author
stringclasses 10
values | sentence
stringlengths 10
1.44k
| Jose N. Sevilla
int64 0
1
| Engracio L. Valmonte
int64 0
1
| Balbino B. Nanong
int64 0
1
| Honorio López
int64 0
1
| José Rizal
int64 0
1
| Cleto R. Ignacio
int64 0
1
| Fausta Cortes
int64 0
1
| Juliana Martinez
int64 0
1
| S. A. D. Tissot
int64 0
1
| Ismael A. Amado
int64 0
1
|
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Engracio L. Valmonte | si dioni, na nagpanukala ng pagpapayari ng magagarang balatkayo na magagamit niya'ng kanyang iminamahal na hipag, ay dili ang hindi nagsaloob ng paninibago sa mga kilos nito, nang mapuna niyang tinatangihang pawa at sinasalubong ng paghingi ng paumanhin ni elsa ang lahat ng anyaya ng mga tanyag na ginoong kaibigan at dating kasamasama sa mga liwaliwan, mga anyaya para sa isang gabi sa auditorium sa panonood kaya ng coronacion ng alinman sa mga magaganda'malalaking kasayahang idaraos sa loob ng karnabal. tila nagiiba na ngayon si elsa, ang naibulong niya sa kanyang sarili, nang ang mestisa'ayaw ngang magbitiw ng anomang pangako sa mga lalaking namumuhunan ng masuyong pakiusap. bahagya ma'hindi sumagi sa isip ni dioni na ang sulat na ipinadala ni elsa kay tirso noong kararaang bagong taon ay maaaring siyang magbulos sa dalawa sa isang lihim na pagtatagpo sa loob ng siyudad na kinaliligpitan ng maraming hiwaga. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa katotohanan, nang tagpuin sila ng tinukoy na makata noong ikatlong gabi ng mga pagdiriwang sa kaharian ni momo, ay saka lamang napaguwiuwi, ni dioni ang bagay at sanhi ng mga kilos na kanyang napapanibaguhan sa kanyang hipag. naalaman ko na ngayon, elsa, kung bakit hindi mo pinaunlakan ang alinman sa mga anyaya ng iba'ibang kaibigan mo, ang manawanawang naibulong niya sa mestisa nang lapitan sila ni tirso. at si elsa na nakalurok kaagad sa ibig sabihin ni dioni, ay nagbalobalong sumagot: hindi ko sila ibig na makasama rito, iyan lamang ang sanhi ng di ko pagpayag sa kanilang anyaya. higit diyan ay mayroon pa. ikaw ang napakamapaghinala ng hindi tama. di ba totoong hindi iyan ang tunay na pinagpaparoonan mo? at ibig mong tukoyin ko? ayoko na nga ng malabis na tuksuhan! sa ako'hindi nanunukso lamang, kundi.! kinalilimutan ko na ang pagtawa, dioni. nguni'ngayon sa gabing ito ay may matuwid ka nang tumawa. at di lamang tumawa kundi marapat pang magalak, malugod at magpasalamat. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sukat na nga iyan! kundangan pati ako'ibig mo na yatang paglakuan! masaya nga ang dalawa. at ang gayong malamang nang pagkabunsod ng tipanang pagkikita nila ni tirso, ay sapat nang makapag pasigla sa diwa at katawan ni elsa. noon ay siyang gabi ng nababalitang pagpuputong sa napahalal na reyna. si tirso, panggagaling sa paaralan ay nagdudumaling nagsuot ng kanyang damit pierrot na lungtiang magulang at yari sa sutla, may malalaking botones na dilaw sa mga manggas ng baro at laylayan ng salawal, saka may nagbiting bembe sa paligid ng kanyang leeg; at hangos nang nagabang sa isang pook sa loob ng siyudad, alinsunod sa itinipan ng mestisa sa araw na sinundan. hindi naman siya gaanong nainip at dumating sa harap niya ang dalawang columbinang dilaw, tila kambal sa pagkakawangis ng tabas at kulay ng kanilang balatkayo. ang pagkakaparis na iyon ay nakapagpaulikulik kay tirso, palibhasa'hindi niya makilala kung sino roon si elsa at kung sino naman ang isang kasama. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | datapwa, pagkapuna ng mestisa sa, gayong paguulikulik ng makata ay siya ang unang humudyat na magpakilala, saka pagkatapos ay ipinakilala rin kung sino ang kanyang kasama. si dioni iyan, ang sa paimpit na tinig ay ibinulong. saka bumaling sa hipag at sinabi: si tirso ito. nagyao'dito muna ang tatlong magkakasama sa magkabikabilang panig ng siyudad na pinanaganaan ng liwanag. at nang makaubos na ng kung ilang supot ng confetti sa walang tuos na pakikipagsabuyan sa balana, ay saka lamang nagyayaang masok ng auditorium yamang malapit na rin namang dumating ang oras natatakda sa coronacion . walang hulugang karayom ang kapal ng tao sa loob ng nasabing auditorium nang magsipasok ang tatlo. kahi'saang gawi sila magbaling ng tingin ay hindi nila mapagwari kung saang bahagi roon maaaring idaos ang ibinabalitang baile de coronacion . paano tayo rito? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang tila may yamot na tanong ni elsa sa dalawa niyang kasama, pagkamalas sa gayong sikip ng mga taong nagtuwid na lamang sa pagkakatayo at ibig mang lumipat sa, ibang pook ay tila hindi magawa. maghintayhintay muna tayong sandali, at baka mabawasbawasan ang tao'lumuwagluwag naman ng kaunti. ang salo ni tirso. halos di pala makahinga sa sikip ang taong napaparito! ang katlo naman ni dioni. at sa mungkahi ng lalaki, ay nagsipagalis na sila ng takip sa mukha, bilang pakikiugali sa karamihan doon. at samantalang nagdaraan ang panahon sa gayong pagtitiis ng di birobirong hirap, di nila napupuna ay untiunti silang napapalayo sa bungad ng pintong kanilang kinatulusan, natatangay palibhasa ng pabugsobugsong dating ng mga tao. at ilang saglit pa rin ang lumipas bago nila natiyak na sila ay napapadpad pala sa isang gilid na malapit sa dingding na tinatalikuran ng madla. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa pook na yaon, na bahagya nang inaabot ng liwanag ng kumpolkumpol na ilaw sa may panggitnang panig ng bulwagang wala yatang kasinglaki, kaginsaginsa'nalingapan ni elsa'ni tirso, samantalang si dioni'sa kaibayong gawi nakamata, ang isang babae'isang lalaking marahil ang isip ay wala sa gayong pagdiriwang kundi naglalakbay sa dako pa roon ng mga pangarap. at ang kanilang anyo'mga kilos ay siyang nagpapaakala ng ganito. ang disfraz nilang gamit ay maituturing na kabilang sa mga lalong mahal at kaakitakit, hindi nga lamang gaanong bagay sa babae na gaya ng sa lalaki. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | parang walang namamalas na tao sa kanilang palibid, ay sapupo ng isang kamay ng lalaki ang maliit na baywang ng babae, at ang isang palad nito'matiwalang nakakapit sa balikat niyon, samantalang sa bawa'bulungan ay halos nagkakadampian na ang kanilang labi at ang nakahilig na mukha ng isa ay di binabaklas sa pagkakadikit sa isa pa. ang masasayang ngiti'makahulugang mga sulyap ay di ikinukubli sa sinomang maaaring makapuna sa kanilang anyong nakatatawag ng loob, at ang mga puso ay mahihinuhang sinasakbibi noon ng kaligayahang pabihibihirang ipagbiyaya ng panahon sa tao. magasawa marahil, ang marahang inianas ng mestisa sa makata na di kinukusa'napasundan ng isang munting kurot sa bisig ng pinagsabihan. malayo ang hula mo, ang pakli ng makata, na dili ang hindi nakaramdam sa kurot na ibinigay sa kanya. ay bakit ganyan na ang asta? iya'isa lamang sa karaniwang gawin ng sinomang kinakandili ng mabuting palad. nguni'ang babae ay di papayag sa ganyan, kung hindi niya ibig ang lalaki. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | iyan ang tama: walang pagsalang ang lalaki ay siyang hantungan ng kanyang boong pagibig, kaya ganyan ang kanilang laya. mapalad na lalaki! mapagsamantala ang sabihin mo! sa ano'anoman, ay nananaghili ako sa kapalaran niya. maaari ngang managhili ka, sapagka'. hindi si teang ang kasama mo ngayon. kung siya lamang ang narito'kakawit bisig mo, kaipala ay wala kayong sukat ipanaghili sa dalawang iyan. kung siya ang aking iniibig ng boong pagkatao, oo; datapwa'ang totoo'. kailangan pa bang sabihin ko? sa di ko nakikilala! nakikilala mo kung sino ang inabayan ko sa bangka sa pandakan; nakikilala mo kung sino ang nagpadala sa akin ng mahabang sulat na nasa bulsa ko sa mga sandaling ito; nakikilala mo kung sino ang kaulaulayaw at kinakausap ko ngayon dito. ang mestisa ay pinamulahan ng mukha'hindi nakakibo. dinalaw na naman ng lugod ang puso niyang tuwina'sabik sa paggiliw ng makatang iyong tanging naghahari sa kanyang kaluluwa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | labas nang talaga sa dilang alinlangan ang pagwawagi ng kanyang mga hangarin! subali'ngayong natitiyak na ang kanyang pagwawagi, ay ngayon naman siya nauumid mandin sa naglalambingang bigkasin ng makata at sa mga kilos nitong maaaring mahalata ng iba. huwag ka nang maingay, tirso, ang saway na amang sa lalaki, hayan lamang si dioni baka naririnig na tayo. ang mga bisig nilang nagkakakawit ay siya na lamang nagpahayagan ng kanikanyang ibig sabihin sa bisa ng bahagyang pagsiko ng isa sa isa na ipinagkaunawaan nila. sa isang dako, si dioni, na di naman patay na loob sa balabalaki ng kabataan, ay talaga palang may napaghahalata na sa dalawa niyang kasama, kaya'sa simula pa ng nahigingan niyang paguusap, ay kinusa na ang di pagaalis ng mukhang paharap sa dakong malayo. hindi masama ang pagbibigay. ang bulong niyang mangitingiti sa kanyang sarili. ilang saglit na walang nagbubuka ng bibig. dioni, ang tawag mayamaya ng mestisa. baka naiinip ka na? kung hindi kayo naiinip ay hindi rin ako. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | masiglang itinugon ng tinukoy. hindi kami mangyayaring mainip, dioni, sapagka'mayroon kami rining isang nakapupukaw ng loob na panoorin, pangiti namang ikinatlo ni tirso, saka inihudyat ng nguso ang dalawing pinanonood sa gawing padako kay elsa. napatawa si dioni sa anyo ng itinuturo ng makata. dito ka nga naman sa karnabal makakikita ng sarisaring palabas! ang pakagat labing sabi sa mahinang turing. ang ayon ni tirso. at naalaman mo, dioni? nananaghili raw siya sa dalawang iyan, sapagka'hindi niya kasama ang kanyang minumutyang si. anang hipag na tinukoy. baka kung ano na iyan!. ang tanggi ng makata. nagbibiro lamang itong si elsa. nguni'hindi mo ba natatandaan, dioni, kung sino ang kasama ng maginoong ito noong minsang makita natin siya sa salon ng la perla si teang na inaanak ng tia basilia? wala pong iba! at ang lalaki ay manawanawang pumakli: magpaniwala ka, dioni, kay elsa ay kung saan ka tuloy dadalhin nito. tumatalikod ngayon ang bata! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang palabing agaw pa ng mestisang sa hipag nakatingin. ikinahihiya yata ang himala ni pari casio! hindi nalalaman ng dalawang babae na ang mga winikang iyan ni elsa'balaraw na umiwa sa damdamin ni tirso. naalaala ang mga balita ni martinez. si dioni naman, kaya napapamata, sa hipag at walang isinasagot kundi tatawatawa lamang, ang totoo'hindi pala nakauunawa sa ibig sabihin ng himalang binanggit ng mestisa. maalaala ko pala'matagaltagal nang hindi ko nababalitaan kung saan naroon ang teang na iyan, ang tanging nasabi ni dioni. saan nga ba naroon? ang di napigilang itinanong din ni tirso na nadadala yata ng pananabik. kung sino ang dapat makabatid niyan ay siyang dapat makapagsabi, ang sunggab ni elsa. ang tukoy ni tirso sa mestisa. ang batik naman ni elsa sa makata. tila narinig ko kung kanino na siya'inauwi sa probinsia, nguni'ito naman yatang si elsa ang nagsabi sa aking minsan na siya ay nasa kolehio, ang badya naman ni dioni. nasa kolehio? anang lalaki. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | noong araw, ang saklaw ng dalaga. nguni'ngayon? itinanong ng hipag. naghilian sa pagsagot ang dalawa. tuwinang mapaguusapan ang ngalan ni teang ay di matimpi ni tirso ang pananabik na gumigiyagis sa kanya. at tuwina namang may mahahalatang ganyan si elsa, ay lalong nagdaragdag ng sikap para siya ang makapangyari sa isip at damdamin ng makata. siyang paglingon sa kanila ng lalaking pinanonood na kayaposyapos ng isang babae. at nakilalang maliwanag ni elsa. ang pamanghang wika. si dr. nicandro! ang pataka ring sambot ng dalawa. at sino kaya ang babae? ang tanong ni dioni. namumukhaan ko; isang maamong kalapati sa mayamang alagaan sa san juan. ang pahayag ng lalaki. ano ang sinabi mo? isang makisig na mananayaw. ipinaliwanag ni tirso. isang doktor sa piling ng isang bailarina! mahinayang pang sambit ni dioni. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | iyan, dioni, ay di humihigit sa karaniwang makita ngayon dito sa maynila at sa mga karatig na bayan, ang baling ng makata, ang naririto ngayong ating namamalas ay isang doktor, at sa mga cabaret mga hotel at iba'ibang pook na sagapan ng aliw, dapat ninyong maalamang hindi iilan ang mga matutunog na abogado, mga matalakatak na kinatawang bayan, matataas na kagawad ng pamahalaan, mga batikang politiko, mga mayayamang mangangalakal, mga mamahayag at iba pang nabibilang sa unahang hanay ng mga pagasa'dangal ng bayan, na nagpapakalasing sa kandunga'bisig ng kung sinosinong babaeng nakapagaalinlangan ang linis ng pamumuhay. ang lalaki nga naman! kailan ma'lalaki rin! ang parinig ni elsa. gaya rin naman ng katotohanang ang babae ay babae rin kailan man, isinaklaw ni tirso. datapwa'hindi ang lahat ay may hilig sa ganyan. humigit kumulang ay parisparis na kayo, ang sabad ni dioni. mayroon din naman sa aming kalaban ng ganyang ugali. halimbawa: ako. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ay bakit nalalaman mong pagsabihing may abogado, periodista, mangangalakal at iba pang umaasal ng ganyan, kung diyan ay hindi ka kabilang? sapagka'natatagpuan sila kahi'hindi hanapin. paris ngayon; hayan ang isang manggagamot, at nakita natin sa piling ng isang mananayaw ng di tayo tumutuntong sa cabaret . hintay kayo'may iba naman akong nakikita! ang biglang hadlang ni dioni, saka patagong inihudyat ang isang babae'isang lalaki pang may kapunapuna ring palagayan sa isang panig na di lubhang malayo sa kinaroroonan nila, nakikilala ko ang lalaki: si abogado ***, nguni'ang babae'. ah, ako ang nakakikilala pati sa babae! isinaklaw ni elsa. iyan ang may asawang si aling *** na pinakapintasan nang minsan sa harap ko ni martinez. may asawa ang babae? itinanong ni tirso. mayroon, nguni'ang kasamang iya'hindi siyang nagmamay ari sa kanyang pangalan, ang paliwanag pa ng mestisa. saka ang asawa raw ng babaeng iyan, tirso, ay walang pangalawa sa kabaitan, ang susog pa ni dioni. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | balana umano ay kinapitan sa manggas ng babae at ang sinasangkalan ay ang mga, sayawang malimit niyang daluhan, samantalang siyang lalaki naman ay panatag daw na naghihilik sa kanyang bahay at di man napapanaginip ang pananagumpay ng kanyang. gaya ngayon, pangiting naitugon ng makata, narito ang natuturang kabiyak ng kanyang puso, subali'nariritong hindi sa kanyang kandungan nagpapasasa ng ligaya. walang anoano ay may tugtog ng kornetang naulinigan sa dakong hinaharap ng madla, tugtog na sinundan ng biglang pagkabalisa'pagdadagitgitan ng mga tao sa pagaakalang yaon na kaipala ang unang babala ng gagawing pagpuputong. kaginsaginsa nama'sa sisipot sa harap nina tirso ang magasawang nagpiging sa pandakan, at hangos, pagulat at nagdudumaling ginagap ng babae ang mga kamay ni elsa'ni dioni, saka ang mga ito'niyayang sumama sa kanila na humanap ng mabuting pook upang kahi'paano'masilip man lamang ang mukha ng reynang sanhi at dahil ng maraming bulungan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at palibhasa'hindi lamang sila kundi lahat ang naghahangad na makapanood ng pagpuputong, ay di sila nagkapanahong magusap ng marami, at sa mga tinginan ay nagkaalam nang susunod sila sa biglaang pagbatak kina dioni ng mga kaibigang magasawa. sapagka'hindi naman manyayaring manatili ang pagaakayan ng isa'isa, sanhi sa walang kasingsikip na taong umuho nga sa loob ng tanghalang iyon ng malaking kasayahan, hindi kinukusa ng sinoma'nagkalayolayo sila: ang magasawa ay napabukod; si elsa'si tirso ay kung saan napatungo; at si dioni ay napagisang hahanaphanap sa mga kasama. sinapantaha ni dioni na kasama ng magasawa ang makata'ang mestisa; inakala naman ng mga ito na si dioni ang kasama ng mga yaon; nguni'sa palagay ng magasawa'humiwalay nang kusa ang tatlong magkakaabay. sa gayong pagkakaligawligaw, ang dalawang nasa kasariwaan ay pinatnugutan ng mabuting pagkakataon. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kung ako lamang ang masusunod ay minamabuti ko pang maupo na lamang tayo rito at paraanin nang idaos ang pagpuputong na iyang pinagkakaguluhan ng tao, ang wika ni tirso. hindi kaya tayo hanapin ni dioni? ang tanong ni elsa. hanapin man ba, kung hindi tayo umaalis sa pook na ito, ay di lalo pang madali tayong magkikitakita. mabuti pa ngang magpahipahinga muna tayo; ngalay na ngalay na ang mga binti ko sa malaong pagkakatayo. at magkapiling na nagsilikmo ang dalawa sa pook na yaong tinatalikuran ng makapal na taong sa iisang dako nakaharap. nasa iyo nga ba ngayon ang sulat ko? itinanong makasandali ng babae. nasa akin, ang pakli ng lalaki. mabuti pa kaya'isauli mo na. kung wala rin lamang kahihinatnan, eh bakit mo pa iingatingatan. walang kahihinatnang paano? at, mayroon ba? elsa, parang ikaw pa pala ang may hinanakit sa akin, gayong kay daming araw na ipinamahay ko sa malaking pananabik sa ikapagkakaroon natin ng panahon sa paguusap ng niig na paris nito!. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nguni'ngayon ay ano ang iyong sasabihin? unanguna'ibig kong ipahayag ang malabis kong pagdaramdam dahil sa pagkapagsalita sa iyo ng kapatid mo; ikalawa'ibig ko rin namang ipayo sa iyo na ipagpaumanhin mo'iwaksi na sa loob ang lahat ng iyon, yayamang kapatid mo namang nagmamahal ang nagsalita. ano pa ba ang hinihintay mong gawin ko? salamat kung iyan na lamang ang iyong inaakalang dapat gawin!. at pagkasambit nito ay papiksing tumayo at umanyong nagtatampo. malumanay na tawag ng makata, sasandali ang pagkakataong ito na masasamantala natin; mangyayaring sa sisipot na lamang dito'sukat ang iyong hipag, maanong kung baga'ibig mo ay magusap na tayong mahinahon. ano pa ang kailangan? naipahayag mo na ang iyong loobloob. maupo ka sanang muli'may sasabihin pa ako. dili ang hindi nanumbalik na lumikmo ang dalaga. eh ano ngayon? ang tanong na tila nakapangyayari. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | elsa, dahil sa kahalagahan ng bagay na ipinaghihintay mo sa akin ng pasya, ay ibig ko sanang ipamanhik sa iyong pagusapan natin ito ng lalong mahinahon. ang nais ko ay maunawaan mo ang kalinisan ng aking budhi'kadalisayan ng. pagmamahal ko sa iyo. pagmamahal!. oo, elsa, minamahal kita; at hindi lamang minamahal, kundi itinatangi sa lahat: iniibig ng boong puso. kay buting pagibig! iniibig na pinasasakitan!. ang ginhawa mo'siya kong pinakahahangad. salamat, nguni'marahil ay. talagang hindi tayo nagkakaisa ng pagkukuro. pagaaralan ko ang iyong ikasisiyang loob. subali'ano ang maipagsusulit mong pagbibigay kasiyahan sa akin tungkol sa nilalaman ng sulat kong pinagpaguran ko pang pakahabaan? ang pagpapagunita sa iyo, tangi sa aking mga sinabi, na ang pangusap ng kapatid, gaya ng sa magulang, ay nakatataba sa puso ng pinangungusapan. maipalalagay mo na ang tanang ibig mong ipalagay; datapwa'ang sinasabi ko naman, tirso, ay mahirap nang magtagal ako sa bahay na iyon. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kung narinig mo sana ang mga salita niyang halos masasabing pagtataboy sa akin! yao'hindi pagtataboy, kundi pagpapakilala lamang sa nagawang kasalanan. kaya niya ako pinagsalitaang gayon na walang kapatupatumangga ay sa dahilang may paniwala siyang ako'paglalaruan mo lang. at kung ganyan ang nadadama ko sa iyo ay. tila hindi siya nagkakamali!. pagkawika nito'namasdan ni tirsong umanod sa pisngi ng mestisa ang ilang patak ng luhang nagpapahayag ng malaking paghihinagpis. kaunaunahang patak ng luhang nasaksihan niyang namalisbis sa mukhang iyong puspos ng sanghaya! nangilabot si tirso. elsa, inuulit ko sa iyong iniibig kita ng isang pagibig na walang katapusan. tirso, ang pagibig na iya'sayang lamang, kapag di mo natutuhang ilingap sa isang abang sawing inabot ng sigwa sa dagat ng buhay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ako ay nasa piling mo sa lahat ng sandaling kailangan ang aking magagawa; nguni'ang nagdaan sa palad mo, elsa, ay di pa isang sigwa, kundi isa lamang bahagyang biro ng panahon sa gaya nating paharap sa pintuan ng luwalhati. huminahon ka, at hindi kita pababayaan. naito na si dioning hangos at putlangputlang di halos makapangusap. pinakaba ninyo ang dibdib ko! ang di napigilang sabi sa mga dinatnan. at sina tirso'nagtindiga'sumalubong. saan ka napatungo'nawala ka rito? ang madaling itinanong ni elsa. hindi na kami umalis dito'baka aniko'magkita tayo agad, yamang dito tayo nagkahiwalay, ang sambot naman ng lalaki. nanglalata ako! ang daing ni dioni, at napalungayngay na lamang sa balikat ng hipag. sa isang tinginang ng makata'ng mestisa, ay nagkaunawaan ang dalawang ito sa pagpapakahulugang hindi pagod anoman ang ipinagkagayon ni dioni, kundi ang pagsasapantahang baka ang sisiw na kanyang alaga ay kung saan na tinangay ng lawin. kaya'nagkangitian tuloy ng lihim. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kay dioni naman, ang nadatnan niyang bakas ng luhang umagos sa pisngi ni elsa ay naging isa pang patibay ng kanyang mga salagimsim. ang paliwanag ni tirsong hindi pagalis sa pook na iyon, ay ipinalagay lamang na isang mababaw na salamangka. gayon ma'nagpakatimpitimpi na lamang at hindi na umimik, kundi nang mapilitang imungkahi ang ganito: totoo na akong nanghihimagal; kung tayahin ko'sumasama pa ang aking katawan, hindi kaya magiging pangit sa inyo, tirso, kung magpauwi na muna tayo ng hindi pa natatapos ang kasayahang sinadya natin dito? hindi, dioni, ang panabay na sambot ng dalawa; tayna, kung ibig mo na. ikaw nga lamang ang hinihintay namin. kayo na sana ang bahalang magpaparaya sa akin, hane. wala kang sukat ipagalaala. at ilang saglit pa'tinungo na ng tatlo ang dakong pinto ng maluwang na auditorium . pagkatapos ng karnabal ay wala nang agamagam na sukat malabi kay elsa upang huwag malubos ang kanyang kaligayahan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang malaong pinangapangarap niyang pagtatagumpay sa puso ng makatang nihag na buongbuo sa kanyang pagkababae ay isa nang katotohanang itinatambad sa harap niya ng mga huling pangyayari. inniibig niya si tirso, at ang makatang ito ay umiibig sa kanya. narito ang tamis, bango, liwanag, luwalhati at buhay ng magandang si elsa! ito ang kanyang kahapon, ngayon at bukas; ang tanging sanhi ng kung bakit ninanais niya ang mabuhay pa ng malawig sa mundong ito. arawaraw, pagkamulat ng mga mata, ang unang sumisilid sa isip ni elsa ay ang pagmumunimuni kung paano'saan sila muling magkakaulayaw ni tirso, at kung anong bagay ang kailangan niyang gawi'iukol pa sa makatang iyan upang huwag magkawakas kundi bagkus magibayo pa ang katalikan ng kanilang pagmamahalan. at si elsa ay isang matiyagang tagapagalaga ng halamang iyan. dinadalaw niya orasoras ang kanyang bakuran, dinidilig ang pananim, ito'ginagambulan sa puno, hinihimas sa dahon, hinahagkan sa talulot. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at sa ikalulusog ng halamang, sinabi, pagtaastaas na ng sikat ng araw ay nagugunita na agad ng mestisa ang paglusong sa dagat na kasama ng kanyang mga piling kaibiga'kakilala. si tirso ay malimit na tinitipan niya sa gayong mga paliligo sa magandang dagat, at sa kanilang pagtatagpo roo'madalas silang nagtatamasa ng kaligayahan sa pamamangka, sa pagtatampisaw sa tubig at pagtatapak pagkatapos sa mabanlik na baybaying hinahagkang lagi ng mayamang simoy. kung linggo ng hapon, si elsa ay masigla ang katawang nagsasadya sa luneta, at doon, kaabay ng makata ng kanyang mga pa ngarap, ay nagyayao'dito sa lahat ng dako, samantalang ninanamnam ng kanyang kaluluwa ang nagpapainamang tugtugin ng banda ng konstabularia na nagiging marapat sa dilang paghanga. naroong magpabalikbalik sila sa pabilog at pasalasalabat na mga landas, magtigil at magmasidmasid sandali sa harap ng hugis pisong bantayog ni rizal, saka mauupo sa alinmang likmuang mawalan ng tao. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | naroong sila'dumako sa may dinudunghal ng manila hotel at mula sa ibabaw ng mga naglalakihang bato'talampas na saganangsagana sa pook na yao'boong lugod na pinanonood ang tila naguunahang salpok ng alon sa lahat ng pagilid, saka ang kaakitakit na kulay ng langit sa dakong kanluran sa mga sandali ng pagsibsib ng araw sa likod ng mga bundok na natatanaw sa kabila ng dagat. kung minsan nama'siya nilang tinatalunton ang daang pahabay sa dagat na patugpang pasay, at doo'malinit silang nagtitila mga ibong namamayagpag ng boong lugod at panabay na umaawit ng isang pagiirugang walang pagkupas. sa jardin botanico ay madalas din namang sila ay nagpapalipas ng mahahabang sandaling puspos ng tamis at kaluwalhatian. sa ibabaw ng damuhan at sa lilim ng malalabay na punongkahoy na nagbibigay ng kahalihalinang anyo sa pook na yaon, hindi mamakailang sila'naguulayaw ng boong payapa at ang mga puso nilang kalong ng ligaya'binibigyang panahong magkapalitan ng wagas na tibukin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at kung mapagod na sa panonood ng hayop na walang kasingamo sa loob ng kulungang bakal gayong pagkailapilap kapag nasa kagubatan, kung mangalay na ang mga mata'magsipamitig ang mga litid sa pagmamasid sa pagsasalimbayan ng sarisaring ibong may iba'ibang kulay, sa paghahabulan ng mga dagang kosta, mga koneho, sa paguumakyat manaog sa mga nagsalabat na kahoy ng mga unggong mukhang taong pangit, sa kiniwalkiwal ng buwaya, sa pamamalupot ng sawa, sa paniningasing ng baboy damo, tamaraw at iba'iba pa; kung sila ay manghinawa na nga sa lahat ng iyan ay saka lamang nila lilisanin ang pook na yaon ng sa puso'taglay ang mga alaalang labis na makabuo ng isang gintong kabanata sa kasaysayan ng kanilang pagsisintahan. ang mga tula ng makata ay bihirang hindi naglalarawan ng alinman sa mga pook na yaong pinagtatamasahan ng aliw ng kanilang kaluluwa. bihirang hindi bumabanggit sa maliligayang sandali ng kanilang pagsisinaya sa kahilihiling kapalaran. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at walang bigong talatang di nagpapagunita sa mestisa ng nagtatamisang pangyayaring nangyari sa mabiyayang panahon ng kanilang suyuan. si elsa'si tirso ay dalawang kinapal ngang sa kabila ng maraming araw na di pagkakatugunan ng mga damdamin ay magkayapos din ang mga palad na nakapasok sa di kawasa sa isang panahong ang lahat ay tamis, layaw at pagibig. ang langit na namamalas ni elsa ay sagana sa silahis na kaakitakit, at ang papawiri'naghahandog sa diwa niya ng matatamis na guniguni. ibig niyang lumipad, pumaimbuyog sa kalawakang walang wakas, at sa kabila ng busilak ng alapaap ay kanyang ipagdiwang sa apat na panulukan ng katalagahan ang pananagumpay ng kanyang mga adhika sa puso ng makatang tanging aliw ng kanyang kaluluwa. at si tirso, ang makatang tuwina'may salamisim sa diwa, may gayuma sa mata, may pulot sa labi'may lambing sa bawa'kilos, ay natatalagang huwag lumayo kaunti man sa piling ng mestisa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ibig ding lumipad magsaibong sasalunga sa hihip ng hangin upang maawitang parati ng kanyang pagibig, masuob ng kamanyang ng paghanga'masabugan ng bulaklak ng papuri ang karilagang tangingtangi ng kanyang liyag. lamang, ay isang sagabal ang nararamdaman niya waring pumipigil sa kanyang mga bagwis, parang lubid na bumabaliti sa mga pakpak niya at siyang hindi ika panibulos ng kanyang mga lakad. si elsa ay malayang singlaya ng hangin na maaari ngang makasunod sa bawa'pithaya ng pusong sumisintang wagas. datapwa'siya, si tirso, ay may tanikala sa boong katawan, na ang pagkakagapos ay may mahigpit na buhol na di niya kayang kalagin. at ang tanikalang ito, ang gapos na itong ayaw magtulot sa kanya upang makapakiagapay sa kataasan ng lipad ng mga pangarap ng mestisa, ay dili iba'ang sumpang binitiwan niya'nilagdaan ng kanyang kamay sa harap ng hukuman sa sampiro. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang sumpang iyon ay kusa niyang inilagda noong isang gabing ang kanyang puso'inaapawan ng di masayod na pagibig sa ibang alindog: kay teang. at hindi sukat ang masabing ipinagbili ng babaeng ito sa mababang tawad ang karangalan ng kanyang pagkababae, sakaling magkaganito man upang mapawian ng bisa ang naturang sumpa. mangyayaring ang hindi pagsipot ng sulat na ipinangako ng boong higpit ni teang ay magkaroon ng kahulugang ang babaeng iya'nagtaksil na nga at kusang lumimot kay tirso; nguni'gayon man, sa harap ng batas ng katuwiran at sa ilalim ng katuwiran ng batas, ang lalaking ito ay walang kakarakarapatang bumawi ng pangulugi sa kandungan ng sinomang linikhang maiiba sa babaeng sinumpaan na niyang minsan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | mangyayaring magkatotoo na si teang ay isang hamak na manyikang tumatawa'pumipikit sa kamay ng isang mapaglarong pari, gaya ng balita ni martinez; subali'hindi mangyayaring si tirsong napalungi sa babaeng iya'maluwag nang makahahanap ng panibagong kapalaran sa sinapupunan ng ibang langit. mangyayaring maibunto kay teang ang tanang kasamaang magagawa ng isang babae; datapwa'hindi dahil diya'kalapating malaya na si tirso na makapamamayagpag na lilipat sa ibang pugad na ibig niyang patunguhan. nariyan ang balakid. iyan ang malaking sagabal, ang tanikalang gapos na ang mga kawil ay lihim na lumilingkis at bumabaon sa mga lamad ng puso ni tirso, kung kaya'ang kanyang pagsunodsunod sa mga bakas ni elsa ay pawang may katugong masaklap na dilidili sa liblib na pitak ng kanyang nasasalimuot na isipan. walang kamalaymalay si elsa sa lihim na itong sinasarili ni tirso. subali, ang kawalang malay na iya'hindi naman makaganyak sa kahinubong bait ng nabanggit na makata upang magsamantala. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kalaban si tirso ng lahat ng uri ng pagsasamantala sa kahinaa'pagtitiwala ng babae. at kung may naipupula sa kanya ang mga kapwa niya lalaki, ay wala nang iba kundi ang kalamigan ng kanyang loob at malabis na pitagan sa babae, kasakdalang ito man ang nagbubukas ng daang kanyang mapaglalagusan, ang kapunapunang pagwawalang bahala na kanyang inasal sa harap ng mapupusok na pitlag ng damdamin ng mestisa, na di na kaila sa marami, ay hindi mamakailang naging dahil ng panunudyo'paglibak sa kanya ng mga kapwa niya lalaki. sinasabing ang kanyang pag kamakata ay nasa tulaan lamang at wala sa gawa; na ang kanyang pagkalalaki ay madalas na di nabibigyang halaga sa ginagawi niyang pagpapakadungong lagi sa harap ng babae. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | madla nga ang nagpapalagay na ang pagkalalaki ng isang paris ni tirso ay dapat kilatisin ang uri sa kasanayang magsamantala sa masisimbuyong silakbo ng damdaming katutubo sa babae, at ang alinmang pagpapalampas ng mga pagkakataong nasa naaabot ng kamay ay itinuturing na isang kadunguang nararapat sa dilang paglait. datapwa, sa katotohanan, ang bagay na iyan ay tinitingnan ni tirso ng alinsunod sa kanyang kabaligtaran. alalaong baga: iyang kakutyaang ipinalalagay ng tanang may laos na ugali, ay siyang sa ganang sa makatang sinabi'karangalang nararapat ipagmalaki. ang pagpipitagan tuwina sa talosaling na kalagayan ng babae ay isang kapurihang banal ng mga lalaki. at ang kadakilaan ng isang lalaki ay dapat kilalanin sa matimping ugali at hindi sa nararahuyo sa tukso ng kababaang asal. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang babae, bagama'mataginting na tulad sa kristal, ay isang babasaging pagkarupokdupok na sapat sa lahat ng kapariwaraan; samantalang ang lalaki'bakal na mistulang kalarawan ng tibay na sapat naman sa dilang kabayanihan. nguni'para kay tirso silveira, hindi sapagka'bakal ito at kristal iyon ay kabayanihan na nitong huli ang pagdiriwang na lagi sa ibabaw ng kahinaan, karupuka'pabiglabiglang tibok ng puso ng una. ang babae ay isang bulaklak na may halimuyak na pinakahahangaan ng kanyang pagkatao, hiyas ng lahing may pitak ng pagmamahal sa guwang ng kanyang dibdib, dakilang bathalang may dambana sa kanyang lubos na paggalang. pabangong mahal na iniingatan sa gusi ng kanyang dilang pagpapahalaga, ang babae ay ikalulunos ng kanyang budhi kung magtila tubig na mabuhos sa lupa sa kagasuhan ng lalaki. ang babae ay bahagi ng katauhan, isang kailangang kapag nawala, ay wala na rin ang buhay. dito nasasalig ang paniniwala at mga kurokuro ni tirso tungkol sa kadakilaan ng babae. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | siyang tuntuning sinasagisag niya sa ibabaw ng mababang ugali ng ibang lalaking gising sa kamaliang dulot ng mundo. kaya, nang panahong si teang ang tampulan ng kanyang dilang pangarap at boong pagirog, anomang mapamihag na kilos na sa kanya'ni elsa ay hangin lamang na nagdaraan sa papawirin kanyang pagpapakundangan. kailan man ay hindi naging malamig ang apoy. walang nagmalikot na maglaro nito na hindi napaso. at ang babae, sa ibabaw ng lahat, ay apoy na may malagablab na ningas: laging nagaalimpuyo, nagngangalit at nahahandang dumarang tumupok sa sinomang sa kanya'magpain ng buhay. at si tirso, tao palibhasa, sa pakikilaguyo sa mestisang si elsa, ay nadarang ang puso, nasalab ang kaluluwa at nagalimpuyo ang damdamin, hanggang sa mawalang parang usok sa gunita niya ang larawan at pangalan ng babaeng una niyang nakilala sa sintahan. makailang ang tukso ng kamunduha'nagtirik ng kanyang bandila sa ibabaw ng marangal na budhi! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa kabilang dako, kung ano ang tunay na katuturan ng hindi pagsangayon ni tirso sa mungkahing sila'lumagay na sa panatag, ay siyang hindi nahulaan ng matalinong si elsa. mangyari'tuwinang mapaguusapan ang bagay na iyan ay kaagad nang tatawagan ng makata ang alaala ng mestisa tungkol sa kinakailangang pagpapakahinahon ng sinomang gaya nila na tumutuntong sa gayong baytang ng kabuhayan. sa mahabang lakbayin, ani tirso, ay hindi nababagay ang pusok ng loob at pagsusumugod ng lakad; kinakailangan ang tiyaga, ang pagiingat at tulong ng panahon. at ang pagaasawa ay iyang madawag at mahahabang lakbayin na di matatagpusan sa pahangos at walang tuos na pagtakbo. saka, ang pagaasawa, anya pa, ay bunga ng halamang may likas na pangakit: may bulo sa balat, masarap ang amoy, maganda ang hugis at biglaw pa'may marikit nang kulay na sapat ipaglaway ng sinomang pihikang makamamalas. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | malinamnam at nakabubusog kung suko sa gulang, dapwa'mapait na walang kasingpait at lasong nakamamatay kapag bubot na kinitil sa tangkay. tubig din namang sakdal lamig at kusang napaiinom ang pagaasawa, kapag ang binata at dalagang tutungga sa saro ay hindi gagamit ng pagpapakalabis; nguni'alak na nakalalasing, apdo'sukang nakaduduwal kapag namarusa sa sinomang kayamua'walang tuto sa paglagok. hindi natatalos ni elsang sa napagdanasan ng sarili hinahango ni tirso ang ganyang hakahaka hinggil sa suliraning kanyang iminumungkahi. di niya nalalamang nang matutuhan ng makata ang ganyang turo ay nitong mapagaralan na lamang sa pagkakarahuyo sa isang babaeng nawala at sukat matapos na siya'pahangahangain sa angking alindog. at malayong pagsalagimsiman ang makata ng kahi'anong di mabuting hinala, kung pinananayngahan ng mestisa ang nangabanggit na parirala ng kanyang talisuyo, ay ipinalalagay pang siya'nakaririnig ng tinig ng anghel na tumatawag sa kanya'nangangaral ng kabanalan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa wakas, bagaman sugat na dinaramdam ng mestisa ang nangyaring pagkapagsalita sa kanya ng kanyang kapatid dahil kay tirso, at kahima'naidadaing niyang malimit ang kinirotkirot ng sugat na ito, huwag na hindi magbitiw ng kahi'anong payo ang makatang hantungan ng kanyang dilang paghanga, ay napipipi siya'nagsasawalang imik na lamang at sukat. bagkus kinikilala pa niyang nasa matuwid at mabuti ang pagunita ni tirsong masarap ang mamalaging mahabahaba pang panahon sa pagkadalaga. ang dalaga ay bulaklak na masamyo at sariwa na laging katalamitam ng layaw at kaligayahan. nguni'kapag nagasawa, na, ibigin ma'hindi ay pinapanawan na ng bango, kinukupasan ng kulay at nalalanta sa tingin ng balana. nasain mang manatili sa pagkakatampok sa alaala at pagpapahalaga ng kapisanan, ang kapisanan ay siya nang kusang lumilimot sa kanya'ang ngalan niya ay itinuturing na lamang na isang bituing untiunting nawawala sa masayang langit. at si elsa ay hindi pa kadaglidagling makatatalikod sa kasayahan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa gitna ng kasayahan nakilala niya ang makatang nagpatibok ng tunay na pagibig sa kanyang murang puso'nihag ng kanyang tanang paghanga; nagaalaala siyang kung siya'lumayo sa kasayahang iyan ay baka lumayo na rin naman ang kapalarang hinihintay niya sa pagtatangi ng naturang makata. si elsa nga ay mamamalagi pang dalaga, hiyas na maningning na gaya ng dati'palamuting ayok sa bawa'kilusan ng kabinataan; sariwang bulaklak na naghahalimuyak ng sanghaya sa halamanan ng pagibig, na ang mga talulot ay mapangangayupapaan ng bawa'paroparong uhaw sa luwalhati. ngunit habang nagpapatuloy ang di mahahabol na takbo ng mga araw na sunodsunod na yumayao, ay untiunti namang gumigitaw sa isipan ni elsa ang nino ng alinlangang nababanghay sa mga tanong na itong iniuukol niya sa kanyang sarili: ano kaya ang tunay na niloloob ni tirso sa ganito kong katayuan? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | bakit kaya'hindi na siya nagbabalak na ako'ilagay sa kapanatagan, kung aking inuuntag sa kanya ang bagay na ito'nililibang pa ako sa kung anoanong matatamis na pangungusap at maririkit na halimbawa? habang panahon kaya'ganito na lamang ang ibig niyang panatilihan ko? kahapo'kamakalawa, ang hindi pa pagkatapos ng kanyang pagaaral ay isa sa mga mahigpit na idinadahilan, nguni'ngayong siya'maluwalhati nang nakaraos ay ang pagsusulit naman sa corte suprema ang iginigiit. kung ako man lamang sana'nahalataan na niya ng pagkamasilawin sa titulo! kung sa akin sana'hindi pa sapat ang kanyang pagkamakata! iniimbot kaya niyang pagdayaan linlangin ako?. at, si elsa ay may labis na katuwirang mabalisa sa bahagyang kilos ni tirsong kinasisinagan ng panglilinlang pagbabagong loob. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kung nang mga araw na kay teang nabubuhos ang pagibig ng makata ay kinamalasan siya ng mga kilos na di maaakalang magawa ng karaniwang babaeng silang sa bayang ito, ngayong ang pagibig na iya'sa kanya na nagtatamo ng tamis at kaluwalhatian, higit doon ay lalo nang sukat siyang makapagisip at makapagsagawa ng mga bagay na natutungod sa ikapapanuto ng kanyang katiwasayan. ang mga, araw na lumipas ay naging mapapalad na saksi ng pagkakalagak sa sinapupunan ng mestisang iyan ng isang tatak na di makakatkat kundi ng kamatayan lamang. sa matabang linang ng kanyang pusong nabababad sa tubig ng paggiliw, ng paggiliw na dalisay at marubdob, may malusog na binhing napahasik sa lalang ng kahilihiling pagsusuyuan nila ng makata; isang binhing palibhasa'laging nadidilig ng hamog ng mayamang pagmamahal, ay patuloy na umuunlad at balang araw ay tatanghaling isa nang ganap na halamang boong pamimisagak na umaangat sa lupang kinahasikan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang halamang iyon, pagsapit ng takdang araw, ibigin ma'hindi ni elsa ay siyang magwawasiwas sa apat na panulukan ng katalagahan ng balitang nagkaroon ng ani ang pagiibigan nila ni tirso, nguni'siya rin namang lilikha ng maitim na aninong ipanghihilakbot ng babae sa harap ng balana, kapag ang makatang nagkalaya sa loob ng kanyang bakuran ay di natutong magpahalaga sa tinurang halaman. maraming balak ang nagdaan sa panimdim ni elsa tungkol sa hinaharap ng kanyang palad. ang pagasang matututuhan din malao'madali ni tirso ang pagliligtas sa kanya sa kahihiyaang kinauumangan dahil sa nararamdamang walang untol na pagunlad ng halamang sinabi, kung sa bagay ay di pa naman nawawala sa kanya, nguni'gayon ma'nakararating ang kanyang dilidili hanggang doon sa nararapat niyang gawin kung sakali'maging iba kaysa inaasahan niya ang mangyari. natunghan niyang minsan sa isang pahayagan ang balitang sa mga botika ay napansin daw ang pagkamabili ng gamot na ipinanunugpo sa pagdami ng katauhan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at hindi napaglabanan ni elsa ang pagtatanong sa alaala niya kung sinong parmaseutiko ang mapapamamanhikan niya ng bagay na iyon, sakaling kailanganin. naisip din namang idaing sa kapatid at hipag ang isang maselang karamdamang kunwa'nararamdaman niyang tumutubo sa loob ng katawan, at sa bisa ng dahilang ito ay papasok siya sa isang pagamutan at pabubusbos sa sinomang bihasang manggagamot na babayaran ng maraming salapi, upang sa gayo'magapas sa puno ang halamang ipinanganganib niya sa malaki'di masayod na kahihiyaan. subali'sa harap ng mababangis na panukalang ito ay nagsisipanghumindig ang mga balahibo ni elsa. anhin man niyang tayahi'kasalanang humihingi ng kabigatbigatang parusa ang pagsasagawa ng tinurang panukala. at siya ay hindi pa naman nalalabuang gaano upang lumusong sa bangin ng ganyang kabuktutang gawa. gayon man, ang pagkamapagpasumala niya'katutubong lakas ng loob ay siyang nakayari ng isang mabisang kaparaanang ikahuhuli niya sa nagiilap manding loob ng makata. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | hapon noon ng araw ng mierkoles, ika ng septiembre, araw na natatakdang idarating ng mabunying sugo ng bayan na galing sa lupain ng mabituing watawat. hindi kaila kina tirso'elsa ang pagdating na yaong pinaggagayakan ng maringal at karapatdapat na pagsalubong ng boong bayang galak na galak sa tagumpay na tinamo sa pagkapatibay sa bill jones . at sila ay nagkaisang manood ng gagawing mga pagdiriwang. nguni'sa dahilang ang pagpasok pa lamang sa corregidor ng sasakyang kinalululanan ng dakilang anak ng bayang ipagbubunyi ay ibabalita na raw ng sipul ng yelo, at sapagka'ayon sa mga pahayagan ay malamang na sa dakong gabi na ang pagahon ng hinihintay, ay napahinuhod si tirso sa mungkahi ni elsang pumasok muna sila sa sine ideal samantalang maagaaga pa. at nasa mga sandaling namamalikmata ang lalaki sa panonood ng gumagalaw na anino, nang yariin sa sarili ng dalaga ang kanyang gagawing pakana upang mabihis ang mga pagaalinglangan niya. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | tirso, ani elsa sa pabulong na turing, kasabay ang pagkukubli ng bibig sa likod ng kanyang pamaypay, hindi ba maganda ang pelikulang ito? oo nga, elsa, ang magiliw na sambot ng makata na humilig pa mandin ng kaunti sa dakong kinalilikmuan ng kanyang kaagapay, at tangi sa maganda ay nakapagtuturo pa sa mga nanonood. mga ganyang palabas ang talagang nasasarapan ko. iiwan pa ba natin ang pelikulang ito hangga'hindi natatapos? kung ibig mo'dito na natin antabayanan ang paghihip ng sipul ng yelo, at kung malapit nang aahon si quezon ay saka na tayo lumabas. mabuti nga yata. bakit ay masama pa, ang lagay ng panahon: ang ula'tila papalakas pa. at ang dalawa ay nagpako ng nawiwiling mga mata sa iba'ibang pangyayaring nakapagpapakaba ng loob na ipinakikita ng palabas na iyon. hindi natataho ni tirso ang lihim na kinikimkim sa diwa ng kanyang magandang liyag. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | di niya nahuhulaang nang ibig lamang noon ni elsa ay gabihin sila sa loob ng sineng iyon, upang sa paglabas ay magkaroon ng mabuting panahon ang pagsasagawa ng balak niyang taglay taglay sa isip. at samantalang pinakahihintay sa sarili ni tirso ang nababalam na sipul ng yelo, si elsa nama'nakararamdam ng kasiyahan sapagka'tila pinapatnubayan ng mabuting pagkakataon ang kanyang binabalak na gawin. at ang kasiyahang iyan ay nalangkapan pa ng di kakaunting lugod, nang marinig niya ang ganitong winika ng makata: elsa, maaari bang turan mo sa akin kung saan pa ang ibig mong magtungo tayo pagkatapos ng ating panonood ng mga parangal kay quezon? at hindi pa ba tayo magpapauwi ng bahay? pahimbabaw na itinanong ng mestisa. kung ibig mong mauwi na kaagad, ako nama'may ibang patutunguhan. pangiting pakli ng lalaki. maagamagam na tanong ng dalaga. susundan ko ang langkay ng naggagandahang mga centro escolarina na makikilahok sa mga pagdiriwang ngayong hapon. ang pabirong sagot ni tirso. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at kapag ako ay may napiling isang maganda sa lahat, ay. hindi na ako hihiwalay. kung gayo'makasusulong ka na ngayon pa; at. tataglayin mo ang aking maligayang bati. maiiwan na ako rito. baka mayroon kang katipanan. mayroon nga! hindi kailangang makilala mo. nagalaala si tirsong baka magpinid ng tindahan sa di oras ang kanyang irog. kaya'ang sinabi sa malamyos na pamimigkas: elsa, hindi mo ba nahuhulaang sa mga taga centro escolar ay wala akong mapipiling isa mang maganda? mangyari'wala na roon si teang. namamali ka; mangyari ay. wala nang iba pang babaeng may ganda'alindog na gaya ng mestisang nasa piling ko. sinungaling! siyang tunay, elsa. maano tirsong magtahan ka niyang mga kaululan mo. tingnan mo, tingnan mo ang babaeng iyang nasa pelikula: maganda, ano? iyan ang talagang maganda! pues maganda ka pang hindi hamak diyan, kapag ganyang tila ka nagtatampo sa akin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | siyang pagkarinig sa sipul ng pagawaan ng yelo: tatlong mahahabang huni ang sunodsunod na ipinaghumiyaw sa boong kamaynilaan. nasa corregidor na, ang parang wala sa loob na nasabi ni tirso. lumabas ka na'baka maiwan ka ng mga escolarina mo, paaglahing wika ni elsa. talagang mabuti kang manunukso, hane! pangiting salo ng makata. ako'hindi nanunukso, ang tanggi ng mestisa, ipinagugunita ko lamang sa iyo ang isa mong balak na kapay naurong ay sayang. anhin ko ba kung maurong man! huwag lamang bang malayo ako sa piling ng aking pinakatatanging mutya, eh.! sumunod sa salitang ito ng lalaki ang isang kilusang kamuntik nang ipaghinala ng kahi'ano ng mga taong kalapit nila sa upuan. salamat at ang katimpian ni tirso'siya ring nakapangyari. magtanim ka ng magtanim, nang marami kang anihin. pabantang saad ng mestisa. ang halaman ko ay nakatanim na. masiglang sunggab ng makata. makikita mo, paglabas natin! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang mahina pang salo ni elsa na di nalalaman ni tirsong kahi'biro ay may kalakip na katotohanan. at ipakikita mo ba? kung gayon ay tayna. magtahan ka na nga! hindi ko na tuloy maunawaan itong pinanonood natin. pagkasabi nito'ipinahiwatig na ni elsa ang unang bahagi ng kanyang salamangka: pasadlak na isinandig ang katawan sa sandalan ng kanyang likmuan, biglang tinutop ng isang palad ang dibdib na tapat ng puso, saka nagbuntonghininga ng malalim. at ang lahat ng ito ay ginawa sa paraang sukat mapansin ng kaagapay na makata. at napansin nga. bakit, elsa? napapaano ka? may sakit ka ba? ang gulilat na mga tanong ng lalaki. hindi kumibo ang babae. baka mabuti'lumabas na tayo. ipinikit pa ni elsa ang kanyang mga mata at hindi rin kumibo. lalo nang nabakla ang loob ng makata. makasandali'saka idinaing: lumilibat ang aking puntada. nagsisikip ang paghinga ko. tayna nga kaya lumabas, elsa, maalapaap na amuki ng lalaki. nguni'walang anoman, tirso: hindi ako maaano. pabalatkayong bawi ng dalaga. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | maminsanminsan ay talagang sumusumpong sa akin ang ganitong sakit. ibig kong tapusin nating sandali ang pelikulang iyan bago tayo umalis. sa palagay mo kaya'maaari ka pang makapanood ng pagahon ni quezon? baka makasama sa iyo. at natiwasay ang kalooban ni tirso. datapwa, natapos ang pelikulang idinadahilang ibig na panoorin, ay hindi rin umaangat sa upo ang mestisa. sa gayo'parang nakaino ang makata. hindi pa kaya dumarating si quezon sa mga sandaling ito? malumanay na itinanong. marahil ay malapit na, ang naging tugong tila wala sa loob ni elsa, pagkaraan ng saglit na di paghuma. ano, di pa po ba tayo lalabas? nang lisanin ng dalawa ang sine ideal ay laganap na ang dilim sa lahat ng dako. ang mga ilaw sa daang carriedo at sa liwasang goiti ay nangakasindi na'siyang tumatanglaw sa makapal na taong sumasagasa sa kasamaan ng panahon na pawang patungo sa pook na natatakdang lulunsaran ng dakilang sugo ng bayan: sa magallanes landing . | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | si elsa ay mahinay na lumalakad ng ang kanyang isang palad ay mahigpit na nakakapit sa bisig ni tirso. nguni'kung nang gabing iyo'naging mainuhin ang makata, ay napanibaguhan sana, niya sa mukha ng mestisa ang isang lihim na sinasarili sa guwang ng kanyang dibdib. nang dumating sila sa liwasang lawton ay natanawan na nilang idinaraos na kasalukuyan ang inauguracion ng quezon gate . huli na yata tayo! mahinayang na saad ni tirso. at dumating na pala! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | mga taong walang hulugang karayom na nagsilurok sa kaputikang gawa ng matagal na ulang bumuhos nang singkad na maghapong iyon; maraming banda ng musikang nakalipana sa magkabilang panig ng daang padre burgos at paseo de magallanes; mula sa may gusali ng intendencia hanggang jardin botanico sarisaring watawat ng di mabilang na kapisanang dumalong kasama ang pinakamarami sa kanikanilang mga kasapi; mahahabang hanay ng mga guias nacionales at guerrilleros filipinos na nakatalatag sa pinagdaanan ni quezon; mga automobil, kalesa, kalesin, at iba'ibang sasakyang nalilimpi sa mga gilid ng lansangan; ang malaking langkay ng mga binibining taga centro escolar na nagalay kay quezon ng isang marikit na pangnan ng mga sariwang bulaklak na may kalapating nakasilid. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | iyan ang mga namalas ng humahangang mga mata ni tirso na sa palibidlibid ng pook na yao'siyang nagpapasikip ng gayon na lamang, at siyang nagpapakilala ng di masayod na kagalakang naghahari sa madla alangalang sa karangalan ng mabunying anak ng bayang may ipagsusulit na tagumpay sa kanyang pagbalik sa lupa niyang tinubuan. subali'bakit kaya baga'parang hindi pansin ni elsa at waring hindi ikinasisiya ang alinman sa gayong kasiglahan? inakala ni tirsong marahil ay patuloy na nakapipinsala sa kanyang magandang mestisa ang karamdamang idinaing nang sila pa'nasa sine. kaya'inalok na magpauwi na. nguni'noon di'nanigas na lamang ng walang kaabogabog at napahandusay sa mga bisig ng makata, ang sariwang katawan ng mestisang yaon na sinusundan ng nahihilam na mga mata ng di kakauunting taong nakakita sa kanila sa liwasang lawton. napapaano po ang inyong asawa? hinihimatay! paypayan natin! wiligan ng tubig sa mukha! ang mabuti, mama, ay dalhin ninyo agad sa ospital ang inyong senyora. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ambulancia samantalang paganyan ang mga sambitlaing nagpapalipatlipat sa bibig ng maraming nakasaksi sa gayong kusang ginawa ni elsa, si tirso naman, na ipinalalagay ng balanang nakamalas sa anyo ng dalawa na asawa ng mestisa, ay hindi magkantututo sa marapat gawin. at ang tinatawag ay patuloy na walang imik at nanunuwid sa pagkakahilig sa balikat niya. siyang pagharap ng isang kutserong dukha nguni'dapat uliranin ng mga kapwa niya maralita: mapitagang inihandog ang kanyang kalesang nakatigil sa isang panig ng liwasan. mama, anya kay tirso sa magiliw na pangungnusap inabot po yata ng sakuna ang inyong asawa, naririto po ang aking kalesa at ating magagamit ngayon din para sa ospital. kailangan nga pong makarating sa ospital ang inyong asawa, ipinayo naman ng maraming nagkakalipumpon sa dalawa. sumakay na kayo. at ang gayong munti nguni'dakilang handog ay boong pusong sinangayunan ng nasisindak na makata. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang matigas na katawan ng mestisa ay boong higpit nguni'maingat na niyapos ni tirso sa nakikita ng madla, saka pinagdahang isinakay sa kalesang inihandog na kusa ng nabanggit na kutsero. buongbuo sa isipan ni elsa na di na siya hihiwalay kay tirso nang gabing iyon. inaakala niyang sa gayong pagkapasubo ni tirso sa harap ng madla na umaming walang tutol sa pagpapalagay na sila'magasawa, ay hindi na naman makapangyayari pa ang paguurong sulong ng makatang ito tungkol sa ninanasang mangyari ng mestisa. nguni'sa gayong pagdadala sa kanya sa pagamutan dahil sa ginawa niyang paghihimahimatayan, ay di niya maalaman kung paano ang gagawin. sa likod ng nakatabing na tarapal, at habang patuloy na tumatakbo ang kanilang sasakyan, ay nararamdaman ni elsang maminsanminsang bumubulong sa kanyang mga pisngi ang namumuyong mga labi ni tirso, kasabay ng magiliw na pagtawag sa kanyang pangalan na kinalalarawan ng sindak at pagmamahal. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at ang gayong pagkakalaya na naman ni tirso, sa kanyang pagkadalaga, ay lalo nang nagpapatibay sa kanyang tinitikang gawin noon. si elsa ay nalilito. hindi niya maubos isipin kung marapat hindi na bago sila dumating sa pagamutan ay magmulat na siya ng mata'makipagharap kay tirso upang sabihin ng tahasan ang tunay niyang ibig na mangyari. kung, mapagtalastas naman ni tirso ang kanyang ginawa'hindi kaya, mabagot sa kanya? hindi kaya ikamuhi ang gayon niyang pangliliho, sa halip na siya'lingapi'pakiayunan? at ano ang wiwikain ng kutsero kung makilala ang kanyang salamangka? tila isang malaking escandalo na magbubunga ng maalingasngas na salitaan sa lahat ng dako ang ginawa niyang iyon, kapag nahiwatigan ng kutsero. saka, sino ang makapagsasabi kung sa pulutong ng di kakaunting taong nakasaksi sa ginawa niyang pagpapatibuwal sa mga bisig ng makata ay walang sinomang nakakikilala sa kanya? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nasa ganitong mga pagninilaynilay ang may katutubong lakas ng loob na mestisa nang walang anoano'ang kalesang kanilang sinasakya'biglang nahagip ng dumaragunot na ambulancia ng hospital general na nanggagaling sa intramuros na tumatawid sa padre burgos at patungong avenida taft. ang kalakasan ng pagkakabangga ay gayon na lamang na sa isang pikitmata ay nawasak ang kalesa'napahagis sa lupa ang kanyang mga lulan. ang ambulancia nama'nakalayo pa muna ng may mga dalawampung dipa bago napahinto sa isang gilid ng lansangan. sa harap ng gayon di hinihintay na kasakunaa'sino ang makahuhula sa napagsapit na palad nina tirso at elsa? maliksing naba sa sasakyang nakasagasa ang isang manggagamot upang siyasatin ang mga nasawi. at di pa gaanong nalalapit sa pook na kinaroroonan ng mga labi ng nadurog na kalesa'ng mga napahamak na sakay, nang maulinigan na niya ang kalunoslunos na daing ng tinig ng babae. naku, tirso ko! tirso kooo.! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at noon di'napatambad sa mga mata ng manggagamot ang isang nakahahambal na anyo ng mga nasawi sa banggaang iyon: isang kalesang nagkadurogdurog sa dako roon, nakalugmok na kabayo sa gawi rito, at sa hinaharap niya'isang lalaki ang nakapalungayngay at naliligo sa sariling dugo na hinahaplos sa mukha ng isang babaeng tumatangis at tawag ng tawag sa ngalan ng lalaki, samantalang ang kutsero'parang napaghimalaang hindi man lamang nagkagalos sa katawan gayong napahagis sa malayo. patay nga kaya ang lalaking pinananangisan? kailangang siyasatin agad ng manggagamot. at nakitang may sugat sa ulo at walang malay tao. sa gayo'madaling tinawag ang dalawang tao ng ambulancia saka sinabi sa mestisa: ang sugat ng inyong asawa ay may kalubhaan po: kinakailangang malapatan ng lunas sa lalong maikling panahon. itinutulot baga ninyong isakay sa ambulancia para na nga ninyong awa, doktor!. pasamong tugon ng babae na di man tumutol sa pagkasabing asawa niya ang lalaking may sugat. sasama po ako.! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang dugtong pa. kayo po ba'nagtamo rin ng mga kapinsalaan? tila po hindi; nguni'ang tanang inyong magagawa ay lubos na sana sa pagliligtas sa buhay ng. opo; ako ang bahala. maliligtas po kaya? tingnan natin. sa isang hudyat na ibinigay ng manggagamot, ay binuhat pagdaka ng dalawang lalaki ang katawan ni tirsong pigta sa dugo at malambot na tila sutla. at noon di'dinala sa ambulancia na inaagapayanan ni elsa at ng manggagamot. pagkalulan ni elsa sa tinurang sasakyan ay namalas niya sa loob niyon ang isang babaeng nakakubli ang mukha na nakahigang unat na unat at di kumikilos. napaghahalatang gaya ni tirso ay wala ring malay tao. sino kaya ang babaeng ito? ang di sasalang naitanong ng mestisa sa loob man lamang niyang sarili. at napapano kaya? nang mga sandaling iyo'saka lamang may lumapit na isang pulis na tila sa malayo pa nanggaling. bakit at ano ang nangyari? ang tanong na tila ibig pang magmagaling. isang sakunang hindi kinukusa ng sinoman, madaling ipinakli ng manggagamot. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang lahat ng paliwanaga'ginanap na lamang sa pahapyaw na ulat ng manggagamot na sinabi, at pagkatapos na ibigay ang ilang tala na nahihinggil sa ambulanciang nakasagasa, ay ipinahayag sa pulis: hayan ang kutsero: siya ninyong kausapin. kami ay di makapagtatagal pa. ang kalubhaan ng lagay ng mga nasawi ay nangangailangang malunasan kaagad. at ang pulis ay nagkasiya na sa paguukol ng ilang tanong sa kutsero, samantalang ang ambulancia ay humaginit na ng takbong patungo sa hospital general . pagkaraan ng ilang saglit pa, ay napatala sa aklat ng pagamutang iyon na ang lalaking ipinasok doon, dahil sa pagkabugbog, at mga sugat ng katawan, ay si tirso silveira na asawa ng isang nagngangalang elsa balboa ni silveira. nguni, sino kaya naman ang babaeng may karamdamang nakaangkas sa ambulancia. halos wala nang tao sa pook na pinagdausan ng mga pagdiriwang nang magdaan ang trambiang kinalululanan ni elsang galing sa pagamutang pangkalahatan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa liwasang goiti ay madalang na rin ang nagsisipaghintay ng trambia, palibhasa'may kalaliman na ang gabi. gayon ma'patuloy rin kay elsa ang kanyang balak; sa bahay ng kanyang tia basilia sa san lazaro patutungo upang doon, manggising man, ay wala siyang sukat ipangilag at masasabi na niyang siya'hindi muna makauuwi sa pasay pagka'nagtanan na sila ng kanyang kairugang lalaki. ako'hindi mangyayaring makagalitan ng aking tia basilia, ang kanyang pinagpaparoonan sa gagawin, kahi'ano ang aking gawi'maipagpaparaya niya'ipagtatanggol pa ako sa harap ng aking kapatid na walang salang magagalit sa akin. at habang tumatakbo ang trambiang kinasasakyan niya, ay napaguulitulit namang sinasabi sa sarili ang ganito: paggaling ni tirso, na sapilitang mangyayari ng hindi bibilang ng maraming araw, yamang pinatutunayan ng medikong hindi naman kalubhaang gaano ang tinamong sugat, ay magiging isang katotohanan ang aming pagkakasal. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at pagkatapos ng lahat, taas na naman ang noo kong haharap sa kanila at ipakikilala ang aking nakaisang palad. kung gayo'ano pa ang kanilang masasabi? nguni'upang huwag magkaroon ng daang mapulaan ako'masisi ng sinomang makatatalos ng bagay na ito, kinakailangan papaniwalain ko siyang kasal na kami ni tirso ngayon pa. walang ulikulik ngang tumawag sa bahay ni donya basilia ang mestisang pawang kasinungalingan ang laman ng ulo nang mga sandaling iyon ng pakikipaglamay sa kasungitan ng gabi. at pagbubukas ng pinto ng kanyang ale, ito'kaagad niyang hinagkan sa kamay, tanda ng paggalang. nguni'ang maybahay ang unang nagsalita sa patakang tanong: elsa, bakit? dito ako matutulog ngayon, tia, ang marahan nguni'may lambing na sagot ng mestisa. saan ka nanggaling? ang siyasat pa ni donya basilia. tanging naipulas sa bibig ni elsa. walang ano? at sino ang iyong kasama? wala nga po. huwag mo akong patayin sa pagaalaala! at ngumiti pa si elsa sa pagbigkas ng mga salitang ito. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | wala po kayong sukat ipagalaala sa pagkaparito kong ito! halika nga sa loob at dini kita magusap. nasok ang dalawa sa isang bulwagang wala nang nakatatanglaw liban sa isang munting bughaw na bombilla na taang talaga sa pagtulog. at pagkalikmong magkaagapay sa isang sopang luma, ay muli na namang nagusisa ang matandang sa mukha ay kinababakasan ng pagkabagong gising noon. sabihin mo nga, hija anya: bakit ba hatinggabinghatinghatinggabi'naparito ka? ibig ko lamang pong dito muna makatulog. ibig mo nga, nalalaman ko; nguni'ano ang bagay ng pagsusumagi mo ng pakikitulog dito? nakagalitan ka ba ng kapatid mo, nagkaalit kayo ni dioni? maging alinman po sa riyan ay walang tama. ako ay hindi sa amin nanggaling ngayon, at. ayoko munang umuwi sa aming ilang araw, tia! bakit at ano nga ang sa iyo'nangyari? tia, hindi ba kayo nagagalit? lokang bata ito!. nagasawa ka? nalalaman ng kuyang mo? at nagtanan ka? kanino ka nagasawa? sa isa pong lalaking malaon ko nang katipan. silveira po. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | tirso silveira! ang matanda ay saglit na nagtungo ng tingin sa ibaba at nagisip. kaginsaginsa'itinanong: hindi ba iyan ang masong animo'kasintahan ni teang noong araw? saka idinukmo ang mukha sa kandungan ng ale, at sa muling pagangat ay idinugtong: di ba kayo namumuhi sa akin? bakit ako namumuhi? malumanay na ipinakli ng matanda na ang isipa'nagduduklayduklay sa balabalaki ng kabataan. nguni'linawin mo, elsa: hindi nga ba iyan ang nakagustuhan ni teang na sinasabi mo? sa palad po ng tao, tia, ay tadhana lamang ang nakapangyayari. niloloob po ng tadhanang iyan na siya ang aking maging kapalaran. si donya basilia ay natilihan at hindi na nakahuma. sumurot nang sandaling iyon sa alaala niya ang naging sanhi ng pagkaalis sa bahay na yaon ng mabait na dalagang kanyang inaanak sa binyag. at naalaala ring si elsa ang may kagagawan ng gayong nangyari. napakamakapangyarihan nga naman ang dios ng pagibig sa puso ng kabataan! ngayo'saan naroon ang asawa mo? makasandali'itinanong ng matanda. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang nagaalanganing sambot ng mestisa. saan kayo naghiwalay? sa. ospital po. doon ko nga po siya iniwan, sapagka'. sapagka'ano? nagkaroon po ng sugat. elsa, alangalang sa dios, ako'linawin mo! tia, si tirso po ay nasa pagamutan nga, sapagka'sa di namin hinihintay na sakuna, ay nagtamo siya ng ilang sugat at bugbog sa katawan. anong sakuna? hinabol ba kayo? nagkaroon ba ng away basagulo? hindi po, nguni'nang kami ay nakasakay sa isang kalesa ay biglang nasagasaan ng isang dumaragunot na ambulancia ang aming sinasakyan, at noon di'napahagis lamang kami sa malayo. susmaryosep! sumunod sa ganitong napalakas na salita ni donya basilia ay biglang nagtaas ng ulong parang nagulat ang isang matandang babaeng nasa kabila ng pinto ng silid na hinaharap ng pagkakaupo ni elsa. ang pabulalas na sigaw na narinig ng dalawang naguusap. kumare, malakas na tawag ni donya basilia sa nasa silid. ang matanda ay muling nahiga, bago tumugon. wala, kumare, nanaginip lamang pala ako. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | para ko bang nakitang ang anak ko'nilalapitan ng tatlong lalaking may sungay. panaginip nga lamang iyan; matulog na kayong muli. nang hindi na tugunin ang ganitong saad ay itinanong naman ni elsa sa kanyang ale: sino, tia, ang matandang iyon? si kumareng magda, paanas na sagot ng itinanong. si manang magda? at kailan pa po rito? kaninang tanghali lamang. at kasama rin po ang pari? si pari casio ay wala na sa. nakainisan daw ng mga tagaroon at pinagusig ng gayon na lamang hanggang sa napalipat ng ibang bayan. may tigas din naman pala ang mga taga. na di nahuhutok ng kapangyarihang simbahan! nguni'hindi ganyan ang paghahaka ni kumare, saka lalong hininaan ang pagsasalita, sa katunaya'ibinigay sa la compania de jesus si teang sa himok ng paring iyon bago napaalis sa at si teang po ba'nasa kolehio ngayon? matagal na; at siyang sadyang dadalawin ng kanyang ina, itinaon na lamang tuloy sa pagdating ni quezon ang pagluwas dito. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ay bakit naman inalis pa sa concordia gayong sa kolehio'kolehio rin pala ipapasok? mangyari, ang tika ay magmongha raw. diyata po'magmomongha si teang? siyang himok ng pari na minabuti ng ina, at kaipala'sinangayunan na rin naman ng may katawan. hanggang dito ang naging salitaan ng magale, sapagka'si donya basilia, na sinasasal na yata ng antok, ay nagtindig noon din at ipinagsamang masok sa isang silid ang pamangkin upang makatulog na. kinabukasan ay ipinagpaunang sabihin ni elsa sa kanyang tia basilia na huwag muna sanang ipamamalay kay manang magda, kung ito ay magising na, ang kanyang pagkapagasawa kay tirso. marahil paano'paano ma'nangungunti rin naman siyang maalaman ng manang na iyon na ang kanyang nakaisang palad ay dili iba'ang lalaking nangibig kay teang. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | hamo'hindi ako kikibo, ang ayon ni donya basilia, nguni'sa malaon at madali ay sapilitang mababalitaan niya ang bagay na iyan; at kung hindi sa iyo sa akin unang manggagaling ang pagbabalita sa kanya, ay lalo na siyang magkakamatuwid na maghinanakit magpalagay ng di mabuti sa nangyari. kung sa bagay ay katungkulan kong ako nga po ang magsabi, subali'ako ay nahihiya. ang pakli ni elsang bahagyang natatawa. ang mabuti'ganito: walang pagsalang yayain kitang dumalaw kay teang sa kolehio ngayong umaga; gawin mo naman, bago ka pumayag, ay anyayahan siyang sumama sa kanilang dumalaw sa ospital, at kapag naroon na'bahala na siyang mapamangha sa kanyang makikita at ikaw nama'wala nang gagawin kundi ang sumagot na lamang sa kanyang mga sasabihin. pagkasabi nito'hindi lamang ang mestisa ang natawa kundi pati na rin ni donya basilia. makasandali ay siya namang hinarap ng matanda ang pagpapahanda ng agahan, at si elsa ay naiwang nakapanungaw sa isang bintanang paharap sa halamanan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | mapamayamaya pa'sa lalabas na si manang magda. ave maria purisima ang pagdaka'ibinati sa nakapangalumbabang mestisa, narito ka pala, ineng! ang dugtong pa. opo, manang, magalang at pangiting tugon naman ng binati, kasabay ng pagpihit ng mukha sa kumausap. kayo po, kumusta naman? mabuti, elsa, sa awa'tulong ng mahal na birhen, saka nakipiling sa kinauupang bangko in elsa. nakapanood ba kayo ng mga kasayahan kagabi? naku, kay damidaming tao! at nabasa pa tuloy kami sa ulan. ang kasayahan ay gayon na nga lamang; sanggaano mang sigla, ay natatapos din. wala po naman yatang anomang bagay rito sa mundo na walang katapusan, eh. dahil nga riyan, kung kaya ako ay walang laging sinisikhay kundi yaong mga may kapakinabangan hanggang sa kabilang buhay. tingnan mo; kung kaawaan ng dios na makaraos sa pagmomongha ang aking anak, wala nang napakaligayang buhay na gaya ng tatamuhin ko marahil. si teang daw ay nasa la compania para sa ganyang layon, tunay nga po ba? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | bah, talagang buongbuo ang loob ko sa tunguhing iyang ipinakilala sa akin ni pari casio! iyan ang pinakadakilang magagawa ng isang magulang na nagmamahal ng taos sa kanyang anak na babae! nguni'ang bagay na iya'naaalinsunod din kaipala sa hilig ng may katawan. marahil ay talagang nasa pagmomongha ang hilig ni teang. ayaw ka bang magmonghang paris niya? aywan ko po ba; marahil ay madadali ang buhay ko, kapag ako'napakulong sa beaterio at nawalay sa mga kasayahan. bata ka pa nga! ang totoo po, kung ako ang pamimiliin ng aking dapat na harapin sa buhay na ito, ay walang salang iibigin ko ang magartista, sapagka', sa ganang aki'ito lamang ang tanging daan upang malasap ng isang tao ang tunay na katamisan ng mabuhay sa balat ng lupa. ang huling saad na ito ng mestisa marahil ay narinig ng isang lalaking hangos na pumasok sa tarangkahan ng bahay na iyon, kaya'buhat pa sa may tapat ng durungawan sa lupa ay malakas nang tumawag. si elsa ay hindi sumagot. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nguni'di sasalang nakilala niya agad ang tinig na yaon, kaya biglang nagitla at pinamutlaan ng labi. ang painong tanong ng manang na di nagkaroon ng katugunan. tia basilia! ang ulit pa ng nasa lupa. at ang matandang maybahay ay dumungaw sa isang bintanang makipot ang pagkakabukas. ang nawika pagkakitang kapatid ni elsa ang dumarating, saka maliksing humudyat sa pamangking babae ng hudyat na nawatasan naman agad ng mestisa. nariyan po ba si elsa? ang nagkakanggagahol pang tanong ng nasa lupa. narini; magtuloy ka, at tumawag noon din ng isang alila at ipinagutos na buksan ang pinto sa sibi. parang dinagukan ang dibdib ni elsa at, malaong hindi nakapangusap, pagkatalos na ang dumarating ay kanyang kapatid, at sa isang may baklang titig sa ale'waring ibinulong: paano ang idadahilan ko? ilang saglit pa at nagkaharap ang magkapatid sa nasasaksihan ng dalawang matanda. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa unangunang tingin lamang ng lalaking iyong maputla'waring hindi nagtikim ng tulog sa magdamag nanagdaan, ay naibulalas nang lahat ang tanang ibig sabihin sa kapatid na ipinalalagay na nagkasala. si elsa ay lumingon na lamang at nagtapon ng isang titig na humihingi mandin ng saklolo sa ale. datapwa'si donya basilia naman ay nalilito sa pagdulang na biglaan sa isip ng sukat niyang gawing pamamagitan sa magkapatid. si manang magda, na bahagya nang napansin at napagpugayan ng lalaki, ang tanging makapagparinig sa dumating: sinusundo mo na yata siya. salamat sa winikang itong nagpapahayag ng pagkawalang malay sa lihim ng dalawa, ang maypoot ay nagtimpi at pinilit na tangayin ng isang impit na buntonghininga ang lahat niyang sukal ng kalooban. saka bumaling sa nagsalita, at sa masayang mukha'bumati: manang magda, naluwas po pala kayo ngayon. oo, at ako naman ang dumadalaw rito, yamang sinoman sa inyo'walang nagagawi sa aming matagaltagal na. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ibig naman daw ng kumare ko na magkitakita tayong minsan pa, ikinatlo ni donya basilia pagkarinig sa himig ng ganyang payapa nang paguusap, kaya ba pinigil ko na tuloy na dito na matulog si elsa kagabi. nagagalit ka ba sa kanya? ang tanong pa. hindi po, itinugong di naiwasan ng lalaki: nguni'kagabi pang hatinggabi'kamunti na akong makarating dito sa paghanap sa batang iyan. how, eh saan ba naman mapapatungo si elsa kundi rito sa kanyang tia, ang saklaw naman ni manang magda. subali'ang mestisa ay hindi nakahuma gaputok man sa sidhi ng kalituhang naghahari sa kanyang pagkababae. napasasalamat siya sa pagkakataong iyong kaharap si manang magda at sa maayos na pagkapamagitan ni donya basilia; nguni'nauubos ang kanyang talino'hindi niya matutuhan ang kanyang marapat gawin upang ang galit ay huwag makapanghinaig sa kanyang kapatid, sakaling mapagtalastas na nito ang nais niyang palitawing siya'napakasal na kunwa kay tirso nang gabing natapos. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | mabuti na lamang at ang kapatid niya ay tila hindi magtatagal at mananaog din. narinig niyang nakipagbalitaan sa manang na taga lalawigan ng ilang bagay na karaniwan na sa mga magkakakilalang malaong hindi nagkikita. at mapamayamaya pa'nagpaalam na ngang mananaog at di umano'may iba pa siyang lalakaring bagay na madalian. magagahan ka muna bago ka manaog ha, ang pigil ni donya basilia. hindi po, tia, at ako ay nakatapos na, ang tanggi ng inaanyayahan. bakit nga ba hindi mo kami saluhan muna? ang sabad pa ng manang. saka na po ako muling magbabalik. at pagkasambit nito ay matulin nang nanaog ng hindi man iniwanan ng kahi'isang kataga ang kapatid na pinaghanap sa bahay na yaon. pagkakain ng agahan, ang manang ay gumayak nang dadalaw sa anak, at si elsa'si donya basilia ay inabang sumama sa kanya. ako ang may ibig na ipaganyaya sana sa inyo, manang, ang wika ng mestisa. itinanong ng tinukoy. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kami ni tia ay may dadalawin sa ospital heneral ngayon, at ibig ko sanang sumama muna kayo sa amin saka na tayo magsamasamang tumungo sa kolehio panggagaling natin doon. sino ang dadalawing iyon? saka na ninyo makikilala. kung gayo'magbihis na tayo. pagkaganap ng salitaang ito, ang isa'isa ay nagsipagbihis nang sabik ang loob sa kanilang mga dadalawin. sa darating namang humihingal si dioni, na ang pakay ay ang mestisa ring hindi niya ikinakatulog sa boong magdamag na nagdaan. ang bati kay elsang pinagaagawan ng lungkot at tuwa. ang sabay yakap na salubong dinatnan. huwag kayong pakaingay at maririnig kayo, ang papikpik namang saway ni donya basilia, at pinapagkubli muna sa isang silid ang maghipag na naguusap samantalang nasa isa pang silid si manang magda at abalangabala sa pagbibihis. akala nami'kung napaano ka na! ang nasabi pa ng mapagalaalang hipag. patawarin sana ninyo ako, dioni!. pakumbaba pang sagot ng mestisa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nguni'dito ka pala matutulog ay maanong sinabi mo kahi'sa akin, nang hindi kami naligalig ng gayon na lamang. dioni, marahil ay kahulihulihan ko nang pagkakasala sa inyo ni kuyang ang pagkukulang kong iyan, at inaasahan kong ikaw man lamang ay hindi pa nauubusan ng magandang loob na maipagpapaumanhin sa akin. oo na nga, datapwa'. pinapagalaala mo kaming lubha. paris ngayon: hindi ko maalaman kung saan na nakarating ang kuyang mo sa kahahanap!. kapapanaog pa lamang niya. nanggaling na rito? ano ang sabi sa iyo? nakabuti ang pagkakataong narito si manang magda nang siya'dumating. nguni'gayon ma'lihim ding naihagis sa akin ang isang nanglilisik na tinging kamuntik nang tumupok sa akin. pasalamat na tayo, elsa, kung iyon na lamang. at kung gayong nagkakita na kayo ng wala namang sinabi sa iyo, ay hindi na kikibo iyon. subali'bakit nga ba dito ka nakatulog at di ka na nakauwi? hindi mo naman dating ginagawa iyan! di ko nga dating ginagawa, dioni, iyan ang totoo. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | dahil diya'mahuhulaan mo kaipala, na may bagay na nagtulak sa akin sa ginawa ko. maipagtatapat mo ba sa akin ang bagay na iyan? bakit hindi, ay sa ikaw lamang namang talaga ang katapatan ko ng aking mga lihim. at noon di'sinabi na nga ni elsa ang gaya ng kanyang mga ipinahayag kay donya basilia: na siya ay napakasal na kay tirso nang gabing nagdaan at dahil doo'hindi na muna siya uuwi sa pasay. dili ang hindi natulo ang luha ni dioni, pagkarinig ng mga pahayag ng kanyang minamahal na hipag. ayaw mo bang si tirso ang maging kapalaran ko? itinanong mayamaya ng mestisa. hindi sa ayaw, kundi. sa di oras ay nagkalayo tayo! ang lipos kapanglawang ipinakli ng hipag. dinaramdam ko, dioni, nguni'. kung dumarating nang ganito ang sukat ng tao ay sadya palang hindi maiiwasan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa wakas, nang mapagusapan ng maghipag ang mabuting paraan ng pagpapamalay sa kapatid na lalaki ni elsa ng kanyang pagkapagasawang patanan, ay pinagkaisahan nilang ang pamamanihalain sa gagawing iyon ay si donya basilia na, yamang malaki naman ang alangalang at pitagan niyon sa anomang sabihin nito. gawan mo na lamang sana ng paraang mapadalhan ako agad ng ilang kasuutan, ang ipinagbiling huli ng mestisa. hamo'ipasasaglit kong madali rito, samantalang wala sa bahay ang kuyang mo. pagkasambit nito ay lumabas si dioni'nagpaalam na kay donya basilia. sa hangad na masalisihan ang pagkawala sa bahay sa pasay ng kapatid ni elsa, at upang maparating na maluwag ang damit na kanyang hinihingi, ay minabuti na nitong huwag nang ipagsama sa hospital general ang kanyang hipag. subali, nang si dioni ay masakay na sa isang trambiang kung makahagibis ay mistulang hari sa bawa'lansangang pagdanan, ay saka nagunitang hindi pala naibalita sa kanya ng mestisa kung saan ginanap ang sinabing pagkakasal. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kaya'naibulong tuloy sa sarili: saan kaya sila ikinasal?. nang manhik sa hospital general sina elsa, manang magda at donya basilia, ay dili ang hindi nila napansin na may isang alingasngas na nangyayari sa bulwagang laan sa mga maysakit, na babae. nguni'kung ano ang sanhi ng ligamgam na iyon ay hindi na nila hinangad alamin. sapagka'samantalang nagkakaisa ng paniwala ang dalawang matanda na yao'likha lamang marahil ng sinomang may mabigat na sakit na kaipala'naghihingalo naghihirap na, bagay na di sasalang pangkaraniwan sa mga pagamutang paris niyon, ang tanging nagsisikip naman sa puso ng mestisa ay ang masidhing pananabik na makarating siya kaagad sa piling ng makatang kanyang pinakaiibig. tuloytuloy nga silang nasok sa silid na kinararatayan ng makatang si tirso, at ito ay dinatnan nilang sa malas ay payapang nahihimbing. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | napuna ni elsa na ang manang, matapos anianinawin ang mukhang bahagyang nakalitaw sa nakapabalibid na mga taling kayo sa ulo ng natutulog, ay lihim na kumalabit sa kamay ni donya basilia, at mandi'itinanong kung sino ang maysakit na iyon. si donya basilia nama'nagkibit lamang ng balikat sa halip na tumugon. hinihintayhintay niyang ang pamangking mestisa ang magpakilala kay manang magda. nguni'ang lahat ay parang gumagalang sa kahimbingang kinapapalautan ng makatang nararatay. at halos walang ibig na magbuka ng bibig. bakit kaya baga'napagmasdan nilang may ngiting gumuhit sa labing maputla ng lalaking yaon? nakagising kaya nananaginip? lumapit si elsa sa dakong ulunan, at saka tumawag: tirso. dapwa'ang lalaki ay hindi sumagot, sinong tirso iyan? ang di napigilang usisa ng manang kay donya basilia, pagkarinig sa pangalang iyon. asawa ni elsa. patutok sa tayngang pakli ng tinanong asawa? ang pamanghang ulit sa marahang turing ng matandang manang. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | diyata nga baga at nagasawa na ang inyong pamangkin? tumango na lamang si donya basilia, at sa isang hudyat ay waring sinabing mamaya na ninyo malalamang lahat . at kaginsaginsa'nakita na namang bahagyang tumawa ang makatang kalong ng pagkakahimbing, bago pagkatapos ay umungol muna at saka gumalaw ang maputlang labing tila bumubulong. hindi nga sasalang siya'nangangarap, ang wikang namitiw sa bibig ni elsa. ang buhay nga nama'isang pangangarap na walang pagsawa. anya pa. subali at anong mga pamimigkas ang narinig nila? mahiwagang tula! natulig si elsa ng gayon na lamang nang maunlinigan ang ganitong saad: teang ko, teang ko, ang biro ng palad sa ati'huwag mong ipagalapaap; naririto ako'hanggang huling sukat ng ating daratni'sumisintang tapat. at tumatangis ka?. ang luha mong iya'tipirin sinta ko'di pa kailangan, sa piling ng aking malamig na bangkay saka mo na roon guguling minsanan. ang isip mo'diwa'papanumbalikin sa pagmamahal ko'payapa tang hintin ang muling pagngiti ng buwa'bituin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | bayaan ta munang itaboy sa dagat ng mga buhawi ang dilim ng ulap, at saka lakbayin ang lupang mapalad. panibagong tinik na biglang humalang sa lumuluwag nang paghinga ni elsa!. diyata'hanggang sa mga sandaling mabingit sa labi ng libingan ang buhay ni tirso ay si teang din ang laman ng diwa'katalatalamitam ng kanyang kaluluwa? gaanong paghihinagpis na naman ang sumambilat sa puso ng mestisang walang palad sa pagibig sa pagkarinig ng tulang yaon na ang bawa'pantig ay busog na sumisibat sa kanyang mga taynga!. at, ang paghihinagpis ay lalong nagulol nang marinig niya ang may baklang tanong ng matandang manang: elsa, sinong teang ang aking narinig na tinatawagtawag?. mahabang sandaling walang kumikibo sa loob ng silid. sa mga matang nanggigilalas ng mamang at sa nahihiyang nahahapis na mukha ng mestisa, ay nabasa ni donya basilia ang di mailarawang pangyayaring likha ng mahiwagang tulang kabibigkas ng makata. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | oh, pagkalungkotlungkot na sandali ang tinatawid noon ng mestisang kailan man yata'hindi na magtitikim ng kaluwalhatian, ng ganap at lubos na kaluwalhatian sa pagibig!. naroroon siya nang umagang iyon upang ipagparangalan sa dalawang matanda ang lalaking ayon sa una niyang pahayag ay siyang pinagtiwalaang magari ng kanyang ngala'kapurihan, datapwa'nang ang pagpapakilala'halos bubukhin na lamang sa kanyang mga labi, ay. saka niya tinanggap ang isang katunayan ng kanyang walang hanggang pagkasiphayo at pagkapawakawak ng pagkababae niya at dilang pagasa. madilim na madilim nga ang nakikita ni elsa nang mga sandaling yaon. sa kanyang ulana'waring nararamdaman niyang ang langit ay bumababa'tila danggan sa kanyang nanglalatang katawan, at sa kanyang paana'parang natutunghang nunuka ang lupa'kung baga sa ganid ay anyong siya'sisilain hanggang sa magkadurogdurog ang balangkas ng kanyang kahalihalinang alindog. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa laki ng panghihilakbot sa harap ng kanyang naguguniguni'tinangka ng mestisa ang sumigaw ng ubos lakas upang sa gayo'tumighaw ang kanyang nagsisikip na paghinga, nguni'kung tayahin niya'may bikig siya sa leeg at ang dila niya'hindi makapalag sa dami ng gapos. salamat na lamang at kaginsaginsa'nagmulat ng mata ang makatang galing sa pananaginip. nagisnan ni tirsong sa may paanan niya'dalawang matanda ang nagbubulungan, subali'di niya namamalayang sa dakong ulunan ay naroon si elsang malamlam ang mukha sa taglay na hapis. upang mapakimatyagan ang pinagbubulunga'muling pumikit ang nararatay. at noon di'kanyang naulinigan na sa may ulunan niya'nagbungtonghininga si elsa. bigla siyang pumihit at lumingap sa dakong kinaringgan ng nasabing buntonghininga. at namasdan niyang malungkot na malungkot na nakapangalumbaba ang kanyang mestisa. ang unang pumasnaw sa bibig ni tirso. kanina ka pa ba? ang dugtong na tanong. malumbay na sagot. ang iyong kasama? sina manang magda at tia basilia. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang dalawang matanda'marahang lumapit sa naguusap. sinalubong naman ng makatang nakahiga ng isang malugod at magalang na ngiti. ang may kapalagayang loob na bati ni donya basilia na parang inaaming hindi na iba sa kanya ang lalaking iyon. mabuti na po naman daw, ayon sa mediko. mabanayad na pakli ni tirso. nanaginip ka yata, ang wika pa ng matandang iyong ale ni elsa, samantalang ang mamang nama'napapatungangang hindi makaimik. nagitla si tirso sa gayong sinabi. bakit kaya'nalalaman yata ng matandang iyon ang panaginip niya? binigkas kaya niya ng malakas ang tulang maliwanag pang nalilimbag sa kanyang pangtanda? oh, baka narinig na ni elsa ang pagkakabanggit niya sa ngalan ni teang!. sa hangad na matiyak ang tunay na nangyari'hinagisan ng mapungay na sulyap ang mukha ni elsa. ah, tila nga nababanghay ang isang panibughong hindi karaniwan! hindi nga sasalang narinig ni elsa! kay samang pagkakatoon! ibig niyang aruin ang kanyang mestisa ay hindi magawa, pagka'may mga kaharap. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at hindi kaya naman napakinggan ng manang ang ngalan ni teang na nababanggit sa kanyang tula? at ano kaya ang palapalagay ng matandang ito sa tulang yaong bunga ng pangarap? paglabas mo rito ay sa aming bahay kayo magtitira. ang makasandali'narinig na naman ni tirsong sinasabi ni donya basilia. ganito ang pinagkasunduan na namin ni elsa, samantalang hindi pa kayo napapanhik sa bahay ng kanyang kapatid sa pasay. humigit kumulang ay nahulaan ng lalaki ang taglay na kahulugan ng mga salitang yaon. kaya'ni kataga ng pagayon, ni kataga ng pagtutol, ay wala siyang isinagot. ang ibig niyang mangyari, kung magagawa lamang, ay ibaling na sa iba ang kanilang paguusap. subali'nangagkatigilan silang parapara nang maulinigan nilang patuloy na lumulubha ang ligalig na nangyayari sa isang bahagi ng gusaling iyon. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang dalawang matanda ay siyang unang nakapuna sa gayong paglubha, sapagka'mula sa dungawan ng silid ni tirso sa floor no. ay natingatingala nilang marami ang taong nagkakagulo sa floor no. na nauukol sa mga babae. elsa, ang tawag ng manang sa mestisa, may pinagkakaguluhan sa ibayong kuwarto sa dakong itaas. marahil po'isang may malubhang sakit na naghihingalo na, ang tugon ng tinukoy. nakapangumpisal na lamang sana! ang padalangin pang saad ni manang magda. bakit nga kaya'nangagtatakbuhan ang mga mediko'nurse na doon ang tungo? ang tanong pa rin ni donya basilia. marahil nga po'mayroong malubha ang karamdaman, ang ayon ni tirso sa narinig kay elsa. kung gayon lamang ay bakit kay dami pang mediko ang kailangang magulo? kung ako nga marahil ang maghihingalo ay walang maliligalig na sinoman. ang may pahagkis na saad ng mestisa. maaaring magkagayon, ang sunggab ng nakaratay, kung ako ang mauunang mamatay sa iyo. elsa, kung mamamatay ba naman ako ay magagambala ka? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kung magusap ang mga batang ito! ang himig pasaway na inihadlang ni donya basilia. nasa talaga ng dios ang asawa mo, elsa, at hindi kayo nararapat maggamitan ng ganyang pangungusap. ang mestisa ay hindi na naman umimik. ang makata lamang ang tumugon: wala po namang anoman ang pinaguusapan namin. mahiyahiyang wika na nilakipan ng isang masayang ngiti. ano nga ba ang inyong dinaramdam, at bakit baga may tali kayo sa ulo? itinanong naman ng manang. saka lamang naipaliwanag ni donya basilia sa kanyang kumare ang kanyang natatalos sa bagay na iyon. at sa ginawang paguulat ng ale ni elsa tungkol sa naging sanhi ng pagkaratay sa pagamutan ni tirso, ay napaguwiuwi ng makatang ito na ang pagkakabalita ng naturang mestisa ay talagang napakasal na sila nang gabing sinundan. siyang pagakabukas ng pinto ng silid. at isang nurse na humihingal ang biglang humarap sa kanilang tatlo. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ipagpatawad po nila ang pagkakapasok ko, ang magalang na bati sa mga dinatnan, at saka lumapit sa nakahiga'ito ay tinanong: kayo si . tirso silveira, ano po? ako nga po, malumanay na tugon ng lalaki. ano po ang kanilang sadya? ang katlo naman ni elsang nurse ang hinarap. siya nga si tirso silveira, ang aking asawa, ang pakilala pa. biglang natilihan ang tinurang nurse nang maringig ang sabi ng mestisa. sino ang tunay na asawa ng lalaking ito? ang di sasalang naibulong sa sarili sa laki ng mangha. ano nga ba ang maipaglilingkod? ang tanong pa ni elsa, samantalang nakikimatyag sa salitaan ang dalawang matanda. maikling sandali pa ang namagitan bago nakasagot ang tinukoy. ipagpatawad po nilang sabihin ko na sa kaibayong kuwarto ay isang babaeng tila nasisiraan ng bait ang naghihihiyaw at bumabanggit ng inyong pangalan, ang wikang kay tirso nakatingin. at kayo ay ipinakikiabot, tinatawag ng ubos lakas, at waring napaliligtas sa isang malaking kapahamakan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | itinutulot ba ninyong ipakuha ko kayo rito at sandaling sumaglit sa kinaroroonan ng babaeng sinabi? ano po ang pangalan? ang panabay na usisa ng dalawang magkumare. hindi ko naitanong sa kasamahan naming nagbabantay sa kanya, nguni'inaakala kong makikilala ninyo pagdating natin doon. napabangon si tirsong hindi na naghintay ng sinomang aalalay sa kanyang nanghihihang katawan. nguni'gaputok may hindi nagsasalita. sa liblib na pitak ng kanyang dibdib, hindi sasalang may sinasarili siyang isang malaking lihim. ibig mo bang pumaroon? ang tanong ni elsang tila may balisa, na rin sa gunamgunam. ibig kong lumapit sa tumatawag. nanghihingapos na sambot ng maysakit. kung gayon po'magpapakuha ako ngayon din ng inyong sasakyan, anang nurse na maliksing lumabas. halos di naglipat sandali'dumating ang sasakyang kinuha na iginugulong ng dalawang lalaki. ihihilig po kayo rito, ang wika ng masipag na nurse . huwag na po, ang tanggi ni tirso, ako'lalakad na lamang. baka kayo mapagod na totoo. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kaya ko na ang aking katawan. at pagkasambit nito'marahan nang tumindig at umanyong lalakad. akbayan mo, elsa, ang utos ng ale. subali'ang utos na iya'tila hindi narinig ng pamangking pinagsabihan, sapagka'ang buong pagiisip nito ay ganap na nabuhos noon sa pagtatanong sa sarili kung sino nga ang babaeng iyon na ibinabalitang tumatawag sa ngalan ni tirso. sino nga ba ang babaeng yaon? ang ulit pang tanong ni donya basilia. aywan nga po ba, ang sambot ng nurse habang sila'samasamang lumalakad sa lagusang palipat sa ibang bulwagan. nguni'ang sabihanang narinig ko ay kagabi idinating ditong may kasamang isang lalaking sugatan sa loob ng isang ambulancia galing sa intramuros at itinelepono ng isang pulis. nagibayo ang sikdo ng puso ni elsa, pagkarinig sa mga pahayag ng nurse . diyata nga kaya'yaon na ang babaeng walang malaytaong nakapiling ni tirso sa loob ng ambulanciang nakasagasa ng kalesa?. isang iglap na lamang at mapagkikilala kung siya ay sino. natatakot, sumisigaw, tumatangis. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | alangang malinaw ang isip at alangang nahihibang; unat at taas ang mga kamay na tila nalulunod at tumatawag ng makasagip; mga matang halos magkanglulusot sa laki ng sindak, na parang nakakikita ng isang kapanganyayaang mahirap iwasan; mga patak ng luhang pabugsobugsong nanaloy sa humpak ng pisngi: mukhang kahabaghabag na nakikipangagaw sa kulay ng suka; samongsamong na buhok na wari'dinaanan ng matinding buhawi; katawang pumapalag na anaki'nagpupumiglas makatakas sa kamay na yumayapos. iyan ang sa biglaang paglalarawa'siyang pagaanyo ng babaeng yaon na kinabubuntahan nang umagang iyon ng dilang pagkagulumihanan sa hospital general . mga medikong manakanakang nagtatanong, mga nurses walang matutuhang gawin sa pagaaruga; maraming maysakit na nagbanguna'lumapit sa isang dulo ng bulwagang pinagbubuhatan ng alingawngaw; saka iba pang mga kawaning takangtaka sa nangyayari, ang mga pangunang saksi sa ganyang anyo at mga kilos ng tinurang maysakit na tumatawag sa ngalan ni tirso. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at ang sinasabi sa gumagaralgal at pauntolutol na tinig ay nabubuo sa ganitong mga katagang halos di maunawaan gayong maliliwanag: asawa ko! saan ka naroon? ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin sa kapahamakang ito!. sinong tirso ang inyong hinahanap? ang tanong ng isang manggagamot na kaharap doon. si tirso silveira! ang aking asawa!. nasaan ka ngayon? parito ka'lingapin mo ang aking napagsapit!. marinig ito ng isang nurse ay madali ngang nanaog na nagtungo sa silid ng makatang nasa ibang bahagi ng gusaling iyon. samantala'patuloy ang mga pagtataka, at patuloy ang mga pagsusumigaw ng abang maysakit na di nagsasabi kung siya ay sino. patawarin mo ang aking mga pagkakamali! limutin mo ang aking mga pagkukulang! oo, tirso, inaamin ko ang pagkabulag ng aking paniwala at ang pagkapatungo ko sa ligaw na landas!. minarapat kong tumalikod sa layaw ng mundo at sampu ng sumpang isinangla sa iyo ay aking hinamak, sa pagaakalang kabanalang dakila itong aking pinagsakitang marating! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang beaterio na nang una'itinuring kong isang paraiso na katatagpuan ng dilang luwalhati ng babaeng banal, ay siya palang tunay na impiyerno sa balat ng lupa, isang parusahang kinasasadlakan ng mga nahihibuan ng buktot na hatol! ang mga taong itong kung sabihin ng aking mga ninuno'matapat na alagad ng kabanalang sinugo ng dios upang maghasik sa daigdigang ito ng malusog na binhi ng dakilang asal, at di umano pa'mga tagapagakay sa mga kinapal na ninitang ginhawa, ay wala pala kundi mga kasumpasumpang kawa ng pagpapakunwari na sa tulong ng balatkayong tumpak na pananampalataya'nagiging halimaw na laging uhaw na mapagsamantala sa puri at dangal ng kahima'sinong mahulog sa kanilang inuumang na lambat!. ah, ngayon ko nakilala ang malaking pagkakamaling aking nagawa laban sa iyo, asawa ko! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | dahil sa iyong pagkakasapi sa isang kapisanang di ko nakilala, pagkasaping ayon sa paring di ko nahulaang may imbot, pala sa aking pagkababae'sukat daw upang ikaw'pangdirihan ng sinomang gaya kong may loob sa dios, minarapat ko ang sa iyo'lumimot. pinagsisihan ko ng gayon na lamang ang pagkakilala sa iyo. aking ininis sa sariling dibdib ang pagsintang tumibok na kusa sa mura kong puso. at ang kadalisayan ng aking pangako ay kusang hinamak at pinapagmaliw ng lubuslubusan.! patawad nga, tirso, ang hinihingi sa iyo nitong asawa mong nagbabalik loob!. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at, habang hindi naglulubay ng kasasalita ang babaeng iyon na kahi'pagbawalan ay para ring di nakaririnig, sa isang hiwalay na umpok ng ilang kataong kabilang sa mga nalilimpi sa palibid ng tinurang babae, ay siya namang pinananayngahan ang ganitong pahayag ng manggagamot na umaaming siyang kasama sa ambulancia nang gabing nagdaan: dinatnan kong ang babaeng iya'walang ulirat na nakalugmok sa harap ng pulis na tumelepono rito kagabi; hindi masabi ng pulis na iyon ni ng sinoman sa ilan pa kataong nagmamalas sa kanya, kung siya ay sino at kung saan galing. pagdaka'nakita na lamang daw ng pulis na susuraysuray na sumasalubong at napasasaklolo sa kanya, nguni'pagkalapit ay bigla na lamang napahandusay. nang aking siyasati'may ilang bugbog sa katawan, na mahihinuhang gawa ng pagkakahulog mula sa alinmang mataas na lugal. ang aming ambulanciang ikinuha sa kanya ay nakasagasa naman sa raan ng isang kalesa. at sa banggaang iyo'isang lalaki ang nasawi. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | walang malaytaong ito'dinala rin namin, kasama ng isang mestisang pagdating dito ay nagpahayag na asawa niya. ipinatala ng tinurang mestisa na ang pangalan ng kanyang asawa ay tirso silveira. hayan at tirso silveira rin ang isinisigaw ng babaeng iyan! kay laking hiwaga! ang nagpalipatlipat sa isa'isang bibig. kapagkuwa'narinig na namang nagsisisigaw ang babae. narito na naman ang halimaw na ganid! narito'anyong ako'gagahasain! iligtas mo ako, tirso! siyang pagsipot sa bulwagang iyon ng lalaking pinagpatalastasa'sinundo ng nurse kasunod si elsa, si donya basilia at si manang magda. pagkairinig sa huling pagibik na iya'ang manang ang una at boong liksing nakalapit, nguni'si tirso ma'naroon na ring hawak sa bisig ni elsa. at sa loob ng isang pikitmata halos ay tambing nang dinuhapang na niyakap ng matanda ang abang maysakit. nguni'ito ay waring di nakakikilala ng tao'parang walang naririnig na anoman. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nasa mga bisig na ng matanda, ay isang sigaw pa, sigaw na ubos lakas, ang narinig ng lahat. nasaan ka, tirso? mabilis na tulad sa kidlat, ang tinawag na di pa natatanaw ng nagpapagibik ay biglang nagkawala sa, pagkakapigil ng kaakbay na mestisa at parang limbas na dumaluhong sa harap niyon, kasabay ng tawag na: teang! si teang ang maysakit. at sa tawag na ito ay waring natauha'pinagsaulan ng lakas ng katawan at linaw ng isip. at noon di'naghulagpos sa mga kamay ni manang magda at matuling lumipat sa mga bisig ng makata. halos napigil ang paghinga ng tanan sa gayong hindi akalaing mapanood. teang, ano ang nangyari sa iyo? ang patakang tanong ng manang, samantalang ipinangangamba sa sarili ang pagkabaliw ng anak, ayon sa ginawang pagyakap sa lalaking itinuturing na asawa ni elsa. bakit naparito ka? naku, bunso ko!. nagbalik na naman sa bisig ng ina ang abang si teang. patawarin ninyo ako!. at ang mga labi'nagpalitan ng halik: halik ng anak sa kamay ng ina; at halik ng ina sa noo ng anak. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nagkasakit ka ba? oh, ang mga taong pinaghabilinan ninyo sa akin! patawarin nawa sila ni bathala sa di nila nalalamang kanilang ginagawa!. sinong mga tao? ang pabiglang sunggab ni tirso. at nilapastangan ka ba? teang ituro mo at gagawin ko ang nararapat! salamat, tirso. huminahon ka'napawi na ang sigwa. lumabas ka bang kusa sa kolehio? ang tanong na naman ng inang manghangmangha sa nangyari sa anak. opo, inang; at sa ginawi kong ito'inuulit kong, ako'inyong patawarin, yamang ito ang tanging naging kaligtasan ng anak ninyo. ah, ayokongayoko nang mag mongha! mamatay na muna ako bago muling matira ng isang saglit sa loob ng beaterio. maano nawang mabunyag na sa lahat ng mga kababayan natin ang alingasaw ng kabulukang naluluom sa loob ng mga pinid na pinto'dungawan ng mga gusaling ito! saka ibinaling sa makata: tirso, ngayon ko napagtalastas kung bakit inibig mong mapatiwalag ka sa bakuran ng papa. may labis kang katuwiran!. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | samantala, ang dinaranas na pagpupuyos ng budhi ni elsa, habang nagiging saksi siya ng lahat at lahat, ay di mailalarawan ng lalong bihasang panitik. may puso nga siyang nasasabi'di niya maalaman kung tumitibok pa nang sandaling iyon. ang mga mata niya'naroroo'nakadilat nga, subali'hindi niya maturol kung may nakikita pa. nakikinig siya sa pook na yaon, nguni'sa kanyang mga taynga'isang kawang kuliglig mandin ang nagpapanabay na tumutulig at nagpapalito sa kanyang isipan. datapwa, nang magsalita ang katabi niyang ale na si donya basilia at ibulong sa kanya sa anyong tila naninisi ang anong gusot, elsa, itong pinasok mo? napakasal ka nga ba sa lalaking iyan, ako'iyong pinaglalakuan? ay napukaw ang kanyang kaluluwa'sa kaibuturan ng dibdib niya'nagbangon ang larawan ng kapalaran niyang inaamis ni teang, pagkaamis na humihingi ng kanyang pagtatanggol, ng kanyang paghihiganti, ng kanyang tanang magagawa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa isang angat ng ulo ay nanglilisik na naipako niya ang kanyang mga paningin sa mapagwaging anyo ni teang sa piling ni tirso; at wala siyang makitang anomang karapatang tinataglay ng babaeng iyon upang umagaw ng kaligayahan niya. si teang ay isang babaeng kung kinasilawan man ng paghanga ni tirso ay nilimot na naman nito, at siya si elsa ang sa wakas ay pinagsanglaan ng lalong mahal na hiyas ng puso at pinaghasikan ng matimyas na punla ng isang pagibig na wagas at dalisay. ang punlang iyo'inaalagaan ni elsa na taglay ang taimtim at tunay na pagmamahal, sa pananalig na sarili niya at tanging siya lamang ang may kapangyarihang maghari sa pagibig ng naturang makata. saka ngayon sa namamalas niya'si teang ang kayapos ng mga bisig ni tirso. oh, hindi niya mababata! tirso, sukat na ang pagbibigay! ang malakas na wika sa nangangatal na tinig. gunitain mong naririni akong nagmamasid sa iyo! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |