painomin ang nalalagnat nang manga bagay na nacacatunao nang manga malalagquit na dumi doon. uala isamang nalalagnat na tauo na namatay dahil sa gutom: at alin mang nalalagnat, di man pacanin nang anoman sa loob nang ilang lingo, hindi ma aano, houag lamang maual an siya nang tubig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya pacatalastasing maigui nang mang gagamot, na yaong maysaquit na marumi ang dila, na nananab ang nang pagcain, at mapait ang bibig; ang dungmoroal, ang parating mabaho ang hininga, pati nang ini iilaguin, ito anaquing ganitong maysaquit ay hindi sucat big yan nang carne, sabao, itlog, triaca, at nang iba pang manga maiinit: at hindi mangyayaring macuha yaong duming malagquit sa sicmura, cundi painumin nang maraming totoong tubig na nacacatunao noon. at nang maalaman cun anong ipaiinom doon, ay basahin dito sa libro ang manga bilin doon sa sariling capitulo nang saquit na yaon. catungculan namang maalaman nang nag aalaga sa maysaquit, na masamang purgahin siya pasucahin pagca bagong nagcasaquit: cun minsan ang pasuca sa manga saquit na iba,, iba nacacasira,, nacacahirap sa sicmura, sa baga at sa atay, at nagdadala nang ibang masama. ang purga nacacasama,, nacacagulo sa lahat na bituca, na yaon ang iquinamamatay nang tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"at nang maalaman cun cailan bagay sa maysaquit ang purga at ang pasuca, hanapin ang pangalan nang saquit dito sa libro sa caniyang capitulo at doon sasabihin ang gagauin. dahil sa casam an nang pag gamot sa manga maysaquit dito sa filipinas, ang maraming tagalog ay idinaraying nilang may matigas sa canilang tiyan; at bagaman hindi nacacamatay yaong saquit na yao,, cun minsan nacagugulo sa manga catungculan nang sicmura,, bituca. itong saquit na ito,, maliuag gamutin; magaling doon ang suero numero ang pildoras numero pati nang sa maigui rin ang manga gulay at ang manga saguing etc. na nacagagaling galing cun malaon. ang gagauin nang tauo, capag nararamdaman, na siya,, magcacasaquit na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya mahahalata nang tauo na malapit na siyang magcasaquit, cun hindi siya malicsi, masipag na para nang dati; cun nananab ang nang pagcain; cun masaquit saquit ang sicmura; cun madaling mapagod, cun mabig at ang caniyang ulo, cun mahaba ang tulog, datapoua,, hindi mahimbing; cun siya,, ga namamanglao, at masaquit nang caunti ang dibdib; cun inurungan nang pauis, cun madali siyang pauisan; cun hindi husay ang pagtiboc nang pulso, cun siya,, guiniguinao na parati. cun gayon ang manga nararamdam nang may catauan, malapit na siyang magcasaquit. pagca ganoon ang damdam, ang gagauin niya,, houag titiquim siya nang carne, sabao, itlog; alac; houag siyang magsasaquit gumaua: inomin niya ang bilin sa numero ga dalaua tatlong botella carami maghapon: cun aayao siya doo,, uminom nang tubig na malacuco na huhulugan nang caunting suca . cun ualang suca ang dalauang botellang tubig na malacuco ay doonan nang caunting asin, at yaon ang inomin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga mayroong pulot ay mabuting lag yan ang tubig nang tatlo apat na cuchara noon. magaling naman ang tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao na aari pati ang suerong malinao. saca siya,, magsumpit nang tubig na malacuco, nang bilin sa numero . cun gayon ang gaua nang tauo cun sungmasama ang damdam, magpatuloy man ang caniyang pagcacasaquit, caalam alam hindi siya lulubha. ang mahusay na gaua sa may manga malalaquing saquit . touing sasabihin dito sa librong ito, na ang maysaquit ilalagay sa husay gagauin ang lahat na nauutos dito tungcol sa cacani,, iinumin noon, at sa isusumpit sa caniya; at caya tambing sinasabi co dito nang houag cong uliting parati doon sa casaysayan nang baua,, isang saquit. cun ang tauo,, maysaquit na, at ang init at ang lagnat ay totoong nararamdaman na, ang mahusay na susundin ay ganito. houag lilibutin nang tauong marami ang maysaquit, at masama ang ingay at ang init doon sa tinatahanan niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cailangan namang mahanginan ang silid; datapoua,, houag ilagay ang maysaquit doon sa dinaraanan nang hangin; touing iihi, mag iilaguin, itatapon agad ang dumi; cun baga pacacanin ang maysaquit, ang ipacain doo,, ang tinapay na dinurog sa tubig na marami; ang tubig na may tinapay, pacuculoin sa apoy hangan sa matunao ang tinapay, saca sasalain, at siya lamang ang iinomin niya. cun ualang tinapay, na aari ang linugao at ang basabasa. masama ang harina nang trigo, sapagca hindi pa luto sa apoy. mapacacain naman ang maysaquit nang manga bungang hinog nang cahoy, di man lutuin; datapoua,, ang hilao pa hindi sucat ipacain sa tauo, cundi pacalutuin muna sa tubig. caya ang saguing ang manga, ates ang albay ang duhat ang sapinit, ang dalandan, at ang iba pang bungang hinog na hinog nang cahoy, ay macacain nang maysaquit, sapagca macaguiguinhaua sa caniya yaon. ang maysaquit painumin nang malimit nang alin man doon sa sinabi co na sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi nananabing macadalaua arao arao ang maysaquit, ay cailangang sumpiting minsan man lamang touin arao, nang bilin sa numero at yaon din ang gagauin cun hindi marami ang inaiihi, cun mapula ang ihi, cun tila naghuhunghang ang maysaquit, cun malaquing totoo ang lagnat, at masaquit ang ulo,, bay auang, cun ibig sumucang parati. ang minsang sumpitin ang tauo ay magaling pa sa inomin niya ang apat na gayon tubig; caya sucat pagpilitang gauin sa maysaquit itong ganitong pagsumpit, palibhasa,, nacacaguinhaua sa caniya; houag lamang gauin cun pinapauisan. sa librong ito ay sasabihin co, cun anong magaling isumpit sa baua,, isang saquit. cun baga nacacacaya ang maysaquit, magaling ang siya,, bumangon sa hihigang maminsanminsan, sapagca ito,, nacacabauas nang saquit nang ulo, at ang lagnat ay ungmoonti, at ang isa pa roo,, madaling umihi, pag nagbangon ang tauo. arao arao papalitan ang damit nang hihigan, at ang sa maysaquit, datapoua,, houag ihahalili roon ang hindi toyong toyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin nang maysaquit na magaling galing na. cun ang tauo,, nacalalo na sa panganib nang saquit at maigui igui na, itong manga bilin dito ang susundin, maca siya,, umuling magcasaquit. houag cumain siya nang marami, sapagca hindi macacayanan nang caniyang sicmura. ang caniyang cacanin ay ang isang bagay lamang, at houag ang sarisari. houag siyang iinom nang maraming tubig, sapagca hindi lalacas ang caniyang sicmura, at cun minsan nacacapamaga sa paa yaong pag inom nang marami; saca ang maysaquit na magaling galing na, ay bagay sa caniya ang siya,, lumacad na parati sumacay sa cabayo. cacaonti lamang ang caniyang cacanin cun gab. cun baga namamaga ang caniyang paa, houag alomanahin yaon, at mauauala pag siya,, lumacad, at gumaling na totoo. cun hindi nananabi minsan man lamang touing icalauang arao cailangang sumpitin, at lalo pa cun sungmasaquit ang ulo, at mainit ang caniyang pagcaramdam.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga magaling galing man ang maysaquit, hindi pa siya lumalacas, cundi parating mahina, at ang sicmura ay gulo, at maminsanminsan ga nalalagnat na, iinumin niya maghapon ang bilin sa numero timbang tatlong bahagui. houag naman siyang magsasaoli sa datihang gaua, hangan hindi pa siya malacas na totoo. ang saquit na pulmoniang totoo, na ang baga sa loob nang dibdib nang tauo,, ang masaquit, at yaon din cun minsan ang pinangagalingan nang etica. pinangangalang pulmoniang totoo yaong saquit na yaon, na ang baga sa loob nang dibdib nang tauo, siya ang namamaga, na anaqui may sisibol doon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"palibhasa,, hindi maquita ang naroroon sa loob nang catauan nang tauo, caya lamang nahahalata na mayroong saquit sa baga nang tauo, sapagca cun minsan naguiguinao ang maysaquit, at parating balisa na hindi mandin macatahan; saca ang humahalili sa guinao na yao,, ang init, na may calahoc na siya,, pinangingilabutan nang guinao; ang pulso,, matulin, malacas, puno, matigas, at husay, cun hindi malalaqui ang saquit; cun malaqui ang saquit, ang pulso,, munti malambot at gulo; dumaraying ang may catauan, na masaquit saquit ang isang cabilang dibdib; cun minsan ang uica niya, na anaqui mayroong siyang mabigat sa ibabao nang puso; cun minsan ang boong cataua,, masaquit, at lalo pa ang bay auang; hindi lumagay ang maysaquit cundi tihaya at bihirangbihira doon sa nagcacasaquit nang gayong saquit, ang nacacatahan nang pataguilid; nag uubo ang may catauan cun minsan, na ualang inilulura; cun minsan dungmarahac na may dugong casama; mabig at ang caniyang ulo; nasisira cun minsan ang bait; ang muc ha,, namumula at cun minsan hindi, bagcus nag iiba sa dati, na cun gayo,, mapanganib ang buhay nang maysaquit; ang manga labi, ang dila, ang ngalangala, pati nang balat ay tuyo; mainit ang hininga; ang inaiihi niya ay caunti at mapula cun bago, cun malauo,, marami at hindi lubhang mapula, at mayroong latac; nauuhao ang maysaquit at cun minsan ibig niyang sumuca; datapoua,, hindi sucat big yan nang pasuca, at mamamatay cun pasucahin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"touing gab lungmalaqui ang init at ang pag uubo na ualang nacucuha. ang ilinulura ay may dugong caunting casama, na sa icapitong arao nauauala. cun minsan ang saquit nang baga,, ungmaabot hangan sa lalamunan, na hindi macalunoc ang maysaquit, at caya ang isip niya,, mayroon siyang garrotillo . cun ang saquit ay malaquing totoo, ay hindi macahinga ang maysaquit cundi locloc; ang pulso,, totoong unti at maralas; nangingitim ang muc ha, pati nang dila; tungmitingin ang maysaquit sa magcabicabila; hindi mapalagay; sira ang bait; ang isang cabilang camay cun minsa,, patay na di maiquibo; linalabasan nang manchang murado sa dibdib at liig cun siya,, lungmulubha, at namamatay tuloy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang gayong saquit ay bigla,, malaqui, cun ang pagca guinao ay malauon, at ang maysaquit ay totoong naiinitan pagca nacaraan ang guinao, cun ang ulo,, nasisira pagcaraca, cun ang may saquit ay nag iilaguin nang darag is, pinapauisan nang marami; cun totoong tuyo ang balat, nag iiba,, sungmasama ang hichura nang muc ha, at hindi dungmarahac, cun lungmulura, ay dugo lamang ang lungmalabas, ay nasasapanganib ang maysaquit. ilalagay agad ang maysaquit sa husay (capitulo.) houag paiinumin nang malamig na totoo; iinumin niya ang bilin sa numero ang sa numero na lalo pang magaling. susumpiting macadalaua man lamang arao arao nang bilin sa numero. pag nacaraan ang guinao, sasangrahan pagcaraca, na ang dugong cucunin, ay timbang labing dalauang piso, labing apat cun ang maysaquit ay bata pa at malacas; itong pagcuha nang dugo siya ang bagay na gamot dito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang lagay nang maysaquit ay para nang sinabi co sa parrafo yaong pagsasangrang yaon ay macacaguinhauang madali sa caniya; datapoua cun sa loob nang ilang oras ungmooli ang saquit, ay sasangrahang uli ang maysaquit, at cucunan nang timbang labing dalaua ring pisong dugo; ito,, sucat na caalam alam; datapoua cun baga sa loob nang sampuong oras calahating arao lungmulubha ay cunan pa mandin nang dugo. gayon din, cun baga nang tauaguin ang medico, may ilang arao nang maysaquit ang tauo, at malaqui ang caniyang lagnat, cun mahirap ang paghinga, at hindi dungmarahac, cun dumahac ay dugo lamang ang nacucuha, ay sasangrahan din, may sampuong arao man ang caniyang pagcacasaquit. doon sa dugong nacucuha sa nagcacasaquit nang pulmonia mayroong naquiquitang anaqui balat na maputi sa ibabao; cun minsan nama,, ualang balat na gayon. cun ang damdam nang maysaquit ay para nang sinabi co sa parrafo ang pagsasangra,, hindi macacagaling, cundi macasasama sa caniya cun minsan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya mapanganib ang caniyang lagay; datapoua ang gagauin doo,, gayon. arao arao babanusan hangan tuhod ang maysaquit nang calahating oras calauon sa tubig na malacuco, at saca cucumutang maigui. touing icalauang oras iinumin niya ang bilin sa numero na siya ang totoong magaling na gamot. sisipsipin niya ang singao nang tubig na mainit para nang turo sa numero. cun malubha na ang maysaquit, hindi ang singao nang tubig, cundi ang sa suca, siya ang sipsipin nang malauong panahon. magaling ding lag yan ang maysaquit sa dibdib at sa liig nang bilin sa numero. cun ang lagnat ay totoong laqui paiinumin touing oras nang bilin sa numero ga isang cuchara carami, na maisasama doon sa datihang ipinaiinom sa caniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun lungmulubha ang maysaquit, cun para nang dati ang caniyang lagay, yaon ding manga sinabi co ngayon, siya ang ituloy gauin doon, at cun baga gumagaling galing sa icatlo, sa icapat sa icalimang arao, at hindi lubhang malaqui ang pag uubo, cun uala nang maraming dugong calahoc ang inilulura, cun guinha guinhaua naman ang paghinga, at malinao sa rati ang caniyang ulo, cun ang ihi ay marami na,, hindi na totoong pula; ang gagauin lamang doo,, ilalagay sa husay, at susumpitin ang maysaquit touing hapon. cun minsan dinaraanan nang malaquing hirap ang maysaquit sa icapat na arao. ang saquit na pulmonia ay nauauala,, nacucuha sa paglura, at sa pag ihi: dito sa ihi nang maysaquit sa dacong icapitong arao mayroong naquiquitang latac na marami, na ang color ay maputing itim, at cun minsan nana ang nadoroon. saca hungmahalili ang pauis na nacagagaling sa maysaquit. bago gumaling galing ang maysaquit, dinaraanan siya nang hirap na malaqui, na nacatatacot sa nag aalaga sa caniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya gayon ay ang pinaca camandag nang saquit gungmagala sa catauan; datapoua,, cun guinagamot nang husay ang maysaquit, hindi maano; at cun siya,, dumahac, umihi,, pauisan, mauauala yaong hirap na yaon. caya cun daanan noong hirap na malaqui, houag big yan nang manga cordial, triaca, castor, ruda, at macacasama bagcus doon. ang gagauin lamang, ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa numero at doroonan nang basahang babad sa malacucong tubig sa tiyan, at sa bay auang; bucod dito ang guinagauang dati doo,, itutuloy na para nang dati. masama sa gayong saquit ang pasuca, ang purga, at ang manga bagay na nagpapatulog; sapagca ang guinagamot noong gayo,, naguiguing eticong totoo. cun guinagamot nang husay ang maysaquit sa loob nang manga labing apat na arao gungmagaling galing na siya, at cun ibig niyang cumain, sundin ang bilin sa capitulo datapoua,, cun mapait ang bibig, cun mabigat ang ulo, at nananab ang nang pagcain, cailangan siyang purgahin nang bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsa,, binabalingoyngoy ang maysaquit na ito,, magaling sa caniya; caya houag ampatin ang dugo, at tatahan siyang cusa. cun minsan naman nag iilaguin ang maysaquit, na ang lungmalabas ay madilao; datapoua hindi masama ito. cun biglang nauala,, tungmahan ang pagdahac, at ang maysaquit ay dinaraanang uli nang hirap at lungmulubha, ay sasangrahang agad sa camay, cun baga hindi siya quinunan na nang maraming dugo. pasipsipin namang parati nang singao nang tubig na mainit at suca; at paiinomin nang bilin sa numero. ito ang gagauin sa maysaquit na malacas pa, na hindi pa nalalauong magcasaquit. datapoua cun mahina na at lauon nang maysaquit, at nacunan na nang maraming dugo, houag nang sangrahan, cundi lagyan nang parapit sa dalauang binti, at paiinomin nang bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang maysaquit ay hindi guinamot nang paanyo, at hindi mauala ang pamamaga nang baga; lungmulubha siya, at sinisibulan nang baga doon sa caniyang baga, at itong tungmutubo roo,, pinanganganlang vomica sa uicang castila. ang gagauin doo,, ganito: ang gagauin sa maysaquit na may sibol doon sa caniyang baga. caya naquiquilala, na ang nagcacasaquit nang pulmonia, may sibol sa caniyang baga, sapagca nacalalo na ang labing apat na arao nang caniyang pagcacasaquit, at hindi pa siya dinaraanan nang malacas na paglura, pag ihi, pag iilaguin, hindi siya pinauisan. caya hindi pa siya gungmagaling galing bagcus ang lagnat ay para nang dati; matulin ang pulso, at cun minsan mahina at malambot; datapoua,, cun minsan nama,, matigas, at ga nag aalon alon; ang paghinga ay mahirap; pinangingilabutan nang guinao na maminsanminsan; gab gab lungmalaqui ang lagnat; ang pisngi ay mapula; tuyo ang manga labi, at nauuhao ang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca pagca nacapagnana na ang sibol sa baga, sungmasama pa mandin ang damdam nang maysaquit; parati nang nag uubo, at sa touing cumibo,, lungmalacas ang ubo; cun minsa,, natatacot siyang humiga nang tihaya, at hindi macatulog; saca cun minsa,, pinapauisan sa dibdib at sa muc ha; ang ihi ay mapulapula na anaqui may bula, langis sa ibabao; mapait ang bibig, lungmulubog ang mata, at cun minsa,, lungmalabo. cun ang sibol sa loob ungmaabot hangan sa ibabao nang baga, at bucod dito hindi lubhang malalim, cun pumutoc ay nabububo ang nana sa loob nang dibdib sa pag itan nang baga at tad yang; itong pagca putoc ay mahirap, cun ang sibol ay malaqui, sapagca biglang lalabas ang maraming nana, at namamatay tambing ang maysaquit. datapoua,, cun ang butas nang sibol ay munti nang macaputoc na, at ang maysaquit ay malacas pa, mailulura niya ang nanang lungmalabas, at gungmiguinhaua ang damdam.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan ang sibol ay hindi pumutoc, bagcus lungmalaqui, at ang boong baga nabubuloc at napupuno nang nana; caya mamamatay ang tauo na ualang magaua. dahil dito, cun ayon sa sinabi sa itaas sa parrafo nahahalatang mayroong sibol sa baga, cailangang gumaua nang capaanyoan, nang mangyaring pumutoc ang sibol nang magaling na pagputoc, nang houag mamatay ang tauo, at gayon ang gagauin. pasisipsipin ang maysaquit, cun baga malacas lacas pa, nang singao nang tubig na mainit, ayon sa turo sa nomero at ito,, gagauing parati. cun ang pagsipsip nang singao na yao,, inaacala nang nacalambot sa sibol, paiinoming parati ang maysaquit nang maraming totoong tubig na pinaglagaan nang cebada palay man; maigui rin ang tubig na may calahoc na gatas. dahilan dito sa pag iinom nang marami, palibhasa,, ang sicmura,, naroong parating puno, ay malacas lumaban sa baga, at hindi pinababayaang mabubo ang nana sa dibdib, cundi pinipilit magpaitaas sa lalamunan, at cun gayo,, mailulura nang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca pinapag uubo ang may catauan nang suca at tubig, na biglang isinusumpit sa loob nang bibig nang isang sumpit na munti, na cauayan man. pinapag uiuica ang maysaquit, pinasisigao, at pinatataua, haringang pumutoc ang sibol. bucod dito paiinumin din touing icalauang oras nang bilin sa numero ga isang cuchara carami. mabuti ring isacay ang maysaquit sa carreton, datapoua,, painumin muna nang maraming maraming tubig na pinaglagaan nang cebada, palay, cun tubig na may casamang gatas; at cun minsan itong yagyag na paglacad nang carreton nacacapagpaputoc sa sibol. ang gagauin sa maysaquit, pag nacaputoc na ang sibol sa baga. doon sa oras nang pagputoc nang sibol sa baga, ang maysaquit ay lumulubha na anaqui hindi nacacaramdam. datapoua,, cun paamoyin nang suca, ay nasasaulan cun baga ang pagputoc nang sibol ay hindi masama, ayon sa sinabi co sa itaas sa parrafo sapagca cun masama, ualang magagaua at mamamatay ang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun paanyo ang pagputoc nang sibol, at hindi namamatay pagcaraca ang maysaquit ang gagauin doo,, ganito. cun ang inilulura nang maysaquit ay totoong malagquit at maganit, touing icalauang oras paiinomin nang bilin sa numero ga isang cuchara carami, at cun malaonlaon, painomin naman nang isang taza nang turo sa numero. datapoua cun hindi malagquit at maganit ang inilulura, houag gamitin itong manga bilin, cundi ang gatas nang baca, na siya lamang ang caniyang cacaning parati cun ibig isama sa caniyang quinacain. saca macaapat maghapong paiinumin nang bilin sa numero na isinasama sa caunting tubig. ang iinomin niyang parati, ay ang tubig na pinaglagaan nang cebada palay ang tubig na ang sa icapat na bahagui ay gatas. saca siya,, lumacad arao arao sumacay sa cabayong yagyag. cun ang maysaquit ay nananabi touing icalaua icatlong arao, sucat na yaon; at masama ang sumpitin nang malimit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang maysaquit ay nilalagnat touing hapon, at ang inilulura ay masama sa dating tingnan, sucat nang mahalata na hindi mababahao ang sugat sa baga, na cun gayon siya,, maguiguing eticong totoo, at mamamatay sa loob nang ilang bouan. datapoua,, atohin ang uica co sa itaas sa parrafo at cun baga ang calacasan nang pag uubo yaon ang di icatulog niya, painumin cun gab nang dalaua tatlong cuchara nang bilin sa numero na isasama sa isang basong tubig na pinaglagaan nang cebada palay . cun baga tungmatahan ang pagdahac nang may sibol sa baga, pasipsiping agad nang singao nang tubig na mainit ayon sa turo sa numero touing oras bibig yan nang isang cuchara nang turo sa numero at bucod dito,, painumin nang maraming totoo noong bilin sa numero at cun siya,, nacacacaya, ay lumacad sumacay sa cabayo. sasangrahan naman ang ganitong maysaquit cun siya,, malacas pa; hari ngang magsaoli ang canyang pagdahac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mayroong manga maysaquit na anaqui gungmagaling; datapoua,, ungmuuli rin silang magcasaquit; saca gungmagaling uli, bago humalili na naman doon ang pag cacasaquit; at mahirap man itong canilang buhay, sila,, nalalauong di iilang taon, na hindi namamatay. caya gayon, sapagca ang sibol sa baga hindi totoong nababahao, at yao,, naguiguing parang fuente. cun ang ganitong maysaquit ay lauon nang gayon, ualang magauang gamot doon. datapoua cun bago yaong saquit, ay matatalo nang gatas, at nang pagsacay sa cabayo; pati nang bilin sa numero. sa saquit nang pulmonia at sa naguiguing etico dahilan doon, hindi sucat gamitin ang trementina ang manga balsamo, ang incienso, ang almaziga, ang mirra ang camanguian, at ang balsamo nang azufre, pati yaong gamot na pinanganganlang antietico, sapagca nacacalubha bagcus sa maysaquit yaong manga bagay na yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi paanyo ang pagputoc nang sibol sa baga, cundi nabububo ang nana sa loob nang dibdib, hindi mailulura nang maysaquit; bagcus siya,, mamamatay na ualang pagsala, cundi hiuain sa pagitan nang dalauang tadyang; datapoua,, cundi siya totoong marunong na medico, houag siyang mangahas gumaua noon. cun minsan ang ganoong pagsibol nang baga, yaon ang iquinabubuloc nang baga nang tauo, at yaon din ang iquinamamatay niya. cun minsan naman hindi tungmutuloy ang pagnanana nang sibol sa baga, cundi naroong matigas na parati, na anaqui yao,, isang bucol na hindi nag iiba. ang tauong may ganitong saquit, hindi gagaling na hamac, datapoua hindi lubhang nahihirapan siya. ang bagay sa ganitong lagay ay ang suero, ayon sa turo sa numero at ang pildoras numero. ang iinumin touing umaga,, ang isang basang suero at ang manga dalauang puong pildoras, hangan sa apat na puo. saca parating sisipsipin niya ang singao nang tubig na mainit numero. ang pulmonia nang apdo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bucod sa saquit na pulmoniang totoo na sinaysay sa capitulong ito, mayroong isa pang bagay na pulmonia na ang pangalan doo,, biliosa pulmonia nang apdo, sapagca hindi totoong pulmonia, cundi catulad nang lagnat nang apdo (capitulo . ang maysaquit ay dumurual cun minsan, at nag iilaguin nang tila madilao at mabaho ang inilulura niya; hindi gaya nang inilulura nang nagcacasaquit nang pulmoniang totoo, cundi madilao sa roon. ang bibig nang maysaquit ay mapait, hindi pinapauisan siya, tila mayroong siyang nararamdamang mabigat at masaquit saquit sa sicmurang palibot. ang color nang muc ha ay madilaodilao, at tila nag iiba. ang gamot dito ay para nang sa lagnat nang apdo (capitulo . cun baga may catigasan ang pulso, may cainitan ang dugo, sinasangrahan ang maysaquit. saca binibig yan nang bilin sa numero. sinusumpit naman ayon sa turo doon din sa capitulo nang lagnat sa buloc lagnat nang apdo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pagca naalaman nang totoo na uala nang catigasan ang pulso, cundi malambot na, pinaiinom nang bilin sa numero at cun ualang mapagquitaan nito, na aari ang sa numero. ang ibang gagauin doon ay isa rin nang itinuturo sa capitulo nang lagnat nang apdo . ang pulmonia falsa. mayroong isa pang bagay na pulmonia na hindi totoo, na marahil dumaan sa manga matatanda, sa manga bata, sa manga tauong mahina, cun bagong nagtatag arao, na yao,, dala nang manga malalagquit na cungmacapit sa baga nang may catauan. ang maysaquit ay nag uubo muna nang caonti sa loob nang ilang arao, at cun lumacad ay tila masiquip siquip ang caniyang dibdib sa caniyang pagcaramdam; ang muc ha,, mapula sa rati; ang ibig niya ay cumaing parati at matulog, at hindi mahimbing ang caniyang pagtulog; pag nalauong ilang arao, guiniguinao siya; humahalili roon ang init; hindi siya lumagay, at lungmalaqui ang casiquipan nang dibdib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bucod dito, hindi macatahan sa hihigan ang maysaquit, at mahirap man ang caniyang pagcaramdam, ay gumagala sa loob nang silid; ang pulso ay mahina at madalas; ang ihi cun minsan tila para nang dati; cun minsa,, mapulapula; ang pag uubo niya,, munti, at maliuag dumahac; maminsanminsan nasisira ang caniyang bait; hindi macatulog nang mahimbing, at hindi naman naguiguising na totoo; ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, cun minsan namamatay nang biglang pagcamatay, lalo pa cun matanda ang may catauan. cun minsan lungmalaqui ang casiquipan nang dibdib, at ang may cataua,, hindi macahinga cundi locloc; saca nasisira tuloy ang bait; ang pulso ay ungmoonti at dungmaralas; at pag nalaonlaon, namamatay ang maysaquit. itong saquit ay masama; at maliuag matapatan ng gamot. nguni ang lalong mabuti roo,, painuming parati ang maysaquit nang bilin sa numero nang sa numero na lalag yan nang timbang saicaualong salitre sa baua,, isang tagayang tubig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"touing icalauang oras bibig yan nang isang taza nang bilin sa numero. saca pararapitan sa manga binti nang sa numero. itong manga gamot na ito ay hindi macasasama sa maysaquit, at cun minsan macacagaling. ang nagcacasaquit nang gayon, cun minsan ay masamang sangrahan. ang gagauin sa natutuyo ang catauan, na yao,, pinanganganlang consuncion nang castila. bagaybagay ang pinagmumulan nang pagcatuyo nang catauan nang tauo, na yao,, aquing sasaysayin ngayon. ang sibol sa baga, cun minsan siya ang pinangagalingan nitong saquit, ayon sa uica co na sa parrafo. cun minsan gaua nang escorbuto nang bicat nang hica nang bulutong ticdas. cun minsan naman dala nang mahalay na saquit na namamahay sa catauan, na doon mahahalata, cun baga nagsusugat, namumutoc, macati ang punong catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"gayon din cun ang tauo,, parating nacuculong sa bahay na may sara ang lahat na dungauan; cun malimit gumaua nang mahalay; cun siya,, natatapat sa singao nang manga tinutunao na tangso; cun siya,, namamanglao, parating pagod; cun nag iisip nang manga maliliuag; cun siya,, parating pinapauisan, nag iilaguin, ungmiihi, pinapanaogan nang malacas nang sa panahon cun baga babayi; cun siya,, nagpasuso nang malauon, cun linalabasan sa punong catauan nang tubig na malapot at maputi, na yao,, saquit din nang babayi, na pinangangalan fluor albus . cun siya,, dating linalabasan nang dugo sa puit, para nang inaalmorranas, cun pinapauisan sa paa sa catauan, dating binabalingoyngoy, at saca siya,, naual an at inurungan noon manga yaon; cun hindi sumago ang fuente, cun baga may fuente, cun nabahao ang caniyang sugat na malauon, ang caniyang dating galis, buni, ang ibang manga bagay na lumilitao sa catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pinalo nang malacas, nahulog, sinicaran nang hayop ang mayroong nararamdamang bucol sa tiyan, sa bituca, ang napupuyat, at tuloy ungmiinom nang maraming alac; ang ungmaabay sa maysaquit, na dahil doon siya,, nasalinan nang caniyang saquit. ang parating locloc, at tungo ang ulo, para nang manga sungmusulat, manga sastre, zapatero, manga babaying nagdurugtong nang abaca, manga hungmahabi, at ang malauong cumanta tumugtog nang flauta. ang cungmacain naman nang manga mahanghang, nang manga maalat manga mabango. cun minsan naman itong saquit ay minamana, na cun gayo,, ualang magagauang gamot doon. caya cailangang mag ingat ang tauo, at pagca mayroon siyang naramdamang saquit para nang manga sinabi co sa itaas, ay cailangang siyang magpagamot na madali; maca cun pabayaan ang saquit sa catauan, ang sumunod doon sa gayon ay ang pagcatuyo nang catauan niya. ang nagcacasaquit nang consuncion ang natutuyo ang catauan ay nag uubo muna nang ilang bouan calauon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga siya,, dungmoroual sungmusuca pagca cain ay yaon ang senal na caalam alam matutuyo ang catauan. ganoon din cun mainit sa rati ang caniyang pagcaramdam, cun siquip ang dibdib, lalo pa cun siya,, cungmiquibo; cun ang caniyang inilulura ay maalat, may calahoc na dugo; cun siya,, namamanglao, cun nananab ang nang pagcain, at nauuhao; cun ang pulso,, matulin, malambot at munti (datapoua cun minsan matigas at puno). ang hungmahalili rito ay ang paglura nang berdeng maputi na may casamang dugo. ang cataua,, ungmoonti dahil sa lagnat na etica at dahil sa pauis na malaqui, na dungmaraan sa caniya touing umaga at touing gabi. ungmiihi pa siya nang marami, at nag iilaguin nang malacas; na yao,, ang iquinahihina niya. ang manga palad nang camay totoong init, at ang muc ha,, pungmupula pagca cain. ang caniyang manga daliri ay totoong onti; ang manga cuco ay baluctot na pailalim, at nalalaglag ang buhoc.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca ang maysaquit ay nanghihinang totoo, lungmalalim ang caniyang mata, hindi macalonoc; namamaga ang paa, at nanlalamig ang manga dulo nang paa,, camay, at ang sungmosunod doon ang camatayan. ang gagauin nang may catauan cun ang caniyang saquit ay bagong bago pa, ay magbago siya nang lugar, cun baga ang caniyang tinatahanan hindi pinapasucan hindi natatapat na magaling sa hangin. saca siya,, magpilit sumacay na parati sa cabayo, at houag siyang hihiga na basa ang damit. ang lahat na caniyang cacanin ay ang manga ualang liuag matanao sa sicmura: caya ang bagay lamang sa caniya ay ang manga gulay at ang gatas. dito sa lupa nang filipinas magaling ang gatas nang cabayong babayi. na aari naman ang gatas nang babaying tauo, at ang magaling ay doon na sumuso ang maysaquit. ang gatas nang cabayong babayi iinumin cun mainit pa, na bagong galing sa suso. ang isang inom ay dalauang taza, na yao,, gagauing macaipat maghapon, macaitlo man lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gatas ay doroonan nang ilang sopas na tinapay. cun ualang gatas nang cabayong babayi na aari ang sa baca, ang sa cambing; datapoua cailangang alisin ang pinacataba noon. cun ibig nang maysaquit ay masasamahan ang gatas nang caonting canin. macacain naman nang maysaquit ang manga bunga nang cahoy na totoong hinog para nang manga atis etc. cun baga nararamdamang mabigat sa sicmura ang gatas, ay hulugan nang caonting azucal. cun ang maysaquit ay nag iilaguin dahilan sa gatas, ay cumuha ca nang manga paa,, sipit nang hipon, iyong bayohin at isama mo sa gatas. ang guinagaua nang iba hindi ang gatas cundi ang suero noon, siya ang iniinom. caya cun baga nacacayanan ang suero nang sicmura nang maysaquit, ay mabuti inumin niya yaon; houag lamang uminom siya pagcaraca nang marami hangang hindi pa bihasa. datapoua gamitin man nang maysaquit ang gatas, gamitin man ang suero hindi macagagaling sa caniya cundi ituloy gauin nang ilang bouan calauon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"maigui rin dito ang talaba na yao,, hindi lulutuin, cundi pagcaraca,, cacaning hilao. dito sa filipinas ang natutuyo ang catauan ay magaling uminom siya nang tuba sa niyog sa caong, datapoua houag ang maasim. mabuti rin ang siya,, cumain nang manga sarisaring matamis na guinagaua sa manga trapiche. itong manga uica co ngayon ang sucat gauin nang natutuyo ang catauan, at cun minsan siya ang nacagagaling sa marami; datapoua mayroon pang iba na turo ni buchan na magagaua mo cun ibig mo, at cun minamagaling mo, na yaon nga ang isusunod co rito. cun ang saquit nang pagcatuyo nang catauan ay bago pa, at totoong lacas nang pag uubo nang may catauan ay masasangrahan siya nang umonti ang caniyang ubo; at nang houag macahirap sa caniya ang pag uubo, ay painoming maminsan minsan siya nang isang cucharang gatas nang dayap na sasamahan nang isang gayon din polot na lulutuin muna sa mahinang apoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang iinuming parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang manzanilla; datapoua cun baga siya,, lungmura nang dugo ay houag painumin noon. cun baga ang maysaquit mayroong sibol doon sa caniyang baga, ay basahin mo ang parrafo at ang manga magcasumonod doon. ang sintac sa dibdib, na pinangangalan nang manga medicong pleuresia, dolor de costado. ang pleuresia ang sintac sa dibdib ay catulad nang saquit na pulmonia na sinasaysay sa itaas sa capitulong nacalalo. dito sa pleuresia, ang baga nang maysaquit ay namamaga rin para doon sa nagcacasaquit nang pulmonia; datapoua,, itong pamamaga nang baga nang sinisintacan ay sa dacong ibabao, at ang nararamdaman niya ay gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"guiniguinao muna ang maysaquit, hungmahalili ang lagnat, ang pag uubo, ang casiquipan nang dibdib; ang pagsaquit nang ulo, at ang bahag ya na macahinga ang maysaquit; ang marahil idaing nang pinipleuresia ay ang matigas na saquit nang manga taguiliran nang dibdib sa ilalim nang suso, at ang canang taguiliran ang malimit sumaquit; cun minsan nama,, alin mang lugar nang dibdib ay sungmasaquit. bucod dito,, namumula cun minsan ang pisngi, at ga ibig sumuca ang maysaquit. cun minsan hindi nararamdaman ang saquit nang dibdib, cundi lungmalo muna ang ilang oras, sa icalaua sa icatlong arao nang pagcacasaquit. ang pulso nang maysaquit ay matigas; datapoua cun malaquing totoo ang saquit, at mapanganib ang buhay nang tauo, ang pulso ay malambot at munti. cun minsan ualang lura, at uala ring ubo. mayroon namang iba, na binabalingoyngoy, na ito,, nacaguiguinhaua sa may catauan. datapoua cun minsan ang tumutulong dugo ay buloc, na yaon ang pinacatanda na malapit nang mamatay ang tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan tila mamamatay na ang maysaquit, at bagcus siya na ang paggaling niya. ang gamot sa pinipleuresia sinisintacan ay para nang pag gamot sa pinupulmonia. caya sasangrahan ang maysaquit pagcaraca; at cun hindi siya gungmagaling, gumaling ma,, ungmooli rin ang saquit na malaqui, sasangrahan pa mandin; datapoua cun hindi malubha ang tauo, cun hindi totoong lacas ang pagsintac, at ang maysaquit nacacalura, ay hindi cailangan sangrahang uli, cundi parapitan lamang sa manga binti doon sa lugar na masaquit. saca ang ibang gagauin doon ay naituro co na doon sa itaas sa parrafo hangang sa parrafo sa lahat na bagay, ang totoong sucat igamot dito ay ang bilin sa numero at pagca bagong nagcasaquit ang tauo, ay tatapalang agad nang bilin sa numero at cun hindi pa nauauala ang sintac, parapitan doon sa masaquit. gayon din ang pag gamot sa manga babaying sinisintacan; at may panahon man, masasangrahan din.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun munti ang sintac, ay marahil mauala pag sinangrahang minsan ang maysaquit, at pag pinainom nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao itong tubig ay dinoroonan nang caonting pulot . ang saquit nang pleuresia ay nauauala sa paglura, sa pag ihi, sa pagpauis, para nang pulmonia; cun minsan naman sinisibulan ang maysaquit nang baga sa loob, tinutuboan nang bucol na matigas doon din sa loob, cun minsan nama,, nabubuloc ang caniyang baga, para nang sinabi co na sa capitulo nang pulmonia. ang nagcacasaquit nang gayon hindi sucat big yan nang triaca, cordial, castol, ruda at nang manga bagay na nacacapagpapauis. ang tauong ungmiinom nang tubig na malamig, capagca siya,, totoong nainitan, ay marahil magcasaquit nang pleuresia sintac; at mayroon cun minsang tauo, na pagcainom mandin, namamatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bucod dito sa saquit na sintac na sinaysay co ngayon, mayroong isa pang bagay na sintac nang apdo biliosa na yao,, isa rin nang pulmonia nang apdo biliosa, na sinaysay co sa nota nang parrafo na pati nang pag gamot ay isa rin. caya susundin ang lahat na turo doon din sa notang yaon. ang saquit na ang pangala,, garrotillo, at ang ibang manga saquit sa lalamunan nang tauo. marami ang saquit nang lalamunan nang tauo. ang malimit dumaan doo,, ang pamamaga niyong manga casangcapang nadoroon, na siya ang tinatauag na garrotillo, na camuc ha rin nang saquit na pulmonia; ibang casangcapan lamang ang nasasaquitan. cun ang lalamunan ang masaquit, ay bahag ya na macalunoc ang tauo nang anoman. ang tubig at ang lauay lalong maliuag lunuquin. guiniguinao ang maysaquit; nalalagnat siya nang malaqui, masaquit ang ulo, at ang ihi ay mapula.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun ang namamaga ay ang naroong malapit sa dinaraanan nang hininga nang tauo, ang paghinga ay mahirap, hindi tahimic ang maysaquit, at tila nahuhunghang; ungmaabot cun minsan ang saquit hangan sa baga, at namamatay ang tauo. cun namamaga yaong lahat na yaon, sampon nang cutil pati nang puno nang dila, at ang ibang manga casangcapang naroon sa piling noon, ang may catauan ay totoong cahabaghabag; namamaga ang boong muc ha; hindi siya macalunoc; ang paghinga ay maliuag; lungmalabas ang dila, ang pulso ay maralas at mahinang mahina, at cun minsan lungmilibang; at ang maysaquit ungmaabot lamang hangan sa icatlong arao, at namamatay. ang pinangagalingan nitong saquit ay ang pag urong nang pauis, ang paglacad sa lupa cun bagong nacaulan at mainit ang arao; ang pagtapat sa hanging malamig, ang pagbasa, ang pag uiuica pagcacanta nang malauon, ang pagtulog na basa ang damit, ang pag inom nang malamig na tubig, cun bagong galing sa init ang may catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang saquit ay ungmaalis cun minsan sa loob at napapasalabas; cun gayo,, magaling galing ang pagcaramdam nang maysaquit. datapoua cun sa utac, sa baga mapatungo,, mahirap at mapanganib ang may catauan. ang pag gamot sa nagcacasaquit nang gayon, ay para nang guinagaua sa pulmonia. ang maysaquit ilalagay sa husay (capitulo, at cun baga mahirap na totoo ang caniyang lagay para nang sabi sa itaas sa parrafo cailangang sangrahang macaapat macalima sa loob nang ilang oras; paiinuming parati nang bilin sa numero at numero. datapoua sapagca sa ganitong saquit ay hindi sumagui cun minsan sa lalamunan ang ipinaiinom, caya cailangang sumpitin touing icatlong oras ang maysaquit nang bilin sa numero at macaitlo maghapon ibababad ang caniyang manga paa sa mainit na tubig ga calahating oras calauon. saca tapalan ang liig niya nang bilin sa numero. maigui ring carlitan muna sa liig ang maysaquit, na totoong malubha na, nguni houag lalaliman ang carlit, bago tacluban nang ventosa roon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pinapagmumumog naman siya nang bilin sa numero at pinasisipsip nang singao nang tubig na mainit na macaanim maghapon. cun ang cutil at ang dalauang tila bucol na capiling noon, yaon lamang ang masaquit, at namamaga, ay cailangan ding sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun ang pulso ay matigas at puno; ito,, gagauin agad, maca cun pabayaan yaong pamamagang yao,, mapatungo ang saquit sa baga: at cun minsa,, uuling sasangrahan cun cailangan pa. . cun munti ang saquit, magpaanyo lamang ang may catauan, at maghusay sa caniyang pagcain, sa pag inom, at sa pag gaua, ay hindi cailangang sangrahan. datapoua,, magaling na lalo ang sangrahan, at painumin nang bilin sa numero. saca banusan hangan tuhod ang maysaquit cun umaga, at sumpiting minsan cun hapon. tatapalan naman ang caniyang liig nang bilin sa numero. saca pinapagmumumug nang aquing turo sa numero at macaanim maghapong pasipsipin nang singao nang mainit na tubig ayon sa bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga hindi maalam magmumog ang maysaquit, ang caniyang ipagmumumog pinatatama nang sumpit na munti, na cauayan man, doon sa caniyang lalamunan; itong ganitong pagsumpit ay totoong buti, at cun minsan siya ang iquinapagpapalabas nang maraming malalagquit na cungmacapit sa ilalim nang lalamunan, at siya rin ang iquinaguiguinhaua nang maysaquit. datapoua,, itong pagsumpit na ganito ay lilimitan. cun ang saquit nang lalamunan ay natatalo niyong manga gamot na yaon, sa icatlong arao sa icaapat hangang sa icalima, ay gumagaling na ang maysaquit; at cun ualang sisibol doon, sa icaualong arao malaqui ang caniyang pag galing. cun minsan cun guinagamot ang maysaquit, ay umuunti ang lagnat at ang ibang manga hirap; datapoua,, ang lalamunan ay para nang dating masaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin doo,, itutuloy ang pagmumumog, at ang pagsipsip nang singao nang mainit na tubig numero saca cun mayroong marunong na medico ipahiua sa caniya yaong dalauang bucol agallas na masaquit, na naroon sa piling nang cutil, at gagaling ang may catauan pagca linabasan nang caunting dugo yaong manga bucol na yaon. cun hindi paanyo ang pag gamot sa maysaquit, cun minsan tinutubuan nang sibol doon sa lalamunan, na cailangang hiuain, cundi pumutoc siyang cusa sa icalima sa icaanim na arao. ang sibol ay maquiquitang magaling nang mata, pagca pinanganga ang maysaquit; caya bago hiuain, ay maghahanda ang medico nang isang lanceta, na durugtungang magaling sa dulo nang patpat na munti; saca tinatacpan nang damit, houag lamang ang dulong matulis, at yaon ang ihihiua roon sa sibol, na naquitang naroroong maputi at malambot doon sa masaquit na lugar. cun nahiua na ang sibol ay napupuno nang nana ang bibig, at caya ang maysaquit ay magmumumog nang bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan ang sibol ay dalaua. cun minsan hindi lamang mayroong nana roon sa sibol na naquiquita, cundi sa ibang lugar nang lalamunan na hindi na aalaman, caya ang maysaquit anaqui magaling na, at ang lagnat ay munti at naca catulog siya,, nacacalunoc; datapoua,, hindi nauauala ang saquit nang bibig; pinangingilabutan siya nang guinao, ang dila,, bungmibigat at cungmacapal sa caniyang damdam. mayroon namang manga butil na maputi sa manga ngidngid at sa loob nang pisngi, pati sa manga labi, at masama ang lasa nang bibig. ang gagauin nang maysaquit pagca gayon, ay ang malacucong tubig na may calahoc na gatas, ay siya ang ipagmumog niya. saca sipsipin niya ang singao nang mainit na tubig, at doonan ang caniyang liig nang bilin sa numero. saca ipauusisa niya sa medico ang quinadoroonan nang sibol, at ipahiua sa caniya. magaling namang sumpitin sa lalamunan nang tubig na malacuco, upan din pumutoc ang sibol, cun mag ubo ang may catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong pagputoc nitong sibol hindi nacacaano sa maysaquit, at uala acong naringig na namatay dahil doon. ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, cun minsan dinaraanan nang pagca ibig sumuca, gaua nang manga malalagquit na lura na naniniquit sa lalamunan; caya tandaan ito nang mangagamot, na houag big yan nang pasuca ang maysaquit at masama sa caniya yaon. bucod sa saquit na garrotillo na sinasaysay co sa capitulong ito, mayroong isa pang bagay na pagsaquit nang lalamunan nang tauo, na cung minsan nacamamatay sa marami. ang pangalan doo,, mal de garganta ulcerado, garrotillong may sugat . ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay bihira ang di binubucalan sa catauan nang manga butil na mumunti, na sa loob nang ilang arao natutuyo at nalalaglag na parang calisquis. sa loob nang lalamunan mayroong namang manga sugat, at mapait ang bibig ang gamot doo,, catulad tulad nang gamot sa lagnat nang apdo capitulo nguni hindi sucat sangrahang hamac ang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pasuca numero ang sa numero ay totoong buti doon, cun uala nang lagnat ang maysaquit. ang purga, ay hindi magaling doon. ang parapit sa binti ay totoong bagay sa saquit na ito. gayon din mabuti rito ang pag inom nang maraming tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao at ang pagmumumog nang bilin sa numero . magaling naman sa maysaquit na malubha ang bilin sa numero na yao,, turo ni buchan. ang gamot sa bucol, na ang pangalan nang tagalog doo,, bayiqui, bayicqui. cun minsan namamaga yaong dalauang glandulas bucol na naroon sa piling nang taynga,, sihang; cun minsan yaong dalaua namang hinihipo sa ilalim nang guitna nang sihang, na glandulas din yaon at parapara nang sila ang pinangagalingan nang lauay nang tauo; itong saquit na ito ay nauauala pagca pinahiran nang tayom, na tinunao sa caunting suca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun ang boong liig ay lungmalaqui, na maralas dumaan itong saquit sa manga babayi sa provincia nang batangan, ay basahin mo ang parrafo at ang at sundin ang manga turo doon. ang romadizo na pinanganganlan nang tagalog na sipon. ang sipon ay catulad nang saquit na pulmonia, pleuresia,, garrotillo, munti lamang ang saquit; cun sinisipon ang tauo, ay namamaga rin nang caunti ang baga sa loob nang dibdib, ang ibang manga casangcapang naroroon sa ilong, sa noo, sa pisngi. ang sipon hindi sucat hamaquing pabayaan, at cun minsan nacahihila nang manga saquit na malaqui sa dibdib, sa ibang lugar nang catauan nang tauo. ang pinagmumulan nang sipon ay ang pag urong nang pauis nang catauan at ang cainitan nang dugo. ang calaunan nang saquit na sipon ay bagay bagay. ang sipon nang ulo, hindi lubhang nalalauon; datapoua ang sa dibdib ay malauon sa roon. cun nalalauon ang sipon, ay masama, sapagca dahilan sa calacasan nang pag uubo, nagcacaramdam ang boong catauan, at napapasaulo ang dugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang isa pang casam an noon ay ang di icatulog nang tauo, na caya nanghihina siya; bucod dito ang may sipon ay marahil aayao cumain, at yaon ang isa pa manding nacagugulo sa catungculan nang sicmura. dahilan doon sa pag uubo; ay nahihirapan namang totoo at ga nagagambol ang baga nang tauo, at napupuno nang napupuno nang sarisaring pinacataib ng catauan na doon napapatungo, at lungmalapot at saca nacacahirap pa sa paghinga. dahil doon naman nalalagnat ang tauo nang lagnat na munti na hindi nauauala. ang gamot sa sipon ay para nang sa pulmonia, pleuresia garrotillo . caya cun ang sipon ay malaqui, lalo pa cun ang maysaquit ay marugo at malaqui ang caniyang ubo, pati nang saquit nang ulo, ay cailangang sangrahan sa camay, nang madaling gumaling. saca painumin nang bilin sa numero . magaling din banosan bago humiga ang maysaquit sa tubig na mainit init hangang tuhod; pati nang pagsumpit ay bagay rin sa saquit na ito, cun hindi manabi touing arao, cun cacaunti ang inaiihi nang may sipon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa catagang uica; cun ang may saquit ilagay sa husay (capitulo pagdaca,, gumagaling. datapoua cun munti ang sipon, di man gamutin ang tauo, ay gumagaling siya; houag lamang cumaing ilang arao, nang carne, itlog, baboy, sabao, at alac. ang cacanin lamang ay ang tinapay, canin, ang manga gulay, ang manga bungang hinog nang cahoy at tubig; ang cacanin cun gab ay caonti, at ang caniyang iinumin, ay ang tubig na pinaglagaan nang palay cebada, at cun aayao noo,, ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na ang sa icapat na bahagui ay gatas. ang banos nang tubig na mainit init sa paa; at ang bilin sa numero ay nacacapagpatulog sa maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan ang maysaquit ualang lagnat cundi nag uubo lamang at hindi macatulog; ang gagauin dito ay cun gab banusan nang tubig na mainit init, at cun lauon nang nacacain ang maysaquit big yan siya nang isang pildorang estoraque (camanguian), nang caunting triaca at caunting tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao; ito lamang ay nacacagaling na tambing sa maysaquit, pagca lauon nang guinamot nang husay, at hindi pa gungmagaling; datapoua cun bago pa ang saquit, hindi sucat gauin ito, at masama. mabuti rin bigyang maminsan minsan ang maysaquit nang isang cucharang pulot na hinulugan nang caunting suca, nang lumambot ang pag uubo; at cun hindi rin ungmuunti ang pag uubo doonan nang isang tapal na sahing sa pag itan nang dalauang balicat, ayon sa turo sa parrafo. ito,, aral ni buchan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa saquit na sipon, ay bagay ang pagsipsip nang singao nang tubig na mainit ni pinagbabaran nang bulaclac nang alagao ayon sa turo sa numero maigui rin ang regaliza (saga) cun ngangaing parati ang dahon. ang tauong sinisipon, na hindi nagbabauas nang caniyang pagcain, at ang ungmiinom lamang nang mainit na tubig, ay guinugulo niya ang sicmura; ang pag uubo ay hindi mauaualang hamac cun gayon, at siya,, ooui sa calagayan sinaysay co sa parrafo. ang pag inom nang anomang bagay na alac ay nacacasama doon sa sipon; at cun minsan ang sipon na talagang mauauala na, ay dahilan sa pag inom nang alac bagcus lungmalaqui. cun ang tauong sinisipon ay totoong nanhina na, at hindi mangyaring mauala ang caniyang sipon iinomin niya arao arao ang bilin sa numero ang timbang ay cahati isang saicapat na isinasama sa caonting alac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"at cun nahahalata, na ang saquit ay napapatungo sa baga, dahil sapagca ang pag uubo ay lungmalaqui nang lungmalaqui, at ga siquip ang dibdib pati nang paghinga, ay doonan ang maysaquit nang parapit sa manga binti numero. hindi magaling sa saquit na ito ang tumahan ang maysaquit sa bahay na mainit at siquip, sapagca ang pagtahan sa ganoong lugar ay para nang pag inom nang alac. saca pag nacalabas sa silid, at salang mahanginan, siya,, sinisipon pa mandin. mayroon namang tauo, na dahil sa calacasan nang pag uubo pungmuputoc ang manga ugat mumunti nang mata at tila nanhihinola ang bubong nang mata. ang mabuti roo,, basaing parati yaong hinola nang tubig na sinucaan, para nang guinagaua sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"yaong manga tauong madaling sipunin ay caya malacas dumopoc at humina ang canilang catauan, sapagca totoong nag iingat sila sa hangin, at ang ibig nila ay ang tumahan doon sa may sara ang lahat; bago,, ang canilang sucat gauin, ay lumabas at manaog sa lupa, at uminom nang malamig na tubig: at capag namihasa na sila sa ganitong gaua, ay lungmalacas at gungmagaling ang pagcaramdam. ang saquit nang ngipin at bag ang, pati nang sa cabiac nang ulo muc ha sa uicang castila,, jaqueca, sampon nang escorbuto na yao,, pagdurogo nang ngipin nang tauo. tatlong bagay ang pinangagalingan nang pagsaquit nang ngipin at bagang. ang isa,, ang bucboc nang ngipin. ang icalaua,, ang pamamaga niyong litid na munti, na naroon sa pinacaugat nang manga ngipin; cun minsan ang pamamaga naman niyong pinaca balat na matigas, na nasasapao sa manga ngipin sa ilalim nang ngidngid, at caya pati nang ngidngid cun minsan sungmasaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang icatlong dahilan nang pagsaquit nang ngipin ay ang isang pinacataib na malamig na napapatungo doon, na nangagaling sa catauan. cun ang dahilan nang saquit nang ngipin ay ang bucboc, at cun nahahanginan na ang pinaca litid nang ngipin, sapagca sinira,, quinain nang bucboc, ay ang hangin, ang pagcain, ang pag inom, ang init, at ang pag gaua, itong lahat na bagay ay paraparang nacalalaqui nang saquit nang ngipin. caya cun malaquing totoo ang nacain na nang bucboc, cundi ipabunot sa marunong, sasaquit nang sasaquit lamang ang ngipin, babaho ang hininga, mabubuloc ang ngidngid, at ang ibang ngipin ay mararamayan, pati nang sihang cun minsan ay bubucbuquin din. datapoua cun hindi totoong sira ang ngipin, houag bubunutin cundi magbabad ca nang camunting pimienta, canela, at clavo sa calahating tazang tubig na malacuco, at dito sa tubig na ito,, basain mo ang camunting bulac, na idoroon mo sa binubucboc na ngipin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"maigui pa sa rito ang maglulon ca nang caunting papel, na ganga tingting nang ualis; sindihan mo ang dulo at pag naguing baga na,, iyong patamain sa butas nang bucboc, at mauauala ang saquit; bago sindihan ang papel ay isinasaosao muna ga langis. itong gamot hindi masaquit. ang gaua nang ibang manga tauo, ay ang canilang muc ha pinapahiran nang pulot, at gungmagaling sila. datapoua cun baga caya sungmasaquit ang ngipin sapagca ang litid na munti nang ngipin ay namamaga, hindi macucuha ang saquit, cundi sangrahan ang may catauan at caalam alam yaon ang icagagaling niya. pagca sangra, ay magmumog ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan nang cebada palay, cun hindi ibig niya yaon, ay ang tubig na may calahoc na gatas yaon ang ipagmumog niya; saca tapalan ang caniyang pisnging masaquit na ang bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya naalaman, na ang litid nang ngipin, ang pinacabalat na matigas na naroon sa ilalim nang ngidngid siya ang nag darala nang pagsaquit nang ngipin, sapagca cun ang may cataua,, naiinitan, yaon ang pagsaquit nang ngipin; cun minsan linalagnat ang may catauan nang malaqui; ang pulso,, malacas at puno; mapula ang mucha, ang bibig ay mainit; ang saquit nang ulo ay malaquing totoo; namamaga ang ngidngid, at cun minsan sinisibulan nang bucol na munti; pati nang pisngi ay namamaga rin. caya sinabi co, na bagay dito ang pag sasangra, at lalo pa cun ang maysaquit ay lumulubha, gaua nang pag inom nang alac, cafe etc. at cun hindi sangrahan, anomang gauin doon, ay hindi macagagaling sa caniya. bucod dito touing gab ualang liban, babanosan ang maysaquit nang tubig na malacuco hangan tuhod, at paiinumin nang bilin sa numero timbang sa ica ualo; houag namang big yan nang carne at alac lalo pa cun gab.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang opio ang triaca at ang pildoras nan estoraque (camanguiang) ay masama dito, cun ang dahilan nang saquit nang ngipin ay ang litid na nasasailalim noon. cun ang dahilan nang saquit nang ngipin ay ang pinacasingao pinacataib nang catauan na ungmaanod at napaparoon sa ngipin, hindi lubhang malaqui ang saquit. ang pulso,, hindi lubhang malacas, hindi puno, at hindi matulin; hindi lubhang malaqui ang cainitan nang bibig, at ualang pamamagang malaqui. cun gayon, ay pupurgahin ang maysaquit nang bilin sa numero na yaon ang madaling macauala nang manga maliliuag na saquit nang ngipin. saca magagamot cun ibig nang may catauan nang bilin sa numero at malaqui rin ang cabagsican nitong gamot. ang parapit sa batoc, sa licoran nang tainga, sa ibang lugar nang catauan ay maiguirin. pagca pinurga ang maysaquit, ay mabibig yan nang pildoras nang estoraque (camanguiang.) cun minsan ang dahilan nang saquit nang ngipin ay ang cahinaan nang sicmura; ang bagay dito ay ang polvos sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang saquit nang ngipin ay casama nang ibang saquit, pagca gamuti,, mauala itong isa, ay macucuha tuloy pati nang sa ngiping saquit. mayroon namang pagsaquit nang cabiac na ulo, cabiac na muc ha, na yao,, tinatauag na jaqueca nang castila, at dala nang manga marurumi na tungmatahan sa sicmura; at ang bagay dito, ay ang purga numero saca ang dita numero pag pinurga na ang maysaquit. ang escorbuto nota. mayroon namang ilang saquit na ang pangalan nang castila doo,, escorbuto na yao,, pagdurugo nang ngipin. itong saquit na ito,, totoong sama cun hindi pagcagamuting agad. ang nararamdaman nang nagcacasaquit nang gayon ay ang manga ganito. ang catauan niya,, mabigat na totoo, na dahil doon ay aayao siyang cumibo. ang manga casucasuan nang manga buto ay lungmalagutoc, cun lungmalacad ang may catauan. ang hininga mabaho, pati nang bibig cung lungmalaqui na ang saquit. saca ang manga ngipin ay ungmuuga, at ang manga ngidngid ay linalabasan nang dugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bucod dito ang manga ngipin ay tila nangingilo at ga gungmagaspang. ang manga paa cun minsan namamaga; cun minsan ga natutuyo. ang balat nang muc ha ay namumutla, at cun malauon ay ungmiitim itim. cun ang saquit ay lungmaqui pa mandin, ay nangabubuloc ang manga ngipin; ang maysaquit ay linalabsan nang dugo sa iba,, ibang lugar nang catauan; ang caniyang manga paa, pati nang ibang manga casangcapan nang catauan ay linalabsan nang mancha, na iba,, iba ang color; saca nagsusugat nang masamang pagcasugat ang catauan niya, lalo pa ang manga hita; at pagca malubha na ang maysaquit, ay nalalagnat nang lagnat na etica at ang iquinamamatay niya ay ang pag iilaguin, ang pamamaga nang caniyang catauan ang pasmo, ang desmayo, ang pagcabuloc nang caniyang bituca. ang gamot sa saquit na ito,, gayon. ang maysaquit gagaua nang paraang mangyaring sumaya ang caniyang loob. caya magaling sa caniya ang paglacad na parati, at ang pagdalao na parati sa manga caquilala, nang malibang ang caniyang loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mabuti namang pumambo nang malimit sa malamig na tubig. houag siyang tatahan doon sa manga mababang lugar, na hindi nahahanginang maigui. ganoon din masama, sa gayong saquit ang manga bahay na siquip, ang pagtahan sa piling nang manga laua nang manga tubig na tahan. ang pagdurugo nang ngipin mauauala, pagca nguyain nang maysaquit nang malimit ang dahong sariua at hilao nang mostaza . houag siyang cacain nang manga ma aalat, sapagca yao,, masama sa saquit na yaon. ang carne at ang isda pag hindi sariua,, masama rin. ang magaling canin niyang parati ay itong manga ganito. ang dalandan, ang dayap, ang taingan daga, ang sampaloc, ang coles, na ito,, totoong buti sa caniya; ang mostaza ay magaling namang gulayin niya. ang damong pinangangalang paco cun doonan nang suca, ay totoong buti sa caniya; datapoua hilao cun cacanin. ang talbos nang malungay ang onti at ang colasiman ay totoong buti namang canin nang nagcacasaquit nang escorbuto .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang caniyang lahat na cacanin ay mabuti lag yan nang suca. ang manga bunga nang cahoy, para nang papaya, ates, manga, saguing, sapinit, lanzones etc . ay bagay sa saquit na ito. masama sa iniis corbuto ang pag inom nang tubig na malacuco bagcus ang maigui roon ay ang malamig na tubig. datapoua ang maiguing maigui sa saquit na ito,, ang pag inom ang pagsipsip touing umaga nang catas nang dalaua tatlong dayap na ualang calahoc. ito,, gagauin nang mahabang panahon; nguni touing icatlong arao magaling namang itahan, nang houag macasama sa sicmura yaong maasim. ang apoplegia, na ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit nang gayon, ay himatayin. pinanganganlan din nang tagalog na himatayin ang nagcacasaquit nang epilepsia, parrafo pati nang dinaraanan nang malaquing desmayo parrafo. caya cailangang bacayan ang senal nitong manga saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"naalaman nang lahat na tauo, at naquiquilala nila ang apoplegia, yaon bagang calagayan nang tauo, na pagcaraca,, nauaual an nang damdam, at hindi macaquibo, at yaon din ang pinanganganlan nang tagalog na panhihimatay. ang pinagmumul an nitong saquit, ang malaquing galit toua; ang pag iisip nang maliuag pagtingin nang maliuag; ang pagtingin nang malauon nang pataguilid; ang pagcain nang marami,, masarap; ang pagpambo nang malauon sa mainit na tubig; ang palo sugat sa ulo; ang paggauang parati nang mahalay; ang mahigpit na tali sa liig, ang pag aamoy nang masamang singao amoy, cun ang may catauan inurungan nang pauis, galis buni nang saquit sa bouan bouan cun baga babayi; cun siya,, inarauan. mayroong tauo na parating nanhihimatay, at magaling ang caniyang damdam pati catauan; ito,, apoplegia rin; datapoua monti; ang dugo ay biglang ungmaac yat sa ulo, at hungmihina pagcaraca ang maysaquit; datapoua nacacaalam tauo rin nang caunti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling dito sa ganitong apoplegia ang pagsasangra at ang sumpit; at nang houag umuli ang saquit, susundin ang ituturo co sa parrafo. ang totoong galing dito ay ang polvos sa numero cun gayon ay umuli man ang saquit, ay malalauon. ang totoong apoplegia ay dalauang bagay. ang isa,, dala nang dugo; cun ang dugo ay marami, mabigat, mataba,, mainit; caya marahil dumaan itong ganitong panghihimatay sa manga tauong malalacas ang catauan at matataba. ang icalauang bagay na apoplegia, ay dala nang dugong matubig, na caya dinaraanan noon ang hindi lubhang malacas na tauo na may sarisaring bagay na calahoc sa caniyang dugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang panghihimatay na dala nang cainitan nang dugo, cun minsan ay nacamamatay na tambing sa tauo, cun malaquing totoo ang saquit; cun hindi lubhang malaqui ang saquit, ang pulso ay malacas, puno at mataas, at ang caniyang muc ha ay mapula, at namamaga; ang liig ay namamaga rin ang paghinga ay mahirap at ga maingay; ang may catauan ay hindi nacacaalam tauo, napapaihi, at napapailaguin at cun minsan dungmuroal. ang gagauin doon, ay gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"houag tatacpan ang ulo nang maysaquit; pati nang catauan ay houag cumutan nang macapal na damit, bubucsan ang manga pinto,, dungauan nang silid; cun mayroong bigquis tali sa catauan nang maysaquit, cacalagui,, palulubayin; bibigquisan lamang nang mahipit sa ibabao nang tuhod; ipalulocloc ang maysaquit sa bangco na ang paa ay lauit, at ang ulo,, mataas; sasangrahan at cucunan nang timbang labindalauang pisong dugo sa paa, sa camay, at cun baga malacas tumaliris ang dugo, ooling sangrahan hangang ga macaitlo, macaapat ga loob nang apat na oras, cun baga inaacalang macacayanan nang maysaquit; susumpitin naman nang tubig na pinaglagaan nang culutan na may casamang lana, langis na bago nang niyog, ga apat na cuchara, at isa pang cucharang asin; ito,, gagauin touing icatlong oras. cun mapapainom ang maysaquit, ay painumin nang maraming tubig na dinoonan nang timbang sa icaualong salitre sa isang vaso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pag tila nasasaulan na ang maysaquit, ay painumin nang bilin sa numero nang cremor timbang isang salapi piso, at saca big yan nang maraming suero nang gatas. houag paamoyin ang maysaquit nang anomang amoy na matapang. houag quibuin, hipui,, tauaguin ang maysaquit, at masamang totoo sa caniya yaon. pag yari na itong lahat, cun baga hindi nauulian; cundi lungmulubha ay uala nang magaua roon. pagca gumaling na ang maysaquit, nacacaalam tauo na siya; datapoua cun minsan ang isang camay ang paa, ang cabiac na muc ha ay ga namamatay, pati nang dila, na dahil doo,, hindi mauauatasan ang caniyang uica. itong pinacabacas nang apoplegia ay nauauala cun malauon, purgahin lamang maminsan minsan ang maysaquit, at houag pacanin nang marami. anomang gamot na mainit, ay masama roon; ang pasuca, nacamamatay sa inaapoplegia; caya hindi sucat ibigay sa nagcacasaquit nang gayon; at ibig mang sumuca siya, hindi sucat big yan nang mainit na tubig man, at macacasama rin sa caniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"doon sa icalauang bagay na apoplegia na sinaysay co sa parrafo na ang uica co,, dala nang dugong matubig, na may bagaybagay na casama, ay gayon ang pag gamot. ang maysaquit sasangrahang miminsan lamang, cun ang pulso,, mayroong catigasang munti; at cun malambot ang pulso, at hindi puno, houag sangrahan ang maysaquit. saca ipalocloc sa bangco na ang paa nang maysaquit ay lauit. pupurgahin nang polvos numero susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na dinoroonan nang asin maramirami at jabon ga isang itlog na munti carami, at hojas de sen pa (cangcong acapulco) ito,, gagauing macalaua maghapon, at yaon ay totoong buting gamot. sa icatlong arao pupurgahing uli, nang purgang mahina hina at pararapitan sa dalauang binti. cun baga pinapauisan ang maysaquit, paiinumin nang anomang bagay nanacacapagpapauis; itong pagpapauis doon, ay itutuloy na mahabang panahon, hangan sa siyam na arao, sa halimbaua; at cun minsan itong pagpauis ay macacauala nan manga bacas nang apoplegia.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang nagcacasaquit nitong icalauang bagay na apoplegia na sinaysay co ngayon hindi lubhang nahihirapan nang paghinga. ang pulso,, hindi lubhang matigas; cun minsan sungmusuca ang maysaquit, at ang muc ha,, hindi mapula, para doon sa isang bagay na apoplegia. nang houag umuling dumaan ang saquit na apoplegia panhihimatay, cailangang maghusay ang maysaquit sa caniyang catauan. ang lahat na bagay na apoplegia ay maliuag dumaang uli, cun hindi malacas cumain ang maysaquit, at lalo pa cun hindi cumain cun hapon. saca siya,, mag ingat sa alac, sa cafe, sa manga silid na mainit, pati sa arao; mabuti ahitin ang ulo, at basaing parati nang malamig na tubig; houag siyang cacain nang maraming carne, at cun cacain nang carne ay sisiu lamang; bagay sa caniya ang manga gulay, at ang manga bungang hinog nang cahoy; lumacad siyang parati; houag pahahabain ang tulog; at macaitlo touing lingo iinumin niya ang bilin sa numero cun umaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"touing iinumin, ay saicapat ang timbang; at macaitlo sa santaong arao siya,, magpurga nang bilin sa numero. datapoua sa dinaraanan nang icalauang bagay na apoplegia, ang bagay na purga sa caniya ay ang bilin sa numero. magaling naman sa nanghihimatay ang fuente. cun baga gumaling man ang maysaquit, siya,, ga naliliyo, dungmarami ang caniyang dugo, quiniquisig siya sa manga catauan niya, ang gagauin agad, ay magsangra siya at maghusay sa caniyang pagcain, nang houag magcasaquit uli nang malaqui. ang gagauin sa nagcacasaquit dahil sa inarauan; sa uicang castila,, insolacion. cun ang arao ay mainit, ang manga cahoy, ang manga bato, pati nang tangso bacal man, na nalalagay sa arauan, ay totoong ungmiinit, na cun minsan hindi mahipo nang camay. gayon din ang tauo cun siya,, inarauan nang malauon, at lalo pa cun ang ulo ang tinamaan nang arao, nagcacasaquit cun minsan nang malaquing saquit na pinanganganlang insolacion.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang tauong inarauan nang malauon, ay hindi matiis niya ang saquit nang ulo; ang balat ay mainit at tuyo; ang mata ay tuyo rin, at namumula. cun minsan hindi macamulat, at hindi macatingin sa maliuanag; mayroong hindi macatulog; mayroong hilim na parati, at touing maguiguising ay ga naguiguitla. ang caniyang lagnat ay malaqui; aayao siyang big yan nang anomang gamot; hapay ang loob niya at cun minsan nauuhao, cun minsan hindi. mayroong tauo, na dahil sa siya,, inarauan maghapon, ay namamatay; at ang inasal nang mamamatay, ay para nang inasal nang quinacagat nang asong bangao. cun ang tauo,, nacacatulog sa arauan, ay lalo pang masama; at cun lasing ay lalo pa man din. mayroon namang iba, na dahilan sa pagca inarauan, ang mata,, sinisingauan naguiguing lirain, ga nagugulo ang canilang pagtingin, cun minsan anaqui mayroon silang naquiquitang lungmilipad na parati sa canilang harap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang lungmalagay sa arauan, at nalalauon doon, ay cun minsan dinaraanan nang panghihimatay, apoplegia; cun minsan ang lalamunan ang masaquit na yao,, parang angina garrotillo; cun minsan namamaos, namamaga ang liig. ang apoy nacacasama rin sa tauo cung nalalauon siya sa tapat, at isa rin nang arao. ang gamot sa inarauan ay ang pagsasangra; saca ang manga bagay na malalamig gagamitin doon sa ipinaiinom, sa ibinabanos, at sa isinusumpit sa maysaquit. ang pagsasangra ay cailangang totoo, at cun hindi pa nauauala uala ang hirap nang maysaquit, uuling sasangrahan. ang isusunod sa pagsasangra ay ang banos sa tubig na malahininga lamang, at houag sa mainit. ang pagbabanos ay paparatihing gagauin, sapagca totoong igui sa saquit na ito. datapoua cun ang maysaquit ay malubha, ang boong catauan ay babanosan; saca susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"paiinumin nang limonada, cun ualang dayap, ang tubig na may sucang caunti ay maigui rin; ang suerong malinao nang gatas, na sinasamahan nang caunting suca ay lalo pang mabuti; itong lahat na painom ay malamig cun inumin. ang noo, ang quibotquibotan, ang boong ulo,, lalag yan nang basahang babad sa tubig na malamig. ang bilin sa numero magaling ding inumin touing umaga, bago cumain nang anoman ang maysaquit. cun ang saquit ay malaquing totoo, at hindi nagcacasiya itong manga gamot, sinabi co ngayon, ay cailangang pambohan, ibabad ang maysaquit sa tubig na malamig, pati nang ulo ay bubusan naman nang malamig na tubig; datapoua bago pambuhan ay sasangrahan muna ang maysaquit. ang reuma, na ang pangalan nang tagalog doo,, balingtamad, na ang masaquit ay ang manga casucasuan nang manga catauan nang tauo. ang saquit na balingtamad, reuma, ay may lagnat na casama; cun minsan ualang lagnat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun mayroong lagnat, nangangaligquig muna ang maysaquit; hungmahalili ang lagnat na malaqui, at ang saquit nang ulo; mainit ang pagcaramdam, at ang pulso,, matigas; sa icalaua, sa icatlong arao, mayroong sungmasaquit na casucasuan na di maiquilos yaong casangcapang nasasactan, na namumula cun minsan at namamaga. ang tuhod ang marahil sumaquit, at cun minsan ang dalaua,, nagsasabay. cun ang saquit ay talagang mananatili sa catauan, ay ungmuunti ang lagnat. cun minsan lungmilipat ang saquit sa ibang lugar. ungmaalis sa bulalo nang tuhod sa halimbaua, at napaparoon sa paa, at ungmaacyat sa singit; ungmaalis dito at napaparoon sa bayauang, sa balicat caya sa sico, sa batoc sagalang galangan nang camay; cun minsan ang maraming casucasuan, cun minsan ang lahat ay sungmasaquit, na totoong cahabaghabag ang lagay nang maysaquit; maghapo,, magdamag ay tili, at salang hipuin, ay sungmisigao. ang totoong lauong saquit ay ang sa bayauang, ang sa batoc, at sa balisacang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang saquit ay nananatili sa balat nang ulo, sa bubong nang mata, sa ngipin ay totoong nahihirapan ang maysaquit; at lalo pang mahirap at mapanganib cun napapasaloob ang saquit. cun ungmacyat sa ulo, ay nagbabalais ang maysaquit; at cun sa sicmura, sa bituca mapatungo, sa baga, siya,, mamamatay caalam alam. mayroon namang nagcacasaquit na binalingtamad, na di nalalagnat nang malaqui; at capag sungmasaquit na ang manga casucasuan, nauauala ang pagcalagnat. cun ang saquit ay nalalauon sa isang casucasuan, hindi na maiquilos cailan man yaong casangcapang nasaquitan. ang dahilan nang saquit na ba balingtamad ay ang pag inom nang alac na marami, ang pag urong nang pauis, pinacataib nang catauan, ang paglacad cun gab, ang hanging malamig na may casamang ulan, at ang calaputan nang dugong mainit. at cun hindi paual in muna itong calaputan, cainitan nang dugo, hindi lilitao uli ang pauis. cun minsan itong saquit ay casama nang escorbuto nang pangiqui.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun naquiquilala nang magaling ang saquit, susumpitin muna ang may catauan nang bilin sa numero at pag lungmalo ang isang oras at ang maysaquit ay marugo, ay sasangrahan sa camay, at cucunan nang timbang labing dalauang pisong dugo; ang maysaquit ilalagay sa husay (capitulo ); paiinumim naman nang bilin sa numero cun hindi minamagaling nang maysaquit ito, ay iinumin niya ang malinao na suero na may pulot na calahoc, at siya ang totoong buti sa saquit na ito; pati sa pagsumpit doon, na aari ang suero. cun baga sangrahan man ang maysaquit, hindi pa gungmiguinhaua ang caniyang damdam, ay cailangan sangrahang uli sa loob nang ilang oras; at cun minsan hindi pa magcasiya ang macalauang sangrahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"arao arao susumpitin, at cun hindi marami ang iniilaguin niya, uuling gagauing macalaua maghapon, lalo pa cun masaquit ang ulo; datapoua cun baga hindi maquibo, at hindi masumpit ang maysaquit, painumin nang suero arao arao, at saca cun umaga at cun hapon painumin naman nang bilin sa numero timbang saicapat ang isang inom. ang manga hinog na bunga nang cahoy macacain nang maysaquit. pag nauala na ang lagnat at malambot na ang pulso, ay pupurgahin ang maysaquit nang bilin sa numero at cun siya,, nanabing macalima macaanim, caalam alam yaon ang pag guinhaua nang damdam niya; saca cun malauonlauon ay pinu purga uli. cun baga malaquing lubha ang saquit nang casucasuan, ang maysaquit ay cuculubin sa singao nang tubig na mainit na ualang calahoc, at ang casangcapang masaquit ay itatapat sa singao nang tubig. magaling tapalang parati nang bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pagpambo sa malacucong tubig ang banos man lamang hangang tuhod, ay macaguiguinhaua rin sa maysaquit, pag sinangrahan at sinumpit ayon sa sinabi co na sa itaas. datapoua cun pambohan muna ang maysaquit, bago sangrahan, purgahin, ay lulubha siyang bagcus. cun gab ang saquit ay malaqui; datapoua malaqui man, hindi sucat big yan nang anomang bagay na patulog ang maysaquit, at masama bagcus sa caniya. ang saquit na balingtamad nauauala sa pag iilaguin sa pag ihi nang ihing malabo,, malapot na may latac na tila madilao, sa pagpauis. marahil dumaan ang pagpauis sa catapusan nitong saquit; at cun gayo,, magaling painumin ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao nang mapauisan pa mandin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan naman cun mauala na ang saquit na balingtamad, ay nagcacalintog ang manga paa na cun malauo,, naguiguing sugat; itong sugat hindi sucat gamutin agad, at uuli ang saquit; ang pagpurgang maminsan minsan, at ang pagiingat sa pagcain marami, ay nacauauala roon sa manga sugat na yaon. cun minsan ang maysaquit, ay sinisibulan nang baga, ibang bagay na sibol doon sa lugar na masaquit, dapit doon. caya cun mayroong naquiquitang sibol, ay gagamuting agad nang medico. mayroon namang maysaquit na guinagalis at yaon ang pag galing niya. ang saquit na balingtamad hindi lungmalalo sa labing apat na arao; datapoua mauala man ang saquit, cun minsan namamaga pa, nangingimay ang casucasuan. at nang mauala itong pamamaga, cahinaan nang casangcapang nasactan, ay cucuscusin touing umaga at touing hapon nang isang basahang tuyo; lalacad ang maysaquit at susundin niya ang lahat na bilin sa capitulo tungcol sa maysaquit na gungmagaling galing na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mayroong namang binabalingtamad na tauo na hindi marugo, may sarisaring calahoc lamang, malapot caya ang dugo noon. ang ganitong tauo; lagnatin man nang malaqui, hindi cailangang sangrahan; ang bagay dito,, ang purga, at saca ang manga parapit. ang polvos numero ay maigui rin; datapoua cun baga matigas ang pulso nang maysaquit, masama, sa caniya ang parapit. ang saquit na binabalingtamad na malauon. pinanganganlang balingtamad na lauon ang ungmuuli sa tauo at nauauala, at saca ungmuuli rin, na parati ganoong nauauala,, sungmisipot; ualang casamang lagnat, hindi maraming casucasuan ang sungmasaquit; cun minsan hindi namumula; at hindi namamaga ang masaquit na catauan; datapoua cun minsan namamaga,, namumula. ang saquit na balingtamad na sinaysay co sa itaas, ay marahil dumaan sa manga tauong matataba,, malalacas; datapoua itong isang saquit ay dungmaraan sa manga mahihinang tauo at sa manga babaying masasactin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong isang bagay na saquit na balingtamad, cun hindi guinamot nang paanyo, ay nalalauon nang mahabang panahon at di iilang taon cun minsan; lalo pa cun namamahay sa ulo, sa bayauang sa balacang, sa hita, na yaon ang tinuturang ceatica. cun minsan lungmalagay ang saquit sa isang cabila lamang nang ulo, sa sihang, sa isang daliri, sa bayugo nang tuhod, sa isang tadyang, cun minsan sa isang suso, na ang isip nang may catauan na yao,, cancro. cun sa baga mapatungo, ang maysaquit ay nag uubong parati at totoong lungmulubha; cun sa sicmura, sa bituca manatili, ay ang maysaquit anaqui may colico; at cun sa pantog nang ihi paroon ang saquit, ay ang acala nang may catauan ay mayroon siyang bato roon. ang pag gamot dito sa ganitong saquit na balingtamad, ay iba iba nang caunti sa pag gamot doon sa isang bagay na saquit na sinaysay co sa itaas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun malacas ang maysaquit, at malaqui naman ang saquit niya, ay sasangrahan, at paiinomin siyang parati nang bilin sa numero at ito,, gagauing limang arao. pag pinainom na nitong gamot, ay pupurgahin nang bilin sa numero. cun baga ang saquit hindi pa nauauala, bibig yan ang maysaquit nang pildoras numero at paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. pagca guinaua na itong lahat na gamot at ang maysaquit ay ualang lagnat, cun husay naman ang caniyang sicmura, at ugali ang caniyang pananabi, at cun hindi rin namamaga ang casangcapang masaquit, at hindi mainit, ga tuyo ang catauan nang maysaquit, ay mabibig yan siya bago humiga nang polvos numero sa isang tagayang tubig na hinulugan nang caunting triaca, ga ualong butil na maiz carami; at caalam alam gagaling na, lalo pa cun tapalan, cumutan ang casangcapang masaquit nang isang basahang babad sa tubig na turo sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa lahat na bagay na saquit na balingtamad, ang ceatica na sinaysay sa itaas sa parrafo yaon ang totoong lungmalaban sa manga gamot. datapoua magaling lag yan nang parapit ang masaquit na casangcapan, at lalo pang magaling sa parapit ang tacluban nang pito ualong ventosa; at ito,, paparatihing gagauin. ang isang lienzo encerado, sa macatouid, ang isang caputol na damit na isinaosao sa pagquit na tunao ay maigui ring itapal na parati doon; tapalan caya nang dahon nang papaya, nang dahon nang lingansina (tangantangan). gayon din ang apog na bagong yari at ang pulutpocquiotan ay minamasa capoua at itinatapal. ang isang fuente sa ilalim nang hita ay maigui rin. datapoua cun hindi mangyaring mauala yaong saquit na yaon, ay pasuin ang casangcapang masaquit; houag lamang ang ulo, cun naroroon na ulo ang saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling sa saquit na ito ang pagpambo sa mainit na tubig na bungmubucal sa lupa para nang sa bayang pinanganganlang los banos; datapoua pupurgahin muna ang maysaquit, bago pumambo siya doon. ang pagpambo sa malamig na tubig pag magaling na ang maysaquit ay sucat gauin nang malimit, nang houag umuli ang saquit na balingtamad. mabuting totoo naman, ang cuscusin touing umaga nang isang basahang tuyo ang boong catauan, lalo pa ang casangcapang masaquit. sa panahong tag guinao ay magaling gumamit ang maysaquit nang damit nang balahibo nang tupa na pasasayarin sa laman; na aari rin ang damit na tinina nang azul.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pag inom nang mahabang arao nang tubig na pinagbabaran nang trifolio fibrino, (pangasvit) ay magaling na totoo sa saquit na balingtamad; at cun baga ang balingtamad ay casama nang escorbuto ang mabuti roo,, magbabad sa calahating botellang tubig alac sa misa nang timbang isang salaping quina (dita) at timbang cahating ruibarbo, at touing arao iinumin nang maysaquit ang isang calahating tazang mahiguit. masama dito sa ganitong saquit ang aguardiente, at ang ibang manga maiinit na bagay, pati nang manga unguentong may taba. mayroon namang tauong binabalingtamad, na gamutin man nang paanyo, ay hindi gungmagaling, bagcus lungmulubha; itong ganitong maysaquit ay magaling pa sa caniya ang houag gamutin, lalo pa cun matanda. ang saquit na pinanganganlang piyo, sa uicang castila,, gota.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang saquit na ang pangala,, piyo ay marahil mamahay sa paa; ang damdam nang maysaquit ay siya,, dinaraanan, binubusan nang malamig na tubig sa caniyang paa; cun minsan ang damdam niya,, anaqui linalagari, binabatac, pinapaso ang manga daliri nang paa. mayroon namang tauo, na pinipiyo sa camay sa ibang lugar nang catauan. ang nagcacasaquit nang ganito ay ang matamaring cumibo, ang malacas cumain, ang nag iisip nang manga maliliuag, ang napupuyat, ang namamanglao, at ang inurungan nang pauis, galis, nang saquit sa bouan bouan cun baga babayi. ualang maalamang gamot sa gota piyo: at masama namang gamutin, sa pagca mauala man yaong saquit na yao,, mamamatay caalam alam nang biglang pagcamatay ang may catauan, ayon sa uica ni buchan. caya ang sasabihin co lamang ngayon, ay ang magaling gauin sa maysaquit na inuurungan nang piyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun yaong pinipiyong tauo,, nauala,, inurungan noong saquit na yaon, at dahilan doon sa pag urong nang saquit, siya,, dinaraanan nang apoplegia (panhihimatay), garrotillo, hinihica siya, nahihilim, masaquit ang sicmura, nagcacasaquit nang iba, ang gagauin agad ay ang isusunod na ituturo co ngayon. babanusang parati ang maysaquit sa tubig na mainit hangang tuhod; cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang paa. saca sasangrahan dito rin sa paa. lag yan nang parapit numero at cun malubha ang maysaquit, ay lalac han ang parapit. ang paa siya ang pararapitan, cun baga ang maysaquit datihang pinipiyo sa paa, sa camay, sa ibang lugar nang catauan. datapoua cun mahirap na ang maysaquit, at mapanganib ang caniyang buhay, doon pagdaca pararapitang malapit sa masaquit na casangcapan, sa itaas nang camay sa halimbaua, sa ibabao nang sico.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pag magaling na ang damdam nang maysaquit at ang saquit na piyo ay nararamdaman din doon sa rati, hindi na mapanganib ang maysaquit; at hangan siya,, malubha pa, at hindi nagsasaoli ang saquit doon sa datihan, ilalagay siya sa husay (capitulo, at paiinumin nang tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao, na dinoroonan nang salitre, timbang sa icaualo maghapon; saca babalutin nang damit na tinina nang azul yaong lugar na yaon, na ibig paroonan nang piyo, at macaitlo maghapon paiinumin ang maysaquit nang triacang itinuturo sa numero na tutunauin sa tubig nang alagao na sinabi co cangina. ang gagauin sa quinagat nang asong bang ao, na ang tauag nang castila sa ganoong saquit ay mal de rabia. ang aso pati nang pusa ay nababang ao nauulol di man cagatin nang ibang hayop na ulol. ang nababang ao na aso, ay quinatatacutan nang capoua aso, at sa malayo man ay ungmiilag doon, sapagca pinaquiquiramdaman nila ang caniyang saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang aso,, nababang ao na, ay hindi ungmaabot sa icapat na arao, at namamatay siyang cusa. cun mayroong tauong quinagat nang pusa nang asong ulol, ang sugat ay nababahao, para nang ibang manga sugat. caya ang manga tagalog na ualang isip, sila,, nararayaan nang manga medicong hunghang na canilang tinatauag; at sa canilang acala ay uala na silang saquit, sapagca ang sugat ay nabahao na. datapoua aco,nacaquita na nang labing limang maysaquit sa isang bayan lamang na quinagat nang asong bang ao; at nangamatay rin, baga man nangabahao ang canilang manga sugat, at sinangrahan nang manga medico at sinipsip pa,, vinentosahan ang canilang manga sugat. ang sugat na gaua nang pusa nang asong ulol, ay nabababao nga cun minsan siyang cusa, di man gamutin; datapoua pag nacaraan ang tatlong lingo, ang isang boua,, calahati, tatlo cayang bouan, ay nararamdaman nang may catauan na masaquit saquit yaong lugar nang sugat na nabahao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca hungmalili dito ang pamamaga nang pilat nang sugat; namumula tuloy at pungmuputoc, at linalabasan nang tila tubig na mabaho, at ga mapulapula. ang maysaquit ay namamanglao at ga natatamlay; naguiguitla siya, at pinangingilabutan nang guinao ang boong catauan; ga quinacapus siya nang paghinga at balisang parati; masaquit ang manga bituca; ang pulso,, mahina,, gulo; ang pagtulog ay hindi mahimbing, bagcus parating naguiguising at natatacot; ang pananabi ay sala rin; parating pinapauisan siya nang malamig, na munti ang pauis at sumandaling oras lamang calauon; cun minsan masaquit ang lalamunan. ito ang manga unang nararamdaman nang quinagat nang asong bang ao. ang sungmusunod dito,, itong iba pa; ang maysaquit ay nauuhao na totoo, at nahihirapan cun ungminom, datapoua cun malauo,, aayao na siyang uminom, at touing ilalapit sa caniya ang tubig, cun naquiquita niya, nariringig man ang pangalang tubig ay nasisindac ang caniyang boong catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang manga hirap at ang manga saquit niya ay hindi masaysay. ang pagtingin niya ay titig, at ga mabagsic; anopa,, catacot tacot panoorin ang caniyang lagay. bagaybagay ang gamot na ang uica nang manga tauo,, maigui rito; datapoua ang gamot na totoong totoo doo,, ang mercurio azogue . caya ang pagsasangra sa maysaquit, ang ventosa, ang pagsipsip nang sugat, at ang sungay nang usa na sinunog, na inilalagay roon, ay hindi naniniya cun minsan; at mayroon ding namamatay na maysaquit na guinamot noon. caya ang gagauin nang quinagat nang pusa nang asong bang ao, siya,, magsusugo sa mainila (cun sa ibang bayang may botica) nang isa catauo, at ipacucuha niya doon sa botica ang bilin sa numero . ito ang totoong gamot, at ang lalong magaling na lunas sa quinagat ng asong ulol. caya mabuti disin, cun sa lahat na bayan mayroon magamit na gayong gamot, doon man lamang sa bahay ng tauong mayaman, sa tinda nang manga mercader; ang halaga niyong gamot na yaon ay isang salapi piso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun bibili ang manga mercader sa botica, ay magaling bumili sila nang mercurio lamang na ualang calahoc, sapagca ang mantica,, ungmaanta, at ang isa pa,, cun gagamitin na, ay ualang liuag samahan nang mantica ayon sa turo sa numero doon sa nota. ang gagauin nga sa tauong quinagat nang pusa nang asong bang ao ay gayon. pagcaraca mag iinit ca nang tubig na dinoonan nang caunting asin. ang sugat ay huhugasan at lilinising magaling na magaling nitong tubig na malacuco na dinoonan nang asin, nang macuha ang lauay nang asong nacacagat. saca cuscusing palibot ang manga tabi nang sugat, hangang sa tatlong daliri calayo doon sa sugat, nang timbang saicapat nang unguentong tinuran co cangina, na bilin sa numero at ito,, gagauing minsan arao arao. ang sugat ay gagamutin at babahauin para nang ibang manga sugat; datapoua maigui ring pabayaan munang magnacnac nang malauon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"tungcol sa husay nang maysaquit, cailangan ang houag siyang cumain nang maraming carne; saca magingat sa alac, sa manga mahanghang at sa manga mainit; at nang lumaqui ang cabagsican nang mercurio, susumpitin ang maysaquit touing arao, at babanosan arao arao sa malacucong tubig hangang tuhod. ang caniyang iinuming parati ang bilin sa numero. maraming totoongtauo, ani tissot, ang guinamot co nang gayon na quinagat nang asong ulol, at hindi sila naano. caya yaon ang cailangang pagpilitang gauin nang tauong ibig masiguro ang caniyang buhay. caya quinucuscos ang manga tabi nang sugat nang unguento nang mercurio, ay nang lumura ang maysaquit nang manga labing limang arao, tatlong lingo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua bago gamutin nang gayon ang maysaquit, cun mayroon siyang dugong marami at mataba, at magaling na totoo ang caniyang catauan, pagca hinugasan na ang sugat nang tubig na may asin, ay cailangang sangrahan, ipacagat sa anim na linta ang caniyang camay; tanducan, tacluban nang ventosa, at cunan nang dugo na manga apat limang piso ang timbang. datapoua cun yayat ang maysaquit, ay houag cunan nang dugo. saca isusunod doon ang pagcuscos nang manga tabi nang sugat, at ang ibang manga biling co sa itaas sa parrafong sinundan nito, hangang sa icalabing dalaua icalabing limang arao. ang maysaquit na guinagamot nang mercurio, ay hindi sucat yumapac sa basa; at totoong sama yaon. gayon din cailangang mag ingat siya sa hamog at sa ulan; houag lumacad siya sa lupa cun gab, cun madaling arao, at paraparang masama yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang manga babaying may panahon cun quinagat nang asong bang ao, ay gagamutin din para nang iba; houag lamang damihan ang ipinapahid sa caniya, at houag namang pahiran arao arao cun hindi cailangan. masama namang sangrahan. nguni,, cun ang tauong quinagat nang pusa nang asong bang ao na hindi guinamot nang paanyo, ay sungmasama na ang caniyang pagcaramdam, at mahirap na ang caniyang lagay, ang gagauing madaling madali doo,, gayon. sasangrahan, cucunan nang maraming dugo, at ito,, uuling gagauing macalaua macaitlo macaapat, cun baga cailangan. cun baga mapambohan ang maysaquit nang malacucong tubig ay pambohan agad nang macalaua maghapon. sumpiting macalaua, macaitlo maghapon nang bilin sa numero. cuscusin ang manga tabi nang sugat na macalaua maghapon nang unguento nang mercurio, para nang utos sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"yaong casangcapang quinagat nang pusa nang aso, lalahiran nang langis lana man, at babalutin nang basahang babad din sa langis; macaualo maghapon, paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang alagao; at macaualo rin palulunuquin ang maysaquit nang isang pelotilla nang turo sa numero. at cun baga ibig niyang sumuca, painumin nang bilin sa numero. ang maysaquit na guinamot nang gayon, cun baga nalauo,, hindi pa gungmagaling na tatoo, bagcus naroon mahina,, hapay ang caniyang loob ay paiinumin nang bilin sa numero timbang tatlong bahagui maghapon. cun sa iyong bahay mayroon cang ingat na mercurio ay siya na yaon, at hindi cailangang magsugo canang tauo sa botica.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang pisong mercurio ay doonan mo nang timbang tatlong salaping manticang sariua nang baboy, at timbang isang salaping sebo nang baca tupa saca bayuhin itong tatlong bagay, hangang hindi na maquita ang azogue sa isang bayohang bacal tangso, sa lusong man, sa tagayan man, at pagca bayo na,, yaon ang unguentong ipapahid mo sa sugat para nang turo co sa itaas, parrafo. ang uica nang isang medicong marunong, na si roux ang ngalan, na capilitang pasuin ang sugat na guinagaua nang aso nang pusang ol ol. caya pagca hinugasan ang sugat nang tubig na may asin, ay doonan nang caonting bulac laman nang bunga nang boboy, at papagningasin, na yao,, gagauing maminsan minsan. saca gauin mo naman ang turo ni tissot tungcol sa mercurio at houag mong bahauin ang sugat cundi malauon. ang gagauin sa quinagat nang asong ol ol cun ualang mercurio azogue. datapoua cun ualang mercurio at maliuag namang magpacuha ca sa botica, ang gagauin sa quinagat nang asong bang ao, ay gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pagcaraca huhugasa,, lilinisin ang sugat nang maysaquit nang tubig na malacuco na dinoonan nang asin, ng macuha ang lauay nang asong nacacagat. saca painumin tuloy ang maysaquit nang lana langis sa castila, langis nang niyog na mabaho man, ga calahating taza carami, hangan sa siya,, sumuca; at cun hindi sungmusuca ay big yan pa hangan sumuca. itong pag inom nang langis, hindi sucat pabayaan, at siya ang cauna unahang gamot dito. saca cun ibig at pungmapayag ang maysaquit, ang sugat ay pasuin nang caunting bulac, nang laman nang bunga nang boboy. cun aayao ang maysaquit na pasuin ang sugat niya,, papagsugatin nang isang lanceta campit dulo nang gunting man, mangyaring magdugo lamang, at doonan ang sugat nang caputol na sungay nang usa na sinunog, at iuan doon hangan sa siyang cusang malaglag. ang pagsusunog noong sungay nang usa, ay hindi maliuag; basahin mo ang numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang sinabi co ngayon sa parrafong natalicdan ay magcacasiya na cun minsang igamot sa quinagat nang asong ol ol; datapoua nang lalo pang maseguro ang buhay nang maysaquit, ay mabuting gauin ang sasabihin co ngayon. touing icalauang arao susumpitin ang maysaquit; arao arao papambohan nang tubig na malamig, at palulunuquing maghapon nang dalauang pelotilla nang bilin sa numero. ang pagpambo itutuloy hangang sa tatlong puo apat na puong arao, at cun hindi minamagaling nang maysaquit ang malamig na tubig pambohan sa tubig na malacuco. ang tauong guinagamot nitong manga bilin sa dalauang parrafong magcasunod, cun minsan ay hindi mamamatay di mang gamutin nang mercurio. datapoua,, lalong magaling at seguro sa lahat ang mercurio. ang gamot sa quinagat nang manga hayop na may camandag. gamot sa quinagat nang pocquiotan, laiuan, potacti, amboboyog, lamoc, langao na may camandag. cun mayroong quinagat na tauo, niyong manga hayop na yaon, ang gagauin ay gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bunutin muna sunquitin nang carayom ang panuca nang hayop na cungmagat; saca basaing parati yaong lugar na masaquit nang basahang babad sa tubig lamang, sa tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao tapalan nang tinapay na minasa sa gatas at pulot banosan ang maysaquit hangan tuhod nang tubig na malacuco; houag pacanin nang marami cun gab ; painumin siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao . ang lana langis nang niyog ang langis sa castila, cun ilahid agad sa lugar na quinagtan nang hayop, ay nacauauala nang pamamaga, pati nang pagsaquit. datapoua cun minsan hindi cailangang gumaua nang anoman, doon sa quinagat niyong manga hayop na yaon, at ang saquit siyang cusang nauauala. cun baga maraming hayop ang nacacagat, ay sangrahan, cunan nang dugo ang may catauan. gamot sa quinagat nang ahas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang magaling gauin sa quinagat nang ahas, ay cadlitan ang sugat, pag binigquisan muna sa ibabao nang quinagtan na casangcapan, saca tinatacluban nang ventosa, ipinasisipsip sa ibang tauo. ang sugat ay lahiran nang langis na mainit init lana man, at ang maysaquit ay painumin din nang langis hangan sa siya,, sumuca. saca humanap ca nang buto nang mostaza at isang bigquis nang damo na ang pangala,, coclearia (taquip suso taquip cuhol) at bauang, itong tatlong bagay babayuhin: saca pigain, at ang gata ipaiinom sa maysaquit, at caalam alam gagaling. cun ualang buto nang mostaza ang dahon ay na aari. cun hindi pa gungmagaling ang maysaquit, mag init ca nang caunting tubig na hinulugan nang caputol na pepita sa catbalonga at pag mapait na ang tubig, ay ipainom mo sa maysaquit, at ang lugar na quinagta,, cadlitan muna nang magdugo, bago tacluban nang caputol na pepita rin, na linauayan muna. pag cumapit ang pepita doon sa sugat, ay bayaan doon hangan sa siyang cusang malaglag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong gamot na ito,, totoong buti. cun ualang pepita ay lag yan nang caputol na sungay nang usa na sinunog, numero. cun ualang pepita sungay nang usa, langis man, ang dumi nang tauo na aari rin; caya ang timbang cahati, tatlong bahagui, isang salapi noon ay iyong tunauin sa tubig, sa alac, at ipainom sa maysaquit; itong gamot na ito,, nacagaling sa marami. maigui ring ipanguya sa maysaquit ang isang sanga nang macabuhay na mapait hangang malasahan niya ang pait. ang pinanganganlang agua de luz ay yaon ang mabagsic sa lahat na gamot. caya cun mayroong quinagat nang ahas, paiinumin nang tubig na dinoonan nang lima anim na capatac na agua de luz na ito ay gagauing macaapat sa isang oras, ayon sa calubhaan nang maysaquit; cun gungmagaling galing na siya,, dinadalangan ang pag inom; at arao arao paiinumin din nang caunti, pati nang lugar na quinagtan ay lalahiran nang ilang capatac noon ding agua de luz .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun pinainom na ang maysaquit nang maraming agua de luz at hindi rin gungmagaling, ang boong catauan niya ay pahiran nang langis, bago painumin nang agua de luz. ang agua de luz cailangang bilhin sa, botica. bucod doon sa manga bagay na sinabi co ngayon na magaling igamot sa tinuca nang ahas, mayroon namang iba, na magagaua rin sa maysaquit nang madaling gumaling. caya pagca yari na yaong manga bilin sa parrafo mabuting painumin ang maysaquit nang tubig na may gata nang dayap nang tubig na sinucaan. maigui rin (pag nahuhugasan na nang tubig, alac ang sugat) pasuin yaon ding sugat nang isang tabaco, nang laman nang bunga nang boboy. gamot sa quinagat nang atangatang sa uicang castila,, alacran. ang pag gamot sa quinagat nang atangatang ay para nang guinagaua sa quinagat nang ahas; bubunutin muna lamang susunquitin nang carayon ang pinacapanuca nang hayop, cun baga nababaon sa laman; saca ang manga turo sa parrafo sa at sa susunding gagauin sa maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"gamot sa quinagat nang gagamba. cun mayroong quinagat nang gagamba ang gagauin doo,, gayon. bumayo ca nang bauang at triaca at itapal mo sa lugar nang quinagtan nang hayop. ang totoong galing dito,, patacan yaon ding lugar nang dagta nang hauili as is tibig na macalaua macaitlo. datapoua cun baga mayroong tauong nacalunoc nang gagamba casama nang ibang quinain, cailangang pasucahin nang langis. ang guinagaua sa quinagat nang ahas, yaon din ang maigui rito: caya cun baga hindi nacagaling ang dagta nang hauili at ang tapal na bauang at triaca susundi,, gagauin ang manga bilin sa parrafo sa at sa. ang magaling sa lahat ay ang pepita sa catbalogan ayon sa sinabi co sa parrafo ito,, totoong daling nacaguiguinhaua sa maysaquit. gamot sa quinagat nang buaya pating. cun mayroong tauong quinagat nang buaya pating, ang gagauin doon ay hugasa,, linising maigui ang sugat nang alac na malacuco.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"doonan nang asin ang sugat lag yan nang caputol na sungay nang usa na sinunog numero at pag bumutao ang sungay, gamuting para nang guinagaua sa ibang sugat. gamot sa natibo nang pagui, lupo sombilang, canduli, ibang bagay na isda na ang tinic ay may camandag . ang gamot sa natibo nang manga isdang yaon ay ang gata nang dayap, na ipinapatac sa masaquit, pagbinunot muna ang tinic. cun ualang dayap, ay naari ang dagta nang dahon nang camote ang maasim ang dalandan ang suha ang colobot, lucban man. magaling din ang tapal nang manga chileng binayo na may casamang suca . gayon ding maigui rito ang bunga nang pepinillo de. gregorio (pacupis, salagsalag, tabuboc, halahala, pocotpocot) na pinanganganlan naman nang manga castila na coloquintida ang bunga nitong damong ito ay binabayo at itinatapal; at ang maysaquit pinaiinom nang caunti noon, ga anim pitong butil na palay ang timbang, nang siya,, sumuca, ayon sa bilin sa nota nang numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi mauala ang pamamaga nang quinagtang lugar, ay maiguing tapalan nang dahon nang dapdap na mainit init. cun ang tinic ay hindi mabunot, ay gamutin ang maysaquit para nang turo sa parrafo. gamot sa quinagat nang cocac, isa bagang hayop na catulad nang palaca. ang cocac ay ualang ngipin, datapoua ang pinacangidngid noon ay matigas; caya cun mayroon quinagat noong cun mayroong nacacain nang cocac ang gagauin doo,, para nang bilin sa itaas sa quinagat nang gagamba, parrafo gamutin para nang quinagat nang ahas, cun hindi siya gungmagaling. aco,, nacaquita nang isang tagalog, na munti nang namatay dahilan sa pagcain nang cocac. gamot sa quinagat nang olupihan, olahipan, na ang pangalan nang castila doo,, ciento pies. nang maualang madali nang pagsaquit ang lugar na quinagtan nang olupihan, ay loloopin nang tatal nang molauin na sinunog; saca tapalan nang chile at bauang na binayo. maigui ring tapalan nang dahon nang tabacong mura, na binayo rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nguni totoong buti sa saquit na ito, ang pepita sa catbalogan, ayon sa turo sa parrafo. gamot sa natilas na tauo, pati sa naligas. mayroong isang ood na ang pangala,, tilas sa uicang tagalog, at sa uicang bisaya,, basul; yaong hayop na yaon ay hindi nangangagat; datapoua,, salang mapasayad sa balat nang tauo,, cungmacapit at nababaon sa laman ang balahibo noong hayop na yaon. ang gamot sa natilas, ay ang draconcio (panaquilon); quinacayod ang laman nang pinacacatauan nitong damong ito, at itinatapal sa masaquit; at totoong daling lungmalabas ang manga balahibo nang hayop, at nababahao ang sugat na malauo,, may nana man. cun ualang panaquilon, ay alin mang bagay sa sasabihin co ngayon, ay ma aari. ang dahon nang nami ay nacacabunot naman nang balahibo nang tilas. ang sa papayang dahon, na maputi at malanta na ay maigui rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling doon sa masaquit, ang pahiran nang pagquit na uinisican nang langis, at nang pinalambot sa apoy, at saca paraanin nang mariin doon sa masaquit ang ilang buhoc nang babayi, na hinahauacan sa dalauang camay, at madadala tuloy nang buhoc ang manga balahibo nang tilas. ang tauong dungmaraan sa ilalim nang cahoy na pinanganganlang ligas, cun baga siya,, nahuhulugan nang hamog na nangagaling doon, ay sinisibulan ang may catauan nang manga butil na masaquit, at ang gamot doo,, cuscusin nang caputol na bunga nang salagsalag pacupis (pepinillo de san gregorio.) gamot sa pinasucan sa tayinga nang antipalo, cun otdo. ang hayop na pinanganganlang antipalo, ay catulad nang olopihan, munti lamang doon, at marami ang paa. itong hayop na ito,, sungmusoot sa tayinga nang tauo. ang pinanganganlan nang tagalog na otdo ay catulad nang bulati, munti lamang ang catauan, mabilog, malandas na totoo, maquintab ang balat,at ga mariquit tingnan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang otdo ay hindi rin nangangagat sungmosoot lamang sa tayinga nang tauo. caya cun mayroong tauong sinuutan sa tayinga, nang otdo, antipalo, bumayo ca nang caonting isdang tuyo, bagoong, at idoon mo sa tayinga, at lalabas ang hayop. cun ibig mong patayin ang antipalo sa loob nang tayinga, ay bumayo ca nang isang bigquis na locoloco, (albahaca silvestre) lag yan mo nang caunting tubig; saca pigain, at ang gata,, idoon mo sa tayinga, at mamamatay ang hayop. cun minsan ang tauo,, pinapasucan sa tayinga nang manga hayop na munti; at ang mabuti sa lahat doo,, pahigain nang pataguilid ang may catauan, at sidlan nang tubig ang tayinga, at pagcaraca lalabas ang hayop. ang bulutong na ang tauag nang castila doo,, viruelas. bago lagnatin ang tauong bubulutungin siya,, ga namamanglao muna; madaling pauisan siya, at nananab ang nang pagcain. ang muc ha,, ga nag iiba, pati nang mata,, macuyad; saca naghahalihalili ang pagdaan nang init at nang guinao sa may catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sungmusunod dito ang isang malaquing guinao, at tuloy hungmahalili sa guinao ang isang malaquing lagnat, na may casamang saquit nang ulo,, bayauang. ang maysaquit ay sumusuca naman, ibig sumuca. nahahalatang darami ang bulutong, cun maquintab ang mata nang maysaquit, cun siya,, sungmusucang parati, at ang bay auang ay masaquit na totoo; cun nagbabalisa, at parating bibilingbiling ang maysaquit; cun baga bata, cun hilim na parati, cun ang bulutong ay lungmilitao sa icatlong arao, sa icalaua caya; sapagca cun maagang lumitao ang bulutong ay lalo pang mapanganib ang maysaquit. ang lagnat nang bubulutungin ay iilang oras lamang ang calac han; saca ungmuunti ang lagnat at pinapauisan nang malaqui. sa catapusan nang lagnat, sa icatlo icapat na arao ay lungmilitao ang bulutong na casabay nang pauis na sungmusunod sa lagnat. ang unang sinisibulan nang bulutong ay ang muc ha, saca ang camay; sungmusunod ang bias nang camay, ang liig at ang ibabao nang dibdib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pagca ganito ang lagay nang maysaquit, at talagang hindi siya lulubha,, bubulutungin nang marami,, masamang bulutong, ang lagnat ay ungmuunti hindi lamang nauauala; saca dungmarami ang bulutong, at sungmisibol sa licuran at sa pig yi, sa tiyan, sa hita,, sa manga paa; cun minsan maraming totoong bulutong ang sungmisibol sa talampacan. ito,, mahirap sa maysaquit; sapagca dahilan sa cacapalan nang balat noong lugar na yaon ay maliuag sumibol na madali. ganoon ang inaasal nang bulutong na magaan. dahilan sa pagsibol nang manga bulutong ang balat nang catauan ay nauunat at namamantal. ang unang namamaga ay ang muc ha, pati nang liig; at dahilan sa pamamagang yao,, nagsasara ang mata cun minsan. saca sungmusunod na namamaga ang camay; hungmahalili ang paa; at gayon din ang ibang manga casangcapan. cun ang bulutong ay marami, ang maysaquit ay lalagnating uli, cun malapit nang magnana ang bulutong. ang pagnanana nang bulutong ay sa icasiam na arao hangan sa icalabingtatlo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"doon nauuhao at nahihirapan ang maysaquit, at hindi siya matutong lumagay; at cun malaqui ang saquit hindi macatulog siya, at tila nahuhung hang; cun minsan ay hilim, at mapanganib ang caniyang buhay. ang pulso,, totoong dalas pagca gayon; datapoua cun nauauala na ang pamamaga nang muc ha at nang liig, ay hindi na lubhang mapanganib ang buhay nang maysaquit. ang isa pa namang marahil dumaan sa binubulutong ay ang pagsaquit nang lalamunan; ang isip nang nag aalaga sa maysaquit, na ang lalamunan ay sinisibulan din nang bulutong; datapoua ang dahilang totoo nang pagsaquit nang lalamunan, ay ang pamamaga nang manga casangcapan nang catauan, ang cainitan nang dugo, at ang calaquihan nang lagnat, sapagca sa lalamunan ualang sungmisibol na bulutong; caya cun hindi marami ang bulutong, at hindi rin malaqui ang lagnat, ay hindi sungmasaquit ang lalamunan, ay parating lungmulura ang maysaquit na hindi siya macapagpahinga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ito,, nacacahirap sa caniya, lalo pa cun napapacnos nang calulura ang manga labi, ang manga loob nang pisngi, ang dila, at ang ngalangala; datapoua mahirap man itong paglura, ay totoong nacacagaan sa saquit. ang manga sangol ay sinusubaan cun sila,, sisibulan nang manga bulutong, datapoua,, hindi sucat alumanahin yaon; alintana masamang subaan, cun baga nacaurong ang pagsibol nang bulutong, cun magnanana na. cun minsan naman binabalingoyngoy ang binubulutong bata ma,, matanda man; at ito,, magaling na totoo sa maysaquit. ang nalalagnat na, dahil sapagca siya,, bubulutungin, ay hindi sucat painumin nang manga maiinit na nacapagpapa pauis; caya ang alac, ang triaca, ang mainit na silid at ang maraming damit ay nacacalubha sa maysaquit. maraming lacsang tauo ang namatay dahilan doon sa manga ganoon. cun dahilan sa lagnat nahahalata na, na bubulutungin ang tauo, pagcaraca,, ang saquit ilalagay sa husay (capitulo ); at touing umaga,, hapon ay babanusan nang malacucong tubig hangang tuhod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"dahil dito sa pagbabanos na ito, ay dungmadalang ang bulutong sa ulo. ang pagsumpit ay isa pang nacauauala nang pagsaquit nang ulo, caya ang maysaquit susumpitin arao arao at cun munti ang lagnat, at hindi talaga siyang bubulutungin nang marami, ang banos, ang pagsumpit, at ang husay sa capitulo ay magcasiya na. saca mabibig yan ang maysaquit nang alin man doon sa bilin sa manga numero cun siya,, matanda; datapoua cun sangol ang maysaquit, at hindi nalalagnat, bibig yan nang gatas na dinoonan nang tubig; na pinagbabaran nang alagao; itong tubig ay calahati nang gatas. datapoua cun hindi pungmapayag ang bata roon, ay samahan lamang nang tubig. sa manga matatanda,, ang manga bunga nang cahoy na luto sa tubig at ang tinapay ay magaling din, cun naiibig nila. datapoua masama roon ang carne, ang sabao, ang itlog at ang alac. mapapainom namang; parati ang maysaquit nang suero numero nang gatas nang baca na inalsan muna nang pinacataba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi malaqui ang saquit, itong manga bagay na sinabi co ngayon ay siya na; datapoua pag natutuyo tuyo na ang manga bulutong, cailangang purgahin ang maysaquit nang bilin sa numero at pag nacaraan nang anim na arao, siya,, capupurgahin pa noon ding purgang yaon. pag napurga nang minsan ang maysaquit, ay macacacain na siya nang manga gulay at tinapay. datapoua iba ang gagauin pagca malaqui ang saquit nang bubulutungin. sapagca cun ang lagnat ay malaqui, at matigas ang pulso, at masaquit na totoo ang ulo, pati nang bay auang, ay cailangang sangrahan ang maysaquit sa camay. saca pag nacalalo ang dalauang oras ay susumpitin: at cun hindi ungmunti ang lagnat, at lalo pa cun matigas ang pulso, at ang maysaquit ay naghihilim, tila nasisira ang bait, ay cailangan sangrahang minsan pa, macalaua man, sa manga unang dalauang; arao, cun hindi nauauala ang malaquing cahirapan nang lagnat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"gayon din, cun ganoon ang lagay nang maysaquit, ay susumpiting macaitlo, macaapat maghapon, at babanosan sa paa hangan tuhod na macalaua maghapon din. saca inaalis ang maysaquit doon sa quinahihig an, at pinalulucloc sa luclucan sa isang silid na maaliualas, hangan sa siya,, macapagtiis doon. ualang ibang ipaiinom sa caniya cundi ang bilin sa numero at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat, touing oras ay paiinumin nang isang cuchara nang bilin sa numero. pag nacasibol na ang bulutong palibhasa,, doon hindi na malaqui ang lagnat, houag gauin sa maysaquit itong lahat na sinabi co ngayon, cundi ang inacala lamang na macacasiya sa caniyang calagayan; at cun totoong naual an nang lagnat ang maysaquit, ang gagauin lamang sa caniya,, ang manga bilin sa parrafo na sinundan nito. cun magnana na ang bulutong, cun minsan lalagnatin uli ang maysaquit; at ang gagauin doon ganito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang isusumpit sa caniya ay ang suero, pulot, langis, at asin; cun ualang suero, ay na aari ang tubig na pinaglagaan nang cebada palay. macaitlo cun umaga paiinumin nang tatlong taza nang bilin sa numero. cun baga malaqui ang lagnat nang maysaquit, ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin sa numero damidamihan cun baga cailangan. ang maysaquit ay inaalis sa hihigan, at inililipat sa silid na maaliualas, at arao at gab doon pinalulucloc sa luclucan, bucas ang dungauan (cun arao) hangan umunti ang lagnat. itong ganitong gaua ay totoong igui sa maysaquit at di man matulog siya,, ay hindi naman ma aano, baquit macacasama bagcus sa caniya ang pagtulog; at ang isa pang hindi icatutulog niya, ay ang malimit na paglura, na masamang tumahan at mauala. at nang siya,, lumura nang maguinhaua ay susumpitin parati sa loob nang bibig nang tubig na may casamang pulot, nang isang sumpit na munti, na cauayan man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"gayon ding mabuting sumpitin ang maysaquit sa ilong nang malinisan, at nang macahinga siya nang maloualhati. cun baga malaqui pamamaga nang muc ha at nang liig, ay doonan ang maysaquit sa talampacan nang tapal na itinuro sa numero at cun hindi nagcacasiya ito, ay lag yan sa talampacan din nang parapit numero at mauauala ang pamamaga nang muc ha,, liig. cung malaqui ang saquit nang binubulutong, ang manga mata,, nagsasara at ang bagay roo,, ang gatas na tinubigan na ibabasa roong parati; maigui rin cun minsan ang basain nang tubig na pinagbabaran nang casubha, bulaclac nang alagao. nang houag sibulan sa mata ang maysaquit nang manga cun anoano, ay mag ingat siya sa pagcain nang marami, pati sa carne at alac; cun gayon pag nauala ang bulutong, ay hindi siya sisibulan nang anoman sa mata. cun ang bulutong ay maputi na,, puno nang nana, ay malaquing galing sa maysaquit ang hiuain nang dulo nang gunting carayom man isa nang isa, at palabasin ang nana.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya guinagaua ito,, nang houag macamatay sa maysaquit ang malaquing pamamaga nang boong catauan niya; saca dahil doon sa paghiuang yao,, lungmalabas ang pinaca camandag nang manga sungmibol na bulutong, na palibhasa,, hindi pinalalauong pinatatahan sa laman nang tauo, ay hindi lungmalalim ang manga hucay nang bulutong, at hindi nasisira ang hichura nang muc ha; bucod dito ang balat ay lungmulubay; nauauala ang pagcati, at ang pamamantal nang muc ha,, liig. ang paghiua nang bulutong ay ualang liuag, at hindi nararamdaman man nang may catauan. caya cun hihiuain ang bulutong, ay maghahanda ca nang gunting na matulis ang dulo, carayom man, at isang basahang malinis, at saca tubig na malacuco; at pagca marami na ang nahiuang bulutong, ang nanang tungmutulo ay pinapahira,, inaalis nang basahang babad sa malacucong tubig; saca inuutas hinihiua ang ibang manga bulutong para nang guinaua sa una.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa loob nang ilang oras ang manga bulutong ay napupuno uli nang nana, cailangang hiuaing uli; cun minsan hangang sa macaanim hinihiua. itong gauang ito,, nacauauala nang malaquing panganib nang buhay nang binubulutong, sapagca inaalis ang pamamaga pati nang nana. masamang totoo sa saquit na ito ang triaca, ang laudano, ang jarabe de adormideras, ang jarabe nang carabu, ang pildoras nang estoraque (camanguian) ang sa cinoglosa; ano pa,, ang lahat na nacacapagpatulog, ay masama sa saquit na yaon. cun baga ang bulutong ay ungmuurong sa loob nang macasibol na, ay mahirap ang lagay nang maysaquit; caya ang gagauin doo,, houag big yan nang manga mainit, yaong manga bagay na ipapauis; painumin lamang nang marami nang turo sa numero at parapitan sa manga binti nang bilin sa numero. cun minsan ay umuuling sungmisibol ang manga bulutong, pag sinangrahan ang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong saquit na bulutong ay mahirap; caya ang aayao magcasaquit nang gayon, siya,, magpatanim nang bulutong vacuna sa caniyang catauan. datapoua cun siya,, magpapatanim nang bulutong, ay cailangang totoo ang siya,, humanap at pumili nang magaling na bulutong, doon baga sa tauong yaon na hindi pa binubulutong; at ang isa pa,, cailangang hintin ang carampatang panahon nang pagca hinog nang bulutong, na yao,, ang icasiyam na arao na boo. pagca hinog na ang bulutong, na cucunan pangagalingan nang nanang itatanim sa ibang tauo, ang magtatanim nang bulutong ay maghahanda nang isang lancetang matulis ang dulo. itong dulo nang lanceta,, ibabad, isasaosao doon sa nana nang bulutong na hinog; pagca napasaosao doon ang dulong yao,, pagcaraca ito ring dulong may dalang nana, siya ang icacadlit itudtudloc sa ibig tamnan nang bulutong, doon sa ibabao nang caniyang sico, sa bias baga. itong tudloc ay tatlo sa balang isang camay, at ang pag itan nang manga tudloc ay isang daliring mahiguit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pag nacasibol na itong bulutong ay pagmamasdang magaling, cun yao,, bulutong na totoo, hindi; at cun hindi totoong bulutong, ay cailangang magpatanim uli ang may catauan. cun panahong tag bulutong, ang aayao bulutungin houag cumain nang marami, lalo pa cun gab ; saca pipili nang magaling na cacanin, at houag siyang tumiquim nang manga ano ano. ang manga gulay ay lulutoing magaling. houag cumain nang bunga nang cahoy, cun hindi hinog na totoo. mag ingat siya sa manga calamay, suman, empanada, etc. at pauang masama. itong ganitong asal ay caya naquiquilalang nacagagaling sa manga sangol, sapagca cun gayo,, hindi namamaga lungmalaqui ang canilang tiyan. ang canilang muc ha ay masaya, guising ang canilang loob, at hindi sila macuyad. magaling din sa manga bata sa panahong tag bulutong, ang sila,, pambohan, banusan man lamang sa tubig na malacuco cun gab. at saca painuming parati nang suero, cun baga ang bata,, hindi yayat magasactin; at cun yayat hindi sucat big yan nang suero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun gayon ang gaua nang tauo,, bulutungin man siya, ang caniyang manga anac ay caalamalam hindi lalaqui ang saquit. ang saquit na ticdas sa provincia nang batangan ay toco, na ang tauag nang castila doo,, sarampion. bago ticdasin tocoin ang tauo ay nag uubo siya muna nang ilang arao; itong pag uubo ay ualang casamang lura. saca ang tutucoin ay natatamlay at dinaraanan nang init at guinao na halihalili; ang saquit nang ulo ay malaqui, cun matanda ang tauo; cun bata,, naghihilim; totoong saquit nang lalamunan; namamaga ang bubong nang mata; hindi macatingin sa liuanag ang maysaquit; ang mata,, lungmuluha, at ang lungmalabas ay mahapdi. mayroon namang iba, na malimit bumahing, at sa ilong may lungmalabas na catulad nang sa mata. lungmalaqui tuloy ang init at ang lagnat; ang maysaquit ay nag uubo; cun minsan ibig sumuca; sungmasaquit ang bay auang; nag iilaguin siya cun minsan nang malimit; ang ibang maysaquit ay pinapauisan; ang dila,, maputi, at cun minsa,, nauuhao ang may catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa icapat icalimang arao, at cun minsan sa icatlo, ang muc ha,, linalabasan nang maraming totoong anaqui manchang mapupula, na ang cahalimbaua,, pinagcagtan nang pulgas. ang boong muc ha ay namamaga naman tuloy; cun minsan ay nagsasara ang mata. tungmutuloy ang pagsibol nang toco sa dibdib, sa licod, sa manga camay, sa hita at sa paa. ang sa dibdib at ang sa licod ay marami. cun minsan, ang tiniticdas ay binabalingoyngoy, at nauauala tuloy ang saquit nang caniyang ulo, pati nang sa mata,, lalamunan. sa icatlo, icapat na arao nang macasibol ang toco, ay hindi na totoong mapula yaong manga pinacabutil, at nangatuyo tuyo na, at nangalalaglag na, pati nang balat nang catauan ay natutuyo rin, at nahuhulog, at iba ang hungmahalili doon. sa icasiyam icalabing isang arao ay hindi na naquiquila ang ticdas at malinis na ang balat nang catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua mauala man itong manga bacas nang ticdas, hindi pa gungmagaling ang maysaquit; alintana cun siya,, dinaanan nang malacas na pag iilaguin, pagsuca, cun siya,, pinauisan nang malaqui, sapagca cun gayon ay nauauala ang lahat na caniyang saquit. datapoua cun hindi nacuha sa manga ganoong paraan ang camandag nang saquit, at ang tinicdas hindi guinamot nang paanyo, ayon sa sasabihin sa parrafo ang saquit ay sa baga napapatungo; at cun ganoon magsasaoli ang pag uubo, ang lagnat at ang di lumagay ang maysaquit. itong pag uubong ito,, totoong nalalauon, at malacas lumaban sa manga gamot. datapoua pagca guinagamot pagcaraca nang husay na pag gamot ang tauong tiniticdas, tinotoco, ay hindi mahirap ang catapusan nang saquit, at ualang natitirang bacas na masama. ang pag gamot doo,, ganito. cun baga malaqui ang lagnat, at ang pulso ay matigas, at malaqui ang casiquipan nang dibdib, cailangang sangrahang minsan macalaua ang titicdasin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sinusumpit, at binabanusan sa mainit init na tubig naman hangan tuhod, para nang guinagua sa bubulutongin ayon sa turo sa parrafo nang capitulong nacalalo. saca binibig yan nang bilin sa numero na iinumin niyang parati; cun aayao noo,, ang tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao, na ang sa icalimang bahagui ay gatas. pinasisipsip ang maysaquit nang singao nang mainit na tubig, na yaon ang totoong bagay doon, nang mabauasan ang saquit nang lalamunan at ang pag uubo, pati nang pagsiquip nang dibdib. pagca hindi na totoong mapula ang manga pinacabutil nang catauan (na yao,, sa icatlo sa icapat na arao nang macasibol) ay pinupurga ang maysaquit nang bilin sa numero. saca inilalagay sa husay, at pagca lumalo ang dalauang arao nang pagpupurga sa caniya, ay gagauin doon ang ugaling guinagaua sa maysaquit na magaling galing na, sa capitulo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga sa paglitao nang ticdas toco, ang maysaquit ay dinaraanan nang hirap na malaqui, ay gagamutin para nang turo doon sa parrafo na siya rin ang guinagaua sa binubulutong. cun hindi guinamot nang gayon ang tiniticdas, siya,, dinaraanan cun minsan nang sinabi co sa parrafo at cun gayon ay gagamutin para nang turo sa parrafo na sinusundan nito; houag lamang sangrahan cun hindi malaqui ang saquit. ang manga sangol na matataba man, cun baga masama ang canilang color, hindi rin sucat sangrahan. datapoua paiinumin nang bilin sa numero at pararapitan sa manga binti. ang tauong tiniticdas ay cailangang mag ingat sa hangin. cun minsan dahilan sapagca uinaual ang halaga ang pag uubo na ugaling sumunod sa toco ticdas, na hindi guinamot nang husay, ay linalagnat ang maysaquit nang lagnat na hindi mangyaring mauala; at caya gayon ay mayroong sungmisibol sa baga. maraming bata ang namamatay dahilan doon; at bago mamatay dinaraanan nang pag iilaguing masama,, totoong baho.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pagca gayon, ay gagauin ang manga turo sa parrafo yaon lamang tatlong bagay na sinabi roon, sa macatouid ang polvos numero ang gatas, at ang pagsacay ang paglacad. datapoua sapagca ang manga sangol ay aayao uminom noong polvos na yaon, ay gatas lamang ang ipaiinom sa canila, at houag big yan nang ibang bagay na cacanin. mayroon namang tauo, na pagca tinicdas na hindi mangyaring mauala sa caniya ang pag uubong malaqui, na ualang inilulura, at saca ang dibdib, pati catauan ay totoong init; nauuhao siya naman, at tuyong tuyo ang balat, sampon nang dila. sa ganitong lagay nang maysaquit bagay ang banos hangan tuhod nang tubig na malacuco; ang pag inom nang gatas na tinutubigan, at ang pagsipsip nang singao nang mainit na tubig numero. cun hindi pa mandin natatalo nitong manga ganito ang caniyang saquit at may ubo pa, ay sangrahan agad sa camay ang maysaquit, at cun hindi gauin ito, cun minsan ay lulubha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa provincia nang batangan pinanganganlang ticdas ang isang saquit na catulad nang bolutong, na yao,, siyang cusang nauauala. ang lagnat na malaqui na ualang hibas, na pinanganganlang na yao,, isang bagay na tabardillong dala nang cainita,, cabagsican nang dugo. itong saquit na ito ay isang bagay na tabardillo, na dala nang cabagsica,, cainitan nang dugo. caya naquiquilala, na yaon ay dala nang dugo, sapagca ang pulso ay matigas at puno, na lalo sa ibang manga saquit. ang init nang cataua,, malaquing malaqui; nauuhao ang maysaquit; ang mata, ang ilong, ang manga labi, ang dila, at ang lalamunan, ay tuyong tuyo. ang saquit nang ulo ay malaquing totoo, at pag lungmalaqui ang lagnat cun hapon, cun minsan tila nasisira ang bait nang maysaquit. ang paghinga ay mahirap hirap; may ubong caunti; na ualang nacucuha, at hindi naman masaquit ang dibdib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang maysaquit hindi manabi; ang ihi ay caunti, mapula, at ang damdam nang may catauan ay mainit cun umihi; ga nanginginig ang catauan, at lalo pa cun natutulog; cacaunti ang caniyang tulog, datapoua cun tingnan anaqui siya,, ga naghihilim na parati, ga nalilibang ang caniyang loob, na dahil dito,, hindi namamasdan niya ang guinagaua nang manga tauo sa caniyang piling; bahag ya na pinapauisan siya nang caonsic; datapoua ang caramihan nagcacasaquit nang gayon, ay ang balat nang canilang cataua,, tuyong tuyo. itong manga tanda nang saquit na ito, ay catungculan nang manga medicong pag masdan nilang maigui, nang houag magcasala ang pag gamot sa manga caaua auang maysaquit; cailangan namang usisain, at pacatalastasin nila ang pinanganganlang pulsong matigas, na pagca gayon, ay cailangang sangrahan ang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"at sapagca ang lahat na bagay na lagnat ay mayroong caniyang manga tanda, caya bago gamutin ang maysaquit ay cailangang tingnan muna, at tanungin nang lahat na caniyang nararamdaman, cun ano caya ang pinagmul an nang caniyang saquit; at nang maalaman nang mangagamot ang caniyang itatanong sa maysaquit, ay basahin niya ang capitulo at ang manga aral na nauucol sa pulso, ay hahanapin niya doon sa capitulo. ang pinangagalingan nitong saquit na lagnat na maningas ay ang calaquihan nang pag gaua, ang init nang arao, ang pagcapuyat, ang pag inom nang alac na marami, ang pagcain nang manga bagay na mainit, ang casam an nang panahon, cun parati bagang maalis is at lauon nang hindi ungmuulan, at ang paghiga sa lupang basa. ang maysaquit ilalagay agad sa husay (capitulo ): houag siyang pacanin, cundi macalaua maghapon; at cun malubha,, houag pacanin minsan man.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sasangrahan ang maysaquit minsan macalaua, macaitlo man, hangang lumambot ang pulso; sa unang pagsasanggra ay cucunan nang maraming dugo; sa loob nang apat na oras ay inuuling sinasangrahan; cun minsan ay hindi magcasiya ang macaitlo sangrahan ang maysaquit; cun baga ang pulso ay lungmalambot sa unang pagcuha nang dugo,, itinatahan ang pagsasangra; datapoua cun baga ungmuuling tungmitigas ang pulso, ay itinutuloy ang pagsasangra. macalaua, macaitlo maghapon ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa numero. saca babanusan sa tubig na malacuco hangan tuhod cun umaga at cun hapon, at doon din sa tubig na yao,, ibabad pati nang caniyang camay. sa dibdib at sa tiyang ay lalag yan nang basahang babad sa tubig na malacuco rin. ang ipaiinom na parati sa maysaquit ay ang bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"at cun malaqui pa ang lagnat niya nang masangrahan na ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin sa numero hangan umunti ang lagnat; at pagca munti na ang lagnat, ay houag limitan itong pagpapainom sa caniya nang bilin sa numero at siya na ang minsang painumin noon, touing icatlong oras, macaualo sa isang arao. cun binabalingoyngoy ang maysaquit, ay maigui sa caniya yaon. cun nauauala na ang malaquing catigasan nang pulso, at hindi na lubhang malaqui ang saquit nang ulo, at marami rami na ang ihi niya, at ga mayumiyumi na ang dila, ay magaling galing na ang lagay nang may catauan. saca doon sa dacong icasiyam na arao nang caniyang pagcacasaquit hangan sa icalabing apat ay dinaraanan siya cun magcaminsan nang hirap na ilang oras calauon, at saca siya,, nag iilaguin ungmiihi nang marami, pinagpapauisan nang malaqui; ang bibig at ang ilong mula roon, ay hindi na totoong tuyo; nauauala naman ang uhao, at ang maysaquit ay malacas lacas na at nacacatulog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pagca gayon ang lagay nang maysaquit ay paiinumin nang bilin sa numero at ilalagay sa husay ang maysaquit na magaling galing na capitulo. saca pag nacalalo ang ualo sampuong arao, ay pupurgahing uli noon ding bilin sa numero. mahahalatang hindi gagaling ang maysaquit cun ang pulso,, hungmihina,, hindi lungmalambot; cun hindi lungmilinao ang ulo; at cun mahirap sa rati ang paghinga; cun ang ilong, ang mata at ang bibig ay tuyo pa mandin sa rati, at ang voces ay nag iiba. lalo pang mapanganib ang maysaquit, cun nasisira ang bait, at balisang parati, cun tungmitingin sa magcabicabila, at ang tiyan ay namamaga. at cun hindi itahan ang caniyang manga camay; cundi anaqui parating mayroon siyang hinahanap, ay malapit nang mamatay cun gayon. ang lagnat na malaqui na dala nang apdo na pinanganganlan nang castilang calentura putrida lagnat na buloc, na yaon naman ang icalauang bagay na tabardillo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang lagnat na maningas na sinaysay co sa capitulong natalicdan ay dala nang cainitan nang dugo; datapoua ang sasaysayin co ngayo,, dala nang manga sarisaring bagay na tungmataha,, nabubuloc sa sicmura, sa manga bituca, sa ibang lugar sa loob nang catauan. itong lagnat na ito,; tinatauag nang castilang lagnat na buloc lagnat nang apdo. bago lagnatin ang tauo nang gayong lagnat ay nanab ang muna siya nang pagcain nang ilang arao; hindi mahimbing ang pagtulog; ang bay auang pati nang tuhod, ay sungmasaquit; mapait ang bibig cun umaga; mabigat ang ulo, at cun minsa,, masaquit na totoo: ang may cataua,, natatamlay. pagca nalauon nang gayon nang ilang arao, ay guiniguinao muna ang maysaquit; hungmahalili dito ang isang init na salabsab.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pulso cun guiniguinao ang maysaquit ay munti at matulin; datapoua pagca nalagnat na, ay lungmalaqui, at cun minsan tungmitigas din; datapoua sa ganitong saquit ay hindi lubhang matigas para doon sa lagnat na maningas, alintana cun nagcacasama sama itong dalauang bagay na lagnat, at cun minsa,, magcasama nga: ang saquit nang ulo ay hindi matiis nang laqui; bucod dito ang maysaquit ay nauuhao; ibig niyang sumuca; at cun minsan ay sungmusuca; ang bibig ay mapait, at caunti ang inaiihi niya. cun umaga ang lagnat ay ungmunti, at ang pulso ay magaling galing; at di man mahirap na totoo doon ang damdam nang maysaquit siya,, totoong anaqui pagod. ang dila,, maputi,, marumi, pati nang ngipin; at ang hininga,, mabaho.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mayroong maysaquit na pinapauisan, mayroong hindi; at pauisan man ay hindi rin gungmagaling; arao arao lungmalaqui ang lagnat, at sa balang oras; cun minsan naman malimit ang paglaqui at ang pag unti nang lagnat sa loob nang isang arao; at ang cahulugan noong gayo,, hahaba ang saquit. mayroong ibang maysaquit na sinisintacan sa dibdib, at ang inilulura niya ay madilao. cun itong lagnat na buloc ay pinabayaang hindi guinamot, cun masama ang pag gamot, cun ang gamot ay natatalo noong lagnat na yaon, ay lungmalaqui hungmahaba ang lagnat na ualang hibas. namamaga ang tiyan; nasisira ang bait nang maysaquit; ang pulso,, golo, munti at matulin, hindi nacacaalam tauo ang maysaquit, parati siyang nag uiuica, at doon din sa quinahihig an ay napapailaguin; ayao siyang tumangap nang anomang gamot. cun minsan ay linalabasan nang manchang mumunti sa liig, sa licod at dibdib, na ang color ay moradong itim. anomang lumabas sa caniyang cataua,, mabahong totoo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan ay ga cungmiquinal ang caniyang catauan, at marahil ang muc ha; tihaya ang paghiga niya; at siya,, ungmuusos na patungo sa paahan nang hihigan; parati ga mayroon siyang dinarampot nang camay. ang pulso,, bahag ya na nararamdaman, at totoong unti at matulin, na hindi mabilang ang manga pagtiboc; nagbabalisa ang maysaquit, mayroong pauis na masama sa dibdib, at namamatay tuloy. datapoua cun hindi lubhang malaqui ang saquit, cun maigui ang pag gamot doon, ay ang maysaquit nananatili sa lagay na yaon na sinaysay co sa parrafo hindi siya lungmulubha, at hindi rin dinaraanan nang manga sinabi co sa parrafo na linaluan nito, bagcus ungmuunti ang lagnat at ang saquit nang ulo; ang pag iilaguin ay malacas sa rati, at nacacaguinhaua sa caniya, at gayon din ang pag ihi; nacacatulogtulog na ang maysaquit; ang dila,, lungmilinis, at magaling galing na ang pagcaramdam nang may catauan. cun hindi malaqui ang saquit, sa loob nang ilang arao, ay magaling na ang may catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun malaqui ang saquit, masama ang pag gamot, ay namamatay ang tauo sa icasiyam na arao, sa icalabing ualo, icadalauang puo; at cun minsan naman naghalihalili ang paglubha at ang pag galing galing, at namamatay ang maysaquit sa dacong icapat na puong arao. mayroon namang ibang maysaquit na mapanganib na parati, nacalalo man ang anim na lingo, datapoua ito,, gaua nang pag gamot, sapagca ang ugaling catapusan nitong lagnat na buloc ay sa icalabing apat hangan sa icatlong puong arao. ang gagauin sa ganitong saquit, ay ang idirito cong isusulat ngayon. ang maysaquit ilalagay agad sa husay (capitulo ); at husay man ang caniyang ugaling pananabi, nag iilaguin man siyang cusa nang malacas lacas, ay susumpitin arao arao na ualang liban. ang caniyang iinuming parati ay ang limonada numero ang bilin sa numero. na aari naman ang tubig na dinoroonan nang azucar at suca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga ang pulso,, malacas at matigas, at bucod dito cun ang maysaquit ay malacas naman, ay masasangrahan hangang macalaua, at lalo pa cun siya,, nainitan ayon sa sabi co sa parrafo. datapoua cun hindi matigas ang pulso, ay hindi sucat sangrahan, at macacasama sa caniya yaon. pagca ang maysaquit pinaiinom na parati sa loob nang dalauang arao nitong manga turo co ngayon; cun baga ang bibig ay mapait pa, at ibig niyang sumuca, ay paiinumin nang bilin sa numero. itong polvos na ito,, hindi sucat inuming minsanan, at totoong tapang yaong pasucang yaon. pag ang maysaquit ay sungmusuca na, ay paiinumin agad nang maraming malacucong tubig nang houag siyang mahirapan niyong pagsucang yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun hindi mangyaring maquita nang medico itong bilin sa numero painumin ang maysaquit nang biling sa numero na siya ang totoong bagay sa tagalog dito sa saquit na ito; ang iguio isinasama sa isang tazang tubig na malacuco, na minsanang inumin; at pagcasuca na nang maysaquit, ay binibig yang parati nang tubig na malacuco, nang siya,, macasuca nang maloualhati. itong manga pasuca ay hindi sucat ibigay sa maysaquit, cun matigas ang pulso, cun hindi ungmuunti unti ang lagnat, cun yayat na totoo ang maysaquit. at nang maalaman nang mangagamot, cun cailan mapapasuca ang maysaquit, cun cailan hindi sucat pasucahin, basahin niya muna ang capitulo nang houag magcunpapaano ang caniyang pag gamot sa tauo. cun minsan mabibig yan pagcaraca nang pasuca ang maysaquit, cun totoong mapait ang caniyang bibig, at cun ibig niyang sumucang parati nang macuha agad sa sicmura yaong manga maruruming bagay na naroroon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun tumahan na ang pagsuca, ay bibig yan uli ang maysaquit nang bilin sa numero nang limonada, nang tubig na sinucaan na may azucar din para nang uica co cangina dito rin sa parrafong ito. houag bibigyan nang sabao ang maysaquit, at masama. saca itutuloy ang pag gamot doon para nang sa manga unang arao; at touing umaga ay paiinumin ang maysaquit nang bilin sa numero nang sa icapat na bahagui lamang nang bilin sa numero cun baga maliuag hanapin ang sa numero datapoua cun malaqui ang lagnat, ay lalong magaling ang sa numero. itong purga, caya itinutuloy guinagana arao arao, sapagca ang dahilan noon lagnat na buloc, ay ang nangaroroong marumi sa sicmura,, bituca, na cailangang palabasin. cun baga hindi rin nauauala ang calaquihan nang lagnat, ang tiyan ay namamaga nang caonti, at hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, touing icalauang oras ay painumin nang isang cuchara nang bilin sa numero at cun malaqui ang saquit ay oras oras paiinumin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong gamot na ito,, nagpapababang madali nang lagnat. datapoua cun hindi pa mandin ungmuunti ang lagnat, cun masaquit ang ulo at malinao hindi lumagay ang maysaquit, ay pararapitan siya sa manga binti ayon sa turo sa numero at pabayaan doon nang malauon ang parapit; at cun ang lagnat ay malaquing totoo, ay houag pacanin nang anoman ang maysaquit. cun baga hindi sucat painumin nang pasuca ang maysaquit, ay big yan cun umaga nang bilin sa numero timbang tatlong bahagui, na uubusin sa tatlong inom, na ang pag itan nang isa,, isa, ay isang oras. quinabucasan nang umaga ay gayon din ang ipaiinom sa caniya. pagca magaling galing na ang maysaquit, ay mayroong oras na hindi na siya nalalagnat ay itinutuloy ang bilin sa numero at touing arao pinaiinom nang bilin sa numero timbang cahati ang isang inom. ito,, nacacauala nang masamang bacas nang saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun magaling na sa rati ang maysaquit, at pinurga na siya at malinis ang dila, datapoua nalalagnat pa siya minsan arao arao nang ilang oras lamang calauon, ay paiinumin agad pag umunti ang lagnat, nang timbang isang salapi nang bilin sa numero sa apat na inom, na yao,, itutuloy gagauin nang ilang arao. cun ang maysaquit hindi na nalalagnat ay houag siyang cacaing mahabang arao nang carne isda dahil sapagca hindi macacayanan pa nang caniyang sicmura; at saca siya,, magpilit lumacad. ang lagnat na sucab, na ang tauag nang castila doo,, maligna, na siya naman ang icatlong bagay na tabardillo. ang lagnat na sucab, caya ganoon ang pangalan, ay sapagca malaqui ang panganib nang maysaquit, at saca cun tingnan, ay anaqui munti ang caniyang saquit. caya naquiquilala itong lagnat na masama, sapagca ang maysaquit ay pagcaraca,, mahina at malata na, gaua nang malaquing pagcabuloc nang manga bagay na iquinahuhusay nang cagalingan nang catauan nang tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pagcain nang carne isdang buloc, ang pagcain naman nang maraming carne, ang hindi pagcain nang manga gulay, bunga nang cahoy, nang manga maasim, ang pagtahan sa piling nang manga laua, cun ang tubig ay tahan, ang pagtahan sa bahay na siquip, na may maraming tauo, ang caruc haan, ang capanglauan at ang casam an nang panahon, ay yaon ang pinagmumul an nitong saquit, lagnat na sucab. ang nalalagnat nitong masamang lagnat pagdaca,, nanghihinang totoo, doon man sa manga unang arao nang caniyang pagcacasaquit, na hindi maisipan ang dahilan nang caniyang biglang panghihina; pati loob niya,, hapay, na hindi inaanomana niya yaon man caniyang saquit. ang mucha,, totoong daling nag iiba, at ang mata,, lalo pa, naghahalihalili ang init at ang guinao; cun minsan ay masaquit ang ulo at bay auang, at cun minsa,, hindi; cun bagong nagcacasaquit ang tauo,, cun minsan naliliyo, na ito,, masama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"hindi siya nacacatulog nang mahimbing, at cun minsan tila naghihilim; ga sira sira ang bait nang maysaquit, at anaqui nangangarap nag uiuicang parati, at ang caniyang pag uiuica ay anas. naquiquilala sa muc ha nang maysaquit na siya,, ga naguiguicla, at ga nalilibang ang caniyang loob; mayroong namang iba na ang canilang daying, ay mayroon silang mabig at sa dibdib, anaqui siquip ang canilang puso; ang muc ha, ang camay, at ang paa cungmiquinal cun minsan ga nanglulucso ang laman; mayroong iba, na hindi macapag uica, hindi macaringig, at hindi macaquita. ang voces ay nag iiba nauauala. cun minsan mayroong masaquit sa tiyan, at ito,, masama, at caalamalam ang bituca,, nabubuloc. ang dila cun minsan ay magaling, cun minsa,, madilao na maitim. ang tiyan cun minsan ay malambot; cun minsan nauunat. ang pulso,, mahina,, madalas sa rati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang balat ay linalabasan nang manga manchang tila morado, lalo pa sa liig, sa manga balicat at sa licod; cun minsan ang mancha ay anaqui pasa, na gaua nang palo. ang ihi hindi luto, at cun minsan ang color noon, ay maputi. ang inaiilaguin nang maysaquit ay totoong baho at tila maitim itim, na ito,, masamang totoo, cun hindi rin gungmiguinhaua ang maysaquit niyong pag iilaguing yaon. cun minsan ang color noon, ay susugat, na ang color ay morado. cun minsan naman binubuculan ang singit, ang quiliquili, ang dacong tayinga. ang maysaquit ay nanghihina pa mandin; ang bait niya,, nagugulo; tihaya ang caniyang lagay; at namamatay na may pauis na malaqui. cun minsan ang iquinamamatay niya,, ang siya,, binabalingoyngoy nang malacas. dito sa lagnat na ito,, touing hapon mayroong paglaqui, para nang sa ibang lagnat. ang pagcamatay nang manga nagcacasaquit nitong ganitong lagnat na sucab ay sa icapito, icaualong arao, datapoua lalo pang marami ang namamatay, na nacalalalo sa lima anim na lingo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya gayon, sapagca iba at iba ang calacasa,, cabagsican nang saquit. mayroon cun minsang tauo, na sa manga unang arao nang caniyang pacacasaquit, bahag ya na naniniuala ang may catauan na siya,, maysaquit. sucat umasa ang maysaquit na siya,, gagaling, pagca ang caniyang pulso ay lungmalacas sa rati, cun ang loob ay tungmatapang tapang, at ang color nang ihi ay nagsasauli na sa ugali; cun ang ulo ay malinao linao, cun may pauis na mainit, na hindi nacacahirap sa caniya, cun nauauala ang pamamaga nang tiyan, at bucod dito ang pulso hindi na madalas tumiboc. ang nagcacasaquit nang gayo,, malauon bago lumacas na para nang dati. dito sa saquit na ito, ay cailangang totoo ang magaling na hangin. caya nga doon sa quinadoroonang silid nang maysaquit ay cailangang magsunog na mamisan minsan nang suca at ang isang dongauang parating bucas. anomang ipaiinom ipacacain sa maysaquit ay lalahucan nang maasim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang maysaquit ay mapapainom nang tubig na linag yan nang gata nang acedera (tayingang daga alibambang); ang linugao ay doroonan nang ilang capatac nang gata nang dayap; ang bunga nang sapinit na hinog, ang dayap, at ang dalandan, ay macacain nang maysaquit. ang damit nang hihigan touing icalauang arao ay papaltan nang ibang damit na malinis at tuyo. sa nangagcacasaquit nang ganitong saquit ay bihirang bihira ang cailangang sangrahan. gayon din ang pagsumpit, ay hindi rin cailangan sa saquit na ito; bagcus macacasama cun minsan. ang iinumin parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang cebada palay, na ang anim na vaso ay dinoroonan nang timbang cahati nang bilin sa numero. na aari namang ipainom na parati sa maysaquit cun ualang iba ang limonada.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca painumin nang bilin sa numero ito,, cailangang totoo na gauin agad, cun bagong nagcasaquit ang tauo; datapoua cun hindi guinauang tambing, at ang maysaquit ay malacas lacas pa, at bucod dito ang pulso,, hindi matigas, ay mapapainom pa noong pasucang yaon, nacalalo man ang dalauang puong arao nang caniyang pagcacasaquit. marahil cailangang ipainom sa maysaquit hindi miminsan lamang cundi maquiilan ang saicapat na bahagui noon ding bilin sa numero at saca cun dahil sa pag inom noong pasucang yaon, ay nacuha na ang caramihang bagay na marumi na iquinalalagnat niya, ay paiinumin touing icatlong arao, cun minsan arao arao nang bilin sa numero. itong gamot na ito,, nacacapagpalabas nang manga maruruming bagay na nangabuloc sa loob nang catauan, pati nang bulati na marahil sumipot sa saquit na ito ay yaon cun minsan ang dahilan nang manga inaasal nang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga ang balat nang maysaquit ay tuyo dahilan sa calimitan nang pag iilaguin, ang ipaiinom doon hindi ruibarbo, cundi ang bilin sa numero timbang saicaualong mahiguit. ang gamot sa numero at (ang cailangan nang maysaquit doon sa dalaua) iniinom cun umaga, at pag nacalalo ang dalauang oras, paiinumin ang maysaquit nang bilin sa numero na ito,, gagauin touing icatlong oras, bago gauin namang uli cun umaga yaon ding bilin sa numero saca itutuloy gagauin pa ang sa numero hangan sa gumaling galing ang maysaquit. cun ang maysaquit ay mahinang mahina, ang bilin sa numero samahan nang bilin sa numero. magaling ding painumin maminsan minsan ang maysaquit nang alac sa misa. cun malacas ang pag iilaguin nang maysaquit ang isang pelotilla nang bilin sa numero ay samahang minsang macalaua maghapon nang triaca, ga tatlong butil nang maiz carami.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga hindi rin lungmalacas ang maysaquit, cundi tila hindi nacacaramdam, ay capilitang doonan nang parapit sa manga binti sa batoc numero pag natuyo ang manga parapit, ay pinapaltan nang ibang bago. ang manga parapit iniiuan doon nang mahabang arao. cun ang maysaquit ay magaling galing na, sapagca mayroong oras na siya,, hinihibasan na nang lagnat, agad agad ay paiinumin doon sa oras na yaon nang bilin sa numero timbang cahati isang salapi; quinabucasan ay babacayan din ang oras nang pagca uala nang lagnat, at capapaiinumin pa noon ding bilin sa numero. saca itinutuloy rin sa ilang arao; datapoua ang iinumin lamang nang maysaquit ay timbang cahati. cun hindi na nalalagnat ang maysaquit, ay ilalagay siya sa husay nang manga maysaquit na magaling galing na, capitulo at cundi siya lumacas, ay pacacanin nang timbang cahati nang bilin sa numero at cun lauon nang nacacain ang maysaquit, ay pacacaning uli noon ding bilin sa numero timbang cahati rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua lalo pang magaling sa bilin sa numero ang bilin sa numero na iinumin niya cun umaga, timbang saicapat cahati. ang nalalagnat nang ganitong lagnat, cun minsan ay dinoroonan sa noo nang manga sisiu, calapati, ibang hayop na biniac, sapagca ang isip nang manga mangagamot, na nacucuha at nadadala niyong manga hayop na yaon ang pinacacamandag nang saquit; datapoua masamang gauin ito, sapagca nacacahirap at nacacalubha bagcus sa maysaquit. cun minsan itong lagnat na sucab sungmasama sa bulutong, sa tigdas, pati sa ibang manga saquit; cun gayo,, panganib na buhay nang maysaquit. ang saquit na pangiqui, na nagmamacalauang arao na pinangangalan nang castilang tercianas; at ang nagmamacaitlong arao na pinanganganlan nang castilang cuartanas. itong saquit na pangiqui ay marahil dumaan doon sa manga baybay nang dagat, ilog na malaqui, doon sa may manga tubig na tahan na hindi ungmaanod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan itong saquit ay dala nang pagcain nang bunga nang cahoy na hindi pa hinog, dala nang lamig nang gabi. bagaybagay ang pangiqui. mayroong maysaquit na nangingiqui arao arao, na ang lagnat sa isang arao ay malaqui, at ang sa quinabucasan ay munti munti; ang tauag nang castila dito,, terciana doble, mayroong nangingiquing touing icalauang arao; na yaon ang pinanganganlan nang castila tercianas; mayroon namang ibang pangiqui na ang pagdaa,, touing icatlong arao, na ang pag itan ay dalauang arao, na cun turan nang castila ay cuartanas. mayroong iba, na sungmisipot touing icalimang arao, sa icapito; datapoua bihirang bihira naman yaon gayon. ang lalagnatin nitong lagnat na ganito, ay natatamlay muna, hungmihicab, at saca nangingiqui. namumutla ang manga dulo nang camay at paa: ibig niyang sumuca sungmusuca nga cun minsan. ang pulso ay madalas, mahina,, munti. malaqui ang pagcauhao nang lalagnatin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pagca nacaraan ang isa, dalauang oras, tatlo, apat caya, ang guinao ay sinusundan nang lagnat na malaqui. ang boong cataua,, naiinitan; lungmalacas, at lungmalaqui naman totoo pati at nauuhao pa mandin ang maysaquit; ang ulo niya ay masaquit na totoo pati nang caniyang manga catauan. pagca yaong lagnat na yao,, nalauong ga apat, lima, anim na oras, ang maysaquit ay pinapauisan tuloy sa boong catauan, gungmagaling ang pagcaramdam niya, nacacatulog siya, at pagcaguising ay uala nang lagnat, napapagod siya lamang. ang ihi nang maysaquit sa catapusan nang lagnat, ay mapulapula, na nagcacalatac na tila ladrillong binayo; cun minsan ang ihi anaqui mayroong bula sa ibabao, balat na manipis. ang pag uli nang lagnat sa icalaua, sa icatlong arao, cun minsan ay hindi doon sa datihang oras cundi maaga sa roon huli caya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mayroong isa pang cailangang tandaan nang manga mangagamot, na mayroong pangiqui na sa manga unang arao, tila hindi pangiqui, cundi anaqui ang lagnat na pinangangalang buloc, na sinaysay co na sa capitulo at cun malauong ilang arao, yaong lagnat na tila buloc, ay ungmuuli sa pangiqui, na ang pagdaan ay touing icatlong arao, at ang pag itan isang arao. ang gayong lagnat ay mangyayaring gamutin para nang lagnat na buloc; datapoua sa parrafo isusulat co ang totoong bagay na gamot sa lagnat na ito. ang pangingiqui na nagmamacaitlong arao (na dalauang arao ang pag itan) ay malacas lumaban sa manga gamot sa roon sa nagmamacalauang arao ang pagcalagnat. ang nangingiqui hindi ma aano, cun macailan lamang lagnatin; datapoua cun nalauon ang pangiqui, ay totoong sama; at hungmihina ang catauan, nagugulo ang sicmura, at cun minsan yaon ang pinagmumulan nang ictericia, hidropesia, hica, nang lagnat na lauon. ang gamot sa nangingiqui ay ang pinanganganlang quina, na yao,, balat nang cahoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"dito sa filipinas na aari ang balat nang dita, sapagca isa rin ang cabagsican nito,, noon, baga man hindi quina ang dita. basahin mo ang numero sa dacong catapusan nitong libro. cun hindi malaqui ang pangiqui, at hindi rin totoong nahihirapan ang maysaquit at siya,, nacacacain, at nacacatulog, ang gagauin doo,, ilalagay lamang sa husay nang maysaquit na magaling galing capitulo at siya na yaon. nguni cun baga nalagnat na ang maysaquit nang macaanim macapito, at ungmuuli rin ang lagnat, at hindi siyang cusang nauauala, ay magaling sa lahat ang pasuca sa bilin sa numero at saca quinabucasan ay painumin nang bilin sa numero na caniyang uubusin, bago abutin nang oras nang caniyang pagcalagnat. ang catapusang bahagui nang dita ay iinuming dalauang oras lamang, bago sumipot ang lagnat. pagca ininom nang maysaquit ang quina (dita) ay lagnatin man siya di man lagnatin, ay paiinuming uli nang ganoong caraming dita sa arao na pag itan nang lagnat; at yaon ang totoong icauauala nang lagnat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca itinutuloy ang pag inom nang dita sa anim na arao, ga calahati lamang ang timbang nang sinabi co ngayon; at ito,, caniyang iinumin doon sa manga oras na yaon na na aalamang siya,, malalagnat disin. cun ang lagnat ay malaquing totoo pati nang saquit nang ulo; cun ang muc ha,, mapula, at ang pulso,, matigas at puno, at bucod dito nag uubo ang maysaquit, cun ang pulso ay matigas din nang mauauala ang lagnat, at ang dila,, tuyo, ay cailangang sangrahan ang maysaquit, at paiinumin nang marami noong bilin sa numero. pagca guinamot nang gayon ang maysaquit, ay ooui siya caalamalam sa calagayang sinabi co sa itaas sa parrafo. saca paiinumin (sa isang arao cun lumiban ang lagnat) nang timbang tatlong bahagui isang salapi nang bilin sa numero na timbang saicapat ang isang inom. saca pinababayaang lagnatin ang maysaquit nang maquiilan; at cundi siyang cusang mauauala ang lagnat ay big yan nang dita, para nang turo sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga lumiban man ang lagnat, ang maysaquit ay nananab ang nang pagcain, at hindi macatulog nang mahimbing sungmasaquit ang bay auang, ang tuhod bago painumin nang dita ay pupurgahin muna nang bilin sa numero . . doon sa parrafo ang uica co, na cun minsan ang lagnat na pangiqui sa manga unang arao ay hindi naquiquilala na yao,, pangiqui cundi tila catulad nang lagnat nang apdo buloc, nasaysay na sa capitulo. ang gamot dito ay iba iba lamang nang caunti sa guinagaua doon sa lagnat na buloc . ang maysaquit ay paiinumin nang marami nang turo sa numero at cun siya,, nalagnat nang dalaua tatlong arao cun baga nahahalatang marumi ang sicmura dahil sapagca ibig niyang sumucang parati, siya,, sungmusuca nga, mapait na totoo ang bibig, ay big yan nang bilin sa numero at cun hindi rin nauauala yaong capaitan nang bibig, at ang pagca ibig niyang sumuca, ay purgahing maquiilan nang bilin sa numero numero man, cun malacas ang may catauan. saca binibig yan nang dita para nang turo sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong pag gamot na ito,, sucat na roon; datapoua magaling din, pag nacaraan ang ualong arao, di man linagnat ang tauo, ang painumin siya nang dita timbang tatlong bahagui arao arao, na itutuloy hangang lumalo ang ualong arao; at cun ang lagnat ay nagmamacaitlong arao, ay lalo pang cailangang gauin ito. cun ang maysaquit ay nagpamula na nang pag inom nang dita, ay hindi sucat purgahin, at uuli ang lagnat. sa lagnat na pangiqui na nagmamacatlong arao, ay hindi bagay ang pagsasangra. dalauang oras bago lagnatin ang maysaquit, ay paiinuming maminsan minsan (ga macaapat sa isang oras) nang isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na dinoonan nang caunting pulot, at palacarin tuloy sa bahay ang maysaquit. cun gayon, pati pangiqui, pati lagnat, ay hindi lubhang malaqui.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"yaon ding painom ay gagamitin nang maysaquit hangan macalalo ang guinao nang pangiqui; at cun nalalagnat na ay yaon din ang caniyang iinumin cun ibig, cun aayao siya noon, ang sa numero ay magaling inumin niya. pagca nacaraan ang lagnat, ay pinapahiran nang damit ang pauis nang maysaquit. cun minsan ang quina (gayon din ang dita) ay nacacapagpailaguin sa maysaquit; at cun ganoon ay hindi macacauala nang lagnat. caya ang mabuti dito ay purgahin muna ang maysaquit nang timbang saicapat sa ruibarbo, nang canafistula numero bago big yang uli nang dita. mayroon pang ibang manga bagay na maigagamot sa lagnat na pangiqui. datapoua ang maiguing totoo sa lahat ay ang naituro co na dito sa capitulong ito. clain na ang pag inom nang isang tagayang tubig na pinaglagaan nang ugat nang apasotis sa oras nang pagsipot nang guinao nang pangiqui, at saca cun magcumot tuloy ang maysaquit ay nacacauala nang pangiqui, cun gauing macalaua macaitlo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling pa sa rito ang isang gamot na itinuro at ipinahayag nang hari sa espana sa caniyang manga vasallos, na yao,gayon. ang timbang isang salaping cafe (cafe) na isasangag muna sa apoy bago bayuhin nang maliliit, ilalaga sa dalauang tazang tubig hangan sa maiga at matira lamang ang calahati. saca sasalain, at ang tubig na pinaglagaan noong cafe ay huhulugan nang gata nang dayap, yaon bagang macucuha sa tatlo apat na dayap. hahaluin capoua at ipaiinom sa maysaquit cun umaga bago cumain. mayroong isa pang gamot na totoong buti na yao,, gayon. ang anim ualong bulaclac nang isang cahoy na munti na pinanganganlan sa mainila rosas caballero at sa batangan flores ay hulugan mo nang dalauang tagayang tubig na mainit na totoo; doonan pa nang azucar; at ang maysaquit ay pinaiinom nang isa nang isang taza noon dalauang oras bago lagnatin, at gagaling siya; datapoua mainit cun inumin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"yaong manga tauo, na lauong panahon ilang bouang nangingiqui na sila, at hindi guinamot nang paanyo, ay big yan pagdacang minsan nang bilin sa numero sa at saca painumin nang sa numero sa dalaua tatlong arao. pagca yari na ito, ay painumin nang dita para nang turo sa parrafo. cailangang maalaman nang manga mangagamot na cun minsan mayroong tauo, na hindi man siya lagnatin ay dinaraanan din nang pagsaquit nang alin mang casangcapan nang catauan, na itong pagsaquit na ito ay hindi sungmasala sa caugaliang oras, cundi ang pag uli ay husay, sa macatouid touing icalauang arao, arao arao para nang saquit na pangiqui. ang gamot na totoo sa ganoong saquit ay yaon ding dita parrafo. bucod dito sa manga bagay na lagnat na ito na sinaysay co sa manga capitulo at sa ay mayroong isa pang bagay na lagnat na tinatauag; lagnat na daua sapagca ang maysaquit ay sinisibulan nang maraming butil na catulad nang daua; itong ganitong lagnat ay aquing sasaysayin sa capitulo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang saquit na pinanganganlang erisipela, na cun turan nang tagalog ay culebra. ang saquit na erisipela, culebra ay cun minsan munting saquit lamang, na lungmilitao sa balat nang catauan nang tauo, at milimit sa muc ha, sa paa. ung muunat ang balat, at namumula; at cun idinidiin nang daliri, ay nauauala ang pamumula. ang damdam nang maysaquit, na yaong lugar na sinisibulan nang culebra ay mainit na totoo, na yaon ang di icatulog niya; ang saquit ay lungmalaqui sa dalaua tatlong arao pa. saca hindi nag iiba hangang sa lumalo ang isa dalauang arao; ungmuunti tuloy at may nalalaglag sa balat na masaquit na tila calisquis, at nauauala ang saquit. nguni cun minsan ang saquit ay malaqui pa sa sinabi co ngayon. ang may cataua,, guiniguinao muna nang malaqui; sungmusunod sa guinao ang isang malaquing init at ang saquit nang ulo, at hang gang di lumitao ang culebra ay parating ibig sumuca ang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pagca sibol nang culebra na yao,, sa icalaua sa icatlong arao, ay ungmuunti ang lagnat at hindi na ibig sumuca ang maysaquit. datapoua hindi nauaualang parati nang lagnat na munti, at nanab ang siya nang pagcain, hangang di tumahan ang paglaqui nang culebra. cun ang muc ha,sinisibulan noon, ay sungmasaquit ang ulo, namamaga ang bubong nang mata, ang mata,, piquit, at hindi mapalagay ang maysaquit. cun minsan ang saquit ay ungmaalis sa isang pisngi, at lumilipat sa cabilang pisngi, at napapacalat sa noo, sa liig at sa batoc; cun gayon ay malalauon ang saquit. cun malaqui ang saquit, ay parating mayroong lagnat; sira ang bait nang maysaquit, at cun hindi paanyo ang pag gamot doo,, namamatay cun minsan, lalo pa cun matanda ang may catauan. ang pagsibol nang culebra sa liig, cun minsan ay pinagmumul an nang garrotillo; cun sa paa sumibol ang boong paa ay namamaga pati nang hita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun malaqui ang sungmisibol na culebra yaong casangcapang masaquit ay sinisibulan nang tila lintog, pantog na munti, na puno nang tubig na malinao, na ang camuc ha ay napaso yaong lugar na yaon, at ang tauag nang tagalog dito,, culebrang tubig . itong manga lintog ay nangatutuyo at nangalalaglag na parang calisquis; cun minsan yaong pinacatubig na nasisilid sa lintog, ay malagquit, na dahil doo,, nag cacalangib na macapal ang casangcapang nasactan. ang calauonan nang culebra ay ualo, sangpuo, labingdalauang arao; at cun nauauala na ay pinapauisan nang malaqui ang maysaquit; itong pagpauis ay hindi dungmaraan cundi sa catapusan nang saquit. ang culebra ay marahil magbago nang lugar. cun sa utac nang ulo sa dibdib mapatungo ay namamatay agad ang maysaquit; at cun sa liig maparoon, ay garrotillo ang icamamatay niya. ang pinacabutil lintog nang saquit na culebra, ay bihirang nagnanana, at cun baga magnana ay maguiguing sugat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang dahilan nitong saquit ay ang apdo, na napapasama sa dugo, na hindi lungmalabas na para nang dati sa pagpauis nang tauo. cun ang saquit ay munti, para nang sinaysay co sa parrafo ilalagay lamang sa husay (capitulo ang maysaquit, at paiinoming parati nang tubig na marami na pinaglaan nang bulaclac nang alagao, na dinoonan, nang timbang isang salaping salitre sa iinuming maghapo,, magdamag. houag pacanin siya nang carne itlog; masama ang alac doon; ang manga gulay at ang manga hinog na bunga nang cahoy ay macacain niya. ito,, magaling gauin sapagca nag iilaguin ang maysaquit nang malimit limit, dungmarami ang ihi, at ang pagtaib nang catauan. ang lugar na masaquit ay mabuting pasuin nang ilang paso nang caunting papel sangley na linulon, nang laman nang bunga nang boboy. ito,, gamot tagalog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun malaquing saquit yaon, cun malaqui naman ang lagnat, at ang pulso,, malacas at matigas, ay cailangang sangrahan nang caunti ang maysaquit, at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat ay sasangrahang minsan pa, macalaua caya. saca ilalagay sa husay capitulo at sinusumpit na parati hangang bumaba ang lagnat; pinaiinom naman nang bilin sa numero at pag munti na ang lagnat ay pinupurga ang quinuculebra nang bilin sa numero binibig yan touing umaga nang ilang inom na bilin sa numero. itong pagpurga ay totoong cailangan sa quinuculebra, nang mangyaring macuha ang apdo na ungmiinit at naiipon sa catauan. cun humaba ang saquit, at ang may catauan ay nananab ang nang pagcain, at ang bibig ay mapait, ay cailangang painumin nang alinman doon sa dalauang painom na itinuturo sa numero cun baga munti na ang lagnat; sapagca itong manga pasuca,, lalo pang maigui sa purga doon sa gayong lagay nang maysaquit. datapoua cun ang culebra ay nadoroon sa ulo, ay magaling pa sa pasuca ang purga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bagay rin dito ang banusang macalaua arao arao hangang tuhod na malahiningang tubig, cun ang saquit ay tungmatahan sa ulo; at cun mahirap ang calagayan nang maysaquit, ay totoong buti lag yan nang parapit sa talampacan numero. cun baga nang mapurga mapasuca na ang quinuculebra, ay hindi rin ungmuunti ang lagnat ay painumin touing icalauang oras malimit sa rito, nang isang cuchara nang bilin sa numero. cun talagang mauauala na ang saquit na culebra, sapagca,pinapauisan na ang may catauan, ay bibig yan nang tubig na may salitre, na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao para nang turo co sa parrafo na sinundan nito at ituloy itong pag inom sa ilang arao, nang siya,, mapauisan pa mandin. yaong lugar nang catauan nang maysaquit, na sinisibulan nang culebra, ay budburan nang harinang isinangag sa cauali palioc; maigui pa sa harina yaong tila bulac nang bunga nang boboy na siya ang itinataquip doon; cun munti ang saquit ay siya na yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun malaqui ang saquit, ang isang basahang babad sa malacucong tubig, na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao; ay yaon ang totoong daling nacacaguinhaua sa maysaquit. magaling ding budburan nang color na mapula, na guinagamit nang manga pintor; datapoua ang lalong madali sa lahat, ay tudluquin nang carayom yaon manga lintog butil nang culebra sa dacong ilalim nang butil, at ang tubig na lungmalabas, ay pahiran nang isang tuyong damit. ang manga tapal na may taba ay hindi sucat gamitin dito sa saquit na ito. cun ang culebra, ay ungmuurong at pungmapasoc sa loob nang ulo, sa lalamunan, sa baga, sa loob nang catauan nang tauo, ay cailangang sangrahan ang maysaquit; saca lalag yan nang parapit sa manga binti numero at parating paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao na dinoonan nang caonting salitre para nang turo sa parrafo. ang saquit na galis na pinangangalang sarna nang castila. dito sa lupa nang filipinas ay naquiquilala nang lahat na tauo ang galis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pinangagalingan nitong saquit na ito ay ang pagcain nang manga cun ano ano, ang pagcain namang parati nang manga ma aalat, pati nang bunga nang cahoy na hindi cahinugan, at ang malibag na damit. mayroon namang tauo, na caya guinagalis, ay siya,, nalalinan noon. ang gamot sa guinagalis ay gayon. houag pacanin nang manga ma aalat at maasim, pati nang may taba, nang manga maiinit para nang pimienta, chile, clavo, luya, etc. painumin arao arao nang tubig na pinaglagaan nang bilin sa numero ga tatlong taza carami maghapon. sa icapat icalimang arao ay purgahin nang bilin sa numero . pag nacalalo ang pitong arao, ay pupurgahin uli, at bago pacanin ang maysaquit cun umaga, at bago siya humiga nang gab ay papahiran nang unguentong bilin sa numero ang lugar na sinisibulan nang galis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"touing icatlo icaapat na arao ay pinapahirang uli hangang sa macaapat; at caalamalam pagca yari na ito ay mauauala ang galis; datapoua cun baga ungmuuli ay capupurgahin pa ang guinagalis noon ding bilin sa numero bago ituloy ang pagpapahid sa manga galis na para nang dati. ang damit nang maysaquit ay cailangang paltang parati nang ibang malinis. magaling sa saquit na ito ang pagpambo paliligong parati sa manga ilog, at uminom nang cafe arao arao. cun baga caya guinagalis ang tauo ay gaua nang siya,, nalalinan noong saquit na yaon, at ang galis ay bagong bago pa, ay hindi cailangang purgahin muna. datapoua cun lauon nang panahong pinabayaang hindi guinamot ang galis ay gagamutin para nang sabi co sa itaas sa parrafo na sinusundan nito. cun ualang mantica, cun ualang sal amoniaco at dahil doon hindi mo magaua ang unguentong bilin sa numero na aari ang turo sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"tandaang magaling nang manga mangagamot na itong saquit na galis ay hindi sucat gamutin pagcaraca cundi unahin ang purga, at saca isunod doon ang ibang sinabi co sa parrafo. ang saquit na buni sa uicang castila empeines herpes. ang tauong binubuni, cun ibig niyang mauala ang caniyang saquit ay humambo siya muna arao arao; saca siya,, uminom touing arao nang cremor numero timbang saicapat na isasama sa tubig na pinaglagaan nang chicoria (dilang usa); cun ang buni ay masama,, malacas lumaban sa gamot ang iinumin ay ang bilin sa numero. ito,, gagauin nang labingdalauang arao calauon. saca ang maysaquit ay magsangra at magpurga nang bilin sa numero. quinabucasan bago siya cumain, bago humiga, ay pahiran ang ibang manga buni nang unguentong bilin sa numero . dito sa saquit na ito,, masama ang malibag na damit, at ang di pagpambo nang malimit limit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"hindi sucat pahirang minsanan ang lahat na buni; at masama sa may catauan ang biglang mauala ang caniyang saquit; caya mabuting pabayaang lumalo muna ang ualong arao man lamang; at magpurga uli ang binubuni. yaong buning masama ang color, na lungmalaban sa gamot, ay maigui cayurin muna nang isang caputol na pingang basag, nang isang cuchillo, bago cuscusin nang bauang at aguio, na cucunin sa bubungan nang cusina; ito,, gamot na marahil gauin nang tagalog, at totoong buti. ang gamot, sa mancha sa muc ha at sa manga pilat. mayroong tauong nilalabasan nang manga mancha sa muc ha, di man siya nagcacasaquit, at nang mauala yao,, basain ang muc ha na maquiilan maghapon nang sucang matapang, na pinaglagaan nang ugat nang calabasang puti. magaling namang lahiran nang gata nang salagsalag pacupis (pepinillo de san gregorio) na binabayo muna,, pinipiga; at ang gata ay sinasamahan nang caonting pulot .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong gata nang salagsalag pacupis na may calahoc na pulot ay siya rin ang iguinagamot sa manga pilat, nang houag magbalangan ang color nang catauan. ito,, turo ni clain. datapoua,, ang dahilan nang manga mancha sa muc ha sa catauan ay saquit na namamahay sa loob. ang gagauin sa sinisibulan nang anomang bagay na sibol. bagaybagay ang sungmisibol na masama sa catauan nang tauo, sa macatouid; ang pigsa, ang baga, ang tiboc, ang taguihauat, ang cancro, at ang iba pa na may canicaniyang pangalan. cun inaacalang may sisibol sa catauan, agad agad ay pacacactan sa linta yaong lugar na masaquit na namamaga na, palibot doon sa talagang sisibulan. cun ualang linta, ay na aari ang cadlitan muna bago tanducan, tacluban nang ventosa, na ito,, hindi gagauing miminsan lamang, cundi maquiilan. pagca gayon ang gaua, yaong talagang sisibol ay hindi na tungmutuloy cun minsan, at tumuloy man, ay gungmagaan ang saquit dahilan sa pagcuha nang dugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pag nacunan nang dugo ang maysaquit, at inaacalang masama ang sisibol, ay pupurgahin cun marumi ang dila nang bilin sa numero at susumpitin arao arao na ualang liban nang bilin sa numero. bucod dito ay houag ipatiquim sa maysaquit ang sabao, ang alac, ang manga mahanghang, ang carne, ang itlog, ang isda at ang baboy. ang caniyang cacanin lamang ay ang tinapay na durog, na isinama sa tubig na mainit, linugao cun ibig niya. ang caniyang iinuming parati ay ang bilin sa numero. cun ang sibol ay nacaputoc na, ay itinutuloy ring guinagaua itong lahat na turo co ngayon, pati nang pagcuha nang dugo na gagauin doong palibot sa sibol. saca guinagamot ang sibol para nang sasabihin co sa parrafong isusunod co dito. cun minsan ay cailangang sangrahan ang talagang sisibulan nang anomang masama, at lalo pa cun nalalagnat ang may catauan, cun hindi siya patuluguin noong masaquit, cun malaquing totoo ang pamamaga noong lugar na sinisibulan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun minsan ang manga linta na idinoroong palibot sa sibol ay siya na. cun nacaputoc ang sibol, ay houag nang sangrahan ang maysaquit. ang gamot sa pigsa, sa uicang castila,, divieso. ang pigsa,, sibol na matigas na mapula pula, masaquit at mainit na mayroong ugat na isa, at ga catulad nang isang bungang munti nang pina. ang pigsa cun iisa lamang ay hindi lubhang macahihirap sa tauo, at cun minsan siyang cusang nauauala pag nacaputoc. datapoua cun mahirap ang damdam nang pinipigsa, cun ang pigsa,, marami susundin muna ang bilin doon sa parrafo at nang lumambot ang pigsa, ay tatapalan nang tinapay na nginuya, nang tinapay na dinurog na minasa sa caunting gatas nang anomang hayop. cun ualang tinapay, ay matatapalan ang pigsa nang pataning binayo. pag nacaputoc na ang pigsa, at ang pinacaugat ay nacuha na, ay nauauala ang saquit; datapoua cun baga may natitira pang matigas doon sa sinisibulan nang pigsa, ay tapalang uli nang tinapay na dinurog, na pinataca,, minasa sa gatas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ito rin ang gamot sa sibol, na cun tauaguin nang tagalog ay pigsang daga. ang gamot sa taguihauat, na cun turan nang castila ay carbunco. ang taguihauat ay isang bagay na sibol na matigas, mapula pula, mainit, mahapdi at masaquit, na may ugat din para nang pigsa; datapoua ang taguihauat mayroon sa ibabao na tila langib, at ang pigsa,, ualang gayon. ang gagauin sa sinisibulan nang taguihauat ay ang turo sa parrafo . saca cun macaputoc, ay tapalan nang isang cabiac na lasonang inihao sa apoy, na mainit cun itapal. ang uica naman ni rivera, na ang totoong galing sa sibol na yao,, ang palaca sa ilog, yaon bagang palacang tungmatahan sa tubig na ungmaanod; saca pinipisa ang ulo, at pinapatay, bago bia quin at itapal sa sibol; touing icalauang oras ay pinapaltan nang ibang palacang bago; at sa loob nang isang arao ay gungmagaling ang maysaquit, at ang ugat nang sibol ay madadala tuloy nang palaca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"at cun mayroon pang natitirang ugat ay mag ihao ca nang isa dalauang palaca sa horno sa palioc; saca bayuhin mo at itapal sa sibol, at mabababao. cun minsan pinanganganlan din nang tagalog na taguihauat ang cancro na sasaysain co ngayon. ang gamot sa escirro at sa cancro, na cun sumibol sa suso nang babayi ay tinatauag nang castilang zaratan; pati nang gagauin sa nasisira ang caniyang ilong. ang escirro ay isang bagay na bucol, na matigas, na hindi rin masaquit, na casing color at casing init nang ibang balat, na anaqui hindi carugtong nang ibang laman, cundi tila nabubucod; datapoua cun quibuin nang camay, hindi ungmuuga para nang manga lobanillo. ang escirro cun minsan ay sungmasama cun malauon, at naguiguing cancro. caya naquiquilalang maguiguing cancro na ang escirro, sapagca ungmiinit at cungmacati ang lugar na quinadoroonan nang bucol, na dahil doo,, ibig camutin nang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang bucol ay lungmalaqui, at nagbabago nang hichura, at bucod doon ay sungmasaquit na maminsan minsan, at cun malauon ay parati na. ang manga ugat na nadoroong palibot sa escirro ay namamaga at nangingitim. cun malapit nang magsugat ang cancro, ay lalong masaquit; at cun nacapagsugat na ang lumalabas doo,, totoong baho; ang sugat ay gumagapang at cun minsan mayroong ugat na na aabot at lungmalabas ang dugo. ang marahil sibulan noon ay ang manga matabang tauo, at ang manga dalagang matanda. cun minsan dala nang capanglauan nang pagca galit nang may catauan, nang pagcain nang maraming bauang manga bagay na maliuag matunao sa sicmura. ang gamot sa escirro, ay gayon. gagauin pagcaraca ang manga bilin sa parrafo datapoua cun minsan ay masamang cunan nang dugo; at cun baga hindi nauauala ang pamamaga, ay tapalan nang bilin sa numero. ang maysaquit ay mabuti palonoquin arao arao nang bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang escirro ay sungmama at naguing cancro na, magsugat man di man magsugat, ay yaon din ang gagauin, sa macatouid ang tapal numero at ang bilin sa numero. ang sibol sa suso nang babayi na ang pangala,, zaratan ay gagamutin para nang turo sa parrafo. ang tagalog na tauo ay marahil sibulan sa licod nang isang bagay na sibol na ang pangalan nila doo,, cancro grano maldito. sa aquing acala yaon ay hindi totoong cancro; at ang gamot doo,, ang bilin sa parrafo. nacabubunot sa gayong sibol (ani. clain) ang pinacatalbos nang maguei (magui) na babayuhin munang maigui bago itapal. magaling din sa gayong sugat (ani. santa maria) ang dahon nang tangantangan lingangsina (higuerilla del infierno) na babayuhin muna bago itapal sa sibol. pagca nacaputoc na ang sibol ay hinuhugasan at linilinisan ang sugat nang gata nang lantin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang uica nang iba, na totoong magaling na gamot sa gayong sibol ang ugat nang calaboa, na binabayo muna,, pinapatacang sabay nang caunting langis nang niyog at siya ang itinatapal doon. pag nagsusugat at nasisira ang ilong nang tauo, cun minsan gagaling siya pag ininom nang mahabang panahon ang bilin sa numero. datapoua,, magpupurga naman siya nang malimit limit bilin sa numero . ang gamot sa tiboc, na cun turan nang castila,, panadizo, panarizo. ang tinatauag nang tagalog na tiboc ay sungmisibol sa manga dulo nang daliri, at totoong sungmasaquit. itong ganitong sibol ay hindi sucat hamaquing pabayaan, sapagca cun minsan ay nabubuloc at nasisira pati nang buto nang daliri, cundi gamutin pagcaraca. cun minsan ay namamaga ang boong camay hangang itaas. ang gagauin sa sinisibulan nang gayon, ay ang manga bilin sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun malaqui ang lagnat pati nang pamamaga nang camay, ay sangrahan ang maysaquit minsan maquiilan, ayon sa calaquihan nang caniyang saquit; at sapagca itong sibol ay masama, ay cailangang ibabad nang ibabad na pagcaraca sa tubig na mainit (houag sa malacuco lamang) ang daliring sungmasaquit; at pagca guinaua itong pagbababad na ito sa unang arao nang pagsaquit nang daliri, ay cun minsan hindi na tungmutuloy ang sibol cundi nauauala. gayon din mabuti itapat na parati ang casangcapang masaquit sa singao nang cungmuculong tubig magaling ding tapalan nang bulaclac nang camantigui na babayuhin muna na may caunting asin . datapoua cun hindi guinamot na tambing nang gayon, at tungmutuloy ang sibol, ay babasaing parati ang daliri nang gatas na pinaglagaan nang bulaclac nang culutan, tapalan nang tinapay na durog na linahucan nang gatas; ang totoong buti doon naman ay ang levadura nang trigo, nang madaling magnana ang sibol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nguni itong manga ganitong tapal ay hindi dapat ilagay, cundi maualauala muna ang pamamaga nang sibol, at cun talagang magnanana na. cun inaacalang may nana na ang sibol, ay hiuain pagcaraca, at houag palauonin doon ang nana; saca guinagamot ang daliri nang unguentong bilin sa numero. cun minsan ang manga casangcapang sinisibulan nang tiboc, ay linalabasan nang laman, na lungmalaqui,, lungmalabis sa rati; at itong labis na laman ay mauauala cun budburan mo nang caunting tauas na sinunog. cun baga nabubuloc ang buto ang daliring sinibulan nang tiboc, ay maiguing hiuain ang laman nang maraming hiua sa lugar na naquiquilalang nabubuloc, at basaing parati nang tubig na pinaglagaan nang dita (quina) na sinasamahan nang espiritu de azufre, na bibilhin sa maynila, na yaon din ang turo sa numero na ualang calahoc anoman; ang maysaquit ay paiinumin din nang dita numero timbang saicapat touing icalauang oras.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi rin nauauala ang pagcabuloc nang daliri, ay ipaputol sa marunong ang casangcapang nasasactan, pag naquiquitang tungmahan na ang pagcabuloc, at hindi na lungmalaqui, sapagca masamang putulin hangang may nabubuloc pa. ang gamot sa baga, na cun turan nang castila,, apostema. ang pinanganganlang baga nang tagalog ay isang sibol na mapula pula cun bago, masaquit, mainit at ga tungmitiboc. ang butas cun pumutoc ay isa, cun minsan; cun minsan ay marami. ang gagauin agad sa sinisibulan nang baga, ay ang lahat na bilin sa parrafo. saca gagauin ang manga turo sa numero na yaon din ang iguinagamot sa tiboc. datapoua cun ang sibol, ay nagnanana na, ay hindi cailangang tapalan nang manga dahon nang manga damo, cundi ang magaling doo,, hiuain agad ayon sa sasabihin co ngayon sa parrafong isusunod dito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang baga,, may nana, na caya naalamang may nana, sapagca cun hipuin ang sibol, ay ga nag aalon alon ang nana sa ilalim, at gungmagala doon sa loob, at hindi masaquit na para nang dati ang sibol, cun ganoon ang gagauin, ay hihiuain ang sibol sa dacong ilalim nang macaanod ang nana; at houag tumahan doon; datapoua cun minsan ay siyang cusang pumuputoc pag natapalan nang manga bilin sa itaas sa parrafo. pag nacaputoc na ang sibol, ay masamang palabasing minsanan ang maraming totoong nana, at ang maysaquit ay manghihinang totoo, maliliyo, at mamamatay tuloy cun minsan. ang calaquihan nang hiua,, ibinabagay sa calaquihan nang baga, at masama naman ang totoong unting hiua maca magtago sa ilalim ang nana, at mababahao ang sibol, na hindi maiguing pagcabahao, at cun gayon ay isa pang cailangang hiuain, cun malauon lauon. ang butas nang sibol, ay doroonan nang micha nang hilas, na gayon ang pag gaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang isang caputol na munti nang lienzong luma ay naninitnit, at ang pinagnitnitan ay guinagauang parang cigarillong munti, na yao,, ang tinuturang micha; ang micha,, ibinababad sa pulot poquiotan, cun ualang pulot, na sa pula nang itlog; bago isoot sa butas nang sibol. ang ibabao nang sibol ay tapalan nang isang lienzong malaqui pa sa sibol, na may dalaua tatlong suson. ang sibol ay minsan lamang gamutin arao arao, at touing gagamutin ay papaltan ang micha nang ibang bago, at susumpitin ang butas nang sibol nang tubig na pinaglagaan nang dahon nang hagonoy, at macabuhay: ang isusumpit sa sibol ay sumpit na cauayan, cun ualang iba. cun baga may roon pang naquiquitang matigas doon sa baga, na hindi pa lungmalambot, ay tapalan nang manga nacacalambot, na yao,, ang gatas at ang iba, na itinuro co sa parrafo. cun malinis na at munti ang butas nang sibol, ay bahaui,, papagcalangibin tuloy nang hilas nang lienzo na idoroon sa butas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"maalaman nang manga mangagamot, na bucod dito sa manga itinuro co ngayon ay mayroon pang ibang manga bagay na maigagamot sa saquit na ito; at ang magaling sa lahat ay ang unguento nang hagunoy, ang sa lantin (llanten) para nang turo sa numero. cun ang sa lantin ang gagauin ay pinipili ang may malapad na dahon, at limang litid, na doon naquiquita sa tangcay pag nalagot. alin man doon sa dalauang unguentong yaon, ay nagagamit sa sinisibulan nang baga, na mula sa bagong pagsibol hangang sa mabahao. datapoua lalong mabuti sa manga unguentong ito ang sundin ang manga itinuro co dito sa capitulong ito. cun ang baga,, nadoroon sa loob nang catauan doon sa pinanganganlang baga, ay gagauin ang manga bilin sa capitulo nitong librong ito. ang gamot sa bicat sa uicang castila,, lamparones escrofulas. ang pinanganganlang bicat ay sungmisibol sa liig sa quiliquili; cun minsan hindi doon lamang, cundi sa dibdib at sa lahat na casucasuan nang catauan nang tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan namamaga ang isang labi nang bibig at ang ilong. itong manga bucol na pinanganganlang bicat, ay matigas, hindi mainit, hindi masaquit, at tila louag doon sa quinadoroonan, sapagca cun ugain ng daliri ay ga sungmusunod. cun ang binibicat ay bata, ay hindi maliuag gamutin; datapoua cun matanda ay malauon bago mauala ang bicat. ang gamot sa may bicat ay gayon; ang maysaquit ay pupurgahin macalaua touing bouan ng bilin sa numero. datapoua cun minsan nacacasama ang purga. papambo siyang parati sa tubig na hindi totoong lamig, at houag doon sa mga ilog na may malalim na lunas, na dahil doo,, hindi inaarauan ang tubig. cacain siyang parati nang dalandang hinog; lalacad siya arao arao, sasacay sa cabayo; houag cumain siya nang marami cun gab. cun babayi ang maysaquit, ay houag magsaquit humabi, manahi, magdugtong nang abaca, at totoong sama yaon. houag namang cumain ang maysaquit nang isda, at masama sa ganitong saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun siya,, malapit sa dagat ay uminom touing umaga nang isang vasong tubig sa dagat din, na yao,, isang pinacapurga; at cun malayo siya sa dagat, ang tubig na dinoonan nang asin ay na aari. houag siyang cacain nang manga cun anoano. magaling naman sa saquit na bicat ang pag inom nang tubig na cun bumucal sa lupa ay mainit na, para nang sa bayan nang los banos. magaling naman ang pagpambo doon sa tubig na yaon. ang ganitong pag aalaga sa catauan cun minsan ay macacauala cun malauon ng bicat; datapoua bihirang nangyayari yaon. ang ibang manga bagay na nabibilin sa ibang manga libro, ay hindi nacacauala noong saquit na yaon. cun bayuhin mo ang damo na pinanganganlang malatinta tintatintahan tinatinaan at itapal sa bicat, ay mauauala. yaong damong yaon ay guinagamit sa pag gaua nang alac sa bigas, nang tumapang ang levadura . ang tapal ay papaltang macalaua arao arao. santa maria. datapoua cun ang maysaquit hindi gungmagaling, ay magpagamot siya sa marunong na medico.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gamot sa lungmalagui ang liig, na, ang tauag nang castila sa gayong saquit ay papera. sa provincia nang batangan doon sa manga bayang malayo sa dagat, ay malimit itong saquit, nang pamamaga nang liig, at marahil dumaan itong saquit sa manga babayi. itong saquit ay hindi maliuag gamutin cun bago; datapoua cun lauon ay hindi na maari. ang gagauin nang may ganitong saquit ay houag siyang cumain nang marami cun gab ; houag pumambo sa ilog na ang manga lunas ay malalim; at ang manga ganoong tubig, sapagca hindi inaarauan ay malamig, at cun sana sa bunga nang cahoy, ay manga hilao. datapoua cun ualang ibang mapambohan ay macacapambo rin doon ang tauo, houag lamang tumahan doon nang malauong; sapagca ang pagtahan nang malauon sa manga gayong tubig ay yaon ang pinagmul an nang pamamaga nang liig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang tubig nang manga ilog na hindi inaarauan ay masama namang inumin; datapoua cun ualang ibang maigban, at capilitang iinumin ang sa gayong ilog, ay mabuti doonan ang tubig nang caunting asin ga calahating taza carami sa isang tapayan. bucod dito ang liig ay tatapalan nang dahon nang tabaco at macabuhay, na babayuhin muna; itong tapal, ay hindi inaalis sa liig, cundi parating naroon arao at gab ; macalaua lamang maghapon inaalis, nang mapahiran ang pauis; saca isinasaoli at dinoroonan nang bigquis na hindi louag hindi maigting. cun bago ang saquit, ay caalam alam mauauala pagca gauin yaon. ang maysaquit ay papambo arao arao, macalaua man lamang touing lingo. datapoua cun yaong gamot na yao,, hindi nacauauala nang saquit, pag guinaua sa dalaua tatlong bouan, ay pahiran ang liig touing icapat na arao nang caunting unguento nang mercurio ayon sa turo sa numero. saca tatacpan ang liig nang isang bigquis na hindi louag hindi maigting.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga naglilintog, sinisingauan ang lugar na pinapahiran, itinatahan muna ang pagpapahid nang mercurio. saca pumambo nang malimit ang maysaquit, at pagca nauala na yaong manga lintog, ay magpahid siya uli para nang dati. ang liig na lungmalaqui, at ang manga bucol na sungmisibol doon ay masamang hipoi,, lamasin nang camay, at lungmalaqui pa mandin. mayroong isa pang pamamaga nang liig sa taguiliran, na ang tauag doo,, bayiqui; ang gamot doo,, naituro co na sa parrafo. ang gamot sa manga bucol na malambot na hindi masaquit, na tinuturang lobanillos nang castila. bucod doon sa manga bucol na sinabi co sa manga parrafong natalicdan, ay mayroong isa pang bagay na hindi matigas para nang manga bicat, at hindi rin masaquit, na ang pangalan nang castila doo,, lobanillos. nagsisisibol sa ulo, sa manga camay, sa tuhod, at sa ibang manga lugar nang catauan. ang gamot dito,, gayon: ang isang malapad na tinga ay itapal doon nang mahabang panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling din ang unguento nang hagunoy lantin na bilin sa numero nguni itong manga ganitong bucol hindi nacacaano, at cun minsan masamang gamutin. ang gamot sa butlig culugo sa uicang castila,, berrugas; at ang gamot sa bosouang, na ang tauag nang castila doo,, clavos. maraming bagay ang naigagamot sa butlig at sa bosouang. ang lalong magaling ay cayurin muna nang sundang ang culugo ang busouang, at tapalan nang unguentong bilin sa numero na arao arao papalitan nang ibang bago. cun baga matatalian ang butlig, ay maigui talian sa puno nang isang buhoc sutla nang matuyo at malaglag. ang gamot sa sinisingauan ang bibig, na ang tauag nang tagalog doo,, laso tola, daputac, sa uicang castila,, aftas. ang pinanganganlang aftas, ay singao nang bibig, na marahil dumaan sa manga sangol; at ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit nang gayon ay dinarapulac, linalaso tinutula.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"yaong saquit na yao,, manga butil na mumunti, mapuputi, ga madilao dilao, na naguiguing sugat na mabibilog, na sungmisibol sa loob nang bibig, sa lalamunan at sa ilalim nang lalamunan; cun minsan naman ay tungmutuloy at ungmaabot hangang sa baga, at sa manga bituca dinaraanan naman cun minsan noong saquit na yaon ang manga matatandang tauo. itong singao sa bibig cun minsan di man gamutin, ay nauauala; datapoua cun minsan ay nalalagnat, napupuyat at nananab ang nang pagcain ang nagcacasaquit nang gayon. ang manga sangol ay sungmisigao, at aayo sumuso dahil sila,, nasasactan nang gatas cun dungmaraan sa bibig. cun baga malaqui ang lagnat, pati nang pagsaquit nang bibig, at mahirap ang paglon oc ay sasangrahan sa camay ang maysaquit. ang ipacacain doo,, ang linugao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"paiinumin naman nang malimit nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na dinoonan nang cauntin salitre, ga timbang saicapat sa sampuong tazang tubig macaapat maghapon, ay paiinumin nang bilin sa numero timbang calahating saicaulo ang isang inom, na isasama sa isang cuchara noon ding tubig na pinaglagaan nang alagao. touing icatlong arao ay pupurgahin ang maysaquit cun matanda nang bilin sa numero cun aayao siya noon, ay ang sa numero siya ang ipupurga sa caniya. bucod dito ang manga sugat ay babasaing maminsan minsan nang isang caputol na lienzong ibinabad sa gata nang siempreviva, ang lienzo ay tinatalian sa dulo nang patpat. magaling dito sa saquit na ito (ani. santa maria) ang tubig dagta na tungmutulo sa ouay na pinanganganlang talula, na yaon ang ibabasa doon sa manga sugat sa singao nang bibig nang manga bata, at bihira ang hindi gungmagaling. cun minsan ang iquinapagcacasaquit nang manga sangol nang gayong saquit ay ang gatas nang nagpapasuso doon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya cailangang usisain cun yaon cayang nagpapasuso ay guinagalis, binubuni, cun mabaho ang hininga, cun masama ang damdam nang caniyang sicmura; at uala man siyang saquit ay mabuti painumin nang bilin sa numero nang tubig na dinoonan nang caunting suca gata nang dayap; nang manga cajelada limonada numero. cun baga hindi sangol cundi matanda na ang sinisingauan sa bibig, ang pag gamot doo,, para nang pag gamot sa manga sangol, na itinuro co sa parrafo na sinundan nito. datapoua ang ipupurga doon ay ang bilin sa numero at ang ipagmumumog ay ang bilin sa numero . cun tila maitim yaong sungmisingao sa bibig, at yao,, casama nang ibang saquit, lagnat na malaqui, lalo na cun mahirap ang pacaramdan nang may saquit na parating nagsisin oc, at dungmoroal, at hindi lumagay, ay painumin arao arao nang timbang saicapat cahati nang bilin sa numero at ang caniyang ipagmumumog ay ang turo sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"at pag nauala na ang singao sa bibig, cun ang maysaquit hindi nag iilaguin nang malacas ay purgahin nang bilin sa numero at painumin naman nang bilin sa numero sa numero at ito rin ang caniyang ipagmumumog. cun totoong hindi macalonoc ang maysaquit dahilan sa singao nang bibig, ay ang gatas na tinutubigan ay isama sa ibinabanos, at sa isinusumpit sa caniya. ang gagauin sa nahulog sa mataas sa pinalo, sa naipit, sa nahulog sa cabayo sinicaran. ang manga pasa sa catauan gaua nang pagcahulog sa cabayo sa mataas na lugar, dahil sapagca ang may catauan ay pinalo, naipit, ay yaong dugong nadoroon sa casangcapang nasactan, na na bobobo,, napapacalat sa ilalim, sapagca napupunit ang pinaca alulod, ugat na dinaraanang parati nang dugo, at yaon cun minsan ang biglang pagcamatay nang may catauan. caya marami ang biglang nangamatay dahilan sa sila,sinapoc sa sicmura, na yao,, ang iquinaputoc nang pali sa loob.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang magaling sa manga pasa ay ang manga basahang babad sa suca na dinoroonan nang dalauang gayong tubig na malacuco, cun baga matapang ang suca . cun mayroong sugat, ay hindi bagay doon ang suca, cundi ang dahon nang pandacaqui na babayuhin munang maigui bago itapal doon. magaling pa sa pandacaqui ang dahon nang hagunoy sa binayo. na aari naman ang sa numero. masama sa ganoong saquit ang alac ang aguardiente at ang manga tapal na dinoroonan nang taba, sapagca yaong manga yaon ay nacacalapot sa dugo. ang maysaquit ay paiinuming agad nang bilin sa numero na yao,, magaling pa sa sapang atsa ibang datihan ipinaiinom nang mangagamot sa ganoong saquit; datapoua cailangang lahucan nang salitre, timbang saicapat sa apat na taza. itong ganitong painom ay itinutuloy hangang sa gumaling ang maysaquit. ang manga pasa ay hindi sucat hiuain, sapagca cun gauin ang manga turo sa itaas, ay siyang cusang mauauala. ang maigui namang gauin nang tauong masipag mag alaga sa caniyang catauan ay gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun siya,, pinalo, tinamaan nang bato, nahulugan nang anomang mabig at, sinicaran nang cabayo, at uala siyang magamit na gamot doon sa oras na yaon, pagcaraca siya,, umihi ang caniyang ihing mainit ay ibabasa nang ibabasa sa lugar na nasactan; at cun minsan pati saquit ay mauauala pagca guinauang tambing yaon. datapoua cun mahirap ang lagay nang maysaquit sapagca siya,, pinalo nang malacas malalim ang quinahulugan, at malaqui ang tagupac, malaquing bato ang tungmama sa caniyang catauan, sinicaran nang hayop nang malacas at dahil doon ay hindi nacaalam tauo pagcaraca, siya,, nalauon lauong tila patay, linabasan nang dugo sa ilong sa tainga, ang gagauin doon, ay sangrahang madali; ang maysaquit ay masamang quibui,, ugain, at mabububo pa mandin ang dugo, at cun mabig at ang caniyang ulo, siquip ang dibdib, cun namamaga ang tiyan, ang cahulugan noon ay may nabubong dugo sa ulo sa dibdib sa tiyan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun totoong cailangan ang pagsasangra, nang magyaring cunan nang maraming dugo; saca gagauin ang manga bilin sa parrafo na sinundan nito; bucod dito magaling sumpitin arao arao ang bilin sa numero cun ang saquit ay nadoroon sa dibdib, sa tiyan, sa bay auang, sa ibang lagar na masama, ay houag pacanin ang maysaquit nang anoman, cundi painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang palay, linugao lamang. ang boong catauan nang maysaquit ay mabuti doonan ng damit na babad sa tubig na sinucaan; at cun baga ang saquit ay nadoroon sa ulo, ay houag basain nang suca, cundi nang alac sa misa na tinubigan. pag nacaraan ang ilang arao, ay magaling purgahin ang maysaquit nang bilin sa numero . cun minsan ang maysaquit ay magaling galing sa manga unang arao nang masangrahan. saca cun nacalalo ang ilang arao, ay sungmasama uli ang pagcaramdam, at ang pulso,, tungmitigas; cun gayo,, cailangang sangrahang uli.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang nasactan ay tauong matanda na, cun siya,, malacas pa, at marugo, ay cailangang sangrahan, nang macunan ng ga timbang tatlo, apat na pisong dugo. ang ipaiinom doo,, ang bilin sa parrafo. cun ualang marunong sumangra, ay ipacagat sa linta ang piling nang lugar na nasactan. itong pagcuha nang dugo ay totoong capilitang gauin agad dito sa saquit na ito; at pagca nacunan na nang dugo ang maysaquit, ay caalam alam totoong daling guminhaua ang caniyang pagcaramdam. maraming tauo ang sinibulan sa loob nang catauan, at nangamatay nang biglang pagca matay dahil sa pinabayaan ang saquit, at hindi tambing guinamot. ang gamot sa masaquit ang camay paa, dahil sa narapilos ang may catauan cun nagcasala ang caniyang pagdampot nang anoman, na ang tauag nang castila doo,, relajacion recaldura; at ang gamot naman sa may lungmingsad na buto: ang tauag nang castila doo,, dis locacion luxacion.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan dahil sa narapilos ang tauo, dahil sa siya,, nahulog, binatac ang caniyang paa camay, ay sungmasaquit yaong manga casangcapang yaon; at caya gayon, sapagca napacabanat napacaunat ang litid. cun minsan namamaga naman ang casangcapang nasactan. ang gamot doon ay gayon. ibababad pagdaca ang paa camay na nasactan sa malamig na tubig. saca cumuha ca nang dalauang puti nang itlog (houag ang pula) at ihulog mo sa pingan planchang estano. ngayon ang isang caputol na tauas iyong icuscos nang icuscos sa pingang estano na may puti nang itlog; pagca malapot na ang puti nang itlog; ay yari na ang unguento. maglatag ca nang caunti noon sa isang damit, at itapal mo sa masaquit, na yao,, gagauin mong macalaua maghapon. itong mabuting gamot ay turo ni rozier. hindi ma aari ang pingang tinga, cundi ang estano yaon bagang inahihinang sa hojas de lata. caya magaling ang maghanda ca nang isang plancha noon, at itago mo sa bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang manga dulo nang buto nang tauo ay mabilog masubong na sungmusoot, at pungmipihit sa hucay na mabilog din at malucong; at cun ang mabilog na dulo nang buto, ay ungmaalis doon sa hucay na dating quinasosootan, ang pangalan sa ganoon ay lungmingsad ang buto. cun gayon ay cailangang isaoli agad ang buto doon sa caniyang lugar, sapagca cun pinabayaan nang malauong panahon ay hindi na maisaoli, at ang hucay na talagang pipihitan noon, ay nagcacalaman, at caya hindi na maaring sumoot doon. pag nasaoli na ang buto sa caniyang lugar, ay cailangang tapalang parati ang casangcapang nasactan cun namamaga pa nang damit na babad sa tubig at suca; at pagca nauala na ang pamamaga ay samahan nang caunting aguardiente. saca bibigquisang maigui, at houag quiquibuin nang mahabang panahon. na aari rin ang puti nang itlog at ang inciensong binayo na hinahalo capoua, at itinatapal sa masaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bago isauli ang buto sa caniyang lugar cun baga lauon nang lungmilingsad, ay namamaga yaong casangcapang nasactan, ay sasangrahan ang maysaquit bago tapalan nang tinapay na durog at suca, na ito,, gagauing ilang arao, bago atuhin ang pagsasauli nang buto sa caniyang lugar. ang pag gaua nito,, hindi lubhang maliuag, babayi man ang umato. binabatac lamang nang dalaua catauo ang dalauang casangcapang pagtatamaan, at saca ang isang tauo ay caniyang pinatatama ang dulo nang buto sa caniyang susuutan; cun minsan ay hindi cailangan ang tatlo catauo, at na aari ang isa, cun maalam alam humipo,, tumingin. cun baga hindi lamang lungmilingsad ang buto cundi nabali pa, ay gagamutin muna ang pagcalingsad, bago gamutin ang pagcabali. ang gaua nang tagalog sa ganitong saquit ay ipinahihilot sa marunong ang casangcapang lungmingsad; datapoua maliuag gumaling sa ganoong paraan, cun yao,, lungmingsad na totoo. ang gagauin cun lungmingsad ang sihang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang maysaquit ay pinalulucloc sa sahig nang bahay, at ang gungmagamot sa caniya,, lungmalagay na tindig sa licod nang maysaquit; ipinapasoc sa bibig nang maysaquit sa ibabao nang bag ang ang dalauang hinlalaqui nang camay, at ang ibang manga daliri inilalagay sa ilalim ng sihang; pagca gayon na ang taya nang dalauang camay nang gungmagamot, ay idiniriin ang sihang na pailalim, at sa dacong licod ng maysaquit, hangan sa sungmoot sa lugar niya. saca tapalan nang turo sa parrafo. ang gagauin sa lungmilingsad ang cayang liig. cung lungmingsad ang liig nang tauo, ay mamamatay pagcaraca, cundi gamuting madali; caya ang gagauin doo,, pahihigain nang patihaya sa sahig, at ang mangagamot ay lulucloc doon din sa sahig sa ulunan nang maysaquit; saca hahauacan nang caniyang dalauang camay ang ulo nang maysaquit, at pagcaraca caniyang babataquin, at pipihitin nang caunti nang mangyaring tumama sa datihang quinasusuutan. saca tapalan nang bilin sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin cun lungmingsad sa dacong quiliquili ang isang bias nang camay,. cun minsan ang isang bias nang camay, yaon bagang buto na nangagaling sa balicat na patuloy sa sico, ay ungmaalis doon sa dating quinadoroonan. ang gagauin cun gayon, ay tatalian ang camay sa ibabao nang sico, at hihilahin nang dalaua catauo ang magcabilang dulo nang tali; ang maysaquit ay pinalulucloc sa lupa, sa sahig nang bahay. saca ang gagamot doo,, cucuha nang isang servilleta, pano man; na pararaanin sa ilalim nang camay nang maysaquit, at ang dalauang dulo nang pano ay bubuhulan. ang gagamot sa maysaquit, ay isusuot ang caniyang ulo hangan liig sa loob nang pano, at cun hungmihila yaong dalaua catauo, ang mangagamot ay itinataas na magpilit ang caniyang ulo; at cun gayo,, madadala niya tuloy paitaas ang camay nang maysaquit, at saca itinutulac niya nang camay ang dulo nang butong lungmingsad, at pinatatama sa caniyang hucay sa dacong balicat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang maysaquit ay bata babaying mahina, ang isa catauo lamang ay macacapagpaanyo nang butong lungmingsad; hinihila lamang nang caniyang isang camay yaong butong sala, at ipina aanyo tuloy noong isang camay. magaling naman (ani. martin martinez) palucluquin ang maysaquit sa isang luclucang mababa, parang latoc sa halimbaua; pag gayon na ang taya nang maysaquit, ay tatalian sa ibabao nang sico nang isang malapad at matibay na tali yaong caniyang camay na sala sa isang baytang nang isang hagdan; saca inaalis ang luclucan, at pag pinatalon ang catauan nang maysaquit, ay magsasaoli ang buto sa caniyang lugar. saca tatapalan nang bilin sa parrafo. ang gagauin pag lungmingsad ang camay sa sico, sa galang galangan, ang manga daliri nang camay, cun lungmingsad ang paa doon sa tuhod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang camay ay lungmilingsad at ungmaalis doon sa caniyang quinasosootan sa sico sa galang galangan, cun lungmilingsad ang paa doon sa tuhod, cun nagcacasala ang manga daliri nang paa camay, ang guinagaua doon, ay hinihila lamang, bago patamain sa lugar ang butong nagcasala; saca tinatapalan nang bilin sa parrafo. ang gagauin cun lungmingsad ang buto nang hita. cung ang buto nang hita ay lungmilingsad sa dacong pig yi at ang paglabas nang buto ay sa licod nang may catauan, ay ungmiicli ang paa, at hungmaharap nang caunti sa loob; datapoua cun ang paglingsad nang buto ay sa harap, ang paa ay hungmahaba, ang tuhod ay cungmiquiling, at ang paa ay hungmaharap sa dacong labas. cun ang buto nang hita,, lungmingsad sa licod nang may catauan, ay cailangang parapain ang maysaquit, at talian ang hita sa dacong ibabao nang tuhod nang isang malapad at matibay na tali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca hihilahin ang manga tauong catulong sa magcabilang dulo nang tali, at ang mangagamot ay caniyang patatamain ang dulo nang buto sa caniyang lugar. datapoua cun baga ang paglingsad nang buto nang hita ay sa harap nang may catauan, ay pahigain nang patihaya ang maysaquit, saca hihilahin nang malacas ang buto at isasaoli sa caniyang totoong quinalalag yan. saca tapalan nang bilin sa parrafo. ang gagauin sa tauo na may butong nabali, at sa nabasag ang ulo. cun mayroong tauong nabalian nang buto, cun baga may pagcalingsad din ang buto, ay itong paglingsad ang gagamutin muna, para nang turo sa capitulo bago gamutin ang pagcabali nang buto; at ang gagauin nga sa nabalian, ay gayon. ang maysaquit ay ilagay sa husay (capitulo ); datapoua cun siya,, bihasang cumain nang marami, ay mapacacain din nang caunti bucod dito ay cailangang sangrahan ang maysaquit, at inuuling guinagaua quinabucasan ang pagsasangra, cun baga malaqui ang lagnat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang nabalian nang malaquing buto ay pinahihiga muna nang dalauang lingo lamang. saca macababangon na siya; datapoua caniyang dahandahanin ang pagbangon. ang casangcapang nabalian ay hindi sucat ilagay nang patouid cundi balubaluctot nang caunti. magaling naman ang may lubid na natatali sa bubungan nang silid nang maysaquit sa caniyang tapat, nang siya,, cumapit sa lubid cun ibig cumibo. ang catreng quinahihig an nang maysaquit ay binutasan nang houag bumangon cun mananabi. ang butong nabali ay hinuhusay, at ipina aanyo nang isang marunong humipo at tinutouid na magaling. saca doroonan ng dalauang caputol na balat na cordoban man, ang isa sa ilalim at yaong isa sa ibabao, na ibinababad muna sa tubig nang lumambot, bago talian nang labingdalaua labing ualong panaling maicli, na paraparang may caniya nang buhol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa ilalim nang balat ay linalag yan ang casangcapang nasactan nang damit na babad sa tubig na sinucaan, at saca babasain ding parati nang mahabang panahon noon ding tubig na sinucaan yaon ding damit na yaon, hangan sa gumaling ang maysaquit. cun gumaling na ang maysaquit at ang buto,, naghinang na, cun baga hindi rin nauauala ang pagsaquit nang buto,, tapalan nang inciensong binayo na lalahocan nang puti nang itlog. cun baga tadyang ang nabali, ang pag gamot doo,, para nang sa ibang manga butong nababali; houag lamang pahigain ang maysaquit; at cun ang ulo ang nabasag at ualang sugat, ay gayon din ang pag gamot, houag lamang basain nang suca, cundi nang alac sa misa na tinubigan; basahin mo at sundin ang turo sa parrafo . ang gaua nang tagalog pagca mayroong butong nabalian, ay ipinahihilot sa marunong, datapoua yao,, totoong sama, sapagca ang butong talagang maghihinang na, nababali uli bagcus pag quiniquibo. ang gamot sa natinic, nasubol sa tinamaan nang pana, nabaril.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin sa natinic, nasubol, sa tinamaan nang pana, sa tauong nabaril ay gayon. bubunutin pagcaraca, at hahanguin sa catauan ang tinic, ang tatal, ang pana, ang bala na nababaon sa laman. pag nabunot na yaon, ay tapalan ang casangcapang nasactan nang basahang babad sa malacucong tubig. datapoua cun malalim ang pagcabaon nang tinic pana sa laman, at hindi mabunot, mabunot man ang iba ay mayroon pang natitira doon, ay mabuting hiuain nang caunti, cun baga hindi pa totoong namamaga ang casangcapang na nasactan, sapagca cun malaqui ang pamamaga ay masamang hiuain; at ang gagauin cun hindi mahiua, ay tatapat na parati sa singao nang mainit na tubig ang lugar na nasactan, saca tapalan nang tinapay na durog na may casamang gatas at langis na bago nang niyog lana man; cun ualang tinapay at gatas, ay na aari ang ugat nang dilao at ang langis nang niyog na babayuhin capoua, bago itapal doon. cun ualang dilao, ay magagamit ang romero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun yaong lugar na napasucan nang tinic tatal ay nagnanana, cailangang hiuaing madali at saca gamuting para nang turo sa manga parrafo at. cun baga bala ang nacasugat ay gagauin ito ring manga turo sa parrafong ito. cun baga ang nacasugat ay panang may camandag, ay painumin ang maysaquit na madali nang pasuca nang salag salag, pacupis (pepinillo de san gregorio) numero pacanin nang bauang; cun ualang iba ay na aaring ipainom doon ang dumi nang tauo, na isasama sa caunting tubig, nang sumuca. saca hihiuain ang sugat; bubunutin ang pana cun nadoroon, at huhugasan ang sugat nang tubig na may asin, at tacluban nang ventosa mabuti basahin mo ang capitulo. ang gamot sa napaso nang baga polvora, sa nabanlian nang anomang mainit. cun hindi malaquing lugar nang catauan ang napaso, at hindi naglintog, sucat na roon ang tapalan nang damit na babad sa malamig na tubig; yao,, gagauing parati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun mayroong dagta nang aroma, (goma de aroma) ay lahucan nang pula nang itlog, at ilahid doon nang houag maglintog. ang madali at ang ualang liuag sa lahat na gamot, maglintog man ang laman, ay ito. ang isang itlog nang manuc ay hinahalong maigui sa pingan; sinasamahan nang dalauang cucharang langis na bago nang niyog lana man; hinahalo pang magaling capoua, at itinatapal. nguni ang magaling sa lahat na gamot ay ang langis nang cacao, na gayon ang pag gaua. ang isang gatang na cacao, iyong isangag, bago dicdiquin mo nang maliit. saca ihulog mo sa palioc na may tubig, at ilagay mo sa mahinang apoy. hahaluin mong parati nang patpat ang cacao, at yaong langis na lungmulutang sa ibabao nang tubig, iyong ipunin nang isang pacpac nang manoc at ihulog mo sa taza. ilapit mo sa apoy ang taza nang maiga ang tubig na casama nang langis, at pag naiga na ang langis na natitira ay itago mo sa garrafa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong langis nang cacao siya ang mabuting ilahid sa lugar na napaso, nabanlian nang anomang mainit na tubig. magaling din ang bumayo ca nang uling nang langca, at doonan mo nang lana bago itapal, at mauauala pati pilat. cun baga polvora ang nacapaso, ay mabuti lahiran ang napaso nang dugo nang manoc na munti, at saca tacpan nang damit; ang gatas nang babayi ay maigui ring ibasa doong parati; ganoon din ang maputing gabi cun calusin, at samahan nang lana, at itapal sa masaquit, ay nacaguiguinhaua sa may catauan. na aari namang tapalan nang camatis na hiniua, na pinapaltang maminsan minsan, nang mahanginan ang lugar na masaquit. ang isa pang totoong buting itaquip sa gayong sugat, ay yaong tila bulac nang bunga nang boboi. datapoua cun ang lugar na napaso ay malaqui, at ang pamamaga ay totoong laqui naman, ang cailangang gauin (ani tissot) ay sangrahan ang maysaquit, minsan maquiilan yaon sa caniyang calagayan. ang maysaquit ay ilagay sa husay (capitulo .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"houag ipaiinom sa caniya cundi ang bilin sa numero at bucod dito ay susumpitin arao arao. ang gamot sa tauong naguitguitan nagalusan, at sa nasugatan, pati sa nahiua sa tinaga nang ibang tauo. ang mabuti sa nagalusang tauo,, ang laman nang bunga nang boboy yaon bagang tila bulac, na itataquip na magaling doon sa lugar na masaquit. maigui rin ang abo nang papel sangley sa sinunog. gayon din ang gamot sa nagasgasan naguitguitan nang lubid nang ibang bagay, na yao,, rozadura cun tauaguin nang castila. cun mayroong tauong sinugatan, tinaga inulos nang sundang, cun siya,, nahiua, cun baga ang sugat ay munti at hindi lubhang maraming dugo ang lungmalabas, ay maghanda cang madali nang hilas nang lienzong luma, at ilatag mo sa sugat at houag mong idiriing lubha. saca sa ibabao nang hilas ay doonan mo nang isang caputol na lienzong babad sa lana, langis na bago nang niyog, bigquisan mo nang hindi louag at hindi maigting, at houag mong quiquibuin yaon sa isang arao at isang gab.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca cun tatatapin ang sugat, ay aalisin ang hilas na hindi totoong naniniquit doon, sapagca ang hilas na totoong cungmacapit sa sugat, ay hindi cailangang ugcain; doonan lamang nang iba pang bago at sucat. ito lamang gauang itong itinuro co ngayon ay nacabababao sa maraming sugat, at hindi nagnanana; at cun baga nagnanana, ay tapalan nang caunting unguentong madilao numero. cun baga ang sugat ay totoong unti, ay siya na roon ang anlalaua; nguni cun malalim ang sugat at munti ang butas ay cailangang lac han nang caunti ang butas bago gamutin. cun ang sugat ay malaqui, caalamalam mamamaga muna, bago magnacnac; ang maysaquit ay lalagnatin, at cun minsan ay tila masisirasira ang bait.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang magaling gauin pagca gayon ang lagay nang nasugatan, ay ang hilas muna ang itapal sa sugat, at sa ibabao lag yan nang tinapay na durog na dinoroonan nang gatas at caunting lana nang houag maniquit ang tinapay, at yao,, ang ilalagay sa ibabao nang hilas bago bigquisan para nang dati; na aari naman ang tinapay lamang at ang tubig na ualang iba, datapoua cailangang paltan macaapat maghapon. bucod dito ang may sugat, cun nalalagnat ay sasangrahan, cun baga hindi linabasan nang maraming dugo ang sugat; saca ilagay sa husay (capitulo, at susumpitin touing arao na ualang liban. ang isa namang cailangan sa ganoong maysaquit na ang sugat ay malaqui, cun nadoroon sa masamang lugar (sa dibdib baga, sa tiyan, sa bay auang,) ay houag pacanin nang anoman, cundi tubig na pinaglagaan nang palay basabasa; gayon din totoong sama sa nasugatan ang pag gaua nang mahalay, at caalamalam mamamatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga ang sugat ay nadoroon sa ulo, ay hindi magaling doon ang langis, lana cundi ang hilas muna, at saca ang isang tapal ng betonicang binayo (cabling), cun ualang cabling, ay ibabad sa mainit na alac sa misa ang lienzong idoroon sa ibabao nang hilas; saca sundin ang bilin sa parrafo. cun mayroong naputol na ugat ca malaqui, at malacas lumahoy ang dugo, ay maigui roon ang agarico de roble numero at sapagca dito sa filipinas ualang agarico, ay na aari ang colatcolat numero yaon bagang tila cabuting matigas na sungmisibol sa manga cahoy, sa alibangbang baga; ang unang balat nang colatcolat ay itinatapon, ang ibang natitira ay babayuhin, bubugbuguin nang cahoy nang lumambot, at yaon ang itinatapal sa sugat; saca doroonan sa ibabao nang maraming hilas, at isang lienzo, at bibigquisan tuloy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi rin ungmaampat ang dugo, at ang sugat ay nadoroon sa camay paa, ay cailangang bigquisan ang casangcapang nasactan sa itaas nang sugat nang isang bigquis na ang lapad ay tatlong daliri man lamang, na pinipitpit nang isang caputol na cahoy nang umigting; houag lamang pacalulubhain, at maca mabuloc ang laman; maminsan minsan ay lolouagan ang bigquis. cun baga ang sugat ay nadoroon sa tiyan at hindi lungmalabas ang bituca ay gagamutin ang may catauan para nang turo sa capitulong ito; datapoua cun malalim ang sugat at ang bituca ay lungmalabas, uusisaing maigui cun nabutas ang bituca, at cun baga nabutas, na caya na aalaman sapagca linalabasan nang dumi doon din sa butas, ay houag anomanahin cun munti ang sugat; datapoua cun malaqui, ay tatahiin nang sangpouong bilong abaca na pinagquitan nang houag lumabas ang dumi, at ang dulo nang itinahing abaca, ay pababayaang lumauit sa labas nang tiyan nang mahila cun malauon, at pagca siyang cusang sumunod sa camay nang humihila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bucod dito ang bituca ay cailangang hugasan muna at linisin nang alac na pinaglagaan nang romero, bago ipasoc uli sa tiyan nang marahan dahan; saca tinatahi pati nang sugat nang tiyan para nang sinabi cong una, at pagca yari na yaon, ay guinagamot ang sugat para nang turo sa capitulong ito. yaong manga paraan nang pag gamot sa manga sugat na sinaysay co sa capitulong ito ay sucat na sa anomang sugat; datapoua mayroon pang ibang manga bagay na magaling ding maalaman ng mga mangagamot, maca cailangang gamitin nila cun ualang iba. ang romerong nginoya, ay mabuti doon sa sugat; ang manga dahon nang hagonoy ay totoong buting bayuhin munang maigui, at patacan nang caonting lana, bagong langis nang niyog; saca balutin sa dahon nang saguing; at ibaon sa mainit na abo, bago itapal sa sugat at tuloy gagaling, cun gauin mong macalaua, malaqui man ang sugat. maigui rin ang ugat nang baliti na babayuhin bago itapal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang isa pa manding magaling, ay gayon; ang isang caputol na cahoy nang molauin ay iyong lagariin, at ang quinain nang lagari iyong ibudbud doon sa sugat. ang tuyong tai nang cabayo ay maigui rin sa sugat, pag hindi malaqui. ang gamot sa sugat na lauon, na hindi mabahao. ang mga sugat na lauon ay hindi sucat bahauin pagcaraca, ani tissot, sapagca marami ang namamatay nang biglang pagcamatay dahil doon. ang manga sugat na lauon ay gaua cun minsan nang palo, nang bucol sibol na hindi guinamot ng paanyo. cun minsan naman dala ng escorbuto dala nang pagcabuloc nang catauan. cun ang escorbuto ang ibang dahilan ang pinagmul an ng sugat na lauon ay cailangang alisin muna yaong isang saquit bago gamutin ang sugat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pagbahao noong manga sugat na yaon ay hindi lubhang maliuag; datapoua houag bauahin pagcaraca nang mangagamot, cundi paraanin muna sa ibang lugar nang catauan nang maysaquit yaong masamang lungmalabas na parati sa sugat caya ang unang gagauin sa tauong may saquit na lauon, ay purgahin touing icalauang lingo nang bilin sa numero itong ganitong purga ay itutuloy nang malauon, at pag pinurga nang macaitlo man lamang ang maysaquit, ay gamutin na ang sugat para ng sasabihin co ngayon sa mga parrafong isusunod dito ang lungmalabas sa manga sugat ay hindi nana, cundi anaqui tubig na maputi puti, malabnao labnao, at totoong baho na cun mapasayad sa ibang mga laman, ay nagpapalintog cun minsan. pag nabahao na ang sugat, ay itinutuloy ang pagpurga sa may catauan na maminsan minsan. yaong tauong may sugat na ibig madaling gumaling, ay cailangan ang houag siyang cumain nang manga maalat, manga mahanghang, mainit maraming carne, at houag tumiquim siya nang isda at alac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang sugat ay nadoroon sa paa, ay masama sa may catauan ang lumacad na parati, ang magpahangin ang yumapac sa basa, at ang mahanginan ang caniyang sugat. ang isa pang magaling na totoo sa may sugat na lauon, ay lag yan nang fuente sa paa, camay bago bahauin ang sugat. cun minsan ang manga tabi nang sugat ay totoong tigas na cailangang hiuain muna, bago gamutin; datapoua cun hindi matigas ang manga tabi nang sugat ay tapalan pagdaca nang bilin sa numero at sa ibabao lag yan nang ilang lienzong babad sa turo sa numero na macaitlong papaltan touing arao; at sa numero ay macalaua lamang. datapoua cun minsan ay hindi cailangan itong ganitong gamot sapagca maraming sugat na lauon ay nababahao cun pahigain ang maysaquit, at latagan nang hilas ang sugat, at doonan pa sa ibabao nang hilas nang isang tapal na tinapay na durog, bulaclac nang alagao at tubig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bucod dito touing guinagamot, ay cailangang linisin ang sugat at hugasang maigui nang tubig na malacuco na pinaglagaan nang caunting romero, nang dahon nang macabuhay lingangsina hagunoy; ito,, gagauin bago tapalan. cun hindi mo ibig gamitin ang bilin sa numero at sa numero ay na aari ang manga sasabihin co ngayon sa manga parrafong isusunod co dito, na yao,, pauang aral ni. ang manga sugat na ang manga tabi ay matigas, ay mabuti tapalan nang apog na sinubhan; saca linisin at hugasan nang tubig na pinaglagaan nang romero, rosas, bago doonan uli nang apog. ito,, paparatihing gagauin. ang laman na lungmalabis sa manga tabi, cun budburan nang polvos nang puno nang coles na sinunog, ay mauauala cun minsan. itong dalauang gamot tila hindi magaling. doon sa manga masasamang sugat na lungmalapad at lungmalaqui; ay maiguing itapal ang dahon nang lanting na binayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nang mamatay ang manga ood sa manga sugat, ay bumayo ca nang payangpayang, samahan mo nang apog at dahon sariua nang tabaco na pauang binabayo bago itapal. totoong galing naman sa manga gayong sugat ang hugasang parati nang tubig na pinaglagaan nang hagunoy, bago tapalan ng dahon din nang hagunoy na binayo. ang dahon nang tangantangan lingangsina ay totoong galing sa gayong sugat; inilalaga muna ang dahon, at yaon ang ihuhugas na parati sa sugat, bago tapalan noon ding dahong binayo. ang pinanganganlang macabuhay, pag inilaga rin ang dahon, at ang tubig ay ihugas na parati sa sugat, at saca tapalan noong ding dahong binayo, ay na nacagagaling naman. cun baga nagsusugat ang punong catauan nang lalaqui babayi, ay guinagamot muna ang may catauan para nang turo sa parrafo bago lahiran ang manga sugat nang apdo nang bacang lalaqui. maigui ring tapalan nang dahon nang culit na babayuhin muna.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nguni cun bago yaong manga sugat ay dala nang pag gaua nang mahalay ay cailangang tumanong sa marunong, nang siya,, gamutin nang unguento nang mercurio num. ang gamot sa linuluslusan, na ang tauag nang castila sa ganoong saquit ay hernia quebradura. mayroong tauo, na pagca panganac sa caniya ay linuluslusan na; datapoua ang caramihan ay caya linuluslusan, ay gaua nang pagsigao noong bata pa sila, dahil sa pag uubo sa pagsuca. cun matanda na ang tauo, ang pagbuhat nang manga mabibigat ay yaon ang ugaling pinangagalingan nang saquit na yaon. ang lalaqui ay marahil luslusan sa babayi. itong saquit ay bagay bagay; datapoua ang aquin lamang sasaysayin dito ay ang pagpanaog ang pagluslus nang bituca sa pinaca supot nang bayag nang lalaqui, sa ilalim nang punong catauan nang babayi. cun ang bituca, ang linoob nang catauan ay tungmatalon, at naparoroon sa manga lugar na yaon; ang tauag sa nagcacasaquit nang gayon ay linuluslusan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa alin mang tauong linuluslusan, bata man matanda man, ang pag gamot ay iisa rin. datapoua ang manga bata ay madaling gamutin, at bihira ang hindi gungmagaling, alagaan lamang nang tali, bigquis yaong lugar na pinaroroonan nang bituca. yaong tali bigquis na inilalagay doon, ay mayroong sadhiyang pagcatabas, na hindi maliuag isipin nang alin mang marunong dunong, sapagca ibinabagay sa lugar na quinadoroonan nang saquit. ang bigquis ay mayroong apat na dulo; ang dalauang nangagaling sa licod, ay binubuhulan sa ilalim nang pusod; at ang dalauang dulo nang tali na nagmumula sa harap ay ipinapatungo sa bay auang, at doon tinatalian. bucod dito sa guitna nang taling yao,, mayroong isang tila unang munti dalaua caya, na taga pagdiin nang bituca nang houag macalabas uli. datapoua bago ilagay ang tali doon, ay cailangang pacausisaing maigui, cun mayroon pang natitirang bituca sa labas, at cun baga hindi napasoot ang lahat sa loob, ay masamang doonan nang tali ang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan ay hindi maipasoc ang bituca, sapagca ang saquit ay lauon na, at maraming bituca ang lungmalabas. cun gayon ay cailangang igaua ng capaanyoan ang maysaquit at lag yan din nang tali na ualang unan. nang mapasauli ang bituca nang batang linuluslusan, ay pinahihiga muna nang patihaya; dinoroonan nang damit sa ilalim nang pig yi, nang tumaas. pagca yari nito,, cun baga hindi pungmapasoc na cusa ang bituca, ay tinutulungan nang camay na marahan dahan, bago lag yan nang taling itinuro sa parrafo hindi magcacasiya ang isang tali lamang; cailangan ang dalaua; at bago ilagay ang ipapalit sa maruming pinapaltan, ay cailangang tingnan cun nadoroon caya sa loob ang lahat na bituca. cun ibig mo, ay matatapalan ang bata nang lingangsina na idinadarang muna sa apoy nang madaling gumaling, saca dinoroonan nang tali cun baga matandang tauo ang linuluslusan, cun bago pa ang saquit, ay hindi rin maliuag mauala; datapoua cun lauon, ay hindi na ma aari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin doon ay gayon: pinahihiga ang maysaquit nang patihaya, pinatataas ang tuhod nang sumayad ang talampacan nang paa doon sa hihig an. saca ipinapasoc sa loob ang bitucang lungmalabas; itong pagpasoc nang bituca cun minsa,, ualang liuag; cun minsan ay hindi sungmusunod, cundi marunong humipo ang mangagamot sapagca cailangang iriin nang camay na catulong ang manga daliri, at pinipilit pumasoc sa loob ang manga bituca. datapoua cun mahirap ang calagayan nang maysaquit, at hindi sungmusunod ang bituca, ay cailangang sangrahan muna ang may catauan. saca susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan na linalahucan nang isang cucharang mantica at calahating cucharang asin; pagca sinumpit ang maysaquit, ay tatapalan muna nang malauon lauong oras, nang manga basahang babad sa tubig na mainit, bago atuhin ang pagsasauli nang manga bituca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan ang bituca ay pungmapasoc na cusa, pag tinapalang ilang arao ang maysaquit nang dahon nang tabacong sariua na ibinababad sa mainit na alac. magaling naman ang dumi nang baca, na pinatutuyo tuyo muna sa cauali, at sabay pinapatacang parati nang caunting langis, bago itapal sa masaquit. cun hindi rin pungmapasoc ang bituca, ay sumpitin nang malauon ang maysaquit nang usoc nang tabaco para nang turo sa parrafo at siya ang lalong matapang na gamot doon. ang gagauin sa lungmalabas ang tumbong, at sa babaying lungmalabas ang punong catauan. cun mayroong tauo, na lungmalabas ang caniyang tumbong pouit, ay pinararapa muna at pinatataas ang pig yi; saca ang mangagamot ay babasain nang lana ang caniyang manga daliri, at ang tumbong ay caniyang ipapasoc sa loob na marahan dahan; pagca napasaoli na sa loob, ay tapalan nang basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang balat nang granada, duhat camachiles, bago talian nang isang tali na may apat na dulo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun aayao ca noong ganoong paraan, ay tapalan ang pouit nang incienso, sahing at polvos nang sinunog na sungay nang usa, at papasoc ang tumbong. maigui rin ang mag ihao ca sa apoy nang isang dahon palapa nang (maguimaguei) at pag malamig na, itapal mo roon, gagaling ang maysaquit. cun minsan ang paglabas nang tumbong ay dala nang pag iilaguin, na siya ang totoong cailangang gamutin. cun lungmalabas ang punong catauan nang babayi, ay pahihigain nang tihaya. dinoroonan nang damit sa ilalim nang pig yi nang tumaas; binabasang parati nang mainit init na alac ang caniyang punong catauan; saca ipinapasoc nang camay sa loob na marahan dahan, bago doonan nang tali na may apat na dulo. magaling naman ang pinacadahon ng magui (maguei) na inihao muna; baga itapal doon para ng turo sa parrafo na sinundan nito. ang gagauin cun macati ang punong catauan nang lalagui nang babayi, pati sa lalaqui, cun ungmuurong ang caniyang punong catauan, at sa namamaga ang bayag ungmiihi nang nana.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun mayroong lalaqui na ungmuurong ang caniyang punong catauan, ay painumin noong picatubig, na nangagaling sa saguing na pinanganganlang botohan bago bumunga. na aari rin ang tubig sa saguing na pinanganganlang abaca. gayon din ang ugat nang pandacaquing itim, cun cayurin muna, at inumin ang quinayod sa caunting alac sa misa tubig, ay magaling din. cun ang punong catauan nang lalaqui nang babayi ay mabuting basain nang basain nang tubig na pinagbabaran nang caputol na sanga nang macabuhay na mapait, at cun hindi nauauala ang saquit ay mabuti lonoquin nang may catauan ang pildoras pelotillas nang talamponay ayon sa turo sa numero. cun mayroong lalaquing ungmiihi nang nana cun namamaga ang bayag, ang mabuti doo,, painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang colotan. magaling din ang magsumpit siya nang malimit, at magpurga nang bilin sa numero na yao,, gagauin touing lingo. saca iinumin niya ang bilin sa numero hangan sa siya,, gumaling.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga caya ungmiihi nang nana ang maysaquit dahil sa siya,, mayroong bato sa pantog ay magaling uminom siya nang cafe touing umaga; at sundin ang manga turo sa capitulo. ang pagcati nang punong catauan pati nang pag ihi nang nana, ay dala cun minsan ng pag gaua nang mahalay. cun gayon ay cailangang tumanong sa marunong, nang gamutin ang may catauan ng paanyo, at nang pahiran ang caniyang paa nang ungguento nang mercurio numero ayon sa uica co sa parrafo. ang gagauin sa manga batang ipinanganganac na ualang butas ang puit, may sara ang tainga ang punong catauan, cun mayroong pinacatali sa ilalim nang dila. cun mayroong batang ipinanganganac at ualang butas ang pouit, ay bubutasang marahan dahan nang isang lancetang matilos. gayon din ang gagauin cun hindi macaihi ang bata, lalaqui ma,, babayi man, dahil sapagca ualang butas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang batang babayi na may sara ang caniyang punong catauan, ay binubutasan din nang lanceta, bago sootan doon sa lugar na yaon nang isang caputol na tingang mabilog at maicli, na may dalauang pinacatayinga, nang matalian sa bayauang nang bata; at houag aalisin muna hangang di mabahao ang sugat at nang houag madaiti uli ang mga tabi nang butas. cun baga may sara nagdaraiti ang dalauang pinacalabi nang punong catauan nang batang babayi, ay hinihiua rin ng lancetang matalim mula sa itaas hangang ilalim, bago doonan nang caputol na tingang mabilog na may butas na patuloy sa guitna, at saca tinalian sa bayauang para nang uica co nang una. cun ang tayinga,, mayroon isang tila balat na nacatataquip doo,, binubutasan din nang lanceta, houag lamang palalimin ang paghiua. ang manga bata, na hindi macapag uica nang malinao, sapagca doon sa ilalim nang dila mayroong isang pinacatali, pagca gayon ay guinugupit ang tali ng gunting na munti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua houag puputulin ang mga ugat na malalaqui, na nadoroon sa piling. cun malacas lumahoy ang dugo, ay pinapagmumumog ang bata nang tubig na sinucaan na dinoroonan nang ilang butil na salitre, na cailangan ihanda muna. maigui ring basain ang lugar na linalabasan nang dugo nang caonting aguardiente, na ang sa icatlong babagui ay suca. maminsan minsan ay pararaanan ng isang daliri ang ilalim nang dila nang houag magcapit uli yaong mga guinupit. itong lahat ay pauang aral ni. martin martinez. ang gagauin sa quiniquilmos na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay almorranas; na yao,, pamamaga nang puit nang tauo. doon sa pouit nang tauo, mayroong anaqui bucolbucol namumunti, na cun minsan ay namamaga doon sa loob, na hindi naquiquita cundi sa oras nang pananabi. cun namamaga nga yaong manga casangcapan nang pouit nang tauo, ang pangalan sa pagcacasaquit nang gayon, ay quilmosin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan naman mayroong lungmalabas na dugo na yao,, touing bouan touing icatlong lingo; itong paglabas nang dugo doon ay magaling sa may catauan, at hindi sucat paual in; sapagca hindi maca aano sa caniya. ang lalaqui marahil quilmosin sa babayi. ang pinagmumul an nitong saquit na ito ay ang maraming dugo, ang pamamanglao, ang malaquing pagtaba nang may catauan, ang pagsacay na parati sa cabayo, at ang pagliban nang ugaling pananabi, cun ang inaiilaguin nang may catauan ay matigas. ang manga babaying buntis ay marahil daanan nitong ganitong saquit. cun namamaga lamang ang pouit, at ualang dugong lungmabas at ang may cataua,, madilao dilao at caniyang muc ha, at sala ang pananabi niya, ay gagamutin para nang turo sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun ang saquit ay malaqui laqui, at marugo ang may catauan, ay cailangang sangrahan; paiinumin nang bilin sa numero paiinumin din nang bilin sa numero na macaapat maghapon, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan lamang; at houag damihan ang isusumpit. ang pouit na namamaga ay tatapalang parati nang biling sa numero nang sa numero. magaling ding tapalang parati ang pouit na namamaga ng bulac na babad sa gata nang niyog. ang dahon nang romero, cun ilaga muna sa alac sa misa at itapal doong mainit, ay nacaguiguinhaua rin sa maysaquit. mabuti ring tapalan nang dahon nang talampunay . sinabi co na sa parrafo na cun minsan ang pouit ay linalabasan nang dugo, na cundi marami, ay hindi macacaano sa maysaquit. datapoua cun napaparami ang dugo, totoong limit nang paglabas, ay sundin ang turo sa parrafo. ang gagauin sa binabalingoyngoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mayroong tauong linalabasan ng dugo sa ilong na yaon ang pinanganganlang binabalingoyngoy, at cun hindi maraming dugo ang lungmalabas ay mabuting pabayaan; datapoua cun minsan pag talagang tatahanan ang paglabas ng dugo, ay dinaraanan nang pagcalio ang maysaquit, at ang magaling doon cun gayon, ay ang suca na ipa aamoy sa caniya; cun minsan naman ang maysaquit ay lungmulubha pa mandin; ang dugo,, hindi tungmatahan nang paglabas; ang pulso,, ay tila nanginginig, namamatay ang color nang muc ha at labi, at ibig sumuca ang maysaquit. pagca gayon ay cailangang ampatin ang dugo, para nang sasabihin co ngayon sa parrafong isusunod dito. ang maysaquit ay doroonan nang maigting (mahigpit) na tali sa bias nang camay, sa ibabao nang sico, pati sa paa sa ibabao nang tuhod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"babanusan nang malauon ang paa at ang camay nang tubig na malacuco, sapagca ang tubig na malacuco ay nagpapalouag sa manga dinaraanan nang dugo, at palibhasa,, lungmolouag ay malaquing lugar ang mapapaaronan ng dugo sa paa at sa camay. cun ang tubig ay malamig ay masama, at magsisiquip bagcus ang manga ugat na dinaraanan nang dugo. cun mainit ang tubig ay masama rin, sapagca yao,, nacacapagpalacad nang matulin sa dugo; caya bagay doon ang malacuco. pag naampat na ang dugo ay palolouaguin ng caunti ang mga tali houag lamang minsanan, alisin na ang isa, at bayaan doon ang iba hangan di macaraan ang isa dalauang oras. cun mayroong salitre ay ang isang dampot nang dalauang daliri at ang isang cucharang suca, ay isama sa isang tazang tubig, at ipaiinom sa binabalingongoy; ito,, gagauin touing calahating oras. bihirang maysaquit ang hindi gunggmaling, ani buchan, pagca ibabad, basain nang basain nang malamig na tubig ang caniyang punong catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling naman ang isang sigarrong hilas; itong pinaca cigarro ay ibabad mo sa aguardiente na ang sa icatlong bahagui ay suca, at isoot mo sa ilong ng maysaquit, at paabutin mong magaling sa itaas. totoong igui dito naman ang matigas na colatcolat, yaong tila cabuti numero na sungmisibol sa alibangbang, sa palsahingin sa ibang cahoy; ang unang balat sa ibabao ay inaalis nang sundang; ang icalaua,, quinacayod, at ang pinaca cigaroong hilas, ay pinagugulong doon sa pinagcayoran nang colatcolat, nang maniquit sa hilas at saca isinosoot sa ilong; at houag ogcain doon maampat man ang dugo, cundi pabayan doon; at siyang cusang malalaglag, pag nacalalo ang ilang arao. ang binabalingoyngoy ay hindi sucat quibuin ang caniyang catauan, at cun siya,, malimit magcasaquit nang gayon, masamang cumain ng marami cun gabi; hindi sucat uminom nang alac, cumain nang manga mahahanghang maiinit. bagay sa caniya ang pag inom nang malimit nang bilin sa numero nang timbang sa icaualong salitre touing hapon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"masama namang tacpan nang damit ang caniyang ulo, at cun siya,, nahihiga masama ang mababang unan. ang gamot sa lungmulura nang dugo. cun ang dugong inilulura nang may catauan nangagaling sa baga, ang color nang dugo ay mapulang mariquit, at may bula cun minsan; tila may sungmisintac sa loob nang dibdib, ang paghinga ay mahirap hirap, at cun minsan may ubo pa. cun maraming dugo ang inilulura nang maysaquit ay cailangang gamutin agad. itong paglura nang dugo, cun minsan ay dala nang caramihang dugo nang may catauan, sapagca mahina, sala caya ang ibang casangcapan nang dibdib. ang pagtacbo nang matulin, ang pag inom nang alac, ang paghabi, ang pagsigao ang pagcacanta, ay parapara cun minsan yaon ang pinangagalingan noong saquit na yaon. gayon din ang pag urong nang panahon sa manga babayi, ang pagtahan sa totoong init, ang lauong pag uubo, cun minsan ay sinusundan nang paglura nang dugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin sa nagcacasaquit nang gayon ay untian ang caniyang cain; houag painumin nang alac: painuming parati nang bilin sa numero bagay sa maysaquit ang pagcain nang bunga nang sampaloc, nang ibang manga bungang hinog nang cahoy. cun maraming dugo ang inilulura nang maysaquit ay cailangan doonan nang tali sa ilalim nang tuhod at sa ibabao nang manga sico. ang isa pang totoong galing dito ay banusan nang malacucong tubig hangan tuhod. magaling din ang painumin ang maysaquit, na macalaua maghapon, nang isang tagayang tubig na hinulugan nang dalauang cucharang jarabe nang suca nang verdolagas (olas man). datapoua cun baga ang maysaquit ay mataba at magaling ang catauan, cun totoong init nang caniyang pagcaramdam, nalalagnat caya, ay sasangrahan muna minsan maquiilan sa camay, bago gauin ang ibang manga turo co sa parrafong ito. ang lungmulura nang dugo,, masamang humiga; masama naman sa caniya ang pagsigao, at ang siya,, cumibo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bucod dito hangan hindi gumaling na totoo, ay masama sa caniya ang paghabi, ang pananahi, at ang pagdurugtong nang abaca. nota ang lungmulura nang dugo, ay magaling uminom nang catauan nang pacpac lauin na ilalaga sa tubig ga isang dacot carami. yaong damo ay sungmisibol sa catauan nang cauong . itong gamot totoong buti. ang gamot sa sungmusuca nang dugo. ang pagsuca nang dugo ay masamang saquit, sapagca bucod doon sa dugong isinusuca, ay mayroong ibang dugo, na napapahulog sa manga bituca, at yaon ang iquinapag iilaguin nang may catauan nang masamang pag iilaguin. ang gagauin sa ganitong saquit, ay ang manga tali sa paa,, camay, at ang banos sa malacucong tubig hangan tuhod. saca sumpiting parati ang may catauan. ang caniyang cacanin ay caunti; ang tubig na malamig ay totoong bagay doon, at lalo pa cun lahucan nang suca, nang caunting espiritu de azufre, na bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pag napatahan ang dugo, ay cailangang purgahin maminsan minsan ang maysaquit nang purgang mahina, para nang turo sa numero. cun babayi ang sungmusuca ng dugo dahilan sa inurungan nang panahon, ay sangrahan muna, bago gauin ang ibang manga bilin co dito sa parrafong ito. ang gagauin sa ungmiihi nang dugo. cun ang inaiihi nang tauo, ay tunay na dugo, at cun patuloy na hindi mahirap iihi, ay yaong dugong yaon, ay sa manga bato nangagaling. datapoua cun ang dugo ay caunti, maitim itim at masaquit iihi, at saca mainit at masama ang pagcaramdam nang may catauan sa tiyan, ay yaong dugong lungmalabas ay nangagaling sa pantog. ang pag ihi nang dugo cun minsan ay dala nang pag urong nang panahon sa manga babayi, gaua nang pagsacay sa cabayo, sa pagcahulog sa mataas, sa pagbuhat nang mabig at, sapagca mayroong bato sa pantog, cun minsan gaua naman nang manga purgang matapang manga parapit caya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua mayroong pag ihi ng dugo, na yao,, dala nang caramihang dugo nang may catauan, na cun hindi maraming totoo ang inaihing dugo, ay hindi masama yaon sa caniya; cun minsan doon sa dugong inaiihi mayroong casamang nana. ang gamot sa saquit na ito ay gayon. cun baga matabang totoo ang may catauan, ay sasangrahan, susumpitin nang malimit, at pupurgahin nang manga mahihinang purga, para nang mana, ruibarbo, cremor tartaro: cun uala yaon, ang sa numero ay magaling din. cun ang maysaquit ay nanlalatang totoo nang caiihi nang dugo, ay painuming macaitlo maghapon ng bilin sa numero. cun ang pag ihi nang dugo ay casama nang bulutong nang manga lagnat na malaqui, ang lagnat ang bulutong ay guinagamot muna para nang turo sa manga capitulong nacaraan, at ang pag ihi nang dugo ay siyang cusang mauauala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang dugo,, may casamang nana, at nahahalatang may sugat doon sa manga bato sa pantog, ang maigui roon ay maglaga sa isang tagayang tubig nang dahon nang saga (oruzuz) at ugat nang colotan; doonan yaong tubig nang timbang cahating goma (dagta) nang dalandan goma nang lucban, at nang timbang isang saicapat na salitre, at ang maysaquit ay paiinuming maminsan minsan nang isang taza noong tubig na yaon. maigui roon naman ang suero nang gatas, cun hindi pa maasim; nguni,, iinumin nang malauong panahon. ang gamot sa mayroong bato sa pantog, pati sa tauong binabalisaosao, sa mahirap umihi. caya nahahalatang may bato sa pantog ang may catauan, sapagca cun umihi, ay sungmasaquit ang dinaraanan nang ihi, na patuloy ang pagsaquit hangan sa dulo nang punong catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang isa pa roon ay macati yaong casangcapang yaon, na dahil doo,, parating quinacamot, at pinipisil nang may catauan; ang pos on ay mabigat, at cun malaqui ang batong nadoroon sa loob, ay bahag ya na macaihi ang maysaquit, at cun umihi ay patac patac. ang bagay dito sa binabalisaosao ay ang pagsasangra sa maysaquit, lalo pa cun ang saquit ay bago, at mataba ang may catauan; gayon din mabuti pacapitan sa linta ang pouitan nang maysaquit. saca susumpitin nang malimit; babasaing parati ang bayauang at ang punong catauan nang tubig na malacuco, nang tubig na pinaglagaan nang culutan, nang tubig na ang sa icatlong bahagui ay gatas. ang iinuming parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang timbang tatlong pisong catauan nang maiz na sariua tuyo man sa apat na botellang tubig hangan sa maiga ang isang botella. gayon din ang tubig na pinaglagaan nang hagunoy ay totoong buti, ang tubig na pinaglagaan nang talbos nang cahel.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mabuti rin ang pag inom touing umaga nang cafe, ayon sa turo ni linneo maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang ugat at dahon nang salay tanglad. sa ungmiihi nang buhangin bato, magaling naman ang tubig nang apog na bago sa cabebe numero hinahalo ang apog at ang tubig, at pag malinao na ay isinasaling marahan dahan sa ibang sisidlan, ay yaong tubig na yaon ang iinuming parati nang maysaquit, ga pito ualong taza sa isang arao. mabuti rin ang maputing sabon castila timbang piso arao arao, na tinutunao muna sa tubig na inaiinit sa apoy; pag tunao na ang sabon at malamig na ang tubig, ay uubusin nang maysaquit sa isang arao yaong lahat na tubig na pinagtunauan nang sabon. cun hindi matiis nang caniyang sicmura ang ganoong caraming sabon, ay houag uminom pagcaraca nang marami hangang hindi namimihasa pa. cun ualang bato sa pantog cundi binabalisaosao lamang, mahirap umihi ang maysaquit, ay gagauin lamang ang lahat na bilin sa parrafo . ang isa pang gamot na totoong galing ay gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang tatlong bahagui, ang timbang piso caya nang ugat nang damong pinanganganlang sansaosansauan (at sa batangan calacalamayan) ay ilalaga sa dalauang botellang tubig, at cun mayroong sal amoniaco dinoroonan nang timbang isang butil na palay noon. cun ualang sal amoniaco ay bayaan. pagca laga nang malauon lauon at malamig na ay sasalain, at ang maysaquit ay binibig yang macaapat maghapon nang isang taza. itong damo,, quilala nang manga bata, sapagca ang dahon ay canilang pinipirot sa tubig; at ang gatas noon ay lungmalapot sa arauan parang calamay. ang catauan noon ay ganga tingting nang ualis, at namumulupot sa cahoy. ang bulaclac ay totoong unti at ualang color. ang ibang puno ay bungmubunga, at ang iba,, hindi. cun mahinog ang bunga ay mapula, at mayroong isang boto sa loob. marahil maquita sa manga bayabasan. itong gamot ay magaling pati sa ungmiihi nang nana; houag lamang lag yan nang sal amoniaco.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling namang totoo sa quinagat nang ahas, pati sa masiquip ang dibdib, nang siya,, lumura nang maloualhati. ang gamot sa ungmiihing parati di man cusa nang caniyang loob. ang manga sangol, ang manga matatanda, at ang manga babaying buntis, lalo pa ang nahirapan sa panganganac, ay marahil daanan nitong ganitong saquit. cun baga nagcacasaquit ang tauo nang ganoon, sapagca nagambol, at lungmubay ang dinaraanan nang ihi ay ualang magauang gamot doon. datapoua cun ang inaiihi nang maysaquit ay marami pa sa caniyang iniinom, cun ang ihi ay catulad ng iniinom, at mainit ang pagcaramdam nang may catauan, at nalalagnat lagnat nang caonti, ay mabuti purgahin nang bilin sa numero sa numero magaling din cun minsan ang painumin ang maysaquit nang tubig nang apog sa cabebe numero na pinagbabaran nang balat nang camachiles, balat nang bayabas, ayon sa turo ni buchan. maigui rito naman ang dita numero timbang tatlong bahagui arao arao, na isinasama sa alac at ipaiinom sa maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling sa caniya ang pagcain nang yuro, hipon at manga talaba. ang gamot sa hindi nananabi. masama sa saquit na ito ang paglocloc na parati, ang pagdaramit nang marami, ang pagtahan sa hihig an ang malauon, at ang pag iisip na parati nang manga maliliuag. ang hindi manabi para nang dati, ay magaling cumain nang lutong bunga nang cahoy; bagay naman sa caniya ang mantica, ang pulot, ang azucar, ang suero, at ang gatas; cun itong manga bagay na ito ay hindi macauala noong saquit na yao,, magaling uminom ang maysaquit nang caunting ruibarbo, na macaitlo touing lingo. maigui roon naman ang tubig na dinoonan nang gata nang cahel, na ualang azucar, na yao,, sa umagang umaga,, iinumin; magalin din ang pagcain nang cahel cun umaga. ang tubig na pinaglagaan nang ugat nang hagunoy ay mabuti naman doon sa hindi manabi. cun ang maysaquit nahihirapan nang pananabi dahil sa matigas ang dumi ay magaling sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang lantin (llanten) timbang piso.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gamot sa sinisingauan, sa namumula ang mata. ang pinagmumul an nitong saquit na ito ay ang hanging malamig na casama nang ulan, ang pagbasa, ang pagtingin nang malauon sa maputi, ang pagcapuyat, ang pagsulat, ang pananahi, ang pagdurugtong nang abaca cun gab, ang biglang pag urong nang pauis, ang pag inom nang alac na marami, ang mahabang pag ulan, ang calimitan nang pag gaua nang mahalay, at ang pagtahan sa manga mababang lupa. cun minsan ay sungmusunod yaong saquit sa bulutong at sa ticdas. ang nagcacasaquit nang gayon ay hindi macatingin sa liuanag; ang mata ay masaquit na totoo at namumula; ang pulso ay madalas at matigas, at cun minsan nalalagnat ang may catauan. ang maysaquit ilalagay sa husay nang maysaquit na magaling galing nasa capitulo. cailangan namang sangrahan, lalo pa cun magaling ang catauan cun mayroong maraming dugo; cun ualang maraming dugo, ay cailangang purgahin nang bilin sa numero sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang iinumin niyang parati ay ang turo sa numero maigui ring banusan nang malacucong tubig hangan tuhod, at cun mahirap ang pagcaramdam niya ay ahitin ang ulo touing lingo. cun hindi rin nauauala ang saquit nang mata, ay lag yan ang maysaquit nang parapit numero sa batoc sa licod nang tayinga, at pabayaang sumago nang ilang lingo. cun ang saquit nang mata ay malaqui, ay tapalan cun gabi nang tinapay na durog at gatas na pinatacan nang caunting lana, at cun umaga,, hugasan ng gatas na malacucong tinubigan. pagca nauala na ang saquit, cun minsan ang mata ay hindi pa gungmagaling na totoo; cun gayo,, maigui hugasan cun umaga at cun gabi nang tubig na sinucaan. ang tauong malimit magcasaquit nang gayon, ay mabuti magfuente sa isa sa dalauang camay. ang isa pang gamot nang taga africa sa manga sarisaring saquit nang mata, ay tinatapalan cun gabi nang atay na hilao nang sisiu. ang gamot sa may colaba, sa, may bilig sa mata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun mayroong tauong may colaba bilig sa mata, ang isang capiraso na azucar piedra ay bayuhin mo nang maliit, at ibudbod mo sa matang maminsan minsan; bumunot ca nang pacpac plumang mura nang sisiu na maputi, at ang dugong nadoroon sa dulo nang pluma ay iyong pigain at ilahid sa colaba nang mata. maigui rin patacan ang mata nang dagta nang dahon nang pandacaqui. ang gata nang aligbangon ay mabuti naman doon. itong lahat ay aral ni. clain; datapoua hindi co na aalaman cun macagagaling yaon. dapat atohing gauin ang pildoras numero cun ibig mo ay basain ang mata nang alac sa misang pinagbabaran ng cataua,, dahon nang argemone yaon bagang damong itinuturo co sa parrafo. ang gamot sa hindi macaquita, magaling man ang caniyang mata, na ang tauag nang castila doo,, gota serena.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mayroong tauo, na cun tingnan ang caniyang mata, ay anaqui para nang mata nang ibang tauo, datapoua,, hindi siya macacaquita; cun baga caya hindi siya macaquita, ay sapagca nalubay, ga namatay ang cabagsican nang litid nang mata, ay ualang magauang gamot doon. datapoua cun dala nang masamang singao nang catauan, ay cailangang sangrahan muna ang may catauan cun maraming dugo siya, cun bata pa. bucod dito ay palonoquin ang maysaquit arao arao nang dalaua tatlong pildoras pelotilla na bilin sa numero saca doonan nang parapit numero sa batoc sa licod nang tayinga, na pababayaang sumago doon nang malauong panahon, at cun minsan macacaquita na ang maysaquit. ang gamot sa may sugat sa suloc nang mata, sa liran. ang gagauin sa may sugat sa suloc nang mata ay ang manga turo sa capitulo. ang sugat nang mata ay maiguing lahiran nang tubig na pinagtunauan nang laman nang bunga nang aroma na linahucan nang caunting asin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mabuti rin doon ang sucang pinagbabaran nang caputol na tanso, para nang manga cuartang malinis. magui ring lahiran nang dagta nang argemone na yao,, damong sungmisibol sa manga patio nang simbahan nang maalat pati sa tondo; ang bulaclac noon ay malaqui,, madilao; ang catauan pati nang bunga sampon nang dahon ay matinic; ang dagta noon ay madilao. ito,, turo ni linneo. ang gamot sa masaquit ang tayinga. cun baga masaquit ang tayinga, ay mabuti patacan nang gata nang lasona, na may calahoc na gatas nang babayi; mabuti rin ang gata nang calabasa. cun baga caya lamang sungmasaquit ang tayinga, sapagca nalamigan, ay magluto ca ng isang daga sa alac, hangan sa matunao, salain mo yaong alac, at maminsan minsan mong patacan ang tayingang masaquit noong ding alac na mainit init, at mauauala ang saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun namamaga ang tayinga ay maglaga ca ng balat nang granada sa ihi nang tauo na may ilang arao na ang ihi, at yao,, ibasa mo sa tayinga at mamamatay ang manga ood, cun baga mayroon; cun ibig mo ang gata nang romerong binayo ay isa rin. itong lahat ay uica ni clain. datapoua mayroong isa pang gamot na totoong buti, na yao,, gayon. magihao ca sa apoy nang isa dalauang dahon nang sorosoro na ang tauag sa maynila doo,, lengua de perro, at ang gata noon iyong isoot sa tayinga nang isang pacpac na munti nang sisiu. yaon ay gagauin mong macalaua macaitlo maghapon. cun hindi macaringig ang may catauan ay magaling doon sa tayinga ang gata nang coles na may casamang alac sa misa. maigui rin sootan ang tayinga nang caunting bulac na ibinabad, sa alac na pinagtunauan nang ga dalauang butil na almizcle; bucod dito ang ulo ay tatacpan nang pano, at masamang mahanginan. santa maria, ay totoong galing sa masaquit na tayinga ang patacan nang taba nang buaya, at cun minsan mauauala ang pagca bingi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"na aari rin ang taba nang baboy. mabuti doon naman sa hindi macaringig ang gata nang yerbabuena . ang uica nang iba, ay magaling din ang gata nang ruda. cun minsan ang tayinga caya masaquit; ay may erisipela (culebra) sa loob. cun gayon ay gagamutin para nang turo sa capitulo . ang gamot sa inuurungan nang pauis, galis, buni, cun nauauala ang talagang bubucol, sisibol sa catauan; at hindi tungmutuloy. ang tauong binubuni, pinapauisan guinagalis na dati, na biglang nauaual an noong manga saquit na yaon, cun baga siya,, binubulutong tiniticdas, quinuculebra, cun tinutubuan nang anomang masama, at hindi tungmoloy, cundi lungmulubog at napaiilalim, cun minsan siya,, maguiguing etico, hihicain, daraanan caya nang hindi macahinga, nang ibang saquit na masama. cun ang may catauan ay naghihirap dahil sapagca nauala yaong pinaca singao nang catauan; ay mabuti ang siya,, magdamit nang maramirami magbalabal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca uminom siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na dinoroonan nang caunting nitro, salitre, at macalaua maghapon caniyang cacanin ang timbang cahati nang bilin sa numero bucod dito ay magpupurga siyang parati. cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang manga paa hangang tuhod, at babanusan naman cun umaga at cun gab nang malacucong tubig. ang caniyang iinuming parati ay ang bilin sa numero ang sa. houag siyang cumain, cundi gatas nang baca, cambing, calabao. cun malubha ang maysaquit ay parapitan sa batoc, sa guitna nang dalauang balicat, sa manga bias nang manga camay, sa manga paa; saan man doon ay na aari; cun baga galis ang lungmubog ay maigui igaua nang capaanyoan ang maysaquit, nang mangyaring siya,, malalinan uli nang galis. ang gamot sa namamaga ang boong catauan na ang tauag nang castila doo,, hidropesia.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun namamaga ang boong catauan nang tauo, hindi man ang boong catauan, cun hinihipo nang camay ang laman ay malata at malamig; at cun idiniriin nang daliri, ay bungmabaon sa laman ang daliri, at nagcacahucay doon, na hindi nauauala pagcaraca; caya gayon ay sapagca ang pinaca tubig na dating calahoc nang dugo, ay bungmubucod at napapatahan sa ilalim nang balat nang catauan. ang unang namamaga ay ang paa at hita, at hungmahalili ang boong catauan; sa bay auang mayroong isang tila bucol; ang balat ay ga maguintab, namumutla, at lungmalamig, at hindi lubhang nacacaramdam; ang paghinga ay mahirap, at lalo pa cun gab, cun bagong nacacain; ang maysaquit nag uubo; hindi pinapauisan; ang pulso ay munti, malalim, madalas at gulo; ang ihi ay hindi luto, at hindi rin marami; ang inaiilaguin ay hindi rin luto, at may dugo pa cun minsan; ang maysaquit ay mahina; nauuhao na parati, at hindi macacain; ang dila cun minsan; ay tuyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun malalauon lauon, ay nalalagnat dahilan sa tubig na nabubuloc sa manga laman, at pagca gayon ang caniyang hininga ang lauay at ang ihi ay mabaho. maraming dahilan ang iquinapagcacasaquit nang tauo noong gayong saquit. cun minsan yaong saquit ay minamana; cun minsan dala nang pag inom nang alac na matapang, dala nang pagpupurga pagsasangra nang totoong limit, nang pag inom nang tubig na malamig pag ang tauo,, nainitan, galing sa malaquing gaua; cun minsan dala nang pagtahan sa mababang lugar nang pagcain nang manga ualang sustancia. nagcacasaquit din nang ganitong saquit ang matamaring cumibo, ang hinica, ang nangiqui, ang nag ilaguin nang malacas, at ang inurungan nang galis, buni, nang sa bouan bouan cun baga babayi. caya ang pag gamot doo,, maliuag; datapoua cun minsan ay gagaling ang maysaquit cun talaga siyang gagaling capag sundin niya ang manga ituturo co ngayon. ang maysaquit ay tatahan sa lugar na mainit at sa ualang maraming ilog laua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi na aari sa caniya yaon ay maglagay siya nang bagahan doon sa silid na tinatahanan niya magbago muna nang bayan; mag ingat siya sa calamigan nang gab, ang caniyang cacanin ay tinapay na matigas ihao sa baga; ang carne at ang isda na caniyang cacanin ay ihao rin sa baga, at maigui sucaan, doonan nang gata nang dayap. ang maysaquit ay hindi sucat uminom nang tubig, magmumumog siya lamang iinom nang caunti; magaling din ang alac sa misa na hindi maitim, na pinagbabaran nang ajenjos. mabuti rin, ani buchan, ang pag inom cun umaga,, cun gab nang isang cucharang bot nang mostaza na hindi bayo na ihuhulog sa isang tazang tubig na pinaglagaan nang luya. bucod dito ang maysaquit ay lalacad na parati, sasacay sa cabayo, maigui ring cuscusing parati ang caniyang catauan nang basahang tuyo at mainit; ang damit na gagamitin nang maysaquit ay ang tinina nang azul, na pasasayaring maigui sa catauan, at masama ang louag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"touing umaga paiinumin ang maysaquit nang isang cuchara nang bilin sa numero. itong gamot na ito,, itinutuloy hangang mauala ang pamamaga nang catauan. ang ungmiinom noon ay ungmiihi nang marami, at yaon ang nacacauala nang pamamaga. cun hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, painumin man noong turo co ngayon, ay damidamihan yaon ding painom na bilin sa numero at cun baga ungmuunti unti na ang pamamaga, ay bigquisang maigui ang catauan, at painumin ang maysaquit nang timbang dalauang piso nang bilin sa numero isang oras bago cumain, cun tanghali at cun gab. itong dalauang gamot na ito; ang bilin baga sa numero at sa ay itinutuloy, hangang sa gumaling ang maysaquit. ang manga purga at manga papauis ay nacacagaling din sa nagcacasaquit noong saquit na yaon. datapoua sapagca cun minsan nacacasama bagcus, caya magaling sa lahat ang manga itinuro co sa manga parrafo at sa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"maigui rin (ani buchan) carlitan ang paa nang maysaquit hangan sa binti, houag lamang palaliman ang carlit, bago basain nang alac, aguardiente ang lugar na quinarlitan. mayroong isa pang pamamaga nang catauan, na hungmahalili sa lagnat na pangiqui na lauon; at ang bagay doon ay yaon ding manga sinabi co sa parrafo at sa. cun ang paa lamang ang namamaga susundin ang manga turo sa parrafo at. uica nang isang marunong na tauo, na si. mariano lagasca ang ngalan, na sa saquit na pamamaga nang boong catauan, pati sa pamamaga nang tiyan (bilbil), at sa pamamaga nang manga paa, na totoong galing nang langis sa castila, aceite de olivas ayon sa hatol nang maraming mabantog na medico. binabasa nang langis ang camay, at linalahiran nang malauon lauon ang boong catauan nang maysaquit, na yao,, gagauing macalaua macaitlo arao arao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang tiyan ang namamaga,, siya lamang ang linalahiran; at cun ang paa lamang ang namamaga, ay gayon din siya lamang ang lalamasin nang langis, at ang lacad nang camay ay paitaas. itong gamot ay nacagaling sa marami; lalo pa cun ang saquit hindi pa nalalauon. hindi co ma aalaman cun ang langis sa niyog ang sa linga ang sa lingansina ay macacagaling naman datapoua cun mayroong sungmisibol na anomang bagay sa paang namamaga,, houag lahiran nang langis. ang gamot sa namamaga ang tiyan, na yaon ang pinanganganlang belbel berben. cun minsan mayroong naiipong tubig sa tiyan nang tauo, na yaon ang dahilang iquinapamamaga noon, at ang pangalan sa saquit na yao,, bilbil .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang tubig ay gungmagala at nagbabago nang lugar, cun ang may catauan ay nagbabago naman nang lagay; ang pulso ay munti, madalas at matigas tigas; caunti ang inaiihi nang maysaquit; nauuhao siyang parati, yungmayayat, at ang paghinga ay mahirap; ang maysaquit ay nanhihina pa mandin cun malauon, nag uubo siya, at may lagnat na caunti. ang pinagmumul an nitong saquit ay yaong manga sinabi co sa parrafo. cun ang saquit ay bago pa, cun minsan gagaling ang may catauan, painumin lamang nang biling sa numero sa numero ayon sa turo co sa parrafo. cun hindi rin ungmuunti ang pamamaga nang tiyan, pag nacacaraan ang ilang arao, at hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, ay painumin nang bilin sa numero at touing arao bago cumain cun umaga, ay paiinumin din nang timbang saicapat nang bilin sa numero cun gab bago humiga ay paiinumin uli noon ding painom sa numero. cun nacalalo ang isang anim na arao, ay bibig yan nang purgang turo sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun ang maysaquit ay hindi gung magaling galing, ang ipupurga doo,, ang sa numero cun nacaraan ang anim na arao, ay capupurgahing uli; susundin naman ang lahat na sinabi co sa parrafo. cun baga nacalabas na ang manga tubig sa tiyan, at nauala ang pamamaga, ay painumin arao arao ang maysaquit nang alac na itinuro co sa numero ga isang taza carami, nang lumacas ang sicmura, at ang manga bituca. cun hindi rin nauauala ang pamamaga nang tiyan, ay tutudluquin nang carayom nang isang marunong na medico, ga apat na daliri sa ilalim nang pusod, at houag sa guitna, cundi sa dacong taguiliran. yaong carayom na yao,, mayroong sadiyang sootan, na ang magcabila ay butas, at casabay rin nang carayom, cun ibaon sa laman. cun inaalis ang carayom, ay natitira doon sa tiyan ang pinaca bahay na quinasosootan nang carayom; at palibhasa,, may butas ang magcabila, ay doon lungmalabas ang tubig parang sa alolod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang tubig ay palalabasing minsan, datapoua marahan dahan, nang houag malio ang maysaquit; at nang mapalabas na maigui ang tubig, ay binibigquisan ang tiyan nang manga malalapad na bigquis, na cun bago,, louag, at cun lungmabas na ang tubig, ay higpithigpitang marahan dahan. saca painumin ang maysaquit nang bilin sa numero at susundin ang manga turo sa parrafo. cun baga namamagang uli ang tiyan, ay catudloquin pa nang marunong sa ilalim nang unang tudloc. basahin mo ang nota nang parrafo. ang gamot sa namamaga ang manga paa. ang pamamaga nang paa ay marahil humalili sa lagnat na pangiqui, sa saquit na hica, sa culebra, sa pag iilaguin nang malacas, sa manga lagnat na ualang hibas, sa cabuntisan, at sa pag urong nang sa bouan sa manga babayi. itong pamamaga nang paa, ay nauauala siyang cusa cun malauon, capag nacuha ang totoong saquit na pinangali ngan noong pamamagang yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun ang may catauan ay lauon nang ualang saquit, at hindi mauala ang pamamaga nang paa, ay maigui ang siya,, lumacad na parati. cuscusin ang paa nang isang basahang tuyo,, mainit, at bigquisan nang damit na maigting igting. mabuti rin libutin ang paa nang gaboc na tuyo na mainit init, na may casamang asin; houag siyang uminom nang maraming tubig; uminom siya ng caunting alac. cun umaga,, cun hapon, ay paiunumin ang maysaquit nang bilin sa numero timbang saicaualo, na tutunauin sa isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. cun masama ang sicmura, ay painumin arao arao nang timbang saicapat nang bilin sa numero at cun hindi naniniya yao,, big yan nang dalaua tatlong cuchara maghapon nang turo sa numero. basahin mo ang nota nang parrafo . mayroong tauo na cailan man ay namamaga ang caniyang paa. ang gayong maysaquit ay masamang gamutin at caalamalam lulubha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan ang manga paang namamaga, ay pungmuputoc cun malauon at nagsusugat, na hindi masama yaon; datapoua sapagca ang ganoong sugat ay malauon bago mabahao, at cun minsa,, nabubuloc, ang maigui ay tacpan nang damit ang paa, nang houag mahanginan; tatapalan naman nang bilin sa numero. ang maysaquit ay ilalagay sa husay nang maysaquit na magaling galing na capitulo at houag palacarin. maminsan minsan ay pupurgahin nang bilin sa numero at arao arao paiinumin nang bilin sa numero timbang saicapat. ang gamot sa nabiquig sa naloogan, nang anomang bagay sa lalamunan, na hindi macatuloy sa ilalim. cun ang tauo,, mayroong linon oc na anomang bagay, na hindi macatuloy sa sicmura, cundi napatahan sa lalamunan, ang maigui ay itulac na pailalim, cun ang nadoroon ay tinapay, carne, gulay, bunga nang cahoy, boto nang manga bunga. cun ang nadoroon ay tinic at nasisilip nang mata, ay mabuti hanguin nang sipit na cauayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong sipit ay doroonan nang munting sangcal na tataliang maigui; at pag ang sipit ay pinaabot na sa tinic, ay hihilahin nang camay ang sangcal, nang maipit ang tinic. totoong buti naman ang isang cauad na tanso, na ang isang dulo ay baluctutin nang caunti parang binuit; yaong isang cabilang dulo ay binabaluctot din nang mahauacang maigui sa camay ang pagca baluctot nang magcabilang dulo ay patatamain capoua sa isang taguiliran, nang maalaman ang calagayan nang cauad cun nadoroon sa lalamunan. itong ganitong cauad ay ipapasoc sa lalamunan nang palapad at pag nacalalo na sa tinic, ay pipihitin nang caunti nang macuha,, masungquit yaong nacacahirap sa maysaquit. cun hindi rin nacucuha yaong nadoroon sa lalamunan nang maysaquit, ay mabuting sumpiting bigla sa lalamunan nang isang sumpit na munti; sapagca cun minsan ay mag uubo ang may catauan, at lalabas ang nacabibiquig sa caniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"maigui ring painumin ng pasuca numero numero cun baga hindi naniniya yao,, sumpitin nang usoc nang tabaco parrafo. cun minsan cailangang sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun hindi siya macahinga nang maloualhati. mabuti namang pucpuquin nang camay ang licod pagca inato na ang ibang manga paraan at hindi macucuha ang nadoroon sa lalamunan. cun ang napatahan sa lalamunan ay carayom, paco, manga bot ong matilos, singsing, caputol na pingan, ay aatuhin muna ang paghango noon, ayon sa turo co sa parrafo at sa at cun hindi mangyaring macuha, ay itutulac nang pailalim niyong cauad na baluctot, na itinuro co sa parrafo pucpuquin nang camay ang licod nang maysaquit. ang lagnat na daua na may casamang pauis na tinuturan nang castilang calentura miliar sudatoria.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, ay nalalagnat cun gab, ang camay ay quinig at mainit ang palad; pag guising nang may catauan ay may pauis na malaqui, at totoo siyang nanghihina; masaquit ang ulo, mahirap ang paghinga, hungma halinghing, at nauuhao siya; macati ang balat nang catauan; ang caniyang dila ay maputi, ang caniyang pulso ay madalas, puno at matigas; cun babayi ang maysaquit cun minsan inuurungan siya nang gatas. sa icatlo sa icapat na arao ay lungmalaqui ang lagnat; nasisira sira ang bait nang maysaquit, at linalabasan tuloy ang caniyang catauan nang maraming butil na ang camuc ha ay butil nang daua; cun minsan ang lungmalabas na manga manchang mapula, na anaqui ay culebra. cun malauon na ang saquit, mayroong lungmalabas na manga manchang mapulang mapula, para nang quinagat nang pulgas, cun minsan naman sinisibulan sa liig, sa dibdib, at sa tiyan nang manga butil na puno nang tubig, na yao,, masama. ang maysaquit ay namamatay cun minsan sa icapat, icalimang arao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"masama sa saquit na ito ang manga bagay na mainit. ang maysaquit ilalagay sa husay (capitulo.) sasangrahang maquiilan hangang umunti ang lagnat at lumambot ang pulso; datapoua, ang uica ni buchan, na hindi magaling dito ang pagsasangra. susumpiting macaapat arao arao; touing calahating oras ay paiinumin nang isang vasong suero na huhulugan nang polvos na bilin sa numero natimbang isang salapi ang uubusin niya maghapon. cun magaling galing na ang maysaquit, at cun ang maysaquit hindi babaying nanganac, ay paiinumin nang bilin sa numero at ang turo sa numero ay iinumin niya touing arao. cun baga ang maysaquit ay babaying nanganac, ay pupurgahin nang mahinang purga. cun gayon ang pag gamot sa maysaquit, ay bihira ang di gungmagaling. itong saquit na ito ay marahil dumaan sa manga babaying nanganganac, gaua nang manga luya manga tubig na mainit, apoy alac na guinagamit nang tagalog. cun minsan sungmusunod sa bulutong, at sa ticdas, sa manga lagnat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan dinaraanan nitong saquit ang manga matamaring cumibo, ang mapanglauin, at ang inuurungan nang galis, buni, pauis, nang sa panahon cun baga babayi ang maysaquit. ang manga saquit nang sicmura,, tiyan na doon nauucol ang pinanganganlang colico ahito, at ang iba pa . bagaybagay ang colico ang saquit nang sicmura,, tiyan, na paraparang sasaysayin co sa manga parrafong isusunod dito. datapoua sapagca cun minsang hindi maquilala pagcaraca nang hindi marunong na medico cun anong bagay na colico ang tungmama sa maysaquit, caya nga yata, nang houag macamatay sa tauong caauaaua ang manga pag gamot, ay itong tatlong bagay na ituturo co ngayon, ay siya ang maiguing gauin doon, sapagca hindi masama sa anomang bagay na colico . susumpitin ang maysaquit na maquiilan arao arao. paiinumin nang maraming tubig na malacuco, nang tubig na malacuco rin na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. doon sa tiyan nang manga basahang babad sa malacucong tubig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"houag painumin nang alac triaca nang ibang manga maiinit. datapoua capag naquiquilala ang totoong saquit nang may catauan, at cun anong bagay na colico ang nacacahirap sa caniya, ay gagamutin para nang turo sa manga parrafong ihahalili dito. ang gamot sa saquit na malaqui nang sicmura,, tian, na may casamang lagnat na malaqui, na yaon ang tinuturan nang castilang colico inflamatorio. itong saquit na ito,, dala nang pamamaga nang sicmura nang bituca dahilan sa cainitan nang dugo. ang tiyan ay sungmasaquit muna nang malaqui, at cun malauon ay lalo pa manding sungmasaquit; ang pulso ay madalas at matigas. ang maysaquit ay dungmaraying, na mainit na totoo ang caniyang tiyan; cun minsan ang inaiilaguin niya ay malabnao, cun minsan hindi manabi; at cun baga bucod dito siya,, sungmusuca pa, ay mapanganib ang caniyang buhay. ang muc ha,, pungmupula; ang tiyan ay namamaga, at salang hipoin, ay sungmisigao ang may catauan; bucod dito ay nauuhao na parati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang saquit ay ungmaabot cun minsan hangan bayauang; caunti ang inaiihi nang maysaquit at cun umihi, ay mainit ang caniyang pagcaramdam. hindi siya macatulog, cun minsan may pagcasira ang ulo. cun hindi gamutin agad ang maysaquit, ay hindi lubhang dungmaraying cun malauon, na yao,, masama. ang pulso ay hindi catigasan; datapoua,, madalas sa dati. namumutla ang maysaquit, at nanlalata; ang boong catauan niya,, lungmalamig, hindi lamang ang tiyan; saca sinusubaan, at namamatay tuloy. cun minsan bago mamatay ay nag iilaguin nang totoong baho dalang pagca buloc nang manga bituca. cun ang saquit ay naroroon sa sicmura anomang canin inumin ng maysaquit ay isinusuca niya; hindi siya mapalagay; nasisira ang bait, at sa loob nang ilang arao ay namamatay. itong colico ay dala cun minsan nang cainitan nang dugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya marahil magcasaquit nang gayon ang nahirapang totoo nang pag gaua nang mabig at na gaua; ang nainitan nang malaqui, ang cungmacain nang manga mainit manga bunga nang cahoy na hindi magulang, at ang ungmiinom nang tubang maasim. cun minsan naman ay dala nang masamang pag gamot sa ibang bagay na colico. ang gamot sa ganitong saquit ay gayon: ang maysaquit ay sasangraha,, cucunan nang maraming dugo sa camay, cun minsan ay cailangang sangrahan uli sa loob nang dalauang oras. touing icalauang oras din, mag ilaguin man ang maysaquit at di man, ay susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan na dinoonan nang lana langis nang niyog. painumin nang maraming tubig na malacuco na pinaglagaan nang culutan palay. ang pasuca at ang purgang matapang capoua masama sa caniya. sa tiyan ay lalag yan nang manga basahang babad sa malacucong tubig, at pagca tuyo ay doroonan nang iba. cun hindi nauauala ang pagsaquit nang sicmura tiyan, ang maysaquit papambohan sa tubig na mainit init.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang uica ni buchan, na totoong buting parapitan ang lugar na masaquit. pag nauala na ang colico, pati nang lagnat, at nacacatulog tulog na ang may cataua,, purgahin nang isang mahinang pamurga, para nang mana timbang dalauang piso, na may casamang sal de epsom timbang saicapat, na yaong dalauang bagay ay tutunauin sa isang vasong suero. cun baga mahina ang maysaquit, ay sucat na sa caniya ang mana lamang. cun ualang mana ay pumili nang isang mahinang purga doon sa manga bilin sa numero. cun baga magaling man ang may catauan, may natitira pang caunting masaquit sa tiyan sa sicmura, ay hindi sucat hamaquing pabayaan, at caalamalam ay sisibulan nang bucol sa loob; caya ang gagauin doo,, itutuloy yaon ding manga turo cong gamot sa parrafong ito, hangang sa uala nang maramdamang ano man ang maysaquit. cun minsan dahil sa pamamaga nang sicmura tiyan, ay sinisibulan doon ang may catauan nang masama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya nahahalatang may sungmisibol sa sicmura sa bituca, sapagca parating mayroon doong caunting masaquit; ang may catauan ay nananab ang nang pagcain pinagquiquilabutan siya nang guinao nang malimit, at hindi siya lungmalacas. ang bagay dito ay ang manga painom na itinuro co sa parrafo na sinusundan nito. cun pungmuputoc ang sibol, ang maysaquit ay nalilio doon sa oras na yaon, at naramdaman niyang may nauaualang mabigat doon sa loob. cun ang nana,, napapabobo sa loob nang bituca, ay lungmalabas na casama ng inailaguin, at ang maysaquit ay dungmoroual na parati; ang maigui doo,, painumin lamang nang gatas na inalsan nang pinaca taba muna, bago samahan ng isang sa icatlong bahaguing tubig; touing icatlong arao, ay sumpitin nang gatas na tinubigan, na may casamang pulot na caunti. cun ganoon ang pag gamot doon, ay cun minsan mababahao ang sugat nang sibol na nacaputoc sa loob nang bituca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun ang nana nang sibol, ay nabububo sa labas nang bituca, ay maliuag ang pag gamot sa maysaquit. ang gamot sa icalauang bagay na saquit nang sicmura tiyan, na dala nang apdo na tinuturan nang castilang colico bilioso, colico nang apdo. ang nagcacasaquit nang gayon mahirap man ang caniyang pagcaramdam ay hindi nalalagnat, cun hindi pa nacalalo ang isa dalauang arao nang caniyang pagcacasaquit; at lagnatin man ang maysaquit ang pulso,, hindi totoong tigas; at hindi rin malacas; ang tiyan ay hindi namamaga, at hindi mainit para nang sa isang colicong sinaysay co sa parrafo ang ihi ay hindi lubhang mapula; ang maysaquit ay nauuhao, at mapait ang caniyang bibig, cun baga sungmusuca nag iilaguin, ang lungmalabas ay madilao; cun minsan nasisira ang ulo nang maysaquit. ang masaquit dito ay ang dacong pusod; datapoua ang dacong pusod ay sungmasaquit din doon sa saquit na miserere sa capitulo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gamot dito ay gayon: ang maysaquit ay susumpitin nang malimit ng bilin sa numero paiinumin ng maraming tubig na pinaglagaan nang ugat nang grama (hincacauayan malacauayan) na dinoonan nang caunting gata nang dayap. touing oras ay paiinumin nang isang taza nang turo sa numero cun ualang sampaloc, ay na aari ang timbang saicaualong cremor. maigui ring banusan ang maysaquit hangang tuhod, at lag yan sa tiyan nang basahang babad sa malacucong tubig. cun baga totoong laqui nang saquit nang sicmura tiyan, at ang pulso ay malacas, at ga mabagting, ay cailangang sangrahan ang maysaquit. cun hindi nauala ang saquit at hindi nag iilaguin nang malacas ang may catauan, baga man pinainom na nang manga sinabi co ngayon, ay magaling big yan nang caunting mana na tutunauin sa malabnao na sabao nang sisiu. mayroon tauong marahil daanan nitong ganitong colico, at ang bagay sa caniya ay ang bilin sa numero na iinumin niyang maminsan minsan touing bouan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"hindi bagay sa caniya ang pagcain ng maraming carne. masama rin ang manga maiinit, ang manga may taba at ang gatas; ang suero ay mabuti sa caniya. ang gamot sa icatlong bagay na saquit nang sicmura tiyan, na ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit noo,, hinihilaban inaahito, sa uicang castila ay colico de indigestion, ahito, empacho. cun napacarami ang quinain nang tauo bata ma,, matanda man, ay sungmasama ang pagcaramdam, at sungmasaquit ang caniyang sicmura tiyan. gayon din ang cungmacain arao arao nang hindi macayanan nang sicmura niya, cun malauon ay nagcacasaquit naman nito ring ganitong saquit na ahito. sapagca yaong manga cacaonti na hindi natutunao sa sicmura touing arao, ay naiipon nang naiipon doon,na yao,, ang iquinapagcacasaquit nang may catauan sa calaunan. nacacapagcasaquit naman sa tauo ang pagcaing minsanan nang manga sarisaring bagay na hindi magcaayon para nang chocolate at saguing, etc.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"dito sa ganitong saquit ay ualang lagnat; ang may catauan ay hindi naiinitan, at hindi nauuhao; ang saquit nang sicmura tiyan, ay gungmagala; datapoua nalilio ang maysaquit, naiibig niyang sumuca, at cun minsan ay namumutla ang muc ha. itong ganitong colico ay hindi maliuag gamutin; painumin lamang ang maysaquit nang maraming totoong malacucong tubig na malalahocan, cun ibig, nang azucar asin. maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. datapoua cailangan painumin ang maysaquit nang marami, sapagca cun caunti ang inumin ay nalalauon ang pag galing. ang pagsuca at ang pag iilaguing yao,, ang nacagagaling sa maysaquit; at cun hindi manabi, ay cailangang sumpitin nang tubig na may asin; maigui ring cuscusin ang tiyan nang basahang tuyo, na idinadarang sa apoy. cun minsan magaling na ang maysaquit; datapoua masama ang lasa nang bibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun gayon, ay painuming maminsan minsan nang bilin sa numero maigui rin ang pag inom nang maraming malamig na tubig; at ang cailangang totoo naman, ay ang houag cumain ang maysaquit hangang di gumaling. masama sa ganoong saquit ang triaca, ang tubig nang anis, ang enebro, ang alac . cun minsan ay hindi sungmasaquit ang sicmura ang tiyan, cundi nalilio lamang ang may catauan; pinapauisan nang malamig, dungmuroual na parati at hindi lumalagay sa quinahihig an. cun minsan nama,, biglang nalilio ang maysaquit, at hindi nacacaalam tauo; nagsisin oc siya; ang caniyang muc ha,, nag iiba; ang pulso ay munti; ang sicmura ay nauunat. datapoua ang maysaquit ay nacacahinga. dahil dito sa manga tandang ito,, na aalaman, na hindi apoplegia panhihimatay ang caniyang saquit, at lalo pa cun siya,, dinaraanan noong mga gayon damdam pag bagong nacacain. cun ganoon ang lagay nang maysaquit, ay namamatay sa loob nang ilang oras.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gamot doo,, sumpitin nang tubig na dinoonan nang asin at sabon, palon ocquin nang maraming tubig na maalat; at cun hindi gungmagaling pa, ang polvos na bilin sa numero at tutunauin sa tatlong tazang tubig, ay pagcaraca ipaiinom doon ang isang taza; at cun hindi sumuca ang maysaquit sa loob ng sa icapat na bahagui nang isang oras, ay ipaubos sa caniya ang isa pang taza, at cun hindi rin sumuca, ibigay doon ang icatlong taza. cun ang maysaquit ay sungmuca na, ay yaon ang pag galing niya. ang gamot sa icapat na bagay na saquit nang sicmura tiyan na dala nang hanging nacuculong doon, na yaon ang pinanganganlan nang castilang colico flatulento. itong ganitong colico ay hindi nag iisa cun minsan, cundi napapasama doon sa ibang bagay na colico, na aquing sinaysay na sa parrafong natalicdan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"dito sa saquit na ito ay ualang lagnat; ang may catauan ay hindi nauuhao; ang tiyan ay lungmalaqui, datapoua,, hindi tungmitigas; cun idiniriin ang tiyan, hinihilot, ay gungmagala sa loob ang hangin, at lungmalabas sa bibig sa ilalim. itong saquit ay dala nang pagcain nang manga bunga manga gulay na mahangin, para nang saguing, patani etc. cun itong saquit ay casama nang ibang colico, ay ualang sadyang pag gamot dito, sapagca cun gamutin ang totoong saquit; ay mauauala pati itong isa. datapoua cun ualang ibang casamang colico, ang gamot doo,, ganoon. ang maysaquit ay sinusumpit, at quinucuscos ang caniyang tiyan nang mainit na damit; magaling namang painumin nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla. cun hindi na masaquit ang tiyan, at ualang lagnat ang may catauan ay mapapaiinom nang caunting alac na pinaglagaan nang caunting canela. ang gamot sa icalimang bagay na saquit nang sicmura tiyan, na marahil dumaan sa manga tauong nalamigan, na yao,, colico rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang tauo ay nalamigan, at pag nacaraan ang ilang oras; ay dinaraanan nang pagsaquit nang sicmura tiyan, lalo pa cun ang paa,, siya ang tinablan nang lamig. itong saquit ay marahil dumaan sa tagalog pag siya,, nainitan napagod, at saca nabasa ang caniyang paa. sa gayong saquit ay masama ang alac, at ang manga purga, yaong manga maiinit na gamot. ang magaling doo,, cuscusin ang manga paa nang mainit na damit na idinadarang sa apoy. saca maiguing ibabad nang malauon ang manga paa sa malacucong tubig na pinaglagaan nang manzanilla, bulaclac nang alagao. lalo pang madaling gagaling ang maysaquit cun siya,, humiga,, gumaua nang capaanyo ang mangyaring mapauisan ang caniyang paa. cun malaquing totoo ang caniyang saquit, ang pagsumpit ay bagay sa caniya. cun hindi rin nauauala yaong pagsaquit na malaqui, at bucod dito,, magaling ang catauan nang maysaquit, ay cailangang sangrahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang manga paa niya itatapat na malauon sa singao nang tubig na mainit bago ibabad sa malacucong tubig; at cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang maysaquit sa manga binti. ang saquit na pinanganganlang miserere, pasion iliaca, na yao,, pagsasara nang manga bituca, na dahil doon, ay hindi manabi ang maysaquit, cundi isinusuca niya ang lahat. ang bituca nang tauo ay ga cung miquiyao na parati, na ang camuc ha ay ood ahas; na dahilan dito sa ganitong pagquiyao ang lahat na quinacain ay natutulac sa dacong pouit. datapoua cun nagcasala nagulo itong pagquiyao nang bituca, ay hindi na mangyaring mapatungo sa pouit ang manga quinacain, cundi sa bibig napaparoon. yaong saquit ay totoong samang saquit, na ang tunay, na pangalan doo,, miserere pasion iliaca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"yao,, dungmaraan cun minsan sa lungmilibang ilang arao nang pananabi; datapoua cun minsan ay biglang sumungpong sa tauo yaong saquit, at pagcaraca ang tiyan, ang manga dacong tabi nang pusod ay yaon ang caunaunahang sungmasaquit na totoo. ang may cataua,, hindi mapalagay; cun minsan mayroong nahihipong matigas na mahaba doon sa tiyan; ang maysaquit ay dungmuroual muna; hung mahalili doon ang pagsuca; cun malauon ay ang lahat isinusuca niya, hindi lamang ang quinacain cundi pati nang iniinom, at bucod doon ay mayroong lungmalabas sa bibig na mabaho pa sa dumi. ang maysaquit hindi manabi minsan man; ang tiyan niya ay nauunat; hindi ungmiihi, at cun baga ungmiihi, ay malabo,, mabaho. ang pulso ay matigas muna; cun malauo,, madalas at munti; ang maysaquit ay nanghihina; nasisira ang bait, at nagsisin oc; ang boong cataoan niya,, cungmiquinal, ga nanlulucso ang laman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang manga paa,, camay ay lungmalamig; nauauala ang pulso, pati nang saquit nang tiyan; sampon nang pagsuca, at totoong daling namamatay ang maysaquit. sapagca malaqui ang panganib nang buhay nang tauo sa saquit na ito, ay cailangang gamutin pagcaraca, capag naquilalang magaling ang saquit; at cun hindi gamuting agad ay mamamatay na ualang sala. ang pag gamot nga dito ay para nang sa colico inflamatorio parrafo . caya cun bagong bago ang saquit, at malacas pa ang may catauan; ay sasangrahang agad, at cucunan nang maraming dugo. susumpiting parati nang tubig na pinaglagaan nang cebada palay, na dinoroonan nang isa dalauang tazang langis nang niyog lana man. touing icalauang oras, ay painumin nang bilin sa numero painumin namang parati nang turo sa numero cun uala yaon ay na aari ang tubig na pinaglagaan nang cebada (palay) ang suero na linahucan nang pulot. ang maysaquit ay paliliguan sa malacucong tubig na maquiilan maghapon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi rin gungmagaling ang maysaquit ay sumpitin nang usoc nang tabaco para nang turo sa parrafo. ang isang maysaquit, ani tissot, ay guinamot co ng gayon: sinangrahan co muna (aniya) at pinainom co nang purga; saca ibinabad cong tuloy sa malacucong tubig, at gungmaling. ang isip nang manga tauong hindi maalam; na sa saquit na ito ang bituca nang may cataua,, nagugulo, at nagcacabuhol; datapoua hindi totoo yaon. sapagca ang isang dulo nang bituca ay carugtong nang sicmura, at yaong isang dulo ay ang pouit na cungmacapit sa manga pig yi, na dahil doo,, hindi mangyaring magcabuhol. ang gamot sa inaanayo, na iyo,, pagsuca,, pag iilaguin nang malacas na tinuturan nang catilang colera morbo. ang pangalan nang ibang manga tauo sa saquit na ito,, miserere, nguni hindi ito ang miserere, cundi yaong isang saquit na sinaysay co sa capitulo na sinundan nito. ang inaanayo, ay nagsusuca,, nag iilaguin nang malacas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang maysaquit ay natatamlay muna; sungmasaquit nang caunti ang caniyang tiyan; sungmusunod dito ang pagsuca, at ang pag iilaguin. ang color nang lungmalabas, ay dilao verde, maputi caya, maitim cun minsan; saca sungmasaquit na totoo ang tiyan; ang pulso ay tila pulso nang nalalagnat; cun malauo,, mahina. mayroong maysaquit na sa loob nang sang oras ay maquisandaang mag ilaguin; ang muc ha ay madaling nag iiba cun malaqui ang saquit. gayon din cun mapacarami ang pag iilaguin, ay tila namamanhid, nangangauit naninigas ang manga paa,, camay nang maysaquit, na yao,, isa pang nacacahirap sa caniya. cun ang saquit hindi natatalo nang gamot, ay sungmusunod doon pagcaraca ang pagsisin oc, ang pagquinal (convulsion) at ang paglamig nang manga paa,, camay, ang maysaquit ay nalilio, sinusubaan, at napapatid tuloy ang hininga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong saquit ay marahil dumaan pag nacalampas ang tag arao, sapagca ung miinit at lungmalapot ang apdo nang tauo sa panahong yaon; at lalo pa cun ang may cataua,, hindi cungmacain nang manga bungang hinog nang cahoy, na yaon ang totoong nacacahusay sa apdo. datapoua,, halos pinapansin itong saquit na ito, liban lamang cun pinararaan nang panginoong dios, na guinagaua niyang hampas sa manga bayan dahilan sa manga casalanan, na cun magcagayo,, pinanganganlang salot. itong saquit ay mahirap mang gamutin, nguni,, hindi para nang ibang manga saquit na sinaysay na sa manga capitulong natalicdan. ang caramihan nang manga namamatay sa saquit ay hindi dahil sa cabigatan nang saquit, cundi sa capabayaan at caculangan nang pag gamot nang paaniyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang cauna unahang dapat pagpilitan nang sino man ang houag magpabaya, lalo pa cun panahong casalucuyang dumaraan ang salot; capag naramdaman, na masaquit saquit ang tiyan at cungmuculog ang manga bituca; cun mabigat ang dinaramdam sa sicmura, lalo na cun ga ibig: dumual nag iilaguin caya; pagcaramdam nito,, dapat na siyang mag ingat sa manga pagcain at pag inom, na houag bagang cumain nang cun ano ano cundi sabao lamang, at ang cha na mainit, na cun mapatacan nang sampuong patac na gotas amargas, mahaluan nang isang cucharang conac, ajenjo aguardiente anisado, ay lalo pang mabuti. bucod dito,, cun nararamdamang masama ang catauan ay magculong agad, cumutang mabuti,, culubin ang maysaquit at nang pauisan sana nang mainit na pauis; at ito,, itutuloy na gagauin hangan di gumaa,, guminhaua ang catauan. cun itong manga biling ito,, sunding pagpilitan ay marahil hindi tutuloy ang pagcacasaquit na totoo; at cun tutuloy ma,, hindi lulubha,, hindi ica aano nang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bihirang bihira ang dinadatnang bigla nang calubhaan nang saquit na ito; cun caya binibigla cun minsan nang calubhaan, sa pagca pinabayaan di pansin ang manga unang sumpong nang saquit. datapoua,, cun dahil sa capabayaan cun sa cabiglaan caya, ay sumama ang saquit, na ang maysaquit ay nagsusuca,, nag iilaguin, at marahil pinupulicat at nanglalamig na totoo, na pati nang pauis ay malamig, ang gagauin ay gayon: yaong am nang linugao ga calahating vaso carami ay siyang isusumpit agad sa maysaquit, at cun may laudano, ang ualo cun sampuong patac noon ay ihahalo sa isusumpit; cun ang unang sumpit ay hindi napiguil sa loob, dalauang oras man lamang, ay uulitin nang uuliting isusumpit yaon ding am hangan sa mapiguil na malauon ang isang isinumpit, at tumiguil ang pag iilaguin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sabay naman nang pagsumpit ay painumin ang maysaquit nang isang taza isang mangcoc na cha na mainit, na napatacan din nang anim cun ualong patac na laudano; at cun ualang laundano,, haloan ang cha nang isang cucharang aguardiente, anisado, conac, ano mang alac na matapang. cun nagaua na itong lahat at hindi dumalang man, pagsuca,, pag iiliguin, at cun dumalang man, ay sa isang tazang cha, lusauin mo ang asin na isang cucharitang cafe calahating cucharang carami, at siya mong ipagcucharang unti unti sa maysaquit hangan di tumahan lubos ang pag iilaguin. cun tumahan man ang pag iilaguin, ay sungmusuca rin at dungmudual ang maysaquit, ay mabuting parapitan sa ibabao nang sicmura ng sinapismong matapang. ito na lamang ang manga gamot na gagamitin sa loob nang catauan nang dinatnan nang saquit nang colera na cun tauaguin nang iba,, arriba abajo .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang manga gamot naman sa labas, na di dapat lisanin cailan man, cahit tila namamatay na ang maysaquit, at malamig man totoo, at cahit uala nang pulso,, hindi rin dapat lisanin, ay gayon: cucumutang mabuti ang maysaquit, at sa catauan niyang palibot ay idadaiti ang maraming boteng may tubig na totoong mainit, at cun malamig lamig na,, hahalinhan naman nang bagong sinid lan nang tubig na mainit; saca yaong iba noong manga bote ay siyang ihahagod na ididiin sa ibabao nang damit sa ibang manga lugar nang catauan, lalong lalo na sa licod. cun ito,, hindi pa magcasiya, at ang cataua,, hindi pa pinagsasaolan nang init at nang pulso, at hindi pa pinapauisan nang mainit ang gagauin, ay doon sa gologod, doon baga sa licod mula sa batoc hangang sa bayauang ay tapalan nang sinapismo ga apat na dali calapad, at sa ibabao niyong sinapismo ay ihahagod pa ang isang boteng may tubig na mainit; at cahit ualang sinapismo ay totoong maigui itong paghagod dito sa licod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"at cun hindi rin pinagsasaolan ng pulso, at hindi pinapauisan nang mainit, ang isang cepillo ay ibabad mo sa aguardiente at icuscos sanang mahigpit sa boong catauan. cun ualang cepillo,, na aari rin ang isang basahang magaspang; at cun ualang aguardiente ay na aaring icuscos ang darac man lamang na totoong mainit, at balot sa isang basahan. itong pagcucuscos ay pagtitiyagaang gauin cahit sa loob nang ilang oras, maghapon ma,, magdamag, at bihirang bihira ang di pagsasaolan nang init, at di gagaling. ito ring manga gamot na ito,, icatitiguil nang pulicat; datapoua,, mabuti naman sa pulicat ang daitihan ang laman ng casang capang pinamumulicatan nang mga pirasong malapad nang oropel sa tindahan, ng bacal man, tangso ma,pilac, houag lamang di manipis at malapad, at ng lumapad at dumating mabuti sa catauan; na cun saan namumulicat ay doon idadaiti naman ang oropel.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun tumahan na ang pagsuca at pag iilaguin; at mainit na,, mahusay ang catauan, ay hindi rin dapat magpabaya, lalong lalo na sa manga pagcain, puspas, basabasa at sabao ang siyang cacanin niya hangan di gumagaling na totoo. marahil pagcaraan na ang calubhaan nang saquit, ay datnan naman ang maysaquit nang di pagcaihi; cun gayon ang gagauin ay itapal doon sa pos on nang isang cataplasma nang harina nang linaza, nang galapong man lamang, na mainit init cun itapal; at cun uala nito,, lag yan ang pos on nang manga basahan babad sa tubig na mainit. marahil din datnan ang nagcasaquit nang colera nang apoplegia, nang lagnat na sucab at nang iba,, ibang sugat na sinaysay na sa librong ito, at cun magcagayo,, ang dapat gauin ay babasahin sa canicaniyang capitulo. ang lahat na sinaysay dito sa numero ay turo ang lahat nang marunong na doctor. joaquin gonzalez; at sa mga guinamot ng paaniyo, ayon sa manga ipinagbilin dito, noong epidemiang nacaraan sa ay bihirang bihira ang namatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang saquit na pag iilaguin, cun hindi sungmasamang totoo ang damdam nang may catuan na pinangang anlan nang castilang diarrea. ang pag iilaguin na ualang casamang lagnat, saquit na malaqui nang tiyan ay pinangangalan nang castilang diarrea. ang maysaquit ay nananab ang muna nang pagcain: ang caniyang bay auang pati nang tuhod, ay idinaraying na mabig at. hindi siya nalalagnat at hindi sungmasaquit na totoo ang tiyan. ang gayong pag iilaguin ay hindi masama sa may catauan, bagcus cun macalalo na yaong munting hirap na yao,, lungmalacas pa sa dati. ang gayong pag iilaguin ay siyang cusang tungmatahan na hindi cailangan ang gamot doon; ang gagauin lamang nang maysaquit, ay houag siyang cumain nang marami; ang carne, ang alac, at ang itlog ay hindi magaling; ang manga gulay at manga hinog na bunga nang cahoy ay macacain niya; mabuti naman ang siya,, uminom nang marami rami sa dati. ang tubig na pinaglagaan nang culantrillo ay maiguing inumin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun sa loob nang lima, anim na arao, hindi nauauala ang pag iilaguin, at ang may cataua,, nahihina at dinaraanan nang malimit na pagca ibig niyang manabi, ay ilalagay siya sa husay (capitulo . bucod dito,, paiinumin nang bilin sa numero cun baga marumi ang dila, at masama ang lasa nang bibig, cun dungmorual nananab ang nang pagcain; datapoua cun hindi nararamdaman nang maysaquit yaong manga bagay na yao,, purgahin lamang nang isang purgang mahina numero nang ruibarbo numero cun baga hindi mainit ang tiyan. cun ruibarbo ang ipupurga doo,, paiinumin touing calahating oras nang isang tazang sabao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nguni cun ang pag iilaguin ay nauala na dahil sa pag inom nang ruibarbo, at baga man nauala,, ungmuuli rin capag nacaraan ang ilang arao, ay caalam alam mayroong malagquit sa loob, na hindi pa nacucuha; ang gagauin cun gayon ay pupurgahin nang bilin sa numero noon ding bilin sa numero para nang turo co cangina; magaling din ang sa numero . saca iinumin niya cun umaga sa dalauang arao ang calahati noon ding bilin sa numero. cun minsan ay nalalauo,, di inaanomana nang maysaquit ang pag iilaguin, na yaong pagpapabayang yao,, nacacahina sa caniya. ang gamot doon cun gayon ay ang bilin sa numero. saca touing icatlong arao bibig yan ang maysaquit nang turo sa numero. capag pinurga na siya nang macaapat, ay itinatahan na. cun pinupurga ay houag pacanin nang carne,isda, itlog. cundi canin lamang, tubig na pinaglutuan nang tinapay. maigui doonan sa sicmura nang basahang babad sa alac na pinaglagaan nang romero at canela.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"masama sa gayong maysaquit ang siya,, malamigan lalo pa cun gab, sapagca ang saquit ay mag uuli. ang icalauang bagay na pag iilaguin na may casamang saquit na malaqui sa tiyan na yao,, disenteria cun turan nang castila. itong isang bagay na pag iilaguin ay may casamang saquit nang tiyan. ang may cataua,, parating ibig manabi; at bucod doon, ay masama ang caniyang damdam. sa inaiilaguin nang maysaquit ay mayroong dugong casama; nguni cun minsan uala naman. itong saquit ay dala nang cainitan nang panahon; sapagca ang apdo at ang dugo nang tauo ungmiinit, at lungmalapot cun tag alis is. magaling din ang damdam nang tauo, hangan di nag iiba ang cainitan ng panahon, sapagca siya,, pinapauisan at ang cataua,, sumisingao na maigui. caya lamang nagcacasaquit ay cun ungmuunti ang cainitan nang panahon; na dahil doo,, marahil dumaan ang saquit nang pag iilaguin sa bagong ulan, na sungmusunod sa tagarao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"bago magcasaquit nang gayon ang tauo ay guiniguinao siya muna; sungmasaquit na totoo ang tiyan; nalilio siya at namumutla. ang pulso ay munti at husay; sungmusunod ang malimit na pagiilaguin na bagay bagay ang color, at mayroong bulati at dugong casama; cun minsan ang tumbong ay lungmalabas pati. cun baga lungmulubha pa ang maysaquit ay namamaga,, nabubuloc ang bituca, at ang iniilaguin niya ay nana, manga maitim na tubig, at mabaho; saca nagsisin oc, nasisira ang bait, ang pulso,, hungmihina, pinapauisan ang maysaquit nang malimit,sinusubaan at namamatay; datapoua cun hindi lulubha ang maysaquit, ay hungmihina hina ang pag iilaguin, ang dugo ay nauauala, lungmalacas lacas ang may catauan at nacacatulog. ang gamot na totoo sa saquit na ito, ay ang tartaro emetico numero magaling din ang sa. cun hindi nauauala ang pag iilaguin nang mapainom na ang maysaquit nang turo co ngayon, ay hahaba ang saquit, at ang gagauin doo,, gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang maysaquit ay ilalagay sa husay (capitulo at houag pacacanin nang carne, hangan di gumaling na totoo. ang iinumin niya ay ang bilin sa numero. capag napainom na siya nang bilin sa numero ay quinabucasan paiinumin nang bilin sa numero sa dalauang inom; sa icatlong arao ipaiinom doon ang bilin sa numero lamang; sa icapat na arao inuulit ipinaiinom doon ang bilin sa numero saca ilalagay ang may catauan sa husay nang maysaquit na magaling galing sa capitulo. nguni cun baga noong talagang magcacasaquit ang tauo, linalagnat siya muna nang malaqui, at ang caniyang pulso ay matigas at puno, at bucod doo,, malaqui ang saquit nang ulo,, bay auang, at ang tiyan ay nauunat, ay cailangang sangrahan ang maysaquit; susumpitin naman arao arao nang macaitlo, macaapat nang bilin sa numero cun uala yao,, na aari ang gatas na tinubigan. paiinumin nang marami nang bilin sa numero. cun ang pulso,, malambot na, ang gagauin sa maysaquit ang manga turo sa parrafo na sinundan nito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun minsan ay dili cailangang pasucahin ang maysaquit. cun baga malaqui ang catigasan nang pulso, nang bago siyang magcasaquit, ay mabuti purgahin nang bilin sa numero capag sinangrahan na. ang ruibarbo, na bilin sa numero ay houag ibigay doon cundi sa catapusan nang saquit. maraming maysaquit (ani tissot) ang guinagamot co, na ualang ibang ibinigay sa canila cundi tubig na malacuco ga isang taza carami, touing sa icapat na bahagui nang isang oras. cun minsan ang pag iilaguin ay casama nang lagnat na buloc, na sinaysay co sa capitulo at ang gamot doon cun gayo,, ang pasuca numero bago purgahin ang maysaquit nang bilin sa numero sa . saca painumin naman siyang macalaua macaitlo arao arao nang bilin sa numero timbang saicapat ang isang inom. totoong galing dito ang sa numero cun uala yaong isang turo sa numero at iisa rin ang cabagsican nitong dalauang bagay. cun ang saquit ay ungmu unti na, ang bilin sa numero ay yaon ang ipupurga sa maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang nagcacasaquit nitong ganitong saquit ay nababaynat cun minsan, gaua nang pagcain nang sala, sapagca ang may cataua,, nalamigan, napagal nang paggaua. cun gayon ay ilalagay sa husay (capitulo ang maysaquit, at paiinuming minsan nang bilin sa numero . cun minsan naman ang pag iilaguin ay casama nang pangiqui . cun gayo,, pauaual in muna ang pag iilaguin bago gamutin ang pangiqui, at cun malaqui ang lagnat ay big yan ang maysaquit nang quina (dita) ayon sa turo sa parrafo. sa saquit na pag iilaguin ay magaling ang pagcain nang manga bungang hinog nang cahoy, ang manga baga, ang saguing ang alpay, ang ates. caya ang nangangain nang maraming bungang magulang nang cahoy cun tag arao, maliuag daanan siya nang gayon saquit. ang icatlong bagay na pag iilaguin, na mahirap ang damdam nang may catauan sa sicmura, at pati nang paghinga cun minsa,, mahirap din, na yao,, pinanganganlan nang castilang disenteria maligna.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang nagcacasaquit nitong masamang bagay na pag iilaguin, ay nanghihina agad; guiniguinao siya cun minsan; ang marahil idinaraying nang manga maysaquit ay ang sicmura, na di man masaquit, ay tila siquip na bahag ya na sila macahinga; marahil nasisira ang canilang ulo. ang tiyan cun minsan ay sungmasaquit, cun minsan hindi; ang isinusuca nila ay verde ang color. ang inaiilaguin nang may cataua,, dugong totoo cun minsan; at cun gayo,, namamatay sa icatlong arao; nguni cun minsan ay iba,, iba ang color nang inaiilaguin; ang ihi, ang lauay, ang pauis, pati nang hininga ay mabaho. cun maliuag macalon oc ang maysaquit ay mapanganib ang caniyang buhay. cun minsan gagaling ang maysaquit pag linabasan sa catauan nang manga butil na marami na puno nang tubig. ang pulso ay munti. cun natutuyo ang dila at nauunat ang tiyan nang maysaquit, cun nalilio, nagsisin oc, ay namamatay na ualang magaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun baga ungmuunti ang casiquipan nang sicmura at lungmalambot lambot ang tiyan, cun nacacatulog tulog na ang maysaquit, caalam alam ay gungmagaling. ang gamot na bagay sa saquit na ito,, ang timbang calahating saicaualo nang bilin sa numero na cailangang gauin agad; at nang tumapang pa yaong gamot na yaon, ay mabuting ihulog yaong bilin sa numero sa isang tagayang tubig, na pinaglagaan nang manzanilla. pag nacalalo ang pito ualong oras nang macasuca na ang maysaquit, ay pupurgahin nang ruibarbo numero at, pagca pinurga na,, cabibig yan uli ng caunting bejuquillo numero ga dalaua, tatlong butil na palay ang timbang, na ihuhulog sa caunting sabao nang sisiu, na linutong casama nang ugat nang chicoria (dilang usa) at cun malaqui ang cahinaan nang maysaquit, ang tubig na pinaglutuan ng sisiu, ay doroonan naman nang balat nang tinapay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong sabao na itinuro co ngayon ay yaon ang iinumin ng maysaquit touing icalauang oras ga calahating taza carami; mabuti ring painuming macaapat arao arao ng isang cucharang alac sa misa, na hindi lubhang matapang. maiguing maigui dito ang dalandan cahel na guinayat munang boo pati nang balat, na ang pag gayat ay manipis; saca binubudburan nang caunting azucar, bago busan nang mainit na tubig, na yao,, ang ipaiinom sa maysaquit. ang pagsumpit ay masama sa saquit na ito. ang isa pang mabuting totoo sa ganitong saquit, ay ang parapit na matapang na turo sa numero sa mga binti. anomang ipainom sa maysaquit ay hindi sucat damihan, at lulubha siya. cun minsan hindi rin nacagagaling sa maysaquit itong lahat na sinabi cong gamot sa parrafong tinalicdan. cun gayon ay mabuti ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang cahel na hinulugan nang caunting quina (dita), bago paculuin nang caunting oras calauon sa apoy at salain sa damit na masinsin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong tubig na ito ay maisasama sa bilin sa numero cun pinaiinom noon ang maysaquit; datapoua masamang painuming minsanan ng marami. cun ang pag iilaguin ay malacas na totoo at ang may catauan nanhihina pagcaraca, ay magaling tapalan sa sicmura,, tiyan nang basahan babad sa tubig na pinaglagaan nang dita na dinoroonan nang triacang marami. ang gamot sa hinihica, na ang tauag nang castila sa saquit na yao,, asma. itong saquit na hica na cun minsan minamana, ay doon namamahay sa baga nang tauo. ang nagcacasaquit nang gayon, ay hindi macahinga nang maloualhati ang caniyang dibdib ay tila siquip; cungmucumbo ang sicmura, ang tiyan, ang dibdib pati nang balicat. ang may cataua,, nauuhao,, napupuyat, at ang paghinga niya,maingay; ang paghiga nang tihaya ay mahirap sa caniya; sungmusunod doon ang init, ang lagnat, at ang pagquinal nang puso; ang ihi ay malinao at hindi husay. itong saquit ay lungmalaqui pag ang panahon ay malamig at maulan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin sa maysaquit, pag dinaraanan nang hirap, ay gayon; palulucluquin sa hihigan; houag tabilan, at houag patahanin sa silid na siquip. ang manga dongaua,, bubucsan; masama doon sa tinatahanan nang maysaquit ang apoy; ang siya,, libutin nang maraming tauo. saca, sangrahang agad, at cun malaqui ang hirap niya, ay uul ing sasangrahan. ito lamang pagsasangra, ay macacaguinhaua sa caniya, cun ang pinagmul an nang saquit ay ang maraming dugo: caya hindi sucat bayaan yaong pagsasangra, dahilan sapagca ang pulso ay mahina, at pag nasangrahan ang may cataua,, lalacas ang pulso. bucod dito,, susumpitin nang bilin sa numero at cun hindi nagcacasiya yaon ay gamitin ang sa numero nguni houag damihan ang isusumpit doon, cundi caunti lamang at parati, at saca gagauin ang manga ituturo co ngayon. cun ang maysaquit ay lungmulurang parati at tila maingay ang loob nang dibdib, at may masaquit saquit doon, ang iinumin niya,, ang bilin sa numero numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"touing oras iinumin niya naman ang isang cuchara nang bilin sa numero. cun baga nahahalatang marami ang sicmura ayon sa aral sa capitulo ay magaling painumin nang pasuca numero cun hindi ibig nang maysaquit yaon, ang turo sa numero ay na aari. maigui, ani. clain, ang pagnganga nang caunting tabaco, at lumura muna minsan bago lonoquin ang ibang lauay, nang macatulog ang may catauan. cun ang maysaquit ay nag uubo at ualang ilinulura; cun pungmupula ang muc ha, at ang ugat nang catauan ay lungmalaqui, at tila siquip ang caniyang dibdib, pati nang lalamunan, ay paiinumin nang bilin sa numero capag sinangrahan na. doon sa oras nang pag uubo, ay iinumin niya ang isang cuchara nang turo sa numero nang sa numero. bucod dito sisipsipin niya ang singao nang mainit na tubig para nang turo sa numero magaling ding ibabad ang caniyang paa sa malacucong tubig. ang manga paa naman ay mabuti cuscusin nang basahang tuyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga nahahalatang hinihica ang may catauan dahil sa pag urong nang ibang saquit para nang galis, buni, piyo ay magaling doon ang parapit numero sa binti sa talampacan ayon sa aral sa capitulo. pag ang may catauan dinaraanan nang saquit na hica, ay ilagay siya sa husay capitulo at houag pacanin nang carne nang anomang bagay na mabig at sa sicmura; cun totoong hirap ang lagay nang maysaquit, ay houag pacanin nang anoman. magaling ipainom sa caniya ang bilin sa numero . . bucod sa manga sinabi cong gamot na bagay sa saquit na ito, ay mabuti gauin ang manga isusunod co dito, nang houag daanan uli nang hirap ang maysaquit. caya cailangang pacahusayin ang caniyang pagcain at ang pag inom. masama sa caniya ang lamig at ang guinao. cun malimit lumura ang maysaquit, ay isama sa quinacain niya ang timbang sa icaualo nang bilin sa numero. touing umaga,, palolonocquin nang tatlong pildoras numero at pagca lon oc noon, ay paiinumin tuloy nang dalauang taza nang bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mabuti ring purgahing maminsan minsan nang turo sa numero. nguni cun ang maysaquit na hinihica hindi lungmulura, ay cailangang sangrahan capag nararamdamang lungmiliuag ang caniyang paghinga, at saca painuming parati nang isang cuchara nang bilin sa numero nang suero numero. ang gamot sa nag iilaguin nang darag is, na yao,, pinanganganlan nang castilang pujos. ang pag iilaguin nang darag is ay cun minsan dala ang ibang manga bagay na pag iilaguin na sinaysay co sa manga capitulong natalicdan. cun minsan naman ay dala nang bulati, na nadoroon sa loob nang bituca, gaua nang pagsusugat nang pouit, sapagca ang may cataua,, quiniquilmos. caya pagca nacuha,, nauala itong manga saquit, ay nauauala pati nang pag iilaguin nang darag is. datapoua cun minsan itong saquit ay ualang casamang iba, at cun gayon ay cailangan sumpitin ang maysaquit arao arao ng maquiilan nang bilin sa numero magaling sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang bituca nang baca manoc.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca tapalan ang tiyan at ang pouit nang basahang babad sa gatas cun ualang gatas ang tubig na pinaglagaan nang culutan bulaclac nang alagao ay mabuti rin. ang iinumin ng maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang isang dacot na bigas palay; at pupurgahin nang bilin sa numero sa numero. ang gamot sa nagcasaquit dahil sa siya,, natacot. ang manga sangol at ang manga babaying nanganac, ay marahil magcasaquit dahilan sa pagca sila,, natacot. ang sungmusunod sa tacot, ay ang panginginig nang catauan at ang pagca balisa nang maysaquit, lalo pa cun ang puso at ang baga ay napacapuno nang dugo. cun minsan nama,, sinusubaan, at nasisira ang bait. cun baga ang may catauan inuurungan nang dating pauis dahilan sa siya,, natacot, cun minsa,, dinaraanan ng malauong pag iilaguin. ang manga babaying nanganac ay namamatay cun minsan capag sila,, natacot. ang dating ipaiinom sa natacot ay ang malamig na tubig; datapoua hindi magaling yaon, sapagca lungmalaqui ang saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang mabuti doo,, patahanin sa piling nang maysaquit ang manga tauong caquilala niyang dati; painumin nang mainit na tubig; ibabad nang isang oras ang caniyang manga paa hangan tuhod sa malacucong tubig; at maminsan minsan ay cuscusin ang caniya ring paa nang isang tuyong basahan. cun ang maysaquit ay naghinahon na, at ang balat ay mainit na, ay cucumuta,, patutuluguin; at sapagca maiguing mapauisan, ay painumin muna nang ga dalaua tatlong cucharang alac sa misa nang caunting triaca. cun baga mahirap na totoo ang paghinga nang maysaquit, ay cailangang sangrahan sa camay. itong manga turo co sa dalauang parrafong itong magcasumunod ay yaon ang totoong sucat gauin pati sa nanganac na sinumpong nang tacot, pati sa manga bata. ang gagauin sa dinaraanan nang anomang bagay na convulsion, para nang alferecia, sauan, etc, pati nang gagauin sa babaying sinusubaan. iba,, iba ang inaasal nang manga dinaraanan nang convulsion.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan nanginginig ang boong catauan: cun minsan tila nalulucso ang manga laman, cungmiquinal ang muc ha, nangingiui ang bibig; ang manga paa,, camay naninigas; ang bibig ay hindi mabuca, ang camay cun minsa,, quimquim. mayroon namang ibang maysaquit na cungmiquisay at parating balisa, na hindi mapalagay; pati nang dila cun minsa,, nacacagat at napuputol. itong manga sinabi co ngayon, di man ang lahat, ang iba ay marahil maquita doon sa manga maysaquit na tinatamaan nang hangin, nang frenesi, sa sinasauan, na yaong lahat na saquit ay paraparang convulsion din. ang idirito cong isusulat ngayon sa dalauang parrafong magcasunod, ay mabuting gauin sa anomang bagay na convulsion; datapoua ang mabuti ay hanapin sa caniyang parrafo yaong manga saquit na yaon. ang tauong dinaraanan nang convulsion, ay masamang gamutin doon sa oras na yaon nang caniyang paghihirap. ang gagauin lamang ay alagaan nang ilan catauo nang houag masactan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling namang isoot sa caniyang bibig ang isang pinaca cigarrong damit, nang houag macagat ang caniyang dila. cun baga malaqui ang pamamaga nang liig, at mataba ang may catauan, at ang muc ha,, mapula, ay mabuti sangrahan sa camay. ang maysaquit ay paiinumin nang caunting tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. ang maigui sa lahat ay ang paglalaga nang isang dacot nang dahon nang cahel sa dalauang tagayang tubig, at capag naiga na ang calahati, ay inaalis sa apoy, at yao,, minsanang ipainom sa maysaquit sa umagang umaga. cun hindi macaguinhaua sa caniya yaon, ay atuhin ang dahon nang sintoris (narangitas,) na ilalaga rin para nang guinaua sa dahon nang cahel. cun baga bata ang dinaraanan nang convulsion, nang suba, sauan, alferecia, ay babasahin mo ang capitulo. ang saquit na alferecia, na ang tauag sa maynila doo,, taon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang saquit na pinanganganlang taon, ay marahil dumaan sa manga lalaqui, sa manga babayi; marahil namang dumaan sa manga bata pa sa manga matatanda na: ang tauag nang castila sa saquit na ito,, alferecia. ang may cataua,, cun biglang tamaan noong saquit na yaon, ay sungmisigao at naboboual, na pagcaraca hindi siya nacacaalam tauo. ang boong catauan niya, ang ibang manga casangcapan lamang nang cataua,, malacas cuminal; na yao,, convulsion, cun tauaguin nang castila. ang maysaquit ay pagulong gulong sa banig; quinig ang caniyang paa,, camay pati nang ulo. ang camay ay quimquim, pinupucpoc niya ang caniya ring dibdib at tiyan, at parati siyang napapahampas sa sahig. ang balat nang ulo, ang boong muc ha ang quilay pati nang pilic mata ay cungmiquibo; ang mata,, gayon din; ang buhoc ay naninigas; ang sihang cun minsa,, bungmababa, hangan sa lungmilingsad. ang dila ay lungmalaqui at hungmahaba, at cun minsa,, na aabot nang ngipin, at napuputol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang manga ngipin ay nangangalitngit; ang ulo cun minsa,, touid, cun minsa,, papihit pihit sa magcabicabila. bucod dito,, hungmahaloyhoy ang may catauan, sungmusuca siya, at napapaihi at napapailaguin. ang manga bituca ay ungmuugong; ang lauay ay cungmacayat; ang puso cunmacaba nang malacas, at ang paghinga ay maingay. ang lahat na ugat ay lungmalaqui, lalo pa ang sa liig, sa dila,, noo. ang mucha,, namamaga, at pungmupula, ungmiitim caya; mayroong lungmalabas na bulang maagquit; at capag lungmalabas na ang bula ay yaon ang pagtahan nang saquit; saca ang may cataua,, nahihilim, at pag naguising ay hindi na aalaman niya ang nangyari. ang pulso,, madalas, at munti cun bago; saca lungmalacas, at sa catapusan ng hirap, ay madalang at mahina. itong mga sinabi co ngayon cun minsan ay hindi dunmaraan ang lahat sa manga inaalferecia, tinataon, cundi ang iba lamang. ang gamot doo,, gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang maysaquit ay ipatitihaya; sa ilalim nang licod at ulo ay lalag yan nang damit nang tumaastaas; alagaan nang ilang catauo ng houag siyang masactan. sa bibig ay sosootan nang isang caputol na damit na marami ang suson, nang houag macagat ang dila; boong cataua,, cucuscusin nang damit na tuyo; mabuti sumpitin nang tubig na dinoonan nang asin; bibigquisan ang manga paa sa ibabao nang tuhod; at ang manga camay sa ibabao nang sico; paamoyin nang manga mabaho, para ng pacpac nang manoc, balat nang baca, suca man. cun ang muc ha nang maysaquit ay ungmiitim, ga siya,, quinacaposcapos na nang paghinga, ay cailangang sangrahang minsan macalaua sa paa. bucod dito ay painumin nang tubig na malacuco, na pinaglagaan nang dahon nang cahel, sintoris (narangitas) para nang turo co sa parrafo. pag ang maysaquit nasaol an, ay painumin nang caunting alac sa misa cun baga siya,, mahina, at paamoyin naman nang suca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca siya,, tumanong sa marunong na medico, na siya,, gamutin at nang houag daanan uli noong saquit na masama. ang gamot sa sinasauan, na yaong saquit na yao,, isa rin nang pinanganganlan nang castilang epilepsia, mal caduco mal de corazon. ang pangalan cun minsan nang tagalog dito,, suba; ang tauag cun minsan doon nama,, panhihimatay, capitulo. ang manga batang mahihina (ani buchan) ay marahil daanan nitong saquit na ito. nguni sila,, cun lumaqui tumanda, cun minsa,, gagaling; datapoua pag lumalo sa dalauang pouong taon ang edad nang maysaquit, ay maliuag gumaling. itong saquit na ito,, isa pang bagay na convulsion. cun itong saquit malimit dumaan sa may catauan, at saca hindi malauon cundi madali, ay lalo pang maliuag gamutin; at cun dungmaraan cun natutulog ang maysaquit, ay masama pa mandin. ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay natatamlay muna,, nalilio; sungmasaquit ang ulo; ungmuugong ang tayinga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"lungmalabo ang pagtingin; malacas ang cabacaba nang puso, ang pagtulog ay hindi mahimbing, at ang paghinga ay mahirap; ang manga bituca ay napupuno nang hangin; ang muc ha ay pungmuputla, ang manga paa,, camay nanglalamig. pag ang may catauan dinaraanan nang hirap ay doon sa oras na yaon mayroong lungmalabas na bula sa bibig, napapaihi, at napapailaguin ang maysaquit di man cusa nang caniyang loob; ang manga hinlaqui nang camay ay pungmipihit; ang maysaquit ay hindi nacacaalam tauo, at cun nasasaol an ay uala siyang namamalayang anoman sa lahat na nangyari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong saquit na ito,, dala cun minsan nang gutom, nang pag gauang parati nang mahalay, nang pag inom nang alac na marami, dahil sapagca ang maysaquit ay mayroong bulati sa tiyan, sinisibulan nang ngipin, sapagca siya,, pinalo sa ulo, natacot, nahulog sa mataas, dahil sa siya,, sinisibulan nang bucol sa bungo nang ulo, nag iisip nang manga maliliuag sapagca biglang sinumpong nang malaquing tacot toua galit caya; cun minsan naman ay dahil sapagca ang may cataua,, nalalinan nang bulutong tigdas, sapagca sala ang pagdaan nang sa panahon, cun baga babayi. caya maliuag maalaman cun minsan ang dahilang pinangagalingan nitong saquit na ito. cun minsan minamana yaong saquit. ang bagay sa sinasauan, ay ang pagtahan sa maaliualas na lugar, na hindi natacpan nang bahay cahoy na marami: masama sa caniya ang pag inom nang alac, ang pagcain nang baboy, manga bunga gulay na may hangin para nang saguing, patani, etc. masama rin ang siya,, magalit, matacot nang malaqui.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"houag siyang tumingin sa manga malalim na lupa sa manga ilog na matulin ang agos, na yao,, nacacalio at nacacapagdala uli nang saquit. ang gagauin doon sa oras nang pagcacasaquit nang tauo, ay ang turo sa parrafo at sa. mabuti sa saquit na ito capag nasaol an na ang may catauan ang polvos numero na iinumin niya sa isang tazang tubig na malacuco cun umaga, ayon sa turo ni linneo. saca cailangang pacausisain ang totoong dahilan nang saquit, at cun nahahalatang nadoroon sa bungo sa utac nang ulo, cun marugo ang may catauan, ay cailangang sangrahan pag siya,, nasaol an; at cun nagcacasaquit dahil sa nauala,, inurungan siya nang pauis galis ay gagamutin para nang turo sa capitulo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang saquit ay dala nang siya,, inurungan nang bouan, cun baga babayi, gagauin ang bilin sa capitulo cun baga dahil sa pagsibol nang ngipin, ay cailangan doon ang pagsumpit at ang banos hangan tuhod sa malacucong tubig; cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang bata nang bilin sa numero sa ibabao nang licod sa pag itan nang dalauang balicat; basahin mo ang capitulo at. gayon din ang gagauin pag ang tauo,, sinasauan dahil sa siya,, bubulutungin titicdasin. cun baga caya sinasauan ang may catauan sapagca siya,, mayroong bulati sa tiyan, ay gagamutin para nang turo sa capitulo. cun ang saquit ay dala nang cahinaan nang litid nang may catauan ay magaling doon ang quina (dita) at ang bacal numero. ang gagauin sa babaying sinusubaan na yaong saquit na yao,, pinanganganlan nang castilang mal de madre. itong saquit na ito,, maliuag matapatan nang gamot. ang manga babayi malimit daanan nitong hirap na ito, at lalo pa ang manga mahihina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sarisaring dahilan ang pinangagalingan nang ganitong saquit. ang manga litid nang catauan, ang sicmura, ang manga bituca, ang dugong may calahoc na masama, ang pag urong nang sa panahon, ang di pagpanaog para nang dati, cun minsan naman ang malaquing tacot galit, ang pagdadalamhati nang may catauan. bagay bagay ang inaasal nang manga babaying sinusubaan. mayroong tila nalilio lamang, anaqui natutulog; datapoua ang hininga ay bahagya na nararamdaman. mayroong iba, na ualang tahan ang pagquibo, na hindi mapiguil nang ilang catauo. bago daanan noong saquit na yaon ang babayi, ay nanglalamig muna cun minsan ang caniyang manga paa,, camay, naghihicab siya,, namamanglao. cun minsan naman mayroon siyang nararamdamang matigas sa dacong puson, na ungmaaquiat cun malauon lauon sa itaas sa sicmura; na dahil doo,, sungmusuca siya cun minsan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca nagpapatuloy yaong matigas sa lalamunan, at ang maysaquit ay ga quinacapos nang paghinga, dungmadalas caya sa dati ang paghinga niya; ang puso,, cungmacabacaba nang malacas, lungmalabo ang pagtingin, nalilio ang may catauan at hindi macaringig; bucod doon ay cungmiquinal cun minsan ang manga casangcapan nang catauan. nang masaol an ang babaying sinusubaan, ay magaling paamoyin nang manga mabaho gaya nang sunog na pacpac nang manoc, asafetida (ingo) espiritu de cuerno de ciervo. ang pagcasangra sa maysaquit ay maigui rin cun siya,, malacas matabang totoo; nguni cun mahina maramdamin ang babayi, lauon nang panahong siya,, marahil daanan nang suba, ay hindi sucat sangrahan. magaling namang doonan sa talampacan nang tig isang bato ladrillong mainit, at cuscusin nang malacas nang mainit na damit ang caniyang paa hangan tuhod, ang camay, sampon nang tiyan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua ang mabuti sa lahat ay ibabad ang caniyang paa hangan tuhod sa mainit na tubig, at lalo pang sucat gauin ito, cun ang pagdaan nang pagsuba, ay cun malapit nang panaugan nang bouan ang may catauan. cun baga ang maysaquit ay ilan nang arao na hindi nananabi para nang dati, ay maigui sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan na linag yan nang caunting asafetida (ingo); at pag siya,, nacacalon on na, ay painumin nang dalauang chucharang tubig na pinagtunauan nang caunting ingo rin. at cun hindi natatalo pa ang saquit, ay palonoquin ang may catauan nang tubig na pinaglagaan nang dahon nang cahel sintoris para nang turo sa parrafo. maigui ring painumin nang cafe, na sinamahan nang isang cucharang aguardiente, na yaon ay gagauin pagca inato nang guinaua ang ibang manga turo co ngayon, at hindi rin natatalo ang saquit. itong manga bagay na sinabi co ngayon ay gagauin sa oras nang paghihirap nang babaying sinusubaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga hindi nasaol an ang babayi, cundi namamatay, ay gagauin ang bilin sa parrafo maca hindi patay ca totoo ang maysaquit. datapoua nang houag umoli ang saquit, gagauin ang isusunod co dito ngayon. pag ang babaying sinusubaan ay nasaol an na, ay hindi sucat itahan ang pag gamot doon, at ang saquit ay uuli rin caalamalam, cundi alisin ang pinacaugat na pinangagalingan noong hirap na yaon. caya ang gagauin sa may cataua,, gayon: houag pacanin siya ng marami, lalo pa cun gab. ang pagpambo sa malamig na tubig ay totoong buti doon; ang pagtahan nang malauon nasa hihigan ay masama. ang bacal para nang bilin sa numero at ang quina (dita) numero ay totoong galing sa manga mahihinang babayi, sa manga sicmurain. cun yaong saquit ay dala nang cainitan nang litid, palonoquin ang babayi nang isa dalauang pelotillang talamponay na ganga balatong calaqui sa isang cucharang tubig, ayon sa bilin sa numero at cun minsan siya,, macacatulog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"na aari namang isama sa sumpit ang isa dalauang pelotillang talamponay, cun aayao inumin yaon nang babayi. datapoua cun ang may catauan ay totoong nagsasaquit nang pag gaua, lalo pa cun hindi tungmatahan nang pananahi, paghabi, pagdurugtong nang abaca, at saca sungmasala siya sa oras nang pagcain, at nagugutom, ay houag siyang umasang gagaling. cun hindi mangyaring tumahan nang pag gaua, ang bagay sa may catauan ay manaog siya sa lupa nang caunting oras cun umaga at cun hapon, at siya, magtanim nang anomang damo doon, na caniyang aalagaan, at yaon lamang gauang yao,, macacaualauala nang caniyang masamang damdam nang catauan. cun baga marumi ang sicmura nang maysaquit, ay cailangang pasucahin nang mahinang pasuca, numero at cun hindi manabi para nang dati, ay houag pacanin nang marami; at painumin siyang maminsan minsan nang caunting ruibarbo mana, numero. cun minsan ang babayi, at gayon din ang lalaqui, sinusubaan dahilan sa manga sinasaysay sa capitulo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya cailangang basahin yaon, pati nang manga parrafong magcasumunod doon. ang gamot sa babaying namamanghid ang caniyang paa, camay ang ibang casangcapan nang catauan, na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay calambre histerico. ang manga babaying maramdamin mahina, ay malimit daanan nang pamamanghid nang paa, camay nang ibang casangcapan nang catauan, lalo pa cun sila,, nahihiga. ang magaling sa gayong saquit ay ang parapit numero. cun minsan mauauala rin ang saquit, pag banusan arao arao ang may catauan hangan tuhod sa malacucong tubig. mayroon namang pamamanghid nang paa, na siyang cusang nauauala capag binigquisan yaong maysaquit na casangcapan. cun baga yaong maysaquit na yao,, dala nang manga maruruming nadoroon sa sicmura bituca, ay mabuti doon ang quina (dita). ang gamot sa biglang dinaraanan nang hindi macahinga, sa quinacapos nang paghinga, na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay sofocacion. tatlong dahilan ang pinagmumulan nitong saquit na ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang isa,, ang manga litid nang baga cun ungmiinit cungmiquinal. ang icalaua,, cun mayroong maraming dugo, doon din sa baga nang may catauan. ang icatlo ay ang manga malagquit na tungmatahan sa baga rin. cun ungmiinit, ga nangungurong ang manga litid nang baga, na dahil doo,, hindi macahinga ang may catauan, ay mauaualang cusa ang caniyang saquit di man siya gamutin, cun paamuyin nang mabaho, para nang sinunog na pacpac nang manoc ingo. cun minsan dinaraanan ang maysaquit nang hindi macahinga dahil sa napacapuno nang dugo ang caniyang baga, na caya na aalaman yaon, ay sapagca ang pagdaan nang saquit ay capag siya,, nahihirapan nang pag gaua nang anoman, sapagca siya,, mataba,, malacas cumain, marami ang iniinom na alac, at ang pulso doon sa oras nang saquit, ay matigas at malacas, at mapula ang muc ha.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin doon sa gayon, ay sasangragan sa camay; sumpitin ng malimit at painuming parati nang bilin sa numero itong painom ay sasamahan nang salitre, timbang saicapat sa tatlong tagayan. magaling doon naman ang pagsipsip nang singao nang suca, para nang turo sa numero. cun baga caya hindi macahinga ang maysaquit, ay dahil sa mayroong naninicquit na manga malalagquit doon sa caniyang baga, na caya nahahalatang gayon, ay sapagca siya,, dating masasactin, mahina, hicain siya, nananab ang ang pagcain, ang quinacain niya ay ang manga ualang sustancia, siya,, ungmiinom na parati nang mainit na tubig, at bucod dito ang caniyang pulso,, munti malambot, at siya,, namumutla; ang gagauin doo,, gayon. touing calahating oras ay painumin ang maysaquit nang bilin sa numero ga isang cuchara carami ang isang inom. painumin din nang marami nang turo sa numero. parapitan sa manga binti nang bilin sa numero.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pagsasangra doon cun minsan ay cailangan, cun ang maysaquit ay mataba niyong hindi pa siya dinaraanan nang hindi macahinga, at cun ang pulso,, malacas at puno. magaling namang sumpitin. cun baga yaong bilin sa numero ay uala, ang gagauin ay gayon: bumayo ca nang isang lasona dalaua caya sa isang babay ang hindi tangso; pagcabayo na ay iyong bus an nang mainit na suca, bago salain, at pigain sa sinamay lienzo; pagca yari na yao,, samahan mo nang isang gayon ding pulot, at yaon ang ipainom sa maysaquit, ga isang cuchara carami touing calahating oras. itong gamot ay totoong buti; at ang isa pa,, ualang liuag gauin. ang saquit na frenesi, na yao,, saquit nang utac nang ulo nang tauo, na dahil doon ay nasisira ang bait ang maysaquit, na tila bungmabagsic. itong saquit na ito, ay ang pagiinit ang pamamaga nang utac nang ulo nang tauo, at marahil nacacasama nang manga lagnat na maningas buloc sucab; datapoua cun minsan ang frenesi ay ualang casamang saquit na iba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang dinaraanan nang frenesi ay nalalagnat; nasisira ang bait; sungmasama ang loob niya, pati nang pagtingin, na dahil doo,, anaqui bungmabagsic; ang pulso,, matigas, mapula ang muc ha, ang bibig ay tuyo; hindi macatulog siya nang mahimbing; sa ilong mayroong tungmutulong tubig; mayroon namang tungmitiboc nang malacas doon din sa quibotquibotan at sa liig; ang maysaquit ay hindi nauuhao, baga man tuyo ang caniyang dila. ang pinagmumul an nitong saquit na ito,, ang maraming dugo; ang dugong malabnao na lubha, na yao,, dala nang cabataan, sapagca inaarauan ang may catauan, ungmiinom nang alac, cun macacain siya nang manga mainit, para nang luya, pimienta, dahil sa siya,, inuurungan nang panahon, cun baga babayi, cun manganac at hindi siya linabsan nang ugaling lungmalabas na dugo sa mga babaying nanganganac, dahil sa napuyat ang may catauan, totoong nagsaquit siyang gumaua, nag isip nang manga maliuag; sapagca namamanglao, nasactan siya sa ulo, at tinapalan nang malamig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gamot sa frenesi ay gayon: ang maysaquit ay houag lilibutin ng maraming tauo. ang ipaiinom sa caniya ay ang bilin sa numero sa numero sa numero. bucod dito,, cailangang sangrahan sa camay, at cunan nang maraming dugo, cun malacas ang may catauan; nguni cun mahina na siya, ang totoong buti doo,, ang pacaptan sa linta ang mga quibotquibotan; ang isa pang nacacaginhauang agad sa maysaquit, ay ang pagbabalingoyngoy; caya cailangang sootan ang ilong ng maysaquit, nang ilang buhoc nang cabayo at guilaogauin, hangan tumulo ang dugo; magaling namang pacapitan sa linta doon sa pouitan. bucod dito,, susumpitin, at ang paa,, babanusan sa malacucong tubig at tatapalang parati (ang mga paa rin) nang tinapay nadurog na binasa nang gatas. ang ulo ay cailangan namang ahitin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang maysaquit ay inuurungan nang bouan, hindi siya dinaraanan nang ugaling dungmaraan sa mga nanganganac na babayi, biglang naual an ang maysaquit nang galis buni hindi sungmasago ang fuente (cun baga may fuente, at dahil sa mga ganito,, nagcasaquit nang frenesi ang may catauan, ay cailangang basahin nang mangagamot dito sa librong ito ang cabagayang gagauin doon sa gayong mga saquit, at siya ang susundin agad. cun ang saquit hindi nauauala, at hindi rin namamatay ang may catauan, caalamalam boong buhay sira ang caniyang ulo. ang gamot sa nacalon oc nang lason. cun mayroon tauong nacacain ng anomang bagay na lason, para nang talamponay cabuti, bunga nang tuba, camaisa pepita ni san ignacio, iba cayang damong masama, ang gagauin doo,, gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang maysaquit ay paiinumin nang maraming malacucong tubig na sinamahan nang caunting asin azucar at pagcaraca,, pasucahin nang maraming tubig at langis, nang bilin sa numero . pag nacasuca na ang may catauan, saca painomin pa nang maraming tubig na linahucan nang pulot azucar; itong tubig na ito,, lalag yan din nang maraming suca; bucod dito,, susumpiting parati ang maysaquit nang gatas na may casamang langis. cun minsan ang maysaquit ay nahihilim na parati, na dahil doo,, cailangang parapitan sa paa at camay nang bilin sa numero lalo pa cun ang caniyang linon oc ay ang opio ang talampunay na yao,, catulad nang opio; cun gayon ay cailangan namang sangrahan agad ang maysaquit, at gauin doon ang manga turo sa parrafo gaya nang sa nagcacasaquit nang apoplegia. cun baga caya nagcacasaquit ang tauo,, dahilan sa siya,, pinurga pinasuca nang purgang matapang pasuca ay gagamutin para nang turo sa parrafo. ang saquit na pasmo na yao,, catulad nang perlesia.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pinanganganlang pasmo perlesia yaong saquit na yaon, na marahil dumaan sa nagtatahan dito sa filipinas. yaong saquit capag tumama sa puso sa baga ay mamamatay ang may catauan; cun sa sicmura, sa manga bituca sa pantog nang ihi, ay mapanganib din ang buhay nang tauo; at cun ang muc ha ang napasma, ay masama ring saquit, sapagca yaong gayo,, sa manga utac nang ulo nangagaling, at cun ang muc ha,, lungmalamig at cungmucupis, cun ang maysaquit ay nacacalimot limot na, ay maliuag mauala yaong saquit. itong saquit na ito cun minsan sungmusunod naman sa tama nang hangin mal de viento . yaong casangcapan nang catauan na tinatamaan nang perlesia pasmo ay hindi nacararamdam at cun minsan hindi maiquibo. ang pinagmumul an nitong saquit, ay iba,, ibang dahilan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pag inom nang maraming alac hangan nalalasing ang may catauan, ang manga sugat sa ulo at sa loob nang gulugod, ang hanging malamig cun ungmuulan, ang pagliban nang ugaling pag ihi pananabi; ang pagtahang parati na ualang gaua, ang pag inom nang malimit nang cha, cafe etc., ang manga sugat sa litid, ang singao na masama na nangagaling sa lupa, at ang iba pa. . cun baga batang tauo ang nagcacasaquit noong saquit na pasmo at ang catauan noon ay magaling, at siya,, mataba, gamutin para nang dinaraanan nang apoplegiang dala nang cainitan nang dugo parrafo sa macatouid, sasangrahan, susumpitin, at pupurgahin para nang turo doon. datapoua ang manga mahihinang tauo, ang manga matatanda na, cun dinaraanan nitong saquit na pasmo, ay houag gamutin nang gayon, cundi para nang isusunod co dito. cuscusin, hilutin nang camay ang casangcapang masaquit nang catauan. ang parapit numero ay maigui rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun hindi pungmapayag ang may catauan doon, cun ang saquit ay nadoroon sa muc ha, ay hilutin arao arao yaong masaquit nang alac na pinag tunauan nang caunting ingo ayon sa turo nang. clain, at sumpitin tuloy ang maysaquit. ang pag inom nang tubig na linag yan nang polvos nang ugat nang malungay ay mabuti sa saquit na yaon. ang ugat ay pinatutuyo muna sa arao sa apoy man, bago bayuhin. ang pasuca numero (ani buchan) ay totoong buti cun nacacayanan nang catauan nang maysaquit at cun ang canyang pasmo ay para nang sinabi co dito rin sa parrafong ito. cun hindi pumayag ang maysaquit doon sa pasuca nang numero ay na aari ang pasuca nang malacucong tubig na sinamahan nang langis, azucar at suca. maigui naman doon ang manga bagay na nagpapabahin para nang polvos nang tabaco etc. bucod dito ang maysaquit ay mag iingat sa ulan sa hamog at sa calamigan nang panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa saquit na pasmo ang totoong galing na gamot, ay ang talbos ang dahon isang cahel na ilalaga sa tubig, at itong tubig na ito ay ipaiinom touing umaga sa maysaquit ayon sa turo sa parrafo . magaling din ang pag inom na maminsan minsan nang calahating tazang tubig na hinulugan nang calahating cucharang buto nang mostaza. ang saquit na ictericia na iquinapaninilao nang mata nang tauo. itong saquit na ito,, dala nang apdo na hindi husay na para nang dati, cun sungmusucal ang manga dinaraanan noon. sa saquit na ictericia ang puti nang mata at ang boong catauan cun minsan ay dungmidilao, pati nang ihi madilao rin, at nacacamancha sa manga damit na maputi. ang maysaquit ay nananab ang nang pagcain at mapait ang caniyang bibig. ang iniilaguin niya ay maputi maitim, at cun minsa,, sungmusuca siya naman nang madilao. ang manga sangol capag hindi iniilaguin nila yaong unang duming ugaling ilaguin nang manga batang bagong panganac, ay marahil magcasaquit nitong ganitong saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang manga babaying buntis ay gayon din. ang manga dalaga,, dinaraanan naman noon ding saquit na yao; pati ang quinagat nang ahas asong ol ol. cun ang saquit nang ictericia ay sungmusunod sa pagsintac sa atay, sa purga pasucang matapang sa paglon oc nang lason, sa pamamanglao, sa tacot galit na malaqui, sa colico bilioso parrafo ang maysaquit ay ilagay sa husay nang maysaquit na magaling galing na capitulo at macaapat maghapon paiinumin nang bilin sa numero. susumpitin siya nang malimit nang bilin sa numero . ang iinumin niyang parati ay ang turo sa numero at touing icatlong arao pupurgahin nang bilin sa numero. datapoua cun yaong saquit ay sungmusunod sa lagnat na pangiqui, sa ibang saquit na malaqui, ang may cataua,, pupurgahin nang malimit nang bilin sa numero at paiinumin nang sa numero. cun babayi ang nagcacasaquit nang saquit na ictericia opilacion dahilan sa hindi husay ang pagpanaog nang sa bouan, at hindi siya buntis, ay basahin mo ang capitulo at sundin ang manga turo doon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan iba ang punong pinagmumul an nang ictericia; sa macatouid cun sungmusucal ang manga dinaraanan nang apdo nang tauo. cun gayo,, ang atay tungmitigas, tila may sungmasaquit doon, lalo pa cun bagong nacacain, cun siya,, napagal nang pag gaua nang anomang mabig at na gaua; ang isa pa roon ay hindi maihiga niya ang canang taguiliran; nananab ang siya nang pagcain, at mapait ang bibig. cun gayon ang icterecia ay maliuag mauala. nguni ang gagauin sa ganoong maysaquit, ay gayon: sasangrahang minsan ang maysaquit, macalaua, cun siya,, mataba,, marugo. paiinumin siya namang parati nang suero numero palolonoquin nang pildoras numero at paiinumin naman nang sa numero. bucod dito,, pupurgahin siya nang turo sa numero. maigui rin doon ang bilin sa numero. ang gagauin sa tauong sinusubaan na ang pangalan nang castila sa gayong saquit ay desmayo. ang manga tauong sinusubaan, nadedesmayo ay iba,, iba ang inaasal nila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mayroong nacacaalam tauo, hindi lamang macapag uica, na yao,, marahil dumaan sa manga babayi. ang pulso doon ay hindi lubhang nag iiba; ang pangalan nang castila doo,, deliquio. cun ang may catauan hindi nacacaramdam at hindi rin nacacaalam tauo, at totoong hina nang pulso, ang tauag nang castila doo,, sincope, na yaon ang icalauang pinaca grado nang desmayo. datapoua cun ang maysaquit ay tila bangcay, na malamig ang caniyang catauan, at hindi nararamdaman ang pulso pati nang hininga, ang pangalan doon nang castila ay asfxia, na yao,, ang icatlong grado nang desmayo. ang tauag nang tagalog dito cun minsan ay panhihimatay. ang manga punong pinagmumul an nang manga desmayo ay anim. ang isa,, ang dugong marami. ang icalaua,, ang cahinaan nang may catauan, na siya ang ugaling dahilan. ang icatlo,, ang sicmura cun marumi. ang icapat ang manga litid. ang icalima ang galit, tacot, ang pamamanglao na malaqui. ang icanim, ay ang ibang manga saquit, na cun minsan ay magcasama nang desmayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin sa sinusubaan, nadedesmayo dahil sa siya,, marugo. caya nahahalata, na ang maraming dugo ang nagdadala nang desmayo, sapagca ang may cataua,, malacas at mataba. ang pagtama nang saquit ay pagca siya,, nacacain nang manga maiinit, nacainom nang alac, aguardiente, cafe, mainit na cha; sapagca siya,, inarauan, napatahan sa mainit na lugar, cun siya,, nagsaquit gumaua nag iisip nang maliuag, at bucod doon, ay namumula namamantal ang caniyang muc ha. ito ring manga dahilan ay pinagmumul an naman nang pagquinal nang catauan nang tauo, na cun minsan sungmusunod cun minsan sinusundan nang suba desmayo. ang gamot sa sinusubaan dahilan doon, ay ang suca, na ang calahating bahagui ay tubig na malacuco, na ipa aamoy sa maysaquit; ang noo, ang quibotquibotan, at ang galang galangan nang camay niya, ay babasain noon ding sucang tinubigan; at painumin siya naman nang dalaua, tatlong lag oc nang suca rin, na ang tubig ay marami sa calahati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi nasasaol an pa ang maysaquit, nang macalalo ang saicapat na bahagui nang isang oras, ay sasangrahan sa camay. pagca sangra na, ay maigui sumpiting minsan, at touing calahating oras paiinumin nang isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na sinasamahan nang caunting azucar at suca . cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,, marugo, ganito rin ang pag gamot doon. ang bagay sa tauong marahil madesmayo dahil sa siya,, marugo nang houag umoli ang saquit, ay ang pag inom cun umaga,, cun hapon nang bilin sa numero pati nang sa numero ang pagcain nang canin, gulay at tubig lamang; at maminsan minsan ang banos hangan tuhod sa tubig na malacuco; bucod dito,, magaling ang siya,, lumacad na parati at houag habaan ang tulog. ito,, gagauin niya capag nararamdamang dungmarami uli ang caniyang dugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin sa tauong sinusubaan, lalaqui ma,, babayi man, dahil sa cahinaan nang catauan, para nang manga babaying nanganganac, dahil sa nahanaan nang gutom, nang pagbabalingoyngoy, pag iilaguin nang malacas, dahil sa pinurga pinasuca nang matapang na pamurga pasuca, dahilan sa manga maruming nadoroon sa sicmura. ang saquit na suba dahil sa cahinaan nang catauan nang tauo, ay hung mahalili, sungmasabay cun minsan sa pag iilaguin nang malacas, sa pagbabalingoyngoy, sa pagpauis, sa malimit na pag gaua nang mahalay, sa pagcapuyat, sa malauong pananab ang nang pagcain; sapagca ang manga ganito,, paraparang totoong nacacahina sa catauan. ang gagauin sa nadedesmayo nahanaan dahil sa siya,, linabasan nang maraming dugo sa ilong, ay aquing sinabi na sa capitulo siya ang sundin. datapoua cun ang dahilan nang saquit na suba ay ang ibang manga sinaysay co sa parrafong sinundan nito, ay ganoon ang paraan nang pag gamot.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang maysaquit ay quinucumutan; quinucuscos nang mainit na damit ang boong catauan niya, at cun mayroong tali sa catauan ay quinacalag; pina aamoy nang ruda, sambong romero, yerba buena; pinalolon oc nang ilang capatac nang aguardiente, alac na linahucan nang caunting tubig . ang alac sa misa na sinamahan nang azucar at canela, cun paculuin sa apoy, at saca ipainom sa maysaquit, ay totoong galing na cordial doon; lalag yan naman sa sicmura nang isang damit na babad sa alac sa misa na pinaglagaan nang romero, sambong, sa ibang damong mabango. pagca ang maysaquit ay nacacalon oc na, ay big yan nang sabao na hinulugan nang isang pula nang itlog, pacanin caya nang isang sopas na tinapay, broas na babad sa alac na binudburan din nang caunting azucar at canela . ang sinusubaan dahil sa siya,, nasangrahan, ay hindi cailangang gamutin, at mauauala pagcaraca yaon, capag siya,, humiga, cun paamuyin nan suca at painumin nang caunting suca rin, na may calahoc na tubig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga caya sinusubaan ang tauo,, sapagca siya,, pinurga, pinasuca nang totoong tapang na pamurga, pasuca, ay paiinumin siya nang langis sa castila, big yan nang azucar; maigui rin, ang gatas ang tubig na pinaglagaan nang palay, para nang guinaua sa nacalon oc nang lason, capitulo. bucod doo,, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na sinamahan nang langis at pula nang itlog nang manoc. cun bago malubha, mahirap ang lagay nang maysaquit, ay mabuti sangrahan. datapoua cun ang maysaquit hindi nag iilaguin, cundi sungmusuca lamang, ay lilimitan ang pagsumpit houag lamang lag yan nang pula nang itlog. magaling ding pambohan ang maysaquit sa malacucong tubig. basahin mo ang parrafo. ang manga babayi marahil subaan madesmayo pagca sila,, nacapanganac, at lalo pa cun binusan nang maraming dugo. ang gagauin doon ay sundin ang aral sa capitulo at sa capitulo at cun gayon bihirang babayi ang magcacasaquit noong gayong saquit. maigui ring paamuyin nang suca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang tauong sinusubaan dahilan sa manga maruruming nadoroon sa caniyang sicmura, mabuti paamuyin nang anomang matapang na amoy, at painumin ng tubig na malacuco, na pinaglagaan nang manzanilla sambong bulaclac nang alagao. pag nasaol an ang maysaquit ay big yan ilang arao cun umaga nang bilin sa numero. ang gagauin sa tauong sinusubaan nadedesmayo dahilan sa mayroong saquit sa caniyang manga litid. ang saquit na suba dahilan sapagca mayroong saquit sa manga litid, ay siyang cusang nauauala, capag pinapaypayan ang may catauan at pina aamoy nang mga mabaho. mabuti ring atuhing basain ng tubig na malamig na sinucaan ang noo, pati nang quibotquibotan nang maysaquit. dito rin nauucol ang saquit na marahil dumaan sa manga babayi, na pinanganganlan namang suba na sinaysay co na sa parrafo . ang nadedesmayo dahil sa mayroong saquit sa caniyang litid, ay cailangang lumacad na parati magpasial, lalo pa cun umaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang purga, ang pagsasangra, ang mahabang tulog, at ang di pagpanaog sa bahay ay pauang masama sa caniya. cun babayi, ang sinusubaan dahil sa mayroon siyang saquit sa caniyang manga litid ay gagamutin para nang turo doon sa parrafo at sa. ang gamot sa tauong sinusubaan nadedesmayo dahil sa siya,, natacot, namanglao, nagalit. ang nagcacasaquit dahil sa siya,, natacot, ay gagamutin para nang turo co sa capitulo. ang tauong sinumpong ng galit, nang pamamanglao, at nadesmayo dahilan doon, ay paamoyin siya nang suca, at paiinumin ng malimit nang tubig na malacuco, na pinaglagaan ng balat nang dalandan dayap. pag nasaol an ang maysaquit ay painumin nang limonada numero at sumpitin nang bilin sa numero. cun ang maysaquit ay dungmoroual na parati, at mapait ang bibig niya, at yaong manga bagay na yaon ay hindi iuala nang limonada,, nang pagsumpit, ay big yan nang sa numero nang sa. masama roon ang pasuca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,, natacot, ay gagamutin ayon sa turo sa parrafo at sa para nang turo sa parrafo. ang gagauin sa lalaqui na babayi cun nagcacasaquit nang malaquing saquit, at tuloy sinusubaan nadedesmayo. ang desmayo cun sungmasama sa ibang manga saquit, ay masama. ang nagcacasaquit nang lagnat na buloc, caya siya nadedesmayo sinusubaan, sapagca marumi ang sicmura, at capag siya,, nacapag ilaguin nacasuca, ay nauauala ang desmayo. ang nagcacasaquit nang lagnat na sucab cun baga dinaraanan nang desmayo ay masama rin. ang bagay doon sa oras na yaon ay ang suca na ipalolon oc sa maysaquit, at cun masaol an ay mabuti painomin nang maraming limonada, numero. ang manga desmayong sungmusunod sa pag iilaguin, sa pagsuca nang marami, sa paglabas ng maraming dugo ay isa rin nang desmayong dala nang cahinaan nang catauan, na sinaysay co na sa parrafo at sa apat na magcasumonod doon. ang mayroong sibol sa loob nang catauan ay malimit subaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang suca,, maigui roon; datapoua marahil mamatay sa oras na yaon. ang tauong sinusubaan pagca nacaraan ungmunti ang lagnat, ay magaling painumin nang isang cucharang alac sa castila na linahocan nang isang gayong tubig. ang matandang tauo na dinaraanan nang desmayo na hindi naalaman ang dahilan, ay masama, at caalamalam mamamatay. bucod dito sa manga saquit na suba desmayong sinaysay co sa loob nitong boong capitulong ito,, mayroong isa pang bagay na pinanganganlan ding suba nang tagalog (sa uicang castila,, epilepsia); ang gamot doon iyong hanapin sa parrafo at sa manga sungmosunod doon. ang manga gagauin sa maysaquit na ualang pulso, at hindi rin hungmihinga, na cun tingnan, anaqui bangcay. mayroong tauo cun minsan, na cun tingnan ay tila patay, sapagca ang pulso at ang hininga ay nauauala, at hindi rin nacacaramdam. caya cun mapalibing cun minsa,, buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang namamatay nang biglang pagcamatay, na hindi na aalaman ang dahilan, ang nalunod sa tubig, ang natamaan nang culog, ang babaying sinusubaan, pati nang namamatay nang biglang pagcamatay nang macapanganac siya, ang nagbicti ang binitay, at ang iba pang sasabihin co sa manga parrafong isusunod dito, ay hindi sucat ilibing hangan di maramdamang mabaho baho na ang catauan. yaong manga caauaauang tauong gayon, cun minsan ay nasasaol an nang buhay, (cun baga hindi totoong patay) capag masipag at hindi pabaya ang caniyang manga casama sa bahay. ang manga guinagaua sa manga gayon ay ualang liuag. itutuloy lamang nang malauong panahon (ga apat, lima, anim na oras calauon); at cun hindi rin nasasaol an nang buhay ang tauo, ay pabayaan na. alin mang tauo, babayi man, cun marunong dunong magpaanyo ay macacagamot doon sa tila patay. ang manga gagauin doon ay ituturo co sa manga isusunod ditong parrafo. ang gagauin sa nalunod sa tubig, na tila bangcay cun tingnan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang tauong nalunod sa tubig, maitim nang totoo, namamaga man ang caniyang muc ha, cun minsan masasaol an nang buhay, capag ang pagtahan niya sa tubig ay hindi lumalo sa anim pitong oras. sa hindi lubhang nalauon sa tubig ay bihira ang di nasasaol an nang buhay. ang gagauin doo,, gayon: pagca nahango na sa tubig ang nalunod na tauo, ay dadalhin sa lugar na tuyo; huhuboan doon nang damit; ipahihiga doon nang pataguilid, at doroonan nang unan sa ilalim nang ulo, cucuscusin ang boong catauan niya nang malacas nang manga damit na tuyo, na idinadarang sa apoy, upan din masaol an nang init ang catauan. cun mayroong aguardiente alac na matapang sa niyog ay maigui ibabad doon ang manga damit na panguscos. mabuti namang ilapit lapit sa apoy ang tila patay cun guinagaua itong manga turo co ngayon. magaling ding ibaon hangan liig sa buhangin cun baga mainit ang arao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pagcayari na itong manga sinabi co ngayon, ay cailangang baguhin ang lagay nang catauan nang nalunod, houag lamang ilagay nang patihaya. saca hihipang parati nang malacas sa ilong sa bibig. ang isang munting caputol na caua yan, ay magagauang panhihip; nguni cun hihipan sa ilong ay cailangang tacpan nang camay yaong cabilang butas nang ilong, pati nang bibig; cun sa bibig hihipan ay tatacpan naman ang ilong. caya guinagaua ito,, nang magpatuloy ang hangin sa baga nang nalunod. bucod dito ang isa pang totoong cailangang gauin sa tila patay, ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco; ang paraan nang pagsumpit doo,, ualang liuag. magpatay capagcaraca nang isang manoc na malaqui, at ang caniyang buche, ay linising maigui. maghanda ca naman nang dalauang cauayang mumunti, na isosoot doon sa dalauang butas nang buche nang manoc.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang dulo nang isang cauayan ay ipapasoc sa pouit nang nalunod; pagcayari na ito,, omip ip ca nang tabaco, at ang usoc ay iyong paraanin doon sa cauayan patuloy sa pantog buche nang manoc, na pipisilin mo nang mapatungo sa loob nang catauan nang tauo. itong ganitong pagsumpit nang usoc nang tabaco ay gagauin nang mahabang panahon hangan sa masaol an nang buhay ang tila patay. cung yaong manga sinabi co ay itinuloy na hangan sa apat, lima, anim na oras, at hindi nasasaol an nang buhay ang tauo, ay maitatahan na ang pag gamot, at caalamalam patay na totoo ang tauo. datapoua cun baga siya,, nasaol an nang buhay at hungmihinga na, ay maigui palonoquin nang ilang capatac na aguardiente, alac na matapang na tinubigan, at cun baga nacacasagui na yaon sa lalamunan, ay big yan pa nang isang cucharang ualang calahoc itong lahat na itinuro co ngayon ay totoong buti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gaua nang iba doon sa nalunod sa tubig ay canilang ibinibitin nang pataob; datapoua,, masama yaon at macacamatay bagcus sa nalunod. ang gagauin sa tila patay, dahil sa siya,, natamaan nang lintic, inarauan, nainitan nang apoy, nausucan, sapagca mayroon siyang inamoy na may amoy na, matapang para nang alcanfor, luya, pimienta, almizcle etc. ang tauong tila patay sapagca natamaan siya nang lintic, dahil sa manga sinabi co ngayon, ay huhubdan nang damit, at ipahihiga nang pataguilid na mataas taas ang ulo sa lupa, at lalong magaling sa muthaan. pagcaraca,, hihipan sa bibig, sa ilong para nang turo sa parrafo. bubusan siyang parati nang maraming bangang tubig na malamig sa boong catauan, lalo pa sa muc ha,, dibdib. cun ualang tubig, ay ilalagay nang parapa ang tila patay doon sa muthaan; at sa tapat nang muc ha niya, ay maigui ang pag gaua nang isang hucay na munti, ganga bao calaqui, sapagca mabuti doon sa gayon ang singao nang lupa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pagca nasaol an na ang tila patay, ay babasain nang suca ang caniyang quibotquibotan, ang mata, pati nang ilong; at palolonoquin siya nang isang cucharang suca rin. saca dinadalang malapit lapit sa may apoy, at bubusan pa mandin sa catauan nang malamig na tubig, hangan sa masaol an siyang totoo. saca inilalapit lapit pa sa apoy, at pinaiinom nang sabao nang carne, nang caunting aguardiente. cun itong manga sinabi co ngayon ay hindi maniya, ay sumpitin nang usoc nang tabaco para nang turo sa parrafo . ang gagauin sa tila patay dahil sa masamang singao nang manga pusali, manga libingan, bilangoang quinadoroonan nang maraming tauo, at sa tila namatay sa panahong tag salot, cun siya,, linagnat nang lagnat na sucab, binilutong. ang gagauin sa anaqui patay dahil sa manga sinabi co ngayon, ay ang manga turo co sa parrafo na sinundan nito. datapoua ang tubig na ibubuhos sa catauan nang tauo ay mabuti lahucan nang suca cun baga mayroon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling namang pasucahin ang gayong tila patay nang ga dalaua tatlong cucharang ojimiel escilitico ojimiel nang bacong na sinamahan nang isang cucharang aguardiente alac na matapang. ang pag gaua nang ojimiel ay aquing sasaysayin sa numero . yaong manga tauong inuupahan nang paglilinis nang manga pusalian manga lugar na mabaho, ay maigui painumin muna nang caunting aguardiente alac na matapang nang houag macapagcasaquit sa canila ang singao na masama ng canilang linilinisan. ang gagauin sa tila namatay dahil sa siya,, sinumpong nang malaquing galit, toua, sapagca nabalitaan nang masamang balita, dati na siyang sinusubaan, dinaanan siya nang desmayo. ang dinaraanan nang malaquing galit, toua, nabalitaan nang masamang balita, ang sinubaan, dati nang sinusubaan, nadesmayo, at saca tila natuluyang namatay, ay hindi sucat pabayaan, at cun minsa,, hindi patay ang may catauan, at masasaol an nang buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya ang gagauin doon ay gayon: ang tila patay idoroon sa maaliualas na lugar; bubusan ang caniyang catauan nang maraming malamig na tubig; hihipan agad sa ilong sa bibig, para nang turo sa parrafo lalapitan sa ilong nang manga mabaho para nang sunog na pacpac nang manoc; ang galangalangan nang camay at ang quibotquibotan ay maigui hilutin nang damit na mabango; cuscusin ang catauan nang damit na ininit sa apoy; daroonan sa talampacan nang manga bato ladrillong mainit; uugain ang catauan at bubuhating maminsan minsan; bubunutin naman ang ilang buhoc, at tatauaguin nang caniyang pangalan; pagca huminga na nang caunti, ay palonoquin nang isang cucharang agardiente. ang gayong tila patay na tauo,, mabuti hubdan, at calaguing lubos ang lahat na tali nang damit, at masama ang may maigting doon. cun hindi rin nasasaol an nang buhay ang tila patay, ay mabuti sangrahan sa camay, at sumpitin nang usoc nang tabaco, para nang turo sa parrafo. ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,, binitay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang tauong binitay nagbicti ay cailangang sangrahan agad sa liig sa alin man sa dalauang ugat na pinanganganlang yugular, na doroon sa manga taguiliran nang liig, na macaapat man sa loob nang tatlong oras cun hindi nagcacasiya ang isang pagsasangra. cun baga nang masangrahan na,, masaol an, nahihilim ang may cataua,, casasangrahan pa, hangang lumacas na magaling ang pulso, at siya,, masaol ang lubos. ang hiniua nang lanceta, ay houag bigquisan, cundi sapauan lamang nang isang mabilog na capirasong damit, ganga piso calaqui, na linatagan nang caunting sahing, nang cumapit sa laman, at umampat ang dugo. ang lugar na tinahacan nang lubid, ay maigui basain nang suca tubig na may asin. bucod dito,, cailangang hipan sa bibig pagcaraca ang tila patay, ayon sa turo sa parrafo. pag hungmihinga na, ay painumin nang maraming malamig na tubig, at paypayang parati. masamang ipahiga ang gayong tila patay; magaling ipalocloc sa sahig, at alagaan ang ulo, nang houag tumungo sa ilalim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nguni cun baga lungmingsad ang unang buto nang liig, ay ualang magagauang gamot doon. ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,, nahulog sa mataas, pinalo nang malacas, at sa dinaanan nang apoplegia epilepsia, at tila natutuluyang mamatay. ang nahulog sa mataas, at ang pinalo nang malacas, capag nasactan ang utac nang ulo niya, ay nahihilim na tambing, at ang magaling sa gayo,, sangrahan nang maquiilan sa paa. ang lugar na nasactan, ay doroonan nang isang basahang babad sa aguardiente alac na matapang sa niyog. ang ilong pati nang quibutquibutan, ay babasain nang suca; sa bibig ay huhulugan naman ang tila patay nang ilang capatac na suca rin. cun nasasaol an ang may catauan, ay painumin nang isang vasong tubig na malamig; ang muc ha sampon nang dibdib niya,, bubusan nang tubig na malamig din. ang tauong nanhihimatay, ang dinaraanan nang apoplegia, epilepsia, cun minsa,, tila natutuluyang namamatay, bago,, hindi patay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya yaong manga gayong maysaquit, ay hindi sucat ilibing muna, cundi maramdamang mabaho baho na. ang mabuti doon ay hubdan at sangrahan sa camay, at ilagay sa maaliualas na lugar, na bucas ang lahat na dongauan. ang isa pang magaling doon, ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco ayon sa turo sa parrafo. ang gagauin sa manga sangol na tila patay cun bagong ipanganac, dahil sa napisa ang canilang pusod, sapagca nasicpang totoo nang lungmabas sa tiyan, at sa manga batang tila patay dahil sa pagsigao sa pagsibol nang ngipin, sapagca inugoy sila nang malacas sa duyan. cun mayroong batang ipinanganac na ualang pulso, at hindi cungmacabacaba ang puso niya, cundi anaqui patay, bago talian at putulin ang pusod, ay cailangang usisain cun baquin gayon ang caniyang lagay; cun dahil sapagca mataba,, marugo ang bata, dahil sa siya,, yayat at mahina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya na aalamang marugo ang bata sapagca ang color nang cataua,, mapula, maitim itim, na yao,, ugali nang manga batang mahirap ipanganac; lalo pa cun nasicpang totoo nang siya,, ipanganac, nalauong napatahan sa pinacaaran pinacaliig nang bahay tauo, cun binago nang hilot sapagca sala ang paglabas, cun nacabicti sa caniya ang pusod. cun gayon, ang maiguing gauin, ay ituturo co ngayon. ang pusod ay putulin; datapoua houag talian yaong natitirang caputol na patungo sa catauan nang bata, cundi sipsiping agad yaon ding dulo nang pusod, nang lumabas ang dugo, hangan sa masaol an nang buhay ang bata. cailangan namang tacpan ang ilong niya, at hipan nang malacas sa bibig. ang isa pang totoong cailangang gauin, ay sipsipin ang caliuang suso nang bata, bucod dito,, dadalhin sa maaliualas na lugar ang sangol, at cucuscusin ang boong catauan niya nang mahinang pagcuscos, lalo pa ang palad at ang talampacan nang damit na iniinit init sa apoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ang bata,, nasaol an na nang buhay, ay talian na ang pusod. datapoua cun baga caya tila patay ang bata dahil sapagca siya,, mahina, ay houag putulin ang pusod; cundi pabayaan munang cacabit nang caniyang ina, nang halagang calahating oras isang oras caya, hangan sa ang bata,, ga gumamit nang buhay sa caniyang ina; cuscusin naman nang mahinang pagcuscos ang catauan nang bata, nang damit na manipis, na babad sa mainit na alac sa misa; at cun hindi rin nasasaol an nang buhay, ay sipsipin ang caliuang suso nang bata, at hipan nang malacas sa caniyang bibig, para nang turo co sa parrafo na sinundan nito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nguni cun baga dahilan sapagca hindi marunong ang hilot, napacaaga ang pagputol nang pusod, at ang bata,, hindi hungmihinga, at uala siyang pulso cundi tila patay, ay uusisain ang totoong dahilan noong ganoong caniyang lagay, ayon sa turo sa parrafo at sa at cun baga caya tila patay ang bata, sapagca siya,, maraming dugo, ay cacalaguin pagcaraca ang tali nang pusod, at gagauin ang ibang manga bilin sa parrafo. datapoua cun baga ang bata caya tila patay dahil sa cahinaan nang caniyang catauan, ay ang manga turo sa parrafo siya ang sundin; at bucod doo,, ilalapit lapit sa apoy ang bata. ang manga batang tila patay, cun sila,, sinisibulan nang ngipin, cun dinaraanan nang convulsion, sapagca iniugoy ang malacas sa duyan naraganan nang canilang ina nang sugo noon, cun natutulog, ay hihipang agad sa bibig para nang uica co sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sususuhin, sisipsipin ang caliuang suso nang bata; cucuscusin naman ang boong catauan nang magaang pagcuscos nang damit na iniinit init sa apoy; ilalapit lapit naman sa apoy ang gayong batang tila patay, ibabaon sa gaboc na iniinit init sa cauali. ang ilong pati nang quibutquibutan nang bata,, babasain nang tubig na mabangong totoo. bagay rin doon ang sumpitin nang sumandaling oras calauon nang usoc nang tabaco, para nang turo sa parrafo houag lamang lacasan ang paghihip maca masactan mapaso ang bituca. ang gagauin sa manga babaying tila patay cun nanganganac, cun macapanganac na . ang manga babaying nanganganac, ang bagong nacapanganac, cun minsan namamatay nang biglang pagcamatay, nguni cun minsan hindi totoong patay. caya yaong manga caauaauang babaying gayon, ay hindi sucat pabayaan, cahima,, camuc ha nang bangcay cun tingnan, cundi atohing gauin itong manga sasabihin co ngayon, upan ding masaol an nang buhay, cun baga sacaling hindi totoong patay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin nga roon ay gayon: hihipang agad sa bibig nang totoong lacas na paghihip, nang magpatuloy ang hangin sa baga nang tila bangcay. datapoua ang ilong ay tatacpan, cun hipan sa ilong ay cailangang tacpan ang bibig. ang babayi ay ipahihiga nang pataguilid na mataas taas ang ulo, at cacalaguin ang lahat na tali sa catauan niya. saca mabuti cuscusin nang damit na malaqui,, magaspang ang palad, pati nang talampacan sampon nang catauan niya, houag lamang ang tiyan, cun hindi pa nacapanganganac siya; ibaon sa gaboc na mainit init, houag lamang ang muc ha,, liig, sapagca cun lumamig ang cataua,, maliuag liuag (ani buchan) ang masaol an nang buhay ang tila patay. ang pagsasangra doon sa camay cun minsa,, maigui cun hindi yayat at mahina ang babayi, cun hindi siya pinanaogan nang maraming dugo bucod dito ang isa pang totoong cailangang atuhing gauin ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco nang ilang oras calauon, ayon sa turo sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun ualang asa, na yaon ay magasaol ao nang buhay, sapagca ang manga itinuro co ngayo,, itinuloy nang anim pitong oras calauon, at hindi rin nabubuhay, at bucod doo,, naalaman nang patay na totoo ang babayi, cun baga hindi pa siya nacapanganganac, ay hihiuain ang tiyan para nang ituturo co ngayon nang mabinyagan ang bata. nguni cun baga nasaol an nang buhay ang babayi, ay alagaan para nang turo sa capitulo at sa capitulo. ang gagauin sa babaying buntis na namatay, nang mahango ang bata sa tiyan at mabinyagan. cun mayroong namatay na babaying buntis, ay cailangang litasin ang caniyang tiyan at hangoin ang bata doon. ang paghiua doo,, mula sa itaas na pailalim sa taguiliran nang pusod, ga isa, dalauang daliri lamang calayo doon. ang unang hinihiua,, ang balat, na yao,, macapal; ang sungmusunod doo,, ang bahay tauo, na yao,, manipis nipis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang bata,, hahanguin doong marahan dahan, bubusan sa ulo nang tubig na totoo para nang sa bucal sa ilog, sa laua, sa ulan, sa dagat man; cun binubusan ang bata nang tubig, yaon ding tauong bungmubuhos ay mag uiuica namang sabay nang gayon: aco,, nagbabautizo sa iyo sa ngalan nang ama,, nang anac at nang espiritu santo; cun ibig niya,, ang sa uicang castila, ay ganito ang caniyang uiuicaing casabay nang pagbubuhos nang tubig: nombre del padre, del hijo, del espirtu santo. itong manga uicang guinagamit sa pagbibinyag, ay hindi sucat dugtungan dagdagan nang ibang uica, at hindi rin sucat culangan, bauasan nang anoman. bucod dito,, ang aahain nang tauong bungmubuhos doon sa caniyang guinaua sa bata ay ang dating guinagaua nang manga cristiano sa santa iglesia ni jesucristo. ang gagauin sa babaye cun hindi husay ang pagdaan sa caniya nang sa panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang manga babayi cun gungmagamit sa icalabing apat na taong, hangang sa icalimang pouo, ay dinaraanan bouan bouan (cun hindi buntis) nang saquit nang tiyan, na ang pangalan nang castila doo,, regla. cun yaong pagdaan nang sa bouan, sa panahon, ay sungmasala dahilan sa cauntian caramihan nang dugong nananaog, ay nagcacasaquit ang may catauan, lalo pa cun nauaualang lubos yaong ugaling saquit na yaon. ang babaying masipag at masaya ang loob, ay maliuag di siyang panaugang maigui; datapoua ang babaying matamaring cumibo, ang mapanglauin, ang cungmacain nang cun ano ano, ay siya ang malimit urungan nang sa panahon, panaugan nang sala, at cun minsan yaon din ang di icapagcaanac niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang dahilan noong pagsala nang pagpanaog nang sa bouan, ay ang cahinaan nang may catauan, sapagca cun minsan hindi siya lungmalacad, hindi nananaog man sa lupa, nang malibang ang caniyang loob, at uala rin gaua doon sa bahay na bagay sa catauan niya, sapagca ang datihang gaua nang manga babaying marami, ay ang pananahi, ang paghabi, ang pagdurugtong nang abaca na yao,, paraparang masamang totoo, sapagca ang gungmagaua noon, ay parating tungo ang caniyang ulo, pati nang licod, na dahil doon ay nasisicpan ang dibdib niya bucod dito palibhasa,, ualang quibo cundi parating locloc, ay nanhihina nang nanhihina ang may catauan; na cun malauon ay nananab ang nang pagcain na tatamad siyang lumacad, ang sicmura niya,, nagugulo, sungmasaquit ang ngipin pati nang paa; sinusubaan pa cun minsan; hindi pinananaogang maigui; lungmulura nang dugo, at ang isa pa,, sungmasama at nasisira (ani buchan) ang magaling na hichura nang catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya ang nagsasaquit gumaua noong manga gauang yaon, cun baga hindi siya pinananaogang mabuti nang bouan; ay maliuag gungmaling, cundi sundin niya ang manga ituturo co ngayon sa manga parrafong isusunod dito. nguni cailangan pacatalastasin nang manga mangagamot, na ang guinagaua sa babaying masasactin at mahina na hindi dinaraanan nang bouan, iba sa iguinagamot sa babaying mataba,, hindi mahina. ang babaying mataba,, magaling ang catauan, na biglang dinaraanan nang hindi siya panaugan nang bouan, sala ang pagpanaog, ay cailangang lumacad arao arao. cun nacacaya ang maysaquit ay maigui sa lahat ang pagsacay sa forlon sa cabayo . bucod dito houag siyang hihipo nang anomang gaua pagca bagong nacacain. capilitan namang sangrahan yaong gayong maysaquit; sapagca ang pagsasangra ay madalas macagaling pagcaraca sa hindi dinaraanan nang panahon, lalo pa cun ang may cataua,, malacas at mataba, at datihang hindi siya nagcacasaquit nang gayong pagcacasaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua ang pagsasangra, ay hindi sucat gauin sa manga babaying mahina,, masasactin. ang isa pang magaling doon ay ibabad sa malacucong tubig ang paa nang maysaquit, at painumin nang bilin sa numero. ang suero nang gatas ay maigui doon naman. gayon ding mabuti purgahing maminsan minsan ang maysaquit nang bilin sa numero. nguni ang babaying dati nang mahina,, masasactin, na marahil urungan nang sa panahon, ay gagamutin para nang ituturo co ngayon; sa macatouid, ang maysaquit ay capilitang lumacad arao arao, at magpasial, sumacay sa cabayo, na yaon ang lalong magaling sa lahat. cun hindi maari sa caniya yaon, cailangang manaog siya sa lupa touing arao, (ayon sa turo ni buchan) at mag alaga siya doon nang munting halamanan. houag siyang cacain nang sala, nang manga cun ano ano. masama doon ang maymanticang marami, ang mga maasim, at ang may harina para nang patani, balatong, etc. masama rin doon ang pagsasangra at ang purga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang totoong bagay na gamot sa gayon, ay ang pinagquiquilan nang bacal; yaon bagang bacal na totoo, na hindi acero ang ualang patalim. masama naman ang bacal na may calauang. cun ang saquit ay bago, cun bata pa ang babayi, ang bacal na sucat doon, ay timbang labinglima, dalauang puong butil na palay arao arao; cun minsan siya na ang timbang apat limang butil na palay. datapoua cun ang saquit ay malaqui at matanda ang babayi, ay mabibig yan siya ng marami sa roong bacal na quiniquil, hangang sa timbang cahati. mabuti samahan ang bacal ng dita anis ang manga bilin sa numero at sa totoong mabubuting gamot sa saquit nang pag urong ng sa panahon; ang mangagamot ay pipili doon sa tatlo, nang lalong bagay sa calooban nang maysaquit. cun ang ibig lamang ay ang panaugan ng sa bouan ang babayi, ang alac na bilin sa numero ay nacacagaling agad sa may saquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cailangang pacatalastasin nang manga mangagamot na cun baga ang babayi na hindi dinaraanan nang bouan, ay may lagnat pang casama, nag uubo, binabalingoyngoy, payat ang catauan niya, ay capilitang alisin paual in muna itong manga saquit na ito, bago gauin ang mga itinuro co sa parrafong ito nang panaugan siya ng bouan. caalamalam capag nauala ang manga saquit na yaon ay pananaugan ang maysaquit di man gamitin. ang iquinauurong nang panahon sa manga babayi, ay ang lamig, ang sip on, ang tacot, ang pagcain nang manteca, bunga nang cahoy, gatas, isda nang manga malalamig, manga mainit na totoo para nang luya, bauang at pimienta, mga ma aasim, ang pagsasaquit nang pag gaua at ang pagcapuyat. caya cailangan ang houag iuala ng manga mangagamot sa canilang loob ang bilin co nang una, sa macatouid; na ang pag urong nang panahon cun minsa,, hindi saquit, cundi dala nang ibang saquit, na yaon ang cailangang alisin muna.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga mauala man yaong saquit, at malacas lacas man ang may catauan, ay hindi pa dungmarating na cusa sa caniya ang ugaling pagdaan nang sa panahon, ay gamutin, nang panaugan siya, ayon sa turo sa capitulong ito. cun ang babayi hindi na dinaraanan nang panahon sapagca siya,, matanda na, cun baga bigla ang pagtahan, ang pag urong nang bouan, at dati siyang pinananaugan nang malacas, ay gagamutin nang gayon: ang maysaquit ay sasangrahan, at cun macalalo ang anim, apat tatlong bouan, ay sasangrahang uli. houag pacanin nang maraming carne itlog, at houag painumin ng alac. cun umaga bago cumain ang maysaquit ay pinaiinom siya nang bilin sa numero na yaon ang totoong buti doon, na cailangang gauin touing icalaua icatlong arao. cun minsan naman bago tumahan ang pagdaan nang sa panahon sa babaying matanda na, ay pinananaugan siya muna nang maraming dugo; at cun gayo,, houag sangrahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cailangan ang husay na pagcain pati nang pag inom, at bucod dito,, paiinumin nang bilin sa numero at maminsan minsang pupurgahin nang bilin sa numero. masama roon ang manga masaclap, at ang guinagamot nang gayon, ay sinisibulan cun minsan nang cancro sa bahay tauo. maraming babaying matanda ang namamatay cun bagong tungmatahan ang pagdaan nang panahon sa canila; datapoua mayroong ibang gungmagaling sa rati ang canilang catauan, nauauala ang ibang manga saquit, at cun minsan ang dating nananalamin, sapagca malabo ang mata, ay nacaquiquita nang magaling, at iniiuan ang salamin. ang manga painom nang manga gamot na hindi maalam doon sa babaying inurungan nang sa panahon, sa halimbaua ang alac na matapang, ang suma at ang iba pang gayon ay totoong sama. ang gamot sa babaying pinananaugan, linalabasan nang maraming dugo, na ang tauag nang castila doo,, flujo de sangre. ang gagauin sa babaying linalabasan pinananaugan nang maraming dugo ay gayon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga dating saquit niya yaon at malimit siyang daanan noong hirap na yaon, ang unang cailangan doon, ay ang husayin ang pagcain at ang pag inom. saca bibig yan ang maysaquit nang bilin sa numero at nang sa numero. datapoua cun hindi dating saquit niya yaon, cundi dinaraanan cun minsan lamang nang siya,, pinanaugan nang maraming dugo, ay gagamutin para nang pag gamot sa babaying buntis na talagang ma cucunan, na yao,, aquing ituturo sa parrafo. ang gagauin sa babaying buntis na nagcacasaquit saquit, at sa tila macucunan. ang manga babaying buntis ay dinaraanan nang pagsaquit nang ngipin at ulo, at cun minsa', dungmuroual, at ga ibig nilang sumuca cun umaga. ang totoong gamot dito,, ang pagsasangra.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan naman, cun nahuhulog lungmulucso ang babaying buntis cun lungmacad nang matulin, nahirapan nang pag gaua, cun inarauan, cun sungmusuca, nagalit, natacot, cun nacainom nang maraming alac cha, ay sungmasaquit ang caniyang bay auang na yaong saquit ay ungmaabot hangang hita, bago sumunod doon ang pagsaquit nang tiyan, na dahil doo', nahahalatang macucunan siya. ang gagauin doo', gayon: pinahihiga capagcaraca ang maysaquit, pinipilit siyang tungmahang ilang arao doon sa hihigan, na mababa ang ulo, na ualang quibo, at ualang imic man; sasangrahan agad sa camay hangang sa macuha ang timbang ualo siyam na pisong dugo. houag pacanin nang carne, itlog, sabao nang carne, cundi canin, gatas, etc. na malamig cun canin. touing icalauang oras, ay iinumin niya ang timbang isang salaping salitre nitro numero. bucod doon ay iinuming parati niya ang bilin sa numero. mayroong babaying mataba,, marugo na datihang nacucunan sa tacdang panahon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang maigui sa caniya, ay magsangra cun malapit lapit na ang arao ng pagdaan sa caniya niyong hirap na yaon. maigui rin sa caniya ang manga turo co dito rin sa parrafong ito. ang gagauin cun mahirap ang panganganac nang babayi. maraming totoong babayi, ang namamatay dahil sapagca ualang naalamang anoman ang manga hilot, at ang manga nagsisitulong sa babaying nanganganac. ano mang bagay na nariringig nilang magaling sa nanganganac guinagaua pagcaraca, lalo pa cun turo nang matanda, nang manga mangagamot na mangmang, na hindi man marunong bumasa. ang marahil gauin nang manga hilot na hindi maalam doon sa babaying nanganganac, ay pinaiinomin ang catauan nang castor, luya, sambong, ruda, langis nang ambar, alac, triaca, cafe, aguardiente tubig nang anis hinojo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong lahat na bagay pauang masama (ani tissot) at parang lasong totoo, sapagca nacalalauo,, nacaliliuag sa panganganac, dahil sa cainitan nang manga gamot na yaon, at yaon din naman ang nagpapainit, at ang ga nagpapatigas nagpapaunat sa bahay tauo; pati nang manga daraanan nang bata cun ipanganganac, ay namamaga rin dahilan doon at cungmiquipot. bucod doon ang babaying pinaiinom noong manga maiinit na yao,, ang caniyang marahil masapit, ay ang siya,, panaugan nang maraming totoong dugo, at matutuluyang mamatay sa loob nang ilang oras. ang totoong sucat gauin sa babaying nanganganac, ay ang sasabihin co ngayon, na yao,, pauang aral ni tissot at ni buchan, na sila ang totoong dapat paniualaan, sapagca bihasang totoo sila doon sa manga bagay na yaon cun mayroong babaying nanganganac na dating malacas siya,, hindi masasactin at hindi rin sala ang hichura nang caniyang catauan, cun baga mahirap ang caniyang panganganac, ay houag siyang dumag is cun hindi panahon at siya,, bagcus hihina.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"masama ring lamasin, iriin nang manga tauo ang caniyang tiyan, sapagca yao,, macacamatay sa bata, at ang isa pa,, ualang paquinabang doon sa gauang yaon. ang manga maiinit na gamot na aquing tinuran sa parrafo na sinundan nito ay masama naman. ang bagay na bagay sa caniya ay gayon: sasangrahan agad siya sa camay, sapagca yaon ang nacacaualang madali nang manga pagsaquit nang catauan, at nacacalubay sa manga casangcapan nang nanganganac. hangang di lumabas ang bata,, houag pacanin ang may catauan; datapoua mabibig yan siya nang durog na tinapay na luto sa tubig. toui siyang iinom, ang ipaiinom ay ang tubig na pinaglutuan nang caunting tinapay rin. susumpitin naman siyang macaitlo cun arao, at macaitlo cun gabi, nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na may casamang caunting lana, langis na bago nang niyog .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca pinalulucloc na parati ang babayi sa tapat nang isang palioc na puno nang tubig na mainit, at pinasisingauan siya roon, sapagca ang singao nang mainit na tubig ay nacacalambot agad sa catauan. bucod dito,, lalahiran nang mantica ang loob nang caniyang punong catauan. doroonan naman sa ibabao ng tiyan nang manga basahang babad sa mainit na tubig, na ito,, totoong buti rin. ang manga itinuturo co ngayon na pauang ualang liuag, ay hindi mahirap gauin, at hindi rin nacacaano sa bata at sa babayi, at maraming totoong babayi ang nacacapanganac na maigui capag sinusunod nila yaon. nguni cun sala ang lagay nang bata sa tiyan cun sala ang catauan nang babayi, ay hindi magcacasiya ang manga itinuro co sa parrafong sinundan nito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun masama ang lagay nang bata sa tiyan cun sala ang paglabas, ay cailangang hanapin ang isang marunong na hilot, at ang gagauin niya ay gayon: ang tiyan nang babaying nanganganac idiriin nang camay sa manga taguiliran, at sa ibabao ng tiyan din na paitaas, nang mahina hinang pagdiriin, nang umurong ang bata, cun sala ang paglabas. pag napasauli na ang bata sa loob, ay ipinaanyo roon ng hilot ng lumabas na mahusay. cun baga patay ang bata sa tiyan ang gagauin sa babayi, ay yaon ding manga bilin sa parrafo. ang manga saquit na marahil sumunod sa panganganac nang babayi. ang manga saquit na marahil humalili sa panganganac ng babayi ay lima. ang nauuna ay cun siya,, binubusan ng maraming dugo. ang icalaua,, ang pamamaga nang bahay tauo. ang icatlo,, cun hindi lungmalabas yaong ugaling lungmalabas na dugo sa manga babaying nanganganac. ang icapat ay ang gatas, cun hindi husay ang pagpatungo sa manga suso nang babaying. ang icalima,, cun hindi lungmalabas ang inunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun baga nang macapanganac ang babayi, binubusan siya nang maraming totoong dugo, ang gagauin doo,, sasangrahan, at susundin ang ibang mga bilin sa parrafo. bucod dito,, lalag yan siya sa tiyan at sa bay auang, pati sa mga hita nang manga basahang babad sa tubig at sa sucang matapang na magcasingdami, na yaon ay papalitang parati pagca tuyo tuyo na, at inaalis tuloy pag ungmuunti na ang paglabas nang dugo. ang pamamaga nang bahay tauo sa loob nang catauan nang babayi caya na aalaman, sapagca masaquit ang tiyan, at tila nauunat. cun hipuin, ay lalo pang sungmasaquit. bucod doon mayroong naquiquitang manchang mapulapula, na nangagaling sa ilalim nang pos on, at ungmaabot hangang pusod. cun ang may cataua,, lungmulubha ay ungmiitim yaong mancha, na yao,, masama at mamamatay ang maysaquit. ang isa pa roon ang may cataua,, totoong hina, at ang muc ha,, nag iiba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"tila nasisira sira ang bait niya; hindi siya nauaual ang parati nang lagnat; ang pulso,, mahina,, matigas; cun minsan sungmusuca siya, nagsisin oc; parating ibig niyang manabi, at cun minsan hindi ungmiihi. doon sa punong catauan niya mayroong lungmalabas na tubig na mabaho, mapulapula,, mahapdi, itong ganitong lagay ay masama,, mapanganib ang buhay nang babayi. ang magaling doon ay gayon: ang maysaquit ay sasangrahan; saca susumpitin nang malimit nang malacucong tubig. susumpitin naman sa loob nang caniyang punong catauan nang tubig na malacuco rin, nang tubig na may casamang gatas. sa ibabao nang tiyan ay lalag yang parati nang tubig na pinaglagaan nang cebada palay, na hinulugan nang salitre, timbang saicaualo sa isang botella, at siya rin ang caniyang iinumin. totoong buti namang doonan sa tiyan nang gatas na malacucong tinubigan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi lungmalabas ang dating lungmalabas na dugo sa manga babaying nanganganac, na yao,, nacacahila nang maraming saquit na malalaqui, para nang pamamaga nang tiyan; ang gagauin sa maysaquit ay yaon ding manga bilin sa parrafo na sinundan nito. ang manga mainit na gamot na sinabi co sa parrafo ay totoong sama doon, at parang lason sa maysaquit. ang babaying nanganganac, ay linalagnat cun minsan nang malaqui, cun bagong nagcacagatas ang caniyang suso; at ang maigui sa caniya, nang houag siyang lagnatin ay pasusuhin ang bata pagdaca, mula sa arao nang caniyang panganganac; at nang mauala ang lagnat na malaqui na dala nang gatas, ay magaling ang pag inom nang tubig na pinaglagaan nang cebada palay na may salitreng casama, ayon sa turo sa parrafo at ang pagsumpit nang tubig na malacuco.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"yaong manga babaying mahina na di inaalagaang maigui, capag sila,, nacapanganac, cun nagsasaoli agad sa canilang dating guinagaua, ay nagcacasaquit, sila cun minsan nang sari saring saquit, na ang dahilan noon ay ang di paglabas nang ugaling lungmalabas na dugo sa manga nanganganac. caya sapagca nagugulo, at hindi husay ang pagbucod nang gatas sa suso,, sinisibulan ang may catauan cun minsan nang manga sibol, na ang tauag nang manga medicong castila doo,, depositos lacteos. itong manga ganitong sibol ay totoong sama at lalo pa cun tungmutubo sa loob nang catauan; nguni marahil sumibol sa manga hita. ang gagauin agad doo,, paiinumin ang maysaquit nang bilin sa numero at tapalan ang sibol nang bilin sa numero. itong manga gamot na ito ay nacacauala nang sibol sa calauonan; datapoua cun baga nagnanana, ay cailangang hiuain nang marunong, at gagamutin para nang baga sa parrafo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan naman ang manga suso, ay yaon ang sinisibulan, sapagca ang gatas ay napapataha,, ga natutulog doon; at cun hindi gamutin pagcaraca itong ganitong manga pamamaga nang suso, ang sibol ay tungmitigas na cun malauon naguiguing cancro, na sa lahat na saquit yaon ang lalong masama,, mahirap. ang gagauin doon ay tapalan macalaua maghapon nang tinapay at gatas hangan sa pumutoc at magnana, ayon sa turo ni buchan. ito,, gagauin cun baga nahahalatang puputoc at magnanana. datapoua cun ang bucol sa suso ay lauon nang tungmubo, at hindi masaquit, ay houag tapalan nang anoman. ang manga tapal na mayroong taba ay masama roon. cun baga ang sibol ay naguing cancro na, ang magaling lamang doon ay ang turo sa numero at ang may catauan ay palolonoquin nang bilin sa numero na nacacagaling cun minsan sa calauouan. itong lahat ay uica ni tissot. ang manga babaying nagpapasuso, nahihirapan cun minsan dahil sa napapacnos ang manga utong nang suso nila. ang pag gamot doo,, ualang liuag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magtunao ca sa isang taza nang caunting pagquit, at isang gayon ding langis na bago nang niyog, at yaon ang ilahid doon. ang bilin sa numero ay mabuti rin. cun hindi nauauala yaong saquit na yaon, ay purgahin nang caunting mana ruibarbo. cun baga mayroong babaying nacapanganac na, at hindi lungmabas ang inunan, ang mabuti doo,, sangrahan sa camay cun baga malacas ang babayi, at gauin ang ibang manga bilin sa parrafo. ang gaua nang iba,, ang isang sariuang taying cabayo tinutunao sa alac sa misa at ipinaiinom sa maysaquit. ang guinagamit nang iba,, ang taying tuyo. cun hindi rin lungmalabas ang inunan, at mayroong marunong na tauo,, lahiran muna ang caniyang camay ng mainit na lana, at ipasoc niya sa loob na marahan dahan, at caniyang hilahin mayamaya. datapoua ang uica nang ibang maaga medico, na bihirang babayi ang nabubuhay cun hilahin ang inunan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan ang babaying bagong nanganac ay linalagnat siya nang lagnat na may casamang butil na marami sa catauan, na yao,, pinanganganlang lagnat na daua, na sinaysay na sa capitulo. ang gamot sa sangol cun hindi iniilaguin niya ang caunaunahang ugaling ilaguin nang manga bagong panganac na bata. ang manga batang bagong panganac ay puno ang canilang sicmura sampon nang manga bituca nang duming maitim na malapot at malagquit, na cundi iilaguin agad nang sangol, ay mapanganib ang caniyang buhay. caya nang lumabas yaong duming yaon sa catauan nang bata, ang gagauin doo,, gayon: houag munang pasusuhin ang bata hangang di macalalo ang isang boong arao. painumin ang bata nang tubig na sinamahan nang caunting azucar pulot. bucod dito,, mapaiinom ang bata touing icapat na oras ng jarabe de chicorias (dilang usa) na sinamahan nang caunting mana .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nguni, ang uica ni buchan, na ang lalong magaling sa lahat na gamot, ay pasusuhin ang bata capag naiibig niyang sumuso, sapagca ang unang gatas nang babayi ay nacacapurga sa manga sangol. ang gamot sa manga sangol cun ungmaasim ang nadoroon sa canilang sicmura. ang gatas na sinususo ng manga bata ay marahil umasim sa manga sicmura nila, na doon nangagaling ang mga colico, ang manga convulsion, ang pag iilaguin ang pagsuca nila. ang magaling doon ay ang jarabe de chicorias (dilang usa); at nang houag daanang uli ang bata noong saquit na yaon, ay paiinumin arao arao macaitlo nang timbang calahating saicaualo ang isang inom, nang bilin sa numero cun malaqui ang saquit; datapoua cun munti ang saquit, ay sucat na sa caniya ang isang inom dalaua arao arao. ang aceite de almendras ay masama roon. ang manga sangol ay malimit daanan nang colico sa manga unang bouan nang canilang buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang magaling doon ay sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla, na hinulugan nang caunting sabon, ganga bot nang pimienta calaqui. cun minsan masamang sumpitin ang bata; at cun gayon ay na aari ang manga calillang sabon pulot. nacaguiguinahaua sa manga batang dinaraanan nang colico nang pagsaquit nang tiyan nang isang basahang babad sa mainit na tubig na pinaglagaan nang manzanilla at caunting triaca, na itatapal sa tiyan. ang pagpambo sa manga sangol. ang boong catauan nang batang bagong panganac ay puno nang libag, na gaua nang caniyang linanguyang tubig sa loob nang bahay tauo. nang macuhang madali yaong libag na yaon sa catauan niya, ang magaling sa lahat, ay pambohan nang dalauang bahaguing tubig at nang isang bahaguing alac, na yao,, itutuloy nang ilang arao. cun baga malapot at malagquit yaong libag na yaon, na cungmacapit sa catauan nang bata, ay ma aalis nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla na may casamang sabon na ganga patani calaqui.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang manga bata,, maigui pambohan pag nacalalo na ang labingdalaua, labinlimang arao nang panganganac sa canila. ang ipapambo roo,, ang malamig na tubig na ualang calahoc na anoman. itong gauang ito,, magaling gauin arao arao, sa panahon man nang tag guinao tag sigua, sapagca totoong nacacapagpalacas sa catauan nang bata. ang hindi lamang babasain ay ang tuctoc nang ulo, yaon bagang nahihipong malata sa itaas nang ulo nang manga bata. pagca napambohan na ang bata,, masamang paramtan ng maraming damit. ang manga batang maysaquit ay houag pambohan. ang gagauin sa batang nagcacasaquit cun sinisibulan nang ngipin. ang ugaling panahon nang pagsibol nang ngipin sa manga bata,, sa icaanim sa icapitong bouan nang canilang buhay. ang unang sungmisibol ay ang sa harap; sungmusunod ang manga pinacapangil, at ang catapusang sungmisibol ay ang manga bag ang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa dacong icadalauang puong taon nang buhay ng tauo, mayroon namang sungmisibol na apat na bag ang din, na ang pangalan nang manga tauo doo,, ang bag ang nang bait . ang batang nagcacasaquit, cun sinisibulan nang ngipin, ay cailangang sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan lamang, purgahin caya ng mahinang purga, parang magnesia ruibarbo, hojas de sen. nguni cun dinaraanan nang pagiilaguin ang bata, ay hindi cailangan ang sumpit at ang purga. masama naman pacanin nang marami. datapoua mabuti painumin nang maramirami sa dati. ang mga ngidngid ay lalahiran nang macaitlo macaapat arao arao nang pulot puquiotan. magaling na totoo sa manga batang nagcacasaquit, at sa nag uubong parati cun sinisibulan nang ngipin, ang sahing na tutunauin sa apoy bago ilatag sa basahan, at itapal sa licod nang bata sa pag itan nang dalauang balicat. ang gamot sa batang may bulati sa tiyan. caya nahahalatang mayroong bulati sa tiyan nang bata, sapagca siya,, dinaraanang parati nang colico.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun umaga mayroong maraming lauay sa caniyang bibig, at ang hininga ay iba sa rati ang amoy na tila maasim; ang ilong ay parating quinacamot at macati. cun minsan nananab ang nang pagcain; cun minsan malacas cumain; idinaraying ang sicmura, sunmusuca caya cun minsan; hindi manabi siya; datapoua ang marahil dumaan sa manga batang gayon ang sila,, nag iilaguin nang tila hilao; ang tiyan ay malaqui, at ang ibang cataua,, yayat; ang maysaquit ay mahina, at ga namamanglao; ang palibot sa mata,, tila morado ang color; ang muc ha,, nag iibang parati; ang may catauan nauuhao at cun natutulog, tila naguiguicla; bucod dito,, nangangalitngit. mayroong batang hindi lumagay cun mayroong bulati; dinaraanan cun minsan ang gayong maysaquit nang sincope convulsion . cun minsan nahihilim, pinapauisan nang malamig; lungmalabo ang pagtingin nang may catauan, pati nang voces niya,, hungmihina. ang manga ngidngid ay tila nabubuloc.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan nagsisin oc na parati ang may catauan; ang pulso ay munti at hindi husay; cun minsan may ubong caunti na ualang inilulura. cun doon sa iniilaguin nang may catauan mayroong naquiquitang tila boto nang melon calabaza,, caalam alam mayroon sa caniyang tiyan na bulating mahaba na may casucasuan malapad at maputi, na pinanganganlang tenia solitaria. maraming totoong bagay ang iguinagamot sa saquit na ito. ang isang totoong galing sa saquit na yao,, ang bunga nang niyogniyogan. ang tatlong bunga ay sucat na sa batang mayroon tatlong taon; ang apat na bunga sa mayroong apat na taon, at ang lima sa ang edad niya ay limang taon. itong bungang ito ipinacacain sa batang maysaquit cun umaga bago siya cumain; nguni cun baga may lagnat, hindi sucat pacanin noon. ang maysaquit na pinacain nang niyogniyogan cun umaga, ay pupurgahin nang bilin sa numero. itong manga sinabi co, siya ang gamot sa manga bulating mabibilog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong manga batang malimit magcabulati sa tiyan ay masamang pacanin nang manga maliuag matunao sa sicmura, para nang manga hilao na bunga nang cahoy, manga gulay na hindi lutong maigui. nang mapalabas ang bulating maputi na mayroong ulo, at manga casucasuan na tinatauag na tenia solitaria, ay painumin ang maysaquit na matanda nang tubig na pinaglagaan nang balat nang ugat nang granada. datapoua houag painumin pagdaca nang marami macacasama sa caniya. ang isa pang totoong malacas na gamot sa lahat na bagay na bulati ay ang dagta nang papaya, yaon bagang nangagaling sa bungang mura na sinusugatan nang tumulo. ang manga bata,, binibig yan nang timbang saicapat hangan sa timbang cahati noon, at linalahucan nang gatas nang calabao cambing; ang matandang tauo,, binibig yan nang marami. cun ualang gatas na calahoc ang dagta,, hindi maiinom nang tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin sa manga batang dinaraanan nang convulsion para nang suba, sauan, taon, alferecia, at ang iba pa, pati nang gamot sa batang tila hinihica na maingay ang paghinga, na ang pangalan sa gayong saquit ay croup. cun mayroong batang dinaraanan nang suba, sauan ibang bagay na convulsion, caalamalam ang totoong pinangagalingan noong manga saquit na yao,, ang maasim sa sicmura, ang pagsibol nang ngipin, ang bulati, ang hindi paglabas nang unang iniilaguin nang batang bagong panga nac. cun gayon ay susundin ang manga turo sa parrafo at at gagauin ang manga bilin sa manga capitulo sa sa at. nguni bucod doon sa manga dahilang yaon, mayroong tatlo pa mandin na cun minsan nacacapagdala nang convulsion sa manga bata, sa macatouid: cun mayroong manga bagay na nabubuloc sa sicmura,, tiyan nang bata, na yaon ang isang dahilan. ang icalaua cun ang gatas nang nagpapasuso ay masama; at ang icatlo, cun ang bata,, nalalagnat, lalo pa cun tiniticdas binubulutong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya nahahalatang mayroong nabubuloc sa sicmura nang bata, sapagca pinacain pinasuso nang marami na hindi macayanan nang caniyang sicmura, sapagca pinacain nang sarisaring bagay na hindi nagcacaayon. bucod dito ang gayong bata,, nananab ang nang pagcain; natatamlay siya, at hindi natutulog nang mahimbing. ang dila niya,, marumi; ang color nang balat ay masama, at lungmalaqui ang tiyan. cun baga caya quinoconvulsion cungmiquinal ang catauan nang bata ay dahil dito, ang magaling doo,, houag pacanin nang marami; sumpitin nang malacucong tubig at purgahin nang jarabe nang chicoria (dilang usa) nang caunting mana.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun minsan naman caya sinasauan, sinusubaan ang bata, sapagca ang gatas nang nagpapasuso sa caniya ay masama; sa macatouid, cun ang nagpasuso ay nagagalit nang malaquing pagcagalit, namanglao, natacot, napagod nang paggaua, nainitan, nacacain nang manga cun ano ano, nagcasaquit, nacainom nang alac, cun pinananaugan nang panahon, cun datidating sungmasama ang caniyang pagcaramdam, cun pinananaugan siya nang sa panahon. cun ang babaying nagpapasuso sa bata dinaanan noong manga bagay na yaon, ang gatas niya,, sungmasama at nacacapagcasaquit sa sungmususo, na cun minsa,, iquinamamatay niya agad. ang mabuti doo,, gayon: ang bata houag pasusuhin nang babaying maysaquit, hangan di mauala ang caniyang masamang pagcaramdam; ang bata,, susumpitin naman, at paiinumin nang maraming tubig na malamig; ang ipacacain sa bata sa dalaua tatlong arao ay atole tinapay na durog sa tubig, na ualang gatas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi pa nauauala ang saquit nang bata, ay painumin nang timbang piso, tatlong salapi nang jarabe nang chicorias (dilang usa). magaling din ang mana, na cahati ang timbang. ang babaying nagpapasuso,, maigui magsumpit siya, at ang gatas na masama palabasin sa suso. cung baga ang convulsion nang bata sungmasama sa bulutong, ticdas, sa ibang bagay na lagnat, ay hindi cailangan ang ibang gamot doon, cundi ang iguinagamot sa saquit na casama nang convulsion. mayroong batang dinaraanan nang mahirap siyang macahinga, naanaqui hinihica ang tauag nang manga medico sa gayong saquit ay croup. ang maigui doo,, ibabad ang paa nang bata sa mainit na tubig, at cunan nang dugo, bago sumpitin agad nang culutan na magaling samahan nang timbang cahating ingo, na yaon ang isusumpit doong parati; maigui rin doon ang isang tapal na sahing sa pag itan nang dalauang balicat, ayong sa turo co sa parrafo mabuti namang lag yan nang isang fuente.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang triaca ay masama sa manga batang dinaraanan nang convulsion. datapoua mabibig yan din nang triaca, pagca guinagaua na ang manga itinuturo co sa capitulong ito, at hindi rin nauauala ang convulsion. gayon din cun mapanganib na totoo ang buhay nang bata, cun ang pinagmul an nang convulsion ay ang siya,, natacot mabibig yan din nang triaca. mayroong malimit daanan nang sauan, suba, nang ibang bagay na convulsion . ang pag gamot sa gayong bata ay maliuag. magaling doon ang quina (dita) numero at pambohan sa malamig na tubig. aral na nauucol sa pangsasangra sa manga maysaquit, pati na pagpapacapit sa linta. dalaua ang dahilan na sucat ipagsangra sa tauo: ang nauuna, cun marugo ang may catauan; ang icalaua, cun ang dugo niya,, ungmiinit na yao,, pinanganganlang inflamacion de sangre.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa manga sasabihin co ngayon mahahalatang marugo ang may catauan; sa macatuid: cun siya,, malacas cumain; cun siya,, cungmacain nang maraming carne, ungmiinom nang alac; cun hindi sungmasama ang damdam nang caniyang sicmura; cun mahaba ang caniyang tulog, cun hindi siya binabalingoyngoy, hindi binubusan pinananaugan nang maraming dugo. cun gayo,, marugo ang may catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"gayon din, cun dati na siyang binabalingoyngoy, at saca nauala sa caniya yaon; cun ang pulso,, puno at malacas; cun ang color nang balat niya ay mapula sa rati; cun ang caniyang pagcatulog ay mahaba sa rati, at hindi lubhang mahimbing; cun ga hinahapo agad pagca siya,, gungmagaua nang anomang gaua, cung lungmalacad; cun baga siya,, nalilio, lalo pa cun ibinababa niya ang ulo, at biglang itinataas; ang pagsaquit nang ulo cun hindi dating sungmasaquit; cun mainit ang pagcaramdam nang may catauan; cun ang caniyang pagcaramdam ay ga tinutudloc siya nang carayom sa boong catauan; lalo pa cun siya,, napagal nang pag gaua nang anoman; cun gungmiguinhaua ang pagcaramdam cun siya,, binalingoyngoy. cun nararamdaman nang may catauan ang marami dito sa manga tinuran co ngayon, ay mabuti sangrahan; nguni cun ang isa dalaua lamang sa manga sinabi co ngayon ang caniyang nararamdaman ay hindi sucat sangrahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang cainitan nang dugo na yao,, isa pang dahilan na sucat ipagsangra sa maysaquit, ay sungmasama sa manga saquit na sarisari, na paraparang aquing nasaysay na, sa canicaniyang capitulo, na doon babasahin ang gagauin. ang hindi sucat sangrahang hamac cundi utos nang marunong na medico, ay ang manga sasabihin co ngayon, sa macatouid: ang manga matatanda na, na gungmagamit sa anim na puong taon, at ang manga sangol; ang dati nang mahina ang catauan; cun ang pulso nang may catauan ay munti, malambot at mahina, cun sa pagtiboc nang pulso mayroong pagca liban; cun namumutla ang balat nang may catauan; cun nanlalamig at namamaga (na malambot hipuin) ang manga paa,, camay niya; cun ang sicmura ay lauon nang panahong gulo; cun binabalingoyngoy nang malacas; cun sinisibulan ang may catauan nang maraming bucol. ang pagsasangra nga sa tauo sa gayong manga lagay ay masama, cun hindi batol nang maalam na medico, cun ualang sadyang bilin dito sa librong ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa lupa nang castila, ang maysaquit na sinasangrahan, ay nacucunan nang timbang ualo sangpouong pisong dugo sa isang pagsasangra, sapagca ang castila ay marugo. dito sa filipinas ang tagalog na hindi lubhang cungmacain nang carneng marami hindi sucat cunan nang gayong caraming dugo. sucat na roon, (ani. clain) ang timbang tatlo apat na pisong dugo, ang ga isang taza carami. ang pagsasangra ay hindi maliuag matutuhan nang alin mang tauo, cun naquitang minsan ang paraan. ang tauo,, masasangrahan sa alin mang ugat nang caniyang catauan; houag lamang doon sa manga ugat na nadoroon sa piling nang may tungmitiboc na pulso. cun ualang marunong sumangra, na aari ang linta ang ventosa. ang anim, ualo, sampouong linta pinacacapit sa laman nang tauong cucunan nang dugo; at nang cumapit ang linta, ay maigui basain ang laman nang mainit na tubig, lahiran nang dugo nang sisiu, azucar; madali ring pigain ang dulo nang isang pacpac nang sisiu.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"at basain ang laman niyong pinacatubig na lungmalabas doon din sa dulo nang pacpac, na nababaon sa catauan nang manoc. nang bumutao ang linta, cun baga hindi siya cusang bungmubutao, ay basain ang ulo niya nang suca, lapitan nang isang baga. yaong lugar na quinapitan nang linta,, maiguing hugasan nang tubig na sinucaan, nang mauala ang pinaca camandag nang linta. cun hindi ungmaampat ang dugo ay tacpan ang sugat nang gaboc nang papel sangley na sinunog nang quinayod na culatculat, yaong tila cabuting sungmisibol sa manga cahoy para nang turo sa parrafo sa. datapoua cun minsan lalong madaling maampat ang dugo, pag hindi tinacpan ang sugat nang anoman; sapagca ang dugong lungmalabas palibhasa,, tungmitigas ay siyang cusang nagpapaampat sa ibang dugo. maigui rin ang bahay ng anlalaua. cun ventosa tandoc ang gagamitin, ay cadlitan muna ang maysaquit, bago tacluban nang ventosa tandoc ang lugar na quinadlitan. datapoua ito,, malauon at hindi totoong magaling.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"aral na nauucol sa pag purga at sa pagpapasuca sa manga maysaquit. cailangang purgahin pasucahin ang tauo, cun mapait ang caniyang bibig; cun ang dila pati nang ngipin ay marumi; cun mayroong masaquit sa tiyan, sa sicmura, na yao,, hanging nacuculong doon, na ang pangalan nang castila sa gayo,, flatos: cun ang may catauan ay nanab ang nang pagcain, cun naiibig niyang sumuca; cun ang isinusuca niya,, mapait; cun tila may mabigat sa sicmura, sa bayauang at sa tuhod; cun hindi malacas na para nang dati ang caniyang catauan; cun sungmasaquit ang ulo, cun nalilio ang may catauan, cun siya,, nahihilim; cun hindi husay ang caniyang pananabi, na cun minsan malabnao at marami cun minsan caunti at matigas ang inaiilaguin niya; cun ang pulso ay mahina at hindi lubhang husay na para nang dati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun nararamdaman nang may catauan ang marami dito sa manga sinabi co ngayo,, maigui big yan siya nang purga, pasuca; nguni cun minsan ang purga,, magaling pa sa pasuca doon; at cun minsan ang pasuca magaling na lalo sa purga. caya nga yata nang maalaman ng mangagamot cun cailan bagay doon ang purga, cun cailan ang pasuca ay tatandaan niyang maigui ang sasabihin co ngayon: cun ang bibig nang may catauan ay mapait, at ga parating ibig niyang sumuca, siya,, sungmusuca nga, ay maigui pasucahin; sapagca ang masama ay ang sicmura. datapoua cun ang nararamdaman nang may cataua,, hindi itong manga bagay na ito, cundi ang ibang manga sinabi co sa parrafo magaling sa caniya ang purga sa pasuca, lalo pa cun mayroong hangin sa tiyan, sa sicmura, cun masaquit ang bayauang; at tila mayroon siyang nararamdamang mabigat sa tuhod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"masamang purgahin, pasucahin ang aquing sasabihin ngayon, sa macatouid: ang nalalagnat na tauo sa oras nang pagcalagnat niya, cun baga siya,, nalalagnat nang malaqui; ang tuyo payat na totoo ang caniyang catauan; cun ang pinagmul an nang saquit ay cahinaan nang catauan; cun pinanaugan nang sa panahon ang babayi; cun ang may cataua,, nagcasaquit, at ang caniyang saquit ay nauauala na sa pauis, sa pag iilaguin, sa pag ihi, sa pag babalingoyngoy; ang tauong piyohin, cun dinaraanan nang saquit na yaon; gayon din cun totoong hina ang manga litid nang may catauan. mayroong tauo na mabibig yan nang purga (cun baga cailangang purgahin) bago masama roon ang pasuca, sa macatouid: ang tauong marugo parrafo ang binabalingoyngoy; ang lungmulura sungmusuca ng dugo; ang babaying pinanaugan nang maraming dugo, at ang manga babaying buntis. itong manga ganganito,, hindi sucat pasucahin; datapoua mabibig yan sila nang purga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun mayroong tauong pinurga pinasuca, at siya,, nag iilaguin, sungmusuca nang totoong daming lubha, nahihirapan siyang totoo nang pagsuca, nang pag iilaguin, cun siya,, nadedesmayo, dinaraanan nang convulsion pagquinal nang catauan gaua nang pasuca purga, ang magaling ay painumin nang malacucong tubig gatas azucar, pulot, nang tubig, na pinaglagaan nang cebada. saca susumpitin nang tubig na may casamang gatas at pula nang itlog. magaling ding tapalan ang maysaquit sa tiyan nang manga basahang babad sa mainit na tubig, na sinamahan nang caunting triaca. cun napapacarami ang pag iilaguin nang maysaquit, at hindi siya nalalagnat, at hindi rin mainit ang pagcaramdam niya, ang isumsumpit sa caniya na itinuro co sa itaas, ay malalahocan nang caunting triaca. cun ang maysaquit, ay sungmusuca nang totoong lacas at hindi siya nag iilaguin, ay lilimitan ang pagsumpit na may casamang lana, nguni houag lagyan nang pula nang itlog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"maigui namang basain ang camay at ang paa, pati nang pouit at tiyan nang maysaquit nang tubig na malacuco. cun minsan masama sama man ang pagcaramdam nang tauo,, hindi cailangan siyang purgahin pasucahin. sucat na roon cun minsan ang siya,, uminom nang maraming malamig na tubig, at lumiban siya sa isang pagcain arao arao, at houag siyang cumain nang manga maliliuag matunao sa sicmura niya. cun mayroong tauong pasusucahin, ay doon sa manga numero at sa maquiquita nang mangagamot ang ugaling pasucang guinagamit sa manga castila, sa macatouid, ang tartaro emetico at ang ipecacuana. ang ibang manga pasucang bilin doon sa numero at sa ay paraparang magaling din, at ualang liuag. ang mangagamot ay macapipili doon nang balang caniyang ibig. cun mayroong pupurgahing tauo, ang bilin sa numero sa macatouid, ang jalapa, sen at cremor ay totoong buti. datapoua cun ang pupurgahin ay babaying buntis, sucat na roon ang mana canafistula timbang cahati.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magaling din sa manga babaying buntis, cun cailangang purgahin ang timbang sa icaualong ruibarbo na ibababad na magdamag sa isang tazang tubig, bago inumin nang babayi cun umaga yaon ding tubig na pinagbabaran noon, na ito,, gagauing ilang arao. sa manga babaying nanganac ay sucat na roon yaon ding purga nang mana canafistula timbang cahati, cun baga cailangang purgahin ayon sa turo sa parrafo at at capag nacalalo na ang isa dalauang arao nang caniyang panganganac. datapoua bago purgahin nang mana canafistula ay mabuti sumpitin muna nang tubig na pinaglagaan nang culutan na ualang asin, at cun baga gunmagaling ang caniyang pagcaramdam, ay houag nang ituloy ang purga. gayon din ang gaua sa babaying buntis, bago ituloy ang pagpupurga sa caniya. nguni ang maiguing isumpit doon ay ang sabao nang sisiu na ualang asin, atoleng canin na sinamahan nang dalauang pula nang itlog at caunting azucar.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang casucatang isumpit doon, touin susumpitin ang babaying buntis ay calahating tagayan carami; at cun hindi nauauala ang casaman nang caniyang pagcaramdam, ay purgahin ng mana canafistula para nang uica co sa itaas. ang pasuca purgang dapat sa tauong nagcacasaquit nang anomang bagay na saquit ay doon hahanapin nang mangagamot sa manga capitulong quinasusulatan nang saquit nang may catauan. ang timbang nang ipinupurga ipinasusuca sa tauo, na nabibilin dito sa librong ito, ay sucat, bagay sa lalaquing matanda,, malacas; cun hindi naniniya yao,, mararagdagan pa nang sa icapat sa icatlong bahagui noong timbang na yaon; at cun hindi pa mandin magcasiya ang gayong carami, ay houag nang daragdagan, macacamatay sa tauo yaon. ang gagauin lamang doon pagca binibig yan nang purga pasuca, at hindi siya nag iilaguin sungmusuca ay painumin nang isang tazang malacucong tubig, na sinamahan nang asin, timbang tatlong saicaualo sa anim na tazang tubig, at palacarin siya sa bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang tauong pupurgahin pasusucahin, ay hindi sucat cumain muna nang marami sa loob nang isang arao, cun quinabucasang talagang bibig yan siya nang purga pasuca; magaling naman ang siya,, uminom nang ilan tazang tubig na malacuco doon din sa arao na yaon, bago magpurga nang quinabucasan. cun pinainom na nang pasuca ang may catauan, ay houag siyang iinom muna hangang hindi maramdaman niyang magsusuca na; at pagca siya,, sungmusuca na, ay cailangang uminom siyang parati nang malacucong tubig, tubig na pinaglagaan nang caunting manzanilla. ang tauong pinurga, ay mabuting painumin nang sabao nang tubig na malacuco, na may azucar pulot na casama, hangang siya,, nag iilaguin. masama namang magpahangin lumabas sa bahay, cun hindi pa nacacalalo ang isang arao at ang isang gab, cun baga sampaloc canafistula ang ipinurga sa caniya; nguni cun ibang bagay ang ipinurga doo,, houag siyang lumabas sa bahay hangang di macaraan ang dalauang arao at ang dalauang gab.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cung cailangang purgahin, pasucahin ang tauo, ay cailan mang panahon mapupurga mapapasuca siya; at hindi sucat bacayan ang arao ang bagong bouan, para nang guinagaua nang manga mangagamot na mangmang, na maraming totoong tauong caauaaua ang inaalsan nila nang buhay, sapagca hinihintay ang gayong arao nang bouan sa pag gamot sa mga maysaquit. cun minsan cun nacalalo ang carampatang panahon, na gagaling siya sana cun pinurga pinasuca, ay hindi na maari ang siya,, gumaling, at ang arao pati nang bouan na guinaua nang ating panginoong dios dahilan sa tauo, yao,, guinagauang paraan nang manga mangagamot na hunghang, nang pananampalasan sa buhay ng tauo. gayon din cun malaqui ang saquit nang babayi at cailangang purgahin, bagaman siya,, dinatnan nang sa panahon ay capilitang purgahin. casaysayan na nauucol sa pulso nang tauo. ang pulso nang tauong matanda, na ualang saquit ay tungmitiboc ng macaanim na pouo, hangan sa macapitong pouo sa loob nang isang minuto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang isang oras mayroong anim na pouong minuto . cun ang tauo,, nacalalo na sa anim na pouong taon ng caniyang edad, ay dungmadalang dalang sa rati ang pagtiboc ng pulso niya. cun ang tauo ay bata pa, na hindi ungmaabot sa labing ualo, dalauang puong taon nang caniyang edad, ay matulin madalas ang pagtiboc nang pulso; ang sa manga sangol lalo pang matulin. manaa ang isa pang pinagcacaquilalanan ng cahusayan caguluhan ng pulso, ayon sa aral ni solano na medicong castilang marunong na totoo sa una. cun mula sa isang paghinga nang tauong ualang saquit at tahimic ang lagay hangan sa ungmuuli yaong isang paghinga, tunmitiboc ang pulso nang macaapat; ay totoong galing at husay. ang macalimang tumiboc sa loob ng isang boong paghinga,, masama sama na nang caunti. cun macaanim tumiboc ay masama na, at may lagnat na malaqui ang may catauan; at cun sa isang paghinga ay tumiboc nang macapito macaualo ay malubhang totoo ang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa macatouid, sa loob ng isang boong paghinga ng tauong ualang saquit, ang pulso ng matandang tauo,, malacas, at tungmitiboc na macaapat mahiguit higuit doon; sa loob nang dalauang paghinga ay macaualo, macasiyam tumiboc. nang matalastas nang mangagamot ang manga nauucol sa casaysayan ng pulso, ay tatandaan niya ang aquing sasabihin dito ngayon: ang pinanganganlang pulso (yaon bagang nararamdamang tungmitiboc sa catauan ng tauo) yao,, dugo lamang, na napaparaan sa caniyang pinaca alulod canal. ang canal na dinaraanan nang dugo ay dalauang bagay; ang isa,, pinanganganlan nang castilang arterias, na yaon ang tungmitiboc na hindi rin naquiquita nang mata, sapagca malalim lalim sa laman ang quinalalag yan. ang icalauang bagay na pinaca alulod na dinaraanan nang dugo ay hindi tungmitiboc, at naquiquita nang mata, na yaon ang pinanganganlang ugat nang tagalog, sa uicang castila,, venas; na yaon din ang hinihiua nang lanceta, cun ang tauo,, sinasangrahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang dugo naman nang tauo ay parati nang parating lungmalabas, at ga tinatapon nang puso nang malacas na pagca tapon, na pinaaabot hangan sa manga caduluduluhan nang catauan. itong pagtulac pagtapon nang puso nang dugo hangan sa manga catapusan nang catauan ay yaon ang pulso, at ang nahihipo doon ay ang dugong nangagaling sa puso, na napapatungo sa manga casangcapan nang catauan. cun ang dugong nangagaling sa puso ay dungmaraan sa pinaganganlang arterias, ay nararamdaman doon ang pagtiboc nang pulso datapoua cun ang dugo ay ungmooui nagsasaoli sa puso, ay hindi dungmaraan sa arterias, cundi sa venas sa ugat na nadoroon sa dacong ibabao nang laman nang catauan. caya cun mahina hindi husay ang pagtapon nang puso nang dugo, ay mahina rin at hindi husay ang pulso, na dahil doon naquiquilalang maysaquit ang tauo. caya nga yata touing sabihin sa librong ito, na ang pulso,, malacas, mataas, puno, ang cahologan noon ay ma aalaman na nang mangagamot ayon sa turo cong una.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"gayon din ang mahinang tumiboc, mababa munti sucat maquilala nang alin mang tauo. ang pulsong lungmiliban, ay na aalaman ding nang lahat, sa macatouid: na yao,, cun tungmitiboc nang macailan, saca napapatahan lungmiliban nang isang pagtiboc. mahahalatang malacas pa ang maysaquit, cun idiin nang malacas lacas nang manga daliri nang camay ang canyang pulso, at cun baga idiin man nararamdaman din ang pulso, ang may cataua,, malacas pa. ang isa pang totoong cailangang maalaman nang manga mangagamot, ay ang pinangangalang pulsong matigas, na caya gayon ang tauag doo,, sapagca cun tumiboc, ay anaqui cahoy, tangso, cuerdas nang guitarra ang nararamdaman, ang hungmahampas sa daliri nang pungmupulso doon. caya cun ang pulso,, matigas, cailangang sangrahan ang maysaquit. ang pulsong malambot magaling pa sa matigas; cun ang pulso,, munti, madalas, at matigas pa, ay malaqui ang panganib nang maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mayroon namang pulsong hindi husay gulo; sa macatouid, cun mula sa isang pagtiboc hangan doon sa isa, ay hindi magcasinglauon ang manga pag itan. ang manga uusisain nang mangagamot cun siya,, tinatauag nang maysaquit. bago gamutin ang maysaquit, ay cailangang maalaman, at usisain munang maigui, cun ano caya ang saquit niya. ang lalong maliuag sa lahat ay ang pagquilala nang manga saquit; nguni sa manga isusunod cong sasabihin dito, ay mahahalata cun minsan cun anong bagay na saquit ang nadoroon sa may catauan. caya nang mausisa yaon, at nang matapatan nang gamot ang saquit, ay ito at ito ang itatanong sa maysaquit. gaano catanda ang maysaquit. cun hindi siya dating masasactin. alin ang oficio niya, ang caniyang guinagauang dati. anong quinacain niya. cun ungminom nang alac. cun siya,, lungmalacad nananaog sa lupa. cun lauon nang siya,, maysaquit. cun anong nararamdaman niya noong hindi pa nagcacasaquit, at nang bagong magcasaquit siya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun napacarami ang caniyang cain ang caniyang inom nang malapit nang magcasaquit siya. cun napagal siyang totoo nang pag gaua paglacad. cun nacacatulog siya. cun namanglao nagalit. anong nararamdaman niya arao arao, hangang siya,, maysaquit na. cun siya,, nalalagnat. cun ang pulso,, matigas malambot . cun siya,, malacas cun mahina na. cun siya,, parating higa, cun nacacabangon. cun nag iibang parati ang caniyang pagcaramdam. cun siya,, tahimic cun hindi mapalagay. cun siya,, naguiguinao hindi. cun ang balat ay tuyo,, mainit. cun ang balat nang cataua,, namumula, namumutla, dilao, morado. cun mayroong tila mancha sa balat cun sinisibulan nang manga tila butil. anong color niyong manga pinacabutil, at cailan ang paglitao sa balat. anong nararamdaman niya nang macasibol yaong manga butil na yaon. cun mabaho ang catauan nang maysaquit. cun mabaho ang hininga. cun dinaraanan nang desmayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun sungmasaquit ang ulo, ang lalamunan, ang dibdib, ang sicmura, ang tiyan, ang bay auang, cun alin ang masaquit, at alin ang lalong masaquit. cun sungmasaquit pa mandin cun hipoan. cun ang dila nang maysaquit ay maputi, marumi, tuyo. cun nauuhao siya. cun mapait ang bibig. cun dungmuroual, sungmusuca, nananab ang nang pagcain cun ibig niyang cumain. cun nauunat ang tiyan. cun ugali ang caniyang pananabi. anong color nang ihi. cun mayroong namamaga sa caniyang catauan. cun siya,, pinapauisan. cun lungmulura, cun anong inilulura niya. cun nasisira ang bait. cun guinhaua ang paghinga. cun maquintab ang mata. cun anong iguinagamot sa caniya, cun pinurga siya, pinasuca, sinangrahan caya. maano caya siya nang siya,, magamot nang gayon. cun dati nang saquit niya yaon. cun siya,, binabalingoyngoy na dati. cun dati siyang guinagalis, binubuni etc. cun siya,, linuluslusan. cun ang saquit niya ay saquit nang caniyang camag anacan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang cailangang itanong naman sa mga babaying maysaquit, ay ang manga ito pa. cun siya,, dinaraanan na nang sa panahon. cun marami, caunti, para nang dati. cun may panahon nga siya. cun siya,, buntis, at gaano calauon ang caniyang cabuntisan. cun siya,, bagong galing sa panganganac. cun magaling ang caniyang panganganac. cun lungmabas ang ugaling lungmalabas na dugo sa nanganganac. cun mayroon siyang gatas. cun siya rin ang nagpapasuso sa bata. cun mayroong sungmunod na saquit doon sa caniyang panganganac. ang cailangan usisain nang mangagamot na bagay sa manga bata, ay gayon: gaano ang edad nang bata. ilan ang caniyang ngipin. cun ang bata,, nagcacasaquit na gaua niyong pagsibol nang ngipin. cun ang bata,, binubulutong. cun nag iilaguin nang bulati. cun lungmalaqui ang tiyan. cun mahimbing ang tulog. cun nahulog, cun inihulog nang nag aalaga doon. casaysayan nang timbang nang manga iguinagamot nang manga medico sa manga maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang isang libra mayroong labing anim na onza, labing pitong piso. ang isang piso,, mayroong ualong saicapat. ang isang saicapat ay dalauang saicaualo naman. ang isang saicapat ay ga sandaang butil na trigo palay na hindi pili. ang isang piso ay dalauang salapi. ang isang piso at saicaualo ay isang onza. ang isang piso naman ay catimbang nang labing pitong saicaualo. ang laman nang isang botellang ugali, ay mahiguit sa isang tagayan, apat na malaquing tazang chocolatihan mahiguit pa, na yao,, isang libra rin. ang laman nang isang ugaling cuchara ay ang saicaualong bahagui nang isang tazang malaquing chocolatihan. dito sa librong ito cailan man itinuturo co ang timbang nang gamot, ay ang ibibigay sa lalaquing maysaquit na matanda, mula sa labin ualong taon edad hangan sa limang pouang taon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"mula sa labing dalauang taon, hangan labing ualo, ay sucat doon ang dalauang sa icatlong bahagui nang nabibilin doon; at cun uala pang labing dalauang taon, ang bata, ay binabauasan pa mandin ang timbang; sa manga sangol na iilan lamang bouan ang edad, ay casiyahan doon ang isang sa icalabing anim na bahagui nang gamot na itinuturo dito sa librong ito. sa manga maysaquit, na yaon ang nabibilin sa manga parrafo nitong libro. ang isang dacot nang bulaclac nang alagao, at ang timbang dalauang pisong pulot, sampon nang tatlong salaping sucang matapang ay ilalagay sa palioc na malinis (houag sa cauali tacho.) saca bubusan nang apat na tagayan tubig na cungmuculo; hahaluin yaong lahat nang isang cuchara patpat, nang mapalahoc ang pulot sa tubig; saca tatacpan ang palioc, at cun malamig na,, sasalain sa sinamay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang dalauang pisong cebada (palay cun ualang cebada) huhugasan muna nang tubig, bago ilaga sa limang tagayang tubig, hangan sa pumotoc ang manga butil; pagcalaga na, ay huhulugan nang timbang saicapat at sa icaualong salitre saca sasalain sa sinamay at lalag yan nang timbang tatlong salaping pulot, at timbang pisong suca. ang timbang dalauang pisong cebada (palay cun ualang cebada) ay huhugasan muna nang tubig, bago ilaga sa limang tagayang tubig, hangang sa pumutoc ang butil. ang timbang cahati dalauang saicapat na cremor tartaro (na cun tauaguin nang tagalog ay cremor lamang) ay isasama doon sa ibang inilalaga; pagca laga na,, saca salain sa sinamay. nota sa saquit nang lagnat nang apdo parrafo sa lagnat na pangiqui na camuc ha nang lagnat na buloc parrafo pati sa saquit na culebra parrafo magaling pa sa cebada ang timbang apat na pisong ugat nang grama (hincacauayan quinacauayan) na yao,, ilalagang casama nang cremor, para nang itinuro co na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang apat na pisong bot nang melon, calabasa, pacuan (sandia) babayohing maigui sa babay ang bato, sa lusong man, at huhulugang mamayamaya nang isang tagayang tubig, bago salain sa sinamay; saca babayohing uli yaong natira sa sinamay, na pinagsalaan noong una, at doroonan din nang isang tagayang tubig, bago salain para noong isa. uul in pa manding babayuhin ang natirang latac, at huhulugan naman nang isang tagayang tubig; saca sinasala rin sa sinamay, at yaong tatlong tagayang tubig ay lalag yan nang timbang isang salaping azucar. ang dalauang dacot na culutan didicdiquin nang sumandaling oras calauon bago ilaga sa isang tagayang tubig; pagca laga,, sasalain at sasamahan ang tubig nang timbang pisong pulot. mayroong tauo na hindi manabi, sumpitin man nang may culutan, cundi sumpitin nang tubig na malacuco lamang. masama namang isumpit sa tauo ang mainit, cundi malacuco cailan man ang isusumpit doon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang isang tagayang tubig na pinaglagaan nang cebada (palay) huhulugan nang isang dacot na bulaclac nang culutan, at ilalaga sa apoy. bumayo ca sa babay ang bato sa lusong man nang dahon nang tagolinao dahon nang sigandagat (borraja), bago pigain mo sa sinamay; ang gatang tungmutulo ay pabayaan munang luminao, at pagca malinao na, ay isinasaling marahang marahan sa isang tagayan; at ang timbang tatlong piso nitong gatang nacuha sa tagolinao sigandagat ay isasama sa tatlong tagayang tubig, na pinaglagaan nang cebada (palay). ang sigandagat ay damong mabolo. ang taas ay tatlo apat na dangcal. ang bulaclac ay tila azul, at apat ang bot , na yao,, matigas, maitim, malandas at maquintab.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang pisong ojimiel at ang timbang limang pisong tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, ay huhulugan mo nang timbang isang saicaualong ugat nang bacong na catulad nang lasona, (escila): at pabayaang babad doon nang halagang calahating arao, ilapit sa apoy na ga isang oras calauon, nang mayaring madali. cun hindi minamatapang mo ito, ay atuhin mo ang bilin sa numero. ang ojimiel ay gayon ang paggaua. ang dalauang tagayang pulot ay hinuhulugan nang isang tagayang suca, at yaon ang pinanganganlang ojimiel. nota ang ugat nang bacong ay igagayac muna nang gayon: ang ugat na bagong nahucay sa lupa, ay hinuhubdan nang manga unang balat na tila tuyo; ang malinis ipinapasoc sa horno, at iniluluto doon parang tinapay; saca inaalis doon, bago hiuain nang matalim na patpat na cauayan. saca butasan ang manga caputol nang matilos na cahoy, nang masootan nang bitbitan, at isinasabit na bucod bucod, nang houag magcadaiti, at nang matuyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua cun ualang bacong na handa para nang uica co ngayon, ay naari ang bagong hucay sa lupa, di man magaling na totoo yaon. ang bacong ay dalauang bagay: ang ugat nang isa ay boo, na ualang baloc na maraming suson suson. ito,, hindi sucat gamitin at masama. ang ugat noong isang bagay na bacong ay catulad nang lasona na may maraming balat na susong suson. ito ang magaling gamitin. bagaybagay ang manga tapal na nacacabauas nang pagsaquit nang manga casangcapan nang catauan nang tauo. alin man sa isusunod cong sasabihin dito ngayon ay magagamit nang mangagamot, sapagca isa rin ang cabagsican nang lahat. ang manga basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang bulaclac dahong mura nang culutan. ang manga supot na munti na sinisidlan nang bulaclac dahong mura nang culutan alagao manzanilla, na inilalaga muna sa tubig gatas. yaon ding manga bulaclac dahong murang yaon, na luto sa tubig gatas, na inilalatag sa damit bago itapal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang tinapay na durog, na binasa nang gatas, na minamasa muna nang caunti, bago ilatag sa damit at itapal. na aari ang tapal na canin, na lutong maiguing maigui. ang timbang pisong espiritu de azufre, sasamahan nang jarabe nang olasiman timbang anim na piso. ang pag gaua nang manga jarabe,, doon nasasaysay sa numero. cun ualang espiritu de azufre, ang timbang apat na pisong gata nang dayap, ay samahan mo nang timbang anim na pisong jarabe nang olasiman, at yaon ang pinaca espiritu de azufre. cun ualang jarabe nang olasiman ang iyong gagamitin ay ang pulot poquiotan, pulot sa tubo, timbang anim na piso. itong turo co sa nota,, totoong galing, at casingtapang nang espiritu de azufre. ang timbang dalauang pisong mana at ang timbang isang salaping sal de sedhtz ay tutunauin sa isang tazang tubig na mainit bago salain. cun ualang mapagquitaan noong manga gamot na yao,, itong isa ang gagauin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang cahati nang hojas de sen, at ang timbang saicaualong nitro salitre, ibabad mo sa dalauang tazang tubig na mainit na pinaglagaan nang culutan, at pag malamig lamig na ang tubig, ay salain. cun ualang hojas de sen, ay na aari ang dahong tuyo nang acapulco, timbang cahati. ang acapulco cundi ilaga,, mahina ang cabagsican. caya doon sa dalauang tazang tubig nang culutan ilaga mo ang acapulco hangan sa maiga ang isang taza sa mahinang mahinang apoy; saca ihulog ang salitre, at salain. ang isang caracot na bulaclac nang alagao at ang calahating dacot na yerbabuena ay ihulog mo sa tatlong tagayang tubig na cungmuculo pa; at pagca malamig lamig na,, sasalain mo, at sasamahan nang timbang tatlong pisong pulot. ang dalauang caracot nang bulaclac nang alagao ihuhulog sa tatlong tagayang tubig na mainit na totoo, at sasalain cun malamig lamig na. ang timbang pisong balat nan guina babayuhin nang maliit, at gagauing ualong bahagui; ang timbang sa icapat noon ay isang inom.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sapagca dito sa filipinas maliliuag at mahal ang quina ay magagamit ang balat nang cahoy na pinanganganlang dita. ang gagauin lamang doon ay cacayurin nang sundang ang ibabao nang balat. saca aalisin naman ang dagta, bago ibilad sa arauan nang ilang oras calauon, at bayuhing para nang guinagaua sa quina. ang timbang isang salaping balat nang dita gagauin ding ualong bahagui, at ang isang bahagui ay isang inom. ang paraan nang pag gaua nang manga jarabe ay gayon: anomang bagay na ibig mong gauing jarabe para nang olasiman, tagulinao, etc. babayuhin mong sariua, bago pigain, at capag malinao na ang gata,, dinoroonan nang isang gayon ding timbang na azucar pulot man; saca pinalalapot sa apoy.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun gagaua ca nang jarabe nang yerbabuena camaria (artemisa), cun ibig mong bayuhin, para nang guinagaua sa olasiman, ay bayuhin mo; cun ibig mo naman, ay ilaga mo sa tubig bago samahan nang isang gayon ding azucar pulot, nang timbang cahati noon, nang sa icatlong bahagui, ayon sa calapnauan calaputan nang gata; saca pinalalapot sa apoy. cun jarabe nang dayap granada ang gagauin pinalalabas din muna ang gata, bago lahucan nang azucar. ang jarabe nang suca, pagcaraca,, linalag yan na nang azucar. itong manga pagluluto nang mga maasim, ay hindi sucat gauin cundi sa palioc, at masama roon ang bacal at tangso. cun ang maysaquit ay malubha at hindi na magaua ang jarabe, ay ilaga mo, isama mo sa mainit na tubig yaong gagauing jarabe, sampon nang azucar pulot, at yaon ang aariin mo munang parang jarabe. ang isang inom nang jarabe nang adormideras rubras amapolas: (ang isang inom ay ang timbang piso hangan sa dalauang piso).",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"datapoua sa saquit na anayo (capitulo ang maysaquit ay binibig yan touing calahating oras nang dalauang cuchara nitong jarabeng ito. pagca pinainom na siya nang ualong cuchara, at hindi pa gungmagaling, ay paiinumin nang ualong cuchara pa; datapoua houag limitan ang pagpapainom, cundi touing oras ang isang cuchara lamang. itong gamot ay cailangang bilhin sa maynila. cun ualang mapagquitaan nitong gamot na ito,, gayon ang iyong gauin. ang maysaquit ay big yan nang isa dalauang pildoras ng talampunay na bilin sa numero na ganga balatong calaqui sa isang cucharang tubig. sa saquit na anayo, na sinasaysay sa capitulo ang maysaquit ay bibig yan touing calahating oras nang isang pildoras lamang na malaqui pa sa balatong; at pagca nacalon oc na nang apat limang pildoras, ay itinatahan na. maghulog ca nang timbang pisong pulot sa isang tagayang suerong malinao nang gatas nang cambing, baca, tupa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang anim na saicapat nang maputing sabong castila (jabon), ang timbang saicaualo nang extracto nang chicoria (dilang usa) tagulinao, at cun mayroong goma armoniaco ang timbang saicaualo noon, sampon nang jarabe nang culantrillo ang timbang na iyong mamagalingin ng macagaua ca nang pildoras, pelotillas, na ang timbang ng baua,, isa ay tatlong butil na trigo. ang pag gaua nang manga extracto doon ituturo co sa numero . maglaga ca nang rosas na mapula, culutan cun ualang rosas sa isang tagayang tubig, bago lahucan mo nang timbang dalauang pisong suca at isang gayon ding pulot; at cun mainit pa ay yaon ang ipagmumumog nang maysaquit. ang ipagmumumog nang nagcacasaquit nang saquit na sinaysay co sa parrafo ay hindi culutan, cundi mga talbos nang sambong ang ilalaga sa isang tagayang tubig, bago lag yan nang timbang dalauang pisong pulot. ang timbang pisong pasalitre, gagauing labing anim na bahagui; ang isang bahagui, ang timbang saicaualo ay isang inom.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang saicaualong jalapa at ang timbang saicaualong cremor ay babayuhi,, hahaluin mong maigui capoua, bago ihulog mo sa isang tazang tubig na mainit init, na pinaglagaan nang timbang saicaualong hojas de sen . itong purga,, caiguihan sa malacas na tauo. datapoua cun mahina ang maysaquit cun bata pa siya,, binabauasan ang timbang nang purga, at ibinabagay sa caniyang edad at sa caniyang calagayan. cun baga napacatapang ang purga, at ang maysaquit ay lungmulubha dahilan doon, ay gagamutin ayon sa turo sa parrafo. cun baga sungmasaquit ang tiyan, nang mapurga siya, at hindi nag iilaguin, ay sumpitin nang tubig na mainit init na pinaglagaan nang culutan. ang isa pang tandaan nang mangagamot, na hindi sucat tapangan pagcaraca ang purga doon sa bagong pinupurgang tauo, sapagca hindi pa na aalaman ang nacacayanan nang caniyang catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun ualang mapagquitaan nang manga bilin sa itaas, itong ibang manga sasabihin co ngayon ay siya ang gagamitin, sapagca totoong igui naman, at ang isa pa,, dito rin sa lupang ito naquiquita. datapoua houag mong isasangcap sa purga ang hindi tuyong tuyong damo, sapagca cun sariua,, hindi natatalastas ang cabagsican. cun icao,, masipag sipag na tauo, ay dapat mong itanim sa iyong bahay ang manga cailangan sa purga, nang houag cang maliuagan nang paghanap cun talagang gagamitin. ang purgang gagauin mo ay gayon: pagca gabi ay mag init ca nang dalauang tazang tubig sa munting palioc na may taquip. pagtalagang cuculo na,, ihulog mo roon ang timbang cahating dahon nang acapulco, na iyong gagayatin muna, at tuloy pacuculuin mo nang sumangdaling oras calauon. saca babauasan mo ang apoy, at bayaan mo roon ang palioc na may taquip sa mahinang mahinang apoy nang dalauang oras calauon, at hangan sa maighan nang calahati nang tubig, bago ahunin mo, at houag mong quiquiboing magdamag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"quinabucasan nang umaga,, salain mo, sa damit, at pigain nang malacas, at cun ibig mo,, doonan nang caunting azucar. initin mong tuloy sa apoy itong tubig nang acapulco, at pag mainit init na,, hulugan mo nang timbang saicapat na sanga nang bulacan sa cebu, na didicdiquin mo nang pinong pino, at siya ang ipaiinom sa maysaquit. ang ugat nang bulacan caalam alam ay matapang pa sa sanga; nguni hindi co pa inaatong guinagaua. tandaan nang mangagamot, na hindi sucat gamitin ang bulacan sa tagalog cundi ang sa cebu na may dalauang manchang munting morado sa dulong itaas nang tangcay nang dahon. ang manga bulaclac naman ay nag iisa isa sa pinacaquiliquili nang dahon. ang bot nang bunga,, apat. ang bulacan sa cebu maquiquita sa maynila at sa batangan. ang purgang guinagamit nang ibang manga tauo,, ang dalaua tatlong dahon na ganga dahon nang yerbabuena calaqui, nang pinanganganlang salago, na yao,, canilang isinasama sa hicho at nginanganga. datapoua ang ibang tauo,, naiibay noon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya malaquing galing dito ang turo co sa itaas nota. ang timbang tatlong salaping ugat nang china (obat) na gagayatin muna, sampon nang timbang dalauang saicapat balat nang cayutana ay bubusan sa palioc nang apat na tagayang tubig na mainit. saca pinacuculo nang isang oras calauon sa apoy na mahina hina, bago salain. maiinom ang dalauang tagayang maghapon. itatapon ang unang lagang tubig. cun hindi nacagagaling sa maysaquit ang obat ay atuhin ang catauan nang macabuhay na mapait timbang cahati. cun ualang cayutana,, naari ang dahon nang saga na ang timbang ay isang salapi. ang timbang piso nang laman nang bunga nang sampaloc (tamarindo) pati nang timbang saicaualong salitre, pinacuculo muna capoua sa isang tazang tubig, bago samahan nang timbang dalauang pisong mana at salain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi macabili ang maysaquit nitong mga bagay na ito,, ang turo sa nota ng numero yaon ang gauin; at cun ualang hojas de sen ang timbang cahating dahon nang acapulco na patutuyoin muna sa arao ay magaling din; datapoua pag napainom ang maysaquit nitong mga bilin dito sa nota, ay cailangang painumin pa ng tubig na pinaglagaan ng culutan. ang timbang pisong cremor, gagauing ualong bahagui; ang isang bahagui isang inom. ang cremor ay na aaring ipainom sa babaying buntis, pati sa nanganac, cun macalalo na ang isang arao ng caniyang panganganac, at bucod dito cun totoong cailangang gamutin cun baga malaqui ang caniyang saquit. ang timbang isang butil na palay nang kermes mineral, na bibilhin sa botica. itong gamot na ito,, totoong tapang. caya hindi sucat ibigay sa manga mahihinang tauo. ang timbang pisong ugat nang contrayerba (dusu, dusug, guisol) at ang timbang saicaualong salitre, ay lutuin nang halagang calahating oras sa tatlong tagayang tubig bago salain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang calahating dacot nang baua,, isang damo, na aquing sinabi na sa numero at ang timbang isang salaping sabon sa castila, na cacayurin muna nang sundang, ay ibababad sa dalauang tagayang tubig na mainit na may casamang alac sa misa, ga isang taza carami. saca sinasala sa sinamay at pinipiga nang malacas. cun ang jabon sa castila,, hindi maputi, hindi sucat gamitin; ang jabong mapula ang may iba,, ibang color ay masama. ang timbang pisong mercurio azogueng malinis na ualang calahoc, pati nang timbang dalauang pisong manticang bago nang baboy, sampon nang timbang saicaualong trementina de venecia. itong tatlong bagay babayuhin nang babayuhin nang mahabang panahon hangan sa maguing unguento, at hangan di maaninao muntiman ang mercurio. itong gamot na ito ay bibilhin sa botica. nguni sapagca cun minsan, ualang masugo sa botica, ay marali itong isang unguento na isa rin ang cabagsican.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang pisong mercurio azogue, at ang timbang tatlong salaping manticang bago nang baboy, sampon nang timbang isang salaping sebo nang baca tupa, sa calabao man, bayuhing maigui hangan sa di maaninao ang mercurio. itong isang unguento,, magagaua mo sa bahay, cun icao mayroon nang ingat na mercurio, na yao,, mura cun bilhin sa botica. cun gagaua ca nang extracto nang anomang damo, balat nang cahoy, etc. ay gayon ang paraan: yaong damong yaon, ang balat nang cahoy na cucunan nang extracto (ang balat nang dita sa halimbaua) lulutuin mo sa palioc sa tubig, bago hanguin doon ang balat, capag naluto nang maigui. saca huhulugan mo uli yaong ding tubig nang ibang balat nang dita rin, na lulutuin para noong una. hahanguin mo naman itong ibang balat, at iba pa ang iyong lulutuin doon din sa dating tubig saca pababayaan mo sa mahinang apoy ang palioc, hangan sa maiga ang lahat na tubig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"pagca yari na yaon, at malamig na ang palioc, ay iyong alisin ang natira sa ilalim, at itago mo sa botellang may taquip na daluro, sapagca yaon ang extracto. cun baga ang iyong cucunan nang extracto ay damong malata,, matubig ay bayuhin mo muna,, pigain, at ang gata noon ay isama mo sa tubig, at lutuin sa palioc sa mahinang apoy, hangan maiga ang tubig para nang uica cong una. cun gagaua ca nang pinanganganlang piedra de culebra, ay ang isang sungay nang usa idoon mo sa horno nang tinapay, hangan sa masunog at umitim; at cun yao,, napuputol na nang camay, magaling ang pagcasunog. cun ibig mo naman, ay tabunan mo nang maraming ipa nang palay ang sungay nang usa, at pagca namatay ang apoy at malamig na ang lahat, alisin mo ang sungay, at iyong basaguin. saca gagauin mong manga caputol na mumunting ganga saicapat cahati calaqui, na quiquiquilin mo, papaguihin mo, nang pumantay ang isang muc ha, at nang luminis at magca hichura.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang saicaualong ugat nang contrayerba (dusu dusug guisol) at ang timbang labingdalauang butil na palay nang ingo (asafetida) sampon nang ualo capatac nang gata nang dayap, ay dicdiquin mong casama nang timbang saicaualong bulaclac nang alagao at caunting azucar, yaon bagang inaacala mong maniniya, nang maboo ang lahat na binayo. itong gamot na ito,, minsanang lonoquin nang maysaquit. ang timbang dalauang piso nang laman nang bunga nang sampaloc ilalahoc sa isang tagayang tubig na cungmuculo pa, at pag malamig lamig na ang tubig, ay sasalain. cun ualang bunga nang sampaloc, ang isang dacot na malaqui nang manga dahon nang cahoy na aari rin, cun lutuin sa dalauang tagayang tubig hangan sa maiga ang calahati. ang pag gaua nang pinanganganlan dito sa filipinas na limonada cajelada ay gayon: ang gata nang dalaua tatlong dayap isinasama sa isa sa dalauang tagayang tubig, at dinoroonan nang azucar (pulot man cun ualang azucar) nang tumamis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"gayon din ang pag gaua nang cajelada; dalandan lamang ang gagamitin. ang timbang anim na butil na palay nang tartaro emetico tutunauin sa sangpouong tazang tubig. ang maysaquit ay paiinumin muna nang isang taza lamang; at cun hindi sungmuca siya cun malauon lauon, ay saca big yan pa siya nang isa pang taza, at atuhin cun susuca na caya. cun hindi rin sungmusuca, ay isa pang taza ang ibibigay hangan sumuca. cun ang maysaquit ay sungmuca nang macaapat macalima, ay houag nang ipainom sa caniya ang ibang tubig na natira. bucod dito,, cailangang pacatandaan nang mangagamot, na pag ang maysaquit ay sungmusuca na, ay capilitang totoo na big yan nang tubig na malacuco, nang houag mahirapan siya nang pagsuca; maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang manzanilla. itong pasucang ito,, bibilhin sa botica datapoua hindi lubhang bagay sa tagalog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"hindi sucat pasucahin ang lungmulura nang dugo, ang linuluslusan, ang mahina ang dibdib, ang totoong mataba ang catauan, ang binubusan nang dugo, ang napainom na nang pasuca at hindi sungmuca, ang babaying pinananaugan ng bouan, ang buntis, at ang bagong nacapanganac. yaong manga maysaquit na yaon ay magaling purgahin sa pasucahin. cun ualang mapagquitaan nang tartaro emetico, na aari ang pinanganganlang pacupis, taboboc, salagsalag, pocotpocot, (coloquintida, pepinillo de san gregorio.) ang timbang ualong butil na trigo, palay noong tila pocot nang damong yaon, ay ibinababad sa apat na tazang tubig hangan sa matapos ang pagdarasal nang isang ama namin, at saca itinatapon yaon ding ibinabad; ang maysaquit ay paiinumin nang isa nang isang taza, at hindi ipinauubos doong minsanan ang apat na taza, maca hindi cailangan sa caniya ang gayong carami. ang gaua nang iba,, sa isa lamang tazang tubig ibinababad ang salagsalag; saca dalaua nang dalauang cuchara cun inumin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang mangagamot ay mag iingat sa caniyang bahay noong tila pacot nang pacupis, nang may magamit, cun mayroong pasusucahing tauo; sapagca yao,, totoong galing na pasuca. cun baga napacatapang ang pasuca, at ang maysaquit ay lumulubha dahilan doon, ay gagamutin para nang turo sa parrafo. ang timbang tatlong pouo at limang butil na trigo nang ipecacuana bejuquillo, ay ilalagay sa calahating tazang tubig, at ipaiinom sa maysaquit. cun ualang ipecacuana, ang ituturo co ngayo,, na aari, at totoong buti. ang balat nang cahoy na pinanganganlang iguio aguio timbang saicaualo. ang balat nang iguio, ay ibinibilad muna sa arauan, bago bayuhing maigui, at paraanin sa sinamay na pino. itong pasuca,, bagay sa lalaquing matanda,, malacas. cun uala pang labing ualong taong edad ang maysaquit, ay binabauasan nang caunti ang saicaualo; at cun uala pang sangpouong taon, ang timbang calahating saicaualo,, babauasan pa mandin nang caunti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa batang may tatlong taon sucat na roon ang sa icalabing anim na bahagui nang isang saicapat, ang halagang isang cuarta. cun baga napacatapang ang pasuca, at ang maysaquit ay lungmulubha gaua noon, ay gagamutin agad para nang turo sa parrafo . ang parapit na guinagamit sa castila ay gayon: ang timbang pisong lebadura,, sinasamahan nang caunting suca, sampon nang timbang isang salaping cantaridas na yao,, catulad nang langao na malaqui na pinanganganlang bangiao. nguni ang ugaling gamitin nang manga mangagamot dito sa filipinas, ay ang bot nang mostaza na canilang binabayo muna bago samahan nang bauang at asin, sampon nang caunting tinapay. sa manga bata, sapagca manipis ang balat, ay sucat na roon ang lebadurang panis at ang caunting suca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"magagaua namang parapit ang dahon nang zapote prieto, ang ugat nang malungay, ang ugat nang sangdicquit, ang dahon nang apoyapoyan, ang dagta nang havili at ang iba pa. ang dalauang dacot nang talbos nang ajenjos at ang isa pang gayon nang talbos nang manzanilla,, ihuhulog sa tatlong tagayang tubig na cungmuculo pa; saca pinababayaang lumamig bago salain. ang timbang saicaualong ruibarbo at ang isang gayon ding cremor. ang timbang tatlong bahaguing cremor at ang timbang saicapat na ipecacuana, bejuquillo, ay hahaluin capoua, at gagauing anim na bahagui. cun ualang ipecacuana,, magagamit ang balat nang iguio aguio timbang saicapat, na isasama sa tatlong bahaguing cremor, at gagauing anim na inom. basahin mo ang aquing sinabi sa numero na bagay sa balat nang iguio. ang timbang tatlo apat na pisong tubig nang apog (ayon sa turo sa numero ay sasamahan nang timbang isang salaping tubig na pinaglagaan nang quina (dita.)",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sa saquit na lagnat na sucab, ang tubig sa dita sasamahan nang dalauang cucharang alac sa misa. hindi casangcapan dito ang tubig sa apog. ang timbang saicaualo nang ugat nang contrayerba (dusu, dusog, guisol) at ang ga sangpouo capatac nang gata nang dayap, ay babayuhin mong casama nang timbang saicaualong bulaclac nang alagao at caunting azucar; saca bobooin mo ang lahat, at minsanang ipacain sa maysaquit. cun mayroong alcanfor ang timbang sangpouong butil na palay noon, ay ihahalili sa gata nang dayap, sapagca maigui pa sa roon. ang balat nang ugat nang timbangan, malaube timbangtimbangan (aristoloquia) babayuhin nang babayuhin, at sasamahan nang caunting jarabe nang balat nang dalandan cahel. ang timbang calahati noon ay isang inom. ito,, isang pinaca triaca. ang timbang isang salaping mercuriong tunay, at ang timbang isang salapi ring pulot ay babayuhin capoua, hangan di maaninao ang mercurio, bago lag yan pa nang timbang cahating sabon castila at tinapay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"saca maghuhulog ca pa mandin doon nang timbang pisong ruibarbong binayo, at caunting jarabe nang azucar lamang at tubig, bago yaong lahat na bagay na magcalahoc ay gauin mong manga pildoras pelotillas, na ang timbang nang baua,, isa,, limang butil na palay. cun ibig mo ang matapang pa sa roo,, damihan mo ang mercurio hangan maguing piso ang timbang. ito,, turo ni buchan. hindi sucat gamitin ang jabon sa castila na hindi maputi. ang unguento sa galis ay gayon ang paggaua: ang isang dacot na malaqui nang dahon nang manquit, at ang isa pang dacot nang talbos nang papaya sampon nang isa pa namang dacot nang dahon nang apaliya, ay lulutuin mong maigui sa calahating gatang na langis lana. saca sasalain at lalag yan mo nang timbang pisong pagquit, bago isaoli mo sa apoy, at pagcatunao na ang pagquit ay huhulugan mong mamaya maya nang timbang apat na pisong azufreng binayo. itong unguentong ito,, madaling macauala nang galis. cun ualang azufre, ang iyong gagauin ay itong isa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"maglaga ca sa palioc nang dahon nang limalima galamay amo: at yaong tubig na yaon cun malamig na, ay saluquin mo nang tabo, ay iyong ibuhos sa galis, at pabayaang mabubo, nang houag mong ibuhos uli ang minsang umanod doon. ang galis ay bubucal nang malacas; datapoua mauauala, cun gauin mo yaong ilang arao, ayon sa turo ni clain. ang isang gamot naman, na totoong galing sa galis, ay gayon: ang timbang apat na pisong dahon at sanga nang damong pinanganganlang sangdicquit ay ilaga mo nang isang oras calauon sa apat na botella at calahating tubig, sampon nang timbang apat na piso rin dahon nang culutan, at siya ang ibabasa mong mainit init sa galis, na macalaua maghapon, pag pinurga muna ang maysaquit, at sa loob nang ilang arao ay mauauala ang galis. ang unguento sa buni gagauin mo nang gayon: magtunao ca sa cauali nang pagquit at sahing, at pagca tunao na,, hulugan mo nang azufreng binayo. magaling din ang sahing na maputi na sinamahan nang pulot. itong lahat ay turo ni clain.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nguni ang unguentong turo ni tissot ay ito. magtunao ca sa cauali nang timbang pisong pagquit; pagcatunao ay hulugan mo nang ilang capatac na langis, at yari na ang unguento. ang isang caputol na damit na lienzo,, ibabad mo dito, at yaon ang itatapal mo sa buni. ang pag gaua nang pinanganganlang unguento amarillo ay gayon: magtunao ca sa apoy nang sahing na maputi, pagquit na dilao, sebo nang baca, lana at mantica na magcasingdami ang lahat. pagca tunao na yao,, hulugan mo nang binayong ugat nang dilao na ang timbang noon ay ang sa icapouong bahagui nang ibang manga bagay. ito,, turo ni clain. ang timbang pisong sal de sedlitz, at ang timbang dalauang pisong laman ng bunga nang sampaloc, ay ilalaga sa calahating tagayang tubig; pagca tunao na ang sampaloc, sasalain. ito,, dalauang inom, na ang pag itan nang isa,, isa,, calahating oras. cun ualang sal de sedlitz ang sampaloc lamang ang gagamitin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang ualong pouong patac nang laudano liquido de sindenham, at ang timbang limang salaping tubig sa torongil (maliana mayana). itong gamot ay bibilhin sa botica. ang isang cuchara,, isang inom. cun baga nauauala hungmihina na ang pagsuca nang maysaquit nang mapainom siya noong minsan macalaua, macaitlo, ay itahan na ang pagpapainom noon. ang timbang tatlong pisong mana, sampon ng timbang dalauang puong butil na palay na salitre, tutunauin sa isang tagayang suero nang gatas. ang paraan nang pag gaua nang suero nang gatas ay gayon: ang dalauang tagayang gatas nang vaca, cambing tupa, ilagay sa palioc sa mahinang apoy at huhulugan ng isa dalaua, tatlong cucharang sucang matapang, gata nang dayap cun ualang suca; pagca hungmiualay na ang lalong mabigat, at napailalim, sasalain ang lahat sa sinamay at yaong tubig na malinao linao, dungmaraan sa sinamay yaon ang pinanganganlang suero. ang timbang saicapat na ruibarbong binayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang pisong azufreng binayo, ang timbang saicapat na sal amoniaco sampon nang timbang dalauang pisong manticang bago nang baboy babayuhin maiguing maigui sa babay an sa luzong. cun mayroong maysaquit na pasisipsipin nang singao nang mainit na tubig suca, ang casangcapang gagamitin doon sa gauang yaon, ay gayon: cun mayroong sisidlang may suso, para nang ticuan charera, ay yaon ang maigui sa lahat. cun uala,, na aari ang isang tabong cauayan, na binubutasan sa taguiliran sa dacong itaas, nang masootan doon isang caputol na cauayang munti, na munti rin ang butas, na, yaon ang ipapasoc nang maysaquit sa caniyang bibig, nang macasipsip siya nang singao nang mainit na tubig na isisilid sa tabo. ang tubig ay hindi pina aabot doon sa butas nang taguiliran, maca magpatuloy sa bibig nang maysaquit ang mainit na tubig. ang tabo,, tinatacpan naman nang isang sinamay na madalang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang pagsipsip nang mainit na tubig, ay sucat pagpilitang gauin, sapagca malaqui ang cabagsican noong gamot na yaon, at ang isa pa ay ualang liuag gauin. ang timbang pisong libao, nang pinagquiquilan nang bacal na ualang patalim na inag ag sa sinamay na masinsin, at ang timbang piso ring azucar, sampon nang timbang isang salaping anis na bayong maigui, ay gagauing dalauang pouo at apat na bahagui; ang isang bahagui ay minsang lonoquin. ang maysaquit isang oras bago cumain cun umaga, cun tanghali, at cun gab, binibig yan nang isang bahagui. ang timbang isang salaping pinagquiquilan nang bacal na ualang calauang; ang isang calahating dacot nang ruda at ang isa namang calahating dacot nang matricaria (rosas del japon) sampon nang timbang cahating jalapa (bulacan sa cebu) ibabad na maghapon at magdamag sa isang tagayang alac sa misa, bago salain. iinomin nang maysaquit ang calahating tazang mahiguit, isang oras bago cumain cun umaga, cun tanghali, at cun gab.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang dalauang pisong pinagquiquilan nang bacal, at ang timbang isang salaping rudang tuyo, sampon nang timbang isang salapi ring anis, na binayong maigui, ay isasama sa caunting pulot ang timbang tatlong bahagui noon ay lolonoquin nang maysaquit maghapon. ang timbang saicapat minsang lonoquin. ang timbang pisong pildoras nang extracto nang cicuta na bibilhin sa botica. ang maysaquit ay pinalolon oc muna nang timbang tatlong butil na palay noon; quinabucasan nang umaga, ay binibig yan nang timbang tatlong butil; saca arao arao, cun hindi nacacasama sa caniya yaong gamot na yao,, dinaramihan nang caunti, hangan sa siya,, macalon oc nang malaqui sa loob nang isang arao. sapagca dito sa filipinas ualang cicuta, ay magaling gamitin ang pinangangalang talampunay (metel) sapagca ang uica nang manga marurunong, na totoong galing yaon sa manga cancro.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"caya nga yata,, maiguing gauin ang isusunod co dito ngayon: ang dahon nang talampunay na maputi, (yaon bagang talampunay na hindi morado) babayohing maigui, at gagauing pelotillas pildoras na malaqui pa sa balatong (mongo.) cun aayao cang tumimbang nang ibibigay sa maysaquit, ang isang cahating pilac idoon mo sa ibabao nang isang dahon, nang talampunay at putulin mong palibot. ang lapad nang isang cahati ay ualong butil na palay ang timbang. ang pag gamit nitong gamot na ito,, ualang liuag. ang isang pelotilla noon ilagay mo sa isang cucharang tubig na malamig, at ipalon oc mo sa maysaquit; houag lamang palonoquin nang marami noon ang maysaquit, sapagca itong damong ito,, matapang pa sa cicuta. ang cagalingang ipalon oc sa maysaquit sa unang arao ay ang timbang ualong butil na palay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"cun hindi nacacaano sa caniya yaon ay big yan nang timbang labingdalauang butil; at cun hindi rin masama sa caniya yaon ay damihan arao arao, para nang guinagaua sa cicuta, hangang sa siya,, macalon oc maghapon nang timbang saicapat, nang caniyang macayanan. datapoua pagca ang maysaquit ay pinalon oc nang talampunay, sa loob nang isang lingo, ay itinatahan muna itong gamot na ito, at cun nacalalo ang ualong arao ay itinutuloy para nang dati. caya guinagaua ito nang houag mamihasa ang sicmura, doon sa gamot na yaon. ang talampunay hindi nacacaano sa sicmura, at hindi rin nacacaibay; houag lamang nguyain, cundi boo cun lonoquin. itong gamot ay aquing guinagamit na parati sa aquin ding catauan, sapagca namasdan cong magaling sa binabalingtamad. itong gamot hindi sucat gamitin nang babaying buntis. ang timbang pisong ugat nang grama (cauacauayan) at ang timbang piso rin ng ugat nang chicoria (dilang usa) lulutuing sumandaling oras calauon sa isang tagayang tubig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong tubig na ito,, huhulugan ng timbang isang salaping sal de sedlitz, sampon nang timbang dalauang pisong mana. pagca tunao na,, sasalain, at touing dalauang oras iinumin nang maysaquit ang isang taza. cun nacarang ang dalaua tatlong arao, ay inuuling guinagaua yaon din. ang laman nang tinapay at ang bulaclac nang manzanilla, ay babayuhin mong may casamang gatas, bago lag yan nang timbang saicapat na sabon sa castila sa baua,, isang tapal. yaong tapal na yao,, papaltang macaapat maghapon nang ibang bago. maigui rin ang tapal nang cicuta, na cun bibilhin sa botica, ang hihingin doo,, emplasto de cicuta. nguni madali namang itapal ang isang caputol na dahon nang talampunay na yaon ay casing galing nang cicuta, ayon sa turo ni linneo. ang cicutang tuyo ay isisilid sa isang unan, supot na munti; saca lulutuing sumandaling oras calauon sa tubig, bago pigain at itapal. touing icalauang oras inaiinit uli doon din sa tubig na yaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"sapagca dito sa filipinas ualang cicuta, ay iyong gamitin ang dahon nang talampunay, at sundin ang lahat na bilin sa numerong ito. ang timbang cahati nang taquip nang sihi, na ang pangalan doo,, bouanbouanan, at ang timbang apat na butil na palay nang canela, ay gagauing ualong bahagui. ang isang bahagui noon ay inihuhulog sa isang cucharang may lamang gatas tubig, at ipinaiinom sa bata bago sumoso. ang taquip nang sihi ibinababad muna nang malauon sa tubig sa ulan, na arao arao pinapaltan nang ibang bago; saca binabayong maiguing maigui sa babay ang bato, at inaag ag sa sinamay na masinsin. ang pag gaua nang ungueento nang hagonoy ay gayon: bumayo ca nang dahon nang hagonoy, na maminsan minsan papatacan mo nang langis lana; saca magtunao ca nang caunting pagquit, at pagca tunao na,, ihuhulog mo roon yaong binayo mong hagonoy, at yari na ang unguento. ang unguento nang llanten (lantin,) ay gayon din ang pag gaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"nota, cun baga sugat ang tatapalan ay hindi cailangang doonan nang pagquit ang hagonoy. gumaua ca nang isang tazang jarabe nang chicoria (dilang usa) bago samahan mo nang timbang calahating mana. ang bata,, pinaiinom na maminsan minsan nang calahating cuchara noon. cun ang bata,, mayroong dalauang taon, ay dinarami damihan ang ipinaiinom doon. bumayo ca nang timbang cahating albayaldeng casabay nang timbang isang salaping suca, sampon nang tatlong cucharang langis lana. ang pangalan dito ay nutrido; at ang timbang piso noon ay isasama mo sa pula nang isang itlog, at cun malaqui ang itlog, ay sa calahati lamang. magtunao ca sa apoy nang timbang apat na pisong pagquit na maputi; pagca tunao na,, hulugan mo nang isang cucharang langis. dito sa guinaua mong unguento, ay magbabad ca nang ilang caputol na lienzong luma, at patuyuin mo, na yaon ang itatapal sa may saquit. sa saquit na almorranas, capitulo ay bagay naman itong isang pinaca unguento.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"maghulog ca sa isang botella nang isang tazang lana at bungang hinog nang apaliya (amargoso) na aalisan mo muna nang bot ; ibilad mo sa arao ang botella nang isang lingo calauon, bago salain at itago sa botellang may taquip. ang pinangangalang unguento blanco ay gayon ang paggaua: ang timbang dalauang pisong langis, at ang timbang cahating pagquit na maputi, tutunauin sa apoy. pagca tunao na, ay budburan mo nang timbang pisong albayalde, at haloing parati, bago doonan mo naman nang timbang cahating suca timbang cahati pa nang gata nang dayap, cun ibig mo. pagca halo nang maigui, ay itago mo sa botellang may taquip na daluro, ibubu mo sa papel. cun magaling ang panahon ay hanapin mo yaong colatcolat, tila cabuting tungmutubo sa alibangbang, sa ibang manga cahoy. ang unang balat noong tila cabuti, ay inaalis nang matalas na sundang. yaong ibang natitira,, binubugbug pinapalo nang cahoy, hangan lumambot. ang isang caputol nito, ay yaon ang itatapal sa manga sugat nang maampat ang dugo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang apat na pisong laman ng tinapay, at ang dalauang dacot nang bulaclac nang alagao sampon nang isang dacot na manzanilla, ay lulutuin hangang lumapot sa tubig, na ang calahati ay suca. nota na aari namang tapalan ang casangcapang masaquit nang manga basahang babad doon sa tubig na pinaglagaan noong manga gamot na yaon. sa saquit na sinaysay sa parrafo ay magaling ang dalauang dacot na ruda, ang isang dacot at calahati nang bulaclac dahon nang romero, at ang isang gayon ding bulaclac nang gumamela, na lulutuing maigui nang sumandaling oras calauon sa tatlong tagayang alac sa misa sa palioc na may taquip; bago pigain nang malacas. dito sa alac na ito ay ibabad mo ang manga damit na basahan na itatapal sa maysaquit. cun baga mayroong nasactan na casucasuan, yaong iniluluto mong ruda, romero at gumamela ay samahan mo nang caunting cicuta talampunay. ang emplasto diapalma, na bibilhin sa botica.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong unguento,, tutunauin muna sa caunting lana, bago ilatag sa sugat na sinasabi sa parrafo. ang dalauang babaguing tubig at ang isang bahaguing vinagre de litargirio na bibilhin sa botica. ang timbang pisong ugat nang grama (cauacauayan) at ang timbang isang salaping ugat nang chicoria (dilang usa) lulutuin sa tatlong tagayang tubig, hangan sa maiga ang isang tagayan; saca sasalain at doroonan nang timbang cahating salitre. ang timbang isang salaping cebolla albarrana (bacong) ibabad sa dalauang tagayang alac sa misa. ang isang dacot nang talbos nang alagao, ay samahan mo nang lasona, bago lutuin at ipacain sa maysaquit cun gab. ito,, gagauing ilang arao. santa maria. datapoua mayroong maysaquit na hindi napupurga noon. ang timbang dalauang pisong ajenjos, at ang timbang pisong ugat nang tagbac, (calamo aromatico) sampon nang timbang pisong bot nang damoro (anis de la tierra) ibabad na maghapon at magdamag sa tatlong tagayang alac sa misa, sa palioc na may taquip sa gaboc na mainit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang dalauang pisong ugat nang chicoria (dilang usa) na tatadtarin muna, ay lulutuin sa tatlong tagayang tubig hangan maiga ang isang tagayan. saca sasalain, at doroonan nang timbang cahati nang sal de glaubero, na bibilhin sa botica. ang timbang pisong balat nang quina cun ualang quina, ang timbang isang salaping dita na babayuhin muna, at ang timbang cahati nang ugat nang malaubi timbangtimbangan ay lulutuin sa tatlong tagayang tubig, hangang sa maiga ang isang tagayan. saca sasalai,, doroonan nang timbang saicapat na salitre. ang timbang saicapat nang ugat nang cebolla, albarrana (bacong) ay patutuyoin muna, ayon sa turo sa numero bago bayuhing maiguing maigui, at ang timbang sa icaualo nang ugat nang timbangtimbangan na babayuhin ding maigui, ay hahaluin capoua, at ang maysaquit palolonoquing macaapat maghapon nang timbang anim na butil na palay noon sa isang cuchara, na may alac sa misa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang isang salaping sabong maputi sa castila, at ang timbang saicapat nang ugat nang bacong, (cebolla albarrana) na pinatuyo muna at binayong maigui, ay sasamahan nang caunting jarabe ng culantrillo, at gagaua ca nang pelotillas pildoras na ang timbang nang baua,, isa ay sampong butil na palay. ang timbang labing anim na pisong apog sa bato sa cabebe, na bagong yari ay bubusan nang labing anim na tagayang tubig. saca hahaluin mong magaling at papagtiningin bago salain sa papel sangley. maiinom maghapon ang isa dalauang tagayan noon tubig na yaon. itong tubig nang apog cun pagbabaran nang timbang dalauang pisong dahon nang saga, ay mabuti ring lalo cun minsan. ang timbang isang salaping balat nang dita (cun mayroong quina ang timbang piso noon) na babayuhin muna, at ang timbang cahati nang ugat nang timbangtim bangan, lulutuin sa tatlong vasong tubig hangang sa maiga ang isang vaso. saca sasalain bago hulugan nang calahating tazang suca, gata nang dayap cahel.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"itong gamot na ito,, uubusing iinumin nang maysaquit sa loob nang isang arao. ang ugat nang valeriana pati nang catauan ay ibilad mo sa arauan. pagca tuyo, iyong bayuhin at paraanin sa sinamay. maiinom maghapon nang maysaquit ang timbang cahati; datapoua ang hindi pa bihasa doon houag painumin ng ganoon carami; sucat na roon muna ang timbang saicaualo saicapat. itong polvos ay isinasama sa tubig na malacuco. cailangang ituloy gauin itong ganitong gamot nang mababang panahon. ang pangalan nang tagalog doon sa damong yaon ay anisanisan sapagca ang bot noon ay tila bot nang anis. ang damo,, cungmacalat sa lupa, at ang puno,, mapulapula. ang manga isusunod co dito ngayon ay maipupurga rin sa manga maysaquit. ang canafistula na inaalisan muna nang laman ang bunga. yaong laman niyon ay pinararaan sa sinamay, at ang timbang dalauang piso, limang salapi noon, ay ipinaiinom sa maysaquit. itong purga nang canafistula bagay sa babaying nacapanganac; ang timbang cahati tatlong bahagui noon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang timbang cahating hojas de sen ay ibabad mong magdamag sa tubig, na siya ang iinumin cun umaga. ang dahon nang acapulco (timbang cahati) ay ilaga mo sa dalauang tazang tubig sa mahinang apoy; pag naiga ang calahati, salai,, pigain nang malacas, at yaon ang iinumin nang maysaquit. ang isang tazang tubig na pinagbabaran nang timbang saicapat na ruibarbo. ang timbang dalauang pisong mana,, tunauin sa isang vasong suero nang gatas. ang manga purgang sinabi co ngayon ay gagauin lamang pagca nabibilin dito sa libro. manga, ilang tagobiling patungcol sa manga gamot na ipinagbibilin dito. tungcol sa pagsasangra, sa pagpupurga at sa pagpapasuca sa manga maysaquit, ay babauasan nang caunti ang manga nauutos doon sa libro, dahil sa cahinaan nang catauan nang tagalog. caya ang timbang saicaualong hojas de sen, na bilin sa numero ay houag nang bayuhin; cundi ihulog mo lamang sa isang tazang tubig na cunmuculo pa; at pag malamig lamig na,, doon sa tubig na yaon ihulog mo ang jalapa at ang cremor.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"gayon din ang salagsalag, na nadoroon sa numero ay sucat ang ibabad sa tubig hangang nagdarasal ca nang isang aba guinoong maria . ang iguio sa numero naman ay sucat na sa maysaquit na malacas ang timbang saicaualong mahiguit higuit noon. datapoua mayroong tauo, na nacainom nang timbang saicapat, cun siya totoong lacas nang catauan. ang sampaloc numero ay houag palaloin sa timbang dalauang piso, cundi maliuag mapurga ang maysaquit. ang extracto nang talampunay na bilin sa numero ay sucat na ang timbang dalauang butil na palay noon sa caunaunahang inom saca cun malauon at ualang nararamdamang masama ang maysaquit, ay bago painumin siya nang marami rami noon. datapoua cun hindi extracto cundi ang dahon ang babayuhin pagcaraca ay maiinom nang maysaquit ang timbang ualong butil na palay noon. ang talampunay hindi sucat igamot sa babaying buntis. touing nabibilin doon ang alac sa castila yao,, alac sa misa ang cahulugan, at hindi aguardiente.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang sabong castila (jabon) na cun minsan nauntos sa libro, yao,, ang sabong maputi, sapagca ang may ibang color, ay masama. sa mga parrafo at sa yaon lamang nabibilin sa pinurga nang malacas ay ang langis sa castila. nang manga saquit na sinaysay dito sa librong ito. ang manga dahilang iquinapagcacasaquit nang tauo. ang manga dahilang iquinalalaqui nang manga saquit nang tauo. ang gagauin ng tauo capag nararamdaman na siya,, magcacasaquit na. ang mahusay na gaua sa may manga malalaquing saquit. ang gagauin nang maysaquit na magaling galing na. ang saquit na pulmoniang totoo, na ang baga sa loob nang dibdib nang tauo siya ang nasasaquitan, at yaon din cun minsan ang pinangagalingan nang etica. ang gagauin sa may saquit, na may sibol doon sa caniyang baga. ang pulmonia nang apdo. ang pulmonia falsa. ang gagauin sa natutuyo ang catauan. ang sintac sa dibdib, na pinanganganlan nang castilang pleuresia dolor de costado.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang saquit na ang pangala,, garrotillo, at ang ibang manga saquit sa lalamunan nang tauo. ang gamot sa bucol na ang pangalan nang tagalog doo,, bayiqui bayicqui. sa uicang tagalog ay sipon. ang saquit nang ngipin at bagang pati nang cabiac nang ulo muc ha, sa uicang castila ay jaqueca, sampon nang escorbuto na yao,, pagdurugo nang ngipin nang tauo. ang gamot sa apoplegia. ang gamot sa inarauan, sa uicang castila ay insolacion. ang reuma, sa uicang tagalog balingtamad, yaon bagang pagsaquit nang manga casucasuan nang catauan nang tauo. ang saquit na balingtamad na lauon. ang saquit na pinanganganlang piyo nang tagalog sa uicang castila,, gota. ang gamot sa quinagat nang asong bangao. ang gagauin sa quinagat nang asong ol ol cun ualang mercurio. ang gamot sa quinagat nang manga hayop na may camandag. ang saquit na bulutong sa uicang castila,, viruelas. ang saquit na ticdas, sa provincia nang batangan ay toco, sa uicang castila,, sarampion.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang lagnat na malaqui na ualang hibas, na pinanganganlang lagnat na maningas, na yao,, isang bagay na tabardillong dala nang cainitan nang dugo. ang lagnat na malaqui na dala nang apdo, na ang tauag nang castila doo,, calentura putrida, lagnat na buloc, na yao,, ang icalauang bagay na tabardillo. ang lagnat na sucab na ang tauag nang castila doo,, calentura maligna na yao,, ang icatlong bagay na tabardillong may mancha. ang saquit na pangiqui. ang saquit na erisipela na cun turan nang tagalog ay culebra. ang gamot sa galis sa uicang castila,, sarna. ang gamot sa buni, sa uicang castila,, empeines herpes. ang gamot sa may mancha sa muc ha, at may manga pilat. ang gagauin sa sinisibulan nang anomang bagay na sibol para nang baga, pigsa taguihauat, tiboc, cancro, pati sa nasisira ang ilong. ang gamot sa bicat pati sa lumalaqui ang liig. ang gamot sa sinisingauan ang bibig, ang tauag nang castila sa saquit na yao,.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin sa nahulog sa mataas, sa pinalo, sa naipit, sa nahulog sa cabayo sinicaran. ang gagauin sa recalcadura relajacion, pati sa lungminsad ang boto. ang gagauin sa tauo, na may bot ong nabali, sa nabasag ang ulo. ang gamot sa natinic, sa tinamaan nang pana nabaril. ang gamot sa napaso nang baga polvora, sa nabanlian nang anomang mainit. ang gamot sa tauong naguitguitan nang lubid nang ibang bagay, pati sa nagalusan, sa nasugatan, sa nahiua sa tinaga nang ibang tauo. ang gagauin sa mayroong sugat na lauon na hindi mabahao. ang gamot sa linuluslusan. ang gagauin sa lungmalabas ang tumbong, at sa babaying lungmalabas ang caniyang punong catauan. ang gamot sa lalaqui cun ungmuurong ang caniyang punong catauan, at sa namamaga ang bayag, ungmiihi nang nana, cun macati ang punong catauan nang lalaqui nang babayi. ang gagauin sa manga batang ipinanganganac, na ualang butas sa pouit may sara ang tayinga, ang punong catauan, cun mayroong pinacatali sa ilalim nang dila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gamot sa quilmosin, sa uicang castila,, almorranas, na yao,, pamamaga nang pouit nang tauo. ang gamot sa binabalingoyngoy. ang gamot sa lungmulura nang dugo. ang gamot sa nagsusuca nang dugo. ang gamot sa ungmiihi nang dugo. ang gamot sa mayroong bato sa pantog, pati sa tauong balisausauin, sa mahirap ungmiihi. ang gamot sa ungmiihing parati di man cusa nang caniyang loob. ang gamot sa hindi manabi. ang gamot sa sinisingauan sa namumula ang mata. ang gamot sa may culaba sa namumula ang mata. ang gamot sa hindi macaquita, magaling man ang caniyang mata, na ang tauag nang castila sa saquit na yao,, gota sirena. ang gamot sa may sugat sa suloc nang mata, sa lirain. ang gamot sa masaquit ang tayinga. ang gamot sa inuurungan nang pauis, galis, buni, cun nauauala ang bucol, sibol sa catauan, at hindi tungmutuloy. ang sa namamaga ang boong catauan na ang tauag nang castila doo,, hidropesia. ang gamot sa namamaga ang tiyan, na yao,, pinanganganlang belbel berben.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gamot sa namamaga ang paa. ang gamot sa nabiquig sa naloogan nang anomang bagay sa lalamunan, na hindi macatuloy sa ilalim. ang lagnat na daua, na may casamang pauis na ang tauag, nang castila doo,, calentura miliar sudatoria. ang manga saquit nang sicmura,, tiyan, na doon nauucol ang colico, ahito, at ang iba pa. ang colico inflamatorio. ang colico nang apdo. ang empacho ahito. ang colico flatulento. ang colico dahil sa nalamigan ang tauo. ang miserere pasion iliaca na yao,, pagsasara nang manga bituca, na dahil doon ay hindi manabi ang maysaquit, cundi isinusuca niya ang lahat. ang gamot sa inaanayo, na yao,, pagsuca,, pag iilaguin; ang tauag nang castila doon, ay colera morbo. ang saquit na pag iilaguin, cun hindi totoong sumasama ang damdam nang may catauan, na ang tauag nang castila doo,, diarrea. ang icalauang bagay na pag iilaguin, na may casamang saquit na malaqui sa tiyan, na yao,, disenteria cun turan nang castila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang icatlong bagay na pag iilaguin, na mahirap ang damdam nang may catauan sa sicmura, at pati nang paghinga ay mahirap din, na yaon ang pinanganganlan nang castilang disenteria maligna. ang gamot sa hinihica. ang gamot sa nag iilaguin nang darag is na ang tauag nang castila doo,, pujas. ang gamot sa nagcacasaquit dahil sa siya,, natacot. ang gagauin sa dinaraanan nang anomang bagay na convulsion pagquinal nang catauan para nang tamang hangin sauan etc, pati nang gagauin sa babaying sinusubaan. ang saquit na alferecia, na ang tauag sa maynila doo,, taon. ang gagauin sa sinasauan, na yaong saquit na yao,, isa rin ang pinanganganlan nang castilang epilepsia, mal caduco, mal de corazon. ang pangalan cun minsan nang tagalog dito,, suba; cun minsan nama,, panhihimatay. ang gagauin sa babaying sinusubaan, na yao,, pinanganganlan nang castilang mal de madre.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin sa babaying namamanhid ang caniyang paa camay, ang ibang casangcapan nang catauan, na ang tauag nang castila doo,, calambre histerico. ang gamot sa biglang dinaaraanan nang hindi macahinga na ang tauag nang castila doo,, sofocacion. ang saquit nang frenesi, na yao,, saquit nang utac nang ulo nang tauo, na dahil doon nasisira ang bait nang may catauan, na tila bumabagsic. ang gamot sa nacalon oc nang lason. ang saquit na pasmo, na yao,, catulad nang perlesia. ang saquit na ictericia, na iquinapagdidilao nang mata nang tauo. ang gamot sa tauong sinusubaan na ang tauag nang castila sa saquit na yaon ay desmayo. ang gamot sa sinubaan, nadesmayo dahil sa siya,, marugo. ang gamot sa sinubaan, nadesmayo dahil sa cahinaan nang catauan, para nang manga babaying nanganganac, at sa nahanaan nang gutom nang pagbabalingoyngoy, pag iilaguin nang malacas, dahil sa pinurga pinasuca nang matapang na pamurga, pasuca, dahilan sa manga maruming nadoroon sa sicmura.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gamot sa tauong sinubaan nadesmayo dahil sa mayroong saquit sa caniyang manga litid. ang gamot sa tauong sinubaan nadesmayo dahil sa siya,, natacot namanglao nagalit. ang gamot sa suba, cun casama nang ibang saquit. ang gagauin sa tauong tila patay. ang gagauin sa nalunod sa tubig. ang gagauin sa tila patay dahil sa tinamaan nang lintic, inarauan, nainitan nang apoy, nausucan, dahil sa nacaamoy nang may amoy na matapang parang alcanfor, luya pimienta, almizcle etc. ang gagauin sa tila patay dahil sa masamang singao nang manga pusali, manga libingan bilangoang quinadoroonan nang maraming tauo, sa tila namatay sa panahong tag salot, cun siya,, linagnat nang lagnat na sucab binulutong. ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,, sinumpung nang malaquing galit toua, sapagca nabalitaan nang masamang balita, sapagca dati na siyang sinusubaan dinaanan nang desmayo. ang gagauin sa tila patay dahilan sa siya,, binitay nagbicti.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,, nahulog sa mataas, pinalo nang malacas, at sa dinaanan nang apoplegia epilepsia, at tila natuluyang namatay. ang gagauin sa tila patay na sangol, cun bagong ipinanganac dahil sa napipisa ang canilang pusod, sapagca nasisicpang totoo nang lungmabas sa tiyan, dahil sa pagsigao, sa pagsibol nang ngipin, sapagca inugoy sila nang malacas sa duyan. ang gagauin sa babaying tila namatay cun nanganganac, cun nacapanganac. ang gagauin sa babaying buntis, cun namatay, nang mahango ang bata sa tiyan at nang mabinyagan. ang gagauin sa babayi cundi husay ang pagdaan nang sa panahon. ang gamot sa babaying binubusan nang maraming dugo. ang gagauin sa babaying buntis, na nagcacasaquit saquit, at sa tila macucunan. ang gagauin cun mahirap ang panganganac nang babayi. ang manga saquit na marahil sumunod sa panganganac nang babayi. ang gamot sa sangol cun hindi iniilaguin niya ang caunaunahang ugaling ilaguin nang manga bagong panganac.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +S. A. D. Tissot,"ang gamot sa manga sangol cun ungmaasim ang nadroon sa canilang sicmura. ang pagpambo sa manga sangol. ang gamot sa batang nagcacasaquit cun sinisibulan nang ngipin. ang gamot sa batang may bulati sa tiyan. ang gamot sa batang dinaraanan nang convulsion para nang sauan, suba, alferecia, at ang iba pa, pati sa batang tila hinihica, na maingay ang paghinga, na ang tauag sa gayong saquit ay croup. aral na nauucol sa pagsasangra sa manga maysaquit, pati sa pagpapacapit nang linta. ang pagpurga pati nang pagpapasuca sa manga maysaquit. casaysayan nang bagay sa pulso nang tauo. ang uusisain nang mangagamot cun mayroon siyang tinatatap na may saquit. casaysayan nang timbang na guinagamit sa manga iguinagamot sa manga maysaquit. lista nang manga igagamot sa manga maysaquit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0 +Juliana Martinez," virgeng inang mariquit emperadora sa langit, tulungan po yaring isip matutong macapagsulit. sa aua mo po', talaga virgeng ualang macapara, acong hamac na oveja hulugan nang iyong gracia. dila co'iyong talasan pauiin ang cagarilan, at nang mangyaring maturan ang munting ipagsasaysay. at sa tanang nangarito nalilimping auditorio, sumandaling dinguin ninyo ang sasabihing corrido. na ang sabi sa historia nang panahong una una, sa mundo'nabubuhay pa yaong daquilang monarca. at ang caniyang esposa yaong mariquit, na reina, ang pangala'bansag niya ay si dona valeriana. itong hari cong tinuran si don fernando ang ngalan ang caniyang tinubuan ang berbaniang caharian. ang haring sinabi co na ay may tatlong anac sila, tuturan co'ibabadya nang inyo ngang maquilala. si don pedro ang panganay na anac nang haring mahal, at ang icalaua naman si don diego ang pangalan. ang icatlo', si don juan ito'siyang bunsong tunay, parang arao na sumilang sa berbaniang caharian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ito', lalong mahal baga sa capatid na dalaua, salang malingat sa mata nang caniyang haring ama. para parang nag aaral ang manga anac na mahal, malaqui ang catouaan nang hari nilang magulang. ay ano', nang matuto na yaong tatlong anac niya, ay tinauag capagdaca nitong daquilang monarca. lumapit na capagcuan ang tatlong principeng mahal, cordero', siyang cabagay nag aantay pag utusan. anang hari ay ganito caya co tinauag cayo, dito sa itatanong co ay sabihin ang totoo. linoob nang dios ama na cayo', nangatuto na, mili cayo sa dalaua magpare magcorona. ang sagot nila at saysay sa hari nilang magulang, capua ibig magtangan nang corona', cetrong mahal. nang ito ay maringig na nang haring canilang ama, pinaturuan na sila na humauac nang espada. sa dios na calooban sa canilang pag aaral, di nalao', natutuhan ang sa armas ay pagtangan. ito', lisanin co muna yaong pagcatuto nila, at ang aquing ipagbadya itong daquilang monarca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang isang gabing tahimic itong hari', na iidlip, capagdaca', nanaguinip sa hihigan niyang banig. at ang bungang panaguimpan nitong hari cong tinuran, ang anac na si don juan pinag lilo at pinatay. ang dalauang tampalasang sa caniya ay pumatay, inihulog at iniuan sa balon na calaliman. sa pananaguinip baga nitong mahal na monarca, nagbangon capagcaraca sa hihigan niyang cama. at hindi nanga na idlip sa malaqui niyang hapis, sa hirap na masasapit niyong bunsong ini ibig. ito ang niyang dahilan nang sa bungang panaguimpan tuloy ipinagcaramdam at sa banig ay naratay. nagpatauag nanga rito marurunong na medico, dili masabi cun ano ang saquit nang haring ito. sa gayong carami baga medicong tinauag nila, ay ualang macapagbadya sa saquit na dinadala. ay mayroon namang isa na bagong cararating pa, siyang nagpahayag baga saquit nang bunying alteza. ang damdam mo haring mahal ay galing sa panaguimpan, sa iyo', aquing tuturan ang iyo pong cagamutan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"may isang ibong maganda ang pangalan ay adarna, cun marinig mong magcanta ang saquit mo', guiguinhaua. sa tabor na cabunducan ang siyang quinalalaguian, cahoy na hinahapunan piedras platas ang pangalan. cun arao ay uala roon itong encantadang ibon, sa iba sumasalilong at nagpapaui nang gutom. cun gabing catahimican ualang malay ang sino man, ay siyang pag oui lamang sa tabor na cabunducan. caya mahal na monarca yao', siyang ipacuha, gagaling pong ualang sala ang saquit mong dinadala. nang sa haring mapaquingan ang caniyang cagamutan, capagdaca', inutusan ang anac niyang panganay. pedro', tumalima sa utos nang haring ama, iguinayac capagdaca cabayong sasac yan niya. yao nanga', lumacad na cabunducan ang pinunta, at hahanaping talaga, mahal na ibong adarna. mahiguit na tatlong buan paglacad niya sa parang, at hindi nga maalaman ang tabor na cabunducan. may dinatnang landas siya mataas na pasalunga, tumahan capagcaraca itong principeng masigla.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa masamang capalaran sa dios na calooban, nang dumating sa ibabao cabayo niya', namatay. di anong magagaua pa uala nang masac yan siya, ang bastimento', quinuha at lumacad capagdaca. sa dios na calooban na sa tanong bininyagan, dumating siyang mahusay sa tabor na cabunducan. may cahoy siyang naquita na tantong caaya aya, sa caagapay na iba siyang tangi sa lahat na. ang daho', sacdal nang inam para parang cumiquinang, diamante', siyang cabagay sa mata', nacasisilao. ang naisipan nga niya sa loob at ala ala, doon na tumiguil baga itong principeng masigla. ang nasoc sa calooban ang cahoy na ito', siyang marahil hinahapunan nang ibong cong pinag lacbay. ay ano', nang gagabi na ang arao ay lulubog na, madlang ibo', narito na at manga cauan ang iba. sa gayong daming nagdaan ualang dumapo isa man, nagulo ang gunam gunam nitong principeng timtiman. ganitong diquit na cahoy ualang ibong humahapon, aco', dito nalingatong paghihintay cong malaon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang nasoc sa ala ala sa loob niyang mag isa, ang siya ay magpahinga at bucas lumacad siya. humilig nanga', sumandal doon sa cahoy na mahal, sa malaquing capaguran siya', tambing nagulaylay. ay ano', nang tahimic na ang gabi ay lumalim na, siya nangang pagdating na niyong ibong encantada. dumapo na siyang agad sa cahoy na piedras platas, balahibo ay nangulag pinalitan niyang agad. at capagdaca', nagcanta itong ibong encantada, ang tinig ay sabihin pa tantong caliga ligaya. ang principe ay hindi na nacaringig nang pagcanta, pagtulog ay sabihin pa himbing na ualang capara. ang sa ibong ugali na cun matapos na magcanta, ay siyang pag tae niya at matutulog pagdaca. sa masamang capalaran ang principe', natai an, ay naguing bato ngang tunay ang catauan niyang mahal. di anong magagaua pa nang siya', maguing bato na, paghihintay sabihin pa nang haring caniyang ama. at nang maguing isang taon na hindi dumarating baga, inutusan capagdaca si don diegong pangalaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sumunod at di sumuay sa hari niyang magulang, iguinayac capagcuan cabayo niyang sasac yan. pagca handa', lumacad na cabunducan ang tinumpa, at hahanapin nga niya ang bunying ibong adarna. mahiguit sa limang buan nag lacad niya sa parang, hindi naman maalaman ang tabor na cabunducan. nang siya ay dumating na, sa daan na pasalunga, nagtuloy at umahon na itong principeng masigla. sa masamang capalaran nang dumating sa ibabao, nabual nanga', namatay ang cabayong sinasac yan. di anong magagaua pa sa cabayong namatay na, ang baon niya', quinuha at lumacad capagdaca. nang siya', dumating naman sa tabor na cabunducan, may cahoy siyang dinatnan diquit ay di ano lamang. nang caniyang mapagmalas ang cahoy piedras platas, ang dahon ay cumiquintab diquit ay ualang catulad. ang nasoc sa ala ala nitong principeng maganda, cahoy na caaya aya hapunan niyong adarna. sa puno nang cahoy baga may bato siyang naquita, cristal ang siyang capara nacauiuili sa mata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"doon niya napagmalas ang cahoy na piedras platas ang balat ay guintong uagas anaqui', may piedrerias. sa toua niya', ligaya sa cahoy niyang naquita, oras nang las cinco na madlang ibo', nagdaan na. sa gayong daming nagdaan manga ibong cauan cauan, ualang dumapo isa man sa cahoy niyang namasdan. ganitong diquit na cahoy ualang ibong humahapon, ito', di co mapagnoynoy cahalimbaua co', ulol. ang cahoy na caagapay mayroong ibong nagdaan, ito', siyang tangi lamang bucod na hindi dapuan. cahit anong casapitan ay hindi co tutugutan, na cun anong cabagayan sa cahoy na gaua', lalang. ay ano', nang lumalim na ang gabi ay tahimic na, doon sa batong naquita ay nangubli capagdaca. ay ano', caalam alam sa caniyang paghihintay, siya na nganing pagdatal nang ibong adarnang mahal. dumapo na nganing agad sa cahoy na piedras platas, at naghusay nangang caguiat balahibong sadyang dilag. sa principeng napagmasdan ang sa ibong cariquitan, icao ngayo', pasasaan na di sa aquin nang camay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ay nang macapaghusay na itong ibong encantada, ay siya nangang pagcanta tantong caliga ligaya. sa principeng mapaquingan ang voces na sadyang inam, capagdaca', nagulay lay sa caniyang pagcasandal. sino cayang di maidlip sa gayong tinig nang voces, cun marinig nang may saquit ay gagaling siyang pilit. macapitong hinto baga, ang caniyang pagcacanta, pito naman ang hichura balahibong maquiquita. nang matapos nganing lahat yaong pitong pagcocoplas, ay tumae namang agad itong ibong sadyang dilag. sa casam ang capalaran si don diego ay natai an, ay naguing bato rin naman cay don pedro', naagapay. di anong magagaua pa nang siya', maguing bato na, paghihintay sabihin pa nang haring caniyang ama. hindi niya mautusan ang anac na si don juan, at di ibig mahiualay cahit susumandali man. si don jua', naghihintay na siya ay pag utusan, aayao tauaguin naman nang hari niyang magulang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"siya nanga', nagcusa na dumulog sa haring ama, nag uica capagcaraca nang ganitong parirala, aco po', pahintulutan nang haring aquing magulang, aco ang quiquita naman nang iyo pong cagamutan. ngayon ay tatlong taon na hindi dumarating baga, ang capatid cong dalaua saquit mo po', malubha na. ang sagot nang haring mahal bunsong anac co don juan cun icao ay mahiualay lalo co pang camatayan. mapait sa puso', dibdib iyang gayac mo', pag alis, hininga co', mapapatid cun icao', di co masilip. isinagot ni don juan haring aquing magulang, sa loob co po', masucal mamasdan quitang may damdam. cundi mo pahintulutan ang aquing pagpapaalam, ay di mo mamamalayan ang pag alis co', pagpanao. sa uinicang ito naman ang hari ay natiguilan, at segurong magtatanan ang principeng si don juan. lumuhod na capagdaca sa harap nang haring ama, bendicion po', igauad na siya cong maguing sandata. capagdaca', guinauaran at siya', binendicionan, at sa reinang ina naman ay lumuhod capagcuan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ay ano', nang matapos na na mabendicionan siya, ay nagtindig capagdaca itong principeng masigla. ang despensa ay binucsan nuha nang limang tinapay, siyang babaunin lamang sa talagang parurunan. di sumacay sa cabayo nag lacad nangang totoo, ang principe nganing ito cabunducan ang tinungo. doon sa paglacad niya ualang tauong naquiquita, parati sa ala ala ang virgen santa maria. cung mahustong isang buan paglacad niya sa parang, ay siyang pagcain lamang nang isang baong tinapay. sa isang buan ang isa nang pagcaing muli niya, parang nagpepenitencia nang sa ibon ay pagquita. madai', salita naman at di co na pahabaan, ay naguing apat na buan pag lacad niya sa parang. sa aua nang virgen ina cay don juan de berbania, ay dumating capagdaca sa daan na pasalunga. nang sa principeng matignan taas niyong cabunducan, lumuhod siya', nagdasal sa virgeng inang marangal. aco', iyong caauaan virgeng calinis linisan, at aquin ding matagalan itong mataas na daan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang siya', matapos naman pagtauag sa virgeng mahal, nuha nang isang tinapay at cumain capagcuan. sa limang tinapay baga na baon niyang talaga, iisa na ang natira na pangpauing gutom niya. nang matapos nang pagcain sumalunga siyang tambing, sa aua nang inang virgeng ualang hirap na dinating. nang dumating sa ibabao ang principeng si don juan, doo', caniyang dinatnan isang leprosong sugatan. anitong leproso', badya maguinoo po aniya, na cun may baon cang dala aco po', limosan mo na. sa dios po alang alang aco', iyong cahabagan, cun gumaling ang catauan ay aquin ding babayaran. isinagot ni don juan aco nga', mayroong taglay, natirang isang tinapay na aquing baon sa daan. dinucot na capagdaca yaong tinapay na isa, caniyang ibinigay na sa leproso na naquita. anitong matanda', saysay pasasaan ca don juan, sabihin mo', iyong turan ang layon mo', iyong pacay. anang principe at badya ganito po', maquinig ca, sasabihin cong lahat na ang sadya cong quiniquita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang ama co', may damdam sa banig ay nararatay, ang ibong adarna lamang ang caniyang cagamutan. bucod dito ang isa pa ngayon ay tatlong taon na, na hindi co naquiquita ang capatid cong dalaua. anitong leproso baga don juan maghihirap ca, at sa pagca', encantada yaon ngang ibong adarna. nguni', ngayon ang bilin co ay itanim sa puso mo. at nang hindi sapitin mo na icao ay maguing bato. sa iyong paglalacad diyan ay may cahoy na daratnan, diquit ay di ano lamang cauili uiling titigan. doo', huag tumiguil ca na sa cariquitan niya, totoong ualang pagsala don jua', mamamatay ca. sa ibaba', tumanao ca may bahay cang maquiquita ang magtuturo ay siya doon sa ibong adarna. yaring limos mong tinapay ay cunin mo na don juan, nang may canin ca sa daan sa layo nang paroroonan. anitong principe', badya ugali pagcabata na, na cun mailimos co na ay di co na quinucuha. pinipilit na ibigay ang limos niyang tinapay, umalis na si don juan siya', hindi pinaquingan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa mahusay na pag lacad nitong principeng marilag, sumapit siyang liualas sa cahoy na piedras platas. nang maquita ni don juan yaong cahoy na malabay, loob niya', natiguilan sa gayon ngang cariquitan. nauala sa ala ala yaong bilin sa caniya, parang naencanto siya sa cahoy niyang naquita. sa caniyang pagmamalas sa dahong nagsisiquintab, gayon din naman ang lahat na anaqui', guintong uagas. ay ano', caguinsa guinsa na sa panonood niya, ay parang pinucao baga ang caniyang ala ala. tinutop nanga ang noo at nag uica nang ganito, aba at nalimutan co yaong bilin nang leproso. sa ibaba', tumingin siya ay may bahay ngang naquita, lumacad na capagdaca itong principeng masigla. nang dumating sa hagdanan napatano capagconan, capagdaca ay dumungao isang ermitanong mahal. pinapanhic na sa bahay ang principeng si don juan, at ang ermitano naman ang pagcai', inilagay. umupo na sa lamesa nagsalo silang dalaua, ay sa principeng naquita tinapay na limos niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at nag uica capagdaca sa loob niyang mag isa, itong tinapay cong dala ay baquit narito baga. yaong aquing linimosan leprosong gagapang gapang, saca dito', iba naman ermitano ang may tangan. ngayo', hindi maisip co sa dios itong secreto, anaqui', si jesucristo ang mahal na ermitano. nang matapos ang pagcain ermitano ay nagturing, don jua', iyong sabihin cun anong sadya sa aquin. isinagot ni don juan sa ermitanong marangal, gayon po', iyong paquingan at aquing ipagsasaysay. ang sadya co po aniya dahil sa ibong adarna, igagamot na talaga sa hari pong aquing ama. ang sagot nang ermitano don juan iyang hanap mo, maghihirap cang totoo at ang ibo', encantado. isinagot niya naman cahit aquing icamatay, ituro mo po ang lugar at aquing paroroonan. ang sagot nang ermitano don jua', maquiquita co, na cun baga nga totoo ang pagsunod sa ama mo. ang cahoy mong naraanan cauili uiling pagmasdan, yaon ang siyang hapunan nang ibon mong pinapacay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"na cun siya', dumating na sa cahoy ay magcacanta, at ang gabi', malalim na ualang malay cahit isa. at cun yao', matapos na nang caniyang pagcacanta, pito naman ang hichura balahibong maquiquita. ay nang iyong matagalan pitong cantang maiinam, quita ngayon ay bibiguian nang maguiguing cagamutan. naito at iyong cuha pitong dayap at navaja, ito', siyang gamot baga na sa ibong encantada. balang isang canta naman ang catauan mo', sugatan, at sa dayap iyong pigan nang di mo macatulugan. at cun ito', matapos na nang macapitong pagcanta, ay siyang pagtae niya don juan ay umilag ca. capag icao', tinamaan nang tae nang ibong hirang, maguiguing bato cang tunay doon ca na mamamatay. naito', cunin mo naman ang cintas na guintong lantay, pagca hauac ay talian at gapusin mong matibay. caya bunso hayo ca na at ang gabi', malalim na, at malapit nanga baga dumating yaong adarna. yao nanga si don juan sa tabor na cabunducan, at caniyang aabangan ang ibong pinag lalacbay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang siya', dumating na sa puno nang cahoy baga doon na hinintay niya yaon ngang ibong adarna. ay ano', caalam alam sa caniyang ipaghihintay, ay siyang pagdating naman niyaong ibong sadyang mahal. capagdaca ay naghusay balahibo sa catauan, ang canta', pinag iinam cauili uiling paquingan. naghusay namang muli pa itong ibong encantada, umulit siyang nagcanta tantong caliga ligaya. nang sa principeng marinig yaong matinig na voces, ay doon sa pagca tindig tila siya', maiidlip. quinuha na capagdaca ang dala niyang navaja, at caniyang hiniua na ang caliuang camay niya. saca pinigan nang dayap nitong principeng marilag, cun ang ibon ay magcoplas ay nauauala ang antac. di co na ipagsasaysay pitong cantang maiinam, at ang aquin namang turan sa principeng cahirapan. pitong canta', nang mautas nitong ibong sacdal dilag, pito rin naman ang hilas cay don juang naguing sugat. ay ano', nang matapos na ang caniyang pagcacanta, ay tumae capagdaca ito ngang ibong adarna.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang principeng si don juan inailag ang catauan, hindi siya tinamaan para nang unang nagdaan. siya nangang pagtulog na nitong ibong encantada, ang pacpac ay nacabuca dilat ang dalauang mata. nang sa principeng matatap nagtahan nang pagcocoplas, umac yat na siyang agad sa cahoy na piedras platas. nang caniya ngang maquita ang pacpac ay nacabuca, dilat ang dalauang mata nilapitang capagdaca. agad niyang sinungaban sa paa', agad tinangnan, guinapos niyang matibay nang cintas na guintong lantay. at bumaba nanga rito ang principeng sinabi co, itong ibong encantado dinala, sa ermitano. sa ermitanong quinuha mahal na ibong adarna, inilagay nanga niya sa mariquit na jaula. ang uica nang ermitano itong banga ay dalhin mo, madali ca at sundin mo ang ipinag uutos co. muha ca nang tubig naman dalauang bato ay busan, nang sila ay magsilitao manga capatid mong hirang. si don jua', lumacad na ang banga', caniyang dala, sumaloc nang tubig siya. at ang bato', binusan na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"si don pedro', ang nauna na siyang nabusan niya, lumitao capagcaraca at hindi namamatay pa. umuling sumaloc naman si don diego ang binusan, nagquita silang mahusay at hindi pa namamatay. malaquing pasasalamat nang magcapatid na liyag, uala silang maibayad cay don juang manga hirap. sila', agad napatungo sa bahay nang ermitano, at naghain nanga rito pinacain silang tatlo. ay ano', nang matapos na nang pagcain sa lamesa, capagdaca ay quinuha garrafang may lamang lana. at caniyang pinahiran yaong sugat ni don juan, gumaling agad nabahao at ualang bacas munti man. nag uica ang ermitano mangagsi oui na cayo magcasundo cayong tatlo at huag ding may mag lilo. don juan ay cunin mo na iyang mariquit na jaula, baca di datning buhay pa ang monarcang iyong ama. bago umalis at nanao ang principeng si don juan, ay lumuhod sa harapan nang ermitanong marangal. napabendicion nga muna at saca sila', nalis na, si don pedro ay nagbadya cay don diegong bunso niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"si don juan ay magaling pa hindi mahihiya siya, at siya ang nacacuha nito ngang ibong adarna. ang mabuti ngayon naman ang gauin nating paraan, patayin ta si don juan, sa guitna nang cabunducan. si don diego ay nag uica iya', masamang acala, ang buhay ay mauauala nang bunsong caaua aua. ani don pedro at saysay cun gayon ang carampatan, umuguin ta ang catauan at saca siya ay iuan. ito ang minagaling na sa loob nilang dalaua, ang cataua', inumog na nang bunsong capatid nila. di anong casasapitan nang pagtulungan sa daan, ay di nanga macagalao ang principeng si don juan. quinuha na capagdaca ang dala nga niyang jaula, nang dalaua', omoui na doon so reinong berbania. nang sila', dumating na sa canilang haring ama ang ibong canilang dala nangulugo capagdaca. itinanong si don juan. nang hari nilang magulang, sagot nang dalaua naman di po namin naalaman. nang ito', maringig na ang sabi nilang dalaua, ang saquit ay lumubha pa nitong daquilang monarca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"saca ang ibong marilag balahibo', nangu ngulag, di magpaquita nang dilag sa haring quinacaharap. ang uica nang hari baga ito ang ibong adarna, anong sama nang hichura sa ibong capua niya. ang sinabi nang medico na ito rao ibong ito, ay may pitong balahibo na tantong maquiquita mo. at cun ito ay magcanta lubhang caliga ligaya, ngayo', nangasaan baga, at di niya ipaquita. hindi pa nga nagcacanta itong ibong encantada, at sapagca nga uala pa ang cumuha sa caniya. ito', aquing pabayaan ang di niya pagsasaysay, at ang aquing pagbalican ang principeng si don juan. ano ang casasapitan nang umuguin ang catauan, hindi naman macagapang sa guitna nang cabunducan. di anong magagaua pa nang di macaquilos siya, ang nasoc sa ala ala tumauag sa virgeng ina. aniya', virgeng mahal ano cayang naisipan, manga capatid cong hirang at aco', pinag liluhan. ang boo cong ala ala caming tatlo', tiuasay na, mahusay na maquiquita mahal naming haring ama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"baca pa caya naman ay sa ibon ang dahilan, at caya pinahirapan sila ang ibig magtangan. cun sinabi nila sana ang maghauac na ay sila, yao', gaano na baga di ibigay sa canila. cayo naua', pagpalain nang dios at inang virgen, gaua ninyong di magaling ang guinhaua', siyang datnin. nagpanibagong nangusap ang principeng na sa hirap, virgeng inang marilag amponin mo di man dapat. aco', iyong calarahin cay jesus anac mong guilio, magdalita', patauarin sa manga gaua cong linsil. at doon sa oras naman cun aco ma', mama matay, caloloua co', hugasan nang caniyang dugong mahal, ay ano', caguinsa guinsa sa pananalangin niya, isang matanda', eto na at nag uica capagdaca. don juan ay pagtiisan ang madla mong cahirapan, di na malalaong arao guinhaua', iyong cacamtan. ang cataua', hinipo na at hinilot nanga siya, gumaling na capagdaca at siya', nacatindig na. hayo', lacad na don juan moui ca sa caharian, di pa gumagaling naman ang haring iyong magulang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"lumacad na at umalis itong principeng mariquit, lagay ay cahapis hapis damit pa ay punit punit. nang dumating nga siya sa palacio', nagtuloy na, sa harap nang haring ama at lumuhod capagdaca. ang hari', di macagalao sa catre niyang hihigan, at di naquiquilalang tunay ang anac na minamahal. ay sa uala ring magbadya na magsabi sa caniya, ang ibong na sa jaula ay nangusap capagdaca. namayagpag at naghusay nag linis na nang catauan, balahibo', pinalitao anaquin ay guintong tunay. at nagcanta nang ganito aba haring don fernando, quilalanin mo ngang totoo ang naninicluhod sa iyo. iyan ang bunso mong anac si don juan ang pamagat, na nagdalita nang hirap sa utos mo ay tumupad. yaong anac mong dalaua na inutusang nauna, anoma', ualang nacuha at sila', naguing bato pa. nang ito ay masabi na tumaha', nagbago muna, balahibong icalaua na mariquit sa nauna. saca muling nagpahayag aba haring sacdal dilag, paquingan di man dapat yaong cay don juang hirap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang bunsong anac monghirang nagtiis nang cahirapan, at siyang nag alis naman batong balot sa catauan. nang masabi nanga ito naghaliling panibago, nang balahibong icatlo na capua esmaltado. at nag uica nang ganito mahal na hari', dinguin mo, nagsi oui silang tatlo sa bahay nang ermitano. sila nga ay piniguing pa pinacain sa lamesa, pinangaralan pa sila anac ang siyang capara. nang ito', maipahayag naghalili namang agad, nang balahibong icaapat diamante', siyang catulad. nang macacain na naman itong ermitanong mahal, madlang sugat ni don juan pinagaling niyang tanan. nang ito', masabi na tumaha', naghalili pa, balahibong icalima cahalimbaua', tumbaga. nangsila'lumacad naman sa bundoc at caparangan, si don pedro ay nagsaysay na patayin si don juan. si don diego', sumansala yao', masamang acala, sa buhay na mauauala ni don juang ating mutya. nang ito', maipagturing nitong ibong nagniningning, naghalili siyang tambing balahibong icaanim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ito', lalong cariquitan sa icalimang nagdaan, mahal na hari paquingan cay don juang cahirapan. ay ang pinagcaisahan nang dalauang tampalasan, ay umuguin ang catauan sa guitna nang caparangan. nang hindi macagalao ang principeng si don juan, capagdaca ay iniuan aco', canilang tinaglay. nang masabi nanga ito naghaliling panibago balahibong icapito na anaqui ay carbungco. ito', siyang catapusan mahal na hari', paquingan, pinagdaanang cahirapan nang bunso mong si don juan. sa malaquing auang lubos nang virgeng ina nang dios, isang matanda', dumulog at siya', tambing guinamot. hinipo na ang catauan at pinag ayos ang lagay, nacatindig na mahusay itong principeng si don juan. caya co di ipaquita ang mariquit na hichura, ay hindi dumarating pa ang sa aquin ay cumuha. ang isa pa haring mahal ang anac mong si don juan, siya mo pong pamanahan nitong iyong caharian. nang ito', masabi na nitong ibong encantada, tumahan na nang pagcanta hindi na naringig niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang saquit na dinaramdam nang haring aquing tinuran, parang nagdahilan lamang at gumaling ang catauan. ang haring si don fernando tinipon na ang consejo, at pinaghuntahan dito si don pedro', si don diego. sa guinauang caliluhan sa capatid nilang hirang, cun ano ang catampatang parusang dapat ibigay. ang sagot nang calahatan destierro', ang carampatan, nang huag silang mapisan sa principeng cay don juan. nang cay don juang matatap ang hatol na iguinauad, siya ay nagdalang habag sa capatid niyang liyag. lumapit capagcaraca sa harap nang haring ama, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadya. alang alang sa corona at hauac na cetro niya, huag nang biguiang parusa ang capatid cong dalaua. cun sila', ipadala man sa malayong caharian, di co mababatang tunay na hindi paroroonan. caya haring aming ama patauarin na po sila, sa dios ito', talaga ang guinaua nilang sala. ang di magpatauad naman sa guinauang casalanan, ay di rin naman cacamtan ang gloria sa calangitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang sa haring maunaua yaong cay don juang uica, pinatauad alipala yaong dalauang cuhila. nagsamang nuling mahusay doon sa palacio real, ang hari nag uica naman sa tatlong anac na hirang. cayong tatlo', halinhinan sa ibong co', magbabantay, ang magpaualang sino man macacapalit ang buhay. sa cahabaan nang arao nang canilang pagbabantay, di mauala sa gunam gunam cay don pedrong cainguitan. ang guinaua nilang lalang ang dalaua', magsasabay, saca hahalili naman ang principeng si don juan. ay nang isang gabi baga ang ora', las doce na, guinising na nang dalaua ang bunsong capatid nila. si don juan ang nagbantay niyaong gabing calaliman, nang magmamadaling arao siya', agad nagulaylay. ang cay don pedrong nilalang linapitang dahan dahan, yaong jaula at binucsan ang ibon ay pinaualan. at saca nga umalis na na nag ualang quibo siya, ay niyong mag uumaga si don jua', naguising na. ano', nang caniyang maquita na ang ibon ay uala na, sinidlan nang tacot siya sa mahal na haring ama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ito', sucat na pagmasdan nang anac na sino pa man, sinong di matacot naman sa castigo nang magulang. sa malaquing tacot niya sa buhay na macucuha, nagtaanan capagdaca at siya', umalis na. nguni aquin munang lisan ang pag alis ni don juan at ang aquing ipagsaysay ang hari niyang magulang. nang siya ay maguising na nagtuloy nanga sa jaula, ang pinto ay nacabuca at ang ibon ay uala na. capagdaca ay tinauag ang caniyang tatlong anac, ang dalauang lilo', sucab siyang lumapit na agad. itinanong capagcuan ang ibon cung napasaan, sagot ni don pedro', saysay si don juan ang nagbantay. ang nagpauala po', siya doon sa ibong adarna, at cun cami ngang dalaua huag mo pong biguiang sala. ang uica nang haring mahal ay hanapin si don juan, at nang aquing maalaman cun sinong may casalanan. yao nanga', lumacad na magcapatid na dalaua, cabunducan ang pinunta si don jua', quiniquita. ito', aquing pabayaan na pag lalacad sa parang, ang aquing ipagsaysay ang principeng si don juan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"doon naghinahan siya sa bundoc niyong armenia, tantong caliga ligaya sa tanang bundoc na iba. ang cahoy sa caparangan cauili uiling pagmasdan, ang damo', gayon din naman sadyang nangagdiriquitan. ipagparito co muna magcapatid na dalaua, ang paghanap sabihin pa cay don juang bunso nila. sa mabuting capalaran sa dios na calooban, canilang napatunguhan ang armeniang cabunducan. doon nga nila naquita ang bunsong capatid nila, si don diego', nag uica na nang ganitong parirala. cun dalhin ta si don juan sa berbaniang caharian, quita ang parurusahan nang haring ating magulang. ngayo', lalong mabuti pa tayong tatlo', magsasama, at huag nating ipaquita sa mahal na haring ama. doon nga tumahan sila tatlong magcapatid baga, ang tua ay sabihin pa sa cabunducang armenia. ay ano', caguinsa guinsa isang balon ang naquita, ibig ni don juan baga ang lalim mataroc niya. may lubid nga sa ibabao ang balon nilang dinatnan, ay nag uica si don juan aco ay inyong talian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sumagot nga si don diego aco', matanda sa iyo, ang ihulog muna', aco, ang lalim nang matanto co. si don pedro', nagpahayag aco', matanda sa lahat, aco ang siyang marapat na sa balo', sumiyasat. at capag aquing tinangtang ang lubid na iyong tangan, hilahin ninyo pagcuan nang aco', mapaibabao. tinalian nanga siya inahulog capagdaca, tatlong puong dipa baga. ang siyang sinapit niya. sa malaquing catacutan ang lubid agad tinangtang, hinila na sa ibabao nang dalauang nagtatangan. at tinanong nanga nila cun ano bagang naquita, paquingan ninyong dalaua ang aquing ipagbabadya. ang balon cong nilusungan di co mataroc ang hangan, dilim na di ano lamang aco ay nahintacutan. ani don diego naman aco ang inyong talian, at nang aquing maalaman ang sa balong cahanganan. tinalian capagdaca at siya', inihulog na tatatlo pa lamang dipa ang siyang sinapit niya. sa malaquing tacot baga ang lubid ay tinangtang na, sa ibabao ay hinila nang capatid na dalaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ani don juan at saysay sa amin ay iyong turan, cun inabot mo ang hangan nang balon mong linusungan. sagot ni don diego naman di co masapit ang hangan, at sa lubhang cadiliman loob co', nahintacutan. ani don juan at turing aco ang taliang tambing, at aquing sisiyasatin itong balong sacdal dilim. tinalian capagdaca ang bunsong capatid nila, sa balo', inihulog na nang capatid na dalaua. ang sa historia ngang saysay na sa balong calaliman, mahiguit sa isang daan na dipa ang casucatan. nang siya nga', dumating na sa fondo nang balon baga, ay quinalag capagdaca ang lubid na tali niya. lumacad na capagcuan ang principeng si don juan, isang pinto ang binucsan pumasoc na nagtuluyan. may isang campong maluang doo', caniyang dinatnan, linis ay ualang cabagay nang lupang tinatapacan. ang sari saring bulaclac naroo', namamacetas, diquit ay ualang catulad bango', humahalimuyac. doon sa pag libot niya sa macetas at sampaga, may bahay siyang naquita diquit ay ualang capara.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"tumauag na capagcuan ang principeng si don juan, siya naman ay dinungao nang princesang na sa bahay. nang maquita', binati na ang mariquit na princesa, bibiguiang arao na maganda poon nang tanang sampaga. anang princesa', ganito salamat naman sa iyo, namamangha ang loob co nang iyong pagcaparito. sagot nang principe', uica aba mariquit na tala, pagcaparito co', bigla dala nang sintang gahasa. inalipad sa itaas nang malabay niyang pacpac, saca po caringat dingat sa harapan mo', lumagpac. caya mahal na diosa huag cang mag ala ala, sa dios ito', talaga tangap ang hain cong sinta. ang sagot ni dona juana na cun may tapang cang dala magtuloy na pumanhic ca at dini mag usap quita. pumanhic na capagcuan ang principeng si don juan, at nuha nang silla naman ang dalaua', nag agapay. ang uica nang princesa doon sa hain mong sinta, malaqui cong ala ala sa loob bagang mag isa. saan quita ilalagay na iyong pagtataguan, at baca icao ay datnan nang giganteng tampalasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"yaong lilo at cuhila sa aqu', nag aalaga, malaqui co ngayong aua sa buhay mong mauauala. isinagot ni don juan ualin mo sa gunam gunam at hamac sa aquing camay ang giganteng tampalasan. sa pag uusap nila nang principe at princesa, siya nangang pagdating na nang giganteng palamara. sa hagdan nang dumating na tinauag si dona juana, amoy manusia aniya dito', may tauo cang iba. si don jua', sumagot nga anong dami mong usisa, aco ang siyang nagsadya sa princesa mong alaga. anitong gigante naman malaqui cong catuaan, mayroon acong dinatnan na sucat cong icabuhay. isinagot ni don juan yao', sucat mong asahan, cun aco', iyong mapatay pagsil in ang aquing bangcay. anang gigante at badya cun gayon ay lalaban ca, hinauacan capagdaca ang espada', naghamoc na. sa mabuting capalaran sa dios na calooban, ay napatay ni don juan ang giganteng tampalasan. anang principe at badya mariquit na princesa, anong hinihintay mo pa at di pa umalis quita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang sagot ni dona juana may lumbay rin acong dala, at aquing maiiuan pa bunso cong si leonora. nariyan sa cabila naman ang siyang quinalalaguian, may alilang nagtatangan isang serpienteng matapang. ani don juang masigla dito ay iiuan quita, at paroroonan siya capatid mong leonora. lumacad na nagtuluyan itong principeng matapang, doon sa icalauang bahay sa mata', nacasisilao. ang hagda', gintong lantay cauili uiling titigan, na cun sa lupang ibabao ualang catulad cabagay. napatauo capagdaca itong principeng masigla, siya namang pagdungao na nang princesa leonora. nang cay don juang maquita ang cariquitan at ganda, ito', lumalo aniya doon cay dona juana. big yan nang dios na mahal niyong pong magandang arao, sagot nang princesa naman ay capua maquinabang. nguni aco', namamangha principeng daraquila, lugar na ito', lihim nga ay baquin mo naunaua. isinagot ni don juan ay aba palabang buan, paquinga', aquing tuturan ang sa aquin ay nagtaglay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"isang bungang panaguimpan sa pagtulog co', pumucao, ang catulad co', cabagay ang isang pinag ulapan. ang sa bungang tulog co nga na pumucao sa pag higa, sa ilalim nitong lupa ay mayroong isang tala. at sa aquing pangangarap aco', agad inalipad, camuc ha', ibong may pacpac dito aco inilagpac. hindi co nga maalaman ito pong lihim na lugar, sa dios na calooban cun caya po natutuhan. caya mahal na princesa huag cang mag ala ala, ang dios ang may talaga caya tangap yaring sinta. sagot nang princesa', sulit magtuloy ca pong pumanhic, at nang iyo pong mabatid handog mong sinta sa dibdib. pumanhic na capagdaca itong principeng masigla, sa silla ay umupo na nag usap silang dalaua. isinagot ni leonora tungcol sa alay mong sinta, malaqui cong ala ala serpiente', cun dumating na. saan quita ilalagay na sucat mong pagtaguan, nang hindi ca maamuyan niyong lilo', tampalasan. sagot nang principe', badya huag cang mag ala ala, ang bahala ay aco na sa tacsil at palamara.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ano ay caguinsa guinsa ang lupa ay umugong na, siyang pagdating pagdaca nang serpienteng palamara. sa hagdana', lumapit na tinauag na si leonora, amoy manusia aniya dito', may tauo cang iba. sumagot si don juan sa serpienteng tampalasan, yaring espada cong taglay aalis nang iyong buhay. anang serpiente', ganito iyan ang siyang hanap co, ualang pagsalang totoo icao ay bibihaguin co. ano pa nga at nag laban ang capua lacas, tapang, ang principe', di tamaan nang serpienteng tampalasan. ang isang cataca taca sa tacsil at palamara, ang ulo', cun maputol na naniniquit na muli pa. nang maguing tatlong oras na ang canilang pagbabaca, cay don juan ay nagbadya ang tacsil at palamara. quita ay magpahingalay nitong ating pag lalaban, napa ayon si don juan sa serpienteng tampalasan. sa principeng pagcalagay sa bintanang tapat naman, ang princesa ay dumungao at siya ay tinauagan. don juan ay abutin mo itong mahal na balsamo, at siyang ibubuhos mo sa mapuputol na ulo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang balang ulong mapugay cahit siya', lumucso man cun ma agad mong mabusan, di mauuli sa lagay. quinuha na capagdaca ang mahal na balsamera, at muling naghamoc sila nang serpienteng palamara. nang maputol na ang anim na ulo nang lilo', tacsil, at di na mauling tambing cagalitan ay sabihin. lalo nga ang cagalitan dito sa princesang mahal, at biniguian si don juan nang balsamong cagamutan. anang serpiente at badya dini sa ulo cong isa, na ngayo', natitira pa sa buhay ninyo', cucuha. ang dalaua', nagsagupa umulit silang nagbanga, ang ulong natitira nga nalaglag agad sa lupa. capagdaca ay binusan nang balsamo ni don juan, siya nangang pagcamatay nang serpienteng tampalasan. ani don juan at badya mariquit na princesa, anong hinihintay mo pa at hindi umalis quita. sa pagmamadaling tunay nang princesang matimtiman, ang lobo niyang aliuan ang na isucbit na lamang. diamanteng singsing niya ay naiuan sa lamesa, nagsi alis nanga sila dalauang magcasi', sinta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at canilang dinaanan si dona juanang marangal, ang tatlo', nalis naman at sa lubid nagtuluyan. nang sila ay dumating na sa lubid na laan baga, sila ay nangagtali na at hinila capagdaca. nang dumating sa ibabao ang tatlo', magcacasabay, si don diego ay nagsaysay narito na si don juan. cay don pedrong maquita mariquit na leonora, tinablan agad nang sinta puso niya', ala ala. niyong sila', aalis na at ooui sa berbania, ay nangusap capagdaca ang princesa leonora. don juang aquing buhay ay aquing nacalimutan, ang singsing cong minamahal sa lamesa ay naiuan. anang principe at badya cayo', maghintay aniya at aquing cucunin muna yaong singsing nang princesa. ani dona leonora huag na guilio co', sinta, cun paroon cang mag isa malaqui cong ala ala. ang uinica ni don juan yao', masamang maiuan, aquin ngang pagbabalican at aco', nahihinayang. sa hindi ngani mapiguil itong principeng butihin, ay nagtali nangang tambing lumusong na magtuloy rin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang mayroong sampong dipa ang lubid na nahugos na, ay pinatid capagdaca ni don pedrong palamara. di anong casasapitan sa gayong lalim na hucay, gauang capanganyayaan capatid na tampalasan. nang maquita nang princesa guinaua sa casi', sinta, halos manao ang hininga sa balo', tatalong sadya. agad siyang hinauacan ni don pedrong tampalasan, aanhin mo si don juan aco', narito rin naman. ang nasoc sa ala ala nang hindi bitiuan siya, ang lobong aliuan niya caniyang paualan baga. quinuha na sa sucbitan at inihulog sa hucay, nguni', bago binitiuan caniyang pinagbilinan. cun nasactan si don juan gamutin mo capagcuan, siya', aquing hinihintay sa caniyang caharian. umalis at lumacad na magcapatid na dalaua, sampong dalauang princesa ina oui sa berbania. atin munang pabayaan ang paglalacad sa parang, at ang aquing ipagsaysay ang hari nilang magulang. yaon ang napanaguimpan nang haring fernandong mahal ang anac na si don juan pinag lilo at pinatay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ito', lisanin cong agad na sa haring napangarap, at ang aquing ipahayag ang apat na naglalacad. nang sila', dumating na doon sa reinong berbania, sa palacio', nagtuloy na humarap sa haring ama. lumuhod na sa harapan nang ama nilang magulang, canilang ipinagsaysay lahat nang pinagdaanan. si don juan po', hindi na na amin siyang naquita, itong dalauang princesa ang siya naming nacuha. at sa lupang calaliman doon namin nasumpungan, may alagang nagtatangan gigante', serpienteng hunghang. cami ay naquipagbaca at lumaban sa canila, nang manga patay pagdaca manga princesa', dinala. nang ito', mapaquingan nang hari nilang magulang, di hamac ang catauaan at sila', benendicionan. itong hari', may tua man sa manga princesang taglay, malaqui ring calumbayan sa anac na cay don juan. nagsitindig capagdaca capua tinanong sila, na cun alin sa dalaua ang maguiguing asaua. sumagot na capagcuan si don pedrong tampalasa', tinuro sa haring mahal si leonorang timtiman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"itong mahal na princesa lumuhod capagcaraca, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadya. aco po ay palugalan manga pitong taon lamang, saca aco pacacasal sa anac mong minamahal. aco', biguian mong tambing nang isang silid na lihim, at doon co tutuparin ang panata cong gagauin. nang ito ay mapaquingan nitong haring matimtiman, caniyang ipinaayunan sa princesang cahingian. inilagay nangang tambing sa isang silid na lihim, at doon nga gaganapin ang panata niyang hiling. si don diego', dona juana iquinasal capagdaca, catuaa', sabihin pa boong reino nang berbania. ay ano', nang matapos na siyam na arao na fiesta, caguluha', payapa na nitong daquilang monarca. aquing ipagbalic naman sa lobong pinacaualan, nang maquita si don juan manga lamog ang catauan. ang guinaua capagdaca nitong lobong encantada, guinamot pinag ayos na catauang caaya aya. ano', nang gumaling naman at siya nga', macagalao, ang lobo', nuha pagcuan nang tatlong botellang hirang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"dalaua', tali sa paa cagat sa bibig ang isa, saca umalis pagdaca itong lobong encantada. nagtuloy na capagcuan doon sa ilog nang jordan, nagcataong nalilibang yaong manga nagbabantay. isinaloc nanga niya ang dalang tatlong botella, at lumipad capagdaca ito ngang lobong masigla. hinabol na capagcuan niyong tanang nagbabantay, ang lobo', napailanlang at di nila inabutan. nang ito', dumating naman sa principeng cay don juan, ang ulo', agad binusan tuloy hangang talampacan. nang siya nga ay mabusan tubig na galing sa jordan, nagbango', lumacas naman itong principeng marangal. quinuha na niyang tambing diamanteng naiuang singsing, sa aua nang inang virgen lobo ang nagparaan din. si don jua', quinasihan nang dios na poong mahal, nacaahong matiuasay sa balong quinalalag yan. ang nasoc sa calooban nitong principeng timtiman, moui siyang magtuluyan sa caniyang caharian. sa pag lacad ni don juan sa bundoc at caparangan, nagdamdam nang capagalan sa tinding sicat nang arao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa isang puno nang cahoy na malaqui', mayamung mong siya roon ay sumilong at humilig naman tuloy. sa calamigan nang hangin at tantong caalio alio, ay agad nang nagupiling itong principeng butihin. ano ay caguinsa guinsa doon sa pagtulog niya, siya nangang pagdating na mahal na ibong adarna. at sa tapat ni don juan sa cahoy na sinilungan, namayagpag at naghusay balahibo sa catauan. at saca siya nagcanta nang tantong caaya aya, don juan magbangon na sa tulog mo', gumising ca, sa voces na mataguinting siya', agad na naguising, at pinaquingang magaling ang sa ibong pagtuturing. malaqui mong ala ala sa princesa leonora, may lalo pa sa caniya nang cariquitan at ganda. malayo nga rito lamang ang caniyang caharian, at malapit siyang tunay sa sinisicatan nang arao. na cun siya mong macuha at iyong mapangasaua, dito sa mundo', pang una sa cariquitan at ganda. yaong tatlong princesa sa haring salermong bunga, si dona maria blanca, ang matanda sa dalaua.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sunod si dona isabel parang maningning na garing, si dona juana', gayon din ang tala', siyang cahambing. hayo lacad na don juan sa reino nang de los cristal, ipagcacapuri mo naman sa haring iyong magulang. nang ito ay maringig na nitong principeng masigla. nauala sa loob niya ang princesa leonora. lumacad na nagtuluyan ang principeng si don juan, caniyang pinatunguhan sinisicatan nang arao. aquing lisanin na muna yaong pag lalacad niya, at ang aquing ipagbadya ang princesa leonora. arao, gabi', tumatangis sa quinalalaguian'silid, ang caniyang sinasambit, si don juang sinta', ibig. cun caya humingi aco nang pitong taong termino, si don juan ang hintay co caya nagtitiis dito. na cun hindi ca binuhay nang lobo cong pinaualan, caloloua mo man lamang aco'paqui usapan. ito', itiguil co muna pananaghoy nang princesa, at ang aquing ipagbadya si don juan de berbania. tatlong taong ualang culang ang pag lalacad sa parang, hindi niya maalaman ang reino nang de los cristal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa malaquing capalaran nang principeng si don juan, ay nasalubong sa daan ang isang matandang mahal. anang principe at badya nuno', magdalang aua ca na cun may baon cang dala aco', limusan po niya. sagot nang matanda naman mayroon nga acong taglay, munting durog na tinapay quinacain co sa daan. narito', cumuha ca na at nang huag magutom ca, nang cay don juang maquita ay nasuclam baga siya. ang tinapay ay maitim ang isa pa ay bucbuquin, sa malas niya at tingin nacasusuclam na canin. sa malaquing cagutuman nang principeng si don juan, nuha nang munti lamang at para bagang titicman. nang caniyang malasahan itong bucbuquing tinapay, masarap at malinamnam parang cahahango lamang. anitong matanda baga ang aquing bumbong na dala, may lamang pulot aniya cumuha at uminom ca. humigop na si don juan nitong pulot nang puquiotan ay nauala capagcuan ang caniyang cagutuman. at nuli ngang nag uica pa matandang causap niya, diyan sa bumbong na isa may lamang tubig aniya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"huag mong ubusin lamang caunti aco', iuanan, at mahaba pa ngang arao ang pag lacad co sa parang. nang maquita ni don juan yaong bumbong na may laman, ay isang dulong cauayan ang siyang quinalalag yan. uica nang principe at badya nuno po ay maquinig ca, cun ito', ubusin co na munti ma', ualang itira. sagot nang matanda naman inomin mo na don juan, cahit aco', mauala man huag icao ang magculang. ininom na ni don juan tubig na camuc ha', cristal, sa dios na calooban hindi nagculang munti man. nang caniyang mapagmasdan ang tubig ay di nagcuculang, ang matandang ito naman segurong may carunungan. umulit pa ngang nag uica itong principeng daquila, ugali nang isang bata ang magtanong sa matanda. sagot nang matanda naman sabihin mo', iyong turan, ang loob co', namaang nang layong pinangalingan. isinagot ni don juan ganito po ay paquingan, ang aquing pong pinapacay ang reino nang de los cristal. sagot nang matanda', ito jesus na panginoon co, ang pag lalacad cong ito isang daang taong husto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"hindi co napag alaman ang reino nang de los cristal. iyang hanap mo don juan malayong di ano lamang. nguni', quita', tuturuan sundin mo', huag sumuay, lumacad cang magtuluyan icapitong cabunducan. doon ay inyong daratnan isang ermitanong mahal, at siya mong pagtanungan nang sadya mong caharian. narito', ngayo', cunin mo capiraso nang baro co, at siyang ipaquita mo sa daratnang ermitano. cun icao ay tatanungin nang quinunan mo cun alin, ang pangalan mong sabihin isang matandang sugatin. yao nanga at pumanao ang principeng si don juan, caniyang pinatunguhan icapitong cabunducan. ito', lisanin co muna manga, pag lalacad niya at ang aquing ipagbadya ang princesa leonora. parati nang tumatangis sa quinalalag yang silid, ang caniyang sinasambit si don juang sinta', ibig. cundi ca guinamot naman nang lobo cong binitiuan, baquit di pinagbalican nang hayop cong inutusan. tatlong taon nang mahiguit yaring aquing pagtitiis, saca ang maipagsasapit macacasal sa di ibig.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"diyata matuid naman at iyo nang calooban, na aco ay mapacasal cay don pedrong tampalasan. ito', uacas na at hangan nang pagtauag co don juan, cun culanging capalaran aco', di mo na daratnan. ito', lisanin cong agad ang sa princesang pagtauag, at ang aquing ipahayag ang principeng naglalacad. limang buang husto baga yaong pag lalacad niya, siya namang pagdating na sa mariquit na ermita. doo', caniyang dinatnan isang ermitanong mahal, balbas ay hangang sa bay uang nacatatacot cun tingnan. anang matanda', ganito umalis ca manunucso, mahaba nang taon aco ualang sumasapit dito. sagot ni don jua', uica nuno', huag cang mamangha, aco', inutusang cusa isang mahal na matanda. narito po', iyong cuha capirasong baro niya, sa ermitanong maquita ay inabot capagdaca. hinagcan na', tinangisan yaong baro niyang tangan, luha sa mata', bumucal parang agos ang cabagay. at nag uica nang ganito jesus na panginoon co, ngayon lamang naquita co ang mariquit na baro mo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang hindi co naquita catauan mong mapaninta, di co nababayaran pa ang aquing nagauang sala. sa dibdib ay inilagay capirasong barong mahal, at saca tinanong naman ang principeng si don juan. ano ang sadya mo baga at cusang naparito ca, anang principe at badya ganito po', maquinig ca. ani don juan at sulit ermitanong sacdal diquit, ang hanap co pong mapilit ang reinong de los cristales. ang sagot nang ermitano jesus na panginoon co, limang daang taon aco nang pagcatahan co rito. ay hindi co naalaman ang reino nang de los cristal, at malayong caharian ang hanap mong pinapacay. tingnan cun sa aquing sacop sa hayop cong nangag libot, cun canilang naa abot cahariang cristalinos. sa pinto ay lumapit na campana', tinugtog niya, nagsidating capagdaca madlang hayop na lahat na. doon sa pagcacapisan nang lahat niyang familiar, itinanong capagcuan nitong ermitanong mahal. sa inyong paglibot diyan sa bundoc at caparangan, sino ang naca aalam niyong reinong de los cristal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang sagot nang calahatan hindi namin naalaman, at malayong caharian ang iyo pong catanungan. sampong olicornio baga na hari nilang lahat na, hindi rin macapagbadya niyong reinong hanap niya. ang uica nang ermitano don juan ay narinig mo, cahima', ang familiar co di masabi ang hanap mo. ngayon quita', tuturuan sundin mo', huag sumuay, paroon cang magtuluyan icapitong cabunducan. itong baro ay dalhin mo sa bundoc na icapito, at siyang ipaquita mo sa daratnang ermitano. at tinauag nanga rito yaong haring olicornio, itong principe', dalhin mo sa mabunying capatid co. si don juan ay sumacay sa olicorniong licuran, lumacad na nagtuluyan hangang sumapit sa pacay. nang sila nga', dumating na sa sadya nilang talaga, doon na iniuan siya olicornio', nagbalic na. si don jua', capagdaca nagtuluyan sa ermita, sa ermitanong maquita ay tinanong naman siya. icao baga', ali', sino naparitong manunucso, aco', malaon na rito ualang naquiquitang tauo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"isinagot ni don juan ualin po ang cagalitan, naririto', iyong tingnan capirasong barong mahal. sa ermitanong maquita ang damit na mahalaga, pinalapit nanga siya at quinuha capagdaca. pagca abot ay hinagcan at caniyang tinangisan, at ang uicang binitiuan calunos lunos paquingan. si don juan ay nagtaca sa ermitanong naquita, lumalo pa nga sa isa dalang catandaan baga. ang balbas niya sa baba ay sumasayad sa lupa, balahibo', mahahaba mapuputi namang paua. at nag uica nang ganito ang matandang ermitano, sino bagang quinunan mo mahalagang barong ito. sagot ni don jua', badya nuno po ay maquinig ca, sa aquin ang may padala ermitanong matanda na. ang sagot nang ermitano don juan ay sabihin mo, ang sadya mo ay cun ano nang iyong pagcaparito. isinagot ni don juan ganito po ay paquingan ang sadya co po at pacay ang reino nang de los cristal. anang matanda', ganito ang pagcatahan co rito, nang aco', mag ermitano ualong daang taong husto.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ay hindi co naalaman cahariang de los cristal, anhin co', malayong lugar ang sadya mong linalacbay. tingnan cun sa aquing sacop ibong naglipad sa bundoc, cun canilang na aabot yaong reinong cristalinos. sa pintua', lumapit na campana', tinugtog niya, tanang ibo', capagdaca nagcatipong para para. anang ermitano naman sa inyong pag liliparan, di ninyo natatausan ang reino nang de los cristal. ang sagot ngani nang lahat hindi namin natatatap, at malayong di hamac yaong cristalinong ciudad. umuling nag uica siya cung husto silang lahat na, ay nagbilang capagdaca uala ang ibong aguila. ay ano', caguin guinsa sa pag uusapan nila, siya nangang pagdating na nang ibong haring aguila. nang dumating ay pabagsac sa pagod na dili hamac, ang ermitano', nangusap sa laquing galit na hauac. na ang uica baga niya doon sa ibong aguila, baquit icao', nahuli pa sa iyong manga familia. dili baga iyong unaua itong tunog nang campana, saan man naroong lupa, ay ooui cayong bigla.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sagot nang aguila'saysay panginoon naming mahal, malayo pong pinagmulan caya di nila casabay. anang ermitano naman sabihin mo', iyong turan, ang pinagmulan mong lugar at nang aquing maalaman. sagot nang aguila', sulit ermitanong sacdal diquit, pinangalingang cong tiquis ang reinong del los cristales. caninang umaga lamang aco ay nag aalmusal, sa isang peras na mahal na ang lasa', malinamnam. bahag ya cong naringig nga yaong tunog nang campana, ay lumipad acong bigla capagala', di cauasa. ang sagot nang ermitano don juan ay naringig mo, at doon nangaling ito sa reinong hinahanap mo. uica sa aguila', ito: ang principe ay dalhin mo, isang buan sa banta co doo', sasapit na cayo. isinagot nang aguila isang bua'macucuha, darating pong ualang sala sa bano ni dona maria. agad nangang nagpadaquip niyong ibong maliliit, siyang babauning tiquis sa pagpanao at pag alis. tatlong daan na duruan ang siyang pinagtuhugan, at ang balang isa naman limang libong ualang culang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"balang isang tuhog baga isang ibon ang may dala, ito ay baong talaga na cacanin nang aguila. si don jua', pinasacay na sa aguilang licoran, canilang pinatunguhan, sinisicatan nang arao. tanang naquiquita lamang nang principeng si don juan, ang langit at caragatan ualang lupang natatanao. doon sa sanbuang arao pag lipad na ualang tahan, naubos nacaing tanan ang tatlong daang duruan. ay ano', nang maubos na yaong baon nilang dala, siya nang pagdating nila sa bano ni dona maria. niyong oras nang visperas nang si don jua', ilapag, ang aguila ay nangusap ito ang ipinahayag: dito na quita iiuan ay magtago ca don juan, nang hindi ca mamalayan nang manga princesang mahal. at mamayang las cuatro ualang sala', paririto, mahal na princesang tatlo na maliligo sa bano. di mo baga naquiquita banong paliguan nila, may sariling titig isa at hindi nga magsasama. magcacaparis nang gayac calapati ang catulad, doon sa cahoy na peras ay magsisi dapong lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"paalam aco don juan dito na quita iiuan, bilin co', iyong tandaan huag mong calilimutan. nagtago na si don juan sa bano ngang paliguan, at nang hindi mamalayan cahit sila', pumanhic man. ay ano', caguinsa guinsa oras nang las cuatro na, ay dumating capagdaca ang tatlong manga princesa. dumapo na silang agad doon sa cahoy na peras, at capua nagsilapag manga damit ay hinubad. nang cay don juang maquita yaong si dona maria, ang cariquitan at ganda nacasisilao sa mata. naghubad na capagcuan damit calapating hirang, lumusong na nagtuluyan sa banong paliguan. ang guinaua capagdaca nitong princepeng magsigla, marahang quinuha niya damit ni dona maria. at nagtagong uli siya nang hindi baga maquita, nang umahon ang princesa ang damit niya', uala na. sabihin pa nga ang galit nitong princesang mariquit, nang di maquita ang damit ito ang ipinagsulit. sino cayang lapastangan ang naparitong nagnacao, baca ang criado naman nang haring aquing magulang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"cun sino man siya', alin ay ang sucat pag isipin, aco', pag iiuang tambing manga capatid cong guilio. nang maguing isang oras na sa damit niya', pagquita, siya namang paglitao na nitong principeng masigla. lumuhod na sa harapan na haluquipquip ang camay, cordero', siyang cabagay at nangusap nang malubay. mariquit na bathala cometang naba sa lupa, magdala ca ngayong aua sa aquing ipag uiuica. aba mariquit na fenix at buang sacdal nang lamig, sa aquing tinagis tinagis mata mo po ay ititig. hindi co po maguing sala ang sa damit mo', pagcuha, at ugali nang may sinta quiquita nang daan baga. alin naman cayang buhay mahiguit sa sang libo man, na sa galit mo pong tangan hindi alising paminsan. caya mahal na princesa cun may galit ca pong dala, aco ay natatalaga sa bala mong iparusa. sagot nang princesang mahal cahit aco', may galit man, ay sa iyong pagcalagay nagdala nang caauaan. aling bagsic nang justicia ang magbibigay parusa, sa pacumbabang may sala dapat ang misericordia.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"cun ang apoy na mainit nagniningas na masaquit, capag sinubhan nang tubig mamamatay siyang pilit. may galit man ang loob co sa damit cong quinuha mo, napaui ngayong totoo dahil diyan sa anyo mo. nguni', aco', tabi naman sa iyo principeng mahal, alin bagang caharian ang iyong pinangalingan. sagot ni don jua', badya bulaclac nang sampaga, ang pinagmulan cong sadya ang reino po nang berbania. naparito at naglacbay sa iyo pong caharian, bula ang aquing sinac yan sa guitna nang caragatan. caya mahal na princesa damit mo po', abot cuha, at baca pa ipagdusa nang buhay co', caloloua. caya cun uala ring daan ang sinta cong pinag lacbay, ibig co pa aquing mamatay dini po sa aquing lagay. isinagot nang princesa don juan de berbania, ngayon mo nga maquiquita tunay na aquing pagsinta. dini sa camay cong canan, magtindig ca at tumangan, at ito ang tandang tunay nang pagsinta cong matibay. nagtindig na si don juan capagdaca', hinauacan, yaong marangal na camay at umupong nag agapay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang uinica sa caniya don juang aquing sinta, paquingan at manainga sa aquing ipagbabadya. pagmalasin mo at tingnan manga batong nalalagay. siyang nacabacod lamang sa aming palacio real. iyan nga', tanong lahat na sadya', sa pangangasaua, panang enengcanto sila nang haring poon cong ama. nariya', manga principe caballero', manga conde, pauang nangaduahagui sinta nila', di nangyari. sila ay naguing talunan naraig sa carunungan, nang haring aquing magulang naguing bato ang catauan. nagsiparito', nag lacbay ay iyong pacatandaan, itanim sa gunam gunam at huag mong calilimutan. na mamayang las cinco maguiguising na seguro, mahal na haring ama co ay maquiquita ca dito. cun icao ay tatanungin pinagsadya mo', cun alin, ang iyo namang sabihin mangangasaua ang hinguil. at cung tauaguin, ca namang manhic sa palacio real, huag magtuloy don juan at icao ay mamamatay. ang iyong isagot lamang sa haring aquing magulang, aco po ay pag utusan nang emperador cong mahal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"bala niyang ipag uica aminin mo namang paua, hindi icao ang gagaua at aco', siyang bahala. paalam aco don juan quita muna', malilisan. at mamayang gabi naman saca quita babalican. umalis na capagdaca yaon ngang tatlong princesa, ay siyang pagcaguising na nang haring canilang ama. nang maquita si don juan nang haring salermong mahal tinanong na capagcuan cun ano ang sadya', pacay. sagot ni don jua', tugon hari cong panginoon, icao po ay biguian ngayon dios nang magandang hapon. ang sagot nang haring mahal salamat na ualang hangan, sabihin mo', iyong turan ang sadya mo', pinag lacbay. ani don juan at badya daraquilang monarca, ang sadya co pong talaga hinguil sa pangangasaua. cun baga maguiguing dapat ang berbania cong ciudad, masama', mapaquilangcap sa iyong coronang hauac. ang uica nang haring mahal icao ay pumanhic naman, at quita', magsalitaan dini sa palacio real. ang sagot ni don juan iyan po', di pasasaan, ang hintay co', pag utusan nang aquing macacayanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang sa haring mapaquingan ay tinauag capagcuan, yaong criado niyang hirang ito ang siyang tinuran. ngayon din magmarali ca isang salop na trigo', muha, aquing susubuquin baga nagsadyang mangangasaua. ay ano', nang dumating na ang trigong ipinacuha, don juan ay sumunod ca sa utos co ngang lahat na. at cun di mo masunod nga ang aquing ipagagaua, ualang pagsalang daquila ang buhay mo', mauauala. itong trigo ay cunin mo pag ingatan mong totoo, sasabihin co sa iyo ang lahat nang gagauin mo. itong bundoc na mataas tibaguin mo nang mapatag, at doon mo nga icalat itong trigong aquing hauac. ngayon din iyong itanim gabing ito', tumubo rin, sa gabing ito', gayon din iyo namang aanihin. at sa gabing ito naman ay gagauin mong tinapay, sa lamesa co', maguisnan cacanin co sa almusal. quinuha na ni don juan yaong trigong ibinigay, doon sa porterong bahay biniguian nang tatahanan. ang uica nang secretario sampong manga consejero, ano baga', naparito ang principeng loco loco.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at hindi na nahinayang sa iningat niyang buhay, uala ngang pagsalang tunay na di siya mamamatay, ano', nang magabi na oras ay las seis na, itong si dona maria ay gulo ang ala ala. caniyang pinag lalangan hari at consejong tanan, pinatulog na mahusay isa man ay ualang malay. siya ngang pagpanaog na nang mariquit na princesa, at pinaroonan niya si don juang casi', sinta. capagdating ay nagcamay at saca tinanong naman na cung anong cautusan nang hari niyang magulang. anang principe at badya poon cong dona maria, ang utos nang iyong ama ganito ay maquinig ca. itong trigo', ibinigay sa aqui', itanim co rao, at sa gabing ito naman mamunga', maguing tinapay. sagot ni dona maria don jua', bayaan mo na, at hindi mahihiya ca doon sa hari cong ama. saan patutungo naman ang sa haring carunungan, na majica negra lamang ang caniyang tinatangnan. ang sa cay dona maria hauac ay majica blanca, ang dunong nang haring ama ay tinalo nga niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang uica niya, at saysay icao ay magpahingalay, at malaquing iyong pagal sa layo mong pinagmulan. ay ano', nang lumalim na hating gabing tahimic na, pinalabas nang princesa carunungang ingat niya. oras ding yao', napatag itong bundoc na mataas, isinabog niyang lahat ang trigong caniyang hauac. ang isang cataca taca, lacas nang majica blanca, bagong isinasabog pa oras ding yao', namunga. nang oras ding yao', agad itong trigo ay guinapas, maraming umaalagad oras ding yao', nalugas. ito', salicsihang paua manga inchic ang nagaua, pucpoc magcabi cabila ingay na ualang camuc ha. nang oras na las cuatro isinoot na sa horno, sabihin baga ang gulo niyong caramihang tauo. niyong ngang las cinco na ang tinapay ay luto na, hinango capagcaraca cay dona mariang quinuha. nanhic sa palacio real sa lamesa', inilagay, sa cuarto', nagtuluyan at natulog capagcuan. ay ano', nang maguising na itong daquilang monarca, ay nagtuloy sa lamesa ang tinapay ay naquita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang damputin ang tinapay ay napaso pa ang camay, at bagong hinango lamang sa hornong pinaglutuan. nanguilalas nanga rito ang hari ', consejero, marunong yatang totoo itong bagong naparito. cun caniyang nagaua man ang hiniling cong tinapay, sa iba cong cautusan ay siya nga', mamamatay. ay ano', nang matapos na don jua', tinauag niya, naparoon capagdaca at siya', naquipagquita. ang uica nang haring mahal pumanhic cang magtuluyan, isinagot niya naman aco po ay pag utusan. capagcaraca', quinuha ang frascong iningat niya, ang hari ay nanaog na ang principe ay casama. don juan ngayo', tingna mo ang aquing hauac na frasco, at ang nasisilid dito labing dalauang negrito. ito', aquing pauaualan sa tubig nang caragatan, isilid mong uli naman sa frascong quinalalag yan. isa ma'huag magculang sa negritong pauaualan, huag namang mapalita', capalit ang iyong buhay. pinaualan nanga rito labing dalauang negrito, at nag uica nang ganito ang haring si don salermo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sa umagang mag almusal sa lamesa cong cacanan, maquiquitang ualang culang negritos cong pauaualan. ang frasco', ibinigay na cay don juan nang monarca, at sa palacio', nanhic na saca tambing nagpahinga. ay ano', nang magabi na oras nang ave maria, dumating na capagdaca ang mariquit na princesa. tinanong na si don juan ni dona mariang hirang, na cun anong cautusan nang haring caniyang magulang. sagot ni don jua', badya poon co', aquing sinta, ganito', paquingan niya utos nang mahal mong ama. negrito niyang laruan sa tubig ay pinaualan, itong frasco ay iniuan at muli cong isilid dao. na hustong labing dalaua ang negritos na lahat na. capag nagculang nang isa buhay co ang cahalaga. ang sagot ni dona maria don juang aquing sinta, cun yaon ang utos niya huag cang mag ala ala, gasino yaong familiar nang haring aquing magulang, capag aquing tinauagan ay lalapit silang tanan. ang dalaua', nag agapay at sila', nagpapanayam, hangang sa madaling arao nang canilang salitaan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at niyong las cuatro na ay nag uica ang princesa, don juang aquing sinta ang ilao dalhin mo muna. ang frasco', dalhin mo baga sa dagat quita', tumugpa. yao nanga', lumacad na dalauang magcasi', sinta. lumusong silang nagsabay at ang frasco', iniumang, saca niya tinauagan ang negritong calahatan. balang mahuli sa inyo nang pagpasoc nga sa frasco, cahit na sa tubig cayo masisilab sa galit co. sa negritong marinig na voces ni dona maria, ay nangag unahan sila pagpasoc sa frascong sadya. ay sa gayong pagcacalat negritos niyang tinauag, sa tacot na dili hamac nangagsipasoc na agad. ang uinica nang princesa moui ca na aquing sinta, aco', siyang bahala na sa palacio', magdadala. nagtuloy na si don juan doon sa porterong bahay, si dona maria naman nanhic sa palacio real. inilagay na sa lamesa yaong frascong dala niya, sa cuarto', nagtuloy na at natulog nanga siya. ay ano', nang maguising na ang haring salermo baga, sa lamesa ay naquita ang frasco', naroon na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"quinuha na at tiningnan ang caniyang calaruan, hustong hindi nagcuculang ang negritong pinaualan. hindi na cumibo siya pinaram sa ala ala, mayroon pa acong ibang iuutos sa caniya. ano', nang quinabucasan ipinatauag si don juan, naparoo', di sumuay sa haring salermong mahal. anitong hari at badya. yamang pangaco nang una, na sa utos cong lahat na don juan ay susunod ca. anang principeng daquila yao', totoo cong uica, utos mo po cun masira ibig co pang mamatay nga. ang uica nang haring mahal ganito', iyong paquingan, at nang iyong maalaman itong aquing cautusan. ang ibig co ngayon naman yaong bundoc na nariyan, ay dito sana malagay sa tapat nang durungauan. bucas pagca umaga nga cun manungao acong bigla, hangin sa bundoc tatama ay pumasoc sa bintana. caya hayo na don juan utos co', sundin mo lamang, cundi mo magaua naman capalit ang iyong buhay. umalis na capagdaca at sa bahay omoui na, nang maca ave maria naparoon ang princesa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang uinica sa caniya don juang aquing sinta, ay ano ang utos baga nang aquing mahal na ama. ang utos niya sa aquin sinta co', aquing guilio, ganito ay iyong dinguin at aquing ipagtuturing. yaong bundoc na nariyan aquing palacarin naman, at caniya rao maguisnan sa tapat nang durungauan. at ang hanging magahasa doon sa bundoc tatama, at sa pag ihip na bigla ay pumasoc sa bintana. sagot ni dona maria cun yaon ang utos niya, huag cang mag ala ala aco', siyang bahala na. sa canilang salitaan ay parang isang catauan nang magmamadaling arao ang princesa, ay nagsaysay. don jua', matulog ca na at baca napupuyat ca, aco', siyang bahala na sa poon cong haring ama. nang oras ding yaon naman lumacad ang cabunducan, doon niya pinatahan sa bintanang durungauan. nang ito ay mayari na las cuatro nang umaga, ang princesa', pumanhic na na di namalayan siya. ay ano', nang maguising na itong daquilang monarca, bintana', binucsan niya at nanungao capagdaca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"milagro manding daquila nang dios na macalinga, isang hanging magahasa sa bundoc baga', tumama. sa simbuyong calacasan bilis nang hanging amihan pumasoc sa durungauan nang haring salermong hirang. nanguilalas nanga rito sampong loob ay nagulo at hindi niya matalo ang principeng naparito. ito', bayaan co muna na sa haring ala ala, at ang aquing ipagbadya nang magdadapit hapon na. pinatauag si don juan doon sa porterong bahay, quita ngayo', uutusan sundin mo', huag sumuay. sagot nang principe naman sabihin po', iyong turan, at nang aquing maalaman ang iyo pong cautusan. ang uica nang hari', turing don juan iyong dinguin, ngayo', aquing sasabihin yaong lahat mong gagauin. ang bundoc mong inilagay sa tapat nang durungauan, ay doon maguiguisnan sa guitna nang caragatan. at maguing isang castillo sa limaga', maquita co, at gayon din ang simborio ang bilog ay paparejo. sa castillong yaon naman ay cun mayari nang tunay, ay pito namang halayhay ang kanon mong ilalagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"mula, sa palacio real at castillong paroronan, matuid ang lalacaran na cauili uiling tingnan. doon sa castillo baga dadaanan tang dalaua, ay anim ang bateria tatayo ang centinela. at sa bateria naman ay may canong malalagay, na umaga', maguiguisnang pauang nangag puputucan. narito at cunin mo na itong mazo at barreta, sampong pico at cuchara sa pag gaua ay talaga. quinuha na ni don juan ang lahat nang casangcapan, at siya', noui na naman doon sa porterong bahay. ay ano', nang magabi na ora', las ocho baga, siya nangang pagdating na nitong si dona maria. tinauag na si don juan at saca tinanong naman, na cun anong cautusan nang haring aquing magulang. sinaysay rin namang tunay nang principeng si don juan. ang lahat nang cautusan nang haring salermong mahal. at sampong pagbibigay pa niyong mazo at barreta, manga pico at cuchara sa pag gaua ay talaga. isinagot nang princesa casangcapa', aanhin pa, aco', siyang bahala na sa lahat nang utos niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"matulog ca na don juan na icao', magpahingalay, sa umaga,, maguiguisnan ang caniyang cahilingan. ay ano', nang lumalim na ang gabi ay tahimic na, sa majicang salamangca ang castillo', guinaua na. nang oras na yao', agad ang castillo', pinalacad, doon sa guitna nang dagat cataasa', sacdal taas. pitong andana ang hanay nitong canong nalalagay, ang calzadang lalacaran tuloy sa palacio real. at anim ang bateria na may canong para para, at ang nacacentinela coroneles na lahat na. nang ito', mangyaring tunay cahit isa', ualang culang, ang princesa', nalis naman at sa cuarto', nagtuluyan. ay ano', pagca umaga ang hari ay naguising na, ang putuca', sabihin pa sa castillo at bateria. ang uica nang haring mahal don juan quita', magpasial, ating panoorin lamang sa castillong pagcalagay. yao nanga', lumacad na nagpasial silang dalaua, sinino na capagdaca nang naroong centinela. ang sagot baga at saysay aco aniya', si don juan, anang de la guardia naman emperador nating mahal.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"dito na ngani nagtaca ang haring salermo baga, at ang nacacentinela coroneles na lahat na. sa canilang pagpapasial cabi cabila', putucan, ang singsing nang haring mahal nahulog sa caragatan. hari', nangusap pagdaca don juan quita', mui na, at iyong ipatahan na ang canong nagsisisalva. itinaas ang espada cay don juang, hauac baga, ang putuca', nagtahan na at di na naringig nila. ang hari ay nagtuluyan doon sa palacio real, ang principeng si don juan nui sa porterong bahay. mapahapong las cinco nag utos sa isang criado, si don jua', tauaguin mo at siya', hinihintay co. naparoo', di sumuay itong principeng timtiman, anang hari', paquingan itong aquing cautusan. ngayon sa gabing magdamag paua mong alising lahat, castillo at baterias huag cong maguisnan bucas. at sa dati', isauli mo tapat nang durungauan co, sa umaga', maguisnan co huag na hindi sundin mo. ay ano', nang matapos na yaon utos sa caniya, si don juan ay nalis na sa bahay nui pagdaca.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"niyong magabi na naman nanaog na capagcuan, ang princesang matimtiman pinaroonan si don juan. tinanong na capagdaca na cun anong utos baga anang principe at badya ganito ay maquinig ca. ang castillong nalalagay sampo nang bateria naman bucas huag nang maguisnan nang haring iyong magulang. ang uinica nang princesa guilio co', aquing sinta, icao ngayo', matulog na aco', siyang bahala na. nang mahating gabing tapat ualang malay silang lahat ay naguing bundoc na agad yaong castillong mataas. at nasauli na sa lagay ang quinuhang cabunducan, at ang biteria naman sa hari', hindi naguisnan. tinauag namang muli pa itong principeng masigla, naparion capagdaca sa hari', humarap siya. capagdating ni don juan hari', nangusap pagcuan, di co yata mabayaran ang lahat mong capagalan. saca ngayon ang isa pa muling uutusan quita, anang principe at badya ay iyo pong sabihin na. sa canitang pagpapasial sa castillong cariquitan, ang singsing cong minamahal nahulog sa caragatan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at sa gabi namang ito yaon lamang ay cunin mo, sa umaga', maducot co sa ilalim nang unan co. isinagot ni don juan cun yaon baga po lamang, cahit aquing icamatay susundin cong malumanay. ay ano', nang magabi na las nueve ang oras na, dumating na capagdaca itong si dona maria. itinanong cay don juan ang utos nang haring mahal, sumagot nang mahinusay at ganito ang tinuran. ang utos baga sa aquin nang haring ama mong guilio, sa dagat ay aquing cunin ang diamante niyang singsing. anang princesa', ganito tapangan mo ang loob mo, at itong utos sa iyo ay panganib na totoo. isang batia ang quinuha nang mariquit na princesa, may sangcalan at hapac pa sa dagat sila', tumugpa. sa batia', lumulan agad ang dalauang magsing liyag, pagcapalaot sa dagat ang princesa ay nangusap. huag matacot don juan tadtarin mo acong tunay, at huag matapon lamang capirasong aquing laman. huag cang matulog naman at aco', iyong abangan, cunin mo sa aquing camay ang singsing cong ililitao.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"tinadtad na ngani niya itong si dona maria, sa tubig inihulog na naguing isang isda siya. sa calaunang di hamac sa ilalim ay paghanap, ay nacatulog na agad itong principeng marilag. nang ang singsing ay macuha naguing tauo ang princesa, daliri', inalitao na si don juan ang cucuha. sa calaunang pag litao singsing sa daliri', taglay, sino ang cucuha naman natutulog si don juan. sa uala nganing cumuha singsing sa daliri niya, muling lumubog pagdaca itong si dona maria. lumitao na muling tambing itong princesang butihin, at hinihintay na cunin ang na sa daliring singsing. at sa uala ring umabot singsing niyang isinipot, nasoc sa caniyang loob si don jua', natutulog. lumubog na muli baga ang mariquit na princesa, icatlong pag litao niya ang batia', siniquil na. muli namang inalitao ang daliri niyang mahal, ito namang si don juan pagtulog ay cahimbingan. sa hindi rin cunin ngani singsing doon sa daliri, ay inihulog na muli umahon siyang madali.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang sa princesang maquita si don juan niyang sinta, himbing na ualang capara ay guinising nanga niya. dili ang uica co naman na aco', iyong abangan, at hindi macalilitao singsing cun aquing tangan. tingni itong guinaua mo ang oras na', las cuatro, maca mamalayan tayo nang bunying haring ama co. cun caniyang maalaman lahat nating cagagauan, aco nga at sampong icao caniyang papupugutan. cundangan ang alang alang dala niyaring caibigan, quita ay pinahayaang maguing bato ang catauan. marali nang iyong gauin muli mo acong tadtarin, maca ang hari', maguising ay uala pa yaong singsing. sa pagmamadali niya nang pagtadtad sa princesa, umilandang capagdaca dulo nang daliri baga. sa tubig nang ihulog na naguing isda ang princesa, ang singsing ay nang macuha naguing tauong muli siya. sa daliri', inilagay isinipot na ang camay, quinuha na ni don juan at ang princesa', lumitao. at umahon nanga siya sa batia', sumacay na, dulong hintuturo niya ang siyang ipinaquita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"tingnan mo ito don juan ang aquing daliri', culang, ito', tandaan mo bilang na sucat ipagcaquilanlan. yao na', umahon baga dalauang magcasi', sinta, ang princesa', nagtuloy na sa real palaciong sadya. sa pagtulog na mahusay nang hari niyang magulang, ipinailalim sa unan ang singsing na minamahal. at sa cuarto', nagtuloy na itong si dona maria, at nag ualang quibo siya parang hindi ala ala. ang hari nang maguising na dinucot ang unan niya, ay nacuha capagdaca singsing niyang mahalaga. nagulo ang gunam gunam nang haring salermong mahal, at hindi niya mapatay ang principeng si don juan. tingnan dito pa sa isa na ipag uutos co pa, tanto manding ualang sala na siya', mapapatay na. tinauag na si don juan doon sa porterong bahay, siya nama', di sumuay naparoon capagcuan. anitong hari at saysay ngayon ay iyong paquingan, at sa aquing cautusan sundin mo', huag maliban. aco', may isang cabayo ay mailap na totoo, hindi pa sinasac yan co sa umaga', mansohin mo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"cunin sa caballeriza doon natatali siya, sampu nang freno at silla naroon ding para para. caya lacad na don juan at bucas ca na pariyan iyong mamansohin lamang cabayo cong minamahal. umoui nanga sa bahay ang principeng si don juan, pinag isip niyang tunay cabayong patuturuan. ay ano', nang magabi na higuit sa ave maria, ay dumating capagdaca itong butihing princesa. itinanong cay don juan na cun anong cautusan, ganito', iyong paquingan nitong sa aquing tuturan. ang utos niya', ganito siya rao ay may cabayo, ay mailap na totoo, bucas dao ay mansohin co. sagot nang princesang mahal sinta co', aquing buhay, baca di mo naalaman ang cabayong tuturuan. siya rin nga at di iba sa cabayo ay papara, saca ang rienda', silla ang capatid cong dalaua. at aco ang freno naman nang cabayo mong sasac yan, icao ay magpacatimbang at doon ca mamamatay. tuturuan quitang tambing nang paraan mong gagauin, at nang hindi ca patayin nang cabayong mamansohin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"cun icao', lalapit baga doon sa caballeriza, mata nito', magbabaga nacatatacot maquita. cun aayao magpa silla ang cabayo', mag aarma, palo', dagoc na lahat na ng gauin mo sa caniya. nguni', icao ay mangilag sa damba niya at sicat, at ang cuco', matatalas ang laman mo', mauaualat. at cun baga mahina na lumuluha na ang mata, saca mo subuan siya nang freno sampu nang silla. ang bahala naman aco sa bibig nitong cabayo, sa pagca aco ang freno ang rienda', alagaan mo. capag iyong linubayan ang riendang iyong tangan, sa alapaap tatahan ang cabayong sinasac yan. icao nga ay malalaglag at ang hangin ay malacas, sa lupa ca malalagpac laman mo', mananambulat. huag bayaang lumuag ang riendang iyong hauac, palo', taquid nang espuelas nang manghina siyang agad. at cun baga mahina na lauay ay tumutulo na, iyong ibalic pagdaca doon sa caballeriza. nang ito ay masabi na ang lahat na bilin niya, umalis na ang princesa si don jua', iniuan na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ano'nang quinabucasan naparoon si don juan, ay dinatnan sa hagdanan ang lahat nang casangcapan. nang sa cabayong maquita principe', naroroon na, nagningas nanga ang mata apoy ang siyang capara. at nang anyong ilalagay yaong silla sa licoran, ay nanghina ang catauan nang cabayong tuturuan. di anong magagaua pa nang siya', manglambot na, inilagay na ang silla ang freno', isinubo na. dito nanga nagdaramba at ibig cagatin siya, palo', dagoc na lahat na ang guinaua sa caniya. inacay nanga sa labas nitong principeng marilag, at sa sacong isinacbat ang matalas na espuelas. sa cabayo', sumacay na anyong ilulucso baga, hinigpitan na ang rienda ay bumiling biling siya. palo', taquid nang espuelas rienda', batac nang batac, at nang di nga mailipad ang principe sa itaas. ano pa', sa cahirapan pagdagoc na ualang tahan, caniyang iniilagan ang freno'huag tamaan. sa malaquing tacot baga cabayong minanso niya. nag luha nanga ang mata ang lauay ay tumulo na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang maquita ni don juan na di na macagulapay, caniyang sinunod naman sa princesang cabilinan. hinila na ang rienda sa palacio ay nui na, matuid ang lacad niya tuloy sa caballeriza. hinubdan na ni don juan nang freno', sillang maringal, inilagay sa hagdanan at umui na sa bahay. ay ano', nang magabi na naparoon ang princesa, at pinagsabihan niya si don juang casi', sinta. bucas ay ualang pagsala tantong ipatatauag ca, magtuloy nang pumanhic ca sa hari', maquipagquita. siya ay iyong daratnan sa catre niyang hihigan. malaqui ang capagalan masasaquit ang catauan. nang ito ay masabi na ay umalis ang princesa, sa cuarto', nagtuloy siya at nang macapagpahinga. ano', nang quinabucasan ang criado', inutusan, tauaguin mo si don juan dito', aquing hinihintay. naparoon na ang criado sa bahay niyong portero, aco', inutusan dito nang haring si don salermo. icao ay inaanyayahan doon sa palacio real, sumama', hindi sumuay sa criadong inutusan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang dumating sa palacio uica nang hari', ganito, don jua', may damdam aco masaquit ang aquing ulo. yamang iyo nang naganap ang manga utos cong lahat, mamili ca ngayon caguiat na sa aquing tatlong anac. ang hari', nagtindig naman at sumama cay don juan, tatlong cuartong mag agapay siya nilang linapitan. yao', capua may butas na sa tablang inilapat, hindi mo natatalastas cagandahan nila', quias. yaong hintuturo lamang ang siyang ipinalitao, sa cuartong catapusan doon niya napagmasdan. hinauacan capagcuan yaong daliring marangal, at saca siya nagsaysay ito ang ibig cong tunay. hindi nanga binitiuan sa daliri', pagcatangan, capagdaca ay binucsan cuartong quinalalag yan. di anong magagaua pa nitong daquilang monarca, ang mahal sa loob niya ang siya bagang nacuha. nagsama na capagdaca magcaibigang dalaua, nag isip nag ala ala itong daquilang monarca. ang nasoc sa loob niya ay caniyang ipadala, sa capatid niyang sinta sa reinong inglaterra.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"cun caniyang magustuhan ang principeng si don juan, doon niya ipacasal at caniyang alagaan. cun dili caya naman at di niya magustuhan, ang principeng si don juan ay caniyang ipapatay. ito', lihim na di hamac na guinaua niyang sulat, ay natanto namang agad niyong princesang marilag. cun yaon ang calooban nang haring aquing magulang aco ang gagaua naman isang mabuting paraan. inutusan capapdaca si don juan niyang sinta, doon sa caballeriza isang cabayo', cumuha. iyong bibilangin lamang ay ang icapitong tunay na mangaling sa pintuan, ang cunin mo at siyahan. dito', umalis na quita sa berbania ay moui na, at tayo', ipadadala sa reinong inglaterra. si don jua', nanaog na tungo', sa caballeriza, sa pagmamadali niya icaualo ang nacuha. sinubuan nangang tambing nang freno', sillang magaling, ay siya namang pagdating nitong princesang butihin. nang ito baga', maquita cabayong sasac yan nila, nagdala rin nang pangamba ang mariquit na princesa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at nangusap cay don juan quita', panganib sa daan sa di pagsunod mong tunay sa lahat cong cautusan. di ang bilin co sa iyo cunin mo ang icapito, ay baquit ang icaualo ngayo', siyang quinuha mo. di anong magagaua pa siya', siyang nariyan na, sumacay na ang dalaua at umalis capagdaca. nang sila ay mapalual sa labas nang caharian, agad silang namalayan nang haring salermong mahal. hinabol nanga', sinundan ang dalauang nagtaanan, nang sila', maa abutan ang princesa ay nagsaysay. don jua', naririto na ang habol ay malapit na, panganib quitang dalaua sa hari na aquing ama. tingnan mo ang calacasan nang cabayo mong iniuan, quita ngayo', aabutan dito sa guitna nang parang. ang guinaua nang princesa niyong aabutan sila, inilaglag capagdaca ang carayom niyang dala. ay naguing tinic na bacal ang hari', di macaraan, hindi macasagui naman ang cabayong sinasac yan. sa malaquing galit baga sa nagtaanang dalaua, sa cabayo', lumunsad na at hinauanan na niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"husto ngang dalauang arao bago niya nahauanan, at tatlong leguas ang lagay nang dalauang sinusundan. hinabol nangang muli pa ibig ding mapatay niya, ibon ang siyang capara tulin nang cabayo baga. nang malapit nang abutan princesa', muling nagsaysay, don jua', eto na naman ang haring aquing magulang. ang guinaua nang princesa quinuha ang sabon niya, sa lupa', inihulog na naguing isang bundoc baga. hindi ngani magcaraan ang cabayong sinasac yan, nababaon ang catauan sa sabon na cabunducan. naisip sa loob baga nitong daquilang monarca, na hilahin ang rienda at mag libid capagdaca. ang lagay apat na leguas nang dalauang magsing liyag, sa malaguing paghihirap cagalita', dili hamac. na sa gayong calayo na at di na niya maquita, hinabol din capagdaca ang nagtaanang dalaua. nang malapit nang abutan princesa', agad nagsaysay, naquita mo na don juan tayo ngayo', aabutan. cung culanging palad quita ito na ang ating hanga, papataying ualang sala nang haring poon co', ama.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang guinaua nang princesa niyong aabutan sila, ang coje niya', quinuha sa lupa', inihulog na. naguing isang caragatan na malalim at maluang, hindi nanga nacaraan cabayo nang haring mahal. di anong magagaua pa di na macahabol siya, guinaua nang hari baga benendicionan pagdaca. sa pangalan nang may gaua nang dios haring daquila, ito ngayong aquing sumpa tumalab sa iyong paua. cun icao', dumating diyan sa reinong paroroonan, tunay na icao', iiuan sa labas nang caharian. icao naua', malimutan nang principeng si don juan, at icao ay pabayaan sa iba siya pacasal. sa masamang capalaran itong hari', nagcadamdam, sa dalamhati at lumbay ay siyang iquinamatay. ito', lisanin co muna ang namatay ay anhin pa, ang aquing ipagbabadya si don juan at princesa. nang sila ay dumating na doon sa labas nang villa, ay nangusap capagdaca si don juang casi', sinta. dito ay quita', iiuan icao', huag malulumbay, sa pagca', tantong mahalay pumasoc na gayon lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"isinagot nang princesa don juang aquing sinta, ay di maliligalig pa ang mahal mong haring ama. sagot nang principe', saysay totoo sinta co', buhay sa iyo nama', mahalay di salubungin sa daan. cay dona mariang turing sa uinica mo sa aquin, itong aquing tagubilin sa loob huag limutin. cun icao ay dumating na sa real palacio baga, ay huag palalapit ca ni sa iyong reinang ina. sa cangino mang babayi don jua', iyong paquingui, sa reino', huag mangyari aco', mauaualang puri. capag icao', nalapitan nang babaying sino pa man, aco', macacalimutan sa villa', labas nang bayan. sagot ni don jua', badya huag cang mag ala ala, aco', ualang ibang sinta hindi malilimutan ca. lumacad na si don juan pumasoc sa caharian, at nagtuloy capagcuan sa hari niyang magulang. nang siya ay dumating na sa harap nang haring ama, caguluha', sabihin pa nang consejerong lahat na. sa malaquing caingayan sa loob nang caharian, ito', agad napaquingan ni leonorang timtiman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"binucsan na niyang tambing yaong silid niyang lihim, lumapit nanga sa siping ni don juang sinta', guilio. umupo na capagcuan doon sa sinapupunan, nauala sa gunam gunam princesa niyang iniuan. ang uica ni leonora daraquilang monarca, dinguin nang iyong alteza ang aquing munting querella. pagca', ngayo', narito na ang sa aquin ay cumuha, tapos na po ang panata na hiningi co nang una. aco', dito pacacasal at siyang aquing catipan, si don pedrong tampalasan sa loob co ay masucal. sucat na po haring mahal ang aquing munting tinuran, at di co ibig masalang sugat nang puso co', subiang. ang hari ay natiguilan nang sa princesang tinuran, at tila mandin may bagay ay hindi tapatin lamang. napaayon capagdaca itong daquilang monarca, cahit cay don juan baga tunay ring manugang quita. sa lingo', ualang pagliban ang sa inyo', pagcacasal, nguni ay mayroong laman ang sabi mong binitiuan. ang sagot ni leonora mayroon nga po aniya, at cun aquing ipagbadya malalagot ang hininga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"cun aquin na pong macamtan yaong matrimoniong mahal, saca co po isasaysay ang lihim cong iningatan. ito', lisanin co muna ang sugat nang puso niya, at ang aquing ipagbadya itong si dona maria. nang maguing tatlo nang arao ang caniyang paghihintay, nang uala rin si don juan balisa ang gunam gunam. ito', malilihim baga sa dunong na iningat niya, ay natanto capagdaca nang mariquit na princesa. na sa lingo', icacasal ang principeng si don juan, aco', maquiquipagcangay sa arao nang cafiestahan. madali', salita baga ay hahaba ang historia, ang lingo', nang dumating na gumayac na ang princesa. at sa singsing nganing mahal na caniyang iniingatan, ay humingi capagcuan carrosa niyang sasac yan. humingi rin naman siya nang damit emperadora, sa arao na yaon baga ay lumitao capagdaca. at tambing nangang nagbihis niyong damit emperatriz, lalong nagningning ang diquit serafin mandin sa langit. sa carrosa ay lumulan itong princesang timtiman, ang catulad at cabagay yaong luminariong buan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at ang nangag sisihila cabayong labing dalaua, magcaparis ang hichura naca aalio sa mata. anim ang cocherong hirang sa cabayo', sumasacay, at saca anim din naman ang librea sa licoran. magcaparis ang vestido nang librea at cochero, pumasoc nanga sa reino ang emperatriz na bago. sa arao ring ito baga icacasal ang dalaua, principe', si leonora at sila', mag aasaua. nang maquita sa palacio ang carrosang guintong puro, anang haring don fernando emperatriz sa banta co. ay ating itiguil muna pagcacasal sa dalaua, baca manonood siya nitong pagdedesposada. ang uica nang calahatan emperatriz nga po iyan, manonood ang dalihan sa bago pong icacasal. nang dumating sa harapan sinalubong sa hagdanan, anang hari', manga mahal emperatriz na marangal. sila ay nagsi locloc na sa manga uupang silla, ay nangusap capagdaca itong si dona maria. ang sadya co pong talaga manood nang desposada, aco yata', nahuli na at sila ay nacasal na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang sagot nang haring mahal emperatriz na marangal, natiguil ang pagcacasal sa iyo po ang dahilan. ang uica niya at saysay haring macapangyarihan, aco ang corderang leal na naparitong nag lacbay. di caya mangyari baga mahal na vuestra alteza, isang laro', ipaquita dito sa novio at novia. ang uica nang hari', saysay emperatriz na mahal, ituloy ang calaruan sa harap nang capisanan. nang ito ay marinig na nang bunying emperadora, quinuha na capagdaca diamanteng singsing niya. at humingi naman dito nang isang malaquing frasco, na may lamang tubig ito may negrita at negrito. at isang corong musico ang hiningi naman dito, di naman maquiquita mo ang tumutogtog na tauo. ang isang cataca taca sa larong palabas niya, ay may hauac na suplina ang mariquit na negrita. siya ngang pag uinica na ang musico', tugtuguin na, at magsayao ang dalaua na negrito at negrita. sinong di matua naman sa dalauang nagsasayao, sa tugtog ay nababagay yaong quilos nang catauan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"mag uiuica capagdaca itong si dona maria, itiguil iyang musica pag lilibad nang dalaua. at saca tatanong baga itong mahal na negrita, cun hindi naquiquilala yaong si dona maria. sagot naman nang negrito hindi naquiquilala co, iyang itinatanong mo di co masabi cun sino. diyata don juan aniya hindi mo naquiquilala, itong mahal na princesa siya mong casamasama. nang icao ay pag utusan nang hari niyang magulang, tibaguin ang cabunducan ang trigo ay ibinigay. di niyon ding gabi baga itong trigo ay namunga, guinauang tinapay niya sa palacio ay dinala. cun hindi naalaman mo guinauang bien sa iyo, ang suplina sa camay co madurog sa catauan mo. saca papaluin naman ang negritong caagapay cun ano', ang nasasactan ang principeng si don juan. aroy co ang uiuicain sinong pumalo sa aquin, capagdaca ay lilingapin ay ualang tauong casiping. siyang pag uiuica naman ulitin ninyo ang sayao, musico', magtutugtugan nacaaalio sa lumbay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"saca naman mag lilibad negrito', negritang hayag, maraming tauong di hamac ang nagsisi panguilalas. uica ni dona maria itiguil iyang musica, at saca tatanong baga sa negrito ang negrita. niyong icao'pag utusan nang hari niyang magulang, na sa dagat ay paualan ang caniyang calaruan. labing dalauang negrito ang nasisilid sa frasco, sabihin mo sa harap co cun sinong humuli nito. dili si dona maria na iyong casama saima, at ang frasco', hauac niya may ilao ca namang dala. di siya rin ang naglagay sa frascong quinasisidlan, siya ring nagdala naman doon sa palacio real. isinagot naman dito hindi naquiquilala co, papaloin nanga rito nang negrita ang negrito. cun ano at si don juan ang siya ngang nasasactan, marahas na carunungan sa princesang tinatangnan. nang calahati nang oras ang canilang paglilibad, ay muli namang nangusap yaong princesang marilag. ang uica', itiguil muna ang pagtugtog nang musica, ang negrita', tatanong na sa negrito na casama. diyata', di mo quilala yaong si dona maria!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ay hindi ang sagot niya cun sino', cun alin siya. anitong negrita naman sasabihi', paquingan, at nang iyong maalaman nagligtas sa iyong buhay. hiniling sa iyo naman mataas na cabunducan, at doon nga maguiguisnan sa tapat nang durungauan. ang uinica nang negrita ganito', tahaquin co na, at nang iyong maquilala yaong si dona maria. ang bundoc mong inilagay sa tapat nang durungauan, doon naman maguiguisnan sa pusod nang caragatan. at guinaua pang castillo nang pag ibig nga sa iyo, saca ngayo', nilimot mo at hindi mo asicaso. singsing nang haring mahal nahulog sa caragatan, di iyong tinad tad naman si dona mariang hirang. ang capirasong daliri sa dagat natapon ngani, naguing tandang icauari sa pagquilalang madali. at bucod sa rito naman nang sa iyo', paturuan, ang cabayong tampalasan na lalo mong camatayan. di guinauan ca nang daan niyang princesang marangal, ang ama', cahit masactan sa pagsinta ang dahilan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"di nang macapanhic ca na sa real palaciong sadya cayong dalaua', nagsama sa sariling cuarto niya. ay naisip capagdaca nang haring caniyang ama, na cayo ay ipadala sa reinong inglaterra. si dona maria naman gumaua rin nang paraan, at nang cayo', macatanan sa reinong de los cristal. niyong cayo', aabutan nang hari niyang magulang, ay caniyang hinadlangan nang matinic na cauayan. at bago nga nacaraan ang haring salermong mahal, ay tatlong leguas ang lagay niyong inyong calayuan. hinabol cayong dalaua nang anyong aabutan na, ang sabong caniyang dala sa lupa', inihulog na. tingnan mo ang carunungan niyong princesang timtiman, naguing isang cabunducan yaong sabong binitiuan. hindi nanga nacaraan ang cabayong sinasac yan, apat na leguas ang lagay niyong inyong calayuan. diyata', sa lahat baga nang hirap niyang dinala, hindi mo pa naquilala yaong si dona maria. papaluin capagcuan ang negritong calibaran, cun ano', ang nasasactan ang principeng si don juan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"uiuicain nang negrita diyata', totoo baga, sa loob mo', nauala na yaong mahal na princesa. papaluing ualang tahan ang negritong caagapay, boong cataua', nag latay nang principeng si don juan. ang uica ni dona maria tugtuguin yaong musica, nagsayao na muli baga ang negrito at negrita. ay nang may isang oras na pag lalaro nang dalaua, ay nangusap ang princesa ang musico', itahan na. ang tanong nitong negrita don jua', diyata baga, totoong di mo quilala itong si dona maria. isinagot nang negrito hindi natatalastas co, anang negrita', ganito sasabihi', paquingan mo. di cayo', nang aabutan nang haring salermong mahal, gumaua pa nang paraan itong princesang timtiman. di ang coje niyang dala sa lupa', inihulog na, naguing dagat capagdaca hindi nacatauid siya. at nang cayo', dumating na ermopolisis na villa, sa bahay niyong pastora iniuan mo ang princesa. di ang bilin niyang tunay sa babaing cangino man, huag palapit don juan at siya', malilimutan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"cundi mo pa sinusucat dinaanan niyang hirap, ngayon na ang pagcautas ng buhay mong ualang palad. sa oras ding ito baga ang musico', nauala na, ang negrito at negrita hindi na nila naquita. at ang frasco nga ang siyang bucod na natira lamang, siya ang quinalalag yan niyong cay don juan buhay. ang uinica nang princesa diyata don juan aniya, di mo pa naquiquilala yaong si dona maria. yayamang gayon din lamang aco', ualang cabuluhan, pagsisi nang casalanan at siya mong cahanganan. siya nangang pagdampot na sa frasco nitong princesa, at babasaguing talaga sa malaquing galit niya. dito nanga naramdaman nang principeng si don juan, at naquilala ngang tunay si dona mariang mahal. linapitan capagdaca at saca niyacap niya, icao nga ang aquing sinta na iniuan co sa villa. aco ang may casalanan sucat mong paghinanactan, pagca', aco', nalapitan ni leonorang timtiman.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"aco', parang ulol baga na sa loob cong mag isa, cundi ngayon lamang sinta hindi co na ala ala. icao ang sinta cong tunay na pinagsadyang linacbay. sa reinong de los cristal ang pinuhunan co', buhay. patauad dona maria sa aquing pagcacasala, ang cataua', buhay co pa ay sa iyo', di sa iba. at saca nag uica naman haring aquing magulang, dito aco ipacasal sa emperatriz na mahal. anang dona leonora mahal na vuestra alteza, sandaling paquingan niya ang aquing munting querella. ngayon co na po tuturan ang lihim cong iningatan, at nang iyong maalaman yaong hirap ni don juan. aco ay doon quinuha sa bundoc niyong armenia, cami ay magcacasama capatid cong dona juana. tiuasay ang aquing lagay sa lupang cailaliman ang principeng si don juan ang siyang cumuha lamang. bucod dito ang isa pa daraquilang monarca, nang siya', pagliluhan na capatid niyang dalaua. nang caniyang pagbalican ang singsing cong minamahal, siya', agad tinalian magcapatid na sucaban.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"nang mayroong sampong dipa ang lubid na nahulog na, ay tinagpas nang espada ni don pedrong palamara. nang maquita co ang lagay nang principeng si don juan, aco tantong daramay sa quinahulugang hucay. aco', agad sinungaban ni don pedrong tampalasan, ang lobo co sa sucbitan ang quinuha co na lamang. inihulog co sa hucay at aquing pinagbilinan cahit patay si don juan ay iyong pag remediohan. ito nga po haring mahal ang iyo lamang hatulan, cun siya', dapat macasal cay dona mariang hirang. ang uica nitong monarca icao ang unang nacuha, an sagot ni leonora aco nga po', dili iba. sa iyo ang carampatan si don juan ay ipacasal. sapagca', iyong binuhay sa balong quinahulugan. sa hatol bagang nasambit sinong macapag aalis, dona maria', nagtindig at capagdaca', nagsulit. ito ang uinica niya daraquilang monarca, dinguin ngayon nang lahat na ang aquing munting querella. ang uica nang haring mahal sabihin mo na at turan, at nang aquing maalaman ang iyong pahahatulan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang uica ni dona maria cun gayon po'maquinig ca, cay don juan dahil baga ang aquing pinag habla. naparoon at nag lacbay sa reinong de los cristal, cami ay nagcaibigan usapan nami'matibay. gaano ang buhay niya sa utos nang aquing ama, aco ang naghirap baga na sumunod sa caniya. cun aquing pinabayaan ang principeng si don juan, hindi na darating naman doon siya mamamatay. nagulo ang gunam gunam ng haring fernandong mahal, cumuhang sanguni naman sa arzobispong marangal. ang sa arzobispong saysay cun sinong unang catipan, siyang dapat pacasalan nang principeng si don juan. sagot ni dona maria ama nang caloloua, ang sa tauong puri baga di buhay ang cahalaga. anang arzobispo naman ngayo', uala ca nang daan, at may na unang catipan na marapat pacasalan. cay dona maria', ito cun uala ring daan aco, hinauacan nanga rito yaong itinirang frasco. ibinuhos na marahan ang tubig sa frascong mahal, ano pa nga', nag languyan ang tauo sa caharian.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang tubig ay umapao nga hangang palaciong bintana, dito', agad nanga mutla ang lahat nang tauong madla. ang uinica ni don juan sucat na sinta co', buhay, aquing ipa aaninao ang totoong catuiran. mahal na pontifice cay jesus na cahalili, yaring aquing munting sabi ngayo', sandaling paquingui. ang princesa leonora ay hindi co tangca siya, sa balong aming sinonda doon co lamang naquita. pinuhunan co nga', buhay sa serpienteng nacalaban, at cay dona juana naman sa giganteng nagtatangan. cun caya pinagliluhan manga capatid cong hirang, sa singsing niyang naiuan na aquing pinagbalican. abot na princesang mahal ang singsing mong nalimutan, at dito nagmulang tunay tanang aquing cahirapan. sa buhay cong pinuhunan nang sa iyo ay pag agao, bagama', iyong binuhay bilang nacapalit lamang. at nag uica si don juan dito aco pacacasal, sa princesang lubhang mahal sa reinong de los cristal. ang uica nitong monarca cay don pedro', pacasal na, at hindi naman sa iba at tunay ring anac quita.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"sapagca', uala cang daan cay don jua', mapacasal, matigas ang carunungan ni dona mariang mahal. ang sagot ni leonora daraquilang monarca, icao po ang bahala na gauin ang balang maganda. nang maringig yaon baga nang haring caniyang ama, sumanguning muli siya sa arzobispo ngang sadya. ano pa nga at nagcabagay pinag isang catuiran, tinauag nilang marahan dona leonorang mahal. nang oras ding yaon naman sabay silang iquinasal, fiesta', dalauang siyam sa berbaniang caharian. ay ano', nang matapos na ang canilang pagsasaya, isasalin ang corona cay don juang anac niya. si dona maria', nag uica monarcang daraquila, sumandaling mag unaua sa aquing ipag uiuica. ang corona', cetrong mahal si don pedro ang salinan, aco', may corona naman sa reinong de los cristal. sa uinicang ito baga niyong si dona maria, ipinutong capagdaca cay don pedro ang corona. ang sa mariquit na reina bunying dona leonora, ibinigay sa caniya ang mahal na diadema.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at sila', umui naman sa reinong de los cristal, gayong layong linacaran isang oras na linacbay. ang catulad at capara nitong si dona maria, lumabas sa, isang guerra at nanalong nagvictoria. ito', aquing pabayaan victoria niyang quinamtan, at aquing ipagsasaysay ang canilang paglalacbay. nang sila', dumating naman sa reinong de los cristal, uala nanga at namatay ama', capatid na hirang. ang dinatnan sa palacio secretario', consejero, siya ngang pagdating dito nang emperador na bago. yaong encantong laon na ay inalis capagdaca, yaong batong balot nila nagsilitao na lahat na. ang lihim na iningatan nang hari nilang magulang sa panahong ito naman ay caniyang inalitao. ang tigre', leon sa parang at tauo sa caharian, sila', nangagsipalual sa balat cayong catauan. nang, mangyaring malabas na ang tauo ay cumapal na, nagpahanda nang lamesa itong si dona maria. ang silla', gayon din naman ay husto ring ualang culang, ang pagcaing bagay bagay sa lamesa', nalalagay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"at sa dulo nang lamesa mayroong dalauang silla, na uupan bagang sadya nang principe at princesa. saca naman capagdaca itong si dona maria, nuha nang isang bandeja inilagay ang corona. cumuhang sintabi naman sa harap nang manga mahal, na naroong napipisan consejeros bagang tanan. pagmalasi', tingnan ninyo ang emperador na bago, siyang nahalili ito doon sa haring ama co. ipinutong capagdaca yaong cetro at corona, at sa cay dona maria ang mahal na diadema. matapos umagapay na ang bunying emperadora, at cumain ang lahat na sa mariquit na lamesa. nang sila ay matapos na nang pagcaing mahalaga, nagsi tindig na lahat na para parang nangag viva. viva ang inahihiyao nang boong sangcaharian, mabuhay na ualang hangan ang emperador na mahal. sabihin baga ang gulo doong sa loob nang reino, arao, gabi ang musico ualang tahan sa palacio. ay ano', sa matapos na siyam na arao na fiesta, caguluha', payapa na nitong bagong nagcorona.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Juliana Martinez,"ang emperador na mahal at asaua niyang hirang, nagpasunod nang mahusay sa tanang nasasacupan. ano ipa', silang dalaua sing ibig na mag asaua, mahusay ang pagsasama ualang pagtatalo baga. sila', lubos nagcabagay at capua manga mahal, mag utos pa ay malubay sa manga vasallong tanan. caya nga', ang naging hanga nitong bunying mag asaua, nang sila', mangamatay na quinamtan ang santa gloria. ito ang dapat tularan nang mag asauang sino man, ang loob na cababaan capatid nang capalaran. aquin nang bibig yang hanga corridong ipinagbadya, cun sa letra', may sumala capupunan ay cayo na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1,0,0 +Ismael A. Amado,"ako'makapangyarihan dito. ang bayang ito ay akin. ang mga bahay na iyan ay akin. ang mga bukid at bundok na iyon ay akin din. ang mga taong iyan ay nanunuluyan laang dito. wala silang bayan. ang bayan nila'binili ng aking bayan. sila ang mga talunang gugu, ang mga di dapat lumaya at magsarili, sapagka'walang kaya, sapagka'mga mangmang, mga incivilizado, mga tamad, at sapagka'kapag pinalaya, sila at hindi kami ang mabubusog sa mga bukid at bundok na iyan na bawa'kimpal ng kanilang lupa ay isang kimpal na ginto! humigit kumulang ay ganito ang wari baga'ibig ipahiwatig ng lakad, dagunot ng paa, imbay, galaw ng mga nagluluwangang mata, at anyo ng mukha ng isang anaki'leon na nagkatawang tao; isa manding nicholas isang tila baga mataas na mataas na di marunong yumuko, di nakakakilala sa alin mang puno. ang maginoong ito ay isa riyan sa mga diyosdiusang mister na laging puputakputak sa pilipinas. kararating laang niya noong umagang iyon sa bayan ng libis.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa walang tigil na kalalakad, siya'sumapit sa tapat ng isang tindahan ng alak. at pagkatapos na matingnan ng isang tinging uhaw ang mga boteng naggigilasan sa loob, ay sinutsutan pagdaka ang may aring si julio at ipinahiwatig dito ang kanyang ibig. ibig niya ay makitang umikot ang mundo, dapwa'sa kasamang palad ay walang dalang maibabayad sa magpapaikot; kaya'isanamo niyang siya'pautangin. si julio ay di pumayag; sapagka'totoong malabis ang pag aalinlangan niya sa taong ito, na hangga ng hangga ay noon lamang natamaan ng kanyang mata. sa mukha, pananamit, mga anyo, pananalita ng bagong dating, ay wala siyang sukat mabanaagang tanda ng pagkamalinis na budhi. dahil sa walang maliw na pagtanggi ni julio, ay biglang uminit ang tuktok ng maginoong mister. ipinalalagay daw siyang masamang tao na di marunong magbayad ng utang sa makatwid, tulad na ng magnanakaw! sa noong kunot ng kausap, ay isang malamig na ngiti ang itinugon ni julio.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"hindi po iyan ang dahil anya talaga pong naugalian na ng aming tindahan ang huwag magpautang sa mga di naninirahan dito, kaya'inyong ipagpatawad. at hinagisang muli ng isang ngiti ang nabigo. nguni'hindi naampat ang dingas. lalong sumiklab ang siga. kumanyon na nang sunod sunod at walang lagot, ang diyos bunganga. katakot takot na bala ng pag alimura ang lumagpak sa mga taynga ni julio! ito'nakapagpigil sandali, dapwa'sandali lamang, at di na nakapagbata ang kanyang dangal. ang palangiti niyang mukha, ay biglang nagdilim. yaong tumitibok sa kabila ng kanyang dibdib, ay biglang napukaw. natikom ang mga daliri, nanginig ang mga bisig. ang inihadlang ni julio sa nagpupuputok wika ko sa inyo'di ko kayo pauutangin at ang pasya kong ito ay walang pagkatinag! walang tao sa ibabaw ng lupa na may kapangyarihan pumilit upang baguhin ko ang aking salita. ako ba'inyong nauunawaan?. pagkasabi nito, si julio ay tumalikod nang kaunti. sinamantala ang pagkakataong iyon ng kanyang kaalit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"maliksing hinugot ang dalang rebolber, lumundag sa loob ng tindahan at pinukol ng tatangnan ang ulo ni julio. ito'nanghina nang kaunti, gayon ma'hinarap niya nang pangatawanan ang mapangahas. di naglaon at gumulong kapwa sa sahig; animo'nililindol ang tindahan; ang mabuway na kinahahanayan ng mga bote ng alak, ay natagilid; gumuho ang lahat ng laman. katakot takot na ingay! dumalong nagtutumili ang dalagang anak ni julio. isang sipang ikinasubasob ng binibining nananangis, ang dito'isinalubong ng halimaw. kahabag habag na mag ama! sa karatig na tindahan ay may ibang nangyayari: dalawang pulis ng bayan at si gerardo ang nahandoon. si gerardo ay isang binatang maglalabing siyam ang gulang: matibay na puso, maliwanag na isip, katawang malakas, at mapangahas na loob sa alin mang gawaing mapanganib.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"mula pa sa mga unang sandaling mabanaagan ni gerardo ang masaklap na bunga ng mga sagutan ni julio at ng kaniyang kalaban, ay sinimulan na niya ang pagpapaala ala ng kanilang katungkulang sa mga pulis na nataunan niya roon; alalaong baga'mamagitna sila sa dalawa. umakmang lalapit ang mga pulis, di ang hindi. datapwa'sa masamang pagkakataon, ay nasabay ang paglapit na ito sa pagbunot ng rebolber ng kaaway ni julio. isip yata'sila na ang susugurin, kaya'biglang nangamutla at dali daling nangagsiurong. ano'tila kayo'natuka ng ahas? ang pagdaka'itinanong ng binata sa bayaning mga pulis. ang kanilang tugon kami ba'mga ulol at ipapain ang aming buhay sa kamatayan? di mo ba nakikita'marrikano iyang may 'ribulber'? kami'walang kaarmas armas, kung kami'labanan, ano ang aming magagawa? nagngitngit si gerardo sa mga salitang ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang malakas niyang sigaw na sinabayan ng isang matinding tulak sa mga pulis na kamunti nang ikinabaligtad nila; at di lamang ito ang nagawa: nilabnot pa sa mga bayaning iyon ang dala dalang mga batuta. singtulin ng kidlat na dumalo ang binata sa sigalot. si julio sa mga sandaling iyon, ay latang lata na sa kanyang pakikilamas; kaya'ang pagdalo ni gerardo ay napapanahon. pagpasok ng binata sa loob ng tindahan ay sinigawan siya ng kalaban ni julio na huwag manghimasok sa kanila. hawak nito ang rebolber; dapuwa'sa gayong anyo ng kaaway, ang batong loob ni gerardo ay lalong tumigas mandin, lalong nabuhay ang kanyang dugo. walang agam agam na lumapit sa nananampalasan, at ubos lakas na inihataw sa ulo nito ang dalang kahoy; nguni'ang hinataw ay nakapagpaputok din, at saka dahan dahang nahilo, nalugmok, nawalan ng diwa. mang julio, nakaganti na kayo!! ang noo'biglang pumulas sa mga labi ng mapusok na binata. tumagis ang bala sa kaliwang bisig ni gerardo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"tumutulo ang kaniyang dugo; samantalang sa tapat ng tindahan ay nagkakatipon ang mga taong pawang pagpuputlaan, nagluluwangan ang mga mata, at naghahabaan ng liig. isang lalaking mataas ang di nagluwat at pumasok; siya ang sargento ng mga pulis. kasunod niya ang dalawang bayani ng sindak. nilapitan ang binata at tumanong: bakit inagaw ninyo ang mga batuta ng mga pulis na iyan? hinagisan muna ni gerardo ng isang nagbabagang tingin ang tatlong kawal na iyon ng pamunuan bago tumugon: sapagka po'aking kinailangan sa pagsugpo sa kapaslangan ng isang taong ganid! ngayon na di ko na kinakailangan, sila'akin nang isinasauli. at inaabot ng binata ang mga batuta sa sargento, na muling tumanong: at bakit naman sila'di man laang ninyo pinagpitaganan? sapagka'iyang inyong mga pulis ay mga duwag! ang napabiglang tugon ng binata.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sapagka'sila'aayaw magsitupad sa kanilang katungkulan; nakita, ng kanilang mga mata ang gayong pagyurak at paglait sa kanilang mga kabalat, ang gayong pagluha ng matwid; at gayon man, sa harap ng karawaldawal na nangyari, ang mga pulis na iya'di nag kaloob na kumilos, humalukipkip na lamang, nagpatay patayan!. ganyan po ba ang mag iingat ng kapayapaan? sa mga taong gaya nila'ano ang mahihintay ng bayan? kundi isang di makakatkat na kahihiyan at pagpula sa kanya ng ibang lahi!. dito'hinarap ang nagsisiksikan at nagngangang mga tao sa labas ng tindahan; ibinaling muna ang paningin sa lahat ng dako at saka nagpatuloy: sa mga sandaling ito, mga kababayan, huwag lilimutin na ang mata ng boong sangdaigdigan ay napapako dito sa pilipinas. bawa'kilos, bawa'gawa, pagkakamali pagkakasulong, ay minamasdan nila. kinukuro, tinitimbang lahat na iyan, upang pagkatapos ay pasiyahan kun tayong mga pilipino ay may matwid wala sa paghingi ng kalayaan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kaya nga nararapat na sa mga araw na ito ay magpakaingat tayo sa ating mga kilos. huwag tutulutang makasinag dito ang mga taga ibang lupa, ng ano mang gawang maipupula sa atin. iyang kahinaan ng loob, takot sa mga gawang laban sa katwiran, ay di nararapat kailan man na ipamalas ng isang bayang gaya nito, na naghahangad lumaya. upang ang bayang iya'kaalang alanganan ng iba, ay kailangang ipakita sa lahat nang panahon, na ang kanyang mga anak ay di natutulog sa hangad ng ibang dungisan at idiwara ang kanyang puri'karangalan iyang mahalay na pag aalaala sa sarili na nababagay laang sa mga loob na marurupok ay kinakailangang iwaksi sa mga ganitong pagkakataon; sapagka'ang maling pag aalaalang iyan ay siyang nagdudulot ng karupukan sa puso, siyang nagpapatulog sa dugo, gumugulo sa isip, at nagpapaurong sa kaluluwa upang lumayo at tumalikod sa panganib na dapat sagupain at sugpuin!. naputol ang salita ni gerardo, dahil sa biglang pagkilos ng nalulugmok.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"nasauli na ang pagkatao, idinilat ang mga mata at titindig sana, nguni'sino yaong nasa kanyang harap at pigil sa kamay ang isang rebolber na nakaumang sa kanya?. napaupong muli. si kamatayan na ba? kakalawitin na kaya siya? inapuhap sa likod ang kanyang sandata: dapwa'wala!. lalong namutla ang mukha, lalong nanginig ang katawan. nangusap ang kinatatakutan sa wika ni shakespeare: kung ang buhay mo'iyong pinahahalagahan ay huwag kang kikilos!. nauunawaan mo ba? isa na lamang tango ng pagayon ang naitugon ng nangangatal, sapagka'di maibuka ang bibig, di mabigkas ang ibig sabihin. nagpatuloy si gerardo. ibig kong mabatid kung ikaw ay taga saan. amerikano ang marahang sagot ng nanglalamig. ah!, amerikano!. ang ulit ng binata, na may kahalong mapait na ngiti. at ano ang sumuot sa amerikano mong tuktok at ikaw ay nananampalasan dito?.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang akala mo ba'sapagka'naturan kang amerikano at ang kaharap mo'mga kayumanggi ay maaari mo nang yurakan ang kanilang karapatan at isalusak ang kanilang karangalan?. di mo na inalaalang sila ay iyong kapwa? na sila ay iyong kapantay? oh, kayong mga dayuhang halimaw! sino kayong papariparito sa isang bayang di inyo at pag nahandito na'walang kakalasagin kundi ang pangdadahas at paghahariharian? iyan baga ang inyong igaganti sa bayang ito na kahima'hirap na'tiis pa rin nang tiis, masunod lang kayo? kahi'hapo na'hila pa rin nang hila, kayo lamang ay mapagbigyang loob? ah, mga walang turing!. mga pusong masasakim at mapagmataas! di na ninyo inisip na doon sa langit ay may isang diyos! isang diyos na nagmamasid sa inyong mga kilos, isang diyos na walang kinikilingan, ang diyos na huhukom sa inyong mga gawa!!. may araw ring kayo'sasayaran ng kanyang kamay, may araw ring lalagpak sa inyong mga ulo ang mabisang sumpa at higanting kakilakilabot ng isang bayang dinadaya! mga kahabaghabag!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"saka kayo magsisisi!!. hindi nasayang ang mga salita ni gerardo: sa labas ng tindahan ay boong bayan na halos ang sa kanya'nakikinig. pagkaraan ng ilang sandali ay pinatindig ang amerikano. lumabas ka rito aniya, at humarap ka ngayon din sa hukom. ang inutusan ay nakayukong tumindig, nakayukong lumabas at nakayukong sumapit sa pinto ng hukuman. sinusundan siya nina julio, gerardo at ng maraming taong bayan. di nalaon at dumating ang mga nagsasakdal sa tanggapan ng hukom; nguni'sa masamang pagkakataon, ito noo'wala sa loob ng bayan. may nagsasabing siya'napa sa maynila, at di maalaman kun kaylan babalik. inaharap ang sakdal sa pangalawang hukom, dapwa'ito'tumangging lumitis sa usapin, sapagka'siya'kamag anak ng nagsasakdal na si julio. ayon sa kautusan, ang presidente municipal ng isang bayan ay siyang makakahalili ng mga hukom kapag ang mga ito'walang kaya karapatang lumitis sa isang usaping criminal .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sapagka nga'ito ang ipinaguutos, ang mga magsasakdal noon di'nagsitungo sa bahay pamunuan upang dumulog sa harap ng presidente. maximo san jorge de los santos ang tunay na ngalan ni kapitang memo, ulo ng yaman at presidente municipal sa libis. siya ay isang lalaking may mataas na tindig, mukhang bilog na kinababanaagan ng ilang patak ng dugong dilaw, ulong tihaba na napapalamutihan ng mapuputing buhok, mga matang busog na animo'ipinaglihi sa mga mata ni mutsu hito, ilong na hiniram kay san mateo, bibig na inihawig sa bibig limahong at tiyang kauri ng tiyang taft. ang maginoong ito ay isa riyan sa mga nabantog na kapitan noong mga araw na ang pilipinas ay kasalukuyang iniinis ng kakastilaan; siya'nabantog, sapagka'tangi sa masalapi, ay lubhang malupit sa mga taong bayan, mapagbalak ng mga masasagwang utos na pawang udyok ng kasakiman, mapagparatang at mapagparusa ng mga parusang hayop sa mga binubuhatang nagkasala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"walang tumutol sa mga hidwa niyang kagagawan na di niya sinumbatan pinangakuan ng ganito gayong pagkapahamak. ibig supilin ang lahat; paano'wala siyang pinakamimithi kundi ang sambahin, kilalanin at tawaging hari hari sa lahat ng bagay, hari ng lahat ng tao, kung mangyayari, ng kanilang mga pag aari, katawan at damdamin. iyan ang kanyang adhika sa gitna ng gayong mga nagyukong masunurin, mga tikom na bibig, mga dilang alipin. iyan ang kanyang pinangapangarap, ang boo niyang hangad mula sa sandaling mapasakanya ang tungkod ng kapitan ang mahiwaga'makapangyarihang tungkod na siyang lalong pinagkakautangan ng kanyang pagkamasalapi, pagkamalupain, at pagkamapalalo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa harap ng ganyang mga adhika, katakataka kaya na nang mabago ang pamahalaan, pagkalaganap dito ng kautusang nagpapahintulot sa mga bayan bayan ng malayang pagpili sa kanikanilang pinuno; katakataka kaya na maisipan ni kapitang memo na samantalahin ang pagkakataon sa pagbabakasakaling siya ang mahalal na presidente sa kanyang bayan? alam ni kapitang memo na lubhang marami ang kanyang kaaway; na ang kanyang kabangisan ng panahong lumipas ay di pa nalilimot ng mga manghahalal; na ang takot at pangingilag sa kanya ay di pa nakakatkat sa mga apdo ng karamihan; na ang kanyang kalupitan sa pamumuno ay sariwang sariwa sa kanilang alaala. batid ni kapitang memo ang lahat ng iyan. at iyan ang mga dahil kung bakit siya'malaon ding nabalisa at nagalinlangan, bago natuluyang magharap ng kanyang kandidatura sa nalalapit na halalan. dapwa'hindi ang isang kapitang memo ang uurong. bakit ba hindi niya titikman? ay ano kun sakali ma'siya'matalo? hindi ba siya datihan sa pagkatalo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa mga templo ng san jorge at mga titilaok? walang urong urong! ang matigas niyang sabi sa kanya rin. at hindi nga naman umurong. sinimulan na ang pangatawanang paglakad. nagkatusak ang kanyang mga leaders na walang humpay ng talumpati dini at talumpati doon. nagpagawa sa maynila ng libo libong carteles na kinatititikan ng mga salitang: sr. maximo san jorge de los santos. libertad, igualdad, fraternidad. sa di kawasa'dumating ang araw ng halalan. dumating ang oras ng pagbilang ng mga boto. napagalaman sa wakas na tatlong daan at lima ang bilang ng boto kay kapitang memo; samantalang dadalawang daan at anim ang tinanggap ng kaniyang kapaligsahan. talinghaga ng mga pangakong matatamis! talinghaga ng mga ganting palang makalansing! talinghaga ng mga mukhang hudas na nakangiti!. tigas na tuwa ng kapitan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa tatlong araw na sumunod sa halalan, si kapitang memo tuwing magiisa, maging sa pagkain, maging sa paghiga hanggang sa pagtulog, ay walang nabibigkas kundi ang gayari: sa makatwid, ako ay presidente na ngayon ha! at sa makatwid, ako ay makapangyarihan na naman! ganito, ganito ang mabubuhay. laging nasa itaas, laging tinitingala at hindi nasusuway! iyan ang si kapitang memo. talaga yatang sinasama ang mga magsasakdal. ang presidenteng sinadya sa bahay pamunuan ay wala rin doon. hindi pa dumarating. ang oras na iyon ay hindi pa oras ng pagdating ni kapitang memo sa kanyang tanggapan. iyon ay oras lamang ng kanyang pagbangon, ng paghiwalay sa mapanghalina niyang higaan, ng pagpapaalam sa isang kinawilihang pangarap. si kapitang memo ay di nararapat bumangon ng maaga; hindi ito nababagay sa kanya. siya'isang maginoo, isang kapitan, isang presidente na sumasahod buwan buwan ng walongpung pisong matunog.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"bumangong maaga ay nababagay lamang sa mga mahihirap, sa mga magsasaka, sa kanyang mga kasama, alila at mga hindi maginoong gaya niya. tinutugtog ang ikasampung oras nang si kapitang memo ay magbangon noong umagang iyon. ang mga hikab niyang sunodsunod at mga matang pipikitpikit ay nagpapakilalang di pa nasisiyahan sa tulog. at muli sanang mahahandusay ang mahal nating ginoo, dangan at nagitla sa ingay ng maraming tao na noo'naghuhugusan sa tapat ng kanyang bahay. ang mga taong ito'siyang kasunodsunod nina gerardo mula ng iwan nila ang tindahan ni julio; ibig sana nilang mapanood ang paglilitis, dapwa'nabuktot na lahat sa pagiintay sa presidente, kaya'ngayo'nangaguuwian na. salamat sa ingay nila at nabugabog ang masipag na pinuno ng bayan; sa wakas ay natuluyan ding mamulat ang mga namumugtong mata na animo'nagsasabing kami ay busog na busog! pagkakain ng almusalan, ang ating maginoo ay humilig sa isang sillon; at dito'sinimulan ang walang lagot na pagpapausok sa isang germinal .",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"hinintay pa munang mangalahati ang sagisag na iyon ng isa sa mga masasamang hilig ng tao, bago nagbihis si kapitang memo upang dumalo sa bahay pamunuan. tinutugtog ang ika labing isang oras ng umaga nang siya'sumapit doon. pagpasok na pagpasok ng pinto, ay isang tukso ang kaagad ay sumagupa sa kanya. sa dakong kaliwa ay may isang malapad na bangko at sa ibabaw ng bangko ay nakatukmol ang isang pulis na uuga uga ang ulo, nakabuka ang bibig, at unti unting nabababa ang mga balintatao. sa ganitong anyo na bilang pasalubong sa kanya ng kawal niyang hinihila ni antok, ang makisig na pinuno ay biglang siniglan ng pangungupinyo. ano ba'ang buisit na iyon eh, tila ginagagad ang anyo niya kanina ng siya'bago lang kagigising? dahandahang lumapit ang nagngingitngit, sinunggaban sa batok ang tukso at walang sabi sabi'niluglog ito ng walang kapatupatumangga. ah, salbahe! di nahuli rin kita!. iyan, (suntok) iyan, (sipa) at iyan (dagok) ang bagay sa iyo, tamad! walang hiya!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kung kaya ka ba binabayaran ng sampung piso buwan buwan ay para magtulog ka rito? walang hiya! gitlang gitla ang pinupog ni kapitang memo. sa kagulatan ay nakalundag tuloy sa di oras ng limang dipa. samantalang nagbububusa ang bibig ng kapitan ang iba namang mga pulis ay pawang nagpuputlaan at nanginginig, lahat ay nangagtayo ng tuwid na tuwid, walang makahuma kahi'isa. pagkatapos ng ganitong pagpapakita ng gilas sa silong, ang mabangis na puno ay dahandahang nanhik na nanglilisik ang mga mata. sina gerardong inis na inis na sa pagiintay ay napabuntong hininga na lamang ng maramdamang siya'dumadating. aba, mang julio ang bigkas ng binata; lumuhod po kayo at narito na ang ating czar! si julio'napabulalas ng tawa. angkap na angkap nga sa kanya ang ngalang iyan! hindi lumawig ang pagtatawa ni julio; humalili sa kanya ang isang pagkamangha, pagkatapos na maibaling ang paningin sa dakong hagdanan. pati si gerardo ay napa aba!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"katakataka nga nama'lubhang mahiwaga ang mapapansin ng isang nagmamasid sa pinamagatang czar na sa sandaling iyon ay kapapanhik pa lamang. pagkakitang pagkakita sa amerikanong isasakdal (na noo'nagkataong nakatalikod at kasalukuyang nawiwili sa pagtingin sa isang nakasabit na magandang larawan ng nuno ng mga federal,) ang presidente ay natigilan nang biglang bigla; tulos na tulos sa puno ng hagdanan; ang mga mata ay pinanawan ng panglilisik at kusang napako sa likod ng amerikano. tumindig sina julio at nagbigay ng magandang araw dapwa'ni tango, ni tingin man lang, ni ano pa mang tanda ng pagganti, ay di sila nagkamit. papaano'ang boong pag iisip ni kapitang memo ay nabubunton sa isasakdal na mula, nang tamaan ng kanyang mata ay pinasikdosikdo ang loob niya nang gayon na lang. kanya mandin natatandaan ang hubog ng pangangatawan ng amerikanong ito!. tunay nga kayang ito'si. habang nagtatagal ang kanyang pagmamasid ay lalo at lalong nakikilala ang pinagmamasdan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"isang matinding tikim na kinaugalian, at isang magaslaw na kilos ng nakatalikod, at. biglang namutla ang natutulos sa puno ng hagdan! ang tikim at kilos na iyon ay kilalang kilala niya; wala kundi si stag lang ang marunong kumilos at tumikim ng ganoon. at bakit ito'napaparito ngayon?. ang kahi'di sinasadya'naibulong sa sarili ng namumutlang pinuno ako kaya ang talagang hanap?. alam kayang presidente na ako ngayon?. maanong huwag ng maalaala.! hindi man ibig ni kapitang memo ay kusang ipinadpad siya ng kanyang gunita sa panahong nagdaan sa taong. sa isang hating gabing madilim nang silang dalawa ng amerikanong ito, ay magkasamang lumansag sa isang pintong nakalapat sa lalawigang tarlak. sariwang sariwa pa sa kanyang alaala ang mga nangyari noon! hindi, oh hindi niya malilimutan ang pagkaparool ng isang ama, isang amang tagalog, na noo'walang malay na naligo sa sariling dugo dugong pinaagos ng kanyang kamay, kamay niya ni kapitang memo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"hindi pa rin nakakatkat sa kanyang gunita ang mga himutok, at pananambitan ng dalagang anak ng amang iyon anak na sa isang sandali ay inagawan ng magulang, at pinagnakawan ng tanging kayamanan ng isang dalaga: ang sariling puri. at ang nagnakaw, ang naglubalob sa lusak sa puring iyon ay siya rin, siya si kapitang memo! at lalong hindi pa rin nalilingid sa kanyang guniguni ang kinang at dami ng pilak na sa bahay ding iyon ay kanyang nalikom. ang pilak na ito ay umabot sa halagang salaping pinagkayariang hatiin nilang dalawa ni stag na lubhang malaki ang pagod na ginugol sa kapangahasa'katampalasanang iyon. ang paghahating ito, sapagka'hindi maaring gawin noon din, ay ipinagpaliban sa umaga ng kinabukasan at sa bahay ni kapitang memo sa tarlak. dapwa'ang paghahati ay di natupad: noon ding gabing iyon, ang makisig at tusong kapitan ay nakalipad sa ibang lupalop. taglay niya ang piso at isang sariwang katawan. sa minsang sabi, si stag ay nalinlang niya, ni kapitang memo!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang kapitan ay papanaog na sana at ang tangka'umuwi noon din upang siya'makapagtago sa pinangingilagan. dapwa', huli na! hindi pa man lang nakatatalikod ay hinalo na siya nang sunodsunod ng dati niyang kasakasama. kun sa pagbati sa kapitan ang bibig ni stag ay nakangiti ang kaluluwa naman niya'nagngingitngit sa pagsigaw ng: hayop, di ka na muling makawawala sa akin! ang kaawa awang presidente ay hindi na nakatuloy ng pagpanaog. ano ang dapat niyang gawin ngayon? wala, kundi ang maglakas loob. hinarap ang kanyang dating kaibigan at bumigkas ng ganitong mga pangungusap: oh, si mr. stag! hindi ko kayo nakilala! ipagpatawad ninyo! saan kayo galing? ang akala ko'umuwi na kayo sa amerika. nguni'magtuloy, magtuloy kayo! binuksan ang pinto ng tanggapan ng presidente at silang dalawa ay nagsipasok. malawig ang kanilang salitaan. tuwang tuwa, si stag nang maalaman na itong kaibigan niya ay umasenso na pala.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,at lalo pa manding nag ibayo ang kanyang pagkatuwa nang maalamang ang bata niya'siya palang huhukom sa usapin nilang dalawa ni julio. si kapitang memo naman ay punong puno ng salitang patawad! bawa'pangungusap niya ay may kalakip na isang patawad! walang magaslaw na salita si stag na di niya tinugon ng isang malambing na patawad!. natapos ang kanilang lihim na pagpapanayam pagkaraan ng isang oras at kalahati. binuksan ng presidente ang pinto ng kanyang opisina at sinigawan ang sargento ng mga pulis. ang tinawag ay halos mag kandarapa sa pagmamadali nang pagharap sa kanyang pinuno. papasukin dito iyang mga taong may ihaharap na sakdal ang utos ng presidente. ang tugon naman ng sargento. ika isang oras ng hapon nang maharap sa presidente sina julio at gayon ma'malaon pa ring sila'naghintay na hindi man lang kinikibo. sinamantala ni gerardo ang panahon; pinagaralan sandali ang nalalarawan sa mga mukha ni kapitang memo at ng kanyang katoto.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"may isa siyang hinala, na ibig malaman kung tunay hindi. tiningnang una ang amerikano. ibang iba ito ngayon: wala na ngayon ang ulong kanina'nakayuko; wala na rin ang mga labing kanina'nangangatal; wala na ngayon ang mga matang duwag na kanina'di makalaban sa kanya ng titig. ibang iba nga ngayon si stag; mistulang hari na naman na ibig magpasuko sa lahat, pati sa diyos! ang bawa'titig niya kay kapitang memo, wari'naghahatid ng mga ganitong salita: ako ang panginoon mo ngayon. ako'ililigtas mo sa usaping ito, ang ulo mo'aking paliliparin! sa bawa'titig ni stag na may ganitong kahulugan ang kapitan ay may isang magiliw na tugon: huwag kang magalaala katoto. madali ang pagliligtas sa iyo. may katwiran si kapitang memo sa kanyang sinabi: ililigtas niya si stag at ang paraan na kanyang gagamitin ay madaling madali. dadaanin sa bagsik, sa dahas, sa sigaw! aling kaluluwa sa boong bayang iyon ang di manginginig sa isa niyang darag, sa isa niyang pandidilat?.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sino doon ang di niya mapaaayon sa kanyang maibigan? sino ang mangangahas na makipagsagutan makipagtalo sa kanya? sino ang humarap sa kanya na di niya napayuko? isang nagtatapang tapangan; isang palalo, hambog, walang galang! iyan ang hangal na laging lumilibak sa kanyang pagkapinuno. iyan ang nagdudunung dunungan na tumatawa sa palakad ng kanyang pamahalaan. iyan ang ulol na malaon nang iniibig niyang masukol sa isang sulok upang. maalis ang pagka ulol! salamat, at ngayo'nasukol na niya! ngayon niya malalasap ang tamis ng pakikipagtalo sa isang kapitang memo. ngayon sila magkakaalam at ngayon magbabayad ng mga utang ang hambog na iyan! pinanglisik ng kapitan ang kanyang mga mata, kinunot na mabuti ang noo at saka minasdan ang binata. talagang walang hiya, talagang hambog, talagang palalo! diyata'ang titig niyang iyon ay di man lang iginalang, hindi man lang inino? diyata'hindi man lang kumisap, diyata'ang ulo'hindi inayuko?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ano'ang anyo ng ulol na ito ay animo'nanghahamon, animo'nagtatawa, nangungutya? bakit at ang mga kamay ay hindi nakahalukipkip, bakit hindi namumutla, bakit hindi nanginginig gayong nasa harap niya niya, ni kapitang memo?. nang mamalas ito ng mabalasik na pinuno, ang di masayod na pagkapoot niya sa dati nang kinapopootang binata, ay lalong nagibayo, lalo siyang ininis. sa wakas, ay hindi na nakapagpigil, hindi na nakapagbata: inalabas na ang pagka kapitang memo! pagkatapos na masipang makaitlo ang inupang silla, ang presidente ay hinarap si gerardo at nanginginig na tumanong: ikaw! ano ang daladala mong iyan? lumapit ang binata sa mesa ng hukom, inilapag doon ang rebolber ni stag, at saka sumagot: iyan po,. presidente, ay. ang putol ni kapitang memo; ang rebolber na iyan ay aking kilala, kilala ko! alam ko na ang may ari diyan ay hindi ikaw. bakit at ngayo'nasasa iyo? bakit ayaw mong ibigay sa may ari? bakit ka nakikialam sa ari ng may ari?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"bakit at kabatang bata mo pa ay lubha kang mapanghimasok? ang hadlang ni gerardo. ang kapitan ay di napigil: ngayon di'isasauli mo iyan sa tunay na may ari, papasok ka sa bilanguan! isang madiing suntok sa mesa ang isinunod sa bilanguan. magdahandahan, po tayo.! anong dahandahan! napakabilis po kayong humatol,. presidente. ang pakli ng pinuno. ang aking utos? ay ano ang aking utos? ang utos ko ay tumpak, nasasalig sa matwid! hindi ba matwid ang ipasauli ang ari ng may ari? kun ayaw kang sumunod, kun ikaw ay magmamatigas, kun di mo isasauli ang rebolber na iyan, ngayon di'papasok ka sa. kahi'po saan ako'handang pumasok, ang matigas na sagot ni gerardo; ibig ko po lang dinggin ninyo ako sandali kung mangyayari. tingnan ninyo: ako'inyong pinipilit na isauli ko ang rebolber na ito sa amerikanong iyan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"wika ko po sa inyo'walang kailangang ako'inyong pilitin, walang kailangang ako'inyo pang balaan at lalong walang kailangang kayo'magpadinig ng mga ganganyang pangungusap at magpakita ng mga ganganyang kilos na mula ng likhain ang hukuman ay di nakikita sa alin mang hukom na may iwing dangal. ang lahat ng iyan ay hindi kailangan, ang sabi ko, sapagka'tantuin mo po,. presidente, na ang isa sa mga dahil ng aking ikinaparito, ang isa sa mga dahil kung kaya ko napagtiisan ang halos kalahating araw na pagiintay sa inyong kamahalan, ay upang aking maibigay kaagad sa ilalim ng kapangyarihan ng hukuman ang sandatang ito na tinikis kong kunin sa nagmamayari. at ang dahil po kung kaya ko tinikis ito ay sapagka'sa pamamagitan ng sandatang iyan, ay munti na niyang basagin ang ulo nitong aking kasama, at kung nagkataon ay munti na niyang alisan ako ng buhay. naito po ang aking sugat na hangga ngayo'dumudugo pa. sugat!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang hadlang ng hukom na may kahalong ingos; at ano ang mapatutunayan ng sugat na iyan? kung kaya ka sinugatan ng iyong kalaban ay sapagka'hinataw mo siya sa ulo! kung kaya ko po siya ginanon ay sapagka'lumabag siya sa atas ng matwid, yumurak siya sa kadakilaan ng tahanan at tinaksil doon ang isa niyang kapwa dahil na dahil lang sa di pagpayag nito sa hidwa niyang nais!. at ikaw ba ang tinaksil, ikaw ba ang tinampalasan? ang tanong ng nandidilat na kapitan. hindi po ako, nguni'. ikaw ba'kamag anak noon? hindi po, datapwa'. gayon pala, ay ano'ikaw ay nanghimasok sa kanila? sino ka baga rito sa bayan? hinagisan ni kapitang memo ang kaibigan niyang noo'walang kakibo kibo, ng isang tingin na wari'nagsasabing: ligtas ka na! paniwalang paniwala siya na ang mga huli niyang salita ay yuyukuang pilit ng binatang katalo. ano pa ang ikakatwiran ng binatillong uhuging iyon? nabigo ang pag asa ni kapitang memo. ang noong iniintay na iyuko, ay lalong ipanagtaasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"itinanong mo po, ang marahang sapol ni gerardo, kung ako'sino sa bayang ito. hindi ko na po sana kailangang sagutin iyan sapagka'labis na ninyong talos. gayon man ay pagbibigyan loob ko rin kayo. presidente, ay isang hamak na mamamayan, isang may mababang uri, isang musmos. datapwa po'sa gitna ng aking pagkamababa, sa gitna ng aking kamusmusan, ay may isa akong kayamanang nakikilala at maipagmamalaki ang mga gintong karapatan, ang mga katutubong kapangyarihan ng bawa'taong malaya. karapatan po at kapangyarihan ng isang tao na ipagtanggol ang sariling buhay; kapangyarihan din niya ang itaguyod ang buhay ng iba, ng isang inaapi at tinatampalasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"naito po ang dahil kung bakit ako, ako na isang hamak, ako na isang mababa, ako na isang musmos, ay nanghimasok na mamagitna sa amerikanong iyan at dito sa aking kasama nang sila'nagaaway; at nariyan din po ang dahil kung bakit di ako nagalinlangang hatawin noong sandaling iyon iyang inyong katabi, na, kagaya ng lahat ng mga duwag, ay sinamantala ang isang pagkakalingat ng kanyang kalaban upang ito'lubos na mapipilan at nang sa gayo'sumakanya ang pagwawagi. si kapitang memo ay tumungo, nagsalikod kamay at lumakad ng paroo'parito. nagpatuloy ang binata: hindi ko nga po lang inaring karapatan at kapangyarihan ang manghimasok at ipagtanggol ang aking kakilala sa mapanganib niyang kalagayang yaon, kundi ibinilang ko pang isang katungkulan rin sa aking lagay na pagkataong bayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"iyang inyong mga pulis na nangaroon, iyan pong mga kawal ninyo na siyang lalong may tungkuling tumupad sa aking tinungkol, ang mga iyan na sakdal ng tatapang sa pagdarag sa kapwa nilang tagalog at pagdahas sa mga mahihina, ng makitang amerikanong malaki pala at hindi tagalog na maliit ang nanampalasan, ang mga iyan ay pawang nangagsitangging sumugpo sa gayong katampalasanan, pawang nangagsiurong na animo'hinagad ng libolibong kulog. at ang iminatwid ay sapagka'may sandata raw ang sinapantahang anti kristo, nguni'sila ay wala! biglang tumigil ang pinuno sa kanyang inalakad lakad; hinarap si gerardo at di magkantututo sa pagsigaw ng: pu pu pues, may katwiran sila! may katwiran silang magingat; at, at, at, kung sila nga nama'barilin? hindi ba'ikaw rin ang may sabing karapatan ng isang tao ang itaguyod ang sariling buhay?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"tunay nga po, dapwa'ang taal na pusong lalaki ang pusong tinatangkilik ng karangalan ang pusong nananalig at umiirog sa matwid ang pusong napopoot sa mga hidwang asal, ay huling nagaala ala sa kaniyang sarili, nililimot ang halaga ng sariling buhay at iniibig pang ito'maparool maipagtanggol lamang ang katwiran ng isang kapwang nilulupig! ang putol ni kapitang memo, di yata'pipilitin mo silang magpakamatay, mailigtas lang ang buhay ng iba? presidente, ay dapat pangahasan kapag kailangan. ang sigaw ng pinuno na muling tumungo, nagsalikod kamay at nagyao'dito ang mga ulol na nagsasawa sa buhay ang tangi lang makasusunod sa mga aral na iyan! ang mga pulis ko ay hindi mga ulol! kung kaya sila nangagsiurong na gaya ng sabi mo ay hindi sapagka'sila'mga duwag, kundi sapagka'sila'natutong gumamit ng ulo, natutong gumamit ng sentido comun.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"alam nila ang halaga ng buhay; sila ay mga padres de familia; may mga anak, asawa, magulang na sa kanilang kanila lang umaasa; bakin kaya at hihinting sila'magpatiwakal? at dito'hinarap na naman ang binata. bakit sasawiin ang buhay nila sa walang katuturan? at ang kanilang mga magulang, mga asawa, mga anak? mapapantayan mo ba ang luha at dalitang sasapitin ng mga ulilang iyan? kung sakali man po,. presidente, ang banayad na sagot ni gerardo sakali man po at sinapit sila ng pagkasawi, ang mga kamag anak nilang maiiwan ay hindi dapat manghinayang ni di dapat ipaghinagpis ang kanilang kamatayan, sapagka'kagaya ng mga tunay na lalaki, sila'nagpakamatay sa pagtupad ng katungkulan! nabaon man ang mga katawan nila sa ilalim ng lupa, ang kanilang alaala ang kanilang mga ngalan, ang kanilang kabayanihan ay makikintal sa diwa'puso ng kanilang lahi upang kailan ma'manariwa doon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang mga anak nila, ang kanilang kaapu apuhan, at lahat kaming mga bagong sibol ay laging aawitin ang kadakilaan ng kanilang gawa, pipintuhuin namin at igagalang ang kanilang alaala, at sisikaping tularan ang inihasik nilang halimbawa. ang inang bayan, ang pinakaiirog na inang bayan ay yayakapin ang kanilang mga bangkay, hahandugan sila ng matatamis niyang halik, at pagkatapos na maisulat ang sagisag na martyr sa kanilang mga noo, ay ituturo sila sa boong sangsinukob, kasabay ang sabing: 'ang mga anak ko ay mga bayani ng matwid!' may kamatayan po bang diya'dadakila pa? ang ingos ng presidente; que bayani ni que bulati. que bayani ng matwid! bayani ng kaululan! at pagkatapos na makamut ang ulo ay nagpatuloy: nguni'. pero ikaw ba naman ay wala nang kaisip isip, at di mo makurong ang pinagsasabi mong iyan ay pulos na kahibangan? sino baga ang iyong mapaniniwala na. jesus maria jose! ako lang ay pinagtatawa mo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"diyata'ako'magpapakamatay mailigtas ko lang ang isa kong alila, ang isang ita, ang isang insik? laking kabulastugan!. ang isa pong magliligtas ani gerardo ay hindi sinisino ang sinasaklolohang napapanganib hindi inuusisa kung ang ililigtas niya ay kamag anak, kauri hindi, hindi siya tumitingin sa kulay ng balat; ang kinukuro niya ay kung nararapat na iligtas ang napapanganib: alalaong baga'kung ito'kinakandili ng katwiran . muling napahalakhak si kapitang memo; ang pagkapoot niya kay gerardo at pagkatigagal sa mga pinagsasabi nito ay nagtatalo sa kanyang loob. iiling iling na sumagot: mga haling na pag iisip! palibhasa'ikaw'bata pa, ay hindi mo kinukuro ang iyong pinagsasabi. napangiti si gerardo; munti na siyang mapa ehem! ibig mo bagang ipakita ko sa iyo ang kaululan ng iyong teoria? ang dagdag ng kapitan na ngayo'nagboses pare. ipagkakapuri ko po, kung inyong mamarapatin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"si kapitang memo ay nagsindi muna ng isang tabako, bago nagpatuloy: makinig ka: sa kanino mang taong may gadaling noo ang sariling buhay ay siyang lalong pinakamahalaga, siyang pinakamamahal niya higit sa alin mang bagay at sa kanino man. ito'isang katotohanang di mo mapupuwing sa aking harap; ako'matanda na,. at kilala ko ang lakad ng mundo. at sa katunayan ng aking sinabi ay nariyan ang libolibong taong napa aalipin upang magkaroon lang ng maipagtatawid buhay; nariyan ang daan daang babae sa maynila na ipinag bibili sa balana ang kanilang mga katawan at puri upang magkaroon lang ng maikabubuhay! nariyan ang mga taong taga labas na nanghaharang at pumapatay ng kapwa upang magkaroon lang ng ikabubuhay! ano pa'lahat ay ginagawa upang mabuhay lang! samakatwid, lahat ay buhay at buhay ang hanap! ngayon at dito'ipinaglakasan ang salita ngayon, ano iyang katunggakang ipinipilit mo na katungkulan ng isang tao na sagipin ang napapanganib kahi'na masawi ang kanyang buhay?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"diyata'lahat na'ginagawa upang lumawig lang ang buhay at saka ngayo'ipangangalandakan mo na di kailangang mamatay mailigtas lang ang iba? ano ang iyong mapapala sa pagliligtas na iyan? aakyat ka ba ng langit? oh, aking tinatawanan ang mga isipang iyan na walang kaulo ulo! isipin mo na lang ang nangyari sa iyo kanina. magtanda ka at madala ka na sa napala mong iyan sa panghihimasok sa di mo dapat panghimasukan. mabuting mabuti na lang at sa bisig ka tinamaan ng bala. at kung sa tiyan?. marahil kung nagkataon, ha! ay inaagunyas ka na ngayon! napangiti si gerardo ng isang malungkot na ngiti. pagkaraan ng ilang sandali ay banayad na sumagot: kung ako man po ay nagkadurog durog, ang gayon ay walang kailangan sa akin! hihimlay ako sa libingan ng walang pagsisisi, kakaulayawin ko roon ang tangi kong ligaya ang ligayang pilit na sasaakin sapagka'ako'namatay sa pagtupad ng aking katungkulan, sapagka'ako'namatay sa pagpupunyaging igalang ang watawat ng wagas at katutubong matwid!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa gayon ay di na ako masisisi ng aking bayan!. ang sabad ni kapitang memo, at muling kinamot ang kanyang tuktok mga maling pangarap! hanggang saan nakikilalang ikaw ay bata pa nga lang! hanggang saan mo ipinakikita na wala kang kamuwang muwang sa pamumuhay!. ano iyang ligayang sinasabi mo? bunga ng kahibangan! ibig mo bang ituro ko sa iyo ang tunay na ligaya ang ligayang dapat mong sikapin? itinaas ng nangangaral ang kaliwa niyang kamay, pinag abot ang mga dulo ng hintuturo at ng hinlalaki, at saka nagpatuloy: ang salapi!! kapag ang tao ay mayroong salapi, sa kanya ay walang hindi maaari! sa pamamagitan niyan, at niyan lang, makakaranas ka ng tunay na ligaya; iyan lang ang makapagbibigay sa iyo ng kariwasaan sa pamumuhay. kaya nga, wika ko sa iyo, ay huwag mong sayangin ang iyong buhay sa mga hibang na pangarap. samantalahin mo ang panahong itinadhana ng diyos para sa iyo dito sa mundo. habang ikaw ay nabubuhay, pues magpasasa ka sa tamis ng buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"iyang biyayang sinasabi mo na dadating sa iyo pag ikaw ay nalilibing na, ay hindi mo maaasahan. mabuti na lang kung ikaw ay papasukin sa pinto ng langit, at kung hindi?, at kung doon sa isang pinto ka mapasuot?. hindi po ako dapat magtakha,. presidente ang salo ng binata hindi po ako dapat magtakha sa mga sinasabi ninyo. ang mga ganyang paghahakang bulok ay palasak na palasak pa nga dito sa atin. para sa mga gaya ninyo, ang buhay ng tao ay dapat gugulin sa loob ng isang palasyong ginto, sa laot ng kariwasaan at lubos na ginhawa. para sa inyo, ang layong dapat sikapin ng lahat ay ang makapagtayo ng mga kamalig ng salapi. ang salapi, sa mga gaya ninyo, ay katumbas ng lahat; salapi ang una, at salapi ang katapustapusan; kung walang salapi ay walang ligaya. para sa inyo, ang tao ay dapat tumalikod sa lahat, dapat isatabi ang mga katungkulan, isalimot ang pag ibig sa bayan, lahi, matwid, at karangalan, kung ito ay kakailanganin upang lumagi sa pagkamasalapi . ang sabad ni kapitang memo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ako po ang patuloy ni gerardo ay may ibang paghahaka ukol sa halaga ng buhay paghahakang di ko ikamamangha kung sakali ma'inyong tawanan. sa akin po, ang buhay na araw at gabi ay ibinababad sa pulot ng kaginhawahan ang buhay na walang pinipintuho kundi ang diyos salapi ang buhay na walang hanap kundi ang kagalingan ng sarili, ay isang buhay na mababa, walang halaga, karumaldumal!. tumalikod ang presidente sa binata at animo'di nadidinig ang sinasabi nito. si gerardo ay nagpatuloy: ang buhay po kung ibig magkahalaga, ay kailangang ilaan at gugulin sa isang adhikang mataas, sa isang layong marangal. ang yaman na kinahahalingan ng boong sangdaigdig halos ay hindi makapagpapadakila sa buhay ng tao: maaari siyang magpaginhawa, magdulot ng kasaganaan sa lahat ng bagay; dapwa'hindi kasaganaan, hindi kaginhawahan ang naghahatid sa tao sa pagkadakila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang karunungan man, liban na lang kung siya'ginugugol sa ikagagaling ng bayan, lahi, sangsinukob, ay di ko rin masasabing sapat na makapagpadakila sa buhay. presidente, ay kailangang gumawa para sa lahat; kailangang magbata ng suson susong pagtitiis, dusa, pighati, para sa lahat; kailangang sumagupa sa libo libo mang kamatayan para sa lahat; kailangang siya'maging isang taga hasik ng kalayaan, taga taguyod sa dangal ng tinubuang lupa, taga kandili sa puri ng matwid na malimit lupigin. kapag ang isang tao ay nakasunod sa mga ganyang katungkulan, mayaman man mahirap, marunong man hindi, siya ay may karapatan nang ipagmalaki ang sariling buhay, at humimlay sa piling ng mga lalong dakilang kalulwa sa boong sangsinukob! hindi na nakasagot si kapitang memo noong sandaling iyon ay siyang pagpasok ng tunay na hukom ng bayan. ito ang sa wakas ay sumuri sa naaantalang usapin at pagkatapos na madinig ang mga pangangatwiran ng bawa'isa ay inilagda ang kanyang maayos na hatol.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"si stag ay nagkamit ng mabigat na parusa: multa at bilanggo. dapwa', ano pang parusa! maanong napanindig ang balahibo ni stag! papaano'mayroon siyang isang kristo kristuhang inaasahan! si kapitang memo ang nanagot sa multa. aywan pa natin. pagkaraan ng dalawang araw, ang isang malaganap na pahayagang pilipino ay kinabasahan ng mga ganitong balita: isang amerikanong nagngangalang john stag na nabilanggo sa bayan ng libis, ay nakatakas noong gabi ng ika ng kasalukuyan. hangga ngayon ay di pa naaalaman kung saan nagtatago ang umalpas. hindi lang ito ang nangyayari sa libis. ang bayang iyan ay isa pa mandin sa mga matitibay na kuta at matalinghagang pugad ng bisyo sa pilipinas. nagkakatusak doon ang nagkikisigang mga sabungan. sa bawa'sulok, maging araw at maging gabi, ay may monte, tupada, hweteng at kung anoano pang mga larong bawal. ang mainam nito, ay kundi pa dumayo doon ang mga sekretang maynila, ang mga iya'di matututop! at ang maginoong presidente? nangaghihilikan bang lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang balitang tumutukoy sa pagtataanan ni stag ay inamin ni kapitang memo; nguni'lubhang malaki ang pagkapoot niya sa tumutukoy sa sugal at sabong. ito'kanyang tinutulang mahigpit kahima'di nalilihis sa katotohanan; datapwa'tutol bibig lamang naman, pagtutol na kung kaya lang ganapin ay pag nasasa harap ng matitinong tao. talagang gayon si kapitang memo. kaaway kunwa ng bisyo, dapwa'siya ang nagpalago sa kanyang bayan ng sugal at sabong iyang mga larong walang tumatangkilik kundi ang lahat ng mga tamad, ang lahat nang ibig mabuhay nang nakanganga, ang mga nanghihinayang na gamitin ang utak, magpatulo ng pawis at batakin ang buto, ang mga ulol at mga duwag na natatakot yumapak sa mga baitang ng hagdanang matarik na patungo sa karangalan at katinuan ng tao sa pamumuhay. nguni'hindi ang mahalay na pagkagumong sa mga hilig na iyang karapatdapat pakasumpain, ang siyang tanging maibabalita ng mga pahayagan tungkol sa bayan ng libis. mayroon pang iba na lalong mahalaga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kung suriing mabuti ang pamunuan ni kapitang memo, ay mapagkikitang ang mga pangako nito sa bayan, mga pangakong sagana sa hangin at pulotpukyutan, ay untiunting nangaunsiyami. ang mga tungkuling mabibigat na ikinapit sa kanya ng kautusan ay maingat na iniwasan hanggang maaari. kung alin yaong kanyang napagtutubuan ng walang pagod, kung alin ang di nararapat gawin ay siyang pinag ubusan ng kaya. sa maiksing sabi, ang pamahalaang umiral ay isang pamahalaang kailan ma'hindi nakasunod sa tunay na niloloob ng bayan, sa itinatadhana ng mga utos pamahalaang walang nakapangyari kundi ang isang kapitang memo. na ito'di maaari sapagka'may konseho munisipal? kabulaanan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"tunay nga na ang konseho, sa pagkakinatawan niya ng bayan, ay di nararapat bumalak umayon sa alin mang balak na salungat sa ikagiginhawa ng mga mamamayan; na ang mga konsehal ay kailangang magpakatalino, mamuhunan ng sipag at pagiingat sa paglikha ng mga kautusan; na sila'dapat gumalang, sumunod at ipagmalasakit ang mga damdamin at nais ng bayang sa kanila'naghalal. tunay ang lahat ng iyan dapwa'sa kasaliwaang palad ay di siyang nangyari. sa loob ng konseho sa libis ay dadaladalawa ang mga konsehal na natutong gumamit ng talino, dadaladalawa ang nagkaloob na tumutol, at kailan ma'di napatangay sa mga lisya'walang wastong panukala ni kapitang memo. datapwa'ano ang kanilang magagawa sa sila'dadaladalawa? paanong magkakabisa ang matwid nilang pagtutol sa harap ng anim na kalabang bingi sa sigaw ng katwiran?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"anim na konsehal na sunudsunuran saan man batakin ni kapitang memo; anim na konsehal na tuwing magpupulong ay hari ng tamad sa pakikitunggali sa mga bagay na tumutukoy sa bayan; anim na konsehal na kung kaya lamang gumising nang gising na gising ay kung ang pag uusapa'ang pagpapahintulot sa malayang pagsamba kay san sabong at san sugal nguni'pag iba nang bagay na may kahirapang suriin, ay daig pa ang ipinatda ang mga dila sa ngalangala! iyan ang mga taong may mga mata ay di makakita, may mga taynga ay di makadinig. kapag hiningan ng pasiya sa isang panukalang binalak inayunan ni kapitang memo, silang lahat ay pawang mga ayon; nguni'hindi sila sangayon kapag nakitang iiling iling ang kanilang panginoon, ang kanilang diyos! maanong magisip isip; maanong harapin at kilalanin ang matwid!. oh, aliping asal na uliran sa kahalayan! oh, mga taong walang sariling damdamin! salamat at ang mga konsehong gaya ng inyong kinaaniban ay iilan ilan lamang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"at kung hindi, anong talas na sandatang makakalasag ng mga kaaway ng pagsasariling pinakamimithi ng bayan! malinaw ngang lumalabas na dahil sa pagkauring busabos ng konseho ay patuloy pa rin si kapitang memo sa kanyang ugaling paghahariharian; na dahil din diya'ang bawa'ibigin niya, matwid baluktot, ay siyang nangyari. dapwa'salamat at sa mabuting kapalaran ay di na ang lahat doo'natutulog, gaya ng panahong nagdaan; hindi na ngayon ang lahat ay kampon nila talaga ng diyos; hindi na ngayon pawang pipi ang madla. sa bayang iyon ay mayroon nang naglitaw na ilang kawal ng bagong panahon. si gerardo ay isa sa kanila. sa harap nang gayong pagdaya ng isang pinuno sa kanyang mga nasasakop, ay siya ang kaunaunahang gumamit ng karapatan; sa kanya unang nadinig ang makapangyarihang sigaw ng katwirang niyuyurakan. si gerardo ay di nagalinlangan munti man. sa isang malaking papulong ng kanyang mga kapanalig ay maayos na tinuligsa ang kabulukan ng pamunuan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"bumanggit siya ng mga nangyari, inihayag ang mga tiwaling gawa ni kapitang memo, ang mga palakad nito na pawang salungat sa mga kautusan. ipinakilala niya sa madla ang tunay na kapitang memo, isinalaysay ang boong kabuhayan nito, na pinagaralang maingat ni gerardo mula sa puno hanggang dulo. inalarawan niya ang pagkawalang kaya, ang pagkatamad, ang pagkawalang malasakit sa pinamumunuan, ang pagka di dapat na mamuno, ang pagkamagnanakaw, ang pagkamamamatay ano pa'sa minsang sabi, ang boong lihim at tunay na katauhan ni kapitang memo, na, sapagka'natutong magbalat kayo, ay nangingibabaw ngayon sa kanilang lahat. upang mapatunayan ang lahat ng ito, si gerardo ay nagharap sa papulong na iyon ng maraming saksi. natatangi sa mga ito ang isang babaeng may apat na pung taon na marahil. dukhang dukha ang kanyang pananamit na bukod sa nanglilimahid na, ay punit punit pa. sa harap ng mga taong doo'natitipon, ay isinalaysay ng babaeng ito ang napakalungkot niyang kabuhayan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"bihira sa inyo anya ang di nakakakilala sa akin. dapwa'lahat kayo ay pawang di nakababatid sa napakaabang palad na ikinapadpad ko sa ganitong kalagayan. ako'inaanak sa isang malayong bayan doon sa gitna ng lalawigang tarlak. ang aking mga magulang ay mga taong payapa'mararangal. mayayaman sila, dapwa'noong nangabubuhay, ay mga kaibigang tapat ng bayang maralita. wala pa akong sampung taon nang ako'maulila sa ina. palibhasa'nangamatay ang lahat ng aking kapatid, nagtamasa ako ng boong layaw at kasaganaan sa piling ni ama. hindi naman ako pangit noong mga araw na iyon, kaya'sabihin pa ba, hindi kakaunti ang mga binatang nagnasang maglingkod sa akin. dumating ang sandali na ako'natutong umibig. pagkatapos na aking maihandog ang iisa kong pag irog sa nahirang ni bathalang panginoonin niyaring puso, pagkatapos na aking maasamasam ang ligayang pilit kong lalasapin sa kanyang kandungan, ay saka ako sinikil ng pagkalupitlupit kong kapalaran!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"isang hating gabi, noong panahon ng paghihimagsik, ako ay nagulangtang sa aking pagtulog. sa mga unang sandali, aking hininalang yaon marahil ay bangungot lang. nguni'sa aba ko! nang mamulat ang aking mga mata, nang luminaw ang aking pag iisip, ay napagmalas kong yao'di pala bangungot kundi isang tunay na kataksilan!. isang lilo, isang tampalasan, isang pusong hayop, ang noo'pumipigil sa sawing palad kong katawan sa pagkagupiling! ako'mahina at siya ay malakas! tinawagan ko ang diyos; dapwa'ang diyos na iyon ay di ako dininig! ang diyos na iyon ay di tumulong! nadungisan ang aking puri! ang hayop ay nagtagumpay!. nagbangon ako at hinanap ang aking magulang. pinasok ko ang kanyang silid. mahabaging langit! ang aking pinakaiirog na ama, ang pinagkakuutangan ko niring buhay, ang tangi kong kasakasama araw at gabi, ay naroon sa kanyang higaan, nakababad sa dugo, putol ang ulo! ako'nalugmok at nawalan ng diwa. nang masauli ang aking pagkatao, ako'nasa saloob ng ibang bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"yaon ang tahanan ng tampalasang sumukab sa aming mag ama. ibig kong tumakas, dapwa'ako'nakukulong. ibig kong magpatiwakal dapwa'may nakabantay sa akin araw at gabi. ano ang minarapat kong gawin?. ang diyos ay di ko na tinawagan! hindi ko na siya hiningan ng abuloy!. wala akong tulong na inaasahan noon kundi ang kabayanihan ng kasumpaan ko sa pag irog. si fidel na aking minahal higit sa buhay, ay hindi ko na nakita hanggang sa sandaling ito! siya man yata'tinikis na ang magwalang bahala sa aking pagtangis! siya man yata'nawalan din ng habag sa mapait na pagdadalamhati niyaring kalulwa!. sa harap ng mga ganitong kalagayan ano pa ang sa aki'nalalabing gawin? wala nang iba kundi ang makibagay sa aking palad. yaring puso ay dahandahang tumigas, untiunting nasabik sa kaputikan, untiunting natutong umibig sa isang lilo, sa pumatay sa akin ding ama! malaon din na kami'nagsama ng tampalasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"datapwa'pagkatapos na masalanta niya ang aking katawan, pagkatapos na mabusog sa akin ang kanyang kahayupan, pagkatapos na makapagpasasa sa aking laman, ang ganid na iyon ay di na nakitungo sa akin; ginutom na ako, ipinagbili ang mahuhusay kong damit, binawi ang mga alahas na bigay niya sa akin, at di nagkasiya sa ganito, ako'ipinagtulakan sa kusina ng bahay upang doon gumawa, doon kumain, at matulog sa ibabaw ng mga panggatong na kahoy, kahalubilo ng mga pusa'aso! sa minsan sabi, ginawa akong isang alipin, isang busabos! ganito ang aking lagay ng kami ay malipat sa bayang ito. pagdating na pagdating namin, ako'sinumbatan ng tampalasan kong panginoon. ipapapatay daw niya ako kapag di ko iningatan ang lihim ng pagkasawi naming mag ama. sapagka'pusong babae, ako'malaong nadala ng takot at kahinaan: iningatan ko nga ang lihim. dapwa'ngayon, ngayon ay sumapit na ang sandali na sa laot ng aking pagkaaba ay di na ako napangingilabot ng kamatayan; ang kahinaan ay wala na sa akin!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"tuparin kung ibig ng panginoon ko ang kanyang sumbat!. ang kanyang lihim ay nasisiwalat na!. nguni', bago ko wakasan ang aking salita, ay ipahintulot na aking maitanong: alam ba ninyo, mga taong bayan, alam ba ninyo kung sino ang napakabuti kong panginoong iyan, kung sino ang tumaksil sa kaawa awa kong magulang, nagnakaw sa puri ko'dangal at nagbulid sa akin sa bangin ng pagkabusabos? kilabutan kayong lahat, oh mga taong walang malay!!. siya ay yaong sa inyo ngayo'namumuno ang pinagkatiwalaan ninyo ng mga kautusan, dangal at kabuhayan ng isang bayan!!. ang mga pinagtahi tahi at pinagaralang kabulaanan, ay madaling makikilala ng isang maalam magmasid. nguni'sa kabuhayang isinalaysay ng babaeng iyon, ay walang nakadama nang kahi'gabahid na kasinungalingan. bawa'anyo ng kanyang mukha, bawa'galaw ng mga mata, bawa'salita ng maayos niyang salaysay, ay isang tatak ng katotohanan, isang matibay na panghikayat sa lalong di mapaniwalaing kalulwa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kaya'napangilabot nga ng babaeng iyon ang madlang sa kanya'nakikinig!. nang sa wakas ay imungkahi ni gerardo ang paghingi kay kapitang memo na magbitiw ng tungkol, lahat ng nangaroon ay kumatig sa kanya; lahat, hanggang ang mga dating kapanalig ni kapitang memo, ay naniwalang sila'nalinlang. gayon na lang ang kanilang pagsisisi! nang matapos ang papulong, si gerardo ay nilapitan ng isang pulis. ipinatatawag po kayo ng presidente . saan siya naroon? sa bahay pamunuan po . noon di'lumakad si gerardo. dinatnang bukas ang tanggapan ni kapitang memo, kaya'agad siyang pumasok. masiglang binati ang dinatnan: magandang araw po! ang binati ay walang itinugon kundi isang tinging nagbabaga sa poot. ginoo, ako nga po ba'inyong ipinasusundo? ang pabulalas na tanong ng binata. biglang nagtindig ang mabangis na kapitan at nang masulyapan ang nakangangang pinto, ay nilapitan ito at inalapat sa pamamagitan ng isang sikad. kumalabog ang pinto na ikinabulahaw ng boong bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"pagkatapos ay sinugod si gerardo at nagngingitngit na tumanong: ano ang sumuot sa walang hiya mong ulo at nakaisip kang gumawa ng ganitong kaululan? ano pong kaululan?. aling gawa ko ang inyong tinutukoy? tumalikod si kapitang memo at pagkatapos na maibalabag sa sahig ang tangang aklat ay iingos ingos na sumagot: pshe! magmamaangmaangan ka pa! kapitang memo, ang pakli ng binata di ko kayo maunawaan. ang tinutukoy ba ninyo ay ang pagmumungkahi ko sa aking mga kapanalig na kayo'pagbitiwin ng tungkol sapagka'di kayo tumutupad sa mga itinatadhana ng mga kautusang isinumpa ninyong tutuparin? kung iyan ang tinatawag ninyong kaululan, kayo po'namamali! at ano ang mayroon sa iyo kung di ko man tinutupad ang aking sumpa? sino ka bang makikialam sa akin? bakit mo imumungkahing alisan ako ng tungkol? ah, sapagka'kayo ay di nararapat mamuno! ang maliksing tugon ng binata na ikinasugod muli sa kanya ni kapitang memo. ang dagok na iyon ay lubhang malakas. napakalabis kang totoo!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang ngitngit ng nandididilat wala ka nang kagalanggalang sa iyong kausap! nawalan ka na ba ng pag iisip at nalimutan mo na kung sino ako, ako na iyong kaharap? hindi po ako nakalilimot: kayo po'isang hamak na taong gaya ko rin, na sa kasamaang palad ng bayang ito, ay nahalal na magpuno sa kanya. ang sambot ni kapitang memo kinikilala mo pala akong pinunong inahalal, ay bakit at ganyan kung ikaw'mangusap sa aking harap? bakit ayaw mo akong igalang? sapagka po'hindi kailangan! hindi kailangang igalang mo ako, ako na iyong pinuno? nauulol ka na ba? namamali po kayo ang tugon ni gerardo ang isang pinuno na dumadaya sa kanyang bayan sa pamamagitan ng mga pangakong di tinutupad, nagaakay sa mga nasasakop sa mahahalay na hilig at asal ang isang pinuno na kinatatatakan sa noo ng tatak ng mga magnanakaw at mamamatay ng kapwa ang pinunong ganyan ay hindi dapat kaalang alanganan ng mga taong matitino! walang hiya!!. at ang mga bintang bang iyan ang ipararatang mo sa akin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"at ang isang musmos na gaya mo ang mangangahas? diyata'ikaw ang mangangahas? nilundag ni kapitang memo ang isang talibong na nakasabit sa dingding. sa sumunod na sandali, nang sila ay nagkakasunggaban na, ay siyang pagbuka ng pintong nakalapat. sumungaw ang isang kalbong tuktok, isang mukhang nagkakangngingiwi, at isang tiyang mataba. si kapitang memo ay parang tinamaan ng kulog, kundi man parang isang bata na nakakita ng nuno. nguni', sino ang nunong ito? sino ang naghihintay?. siya ang mapaglagalag sa automobil, ang mapagama amahan, ang kataastaasang puno sa sangkapuluan, na kung bakit sa kanyang pagdalaw kay kapitang memo, ay tinaon yatang talaga ang pangyayaring iyon! si gerardo ay nasugatan na naman. si kapitang memo, ay animo'kinakalambre. papaano ang pakikiharap niyang gagawin sa kanyang puno? kay laki nga namang kahihiyan nito! isang mahigpit na paguusig ng gobernador ang sumunod.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"inahayag sa kanya ni gerardo ang hangad ng bayan na pinagkaisahan sa papulong na idinaos sa umaga ng araw na iyon. noon di'natiwalag sa katungkulan si kapitang memo. walang imik na tinanggap niya ang gayong pagkapahamak sa mata ng madla; dapwa'oh! ang kanyang poot!. siya'umuwi na anaki'isang ulol. ang kanyang bahay, at bawa'sanga, bawa'dahon, bawa'bunga ng kanyang mga halaman, wari baga'ipinagsisigawan sa kanya ang mga salitang . ito ang ngalan ng dalagang anak ni julio. maging sa ganda, at maging sa katalinuhan man, si eling ay hindi maitatanging lubos sa mga bulaklak ng kanyang bayan. ang hiwaga, ang lihim ng kanyang pagkamapanghalina ng kanyang makapangyarihang pagkamapanghalina ay di natin masusumpungan sa dilag ng mukha, ni sa ningning ng kanyang utak, hindi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang hiwaga at lihim na iyon, upang madama, ay kailangang makipagkilala kay eling; kailangang kaulayawin siya nang malaon; kailangang tawagan ang kanyang puso; tarukin ang pagkamababa, ang pagkamasunurin, ang pagkaginto ng kanyang loob; kailangang titigan ang mga titig ni eling, ang mga titig niyang nagpapakilala sa isang kalulwang malambing at mapangambahin, isang kalulwang masintahin at mahabagin, isang kalulwang puspos ng linis, ng ganda at kahinhinan. nariyan ang lihim, ang hiwagang bumibilot sa katauhan ni eling. nariyan ang talang nakikintal sa maalindog niyang noo. nariyan ang kayamanang maipagmamalaki ng kanyang kadukhaan. si eling, mula sa pagkabata, ay mahiligin sa pagaaral. marunong ng kastila, gayon din ng inggles. isang taon na siya'nagtira sa colegio de sta. isabel, at dalawang taon naman sa dormitory school. dito sa huli, siya ay nag aral ng nursing, ang mahusay at tumpak na pagaalaga sa may sakit.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"panggagaling sa dormitory, siya'tumira sa hospital de san pablo upang isagawa doon ang kanyang napagaralan. may ilang buwan din ang kanyang nagugol sa pagsasanay na ito, sa piling ng mga amerikanang enfermera. nguni'hwag isiksik sa guniguni ng bumabasa ang hinala, na, sapagka'naturang taga dormitory, at sapagka'malaong nakahalubilo ng mga amerikana, si eling marahil ay pinanawan na ng mga katutubong kilos, at mga katutubong ugali sa pananamit at pakikipagkapwa. hindi gumawi nang ganyan ang binibining ito; hindi siya pumapara sa mga nagsalasalambay diyang miss, na di na nangiming ipailalim ang pagka pilipina sa kanilang pagaameamerikanahan di lang sa gayak, di lang sa kilos, kundi ang lalong kasakitsakit at kahinahinayang ay pati ang budhi, ang kalulwa'mga paghakaka ay pinipilit na igaya'ipabusabos sa mga dayuhang iyan. na siyang nagnakaw sa kalayaan ng kanilang bayan at unti unting humihigpit sa tanikalang madali malaon ay siyang ikabubulusok ng kapilipinuhan sa bangin ng pagka aba!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"nasusuklam si eling sa mga bagay na ito, kaya'mahigpit na iniingatan ang pagka pilipina. tanda ng pag iingat niyang iyan at paglayo niya sa mga ugaling dayo, ang kanyang madalas na di pagpanaog sa kanilang tindahan, kapag ang dumudulog doon ay mga amerikanong magagaslaw. ugali ito ni eling, hindi sapagka'binubulag siya ng prejuicio de raza (alalaong baga'ang pagtingin sa kulay ng balat at di sa katauhan ng isang tao,) kundi sapagka'ang kanyang kahinhinan ay hindi makababatang malasin ang magagaspang at mahahalay na kilos na karaniwang gawiin dito ng di iilang amerikano. si eling nga ay hindi kapara ng mga ibang dalaginding diyan, na, pagkagat na nang dilim, ay nagpupulahan ng damit sa loob ng kanikanilang kantina, nagkakapalan ng palabok sa mukha, nagdadamihan at nagpapalaluan ng uri ng mga mister na sa kanila'nakaliligid, na anaki'mga asong kakawkaw kawkaw, aamoy amoy at didila dila. si eling ay poot na poot sa mga asal na iyang lubha nga namang nakaririmarim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"minsan siyang manginig sa galit at minsang mapaiyak sa habag sa mga kadalaga niyang haling na haling sa ganganyang gawa, na kadalasan at sa tuwirang sabi, ay lumalabas na isang malinaw na pagtitinda ng dangal at puri! magsabi, kung hindi, iyang mga kinasasadlakan ngayon ng pula ng balana. magsabi, iyang mga nakatikim ng buhay kantinera sa ating mga bayanbayan. ilan na sa kanila, ang upang mapawili lang sa tindahan ang isang amerikanong manglalasing, ay tutulutan nang sila'kutya kutyain nito sa likod ng mga salitang sweetheart, give me kiss! ilan na sa kanila ang natuluyan na ngang mahagkan ng mga lango? ilan na sa kanila ang ngayo'kinikilabutan sa hiya sa ibang tao, sapagka'sa ganito gayong gabi, sila ay nayapus ng mga ganito gayong negro? at humahangga ba rito ang mga nangyayari? bakit at may mga kantinera diyang ngayo'kaabra abrasete kaya'kalulan sa bagol ng mga itim?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"maaaring, sapagka'narahiyo sa pilak ng mga ito; dapwa'kadalasa'sapagka'sa ganito gayong pagkakataon sa loob ng kantina, ay may isang milagrong nangyari!. mga sawing palad!. may katwirang lumuha ang isang eling dahil sa inyo! si gerardo ay hindi santo. anak din siya ni eva'ni adan na kapwa makasalanan. totoo nga na, para kay gerardo, bayan ang una at bayan ang huli; na, ang pagkamakabayan, hindi sa salita kundi sa gawa, ay siyang damdaming pinakamahalaga at nangangaibabaw sa boo niyang katauhan. totoo rin naman na wala siyang pinakamamahal na pangarap mula sa pagkabata kundi ang maihandog ang iisa niyang puso sa dambana ng kanyang lahi. dapwa'hindi dahil sa lahat nang ito, ay wala nang maiisip si gerardo sa boo niyang buhay kundi bayan. maminsanminsan din namang masubukan niya ang kanyang sarili na nangangarap hindi sa kandungan ng bayan, kundi sa kandungan niyang mga anaki'talang nagantiantilaw sa langit ng pilipinas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"katakataka kaya na ang gerardong iyan ay maakit sa bangong humahalimuyak ng isang sampagitang nananariwa na gaya ni eling? sa kanyang harap si gerardo ay nagiging makata, nagiging mangangarap, at magiliwin sa mga bulaklak, paro paro, tala, bituin. ang mabait niyang puso sa harap ni eling ay kung bakit nagiging manunukso; ang mga payapa'maaamo niyang sulyap ay kung bakit nagiging malilikot at mga magnanakaw!. silang dalawa ay malaon nang magkaibigan. habang lumalaon ang kanilang pagkikilala, ay lalo at lalong nasasabik si gerardo sa pagmalas sa dilag ni eling, sa pagdinig sa mga mahihiwaga'matatamis niyang salita, sa pagpukaw sa mga ngiting mangbibihag ng binibining yaon na ipinaglihi yata sa dako pa roon ng hinhin ni maria clara. nguni'hanggan diyan lang si gerardo. hinahangaan niya ang ganda ni eling, dapwa'di pa sumasamba. siya lang ay natutuwa, naiigayang malasin ang himalang yaon ng kalikasan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"noong mangyari ang sigalot sa bahay pamunuan, si eling ay nakaupo at nananahi ng isang panyo sa loob ng kanyang tindahan. ang mukha niyang kaaya aya, ay minsang magningning sa lugod, at minsang mangulimlim sa panglaw. ang kanyang paningin ay laging nakapako sa malayo, bihirang matigil sa tinatahi. bawa'taong magdaan ay kinikilalang mabuti malayo pa. si eling ay may inaantabayanan; hinihintay niya ang pagdaan sa kanyang tapat noong mainit sa sinag ng bagong araw na kabatang bata pa ay bayani na. para kay eling, ang binatang yaon na laging nahahandang iparam ang lahat maitaguyod lang ang dinuduhaging matwid, ang binatang yaon na nagsanggalang sa dangal ni julio na kanyang ama, ay isa nang kristo na dapat niyang igalang, mahalin, itangi, pagukulan ng bawa'patak ng kanyang pagibig, at paghandugan ng bawa'tibok ng kanyang puso! hindi nainip si eling sa pagaantay kay gerardo, na sinapantaha niyang sa paguwi mula sa presidencia ay dadaan sa tapat ng kanyang tindahan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"malayo pa ay nakilala na ng binibini ang magilas na tindig nang lihim niyang kinakaulayaw sa kaibuturan ng kanyang puso. ang pagdaka'ibinati ng binata pagkalapit sa tindahan. gerardo, halika sandali! si gerardo'lumapit at boong galak na kinamayan ang binibini na noo'singpula ng gumamela, aywan kung dahil sa pagaalaalang siya'lumabis sa kanyang napakalambing na halika! ipagpatawad mo, eling, ang pakikikamay ko sa iyo ng kaliwa. anong mayroon ka sa iyong kanan? si gerardo'nagkulay saga. inakala niya na isang pagbubunyi sa sarili kung ipagtatapat ang tunay na dahil; kaya'ngumiti na lang at nasiyahan sa isang marahang: wala! , ay bakit at may tali? walang ano man; nakagat lang ako ng putakte doon ah. sa punong bayabas nina tikiko. si eling ay alangang mapangiting alangang magalit. alam niya, gaya ng pagkaalam sa kanyang.,. na ang mga salitang iyon ay isang kimpal na kabulaanan. hinagisan muna ang binata ng isang tingin na wari'nagsisisigaw ng sinungaling ito ah!, bago sumagot: putakte?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ay bakit at may dugo? si gerardo'lalong namula. diyata, gerardo, ang dugtong ni elena diyata nama'iyan lang ay ipagkakaila mo pa sa akin?. sapagka ba nama'ang tumatanong ay.ah! isang walang kabuluhang gaya ko, ay di nga nararapat. ang binatang tigagal na tigagal sa mga salita ng kanyang kaharap, ay walang naihuma kundi isang: hinding hindi, eling, oh, hindi nga! sulong na, maaabala ka lang sa akin, ang patuloy ng binibini na may kahalong wari'hinampo. patawad, eling!. binibiro lang kita. huwag mong damdamin ang aking pagkukulang. at sasabihin ko na sa iyong lahat! isang ngiti, isang ngiting malambing na 'kapilas ng langit' ang nagpahiwatig kay gerardo na ang pinangambahan niyang nagtampo ngang tunay, ay nagtamputampuhan pala lang. isa lang munting sugat, eling. ang may padaop kamay pang sagot ng dalaga, na animo'noon lang nabatid ang nangyari kay gerardo, gayong sa katunayan ay nagmamaangmaangan siya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"pagdaka'kumuha ng isang palanggana, isang boteng may lamang gamot at saka isang kahitang puno ng bulak at pangtali ng sugat. gerardo ang bigkas ng binibini; nakatupad ka na ng iyong katungkulan; bayaan mo namang tuparin ko ang akin. lilinisin ko ang iyong sugat. kay ganda ng iyong loob!. dapwa'ikaw, mutya ng aking bayan, linisin ang sugat ng isang abang dukha na gaya ko?. kung ano ano ang pinagsasabi ng gerardong ito! ang tugon ng dalaga pagkatapos na mahagisan ang kausap ng isang napakalagkit na titig. tingnan ko nga ang iyong kamay. at umakmang aabutin ang sugatang kamay ni gerardo na dalidali nitong inaurong. huwag na, eling; maraming salamat. bayaang ano? hindi ba'tuwi kang magtatalumpati ay ipinangangaral mo na ang lahat ng tao ay dapat tumupad sa kanikanilang katungkulan? hindi ba'ito'katungkulan ko? ako ba'hindi tao sa iyo? sukat na, eling, sukat na; dapwa'iyang mga sutla mong daliri ay di dapat marumhan ng. diyata nama'ako'iyong bibiguin? hindi sa ibig kitang biguin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ah, ayoko nga nang maraming salita. ipalinis mo sa akin ang iyong sugat at tapus! si gerardo'di na tumutol sa pagaala alang baka ang anghel na iyon ay magtampo na naman. samantalang hinuhugasan ng binibini ang kamay ng binata, ito nama'walang tahan ng panunukso: oh eling! sa pinakamalalim kong mga pangarap, sa pinakamalayang galaw ng aking gunita, kailan ma'di ko nasumpungan ang ano mang pahiwatig na sa araw na ito ay aking mapapalaran ang pagkakawang gawa niyang mga daliri mong bawa'isa ay katumbas ng boo kong buhay! eling, kausap mo yaring puso! sinungaling! eling, dinggin mo ang isang katotohanan! isang damdaming iniingat ingatan ko at malaon ng tinitimpi timpi? sabihin mo kung ano. huwag kang magagalit? bakit kaya ako magagalit? tatanggapin mo? ano sabi iyon eh? ipangako mo muna!. na iyong tatanggapin! kung hindi masama'. tatanggapin ko. eling, iniibig kita! ang pamanghang salo ng angkan ni venus. iniibig kita!. dahan dahan, gerardo! ikaw ay magmunimuni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"walang kailangan, kita'kilalang malaon na. ako rin nama'kilala mo: sumagot ka. eling, iniibig mo ba ako? ang puso ko, gerardo, ay di na akin; kinusa ko siyang ihandog sa dapat kong mahalin; lumingap sa iba ay di na mangyayari! ang binata'sandaling napipi. kinintalan ng isang titig ang bituing kaulayaw bago tumugon: eling, di ko mawatasan ang iyong salita. ibig mo bagang sabihin na ako'wala nang pag asa?. iyon ba ang kahulugan? wika mo'di na mangyayaring lumingap ka pa sa iba? ano ang kahulugan at kangino tumutukoy ang ibang iyan? sa akin kaya, eling? bakit mo kaya pinamamahay ang kalulwa ko sa pangangamba?. sagutin mo sana ako. sa akin ba tumutukoy? ang wari'wala sa loob na sagot ng binibini. at ang ibig mong sabihin ay di ka na makalilingap kanino pa man, liban sa akin? isang busilak na langit ang nabuksan kay gerardo. pagdaka'hinawakan ang kamay ni elena at inalapit sa lumulundag niyang puso. ang sunod sunod na pagbabangong puri ng dalagang nagpupumiglas.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"huwag mo nang ikait sa akin ang tibok niyang iyong puso. hindi mo ba ako iniibig, eling? ilang sandali na napipi ang binibini. walang malaang isagot. kundanga'napasukol siya kaagad! gayon na lang ang kanyang pagsisisi. mangani nganing kagatin ang tuksong dila na sa pamamagitan ng isang hindi ay isiniwalat ang boong lihim ng kanyang puso! eling ko ang muling samo ng binata. hindi mo ba ako iniibig? kalulwa na ni eling ang tumugon: oo, gerardo, oo iniibig kita!! pangahas na lalaki! isang matinding halik at isang mahigpit na yakap ang pagdaka'ninakaw sa bulaklak na yaon ng kasilanganan. mabuti na lang at wala silang saksi! si gerardo'umuwi noon na taglay ang dalawang pagwawaging magkaiba ng uri: tagumpay laban sa kasikismo ng isang pinuno at tagumpay laban sa pulutong ng mga naggigilasang kandidato sa kamay ni eling. kulong na kulong sa kanyang silid. walang humpay nang kayayao'dito. nakayayanig sa boong bahay ang madadalas niyang yabag na ipinagdidiinan sa sahig na tabla.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang mga lagutok ng kanyang mga abellanang sapatos na nanggigipalpal sa putik ay nakabubulahaw hanggang sa mga nagtutulugang kapitbahay hanggang sa mga manok na namamahinga sa isang punong kamatsileng nakatanod sa trangkahan. ang mga binti at bisig ay para parang naninigas; ang mga daliri ay tikom na tikom, na animo'may isang sasagupaing kalaban. minsan baltakin nang paibaba ang kamiseta niyang pute na pigta ng pawis; minsang pag itingan nang higpit ang bigkis na nakakabit sa pantalong kake na dahandahang dumadausdos sa kaluwangan ng baywang. walang pumupulas sa nakangiwi niyang mga labi kundi pawang pagngingitngit, pawang buntong hininga, pawang mga huhm!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"walang ano ano'lumapit sa isang mesa at umupo; pinagabot ang mga kilay na pumapalamuti sa mga naglalalimang mata na nagpapahiwatig ng tatlong gabing di pagkatulog; sinabunot ang mga mapupute niyang buhok; tiningala ang isang larawang nakasabit sa dinding; kinagat ang labi, nagbuntong hininga, sumuntok ng boong diin, pumadyak, tumindig at nagyaot dito na naman. ang muli niyang ngitngit papatayin ko! noong araw, noong araw hu hm!. ako ang hari sa bayang ito, oo hari! sa aking harap lahat ay nanunuyo, lahat ay lumuluhod, lahat ay oo po sa akin, walang hindi ni ayoko noong araw, hu hm!. ako'isang don, isang mahal na maginoo sa mata ng madla. lahat ay naniwala na ako'mayaman sa lahat; na ang yaman ko ay aking nakamtan sa tulo ng sarili kong pawis! lahat ay naniwala na malinis yaring budhi hu hm!. ang mga lihim na pinakatagotago kong mahigpit, noon ay wala kundi akong ako lang ang nakababatid! nguni'ngayon!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa akin, ay walang di umiiring, walang di kumukutya, walang di lumilibak, bawa'mata ay nasusuklam sa katauhan ko, bawa'dila ay ako ang isinusumpa, bawa'daliri ay sa akin nakaturo sa akin na kung tawagin ngayon ay di na ang kapitan ang presidente; kundi ang magnanakaw, ang magdaraya, ang mamamatay! at bakit ako'nagkaganito ngayon? bakit ako ngayo'hamak na hamak, dustang dusta, mababang mababa? sino, sino ang gumanito sa akin?. pagpapapatayin ko ang mga iyan!. oh gerardo! oh rustica! magsipagtago na kayo, mga walanghiya!. sayang ang aking pagkamamamatay kapag kayo'pinatawad ng aking patalim! at lalong dinalasan ang hakbang, lalong ipinagdiinan ang yabag. walang ano ano'biglang tumigil. ako'papatay? ang kanyang patuloy. diyata'papatay na naman ako?. iba na ngayon ang pamahalaan!. hindi na ito panahon ng kastila! diyata'papatay na naman ako?. at muling nag yao'dito ang mistulang ulol; at sa katatanong ng ang justicia?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ay naala ala tuloy ang pagtatalo ng isang huklubang pederal at isang binatang independista. anitong huli sa pagtatalong nabanggit. sa ating bayan ay wala pang justicia! ni noong panahon ng kastila, ni sa mga sandaling ito ay walang taal at wagas na justiciang umiral umiiral dito. ang dito'tinatawag na justicia, ay justiciang kabilanin: ang isa niyang mata ay dilat, dapwa'ang isa ay bulag. yaong una ay siyang ginagamit kapag ang dapat tangkilikin sa isang usapin ay amerikano laban sa pilipino. kapag ang dapat tangkilikin ay pilipino laban sa amerikano, ang malimit hingan ng pasiya ay ang matang bulag!. ayaw kayong maniwala?. ibig ninyong patunayan ko ang pagkakabilanin ng tinatawag na justicia ng kasalukuyang pamahalaan?. nariyan ang huling pagkakabilanggo ni dr. gomez. bakit siya hinatulang mabilibid?.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"tanungin ang kagalanggalang na hukom na humatol sa kanya, at sari saring kuskosbalungos ang imamatwid, dapwa'sumangguni kayo sa isang malayang pagiisip na walang kinikilingan, at inyong mababatid na ang tunay at tanging dahil ng pagkabilanggo ni dr. gomez, ay sapagka'si dr. gomez, na isang pilipino, ay iminungkahing magsiaklas ang mga manggawa, na mga pilipino din, sa isang samahan ng mga puhunang amerikano!. iyan ba ang tinatawag na justicia?. at justicia baga ang naguudyok sa pamahalaang iyan na kupkupin at panatilihin sa kanyang tungkol ang isang ibong mangdaragit, na upang lalo'lalong makapagsamantala at magtubo sa kanyang kapangyarihan, ay nanghihimasok sa di dapat panghimasukan, nagpapasasa nang lihim sa yaman ng may yaman at umaangkin sa ari ng may ari?. anong justicia iyan? at anong justicia iyan na pumapatnubay dito sa bawa'hakbang ng pamunuang amerikano?. justicia ba ang sakupin ang ayaw pasakop? pagharian ang ayaw pahari kanino pa man, tangi na lang sa sariling loob?.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"justicia ba ang di pagtupad ng pamahalaan sa kanyang pangako sa pinamumunuan? di ba'nangako ang pamahalaang iyan na palalayain ang ating bayan? ano ang ginagawa niya ngayon? ipinagbabawal ang ating bandila; pinananatili ang pagkakatangitangi; hinahamak ang pagkakapantaypantay ng amerikano at pilipino; ipinagbabawal sa kabataan ang kumatig sa pagsasarili; tinatawanan, tinatawag na ulol ang bayang ito tuwing magbubukas ng dibdib, tuwing ipagtatapat ang kanyang pinakadalisay na damdamin, ang wagas at katutubong pag irog sa isang malayang buhay pag irog na di magmamaliw ni matitinag sa kanyang puso, bumagsak man ang libolibong unos at buhawi!. at humahangga ba rito ang mga matalinghagang panukala na isinasagawa ng pamunuang amerikano sa pilipinas?. at ang bill payne? ang bill payne na madali malaon, kapag nagkataon, ay magiging isa nang makapangyarihang utos na kailangan yukuan at sundin ng bayang pilipino? ah, ang bill payne!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"iyan ang pinakatuso at pinakadakila sa lahat ng mga binalak na kautusan ng pamunuan! taglay ng bill payne ang dalawang binhi: buhay at kamandag!. buhay para sa bayang namumuno, at kamandag sa bayang nasasakop! buhay sa mga trust, sa mga puhunang amerikano na dito'magsisidagsa upang sakmalin ang yaman ng ating lupa, hititin ang kahulihulihang patak sa ating dugo hanggang walang natitira sa bayan kundi ang kanyang balat at mga buto!. kapag ang bayan ay naging buto'balat na lang, kapag nabungkal na ang ating lupa, kapag natibag na ang ating mga bundok, kapag wala nang masasakmal at mahihitit, ay saka, tayo iiwan ng mga trust na iyan, saka tayo bibigyan ng pagsasarili, saka ipagsisigawan ng mga angkan ni taft na ang bayang pilipino ay handa, handang handa na sa kalayaan!!. ngayon, sabihin sa akin kun dito sa pilipinas ay may justicia! ituro sa akin kun saan naroon ang justiciang iyan!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"humigit kumulang ay ganito ang mga salitang umuukilkil sa alaala ng walang tigil ng kayayao'dito at katatanong ng ang justicia? pederal man siya, ay kun bakit nahihikayat siyang paniwalaan ang mga salitang iyon ng isang independista. sa di kawasa'lumapit sa higaan, inabot sa karatig na lamensa ang isang boteng kinadidikitan ng isang larawan ng unggoy, at itinungga ang nangangalingasaw na laman. tumikim muna ng makalima na sinabayan ng lima ring tapik sa dibdib bago nahiga. aywan kung natulog hindi. pagkaraan ng may kalahating oras ay muling binulahaw ang katahimikan ng kanyang silid. ang kanyang halakhak na pairing mula sa higaan. napatay na kita, gerardo, napatay na kita! si nasirang gerardo ka na ngayon! madali ang umutang, mahirap ang magbayad! sulong, takbo, humanap ka ng justicia, sulong! di ako natatakot sa justiciang bulag!. handiyan ka na pala. tinamaan ka ng. at bakit ka nagtatawa, ulol? nasunod mo na ang ipinagagawa ko sa iyo? napatay mo na ba? sayang ang salapi ko!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ulol ako'pinawalan pa kita. at napatay mo ba? saan mo inabutan ang walanghiya'dalahirang babae?. mabuti, mabuti kang bata!. huwag ka bang apurado.! gising, gising ka, tamad. dilat ka na ba? halika rini'ikaw ay makinig. susunod ka, ha?. pag hindi, basag ang iyong ulo; hale, lumukoluko ka!. ikaw ay mang aagaw ha? aagawin mo ha?. alam mo ba kun bakit?. kun bakit di ka maibig ni elena?. dahil kay gerardo! si gerardo'pinatay ko, ikaw ang umagaw sa kanyang katipan?. mabuti kang bata, ganyan ang lalaki! busog na busog ako.! usigin, ipangaw, mamatay, wala na ngayong kailangan sa akin! ganap na ganap ang paghihiganti ko!. utang sa sikap ni gerardo at ng ilang kabinata niya, sa di kawasa'natatag sa libis ang isang kapisanan na pinamagatang dakilang mithi. kagaya ng lahat ng mga samahang pilipino, ang dakilang mithi ay uliran sa gilas at sigla noong kanyang mga unang buwan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"noong mga unang buwan, ang kapisanan ay makalawa sanglinggo kung magpulong, at ang bilang ng mga nagsisidalo sa mga pulong na ito ay di lumiliit sa tatlongpu. noong mga unang buwan, ang mga talumpati, pagtatalo at ang mga balak na inihaharap tuwing magpupulong ay punong puno ng mahahalagang layon at madlang kaparaanang magagamit upang lalong mapalusog at mapadakila ang kapisanan. nariyan ang pagtatayo ng isang aklatan (biblioteca); nariyan ang pagbubukas ng isang paaralan sa gabi, na walang upa; nariyan ang pagpapalabas ng isang pahayagang lingguhan; nariyan ang pagdadaos ng mga papulong; nariyan ang mga sari saring campana laban sa bisyo laban sa sugal at sabong laban sa mga mahahalay at di wastong kaugalian, hilig, atb. : at nariyan ang kung ano ano pang matatayog na panukala. ang lahat ng kasiglahang ito na napagmalas sa loob ng dakilang mithi, noong mga unang buwan ay lubhang ikinaaliw ng mga nagsipagtatag sa kapisanang iyon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"naakit silang umasam asam sa isang maligayang bukas at napanibulos sila sa pag asang madali malaon ay malalasap nila ang masasaganang bunga ng kanilang mga pinuhunang pagod. katulad ng isang kimpal na kugon, na pag sinilaban ay minsan siklab lang at wala na, ang kapisanang iyon ng mga naturang pag asa ni rizal (pa naman! ), pagkaraan ng mga unang buwan, pagkatapos na makapagdaos ng ilang sayawang malalaki, nang isasagawa na ang mga panukalang binalangkas ng boong sipag at talino, ang kapisanang iyon ay biglang dinatalan sa noo ng karumaldumal na kamandag ng panglalamig, pagkahapo at pagwawalang bahala ng halos lahat ng mga kaanib! sinimulan na ang isang buhay kapisanang kukutapkutap, kagaya ng isang ilaw na nauubusan ng langis. ano mang pagsusumakit ang kalasagin ng pangulo at kalihim, ang bahay kapisanan ay laging aalog alog tuwing tatawag ng pulong. lahat ay nangangakong dadalo, dapwa'pagsapit ng oras ay palad na palad na kung sumipot ang sampu.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ano ang dapat gawin upang maipon ang mga iyan? ito ang pabuntong hiningang tanong ng pangulo ng kapisanan. upang maipon? ang sambot ni gerardo na kanyang kaharap, kung upang maipon lang ay may isang paraang madali. bukas pista din lang ay ikalat natin ang balita na sa kinagabihan ay magkakaroon sa inyo ng isang malaking sayawang handog sa samahan. anyayahan ang mga kinalilituhan diyang binibini, ang lahat ng mga makikisig sumayaw, at maniwala ka, katoto, na mamumuno ang iyong bahay. pag handoon ng lahat ay paalisin ang orkesta at simulan ang pulong. at ganito nga ang kanilang ginawa. madilimdilim pa kabukasan, ay sumabog na sa impapawid ang balita na sa ika oras ng gabi ay magdadaos sa bahay nina pepe ng isang maringal, at mahabang sayawan na handog ng pangulo sa masisipag na mga ginoo at binibining bumubuo sa dakilang mithi. hindi nagkabula ang hula ni gerardo. orasyon pa lang ay pulupulutong na ang mga panauhing nagsisirating.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ika oras na ganap ay natitipon doon ang apatnapu sa limangpung kaanib sa dakilang mithi. lahat ay galak na galak lubha na ang mga binata. walang labi na di nakangiti, walang matang di nagniningning, walang kilos na mabagal. at sino nga naman ang di magagalak, aling puso ang di lalakasan ng tibok, kaninong damdamin ang di mapupukaw sa lilim ng mapanghalina'malalagkit na titig, at sa halik ng bangong nunukal sa mga sutlang talulot ng mga gayong bulaklak ng buhay na doo'naliligo sa mahinhing liwanag ng mga reina de las luces at sinong mahiligin sa sayaw ang makukuhang magtulug tulugan, kaninong mga paa ang mapapakali sa gayong idinulasdulas ng sahig na binudburan ng pirapirasong ballena, sa inihaba haba'inaluwang luwang ng pagsasayawang salas sa anyaya ng malalambing na tugtuging handog ng orkesta? ika na ng gabi, nguni'ang sayawan ay di pa pinasisimulan. halos lahat ay inip na inip na.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"dangan lang at sila'nadadaig ng hiya, marami na sana ang naguumikit noon sandaling iyon, kahi'na walang anyaya pahintulot ng may bahay. samantalang naghihintay ay makinig tayo sa mga sali salitaan. sa isang sulok ng salas, ay nakaupong magkaharap ang dalawang binibini na kung mamasdan ang kanilang mga mukha, ay mapaghuhulong sila'may isang mahalagang bagay na pinaguusapan. bakit, pacita, ang bigkas ng isa, bakit wika mo'di ka na makapagaaral?. sayang na sayang pag nagkataon! si pacita'isang bulaklak na kabubuka pa lang. lalabing apat na taon ang kanyang gulang. wala akong magagawa, eling. ang mga tatay ang siyang ayaw pumayag na ako'magpatuloy. ayaw pumayag?. diyata'ayaw pumayag?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang sabi nila'sapat na sapat na ang kaunti kong natutuhan sa primary grade; na ang isang babae raw ay di kailangang mag aral nang matagal, sukat na lang ang siya'matutong sumulat at bumasa; wala raw siyang katungkulan kundi ang maglinis, maghusay at tumao sa bahay; maglingkod sa kanyang mga magulang at asawa, at mag alaga sa mga anak kun sakali'magkaroon. at pati ba naman ang mga tatay mo, pacita, ay napadadaig sa mga ganyang bulag na paniniwala na dapat sumpain ng lahat! diyata naman at tayong mga babae ay di kailangang mag aral ng anoman maliban na lang sa pagsulat at pagbasa ng kaunti? at ang karunungan sa isang wasto at ginhawang pamumuhay, ang mga mararangal at tumpak na paguugali, ang mga katungkulan natin sa kapisanan, sa ating bayan, at sa sangkatauhan ang mga bagay bang iyan ay pagpipikitan na natin ng mata, di na natin paguukulan ng panahon? laking kamalian!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"tunay nga na katungkulan ng isang ina ang mag alaga sa kanyang mga anak; datapwa'ang pag aalaga sa isang anak ay di basta'siya'palakihin, padamitan, pakanin, iligtas sa mga sakit, sundin ang bawa'maibigan at palakasin ang kanyang katawan. hindi, hindi humahangga riyan ang mga katungkulan ng ina sa anak. may iba pa siyang tungkulin na lalong dakila! itala sa noo at puso ng anak, sa pamamagitan ng halimbawa, ang katotohanan na siya ay taong malaya, may puri, dangal at mga karapatan; na wala siyang diyos panginoon sa ibabaw ng lupa kundi ang sariling bayan, ang dakilang matwid, ang katotohanan at ang katungkulan; na ang tao ay dapat munang magpakamatay bago siya manakawan ng kanyang kalayaan, bago madungisan ang kanyang dangal, bago siya mahubdan ng kanyang mga karapatan, bago umiwas sa isang katungkulan, bago mamalas na ang bayan niya'talunan at aba, bago makitang ang matwid ay nilulupig at binabaluktot ang katotohanan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ikintal sa kanyang diwa sa pamamagitan ng halimbawa, na ang panahon ay ginto, at dahil dito'di dapat sayangin sa mga haling na pangarap kundi gugulin sa mga bagay na pakikinabangan niya at ng kanyang mga kapwa; na ang tao ay di nilalang upang mabuhay at pagkatapos ay mamatay, tulad sa mga gamogamo; kundi upang sa pamamagitan ng kanyang lakas ay makatulong siya, kahima'gabuhangin lang, sa lalong ikasusulong at ikadadakila ng sangkatauhan. iyan at marami pang katulad niyan, ang mabibigat na tungkulin ng ina sa anak. at ngayon ay aking itinatanong: ano ang magagawa ng isang inang hangal sa harap ng mga ganyang katungkulan? sinasabing katungkulan ng isang babae ang maglingkod sa kanyang mga magulang at kabyak ng dibdib. nguni'di masasabi na ito ang hanggan ng katungkulan niyang paglilingkod. sapagka'gaya rin ng mga lalaki siya'may isang inang bayan na dapat niyang lingapin.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"may isang lupang sinilangan, lupa na kanyang pinagkukunan ng lahat ng ikabubuhay lupa na tinubuan at kinalibingan ng kanyang mga nuno! di kaya marapat na ang bayang iyan ay kanya ring paglingkuran, at paka ibiging higit sa sariling buhay, higit sa kanino man, higit sa kanyang mga magulang, asawa'mga anak? marami pa sa ating mga matatanda ang di nakababatid sa di mapupuwing na katotohanan na ang katubusan ng lahi ay nasasakamay din natin na magiging mga ina sa araw ng bukas!. may ilan pa sanang paghahaka na inulat si elena; dapwa'sa lalapit noon sa dalawang magkaibigan ang isang binata na nang masulyapan ni eling ay biglang nagpapula sa kanya nang gayon na lang at ikinaputol tuloy ng salitaan nila ni pacita. iwan natin silang tatlo, at tayo'makinig sa bulungbulungan sa kabilang panig ng salas. pulos na lalaki ang nahandoon. pinagkakalipumpunan nila ang isang malapad na papel na nakapako sa dinding at kinatititikan ng salitang programa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa ibaba nito ay ipinaaalam na ang sayawan ay bubuoin ng labinganim na waltz, labindalawang two steps at dalawang rigodon. ano'may rigodon pa? ang payamot na tanong ng isang naka lana sa kanyang kalapit que torpe! anong mahihita sa rigodon?. wala kundi. mapapagod ka ng walang. nakaaaksaya ng panahon! kalukuhan sa akin iyan! masama naman ang walang rigodon, katoto, ang sagot ng isang naka ternong itim. que choy ni que bachoy! ang angil ng naka lana, at hinagisan ng dalawang ingos ang isang naka kakeng kulot ang buhok na sa pagka'lubhang mahiluhin ay walang inaabangan sa alin mang sayawan kundi ang pasimulang tugtog ng mga rigodon. ito ang si choy na noo'kasalukuyang nagpapanting ang mga taynga, sapagka'malayolayo man siya'kanyang naulinigan ang salitaan ng dalawa. manganinganing sugurin ang naka lana at sikangan ang walang pitagang bunganga nito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"at kamunti na ngang manugod noon ang ating si choy, kundi niya naala alang gagawa siya ng malaking kahiyahiya, at kundi niya nataunan ang isang malambing na titig ni mameng titig na wari'inahihimok sa kanya ang, pacencia, choy ko!. pero, demonyo! ang muling putok ng naka lana ano ang hinihintay nitong si pepe?. bakit ayaw pang simulan ang sayawan, diantre?. co naghihintay ang mga visita, pu huwag kang mainip, katoto anang naka itim huwag kang mainip at sasapulan na raw! pero kailan pa? isang binata ang noon ay pumagitna sa karamihan, at pagkatapos na makaupo ang lahat, ay bumigkas ng ganito: '. mga binibini at ginoong kaanib sa 'dakilang mithi': kayong lahat ay pumarito na taglay sa puso ang masarap na pag asa, na tayo'uumagahing para para sa pagpapasasa sa isang malambing na sayawan. hindi kayo mabibigo mga ginoong magigiting. sayawan at walang iba kundi sayawan ang inyong ipinarito, kaya'sayawan at walang iba kundi sayawan ang dito'ating pagdudumugan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"akin lang ipinagpapauna na ang sayawang ito ay kakaiba sa lahat ng sayawan na inyong alam. wika nga', bagong sistema; mapapalad kayo sapagka'kayo ang unang makakakilala sa kanya! sapagka nga'bago, ay kailangang siya'ating ipaaninaw mabuti. sa sayawan pong ito, mga ginoo at binibini, ay hindi mga paa, kamay at baywang ang magsisiindak. ang dito po'magpapakitaan ng gilas at kisig, ay ang mga dila'ngala ngala; kaya'sayawan ng mga dila'ngala ngala ang sa ngayong gabi ay siyang yayanig sa bahay ng ating pangulo! anang naka itim. pero que bruto ang tugon naman ng galit sa rigodon. batid ninyong lahat mga binibini at ginoo, ang patuloy ni gerardo na dito sa ating bayan ay may isang kapisanang di pa nalalaon ay itinayo ng kabataan. batid din ninyong lahat na sa mga sandaling ito ang kapisanang iyan ay kasalukuyang naghihilik sa lalim ng pagkahimbing. ang di na yata makasanglibong pagtawag ng pulong na laging nabibigo, ay labis na nag uulat sa katotohanang ito.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang pagkakabitin sa impapawid ng lahat ng mga panukalang inaharap at pinag tibay sa loob ng kapisanan, ang pagkabigo ng aklatang itatatag, ang pagkabigo ng pahayagang palalabasin, ang pagkabigo ng mga papulong, ng paaralan sa gabi, at ng mga kung ano anong campana na sagana sa hangin ang lahat ng iyan mga binibini at ginoo, ay isa pang di mapupuwing na saksi ng pagkauring mantikang tulog ng ating kapisanang kagulatgulat noong kanyang mga unang araw! sa gitna ng ganitong kalagayang dapat ikahiya ng kabataang libis, sino ang ating dapat sisihin? ang mga nangungulo sa kapisanan? ako na malaon nang nagmamasid sa ginagawa nilang pagtupad sa kanikanilang tungkulin, ay walang ulikulik na makakapagsabi na ang mga ginoong iyan ay nagawa na ang lahat ng abot ng kanilang kaya. ipinatutupad ng pangulo sa ating mga kaanib, ang palatuntunan at mga alituntunin, dapwa'aayaw tayong magsisunod!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kanilang iminumungkahi na isagawa ang mga panukala'batas na pinagkayarian natin, dapwa'aayaw tayong magsikilos! tumatawag ang kalihim ng pulong araw araw halos dapwa'aayaw tayong magsidalo! mahusay na hinihingi ng ingat yaman ang ambag sa bawa'buwan ng bawa'isa, nguni'atin siyang pinagtataguan! sino ngayon ang dapat managot sa pagkadiwara ng kapisanang ito? sino ang dapat lagpakan ng ating pagsisisi kundi tayo rin tayo na bubuo ng isang kautusan at pagkatapos ay tayo rin ang sa kanya'susuay? sino ang dapat nating sumpain kundi ang atin ding mga katawan tayo, na lilikha ng isang matayog na panukala para sa ikabubuti ng bayan at pagkatapos kapag isasagawa na, ay tayo rin ang kaunaunahang malulula, ang kaunaunahang uurong?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sino ang dapat managot sa lahat ng ito, mga ginoo, kundi tayo rin tayo na kadalasa'dahil lang sa kaunting sakit ng ulo, kaya'ng ngipin, dulo ng kuko; dahil lang sa kaunting ulan, sa kaunting init ng araw, sa kaunting antok, sa kaunting layo ng pagpupulungan, sa pagkawalang makasama, sa pagkawalang mabuntutan dahil na dahil lang diya'di na tayo magsisidalo sa pulong?. samantalang kapag isang sayawan ang ating dadayuhin, ay sumasagasa tayo sa unos at buhawi, nawawala ang sakit ng ulo, napapawi ang antok, di iniinda ang init ng araw ni sinusukat ang layo ng pagdaraanan!! sino ang dapat kilabutan sa hiya kundi tayo rin na kung makaisip mang dumalo sa pulong, ay panayon na lang mga huli panayon na lang animo'mga kuhol? tayo na munting maantig ang bulsa, munting mahingan ng maipagtatawid buhay ang kapisanan, ay magpapakalayo layo na di na maaapuhap kahi'na nakakayanan ang halagang hinihingi?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"samantalang kapag ang isang sayawan ang paguukulan, ay maluwag na maluwag at galak na galak tayong nagkakaloob ng piso, piso'isang salapi, at kung minsan pa'hanggang dalawa!! ah, mga kababayan!. kung ang mga katotohanang ito na sakdal ng papait ay nakasusugat sa inyong mga damdamin, ako'di nagsisisi! tinutupad ko ang aking katungkulan! karapatdapat at kailangang mabatid nating lahat ang hubad at wagas na katotohanan, na, ang kabataan sa bayang ito ay kulang pa ng lakas, kulang pa ng tyaga, pagtitiis, at siglang walang maliw! wala pa ditong tunay na kalakasan ng loob na kinakailangan upang maisagawa ang isang adhikang mataas! ah, kabataan, kabataan! kay lakas mong mangarap, dapwa'kay dali mong masawan, kay daling manglumo ng iyong puso, kay dali kang panghinaan ng tuhod!. iyan ba ang kabataang pinangapangarap ng dakilang rizal? iyan ba ang kabataang inaasahang tutubos sa bayang ito na ngayo'nabibingit sa bangin ng kamatayan? iyan ba ang mga kawal ng tagumpay bukas? ah, kabataan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kung ang mga maliliit na kapisanan ay di mo mapagtiyagaang buhayin, papaano kayang pagbuhay ang iyong gagawin sa isang bayang malaya? kaunti pang paghuhunosdili, kaunti pang paglingap sa dangal ng katungkulan! kaunti pang pag aaalaala sa kinabukasan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"samantalang ikaw, kabataan ay walang hanap kundi saya at ligaya, samantalang di ka natututong umibig sa walang likat na pagpapagod, pagbabata ng hirap, at pagsusunog ng kilay; samantalang, di ka natututong tumalikod sa mapanghalinang kaway ng mga bulaklak, sa matatamis na awit ng mga sirena, upang makatupad sa isang katungkulan; samantalang ikaw ay nabubuhay sa himpapawid ng mga pangarap at di sa parang ng paggawa; samantalang ikaw ay walang loob na iukol sa sarili mong bayan ang bawa'galaw ng iyong isip, bawa'tibok ng puso, bawa'sandali ng iyong panahon, bawa'patak ng iyong dugo; samantalang nananatili ka sa mga ganyang kalagayan, ikaw, kabataan, ikaw ay di dapat tawaging pag asa ng tinubuan mong lupa; ang dapat itawag sa iyo ay hampas ng diyos sa iyong lahi! pinutol dito ni gerardo ang kanyang talumpati. dati dati tuwi siyang magsasalita nang hayag, ay di maubos ubos ang papuri sa kanya ng madla; nguni'ngayon, maanong nagtamo siya nang kahi'gaputok na palakpak!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa mga binata marami ang sa kanya'ngunguso nguso at iirap irap; may ilang dadabog dabog at bubulong bulong. si choy ay tuwang tuwa nang maalamang di matutuloy ang ipinangakong sayawan. kamunti na siyang makalapit sa naka lana upang ito'mabigyan ng isang mabining hiilatt! ang mukha ng naka lana ay di maipinta noon. hindi nagkasiya sa isinimasimangot at ipinisepshe. sa huling bahagi ng talumpati ni gerardo ay walang ibinubuga ang nagkakangngingiwi niyang mga labi, kungdi payak na: suplado! para ka riyang isang lelong na nangangaral sa amin ah! pabulong kun bigkasin ang mga salitang ito, na anopa'walang nakaririnig kundi yaong mga malalapit sa kanya! hindi lang ang bibig ng naka lana ang nangungusap: ang mga mata niya ay may lalong mahalagang bagay na inihahayag. ang mga namumuteng matang iyon kun titigan si gerardo nang siya'nagsasalita ay parang tumititig sa isang nag papaalam na bibitayin, kundi man sa isang kabaong na, sa isang tigmak na sa dugo! ang naka lana ay si juancho!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"si juanchong masidhing kaaway ni gerardo sa lahat ng bagay; ang nabigong kandidato sa kamay ni elena, ang bunsong kapatid ni kapitang memo na kanyang kinasapakat sa madugo niyang paghihiganti kay gerardo! paghihiganting gaganapin nila sa gabi ding iyon!. nang matapos ang talumpati ni gerardo, ang pangulo naman ng dakilang mithi ang pumagitna. siya ay isang tao na di masalita; at kung magsalita man siya ay banayad, parang tinitimbang ang mga sinasabi; hindi siya gumagamit ng mga salitang labis at di kailangan; walang bula bulaklak, walang paha pahangin, gaya ng daan daan diyang mga mananalumpati na tuwing magsasalita ay walang nagagawa kundi lunurin sa hangin ang sa kanila'nakikinig. ang pangulo ng dakilang mithi (kun ibig ng bumabasa na siya'lalong makilala) ay isang nagaaral ng derecho sa isang bantog na paaralan sa maynila; ilang taon na lang at siya'tutupad na sa dakilang tungkuling pagtatanggol sa kapwa. hindi bagay sa iyo ang mag abogado, abraham!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang laging iginigiit sa kanya ng mga kaibigan ang dapat mag abogado ay yaong mga taong masalita, hindi ang mga walang kibo na gaya mo! labis na batid ni abraham ang kaululan at kahangalang isinisiwalat ng mga gayong pangungusap; kaya'lalo niyang tinikis. samantalang hinihigpitan ang kapit niya sa pagaaral ng derecho ay lalong pinag ibayo niya ang pagtitipid ng salita. sa paninikis na ito ni abraham, ay ibig mandin niyang ipamata sa mga bulag na pag iisip ng kanyang mga kakilala na upang maging isang mapagwaging abogado ay di kailangan na maging isang daldalero!. kay rumami nga naman ang nagkakamali sa bahaging ito ng karunungan, ang akala nila'sa pamamagitan ng isang bungangang walang tahan ng kabubuga, ay mapasusuko ng isang abogado, sa alin mang usapin, ang kanyang kalaban; at ang isang taong bungangero ay pilit na magiging isang maningning na abogado.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kung gayo'dapat manding imungkahi sa pamahalaan, na magtatag ng isang escuela de derecho sa loob ng hospicio de san jose para sa mga nakukulong doon, na kahi'nagiisa ay. usap pa rin ng usap!. oh, magsipagtahan kayo mga ulong marurupok! hindi pa ninyo batid yaong mga palasak na kasabihang: ang pantas ay walang kibo alalaong baga'hindi daldalero ni daldalera. (he who is wise, keeps still.) (hombre de poco habla mucho piensa.) at, ang salita ay pilak (nguni'!) ang pananahimik ay (speech is silver, silence is !) hindi pa rin ninyo batid ang mga katotohanang sumusunod: . na, upang maging pantas sa alin mang hanapbuhay, maging sa pag aabogado at maging sa pag memedico, atb., ay dalawang bagay ang kailangan: una, magmasid; ikalawa, kumuro. ngayon, ako'nagtatanong, sino ang lalong malinaw magmasid at kumuro: ang isang walang humpay ng katututtuttut, ang isang tahimik na nakikinig at umiisip, maingat na tumitingin at tumitimbang sa bawa'tamaan ng mata?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang abogado, sino mang taong di masalita, tangi na lang ang mga mangmang, ay may panahon upang pagaralan at lubahing mabuti sa kanyang ulo, ang isang pagkukuro, bago ihayag; nakapipili siya ng mga salitang angkop at matitibay; napipili niya ang lalong matibay na paglalahad sa ibig sabihin. ano ang ibinubunga? kaliwanagan! ang kaliwanagan ng pangungusap ay kapangyarihan sa isang pagtatalo! samantalang sa kabilang dako, ang isang walang pahinga ng daldal, tangi pa sa nakayayamot at nakaaaksaya ng panahon (hindi lang ng kanyang panahon kundi pati ng panahon ng kausap) ay di nagagawing timbangin at kuruing mabuti ang isang bagay bago ihayag; di napipili ang mga salitang dapat gamitin; walang mahusay at makatwirang pagkakasunodsunod ang kanyang isinasalaysay; nalalahok ang mga bagay na walang kabuluhan at di kailangan, at kun minsan pa'sa kadalasan ng salita ay di naiisip ni naaalaman ang mga pinagsasabi! ano ang napapala?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"at ang isang abogadong mahinang mangatwiran, magusut kung umisip at malabong mangusap ay isang abogadong. kahabag habag! ang mga abogado na kapag nagtatanggol sa isang paglilitis, ay walang nalalakasan kundi payak na pahangin at daldal, mga paikot ikot at walang katuturang pangungusap, ay paraparang kinasusunukan, kinaririmariman at hindi pinagdididinig sa loob ng mga hukumang inaabot ng liwanag ng siglo ang tinatangkilik, ang kinasasabikan, ang dinidinig, ang kinikilingan, di man sinasadya, ng hiyang simpatia ng isang taal at pantas na hukom, at yaong abogado na di nagaaksaya ng salita, yaong di nagsasalita kundi kailangan, yaong maalam ihayag ang ibig sabihin sa iilan at piniling salita, yaong malumanay, banayad, dapwa'matibay at matalinong mangangatwiran, yaong bawa'bigkasin ay may kahulugan, bawa'isalaysay ay malinaw at mahusay iyan ang tunay na abogadong dapat kilalanin ng lahat.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"dapwa', giliw na bumabasa, tayo mandin ay lubhang napapakalulong sa pagkakalayo sa sinulid ng ating kasaysayan. tayo'bumalik at pakinggan natin kung ano ang sasabihin ng pangulo ng dakilang mithi sa kanyang mga kasamahan. mga kasama: upang tayo'magkatipon, at makapagdaos ng pulong, ako'nayag na kayo'dayain. ang pagdadaya ay masama. nguni'kung minsan ay kailangang gumawa ng masama upang matamo ang isang kabutihan. kailangang barilin ng isang pinuno ang sundalo niyang tumatakbo sa labanan upang ang iba ay huwag magayang umurong. kailangang sugatan ang bato upang mapalabas ang kanyang apoy. ngayon: alam na ninyo kung bakit kayo'aming dinaya. ayokong aksayahin pa ang mahalaga ninyong panahon. pasimulan natin ang pulong. mga ginoo: ano ang inyong pasiya? sa aking akala'ang kapisanang ito ay dapat nang lansagin. dapat lansagin ang sabi ko sapagka'walang kabutihan siyang nililikha; bagkus pa ngang payak na kasamaan ang kanyang ibinubunga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa kapisanang ito nagbubuhat ang pagbibigatan ng loob, dito nababanaag ang lahat ng mga ugaling karumaldumal ng kabataang libis; dito nadadama ang maraming katotohanang masasaklap na dapat ikahiya ng ating mga nuno sa kabilang buhay. hindi kaya marapat na lansagin na ang kapisanang iyan? hintay ko ang pasiya ng kapulungan. ang kapulungan ay di sumasagot. ang banayad nguni'matitinding pangungusap ng pangulo, ang nanginginig niyang boses, ang kanyang nagbabagang paningin, ay nagpayuko sa lahat. ni si juancho, ni si choy, ni ang naka itim ay walang naihuma. naghahari sa boong bahay ang piping katahimikan. nakaraan ang limang minuto; wala pa ring sagot. walang kamalak malak ay nangagtilian ang mga babae. demonyong sungayan! demonyong may buntot! ang sigaw nilang di magkamayaw. at demonyo nga naman!. (noon ay kasalukuyang nagdadaos ng karnabal sa maynila.) sinalubong ng pangulo sa hagdanan ang nakabalat kayo. isang liham para kay gerardo ang taglay niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"anang naka itim at pagdaka'lumapit sa demonyo na nakatingin kay gerardo samantalang binabasa nito ang tinanggap na liham. sino ka baga, ha? ang muling tanong ng naka itim, at pagdaka'sinulot sa tagiliran ang nakabalatkayo. tinamaan ka ng.! ay ibinunga ng isang tabig ng demonyong nakiliti tabig na tumama sa sikmura ng pangahas. dali daling umupo ang naka itim na tutop ang tiyan. humugong sa tawa ang boong bahay. ang pangulo ay pumukpok sa kanyang lamensa. naputol ang tawanan dapwa'di ang bulungbulungan, di ang pagsulyap sa demonyo at sa tinabig niyang napangiwi'sukat. sino nga kaya iyan? ang muling usisa ng balana. iyan ay si tunyo anang isa. hindi, si basio iyan! anang isa pa tingnan mo'ang katawan ay basiong basio! hindi; maniwala kayo, ang sabad naman ni choy iyan eh si kumparing kulas. mali silang lahat. si juancho lamang ang nakababatid kun sino ang demonyong iyon! pagsalitain nga natin ang bigkas ng isang pingkaw hoy demonyo! magsalita ka nga. ang demonyo'parang bingi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"hindi inaalis ang tingin kay gerardo na pagkatapos na mabasa ang sulat ay lumapit sa may dala at tumanong: sino kayo? ang demonyo'parang pipi. kumumpas kumpas na lang at iginalawgalaw ang ulo na tila ang ibig sabihi': manaog ka sa lupa'doon tayo magkakaalam! si gerardo ay napangiti na lang sa ikinumpas kumpas ng nakabalatkayo. dapat kaya siyang sumama? tiningnan ang liham at sandaling nag alinlangan; pagkwa', tayo! anya, at inakbayan pa mandin ng demonyo, bago sila nanaog. ang di man kinukusa'nalaglag sa mga labi ni pacita na malaking totoo ang takot sa demonyo, palibhasa'noon lang siya nakakita ng gayong gayak. si elena naman ay putlang putla; kakaba kaba ang kanyang dibdib. kilala mo ba iyon? ang pangatal na tanong kay florante na kanyang kaibigan, at noo'kasiping sa upo. masama ang kutob ng aking loob. nagiisa si gerardo baka siya'kung anhin!. ako'nangangamba!. para mo nang awa florante. noon di'nanaog ang binata. ang pulong na binagabag ng demonyo ay muling pumayapa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"maging ang mga lalaki at maging ang mga babae ay aayaw sumuko; aayaw pumayag na lansagin ang kapisanan. aywan kung dahil sa anong kababalaghan, aywan kung dahil sa talumpati ni gerardo kung dahil sa pagsipot ng demonyo, ang lahat ng mga taga dakilang mithi ay nakitaan noong mga sandaling iyon ng isang kagulat gulat na pagbabago. katulad sila nina adan at eva na nang mapagkuro ang kanilang pagka hubad ay nangahiya'dalidaling nagsipagtapi; katulad sila ni san lazaro na nang patindigin ni kristo, sa kanyang libing ay tumindig nga'muling nabuhay. anopa'sa minsang sabi, ang naunsiyaming sigla ng dakilang mithi wari baga'muling nanariwa. pinagkaisahan na ipatutuloy ang lahat at bawa'isa ng mga panukalang nabibitin; alalaong baga'ang ukol sa paaralan, aklatan papulong, mga campana, atb.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"at noon ding gabing iyon ay nag ambagan ang lahat, maliban na lang ang ilan na talagang ibig nang tumiwalag sa samahan; kaya'walang kamalak malak ay nakatipon at sukat ang ingat yaman ng salaping sapat at katamtaman upang maisagawa ang kanilang mga matatayog na pangarap na munti nang mabulok. sa huling bahagi ng pulong ay nagkaroon ng kaunting pagtatalo; pinagtalunan ang kung nararapat hindi na ang kapisanan ay manghimasok sa politika. si faure ay nagsasabing nararapat; at siya ang nagpalagay na ang kapisanan ay maaaring lumahok sa politika; samantalang sa kabilang panig si juancho naman ay nagmamatigas na di nararapat. itong huli ay bumigkas ng isang mahabang talumpati na dinuluhan ng mga ganitong pangungusap: manghimasok tayo sa politika?. kay samang palagay!. tayo na mga batang bata pa, ano ang ating masasapit sa gawaing iyan?. huwag tayong pakasulong, mga kabinata, huwag mangahas sa di natin kaya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kailangan dito'mahabang pag aaral, mga malalalim na pagkukuro at pag iisip na hinog at di hilaw na gaya ng atin. ipaubaya iyan sa mga matatanda; iya'di nababagay sa kabataan. si juancho ay umupo; pagdaka nama'tumindig sa dakong likod niya si faure. pangulo anya di ako namamangha sa pagsalungat ni ginoong santos sa aking palagay; kami ay laging magkalayo ng damdamin; siya'isa sa mga sumasamba sa bandilang ayaw hiwalayan ng mga pederal; ang ngalan ko nama'nakatitik sa plataforma ng partido nacionalista. wika niya'di tayo dapat manghimasok sa politika, sapagka'tayo raw ay mga batangbata pa, sapagka'tayo'wala pang kaya. di ko hinahanapan ang ginoo ng ibang paghahaka. walang kaya! iyan ang bukang bibig ng mga gaya niyang pederal at ng kanilang mga ama amahan; iyan ang kanilang pangarap araw gabi, iyan ang lagi nilang naguguni gunita, dinadasal dasal, ibinubulong bulong.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ipinahihiwatig ko sa aking katalo na sa pagnanasa kong pumasok ang kapisanan sa bakuran ng politika, ay wala akong minimithi kundi ang pagsikapang liwanagan ang mga tungkulin ng mga mamamayan sa kanilang tinubuan; bakahin iyang ating namamalas ngayong mga kahalay halay na pagwawalang bahala, mga kasagwaan ng ilan sa ating mga pinuno, at ang mga duwag na pagyuyuko ng ulo sa harap ng mga mapaghari harian. hilahin sa liwanag ng araw at ihantad sa mata ng bayan ang mga kaaway niyang lihim, sina masasakim, sina mapagbalatkayo, sina kukong lawin. pukawin ang lakas ng lahi upang palayasin dito ang mga dayuhang magdaraya na sumasalungat sa kanyang pinakamamahal na damdamin at nais, at yumuyurak nang lihim sa karapatan at kalayaan na pamana ng diyos sa kanya. ipaala ala sa kanyang lagi na ang bayang di kumikilos ng ganito, ang bayang nagtitiis sa pagwawalang kibo at nagkakasya na lamang sa lihim na pananangis, kapag siya'dinudusta, ang bayang iya'alipin, busabos, duwag.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ito, mga kababayan, ang pinakamimithi kong layunin ng ating kapisanan. at alin ang kaluluwang may dangal, matanda man bata, na makapagsasabing siya'walang lakas at kaya na tumupad na ganitong dakilang katungkulan? mga bata pa raw tayo! ang isip yata'pulos na matatandang hukluban lamang ang marunong sumuri sa mga bagay na iyan!. sa isang binata ay walang dapat makasindak, walang dapat makapigil sa kanyang paglakad, walang dapat makahadlang sa kaniyang iniibig; kaya'wala sa matwid ang isang magsabing tayo'walang kaya na maghimasok sa politika. si juancho noo'kasalukuyang ninenerbyos. di magkantututo sa pagsigaw ng:. pangulo; hindi ko maaayunan ang mga ipinahayag ng huling nagsalita, hindi nga po, at makasanglibong hindi!!. (at dito'pinanginig pa mandin ang boses na ubos diin) ipinalalagay ko pong ipaliban ang pagtatalo sa. isang malakas na pukpok sa lamesa ng pangulo ang ikinaputol. di matatanggap ng mesa ang inyong palagay, anya sapagka'di pa napasisiyahan ng pulong ang palagay ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"faure na kinatigan ni . dali daling umupo si juancho. nagpatuloy ang pangulo: mayroon pa bang pagtatalo tungkol sa bagay na ito?. kung wala, lahat ng umaayon sa mungkahi na ang kapisanan ay maaaring manghimasok sa politika, ay magsitindig. sa apat na pu'tatlong kaanib na naroroon, ay anim lang ang di tumindig. ginoong pangulo ang muling bigkas ni faure ipinalalagay ko po na ang 'dakilang mithi' sa pamamagitan ng kaniyang pangulo, at kalihim ay magpadala ng isang kalatas sa bawa'kapisanan ng kabataang natatatag sa sangkapuluan, upang sila'anyayahan na umanib sa atin sa paghingi sa bayang amerikano ng lalong madali at karakarakang pagsasarili ng filipinas. kinakatigan ko po ang palagay ni. faure ang pagdaka'isinunod ni pacita. lahat ng mata ay nakasulyap kay juancho, na sapagka'leader ng mga pederal sa dakilang mithi ay siyang lalong may katungkulang sumalungat sa gayong mungkahi. nakaraan ang ilang sandali. si juancho ay di umiimik!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"nakapako ang paningin sa kanyang orasan na para bagang binibilang ang mga tiktak tiktak! manaka nakang tingalain at pakiramdaman ang bubong na pawid ng bahay. ang boong anyo niya ay gaya ng sa isang mangangaso, na mula sa malayo ay nakikinig sa takbuhan ng mga usa. sa gayong lagay ni juancho, ay di niya napapansin ang ikinindat kindat sa kanya ng kanyang mga manok na ang ibig sabihi'lantakan mo! di niya nararamdaman ang mga kalabit sa kanya ng mga nasalikod; di niya alumana ang pangungunot ng noo ng naka itim na nang di na makapagbata ay biglang lumundag at ubos lakas na inahiyaw ang isang matapang na. kabuyas ang tugon naman ng pangulo. si kabuyas ay naghagis muna kay juancho ng isang nanglilisik na tingin, bago nagpatuloy: sa ngalan po ng dangal ng 'dakilang mithi' ay tinututulan kong mahigpit ang mungkahi ni. hindi ko mapagkuro kung bakit ang isang magiting na ginoong gaya ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"faure ay makaisip na magharap dito ng isang palagay na walang kaulo ulo at walang maibubunga kundi libo libong pula sa katalinuhan ng 'dakilang mithi!' ang di magkamayaw na sigaw ng mga pederal. ito'lalo pa manding nagpainit kay kabuyas. oo nga po, mga binibini at ginoo, kapag ang kapisanang ito ay tinanggap ang palagay ni. faure, ang kakamtan natin ay di lang libo libo, kundi yuta yutang pula!! ano po ang ating mahihita sakali ma'umanib sa atin ang ibang mga kapisanan sa paghingi ng karakarakang pagsasarili sa bayang amerikano? didinggin baga tayo ng pamahaaan? makikitungo ba ang pamahalaang iyan sa mga gaya nating musmos? kung ang kapulungang bayan nga ay di pinakitunguhan nang humingi ito ng pagsasarili, tayo pa kaya? malaking katiwalian ang nilalayon ni. kung ang kapisanan ay may talino at dangal, ang palagay na ito'di niya sasang ayunan. si kabuyas ay naupo sa gitna ng boong kasiyahang loob. si faure naman ang tumindig. mga kasamahan, anya itinatanong ni.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,kabuyas kun ano raw ang mahihita ng kabataan sa paghingi ng karakarakang pagsasarili. hindi pula gaya ng maling hinagap ng aking katalo kundi pagpuri pa nga ng ating bayan sa ganitong pagkilos. hindi man tayo dinggin ng bayang amerikano ay ano? makagaganap tayo sa isang katungkulan! katungkulan ng bawa'tao na hingin ang kalayaan ng kanyang lupa kapag ito'handa nang lumaya. mga busabos lang ang ayaw humingi ng kalayaan. ang pilipinas ay malaon nang handa sa isang malayang buhay. ibig ba natin na ang kabataang pilipino ay panganlang mga busabos? hindi lang pagganap sa isang katungkulan ang nilalayon ng aking mungkahi.,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ibig ko ring ipamata sa pamunuang amerikano ang katotohanan na di lang ang mga matatandang pilipino, kundi pati ang kabataan ay nagkakaisa sa pananalig na ang pagsasarili ng pilipinas ay dapat nang ibigay sa kanya; at dahil sa katotohanang ito ay panahon na ngayong ang pamahalaang iya'magbago ng kilos; dapat na ngayong manainga at mag aral gumalang sa damdaming isinisigaw ng kaluluwa ng bayang namamanhik sa gitna ng dusa. panahon na ngayong dapat ipamalas ng amerika, di lamang sa harap ng kapilipinuhan kundi pati sa harap ng sangsinukob, na siya ay may isang pusong tunay na bayani ng kalayaan. panahon na ngayong dapat isagawa ang pangungusap ni mckinley, na ang hangad ng bayang amerikano, sa kanilang panghihimasok dito, ay di ang pagsupil kundi ang pagpapalaya sa mga pilipino, (not as conquering, but rather as liberating nation.)",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"at panahon na rin ngayong dapat ipagsigawan sa mapagbingibingihang amerika ang di maitatakwil na katotohanan, na isang panglulupig at wala kundi panglulupig ang maghari sa ayaw pahari; na isang asal ganid ang pagsikil sa buhay ng may karapatang mabuhay nang malaya; na isang asal hayop ang pagsasamantala ng malakas sa mahina!. ano pa ang hinihintay ng pamahalaang nakasasakop? ibig ba ng pamahalaang iyan na si washington at ang kanyang mga kapanahong namuhunan ng dugo, sa pagtataguyod sa hangad ng bayan nila nang maghimagsik; ibig ba ng pamahalaang amerikano, aking inuulit, na magsibalikwas ang mabubunying kaluluwang ito sa kanilang libingan at siya ay sisihin sa di pagtupad sa kanyang tungkulin? alin pang araw ang ibig dumating? kun kailan ba pumuti ang uwak?. naputol dito ang talumpati ni faure. si juancho noon ay biglang lumundag mula sa kanyang upo at nagsisigaw ng sunog! at siya nga namang totoo! nagliliab ang palupo ng bahay! nangamutla ang lahat. di magkamayaw ang mga tubig!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"nangagtilian ang mga babae. nangag iyakan ang mga bata. takbo rini at takbo roon; sigaw dini at sigaw doon. nangag unahan ang lahat sa pagpanaog. lumalaki ang apoy! tupok na ang bubong ng bahay. samantalang nagkakagulo ang lahat sa lupa, doon naman sa itaas ay may ibang nangyayari. dalawang tao ang nakatayo sa puno ng hagdan: isang babae na pinipigil ng isang lalaki. elena, ang mabangis na wika nitong huli sasama ka sa akin ikaw ay mamamatay! at sino kang sasamahan ko? ang katawan mo ang iyong buhay!! ang muling sigaw ng lalaki at lalong hinigpitan ang pigil sa kamay ni elena. bitiwan mo ako! sa kapipitlag ni elena ay nabitawan ng pumipigil ang kanyang kamay. halos palundag na nanaog. nguni'di pa halos nararating ang kalahatian ng hagdan, siya'inabot na naman ng taksil. ang pangingibabaw ng malakas sa mahina ay muling napatunayan. sinapupo ng lalaki ang binibining nanglalambot; ipinanhik muli, at saka ipinanaog doon sa kabilang hagdan, sa bandang likod ng bahay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"wala doon ni isang tao, sapagka'ang lahat ay nagkakatipon sa harapan. gerardo, oh gerardo! ang tanging naisigaw ni elena. gerardo?, anong gerardo? ang pairing na tugon ng lalaki. ano pa ang gegerarduhin mo ngayon? si gerardo'patay na! tampalasang tao!! yaong nanhik kaninang suot demonyo ang siyang umutas sa kanya! oh mga tampalasan!! si elena ay hinimatay. lalong mabuti! ang sa sarili'nawika ni juancho, at pagdaka'inalulan ang abang si eling sa kalesa niyang doo'inihandang talaga. kutsero, pika!! ang liham na tinanggap ni gerardo ay labis nang nag ulat sa kanya na sa gabing iyon ay pilit siyang makasasagupa ng isang kataksilan. labis din niyang alam na ang pagpayag na sumama sa demonyo ay lubhang mapanganib. dapwa'umurong sa panganib ay ugali lang ng mga pusong marurupok, hindi ng mga gaya niyang walang takot na kinikilala kundi ang takot sa kanilang diyos at bayan; hindi ng mga mapagbirong lagi sa tampo ng buhay mapaglaro kahi'sa labi ng hukay. ang gabi noon ay sakdal ng dilim.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa maulap at masungit na langit, ay wala ni isa mang bituin. nang sina gerardo ay mapalaot na sa gayong kadiliman, ang demonyo ay nagtumulin ng lakad. si gerardo naman ay nagliksi din. sabihin na, pare, kung kayo'sino; ang patawang wika ng binata sa kanyang kasama. ang pagkapipi ng demonyo ay patuloy pa rin. walang itinugon kay gerardo kundi mga di mawatasang bulong; at lalong binilisan ang hakbang. saan sila patungo? ito marahil ang ibig na maalaman ng bumabasa. dapat munang unawain na ang bahay nina pepe na kanilang pinanggalingan ay nagiisang nakatayo sa labas ng bayan ng libis, sa tabi ng isang mahabang daan na patungo sa maynila. mula sa bahay na iyon, ang isang maglalakbay sa maynila ay kailangang lumakad ng mga isang oras bago dumating sa kapwa bahay. ang daang ito na patungo sa maynila, ay siyang tinatalaktak nina gerardo. kalahating oras na silang naglalakad nguni'di pa tumitigil.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"naiinip na si gerardo, dapwa'gayon na lang yata ang kagandahan ng kanyang ugali na kahi'ang isang pagkainip ay aayaw ipahalata kahi'sa isang demonyo. bukod sa rito'talaga namang natigasan niya ang pakikipagtagalan sa kanyang kasama saan man siya dalhin palibhasa'malaki ang nais niyang mabatid kung tunay ngang matutupad ang mga sumbat sa kanya na natatala sa tinanggap na liham. sa di kawasa'lumiko ang demonyo sa isang landas. ang binata nama'lumiko din. di nalaon at sila'sumapit sa isang ilang, na dahil sa kasukalan, ay matatawag nang gubat. isang bahagi ng ilang na ito ay pinangingilagang lubha ng mga matatakuting taga libis tulad ng pangingilag nila sa isang libingan. di umano'may mga lungga doon ang mga aswang. di umano'ang mangahas na maglagalag doon sa kalaliman ng gabi ay nawawala'sukat. may mga baboy daw na sungayan, mga kalabaw na parang baga ang mga mata, at mga asong singlalaki ng kabayo, na paraparang nanghaharang doon. ito ang lugal na tinutungo ng demonyo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"aba pare, ang biro ng binata baka tayo'harangin diyan ng aswang! lalong nagtumulin ng lakad ang demonyo at saka tumigil ng biglang bigla. dinukot sa bulsa ang isang aywan kung ano, bago inalapit sa mga labi. ang tunog ay katulad ng huni ng ahas. noon di'pahangos na tumatakbo sa kanilang kinatatayuan ang isang. aswang na kaya?. putot na putot ng damit na itim tulad sa itim ng gabi. ang bagong dating at saka ang demonyo ay lumayo sa binata ng ilang dipa, at nagbulungan. sandali lamang at ang demonyo'pasugod na lumapit kay gerardo. sinaklot ito sa liig, at saka nagngi ngitngit na tumanong: walang hiya, kilala mo ba ako? kumulo ang dugo ni gerardo sa ginawang iyon sa kanya. isang suntok na ubos diin sa sikmura ng demonyo ang kanyang iginanti. ang liig niya'nabitiwan at sukat ng pangahas na ngatal na ngatal sa poot, at di magkantututo sa pagsigaw ng sunodsunod na. walang hiya!! magsisi ka na ng iyong kasalanan! ngayon, ngayon mo ako makikilala!!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa sasal ng galit, at sa gitna ng pagngi ngitngit, ay di nabata ang di damukusin ang mukha ni gerardo. si gerardo na noo'pigil sa bisig ng kasapakat ng kanyang kaaway, palibhasa'nadaig siya noon sa lakas, ay walang naitugon kundi mga sipa. ganyan ang mga duwag!! papatayin, papatayin kita, salbahe!!. umurong ang demonyo ng isang hakbang; itinaas ang kanang kamay, at nagpatuloy: nakikita mo ito, anak ng.? noon ay kumidlat; at sa pamamagitan ng liwanag nito, ay napagmalas ng binata ang kakilakilabot na talibong ng kaaway. ito, ito, ang sa iyo, ngayoy uutas! nauunawaan mo ba? sa mga duwag ako'di natatakot! ang nakabibinging sigaw ni gerardo; at ubos lakas na nagpumilit makakulagpos sa pumipigil sa kanya. walang nasapit ang abang binata sa mga bakal na bisig ng yumayapos sa kanyang katawan isa pang saksi ng pangingibabaw ng lakas sa hina!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"binagabag mo ang mapayapa kong buhay; ang dugtong ng demonyo isiniwalat mo ang mga lihim na pinakaiingat ingatan ko, ginising mo ang poot sa akin ng isang bayang dati'nakayuko sa aking bawa'maibigan, pinakalaitlait mo ako, pinakadustadusta sa mata ng lahat, ano ang sa aki'nalalabi? ano ang dapat kong gawin? hindi ako isang babae na sa gitna ng pagkasawi, ay masisiyahan sa pagtutukmol, sa pananambitan, at pananangis! hindi ako ang ulol na magsisisi sa aking mga nagawa; hindi ako batang musmos na mapaluluhod sa aking mga ipinahamak upang sila'hingan ng tawad! ako ay isang tunay na lalaki isang lalaking buhay na lagi ang loob! ako ang bantog na si kapitang memo na di nagugulat kahima'sa kamatayan! ako ang lalaki na marunong maghiganti!!. ah, walang hiya! talastasin mo na isinumpa ko ang ikaw ay patayin! unawain mo patayin!!! narito, narito ako, narito si kapitang memo upang tumupad sa kanyang sumpa!! muling itinaas ng sukab ang kanang kamay; dapwa'ang karawaldawal na nais ay di nagwagi!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"isang sing bilis ng kidlat ang noo'namagitna, pumigil sa nakayambang kamay, at umagaw sa matulis na patalim. sa sumunod na sandali, si kapitang memo ay nabulagta. si gerardo'ligtas; iniligtas siya ni florante, na sa gitna ng gayong kabayanihan at pagwawagi, di kinukusa'napasigaw ng oh mga swail!! ang diyos ay hindi natutulog! nang mamalas ang pagkakatimbuwang ni kapitang memo, ang kanina'pumipigil kay gerardo ay kumaripas ng takbo. sinundan siya ng dalawang magkatoto, dapwa'di inabutan. biglang nawala. kinupkop ng dilim!. oh ang nagagawa ng dilim ng gabi! ang kadiliman bagang iya'nilalang na talaga upang makatulong sa mga karumaldumal na adhika, at mapagtaguan ng mga sukab? kung tunay na ang diyos ay siyang lumalang sa kadilimang iyan,. ang katotohanang ito, kung katotohanan nga, ay nakapagpapa alinlangang lubha sa pagka makatwiran ng diyos na iyan!. 'dumating ang magkatoto sa mahabang daan na patungo sa maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kaginsaginsa'naulinigan nila mula sa malayo ang isang sasakyang humahagunot. lumalaon ay lumalakas, sa kanilang pakinig, ang kalugkog ng mga gulong; lumalaon ay tumitingkad, sa kanilang paningin, ang dalawang ilaw ng sasakyan. di nagtagal at nalapit ang kalesa sa magkaibigan. tumingin ang dalawang binata sa loob. nakilala nila ang lulan: si elena at ang taksil! nagulamihanan si gerardo. natigilan sandali, at. kagaya ng isang ulol na hinagad ang sasakyang lumilipad. sinundan siya ni florante. sino ang makatatatap sa makamandag na mga damdaming noo'gumigiyagis at sumasakal sa puso ni gerardo?. ang kanyang kasi sa piling ng iba, sa piling ng isang kaaway? at sa gayong dilim ng gabi? at sa gayong mga pook?. kataksilan!. at yaong mabilis na takbong iyon, ano ang kahulugan?. paninibugho, poot, pagka awa sa kanyang irog, ay sunod sunod na dumatal sa boo niyang katauhan.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang sigaw ng kanyang dangal, ng dangal ng kanyang pagkalalaki, ay dagling pinukaw ang bangis at init ng silangan niyang dugo, pinawi ang pagkahapo ng kanyang katawan, at nagdulot ng ibayong lakas at sigla sa nanglulumong dibdib. walang tugot ng katatakbo ang dalawang magkatoto. lumalaon ay lumalaki ang pagitan nila at ng sasakyan. sasabihin ng mga pusong mahihina, na sila'wala nang pag asa. dapwa'di gayon. sa mga kawal na iyon ng kabayanihan, ang pag asa sa isang pagwawagi ay lalong kumikinang at nagbabaga habang napapabingit sa panganib, pagkasawi at kamatayan. talagang ganyan ang mga bayani! talagang ganyan ang mga naghahabol at umuusig sa ngalan ng matwid, sa ngalan ng dangal, sa ngalan ng isang dalisay na pag ibig! parating buhay ang pag asa! papaano'buhay na lagi ang pananalig na, sapagka'katwiran ang hanap, ay may isang makatwirang bathala sa langit na sa kanila'tutulong at magdudulot ng tagumpay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"pagkaraan ng ilang sandali, ang sasakyang hinahabol ay sumapit sa isang tulay na luma. sa isang dulo ng tulay na iyon ay may isang malaking butas na, sapagka'di pa natatagalan ay di alam ni juancho, ni ng kutserong si kiko, ni ng kanilang kabayo. nangyari ang di hinihintay: ang mga paang unahan ng hayop ay tumama sa butas, kaya'dagling napatigil. ang kabayo ay di makabangonbangon sa pagkasubasob. nagkangbabali ang latiko at nagkangmamalat si kiko sa pagsigaw, dapwa'maanong natinag ang hayop sa pagkapangaw! si juancho ay galit na galit sa kanyang kutsero. bumaba sa kalesa at pagdaka'binatukan nang makalawa ang abang si kiko. mangutsero lang ay di ka marunong!. bakit di kalagin ang tirante, cabron? si kiko nama'susukot sukot na isinauli ang latiko sa lalagyan, at saka susukot sukot ding kinalag ang tirante. kay bait na tao! pagkababababa ng loob! kay gandang ugali!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"mga taong gaya niya'dapat pagkawang gawaan ng lahat ng mga nangangarap at nagmamalasakit sa isang maligayang bukas ng bayang pilipino! dapat patulugin ang mga taong ganyan sa isang palasio na may isang dinamita sa ilalim!. ang busabos ay busabos lang ang iaanak!. kung kaya may mapangbusabos na panginoon, ay sapagka'may napabubusabos!. samantalang tinutupad ni kiko ang banal na utos ng kanyang mahal na amo, ay siyang pagdating ng dalawang binatang hangos na hangos. lumapit ang isa kay elena na noo'nakahilig sa loob ng sasakyan at kasalukuyang hinihimatay na naman, samantalang ang isa nama'sinugod si juancho at pasigaw na tumanong: sino ka? at ikaw, sino ka? si juancho'biglang napaurong ng mamalas ang tindig ng nangangalit na si gerardo. ang kanyang pamanghang tanong. diyata'si gerardo ka? diyata'buhay ka pa? inaunat ni gerardo ang kanang kamay na may pigil na isang patalim at nanginginig na nangusap: taksil, ano ang ginawa mo kay elena?. sumagot kaagad ikaw ay mamamatay!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"si eling noo'nasaulian na ng diwa. nadinig niya ang boses ni gerardo; at nakilala ang kanyang irog na ibinalitang namatay. lumukso ang binibini sa kalesa at hihikbi hikbing niyakap ang binata. ang mapanglaw na bigkas ni gerardo; ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? ako'namamangha!. bakit ka napaparito? ginahas ako ng taong iyan! oh tampalasang lalaki! walang puso! di mo na inalaalang ako ay may kamay! ang mapusok na binata ay biglang lumundag sa kinatatayuan ni juancho. tangka niyang itarak sa dibdib ng sukab ang hawak na patalim. dapwa'di ito nangyari. si elena ay namagitna. gerardo, oh gerardo! ang kanyang hibik; huwag kang papatay ng iyong kapwa, tanging pamanhik! bayaan ako, elena! alam ko ang aking ginagawa! pumatay ng kapwa ay di laging kasalanan! ang kamay ko ay di nangingiming magpatulo sa dugong maitim! inibig ng lalaking ito na ilukso ang iyong puri, at nang sa gayo'madungisan ang aking karangalan! ang pairing na halakhak ni juancho tinatawanan kita, gerardong hambog!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"muling sinugod ni gerardo ang kaaway, dapwa'namagitnang muli si elena. giliw ko, nalalabuan ka ng isip, napadadaig ka sa kainitan ng iyong dugo; huwag oh, huwag! maghunos dili ka! bayaan mo ako elena! gerardo, may mga hukuman, may justicia, may diyos! at may juancho na di nagugulat sa sanglibong gaya mo, palalo!! ang pagdaka'isinabad ng swail. diyata, elena, at ipagtatanggol mo pa ang isa kong kaaway? hindi ko ibig na siya'ipagtanggol. ang kalulwa mo ang siya kong alaala. ayokong madungisan ang kanyang linis; ayokong sumuway siya sa bilin at utos ni bathala! malayo, elena malayo sa akin! ni dios, ni ikaw, ni sino pa man ay di ako dapat sisihin sa aking gagawin!. nagpumiglas si gerardo; nabitiwan ni elena ang kanyang katawan, dapwa'hindi ang kamay na may hawak sa sandata. pumayapa ka, gerardo! huwag mong ikikilos ang iyong kamay, kung ibig mong huwag akong masugatan. bitiwan mo iyang patalim, mahihiwa ang mga daliri ko! bitiw, aking irog, bitiw!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sumuko din sa wakas ang kapusukan ng binata. talaga kang duwag! ang sigaw ni juancho na anaki'isang bukod na matapang. si florante na mula nang dumating sa tulay ay di umi imik, ngayo'humarap kay juancho at banayad na nangusap: ang tao ay malaya hanggan siya'gumagalang sa matwid; kapag binaluktot niya ang katwiran, kapag siya'lumabag sa makatwirang mga utos, ang kanyang kalayaan ay dapat bawiin. ikaw ay sumalansang sa inaaatas ng matwid. kami ay may karapatang kumatawan sa justicia. isuko mo sa amin ang iyong kalayaan. maginoong florante! at sino po kayo na aking susukuan? walang maraming salita! sasama ka sa hukuman hindi? at sino po kayo na aking sasamahan? mga kapantay mo, na ngayo'may karapatang makapangyari sa iyo!. baka ikaw ay nahihilo! sumagot ka ng tapat, sasama ka hindi? ibig mo pang ikaw ay gamitan ng lakas? hitsura ninyong iyan ang aking uurungan! si juancho ay naglilis ng manggas at inawasiwas ang kanyang sundang.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"si florante nama'biglang inalantad ang dala dalang talibong na inagaw kangina kay kapitang memo. ang kanyang sigaw nakikita mo ito? tiningnan ni juancho ang sandata. nangdididilat. nakilala ang talibong. bakit iya'nasa sa iyo? at bakit iya'may dugo? ang pahiyaw na usisa inano mo ang aking kapatid? ginawa ko sa kanya ang gagawin ko sa iyo kapag di ka sumunod sa amin! ano ang ginawa mo sa kanya? siya'pinatay ko! isang pailalim na saksak sa sikmura ni florante ang itinugon ni juancho. si florante sa lakas ng saksak ay dagling nabaligtad, dapwa'noon sandaling iyon ang kanyang kaaway ay dinaluhong ni gerardo, nagkagulong gulong sa tulay at sa wakas ay nahulog sa ilog. ang tubig ng ilog na iyon ay may labinglimang dipa ang lalim; at si juancho ay di marunong lumangoy. si kiko na may kaunting pagkabinabae ay napakurus nang makalawa, pagkukurus na sinaliwan ng sunod sunod na susmariosep at kaawaan ka ng diyos!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa kalakihan ng takot ay dali daling lumulan sa kalesa at talagang tangka niya'patakbuhing muli ang kabayong nakawala na sa pagkakasilat, dapwa'nang hahagkisin na ang hayop ay siyang pagsigaw sa kanya ni gerardo ng: hoy!! saan ka paparoon? si kiko'kinilig at parang tulig na bumulalas ng di mawawaang mga: aba hindi po, dine po lang, wala po! pagdaka'inalulan ni gerardo sa kalesa ang sugatang si florante at si eling, na noo'putlangputla, nanginginig, at nanghihina. nilisan nila ang tulay na iyon, na ayon kay kiko ay lubhang kakilakilabot. sa sumunod na sanglinggong singkad, sa boong bayan ng libis, ay walang napaguusapan ang sino sino man, saan mang sulok magkatatagpo kundi ang matalinghagang gabi na sumaksi sa gayong mga pangyayaring nakapanghihilakbot na lubha, at halos di mapaniniwalaan ng mga di mapaniwalaing taga libis, dangan lang at may isang gerardo, isang elena, at isang floranteng sugatan, na nagpapatunay sa mga nangyari.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"lahat ng makadinig sa kasaysayan ng gabing iyon ay nagkakaisa na ang sinapit ni kapitang memo at ng kanyang kapatid ay isang marapat na ganting pala ng langit sa kanilang mga inasal. subali, ano ang nangyari kay kapitang memo? wala tayong nababatid kundi ang katotohanan na siya'nasugatan. dapwa'namatay kaya ang bantog na mamamatay? ni si florante, ni si gerardo ay di ito masagot nang tahasan. at tila nga di matitiyak nino man ang bagay na ito, sapagka'kung tunay man na mabisa ang pagkakasaksak ni florante, bagay na pinatotohanan nang pagka walang malaytao ni kapitang memo ng siya'iwan nina gerardo ay tunay din naman na dahil sa kadilima'di matiyak ng binata kung saang bahagi ng katawan tumama ang patalim, kung sa dibdib, kung sa sikmura kung sa tiyan. tangi rito nang dalawin kabukasan ang mga pook na iyon ay walang napagkita kundi ang namumuong dugo ng nasawing pinuno.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"maaari na siya'namatay noon ding gabing iyon, at ang kanyang bangkay ay dinala sa ibang pook at ibinaon ng kasama niyang nakataanan kina florante. maaari na hindi siya nagtuloy sa pagkamatay; na nang masaulian na ng diwa ay nakapag inot na lumakad at tumungo sa isang kubli at malayong bahagi ng ilang. sa dalawang maaaring ito, alin kaya ang tunay na nangyari? mag gawad ng pasiya ang bumabasa. iniaatas ng kahusayan na usigin kaagad ng hukuman ang madugong sigalot, upang sa gayo'mapatunayan kun sino ang may sala sa boong kasiyahang loob ng lahat, at sa ibayo ng lahat ng mga pag aalinlangan. tatlong araw na ang nakararaan. may mga higing na sina gerardo'ipadadakip, dapwa'higing lang. kundanga'sa boong bayan ng libis, sina kapitang memo ay wala ni isang kamag anakang malapit ni kaibigan na nagkaloob na pumukaw sa kapangyarihang nagwawalang bahala. nguni'saan utang ang pagwawalang bahalang ito ng mga pinuno? aywan natin. lubha siyang kataka taka.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"hindi masasabing mahirap dakpin sina gerardo; sapagka'ang mga ito ay walang alis sa libis. si gerardo'walang iniintay oras oras kundi ang siya'ipatawag ng hukuman; samantalang si florante naman. oh, si florante! lalong madali siyang hulihin! kahabaghabag na binata! pagkatapos na masagip sa panganib ang isang kaibigan, pagkatapos na masunod ang atas ng matwid, ay siya pa ngayon ang papagdudusahin sa gitna ng isang mapait na kapalaran! ang kanyang sugat ay lumulubha. walang lagot halos ang di maampat na tulo ng dugo. araw araw ay humihina ang dati'malusog, sariwa, at malakas niyang katawan; tumatamlay ang mga mata na dati'maningning na lagi; pumapanglaw ang dati'masaya at palangiting mukha. si gerardo ay balisangbalisa sa paglubhang ito ng mahal na kaibigang nagligtas sa buhay niya. hindi siya humihiwalay kahi'sumandali sa piling ni florante, tangi na lamang kung kailangang totoo. siya ang nagpapakain, siya ang umaaliw, siya ang nagbibihis, siya ang tumatanod sa may sakit araw gabi.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kusang nilimot, isinatabi na muna ang ligayang tuwi na'hinihingi ng kanyang puso, ang pakikiulayaw, ang matamis na pakikipagtitigan, ang paghalik sa bango, at pagtatamasa ng boong luwalhati at layaw sa kandungan ng kanyang julieta. dapwa'sayang na pagpapagod ang kay gerardo! sa likod ng maingat niyang pagaalaga sa maysakit, ay wala siyang namalas kundi ang lalo pa manding paglubha nito, ang lalong panghihina ng katawan, ang lalong pagdalang ng tibok ng buhay, hanggang sa wakas ay sumapit ang mapait na sandali nang ang mga manggagamot sa gitna ng di masayod na pangangamba ng lahat ay tahasang nagpahayag na sila'wala nang pag asang mailigtas pa ang may sakit. ginamit na namin ang lahat ng paraang saklaw ng aming kaya ang wika nila wala na kaming magagawa. gayon ma'magsidulog kayo sa ibang manggagamot na lalong pantas kay sa amin, sina valdez, angeles, halimbawa. hating gabing malalim nang ang pagsukong ito ay ipahayag. minabuti ni gerardo ang pagtawag ng ibang manggagamot sa maynila.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"tinangkang lumuwas, nguni'kailan? pagbubukang liwayway? makasanglibong hindi! si gerardo ay isang tao na kapag inibig na gawin ang isang bagay, ay di marunong magpabukas. noon din sandaling iyon siya'napa maynila. ni tren, ni bapor, ni kalesa ay wala; kaya'nangabayo, nangabayong sumagupa sa gayong dilim ng gabi! sa pagdaan niya sa tapat ng bahay ni elena, ay nagkataong nakadungaw ang kanyang kasi. tumigil sandali, ipinahiwatig sa tatlong salita ang lagay ni florante, at dagling nawala: parang palaso na lumipad sa kamaynilaan. si eling ay balisang balisa; nagbihis, at noon din ay napasama sa bahay ni florante. nang siya'dumating ang may sakit ay kasalukuyang nagsasalita. nanay ang wika sa ina, kay aling tinay. (si florante'wala nang ama.) ayoko nang nakahiga, ibig ko'nakasandal. nang masunod ang hiling ay tinitigan ang lahat ng nangaroon.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"bukod kay elena at sa kanyang ina ay nakilala ng may sakit ang mga katoto niyang si faure, si lauro, si baltazar, at saka ang magagandang pacita, nena, at miling. elena, si gerardo? ang pagdaka'itinanong ng makitang wala roon ang tangi niyang kaisang loob. lumuwas siya, upang tumawag ng manggagamot. nagbuntong hininga ang may sakit. anya, bakit kaya at nagpapakapagod ng ganito si gerardo? papaano kaya ang dapat kong gawin upang makaganti sa kanya? florante, malaki ang utang ng loob ni gerardo sa iyo. iniligtas mo ang kanyang buhay! bakit siya kikilala ng utang ng loob sa akin gayong wala akong ginagawa kundi tumupad ng katungkulan?. para namang siya'di si gerardo! kung gayon, florante, ni ikaw ay di rin dapat kumilala ng utang sa kanya, sapagka'ang pagpapagod niyang ginugugol sa iyo ay isang katungkulang nagbubuhat sa alin mang mabuting pagtitinginan ng mga magkakaibigan, magkakasama, at magkakapatid sa isang adhika.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"si florante ay napangiti nang maunawaang siya'nadaig sa pangangatwiran ni elena. talo mo ako, eling ang kanyang wika at ako'sumusuko. sabihin mo kay gerardo na maraming salamat! pumikit ang may sakit at may kalahating oras na di kumibo. walang ano ano'dumilat, at pagkatapos na maibaling ang paningin sa lahat ng dako ay binigkas ng halos pautal utal ang sumusunod: mga kaibigan, ano bagang bagay na mahalaga. ang umipon sa inyo. sa aming maralitang tahanan? batid ba ninyo. na dito'inyong madadama. ang mga huling galaw ng isip. na dito'inyong madidinig ang mga huling anas ng kalulwa. ang mga huling tibok ng puso. ng isang sawing palad na gaya ko? oo, sawing palad! iyan ang dapat itawag. sa akin na mamamatay nang wala man lang nagagawa. sa kanyang bayan! sawing palad ang gaya kong. hihimlay sa libing. na taglay ang alaalang masungit. na inaangkin ng isang bandilang dayuhan. ang lupang sa kanya'paglilibingan! sawing palad ako, na walang napagkita. sa boo niyang buhay.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kundi mga ulap, mga luha, mga patak. ng dugong ninanakaw! mamamatay ako. ang paghihiganti ng sugatang puso ng isang api! mamamatay ako ng di ko namamalas. ang pagbabangong puri ng isang dinuduhagi! mamamatay ako ng di ko naitataas yaring kamay. sa ngalan ng kalayaan! mamamatay ako. ng di ko mamamalas yaong alapaap. na lilitawan ng dakilang lintik. ng mga pusong duwag mahihina'walang dangal. ang lintik na magpapalubog. sa lahat ng kapangyarihang dayo, at magpapasikat ng boong dingal sa isang. araw at tatlong bituin!! kinapos ng hininga ang may sakit. ibig pang magsalita, dapwa'di na maari. tinawag ang ina, hinagkan at niyakap. itinirik ang mga mata. akala ng lahat ay patay na. dapwa'hindi. muling nangusap sa isang mahina at paos na boses: nanay, balutin ang aking katawan. at ataul sa bandila ng bayan.! giliw kong pilipinas. bagong buhay!. tumigil ang tibok ng puso; naputol ang galaw ng isip; pumaitaas ang kalulwa, upang kailan ma'huwag nang magbalik.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"walang naiwan kundi isang bangkay, isang ngalan, isang halimbawa, isang alaala, isang binhi ng katapangan. gayon na lang ang pagmamahal ni aling tinay sa kanyang anak, gayon na lang ang pagkabulag ng kanyang pag ibig, na kahi ma'alam niyang siya'sasalansang sa isang mahigpit na utos, kahi ma'alam niyang siya'pilit na uusigin, at magdurusa sa bilangguan, ay hindi nangyaring huwag pagbigyan loob ang kahulihulihang bilin ng tanging bulaklak ng kanyang pag ibig, ang katapustapusang hibik ng isang pusong bayani ng isang pusong makabayan, ang pahimakas na hiling ng pinaglagakan ng boo niyang pag asa, ang kahulihulihang tibok ng buhay niyaong masunurin, masipag, mabait, at magalang na anak, na sa gitna ng gayong katandaan, ay siyang ligaya ng kanyang mata, paraluman ng mga pangarap, at dangal ng kanyang pagka ina. lahat halos ng mga kamag anak at mga kaibigan ni aling tinay ay nagkakaisang di mabuti ang kanyang inaakalang pagsunod sa bilin ni florante.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"alalahanin mo, tinay anila na tayo'nasasakop ng ibang kapangyarihan. ang gagawin mo ay isang malinaw na paglapastangan, isang talampakang paghamon sa pamunuang amerikano! ang tugon naman ni aling tinay sa gitna ng pagpipighati ano sa akin ang kapangyarihang iyan, ano ang lakas ng pamunuan, ano ang bisa ng isang mabangis na utos, anong kailangang magdusa sa harap ng tagubilin ng mahal kong anak? tinay, maghunos dili ka; ikaw ay nabubulagan. masasabi ninyo iyan sapagka'siya ay di ninyo anak, sapagka'kayo ay di naghirap sa kanya, sapagka'di ninyo alam ang halaga ng aking florante! si aling tinay ay humagulhol ng iyak kagaya ng isang batang musmos. ang nakakahirap sa iyo, tinay anang isang matandang lalaki ay napadadaig ka sa mga udyok ng puso: ayaw kang mangatwiran nang mahinahon. makinig ka sumandali. si florante ay naghihingalo na nang hilingin ang tungkol sa bandila, hindi ba?.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kung gayo'dapat mong tantuin na kapag ang tao ay naghihingalo, ang pag iisip niya'humihina, lumalabo, nakalilimot, at. siyana na, tio kulas ang biglang putol ni aling tinay masasayang lang ang inyong mga salita sa akin. dapat ninyong matalastas na noon pa mang araw, ay nabanggit na rin sa akin ng anak ko, ang kanyang nais na kapag siya'namatay, ay huwag papalamutihan ang kanyang ataul ng ano pa man maliban na nga lang sa isang bandilang pilipino. ah, magpahinga kayo, mga pusong mahihina! di ninyo batid ang linalayon ni florante!. ibig ipakita ng anak ko na walang bandila siyang iginagalang, at walang kapangyarihan siyang niyuyukuan kundi ang bandila'kapangyarihan ng tinubuang lupa! ibig niyang ipahiwatig na di ang lahat ng utos ng pamunuan ay dapat sundin; na kapag ang isang kautusan ay wala sa matwid, ang magtaas ng noo, ang magmatigas, ang tumutol, ay di isang kasalanan, kundi isang atas ng kabayanihan, isang tanda ng katinuan, isang tatak ng karangalan!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"si tandang kulas ay napanganga'sukat. kailan ma'di niya naapuhap sa kanyang gunita; ni natunghan sa lalong malalim niyang panaginip ang larawan ng isang babae na pinupulasan sa mga labi ng gayong mga salitang sakdal ng titigas! iiling iling na lumayo sa harap ni aling tinay. katakot takot na babae ito! ang tanging naibulong sa kanyang sarili. ibig ni aling tinay, aywan kun bakit, na kapag namatay ang isang tao, ay malibing kaagad; aayaw ng burol burol. dahil dito'kanyang inihayag na ang libing ni florante ay idadaos sa ika anim na oras ng umaga ng araw ding iyon ng pagkamatay. nagbubukang liwayway. sa tapat ng namatayang bahay ay may isang binatang luksang luksa, nakatungo, nakasalikod kamay, at walang tigil ng kayayao'dito. banayad ang mga hakbang. kagaya ng isang may iniisip na malalim. walang kamalakmalak ay biglang napatigil. tiningala ang isang kimpal na alapaap sa mukha ng langit, at pinagalaw galaw ang ulo na animo'may kinakausap doon. sino ang binatang ito?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"pakinggan natin ang tibok ng kanyang damdamin: florante, kay ligaya mo ngayon! nilisan mo na itong lupang maligalig at ngayo'nariyan ka na sa bayan ng kapayapaan, sa bayan ng pagkakapantaypantay, diyan sa walang naghahari kundi ang isang bathalang sumasagisag sa banal na katwiran. oh, laki ng kaibhan ng iyong kalagayan, kay sa amin dito sa lupa. kayo diyan ay tahimik, walang iringan, walang paghihiganti, iisa ang pananampalataya, iisa ang damdamin, walang sinusunod kungdi iisang bandila, walang iginagalang kungdi iisang dambana; ang bandila ng matwid at ang dambana ng katotohanan. samantalang kami sa bahaging ito ng sangdaigdig, ay walang nalalasap sa tuwituwi na, kungdi ang mapait na latak ng buhay. sa lahat ng dako ay himutok, pananangis, panambitan, hinagpis ng mga inaapi, ng mga tinaksil na sawing palad, ng mga isinilang sa banig ng hirap, na kahima'may katutubong karapata'dangal ay lagi na lang niyuyurakan, dinadaya, hinahamakhamak, dinudustadusta.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ng mga palalong mapagmataas na nangbubulag at nang aalipin. sinong nagbabata ng ganitong kalagayan namin ang di makapagsasabing kayong naririyan ay mapapalad? kung gayon. bakit itatangis ang inyong pagpanaw? bakit ipagluluksa ang inyong paglipat sa kabilang buhay? mahanga'ipagsaya, pagka'nariyan kayo sa lubos na kapayapaan. nguni'sinungaling! bakit di mapigil ang pagluha niyaring puso tuwi kong magugunita ang mapanglaw na tinig niyaong batingaw? sapagka'ang tinig na iyon ay nagsasabing si florante na giliw kong kaibigan ay pumanaw sa akin. sapagka'ang tinig na iyon ay nagsasabing nalagasan na naman ng isang kawal ang kabinataan iyang kabinataang sa araw ng bukas ay siyang magtataguyod at magsasanggalang sa isang bayang mahina'hapo upang huwag muling mahulog sa hukay ng pagkaaba.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kung dini sa lupa'nagkakailangan ang ating lahi ng hukbo ng mga bayani upang makapagtanggol sa kanyang karangalan, kalayaan at buhay, diyan naman sa langit ay nagkakailangan siya ng mga kinatawan upang idalangin sa harap ni bathala ang kanyang ganap na katubusan! idalangin ang katubusan! ang katubusan ng isang bayang laging nanglulumo ang puso sa hapis at uhaw sa tunay na ginhawa; ang katubusan ng isang lahing pinipilit ng walang karapatan sa isang kalagayang salungat sa kanyang ninanasa at lagi nang pangarap. idalangin ang katubusan! sa dakilang tungkuling ito, ay huwag nawang makalimot ang mga kaluluwang pilipino na lumuluwalhati sa kabilang buhay. ang binata'muling tumungo, lumakad nang kaunti, bago dinukot sa bulsa ang kanyang orasan. mag iikaanim na ng umaga. si faure ay nanhik. kay panglaw doon sa bahay!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"bihirang mata ang walang patak ng luha; bawa'mukha ay larawan ng isang di masayod na lumbay ng kalulwa; sa bawa'labi ay walang pumupulas kundi pawang pagkahabag, panghihinayang, panalangin, mga buntong hininga. kay kapal ng mga makikipaglibing! ang malaking bahay ni florante ay lumiit sa karamihan ng tao. lahat halos ng mga kaanib sa dakilang mithi ay nahandoon. si gerardo lang ang wala, papaano'noon mga sandaling iyon ay kararating lang niya sa maynila. ika anim na ganap ng umaga nang ipanaog ang ataul, na pinapalamutihan ng isang matanda at malapad na bandilang pilipino. sa sambahan muna dinala ang bangkay. nang muling malabas, at nang tutunguhin na ang libingan, ay siyang pagdating ng. (sinasabi na nga ba ni tandang kulas!). limang kayumangging kawal ng konstabulario at isang puteng pinuno, na taglay sa baywang ang isang kumikinang na sandata na sa kahabaan ay humihilahod sa lupa!. nagdidilim ang mukha ng pinuno.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"nang malapit sa ataul ay dagling tumigil, nilabnot, iniwalat at niyurakan ang bandila! isang kasing bilis ng lintik ang noon din ay humarap sa walang pitagang pinuno, at walang sabi sabi'ikinintal pagdaka sa mukha nito ang dalawang sampal na sunod. kinilabutan ang lahat! gulong katakot takot! ang gayong kapangahasan ng isang kayumanggi sa isang nakasableng pute, hangga nang hangga ay noon lang nasaksihan ng mga taong iyon! sa sumunod na sandali, ang lakas at ang kapangyarihan na, ang siyang naghari. ang kayumangging pangahas ay pinagsunggabanan ng mga kawal ng pamahalaan. mga dagok, tadyak, tungayaw, paglait, ang naghatid sa kanya sa bilangguan. kataka taka ang kapal ng tao na natipon sa sigalot na ito! boong bayan halos! karamihan sa kanila ay mga lalaki mga lalaking may mga bisig at pag iisip!. gayon ma'lahat ay walang ginawa kundi ang tumanga, manood! unti unting naayos ang gulo. ang nabagabag na libing ay naipatuloy din.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"noong gabing iyon, ang pinuno ng konstable ay dinalaw ng isang kakilakilabot na panaginip. isang bangkay ang napaginipan niyang tumayo nang dahan dahan, lumakad, humarap sa kanya, itinaas ang dalawang kamay at nagkakangdidilat sa pagsigaw ng: mane, thecel, phares! sa katakutan yata at pagkagulantang ang makisig na pinuno ay kamunti nang makalundag sa dungawan ng kanyang silid. katanghaliang tapat. sa isang bahay na maliit at sa tabi ng isang dungawan, ay nakaupong magkaharap si elena at ang bathala ng kanyang puso, na noon lamang dumating. ang binibini'walang kakibokibo; nakatitig sa dibdib ni gerardo ang mapupungay niyang mata, na para bagang pinipilit na mahulaan ang mga damdaming doo'nakukulong. ang binata nama'nakatungo, kagat ang labi, sapupo ang malapad na noo ng kanang kamay, at.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"wala ding imik; ang maminsan minsang pagbuntong hininga, ang nagsisiklab na paningin, ang nagdidilim na mukha, ang noong kunot ay nagkakaisa sa pagpapahiwatig na hindi kaligayahan ang itinitibok ng puso. ano ang nangyayari sa taong ito? dinadalaw kaya ng panibugho? nagsisisi kaya sa isang nagawang kasalanan? ito ang nawika ni gerardo pagkaraan ng ilang sandali. nagawa nila iyon, at,. diyata nama'ang bayang iya'nakatiis?. wala na namang ginawa kungdi ang humalukipkip? diyata ba nama'wala ni isang tumulong, wala ni isang nagsanggalang kay faure? wala ba roon sina leon, sina marcelo? wala ba ni isang lalaki? si elena ay iiling iling na sumagot: pusong lalaki?. sina leon ay handoong lahat. nguni'sa ngalan ng diyos, ano ang kanilang ginawa? walang wala kundi ang tumingin! oh, tumingin! ang mapanglaw na ulit ng binata. at pati baga sina leon ay nakitingin?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"diyata'ang mga ginoong iyan na kung tawagi'mga makabayan sila na sa tuwing magtatalumpati'walang ipinangangalandakan kundi dugo hangga'kailangan! diyata'ang mga ginoong iya'nakitingin pati? oh, tumingin! mangalandakan! talaga bagang tayo'hanggan diyan na lang? pulos na dila at mata na lamang ang gagamitin? ang ating bagang mga bisig sa habang panahon ay pananatilihin sa pagkakahalukipkip? di na baga tayo magkakaloob na sila'igalaw?. nasaan ang iyong dangal?. nasaan ang iyong lakas? makapangyarihan ka sa lahat, nguni', diyos lang ang makapangyayari sa kanya; ang kaagad ay ipinutol ni eling. ang mga mapanglupig na tao at ibang bayan ay hindi! di ba gayon, gerardo? tunay ang sabi mo, dapwa'di siyang nangyayari. sawing palad na lahi ang atin! ang binata'muling tumungo at muling napipi. nakaraan ang ilang sandali. kaginsaginsa'itinaas ang ulo, at tumindig. bakit, gerardo? ang usisa ni eling ano ang nangyayari sa iyo? bakit ka nagkakaganyan? wala, elena! ako muna'magpapaalam.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"bakit, saan ka paparoon? wala, may gagawin lang ako. matutulungan ba kita? maraming salamat, eling! ano ang gagawin mo? tutupad ng isang katungkulan. may miting ka bang dadaluhan? aling katungkulan ang sinasabi mo? si faure ay hahanguin ko sa bilanguan!. oo, elena, ililigtas ko, ililigtas kong pilit ang may loob na nagtanggol sa dakilang watawat!. isang kautusang di tumpak sapagka'udyok ng simbuyo ng loob, ang nagbabawal sa paggamit ng bandilang pilipino; nguni'hindi dahil sa pagbabawal na iyan, ay maaari nang siya'yurakyurakan at dustadustain ng sino mang hari hariang ganid. iyan ang watawat na pinagkamatayang sagipin ni rizal, ni bonifacio, at ng libo libo pang bayani ng ating kalayaan. dahil sa watawat na iyan nagpakamatay ang aking nuno, ang aking mahal na ama, at mga kapatid!. at saka ngayo'hahamakin? ang pagtatanggol ni faure ay isang gawang dakila! isang kabayanihan!. dapat ko siyang abuluyan. palalayain ko at palalayain ko kaagad ang bayaning lalaki!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"at papano ang iyong gagawin? kun hindi siya makuha sa pamamagitan ng malulumanay at mapayapang pangangatwiran,. dadaanin ko sa dahas! dahas ang sa kanya'nagpasok doon, maaaring dahas lamang ang sa kanya'magpapalabas! ang boses ni gerardo ay nanginginig. ang mga mata niya ay nakapangingilabot. si elena'kagyat namutla at wari baga'nangliliit sa kanyang pagkakaupo. anya ano ang iyong gagawin, gerardo? ako'nahihintakutan! bakit, elena? hindi ba matwid ang aking uusigin? ipagpalagay ko nang matwid, subali'bakit ka gagamit ng dahas? hindi ako gagamit kundi kailangan; at ang lahat, kapag kailangan ay dapat pangahasan! dapat pangahasan hanggang di nalalabag sa mga utos! oo, kung ang mga utos na iya'nasasalig na lahat sa katwiran!. matwid ba ang ginawang pag lupig at ang pagkabilanggo kay faure? siya'nagbuhat ng kamay sa kanyang kapwa! dapwa'bakit? sapagka'ang ganid na iyon sa kanyang pagyurak sa dakilang watawat, ay niyurakan ang puri, ang dangal, ang kalulwa ng boong kapilipinuhan!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"hindi mga sampal ang sa kanya'dapat iganti! oh, dapat siyang magpasalamat at siya'nasa sa gitna ng mga taong matiisin at mababait. dapat siyang magpasalamat at. kung nagkataon, oh! ang bayang iyan na binubulag ng kaduwagan, ay nakamalas ng mga patak. niring dugo! oh, gerardo! ikaw, kung minsan, ay kakilakilabot! pinanglalamig mo ako! bakit, elena? natatakot ka bang mamatay ako sa pagtataguyod sa puri ng mahal na bandila? oh hindi, gerardo! alam mo nang ang pinakamatamis kong pangarap, ang pinakamaalab na nais niring puso na sa iyong iyo lang umaasa, ay ang makita kang namamayani sa ikatutubos at ikalalaya ng tinubuang lupa, ang makita kang bangkay sa piling ng sagisag ng ating buhay!. hindi kailangang ako'maulila sa iyo, hindi kailangang ako'magdusa, hindi kailangang ako'magluksa, tumangis, at mag isa sa habang panahon! titiisin ko ang lahat alang alang sa inang bayan! napangiti si gerardo. ang mga pangungusap na iyon ay sumagad hanggang puso niya.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kinintalan ng isang halik sa noo ang kanyang paraluman, bago tinabanan ang nanglalamig na kamay nito. maraming salamat, eling, anya ngayon ay tulutan mo nang ako'yumao. hintay muna, arding ang magiliw na samo ng binibini hindi mo pa nasasagot ang tanong ko sa iyo kanina. ang pagpapalaya kay faure. sakali'di mo matamo ang iyong hangad sa pamamagitan ng mabuting salitaan, papano ang iyong gagawin? ah, saka mo na maaalaman! sabihin mo ngayon sa akin! si gerardo ay hindi na napapigil at nanaog agad. si eling nama'walang nagawa kungdi ang dumungaw, sundan ng tingin ang binata, bilangin ang kanyang mga hakbang, at masdan kung saan siya tutungo. nang si gerardo'hindi maabot ng kanyang mata, ang binibini'muling humilig sa duyan at inahagis ang ala ala sa salitaan kangina nilang dalawa. may katwiran si arding! ang pabuntong hiningang nabigkas sa sarili, pagkaraan ng ilang sandali kay hirap nga naman ng walang kalayaan!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"kung ang pilipinas ay malaya, ang mga gayong panglulupig, at pag alipusta sa ating dangal ay hindi mangyayari. kasakitsakit at pagkapait pait na kalagayan itong atin. nguni'lagi na ba lang tayo sa ganito, lagi na ba lang susukot sukot sa ilalim ng isang watawat na hindi atin? lagi na ba lang talunan at api itong ating bayan?. hindi, hindi mangyayari ang gayon! nang lalangin ang pilipinas ay hindi isinulat sa kanyang mukha ang pamagat na alipin. hindi nilalang ang tao upang bumusabos pabusabos sa iba! ang pagka kayumanggi ng ating balat ay hindi tanda ng isang kapalarang mababa; iyan ay bunga ng singaw ng ating mga kaparangan at bundok! oh, di mangyayaring ang kalagayan nating ito ay sa habang panahon na!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang kasaysayan ng sangsinukob ay boong linaw na inauulat ang katotohanan na, kapag ang isang bayang nasasakupan ay natutong humingi ng kalayaan at pagsasarili, kapag ang bayang iyan ay napatunayan sa gawa ang karapatan niya sa minimithing mga biyaya, ang bayang iyan madali malaon, sa pamamagitan ng kapayapaan ng paghihimagsik, ay pilit na kakamtan ang kanyang nilalayon. may nagsasabing nagkakailangan muli ng isang paghihimagsik sa pilipinas, upang matamo ang pagsasariling pinipita. hindi ako sang ayon sa gayong madugong paghahaka. hindi nararapat, hindi napapanahon, ni hindi kailangan ang isang paghihimagsik. ang patalim ay dapat lamang hawakan kapag napadiwara na ang kahulihulihang patak ng pag asa sa mapayapa at makatwirang pamamanhik sa bayang nakasasakop. ang pilipinas ay may pag asa pa. ako'nananalig na may isang dakilang amerika na, sapagka'may puri at dangal ay di papayag magpakailan man na siya'sumpa sumpain ng isang bayang inamis, at tawag tawaging magdaraya! magnanakaw!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ako'nananalig na sapagka'siya'namayani at nagbuhos ng dugong sarili sa dambana ng kalayaan, ang bayang amerikano ay di malilinlang ang isang lahing sa twi twi na'uhaw sa isang malayang buhay! ako'nananalig na, sapagka'siya'matalino at hindi mangmang ang amerika ay hindi magpapakaulol na magbibingibingihan sa mga ipinagsisigawang aral, bala at sumbat ng kasaysayan ng sangdaigdig. ako'nananalig na hindi siya magpapakaulol na paparis sa ipinamalas na mga hidwang kaasalan ng mapanglupig na inglaterra at ng mapangbusabos na espana! oo, ang pilipinas, ay mayroon pa ngang pag asa! at dahil dito'isang katiwaliang di mapatatawad ang bumangon ngayon at maghimagsik! sa harap ng mga pagdaya, paglait, at pagdusta sa dangal ng bayan, sa harap ng mga panglulupig at mga kaasalang hidwa na ginagawi dito ng mga hariharian, ay sino kaya ang di mangangamba, sino kaya ang di sasagian sa gunita ng maiitim na guniguni at madudugong ala ala?.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"pag ganyan nang ganyan, kapag di naputol ang mga ganyang gawa, kapag ang mga nasaitaas ay di susugpuin ang kanila ding kasagwaan, kapag ang mga daing, hibik at sigaw ng nanga saibaba ay di didinggin. sino ang makapagsasabi, kapag nagkagayon na?. maaari na ang bayang iyan na uliran sa pagtitiis, ay di makabata sa antak ng sugat!!. maaari na ang bayang iyan ay mabulag sa laot ng kanyang pagkaamis!!. maaari na siya'makalimot sa sarili, makalimot sa diyos, makalimot na siya'mahina!. maaari na ang mabangis niyang dugo ay magising at. maaaring sumipot diyan ang mga bonifacio, ang mga elias, ang mga simoun, ang mga matanglawin, ang mga kabisang tales!!. kapag nagkataon!!. pagkasaklapsaklap na dilidilihin!. huwag, makatwirang langit! huwag tulutang mangyari ang gayong pagkapaitpait na bagay!!.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ganito ang mga paghahakang sunod sunod na sumagi sa pag iisip ni elena mga paghahakang kaipala'dulot sa kanya ng tangang aklat na kinababasahan sa likod ng mga salitang: noli me tangere at el filibusterismo. hating gabi. kinukubkob ang boong bayan ng isang kadilimang nakapanghihilakbot. ulap na sakdal ng itim ang nagpapasungit sa mukha ng langit. wala ni buwan, ni bituin, ni tala. ang lahat ng mga kaiga igayang hiyas na iyan ng kalangitan ay aayaw pasilay, nagtatagong parapara na anaki'nagtatampo, nagsasawa at nasusuklam na sa mapagkunwari, at magdarayang sangkatauhan. maliban sa manaka nakang tahulan ng mga aso, maliban sa mga idinahak dahak at iniubo ubo ng mga natutuyo, maliban sa huni ng sari saring ibong nagdapo sa mga punong kahoy, maliban diya'wala ng ingay na madidinig. lahat ay katahimikan, dilim, kapanglawan. sa isang sulok ng pinakaplaza liwasan ng libis, ay may isang taong nakatayo.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang kanyang noo, mga mata at hanggang ilong ay natatakluban ng malapad na pardyas ng sambalilo; samantalang ang baba nama'nakukubli sa mahabang pangliig ng kanyang kapote. ang panginginig ng katawan, ang pangangatal ng mga labi, ang hawak na balaraw, ay paraparang nagpapahiwatig na ang taong ito ay may gagawin! may gagawing isang bagay na kakilakilabot!. nagkakanghahaba ang liig ng lalaki sa pagtanaw sa isang bahay na nakatayo sa kabilang panig ng liwasan. ang pinto ng bahay ay nakabukas at sa loob ng silong ay may isang ilaw na maliit. sino ang nasa bahay na iyon? ang kasintahan kaya ng lalaki? nguni'bakit ang lalaking ito ay may taglay na sandata, bakit gayon na lang ang panginginig ng kanyang katauhan? naglilo kaya ang iniibig? at ito baga ang gabing napili niya upang idaos ang paghihiganti?. baka naman hindi, baka naman hindi naglilo ang kanyang sinisinta, kundi may isang taksil na ibig maglugso noong gabing iyon sa puri ng buhay ng kanyang buhay? aywan din nga.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"samantala'ating masdan ang mga kilos ng lalaki. hindi na siya ngayon nakatigil, lumalakad na at tinutungo ang bahay. ang bahay na ito ay may tanod pala! isang nakabaril na ngayo'lumabas sa silong at lumuklok sa isang bangko na nasa sa labas ng pintuan. sandali nating matyagan ang tanod. siya'may katandaan na. bukod pa sa pandak, ang katawan niya'hukot at payat na payat. ang mga mata, ay di lang nagpapahiwatig na ang katawang iyon ay pinanawan na ng lahat ng sigla, ng lahat ng init; inihahayag din naman nila ang katotohananan na, ang kahabaghabag na tanod ay may dalawang gabi nang di nakatitikim ng tulog. sabihin pa ba! sa gayong patag at tahimik na pagkakaupo ay wala siyang nararamdaman kundi ang sa kanyang balintataw, ay ikinulbit kulbit ni aling antok; wala siyang nauulinigan kundi ang mahinhing awit ni antok din; wala siyang nakikita kundi ang kanya ring kumaring antok na sasayawsayaw at pupungaypungay sa kanyang harap.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang bayaning bantay ay humikab nang sunod sunod; unti unting nalito; unti unting umamin kay antok; unti unting nayukayok. na siya'guardia at dahil dito'di dapat yumukayok? ay ano naman kun siya'guardia, sa ang pinag guguardiahan naman eh, iisa isa at nakukulong sa isang kulungan isang kulungang bakal ang mga rehas, at nakasusi pa, at ang susi, ay nasa loob ng kanyang bulsa? na, baka siya'lusubin ng mga kaaway, samantalang nayuyukayok? gasino na ang kalabitin ang kanyang baril at gasino na ang humiyaw ng magnanakaw!! na, baka siya'masubukan ng teniente ng tenienteng mabangis?. sino ang masusubukan siya? siya na kung matulog eh kay babaw babaw, na sa isang kaluskos ng daga, sa isang ingit ng bubwit, ay nagigising? at sino ang susubok?",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"ang tenienteng lumakad lang eh, nayayanig ang lupa, ang tenienteng walang tigil ng ka uubo at kadadahak, ang tenienteng paglakad eh, humihilahod sa lupa ang sable paghilahod na kay ingay ingay ingay na bumubulahaw sa mga aso, hanggang mga manok mga manok at aso na kapag nagpuputak at nagtatahol ay pilit na ikagigising ng lalong matakaw sa pagtulog? iyan ang tenienteng makasusubok sa kanya?. malayong malayo, sing layo ng langit sa lupa! at saka, bukod sa rito, mayukayok man siya, ay hindi naman tangka niya ang matulog ah! kundi ang umiglip lang ah!! sa dulo ng mga ganitong paghahaka ang bibig ng bantay ay dahandahang nabuka, ang mondo'dahandahang nalimot at dahandahang tumulo ang. aywan kung ano. aywan kung saan. at sa gitna ng gayong pagkabuka ng bibig, sa gitna ng gayong pagkalimot sa mondo, sa gitna ng gayong pagtulo ng.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"aywan kung ano ay siyang pagsulpot sa liwanag ng ilaw, at paglundag sa kanyang harap ng lalaking kanina'tatayotayo sa isang sulok ng liwasan ng lalaking may hawak na balaraw balaraw na ngayo'nakatiin sa sikmura ng tanod! ang nagulantang sa kanyang pakikiulayaw kay antok, ay walang nagawa kundi ang umigtad sa pagkakaupo, ipagngangahang lalo ang bibig at pandilatin ang mga mata! ang salitang magnanakaw! ang baril ay hindi makalabit! isang kilos, isang sigaw, at ikaw ay patay! ang pasalubong ng kanyang panauhin. ang marahang tugon. ibibigay mo ang bilanggo hindi? sagutin ako. ay papano po ba. ang gagawin ko sa iya'. huwag mag alaala. ililigtas kita. ako'nangangako sa ilalim ng aking dangal. ay baka po ako'inyong ululin. ay kaawa awa po. at ipinalalagay mo akong magdaraya? patawad po! ibibigay mo ang bilanggo hindi? huwag mo pong ididiin ang sundang, at parang hinahalukay ang aking tiyan! ibibigay po! noon din ay lumaya si faure!",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1 +Ismael A. Amado,"sa bugso ng ligaya, at pagmamahalan ang dalawang magkatoto ay walang naigawad na pasalubong sa bawa'isa kundi ang piping pagyayakapan. kasama ang tanod na kagyat nilisan ng dalawa ang bilangguan. kinabukasan ang tenienteng yumurak nang walang patumangga sa bandilang pilipino, ay nabalitang patay. isang talibong daw ang nakatarak sa dibdib ng kahabaghabag na lumalang sa kanya ring pagkasawi. si faure ay nakatakas sa ibang lupain. doon sa mga kaparanga'bundok ng mga bayang malalaya doon sa di kilala ang kapangyarihan ng tao sa kapwa tao, doon sa di abot ng mapanglupig na mga utos ng isang pamahalaang mapagbusabos doon siya nanirahan, sa piling ng mga tell, nang panatag ang puso, payapa ang kalulwa'pagiisip, malaya katulad ng ibon sa himpapawid, maligaya katulad ng bulaklak na hinahagkan ng hamog. bulalakaw ng pag asa.",0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,0,1